1 Timothy
1 Timothy 1
1 Timothy 1:1-2
Mula kay Pablo
Sa Griego ang nakasulat lamang ay "Pablo" ngunit idinagdag lamang ang mga salitang "mula kay" upang maintindihan na si Pablo ang sumulat nitong sulat.
ayon sa kautusan ng
"sa pamamagitan ng kautusan ng" o "sa pamamagitan ng kapangyarihan ng"
na ating...ating...ating
Tinutukoy ni Pablo ang kaniyang sarili, si Timoteo, at marahil ang iba ring mga tao. (tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
Diyos na ating tagapagligtas
"Diyos na nagligtas sa atin"
Cristo Jesus na ating inaasahan
"Cristo Jesus, na siyang ating pag-asa" o "Cristo Jesus na sa kaniya ay inilagay natin ang ating tiwala"
kay Timoteo
"Ang sulat na ito ay para kay Timoteo"
na totoo... anak
Hinahalintulad ng mga salitang ito ang malapit na relasyon nila Pablo at Timoteo na katulad ng isang ama at anak. Si Timoteo ay hindi tunay na anak ni Pablo, ngunit binigyan niya si Pablo ng karangalan, pagsunod at paglilingkod na katulad ng ibinibigay ng isang anak sa kanyang ama. Maaring isalin na: "na katulad ng isang tunay na anak sa akin" (tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
biyaya, habag, at kapayapaan mula
"Nawa ang biyaya, habag, at kapayapaan ay suma-iyo mula sa" o "Nawa maranasan mo ang kabaitan, habag, at kapayapaan mula sa "
Diyos ang Ama
"Diyos, na ating ama"
Cristo Jesus na ating Panginoon.
"Cristo Jesus, na ating Panginoon"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
1 Timothy 1:3-4
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinapalakas ni Pablo ang loob ni Timoteo na tanggihan ang maling pagkagamit ng batas at gumamit ng mabuting pagtuturo mula sa Diyos.
Gaya ng pinapakiusap ko na gawin mo
"Gaya ng pinakiusap ko sa iyo," o "Gaya ng paghiling ko sa iyo ng may kapangyarihan," o "sinabi ko sa iyo"
sa iyo
isahan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
manatili ka sa Efeso
"hintayin mo ako diyan sa lungsod ng Efeso"
Ni pansinin
"Ni magbigay sila ng pansin " o kaya naman utusan sila na huwag ng pansinin"
kasaysayan ng lahi
Ang kasaysayan ng lahi ay ang nakasulat o nakatalang salita tungkol sa magulang at mga ninuno ng isang tao. Napakahalaga ng mga ito sa kultura ng mga Judio habang itinatatag nila kung aling tribu na kabilang ang mga tao ng Israel. Ang Mateo 1 at Lukas 3 ay mga magandang mga halimbawa mula sa Bibliya.
Ito ang nagdudulot ng mga pagtatalo
"ito ang nagdudulot sa mga tao ng pagkagalit at hindi pagkakasundo." Pinagtalunan ng mga tao ang tungkol sa mga kuwento at kasaysayan ng lahi na walang sinuman ang tiyak na makaka-alam ng katotohanan.
sa halip na makatulong sa plano ng Diyos
"sa halip na paunlarin ang plano ng Diyos" o "sa halip na pangasiwaan kung ano ang mula sa Diyos"
sa pamamagitan ng pananampalataya
"na tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya o "na napagtagumpayan sa pamamagitan ng pananampalataya"
1 Timothy 1:5-8
ang layunin ng kautusan
"ang layunin ng tagubilin" o "kung ano ang sinasabi naming mga apostol na gawin ninyo ay"
kautusan
utos. Ang ibig sabihin nito dito ay hindi ang Lumang Tipan o ang Sampung Utos kung hindi ang utos na ibinigay sa 1:3 sa pamamagitan ni Pablo.
pag-ibig
Mga posibleng kahulugan ay 1) pag-ibig sa Diyos (UDB) o 2) pag-ibig sa kapwa.
mula sa dalisay na puso
"mula sa pagnanais na huwag gumawa ng kasalanan"
mabuting budhi
"ang budhi na pinili ang tama kaysa sa mali"
tapat
"matapat" o "totoo" o "walang pagpapaimbabaw"
kautusan
Tumutukoy ito sa Kautusan ni Moises.
ngunit hindi nila nauunawaan
"kahit na hindi nila naiintindihan" o "at hindi pa rin nila naiintindihan"
kung ano ang kanilang ipinipilit
"kung ano ang madiin nilang sinasabi" o " kung ano ang ipinapahayag nila na may pagtitiwala sa sarili"
Ngunit
"Ngayon"
alam natin na ang kautusan ay mabuti
"naiintindihan natin na ang kautusan ay kagamit-gamit" o "naiintindihan natin na ang kautusan ay kapaki-pakinabang"
kung ginagamit ito na ayon sa batas.
"kung sinuman ang gumgamit nito ng tama" o "kung sinuman ang gumagamit nito sa paraang ito ay itinakda"
1 Timothy 1:9-11
At nalalaman natin ito
"Ito ay, naiintindihan natin" o "Dahil naunawaan natin ito" o "Alam din natin ito"
hindi ginawa para sa matuwid na tao
"hindi ibinibigay sa matuwid na tao" o " hindi ibinibigay sa taong sumusunod dito" o "hindi ibinibigay sa taong matuwid sa harapan ng Diyos"
para sa mga pumapatay ng kanilang ama at ina
"ang mga mamamatay ng kanilang mga ama at mga ina" o "sa mga nananakit ng pisikang kanilang mga ama at mga ina"
para sa mga taong mahahalay
Ito ay panlalaking tawag sa mga babaeng nagbebenta ng aliw. Sa ibang pagkakataon ito ay ginagamit na talinghaga para sa mga taong hindi tapat sa Diyos, ngunit sa pagkakataong ito ang tinutukoy ay ang pakikipagsiping ng sinumang hindi pa kasal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nakikiapid sa parehong kasarian
"mga lalaking sumisiping sa kapwa lalaki"
at nangunguha ng mga tao para gawing mga alipin
"ang mga nangunguha ng mga tao upang ibenta bilang mga alipin" o "sa mga nandurukot ng mga tao upang ibenta bilang mga alipin"
sa dakilang ebanghelyo ng mapagpalang Diyos
"ang ebanghelyo tungkol sa kaluwalhatian na nasa mapagpalang Diyos" o "ang ebanghelyo ng mapagpala at maluwalhating Diyos"
na sa akin ay pinagkatiwala
"na ibinigay sa akin ng Diyos at ginawa akong responsable sa"
1 Timothy 1:12-14
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinasabi ni Pablo kung paano siya kumilos sa nakaraan at pinapalakas niya ang loob ni Timoteo na magtiwala sa Diyos.
Nagpapasalamat ako
"Ako ay nagpapasalamat sa" o "Ako ay nagbibigay papasalamat sa"
itinuturing niya akong tapat
"itinuring niya akong mapagkakatiwalaan" o "inisip niya na ako ay maasahan"
at inilagay niya ako sa paglilingkod
"at inilagay ako sa posisyon para maglingkod" o "itinalaga niya ako sa ministeryo"
Isa akong lapastangan
"ako, na nagsalita ng masama laban kay Cristo" o "ako, na siyang lapastangan noon"
marahas
"isang taong nananakit ng iba." Ito ang taong naniniwalang mayroon siyang karapatan na manakit ng iba.
Ngunit tumanggap ako ng habag dahil hindi ko alam ang aking mga ginagawa sa kawalan ng pananamalataya
Maaring isalinan na: "Ngunit dahil hindi ako nanampalataya kay Jesus, at hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa, nakatanggap ako ng habag mula kay Jesus"
tumanggap ako ng habag
Maaring isalin na: Pinakitaan ako ni Jesus ng habag" o "kinahabagan ako ni Jesus
Ngunit ang biyaya
"At ang biyaya"
nag-uumapaw sa pananampalataya at pag-ibig
"ay lubusang pag-uumapaw" o "mas higit kaysa sapat"
1 Timothy 1:15-17
Ang mensaheng ito ay mapagkakatiwalaan
"Ang pahayag na ito ay totoo"
karapat-dapat na tanggapin ng lahat
"maaaring tanggapin ng walang pag-aalinlangan" o "karapat-dapat na tanggapin na may buong pagtitiwala"
nabigyan ako ng habag
"unang ipinakita sa akin ng Diyos ang habag" o "una akong nagkamit ng habag mula sa Diyos"
sa hari ng walang hanggang panahon
"ang walang hanggang hari" o " ang pangunahing pinuno magpakailanman"
ang karangalan at luwalhati magpakailanpaman
"nawa siya ay parangalan at luwalhatiin" o "nawa'y parangalan at luwalhatiin ka ng mga tao"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
1 Timothy 1:18-20
Ibinibigay ko ang utos na ito sa iyo
"Ang utos na ito ay ibinibigay ko sa iyo" o "Ang utos na ito ay ipinagkakatiwala ko sa iyo"
anak
Ito ay mas pangkalahatang salita kaysa sa "anak na lalaki" o" anak na babae", ngunit nagpapahiwatig pa rin ito ng pagkakamag-anak kasama ng ama. Ginagamit ito ni Pablo bilang talinghaga para sa kaniyang pag-ibig kay Timoteo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
makipaglaban sa mabuting pakikipaglaban
"makilahok sa labanan na karapat-dapat ang pagsisikap" o "magtrabaho ng maigi upang matalo ang mga kaaway." Ito ay talinghaga na ang ibig sabihin ay "magsumikap para sa Panginoon" (UDB). (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at natulad sa pagkawasak ng barko ang kanilang pananampalataya
Si Pablo ay gumagamit ng iba pang talinghaga upang ihalintulad ang kalagayan ng kanilang pananampalataya sa barko na nawasak sa batuhan. Ang ibig sabihin ng talinghaga ay "ang nangyari sa kanilang pananampalataya ay kapinsalaan" (UDB). Dapat ninyong gamitin ito o isang kaparehong talinghaga kung ito ay maiintindihan sa inyong wika. (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sila ay matutong
"nang sila ay maturuan ng Diyos"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/01.md]]
1 Timothy 2
1 Timothy 2:1-4
Nag-uugnay na pahayag:
Hinihikayat ni Pablo si Timoteo na manalangin para sa lahat ng tao.
una sa lahat
"pinakamahalaga" o "bago ang anumang bagay"
Ipinakikiusap ko
"nagsusumamo ako" o "hinihiling ko"
karangalan
ang paraan kung saan igagalang tayo ng mga tao. Kung sasamahan ng "pagkamaka-diyos", ito ay isang paraan kung saan ang ibang tao ay magbibigay parangal sa Diyos at igagalang tayo.
1 Timothy 2:5-7
iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao
Ang tagapamagitan ay isang tao na tumutulong na magkaroon ng mapayapang kasunduan sa pagitan ng dalawang partido na hindi sumasang-ayon sa bawat isa. Dito, tinutulungan ni Jesus ang mga makasalanan na magkaroon ng mapayapang relasyon sa Diyos.
ibinigay niya ang kaniyang sarili
"namatay ng kusang-loob"
bilang katubusan
"bilang halaga ng kalayaan" o "bilang kabayaran upang makamtan ang kalayaan"
bilang patotoo sa tamang panahon
"ang kaniyang patotoo sa tamang panahon" o "ang patotoo sa panahong ito"
Sa kadahilanang ito
"Para dito" o "Sa dahilang ito" o "Para sa patotoong ito"
ay naging tagapagturo
"hinirang na tagapangaral" o "hinirang ni Cristo na maging tagapangaral"
Nagsasabi ako ng katotohanan
"Ako ay nagsasabi ng katotohanan", o "sinasabi ko ang katotohanan"
Hindi ako nagsisinungaling
"Hindi ako nagsisinungaling"
sa pananampalataya at katotohanan
"tungkol sa pananampalataya at katotohanan" o "nang may pananampalataya at katotohanan"
1 Timothy 2:8-10
Nag-uugnay na pahayag:
Si Pablo ay nagbibigay ng ilang mga natatanging tagubilin para sa mga kababaihan.
kalalakihan sa bawat lugar
"ang mga kalalakihan sa lahat ng lugar" o "ang mga kalalakihan sa lahat ng dako"
itaas
"itaas"
mga banal na kamay
"mga kamay na ibinukod para sa Diyos." Ito ay isang talinhaga para sa isang tao na umiiwas sa kasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
walang galit at mga pag-aalinlangan
"walang pagpapahayag ng galit at pakikipagtalo sa iba" o "walang pagpapahayag ng galit ukol sa iba at pagdududa sa Diyos"
ng may kahinhinan
"sa paraan na hindi tumatawag sa maling uri ng pansin sa kanila" o "sa paraan na nagpapakita ng tamang respeto para sa mga tao at sa Diyos"
hindi sila dapat magtirintas ng buhok
"labis na pagtatrabaho upang gawing maganda ang kanilang buhok." Ang pagtitirintas ay isa lamang paraan para sa isang babae upang magkaroon ng labis na pansin na hindi nararapat para sa kaniyang buhok. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
nagpapahayag ng pagiging maka-diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa
"gustong ipakita na sila ay kabilang sa Diyos sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa na kanilang ginawa"
1 Timothy 2:11-12
Dapat matuto ang babae
"Hayaan ang babae na matuto" o "Ang babae ay dapat matuto"
ng may pananahimik
"sa katahimikan" o "sa tahimik na asal"
ng buong pagpapasakop
"handang sumunod sa lahat ng inutos ng Diyos"
Hindi ko pinahihintulutan ang isang babae
"Hindi ko pinapayagan ang babae"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/02.md]]
1 Timothy 2:13-15
unang nilikha si Adan
"Si Adan ang unang ginawa ng Diyos" o "Si Adan ay unang nilikha ng Diyos"
bago si Eba
"pagkatapos nilikha si Eba"
At si Adan ay hindi nalinlang
"At hindi si Adan ang nalinlang ng ahas"
lubos na nadaya sa pagsuway
"sumuway sa kautusan ng Diyos dahil siya ay ganap na nalinlang." Ang pinakapunto ng sugnay na ito ay si Eba, hindi si Adan, ang siyang (unang) sumuway sa kautusan ng Diyos.
maliligtas siya sa pamamagitan ng panganganak
"Pananatilihin siyang ligtas ng Diyos sa pamamagitan ng panganganak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kung sila ay magpapatuloy
"kung sila ay mananatili" o "kung sila ay magpatuloy sa pamumuhay"
sa pananampalataya, sa pag-ibig at kabanalan
"sa pagtitiwala kay Jesus at pagmamahal sa iba at pamumuhay ng may kabanalan"
na may mahinahon na kaispan
"nang may pagpipigil sa sarili" o "nang may kamalayan sa kung ano ang pinakamabuti"
1 Timothy 3
1 Timothy 3:1-3
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagbigay si Pablo ng ilang mahahalagang mga tagubilin sa kung paano dapat kumilos at manindigan ang isang tagapangasiwa ng iglesiya.
mabuting gawa
"kagalang-galang na gawa"
asawa siya ng isang babae
Ang isang tagapangasiwa ay isa lang dapat ang asawa. Hindi ito malinaw kung kasama ang mga lalaking balo o hiwalay o hindi nag-asawa.
mahinahon
"wala silang ginagawang anumang bagay na labis"
matalino
"sinumang nag-iisip sa matalinong mga pamamaraan" o "sinumang gumagamit ng tamang paghatol" o "makatwiran" o "may talino" o "matalas ang isip"
matino
"kumikilos ng tama"
magiliw sa mga panauhin
"tumatanggap ng mga dayuhan"
hindi sugapa sa alak
"hindi lasenggo" o "hindi umiinom ng sobrang alak"
hindi marahas
"hindi ang sinumang gustong makipag-away o makipagtalo"
Hindi maibigin sa pera
Hindi ang taong nagnanakaw direkta man o sa pamamagitan ng pandaraya ni ang sinumang gumagawa ng tapat upang maglikom ng pera ngunit walang pakialam sa ibang mga tao.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/03.md]]
1 Timothy 3:4-5
Kailangang maayos niyang pinamamahalaan ang kaniyang sambahayan, at kailangang sinusunod siya ng kaniyang mga anak nang may buong paggalang
Mga maaring kahulugan 1) gaya ng pagpapasakop ng mga anak ng tagapangasiwa sa kaniya, irerespeto din nila ang ibang mga tao (UDB) o 2) ang tagapangasiwa ay kailangang irespeto niya ang kaniyang pamilya bilang pamamahala niya dito.
pamahalaan ang kaniyang sariling sambahayan
"pangalagaan ang kaniyang pamilya" o "gabayan ang mga taong naninirahan sa kaniyang bahay"
nang may buong paggalang
Ang "buo" ay maaaring tumutukoy sa "lahat ng tao" o "sa lahat ng oras" o "o sa lahat ng kalagayan."
Sapagkat kung ang lalaki ay hindi alam kung paano
"dahil kung ang lalaki ay hindi alam kung paano" o "sapagkat kung hindi kaya ng isang lalaki" o "isipin kung ang isang lalaki ay hindi kaya"
paano niya mapangangalagaan ang iglesiya ng Diyos
Maaaring isalin na: "hindi niya kayang pangalagaan ang iglesiya ng Diyos" o "wala siyang kakayahan na pangunahan ang iglesiya ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
1 Timothy 3:6-7
Dapat hindi siya baguhang mananampalataya
"Dapat hindi siya baguhang mananampalataya" o "Dapat hindi lamang siya naging mananampalataya sa maikling panahon" o "Dapat siya ay ganap na mananampalataya"
at mahulog sa paghahatol kagaya ng diyablo
"magiging mapagmataas gaya ng ginawa ng diyablo at dahil dito siya ay mahahatulan gaya ng nangyari sa diyablo"
Kailangang mabuti rin ang kaniyang reputasyon sa mga nasa labas
"Kailangan din na ang mga hindi naniniwala kay Jesus ay mabuti ang iniisip sa kaniya" o "Silang nasa labas ng iglesiya ay dapat mag-isip ng mabuti sa kaniya" (UDB)
mahulog sa kahihiyan
"magdala ng kahihiyan sa kaniyang sarili" o "magbigay kaninuman ng dahilan upang hindi siya sang-ayunan"
mahulog...sa bitag ng diablo
"hayaan ang diyablong bitagin siya." Si Satanas na nagtakda ng bitag o patibong ay isang talinghaga para kay Satanas na nanlilinlang sa isang mananampalataya na hindi nalalamang nagkakasala. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
1 Timothy 3:8-10
Nag-uugnay na Pahayag:
Nagbigay si Pablo ng ilang mga mahahalagang tagubilin sa kung paano dapat manindigan at kumilos ang isang diakono ng iglesiya at ang kanilang mga asawa.
Gayon din ang mga diakono
"Mga diakono, gaya sa mga tagapangasiwa"
dapat marangal
"dapat karapat-dapat na igalang"
hindi dalawa ang salita
mga masalita**-"hindi nagsasabi ng isang bagay ngunit iba ang kahulugan" o "hindi nagsasabi ng isang bagay sa isang tao at nagsasabi ng ibang bagay sa iba"
hindi umiinom ng sobrang alak
"hindi mahilig sa sobrang alak" o "hindi maibigin sa sobrang alak"
hindi sakim
"hindi naghahanap ng di tapat na kita"
Dapat nilang ingatan ang naipahayag na katotohanan ng pananampalataya
"Dapat nilang ipagpatuloy na maniwala sa totoong mensaheng ipinakita ng Diyos sa atin at ating pinaniniwalaan." Ito ay tumutukoy sa katotohanang umiiral paminsan-minsan ngunit ipinapakita ng Diyos sa kanila sa sandaling iyon.
na may malinis na budhi
"may budhi silang nakakaalam na wala silang nagawang pagkakamali"
Dapat mapatunayan muna silang karapat-dapat
"Kailangang sila ay masuri upang tiyakin kung sila ay dapat maglingkod" o "Kailangan nilang mapatunayan muna ang kanilang mga sarili"
dahil sila ay walang sala
"kung walang sinumang makakahanap ng anumang bagay na mali sa kanila" o "dahil sila ay walang bahid" o " dahil wala silang nagawang kamalian."
1 Timothy 3:11-13
Gayun din ang mga babae
Dito ang "mga babae" ay maaaring gamitin sa mga babae sa pangkalahatan, ngunit mukhang ginagamit ito partikular sa mga asawa ng mga diakono o mga babaeng Diakono. Maaaring isalin na: "Gaya rin ng mga asawang babae, may mga kinakailangan" o "Mga babaeng diakono, na may mga kinakailangan gaya ng mga diakono"
maging marangal
"kumilos ng maayos"
hindi mapanirang-puri
"Hindi sila dapat magsalita ng masama patungkol sa ibang mga tao"
mahinahon
"hindi sila dapat gagawa ng anumang bagay upang lumabis"
mga asawa ng isang babae
Ang isang lalaki ay dapat isa lang ang asawa. Ito ay hindi malinaw kung hindi kasama ang mga lalaking balo o hiwalay o hindi nag-asawa.
Mahusay nilang pinamamahalaan ang kanilang mga anak at sambahayan
"maayos na napapangalagaan at pinangungunahan ang kanilang mga anak at ang iba pang nakatira sa kanilang mga bahay"
Para sa mga
"Para sa mga diakono" o "Para sa mga obispo, mga diakono, at mga babaeng diakono" o "Para sa mga pinuno ng iglesiya"
nakamit na nila para sa kanilang sarili
"tumanggap para sa kanilang mga sarili" o "nakinabang para sa kanilang mga sarili"
1 Timothy 3:14-15
Sinusulat ko ang mga bagay na ito sa iyo
"Sinulat ko ang mga tagubilin na ito sa iyo"
at umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon
"bagama't umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon"
Ngunit kung maaantala ako
"ngunit kung hindi ko magagawang makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon" o "ngunit kung may ibang bagay na makakahadlang sa pagpunta ko diyan sa lalong madaling panahon"
sumusulat ako upang
"sumusulat ako para sa layunin na"
ang haligi at saligan ng katotohanan
Ang talinghaga ay tungkol sa malaki at matibay na plataporma kung saan nagpapakita ang Diyos ng katotohanan. Ang plataporma sa kabaliktaran ay ipinahayag bilang pagpapalit-saklaw ng mga bahagi nito, ang pundasyon at ang haligi.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
1 Timothy 3:16
sa laman
"bilang totoong tao"
ang katotohanang inihayag ng pagkamaka-diyos ay dakila
"malaki ang katotohanang inihayag ng Diyos sa atin patungkol sa ating relihyon"
pinatunayang matuwid ng Espiritu
"pinatotohanan ng Banal na Espiritu na si Jesus ay siyang sinabi niya na siya nga"
ipinahayag sa mga bansa
"ang mga tao sa maraming bansa ay sinabi sa iba ang patungkol kay Jesus"
pinaniwalaan sa mundo
"ang mga tao sa maraming bahagi ng mundo ay naniwala kay Jesus"
1 Timothy 4
1 Timothy 4:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinasabi ni Pablo kay Timoteo kung ano ang sinasabi ng Espiritu na mangyayari at hinihikayat siya kung ano ang dapat niyang ituro.
sa mga huling panahon
Maaaring mga kahulugan ay 1) panahon pagkatapos sa panahon ni Pablo, "sa panahong darating" o kaya ay "sa hinaharap" o kaya ay 2) sa panahon ni Pablo, "sa panahong ito bago ang wakas"
tatalikod sa pananampalataya
" hihinto sa paniniwala kay Jesus" o kaya ay "lalayo sa kanilang mga paniniwalaan."
at sila ay makikinig
"at mag-uukol ng pansin" o kaya ay "dahil sa kanilang pagbibigay pansin" o kaya ay "habang nakikinig"
mandarayang espiritu at mga katuruan ng mga demonyo
"mga espiritung nandadaya sa mga tao at mga itinuturo ng mga demonyo"
sa kasinungalingan at pagpapaimbabaw
"turo sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw na nagsasabi ng mga kasinungaalingan."
Ang kanilang mga budhi ay mamamarkahan
Ang talinghaga ay tungkol sa mga amo na nagpapabaga ng mga bakal na ipapaso sa balat ng mga alipin o ng mga hayop upang maging marka ng pagmamay-ari. Mga maaaring kahulugan ay 1) ang pagmamarka ay tatak ng pagmamay-ari, "Ginagawa nila ito kahit na nakikitang sila ay mga mapagpaimbabaw," o kaya ay 2) ang kanilang mga kosensya ay manhid, "parang sila ay nagpapabaga ng mainit na bakal na idinidiin sa kanilang konsensya upang sila ay maging manhid."(Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
1 Timothy 4:3-5
nila
"Ang mga taong ito ay"
ipagbabawal ang pag-aasawa
"Ipagbabawal sa mga mananampalataya ang mag-asawa" o kaya ay "pigilan ang mga mananampalataya na mag-asawa"
ipagbabawal.. pagtanggap ng mga pagkain
"inutos sa mga tao...na hindi kumain" o kaya ay "pigilan ang mga tao ... na kumain sa mga pagkain" o kaya ay "hindi payagan ang mga tao... na kumain sa mga pagkain." ang salitang "mga tao" dito ay maaaring mga mananampalataya (UDB).
mga mananampalataya at nakakaalam ng katotothanan
"mananampalataya na nakakaalam sa katotohanan" o kaya ay "mga mananampalataya na natutunan ang katotohanan"
Walang anuman na tinatanggap natin nang may pasasalamat ang dapat na tanggihan
"Hindi natin itinatapon ang anumang bagay na pinagpasalamat natin sa Diyos" o "hindi natin ipinagwalang halaga ang mga bagay na pinagpasalamat natin sa Diyos" o kaya ay "lahat ng ating kinakain na may kasamang pagpapasalamat ay katanggap-tanggap"
inihahandog ito sa pamamagitan ng salita ng Diyos at panalangin.
Maaaring isalin na: "tayo ay itinalaga para magamit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Salita ng Diyos at manalangin sa kaniya" o kaya ay " naitalaga natin ito para gamitin ng Diyos sa pamamagitan ng isang pananalangin na sumasang-ayon kalakip ang katotohanan na pinahayag ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])
1 Timothy 4:6-8
iyong ilalagay ang mga bagay na ito sa harapan
"Ilagay mo ang mga kaisipang ito sa isip ng mga mananampalataya" o kaya ay "tulungan ang mga mananampalayang alalahanin ang mga salitang ito." Ang "kaisipan" at mga "salita" ay tumutukoy sa lahat ng mga katuruan mula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1ti/03/16.md]] hanggang sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1ti/04/03.md]].
pinalakas
"sinanay" (UDB). Pinapalakas ng Diyos si Timoteo na maging mas malakas at tinuturuan siya upang gawin kung ano ang nakakalugod sa Diyos.
mga salita ng pananampalataya
"mga salita na dahilan upang ang mga tao ay maniwala"
maka-mundong kuwento na gustong gusto ng mga matatandang babae
"walang kabuluhan at alamat ng mga matatandang babae".Ang salita na "mga kuwento" ay pareho sa mga alamat" na [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1ti/01/03.md]], kaya dapat isalin ito sa katulad din nito. Ang mga salitang "gustong-gusto ng mga matatandang babae" ay maaring isang talinghaga para sa "mangmang" o kaya ay "walang katotohanan." Walang layuning insultuhin ni Pablo ang mga babae na kaniyang tinutukoy sa "matatandang babae." Sa halip, ay alam niya at ng mga nakikinig sa kaniya na ang mga lalaki ay namamatay ng mas bata pa kaysa sa mga babae, kaya't maraming babae kaysa lalaki na ang kanilang mga pag-iisip ay nagiging mahina dahil sa katandaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sanayin mo ang iyong sarili sa pagiging maka-diyos.
"sanayin mo ang iyong sarili na maging maka-diyos" o kaya ay "sanayin mo ang iyong sarili na kumilos sa paraang ikasisiya ng Diyos" o kaya ay "pagsikapang mabuti upang maging maka-diyos"
pagsasanay ng katawan
"pisikal na ehersisyo"
may pinanghahawakang pangako ngayon at sa buhay na darating.
"ay mapapakinabangan sa buhay na ito" o kaya ay "makatulong upang ang buhay ay gawing mas mabuti"
1 Timothy 4:9-10
lubos na katanggap-tanggap
"katanggap tanggap sa iyong buong paniniwala" o kaya ay "katanggap tanggap sa iyong buong pagtitiwala"
Sapagkat dahil dito
" Ito ang dahilan"
nagsusumikap at gumagawang mainam
Ang mga salitang "nagsusumikap" at "gumagawang mainam" ay nangangahulugan lamang na parehong bagay. Kapwa ginamit ni Pablo upang ipagdiinan kung paano sila nagtrabaho ng mainam. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Sapagkat may pagtitiwala tayo sa buhay na Diyos,
"dapat nating ilagay ang ating pag-asa sa isang buhay na Diyos" o kaya ay "inilagay natin ang ating pag-asa sa buhay na Diyos"
lalo na sa lahat ng mga mananampalataya.
"ngunit higit sa lahat siya ay tagapagligtas ng mga taong naniniwala"
1 Timothy 4:11-13
Ipahayag mo at ituro ang mga bagay na ito
"Iutos at ituro ang mga bagay na ito" o "Iutos at ituro ang mga bagay na aking nabanggit"
Huwag hayaan ang sinuman na maliitin ang iyong kabataan.
"Huwag mong hayaang ituring kang hindi mahalaga dahil sa iyong kabataan"
manatili ka sa pagbabasa
"gawin mo ang pagbabasa ng mga Kasulatan" o "ipagpatuloy mo ang malakas na pagbasa ng Salita ng Diyos sa publiko"
manatili sa..pangangaral
"manghikayat ng iba" o "himukin ang iba upang ipamuhay ang Salita ng Diyos sa kanilang mga buhay."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/04.md]]
1 Timothy 4:14-16
Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa sa iyo
"Gamitin ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos"
sa pamamagitan ng propesiya
"nang nagsalita ang mga pinuno ng iglesiya ang Salita ng Diyos"
pagpapatong ng mga kamay ng mga nakatatanda
Ito ay isang seremonya kung saan ang mga namumuno sa iglesiya ay nagpatong ng kanilang mga kamay kay Timoteo at nanalangin sa Diyos na makaya niyang gawin ang mga gawain na inutos sa kaniya.
Ingatan mo ang mga bagay na ito. Manatili ka dito
"Gawin mo ang mga bagay na ito at mamuhay ayon dito"
upang makita ang iyong pag-unlad ng lahat ng mga tao
"sa gayun ay makikita ng ibang tao ang iyong paglago" o "sa gayun ay makikita ng mga tao ang iyong pag-unlad sa paggawa ng mga ito"
"Ingatan mo ang iyong sarili"
"Pag-ingatan mo ang iyong sariling pag-uugali" o kaya ay "Pigilan mo ang iyong mga ugali"
magpatuloy ka sa mga bagay na ito.
"Magpatuloy na gawin ang mga bagay na ito"
maililigtas mo ang iyong sarili at ang mga nakikinig sa iyo
"maiingatan mo ang iyong sarili at ang mga nakikinig sa iyo na maniwala sa maling mga mensahe at sa mga maling gawain." Ang mga taong naniniwala sa maling mensahe at gumagawa ng mga mali ay makakaasang mapaparusahan. Ayaw ni Pablo na magdusa si Timoteo at ang kaniyang mga kaibigan dahil sa maling paniniwala at sa mga maling gawain.
1 Timothy 5
1 Timothy 5:1-2
Nag-uugnay na pahayag:
Ipinagpatuloy ni Pablo ang pagsasabi kay Timoteo kung paano pakitunguhan ang mga kalalakihan, kababaihan, mga balo, at mga nakababatang kababaihan sa iglesiya.
Pangkalahatang Impormasyon:
Ibinibigay ni Pablo ang mga kautusang ito sa isang tao, kay Timoteo. Mga wika na may iba't- ibang anyo ng "iyo" o iba't-ibang anyo para sa mga kautusan na maaring gamitin ng pang-isahang anyo dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Huwag mong pagsalitaan nang masama ang lalaking nakakatanda sa iy
"Huwag kang magsalita ng malupit sa lalaking nakakatanda sa iyo.
sa halip, pangaralan mo siya na tulad sa ama
"ngunit hikayatin mo siya na para kang nakikipag-usap sa iyong ama," ng may paggalang
Pangaralan mo ang mga nakababatang lalaki na parang mga kapatid
"hikayatin ang mga nakababatang lalaki na para mong mga nakababatang kapatid" o "pakitunguhan mo ang mga nakababatang lalaki na gaya ng pakikitungo mo sa mga nakababatang kapatid na lalaki," ng mapayapa
Pangaralan mo ang mga nakatatandang babae na parang ina
"pakitunguhan mo ang mga nakatatandang babae na para mong ina" o "hikayatin mo ang mga nakatatandang babae na gaya ng pagsamo mo sa iyong ina," ng may pagkamahinahon sa kanila.
nakababatang babae na parang mga kapatid
"sumamo ka sa mga nakababatang babae gaya ng pagsamo mo sa iyong mga kapatid na babae" o "pakitunguhan mo ang mga nakababatang babae gaya ng pakikitungo mo sa iyong kapatid na babae"
ng buong kalinisan
"nang may malinis na kaisipan at mga kilos" o "sa paraang may kabanalan"
1 Timothy 5:3-4
Parangalan
"Paggalang at pagbibigay para sa"
mga balo, ang mga tunay na balo
"mga balo, mga balo na nangangailangan" o "mga balo, mga balo na wala ng magbibigay sa kanila"
ngunit kung ang balo
"ngunit kung ang balo"
mga anak
"sinuman na tinuturing niya bilang mga anak" o "sinuman na tumatawag sa kaniya ng ina"
mga apo
"sinuman na tinuturing niya bilang mga apo" o "sinuman na tumatawag sa kaniya ng ina o lola"
matuto muna silang
"una sa lahat, dapat silang" o "hayaan sila na gawin itong pangunahin"
matuto na ipakita ang paggalang
"magpakita ng kanilang paggalang" o "magpakita ng kanilang pagkamaka-diyos" o "patunayan ang kanilang relihiyon" o "matutong magsanay ng kanilang mga tungkulin"
sa kanilang sariling sambahayan
"sa kanilang sariling pamilya" o "sa mga naninirahan sa kanilang mga tahanan"
Suklian muna nila ang kanilang mga magulang
"at upang masuklian ang kanilang mga magulang" o "at upang ibigay sa kanilang mga magulang bilang kapalit sa mga mabubuting bagay na ibinigay sa kanila ng kanilang mga magulang"
sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon
"sapagkat ang Diyos ay malulugod kung gagawin nila ang mga bagay na ito" o "sapagkat ang asal ng karangalan ay kalugod-lugod sa Diyos"
1 Timothy 5:5-6
Ngunit ang tunay na balo ay naiwang nag-iisa
"Ngunit ang isang tunay na balo ay walang pamilya"
lagi siyang nananatili na may mga kahilingan at mga panalangin
"matiyaga siyang naghihintay sa Diyos kasama ng kaniyang mga kahilingan at mga panalangin"
mga kahilingan at mga panalangin
Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ginamit ni Pablo ang mga ito ng magkasama upang bigyang-diin kung gaano katindi nananalangin ang mga balong ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
araw at gabi
Maaaring isalin na: "sa lahat ng oras" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])
Gayunman
"Ngunit"
patay
Ito ay talinghaga na nangangahulugang siya ay hindi maaring tumugon sa Diyos. Maaaring isalin na: "gaya ng patay na tao, hindi siya tumutugon sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nabubuhay
Ito ay tumutukoy sa pisikal na buhay.
1 Timothy 5:7-8
At ipangaral mo ang mga bagay na ito
"Iutos mo rin ang mga bagay na ito" o "Ituro mo rin ang mga bagay na ito ng may kapangyarihan." Si Timoteo ay sumunod sa mga salita ni Pablo —upang iutos rin sa iba na sundin ang mga salita ni Pablo.
upang sila ay maging walang kapintasan
"upang walang sinuman ang makahanap sa kanila ng kamalian." Mga maaaring kahulugan ng "sila" ay 1) "ang mga balo na ito at ang kanilang mga pamilya" (UDB) o 2) "ang iglesiya". Mas mabuting pabayaan ang paksa bilang "sila."
hindi nagbibigay sa kaniyang sariling kamag-anak
"hindi nagbibigay sa kung ano ang kailangan ng kaniyang mga kamag-anak" o "hindi tumutulong sa mga pangangailangan ng kaniyang mga kamag-anak"
sa kaniyang sariling kamag-anak
"sa lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya" o "sa mga naninirahan sa kaniyang tahanan"
sa kaniyang sariling sambahayan
"para sa kaniyang pamilya" o "para sa mga pamilya na naninirahan sa kaniyang tahanan"
itinanggi niya ang pananampalataya
"siya ay umasal na itinanggi niya ang kaniyang pananampalataya" o "siya ay umasal na salungat sa katotohanan na ating pinaniniwalaan" o "siya ay tumalikod sa kaniyang mga pinaniniwalaan"
at mas masahol pa sa hindi mananampalataya
"ay mas masahol pa sa mga hindi naniniwala kay Jesus." Kahit na sa mga hindi naniniwala kay Jesus na nag-iingat sa kanilang mga pamilya; gaano pa kaya ang dapat gawin ng mga mananampalataya!
1 Timothy 5:9-10
itala bilang isang balo
Mayroong parang listahan, nakasulat o hindi, ng mga balo. Ipinagkaloob ng iglesiya ang pangangailangan ng tirahan ng mga babaeng ito, damit, at pagkain; at ang mga babaeng ito ay inaasahan upang italaga ang kanilang mga buhay sa paglilingkod sa iglesiya.
hindi bababa sa animnapu ang edad
Ang mga balo na hindi bababa ang edad sa animnapu ay maari muling magpakasal, kaya ang iglesiya ay mangangalaga lamang ng mga balo na mas matanda sa animnapu.
asawa ng isang lalaki
"isang babae na tapat sa kaniyang asawa"
Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa
Ang mga salita na sumusunod dito ay mga halimbawa ng mga uri ng mga mabubuting bagay na maaring makilala ang babae sa paggawa.
paghuhugas ng paa
"gumagawa ng karaniwang gawain para tumulong." Ang paghuhugas ng maruming paa ng mga tao na naglalakad sa mga alikabok at putikan ay larawan ng pagbibigay ng pangangailangan ng ibang tao at ginagawang mas kasiya-siya ang buhay para sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mga mananampalataya
"Mga banal na tao ng Diyos"
ay naging tapat sa bawat mabubuting gawain.
"ay kilala sa paggawa ng mga mabubuting gawain"
1 Timothy 5:11-13
Ngunit sa mga mas batang balo, tanggihan mo silang itala sa listahan
"Ngunit huwag mong isama ang mga nakababatang balo sa listahan." Ang listahang ito ay sa mga balo na may edad animnapu at mas nakatatanda na siyang tutulungan ng iglesiya.
pagnanasa ng laman laban kay Cristo
"ay nasira mula kay Cristo dahil sa kanilang mga pagnanais ng laman" o "may mahalay na pagnanais na nagiging sanhi upang kanilang isuko ang kanilang mga espiritwal na tungkulin"
tinalikuran nila ang una nilang pangako
"hindi pinanatili ang kanilang pinakaunang tungkulin" o "hindi ginawa kung ano ang kanilang ipinangako noon na gagawin"
pangako
Ang tungkulin ng mga balo ay ang kanilang kasunduan na maglingkod sa iglesiya sa natitira nilang mga buhay kung ibibigay ng iglesiya ang kanilang mga pangangailangan.
mapanirang-puri
Ito ay mga taong nagsasalita tungkol sa mga pribadong buhay ng ibang tao.
mapanghimasok
mga mapanghimasok. Ito ay mga tao na nakiki-alam sa buhay ng ibang tao.
Sinasabi nila ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.
"mga bagay na hindi nararapat banggitin"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
1 Timothy 5:14-16
na tayo ay paratangan
Mga maaring kahulugan ng "atin" ay 1) ang mga nakababatang babae o 2) si apostol Pablo at ang mga nakatatanda na namamahala sa mga nakababatang babae o 3) lahat ng mga Kristiyanong mananampalataya na nakilalang kasama ng mga nakababatang babae.
tumalikod at napunta na kay Satanas
"iniwan ang daan ni Cristo upang sumunod kay Satanas"
ang mananampalatayang babae
"sinumang Kristiyanong babae" o "sinumang babae na naniniwala kay Cristo"
may mga balo
"may mga balo na kabilang sa kaniyang mga kamag-anak"
tunay na mga balo
"ang mga babaeng wala ng sinumang magbibigay sa kanila"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
1 Timothy 5:17-18
Nag-uugnay na pahayag:
Si Pablo ay muling nagsasalita kung paano dapat pakitunguhan ang mga nakatatanda (mga namamahala).
Hayaan... maging karapat-dapat
Maaaring isalin na: "Lahat kayong mga mananampalataya ay dapat mag-isip...bilang karapat-dapat" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mas mataas na parangal
Mga maaaring kahulugan 1)"parehong uri ng parangal: paggalang at kabayaran" o 2) "lubos na paggalang kaysa sa natatanggap ng iba."
ang mga gumagawa sa salita at sa pagtuturo
"ang mga nangangaral at nagtuturo ng Salita ng Diyos"
Huwag mong bubusalan ang baka
ang busal ay inilalagay sa nguso at bunganga ng hayop upang pigilan ito na kumain habang ito ay nagtatrabaho.
baka
isang malaki at malakas na hayop gaya ng isang baka
gumigiik ng butil
Inaapakan o dinadagdagan ng isang mabigat na bagay sa mga pirasong butil upang ihiwalay ang butil upang makain mula sa mga tangkay. Ang mga baka ay pinapayagang kumain ng ilan sa mga butil habang sila ay nagtatrabaho.
ay karapat-dapat sa
"karapat-dapat"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
1 Timothy 5:19-20
tatanggap
"makinig sa" o "tanggapin"
dalawa o tatlo
"kahit dalawa" o "dalawa o higit pa"
Pagsabihan
"Sawayin" o "Itama"
mga makasalanan
Ito ay tumutukoy sa sinumang gumagawa ng anumang bagay na lumalabag o hindi nagbibigay kaluguran sa Diyos, maging mga bagay na hindi alam ng ibang tao.
sa harapan ng lahat
"kung saan nakikita ng lahat"
upang matakot ang iba
"upang ang iba ay matakot na magkasala"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
1 Timothy 5:21-22
iyo
Si Pablo ay nagsasalita sa isang tao, kay Timoteo, kaya ang lahat ng uri ng "iyo" at mga kautusan ay dapat isahan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
kinikilingan
"paghatol sa simula pa lang" o "pagpapasiya bago ka makinig sa bawat isa na sabihin ang kanilang panig sa kuwento." Si Timoteo ay makikinig muna sa mga katotohanan bago humatol.
walang tinatangi
"pagkiling sa mga gusto mong tao", o "sa batayan kung sino ang iyong mga kaibigan." Si Timoteo ay dapat munang humatol sa batayan ng mga katotohanan, hindi sa kung sino ang sangkot.
Ipatong ang iyong kamay
Ito ay isang seremonya kung saan ang isa o mahigit pang mga pinuno ng iglesiya ay nagpapatong ng kanilang mga kamay sa tao at nananalangin sa Diyos na bigyan ng kakayahan ang mga taong iyon na maglingkod sa iglesiya sa paraan na kalugod-lugod sa Diyos. Si Timoteo ay dapat munang maghintay hanggang sa magpakita ang isang tao ng mabuting katangian sa mahabang panahon bago ganap na maibukod ang taong iyon upang maglingkod sa iglesiya.
makibahagi sa mga kasalanan ng ibang tao
"makisali sa kasalanan ng ibang tao." Mga maaaring kahulugan1) kung pinili ni Timoteo ang sinumang may sala na maging manggagawa ng iglesiya, panghahawakan ng Diyos na si Timoteo ang may pananagutan sa kasalanan ng taong iyon, o 2) Si Timoteo ay hindi dapat makagawa ng kasalanan na nakita niyang ginagawa ng iba.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/05.md]]
1 Timothy 5:23-25
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang bersikulo 23 ay mukhang personal na sulat na inilagay dito para kay Timoteo. Pagkatapos sa bersikulo 24, ipinagpatuloy ni Pablo ang sinasabi niya sa bersikulo 22.
Huwag lamang tubig ang iyong inumin
o "Dapat kang tumigil sa pagiging manginginom ng tubig" isang taong tubig lang ang iniinom (UDB). Hindi pinapayagan ni Pablo ang puro tubig lang. Iminungkahi niya na gamitin ni Timoteo ang alak bilang gamot. Ang tubig sa lugar na iyon ay madalas na nagdudulot ng sakit.
nauna ito sa kanila bago pa sa hukuman
"ang kasalanan ng mga taong iyon ay nauna na sa hukuman." Mga maaaring kahulugan ay 1)Ipapakita ng kasalanan kung anong klaseng tao, bago pa ang oras ng iglesiya para husgahan kung ang taong iyon ay dapat maging pinuno ng iglesiya o hindi, o 2) Ipapakita ng kasalanan kung anong klaseng tao, bago pa ang oras ng iglesiya para husgahan kung ang taong iyon ay talagang nagkasala, o 3)Ang kanilang kasalanan ang naging patunay, at hinahatulan na sila ng Diyos ngayon.
sumusunod pagkatapos na
"Ngunit ang ibang mga kasalanan ay susundan ang mga taong iyon sa susunod." Mga maaaring kahulugan 1)Hindi malalaman ni Timoteo ang ilang mga kasalanan hanggang sa makalipas, o 2) Hindi malalaman ng iglesiya ang tungkol sa kasalanan hanggang sa lumipas, o 3)Hindi hahatulan ng Diyos ang ibang mga kasalanan hanggang sa araw ng paghuhukom.
mabubuting
Ang "mabubuti" dito ay nanagngahulugan na tumutugma ito sa katangian ng Diyos, mga layunin o kalooban.
ngunit may mga ilan na hindi maitatago
Maaaring isalin na:"ang ibang mabubuting gawa ay malalaman sa hinaharap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
1 Timothy 6
1 Timothy 6:1-2
Nag-uugnay na pahayag:
Nagbigay si Pablo ng ilang tiyak na mga tagubilin sa mga alipin at mga amo at saka nagpatuloy sa mga tagubiling mamuhay na maka-diyos.
nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin
Ito ay maaaring isalin bilang isang talinghaga na nagpapakita na ang isang alipin ay katulad ng isang lalaking baka o ibang malakas na hayop na may pamatok na kahoy na nakalagay sa mga balikat nito nang sa gayon maaring mahila nito ang araro. Kung isasama ang talinghaga ito ay labis na mahirap, maari mo itong alisin. Maaari ring isalin bilang isang talinghaga para sa pagiging kristiyano. (UDB).(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan.
"silang mga nasa labas ng iglesiya ay laging magsasalita ng may paggalang tungkol sa pangalan ng Diyos at sa katuruan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])
1 Timothy 6:3-5
Kung mayroong magtuturo
"Kahit sinong nagtuturo" o "Silang mga nagtuturo." Ipinapalagay ni Pablo na mayroong mga tao na nagtuturo ng "kakaiba"; ito ay hindi isang haka haka. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
ibang.. siyang...niya..
Sa UDB ginagamit ang pangmaramihan "maraming mga tao....ganyang mga tao..sila" upang sabihin na ang "Iba" na "nagtuturo" ay maaring lalaki o babae, isang tao, o maraming mga tao. Gamitin ang paraan ng inyong wika na naaabot ang saklaw ng kahulugan.
sakit na niya ang manuligsa
"lahat ng gusto niyang gawin ay pagtatalo" o "sila ay sabik sa mga pakikipagtalo." ang mga katulad ng mga taong ito ay nagnanais ng pakikipagtalo, at hindi hinahanap ang paraan ng pagkakasundo.
pagkainggit
"pagnanais na magkaroon kung anong mayroon ang iba"
pagtatalo
"mga pagtatalo ng mga mananampalataya"
mga insulto
"mga tao na nagsasabi ng maling bagay sa iba"
liko ang mga pag-iisip
Nagsasabing sinumang di maki-isa sa kanila ay gumagawa ng kasamaaan.
pag-aawayan sa pagitan ng mga tao
"inaaway ang bawat isa"
baluktot ang mga pag-iisip
"mga kaisipang nasira dahil sa masasamang pag-iisip"
1 Timothy 6:6-8
malaking pakinabang
"ay nagbibigay ng malaking pakinabang " o "nagbibigay ng maraming mabuting bagay pa sa atin"
walang dinalang anuman dito sa mundo
"walang dinalang anuman dito sa mundo nang tayo ay ipanganak"
madadala na anumang bagay
"at wala tayong makukuhang anuman dito sa mundo kapag tayo ay namatay"
tayo sa
"dapat tayo"
1 Timothy 6:9-10
mahuhulog sila
Ito ay isang talinghaga sa kawalan ng pagpipigil sa sariling buhay o kaisipan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mahuhulog sila patungo sa tukso
"mahaharap sa maraming tukso ng higit sa kanilang maaring labanan"
mahuhulog...sa isang bitag
"mahuli sa bitag." Ito ay isang talinghaga sa pagkawala ng kakayahang kumilos para sa sariling pakinabang at walang magawa laban sa mga nananakit. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mahuhulog...tungo sa kamangmangan at masasamang pagnanasa
"ay kontrolado ng pagnanais na gumawa ng kamangmangan at nakakasakit na mga bagay"
sisiraat wawasak sa mga tao
"manghahatak ng mga tao patungo sa ibaba"
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.
"dahil ang pag-ibig sa salapi ay ang dahilan ng lahat uri ng kasamaan"
ang naghahangad ng mga ito
"naghahangad ng salapi"
nailayo sa kanilang pananampalataya
"iniwan ang daan ng katotohanan" o "huminto sa paniniwala ng katotohanan"
at sinasaktan ang kanilang sarili...kapighatian
Ang talinghaga na ito ay itinulad ang pighati sa isang patalim o isang sibat na ginagamit ng isang tao upang saksakin ang kaniyang sarili hanggang lubusang tumagos sa kaniyang katawan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
1 Timothy 6:11-12
lingkod ng Diyos
"lingkod ng Diyos" o "taong pag-aari ng Diyos.
layuan mo ang mga bagay na ito
"ituring mo ang mga bagay na ito gaya ng mga nilalang na gusto kang saktan." Maaaring mga kahulugan ng "mga bagay na ito" 1) ang pag-ibig sa salapi" (UDB) o 2) "ang ibat-ibang katuruan, pagmamataas, mga pagtatalo, at ang pag-ibig sa salapi".(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sikapin mo
" Takbuhin" o " Habulin"o "Gawin mo ang makakayang mong gawin upang gumawa sa"
Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban.... panghawakan.... buhay
Marami ang nakakaunawa ng mga salitang ito na gaya sa isang talinghaga sa isang palaro kung saan ang mananalo sa "labanan" ay maaring "makakuha" ng isang gantimpala. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
panghawakan mo ang ...buhay
May ilang nakakaunawa sa talinghagang ito bilang isa pang paraan sa pagsasabi ng "lumaban ng mabuting pakikilaban". ....Maaring isalin na: "Gawin mo ang lahat upang magkamit....ng buhay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagpatotoo
"nagbigay ng patotoo"
sa harapan
"sa presensya ng"
sa kung ano ang mabuti.
"tungkol sa ano ang iyong pinaniniwalaan"
1 Timothy 6:13-14
sa harap ng Diyos
"sa presensya ng Diyos" o kaya'y "kasama ang Diyos bilang isang saksi"
"sa harapan ni Cristo"
"sa presensya ni Cristo" o kaya ay "kasama si Cristo bilang isang saksi"
kay Poncio Pilato
"nang nakatayo sa harapan ni Poncio Pilato"
walang kapintasan
Mga posibleng kahulugan ay 1)Walang makikitang kamalian ang Panginoon kay Timoteo (UDB) o 2 "walang makita ang ibang tao na mali kay Timoteo.
pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
"Hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
1 Timothy 6:15-16
sa tamang panahon
"sa tamang panahon" (UDB)
Ang Mapagpala
"ang Nag-iisa na nasa kaniya ang lahat ng biyaya" o Ang Diyos na nagbibigay ng lahat ng mga biyaya." Ito ay tumutukoy sa Diyos Ama, na naghayag kay Jesus .
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/06.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/06.md]]
1 Timothy 6:17-21
kayamanan, na walang katiyakan
"ang mga bagay na nasa kanila na maaring mawala sa kanila." Ang tinutukoy nito ay mga pisikal na mga bagay.
tunay na kayamanan
"mga bagay na magbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan." Ang tinutukoy nito ay maaring isinama ang mga pisikal na bagay, ngunit ito ay tumutukoy higit sa kalagayan na gaya ng "pag-ibig," kagalakan at kapayapaan na sinusubukan ng mga tao na abutin sa pamamagitan ng pisikal na mga bagay.
magpakayaman sa mabubuting mga gawa
"maglingkod at tumulong sa iba sa maraming paraan." Upang lubos na palakasin din ang iglesiya.
pundasyon
Unang bahagi ng bahay na itinatayo. Ito ay isang talinghaga para sa "totoong kayamanan" at ang pasimula ng "totoong buhay" na ibibigay ng Diyos sa kaniyang mga tao sa walang hanggang buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
makamit ang tunay na buhay.
Inaalaa nito ang talinghaga sa laro sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1ti/06/11.md]], kung saan ang gantimpala ay aktuwal na nahahawakan nga mga kamay ng nanalo. Dito ang "gantimpala" ay "tunay" na buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/06.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1ti/06.md]]