Hosea
Hosea 1
Hosea 1:1-2
Beeri
Pangalan ito ng isang lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Uzias...Jotam...Ahaz...Hezekias...Jeroboam...Jehoas
Ang mga pangyayari sa aklat na ito ay naganap sa panahon ng mga haring ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
Hosea 1:3-5
Gomer...Diblaim
Mga pangalan ito ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
ang pana ng Israel
Ang "pana" rito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng hukbo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
Hosea 1:6-7
Lo-ruhama
Maaaring isalin na: "walang habag" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
Hosea 1:8-9
Lo-ruhama
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/01/06.md]].
Lo-ammi
Maaaring isalin na: "hindi ko mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
Hosea 1:10-11
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/01.md]]
tulad ng buhangin sa dalampasigan
Nagbibigay-diin ito sa napakaraming bilang ng mga Israelita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
na hindi masusukat o mabibilang
Maaaring isalin na: "na walang makakasukat o makakabilang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Mangyayari ito kung saan sinabi sa kanila
Maaaring isalin na: "Kung saan sinabi ng Diyos sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sasabihin ito sa kanila
Maaaring isalin na: "Sasabihin ng Diyos sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Titipunin
Maaaring isalin na: "Titipunin sila ng Diyos"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
lalabas sila mula sa lupain
Tumutukoy ito sa lupain kung saan nabihag ang mga tao ng Israel.
araw ng Jezreel
Tumutukoy ito sa panahon na ibabalik ng Diyos ang kaniyang mga tao sa lupain ng Israel. (TIngnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Hosea 2
Hosea 2:1
Nag-uugnay na Pahayag:
Nakikipag-usap si Yahweh kay Hosea.
Pinakitaan kayo ng habag
Maaaring isalin na: "Pinakitaan kayo ni Yahweh ng habag" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
habag
"kabaitan" o "awa"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Hosea 2:2-3
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
sakdal
isang reklamo ng isang tao laban sa isa pang tao sa hukuman ng batas
iyong ina
Ang "ina" rito ay tumutukoy sa bansang Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sapagkat hindi ko siya asawa
Sinasabi ni Yahweh na ang Israel (siya) ay hindi na kumikilos tulad ng isang asawang babae kay Yahweh. Sa halip, tumalikod ang Israel sa pagsunod at pagsamba kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at hindi rin niya ako asawa
Hindi na maaring magkaroon ng kaugnayan si Yahweh sa bansang Israel bilang isang asawang lalaki sa kaniyang asawang babae. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at ang kaniyang mga gawaing pangangalunya
Ang asawang babaing nangangalunya ay iniiwan ang kaniyang asawa upang sumiping sa ibang lalaki. Ganito ang kinikilos ng Israel kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sa pagitan ng kaniyang mga suso
Ang larawang ito ay nagpapakitang nagtitiwala ang Israel sa mga diyus-diyosan at hindi kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
huhubaran ko siya at ipapakita ang kaniyang kahubaran gaya sa araw ng kaniyang pagkasilang
Nangangahulugan itong hindi na mangangalaga at magbibigay si Yahweh para sa Israel dahil tumalikod ang Israel kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Gagawin ko siyang tulad ng ilang
Babaguhin ni Yahweh ang Israel upang maging tulad ng ilang. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
at papatayin ko siya sa uhaw
Ang "uhaw" rito ay tumutukoy sa pangangailangan sa pagsamba at pagtiwala kay Yahweh, hindi sa mga diyus-diyosan, o hindi mananatili ang Israel bilang isang bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 2:4-5
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
sapagkat sila ay mga anak sa pagbebenta ng aliw
Kumikilos ang mga Israelita na tila hindi sila kabilang kay Yahweh. Gaya ng hindi pagsamba ng kanilang mga magulang sa Diyos, gayun din sila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sapagkat ang kanilang ina ay naging babaing nagbebenta ng aliw
Ang naunang salinlahi na naghanap ng ibang mga diyos ay itinuring na mga babaing nagbebenta ng aliw sapagkat hindi sila naging tapat kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Susundan ko ang aking mga mangingibig, sapagkat ibinibigay nila sa akin ang aking tinapay at tubig, ang aking lana at lino, ang aking langis at inumin
Ang "aking mga mangingibig" dito ay tumutukoy kay Baal at sa iba pang mga hindi tunay na diyos na piniling sambahin ng Israel, sa halip na si Yahweh. Ang mga bagay na naitala ay mahahalagang mga bagay para sa ikabubuhay ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 2:6-7
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Kaya gagawa ako ng bakod ng mga tinik upang harangan ang kaniyang daraanan. Gagawa ako ng pader laban sa kaniya upang hindi niya makita ang kaniyang daraanan
Ang pangalawang pangungusap ay mas ipinapaliwanag ang naunang pangungusap. Ibinibigay nito ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Yahweh sa Israel. Larawan ito sa gagawin ni Yahweh sa Israel kapag nagpatuloy siya sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Ang "bakod na mga tinik" at ang "pader" ay kumakatawan kay Yahweh at kung paano niya pipigilan ang mga Israelita mula sa lubusang pagtahak nila sa sarili nilang "daan," at sa halip, sinusubukang ibaling pabalik ang Israel sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Pagkatapos, sasabihin niya, "Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat mas mabuti para sa akin noon kaysa ngayon."
Manunumbalik ang Israel kay Yahweh hindi dahil sa kanilang pag-ibig sa kaniya, ngunit dahil nabigo sila sa kanilang pagsamba kay Baal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 2:8-9
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Babawiin ko ang aking lana at lino na ginamit upang takpan ang kaniyang kahubaran
Nangangahulugan itong ang mga ani ng Israel ay babagsak. Tatanggalin ni Yahweh ang kaniyang mga pagpapala sa Israel at maiiwanan sila at madaling salakayin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 2:10-11
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Pagkatapos, huhubaran ko siya sa harapan ng kaniyang mga mangingibig
Nangangahulugan itong ipapahiya ng Diyos ang mga tao ng Israel sa harapan ng ibang mga kalapit na bansa. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/02/02.md]]. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay
Walang susubok na tulungan ang Israel. Ang "kamay" rito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos upang magparusa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 2:12-13
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
kabayarang ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig
Tumutukoy ito sa kabayarang tinanggap ng Israel mula sa mga hindi tunay na diyos o sa mga Baal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Gagawin kong gubat ang mga ito
Wawasakin ni Yahweh ang mga ubasan at mga punong kahoy na namumunga sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa ibang mga puno at mga damo na tumubo kasama ng mga ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
pahayag ni Yahweh
"ang ipinahayag ni Yahweh" o "ang taimtim na sinabi ni Yahweh"
Hosea 2:14-15
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Kaya susuyuin ko siya upang manumbalik
Maaaring isalin na: "Ako, si Yahweh, ibabalik ko siya sa akin"
ang lambak ng Achor bilang pintuan ng pag-asa
Hinihintay ni Yahweh na aminin ng kaniyang mga tao na nagkasala sila sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. Ito ang pag-asa ni Yahweh para sa kaniyang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sasagot siya sa akin doon gaya ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang kabataan, gaya sa panahon nang lumabas siya sa lupain ng Egipto
Umaasa si Yahweh na magsisisi ang bansang Israel at pipiliing sumambang muli sa kaniya bilang kanilang Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 2:16-17
Mangyayari ito sa araw na iyon
Tumutukoy ito sa araw kapag pipiliin ng Israel na sambahin lamang si Yahweh.
pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/02/12.md]].
Aking asawa
Nangangahulugan itong iibig at magiging tapat ang mga tao ng Israel kay Yahweh gaya ng asawang babae sa kaniyang asawang lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Aking Baal
Ang "Baal" ay nangangahulugang "panginoon" at tumutukoy rin sa hindi tunay na diyos na sinasamba ng mga Canaanita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sapagkat tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga Baal mula sa kaniyang bibig
Hindi na muling sasabihin ng mga Israelita ang mga pangalan ni Baal at ng mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Hosea 2:18
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Sa araw na iyon
Ginamit ang mga salitang ito upang tukuyin ang paghuhukom at ang pagpapanumbalik sa hinaharap.
para sa kanila, gagawa ako ng kasunduan
Ang mga paksa sa kasunduang ito ay ang mga hayop. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Paaalisin ko ang pana, ang espada, at ang digmaan mula sa lupain, at pahihigain kita nang ligtas
Ilalayo ni Yahweh ang mga kaaway ng Israel sa kanila, wala ng digmaan, magiging ligtas ang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 2:19-20
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Ipapangako kong magiging asawa mo ako magpakailanman
Magiging tulad ng asawang lalaki si Yahweh, at magiging tulad ng asawang babae ni Yahweh ang Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ipapangako kong magiging asawa mo ako sa katapatan
Magiging tapat si Yahweh sa kaniyang kasunduan sa Israel.
asawa mo ako sa katapatan
"tapat na asawang lalaki"
At makikilala mo ako, si Yahweh
Ang "makikilala" rito ay nangangahulugang kilalanin si Yahweh bilang kanilang Diyos.
Hosea 2:21-22
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/02/12.md]].
Sasagutin ng lupa ang butil, ang bagong alak at ang langis, at sasagutin ng mga ito ang Jezreel
Nangangahulugan itong sasagutin ni Yahweh ang mga pangangailangan ng Israel sa pamamagitan ng pagbibigay ng butil, alak, at langis ng olibo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
Hosea 2:23
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/02.md]]
Itatanim ko siya sa lupain para sa akin
Maaaring isalin na: "Aalagaan ko ang mga Israelita gaya ng isang magsasakang tinataniman ang sarili niyang lupain at inaalagaan ang kaniyang mga pananim."(UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Lo-ruhama
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/01/06.md]].
Lo-Ammi
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/01/08.md]].
Ammi Attah
Maaaring isalin na: "aking mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Hosea 3
Hosea 3:1-3
Humayo kang muli, umibig ka sa isang babae, na inibig ng kaniyang asawa, ngunit isang mangangalunya
Tumutukoy ito pabalik sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/01/01.md]]. Sinasabi muli ni Yahweh na umibig si Hosea sa babaing mangangalunya.
Ibigin mo siya gaya ko, si Yahweh, na iniibig ang mga tao ng Israel
Sa pamamagitan ng pag-ibig sa babaing mangangalunya, magiging halimbawa si Hosea sa pag-ibig ni Yahweh sa Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
bumabaling sila sa ibang mga diyos at iniibig ang mga tinapay na may pasas
Kumakain ang mga tao ng pasas o igos na mga tinapay sa panahon ng mga kapistahan kung saan sumasamba sila sa mga hindi tunay na diyos.
labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada
Ito ang halaga upang bumili ng isang alipin.
labinlimang piraso
"15 na piraso" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
isang homer at isang lethek
"isang homer at kalahating homer" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bvolume/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/03.md]]
Hosea 3:4-5
Sapagkat mamumuhay sa mahabang panahon ang mga tao ng Israel nang walang hari, prinsipe, alay, haliging bato, efod o mga diyus-diyosan sa sambahayan
Nangangahulugan itong gaya ng pamumuhay ni Hosea na wala ang kaniyang asawang mangangalunya nang mahabang panahon, mamumuhay ang Israel nang mahabang panahon na wala ang kanilang sariling hari at ang relihiyosong pagsamba. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
si David na kanilang hari
Ang "David" dito ay kumakatawan sa lahat ng mga kaapu-apuhan ni David. Maaaring isalin na: "isang kaapu-apuhan ni David na kanilang magiging hari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa huling mga araw
Maaaring isalin na: "sa hinaharap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
lalapit silang nanginginig sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang kabutihan
Maaaring isalin na: "manunumbalik sila kay Yahweh nang may paggalang at hahanapin ang kaniyang mga pagpapala"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/hos/03.md]]
Hosea 4
Hosea 4:1-2
Nilabag ng mga tao ang lahat ng hangganan
Maaaring Isalin na: "Wala nang paggalang sa kautusan ang mga tao"
sunod-sunod ang pagdanak ng dugo
Maaaring Isalin na: "nakagawa kayo ng sunod-sunod na pagpatay" (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 4:3
Kaya natutuyo ang lupain
Ito ang kinalabsan ng mga kasalanan ng mga tao.
mawawala
nagiging mahina at mamamatay dahil sa sakit o walang pagkain
maging ang mga isda sa dagat ay kukuhanin
"kahit na ang mga isda sa dagat ay namamatay"
Hosea 4:4-5
sakdal
reklamo ng isang tao laban sa isa pang tao sa hukuman ng batas
huwag hayaang paratangan ng sinuman ang iba
Walang sinuman ang dapat magparatang sa isa pang tao ng kahit ano dahil ang bawat isa ay may kasalanan sa isang bagay.
aking wawasakin ang inyong ina
Dito, ang "ina" ay tumutukoy sa bansang Israel. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/02/02.md]]. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 4:6-7
Malilipol ang aking mga tao dahil sa kakulangan ng kaalaman
Maaaring Isalin na: "Lilipulin ko ang aking mga tao dahil kayong mga pari ay hindi sila tinuruan ng tama tungkol sa akin upang sumunod sila sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
dumarami
Maaaring Isalin na: "mas dumami ang kanilang bilang"
Papalitan ko nang kahihiyan ang kanilang karangalan
Dahil sa mga masamang halimbawa at malaking kasalanan ng mga pari, tanggihan at ipapahiya ni Yahweh ang mga pari.
Hosea 4:8-9
Pinakain sila sa kasalanan ng aking mga tao
Kapag nagkasala ang mga tao, mag-aalay sila ng mga handog upang patawarin sila ng Diyos. Pinahihintulutan ang mga pari na kainin ang mga alay na ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sakim sila sa labis pa nilang kasamaan
Nais ng mga pari na magkasala pa ang mga tao upang mag-alay pa sila ng mga handog na maaaring kainin ng mga pari.
Magiging pareho ang para sa mga tao gaya ng sa mga pari
Maaaring Isalin na: "Paparusahan ang mga pari at mga tao sa parehong paraan"
kanilang mga ginagawa
"kanilang kinagawian" o "kanilang pag-uugali"
Hosea 4:10
ngunit hindi sila darami
"ngunit hindi magkakaanak"
lumayo sila
Itinigil ng mga tao ang pagsamba at pagsunod sa Diyos.
Hosea 4:11-12
Ang mahalay na gawain, ang alak at bagong alak ang nag-aalis sa kanilang pang-unawa
Inilalarawan ni Yahweh ang mga bagay na ito na parang mga tao na kayang kumuha ng isang bagay. Ibig niyang sabihin na dahil ang mga Israelita ay nakikipagsiping sa maraming tao at umiinom ng labis na alak, hindi nila mauunawaan ang mga kautusan ni Yahweh. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
kanilang mga tungkod ang nagbibigay sa kanila ng mga hula
Gumamit ang mga sumasamba sa diyus-diyosan ng tungkod upang tulungan silang hulaan ang hinaharap. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
ang espiritu ng kahalayan ang nagligaw sa kanila
Ang pagsasamba sa mga diyus-diyosan at pakikipagsiping sa mga babaing nagbebenta ng aliw sa templo ang nagdulot ng malaking kasalanan ng mga Israelita laban kay Yahweh.
Hosea 4:13-14
Kaya ang mga taong ito na hindi nakakaunawa ay malilipol
Wawasakin ni Yahweh ang bansang Israel sapagkat hindi nila nauunawaan o sinunod ang mga kautusan ng Diyos.
Hosea 4:15-16
nawa ay hindi magkasala ang Juda
Alam ng Diyos kung gaano naging makasalanan ang Israel at hindi nais na gawin ng Juda ang kaparehong gawain.
Huwag kayong pumunta sa Gilgal, kayong mga tao; huwag umakyat sa Beth-aven
Binalaan ang mga tao ng Juda na huwag pumunta sa Gilgal o Beth-aven upang sumamba sa mga diyus-diyosan sa mga lugar na iyon. Naging banal na lugar ang Gilgal noon, ngunit naging lugar ito sa pagsasamba sa diyus-diyosan.
Beth-aven
Ito ay isang lungsod sa hangganan sa pagitan ng hilagang kaharian ng Israel at sa tribo ng Benjamin sa dakong timog ng kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
tulad ng isang babaing guya
Inihambing ang Israel sa isang batang baka na hindi sumusunod sa kaniyang panginoon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Paano sila dadalhin ni Yahweh sa pastulan tulad ng mga tupa sa isang malawak na pastulan?
Nang pinahintulutan ni Yahweh na maging malaya ang Israel, bumalik sila sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hosea 4:17-19
Nakiisa ang Efraim sa mga diyus-diyosan, pabayaan siyang mag-isa
Dito ang "Efraim" ay tumutukoy sa mga tao sa hilagang kaharian ng Israel. Pinili nilang sambahin ang mga diyus-diyosan, sa halip na si Yahweh. Inuutusan ni Yahweh si Hosea na huwag silang ituwid. Ang mga tao sa Israel ay hindi makikiknig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
iniibig ng kaniyang mga pinuno ang kanilang kahihiyan
Hindi nahihiya ang mga namumuno sa kanilang mga ginagawa nang sumamba sila sa mga diyus-diyosan at tumalikod laban kay Yahweh.
Babalutin ng hangin sa kaniyang mga pakpak
Dito ang "hangin" ay kumakatawan sa paghatol at galit ng Diyos laban sa bansang Israel. Pahihintulutan ni Yahweh na tatalunin ng hukbo ng kalaban ang mga Israelita at dadalhin sila bilang mga bihag. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 5
Hosea 5:1-2
Naging isang bitag kayo sa Mizpa at isang nakalatag na lambat sa buong Tabor
Ang isang bitag at lambat ay parehong mga bagay na ginagamit upang manghuli ng biktima. Sa kalagayang ito, ang mga pari at sambayanan ng hari ay nag-isip ng mga paraan upang mapanatili na malayo ang mga tao kay Yahweh, habang tinutukso sila sa mga diyus-diyosan. Ang Mizpa at Tabor ay mga lugar sa pagsamba ng diyus-diyosan sa lupain ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nalunod sa pagkakatay ang mga maghihimagsik
Dito ang "maghihimagsik" ay tumutukoy sa lahat ng mga taong tumalikod mula kay Yahweh, at "nalunod sa pagkakatay" ay maaaring tumukoy sa pagkakatay ng mga handog sa mga diyus-diyosang pagano. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 5:3-4
Kilala ko ang Efraim, at hindi lingid sa akin ang Israel
Dito, ang Efraim at Israel ay parehong tumutukoy sa mga tao na nakatira sa hilagang kaharian ng Israel. Binibigyan diin dito na alam ng Diyos na sumasamba sila sa mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ngayon Efraim, naging tulad ka ng isang babaing nagbebenta ng aliw
Inahambing ang Efraim sa isang babaing nagbebenta ng aliw sapagkat hindi naging tapat ang mga tao sa Diyos . (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
sapagkat nasa kanila ang espiritu ng pangangalunya
Ito ay nangangahulugan na mayroon silang hangarin na hindi maging tapat sa Diyos. Nais nilang sumamba sa mga diyus-diyosan.
at hindi nila ako nakikilala, si Yahweh
Hindi na sumusunod ang Israel o nakikinig kay Yahweh sa kahit anong paraan. Hindi na nila kinikilala si Yahweh bilang kanilang Diyos.
Hosea 5:5-7
Nagpapatotoo ang pagmamataas ng Israel laban sa kaniya
Naglalarawan ito na ang "pagmamataas" bilang isang tao na nagpapatotoo laban sa mga tao ng Israel sa hukuman. Nangangahulugan ito sa kanilang mapagmalaking pagkilos at pag-uugali na nagpapakitang sila ay makasalanan sa hindi pagsunod kay Yahweh. (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
kaya matitisod ang Israel at Efraim sa kanilang mga kasalanan; at matitisod din ang Juda kasama nila
Nangangahulugan ito na paparusahan ng Diyos ang parehong hilaga at katimugang kaharian ng Israel sapagkat mapagmataas ang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hindi sila naging tapat kay Yahweh, sapagkat nagkaroon sila ng mga anak sa labas
Mga maaaring kahulugan ay 1) ito ay nangangahulugan na nag-aasawa ang mga Israelita ng mga tao mula sa ibang mga bansa at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila o 2) nangangahulugan ito na ang mga magulang na Israelita ay hindi naging tapat kay Yahweh at tinuturuan nila ang kanilang mga anak upang sumamba sa mga diyus-diyosan.
Lalamunin sila ngayon ng mga pista ng bagong buwan kasama ng kanilang mga bukirin.
Ang mga Israelita ay dapat magdiwang tuwing bagong buwan. Dito, inilalarawan ito na ang "pista ng bagong buwan" bilang isang hayop na kakain sa mga tao at kanilang mga bukirin. Nangangahulugan ito na ganap silang lilipulin ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
Hosea 5:8-9
Hipan ang tambuli sa Gibea, at ang trumpeta sa Rama
Dito ang "tambuli" at "trumpeta" ay nangangahulugan ng magkaparehong bagay. Ibinigay ang utos na ito sa mga tao ng Gibea at Rama upang bigyang diin na paparating na ang mga kalaban. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Patunugin ang hudyat ng pakikipaglaban sa Beth-aven: Susunod kami sa iyo, Benjamin!
Maaaring ito ay isang babala sa Benjamin o isang paghingi ng tulong mula sa Benjamin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Beth-aven
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/04/15.md]].
Kabilang sa mga tribo ng Israel na aking ipinahayag kung ano ang tunay na mangyayari
Maaaring Isalin na: "Gagawin ko sa mga tribo ng Israel kung ano ang aking ipinahayag"
Hosea 5:10-11
Ang mga pinuno ng Juda ay tulad ng mga naglilipat ng batong palatandaan
Ang "paglipat ng batong palatandaan" ay tumutukoy sa paglipat ng palatandaan na nagmamarka sa hangganan ng ilang ari-arian, kung saan ay isang kasalanan sa ilalim ng batas ng Israelita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na tulad ng tubig
Ang poot ni Yahweh laban sa Juda ay tulad ng isang malaking sapa ng tubig na lilipol sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nadurog ang Efraim; nadurog siya sa paghuhukom
Inuulit ng dalawanag beses ang pahayag na ito para sa pagbibigay-diin. Dito ang "Efraim" ay tumutukoy sa mga tao sa hilagang kaharian ng Israel. Maaaring Isalin na: "Matindi kong parurusahan ang mga Israelita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 5:12-13
Para akong isang tanga sa damit sa Efraim, at tulad ng bulok sa tahanan ng Juda
Isang tanga na nasa isang pirasong lana at bulok na nasa isang pirasong kahoy na parehong nakasisira. Wawasakin ni Yahweh ang parehong mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nang makita ng Efraim ang kaniyang pagkakasakit, at makita ng Juda ang kaniyang sugat
Napagtanto ng Efraim (ang hilagang kaharian ng Israel) at Juda (ang katimugang kaharian ng Israel)na sila ay nasa panganib. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
pumunta ang Efraim sa Asiria at nagpadala ang Juda ng mga mensahero sa dakilang hari
Humingi ng tulong ang Efraim at Juda sa Asiria sa halip na humingi ng tulong kay Yahweh.
Ngunit wala siyang kakayahan
Dito ang "niya" ay tumutukoy sa hari ng Asiria.
Hosea 5:14-15
Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim
Hahabulin at sasalakayin ni Yahweh ang Efraim tulad ng isang leon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
at parang isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda
Ituturing ni Yahweh ang Judah sa parehong paraan. Ipinapakita ni Yahweh ang kaniyang galit sa parehong hilaga at timog na mga kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ako, maging ako
Binibigyang diin ni Yahweh na siya ang huhukom sa lahat ng kaniyang mga tao.
ang gugutay
Tulad ng isang leon na pipirasuhin ang hayop na kaniyang kinakain, kaya pipirasuhin ni Yahweh ang kaniyang mga tao mula sa kanilang mga tahanan at bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Aalis ako at babalik sa aking lugar
Iiwan ni Yahweh ang mga mapaghimagsik niyang mga tao.
at hanapin ang aking mukha
Maaaring Isalin na: "at hahanapin ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Hosea 6
Hosea 6:1-3
pinagpira-piraso niya tayo...sinugatan niya tayo
Pinarusahan ng Diyos ang mga tao sa Israel sapagkat sinuway nila siya at sumamba sa mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
pagagalingin niya tayo...tatalian niya ang ating mga sugat
Naniniwala ang Israel na kahahabagan sila ng Diyos kapag nagsisi sila, at ililigtas niya sila mula sa kanilang mga kaguluhan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw
Tumutukoy ito sa maikling panahon. Naniniwala ang Israel na darating kaagad ang Diyos upang iligtas sila mula sa kanilang mga kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
dalawang araw...ikatlong araw
"2 araw...ikatlong araw" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
Kilalanin natin si Yahweh
Sa pagkilala sa kaniya ay makakatulong sa mga Israelita upang iwasan ang kanilang pagkakasala laban kay Yahweh.
Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway
Darating si Yahweh upang tulungan ang kaniyang mga tao, gaya ng tiyak na pagsikat ng araw sa bawat umaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 6:4-9
iyong utos
"mga kautusan ni Yahweh"
Hosea 6:10-11
pagbebenta ng aliw ng Efraim
Dito ang "pagbebenta ng aliw" ay tumutukoy sa pagsamba ng Efraim sa mga hindi tunay na diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Sa iyo man, Juda, ay may nakatakdang pag-aani
Maaaring Isalin na: "Nagtakda rin ako ng isang panahon ng pag-aani sa inyo, Juda" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 7
Hosea 7:1-2
nais kong pagalingin ang Israel
Nangangahulugan ito na nais pagalingin ng Diyos sa espiritwal na kalagayan ang mga tao. Nais ayusin ng Diyos ang relasyon sa pagitan kaniyang sarili at sa kaniyang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
sapagkat gumagawa sila ng panlilinlang
Nagbebenta at bumibili ang mga tao ng mga kalakal ng hindi tapat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
pangkat ng mandarambong
pangkat ito ng mga tao na lumulusob ng ibang mga tao na walang dahilan.
nasa harapan ko sila.
Maaaring Isalin na: "ang masasama nilang mga gawa sa aking harapan" o "alam ko ang lahat ng kanilang masasamang mga gawa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]]
Hosea 7:3-5
Mangangalunya silang lahat
Nakagawa ng pangangalunya ang mga tao sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan at pagiging hindi tapat kay Yahweh. Marahil hindi rin sila tapat sa kanilang mga asawang lalaki o asawang babae sa pamamagitan ng pakikisiping sa ibang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
tulad ng isang pugon na pinapainit ng panadero
Nangangahulugan ito na ang mga tao ay mayroong matinding hangarin sa paggawa ng kasamaan. Maaaring Isalin na: "iugnay sa pugon na pinapainit ng panadero. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
pagmamasa hanggang sa pag-alsa nito
Bahagi ito ng paraan sa paggawa ng tinapay.
Iniabot niya ang kaniyang kamay
Nangangahulugan itong upang magka-isa o maki-isa sa isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hosea 7:6-7
Sapagkat tulad ng isang pugon ang kanilang mga puso
Nangangahulugan ito na tulad ng apoy na nagliliyab sa isang pugon, ang mga taong ito ay maroong matinding pagnanais ng kasamaan ng kanilang kalooban. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
nagbabaga ang kanilang galit
Ang salitang "nagbabaga" ay nangangahulan na may isang bagay na nagbabaga ng dahan-dahan ng walang apoy. Maaaring Isalin na: Dahan-dahang lumalaki at tahimik ang kanilang galit." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagliliyab ito na tulad ng apoy
Maaaring Isalin na: "mas umaalab ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Mainit silang lahat tulad ng isang pugon
Ihinahambing ang kanilang galit sa init na galing sa isang pugon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 7:8-9
isang manipis na tinapay si Efraim na hindi pa nabaliktad
Dito, ang "Efraim" ay tumutukoy sa mga tao sa hilagang kaharian ng Israel. Nangangahulugan ito na walang kabuluhan ang mga tao ng Israel tulad ng isang tinapay na niluto lamang ng isang tao sa iisang bahagi, walang kabuluhan sapagkat wala ni isa ang maaaring kumain nito. Maaaring Isalin na: "Tulad ng isang tinapay ang mga tao ng Efraim na walang sinuman ang nagbaliktad" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kumalat ang mga puting buhok sa kaniya
Dito ang "puting buhok" ay kumakatawan sa katandaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 7:10-11
Ang pagmamataas ng Israel ang nagpatotoo laban sa kaniya
Naglalarawan ito ng "pagmamataas " tulad ng isang tao na nagpapatotoo sa hukuman laban sa mga tao ng Israel. Nangangahulugan ito na ang kanilang mapagmataas na ugali at asal ay nagpapakita na sila ay nagkasala sa hindi na pagsunod kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
sa kabila ng lahat ng ito
Dito, ang "ito" ay tumutukoy sa Diyos na pinahintulutan ang mga dayuhan na talunin sila at gawin silang mahina.
Tulad ng isang kalapati si Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa
Ipinapalagay na ang kalapati ay mangmang na mga ibon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Egipto ...Asiria
Makapangyarihang bansa ang mga ito na maaaring hingian ng tulong ng Israel.
Hosea 7:12-13
ilalatag ko sa kanila ang aking lambat
Isang paraan ito sa paghuli ng mga ibon. Patuloy na inihahambing ni Yahweh sa mga kalapati ang Israel. Kapag sila ay pupunta sa Egipto o sa Asiria para sa tulong, parurusahan sila ni Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ibabagsak ko sila tulad ng mga ibon sa kalangitan
Maaaring Isalin na: "Hahanapin ko sila na tulad ng mga ibon" o "Huhulihin ko sila tulad ng isang mangangaso na humuhuli ng mga ibon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 7:14-15
Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili
Susugatan ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga kutsilyo habang sumasamba sa mga diyus-diyosan. Iniisip nila na maaaring ito ang maging dahilan upang pakinggan sila ng mga hindi totoong diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
at lumayo sila mula sa akin
Maaaring Isalin na: "At hindi na sila sumasamba sa akin"
Hosea 7:16
Tulad sila ng isang sirang pana
Maaaring Isalin na: "Tulad sila ng isang pana na pumana ng isang palaso sa maling dako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
dahil sa kawalang-galang ng kanilang mga dila
Dito, ang "dila" ay tumutukoy sa sinasabi ng mga opisyal. Maaaring Isalin na: "dahil hinamak nila ako" o "dahil sinusumpa nila ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Magiging dahilan ito ng pangungutya sa kanilang sa lupain ng Egipto.
Maaaring Isalin na: "Sa kadahilanang ito, kukutyain at pagtatawanan ng Egipto ang Israel"
Hosea 8
Hosea 8:1-3
Darating ang isang agila sa aking tahanan, si Yahweh
Maaaring Isalin na: Tulad ng isang agila na naghahanap ng ibang hayop, darating ang mga kaaway ng Israel upang kunin ang aking mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 8:4-5
ngunit ito ay nangyari upang sila ay mapapahamak."
Maaaring Isalin na: "ngunit ang kinahinatnan ay aking lilipulin ang mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
inyong guya
Maaaring Isalin na: "ang inyong diyus-diyosan na inyong ginawa upang maging katulad ng isang guya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Nagliliyab ang aking galit laban sa mga taong ito
Maaaring Isalin na: Lubha akong nagagalit sa mga taong ito"
Hanggang kailan sila mananatiling marumi?
Nagtanong ng ganitong katanungan si Yahweh upang ipahayag ang kaniyang galit patungkol sa kaniyang mga tao na naging marumi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hosea 8:6-7
Sapagkat itinanim ng hangin ang mga tao at umani ng ipu-ipo
Isang paraan ito na nagpapakita ng bunga sa mga pagkilos ng Israel. Tulad ng isang magsasaka na nagtamin ng maliit na binhi at umani ng ani, ang masamang kilos ng Israel ay hahantong sa galit ni Yahweh sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ang nakatayong trigo ay walang mga uhay
Dito ang "uhay" ay tumutukoy sa bahagi ng halaman kung saan naroon ang butil. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hosea 8:8-10
Nilunok ang Israel
Maaaring Isalin na: Dinala ang mga Israelita ng kanilang mga kaaway palayo sa ibang lupain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tulad ng isang mailap na asno na nag-iisa
Karaniwang iniisip ng mga tao na ang asno ay matigas ang ulo. Nangangahulugan ito na ang mga tao sa Israel ay tumanggi na makinig kay Yahweh sa halip pumunta sa mga tao ng Asiria para sa humingi ng tulong. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])v
Umupa si Efraim ng mangingibig para sa kaniyang sarili
Maaaring Isalin na: "Sinubukang magbayad ng Israel sa ibang mga bansa upang ipagtanggol sila. (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 8:11-12
Maaari kong isulat ng sampung libong beses ang aking kautusan para sa kanila
Nangangahulugan ito na ibinigay na ni Yahweh sa Israel ang kaniyang kautusan sa pamamagitan ng mga propeta at sinabi sa kanila kung ano ang kaniyang inaasahan mula sa kanila sa maraming pagkakataon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
sampung libo
"10,000" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Hosea 8:13-14
alalahanin
Maaaring Isalin na: "tandaan" o "pag-isipan"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Babalik sila sa Egipto
Dahil sa kanilang kasalanan, ipadadala ng Diyos ang kaniyang mga tao bilang mga alipin ng mga taga-Egipcio.
Hosea 9
Hosea 9:1-2
Ngunit ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila
Inilalarawan dito ang giikan at pisaan ng ubas na parang mga tao na maaaring magpakain ng tao. Nangangahulugan ito na ang ani ay hindi magbibigay ng sapat na butil at ubas para sa alak para sa mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 9:3-4
Ang kanilang mga alay ay magiging tulad sa pagkain ng nagluluksa
Dito, ang "pagkain ng nagluluksa" ay tumutukoy sa nais kainin ng mga tao habang nagluluksa sila sapagkat marumi sila at hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Nangangahulugan ito na itinuturing ni Yahweh ang mga handog ng mga tao na marumi at hindi niya tinatanggap ang mga ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Sapagkat para sa kanila lamang ang kanilang pagkain; hindi ito makakarating sa tahanan ni Yahweh.
Ang mga tao sa Israel ay may pagkain na kakainin, ngunit hindi ito tatanggapin ni Yahweh bilang isang alay.
Hosea 9:5-6
Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan, sa araw ng kapistahan para kay Yahweh?
Gumamit si Hosea ng ganitong katanungan upang bigyang diin na ang mga tao ay hindi na maaaring magdiwang ng kanilang mga kapistahan nang matalo sila ng kanilang mga kaaway at dinala silang bihag. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kung nakatakas man sila
Dito, ang "sila" ay tumutukoy pa rin sa mga tao ng Israel. Maaaring Isalin na: "kung makatas kayo."
titipunin sila ng Egipto, at ililibing sila ng Memfis
Maaaring Isalin na: "bibihagin kayo ng hukbo ng Egipto. Mamamatay kayo roon, at ang mga tao sa lungsod ng Memfis ang maglilibing sa inyo" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 9:7
Parating ang mga araw ng pagpaparusa; parating ang araw ng paghihiganti
Sinabi ni Hosea ang dalawang magkatulad na salita upang bigyang diin na sa hinaharap hahatulan ni Yahweh ang mga tao ng Israel dahil sa kanilang masamang mga gawa.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Ang isang propeta ay hangal, nasiraan ng ulo ang lalaking kinasiyahan,
Ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng iisang bagay. Ang posibleng mga kahulugan ay 1)Itinuturing mga tao ang mga propeta bilang baliw na mga tao o 2) naging baliw ang mga propeta dahil sa mga kasalanan na nagawa ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
dahil sa labis ng inyong kasamaan at labis na poot.
Ang salitang "malaking kasalanan" at "labis na kasamaan" ay nagpapahayag ng magkatulad na kahulugan. Ang kasalanan ng mga tao ay nakikita sa poot nila kay Yahweh at sa kaniyang mga propeta. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Hosea 9:8-9
ay ang bantay para sa Efraim
Ang isang "bantay" ay nagbabantay sa labas ng kaniyang lungsod upang tingnan kung may paparating na panganib. Dito binabalaan ng propeta ang mga tao kung nagkakasala sila at nanganganib na parusahan sila ng Diyos. Maaaring Isalin na: "tulad ng isang bantay para sa Efraim" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Efraim
Tumutukoy ito sa mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ngunit ang patibong ng mga ibon ay nasa lahat ng kaniyang mga daanan
Ang "patibong ng mga ibon" ay isang patibong na ginagamit sa paghuli ng ibon. Nangangahulugan ito na ang mga tao ng Israel ay ginagawa ang makakaya nilang gawin upang pigilan ang propeta ng Diyos. Maaaring Isalin na: "Ngunit naglagay ang mga tao ng patibong para sa kaniya saan man siya magpunta" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Lubha nilang sinira ang kanilang mga sarili tulad sa mga panahon ng Gibea
Maaaring Isalin na: "Nagkasala ang mga tao sa Israel at naging labis na masama tulad ng ginawa nila sa Gibea matagal ng panahon"
alalahanin
Tingnan kung paano isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/08/13.md]].
Hosea 9:10
Nang natagpuan ko ang Israel
Tumutukoy ito kung saan unang nagsimula si Yahweh sa kaniyang ugnayan sa mga tao ng Israel.
tulad ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos
Ang mga salaysay na ito ay kapwa nagbibigay diin sa kalagayan na nakalulugod sa isang tao. Nangangahulagan ito na labis na natuwa si Yahweh nang nagsimula ang kaniyang ugnayan sa mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Baal Peor
Pangalan ito ng bundok sa lupain ng Moab kung saan sinamba ang hindi tunay na diyos na si Baal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Hosea 9:11-12
lilipad na parang ibon ang kanilang kaluwalhatian
Ang mga tao sa Efraim o ang hilagang kaharian ng Israel, ay mawawala ang lahat na magawang igalang sila ng ibang mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 9:13-14
Nakita ko si Efraim, katulad ng Tiro, na naitanim sa isang parang
Maaaring Isalin na: "Minsang naging maganda at kaaya-ayang bansa ang Israel tulad ng lungsod ng Tiro, tulad ng puno na naitanin ng isang tao sa isang parang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ngunit dadalhin ng Efraim ang kaniyang mga anak
Maaaring Isalin na: "Ngunit ilalabas ng mga tao ng Israel ang kanilang mga anak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Bigyan mo sila, Yahweh—ano ang ibibigay mo sa kanila?
Gumamit ng tanong si Hosea upang bigyang-diin na ninanais niya na ibigay ni Yahweh ang nararapat sa mga tao ng Israel. Maaaring Isalin na: "Ito ang hinihiling ko sa iyo, Yahweh, na ibigay mo sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sinapupunan na makukunan
Ang "makukunan" ay nangangahulugan na ang isang pagbubuntis na maagang natapos at namatay ang sanggol.
Hosea 9:15
paaalisin ko sila sa aking tahanan
Sinasabi ni Yahweh na sapilitan niyang paalisin ang Israel palabas sa lupain na ibinigay niya sa kanila, ang lupain ng Canaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 9:16-17
Nagkasakit ang Efraim; at natuyo ang kanilang mga ugat; hindi na sila mamumunga
Inihambing ni Yahweh ang mga tao ng Israel sa isang puno na maysakit, hindi na namumunga, at handa nang putulin ng isang tao. Inilalarawan dito kung gaano naging mahina ang mga tao at sa di katagalan matatalo sila ng kanilang mga kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 10
Hosea 10:1-2
Ang Israel ay isang malagong puno ng ubas na namumunga
Inihalintulad ang mga tao ng Israel sa isang puno ng ubas na mabungang mabunga.Nangangahulugan ito ng pansamantalang pagsagana at paglakas ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
isang malagong puno ng ubas
Nagbibigay ng maraming bunga ang puno ng ubas na ito kaysa karaniwan.
Habang dumarami ang kaniyang bunga...Habang namumunga ng marami ang kaniyang lupain
Kapwa ito nangangahulugang; habang sumasagana at lumalakas at yumayaman ang mga tao.
Mapanlinlang ang kanilang puso
"Mapanlinlang sila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
kinakailangan nilang pagdusahan ngayon ang kanilang kasalanan
"ngayon ang panahon upang parusahan sila ni Yahweh sa kanilang mga kasalanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hosea 10:3-4
At isang hari--ano ba ang magagawa niya sa atin?
Binigyang diin ng katanungang ito na ang isang hari ay hindi makakatulong sa mga tao ng Israel. Maaring Isalin na: "Kahit na may isang hari tayo hindi niya tayo matutulungan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Nagsalita sila ng mga salitang walang kabuluhan
Maaaring isalin na: "Nagsasalita sila ng mga kasinungalingan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Kaya lumitaw ang katarungan
Maaaring Isalin na: "Kaya hindi makatwiran ang kanilang mga pasya sa halip sila ay nakakapinsala" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
tulad ng mga nakakalasong damo sa mga tudling ng isang bukid
Binigyang diin nito na ang kasinungalingan nila at kawalan ng katarungan ay lumaganap sa kanilang bansa at pinipinsala ang bawat isa tulad ng nakalalasong halaman. (Tinganan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 10:5-6
Beth-aven
Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/04/15.md]].
Dadalhin sila tungo sa Asiria
Maaaring Isalin na: "Dadalhin sila ng mga taga- Asiria ng palayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan
Maaaring Isalin na: "Lubhang mahihiya ang mga tao ng Israel sa pagsamba sa mga diyus-diyosan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 10:7-8
Wawasakin ang hari ng Samaria
Maaaring Isalin na: "Sisirain ng mga taga-Asiria ang hari ng Samaria" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tulad ng isang maliit na piraso ng kahoy na nasa ibabaw ng tubig
Nangangahulugan ito na ang hari ng Samaria ay magiging tulad ng isang maliit na piraso ng kahoy na walang kakayahang itinutulak ng mga alon ng tubig papunta at pabalik. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ang mga dambana ng kasamaan—ang kasalanan ng Israel—ay mawawasak
Maaaring Isalin na: Wawasakin ng mga taga-Asiria ang masasamang dambana ng Israel kung saan nagkasala sila kay Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 10:9
mga araw ng Gibea
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/09/08.md]].
Hindi ba naabutan ng digmaan ang mga gumagawa ng kasamaan sa Gibea?
"Kumikilos kayo na parang nakalimutan ninyo na naabutan ng digmaan ang mga masasama sa Gibea!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hosea 10:10-11
dobleng kasamaan
Tumutukoy ito sa maraming mga kasalanan ng Israel.
Naturuang isang dumalagang baka si Efraim na kinagigiliwang mag-giik
Kinagigiliwan ng isang dumalagang baka ang mag-giik dahil nakakalakad sila paikot ng malaya na walang pamatok. Ibig sabihin ni Yahweh na pinahintulutan niya na maging malaya ang mga tao ng Israel at magkakaroon ng kaaya-ayang buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
maglalagay ako ng isang pamatok sa kaniyang magandang leeg. Lalagyan ko ng pamatok si Efraim
Tumutukoy ang "pamatok" na ito sa paghihirap at pagkaalipin. Naging mabuti si Yahweh sa mga tao ng Israel, ngunit hindi naging tapat ang mga tao sa kaniya. Kaya parurusahan niya sila at ipapadala sila palayo bilang mga alipin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mag-aararo si Juda; at si Jacob ang hihila sa pangsuyod sa pamamagitan ng kaniyang sarili.
Tumutukoy ang "Juda" rito sa mga tao sa dakong timog na kaharian at tumutukoy si "Jacob" sa mga tao sa dakong hilagang kaharian. Nangangahulugan ito na ang Diyos ang dahilan sa mahirap na panahon ng bawat mga kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
pangsuyod
Isang kagamitan sa pagpapantay/pag-aayos ng lupa at takpan ang mga butil pakatapos araruhin.
Hosea 10:12-13
Magtanim ng katuwiran para sa inyong sarili, at anihin ang bunga ng matapat na kasunduan
Nangangahulugan ito na kung gagawin ng mga tao kung ano ang tama tatanggap sila ng mga pagpapala na ipinangako ni Yahweh sa kaniyang kasunduan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Bungkalin ninyo ang hindi pa naararong lupa
Kapag hindi "nabungkal" ang lupa nangangahulugan ito na hindi pa ito handa para sa isang tao na tamnan ng butil. Ibig sabihin ni Yahweh na nais niyang magsisi ang mga tao upang masimulan nilang gawin kung ano ang tama. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nag-araro kayo ng kasamaan; umani kayo ng kawalan ng katarungan. Kinain ninyo ang bunga ng pandaraya
Sa halip na gawin kung ano ang tama at tumatanggap ng mga pagpapala, kasamaan ang ginawa ng mga tao at hindi nagtiwala kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 10:14-15
Magiging tulad ito sa pagwasak ni Salman sa Beth Arbel sa araw ng labanan
Ang parating na digmaan ay inihalintulad sa isang labanan matagal na ang nakalipas.
Salman
Pangalan ito ng isang hari na nagwasak sa lungsod ng Beth-arbel noong 740 BC. Pinatay ng kaniyang mga kawal ang mga babae at mga bata sa paglusob. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Beth Arbel
Maaring pangalan ito ng isang lungsod sa tribu ni Neptali. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Kaya mangyayari din ito sa inyo, Bethel, dahil sa napakalaki mong kasamaan
"Tahanan ng Diyos" ang ibig sabihin ng Bethel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])
Hosea 11
Hosea 11:1-2
noong binata pa si Israel
Nagsasalita si Yahweh patungkol sa mga tao ng Israel at inihalintulad sila sa isang binata. Tinutukoy ni Yahweh noong sinimulan niya ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto
Maaaring Isalin na: "Pinangungunahan ko ang aking anak mula sa Egipto" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Lalo ko silang tinatawag, lalo silang tumalikod palayo
Maaaring Isalin na: "Lalo ko silang tinatawag upang maging mga tao ko, lalo silang tumatanggi sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 11:3-4
ako ang nagturo kay Efraim na lumakad
Tinutukoy ni Yahweh ang Israel na tulad ng isang maliit na bata na tinuruan niyang lumakad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nag-angat sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga bisig
Nangangahulugan ito na ipagtatanggol at tutulungan ni Yahweh na lumaki ang Israel bilang isang bansa.
Pinangungunahan ko sila na may mga tali ng sangkatauhan, nang mga tali ng pag-ibig
Ipinapakita ni Yahweh kung paano niya iniingatan ang Israel nang may pag-ibig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Katulad ako sa isang tao na nagpapagaan ng pamatok sa kanilang mga panga
Inihalintulad ni Yahweh ang bansang Israel sa isang masipag na hayop na kaniyang pinapagaan ang gawain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 11:5-7
Hindi ba sila babalik sa lupain ng Egipto?
Nangangahulugan ang tanong na ito na muling magiging alipin minsan pa ang bansang Israel katulad nang sila ay nasa Egipto. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi ba mamumuno ang Asiria sa kanila dahil tumanggi silang bumalik sa akin?
Magiging bihag ng Asiria ang bansang Israel bilang bunga ng kanilang pagtanggi na manatiling tapat kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Babagsak sa kanilang mga lungsod ang espada
Kumakatawan ang "espada" rito sa mga kaaway ng Israel na sisira sa mga lungsod ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
walang sinumang tutulong sa kanila
Hindi pahihintulutan ni Yahweh ang sinuman upang tulungan ang Israel dahil tumalikod sila kay Yahweh.
Hosea 11:8-9
Paano ko ba kayo isusuko, Efraim? Paano ko ba kayo ibibigay, Israel?
Labis ang pag-ibig ni Yahweh sa kaniyang mga tao kaya hindi niya sila lubusang sinira. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Paano ko ba kayo gagawing katulad sa Adma? Paano ko ba kayo gagawing katulad sa Zeboim?
Maaaring Isalin na: ""Hindi ko ninais na gawin sa inyo ang ginawa ko sa Adma o gawin kayong tulad sa Zeboim--Mga lungsod na aking sinira kasama ang Sodom" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Nagbago ang saloobin ng aking puso
Naglalarawan ang "puso" rito na kalooban at mga pasya ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 11:10-11
Lalakad sila na may pagsunod sa akin, Yahweh
"Ipamumuhay nila sa kanilang mga buhay ang pagsunod sa aking mga utos" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Aatungal ako katulad ng isang leon
Ibig sabihin nito tatawagin ni Yahweh ang kaniyang mga tao, at mapapakinggan nilang lahat ang kaniyang tawag at babalik sila sa kanilang lupain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Manginginig sila na paparito katulad sa isang ibon...katulad ng isang kalapati
Ibig sabhin nito babalik sila agad sa kanilang tahanan katulad ng isang ibon na bumalik sa kanilang pugad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Patitirahin ko sila sa kanilang mga bahay
"Papayagan/Pahihintulutan ko sila na tumirang muli sa kanilang sariling mga tahanan sa lupain ng Israel"
ang pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hos/02/12.md]].
Hosea 11:12
Pinalilibutan ako ni Efraim ng kasinungalingan, at panlilinlang ng sangbahayan ni Israel
Ibig sabihin nito na patuloy na nagsisinungaling at hindi naging tapat kay Yahweh ang mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Pinalilibutan ako ni Efraim ng kasinungalingan
Maaaring isalin na: "Patuloy na nagsasabi ng kasinungalingan si Efraim sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ngunit sumusunod parin si Juda sa akin
Ibig sabihin nito na ang mga tao sa dakong timog ng kaharian ay patuloy na naging tapat sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 12
Hosea 12:1-2
Pinapakain ng hangin si Efraim
Ibig sabihin nito susundan ng mga tao ng Israel ang mga bagay ng walang kabuluhan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at sumusunod sa hanging silangan
Lubhang mainit at nakakasira ang hanging silangan. Ibig sabihin nito nais lamang nila ang mga bagay na nakakasakit/nakakasira sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
nagdala ng langis ng Olibo sa Egipto
Nagpadala ng langis bilang isang handog sa hari ng Israel upang subukang hikayatin upang tulungan sila.
Hosea 12:3-4
Hinawakan ni Jacob sa sinapupunan ng mahigpit ang sakong ng kaniyang kapatid
Ninais ni Jacob na kunin ang lugar ng kaniyang kapatid bilang panganay, kaya sinubok niyang pigilin ang kaniyang kapatid mula sa pagkapanganay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Nakipagbuno siya sa Anghel at nanalo
Nakipaglaban si Jacob sa isang Anghel, upang pagpalain siya ng anghel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Hosea 12:5-6
ang kaniyang pangalan na tatawagan
Kumakatawan ang "pangalan" dito sa kabuuan ng katangian ng Diyos. Maaaring Isalin na: "sa pamamagitan nang kaniyang pangalan kami ay magsasamba sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Panghawakan ang matapat na kasunduan at katarungan
Tumutukoy ito sa pagsunod sa kautusan ng Diyos at paggawa ng tama.
Hosea 12:7-8
Hindi tama ang timbangan
Gumagamit ang mga mangangalakal ng mga timbangang hindi tama/akma ang sukat ng bigat ng pera o mga produkto na binibili o binebenta.
kinagigiliwan nila ang mandaya.
Dinadaya ng mga mangangalakal ang kanilang mga mamimili sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa kanila at pagkuha ng maraming perang higit sa nararapat.
Talagang naging napaka-yaman ko; nakahanap ako ng kayamanan para sa aking sarili
Parehong bagay ang ibig sabihin ng dalawang salitang ito at binibigyang diin ang pagkilala ng mga tao ng Efraim sa kanilang sarili na masaganang masagana. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Wala silang makitang anumang kasamaan sa akin sa lahat ng aking ginagawa, anumang bagay na kasalanan
Parehong bagay ang ibig sabihin ng dalawang salitang ito at binibigyang diin ang pagbilang ng mga tao ng Efraim sa kanilang sarili na walang kasalanan. Maaaring Isalin na: "Wala silang matatagpuang anumang kasalanan sa ginawa ko." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Hosea 12:9-10
sa pamamagitan ng mga propeta
"sa pamamagitan ng mga propeta"
Hosea 12:11-12
Magiging tulad sa mga tambak na bato na dinaanan ng araro sa mga bukid ang kanilang mga altar
Nangangahulugan ito na ang mga altar na kung saan sila sumasamba ay magiging wala kabuluhan/walang halaga tulad ng tumpok ng mga bato. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Tumakas si Jacob sa lupain ng Aram; nagtrabaho si Israel upang magkaroon ng asawa
Tumutukoy ang "Jacob" at "Israel" dito iisang tao. Ang pangalan ni Jacob ay naging Israel sa huling bahagi ng kaniyang buhay.
Hosea 12:13-14
Kaya iiwanan ng kaniyang Panginoon ang kasalanan ng kaniyang dugo sa kaniya
Tumutukoy ang "dugo" rito sa kasalanang nagawa ng mga tao. Ibig sabihin nito hindi patatawarin ng Diyos ang kanilang mga kasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hosea 13
Hosea 13:1-2
Nang nagsalita si Efraim
Tumutukoy ang "Efraim" dito sa tribu nang Efraim, na isa sa 10 mga tribu na matatagpuan sa hilagang kaharian ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ay mayroong panginginig
Maaaring Isalin na: "may panginginig sa gitna ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Itinaas niya ang kaniyang sarili sa Israel
Tumutukoy ang "siya" sa tribu ni Efraim, na naging isa sa napaka-maimpluwensiyang tribu sa hilagang kaharian.
ngunit siya ay nagkasala dahil sa pagsamba kay Baal, at namatay siya
Nangangahulugan ito na noong ang mga tao nang Efraim ay nagsimulang sumamba kay Baal, sila ay nanghina at natalo sila ng kanilang mga kaaway.
Ngayon sila ay mas lalong nagkakasala
Tumutukoy dito ang "sila" sa tribu ni Efraim at ng buong bansa ng Israel, na sumunod sa halimbawa ni Efraim.
'Ang mga kalalakihang ito na nag-aalay ay humalik sa mga guya
Ang paghalik sa imahen ng guya ay bahagi ng pagsamba sa mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Hosea 13:3
Kaya sila ay magiging tulad ng ulap sa umaga... tulad ng hamog...tulad ng ipa...tulad ng usok na lumalabas mula sa isang pausukan
Binibigyang diin ng mga salitang ito na ang Israel ay pansamantala at madaling mawala kung sila ay magpapatuloy sa pagsamba sa mga diyus-diyosan sa halip na sumunod kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
na tinatangay ng hangin palayo
"na hinihipan ng hangin palayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 13:4-6
Nakilala kita sa ilang
Binantayan ni Yahweh ang kaniyang mga tao at pinagpala niya sila sa pamamagitan ng tubig at kung ano ang kanilang kailangan upang mabuhay sa ilang.
ang inyong puso ay naging mapagmalaki
Maaaring Isalin na: "ikaw ay naging mapagmataas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hosea 13:7-8
tulad ng isang leon...tulad ng isang leopardo...tulad ng isang oso...tulad ng isang babaeng leon
Mababangis na mga hayop ang mga ito sumasalakay at pumapatay sa ibang mga hayop. Patuloy na binibigyang diin ni Yahweh kung paano niya sisirain ang kaniyang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
tulad ng isang oso na ninakawan ng kaniyang mga anak
"katulad ng isang oso na sasalakay sa isang hayop na kukunin ang kaniyang mga anak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hosea 13:9-11
Nasaan ngayon ang iyong hari, upang mailigtas ka sa lahat ng iyong mga lungsod? Nasaan ang iyong mga pinuno, na sinabi mo sa akin, 'Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe'?
Ginamit ni Yahweh ang mga katanungang ito upang ipakita sa Israel na kapag sila ay maghihimagsik laban sa kaniya, walang hari o pinuno ang makakatulong sa kanila. Si Yahweh lamang ang maaaring makapagligtas sa kanila mula sa pagkawasak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hosea 13:12-13
Ang kasamaan ni Efraim ay nakatago; ang kaniyang kasalanan ay nakatago.
Ang dalawang salitang ito ay magkatulad at nangangahulugan ng parehong bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Darating sa kaniya ang mga sakit ng panganganak
Ihinahalintulad dito ni Yahweh ang paghihirap na mararanasan ng mga tao ng Israel sa sakit ng panganganak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ngunit siya ay isang hindi matalinong anak, sapagkat sa panahon na isisilang, hindi siya lumabas mula sa sinapupunan
Inilalarawan ngayon ni Yahweh ang mga tao ng Israel bilang isang sanggol na ipapanganak ng kaniyang ina. Ibig sabihin nito ang mga tao ay hindi matalino kahit na sila ay naghihirap, hindi sila nagsisi at sumusunod kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hosea 13:14
Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kamatayan?
Ginamit ni Yahweh ang mga katanungang ito upang sabihin sa mga tao ng Israel na hindi niya sila ililigtas mula sa kamatayan. Tiyak na sila ay kaniyang parurusahan. Maaaring Isalin na: "Hindi ko talaga sila ililigtas mula sa kamatayan at mula sa pagbaba sa sheol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito.
Tinutukoy ni Yahweh ang tungkol sa "kamatayan" at sa "sheol" na parang sila ay mga tao. Ginamit ni Yahweh ang katanungan upang bigyang diin na malapit na niyang lipulin ang mga tao. Maaaring Isalin na: "Ngayon magdudulot ako ng mga salot at hayaang mamatay ang mga tao ng Israel. Lilipulin ko sila at ipadadala sa sheol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Nakatago mula sa aking mga mata ang habag
Maaaring Isalin na: "Wala akong habag sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Hosea 13:15
darating ang isang hanging silangan; ang hangin ni Yahweh
Napaka-init at nakasisira ang hanging mula sa silangan. Tinutukoy rito ang mga kawal mula sa silangan na ipadadala ni Yahweh upang lipulin ang mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Matutuyo ang bukal ni Efraim, at mawawalan ng tubig ang kaniyang balon.
Patuloy na inilalarawan ni Hosea kung paano parurusahan ng Diyos ang mga tao ng Israel. Patutuyuin ng Diyos ang lahat ng kanilang tubig.
kaniyang kamalig
Tumutukoy ito sa lahat ng pagmamay-ari ng mga tao.
Hosea 13:16
Nagkasala ang Samaria, sapagkat siya ay naghimagsik laban sa kaniyang Diyos
Tumutukoy ito sa mga tao sa lungsod "Samaria" na nagkasala sa paghihimagsik laban sa DIyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 14
Hosea 14:1-2
sapagkat ikaw ay bumagsak dahil sa iyong labis na kasamaan
Ang "bumagsak" dito ay nangangahulugang nawala nila ang pabor at pagpapala ng Diyos at nakakaranas sila ngayon ng paghihirap dahil sa kanilang kasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Magpahayag kayo ng mga salita ng pagsisisi
Maaaring Isalin na: "Aminin ang inyong mga kasalanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang bunga ng aming mga labi
Maaaring Isalin na: "ang ating mga salita at mga awit ng pagpupuri" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hosea 14:3
sa gawa ng aming mga kamay
Maaaring Isalin na: "sa mga diyus-diyosang aming ginawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Hosea 14:4-6
Magiging tulad ako ng hamog sa Israel; mamumulaklak siya tulad ng liryo
Ito ay nangangahulugang palalakasin sila ng Diyos at upang gumawa ng mabuti. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
at magkaka-ugat na tulad sa isang sedar sa Lebanon
Ito ay nangangahulugang gagawin ni Yahweh na malakas at ligtas ang mga tao sa kanilang lupain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Lumatag ang kaniyang mga sanga...tulad ng mga sedar sa Lebanon
Patuloy itong naglalarawan kung paanong pagpapalain ni Yahweh ang mga tao ng Israel at mararanasan nilang muli ang mga mabubuting bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Hosea 14:7-9
Babalik ang mga taong naninirahan sa kaniyang lilim
Nangangahulugan ito na magiging sapat na malakas ang mga tao ng Israel upang tumulong sa sinumang lalapit sa kanila para sa tulong. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sila ay muling mabubuhay tulad ng butil
Ang mga tao ng Israel ay magpapatuloy sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
at mamumulaklak tulad ng mga puno ng mga ubas
Ang mga tao ng Israel ay magpapatuloy sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng inumin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ang kaniyang katanyagan ay magiging tulad ng alak ng Lebanon
Maaaring Isalin na: "Makikilala ng lahat ng tao sa lahat ng dako ang bansang Israel" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ano pa ang aking gagawin sa mga diyus-diyosan?
Nagbibigay diin ang katanungang ito na ang mga tao ng Israel kailanman ay hindi na sasamba sa mga diyus-diyosan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
isang sipres na ang mga dahon ay laging luntian
Ang "sipres" ay isang puno na ang mga dahon ay nananatiling luntian sa buong taon. Ito ay kumakatawan kay Yahweh at sa kaniyang mga pagpapala sa Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
nanggaling sa akin ang iyong bunga
Ang "bunga" dito ay sumasagisag sa bawat mabuting bagay na nagmula kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])