Luke
Luke 1
Luke 1:1-4
Pangkalatahang Impormasyon:
Ipinapaliwanag ni Lucas kung bakit siya sumulat kay Teopilus.
bagay
"ulat" o "totoong mga kwento"
sa aming kalagitnaan
ang salitang 'atin' ay maaring kasama or hindi kasama si Teopilus.
na gaya ng binigay nila sa amin
Ang salitang "amin" kay hindi kasama si Teopilus.
binigay nila
"iniabot" , "inihatid"
mga lingkod ng mensahe
Kailangan siguro sabihin kung ano itong sinasabi na '"mensahe". Maaring isalin na: "mga naglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagsabi nila sa mga tao tungkol sa kaniyang mensahe" o "sa mga nagturo sa mga tao ng magandang balita tungkol kay Jesu Cristo.
nang nasiyasat ko nang mabuti
"maingat na sinaliksik." Sinisiyasat ni Lucas ng maigi kung ano talaga ang nangyari. Marahil kinausap niya ang iba't ibang mga tao na nakakita ng mga pangyayari upang matiyak niya na ang mga isusulat niya ay tama.
pinakatanyag na Teopilo
Sinabi ni Lucas ito upang magbigay ng paggalang at respeto. kay Teopilus. Maaring ibig sabihin nito na si Teopilus ay isang mahalagang opisyal ng gobeyerno. Gamitin ang pamamaraan sa inyo kultura kung paano batiin ang mga taong may mahalagang katungkulan. Maari ring ilagay ang pagbati sa unahan tulad ng "Para kay Teopilus" o "Minamahal na Teopilus".
Teopilus
Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay "kaibigan ng Diyos". Maaring inilalarawan nito ang pagkatao niya or maaring pangalan lang niya ito. Karamihan sa mga salin ay itinutukoy lang na ito ay pangalan niya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 1:5-7
Nag-uugnay na Pahayag
Ipinahayag ng anghel ang pagsilang ni Juan.
Pangkalatahang Impormasyon:
Ipinakilala sina Zacarias at Elisabet. Ang mga bersikulong ito ay nagbibigay karagdagang impormasyon patungkol sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Sa mga araw ni Herodes, na hari ng Judea
"Sa panahon na pinamumunuan ni Herodes ang buong Judea" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
mayroong isang
"mayroong natatangi" Ito ay isang paraan ng pagpapakilala ng bagong tauhan sa isang kwento. Maaaring isaalang-alang kung paano ito ginagawa sa sarili ninyong wika.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
pangkat
Ito ay tumutukoy sa mga pari. Maaaring isalin sa : "pangkat ng mga pari" o "grupo ng mga pari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ng Abias
"na nagmula kay Abias." Si Abias ay isang ninuno ng mga grupo ng mga pari at lahat sila ay nagmula kay Aaron na siyang unang paring taga-Israel.
Ang kaniyang asawa ay nagmula sa mga babaeng anak ni Aaron
"Ang kaniyang asawa ay isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron." Ang ibig nitong sabihin ay nagmula siya sa kaparehong hanay ng mga pari tulad ni Zacarias. Maaring isalin na: Ang kaniyang asawa ay mula rin sa kaapu-apuhan ni Aaron" o kaya ay "Si Zacarias at si Elisabet ay parehong nagmula kay Aaron." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mula sa mga babaeng anak ni Aaron
"nagmula sa kaapu-apuhan ni Aaron"
sa harapan ng Diyos
"sa paningin ng Diyos" o "sa palagay ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
namuhay nang walang kapintasan sa
Sa griego ang nakasulat ay "lumakad". Ang "lumakad" ay isang talinghaga kung paano mamuhay o kumilos ang isang tao. Maaring isalin na: "lubusang sumunod nang walang kamalian." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon
"lahat ng iniutos at ipinagawa ng Panginoon"
Ngunit
Ipinapakita ng magkasalungat na salitang ito na ang salitang susunod dito ay kabaliktaran ng kung ano ang inaasahan. Ang mga tao ay umaasa na kung ginagawa nila ang tama, pahihintulutan ng Diyos na sila ay magkakaroon ng mga anak. Bagamat ginagawa ng mag-asawa kung ano ang tama, sila ay walang anak.
Luke 1:8-10
Ngayon ay nangyari na
Ang mga salitang ito ay ginamit upang magbigay tanda ang paglilihis ng kwento mula sa mga kaalaman at karanasan ng mga kasali.
sa kapanahunan ng kaniyang pangkat
"Nang dumating ang pagkakataon ng kaniyang grupo" o "nang dumating ang oras ng kaniyang grupo upang maglingkod"
Sa pamamagitan ng karaniwang panuntunan ng pagpili...nang siya ay makapag-sunog ng insenso.
Ang pangungusap na ito ay nagbibigay kaalaman sa atin sa mga tungkuling pang-pari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
nakaugaliang paraan
"ang kinaugaliang paraan" o "ang kanilang karaniwang kaparaanan"
pagpili sa pamamagitan ng sapalaran
Isang bato ang nilalagyan ng tanda ang ihuhulog o ipapaikot sa lupa upang tulungan silang magpasiya. Naniniwala ang mga pari na gagabayan ng Diyos ang batong may tanda upang ipakita sa kanila kung sino ang pari na gusto niyang piliin nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/religious/bylot/01.md]])
upang siya ay makapagsunog ng insenso.
Ang mga pari ay magsusunog ng mabangong insenso bilang handog sa Diyos sa bawat umaga at gabi sa isang natatanging altar sa loob ng templo.
napakaraming tao
"Maraming bilang ng tao" o "Maraming tao"
sa labas
Ang patyo ay ang bahaging nababakuran na nakapalibot sa templo. Maaring isalin na: "sa labas ng templong gusali" o "sa patyo sa labas ng templo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa oras
"sa nakatakdang oras." Ito ay hindi malinaw kung ito ba ay sa umaga o oras sa gabi para sa pagsusunog ng insenso.
Luke 1:11-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Habang ginagawa ni Zacarias ang kaniyang tungkulin sa loob ng templo, isang anghel na nagmula sa Diyos ang lumapit upang bigyan siya ng mensahe.
ngayon
Ang salitang ito ay tanda ng pagsisimula ng mga pangyayari sa kuwento.
nagpakita sa kaniya
"at biglang lumapit sa kaniya" o "biglaang nandoon kasama ni Zacarias." Ipinahihiwatig nito na ang anghel ay kasalukuyang kasama ni Zacarias, at hindi lamang isang pangitain.
si Zacarias ay nasindak...natakot
Ang dalawang pahayag na ito ay may iisang kahulugan, at binibigyang diin kung gaano labis na natakot si Zacarias.
nang makita niya ito
"nang makita niya ang anghel." Ang pinagmulan ng takot ay ang nakakatakot na kalikasan ng anghel. Si Zacarias ay walang ginawang anumang kamalian.
siya ay labis na natakot
Inilarawan na ang takot ay isang bagay na umatake o tumalo kay Zacarias. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Huwag kang matakot
"Itigil ang pagkatakot sa akin" o "Hindi mo kailangang matakot sa akin."
ang iyong panalangin ay pinakinggan
"Narinig ng Diyos ang iyong kahilingan." Ang sumusunod ay ipinahihiwatig na maaaring dagdagan nito: "at matutupad." Hindi lang pinakinggan ng Diyos ang ipinalangin ni Zacarias; ito ay kaniyang tutuparin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ipagbubuntis...ang iyong anak
"magkakaroon ng anak na lalaki para sa iyo" o "magsisilang ng iyong anak na lalaki"
Luke 1:14-15
Sapagkat
"dahil" o "Dagdag pa rito"
kagalakan at saya
Ang dalawang salitang ito ay magkapareho ang ibig sabihin at maaaring pag-isahin kung ito ay walang katumbas na salita sa inyong sariling wika. Maaaring isalin sa: "napakasaya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
sa pagsilang niya
"dahil sa kaniyang pagsilang"
siya ay magiging dakila sa paningin ng Panginoon
"siya ay magiging napakahalagang tao para sa Panginoon" o "ituturing siya ng Diyos na napakahalaga" (UDB)
siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu
Ito ay maaaring isalin na ang Banal na Espiritu ang gumagawa ng kilos: "palalakasin siya ng Banal na Espiritu " o "gagabayan siya ng Banal na Espiritu." Siguraduhing ito ay hindi katulad sa kung anong kayang gawin ng masamang espiritu sa tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mula sa sinapupunan ng kaniyang ina
Napupuspos ng Banal na Espiritu ang mga tao sa nakaraan, ngunit walang sinuman ang nakarinig na ang isang sanggol na hindi pa ipinapanganak ay napuspos ng Banal na Espiritu.
Luke 1:16-17
maraming tao sa bayan ng Israel
Kung ito ay parang hindi kasali si Zacarias, maaari itong isalin na: "marami sa inyo na kaapu-apuhan ng Israel" o "marami sa inyo na tao ng Diyos, na Israel." Kung mayroong ganitong pagbabago, sigurduhing ang "kanilang Diyos" ay mapapalitan din ng "ang inyong Diyos."
mapanumbalik
"bumaling pabalik" o "bumalik"
Mauuna siya sa Panginoon
Siya ay mauunang darating upang ipahayag sa mga tao na ang Panginoon ay pupunta sa kanila.
Mauuna siya sa Panginoon
Ang nakasulat sa Griego ay " mauna siya sa mukha ng panginoon. Ang "mukha" dito ay isang kawikaan na tumutukoy sa presensiya ng Panginoon. Kung minsan, ito ay hindi na sinasama sa pagsalin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias
"sa parehong espiritu at kapangyarihang mayroon si Elias." Ang salitang "espiritu" ay maaaring tumutukoy sa Banal na Espiritu ng Diyos o ang pag-uugali at kaisipang mayroon si Elias. Siguraduhing ang "espiritu" ay hindi nangangahulugang multo o masamang espiritu.
mapanumbalik ang mga puso ng mga ama sa anak
"hinihikayat ang mga ama na pangalagaan muli ang mga anak" o "siyang dahilan ng ama upang ibalik ang dating relasyon sa kanilang anak"
mapanumbalik ang mga puso
Upang "maipanumbalik ang puso" ay isang talinghaga para sa pagbabago ng pagtingin sa isang bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang mga hindi sumusunod ay mamuhay
Ang nakasulat sa Griego: ang mga hindi sumusunod ay lalakad. Ang "lalakad" ay isang talinghaga tungkol sa paraan ng pamumuhay ng isang tao, at mga kilos niya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang mga hindi sumusunod
"mga tao na hindi sumusunod"
ihanda para sa Panginoon
Hindi binanggit kung paano sila maihahanda. Ang ipinahihiwatig ng impormasyong ito ay maaaring dagdagan. Maaring isalin na: " ihanda sa paniniwala sa mensahe ng Panginoon" o "ihanda sa pagsunod sa Panginoon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 1:18-20
Paano ko malalaman ito?
"Paano ko malalaman na tiyak na mangyayari ang sinabi mo sa akin?" Ang salitang "malalaman" dito ay malalaman sa pamamagitan ng karanasan, iminumungkahi na humihingi si Zacarias ng senyales bilang katibayan. Ito ay maaaring isalin na: "Ano ang maaari mong gawin upang patunayan sa akin na ito ay mangyayari?"
may pataw na ng maraming taon
"napakatanda na"
Ako si Gabriel na nakatayo sa presensya ng Diyos
Ito ay sinabi bilang pagsaway kay Zacarias. Ang presensya ni Gabriel, na nanggaling mismo sa Diyos, ay sapat nang patunay para kay Zacarias.
na nakatayo
"na maglilingkod"
Ako ay inutusan upang magsalita sa iyo
Ito ay maaaring sabihin sa paraan na ang Diyos ang gumagawa ng kilos. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay nag-utos sa akin upang magsalita sa iyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Masdan mo
Ang salitang "masdan mo" ay nagpapahiwatig na kailangan nating bigyang pansin o pakinggan ang mga susunod na hindi inaasahang impormasyon.
pipi, hindi makapagsalita
Iisa lang ang kahulugan ng dalawang ito, at inulit lamang upang bigyang diin na ganap siyang hindi makapagsalita. Maaring isalin na: "lubusang hindi makapagsalita" o "hindi makapagsalita sa anumang paraan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
hindi naniwala sa aking mga salita
"hindi naniwala sa aking sinabi"
sa tamang panahon
"sa itinakdang panahon"
Luke 1:21-23
Ngayon
Maaring isalin na: "Sa oras ng" o "Habang ang anghel at si Zacarias ay nag-uusap."
Naisip ng mga tao na nagkaroon siya ng pangitain habang siya ay nasa loob ng templo. Patuloy siyang gumawa ng mga senyas sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita.
Ang mga bagay na ito ay marahil nangyari sa parehong oras, at ang mga senyas na ginawa ni Zacarias ay nakatulong upang malaman ng mga tao na siya ay nagkaroon ng pangitain sa loob ng templo. Makatutulong din sa iyong mambabasa ang pag-iiba ng pagkasunud-sunod ng mga nangyari upang maipaliwanag ito. Maaaring isalin na: "Patuloy siyang gumagawa ng mga senyales sa kanila at nanatiling hindi makapagsalita. Kaya't naunawaan nila na nagkaroon siya ng pangitain habang nasa loob siya ng templo."
pangitain
Sa naunang paglalarawan, nabanggit na pinuntahan ni Gabriel si Zacarias sa loob ng templo. Ito ay hindi alam ng mga tao kaya't naisip na lamang nila na siya ay nagkaroon ng pangitain.
Dumating ang panahon
Ang pariralang ito ay tumalon sa panahong natapos na ni Zacarias ang kaniyang paglilingkod.
bumalik sa kaniyang bahay
Si Zacarias ay hindi tumira sa Jerusalem, kung saan nakatayo ang templo. Siya ay naglakbay pabalik sa kaniyang bayan.
Luke 1:24-25
Pagkatapos ng mga araw na iyon
Ang parirala na "pagkatapos ng mga araw na iyon" ay tumutukoy sa mga panahong naglilingkod si Zacarias sa templo. Maaari itong isalin nang mas malinaw: Maaaring isalin na "Pagkatapos ay bumalik si Zacarias sa kaniyang tahanan pagkatapos ng kaniyang paglilingkod sa templo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ang kaniyang asawa
"ang asawa ni Zacarias"
nanatili sa kaniyang bahay
"hindi siya umalis sa kaniyang bahay" o "nanatili sa loob nang mag-isa"
Ito ang ginawa ng Panginoon sa akin
Ang pariralang ito ay tumutukoy sa katotohanang pinahintulutan ng Panginoon na siya ay magbuntis.
Ito ang ginawa
Ito ay isang positibong padamdam. Napakasaya niya sa ginawa ng Panginoon para sa kaniya.
tiningnan niya ako nang may biyaya
ang "tiningnan" ay isang salitain na ang ibig sabihin ay "tratuhin" o "pakitunguhan". Maaring isalin sa: "Itinuring nang may kabutihan" o "kinaawaan ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
aking kahihiyan
Ito ay tumutukoy sa kahihiyang naramdaman niya dahil sa siya ay walang kakayanan upang magkaroon ng anak.
Luke 1:26-29
Pangkalahatang Impormasyon:
Sinabi ng anghel na si Gabriel kay Maria na siya ang magiging ina ng Anak ng Diyos.
Ngayon
Ang salitang ito ay ang tanda ng paglihis ng kuwento para sa panibagong mga pangyayari.
Sa kaniyang ika-anim na buwan
"Sa ika-anim na buwan ng pagbubuntis ni Elizabet." Maaaring ito ay mahalagang mabanggit kung ito ay nakakalito sa ika-anim na buwan ng taon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
si Gabriel ay inutusan ng Diyos
Maaari itong isalaysay sa paraan na ang Diyos ang mismong nag-uutos: "Sinabi ng Diyos sa anghel na si Gabriel na pumunta siya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kabilang sa angkan ni David
"Siya ay nagmula sa kaparehong tribo ni David" o "Siya ay nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Haring David" (UDB)
Nakatakdang ikasal
"Naipangakong ikasal" Ang mga magulang ni Maria ay nangakong ipakakasal siya kay Jose.
Ang pangalan ng birhen ay Maria
Ito ay pagpapakilala kay Maria bilang bagong tauhan sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
Siya ay lumapit sa kaniya
Ang anghel ay lumapit kay Maria.
Binabati kita
Ito ay karaniwanga pagbati. Ang ibig sabihin nito ay "Magalak ka" o "Masiyahan ka."
iIkaw lubos na pinagpala!
"Ikaw ay nakatanggap ng malaking biyaya!" O "Ikaw ay nakatanggap ng natatatangining kabutihan."
Ang Panginoon ay nasa sa iyo
Ang "sa iyo" ay isang salitain na nagpapahayag ng pagsuporta at pagtanggap. Maaring isalin na: "Ang Panginoon ay nalugod sa iyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ngunit siya ay lubhang naguluhan...nagtaka kung anong uri ng pagbati ito
Naintindihan ni Maria ang kahulugan ng bawat salita, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit sinabi sa kaniya ng anghel ang nakamamanghang pagbati na ito.
Luke 1:30-33
Huwag kang matakot, Maria
Ayaw ng anghel na matakot sa kaniya si Maria dahil siya ay inutusan ng Diyos dala ang magandang balita.
ikaw ay nakatanggap ng biyaya sa Diyos
Ang ibig sabihin ng salitang "nakatanggap ng biyaya" ay positibong pagtanggap ng kahit kanino man. Ang pangungusap ay maaaring baguhin upang gawing ang Diyos ang gumaganap, maaaring isalin na: "Nagdesisyon ang Diyos na bigyan ka ng biyaya" o "ipinapakita sa iyo ng Diyos ang kaniyang kabutihan."
ikaw ay magbubuntis sa iyong sinapupunan at magsisilang ng isang anak na lalaki...Jesus...ang Anak ng Kataas-taasan
Si Maria ay magsisilang ng "anak na lalaki" na tatawaging "Anak ng Kataas-taasan." (UDB) Kung gayon, si Jesus ay lalaking anak ng isang babaeng tao, at siya rin ay Anak ng Diyos. Ang mga salitang ito ay kailangang isalin na may lubos na pag-iingat.
Na tatawaging
Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "tatawagin siya ng mga tao" o 2 "tatawagin siya ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Anak ng Kataas-taasan
Ito ay isang mahalagang katawagan kay Jesus, na Anak ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Ibibigay sa kaniya ang trono ng kaniyang ninunong si David
Ang trono ay kumakatawan sa kapangyarihan ng isang hari upang mamuno. Maaring isalin na: "Siya ay bibigyan ng kapangyarihang mamuno bilang hari na katulad ng ginawa ng kaniyang ninuno na si David." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Walang katapusan ang kaniyang kaharian
Binibigyan ng diin ng negatibong parirala na "walang katapusan" na ito ay tuluy-tuloy magpakailanman. Ito ay maaari ring isaad sa positibong paraan: "Ang kaniyang kaharian ay hindi magtatapos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
Luke 1:34-35
Paano mangyayari ito
Maaring isalin na: "Paano naging posible ito?" Kahit hindi maintindihan ni Maria kung paano mangyayari ito, hindi siya nagduda na ito ay mangyayari.
Hindi pa ako nakitabi kasama ang sinumang lalaki
Ginamit ni Maria ang magalang na pahayag na ito upang sabihin na siya ay hindi pa nakaranas ng gawaing sekswal. Maaaring isalin sa: "Ako ay isang birhen." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
Ang Banal na Espiritu ay darating sa iyo
Ang pagsimula ng pagbubuntis ni Maria ay magsisimula kapag dumating ang Banal na Espiritu sa kaniya.
darating sa
"maabutan" o "mangyayari na"
ang kapangyarihan ng Kataaas-taasan
Ito ay ang "kapangyarihan" ng Diyos na siyang dahilan ng hindi pangkaraniwang paraan ng kaniyang pagbubuntis kahit na siya ay isang birhen. Siguraduhing ito ay huwag ipakahulugan sa pagtatalik- ito ay isang himala.
Ay darating sa iyo
"babalutin ka na kagaya ng anino"
isang banal
"ang batang banal" o "ang banal na sanggol"
Ay tatawagin
Mga posibleng kahulugan 1) "tatawagin siya ng mga tao" o 2) "tatawagin siya ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Upang ang isang banal na isisilang ay tatawaging Anak ng Diyos
Kahit na ang ina ni Jesus na si Maria ay tao, ginawa ng Diyos ang higit pa sa karaniwan nang ilagay niya si Jesus sa kaniya bilang sanggol. Samakatuwid, ang Diyos ang kaniyang ama, at si Jesus ay tinawag na "Anak ng Diyos."
Anak ng Diyos
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Luke 1:36-38
tingnan
Ang salitang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga susunod na salaysay patungkol kay Elizabet.
Ang iyong kamag-anak na si Elizabet
Kung kinakailangan ng tiyak na ugnayan, si Elizabet ay maaaring tiyahin ni Maria o tiyahin ng kaniyang ama o ina.
ay nagbuntis din ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan
"Ay nagbuntis ng isang anak na lalaki, kahit na siya ay napakatanda na" o "kahit na siya ay matanda na, nagbuntis pa rin at isisilang ang isang anak na lalaki." Siguraduhing hindi ito mangangahulugan na parang si Maria at Elizabet ay parehong matatanda na nang magbuntis.
Sa kaniyang ika-anim na buwan
"sa ika-anim na buwan ng kaniyang pagbubuntis"
Sapagkat
"Dahil" o "Ipinapakita nito na"
Walang imposible sa Diyos
Ang dalawang negatibong pahayag dito ay maaaring sabihin gamit ang positibong pahayag, maaring isalin na: "Ipinapakita nito na kayang gawin ng Diyos ang kahit na anong bagay." Ang pagbubuntis ni Elizabet ay patunay na kayang gawin ng Diyos ang anumang bagay- kahit ang pagbubuntis ni Maria kahit na hindi siya nakitabi sa pagtulog kasama ang isang lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
Tingnan
Ginamit din ni Maria ang salitang ginamit ng anghel upang bigyang diin kung gaano siya kaseryoso sa kaniyang desisyon na sumunod sa Panginoon.
Ako ang babaeng lingkod ng Panginoon
Pumili ng salaysay na nagpapahayag ng kaniyang pagpapakumbaba at pagsunod sa Panginoon. Siya ay hindi nagmamalaki patungkol sa kaniyang pagiging lingkod ng Panginoon.
Mangyari nawa sa akin
"Hayaang mangyari ito sa akin." Ipinapahayag ni Maria ang kaniyang kagustuhan na mangyari ang mga sinabi ng anghel sa kaniya.
Luke 1:39-41
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinuntahan ni Maria ang kaniyang kamag-anak na si Elizabet na magsisilang kay Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
gumayak
Ang nakasulat sa griego ay: si Maria ay tumayo. Sa griego ang salitain na ito ay hindi lamang nangangahulugang siya ay tumayo, ngunit "naghanda." Maaring isalin sa 'nagsimulang pumunta" o "naghanda na" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
maburol na bahagi ng lupain
"Maburol na bahagi" o "mabundok na parte ng Israel"
Siya ay pumunta
Ipinahihiwatig nito na natapos ni Maria ang kaniyang paglalakbay bago siya pumunta sa bahay ni Zacarias. Maaari itong isaad nang mas malinaw. Maaaring isalin na: "Nang siya ay makarating, siya ay pumunta." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
At nangyari nga
Ang parirala na ito ay ginamit upang markahan ang panibagong pangyayari sa bahaging ito ng kwento.
Sa kaniyang sinapupunan
Sa sinapupunan ni Elizabet.
Lumukso
"Biglang gumalaw"
Luke 1:42-45
Ang kaniyang tinig ay tumaas...nagsabi nang malakas
Ang dalawang salaysay na ito ay tumutukoy sa iisang kahulugan, at nagbibigay diin sa kung gaano kasabik si Elizabet. Maaari itong pag-isahin sa iisang salaysay: "napasigaw nang malakas." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Ang kaniyang tinig ay tumaas
Ang salitaing ito ay nangangahulugang "lumakas kaniyang tinig." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Pinagpala ka sa lahat ng mga babae
Ang salitaing "sa lahat ng mga babae" ay nangangahulugang "higit pa sa kahit kaninong babae." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ang bunga ng iyong sinapupunan
Ang sanggol ni Maria ay naihalintulad sa bunga ng halaman. Maaring isalin na: "Ang sanggol sa iyong sinapupunan" o "ang sanggol na iyong isisilang." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin?
Hindi humihingi ng impormasyon si Elizabet. Ipinapakita niya kung gaano siya nagulat at kasaya na kapiling niya ang ina ng Panginoon. Maariing isalin na: "Kahanga hanga ito, na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang ina ng aking Panginoon
Ito ay tumutukoy kay Maria. "ikaw na ina ng aking Panginoon." (UDB)
Sapagkat tingnan mo
Ang pariralang ito ay nagbibigay tanda sa atin upang bigyang pansin ang kamangha-manghang salaysay ni Elisabet na susunod.
nang marinig ko
ang salitaing ito ay nangangahulugang "Narinig ko." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Tumalon sa galak
"Biglang gumalaw sa galak" o "pilit siyang umikot dahil sa napakasaya niya."
Pinagpala siyang nanampalataya
"Ikaw na nananalig ay pinagpala" o "dahil ikaw ay nananalig, ikaw ay magagalak"
Mayroong katuparan ang mga bagay
"Ang mga bagay na ito ay talagang mangyayari" o "ang mga bagay na ito ay maisasakatuparan"
Ang mga bagay na ipinahayag sa kaniya mula sa Panginoon
Maaring isalin na: "Ang mensahe ng Panginoon na ibinigay sa kaniya" o "ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 1:46-47
Pangkalahatang Impormasyon:
Sinimulan ni Maria ang isang awit ng papuri para sa Panginoon ma kaniyang Tagapagligtas.
Ang kaluluwa ko ay nagpupuri...ang aking espiritu ay nagalak
Gumagamit si Maria ng pamamaraan ng tula kung saan isinasalaysay niya ang magkatulad na bagay sa dalawang magkaibang pamamaraan. Kung posible, isalin ito sa dalawang bagay na bahagyang may kaibahan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Ang aking kaluluwa...ang aking espiritu
Ang "kaluluwa" at "espiritu" ay parehas na tumutukoy sa espirituwal na bahagi ng isang tao. Sinasabi ni Maria na ang kaniyang pagsasamba ay galing sa kaniyang loob. Maaring isalin sa: "Ang aking kaibuturang bahagi...ang aking puso." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Ay nagalak sa
"Nakaramdam ng napakasaya tungkol sa" o "napakasaya tungkol sa."
Diyos na aking Tagapagligtas
"Ang Diyos, na Siyang nagligtas sa akin", o "ang Diyos na nagligtas sa akin."
Luke 1:48-49
Sapagkat siya
"Dahil siya"
ay tumingin
"tumingin ng may pag-aalala" o "may pagkalinga."
kababaan
"Mahirap". Ang pamilya ni Maria ay hindi mayaman.
Kaya tingnan mo
Ang pariralang ito ay tumatawag ng pansin para sa mga susunod na salaysay.
mula ngayon
"Ngayon at sa hinaharap."
lahat ng salinlahi
"Ang mga tao sa lahat ng kapanahunan."
Ang kaniyang pangalan
Ang "pangalan" dito ay tumutukoy sa kabuuang persona ng Diyos. Maaring isalin sa: "Siya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 1:50-51
Ang kaniyang habag
"Ang habag ng Diyos"
Sa lahat ng salinlahi
"Mula sa isang panahon hanggang sa sumunod na panahon" o "mula sa lahat ng panahon" o "sa mga tao sa lahat ng kapanahunan."
Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig
"ng kaniyang mga bisig" ay isang paglalarawan na tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos. Maaring isalin na: "Ipinakita na siya ay napakamakapangyarihan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ikinalat
"Naikalat sa iba't ibang direksiyon"
nilalaman ng kanilang mga puso
Ang "puso" ay isang salitain na tumutukoy sa saloobin ng isang tao. Maaring isalin sa: "iniisip ng kanilang kalooban." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Luke 1:52-53
Pinabagsak niya ang mga prinsipe sa kanilang mga trono
Ang trono ay isang upuan kung saan nakaupo ang namumuno, at ito ay simbolo ng kaniyang kapangyarihan. Kung ang isang prinsipe ay ibinaba sa kaniyang trono, ibig sabihin ay wala na siyang kapangyarihang mamuno. Maaring isalin na: "Kinuha na niya ang mga kapangyarihan ng mga prinsipe" o "Pinigilan na niyang mamuno ang mga namumuno." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Ibinaba ang mga prinsipe...itinaas ang mga mabababang kalagayan
Ang pagkakasalungat ng dalawang magkaibang kilos na ito ay dapat maipaliwanag sa pagsalin kung maaari.
Mababang kalagayan
Tingnan kung paano ito naisalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/01/48.md]].
Itinaas ang mga may mababang kalagayan
Sa paglalarawan ng salita, ang mga mahahalagang tao ay mas mataas kaysa sa mga taong mas mababa ang halaga. Maaring isalin na: "ginawang mahalaga ang mga mapagkumbaba" o "dinakila ang mga taong hindi dinadakila ng iba." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Binusog niya ang mga nagugutom...ang mga sagana ay pinaalis niyang gutom
Kung maaari ang pagkakasalungat ng dalawang bagay na ito ay dapat sanang maipaliwanag nang husto sa pagsalin.
Binusog ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom
Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "binigyan ang mga nagugutom ng mabuting pagkain upang kainin" o 2) "bigyan ang mga nangangilangan ng mabubuting bagay."
Luke 1:54-55
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang UDB ay muling inayos ang mga talatang ito at pinagdugtong upang mapanatiling buo ang mga kaalaman patungkol sa Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-versebridge/01.md]]
Nagkaloob siya ng tulong
"Ang Panginoon ay tumulong"
Israel na kaniyang lingkod
Kung ang mga bumabasa dito ay nalilito sa isang lalaki na ang pangalan ay Israel, maaari itong isalin na: "Ang kaniyang lingkod, ang bayan ng Israel" o "Israel na kaniyang lingkod."
na gaya ng
"nang sa gayon"
pag-alaala
Hindi nakakalimot ang Diyos. Kung ang Diyos ay "nakaalala," ito ay salitain na ang ibig sabihin ay gumagawa ang Diyos batay sa nauna niyang pangako. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
na sinabi niya sa ating mga ama
"Gaya ng ipinangako niya sa ating mga ama na kaniyang gagawin." Ang salaysay na ito ay nagbibigay karagdagang mga karanasan ni Abraham patungkol sa mga pangako ng Diyos. Maaring isalin na: "sapagkat ipinangako niya sa ating mga ninuno na siya ay magiging mahabagin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Kaniyang kaapu-apuhan
"kaapu-apuhan ni Abraham"
Luke 1:56-58
Pahayag na Nag-uugnay:
Isinilang ni Elisabet ang kaniyang sanggol at pinangalanan naman ni Zacarias ang kanilang sanggol.
bumalik sa kaniyang bahay
"Si Maria ay bumalik sa kaniyang bahay" o "Bumalik si Maria sa sarili niyang bahay"
Ngayon
Ang salitang ito ang tanda ng pagsisimula ng bagong pangyayari sa kuwento.
Ang kaniyang mga kapitbahay at mga kamag-anak.
"Ang mga kapitbahay at mga kamag-anak ni Elizabet"
dakilang habag para sa kaniya
"Naging labis na mabuti sa kaniya"
Luke 1:59-61
Ngayon ay nangyari sa ikawalong araw na
"Ngayon noong ang sanggol ay walong-araw na ang gulang" o maaring isalin na "At, makalipas ang walong araw mula nang isilang ang sanggol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
sila
"Maaaring ito ay tumutukoy sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni Zacarias at Elizabet."
Upang tuliin ang sanggol
Ito ay kadalasang seremonya kung saan tinutuli ang sanggol at ang mga kaibigan ay naroon upang makipagdiwang sa pamilya. Maaring isalin na: "para sa seremonya ng pagtutuli sa sanggol" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Tatawagin sana nila siyang
"Papangalanan nila siya" o "Nais nilang bigyan siya ng pangalan." Ito ang karaniwang kaugalian.
ganyang pangalan
"sa kaparehong pangalan."
Luke 1:62-63
sila
Ito ay tumutukoy sa mga taong dumalo sa seremonya ng pagtutuli.
Sumenyas
"Sinenyasan" Maaaring si Zacarias ay hindi nakakarinig at hindi rin nakakapagsalita, o ipinagpalagay ng mga tao na hindi rin siya nakakarinig.
sa kaniyang ama
"sa ama ng sanggol."
Kung ano ang gusto niyang ipangalan sa kaniya
"Anong pangalan ang gustong ibigay ni Zacarias sa sanggol."
Humingi ang kaniyang ama ng sulatan
Makakatulong kung ipapahayag kung paano "humingi" si Zacarias , sapagkat hindi siya nakakapagsalita. Maaring isalin na: "Ginamit ni Zacarias ang kaniyang mga kamay upang ipakita sa mga tao na siya ay bigyan ng sulatan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sulatan
"isang bagay na maaaring pagsulatan"
Namangha
"labis na nagulat" o "humanga"
Luke 1:64-66
Nabuksan ang kaniyang bibig...napalaya ang kaniyang dila
Ang dalawang pariralang ito ay salitang naglalarawan na parehong nagbibigay diin na si Zacarias ay biglang nakapagsalita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Nabuksan ang kaniyang bibig at napalaya ang kaniyang dila
Ang pahayag na ito ay maaaring isalin na ang Diyos ang gumagawa ng kilos: "Binuksan ng Diyos ang kaniyang bibig at pinalaya ang kaniyang dila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Natakot ang lahat ng nakatira malapit sa kanila
"Lahat ng mga nakatira sa paligid nina Zacarias at Elisabet ay natakot." Sila ay nasindak sa himalang ginawa ng Diyos upang ibalik ang kakayanang magsalita ni Zacarias. Maaring isalin na: "Lahat ng nakatira malapit sa kanila ay namangha sa Diyos." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Lahat ng nakatira
Hindi lamang ito tumutukoy sa kanilang mga kapitbahay kundi sa lahat ng mga nakatira sa lugar na iyon.
At ito
Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa mga bagay na nangyari.
lahat ng nakarinig
Ito ay tumutukoy sa mas malaking grupo ng mga tao na nakatira sa buong Judea.
Nagsasabi
"nagtatanong"
Ano ang magiging kapalaran ng batang ito?
"Anong dakilang katauhan ang mangyayari sa batang ito kapag siya ay lumaki?" Maaari ding ang ibig sabihin ng tanong ay pagsasalaysay sa kanilang pagkagulat sa kanilang mga narinig tungkol sa bata. Maaring isalin sa: "Magiging dakilang tao ang batang ito!" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya
Ang salaysay na "ang kamay ng Panginoon" ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos. "Ang kapangyarihan ng Diyos ay nasa kaniya" o "Ang Panginoon ay gumagawa sa kaniya ng may kapangyarihan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 1:67-68
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinabi ni Zacarias kung ano ang mangyayari sa kaniyang anak na si Juan.
Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu
Maaari itong isalin na ang Banal na Espiritu ang gumagawa ng kilos: "Pinuspos ng Banal na Espiritu ang kaniyang ama na si Zacarias." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang kaniyang ama
ang ama ni Juan
nagpahayag na nagsasabi
Isaalang-alang ang mga natural na paraang ginagamit sa pagpapakilala ng mga direktang salaysay. Maaring isalin sa: "Nagpahayag at nagsabi" o "nagpahayag, at ganito ang kaniyang sinabi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Ang Diyos ng Israel
Ang "Israel" dito ay tumutukoy sa bansang Israel. Ang ugnayan ng Diyos at ng Israel ay maihahayag nang mas tiyak: "ang Diyos na naghahari sa Israel" o "ang Diyos na sinasamba ng Israel." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
kaniyang mga tao
"mga tao ng Diyos"
tinubos ang kaniyang mga tao.
"Tinupad ang pagtubos sa kaniyang bayan" o "nagbayad upang palayain ang kaniyang bayan."
Luke 1:69-71
Sungay ng kaligtasan para sa atin
Ang sungay ng isang hayop ay simbolo ng kaniyang kapangyarihang ipagtanggol ang sarili. Ang kahulugan nito ay maaaring ihayag nang mas malinaw: "Siyang mayroong kapangyarihan upang iligtas tayo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sa bahay ng... mula sa kaapu-apuhan ng
Ang dalawang pariralang ito ay tumutukoy sa iisang bagay, at binibigyang diin na ang magliligtas sa kanila ay tiyak na mula sa kaapu-apuhan ni Haring David.
Sa bahay ni
"Sa loob ng pamilya ni"
mula sa kaapu-apuhan
Isa sa mga kaapu-apuhan
Tulad ng sinabi niya
Katulad ng sinabi ng Diyos
sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta
Binigyan ng Diyos ang mga propeta ng kakayahan upang masabi nila ang mga salita na nais ng Diyos na sabihin nila. Maaring isalin sa: "dahilan ng pagsalita ng kaniyang mga banal na propeta." Ang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring ihayag. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Sa pamamagitan ng mga bibig ng
Ang salitaing ito ay nangangahulugang "aking kaparaanan na", "sa pamamagitan ng mga tinig ng." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Nasa sinaunang mga panahon
"Nabuhay noon pang matagal na panahon na ang nakalipas"
Ipagkaloob ang kaligtasan
Ang kaligtasan dito ay tumutukoy sa pagliligtas sa pisikal, at hindi sa espiritwal na kaligtasan.
Ating mga kaaway...lahat ng mga galit sa atin
Ang dalawang pariralang ito ay pareho ang kahulugan, at inulit upang bigyang diin kung gaano kalakas ang kanilang mga kaaway laban sa kanila.
Mula sa kamay ng
Maaaring makatulong kung muling sasabihin ang "kaligtasan dito." Maaaring isalin sa: "kaligtasan mula sa kamay ng." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Kamay
"kapangyarihan" o "pamamahala." Ang salitang "kamay" ay maaaring iugnay sa kapangyarihan o pamamahala na ginagamit upang pinsalain ang mga anak ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 1:72-75
ipakita ang habag sa
'upang kahabagan" "upang kikilos siya ayon sa habag niya"
alalahanin
Ang salitang "alalahanin" ay nangangahulugan na tutuparin ang pangako
ang kaniyang banal na kasunduan, pangako na kaniyang sinalita
Iisa lang ang ibig sabihin nitong dalawang pararila. Inuulit ito upang magbigay diin sa pangako ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway
Ang tinutukoy ng 'kamay' ay kapangyarihan ng isang tao. Maaring ipahayag ito ng malinaw. Maaring isalin na: " mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
walang takot
Hindi sila matatakot sa kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: "no hindi matakot sa ating mga kaaway" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa kabanalan at katuwiran
These could be expressed as actions. AT: "to live in a pure way and to do what is right" (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
sa kabanalan at katuwiran
Maaari itong isal na: "mamuhay ng dalisay at gawin ang tama" (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
Luke 1:76-77
Oo, at ikaw
Ginamit ni Zacarias ang salaysay na ito upang simulang magsalita patungo sa kaniyang anak. Maaaring mayroon itong katulad na salita upang masabi ito nang direkta ayon sa iyong wika.
ikaw, anak, ay tatawaging propeta
Malalaman ng mga tao na siya ay propeta. Maaari itong isalaysay na ang mga propeta ang gumagawa ng kilos: "matatanto ng mga tao na ikaw ay propeta." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ng Kataas-taasan
"Na naglilingkod sa Kataas-taasan." Ito ay tumutukoy sa Diyos. Maaring isalin sa: "na siyang nakikipag-usap sa Kataas-taasang Diyos"
mauuna sa Panginoon
Sa Griego ang nakasulat ay: mauna sa mukha ng Panginoon. Maaaring isalin na: "darating ka bago ang Panginoon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao
"Upang ipaliwanag ang kaligtasan sa kaniyang mga tao" o "upang maaaring maintindihan ng kaniyang mga tao ang patungkol sa kaligtasan."
Sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan
"Sa pamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 1:78-79
Pangkalahatang Impormasyon:
Sa lahat ng mga talatang ito, ang "tayo" ay tumutukoy sa lahat ng tao.
Dahil sa dakilang habag ng ating Diyos
Maaaring makatulong kung isasalaysay na tinutulungan tayo ng awa ng Diyos. Maaring isalin na: "dahil ang Diyos ay maawain at mahabagin sa atin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ang pagsikat ng araw sa itaas... upang magliwanag
Ang liwanag ay madalas na talinghaga para sa katotohanan. Dito, ang paraan ng pagsikat ng araw na nagbibigay liwanag sa daigdig ay ginamit na halimbawa kung paano magbibigay ng katotohanang espiritwal sa mga tao ang Tagapagligtas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Magliwanag
"Magbibigay kaalaman" o "magbibigay ng espiritwal na liwanag."
Sa kanila na nakaupo sa kadiliman
Ang kadiliman dito ay isang talinghaga para sa mga taong wala ang katotohanan. Maaring isalin sa: "mga taong hindi nakakaalam sa katotohanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Kadiliman...anino ng kamatayan
Ang dalawang pariralang ito ay magkasabay na nagbibigay-diin sa malalim na kadilimang espiritwal ng mga tao bago pa ipakita ng Diyos ang kaniyang habag sa kanila.
sa anino ng kamatayan
Ang "anino" ay isang talinghaga para sa mga bagay na darating pa lamang. Dito, ito ay tumutukoy sa espiritwal na kadiliman na siyang magiging dahilan ng kanilang pagkamatay. maaaring isalin na: "silang mga mamamatay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
gabayan ang ating mga paa
Ang paggabay sa paglakad ng isang tao ay talinghaga para sa pagbibigay gabay sa kanilang espiritwal na kaalaman. Maaaring isalin na: "gabayan tayo" o "turuan tayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ating mga paa
Ang "paa" ay ginamit upang kumatawan sa buong katauhan ng isang tao. Maaaring isalin na: "tayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Patungo sa daang payapa
Ang "daang payapa" ay isang talinghaga para sa paraan ng pamumuhay na magiging dahilan ng pagkakaroon ng tao ng kapayapaan kasama ang Diyos. Maaaring isalin sa: "upang mamuhay ng payapang buhay" o "lumakad sa daang patungo sa kapayapaan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 1:80
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay maikling pahayag patungkol sa paglaki ni Juan.
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit upang magbigay hudyat sa pagtigil sa pangunahing bahagi ng kuwento. Mabilis na lumihis si Lucas sa mga pangyayari buhat sa pagsilang ni Juan at agad niyang sinimulan ang pasimula ng kaniyang pagmiministeryo bilang isang gulang na.
naging malakas sa espiritu
"Naging malakas sa espiritu" o "napalakas ang kaniyang relasyon sa Diyos."
nasa ilang
"Nanirahan sa ilang." Hindi binanggit ni Lucas kung ilang taon si Juan nang magsimulang manirahan sa ilang.
hanggang
Patuloy na nanirahan si Juan sa ilang kahit na noong nagsimula na siyang mangaral sa mga kabayanan.
kaniyang pagharap sa Israel.
nang magsimula na siyang mangaral sa mga bayan ng Israel
sa araw
Ito ay ginamit sa pangkalahatang kaisipan ng "sa oras" o "sa pagkakataon."
Luke 2
Luke 2:1-3
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nakaraan upang ipakita kung bakit kinakailangang umalis nina Maria at Jose para sa kapanganakan ni Jesus.
Ngayon
Ang salitang ito ay tanda ng pagsisimula ng bagong bahagi ng kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
nangyari na
Ang mga salitang ito ay ginamit upang ipakita na ito ang pasimula ng isang salaysay. Kung ang inyong wika ay may paraan ng pagpapakita ng pasimula ng isang salaysay, maaari mong gamitin iyon. Ang ibang mga bersiyon ay hindi na isinama ang mga salitang ito.
Cesar Agustus
"Haring Agustus" o "Emperador Agustus." Si Agustus ang unang emperador ng Imperyo ng Roma. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
naglabas ng isang batas na nag-uutos
Ang salitain na ito ay nangangahulugang siya ay nagbigay ng utos o kautusan. Maaaring isalin na: "ipinag-utos" o "nagbigay ng utos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
na magkaroon ng sensus sa lahat ng tao na nabubuhay sa mundo.
Ito ay maaaring sabihin sa "aktibong anyo." Maaaring isalin na: "na ilista nila ang lahat ng taong nakatira sa mundo ng Roma" o "na bilangin nila ang lahat ng tao sa mundo ng Roma at isulat ang kanilang mga pangalan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang mundo ng Roma
"ang bahagi ng mundo na kontrolado ng pamahalaan ng Roma" o "ang mga bansa na pinamumunuan ng Emperador ng Roma"
Cireneo
Si Cireneo ang hinirang na maging gobernador ng Syria. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
pumunta ang lahat
"nagsimulang umalis ang lahat" o "ang lahat ay pumunta"
kaniyang sariling bayan
Maaaring makatulong na sabihin na ang "kaniyang sariling" ay hindi tumutukoy sa bayan kung saan sila nakatira. Maaaring isalin na: "ang bayan kung saan tumira ang kanilang mga ninuno." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
upang mailista para sa sensus
"upang maisulat ang kanilang pangalan sa listahan" o "upang maisama sa opisyal na bilang"
Luke 2:4-5
Pangkalahatang Impormasyon:
Sa UDB, binago ang ayos ng dalawang bersikulo na ito sa bersikulong magka-ugnay para madaling paikliin ang mga pangungusap. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-versebridge/01.md]])
Si Jose ay umalis din
Dito, ipinapakilala si Jose na isang bagong tauhan sa kuwento.
sa lungsod ng Nazaret sa Galilea
"sa lungsod ng Nazaret sa rehiyon ng Galilea"
na kilala bilang lungsod ni David
Ito ay impormasyon tungkol sa nakaraan na nagsasabi ng kahalagahan ng Betlehem. Kahit na ito ay isang maliit na bayan, doon ipinanganak si Haring David, at may isang propesiya na ang Mesiyas ay maipapanganak doon. Maaaring isalin na: "lungsod ni Haring David." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
dahil siya ay kaapu-apuhan
"dahil si Jose ay kaapu-apuhan"
upang magpalista
Ang kahulugan nito ay upang magpakita sa mga pinuno roon upang siya ay maisama sa bilang. Gumamit ng salita para sa opisyal na bilang ng pamahalaan kung maaari.
kasama si Maria
Kasama ni Jose si Maria na naglakbay mula sa Nazaret. Maaaring ang mga kababaihan ay kasama sa binabayarang buwis kung kaya't si Maria ay kinakailangan na maglakbay at magpalista din. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
na nakatakdang ikasal sa kaniya
"kaniyang kasintahan" o "na naipangako sa kaniya." Ang dalawang may kasunduang magpakasal ay itinuturing na legal na kasal na ngunit hindi sila maaaring magtalik.
Luke 2:6-7
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinasabi nito ang kapanganakan ni Jesus at ang pagpapahayag ng mga anghel sa mga pastol.
Pangkalahatang Impormasyon:
Sa UDB, binago ang ayos ng dalawang bersikulo na ito sa bersikulong magka-ugnay para pagsamahin ang detalye ng lugar kung saan sila nanuluyan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-versebridge/01.md]])
At nangyari na
Ang mga salitang ito ay tanda ng pagsisimula ng susunod na pangyayari sa kuwento. (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
habang sila ay naroroon
"habang sina Maria at Jose ay nasa Betlehem"
dumating ang oras para ipanganak niya ang kaniyang sanggol
"oras na upang ipanganak ang kaniyang sanggol"
maayos niya itong binalot ng pirasong tela
Ito ang karaniwang paraan ng mga ina para ingatan at alagaan ang kanilang mga sanggol ayon sa kanilang kultura. Maaari mo itong sabihin ng malinaw. Maaaring isalin na: "maayos na binalot ng makapal na kumot" o "maingat na binalot ng kumot" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sabsaban
Ito ay isang uri ng kahon o balangkas na pinaglalagyan ng mga tao ng dayami o pagkain ng mga hayop. Maaaring ito ay malinis at may nakalagay na malambot at tuyong dayami na nagsilbing malambot na higaan para sa sanggol. Ang mga hayop ay karaniwang malapit sa bahay para sila ay mabantayan at para madali silang mapakain. Ngunit sina Maria at Jose ay namalagi sa lugar na nakalaan para sa mga hayop.
walang bakanteng silid para sa kanila sa bahay-panuluyan
"wala ng lugar na kanilang tutuluyan sa silid pambisita." Maaaring ito ay dahil napakaraming tao ang pumunta sa Betlehem para magpalista. Idinagdag ito ni Lukas bilang impormasyon tungkol sa nakaraan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Luke 2:8-9
isang anghel ng Panginoon
"isang anghel na mula sa Panginoon" o "isang anghel na naglilingkod sa Panginoon"
lumitaw sa kanila
"lumapit sa mga pastol"
ang kaluwalhatian ng Panginoon
Nagmumula sa kaluwalhatian ng Panginoon ang maningning na ilaw na lumitaw kasabay ng anghel.
Luke 2:10-12
Huwag kayong matakot
"Itigil ang pagkatakot"
sapagkat ipapaalam ko sa inyo ang mabuting balita
"sapagkat ako ay may dalang mabuting balita sa inyo" o "sasabihin ko sa inyo ang ilang mabuting balita"
na magbibigay ng lubos na kagalakan sa lahat ng tao
"na gagawing labis na masaya ang lahat ng tao."
lahat ng tao
Naiintindihan ng iba na ito ay tumutukoy sa mga Judio. Ang pagkakaintindi dito ng iba, ito ay tumutukoy sa lahat ng tao.
sa lungsod ni David
Ang tinutukoy nito ay ang Betlehem.
Ito ang palatandaan na maibibigay sa inyo
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "Ibibigay ng Diyos sa inyo ang palatandaan na ito" o "Makikita ninyo ang palatandaan na ito mula sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang palatandaan
"ang patunay". Ito ay maaaring palatandaan para patunayan na ang sinasabi ng anghel ay totoo, o ito ay maaaring palatandaan na tutulong sa mga pastol para makilala ang sanggol.
nababalot ng piraso ngtela
Tingnan kung papaano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/02/06.md]]
nakahiga sa isang sabsaban
Tingnan kung papaano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/02/06.md]]
Luke 2:13-14
malaking bilang ng hukbong makalangit
Ang salitang "hukbong makalangit" ay maaaring tumutukoy sa hukbo ng mga anghel o ito ay maaaring isang talinghaga para sa organisadong grupo ng mga anghel. Maaaring isalin na: "malaking grupo ng mga anghel mula sa langit" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagpupuri sa Diyos
"nagbibigay ng papuri sa Diyos"
Kaluwalhatian sa Diyos sa kaitaasan
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Magbigay ng karangalan sa Diyos sa kaitaasan" o 2) "Ibigay ang pinakamataas na karangalan sa Diyos."
nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa lupa sa mga taong kinalulugdan niya.
"nawa ay magkaroon ng kapayapaan sa mga tao sa lupa na kinalulugdan ng Diyos"
Luke 2:15-16
At nangyari
Ang mga salitang ito ay ginamit upang maging palatandaan ng pagbabago sa kuwento sa kung ano ang ginawa ng mga pastol pagkatapos umalis ng mga anghel.
mula sa kanila
"mula sa mga pastol"
sa bawat isa
"sa isa't isa"
ang bagay na ito
Ito ay tumutukoy sa kapanganakan ng sanggol at hindi sa paglitaw ng mga anghel.
nakahiga sa sabsaban
Tingnan kung papaano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/02/06.md]]
Luke 2:17-20
Pagkatapos nilang makita ito
Ang "ito" ay tumutukoy sa sanggol.
kung ano ang sinabi sa kanila
Ito ay maaaaring sabihin sa "aktibong porma" anghel ang gumawa ng kilos. Maaaring isalin na: "kung ano ang sinabi ng anghel sa mga pastol." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
batang ito
"ang sanggol"
sa sinabi sa kanila ng mga pastol
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "sa kung ano sinabi ng mga pastol sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso
Ang kayamanan ay isang bagay na napakahalaga o itinatangi. Itinuring ni Maria na labis na mahalaga ang mga bagay na sinabi sa kaniya tungkol sa kaniyang anak. Maaaring isalin na: "maingat na inaalala ang mga ito" o "masayang inaalala ang mga ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]
bumalik
"bumalik sa parang ng mga tupa"
niluluwalhati at pinupuri ang Diyos
Ito ay magkatulad at binibigyang-diin kung gaano sila natutuwa tungkol sa ginawa ng Diyos. Maaaring isalin na: "pinag-uusapan at pinupuri ang kadakilaan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Luke 2:21
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga batas na ibinigay ng Diyos sa mga mananampalatayang Judio ay nagsasabi kung kailan nila dapat tuliin ang isang sanggol na lalaki at kung anong handog ang kailangan na dalhin ng mga magulang.
Noong ikawalong araw
Ang mga salitang ito ay nagpapakita ng paglipas ng panahon bago ang panibagong pangyayari na ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ikawalong araw
"walong araw na ang nakalipas pagkatapos siyang ipanganak" o "siya ay may walong araw na edad"
pinangalanan nila
Pinangalanan siya nina Jose at Maria.
ang pangalan na ibinigay ng anghel
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "ang pangalan na itinawag ng anghel sa kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 2:22-24
Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw
Ito ay nagpapakita ng paglipas ng panahon bago ang panibagong pangyayaring ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ang nakatakdang bilang ng mga araw
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "ang bilang ng mga araw na itinakda ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kanilang seremonya ng paglilinis
"para sila ay maging malinis ayon sa seremonya". Maaaring isalin na: "upang sila ay ituring ng Diyos na malinis muli." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
para iharap siya sa Panginoon
"upang dalhin siya sa Panginoon" o "upang dalhin siya sa presensiya ng Panginoon". Ito ay seremonya na kumikilala sa pag-angkin ng Diyos sa unang anak na lalaki.
Sapagkat nasusulat
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "gaya ng sinulat ni Moises" o "Ginawa nila ito dahil sinulat ni Moises." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
bawat anak na lalaki na bumubukas sa sinapupunan
Ang "bumubukas sa sinapupunan" ay isang salitain na tumutukoy sa unang anak na lumabas sa sinapupunan. Ito ay tumutukoy sa mga hayop at mga tao. Maaaring isalin na: "Bawat unang anak na lalaki." o " Bawat panganay na lalaki." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
ay tatawaging nakatalaga
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "dapat ninyong italaga" o "dapat ninyong ilaan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa sinabi sa kautusan ng Panginoon
"na sinasabi rin sa kautusan ng Panginoon." Ito ay ibang bahagi sa kautusan.Tumutukoy ito sa lahat ng anak na lalaki, panganay man o hindi.
Luke 2:25-26
Nag-uugnay na Pahayag:
Nang sina Maria at Jose ay nasa templo, nakilala nila ang dalawang tao, si Simon na nagpupuri sa Diyos at nagbibigay ng propesiya tungkol sa bata at ang babaing propeta na si Anna.
Masdan ito
Ang salitang "masdan" ay nagbibigay ng hudyat sa atin na may bagong tauhan sa kuwento. Maaaring mayroong paraan kung papaano ito sabihin sa inyong wika. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
matuwid at may taos na pananalig
Maaaring isalin na: "ginawa ang kalulugud-lugod sa Panginoon at sinunod ang mga kautusan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
manga-aliw ng Israel
Ito ay isa pang pangalan para sa salitang "Mesyas" o "Cristo". Maaaring isalin na: "ang siyang magbibigay ng ginhawa sa Israel." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya
"ang Banal na Espritu ay kasama niya." Kasama niya ang Diyos sa natatanging paraan at binigyan siya ng karunungan at direksyon sa kaniyang buhay.
Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "ipinakita sa kaniya ng Banal na Espiritu" o "sinabi sa kaniya ng Banal na Espiritu." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hindi siya mamamatay hanggang sa makita niya ang Cristo ng Panginoon
"makikita niya ang Mesyas ng Panginoon bago siya mamatay"
Luke 2:27-29
Isang araw
Pinapakilala nito ang bagong pangyayari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
pumunta
Sa ibang wika, maaaring sabihin na "dumating."
sa templo
"sa patyo ng templo." Mga pari lamang ang maaaring pumasok sa gusali ng templo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa pangunguna ng Banal na Espiritu
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "Pinatnubayan siya ng Banal na Espiritu."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga magulang
"mga magulang ni Jesus"
nakaugaliang hinihingi ng kautusan
"ang iniuutos ng kautusan ng Diyos"
tinanggap siya
"kinuha siya"
Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod ng may kapayapaan
"Ako ang iyong lingkod; hayaan mo akong pumanaw ng may kapayapaan." Tinutukoy ni Simeon ang kaniyang sarili.
pumanaw
Ito ay pagpapalit sa salita para gawing katangap-tangap sa pandinig na ang ibig sabihin ay "mamatay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
ayon sa iyong salita
"na gaya ng iyong sinabi" o "dahil sinabi mo ay gagawin mo"
Luke 2:30-32
nakita ng aking mga mata
Ang ibig sabihin ng pananalitang ito ay, "Nakita ko mismo" o "Ako mismo ang nakakita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
iyong pagliligtas
Ang pananalitang ito ay tumutukoy sa tao na magdadala ng kaligtasan--ang sanggol na si Jesus--na siyang kinarga ni Simon. Maaaring isalin na: "ang tagapagligtas na iyong isinugo" o "ang siyang isinugo mo upang magligtas" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
na iyong
Batay sa kung papaano mo isinalin ang naunang mga salita, ito ay maaaring palitan ng "siya na iyong."
inihanda
"binalak" o "pinahintulutan na mangyari"
sa paningin ng lahat ng tao
"upang makita ng lahat ng grupo ng mga tao"
Siya ay ilaw
Ang kahulugan ng talinghagang ito, ang bata ang tutulong sa mga tao upang makita at maintindihan nila gaya ng ilaw na tumutulong sa mga tao para makakita ng tama. Maaaring isalin na: "Ang batang ito ang magbibigay ng kakayahan sa mga tao upang makaunawa sila gaya ng ilaw na nagbibigay-daan para makakita ng mga tao ang tama. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
para sa paghahayag
Kinakailangan na sabihin kung ano ang ipahahayag. Maaaring isalin na: "na magpapahayag ng katotohonan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel
"siya ang magiging dahilan ng pagdating ng kaluwalhatian sa iyong bayang Israel"
Luke 2:33-35
mga bagay na sinabi tungkol sa kaniya
Ito ay maaaring sabihin sa “aktibong porma.” Maaaring isalin na: "sa mga bagay na sinabi ni Simon tungkol sa kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sinabi kay Maria na kaniyang ina
"sinabi kay Maria na ina ng bata." Tiyakin na hindi nito sinasabi na si Maria ang ina ni Simeon.
Makinig kang mabuti!
Ginamit ni Simeon ang ganitong pananalita upang sabihin kay Maria na labis na mahalaga ang kaniyang sasabihin sa kaniya.
Ang batang ito ay nakatadhana para sa pagbagsak at pagbangon ng maraming tao sa Israel
Ang mga salitang "pagbangon" at "pagbagsak" ay nagpapahiwatig ng paglayo sa Diyos at paglapit sa Diyos. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay gagawa ng paraan upang malayo sa kaniya ang maraming tao sa Israel o mapalapit sa kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
para sa tanda na tututulan
"para sa isang mensahe mula sa Diyos na tatangihan ng maraming tao"
isang espada ang tatagos sa iyong sariling kaluluwa
Inilalarawan ng talinghaga na ito ang malalim na kalungkutan na mararamdaman ni Maria. Maaaring isalin na: "Ang iyong kalungkutan ay magiging napakasakit na para bang isang espada ang tumagos sa iyong puso." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang mga iniisip ng maraming puso ay mahahayag
Maaaring isalin na: "ang kaisipan ng maraming tao ay maihahayag." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 2:36-38
Naroon din ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana.
Ipinapakilala nito ang bagong tauhan sa kwento.
Naroon din
"Naroon din sa patyo ng templo"
Fanuel
"Fanuel" ang pangalan ng tao.
pitong taon
"7 taon"
pagkatapos ng kaniyang pag-aasawa
"pagkatapos niyang pakasalan ito"
balo ng walumpu't apat na taon
walumpu't apat na taon** - Ang mga maaaring ibig sabihin ay 1) Siya ay 84 na taon ng balo o 2) siya ay balo at ngayon ay 84 na taon na.
Hindi siya kailanman umalis sa templo
Ito ay maaaring pagmamalabis na ang ibig sabihin, siya ay naglalagi at gumugugol ng maraming oras sa templo na parang hindi siya umalis dito. Maaaring isalin sa: "palagi sa templo" o "madalas sa templo."
sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin
"sa pamamagitan ng pagpigil sa sarili upang kumain at nanalangin din"
Lumapit siya sa kanila
"pumunta kina Maria at Jose"
sa pagtubos ng Jerusalem
Ginamit dito ang salitang "pagtubos" para tukuyin ang tao na gagawa nito. Maaaring isalin sa: "na siyang tutubos sa Jerusalem" o "na siyang magdadala ng biyaya ng Diyos at magbabalik ng pagpanig sa Jerusalem.
Luke 2:39-40
Nag-uugnay na Pahayag:
Sina Maria, Jose at Jesus ay umalis sa bayan ng Betlehem at bumalik sa lungsod ng Nazaret para sa kaniyang paglaki.
dapat nilang gawin na naaayon sa kautusan ng Panginoon
Maaaring isalin na: "na ayon sa hinihiling ng kautusan ng Panginoon na dapat nilang gawin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kanilang sariling lungsod na Nazaret
Ang mga salitang ito ay nangangahulugan na sila ay nakatira sa Nazaret. Tiyakin na hindi nito sinasabi na sa kanila ang lungsod.
lumalawak sa karunungan
"naging higit na matalino" o "natutunan kung ano ang karunungan"
ang pagpapala ng Diyos ay nasa kaniya
"pinagpala siya ng Diyos" o "Kasama niya ang Diyos sa natatanging paraan"
Luke 2:41-44
Nag-uugnay na Pahayag:
Noong 12 na taong gulang si Jesus, siya ay pumunta sa Jerusalem kasama ang kaniyang pamilya. Habang siya ay naroon, siya ay nagtanong at sumagot sa mga katanungan ng mga guro sa templo.
Ang kaniyang mga magulang...Pista ng Paskwa
Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nakaraan. (Tingnan sa: (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Ang kaniyang mga magulang
"ang mga magulang ni Jesus"
sila ay muling umakyat
Ang Jerusalem ay nasa burol, kung kaya't ang mga tao ay kinakailangang umakyat doon.
sa nakaugaliang panahon
"sa karaniwang panahon" o "gaya ng kanilang ginagawa taon-taon"
Pagkatapos nilang manatili sa buong bilang ng araw para sa pista
"Nang matapos ang lahat ng araw para sa pagdiriwang ng pista" o "Pagkatapos ng pagdiriwang ng pista sa nakatakdang bilang ng mga araw"
ang pista
Ito ay isa pang tawag para sa Pista ng Paskwa sapagka't kasama dito ang kumain ng pagkaing pang seremonya.
Inakala nila
"Inisip nila"
sila ay nagpatuloy ng isang araw na paglalakbay
"sila ay naglakbay ng isang araw" o "sila ay naglakbay ng malayo gaya ng nilalakad ng isang tao sa isang araw"
Luke 2:45-47
At nangyari nga
Ang mga salitang ito ay ginamit dito upang magbigay ng palatandaan sa isang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan para gawin ito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.
sa templo
Tinutukoy nito ang patyo sa paligid ng templo. Ang mga pari lamang ang maaaring pumasok sa templo. Maaaring isalin na: "sa patyo ng templo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa gitna ng
Hindi ito nangangahulugan sa mismong gitna. Sa halip, ang kahulugan nito ay "kasama" o "kasama ng" o "pinapalibutan ng."
ng mga guro
"ang mga guro ng relihiyon" o "ang mga nagtuturo sa mga tao tungkol sa Diyos"
Lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha
Hindi nila maintindihan kung papaano na ang isang labindalawang taong gulang na batang lalaki na hindi nag-aral tungkol sa relihiyosong bagay ay magaling na sumagot.
sa kaniyang pang-unawa
"sa kung gaano niya naunawaan" o "na labis niyang nauunawaan ang tungkol sa Diyos"
kaniyang mga kasagutan
"sa kung gaano niya sila sinagot ng mahusay" o "na mahusay niyang sinagot ang kanilang mga katanungan"
Luke 2:48-50
Nang siya ay nakita nila
"Nang matagpuan nina Maria at Jose si Jesus"
Ama
Ito ay mahalagang katawagan para sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
bakit mo kami pinakitunguhan sa ganitong paraan?
Ito ay hindi tuwirang pagsaway dahil hindi siya sumama sa kanila pag-uwi pabalik sa kanilang bahay. Maaaring isalin na: "hindi mo dapat ginawa ito!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]
Makinig ka
Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang ipakita ang pasimula ng bago o mahalagang pangyayari. Ito rin ay maaaring gamitin upang ipakita kung saan nagsisimula ang kilos. Kung sa iyong wika ay may mga salita na ginagamit sa ganitong paraan, maaari mong isipin kung ito ba ay natural na gamitin dito.
Bakit ninyo ako hinahanap?
Gumamit si Jesus ng dalawang katanungan upang mahinahon niyang pagsabihan ang kaniyang mga magulang at upang sabihin sa kanila na siya ay may layunin mula sa kaniyang Ama sa langit na hindi nila maintindihan. Maaaring isalin na: "Hindi ninyo kailangan na mag-aala tungkol sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi ba ninyo alam...sa bahay ng aking Ama?
Ginamit ni Jesus ang ikalawang tanong na ito upang sabihin na dapat alam na ng kaniyang mga magulang ang layunin kung bakit siya ipinadala ng kaniyang Ama. Maaaring isalin na: "Nararapat na alam ninyo...bahay ng aking Ama." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
aking Ama
Sa edad na 12, si Jesus na Anak ng Diyos ay nauunawaan na ang Diyos ang kaniyang tunay na Ama (hindi si Jose na asawa ni Maria). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
sa bahay ng aking Ama
Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "sa bahay ng aking Ama" o 2) "tungkol sa gawain ng aking Ama." Alinman sa dalawa, nang sinabi ni Jesus na "aking Ama", tinutukoy niya ang Diyos. Kung ang ibig niyang sabihin ay "bahay", tinutukoy niya ang templo. Kung ang ibig niyang sabihin ay "gawain", tinutukoy niya ang layunin na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Ngunit dahil sinasabi ng sumunod na bersikulo na hindi maunawaan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang sinasabi sa kanila, makabubuting hindi na ito lubos na ipaliwanag.
Luke 2:51-52
siya ay sumama sa kanila pabalik sa kanilang tahanan
"Si Jesus ay sumama kina Maria at Jose pabalik sa kanilang tahanan"
naging masunurin sa kanila
"sinunod sila" o "laging sinusunod sila"
Iningatan ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na ito sa kaniyang puso
"maingat na inalala ang lahat ng bagay na ito" o "masayang inalala ang lahat ng bagay na ito. Ang mga salitang "iningatan" at "puso" ay nagpapakita na ang mga ito ay napakapersonal at mahalaga kay Maria. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
lumaki sa karunungan at pangangatawan
"maging mas matalino at mas malakas." Ang mga ito ay tumutukoy sa paglago ng pangkaisipan at pangangatawan.
lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.
Ito ay tumutukoy sa paglago ng ispirituwal at pakikipagkapwa. Ito ay maaaring magkahiwalay na sabihin. Maaaring isalin na: "Lalo pa siyang pinagpala ng Diyos at lalo pa siyang nagustuhan ng mga tao.
Luke 3
Luke 3:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Gaya ng pagpapahayaag ng propesiya ni propetang Isaias noong una pa man, si Juan ay nagsimulang mangaral ng mabuting balita sa mga tao.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga bersikulong ito ay nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon upang sabihin kung ano ang mga pangyayari nang ang pinsan ni Jesus na si Juan ay nagsimula sa kaniyang ministeryo.
Ngayon
Ito ay isang palatandaan ng bagong pangyayari sa kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ikalabinlimang taon
(Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
Felipe...Lisanias
Ito ay pangalan ng mga lalaki. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Iturea at Traconite...Abilinia
Ito ang pangalan ng mga teritoryo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Sa kapanahunan nina Annas at Caifas na siyang pinakapunong pari
"habang sina Annas at Caifas ay magkasamang naglilingkod bilang mga pinakapunong pari." Si Annas ang pinakapunong pari, at patuloy siyang kinikilala ng mga Judio kahit na hinirang ng mga Romano ang kaniyang manugang na lalaki na si Caifas upang palitan siya bilang pinakapunong pari.
Luke 3:3
nangangaral ng bautismo ng pagsisisi
Ang mga salitang "bautismo" at "pagsisisi" ay maaring maisaad bilang mga pandiwa. Maaaring isalin na: "ipangaral na ang mga tao ay dapat mabautismuhan upang ipakita na sila ay nagsisisi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
para sa kapatawaran ng mga kasalanan
"upang ang kanilang mga kasalanan ay mapatawad" o "upang patawarin ng Diyos ang kanilang mga kasalanan." Ang pagsisisi ay para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Luke 3:4
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang may-akdang si Lucas ay bumanggit ng isang pagpapatibay mula kay propetang Isaias tungkol kay Juan na Tagapagbautismo.
Gaya ito ng nasusulat ...propeta
Ang mga bersikulong 4-6 ay nabanggit mula kay Isaias. Maaari silang maisaad sa aktibong pamamaraan. Maaaring isalin na: "Ito ay nangyari gaya ng pagkakasulat ni propetang Isaias sa kaniyang aklat" o "natupad ni Juan ang mga salitang nasusulat sa aklat ni propetang Isaias." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ihanda...gawing tuwid ang kaniyang landas
Ang bahaging ito ay paraan ng mga Hebreo sa mga tula, na madalas ulitin ang mga mahahalagang kasabihan sa magkatulad na mga salita. "Humanda sa daraanan ng Panginoon" na maaaring isa pang paraan upang sabihin, "Gawing tuwid ang kaniyang daraanan." Ang pangunahing pagkakaiba ay, ang una ay nagpapahiwatig na nangyari lamang ng isang beses, habang ang pangalawa naman ay dapat patuloy na mangyayari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Ihanda ang daraanan ng Panginoon
Ito ay naglalarawan sa isang daan na ang ibig sabihin ay, "Magsisi at maging handa sa pagdating ng Panginoon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang daraanan
"ang landas" o "ang daan"
gawing tuwid ang kaniyang landas
Ang malarawang landas na ito ay salitang naglalarawan din na ang ibig sabihin ay, "manatiling handa para sa pagdating ng Panginoon." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 3:5
Ang bawat lambak ay mapupunan...ang bawat bundok at burol ay gagawing patag
Kapag ang mga tao ay naghahanda para sa mahalagang tao na paparating, tinitibag nila ang mga matataas na lugar at ito ay itatambak sa mga mababang lugar upang ang daan ay magiging pantay. Ito ay bahagi ng talinghaga na nasimulan sa nakaraang bersikulo.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ang bawat lambak ay mapupunan
Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "pupunan nila ang bawat mababang lugar sa daan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang bawat bundok at burol ay gagawing patag
Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "papatagin nila ang bawat bundok at burol" o "aalisin nila ang bawat matataas na lugar sa daan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
makikita ang pagliligtas ng Diyos
Ito ay maaring maisaad bilang isang kilos. Maaaring isalin na: "Malaman kung paano ililigtas ng Diyos ang mga tao mula sa kasalanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
Luke 3:6
Nagtutungo siya
pumupunta ang mga taga-Israel (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
bawat matataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayayabong na punong kahoy
Sa tuktok ng mga burol at sa lilim ng mga puno ay karaniwang mga lugar para sa pagsamba sa diyus-diyosan.
nakita ng taksil niyang kapatid na Juda
"Nakita rin ng mga taga-Juda, na siya ring hindi sumunod sa akin"
Luke 3:7
upang sa kaniya ay magpabautismo
Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "para sila ay bautismuhan ni Juan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Kayo na mga anak ng mga makamandag na ahas
Sa talinghagang ito, ang makamandag na ahas ay mapanganib at kumakatawan sa kasamaan. Maaaring isalin na: "Kayong mga masasamang makamandag na ahas!" o "Kayo ay masama tulad ng makamandag na ahas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sino ang nagbabala sa inyo...paparating?
Hindi siya umaasang sila ay sasagot. Sinasaway ni Juan ang mga tao dahil sila ay humihiling na sila ay bautismuhan upang hindi sila parusahan ng Diyos, ngunit ayaw nilang tumigil sa pagkakasala. Maaaring isalin na: "hindi kayo makakaligtas sa poot ng Diyos " o "hindi kayo makakatakas sa poot ng Diyos dahil lamang sa pagpapabautismo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sa poot na paparating
Ang salitang "poot" ay ginamit dito upang tumukoy sa kaparusahan ng Diyos dahil ang kaniyang poot ay mas mananaig dito. Maaaring isalin na: "sa kaparusahang ipapadala ng Diyos" o "mula sa poot ng Diyos na kaniyang gagawin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 3:8
Mamunga ng karapat-dapat sa pagsisisi
Sa talinghagang ito, ang pag-uugali ng isang tao ay naihalintulad sa prutas. Tulad ng isang halaman, ito ay inaasahang mamunga ng prutas na angkop para sa uri ng halaman na iyon, ang taong nagsasabing siya ay nagsisisi ay inaaasahang mamumuhay ng may katuwiran. Maaaring isalin na: "Mamunga ng uri ng prutas na nagpapakitang kayo ay nagsisi" o "Gawin ang mga mabubuting bagay na nagpapakitang kayo ay tumalikod mula sa inyong mga kasalanan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Mayroon tayong Abraham bilang ama natin
"Si Abraham ay ating ninuno" o "Tayo ay mga kaapu-apuhan ni Abraham." Kung ito ay hindi maliwanag kung bakit nila nasabi ito, maaari ring idagdag ang ipinapahiwatig na impormasyon: "kaya tayo ay hindi parurusahan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
lumikha ng mga bata para kay Abraham
Ang ibig sabihin ng talinghagang ito ay "lumikha ng mga bata para kay Abraham" o "na maging dahilan ng mga tao upang maging kaapu-apuhan ni Abraham.
Luke 3:9
Ang palakol ay nailagay na laban sa ugat ng mga puno
Ang palakol na handa nang putulin ang mga ugat ng puno ay isang talinghaga sapagkat ang kaparusahan ay malapit ng magsimula. Ito ay maaari ding maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay katulad ng tao na naglagay ng kaniyang palakol sa ugat ng mga puno." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang bawat puno na hindi namumunga ng mabuti ay puputulin
Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Pinuputol niya ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
itatapon sa apoy
Ang "apoy" ay isa ding talinghaga para sa kaparusahan. Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "itapon ito sa apoy" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 3:10-11
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Juan ay nagsimulang tumugon sa mga katanungan na itinatanong sa kaniya ng mga tao.
nagtanong sa kaniya, nagsasabing
"nagtanong sa kaniya at sinabi" o "nagtanong kay Juan"
sumagot at sinabi sa kanila
"sinagot sila, nagsasabi" o "sinagot sila" o "nagsabi"
ganoon din ang gagawin
"gawin din ang bagay na iyon." Ito ay makakatulong upang sabihin ng tama kung ano ang ibig sabihin nito. Maaaring isalin na: "magbigay ng pagkain sa sinumang wala nito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 3:12
upang mabautismuhan
Ito ay maaaring maisaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "para si Juan ang magbautismo sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Huwag maningil ng sobrang salapi
"Huwag humiling ng higit na salapi" o "Huwag magnais ng higit na salapi." Ang mga maniningil ng buwis ay naniningil ng higit sa dapat nilang masingil. Dapat nilang itigil ang gawaing ito.
na higit sa dapat
Ang sugnay na ito ay balintiyak upang ipakita ang kapangyarihan ng mga taga singil ng buwis ay galing sa Roma. Maaaring isalin na: "na higit sa pinahintulutan ng mga Romano na inyong kukunin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 3:13
umiibig sa akin
Mga maaaring kahulugan ay "ang siyang umiibig sa aking iniibig" o "ang siyang nais akong paluguran."
Luke 3:14
mga kawal
"mga lalaking nagsisilbi sa hukbo"
At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?
"Paano naman kaming mga kawal, ano ang dapat naming gawin?" Ang ipinapahiwatig ng mga kawal kay Juan ay ang kaniyang mga nasabi sa mga tao at sa taga singil ng buwis kung ano ang dapat nilang gawin at kailangang malaman bilang mga sundalo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
huwag paratangan ang sinuman ng hindi totoo
Tila ang mga sundalo ay gumagawa ng maling paratang laban sa mga tao upang makakuha ng salapi. Maaaring isalin na: "sa ganoon ding paraan, huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo para lamang makakuha ng salapi mula sa kanila" o "huwag mong sabihin na ang isang taong walang kasalanan ay may nagawa na labag sa batas.
Masiyahan sa inyong mga sahod
"makontento sa inyong sahod"
Luke 3:15
habang ang mga tao
"dahil ang mga tao." Ito ay tumutukoy sa mga dating tao na pumunta kay Juan.
ako ang nagbabautismo sa inyo ng tubig
"Ako ay nagbabautismo gamit ang tubig" o "Ako ay nagbabautismo sa pamamagitan ng tubig"
hindi karapat-dapat na kalagin man lang ang tali ng kaniyang mga panyapak
Ang pagkalag sa tali ng panyapak ay tungkulin ng isang alipin. Ang sinasabi ni Juan na darating ay mas dakila na kahit si Juan ay hindi man lang karapat-dapat na maging kaniyang alipin. Maaaring isalin na: "hindi ganoon kahalaga kahit na ang pagtanggal sa kaniyang mga panyapak."
mga panyapak
"mga sapatos na gawa sa balat" o "sandalyas na may panaling gawa sa balat"
Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy
Ang talinghagang ito ay inihahalintulad ang literal na pagbabautismo na nagdadala sa tao upang mailapit sa tubig at ang isang espirituwal na pagbabautismo na nagdadala sa isang tao upang mailapit sa Banal na Espiritu at sa apoy.
apoy
Ang salitang "apoy" dito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 3:16
Dadami kayo at mamumunga
Ang salitang "mamumunga" ay isang matalinghagang paraan ng pagsabi na "dadami" ang bilang. Maaaring isalin na: "lalo pang dadami ang bilang." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Luke 3:17
maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel
"Ang mga taga-Juda ay mamumuhay kasama ang mga taga-Israel"
Luke 3:18
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang kuwento ay nagsasabi kung ano ang mangyayari kay Juan ngunit hindi nangyari sa pagkakataong ito.
Sa pamamagitan ng iba pang madaming pangaral
"sa pamamagitan ng iba pang madaming malakas na mga paghihimok"
Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka
"sisihin si Herodes na tetrarka" o Maaaring isalin na: "sinabi kay Herodes na tetrarka na siya ay nagkasala." Si Herodes ay isang tetrarka, hindi isang hari. May hangganan lamang ang kaniyang pamamahala sa buong rehiyon ng Galilea.
sa pagpapakasal sa asawa ng kaniyang kapatid na lalaki
"dahil pinakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang sariling kapatid"
Ipinakulong niya sa bilangguan si Juan
"Sinabi niya sa kaniyang mga sundalo na ipasok si Juan sa bilangguan"
Luke 3:19-20
Para sa akin
ang salitang "akin" ay tumutukoy kay Yahweh
parangalan ka bilang aking anak...gaya ng isang babae
Ang pagbabagong ito magmula sa lalaki hanggang sa babae ay para sa labis na pagbibigay-diin.
Ito ang pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano isinalin ang palagay na ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jer/01/07.md]].
Luke 3:21-22
Nag-uugnay na Pahayag:
Sniimulan ni Jesus ang kaniyang ministeryo sa kaniyang bautismo.
At nangyari ngang
Ang mga salitang ito ay tanda ng pagsisimula ng isang bagong pangyayari sa kuwento. Kung ang inyong wika ay may ibang paraan para gamitin ito, maaari ninyong isaalang-alang na gamitin ito dito.
habang ang lahat ng tao ay nagpapabautismo kay Juan
"habang binabautismuhan ni Juan ang lahat ng tao." Ang mga salita "lahat ng tao" ay tumutukoy sa mga taong kasalukuyang naroroon kasama ni Juan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
si Jesus ay nabautismuhan din
Maaaring Isalin na: "Si Jesus ay binautismuhan din ni Juan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang kalingatan ay bumukas
"ang langit ay bumukas" o "ang langit ay naging bukas." Ito ay mas higit kaysa sa maaliwalas na kalangitan, ngunit hindi malinaw ang ibig sabihin nito. Maaaring ang ibig sabihin nito ay isang butas ang lumitaw sa langit.
Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya
"Ang Banal na Espiritu ay bumaba kay Jesus"
na may anyo ng isang kalapati
"sa anyong pisikal na katulad ng isang kalapati"
Ikaw ang aking minahal na anak
Ang Diyos Ama ay nagsalita sa kaniyang "minamahal na Anak" na si Jesus, na Diyos Anak, habang ang Diyos Espiritu ay bumaba kay Jesus. Ang mga persona ng Diyos ay nagmamahalan sa isa't isa at magkakasamang kumilos bilang Ama, Anak, at Espiritu.
aking mahal na Anak
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus, na Anak ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Luke 3:23-24
Pangkalahatang Impormasyon:
Nilista ni Lucas ang mga ninuno ni Jesus sa pamamagitan ng hanay ng kaniyang kinilalang ama na si Jose.
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit dito bilang tanda ng pagbabago sa kuwento mula sa nakaraang impormasyon tungkol sa edad ni Jesus at sa kaniyang mga ninuno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
si Jesus mismo
"itong si Jesus" o "mismong si Jesus"
na nasa edad na tatlumpu
"30 taong gulang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Siya ang anak na lalaki (ayon sa pagpapalagay ng mga tao) ni Jose
"iniisip na siya ay anak ni Jose" o "Inaakala ng mga tao na siya ay anak ni Jose"
na anak ni Eli, na anak ni Matat, na anak ni Levi,
Ang pariralang "na anak" ay nagpapahiwatig ng impormasyon. Ang nakasulat lamang sa Griego ay "ni Eli, ni Matat, ni Levi". Isaalang-alang kung paanong karaniwang nililista ng mga tao ang mga ninuno sa inyong wika. Maaari ninyong gamitin ang parehong salita sa buong listahan. "na anak ni Eli, na anak ni Matat, na anak ni Levi" o " Si Jose ay ang anak ni Eli, si Eli ay ang anak ni Matat, si Matat ay ang anak ni Levi" o "Ang ama ni Eli ay si Matat, si Matat ay ama ni Levi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
na anak ni Eli
"Si Jose ay anak ni Eli" o "Ang ama ni Jose ay si Eli" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 3:25-26
ang anak ni Matatias, ang anak ni Amos...Joda
Gumamit ng parehong mga salita na inyong ginamit sa mga naunang bersikulo. Maaaring isalin na: "na siyang anak ni Matatias, na siyang anak ni Amos...Joda" o "si Jose ay ang anak ni Matatias, si Matatias ay ang anak ni Amos...Joda" o "Ang ama ni Jose ay si Matatias, ang ama ni Matatias ay si Amos...Joda" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 3:27-29
ang anak ni Jaonan na anak ni Resa...Levi
Gumamit ng parehong salita na inyong ginamit sa mga nakaraang bersikulo. Maaaring isalin na: "na siyang anak ni Joanan na siyang anak ni Resa...Levi" o "Si Juda ay ang anak ni Joanan, si Joanan ay ang anak ni Resa...Levi" o "Ang ama ni Juda ay si Joanan, ang ama ni Joanan ay si Resa...Levi." Ito ay katuloy ng listahan ng mga ninuno ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 3:30-32
na anak ni Simeon, na anak ni Juda
Gumamit ng parehong salita na inyong ginamit sa mga nakaraang bersikulo. "na siyang anak ni Simeon na siyang anak ni Juda" o "si Levi ay ang anak ni Simeon, si Simeon ay ang anak ni Juda" o "ang ama ni Levi ay si Simeon, ang ama ni Simeon ay si Juda" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 3:33-35
na anak ni Aminadab na anak ni Admin
Gumamit ng parehong salita na inyong ginamit sa mga nakaraang bersikulo. "na siyang anak ni Aminadab, na siyang anak ni Admin" o "si Levi ay ang anak ni Aminadab, si Simeon ay ang anak ni Admin" o "ang ama ni Naason ay si Aminadab, ang ama ni Aminadab ay si Admin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 3:36-38
na anak ni Cainan na anak ni Arfaxad
Gumamit ng parehong salita na inyong ginamit sa mga nakaraang bersikulo. "na siyang anak ni Cainan na siyang anak ni Arfaxad" o "si Levi ay ang anak ni Cainan, si Cainan ay ang anak Arfaxad" o "ang ama ni Salah ay si Cainan, ang ama ni Cainan ay si Arfaxad" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Adan na anak ng Diyos
"Si Adan na nilikha ng Diyos" o "Si Adan na siyang nagmula sa Diyos" o "maaari nating sabihing, Si Adan ang anak ng Diyos"
Luke 4
Luke 4:1-2
Pahayag na Nag-uugnay
The devil meets Jesus to try to tempt him to sin after Jesus fasts for 40 days.
Nang
Ito ay tumutukoy sa panahoon matapos binawtismohan ni Juan si Jesus. Maaaaring isalin na: "Pagkatapos mabawtismohan si Jesus"
siya ay tinukso ng diyablo
Hindi malinaw kung si Jesus ay tinukso noong buong panahon o kaya sa bandang huli na. Maaaring isalin na: "siya ay tinukso ng diyablo upang suwayin ang Diyos" o " tinukso siya ng diyablo doon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hindi siya kumain
Ang salitang " siya" ay tumutukoy kay Jesus.
Luke 4:3
Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos
Sinusubukan ng diyablo na bigyang dahilan na magkasala si Jesus upang pigilan sa pagiging tagapagligtas si Jesus sa mundo. Ngunit hindi nagkasala si Jesus, pinapatunayan na siya ay "Anak ng Diyos."
batong ito
Hawak ng diyablo ang bato sa kaniyang kamay o kaya ay ituro ang malapit na bato.
Nasusulat
Ang binabanggit ay mula sa sinulat ni Moises' sa Lumang Tipan. Maaaring isalin na: "Isinulat ni Moises sa Kasulatan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao
Ang salitang "tinapay" ay tumutukoy sa pagkain na pangkalahatan. Ang pagkain kung ikukumpara sa Diyos ay hindi sapat na matugunan ang isang tao. Binanggit ni Jesus ang kasulatan upang sabihin kung bakit hindi niya ginawang tinapay ang bato. Maaaring isalin na: "Hindi mabubuhay ang mga tao sa tinapay lamang" o " hindi lamang sa pagkain mabuhay ang isang tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Luke 4:4
Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaan ng inyong puso
Inilalarawan ni Yahweh ang pagmamahal ng mga tao sa kaniya sa pamamagitan ng pisikal na marka ng kasunduan. Maaaring isalin na: "Ihandog ninyo ng ganap ang inyong mga sarili kay Yahweh." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Maging tuli...alisin ninyo ang kasamaan ng inyong puso
Ang dalawang salitang/pariralang ito ay karaniwang magkasingkahulugan. Parehong binibigyang-diin ang utos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Maging tuli kay Yahweh
Maaaring isalin na: "Tuliin ang inyong mga sarili kay Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
lalabas ang aking galit gaya ng apoy
Ang galit ni Yahweh ay gaya ng apoy na sumisira ng lahat ng bagay. Maaaring isalin na: "ang mga bagay na ginawa ko dahil nagalit ako ay magiging gaya ng isang apoy." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem
Ang mga salitang ito ay karaniwang magkasingkahulugan. Parehong binibigyang-diin ang utos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
hayaan itong marinig sa Jerusalem
Maaaring isalin na: "naging dahilan upang marinig ito ng mga tao ng Jerusalem"
sakuna...isang malaking pagkawasak
Ang mga salitang ito ay karaniwang magkasingkahulugan. Ang mga salitang "isang malaking pagkawasak" ay tumutukoy sa kung ano ang mangyayaring "sakuna". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
mula sa hilaga
Tumutukoy ito sa kaaway na mga hukbo na manggagaling sa hilaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 4:5-6
sa mataas na lugar
"isang mataas na bundok"
sa ilang sandali
"sa isang saglit" o "kaagad"
kung ikaw ay luluhod at sasamba sa akin
Maaaring isalin na: "kung ikaw ay luluhod upang sambahin ako" o "kung sasambahin mo ako sa pamamagitan ng pagluhod mo sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
lahat ng ito ay mapapa sa iyo
Maaaring isalin na: "Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga kahariang ito"
Luke 4:7
Isang leon ang papalabas
Maaaring isalin na: "Isang makapangyarihan at walang awang hukbo ang papalapit" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
kasukalan
isang palumpong na magkakasamang lumaki.
naghahanda
Maaaring isalin na: "nagsimulang lumakad" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
malaking takot
takot, pangamba, sindak
tumangis
malakas at mahabang pag-iyak dahil sa kalungkutan at pagsisisi sa pagkakasala.
Luke 4:8
sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya
"tumugon sa kaniya" o "sumagot sa kaniya "
Nasusulat
Maaaring isalin na: "Isinulat ni Moises sa banal na kasulatan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos
Binabanggit ni Jesus ang isang kautusan mula sa mga kasulatan upang sabihin kung bakit hindi siya sumamba sa diyablo.
mong
Tumutukoy ito sa mga tao sa Lumang Tipan na tumanggap sa kautusan ng Diyos. Maaari mong gamitin ang isahang anyo ng 'mo' dahil ang bawat tao ay sinusunod ito, o maaari mong gamitin ang pangmaramihang anyo ng 'ninyo' dahil lahat ng mga tao ay sinusunod ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
siya
Ang salitang "siya" ay tumutukoy sa Panginoong Diyos.
Luke 4:9-10
sa pinakamataas na bahagi
ito ay tumutukoy sa sulok ng bubong ng templo. Kung madulas ang isang tao mula dito siya ay mapahamak ng lubos o mamamatay.
Kung ikaw ang Anak ng Diyos
Hinamon ng diyablo si Jesus upang patunayan niya na siya ang Anak ng Diyos. Bilang nag-iisa at kaibaibang anak ng Diyos, ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jhn/03/16.md]]), hinarap mismo ni Satanas si Jesus at tinukso upang magkasala.
Anak ng Diyos
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]]
magpatihulog ka mula dito
tumalon ka sa lupa
nasusulat
Sinabi ng diyablo ang isang bahagi ng Salmo [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/psa/091/010.md]] upang hikayatin si Jesus na tumalon mula sa templo. Maaaring isalin sa: "naisulalat sa Salmo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Uutusan niya
Ang "siya' ay tumutukoy sa Diyos.
Luke 4:11
sasabihin ito
"Sasabihin ni Yahweh" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nag-aapoy na hangin na nagmula sa mga kapatagan...hangin na mas malakas
Paparating ang isang malupit at walang awang kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
anak ng aking mga tao
Inihambing ang bansa sa isang natatanging ikakasal na babae sa kaibig-ibig na paraan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Hindi ito ang magtatahip o maglilinis sa kanila
Ang mga salitang "magtatahip" at "maglilinis" ay parehong tumutukoy sa pag-aalis sa hindi mabubuti at iwan ang mga mabubuti. Maaaring isalin na: "Hindi nito ilalayo ang kanilang mga kasalanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
hahatulan ko na sila
"ihahayag ang kanilang kaparusahan"
Luke 4:12
Ito ay sinabi
Binanggit ni Jesus ang Deuteronomio. Maaaring isalin na: "Sinabi ni Moises" o "Sinabi ni Moises sa mga kasulatan" [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/deu/06/16.md]]. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos
Binanggit ni Jesus ang kasulatang ito upang sabihin kung bakit hindi niya dapat subukin ang Diyos sa pamamagitan ng pagtalon mula sa templo. Ang utos na ito ay para sa bayan ng Diyos. Maaaring isalin na: "Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos."
hanggang sa ibang pagkakataon
"hanggang sa ibang pangyayari"
Luke 4:13
Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang karwahe ay gaya ng isang bagyo
Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasingkahulugan. Ang pangalawa ay pinapatibay ang kaisipan sa una. (Tingnan ang katulad) Maaaring isalin na: "Ang kaaway na hukbo ay mapanira gaya ng malakas na bagyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo
Sinabi ito ng mga tao nang makita nila na papalapit na ang mga kaaway. Maaaring isalin na: Sinabi ng mga tao. 'Tiyak na mawawasak tayo.' "
Linisin ninyo ang inyong mga puso mula sa kasamaan, Jerusalem
Binalaan ng Diyos ang mga taong naninirahan sa Jerusalem upang magsisi. Maaaring isalin na: "Sinabi ni Yahweh sa mga taong naninirahan sa Jerusalem, 'Mas mabuting baguhin ninyo ang inyong kilos."
isang tinig ay nagdadala
"Ipinapahayag ng mga mensahero" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
narinig ang paparating na sakuna
"narinig ng mga tao ang paparating na sakuna" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mula sa Dan...kabundukan ng Efraim
Makikilala ng mga tao na ipinapakita ng mga lugar na iyon na ang babalang ito ay papalapit sa kanila.
Luke 4:14-15
Pahayag na Nag-uugnay:
Si Jesus ay bumalik sa Galilea, nagtuturo sa sinagoga, at sinabihan ang mga tao doon na siya ang tumutupad ng kasulatan ni propeta Isaias.
sa kapangyarihan ng Espiritu
Kasama ni Jesus ang Diyos sa isang natatanging pamamaraan, na nagbibigay sa kaniya ng kakayahanng gumawa ng mga bagay na kadalasang hindi kaya ng mga tao. Maaaring isalin na: "at ang Espiritu ang nagbibigay ng kaniyang kapangyarihan."
kumalat ang balita tungkol sa kaniya
Sa mga nakarinig kay Jesus ay ipinagsabi sa ibang mga tao ang tungkol sa kaniya, at ang mga taong pinagsabihan ay mas lalo pang ipinagsabi ang tungkol sa kaniya. Maaaring isalin na: "ikinalat ng mga tao ang balita tungkol kay Jesus" o "ipinagsabi ng mga tao sa mga ibang tao ang tungkol kay Jesus" o "ang kaalaman tungkol sa kaniya ay naipasa ng mga tao sa ibang mga tao."
sa buong paligid ng rehiyon
tumutukoy ito sa mga pook o sa mga lugar sa paligid ng Galilea.
bawat isa ay nagpuri sa kaniya
"sinabi ng bawat isa ang dakilang mga bagay tungkol sa kaniya" o "ang lahat ng mga tao ay nagsalita tungkol sa kaniya sa mabuting paraan"
Luke 4:16-17
kung saan siya pinalaki
Maaaring isalin na: "kung saan siya pinalaki ng kaniyang mga magulang" or "kung saan siya lumaki" or "kung saan siya nakatira noong bata pa siya"
Sa kaniyang nakagawian
"sa kaniyang nakasanayan." Nakagawian na niyang pumunta sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga.
Ang balumbon ni propeta Isaias ay iniabot sa kaniya
Maaaring isalin na: "Mayroong nag-abot sa kaniya ang balumbon ni Isaias. " (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang balumbon ni propeta Isaias
Ito ay tumutukoy sa aklat na binalumbon. Isinulat ito ni Isaias noong unang panahon at mayroong ibang nagkopya nito.
ang bahagi kung saan nakasulat
"sa bahagi ng binalumbon na kasulatan kung saan sinabi" or "bahagi ng balumbon kung saan nakasulat"
Luke 4:18
Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin
Kung sinuman ang nagsasabi ng ganito, inaangkin niya na ang kaniyang mga sinasabi ay mga salita ng Diyos. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay kasama ko sa natatanging paraan."
ipahayag ang kalayaan sa mga bihag
Maaaring isalin na: "sabihin sa mga taong bihag na sila ay makakalaya na" o "palayain ang mga bilanggo ng labanan"
manumbalik ang paningin sa mga bulag
"bigyang paningin ang bulag" o "magkaroon ang bulag ng kakayahang makakitang muli"
palayain ang mga inaapi
"palayain ang mga nakakaranas ng kalupitan"
ipahayag ang naaayon na panahon ng Panginoon
Maaaring isalin na: "ipaalam na ito na ang taon na ipapakita ng Panginoon ang kaniyang kabutihan" o "sabihin sa bawat tao na handa na ang Panginoon na pagpalain ang kaniyang bayan"
Luke 4:19
Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulong-gulo ang aking puso.
"Labis akong nagdadalamhati, ganap akong nagapi."
Gulong-gulo
puno ng pagkalito, karahasan o kaguluhan, hindi matatag o matibay
Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag
"sinabi ng mga tao sa isang lungsod pagkatapos mawasak ang iba" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
biglang nawasak ang lahat ng lupain
"winasak ng kaaway ang lupain"
aking tabernakulo at ang aking tolda
Ang mga salitang "tabernakulo" at "tolda" ay magkasingkahulugan. Mga maaaring kahulugan ay "aking tolda at ang mga kurtina sa loob ng aking tolda" o "ang lugar kung saan ako naninirahan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 4:20
tagapangasiwa ng sinagoga
Tumutukoy ito sa isang manggagawa ng sinagoga na tinitiyak na ang kasulatang binalumbon ay dinadala at itinatago ng may tamang pag-aalaga at paggalang.
ay nakatuon sa kaniya
"ay nakatitig sa kaniya" o "ay nakatingin sa kaniya"
itong kasulatan ay natupad sa inyong pandinig
Sinasabi ni Jesus na siya ang tutupad sa pahayag na propesiya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa at talumpati sa araw na iyon. Maaaring isalin na: "Kung ano ang sinabi ng kasulatan na mangyayari ay nangyari na ngayon habang pinapakinggan niyo ito."
namangha sa mga magagadang salitang lumalabas sa kaniyang bibig
"namangha tungkol sa mapagpalang mga bagay na kaniyang sinasabi." Ang "mapagpala" dito ay maaring tumutukoy sa kung gaano kahusay o kung gaano mapanghikayat magsalita si Jesus. O, ibig sabihin ay nagsabi si Jesus ng mga salita tungkol sa biyaya ng Diyos.
Ito ay anak lamang ni Jose, hindi ba?
Iniisip ng mga tao na si Jose ay ama ni Jesus. Si Jose ay hindi isang makareliyosong pinuno, kaya sila ay nabigla na ang kaniyang anak ay nangaral kung ano ang kaniyang ginawa. Maaaring isalin na: "Ito ay anak lamang ni Jose!" o "Ang kaniyang ama ay si Jose lamang!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]).
Luke 4:21-22
Gaano ko katagal makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasingkahulugan. Ang ikalawa ay pinapatibay ang unang kaisipan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]) Maaaring isalin na: "Hinihiling ko na magwakas na kaagad ang digmaang ito."
hangal silang tao
"mga walang saysay na tao"
Luke 4:23-24
Pangkalahatang impormasyon
Si Jesus ay lumaki sa bayan ng Nasaret.
walang propeta ang tinanggap sa sarili niyang bayan
Sinaway ni Jesus ang mga tao sa pagtanggi nilang maniwala kay Jesus sa pag-aakalang kilala nila siya.
sarili niyang bayan
"sariling lugar"
Luke 4:25-26
Pangkalahatang Impormasyon:
Pinaalalahanan ni Jesus ang mga tao na nakikinig sa kaniya sa sinagoga, tungkol kay Elias na isang propeta na siyang kilala na nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
sinasabi ko sa inyo ang katotohanan
"sinasabi ko sa inyo ng makatotohanan." Ang pariralang ito ay ginamit upang bigyang diin ang kahalagahan, katotohanan, at kawastuan ng sumusunod na pahayag.
mga balo
Ang balo na isang babaeng namatayan ng asawa.
sa panahon ni Elias
Kilala ng mga kausap ni Jesus si Elias na isa sa mga propeta ng Diyos. Kung ang iyong mga tagapag-basa ay hindi alam ito, maaari ninyong gawing pahiwatig ang impormasyong ito na malinaw gaya sa UDB. Maaaring isalin na: "nang si Elias ay nagpapahay ng propesiya sa Israel." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
noong sumara ang kalangitan na walang ulan
Ito ay isang talinghaga. Ang kalangitan ay nailarawan gaya ng isang kisame na sarado upang mapanatili ang tubig sa taas upang hindi babagsak gaya ng ulan. Maaaring isalin na: "noong walang ulan na bumagsak mula sa kalangitan" o "nang walang ulan sa lahat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
noong nagkaroon ng matinding taggutom
"noong nagkaroon ng malalang kakulangan sa pagkain" o "nang ang mga tao ay hindi nagkaroon ng sapat na pagkain." Ang taggutom ay isang mahabang panahon na ang mga anihan ay hindi nagbibigay ng sapat na pagkain sa mga tao.
isang balo ang naninirahan sa Sarepat
Ang mga taong naninirahan sa bayan ng Zarepat ay mga Gentil, hindi mga Judio. Ang mga nakikinig kay Jesus ay naiintindihan na ang mga tao sa Zarepat ay mga Gentil. Maaaring isalin na: isang balong Gentil na naninirahan sa Zarepat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Naaman na taga-Siria
Ang taga-Siriang tao ay mula sa bayan ng Siria. Ang mga tao sa Siria ay mga Gentil, hindi mga Judio. Maaaring isalin na: "ang Gentil na si Naaman ay mula sa Siria." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 4:27
magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim
Binibigyang-diin ni Jeremias ang paghatol ni Yahweh sa pamamagitan ng pagsasabi na ang daigdig mismo ay magpapahayag ng matinding kalungkutan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
mangangabayo
isang pangkat ng mga kawal na nakasakay sa mga kabayo
bawat lungsod ay tatakas...Bawat lungsod ay aakyat
Binibigyang-diin nito na ang lahat ng tao ay tatakbo.
Mapapabayaan ang mga lungsod, sapagkat walang sinuman ang maninirahan dito
Ang dalawang sugnay na ito ay magkasingkahulugan. Ang ikalawa ay pinapatibay ang unang kaisipan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]) Maaaring isalin na: "Walang sinuman ang matitira sa mga lungsod."
Luke 4:28-29
pinagtabuyan siya palabas ng lungsod
Maaaring isalin na: "pinagtabuyan siya upang umalis sa lungsod"
gilid ng burol
"gilid ng bangin"
palusot sa kanilang kalagitnaan
Ang salitang "palusot" dito ay katulad ng salitang "dumiretso." Nagpapahiwatig ito na walang humahadlang sa kaniyang paglakad paalis sa mga tao. Maaaring isalin sa: "sa kalagitnaan nila" o "sa pagitan ng mga taong gustong pumatay sa kaniya."
siya ay umalis
"umalis palayo." Pumunta si Jesus kung saan niya binalak puntahan sa halip na kung saan siya ay gustong itulak ng mga tao.
Luke 4:30
nakasuot ka ng mapulang damit...alahas...mga mata...kolorete
"nananamit kayong tulad ng mga babaing nagbebenta ng aliw"
nakagayak
"pinalamutihan" o "dinadagdagan upang maipakitang mas kapansin-pansin o mamahalin ang isang bagay"
itinakwil/tinanggihan ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo
Binibigyang-diin nito na ang mga ibang bansa na inaasahan ng Israel sa kayamanan at kalakalan ay tatanggihan sila kapag nakita nila ang paghatol ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak
"pagdaing dahil sa sakit at paghihirap ng isang babae habang nanganganak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
hinihimatay ako
"ang aking buhay ay pagod na sa kapighatian" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 4:31-32
Pahayag na Nag-uugnay:
At pumunta sa Capernaum si Jesus, nagturo sa mga tao doon sa sinagoga, at inutusan ang isang demonyo upang lisanin ang isang tao.
siya ay bumaba
"Si Jesus ay pumunta palusong." Ang Capernaum ay mababang bahagi kaysa sa Nazaret.
Capernaum, isang lungsod ng Galilea
Maaaring isalin na: "Capernaum, isa pang lungsod ng Galilea"
namangha
"labis na nabigla" o "humanga"
nagsalita siya na may kapangyarihan
Maaaring isalin na: "ang kaniyang salita ay may kapangyarihan" o "siya ay nagsalita na gaya ng isang may kapangyarihan"
Luke 4:33-34
Ngayon
Ang salitang ito ay ginagamit upang markahan ang pasimula ng isang bagong katangian sa kwento; sa usaping ito, isang demonyo ang sumanib sa isang tao.
espiritu ng maruming demonyo
"na sinaniban sa pamamagitan ng isang maruming demonyo"
siya ay sumigaw nang may malakas na tinig
"sumigaw siya ng malakas." Ilan sa mga wikang salitain na tulad sa salitain ng English, "sumigaw siya hanggang sa tuktok ng kaniyang baga." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ano ang nais mong gawin sa amin, Jesus na taga Nazaret?
Ito ay isang mapanlaban na sagot na ang ibig sabihin ay: "Ano ang pagkakatulad mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret?" o "Wala kang pakialam sa amin, Jesus na taga Nazaret!" Maaaring isalin na: "Wala kang karapatan na kami ay gambalain, Jesus na taga Nazaret!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Luke 4:35-37
Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi
"Pinagsabihan ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi" o "Ang demonyo ay mahigpit na pinagsabihin ni Jesus"
lumabas ka sa kaniya
Maaaring isalin na: "iwanan mo siyang mag-isa" o "huwag mo siyang gambalain"
Anong uring mga salitang ito
Ipinapahayag ng mga tao kung gaano sila namangha na si Jesus ay may kapangyarihang utusan ang mga demonyo na lumabas sa isang tao. Maaaring isalin na: Ito ay kamangha-manghang mga salita" o "kamangha-mangha ang kaniyang mga salita!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan
"Mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan para utusan ang mga maruruming espiritu"
Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa paligid ng rehiyon
Ito ay isang komentaryo tungkol sa kung anong nangyari pagkatapos ng kuwento na naging bunga sa mga pangyayari sa loob mismo ng kuwento. (Tingnan sa: talink Pagtatapos ng Kuwento)
nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya
"mga ulat tungkol kay Jesus na nagsimulang kumalat" o "ikinalat ng mga tao ang balita tungkol kay Jesus"
Luke 4:38-39
Pahayag na Nag-uugnay:
Si Jesus ay nasa Capernaum pa, ngunit ngayon siya ay nasa bahay ni Simon, kung saan pinagaling niya ang biyanan ni Simon at ang maraming tao.
ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat
Maaaring isalin na: "ay nagkasakit at ang kaniyang balat ay napakainit"
biyanan ni Simon
biyanan** - "ang ina ng kaniyang asawa"
Kaya't tumayo siya
Ang salitang "kaya" ay tanda ng isang pangyayari na nangyari dahil sa ilang bagay na nangyari noong nakaraan. Sa kasong ito, nakiusap ang mga tao kay Jesus para sa biyanan ni Simon.
pinagaling ang kaniyang lagnat
"matapang na nagsalita sa lagnat" o "utusan ang lagnat upang umalis sa kaniya" (UDB). Maaaring isalin na: "inutusan na ang kaniyang balat ay lumamig" o "inutusan ang sakit upang umalis sa kaniya."
Luke 4:40-41
May mga demonyo ang lumabas mula sa kanila, sumisigaw at nagsasabi, "Ikaw ang Anak ng Diyos!"
Takot ang mga demonyo kay Jesus dahil siya ang Anak ng Diyos.
sumisigaw
"humihiyaw"
Anak ng Diyos
Ito ay isang mahalagang katawagan kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
sinaway ang mga demonyo
"mahigpit na sinaway ang mga demonyo"
hindi sila pinayagan
"hindi sila pinahintulutan"
Luke 4:42-44
Pahayag na Nag-uugnay:
Nagpatuloy na nangaral si Jesus sa ibang mga sinagoga sa Judea.
Nang dumating ang dapit-umaga
"Sa pagsikat ng araw" o "Sa bukang-liwayway"
isang tahimik na lugar
"isang disyertong lugar" o "isang lugar na walang taong naninirahan" o "isang lugar na walang mga tao"
sa maraming pang lungsod
Maaaring isalin na: "sa maraming tao sa iba't ibang mga lungsod."
ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito
Maaaring isalin na: "ito ang dahilan na ipinadala ako ng Diyos dito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 5
Luke 5:1-3
Nag-uugnay na Pahayag:
Nangaral si Jesus mula sa bangka ni Simon Pedro sa lawa ng Genesaret.
Ngayon nangyari na
Ang parirala na ito ay ginamit upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng bagong pangyayari ng kuwento. Kung mayroong kaparaanan ang iyong wika sa paggawa nito, maaaring gamitin ito dito.
naglilinis sila ng kanilang mga lambat
Nililinis nila ang kanilang mga lambat upang magamit pa ito nang paulit-ulit sa panghuhuli ng isda.
Hiniling niya na dalhin ito sa tubig
"hiniling niya kay Pedro na dalhin ang bangka sa tubig ng mas malayo mula sa dalampasigan"
umupo siya at nagturo sa mga tao
Ang pag-upo ay karaniwang posisyon para sa isang guro.
nagturo sa mga tao mula sa bangka
"Nagturo sa mga tao habang siya ay nakaupo sa bangka." Si Jesus ay nasa bangka na nasa di kalayuan mula sa dalampasigan at siya ay nagsasalita sa mga tao na nasa dalampasigan.
Luke 5:4-6
Nang matapos na siyang magsalita
"Nang si Jesus ay matapos nang magturo sa mga tao."
Panginoon
Ang salitang Griyego na isinalin dito na "Panginoon" ay hindi pangkaraniwang salita para sa "Panginoon." Ito ay tumutukoy sa isang may kapangyarihan, at hindi para sa isang nagmamay-ari ng kaninuman. Maaring isalin sa: "Amo" o sa salitang karaniwang ginagamit upang itawag sa isang taong nasa kapangyarihan, kagaya ng "Ginoo."
sa iyong salita
"dahil sa iyong salita" o "dahil sinabi mong gawin ko ito"
sumenyas
Sila ay masyadong malayo sa dalampasigan para tumawag kaya't sila ay gumawa ng mga senyas, marahil ay iwinagayway nila ang kanilang mga kamay.
sila ay nagsimulang lumubog
"ang mga bangka ay nagsimulang lumubog" Maaaring isalin sa: "ang mga bangka ay nagsimulang lumubog dahil napakabigat ng mga isda." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 5:7
Bakit ko patatawarin ang mga taong ito
Ginamit ni Yahweh ang tanong na ito upang bigyang-diin na wala siyang dahilan upang patawarin ang mga taong ito. Maaaring isalin na: "Dahil sa mga bagay na ginawa nila, hindi ko patatawarin ang mga taong ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
mga taong ito
ang mga taga-Jerusalem
inyong mga anak
Nagsasalita si Yahweh sa Jerusalem na para bang isa siyang babae na may mga anak. Maaaring isalin na: "Ang mga taga-Jerusalem." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
Binusog ko sila
"Ibinigay ko sa kanila ang lahat ng kailangan nila."
at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan
"at pumunta sa malalaking mga pangkat sa mga bahay ng mga babaing nagbebenta ng aliw.
nag-iinit
"handa nang makisiping"
magkaroon ng kapares
kapag mag-aanak o magtatalik ang mga hayop upang magparami
Bawat lalaki ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kapwa
Humahalinghing ng malakas ang lalaking kabayo sa babaing kabayo kapag gusto nilang makitulog/makipagtalik sa kanila. Maaaring isalin na: "Sinusubukan ng bawat lalaki na makitulog/makisiping/makipagtalik sa asawa ng kaniyang kapwa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Kaya hindi ko ba sila parurusahan at hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa mga bansang gaya nito?
Ginamit ni Yahweh ang tanong na ito upang bigyang-diin na ang mga bagay na kanilang ginagawa ay sobrang sama kaya hindi siya maaawa sa kanila at hindi niya pipigilan ang kaniyang sarili na parusahan sila. Maaaring isalin na: "Dahil ginawa nila ang mga bagay na ito, parurusahan ko sila...Tiyak na ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Ito ang pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jer/01/07.md]].
Luke 5:8-9
lumuhod sa paanan ni Jesus
Mga maaaring kahulugan ay: 1) yumukod sa paanan ni Jesus o 2) "dumapa sa batayan sa paanan ni Jesus" o 3) lumuhod sa harapan ni Jesus." Si Pedro ay hindi aksidenteng nahulog. Ginawa niya ito bilang patunay ng kaniyang pagpapakumbaba at respeto kay Jesus.
taong makasalanan
Ang salita dito para sa "tao" ay nangangahulugang "lalaking may sapat na gulang" at hindi sa pangkaraniwang "taong nilalang."
mangingisda ka ng tao
Ang salitang "mangingisda" ay ginamit bilang talinghaga upang tipunin ang mga tao sa pagsunod kay Cristo. Maaaring isalin na: "kayo ay mangingisda ng tao" o "titipunin ninyo ang mga tao" o "dadalhin ninyo ang mga tao sa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 5:10-11
Umakyat ka sa kaniyang mga ubasan
"Umakyat sa kaniyang mga pader." "Inihahambing ni Yahweh ang lungsod ng Jerusalem sa isang ubasan na may pader sa palibot nito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Umakyat
Nagsasalita si Yahweh sa mga kaaway ng mga taong naninirahan sa Jerusalem.
huwag silang lubusang wasakin
"huwag silang lubusang lipulin"
Putulin ang kanilang mga sanga(puno ng ubas), yamang ang mga sangang(puno ng ubas na) iyon ay hindi galing kay Yahweh
Inihahambing ni Yahweh kung paano paaalisin ng mga kaaway ng Jerusalem ang kaniyang mga tao sa kung paano puputulin ng mga tao ang mga sanga ng (puno ng)ubas. Maaaring isalin na: "Iwasan ang mga masasamang tao dahil hindi sila nanggaling kay Yahweh."
Sapagkat...mga sambahayan ng Israel at Juda
Maaaring isalin na: "Sapagkat ang mga taga-Israel at taga-Juda." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ito ang pahayag ni Yahweh
Tingnan kung paano isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jer/01/07.md]].
ipinagkaila nila ako
Maaari rin itong isalin bilang, "nagsinungaling sila tungkol sa akin."
Hindi siya totoo
"Hindi umiiral si Yahweh." Maaari rin itong isalin bilang "Hindi niya gagawin ang mga bagay na ito" o "Hindi niya magagawa ang mga bagay na ito"
Hindi darating sa atin ang masama o kaya ay makikita ang mga tabak o taggutom
Pareho ang sinasabi ng dalawang pangungusap na ito, mas tiyak ang sinasabi ng pangalawa kaysa sa una. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Hindi darating sa atin ang masama
Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na "Walang mangyayaring masama sa atin."
o kaya ay makikita ang mga tabak o taggutom
Maaaring isalin na: "at hindi mararanasan ang digmaan o taggutom." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 5:12-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinagaling ni Jesus ang isang taong may ketong sa ibang bayan na hindi pinangalanan.
At nangyari nga
Ang parirala na ito ay nagbibigay hudyat sa isang bagong pangyayari sa kuwento.
Siya ay nagpatirapa
"Siya ay lumuhod at ang kaniyang mukha ay dumikit sa lupa" o "siya ay lumuhod pababa sa lupa" (UDB)
kung iyong nanaisin
"kung iyong gugustuhin"
Luke 5:14
huwag ipagsabi kahit kanino
Ito ay hindi direktang pahayag. Ang nais ipahiwatig ng impormasyong ito ay: "huwag ipagsabi sa kahit kanino na ikaw ay pinagaling na." Maaaring isalin na: "Huwag sabihin sa kahit kanino." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
handog para sa iyong ikalilinis
Naaayon sa kautusan na ang isang tao ay kailangang gumawa ng isang tiyak na handog pagkatapos nilang malinisan. Ito ay nagbibigay pahintulot sa isang tao upang maging malinis sa pamamagitan ng gawaing pang-seremonya, at maaari na muling makiisa sa panrelihiyong ritwal.
bilang patotoo sa kanila
"bilang patotoo sa mga pari" o "upang makita ng mga pari na ikaw ay totoong napagaling na." alalaman ng mga pari sa templo ang katotohanang si Jesus ang nagpagaling sa lalaking may ketong.
Luke 5:15
ang balita patungkol sa kaniya
"Ang mga balita tungkol kay Jesus." Maaari itong magbigay kahulugan alin man sa dalawa "ang balita tungkol kay Jesus na pinagaling ang lalaki" o "ang balita tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa mga tao."
ang balita patungkol sa kaniya ay lalong kumalat
"Ang balitang ito patungkol sa kaniya ay nakarating pa ng mas malayo" o "ang mga tao ay patuloy na ibinalita ang tungkol sa kaniya sa iba't ibang lugar."
sa mga lugar na ilang
"sa malulungkot na mga lugar" o "lugar kung saan walang ibang tao."
Luke 5:16
Ang lalagyan nito ng palaso ay tulad ng libingan
Pinatay ng mga palaso na nagmula sa lalagyan ng palaso ang napakaraming tao at dinala sila sa kanilang libingan. Maaaring isalin na: "Gagamit ang bansa ito ng palaso upang patayin ang napakaraming tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Ang lalagyan nito ng palaso
Ang salitang "nito" ay tumutukoy sa bansa na dadalhin ni Yahweh upang lusubin ang Israel.
lalagyan nito ng palaso
isang lalagyan para sa mga palaso
Kaya mauubos ang inyong ani
Maaaring isalin na: "Kaya kakainin ng mga hukbo ng bansang iyan ang inaasahan ninyong aanihin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Kakainin nila
Ang salitang "nila" ay tumutukoy sa hukbo ng bansang ito.
Pababagsakin nila sa pamamagitan ng mga tabak ang inyong mga matitibay na lungsod
Kumakatawan ang tabak sa iba't ibang mga sandata na ginagamit ng mga tao sa digmaan. Maaaring isalin na: "Gagamitin nila ang kanilang mga sandata upang sakupin ang inyong malakas na mga lungsod." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
na inyong pinagkakatiwalaan
"na iniisip ninyong ganap nang malakas upang panatilihin kayong ligtas"
Luke 5:17
Nag-uugnay na Pahayag:
Isang araw nang si Jesus ay nagtuturo sa isang gusali, may mga lalaking may dalang paralisado upang pagalingin ni Jesus.
At nangyari nga
Ang parirala na ito ay nagbibigay hudyat sa pagsisimula ng isang bagong pangyayari sa kuwento.
Luke 5:18-19
Ngayon ay may mga lalaking dumating
Ito ang mga bagong tauhan sa kwento. Maaaring mayroong paraan sa iyong sariling wika upang ipahayag na ang mga ito ay mga bagong tauhan. Maaaring isalin sa: "Mayroong mga lalaki na dumating." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
higaan
"banig na higaan" o "papag" o "langkayan"
paralisadong
"hindi maigalaw ang sarili"
Hindi sila makahanap ng paraan upang siya ay maipasok dahil sa dami ng tao, kaya
Sa ibang wika, maaari itong sabihin ng mas natural kung papalitan ang pagkasunud-sunod nito. "Ngunit dahil sa dami ng tao, hindi nila maipasok ang lalaki. Kaya't"
Sila ay umakyat sa bubungan ng bahay
Ang mga bahay ay may patag na bubungan, at ang ibang bahay ay mayroong tali o hagdan sa labas upang mas madali ang pagpunta sa taas.
sa mismong harapan ni Jesus
"mismong sa harapan ni Jesus" o "kaagad sa harapan ni Jesus"
Luke 5:20-21
Lalaki
Ito ang pangkalahatang salitang ginagamit ng mga tao kapag nakikipag-usap sa isang lalaking hindi nila alam kung ano ang pangalan. Ito ay hindi kabastusan, ngunit hindi rin ito nagpapakita ng lubos na paggalang. Ang ibang wika ay maaaring gumamit ng "kaibigan" o "ginoo."
pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan
"ikaw ay pinatawad na" o "Pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan" (UDB)
magtanong tungkol dito
"pag-usapan ito" o "mangatwiran tungkol dito" Maaaring isalin na: "nag-usap usap kung si Jesus ay mayroon ba o walang kapangyarihan upang magpatawad ng mga kasalanan."
Sino itong nagsasalita ng mga kalapastanganan?
Ang tanong na ito ay nagpapakita kung paano sila nagulat at nagalit sa mga sinabi ni Jesus. Maaaring isalin na: "Nilalapastanganan ng taong ito ang Diyos" o "Nilalapastangan niya ang Diyos sa pagsasabi na" o "Sino ba siya sa tingin niya upang lapastanganin ang Diyos ng ganyan?" (Tingnan [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Sino ang nagpapatawad ng mga kasalanan, hindi ba't ang Diyos lamang?
Ang kaalamang nais ipabatid ay kung ang isang tao ay inaako niya na siya ay nagpapatawad ng mga kasalanan,sinasabi niya na siya ay Diyos. Maaaring isalin na: "Walang sino mang makakapagpatawad ng mga kasalanan kundi ang Diyos lamang" o "Ang Diyos lamang ang siyang makakapagpatawad ng mga kasalanan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 5:22
Bakit ninyo ito inuusisa sa inyong mga puso?
Maaaring isalin na: "Hindi dapat ninyo pangatwiranan sa inyong mga puso ang tungkol dito" o "Hindi ninyo dapat pagdudahan na ako ay may kapangyarihan upang magpatawad ng mga kasalanan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sa inyong mga puso
"sa inyong mga sarili" Ito ay tumutukoy sa katangian ng tao upang makapag-isip o maniwala. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Alin ang mas madaling sabihin
Ginamit ito ni Jesus upang iugnay ang kaniyang kapangyarihang magpatawad at ang himala ng pagpapagaling na kaniyang gagawin. Maaaring isalin na: "Mas madaling sabihin na, 'Ang iyong mga kasalan ay pinatawad na,' ngunit ang Diyos lamang ang magiging dahilan upang ang lalaking ito ay 'tatayo at lumakad.'" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
upang malaman ninyo
Si Jesus ay nagsasabi sa mga eskriba at sa mga Pariseo. Ang salitang "ninyo" ay pangmaramihan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
ang Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili.
sinasabi ko sa iyo
Sinasabi ito ni Jesus sa paralisadong lalaki.
Luke 5:23-24
matitigas ang puso
Maaaring isalin na: "matigas ang ulo at suwail." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Naghimagsik sila at lumayo
"Tumalikod sila at umalis." Maaaring isalin na: "Hindi sila sumunod o nakinig." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
hindi nila sinabi sa kanilang mga puso
Maaaring isalin na: "hindi nila inisip sa kanilang mga sarili."
naglalaan ng takdang linggo ng pag-ani para sa atin
"at siguruhin na ang linggo ng pag-aani ay mangyayari sa panahong itinakda"
Ang inyong mga kasamaan
Ang salitang "inyo" ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Jacob at sa mga taga-Juda. "inyong mga kasalanan"
mga bagay na ito
ang ulan at ang ani
Luke 5:25
Agad
"Minsanan" o "Biglaan"
napuno ng takot
"labis na natakot" o "nabalot ng sindak"
hindi pangkaraniwang mga bagay
"kahanga-hangang mga bagay" o "kakaibang mga bagay"
Luke 5:26
Sapagkat ang mga masasamang kalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao
Maaaring isalin na: "Sapagkat nakatagpo ako ng kalalakihan sa aking mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao
Maaaring isalin na: "Naglagay sila ng mga bagay upang makalamang sila sa mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
dumami sila at naging mayaman
"naging makapangyarihan at mayaman"
naging tanyag sila na may kagalingan
pagiging**- "malambot at makintab" o "at makinis." Makikinis ang mga tao dahil itinatago ng makakapal nilang taba ang kanilang mga buto.
Ginawa nila ang lahat ng kasamaan
"Ginawa nila ang mga bagay na mas malala pa sa kasamaan."
ang dahilan ng mga ulila
Tumutukoy ito sa mga kaso sa korte na kung saan hinihiling ng mga ulila na magkaroon ng hustisya. Maaaring isalin na: "hindi nila sinuportahan ang mga kasong idinaing ng mga ulila sa korte." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Hindi ko ba sila dapat parusahan...bansang gaya nito?
Tingnan kung paano isinalin ang "Kaya hindi ko ba parurusahan...ang isang bansang gaya nito?" sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jer/05/07.md]].
Luke 5:27-28
Nag-uugnay na Pahayag:
Nang si Jesus ay umalis sa bahay, tinawag niya si Levi, ang Judio na taga-singil ng buwis, upang sumunod sa kaniya. Naghanda ng malaking handaan si Levi para kay Jesus na siyang ikinainis ng mga Pariseo at eskriba.
Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito
Ang pariralang "ang mga bagay na ito" ay tumutukoy sa kung ano ang mga nangyari sa mga naunang bersikulo.
nakita ang isang tagasingil ng buwis
"tiningnan ng may pansin ang isang tagasingil ng buwis" o "maingat na tiningnan ang isang tagasingil ng buwis"
lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis
"kinalalagyan ng buwis" o "puwesto ng pangongolekta ng buwis." Ito ay isang mesa na nasa tabi ng daanan kung saan nagbabayad ng buwis ang mga tao para sa gobyerno.
Sumunod ka sa akin
Maaaring isalin na: "Maging tagasunod ko" o "Halika, sumunod ka sa akin bilang iyong tagapagturo"
iniwan ang lahat
"Iniwan ang kaniyang trabaho bilang isang taga-singil ng buwis."
Luke 5:29
Nag-uugnay na Pahayag:
Sa hapag-kainan, nagsalita si Jesus sa mga Pariseo at eskriba.
sa kaniyang bahay
"sa bahay ni Levi"
nakasandal sa mesa
Ang paraan ng mga Griyego sa pagkain sa isang handaan ay ang paghiga sa mahabang upuan at nakasandal ang kaliwang kamay sa ilang unan. Maaaring isalin na: "sa mesa" o "nakaupo sa tabi ng mesa."
sa kaniyang mga alagad
"sa mga alagad ni Jesus"
Bakit kayo kumakain
Tinanong ito ng mga Pariseo at mga eskriba upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa mga alagad ni Jesus na kumakain kasama ang mga makasalanan. Maaaring isalin na: "Huwag kayong kumain kasama ang mga makasalanan!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
manggagamot
"doktor sa panggagamot" o "doktor"
Luke 5:30-32
Naganap ang mga kasamaan at nakakatakot
"Nangyari ang nakapanghihilakbot at katakut-takot na bagay"
sa lupain
Maaaring isalin na: "sa lupain ng Israel." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlang
"nagpahayag ng kasinungalingan"
sarili nilang kapangyarihan
"ayon sa mga utos ng mga propeta"
ngunit ano ang mangyayari sa huli
"ngunit ano ang gagawin ninyo pagkatapos ng lahat ng mga ito?" Ginamit ni Yahweh ang mga tanong na ito upang bigyang-diin na manghihinayang ang mga tao na naging masama sila kapag nagbunga ito ng kaparusahan. Maaaring isalin na: "ngunit magugulo kayo at pagsisisihan ang masamang pag-uugali kapag nagbunga ito ng kaparusahan?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sa huli
Ang mga salitang "sa huli" ay tumutukoy sa kaparusahan na ibubunga ng mga masasamang bagay na ginawa ng mga tao.
Luke 5:33-35
Sinabi nila sa kaniya
"Sinabi ng mga relihiyosong pinuno kay Jesus"
Mayroon bang mag-uutos
Ginamit ni Jesus ang tanong na ito upang magkaroon ng dahilan ang mga tao na maisip ang kalagayan na alam na din nila. Maaaring isalin na: "Walang sino man ang magsasabi sa mga panauhin ng kasal na mag-ayuno habang kapiling pa nila ang lalaking ikakasal." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
panauhin ng kasal
"mga bisita" o "mga kaibigan" Ito ay ang kaibigang nakikipagdiwang sa isang lalaking ikakasal na.
darating ang mga araw na
"sa nalalapit na panahon" o "balang-araw" (UDB)
mawawala mula sa kanila ang lalaking ikakasal
Si Jesus ay nagsasalita tungkol sa kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Gayundin naman, ang aking mga alagad ay hindi mag-aayuno habang ako ay kapiling nila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 5:36
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay nagsabi ng isang kwento sa mga eskriba at Pariseo na naroon sa bahay ni Levi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Walang tao ang gugupit
"walang tao ang pupunit" (UDB)
tagpiin
"ayusin"
hindi babagay sa
"hindi aangkop" o "hindi magiging katulad ng"
Luke 5:37-39
walang tao ang naglalagay
"ang mga tao ay hindi naglalagay kailanman" o "walang sinuman ang naglalagay" (UDB)
bagong alak
"katas ng ubas." Ito ay tumutukoy sa katas ng ubas na hindi pa umasim o naging alak.
sisidlang balat
Ang mga ito ay sisidlang gawa sa balat ng hayop. Maaari silang tawagin na "lalagyan ng alak" o "sisidlan na gawa sa balat"
puputukin ng bagong alak ang mga sisidlang balat
Kung ang bagong katas ng ubas ay naging maasim o naging alak at dumami,puputukin nito ang lumang lalagyan dahil hind na ito maaaring mabinat pa. Maaaring naintindihan na ng mga tagpakinig ni Jesus ang kaalaman tungkol sa pangangasim at pagdami ng alak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
matatapon ang alak
"ang alak ay matatapon palabas sa mga lalagyan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga bagong sisidlang balat
"mga bagong lalagyang balat" o "bagong lalagyan ng alak". Ito ay tumutukoy sa bagong lalagyan ng alak na hindi pa nagagamit.
lumang alak
ang katas ng ubas na naging maasim na o naging alak na
sinasabi niya, "Ang luma ay mas mabuti."
Maaaring makatulong kung idagdag ang: "at ayaw na niyang subukan ang bagong alak." Ito ay sumasalungat sa lumang katuruan ng mga relihiyosong namumuno laban sa mga bagong katuruan ni Jesus. Ang punto dito ay ang mga taong nasanay na sa mga lumang katuruan ay ayaw nang makinig sa mga makabagong aral na itinuturo ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 6
Luke 6:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naglalakad sa triguhan habang ang ilang mga Pariseo ay nagsimulang magtanong sa mga alagad tungkol sa kanilang ginagawa sa Araw ng Pamamahinga, na sa kautusan ng Diyos ay inilaan para sa Diyos.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang salitang "kayo" dito ay tumutukoy sa mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Ngayon ay nangyari na
Ang mga salitang ito ay ginamit dito upang maging palatandaan ng pagsisimula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan ng pagsasabi nito, maaari mong gamitin dito.
triguhan
Ito ay malawak na bahagi ng lupain kung saan ikinakalat ang mga buto ng trigo para magpatubo ng maraming trigo.
uhay
Ito ang pinakamataas na bahagi ng halamang nagbubunga ng butil ng isang uri ng tanim. Ito ang kinakapitan ng mga butil na maaari ng anihin.
Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa Araw ng Pamamahinga?
Ito ay tanong na ang kahulugan ay "Ang pangunguha ng butil sa Araw ng Pamamahinga ay labag sa kautusan ng Diyos!" Maaaring isalin na: "Bakit kayo nangunguha ng butil sa Araw ng Pamamahinga?"
Luke 6:3-5
Hindi man lamang ba ninyo nabasa
Sila ay mahinahong sinasaway ni Jesus dahil hindi sila natututo dito. Maaaring isalin na: "Dapat kayong matuto mula sa inyong binasa" o "Tiyak na nabasa na ninyo (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang tinapay na handog
"ang banal na tinapay" o "ang tinapay na inihandog sa Diyos"
Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Ako, na Anak ng Tao."
Panginoon ng Araw ng Pamamahinga
"nagmamay-ari ng Araw ng Pamamahinga." Maaaring isalin na: "may karapatan para ipasiya kung ano ang tamang gawin ng mga tao sa Araw ng Pamamahinga!" (UDB)
Luke 6:6-8
Nag-uugnay na Pahayag:
Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nanunuod habang pinapagaling ni Jesus ang isang tao sa Araw ng Pamamahinga.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay sa ibang Araw ng Pamamahinga at si Jesus ay nasa Sinagoga.
Nangyari
Ginamit ang mga salitang ito bilang palatandaan ng pagsisimula ng bagong pangyayari sa kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
tuyot ang kamay
Ang kaniyang kamay ay napinsala sa paraan na hindi niya maiunat ang mga ito. Ito ay maaaring nakabaluktot na halos magmukhang kamao, na nagmimistulang mas maliit at kulubot.
nagmamanman sa kaniya
"maingat na minamanmanan si Jesus"
upang sila ay makahanap
Maaaring isalin na: "dahil gusto nilang makahanap"
sa gitna ng lahat
Gusto ni Jesus na tumayo ang tao sa lugar kung saan makikita siya ng lahat ng naroon. Maaaring isalin na: "sa harapan ng lahat" (UDB).
Luke 6:9-11
sa kanila
"sa mga Pariseo"
naaayon ba sa batas
Gusto ni Jesus na isipin ng mga Pariseo ang tungkol dito at kilalanin na naaayon sa batas ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga. Maaaring isalin na: "Alin ang naaayon sa batas?" o "Alin ang pinapayagan ng kautusan ni Moises na gawin natin?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama
Maaaring isalin na: "ang tumulong sa iba o ang gumawa ng masama sa iba"
Iunat mo ang iyong kamay
"Iunat mo ang iyong kamay" o "iabot mo ang iyong kamay"
nanumbalik sa dati
"gumaling"
Luke 6:12-13
Pangkalahatang Impormasyon:
Pumili si Jesus ng labindalawang apostol pagkatapos niyang manalangin buong gabi.
Nangyari sa mga araw na iyon
Ang mga salitang ito ay ginamit dito upang maging palatandaan ng pagsisimula ng bagong pangyayari sa kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
sa mga araw na iyon
"sa mga panahong iyon" o "hindi nagtagal pagkatapos noon" o "isang araw sa mga panahong iyon"
siya ay pumunta
"si Jesus ay pumunta"
pumili siya sa kanila ng labindalawa
"siya ay pumili ng labindalawa sa mga alagad"
na pinangalanan din niyang "mga apostol"
"at sila ay tinawag din niyang mga 'apostol' o "na siya ring hinirang niyang maging mga apostol." o "na siya ring ginawa niyang mga apostol"
Luke 6:14-16
Ang pangalan ng mga apostol ay sina
Ito ay impormasyong ipinahiwatig na idinagdag sa mga salita ng ULB.
ang kaniyang kapatid na si Andres
"si Andres na kapatid ni Simon"
Makabayan
Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "ang Masigasig" o 2) "ang isang masigasig". Ang unang kahulugan ay nagpapahiwatig na kasama siya sa grupo ng mga tao na gustong palayain ang mga Judio mula sa pamamahala ng mga Romano. Maaaring isalin na: "makabayan" o "makabansa." Ang ikalawang kahulugan ay nagpapahiwatig na siya ay masigasig upang ang Diyos ay maparangalan. Maaaring isalin na: "madamdamin."
naging taksil
Maaaring isalin na: "nagtaksil sa kaniyang kaibigan" o "nag-abot sa kaniyang kaibigan sa mga kaaway" (kadalasang kapalit ng pera) o "naglagay sa kaniyang kaibigan sa kapahamakan sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga kaaway ng tungkol sa kaniya"
Luke 6:17-19
Nag-uugnay na Pahayag:
Kahit na ang mga alagad ang tanging pinagsasabihan ni Jesus, maraming tao ang naroon na nakikinig.
kasama sila
"kasama ng labindalawa na kaniyang pinili" o "kasama ang kaniyang labindalawang apostol"
at para gumaling
Maaaring isalin na: "at para pagalingin sila ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
binabagabag ng mga maruming espiritu
"ginambala ng mga maruruming espiritu." Maaaring isalin na: "kontrolado ng mga maruruming espiritu" o "bilanggo ng mga maruruming espiritu." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
pinagaling din
"pinagaling din ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya
Maaaring isalin na: "siya ay may kapangyarihang magpagaling sa mga tao"
Luke 6:20-21
Pinagpala
Ang salitang ito ay inulit ng tatlong beses. Sa bawat paggamit, ipinapahiwatig nito na ang Diyos ay nagbibigay ng kabutihang loob sa mga taong may ganitong kalagayan o na ang kanilang kalagayan ay positibo at maganda.
Pinagpala kayong mga mahihirap
"Kayong mga mahihirap ay nakatatangap ng pabor mula sa Diyos" o "Kayong mga mahihirap na nakikinabang"
sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos
Sa mga wika na walang salita para sa kaharian ay maaaring sabihin na, "sapagkat ang Diyos ang inyong hari" o "dahil ang Diyos ang inyong pinuno."
sa inyo ang kaharian ng Diyos
"ang kaharian ng Diyos ay pag-aari ninyo." Maaaring ang kahulugan nito ay 1) " kayo ay kasama sa kaharian ng Diyos" o 2) "kayo ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kaharian ng Diyos."
kayo ay tatawa
"kayo ay tatawa ng may kagalakan" o "kayo ay mapupuno ng galak"
Luke 6:22-23
Pinagpala kayo
"Kayo ay makatatanggap ng pabor ng Diyos" o "kayo ay makikinabang" o "Kay buti nito para sa inyo"
kayo ay ihinihiwalay
"hindi kayo isinasama" o "tinatanggihan kayo"
itinuturing ang inyong pangalan na masama
Maaaring isalin na: "tinatanggihan kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
alang-alang sa Anak ng Tao
"dahil sa Anak ng Tao" o "dahil kayo ay nakikisama sa Anak ng Tao" o "dahil tinanggihan nila ang Anak ng Tao"
sa araw na iyon
"kung ginagawa nila ang mga ganoong bagay" o "kung iyon ay mangyayari"
dakilang gantimpala
"isang malaking kabayaran" o "mabuting mga kaloob"
Luke 6:24-25
aba kayo
Ang mga salitang ito ay inulit ng tatlong beses. Ito ay kabaliktaran ng "Pinagpala kayo." Sa bawat paggamit, ipinapahiwatig nito na ang galit ng Diyos ay nakatuon sa mga tao, o isang bagay na hindi mabuti o masama ang naghihintay sa kanila.
aba kayo na mayayaman
"katakot-takot para sa inyong mga mayayaman" o "kaguluhan ang darating sa inyong mga mayayaman." Maaaring isalin na: "Kayo na mayayaman, napakalungkot para sa inyo" o "Kayo na mayayaman, anong kalungkutan ang mapapasainyo."
inyong ginhawa
"ang nagbibigay ng ginhawa sa inyo" o "ang nagbibigay ng kaluguran sa inyo" o "ang nakapagpapasaya sa inyo"
na ngayon ay busog
"na ngayon ang tiyan ay busog" o "na ngayon ay kumakain ng marami"
na ngayon ay tumatawa
"na ngayon ay masaya"
Luke 6:26
Aba kayo
"katakot-takot ito para sa inyo" o "kaguluhan ang darating sa inyo" o "napakalungkot para sa inyo" o "Anong kalungkutan ang mapapasainyo"
kung ang lahat ng tao
"kung ang lahat ng tao" o "kung ang lahat"
ganoon din pinakisamahan ng kanilang mga ninuno ang mga bulaang propeta
"nagsabi ng mabubuting bagay tungkol sa mga bulaang propeta"
Luke 6:27-28
Nag-uugnay na Pahayag:
Patuloy na nagsalita si Jesus sa kaniyang mga alagad at sa mga tao na nakikinig din sa kaniya.
mahalin...gumawa ng mabuti...pagpalain...ipanalangin
Ang bawat utos na ito ay dapat tuluy-tuloy na ginagawa, hindi lamang iisang pagkakataon.
mahalin ninyo ang inyong kaaway
Maaaring isalin na: "mag-alala tungkol sa inyong mga kaaway" o "gawin kung ano ang mabuti para sa inyong mga kaaway"
ang mga sumusumpa sa inyo
"ang mga tao na palaging sinusumpa kayo"
ang mga umaapi sa inyo
"ang mga tao na palaging nangaapi sa inyo"
Luke 6:29-30
Sa sumasampal sa iyong pisngi
"Kung may sasampal sa iyo"
sa iyong pisngi
"sa isang bahagi ng iyong mukha"
ialok mo rin sa kaniya ang kabila
Maaaring isalin na: "iharap mo ang iyong mukha sa gayon ay mahampas rin niya ang kabila"
huwag mong ipagkait
"huwag siyang pigilan na kuhanin"
Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo
Maaaring isalin na: "Kung may humihingi sa iyo ng isang bagay, ibigay mo ito sa kaniya"
huwag mong hingiin sa kaniya
"huwag mo siyang utusan" o "huwag ipilit"
Luke 6:31-34
Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila
Sa ibang wika maaring mas magiging natural kung babaliktarin ang pagkasabi. Maaaring isalin na: "Dapat ninyong gawin sa mga tao ang nais ninyong gawin nila sa inyo" o "Pakisamahan ninyo ang mga tao na gaya ng nais ninyong paraan ng pakikisama nila sa inyo."
anong kapurihan iyon sa inyo?
"Anong gantimpala ang inyong matatanggap?" Maaaring isalin na: "Hindi kayo makatatanggap ng kahit anong karangalan" o "Anong papuri ang inyong tatanggapin sa paggawa ng ganoon? o "Iisipin ba ng iba na gumawa kayo ng isang natatanging bagay?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 6:35-36
inyong gantimpala ay magiging dakila
"kayo ay makatatanggap ng malaking gantimpala" o "kayo ay makatatanggap ng mabuting kabayaran" o "kayo ay makakukuha ng mabuting mga regalo dahil dito"
Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan
Ang salitang "mga anak ng" ay isang salitain na ang kahulugan ay "katulad". Ipinapahiwatig nito na ang mga tao na nagmamahal sa kanilang mga kaaway ay katulad ng pag-uugali ng Diyos. Tiyakin na ang salitang "mga anak" ay maramihan para hindi ito mapagkamalan sa titulo ni Jesus na "Ang Anak ng Diyos." Maaaring isalin na: "Kayo ay kikilos na katulad ng mga anak ng Kataas-taasang Diyos" o "Kayo ay magiging katulad ng Kataas-taasang Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
hindi marunong magpasalamat at masasamang tao
Maaaring isalin na: "mga tao na hindi nagpapasalamat sa kaniya at ang mga masasama"
inyong Ama
Tinutukoy nito ang Diyos. Maaaring isalin na: "inyong Ama sa langit."
Luke 6:37
Huwag humatol
"Huwag humatol ng mga tao" o "Huwag mamuna ng mga tao"
at
Maaaring isalin na: "at sa ganoon"
hindi kayo hahatulan
Hindi sinabi ni Jesus kung sino ang hindi hahatol. Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "hindi kayo hahatulan ng Diyos" o 2)"walang hahatol sa inyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Huwag magparusa
"Huwag magparusa ng mga tao"
hindi kayo parurusahan
Hindi sinabi ni Jesus kung sino ang hindi magpaparusa. Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "Hindi kayo parurusahan ng Diyos" 2) "Walang magpaparusa sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kayo ay patatawarin
Hindi sinabi ni Jesus kung sino ang magpapatawad. Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "patatawarin kayo ng Diyos" 2) "patatawarin kayo ng mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 6:38
at ito ay maibibigay sa inyo
Hindi sinabi ni Jesus kung sino talaga ang magbibigay. Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "may magbibigay nito sa inyo" o 2) "ibibigay ito ng Diyos sa inyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Labis labis na halaga...sa inyong kandungan
Ang ayos ng pangungusap na ito ay maaaring baliktarin. Maaaring isalin na: "Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang malaking halaga na kanilang isiniksik at inalog hanggang sa ito ay umapaw." Ginamit ni Jesus ang talinghaga ng isang mangangalakal ng butil na nagbibigay ng malaking halaga. Maaaring isalin na: "Katulad ng mangangalakal ng butil na isinisiksik ang butil at inaalog ito at ibinubuhos ang napakaraming butil hanggang sa ito ay umapaw, sila ay magbibigay ng labis-labis sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
labis-labis na halaga
"malaking halaga"
iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo
"Parehong panukat ang gagamitin nila para sukatin ang mga bagay para sa iyo" o "susukatin nila ang mga bagay para sa iyo batay sa iyong pamantayan"
Luke 6:39-40
Nag-uugnay na Pahayag:
Idinagdag ni Jesus ang ilang mga halimbawa upang sabihin ang nais niyang ipabatid. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag?
Ginamit ni Jesus ang tanong na ito upang isipin ng mga tao ang tungkol sa isang bagay na alam na nila. Maaaring isalin na: "Ang isang bulag na tao ay hindi maaaring gumabay sa isa pang bulag na tao, makakaya ba niya?" o "Alam nating lahat na ang isang bulag na tao ay hindi maaaring gumabay sa isa pang bulag." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Kung gagawin niya ito
Sa ibang wika maaaring mas gusto nilang gamitin, "kung may gumawa"
kapwa silang mahuhulog sa hukay, hindi ba?
Maaaring isalin na: "hindi ba sila parehong mahuhulog sa hukay?" o "pareho silang mahuhulog sa butas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro
Maaaring ang kahulugan nito ay alin man sa dalawa 1) "Ang isang alagad ay hindi mas marunong kaysa sa kaniyang guro" o 2) "Ang isang alagad ay walang higit na kapangyarihan kaysa sa kaniyang guro." Maaaring isalin na: "Ang isang alagad ay hindi nakahihigit sa kaniyang guro."
ang bawat isa kung siya ay ganap na sinanay
Maaaring isalin na: "ang bawat alagad na sinanay ng mabuti" o "ang bawat alagad na lubusang tinuruan ng kaniyang guro." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 6:41-42
bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami
Ito ay isang larawan tungkol sa pagpuna at panghuhusga sa iba. Maaaring isalin na: "bakit mo pinupuna...Iyan ay tulad" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
maliit na piraso ng dayami
"maliit na puwing" o "maliit na batik"
kapatid
Dito ang "kapatid" ay maaaring tumutukoy sa isang kapwa Judio o kapwa mananampalataya kay Jesus.
troso
"malaking puwing" o "tabla"
Luke 6:43-44
Pangkalahatang Impormasyon:
Hinalintulad ni Jesus ang mga tao sa mabubuti at mga masasamang puno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
sapagkat
"dahil." Iniuugnay nito ang katotohanan na ang ating pag-uugali ay malalantad bilang dahilan kung bakit hindi natin dapat husgahan ang ating mga kapatid.
mabuting puno
"malusog na puno"
bulok
Maaaring isalin na: "sira" o "walang halaga."
ang bawat puno ay nakikilala
"kinikilala." Maaaring isalin na: "nakikilala ng tao ang isang puno." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
igos
ang matamis na bunga ng puno ng igos
matinik na damo
isang halaman o palumpong na may mga tinik
ubas
ang matamis na bunga ng ubas
matinik na baging
baging o palumpong na may mga tinik
Luke 6:45
Pangkalahatang Impormasyon:
Hinalintulad ni Jesus ang pag-iisip ng isang tao sa pisikal nilang mga kayaman. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ang mabuting tao
"Ang mabuting tao." Ang salitang "mabuti" ay tumutukoy sa pagiging matuwid o kabutihang asal. Ang salitang "tao" ay tumutukoy sa isang tao, lalaki o babae. Maaaring isalin na: "Ang mabuting tao"
mabuting kayamanan ng kaniyang puso
"ang mga mabubuting bagay na itinatago niya sa kaniyang puso" o "kung ano ang pinapahalagahan niya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
inilalabas ang mabuti
Maaaring isalin na: "nabubuhay at ipinapakita kung ano ang mabuti" o "nabubuhay at pinapatotohanan kung ano ang mabuti" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang mabuti
"mabubuting mga bagay"
mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig
"kung ano ang iniisip ng kaniyang puso ay nakakaapekto sa kung ano ang sinasabi niya sa kaniyang bibig" o "kung ano ang pinapahalagahan niya sa kaniyang puso ay tumutukoy sa kung ano ang sinasabi niya sa kaniyang bibig." Maaaring isalin na: "Kung ano ang sinasabi ng isang tao ay nagpapakita kung ano ang lagi niyang iniisip" o "kung ano ang iniisip niya ay nakakaapekto sa kung ano ang sasabihin niya."
Luke 6:46-48
isang tao na nagtatayo ng bahay
Inihahalintulad ng talinghaga ang isang tao na nagtayo ng isang bahay sa bato at sa isang taong namumuhay na ayon sa mga katuruan ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
pundasyon
"pundasyon" o "saligan"
matatag na bato
Ito ang napakalaking matigas na bato na nakabaon sa ilalim ng lupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato
"humukay ng malalim para sa pundasyon ng bahay upang marating ang pundasyon ng matatag na bato" o "itinayo ang bahay sa matigas na bato." Sa ibang kultura, maaaring hindi nila alam ang pagpapatayo sa bato. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
malakas na tubig
"mabilis na pag-agos ng tubig" o "ilog" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
umagos sa
"bumangga sa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
dahil ito ay itinayo ng mahusay
"dahil mahusay itong itinayo ng tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 6:49
isang tao na nagtayo ng bahay
Inihahalintulad ng talinghaga na ito ang tao na nagtayo ng bahay na walang pundasyon sa isang tao na hindi sinusunod ang mga katuruan ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
walang pundasyon
Maaaring isalin na: "ngunit hindi siya humukay at nagpatayo muna ng pundasyon"
pundasyon
"pundasyon" o "matatag na saligan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
malakas na tubig
"mabilis na pag-agos ng tubig" o "ilog" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
umagos sa
"bumangga sa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
gumuho
"bumagsak" o "naghiwalay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 7
Luke 7:1
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay pumunta sa Capernaum kung saan si Jesus ay nagpagaling ng alipin ng kapitan.
sa mga taong nakikinig
Maaaring isalin na: "sa mga taong nakikinig" o "sa mga tao" o "para marinig ng mga tao"
Luke 7:2-5
na mahalaga sa kaniya
"na pinapahalagahan ng senturion" o "na kaniyang iginagalang"
nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus
"dahil nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus"
iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin
"iligtas ang kaniyang alipin upang hindi siya mamatay" o "mailayo ang kaniyang alipin sa kamatayan"
Siya ay karapat-dapat
"Ang senturion ay karapat-dapat"
aming bansa
"ang aming lipi." Tumutukoy ito sa mga taong Judio.
Luke 7:6-8
malapit na siya sa bahay
Maaaring isalin na: "malapit sa bahay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
huwag na kayong mag-abala
Ang senturion ay magalang na nagsasalita kay Jesus. Maaaring isalin na: "huwag na kayong mag-abala sa pagpunta sa aking bahay" o "hindi ko nais na abalahin kayo."
puntahan sa aking tahanan
"pumasok sa aking tahanan." Ang pariralang "pumasok sa ilalim ng aking bubong" ay isang wika. Kung ang inyong wika ay may kawikaan na ang ibig sabihin "pumunta sa aking tahanan," pag-isipan kung ito ay nararapat na gamitin dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
magsabi lang kayo
Alam ng alipin na kayang pagalingin ni Jesus ang alipin sa pamamagitan lamang ng kaniyang salita. Maaaring isalin na: "ibigay lamang ang utos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
gagaling na ang aking alipin
Ang salita na naisalin dito bilang "alipin" ay karaniwang naisalin bilang "batang lalaki." Maaaring ipinapahiwatig nito na ang alipin ay bata o nagpapakita ng pagmamahal ang senturion sa kaniya.
sa aking alipin
Ang salita na naisalin dito bilang "alipin" ay ang karaniwang salita para sa isang alipin.
Luke 7:9-10
siya ay namangha sa kaniya
"siya ay namangha sa senturion"
Sinasabi ko sa inyo
Sinabi ito ni Jesus upang bigyang-diin ang nakakabiglang bagay na sasabihin niya sa kanila.
hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel
Ipinapahiwatig nito na inaasahan ni Jesus ang mga Judio na magkaroon ng ganitong uri ng pananampalataya, ngunit hindi nila nagawa. Hindi niya inaasahan na magkaroon ng ganitong uri ng pananampalataya ang mga Gentil, ngunit nagawa ng taong ito. Maaaring idagdag ang ipinapahiwatig ng impormasyon na ito gaya sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa mga isinugo
Maaaring isalin na: "ang mga tao na ipinadala ng pinunong Romano kay Jesus"
Luke 7:11-15
Pahayag na Nag-uugnay:
Nagpunta si Jesus sa lungsod ng Nain, kung saan binuhay niya ang isang taong patay.
nangyari na
Ang mga pariralang ito ay ginamit dito upang markahan ang pagsisimula ng isang bagong bahagi ng kuwento. Kung ang inyong wika ay may paraan upang gawin ito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.
Nain
ang pangalan ng isang lungsod (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
ang tarangkahan papasok ng lungsod
Maaaring isalin na: "ang pasukan sa lungsod"
masdan ito, isang taong patay ang
Ang salitang "masdan" ay hudyat sa pasimula ng kuwento ng isang taong patay. Maaaring ang inyong wika ay may paraan sa paggawa nito. Maaaring isalin na: "May isang taong patay na"
isang taong patay ang dala-dala
Maaaring isalin na: "Dinala palabas ng mga tao ang isang taong patay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kaisa isang anak ng kaniyang ina
"nag-iisang anak ng isang babae"
Siya ay isang balo, at kasama niya ang isang malaking grupo ng mga tao na galing sa lungsod.
Ito ay karagdagang impormasyon tungkol sa babae. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
balo
isang babaeng namatayan ng asawa
ay labis na nahabag sa kaniya
"labis na nagdaramdam para sa kaniya"
lumapit siya
Maaaring isalin na: "nagpunta siya sa unahan" o "nilapitan niya ang grupo"
ang kinalalagyan ng bangkay
Ito ay isang kamilya o higaan na ginagamit para idala ang katawan sa lugar ng libingan. Ito ay hindi ginagamit sa paglilibing sa katawan. Sa ibang salin maaaring ginamit ang "patungan ng kabaong" o "mahabang kahoy na paglalagyan ng bangkay"
Sinasabi ko sa iyo
Sinabi ito ni Jesus upang bigyang-diin ang kaniyang kapangyarihan. Maaaring isalin na: "Makinig ka sa akin!"
Ang taong patay
Ang tao ay hindi nanatiling patay; buhay siya. Maaaring isalin na: "Ang tao na namatay."
Luke 7:16-17
Pahayag na Nag-uugnay:
Sinasabi nito ang nangyari na kinalabasan ng pagpapagaling ni Jesus sa taong namatay.
silang lahat ay nadaig ng takot
"sila ay napuno ng takot." Maaaring isalin na: "bawat isa ay natakot."
Isang dakilang propeta
Tinutukoy nila si Jesus, hindi sa mga hindi kilalang propeta. Maaaring isalin na: "Itong dakilang propeta."
na itinalaga para sa atin
"dumating siya upang maging kasama natin" o "nagpakita sa atin." Maaaring isalin na: "Naghirang ang Diyos ng isang dakilang propeta sa atin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tiningnan
Maaaring isalin na: "inalagaan""
Itong balita tungkol kay Jesus ay kumalat
"Ang balitang ito" ay tumutukoy sa mga bagay na sinasabi ng mga tao sa bersikulo 16. Maaaring isalin na: "Ikinalat ng mga tao ang ulat na ito tungkol kay Jesus" o "Ipinagsabi ng mga tao sa iba ang ulat na ito tungkol kay Jesus."
Itong balita
"Ang salitang ito" o "Ang mensaheng ito"
Luke 7:18-20
Pahayag na Nag-uugnay:
Ipinadal ni Juan ang dalawa sa kaniyang mga alagad upang tanungin si Jesus.
lahat ng mga bagay na ito
"lahat ng mga bagay na ginagawa ni Jesus"
sila ay pinapunta sa Panginoon upang sabihin
(Juan) "pinapunta sila upang tanungin ang Panginoon" (Jesus)
ang Siyang Darating
Maaaring ito ay isang paraan ng mga tao sa pagtukoy sa darating [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/christ.md]]
na aming hahanapin
"na siyang dapat naming hintayin" o "inaasahan naming dumating"
Luke 7:21-23
Sa oras na iyon
"sa araw na iyon"
at mula sa mga masamang espiritu
Maaaring isalin na: "at pinalaya niya ang mga tao mula sa mga masasamang espiritu"
mga taong nangangailangan
"mga taong mahihirap"
ibalita kay Juan
"sabihin kay Juan"
Mapalad ang taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa
Maaaring isalin na: "Napakainam ito sa taong hindi tumitigil sa pananampalataya sa akin dahil sa aking mga ginawa"
Ang taong
"Mga tao" o "Sinuman" "Kahit sino." Ito ay isang hindi kilalang tao.
hindi tumitigil
"nagpapatuloy sa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
pananampalataya sa akin
"lubusang nagtitiwala sa akin"
Luke 7:24-26
Pahayag na Nag-uugnay:
Nagsimulang magsalita si Jesus sa maraming tao tungkol kay Juan na Tagapag-bautismo.
Ano ang ipinunta ninyo...hangin?
Ginamit ni Jesus ang mga pariralang ito sa tatlong katanungan upang isipin ng mga tao kung anong klaseng tao si Juan na Taga-pagbautismo. Maaaring isalin na: "Pumunta ba kayo upang makita...ang hangin? Siyempre hindi!" o "Tiyak ba na hindi kayo lumabas para makita...ang hangin!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
isang tambo na inalog ng hangin
Ito ay maaaring may dalawang pagpapaliwanag. 1) Ang mga tambo ay madaling ialog ng hangin, kaya maaari itong itukoy sa isang tao na madaling udyukan para baguhin ang kaniyang isipan. 2) Ang mga tambo ay maingay kapag kinalampag sila ng hangin, kaya maaari itong itukoy sa isang tao na maraming sinasabi ngunit ang kaniyang sinasabi ay walang bunga na anumang bagay na mahalaga. Maaaring isalin na: "ang isang tao na katulad sa isang tambo na inaalog ng hangin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nakasuot ng marilag na kasuotan
Maaaring isalin na: "nakasuot ng mamahaling damit"
palasyo ng mga hari
Ang isang palasyo ay malaki, mamahaling bahay na tinitirahan ng isang hari.
Ngunit
Maaaring isalin na: "Kung ikaw ay hindi pumunta upang makita iyon, ano nga ang"
Sinasabi ko sa inyo
Sinabi ito ni Jesus upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kaniyang susunod na sasabihin.
higit pa sa isang propeta
Maaaring isalin na: "hindi isang pangkaraniwang propeta" o "higit na mahalaga kaysa sa isang karaniwan na propeta"
Luke 7:27-28
Siya ang tinutukoy sa nasusulat
"Ang propeta na iyan ang siyang isinulat ng mga propeta" o "Si Juan ang isinulat ng mga propeta noong matagal na panahon"
Tingnan mo, aking ipapadala
Sa bersikulong ito, binabanggit ni Jesus ang mga sinabi ng propeta na si Malachi at sinabi dito na si Juan ang taga-pagbalita na binabanggit ni Malachi.
mo
Nagsasalita ang Diyos sa Messias. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Sinasabi ko sa inyo
Nagsasalita ang Diyos sa maraming tao. Ginamit ni Jesus ang pariralang ito upang bigyang-diin ang katotohanan ng nakakabiglang bagay na susunod niyang sasabihin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
sa mga ipinanganak ng mga babae
"sa mga ipinanganak ng babae." Ito ay isang tayutay na tumutukoy sa lahat ng tao. Maaaring isalin na: "lahat ng mga taong nabubuhay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
walang mas hihigit kay Juan
"Si Juan ang pinakadakila"
ang pinakamababang tao sa kahariaan ng Diyos
Ito ay tumutukoy sa sinumang kabahagi ng kaharian na itatatag ng Diyos.
mas higit pa sa kaniya
Maaaring isalin na: "nakatataas na espirituwal na kalagayan kaysa kay Juan"
Luke 7:29-30
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Lucas, na may-akda ng aklat na ito, ay nagbibigay ng pansin kung paano tumugon ang mga tao kay Juan at Jesus.
ipinahayag nila na ang Diyos ay matuwid
"sinabi nila na ipinakita ng Diyos na siya ay matuwid" o "ipinahayag nila na ang Diyos ay kumilos ng may katuwiran"
sa mga nabautismuhan sa bautismo ni Juan
"sa mga nabautismuhan ni Juan" o "sa mga binautismuhan ni Juan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
na hindi niya nabautismuhan, ay hindi tinanggap ang karunungan ng Diyos para sa kanilang mga sarili.
Ito ay parang nagpapahiwatig na dahil tinanggihan nila ang bautismo ni Juan, sila ay hindi handa para tanggapin ang kalooban ng Diyos para sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
na hindi niya nabaustismuhan
"sa mga hindi nabautismuhan ni Juan" o "sa mga tumangging magpabautismo kay Juan" o "sa mga tumanggi sa bautismo ni Juan"
ay hindi tinanggap ang karunungan ng Diyos para sa kanila
"pinili na hindi sundin ang sinabi ng Diyos sa kanila"
Luke 7:31-32
Pahayag na Nag-uugnay:
Nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita sa mga tao tungkol kay Juan na taga-pagbautismo.
Sa ano ko ihahambing...katulad nila?
Gumamit si Jesus ng mga tanong upang ipakita ang paghahambing. Maaaring isalin na: "Dito ko ihahambing ang salinlahi na ito. Ito ang katulad nila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]
ang mga tao sa salinlahing ito
Ang mga taong nabubuhay ngayon.
Katulad sila
Ang mga salitang ito ang pasimula ng paghahambing ni Jesus. Sinasabi ni Jesus na ang mga tao sa salinlahi na ito ay katulad ng mga bata na hindi kailanman nasisiyahan sa kung paano kumilos ang ibang mga bata. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
pamilihan
isang malaki, bukas na lugar kung saan ang mga tao ay pumupunta para ipagbili ang kanilang mga paninda
ngunit hindi kayo sumayaw
Maaaring isalin na: "ngunit hindi kayo sumayaw sa musika"
ngunit hindi kayo umiyak
Maaaring isalin na: "ngunit hindi kayo umiyak kasama namin"
Luke 7:33-35
hindi kumakain ng tinapay
"hindi kumakain ng pagkain." Hindi ibig sabihin na si Juan ay hindi kailanman kumain ng pagkain. Maaaring isalin na: "madalas na nag-aayuno."
inyong sinabi, 'Siya ay may demonyo.'
Binabanggit ni Jesus kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Juan. Maaaring isalin sa: "sinabi ninyo na siya ay may demonyo" o "inaakusahan ninyo siya na may demonyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Ang Anak ng Tao
Dahil inaasahan ni Jesus na ang mga tao ay naiintindihan na siya ang Anak ng Tao, ito ay maaari ring isalin na "Ako, na Anak ng Tao."
inyong sinabi, 'Masdan...'
Binabanggit ni Jesus ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kaniya bilang Anak ng Tao. Ito ay maaaring ilahad ng hindi tuwiran gaya ng, "sinabi ninyo na ako ay isang napakatakaw na tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
isang napakatakaw na tao
isang tao na nakaugaliang kumain ng maraming pagkain
ang karunungan ay nagpapawalang sala sa lahat ng kaniyang mga anak
Marahil ito ay isang kasabihan na ginagamit ni Jesus sa pangyayaring ito, dahil ang mga tao na tumanggi sa kaniya at kay Juan ay hindi ginagamit ang kanilang karunungan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/proverb.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Luke 7:36-38
Pahayag na Nag-uugnay:
Isang Pariseo ang nag-anyaya kay Jesus upang kumain sa kaniyang tahanan.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay isang kagawian sa panahong iyon na ang mga manonood na dumalo sa hapunan ay hindi kumakain.
Ngayon, may isang Pariseo
Ito ay tanda sa pagsisimula ng isang bagong bahagi ng kuwento at ipinapakilala ang Pariseo sa kuwento.
sumandal siya sa mesa upang kumain
"naupo sa may mesa upang kumain." Ito ang kaugalian sa isang nakakapahingang pagkakain tulad nitong hapunan para sa mga lalaki upang kumain habang nakahiga ng maginhawa sa paligid ng mesa.
Masdan ito, may isang babae
Ang salitang "masdan" ay magpahayag ng hudyat sa atin sa isang bagong tauhan sa kuwento. Ang iyong wika ay maaaring may paraan ng paggawa nito.
na isang makasalanan
Siya ay maaaring babae na nagbebenta ng aliw. Maaaring isalin na: "na namuhay sa kasalanan" o "nagkaroon ng reputasyon na namumuhay sa kasalanan."
isang alabastro ng pabango
"isang garapon na gawa sa malambot na bato." Ang alabastro ay isang malambot na puting bato. Iniimbak ng mga tao ang mga mamahaling bagay sa mga alabastrong banga.
ng kaniyang buhok
Maaaring isalin na: "ng kaniyang buhok"
Luke 7:39-40
inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi
"sinabi niya sa kaniyang sarili"
Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana
Inisip ng mga Pariseo na si Jesus ay hindi isang propeta dahil hinayaan niya na hawakan siya ng makasalanang babae. Maaaring isalin na: "Tila nga hindi isang propeta si Jesus. Kung siya nga ay propeta, malalaman niya."
Simon
Ito ang pangalan ng Pariseo na nag-anyaya kay Jesus sa kaniyang tahanan. Ito ay hindi si Simon Pedro.
Luke 7:41-43
Pangkalahatang Impormasyon:
Upang bigyang-diin kung ano ang kaniyang sasabihin kay Simon na Pariseo, sinabi ni Jesus ang isang kuwento sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
May dalawang tao na may utang sa isang taong nagpapahiram
"ang isang napapahiram ay may dalawang nangutang sa kaniya"
limang daang denaryo
"sahod sa 500 na araw." "Denario" ay ang maramihan ng "denarios." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
limampung denario
"sahod sa 50 na araw"
Nang sila ay walang pera na pangbayad
"Nang wala silang pera para bayaran ito uli"
sila ay pareho niyang pinatawad
"pinatawad niya ang kanilang mga utang" o "inalis niya ang kanilang utang"
Sa palagay ko
Si Simon ay naging maingat sa kaniyang sagot. Maaaring isalin na: "Marahil"
Tama ka sa iyong paghatol
"Tama ka"
Luke 7:44-45
Humarap si Jesus sa babae
"Hinarap ni Jesus ang babae." Iniukol ni Jesus ang pansin ni Simon sa babae sa pamamagitan ng pagharap sa kaniya.
tubig para sa aking mga paa...isang halik
Ito ay paraan ng pagpapakita ng kagandahang loob sa isang inanyayahang panauhin. Ipinakita ni Jesus ang pagkakaiba ng kagandahang loob ni Simon at ang labis-labis na ginawa ng babae para ipakita ang kaniyang pasasalamat.
hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa
"nagpatuloy sa paghalik sa aking mga paa"
Luke 7:46-47
binuhusan ng langis ang aking ulo
"naglagay ng langis sa aking ulo." Ito ay isang paraan ng pagsalubong sa isang panauhing pandangal. Maaaring isalin na: "sinalubong ako sa pamamagitan ng pagbuhos ng langis sa aking ulo."
binuhusan ang aking mga paa
Labis na pinarangalan ng babae si Jesus sa pamamagitan ng paggawa nito.
ay pinatawad ng lubos
Maaaring isalin na: "siya na nakatanggap ng labis na kapatawaran" o "siya na labis na pinatawad ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ay nagmamahal din ng lubos
Ang ilang mga wika ay kailangan na sabihin kung sino ang "minamahal". Maaaring isalin na: "labis din na minamahal ang nagpatawad sa kaniya" o "ay minamahal din ang Diyos ng labis."
siyang pinatawad lamang ng kaunti
"sinumang pinatawad ng kaunti." Sa pangungusap na ito, inilahad ni Jesus ang isang pangkalahatang panuntunan. Gayunman, inaasahan na maintindihan ni Simon ang sinasabi ni Jesus na si Simon ay may kaunting pagmamahal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 7:48-50
Napatawad na ang iyong mga kasalanan
"Pinatawad ka na." Maaaring isalin na: "Pinatawad ko na ang iyong mga kasalanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang iyong pananampalataya ang nagligtas sa iyo
"dahil sa iyong pananampalataya, ikaw ay ligtas." Maaaring isalin na: "Dahil nanampalataya ka, ikaw ay ligtas."
Humayo ka nang payapa
Ito ay isang paraan ng pagsasabi ng paalam habang nagbibigay ng pagpapala. Maaaring isalin na: "Sa iyong pag-alis, huwag kang ng mag-alala" o "Nawa ay bigyan ka ng Diyos ng kapayapaan sa iyong pag-alis" (UDB).
Luke 8
Luke 8:1-3
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga bersikulong ito ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga nakaraang pangyayari tungkol sa pangangaral ni Jesus habang naglalakbay.
Nangyari ito
Ang salitang ito ay ginamit dito bilang tanda ng isang bagong bahagi ng kuwento.
na kaniyang napagaling mula sa mga masasamang espiritu at mga karamdaman
"na napalaya ni Jesus sa mga masasamang espiritu at pinagaling sa mga karamdaman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Maria... at marami pang ibang mga kababaihan
Ang tatlo sa mga kababaihan ay pinangalanang: Maria, Juana, at Susana. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
si Juana ang asawa ni Cusa na c ni Herodes
Si Juana ay asawa ni Cusa, at si Cusa ay tagapangasiwa ni Herodes. "Si Juana na asawa ng tagapangasiwa ni Herodes na si Cusa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 8:4-6
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay nagsabi ng isang talinghaga sa mga tao tungkol sa lupa. Ipinaliwanag niya ang ibig sabihin nito sa kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Ngayon
Ang salitang ito ay tanda ng pagsisimula ng bagong pangyayari sa kuwento.
May isang manghahasik ang lumabas upang maghasik ng mga butil.
Maaaring isalin na: "Ang isang magsasaka ay lumabas upang maghasik ng mga butil sa bukid"
ang mga ito ay natapakan
Maaaring isalin na: "Ang mga ito ay madalas matapakan na naging hadlang sa kanilang paglaki" o gumamit ng aktibong pamamaraan na tulad sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nilamon ang mga ito
"kinain nilang lahat"
ang mga ito ay nalanta
"ang mga halaman ay nalanta at natuyo"
kawalan ng halumigmig
Maaaring isalin na: "ang lupa ay masyadong tuyo"
Luke 8:7-8
Nag-uugnay na Pahayag:
Natapos na si Jesu magsabi ng isang talinghaga.
ang mga ito ay nasakal
Kinuha ng mga matitinik na halaman ang lahat ng nutrisyon, tubig, at sinag ng araw, kaya ang halaman ng magsasaka ay hindi lumaki ng maayos.
namunga
"lumaki at namunga" o "namunga ng marami pang mga buto"
Sinuman ang may taingang pandinig, makinig siya.
Ito ay maaaring mas natural sa ibang mga wika na gagamitin sa pangalawang katauhan: "Kayo na may pandinig na nakakarinig ay makinig." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
Sinuman ang may taingang pandinig,
"Ang sinumang nakakarinig" o "Ang sinumang nakakarinig sa akin"
makinig siya.
"makinig siya nang mabuti" o "siya ay makinig nang mabuti kung ano ang aking sinasabi"
Luke 8:9-10
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus ay nagsimulang magsalita sa kaniyang mga alagad.
Kayo ay nabigyan ng karapatang maunawaan
Maaaring isalin na: "Ang Diyos ang nagbigay ng kaloob sa inyo sa pag-unawa" o "Ang Diyos ang lumikha sa inyo upang makaunawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos
Ito ang mga katotohonang nanatiling nakatago ngunit ang lahat ng ito ay ibinunyag ni Jesus.
kaya't tumingin man sila ay hindi makakakita
"kahit na sila ay nakakakita, hindi nila mauunawaan." Maaaring isalin na: "Kahit nakikita nila ang mga bagay, hindi nila nauunawaan ang mga ito" o "kahit nakikita nila ang mga bagay na nangyayari, hindi nila maiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito."
makinig man sila ay hindi makakaunawa
"kahit na sila ay nakakarinig, hindi nila mauunawaan." Maaaring isalin na: "kahit na sila ay nakakarinig ng tagubilin, hindi nila maunawaan ang katotohanan.
Luke 8:11-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinimulang ipaliwanag ni Jesus ang ibig sabihin ng talinghaga sa lupa sa kaniyang mga alagad.
ang diyablo ay dumating at kinuha ang salita mula sa kanilang puso
Ito ay nangangahulugan na siya ang naging dahilan upang makalimutan nila ang salita ng Diyos na kanilang napakinggan.
kinuha
Ito ay isang talinghaga ng isang ibon na inagaw ang mga butil. Subukang gumamit ng salita sa inyong wika upang manatili ang inilalarawan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mula sa kanilang puso
Ang ibig sabihin nito ay inalis ng diyablo ang kanilang pagnanais na maniwala sa salita ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
upang sila ay hindi maniwala at mailigtas
Sapagkat ito ay layunin ng diyablo, ito ay maaaring isalin na: "dahil iniisip ng diyablo, 'Sila ay hindi dapat maniwala at sila ay hindi dapat mailigtas" o "upang sila ay hindi maniwala sa magiging bunga ng pagliligtas sa kanila ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa panahon na sila ay masusubok sila ay tumiwalag
Maaaring isalin na: "kapag sila ay nakararanas ng matinding hirap sila ay tatalikod sa kanilang pananampalataya" o " kapag sila ay nakararanas ng matinding paghirap sila ay titigil sa paniniwala"
Luke 8:14-15
sila ay nasakal ng kanilang mga alalahanin
"sila ay nasakal ng mga alalahanin, mga kayamanan at mga kaligayahan ng buhay na ito." Maaaring isalin na: "gaya ng damo na pumipigil sa paglaki ng mga mabubuting halaman, ang mga alalahanin, mga kayamanan, at mga kaligayahan sa buhay na ito ang naging hadlang sa mga tao upang sila ay lumago." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mga alalahanin
"ang mga bagay na ikinababahala ng mga tao."
mga kaligayahan sa buhay na ito
"ang mga bagay sa buhay na ito na nagpapasaya sa mga tao"
kaya sila ay hindi nagbunga sa paglago
"hindi sila nagkaroon ng bunga." Maaaring isalin na: "kaya gaya ng isang halaman na hindi lumago at nagkabunga, hindi sila naging matibay at nakagagawa ng mga mabubuting gawain." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagbunga ng may pagtitiyaga
"magbunga ng prutas sa pamamagitan ng pagtitiyaga." Maaaring isalin na: "gaya ng malusog na halaman na namumunga ng mabuting prutas, nakagagawa sila ng mabubuting mga gawain sa pamamagitan ng pagtitiyaga." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 8:16-18
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus ay nagpatuloy sa pamamagitan ng isa pang talinghaga at tinapos niya ang pagsasalita sa kaniyang mga alagad habang binibigyang-diin ang tungkulin ng kaniyang pamilya sa kaniyang gawain.
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit bilang tanda ng pagsisimula ng isa pang talinghaga.
patungan ng ilawan
"isang lamesa" o "isang istante"
walang nakatago na hindi malalaman
Maaaring isalin na: "lahat ng bagay na nakatago ay malalaman". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
ni anumang lihim na hindi malalaman at mabubunyag sa liwanag
Maaaring isalin na: "at lahat ng bagay na inililihim ay malalaman at makikita sa liwanag"
kung paano kayo makinig
Maaaring isalin na: "paano kayo makinig sa aking sinasabi sayo" o "paano kayo makinig sa salita ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sinuman ang mayroon
Maaaring isalin na: "ang sinumang may pang-unawa" o "ang sinumang tumatanggap ng aking itinuturo"
siya ay bibigyan pa ng mas marami
"mas marami pa ang ibibigay sa kaniya." Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay magbibigay sa kaniya ng mas marami" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sinuman ang wala
Maaaring isalin na: "ang sinumang walang pang-unawa" o "ang sinumang hindi tumatanggap sa aking itinuturo"
Luke 8:19-21
mga kapatid na lalaki
Ito ang mga nakababatang lalaking kapatid ni Jesus sa ina.
ito ay sinabi sa kaniya
Maaaring isalin na: "sinabi ng mga tao sa kaniya" o "may isang nakapagsabi sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ninanais kang makita
"naghihintay upang makita ka" o "at gusto ka nilang makita"
Ang aking ina at ang aking mga kapatid na lalaki ay ang mga nakinig ng salita ng Diyos at ito ay sinunod
Maaaring isalin na: "Sa mga nakarinig sa salita ng Diyos at sinunod ito ay tulad ng isang ina at mga kapatid sa akin" o "Sa mga nakarinig sa salita ng Diyos at sinunod ito ay mahalaga sa akin bilang aking ina at mga kapatid." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 8:22-23
Pahayag na Nag-uugnay:
Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay gumamit nga ng isang bangka upang makatawid sa Lawa ng Genesaret. Ang mga alagad ay natuto pa sa kapangyarihang taglay ni Jesus sa pamamagitan ng bagyong dumating.
Ngayon, nangyari
Ang mga salitang ito ay ginamit dito bilang tanda ng panibagong bahagi sa kung ano ang nangyari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
ng lawa
Ito ang lawa ng Genesaret na kilala din sa tawag na Dagat ng Galilea.
sa kanilang paglalayag
"sa kanilang pagpunta"
nakatulog
"natulog"
isang bagyo na may napakalakas na hangin ang dumating
"isang malakas na hangin ang nagsimulang bumugso"
Luke 8:24-25
Panginoon
Ang salitang Griyego na naisalin dito bilang "Panginoon" ay hindi pangkaraniwang salita para sa "Panginoon". Ito ay tumutukoy sa isang tao na may kapangyarihan, at hindi sa isang tao na hindi nagmamay-ari ng kahit sinuman. Maaaring isalin na: "Amo" o "Katiwala" o anumang karaniwang salita na maaaring ipangalan sa taong may kapangyarihan, tulad ng "Ginoo".
sinaway
"nagsalita ng matalas"
ang mga ito ay humupa
"ang hangin at ang alon ay huminto"
Nasaan ang inyong pananampalataya?
Sinasaway sila ni Jesus ng mahinahon dahil hindi sila nagtiwala sa kaniya na sila ay gagabayan. Maaaring isalin na: "Kayo ay dapat na may paniniwala" o "Dapat ay nagtiwala kayo sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Sino nga kaya ito
Maaaring isalin na: "Anong klaseng tao ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
na kaniyang nauutusan
Ito ay maaaring simula ng bagong pangungusap: "Siya ay nag-uutos."
Luke 8:26-27
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay dumating sa pampang ng Geraseno kung saan pinalayas ni Jesus ang maraming demonyo mula sa isang lalaki.
rehiyon ng Geraseno
Ang Geraseno ay mga taong mula sa lungsod na tinatawag na Geresa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
katapat ng Galilea
"sa kabilang dako ng lawa ng Galilea"
may isang lalaki mula sa lungsod
"isang lalaki na mula sa lungsod ng Geresa"
at ang lalaking ito ay may mga demonyo
"ang lalaking kontrolado ng mga demonyo" o "ang lalaking ito na kontrolado ng mga demonyo"
Sa matagal na panahon, siya ay walang suot na damit ... sa halip, ay sa mga libingan
Ito ay karagdagang impormasyon tungkol sa taong may mga demonyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
siya ay walang suot na damit
"hindi siya nagsuot ng damit"
mga libingan
Ito ang mga lugar kung saan inilalagay ang mga patay na katawan, maaaring sa mga kuweba. Ang katotohanan na ang lalaki ay naninirahan kasama nila ay nagpapahiwatig na ito ay hindi mga butas na hinukay pailalim sa lupa.
Luke 8:28-29
Nang kaniyang makita si Jesus
"nang si Jesus ay nakita ng taong may demonyo"
sumigaw siya
"siya ay tumili"
lumuhod sa harap niya
"yumuko siya sa lupa sa harapan ni Jesus." Hindi siya bumagsak nang sinasadya.
Sa malakas na tinig kaniyang sinabi
"Sinabi niya ng malakas" o "Siya ay sumigaw"
Ano ang kinalaman ko sa iyo
Maaaring isalin na: "Bakit mo ako inaabala"
Anak ng Kataas-taasang Diyos
Ito ay isang mahalagang katawagan para kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
maraming beses na siyang sinaniban nito
"maraming beses siya nitong binihag" o "maraming beses na siya ay sinapian." Sinasabi dito kung ano ang madalas na ginagawa ng demonyo bago nakilala ni Jesus ang lalaki.
Kahit na siya ay nakagapos...at binabantayang mabuti
"Kahit na siya ay iginapos ng mga tao...at ikadena at siya ay nababantayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 8:30-31
Pulutong
Isalin ito sa salitang tumutukoy sa malaking bilang ng mga sundalo o tao. Ang ibang salin ay sinasabing "Lehiyon". Maaaring isalin na: "Batalyon" o "Brigada".
itapon sa bangin na napakalalim
Maaaring isalin na: "upang iwanan ang tao at pumunta sa kailalimang walang hanggan
Luke 8:32-33
Ngayon, may kawan ng mga baboy na kumakain sa burol
Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]].
na kumakain sa burol
"na kumakain ng damo malapit sa burol"
kaya ang mga demonyo
Ang salitang "kaya" ay ginamit dito upang bigyang tanda ang isang pangyayari na dulot ng isang pangyayaring naganap sa nakaraan. At sa pagkakataong ito, sinabi ni Jesus sa mga demonyo na sila ay maaaring pumasok sa mga baboy.
mabilis
"tumakbo ng napakabilis"
Luke 8:34-35
sila ay umalis agad
"sila ay mabilis na tumakbo palayo"
nakita nila ang lalaki na pinalaya mula sa mga demonyo
"nakita ang lalaki na iniwan ng mga demonyo"
Siya ay nakadamit
"Siya ay nakasuot ng damit"
nasa katinuang pag-iisip
"siya ay nasa katinuan" o "siya ay kumikilos ng matino"
nakaupo sa paanan ni Jesus
Maaaring isalin na: "nakaupo sa lupa, nakikinig kay Jesus"
sila ay natakot
"sila ay natakot kay Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 8:36-37
ang mga nakakita sa nangyari
Ito ang mga taong kasama ng lalaki nang isinagawa ni Jesus ang pagpapaalis ng mga demonyo sa lalaki.
ang lalaking dating nasasaniban ng mga demonyo ay nailigtas
Maaaring isalin na: "Iniligtas ni Jesus ang taong inalipin ng mga demonyo" o "Pinagaling ni Jesus ang lalaking inalipin ng mga demonyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
rehiyon ng Geraseno
"ang lugar ng Geraseno" o "ang lugar kung saan ang mga taong Geraseno ay naninirahan"
sila ay nabalot ng matinding takot
"sila ay naging lubos na matatakutin." o Maaaring isalin na: "matinding takot ang bumalot sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 8:38-39
Ang lalaki
Ang iba ay kailangang umpisahan ito sa pamamagitan ng: "Bago umalis si Jesus at ang kaniyang mga alagad, ang lalaki" o "Bago naglayag si Jesus at ang kaniyang mga alagad, ang lalaki."
iyong bahay
"ang iyong sambahayan" o "ang iyong pamilya"
Luke 8:40-42
Nag-uugnay na Pahayag:
Nang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay bumalik sa Galilea sa kabilang dako ng lawa, pinagaling niya ang 12 taong gulang na babaeng anak ng namamahala ng sinagoga at gayun din ang babaeng dinudugo ng 12 taon.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga bersikulong ito ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol kay Jairo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
napakaraming tao ang sumalubong sa kaniya
Maaaring isalin na: "siya ay masayang sinalubong ng mga tao"
Masdan ito, may isang lalaking dumating na nagngangalang Jairo
Ang salitang "masdan" ay naghuhudyat sa atin kay Jairo bilang isang bagong tauhan sa kuwento. Ang inyong wika ay maaaring may ibang paraan para gamitin ang salitang ito. Maaaring isalin na: "May isang lalaki na nagngangalang Jairo. "(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
isa sa mga pinuno ng sinagoga
"isa sa mga pinuno ng sinagoga sa lugar na iyon" o "isang pinuno ng mga tao na nakilala sa sinagoga sa lugar na iyon.
lumuhod sa paanan ni Jesus
1) "yumuko sa paanan ni Jesus" o 2) "humiga sa lupa sa paanan ni Jesus." Hindi sinsadyang mahulog ni Jairo. Ginawa niya ito bilang tanda ng pagpapakumbaba at paggalang para kay Jesus.
siya ay nag-aagaw-buhay
"siya ay mamamatay na" o "siya ay malapit nang mamatay"
Ngunit nang siya ay nagpatuloy
Ang ibang mga tagapagsalin ay kinakailangan muna nilang sabihing, "Kaya si Jesus ay pumayag na pumunta kasama ang lalaki." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya
"ang mga tao ay nagsisiksikan ng mahigpit sa palibot ni Jesus" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 8:43-44
dinudugo
"may pag-agos ng dugo." Maaaring siya ay dinudugo mula sa kaniyang matris kahit sa hindi karaniwang oras nito. Ang ibang kultura ay maaaring may magandang paraan ng paglalarawan sa ganitong kalagayan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
ginugol ang lahat ng kaniyang pera sa mga manggagamot
Ang mga dalubhasa ay nahahati kung dapat bang maisama rito ang mga salitang ito
ngunit hindi mapagaling ng kahit sinuman sa kanila
Maaaring isalin na: "ngunit wala sa kanila ang sa nakagamot sa kaniya" o "ngunit wala sa kanila ang nakapagpagaling sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hinipo ang laylayan ng kaniyang damit
"hinipo ang palawit ng kaniyang suot." Ang mga lalaking Judio ay nagsusuot ng palawit sa laylayan ng kanilang damit bilang bahagi sa kanilang suot pagdiriwang ayon sa iniutos ng Kautusan ng Diyos. Maaaring ito ang kaniyang hinawakan.
Luke 8:45-46
Panginoon
Ang salitang naisalin dito bilang "Panginoon" ay hindi pangkaraniwang salita para sa "Panginoon". Ito ay tumutukoy sa isang tao na may kapangyarihan, at hindi sa isang tao na nagmamay-ari ng kahit sinuman. Maaaring isalin na: "Amo" o "Katiwala" o anumang karaniwang salita na maaaring ipangalan sa taong may kapangyarihan, tulad ng "Ginoo".
napakaraming tao ang nagsisiksikan sa inyo at sila ay nanggigitgit sa inyo
Sa pagkasabi nito, si Pedro ay nagpapahiwatig na kahit sino ay maaaring humipo kay Jesus. Ang pahiwatig ng impormasyong ito ay maaaring gawing malinaw kung kinakailangan na tulad sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
alam ko na may kapangyarihang lumabas mula sa akin
"Naramdaman kong lumabas ang kapangyarihang magpagaling mula sa akin." Si Jesus ay hindi nawalan ng kapangyarihan o nanghina, kundi ang kapangyarihan niya ang nakapagpagaling sa babae.
Luke 8:47-48
na hindi niya maitago ang kaniyang ginawa
"na hindi niya maitago ang lihim kung ano ang kaniyang nagawa." Maaaring isalin na: "dahil hindi niya maitatago ang lihim na siya ang tanging humawak kay Jesus."
siya ay lumapit na nanginginig
Maaaring isalin na: "siya ay lumapit na nanginginig nang may takot"
Lumuhod sa harap ni Jesus
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Siya ay yumuko sa harap ni Jesus" o 2) "Siya ay humiga sa lupa sa paanan ni Jesus." Hindi niya sinasadyang siya ay mahulog. Ito ay isang tanda bilang pagpapakumbaba at paggalang para kay Jesus.
sa harap
"sa paningin ng" o "sa harap"
Anak
Ito ay isang magandang paraan ng pakikipag-usap sa isang babae. Ang inyong wika ay maaaring may ibang paraan kung paano ipakita ang ganitong kabutihan.
ang iyong pananampalataya ang siyang nagpagaling sa iyo
"dahil sa iyong pananampalataya, ikaw ay gumaling." Maaaring isalin na: "Dahil ikaw ay naniwala, ikaw ay napagaling."
Humayo ka ng may kapayapaan
Ito ay isang paraan upang sabihin, "Paalam" at nagbibigay din ng basbas. Maaaring isalin na: "Sa iyong pag-alis, huwag ka nang mabahala pang muli" o "Nawa ang Diyos ang siyang magbigay sayo ng kapayapaan sa iyong pag-alis." (UDB)
Luke 8:49-50
Habang siya ay patuloy pang nagsasalita
Maaaring isalin na: "Habang si Jesus ay nagsasalita pa sa babae"
pinuno ng sinagoga
Ito ay tumutukoy kay Jairo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/08/40.md]])
siya ay sumagot sa kaniya
"Si Jesus ay sumagot kay Jairo."
siya ay maililigtas
Maaaring isalin na: "Siya ay aking pagagalingin" Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 8:51-53
Pagkatapos, nang siya ay dumating sa bahay, hindi niya
Maaaring isalin na: "Pagkatapos, nang sila ay dumating sa bahay, hindi pinayagan ni Jesus."
maliban kina Pedro, Juan, at Santiago, ang ama ng batang babae, at ang kaniyang ina
"pinayagan lamang niya sina Pedro, Juan, at Santiago, ang ama ng batang babae, at ang kaniyang ina na pumasok sa loob."
lahat ng taong naroroon ay nagluluksa at tumataghoy para sa kaniya
Maaaring isalin na: "Ang lahat ng tao ay nagpapakita kung paano sila nalulungkot at umiiyak ng malakas dahil ang batang babae ay namatay."
Luke 8:54-56
Bata, tumayo ka
"Batang babae, bumangon ka"
Ang kaniyang espiritu ay bumalik
Maaaring isalin na: "Bumalik ang kaniyang buhay" o "Siya ay muling nabuhay"
espiritu
"hininga" o "buhay"
Luke 9
Luke 9:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Ipinaalala ni Jesus sa kaniyang mga alagad na huwag umasa sa kanilang salapi at sa kanilang mga pag-aari, na sila ay bibigyan ng kapangyarihan, at sila ay ipapadala sa iba't ibang lugar.
kapangyarihan at karapatan
Ang dalawang salitang ito ay parehas na ginamit upang ipakita na ang labindalawa ay may kakayanan at karapatan upang magpagaling ng mga tao. Isalin ang salaysay na ito gamit ang mga pinagsamang salita sa dalawang kaisipang ito.
mga sakit
"mga karamdaman"
sila ay isinugo
Maaaring isalin na: "Sila ay ipinadala sa iba't ibang lugar" o "sinabihan sila na pumunta"
Luke 9:3-4
sinabi niya sa kanila
"Sinabi ni Jesus sa labindalawa"
Huwag magdadala ng anuman
Maaaring isalin sa: "Huwag kayong kumuha ng kahit ano" o "Huwag kayong magdala ng kahit ano"
sa inyong paglalakbay
"sa inyong byahe" o "kung kayo ay maglalakbay." Sila ay hindi magdadala ng kahit na ano sa kanilang paglalakbay, sa kanilang pag-alis mula sa iba't ibang mga nayon, hanggang sa kanilang pagbabalik kay Jesus.
tungkod
"pamalo" o "baston" Ang tungkod ay isang malaking patpat na ginagamit sa pagbalanse kapag umaakyat o kapag nasa hindi pantay na daanan. Maaari din itong gamiting panangga laban sa mga sumasalakay.
pitaka
isang lalagyan na ginagamit ng naglalakbay upang paglagyan ng kaniyang mga pangangailangan
tinapay
Maaaring isalin na: "pagkain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
manatili roon
"mamalagi roon" o "pansamantalang makitira sa bahay na iyon bilang mga bisita"
mula sa lugar na iyon
"mula sa bayan na iyon" o "mula sa bahaging iyon"
Luke 9:5-6
At para naman sa mga hindi tumatanggap sa inyo
Maaaring isalin na: "Ganito ang dapat ninyong gawin sa mga taong hindi tumatanggap sa inyo."
sila ay umalis
"iniwan nila ang lugar kung saan naroon si Jesus"
sa lahat ng dako
"sa lahat ng lugar na kanilang pinuntahan"
Luke 9:7-9
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga talatang ito ay nagpahinto upang magbigay kaalaman tungkol kay Herodes.
ngayon
Ang salitang ito ay ginamit upang magbigay ng palatandaan sa pansamantalang pagtigil ng pangunahing kwento. Dito sinasabi ni Lucas ang mga karagdagang impormasyon patungkol kay Herodes. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Si Herodes, ang tetrarka
Ito ay tumutukoy kay Herodes Antipas na namumuno sa isang-kapat na bahagi ng Israel.
lubhang nabahala
"lubhang nabalisa" o "naguluhan"
Pinugutan ko na ng ulo si Juan
Maaaring isalin sa: "Inutusan ko ang aking mga sundalo upang pugutan ng ulo si Juan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 9:10-11
Nag-uugnay na Pahayag:
Kahit bumalik na ang mga alagad kay Jesus at sila ay pumunta sa Betsaida upang gugulin ang oras nang magkakasama, sumunod pa rin kay Jesus ang maraming tao upang mapagaling at makinig sa kaniyang mga katuruan. Pinarami niya ang tinapay at ang isda para makatulong sa kanila sa kanilang pagbalik sa kanilang mga bahay.
silang mga ipinadala
Maaaring isalin sa: "ang labindalawang apostol na ipinadala ni Jesus." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
bumalik
"bumalik kung saan naroon si Jesus"
sinabi nila sa kaniya
"sinabi ng mga apostol kay Jesus"
ang lahat ng kanilang mga ginawa
Ito ay tumutukoy sa mga pagtuturo at pagpapagaling na kanilang ginawa nang sila ay pumunta sa iba't ibang mga lungsod.
siya ay nagtungo kasama nila...
Si Jesus at ang kaniyang mga apostol ay umalis nang sila lang. Maaaring isalin na: "Sila ay isinama niya at umalis nang walang kasama."
Betsaida
Ito ay pangalan ng isang lungsod. (Tingnan na: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Luke 9:12-14
Nang patapos na ang araw
"Nang palubog na ang araw" o "Nang matatapos na ang araw"
Pauwiin...ang mga tao
"Sabihin sa mga tao na umalis na"
maliban na lamang kung kami ay bibili ng pagkain
Maaaring isalin na: "maliban na lang kung kami ay umalis at bibili ng pagkain" o "maliban na lang kung kami ay aalis at bibili ng pagkain." O maaari kang magsimula ng isang bagong pangungusap, "Kung nais mong pakainin namin sila, kailangan kaming umalis at bumili ng pagkain."
nasa limanlibong lalaki
"nasa 5000 na lalaki" Hindi kasali sa bilang na ito ang mga babae at mga bata na maaaring kasama roon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Paupuin sila
"sabihin sa kanila na umupo"
tiglilimampung bilang
"tig-50 bilang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Luke 9:15-17
At ginawa nga nila iyon
Pinaupo ng mga alagad ang mga tao ng may tiglilimampu sa bawat grupo.
Kinuha niya
"kinuha ni Jesus"
tinapay
Ito ay tiyak na bilang para sa tinapay na niluto sa hurno. Maaaring isalin sa "mga buong tinapay."
at nakatingin
"habang tumitingin" o "pagkatapos tumingin"
nakatingin sa langit
Ito ay tumutukoy sa pagtingin sa itaas, patungo sa himpapawid. Naniniwala ang mga Judio na ang langit ay nasa itaas ng himpapawid.
ipinamahagi
"upang ipasa sa" o "upang ibigay sa"
nabusog
Maaaring isalin sa "sila ay nagkaroon ng higit pa sa gusto nilang kainin"
Luke 9:18-19
Nag-uugnay na Pahayag
Si Jesus ay nananalangin mag-isa, kasama ang kaniyang mga alagad, at nagsimula nilang pag-usapan ang tungkol sa kung sino nga ba si Jesus. Sinabi ni Jesus ang kaniyang kamatayan at muling pagkabuhay na susunod na mangyayari at hinikayat na sila ay sumunod sa kaniya anuman ang mangyari.
At nangyari nga
Ang parirala na ito ay ginamit upang magbigay hudyat sa pagsisimula ng isang bagong pangyayari.
habang siya ay mag-isang nananalangin
"habang si Jesus ay nananalanagin"
mag-isang nananalangin
Kasama ni Jesus ang kaniyang mga alagad, ngunit siya ay nananalangin nang personal at nag-iisa.
Sumagot sila at nagsabi
"Sumagot sila sa kaniya sa pamamagitan ng pagsasabi na"
Juan na Tagapagbautismo
Maaaring isalin sa: "Sinasabi ng iba na ikaw si Juan na Tagapagbautismo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
mula sa unang panahon
"nabuhay noong matagal na napanahon"
nabuhay na muli
"muling bumalik ang buhay"
Luke 9:20-22
Sinabi niya sa kanila
"Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad"
Sumagot si Pedro at sinabing
"Si Pedro ay sumagot at sinabi" o "Sumagot si Pedro sa pamamagitan ng pagsasabi"
Ngunit siya ay nagbabala sa kanila, at ibinilin ni Jesus sa kanila
Maaaring isalin na: "Ngunit binalaan at binilin sila ni Jesus" o "Mahigpit silang binalaan ni Jesus" (UDB)
na huwag itong ipagsabi kahit na kanino
"huwag sabihin kaninuman" o "na huwag dapat nilang ipagsabi kaninuman." Maaaring isalin sa: "Ngunit binigyan sila ng babala. Sinabi ni Jesus sa kanila, 'Huwag ipagsabi sa kaninuman.'" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
na ang Anak ng Tao ay kailangang magtiis ng maraming bagay
Maaaring isalin na: "na maraming tao ang magiging dahilan ng matinding pagtitiis ng Anak ng Tao." Maaari din itong isalin bilang tiyak na salaysay na gaya ng nasa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
at hindi tatanggapin ng mga nakatatanda, at ng mga punong-pari, at ng mga eskriba
Maaaring isalin na: "at ang mga nakatatanda, mga punong-pari, at ang mga eskriba ay hindi siya tatanggapin " (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
at siya ay papatayin
Maaaring isalin na: "at papatayin siya ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ikatlong araw
"tatlong araw pagkatapos mamatay" o "sa pangatlong araw pagkatapos ng kaniyang kamatayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
mabubuhay muli
"bubuhayin muli" Maaaring isalin sa: "Bubuhayin siya muli ng Diyos" o "siya ay mabubuhay muli"
Luke 9:23-25
Sinabi niya
"Sinabi ni Jesus"
sa kanilang lahat
Ito ay tumutukoy sa mga alagad na kasama ni Jesus.
sumunod sa akin
"upang sumunod sa akin" o "sumunod sa akin bilang isang alagad"
tanggihan ang kaniyang sarili
Maaaring isalin na: "huwag magpasakop sa sarili niyang kagustuhan" o "talikuran ang sarili niyang kagustuhan."
pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw
"buhatin at pasanin niya ang kaniyang krus sa araw-araw." Ito ay hindi nangangahulugan na kailangan nilang magbuhat ng krus araw-araw. Ito ay nangangahulugan na ang kaniyang mga tagasunod ay kailangang talikuran ang mga bagay na gusto nila at naising magtiis at kahit ikamatay pa upang sumunod kay Cristo.
sumunod sa akin
"sumama sa akin" o "magsimulang sumunod sa akin at manatiling sumusunod sa akin."
ano ang gantimpalang makukuha ng isang tao...sarili?
Ginamit ni Jesus ang katanungang ito upang turuan ang kaniyang mga alagad. Maaaring isalin na: "Walang mabuting matatanggap ang isang tao...sarili." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kahit na makamit niya ang buong mundo
"na kahit na makuha niya ang lahat ng bagay dito sa mundo"
kung mawawala o mapakahak ng pagkakataon ang kaniyang sarili
Maaaring isalin sa: "siya mismo ay mawawala."
Luke 9:26-27
at sa aking mga salita
Maaaring isalin na: "at sa mga sinasabi ko" o "at sa mga itinuturo ko" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
siya din ay ikahihiya ng Anak ng Tao
"Ikahihiya din siya ng Anak ng Tao."
ng Anak ng Tao
Si Jesus ay nagsasalita patungkol sa kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Ako, na Anak ng Tao."
pagdating niya sa kaniyang kaluwalhatian
Si Jesus ay tumutukoy sa kaniyang sarili sa ikatlong katauhan. Maaaring isalin sa "kung ako ay darating sa sarili kong kaluwalhatian" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
ang iba sa inyong nakatayo dito
"ang iba sa inyo na kasama ko dito"
hindi makakaranas ng kamatayan hanggang sa makita nila ang kaharian ng Diyos"
Maaaring isalin na: "makikita nila ang kaluwalhatian ng Diyos bago pa sila mamatay" o "makikita ang kaharian ng Diyos bago pa kayo mamatay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Luke 9:28-29
Nag-uugnay na Pahayag
Pagkatapos ng walong araw nang sabihin ni Jesus sa kaniyang alagad na ang iba sa kanila ay hindi mamamatay bago pa nila makita ang kaharian ng Diyos, si Jesus ay pumunta sa bundok upang manalangin kasama sina Pedro, Santiago, at Juan na nakatulog habang ang anyo ni Jesus ay nagbago at naging napakaliwanag sa paningin.
at dumating nga
Ang parirala na ito ay ginamit upang magbigay palatandaan sa isang mahalagang pangyayari sa kwento. Kung mayroong kaparaanan sa iyong wika, maaari itong gamitin dito.
walong araw
8 na araw (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
ang mga salitang ito
Ito ay tumutukoy sa mga sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad sa mga naunang bersikulo.
sa bundok
Hindi malinaw kung gaano kalayo ang kanilang pinuntahan sa bundok. Maaaring isalin na: "sa gilid ng bundok."
puti at nagniningning
"nagliliwanag na puti at nagniningning" o "nagniningning sa kaputian at nagliliwanag"
Luke 9:30-31
Masdan ito, mayroong dalawang lalaking nakikipag-usap
Ang salitang "masdan" dito ay nagbibigay g pansin para sa mga susunod na nakamamanghang impormasyon. Maaaring isalin sa: "At biglang may dalawang lalaking nag-uusap"
na nag-anyong maluwalhati
Ang pariralang ito ay nagbibigay kaalaman patungkol kina Moises at Elias. Maaaring isalin na: "at sila ay maluwalhating tingnan ." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-distinguish/01.md]])
sa kaniyang paglisan
"sa kaniyang pag-alis" o "kung paano niya lilisanin ang mundong ito." Maaaring isalin sa: "kamatayan niya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
Luke 9:32-33
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit upang maging palatandaan sa pagtigil sa pangunahing kwento. Dito ay sinasabi ni Lucas ang mga impormasyon patungkol kina Pedro, Santiago, at Juan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian
Ito ay tumutukoy sa nagniningning na liwanag na pumalibot sa kanila. Maaaring isalin na: "nakita nila ang nagniningning na liwanag na nagmumula kay Jesus" o "nakakita sila ng napakaliwanag na ilaw na nagmumula kay Jesus."
ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya
Ito ay tumutukoy kina Moises at Elias.
at nangyari nga na
Ang parirala na ito ay ginamit upang maging palatandaan kung saan ang simula ng pagyayari. Kung mayroong kaparaanan sa inyong wika sa paggawa nito, maaari rin itong gamitin dito.
Panginoon
Ang salitang isinalin dito bilang "Panginoon" ay hindi karaniwang salita para sa "Panginoon." Ito ay tumutukoy sa isang may kapangyarihan at hindi sa kaniya na nagmamay-ari sa sinuman. Maaaring isalin sa: "Amo" o sa salitang karaniwang ginagmit upang tawagin ang isang tao na nasa kapangyarihan, katulad ng "Ginoo."
kanlungan
"tolda" o "kubo"
Luke 9:34-36
at habang sinasabi niya ang mga bagay na ito
"habang sinasabi ni Pedro ang mga bagay na ito"
sila ay natakot
Ang mga alagad na ito na nasa gulang na ay hindi takot sa mga ulap. Ang parirala na ito ay nagpapakita ng kakaibang uri ng pagkatakot nang dumating sa kanila ang ulap. Maaaring isalin sa "sila ay nasindak."
na sila ay napalilibutan ng mga ulap
Maaaring isalin na: "nang ang mga ulap ay pumalibot sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Isang tinig ang nagmula sa ulap, na nagsasabi
Maaaring isalin sa: "Ang Diyos ay nagsalita sa kanila mula sa ulap, na nagsasabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
aking Anak na pinili
Ang salitang "hinirang" ay nagbibigay kaalaman tungkol sa Anak ng Diyos. Hindi nito sinasabi na ang Diyos ay may maraming anak. Maaaring isalin na: "ang aking Anak, na aking pinili" (UDB) o "ang aking Anak, na siyang hinirang" (Tingnan sa: kaalaman tungkol sa mga pang-uri na naglalarawan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-partsofspeech/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-distinguish/01.md]])
Sila ay nanatiling tahimik, at sa mga araw na iyon...ang mga bagay na kanilang nakita
Ito ay kaalaman na nagsasabi kung ano ang mga nangyari pagkatapos ng kuwento bilang resulta sa mga pangyayaring nasa kuwento mismo. (Tingnan sa: [[End of Story]])
at sa mga araw na iyon
Maaaring ito ay tumutukoy sa mga araw hanggang sa mapasalangit si Jesus pagkatapos mabuhay muli o maaari ding ang mga mismong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang salaysay na ito.
Luke 9:37-40
Nag-uugnay na Pahayag
Nang sumunod na araw pagkatapos ng maningning na pag-aanyo ni Jesus, pinagaling ni Jesus ang isang batang sinapian ng demonyo na hindi napabuti ng kaniyang mga alagad.
At nangyari
Ang pariralang ito ay ginamit upang magbigay hudyat sa panibagong pangyayari sa kwento. Kung mayroong kaparaanan sa iyong wika patungkol dito, maaari itong gamitin dito.
Masdan ito, may isang lalaki mula sa maraming tao
Ang salitang "masdan" ay nagbibigay hudyat sa panibagong tauhan sa kwento. Maaaring mayroong kaparaanan ang iyong wika sa paggawa nito. Maaring isalin na: "May isang lalaki mula sa maraming tao ang nagsabi."
Pahirapan itong umalis sa kaniya
Ang mga posibleng kahulugan nito ay 1) Kailanman ay ayaw niyang iwanan ang aking anak (UDB) o 2) "Lubhang mahirap sa aking anak kapag ito ay umaalis."
bumubula ang bibig
Kapag ang isang tao ay nangingisay, nagiging hirap silang huminga at lumunok. Ito ang dahilan ng pamumuo ng mga bula sa paligid ng kanilang mga bibig. Kung may kaparaanan ang iyong wika sa paglalarawan dito, maaari itong gamitin.
Luke 9:41-42
Sumagot si Jesus at sinabi
"Sa pagsagot, sinabi ni Jesus"
Kayong mga hindi nananampalataya at masasamang salinlahi
Ito ay sinasabi sa maraming tao na nagtipun-tipon, at hindi sa mga alagad.
Gaano katagal ko kailangang manatili sa inyo at intindihin kayo?
Gumamit ng tanong si Jesus upang pagsabihan ang mga tao. Maaaring isalin na: "Marami na akong ginawa ngunit hindi pa rin kayo naniniwala." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Dalhin mo dito ang iyong anak
Si Jesus ay direktang nakikipag-usap sa ama na nagsalita sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
habang lumalapit
"sa kaniyang paglapit" o "habang papunta"
sinaway
"nagsalita nang matapang sa"
Luke 9:43-45
Silang lahat ay humanga sa kadakilaan ng Diyos
Si Jesus ang gumawa ng himala, ngunit kinilala ng mga tao na ang kapangyarihan ng Diyos ang nasa likod ng pagpapagaling.
na kaniyang ginawa
"na ginawa ni Jesus"
Pahirapan itong umalis sa kanya
Maaaring isalin na: "Makinig nang mabuti at alalahanin" o "Huwag kalilimutan ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao
Ang "kamay" dito ay tumutukoy sa mga may kapangyarihan o namamahala. Maaaring isalin na: "Dadalhin ng mga tao sa namumuno ang Anak ng Tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang Anak ng Tao
Si Jesus ay nagsasalita patungkol sa kaniyang sarili sa ikatlong katauhan. Maaaring isalin sa: "Ako, na Anak ng Tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
Hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito
Maaaring isalin na: "hindi nila alam na siya ay nagsasalita tungkol sa kaniyang kamatayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
at ito ay lingid sa kanila
Maaaring isalin na: "Itinago ng Diyos ang kahulugan nito sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 9:46-48
Pangkalahatang Impormasyon:
Isang pagtatalo patungkol sa kapangyarihan ang pinag-usapan ng mga alagad.
sa kanila
"sa mga alagad"
pangangatwiran sa kanilang mga puso
Maaaring isalin na: "pansariling kaisipan" o "pagninilay-nilay sa kanilang pansariling kaisipan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa aking pangalan
Ito ay tumutukoy sa isang tao na gumagawa ng isang bagay bilang kinatawan ni Jesus. Maaaring isalin sa: "dahil sa akin" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
siya rin ay tumatanggap sa akin
Maaaring isalin na: "para na rin niya akong tinatanggap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
siya na nagsugo sa akin
"Ang Diyos, na nagsugo sa akin" (UDB)
Luke 9:49-50
Sumagot si Juan at sinabing
Sumagot si Juan sa sinabi ni Jesus tungkol sa pagiging pinakadakila. Hindi siya sumasagot sa isang tanong. Nais niyang malaman kung ano ang katayuan sa kanila ng lalaking puwersahang nagpapalayas ng demonyo sa kanila na mga alagad. Maaaring isalin na: "Sa pagsagot, sinabi ni Juan" o "sumagot si Juan kay Jesus."
Panginoon
Ang salita dito na isinalin bilang "Panginoon" ay hindi ang karaniwang salita para sa "Panginoon." Dito, ito ay tumutukoy sa sinuman na may kapangyarihan, at hindi sa kaniya na nagmamay-ari sa sinuman. Maaaring isalin na: "Amo" o "Ginoo."
sa iyong pangalan
Ito ay nangangahulugan sa taong nagsasalita nang may kapangyarihan at karapatan ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Huwag siyang pigilan
Maaring isalin na: "Hayaan siyang magpatuloy"
siya na hindi laban sa atin ay kasama natin
Ang ibang makabagong wika ay may ganitong kasabihan at pareho ang kahulugan. Maaaring isalin na: "kung ikaw ay hindi pinipigilan ng mga tao, ikaw ay para na rin nilang tinutulungan" o "kung ang isang tao ay hindi gumagawa ng laban sa iyo, siya ay gumagawa ng pabor para sa iyo."
Luke 9:51-53
Pangkalahatang Impormasyon:
Ngayon ay malinaw dito na si Jesus ay nakapagpasya nang pumunta sa Jerusalem.
Nangyari
Ito ay nagbibigay hudyat sa bagong pangyayari sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
habang papalapit na ang kaniyang pag-akyat sa langit
"ang oras ay papalapit na para sa kaniyang pagpunta sa itaas" o "nalalapit na ang oras ng kaniyang pagpunta sa taas"
lubos niyang inihanda ang kaniyang sarili
"kusa niyang inihanda ang kaniyang sarili"
lubd niyang inhanda
Maaaring isalin sa "nagpasiya sa kaniyang isip" o "nagdesisyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
ihanda ang kaniyang sarili
Ang ibig sabihin nito ay upang gumawa ng mga kasunduan para sa kaniyang pagdating sa lugar na iyon, maaaring kasali dito ang lugar kung saan pwede siyang magsalita, lugar na matutuluyan, at pagkain.
hindi siya tinanggap
"hindi siya pinatuloy" o "ayaw siyang manatili"
Luke 9:54-56
makita ito
"makita na hindi tinanggap ng mga Samaritano si Jesus"
iutos...bumaba ang apoy mula sa langit upang puksain sila
Iminungkahi ni Santiago at Juan ang paraan na ito ng paghatol dahil alam nila na ganito hinatulan ng mga propetang katulad ni Elias ang mga taong hindi tumanggap sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ngunit hinarap niya sila at sinaway sila
"Bumaling si Jesus at sinaway sina Santiago at Juan" o "Hindi isinumpa ni Jesus ang mga Samaritano, na gaya ng inaasahan ng mga alagad."
Luke 9:57-58
may nagsabi
Ito ay hindi isa sa mga alagad.
Ang mga asong-gubat ay may mga lungga...walang malatagan ang kaniyang ulo.
Gumamit si Jesus ng kawikaan upang turuan ang lalaki tungkol sa pagiging alagad ni Jesus. Ipinahiwatig ni Jesus na kung ang isang tao ay susunod sa kaniya, maaaring ang lalaki rin na ito ay wala ring magiging tahanan. Maaaring isalin na: "Ang mga asong-gubat ay may mga lungga...walang malatagan ng kaniyang ulo. Kaya't huwag ninyong aasahan na magkakaroon din kayo ng tahanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-proverbs/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mga asong-gubat
Ito ay mga lupang hayop na katulad din ng mga maliliit na aso. Sila ay natutulog sa kuta o lungga sa lupa.
ang mga ibon sa himpapawid
"ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid"
Anak ng Tao
Nagsasalita si Jesus tungkol sa kaniyang sarili sa ikatlong katauhan. Maaaring isalin na: "Ako na Anak ng Tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
walang malatagan ng kaniyang ulo kahit saan man
"walang mapagpahingahan ng ulo kahit saan man" o "walang matulugan" Si Jesus ay nagsalita ng labis upang maiparating ang punto na siya ay hindi tatanggaping mamuhay saanman. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Luke 9:59-60
Nag-uugnay na Pahayag:
Patuloy na nakikipag-usap si Jesus sa mga tao sa daan.
Sumunod ka sa akin
Ito ay nagpapahiwatig upang maging alagad ni Jesus at sumunod sa kaniya.
hayaan mong pumunta muna ako
"bago ko gawin iyan, hayaan mo muna akong pumunta"
hayaan ninyo ang mga patay ang maglibing sa sarili nilang mga patay
Sapagkat ang mga taong patay na ay hindi nila mailibing ang kanilang mga sarili, ipinahihiwatig nito na ang mga taong patay sa espiritwal ang siyang maglibing sa mga taong namatay na sa pisikal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Luke 9:61-62
Ako ay susunod sa iyo
"Sasama ako sa iyo bilang isang alagad" o "ako ay nakahandang sumunod sa iyo"
hayaan mong ako ay magpaalam muna
"bago ko gawin iyan, hayaan mo muna akong magpapaalam" o " hayaan mo munang sabihin ko sa kanila na ako ay aalis"
sa kanila na nasa aking bahay
"aking mga kasambahay" o "ang mga tao sa aking tahanan"
Walang sinuman...karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos
Tumugon si Jesus sa pamamagitan ng isang kawikaan upang turuan ang lalaki tungkol sa pagiging kaniyang alagad. Ipinaliwanag ni Jesus na ang isang tao ay hindi nababagay sa kaharian ng Diyos kung siya ay nakatuon sa mga tao sa kaniyang nakaraan sa halip na sumunod kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-proverbs/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
naglagay ng kaniyang kamay sa araro
Maaaring isalin sa: "nagsimulang mag-araro sa kaniyang bukid" o "nagsimulang ihanda ang kaniyang bukirin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
tumitingin sa likuran
Ang taong tumitingin sa kaniyang likuran habang nag-aararo ay hindi kayang gabayan ang araro sa kinakailangan nitong mapuntahan. Dapat niyang ituon ang pansin sa kaniyang harapan upang makapag-araro siyang mabuti.
karapat-dapat sa
"magagamit sa" o "nababagay sa"
Luke 10
Luke 10:1-2
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsugo si Jesus ng higit sa 70 na mga tao na mauna sa kaniya. Ang 70 ay bumalik na may kagalakan, at tumugon si Jesus na may pasasalamat sa kaniyang Ama sa langit.
Ngayon
Ang salitang ito ay ginagamit dito upang markahan ang isang bagong pangyayari sa kuwento.
pitumpu
"70." Ang ilang mga bersyon ay sinasabing "pitumpu't dalawa o "72." Maaari kang maglagay ng talababa na nagsasabi niyan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
isinugo sila ng dala-dalawa
"ipinadala sila sa grupo ng dalawa" o "isinugo sila na may dalawang tao sa bawat grupo"
Sinabi niya sa kanila
Ito ay bago umalis ang mga lalaki. Maaaring isalin na: "Ito ang kaniyang sinabi sa kanila" o "Bago sila umalis ay sinabi niya sa kanila ." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-events/01.md]])
Marami ang aanihin, ngunit ang manggagawa ay kakaunti
"May maraming pananim, ngunit hindi sapat ang mangagawa para dalhin ito." Ang ibig sabihin ni Jesus ay may maraming tao na handa upang pumasok sa kaharian ng Diyos, ngunit walang sapat na mga alagad upang pumunta na magturo at tulungan ang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 10:3-4
Humayo kayo sa inyong lakad
"Pumunta sa mga lungsod" o "Pumunta sa mga tao"
Sinusugo ko kayo gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo
Ibig sabihin nito na may mga tao na maaaring gumawa ng masama sa mga ipinapadala ni Jesus. Ang mga pangalan ng ibang mga hayop ay maaaring ipalit. Maaaring isalin na: "Kapag ipapadala ko kayo, maraming mga tao ang magnanais na gumawa ng masama sa inyo gaya ng pagsalakay ng mga lobo sa mga tupa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
mga lobo
Ito ay maaaring isalin sa pangkalahatang tawag tulad ng "mabangis na mga aso" o "mabagsik na mga aso" o pangalan ng isang tiyak na hayop tulad ng aso na alam ng mga tao sa inyo, gaya ng "koyote" o "hayop na mabagsik." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
Huwag magdala ng lalagyan ng pera
"Huwag kayong magdadala ng lalagyan ng pera"
huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
Binibigyang diin ni Jesus na pumunta sila ng mabilis sa mga bayan at gawin ang mga gawaing ito. Hindi niya sinasabi na maging marahas sila.
Luke 10:5-7
Magkaroon nawa ng kapayapaan ang bahay na ito
Ito ay parehong pagbati at pagpapala. Ang "bahay" dito ay tumutukoy sa mga nakatira sa loob ng bahay. Maaaring isalin na: "Nawa ay ang mga tao sa sambahayang ito ay makatanggap ng kapayapaan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
isang taong payapa
"isang mapayapang tao." Ito ay isang tao na gusto ng kapayapaan sa Diyos at sa mga tao.
ang inyong kapayapaan ay mapapasa kaniya
Maaaring isalin na: "siya ay magkakaroon ng kapayapaan na ibinigay niyo sa kaniya"
kung hindi
Maaaring isalin na: "kung doon ay walang tao na may kapayapaan" o "kung ang nagmamay-ari ng bahay ay hindi isang mapayapang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
ito ay babalik sa iyo
"magkakaroon ka ng kapayapaang ganoon" o "hindi siya makakatanggap ng kapayapaan na ibinigay mo sa kaniya"
Manatili sa bahay na iyon
Hindi sinasabi ni Jesus na manatili sila sa tahanan sa lahat ng araw, ngunit sila ay dapat matulog sa tahanan na iyon bawat gabi na sila ay naroon. Maaaring isalin na: "Patuloy na matulog sa bahay na iyon."
sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod
Ito ay isang pangkalahatang panuntunan na sinasabi ni Jesus sa mga lalaki na pinapadala niya. Dahil sila ay magtuturo at magpapagaling sa mga tao, ang mga tao ay dapat magbigay sa kanila ng lugar na lalagihan at ng may pagkain.
Huwag pumunta sa kani-kaninong mang bahay
Maaaring isalin na: "Huwag pumuntang matulog sa magkaibang tahanan bawat gabi"
Luke 10:8-9
at kayo ay tinanggap
"kung tatanggapin kayo"
kumain kayo ng anumang ihain sa inyong harapan
Maaaring isalin na: "kainin kahit anumang pagkain ang ibibigay sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo
Tumutukoy ito sa katotohanan na ang gawain ng kaharian ng Diyos ay nangyayari sa lahat ng paligid nila sa pagpapagaling ng mga alagad at sa pagtuturo ni Jesus. Maaaring isalin na: "Nakikita ninyo ang kaharian ng Diyos sa lahat ng paligid ninyo ngayon."
Luke 10:10-12
at hindi nila kayo tinanggap
"kung kayo ay tinangihan"
Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pupunasan laban sa inyo
Dahil sinusugo ni Jesus ang mga taong ito sa dalawang grupo, na tigdadalawa kung kaya dalawang tao ang nagsasabi nito. Kaya ang mga wika na may dalawang anyo ng 'amin' ay gagamitin dito. Maaaring isalin na: "Gaya ng pagtanggi ninyo sa amin, lubusan namin kayong tinatanggihan. Tinatanggihan namin pati ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na
Ang mga pariralang ito "Ngunit alamin ito" ay nagsasabi ng isang babala. Ibig sabihin "Kahit na tinanggihan ninyo kami, hindi nito mapapalitan ang katotohanan na ang kaharian ng Diyos ay narito!"
ang kaharian ng Diyos ay malapit na
"ang kaharian ng Diyos ay nasa paligid ninyo"
Sinasabi ko sa inyo
Sinasabi ito ni Jesus sa 70 na mga tao na kaniyang sinusugo. Sinabi niya ito upang ipakita na siya ay may sasabihin tungkol sa isang bagay na napaka-halaga.
sa araw ng paghuhukom
Sinasabi ng parirala na "sa araw na iyon." Ngunit maaaring naiintindihan ng mga alagad na ito ay tumutukoy sa oras ng huling paghuhukom sa mga makasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
higit na mapagtitiisan ang Sodoma kaysa sa lungsod na iyon
"Hindi hahatulan ng Diyos ang Sodoma katulad ng mahigpit na hatol niya sa lungsod na iyon." Maaaring isalin na: "Hahatulan ng Diyos ang mga tao sa lungsod na iyon na mas mahigpit kaysa sa hatol sa mga tao sa Sodoma." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 10:13-15
Aba sa inyo, Chorazin! Aba sa inyo, Betsaida!
Nagsalita si Jesus na parang ang mga tao sa lungsod ng Chorazin at Betsaida ay nakikinig sa kaniya, ngunit hindi sila nakikinig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Kung ang makapangyarihang mga gawa na nagawa sa inyo ay nagawa sa Tiro at Sidon
Inilalarawan ni Jesus ang isang pangyayari na sana ay nangyari sa nakalipas na panahon ngunit hindi nangyari. Maaaring isalin na: "Kung may gumawa ng mga himala para sa mga tao ng Tiro at Sidon kagaya ng ginawa ko para sa inyo"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
matagal na sana silang nagsisi
"ang mga masasamang tao na nanirahan doon ay maaaring naipakita na sila ay nagsisisi sa kanilang mga kasalanan" (UDB)
nakaupo sa tela ng sako at sa mga abo
"nakasuot ng telang sako at nakaupo sa mga abo"
Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo.
Maaaring isalin na: "Ngunit dahil hindi kayo nagsisi at nanampalataya sa akin kahit nakita ninyo ako na gumawa ng mga himala, hahatulan kayo ng Diyos ng higit na mahigpit kaysa sa hatol niya sa mga tao ng Tiro at Sidon " (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa panahon ng paghuhukom
"sa huling araw na iyon na hahatulan ng Diyos ang bawat isa" (UDB)
Ikaw, Capernaum
Ngayon nagsasalita si Jesus sa mga tao sa lungsod ng Capernaum na parang sila ay nakikinig sa kaniya, ngunit ayaw nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
naiisip mo ba na kayo ay itataas sa langit
Gumamit si Jesus ng isang tanong upang sawayin ang mga tao sa Capernaum sa kanilang pagmamataas. Maaaring isalin na: "tiyak na kayo ay hindi tutungo sa langit" o "hindi kayo pararangalan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kayo ay ibababa sa Hades
Maaaring isalin na: "ipapadala kayo ng Diyos sa Hades' (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 10:16
Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin
Maaaring isalin na: Kung ang isang tao ay nakikinig sa inyo, para na rin siyang nakikinig sa akin"
ang sinumang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin
Maaaring isalin na: "Kung may tumanggi sa iyo, para na rin nila akong tinatanggihan"
ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin
Maaaring isalin na: "Kung may tumanggi sa akin, para na rin nilang tinatanggihan ang nagsugo sa akin"
nagsugo sa akin
Tumutukoy ito sa Diyos Ama na naghirang kay Jesus sa natatanging gawaing ito. Maaaring isalin na: "Ang Diyos na nagsugo sa akin." (UDB).
Luke 10:17-20
Bumalik ang pitumpu
Ang ilang mga wika ay kailangang sabihin na ang pitumpu ay naunang pumunta gaya ng UDB. Ito ay impormasyong nagpapahiwatig na maaaring gawing malinaw. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]].)
pitumpu
Maaari kang magdagdag ng isang talababa: "Ilang mga salin ay may '72' sa halip na '70'."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
sa iyong pangalan
Ang "pangalan" dito ay tumutukoy sa kapangyarihan at kakayahan ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Pinapanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat
Gumamit si Jesus ng isang paghahalintulad upang ilarawan kung paano dinaig ng Diyos si Satanas nang ang kaniyang 70 na mga alagad ay nangangaral sa mga bayan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan
"kapangyarihan na tapakan ang mga ahas at durugin ang mga alakdan." Ang maaaring mga kahulagan ay 1) Tumutukoy ito sa tunay na mga ahas at mga alakdan o 2) ang mga ahas at ang mga alakdan ay isang talinghaga para sa mga masasamang espiritu. Isinalin ito ng UDB na tumutukoy sa mga masasamang espiritu: "Binigyan ko kayo ng karapatan upang salakayin ang mga masasamang espiritu." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan
Ito ay nagpapahiwatig na gagawin nila ito at hindi masasaktan. Maaaring isalin na: "tapakan ang mga ahas at mga alakdan at hindi nila kayo sasaktan."
alakdan
isang maliit na hayop na may dalawang sipit at nakakalason na kamandag sa buntot nito
sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway
"Binigyan ko kayo ng kapangyarihang upang durugin ang kapangyarihan ng kaaway" o "binigyan ko kayo ng kapangyarihan upang daigin ang kaaway." Ang kaaway ay si Satanas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
huwag kayong magalak lamang sa mga ito, na ang mga espiritu ay sumusunod sa inyo
"huwag magalak dahil lamang ang espiritu ay sumusunod sa inyo"
ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit
Maaaring isalin na: "Isinulat ng Diyos ang inyong mga pangalan sa langit" o "ang inyong mga pangalan ay nasa listahan ng mga tao na mamamayan sa langit"
Luke 10:21
Panginoon ng langit at lupa
Maaaring isalin na: "Panginoon ng bawat isa at lahat ng bagay sa langit at lupa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]]
mga bagay na ito
Tumutukoy ito sa nakaraan na turo ni Jesus tungkol sa kapangyarihan ng mga alagad. Maaaring mas mainam na sabihin sa simpleng paraan "itong mga bagay" at hayaan ang mambabasa na alamin ang kahulugan.
sa matatalino at nakakaunawa
"mula sa mga tao na matatalino at nakakaintindi." Maaaring isalin na: "mula sa mga tao na iniisip na sila ay matatalino at nakakaintindi." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])
sa mga mangmang
Tumutukoy ito sa mga hindi nagiisip ng kanilang sarili gaya ng matalino at sa gustong tumanggap sa mga itinuturo ni Jesus.
tulad ng mga maliliit na bata
"gaya ng mga maliliit na bata." Ito ay kumakatawan sa mga taong nakakaalam na sila ay hindi matatalino at walang nalalaman.
sapagkat ito ay nakakalugod sa inyong paningin
Maaaring isalin na: "sa inyong paggawa nito ay nakakalugod sa inyo "
Luke 10:22
'Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama
Maaaring isalin na: "Ibinigay ng aking Ama ang lahat ng bagay sa akin" (Tingnan sa : [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ama...Anak
Ang mga ito ay mahahalagang mga titulo na naglalarawan sa ugnayan ng Diyos at ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
ang Anak
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili sa ikatlong persona. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
nakakakilala sa Anak
Ang salita na naisalin gaya ng "kilala" ang ibig sabihin ay upang makilala mula sa personal na karanasan. Kilala ng Diyos Ama si Jesus sa paraang ito.
maliban sa Ama
Ibig sabihin nito na ang Ama lamang ang nakakakilala kung sino ang Anak.
nakakakilala sa Ama
Ang salita na naisalin gaya ng "kilala" ang ibig sabihin ay upang makilala mula sa personal na karanasan. Kilala ni Jesus ang Diyos na kaniyang Ama sa paraang ito.
maliban sa Anak
Ibig sabihin nito na ang Anak lamang ang nakakakilala kung sino ang Ama. Bilang Anak ng Diyos, kilalang-kilala ni Jesus ang Ama, at palagi niya itong kilala.
at sinuman na naisin ng Anak na siyang ipapahayag
Maaaring isalin na: "at malalaman lamang ng mga tao kung sino ang Ama kung ang Anak ay gustong ihayag ang Ama sa kanila."
Luke 10:23-24
Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya ng bukod
Ito ay maaaring pagkatapos ng panahong iyon. Maaaring isalin na: "Pagkatapos, nang ang mga alagad lamang ang kaniyang kasama, sinabi niya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo
Marahil ito ay tumutukoy sa lahat ng mga tao na dumarating upang makinig kay Jesus. Maaaring isalin na: "napakaganda nito sa mga nakakita sa mga bagay na inyong nakikita."
sa mga bagay na nakikita ninyo
"ang mga bagay na nakita ninyo na aking ginawa"
ang mga bagay na inyong narinig
"ang mga bagay na narinig ninyo na aking sinabi"
Luke 10:25-28
Pahayag na Nag-uugnay:
Sumagot si Jesus sa pamamagitan ng isang kuwento sa isang gurong Judio na gustong subukan si Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Masdan ito, may isang guro
Ang pangyayaring ito ay nangyari pagkatapos ng panahong iyon. Maaaring isalin na: "Isang araw habang nagtuturo si Jesus sa mga tao, may isang guro." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Masdan ito
Ito ay hudyat na may bagong tauhan sa kuwento. Ang inyong wika ay maaaring may paraan ng paggawa nito.
sinubukan siya
"hinamon si Jesus"
Ano ang nakasulat sa kautusan
Gumamit si Jesus ng isang katanungan upang turuan ang gurong Judio. Maaaring isalin na: "Sabihin mo kung ano ang isinulat ni Moises sa kautusan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Paano mo ito binabasa
"Ano ang nabasa mo sa mga ito?" o "Ano ang naintindihan mo sa sinabi nito?"
Ibigin mo...kapwa gaya ng iyong sarili
Binabanggit ng tao ang sinulat ni Moises sa kautusan.
ng iyong puso...ng iyong kaluluwa...ng iyong lakas...ng iyong kaisipan
Ang ibig sabihin ng lahat ng ito na dapat ibigin ng isang tao ang Diyos ng kanilang buong pagkatao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang iyong kapwa
Tumutukoy ito sa isang miyembro ng iyong komunidad. Maaaring isalin na: "ang iyong kasamahang mamamayan" o "ang mga tao ng iyong lipunan."
Luke 10:29-30
Ngunit ang guro na naghahangad na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, nagsabi
Maaaring isalin na: "Ngunit nais niyang hanapin ang isang paraan upang bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, kaya sinabi niya" o "Ngunit sa kagustuhan niyang magmukhang matuwid, sinabi niya"
sumagot na nagsabi si Jesus
Sinagot ni Jesus ang tao sa pamamagitan ng pagsabi ng talinhaga. Maaaring isalin na: "Sa pagsagot, sinabi ni Jesus sa kaniya ang kuwentong ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Nahulog siya sa mga magnanakaw
"Napalibutan siya ng mga magnanakaw" o "Ilang mga magnanakaw ang sumalakay sa kaniya"
na sumamsam sa kaniyang mga ari-arian
"kinuha ang lahat ng bagay na mayroon siya" o "ninakaw ang lahat ang kaniyang mga bagay"
Luke 10:31-32
Nagkataon
Hindi ito isang bagay na binalak ng kahit na sinong tao.
isang pari
Ang pagpapahayag na ito ay nagpapakilala ng isang bagong tao sa kuwento, ngunit hindi siya kinilala sa pamamagitan ng pangalan.
at nang siya ay nakita
"at nang makita ng pari ang napinsalang tao." Ang pari ay napakarelihiyosong tao, kaya ang mga nakikinig ay aakalain na gusto niyang tulungan ang napinsalang tao. Ngunit dahil hindi niya ginawa, ang pariralang ito ay maaaring isalin gaya ng "ngunit nang siya ay nakita niya" upang tumawag ng pansin sa hindi inaasahang resultang ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
siya ay dumaan sa kabilang daan
Ipinapahiwatig na hindi niya tinulungan ang tao. Maaaring isalin sa: "hindi niya tinulungan ang napinsalang tao, sa halip lumakad siya sa ibang gilid ng daan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 10:33-35
Ngunit isang Samaritano
Ipinapakilala nito ang isang bagong tao sa kuwento na hindi ibinigay ang kaniyang pangalan. Ang alam lang natin, siya ay isang Samaritano. Kinasuklaman ng mga Judio ang mga Samaritano at aakalain na hindi niya tutulungan ang napinsalang Judio.
Nang makita siya
"Nang makita ng Samaritano ang napinsalang tao"
siya ay habag
"nakadama siya ng awa sa kaniya"
binendahan ang kaniyangmga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito
Una niyang inilagay ang langis at alak sa mga sugat. Maaaring isalin na: "nilagyan niya ng langis at alak ang mga sugat at binalot ng tela." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-events/01.md]])
nilagyan ng langis at alak sa mga ito
Ginamit ang alak para linisin ang sugat, at ang langis ay marahil ginamit upang maiwasan ang impeksiyon.
sa kaniyang sariling hayop
Ito ay isang hayop na ginagamit niya upang pangbuhat ng mabibigat ng mga karga. Marahil ito ay isang asno.
dalawang denaryo
"sahod sa dalawang araw." "Denario" ang maramihan ng "denarios." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]]
sa katiwala
"ang tagabantay" o "ang taong nag-alaga ng bahay-tuluyan"
Luke 10:36-37
Sino sa tatlong ito, sa tingin mo
Maaaring isalin na: "Ano sa tingin mo? Sino sa tatlong taong ito"
ay naging isang kapwa
"nagpakita sa kaniya ng pagiging isang totoong kapwa" (UDB)
sa kaniya na nahulog sa mga magnanakaw
"sa tao na sinalakay ng mga magnanakaw"
Luke 10:38-39
Pangkalahatang Impormasyon:
Dumating si Jesus sa tahanan ni Marta kung saan ang kaniyang kapatid na si Maria ay nakikinig kay Jesus ng may labis na pansin.
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit dito upang markahan ang isang bagong pangyayari.
sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay
"habang si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay naglakbay ng matagal"
isang nayon
Ipinapakilala dito ang nayon bilang isang bagong lugar, ngunit hindi pinangalanan ito.
isang babaeng nagngangalang Marta
Ipinapakilala dito si Marta bilang bagong tauhan. Ang iyong wika ay maaaring may paraan ng pagpapakilala ng bagong mga tao.
nakaupo sa paanan ng Panginoon
Ito ang normal at magalang na posisyon para sa isang tagapakinig sa mga araw na iyon. Maaaring isalin na: "umupo sa sahig."
at nakikinig sa kaniyang salita
Maaaring isalin na: "at nakinig sa turo ng Panginoon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 10:40-42
pababayaan mo na lang ba...mag-isa
Nagrereklamo si Marta dahil hinahayaan ng Panginoon si Maria na nakaupong nakikinig sa kaniya kung saan may mga trabaho na dapat gawin. Nirespeto niya ang Panginoon, kaya gumamit siya ng isang patalumpating katanungan upang gumawa siya ng reklamo na labis na magalang. Maaaring isalin na: "tila ikaw ay walang pag-aruga...ng magisa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Marta, Marta
Inulit ni Jesus ang pangalan ni Marta para sa pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: "Mahal kong Marta" o "Ikaw, Marta."
na hindi makukuha mula sa kaniya
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Hindi ko aalisin ang pagkakataon na ito mula sa kaniya" o "2) "Hindi mawawala sa kaniya anumang ang kaniyang nakamit habang siya ay nakikinig sa akin." Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 11
Luke 11:1
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang pagsisimula ng kasunod na bahagi ng kuwento. Tinuturuan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na manalangin.
At nangyari nang
Ginamit ang mga salitang ito upang maging palatandaan ng pagsisimula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan ng pagsasabi nito, maaaring isaalang-alang na gamitin dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
nananalangin
"nang matapos si Jesus na manalangin." Maaaring mas magiging natural kung sasabihin na si Jesus ay nananalangin bago sabihin na "nang matapos siyang manalangin"
Luke 11:2
Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kung kayo ay mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin ang iyong pangalan
Si Jesus, na Anak ng Diyos, ay nag-utos sa mga alagad na parangalan ang pangalan ng Diyos "ang Ama" sa pamamagitan ng pagtawag sa Diyos bilang "Ama" tuwing mananalangin.
Sinabi ni Jesus sa kanila
"Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad"
Ama
Ito ay mahalagang katawagan para sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
sambahin ang iyong pangalan
Maaaring isalin na: "nawa'y parangalan kayo ng lahat ng tao" o "maging dahilan upang maparangalan ng lahat ang iyong pangalan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ng kaharian mo ay dumating
"Itatag ang iyong kaharian." Maaaring isalin na: "Nais namin na ikaw ang mamuno sa iyong mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 11:3-4
Pahayag na Nag-uugnay:
Nagpatuloy si Jesus na magturo sa kaniyang mga alagad kung paano manalangin.
aming tinapay sa araw-araw
Ang tinapay ay murang pagkain na kinakain ng tao araw-araw. Ito ay ginamit dito upang pangkalahatang tukuyin ang pagkain . Maaaring isalin na: "ang pagkain na aming kailangan sa bawat araw." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan
"Patawarin mo kami sa pagkakasala laban sa inyo" o "Patawarin mo ang aming mga kasalanan"
gaya ng pagpapatawad namin
"sapagkat kami rin ay nagpapatawad"
sa may pagkakautang sa amin
"sa nagkasala laban sa amin" o "sa gumawa ng masasamang bagay sa amin"
Huwag mo kaming itungo sa tukso
Maaaring isalin na: "Ilayo mo kami sa tukso" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
Luke 11:5-8
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagpatuloy si Jesus na magturo sa kaniyang mga alagad tungkol sa panalangin.
Sino sa inyo ang mayroong kaibigan
Gumamit si Jesus ng tanong upang turuan ang mga alagad. Maaaring isalin na: "Ipagpalagay na isa sa inyo ay may kaibigan" o "Ipagpalagay na kayo ay may kaibigan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
pahiramin mo ako ng tatlong tinapay
"pahiramin mo ako ng tatlong tinapay" o "bigyan mo ako ng tatlong tinapay at mamaya ay babayaran kita." Walang nakahandang pagkain para sa kaniyang bisita.
tatlong tinapay
Maaaring isalin na: "lutong pagkain" o "nakahandang pagkain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
kararating lamang...mula sa daan
Maaaring isalin na: "ay naglalakbay at kararating sa aking bahay"
anumang maihahanda sa kaniya
"anumang pagkain na nakahandang ibigay sa kaniya"
Hindi ako makabangon
"Hindi madali para sa akin na bumangon"
Sinasabi ko sa inyo
Kinakausap ni Jesus ang mga alagad. Ang salitang "inyo" ay pangmaramihan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
magbigay sa iyo ng tinapay dahil ikaw ay kaibigan niya
Kinakausap ni Jesus ang mga alagad na parang sila ang humihingi ng tinapay. Maaaring isalin na: "magbigay sa kaniya ng tinapay dahil siya ay kaibigan niya."
hindi nahihiyang pagpupumilit
Tinutukoy nito ang katotohanan na ang tao na humuhingi ng tinapay ay winawalang-bahala ang katotohanan na nakakaabala para sa kaniyang kaibigan na bumangon sa kalagitnaan ng gabi para kumuha ng tinapay para sa kaniya.
Luke 11:9-10
humingi...maghanap...kumatok
Binigay ni Jesus ang mga utos na ito upang hikayatin ang kaniyang mga alagad na patuloy na manalangin. Maaaring kinakailangan ng ibang wika ang mas maraming impormasyon tungkol sa mga salitang kilos na ito. Gamitin ang pinaka-angkop na anyo ng "kayo" sa kontekstong ito. Maaaring isalin na: "patuloy na humingi ng inyong kailangan...patuloy na maghanap ng inyong kailangan mula sa Diyos...patuloy na kumatok sa pinto." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ito ay maibibigay sa inyo
Maaaring isalin na: "ito ay ibibigay ng Diyos sa inyo" o "ito ay matatanggap ninyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Kumatok
Ang pagkatok sa isang pinto ay pagtama dito ng ilang beses para ipaalam sa tao na nasa loob ng bahay na ikaw ay nakatayo sa labas. Maaaring isalin ito sa paraan na naaayon sa inyong kultura ng pagbibigay-alam na kayo ay dumating na, maaaring gaya ng "pasigaw na pagtawag" o "pag-ubo" o "pagpalakpak". Ang kahulugan nito, ang isang tao ay dapat patuloy na manalangin sa Diyos hanggang sa siya ay sumagot. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ito ay mabubuksan para sa inyo.
Maaaring isalin na: "bubuksan ng Diyos ang pinto para sa inyo" o "patutuluyin kayo ng Diyos sa loob" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 11:11-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus na magturo sa kaniyang mga alagad tungkol sa panalangin.
Sinong ama sa inyo...ahas?
Ang pinakamagandang mga sinaunang kopya ay may maikling pagkasulat na siyang sinunod namin dito. Ang ibang sinaunang mga kopya ay may mas mahabang pagkasulat na makikita rin sa Mateo 7:9
Sinong ama sa inyo...ahas?
Gumamit si Jesus ng mga katanungan upang turuan ang kaniyang mga alagad. Maaaring isalin na: "Wala sa inyo...isang ahas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ng tinapay
"para sa isang tinapay." Maaaring isalin na: "para sa ilang pagkain."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
bibigyan mo ng ahas sa halip na isda?
Ito ay maaaring isalin bilang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "O, kung siya ay humihingi ng isda hindi mo siya bibigyan ng ahas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
alakdan
Ang alakdan ay katulad ng gagamba ngunit ito ay may buntot na nakalalason ang tusok. Kung ang alakdan ay hindi kilala sa inyong lugar, maaaring mong isalin ito na "gagambang nakalalason" o "gagamba na tumutusok." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
kung kayong masasama ay marunong
"kahit kayong masasama ay marunong" o "kahit na kayo ay makasalan, alam ninyo"
gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na ibibigay ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kaniya?
"tiyak na ibibigay ng inyong Ama sa langit ang Banal na Espiritu...kaniya? Muling gumamit si Jesus ng tanong para turuan ang kaniyang mga alagad. Maaaring isalin na: "kayo ay nakatitiyak na ibibigay ng inyong Ama sa langit ang Banal na Espiritu...kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 11:14-15
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kuwento. Si Jesus ay binatikus pagkatapos ng pagpapalayas niya ng demonyo sa isang pipi.
si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo
Maaaring isalin na: "Si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo palabas sa isang tao" o "pinapaalis ni Jesus ang demonyo sa isang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
ito ay pipi
Hindi karaniwan na ang isang demonyo ay hindi makapagsalita. Maaaring naiintindihan ng mga mambabasa na ang demonyong ito ay may kapangyarihan para pigilan ang tao sa pagsasalita. Maaaring isalin na: "ang demonyo ang naging dahilan upang hindi siya makapagsalita." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
At nangyari
Ginamit ang mga salita ito upang maging palatandaan kung saan ang simula ng aksyon. Kung ang iyong wika ay may paraan ng pagpapakita nito, maaari mong gamitin iyon. Nang lumabas ang demonyo sa tao, binatikus ng ibang mga tao si Jesus at iyon ang naging daan upang magturo si Jesus tungkol sa mga masasamang espiritu.
nang lumabas ang demonyo
"nang lumabas ang demonyo sa tao" o "nang iniwan ng demonyo ang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
nagsalita ang pipi
"ang tao na hindi nakakapagsalita ay nagsalita na"
Sa pamamagitan ni Belzeebub, ang pinuno ng mga demonyo, siya ay nagpapalayas ng mga demonyo
"Siya ay nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Belzeebub, ang pinuno ng mga demonyo"
Luke 11:16-17
Pangkalahatang Impormasyon:
Sinimulan ni Jesus na tumugon sa mga tao.
Sinubok siya
"Sinubok ng ibang tao si Jesus." Gusto nila na patunayan ni Jesus na ang kaniyang kapangyarihan ay nagmula sa Diyos.
at naghanap sa kaniya ng palatandaan mula sa langit
"at humingi sa kaniya na magbigay ng palatandaan mula sa langit" o "sa pamamagitan ng pagpupumilit na siya ay magbigay ng palatandaan mula sa langit". Ito ang paraan na nais nila upang patunayan niya na ang kaniyang kapangyarihan ay nagmula sa Diyos.
Bawat kaharian na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay napababayaan
Maaaring isalin na: "Kung ang mga tao sa isang kaharian ay naglalaban-laban, sisirain nila ang kanilang kaharian" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang bahay na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay bumabagsak
Ang "bahay" dito ay tumutukoy sa pamilya. Maaaring isalin na: "kung ang mga miyembro ng pamilya ay nagaaway-away sisirain nila ang kanilang pamilya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
bumabagsak
"nadudurog at nasisira." Ang larawan ng bahay na ito na bumabagsak ay tumutukoy sa pagkasira ng pamilya kung sila ay nagaaway-away. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 11:18-20
Kung si Satanas ay nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili
Ang "Satanas" dito ay tumutukoy sa mga demonyo na sumama kay Satanas na nagrebelde laban sa Diyos. Maaaring isalin na: "Kung si Satanas at ang mga miyembro ng kaniyang kaharian ay naglalaban-laban" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
paano mananatili ang kaniyang kaharian?
Gumamit si Jesus ng tanong upang turuan ang mga tao. Maaaring isalin na: "Ang kaharian ni Satanas ay hindi magtatagal" o "Ang kaharian ni Satanas ay babagsak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Sapagkat sinasabi ninyo na ako ay nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ni Belzeebub
"Sapagkat sinasabi ninyo na sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebub, ako ay nagpapalayas ng demonyo sa mga tao." Ang kasunod na bahagi ng kaniyang pangangatuwiran ay maaaring malinaw na sabihin: "ang kahulugan niyan ay si Satanas ay nahahati-hati laban sa kaniyang sarili." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa pamamagitan nino nagpapalayas ang inyong mga tagasunod
"sa kaninong kapangyarihan nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod." Gumamit si Jesus ng tanong upang turuan ang mga tao. Ang kahulugan ng tanong ni Jesus ay maaaring gawing malinaw. Maaaring isalin na: "kung gayon kailangan nating magkasundo na ang inyong mga tagasunod ay nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebub. Ngunit alam natin na iyan ay hindi totoo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sila ang inyong magiging hukom
"ang inyong mga tagasunod na nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ay hahatulan kayo sa pagsasabing ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebub."
sa pamamagitan ng daliri ng Diyos
Ang "daliri ng Diyos" ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kung gayon ang kaharian ng Diyos ay dumating sa inyo
"ipinapakita nito na ang kapangyarihan ng Diyos ay pumarito sa inyo"
Luke 11:21-23
Kung ang isang malakas na tao...pag-aari ng tao
Sinasabi nito ang tungkol kay Jesus na tinatalo si Satanas at ang kaniyang mga demonyo, bilang isang mas malakas na tao na kumuha sa pag-aari ng malakas na tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang kaniyang mga ari-arian ay ligtas
"walang sinuman ang magnanakaw sa kaniyang mga gamit"
nanakawin ang pag-aari ng tao
"nanakawin ang kaniyang mga pagmamay-ari" o "kukunin ang kahit anong gusto niya"
ang siyang hindi ko kasama
"ang hindi tumutulong sa akin" o "ang hindi gumagawa kasama ako"
ay laban sa akin
"gumagawa laban sa akin". Ito ay tumutukoy sa mga nagsabi na si Jesus ay gumagawa kasama ni Satanas.
Luke 11:24-26
mga tuyong lugar
Ito ay tumutukoy sa mga "pinabayaang lugar" (UDB) kung saan gumagala ang mga masasamang espiritu.
Nang wala itong mahanap
"Kung ang espiritu ay walang mahanap na kapahingahan doon"
aking bahay kung saan ako nanggaling
Ito ay tumutukoy sa taong dati niyang tinirhan. Maaaring isalin na: "sa tao kung saan ako dating nanirahan!" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
natagpuan nito ang bahay na iyon na nawalisan at maayos
Maaaring isalin na: "natagpuan na may naglinis at nag-ayos sa mga gamit kung saan ito nararapat" o "natagpuan na ang tao ay tulad ng isang malinis at maayos na bahay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]
nawalisan
"walang laman." Ang talinghaga na ito ay tumutukoy sa tao na hindi pinuno ang kaniyang buhay ng Espiritu ng Diyos pagkatapos umalis ng demonyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 11:27-28
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay pansamantalang pagtigil sa pagtuturo ni Jesus. Nagsalita ang isang babae ng pagpapala at si Jesus ay sumagot
Nangyari na
Ang mga salitang ito ay ginamit upang maging palatandaan ng isang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan ng pagsasabi nito, maaari mong gamitin iyon dito.
sumigaw sa gitna ng maraming tao
nagsalita ng malakas higit sa ingay ng mga tao"
Pinagpala ang sinapupunan na nagsilang sa iyo at ang nagpasuso sa iyo
Ang mga bahagi ng katawan ng isang babae ay ginamit upang tumukoy sa buong babae. Maaaring isalin na: "Kaybuti para sa babaeng nagsilang sa iyo at nagpasuso sa iyo" o "Anong saya ng babaeng nagsilang at nagpasuso sa iyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]]).
Higit pa na pinagpala
"Lalong mas mabuti sa mga"
Luke 11:29-30
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo sa mga tao.
Ang salinlahi na ito ay masamang salinlahi
"Ang mga taong nabubuhay sa panahong ito ay masasamang tao" (UDB)
Naghahanap ito ng palatandaan
"Nais nilang magbigay ako sa kanila ng isang palatandaan" o "Marami sa inyo ay nais na magbigay ako ng tanda." Ang impormasyon sa kung anong uring tanda ang nais nila ay maaaring gawing malinaw gaya sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
walang palatandaan na maibibigay dito
Maaaring isalin na: "Hindi sila bibigyan ng Diyos ng isang palatandaan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ay ang palatandaan ni Jonas
Maaaring isalin na: "ang nangyari kay Jonas" o "ang himala na ginawa ng Diyos para kay Jonas" (UDB).
Sapagkat katulad ni Jonas na naging palatandaan...ganoon din
Ang kahulugan nito ay si Jesus ang magsisilbing tanda na mula sa Diyos para sa mga Judio sa araw na iyon na katulad ni Jonas na nagsilbing tanda mula sa Diyos para sa mga tao sa Nineveh.
Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili.
Luke 11:31
Reyna ng Timog
Tinutukoy nito ang Reyna ng Sheba. Ang Sheba ay kaharian sa timog ng Israel.
tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito
"ay tatayo rin at hahatulan ang mga tao sa panahong ito"
nanggaling sa dulo ng mundo
Maaaring isalin na: "siya ay nagmula sa napakalayong lugar" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]
narito ang higit na dakila kay Solomon.
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Ako ay higit na dakila kaysa kay Solomon ngunit hindi kayo nakinig sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 11:32
Ang mga tao ng Nineveh ay tatayo sa paghuhukom kasama ng mga tao sa salinlahi na ito at hahatulan ito
"Ang mga tao ng Nineveh ay tatayo at hahatulan ang mga tao sa panahong ito at susumpain sila"
sapagkat sila ay nagsisi
"sapagkat ang mga tao ng Nineveh ay nagsisi"
narito ang mas higit kay Jonas
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Ako ay higit na dakila kaysa kay Jonas ngunit hindi kayo nagsisi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 11:33-36
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagtuturo sa mga tao.
ilalagay ito sa madilim na silid
"itatago ito sa aparador"
kung hindi ay sa patungan ng ilaw
Maaaring isalin na: "ngunit ilalagay nila ito sa mesa" o "ngunit ilalagay nila ito sa istante" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Ang iyong mata ay ilaw sa iyong katawan
Mayroon itong ilang tayutay. Ang mata ay metonimi para sa paningin, na talinghaga para sa pag-unawa. Ang katawan ay pagpapalit-saklaw sa buhay ng isang tao. Maaaring isalin na: "Ang iyong mata ay ilawan ng iyong buhay" o "Ang iyong paningin ay ilawan ng iyong buhay." Dahil si Jesus ay nagsasabi ng isang bagay na angkop sa lahat, maaari itong isalin na "Ang mata ay ilawan ng katawan ng isang tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Kung ang iyong mata ay malinaw
Maaaring isalin na: "Kung ang iyong paningin ay malinaw" o "kung ikaw ay nakakakita ng maayos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang buong katawan ay napupuno ng liwanag
Sinasabi ni Jesus na ang katotohanan ay parang liwanag. Maaaring isalin na: "ang liwanag ng katotohanan ang pupuno sa iyong buong buhay" o "ang iyong buong buhay ay puno ng katotohanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kung ang iyong mata ay malabo, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman
Sinasabi ni Jesus na ang kasinungalingan ay parang kadiliman. Maaaring isalin na: "kung ang iyong paningin ay malabo, ang iyong buong buhay ay puno ng kasinungalingan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang iyong buong katawan ay magiging parang ilawan na kumikinang ang kaliwanagan sa iyo."
Tinutukoy ni Jesus ang mga tao na puno ng katotohanan, na sila ay parang ilawan na kumikinang ng matingkad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Luke 11:37-38
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang simula ng kasunod na bahagi ng kuwento. Si Jesus ay naimbitahan para kumain sa bahay ng isang Pariseo.
sumandal
"umupo sa tabi ng mesa." Ito ang nakaugalian para sa pamamahinga habang kumakain na gaya nitong hapunan para sa kalalakihan habang maginhawang nakasandal sa palibot ng mesa.
naghugas
Ang mga Pariseo ay may alituntunin na ang mga tao ay dapat maghugas ng kanilang mga kamay upang maging malinis sa seremonyal na paraan sa harap ng Diyos. Maaaring isalin na: "naghugas ng mga kamay" o "naghugas ng kaniyang mga kamay upang maging malinis ukol sa seremonya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 11:39-41
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsimulang magsalita si Jesus sa mga Pariseo.
ang labas ng mga tasa at mga mangkok
Ang paghuhugas sa labas ng mga lalagyan ay bahagi ng nakaugaliang ritwal ng mga Pariseo.
ngunit ang inyong loob ay puno ng kasakiman at kasamaan
Inihahalintulad nito ang pagwawalang bahala nila sa loob ng lalagyan sa kung papaano nila winawalang bahala ang panloob nilang kalagayan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob?
Gumamit si Jesus ng isang tanong upang sawayin ang mga Pariseo sa hindi nila pag-unawa na ang nasa kanilang mga puso ang mahalaga sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ibigay ninyo sa mga mahihirap ang nasa loob
Maaaring isalin na: "Ibigay sa mga mahihirap ang nasa loob ng mga tasa at mangkok" o "Maging mapagbigay sa mga mahihirap"
Luke 11:42
ibinibigay ninyo ang ikapu ng yerbabuena at ruda at ang bawat ibang halaman sa hardin.
"Ibinibigay ninyo ang ikapu ng inyong yerbabuena at ruda at iba pang pampalasa mula sa inyong halamanan." Si Jesus ay nagbibigay ng halimbawa kung gaano katindi ang mga Pariseo sa pagbibigay ng ikasampu ng kanilang kita.
yerbabuena at ruda
Ito ay mga pampalasa. Naglalagay ang mga tao ng kaunting dahon ng mga ito sa kanilang pagkain para magkaroon ito ng lasa. Kung ang mga tao ay hindi alam kung ano ang yerbabuena at ruda, maaari mong gamitin ang alam nilang pangalan ng mga pampalasa o ang pangkalahatang tawag gaya ng "pampalasa". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
ang bawat ibang halaman sa hardin
Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "bawat gulay" 2) "bawat ibang pampalasa" 3) "bawat halaman sa hardin."
hindi rin pinababayaan na gawin ang ibang mga bagay
Maaaring isalin na: "at lagi ring gawin ang ibang mga mabubuting bagay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
Luke 11:43-44
Nag-uugnay na Pahayag:
Natapos ang pakikipag-usap ni Jesus sa mga Pariseo.
ang mga upuan sa unahan
"ang mga pinakamagandang upuan"
kayo ay katulad ng libingan na walang marka na nilalakaran ng mga tao ng hindi nila nalalaman
Ang mga Pariseo ay tulad ng mga libingan na walang marka dahil sila ay nagmumukhang malinis ayon sa paraan ng seremonya ngunit sila ang nagiging dahilan ng pagiging marumi ng mga tao sa kanilang paligid. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
libingan na walang marka
Ang mga libingan na ito ay mga butas na hinukay sa lupa kung saan nakalibing ang mga patay. Wala itong mga puting bato na karaniwang nilalagay sa mga libingan para makita ng iba. Kung inapakan ng tao ang isang libingan siya ay magiging marumi ayon sa paraan ng seremonya.
Luke 11:45-46
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay nagsimulang tumugon sa mga gurong Judio.
ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga pasanin na mahirap dalhin
"Inilalagay ninyo ang mga pasanin sa mga tao na mabigat para sa kanila na dalhin." Si Jesus ay nagsasalita tungkol sa pagbibigay sa mga tao ng maraming alituntunin na parang binibigyan sila ng mabigat na mga bagay para dalhin. Maaaring isalin na: "Pinapahirapan ninyo ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng napakaraming alituntunin na susundin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ngunit hindi man lang ninyo hinahawakan ang mga pasanin na iyon sa isa sa inyong sariling mga daliri
"ngunit hindi man lang ninyo ginagamit ni isa sa inyong mga daliri para tulungan silang dalhin ang mga pasanin." Maaaring isalin na: "ngunit hindi kayo gumagawa ng kahit anong paraan upang tulungan silang sundin ang inyong mga alituntunin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 11:47-48
subalit
Binibigyang pansin nito ang pagkakasalungat sa pagpaparangal nila sa mga propeta at sa hindi nila pagpansin sa katotohanan na ang kanilang mga ninuno ang pumatay sa mga propeta.
Kaya kayo ay mga saksi at nagpahintulot
Sinasaway ni Jesus ang mga Pariseo at mga guro ng kautusan. Alam nila ang tungkol sa pagpatay sa mga propeta ngunit hindi nila hinusgahan ang kanilang mga ninuno sa pagpatay sa kanila. Maaaring isalin na: "Kaya,sa halip na tuligsain sila, kayo ang mga saksi at sumang-ayon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 11:49-51
Sa kadahilanang ito
Tinutukoy nito ang kasunod na pahayag. Magpapadala ang Diyos ng mas maraming propeta upang ipakita na papatayin sila ng kasalukuyang salinlahi, tulad ng ginawa ng kanilang mga ama.
sinabi ng karunungan ng Diyos
Maaaring isalin na: "Sa kaniyang karunungan, sinabi ng Diyos" o "Matalinong sinabi ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
Ako ay magpapadala sa kanila ng mga propeta at mga apostol
"Ako ay magpapadala ng mga propeta at mga apostol sa aking bayan"
uusigin nila at papatayin ang iba sa kanila
"uusigin at papatayin ng aking bayan ang ibang mga propeta at mga apostol"
Kung gayon, ang salinlahi na ito ang may pananagutan sa lahat ng dugo ng mga propeta na dumanak
Ang dugo na dumanak ay tumutukoy sa pagpatay sa mga propeta. Maaaaring isalin na: "Kung kaya, gagawin ng Diyos na ang salinlahi na ito ang may pananagutan sa lahat ng pagkamatay ng mga propeta na pinatay ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Zacarias
Ito marahil ang pari sa Lumang Tipan na sumaway sa mga taga-Israel sa pagsamba sa diyos-diyosan. Ito ay hindi ama ni Juan na nagbabautismo
na pinatay
Maaaring isalin na: "na pinatay ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 11:52
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagtugon sa mga Judiong guro.
kinuha ninyo ang susi ng kaalaman...hinahadlangan ang mga pumapasok
Sinasabi ni Jesus na ang katotohanan ng Diyos ay parang nasa loob ng isang bahay na ayaw pasukin ng mga guro at hindi rin pinapayagan ang iba na pumasok. Ang kahulugan nito ay hindi tunay na kilala ng mga guro ang Diyos at pinipigilan din nila ang iba para makilala ang Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang susi
Kinakatawan nito ang ginagamit na pambukas, sa isang bahay o kuwartong imbakan.
kayo mismo ay hindi pumapasok
"kayo mismo ay hindi pumapasok upang kunin ang kaalaman"
Luke 11:53-54
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang wakas ng isang bahagi ng kuwento kung saan kumain si Jesus sa bahay ng Pariseo. Ang mga bersikulo na ito ay nagsasabi sa mga mambabasa kung ano ang mangyayari pagkatapos magwakas ang pangunahing bahagi ng kuwento.
Pagkatapos umalis ni Jesus doon
"Pagkatapos umalis ni Jesus sa bahay ng Pariseo"
sinusubukan siyang hulihin sa kaniyang mga salita
Ang kahulugan nito, gusto nila na magsabi si Jesus ng mali upang sa ganon ay maparatangan nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 12
Luke 12:1
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang susunod na bahagi ng kuwento. Si Jesus ay nagsimulang magturo sa kaniyang mga alagad sa harap ng libu-libong tao.
Samantala
"Habang ginagawa nila iyon"
nang ang libu-libong mga tao...bawat isa ay nagkakatapak-tapakan
Ito ay karagdagang impormasyon na nagsasabi kung saan ang tagpo ng kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
libu-libong mga tao
"napakaraming tao"
bawat isa ay nagkakatapak-tapakan
Ito ay isang pagmamalabis upang ipahayag kung ilan ang bilang ng mga taong naroroon." Maaaring isalin na: "Nagkakatapak-tapakan ang bawat isa."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
sinimulan muna niyang sabihin sa kaniyang mga alagad
"Si Jesus ay nagsimulang magsalita sa kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila"
Mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo, na ang pagkukunwari
Tulad ng isang pampaalsa na naikalat sa isang buong namasang tinapay, ang kanilang pagkukunwari ay naikalat din sa buong komunidad. Maaaring isalin na: "Bantayan ang inyong mga sarili laban sa pagkukunwari ng mga Pariseo, na katulad ng pampaalsa" o "Mag-ingat na kayo ay hindi maging mapagkunwari na gaya ng mga Pariseo. Ang kanilang masamang pag-uugali ay nakaka-hikayat sa lahat tulad ng isang pampaalsa na nakakaepekto sa isang buong namasang tinapay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 12:2-3
Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat
"Ngunit lahat ng bagay na nakatago ay maihahayag." Ang salitang "ngunit" ay isang nag-uugnay na salita. Maaaring isalin na: "Ngunit matutuklasan ng mga tao ang lahat ng bagay na palihim na ginagawa ng mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-connectingwords/01.md]])
at walang lihim ang hindi malalaman
Ang kahulugan nito ay gaya din ng naunang bahagi ng pangungusap upang mabigyang-diin ang katotohanan nito. Maaaring isalin na: "at mababatid ng mga tao kung ano ang nais itago ng iba."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
maririnig sa liwanag
Maaaring isalin na: "ang mga tao ay makakarinig sa liwanag" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ibinulong
Maaaring isalin na: "bumulong sa ibang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
sa pinakaloob ng mga silid
"sa isang saradong silid." Maaaring isalin na: "sa pag-iisa" o "palihim"
ay maihahayag
"ay maisisigaw ng malakas." Maaaring isalin na: "ipapahayag ng mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ibabaw ng mga bubong
Ang mga bahay sa Israel ay may patag na bubong, kaya ang mga tao ay nakakaakyat at nakakatayo sa mga ito. Kung ang mga mambabasa ay naguguluhan sa pag-iisip kung paano nakakaakyat ang mga tao sa taas ng kanilang bahay, ito ay maaari din namang isalin sa mas karaniwang pagpapahayag, tulad ng "mula sa isang mataas na lugar kung saan ang lahat ay maaaring makarinig."
Luke 12:4-5
Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan
Inilihis ni Jesus ang kaniyang mga taga-pakinig bilang tanda ng pagbabago ng kaniyang pagsasalita patungo sa isang bagong paksa, sa pangyayaring ito, siya ay nagsalita tungkol sa hindi pagkatakot.
wala na silang higit na kaya pa nilang gawin
"hindi na sila makakapagdulot ng anumang pinsala" o "hindi na nila kayo masasaktan pang muli"
Matakot sa kaniya na,
Maaaring isalin na: "Matakot sa Diyos na" o "Matakot sa Diyos, dahil"
pagkatapos niyang pumatay
"matapos ka niyang patayin" o "matapos siyang makapatay ng isang tao"
may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno
Maaaring isalin na: "may kapangyarihan upang itapon ang mga tao sa impiyerno"
Luke 12:6-7
Hindi ba't ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya?
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang turuan ang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
mga maya
mga maliliit na ibong kumakain ng buto
wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos
"Ang Diyos ay hindi nakakalimot kahit isa sa kanila" (UDB) o Maaaring isalin na: "Sa katunayan, naaalala ng Diyos ang bawat maya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
kahit na ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat
Maaaring isalin na: "Alam ng Diyos kung gaano karami ang buhok na nasa inyong ulo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Huwag matakot
"Huwag matakot sa mga tao" o "Kaya huwag matakot sa mga taong maaaring makasakit sayo"
Higit kayong mas mahalaga kaysa sa mga maya
"Mas higit kayong pinahahalagahan ng Diyos kaysa sa mga maya"
Luke 12:8-10
Sinasabi ko sa inyo
Muling inilihis ni Jesus ang kaniyang mga taga-pakinig na nagpapahiwatig na kaniyang binago ang pananalita para sa isang bagong paksa, sa pangyayaring ito, siya ay nagsalita tungkol sa pagtatapat ng kasalanan.
ang lahat na kumilala sa akin sa harap ng mga tao
Maaaring isalin na: "sinumang magsasabi sa mga ibang tao na siya ay aking alagad" o "ang sinumang kumikilala sa akin sa harap ng iba na siya ay tapat sa akin"
ang Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "Ako, na Anak ng Tao."
ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao
"sinuman ang ikaila ako sa harap ng mga tao". Maaaring isalin na: "ang sinumang tumangging kilalanin ako sa harap ng mga tao na siya ay aking alagad" o "kung sinuman ang tumangging magsabi na siya ay tapat sa akin."
ikakaila
Maaaring isalin na: "Itatanggi siya ng Anak ng Tao" o "Aking itatanggi na siya ay aking alagad." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao
Maaaring isalin na: "Lahat ng magsasalita ng masamang bagay tungkol sa Anak ng Tao" (Tingnan sa : [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ito ay patatawarin
"siya ay mapapatawad". Maaaring isalin na: "Patatawarin siya ng Diyos sa bagay na iyon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
lumapastangan sa Banal na Espiritu
Maaaring isalin na: "magsasalita ng masama laban sa Banal na Espiritu" o "magsasabi na ang Banal na Espiritu ay masama"
ay hindi mapapatawad
Maaaring isalin na: "Ituturing siya ng Diyos na may kasalanan magpakailanman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
Luke 12:11-12
sa harap ng mga sinagoga
"sa sinagoga upang kayo ay tanungin sa harap ng mga relihiyosong pinuno" (UDB)
mga may kapangyarihan
"ang ibang mga taong may kapangyarihan sa bansa" (UDB)
sa oras na iyon
"sa sandaling iyon" o "pagkatapos
Luke 12:13-15
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay pansamantalang pagtigil ni Jesus sa kaniyang mga pagtuturo. Isang lalaki ang humiling kay Jesus na gawin ang isang bagay at si Jesus ay tumugon sa kaniya.
Ginoo
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) ito ay isang simpleng paraan upang tawagin ang isang taong hindi kilala o 2) Sinaway ni Jesus ang lalaki. Ang inyong wika ay maaaring may ibang paraan upang tawagin ang mga tao sa kahit na ano sa ganitong paraan. Ang ibang mga tao ay hindi sinasalin ang salitang ito.
sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang turuan ang lalaki. Maaaring isalin na: "Hindi ako ang inyong hukom o tagapamagitan." Ang ibang wika ay ginagamit sa maramihang paraan ang salitang "ikaw" o "iyong". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
At sinabi niya sa kanila
Ang salitang "kanila" dito ay marahil tumutukoy sa buong grupo ng mga tao. Maaaring isalin na: At sinabi ni Jesus sa mga tao.
Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa
"bantayan ang inyong mga sarili mula sa anumang paraan ng kasakiman." Maaaring isalin na: "huwag ninyong pahintulutan ang inyong mga sarili na mahalin ang mga bagay" o "huwag ninyong hayaang himukin kayo na magkaroon ng maraming bagay upang ito ang mamahala sa inyo."
ang buhay ng isang tao
Ito ay isang pangkalahatang pagpapahayag ng katotohanan. Ito ay hindi tumutukoy sa isang natatanging tao. Ang ibang wika ay may ibang paraan upang ito ay ipahayag.
sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian
"kung ilan ang mga bagay na kaniyang pag-mamay-ari" (UDB) o "kung gaano karami ang kayamanang mayroon siya"
Luke 12:16-19
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang pangangaral sa pamamagitan ng isang talinghaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus
Si Jesus ay marahil patuloy pang nakikipag-usap sa buong grupo ng tao.
umani ng masagana
"dumami ang ani"
mga kamalig
Mga gusali kung saan itinatago ng mga magsasaka ang mga pananim at pagkain na kanilang inalagaan matapos itong anihin.
mga ari-arian
"mga pag-aari"
sasabihin ko sa aking kaluluwa
"Sasabihin ko sa aking sarili" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Luke 12:20-21
Nag-uugnay na Pahayag:
Binanggit ni Jesus kung paano tumugon ang Diyos sa mayamang lalaki, habang tinatapos niyang sabihin ang kaniyang talinghaga.
ang iyong buhay ay kukunin ngayong gabi
Maaaring isalin na: "ikaw ay mamamatay ngayong gabi" o "kukunin ko ang iyong buhay ngayong gabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito?
"sino ang magmamay-ari sa mga itinago mo?" o "sino ang tatanggap sa iyong inihanda?" Gumamit ang Diyos ng isang tanong upang mapagtanto ng lalaki na hindi niya pagmamay-ari ang mga bagay na iyon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
nag-iipon ng kayamanan
"mag-ipon ng mga mahahalagang bagay"
hindi mayaman
"mahirap"
para sa Diyos
Ang ibig sabihin nito ay ang taong ito ay walang pagpapahalaga sa mga bagay na mahahalaga para sa Diyos, o na ang Diyos ay gagantimpalaan siya. Maaaring isalin na: "sa pananaw ng Diyos" o "na may kinalaman sa Diyos."
Luke 12:22-23
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus ay patuloy na nangangaral sa kaniyang mga alagad sa harap ng mga tao.
Kaya
"Sa kadahilanang iyon" o "Dahil sa kung anong itinuturo ng kuwentong ito"
sinasabi ko sa inyo
"May mahalagang bagay akong gustong sabihin sa inyo" o "kailangan ninyong makinig ng mabuti dito"
tungkol sa inyong buhay—kung ano ang inyong kakainin
Maaaring isalin na: "tungkol sa inyong buhay at kung ano ang inyong kakainin" o "tungkol sa pagkakaroon ng sapat na pagkain upang mabuhay"
tungkol sa inyong katawan—kung ano ang inyong susuotin
Maaaring isalin na: "tungkol sa inyong katawan at kung ano ang inyong susuotin" o "tungkol sa pagkakaroon ng sapat na damit upang isuot sa inyong katawan"
Luke 12:24-26
mga uwak
Ito ay tumutukoy alinman sa dalawa 1) ang mga uwak ay isang uri ng ibon na kumakain kadalasan ng butil, o 2) ang mga uwak ay isang uri ng ibon na kumakain ng laman ng mga patay na hayop. Ang mga taga-pakinig ni Jesus ay itinuturing ang uwak ay walang halaga sapagkat ang mga Judio ay hindi kumakain ng mga ganitong uri ng mga ibon.
Gaano na lamang kayo kahalaga kaysa sa mga ibon!
Ito ay isang padamdam at hindi isang katanungan. Binibigyang-diin ni Jesus ang katotohanan na ang Diyos ay higit na pinahahalagahan ang mga tao kaysa sa mga ibon. (Tingnan ang bahagi ng Uri ng Pangungusap sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]].)
At sino sa inyo...haba ng kaniayng buhay?
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang turuan ang kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
makakadagdag ng kahit isang kubit ng kaniyang haba ng kaniyang buhay
Ito ay isang talinghaga dahil ang kubit ay isang panukat sa haba kaysa sa oras. Ang inilalarawan ay ang buhay ng tao na nakaunat na parang tabla, lubid, o anumang ibang materyal na bagay.
Na kahit sa pinakamaliit na bagay ay hindi niyo kayang gawin...sa ibang bagay?
Si Jesus ay muling gumamit ng isang tanong upang turuan ang kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 12:27-28
mga liryo
Ang mga liryo ay magagandang bulaklak na lumalaki sa mga parang. Kung ang inyong wika ay walang katawagan para sa salitang liryo, maaari ninyong gamitin ang ibang pangalan na tulad ng halamang iyon o isalin bilang "mga bulaklak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
o ni nagsusulid man lang
"ni kahit gumawa ng hibla upang makagawa ng tela" o "at sila ay hindi gumagawa ng sinulid"
si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwhalhatian
"Si Solomon na may malaking kayamanan" o "Si Solomon na nagsusuot ng magagandang kasuotan"
Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid
"Kung ang Diyos dinamitan ang mga damo sa parang na tulad niyon" o "Kung ang Diyos binigyan ang mga damo sa parang ng napakagandang kasuotan." Maaaring isalin na: "Kung ang damo sa parang ay ginawa ng Diyos na napakaganda na tulad nito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
itatapon sa pugon
Maaaring isalin na: "May isang tao ang magtatapon nito sa apoy" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
gaano pa kaya na kayo ay kaniyang dadamitan
Ito ay isang padamdam hindi isang katanungan. Binibigyang-diin ni Jesus na tiyak niyang aalagaan ang mga tao ng mas mabuti kaysa sa ginagawa niya sa damo. (Tingnan ang bahagi ng mga Uri ng Pangungusap sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]].) [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]].)
Luke 12:29-30
Huwag hanapin kung ano ang inyong kakainin, at kung ano ang inyong iinumin
"Huwag pagtuunan ng pansin kung ano ang inyong kakainin at iinumin" o "Huwag labis na naisin pa upang kumain at uminom.
lahat ng mga bansa sa mundo
Dito ay ginamit ang salitang "bansa" na tumutukoy sa mga taong "hindi sumasampalataya." Maaaring isalin na: "lahat ng tao sa ibang mga bansa" o "lahat ng mga tao sa mundo na hindi sumsampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang inyong Ama ay alam na kailangan ninyo ang mga bagay na ito
Ang Ama ni Jesus, ang Diyos Ama ay magiging Ama din ng sinumang naniniwala kay Jesus.
Ama
Ito ay isang mahalagang katawagan para sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Luke 12:31-32
hanapin ang kaniyang kaharian
"Pagtuunan ang kaharian ng Diyos" o "labis na naisin ang kaharian ng Diyos"
ang lahat ng bagay na ito ay maidadagdag sa inyo
"ang mga bagay na ito ay maibibigay din sa inyo." "Ang mga bagay na ito" ay tumutukoy sa pagkain at kasuotan. Maaaring isalin na: "Ibibigay ng Diyos ang mga bagay na ito sa inyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
maliit na kawan
Tinatawag ni Jesus ang kaniyang mga alagad na kawan. Ang kawan ay mga grupo ng tupa o kambing na inaalagaan ng mga taga pastol. Bilang isang pastol na mapag-alaga sa kaniyang mga tupa, ang Diyos ang mag-iingat sa mga alagad ni Jesus. Maaaring isalin na "maliit na grupo" o "natatanging grupo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 12:33-34
at ibigay ito sa mahihirap
Maaaring isalin na: "at ibigay mo sa mga taong mahihirap ang salaping iyong naipon mula sa mga benta" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka...kayamanan sa kalangitan
Ang mga pitaka at kayamanan sa kalangitan ay magkatulad. Sila ay parehas na kumakatawan bilang biyaya ng Diyos sa langit. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Gumawa kayo ng inyong mga sariling
Maaaring isalin na: "Sa ganitong paraan kayo ay gagawa para sa inyong mga sarili"
pitaka na hindi nasisira
"lalagyan ng salapi na hindi mabubutas"
hindi nawawala
"na hindi nababawasan" o "na hindi makukulangan"
ang inyong puso
Dito ay ginamit ang salitang "puso" na tumutukoy sa mga pananaw ng isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 12:35-36
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay nagsimulang magsabi ng isang talinghaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Isuksok ang inyong mahabang damit sa inyong sinturon
Ang mga tao ay nagsusuot ng mga mahahabang damit. Ito ay kanilang isunusukbit sa kanilang sinturon upang ang kanilang damit ay hindi nakakasagabal habang sila ay gumagawa. Maaaring isalin na: "Isukbit ang inyong damit sa inyong sinturon upang kayo ay handang magsilbi" o "Magbihis at handang maglingkod." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hayaang ang inyong mga lampara ay manatiling nag-aapoy
Maaaring isalin na: "panatilihing nag-aapoy ang inyong mga lampara" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tularan ang mga taong hinihintay ang kanilang amo
Inihahambing nito na ang mga alagad na laging handa sa pagdating ni Jesus ay katulad ng mga lingkod na nakahanda sa pagdating ng kanilang amo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
pagbabalik mula sa kasalan
"pagbalik sa bahay galing sa isang hadaan ng kasalan"
Luke 12:37-38
Pinagpala ang mga
"Kay buti para sa"
na sa pagbalik ng kanilang amo, sila ay makikitang nagbabantay
"na ang kanilang amo ay madadatnan na sila ay naghihintay sa kaniyang pagbabalik" o "na sila ay nakahanda sa pagbabalik ng kanilang amo"
isusuksok niya...pauupuin sila
Dahil ang mga lingkod ay naging tapat at handa para magsilbi sa kanilang amo, ang amo ngayon ay gagantimpalaan sila sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanila.
isusuksok niya ang mahaba niyang damit sa kaniyang sinturon
Maaaring isalin na: "siya ay maghahanda upang sila ay pagsilbihan sa pamamagitan ng pagsuksok niya ng kaniyang damit sa kaniyang sinturon" o "siya ay magbibihis upang magsilbi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa pangalawang pagbantay sa gabi
Ang pangalawang pagbantay ay sa pagitan ng 9:00 ng gabi at hatinggabi. Maaaring isalin na: "kalaliman ng gabi" o "bago mag hatinggabi."
o kahit sa pangatlong pagbantay
Ang pangatlong pagbantay ay mula hatinggabi hanggang 3:00 ng umaga. Maaaring isalin na: "o kahit na dumating pa siya sa kalaliman ng gabi."
Luke 12:39-40
hindi niya hahayaang mapasok ang kaniyang tahanan
Maaaring isalin na: "hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kaniyang tahanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
dahil hindi niyo alam ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao
Ang pagkakatulad lamang ng magnanakaw at ang Anak ng Tao ay hindi alam ng mga tao kung kailan darating ang kahit sino sa kanila, kaya sila ay dapat nakahanda.
ng pagdating ng Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang tungkol sa kaniyang sarili. Maaaring isalin na: "kapag Ako, na Anak ng Tao ay darating."
Luke 12:41-44
Nag-uugnay na Pahayag:
Sa bersikulo 42, si Jesus ay patuloy na nagsasabi ng talinghaga.
Pangkalahatang Impormasyon:
Sa bersikulo 42, may pagkaantala sa pagsalaysay ng kuwento nang si Pedro ay nagtanong tungkol sa talinghaga.
Sino ngayon ang... tamang panahon
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang turuan ang mga tao. Hindi sinagot ng tuwiran ni Jesus ang tanong ni Pedro, ngunit inaasahan na maiintindihan ng mga namamahalang gustong maging tapat na ang talinghagang ito ay para sa kanila. Maaaring isalin na: "Sinabi ko ito para sa kanila na...tamang panahon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang tapat at matalinong tagapamahala
Si Jesus ay muling nagsalaysay ng isa pang talinghaga tungkol sa kung paanong maging tapat ang mga lingkod habang sila ay naghihintay sa pagbabalik ng kanilang amo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang alipin
"na ilalagay ng kaniyang panginoon upang pamahalaan ang iba pang mga lingkod" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Pinagpala ang lingkod na iyon
"Kay buti para sa lingkod na iyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
na makita ng kaniyang panginoon na gumagawa nito sa kaniyang pagdating
Maaaring isalin na: "kung ang kaniyang panginoon ay madatnan siya na gumagawa ng gawaing iyon sa kaniyang pagbabalik" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Luke 12:45-46
ng lingkod na iyon
Ito ay tumutukoy sa lingkod na itinalaga ng kaniyang panginoon upang pamahalaan ang iba pang mga alipin.
sinasabi sa kaniyang puso
Maaaring isalin na: "iniisip mismo sa kaniyang sarili" [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ang aking panginoon ay matatagalan pa sa kaniyang pagbabalik
Maaaring isalin na: "Ang aking panginoon ay hindi agad babalik"
lalaki at babaeng mga alipin
Ang mga salitang isinalin dito bilang "lalaki o babaeng alipin" ay karaniwang naisalin bilang "mga lalaki" at "mga babae". Ang mga ito ay nagpapahiwatig na ang mga alipin ay mga bata pa o sila ay natatangi sa kanilang amo.
sa araw na hindi niya inaasahan
"Hindi inaasahan ng lingkod"
ilalagay sa lugar kasama ang mga hindi tapat
Ang mga maaaring kahulugan ng mga ito ay 1) ito ay pagmamalabis na salita para sa pakikitungo ng amo sa malupit na kapurasahan para sa mga alipin, o 2) Ito ay tumutukoy sa pamamaraan kung saan ang mga lingod ay bibitayin bilang kaparusahan.
Luke 12:47-48
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagsasalaysay sa talinghaga.
ay mabubugbog nang madami
"ay matatamaan ng maraming beses" o "ay mapapalo ng maraming beses." Maaaring isalin na: "siya ay tatamaan ng kaniyang amo ng maraming beses" o "siya ay mahigpit na parurusahan ng kaniyang amo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang lahat na nabigyan ng marami, ay marami din ang hihingiin mula sa kaniya
Maaaring isalin na: "Sila ay mangangailangan pa sa sinumang nakatanggap ng marami" o "Ang amo ay mangangailangan ng higit sa sinumang kaniyang binigyan ng mas marami" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa sinuman na pinagkatiwalaan ng lubos
Maaaring isalin na: "sa sinuman na kanilang binigyan ng maraming ari-arian upang ito ay kanilang ingatan" o "sa sinuman na binigyan ng mas maraming pananagutan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa sinuman na pinagkatiwalaan...kanilang hihingiin
Ang salitang "sa sinuman" dito ay hindi tumutukoy sa isang tiyak na grupo ng mga tao. Maaaring isalin na: "Pinagkakatiwala ng amo...hihingiin ng amo. Kung inyong isasalin ang mga nakaraang pangungusap sa tiyak na kilos, isa-alang-alang na sumunod sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 12:49-50
Nag-uugnay na Pahayag:
Si Jesus ay nagpatuloy na nagturo sa kaniyang mga alagad.
Pumarito ako upang magbaba ng apoy sa mundo
"Pumarito ako para maghagis ng apoy sa mundo" o "Pumarito ako upang maglagay ng apoy sa mundo." Mga maaaring kahulugan 1) Si Jesus ay pumarito upang hatulan ang mga tao o 2) Si Jesus ay pumarito upang linisin ang mga nananampalataya o 3) Si Jesus ay pumarito upang maging dahilan sa pagkabaha-bahagi ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at ninanais ko na ito ay magningas
Ito ay isang padamdam na nagbibigay-diin kung gaano niya ito nais na mangyari. Maaring isalin na: "Lubos kong hinihiling na ito ay mangyayari na." (Tingnan ang bahagi ng mga Uri ng Pangungusap sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]].)
Ngunit mayroon akong bautismo na kailangang danasin
Ang ibig sabihin ng salitang "bautismo" dito ay tumutukoy sa hirap na kailangang danasin ni Jesus. Katulad ng isang taong sasakluban ng tubig sa panahong siya ay binabautismuhan, mapupuspos ng hirap si Jesus. Maaaring isalin na: "Ako ay kailangang mabautismuhan ng puspos na paghihirap" (UDB) o "Ako ay kailangang makaranas ng kahila-hilakbot na paghihirap na tulad ng isang taong nabautismuhan na nabalutan sa pamamagitan ng tubig." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]]))
Ngunit
Ang salitang "ngunit" ay ginamit upang ipakita na hindi siya makakapagpapababa ng apoy sa mundo hanggat hindi siya nakadanas ng kaniyang bautismo.
ako ay labis na namimighati hanggang sa ito ay matapos!
Ito ay padamdam na nagbibigay-diin kung gaano siya namimighati. Maaring isalin na: "Ako ay labis na namimighati hanggang sa aking danasing ganap ang bautismo ng paghihirap." (Tingnan ang bahagi ng mga Uri ng Pangungusap sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]])
Luke 12:51-53
Iniisip ba ninyo na ako ay naparito para sa kapayapaan ng mundo?
Si Jesus ay gumamit ng isang katanungan upang turuan ang kaniyang mga alagad. Umaasa ang mga tao na ang Mesiyas ang magdadala ng kapayapaan sa kanila mula sa kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: "Hindi niyo dapat isipin na ako ay magdadala ng kapayapaan sa mundo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sa halip ay pagkabaha-bahagi
"ngunit naparito ako upang magdala ng pagkabaha-bahagi" o "ang mga tao ay mahahati dahil ako ay pumarito"
pagkabaha-bahagi
"poot" o "alitan"
may lima sa isang tahanan na mahahati
Ito ay isang halimbawa ng uri ng pagkabaha-bahagi na mayroon sa mga pamilya.
may lima sa isang tahanan
Maaaring isalin na: "may limang tao sa isang tahanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Luke 12:54-56
Pangkalahatang Impormasyon:
Si Jesus ay nagsimulang magsalita mula sa napakaraming tao.
May ulan na paparating
"Ang ulan ay paparating" o "uulan" (UDB)
ang mundo at kalangitan
"ang mundo at ang langit" o "ang klima"
paanong hindi ninyo alam na bigyang-pakahulugan ang kasalukuyang panahon?
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang sawayin ang mga grupo ng tao. Maaaring isalin na: "Dapat ninyong malaman kung paano bigyang-pakahulugan ang kasalukuyang panahon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 12:57-59
Bakit hindi ninyo hatulan kung ano ang nararapat para sa inyong mga sarili?
Si Jesus ay gumamit ng isang tanong upang suwayin ang mga grupo ng tao. Siya ay nagumpisang magsalaysay ng isang talinghaga tungkol sa kung ano ang tamang gawin bago huli ang lahat. Maaaring isalin na: "Mismo sa inyong sarili ay dapat ninyong malaman kung ano ang tama." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
para sa inyong mga sarili
"sa sarili ninyong pagkukusa" o "habang may panahon pa kayo upang gawin ito" (UDB)
Sapagkat kung kayo ay pupunta
Bagaman si Jesus ay nakikipag-usap sa grupo ng tao, ang kalagayan na kaniyang ipinapahiwatig ay isang bagay na dapat gawin ng isang tao sa kaniyang pag-iisa. Kaya sa ibang mga wika ang salitang "kayo" ay maaaring pang-isahan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
makipag-ayos sa bagay na iyon kasama niya
"ayusin ang bagay kasama ang inyong kaaway"
ang hukom
Ito ay tumutukoy sa hukom, ngunit ang ginamit na salita rito ay mas tiyak at nagbibigay babala.
hindi kayo dalhin
"na ikaw ay hindi iabot"
Luke 13
Luke 13:1-3
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy sa pagsasalita si Jesus sa harapan ng mga tao. Ito ay tulad sa bahagi ng kwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/12/01.md]].
Pangkalahatang impormasyon:
Sa mga bersikulong ito, may ilan sa mga tao ang nagtanong kay Jesus at nag-umpisa siyang sumagot.
Nang panahong iyon
Ito ay parirala na nag-uugnay sa pangyayari sa huling kabanata 12 noong nagtuturo si Jesus sa maraming tao.
na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa kanilang mga sariling alay
Dito ang "dugo" ay tumutukoy sa pagkamatay ng mga Galileo. Marahil ay inutos ni Pilato sa mga sundalo na patayin ang mga tao sa halip na siya ang gagawa nito. Maaaring isalin na: "patungkol sa mga pinatay ng mga sundalo ni Pilato habang naghahandog ng hain ang mga Galileo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan ang mga Galileo...sa ganitong paraan?
"Ang mga Galileo ba ay mas makasalanan...sa ganitong paraan?" o "Ito ba ay higit na makasalanan ang mga Galileo...sa ganitong paraan?" Gumagamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang mga tao. Maaaring isalin na : "Huwag ninyong isipin na mas makasalanan ang mga Galileo na ito...sa ganitong paraan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi, sinasabi ko sa inyo
Dito ang "Sinasabi ko sa inyo" ay nagbibigay diin na "Hindi." Maaaring isalin na: "Tiyak na hindi sila higit na makasalanan" o "Mali kayo sa mga iniisip ninyo na ang paghihirap nila ang nagpapatunay na sila ay higit na makasalanan."
mamamatay kayong lahat sa parehong paraan
"mamamatay din kayong lahat." Ang parirala "sa parehong paraan" ay nangangahulugan na sila ay makakaranas ng parehong kahihinatnan, at hindi sa sila mamamatay sa parehong kaparaanan.
mamamatay
"masasayang ang iyong buhay" o "mamamatay"
Luke 13:4-5
O iyong
Ito ay ang pangalawang halimbawa ni Jesus sa mga taong naghirap. Maaaring isalin na: "O isaalang-alang iyong laning walo" o "Isipin ang tungkol sa labing walo."
labing-walong tao
"18 na tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Siloam
Ito ang pangalan ng isang lugar sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
sa tingin ba ninyo ay mas makasalanan sila
"sila ba ay higit na makasalanan" o "Ito ba ay nagpapatunay na higit na makasalanan sila?" Gumagamit si Jesus ng isang katanungan upang turuan ang mga tao. Maaaring isalin na: "huwag ninyong isipin na sila ay higit na makasalanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ibang tao
"ibang mga tao"
Hindi, sinasabi ko
Dito sa "Sinasabi ko" ay nagbibigay diin na "Hindi." Maaaring isalin na: "Tiyak na hindi sila higit na makasalanan" o "Mali ang inyong iniisip na ang paghihirap nila ang nagpapatunay na sila ay higit na makasalanan."
mamamatay
"masasayang ang buhay" o "mamamatay"
Luke 13:6-7
Pangkalahatang impormasyon:
Nagsimulang magsabi ng talinghaga si Jesus upang ipaliwanag ang kaniyang huling pahayag, "Ngunit kung hindi kayo magsisisi, lahat kayo'y mamamatay din." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
May isang tao na may tanim ng puno ng igos
Maaaring isalin na: "Ang isang tao ay nagtanim ng puno ng igos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tatlong taon
"3 taon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Bakit ito hahayaan na sayangin ang lupa?
Ang lalaki ay gumamit ng katanungan upang bigyang-diin na ang puno ay walang halaga at dapat na itong putulin ng hardinero. Maaaring isalin na: "Huwag itong hayaan na sayangin ang lupa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 13:8-9
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagsasabi ng kaniyang talinghaga. Ito ang wakas ng bahagi ng kwento na naumpisahan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/12/01.md]].
Pabayaan mo muna ito
Maaaring isalin na: Huwag kang gumawa ng anumang bagay sa puno" o "Huwag mo itong putulin"
at malagyan ito ng pataba
"at malagyan ng pataba ang lupa." Ang pataba ay dumi ng hayop. Inilalagay ito ng mga tao sa lupa upang mapabuti para sa ikalalago ng mga halaman at mga puno.
putulin mo ito
Ang lingkod ay gumagawa ng mungkahi; hindi siya nagbibigay utos sa may-ari. Maaaring isalin na: "Hayaan mong ako ang pumutol dito" o "Sabihin mo sa akin kung puputulin na ito"
Luke 13:10-11
Pangkalahatang impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kwento. Itong mga bersikulo ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pinangyarihan ng bahagi ng kwento at patungkol sa lumpong babae na siyang ipinakilala sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Ngayon
Ang salitang ito ay tanda ng bagong bahagi ng kwento.
nang Araw ng Pamamahinga
"sa Araw ng Pamamahinga." Sa ibang pananalita ay sinasabing "sa isang Araw ng Pamamahinga" dahil sa hindi natin alam kung anong tiyak na Araw ng Pamamahinga ito.
Biglang, isang babae ang naroon
Ang salitang "Biglang" dito ang nagbibigay hudyat sa atin ng bagong tauhan sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
labing-walong taon
"18 taon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
may espiritu ng panghihina
"isang masamang espiritu na nagdudulot sa kaniya ng panghihina"
Luke 13:12-14
napalaya ka na sa iyong kahinaan
"Gumaling ka na mula sa iyong sakit." Sa pagkasabi nito, binibigyang katuparan ito ni Jesus na mangyari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]])
Ipinatong niya ang mga kamay sa kaniya
"Hinawakan niya ang babae"
kaagad siyang naka-unat
Maaaring isalin na: "siya ay tumayo ng matuwid" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ngunit nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus
Maaaring isalin na: "ay nagalit dahil sa nagpagaling si Jesus"
sumagot at sinabi
"sinabi" o "tumugon"
Magsiparito kayo at mapagaling
Maaaring isalin na: "Magsiparito kayo at hayaang may magpagaling sa inyo sa loob ng anim na araw na iyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 13:15-16
Sinagot siya ng Panginoon
"Tumugon ang Panginoon sa pinuno ng sinagoga"
Hindi ba kinakalag ng bawat isa sa ninyo ang tali ng inyong asno...Araw ng Pamamahinga?
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang makapag-isip sila tungkol sa isang bagay na alam na nila. Maaaring isalin na: "Kinakalagan ninyo ang inyong asno...Araw ng Pamamahinga." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
asno at baka
Ang mga hayop na ito ang inaalagaan ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng tubig sa mga ito.
anak ni Abraham
Maaaring isalin na: "kaapu-apuhan ni Abraham"
iginapos ni Satanas
Maaaring isalin na: "pinapanatili ni Satanas na lumpo" o "na ginagapos ni Satanas sa ganitong karamdaman" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
labing-walong taon
"18 mahabang mga taon." Ang salitang "mahaba" dito ay nagbibigay diin na ang labing-walong taon ay napaka-habang panahon na paghihirap ng babae. Sa ibang mga wika may ibang mga paraan ng pagbibigay diin dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
hindi ba dapat kalagan ang kaniyang pagkagapos...sa araw na ito?
Gumagamit si Jesus ng tanong upang turuan ang mga pinuno ng sinagoga. Nagsalita si Jesus patungkol sa karamdaman ng babae na ito ay parang tali na nakagapos sa kaniya. Maaaring isalin na: "karapat-dapat na kalagan siya mula kay Satanas...sa araw na ito" o "karapat-dapat na pakawalan siya sa pagkakagapos sa karamdamang ito...sa araw na ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 13:17
Nang sinabi niya ang mga bagay na ito
"Nang sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito"
maluwalhating mga bagay na kaniyang ginawa
"ang maluwalhating mga bagay na ginagawa ni Jesus"
Luke 13:18-19
Nag-uugnay na pahayag:
Nagsimulang magsabi si Jesus ng talinghaga sa mga tao sa sinagoga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang pasimulan kung ano ang kaniyang ituturo. Maaaring isalin na: "Sasabihin ko sa inyo kung ano ang katulad ng kaharian ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ano ang aking maihahambing rito
Ito ay tulad sa nakaraang katanungan. Ginamit ito ni Jesus upang pasimulan kung ano ang kaniyang sasabihin. Ang ibang mga wika ay maaaring gumamit kahit ano sa mga ito, at ang iba ay gumagamit lamang ng isa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Ito ay maitutulad sa isang butil ng mustasa
Ang mga butil ng mustasa ay napakaliit na butil na tumutubo at nagiging malaking mga halaman. Kung ito ay hindi kilala, ito ay maaaring isalin sa pangalan ng ibang butil na kapareho nito o karaniwang tinatawag na "maliit na butil." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
at inihagis sa kaniyang halamanan
"at itinanim sa kaniyang hardin." Nagtatanim ang mga tao ng ilang uri ng butil sa pamamagitan ng pagtatapon sa mga ito upang maikalat sa hardin.
isang malaking puno
Ito ay pagmamalabis sa katotohanan upang magkaroon ng punto. Maaaring isalin na: "isang malaking palumpong." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
mga ibon sa langit
"mga ibon sa himpapawid." Maaaring isalin na: "mga ibon na lumilipad sa kalangitan" o "mga ibon."
Luke 13:20-21
Nag-uugnay na pahayag:
Natapos sa pagsasalita si Jesus sa sinagoga. Ito ang huling bahagi ng kwento.
Saan ko maihahambing ang kaharian ng Diyos?
Ginamit ni Jesus ang isa pang katanungan upang pasimulan kung ano ang kaniyang ituturo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ito ay tulad ng isang lebadura
Kakaunting sukat lamang ng lebadura ang kailangan upang mapaalsa ang maraming masa. Ito ay maaaring gawing malinaw gaya ng nasa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
tatlong takal na harina
Maaaring isalin na: "maraming tumbas na harina" o may tawag ang inyong kultura sa paggamit ng panukat ng maraming tumbas na harina
Luke 13:22-24
Pangkalahatang impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kwento. Tumugon si Jesus sa katanungan sa pamamagitan ng pagbanggit ng talinghaga patungkol sa pagpasok sa kaharian ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Binisita ni Jesus ang bawat baryo at bayan...at tinuruan sila
Ito ang karagdagang kaalaman na nagsasabi sa atin kung ano ang ginagawa ni Jesus nang maganap ang pangyayaring ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
kakaunti lamang ba na tao ang maliligtas
Maaaring isalin na: "kakaunting tao lamang ba ang ililigtas ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan
"Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan." Nagsasalita si Jesus patungkol sa kaharian ng Diyos na wari ito ay tulad ng isang bahay. Yamang si Jesus ay nakikipag-usap sa isang pangkat, ang "ninyo" ay nagpapahiwatig na itong utos ay sa pangmaramihan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
makipot na pintuan
Inilarawan ni Jesus ang pagpasok sa kaharian ng Diyos na tulad sa pagpasok sa makipot na pintuan. Ang katotohanan na ang pintuan ay makipot ay nagpapahiwatig na kakaunting tao lamang sa isang pagkakataon ang makakapasok sa pamamagitan nito. Isalin ito sa paraang mapapanatili ang mahigpit nitong kahulugan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 13:25-27
ang may-ari ng bahay
Ito ay tumutukoy sa Diyos. Maaaring isalin na: "Diyos"
kayo ay tatayo sa labas
Nagsasalita si Jesus sa maraming tao. Siya ay nagsasalita na parang hindi sila makakapasok sa pintuan ng kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
kakatok ng malakas sa pintuan
"hahampasin ang pintuan"
Lumayo kayo sa akin
"Umalis kayo sa aking harapan"
mga gumagawa ng masama
"mga tao na gumagawa ng masama"
Luke 13:28-30
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy sa pananalita si Jesus patungkol sa pagpasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang wakas ng pag-uusap na ito.
ngunit kayo—kayo nga ay ipapatapon sa labas
"ngunit kayo, ang mga sarili ninyo ay maitatapon sa labas." Maaaring isalin na: "ngunit kayo ay sapilitan na palalabasin ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sila ay manggagaling
"Ang mga tao ay darating"
ang mga nahuli ay mauuna
Ito ay patungkol sa karangalan at kahalagaan. Maaaring isalin na: "ang iba na hindi gaanong mahalaga ay magiging pinakamahalaga" o "ang ilan na kinahihiya ng mga tao, ay pararangalan ng Diyos."
Luke 13:31-33
Nag-uugnay na pahayag:
Nag-uugnay na pahayag: Ito ay ang sumunod na pangyayari sa bahaging ito ng kwento. Patuloy pa rin sa daan si Jesus patungong Jerusalem, nang may ilang mga Pariseo ang nangusap sa kaniya patungkol kay Herodes.
Hindi nagtagal
"Hindi nagtagal pagkatapos ni Jesus na magsalita"
Umalis kana dito dahil nais kang ipapatay ni Herodes
Isalin ito bilang isang babala kay Jesus. Sila ay nagbigay ng payo sa kaniya na pumunta sa ibang lugar at maging ligtas.
nais kang ipapatay ni Herodes
Ibig ni Herodes na iutos sa mga tao na patayin si Jesus. Maaaring isalin na: "Nais magpadala ni Herodes ng kaniyang mga tauhan upang ipapatay ka."
ang asong-gubat na iyon
Tinatawag ni Jesus na asong-gubat si Herodes. Ang asong-gubat ay isang mailap na maliit na aso. Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) Si Herodes ay hindi masyadong banta sa kaniya 2) Si Herodes ay mapanlinlang. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]).
ikatlong araw
(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
hindi katanggap-tanggap na patayin ang isang propeta sa labas ng Jerusalem
Ang mga pinuno ng mga Judio ay pumatay ng maraming propeta ng Diyos sa Jerusalem at alam ni Jesus na ipapapatay din siya ng mga ito sa lugar na iyon. Maaaring isalin na: "doon sa Jerusalem pinapatay ng mga pinuno ng Judio ang mga mensahero ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])
Luke 13:34-35
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagtugon sa mga Pariseo. Ito ang huling bahagi ng kwento.
Jerusalem, Jerusalem
Nagsasalita si Jesus na waring ang mga tao sa Jerusalem ay nakikinig sa kaniya. Sinabi ito ni Jesus ng dalawang beses upang ipakita na nalulungkot siya para sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])
na pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga naipadala sa iyo
Kung magiging kakaiba na tukuyin ang lungsod, maaari mo itong gawing malinaw na si Jesus ay talagang tumutugon sa mga tao na nasa-lungsod. "kayong mga tao na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga naipadala ng Diyos para sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tipunin ang iyong mga anak
"tipunin ang inyong mga tao" o "tipunin kayo"
tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak
Ito ay naglalarawan kung paano iniingatan ng inahing manok ang mga sisiw nito sa masasama sa pamamagitan ng kaniyang mga pakpak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
napabayaan ang iyong bahay
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) "Pinabayaan na kayo ng Diyos" o 2) "Ang lungsod ninyo ay wala ng saysay." Ito ay nangangahulugan na hininto na ng Diyos ang proteksyson sa mga tao ng Jerusalem, kaya maaari ng sumugod ang mga kalaban at sila ay puwersahing paalisin. Ito ay propesiya sa kung ano ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Maaaring isalin na: "mapapabayaan na ang inyong bahay" o "pababayaan na kayo ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
hindi mo ako makikita hanggang sasabihin mong
"hindi mo ako makikita hanggang dumating ang oras na sasabihin mong" o "sa susunod na makikita mo ako, sasabihin mong"
pangalan ng Panginoon
Dito ang "pangalan" ay tumutukoy sa lakas at kapangyarihan ng Panginoon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 14
Luke 14:1-3
Pangkalahatang impormasyon
Ito ang sumunod na bahagi ng kwento. Araw ng Pamamahinga noon at si Jesus ay nasa bahay ng isang Pariseo. Ang bersikulo 1 ay nagbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pinangyarihan ng kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
kumain ng tinapay
"para kumain" o "para sa pagkain." Ang tinapay ay isang mahalagang bahagi ng pagkain at ginamit ito sa pangungusap na tumutukoy sa pagkain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
na minamanmanan nila si Jesus
Gusto nilang makita kung kaya nilang paratangan siya na gumagawa ng anumang pagkakamali.
Masdan ito, doon sa kaniyang harapan ay may isang lalaking nagdurusa
Ang salitang "masdan" ay nagbibigay hudyat na may bagong tauhan sa kwento. Ang inyong wika ay maaaring may ibang kapamaraanan ng paggamit nito. Sa salitang Ingles, ginagamit ang "Ang nasa harapan niya ay isang lalaki."
nagdurusa dahil sa pamamanas
Ang edema ay pamamaga na dulot ng tubig na namumuo sa mga bahagi ng katawan. Ang ilang mga wika ay maaaring may katawagan sa ganitong kalagayan. Maaaring isalin na: "nagdurusa dahil ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay namamaga na may tubig."
Naaayon ba sa batas na magpagaling o hindi?
"Ang batas ba ay pinahihintulutan tayong magpagaling...hindi?"
Luke 14:4-6
Ngunit nanahimik sila
Ang mga pinuno ng relihiyon ay tumangging sumagot sa tanong ni Jesus.
Sinuman sa inyo ang may anak o baka...ang hindi mag-aahon sa kaniya
Gumagamit si Jesus ng isang katanungan dahil gusto niyang aminin nila na tutulungan nila ang kanilang mga anak o baka, kahit na sa Araw ng Pamamahinga. Kaya, may karapatan siyang magpagaling ng mga tao kahit na sa Araw ng Pamamahinga. Maaaring isalin na: "Kung isa sa inyo ang may anak o baka... siguradong agad ninyo siyang iaahon." (Tinganan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi sila nakapagbigay ng sagot sa mga bagay na ito
Alam nila ang sagot at tama si Jesus, ngunit ayaw nilang magsalita ng kahit na ano tungkol dito. Maaaring isalin na: "Wala silang masabi."
Luke 14:7-9
mga inanyayahan
Maaaring isalin na: "ang mga inanyayahan ng pinuno ng mga Pariseo sa hapunan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga upuang pandangal
"mga upuan para sa mga kagalang-galang na tao" o "mga upuan para sa mga mahahalagang tao"
kagalang-galang kaysa sa inyo
Maaaring isalin na: dahil baka mayroon pang naanyayahang tao na mas kagalang-galang kaysa sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Kapag kayo ay inanyayahan ninuman
Maaaring isalin na: "Kapag may nag-anyaya sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
at dahil sa kahihiyan
"At makakaramdam ka ng hiya at"
Luke 14:10-11
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita sa mga tao sa bahay ng Pariseo.
kapag ikaw ay inanyayahan
Maaaring isalin na: "kapag may nag-anyaya sa inyo sa isang hapunan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kababababaang dako,
"ang upuan na sadyang para sa mga hindi gaanong mahalagang tao"
lumipat ka sa mas mataas
"lumipat sa upuan na para sa mga mahahalagang tao"
At ikaw ay mapaparangalan
Maaaring isalin na: "At pararangalan kayo ng taong nag-anyaya sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
bawat nagmamataas
"sinusubukang maging mahalaga" o "ang kumukuha ng mahalagang katungkulan"
ay maibababa
"ay maipapakitang hindi mahalaga" o "ay mabibigyan ng hindi mahalagang katungkulan." Maaaring isalin na: "Ang Diyos ang magbababa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
siya na nagpapakababa
"ang pinipiling magpakababa" o "ang kumukuha ng hindi mahalagang katungkulan"
ay maitataas
"ay maipapakitang mahalaga" o "ay mabibigyan ng mahalagang katungkulan." Maaaring isalin na: "Ang Diyos ang magtataas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 14:12
sapagkat maaari ka din nilang anyayahan
"dahil maaari nilang"
at ikaw ay mababayaran
Maaaring isalin na: "at sa paraang ito ay mababayaran ka" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 14:13-14
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita sa Pariseo na nag-anyaya sa kaniya sa tahanan nito.
ikaw ay pagpapalain
Maaaring isalin na: pagpapalain ka ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
hindi ka nila mababayaran
Maaaring isalin na: "hindi ka nila maaanyayahan sa salu-salo bilang ganti"
ikaw ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matutuwid
Maaaring isalin na: "Babayaran ka ng Diyos kapag ibinalik niya ang buhay ng mga matutuwid na tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 14:15-17
Pangkalahatang Impormasyon:
Nakipag-usap ang isa sa mga tao sa mesa kay Jesus at sumagot si Jesus sa kaniya sa pamamagitan ng parabula. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Pinagpala siya
Ang lalaki ay hindi tumutukoy sa tiyak na tao. Maaaring isalin na: "Pinagpala ang sinumang" o "Napakabuti para sa lahat."
siya na kakain ng tinapay
Ang salitang "tinapay" ay ginamit upang tukuyin ang kabuuang pagkain. Maaaring isalin na: "siya na kakain sa hapunan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya
Nagsimulang magsabi si Jesus ng parabula. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Nang maihanda na ang hapunan
Maaaring isalin na: "Sa oras ng hapunan" o "Nang malapit nang magsimula ang hapunan"
sa mga naanyayahan
Maaaring isalin na: "mga inanyayahan niya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 14:18-20
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagsasabi ng kaniyang parabula.
Pangkalahatang Impormasyon:
Lahat ng mga taong inanyayahan ng utusan ay nagbigay sa kaniya ng dahilan kung bakit hindi sila makadadalo sa salu-salo.
pare-parehong nagsimulang magdahila
"nagsabi kung bakit hindi sila makadadalo sa hapunan"
Ipagpaumanhin mo ako
"Patawarin ninyo ako" o "Tanggapin ninyo ang aking paghingi ng tawad"
limang pares ng baka
Maaaring isalin na: "10 baka na magtatrabaho sa aking mga bukirin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Kakakasal
Gumamit kayo ng salitang likas sa inyong wika. Ilan sa mga wika ay sinasabing "kakakasal pa lang" o "nagpakasal."
Luke 14:21-22
nagalit
"nagalit siya sa mga taong inanyayahan niya"
sinabi sa kaniyang utusan
Maaaring kailanganing sabihin ng malinaw ang impormasyong ipinapahiwatig na ginawa ng utusan ang iniutos sa kaniya ng kaniyang panginoon. Maaaring isalin na: "Pagkatapos lumabas ng utusan at ginawa iyon, bumalik siya at sinabing." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang iyong iniutos ay nagawa na
Maaaring isalin na: "Nagawa ko na ang iyong iniutos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]]
Luke 14:23-24
Nag-uugnay na pahayag:
Tinatapos ni Jesus ang kaniyang parabula.
mga kalsada at sa mga bakuran
Tinutukoy nito ang mga lansangan at mga daan sa labas ng lungsod. Maaaring isalin na: "ang mga pangunahing lansangan at daan sa labas ng lungsod."
pilitin mo silang
"pilitin sila"
upang mapuno ang aking bahay
"upang mapuno ng mga tao ang aking bahay"
Sapagkat sinasabi ko sa iyo
Ang salitang "iyo" ay tumutukoy sa utusan.
mga taong
Ang salitang "tao" ay nangangahulugang "mga matatandang lalaki" at hindi lamang mga tao sa pangkalahatan.
mga taong naunang naanyayahan
Maaaring isalin na: "ang mag una kong inanyayahan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
makakatikim sa aking hapunan
"ay masisiyahan sa aking inihandang hapunan"
Luke 14:25-27
Pangkalahatang Impormasyon:
Sinimulan ni Jesus ang pagtuturo sa maraming tao na naglalakbay kasama niya.
Kung sinuman ang lumalapit sa akin at hindi namumuhi sa kaniyang sariling ama, ...siya ay hindi siya maaaring maging alagad ko
Dito, ang "namumuhi" ay isang pagmamalabis upang ipakita kung gaano kahalaga na ibigin si Jesus, higit pa sa kaninuman. Maaaring isalin na: "Kung sinuman ang lumalapit sa akin at hindi ako inibig ng higit kaysa sa kaniyang ama...hindi ko siya maaaring maging alagad" o "Maliban kung ang isang tao ay iniibig ako ng higit kaysa sa pag-ibig niya sa kaniyang sariling ama...maaari ko siyang maging alagad." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
oo, at pati ang kaniyang sariling buhay
"at maging ang kaniyang sariling buhay"
Sinumang hindi magbubuhat ng kaniyang sariling krus at sumunod sa akin ay hindi ko maaaring maging alagad.
Maaaring isalin na: "Kung sinuman ang nagnanais na maging alagad ko, kinakailangan niyang pasanin ang kaniyang sariling krus at sumunod sa akin"
magbubuhat ng kaniyang sariling krus
Ang mga Romano ay madalas na ipinapapasan sa isang tao ang kaniyang krus bago nila ito ipako. Hindi ibig sabihin ni Jesus na lahat ng Cristiyano ay kinakailangang maipako sa krus. Ang ibig niyang sabihin ay kinakailangang maging maluwag sa kanilang kalooban na magdusa sa kahit na anong paraan upang maging kaniyang alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 14:28-30
Sapagkat sino sa inyo, ang naghahangad na magtayo ng isang tore, ang hindi muna mauupo at bibilangin ang gastos upang kuwentahin kung nasa kaniya ang mga kailangan niya upang ito ay tapusin?
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang pag-isipan ng mga tao ang tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin sa isang tiyak na sitwasyon. Maaaring isalin na: "Kung ang isang tao ay nagnanais na magpatayo ng isang tore, tiyak na uupuan muna niya ito at aalamin kung mayroon ba siyang sapat na salapi upang tapusin ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
tore
Ito ay maaaring toreng bantayan sa ubasan. Maaaring isalin na: "isang matayog na gusali" o "isang mataas na bantayang gusali."
Kung hindi
"Kung hindi muna niya bibilangin ang gastos"
kapag nagtayo siya ng pundasyon
Maaaring isalin na: "nang mag-umpisa siyang magpatayo."
Luke 14:31-33
O
Ginamit ni Jesus ang salitang ito upang simulan ang isa pang sitwasyon, na kung saan ang tao ay nagiisip muna nang maaring mangyari bago gumawa ng pagpapasya.
anong hari...ang hindi muna mauupo at hihingi ng payo ...tao?
Gumagamit si Jesus ng isa pang katanungan upang turuan ang maraming tao. Maaaring isalin na: "alam ninyo na ang hari...ay mauupo muna at hihingi ng payo...tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
hihingi ng payo
Mga maaaring kahulugan ay 1) "pag-isipang mabuti ang tungkol sa" o 2) "makinig sa kaniyang mga tagapayo."
sampung libo...dalawampung libo
"10,000....20,000" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
At kung hindi
"At kung napagtanto niyang hindi niya kayang talunin ang isa pang hari"
sinuman sa inyo ang hindi magsusuko ng lahat ng nasa kaniya
Maaaring isalin na: "iyon lamang mga magsusuko ng lahat ng mayroon sila ang maaaring maging mga alagad ko" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
isuko ng lahat ng nasa kaniya
"iwan ang lahat ng nasa kaniya"
Luke 14:34-35
Nag-uugnay na pahayag:
Tinatapos ni Jesus ang pagtuturo sa maraming tao.
Ang asin ay mabuti
"Ang asin ay kapaki-pakinabang." Nagtuturo si Jesus ng aral tungkol sa kung sino ang mga may gustong maging alagad niya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
paano ito magiging maalat ulit?
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang maraming tao. Maaaring isalin na: "Hindi ito maaaring gawing maalat muli" o "Walang sinuman ang makakagawang paalatin itong muli." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
tumpok ng dumi
Gumagamit ang tao ng dumi ng hayop upang pagyamanin ang mga taniman at bukirin. Ang asin na walang lasa ay walang pakinabang at wala ring saysay kahit ihalo pa ito sa pataba. Maaaring isalin na: "panambak na pang abono" o "pataba."
Itatapon na lamang ito
Maaaring isalin na: "May magtapon na lamang nito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Siya na may tainga upang makarinig, makinig
Maaaring isalin na: "Kung mayroon kayong pandinig, makinig ng mabuti" o "Kung naririnig ninyo ang aking sinasabi, bigyang pansin ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Siya na may tainga
"Sinumang nakakarinig" o "Kung sinuman ang nakakarinig sa akin"
makinig
"makinig siyang mabuti" o "pagtuunan niiya ng pansin ang aking sinasabi"
Luke 15
Luke 15:1-2
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay ang susunod na bahagi ng kuwento. Hindi natin alam kung saang lugar ito nangyari; ito lamang ay isang araw nang nagtuturo si Jesus.
Ngayon
Ito ay nagtatanda ng pagsisimula ng isang bagong bahagi ng kuwento.
Malugod na tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan
"Pinapahintulutan ng taong ito na makisalamuha ang mga makasalan sa kaniya" o "Sumasama ang taong ito sa mga makasalanan"
ng taong ito
Si Jesus ang kanilang tinutukoy
kumakain pa kasama nila
Ang salitang "pa" ay nagpapakitang iniisip nilang sapat ng masama na hinayaan ni Jesus na lumapit sa kaniya ang mga makasalanan, ngunit mas masama pa na kumakain siya kasama nila.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:3-5
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsimulang magkuwento si Jesus ng ilang mga talinghaga. Ang unang talinghaga ay tungkol sa isang tao at sa kaniyang mga tupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
sa kanila
Ang "kanila" dito ay tumutukoy sa mga relihiyosong mga pinuno.
Sino sa inyo...hanggang sa matagpuan niya ito?
Gumagamit si Jesus ng tanong upang ipaalala sa mga tao na kung nawala ang isa sa kanilang mga tupa, tiyak na hahanapin nila ito. Ang ilang mga wika ay may mga paraan upang ipakitang ito ay iisang pagpapalagay at hindi isang kuwento tungkol sa isang partikular na tao na nawalan ng isang tupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
Sino sa inyo, kung mayroon siyang isang daang tupa
Dahil nagsisimula ang talinghaga sa "Sino sa inyo," ang ibang mga wika ay magpapatuloy sa talinghaga sa pangalawang katauhan. Maaaring isalin na: "Sino sa inyo, kung mayroon kayong isang daang tupa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
isang daan...siyamnapu't siyam
"100...99" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:6-7
Pagka-uwi niya sa bahay
"Pagka-uwi ng nagmamay-ari ng tupa" o "Pagka-uwi mo" (UDB). Tumutukoy ito sa nagmamay-ari ng tupa.
gayon din
"sa parehong paraan" o "gaya ng kagalakan ng pastol at ng kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay"
magkakaroon ng kagalakan sa langit
"ang lahat ng nasa langit ay magagalak"
siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi
Hindi sinasabi ni Jesus na mayroon talagang mga taong matuwid. Tinutukoy niya ang mga taong nag-aakalang sila ay matuwid, ngunit hindi. Maaaring isalin na: "99 na mga taong nag-aakalang sila ay matuwid at hindi kailangang magsisi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:8-10
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagsimulang magkuwento si Jesus ng iba pang talinghaga. Ito ay tungkol sa isang babaeng mayroong 10 pilak na barya.
O sinong babaing...hindi magsisindi ng ilawan...at masikap na maghahanap hanggang sa matagpuan niya ito?
Gumagamit si Jesus ng tanong upang ipaalala sa mga tao na kung ang sinuman sa kanila ang nawalan ng isang pilak na barya, tiyak na magsusumikap silang hanapin ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang babaing
Ito ay isang palagay na kalagayan at hindi isang kuwento tungkol sa isang totoong babae. Ang ilang mga wika ay may mga paraan upang ipakita ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
Gayon din
"Sa parehong paraan" o "Gaya ng pakikipaggalak ng mga tao sa babae"
sa isang makasalanang nagsisisi
Maaaring isalin na: "kapag ang isang makasalanan ay nagsisisi"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:11-12
Nag-uugnay na Pahayag
Nagsimulang magkuwento si Jesus ng iba pang talinghaga. Ito ay tungkol sa isang binatang hinihingi ang bahagi ng kaniyang mana sa kaniyang ama.
May isang lalaking
Ito ay ang simula ng talinghaga. Simulan ito sa paraang likas sa inyong wika. Maaaring sabihin ng ilang mga wika na "May isang lalaki na." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
ibigay mo na sa akin ngayon
Ninais ng anak na ibigay na ito kaagad ng kaniyang ama. Ang mga wikang may anyong utos, na nangangahulugang nais nila itong mangyari kaagad, iyan ang dapat na gamitin sa pagsasalin nito.
na nararapat na manahin ko
"ang bahagi ng iyong kayamanan na balak mong ibigay sa akin kapag ikaw ay namatay.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:13-14
tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kaniyang pagmamay-ari
"ginayak niya ang kaniyang mga gamit" o "nilagay niya sa kaniyang sisidlan ang kaniyang mga gamit."
sa pagbili ng mga bagay na hindi niya kailangan, at pag-aaksaya ng kaniyang pera sa masamang pamumuhay
Maaaring isalin na: "sa pamamagitan ng paggastos ng lahat ng kaniyang pera sa mga bagay na hindi niya kailangan."
matinding taggutom ang lumaganap sa buong bansang iyon,
"nagkaroon ng isang tagtuyot doon at ang buong lugar ay walang sapat na pagkain"
Ngayon
Ang salitang ito ay ginamit dito upang tanda sa pagputol sa pangunahing kuwento. Dito ipinapaliwanag ni Jesus kung paanong ang nakababatang anak ay nagmula sa kasaganaan hanggang sa kahirapan.
mangailangan
"naging salat sa kaniyang pangangailangan" o "naging hindi sapat"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:15-16
Siya'y pumunta
Ang salitang "siya" ay tumutukoy sa nakababatang anak.
namasukan sa
Maaaring isalin na: "nagtrabaho sa" o "nagsimulang magtrabaho para sa"
isa sa mga mamamayan ng bansang iyon
"isang taong nasa lugar na iyon"
upang magpakain ng mga baboy
"upang magbigay ng pagkain sa kaniyang mga baboy"
At nais na sana niyang kainin
"labis niyang ninais na makakain siya"
mga balat ng buto
Ito ay ang mga balat ng mga butil na lumalago sa puno ng carob. Maaaring isalin na: "mga balat ng carob" o "mga balat" o "mga balat ng butil."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:17-19
nakapag-isip-isip
Maaring isalin na: "siya ay natauhan" o "naunawaan niya ang kaniyang kalagayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain
Ito ay bahagi ng isang eksklamasyon (bulalas). Maaaring isalin na: "Lahat ng mga upahang utusan ng aking ama ay mayroong pagkaing higit pa sa sapat upang kainin." (UDB).
namamatay na sa gutom
Ito ay maaaring hindi isang pagmamalabis. Maaaring labis ang pagkagutom ng binata.
ako'y nagkasala laban sa langit
Minsan iniiwasang sabihin ng mga taong Judio ang salitang "Diyos" at sa halip, ginamit ang salitang "langit." Maaaring isalin na: "Nagkasala ako sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo
"Hindi ako karapat-dapat na tawaging anak mo." Ang anak na lalaki ay may karapatan upang manahin ang bahagi ng ari-arian ng kaniyang ama ayon sa batas. Maaaring isalin na: "Hindi mo na ako karapat-dapat tawaging anak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Hindi na ako karapat-dapat
"Hindi na ako nararapat" (UDB). Ibig sabihin nito ay nararapat siya dati, ngunit ngayo'y hindi na.
gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan
"ibilang mo na lamang akong isang trabahador" o "Upahan mo ako at magiging isa ako sa mga utusan mo."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:20-21
Kaya umalis ang nakababatang anak at pumunta sa kaniyang ama
"Kaya't umalis siya sa lugar na iyon at nagsimulang bumalik sa kaniyang ama." Ang salitang "kaya" ay nangangahulugang tanda ng isang pangyayari na naganap dahil may iba pang naunang naganap. Sa lagay na ito, ang binata ay naghirap at nagpasyang umuwi.
siya ay nahabag
"naawa sa kaniya" o "minahal siya ng labis sa kaniyang puso"
niyakap at hinagkan
Ginawa ito ng ama upang ipakita ang pagmamahal niya sa kaniyang anak at ang kaniyang kagalakan sa pag-uwi ng kaniyang anak. Kung iniisip ng mga tao na hindi ito pangkaraniwan o mali sa lalaki ang yakapin at halikan ang kaniyang anak na lalaki, maaaring palitan ito ng paraan sa inyong kultura kung paano maging magiliw ang mga lalaki sa ibang mga lalaki. Maaaring isalin na: "Tinanggap siya ng magiliw."
nagkasala laban sa langit
Maaaring isalin na: "nagkasala sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa iyong paningin
"sa iyong harapan." Maaaring isalin na: "nakita mo akong nagkasala" o "at nalalaman mo ang tungkol dito."
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo
Maaaring isalin na: "Hindi ako nararapat upang tawagin mong anak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:22-24
pinakamagandang balabal
"pinakamainam na kasuotan sa bahay." Maaaring isalin na: "pinakamainam na kapa" o "pinakamainam na damit."
lagyan ng sing-sing
Ang sing-sing ay tanda ng kapangyarihan na sinusuot ng mga kalalakihan sa isa sa kanilang mga daliri.
sandalyas
Maaaring isalin na: "mga sapatos"
pinatabang guya
Ang guya ay isang batang baka. Ang mga tao ay magbibigay sa isa sa kanilang mga guya ng natatanging pagkain upang ito ay lumaki ng mabuti, at pagkatapos kung nais nilang magkaroon ng natatanging pagdiriwang, kakainin nila ang guyang iyan. Maaaring isalin na: "ang pinakamainam na guya" o "ang batang hayop na ating pinataba."
at katayin
Maaaring linawin ang ipinapahiwatig ng kaalamang ito na iluluto nila ang karne nito. Maaaring isalin na: "at papatayin ito at lulutuin ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang anak ko'y namatay, at ngayon siya ay nabuhay
Maaaring isalin na: "Tila namatay ang aking anak at muling nabuhay" o "Pakiramdam ko ay tila namatay ang aking anak, ngunit siya ay buhay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Siya ay nawala, at ngayon siya ay natagpuan
Maaaring isalin na: "Tila nawala ang aking anak at ngayo'y aking nahanap" o "Ang aking anak ay nawala at bumalik sa kaniyang tahanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:25-27
Sa panahong iyon
Ang salitang ito ay nagamit dito upang tanda ng pagputol sa pinaka kuwento. Dito nagsimulang magkuwento si Jesus ng bagong bahagi ng kuwento tungkol sa nakatatandang anak.
utusan
Ang salitang naisalin dito na "utusan" ay karaniwang naisasalin na "batang lalaki". Maaaring ipinapahiwatig nito na ang utusan ay napakabata.
ano ang mga bagay na ito
"ano ang nangyayari" (UDB)
pinatabang guya
Maaaring isalin na: "pinakamainam na guya" o "ang batang haayop na ating pinataba"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:28-30
at kailanman ay hindi ako sumuway sa iyong utos
"hindi ni minsang sinuway ang alinman sa iyong mga utos" o "laging sumunod sa lahat ng sinabi mong gagawin ko" (UDB)
magdiwang
Maaaring isalin na: "magbunyi"
iyong anak
"ang anak mong iyan." Ang nakatatandang anak ay tumutukoy sa kaniyang kapatid sa paraang ito upang ipakita ang kaniyang galit.
umubos ng iyong kabuhayan sa mga babaing nagbebenta ng aliw
Maaaring isalin na: "sinayang ang lahat ng iyong yaman sa mga bayarang babae" o "Tinapon ang lahat ng iyong pera sa pagbayad sa mga bayarang babae"
pinatabang guya
Maaaring isalin na: "pinakamainam na guya" o "ang batang hayop na ating pinataba"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 15:31-32
Sinabi ng ama sa kaniya
Ang salitang "kaniya" ay tumutukoy sa nakatatandang anak.
ang kapatid mong ito
Ipinapaalala ng ama sa nakatatandang kapatid na ang dumating ay ang kaniyang kapatid.
namatay, at ngayon ay nabuhay
Ang pag-alis ng anak sa kaniyang pamilya sa mahabang panahon ay maaaring maihalintulad sa pagkamatay, at ang kaniyang pagbabalik ay maihahalintulad sa pagkabuhay muli. Maaari itong isalin na isang pangwawangis sa UDB. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
siya ay nawala, at ngayo ay natagpuan
Ang paglayo ng anak sa kaniyang pamilya sa mahabang panahon ay maaaring maihalintulad sa pagkawala, at ang kaniyang pagbabalik ay maihahalintulad sa pagkatagpo. Maaaring isalin na: "tilang nawala siya at ngayon natagpuan ko siya" o "siya ay nawala at ngayo'y nakauwi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/15.md]]
Luke 16
Luke 16:1-2
Nag-uugnay na pahayag:
Si Jesus ay nagsimulang magsabi ng isa pang talinhaga. Ito ay tungkol sa isang amo at isang tagapamahala ng kaniyang mga may pagkaka-utang. Ito ay parehong bahagi ng kwento at sa parehong araw nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/15/03.md]].
Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad niya
Ang huling bahagi nito ay nakatuon sa mga Pariseo at mga eskriba, ngunit maaring ang mga alagad ni Jesus ay naging bahagi ng madlang nakikinig.
May isang mayamang lalaki
Ito ang pasimula ng isa pang talinhaga. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
isinumbung sa kaniya
Maaring isalin na: "ang mga tao ay nagsumbong sa mayamang tao" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari
"hangal niyang ginastos ang yaman ng mayamang tao"
Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo?
Ang mayamang tao ay nagtanong upang pagalitan ang tagapamahala. Maaring isalin na: "Narinig ko kung ano ang iyong ginagawa." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala,
Maaring isalin na: "Ayusin mo ang mga bagay upang maipasa sa iba" o "Ihanda mo ang mga talaan na iyong isinulat tungkol sa aking salapi"
Luke 16:3-4
Anong gagawin ko... tagapamahala?
Tinanong ng tagapamahala ang kaniyang sarili, bilang pagsusuri sa kaniyang pagpipilian.
amo ko
Ito ay tumutukoy sa mayamang tao. Ang tagapamahala ay hindi isang alipin. Maaring isalin na: "aking manggagawa."
Wala akong lakas na magbungkal
"Hindi ako malakas na magbungkal sa lupa" o "Hindi ko kayang magbungkal"
kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala
Maaring isalin na: "Nang mawalan ako ng pinamamahalaang na trabaho" o "kung ako ay tatanggalin ng aking amo sa pinamamahalaan kong trabaho" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 16:5-7
may utang sa kaniyang amo
"ang mga tao na may utang sa kaniyang amo" o "mga tao na nagkautang ng anumang bagay sa kaniyang amo." Sa kuwentong ito, ang umutang ay nagkautang ng olibong langis at trigo.
Sinabi niya...At sinabi sa kaniya
"Sinabi ng may utang..at sinabi ng tagapamahala sa may utang"
Isang daang takal na langis na olibo"
Maaring isalin na: "mga 3400 litro ng olibong langis" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bvolume/01.md]])
isang daan...limampu...walumpu
"100...50...80" (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Isang daang takal ng trigo
Maaring isalin na: "mga 22,000 na litro na tuyong butil ng trigo" (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bvolume/01.md]])
sinabi ng tagapamahala sa isa pa...Sinabi niya...Sinabi sa kanya
"sinabi ng tagapamahala sa isa pang may utang...Ang inabi ng may utang...Sinabi ng tagapamahala sa may utang"
Luke 16:8-9
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagsabi ng kuwentong talinhaga tungkol sa amo at ang tagapamahala ng kaniyang mga mangungutang. Sa bersikulo 9, ipinagpatuloy ni Jesus ang pagtuturo sa kaniyang mga alagad.
At pinuri ng amo
Ang mga nagkakautang na ibinaba ng tagapamahala ang inutang nila ay marahil inisip nila na inutusan ng amo ang kaniyang tagapamahala na babaan ang mga ito, kaya dapat pupurihin nila ang amo sa pagiging mapagbigay.
pinuri
"puri" o "maganda ang sinasabi" o "inaprobahan"
kumilos siya nang may katusuhan
"siya ay kumilos ng may katalinuhan" o "siya ay nakagawa ng makatwirang bagay"
ang mga anak ng mundong ito
Ito ay tumutukoy sa mga taong kagaya ng masamang tagapamahala na hindi nakakaalam o pakialam tungkol sa Diyos. Maaring isalin na: "ang mga tao ng mundong ito" o "mga makamundong tao."
ang mga anak na namumuhay sa liwanag
Ito ay tumutukoy sa mga matuwid na tao na walang itinatago. Maaring isalin na: "ang mga taong nasa liwanag" o "mga taong namumuhay sa liwanag."
Sinasabi ko sa inyo
Ang "ko" ay tumutukoy kay Jesus. Ang mga salitang "Sinasabi ko sa inyo" ay tanda ng pagtatapos ng kwento at ngayon sinasabi ni Jesus sa mga tao kung paano ipamuhay ang kwento sa kanilang mga buhay.
walang hanggang tirahan
Ito ay tumutukoy sa langit, kung saan nakatira ang Diyos.
Luke 16:10-12
sino ang magtitiwala sa iyo ng tunay na kayamanan ?
Gumamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang mga tao. Maaring isalin na: "walang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan." o "walang sinuman ang magbibigay sa inyo ng tunay na kayamanan upang pamahalaan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sino ang magbibigay ng pera para sa sarili mo?
Maaring isalin na: "walang sinuman ang magbibigay sa inyo ng kayamanan para sa inyong sarili." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 16:13
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay isang pagtigil ni Jesus sa kaniyang pagtuturo, gaya ng nasa bersikulo 14 na nagsasabi ng dagdag na kaalaman kung paanong kinutya ng mga Pariseo si Jesus. Sa Bersikulo 15, si Jesus ay nagpatuloy sa pagtuturo at pagtugon sa mga Pariseo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Walang lingkod ang
Maaring isalin na: "Ang lingkod ay hindi"
kamumuhian
"kasusuklaman ng lingkod"
tapat
"dedikado" o "matapat"
kamumuhian niiya ang isa
"hahamakin niya ang isa" o "kasusuklaman ang isa"
Hindi ninyo maaaring paglingkuran
Nakikipag-usap si Jesus sa pangkat ng mga tao, kaya ang mga wika na may pangmaramihang anyo na "ninyo" ay dapat gamitin dito. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
paglingkuran
"maging lingkod ng"
Luke 16:14-15
Ngayon
Ang salitang ito ay nagiging tanda ng paghalili sa dagdag kaalaman.
na mangingibig ng pera
"sinumang umiibig na magkaroon ng salapi" o "sinumang labis na sakim sa salapi"
siya ay kanilang kinutya
"kinutya ng mga Pariseo si Jesus"
At sinabi niya sa kanila
"At sinabi ni Jesus sa mga Pariseo"
Pinapawalang-sala ninyo ang inyong mga sarili sa paningin ng mga tao
Maaaring isalin na: "Sinusubukan ninyo na maging mabuti sa tingin ng mga tao"
nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso
Maaaring isalin na: "Naiintindihan ng Diyos ang totoong hangarin ninyo" o "Alam ng Diyos ang inyong motibo" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ang itinuturing ng mga tao na marangal
Maaaring isalin na: "Ang mga bagay na iniisip ng mga tao na pinakamahalaga"
kasuklasuklam sa paningin ng Diyos
Maaaring isalin na: "napoot ang Diyos" o "ang mga bagay na kinapopootan ng Diyos"
Luke 16:16-17
Ang kautusan at mga propeta
Ang mga ito ay tumutukoy sa lahat ng salita ng Diyos na isinulat hanggan sa panahong iyon.
dumating si Juan
Maaaring isalin na: "Dumating si Juan Bautismo at nangaral" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Dios
Maaaring isalin na: "tinuturuan namin ang mga tao tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sinusubukang pumasok nang pilit doon
Tumutukoy ito sa mga taong nakikinig at tumatanggap ng turo ni Jesus. Maaaring isalin na: "maraming tao ang gumagawa ng lahat ng bagay na makakaya nila para makapasok dito."
Ngunit mas madaling maglaho ang langit at lupa
"gaya ng nalalaman ninyo na ang langit at ang lupa ay hindi mawawala, sigurado kayo na"
kaysa mawalan ng bisa ang isang kudlit ng isang letra ng kautusan.
Ang mga salitang ito "isang kudlit ng isang letra" ay nangangahulugan na ang pinakamaliit na bahagi ng letra. Tumutukoy ito sa isang bagay sa kasulatan na maaaring may pinakamaliit na halaga. Maaaring isalin na "kaysa sa sinumang magtatanggal kahit na yong pinakamaliit na detalye ng kautusan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 16:18
Ang bawat taong hinihiwalayan ang kaniyang asawang babae
"Sinumang humiwalay sa kaniyang asawang babae" o "Sinumang lalaking humiwalay sa kaniyang asawang babae"
magkakasala ng pangangalunya
"ay may salang pangangalunya"
ang mag-asawa
"sinumang lalaking pakakasalan ang babae"
Luke 16:19-21
Nag-uugnay na pahayag:
Sa pagpapatuloy ng pagtuturo ni Jesus sa mga tao nagsimula siyang magsabi ng kwento. Ito ay patungkol sa mayamang lalaki at si Lazarus.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang mga bersikulong ito ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa kwento na nagsisimulang sabihin ni Jesus tungkol sa mayamang lalaki at si Lazarus. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Ngayon
Ito ang tanda sa pag-iiba ng kuwento ni Jesus sa pagsisimula nito sa pagsabi ng kwento na makakatulong sa mga taong maintindihan ang itinuturo nito sa kanila.
may isang mayamang lalaki
Ang mga salitang ito ay nagpapakilala sa isang tao sa kwento ni Jesus. Hindi ito malinaw kung ito ba ay totoong tao, o isang kwento lamang na sinabi ni Jesus upang magbigay ng punto. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
nakadamit ng kulay lila at pinong lino
"na nakasuot ng damit na gawa sa pinong lino at nakulayan ng lila" o "na nakasuot ng mamahaling mga damit." Ang nakulayan ng lila at pinong lino na tela ay labis na mamahalin.
At araw-araw ay nagsasaya ng kaniyang kayamanan
Maaaring isalin na: "araw-araw nagpapakasaya sa pagkain na mamahalin " o "gumagasto ng maraming pera at binibili ang anumang naisin niya"
May isang pulubi na nagngangalang Lazarus na pinahiga sa kaniyang tarangkahan
Maaaring isalin na: "Inilagay ng mga tao ang isang pulubi na nagngangalang Lazaros sa kaniyang tarangkahan" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
May isang pulubi na nagngangalang Lazaros
Ang mga salitang ito ay nagpapakilala ng ibang tao sa kwento ni Jesus. Hindi ito malinaw kung ito ba ay totoong tao, o isang kwento lamang na sinabi ni Jesus upang gumawa ng punto. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
sa kaniyang tarangkahan
"sa may tarangkahan ng bahay ng mayamang lalaki" o "sa may pasukan ng pagmamay-ari ng mayamang lalaki"
lipos ng sugat
"na may mga sugat sa kaniyang buong katawan"
at inaasam-asam niyang kainin ang nahuhulog sa mesa ng mayamang tao
Maaaring isalin na: "hinangad niyang ibibigay ng mayamang tao ang sobrang pagkain na itinatapon nito" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
maliban doon
Ipinapakita nito na ang sumusunod ay mas masaklap kaysa sa nasabi na tungkol kay Lazaros. Maaaring isalin na: "dagdag pa diyan."
mga aso
Ang mga aso ay hindi malinis na hayop. Malubha ang sakit ni Lazarus at nanghihina para patigilin ang mga aso sa pagdila sa kaniyang mga sugat.
Luke 16:22-23
At nangyari na
Ang salitang ito ay ginamit dito para palatanda ng isang pangyayari sa kwento. Kung ang inyong wika ay may pamamaraan sa paggawa nito, maaari ninyong gamitin ito dito.
at dinala ng mga anghel
Maaaring isalin na: "dinala siya palayo ng mga angel" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa kinaroroonan ni Abraham
Tila sina Abraham at Lazaros ay nakasandal malapit sa isa't-isa sa pagdiriwang sa langit. Ito ay pamamaraan nila sa pagdiriwang ng mga Griyego sa mga inimbitahang mga panauhin. Maaaring isalin na: "umupo sa tabi ni Abraham" o "sumandal ng malapit kay Abraham"
at nailibing
Maaaring isalin na: "at inilibing siya ng mga tao" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
at doon sa hades, sa kaniyang pagdurusa,
Maaaring isalin na: "at pumunta siya sa impyerno na kung saan siya ay nagdurusa ng kakila-kilabot na sakit"
tumingala siya at nakita
Maaaring isalin na: "tumingin siya sa itaas" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
at si Lazaros ay nasa tabi niya
Maaaring isalin na: "at si Lazaros ay sumasandal kay Abraham" o "kasama niya si Lazaros"
Luke 16:24
At sumigaw siya at sinabi
"At ang mayamang lalaki ay tumawag at nagsabi" o "Sumigaw siya kay Abraham"
Amang Abraham
Si Abraham ay ninuno ng mayamang lalaki.
maawa ka sa akin
Maaaring isalin na: "nakikiusap ako na kaawaan mo ako" o "pakiusap kahabagan mo ako"
papuntahin mo si Lazaros
Maaaring isalin na: "papuntahin mo dito si Lazarus" o "at sabihin mo kay Lazarus na pumunta sa akin"
upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig
Ipinapahiwatig nito ang kaliitan doon sa kaniyang kahilingan. Maaaring isalin na: "na maaari niyang basain ang dulo ng kaniyang daliri."
dahil naghihirap ako sa apoy na ito.'
"Ako ay nasa kahila-hilakbut sa apoy na ito" o "Nagdurusa ako ng labis sa apoy na ito"
Luke 16:25-26
Anak
Ang mayamang lalaki ay isa sa mga kaapu-apuhan ni Abraham.
mabubuting mga bagay
"magagandang mga bagay" o "kaaya-ayang mga bagay"
ay ganun ding paraan ay masasamang bagay
Maaaring isalin na: "nakatanggap ng masasamang mga bagay" o "nakatanggap ng mga bagay na naging dahilan ng kaniyang pagdurusa"
siya ay inaaliw dito
Maaaring isalin na: "siya ay maginhawa dito" o "siya ay masaya dito" (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
matinding pagdurusa
"pahihirap"
At maliban sa lahat ng ito
"sa karagdagan ng kadahilanang ito"
may malawak na bangin na matatag na nailagay
Maaaring isalin na: "Naglagay ang Diyos ng malawak na bangin sa pagitan natin" (UDB). (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
malawak na bangin
"isang matarik, malalim at malawak na lambak" o "isang malaking pagkakalayo" o "isang malaking bangin" (UDB)
ang sinumang gustong tumawid
"mga taong gustong tumawid sa bangin" o "kung sinuman ang may gustong tumawid"
Luke 16:27-28
na papuntahin mo siya sa bahay ng aking ama
Maaaring isalin na: "na sabihin mo kay Lazaros na pumunta sa bahay ng aking ama" o "nakikiusap ako, papuntahin mo siya sa bahay ng aking ama"
sa bahay ng aking ama
Maaaring isalin na: "aking pamilya" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
upang bigyan sila ng babala
"upang mabigyan sila ni Lazaruo ng babala"
baka pumunta rin sila sa lugar na ito ng pagdurusa.'
Ipinapahiwatig nito na ang paraan para maiwasang makapunta doon ay sa pamamagitan ng pagsisisi. Maaaring isalin na: "na maaari silang magsisi at hindi makapunta." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dito sa lugar na itong pagdurusa
Maaaring isalin na: "sa lugar na ito kung saan kami ay nagdurusa" o "sa lugar na ito kung saan kami nagdurusa ng labis na sakit" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 16:29-31
Nag-uugnay na pahayag:
Tinatapos ni Jesus ang pagsasabi ng kwento tungkol sa mayamang tao at ni Lazaros.
Nandoon sa kanila si Moses at mga propeta
Maaaring isalin na: "Nasa iyong mga kapatid ang mga isinulat ni Moses at mga propeta" o "Narinig nila ang isinulat ni Moses at ng mga propeta" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
makinig sila sa kanila.'
"kinakailangang bigyan pansin ng iyong mga kapatid si Moses at ang mga propeta"
kung ang isang tao pupunta sa kanila mula sa patay
Maaaring isalin na: "kung ang isang tao na namatay ang pupunta sa kanila" o "kung sinumang namatay ang pupunta at bibigyan sila ng babala"
Kung hindi sila makikinig kay Moises at sa mga propeta
"Kung hindi nila bibigyan ng pansin ang isinulat ni Moses at ng mga propeta" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sinuman ay hindi nila mahikayat kahit pa ang isang tao ay magbangon mula sa mga patay
Maaaring isalin na: "kahit pa isang tao na muling nabuhay ay hindi kayang mahikayat sila" o "hindi sila maniniwala kahit pa bumalik ang isang tao mula sa patay" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 17
Luke 17:1-2
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpapatuloy si Jesus sa pagtuturo, ngunit itinuon niya ang pansin sa kaniyang mga alagad. Ito pa rin ay parehong bahagi ng kwento at parehong araw na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/15/03.md]].
Tiyak na may darating ang mga bagay na magiging sanhi upang tayo ay magkasala
Maaaring isalin na: "Imposibleng mapigilan ang pagdating ng tukso" o "Imposibleng mapahinto ang mga bagay na nanunukso sa mga tao upang magkasala"
ang taong pagmumulan ng mga ito
"ang sinumang nagiging dahilan upang mangyari ang mga tukso" o "ang sinuman na nagiging dahilan upang matukso ang mga tao"
kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato
Maaaring isalin na: "kung sila ay magbibitin ng gilingan ng trigo sa kaniyang leeg at itapon siya" o "kung bitinan siya ng sinuman ng mabigat na bato sa kaniyang leeg at itulak siya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
gilingan ng trigo
Ito ay napakalaki at mabigat na pabilog na bato na ginagamit para sa gilingan ng butil ng trigo upang maging harina. Maaaring isalin na: "isang mabigat na bato."
ng maliliit na ito
Maaaring isalin na: "maliliit na mga bata" o "mga taong may maliliit na pananampalataya"
sanhi ng pagkakatisod
Maaaring isalin na: "upang magkasala"
Luke 17:3-4
Kung nagkasala ang iyong kapatid
Ito ay isang kalagayan ng pahayag na nagsasabi sa kaganapan na malamang na mangyayari sa hinaharap.
iyong kapatid
Maaaring isalin na: "kapwa mananampalataya"
sawayin mo siya
"Mariin mong sabihin sa kaniya na mali ang kaniyang ginawa" o "itama mo siya"
Kapag nagkasala siya...iya ng pitong ulit
Ito ay isang pangyayaring nababatay sa palagay sa hinaharap. Ito ay hindi kailanman mangyayari, ngunit kahit ito ay maganap, sinasabi ni Jesus sa mga tao na magpatawad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_phase1/src/master/training/quick-reference/discourse/hypothetical.md]])
pitong ulit sa isang araw
Ang bilang na pito sa Bibliya ay sumisimbolo sa pagiging ganap. Maaaring isalin na:"maraming beses sa isang araw."
Luke 17:5-6
Pangkalahatang impormasyon:
Mayroong maikling paghinto sa pagtuturo ni Jesus habang nagsasalita ang mga alagad sa kaniya. Pagkatapos ay nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo.
Dagdagan mo ang aming pananampalataya
"Kung maaari ay bigyan mo pa kami ng higit pang pananampalataya" o "Kung maaari ay dagdagan mo pa ang aming pananampalataya"
Kung may pananampalataya kayo na tulad ng isang butil ng mustasa
Ang "butil ng mustasa" ay isang napakaliit na butil. Ipinapahiwatig ni Jesus na sila ay wala ni katiting na pananampalataya. Maaaring isalin na: "Kung may maliit kayong pananampalataya tulad ng butil ng mustasa" o "Kung ang inyong pananampalataya ay kasing laki lamang ng butil ng mustasa, ngunit hindi naman ito ganoon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa puno ng sicamorong ito
Maaaring isalin na: "puno ng igos" o "isang puno"
Mabunot ka, at matanim ka sa dagat
Maaaring isalin na: "Bunutin mo ang iyong sarili at itanim mo sa dagat" o "Ilabas mo ang iyong mga ugat mula sa lupa at ilagay mo ang mga ugat na ito sa dagat" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ito ay susunod sa iyo
"ang puno ay susunod sa iyo." Ang kalalabasan nito ay may pasubali. Ito ay mangyayari lamang kung mayroon silang pananampalataya.
Luke 17:7-8
Ngunit sino sa inyo, na may lingkod
Tinatanong ni Jesus ang pangkat upang husgaan ang kalagayan ng isang lingkod. Maaaring isalin na: "Ngunit sino sa inyo, kung mayroon kayong lingkod.."
lingkod na nag-aararo o nag-aalaga ng tupa
"lingkod na nag-aararo ng inyong bukid o nag-aalaga ng inyong tupa"
Hindi ba niya sasabihin sa kaniya
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
magbigkis ka at pagsilbihan mo ako
"itali mo ang iyong damit sa iyong baywang at paglingkuran mo ako" o "magbihis ka ng maayos at asikasuhin mo ako." Ang mga tao ay nagtatali ng damit sa kanilang mga baywang upang hindi ito maging hadlang habang sila ay nagtatrabaho.
At pagkatapos
"At pagkatapos mo akong paglingkuran"
Luke 17:9-10
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagtuturo. Ito ang wakas ng bahagi ng kuwentong ito.
Hindi siya nagpapasalamat
Maaaring isalin na: "Siya ay hindi nagpapasalamat" o "Hindi ka magpapasalamat"
ang mga bagay na inutos
Maaaring isalin na: "ang mga bagay na iniutos mo na gawin niya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nagpapasalamat ba siya?
"tama?" o "ito ba ay totoo?" Gumagamit si Jesus ng katanungan upang kilalanin ng mga alagad na ang sinasabi niya ay totoo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ganoon din kayo
Nagsasalita si Jesus sa kaniyang mga alagad, kaya ang mga salitang may pangmaramihang anyo na "kayo" ay maaaring gamitin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
na iniutos sa inyo
Maaaring isalin na: "na inutos ng Diyos sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sasabihin ba ninyo na
"sasabihin ba ninyo sa Diyos"
Hindi kami karapat-dapat na mga lingkod
Maaaring isalin na: "Kami ay pangkaraniwang mga lingkod" o "Kami ang mga lingkod na hindi karapat-dapat sa iyong papuri"
Luke 17:11-13
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kwento. Pinagaling ni Jesus ang 10 lalaki na may ketong. Ang mga bersikulong 11 at 12 ay nagbibigay karagdagang impormasyon at kung saan nagganap ang kuwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Nangyari na
Itong parirala ay ginamit dito upang bigyan ng tanda ang simula ng bahagi ng kuwento. Kung ang inyong wika ay may paraan ng pagbigkas dito, maaari mong gamitin dito.
habang sila ay nasa daan patungong Jerusalem
"habang naglalakbay si Jesus at ang mga alagad niya patungo sa Jerusalem"
doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin
Maaaring isalin na: "sampung lalaki na ketongin ang sumalubong sa kaniya" o "sampung tao na may ketong ang sumalubong sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nilakasan nila ang kanilang tinig
Maaaring isalin na: "sila ay tumawag ng may malakas na tinig" o "sila ay tumawag ng malakas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Panginoon
Ang salita na naisalin dito na "Panginoon" ay hindi karaniwang salita para sa "Panginoon." Ito ay tumutukoy sa isang tao na may kapangyarihan, at hindi sa tao na nagmamay-ari ng iba. Maaaring isalin na: "Amo" o "Tagapagpamahala" o isang salita na karaniwang tawag na ginagamit sa taong may kapangyarihan, gaya ng "Ginoo."
maawa ka sa amin
Maaaring isalin na: "pakiusap pakitaan mo kami ng awa sa pamamagitan ng pagpapagaling sa amin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 17:14-16
ipakita ang inyong mga sarili sa mga pari
Maaaring isalin na: "ipakita ang inyong mga sarili sa mga pari upang suriin nila kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
At nangyari nga na
Ang pariralang ito ay nagamit dito upang bigyan ng tanda ang mahalagang pangyayari sa kwento. Kung ang iyong pananalita ay may paraan ng pagkabigkas dito, maaari mong gamitin dito.
sila ay nalinisan
Ito ang mahalagang pangyayari na binigyang tanda ng "At nangyari nga." Maaaring isalin na: "sila ay naging malinis nang sila ay gumaling sa kanilang ketong" o "sila ay napagaling sa kanilang sakit na ketong."
Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya
"napagtanto niya na siya ay gumaling" o "naunawaan niya na pinagaling siya ni Jesus"
bumalik siya
"bumalik siya kay Jesus"
nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos.
"at niluwalhati ng malakas ang Diyos"
Yumuko siya sa paanan ni Jesus,
"lumuhod siya at inilapit niya ang kaniyang mukha sa paanan ni Jesus "Ginawa niya ito upang parangalan si Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
Luke 17:17-19
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang wakas na bahagi ng kwento patungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa 10 na ketongin.
Sumagot si Jesus, sinabi,
Tumugon si Jesus sa kung ano ang ginawa ng tao, ngunit siya ay nagsasalita sa pangkat ng mga tao na nakapalibot sa kaniya. Maaaring isalin na: "Kaya sinabi ni Jesus sa maraming tao."
Hindi ba sampu ang nilinis?
Ito ay una sa tatlong patalumpating mga tanong. Ginamit ni Jesus ang mga ito upang ipakita sa mga tao sa paligid niya kung paano siya nagulat at nabigo na iisa lamang sa sampung lalaki ang bumalik upang luwalhatiin ang Diyos. Maaaring isalin na: "Sampung lalaki ang gumaling" o "Pinagaling ng Diyos ang sampung lalaki." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Nasaan ang siyam?
"Bakit hindi na bumalik ang siyam?" Maaaring isalin na: "Ang siyam na lalaki ay dapat ding bumalik." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Wala bang ibang bumalik upang magbigay-puri sa Diyos, maliban sa dayuhang ito?
Maaaring isalin na: "Walang sinuman maliban sa dayuhang ito ang bumalik at nagbigay luwalhati sa Diyos" o "Pinagaling ng Diyos ang sampung lalaki, ngunit itong dayuhan lamang ang bumalik na nagbigay luwalhati sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
dayuhang ito
Ang mga Samaritano ay walangmga ninuno na Judio at hindi sila sumasamba sa Diyos sa parehong paraan na ginagawa ng mga Judio.
Pinagaling ka ng iyong pananampalataya
"ang pananampalataya mo ang nagpagaling sa iyo." Maaaring isalin na: "Dahil sa naniniwala ka, ikaw ay napagaling."
Luke 17:20-21
Pangkalahatang impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kwento. Hindi natin alam kung saan nangyari ang mga ito; ito ay isang karaniwang araw na nagsasalita si Jesus sa mga Pariseo.
Nang naitanong sa kaniya ng mga Pariseo kung kailan darating ang kaharian ng Diyos, sinagot sila ni Jesus at sinabi,
Maaaring isalin na: "Tinanong ng mga Pariseo si Jesus, 'Kailan ba darating ang kaharian ng Diyos?"' (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Nang naitanong sa kaniya ng mga Pariseo
Ito ang panimula ng bagong bahagi ng kuwento. Ang ibang mga pagsasalin ay nag-uumpisa sa "Isang araw" (UDB) o "Minsan."
Ang kaharian ng Diyos ay hindi isang bagay na mapagmamasdan
Hindi nila nakikita na si Jesus ay kasama na nila na hari dahil sa sila ay tumitingin sa panlupa na kaharian. Maaaring isalin na: "Bagama't hinahanap ninyo ang kaharian ng Diyos, hindi ninyo ito makikita." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo
Maaaring isalin na: "Ang kaharian ng Diyos ay narito" o "Nagsimula ng mamahala ang Diyos sa inyo"
Luke 17:22-24
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagsimulang turuan ni Jesus ang kaniyang mga alagad.
Darating ang mga araw na
Maaaring isalin na: " ang panahon ay darating na kung" o "Balang araw"
nanaisin ninyong makita
"lubos ninyong nanaisin na makita" o "nanaisin ninyong maranasan." Nais ng kaniyang mga alagad na makita siyang maghari. Ngunit darating ang panahon ng pag-uusig at nanaisin nilang siya ay maghahari na.
ang isa sa mga araw ng Anak ng Tao
Maaaring isalin na: "isa sa mga araw na ang Anak ng Tao ay mamamahala bilang isang hari"
ni sumunod sa kanila
"at sila ay huwag ninyong susundan"
sapagkat gaya ng paglitaw ng kidlat
Maaaring isalin na: "sapagkat gaya ng kidlat na nakikita ng sinuman kapag ito ay lumilitaw at" o "sapagkat gaya ng kidlat na lumilitaw ng biglaan" (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
gayon din naman ang Anak ng Tao sa kaniyang araw
Maaaring isalin na: "ito ay magiging katulad sa araw na ang Anak ng Tao ay darating upang maghari"
Luke 17:25-27
Ngunit kailangan muna niyang magdusa ng labis
"Ngunit kailangan munang magdusa ang Anak ng Tao." Nagsasalita si Jesus patungkol sa kaniyang sarili sa ikatlong persona. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-123person/01.md]])
at itakwil ng salinlahing ito
Maaaring isalin na: "at ang lahing ito ay kinakailangang itakwil siya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Katulad ng nangyari sa panahon ni Noe
Ang "panahon ni Noe" ay tumutukoy sa kapanahunan bago parusahan ng Diyos ang mga tao sa mundo. Maaaring isalin na: "Katulad ng mga ginagawa ng mga tao noong panahon na namumuhay si Noe" o "Katulad ng ginagawa ng mga tao nang si Noe ay namuhay."
ganun din ang mangyayari sa mga araw ng Anak ng Tao
Ang "mga araw ng Anak ng Tao" ay tumutukoy sa kapanahunan bago ang pagdating ng Anak ng Tao. Maaaring isalin na: "ang mga tao ay gumagawa ng parehong mga bagay sa mga araw ng Anak ng Tao" o "ang mga tao ay gagawa ng parehong mga bagay kapag dumating na ang araw ng Anak ng Tao."
Nagsisikain sila, nagsisiinom, nagsisipag-asawa at ibinibigay sila upang mag-asawa,
Gumagawa ang mga tao ng karaniwang mga bagay. Hindi sila nag-aalala na hahatulan na sila ng Diyos.
ibinibigay sila upang mag-asawa
Maaaring isalin na: "pinahihintulutan agad ng mga magulang ang mga anak nilang babae na makapag-asawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
arko
"barko" o "gabara"
Luke 17:28-29
Gayon din naman, katulad ng nangyari sa panahon ni Lot
Ang "panahon ni Lot" ay tumutukoy sa kapanahunan bago parusahan ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra. Maaaring isalin na: "Ang isang halimbawa pa ay ang nangyari sa kapanahunan ni Lot" o "Tulad ng mga ginagawa ng mga tao noong si Lot ay nabuhay."
sila ay nagsisikain
"ang mga tao sa Sodoma ay kumakain"
umulan ng apoy at asupre mula sa langit
"bumagsak ang apoy at asupre mula sa langit na tulad ng ulan"
Luke 17:30-31
Ganoon din naman
"Ito ay magiging katulad ng." Maaaring isalin na: "Sa parehong kaparaanan na hindi makapaghahanda ang mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa araw na maihahayag ang Anak ng Tao
Maaaring isalin na: "sa paglitaw ng Anak ng Tao" o "sa pagdating ng Anak ng Tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sa araw na iyon, ang nasa taas ng bahay ay huwag ng bumaba
"ang sinumang nasa taas ng bahay ay hindi na dapat bababa" o "ang sinumang nasa taas ng kaniyang bahay, ay hindi na dapat bababa"
nasa taas ng bahay
Ang taas ng bahay nila ay pantay at ang mga tao ay maaaring umupo dito.
kaniyang mga kagamitan
"kaniyang mga ari-arian" o "kaniyang mga gamit"
uuwi
Hindi na sila makakabalik sa kanilang mga bahay upang kumuha ng anuman. Sila ay makakatakas ng mabilis. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 17:32-33
Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot
Ito ay ay isang babala. Siya ay lumingon sa likuran patungo sa Sodoma at pinarusahan siya ng Diyos kasama ng mga tao sa Sodoma. Maaaring isalin na: "Huwag ninyong tularan ang ginawa ng asawa ni Lot."
Sinumang naghahangad na mailigtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito
"Ang mga taong susubukang iligtas ang kanilang mga sarili ay mawawalan nito" o "Ang sinumang sumubok na iligtas ang dati niyang buhay ay mawawalan ng buhay"
ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang buhay ay makapagliligtas nito
"ngunit ang mga taong mawawalan ng kanilang buhay ay maililigtas" o "ngunit ang sinumang mag-iiwan ng dating pamamaraan ng kaniyang buhay ay maililigtas ang kaniyang buhay"
Luke 17:34-37
Sinasabi ko sa inyo
Ibinaling muli ni Jesus sa kaniyang taga-pakinig, habang siya ay nagsasalita sa kanila, upang bigyang diin ang kahalagaan ng mga sinasabi niya sa kanila.
sa gabing iyon
Ito ay tumutukoy sa mangyayari kung ang Anak ng Tao ay darating sa gabi.
mayroong dalawang tao sa isang higaan
Maaaring isalin na: "marahil mayroon dalawang tao na natutulog sa iisang higaan"
higaan
"sopa" o "kama"
Ang isa ay kukunin, at ang isa ay maiiwan
"Ang isang tao ay kukunin at maiiwan ang isang tao." Maaaring isalin na: "Kukunin ng Diyos ang isang tao at iiwan ang isa" o "ang mga anghel ang kukuha sa isa at iiwan ang isa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Mayroong dalawang babae ang magkasamang nag-gigiling
Ito ay isang palagay sa pangyayari patungkol sa kung ano ang ginagawa ng dalawang babae sa oras na iyon. Maaaring isalin na: "Maaaring may dalawang babae na magkasamang nag-gigiling ng butil." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
Mayroong dalawa na nasa bukid; ang isa ay kukunin at ang isa ay maiiwan.
Sa sinaunang pangunahing mga kopya hindi kasama ang bersikulo 36.
Luke 18
Luke 18:1-2
Nag-uugnay na Pahayag
Nagsimulang magsabi si Jesus ng parabula habang patuloy niyang tinuturuan ang kaniyang mga alagad. Ito ang kaparehong bahagi ng kwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/17/20.md]]. Ang bersikulo 1 ay naglalarawan sa parabula na sasabihin pa lamang ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Pagkatapos, sinabi niya
"sinabi ni Jesus"
sila dapat laging manalangin, at huwag panghinaan ng loob
Ang dalawang sugnay na ito ay magkasing-kahulugan kung saan ginamit ito ni Jesus upang bigyang-diin ang kaniyang punto. Ang ilang mga wika ay may iba't ibang paraan ng pagbibigay ng diin. Maaaring isalin na: "magpatuloy lagi sa pananalangin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
sinasabi
Maaari rin itong magsimula ng bagong pangungusap: "Sinabi niya" (UDB).
Sa isang lungsod, may isang hukom
Ang salitang "isang" ay ginamit bilang paraan upang sabihin na ito ay nangyari, ngunit hindi kinikilala ang hukom o ang lungsod.
natatakot
"ginagalang"
walang paggalang sa mga tao
"walang pagsasaalang-alang sa mga tao"
Luke 18:3-5
Ngayon may isang babaeng balo
Ginamit ni Jesus ang pariralang ito upang ipakilala ang bagong tauhan sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
balo
Ang balo ay isang babae na namatayan ng asawa. Iniisip ng mga tagapakinig ni Jesus na ang babaeng balo ay isang taong walang magtatanggol mula sa mga gustong manakit sa kaniya.
madalas itong nagpupunta sa kaniya
Ang salitang "kaniya" ay tumutukoy sa hukom..
Tulungan mo akong makamit ang katarungan laban
Maaaring isalin na: "tulungan mo akong maparusahan"
aking kaaway
"aking kaaway" o "ang taong gustong manakit sa akin." Ito ay ang kaaway sa isang kaso. Hindi ito malinaw kung ang babae ang nagsasakdal sa lalaki o ang lalaki ang nagsasakdal sa babae.
natatakot sa Diyos
"paggalang sa Diyos"
tao
Tumutukoy ito sa "mga tao" sa pangkalahatan.
ginagambala
Maaaring isalin na: "inaabala ako"
magpabalik-balik
"patuloy na bumabalik sa akin"
Luke 18:6-8
Pangkalahatang Impormasyon:
Tinapos ni Jesus ang pagsasabi ng kaniyang parabula at ngayon ay nagbibigay siya ng kaniyang opinyon sa kaniyang mga alagad patungkol dito.
Pakinggan ninyo ang sinabi ng hindi makatarungang na hukom
"Pag-isipan ninyo ang tungkol sa kasasabi lamang ng hindi matuwid na hukom." Isalin ito sa paraang maiintindihan ng mga tao na nasabi na ni Jesus ang sinabi ng hukom.
Ngayon
Ang salitang ito ay nagpapahiwatig na tinapos na ni Jesus ang parabula at sinimulang ipaliwanag ang kahulugan nito.
hindi ba't ibibigay din ng Diyos ang...gabi?
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kaniyang mga hinirang
"ang mga tao na kaniyang pinili"
Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila?
Gumagamit si Jesus ng katanungan upang turuan ang kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili.
may matatagpuan ba siyang pananampalataya sa lupa?
Ang layunin ng parabula ay upang palakasin ang loob ng mga alagad upang magpatuloy sa paniniwala at manalangin. Gumagamit si Jesus dito ng isa pang katanungan na umaasa ng isang negatibong kasagutan. Maaaring isalin na: "Ngunit alam ko na kapag ako, na Anak ng Tao, ay babalik, hahanapin ko ang mga taong hindi naniniwala sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 18:9-10
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsimula si Jesus na magsabi ng isa pang parabula sa ibang mga tao na naniniwala sa kanilang mga sarili na sila ay matutuwid. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
At sinabi din niya
"At sinabi din ni Jesus"
sa mga
"sa ilang mga tao"
nagsasabi sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid
"mga matuwid sa kanilang sarili" o "mga nag-iisip na sila ay matuwid" (UDB)
humahamak
"nagpawalang halaga" o "nag-iisip na sila ay mas higit kaysa"
sa templo
"sa patyo ng templo"
Luke 18:11-12
Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili
Ang kahulugan ng salitang Griyego sa pariralang ito ay hindi malinaw. Mga maaaring kahulugan ay 1) "Ang Pariseo ay tumayo at nanalangin patungkol sa kaniyang sarili sa paraang ito" o 2) "Ang Pariseo ay tumayo at nanalangin."
mga magnanakaw
Ang magnanakaw ay isang taong nagnanakaw ng mga bagay sa pamamagitan ng pagpilit sa tao na ibigay ang mga ito sa kaniya, o sa pamamagitan ng pagbabanta upang pilitin sila.
nakukuha
"kinikita"
Luke 18:13-14
Nag-uugnay na pahayag:
Nang matapos sabihin ni Jesus ang kaniyang parabula. Sa bersikulo 14, nagbigay siya ng opinyon tungkol sa itinuturo ng parabula.
tumingin sa langit
Maaaring isalin na: "tumingin siya sa itaas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
dinadagukan niya ang kaniyang dibdib
Ito ay pisikal na paghahayag ng labis na kalungkutan, at ipinapakita nito ang pagsisisi at kababaang-loob ng lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
Diyos ko, kaawaan mo ako na isang makasalanan
Maaaring isalin na: Diyos ko, paki-usap kaawaan mo ako, kahit na ako ay sobrang makasalanan" o "Diyos ko, paki-usap maawa ka sa akin. Ako ay labis na makasalanan"
umuwi ang taong ito sa kaniyang tahanan na napawalang-sala
Maaaring isalin na: "Pinatawad ng Diyos ang maniningil ng buwis"
kaysa sa isa
"kaysa sa isang lalaki" o "at hindi ang isang lalaki." Maaaring isalin na: "ngunit hindi pinatawad ng Diyos ang Pariseo."
dahil maibababa ang bawat taong nagmamataas ng kaniyang sarili
Sa pariralang ito, lumipat si Jesus mula sa kwento upang ilahad ang pangkalahatang prinsipyo na ipinapakita ng kwento.
maibababa
Maaaring isalin na: "ibababa ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
at maitataas
Maaaring isalin na: "labis na pararangalan ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 18:15-17
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang sumunod na pangyayari sa bahagi ng kwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/17/20.md]]. Malugod na tinanggap ni Jesus ang mga bata at nagsalita siya tungkol sa kanila.
mahawakan, ngunit
Maaari rin itong isalin bilang magkahiwalay na mga pangungusap. "hawakan sila. Ngunit."
sinaway nila
"sinubukan ng mga alagad na pigilan ang mga magulang sa pagdadala ng mga bata kay Jesus"
Payagan ninyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa akin at huwag ninyo silang pagbawalan
Ang dalawang pangungusap na ito ay magkasing-kahulugan at sila ay pinagsama para sa pagbibigay-diin. Ang ilang mga wika ay nagbibigay-diin sa magkakaibang paraan. Maaaring isalin na: "Nararapat ninyong hayaan ang mga batang lumapit sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
nauukol sa mga gaya nila
Maaaring isalin na: "kabilang sa mga taong katulad ng mga batang ito"
Totoo, sinasabi ko sa inyo
"Sigurado, sinasabi ko sa inyo." Ginamit ni Jesus ang pahayag na ito upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kaniyang sasabihin.
sinuman ang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos tulad ng mga bata ay tiyak na hindi makapapasok doon
Inuutusan ng Diyos ang mga tao na tanggapin ang kaniyang paghahari sa kanila nang may pagtitiwala at kababaang-loob. Maaaring isalin na: "sinuman ang nagnanais na makapasok sa kaharian ng Diyos ay kinakailangang tanggapin ito nang may pagtitiwala at kababaang-loob katulad ng isang bata." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Luke 18:18-21
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang sumunod na pangyayari sa bahagi ng kwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/17/20.md]]. Nagsimulang makipag-usap si Jesus sa isang pinuno patungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit.
ano ang kailangan kong gawin
"ano ang kinakailangan kong gawin" o "ano ang hinihingi sa akin"
magmana
"maging karapat-dapat na may-ari ng." Ito ay tumutukoy sa pag-aari ng sinumang namatay. Ginagamit ni Lucas ang talinghagang ito upang ipakita na ang pinuno ay naintindihan na ang buhay na walang hanggan ay hindi kinikita, at hindi lahat ay mabubuhay ng walang hanggan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Walang mabuti, kundi ang Diyos lamang.
Maaaring isalin na: "Walang taong tunay na mabuti. Diyos lamang ang mabuti"
ang lahat ng mga bagay na ito
"Lahat ng mga kautusang ito"
Luke 18:22-23
Nang marinig iyon ni Jesus
"Nang marinig ni Jesus na sinabi ng lalaki iyon"
sinabi niya sa kaniya
"sinagot niya ito"
Isang bagay pa ang kulang sa iyo
"Kinakailangan mo pang gawin ang isang bagay" o "May isang bagay na hindi mo pa nagagawa"
ipagbili ang lahat ng mayroon ka
"ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian" o "ipagbili mo ang lahat ng iyong pag-aari"
ipamahagi mo ito sa mga mahihirap
"ibigay mo ang salapi sa mga mahihirap na tao"
magkakaroon ka ng kayamanan sa langit
Maaaring isalin na: "magkakaroon ka ng mga pagpapala ng Diyos sa langit" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 18:24-25
Habang tinitingnan siya ni Jesus, lubha siyang nalungkot
Ang pariralang ito ay wala sa mga maraming manuskrito ng Griyego at madalas tinatanggal ito sa mga Ingles na pagsasalin. Ang mga taong dalubhasa sa Biblia ay nahahati kung dapat ba o hindi dapat isama dito ang pariralang: "lubha siya nalungkot. Ihalintulad sa bersikulo 23.
isang kamelyo ang makalusot sa isang butas ng karayom
Imposible sa isang kamelyo na magkasya sa butas ng karayom. Kaya, lumalabas na gumagamit si Jesus ng pagmamalabis na nangangahulugang ito ay sadyang napakahirap para sa isang mayamang tao na makapasok sa kaharian ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
butas ng karayom
Ang nakalagay sa Griego ay 'mata ng karayom'.
Luke 18:26-27
Sinabi ng mga nakarinig nito
Maaaring isalin na: "Ang mga taong nakikinig kay Jesus ay nagsabi"
Kung ganoon sino ang maliligtas?
Maaaring humihingi ang mga tao ng kasagutan sa tanong nil. Ngunit mas gumamit sila ng katanungan upang bigyang-diin ang kanilang pagkagulat sa sinabi ni Jesus. Maaaring isalin na: "Kaya walang sinumang maililigtas mula sa kasalanan!" o "Kaya hindi ililigtas ng Diyos ang sinuman!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
posible sa Diyos
"posible para sa Diyos na gawin"
Luke 18:28-30
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang katapusan ng pag-uusap tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit.
ng aming pag-aari
"lahat ng aming kayamanan" o "lahat ng aming mga ari-arian"
Totoo, sinasabi ko sa inyo
Ginamit ni Jesus ang pahayag na ito para bigyang-diin ang kahalagahan ng kaniyang sasabihin.
walang sinumang nag-iwan...ang hindi makakatanggap
Maaaring isalin na: "Lahat ng nag-iwan...ay makakatanggap" (UDB)
at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan
"at gayon din ang buhay na walang hanggan sa mundong darating"
Luke 18:31-33
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang sumunod na pangyayari sa bahagi ng kwentong ito na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/17/20.md]]. Hindi lamang sa mga apostol nakikipag-usap si Jesus.
Masdan ninyo
Ipinapahiwatig nito ang kabuluhan ng pagbabago ng ministeryo ni Jesus sa pagpunta niya sa Jerusalem sa huling pagkakataon.
na isinulat ng mga propeta
Maaring isalin na: "na naisulat ng mga propeta" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga propeta
Tumutukoy ito sa mga propeta sa Lumang Tipan.
Anak ng Tao
Sinasabi ni Jesus na ang kaniyang sarili bilang "ang Anak ng Tao" at gumagamit ng "siya" upang tukuyin ang kaniyang sarili.
ay matutupad
Maaariing isalin na: "ay magaganap" o "ay mangyayari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil
Maaaring isalin na: "Sapagkat ibibigay siya ng mga pinuno ng mga Judio sa mga Gentil" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
at kukutyain, ipapahiya, at duduraan
Maaaring isalin na: "at pagtatawanan nila siya, tatratuhin siyang kahiya-hiya, at duduraan siya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ikatlong araw
Tumutukoy ito sa ikatlong araw pagkatapos niyang mamatay. Gayon pa man, hindi pa ito naiintindihan ng mga alagad, kaya pinaka mainam na hindi na idagdag ang paliwanag na ito kapag isinasalin ang bersikulong ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
Luke 18:34
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang bersikulong ito ay hindi bahagi ng pangunahing bahagi ng kwento, bagkus ay isang opinyon tungkol sa bahaging ito ng kwento. (Tingnan sa: [[End of Story]])
Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito
"Hindi nila naunawaan ang alin man sa mga bagay na ito"
mga bagay na ito
Tumutukoy ito sa paglalarawan ni Jesus kung paano siya magdurusa at mamamatay sa Jerusalem, at siya ay mabubuhay mula sa kamatayan.
at ang salitang ito ay lingid sa kanila
Maaaring isalin na: "Hindi ipinahintulut ng Diyos na maunawaan nila ang kahulugan ng kaniyang sinasabi sa kanila" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang mga bagay na nasabi
Maaaring isalin na: "ang mga bagay na sinabi ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 18:35-37
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang sumunod na bahagi ng kwento. Pinagaling ni Jesus ang bulag na lalaki habang patungo siya sa Jericho. Ang mga bersikulong ito ay nagbigay ng karagdagang impormasyon at impormasyon tungkol sa pinangyarihan ng kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
At dumating ang pagkakataon
Ang pariralang ito ay ginamit dito bilang palatandaan ng pagsisimula ng bagong bahagi ng kwento.
may isang bulag na lalaki na nakaupo
"may isang lalaking bulag na nakaupo." Dito ang "may isang" ay nangangahulugan lamang na ang lalaki ay mahalaga sa kwento ngunit hindi binanggit ni Lucas ang kaniyang pangalan.
namamalimos, at nang narinig niya ang
Maaaring isalin na: "namamalimos. Nang marinig niya"
Sinabi nila sa kaniya
"Ang mga tao sa umpukan ay nagsabi sa bulag na lalaki"
Jesus na taga Nazaret
Nagmula si Jesus sa isang bayan ng Nazaret na matatagpuan sa Galilea.
ay dumaraan
"ay naglalakad palapit sa kaniya"
Luke 18:38-39
Kaya
Minamarkahan ng salitang ito ang kaganapan na nangyari dahil sa isang bagay na nangyari noong una. Sa pagkakataong ito, sinabi ng maraming tao sa bulag na lalaki na si Jesus ay dumaraan.
sumigaw
"tumawag" o "humiyaw"
anak ni David
Si Jesus ay nagmula sa kaapu-apuhan ni David, pinakamahalagang hari ng Israel.
maawa ka sa akin
"kahabagan mo ako" o "kaawaan mo ako"
ng mga naunang naglalakad
"ng mga tao"
manahimik
"upang manahimik" o "huwag sumigaw"
lalo pa siyang sumigaw
Ibig sabihin nito na sumigaw siya ng mas malakas o mas patuloy pang humiyaw.
Luke 18:40-41
dalhin sa kaniya ang lalaki
Maaaring isalin na: "dalhin ng mga tao sa kaniya ang bulag na lalaki" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 18:42-43
Pinagaling ka ng iyong pananampalataya
Maaaring isalin na: "Pinagaling kita dahil naniwala ka sa akin"
sumunod sa kaniya
Maaaring isalin na: "at nagsimulang sumunod sa kaniya."
niluluwalhati ang Diyos
"nagbigay ng luwalhati sa Diyos" o "pinapupurihan ang Diyos" (UDB)
Luke 19
Luke 19:1-2
Pangkalahatang Kaalaman:
Ito ay kasunod na bahagi ng kuwento. Naipakilala si Zaqueo sa kuwento. Ang unang taludtud ay nagbigay ng kaalaman tungkol sa mga paglakbay ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Masdan ninyo, mayroong lalaki doon
Ang mga salitang "masdan ninyo" ay naghuhudyat sa atin sa bagong tauhan sa kuwento. Ang inyong wika ay maaring may paraan upang gawin ito. Maaaring isalin na: "Mayroong isang lalaki na"
Siya ay pinuno ng mga maniningil ng buwis at isang mayamang
Ito ang kaalaman tungkol kay Zaqueo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:3-4
Sinusubukan niyang
"Sinusubukan ni Zaqueo"
dahil siya ay maliit
"dahil siya ay pandak"
puno ng sikamoro
"isang puno ng sikamong igos." Nagbubunga ito ng maliliit at bilog na prutas na halos 2.5 sentimetro magkabilaan. Maaaring isalin na: "isang puno ng igos" o "isang puno"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:5-7
sa dakong iyon
"sa puno" o "kung nasaan si Zaqueo"
Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan
"Bumisita si Jesus sa bahay ng isang taong makasalanan"
isang taong makasalanan
"isang lantad na makasalanan" o "isang tunay na makasalanan" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:8-10
sa Panginoon
Ito ay tumutukoy kay Jesus.
dumating ang kaligtasan sa tahanang ito
Maaaring isalin na: "Iniligtas ng Diyos ang sambahayang ito" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
sa tahanang ito
Ang salitang "tahanan" dito ay tumutukoy sa mga taong nakatira o ang pamilya sa tahanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
din siya
"ang tao ding ito" o "Si Zaqueo rin"
anak din siya ni Abraham
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) "apo ni Abraham" at 2) "taong may pananampalataya gaya ng kay Abraham."
ang mga taong nawawala
"ang mga taong lumihis palayo sa Diyos" o "ang mga taong sa pamamagitan ng pagkakasala, lumihis palayo sa Diyos"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:11-12
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsimulang magkuwento si Jesus ng isang talinghaga sa mga tao. Ang bersikulo 11 ay nagbibigay kaalaman kung bakit kinukuwento ni Jesus ang talinghaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
na ang kaharian ng Diyos ay magsisimula na kaagad
Maaaring isalin na: "na kaagad ng sisimulang pamunuan ni Jesus ang kaharian ng Diyos"
May isang maharlika
"May isang taong kasapi sa mga namamahala" o "May isang taong nagmula sa mahalagang pamilya." Maaaring isalin na: "Isang mahalagang tao" o "Isang taong may mataas na katayuan."
upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya
Ito ay larawan ng mas mababang hari na pumupunta sa mas mataas na hari. Ang mas mataas na hari ang magbibigay sa mas mababang hari ng karapatan at kapangyarihang mamuno sa kaniyang sariling lugar o bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:13-15
Tinawag niya
"Tinawag ng maharlika"
binigyan sila ng sampung mina
Maaaring isalin na: "binigyan sila ng tig-isang mina"
sampung mina
Ang isang mina ay 600 gramo. Ang bawat gintong salapi ay may halaga ng halos apat na buwang sahod ng isang tao. Maaaring isalin na: "10 mahahalagang salapi." o "malaking halaga ng pera." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bweight/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
Mag-negosyo kayo
Maaaring isalin na: "Mangalakal sa pamamagitan ng perang ito" o "Gamitin ang perang ito upang kumita pa ng mas marami"
kaniyang mga mamamayan
"ang mga tao sa kaniyang lugar o bansang "
isang lupon ng mga kinatawan
"mga sugo" o "mga tagapagbalita"
Nangyari nga
Ang pariralang ito ay nagamit dito upang tanda ng mahalagang kaganapan sa kuwento. Kung ang inyong wika ay may paraan upang gawin ito, isaalang-alang mong gamitin ito dito.
pagkatanggap niya ng kaharian
"pagkatapos niyang maging hari"
pinatawag niya
Maaaring isalin na: "upang pumunta sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
magkano ang kanilang kinita
"magkano ang kanilang natubo"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:16-17
Ang una
"Ang unang lingkod"
lumapit sa kaniya
"lumapit sa maharlika"
mina
Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/19/13.md]].
Magaling
"Mabuti ang iyong ginawa." Ang inyong wika ay maaring may pariralang ginagamit ng isang panginoon o amo upang ipakita ang pagsang-ayon, gaya ng "Mahusay."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:18-19
Ang iyong mina, panginoon, ay nadagdagan pa ng lima
Maaaring isalin na: "Panginoon, sa perang ibinigay mo sa akin, kumita ako ng limang beses ang dami"
mina
Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/19/13.md]].
Mamamahala ka sa limang lungsod
Maaaring isalin na: "Magkakaroon ka ng kapangyarihan sa limang lungsod"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:20-21
mina
Tingnan kung paano mo ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/19/13.md]].
mabagsik na tao
"isang mahigpit na tao" o "isang tao na umaasa ng malaki mula sa kaniyang mga lingkod"
Kinukuha mo ang hindi mo inipon
"Ito ay isang salawikain na naglalarawan sa isang taong sakim. Maaaring isalin na: "Kinukuha mo ang anumang hindi mo inipon" o "Kinukuha mo ang hindi sa iyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_obe/src/master/Proverb.md]])
inaani ang hindi mo itinanim
"inaani ang hindi mo inihasik." Ang lingkod ay hinahalintulad ang kaniyang panginoon sa isang magsasakang kumukuha ng pagkain sa itinanim ng iba. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
inaani
"tinitipon" o "pinipitas"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:22-23
sa iyong mga salita
Maaaring isalin na: "Batay sa iyong sinabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
mabagsik akong tao, kinukuha
Inulit ng maharlika ang sinabi ng ligkod tungkol sa kaniya. Hindi niya sinasabing ito ay totoo.
mabagsik akong tao
"isang malupit na tao"
bakit hindi mo inilagay ang aking pera..tubo?
Gumagamit ng tanong ang maharlika upang pagalitan ang masamang lingkod. Maaaring isalin na: "dapat inilagay mo ang aking pera...tubo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
inilagay ang aking pera sa bangko
"ipina-utang ang aking salapi sa bangko." Ang mga kulturang walang mga banko ay maaaring isalin ito ng "ipina-utang ang aking pera sa isang tao."
bangko
Ang bangko ay isang negosyo na ligtas na humahawak sa pera ng mga tao. Pinapautang ng bangko ang perang iyan sa iba upang kumita. Kaya nagbabayad ito ng dagdag sa kabuuang halaga o tubo, sa mga taong naglalagay ng kanilang salapi sa bangko.
makukuha ko ito ng may kasamang tubo
Maaaring isalin na: "Makukuha ko sana ang halagang iyan dagdag ang tubo na kinita nito" (UDB) o "Mayroon sana akong nakuhang tubo mula dito"
tubo
Ang tubo ay salaping ibinabayad ng bangko sa mga taong naglalagay ng kanilang salapi sa bangko.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:24-25
maharlika
Naging hari ang maharlika. Isalin ito sa salitang malinaw sa inyong mga mambabasa.
mga nakatayo doon
"sa mga taong nakatayo malapit sa kanila"
mina
Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/19/13.md]].
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:26-27
Pangkalahatang Impormasyon:
Tapos nang ikinuwento ni Jesus ang kaniyang talinghaga at ngayo'y nagbibigay ng kuru-kuro tungkol dito sa mga taong nasa tahanan ni Zaqueo.
Sinasabi ko sa inyo
Ang nagsasalita dito ay ang hari. Ang ilang mga taga-salin ay maaaring simulan ang bersikulo na ito ng "At sumagot ang hari, 'Sinasabi ko sa inyo"' o "Ngunit sinabi ng hari 'Sinasabi ko sa inyo ito"' (UDB)
lahat ng mayroon
Maaaring isalin na: "sinumang gumagamit ng mabuti sa kung anong naibigay sa kanila" o "sinumang gumagamit ng mabuti sa kung anong ibinigay ko sa kanila"
ay mabibigyan pa
Maaaring isalin na: "Bibigyan ko pa siya ng mas marami" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa taong wala
Maaaring isalin na: "sa taong hindi gumagamit ng mabuti sa kung anong ibinigay ko sa kaniya"
ay kukunin pa
Maaaring isalin na: "Kukunin ko sa kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang aking mga kaaway
Ang nakalagay sa griego ay "ang mga kaaway kong ito" ngunit wala sa malapit sa kaniya ang ga kaaway.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:28
Nag-uugnay na Pahayag:
Ito ang katapusan ng bahagi ng kuwento tungkol kay Zaqueo. Ang bersikulong ito ay nagsasabi sa atin kung ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos ng bahagi ng kuwentong ito. (Tingnan sa: [[End of Story]])
Nang nasabi na niya ang mga bagay na ito
"Nang nasabi na ni Jesus ang mga bagay na ito"
paakyat sa Jerusalem
Ang Jerusalem ay halos 975 metro ang taas mula sa Jericho.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:29-31
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ay ang susunod na bahagi ng kuwento. Patungo si Jesus sa Jerusalem.
At nangyari nang
Ang pariralang ito ay nagamit dito upang tanda ng simula ng bagong bahagi ng kuwento. Kung may paraan ang inyong wika upang gawin ito, isaalang-alang mo ang paggamit nito dito.
nang palapit na siya
Ang salitang "siya" ay tumutukoy kay Jesus. Ang kaniyang mga alagad ay naglalakbay kasama niya.
Bethfage
Ang Bethfage ay isang nayon sa Bundok ng mga Olibo, sa ibayo ng lambak ng Kidron mula sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
sa bundok na tinatawag na Olivet
"sa burol na tinatawag na Bundok ng mga Olibo" o "sa burol na tinatawag na 'Bundok ng Puno ng Olibo'"
bisiro
"isang batang asno" o "isang sinasakyang batang hayop" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
na hindi pa kailanman nasasakyan
Maaaring isalin na: "na wala pa kahit sino ang nakasakay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:32-36
Ang mga isinugo
Maaaring isalin na: "Ang mga ipinadala o isinugo ni Jesus" o "Ang dalawang alagad na isinugo ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng bisiro
"inilagay nila ang kanilang mga kasuotan sa ibabaw ng batang asno." Ang mga kasuotan ay mga damit. Sa kalagayang ito, tumutukoy ito sa kanilang mga panlabas na kasuotan o balabal.
inilatag nila ang kanilang mga kasuotan
"inilatag ng mga tao ang kanilang mga kasuotan" o "inilatag ng iba ang kanilang mga balabal." Ito ay isang tanda ng pagbibigay galang sa isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:37-38
Nang palapit na siya
"Nang malapit na si Jesus" o "Nang palapit na si Jesus." Ang kaniyang mga alagad ay naglalakbay kasama niya.
mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita
Maaaring isalin na: "mga dakilang bagay na nakita nilang ginagawa ni Jesus"
Pinagpala ang hari
Sinasabi nila ito tungkol kay Jesus.
sa pangalan ng Panginoon
Dito ang "pangalan" ay tumutukoy sa kapangyarihan at karapatan. Ang "Panginoon" ay tumutukoy din sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kaluwalhatian sa kataastaasan
Maaaring isalin na: "ang lahat ay lumuwalhati sa Kaniyang nasa kataastaasan" o "ang lahat ay magpuri sa Kaniyang nasa kataastaasan"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:39-40
sawayin mo ang iyong mga alagad
"sabihin mo sa iyong mga alagad na itigil ang mga bagay na kanilang ginagawa"
Sinasabi ko sa inyo
Sinabi ito ni Jesus upang bigyang-diin ang susunod na kaniyang sasabihin.
kung tatahimik sila
Ito ay isang kalagayang pagpalagay. Kailangang gawing malinaw ng ilang mga taga-salin kung ano ang ipinapahiwatig ni Jesus nang sinabi niya ito: "Hindi, hindi ko sila patitigilin, sapagkat kung ang mga taong ito ay tatahimik." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]]
ang mga bato ang sisigaw
"ang mga bato ang magpupuri"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:41-42
palapit na
"dumating" o "palapit"
sa lungsod
Ito ay tumutukoy sa Jerusalem.
iniyakan niya ito
Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa lungsod ng Jerusalem, ngunit kinakatawan nito ang mga taong nakatira sa lungsod na iyon. (TIngnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Kung alam mo lang
Ito ay isang ekslamation. Inihahayag ni Jesus ang kaniyang kalungkutan dahil hindi alam ng mga tao sa Jerusalem ang mga bagay na ito. Ang ipinahiwatig ng kaalamang ito ay maaring idagdag sa dulo ng pangungusap: "nang sa gayo'y magkakaroon kayo ng kapayapaan." Maaaring isalin na: "Labis kong ninanais na malalaman ninyo" o "Labis akong nalulungkot dahil hindi ninyo nalalaman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mo
Ang salitang "mo" ay pang-isahan dahil kinakausap ni Jesus ang lungsod. Ngunit kung ito ay hindi karaniwan sa inyong wika, maaari kang gumamit ng anyong pangmaramihan na "ninyo" upang tumukoy sa mga tao sa lungsod. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
lingid sa iyong mga mata
Maaring isalin na: "hindi na ninyo makita ang mga ito" o "wala kayong kakayahang malaman ito" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:43-44
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagpatuloy sa pagsasalita si Jesus.
Sapagkat
Ang kasunod ay ang dahilan sa kalungkutan ni Jesus.
darating sa iyo ang mga araw
Ipinapahiwatig nito na makakaranas sila ng paghihirap. Ang ilang mga wika ay hindi nagsasalita tungkol sa darating na panahon. Maaaring isalin na: "sa hinaharap mangyayari ang mga bagay na ito sa inyo" o "hindi magtatagal magtitiis kayo sa paghihirap."
iyo
Ang salitang "mo" ay pang-isahan dahil kinakausap ni Jesus ang lungsod. Ngunit kung ito ay hindi karaniwan sa inyong lengguwahe, maaari kang gumamit ng anyong pangmarami na "ninyo" na tumutukoy sa mga tao sa lungsod. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
harang
Ang harang ay isang pader na pumipigil sa mga tao upang lumabas mula sa lungsod.
Hahampasin ka nila pababa sa lupa
Dahil kinakausap ni Jesus ang lungsod, ito ay tumutukoy sa mga pader at mga gusali ng lungsod. Maaaring isalin na: "Sisirain nila ang inyong mga pader" o "Sisirain nila ang inyong lungsod."
kasama inyong ang mga anak
Ito ay tumutukoy sa mga tao na nakatira sa lungsod. Maaaring isalin na: "at papatayin nila kayong mga tao sa lungsod."
Hindi sila magtitira ng isang bato sa ibabaw ng isa pang bato
Ito ay isang pagmamalabis upang ipahayag kung paanong lubusang sisirain ng mga kaaway ang lungsod na naitayo sa mga bato. Maaaring isalin na: "Hindi sila magtitira ng alinman sa mga batong nasa wastong kinalalagyan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
dahil hindi mo kinilala
"hindi ninyo tinanggap"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:45-46
Nag-uugnay na Pahayag:
Ito ay ang kasunod na pangyayari sa bahaging ito ng kuwento. Pumasok si Jesus sa templo.
palayasin
"pinalabas"
Nasusulat
Ito ay isang sinipi mula kay Isaias. Maaaring isalin na: "Sinasabi ng mga kasulatan" o "Sinulat ng isang propeta ang mga salitang ito sa mga kasulatan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang aking bahay
Ang salitang "Aking" ay tumutukoy sa Diyos at ang "bahay" ay tumutukoy sa templo.
bahay-panalanginan
"isang lugar kung saan nananalangin ang mga tao sa akin"
lungga ng mga magnanakaw
"isang lugar na kanlungan ng mga magnanakaw." Maaaring isalin na: "tila lungga ng mga magnanakaw." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 19:47-48
Nag-uugnay na Pahayag:
Ito ay ang pagtatapos ng bahaging ito ng kuwento. Ang mga bersikulong ito ay nagsasabi tungkol sa kasalukuyang kilos na nagpapatuloy pagkatapos ng pinakabahagi ng kuwento na nagtatapos. (Tingnan sa: [[End of Story]])
sa templo
"sa patyo ng templo"
mga punong pari
"pinakamataas na uri ng mga pari" o "mga pinakamahalagang pari"
nakikinig nang mabuti sa kaniya
"nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi ni Jesus"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/19.md]]
Luke 20
Luke 20:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Ang mga pinunong pari, mga eskriba, at mga nakatatanda ay nagtanong kay Jesus sa templo.
At nangyari sa isang araw
Ang mga salitong ito ay ginamit bilang palatandaan ng unang pangunahing bahagi ng kwento. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-newevent/01.md]])
Luke 20:3-4
Pangkalahatang impormasyon:
Tumugon si Jesus sa mga pinunong pari, sa mga eskriba, at mga nakakatanda.
Sumagot siya at sinabi sa kanila
"Sumagot si Jesus"
Mula ba ito sa langit o mula ito sa tao?
Alam ni Jesus na ang kapangyarihan ni Juan ay nagmula sa langit. Nagtanong siya upang masabi ng mga pinuno ng mga Hudyo kung ano ang kanilang naisip sa lahat ng mga nakikinig sa kanila. Maaaring isalin na: "Inisip ba ninyo kung saan nagmula ang kapangyarihang ni Juan na magbautismo sa langit ba o sa mga tao?" o "Inisip ba ninyo na sinabihan ng Diyos si Juan na magbautimo ng mga tao, o sinabihan siya ng mga tao na gawin ito?"
Mula ba ito sa langit
"mula sa Diyos." Ang mga Hudyo ay umiiwas sa pagtukoy sa Diyos sa pamamagitan ng pagbanggit ng kaniyang pangalan na "Yahweh." Madalas ginagamit nila ang salitang "langit" na pangtukoy sa kaniya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 20:5-6
Nagusap-usap sila
Maaaring isalin na: "Tinalakay nila" o "Pinag-aralan nila ang kanilang sagot"
Kapag sasabihin natin, 'Mula sa langit,'
Ang ibang wika mas gustong hindi tuwiran ang panipi. Maaaring isalin na: "'Kung sasabihin natin na galing sa langit ang kapangyarihan ni Juan," (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Mula sa langit
"Mula sa Diyos." Depende kung papaano naisalin ang tanong sa nagdaang bersikulo, ito'y maaaring isalin na "Ginawa ng Diyos" o "Siya ay binigyan ng karapatan ng Diyos."
sasabihin niya
"sabihin ni Jesus"
babatuhin tayo
"papatayin tayo sa pamamagitan ng pagbabato sa atin." Ang batas ng Diyos ay nag-uutos sa kaniyang mga tao na batuhin ang mga tao niya na mangutya sa kaniya o sa kaniyang mga propeta.
Luke 20:7-8
Kaya sumagot sila
"Kaya ang mga pinunong pari, mga eskriba at mga nakakatanda ay sumagot." Ang salitang "kaya" ay tanda ng pangyayari na nangyari dahil sa may naganap na una. Sa kalagayang ito, sila'y nagdahilan sa kanilang mga sarili sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/20/05.md]], at wala silang maisagot na gusto nilang sabihin.
sumagot sila na hindi nila alam kung saan ito nagmula
Maaaring isalin na: Sinabi nila, 'Hindi namin alam kung saan ito nanggaling"' (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
kung saan ito nagmula
"kung saan nagmula ang pagbabautismo ni Juan." Maaaring isalin na: "kung saan nagmula ang karapatang magbautismo si Juan" o "sino ang nagpahintulot kay Juan na magbautismo sa mga tao."
Hindi ko rin sasabihin
Maaaring isalin na: At hindi ko sasabihin sa inyo" o "Gaya ng hindi ninyo pagsabi sa akin, hindi ko din sasabihin sa inyo"
Luke 20:9-10
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsimulang sabihin ni Jesus ang talinghaga sa mga tao sa templo. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
pinaupa niya ito sa mga magtatanim ng ubas
"pinahintulutan ang ilang mga magtatanim ng ubas na gamitin ito na ang kapalit ay pera" o "pinahintulutan ang ilang nagtatanim ng ubas na gamitin ito at bayaran siya pagkatapos"
mga magtatanim ng ubas
Ang mga taong ito ang namamahala sa ubasan at nagtatanim ng ubas. Maaaring isalin na: "mga nagtatanim ng ubas."
para kunin ang bahagi niya sa bunga ng ubas
"ang ilan ubas" o "ang ilan sa bunga ng tinanim nilang ubas." Ito'y maaari ding tumukoy sa mga bagay na gawa sa ubas o ang pera na kinita nila sa pagtitinda ng mga ubas.
pinaalis ng walang dala
Maaaring isalin na: "pinaalis siya ng walang ibinayad sa kaniya" o "pinaalis siya na walang dalang ubas"
Luke 20:11-12
kahiya-hiya ang ginawa sa kaniya
"ipinahiya siya"
binugbug siya
"sinugatan siya"
ang ikatlo
"kahit ang pangatlong utusan" o "kahit ang isa pa na utusan." Ang salitang "pa" ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng lupa ay dapat na hindi na nagpadala pa ng ikalawang utusan, ngunit sa kabila noon pinapunta niya pa rin ang ikatlong utusan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
Luke 20:13-14
ng makita siya ng mga nagtatanim ng ubas
"nang makita ng mga magtatanim ang anak ng nagmamay-ari"
Luke 20:15-16
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagsasabi niya ng talinghaga sa mga tao.
Pinalayas nila siya papalabas ng ubasan
"Ang mga nagtatanim ng ubas ay sa pilitan na pinalabas ang anak sa labas ng ubasan"
Ano nga kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila?
Gumamit ng isang katanungan si Jesus upang makuha niya ang pansin ng mga taga-pakinig kung ano ang gagawin ng may-ari ng ubasan. Maaaring isalin na: "Kaya ngayon, makinig kayo sa gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Huwag sana pahintulutan ng Dios ito!
"Maaring itigil ito ng Diyos itong panyayari!" o "Maaring hindi ito talaga mangyayari!" Naiintindihan ng mga tao ang talinghagang ito na nangangahulugan na paalisin sila ng Diyos sa Jerusalem dahil hindi nila tinanggap ang Mesiyas. Malakas ang pagpapahayag nila na nais nila na itong kakila-kilabot na pangyayari ay hindi mangyari. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Luke 20:17-18
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpapatuloy sa pagtuturo si Jesus sa mga tao.
Ngunit tumingin si Jesus sa kanila
"Ngunit tinitigan sila ni Jesus" o "Ngunit siya ay deretso tumingin sa kanila." Ginawa niya ito upang sila ay managot sa pag-iintindi kung ano yong sinasabi niya.
Ano ang kahulugan ng kasulatang ito?
"Kaya ano ang gustong sabihin ng kasulatang ito?" Gumagamit si Jesus ng katanungang upang maturuan ang mga tao. Maaaring isalin na: "Dapat niyo maintindihan itong kasulatan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk
Itong talinghaga ay panghula mula sa aklat ng Awit kung papaano tinanggihan ng mga tao ang Mesiyas. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa
Ito ay ang bato na sinasabi ng gumagawa na hindi eto matibay na panggawa ng gusali. "Noong araw ang mga tao ay gamamit ang bato sa paggawa ng gusali ng mga bahay at iba pang mga gusali na gawa ng bato."
ay ginawang batong panuluk
Ito ay mahalagang bato para gamitin panggawa ng gusali upang matibay. Maaaring isalin na: "nagawa na pinunu ng bato" o "naging pinakamahalagang bato." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-acttiveoassive/01.md]])
Ang bawat isa na bumagsak sa batong iyon
"Ang sinumang bumagsak sa batong iyon." Itong talinghaga ay isang propesiya sa magaganap sa bawat isa na tatanggi sa Mesiyas. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ay magkakadurog-durog
"ay mababasag at mapira-piraso." Ito ang hahantungan ng bumagsak sa batong ito. (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ngunit kung sinuman ang mabagsakan
"Ngunit ang sinuman bagsakan ng batong ito." Ang talinghagang ito ay isang propesiya sa paghahatol ng Mesiyas sa mga tumanggi sa kaniya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Luke 20:19-20
pinagsikapan na hulihin
Maaaring isalin na: "naghanap ng paraan upang dakipin si Jesus" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
sa oras ding iyon
"agad-agad
Ngunit natakot sila sa mga tao
Ito ang dahilan na hindi nila dinakip si Jesus agad-agad. Iginagalang ng mga tao si Jesus, at mga relihiyosong pinuno ay natatakot kung ano ang gagawin ng mga tao kung dadakpin nila siya. Maaarin isalin na: "Ngunit hindi nila siya dinakip dahil sa natatakot sila sa mga tao." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
nagpadala sila ng mga espiya
"ang mga eskriba at mga pinunong pari ay nagpadala ng mga espiya upang manmanan si Jesus"
upang makahanap sila ng pagkakamali niya sa kaniyang salita
"dahil sa gusto nilang paratangan si Jesus sa pagsasabi ng isang bagay na masama"
upang ibigay siya sa batas
"upang maidala siya sa" o "para ibigay siya sa kanila sa"
sa batas at sa kapangyarihan ng gobernador
"batas" at "kapangyarihan" ay nagpapahayag ng iisang bagay. "Ito ay maaaring isalin na: " "upang maparusahan ng gobernador si Jesus." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 20:21-22
Nag-uugnay na Pahayag:
Ito ang umpisa ng kasunod na pangyayari sa bahagi ng kwentong ito. Lumipas ang ilan oras mula noong tinanong si Jesus ng mga pinuno ng pari sa templo. Ang mga espiya ang nagtatanong ngayon kay Jesus.
at hindi nahihikayat ng sinuman
Mga maaaring kahulugan ay 1) "sabihin mo ang katotohanan kahit na hindi ito gusto ng mga matataas na tao" (UDB) o 2) "hindi mo pinapanigan ang isang tao higit sa iba." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ngunit itinuturo mo ang katotohanan patungkol sa daan ng Diyos
Ito ang bahagi na sinasabi ng espiya kung ano ang nalalaman nila patungkol kay Jesus.
Naaayon ba sa batas na magbayad kami ng buwis kay Cesar
Inaasahan nila na sabihin ni Jesus ang "oo" o "hindi". Kung sasabihin niyang "oo," ay magagalit ang mga Hudyo sa kaniya dahil sa sinasabi niya magbayad ng mga buwis sa banyagang pamamahala. Kapag sasabihin niyang "hindi," ay sasabihin ng mga pinuno ng mga relihiyon na tinuturuan ni Jesus ang mga tao na sirain ang mga batas ng Romano.
Naaayon ba sa batas
Tinatanong nila ang patungkol sa batas ng Diyos, at hindi sa batas ni Cesar. Maaaring isalin na: "Ang batas ba natin ay nagpapahintulot sa atin."
Cesar
Dahil si Cesar ang namumuno sa pamahalaan ng Romano, sila ay tumutukoy sa pamahalaan ng Romano sa pamamagitan ng pangalan ni Cesar. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 20:23-24
Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang katusuhan
"Ngunit alam ni Jesus kung gaano sila katuso" o "Ngunit nakita ni Jesus na subukin nila siyang mabitag." Ang salitang 'nila" ay tumutukoy sa mga espiya.
isang dinario
Ito'y isang pilak na pera ng Romano na nagkakahalaga ng isang araw na sahod. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]])
Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?
Ginagamit ni Jesus ang katanungang ito upang tumugon sa mga nais na manlinlang sa kaniya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 20:25-26
Nag-uugnay na Pahayag:
Ito ang huling pangyayari patungkol sa mga espiya at ang bahagi ng kwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/20/01.md]].
Sinabi niya sa kanila
"Kaya sinabi ni Jesus sa kanila"
Cesar
Dito ang "Cesar" ay tumutukoy sa pamahalaan ng Romano. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hindi mabatikus ng mga eskriba at mga pinunong pari ang kaniyang sinabi
"hindi nakahanap ng anumang kamalian sa sinabi niya"
Namangha sila
"Sila ay nagulat" o "Sila ay nagtaka" (UDB)
Luke 20:27-28
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang kasunod na bahagi ng kwento. Hindi natin alam kung saang mga lugar ang pinangyarihan nito, bagaman maaaring nasa templo sila. Nakikipag-usap si Jesus sa ilang mga Saduceo.
na nagsasabing walang muling pagkabuhay
Ang mga salitang ito ang kumikilala na ang mga Saduceo na isang pangkat ng mga Hudyo ang nagsasabi na walang mabubuhay mula sa pagkamatay. Hindi nito ipinapahiwatig na ang ilang Saduceo ay naniniwala sa muling pagkabuhay at ang iba ay hindi. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-distinguish/01.md]])
kung ang kapatid na lalaki ng isang lalaki ay namatay, na may asawa, at walang anak
"kung namatay ang kapatid ng lalaki na mayroon siyang asawa ngunit walang anak"
kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid
"dapat mapangasawa ng lalaking kapatid ang nabalo ng kaniyang namatay na kapatid"
Luke 20:29-33
Nag-uugnay na Pahayag:
Natapos ng mga Saduceo ang kanilang katanungan kay Jesus.
Pangkalahatang impormasyon:
Nagsabi ng kwento ang mga Saduceo kay Jesus sa mga bersikulo 29-32. Itong kuwento na ginawa nila ay upang maging halimbawa. Sa bersikulo 33, nagtanong sila kay Jesus patungkol sa kuwento na nasabi nila.
May pitong magkakapatid na lalaki
Ito ay maaaring nangyari, ngunit ito marahil ay isang kuwento na nilikha nila upang subukin si Jesus.
ang una...ang pangalawa...Ang pangatlo
Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]]
at namatay na walang anak
"namatay ng wala man lang mga anak" o "at namatay, ngunit wala man lang anak"
ganon din sa pangalawa
Maaaring isalin na: "napangasawa siya ng pangalawa at ganoon din ang nangyari" o "napangasawa siya ng pangalawang kapatid at namatay ng wala man lang anak''
Napangasawa ng ikatlong
"napangasawa siya ng ikatlo"
ganun din ang ikapito na wala ding iniwan na mga anak
Maaaring isalin na: "ganoon nga ang nangyari na ang pitong lalaking magkakapatid ay napangasawa nila siya at walang mga anak at namatay"
Sa muling pagkabuhay
"kapag ang tao ay muling mabuhay mula sa patay" o "kung ang mga taong namatay ay mabuhay muli" (UDB). Ang ibang mga wika ay may paraan na pagpapakita na ang mga Saduceo ay hindi naniniwala na mayroong muling pagkabuhay, tulad ng " ipagpalagay na may muling pagkabuhay" o "ang mga namatay na tao ay ipagpalagay na nabuhay sa pagkamatay."
Luke 20:34-36
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagsimulang sagutin ni Jesus ang mga Saduceo.
Ang mga anak na lalaki ng mundong ito
"Ang mga tao sa mundong ito" o "Ang mga tao sa panahong ito." Ito ay pagkakaiba sa mga nasa langit o ang mga tao na nabubuhay pagkatapos ng muling pagkabuhay.
mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa
Sa kanilang kultura sinasabi nila na ang lalaki ang makikipag-asawa sa babae at ang mga babae ay ibibigay upang mapangasawa siya. Maaaring isalin: "makipag-asawa." (Tignan: na [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]]):
ang mga nahatulan na karapat-dapat
Maaaring isalin na: "ang mga taong itinuring ng Diyos na karapat-dapat' (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay
"na buhayin mula sa patay" o "na bumangon mula sa patay"
hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa
"hindi mag-aasawa." Ito'y pagkatapos ng muling pagkabuhay.
At hindi na rin sila mamamatay
Ito ay pagkatapos ng muling pagkabuhay. Maaaring isalin na: "Hindi na sila maaaring mamatay pa kailan pa man."
at sila ay mga anak ng Diyos, bilang mga anak ng muling pagkabuhay
Maaaring isalin na: "mga anak ng Diyos dahil sa ibinalik sila mula sa patay"
Luke 20:37-38
Nag-uugnay na Pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagsasagot sa mga Saduceo.
Ngunit ang mga patay ay binuhay na muli, maging si Moises ay ipinakita niya,
Ang salitang "maging" ay nandito dahil ang mga Saduceo ay marahil hindi na nabibigla na ang ilang mga kasulatan nagsasabi na ang mga patay ay nabuhay, ngunit hindi nila inaasahan na si Moses ay magsusulat ng isang bagay tulad ng ganoon. Maaaring isalin na: "Ngunit noon pa man ay ipinakita na ni Moses na ang mga patay na tao ay mabubuhay mula sa patay." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa lugar ng mababang punong kahoy,
"sa bahagi ng kasulatan na kung saan ay naisulat niya ang tungkol sa nagliliyab na mababang punong kahoy" o "sa kasulatan patungkol sa nagliliyab na mababang punong kahoy"
saan tinawag niya ang Panginoon
kung saan tinawag ni Mose ang Panginoon
Ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob
"ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob." Silang lahat ay sumasamba sa isang Diyos.
Ngayon
Itong salita ay nagamit dito upang maging palatanda sa pagtigil sa pangunahing pagtuturo. Dito ipinaliwanag ni Jesus kung papaano pinatunayan ng kwentong ito na ang mga tao ay mabubuhay mula sa mga patay.
hindi siya Diyos ng mga patay, kundi sa mga buhay
Itong dalawang pangungusap ay may magkakatulad na kahulugan na nagsasabi ng dalawang beses upang magbigay diin. Ang ibang wika ay may iba't ibang mga paraan sa pagpapakita ng pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: "Ang Panginoon ay Diyos ng mga taong buhay magpakailan man." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
kundi sa mga buhay
Maaaring isalin na: "ngunit ang Dios ng buhay na tao" or "ang Dios ng mga tao na buhay ang kanilang mga espiritu kahit patay na ang kanilang mga katawan." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sapagkat lahat ay nabubuhay sa kaniya
"dahil sa paningin ng Diyos sila ay nabubuhay pa." Maaaring isalin na: "dahil alam ng Diyos na ang kanilang mga espiritu ay buhay."
Luke 20:39-40
Sumagot ang ilan sa mga escriba
"Ang ilang mga escriba ay nagsabi kay Jesus." Naroroon ang ilan sa mga escriba noong tanungin si Jesus ng mga Saduceo (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
hindi na sila nangahas pang magtaong
"sila ay natakot na magtanong sa kaniya" o "sila ay hindi na nakipag-sapalaran na tanungin siya." Ang ipinapahiwatig na impormasyon tungkol sa layunin ng mga katanungan at ang kadahilanang sa hindi nila pagtanong ay puweding sabihin ng malinaw. Maaaring isalin ng: "Hindi na nila siya tinanong pa ng mapanlinlang na katanungan dahil sa sila'y natakot na sa kahusayan ng kaniyang mga sagot ay lumilitaw na maging hangal sila. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 20:41-44
Pangkalahatang Impormasyon:
Nagsabi si Jesus sa mga escriba ng katanungan.
Paano nila nasabi...anak?
"Bakit nila nasabing...anak?" Gumagamit si Jesus ng katanungan upang mapaisip ang mga escriba tungkol sa kung ano ang sinasabi niya. Maaaring isalin na: "Isipin natin sila na sasabihing...anak." o "Ako ang magsalita tungkol sa kanila na sasabihing...anak." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
anak ni David
"Kaapu-apuhan ni haring David." Ang salitang "anak" ay nagamit dito upang tukuyin ang kaapu-apuhan. Sa sitwasyon ito maaaring tumukoy sa isa na maghahari sa lahat ng kaharian ng Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon
Ito ay binanggit sa aklat ng Salmo na ibig sabihin ay "Sinabi ni Yahweh sa Panginoon ko." Ngunit ang mga Hudyo ay humintong magsabi ng "Yahweh" at sa halip ay madalas sabihing "Panginoon". Maaaring isalin na: "Sinabi ng Panginoong Diyos sa Panginoon ko" o "Sinabi ng Diyos sa Panginoon ko."
Panginoon
Tinutukoy ni David ang Cristo bilang "Panginoon ko."
sa aking kanang kamay
Ang kanang bahagi ay lugar ng karangalan. Pinaparangalan ng Diyos ang Mesiyas sa pamamagitan ng pagsabing "Umupo ka sa aking kanang kamay."
hanggang gawin ko ang inyong mga kaaway na patungan ng inyong mga paa
Maaaring isalin na: "hanggang gawin ko ang inyong mga kaaway gaya ng patungan ng paa para sa iyo" o "hanggang sa malupig ko ang mga kalaban ninyo para sa iyo" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
kaya paano siya naging anak ni David?
"kaya paano na ang Cristo ay naging anak ni David?" Maaaring isalin na: "Ito'y nagpapakita na ang Cristo ay hindi lamang kaapu-apuhan ni David." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 20:45-47
Nag-uugnay na pahayag:
Nakatuon ang pansin ni Jesus sa mga alagad niya at siya ay nagsasalita sa kanila.
Mag-ingat kayo sa
"Mag-ingat kayo laban sa"
gustong maglakad ng nakasuot ng mahabang mga balabal
Ang mga mahahabang damit ay nagpapakita na sila ay mahalaga. Maaaring isalin na: "na nais nilang maglakad sa mga paligid na nakasuot ng mga mahahalangang mga mahahabang damit."
Nililimas din nila ang bahay ng mga balong babae
"Inuubos nila ang laman ng bahay ng mga balo." Maaaring isalin na: "Kinukuha nilang lahat ang mga ari-arian ng mga balong babae." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
nagpapanggap na nananalangin nang mahaba
"nagpapanggap silang mga matutuwid at sila ay nananalangin ng napakahaba" o "ginagawa nila ang mga pananalangin nila na mahahaba upang makita sila ng mga tao"
nagpapanggap
Ito ay nangangahulugan na ang mga escriba ay gumagawa ng mga bagay upang maipakita na sila ay importante at matuwid kaysa sa kung ano talaga sila.
Sila ay tatanggap ng mas mabigat na paghahatol
Maaaring isalin na: "Sila'y tatanggap ng mabibigat na hatol kaysa sa iba" o "Paparusahan sila ng Diyos ng mas higit kaysa sa iba"
Luke 21
Luke 21:1-4
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang kasunod na pangyayari sa kwento. Maaaring pinangyarihan: 1) ito ay maaaring naganap sa parehong araw ng tanungin ng mga Saduseo si Jesus. ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/20/27.md]]) o 2) ito ay maaaring sa ibang araw. Nagsimula sa pagtuturo si Jesus sa kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
isang mahirap na babaeng balo
Ito ay isang paraan upang pasimulan ang bagong tauhan sa kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-participants/01.md]])
kaloob
"mga kaloob na pera"
kabang-yaman
"likom na kahon" o "kahon ng pera." Ito ay isa sa mga kahon na nasa templo kung saan nilalagay ng mga tao ang mga pera bilang kaloob para sa Diyos.
dalawang katiting
"dalawang maliliit na barya" o "dalawang katiting na barya." Ito ang pinaka-kakaunting halaga sa mga barya na ginagamit ng mga tao noon. Maaaring isalin na: "dalawang sentimos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]])
sinasabi ko sa inyo
Kinakausap ni Jesus ang kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
nagbigay ng mga kaloob mula sa kanilang kasaganahan
Maaaring isalin na: "na mayroong maraming pera at nagbigay ng kakaunti mula rito"
sa kabila ng kaniyang kahirapan, inilagay ang lahat
Maaaring isalin na: "na mayroong kakaunti, ngunit inilagay niyang lahat"
Luke 21:5-6
Nag-uugnay na pahayag
Nag-iba ng usapan si Jesus mula sa babaeng balo sa pagtuturo patungkol sa templo.
mga handog
"mga bagay na ibinigay ng mga tao sa Diyos"
darating ang mga araw na
"magkakaroon ng araw kung kailan" o "balang araw"
wala ni isang bato ang maiiwan sa ibabaw ng isa pang bato
"bawat bato ay maaalis kung saan ito nailagay." Maaaring isalin na: "ang mga kaaway ay hindi mag-iiwan ng kahit isang bato sa ibabaw ng isa pang bato." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]]).
hindi babagsak
Ito ay maaaring isalin bilang isang panibagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Lahat sila ay mawawasak" o "Wawasakin ng mga kaaway ang bawat bato." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 21:7-9
siya ay kanilang tinanong
"nagtanong ang mga alagad kay Jesus" o "ang mga alagad ni Jesus ay nagtanong sa kaniya"
ang mga bagay na ito
Ito ay tumutukoy sa kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa paninira ng mga kaaway sa templo.
na hindi kayo malinlang
Kinakausap ni Jesus ang kaniyang mga alagad. Maaaring isalin na: "na hindi kayo maniwala sa kasinungalingan" o "na hindi kayo malinlang ng sinuman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa pangalan ko
Maaaring isalin na: "nagsasabing ako siya" o "nagsasabing mayroon sa kaniya ang kapangyarihan ko" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
huwag kayong masindak
"huwag ninyong hayaan na ang mga bagay na ito ang magbigay ng takot sa inyo" o "huwag kayong matakot"
ngunit ang wakas ay hindi kaagad na magaganap
Maaaring isalin na: "ang pagwawakas ng mundo ay hindi pa mangyayari kaagad pagkatapos ng mga digmaan at kaguluhan" o "ang mundo ay hindi pa magwawakas kagaad pagkatapos mangyari ang mga bagay na iyon"
ang wakas
"ang wakas ng lahat" o "ang wakas ng kapanahunan"
Luke 21:10-11
At sinabi niya sa kanila
"At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad." Bagamat ito ay karugtong lamang ng pangungusap ni Jesus sa nakaraang bersikulo, ang ibang mga pananalita ay maaaring hindi gustong sabihin na "At sinabi niya sa kanila."
Titindig ang isang bansa laban sa bansa
Maaaring isalin na: "Ang isang bansa ay sasalakayin ang ibang bansa"
Bansa
Ito ay tumutukoy sa mga katutubong pangkat ng mga tao sa halip na mga bansa.
kaharian laban sa kaharian
Maaaring isalin na: "titindig ang isang kaharian laban sa kaharian" o "sasalakayin ng isang hukbo mula sa isang kaharian ang hukbo mula sa ibang kaharian" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
taggutom at mga salot
"mayroong mga taggutom at mga salot" o "panahon ng kagutuman at mga karamdaman na papatay sa maraming tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
kakila-kilabot na mga pangyayari
"mga pangyayari na sisindak sa mga tao" o "mga pangyayari na magbibigay takot sa mga tao"
Luke 21:12-13
ang lahat ng ito
Ito ay tumutukoy sa kakila-kilabot na mga bagay na sinabi ni Jesus na mangyayari.
dadakipin nila kayo
Maaaring isalin na: "aarestuhin nila kayo" o "huhulihin nila kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
nila
"mga tao" o "mga kaaway"
kayo
Nagsasalita si Jesus sa kaniyang mga alagad. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
ibibigay kayo sa mga sinagoga
"ipapasakamay kayo sa mga pinuno ng mga sinagoga." Ang mga pinuno ng mga sinagoga ay maaaring pagbawalan ang ilang mga Judio na makipag-ugnayan sa mga alagad dahil sa pagsunod nila kay Jesus.
at sa mga bilangguan
" at dadalhin kayo doon sa mga bilangguan" o "at ilalagay kayo sa mga bilangguan"
dahil sa aking pangalan
Maaaring isalin na: "dahil sa akin" o "dahil sa pagsunod ninyo sa akin" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
para sa inyong patotoo
"na sasabihin ninyo sa kanila ang patotoo patungkol sa akin"
Luke 21:14-15
Kaya
"Dahil dito." Ginagamit ni Jesus ang salitang ito dito upang upang tukuyin ang mga bagay na nasabi niya, simula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/21/10.md]]. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-connectingwords/01.md]])
pagtibayin ninyo sa inyong puso
Maaaring isalin na: "magpasya kayo" o "pagtibayin ng mariin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
huwag ihanda ang inyong isasagot nang maagang panahon
"huwag pag-isipan kung ano ang inyong sasabihin upang ipaglaban ang inyong mga sarili laban sa mga paratang nila.
sapagkat ibibigay ko sa inyo ang mga salita at karunungan,
"Sasabihin ko sa inyo ang mga karunungang bagay na dapat sabihin"
mga salita at karunungan
Maaaring isalin na: "mga salitang karunungan" o "matatalinong mga salita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])
na hindi maaaring labanan o salungatin ng mga kalaban ninyo
Ito ay maaaring isalin bilang panibagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Ang mga kalaban ninyo ay walang kakayahang mangatwiran laban sa inyo o sabihin na mali kayo" o "Ang mga kaaway ninyo ay sasang-ayon na kayo ay tama."
Luke 21:16-19
Ngunit kayo ay ibibigay din ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan
Maaaring isalin na: "Ibibigay kayo sa may kapangyarihan ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
papatayin nila ang iba sa inyo
"papatayin nila ang ilan sa inyo." Mga maaaring kahulugan ay 1) "ipapapatay ng mga may kapangyarihan ang ilan sa inyo" o 2) "ang mga nagdala sa inyo ang papatay sa ilan sa inyo." Ang unang sinabi ang mas maaaring kahulugan.
dahil sa aking pangalan
Maaaring isalin na: "dahil sa akin" o "dahil sa pagsunod ninyo sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ngunit hindi mawawala kahit isang buhok sa inyong ulo
Ito ay tumutukoy sa isa sa mga pinakamaliit na bahagi sa katawan ng tao upang bigyang diin na ang buong pagkatao ay hindi mawawala. Nasabi na ni Jesus na ang ilan sa kanila ay mailalagay sa kamatayan. Kaya ang pagkakaintindi ng ilan dito ay hindi sila mapipinsala sa espiritwal. Maaaring isalin na: "Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi talaga makapipinsala sa inyo" o "Kahit ang bawat buhok ninyo sa ulo ay hindi maaano." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
sa inyong pagtitiis
"Sa pamamagitan ng pagkapit ng mahigpit." Maaaring isalin na: "Kung hindi kayo susuko."
makakamtan ninyo ang inyong mga kaluluwa
"tatanggap kayo ng buhay" o "mabubuhay kayo magpakailanman"
Luke 21:20-22
ang Jerusalem na napapaligiran ng mga hukbo
Maaaring isalin na: "napapaligiran ng mga hukbo ang Jerusalem" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
malapit na ang pagkawasak nito
"na nalalapit na itong wasakin" o "na nalalapit na nila itong wasakin"
magsitakas
"tumakbo mula sa panganib"
ito ang mga araw ng paghihiganti
"ito ang mga araw ng pagpaparusa" o "Ito ang panahon na paparusahan ng Diyos ang mga lungsod" (UDB)
lahat ng nasusulat
Maaaring isalin na: "ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta sa kasulatan noong unang panahon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
upang matupad
Maaaring isalin na: "ay mangyayari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 21:23-24
magkakaroon ng matinding kapighatian sa lupain
Mga maaaring kahulugan ay 1) ang mga tao sa lupain ay magdurusa 2) magkakaroon ng sakunang pang-tao sa lupain.
poot sa mga taong ito
"magkakaroon ng matinding galit sa mga taong ito." Maaaring isalin na: "Mararanasan ng mga taong ito ang galit ng Diyos" o "Magagalit ng husto ang Diyos at paparusahan niya ang mga taong ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sila ay mamamatay sa pamamagitan ng talim ng espada
sila ay mamamatay sa pamamagitan ng talim ng espada" Maaaring isalin na: "papatayin sila ng mga kalabang kawal." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sila ay dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa
Maaaring isalin na: "mabibihag sila ng kanilang mga kalaban at dadalhin sila sa iba't-ibang mga lupain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil
Mga maaaring kahulugan ay 1) sasakupin ng mga Gentil ang Jerusalem at maninirahan dito o 2) wawasakin ng mga Gentil ang lungsod ng Jerusalem o 3) papatayin ng mga Gentil ang mga tao sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
matupad ang mga panahon ng mga Gentil
Maaaring isalin na: "ang kapanahunan ng mga Gentil ay dumating na sa katapusan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 21:25-26
magkakaroon ng kapighatian sa mga bansa
Maaaring isalin na: "ang mga tao sa mga bansa ay magkakaroon ng matinding pagdurusa" o "ang mga tao sa mga bansa ay magiging napaka-balisa"
na walang pag-asa dahil sa dagundong ng dagat at sa mga alon
"maguguluhan sila dahil sa dagundong ng dagat at mga daluyong nito" o "at ang malakas na ingay ng dagat at ang mga maaalong galaw nito ang tatakot sa mga tao." Ito ay tila tumutukoy sa hindi pangkaraniwang mga bagyo o kapahamakan na kinasasangkutan ng mga karagatan.
sa inaasahang darating sa mundo
"mga bagay na mangyayari sa sanlibutan" o "mga bagay na mangyayari tungkol sa sanlibutan"
mayayanig ang mga kapangyarihan ng mga langit
Mga maaaring kahulugan nito ay 1) ang mga bagay sa kalangitan tulad ng araw, buwan, at mga bituwin ay hindi kikilos sa karaniwang paraan nito o 2) ang mga makapangyarihang espirituwal na nasa kalangitan ay mawawalan ng bisa. Ang una kahulugan ang inirerekomenda. Maaaring isalin na: "yayanigin ng Diyos ang kapangyarihan ng mga bagay sa mga kalangitan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 21:27-28
Anak ng Tao
Tinutukoy ni Jesus ang kaniyang sarili.
dumarating na nasa ulap
Maaaring isalin na: "bababa sa ulap"
na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian
Dito ang "kapangyarihan" ay marahil tumutukoy sa kaniyang karapatan na humusga sa sanlibutan. Dito ang "kaluwalhatian" ay tumutukoy sa maningning na liwanag. Ipinapakita minsan ng Diyos ang kaniyang kadakilaan na may maningning na liwanag. Maaaring isalin na: "makapangyarihan at kadakilaan" o "at siya ay magiging makapangyarihan at napakadakila."
magsitindig kayo
Minsan kapag natatakot ang mga tao, sila ay nagtatago upang sa ganoon ay maiwasang sila ay makita o masaktan. Kapag hindi na sila gaanong takot, sila ay kaagad na tatayo. Maaaring isalin na: "Magsitindig kayo ng may pagtitiwala."
tumingala
Sa pamamagitan ng pagtingala, sila ay maaaring makita ng kanilang tagapagligtas na darating para sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
sapagkat nalalapit na ang inyong kaligtasan
Maaaring isalin na: "dahil ang tagapagligtas ninyo ay darating sa inyo" o "dahil ililigtas kayo ng Diyos sa nalalapit na panahon"
Luke 21:29-31
Nag-uugnay na pahayag:
Habang nagpapatuloy sa pagtuturo si Jesus sa kaniyang mga alagad, nagsabi siya sa kanila ng talinghaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parables/01.md]])
Kapag ang mga ito ay umusbong
"Kapag ang mga dahon ay nagsimulang lumago"
nalalaman
Maaaring isalin na; "makikita ng mga tao sa kanilang mga sarili at malalaman"
malapit na ang tag-araw
"malapit ng magsimula ang tag-araw." Ang tag-araw sa Israel ay napakatuyo, kaya ang mga pananim ay inaani sa pagsisimula ng tag-araw." Maaaring isalin na: "ang panahon ng anihan ay malapit ng magsimula." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
nalalapit na ang kaharian ng Diyos
"Malapit ng itatag ang kaniyang kaharian." Maaaring isalin na: "Malapit ng mamuno ang Diyos bilang hari." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 21:32-33
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpapatuloy sa pagtuturo si Jesus sa kaniyang mga alagad.
ang salinlahing ito
Mga maaaring kahulugan nito ay 1) ang salinlahi na unang makakakita ng mga palatandaan na nasabi ni Jesus o 2) ang salinlahing tinutukoy ni Jesus. Ang una kahulugan ang maaaring tinutukoy dito.
hindi lilipas ang salinlahing ito, hanggang
Maaaring isalin na: "patuloy na mabubuhay hanggang"
Ang langit at lupa ay lilipas
"Ang langit at lupa ay titigil sa pag-iral." Ang salitang "langit" dito ay tumutukoy sa himpapawid at sa kabilang daigdig nito.
ang aking mga salita ay hindi lilipas
"ang mga salita ko ay hindi titigil sa pag-iral" o "ang mga salita ko ay hindi mabibigo." Maaaring isalin na: "anuman ang sinabi ko ay tiyak na mangyayari." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 21:34-35
upang hindi magnais ang inyong mga puso
Maaaring isalin na: "upang hindi kayo masakop ng" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
kahalayan
hindi mapigil na bigay-hilig sa sarili" o "labis na pagkahumaling sa mga bagay na nagbibigay sa inyo ng kasiyahang pansarili." Maaaring isalin na: "labis na pagdiriwang."
mga alalahanin sa buhay
"pag-aalala ng labis sa buhay na ito"
Sapagkat darating ang araw na iyon sa inyo nang biglaan
Ang ilan ay maaaring dagdagan ng pahiwatig na impormasyon: "Sapagkat kung kayo ay hindi maingat, ang araw na iyon ay darating sa inyo ng biglaan." Ang pagdating ng araw ay lilitaw ng biglaan at hindi inaasahan sa mga hindi handa at nagbabantay para dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang araw na iyon
Maaaring isalin na: "ang araw na darating ang Anak ng Tao"
nang biglaan na gaya ng bitag
Maaaring isalin na: "nang hindi mo ito inaasahan, gaya ng isang patibong sa hayop" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
darating ito sa lahat
"makakaapekto ito sa bawat isa" o "ang mga pangyayari ng araw na iyon ay makakaapekto sa bawat isa"
sa ibabaw ng buong mundo
Maaaring isalin na: "sa ibabaw ng buong sanlibutan" o "sa buong daigdig" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Luke 21:36
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang pagtuturo sa kaniyang mga alagad.
sapat na lakas upang makatakas ang lahat na ito
Mga maaaring kahulugan nito ay 1) "sapat na lakas upang pagtiisan ang mga bagay na ito" o 2) "may kakayahan na umiwas sa mga bagay na ito."
ang lahat ng ito na magaganap
"ang mga bagay na mangyayari." Nasabi na ni Jesus ang patungkol sa kasindak-sindak na mga bagay na mangyayari gaya ng pag-uusig, digmaan, at pagkabihag.
upang tumayo sa harapan ng Anak ng Tao
"upang tumayo ng may lakas ng loob sa harapan ng Anak ng Tao." Ito ay maaaring tumutukoy sa paghuhusga ng Anak ng Tao sa lahat. Ang isang tao na hindi handa ay matatakot sa Anak ng Tao at hindi makaharap sa kaniya ng may lakas ng loob.
Luke 21:37-38
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang huling bahagi ng kuwento na nagsimula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/luk/21/01.md]]. Itong mga bersikulo ay nagsasabi ng kasalukuyang pagkilos na nagpapatuloy pagkatapos ng pangunahing bahagi ng kwento. (Tingnan: [[End of Story]])
tuwing umaga siya ay nagtuturo
"tuwing araw ay nagtuturo siya. "Ang mga kasunod na bersikulo ay nagsasabi tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Jesus at ng mga tao sa bawat araw sa linggo bago siya mamatay.
sa templo
Maaaring isalin na: "sa patyo ng templo
sa gabi siya ay lumalabas
"lumalabas siya sa lungsod sa gabi" o "lumalabas siya tuwing gabi"
Ang buong bayan
Maaaring isalin na: " ang napakaraming bilang ng tao" o "halos lahat" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
maagang nagigising
"maagang dumarating sa umaga" o "pumupunta bawat umaga''
upang makinig sa kaniya
"upang marinig siyang magturo"
Luke 22
Luke 22:1-2
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang sumunod na bahagi ng kwento. Pumayag si Judas na ipagkanulo si Jesus. Ang mga bersikulong ito ay nagbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa bahaging ito ng kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
Ngayon
Ginamit ang salitang ito dito sa bagong bahagi ng kwento.
Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa
Ang pista na ito ay tinawag sa pangalang ito dahil sa panahon ng pista, ang mga Judio ay hindi kumakain ng tinapay na may lebadura. Maaaring isalin na: "ang pista na kung saan kumakain sila ng tinapay na walang pampaalsa."
Tinapay na walang Pampaalsa
Ang tinapay na ito ay walang lebadura na nagpapaalsa nito. Maaaring isalin na: "Tinapay na walang lebadura."
papalapit
"halos malapit nang magsimula"
kung paano nila ipapapatay si Jesus
Ang mga pari at mga eskriba ay walang karapatang patayin si Jesus, ngunit umaasa silang makakahanap ng ibang mga tao na papatay sa kaniya. Maaaring isalin na: "kung papaano nila maipapapatay si Jesus" o "kung papaano nila maipapapatay si Jesus sa pamamagitan ng ibang tao."
natatakot sila sa mga tao
Mga maaaring kahulugan ay 1) "natatakot sila sa maaaring gawin ng mga tao" 2) "natatakot sila na gawing hari si Jesus ng mga tao."
Luke 22:3-4
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang pagsisimula ng aksyon sa bahaging ito ng kwento.
Pumasok si Satanas kay Judas Iscariote
Ito ay maaaring katulad ng sinapian ng demonyo.
mga punong pari
"ang mga pinuno ng mga pari"
mga kapitan
"mga pinuno ng mga bantay sa templo"
kung paano niya maidadala si Jesus sa kanila
Maaaring isalin na: "kung paano niya sila matutulungan sa pagdakip kay Jesus"
Luke 22:5-6
Sila
"Ang mga punong pari at mga kapitan"
bibigyan siya ng pera
"para bigyan si Judas ng salapi"
sumang-ayon
"pumayag"
naghanap ng pagkakataon para madala niya si Jesus sa kanila malayo sa maraming mga tao
Ito ay kasalukuyang nangyayari na nagpapatuloy hanggang sa magwakas ang bahaging ito ng kwento. (Tingnan sa: [[End of Story]])
upang madala niya
"para tulungan sila sa pagdakip kay Jesus"
malayo sa mga tao
"palihim" o "kapag walang mga tao na nakapaligid sa kanila" (UDB)
Luke 22:7-9
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang sumunod na bahagi ng kwento. Pinadala ni Jesus sina Pedro at Juan para maghanda para sa hapunang Pampaskua. Ang bersikulo 7 ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa pinangyarihan ng kwento. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/writing-background/01.md]])
ang araw ng tinapay na walang pampaalsa
"Ang araw ng tinapay na walang lebadura" o "Ang araw ng lapad na tinapay." Ito ang araw na tinatanggal ng mga Judio ang lahat ng tinapay na may lebadura mula sa kanilang mga tahanan. At ipagdiriwang nila ang Pista ng Tinapay na walang Pampaalsa sa loob ng pitong araw.
na kung saan kailangang ialay ang kordero ng Paskwa
Bawat pamilya o pangkat ng mga tao ay papatay ng kordero at salu-salong kakain, kaya maraming kordero ang pinatay. Maaaring isalin na: "ang mga tao ay kailangang pumatay ng kordero para sa hapunang Pampaskua." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
upang ito ay ating kainin
Sinasama ni Jesus sina Pedro at Juan nang sinabi niya na "ating". Magiging bahagi sina Pedro at Juan ng pangkat na kakain ng hapunan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
maghanda
Ito ang pangkalahatang kahulugan ng "gumawa ng paghahanda." Hindi sinasabi ni Jesus kina Pedro at Juan na sila ang gagawa ng lahat ng pagluluto.
saan mo kami gustong gumawa ng mga paghahanda
Sa salitang "kami" ay hindi kabilang si Jesus. Si Jesus ay hindi kabilang sa pangkat na maghahanda ng pagkain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
gumawa ng mga paghahada
"gumawa ng mga paghahanda para sa hapunan" o "maghanda ng hapunan"
Luke 22:10-11
Sinagot niya sila
"Sinagot ni Jesus sina Pedro at Juan"
isang taong sasalubong sa inyo na may dalang pitsel ng tubig
"may makikita kayong lalaking may bitbit na pitsel ng tubig"
may bangang tubig
"may pasan na tapayan na may lamang tubig." Maaaring pasan-pasan niya ang tapayan sa kaniyang balikat.
Sundan ninyo siya sa bahay
Maaaring isalin na: "Sundan ninyo siya, at pumunta kayo sa bahay"
Ipinapatanong ng Guro sa iyo
Nagsisimula ito sa tuwirang pahayag kung saan sinabi ni Jesus sa mga alagad kung ano ang kanilang sasabihin. Sinabi naman ito sa UDB sa hindi tuwirang pahayag: "Ipinasasabi ng aming guro na ipakita mo sa amin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
Guro
Tumutukoy ito kay Jesus.
kakain...sa araw ng Paskua
"kakain ng hapunang Pampaskua"
Luke 22:12-13
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagbibigay ng mga tagubilin kina Pedro at Juan.
Ipapakita niya sa inyo
"Ipapakita sa inyo ng may-ari ng bahay"
silid sa itaas
"silid sa itaas na palapag." Kung ang mga bahay sa inyong komunidad ay walang mga silid sa itaas, kinakailangan ninyong isaalang-alang na ilarawan ang mga gusali sa lungsod.
Kaya pumunta sila
"Kaya nagpunta sina Pedro at Juan"
Luke 22:14-16
Nag-uugnay na pahayag:
Ito ang sumunod na pangyayari sa bahagi ng kwento tungkol sa Paskua. Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay nakaupo para kumain ng hapunang Pampaskua.
Labis kong ninais
"Gustong-gusto ko" (UDB)
Sapagkat sinasabi ko sa inyo
Ang pariralang ito ay ginamit para bigyang-diin ang kahalagahan ng susunod na sasabihin ni Jesus.
hanggang sa matupad ito
Mga maaaring kahulugan ay 1) "hanggang ang layunin ng Pista ng Paskua ay matupad" o 2) "hanggang sa makakain at maipagdiwang natin ang huling Pista ng Paskua." Maaaring isalin na: "hanggang sa matupad ito ng Diyos" o "hanggang sa matupad ng Diyos ang layunin ng Pista ng Paskua." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 22:17-18
at nang makapagpasalamat siya
"nang makapagpasalamat siya sa Diyos"
sinabi niya
"sinabi niya sa kaniyang mga apostol"
ibahagi ito sa isa't-isa
Maaaring isalin na: "ibahagi ninyo ang alak sa isa't isa" o "lahat kayo ay uminom ng kaunting alak mula dito"
Sapagkat sinasabi ko sa inyo
Ang pariralang ito ay ginamit para bigyang-diin ang kahalagahan ng susunod na sasabihin ni Jesus.
bunga ng ubas
Tumutukoy ito sa katas na napiga mula sa mga ubas na lumaki sa ubasan. Ang alak ay gawa sa pagbuburo sa katas ng ubas.
hanggang sa dumating ang kaharian ng Diyos
Maaaring isalin na: "hanggang sa itatag ng Diyos ang kaniyang kaharian" o "hanggang sa mamuno ang Diyos sa kaniyang kaharian"
Luke 22:19-20
tinapay
Ang tinapay na ito ay walang lebadura, kaya ito ay manipis.
hinati-hati niya
"pinagpira-piraso niya." Maaaring hinati-hati niya ito sa maraming piraso o maaaring hinati niya ito sa dalawa at ibinigay sa mga apostol para hati-hatiin ito sa kanila. Kung maaari, gumamit ng paghahayag na maaaring gamitin sa alin mang sitwasyon.
Ito ang aking katawan
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Ang tinapay na ito ay aking katawan" at 2) "Ang tinapay na ito ay kumakatawan sa aking katawan."
ang aking katawan na ibinigay para sa inyo
"ang aking katawan na ibibigay ko para sa inyo" o "ang aking katawan na iaalay ko para sa inyo." Maaaring isalin na: "ang aking katawan, na ibibigay ko sa mga may kapangyarihan upang patayin para sa inyong kapakanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Gawin ninyo ito
"Kainin ninyo ang tinapay na ito"
sa pag-alaala sa akin
"upang maalala ninyo ako"
Ang tasang ito
Ang salitang "tasa" ay tumutukoy sa alak na nasa tasa. Maaaring isalin na: "Ang alak na nasa tasang ito" o "Ang alak na ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang bagong tipan sa aking dugo
"ang bagong tipan, na magiging mabisa sa pamamagitan ng aking dugo" o "ang bagong tipan na pagtitibayin sa pamamagitan ng aking dugo" o "kumakatawan sa bagong tipan, na ipatutupad ng Diyos kapag dumanak ang aking dugo"
na ibinuhos para sa inyo
"ang aking dugo, na ibinuhos sa kamatayan para sa inyo" o "ang aking dugo na dadaloy mula sa aking mga sugat para sa inyo kapag ako ay namatay." Sinasabi ni Jesus ang kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kaniyang katawan na mawawasak at ang kaniyang dugo na dadanak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 22:21-23
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita sa kaniyang mga apostol.
Ang taong magkakanulo sa akin
"Ang tao na siyang magkakanulo sa akin"
Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay ayon sa itinakda
"Sapagkat, tunay ngang, ang Anak ng Tao ay aalis" o "Sapagkat ang Anak ng Tao ay mamamatay"
ayon sa itinakda
Maaaring isalin na: "gaya ng itinakda ng Diyos" o "gaya ng binalak ng Diyos" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ngunit sa aba sa taong iyon na dahil sa kaniya siya ay maipagkakanulo!
Maaaring isalin na: "Ngunit kaawa-awa ang taong magkakanulo sa Anak ng Tao!" o "Ngunit anong saklap sa taong magkakanulo sa Anak ng Tao!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 22:24-25
At nagkaroon din ng pagtatalo sa kanila
"At ang mga apostol ay nagsimulang makipagtalo sa isa't isa" (UDB)
kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila
Maaaring isalin na: "ang iisipin ng mga tao na pinakamahalaga" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sinabi niya sa kanila
"Sinabi ni Jesus sa mga apostol"
may kapangyarihang pamunuan sila
"mamumuno ng malupit sa kanila" o "gustong magpatupad ng kapangyarihan sa kanila"
ay tinawag
Maaaring hindi iniisip ng mga tao na ang mga pinunong iyon ay kagalang-galang na mga pinuno. Maaaring isalin na: "gustong matawag" o "tinawag ang kanilang mga sarili."
mga pinunong kagalang-galang
Maaaring isalin na: "mga tagapagpala" o "mga pinuno na tumutulong sa mga tao"
Luke 22:26-27
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Jesus sa pangangaral sa kaniyang mga apostol.
hindi dapat maging tulad nito
"hindi kayo dapat kumilos ng ganyan"
sa pinakabata
Habang ang mga pinuno ay madalas na matatandang tao at tinawag na mga "nakatatanda," "ang pinakabata" naman, ay pinakamadalang mamuno. Maaaring isalin na: "ang pinakamaliit ang halaga." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sapagkat
Idinudugtong nito ang utos ni Jesus sa bersikulo 26 sa kabuuan ng bersikulo 27. Nangangahulugan ito na ang pinakamahalagang tao ang dapat maglingkod dahil si Jesus ay isang lingkod.
isang naglilingkod
"ang siyang tagasilbi ng pagkain" o "ang siyang tagasilbi sa mga nakaupo." Tumutukoy ito sa isang lingkod.
ang mas dakila...naglilingkod?
"sino ang mas mahalaga...naglilingkod?" Gumamit si Jesus ng katanungan upang ipaalam ang kaniyang kasagutan sa katanungan ng mga apostol tungkol sa kadakilaan. Maaaring isalin na: "Gusto kong isipin ninyo ang patungkol sa kung sino ang mas dakila....naglilingkod." ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang taong nakaupo sa may hapag
"ang siyang nakadulog sa mesa"
Hindi ba ang taong nakaupo sa may hapag?
Gumamit si Jesus ng isa pang katanungan upang turuan ang mga alagad. Maaaring isalin na: "Tiyak na ang nakaupo sa mesa ay mas mahalaga kaysa sa lingkod!" ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Bagaman kasama ninyo Ako bilang isang naglilingkod
"Ngunit ako ay naglilingkod sa inyo." Ang salitang "ngunit" ay naririto dahil mayroong pagkakasalungat sa pagitan ng kung ano ang inaasahan ng mga tao kay Jesus at kung ano talaga siya.
Luke 22:28-30
nagpatuloy na kasama ko sa aking mga pagsubok
"nanatili sa akin sa aking mga pagdurusa"
Ibibigay ko sa inyo ang kaharian, katulad ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kahariaan
Ilan sa mga wika ay maaaring kailanganing baguhin ang pagkaka-ayos. "Katulad ng aking ama na nagbigay sa akin ng kaharian, ibinibigay ko ito sa inyo"
Ibibigay ko sa inyo ang kaharian
"Gagawin ko kayong mga pinuno sa kaharian ng Diyos" o "Binigyan ko kayo ng kapangyarihan na mamuno sa kaharian" o "Gagawin ko kayong mga hari"
katulad ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kaharian
"gaya ng aking Ama na nagbigay sa akin ng kapangyarihan upang mamuno gaya ng hari sa kaniyang kaharian"
uupo kayo sa mga trono
Maaaring isalin na: "kayo ay magtatrabaho na gaya ng mga hari" o "gagawin ninyo ang trabaho ng mga hari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
trono
Maaaring isalin na: "upuan ng mga hari" o "upuan na ginawa para sa mga hari"
Luke 22:31-32
Pangkalahatang Impormasyon:
Nakikipag-usap si Jesus kay Simon.
Simon, Simon
Sinabi ni Jesus ang kaniyang pangalan ng dalawang ulit upang ipakita na napakahalaga ng kaniyang sasabihin.
sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo
Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa lahat ng mga apostol. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
salain niya kayo tulad ng trigo
Ito ay nangangahulugan na gusto ni Satanas na subukin ang mga alagad upang makahanap ng pagkakamali. Maaaring isalin na: "susubukin kayo tulad ng pagtatahip ng butil sa isang bilao." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ngunit ipinanalangin kita
Ang salitang "kita" ay tuwirang tumutukoy kay Simon. Ang mga wikang may iba't ibang anyo ng "kita" ay dapat gamitin ang pang isahang anyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
upang hindi humina ang iyong pananampalataya
"na ikaw ay magpatuloy sa pananampalataya" o "na ikaw ay patuloy na magtiwala sa akin"
At pagkatapos mong muling manumbalik
"Matapos kang magsimulang sumunod muli sa akin" o "Matapos kang magsimulang magsilbi muli sa akin"
iyong mga kapatid
Tumutukoy ito sa ibang mga alagad. Maaaring isalin na: "ang iyong mga kapwa mananampalataya" o "ang ibang mga alagad"
Luke 22:33-34
hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila ng tatlong beses na kilala mo ako
Ang pagkakasa-ayos ng mga bahaging ito ng bersikulo ay maaaring baliktarin: Ipagkakaila mo ng tatlong ulit na nakikilala mo ako bago tumilaok ang tandang sa araw na ito"
hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila
Maaari itong ipahayag sa positibong paraan: "titilaok ang tandang sa araw na ito pagkatapos mong magkaila."
hindi titilaok ang tandang
Dito, ang pagtilaok ng tandang ay tumutukoy sa tiyak na oras sa isang araw. Ang mga tandang ay madalas na tumitilaok bago pa sumikat ang araw sa umaga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa araw na ito
Ang araw ng mga Judio ay nagsisimula sa paglubog ng araw. Nagsalita si Jesus pagkatapos na lumubog ang araw. Ang tandang ay titilaok bago mag-umaga. Ang umaga ay bahagi ng "araw na ito." Maaaring isalin na: "ngayong gabi" o "sa umaga."
Luke 22:35-36
Nag-uugnay na pahayag:
Ibinalik ni Jesus ang kaniyang pansin sa pakikipag-usap sa kaniyang mga alagad.
Nang ipinadala ko kayo
Nakikipag-usap si Jesus sa kaniyang mga apostol. Kaya ang mga wikang may iba't ibang anyo ng "kayo" ay dapat gumamit ng pangmaramihang anyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
pitaka
Ang pitaka ay isang supot o lalagyan ng pera. Ito ay ginamit dito para tukuyin ang "pera." (Tingnan sa : [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
supot ng mga kakailanganin
Maaaring isalin na: "maleta ng manlalakbay" o "pagkain"
Nang...nagkulang ba kayo ng kahit na ano?" At sumagot silang "Hindi."
Gumamit si Jesus ng katanungan upang tulungan ang mga apostol na maalala kung papaano ibinigay ng mga tao ang kanilang pangangailangan sa kanilang paglalakbay. Maaaring isalin na: "'Nang...gayon pa man ay nagkaroon kayo ng lahat ng inyong pangangailangan.' At sumang-ayon ang mga alagad at sinabing 'Oo, mayroon kami ng lahat ng aming pangangailangan.'" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi
"Hindi kami nagkulang sa kahit na ano" o "Mayroon kami ng lahat ng aming pangangailangan"
Ang walang espada ay dapat ipagbili niya ang kaniyang balabal
Hindi tumutukoy si Jesus sa isang tao na walang espada. Maaaring isalin na: "Kung sinuman ang walang espada, kinakailangan niyang ipagbili ang kaniyang balabal."
balabal
"balabal" o "panlabas na kasuotan"
Luke 22:37-38
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Jesus ang kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang mga alagad.
ang nasusulat patungkol sa akin
Maaaring isalin na: "ang isinulat ng propeta tungkol sa akin sa banal na kasulatan" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
kinakailangang matupad
Kinakailangang maintindihan ng mga apostol na tutuparin ng Diyos ang lahat ng mga nakasulat sa banal na kasulatan. Maaaring isalin na: "Tutuparin ng Diyos" o "Ipatutupad ng Diyos upang mangyari." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
itinuring siyang isa sa mga lumalabag sa batas
Dito ay binabanggit ni Jesus ang mga salitang nagmula sa banal na kasulatan. Maaaring isalin na: "itinuring siya ng mga tao na isa sa mga taong lumalabag sa batas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
lumalabag sa batas
"mga sumusuway sa batas" o "mga kriminal"
Sapagkat ang pahayag patungkol sa akin ay natutupad na
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Sapagkat ang ipinahayag ng propeta tungkol sa akin ay mangyayari" o 2) "Sapagkat malapit ng magwakas ang aking buhay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sinabi nila
Tumutukoy ito sa hindi bababa sa dalawang apostol ni Jesus.
tama na iyan
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Sapat na ang mga espada" o 2) "Sapat na ang pag-uusap tungkol dito." Nang sabihin ni Jesus sa kanila na dapat silang bumili ng mga espada, higit sa lahat sinasabi niya sa kanila ang tungkol sa panganib na haharapin nilang lahat. Maaaring hindi talaga niya gustong bumili sila ng mga espada at makipaglaban.
Luke 22:39-40
Pangkalahatang Impormasyon:
Ito ang sumunod na bahagi ng kwento. Pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo upang manalangin.
Pagkatapos ng hapunan
Tumutukoy ito sa pagtatapos ng hapunang Pampaskua.
na hindi kayo matukso
"nang hindi kayo matukso" o "upang walang manukso sa inyo at maging dahilan ng inyong pagkakasala"
Luke 22:41-42
di-kalayuan
Sa Griego ang nakasulat " kasing layo ng paghagis ng bato". Maaaring isalin na: "sa malapit" o tinatayang may sukat na "halos tatlumpung metro" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Ama, kung nais mo
Papasanin ni Jesus ang lahat ng mga kasalanan sa kasaysayan ng tao sa pamamagitan ng paghihirap sa krus. Nananalangin siya sa kaniyang Ama, nagtatanong kung mayroon pang ibang paraan.
Ama
Ito ay isang mahalagang katawagan para sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
alisin mo sa akin ang tasang ito
Tinutukoy ni Jesus ang paghihirap na kaniyang dadanasin na para bang ito ay nasa tasa at kaniya itong iinumin. Maaaring isalin na: "alisin mo sa akin ang tasang ito ng paghihirap" o "alisin mo ang paghihirap na ito sa akin" o "iligtas mo ako mula sa paghihirap na gaya nito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Gayunpaman hindi ang kalooban ko, kundi ang sa iyo ang mangyari
Maaaring isalin na: "Gayunpaman, nais kong gawin ang naaayon sa iyong kalooban sa halip na ang naaayon sa aking kalooban" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 22:43-44
nagpakita sa kaniya
"nagpakita kay Jesus"
pinapalakas siya
"pinalalakas ang loob niya"
Sa matinding paghihirap, nanalangin pa siya
"Nasa matinding paghihirap siya, at siya ay nanalangin"
Luke 22:45-46
Nang tumayo siya mula sa kaniyang pananalangin
Maaaring isalin na: "Nang tumayo si Jesus pagkatapos niyang manalangin" o "Pagkatapos manalangin, tumayo si Jesus at"
nakita niyang natutulog ang mga ito dahil sa kanilang pagdadalamhati
"nakita niyang natutulog ang mga ito dahil labis silang nalulungkot"
Bakit kayo natutulog?
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Nagulat ako na kayo ay natutulog ngayon" o 2) "Hindi kayo dapat natutulog ngayon!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
nang hindi kayo matukso
"walang manunukso sa inyo at maging dahilan ng inyong pagkakasala"
Luke 22:47-48
masdan ito, dumating ang maraming tao
Ang salitang "masdan" ay nagbibigay hudyat sa atin para sa mga bagong pangkat sa kwento. Ang inyong wika ay maaaring may paraan ng pagsabi nito. Maaaring isalin na: "may mga taong nagpakita."
pinangungunahan sila
Ipinapakita ni Judas sa mga tao kung nasaan si Jesus. Hindi niya sinasabi sa mga tao kung ano ang gagawin. Maaaring isalin na: "pinangungunahan sila patungo kay Jesus."
upang siya ay halikan
"upang batiin siya na may kasamang halik" o "upang batiin siya sa pamamagitan ng paghalik sa kaniya." Kapag binati ng isang lalaki ang isa pang lalaki na kapamilya o mga kaibigan, hahalik sila sa isang pisngi o magkabilaang pisngi. Kapag nakakahiya ito para sa inyong mga mambabasa na sabihing hahalikan ng lalaki ang isa pang lalaki, maaari mong isalin ito sa mas pangkalahatang paraan: "para bigyan siya ng bati na pangkaibigan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
Ipinagkakanulo mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik
Gumamit si Jesus ng katanungan para pagsabihan si Judas sa pagtataksil niya na may kasamang halik. Karaniwan ang halik ay isang palatandaan ng pagmamahal. Maaaring isalin na: "Ito ang halik na gagamitin mo para ipagkanulo ang Anak ng Tao!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang Anak ng Tao
Ginamit ni Jesus ang katawagang ito para tukuyin ang kaniyang sarili.
Luke 22:49-51
mga nakapalibot kay Jesus
Tumutukoy ito sa mga alagad ni Jesus.
ang nangyayari
Maaaring isalin na: "na ang mga pari at mga kawal ay may ilang kasama na dadakip kay Jesus"
isa sa kanila ang lumusob sa lingkod ng pinakapunong pari
"tinaga ang lingkod ng pinakapunong pari sa pamamagitan ng espada"
hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga
Maaaring isalin na: "hinawakan siya kung saan nataga ang kaniyang tainga"
Luke 22:52-53
Nagpunta kayo na tila laban sa isang magnanakaw, na may dalang mga espada at mga pamalo?
"Nagsilabas ba kayo na may dalang mga tabak at mga pamalo dahil iniisip ninyong isa akong magnanakaw?" Ginamit ni Jesus ang tanong na ito para pagalitan ang mga pinuno ng mga Judio. Maaaring isalin na: "Alam ninyong hindi ako magnanakaw, pero pumunta kayo dito na may dalang mga espada at mga pamalo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Nang kasama ko kayo araw-araw
"Ako ay kasama ninyo araw-araw"
sa templo
Maaaring isalin na: "sa mga hukuman ng templo"
hindi ninyo ako dinakip
ang nakasulat sa Griego ay "hindi kayo naglagay ng kamay ninyo sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
inyong oras
"inyong panahon"
ang kapangyarihan ng kadiliman
Tumutukoy ito sa masamang pinuno na si Satanas. Maaaring isalin na: "sa panahon ng pinuno ng kadiliman" o "sa panahon kung saan gagawa si Satanas ng mga masasamang bagay ayon sa nais niyang gawin" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Luke 22:54-55
dinala
"inilayo si Jesus mula sa hardin kung saan siya dinakip ng mga ito"
nilang magpaningas ng apoy
Ang apoy ang nagpapanatili sa mga tao upang hindi lalamigin. Maaaring isalin na: "ilang mga tao ay nagsiga ng apoy."
sa gitna ng patyo
Ito ang patyo sa bahay ng pinakapunong pari. May mga pader na nakapalibot dito, ngunit walang bubong.
Luke 22:56-58
tinitigan siya nito at sinabi
"tumingin siya kay Pedro ng diretso at sinabi sa ibang tao sa patyo"
Kasama rin siya ng taong iyon
Sinasabi ng babae sa mga tao ang tungkol kay Pedro na kasama ni Jesus. Marahil hindi niya alam ang pangalan ni Pedro.
Ngunit ikinaila ito ni Pedro
"Ngunit sinabi ni Pedro na hindi ito totoo"
Babae, hindi ko siya nakikilala
Hindi alam ni Pedro ang pangalan ng babae. Hindi niya ito nilalait sa pagtawag nito sa kaniya ng "babae." Kung iisipin ng tao na nilalait siya nito, maaari kang gumamit ng katanggap-tanggap na pagtawag sa isang babaeng hindi mo kilala sa inyong kultura, o pwede mong hayaan na lang at hindi isalin ang salita.
Lalaki, hindi ako
Tingnan ang tala sa itaas tungkol sa "babae."
Luke 22:59-60
iginiit...at sinabi
"nagpupumilit na sinabing " o "sinabi niya ng malakas" (UDB)
Totoo na ang lalaking ito
Dito "ang lalaki" ay tumutukoy kay Pedro. Marahil hindi alam ng nagsasalita ang pangalan ni Pedro.
siya ay taga-Galilea
Marahil ay nasasabi ng lalaki na si Pedro ay nagmula sa Galilea dahil sa paraan ng kaniyang pananalita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
hindi ko alam ang sinasabi mo
Maaaring isalin na: "ang iyong sinabi ay walang katotohanan" o "ang iyong sinabi ay pawang kasinungalingan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
habang nagsasalita pa siya
"habang si Pedro ay nagsasalita"
Luke 22:61-62
ang salita ng Panginoon
Maaaring isalin na: "ang salita ni Jesus" o "ang sinabi ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa araw na ito
Sinabi ni Jesus ang nakaraang gabi patungkol sa kung ano ang mangyayari bago sumapit ang madaling araw o sa madaling araw. Maaaring isalin na: "ngayong gabi."
Luke 22:63-65
Pagkatapos siyang piringan
"Pagkatapos nilang takpan ang kaniyang mga mata upang wala siyang makita"
Hulaan mo! Sino ang nanakit sa iyo?
Ang mga kawal ay hindi naniwala na si Jesus ay isang propeta. Sa halip ay naniniwala silang ang totoong propeta ay malalaman kung sino ang nanakit sa kaniya kahit hindi niya ito nakikita. Tinawag nila si Jesus na propeta, ngunit nais nilang ipakita na hindi siya propeta. Maaaring isalin na: "Patunayan mo na ikaw ay isang propeta. Sabihin mo sa amin sino ang nanakit sa iyo" o "Hoy propeta, sino ang nanakit sa iyo?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])
Hulaan mo
"Magsabi ka ng mga salitang mula sa Diyos!" Ipinahihiwatig ng impormasyong ito na sasabihin ng Diyos kay Jesus kung sino ang nanakit sa kaniya kahit pa natatakpan ang mga mata ni Jesus at hindi ito makakita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Luke 22:66-68
Siya ay dinala nila sa Konseho
Mga maaaring kahulugan ay 1) "Dinala ng mga nakatatanda si Jesus sa Konseho" o 2) "Dinala si Jesus ng mga kawal papunta sa Konseho ng mga nakatatanda." Ang ilang mga wika ay maaaring umiwas sa paggamit ng ang mga nagdala sa pamamagitan ng paggamit ng panghalip na "nila" (ULB) o sa pamamagitan ng paggamit ng balintiyak na pandiwa: "Dinala si Jesus sa Konseho." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sinabing
Ito ay maaaring isalin bilang isang bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Sinabi ng mga nakatatanda kay Jesus"
sabihin mo sa amin
"sabihin mo sa amin na ikaw ang Cristo"
Kung sabihin ko...kung tanungin ko kayo
Sinasabi ni Jesus na hindi na mahalaga kung nagsalita siya o kung tanungin niya ang mga ito na magsalita, hindi sila tutugon ng tama. Ang dalawang pariralang ito na pinagsama ay naghahayag ng saloobin ni Jesus na hindi talaga hinahanap ng konseho ang katotohanan.
Kapag sinabi ko sa inyo, hindi kayo maniniwala
Ito ang una sa dalawang pahayag na ayon sa palagay ni Jesus. Ito ang pamamaraan ni Jesus upang tumugon nang hindi nagbibigay ng dahilan upang sabihing nagkasala siya ng kalapastanganan sa Diyos. Ang inyong wika ay maaaring may paraan sa pagpapahiwatig na ang kilos ay hindi totoong nangyari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
kapag tinanong ko kayo, hindi naman kayo sasagot
Ito ang pangalawang pahayag na ayon sa palagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
Luke 22:69-71
mula ngayon
"mula sa araw na ito" o "simula ngayon"
ay mauupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos
Naintindihan ng mga Judio na wala ni isa mang makauupo roon. Itinuturing nila ito na katumbas ng salaysay na "makakasama ng Diyos bilang Diyos."
ang Anak ng Tao
Ginamit ni Jesus ang pariralang ito upang tukuyin ang Cristo. Ipinahihiwatig nito na tinutukoy niya ang kaniyang sarili, ngunit kailangang magtanong ng mga nakatatanda upang makita kung iyon ba talaga ang sinasabi niya.
kapangyarihan ng Diyos
"ang Diyos na makapangyarihan sa lahat." Dito ang "kapangyarihan" ay tumutukoy sa kaniyang kataas-taasang kapangyarihan.
ikaw ang Anak ng Diyos?
Hinatulan ng Konseho si Jesus na maipako sa krus dahil pinatotohanan niyang siya "ang Anak ng Diyos," kahit pa nalalaman niya na gusto ng Konseho na hatulan siya ng kamatayan.
Anak ng Diyos
Ito ang mahalagang katawagan kay Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Sinabi na ninyong Ako nga
"Oo, gaya lang ng inyong sinabi" (UDB)
Bakit pa natin kailangan ng isang saksi
Gumamit sila ng katanungan para magbigay-diin. Maaaring isalin na: "Hindi na natin kailangan pa ng mga saksi!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig
Maaaring isalin na: "narinig natin ito mula mismo sa kaniya na naniniwala siyang siya ang Anak ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Luke 23
Luke 23:1-2
buong kapulungan
"Ang lahat ng mga pinuno ng mga Judio"
sa harapan ni Pilato
Maaaring isalin na: "pinatayo na nakaharap kay Pilato."
inaakay ng taong ito ang aming bansa sa kasamaan
"gumagawa ng gulo sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga kasinungalingan sa ating mga tao" (UDB)
ipinagbabawal niyang magbigay ng buwis
"sinasabi sa kanilang huwag magbayad ng mga buwis" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:3-5
Tinanong siya ni Pilato
"Tinanong ni Pilato si Jesus"
Ikaw na ang may sabi
Maaaring isalin na: "Tama ang iyong sinabi" o "Ito ay tulad ng iyong itinanong sa akin" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
maraming tao
"mga tao"
Wala akong makitang kasalanan ng taong ito
"Hindi ko makita sa taong ito ang anumang kasalanan"
Ginugulo
"gumagawa ng gulo sa"
mula sa Galilea maging sa lugar na ito
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Nagsimula siyang gumawa ng gulo sa Galilea at ngayon gumagawa ng gulo dito."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:6-7
nang marinig ito
"nang marinig na nagsimulang magturo si Jesus sa Galilea"
kung
"kung sakali"
taong ito
Ito ay tumutukoy kay Jesus.
nalaman niya
"nalaman ni Pilato"
nasa ilalim siya ng pamumuno ni Herodes
Ang siping ito ay hindi nangangahulugang si Herodes ay ang pinuno ng Galilea. Maaaring isalin na: "Nasa ilalim siya ng pamumuno ni Herodes dahil naghari si Herodes sa Galilea." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ipinadala niya
"ipinadala ni Pilato"
na nasa Jerusalem din
Ito ay tumutukoy kay Herodes.
sa mga araw na iyon
Maaaring isalin na: "sa panahon ng pista ng paskuwa"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:8-10
labis siyang natuwa
"Si Herodes ay labis na natuwa"
matagal na niya itong nais makita
"Nais makita ni Herodes si Jesus"
Nakarinig siya ng tungkol sa kaniya
"Naririnig ni Herodes ang mga bagay na tungkol kay Jesus"
ninais niya
"ninais ni Herodes"
makakita ng ilang himala na ginawa niya
Maaaring isalin na: "makita siyang gumawa ng ilang uri ng himala" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Maraming itinanong si Herodes kay Jesus
Maaaring isalin na: "Maraming mga katanungan si Herodes kay Jesus"
walang isinagot si Jesus sa kaniya
"hindi sumagot" (UDB) o "walang ibinigay na sagot kay Herodes"
Tumayo
"Tumindig "
marahas siyang pinaparatangan
"marahas na inakusahan si Jesus" o "malupit siyang inakusahan"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:11-12
dinamitan siya ng magandang kasuotan
Ang pagsalin ay hindi dapat nangangahulugang ginawa ito upang parangalan o pangalagaan si Jesus. Ginawa nila ito upang kutyain si Jesus at pagkatuwaan siya.
Naging magkaibigan sina Herodes at Pilato sa araw ding iyon
Ang ipinapahiwatig ng kaalamang ito ay sila ay naging magkaibigan dahil ikinatuwa ni Herodes na pinahintulutan siya ni Pilato upang hatulan si Jesus. Maaaring isalin na: "Naging magkaibigan sina Herodes at Pilato sa araw ding iyon dahil ipinadala ni Pilato si Jesus kay Herodes upang hatulan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dati
"bago ang araw na iyon"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:13-14
Tinipon ni Pilato ang mga punong pari, at ang mga pinuno, at ang maraming tao
"Tinawag nga ni Pilato ang mga punong pari, at ang mga pinuno, at ang maraming tao upang magtipun-tipon"
tinanong ko siya sa harapan ninyo
"tinanong ko si Jesus sa harapan ninyo." Maaaring isalin na: "tinanong ko si Jesus na kasama kayo bilang mga saksi."
wala akong nakitang kasalanan
"huwag ninyong iisiping siya ay may sala" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:15-17
Wala, kahit si Herodes
Maaaring isalin na: "Kahit na si Herodes ay hindi naniniwalang siya ay may sala" (UDB) o "Kahit na si Herodes ay naniniwalang siya ay walang sala" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
sapagkat
"dahil" o "nalalaman natin ito dahil"
ipinabalik niya sa atin
"ipinadala ni Herodes si Jesus pabalik sa atin." Ang salitang "atin" ay tumutukoy kay Pilato at sa kaniyang mga kawal, hindi sa mga pari at sa mga eskriba, na silang pumaroon kay Herodes kasama ni Jesus, hindi rin sa mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
wala siyang ginawang karapat-dapat ng kamatayan
Maaaring isalin na: "wala siyang nagawang anumang bagay na karapat-dapat sa parusang kamatayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Kaya parurusahan ko siya
Dahil wala namang nakitang kasalanan si Pilato kay Jesus, dapat pakawalan niya ito nang walang kaparusahan. Sa pagsalsalin, hindi mahalagang ang pahayag na ito ay gawing umaayon sa katuwiran. Pinarusahan ni Pilato si Jesus, na siyang alam niyang walang sala, dahil takot lamang siya sa mga tao.
Ngayon, sa pista, kailangang magpalaya ni Pilato ng isang bilanggo para sa mga Judio.
Wala ang bersikulo 17 sa mga pinakamagandang sinaunang kopya ng kasulatan.
Luke 23:18-19
sabay-sabay silang sumigaw
"Sumigaw ang lahat ng mga tao"
Alisin ninyo ang taong iyan
"Dakpin ninyo ang taong ito!" Maaaring isalin na: "Dakpin ninyo ang taong ito at patayin siya!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
isang taong ibinilanggo
Maaaring isalin na: "isang taong ipinakulong ng mga taga-Roma" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
dahil sa
"dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa" o "dahil sa kaniyang krimen ng"
pagrerebelde
"sinusubukang hikayatin ang mga tao ng lungsod upang maghimagsik laban sa pamahalaan ng Romano" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:20-22
Kinausap ulit sila
"Muling nakipag-usap sa kanila" o "Muling nakipag-usap sa mga tao"
ninanais na palayain si Jesus.
"dahil nais niyang palayain si Jesus"
Sinabi niya sa kanila sa ikatlong pagkakataon
"Sinabi ulit ni Pilato sa mga tao, sa pangatlong pagkakataon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:23-25
Ngunit sila ay mapilit na
"nagpumilit ang mga tao"
nang may malalakas na tinig
"nang may sigawan"
ipapako siya krus
Maaaring isalin na: "ipako si Jesus ng mga kawal ni Pilato" (TIngnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
At nahikayat si Pilato sa kanilang mga sigaw
Maaaring isalin na: "At patuloy na sumigaw ang mga tao hanggang sa nahikayat nila si Pilato"
ibigay ang kanilang kahilingan
"gawin ang kung ano ang hinihiling ng mga tao" (UDB)
Pinalaya niya ang taong hiniling nila
"Pinalaya ni Pilato si Barabbas na siyang hiniling ng mga tao upang palayain"
na ikinulong
Maaaring isalin na: "na siyang ipinakulong ng mga taga-Roma" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ibinigay niya si Jesus sa kagustuhan nila
"Pinayagan ni Pilato ang mga tao upang gawin kay Jesus ang anumang naisin nila" o "ibinigay ni Pilato si Jesus sa mga tao at pinayagan ang mga tao upang gawin ang anumang naisin nilang gawin"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:26
Nang siya inilalayo nila
"Habang sinasamahan ng mga kawal si Jesus paalis sa kung nasaan si Pilato"
pinatigil nila ang isang Simon na taga Cirene
Mayroong kapangyarihan ang mga kawal ng Romano na puwersahin ang mga tao upang buhatin ang kanilang mga pasanin. Huwag itong isalin sa paraang nangangahulugan na hinuli si Simon o gumawa siya ng anumang kamalian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
isa
"isang taong nagngangalang"
nanggagaling sa kabukiran
"na pumupunta sa Jerusalem mula sa kabukiran"
pinapasan nila ang krus sa kaniya
"inilagay nila ang krus sa kaniyang mga balikat"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:27-28
tumangis dahil sa kaniya
"tumatangis para kay Jesus"
Siya ay sinusundan
"Sumusunod kay Jesus"
Mga anak na babae ng Jerusalem
Ang "anak na babae" ng isang lungsod ay tumutukoy sa mga tao sa lungsod. Maaaring isalin na: "kayong mga babae na mula sa Jerusalem."
tangisan
"umiyak para sa aking kalagayan"
ngunit tangisan ninyo ang inyong sarili at ang inyong mga anak
"sa halip, umiyak kayo para sa mga mangyayari sa inyo at sa inyong mga anak" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:29-31
na sasabihin nila
"na sasabihin ng mga tao"
mga baog
"mga babaing hindi nanganak"
Sa panahong iyon
"Sa oras na iyon"
sa mga burol
Maaaring isalin na: "sasabihin nila sa mga burol" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
Sapagkat kung gagawin nila ang mga bagay na ito habang sariwa pa ang puno, ano na lamang ang mangyayari kapag tuyo na ito?
Gumagamit si Jesus ng tanong upang tulungang maintindihan ng mga tao na ang mga tao ay gumagawa ng masasamang mga bagay ngayon sa mabuting panahon, kaya tiyak na gagawa pa sila ng mas masasamang mga bagay sa masamang panahon sa hinaharap. Maaaring isalin na: "Nakikita ninyong gumagawa sila ng masasamang mga bagay habang sariwa pa ang puno, kaya matitiyak ninyong mas gagawa pa sila ng mas masasamang mga bagay kapag tuyo na ang puno." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sariwa pa ang puno
Ang sariwang puno ay isang talinghaga sa anumang mabuti sa kasalukuyan. Kung ang inyong wika ay may parehong talinghaga, gamitin mo ito rito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
tuyo na ito
Ang tuyong kahoy ay isang talinghaga sa anumang masama sa hinaharap. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nila
Ito ay maaaring tumutukoy sa mga Romano o sa mga pinuno ng mga Hudio, o walang natatanging tinutukoy.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:32
May iba pang dalawang lalaking na mga kriminal ang dinala kasama niya upang patayin
Maaaring isalin na: "Isinama din ng mga kawal ang dalawang mga kriminal kasama ni Jesus upang patayin din sila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:33-34
Nang makarating sila
Kabilang ang mga kawal at ang mga kriminal, at si Jesus sa salitang "sila."
kanilang ipinako siya sa krus
"ipinako ng mga kawal si Jesus sa krus "
isa sa kaniyang kanan
"isa sa mga kriminal ay nasa kanan ni Jesus"
isa sa kaniyang kaliwa
"isa pa sa mga kriminal ay nasa kaliwa ni Jesus"
Ama, patawarin mo sila
Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa mga nagpako kay Jesus sa krus. Nakikipag-usap si Jesus sa kaniyang Ama ng may habag sa mga taong nagpapako sa kaniya sa krus.
Ama
Ito ay isang mahalagang katawagan ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa
"dahil hindi nila nauunawaan ang kanilang ginagawa." Hindi naiintindihan ng mga kawal na ipinapako nila sa krus ang Anak ng Diyos. Maaaring isalin na: "sapagkat hindi nila tunay na nalalaman kung sino ang kanilang ipinapako sa krus."
sila ay nagsapalaran
Nagkaisa ang mga kawal sa isang uri ng sugal. Maaaring isalin na: "sila ay nagsugal."
upang hatiin ang kaniyang kasuotan
"upang magpasiya kung sino sa mga kawal ang mag-uuwi ng bawat piraso ng kasuotan ni Jesus"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:35
nakatayo
"nakatayo doon"
siya
Ito ay tumutukoy kay Jesus.
Hayaan niyong iligtas niya ang kaniyang sarili
"Dapat may kakayahan si Jesus na iligtas ang kaniyang sarili" o "Nais naming makitang patunayan niya kung sino siya sa pamamagitan ng pagligtas niya sa kaniyang sarili mula sa krus"
hinirang
Maaaring isalin na: "ang nag-iisang pinili ng Diyos"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:36-38
siya
"Si Jesus"
lumalapit sa kaniya
"lumapit kay Jesus"
inaalukan siya ng suka
"inalukan si Jesus ng suka upang inumin." Ang suka ay isang mumurahing inumin na iniinom ng mga pangkaraniwang tao. Kinukutya ng mga kawal si Jesus sa pamamagitan ng pagbibigay ng mumurahing inumin sa isang taong nag-aangking siya ay isang hari.
isang karatula sa itaas niya
"nilagyan ng paskil ang taas ng krus ni Jesus na nagsabing"
ITO ANG HARI NG MGA JUDIO
Ang mga taong naglagay ng karatulang ito sa taas ni Jesus ay mga kumukutya sa kaniya. Hindi talaga nila iniisip na siya ay isang hari.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:39-41
isa sa mga kriminal na nakapako sa krus
Maaaring isalin na: "isa sa mga kriminal na nakabitin din sa krus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Nilait siya
"Nilait si Jesus"
Hindi ba ikaw ang Cristo?
Gumamit ng isang tanong ang isang kriminal upang kutyain si Jesus. Maaaring isalin na: "Inaangkin mong ikaw ang Cristo." (TIngnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Iligtas mo ang iyong sarili at kami
Hindi talaga iniisip ng kriminal na maliligtas sila ni Jesus mula sa krus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])
sumagot ang isa
"sumagot ang isa pang kriminal"
sinaway siya at sinabi
"at pinagalitan ang kriminal sa pamamagitan ng pagsasabing"
Hindi ka ba natatakot sa Diyos, sapagkat ikaw ay napa-ilalim sa parehong parusa?
Gumamit ng isang tanong ang kriminal upang suwayin ang isa pang kriminal. Maaaring isalin na: "Wala kang takot sa Diyos, sapagkat kinukutya mo si Jesus habang ikaw ay nakabitin sa krus gaya niya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Dapat lang na nandito tayo
"Tunay ngang karapatdapat tayo sa parusang ito"
ang taong ito
Ito ay tumutukoy kay Jesus.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:42-43
dagdag pa niya
"sinabi din ng kriminal"
pagdating mo sa iyong kaharian
Maaaring isalin na: "magsimulang mamuno bilang hari" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Tunay ngang sinasabi ko sa iyo
Ang "unay ngang" ay nagdadagdag ng diin sa sinasabi ni Jesus. Maaaring isalin na: "Nais kong malaman mo na."
paraiso
Ito ay ang lugar kung saan tumutungo ang mga matuwid na tao kapag sila ay namatay. Tinitiyak ni Jesus sa lalaki na siya ay makakasama ng Diyos at tatanggapin siya ng Diyos. Maaaring isalin na: "ang maligayang lugar" o "ang lugar ng mga matuwid" o "ang lugar kung saan nabubuhay ng masagana ang mga tao"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:44-45
Nang pasapit na ang Ika-anim na oras
"Nang magtatanghali na." Ito ay nagpapakita sa kaugalian sa panahon ng pagbibilang ng mga oras, na nagsisimula sa madaling araw ng 6 a.m.
nagdilim sa buong lupain
"ang buong lupain ay naging madilim"
hanggang sa ika-siyam na oras
"hanggang 3 p.m." Ito ay nagpapakita sa kaugalian sa panahon ng pagbibilang ng mga oras, na nagsisimula sa madaling araw ng 6 a.m.
ang kurtina ng templo
"ang kurtina sa loob ng templo"
nahati sa gitna
"napunit sa dalawang bahagi." Maaaring isalin na: "Pinunit ng Diyos ang kurtina sa templo sa dalawang bahagi." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:46-47
At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, "Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay."
Kinailangang isugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak sa krus upang mamatay bilang tunay na alay para sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ngunit, ang Anak ay nagmamahal pa rin sa Ama at ipinagkakatiwala ang kaniyang buhay sa kaniyang Ama.
na may malakas na tinig
"Humiyaw" o "Sumigaw"
Ama
Ito ay isang mahalagang katawagan para sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay
Maaaring isalin na: "ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong pag-iingat" o "ibinibigay ko ang aking espiritu sa iyo, ng may kaalamang iingatan mo ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Pagkasabi niya nito
"Pagkatapos sabihin ito ni Jesus"
siya ay namatay
"namatay si Jesus"
ang nangyari
Maaaring isalin na: "ang naganap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:48-49
mga tao
"maraming tao"
na naganap
"kalalabasan" o "kung ano ang nangyayari"
sama-samang dumating
"nagkatipun-tipon"
ang pangyayaring ito,
Maaaring isalin na: "ang mga bagay na naganap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nagsi-uwian
"nagsi-uwian sa kanilang mga tahanan" (UDB)
dinadagukan ang kanilang mga dibdib
Maaaring isalin na: "dinadagukan ang kanilang sariling mga dibdib upang ipakitang sila ay nalulungkot" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-symaction/01.md]])
mga kakilala niya
"mga nakakaalam kay Jesus" o "mga nakakakilala kay Jesus"
sumunod sa kaniya
"sumunod kay Jesus"
di-kalayuan
"may di-kalayuan kay Jesus"
mga bagay na ito
"mga nangyari"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:50-51
Masdan ninyo, may isang lalaki
Ang salitang "masdan ninyo" ay naghuhudyat sa atin sa bagong panauhan sa kuwento. Maaaring ang inyong wika ay may paraan upang gawin ito. Maaaring isalin na: "May isang lalaki na."
kabilang siya sa Konseho
"at siya ay miyembro ng Konseho ng mga Judio"
isang mabuti at matuwid na tao
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Siya ay isang mabuti at matuwid na tao."
hindi siya sumang-ayon sa kanilang pasya at sa kanilang ginawa
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Hindi sumang-ayon si Jose sa pasya ng konseho upang patayin si Jesus at sa ginawa ng konseho."
mula sa Arimathea, isang Judiong lungsod
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Si Jose ay mula sa isang Judiong lungsod na tinawag na Arimathea." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
na siyang naghihintay
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "Si Jose ay naghihintay."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:52-53
ang taong ito
"Si Jose"
Lumapit...kay Pilato, at hiningi
"Pumunta...kay Pilato at hiniling
Ibinababa niya ito
"Kinuha ni Jose ang katawan ni Jesus mula sa krus"
binalot ito ng pinong lino
"binalot ang katawan sa isang pinong linong tela"
inilagay sa isang libingan
"inilagay ang katawan ni Jesus sa isang libingan" o "inilagay ang katawan ni Jesus sa isang silid-libingan"
inukit sa bato
Maaaring isalin na: "isang libingang inukit ng isang tao sa isang malaking talampas na bato" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
na wala pang nakalibing mula noon
Maaari itong isalin sa bagong pangungusap. Maaaring isalin na: "na wala pa ni minsang naglagay ng katawan sa libingang iyon."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 23:54-56
ang Araw ng Paghahandada
"araw na naghahanda ang mga tao para sa araw ng Pamamahinga ng mga Judio" (UDB)
at nalalapit na ang Araw ng Pamamahinga
"Malapit na ang dapit-hapon, ang simula ng araw ng Pamamahinga" (UDB). Para sa mga Judio, sa dapit-hapon nagsisimula ang araw. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sumusunod sa kaniya mula sa Galilea
"naglakbay kasama ni Jesus mula sa rehiyon ng Galilea"
sumama
"sumunod kay Jose at sa mga lalaking kasama niya"
nakita ang libingan
"nakita ng mga babae ang libingan"
paano inilagay ang kaniyang katawan
Maaaring isalin na: "nakita ng mga babae kung paano inilagay ng mga lalaki ang katawan ni Jesus sa loob ng libingan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sila ay umuwi
"Pumunta ang mga babae sa mga bahay kung saan sila tumutuloy" (UDB)
naghanda ng mga pabango at mga pamahid
Maaring isalin na: "naghanda ng mga pabango at mga pamahid upang ihanda ang katawan ni Jesus para sa libing" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sila ay nagpahinga
"hindi nagtrabaho ang mga babae"
ayon sa kautusan
"ayon sa b ng Judio" o "gaya ng iniutos ng batas ng Judio"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/luk/23.md]]
Luke 24
Luke 24:1-3
Maagang-maaga sa unang araw ng linggo
"Bago magmadaling araw ng linggo" (UDB) (Tingn sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
pumunta sila
"ang mga babae ay dumating sa." Sa ULB ay naisulat na tila ang tagapagsalaysay ay nasa libingan na at nakita ang pagdating ng mga babae doon. Sa UDB ay nasusulat na tila ang tagapagsalaysay ay nakita ang mga babae na umalis sa di tinutukoy na lugar at pupunta sa libingan.
ang libingan
Ang libingan na ito ay naukit sa bato sa may talampas.
ang bato ay naigulong
Maaaring isalin na: "na mayroong isang nagpagulong sa bato" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang bato
Ito ay malaking bato na tinabas at binilog yong bato upang sapat na ipangtakip sa pasukan ng libingan. Ito ay nangangailangan ng mga ilang lalaki upang igulong.
Luke 24:4-5
Nangyari ito
Ang mga salitang ito ay ginamit dito upang bigyan ng tanda ang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay may paraan sa paggawa nito, puwede niyo itong gamitin dito.
nakakasilaw ang damit
"nakasuot ng maliwanag, kumikinang na kasuotan" (UDB)
napuno ng takot
"natakot"
Bakit ninyo hinahapin ang taong buhay sa mga patay?
Gumamit ang mga lalaki ng katanungan upang sila ay mahinahon na punahin ang mga babae sa paghahanap ng buhay na tao sa libingan. Maaaring isalin na: "Hinahanap niyo ng buhay na tao sa gitna ng mga patay" o "Hindi niyo dapat hanapin ang taong nabubuhay sa lugar kung saan inilibing ang mga patay na tao!" (UDB). (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Bakit ninyo hinahanap
Ang "ninyo" dito ay maramihan, tumutukoy sa mga babae na dumating. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Luke 24:6-7
ang sinabi niya sa inyo
Sinabi ni Jesus ito ng mas maaga ng isang linggo.
sa inyo
Ito ay tumutukoy sa kababaihan at sa ibang mga alagad. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
na ang Anak ng Tao
Ito rin ay maaring isalin ng gaya ng sa UDB. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])
na ang Anak ng Tao ay kailangang ipasakamay sa mga makasalanang tao at ipapako sa krus
Ito ay mahalagang bagay na tiyak na mangyayari sapagkat nagpasya ang Diyos na ito ay mangyayari. Maaaring isalin na: "ito ay hindi maiiwasan na ipasakamay ang Anak ng Tao sa mga makasalanang mga tao upang siya ay ipako sa krus." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ipasakamay
ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamamahala. (Tignnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ikatlong araw
Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]]
Luke 24:8-10
Naalala ng mga babae ang mga sinabi niya
Maaaring isalin na: "naalaala ng mga babae kung ano ang sinabi ni Jesus" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
bumalik sila galing ng libingan
Ang paksa o dahilan ng tagapagsalaysay sa kaniyang pagmamasid ay mula sa daan sa pangitan ng libingan at sa mga apostol (ULB). Ang ULB ay may paksa ng pagmamasid sa libingan, pansinin pa na ang mga kababaihan ay umalis. Kung anu man ang nangyari, ang mga kababaihan ay umalis sa libingan at pumunta kung saan naroon ang mga apostol.
at lahat ng iba pa
"ang lahat ng ibang mga alagad na kasama ng labing-isa na apostol"
Ngayon
Ang salitang ginamit dito ay upang markahan ang panandaliang pagtigil sa pangunahing daloy ng kwento. Si Lucas dito ay nagbigay ng mga pangalan ng ilan sa mga babae at ipinaliwanag kung paanong ang mga alagad ay tumugon sa kung ano ang kanilang sinabi.
Luke 24:11-12
Ngunit ang balitang ito ay tila walang kabuluhan sa mga apostol
"Ngunit inisip ng mga apostol na ang sinabi ng mga babae ay walang kabuluhan na pag-uusap"
tumayo
Ito ay kawikaan na nangangahulugang "nagsimulang kumilos." Kahit na si Pedro ay nakaupo o nakatayo noong siya ay nagpasya na kumilos ay hindi mahalaga. Maaaring isalin na: "at lumabas." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
yumuko
"yumuko." Si Pedro ay kailangang yumuko upang tingnan ang nasa loob ng libingan.
telang lino
"mga damit na lino lamang"
Luke 24:13-14
Masdan ninyo
Ito ang tanda ng simula sa ibang pangyayari na iba sa nangyari sa babae at kay Pedro.
Emaus
Ito ay pangalan ng isang bayan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
anim napong stadia
"labing isa na kilometro." Ang isang "istadyum" ay 185 na metro. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bdistance/01.md]])
Luke 24:15-16
Nangyari na
Ang saysay na ito ay nagamit dito upang maging tanda kung saan mag-uumpisa ang panagyayari. Ito'y nag-umpisa ng lumapit sa kanila si Jesus. Kung ang wika ninyo ay may kaparaanan sa paggawa nito, maaari mong ituring ang paggamit nito dito.
Jesus mismo
Ang salitang "mismo" ay nakatuon kay Jesus at ang pagkabigla ni Jesus na nagpakita sa kanila. Ang talagang nakita ng mga babae ay ang mga anghel, ngunit wala ni isang nakakita kay Jesus.
Ngunit ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala
"ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala" Maaaring isalin na: "sila'y patuloy na hinadlangan na makilala siya." O may humadlang para hindi nila siya makilala (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 24:17-18
Cleopas
Ito'y pangalan ng isang lalaki. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Ikaw lang ba ang tao... mga araw
Ginamit ni Cleopas ang katanungan upang ipakita ang kaniyang pagkagulat na ang taong ito na lumitaw ang hindi nakaka-alam sa mga bagay na nangyari sa Jerusalem. Maaaring isalin na: "Ikaw nalang ang kaisa-isang tao...sa mga araw." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Luke 24:19-20
Anong mga bagay?
"Anong mga nangyari?" o "Ano ang mga ibang nangyari?"
na makapangyarihan sa gawa at salita maging sa harapan ng Dios at mga tao
Ito'y nangangahulugan na ang Diyos ang nagdulot kay Jesus na maging makapangyarihan at iyon ay nakita ng mga tao na siya ay makapangyarihan. Maaaring isalin na: "at ibinigay ng Diyos sa kanya ang kapangyarihan na gumawa at magturo ng dakilang mga bagay na kagulat-gulat sa lahat ng mga tao."
ibinigay upang hatulan ng kamatayan at ipako siya sa krus
Maaaring isalin na: "ipinasakamay si Jesus sa gobernador ng Roma upang ang gobernador ang magsasabi kung si Jesus ay papatayin sa pamamagitan ng pagpapapako sa kaniya sa krus" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 24:21
na siya ang magpapalaya sa Israel
Ang Romano ang namamahala sa mga Hudyo. Maaaring isalin na "na magpapalaya sa mga Israelita sa ating mga kalaban na Romano." ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])Tingnan:
pangatlong araw
Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]]
mula ng nangyari ang mga bagay na ito
"mula ng pinatay nila siya"
Luke 24:22-24
bukod dito
Itinuring din ng mga kalalakihan na ang ulat ng mga kababaihan ay isang mabuting bagay, at hindi isang masamang bagay na naidaragdag pa sa pagkamatay ni Jesus.
na pumunta sa libingan
na mga kababaihan na pumunta sa libingan
pangitain na mga anghel
"mga anghel sa isang pangitain"
Luke 24:25-27
makukupad ang puso na maniwala
Maaaring isalin na: "mabagal ang mga kaisipan ninyo na maniwala" o " ikaw ay mabagal na maniwala ''(tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Hindi ba kinakailangan... kaluwalhatian?
Katanungan ang ginamit ni Jesus upang ipaalala sa mga alagad kung ano ang sinabi ng mga propeta. Maaaring isalin na: "Ito ay kinakailangan...kaluwalhatian." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
pumasok sa kaniyang kaluwalhatian
Ito'y tumutukoy sa panahon na ipakita ni Jesus sa lahat ang kaniyang kagandahan at kadakilaan at tanggapin ang karangalan at pagsamba.
Luke 24:28-29
habang papalapit na sila
"At nang sila ay malapit ng makarating
lumakad si Jesus na wari magpapatuloy pa
Naunawaan ng dalawang lalaki sa kaniyang kilos na siya ay may iba pang patutunguhan. Marahil ay patuloy siyang naglalakad sa daan nang sila'y lumiko sa pagpasok sa tarangkahan patungo sa nayon. Walang palatandaan na nalinlang sila ni Jesus sa mga salita niya.
siya ay pinigilan nila
"Malakas ang paghimok nila sa kaniya." Sa salitang Griyego ay nangangahulugan na gumamit sila ng puwersa sa mahigit ng mahaba habang oras, ngunit ito ay paglalabis. Sila'y tumagal ng konti sa pagsikap na himukin siya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
pumasok si Jesus
"si Jesus ay pumasok sa bahay"
Luke 24:30-32
At nangyari
Itong paghahanay ay nagamit dito upang matandaan ang mahalagang pangyayari sa kwento. Kung ang inyong wika ay may paraan sa paggawa nito, maaari mong isaalang-alang na gamitin ito dito.
ang tinapay
Ito'y tumutukoy sa tinapay na walang pampaalsa. Hindi ito tumutukoy sa pangkalahatang pagkain.
pinagpasalamatan ito
"nagbigay ng pasasalamat para dito" o "nagpasalamat sa Diyos para dito"
nabuksan ang kanilang mga mata
Maaaring isalin na: "kayat naunawaan nila" o "kaya't na natanto nila" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
naglaho sa kanilang paningin
Ito'y nangangahulugang na nawala siya ng biglaan doon. Hindi nangagahulugan na siya ay hindi makita.
Hindi ba umaalab ang ating puso...mga kasulatan?
Gumamit sila ng katanungan upang bigyang diin kung paano sila namangha sa pakikipagtagpo nila kay Jesus. Maaaring isalin na: "Ang aming mga puso ay umaalab...mga kasulatan." (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
umaalab ang ating
Ito ay isang metapora na naglalarawan ng napakatindi nilang damdamin habang sila ay nakikipag-usap kay Jesus. Maaaring isalin na: "Nagkaroon tayo ng napakatinding mga damdamin habang siya ay nakikipag-usap sa atin." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sa atin
Ang dalawang lalaki ay nagsasalita sa isa't isa. Kaya ang ang salitang "atin" ay napapabilang sa pangdalawahan panghalip sa mga wika na ginagawa itong pagkakaiba. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-pronouns/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
habang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan
Hindi nagbukas si Jesus ng libro o balumbon. Maaaring isalin na: "habang ipinaliwanag niya sa atin ang mga kasulatan."
Luke 24:33-35
tumayo sila
Ang "sila" ay tumutukoy sa dalawang lalaki
tumayo
"tumindig"
ang labing-isa
Ito'y tumutukoy sa mga apostol ni Jesus. Si Judas ay wala na sa kanila.
sinasabi, "Totoo ngang muling nabuhay ang Panginoon
Ang labing isang apostol at ang mga kasaman nila ang nagsasabi nito.
ikinuwento nila
"At ikinuwento ng dalawang tao"
ang nangyari sa daan
Ito'y tumutukoy sa pagpapakita ni Jesus sa kanila habang sila'y nasa kanilang daan patungo sa nayon ng Emmaus.
sa pagpipira-piraso ng tinapay
"nang pinagpira-piraso ni Jesus ang tinapay" o "nang hinatihati ni Jesus ang tinapay"
Luke 24:36-37
si Jesus mismo
Ang salitang "mismo" ay tumutukoy kay Jesus at ang pagkabiglang pagpapakita niya sa kanila. Karamihan sa kanila ay hindi pa nila siya nakita mula sa pagkabuhay niya
sa kalagitnaan nila
Maaaring isalin na: "kung saan nila siya lahat makita"
kapayapaan ay sumasainyo
"Sana magkaroon kayo ng kapayapaan" o "Sana ang Dios ay bigyan kayo ng kapayapaan" (UDB) (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]]
sila ay nasindak at puno ng takot
"sila ay nagulat at natako"
akala nila espiritu ang kanilang nakita
Hindi pa nila masyado naintindihan na si Jesus ay talagang buhay.
ang espiritu
Dito ang tinutukoy ay espiritu ng patay na tao.
Luke 24:38-40
Bakit kayo naguguluhan?
Gumamit si Jesus ng katanungan upang sila ay aliwin. Maaarin isalin na: "Huwag kayo matakot." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translation/figs-rquestion/01.md]]
Bakit may katanongan na nanggagaling sa inyong puso?
Si Jesus ay gumamit ng katanungan upang pahapyaw silang pagalitan. Sinasabi ni Jesus sa kanila na huwag nilang pagdudahan ang kaniyang pagkabuhay. Maaarin isalin na: "Huwag kayong magduda sa inyong mga isip!" o "Humintong na kayong magduda!" (See: [[en:ta:vol1:translate:figs_rquestion]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
buto at laman
Eto ang isang paraan na tumutukoy sa katawan
Luke 24:41-43
Habang sila ay hindi pa makapaniwala dahil sa galak
"hindi pa rin sila makapaniwala na talaganng tutuo." Sobra silang natuwa, ngunit sa oras din yan, nahirapan sila na paniwalaan na talagang nangyari nga.
at namangha
"at nagtaka sila ng labis"(UDB) o at namangha sila kung paano eto
sa harap nila
"sa harapan nila" o habang sila ay nanonood" UDB
Luke 24:44
Nang kasama ko kayo
"Nang kasama ko kayo noon"
lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit
Maaaring isalin na: lahat ng sinulat ni Moises, mga propeta, at yong sumulat ng Aklat ng Mga Awit ay sumulat patungkol sa akin" (tignan: [[::ta:vol2:translationfigs_activepassive]])
kailangan matupad
Maaaring isalin na: "tutuparin ng Diyos" o "ang Dios ang dahilan kaya nangyari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Luke 24:45-47
At binuksan niya ang kanilang mga isipan, upang maunawaan nila ang Kasulatan"
Maaaring isalin na: "Pagkatapos pinaintindi niya sa kanila ang banal na kasulatan" (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idioms/01.md]])
Nasusulat
Maaaring isalin na: "Ito ay ang sinulat ng mga tao noong matagal na panahon" (tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ikatlong araw
"pagkaraan ng dalawang gabi" (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])
pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay kailangan maipangaral
Maaaring isalin na: "ang mga tagasunud ng Mesyas ay dapat ipangaral sa mga tao na kailangan sila magsisi at hayaang ang Dios ang magpatawad sa kanilang mga kasalanan" (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa kaniyagn pangalan
Maaaring isalin na: "siya ang kinatawan" o "sa kaniyang kapaangyarihan" (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonomy/01.md]])
lahat ng mga bansa
"lahat ng katutubo sa mga bayan" o "lahat ng pangkat na mga tao"
Luke 24:48-49
Kayo ay ang mga saksi
"Kayo ang magsabi sa iba na ang inyong mga nakita tungkol sa akin ay totoo." Nakita ng mga disipulo ang buhay ni Jesus, kamatayan at pagkabuhay niya at kaya nilang ilarawan ang mga nagawa niya sa ibang mga tao.
Ipapadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama
"Ibibigay ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama na ibigay sa inyo." Si Jesus, na Anak ng Dios ang magbigay sa ipinangako ng Dios Ama sa lahat ng mga sumunud sa kaniya, na ang Diyos Espiritu.
Ama
Ito ay mahalagang katawagan para sa Dios. (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guideline-sonofgodprinciples/01.md]])
kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang
Ang nakasulat sa Griego aay 'kayo ay madamitan ng kapangyarihan". Ang kapangyarihan ng Dios ay inihalintulad sa damit na isusuot sa katawan ng tao. Maaaring isalin na: "tatanggap kayo ng kapangyarihan." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]) at [[https://git.door43.org/Door43/tl_man/src/master/figs-activepassive.md]])
mula sa taas
"mula sa itaas" o "mula sa Dios"
Luke 24:50-53
habang sila ay binabasbasan niya
"habang si Jesus ay humihingi sa Dios na gawin niya ang mabuti sa kanila
dinala paakyat
Hindi sinabi ni Lukas kung sino ang nagdala kay Jesus paitaas, di natin alam kung ang Dios mismo o di kaya isa o dalawang anghel. Kung sa salita niyo ay kailangan malaman kung sino ang nagdala paitaas, maganda na ang nasa UDB ang sundin niyo "nagpunta." (Tignan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])