Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Habakkuk

Habakkuk 1

Habakkuk 1:1-2

hanggang kailan ako dapat humingi ng tulong at hindi mo pakikinggan?

Maaaring isalin na: "Matagal na panahon na akong humihingi ng tulong ngunit kumikilos ka na para bang hindi mo ako naririnig!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ang pahayag na tinanggap ni propetang Habakuk

Ipinapakilala ng mga salitang ito ang unang dalawang kabanata ng aklat. Kung sa inyong wika ay kinakailangan ng kompletong pangungusap dito, "Ito ang mensahe na tinanggap ni propetang Habakuk mula sa Diyos."

Habakkuk 1:3-4

pagtatalong nabubuo

"ang pakikipag-away sa mga tao ay nagiging karaniwan"

pinalibutan ng masama ang matuwid

Maaaring ito ay nangangahulugan na dumaranas ng kawalan ng katarungan ang mga matuwid na tao o dahil 1) "may mas kapangyarihan ang masasamang mga tao kaysa sa mga matutuwid na tao" o 2) "mas marami ang masasamang tao kaysa sa matutuwid na tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

kaya hindi totoong katarungan ay lumalabas

Maaaring isalin na: "nangyayari ang kasamaan sa halip na katarungan" o "mas nananaig ang kawalan ng katarungan"

Habakkuk 1:5-7

Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito

"Alamin kung ano ang nangyayari sa ibang mga bansa"

sa kaluwangan ng lupain

Maaaring ito ay nangangahulugang 1) sa lahat ng dako sa Juda o 2) kahit saan sa mundo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

sakupin

kunin nang sapilitan o nakawin mula sa mga tunay na nagmamay-ari

mga tahanan

"mga bahay"

sila...sila...kanilang sarili

Ang mga kawal na Caldeo. Ibabangon ng Diyos ang bansa ng mga Caldeo, at sasakupin ng mga kawal ng Caldeo ang Juda. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Sila ay nakakasindak at nakakatakot

Ang mga salitang "nakakasindak" at "nakakatakot" ay may parehong kahulugan at binibigyang-diin na labis silang kinatatakutan ng iba. Maaaring isalin na: "Labis silang kinatatakutan ng iba." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

mula

"galing"

Habakkuk 1:8-9

Ang kanilang mga kabayo...ang kanilang mga kabayo

ang mga kabayo ng mga kawal na Caldeo

mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi

Inihambing ang mga kabayo ng mga Caldeo sa mga mababangis na lobo na humahabol sa huhulihing hayop sa gabi kung kailan sila ay gutom na gutom dahil hindi sila nakakain sa buong maghapon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang kanilang mangangabayo

Ang mga kawal na Caldeo na nakasakay sa mga kabayo.

leopardo

malaki, matulin na mga pusa (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])

lumilipad silang gaya ng agila

"ang mga mangangabayo ay sumasakay na kasing-bilis ng paglipad ng agila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

ang karamihan sa kanila ay pumunta na tulad ng hangin ng disyerto at tinitipon nila ang mga bihag na katulad ng buhangin

Ang mga Caldeo ay marami, at gaya ng mga butil ng buhangin na tinatangay ng hangin sa isang bagyo na napakarami para bilangin, kaya walang makakabilang sa mga tao na kanilang dinakip at ginawang mga bihag. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Habakkuk 1:10-11

ang hangin ay mabilis na daraan

Ang hukbo ng Caldeo na lumulusob ay inihambing sa hanging dumaan nang mabilis sa isang lugar at mabilis na nagpapatuloy sa kasunod na lugar. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Habakkuk 1:12

Hindi ba nagmula ka sa walang hanggan, Yahweh na aking Diyos, ang aking Banal?

Maaaring isalin na: "Ikaw ay walang hanggan, Yahweh na Diyos ko, ang Tangi kong banal." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

sila...sila

ang mga Caldeo

Bato

ang tagapagtanggol ng Israel (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

nagtatag sa kanila para sa pagtutuwid!

"Itinatag sila para sa layunin ng pagtutuwid sa Israel"

Habakkuk 1:13-14

sila na nagkakanulo

"ang mga Caldeo, na walang sinuman ang mapagkakatiwalaan"

nilulunok

"winawasak" (UDB)

gaya ng mga isda sa dagat...gaya ng mga bagay na gumagapang

Ang dalawang pariralang ito ay nagpapahiwatig ng parehong kaisipan na pinahintulutan ng Diyos ang mga Caldeo na tratuhin ang mga Israelita na parang sila ay mga nilalang na hindi gaanong mahalaga, at hindi tulad ng dapat na pagtrato sa mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Habakkuk 1:15-17

pamingwit...lambat

mga kagamitang ginagamit upang manghuli ng isda

lambat

kagamitang ginagamit sa panghuli "mga bagay na gumagapang" ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/hab/01/13.md]])

pinatabang hayop ang kanilang bahagi, at ang matatabang karne ang kanilang pagkain

Maaaring isalin na: "ang pinakamainam na mga hayop at pinakamasarap na karne ay kanilang bahagi sa pagkain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

bahagi

maliit na bahagi ng isang mas malaking bagay na ibinabahagi sa maraming tao

aalisin ba nila ang lahat ng laman ng kanilang lambat

Aalisin ng mangingisda ang laman ng kaniyang lambat upang ihagis muli at manghuli nang mas maraming isda. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Habakkuk 2

Habakkuk 2:1

ako...ako...akin

Habakuk

niya

Yahweh

Tatayo ako sa aking bantayan at ipupuwesto ang aking sarili sa toreng bantayan

Ang mga pariralang ito ay nagsasabi ng parehong bagay sa magkaibang paraan. "Tatayo ako sa aking puwesto sa toreng bantayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]) Ginamit ni Habakuk ang mga salitang ito para ihambing ang kaniyang sarili na naghihintay na makarinig mula sa Diyos para sa isang kawal na nakatayong nagbabantay sa tore. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

at kung paano ako dapat tumalikod sa aking daing

Inihahambing ng salitang "tumalikod" ay inihahambing sa taong nagbabago ng kanilang isip upang tumalikod sa isang bagay patungo sa iba. "Dapat kong itigil ang pagrereklamo at sumang-ayon sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Habakkuk 2:2-3

Itala mo ang pangitaing ito at isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato

Ang dalawang pariralang ito ay nagsasabi ng parehong bagay sa magkaibang paraan. Maaaring isalin na: "Isulat mo sa malinis na tapyas na bato ang sasabihin ng Diyos sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

tapyas ng bato

Ito ay mga pantay na bahagi ng bato o luwad lupa na ginagamit sa pagsusulat.

ang bumabasa sa mga ito ay makatakbo

Maaaring ang kahulugan nito ay 1) may isang taong tatakbo dala ang mga tapyas ng bato at babasahin ang mga ito sa mga tao o 2) madaling mababasa ng sinumang babasa ng mga ito (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sa wakas ay magsasalita

Ang nasusulat ay mangyayari o magiging totoo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

at hindi magtatagal

Ang mga maaaring mga kahulugan ay: 1) "at hindi maghihintay" o 2) "at hindi darating ng dahan-dahan"

Habakkuk 2:4-5

Tingnan ninyo!

Ang salitang "Tingnan ninyo!" dito ay nagbibigay diin sa kung ano ang susunod.

Tingnan ninyo! Ang tao na ang hangarin sa kaniyang sarili ay hindi matuwid...mayabang na binata...hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais...at...at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili...para sa kaniyang sarili

Nagsasalita si Yahweh tungkol sa mga Caldeo na para bang sila ay iisang tao. "Ang mga kaluluwa ng mga Caldeo ay hambog...sa kanilang mga sarili...ang mga mayabang na mga binata...hindi sila mananatili, ngunit pinapalaki ang kanilang nais...at...ay hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon nila sa kanilang mga sarili...at tinitipon nila para sa kanilang mga sarili."

matuwid

tama o gaya ng nararapat (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Tinitipon niya ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili

Sinasabi nito ang parehong bagay sa dalawang magkaibang paraan. "Tinitipon niya ang lahat ng mga tao mula sa bawat bansa" (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]) Ang "Siya" ay tumutukoy sa mga Caldeo na parang iisa silang tao.

tinitipon

"kinokolekta"

bawat...lahat

isang napakalaking bilang (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Habakkuk 2:6-8

mga taong

Ang salitang "mga tao" ay tumutukoy sa mga Israelita.

magbabadya

Maaaring mangahulugan ito ng 1) "umpisahang gamitin" ang isang kawikaang pag-aari nila o 2) "umpisahang ulit-ulitin" ang kawikaan ng ibang tao

nanghahamak na kawikaan

Isang pahayag upang galitin ang isang tao o tukuyin ang kanilang mga kasalanan.

Hanggang kailan mo palalakihin ang bigat ng mga panunumpa na iyong kinuha?

"Sa ibang pagkakataon hindi na kayo makakakuha ng mga sangla mula sa mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]) Maaaring ang kahulugan nito ay 1) ang mga Caldeo ay tulad ng mga magnanakaw na may dalang mga sangla na kanilang pinilit na pirmahan ng mga tao o 2) Tinatandaan ni Yahweh ang mga ninanakaw ng mga Caldeo at darating ang araw na pananagutin niya sila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

panunumpa

kasulatang naglalaman ng pangako para sa inutang, kadalasang nakasulat sa luwad

Hindi ba tatayo ang mga nagngangalit sa iyo, at hindi ba babangon ang nananakot sa iyo?

Ang tanong na ito ay tinanong upang pag-isipan ng mga Caldeo ang sagot. "Ang mga galit sa iyo ay darating laban sa iyo, ang mga kinatatakutan mo ay magsisimulang lulusob" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

nagngangalit

pagkagat o pagngangalit ng kanilang mga ngipin o nanggagalaiti upang ipakita ang galit o kalungkutan

tatayo

"maging mas marami" o "maging mas makapangyarihan"

sinamsam

ninakaw o kinuha nang sapilitan.

dahilan

"dahil"

Habakkuk 2:9-11

taong nag-iipon nang mula sa kasamaan para sa kaniyang sambahayan

"na nagtatrabaho upang makakuha ng hindi marangal na kita para sa kaniyang pamilya"

mailagay niya ang kaniyang pugad sa mataas

"magtayo ng kaniyang bahay na malayo sa kaguluhan"

sa kamay ng masama

Maaaring isalin na: "ang kamay ng kasamaan," itinuturing ang "masama" bilang isang tao (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]]) o "mga masasamang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]]).

Nag-isip ka ng kahihiyan para sa iyong sambahayan sa pamamagitan ng paglipol mo sa maraming tao

"Dahil pinatay mo ang maraming tao, dadanas ng kahihiyan ang iyong pamilya"

ka

pang-isahan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

paglipol

pagwasak (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

nagkasala ka laban sa iyong sarili

"sinaktan mo ang iyong sarili"

mga bato...tahilan ng troso

Ang mga "bato" at "tahilan ng troso" ay kumakatawan sa mga taong nasaktan sa pagtatayo ng bahay, na kumakatawan din sa mga taong winasak ng mga Caldeo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

dadaing

gumawa ng mga paratang sa Diyos laban sa nagtatayo ng bahay

sasagot sa kanila

sumang-ayon sa mga paratang

Habakkuk 2:12-14

Kaawa-awa ang taong nagtatayo ng lungsod na may dugo, at nagtatatag ng bayan sa kasamaan

Ang dalawang pariralang ito ay nagsasabi ng parehong bagay sa magkaibang mga paraan. Maaaring isalin na: "Isang babala sa mga Caldeo na nagtayo ng kanilang mga lungsod gamit ang kanilang mga ninakaw mula sa mga taong kanilang pinatay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

nang may dugo

sa pamamagitan ng pagpatay ng mga tao (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]). Maaaring isalin na: "ang siyang pumapatay ng mga tao at ninanakaw ang kanilang mga ari-arian upang magtayo ng isang lungsod." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

at nagtatatag ng bayan sa kasamaan

"Ang siyang nagtayo ng isang bayan sa pamamagitan ng masamang pag-uugali." Itinayo ng mga Caldeo ang kanilang lungsod gamit ang mga nakaw na ari-arian mula sa mga taong kanilang pinatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Hindi ba ito dahil kay Yahweh ng mga hukbo kaya nagtratrabaho ang mga para sa apoy at pinapagod ng bansa ang kanilang mga sarili para sa wala?

Winasak ng Diyos ang kung ano man ang mga itinayo ng mga tao. Nasabi ito sa dalawang magkaibang pamamaraan upang gawing mas malinaw ang kahulugan nito. Maaaring isalin na: "Si Yahweh ang siyang nagwawasak ng pinaghirapang itayo ng mga tao sa pamamagitan ng apoy at naging walang kabuluhan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Habakkuk 2:15-16

nagdadagdag ng iyong lason

"idagdag mo ang iyong lason sa kanilang inumin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Mapupuno ka ng kahihiyan at hindi ng karangalan!

"Habang hinahangad mo ang labis na kaluwalhatian, magdadala ang Diyos sa iyo ng labis na kahihiyan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

ka

pang-isahan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

inumin mo rin ito

"uminom mula sa saro na may lason "

Ang saro ng kanang kamay ni Yahweh ay darating at babaling sa iyo

"Gaya ng pagparusa ni Yahweh sa ibang mga bansa nang kaniyang buong lakas, kaya parurusahan niya kayo nang buong lakas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

ang saro

"Ang alak na may lason" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

kanang kamay

ang mas malakas na kamay

ay darating at babaling sa iyo

"ay darating sa iyo gaya ng ginawa nito sa iba"

tatakpan ng kahihiyan ang iyong karangalan

"makikita ng lahat ang iyong kahihiyan at walang makakakita sa iyong karangalan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Habakkuk 2:17

tatakpan

tabunan/lamunin

sisindakin ka sa pagwasak ng mga mababangis na hayop

"tatakutin ka ng kamatayan ng mga hayop"

Habakkuk 2:18-20

mo

Ang salitang "mo" ay tumutukoy sa mga Caldeo.

gumawa ng anyo

Ito ang paraan ng pagbuo ng isang rebulto sa pamamagitan ng pagbuhos ng likidong metal sa isang bagay na inukit sa anyong ninanais. Magiging kasing hugis ng metal ang inukit na anyo at titigas bilang imahen/rebulto.

nilusaw

Ito ay ang salita para sa metal kapag ito ay nasa likidong anyo.

tagapagturo ng kasinungalingan

Ang salitang ito ay tumutukoy sa nag-ukit o bumuo ng anyo. Sa pamamagitan ng paggawa ng huwad na diyos, siya ay nagtuturo ng kasinungalingan.

Habakkuk 3

Habakkuk 3:1-3

narinig ko ang iyong ulat

Maaari itong mangahulugan ng 1) "Narinig kong pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa iyong ginawa" 2) Narinig ko ang iyong sinabi."

buhayin mo muli ang iyong gawain

"buhayin mo muli ang iyong trabaho" o "gawin mo muli ang ginawa mo noon"

ipaalam mo

"ipaalam mo ang iyong trabaho"

Habakkuk 3:4-5

sinag

Ito ay mga linya ng liwanag na mula sa pinagmumulan ng liwanag gaya ng araw.

kaniyang...kaniyang...kaniyang

kay Yahweh

salot

"Sakit na pumapatay ng maraming tao"

Habakkuk 3:6

sinukat ang mundo

Maaari itong mangahulugan ng 1) sinuri niya sa pamamaraan ng isang mananakop bago magtalaga ng mga bahagi sa kaniyang mga gobernador o 2) niyanig niya ito.

mga walang hanggang bundok...mga walang hanggang burol

"mga bundok na mayroon na mula pa sa simula ng panahon...mga burol na mananatili hanggang sa wakas ng panahon." Kung ang iyong wika ay walang magkaibang salita para sa "mga burol" at "mga bundok" o para sa "walang hanggang", maaari mong pagsamahin ang mga ito gaya ng ginawa sa ULB.

yumukod

sa pagsamba sa Diyos. "nagpatirapa sa lupa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Habakkuk 3:7-8

ang mga tolda ng Cusan sa paghihirap, at ang tela ng mga tolda sa lupain ng Midian ay nanginginig

Ang mga tao sa Midian at Cusan na nanginginig o nayanig sa takot ay tulad ng tela ng tolda na gumagalaw kapag umiihip ang hangin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Cusan

Ito ay maaaring 1) ang pangalan ng pangkat ng mga tao o di kaya ay hindi kilala o 2) kapareho ng Cush. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]) at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])

Galit ba si Yahweh sa mga ilog? Ang iyong poot ba ay laban sa mga ilog, o ang iyong matinding galit ay laban sa dagat...kaligtasan

Kung ang iyong wika ay walang magkaibang salita sa salitang "galit" at "poot" at "matinding galit," maaari mong pagsamahin ang linya: "Galit ba si Yahweh sa mga ilog? Ang iyong matinding galit ba ay laban sa dagat...kaligtasan?" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]) Maaaring isalin na: "Hindi galit si Yahweh sa mga ilog. Ang iyong poot ay hindi laban sa mga ilog, ni hindi laban sa dagat ang iyong matinding galit...kaligtasan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

sumakay ka sa iyong mga kabayo, ang iyong karwahe ng kaligtasan?

Tulad ng isang kawal nakasakay sa kabayo o sa karwahe papuntang labanan, dumating si Yahweh upang iligtas ang mga Israelita.

Habakkuk 3:9-10

Selah

Ang salitang ito ay nangangahulugang "tumigil at magnilay" o "magpuri." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])

Nakita ka ng mga bundok at namilipit sa sakit

Nang hatiin ng Diyos ang lupa, gumalaw ang mga bundok, na parang nakikita nila ang kilos ng Diyos at gumalaw palayo sa kung saan nahati ang lupa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

ang kailaliman ng dagat ay sumigaw

ang tunog ng mga malalaking alon sa dagat

Itinaas nito ang kaniyang mga alon

Tumaas ang lebel ng tubig

Habakkuk 3:11-12

matayog

napakataas

sa liwanag ng iyong mga palaso

dahil ang liwanag ng palaso ni Yahweh ay napakaliwanag

kumikinang

maliwanag

Lumakad kayo sa mga lupain nang may galit. Sa poot ay giniik ninyo ang mga bansa.

Ang dalawang pangungusap na ito ay may parehong kahulugan. Magkasama nilang tinutukoy ang pagpaparusa ni Yahweh sa mga bansa dahil sa kanilang kasamaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

galit

galit sa isang bagay na mali

Habakkuk 3:13

ng iyong pinili

Maaaring ang kahulugan din nito ay "ang iyong Mesias," ngunit malinaw na ang tinutukoy ay "ang iyong mga tao," kaya gumamit ng pangngalang pambalana dito, hindi ang pangngalang pantangi.

Winasak mo ang pinuno ng sambahayan ng masama

"Ganap mong winasak ang pinuno ng mga masasamang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Habakkuk 3:14-15

pumarito sila gaya ng isang bagyo

Ang kapangyarihan at bilis ng mga Caldeo nang lusubin nila ang mga Israelita ay inihambing sa hindi inaasahang paparating na bagyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

kasiyahan

pagmamalaki

sinasakmal ang mahihirap sa isang taguan

naghahanap ng mga mahihirap na tao na nagtatago sa kanila, pinapatay at kinukuha ang lahat ng kanilang mga ari-arian (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sinasakmal

kinakain ang lahat nang mabilis

Habakkuk 3:16

ang aking kaloob-loobang bahagi ay nanginig...Ang aking mga labi ay nangatal...Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto...sa ilalim ng katawan ko ay nanginig

Ang mga ito ay tumukoy sa takot dahil sa pag-iisip tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Ginamit ni Habakkuk ang ilan sa bahagi ng kaniyang katawan upang ipahiwatig na bawat bahagi ng kaniyang katawan ay natatakot. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

kabulukan

nasira

Habakkuk 3:17-19

puno ng igos...ubas...punong olibo...bukirin...

kawan...baka

Walang pagkain. Ang mga ito ang halos pinagmumulan ng pagkain na matatagpuan sa lupain ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])