Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Ephesians

Ephesians 1

Ephesians 1:1-2

Nag-uugnay na Pahayag:

Pinangalanan ni Pablo ang kaniyang sarilli bilang manunulat nitong liham sa mga mananampalataya dito sa iglesia sa Efeso.

sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos

"sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos" o "pinili ng Diyos"

Itinalaga sa Diyos

Maaaring isalin na: "kagandahang asal na walang kasalanan" o "ang mga banal"

sila na mga tapat kay Cristo Jesus

Ang "Kay Cristo Jesus" at ang katulad na mga pamamahayag ay mga talinghagang madalas lumalabas sa mga liham ng Bagong Tipan. Nagpapahayag sila ng matibay na uri ng posibleng relasyon sa pagitan ni Cristo at ng mga naniniwala sa kaniya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan

Ito ay isang pangkaraniwang pagbati at pagpapala na madalas ginagamit ni Pablo sa kaniyang mga sulat. Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya na mga taga-Efeso. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:3-4

Nag-uugnay na Pahayag:

Sinimulan ni Pablo ang kaniyang liham sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa katayuan ng mga mananampalataya at kanilang kaligtasan sa harap ng Diyos.

Mapapurihan nawa ang Diyos at ang Ama ng ating Panginoong Jesus

Maaaring isalin na: "Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

pinagpala niya tayo

Maaaring isalin na: "sapagkat pinagpala tayo ng Diyos"

pinagpala tayo

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Pablo at sa lahat ng mananampalataya sa Efeso. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

bawat espiritwal na pagpapala

AT: "ang bawat pagpapala ay nagmumula sa Espiritu ng Diyos"

kay Cristo

Ang "Kay Cristo" at ang katulad na mga pamamahayag ay mga talinghagang madalas lumalabas sa mga liham ng Bagong Tipan. Nagpapahayag ang mga ito ng matibay na uri ng posibleng relasyon sa pagitan ni Cristo at ng mga naniniwala sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

upang tayo ay maging banal at walang kapintasan

Ipinahayag ni Pablo ang dalawang katangian na maaaring maging tayo sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Ephesians 1:5-6

itinalaga tayo ng Diyos para ampunin

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Pablo, sa iglesia sa Efeso, at sa lahat ng mga mananampalataya kay Cristo. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay nagplano noong unang panahon para ampunin tayo." (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

upang ampunin

Dito, ang "ampunin" ay tumutukoy sa pagiging kabilang sa pamilya ng Diyos.

sa pamamagitan ni Jesu-Cristo

Dinala ng Diyos ang mga mananampalataya sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng gawa ni Jesu-Cristo.

Ginawa niya ito...nasiyahan siya...kaniyang ninais...sa kaniyang kamangha-manghang biyaya

Ang salitang "Siya" at "kaniya" ay tumutukoy sa Diyos.

kaniyang pinakamamahal na anak

"Pinakamamahal na anak ng Diyos" o "Jesu-Cristo"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:7-8

sa kaniyang pinakamamahal na anak

"sa pinakamamahal na anak ng Diyos, si Jesu-Cristo"

nagkaroon tayo ng katubusan

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

yaman ng kaniyang biyaya

"kadakilaan ng biyaya ng Diyos" o "kasaganaan ng biyaya ng Diyos"

nang may buong karunungan at kaalaman

Nagbigay ang Diyos sa mga mananampalataya ng dakilang karunungan at kaalaman. Maaaring isalin na: "maraming karunungan at kaalaman."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:9-10

ayon sa kaniyang nais

"nang siya ay malugod" (UDB)

kay Cristo

Ang "Kay Cristo" at ang katulad na mga pahayag ay mga talinghagang madalas lumalabas sa mga liham ng Bagong Tipan. Nagpapahayag ang mga ito ng matibay na uri ng maaaring relasyon sa pagitan ni Cristo at ng mga naniniwala sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

Kapag naganap na ang panahon

Maaaring isalin na: "kapag dumating na ang tamang oras" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

para sa kaniyang kalooban

Maaaring isalin na: "at kaniyang tinapos ang kaniyang balak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:11-12

Pinili tayo

"Pinili tayo ng Diyos para maging kaniyang mana" o "Pinili tayo ng Diyos para tanggapin ang kaniyang pamana" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

tayo ay pinili...tayong mga nauna

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Pablo at sa mga Judio na mananampalataya kay Cristo ngunit hindi sa mga Gentil (hindi mga Judio) na mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

kalooban ng

"ang plano ng Diyos"

layunin ng kaniyang kalooban

"layunin ng kalooban ng Diyos"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:13-14

Dahil kay Cristo kaya napakinggan din ninyo ang salita ng katotohanan

Maaaring isalin na: "Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo na inyong narinig na kayo ay niligtas niya"

ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo

Maaaring isalin na: "Si Cristo ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan"

Nang dahil sa kaniya kayo rin ay nanampalataya

Maaaring isalin na: "at kayo rin ay nanampalataya kay Cristo"

tinatakan kasama ang pinangakong Banal na Espiritu

Katulad ng paglalagay ng waks sa liham at paglimbag ng simbolo na kumakatawan sa kung sino ang nagpadala ng sulat, tinatakan ng Diyos ang ating kaligtasan ng Banal na Espiritu na nagpapahiwatig ng kaniyang pagmamay-ari sa atin. Maaaring isalin na: "Tinatakan tayo ng Diyos kasama ang pangakong Banal na Espiritu." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Ang Espiritu ang katibayan

Ibinigay ng Diyos sa atin ang Banal na Espiritu bilang isang pangako ng kaniyang kaloob na buhay na walang hanggan sa tamang panahon. Maaaring isalin na: "Ang Banal na Espiritu ay isang pangako."

hanggang sa ang pag-aari ay makamtan

Maaaring isalin na: "hanggang sa aming makamtan ang pag-aari ng aming pamana" o "hanggang sa matanggap namin ang pamana" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:15-16

Nag-uugnay na Pahayag:

Nanalangin si Pablo para sa mga mananampalatayang taga-Efeso at nagpuri sa Diyos para sa kapangyarihan na mayroon ang mga mananampalataya sa pamamagitan ni Cristo.

Dahil dito

"Sa kadahilanang ito"

sa inyong pag-ibig sa lahat ng mga itinalaga para sa kaniya

"ang inyong pag-ibig para sa lahat ng mga banal kay Cristo" o "ang inyong pag-ibig para sa mga mananampalataya"

hindi ako tumigil sa pagpapasalamat sa Diyos

Maaaring isalin na: "Nagpatuloy ako sa pasasalamat sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:17-18

ang espiritu ng karunungan at kapahayagan ng kaniyang karunungan

Maaaring isalin na: "espiritwal na karunungan upang maunawaan ang kaniyang pahayag"

na ang mga mata ng inyong puso ay maliwanagan

Ang salitang "mga mata ng inyong puso" ay nagpapahayag ng kakayahan ng isang tao para makamtan ang kaunawaan. Maaaring isalin na: "na maaaring makamtan mo ang kaunawaan at maliwanagan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

ang inaasahan ng ating pagkatawag

"ang pag-asa ng ating pagkatawag"

ang yaman ng kaluwalhatian ng kanyang pamana

"kadakilaan ng kaniyang maluwalhating pamana" o "kasaganaan ng kaniyang maluwalhating pamana"

sa kanila na mga binukod para sa kaniya

Ito ay isama sa konsepto ng walang salang moralidad, itinalaga, at banal.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:19-21

ang hindi masukat na kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan

Ang kapangyarihan ng Diyos ay mas higit pa kaysa sa lahat ng ibang kapangyarihan.

pagkilos sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan.

Maaaring isalin na: "ang kaniyang dakilang kapangyarihan na kumikilos sa atin"

pinaupo siya sa kaniyang kanang kamay

"pinaupo si Cristo sa kanang kamay ng Diyos" o "pinaupo si Cristo sa lugar ng karangalan" ( Tingnan sa: (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

pinakamataas sa lahat ng kautusan, kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan

Ito ay iba't-ibang mga katawagan para sa mga katayuan ng hindi pangkaraniwang nilalang, parehong maka-anghel at maka-demonyo. Maaaring isalin na: "higit pa sa lahat ng uri ng hindi pangkaraniwang nilalang."

sa panahong ito

"sa oras na ito"

sa panahong darating

"sa hinaharap"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 1:22-23

pinasaakop ng Diyos

"Nilagay ng Diyos" o "inilagay ng Diyos" (UDB)

lahat ng mga bagay sa ilalim ng paanan ni Cristo

Dito, ang "mga paa" ay kumakatawan sa pagka-Panginoon ni Cristo, kapahintulutan, at kapangyarihan. Maaaring isalin na: "lahat ng bagay ay nasa ilalalim ng kapangyarihan ni Cristo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ginawa niya siyang ulo... ang kaniyang katawan

Katulad ng katawan ng tao, ang ulo ang namamahala sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniyang katawan, gayon din si Cristo na ulo ng katawan ng iglesia. (Tingnan sa; [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ulo sa lahat ng nasa iglesia.

Dito, ang "ulo" ay tumutukoy sa namumuno o sa namamahala. Maaaring isalin na: "tagapamahala sa ibabaw ng lahat ng bagay sa iglesia." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang kaniyang katawan

Ang Iglesia ay madalas na tukuyin bilang katawan ni Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay sa lahat ng kaparaanan

Maaaring isalin na: "Pinupuno ni Cristo ang iglesia ng kaniyang buhay at kapangyarihan katulad ng pagbibigay niya at pagpapatuloy ng buhay sa lahat ng mga bagay"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/01.md]]

Ephesians 2

Ephesians 2:1-3

Nag-uugnay na Pahayag:

Pinaalala ni Pablo sa mga mananampalataya ang kanilang nakaraan at ang kanilang kinatatayuan ngayon sa harap ng Diyos.

kayo ay mga patay sa inyong mga pagkakasala at mga kasalanan

Pinapakita nito kung paano ang mga makasalanang tao ay walang kakayahang makasunod sa Diyos kung paanong ang isang patay ay walang kakayahang tumugon sa kaniyang pisikal na katawan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

inyong mga pagkakasala at mga kasalanan

Ang mga salitang "mga pagkakasala" at "mga kasalanan" ay nangangahulugan lamang ng iisang bagay. Parehong ginamit ito ni Pablo upang magbigay diin sa kalubhaan ng kasalanan ng mga tao. (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

minsan kayong lumakad

Pinapahayag nito ang ugali kung paano namumuhay ang mga tao. Maaaring isalin na: "dati kayong namuhay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

ayon sa panahon ng mundong ito

Ginamit din ng mga apostol ang salitang "mundo" upang tukuyin ang makasariling kaugalian at mga masasamang pinapahalagahan ng mga taong namumuhay sa mundong ito. Maaaring isalin na: "ayon sa pagpapahalaga ng mga taong namumuhay sa mundong ito" o "sinusunod ang mga prinsipyo ng kasalukuyang mundo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

kapangyarihan ng namumuno sa hangin

Ito ay tumutukoy sa demonyo o kay Satanas

ang kaniyang espiritu kung saan

Ang pariralang "kaniyang espiritu" ay tumutukoy sa demonyo o kay Satanas.

Gumagawa tayo ayon sa masamang nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang kagustuhan ng laman at ng isip

Ang mga salitang "laman" at "isip" ay naglalarawan sa buong katawan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

mga anak ng poot

Ang mga tao kung saan nagagalit ang Diyos (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:4-7

sagana ang Diyos sa habag

"ang Diyos ay sagana sa habag" o "ang Diyos ay napakabuti sa atin"

dahil sa kaniyang dakilang pagmamahal kung saan minahal niya tayo.

"dahil sa kaniyang dakilang pagmamahal sa atin" o "dahil labis niya tayong mahal"

Habang tayo ay patay sa pagkakasala, dinala niya tayo sa bagong buhay

Pinapakita nito kung paano ang mga makasalanang tao ay walang kakayahang makasunod sa Diyos hanggang sa mabigyan siya ng bagong espirituwal na buhay kung paanong ang isang patay ay walang kakayahang tumugon sa kaniyang pisikal na katawan maliban na buhayin siyang muli sa mga patay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

dinala niya tayo sa bagong buhay kay Cristo

Ang "Kay Cristo" at mga katulad na pahayag ay mga talinghaga na madalas makita sa mga liham sa Bagong Tipan. Pinapahayag nito ang pinakamalakas na uri ng samahan na maaari sa pagitan ni Cristo at sa mga nananampalataya sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

naligtas tayo sa pamamagitan ng biyaya

Maaaring isalin na: "Niligtas tayo ng Diyos dahil sa kaniyang dakilang kabatian sa atin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Kasama tayong binuhay ng Diyos at kasama tayong pinaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus

Tulad ng pagbuhay niyang muli kay Cristo, bubuhayin niya rin tayong muli upang makasama si Cristo sa langit.

kay Cristo Jesus

Ang "Kay Cristo Jesus" at ang mga katulad na payahag ay mga talinghaga na madalas makita sa mga liham ng Bagong Tipan. Ito ay nagpapahayag ng pinakamalakas na uri ng relasyon na maaari sa pagitan ni Cristo at sa mga nananampalataya sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

sa darating na panahon

"sa hinaharap"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:8-10

Sapagkat sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya

Ang kabaitan ng Diyos sa atin ang dahilan kung bakit nagawa niya tayong maligtas mula sa paghuhukom kung magtitiwala lamang tayo kay Jesus. Maaaring isalin na: "Niligtas ka ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya dahil sa iyong pananampalataya sa kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

At hindi ito

Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa "sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya."

nangmula sa amin

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Pablo at sa lahat ng mga mananampalataya sa Efeso. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

Hindi ito dahil sa mga gawa

Maaaring isalin na: "ang kaligtasang ito ay hindi galing sa inyong mga gawa"

tayo ay ginawa ng Diyos

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Pablo at sa lahat ng mga mananampalataya sa Efeso. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

kay Cristo Jesus

Ang "kay Cristo Jesus " at ang mga parehong pahayag ay mga talinghaga na madalas makita sa mga liham ng Bagong Tipan. Ito ay nagpapahayag ng pinakamatibay na uri ng relasyon na maaaring mangyari sa pagitan ni Cristo at sa mga nananampalataya sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

lakaran

Maaaring isalin na: "sumunod" o "gawin" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:11-12

Nag-uugnay na Pahayag:

Pinaalalahanan ni Pablo ang mga mananampalataya na ginawa na ng Diyos ang mga Gentil at mga Judio na iisang katawan sa pamamagitan ni Cristo at kaniyang krus.

Gentil sa laman

Ito ay tumutukoy sa mga tao na hindi pinanganak na Judio.

Di mga tuli

Ang mga taong hindi Judio ay hindi tinuli katulad ng mga sanggol at kaya tinuturing sila ng mga Judio bilang mga tao na hindi sumusunod sa Diyos.

ang mga tuli

Ito ay isa pang tawag sa mga Judio dahil lahat ng mga lalaking sanggol ay natuli noong sila ay 8 araw na gulang pa lang.

hiwalay kayo kay Cristo

Maaring isalin na: "mga hindi mananampalataya"

"ang mga tuli" sa laman

Ginagawa ang pagtutuli sa mga katawan ng lalaking sanggol.

mga taga-Israel

"ang bayan ng Israel"

mga dayuhan sa mga tipan ng pangako

Maaaring isalin na: "hindi ninyo alam ang tipan ng mga pangako ng Diyos"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:13-16

Ngunit ngayon kay Cristo Jesus

Binibigyang tanda ni Pablo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taga-Efeso bago sila naniwala kay Cristo at pagkatapos nilang maniwala kay Cristo. (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

kayong minsan na napalayo mula sa Diyos ay nailapit sa Diyos

Dahil sa mga kasalanan ng mga mananampalataya, nahiwalay sila sa Diyos. Subalit, dinala na sila ngayon ni Jesus papalapit sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang dugo.

siya ang ating kapayapaan

Maaaring isalin na: "binibigyan tayo ni Jesus ng kaniyang kapayapaan"

Sa pamamagitan ng kaniyang laman

Maaaring isalin na: "Sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan sa krus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

pader ng pagkakabaha-bahagi

Maaaring isalin na: "ang pader ng poot" o "masamang kalooban" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

naghiwalay sa atin

Ang salitang "atin" ay tumutukoy pareho kay Pablo at mga taga-Efeso, na naghiwalay sa mga mananampalatayang Judio mula sa mga mananampalatayang Gentil. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

binuwag niya ang mga batas ng kautusan at mga alituntunin

Binigyang kasiyahan ng dugo ni Jesus ang kautusan ni Moises upang ang parehong mga Judio at mga Gentil ay mamuhay nang may kapayapaan sa Diyos.

isang bagong tao

Isang bagong tao, ang mga tao na tinubos nang sangkatauhan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa kaniyang sarili

Ang pag-iisa kay Cristo ang gumagawa na maging posible ang pagkakasundo sa pagitan ng mga Judio at mga Gentil.

upang magkasundo ang dalawang tao

Maaaring isalin na: "dalhin ang parehong mga Judio at mga Hentil"

sa pamamagitan ng krus...kasama ng krus

Iyon ay sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo sa krus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

inilagay niya sa kamatayan ang poot

Inalis ni Jesus ang dahilan para maging magkaaway sa bawat isa ang mga Judio at mga Gentil. Hindi na nila kailangang mamuhay ayon sa kautusan ni Moises. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:17-18

Nag-uugnay na Pahayag:

Sinasabihan ni Pablo ang mga mananampalataya na taga-Efeso na ang kasalukuyang mga mananampalatayang Gentil ay pinag-isa na sa mga apostol at mga propeta, isang templo para sa Diyos sa Espiritu.

nagpahayag ng kapayapaan

Maaaring isalin na: "ipinamalita ang ebanghelyo ng kapayapaan" o "ipinahayag ang ebanghelyo ng kapayapaan"

sa inyo na mga nasa malayo

Ito ay tumutukoy sa mga Gentil o sa mga hindi Judio.

sa mga nasa malapit

Ito ay tumutukoy sa mga Judio.

Sapagkat sa pamamagitan ni Jesus mayroon tayo parehong daan

Ang salitang "tayo" dito ay tumutukoy kay Pablo, ang mga mananampalatayang Judio at mga mananampalatayang hindi mga Judio. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

sa iisang Espiritu

Binigyan ng karapatan na pumasok sa presensiya ng Diyos Ama ang lahat ng mga mananampalataya pareho ang mga Judio at Gentil, sa pamamagitan ng parehong Banal na Espiritu.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 2:19-22

kayong mga Gentil hindi na kayo mga dayuhan at hindi kilala. Sa halip kayo ay mga kapwa mamamayan kasama ng mga pinili para sa Diyos at mga kasapi ng sambahayan ng Diyos.

Inilalarawan nito ang espiritwal na kalagayan ng mga Gentil bago at pagkatapos nilang maging mananampalataya, sa ganitong paraan din, ang isang hindi mamamayan ay naging isang mamamayan ng isang bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

hindi na mga dayuhan

"hindi na mga taga labas"

at hindi kilala

"at mga hindi mamamayan"

itinayo kayo sa pundasyon

Hinahambing ni Pablo ang pamilya ng Diyos sa isang gusali. Si Cristo bilang panulukang bato, ang mga apostol bilang pundasyon, at ang mga mananampalataya bilang istraktura. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

nagkakaugnay-ugnay ang buong gusali at lumalago bilang isang templo

Nagpatuloy si Pablo sa paghahambing ng isang sa pamilya ni Cristo sa isang gusali. Kung paanong ang tagapagtayo ay pinapatong ang mga bato sa bawat isa habang nagtatayo, kaya tayo ay pinaglalapat-lapat ni Cristo sa bawat isa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa kaniya...sa Panginoon...sa kaniya

Ang mga pahayag na ito ay mga talinghaga ng "kay Cristo Jesus". Ito ay madalas mangyari sa mga liham ng Bagong Tipan. Nagpapahayag ito ng pinakamatibay na uri ng relasyon na maaaring mangyari sa pagitan ni Cristo at sa mga nananampalataya sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

kayo din ay magkakasamang itinayo bilang isang tahanan para sa Diyos sa Espiritu.

Inilalarawan nito kung paano pinagsasama-sama ang mga mananampalataya upang maging isang lugar kung saan mananahan ang Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu habang buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/02.md]]

Ephesians 3

Ephesians 3:1-2

Nag-uugnay na Pahayag:

Muling tinukoy ni Pablo ang pag-iisa ng mga Judio at mga Gentil at ang templo kung saan bahagi ang mga mananampalataya ngayon para gawing malinaw ang nakatagong katotohanan tungkol sa iglesya ng mga mananampalataya.

Dahil dito

"Dahil sa biyaya ng Diyos sa inyo"

ang gawain tungkol sa biyaya ng Diyos na ibinigay niya sa akin para sa inyo

"ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa akin para ipangasiwa ang kaniyang biyaya sa inyo"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:3-5

ayon sa pahayag na pinaalam sa akin

Maaaring isalin na: "na ipinahayag ng Diyos sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

na sinulat ko ng bahagya sa isa ko pang sulat

Sumulat si Pablo ng maikling liham para sa mga taong ito, at siya ay tumutukoy sa isa pang sulat.

Kung mababasa ninyo ang tungkol dito

Tumutukoy ang "dito" sa nakatagong katotohanan.

ang aking pagkaunawa nitong nakatagong katotohanan patungkol kay Cristo

Maaaring isalin na: "ang aking pagkakaintindi sa nakatagong katotohanang ito"

sa ibang mga salinlahi hindi ipinaalam ang katotohanang ito sa sankatauhan

Maaaring isalin na: "kung saan hindi ipinaalamng Diyos sa mga tao sa nakaraan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Ngunit ngayon ipinahayag ito ng Espiritu

Maaaring isalin na: "ngayon ipinahayag ito ng Espiritu" o "ngayon ipinaalam ito ng Espiritu" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:6-7

ang mga Gentil ay kabahagi ...sa pamamagitan ng ebanghelyo

Ito ang nakatagong katotohanan na sinimulang ipaliwanag ni Pablo sa mga naunang talata. Ang mga Gentil na tumanggap kay Cristo ay makakatanggap din ng parehong pamana gaya ng mga mananampalatayang Judio.

kabahagi ng katawan

Ang Iglesia ay madalas na tinutukoy bilang katawan ni Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kay Cristo Jesus

Ang "kay Cristo Jesus" at ang mga kaparehong pahayag ay mga talinghaga na madalas makita sa mga sulat sa Bagong Tipan. Pinapahayag nila ang matinding uri ng posibleng relasyon sa pagitan ni Cristo at ng mga naniniwala sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/inchrist.md]])

Dahil dito naging lingkod ako

"Ako ngayon ay naglilingkod sa Diyos para ipagkalat ang ebanghelyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:8-9

Ibinigay ng Diyos ang kaloob na ito sa akin, kahit na ako ang pinakahamak sa mga pinili ng Diyos.

Maaaring isalin na: "Bagamat ako ang pinaka hamak sa lahat ng tao ng Diyos, binigay sa akin ng Diyos ang magandang regalong ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Kailangan kong paliwanagan ang lahat ng mga tao patungkol sa lihim na plano ng Diyos

"Para malaman ng lahat ng mga tao ang plano ng Diyos"

upang paliwanagan ang lahat ng mga tao patungkol sa lihim na plano ng Diyos-Ito ang plano na itinago noong una pang panahon

Maaaring isalin na: "mga bagay na tinago ng Diyos mula pa noong una, mula pa ng oras na likhain niya ang lahat ng bagay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:10-11

ang mga tagapamuno at mga may kapangyarihan sa kalangitan ay malaman ang maraming panig ng katangian ng karunungan ng Diyos

panig na kalikasan na karunungan ng Diyos** - Maaaring isalin na: "Ipaaalam ng Diyos ang kaniyang dakilang karunungan sa mga namumuno at sa mga may kapangyarihan sa kalangitan sa pamamagitan ng Iglesya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

ang maraming panig ng katangian ng karunungan ng Diyos

panig ng kalikasan na karunungan ng Diyos** - Ang matinding karunungan ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

tagapamuno at ang mga may kapangyarihan

Ang mga salitang ito ay may parehong mga kahulugan. Pareho itong ginagamit ni Pablo para bigyang diin na bawat mananampalataya ay malalaman ang karunungan ng Diyos.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

ayon sa walang hanggang plano

"sa pag-iingat sa walang hanggang plano" o "hindi nagbabago ayon sa walang hanggang plano"

kay Cristo Jesus na ating Panginoon

Sa pamamagitan ni Cristo

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:12-13

Nag-uugnay na Pahayag:

Pinupuri ni Pablo ang Diyos sa kaniyang mga paghihirap at nanalangin para sa mga mananampalatayang taga-Efeso.

makalapit sa kaniya nang may tiwala

Maaaring isalin na: "may karapatang lumapit sa presensiya ng Diyos ng may matibay na paniniwala" o "kalayaan na pumasok sa presensiya ng Diyos ng may kapanatagan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

dahil sa ating pananampalataya sa kanya

"dahil sa ating pananampalataya kay Cristo"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:14-16

Dahil dito

Maaaring isalin na: "Dahil ginawa ng Diyos ang lahat ng ito para sa inyo" (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

lumuluhod ako sa Ama

Maaaring isalin na: yumuko ako sa panalangin sa Ama" o "Ako ay nagpapakumbabang nananalangin sa Ama" (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

kung saan nagmula ang bawat pamilya sa langit at sa lupa

Ang pagpapangalan dito ay marahil naglalarawan din sa paglilikha. Maaaring isalin na: " na lumikha at nagpangalan sa bawat pamilya sa langit at sa lupa"

na pagkalooban kayo

"na bigyan niya kayo"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:17-19

mga puso ninyo sa pamamagitan ng pananampalataya

Dito ang "puso" ay naglalarawan sa kaluluwa ng tao at ang "sa pamamagitan" ay naghahayag ng palagay o daan, na nagpapakita na si Cristo ay nananahan sa mga puso ng mga mananampalataya ayon sa pananampalatayang handog ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

na mag-ugat at maging matatag kayo sa kaniyang pag-ibig

Hinahalintulad ni Pablo ang kanilang pananampalataya sa isang puno na may malalalim na ugat o sa isang bahay na tinayo sa isang matibay na pundasyon. Maaaring isalin na: "upang kayo ay maging katulad ng isang puno na nag-ugat ng maayos at isang gusali na nakatayo sa bato" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

lahat ng nananampalataya

"lahat ng mga mananampalataya kay Cristo" o "lahat ng mga banal"

na malaman niyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ni Cristo

Maaaring isalin na: "upang inyong malaman ang pag-ibig ni Cristo na higit pa sa lahat ng bagay na maaari nating malaman sa pamamagitan ng karanasan"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 3:20-21

Ngayon sa kaniya

"Ngayon sa Diyos"

gumawa ng lahat, higit pa sa lahat

Kaya ng Diyos na gumawa ng lahat ng bagay na higit pa sa ating kayang hingin o isipin.

ng ating hinihingi o iniisip

Ang salitang "atin" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/03.md]]

Ephesians 4

Ephesians 4:1-3

Nag-uugnay na Pahayag:

Dahil sa kung ano ang isinusulat ni Pablo sa mga taga-Efeso, pinalakas niya ang kanilang mga loob sa kung paano sila mamumuhay bilang isang mga buhay na mananampalataya at muling binigyang diin ang pagkakaisa ng mga mananampalataya.

bilang bilanggo para sa Panginoon.

Maaaring isalin na: "bilang isang tao na nasa kulungan dahil pinili niyang paglingkuran ang Panginoon"

nakiusap ako sa inyo na lumakad ng karapatdapat sa pagtawag

Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang taga-Efeso. Maaaring isalin na: "hinimok ko kayo na kumilos ayon sa pagkatawag sa inyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

may buong pagpapakumbaba at pagkamahinahon at katiyagaan. Tanggapin ninyo nang may pagmamahal ang bawat isa

Maaaring isalin na: "matutong maging mapagpakumbaba, mahabagin, matiyaga at tanggapin ang bawat isa na may pag-ibig"

Pagsikapan ninyong manatili ang pagkakaisa sa Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.

Maaaring isalin na: "maghangad na mamuhay ng magkakasama sa kapayapaan upang mapanatili ang pagkakaisa sa Espiritu"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:4-6

isang katawan

Ang Iglesia ay madalas tukuyin bilang katawan ni Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

isang Espiritu

"nag-iisang Banal na Espiritu" (UDB)

katulad din nang pagtawag sa inyo sa iisang pananalig na inaasahan ng iyong pagkatawag

"Pinili kayo ng Diyos sa isang maasahang pag-asa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Ama ng lahat...at sa lahat

Maaaring isalin na: "Ama ng lahat ng bagay...higit sa lahat ng bagay...namamagitan sa lahat ng bagay...sa lahat ng bagay"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:7-8

Nag-uugnay na Pahayag:

Pinaalalahanan ni Pablo ang mga mananampalataya sa kaloob na binibigay ni Cristo sa mga mananampalataya upang gamitin sa iglesia na buong katawan ng mga mananampalataya.

Sa bawat isa sa atin

Ang salitang "atin" ay tumutukoy kay Pablo at sa lahat ng mananampalataya sa Efeso. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

ang bawat-isa sa atin ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob

Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay nagbigay ng isang kaloob sa bawat isa sa atin" o "Ang Diyos ay binigyan ng kaloob ang bawat isang mananampalataya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

nang umakyat siya sa itaas

"Nang si Cristo ay nagtungo sa langit"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:9-10

Umakyat siya

"Si Cristo ay nagtungo paitaas"

bumaba rin siya

"Si Cristo rin ay bumaba" o " Si Cristo ay bumaba rin"

sa kailaliman ng lupa

Ang mga maaring kahulugan ay 1) "sa mga babang rehiyon, ang lupa" o 2) "ibabang mga bahagi, ang lupa."

punuin ang lahat ng mga bagay

"lubusan niyang pupunuin ang lahat ng bagay" o "lahat ay maaring mapuno sa kaniya"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:11-13

Nagbigay si Cristo ng mga kaloob tulad ng mga ito

Maaaring isalin na: "Si Cristo ay nagbigay ng kaloob sa iglesia katulad ng mga ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

sa paglilingkod

AT: "Paglilingkod sa iba"

ikatitibay ng katawan ni Cristo

Inihahalintulad ang paglago sa espiritwal sa pagsasanay para dagdagan ang kalakasan ng katawan ng tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

maabot natin ang pagkakaisa sa pananampalataya at kaalaman sa Anak ng Diyos

Ang kaalaman ni Jesus bilang Anak ng Diyos ay kinakailangan upang maabot ang pagkakaisa ng pananampalataya at kaganapan bilang mga mananampalataya.

maabot natin ang pagkakaisa sa pananampalataya

Maaaring isalin na: "maging pare-parehong malakas ang pananampalataya"

Anak ng diyos

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

maging ganap

Maaaring isalin na: "maging ganap na mga mananampalataya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:14-16

Ito ay upang hindi na tayo

Tayo ay magiging"

katulad ng mga bata

Ito ay inihahalintulad sa isang mananampalataya na hindi pa malago sa espirituwal sa isang bata na may kaunting karanasan sa buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Upang hindi na tayo maligaw. Upang hindi na tayo madala palayo sa bawat hangin ng katuruan

Ito ay paghahalintulad sa isang mananampalataya na hindi pa malago at nakakarinig ng maling katuruan sa isang bangka na natatangay sa pamamagitan ng hangin sa iba't-ibang dako sa tubig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa pandaraya ng mga tao sa pamamagitan ng matalas na pag-iisip ng kamalian at panlilinlang

"sa katusuhan ng mga tao na nanlilinlang ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga bihasang kasinungalingan"

Totoo nga tayo ay magsaslita

"Sa halip tayo ay magsasalita"

sa kaniya na siyang ulo...ang buong katawan ay lumago at tumibay

Ginamit ni Pablo ang katawan ng tao upang ilarawan kung paanong si Cristo ang sanhi ng mga mananampalataya na magtrabaho na magkakatugma katulad ng ulo ng isang katawan na naging dahilan upang ang bawat bahagi ng katawan ay magtrabaho upang lumagong malusog. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

upang ang buong katawan ay lumago at tumibay sa pag-ibig

"kaya ang mga mananampalataya ay maaring tumulong sa bawat isa na lumago sa pag-ibig" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:17-19

Nag-uugnay na Pahayag:

Sinasabi ni Pablo sa kanila kung ano ang hindi na nila dapat gawin ngayon na sila ay mga mananampalatayang tinatakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng Diyos.

Kaya, sinasabi ko ito, at pinapayuhan ko kayo sa Panginoon

Maaaring isalin na: "Kaya labis kong pinapalakas ang loob ninyo sa Panginoon"

huwag na kayong lumakad na katulad ng mga Gentil na lumalakad sa karumihan ng kanilang mga isipan

Maaaring isalin na: "katulad ng mga Gentil kasama ng walang kabuluhan nilang mga pag-iisip" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Masama ang kanilang pag-iisip. Napalayo sila sa buhay na nasa Diyos dahil sa kamangmangan na nasa kanila dahil sa pagmamatigas ng kanilang mga puso

Maaaring isalin na: "Hindi nila mararanasan ang buhay ng Diyos dahil ang kanilang pag-iisp ay naging bulag at matigas ang kanilang ulo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

masama ang kanilang pag-iisip

Hindi na sila nag-iisip o nangangatwiran ng maayos.

Napalayo sila sa buhay na nasa Diyos dahil sa kamangmangan na nasa kanila

Maaaring isalin na: "ang kanilang kamangmangan ang naghiwalay sa kanila mula sa buhay ng Diyos" o" sila ay walang kaalaman sa Diyos kaya hindi nila mararanasan ang kaniyang buhay. (tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

dahil sa katigasan ng kanilang puso

Tinanggihan nila na makinig sa Diyos at sumunod sa kaniyang mga katuruan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan sa malalaswang mga gawa, sa lahat ng uri ng kalabisan.

Maaaring isalin na: "Binigay nila ang kanilang mga buhay para sa isang malabis na pagnanais para sa kasiyahan ng kanilang masamang asal at kasakiman para sa lahat ng kanilang mga pagnanais" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:20-22

Ngunit hindi ganito ang natutunan ninyo patungkol kay Cristo

Maaaring isalin na: "Ngunit hindi kayo natutong sumunod kay Cristo sa ganitong pamamaraan"

Iniisip kong narinig na ninyo ang patungkol sa kaniya Iniisip kong naturuan na kayo patungkol sa kaniya, dahil na kay Jesus ang katotohanan

Maaaring isalin na: "Simula nang iyong narinig ang patungkol kay Jesus at nalaman ang katotohanan tungkol sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Dapat ninyong hubarin ang naaayon sa dati ninyong gawain, ang dating pagkatao. Ito ay ang dating pagkatao na nabubulok dahil sa mapanlinlang na pagnanasa.

Maaaring isalin na: "dapat ninyong alisin ang pag uugaling normal sa inyong mga dating pamamaraan ng pamumuhay, na naging malala sapagkat ang inyong mga masasamang mga hanagarin ay malilinlang kayo" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Dapat ninyong hubarin ang dating pagkatao

Dapat ninyong alisin ang inyong sarili sa lahat ng makasalanang pag-uugali tulad ng paghubad ng mga damit at itapon ang mga ito. Maaaring isalin na: "dapat ninyong baguhin ang inyong pag-uugali." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Dapat ninyong hubarin ang naaayon sa dati ninyong gawain

Maaaring isalin na: "kaugalian na sumasang-ayon sa inyong dating katangian" o "kaugalian na sumasang-ayon sa inyong lumang sarili"

na kung saan ay nasira ayon sa mapanlinlang na pagnanasa

Maaaring isalin na: "na kung saan patuloy na lumalagong masama dahil sa kasinungaling pagnanasa ng laman"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:23-24

mabago ang espiritu ng inyong pag-iisip

Maaaring isalin na: "mababago kayo" o "magbagong-anyo kayo"

upang maisuot ninyo ang bagong pagkatao

Ang hindi mananampalataya ay naging isang bagong tao nang siya ay naging isang mananampalataya kay Cristo tulad ng isang taong nagsusuot ng damit at mukhang ganap na kakaiba. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:25-27

alisin ninyo ang kasinungalingan

Maaaring isalin na: "dapat kang tumigil sa pagsisinungaling"

Magsalita ng katotohanan, ang bawat isa sa kaniyang kapwa"

Maaaring isalin na: "ang mga mananampalataya ay dapat magsabi ng katotohanan sa kanilang mga kapwa"

kabahagi tayo ng bawat isa

"lahat tayo ay miyembro ng pamilya ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

Magalit kayo, subalit huwag kayong magkasala

"maari kang magalit, ngunit huwag kang magkasala"

Huwag ninyong hayaan na lumubog ang araw sa inyong galit

Maaaring isalin na: "Huminto ka sa pagiging galit bago pa dumating ang gabi" o "alisin ang inyong galit bago pa matapos ang araw"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 4:28-30

Dapat walang lalabas na masamang salita sa inyong bibig

"Huwag pahintulutan ang masamang salita na lumabas sa inyong bibig" o "huwag pahintulutan ang makasalanang salita na lumabas sa inyong bibig"

Sa halip, dapat mga salitang may pakinabang ang lalabas sa inyong bibig

"sa halip magsalita ng mga salita na kapaki-pakinabang na magbibigay lakas sa ibang mananampalataya (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

upang magbigay ng pakinabang sa mga nakikinig

"Sa ganitong pamamaraan kayo ay magbibigay biyaya sa kanilang mga nakikinig"

huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos

Maaaring isalin na: "Huwag maging sanhi sa Banal na Espiritu ng Diyos na maging malungkot dahil sa inyong masamang pananalita"

dahil sa kaniya kayo ay tinatakan

Maaaring isalin na: "dahil tinatakanniya kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Ephesians 4:31-32

poot...galit

Ang mga salitang "poot" at "galit" ay nagpapahayag ng matinding sidhi ng galit. Maaaring isalin na: "walang pigil na galit" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

pagtatalo...pang-iinsulto

Ang salitang "pagtatalo" ay pinapasidhi ang karahasan ng "pang-iinsulto".Maaaring isalin na: "marahas na pag-aabuso sa salita." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

maging mabuti sa isa't-isa, maging mahabagin

Maaring isalin na: "Sa halip dapat kayong maging mabuti sa isa't-isa, mahinahon" o "sa halip kayo ay dapat maging mabuti sa isa't-isa, puno ng kahabagan"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/04.md]]

Ephesians 5

Ephesians 5:1-2

Nag-uugnay na Pahayag:

Ipinagpatuloy ni Pablo na sabihin sa mga mananampalataya kung paano sila dapat at hindi dapat mamuhay bilang mga anak ng Diyos.

Kaya tularan ninyo ang Diyos

Maaaring isalin na: "Kaya marapat ninyong gawin ang mga bagay na ginagawa ng Diyos"

bilang kaniyang mga minamahal na anak

Nais ng Diyos na tularan natin siya dahil tayo ay kaniyang mga anak.

lumakad sa pag-ibig

"mamuhay sa pag-ibig"

Siya ay naging alay at handog na naging kalugod-lugod sa Diyos

"isang mabangong-samyong handog at alay sa Diyos"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:3-4

Sekswal na imoralidad o ano mang karumihan o mapag-imbot na kaisipan ay hindi dapat nababanggit sa gitna ninyo, gaya ng nararapat sa mga mananampalataya

Maaaring isalin na: Huwag pahintulutan kahit na ang pag-isip ng seksuwal na imoralidad o anumang karumihan o pag-iimbot na matagpuan sa kalagitnaan ng bayan ng Diyos"

ano mang karumihan

"anumang karumihang moral"

mapag-imbot na kaisipan

Maaring isalin na: "pagnanasa sakung anong mayroon ang iba"

ay hindi dapat nababanggit sa gitna ninyo

"hindi dapat masasambit sa kalagitnaan ninyo" o "hindi dapat matuklasan sa kalagitnaan ninyo"

na nararapat sa mga mananampalataya

Maaaring isalin na: "Ang inyong mga gawi ay kailangang laging na-aayon bilang banal na bayan ng Diyos"

Hindi rin dapat mabangit ang kalaswaan, walang kabuluhang pananalita, o mga pagbibirong nakakainsulto. Sa halip pagpapasalamat.

Maaaring isalin na: "Hayaan ninyo na ang inyong mga salita ay mapuno ng pasasalamat, hindi karumihan at kamangmangan na pag-uusap o maruruming biro"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:5-7

Huwag hayaang may tao na manlinlang sa inyo ng mga salitang walang laman

Maaaring isalin na: "Huwag ninyong hayaan na dayain kayo ng ibang tao sa pamamagitan ng mga hindi totoong pangangatuwiran" o "Huwag ninyong hayaan na iligaw kayo ninuman sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan"

Dahil sa mga bagay na ito ang galit ng diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway

Maaaring isalin na: "Ang galit ng Diyos ay darating sa mga taong sumusuway sa kaniya sa tuwing ginagawa nila ang mga bagay na ito"

Kaya huwag kayong makibahagi sa kanila

Maaaring isalin na: "Tiyakin ninyong hindi kayo lumalahok kasama nila sa masamang gawi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:8-12

Sapagkat noon kayo ay kadiliman

Gaya ng isang hindi kayang makakita sa dilim, kaya ang mga taong namumuhay sa kasalanan ay kulang sa espirituwal na pang-unawa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ngunit ngayon kayo ay kaliwanagan sa Panginoon

Gaya ng isang nakakakita sa liwanag, kaya ang mga taong namumuhay sa katuwiran ay may espirituwal na pang-unawa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Sapagkat ang bunga ng liwanag ay napapalooban ng lahat ng kabutihan, katuwiran, at katotohanan

Ang mga gawa mula sa buhay ng isang mananapalataya (kabutihan, katuwiran at katotohanan) ay tulad ng mabuting bunga mula sa isang malusog na puno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Huwag makibahagi sa walang kabuluhang mga gawain ng kadiliman

"Huwag sumangkot sa mga hindi mabungang mga gawain ng kasalanan o mga hindi mananampalataya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa mga walang kabuluhang gawain ng kadiliman

Ang mga gawa ng isang namumuhay sa espirituwal na kadiliman ay tulad ng mga masasamang gawain na ikinukubli sa pamamagitan ng kadiliman sa gabi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa halip, ihayag iyon

"sa halip ipakita mo na sila ay mali"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:13-14

Lahat ng mga bagay, kapag ito ay naihayag sa liwanag

Gaya ng liwanang na inihahayag ang mga bagay na nakatago sa pisikal na mundo, kaya ang liwanag ni Cristo ay hinahayag ang mga masasamang espirituwal na gawa ng mga hindi mananampalataya sa espirituwal na mundo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Gumising, kayo mga natutulog at bumangon mula sa mga patay

Kailangang gumising ng mga hindi mananampalataya mula sa pagiging patay sa espiritu katulad sa isang tao na namatay ay kailangang mabuhay muli upang makatugon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

magliwanag sa inyo si Cristo

Bibigyan ng kakayanan ni Cristo ang isang hindi mananampalataya na maunawaan ang kaniyang kaloob na kapatawaran at bagong buhay gaya ng liwanag na pinapakita kung ano ang nakatago sa kadiliman. (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:15-17

Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo lumakad, hindi tulad ng mangmang na mga tao kundi katulad ng matalino

Ang mga mangmang na tao ay hindi nagbabantay sa kanilang mga sarili laban sa kasalanan. Ngunit kayang tukuyin ng matalinong tao ang kasalanan at tumakas palayo dito. Maaaring isalin na: "Samakatuwid, kailangan ninyong mag-ingat na mabuhay tulad ng isang matalinong tao kaysa isang mangmang na tao" o "Samaktuwid kailangan ninyong maging lubos na maingat na mamuhay tulad ng isang matalinong tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

samantalahin ninyo ang panahon

Maaari tayong pumili kung mamumuhay tayo sa kasalanan na tulad din sa matalinong pag-gamit ng oras. O maaari tayong mamuhay na ginagawa natin kung ano ang gusto ng Panginoon na gawin natin at gamitin natin ang ating oras ng matalino. Maaaring isalin na: "Gamitin ang iyong oras nang may katalinuhan."

sapagkat ang mga araw ay masama

Ang salitang "mga araw" ay nangangahulugang mga panahong ikaw ay nabubuhay dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:18-21

At huwag magpakalasing sa alak

"At huwag kayong magpakalasing sa pag-inom ng alak"

Sa halip, mapuspos kayo ng Banal na Espiritu

"sa halip dapat kayong mapuspos ng Banal na Espiritu"

sa mga salmo at mga himno at mga espiritwal na mga awitin

Maaaring isalin na: "sa pamamagitan ng lahat ng mga uri ng awitin upang papurihan ang Diyos"

Magpasalamat lagi

Maaaring isalin na: "Palaging magbigay pasasalamat"

Magpasakop kayo

Maaaring isalin na: "Ipasakop nang mapagpakumbaba ang inyong mga sarili"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:22-24

Nag-uugnay na Pahayag:

Nagbibigay si Pablo ng mga tuntunin para sa asawang lalaki at babae kung paano marapat pakitunguhan ang bawat isa.

Siya ang taga-pagligtas ng katawan

Maaaring isalin na: "Si Cristo ang Tagapagligtas ng katawan ng mga mananampalataya" o "Si Cristo ang Tagapagligtas ng lahat ng mananampalataya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

gayon din naman ang mga asawang babae sa kanilang mga asawa sa lahat ng bagay

Maaaring isalin na: "kaya mga asawang babae dapat din kayong magpasakop sa inyong mga asawang lalaki sa lahat ng bagay" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:25-27

ibigin ninyo ang inyong mga asawa

Ang "ibigin" dito ay tumutukoy sa hindi makasariling paglilingkod, o pagbibigay ng pag-ibig.

ibinigay ang kaniyang sarili sa kaniya ginawa niya ito upang maging banal siya

Ang mga salitang "kanyang sarili" at "niya" ay tumutukoy kay Cristo. Ang mga salitang "siya" at "tayo" ay tumutukoy sa iglesia.

ibinigay ang kaniyang sarili sa kaniya

Maaaring isalin na: "Inalay ni Cristo ang lahat para sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Nilinis niya siya sa pamamagitan ng paghugas sa tubig ng salita

Mga maaring kahulugan 1) Tinutukoy ni Pablo ang pagiging malinis sa pamamagitan ng salita ng Diyos at pagbautismo sa tubig kay Cristo o 2) Sinasabi ni Pablo na ginawa ng Diyos na tayo ay malinis sa espiritu mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng salita ng Diyos katulad ng paglilinis ng ating mga katawan sa pamamagitan ng paghugas ng tubig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

upang maiharap sa kaniya ang isang maluwalhati na Iglesia

"upang maiharap ni Cristo sa kaniyang sarili ang iglesia"

walang dungis o kulubot

Sinasabi ni Pablo na ang iglesia ay tulad ng isang kasuotang malinis at maayos. Ginagamit niya ang parehong kaisipan sa dalawang paraan upang bigyang-diin ang kadalisayan ng iglesia. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

banal at walang kamalian

Ang pariralang "walang kamalian" ay nangangahulugan katulad ng salitang "banal." Ginagamit ni Pablo ang dalawang ito nang magkasama upang bigyang diin ang kadalisayan ng iglesia. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:28-30

katulad ng sarili nilang katawan

Maaaring isalin na: "tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling katawan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

inaalagaan niya ito at minamahal

"sa halip ay ina-aaruga niya" o "sa halip ay ina-alagaan ito"

tayo ay mga bahagi ng kaniyang katawan.

Mga maaaring kahulugan 1) "tayo ay mga kasapi ng katawan ng mga mananampalataya" o 2) ang mga mananampalataya ay sama-samang nagkakaugnay upang itayo ang katawan ng Panginoon katulad ng mga bahagi ng katawan ng tao na magkakatugma upang bumuo ng isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 5:31-33

Dahil dito

"Sa kadahilanang ito"

kinakailangang mahalin ang kaniyang sariling asawa tulad sa kaniyang sarili

Ang mga salitang "kaniyang" at "sarili" ay tumutukoy sa isang lalaking mananampalataya na may asawa.

ang asawang babae ay kinakailangang igalang ang kaniyang asawa

"ang asawang babae ay kailangang parangalan ang kaniyang asawang lalaki"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/05.md]]

Ephesians 6

Ephesians 6:1-3

Nag-uugnay na Pahayag:

Nagbibigay si Pablo ng mga bilin sa mga anak, ama, manggagawa, at panginoon.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon

Tinutukoy ni Pablo ang mga anak na sumunod sa kanilang pisikal na mga magulang.

upang maaari itong maging mabuti sa inyo at maaaring mabuhay kayo ng mahaba dito sa mundo

Ang salitang "sa inyo" ay tumutukoy sa mga taga-Israel kung kanino nagsasalita si Moises. Maaaring isalin na: "upang kayo ay maaring sumagana at mamuhay ng mahaba sa mundo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:4

At kayong mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit

"Kayong mga ama ay hindi dapat gumawa ng mga bagay na ikakagalit ng inyong mga anak" o "Kayong mga ama ay hindi dapat maging dahilan ng mga anak upang magalit"

palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon

"tulungan silang lumago sa pagsasanay at sa katuruan ng Panginoon"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:5-8

Mga alipin, maging masunurin kayo sa

Maaaring isalin na: "Kayong mga alipin ay dapat sumunod"

malalim na paggalang at may pagkatakot

Ito ay dalawang magkaparehong paraan upang ipakita ang karangalan sa isang panginoon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso, Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo

Maaaring isalin na: "mapagkumbabang takot, gaya ng pagsunod ninyo kay Cristo"

hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila

Maaaring isalin na: "laging gumawa na para bang ikaw ay gumagawa para kay Cristo mismo, kahit na ang iyong mga panginoon ay hindi nakatingin sa inyo"

tulad ng pagsunod ninyo kay Cristo

Paglingkuran ninyo ang inyong panginoon sa lupa na para bang ang panginoon ninyo sa lupa ay si Cristo mismo.

Maglingkod kayo ng buong puso, na parang pinaglilingkuran ninyo ang Panginoon at hindi ang mga tao

Maaaring isalin na: "magtrabaho ng may kaligayahan sapagkat ikaw ay nagtatrabaho para sa Panginooon at hindi lamang para magbigay lugod sa mga tao"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:9

gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan

Maaaring isalin na: "huwag ninyong takutin ang inyong mga alipin, kundi pakisamahan ninyo sila katulad ng pakikisama ni Cristo sa kanila"

Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit

Maaaring isalin na: "dahil alam ninyo na si Cristo ang Panginoon ng parehong mga alipin at ng kanilang mga panginoon"

Alam ninyo na wala siyang tinatangi.

Maaaring isalin na: "at wala siyang itinatangi"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:10-11

Nag-uugnay na Pahayag:

Si Pablo ay nagbigay ng mga bilin upang ang mga mananampalataya ay maging malakas sa pakikipaglaban na ating ipinamumuhay para sa Diyos.

magpakatatag kayo sa Panginoon at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan

Maaaring isalin na: "umasa ng lubos sa Panginoon na bigyan kayo ng espiritwal na kalakasan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Isuot ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maari ninyong malabanan ang mapanlinlang na mga balak ng diablo.

Dapat gamitin ng mga Kristiyano ang lahat ng paraan na binibigay ng Diyos upang maging matatag laban sa diablo katulad ng isang sundalong nagsusuot ng baluti upang ipagtanggol niya ang kaniyang sarili mula sa paglusob ng mga kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:12-13

laman at dugo

Ang pahayag na ito ay tumutukoy sa mga tao, hindi sa mga espiritu na walang katawan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Kaya isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos

Ang mga Kristiyano ay dapat gumamit ng pananggalang mga pinagkukunan na binigay sa kanila ng Diyos sa pakikipaglaban sa diablo katulad kung paano ang isang sundalo nagsusuot ng baluti upang maipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa kaniyang mga kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:14-16

sinturon ng katotohanan

Ang katotohanan ang humahawak sa lahat ng bagay para sa mananampalataya tulad ng sinturong humahawak sa lahat ng kasuotan ng mga sundalo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran

Ang kaloob ng katuwiran ay tumatakip sa puso ng mananampalataya tulad ng baluti sa dibdib na iniingatan ang dibdib ng isang sundalo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

mailagay sa inyong mga paa ang kahandaan sa pagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan.

Tulad ng isang sundalong nagsusuot ng mga sapatos upang magbigay ng matatag na tapakan, ang mananampalataya ay dapat mayroong matatag na kaalaman sa ebanghelyo ng kapayapaan para sa kahandaan na maipahayag ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

lahat ng kalagayan kunin ang kalasag ng pananampalataya

Ang pananampalatayang ibinigay ng Diyos sa isang mananampalataya ay dapat gamitin upang pananggalang kapag ang diablo ay lumusob katulad ng isang kalasag na ginagamit ng isang sundalo para pananggalang mula sa mga lumulusob na kalaban. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

naglalagablab na pana ng masama

Ang mga paglusob ng demonyo laban sa isang mananampalataya ay katulad ng nalalagablab na pana na ipinuntirya sa isang sundalo ng kanyang kaaway. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:17-18

At kunin ninyo ang helmet ng kaligtasan

Ang kaligtasan na binigay ng Diyos ay nagtatanggol sa isip ng mga mananampalataya katulad ng helmet na nag-iingat sa ulo ng isang sundalo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang espada ng Espiritu, ang salita ng Diyos

Ang salita ng Diyos, na pinagtibay ng Banal na Espiritu, ay ginagamit upang ipanglaban at ipagtanggol ang mga mananampalataya mula sa demonyo tulad ng isang sundalong gumagamit ng espada upang lumaban at magtanggol laban sa mga lumulusob na kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi

Maaaring isalin na: "Manalangin kayo sa lahat ng oras sa Espiritu sa inyong pananalangin at gumawa ng mga kahilingang tiyak"

ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya.

"na may palagiang kahandaan at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:19-20

Nag-uugnay na Pahayag:

Hinihiling ni Pablo sa kanila na ipanalangin siya ng katapangan sa pagpapahayag ng ebanghelyo habang siya ay nasa kulungan at sinabi na ipapadala si Tiquico para aliwin sila. At siya ay nagbigay ng basbas ng kapayapaan at biyaya sa lahat ng mananampalataya na nagmamahal kay Cristo.

na maibigay sa akin ang mensahe

Maaaring isalin na: "na ang Diyos nawa ang magbigay sa akin ng salita" o "maaring ibigay sa akin ng Diyos ang mensahe" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan

Maaaring isalin na: "kapag magsalita ako ng matapang na pagpapaliwanag"

kaya ako kinatawan na naka-tanikala

Maaaring isalin na: "ako ngayon ay nasa kulungan dahil ako ay kinatawan ng ebanghelyo"

upang sa ganito makapagsalita ako nang may katapangan kung ano ang nararapat kong sabihin

Maaaing isalin na: "upang ako ay makapagsalita ng mensahe ng Diyos ng may katapangan na nararapat sa akin dito sa kulungan"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

Ephesians 6:21-24

aking mga ginagawa

"aking katayuan" o "aking mga kalagayan"

Tiquico

Si Tiquico ay isa sa ilang mga lalaki na naglingkod kasama ni Pablo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

ang magpapaunawa sa inyo ng lahat

Maaaringisalin na: "ang magsasabi sa inyo ng lahat" (UDB)

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/eph/06.md]]