Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Philemon

Philemon 1

Philemon 1:1-3

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon

Ang inyong wika ay maaring may natatanging paraan ng pagpapakilala sa mga may-akda ng liham. AT: "Kami, si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at si Timoteo, ating kapatid, sinusulat ang liham na ito para kay Filemon."

isang bilanggo kay Jesu-Cristo

"na nasa bilangguan dahil sa pagtuturo tungkol kay Jesu-Cristo." Mga tao na hindi nais si Jesus ay pinarusahan si Pablo sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya sa bilangguan.

kapatid

Dito ang ibig sabihin ay isang kapwa Kristiyano.

aming minamahal na kaibigan

"aming minamahal na kapwa mananampalataya" o "aming kapatid sa espiritu na mahal namin"

at kamanggagawa

"na tulad namin, gumagawa para ipalaganap ang ebanghelyo"

Apia aming kapatid na babae

Ang kahulugan nito ay "Apia aming kapwa mananampalataya" o " Apia aming kapatid na babae sa espiritu" (Tingnan: (( [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Arquipo

Ito ay pangalan ng isang lalaki.

kapwa kawal

Dito ang "kawal" ay isang metapora na naglalarawan ng isang tao na nagsusumikap para ipalaganap ang Ebanghelyo AT: " aming kapwa espiritwal na mandirigma" o "siyang nakikipaglaban din sa mga espiritwal na labanan kasama namin" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan

"ang pangkat ng mga mananampalataya na nagtitipon sa inyong tahanan" (UDB)

iyong tahanan

Ang salitang "iyong" ay isahan at tinutukoy si Filemon.

Biyaya sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo

"Nawa ang Diyos ating Ama at ang Panginoong Jesu-Cristo bigyan kayo ng biyaya at kapayapaan." Ito ay isang pagpapala. Ang salitang "kayo" ay pangmaramihan at tumutukoy sa lahat ng mga taong binati ni Pablo sa talatang 1 at 2.

Philemon 1:4-7

Ako

Sinulat ni Pablo ang liham na ito. Ang mga salitang "Ako" at "ko" sa liham na ito ay tumutukoy lahat kay Pablo.

Ikaw

Dito at sa karamihan ng mga liham, ang salitang "ikaw" ay tumutukoy kay Filemon. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

sumasa-atin kay Cristo

Ang pinaka maaring kahulugan ay "na mayroon tayo dahil kay Cristo."

mga puso

Dito ang salitang "mga puso" ay tumutukoy sa tapang ng mga mananampalataya.

kapatid

Tinawag ni Pablo si Filemon na "kapatid" dahil sila ay parehong mananampalataya. Marahil binigyan din niya ng diin ang kanilang pagkakaibigan. AT: "minamahal na kapatid" o "minamahal na kaibigan" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:8-9

lahat ng katapangan kay Cristo

Ang maaaring mga kahulugan ay "kapangyarihan dahil kay Cristo" o "tapang dahil kay Cristo." AT: "kapangyarihan dahil ako ay isang apostol ni Cristo."

sa halip dahil sa pag-ibig

Maaaring mga kahulugan ay 1) "dahil alam ko na mahal mo ang bayan ng Diyos," 2) "dahil mahal mo ako," o 3)"dahil mahal kita"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:10-13

aking anak na si Onesimo

"aking anak na lalaki na si Onesimo." Inihambing ni Pablo ang kanyang malapit na kaugnayan kay Onesimo sa kaugnayan na mayroon ang isang ama at ang kanyang anak. Si Onesimo ay hindi tunay na anak ni Pablo, ngunit nakatanggap siya ng espiritwal na buhay ng itinuro ni Pablo sa kanya ang tungkol kay Jesus, at minahal siya ni Pablo. AT: "aking minamahal na anak na lalaki na si Onesimo" o "aking espiritwal na anak na lalaki na si Onesimo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Onesimo

Ito ang pangalan ng isang lalaki. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

ako'y naging ama niya

Kung papaano si Onesimo ay parang naging anak ni Pablo ay maaring gawing malinaw: "na naging espiritwal kong anak nang itinuro ko sa kanya ang tungkol kay Jesus at nakatanggap siya ng bagong buhay." AT: "na naging isang anak sa akin" o " na naging parang isang anak sa akin." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

pagkakagapos

"sa aking tanikala." Ang mga bilanggo ay madalas nakagapos ng mga tanikala. Si Pablo ay nasa bilangguan ng tinuruan niya si Onesimo, at siya ay nasa bilangguan pa rin nang isulat niya ang liham na ito. AT: "habang nasa bilangguan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

minsan siyang walang pakinabang

Ito ay maaring isalin bilang isang bagong pangungusap: "Wala siyang silbi dati."

pero ngayon ay kapakipakinabang

"pero ngayon siya ay kagamit-gamit." Ang mga tagapagsalin-wika ay maari din magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang Onesimo ay nangangahulugang "kapaki-pakinabang" o "kagamit-gamit"

Pinadala ko siya—ang aking puso—muli sa iyo

Si Pablo ay maaring isinusulat ang liham bago ipinadala si Onesimo.

ang aking puso

Dito ang salitang "puso" ay ginamit para sa isang tao na labis na minamahal. Sinasabi ni Pablo ito tungkol kay Onesimo. AT: "aking lubos na minamahal." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo

"yamang hindi ka makaparito, maari niya akong tulungan." Maari rin itong isalin bilang isang hiwalay na pangungusap: "Siya ang maaaring tumulong sa akin sa lugar mo."

ako ay naka-tanikala

AT: "habang ako ay nasa bilangguan" o "dahil ako ay nasa bilangguan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

alang-alang sa Ebanghelyo

AT: "dahil inihayag ko ang ebanghelyo."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:14-16

Ngunit ayaw ko gumawa ng anuman na wala ang iyong pahintulot

"Ngunit hindi ko gusto na manatili siya dito ng wala kang pahintulot" o "ngunit gusto ko lamang na manatili siya sa akin kung iyong pahihintulutan" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])

ang iyong...iyo

Dito ang mga panghalip ay isahan at tumutukoy kay Filemon (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita

AT: "nang sa gayon gagawin mo ang tama, hindi dahil pinipilit kita."

mula sa sarili mong kagustuhan

"dahil malaya mong piniling gawin ang tama"

Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo

Itong balintiyak na sugnay ay maaring isalin bilang isang tahasang sugnay: "Marahil ang dahilan ng Diyos na ilayo si Onesimo mula sa iyo." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Marahil

"Siguro"

sandali

"sa loob ng panahong ito"

higit sa pagiging isang alipin

"mas mahalaga kaysa sa isang alipin"

minamahal na kapatid

"isang pinakamamahal na kapatid" o "isang mahalagang kapatid kay Cristo"

at lalo pa para sa iyo

"at siya ay higit pang mahalaga sa iyo"

kapwa sa laman

Itong makataong kaugnayan ay maaring ipahayag ng mas maliwanag: "dahil siya ay iyong alipin." AT: "bilang isang tao" o "sa iyong makataong kaugnayan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

at sa Panginoon

AT: "at bilang isang kapatid sa Panginoon" o "at dahil siya ay pag-aari ng Panginoon."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:17-20

Kung ako ay tinuturing mong katuwang

"kung ako ay tinuturing mong isang kamanggagawa para kay Cristo"

sa akin mo iyon singillin

AT: "singilin ito sa akin" o "sabihin na ako ay siyang may utang sa iyo."

Ako, si Pablo, sinulat ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay

Sinulat ni Pablo ito upang malaman ni Filemon na ang mga salita ay totoo; talagang babayaran siya ni Pablo. AT: "Ako, si Pablo, ang mismong nagsulat nito."

hindi ko binabanggit sa iyo

"Hindi ko kailangang ipaalala sa iyo" AT: "Alam mo" (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])

utang mo sa akin ang iyong buhay

"utang mo sa akin ang sarili mong buhay." Ang dahilan na utang ni Filemon kay Pablo ang kanyang buhay ay maaring gawing maliwanag: "marami kang utang sa akin dahil niligtas ko ang iyong buhay" o " utang mo sa akin ang sarili mong buhay dahil kung ano ang sinabi ko ay nagligtas sa iyong buhay". Pinapahiwatig ni Pablo na si Filemon ay hindi maaring magsabi na si Onesimo o si Pablo ay may pagkakautang sa kaniya ng kahit anuman dahil si Onesimo ay mas maraming pang pagkakautang kay Pablo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

pasiglahin ang aking puso

Kung paanong gusto ni Pablo gawin ito ni Onesimo ay maaring gawing malinaw: "pasiglahin mo ang aking puso sa pagtanggap mo ng mabuti kay Onesimo." AT: "pasayahin ang aking puso" o "pasayahin ako" o "paginhawain mo ako."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:21-22

Dahil nagtitiwala sa iyong pagsunod

"Dahil sigurado ako na gagawin mo kung ano ang hiniling ko"

ang iyong pagsunod...sumulat ako sa iyo... magagawa mo

Sinusulat ito ni Pablo kay Filemon. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

alam

"at alam ko"

Gayun din

"at saka"

maghanda ng isang silid panauhin para sa akin

"maghanda ng isang silid sa iyong bahay para sa akin." Hiniling ni Pablo na gawin ito ni Filemon.

sa pamamagitan ng inyong mga panalangin...ay makakadalaw sa inyo

Ang mga salitang "iyong" at "inyo" dito ay tumutukoy kay Filemon at sa mga mananampalataya na nagtitipon sa kaniyang bahay. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

sa pamamagitan ng inyong mga panalangin

AT: "bilang bunga ng inyong mga panalangin" o " dahil sa lahat kayo ay nananalangin para sa akin."

ako ay makakadalaw sa inyo agad.

"Sa lalong madaling panahon gagawin ng Diyos silang mga nagpapanatili sa akin sa kulungan ay palayain ako nang sa gayon ako ay makapunta sa inyo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/phm/01.md]]

Philemon 1:23-25