James
James 1
James 1:1-3
Magka-ugnay Na Pahayag:
Pagkatapos ng kanyang pambungad na pagbati, sinabi ni Santiago sa mga mananampalataya na ang layunin ng problema ay para subukin ang ating pananampalataya.
Santiago
"Ako, si Santiago." Santiago ay kinakapatid ni Jesus.
Isang alagad ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo
Ang salitang "ako". Maaring Isalin na: "Ako ay isang manggagawa ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo."
sa labindalawang angkan ng pagpapakalat
Si Santiago ay sumulat sa lahat ng mga mananampalatayang Judio na tumakas sa mga lungsod ng Roma sa labas ng Judea, malayo sa pag uusig na umuusbong pagkatapos sa pagbato kay Esteban.
labindalawang angkan
Hindi nawa pabagu-bago sa pagsusulat ng mga bilang. Maari rin itong isulat ng "12 angkan."
mga pagbati
ang batayan ng pagbati, tulad ng "kumusta" o "Magandang araw"
Itinuring ang lahat ng kagalakan, aking mga kapatid, kung kayo'y nakakaranas ng ibat-ibang kaguluhan
"Mga kapwa ko mananampalataya, isipin niyo ang lahat inyong iba't-ibang uri ng mga kaguluhan bilang isang bagay upang ipagdiwang"
nalalaman na ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng may pagtitiis
"dahil nalalaman mo na ginagamit ng Diyos ang mga kaguluhang ito upang maging matatag ang ating pananampalataya.
James 1:4-5
Hayaan na ang pagtitiis ang bubuo nitong gawa
Magpatuloy na manindigan ng may katatagan sa ilalim ng mga mahihirap na kalalagayan. Maaring Isalin Na: "Manatiling matatag sa panahon ng inyong mga kaguluhan."
ganap na
"nang ang Diyos ay gumawa sa inyong pananampalataya"
na kayo
Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga Judiong mananampalataya.
ganap na lumago
"ganap na perpekto"
nangangailangan
Ito ay isang negatibong parirala na maaring ilagay ang isang positibo bilang, "pagkakaroon ng marami."
hingin ninyo ito sa Diyos, ang siyang nagbibigay nito
"hingin mo ito sa Diyos. Siya lamang ang makapag-bibigay nito.
nagbibigay ng maayos at walang panunumbat
"walang pagsasalita" ay isang negatibong parirala na maaring sabihin sa positibo bilang "mapagbigay at masayahin."
ito'y kanyang tutugunin.
"gagawin ito ng Diyos" Tutugunin ng Diyos ang iyong panalangin"
James 1:6-8
Sa pananampalataya, nang walang pag aalinlangan
Ang salitang "walang pagdadalawang-isip o agam-agam" ay isang negatibong parirala na maaring sabihin sa positibong bagay bilang "may kasiguraduhang tutugon ang Diyos."
ang nagdadalawang isip ay katulad ng alon sa dagat, na dinadala ng hangin, paroo't parito
Ito ay inihahambing sa isang tao na nag aalinlangan sa pag galaw ng tubig at nag iiba ng direksiyon. Maaring Isalin Na: "ang isang nag aalinlangan ay laging pabalik-balik sa pagitan ng paniniwala at kawalan ng paniniwala" o "ang isang nag aalinlangan ay laging nagbabago kung ano ang paniniwalaan."
na tutugunin
"ano ang kanyang hiniling"
sa Panginoon
"mula sa Panginoon"
ang nagdadalawang isip ay hinalintulad sa alon ng dagat, na dinadala ng hangin, paroo't parito
handang tao**- Ang salitang "Nagdadalawang-isip" ay tumutukoy sa kaisipan ng isang tao kung siya ay walang kakayahang gumawa ng desisyon. Maaring Isalin na: hindi makapag-desisyon kung susunod ba siya kay Jesus o hindi"
walang kasiguraduhan sa lahat ng kanyang lakarin
"hindi tiyak tungkol sa anumang bagay"
James 1:9-11
Ang mahirap na kapatid
"Ang mananampalataya na walang sapat na salapi."
dapat luwalhatiin sa kaniyang mataas na kalagayan
"dapat maging masaya na binigyan siya ng Diyos ng karangalan"
samantalang ang mayaman na kapatid
"at ang kapatid na may maraming salapi"
sa kaniyang kababaang loob
Ang bahagi ng salitang ito ay ipinapahiwatig na, "dapat maluwalhati sa kaniyang pagpapakumbaba," ay naalis. Maaring Isalin na: "dapat maging masaya na tinuruan siya ng Diyos na magpakumbaba (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
siya ay lilipas katulad ng mga bulaklak ng damo sa bukid
Ang halimbawang ito ay nagpapakita na maging ang mayayaman na tao ay mamamatay, katulad ng mga buhay na bagay ay namamatay. Binibigyang diin nito kung bakit ang isang mayamang tao ay kinakailangang maging mapagpakumbaba.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
ang mayamang tao ay mawawala sa kalagitnaan ng kanyang mga ginagawa
ang mayamang tao ay mamamatay habang siya ay nagpapakahirap mag trabaho para kumita ng maraming pera"
James 1:12-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinaalalahanan ni Santiago ang mga mananampalataya na tumakas na ang Diyos ay hindi nanunukso; sinabi niya sa kanila kung paano umiwas sa tukso.
Pinagpala ang tao
"Masaya ang tao"
nagtitiis sa pagsubok
"nananatiling matatag kapag dumating ang pagsubok"
Mapagtagumpayan ang pagsubok
"nananatiling matatag sa pamamagitan ng mga pagsubok"
Makakatanggap siya
"Ibibigay sa kaniya ng Diyos"
makakatanggap siya ng korona ng buhay
Ang "Korona ng buhay" ay isang talinhaga na naglalarawan na ang buhay na walang hanggan ay isang gantimpala. "tanggapin ang gantimpala ng walang hanggang buhay"
Na ipinangako sa mga nagmamahal sa Diyos
Maaring Isalin Na: "Ang Diyos ay nangako ng korona ng buhay sa lahat ng mga nagmamahal sa kaniya"
na siya ay natukso
"nang siya ay nagkaroon ng pagnanasa na gawin ang mga bagay na masama"
Ang pagsubok na ito ay galing sa Diyos
sinusubukan ng Diyos na ako ay gumawa ng mga bagay na masama"
Sapagkat ang Diyos ay hindi tinukso ng diyablo
"Hindi ninais ng Diyos na gumawa ng masama"
ang Diyos mismo ay hindi nanukso ng sino man
"Hindi sinubukan ng Diyos na gumawa ang tao ng masama"
James 1:14-16
Ang bawat tao ay natutukso ng kaniyang masamang mga pagnanasa
Ang pagnanais na gumawa ng masama ay nasa kalooban ng tao.
inaakit at itinutulak siya palayo
"kung saan inaakit at dinadala palayo"
pagkatapos na maglihi ang makasalanang pagnanasa, ang kasalanan ay maipapanganak at pagkatapos lumaki ng kasalanan hahantong ito sa kamatayan
Ang "makasalanang nais", "kasalanan" at "kamatayan" ay binigay na katangian ng isang tao. Dito ang "makasalanang nais" ay inilalarawan bilang isang nagmamahal na babaeng nais na ilayo ang isang lalaki na matulog sa kaniyang tabi. "Kasalanan" ang kanilang anak. "Kamatayan" ang idudulot nang ang kanilang sanggol ay maging ganap na tao. Ito rin ay nagpapakita kung paanong ang masamang nais ay binibigyan ng kasiyahan sa una, ngunit ang kasiyahang iyon ay magiging kasalanan at sa bandang huli ay magdadala sa parehong pisikal at espiritwal na kamatayan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Huwag kayong magpalinlang
"Huwag hayaan ang sinuman na dayain ka" o "Itigil ang pandaraya sa sarili"
James 1:17-18
Ang bawat mabuti at ganap na kaloob
Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ginamit ni Santiago ang mga ito upang bigyang diin na ang anumang mabuting bagay na mayroon ang isang tao ay nagmula sa Diyos.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
mula sa itaas
"mula sa langit"
mula sa Ama ng mga liwanag
Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng liwanag sa langit (araw, buwan, at mga bituin)
Hindi siya nagbabago katulad ng paglipat ng anino
Ito ayisang talinhaga na nagkukumpara sa hindi Diyos na hindi nagbabago na siyang patuloy na liwanag sa nagbabago at gumagalaw na liwanag sa langit (araw, buwan, at mga bituin). Maaring Isalin na: "Ang Diyos ay hindi nagbabago na tulad ng anino na nagpapakita at nawawala." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
na bigyan tayo
Ang salitang "tayo" ay tumutukoy kay Santiago at sa kaniyang mga mambabasa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
bigyan tayo ng buhay
"binigyan tayo ng espiritwal na buhay"(UDB)
ng salita ng katotohanan
"ang ebanghelyo" o "ang mga aral ni Jesus"
katulad ng unang bunga
Binigyang-diin ni Santiago na tulad ng unang bunga ng pananim, ang kaniyang mga manonood ay kabilang sa mga unang mananampalataya na magiging mga manaanmpalataya sa hinaharap.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
katulad ng unang bunga
"sa kaniyang mga tao"
James 1:19-21
alam ninyo ito
Mga maaaring kahulugan: 1)"Alamin ito" bilang isang utos, upang magbigay pansin tungkol sa aking mga isinulat o 2) "Alam ninyo ito" bilang isang pahayag, na dapat ko kayong paalalahanan sa mga bagay na alam niyo na.
Bawat tao ay dapat mabilis sa pakikinig,
dahan-dahan sa pananalita
Dapat munang makinig ang mga tao at pagkatapos isiping mabuti ang kanilang sinasabi.
hindi agad nagagalit
"huwag magalit agad"
ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng
katuwiran ng Diyos
Kapag ang tao ay nagalit hindi siya tumatalima o sumusunod sa nais ng Diyos.
alisin ninyo ang lahat ng gawaing makasalanan
Dito ang salitang "dumi ng kasalanan" at "kasamaan" ay nagbabahagi ng parehong kahulugan. Ginamit ni Santiago ang mga ito upang bigyang diin kung gaano kasama ang kasalanan. Maaring Isalin na: "Itigil ang paggawa ng anumang klase ng makasalanang pag uugali."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
sa kababaang-loob
"walang pagmamataas" o " walang kayabangan"
tanggapin ang itinanim na salita
Ang salitang "itanim" ay nangangahulugan ng paglagay ng isang bagay sa loob ng isa pa. Ito ay isang talinghaga na naglalarawan sa salita ng Diyos na katulad ng isang bagay na naitanim sa loob ng isang tao. Maaring Isalin na: "sumunod sa mensahe ng Diyos na nangungusap sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
makakapagligtas sa inyong
kaluluwa.
Dito ang salitang "kaluluwa" ay tumutukoy sa buong pagkatao ng isang tao. Gayundin, kung saan naligtas ang tao ay maaaring sabihin ng malinaw. Maaring Isalin na: "iligtas ka mula sa paghuhukom ng Diyos.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
James 1:22-25
Sundin ninyo ang salita
"Sundin ang salita ng Diyos" o "Sundin ang mensahe ng Diyos sa iyo"
dinadaya ninyo lang ang inyong mga sarili
"dinadaya ang inyong mga sarili" o niloloko ang inyong mga sarili"
Sapagkat kung sinuman ang nakarinig ng salita at hindi ito ginagawa, para siyang isang taong humarap sa salamin
Gumawa si Santiago ng paghahalintulad sa pagitan ng isang tao na pinakinggan ang salita ng Diyos ngunit hindi ito sinunod sa isang taong tiningnan ang sarili sa salamin at nakalimutan ang kaniyang itsura. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Tinignan ang kaniyang mukha...ngunit nakalimutan
Ang taong tumingin sa kaniyang mukha at pagkatapos ay nakalimutan kung ano ang nakita ay tulad ng tao na nakinig sa salita ng Diyos at nakalimutan ang narinig.
sa ganap na batas, ang batas na nagbibigay ng kalayaan
"ang perpektong batas na nagbibigay ng kalayaan"
hindi lang tagapakinig na nakakalimot
"hindi lang pinakikinggan at pagkatapos ay kinakalimutan ito"
ang taong ito ay
pagpapalain habang ginagawa niya ito
Maaaring Isalin na: "Pagpapalain ng Diyos ang taong ito sa kaniyang pagsunod sa batas"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
James 1:26-27
nag-iisip sa kaniyang sarili na siya ay relihiyoso
"iniisip niyang sinasamba niya ang Diyos ng tama"
kaniyang dila
Maaring Isalin na: "ano ang kaniyang sinasabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
niloloko
"niloko" o "dinaya" o "nilinlang"
kaniyang puso
Ang "puso" dito ay nangangahulugang ang buong pagkatao. Maaaring Isalin na: "kaniyang sarili"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
kaniyang relihiyon ay walang kabuluhan"
"Ang kaniyang pagsamba ay walang kabuluhan"
dalisay at walang karumihang relihiyon sa harap ng ating Diyos at Ama
Maaring Isalin na: Ito ang uri ng relihiyon na tinatanggap ng Diyos"
Dalisay at walang karumihan
Ipinahayag ni Santiago ang parehong kaisipan na parehong positibo at negatibo upang bigyang diin kung ano ang tunay na relihiyon. Maaring Isalin na: "ganap na dalisay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
walang ama
"ang mga walang ama" o "ang mga ulila"
balo sa kanilang kalungkutan
ang mga babaeng nagdurusa dahil ang kanilang asawa ay namatay
para pangalagaan ang sarili mula sa katiwalian ng mundo
para hindi payagan ang masama sa mundo upang maging dahilan ng iyong pagkakasala
James 2
James 2:1-4
Nag-uugnay na Pahayag:
Ipinagpatuloy ni Santiago na sabihin sa mga nagkalat na mga mananampalatayang Judio kung paano ang mamuhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa isa't-isa at pinaalalahanan sila na huwag magmahal ng isang tao nang higit sa isa pa.
Mga kapatid ko
Inisip ni Santiago na ang kaniyang mambabasa ay mga mananampalatayang Judio. Maaring isalin na: "Mga kapwa ko mananampalataya" o " Mga kapatid kong lalaki at babae kay Cristo."
ating Panginoong Jesu-Cristo
Ang salitang "ating" ay kasama sina Santiago at ang kaniyang mga kapwa mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
pagtatangi sa ilang mga tao
"pagbibigay ng espesyal na pagtrato" o "pagiging mabuti sa ilang mga tao"
kung may isang taong
Nag-umpisang ilarawan ni Santiago ang isang kalagayan kung saan ang mga mananampalataya ay maaaring magbigay ng mas maraming paggalang o kapurihan sa isang mayamang tao kaysa sa isang mahirap na tao.(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
suot ang mga gintong singsing at marangyang kasuotan
"bihis tulad ng isang mayamang tao"
maupo ka rito sa magandang lugar
"maupo sa lugar na ito ng may karangalan"
tumayo ka sa banda roon
"lumipat sa isang hindi marangal na lugar"
maupo ka sa aking paanan
"lumipat sa isang mababang lugar"
hindi ba kayo gumagawa ng paghatol
sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan?
Si Santiago ay gumagamit ng patalinhagang katanungan upang magturo at marahil pagsabihan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "kayo ay nanghuhusga sa inyong mga sarili at nagiging tagapag-hatol na may masamang kaisipan."(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
James 2:5-7
Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid
Pinapayuhan ni Santiago ang kaniyang mga mambabasa bilang pamilya. "Magbigay pansin, mga minamahal kong mananampalataya"
hindi ba pinili ng Diyos
Ginamit ni Santiago dito ang isang matalinhagang katanungan upang pagsabihan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "Pinili ng Diyos."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
maging mayaman sa pananampalataya
"maging mayaman sa pananampalataya." Ang pakay ng pananampalataya ay magkaroon ng katiyakan. Maaring isalin na: "magkaroon ng malakas na pananampalataya sa Diyos."
manahin ang kaharian
"pumasok sa kaharian sa langit, na
Ngunit hindi ninyo....
Nakikipag-usap si Santiago sa lahat ng kaniyang mga sinulatan.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
hindi ninyo binigyan ng karangalan ang mahihirap!
"huwag ninyong bigyang halaga ang mahihirap" o "itrato ng hindi mabuti"
Hindi ba ang mayayaman
Ginamit ni Santiago dito ang matalinhagang katanungan upang pagsabihan ang kaniyang mambabasa. Maaring isalin na: "Ang mga mayayaman."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ang mayayaman
"ang mayayamang tao" (UDB)
silang nang-aapi sa inyo
"sino ang namamahala sa inyo" o "sino ang nagtrato sa inyo ng masama"
hindi ba sila
Gumamit si Santiago ng matalinhagang katanungan upang pagsabihan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "Sila ang mga."
nagkakaladkad sa inyo sa mga hukuman?
"pinilit kayong dalhin sa hukuman upang akusahan kayo sa harapan ng mga hukom" (UDB)(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Hindi ba ang mayaman
Dito ay gumamit si Santiago ng isang matalinhagang katanungan upang pagsabihan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "Ang mayaman" o "Ang mga mayayamang tao."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
sa magandang pangalan
"pangalan ni Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
James 2:8-9
kung tinutupad ninyo
Ang salitang "ninyo" ay tumutukoy sa mananampalatayang Judio. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
tinutupad ninyo ang mga maharlikang kautusan
Unang ibinigay ng Diyos ang mga batas kay Moises na naitala sa mga aklat ng Lumang Tipan. Maaring isalin na: "sundin ang batas ng Diyos" o "sundin ang batas ng ating dakilang hari."
mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili
(Ihalintulad: Levitico [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/lev/19/17.md]])
inyong kapwa
"lahat ng tao" o "bawa't isa"
maganda ang inyong ginawa
"mainam ang ginagawa mo" o "ginagawa mo kung ano ang tama"
kung nagbibigay kayo
"nagbibigay ng espesyal na pagtrato sa" o magbigay kayo ng karangalan sa"
kayo ay nagkakasala
Iyon ay, paglabag sa batas. Maaring Isalin na: "gumawa ng pagkakasala"
kasalanan, nahatulan sa pamamagitan ng kautusan bilang lumalabag sa batas.
Dito ang batas na narito ay may mga katangian ng isang pantaong hukom." Maaring Isalin na: " kasalanan at may kasalanan ng paglabag sa batas ng Diyos."
James 2:10-11
Kung sinuman ang sumusunod
"Kahit sino ang sumunod"
ngunit madapa sa isa sa...lahat ng kautusan!
Ang pagkadapa ay ang pagbagsak habang naglalakad ang isang tao. Ang hindi pagsunod sa kahit isang batas ay katulad ng hindi pagsunod sa buong kautusan.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
huwag kang gumawa......
ang "gumawa" ay upang gawin ang isang aksyon
kung hindi ka.... ngunit ikaw...ikaw ay...
Bagama't sumulat si Pablo sa mga mananampalatayang Judio, sa sitwasyong ito, ginamit niya ang pang-isahang paraan na para bang sumusulat siya sa bawat isang tao. "bawat isa sa inyo"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
James 2:12-13
Kaya't magsalita at sumunod
Inutos ni Santiago sa mga tao na gawin ito. "Kaya dapat kayong magsalita at sumunod"
katulad nila na malapit nang hatulan sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan
"na siyang nakakaalam na ang batas ng kalayaan ay malapit ng humatol sa kanila.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa pamamagitan ng kautusan
Dito ang batas ay binigyan ng katangian ng isang pantaong hukom.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
ang batas ng kalayaan
"ang batas na nagbibigay ng tunay na kalayaan"
Ang kahabagan ay nagtatagumpay
"Ang habag ay mas mabuti kaysa" o "tinalo ng habag"
James 2:14-17
Nag-uugnay na Pahayag:
Hinihikayat ni Santiago ang mga nagkahiwa-hiwalay na mga mananampalataya na ipakita ang kanilang pananampalataya sa iba, katulad ng pagpapakita ni Abraham ng kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.
Ano ang kabutihan nito, mga kapatid, kung may magsasabi na mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala siyang mga gawa?
Si Santiago ay gumamit ng isang matalinhagang katanungan upang turuan ang kaniyang mambabasa. Maaring isalin na: "Walang kabutihan kahit saan, mga kapwa mananampalataya, kung magsasabi ang sinuman na siya ay may pananampalataya, ngunit wala siyang gawa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kung may magsasabi....siya
Hindi tuwirang binanggit ni Santiago ang isang tao na nagsasalita. Ang salitang "siya" ay tumutukoy sa taong nagsasalita.
Kaya ba ng pananampalatayang iyon na iligtas siya?
Gumamit si Santiago ng isang matalinhagang katanungan upang turuaan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "Hindi siya ililigtas ng ganiyang uri ng pananampalataya."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
iligtas siya
"iligtas siya mula sa paghuhukom ng Diyos"
Kung ang kapatid...anong kabutihan iyon?
Gumamit si Santiago ng isang matalinhagang katanungan upang turuan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring Isalin na: Hindi mabuti kung ang isang kapatid."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
kapatid na lalaki o kapatid na babae
"kapatid na lalaki o babae kay Cristo"
isa sa inyo ay magsasabi
"sabihin mo"
ay patay
"ay walang halaga"
James 2:18-20
Ngunit may isang magsasabing
Inilalarawan ni Santiago ang isang palagay na sitwasyon kung saan ang isang tao ay tumututol sa kaniyang pagtuturo sa 2:14-17. Pinangalanan ni Santiago ang taong ito na "hangal o mangmang na tao" sa bersikulo 20. Ang layunin ng isang palagay na pag-uusap na ito ay upang itama ang pang unawa ng kaniyang mga mambabasa tungkol sa pananampalataya at mga gawa.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
Mayroon kang pananampalataya, at mayroon akong mga gawa
Inilalarawan ni Santiago ang maaring pagtutol ng isang tao sa kaniyang pagtuturo. Maaring isalin na: "Ito ay katanggap-tanggap kung ang isang tao ay may pananampalataya at ang isa pang tao ay gumagawa ng mabuti."
Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalataya
Ang salitang "sa akin" ay tumutukoy kay Santiago.
Ngunit ang mga demonyo...nanginginig
"nanginginig ng may kasamang takot"
Gusto mo bang malaman, taong mangmang, kung paano na ang pananampalataya na walang gawa ay walang kabuluhan?
Ito ay isang matalinhagang katanungan na ginamit upang pagsabihan ang taong hindi nakikinig kay Santiago. Maaring Isalin na: "Kayong mga mangmang! Ayaw ninyong makinig sa akin upang patunayan sa inyo na ang pananampalatayang walang gawa ay walang kabuluhan."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
James 2:21-24
Pangkalahatang Impormasyon:
Dahil mga Judiong mananampalataya ang mga ito, alam nila ang kwento ni Abraham, ang ama ng sambayanang Judio tungkol na sinabi sa kanila ng Diyos noon pa man sa salita ng Diyos.
Hindi ba si Abraham na ating patriyarka ay pinawalang-sala
Ang matalinhagang katanungang ito ay ginamit upang sagutin ang pangangatwiran ng mga taong mangmang kay Santiago, [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/jas/02/18.md]], na tumangging maniwala na ang pananampalataya at mga gawa ay magkasama. Maaaring isalin na: "Si Abraham na ating apo o lolo ay tiyak na matuwid." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Nakita ninyo, na ang pananampalataya
Ang salitang "nakita" ay isang metonomiya o pamalit. Maaring isalin na: "maintindihan."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
at sa pamamagitan ng paggawa nakamit ng kaniyang pananampalataya ang layunin nito
"naging ganap ang kaniyang pananampalataya dahil sa kaniyang gawa."
Natupad ang kasulatan
Maaring isalin na: "Ito ang nagpatupad sa kasulatan"
at ito ay ibinilang sa kaniya na katuwiran
"itinuturing ng Diyos ang kaniyang pananampalataya na matuwid"
Nakita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa
Muling nagparating si Santiago sa kaniyang mga taga-pakinig ng diretso sa pamamagitan ng pag-gamit ng pangmaramihang paraan na "kayo."
sa pamamagitan ng mga gawa ang tao ay mapapa-walang sala
"ang mga kilos at pananampalataya ay mapapa-walang sala ang isang tao"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
James 2:25-26
sa parehong paraan din
Ito ay isang paraan upang ipakilala ang parehong konsepto.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/discourse/home/01.md]])
hindi ba si Rahab na nagbebenta ng aliw ay napawalang sala sa pamamagitan ng gawa
Ginagamit ni Santiago ang matalinhagang katanungang ito upang turuan ang kaniyang mga mambabasa. Maaring isalin na: "dahil sa ginawa ni Rahab napawalang sala siya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
si Rahab na nagbebenta ng aliw
Ang babaeng, "si Rahab," ay mula sa kuwento ng Lumang Tipan kung saan inaasahan ni Santiago na alam ng kaniyang mga mambabasa.
mga mensahero
mga taong nagdadala ng mga balita mula sa ibang lugar
pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan?
"pagkatapos ay tinulungan silang tumakas sa lungsod"
Kung paanong ang katawan na hiwalay sa espiritu ay patay, gayon din ang pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ay patay
Si Santiago ay nagpapahayag na ang isang taong hindi nagsasagawa ng kaniyang mga gawa sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya ay katulad ng isang katawan na wala na ang kaniyang pantaong espiritu. Parehong patay at walang silbi.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
James 3
James 3:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinaalalahanan ni Santiago ang mga mananampalatayang ito na ang kaalaman na nagmumula lamang sa Diyos ang maaring pumigil sa mga salita sa dila ng mga tao.
Hindi...ang marami sa inyo
Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga tagapakinig ni Santiago. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Mga kapatid ko
"Kapwa ko mananampalataya"
alam nating
"dahil"
matatanggap natin ang mas higit na paghahatol
Maaring Isalin na: Hahatulan tayo ng Diyos ng mas mabigat sapagkat wala tayong naging dahilan kapag tayo ay nagkakasala sapagkat alam at nauunawaan nating mabuti ang kanyang salita higit sa ibang tao.(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
makakatanggap
Pinagpangkat ni Santiago ang mga nagturo ng kasulatan na kasama niya. Habang ang mga ibang mananampalataya na nakatanggap ng sulat ay gustong maging tagapagturo, ang ilan ay hindi gusto o nais.
Sapagkat natitisod tayong lahat
Si Santiago ay nagbalik upang isama ang lahat ng kanyang tagapakinig.(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
natitisod sa maraming paraan
inihahambing ito sa maling ugali ng isang tao sa pagbagsak habang naglalakad.(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
hindi natitisod sa kaniyang pananalita
"hindi nagkakasala sa mga salitang kanyang sinasabi"
ganap siyang tao
"siya ay ganap na sa espiritwal"
pigilin ang kaniyang buong katawan.
Tinutukoy ni Santiago ang kanyang puso, damdamin at kaniyang kilos. Maaring isalin na: pagpipigil sa kaniyang ugali" o "pagpipigil sa kanyang kilos."(Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
James 3:3-4
Ngayon kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo
Inihalintulad ni Santiago ang dila ng isang tao sa isang busal. Ang isang busal ay maliit na piraso ng bakal na inilalagay sa bibig ng kabayo upang pigilan ito kung saan pupunta. Ito ay naglalarawan kung paanong ang maliliit na bagay ay maaaring magkaroon ng kapangyarihan sa ibabaw ng mas malaki.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ngayon kung
"Kung" o "kapag"
kung lalagyan natin ng busal ang bibig ng kabayo
Ang "kabayo" ay malaking hayop na ginagamit para buhatin ang mga bagay o ang mga tao. Maaring Isalin na: "kung ilalalagay natin ang busal sa bibig ng mga kabayo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Pansinin din ang mga barko, kahit na napakalaki nila at tinutulak ng malalakas na hangin, ay nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
Pagkatapos, inihahambing ni Santiago ang dila ng isang tao sa timon ng barko. Ang "barko" ay tulad ng trak na lumulutang sa tubig. Ang "timon" ay isang maliit na kahoy o bakal sa likod ng barko na ginagamit upang pigilan kung saan ito pupunta. Ang salitang "timon" ay maaring isalin bilang "kagamitan." Si Santiago ay gumawa ng parehong punto na katulad ng busal sa bibig ng kabayo. Isang maliit na bagay na mayroong kapangyarihang talunin ang bagay na higit na mas malaki.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
napakalaki nila
Ang salitang "nila" ay tumutukoy sa mga barko.
tinutulak ng malalakas na hangin
Maaring Isalin na: "ang malalakas na hangin ang nagtutulak sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
nababaling kahit saan nais ibaling ng piloto
"mayroong isang maliit na kagamitan na maaring gamitin ng tao upang pigilin kung saan papunta ang barko"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
James 3:5-6
Ganoon din
Ang salitang ito ay naghuhudyat ng paghahambing ng dila sa busal ng kabayo at sa timon ng mga barko sa nakaraang mga bersikulo. Maaring Isalin na: "Sa parehong paraan"
nagyayabang
"magagamit ito ng isang tao para magsalita ng napakasamang mga bagay"
Pansinin kung gaano
"Isipin kung gaano kadakila"
Pansinin kung paano ang isang malawak na kagubatan ay nasusunog ng isang maliit na apoy!
Maaaring Isalin na: " ang isang maliit na apoy ay maaring magsimula ng sunog na susunog sa maraming puno!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ang dila rin ay isang apoy
Katulad ng isang apoy na umuubos at wawasak sa lahat ng kanyang sinunog, ang dila, tumutukoy sa kung ano ang sinasabi ng isang tao, at maaaring makasakit ng labis sa isang tao Maaring isalin na: "ang dila ay katulad ng isang apoy"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan
Maaring Isalin na: "Ito ay isang maliit na bahagi ng ating katawan, ngunit ito ay may kakayahan na magkasala sa lahat ng uri ng paraan."
na nagpaparumi sa buong katawan
Maari itong isalin bilang isang bagong pangungusap. "Maaring gawin tayong ganap na hindi kasiya-siya sa Diyos" o "Maaring gawin tayong hindi katanggap-tanggap sa Diyos."
at sinusunog ng apoy ang daan ng buhay
Ang salitang "daan ng buhay" ay tumutukoy sa buong buhay ng isang tao. Maaring isalin na: "at maaaring sirain ang buong buhay ng isang tao."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at ito mismo ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno
Ang salitang "kaniyang sarili" ay tumutukoy sa dila. At, ang "impiyerno" dito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng kasamaan o ng diyablo. Maari rin itong isalin bilang aktibong takda o sugnay: "sapagkat ginagamit ito ng diyablo sa kasamaan."
James 3:7-8
Bawat uri ng mga mababangis na hayop, mga ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat ay kayang paamuin at napaamo ng mga tao
Ang salitang "bawat uri" ay nangangahulugan ng "maraming uri" Maaari rin itong isalin bilang aktibong takda o sugnay: "Natututunan ng mga tao na pigilan ang maraming uri ng mababangis na hayop, ibon, mga gumagapang at mga nilalang sa dagat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga gumagapang
Ito ay mga hayop na gumagapang sa lupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
nilalang sa dagat
Ito ay hayop na naninirahan sa tubig.
walang kahit na sinuman ang makapagpapaamo ng dila
Dito ang "dila" ay tumutukoy sa kung ano ang sinasabi ng tao. Ang buong kahulugan ay maaring sabihin ng malinaw: "walang taong makakapag-pigil sa kaniyang dila kung wala ang tulong ng Diyos."
walang tigil na kasamaan, puno ng nakamamatay na lason.
Inilalarawan nito kung paano maaaring gamitin ng tao ang kanilang nasabing salita para manakit ng sinuman. ito ay maaring isalin katulad ng "isang masamang nilalang na hindi natutulog at laging handang lumusob."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
James 3:9-10
Sa pamamagitan ng dila pinupuri natin
"Ginagamit natin ang ating dila para magsabi ng salitang"
Sa pamamagitan.....tayo
"ginagamit natin ito para sabihin ang salita na"
nagsusumpa tayo ng tao
humiling sa Diyos para saktan ang iba (UDB)
na nilikhang kalarawan ng Diyos
Maaring isalin na: "na siyang ginawa ng Diyos sa kanyang wangis"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Galing sa iisang bibig
"kapwa nagsasalita ang parehong bibig o bunganga"
Aking mga kapatid
"mga kapwa Kristiyano"
hindi dapat mangyari ang mga bagay na ito.
"ito ay mali"
James 3:11-12
Nag-uugnay na Pahayag:
Pagktapos bigyang diin ni Santiago na ang mga salita ng mga mananampalataya ay hindi dapat parehong magsabi ng pagpapala at sumpa, nagbigay siya ng halimbawa mula sa kalikasan para ipaliwanag ito.
Hindi rin lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat
Gumamit si Santiago ng katanungang hindi humihingi ng kasagutan upang turuan ang mga mambabasa patungkol sa makatuwirang pagkaka-ayos ng kalikasan. Maaaring Isalin na: "Ang isang bukal ay hindi magbubuhos ng parehong sariwa at mapait na tubig."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Aking mga kapatid
"mga kapwa mananampalataya"
maaari bang ang isang puno ng igos ay mamunga ng mga olibo? o ang isang puno ng ubas mamunga ng igos?
Si Santiago ay gumamit ng isa pang salitang naglalarawan upang turuan ang mga mambabasa tungkol sa tamang pangangatwiran sa pagkaka-ayos ng kalikasan. Maaring Isalin na: “ang puno ng igos ay hindi mamumunga ng olibo, ni ang isang puno ng ubas ay hindi mamumunga ng puno ng igos."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
James 3:13-14
Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Hayaan ang taong iyan
Ginamit ni Santiago ang katanungang ito upang turuan ang kaniyang mga tagapakinig patungkol sa tamang pag uugali. Ang salitang "matalino" at "pang-unawa" ay nangangahulugan ng parehong bagay. Maaaring Isalin na: "Ang taong nag-iisip na siya ay matalino ay dapat."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
ipakita ang kaniyang magandang buhay
"nagpapakita ng magandang pag-uugali" o "pinapakita ito"
sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa sa kapakumbabaan na nagmumula sa karunungan
"sa kaniyang mabuting gawa at kababaang loob na nagmumula sa pagkakaroon ng tunay na kaalaman"
kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso
Ang salitang "puso" ay tumutukoy sa emosyon o kaisipan. Maaaring Isalin na: "hindi magbabahagi sa iba at palaging inuuna ang iyong sarili."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan
"huwag magsinungaling tungkol dito at magkunwaring ikaw ay matalino"
James 3:15-18
Hindi ito
ang "Ito" ay tumutukoy sa mga hindi mabuting pagka-inggit at makasariling hangarin na tumutukoy sa nakaraang bersikulo.
nagmumula sa itaas
"bumaba mula sa Diyos" o "bumaba mula sa langit"
ay makamundo
Ang salitang "makamundo" ay tumutukoy sa pinapahalagaahn at kaugalian ng mga tao na hindi nagbibigay karangalan sa Diyos." Maaaring Isalin na: hindi nagbibigay karangalan sa Diyos."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
hindi espiritwal
"hindi mula sa Banal na Espiritu" o "hindi espiritwal"
mula sa diyablo
"ngunit ito ay galing sa mga diyablo"
Sapagkat kung saan may paninibugho at makasariling hangaring umiiral
"Dahil kung saan may mga taong sarili lamang ang iniisip at hindi ang iba"
may pagkalito
"hindi maayos" o "may matinding kaguluhan"
at nagagawa ang bawat masama
"lahat ng klase ng makasalanang pag uugali" o "lahat ng klase ng masamang gawa"
unang-una dalisay
"ay unang banal"
pagkatapos ay maibigin sa kapayapaan
mapagmahal** pagkatapos ay mapayapa"
nag-aalab na puso
mahabagin**- "mabait" o "mapag-bigay"
mabuting bunga
Itong mabuting bunga ay naiihalintulad sa pag-gawa ng mabuti. Maaring Isalin na: "mabuting gawa"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
tapat
"tapat" o "totoo"
At ang bunga ng katuwiran ay naitanim sa kapayapaan alang-alang sa mga gumagawa ng kapayapaan
Ito ay paghahalintulad sa kapayapaan at pagkamakatwiran sa ating mga buhay sa pagtatanim at pag aani ng pananim. Maaaring Isalin na: "Iyong mga namumuhay sa kapayapaan ay ginagawa kung ano ang sinasabi ng Diyos na tama." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
James 4
James 4:1-3
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinagalitan ni Santiago ang mga mananampalatayang ito dahil sa kanilang pagiging makamundo at kakulangan sa kanilang kapakumbabaan; iginiit niya muli ito sa kanila upang bantayan kung paano sila magsalita patungkol sa isa't isa.
Pangkalahatang Impormasyon:
Sa seksyon na ito, ang salitang "inyong mga sarili", "inyong" at "ninyo" ay pangmaramihan at tumutukoy sa mga mananampalataya na sinulatan ni Santiago."
Saan nanggaling ang pag-aaway at alitan sa inyong mga sarili?
Gumamit si Santiago ng katanungan upang magturo at pagalitan ang kaniyang sinulatan. Maaaring Isalin na: "Alam ko kung bakit kayo ay patuloy na nakikipagtalo sa isat' isat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
pag-aaway at alitan
Ang mga salitang "pag-aaway" at "alitan" ay nangangahulugan lamang ng parehong bagay. Ginamit ito ni Santiago upang bigyang diin na siya ay nagsasalita sa lahat ng uri ng hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Hindi ba nagmula ito sa inyong mga masamang hangarin na lumalaban sa inyong mga miyembro?
Ginamit ang mga katanungang ito ni Santiago upang pagsalitaan ang kaniyang mga sinulatan. Kung kinakailangan sa inyong wika, maaari itong isalin bilang isang pahayag. Maaaring Isalin na: "Tinataas nito ang iyong masamang hangarin" o "dahil sa inyong mga masamang hangarin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
masamang hangarin na lumalaban
Binigyan ni Santiago ng katauhan ang "masamang hangarin" na katulad ng isang kawal na nakikipagtalo laban sa mga mananampalataya. Maaaring Isalin na: "ang mga bagay na gusto ninyo ay masama at wala kayong pakialam tungkol sa mga pangangailangan ng ibang mga mananampalataya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
sa inyong mga miyembro?
"sa inyong mga miyembro." mga maaaring kahulugan ay 1) may pagtatalo mula sa mga lokal na mananampalataya, o 2) ang pagtatalo ay nasa kaloob-looban, sa pagitan ng inyong hangarin sa pag-gawa ng masama at mabuti.
Hinahangad ninyo kung anong wala kayo
"palagi ninyong hinahangad kung ano ang wala sa inyo."
Pumatay kayo at hinabol ninyo kung anong hindi mapapasainyo
Ang mga salitang "Pumatay kayo" ay nagbibigay diin sa kung gaano kasama ang ugali ng tao para makuha kung ano ang kanilang gusto. Maaari itong isalin gaya ng "Ginawa ninyo ang lahat ng uri ng kasamaan upang makuha ang hindi ninyo makamit." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Nakipag-away kayo at nakipagtalo
Ang mga salitang "nakipag-away" at "nakipagtalo" ay nangangahulugan ng iisang bagay lamang. Ang mga ito ay ginamit ni Santiago upang bigyang diin kung paano makipagtalo ang mga tao sa isa't-isa. Maaaring Isalin na: "Palagi kayong nakikipagtalo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
humihiling kayo ng masamang mga bagay
"humiling kayo para sa masama." mga maaaring kahulugan ay 1) "humiling kayo na mayroong masamang hangarin, ang pag-uugali ninyo ay masama" o 2) "kayo ay humihiling sa mali at sa masamang mga bagay."
gamitin ninyo
"sasayangin ninyo"
James 4:4-5
Kayong mga mangangalunya!
Ito ay paghahambing sa mga mananampalatayang hindi sumusunod sa Diyos sa isang asawang babae na natutulog kasama ang lalaki na hindi niya asawa. Maaaring Isalin na: "Hindi kayo tapat sa Diyos!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Hindi ba ninyo alam...Diyos?
Ginamit ni Santiago ang katanungang ito para turuan ang kaniyang sinulatan. Maaring Isalin na: "Alam ninyo...Diyos!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
pakikipagkaibigan sa mundo
Ang pariralang "pakikipagkaibigan sa mundo" ay tumutukoy sa pagkilala o pakikisali sa mg apinapahalagahang sistema ng mundo at pag-uugali. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]).
pakikipagkaibigan sa mundo ay pakikipag-away laban sa Diyos?
Upang maging bahagi ng pinahahalagahang sistema ng mundo ay pagsalungat sa Diyos. Maaaring Isalin na: "pagkilos na katulad ng mga hindi nagpaparangal sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
inisip ninyo ba na ang kasulatan ay walang kahulugan
Ito ay katanungang hindi humihingi ng kasagutan na ginagamit ni Santiago upang payuhan ang kaniyang sinulatan. Maaaring Isalin na: Ang kasulatan ay totoo."
ang Espiritu na ipinagkaloob niya sa atin
Sa ilang salin nito inilarawan ito bilang "ang espiritu" para tumukoy sa espiritu ng tao, na maaaring kahulugan sa orihinal na teksto. Minumungkahi namin na gamitin ninyo ang kahulugan na nagpapakita sa ibang mga salin na ginamit ng inyong mga mambabasa.
James 4:6-7
Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng mas higit na biyaya
Kung paano ang mga salitang ito ay maiuugnay sa nakaraang taludtod ay maaaring gawing malinaw: "Ngunit, kahit na ang espiritu natin ay maaaring mag hangad sa hindi natin makamit, bibigyan tayo ng mas marami pang biyaya ng Diyos, kung magpapakumbaba tayo sa ating mga sarili." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Ang Diyos ay sumasalungat
"Tumututol ang Diyos"
sa mapagmataas
"mapagmataas na mga tao"
sa mapagpakumbaba
"mapagpakumbaba na mga tao"
Kaya
"Dahil dito"
magpasakop kayo sa Diyos
"magpasakop ang inyong mga sarili sa Diyos" o "sundin ang Diyos"
inyo
Ang mga panghalip dito ay pang maramihan at tumutukoy sa mga sinulatan ni Santiago. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Labanan ninyo ang demonyo
"salungatin ang demonyo" o "huwag gawin kung ano ang gusto ng demonyo"
lalayo siya
"tatakbo palayo ang demonyo"
James 4:8-10
Pangkalahatang Impormasyon:
Ang salitang "inyo" dito ay tumutukoy sa mga nagkalat na mga mananampalataya na sinulatan ni Santiago.
Linisin ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan, at gawing dalisay ang inyong mga puso, kayong mga nagdadalawang-isip
pagiisip** - Ang salitang "Linisin ang inyong mga kamay" ay nailahad sa ibang pamamaraan bilang "gawing dalisay ang inyong mga puso" at "kayong mga makasalanan" ay muling inilahad katulad ng "kayong mga nagdadalawang-isip."
Linisin ang inyong mga kamay
mga maaaring kahulugan 1) para sa isang tao na nag-aayos ng kanilang pag-uugali o mga kilos o 2) para sa taong kailangang magsisisi at humingi ng kapatawaran sa kanilang masamang pag-uugali o mga kilos. Maaariling Isalin na: "kumilos sa paraan na pinaparangalan ang Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
gawing dalisay ang inyong mga puso
Ang "mga puso" dito ay tumutukoy sa mga kaisipan at mga emosyon ng tao. Maaaring Isalin na: "parangalan ng inyong kaisipan ang Diyos."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
mga nagdadalawang-isip
isip*** - Ang salitang "nagdadalawang isip" ay tumutukoy sa kaisipan ng tao na hindi kayang gumawa ng desisyon. Maaaring Isalin na: "mga nagdadalawang isip na mga tao" o "ang mga taong hindi kayang magpasiya kung gugustuhin nilang sumunod sa Diyos."
Magdalamhati kayo, humagulgol kayo, at umiyak
Ang mga salitang "Dalamhati" at "humagulgol" ay nangangahulugan ng iisang bagay. magkasamang ginamit ito ni Santiago para bigyang diin ang tao sa pag-dadalamhati ng sobra. Ang salitang "umiyak" ang nagpapakita na ang mga tao ay nag-dadalamhati." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Ibaling ang inyong kasiyahan sa kapighatian at inyong kagalakan sa kalungkutan
Nagsasabi ito ng parehas na bagay sa ibat-ibang pamamaraan para mag bigay ng diin. Maaaring Isalin na: "Kaagad itigil ninyo ang inyong mga pagtatawanan at magsimulang sabihin sa Diyos na kayo ay nagdaramdam." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon
"Maging mapagpakumbaba sa harap ng Diyos"
kayo ay kaniyang itataas
Maaaring Isalin na: "ikaw ay kaniyang pararangalan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
James 4:11-12
Pangkalahatang Impormasyon:
ang mga salitang "kayo" at "inyong" sa bahaging ito ay tumutukoy sa mga mananampalataya kung para kanino sumulat si Santiago"
magsalita laban
"nagsalita ng masama tungkol" o "tumutol"
mga kapatid
"mga kapwa mananampalataya"
ngunit isang tagahatol ng mga ito.
Maaaring Isalin na: "ngunit ikaw ay gumagawa na para bang katulad ng taong nagbibigay ng batas"
Iisa lamang ang nagbigay ng batas at taga-hatol, Diyos, ang
"Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng mga batas at naghahatol sa tao, dahil siya lang ang kaisa-isa"
Sino kayo upang humatol sa inyong kapwa
Ginamit ni Santiago ang katanungang ito upang pagsabihan ang kaniyang mga tagapakinig. Maaaring Isalin na: "Kayo ay isang tao lamang at hindi kayang humatol ng isa pang tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
James 4:13-14
Makinig, kayo na mga nagsasabing
Maaaring Isalin na: "may maaaring magsabi"
titigil ng isang taon
Maaaring Isalin na: "manatili ng isang taon doon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas
Ginamit ni Santiago ang katanungang ito para pagsabihan ang kaniyang mga tagapakinig. Maaaring Isalin na: "Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kinabukasan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
at ano nga ba ang inyong buhay
Ginamit ni Santiago ang katanungang ito upang turuan ang mga mananampalatayang ito na ang pisikal na buhay ay hindi ganoon kahalaga. Maaaring Isalin na: "Isipin ninyo ang inyong mga pisikal na pamumuhay."
Dahil katulad kayo ng hamog na sandaling lumilitaw at biglang nawawala.
Inihahalintulad nito kung gaano kabilis ang katapusan ng buhay pisikal sa isang usok na nagpapakita at biglang naglalaho. Maaaring Isalin na: "Nabubuhay kayo sa maikling panahon, at hindi ninyo alam kung kailan kayo mamamatay."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
James 4:15-17
nabubuhay pa kami
Ang salitang "tayo" ay hindi deretso na tumutukoy kay Santiago o sa kaniyang mga sinulatan ngunit isa itong halimbawa kung paano tumahimik ang mga tagapakinig ni Santiago.
gagawin natin ito o iyan
Maaring Isalin na: "gawin kung ano ang binalak naming gawin.
sa kaniya na nakakaalam
Hindi tinutukoy ni Santiago ang sinuman sa salitang "kaniya", ngunit para sa sinumang gumagawa ng mabuti ngunit hindi ginagawa.
James 5
James 5:1-3
Nag-uugnay na Pahayag:
Binalaan ni Santiago ang mga mananampalataya laban sa pag-papahalaga sa kalayawan at kayamanan.
kayo mga mayayaman
Si Santiago ay nakikipag-usap sa mayayamang tao dito na hindi nagbibigay paggalang sa Diyos." Maaaring isalin na: "kayong mga mayayaman ay hindi pinaparangalan ang Diyos."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dahil sa kahirapan na darating sa inyo.
Maaaring isalin na: "ang mga nakakatakot na mga bagay ay darating sa inyo kapag humatol ang Diyos sa bawat-isa"
Ang inyong mga kayamanan ay nabubulok at ang inyong mga kasuotan ay kinakain ng anay. Ang inyong ginto at pilak ay wala nang kabuluhan
kinain. Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay naging walang kabuluhan**- Hindi ibig sabihin ni Santiago na ang mga kayamanang ito at mga damit ay nawasak na sa pisikal. Ipinapakita niya lamang na wala silang espiritwal na halaga sa kasalukuyan, at sila ay tiyak na magtatagal sa maikling sandali lamang. Maaaring isalin na: "ang lahat ng bagay na iniisip mo na mahalaga at ginawa kang importante ay bale-wala at magtatagal lamang sa maikling sandali."
ang kanilang kalawang ang magpapatotoo laban sa inyo
Dito, "ang magpatotoo laban sa iyo" ay naglalarawan ng mga wasak na kayamanan na parang sila ay mga taong pumunta sa harap ng hukom at inakusahan ang isang tao ng paglabag sa kautusan. Maaaring isalin na: "at nang hatulan ka ng Diyos, lahat ng iyong mga wasak na kayamanan ay magiging katulad ng isang taong nagpaparatang sa iyo."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
at susunog ng inyong mga laman gaya ng apoy
Dito ang mga wasak na kayamanan ay naihalintulad sa isang apoy na sumisira sa lahat ng bagay. Gayundin ang, "apoy" ay tumutukoy sa pagpaparusa ng Diyos. Maaaring isalin na: "at sila ang magiging dahilan kaya kayo ay parurusahan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nagtatago kayo ng kayamanan
"itinago mo ang lahat ng mga kayamanang ito sa iyong sarili at hindi mo ibinahagi sa iba"
sa mga huling araw
Ito ay tumutukoy sa tamang oras bago darating ang paghahatol ng Diyos sa lahat ng tao. Maaaring Isalin na: "nang hahatulan kayo ng Diyos" (UDB)(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
James 5:4-6
ang bayad ng mga manggagawa—silang mga hindi ninyo binayaran para sa pag-aani ng inyong mga bukid
Ang pansin ay unang ibinigay sa kabayaran o utang na hindi pa nababayaran. Maaaring isalin na: "ang katunayan na hindi mo binayaran ang mga inupahan mong manggagawa sa iyong bukid, ito ay isang pagsasakdal laban sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])
ang mga sigaw ng mga taong nag-aani ng inyong mga pananim
Maaaring salin na: "hindi mo pa nabayaran ang mga manggagawa na nag-ani sa inyong bukid at sila ay sumigaw para sa kanilang kabayaran"
nakaabot sa tainga ng Panginoon ng mga Hukbo
Maaaring isalin na: "at ang Panginoon ng mga hukbo ay nakarinig ng mga sigaw ng mga nagtrabaho sa inyong bukid"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Pinataba ninyo ang inyong mga puso sa isang araw ng pagkatay.
ihinahalintulad ang isang mayamang taong sakim at naghahangad ng maraming bagay sa isang baka na kumakain hanggang ito ay tumaba ng lubusan upang katayin at para kainin. Maaaring isalin na: "Ang iyong kasakiman ang naghanda saiyo sa walang hanggang malupit na paghuhukom." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
matuwid
" sinumang gumagawa kung ano ang tama"
hindi lumalaban sa inyo
"sumasang-ayon sa inyo"
James 5:7-8
Nag-uugnay na Pahayag:
Sa pagtatapos, pinaalalahanan ni Santiago ang mga mananampalataya tungkol sa pagdating ng Panginoon at pagbibigay ng ilang munting-aral kung paano mamuhay para sa Panginoon.
maging matiyaga
"Dahil dito, maghintay at maging mapayapa"
hanggang sa pagdating ng Panginoon
Ang pariralang ito ay tumutukoy sa pagbabalik ni Jesus nang itakda niya ang kaniyang kaharian sa lupa at husgahan ang lahat ng tao. Maaaring Isalin na: "sa muling pagbabalik ni Cristo."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ang mga magsasaka
Ihinalintulad ni Santiago ang mga mananampalataya sa mga magsasaka upang bigyang-diin kung ano ang kahulugan ng pagiging matiyaga.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
ayusin ninyo ang inyong mga puso
Maaaring Isalin na: "manatiling tapat" o "pakatatagin mo ang iyong pananampalataya"
dahil ang pagdating ng Panginoon ay malapit na
"Nalalapit na ang muling pagbabalik ni Cristo"
James 5:9-11
Huwag magreklamo, mga kapatid
Sumulat si Santiago sa lahat ng mga nagkalat na mga Judiong mananampalataya.
laban sa isa't-isa
"tungkol sa bawat isa"
kayo ay hindi mahatulan
Maaring isalin na: "Hindi kayo hahatulan ni Cristo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ang hukom ay nakatayo sa pintuan
Ihinalintulad ni Santiago si Jesus, ang hukom, sa isang tao tungkol sa paglakad sa pintuan upang bigyang-diin ang nalalapit na pagbabalik ni Jesus para hatulan o husgahan ang mundo. Maaaring Isalin na: "ang hukom ay darating sa madaling panahon."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang pagdurusa at pagtitiyaga ng mga propeta
"kung paanong ang mga propeta ay dumanas ng pag-uusig na may pagtitiyaga"
nagsalita sa pangalan ng Panginoon
"nagsalita para sa Panginoon sa mga tao"
Tingnan
Ang salitang "Tingnan" dito ay nagdagdag ng diin kung ano ang susunod. Maaaring Isalin na: "Makinig ng maingat" o "Alalahanin."
silang mga nagtitiyaga
"silang mga nagtitiis" o "silang mga nagpapatuloy sa pamamagitan ng kahirapan"
ang Panginoon ay puno ng kahabagan at awa
"Laging nagpapakita ng awa at habag ang Panginoon"
James 5:12
Higit sa lahat
Maaaring Isalin na: "Ito ay mahalaga" o "Higit na espesyal"
mga kapatid ko
"mga kapwa ko mananampalataya"
huwag kayong mangangako
Ang "mangako" ay ang pagsasabi na gawin mo at ikaw ang mananagot sa isang nakatataas na kapangyarihan. Maaring Isalin na: huwag kang manunumpa"
alin man sa langit o maging sa lupa
Ang mga salitang "Langit" at "mundo ay tumutukoy sa mga kapangyarihan na nasa langit at lupa.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ngunit gawin ninyo ang "Oo" na "Oo" at ang inyong "Hindi" ay "Hindi,"
Maaring isalin na: "gawin mo kung ano ang sinasabi mong gagawin mo ng walang panunumpa"
upang hindi kayo mahulog sa ilalim ng paghahatol
"upang hindi ka parusahan ng Diyos"
James 5:13-15
Mayroon bang nagdurusa sa inyo? Dapat siyang manalangin
"Kung sinuman ang nagdurusa, dapat siyang manalangin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Mayroon bang masaya sa inyo? Hayaan siyang umawit ng papuri
"Kung sinuman ang masaya, dapat siyang umawit ng mga awit ng papuri."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Mayroon bang may sakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin
"Kung sinuman ang may sakit, dapat siyang tumawag" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
at ang panalangin ng may pananampalataya ang magpapagaling sa taong may sakit, at ang Panginoon ang magtataas sa kaniya
Kung ang mga mananampalataya ay mananalangin sa may sakit na tao, ang Panginoon na nakakarinig ng kanilang panalangin ang magpapagaling sa mga taong iyon. Maaaring isalin na: "Maririnig ng Diyos ang mga mananampalatayang nananalangin ng may pananampalataya, at kaniyang papagalingin ang mga may sakit na tao."
James 5:16-20
Pangkalahatang Impormasyon:
Dahil ang mga mananampalatayang ito ay mga Judio, ipinapaalala ni Santiago sa kanila na manalangin sa pamamagitan ng pag-alala sa isa sa mga propeta noon at ang mga praktikal na mga panalangin ng propetang iyon.
sa isa't isa
"sa bawat isa"
ang bawat isa
"para sa bawat isa"
upang kayo ay mapagaling
"upang kayo ay pagalingin ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Ang panalangin ng matuwid ay nagdudulot ng malaking bunga
"Kung ang taong sumusunod sa Diyos ay nananalangin, gagawa ang Diyos ng mga dakilang bagay"
taimtim
"ng may matinding katapatan" o "masigasig"
tatlong...at anim...
"3...6" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])
ibinuhos ng langit ang ulan
Ang "langit" dito ay tumutukoy sa Diyos. "Pinaulan ng Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])