Jonah
Jonah 1
Jonah 1:1-3
ang salita ni Yahweh ay dumating
Ito ay isang idioma na nangangahulugang nagsalita si Yahweh. “Sinabi ni Yahweh ang kaniyang mensahe” (Tingnan: Idioma)
ang salita ni Yahweh
Dito ang “salita” ay kumakatawan ng mensahe ni Yahweh. AT: “ang mensahe ni Yahweh” (Tingnan: Metonimi)
Si Yahweh
Ito ang pangalan ng Diyos na kaniyang ipinahayag sa kaniyang bayan sa Lumang Tipan. Tingnan ang talaan sa (pahina ng translationWords tungkol kay Yahweh) ukol sa kung paano ito isalin.
Si Amitai
Ito ang pangalan ng ama ni Jonas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Bumangon ka at pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod
"Pumunta ka sa mahalagang lungsod ng Ninive"
Bumangon ka at pumunta
Ito ay pangkaraniwang pagpapahayag para sa paglalakbay sa malalayong mga lugar (Tingnan: Idioma)
magsalita ka laban dito
"balaan mo ang mga tao" (UDB). Tinutukoy ng Diyos ang mga mamamayan ng lungsod. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang kasamaan nila ay umabot sa akin
"Alam ko na patuloy sila na nagkakasala"
bumangon at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh
"tumakbo palayo kay Yahweh." "bumangon" ay tumutukoy kay Jonas na umaalis sa kanyang kinaroroonan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
at nagtungo sa Tarsis
"at pumunta sa Tarsis." Nasa kasalungat na dako ang Tarsis patungong Ninive. Ito ay maaaring gawing malinaw. AT: "at pumunta sa kasalungat na dako, patungong Tarsis." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Bumaba siya sa Joppa
"Pumunta si Jonas sa Joppa"
barko
Ang "barko" ay isang napakalaking uri ng bangka na maaaring maglakbay sa dagat at magdala ng maraming pasahero o mabigat na karga.
nagbayad siya ng pamasahe
"Nagbayad si Jonas doon para sa kanyang biyahe"
at sumakay sa barko
"at sumakay sa barko "
sumama sa kanila
Ang salitang "kanila" ay tumutukoy sa ibang tao na sasama sa barko.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
ang salita ni Yahweh ay dumating
"Sinabi ni Yahweh ang kanyang salita " (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Bumangon at pumunta
Ito ay isang pangkaraniwang kasabihan para sa paglalakbay sa malalayong lugar. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
sa prensensya ni Yahweh
Sinubukan ni Jonas na tumakas mula kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/Isalin/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/Isalin/figs-metonymy/01.md]])
palayo mula sa presensya ni Yahweh
Umasa si Jonas na hindi naroon si Yahweh sa Tarsis. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-metonymy/01.md]])
Jonah 1:4-5
Hindi nagtagal
Maaari itong gawing malinaw sa nag-iisip na masisira ang barko. AT: "Nag-iisip ang mga tao"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/Isalin/figs-explicit/01.md]])
na parang masisira na
Ito ay maaring "upang sirain"
Sa gayon ang mga mandaragat
Ang mga taong nagtatrabaho sa barko.
Kaniya-kanyang sariling diyos
Dito "diyos" ay tumutukoy sa mga huwad na diyos at mga diyus-diyosan na sinasamba ng mga tao.
Itinapon nila ang mga kargamento ng barko
"Itinapon ng mga tao ang mabibigat na mga bagay mula sa barko." Ginawa ito upang ingatan ang barko mula sa paglubog.
upang mapagaan ito
Ang pagpapagaan ng barko ay maaaring mapalutang ito ng maayos. AT: "upang matulungan ang barko na lumutang ng maayos"
Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko
Ginawa ito ni Jonas bago pa nagsimula ang malakas na bagyo.
bumaba doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko
"nasa loob ng barko"
nakahiga roon mahimbing na natutulog
"nakahiga roon na mahimbing na natutulog" o "nakahiga roon at natutulog ng mahimbing." Sa ganitong dahilan, hindi siya nagising ng bagyo.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Jonah 1:6-7
Kaya pinuntahan siya ng kapitan at sinabi sa kanya
"Pumunta kay Jonas ang taong nangunguna sa barko at nagsabi"
Anong ginawa mong natutulog?
"Bakit ka natutulog?" Ginamit niya ang patalumpating katanungang ito upang pagalitan si Jonas. AT: "Huminto sa pagtulog!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/Isalin/figs-rquestion/01.md]])
Tumawag ka sa iyong diyos!
"Magdasal ka sa iyong diyos!" "Tumawag" ay tumutukoy sa pagkuha ng pansin sa isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-idiom/01.md]])
Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay
Ang impormasyong hindi malinaw na maaaring iligtas sila ng diyos ni Jonas ay maaaring gawing malinaw. AT: " Marahil pakikinggan at ililigtas tayo ng iyong diyos nang sa gayon hindi tayo mamamatay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-explicit/01.md]])
Sinabi nilang lahat sa bawat isa
"Sinabi ng lahat ng mga mandaragat sa bawat isa "
Halikayo, magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng masamang nangyayari sa atin
"Kailangan nating magpalabunutan upang malaman kung sino ang nagdulot nitong kaguluhan." Naniwala ang mga tao na mapipigil ng mga diyos kung kanino mahuhulog ang palabunutan upang sabihin sa kanila kung ano ang nais nilang malaman. Isa itong paraan ng paghula.
kasamaang ito
Ito ay tumutukoy sa kasindak-sindak na bagyo.
Ang bunot ay napunta kay Jonas
"pinapalabas ng palabunutan na makasalanang tao si Jonas"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Bumangon!
Tumutukoy ito sa pagiging muling nakatuon sa buhay. Sa ganitong kalagayan ito ay para magising. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-idiom/01.md]])
Jonah 1:8-10
Pagkatapos sinabi nila kay Jonas
"Pagkatapos sinabi ng mga taong nagtatrabaho sa barko kay Jonas"
Pakiusap sabihin sa amin kung sino ang dahilan nitong kasamaang nangyayari sa atin.
"Sino ang sanhi nitong masamang bagay na nangyayari sa atin?"
kinatatakutan ko si Yahweh,
Ang salitang "takot" ay tumutukoy kay Jonas na may labis na paggalang sa Diyos at nagpapakita ng paggalang na iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya.
Ano itong ginawa mo?
Gumagamit ng patalumpating katanungang ito ang mga tao sa barko upang ipakita kung gaano sila nabalisa na kasama nila si Jonas. AT: "Bakit mo ito ginawa?" o "Nakagawa ka ng isang kakila-kilabot na bagay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-rquestion/01.md]])
siya ay tumatakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh
"Tumatakbo palayo si Jonas mula sa presensya ni Yahweh." Naghahanap ng paraan si Jonas upang makatakas kay Yahweh na para bang nandoon lamang sa Juda si Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-metaphor/01.md]])
dahil sinabi niya sa kanila.
Maaaring sabihin ng maliwanag kung ano ang sinabi niya sa kanila. AT: "dahil sinabihan niya sila 'Sinusubukan kong lumayo mula kay Yahweh."' (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Jonah 1:11-13
sinabi nila kay Jonas,
"sinabi ng mga lalaki kay Jonas" o "sinabi ng mga mandaragat kay Jonas"
gawin sa iyo upang humupa ang dagat
"gawin sa iyo upang humupa ang dagat " (UDB)
ang dagat ay lalong naging marahas
Ito ang dahilan na tinanong ng mga lalaki kay Jonas kung ano ang dapat nilang gawin. Makikita rin ang dahilan sa simula ng talata 11 sa UDB.
sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito
"Dahil alam kong ang malaking bagyong ito ay kasalanan ko”
Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa
Hindi nais ng mga tao na itapon si Jonas sa dagat, kaya nagsumikap silang sumagwan ng matindi na parang sila ay naghuhukay sa tubig para makapunta sa lupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-explicit/01.md]])
ang dagat ay lalong naging marahas
"naging marahas ang bagyo, at naging mas malaki ang mga alon "
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Jonah 1:14-16
Kaya
Ito ay ang bunga ng pagiging matindi ng bagyo na naghimuk ng susunod na tugon. AT: "Dahil lalong naging marahas ang dagat"" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-explicit/01.md]])
tumawag sila kay Yahweh
"Nagdasal ang mga lalaki kay Yahweh"
huwag mo kaming hayaang mamatay dahil sa buhay ng taong ito
"Pakiusap huwag mo kaming patayin dahil dinulot naming mamatay ang taong ito" o "Idudulot naming ang mamatay ang taong ito. Subalit pakiusap huwag mo kaming patayin."
huwag mong ipataw sa amin ang pagkakasala sa kanyang kamatayan
"at pakiusap huwag mong ibintang sa amin ang kanyang kamatayan" o "at huwag mo kaming ituring na makasalanan kung mamamatay ang taong ito." Nagsasalita ang may-akda ng "makasalanan" na para bang isa itong kumot na maaaring ilatag sa ibabaw ng isang tao. Tumutukoy ito sa paggawa ng taong iyon na may pananagutan sa kanilang gawa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/isalin/figs-metaphor/01.md]])
tumigil ang matinding galit ng dagat
"tumigil sa marahas na paggalaw ang dagat " o "naging payapa ang dagat" (UDB)
lalong natakot kay Yahweh.
"naging lalong natakot sa kapangyarihan ni Yahweh" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Jonah 1:17
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/01.md]]
Ngayon
Ginamit ang salitang ito sa Ingles upang ipakilala ang bagong bahagi ng kuwento.
tatlong araw at tatlong gabi
"tatlong araw at gabi"
Pangkalahatang inpormasyon:
Binilang ng ilang mga salin ang talatang ito bilang pangunang talata ng kabanata 2. Maaari mong naisin na bilangan ang mga talata ayon sa pangunahing salin na ginagamit ng pangkat ng iyong wika.
Jonah 2
Jonah 2:1-2
Yahweh na kanyang Diyos
Ibig sabihin nito "Yahweh, ang Diyos na kaniyang sinamba." Ang salitang "kaniya" ay hindi nangangahulugan na pagmamay-ari ni Jonas ang Diyos.
Sinabi niya
"Sinabi ni Jonas"
Tumawag ako kay Yahweh ukol sa aking pagdadalamhati
"Nanalangin ako kay Yahweh tungkol sa aking malaking problema." Kahit na nananalangin si Jonas kay Yahweh, ginamit niya ang pangalan na Yahweh dito at hindi "sa iyo." AT: "Yahweh, tumawag ako sa iyo ukol sa aking pagdadalamhati."
sinagot niya ako
"Tumugon si Yahweh sa akin" o "tinulungan niya ako"
mula sa tiyan ng lugar ng Sheol
"mula sa kalagitnaan na lugar ng mga patay" o "mula sa malalim na bahagi ng lugar ng mga patay." Mga posibleng kahulugan ay: 1)Sinasabi ni Jonas na ang pagiging nasa tiyan ng balyena ay pagiging nasa Sheol o 2) Naniwala si Jonas na mamamatay na siya at pupunta sa Sheol o 3) Nagsalita siya na para bang siya ay namatay na at nagpunta doon.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
Jonah 2:3-4
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
Sa kailaliman, sa puso ng karagatan
Ito ay nagsasalita ng kalakhan ng karagatan kung nasaan si Jonas
sa puso ng karagatan
"sa pusod ng karagatan"
pinalibutan ako ng alon
"lumapit sa palibot ko ang karagatan"
pinaalis ako
Maaari itong isaad sa aktibong anyo. AT: '"Pinaalis mo ako palayo" o "Pinadala mo ako palayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mula sa harapan ng iyong mga mata
"mula sa iyo." Nang sinabi ni Jonas "iyong mga mata" nagsasalita siya patungkol kay Yahweh sa kaniyang kabuuan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo
Umaasa si Jonas na sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdadaanan, makikita niya ang templo (Tingnan: Rhetorical Queations)
Pangkalahatang Impormasyon:
Pagpapatuloy ito sa panalangin ni Jonas na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/02/01.md]]. Sa ika-apat na talata sinabi ni Jonas ang isang bagay na kaniyang ipinagdasal bago ang dalangin na ito.
sa kailaliman, sa puso ng karagatan
Nagsasabi ito ng kalawakan ng karagatan na kinaroroonan ni Jonas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
mga alon at gumugulong na alon
Ito ang mga katangian ng ibabaw ng karagatan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Jonah 2:5-6
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
ang mga tubig
"Ang mga tubig" ay tumutukoy sa karagatan.
aking leeg
Nauunawaan ng ibang bersyon ang salita sa Hebreo sa pagpapahayag na nangangahulugan “aking buhay”Sa interpretasyon na iyon, halos kunin na ng tubig ang buhay ni Jonas.
Damong-dagat
“mga damong lumalago sa dagat” Ang lupa kasama ang mga rehas nito ay lumukob sa akin magpakailanman Gumamit si Jonas ng metapora para ihambing ang lupa sa sa isang bilangguan. AT: "Katulad ng isang bilangguan ang lupa na magkukulong sa akin magpakailanman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Gayunman iniangat mo ang aking buhay mula sa hukay
Nagsasalita si Jonas patungkol sa lugar ng mga patay na para bang isang hukay. AT: "Ngunit niligtas mo ang aking buhay mula sa lugar ng mga patay" o "Ngunit niligtas mo ako mula sa lugar kung saan naroon ang mga patay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Yahweh, aking Diyos!
Sa ilang mga wika, maaari itong mas likas na ilagay sa simula ng pangungusap o sa susunod na salitang "ikaw".
Pangkalahatang Impormasyon:
Pagpapatuloy ito sa panalangin ni Jonas na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/02/01.md]].
Jonah 2:7-8
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
Naalala ko si Yahweh
Yamang nanalangin si Jonas kay Yahweh, maaari itong mas maliwanag sa ilang mga wika na sabihin "Naisip ko ang tungkol sa iyo, Yahweh" o "Yahweh, naisip ko ang tungkol sa iyo." (UDB)
pagkatapos dumating sa iyo ang aking dalangin, sa iyong banal na templo
" Nagsasalita si Jonas na para bang naglalakbay ang kanyang dalangin patungo sa Diyos at sa kanyang templo. AT: "kaya sa iyong banal na templo narinig mo ang aking dalangin (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ang mga nagbigay pansin sa mga walang kabuluhang diyos
"Mga taong nagbibigay pansin sa walang kabuluhang diyos"
tinatanggihan ang iyong katapatan para sa kanilang sarili
"tinatanggihan ka, na siyang magiging tapat sa kanila"
Pangkalahatang Impormasyon:
Pagpapatuloy ito sa panalangin ni Jonas na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/02/01.md]].
Jonah 2:9-10
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/02.md]]
Subalit para sa akin
Ang kasabihang ito sa Ingles ay nagpapakita na mayroong kaibahan sa pagitan ng mga tao na ukol sa sinabi ni Jonas at sa kanyang sarili. Nagbigay sila ng pansin sa walang kabuluhang diyos, subalit sasambahin niya si Yahweh. AT: "Ngunit ako."
mag-aalay ako sa iyo ng isang tinig ng pasasalamat
Ibig sabihin nito na magpapasalamat si Jonas sa Diyos habang maghahandog siya ng isang alay sa kanya. Hindi ito maliwanag kung binalak ni Jonas na magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng pagkanta o sumigaw sa kagalakan.
Ang kaligtasan ay nagmumula kay Yahweh
Maaari itong sinabi sa ibang salita upang ang mahirap unawaing pangalang “kaligtasan” ay ipapahayag gaya ng pandiwang “ligtas.” “Si Yahweh ang nag-iisang nagliligtas sa mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ibabaw ng tuyong lupa
"sa ibabaw ng lupa" o "sa baybayin"
Pangkalahatang Impormasyon:
Pagpapatuloy ito sa panalangin ni Jonas na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/02/01.md]].
Jonah 3
Jonah 3:1-3
Ang salita ni Yahweh ay dumating
Ito ay isang idioma na nangangahulugang nagsalita si Yahweh. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/01/01.md]]. AT: “Sinabi ni Yahweh ang kaniyang mensahe.”
Ang salita ni Yahweh
Dito, ang salitang “salita”ay kumakatawan sa mensahe ni Yahweh. AT: “ang mensahe ni Yahweh”
Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod
"Pumunta ka sa mahalagang lungsod ng Ninive"
Tumindig ka
Ito ay tumutukoy sa pag-alis sa lugar kung nasaan ka.
ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay
"sabihin sa mga tao kung ano ang sinabi ko sa iyo na sasabihin sa kanila"
Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh
"Sa pagkakataong ito sinunod ni Jonas si Yahweh at pumunta sa Ninive".
Kaya tumayo si Jonas
“Kaya inwan ni Jonas ang tabing-dagat.””ang “tumayo”ay tumutukoy sa pag-alis kung nasaan si Jonas.
Ngayon
Ginamit dito ang salitang ito upang magtanda ng isang pagbabago mula sa kuwento hanggang sa impormasyon tungkol sa Ninive.
isa lungsod na may tatlong araw na paglalakbay
"isang lungsod na tatlong araw ang paglalakbay." Ang isang tao ay kailangang maglakad ng tatlong araw para ganap itong mapuntahan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
Ang salita ni Yahweh ay dumating
"Sinabi ni Yahweh sa kaniyang salita." Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/01/01.md]]. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Tumingin ka
Ito ay tumutukoy sa pag-alis sa isang lugar kung saan naroon ang isang tao sa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
kaya tumayo si Jonas
"Kaya tumayo si Jonas sa dalampasigan." "tumingin ka" ay tumutukoy sa pag-alis sa lugar kung nasaan si Jonas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Jonah 3:4-5
pagkatapos ng isang araw na paglalakbay
"pagkatapos ng isang araw na paglalakad." Isang araw na paglalakbay ang layo na karaniwang nilalakbay ng mga tao sa isang araw. AT: "pagkatapos maglakad ni Jonas para sa isang araw."
pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya
Mga maaaring kahulugan ay 1) "pagkatapos ng paglalakad ni Jonas ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya, " o 2) "habang naglalakad si Jonas sa unang araw, sumigaw siya."
sumigaw siya at sinabing
"ipinahayag niya" o "isinigaw niya"
apatnapung araw
"40 araw" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela
Bakit nagsuot ang mga tao ng magaspang na tela ay maaaring ilahad na malinaw. AT: "Naglagay din sila ng magaspang na tela upang ipakita na nagsisi sila dahil sa pagkakasala" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila
"kabilang ang lahat ng mahalagang tao at lahat na hindi mahalagang tao" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
Jonah 3:6-7
ang balita
"ang mensahe ni Jonas"
Tumayo siya mula sa kanyang trono
"Tumindig siya mula sa kaniyang trono" o "Tumayo siya mula sa kaniyang trono." Umalis ang hari sa kaniyang trono upang ipakita na siya ay kumikilos ng may pagpapakumbaba.
trono
Ang isang trono ay isang upuan kung saan nakaupo ang hari. Nagpapakita ito na siya ang hari.
Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing
"Nagpadala siya ng isang opisyal na pahayag na nagsasabi" o "Pinadala niya ang kanyang mga mensahero upang ipahayag sa mga tao sa Ninive"
mga tauhang maharlika
"mga tagapayo" (UDB). Ito ay mahalagang mga kalalakihan na tumulong sa hari na mamahala ng lungsod.
pangkat ng mga hayop ni kawan
Ito ay tumutukoy sa dalawang uri ng mga hayop na inalagaan ng mga tao. AT: "mga baka o tupa."
Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig
"Hindi sila dapat kumain o uminom ng anumang bagay." Ang dahilan na hindi sila kakain o iinom ng kahit na anong bagay ay maaaring gawing malinaw sa pamamagitan ng pagdaragdag "para maipakita na nagsisi sila sa kanilang mga pagkakasala." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
Jonah 3:8-9
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay isang pagpapatuloy kung ano ang sinasabi ng hari sa mga tao sa Ninive.
Ngunit hayaan ang kapwa
"hayaan ang kapwa"
Hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela
Ito ay maaaring ilahad sa aktibong anyo. AT: "hayaang magsuot ng magaspang na tela ang mga tao at ang mga hayop" o "hayaang takpan ng mga tao ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga hayop ng magaspang na tela" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hayop
Ang salitang "hayop" ay tumutukoy sa mga hayop na pag-aari ng mga tao.
sumigaw ng malakas sa Diyos
"nagdasal ng mataimtim sa Diyos." Maaaring gawing malinaw kung ano ang kanilang ipinagdarasal. AT: "sumigaw ng malakas sa Diyos at humingi ng awa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
karahasang nasa kanyang mga kamay
Nangangahulugan itong "ang mga marahas na bagay na kanyang ginagawa"
Sinong nakakaalam?
Ginamit ng hari ang patalumpating katanungang ito upang mag-isip ang tao tungkol sa isang bagay na maaaring hindi nila iniisip na posible, na kung titigil sila na magkasala, maaaring hindi sila patayin ng Diyos. Maaari itong isalin bilang isang pahayag: "Hindi natin alam." O Maaari itong ilahad bilang isang salita at maging bahagi ng susunod na pangungusap: "Marahil." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Maaring mahabag ang Diyos at baguhin ang kanyang isip
"Maaaring magpasya ang Diyos na gumawa ng isang bagay na iba" o "Maaaring hindi na gawin ng Diyos kung ano ang kanyang sinasabing gagawin"
hindi tayo mamatay
Maaari itong ilahad bilang aktibo. AT: "Hindi tayo mamamatay." Dito ang mamatay ay katumbas ng paglulunod sa dagat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Jonah 3:10
Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa
"Naintindihan ng Diyos na sila ay tumigil sa paggawa ng masasamang mga gawi"
Tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi
Ang may-akda ay nagsasabi na ang mga tao ay huminto sa paggawa ng kasalanan na parang tumalikod sila sa isang bagay.
binago ng Diyos ang kaniyang isip tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila
"Binago ng Diyos ang kaniyang pag-iisip tungkol sa parusa na kaniyang sinabi na gagawin niya sa kanila" o "Nagpasya ang Diyos na hindi na niya parusahan sila gaya ng sinabi niyang gagawin niya". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at hindi niya ginawa ito
Maaaring gawing malinaw kung ano ang maaaring gagawin ng Diyos. AT: "at hindi niya sila pinarusahan" o "at hindi niya sila winasak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/03.md]]
na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi
Nagsasabi ang may-akda tungkol sa mga tao na tumigil sa pagkakasala na para bang tumalikod sila sa isang bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Jonah 4
Jonah 4:1-3
Ah Yahweh
Ang salita "Ah" ay nagpapahiwatig ng nararamdaman na kabiguan ni Jonas.
hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa?
Ginamit ni Jonas ang patalumpating katanungang ito upang ipakita kung gaano siya kagalit. At saka, ang sinabi ni Jonas nang bumalik siya sa kanyang bayan ay maaaring isaad ng malinaw. AT: "Nang nasa aking bayan pa ako alam ko na kung binantaan ko ang mga tao sa Ninive, sila ay magsisi, at hindi mo sila wawasakin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis
Maaaring mga kahulugan ay 1) "Sinubukan ko itong pigilan sa pamamagitan ng pagtakas papuntang Tarsis" o 2) "Kumilos muna ako at sinubukan kong tumakas papuntang Tarsis" o 3) "Ginawa ko ang lahat upang tumakas papuntang Tarsis"
sagana sa katapatan
"labis na matapat" o "labis mong mahal ang mga tao" (UDB)
naglulubag ang loob mo sa pagdala ng kapahamakan
"nagpasya ka na hindi wasakin ang mga tao." Nangangahulugan itong "sinabi mo na magpapadala ka ng sakuna sa mga makasalanan, ngunit pagkatapos nagpasya ka na hindi ituloy" AT: "Nagpasya ka na hindi parurusahan ang mga taong nagkasala."
kunin mo ang aking buhay
Maaaring ilahad ng maliwanag ang dahilan ni Jona na ninais mamatay na tulad ng nasa UDB: "dahil hindi mo wawasakin ang Ninive gaya ng iyong sinabi na gawin, pakiusap hayaan mo akong mamatay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay
"Mas gustuhin ko pang mamatay kaysa mabuhay" o "dahil gusto ko ng mamatay. Hindi ko gustong mabuhay."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
Jonah 4:4-5
Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?
Ginamit ng Diyos ang patalumpating katanungang ito para pagalitan si Jonas sa pagiging magalitin tungkol sa isang bagay na hindi niya dapat ikagalit. AT: "Hindi mabuti ang iyong galit." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
lumabas si Jonas mula sa lungsod
"umalis sa siyudad ng Ninive"
kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod
"ano ang mangyayari sa siyudad" (UDB). Gusto ni Jonas na makita kung wawasakin ng Diyos ang siyudad o hindi ito wawasakin.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
Jonah 4:6-7
sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya
"sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim"
Para mapagaan ang kanyang pagkabalisa
"para pangalagaan si Jonas mula sa init ng araw"
Ngunit naghanda ang Diyos ng uod
"Nagpadala ang Diyos ng uod" (UDB)
Sinalakay nito ang halaman
"Kinain ng uod ang halaman"
nalanta ang halaman
"Ang halaman ay natuyo at namatay." AT: "namatay ang halaman."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
Jonah 4:8-11
ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan
"Dinulot ng Diyos ang mainit na hangin mula sa silangan upang tamaan si Jonas." Kung ang hangin ang tanging kahulugan ng lamig o malamig na hangin kung ganoon maari mong subukan ito. AT: "Nagpadala ang Diyos ng labis na maalinsangang kainitan mula sa silangan patungo kay Jonas."
tinamaan ng sinag ng araw
labis na mainit ang araw"
ang ulo ni Jonas
Naramdaman ni Jonas ang labis na init sa kanyang ulo. AT: "kay Jonas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
naging maputla siya
"labis siyang nagging mahina" o "nawalan siya ng lakas."
Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay
“Mas pipiliin kong mamatay kaysa mabuhay”o “Dahil gusto kong mamatay. Ayokong mabuhay.” Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jon/04/01.md]].
Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman
Hinamon ng Diyos si Jonas sa kanyang galit na namatay ang halaman pero nais niyang patayin ng Diyos ang mga mamamayan ng Nineve AT: “ang iyong galit na namatay ang halaman ay hindi mabuti”
Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman?
Hindi maliwanag na impormasyon na maaaring gawing maliwanag. AT: "Dapat nababahala ka sa mga taong nasa Ninive na mamamatay kaysa sa halaman na mamamatay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Tama lang na magalit ako, kahit na sa kamatayan
"Tama lang na ako ay galit" "Ngayon galit ako at sapat na mamatay!" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/jon/04.md]]
Mabuti na ako ay galit, kahit na sa kamatayan
"Ito ay mabuti na ako ay galit" "Ngayon galit ako at sapat nang mamatay!" (UDB)