Zephaniah
Zephaniah 1
Zephaniah 1:1-3
Ganap kong lilipulin ang lahat ng nasa lupa!.. lilipulin ko ang sangkatauhan sa lupa!
Ito ay mga sinadyang pagmamalabis na sinabi ni Yahweh upang bigyang-diin ang kaniyang galit sa kasalanan ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Zephaniah 1:4-6
Milcom
Ang "Milcom" ay marahil ibang pangalan para sa diyus-diyosan na si "Molec". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Zephaniah 1:7-9
sapagkat inihanda ni Yahweh ang alay at itinalaga niya ang kaniyang mga panauhin.
Ipinapakita sa mga salitang ito ang pangunahing balak ng Diyos at kung paano niya ginamit ang mga kaaway ng Kaniyang mga tao upang maisakatuparan ang Kaniyang mga layunin. (UDB). (Tingnan sa : [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]).
at ang lahat ng nakasuot ng mga pandayuhang kasuotan
Iminumungkahi ng pariralang ito na nakasuot ang mga Israelita na katulad ng kasuotan ng mga dayuhan upang ipakita ang pakikiisa sa kanilang mga kaugalian at upang sambahin ang kanilang mga dayuhang diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]).
Sa araw na iyon
Maaaring isalin na: "at sa araw ni Yahweh."
ang mga nagsisilukso sa pintuan
Ito ay isang pantukoy sa mga taong sumasamba sa isang natatanging diyos na tinatawag na Dagan. Maaaring isalin na: "ang lahat ng sumamba kay Dagan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]).
Zephaniah 1:10-11
pahayag ni Yahweh
Maaaring isalin na: "kung ano ang ipinahayag ni Yahweh" o "kung ano ang taimtim na sinabi ni Yahweh"
Tarangkahang tinawag na Isda
Ang Tarangkahang tinawag na Isda ay isa sa mga tarangkahan sa palibot ng mga pader kung saan pinapayagan ang mga tao na pumasok at lumabas sa Jerusalem.
pananaghoy sa Ikalawang Distrito
Maaaring isalin na: "Malakas na pag-iyak mula sa Ikalawang Distrito." Ang Ikalawang Distrito ang isang pinakabagong bahagi ng Jerusalem.
mula sa mga burol
Maaaring isalin na: "mula sa mga burol sa palibot ng Jerusalem."
Tumaghoy kayong mga naninirahan sa Pamilihang Distrito
"Umiyak ng malakas, kayong lahat na naninirahan kung saan ipinagbibili ang mga kalakal."
sapagkat lilipulin ang lahat ng mangangalakal at mamamatay ang lahat ng nagtitimbang ng mga pilak
Maaaring isalin na: "sapagkat papatayin ang mga nagtitinda ng mga kalakal at ang mga mayayaman."
Zephaniah 1:12-13
maghahanap ako sa Jerusalem gamit ang mga ilawan
Walang sinuman ang may kakayahang makapagtago sa Diyos.
nasiyahan sa kanilang mga alak
Pakiramdam nila ligtas sila sa kaguluhan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
at nagsabi sa kanilang mga puso
Nagsasalita sila nang may katiyakan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Zephaniah 1:14-16
malapit na, malapit na at nagmamadali
Ang pag-uulit ng salitang "malapit na", kasama ng mga salitang "nagmamadali" ay nagbibigay-diin na malapit nang mangyari ang araw ng paghahatol ni Yahweh sa mga tao." Maaaring isalin na: "malapit na at malapit ng pumarito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Ang araw na iyon ay magiging araw ng matinding galit...mga kuta
Binibigyang-diin ng pahayag na ito kung gaano magiging nakasisindak ang paghahatol ng Diyos. Ang maraming anyo ng tayutay ay natitipon at ipinapakita ang nakasisirang anyo ng kahuli-hulihang paghatol ng Diyos. Lumilikha ito ng pagbibigay-diin.
araw ng pagkabahala at pagdadalamhati
Ang mga salitang "pagkabahala" at "pagdadadalamhati" ay magkasingkahulugan at binibigyang-diin ang matinding pagkabahala ng mga tao. Maaaring isalin na: "araw na mararamdaman ng mga tao ang nakasisindak na pagkabahala." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
araw ng unos at pagkawasak
Ang salitang "unos" dito ay tumutukoy sa banal na paghatol. Ang salitang "pagkawasak" ay naglalarawan sa kahihinatnan ng paghatol. Maaaring isalin na: "araw ng pagwasak ng unos " o "araw ng pagwasak ng paghatol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
araw ng kadiliman at kalungkutan
Ang mga salitang "kadiliman" at "kalungkutan" ay magkasingkahulugan at binibigyang-diin ang matinding kadiliman. Tumutukoy ang parehong salita sa panahon ng sakuna o banal na paghatol. Maaaring isalin na: "araw na puno ng kadiliman" o "araw ng nakasisindak na paghatol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
araw ng mga ulap at pumapaitaas na kadiliman
Magkasingkahulugan ang mga salitang ito at pinapatindi ang kaisipan ng mga nakaraang salita. Tulad ng mga salitang, "mga ulap" at "pumapaitaas na kadiliman" na parehong tumutukoy sa banal na paghatol. Maaaring isalin na: "ang araw na puno ng maitim na mga ulap." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
araw ng mga trumpeta at mga hudyat
Ang mga salitang "mga trumpeta" at "mga hudyat" ay karaniwang magkasingkahulugan dito. Parehong nangangahulugan upang tawagin ang mga kawal na maghanda para sa labanan. Maaaring isalin na: "ang araw na patutunugin ng mga tao ang hudyat para sa labanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
mga matitibay na lungsod at mga matataas na kuta
Tumutukoy ang dalawang hanay ng mga salitang ito sa mga kuta ng hukbo. Maaaring isalin na: "matibay na mga lungsod." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Zephaniah 1:17-18
lumakad sila na gaya ng mga bulag na tao...Ibubuhos na gaya ng alabok...ang kanilang mga lamanloob gaya ng dumi
Nagpapahiwatig ng paghahambing ang tatlong pariralang ito upang ipakita ang pagkakapareho ng mga ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ang apoy ng matinding poot ni Yahweh
Tinutukoy nito ang kapangyarihan ng galit ni Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
paglipol
Nangangahulugan ito ng ganap na pagkawasak. Maaaring isalin na: "ganap niyang wawasakin...ng" (UDB).
Zephaniah 2
Zephaniah 2:1-3
Magtulungan kayo at magtipon-tipon
May parehong kahulugan ang dalawang pariralang ito. Magkasama nilang pinapatindi ang utos para sa mga tao na magtipun-tipon upang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan." Maaaring isalin na: "Magtipun-tipon kayong lahat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Bansang walang kahihiyan
Hindi nagsisi ang bansa sa kanilang mga kasalanan.
bago lumipas ang araw na gaya ng ipa
Ang ipa ay ang hindi gaanong mahalagang bahagi ng palay na itinatapon kaya mabilis na lilipas ang araw na ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]]).
bago dumating sa inyo ang matinding galit ni Yahweh! Bago dumating sa inyo ang araw ng matinding poot ni Yahweh
Inulit ng propeta ang parehong salita nang halos magkapareho upang bigyang-diin kung gaano kakila-kilabot ang paghatol ni Yahweh at ang pagmamadali na dapat magsisi ang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]).
matinding poot ni Yahweh
Pinaninindigan nito ang layunin ng Diyos upang magparusa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Zephaniah 2:4-5
Palalayasin nila ang mga Asdon sa tanghali at bubunutin nila ang Ekron!
Mabilis at ganap na palalayasin ang mga tao sa mga lungsod na ito.
hanggang sa walang matira sa mga naninirahan
Maaaring isalin na: "hanggang sa wala ng sinuman ang naroroon"
Zephaniah 2:6-7
kulungan ng mga tupa
lupain na napapalibutan ng mga bakod kung saan naninirahan ang mga tupa.
mahihiga
nangangahulugang matulog sa higaan.
Zephaniah 2:8-11
ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo
"kung ano ang ipinahayag ni Yahweh ng mga hukbo" o "kung ano ang taimtim na sinabi ni Yahweh ng mga hukbo"
Zephaniah 2:12-14
sa itaas ng kaniyang mga haligi
Kapag nawasak at gumuho ang mga gusali, ang mga poste (o haligi) na ginamit na palamuti at suporta ay madalas nananatiling nakatayo.
barakilan
Ang mga barakilan ay mahahaba at makakapal na piraso ng kahoy na ginagamit upang panatilihing matatag ang gusali.
Zephaniah 2:15
Susutsot at ikukumpas ang kaniyang kamao
Ang sutsot ay isang galit na tunog. Ipinapahiwatig ng pariralang ito ang sukdulang galit ng mga tao sa Nineve.
Zephaniah 3
Zephaniah 3:1-2
Hindi siya nakinig sa tinig ng Diyos
Hindi sinunod ng mga taga-Jerusalem ang itunuro sa kanila ng mga propeta ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
at hindi lumapit sa kaniyang Diyos
Hindi ninais ng mga tao na sambahin at sundin ang Diyos.
Zephaniah 3:3-4
Umaatungal na mga leon ang kaniyang mga prinsipe sa kaniyang kalagitnaan
Maaaring isalin na: "Marahas ang mga pinuno ng Jerusalem." (Tingnan sa: [[en:ta:vol1:translate:figs_metaphor]])
Ang kaniyang mga hukom ay mga lobo sa gabi na walang iniiwang ngangatngatin sa umaga
Maaaring isalin na: "Masasamang tao ang kaniyang mga hukom na kumukuha ng mga bagay na pag-aari ng iba." Isa din itong talinghaga.
Ang kaniyang mga propeta ay walang galang at taksil na mga tao
Maaaring isalin na: "Suwail ang kaniyang mga propeta at taksil na mga tao."
Zephaniah 3:5
Hindi ito maitatago sa liwanag
Maaaring isalin na: "malinaw na ipinakita sa lahat ang kaniyang katarungan.
Zephaniah 3:6-7
Winasak ko ang kanilang mga lansangan upang walang sinuman ang makadaan sa mga ito. Nawasak ang kanilang mga lungsod upang walang tao ang manirahan sa mga ito
Ipinapahayag ni Yahweh ang parehong kaisipan sa dalawang magkaibang paraan upang bigyang-diin ang ganap na pagkawasak ng mga lungsod. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Zephaniah 3:8
pahayag ni Yahweh
Nangangahulugan ito kung ano ang taimtim na sinabi ni Yahweh.
upang manloob
Ito ay nangangahulugan na kunin ang pag-aari ng ibang tao sa pamamagitan ng pagsakop sa kanila sa digmaan.
tipunin ang mga bansa upang buuin ang mga kaharian
Magkasingkahulugan ang dalawang pariralang ito at binibigyang-diin na hahatulan ni Yahweh ang lahat ng bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]
ang aking poot, ang lahat ng aking matinding poot
Ang mga salitang "galit" at "matinding poot" ay karaniwang magkasingkahulugan at pinapatindi ang galit ni Yahweh. Maaaring isalin na: "ang aking pinaka-matinding poot." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
upang tupukin ng apoy ng aking galit ang buong lupain
Maaaring isalin na: "upang tupukin ng apoy ng aking galit ang buong kalupaan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tupukin ng apoy ng aking galit
Ganap na wawasakin ni Yahweh ang lupain gaya ng apoy na ganap na tinutupok ang bagay na sinusunog nito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Zephaniah 3:9-11
magbibigay ako ng dalisay na mga labi sa mga tao
Ito ay isa pang paraan ng pagsasabi na ang Diyos ang magiging dahilan upang magsabi ang kaniyang mga tao ng matuwid. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sambahin nila ako nang may pagkakaisa
Magkakaisa ang mga tao sa kanilang pagnanais na paglingkuran ang Diyos, gaya ng pagkakaisa ng mga tao sa pisikal kapag sama-sama silang tumatayo na tinatapik ang balikat ng bawat isa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Zephaniah 3:12-13
hindi sila mahahanapan ng mapanlinlang na dila sa kanilang bibig
Maaaring isalin na: "walang sinuman ang makakahanap ng mapanlinlang na dila sa kanilang bibig" o "hindi sila magsasabi ng mapanlinlang na mga bagay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kakain sila at hihiga
Nagsasalita si Yahweh sa mga taga-Israel na para silang kawan ng tupa na kumakain ng damo at ligtas na nagpapahinga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Zephaniah 3:14-20
anak ng Zion
"Ito ay nangangahulugan sa lahat ng tao sa Jerusalem."
Huwag mong hahayaang panghinaan ang iyong mga kamay
Nangangahulugan ito na huwag kang makaramdam ng pagkahina o walang magawa kung ang iyong mga kamay ay naging mahina sa pisikal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])