Wikang Tagalog: OPEN BIBLE STORIES

Updated ? hours ago # views See on DCS

31. Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig

OBS Image

Matapos mangaral ni Jesus, sinabi niya sa mga apostol na sumakay na sila sa bangka at pumunta na sa kabilang pampang ng lawa habang pinapauwi niya ang mga tao. Pagkatapos niyang pauwiin ang mga tao, umakyat siya ng bundok para magdasal. Mag-isa lang si Jesus doon at nagdasal siya hanggang lumalim ang gabi.

OBS Image

Samantala nasa gitna pa lang sila ng lawa kahit gabing gabi na. Nahihirapan na ang mga apostol na magsagwan dahil sa mga alon at hangin na sumasalubong sa kanila.

OBS Image

Tapos ng magdasal si Jesus kaya pinuntahan niya ang mga apostol. Lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta sa bangka nila!

OBS Image

Takot na takot ang mga apostol nang makita nila si Jesus dahil akala nila, multo ang nakikita nila. Alam ni Jesus na natatakot sila kaya pasigaw niyang nasabi, “Huwag kayong matakot, Ako ito!”

OBS Image

Sinabi ni Peter kay Jesus, “Panginoon, kung ikaw talaga iyan, papuntahin mo ako diyan.” Sinabi ni Jesus kay Peter “Halika!”

OBS Image

Kaya humakbang si Peter palabas sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Nakakailang hakbang pa lang siya, lumingon si Peter at naramdaman ang malakas na hangin at nakita ang malalakas na alon.

OBS Image

Natakot si Peter at nagsimulang lumubog sa tubig. Napasigaw siya, “Panginoon, iligtas mo ako!” Lumapit agad si Jesus at sinagip si Peter. Sinabi niya kay Peter, “Nagkulang ka ng pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”

OBS Image

Nang makabalik na si Peter at Jesus sa bangka, tumigil kaagad ang pag-ihip ng malakas na hangin at pumayapa na ang tubig. Namangha ang mga apostol. Pinuri nila si Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”

Kwento mula sa Matthew 14:22-33; Mark 6:45-52; John 6:16-21