Joel
Joel 1
Joel 1:1-3
Petuel
Ama ni Joel (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Nangyari na ba ito noon sa inyong panahon o sa panahon ng inyong mga ninuno?
Maaaring isalin na: "Hindi pa ito kailanman nangyari sa inyo o sa inyong mga ninuno" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Joel 1:4
napakaraming nagliliparang balang
malaking grupo ng mga insekto na katulad ng mga tipaklong na sama-samang lumilipad at kumakain ng malaking bahagi ng mga pananim (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
napakaraming nagliliparang balang...malalaking balang...tipaklong...uod
Ito ay magkakasunod, mga magulang na balang na nakalilipad, mga balang na malalaki na hindi agad nakalilipad, mga maliliit na balang na hindi pa nakalilipad, at balang na wala pang pakpak. Gumamit ng mga pangalan na maiintindihan sa inyong wika.
Joel 1:5-10
kayong mga lasenggo at tumangis! Humagulgol kayo, kayong mga manginginom ng alak
Kung ang inyong wika ay may iisang salita para sa salitang tumangis at humagulhol, maaari mong pag-isahin ang dalawang pangungusap na ito "dapat kayong magdalamhati (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
isang bansa
Ang napakaraming balang ay parang hukbong sumasalakay.
Ang kaniyang ngipin...mayroon siyang ngipin...Ginawa niyang...Binaklas niya
Ang mga balang ay parang isang bansa. Maaari mong tukuyin ang bansa na "ito" o ang mga balang na "sila", o tukuyin na isang tao ang mananakop (ULB).
Ang kaniyang ngipin ay ngipin ng leon at mayroon siyang ngipin ng babaeng leon.
May iisang kahulugan ang dalawang pangungusap na ito. Ang pagtukoy sa mga ngipin ng mga balang na kasing talas ng mga ngipin ng mga leon ay nagbibigay diin sa kabagsikan na siyang ganap na umubos sa lahat ng pananim sa lupain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
aking lupain...aking ubasan...aking puno ng igos
Lupain, ubasan at puno ng igos ni Yahweh
katakot-takot
Mangingilabot at matatakot ang mga nakakita sa lupain dahil ito ay lubusang nasira.
Joel 1:11-12
sebada
isang uri ng damo gaya ng trigo na ang mga butil ay maaaring gawing tinapay (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
nalanta
natuyo at namatay
igos...granada...mansanas
iba't ibang uri ng prutas (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
Joel 1:13-14
Magsuot kayo ng telang magaspang at magdalamhati kayo, kayong mga pari! Humagulhol kayo, kayong mga lingkod ng altar. Halikayo, humiga nang buong gabi na nakasuot ng telang magaspang, kayong mga lingkod ng aking Diyos
Sinasabi ng Diyos sa mga pari na magpakumbaba at umiyak nang may kalungkutan. Maaaring isalin na: "Tumangis at humagulhol lahat kayong mga pari at magpakumbaba sa pamamagitan ng pagsusuot ng magaspang na tela buong gabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
ang butil na handog at inuming handog
ang karaniwang mga handog sa templo
tahanan ng inyong Diyos
ang templo sa Jerusalem
Joel 1:15-17
Hindi ba't nawala sa ating mga paningin ang pagkain, kagalakan at kasayahan mula sa tahanan ng ating Diyos?
Maaaring isalin na: "Nakita nating naubos na ang mga inimbak nating pagkain at inalis nila ang kagalakan at kasayahan sa tahanan ng ating Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]] [and] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa ating mga paningin
"sa atin." Tinutukoy nito ang buong bansa ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
kagalakan at kasayahan
Iisa ang kahulugan ng dalawang salitang ito. Parehong binibigyang-diin na walang kahit anong kagalakan na manyayari sa templo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
tumpok
tumpok ng lupa
Joel 1:18-20
atungal
malakas na tunog dahil sa sakit
nilamon ng apoy...sinunog ng apoy
Magkasamang pinapakita ng dalawang pariralang ito na lahat ng lupain, nabungkal man o hindi ay sinira. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
batis
maliliit na ilog
Joel 2
Joel 2:1-2
Hipan ninyo ang trumpeta...magpatunog ng hudyat
Binibigyang-diin ni Joel ang kahalagahan ng pagtawag sa Israel upang magsama-sama bilang paghahanda sa paparating na pagkawasak.
araw ng kadiliman at kapanglawan
Ang mga salitang "kadiliman" at "kapanglawan" ay may parehong kahulugan at binibigyang-diin ang tindi ng kadiliman. Parehong tinutukoy ng dalawang salita ang panahon ng kapahamakan o paghatol ng Diyos. Maaaring isalin na: "araw na puno ng kadiliman" o "araw ng katakot-takot na paghatol (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kapanglawan
ganap o bahagyang kadiliman
araw ng mga ulap at makapal na kadiliman
Iisa ang kahulugan ng dalawang pariralang ito at pinapatindi ang kaisipan ng naunang mga salita. Katulad ng pariralang iyon, parehong tinutukoy ng "mga ulap" at "makapal na kadiliman" ang paghatol ng Diyos. Maaaring isalin na: "araw na puno ng mga maitim na ulap." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga kabundukan, paparating ang napakarami at malakas na hukbo
Maaaring isalin na: "Isang malaki at malakas na hukbo ang dumarating sa lupain mula sa kabila ng mga bundok. Lumalaganap sila sa lupain na katulad ng liwanag mula sa sumisikat na araw" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
napakarami at malakas na hukbo
Ang mga salitang "napakarami" at "malakas" ay may parehong kahulugan dito at binibigyang-diin ang lakas ng hukbo. Maaaring isalin na: "Napakaraming balang" (UDB) o "napakaraming hukbo ng tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Joel 2:3
Katulad ng hardin ng Eden ang lupain
Ang hardin ng Eden ay napakagandang lugar. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Katulad ng hardin ng Eden ang lupain na nasa harapan nito ngunit sa likuran nito ay wasak na ilang
Pinapakita nito ang paghahambing upang bigyang-diin ang pagkawasak na dinudulot ng apoy.
Joel 2:4-5
mga kabayo
Malaki at mabilis na hayop na may apat na paa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
Ang anyo ng hukbo ay tulad ng mga kabayo
Ang ulo ng balang ay parang maliit na ulo ng kabayo at ang hukbo ay malakas at mabilis gaya ng kabayo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
tumatakbo sila na gaya ng mga mangangabayo
Kumikilos nang mabilis ang mga hukbo katulad ng ginagawa ng mga lalaking nakasakay sa kabayo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
tumatalon
Ang kabayo ay tumatalon at lumulukso habang ito ay mabilis na tumatakbo.
ingay na gaya ng mga karwahe...gaya ng ingay ng naglalagablab na apoy...gaya ng malakas na hukbo na handa para sa labanan
Ang mga ito ay inihahalintulad sa ingay ng hukbo ng balang. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Joel 2:6-7
Tumatakbo sila na gaya ng malalakas na mandirigma...inaakyat nila ang mga pader na gaya ng mga kawal
Inilarawan ang hukbo ng balang na kumikilos gaya ng ginagawa ng tunay na kawal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
mga pader
mga pader sa palibot ng mga lungsod.
Joel 2:8-9
pinapasok nila ang pananggalang
Maaaring isalin na: natalo nila ang mga kawal na nagtatanggol sa lungsod.
Joel 2:10-11
Nayayanig ang lupa sa harapan nila, nayayanig ang kalangitan, dumilim ang araw at buwan at tumigil sa pagningning ang mga bituin
May napakaraming balang at ang lupa at langit ay nayayanig at lahat ng nasa kalangitan ay hindi makita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Pinalakas ni Yahweh ang kaniyang tinig
Ipinakita ni Yahweh ang kaniyang kapangyarihan sa lahat hukbo. Maaaring isalin na: "Si Yahweh ang may kontrol" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
dakila at nakatatakot
Sa pariralang ito ang dalawang salitang naglalarawan ay may parehong kahulugan. Maaaring isalin na: "labis na nakakatakot" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])
Sino ang makaliligtas dito?
Maaaring isalin na: "Walang sinuman ang may sapat na lakas na makaliligtas sa hatol ni Yahweh." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Joel 2:12-13
Manumbalik kayo sa akin nang buong puso
Maaaring isalin na: "Talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at maging ganap na tapat sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]).
Punitin ninyo ang inyong puso at hindi lamang ang inyong mga kasuotan
Ang pagpunit sa damit ay pagpapakita ng kahihiyan at pagsisisi. "Punitin ninyo ang inyong puso" ay tumutukoy din sa pagkakaroon ng pagsisisi sa kalooban. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
tumalikod
tumigil
Joel 2:14
Marahil ay manumbalik siya...Diyos.
"Marahil ay hindi na magalit si Yahweh...Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Joel 2:15-16
silid
karaniwang mga silid sa bahay ng mga magulang kung saan naghihintay ang mga babaeng ikakasal sa pagsisimula ng seremonya ng kanilang kasal.
Joel 2:17
iyong pamana
ang mga Israelita, na natatanging mga tao ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Bakit sasabihin ng mga bansa, nasaan ang kanilang Diyos?
Maaaring isalin na: "Hindi dapat sabihin ng ibang bansa na iniwan ng Diyos ng Israel ang kaniyang mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]).
Joel 2:18-19
kaniyang lupain
"ang bansa ng Israel"
kaniyang mga tao
"ang mga tao ng Israel"
Tingnan ninyo
"Makinig ng mabuti sa aking sasabihin"
kahiya-hiya
"hindi karapat-dapat na igalang"
Joel 2:20
hilagang...silangan...kanluran
Ang mga direksiyon na ito ay mula sa kinatatayuan ng mga taong nakatira sa lupain ng Israel.
Joel 2:21-23
Huwag matakot, lupain
"Huwang kayong matakot, kayong mga tao ng lupain," (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])
tutubo ang mga pastulan sa mga ilang
tutubo sa lupa ang mga halamang nakakain
ulan ng taglagas at ang ulan ng tagsibol
ang mga unang ulan sa panahon ng tag-ulan sa unang mga araw ng Disyembre at ang huling ulan sa Abril at Mayo
Joel 2:24-27
lalagyan
malalaking lalagyan para sa mga likido
ang mga taon ng pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang
"ang mga tanim na inalagaan ninyo sa maraming taon na kinain ng mga napakaraming lumilipad na balang"
napakaraming nagliliparang mga balang...malalaking mga balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod
Tingnan kung papaano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jol/01/04.md]].
Joel 2:28-29
ibubuhos ko ang aking Espiritu
"magbibigay ako ng sagana gaya ng pagbubuhos ng isang tao ng tubig" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
lahat ng laman
"lahat ng tao"
Joel 2:30-31
dugo, apoy at mga haligi ng usok
isinasagisag ng "dugo" ang kamatayan ng mga tao. Maaaring isalin na: "kamatayan, apoy at haligi ng usok" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
at dugo ang buwan
Maaaring isalin na: "at ang buwan ay magiging kulay pula" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
dakila at kakila-kilabot na araw
Dito, nililinaw ng salitang "dakila" ang salitang "kakila-kilabot." Maaaring isalin na: "labis na kakila-kilabot na araw." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])
Joel 2:32
sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem
Iisang lugar ang tinutukoy ng mga ito. Maaaring isalin na: "sa Bundok ng Zion sa Jerusalem." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh
Maaaring isalin na: "ang mga tinawag ni Yahweh ay ang mga makaliligtas"
makaliligtas
mga taong nabuhay pagkatapos ng nakatatakot na pangyayari na gaya ng digmaan at sakuna
Joel 3
Joel 3:1-3
Tingnan ninyo
Ang salitang "Tingnan ninyo" dito ay nagdaragdag ng diin sa mga sumusunod.
sa mga araw na iyon at sa oras na iyon
Ang mga salitang "sa oras na iyon" ay nangangahulugan ng parehong bagay, at pinapatindi ang mga salitang "sa mga araw na iyon". Maaaring isalin na: "sa mismong araw na iyon" o "sa mismong oras na iyon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
kapag ibinalik ko ang pagkakabihag ng mga Juda at Jerusalem
Maaaring isalin na: "Kapag aking ibabalik ang pagkakabihag ng mga Juda at Jerusalem"
sa aking mga tao at ang aking tagapagmanang Israel
Ang dalawang salitang ito ay nagbibigay diin kung paano ituring ni Yahweh ang Israel bilang kaniyang pinakamamahal na mga tao. Maaaring isalin na: "ang mga tao sa Israel na aking tagapagmana." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
ipinagpalit ang batang lalaki para sa nagbebenta ng aliw, at ipinagbili ang batang babae para sa alak upang sila ay makainom
Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa na kanilang ginawa. Hindi ito ang kanilang ginawa sa dalawang mga natatanging bata. Maaaring isalin na: "at ginawa ang mga bagay tulad ng ipinagpalit ang batang lalaki para sa isang babaeng nagbebenta ng aliw at ipagbili ang batang babae para sa alak upang sila ay makainom.
Joel 3:4-6
bakit kayo nagagalit sa akin
Gumamit ng ganitong katanungan ang Diyos upang sawayin ang mga tao sa Tiro, Sidon at Filistia. Maaaring isalin na: "Wala kayong karapatan na magalit sa akin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]).
Gagantihan ba ninyo ako?
"Gaganti ba kayo sa akin?" Gumamit ng ganitong katanungan ang Diyos upang maisip ng mga tao ang kanilang mga ginagawa. Maaaring isalin na: "Iniisip ninyong magagantihan ninyo ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]).
kaagad kong ibabalik ang paghihiganti sa inyong mga sariling ulo
Maaaring isalin na: Ipapadanas ko sa inyo ang kaparusahan na inyong sinubukang gawin sa akin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
paghihiganti
"ganti" o "pagbabayaran" o "kaparusahan"
Joel 3:7-8
paaalisin ko na sila mula sa mga lugar kung saan ninyo sila ipinagbili
Lilisanin ng mga Israelita ang mga lugar kung saan sila naging mga alipin at babalik sila sa lupain ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ang inyong ganti
Maaaring isalin na: "ang nararapat sa inyo"
sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao ng Juda
Maaaring isalin na: "sa pamamagitan ng kapangyraihan ng mga tao ng Juda" o "sa pamamagitan ng mga tao ng Juda"
Sabeo
Ang mga tao ng Sabea na tinatawag ding Sheba. Naninirahan ang mga taong ito sa timog ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Joel 3:9-10
Ilaan ninyo ang inyong sarili para sa isang digmaan
Ang parehong salitang ito ay nagsasabi na humanda ang mga kawal para sa digmaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
gisingin ninyo ang mga malalakas na kalalakihan
"ihanda ang mga malalakas na kalalakihan para sa pagkilos"
Gawin ninyong mga espada ang inyong mga araro...ang inyong mga pangtabas na mga sibat
Sinabi sa kanila na gawing armas ang kanilang mga kagamitan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
mga araro
mga kagamitan na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang makapagtanim ng mga pananim
mga pangtabas
mga patalim na ginagamit upang tabasan ang mga maliliit na sanga
Joel 3:11
magtipun-tipon kayo
"magtipun-tipon kayo para sa isang labanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ipadala mo doon ang iyong mga malalakas na mandirigma, Yahweh
Sa kalagitnaan ng mensaheng ito sa mga kaaway ng Israel, ang pangungusap na ito ay para kay Yahweh. Marahil ito ay upang matakot ang mga kaaway ng hukbo ni Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])
Joel 3:12-13
Gamitin ninyo ang karit...hinog na ang ani
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) ang pagsalakay sa mga makasalanang bansa ay gaya ng pag-aani ng butil at pagdurog ng mga ubas o 2) ang kaagad na paghuhukom sa mga makasalanang bansa ay gaya ng agarang paglikom ng mga hinog na pananim at pagdurog ng mga ubas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Gamitin ninyo ang karit
Gamitin ang karit upang tabasin ang butil"
karit
isang mahabang kurbadang patalim na ginagamit ng mga tao na pantabas sa mga butil
ang ani ay hinog na
"handa na ang butil upang anihin"
umaapaw na ang mga kawa dahil katakut-takot ang kanilang kasamaan
Ang mga kawa ay mga malalaking lalagyan na ginagamit upang pag-imbakan ng mga katas ng ubas. Ang mga kawa ay hindi sapat upang malagyan ng maraming katas na kumakatawan sa kanilang kasalanan.
Joel 3:14-15
kaguluhan, isang kaguluhan
Ang kaguluhan ay isang ingay na dulot ng napakaraming grupo. Ito ay inulit upang ipakita na magiging napakaingay nito sa lahat ng tao.
lambak ng Paghuhukom...lambak ng Paghuhukom.
Ang salitang ito ay inulit upang ipakita na ang paghuhukom ay tiyak na mangyayari.
Joel 3:16-17
Sisigaw si Yahweh mula sa Zion, at lalakas ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem
Ang parehong mga salita ay nangangahulugan na si Yahweh ay sisigaw ng malakas, na may malinaw at makapangyarihang tinig mula sa Jerusalem. Kung ang inyong wika ay may iisang salita para sa sigaw, maaari itong gamitin bilang isang salita. Maaaring isalin na: "Sisigaw si Yahweh mula sa Jerusalem" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Mayayanig ang kalangitan at lupa
Ang salitang "yanig" ay tumutukoy sa panginginig na may takot. Ang langit at lupa ay ginamit upang tumukoy sa lahat ng bagay na mayroon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])
si Yahweh ang magiging kanlungan ng kaniyang mga tao at sandigan para sa mga tao ng Israel
Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan na ipagtatanggol ni Yahweh ang kaniyang mga tao. Ang sandigan ay isang matibay na kanlungan upang gamitin bilang proteksyon ng mga tao tuwing may digmaan. Maaaring isalin na: "Si Yahweh ang magiging matibay na sandigan para sa kaniyang mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Joel 3:18-21
papatak ang matamis na alak sa mga bundok
"papatak ang matamis na alak mula sa mga bundok." Ito ay isang pagmamalabis upang ipakita na ang lupa ay napakataba. Maaaring isalin na: "Magkakaroon ng ubusan sa mga bundok na makapagbibigay ng maraming matatamis na alak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
aapaw ang gatas sa mga burol
"aapaw ang gatas mula sa mga burol." Maaaring isalin na: "Magbibigay ng napakaraming gatas ang mga baka at mga kambing sa mga burol"
dadaloy ang tubig sa lahat ng mga batis ng Juda
"dadaloy ang tubig mula sa lahat ng mga batis ng Juda"
didiligan ang lambak ng Acacia
Maaaring isalin na: "magpapadaloy ng tubig sa lambak ng Acacia"
Magiging wasak na lugar ang Egipto
Maaaring isalin na: "Mawawasak ang Egipto at iiwan ito ng mga tao" o "Wawasakin ng mga bansang kaaway ang Egipto at iiwan ng mga tao ng Egipto ang kanilang bansa"
magiging napabayaang ilang ang Edom
"Magiging ilang ang Edom at iiwan ito ng mga tao"
dahil sa ginawa nilang karahasan sa mga tao ng Juda
"dahil sa mga karahasang bagay na ginawa ng Egipto at Edom sa mga tao ng Juda"
dahil nagpadanak sila ng dugo ng mga walang kasalanan sa kanilang lupain
Ang "dugo ng mga walang kasalanan " ay tumutukoy sa mga taong pinatay na walang kasalanan. Maaaring isalin na: "dahil pinatay ng mga Egipto at Edom ang mga taong walang kasalanan sa kanilang lupain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])