Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

3 John

3 John 1

3 John 1:1-3

Ang nakatatanda

Ito ay tumutukoy kay Juan, ang apostol at alagad ni Jesus. Tinutukoy niya ang kaniyang sarili bilang "nakatatanda" dahil sa kaniyang edad o dahil siya ay isang pinuno sa iglesiya. Ang pangalan ng may-akda ay maaaring gawing malinaw: "Ako, si Juan ang nakatatanda, ang nagsusulat." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Gayo

Siya ay ang isang kapwa-mananampalataya na siyang sinusulatan ni Juan ng liham na ito. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

na siyang aking minahal sa katotohanan.

AT: "siyang tunay kong mahal" (UDB)

ikaw ay maaring lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan

"ikaw ay maaaring gumawa ng mainam sa lahat ng mga bagay at maging malusog"

katulad lamang ng paglago ng iyong kaluluwa

"katulad lamang ng iyong pagiging mainam sa espiritwal"

mga kapatid

"kapwa-mananampalataya"

nagpatotoo sa inyong katotohanan, katulad lamang sa paglakad ninyo sa katotohanan

"sinabi sa akin na ikaw ay namumuhay ayon sa katotohanan ng Diyos"

Wala akong labis na kaligayahan maliban dito

(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])

aking mga anak

Hinahambing ni Juan sa mga bata ang mga tinuruan niya na maniwala kay Jesus. Ito ay nagbibigay diin sa kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit para sa kanila. AT: "aking mga anak sa Espirituwal." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

3 John 1:4

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2jn/01.md]]

ilang mong mga anak

Ang salitang "mong" ay pang-isahan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-yousingular/01.md]])

tulad ng aming pagtanggap sa kautusang ito mula sa Ama

"gaya nang iniutos ng Diyos Ama sa atin"

hindi na parang ako ay sumulat sa inyo ng bagong kautusan

"hindi sa parang inuutusan ko kayong gumawa ng anumang bagay na bago"

ngunit yaong mayroon na tayo mula pa sa simula

"ngunit ako ay sumusulat sa inyo kung ano ang iniutos ni Cristong gawin natin nang tayo ay unang nanalig." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

na dapat nating ibigin ang bawat isa

Ito ay maaaring isalin bilang isang bagong pangungusap: "At iniutos niya na dapat nating mahalin ang bawat isa."

Ito ay ang kautusan, gaya nang narinig ninyo mula sa simula, na dapat ninyo itong lakaran

Ang salitang "itong" ay tumutukoy sa pag-ibig. AT: "At iniutos niya sa inyo buhat ng kayo ay unang nanalig na mahalin ang bawat isa."

na dapat ninyo lakaran

Ang salitang "ninyo" ay pangmaramihan. (Tingnan: [[Forms of 'You' - Dual/Plural]])

3 John 1:5-6

Minamahal

Ito ay ginamit dito bilang tawag ng pagmamahal para sa mga kapwa-mananampalataya.

ikaw ay nagsasagawa ng katapatan

"ginagawa mo kung ano ang matapat sa Diyos" o "nagiging tapat ka sa Diyos"

gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala

"tulungan ang kapwa mananampalataya at mga hindi mo kakilala"

siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia

Ito ay maaaring isalin bilang isang bagong pangungúsap: "Sinabi nila sa mga mananampalataya sa iglesiya tungkol sa kung paano ninyo sila minahal."

Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos

"Pakiusap, ipadala sila sa kanilang paglalakbáy sa paraang pinaparangalan ang Diyos"

dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas

Dito ang "Pangalan" ay tumutukoy kay Jesus. At: "dahil sila ay lumabas para sabihin sa mga tao ang tungkol kay Jesus." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

walang kinukuha mula sa mga Hentil

Dito ang "Hentil" ay hindi nangangahulugan ng isang tao na hindi isang Judio. Ang ibig sabihin ay isang tao na hindi naniniwala kay Jesus. At: "at wala silang kinukuha mula sa mga sinasabihan nila tungkol kay Jesus"

Samakatuwid tayo

Dito ang "tayo" ay tumutukoy kay Juan at kasama ang lahat ng mananampalataya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan

"maaari nating tulungan sila sa kanilang mga ginagawa upang sabihin sa mga tao ang katotohanan ng Diyos"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

3 John 1:7-8

Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo

AT: "Maraming huwad na mga guro ang umalis ng kongregasyon."

maraming manlilinlang

AT: "maraming huwad na mga guro" o "maraming mga manloloko"

si Jesu-Cristo ay dumating na nasa sa laman

Ito ay isang pagpapalit-tawag na nangangahulugang : "si Jesu-Cristo ay dumating bilang isang tunay na tao" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ito ang manlilinlang at ang antikristo

AT: "sila ay ang mga nanglilinlang sa iba at sumalungat mismo kay Cristo"

Masdan ninyo ang inyong mga sarili

"Mag-ingat kayo" o "Bigyan ng pansin"

maiwala ang mga bagay

AT: "maiwala ang inyong hinaharap na gantimpala sa langit"

buong gantingpala

AT: "ganap na gantimpala sa langit"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2jn/01.md]]

3 John 1:9-10

kapulungan

Ito ay tumutukoy kay Gayo at sa katipunan ng mga mananampalataya na nagsasama-sama upang sambahin ang Diyos.

Diotrefes

Siya ay isang kasapì sa kapulungan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

na gustong maging una sa kanila

"na gustong gumanap na tulad ng kanilang pinuno"

hind tayo tinanggap

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Juan at sa mga kasama niya. Hindi kasama dito si Gayo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita

"at kung paano niya sinabi ang masasamang mga bagay tungkol sa atin na siguradong hindi totoo"

siya mismo

Ang salitang "siya" ay nagbibigay diin na itong si Diotrefes na siyang gumagawa ng mga bagay na ito. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rpronouns/01.md]])

hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki

"hindi tinatanggap ang mga kapwa mananampalataya"

Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na

May mga ibang salita sa katagang ito na hindi naisama, pero sila ay naunawaan. Kahaliling salin: "at pinipigilan ang mga may gustong tanggapin ang mga mananampalataya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

at pinapalayas sila

"at pinilit silang paalisin." Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa mga may gustong tanggapin ang mga kapwa mananampalataya.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

3 John 1:11-15

Minamahal

Ang tawag na ito ng pagmamahal ay nangangahulugan sa mga kapwa mananampalataya.

huwag mong tularan kung ano ang masama

"huwag gayahin ang masasamang mga bagay na ginagawa ng mga tao"

pero ang mabuti

May mga salitang hindi naisama pero sila ay nauunawaan. AT: "pero tularan ang mabuting mga bagay na ginagawa ng mga tao." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

ay sa Diyos

"pagmamay-ari ng Diyos"

hindi nakita ang Diyos

AT: "Hindi pagmamay-ari ng Diyos" o "Hindi naniniwala sa Diyos"

Si Demetrio ay nagpatotoo sa lahat

At: "Bawat mananampalataya na kakilala si Demetrio ay nagsasabi ng mabuti sa kaniya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Demetrio

Ito ay isang lalaki na gusto ni Juan na tanggapin ni Gayo at ng kapulungan kapag dumating siya para bumisita. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

at sa katotohanan mismo

"at ang katotohanan mismo ay nagsasalita ng mabuti ukol sa kaniya." Dito ang "katotohanan" ay inilalarawan bilang isang taong nagsasalita. AT: "at kung ano ang sinabi nila tungkol sa kaniya ay totoo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]]))

Tayo din ay nagpapatotoo

Dito ang "tayo" ay tumutukoy kay Juan at sa mga kasama niya. Hindi kasama si Gayo. AT: "Kami rin ay nagsasalita ng mabuti ukol kay Demetrio." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

alam mo

Ang salitang "mo" ay pang-isahan at tumutukoy kay Gayo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/3jn/01.md]]