Ruth
Ruth 1
Ruth 1:1-2
Nangyari ito
"Iyon ay" o "Ito ang nangyari." Ito ang karaniwang paraan sa pagsisimula ng isang makasaysayang kuwento.
noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala
"sa panahon nang ang mga tagahukom ang nangunguna at namamahala sa Israel"
sa lupain
"sa lupain ng Israel" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Isang tiyak na lalaki
"isang lalaki." Ito ay karaniwang paraan ng pagpapakilala sa tauhan ng kuwento.
Efrateo na taga-Bethlehem-Juda
Nagmula sila sa lipi ni Efraim na nakatira sa Bethlehem sa rehiyon ng Judea.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:3-5
naiwan siyang kasama ng kaniyang dalawang anak na lalaki
"Ang dalawang anak na lalaki na lamang ang mayroon si Naomi na kasama niya" (UDB)
kumuha ng mga asawa
"ikinasal." Ito ay isang idyoma para sa pakikipag-asawa sa mga babae. Hindi sila kumuha ng mga babaeng kasal na. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
mula sa mga kababaihan ng Moab
Nakipag-asawa ang mga anak na lalaki ni Naomi ng mga babaeng mula sa lipi ng Moab. Ang mga Moabita ay sumasamba sa ibang diyos.
ang pangalan ng isa pa
"ang pangalan ng ibang babae" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sampung taon
Pagkaraan ng sampung taon mula ng dumating sina Elimelek at Naomi sa bansa ng Moab, namatay ang kanilang mga anak na lalaki na sina Mahlon at Chilion.
naiwan si Naomi
Nabalo si Naomi.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:6-7
narinig niya na sa rehiyon ng Moab
"habang si Naomi ay nakatira sa Moab narinig niya". Ito ay nagngangahulugang ang balita ay galing sa Israel. AT: "narinig niya mula sa Israel habang nasa rehiyon ng Moab. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
tinulungan ni Yahweh ang kaniyang bayan na nangangailangan
"Ito ay isang idyoma na nagsasabing "dinalaw ang kaniyang bayan" sa orihinal na pagkasulat. Ito ay nangangahulugang nag-bigay pansin ang Diyos sa kaniyang bayan, at nakita niya ang kanilang pangangailangan at pinagkalooban sila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Kaya umalis siya sa lugar na kung saan siya naroon
AT: "Iniwan ang lugar sa Moab kung saan siya nanirahan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mga manugang na babae
manugang** - Ang mga babaeng napangasawa ng mga anak na lalaki ni Naomi.
naglakad sila pababa sa daan
"naglakad sila sa tabi ng daan" Ang paglalakad sa daan ay isang pagpapahayag ng paglalakad palayo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:8-10
manugang na babae
manugang** - "asawa ng mga anak na lalaki" o "balo ng mga anak na lalaki"
bawat isa sa inyo
Nakipag-usap si Naomi sa dalawang tao, kaya ang mga wika na may dalawang anyo na "inyo" ay maaaring gamitin iyon sa kabuuan ng kaniyang pagsasalita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
bahay ng inyong ina
"sa bahay ng ina ng bawat isa inyo"
pagpapakita ng katapatan
AT: "ipinakita na kayo ay tapat"
katapatan
Ang salitang Hebreo ditto ay kabilang ang kaisipan ng pagmamahal, kagandahang loob, at katapatan.
sa namatay
"sa inyong mga asawang namatay." Tumutukoy si Naomi sa kaniyang dalawang anak na lalaki na namatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Idulot sa inyo
"bigyan kayo" o "hayaan kayong magkaroon"
pahinga
Dito ang "Pahinga" ay kabilang ang kasiguruhan sa kasal.
sa bahay ng panibagong asawa
kasama ng kanilang mga bagong asawa, hindi asawa ng ibang tao. Ito ay tumutukoy sa pisikal na bahay na pagmamay-ari ng asawa at sa pagtatanggol sa kahihiyan ng pagiging kasal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
nagtaas sila ng mga boses at umiyak
Ito ay nangangahulugan na ang dalawang anak na babae ay umiyak ng malakas o tumangis ng napakapait. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Babalik kami
Nang sinabi ni Orpah at Ruth na "kami," ay tumutukoy ang mga ito sa kanilang mga sarili at hindi kay Naomi. Kaya ang mga wika na may napapabilang (inclusive) at hindi kasama (exclusive) na "kami" ay maaaring gamitin sa hindi kasama (exclusive) na anyo dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
kasama mo
Dito ang "mo" ay ang sa isahan na tumutukoy kay Naomi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:11-13
Bakit kayo sasama sa akin?
Ito ay isang panretorikang tanong. AT: "magiging walang kabuluhan kung sasama kayo sa akin" o "Hindi kayo dapat sumama sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
May mga anak pa ba ako sa aking sinapupunan para sa inyo, para maging asawa ninyo?
Ginagamit ni Naomi ang tanong na ito para sabihin na wala na siyang ibang anak para sa kanila para pakasalan. AT: "walang alinlangan na hindi na ako maaaring magkaroon pa man ng anak para maging mga asawa ninyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
napakatanda na para magkaroon ng asawa
Ang dahilan na mahalaga ang magkaroon ng asawa ay maaaring gawing malinaw. AT: "sobrang tanda na para magpakasal ulit at magkaanak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
magsilang ng mga anak na
"magdalantao" o "manganak ng isang sanggol" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon?
Ang mga ito panretorikang tanong, kung saan hindi naghihintay ng sagot. AT: "hindi na kayo kailangang maghintay na sila ay lumaki para pakasalan kayo. Gusto ba ninyong makasal sa lalaki ngayon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ito ay higit na nagpapahirap
Maaaring gawing malinaw kung ano ang nagpalungkot sa kanya. AT: "Nagpalungkot sa akin na wala kayong mga asawa" Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh
Ang salitang "kamay" ay tumutukoy sa kapangyarihan o impluwensiya ni Yahweh. AT: "Idinulot ni Yahweh ang mga napakahirap na bagay na mangyari sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:14-15
Ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilnag mga boses at muling
Ito ay nangangahulugan na sila ay umiyak ng malakas at tumangis ng napakapait. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Makinig ka
Dito ang "Makinig" ay nangangahulugan na "Pakiusap bigyang-pansin."
Si Ruth ay nanatili sa kaniya
"kumapit sa kaniya." AT: "tumangging iwanan siya" o "hindi niya hinayaang iwanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Hipag mo
hipag** - "ang asawa ng kapatid na lalaki ng iyong asawa" o "Orpah"
kaniyang mga diyos
Bago napangasawa ni Orpah at Ruth ang mga anak na lalaki ni Naomi, sumasamba sila sa mga diyos ng Moab. Nang ikasal na sila, nagsimula silang sumamba sa Diyos ni Naomi.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 1:16-18
Kung saan ka titira
"saan ka maninirahan"
ang iyong bayan ay magiging aking bayan
Tumutukoy si Ruth sa bayan ni Naomi, ang mga Israelita. AT: "Ituturing ko ang iyong bayan sa iyong bansa bilang aking sariling bayan" o "ituturing ko ang iyong mga kamag-anak bilang aking sariling kamag-anak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung
Ito ay isang karaniwang kasabihan ng mga Judio na nangangahulugang "Hiniling ko sa Diyos na parusahan ako kung hindi ko gagawin ang mga sinasabi ko." Maraming wika ang may idyomang may kaparehong mga kahulugan na maaaring ginamit dito. AT: "Pagbawalan ng Diyos, kung" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay
Ito ay tumutukoy sa pagnanais ni Ruth na igugol ang natitirang buhay niya sa parehong lugar at bayan ni Naomi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
tumigil na siyang makipagtalo sa kaniya
"Tumigil si Naomi sa pakikipagtalo kay Ruth"
Ruth 1:19-21
ang buong bayan
"bawat isa sa bayan" (UDB)
Naomi
Itong pangalan ng babae ay nangangahulugang "aking kasiyahan."
maramdamin
Ito ay isang pagsasalin ng kahulugan ng pangalan. Ito ay kadalasang isinalin ayon sa tunog nito na "Mara." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Lumabas akong puno pero muli akong ibinalik ni Yahweh sa bahay ng walang dala
Nang umalis si Naomi sa Bethlehem, ang kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki ay buhay pa at siya ay masaya. Sinisisi ni Naomi si Yahweh sa pagkamatay ng kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki, sinasabing idinulot niya na bumalik siya sa Bethlehem na hindi sila kasama, at ngayon siya ay may pagdaramdam at malungkot.
hinatulan ako
Hatulan akong may sala
pinahirapan ako
"nagdala ng kapahamakan sa akin" o "nagdala ng sakuna sa akin"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Nangyari na
"Nangyari na." Tinatandaan nito ang bagong simula ng daloy ng kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ang buong bayan
"bawat isa sa bayan" (UDB)
Ito ba si Naomi?
Mula pa nang maraming taong namuhay si Naomi sa Bethlehem at wala na ang kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki, ito ay maaaring ang mga babae ay nagpapahiwatig ng pag-aalilangan na parang ito ay si Naomi. Ituring na totoong tanong, hindi panretorika.
Huwag ako tawaging Naomi
Ang pangalan ng babae ay nangangahulugang "aking kasiyahan." Buhat nang nawalan ng asawa at dalawang anak na lalaki si Naomi ay hindi na niya naramdaman na ang kaniyang buhay ay pareho ng kaniyang pangalan.
Ruth 1:22
Kaya sina Naomi at Ruth
Ito ay isang buod na pahayag. Sa Ingles ay tinatandaan ito sa pamamagitan ng salitang "kaya." Tukuyin kung paano tinatandaan ng iyong wika ang pagtatapos o buod na pahayag at gawin ang tulad nito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-endofstory/01.md]])
sa simula ng pag-aani ng sebada
"nang ang magsasaka ay nagsisismulang mag-ani ng kanilang sebadang pananim" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/01.md]]
Ruth 2
Ruth 2:1-2
Ngayon ang asawa ni Naomi
Ang pariralang ito ay nagpapakilala ng bagong kaalaman bago magpatuloy ang kuwento. Ang iyong wika ay maaaring may paraan para maipakilala ang bagong kaalaman. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
isang mayaman, maimpluwensyang
"isang kilala, mayamang tao." Ito ay nangangahulugang si Boaz ay maunlad at kilala sa kanilang lugar, na may mabuting reputasyon.
Si Ruth, na Moabita
Dito nagpapatuloy ang kuwento. Kinakailangang makita mo kung paano ang iyong wika ay magsisimulang-muli ng isang kuwento pagkatapos ng isang pahinga.
ang Moabita
Ito ay ibang paraan ng pagsasabi na ang babae ay galing sa bansa o lipi ng Moab.
mamulot ng mga uhay ng butil
"magtipon ng butil na naiwan ng mga taga-ani" o "mamulot ng mga butil na naiwan ng mga taga-ani"
mga uhay
"uhay" o "tangkay." Ang "uhay" ay ang mga bahagi ng halaman na naglalaman ng butil.
makatagpo ng pabor
Sinasabi ni Ruth na maging kalugog-lugod tingnan na makuha ang pahintulot o pagpayag. AT: "na siyang magbibigay sa akin ng pahintulot para mamulot" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Anak na babae
Kinakalinga ni Ruth si Naomi na para bang sarili niya itong ina. Siguraduhin ito ay posible sa inyong wika na gamitin itong salita para sa hindi niya ito totoong anak na babae.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Ruth 2:3-4
Masdan, Si Boaz
Ang salitang "masdan" ay naghuhudyat sa atin sa isang mahalagang pangyayari na pagdating ni Boaz sa bukid. Ang iyong wika ay maaaring mayroong tiyak na paraan sa pagpapakilala sa nsa mahalagang pangyayari o mga tauhan.
Pagpalain kayo
"bigyan ka ng mabubuting bagay" o "paligayahin ka"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Nangyaring napunta
Hindi namalayan ni Ruth na ang bukid na pinili niya para mamulot ay kabilang kay Boaz na kamag-anak ni Naomi.
dumating mula Betlehem
Hindi tiyak ang layo ng kabukiran sa labas ng Betlehem.
Ruth 2:5-7
Kanino nabibilang ang kabataang babaeng ito?
Mga posibleng kahulugan ay 1) Nagtatanong si Boaz tungkol sa asawa ni Ruth o 2) Nagtatanong si Boaz tungkol sa mga magulang ni Ruth o sa kasalukuyang nag-aalaga sa kanya.
nangangasiwa
" namumuno" o "namamahala"
bahay
"kubo" o "tirahan." Ito ay isang pansamantalang tahanan o kubong hardin sa bukid na nagbibigay ng lilim mula sa araw.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Ruth 2:8-9
Nakikinig ka ba sa akin
Ito ay maaaringibahin ang mga salita bilang isang utos. AT: "Makinig ka sa akin" o "Tandaan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Aking anak
Ito ay magalang na pamamaraan ng pakikipag-usap sa isang dalaga. Si Ruth ay hindi talaga anak ni Boaz, kaya siguraduhing ang pagsasalin nito ay hindi magmimistulang anak nga niya ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Panatilihin mo lang na nakatuon ang iyong mga mata sa bukid
AT: "Bigyang pansin" o "Huwag mabahala tungkol saibang mga bagay pero" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hindi ko ba tinagubilinan ang mga kalalakihan... kang...?
AT: "Ako ang isa sa nagbilin sa mga lalaki...ka" o "Nagbigay ako sa mga lalaki ng mahigpit na bilin...ikaw." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kalalakihan
"mga binatang manggagawa." Ang katagang ito ay ginamit ng tatlong beses para tukuyin ang mga binata na nag-aani sa bukid. Ang ilang wika ay maaaring sabihin ito gamit ang isang salita, at mayroon silang ibang salita na nangangahulugang mga dalagang manggagawa.
naigib
Ang "pag-igib ng tubig" ay nangangahulugang kumuha ng tubig mula sa balon o kuhanin ito mula sa imbakang lalagyan.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Panatilihin mo lang na nakatuon ang iyong mga mata sa bukid
Ang mata ay kumakatawan sa panonood sa isang bagay o binibigyang-pansin ang isang bagay. AT: "Tumingin lamang sa bukid" o "Bigyang-pansin lamang ang bukid" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hindi ko ba tinagubilinan ang mga kalalakihan ...kang?
Ginamit ni Boaz ang tanong na ito para bigyang-diin kung ano ang nagawa niya para matulungan si Ruth. AT: "Ako ang nagbigay ng mahigpit na bilin sa mga kalalakihan ... ikaw." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang mga kalalakihan...ibang kababaihan
"mga binatang manggagawa...mga dalagang manggagawa ." Ang salitang "mga lalaki" ay ginamit ng tatlong beses para sa pagtukoy sa mga binata na nag-aani sa bukid. Ang ibang wika ay maaring sabihin ito gamit ang isang salita, at mayroon silang ibang salita na nangangahulugang mga dalagang manggagawa.
huwag kang galawin
Mga posibleng kahulugan ay 1) ang mga lalaki ay hindi maaaring saktan si Ruth o 2) Ang mga lalaki ay hindi maaaring pigilan siya sa pamumulot sa kaniyang bukid.
ang tubig na naigib ng mga kalalakihan
Ang pag-igib ay nangangahulugang sumalok ng tubig sa balon o kuhanin ito mula sa imbakang lalagyan
Ruth 2:10-12
yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa
Ang mga ito ay ang mga kilos na paggalang at pagyukod. Nagpapakita siya ng paggalang kay Boaz mula sa labis na pasasalamat dahil sa kaniyang nagawa para sa kanya. Ito rin ay isang asta ng pagpapakumbaba.
dayuhan
Si Ruth ay nangako ng kaniyang katapatan sa Diyos ng Israel sa pribado, pero kilala siya sa lugar bilang "ang Moabita."
Naibalita sa akin
Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong anyo. AT: "Ibinalita sa akin ng mga tao" o "Sinabi sa akin ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
gantimpalaan ka
"bayaran ka" o "ibalik ang bayad sa iyo"
Makatanggap ka nawa ng buong kabayaran mula kay Yahweh
Ito ay isang mala-tulang pagpapahayag na kasing tulad ng mga naunang pangungusap. AT: "Nawa ay ibalik sa iyo ni Yahweh ng mas marami ang iyong naibigay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
sa ilalim ng mga pakpak na nakahanap mo ang kanlungan
Gumagamit si Boaz ng larawan ng isang inahin natinitipon ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak para protektahan sila para ilarawan ang proteksyon ng Diyos para sa mga nagtitiwala sa kanya. AT: "kung saan ang kaniyang ligtas na pagkalinga ay inilagay mo ang iyong sarili." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Bakit ako nakatagpo ng pabor
Si Ruth ay nagtatanong ng totoong katanungan.
para pumunta sa isang bayang
"para pumunta sa mga taong" tumutukoy si Boaz kay Ruth na dumating para manirahan kasama si Naomi sa isang nayon at komunidad, isang bansa, at relihiyon na hindi niya alam. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
dahil sa iyong gawa
Ito ay isang pagkilos ng pananampalataya, pinipiling manirahan kasama si Naomi sa Betlehem at nagtitiwala sa Diyos ni Naomi.
Ruth 2:13
Hayaan mong makatagpo ako ng pabor sa inyong paningin
"Hayaan mo akong tumanggap ng biyaya mula sa iyo" o "Pakiusap tanggapin mo ako". Ito ay tumutukoy sa paghingi ng pagpapala. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
hindi ako isa sa inyong mga babaeng lingkod
Mga posibleng kahulugan ay 1) Si Ruth ay hindi nagmula sa Betlehem at walang relasyon kay Boaz o 2) Si Ruth ay hindi kabilang sa mga babaeng lingkod ni Boaz.
Ruth 2:14
Nang oras na ng kainan
Ito ay tumutukoy sa oras ng kainan sa tanghali
isawsaw mo ang iyong pagkain sa sukang alak
Ito ay isang simpleng pagkain na kinakain sa bukid. Ang mga tao ay kadalasang kumakain sa sahig na nakapalibot sa isang tela na mayroong mangkok na may sukang alak dito at mga plato ng tinapay na biniyak. Isinisawaw nila ang kanilang mga tinapay sa mangkok na may suka para mabasa ito at nagdadagdag ng lasa bago nila ito kainin.
Sukang alak
isang sarsa na pinagsasawsawan ng tinapay. Ang mga Israelita ay nagbuburo ng ilan nilang mga alak para gawing suka.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Ruth 2:15-16
Nang siya ay tumindig para mamulot, inutusan ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki
Sa nilalaman ng mga utos, maaaring nasa malayo si Ruth para hindi marinig ang mga utos ni Boaz. AT: "At nang si Ruth ay tumayo para mamulot, sinabihan ng palihim ni Boaz ang kaniyang mga kabataang lalaki"
kahit sa mga binigkis
Dito ang "kahit" ay nangangahulugang "kahit lampas na sa karaniwang ginagawa." Inutusan ni Boaz ang kaniyang mga manggagawa na hayaan si Ruth na mamulot sa paligid ng mga binigkis na butil. Ang mga taong namumulot ay kadalasang pinagbabawalan sa pamumulot ng ganoon malapit sa mga inaning butil.
hilain ninyo palabas ang ilang mga binigkis para sa kaniya mula sa mga bigkis
"kuhanin ang ilang tangkay ng butil mula sa mga binigkis at iwan ito para sa kanya" o "iwan ninyo ang mga tangkay ng butil para maipon niya"
Huwag ninyo siyang sasawayin
"Huwag ninyo siyang ipahiya" o "Huwag ninyo siyang ilagay sa kahihiyaan"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Nang tumindig siya
"Nang siya ay tumayo"
Ruth 2:17-18
giniik
Hiniwalay niya ang mga nakakaing bahagi ng butil mula sa balat at tangkay, na itinatapon.
halos isang salop na sebada
"halos 13 kilo ng sebada" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bvolume/01.md]])
nakita ng kaniyang biyenang babae
nakita ng biyenang babae** - "nakita ni Naomi"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
uhay ng butil
Ito ay tumutukoy sa nakakaing bahagi ng butil. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Binuhat niya ito at nagtungo ng lungsod
Ipinapahiwatig nito na dala ni Ruth ang butil sa bahay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ruth 2:19-20
Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho?
Sinabi ni Naomi ay halos magkaparehong bagay sa dalawang magkaibang paraan na nagpapakita ng siya ay lubos na interesadong malaman kung ano ang nangyari kay Ruth sa araw na iyon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
na hindi itinigil ang kaniyang katapatan
"na patuloy na nagiging matapat." Mga posibleng kahulugan ay 1) Inalala ni Boaz ang kaniyang mga obligasyon kay Naomi bilang isang miyembro ng pamilya. 2) Si Naomi ay tumutukoy kay Yahweh, ang siyang gumaganap sa pamamagitan ni Boaz para maipakita ang kaniyang pabor at kabutihan sa kanila sa panahon ng kanilang pangangailangan. 3) Si Yahweh ay patuloy na nagiging matapat sa mga nabubuhay at mga patay. Ang mga taga-salin ay may kalayaang magdesisyon para sa kanilang sarili.
sa buhay
"sa mga taong nabubuhay." si Naomi at Ruth ang mga "buhay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
Sa mga patay
"mga taong namatay na." Ang asawa ni Naomi at mga anak ay ang "mga patay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
malapit na kamag-anak natin, isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin
tagasagip** - Ang pangalawang parirala ay inuulit at pinapalawak ang una. Ito ay isang Hebreo paraan ng pagbibigay-diin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
tagasagip na kamag-anak
tagasagip** - Ang tagatubos na kamag-anak ay isang lalaking malapit na kamag-anak na may kakayahang sumagip sa balong walang anak mula sa kakulangang nauukol sa pananalapi at sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kaniya at pagkakaroon ng anak sa kaniya. Maaari niyang bawiin ang lupain ng kaniyang kamag-anak na nawala dahil sa kahirapan at sagipin ang mga miyembro ng pamilya na ibinenta ang sarili sa pagiging alipin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Ruth 2:21-22
Tunay nga, sinabi niya sa akin
"Sinabi niya nga sa akin." Nagpapahiwatig ito na ang susunod ay ang pinakamahalagang bahagi sa mga salita ni Boaz kay Ruth.
lumabas ka kasama
"magtrabaho kasama"
hindi ka mapahamak
Mga posibleng kahulugan ay 1) maaaring maabuso ng ibang manggagawa si Ruth o subukang sakupin at sipingan siya o 2) sa ibang bukid, ang nagmamay-ari ay maaaring pakialaman o patigilin siya mula sa pamumulot hanggang sa katapusan ng pag-aani.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
manatiling malapit sa aking mga kabataang lalaki
Tinutukoy ni Boaz ang pisikal na pangangalaga sa kaniyang tauhan na maaaring magbigay sa kaniya.
Ruth 2:23
nanatili siyang malapit
Nagtrabaho si Ruth sa bukid ni Boaz kasama ang kaniyang mga manggagawa sa araw, para siya ay maging ligtas.
Nakatira siya kasama ng kaniyang biyenan
Sa batas** - Nagpunta si Ruth sa bahay ni Naomi para matulog sa gabi.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/02.md]]
Ruth 3
Ruth 3:1-2
biyenan
biyenan** - Si Naomi ay ang ina ng namatay na asawa ni Ruth
Aking anak
Si Ruth ay naging anak ni Naomi sa pag-aasawa nito sa kaniyang anak na lalaki at sa pag-aaruga kay Naomi matapos bumalik sa Bethlehem.
hindi ba kamag-anak natin siya?
Maaaring ginamit ni Naomi ang tanong na ito para paalalahanan si Ruth ng isang bagay na sinabi na sa kaniya. AT: "siya ay ating kamag-anak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Tingnan mo
Ang tawag na pagpapahiwatig na ito ay pagsunod na pahayag ay napakahalaga
magtatahip
Ang magtahip ay nangangahulugan ng paghihiwalay ng butil sa hindi kailangang ipa sa pamamaggitan ng paghahagis ng parehong butil at ipa sa hangin, hayaang hipan ng hangin ang ang ipa.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
hindi ba dapat na humanap ako ng lugar para sa iyo?
Ginamit ni Naomi ang tanong para sabihin kay Ruth kung ano ang balak niyang gawin. AT: "Kailangan kong maghanap ng lugar para sa iyo" o "Kailangang makahanap ako ng asawa para mag-aruga sa iyo" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
lugar para makapagpahinga ka
Mga maaaring kahulugan ay 1) literal na paghahanap ng bahay para tirahan niya sa o 2) patalinhaga sa paghahanap ng asawa para mag-alaga sa kaniya. Marahil si Naomi ay nag-iisip ng parehong kahulugan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Mga kabataang babaeng manggagawa ay nakasama mo
"mga babaeng manggagawa na gumagawa kasama mo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ruth 3:3-5
alisin ang takip ng kaniyang mga paa
Nangangahulugan ito na alisin ang balabal o kumot na nakatakip sa kaniyang mga paa kaya maaari siyang malantad sa lamig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
humiga roon
"mahiga sa kanyang paanan"
Pagkatapos ay sasabihin niya sa iyo ang iyong gagawin
Ang tiyak na kaugalian sa panahong iyon ay hindi maliwanag, pero karaniwan itong nauunawaan bilang isang kulturang katanggap-tanggap na paraan para sa isang babae na sabihin sa isang lalaki na siya ay pumapayag na pakasalan ito. Nauunawaan ni Boaz ang kaugaliang ito at maaaring tatanggapin o tatanggihan ang kaniyang alok.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
Maglagay ka ng pabango
Marahil ito ay may kaugnayan sa may sa pagpahid ng mabangong langis sa sarili, higit pa sa paglalagay ng pabago ng mga kababaihan ngayon.
bumaba ka sa giikaan
Tumutukoy ito sa pag-alis sa lungsod at pagtungo sa lugar ng giikan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ruth 3:6-7
puso niya ay masigla
"siya ay nasiyahan" o "siya ay nasa mabuting kalagayan." Ito ay hindi nagpapahiwatig na si Boaz ay labis na lasing. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
siya ay dahan-dahang lumapit
"siya ay pumuslit sa" o "siya ay ay pumasok nang tahimik para walang makarinig sa kaniya"
inalis ang takip ng kaniyang paa
"inalis ang kumot mula sa kaniyang mga paa"
nahiga
"humiga sa kanyang paanan"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
Ruth 3:8-9
Nangyayari ito
Ang pariralang ito ay ginamit dito para tandaan ang isang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan para gawin ito, maaaring mong isaalang-alang na gamitin ito rito.
sa hatinggabi
"sa kalagitnaan ng gabi"
ay nagulat
Hindi maliwanag kung ano ang nakapagpagulat kay Boaz. Marahil biglaan siyang nakaramdam ng malamig na hangin sa kaniyang mga paa.
may isang babaeng nakahiga sa kaniyang paanan
Ang babae ay si Ruth, pero hindi siya nakilala ni Boaz sa dilim.
inyong babaeng lingkod
Nakipa-usap si Ruth kay Boaz nang may pagpapakumbaba.
Ilatag mo ang iyong balabal sa ibabaw
Ito ay isang pangkulturang idyoma para sa kasal. AT: "pakasalan mo ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
malapit na kamag-anak
isang malapit na kamag-anak na may mga katungkulan tungo sa kanilang malayong kapamilya
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
bumalikwas siya
Tumingin siya para makita kung ano ang gumulat sa kanya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ruth 3:10-11
Aking anak
Gumamit si Boaz ng pagpapahayag na ito bilang isang tanda ng paggalang kay Ruth bilang isang nakababatang babae.
higit na kabaitan sa huli kaysa sa simula
"mas higit na kabaitan ngayon kaysa ngayon"
higit na kabaitan sa huli
Tumutukoy ito kay Ruth na hilingin kay Boaz na pakasalan siya. Sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kamag-anak ni Naomi, si Ruth ay magbigay kay Naomi at magpapakita ng lubos na kabaitan kay Naomi.
sa simula
Tumutukoy ito sa paraan ni Ruth na mas maagang magbigay para sa kaiyang biyenan sa pamamagitan ng pananatili sa piling niya at pamumulot ng butil para pagkain nila.
dahil hindi ka humabol sa
"hindi ka naghangad na magpakasal" maaaring pinansin ni Ruth ang pangangailangan ni Naomi at naghanap ng asawa para sa kaniyang sarili sa labas ng mga kamag-anak ni Naomi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
Ruth 3:12-13
kamag-anak na mas malapit kaysa akin
Tungkulin ng pinakamalapit na lalaking kamag-anak na tulungan ang balo.
kung hindi niya gagawin ang tungkulin ng isang kamag-anak
"kung hindi niya pakakasalan ang balo ng kaniyang kamag-anak at maging ama ng mga anak para sa kanyang namatay na kamag-anak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh
"tunay na habang nabubuhay si Yahweh." Ito ay isang karaniwang panata ng Hebreo.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
Ruth 3:14-15
bago pa man may sinumang makakilala ng ibang tao
Ang oras ng araw na ito ay maaaring sabihin sa panahon ng kadiliman. AT: "habang madilim pa"
balabal
Ito ay isang piraso ng tela na isinusuot sa mga balikat
anim na malalaking sukat ng sebada
Ang talagang kabuuang halaga ay hindi isinaad. Sapat nang ituring na mapagbigay, pero kaunti lamang para mabuhat ni Ruth nang mag-isa. Ang iba ay nagpapalagay na mga 30 kilo.
Pinasan niya
Ang dami ng butil ay napakabigat kaya kailangan ni Ruth ng tulong para iangat at buhatin ito.
Pagkatapos nagtungo siya sa lungsod
Ang mga pinakalumang kopya ay may "siya (panlalaki) ay nagpunta," pero ang iba ay may "siya (pambabae) ay nagpunta." Ito mga salin sa Ingles na mayroong pareho. Ang mas mainam na piliin ay "siya (panlalaki) ay pumunta."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
siya ay nahiga as kaniyang paanan
Natulog si Ruth sa paanan ni Boaz. Hindi sila nagtalik.
Ruth 3:16-18
Kamusta ang iyong ginawa, aking anak?
Ang ibig sabihin ni Ruth sa tanong na ito ay maaaring gawing mas malinaw. AT: "Ano ang nangyari, aking anak?" o "Paano ka pinakitunguhan ni Boaz?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
huwag umalis na walang dala
"Huwag kang umalis na walang dala" o 'Huwag pumunta nang walang dala" o "Siguraduhing may dala ng isang bagay"
matapos ang bagay na ito
Tumutukoy ito sa pagpasya tungkol sino ang bibili sa ari-arian ni Naomi at pakakasalan si Ruth.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/03.md]]
lahat ng nagawa ng lalaki
"lahat ng nagawa ni Boaz"
Ruth 4
Ruth 4:1-2
tarangkahan
"tarangkahan ng lungsod" o "tarangkahan ng Betlehem." Ito ang pangunahing pasukan sa napapaderang bayan ng Betlehem. Doon ay isang bakanteng lugar sa tabi ng tarangkahan na ginagamit bilang isang tagpuang para pag-usapan ang mga bagay ng taong-bayan.
mga nakatatanda sa lungsod
"mga pinuno ng lungsod"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:3-4
Naomi...ay ipinagbibili ang kapiraso ng lupain
Pananagutan ng malapit na kamag-anak na bilhin ang lupain ng kaniyang kamag-anak at para pangalagaan ng kaniyang pamilya. Sa ganitong kalagayan, ito ay nakalaan na dapat bilhin ng taong ito ang lupain ni Naomi, pakasalan si Ruth, at pangalagaan para kay Naomi.
sa harapan ng
Ito ay para gawing naaayon sa batas at tiyak ang mapagkasunduan.
tubusin ito
Ito ay nakalaan na bilhin ang lupain para panatilihin ito sa loob ng kanilang pamilya.
ako ang kasunod mo
Si Boaz ang kasunod sa hanay na malapit na kamag-anak para tubusin ang lupain.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:5-6
Sa araw na bilhin mo...kailangan mo ring
Ginamit ni Boaz ang kasabihang ito para ipagbigay-alam sa kaniyang kamag-anak ang karagdagang pananagutan niya kung bibilhin niya ang lupain.
mula sa kamay ni Naomi
"mula sa pagmamay-ari ni Naomi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Si Ruth...ang asawa ng namatay na lalaki
"Si Ruth...ang balo ng anak na lalaki ni Elimelek"
para maitaas ang pangalan ng namatay
"para maaari siyang magkaroon ng anak na lalaki para magmana sa ari-arian at magdala sa pangalan ng kaniyang namatay na asawa" (UDB)
masisira ang aking sariling pamana
Kailangang ibigay niya ang ilan sa kaniyang sariling kayamanan sa mga magiging anak ni Ruth.
Kunin mo ang aking karapatan ng pagtubos
"tubusin mo ito mismo sa sarili mo" o "tubusin mo ito sa halip na ako"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:7-8
Ngayon ito ang kaugalian
Ipinapaliwanag ng manunulat ng aklat ang kaugalian ng pagpapalitan sa panahon ni Ruth. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
sa mga naunang panahon
"sa sinaunang mga panahon." Ito ay nangangahuluagn na ang mga kaugalian ay nagbago mula nang nangyari ang kuwento hanggang naisulat ang aklat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
sapatos
"sandalyas"
kaniyang kapitbahay
Ito ay tumutukoy sa tao na kaniyang kasundo. Sa kalagayang ito ibinigay ng malapit na kamag-anak ang kaniyang sapatos.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:9-10
sa mga nakatatanda at sa lahat ng mga tao
Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga taong naroon sa lugar ng pagpupulong, hindi sa bawat isang nasa bayan.
lahat ng dating kay Elimelek at lahat ng dating kay Quelion at Mahlon
Ito ay tumutukoy sa lahat ng lupain at mga ari-arian ng namatay na asawa ni Naomi at mga anak na lalaki.
Para maitaas ko ang pangalan ng namatay na lalaki
Ang unang anak na lalaki na isisilang ni Ruth ay maituturing na anak ni Mahlon ayon sa batas at magmana sa lupain na binili ni Boaz mula kay Naomi.
para ang kaniyang pangalan ay hindi mapuputol
AT: "para hindi siya maiiwan na walang kaapu-apuhan" o "para palagi siyang mayroong kaapu-apuhan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
mula sa tarangkahan ng kaniyang lugar
"Sa mga mamamayan ng kaniyang bayan sa Bethlehem"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:11-12
mga tao na nasa tarangkahan
"mga taong sama-samang nagpupulong malapit sa tarangkahan"
tulad nina Raquel at Lea
Ito ang dalawang asawa ni Jacob, na pinalitan ang pangalan na Israel.
ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel
"nagsilang ng maraming anak na naging bansa ng Israel"
magtagumpay ka nawa sa Efrata
Ang Efrata ay ang pangalan ng angkan kung saan nabibilang si Boaz sa Betlehem.
Nawa ang iyong bahay ay maging tulad
Masaganang pinagpala ng Diyos si Juda sa pamamagitan ng kaniyang anak na si Perez. Nakiusap ang mga tao na pagpalain ng Diyos si Boaz sa parehong paraan sa pamamagitan ng anak ni Ruth. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
na ipinanganak ni Tamar kay Juda
Si Tamar ay isang bal rin. Naging ama si Juda ng kaniyang anak na lalaki, na nagpatuloy ng pangalan ng pamilya.
sa pamamagitan ng anak na ibibigay sa iyo
Bibigyan ni Yahweh ng mga anak si Boaz sa pamamagitan ni Ruth.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:13-15
kinuha ni Boaz si Ruth
"pinakasalan ni Boaz si Ruth" o "kinuha ni Boaz si Ruth bilang asawa"
na hindi ka iniwan sa araw na ito na walang isang malapit na kamag-anak
"na siyang nagbigay sa iyo sa araw na ito ng isang napakabuting malapit na kamag-anak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
Nawa maging kilala ang kaniyang pangalan
Ito ay tumutukoy sa karangalan at katangian ng apong lalaki ni Naomi.
tagapagpanumbalik ng buhay
Marahil ang pariralang ito ay tumutukoy kung paano mararanasan ulit ni Naomi ang kagalakan at pag-asa sa kaniyang buhay bilang bunga sa pagkakaroon niya ng isang bagong apong lalaki. AT: "Isang magdadala muli ng kagalakan sa iyo" o "isang magpapabata muli ng iyong damdamin" (UDB).
isang tagapagpalusog sa iyong katandaan
"Aalagaan ka niya kapag matanda ka na" (UDB)
Mas mabuti sa iyo kaysa pitong anak na lalaki.
Ang "Pito" ay Hebreo na bilang ng ganap na kabuuan. Parehong namatay ang mga anak na lalaki ni Naomi bago pa man sila nagkaroon ng anak, pero nagsilang si Ruth ng isang apong lalaki kay Naomi sa pamamagitan ni Boaz. AT: "mas mabuti sa iyo kaysa anumang anak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
Ruth 4:16-22
kinuha ni Naomi ang bata
Ito ay tumutukoy kay Naomi na inaalagaan ang bata. Siguraduhing hindi niya ito ilayo mula kay Ruth.
pinahiga niya siya sa kaniyang dibdib
"hiniga niya malapit sa kaniyang dibdib." Ito ay isang pahayag ng pag-ibig at pagmamahal para sa bata.
Isang bata ang ipinanganak kay Naomi
"Ang bata ay parang isang anak na lalaki kay Naomi." Maiintindihan ito na ang bata ay apong lalaki ni Naomi, hindi niya pisikal na anak na lalaki.
ama ni David
"ama ni Haring David." Kahit na ang "hari" ay hindi isinaad, ito ay malinaw sa mga orihinal na nakikinig na si David ay si Haring David. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/rut/04.md]]