Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Psalms

Psalms 1

Psalms 1:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:-

Tingnan: Poetry at Parallelism

taong hindi lumalakad sa payo ng masama

Ang “payo ng masama” ay binanggit na parang ito ay isang landas na susundin. Maaaring isalin na: “taong hindi sumusunod sa payo ng masama.” (Tingnan: Metaphor)

tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan

Ang salitang “daanan” dito ay kumakatawan sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ang salitang “tumatayo” ay magkahalintulad sa “lumalakad”. Maaaring isalin na: “tumutulad sa pag-uugali ng mga makasalanang tao.” (Tingnan: Metaphor)

umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya

Ang pag-upo kasama ng mga taong kinukutya ang Diyos ay kumakatawan sa pagsama sa mga taong kinukutya ang Diyos. Maaaring isalin na: “o sumasama sa mga kinukutya ang Diyos” o “kinukutya ang Diyos kasama ang ibang kumukutya sa kaniya.” (Tingnan: Metonymy)

kagalakan

“kasiyahan” o “kaligayahan”

Psalms 1:3

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang talatang ito ay nagpapakita ng isang detalyadong larawan kung saan ang isang taong matuwid ay itinutulad sa isang yumayabong na puno.

Siya ay matutulad sa isang puno...na namumunga sa panahon nito

Sa Bibliya, ang mga tao ay madalas na ihalintulad sa mga puno. Ang mga taong nagagalak sa batas ni Yahweh ay makakayang gawin lahat ng gustong ipagawa sa kanila ng Diyos katulad ng isang puno na nakatanim malapit sa tubig na namumunga ng magandang bunga. Maaaring isalin na: “Siya ay sasagana katulad ng isang puno...namumunga sa panahon nito.” (Tingnan: Simile)

nakatanim malapit sa mga batis ng tubig

Ang isang punong nakatanim malapit sa isang batis ay makakukuha ng sapat na tubig para lumago.

na namumunga sa panahon nito

Ang mga malalagong puno ay namumunga ng magandang bunga sa tamang panahon.

na ang mga dahon ay hindi nalalanta

Kung ang isang puno ay nakakukuha ng sapat na tubig, ang mga dahon nito ay hindi natutuyo at namamatay.

anuman ang kaniyang gawin ay sasagana

“Magtatagumpay siya anuman ang kaniyang gawin”

Psalms 1:4-5

Ang mga masasama ay hindi katulad nito

Kung paanong sila ay hindi katulad nito ay maaaring isaad nang malinaw. “Ang mga masasama ay hindi masagana” o “Ang mga masasama ay hindi sasagana” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa halip sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin

Kung paanong sila ay katulad ng ipa ay maaaring isaad nang malinaw. Maaaring isalin na: “sa halip sila ay walang halaga katulad ng ipa” (Tingnan: Simile)

hindi makatatayo sa paghahatol

Ang makaligtas kapag humahatol ang Diyos ay sinasabi na “makatatayo”. Maaaring isalin na: “hindi makaliligtas kapag hinatulan sila ng Diyos” o “maparurusahan kapag hinatulan sila ng Diyos” (Tingnan: Metaphor)

maging ang mga makasalanan sa kapulungan

Ang mga nagsasalin ay maaaring idagdag ang pandiwang “tumayo”. Maaaring isalin na: “maging ang mga makasalanan ay hindi tatayo sa kapulungan” (Tingnan: Ellipsis)

maging ang mga makasalanan sa kapulungan ng matuwid

Ang pagtanggap ng Diyos bilang matuwid ay sinasabi na tumatayo kasama ng isang grupo ng mga taong matuwid. Maaaring isalin na: “at hindi tatanggapin ng Diyos ang mga makasalanan kasama ng mga taong matuwid” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 1:6

Dahil sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid, pero ang daanan ng masama ay mapupuksa

Ang dalawang sugnay na ito ay sinasalungat kung ano ang mangyayari sa mga taong matuwid sa mangyayari sa mga masasamang tao. (Tingnan: Parallelism)

ang daanan ng matuwid

Kung paano namumuhay ang mga tao ay sinasabi na parang ito ay isang “daanan” o “lansangan” na nilalakaran nila. Maaaring isalin na: “kung paano namumuhay ang matuwid” (Tingnan: Metaphor)

ang daanan ng masama ay mapupuksa

Ang “daanan” dito ay kumakatawan sa masama, na matalinhagang lumalakad sa daanan. Maaaring isalin na: “Ang masama ay mapupuksa dahil sa kanilang pamamaraan” o “ang masama ay mamamatay dahil sa kanilang paraan ng pamumuhay” (Tingnan: Metaphor at Metonymy)

Psalms 2

Psalms 2:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry at Parallelism

Bakit naghihimagsik ang mga bansa ...ang mga tao ay nagsasabwatan nang walang kabuluhan?

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong parehong kahulugan, at ang "mga bansa" at "mga tao" ay tumutukoy sa parehong pangkat ng mga tao. Ang "mga bansa" at "mga tao" ay kumakatawan sa kanilang mga pinuno. Maaaring isalin na: "Bakit naghihimagsik ang mga pinuno ng mga bansa at nagsasabwatan nang walang kabuluhan?" (Tingnan sa: Parallelism at Metonymy)

Bakit naghihimagsik ang mga bansa, at ang mga tao ay nagsasabwatan nang walang kabuluhan?

Ang mga tanong na ito ay ginamit para magpakita ng pagkagulat na ang mga tao ay may ginagawang napakasama at kahangalan. Maaaring isalin na: “Ang mga bansa ay naghihimagsik at ang mga tao ay nagsasabwatan nang walang kabuluhan.” (Tingnan: Rhetorical Question)

naghihimagsik ang mga bansa

Marahil, ito ay nangangahulugan na ang mga bansa ay gumagawa ng gulo na puno ng ingay at galit.

nagsasabwatan nang walang kabuluhan

Marahil, ang mga ito ay sabwatan laban sa Diyos at sa kaniyang bayan.

Ang mga hari ng lupa ay nagsasama-sama ... ang mga namamahala ay nagsasabwatan

Ang dalawang sugnay na ito ay may parehong kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

nagsasama-sama

“nagsasama-sama para lumaban” o “nagkakaisa at naghahanda para maghimagsik” (Tingnan: Idiom)

Tanggalin natin ang mga posas ... itapon ang kanilang mga kadena

Ang mga tao mula sa ibang mga bansa ay tinuturing ang pamamahala ni Yahweh at ng Mesias sa kanila na parang ito ay mga posas at kadena. Maaaring isalin na: “Dapat nating palayain ang ating mga sarili mula sa kanilang kapangyarihan; hindi dapat natin silang hayaang pamahalaan pa tayo!” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 2:4-5

Siya ... Panginoon

Ang mga pariralang ito ay tumutukoy kay Yahweh. Si Yahweh ay kadalasang tinatawag na “ang Panginoon” pero ang mga salitang “Yahweh” at “ang Panginoon” ay magkaiba.

nakaupo sa kalangitan

Ang pag-upo dito ay kumakatawan sa pamamahala. Kung ano ang inuupuan niya ay maaaring isaad nang malinaw. Maaaring isalin na: “namamahala sa kalangitan” o “nakaupo sa kaniyang trono sa langit” (UDB) (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information at Metonymy)

kinukutya sila ng Panginoon

“kinukutya ng Panginoon ang mga taong iyon.” Kung bakit niya sila kinukutya ay maaaring isaad nang malinaw. Maaaring isalin na: “Kinukutya sila ng Panginoon dahil sa kanilang mga hangal na balakin” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

at tatakutin sila sa kaniyang poot

Ang kaisipan ng “poot” ay maaaring ipahayag bilang “pagiging labis na galit” o “pagiging galit na galit”. Maaaring isalin na: “magiging galit na galit siya sa kanila, at sila ay labis na matatakot sa kaniya” (Tingnan: Abstract Nouns)

tatakutin

“sisindakin”

Psalms 2:6-7

Ako mismo

Binibigyang diin ni Yahweh na siya, at wala nang iba, ang humirang sa kaniyang hari.

naghirang sa aking hari

“nagtakda sa aking hari na mamuno”

Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh

Ang taong nagsasabi nito ay ang hari. Ito ay maaaring isaad nang malinaw. Maaaring isalin na: “Sinasabi ng hari ‘Ipahahayag ko ang kautusan ni Yahweh.’” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Sinabi niya sa akin

“Sinabi ni Yahweh sa akin”

Ikaw ay aking anak! Ngayon araw, ako ay naging iyong ama

– Dati, sa mga tao sa bahaging iyon ng mundo, ang mga lalaki ay maaaring magpasya na mag-ampon ng mga bata nang naaayon sa batas, na maaaring maging tagapagmana nila. Dito, inampon ni Yahweh ang isang lalaki at ginawa siyang hari ng Israel. Maaaring isalin na: “Gagawin kitang anak ko. Ngayong araw na ito, ako ay naging iyong ama” o “Ngayon, ikaw ang aking anak at ako ang iyong ama.”

Psalms 2:8-9

Nag-uugnay na Pahayag:

Patuloy na nakikipag-usap si Yahweh sa bagong hari ng Israel.

ang mga bansa para sa iyong mana ... ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain para sa iyong pag-aari

Ang mga pariralang ito ay nagpapahayag ng parehong mga kaisipan. (Tingnan: Parallelism)

ang pinakamalalayong mga bahagi ng lupain

“ang mga lupain na napakalayo”

Wawasakin mo sila gamit ang isang bakal na setro; dudurugin mo sila tulad ng isang banga ng magpapalayok

– Ang mga pariralang ito ay nagpapahayag ng parehong mga kaisipan. (Tingnan: Parallelism)

Wawasakin mo sila gamit ang isang bakal na setro

Ang pagtalo sa mga bansa ay binanggit bilang pagwasak sa kanila, at ang kaniyang kapangyarihan ay binanggit bilang isang bakal na setro. Maaaring isalin na: “Tatalunin mo sila nang tuluyan gamit ang iyong kapangyarihan” (Tingnan: Metaphor)

Dudurugin mo

Ang pagwasak sa mga bansa ay binanggit na parang sila ay maaaring madurog katulad ng isang palayok. Maaaring isalin na: “wawasakin mo sila nang tuluyan katulad ng isang palayok.” (Tingnan: Metaphor at Simile)

isang banga ng isang magpapalayok

Ang isang magpapalayok ang taong gumagawa ng mga palayok at banga. Ang mga ito ay babasagin at madaling masira. Maaaring isalin na: “isang banga” o “isang palayok” (Tingnan: Translate Unknowns)

Psalms 2:10-11

Kaya ngayon, kayong mga hari, maging maingat; magpatuwid kayong mga namamahala sa mundo

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan. Maaaring isalin na: “Kaya ngayon, kayong mga hari at namamahala ng mundo, maging maingat at magpatuwid” (Tingnan: Parallelism)

maging maingat

Ito ay maaaring isaad nang may aktibong anyo. Maaaring isalin na: “makinig sa babalang ito” o “maging matalino” (Tingnan: Active o Passive)

magpatuwid

Ito ay maaaring isaad nang may aktibong anyo. Maaaring isalin na: “makinig sa pagtutuwid na ito” o “sundin ang pagtutuwid na ito” (Tingnan: Active o Passive)

Psalms 2:12

Ibigay ang totoong katapatan sa kaniyang anak

Ang mga tao ay nagpapakita na sila ay tapat sa kanilang hari sa pamamagitan ng paghalik sa kaniya, marahil sa mga paa. Maaaring isalin na: “Ipakita niyo sa hari na kayo ay tunay na tapat sa kaniya” o “Mapagpakumbabang yumuko sa harap ng kaniyang anak” (Tingnan: Symbolic Action)

kayo mamatay

Maaaring ito ay tumutukoy sa pagkamatay mismo roon, bago pa magkaroon ng pagkakataong tumakas ang isang tao. Maaaring isalin na: “agad kayong mamamatay”

kapag mabilis na sumiklab ang kaniyang galit

Ang galit ng hari ay binanggit na parang ito ay isang apoy na maaaring makasunog. Maaaring isalin na: “kapag bigla siyang magalit nang labis” (Tingnan: Metaphor)

kumukubli sa kaniya

Ang paghingi sa hari ng pangangalaga ay binanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “hingin sa hari na pangalagaan sila” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 3

Psalms 3:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Isang awit ni David

Mga maaaring kahulugan ay 1) sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway!

Ang eksklamasyon na ito ay pinapakita na si David ay natatakot sa kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “O Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway!” (Tingnan: Exclamations)

tumalikod at nilusob ako

Ang paglaban sa isang tao ay binanggit bilang paglusob sa kaniya. Maaaring isalin na: “pumupunta laban sa akin” (Tingnan: Idiom)

Selah

Marahil, ito ay isang salitang pang-musika na sinasabi sa mga tao kung paano awitin o tugtugin ito. Ang ibang mga salin ay sinusulat ang salita sa Hebreo, at ang ibang mga salin ay hindi ito sinasama. (Tingnan: Copy or Borrow Words)

Psalms 3:3-4

ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid

Ang isang kalasag ang nag-iingat sa isang sundalo. Nagsasalita si David na parang ang Diyos ay isang kalasag na nag-iingat sa kaniya. Maaaring isalin na: “Ikaw, Yahweh, ang nangangalaga sa akin tulad ng isang kalasag” (Tingnan: Metaphor)

aking kaluwalhatian

“ikaw ang aking kaluwalhatian.” Sa pagtawag niya sa Diyos na kanyang kaluwalhatian, sinasabi ni David na ang Diyos ang siyang nagbibigay sa kaniya ng kaluwalhatian. Yamang kasasabi lang ni David ang tungkol sa kaniyang mga kaaway at ang Diyos na kaniyang tagapangalaga, marahil ang ibig niyang sabihin ay ang Diyos ang nagbibigay sa kaniya ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng tagumpay laban sa kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “binibigyan mo ako ng kaluwalhatian” o “binibigyan mo ako ng katagumpayan” (Tingnan: Metonymy)

ang siyang nag-aangat ng aking ulo

“ikaw ang siyang nag-aangat ng aking ulo.” Ang pagbibigay ng lakas ng loob sa isang tao ay binanggit bilang pag-angat ng kaniyang ulo. Maaaring isalin na: “ang siyang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob” (Tingnan: Metaphor)

Tinataas ko ang aking tinig

– Ang paggamit ng tinig para sumigaw ay binanggit bilang pagtaas ng kaniyang boses. Maaaring isalin na: “Sumisigaw ako” (Tingnan: Metonymy)

Selah

Marahil, ito ay isang salitang pang-musika na sinasabi sa mga tao kung paano kantahin o tugtugin ito. Ang ibang mga salin ay sinusulat ang salita sa Hebreo, at ang ibang mga salin ay hindi ito sinasama. (Tingnan: Copy or Borrow Words)

Psalms 3:5-6

maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin

– “pinalibutan ako para wasakin ako”

Psalms 3:7-8

Bumangon ka

Binanggit ni David ang pagsisimula ng isang gawain bilang pagbangon. Maaaring isalin na: “Kumilos ka” o “Gumawa ka” (Tingnan: Metonymy)

sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban ... sisirain mo ang mga ngipin ng masasama

Ang mga pariralang ito ay nagsasabi ng labis na magkaparehong mga bagay. Ang mga pariralang “aking mga kaaway” at “ang mga masasama” ay tumutukoy sa parehong pangkat ng mga tao. (Tingnan: Parallelism)

Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga

– Ito ay isang paraan ng paghamak ng mga tao. Nagsasalita si David na parang si Yahweh ay darating at pisikal na sasaktan ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Dahil hahamakin mo ang lahat ng aking mga kaaway na parang hinahampas sila ng isang tao sa kanilang panga” (Tingnan: Symbolic Action at Metaphor)

sisirain mo ang mga ngipin ng masasama

Ang mga hayop ay nananakit gamit ang kanilang mga ngipin. Ang pagsira sa kanilang mga ngipin ay inaalis ang kanilang kapangyarihang manakit. Nagsasalita si David na parang si Yahweh ay darating at pisikal na lalabanan ang mga masasama. Maaaring isalin na: “inalis mo ang kakayanang manakit ang mga kalaban ko katulad ng pagsira ng isang tao sa mga ngipin ng isang mabangis na hayop” (Tingnan: Metaphor)

Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh

Ang basal na pangngalang “kaligtasan” ay maaaring maipahayag ng pandiwang “iligtas”. Maaaring isalin na: “Nililigtas ni Yahweh ang kaniyang bayan” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 4

Psalms 4:1

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

sa mga instrumentong ginagamitan ng kuwerdas

“dapat tumugtog ng mga intrumentong ginagamitan ng kuwerdas ang mga tao sa awit na ito

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Tumugon ka kapag ako ay nananawagan

“Tumugon ka sa akin kapag nananawagan ako” o “Tulungan mo ako kapag nananawagan ako”

Diyos ng aking katuwiran

“O Diyos, na nagpapakita na ako ay matuwid”

bigyan mo ako ng silid kapag ako ay napapalibutan

Ang pagiging nasa kapahamakan ay sinasabing nasa isang masikip na lugar. Maaaring isalin na: “sagipin mo ako kapag ako ay nasa kapahamakan” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 4:2-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Inaawit ni David ang bahaging ito na parang siya ay nakikipag-usap sa kaniyang mga kaaway.

Kayong mga tao, gaano ninyo katagal na papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan?

Ginagamit ni David ang tanong na ito para sawayin ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Kayong mga tao ay patuloy na pinapalitan ang aking karangalan ng kahihiyan!” (Tingnan: Rhetorical Question)

papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan

Ang pagpapahiya sa kaniya sa halip na parangalan siya ay binabanggit bilang ginagawang kahihiyan ang kaniyang karangalan. Maaaring isalin na: “hinihiya ako sa halip na parangalan ako” o “nagdadala sa akin ng kahihiyan kung kailan dapat ninyo akong parangalan”

Gaano ninyo katagal mamahalin ang mga walang halaga at maghahangad ng mga kasinungalingan?

– Ginagamit ni David ang tanong na ito para sawayin ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Patuloy ninyong minamahal ang mga bagay na walang halaga at naghahangad ng mga kasinungalingan.” (Tingnan: Rhetorical Question)

mamahalin ang mga walang halaga ... maghahangad ng mga kasinungalingan

– Ang dalawang pariralang ito ay pareho ng kahulugan. Ang mga kasinungalingan ay walang halaga. Maaaring isalin na: “mamahalin ang mga walang halagang bagay” (Tingnan: Parallelism)

hinihiwalay ni Yahweh ang mga maka-Diyos para sa kaniyang sarili

– “pinipili ni Yahweh ang mga maka-Diyos para sa kaniyang sarili”

Psalms 4:4-5

Manginig kayo sa takot

– Ang ugnayan sa pagitan ng “manginig” at “takot” at kung sino ang dapat katakutan ng mga tao ay maaaring isaad nang malinaw. AT: “Labis na matakot kayo kay Yahweh na tila kayo ay nanginginig” o “Humanga kay Yahweh” (Tingnan: Assumed Knowledge at Implicit Information)

Manginig

– “Mayanig”

Magnilay-nilay sa inyong puso

Ang puso ay kumakatawan sa mga iniisip ng isang tao. Ang pag-iisip nang mabuti ay binabanggit bilang pagbubulay-bulay sa puso ng isang tao. Maaaring isalin na: “Isiping mabuti” (Tingnan: Metonymy)

Ihandog ang mga alay ng katuwiran

“Ihandog ang mga naaangkop na alay”

ilagay ang inyong tiwala kay Yahweh

Ang tiwala ay binabanggit na parang ito ay isang bagay na maaaring ilagay saan man. Maaaring isalin na: “magtiwala kay Yahweh” o “pagkatiwalaan si Yahweh” (Tingnan: Metaphor at Abstract Nouns)

Psalms 4:6-8

Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?

Ang tanong na ito ay ginamit para humingi ng isang bagay o magpahayag ng isang hiling tungkol sa isang bagay na hindi nangyari. Maaaring isalin na: “Pakiusap, magpakita ka sa akin ng anumang kabutihan” o “Hinihiling namin na magpakita sa amin ng kabutihan ang sinuman” (Tingnan: Rhetorical Question)

Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?

Ang pagpapakita ng anumang kabutihan ay kumakatawan sa alinman sa pagdadala ng mga mabuting bagay o pagsasabi na may nangyaring mabubuting mga bagay. Maaaring isalin na: “Sino ang magdadala ng mga mabubuting bagay sa atin?” o “Sino ang magsasabi na may nangyaring anumang mabuti?” (Tingnan: Metonymy)

itaas mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin

Ang pagkakaroon ng nagliliwanag na mukha habang nakatingin sa mga tao ay kumakatawan sa pagiging mabait sa kanila. Maaaring isalin na: “patuloy na makitungo sa amin nang may kabaitan” (Tingnan: Metonymy)

Binigyan mo ang aking puso ng higit na kagalakan

Ang puso ay kumakatawan sa tao. Maaaring isalin na: “Binigyan mo ako ng higit na kagalakan” (Tingnan: Synecdoche)

Binigyan mo ang aking puso ng higit na kagalakan kaysa sa iba

Ang kagalakan ay binabanggit na parang ito ay isang bagay na maaaring ibigay. Maaaring isalin na: “Ginawa mo akong mas maligaya kaysa sa iba” (Tingnan: Metaphor at Abstract Nouns)

tuwing sumasagana ang kanilang mga butil at bagong alak

Ang “bagong alak” ay maaaring kumatawan sa mga ubas. Maaaring isalin na: “kapag aani sila ng masaganang ani ng butil at ubas” (Tingnan: Metonymy)

Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog

Ang kapayapaan ay binabanggit na parang ito ay isang lugar. Maaaring isalin na: “Ako ay papayapa kapag ako ay hihiga at matutulog” o “Hindi ako matatakot sa kapahamakan kapag ako ay hihiga at matutulog” (Tingnan: Metaphor at Abstract Nouns)

ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin

Ang mga salitang “ligtas” at “matiwasay” ay nangangahulugan ng parehong bagay at binibigyang diin ang ganap na kaligtasan. Maaaring isalin na: “gawin mo akong ganap na ligtas” (Tingnan: Doublet)

Psalms 5

Psalms 5:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

kasama ang mga instrumentong hinihipan

“Ang awit na ito ay dapat samahan ng mga taong tumutugtog ng mga instrumentong hinihipan.”

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Makinig ka sa aking panawagan sa iyo

Ito ay isang pagtawag ng tulong. Maaaring isalin na: “Makinig ka sa aking pagtawag ng tulong sa iyo ngayon”

mga daing

mga mahihinang tunog na ginagawa ng mga tao sa kanilang mga boses kapag sila ay naghihirap.

sa umaga naririnig mo ang aking iyak ... sa umaga dadalhin ko ang aking kahilingan sa iyo

Ang dalawang pariralang ito ay pareho ng kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

dadalhin ko ang aking kahilingan sa iyo

“Hihiling ako” o “Hihingin ko sa iyo kung ano ang aking kailangan”

may pananabik

“may pag-asa”

Psalms 5:4-6

hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at madadayang tao

Yamang si David ay kinakausap ang Diyos sa awit na ito, ang pangungusap na ito ay maaaring isaad sa salitang “ikaw”. Maaaring isalin na: “Yahweh, hinahamak mo ang mga mararahas at madadayang tao” o “Yahweh, kinamumuhian mo ang mga taong gumagawa ng mga marahas na mga gawain at nandadaya ng iba” (Tingnan: First, Second o Third Person)

Psalms 5:7-8

iyong tahanan

Ito ay tumutukoy sa templo ng Diyos. Maaaring isalin na: “iyong templo”

akayin mo ako sa iyong katuwiran

Sinasabi ni David ang katuwiran na parang isang landas at ang pagtuturo ay pag-akay. Ang pariralang “iyong katuwiran” ay nangangahulugang ang Diyos ay matuwid. Maaaring isalin na: “turuan mo akong gawin kung ano ang matuwid katulad ng ginagawa mo” (Tingnan: Metaphor)

gawin mong tuwid ang iyong landas sa harap ko

Sinasabi ni David ang katuwiran na parang ito ay isang landas. Ang isang tuwid na landas ay madaling makita o lakaran. Maaaring isalin na: “ipakita sa akin nang malinaw kung paano mabuhay sa tamang paraan” (UDB) o “gawin mong madali para sa akin na gawin kung ano ang matuwid” (See: Metaphor)

Psalms 5:9-10

Pangkalahatang Kaalaman

Nagsasalita si David tungkol sa kaniyang mga kaaway.

Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig

Ang katotohanang nasa bibig ay kumakatawan sa pagsasalita nang totoo. Maaaring isalin na: “Dahil hindi nila kailanman sinasabi kung ano ang totoo” (Tingnan: Metonymy)

ang kanilang panloob na pagkatao ay masama

Ang kalooban ng tao ay kumakatawan sa mga naiisip at pagnanais ng mga tao. Maaaring isalin na: “ang kanilang mga naiisip at pagnanais ay masasama.” (Tingnan: Metonymy)

ang kanilang lalamunan

Ang lalamunan ay kumakatawan sa pagsasalita ng mga tao. Maaaring isalin na: “kanilang pananalita” o “kung ano ang sinasabi nila” (Tingnan: Metonymy)

ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan

Ang kanilang lalamunan ay binanggit na parang ito ay isang bukas na libingan na handang paglagyan ng mga bangkay. Ang mga posibleng kahulugan ay 1) “sinasabi nila na papatay sila ng mga tao” o 2) “Ang mga sinasabi nila ay pumapatay ng mga tao” (Tingnan: Metaphor)

nang-uuto sila gamit ang kanilang dila

“nagsasabi sila ng mga magagandang bagay tungkol sa mga tao na wala sa kanilang loob”

kanilang dila

Ang dila ay kumakatawan sa kung ano ang sinasabi ng mga tao. (Tingnan: Metonymy)

nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila

“nawa ang kanilang mga balakin ay magdulot sa kanilang makaranas ng mga trahedya” o “nawa ay mabawasan ang kanilang halaga dahil sa kanilang mga balakin”

balakin

mga planong ipahamak ang mga tao

magpabagsak

Ito ay isang bagay na nagdudulot sa isang tao na makaranas ng mga trahedya o mawalan ng kapangyarihan. Ang makaranas ng trahedya o mabawasan ng halaga ay binanggit bilang nahuhulog. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 5:11-12

nawa ang lahat ng kumukubli sa iyo ay magalak

Ang Diyos ay binanggit na parang siya ay isang tanggulan, isang lugar kung saan ang mga tao ay pinangangalagaan. Maaaring isalin na: “Nawa ang lahat ng lumalapit sa iyo para mapangalagaan ay magalak” (Tingnan: Metaphor)

kumukubli sa iyo ay magalak ... sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol mo sila

Ang dalawang sugnay na ito ay nagpapahayag ng parehong kaisipan. (Tingnan: Parallelism)

kumukubli sa iyo

Ang paglapit kay Yahweh para mapangalagaan ay binanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “lumalapit sa iyo para pangalagaan” (Tingnan: Metaphor)

sila na minamahal ang iyong pangalan

Ang pangalan ng Diyos ay kumakatawan sa kaniya. Maaaring isalin na: “sila na mahal ka.” (Tingnan: Metonymy)

palilibutan mo sila ng pagpapala tulad ng isang kalasag

Ang pagpapala ng Diyos ay binanggit na parang ito ay isang kalasag. Maaaring isalin na: “pagpapalain mo sila at pangangalagaan katulad ng isang sundalo na pinangangalagaan ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang kalasag” o “dahil ikaw ay mabait sa kanila, pangangalagaan mo sila” (Tingnan: Simile)

Psalms 6

Psalms 6:1-2

Pangkalahatang Kaalamaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism.

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

sa instrumentong kuwerdas

“dapat tumugtog ang mga tao ng instrumentong kuwerdas sa awit na ito”

nakahanda sa estilo ng Sheminith

Maaaring tumutukoy ito sa estilo ng musika.

Isang awit ni David

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

nanginginig ang aking mga buto

ang mga buto ay tumutukoy sa buong katawan. Ang katawan niya ay nanginginig dahil may karamdaman siya o pagod na pagod. Maaaring isalin na: “ang buong katawan ko ay nanginginig” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 6:3-5

Labis na nabagabag

“nasindak” o “nag-alala

hanggang kalian ito magpapatuloy?

ginamit ni David ang tanong na ito para ipakita na hindi niya nais na patuloy na makaramdam ng kahinaan at pagkabagabag. Maaaring isalin na: pakiusap, huwag mo itong hayaang magpatuloy!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Bumalik ka, Yahweh

Sinasabi ni David ang tungkol sa pagiging mabuti ng Diyos sa kaniya na bumabalik ang Diyos sa kaniya. Maaaring isalin na: “Yahweh, bumalik ka sa akin” o “Maawa ka sa akin, Yahweh” (Tingnan: Metaphor)

Dahil walang ala-ala sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol?

Ang dalawang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng parehong kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

Dahil walang ala-ala sa iyo sa kamatayan

Ang ala-ala ay kumakatawan sa pagpupuri. Maaaring isalin na: “Dahil kapag namamatay ang mga tao, hindi ka na nila pinupuri” (Tingnan: Metonymy and Abstract Nouns)

Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol?

Ginagamit ni David ang tanong na ito para bigyang diin na walang sinuman ang magpapasalamat sa Diyos sa sheol. Maaaring isalin na: “Walang sinuman sa sheol ang magbibigay pasasalamat sa iyo!” o “Hindi ka kayang purihin ng patay!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 6:6-7

Pagod na ako sa aking paghihinagpis

Ang pagdaing niya ay kumakatawan sa sakit o pagkabalisa na nararamdaman niya. Maaaring isalin na: “Pagod na pagod na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko” (Tingnan: Metonymy)

Buong gabi kong binabasa ng luha ang aking higaan; hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan

Ang dalawang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng parehong kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

binabasa ng luha ang aking higaan

“binabasa ko ang aking higaan ng aking mga luha” o “basang-basa ang higaan ko dahil sa aking mga luha.”

hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan

“binabasa ko ang aking upuan ng aking mga luha”

Lumalabo ang aking mga mata

Ang kakayanan na makakita ay sinabi sa pamamagitan ng mga mata. Maaaring isalin na: “Ang paningin ko ay malabo" o “Hindi ako makakita ng malinaw” (Tingnan: Metonymy)

dahil sa kalungkutan

Ang kalungkutan dito ay kumakatawan sa pag-iyak. Maaaring isalin na: “dahil sa pag-iyak” o “dahil labis ang pag-iyak ko” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 6:8-10

Narinig ni Yahweh ang aking pagmamakaawa; tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin

Ang dalawang linyang ito ay labis na magkatulad ng kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin

Ang pagiging handa na gawin kung ano ang ipinanalangin ni David ay sinabi bilang pagtanggap ng kaniyang panalangin. Maaaring isalin na: “Tutugon si Yahweh sa panalangin ko” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 7

Psalms 7:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang sulating pang musika ni David

“Ito ay isang awit na sinulat ni David”

Tungkol sa mga salita ni Cush ang Benjamita

Maaaring isalin na: “tungkol sa sinabi ni Cush, ang lalaki mula sa angkan ni Benjamin”

sa iyo ako kumukubli!

Ang pagpunta kay Yahweh para mapangalagaan ay sinabi sa paraan ng pagkukubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “pumunta sa iyo para mapagtanggol!” (Tingnan: Metaphor)

gugutay-gutayin nila ako tulad ng leon, luluray-lurayin ako ng pira-piraso

Ihinahalintulad ni David ang paglusob ng mga kaaway niya na parang gugutay-gutayin nila ang katawan niya at luluray-lurayin katulad ng gagawin ng leon. Maaaring isalin na: “marahas nila akong papatayin tulad ng leon na ginugutay-gutay ang katawan ng biktima nito at pagpipira-pirasuhin ito” o “marahas nila akong papatayin” (Tingnan: Simile)

nang walang sinuman ang makakapagligtas sa akin

“at walang sinuman ang makakasagip sa akin”

Psalms 7:3-4

walang kawalan ng katarungan sa mga kamay ko

Ang mga kamay ay kumakatawan sa ginagawa ng tao. Ang kawalan ng katarungan sa kanila ay kumakatawan sa paggawa ng isang bagay na hindi makatarungan. Maaaring isalin na: “walang kawalan ng katarungan sa ginawa ko” o “wala akong nagawang hindi makatarungan kahit kanino” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 7:5

buhay ko

Ang buhay ay kumakatawan sa tao. Maaaring isalin na: “ako” (Tingnan: Metonymy)

sagasaan ako

“mahabol ito” o “maabot ito.” Ito ay kumakatawan sa pagdadakip sa kaniya. Maaaring isalin na: “madakip ako” (Tingnan: Metonymy)

hayaan mo siyang tapak-tapakan ang katawan ko sa lupa

Maaaring isalin na: “hayaan ang mga kaaway ko na wasakin ako.” (Tingnan: Synecdoche)

nakahiga sa kahihiyan sa alikabok

Ang kahulugan nito ay ang nakakahiyang kalagayan ng patay na hindi nakalibing.

Psalms 7:6-7

Bumangon ka, Yahweh, sa iyong galit

Ang pagbangon ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay o paggawa ng aksyon. Maaaring isalin na: “Kumilos sa iyong galit” o “Magalit sa mga kaaway ko at gumawa ng aksyon” (Tingnan: Metonymy)

tumayo ka laban sa matinding galit ng mga kaaway ko

Ang pakikipaglaban sa mga tao ay sinabi sa paraan ng pagtayo laban sa kanila. Maaaring isalin na: “makipagdigma laban sa galit ng mga kaaway ko” o “lusubin ang mga kaaway ko na nagagalit sa akin” (Tingnan: Metonymy)

matinding galit ng mga kaaway ko

Ang matinding galit nila ay tumutukoy sa mga paglusob nila. Maaaring isalin na: “ang mga paglusob ng mga kaaway ko” o “ang mga kaaway na lumusob sa akin” (Tingnan: Metonymy)

gumising ka

Ang paggising ay kumakatawan sa pagsisimulang gumawa ng isang bagay o paggawa ng aksyon. Maaaring isalin na: “Gumawa ng aksyon” o “Gumawa ng isang bagay”

para sa kapakanan ko

“para sa akin” o “para tulungan ako”

Ang mga bansa ay nagsama-sama

Ang salitang “mga bansa” dito ay kumakatawan sa lahat ng hukbo na nagtipon para lumusob. (Tingnan: Synecdoche)

bawiin mong muli mula sa kanila ang lugar na nararapat sa iyo

Ang pamumuno sa mga tao ay sinabi sa paraan ng pamamahala sa kanila. Ang karapat-dapat na lugar ni Yahweh ay tumutukoy sa langit o sa pamumuno sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “Pamunuan mo sila mula sa langit” o “Pamunuan sila” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 7:8-9

ipawalang-sala mo ako

“ipakita mo sa kanila na wala akong sala”

patatagin mo ang mga taong matuwid

“palakasin mo ang mga taong matuwid” o “pasaganain mo ang mga taong matuwid”

ikaw na sumisiyasat ng mga puso at mga isipan

Ang mga puso at isipan ay kumakatawan sa mga naisin at isipan ng mga tao. Maaaring isalin na: “alam mo ang mga nasa isipan namin” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 7:10-11

Ang aking kalasag ay nanggagaling mula sa Diyos

Ang salitang “kalasag” ay kumakatawan sa pagtatanggol ng Diyos. (Tingnan: Metaphor)

ang Diyos na galit bawat araw

Maaaring isalin na: “ang Diyos na galit araw-araw sa mga masasama.”

Psalms 7:12-13

hahasain ng Diyos ang kaniyang espada at ihahanda ang kaniyang pana para sa labanan

sa mga 12 at 13 na talata, nilalarawan ni David ang Diyos na nagpapasya na parusahan ang masama na parang isang mandirigma ang Diyos na naghahanda para labanan sila nang may mga sandata. Maaaring isalin na: “kikilos ang Diyos laban sa kaniya na parang isang mandirigma na hinahasa ang kaniyang espada at hinahanda ang kaniyang pana para sa labanan” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 7:14-17

isang buntis na may kasamaan … ang nag-iisip ng mapanirang mga balak … ang nanganganak ng mga mapanirang kasinungalingan

nilalarawan ni David ang mga bagay na ginagawa ng masamang tao na parang buntis ang taong iyon at kasamaan ang sanggol. Maaaring isalin na: “ang masamang tao. Gumagawa siya ng mga plano para wasakin ang mga tao at gumagawa ng mga kasinungalingan.”(Tingnan: Metaphor)

Ang kaniyang sariling mapanirang mga balak ay babalik din sa kaniya, dahil ang kaniyang kasamaan ay babagsak sa sarili niyang ulo

Ang kasiraan at karahasan ay nilalarawan na parang tumama ito sa ulo ng tao o nahulog dito. Maaaring isalin na: “Ang sarili niyang mapanirang mga plano ay wawasakin siya, dahil nilulusob siya ng karahasan niya” o “Kapag pinaplano niyang wasakin ang iba, siya ay winawasak ng iba; kapag nilulusob niya ang iba, siya ay nilulusob ng iba” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 8

Psalms 8:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

nakahanda sa estilo ng gittit

Maaari itong tumutukoy sa estilo ng musika.

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Yahweh aming Panginoon

Maaaring isalin na: “Yahweh, ikaw na aming Panginoon,” o “Yahweh, ikaw na pinamumunuan kami,”

kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo

Ang “pangalan” ng Diyos ay kumakatawan sa kaniyang persona. Maaaring isalin na: “alam ng mga tao sa buong mundo na ikaw ay lubos na dakila!” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

Mula sa mga bibig ng mga bata at sanggol ay lumikha ka ng papuri

ang pagdudulot sa mga sanggol na purihin ang Diyos ay sinabi na parang ang papuri ay isang bagay na nilikha ng Diyos sa bibig ng mga sanggol at pinalabas. Maaaring isalin na: “Binigyan mo ang mga bata at mga sanggol ng kakayanan na purihin ka.” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 8:3-5

iyong mga kalangitan, na ginawa ng iyong mga daliri

Ang mga daliri ng Diyos ay kumakatawan sa kaniya. Maaaring isalin na: “ang kalangitan na nilikha mo,” (Tingnan: Synecdoche)

ano ang halaga ng sangkatauhan na pinapansin mo sila, o ang mga tao na pinapakinggan sila?

ang mga salitang ito ay pinahayag sa anyo ng pagtatanong para magdagdag ng diin. Maaaring isalin na: “Kamangha-mangha na iniisip mo ang mga tao at nag-aalala ka sa kanila!” (Tingnan: Rhetorical Question)

sangkatauhan…mga tao

ang parehong mga pariralang ito ay tumutukoy sa tao sa pangkalahatan.

kinoronahan sila ng may kaluwalhatian at karangalan

Kaluwalhatian at karangalan ay sinabi na parang mga korona ang mga ito. Ang mga salitang “karangalan” at “kaluwalhatian” ay magkatulad ng kahulugan. Maaaring isalin na: “binigyan sila ng kaluwalhatian at karangalan” o “dinulot sila na maging katulad ng mga hari” (Tingnan: Metaphor and Doublet)

Psalms 8:6-8

Ginawa mo siyang tagapamahala ng lahat ng ginawa…niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa

Ang dalawang mga sugnay na ito ay nagpapahayag ng parehong kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

Ginawa mo siyang… ilalim ng kaniyang mga paa

Ang mga salitang “siyang” at “kaniyang” dito ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: “ginawa mo silang…ilalim ng kanilang mga paa”

ginawa ng iyong mga kamay

ang mga kamay ay kumakatawan sa kung ano ang ginawa ng Diyos. Maaaring isalin na: “mga bagay na nilikha mo” (Tingnan: Metonymy)

niligay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa

Ang pagkakaroon ng kapangyarihan para pamunuan ang iba o pamahalaan ang mga bagay ay sinabi sa paraan ng pagiging mas mababa ang mga bagay na iyon sa paa ng isang tao. Maaaring isalin na: “binigyan mo siya ng kapangyarihan na pamahalaan ang lahat ng mga bagay.” Ang ibig-sabihin nito ay binigyan ng Diyos ang mga tao ng kakayahan na pamahalaan ang lahat ng nilikha. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 8:9

kahanga-hanga ang pangalan mo sa buong mundo

Sa pagpapahayag na ito, pinapakita ni David ang kaniyang kagalakan at pagkamangha sa kung gaano kadakila ang Diyos. Maaaring isalin na: “ang pangalan mo ay labis na kamangha-mangha sa buong mundo” o “alam ng mga tao sa buong mundo kung gaano ka kahanga-hanga” (Tingnan: Exclamations)

pangalan mo

Ang “pangalan” ng Diyos ay kumakatawan sa kaniya o ang kaniyang katanyagan. Maaaring isalin na: “ikaw” o “ang iyong katanyagan” (Tingnan

Kahanga-hanga

“napakahusay” o “dakila”

Psalms 9

Psalms 9:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism.

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsasamba”

nakatakda sa Muth Laben

Maaari itong tumukoy sa estilo ng musika.

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Buong puso akong magpapasalamat kay Yahweh

Dahil ang awit na ito ay tumutukoy kay Yahweh, maaaring tukuyin si Yahweh bilang “sa’yo”. Maaaring isalin na: “Yahweh, Buong puso akong magpapasalamat sa’yo” (Tingnan: First, Second or Third Person)

lahat ng kamangha-mangha mong mga gawain

Ang pangngalan na “mga gawain” ay maaaring ipahayag nang may pandiwa na “ginagawa”. Maaaring isalin na: “lahat ng kamangha-manghang mga bagay na ginagawa mo” o “lahat ng kamangha-manghang mga bagay na ginawa mo” (Tingnan: Abstract Nouns)

aawit ako ng papuri sa iyong pangalan

Ang pangalan ng Diyos dito ay kumakatawan sa Diyos. Maaaring isalin na: “aawit ako ng papuri sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 9:3-4

bumalik

“umatras” o “tumakbo palayo dahil sa takot”

nakaluklok ka sa iyong trono, makatuwirang hukom

Ang mga hari ay may kapangyarihan na hatulan ang mga tao, at uupo sila sa kanilang trono kapag humahatol sila. Nagsasalita si David na parang ang Diyos ay hari sa lupa. Maaaring isalin na: “humahatol ka na parang hari na nauupo sa kaniyang trono, at ikaw ay makatuwiran” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 9:5-6

binura mo ang kanilang alaala magpakailanman

Ang dinudulot na makalimutan ang mga tao ay sinabi na parang pagbubura ng kanilang pangalan. Maaaring isalin na: “dinulot mo sila na makalimutan na parang ang pangalan nila ay binura” o “wala nang sinuman ang muling makakaalala sa kanila” (Tingnan: Metaphor)

binura

"inalis"

Nagiba ang mga kaaway tulad ng mga lugar na gumuho

Ang kaaway ay sinabi na parang isang lungsod na puno ng nagibang mga gusali. Maaaring isalin na: “Ang mga kaaway namin ay nawasak” (Tingnan: Simile)

Lahat ng alaala tungkol sa kanila ay naglaho

Ang alaala ay sinabi na parang may buhay na mamamatay. Maaaring isalin na: "Lahat ng alaala tungkol sa kanila ay tumigil na" o "Wala ng anumang alaala tungkol sa kanila." (Tingnan: Metaphor)

Lahat ng alaala tungkol sa kanila ay naglaho

Ang alaala ay maaaring ipahayag sa pandiwang "nakaalala" Maaaring isalin na: Wala ng nakaalala sa kanilang lahat" (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 9:7-8

nananatili si Yahweh magpakailanman

Ang “nananatili” ay maaaring tumutukoy sa pag-upo sa trono bilang hari. Maaaring isalin na:: “Nauupo si Yahweh sa kaniyang trono magpakailanman” o “Namumuno si Yahweh magpakailanman” (Tingnan: Metonymy)

tinatatag niya ang kaniyang trono para sa katarungan

Ang mga salitang “kaniyang trono” ay kumakatawan sa pamumuno ng Diyos. Maaaring mga kahulugan ay 1) “Namumuno siya para humatol” o “Namumuno siya nang may katarungan” (Tingnan: Metonymy)

Hinahatulan niya ang mundo ng pantay… Gumagawa siya ng makatarungang mga pasya para sa mga bansa

ang dalawang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng parehong kahuluhgan. (Tingnan: Parallelism)

Hinahatulan niya ang mundo ng pantay

Ang “mundo” dito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa mundo. Maaaring isalin na:: “Hinahatulan niya ang lahat ng tao sa mundo ng patas.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 9:9-10

Magiging matibay na tanggulan din si Yahweh para sa mga inaapi

Ang Diyos ay isinasaad na parang isang lugar na maaaring puntahan ng mga tao para sa kaligtasan. Maaaring isalin na:: “Ipagtatanggol din ni Yahweh ang mga inaapi” o “Magbibigay din si Yahweh ng kaligtasan sa mga inaapi” (Tingnan: Metaphor)

matibay na tanggulan

“kublihan” o “silungan”

ang nakakakilala ng pangalan mo

Ang salitang “pangalan mo” dito ay kumakatawan sa Diyos. Maaaring isalin na:: “Ang mga nakakakilala sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

hindi nang-iiwan

“hindi pinapabayaan” o “hindi iniiwanan”

Psalms 9:11-12

ang namumuno sa Sion

“ang nananahan sa Jerusalem”

sabihin sa lahat ng bansa

Ang “mga bansa” dito ay kumakatawan sa lahat ng mga tao. (Tingnan: Metonymy)

Dahil ang Diyos na naghihiganti sa pagdanak ng dugo ay nakakaaala

Ang natatandaan niya ay maaaring isaad ng malinaw. Maaaring isalin na: “Dahil ang Diyos na naghihiganti sa pagdanak ng dugo ay naaalala ang mga napatay” o “Dahil ang Diyos ay naaalala ang mga pinatay at pinaparusahan niya ang mga pumatay” (Tingnan: Assumed Knowl-edge and Implicit Information)

hindi niya nakalilimutan ang daing

“hindi niya pinapabayaan ang daing”

Psalms 9:13-14

tingnan kung paano ako inaapi ng mga kinamumuhian ako

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “tingnan ang mga kinumumuhian ako at kung paano nila ako inaapi” o “tingnan kung gaano karahas ang pagtuturing sa akin ng mga kaaway ko” (Tingnan: Active or Passive)

ikaw na kayang agawin ako mula sa mga tarangkahan ng kamatayan

Ang kamatayan ay hinalintulad sa isang lungsod na may mga tarangkahan na pinapasukan ng mga tao. Kung mayroong malapit sa mga tarangkahan ng kamatayan, ang ibig-sabihin nito ay malapit na siyang mamatay. Ang pananatili sa isang tao mula sa kamatayan ay sinabi sa paraan ng pagkuha sa kaniya palayo mula sa mga tarangkahan ng lungsod na iyon. Maaaring isalin na: “ikaw na kaya akong sagipin mula sa kamatayan” o “ikaw na kaya akong ilayo mula sa pagkamatay” (Tingan: Metaphor)

Psalms 9:15-16

Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila

Nagbubungkal ng hukay ang mga tao para mahuli ang mga hayop na nahulog dito. Ang pagbubungkal ng hukay dito ay tumutukoy sa pagbabalak na wasakin ang mga tao. Maaaring isalin na: “Ang mga bansa ay tulad ng mga tao na nagbubungkal ng hukay para mahulog ang iba dito” (Tingnan: Metaphor)

nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila

Tinatago ng mga tao ang mga lambat nila para mahuli ang mga hayop na nahuli dito. Ang pagtatago ng mga lambat dito ay kumakatawan sa pagbabalak na wasakin ang mga tao. Maaaring isalin na: “sila ay parang mga tao na nagtatago ng lambat at nabibitag dito” (Tingnan: Metaphor)

nahuli sa patibong

“nabitag” o “nahuli.” Kumakatawan ito sa pagkawasak. Maaaring isalin na: “nawasak” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 9:17-18

binalik

“tinanggihan

ang patutunguhan ng mga bansa na lumimot sa Diyos

“ang pupuntahan ng lahat ng bansa na kinalimutan ang Diyos”

Dahil ang mga nangangailangan ay hindi kailanman makalilimutan

Maaari itong sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Hindi makalilimutan ng Diyos ang mga nangangailangan” o “Maaalala ng Diyos ang nangangailangan” (Tingnan: Active or Passive)

o itataboy ang mga pag-asa ng mga inaapi

Ang pag-asa ay sinabi sa paraan na parang ang mga ito ay mga bagay na maaaring masira o mawasak. Ang pag-asa na winawasak ay kumakatawan sa mga bagay na inaasahan ng mga tao na hindi kailanman mangyayari. Maaaring isalin na: “ang mga inaapi ay hindi aasa magpakailanman nang walang resulta” o “at balang araw ang inaasahan ng mga inaapi ay mangyayari” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 9:19-20

Bumangon ka

Ang pagbabangon ay kumakatawan sa pagsisimulang gumawa ng isang bagay. Maaaring isalin na: “Gumawa ng isang bagay” o “Umaksyon” (Tingnan: Metonymy)

tao

“mga tao”

Mahatulan

Ang paghahatol ay kumakatawan sa pagpaparusa. Maaaring isalin na: “maparusahan” (Tingnan: Metonymy)

sa iyong paningin

Dito ang paningin ay kumakatawan sa presensiya. Maaaring isalin na: "sa iyong presensiya"

nawa mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "hatulan mo ang mga bansa sa iyong presensiya" o "alisin mo ang mga bansa sa iyong presensiya at parusahan sila" (Tingnan: Active o Passive)

Psalms 10

Psalms 10:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Mga Poetry at Parallelism

Yahweh, bakit ka nakatayo sa malayo? Bakit ka nakatago sa mga oras ng kaguluhan?

Ang tagapagsalita ay gumagamit ng ganitong mga tanong para ipahayag ang kaniyang pagkabalisa na hindi siya tinulungan ng Diyos. Maaaring isalin na: “Yahweh, ikaw ay tila malayo mula sa akin at nagtatago ka sa akin sa tuwing ako ay nasa kaguluhan.” (Tingan: Panretorikang tanong at metapora)

mga balakin

“mga plano”

ng masasamang tao

Ito ay tumutukoy sa masasamang mga tao sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “masasamang tao” (Tingnan: Panlahatang mga pangngalan ng mga pararila)

kaniyang pinakamalalim na mga hangarin

Ang pangngalang “hangarin” ay maaaring ipahayag kasama ang pandiwang “gusto.” Maaaring isalin na: “ang mga bagay na labis niyang gustong gawin” (Tingnan: Basal ng mga pangngalan)

ang sakim

“sakim na mga tao”

Psalms 10:4-5

Ang masasamang tao

Ito ay tumutukoy sa mga masasamang tao sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “Masasamang tao” (Tingnan: Panlahatang mga Pangngalan ng mga Pararila)

nakataas-noo

Ang isang nakataas-noo ay kumakatawan sa pagmamalaki o pagmamayabang. Maaaring isalin na: “mayroong mayabang na pag-uugali” o “nagmamalaki” (Tingnan: Matapora)

hindi niya hinahanap ang Diyos

Ang paghahanap sa Diyos ay kumakatawan sa 1) paghingi sa Diyos ng tulong o 2) pag-iisip tungkol sa Diyos at pagsunod sa kaniya. Maaaring isalin na: 1) “hindi siya humihingi ng tulong sa Diyos” o 2) “hindi niya iniisip ang tungkol sa Diyos” (Tingnan: Metapora)

Siya ay matatag sa lahat ng oras

– “Siya ay ligtas sa lahat ng oras.” Siya ay hindi talaga ligtas, pero iniisip na siya ay ligtas.

ang iyong mga makatuwirang mga kautusan ay labis na mataas para sa kaniya

Ang isang bagay na mahirap na maintindihan ay binabanggit na parang ito ay labis na mataas para maabot. Maaaring isalin na: “hindi niya maintindihan ang iyong matuwid na mga katuruan” (Tingnan: Metapora)

sinisinghalan niya ang lahat ng kaniyang mga kaaway

Ang mga tao ay sumisinghal sa kanilang mga kaaway kapag iniisip nila na ang kanilang mga kaaway ay mahihina at mga walang halaga. Maaaring isalin na: “iniisip niya na ang lahat ng kaniyang mga kaaway ay mahihina at walang halaga” o “kinukutya niya lahat ng kaniyang kaaway” (Tingnan: Makabuluhang Pagkilos)

sinisinghalan niya

– ibig sabihin nito, siya ay maingay na umiihip ng hangin sa kaniyang ilong.

Psalms 10:6-7

Sinasabi niya

“Sinabi ng masamang tao”

sa lahat ng salinlahi

Marahil ang ibig sabihin nito ay “magpakailanman”

hindi ako makakaharap ng kahirapan

Ang pag danas ng kahirapan ay tinutukoy bilang pagharap dito. Maaaring isalin na: “Hindi ako magkakaroon ng kahit anong mga kaguluhan” (Tingnan: Metapora)

Ang kaniyang bibig ay puno ng pagsusumpa at mapanlinlang, mapaminsalang mga salita

Ang sinasabi ng mga tao ay binabanggit na parang ito ay nasa kanilang bibig. Maaaring isalin na: “Lagi niyang sinusumpa ang mga tao at sinasabi ang mga bagay na mapanlinlang at nakakapinsala” o “Lagi niyang sinusumpa ang mga tao, nagsasabi ng kasinungalingan, at tinatakot na pinsalain ang mga tao.” (Tingnan: Pagpapalit tawag)

ang kaniyang dila ay nakasasakit at nakasisira

Dito ang dila ay kumakatawan sa pagsasalita. Maaaring isalin na: o “kung ano ang sinasabi niya ay nakakasira ng puri at nakakasira ng mga tao” o “nagsasabi siya ng mga salitang nakakatakot at nakakasakit sa mga tao” (Tingnan: Pagpapalit Tawag)

Psalms 10:8-10

Siya ay naghihintay sa pagtambang

Ang salitang “siya” ay tumutukoy sa masamang tao.

ang kaniyang mga mata ay naghahanap ng ilang biktimang walang magagawa

Ang mga mata ay kumakatawan sa kaniya. Maaaring isalin na: “siya ay naghahanap ng ilang walang magagawang biktima” (Tingnan: pagpapalit-saklaw)

Siya ay nagtatago ng palihim katulad ng leon sa masukal na lugar

Ito ay nagsasabi na ang masamang tao ay parang isang leon. Maaaring isalin na: “Siya ay nagtatago habang naghihintay na lumakad malapit sa kaniya ang mahihina, katulad ng isang leon na tahimik na naghihintay sa halamang malago ang sanga para sa hayop na gusto nitong dambahin” (Tingnan: Simili)

Nagtatago

Ang ibig sabihin nito ay para magtago o maghintay na may layunin na maminsala o pumatay.

siya ay nag-aabang

“nakahigang naghihintay” o “siya ay nagtatago at naghihintay”

Nahuhuli niya ang api kapag hinihila niya ang kaniyang lambat

Ang manunulat ay nagsasalita sa masasamang tao na nanghuhuli ng mga tao na parang siya ay isang mangangaso na gamit ang isang lambat para manghuli ng mga hayop. Maaaring isalin na: “Hinuhuli niya ang mga inapi katulad ng isang mangangaso na nanghuhuli ng hayop sa lambat at kinakaladkad ito palayo.” (Tingnan: Metapora)

Psalms 10:11-12

Nakalimot ang Diyos

Ang pagtanggi na magbigay ng atensyon sa kung ano ang ginagawa ng mga tao ay binabanggit bilang paglimot. Maaaring isalin na: “Hindi nagbibigay ng atensyon ang Diyos” o “Walang pakialam ang Diyos tungkol sa kung ano ang ginagawa ko” (Tingnan: Metapora)

tinakpan niya ang kaniyang mukha

Ang pagtanggi na magbigay ng atensyon sa kung ano ang ginagawa ng isang tao ay binabanggit bilang pagtatakip sa mukha ng isang tao. Maaaring isalin na: “Tumanggi ang Diyos na makita kung ano ang nangyayari” (Tingnan: Metapora)

hindi siya mag-aabalang tumingin

Ang pagbibigay ng atensyon sa kung ano ang ginagawa ng isang tao ay binabanggit bilang pagtingin dito. Maaaring isalin na: “hindi siya mag-aabalang magbigay ng atensyon” o “wala siyang pakialam” (Tingnan: Metapora)

Bumangon ka

Ang pagsisimula na gumawa ng isang bagay ay binabanggit bilang pag tayo. Maaaring isalin na: “Gumawa ng isang bagay” (Tingnan: Metapora)

itaas mo ang iyong kamay

Dito ang pagtaas ng kamay para hampasin ang isang tao ay kumakatawan bilang pagpaparusa sa kaniya. Maaaring isalin na: “hampasin siya ng malakas” o “parusahan ang masamang tao” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

Psalms 10:13-14

Bakit itinatanggi ng masamang tao ang Diyos at sinasabi… "Hindi mo ako pananagutin"?

Ginamit ng nagsasalita ang tanong na ito para ipakita na siya ay labis na malungkot na ginagawa ng mga masasamang tao ang mga bagay na ito. Maaaring isalin na: “Ang mga masasamang tao ay palaging tinatanggihan ang Diyos at sinasabi… ‘Hindi mo ako pananagutin.’” (Tingnan: Rhetorical Question)

Hindi mo ako pananagutin

“Hindi mo iuutos sa akin na sabihin sa iyo kung bakit ko ginagawa ang mga ginagawa ko.” Ang pagpapanagot sa isang tao ay kumakatawan sa pagpaparusa sa kaniya. Maaaring isalin na: “Hindi mo ako paparusahan” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

Psalms 10:15-16

Baliin ang bisig ng masama at buktot ng tao

– Dito ang “bisig” ay kumakatawan sa kapangyarihan. Maaaring isalin na: “Sirain ang kapangyarihan ng buktot at masama na tao” o “Gawing mahina ang buktot at masama na tao” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

masama at buktot

Ang mga salitang ito ay may parehong kahulugan. Maaari mong gamitin ang isang salita para ipahayag ang parehong konsepto. (Duplikado)

panagutin siya sa kaniyang mga masasamang gawain

– Ang pagpapanagot sa isang tao sa kaniyang masasamang gawain ay kumakatawan sa pagpaparusa sa kaniya. Maaaring isalin na: Parusahan siya para sa mga masasamang bagay na kaniyang nagawa” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

ang mga bansa ay pinapalayas mo sa kanilang mga lupain

– Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. “Pinilit ni Yahweh ang mga tao ng ibang bansa na iwan ang kaniyang lupain” (Tingnan: Aktibo o balintiyak)

Psalms 10:17-18

narinig ninyo ang mga pangangailangan ng mga api

– Ipinapahiwatig nito na ang mga api ay tumatawag sa Diyos. Maaaring isalin na: “kapag ang mga aping mga tao ay tumawag sa inyo, nakinig kayo sa kanilang pangangailangan” (Tingnan: Ipinagpalagay na kaalaman at Pahiwatig na kaalaman)

pinalalakas ninyo ang kanilang puso

Ang malakas na puso ay kumakatawan sa katapangan, at ang gawing malakas ang mga puso ng mga tao ay kumakatawan sa pagbibigay ng pag-asa. Maaaring isalin na: “binibigyan mo sila ng pag-asa” o “ginagawa mong palagay ang kanilang loob” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

walang tao… magdudulot muli ng malaking takot

– “walang sinuman…ang magdudulot sa mga tao na matakot pang muli”

Psalms 11

Psalms 11:1-2

Pangkalahatang kaalaman:

Tingnan: Tula at Pararelismo

Para sa pinuno ng manunugtog

“Ito ay para sa pinuno ng manunugtog na gagamitin sa pagsamba.”

Isang awit ni David

Maaaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit. O 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo na mga awit ni David.

Kumukubli ako kay Yahweh

Ang pagpunta kay Yahweh para sa pangangalaga ay binabanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “Pumunta kay Yahweh para sa pangangalaga” (Tingnan: Metapora)

paano mo sasabihin sa akin, "Tumakas ka katulad ng isang ibon sa bundok"?

Ang tanong na ito ay tinanong para magbigay diin. Maaaring isalin na: “Kaya huwag mong hilingin sa akin na tumakas!” (Panretorikang Tanong)

Tingnan mo! Inihahanda ng mga masasama ang kanilang mga pana. Inihahanda nila ang kanilang mga palaso sa tali para panain sa dilim ang pusong matuwid

“Tingnan! Ang mga masasama ay naghahanda para lusubin ang mga matutuwid na tao.”

Psalms 11:3-4

Dahil kung ang mga pundasyon ay nasira, ano ang kayang gawin ng matuwid?

Tinanong ito para magbigay diin. Maaaring isalin na: “Ano ang magagawa ng matuwid kapag ang mga masasamang tao ay pinarusahan kapag sinuway nila ang mga utos?” (Pangretorikang Tanong)

ang mga anak ng mga tao

“sangkatauhan”

ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, sinusuri ng kaniyang mga mata ang mga anak ng mga tao

– Si Yahweh ay may kamalayan sa lahat ng bagay na nangyayari. Maaaring isalin na: “Sinusuri niya ang lahat ng ginagawa ng sangkatauhan.” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw)

Psalms 11:5-7

Sinusuri

“tinitingnan mabuti”

gumagawa ng karahasan

“sinasaktan ang iba”

Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa masama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!

Ang kaparusahan ng Diyos ay inilarawan na parang ito ay nagbabagang uling at asupre mula sa isang bulkan. Maaaring isalin na: “Pinaparusahan niya ang mga masasama; walang kaginhawaan sa kanila!” (Tingnan: Metapora)

Asupre

Ito ay ibang pangalan sa sulfur.

Makikita ang kaniyang mukha

“manatili sa kaniyang presensiya magpakailanman”

Psalms 12

Psalms 12:1

Pangkalahatang kaalaman:

Tingnan: Tula at Pararelismo

Para sa pinunong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Ilapat sa Sheminith

Ito ay maaaring tumukoy sa estilo ng musika. Tingnan kung paano ito isinalin sa 6:1.

Isang awit ni David

Maaaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit. O 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Tulong, Yahweh

“Yahweh, lumapit ka para ako ay tulungan”

mga matatapat ay nawala

“ang mga matatapat na mga tao ay nawala”

Psalms 12:2-4

Ang lahat ay nagsasabi…ang lahat ay nagsasalita

Ang dalawang paglitaw ng “lahat” ay mga pagmamalabis, ginamit para bigyang-diin na ang problema ay seryoso. (Tingnan: Hyperbole)

hindi matapat na papuri

“huwad na papuri”

salawahang puso

“mga salitang nakakapanlinlang”

putulin ang lahat ng labing hindi matapat ang papuri

“Patigilin sila mula sa pagsasalita ng huwad na papuri.”

bawat dila na nagpapahayag ng dakilang mga bagay

Dito ang “dila” ay kumakatawan sa mayabang na pananalita. Maaaring isalin na: “ang bawat tao na nagyayabang” (Tingnan: Synecdoche)

Sa pamamagitan ng ating dila, tayo ay mangingibabaw

Dito ang “ating dila” ay kumakatawan sa maraming mga salita na kanilang sinasabi. Maaaring isalin na: “Magtatagumpay tayo sa pagsasalita ng marami” (Tingnan: Metonymy)

sino ang maaaring maging panginoon sa atin

Ang tanong na ito ay nagbibigay diin. Maaaring isalin na: “walang sinuman ang mamamahala sa atin!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 12:5

Mga daing

Ito ay mga malalalim na mga tunog na ginagawa ng mga tao dahil sa sakit o ilang mga matinding damdamin.

ako ay babangon," sinasabi ni Yahweh

Ibig sabihin nito, si Yahweh ay gagawa ng isang bagay para tulungan ang mga tao

Psalms 12:6-8

katulad ng pilak na dinalisay sa pugon sa lupa, na tinunaw ng pitong beses

Ang mga salita ni Yahweh ay katulad ng pilak na dinalisay. Maaaring isalin na: “sila ay walang kapintasan” (Tingnan: Simile)

Iningatan ninyo sila

“Iningatan ninyo ang mga matutuwid na tao”

naglalakad sa bawat panig

“pumaligid sa amin”

kapag ang masama ay naitaas sa mga anak ng mga tao

– Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Kapag ang mga tao sa lahat ng dako ay pinupuri ang masama” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 13

Psalms 13:1-2

Pangkalahatang kaalaman:

  • Tingnan: Tula at Pararelismo

Para sa punong musikero

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Isang awit ni David

Maaaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit. O 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa istilo na mga awit ni David.

Yahweh, gaano katagal mong kakalimutan ang tungkol sa akin?

Tinanong ito para makuha ang atensiyon ng mambabasa at para magbigay ng diin. Maaaring isalin na: “Yahweh, parang nalimutan mo na ang tungkol sa akin!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Gaano katagal… iyong mukha sa akin?

Ang mga salitang “inyong mukha” ay kumakatawan sa buong pagkatao ng Diyos. Tinanong ito para magbigay ng diin. Maaaring isalin na: “Parang ikaw ay nagtatago sa akin!” (Tingnan: Synecdoche and Rhetorical Question)

Psalms 13:3-4

Tumingin ka sa akin at sagutin mo ako

“Ibigay mo sa akin ang iyong atensyon at making sa akin”

Paliwanagin ang aking mga mata

Ito ay paraan sa paghingi ng kalakasan. Maaaring isalin na: “Gawin mo akong malakas muli” (Tingnan: Idiom)

o ako ay matutulog sa kamatayan

Para “matulog sa kamatayan” ay nangangahulugan na mamatay. (Tingnan: Euphemism)

Huwag mong hayaan na sabihin ng aking kaaway… para ang aking kaaway ay hindi magsabing

“Huwag hayaan ang aking kaaway na magsabi tungkol sa akin… para ang aking kaaway ay hindi magsabi ng tungkol sa akin”

kapag ako ay bumagsak

– “Kapag ako ay nahulog” o “Kapag natalo nila ako”

Psalms 13:5-6

nagtiwala ako sa katapatan sa tipan

Sa pagsasalita ng “katapatan sa tipan” ni Yahweh, nagtitiwala si David na palagi siyang mamahalin ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ Nagtitiwala ako sayo na matapat mo akong mamahalin” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

ang aking puso ay nagagalak sa iyong kaligtasan

Dito ang “aking puso” ay kumakatawan sa buong tao. Maaaring isalin na: “Ako ay magagalak dahil sinagip mo ako” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 14

Psalms 14:1

Pangkalahatang kaalaman:

Tingnan: Tula at Pararelismo

Para sa pinuno ng manunugtog

– “Ito ay para sa director ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Isang awit ni David

Maaaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit. O 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa istilo na mga awit ni David.

Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso

Ito ay isang idioma na nangangahulugan na sabihin sa sarili o isipin sa sarili. Maaaring isalin na: “sinasabi ng isang mangmang sa kaniyang sarili” (Tingnan: Idiom)

Sila ay masama

– Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa lahat ng mangmang na tao na nagsasabi na walang Diyos.

Psalms 14:2-3

mga anak ng sangkatauhan

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa lahat ng tao.

kung sino ang naghahanap sa kaniya

Inilalarawan nito ang mga nagnanais na makilala ang Diyos na parang sila ay aktwal na sumusunod sa kaniya sa isang landas. Maaaring isalin na: “Ang mga nagnanais na makilala siya” (Tingnan: Metaphor)

ay tumalikod

Inilalarawan nito ang isang tao na itinanggi ang Diyos na parang huminto sa paglalakad sa tamang landas at nawala sa ibang direksyon. Maaaring isalin na: “tumalikod palayo kay Yahweh” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 14:4

Hindi ba nila alam ang kahit na ano…hindi tumatawag kay Yahweh?

– Tinanong ito para magbigay ng diin. Maaaring isalin na: “Kumikilos sila na parang wala silang alam na kahit ano…hindi tumatawag kay Yahweh. Pero alam nila kung ano ang kanilang ginagawa!” (Tingnan: Rhetorical Question)

sila na nakagawa ng kasalanan

Dito, ang “ kasalanan” ay tumutukoy sa paggawa ng masamang gawain. Maaaring isalin na: “ang mga kumikilos ng masama” (Tingnan: Abstract Nouns)

sila na nilalamon ang aking mga tao

Tumutukoy ito sa gumagawa ng masamang mga bagay at sinisira ang bayan ng Diyos na parang sila ay kumakain. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 14:5-6

Sila ay nanginginig

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa mga gumagawa ng masasamang bagay.

kasama ng Diyos ang matuwid na kapulungan

Para sabihin na “Ang Diyos ay kasama” ang mga matuwid ay nangangahulugan na siya ay tumutulong sa kanila. Ito ay maaaring isaad ng malinaw sa pagkakasalin. Maaaring isalin na: “Tinutulungan ng Diyos ang kumikilos ng matuwid” (UDB) o “Tinutulungan ng Diyos ang gumagawa ng mga matutuwid na bagay.” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Gusto mo

Ang salitang “mo” ay tumutukoy sa masamang tao.

hiyain ang taong mahirap

“para maramdaman ng mahirap na tao ang kahihiyan”

Yahweh ang kaniyang kanlungan

Ito ay ang proteksyon na binibigay ni Yahweh na para siyang kanlungan na hinahanap ng isang tao kapag may bagyo. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ay parang kanlungan ng proteksyon sa kaniya” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 14:7

Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion!

– Sinasabi ni David na nag-aasam siya ng tulong mula sa Diyos sa Jerusalem. Maaaring isalin na: “Hinihiling ko na si Yahweh ay darating mula sa Jerusalem at sasagipin ang kaniyang mga tao!” (Tingnan: Metonymy)

magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Dito, parehong ang “Jacob” at “Israel” ay kumakatawan sa bayan ng Israel. Ang dalawang parirala na ito ay maaaring pagsamahin sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “sa gayon ang lahat ng bayan ng Israel ay labis na magagalak.” (Tingnan: Parallelism and Synecdoche)

Psalms 15

Psalms 15:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit ni David

Maaaring kahulugan ay: 1) Isinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na bundok?

Ang “banal na bundok” dito ay kumakatawan sa templo ng Diyos, ang bundok Sion. Maaaring isalin na: “Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na lugar?” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 15:3

Siya

“Ang ganitong uri ng tao”

Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila

Dito ang “dila” ay kumakatawan sa masamang pananalita. Maaaring isalin na: “Hindi siya nagsasalita ng masasamang bagay patungkol sa mga taong walang kasalanan” (Tingnan: Metonymy)

nananakit

“namiminsala” o “naninira”

Psalms 15:4-5

Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh

“Kinamumuhian ng matutuwid ang mga itinakwil ng Diyos, pero pinararangalan nila ang mga may respeto sa Diyos.”

hindi kailanman mayayanig

Dito ang “mayayanig” ay nangangahulugang hindi kailanman mamumuhay ng ligtas. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 16

Psalms 16:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism.

Isang Miktam ni David

Ang kahulugan ng salitang “miktam” ay walang katiyakan. Maaari mong gamitin ang salitang “awit” sa halip. Maaari itong isulat bilang: “Ito ay isang awit na sinulat ni David.”

dahil sa iyo ako kumukubli

Ang paglapit kay Yahweh para sa proteksiyon ay inilalarawan bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “Lumapit sa iyo para sa proteksiyon” (Tingnan: Metaphor)

Ang mga taong banal na nasa daigdig

Dito ang mga banal ay tumutukoy sa mga angking-bayan ng Diyos na nagtitiwala sa kaniya. Maaaring isalin na: “ang iyong bayan na naninirahan sa lupaing ito” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 16:4

Ang kanilang kapahamakan ay lalawig

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang mga kapahamakan ng mga naghahanap ng diyus-diyosan ay darami.” (Tingnan: Active or Passive)

magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi

Ang pagtataas ng “kanilang mga pangalan gamit ang aking mga labi” ay kumakatawan sa pagpupuri sa mga diyus-diyosan o pananalangin sa kanila. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 16:5-6

ang aking bahagi

Dito nagsasalita si David tungkol kay Yahweh na para siyang isang bahagi ng lupain na ibinigay sa kaniya. (Tingnan: Metaphor)

ang aking kopa

Dito nagsasalita si David patungkol kay Yahweh na para siyang isang kopa na naglalaman ng maraming pagpapala. Maaaring isalin na: “ang siyang nagpapala sa akin” (Tingnan: Metaphor)

Hawak mo ang aking tadhana

“Ikaw ang nagtatakda ng aking kinabukasan”

Mga panukat na guhit ay inalagay para sa akin

Ang mga pagpapala ng Diyos kay David ay inilalarawan na parang isa itong bahagi ng lupain na sinuri para kaniyang angkinin. Ang “Mga panukat na guhit” ay naglalarawan sa mga kwerdas ng tagasuri. (Tingnan: Metaphor and Metonymy)

Mga panukat na guhit ay inalagay para sa akin

Maaari itong sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang lugar na iyong ibinigay sa akin ay kaaya-aya” (Tingnan: Active or Passive)

tiyak na magandang pamana ang inilaan para sa akin

Dito nagsasalita si David patungkol sa mga pagpapala ni Yahweh na para itong isang pamana na kaniyang tinanggap. Maaaring isalin na: “Masaya ako para sa lahat ng bagay na ibinigay sa akin” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 16:7-8

Inuuna ko si Yahweh sa lahat ng oras

“Lagi kong inaalala na kasama ko si Yahweh”

kaya't hindi ako mayayanig mula sa kaniyang kanang kamay!

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Walang anumang bagay ang makapag-aalis sa akin sa kaniyang piling.”

Psalms 16:9-10

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na nakikipag-usap si David sa Diyos.

Kaya nga ang puso ko ay magagalak, ang nagpaparangal kong puso ay magpupuri sa kaniya

Sinasabi ng tagapagsalita na karangalan sa kaniya ang makapagbigay ng papuri sa Diyos. Ang parehong kataga ay nagpapahayag ng magkatulad na kahulugan. Maaaring isalin na: “Kaya masaya ako; karangalan sa akin ang purihin siya” (UDB) (Tingnan: Parallelism)

kong puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa mga iniisip at nararamdaman ng tagapagsalita. (Tingnan: Metonymy)

nagpaparangal

Maraming bersiyon, kabilang ang UDB, ang nagbibigay-kahulugan sa “nagpaparangal” bilang tumutukoy sa puso ng manunulat, na may karangalang magsaya dahil sa Diyos.”

Psalms 16:11

nag-uumapaw

“sagana” o “malaking bahagi ng”

kagalakan ay nananahan sa iyong piling

Ang manunulat ay nagsasalita patungkol sa “kagalakan” na parang isa itong tao. (Tingnan: Personification)

sa iyong kanang kamay

Ang mga salitang “kanang kamay” ay nagpapahiwatig ng pagiging nasa espesyal na presensiya ng Diyos. Maaaring isalin na: “Sa tuwing ako’y malapit sa iyo” (Tingnan: Idiom)

Psalms 17

Psalms 17:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang panalangin ni David

“Isa itong panalangin na isinulat ni David.”

Paglaanan mo ng iyong tainga ang panalangin ko, mula sa mga labi na walang panlilinlang

Dito, ang mga “labi” ay tumutukoy sa mga salitang sinasabi ng isang tao. Maaaring isalin na: “Pakinggan mo ang aking panalangin na mula sa hindi sinungaling na mga labi” (Tingnan: Metonymy)

Hayaan mong ang pagpapawalang-sala sa akin ay magmula sa iyong piling

Dito ang “piling” ay tumutukoy sa pagka-Diyos ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Ipahayag mo akong walang-sala” (Tingnan: Metonymy)

makita nawa ng iyong mga mata kung ano ang tama!

Dito, ang “iyong mga mata” ay tumutukoy sa katototohanang nalalaman ni Yahwheh. Maaaring isalin na: “Alam mo na nagsasabi ako nang totoo!” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 17:3

Kung susubukin mo ang puso ko, kung daratnan mo ako sa gabi

Dito “susubukin moa ng puso ko” ay nangangahulugan na suriin ang aking mga kaisipan at motibo. Maaaring isalin na: “kung susuriin mo ang aking mga kaisipan at motibo sa gabi”(Tingnan: Idiom)

ang bibig ko ay hindi magkakasala

Dito ang bibig ay inilalarawin na tila kaya nitong kumilos sa sarili nito. Kumakatawan din ito sa mga salita na sinasabi ng isang tao. Maaaring isalin na: “Hindi ako magsisinungaling o magkakasala sa aking mga salita” (Tingnan: Personification and Synecdoche)

Psalms 17:4-5

sa salita ng mga labi mo kaya lumayo ako sa kasamaan

Dito ang “sa salita ng mga labi mo” ay kumakatawan sa mga tuntunin ng Diyos. Maaaring isalin na: “ang iyong tuntunin ay nagdulot sa akin na iwasan ang mga masasamang gawain.” (Tingnan: Metonymy)

Ang mga yapak ko ay nanatiling nakatuon sa iyong gabay… paanan ko ay hindi lumihis.

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong magkaparehas na kahulugan. Ang pag-uulit ay nagdaragdag ng diin. (Tingnan: Parallelism)

ang paanan ko ay hindi lumihis

Ang manunulat ay nagsasalita patungkol sa pagsunod niya sa Diyos na parang lumalakad siya sa isang landas. Maaaring isalin na: “Buo ang pasya kong sumunod sa iyong landasin.” (Tingnan: Metaphor and Litotes)

Psalms 17:6-7

ibaling mo ang pandinig mo sa akin

Dito “pandinig mo” ay tumutukoy sa pagnanais ng Diyos na pakinggan ang isang tao na nananalangin sa kaniya. Maaaring isalin na: “makinig kang mabuti sa akin” (Tingnan: Metonymy)

iyong kanang kamay

Ang “kanang kamay” ay tumutukoy sa kapangyarihan ng Diyos. Maaaring isalin na: “ang iyong matinding kapangyarihan” (Tingnan: Metonymy)

kumukibli sa iyo

Ang paglapit kay Yahweh para sa proteksiyon ay binabanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “lumapit sa iyo para sa proteksiyon” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 17:8-10

Ingatan mo ako tulad ng sinta mong irog

Dito ang “sinta mong irog” ay tumutukoy sa isang bagay na mahalaga. Maaaring isalin na: “Ingatan mo ako tuland ng kung paano mo iniingatan ang isang napakahalagang bagay.”

itago mo ako sa ilalim ng anino ng iyong pakpak

Nagsasalita si David patungkol sa proteksiyon ng Diyos na parang isa siyang ibon na nag-iingat sa kaniyang mga inakay sa ilalim ng kaniyang pakpak. Maaaring isalin na: “Ingatan mo ako tulad ng isang inang ibon na nag-iingat sa kaniyang mga inakay sa pamamagitan ng pagtipon sa kanila sa kaniyang pakpak” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 17:11-12

Pinaligiran nila ang aking mga yapak

Dito “Pinaligiran ang aking mga yapak” ay naglalarawan paano sinundan si David ng kaniyang mga kaaway saan man siya magpunta para hulihin siya. Maaaring isalin na: “Pinaligiran ako ng aking mga kaaway” (Tingnan: Metonymy)

Tulad sila ng isang leon na sabik para sa isang biktima… isang batang leon na nakaabang sa mga liblib na lugar

Ang dalawang pariralang ito ay nagpapahayag ng magkaparehong ideya. Ang pag-uulit ay nagdaragdag ng diin. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 17:13-14

Iligtas mo ako mula sa masasama sa pamamagitan ng iyong tabak…Sagipin mo ako mula sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kamay, O Yahweh, mula sa mga tao ng mundong ito

Ang dalawang sugnay na ito ay may kaparehong kahulugan. Ang pag-uulit ay nagdaragdag-diin sa mga salita ng manunulat. (Tingnan: Parallelism)

Iligtas mo ako mula sa masasama sa pamamagitan ng iyong tabak…Sagipin mo ako mula sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kamay, O Yahweh, mula sa mga tao ng mundong ito

Ang dalawang sugnay na ito ay may kaparehong kahulugan. Ang pag-uulit ay nagdaragdag-diin sa mga salita ng manunulat. (Tingnan: Parallelism)

Pupunuin mo ng yaman ang tiyan ng iyong mga pinahahalagahan

Nangangahulugan ito na magkakaloob ng saganang pagpapala si Yahweh sa kaniyang bayan. Maaaring isalin na: “Pagpapalain mo nang lubos ang iyong bayan” (Tingnan: Idiom)

Psalms 17:15

makikita ko ang iyong mukha sa katuwiran

Dito ang "mukha" aykumakatawan sa buong pagkatao ni Yahweh. Tiwala si David na makikita niya si Yahweh. Maaaring isalin na: "dahil kumilos ako ng tama, makakasama kita balang araw" (Tingnan: Synecdoche)

masisiyahan ako sa paggising ko nang ikaw ang aking nakikita

Naniniwala si David na pagkatapos niyang mamatay, makakasama niya si Yahweh. Maaari itong gawing malinaw sa salin. Maaaring isalin na: "Pagkatapos kong mamatay, magiging masaya akong gumising sa iyong presensiya" (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 18

Psalms 18:1

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong musikero

“Ito ay para sa director ng musika na ginagamit sa pagsamba.”

Isang awit ni David

Mga posibleng kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay patungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng awit ni David.

Umawit siya kay Yahweh sa mga salita ng awit na ito

“inawit niya ang awiting ito kay Yahweh”

Sa araw na iyon, sinagip siya ni Yahwheh

“matapos siyang sagipin ni Yahweh”

Mula sa kamay ni Saul

Dito ang “kamay” ay sumisimbolo para sa kapangyarihan ni Saul: “mula sa kapangyarihan ni Saul” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 18:2-3

Si Yahweh ang aking bato

Nagsasalita si David patungkol kay Yahweh na para siyang isang bato. Ang salitang “bato” ay larawan ng isang ligtas na lugar. (Tingnan: Metaphor)

ang aking bato, ang aking tanggulan

Dito ang mga salitang “bato” at “tanggulan” ay magkapareho ang kahulugan at nagbibigay-diin na si Yahweh ay nagbibigay ng kaligtasan mula sa mga kaaway. (Tingnan: Doublet and Metaphor)

sa kaniya ako kumukubli

Ang paglapit kay Yahweh para sa proteksiyon ay inilalarawan bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “lumapit ka sa kaniya para sa proteksiyon” (Tingnan: Metaphor)

ang aking kalasag, ang tambuli ng aking kaligtasan, at ang aking muog

Nagsasalita si David patungkol sa Diyos na para siyang isang “kalasag,” “ang tambuli” ng kaniyang kaligtasan, at ang kaniyang “muog.” Si Yahweh ang nag-iingat sa kaniya sa anumang pinsala. Dito, ang iisang ideya ay inulit ng tatlong beses para magbigay-diin. (Tingnan: Metaphor)

maliligtas ako mula sa aking mga kaaway

“Ililigtas ako mula sa aking mga kaaway”

Psalms 18:4-5

Nakapalibot sa akin ang mga lubid ng kamatayan

Nagsasalita si David patungkol sa kamatayan na para itong isang tao na may kakayahang hulihin siya at itali. Maaaring isalin na: “Malapit na akong patayain” (Tingnan: Metaphor and Personification)

rumaragasang tubig ng kawalan

Napakahina ni David na para siyang tinangay ng rumaragasang tubig. Maaaring isalin na: “Pakiramdam ko, napakahina ko” (Tingnan: Metaphor)

Nakapaligid sa akin ang mga lubid ng Sheol; ang patibong ng kamatayan ay binitag ako

Dito ang “Sheol,” ang lugar ng mga patay, at “kamatayan” ay ginagamit na tila sila ay mga tao na kaya siyang palibutan at bitagin. Ang dalawang sugnay na ito ay may magkaparehong kahulugan at ang ideya na inuulit para magbigay-diin. Maaaring isalin na: “Pakiramdam ko binitag ako at ang akala ko mamamatay na ako” (Tingnan: Personification, Metaphor and Parallelism)

Psalms 18:6

Sa aking pagkabalisa

“Sa aking matinding pangangailangan” o “sa aking pagdadalamhati”

ang aking panawagan ng tulong ay nakarating sa kaniyang presensiya

Dito, nagsasalita si David patungkol sa kaniyang “panawagan ng tulong” na para itong isang tao na lumalapit sa presensiya ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Nanalangin ako sa kaniya” (Tingan: Personification)

nakarating sa kaniyang tainga

Dito nagsasalita si David patungkol sa kung paano dininig ni Yahweh ang kaniyang pagsumamo ng tulong. Ang ideya ay inulit para magbigay-diin. Maaaring isalin na: “dininig niya ang aking panawagan” (Tingan: Parallelism)

Psalms 18:7-8

Kaya nayugyog at nayanig ang lupa; maging ang mga pundsayon ng mga bundok, nayanig at nayugyog

Maaaring isalin na: “Lubos na nagalit ang Diyos na parang lumindol” - (Tingnan: Parallelism)

nayugyog at nayanig ang lupa

Ang mga salitang “nayugyog” at “nayanig” ay parehas ang kahulugan at nagbibigay-diin gaano katindi ang pagyanig ng lupa. Maaaring isalin na: “Ang lupa ay umuga nang pabalik-balik” o “ang lupa ay gumalaw nang taas-baba” (Tingnan: Doublet)

ang mga pundasyon ng mga bundok, nayanig at nayugyog

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “ang pundasyon ng mga bundok ay nayugyog at nayaning rin” (Tingnan: Active or Passive)

Umangat ang usok na lumabas mula sa kaniyang ilong

Nagsasalita si David patungkol kay Yahweh na para siyang bumubuga ng apoy. Ito ay isang larawan kung paanong galit ang Diyos. (Tingnan: Metaphor)

naglalagablab na apoy ay lumabas mula sa kaniyang bibig. Nagbaga ang mga uling dahil dito.

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “naglalagablab na apoy ay lumabas mula sa kaniyang bibig ay nagpabaga sa mga uling. (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 18:9-10

Binuksan niya

Ang salitang “niya” ay tumutukoy kay Yahweh.

makapal na kadiliman ay nasa ilalim na kaniyang paanan

Kahit sa katunayan ay walang mga paa si Yahweh, binigyan siya ng mga katangiang pantao. Maaaring isalin na: “makapal na kadiliman ay nasa ilalim niya.” (Tingnan: Personification)

mga pakpak ng hangin

Dito si David ay nagsasalita patungkol sa hangin na para itong mayroong mga pakpak tulad ng isang anghel. (Tingnan: Personification and Metaphor)

Psalms 18:11-12

Ginawa niyang… kadiliman… kaniyang

Ang salitang “niyang” at “kaniyang” ay patuloy na tumutukoy kay Yahweh.

Ginawa niyang tabernakulo… ang kadiliman

Dito ang kadiliman ay binabanggit na para itong isang tolda. Maaaring isalin na: “Ginawa niyang isang panaklob ang kadiliman” o “Ginawa niyang kublihan ang kadiliman” (Tingnan: Metaphor)

mabigat na mga ulap-ulan sa kalangitan

“mga mabigat na ulap dahil sa ulan” o “makakapal, madidilim na mga ulap-ulan”

Mula sa kidlat sa kaniyang harapan, bumagsak ang mga yelo at nag-aapoy na uling.

“Mula sa liwanag sa kaniyang harapan nagmula ang mga yelo at nag-aapoy na uling sa pamamagitan ng kaniyang makakapal na ulap.”

yelo

“mga malalaking yelo”

Psalms 18:13-14

Dumagundong si Yahweh sa mga kalangitan

Ang tinig ni Yahweh ay tumunog na parang kulog. (Tingnan: Simile)

Ang Kataas-taasan ay sumigaw

Iyon ay, sumigaw ang Kataas-taaasan (Tingnan: Idiom)

Ang Kataas-taasan

“Ang Kataas-taasan” ay tumutukoy kay Yahweh.

Ang Kataas-taasan… ay nagpadala ng mga yelo at kidlat

Iyon ay, dinulot ng Kataas-taasan na umulan ng mga yelo sa mundo at ang kidlat na kumislap. Ang “yelo” ay tumutukoy sa mga tipak ng yelo na katulad ng mga batong nahuhulog mula sa langit. Ito ay isang larawan ng matinding kapangyarihan ng Diyos.

Pinana at ikinalat niya ang kaniyang mga kaaway

Magkapareho ng kahulugan ang dalawang sugnay na ito. (Tingnan: Parallelism)

Pinana at ikinalat niya ang kaniyang mga kaaway; pinaghiwa-hiwalay sila ng maraming kidlat

Dito ang mga kidlat ay binabanggit na tila sila ay mga palaso. (Tingnan: Metaphor)

pinaghiwa-hiwalay sila ng maraming kidlat

“ikinalat sila sa magkakaibang direksyon”

Psalms 18:15

Pangkalahatang Kaalaman

Ang manunulat ay patuloy na nagsasalita patungkol sa matinding kapangyarihan ni Yahweh.

Pagkatapos, ang daluyan ng mga tubig ay lumitaw

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong magkaparehong kahulugan. Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Kaya ang mga daluyan ng tubig ay lumitaw at ang ilalim ng dagat ay naging malinaw; inihayag mo ang pundasyon ng mundo.” (Tingnan: Parallelism and Active or Passive)

sa pagbuga ng hininga ng iyong ilong

Kahit sa katunayan ang Diyos ay walang mga katangiang pisikal gaya ng inilalarawan dito, inilalarawan nito ang kaniyang matinding lakas. Ang hininga ay binabanggit dito na para itong isang matinding pagbuga mula sa ilong ng Diyos. (Tingnan: Personification and Metaphor)

Psalms 18:16-17

Bumaba siya mula sa itaas

Ang salitang”siya” sa mga talatang ito ay patuloy na tumutukoy kay Yahweh.

rumaragasang tubig

Dito ang mang-aawit ay nagsasalita patungkol sa mga panganib ng kaniyang kaaway na para silang malalaking alon o mga hampas ng tubig kung saan sinagip siya ni Yahweh. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 18:18-19

Sinugod nila ako sa araw ng aking pagdadalamhati pero si Yahweh ang aking tagapagtanggol

Dito ang “nila” ay tumutukoy sa malalakas na kaaway sa v. 17. Ang salitang “pagdadalamhati” ay naglalarawan sa kalagayan ng isang taong maraming paghihirap. Maaaring isalin na: “Malalakas na kalaban ang sumalakay sa akin sa araw na marami akong mga paghihirap, pero iningatan ako ni Yahwheh” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 18:20-21

ang aking mga kamay ay malinis

Dito ang angkinin ang “mga kamay na malinis” ay nangangahulugan na ang isang tao ay walang-sala mula sa anumang masamang gawain. Maaaring isalin na: “ang lahat ng aking ikinilos ay tama”

pinanatili ko ang mga pamamaraan ni Yahweh

Ang mga batas ni Yahweh ay binabanggit na para itong mga landas kung saan dapat lakaran ng isang tao. Maaaring isalin na: “Sumunod ako sa mga batas ni Yahweh” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

pinanatili ko ang mga pamamaraan ni Yahweh

Ang mga batas ni Yahweh ay binabanggit na para itong mga landas kung saan dapat lakaran ng isang tao. Maaaring isalin na: “Sumunod ako sa mga batas ni Yahweh” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 18:22-24

Dahil ang lahat ng kaniyang makatuwirang mga kautusan… hindi ako tumalikod

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong magkaparehong kahulugan. Inuulit ng manunulat ang mga ideya para magbigay-diin. (Tingnan: Parallelism)

nanguna sa akin

“ay ginabayan ako” o “inalala ko”

Nanatili akong walang-sala… lumayo ako mula sa kasalanan

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong magkaparehong kahulugan. Inuulit ng manunulat ang mga ideya para magbigay-diin. (Tingnan: Parallelism)

walang-sala sa kaniyang harapan

“walang-sala ayon sa kaniya”

lumayo ako mula sa kasalanan

“hindi ako nagkasala”

ang aking mga kamay ay malinis

Ang magkaroon ng “malinis na mga kamay” ay nangangahulugan na ang isang tao ay walang-sala mula sa anumang kasamaan. Tingnan paano mo ito isinalin sa 18:20: Maaaring isalin na: “ang lahat ng aking ikinilos ay tama” (Tingnan: Metonymy)

sa kaniyang paningin

Ito ay tumutukoy sa presensiya ng Diyos. Maaaring isalin na: “sa kaniyang harapan” o “ayon sa kaniya” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 18:25-26

Pangkalahatang Kaalaman

Ang manunulat ay nakikipag-usap kay Yahweh.

Sa sinumang tapat

Dito ang “tapat” ay nangangahulugan na gawin ang kautusan ni Yahweh. Maaari mo itong sabihin nang malinaw sa pagsalin. Maaaring isalin na: “sa mga tapat na sumusunod sa iyong tipan” (UDB) o “sa sa mga tapat na sumusunod sa iyong mga kautusan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa taong walang-sala…ipakita mo na ikaw ay dalisay

dalawang sugnay na ito ay mayroong magkaparehong kahulugan. Inuulit ng manunulat at mga ideyang ito para magbigay-diin. (Tingnan: Parallelism)

pero ikaw ay tuso sa sinumang baluktot

“dinadaig mo ang sinumang hindi tapat”

Psalms 18:27-29

ibinabagsak mo

“ipinapahiya mo”

nagyayabang, ang mapagmataas na mga mata

Ang idyomang ito ay tumutukoy sa mga mapagmataas. Maaaring isalin na: “na mapagmataas” (Tingnan: Idiom)

Dahil nagbibigay ka ng liwanag sa aking ilawan; si Yahweh na aking Diyos ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman

Ang manunulat ay nagsasalita patungkol sa presensiya ni Yahweh na para siyang isang liwanag. Ang mga sugnay na ito ay mayroong magkaparehong kahulugan. (Tingnan: Metaphor and Parallelism)

Sa pamamagitan mo, kaya kong lampasan ang isang barikada

“Dahil sa pamamagitan mo, malalampasan ko ang anumang balakid.”

Psalms 18:30-32

Siya ang panangga

Isang pananggalangng nag-iingat sa isang kawal. Nagsasalita si David na parang ang Diyos ay isang pananggalang na nag-iingat sa kaniya. Maaaring isalin na: “ikaw, Yahweh, ay nag-iingat sa akin tulad ng isang pananggalang.” Tingnan paano mo ito isinalin sa 3:3. (Tingnan: Metaphor)

Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? Sino ang bato maliban sa ating Diyos?

Ang ipinapahiwatig na sagot ay wala. Maaaring isalin na: “Tanging si Yahweh ang Diyos! Tanging ang Diyos natin ang bato!” (Tingnan: Rhetorical Question)

ang bato

Nagsasalita si David patungkol kay Yahweh na para siyang isang bato na maaari niyang akyatin para makatakas mula sa kaniyang mga kaaway. Tingnan paano mo ito isinalin sa 18:2. (Tingnan: Metaphor)

nagbibigay ng lakas sa akin tulad ng isang sinturon

Nagbibigay ng lakas ang Diyos kay David na parang itong isang kasuotan. (Tingnan: Simile)

nagdadala sa isang matuwid na tao sa kaniyang landas

Dito nagsasalita si David patungkol sa pamumuhay ng nakalulugod sa Diys na parang inilalagay siya sa tamang landas. Maaaring isalin na: “dinudulot niya na mamuhay nang matuwid ang taong walang-sala” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 18:33-34

Pinabibilis niya ang aking mga paa

Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-kakayahan sa isang tao na tumakbo ng mabilis. Maaaring isalin na: “pinatatakbo ako nang napakabilis” (Tingnan: Synecdoche)

na parang isang usa at inilalagay niya ako sa kabundukan

Ang usa ay mabilis at sanay sa kabundukan. (Tingnan: Simile)

Sinasanay niya ang aking mga kamay

Dito ang “aking mga kamay” ay tumutukoy sa tao. Maaaring isalin na: “Sinasanay niya ako” (Tingnan: Synecdoche)

ang aking mga braso

Ito ay tumutukoy sa tao. Maaaring isalin na: “ako” (Tingnan: Synecdoche)

gumamit ng tansong pana

“para hatakin ang tansong pana para sa pagpana”

Psalms 18:35-36

ang panangga

Dito ang manunulat ay nagsasalita patungkol sa proteksiyon ng Diyos na para itong isang pananggalang. Maaaring isalin na: “ang proteksiyon” (Tingnan: Metaphor)

ng iyong kaligtasan

Dito ang “kaligtasan” ay nangangahulugang iniligtas ng Diyos ang manunulat. Maaaring isalin na: “dahil iniligtas mo ako” (Tingnan: Abstract Nouns)

Ang iyong kanang kamay

Ang dalawang katawagang ito ay mga pagpapalit-tawag na kumakatawan sa Diyos mismo. (Tingnan: Metonymy)

isang malawak na lugar para sa aking paanan sa ilalim

Nagsasalita ang manunulat patungkol sa kaligtasan na ibinigay ng Diyos na parang isang malawak na lugar. (Tingnan: Metaphor and Synecdoche)

ang aking paanan ay hindi lumihis

Dito ang “aking paanan” ay tumutukoy sa tao. Tinutukoy ng manunulat ang kaligtasan ng proteksiyon ng Diyos na para siyang tumatayo sa isang lugar kung saan hindi madudulas o matutumba. Maaaring isalin na: “Hindi ako dumulas” o “Maayos ako” (Tingnan: Synecdoche and Metaphor)

Psalms 18:37-39

Hinambalos ko sila

“Winasak ko sila” o “Dinurog ko sila”

hindi na nila kayang bumangon

“hindi kayang tumayo”

bumagsak sila sa ilalim ng aking paanan

Ang idiyomang ito ay nangangahulugang tinalo ng manunulat ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Tinalo ko silang lahat.” (Tingnan: Idiom)

binigyan mo ako ng lakas tulad ng sinturon

Sinasabi ng manunulat na binigyan siya ni Yahweh ng lakas na pumapalibot at sumusuporta sa kaniya tulad ng isang sinturon. Tingnan paano mo ito isinalin sa 18:32. (Tingnan: Simile)

iniligay mo ako

Dito nagsasalita ang manunulat patungkol sa pagkatalo ng kaniyang mga kaaway na parang nakatayo siya sa ibabaw nila. Maaaring isalin na: “tinalo mo para sa akin” (Tingnan: Idiom)

mga nag-aalsa laban sa akin

Ito ay tumutukoy sa mga sumasalungat sa manunulat. Maaaring isalin na: “sila na aking mga kaaway” (Tingnan: Idiom)

Psalms 18:40-42

ang batok ng aking mga kaaway

Ito ay kumakatawan sa tagumpay sa mga kaaway ng isang tao. Maaaring isalin na: “ang tagumpay laban sa mga kaaway ko. ”(Tingnan: Metonymy)

nilipol ko lahat ng namumuhi sa akin

“tinalo ko lahat ng namumuhi sa akin” o “winasak ko nang lubos ang mga namumuhi sa akin.”

pero hindi niya sila pinakinggan

Nangangahulugan ito na hindi nagbigay ng anumang tulong si Yahweh. Maaaring isalin na: “pero hindi niya sila tinulungan” (Tingnan: Idiom)

Dinurog ko sila tulad ng alikabok sa hangin

Inihahambing ang mga kaaway ni David sa alikabok para ipakita ang kanilang pagkatalunan. (Tingnan: Simile)

itinapon ko sila tuld ng putik sa kalsada

Inihahambing ang mga kaaway ni David sa putik sa kalsada para ipakita ang kanilang pagka-talunan. (Tingnan: Simile)

Psalms 18:43-45

pagtatalo

“hindi pagkakasundo” o “pagaaway-away”

Ginawa mo akong pinuno ng lahat ng bayan

Dito ang “ulo” ay kumakatawan sa pinuno. Maaaring isalin na: “hinirang ako para maging pinuno ng maraming bansa” (Tingnan: Metonymy)

napilitang yumuko

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “pinilit silang yumuko” (Tingnan: Active or Passive)

mga dayuhan ay dumating na nanginginig

Dito ang “nanginginig” ay nagpapakita na sila ay lubos na natatakot. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 18:46-47

nawa ang aking bato ay purihin

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “siya ang aking bato at dapat siyang purihin” o “purihin ng mga tao ang aking bato” (Tingnan: Active or Passive)

ang aking bato

Dito ang manunulat ay nagsasalita patungkol sa proteksiyon ni Yahweh na para itong isang bato na pumigil sa kaniyang mga kaaway na maabot siya. Tingnan paano mo ito isinalin sa 18:2. (Tingnan: Metaphor)

Nawa ang Diyos ng aking kaligtasan ay maitaas

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Nawa itaas ng mga tao ang Diyos ng aking kaligtasan” (Tingnan: Active or Passive)

ang Diyos ng aking kaligtasan ay maitaas

Nangangahulugan ito na ang Diyos ang naglitas sa kaniya. Maaaring isalin na: “ang Diyos na nagligtas sa akin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Ito ang Diyos na naghihiganti

Ang “naghihiganti” ay nangangahulugan na parusahan ang mga tao dahil sa kanilang masasamang gawain. Maaaring isalin na: “ang Diyos na nagpaparusa ng mga tao dahil sa masasamang bagay na ginagawa nila sa akin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 18:48-49

Napalaya ako

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Pinalaya ako ng Diyos” (Tingnan: Active or Passive)

itinaas mo ako

Maaaring kahulugan nito ay inilagay ni Yahweh ang manunulat sa isang mas mataas na katayuan ng kapangyarihan, o kaligtasan. Maaaring isalin na: “ginawa mo akong mas makapangyarihan kaysa” o “inilagay mo ako sa ligtas na lugar” (Tingnan: Idiom)

mga tumuligsa sa akin

“na sumalakay sa akin” o “na tumuligsa sa akin”

mga marahas na kalalakihan

“malulupit na kalalakihan” o “mababangis na kalalakihan”

sa lahat ng bansa

Dito sinasabi ng manunulat na magpapasalamat siya kay Yahweh sa gayon ang lahat ng tao at makikinig sa kadakilaan ni Yahweh. Maaaring isalin na: “kaya ang lahat ng bansa ay makikinig dito” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa iyong pangalan

Dito ang “pangalan” ay kumakatawan sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “bilang parangal sa iyong pangalan” o “sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 18:50

tagumpay sa kaniyang hari

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang “kaniyang hari,” tinutukoy ni David ang kaniyang sarili bilang hari. (Tingnan: First, Second or Third Person)

ipinakikita niya ang kaniyang katapatan sa tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuha magpakailanman

“iniibig niya ako nang tapat gaya ng kaniyang pangako sa kaniyang tipan, at iibigin niya ang aking mga kaapu-apuhan magpakailanman.”

Psalms 19

Psalms 19:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

(Tingnan: Poetry and Parallelism)

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Ang awit ni David

Mga posibleng kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit 3) ang awit ay nasa estilo ng awit ni David.

ipinapaalam ng himpapawid ang ginawa ng kaniyang kamay

Inilarawan ang himpapawid na parang sila ay guro. Maaaring isalin na: “Tila ipinapaalam sa atin ng himpapawid ang mga kagagawan ng Diyos” (Tingnan: Personification)

kaniyang ginawa

“kaniyang nilikha” o “ang mundo na kaniyang ginawa”

ang pananalita ay bumubuhos

Kung ano ang maganda tungkol sa paglikha ay inihahambing sa pagsasalita, na parang ang paglilikha ay tao. Pagkatapos ang mga salita ay inihambing sa tubig na umaagos kahit saan. Maaaring isalin na: “ang paglikha ay katulad ng taong nagsasalita sa lahat” (Tingnan: Personification and Metaphor)

Walang pananalita o salaysay; ni hindi naririnig ang kanilang tinig

Ang mga pariralang ito ay ipinahayag ng malinaw na ang unang dalawang talata ay metapora. Maaaring isalin na: “Walang tunay na pananalita o mga salitang sinabi; walang sinuman ang nakarinig ng totoong tinig sa kanilang mga tainga”

ni hindi naririnig ang kanilang tinig

Ang ibang mga salin ay binasa “kung saan ang kanilang tinig ay hindi narinig, ”binibigyang-diin na ang “pananalita” ng paglikha ay makukuha kahit saan.

Psalms 19:4-6

Pangkalahatang Kaalaman:

Sinabi lamang ni David na ang paglikha ay nagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos.

kanilang mga salita … kanilang pananalita

Ito ay tumutukoy sa hindi sinasabing “mga salita” ng paglikha na nagpapakita ng kaluwalhatian ng Diyos.

ang kanilang salita ay umaabot

Ang mga salita ay inilalarawan na parang sila ay mga tao na lumalabas kasama ng mensahe. Maaaring isalin na: “ang mga salita na sinasabi ng paglikha ay katulad ng mga tao na lumalabas” (Tingnan: Personification)

ang kanilang pananalita ay hanggang sa dulo ng mundo

Ang mga salitang ipinahiwatig ay maaaring isinama sa pagsalin. Maaaring isalin na: “ang kanilang pananalita ay umabot sa dulo ng mundo” (Tingnan: Ellipsis)

Nagtayo siya ng tolda para sa araw

Dito sinasabi ng manunulat na parang tolda ang lugar na nilikha ni Yahweh para sa araw. Maaaring isalin na: “Naglikha siya ng lugar para sa araw” (Tingnan: Metaphor)

sa kalagitnaan nila

Ang salitang “nila” ay maaaring tumutukoy sa kalangitan.

Ang araw ay parang lalaking ikakasal na lumalabas sa kaniyang silid

Ang manunulat ay nagsasalita ng pagsikat ng araw na parang ito ay lalaking ikinasal. Maaaring isalin na: “lumalakad nang may kagalakan palapit sa kaniyang asawa” (Tingnan: Simile)

parang isang lalaking malakas na nagagalak kapag siya ay tumatakbo sa kaniyang karera

Ihinambing ang araw sa manlalaro para bigyang-diin ang lakas at liwanag ng araw. (Tingnan: Simile)

isang lalaking malakas

“mabilis na atleta”

dako

ang linya kung saan nagtatagpo ang mundo at himpapawid

sa kabila

Dito ang “kabila” ay tumutukoy sa ibang dako. Ito ay maaaring isaad na malinaw sa pagsalin. Maaaring isalin na: “sa kabilang dako” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

walang makatatakas sa init nito

Ito ay maaaring isaad sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “lahat ng bagay ay nakakaramdam nitong init” (Tingnan: Double Negatives)

Psalms 19:7-8

ang kaluluwa …ang puso … ang mga mata

Ang tatlong salitang ito ay tumutukoy sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “ang tao” (Tingnan: Synecdoche)

ay matuwid

“ay tunay” o “ay tama”

payak

“sa mga walang karanasan” o “sa mga hindi natuto”

nagdadala ng liwanag

nagdadala ng pang-unawa”

Psalms 19:9-10

makatuwirang mga kautusan

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 18:22.

matuwid sa kabuuan

“ganap na matuwid”

Ang mga ito ay mahalaga kaysa pinong ginto … mas matamis sila kaysa pulot

Ang mga kautusan ni Yahweh ay hinalintulad na parang sila ay maaaring mabili at matikman. Maaaring isalin na: Kung ang mga ito ay mabibili mo, sila ay maaaring magkaroon ng malaking halaga kaysa ginto … kung ang mga ito ay matitikman mo, ang mga ito ay magiging mas matamis kaysa pulot” (Metaphor)

mas higit pa kaysa pinong ginto

Ang salitang ipinapahiwatig na “mahalaga” ay maaaring idinagdag sa pagsalin. Maaaring isalin na: mas higit na mahalaga kaysa sa maraming pinong ginto” (Tingnan: Ellipsis)

pinong ginto

“gintong dalisay” o “mamahaling ginto”

Psalms 19:11-12

Oo

“Saka” o “Tunay nga”

sa pamamagitan ng mga ito ang iyong mga lingkod ay binalaan

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “binalaan nila ang iyong lingkod “ o “may babala para sa iyong lingkod” (Tingnan: ActiveorPassive)

sa pamamagitan ng mga ito… sa pagsunod dito

Ang salitang “sa mga ito” ay tumutukoy sa matuwid na mga kautusan ni Yahweh.

iyong lingkod

tinawag ni David ang kaniyang sarili na “iyong lingkod” kapag nagsasalita sa Diyos bilang tanda ng paggalang. Maaaring isalin na: “Ako” (UDB) (Tingnan: First, Second or Third Person)

Sino ang makababatid sa lahat ng kaniyang sarili mga kamalian?

Ito ay lumalabas sa anyo ng katanungan para magdagdag diin at maaaring isinalin bilang matibay na pahayag. Maaaring isalin na: Walang sinuman ang nakakaalam ng sarili niyang mga kamalian!” (Tingnan: Rhetorical Question)

sa mga lihim na kasalanan

“mula sa lihim na mga pagkakamaling ginawa ko”

Psalms 19:13-14

Ingatan mo rin ang iyong lingkod sa

Inilalarawan sa idiyomang ito na ang lingkod ay parang inaalis mula sa mga kasalanan na hindi niya hinahangad na gawin. Maaaring isalin na: “Saka, ingatan mo ang iyong lingkod mula sa paggawa” o “Saka, tiyakin na hindi ko gagawin” (Tingnan: Idiom)

iyong lingkod

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 19:11.

huwag mong hayaan na ang mga ito ay maghari sa akin

Inilarawan ang mga kasalanan na parang sila ay hari na maaaring mamahala sa isang tao. Maaaring isalin na: “huwag hayaan ang aking mga kasalanan na maging katulad ng hari na namamahala sa akin: (Tingnan: Personification)

inosente sa maraming kasalanan

walang malay sa paghihimagsik laban sa iyo” o “walang malay sa paggawa ng maraming kasalanan”

ang mga salita ng aking bibig at mga saloobin ng aking puso

Ang mga pahayag na ito ay magkasamang inilalarawan ang lahat ng sinasabi at iniisip ng tao. Maaaring isalin na: “ang mga bagay na sinasabi ko at ang mga bagay na iniisip ko” (Tingnan: Metonymy)

maging katanggap-tanggap sa iyong paningin

“tumanggap ng pagsang-ayon sa iyong paningin” o ”maging kalugod-lugod sa iyo”

sa iyong paningin

Tumutukoy ito sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Yahweh, aking bato

Ang manunulat ay sinasabing ang Diyos ay parang malaking bato na sinuman ay maaaring umakyat at maging protektado mula sa kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Yahweh, ikaw ay katulad ng aking malaking bato” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 20

Psalms 20:1-2

Uri ng awit

Ang Awit 20 ay maharlikang awit, ang panalangin para sa hari marahil, nang siya ay naging unang hari.

Espeyal na konsepto sa kabanatang ito

Ang pagtitiwala sa Diyos ay mas mabuti kaysa pagtitiwala sa lakas ng militar.

Pangkalahatang Kaalaman

Ang Awit na ito ay nagsisimula sa pangkat ng mga tao na nagsasalita sa hari ng Israel.

Pangkalahatang Kaalaman

(Tingnan: Tula at Paralelismo)

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Ang awit ni David

Mga posibleng kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

tulungan ka

Ang salitang “ka” sa Awit na ito ay isahan at tumutukoy sa hari.

sa araw ng kaguluhan

Dito ang “araw” ay kumakatawan sa mas mahabang panahon. Maaaring isalin na: “panahon ng kaguluhan” (Tingnan: Metonymy)

ang pangalan ng Diyos

Dito ang ‘pangalan” ay kumakatawan sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “ang Diyos” (Tingnan: Metonymy)

magpadala ng tulong mula sa banal na lugar

Tumutulong ang Diyos mula sa kaniyang banal na lugar ay sinasabi na parang ang Diyos ay nagpapadala ng tulong. Maaaring isalin na: “nawa tulungan kayo ni Yahweh mula sa kaniyang banal na lugar” (Tinganan: Metaphor)

banal na lugar…Sion

Pareho itong tumutukoy sa templo ng Diyos sa Jerusalem. (Tingnan: Doublet)

Psalms 20:3-4

Nawa maalala niya

Ang pariralang “maalala” ay paraan na sinasabing “tandaan.” Hindi ibig-sabihin nito na kinalimutan ng Diyos. Ito ay nangangahulugan na sana isaalang-alang at pag-isipan ng Diyos. Maaaring isalin na: “Nawa matandaan niya”

Nawa...niya

Ang salitang “niya” ay tumutukoy kay Yahweh.

Selah

Tingnan kung paano ninyo isinalin ito sa 3:2.

Nawa ay ipagkaloob niya

“Nawa ay ibigay niya”

hinahangad ng iyong puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan para sa buong pagkatao. Ang basal na pangngalang “nais” ay maaaring isaad bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “kung ano ang iyong nais” o “kung ano ang iyong gusto” (Tingnan: Synecdoche and Abstract Nouns)

tuparin ang lahat ng iyong mga plano

Ang basal na pangngalang “mga plano” ay maaaring isaad bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “nawa matulungan ka niya na tuparin ang lahat ng bagay na iyong pinaplanong gawin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 20:5-6

magagalak kami sa iyong tagumpay

Dito ang “kami” ay tumutukoy sa mga tao. Magagalak sila sa tagumpay ng hari. (Tingnan: Exclusive “Kami”)

sa pangalan ng ating Diyos

Dito ang “pangalan” ay “kumakatawan para sa karangalan o reputasyon. Maaaring isalin na: “sa karangalan ng aming Diyos” o “para sa reputasyon ng aming Diyos” (Tingnan: Metonimi)

itataas namin ang mga bandila

itataas namin ang mga watawat” o “itataas namin ang mga bandera”

ipagkaloob ang lahat ng iyong kahilingan

“ibibigay sa iyo ang lahat ng bagay na iyong hiniling mula sa kaniya”

Ngayon

Ang salitang ito ay ginamit dito para tanda ng patlang sa awit. Ito ay paglipat mula sa pasasalita ng mga tao sa pagsasalita ng hari.

Alam ko

Ang salitang “ko” ay marahil tumutukoy sa hari na nagsasalita sa bahaging ito.

kaniyang hinirang… sasagutin siya… siyang sagipin

Ang hari ay nagsasalita tungkol sa kaniyang sarili sa ikatlong panauhan. Maaaring itong isaad sa unang panauhan. Maaaring isalin na: “ako, ang kaniyang hinirang… sagutin ako…sagipin ako” (Tingnan: First, Second or Third Person)

mula sa kaniyang banal na kalangitan

Nananahan ang Diyos sa kalangitan gayundin sa templo ng Jerusalem (Tingnan: 20:2)

may lakas ng kaniyang kamay na maaari siyang sagipin

Kumakatawan ang kanang kamay ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan para sumagip sa hari. Maaaring isalin na: “sa kaniyang dakilang lakas siya ay kaniyang sasagipin” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 20:7-9

Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo

Dito ang “mga kalesang pandigma” at “mga kabayo” ay kumakatawan para sa hukbo ng hari. (Tingnan: Metonymy)

at ang iba ay sa mga kabayo

Ang salitang “nagtitiwala” ay nauunawaan. AT: “at nagtitiwala ang iba sa mga kabayo” (Tingnan: Ellipsis)

tinatawagan namin

Dito ang “namin” ay tumutukoy sa hari at sa kaniyang mga tao. (Tingnan: Inclusive “Kami”)

Sila ay ibababa at ibabagsak

Ang salitang “Sila” ay tumutukoy sa mga tao na nagtitiiwala sa mga kalesang pandigma at mga kabayo. Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ibababa at ibabagsak ng Diyos” (Tingnan: Active or Passive)

ibababa at ibabagsak

Ang dalawang pandiwang ito ay nangangahulugan ng parehas na bagay. Parehas itong kumakatawan para sa pagkatalo sa labanan. (Tingnan: Duplikado)

tayo ay babangon at tatayong matuwid

“tayo ay babangon at tatayong matuwid. “Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Parehong kumakatawan ang mga ito para sa tagumpay sa labanan. (Tingnan: Doublet)

Psalms 21

Psalms 21:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Ang awit ni David

Mga posibleng kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit 3) ang awit ay nasa estilo ng awit ni David.

sa iyong lakas, Yahweh

Ipinahihiwatig dito na ito ang lakas ni Yahweh na ibinigay sa hari para talunin ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: "dahil sa iyo, Yahweh, ginawa mo siyang malakas para talunin ang kaniyang mga kaaway”

Labis siyang nagagalak

"Nagagalak siyang lubos”

sa kaligtasan na iyong ibinibigay

Ipinahihiwatig dito na iniligtas ng Diyos ang hari mula sa kaniyang mga kaaway. Ang basal na pangngalang “kaligtasan” ay maaaring isaad bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “dahil siya ay niligtas mo mula sa kaniyang mga kaaway” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information and Abstract Nouns)

inaasam ng kaniyang puso

“ninanais ng kaniyang puso.” Dito ang “puso” ay kumakatawan para sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “kaniyang ninanais” o “kung ano ang kaniyang ninanais para” (Tingnan: Synecdoche)

hindi mo pinigilan

“hindi siya tinanggihan.” Maaaring isaad ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “iyong ibinigay sa kaniya”

ang kahilingan ng kaniyang mga labi

Dito ang “mga labi” ay kumakatawan para sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “kaniyang kahilingan” o “kung ano ang kaniyang hiniling sa iyo” (Tingnan: Synecdoche)

Selah

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 3:2.

Psalms 21:3-4

dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala

Ang basal na pangngalang “mga pagpapala” ay maaaring isaad bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “lubos mo siyang pinagpala” o “binigyan mo siya ng maraming mabubuting bagay” (Tingnan: Abstract Nouns)

inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona

Ang maglagay ng korona sa ulo ng tao ay palatandaan na siya ay ginagawang isang hari. (Tingnan: Symbolic Action)

pinakadalisay na gintong korona

Dito ang “pinakadalisay na ginto” ay ipinapakita ang dakilang karangalan na ibinigay sa hari.

Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya

Ang basal na pangngalang “buhay” ay maaaring isaad bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “Hiniling niya na idulot mong mabuhay siya ng mahabang panahon; idinulot mo na mangyari ito” (Tingnan: Abstract Nouns)

mahabang buhay magpakailanman

Mga posibleng kahulugan ay 1) isang napakahabang buhay o 2) walang hanggang buhay o 3) mahabang lahi ng mga kaapu-apuhan.

Psalms 21:5-6

kaniyang kaluwalhatian

“Ang karangalan ng hari” o “Ang katanyagan ng hari”

iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika

“inilagay mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.” Nagdudulot sa hari na maging mayaman at makapangyarihan ay nagsasabi na parang ang kaningningngan at pagiging maharlika ay mga bagay na inilagay sa kaniya. Maaaring isalin na: “ginawa mo siyang maging mayaman at makapangyarihan” (Tingnan: Metaphor)

pinagkalooban mo siya

“ipinahintulot mo na magkaroon siya” o “pumayag ka na ibigay sa kaniya”

pangmatagalang pagpapala

“walang patid na pagpapala” o “mananatiling mga pagpapala”

kasiyahan ng iyong presensya

“ang kasiyahan na nasa iyong presensya” o “ang kasiyahan na dumarating mula sa iyo dahil sa pagiging malapit sa iyo”

Psalms 21:7-8

sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan

“dahil ang Kataas-taasan ay matapat sa kaniyang tipan”

siya ay hindi matitinag

Maaaring isaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “walang sinuman ang mag-aalis sa kaniya bilang hari” (Tingnan: Active or Passive)

Dadakpin ng iyong kamay

Dito ang “kamay” ay kumakatawan para sa kapangyarihan. Maaaring isalin na: “Dadakpin ng iyong kapangyarihan” o ”Iyong makapangyarihang sasakupin” (Tingnan: Metonymy)

Iyong kamay…napopoot sa iyo

Posibleng kahulugan sa lahat ng mga pagkakataon na lumalabas ang “iyo” at “mo” ay 1) tumutukoy ito sa hari o 2) tumutukoy ito sa Diyos.

dadakpin ng iyong kanang kamay ang mga napopoot sa iyo

Parehong bagay ang ibig sabihin nito bilang unang bahagi ng pangungusap. Binibigyaang-diin nito na ibibigay ng Diyos sa hari ang kapangyarihan para sugpuin ang kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 21:9-10

Sa panahon ng iyong galit

“Kapag nagpakita ka ng iyong galit”

iyong galit… Pupuksain mo

Posibleng kahulugan para sa lahat ng pagkakataon na lumalabas ang “iyo” at “mo” ay 1) tumutukoy ito sa Diyos o 2) tumutukoy ito sa hari.

susunugin mo sila na parang nasa maalab na pugon

Pupuksain ni Yahweh o ng hari ang kanilang mga kaaway ay sinasabi na parang kahoy ang kanilang mga kaaway at ihahagis sila ni Yahweh o ng hari sa pugon. (Tingnan: Metaphor)

Lilipulin sila ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin sila ng apoy

Ang parehong sugnay ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ganap na pupuksain ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway ay sinasabi na parang ang kaniyang galit ay apoy na ganap na susunugin ang kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Parallelism and Metaphor)

mula sa lupa…kabilang sa sangkatauhan

Ang parehong pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Binibigyang-diin nila na walang lubos na makakaligtas sa kanilang mga kaaway. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 21:11-12

hinangad nila

“binalak nila.” Ang salitang “nila” ay tumutukoy sa mga kaaway ng Diyos at ng hari.

masama laban sa iyo

“gumawa ng masamang bagay sa iyo”

bumuo sila ng masamang balak

”gumawa sila ng plano“ o “gumawa sila ng isang balak”

Dahil sila ay iyong paaatrasin; sila ay iyong papanain

Mga posibleng kahulugan para sa “iyo” at “mo” ay 1) tumutukoy ito sa hari o 2) tumutukoy ito sa Diyos at sinasabi ang tungkol sa kaniya na parang siya ay mandirigma na may pana at mga palaso. (Tingnan; Metaphor)

sila ay iyong paaatrasin

Paraan ito na sinasabing tatalunin ng Diyos at ng hari ang kanilang mga kaaway sa labanan. (Tingnan: Idiom)

sila ay iyong papanain

Ito ay nagpapahiwatig na talagang pinana niya ang kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 21:13

Maitanghal ka, Yahweh, sa iyong lakas

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Yahweh ipakita mo sa amin na napakalakas mo” (UDB) o 2) “Yahweh, dahil napakalakas mo, itatanghal ka namin”

aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan

Ang mga salitang “aawitin” at “pupurihin” ay bahagi ng magkatulad na mga kahulugan. Saka, ang “kapangyarihan” ay kumakatawan para sa Diyos. Maaaring isalin na: “sa pag-awit pupurihin ka namin dahil ikaw ay makapangyarihan” (Tingnan: Doublet and Metonymy)

Psalms 22

Psalms 22:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika para gamitin sa pagsamba”

Ang ritmo ng usa

Maaaring tumukoy ito sa estilo ng musika.

Isang awit ni David

Mga Maaaring kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Diyos ko, Diyos ko

Inuulit ng kompositor ang “Diyos ko” para bigyang diin na kailangang-kailangan siyang pakinggan ng Diyos.

Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

Gumagamit ang kompositor ng tanong para bigyang-diin na nararamdaman niya tila na pinabayaan siya ng Diyos. Mainam na iwan ito bilang isang tanong. Pero, maaari itong isalin bilang isang pangungusap. Maaaring isalin na: “Diyos ko, nararamdaman ko na ako ay iyong pinabayaan!” (Tingnan: Rhetorical Question)

mo ako pinabayaan

“mo akong iniwang nag-iisa”

Bakit napakalayo mo mula sa pagliligtas ako at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap?

Muli, gumagamit ang kompositor ng katanungan para bigyang-diin na nararamdaman niya tila malayong malayo sa kaniya ang Diyos. Mainam na iwan ito bilang isang tanong. Pero, maari itong isalin bilang isang pangungusap. Maaaring isalin na: “Napakalayo mo para iligtas ako at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap!” (Tingnan: Rhetorical Question)

malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap

Nararamdaman ng kompositor na tila hindi nakikinig ang Diyos sa kaniya, inilalarawan na parang ang Diyos ay malayo mula sa kaniyang mga salita ng paghihirap. Dito ang “mga salita” ay kumakatawan sa sinasabi ng kompositor. Maaaring isalin na: “bakit hindi ka nakikinig kapag nagsasalita ako sa inyo tungkol sa paghihirap na nararamdaman ko” o “sinabi ko sa iyo ang tungkol sa pagdurusa ko pero hindi kayo lumapit sa akin” (Tingnan: Metaphor at Metonymy)

sa maghapon…sa gabi

Gumagamit ang kompositor ng mga salita “sa maghapon” at “sa gabi” para mangahulugan na nananalangin siya sa Diyos buong araw. (Tingnan: Merism)

ako ay walang katahimikan

Maaaring sabihin ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “nagsasalita pa rin ako” (Tingnan: Litotes)

Psalms 22:3-5

ikaw ay nakaupo bilang hari kasama ang mga pagpupuri ng Israel

"ang kapurihan ng Israel ay ang trono na kinauupuan mo bilang hari.” Inilalarawan ang kapurihan ng Israel na parang nasa trono sila kung saan nakaupo ang Diyos at naghahari, o gaya ng isang tahanan na maaaring tirahan ng Diyos. Maaaring isalin na: “ikaw ay hari at pinupuri ka ng bayan ng Israel” (Tingnan: Metaphor)

ng Israel

Dito ang “Israel” ay kumakatawan sa bayan ng Israel. (Tingnan: Metonymy)

at hindi sila nabigo

Maaaring sabihin ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “at hindi mo sila binigo” o “hindi mo sila pinabayaan” (Tingnan: Active or Passive)

hindi sila nabigo

– Maaaring sabihin ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “at iniligtas mo sila” o “at ginawa mo sa kanila kung ano ang kinakailangan mong gawin sa kanila” (Tingnan: Double Negatives)

Psalms 22:6-8

ako ay parang isang uod at hindi isang tao

– Inilalarawan ng kompositor ang kaniyang sarili na parang isang uod. Binibigyang-diin nito na nararamdaman niyang na wala siyang halaga o tinuturing siyang walang halaga ng mga tao. Maaaring isalin na: “Pero parang tulad ako ng uod at hindi tao” (Tingnan: Metaphor)

isang kahihiyan sa sangkatauhan at pinagtatawanan ng mga tao

Ang mga pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ang pariralang “pinagtatawanan ng mga tao”ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “iniisip ng lahat na wala akong halaga at kinamumuhian ako ng mga tao” (Tingnan: Parallelism and Active or Passive)

kinukutya ako; hinahamak nila ako; ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin

Iisa ang kahulugan ng tatlong pariralang ito at binibigyang-diin nito ang kawalang galang ng mga tao sa kaniya. (Tingnan: Parallelism)

ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin

Inilalarawan nito ang kilos na ginagamit para humamak ng isang tao. (Tingnan: Symbolic Action)

Nagtitiwala siya kay Yahweh…dahil nalulugod siya sa kaniya

Sinasabi ng mga tao ito para hamakin ang kompositor. Hindi sila naniniwala na sasagipin sila ni Yahweh. (Tingnan: Irony)

Hayaan natin na sagipin siya

“Hayaan nating sagipin siya ni Yahweh”

dahil nalulugod siya sa kaniya

Mga posibleng kahulugan: 1) “dahil nagagalak si Yahweh sa kaniya” o 2) “dahil nagagalak siya kay Yahweh”

Psalms 22:9-10

Dahil kinuha mo

Gumagamit ang kompositor ng salitang “Dahil” para simulang ipaliwanag bakit siya nalilito at nagtatanong sa Diyos kung bakit hindi siya dumating para tumulong. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

kinuha mo ako mula sa sinapupunan

Paraan ito ng pagsasabi ng “naging sanhi kayo para ipanganak ako.” (Tingnan: Idiom)

habang ako ay nasa dibdib ng aking ina

Nangangahulugan ito na nagtitiwala na siya kay Yahweh simula noong bata pa lamang siya. Maaaring isalin na: “kahit noong panahon na uminom ako ng gatas mula sa suso ng aking ina” (Tingnan: Idiom)

Ipinagkatiwala na ako sa iyo mula pa sa sinapupunan

Ang pariralang “ipinagkatiwala”ay isang paraan ng pagsasabi na si Yahweh ang siyang nag-iingat sa kaniya na parang si Yahweh ay inampon siya bilang sariling anak. Maaaring sabihin ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Na parang inampon mo ako nang ako ay ipinanganak” (UDB) (Tingnan: Idiom and Active or Passive)

ikaw ang aking Diyos

Ipinapahiwatig nito na iniingatan palagi ni Yahweh ang kompositor. Maaaring isalin na: “ikaw, O Diyos, ang nag-iingat sa akin” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

simula pa ng ako ay nasa sinapupunan ng aking ina

“mula pa noong bago pa ako isilang”

Psalms 22:11-13

Huwag kang lumayo mula sa akin

Maaaring sabihin ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “Lumapit ka sa akin” (Tingnan: Litotes)

dahil malapit lang sa kaguluhan

Nagsasalita ang kompositor tungkol sa “kaguluhan” na para itong isang bagay na malapit sa kaniya. Maaaring isalin na: “dahil malapit sa akin ang aking mga kaaway” (Tingnan: Metaphor)

walang sinuman ang tutulong

“walang tutulong”

Pinaliligiran ako ng maraming mga toro; pinaliligiran ako ng malalakas na mga toro ng Bashan

Nagsasalita ang kompositor tungkol sa kaniyang mga kaaway na parang sila ay mga toro. Binibigyang-diin nito kung gaano kapanganib at makapangyarihan ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Marami akong mga kaaway at tulad sila ng mga toro na nakapaligid sa akin; tulad sila ng malalakas na mga toro mula sa Bashan na nakapaligid sa akin” (Tingnan: Metaphor and Parallelism)

Binubuksan nila ang kanilang bibig para sa akin

Nagsasalita ang kompositor tungkol sa kaniyang mga kaaway na para silang mga leon na may mga bibig na nakabukas na handang kumain sa kaniya. Nagsasalita ng kasinungalingan ang kaniyang mga kaaway para siraan siya. O maaaring binabantaan nila siya at sinusunggaban siya. (Tingnan: Metaphor)

parang isang umaatungal na leon na niluluray ang kaniyang biktima

Nilalarawan ng kompositor ang kaniyang mga kaaway na parang sila ay mga leon. Binibigyang-diin nito kung paano makapangyarihan at mapanganib ang kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Simile)

Psalms 22:14-15

Ako ay parang natapong tubig

Maaaring sabihin ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Parang ang isang tao ay binubuhos ako gaya ng tubig” (Tingnan: Active or Passive)

Ako ay parang natapong tubig

Inihahalintulad ng kompositor ang kaniyang matinding kapaguran at kahinaan sa tubig na ibinubuhos sa isang tapayan. (Tingnan: Simile)

lahat ng aking mga buto ay nalinsad

“nawala sa lugar ang lahat ng aking mga buto.” Maaaring ang kompositor ay nasa isang uri ng pisikal na sakit. O nagsasalita siya ng kaniyang sakit ng damdamin na parang ito ay pisikal na sakit. (Tingnan: Metaphor)

Ang aking puso ay tulad ng pagkit…sa kaloob-loobang bahagi ko

Inilalarawan ng kompositor ang tungkol sa kawalan ng katapangan na tila ang kaniyang puso ay natutunaw tulad ng kandila. Ang puso dito ay kumakatawan sa “katapangan.” (Tingnan: Simile and Metonymy)

pagkit

isang malambot na sangkap na natutunaw sa mahinang temperatura

kaloob-loobang bahagi ko

“sa loob ko”

Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan

Inihahalintulad ng kompositor ang pagiging mahina sa palayok na madaling mabasag. (Tingnan: Simile)

piraso ng palayukan

isang bagay na gawa sa hinurnong putik na ginagamit sa bahay

ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala

“nakadikit ang aking dila sa taas ng aking bibig.” Inilalarawan ng kompositor ang kaniyang matinding kauhawaan. O maaring nagpapatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa pagiging mahina na parang siya ay lubos na natuyo. (Tingnan: Metaphor)

Inilagay mo ako

Ang “mo” ay isahan at tumutukoy sa Panginoon. (See: Forms of You)

Psalms 22:16-17

Pinaligiran ako ng mga aso

Nagsasalita ang kompositor tungkol sa kaniyang mga kaaway na parang sila ay mga aso. Ang kaniyang mga kaaway ay lumalapit sa kaniya tulad ng ginagawa ng mabangis na mga aso sa isang hayop na malapit nang mamatay. Maaaring isalin na: “tulad ng mga aso ang aking mga kaaway na nakapalibot sa akin” (Tingnan: Metaphor)

samahan na mga mapaggawa ng masama

“grupo ng mga gumagawa ng masama” o “barkada ng mga gumagawa ng masama”

napalibutan

“pinaligiran”

tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa

Nagpapatuloy ito ng metapora ng aso. Nagsasalita ang kompositor tungkol sa kaniyang mga kaaway na tila sila ay mga aso na kinakagat at binubutas ang kaniyang mga kamay at mga paa gamit ang kanilang mga ngipin. (Tingnan: Metaphor)

tinusok

sinaksak sa pamamagitan ng isang matalim na bagay.

Nabibilang ko na ang aking mga buto

Mga maaaring kahulugan ay 1) napakapayat ng kompositor na nakikita niya ang kaniyang mga buto. Maaaring isalin na: “Nakikita ko ang lahat ng aking mga buto” o “Nararamdaman ko ang bawat buto ko” o 2) nagpapatuloy ang Metaphor ng aso at nakikita ng kompositor ang kaniyang mga buto pagkatapos na ang aso ay pinunit ang kaniyang laman. (Tingnan: Metaphor)

Tumitingin at tumititig sila sa akin

Pareho ang kahulugan ng mga salitang “tingnan” at “tumititig” at binibigyang-diin nito na tinitingnan siya ng mga tao ng may kahihiyan at siya ay pinagtatawanan nila. (Tingnan: Doublet)

Psalms 22:18-19

aking mga kasuotan

“mga damit ko”

Huwag kang lumayo

Maaaring sabihin ito sa positbong anyo. AT: “Maging napakalapit” (Tingnan: Litotes)

aking kalakasan

Ang “kalakasan” dito ay kumakatawan kay Yahweh na siyang nagbibigay sa kaniya ng kalakasan. Maaaring isalin na: “siya na nagbibigay ng kalakasan” o “tumutulong sa akin” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 22:20-21

Iligtas mo ang aking kaluluwa

Ang “kaluluwa” dito ay kumakatawan sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Sagipin ako” (Tingnan: Synecdoche)

sa espada

Ang espada ang karaniwang paraan ng pagtukoy sa isang marahas na kaaway. Maaaring isalin na: “sila na gustong pumatay sa akin” o “aking mga kaaway” (Tingnan: Metonymy)

tanging buhay ko

“pinakamamahal kong buhay” o “ang tanging buhay na mayroon ako”

mga kuko ng mabangis na mga aso…bibig ng leon… mga sungay ng mababangis na toro

Nagsasalita ang kompositor tungkol sa kaniyang mga kaaway na parang sila ay mga aso, mga leon, at mabangis na mga baka para bigyang-diin kung gaano kapanganib ang kaniyang mga kaaway. Ang mga kuko, mga bibig, at mga sungay na kumakatawan sa mga hayop sa kabuuan sa pagpapalit-saklaw. Binibigyang-diin ng kompositor ang mga bahagi ng mga hayop dahil ang mga ito ay bahagi ng mga hayop na ginagamit para patayin sila. (Tingnan: Metaphor and Synecdoche)

Mabangis na mga aso…mababangis na toro

Dito ang salitang “mabangis” ay nangangahulugan na walang sinuman ang nakahuli at nakapagpaamo na hayop.

Psalms 22:22-23

Ihahayag ko ang iyong pangalan

Itatanyag ko ang iyong pangalan.” Dito ang “pangalan” ay kumakatawan sa katangian o reputasyon ng Diyos. Maaaring isalin na: “Magsasalita ako tungkol sa iyong katangian” (Tingnan:Metonymy)

Aking mga kapatid

Dito ang “kapatid” ay nangangahulugan ng “kapwa ko mga Israelita” (UDB) o “mga kapwa ko sumasamba kay Yahweh”

sa gitna ng kapulungan

“ sa pagtitipon namin ng mga kapwa ko Israelita” o “kapag napapaligiran ako ng kapwa ko mga sumasamba kay Yahweh”

Kayo na may takot

Dito ang “Kayo” ay maramihan. . (See: Forms of You)

Kayong lahat na mga kaapu-apuhan ni Jacob…kayong lahat na mga kaapu-apuhan ng Israel

Tumutukoy ito sa parehong grupo ng mga tao. (Tingnan: Parallelism)

Ipakita niyo ang inyong pagkamangha sa kaniya

“Mapuno kayo ng pagkamangha sa kaniya” o “Hayaang mamangha kayo sa kapangyarihan ng Diyos”

Psalms 22:24-25

hindi niya hinamak o pinabayaan

Maaaring sabihin ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “hinangaan siya at minahal” (Tingnan: Litotes)

hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap

Dito “ang pagdurusa” ay kumakatawan para sa taong nagdurusa. Maaaring isalin na: “hindi hinamak o pinabayaan ang taong nagdurusa” (Tingnan: Metonymy)

hinamak o pinabayaan

Pareho ang kahulugan ng dalawang salitang ito at binibigyang-diin nito na hindi kinalimutan ng Diyos ang kompositor. (Tingnan: Doublet)

hinamak

"kinamuhian” o “kinapootan”

Pinabayaan

“pinagsawaan” o “nilibak”

ang pagdurusa ng isang naghirap…mula sa kaniya…ang isang naghirap ay umiyak

Maaaring sabihin na tumutukoy ito para sa sinuman na nagdurusa. Maaaring isalin na: “sila na mga nagdurusa…mula sa kanila…umiyak silang mga nagdurusa” (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Hindi tinago ang kaniyang mukha

Ito ay isang idiom. Maaaring isalin na: “hindi inilayo ang kaniyang atensyon” o “hindi binalewala” (Tingnan: Idiom)

dininig niya

“nakinig siya.” Ipinapahiwatig na tumugon siya nang marinig ang kanilang pag-iyak. Maaaring isalin na: “sumagot siya” o “tumulong siya” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Dahil sa iyo

Dito ang “iyo” ay tumutukoy kay Yahweh. (Tingnan: Forms of You)

Tutuparin ko ang aking mga panata

Tumutukoy ito sa mga alay na ipinangako ng kompositor na iaalay sa Diyos. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Sa harap nilang may takot sa kaniya

Dito ang “kaniya” ay tumutukoy kay Yahweh. Maaaring sabihin ito bilang “ikaw.” Maaaring isalin na: “sa presensiya ng mga may takot sa kaniya” (Tingnan: First, Second or Third Person)

Psalms 22:26-27

Ang mga naaapi ay makakakain at mabubusog

Tumutukoy ito sa pakikisama sa kainan pagkatapos maghandog ang kompositor ng kaniyang mga alay na kaniyang ipinangakong ihahandog sa Diyos. Iimbitahan niya ang mga nagdurusa na kumain ng isang bahagi ng hayop na kaniyang inialay. (Tingnan: Palagay na Kaalaman at Palgay na Impormasyon)

Sila na naghahanap kay Yahweh

Sila na gustong makakilala kay Yahweh at parangalan siya ay inilalarawan na tila literal nilang hinahanap si Yahweh. (Tingnan: Metaphor)

Nawa ang inyong mga puso ay mabuhay magpakailanman

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Mabuhay ka nawa magpakailanman” (Tingnan: Synecdoche)

Nawa ang inyong mga puso

Dito ang “mga puso” ay tumutukoy sa inaping mga tao. (See: Forms of You)

Aalalahanin at babalik kay Yahweh

Ang pagsisimula sa pagsunod kay Yahweh ay inilalarawan na tila pisikal na bumalik ang mga tao kay Yahweh. Maaaring isalin na: “aalalahanin si Yahweh at susunod sa kaniya” (Tingnan: Metaphor)

lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay luluhod sa iyong harapan

Nangangahulugan ito ng parehong bagay tulad ng unang bahagi ng pangungusap. Binibigyang-diin ng kompositor na ang bawat isa mula sa bawat lugar ay sasamba at susunod kay Yahweh. (Tingnan: Parallelism )

Luluhod sa iyong harapan

Tanda ito ng pagbibigay ng karangalan at paggalang sa sinuman. (Tingnan: Simbolikong Pagkilos)

Sa iyong harapan

Tumutukoy ang “mo” kay Yahweh. Maaaring isalin ito sa pangatlong persona para itugma sa unang bahagi ng pangungusap. Maaaring isalin na: “sa harapan mo” (Tingnan: (Tingnan: Forms of You) and First, Second or Third Person)

Psalms 22:28-29

Dahil ang kaharian ay kay Yahweh

“Dahil ang kaharian ay pag-aari ni Yahweh.” Ang “kaharian” ay kumakatawan sa pamamahala ng Diyos bilang hari. Maaaring isalin na: “Dahil si Yahweh ay hari” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

siya ang namumuno sa mga bansa

Dito ang “mga bansa” ay kumakatawan sa mga tao ng mga bansa. Maaaring isalin na: “mamumuno siya sa mga tao ng mga bansa” (Tingnan: Metonymy)

magpipista

Mahalaga dito na ang mga tao ay magkakasamang kumakain sa pista. Maaaring isalin na: “kakaing magkasama” o “magkasamang kakain sa isang pistahang kainan”

silang lahat na mapupunta sa alabok…silang hindi kayang panatiliing buhay ang kanilang sarili

Ang dalawang pariralang tumutukoy sa parehong grupo. Pareho itong tumutukoy sa lahat ng mga tao para sa lahat ng mga taong mamatay. (Tingnan: Parallelism )

Silang lahat na mapupunta sa alabok

Dito ang “alabok” ay naglalarawan sa libingan. Ang pariralang “mapupunta sa alabok” ay isang paraan ng pagtutukoy para sa isang taong mamamatay. Maaaring isalin na: “sila na mamamatay” o “sila na mamamatay” (Tingnan: (Tingnan: Metonymy) and Idiom)

sila na hindi kayang panatiliing ang kanilang sariling buhay

“silang hindi kayang iligtas ang kanilang mga sarili” o “silang hindi kayang ingatan ang kanilang mga sarili mula sa kamatayan”

Psalms 22:30-31

Ang isang salinlahi ay darating

Ang “salinlahi” ay kumakatawan sa mga tao ng isang henerasyon. Ang pariralang “ay darating” tumutukoy sa isang panahon sa hinaharap na tila ito ay isang bagay na naglalakbay at dumarating saan man. Maaaring isalin na: “Mga tao sa hinaharap na salinlahi” (UDB) (Tingnan: Metonymy at Metaphor)

susunod na salinlahi

Dito ang “salinlahi” ay kumakatawan sa mga tao sa henerasyon. Maaaring isalin na: “ang mga tao sa susunod na henerasyon” o “kanilang mga anak” (Tingnan: Metonymy)

sa Panginoon

"tungkol sa Panginoon” o “tungkol sa ginawa ng Panginoon”

Ipapahayag ang kaniyang katuwiran

Ang hindi malinaw na pangngalan “katuwiran” ay maaring ihayag bilang isang pang-uri. Maaaring isalin na: “sabihin ang mga matuwid na mga bagay na kaniyang ginawa” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 23

Psalms 23:1-2

Pangkahalatang kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) Ang awit ay estilo ng awit ni David.

Si Yahweh ang aking pastol

Nagsasalita ang kompositor tungkol kay Yahweh na parang siya ay isang pastol. Binibigyang diin dito kung paano nangangalaga ang Diyos para sa mga tao bilang pastol na nangangalaga para sa kaniyang mga tupa. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ay tulad ng isang pastol sa akin” o “Nangangalaga si Yahweh para sa akin tulad ng isang pastol na nangangalaga para sa kaniyang mga tupa” (Tingnan: Metaphor)

Hindi ako magkukulang

Maaaring sabihin ito sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “Mayroon ako ng lahat ng aking pangangailangan” (UDB) (Tingnan: Litotes)

Pinapahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan

Inilalarawan ng kompositor ang kaniyang sarili na parang isang tupa, at inilalarawan niya si Yahweh na parang isang pastol. Maaaring isalin na: Nagbibigay siya ng kapahingahan tulad ng isang pastol na pinangungunahan ang kaniyang tupa para ihiga sa luntiang pastulan” (Tingnan: Metaphor)

inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan

Inilalarawan ng kompositor ang kaniyang sarili na para siyang isang tupa, at inilalarawan si Yahweh na para siyang isang pastol. Maaaring isalin na: “ibinibigay niya kung ano ang pangangailangan ko tulad ng isang pastol na nangunguna sa kaniyang mga tupa sa tabi ng payapang tubigan” (Tingnan: Metaphor)

Payapang tubigan

“tahimik na tubig” o “marahang dumadaloy na tubig.” Ang tubig na ito ay ligtas para inumin.

Psalms 23:3

Pangkalahatang kaalaman:

Nagpapatuloy sa pagsasabi ang awit tungkol sa kung paano nangangalaga ang Diyos para sa atin na parang pastol na nangangalaga para sa kaniyang tupa. (Tingnan: Metaphor)

Binabalik niya ang aking buhay

Nangangahulugan ito na binibigyan muli ng lakas at kapahingahan ng Diyos ang taong mahina at pagod.

ginagabayan niya ako sa tamang landas

Ang pagpapakita sa tao kung paano mamuhay sa paraan na kalugod-lugod sa Diyos ay inilalarawan na tila ito ay isang pastol na nagpapakita sa isang tupa ng tamang landas na dapat tatahakin. Maaaring isalin na: “Ipinapakita niya sa akin kung paano mamuhay ng matuwid” (Tingnan: Metaphor)

alang-alang sa kaniyang pangalan

Ang pariralang “kaniyang pangalan” tumutukoy sa kaniyang reputasyon. Maaaring isalin na: “para sa kaniyang reputasyon” o “para parangalan siya ng mga tao” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 23:4

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na sinasabi ng awit na ito kung paano nangangalaga ang Diyos para sa atin na parang isang pastol na nangangalaga sa kaniyang tupa. (Tingnan: Metaphor)

Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak

Inilalarawan ng kompositor ang kakilakilabot na kaguluhan na mararanasan ng tao na parang isang tupa na naglalakad sa isang madilim at mapanganib na lambak. Sa madilim na lambak maaaring mawala ang isang tupa o salakayin ng isang mabangis na hayop. Maaaring isalin na: “Kahit ang aking buhay tulad ng naglalakad sa isang madilim at mapanganib na lambak” (Tingnan: Metaphor)

hindi ko katatakutan ang kapahamakan

Ang basal na pangalan na “kapahamakan” maaaring sabihin bilang isang pandiwa. Maaaring isalin na: “Hindi ako matatakot sa anumang bagay na pipinsala sa akin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Ikaw ang kasama ko

Dito ang “ikaw” ay tumutukoy kay Yahweh. (Tingnan: Forms of You)

ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin

Ang pamalo at tungkod ay naglalarawan sa pag-iingat dahil ginagamit ng mga pastol ito para ingatan ang kanilang tupa mula sa kapahamakan. Maaaring isalin na: “Hindi ako natatakot dahil iniingatan mo ako tulad ng isang pastol na nag-iingat sa kaniyang tupa gamit ang kaniyang pamalo at tungkod” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 23:5

Pangkalahatang Kaalaman:

Ngayon inihahalintulad ng kompositor ang Diyos sa isang taong tumatanggap ng isang panauhin sa kaniyang tahanan at nag-iingat siya. (Tingnan: Metaphor)

Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag

Kumakatawan ang isang hapag sa isang pista dahil inilalagay ng mga tao ang lahat ng kanilang pagkain sa isang hapag. (Tingnan: Metonymy)

sa harapan ng aking mga kaaway

Ang kahulugan dito ay, ang kompositor ay hindi nag-aalala tungkol sa kaniyang mga kaaway dahil siya ay parangal na panauhin ng Panginoon at kaya nga iningatan mula sa kapahamakan. Maaaring isalin na: “sa kabila ng harapan ng aking mga kaaway”

binuhusan mo ng langis ang aking ulo

Minsan ang mga tao ay naglalagay ng langis sa mga ulo ng kanilang mga bisita para bigyan sila ng parangal.

ang saro ko ay nag-uumaapaw

Dito ang isang saro ng alak na umaapaw ay naglalarawan sa maraming mga pagpapala. Maaaring isalin na: “Pinuno mo ng labis ang aking saro na umaapaw ito” o “Binibigyan mo ako ng maraming mga pagpapala” (Tingnan: Idiom)

Psalms 23:6

Tiyak na kabutihan at tipan ng katapatan ay hahabol sa akin

Si Yahweh na mabuti at tapat sa isang tao ay inilalarawan na tila ang kabutihan at katapatan sa tipan ay mga bagay na hinahanap ng isang tao. Maaaring isalin na: “Tunay na ikaw ay magiging mabuti at tapat sa akin” (Tingnan: Metaphor)

sa lahat ng araw ng aking buhay

Ang basal na pangalan na “buhay” ay maaaring sabihin bilang isang pandiwa. Maaaring isalin na: “habang nabubuhay ako” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

Ang tahanan ni Yahweh

Mga maaaring kahulugan ay 1) tumutukoy ito sa walang hanggang tahanan ni Yahweh, o 2) tumutukoy sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem. Kung, maaari, isalin sa parehong mga kahulugan na maunawaan.

habangbuhay

Mga maaaring kahulugan 1) “magpakailanman” o 2) “habang nabubuhay ako”

Psalms 24

Psalms 24:1-2

Pangkalahatang Impormasyon

Tingnan: Poetry at Parallelism

Awit ni David

Mga maaaring kahulugan 1) sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng awit ni David.

at ang lahat

Ang basal na pangalan na “lahat”ay maaaring sabihin sa pandiwang “pumupuno.” Maaaring isalin na: “at bawat bagay na pumupuno rito” (Tingnan: Abstract Nouns)

Dahil itinatag niya ito sa ibabaw ng karagatan at itinaguyod ito sa mga ilog

Dito ang “itinatag niya ito sa ibabaw ng karagatan” at “itinaguyod ito sa mga ilog” ay nangangahulugan ng parehong bagay. Naniniwala ang mga Hebreo na ang kanilang lupa sinusuportahan ng mga karagatan at sa kailaliman ng mga ilog. Maaaring isalin na: Dahil inanyo ito sa pundasyon ng mga dagat at tinayo sa ilalim ng mga tubig” (Tingnan: Parallelism and Parallelism and Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ng karagatan…ang mga ilog

Ginagamit ang mga pariralang ito para tukuyin ang malawak, malalim na karagatan sa ilalim ng lupa.

Sa mga ilog

“ang mga tubig na sa kailaliman” (UDB)

Psalms 24:3-4

Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh…sa kaniyang banal na lugar?

Ang parehong tanong na ito ay may parehong kahulugan ng parehong bagay. Nagtatanong ang tagapagsalita kung sino ang papayagan para pumunta at sumamba kay Yahweh. (Tingnan: Parallelism )

nagtatanghal

“nagtataas” o “nag-aangat”

Sa bundok ni Yahweh

Tumutukoy ito sa Bundok ng Sion sa Jerusalem.

Sa kaniyang banal na lugar

Tumutukoy ito sa templo ni Yahweh. Na nasa Bundok ng Sion sa Jerusalem ang kaniyang templo.

Siya na may…siyang…at siyang hindi

Dito ang “Siya” ay hindi tumutukoy sa isang tiyak na tao. Maaaring isalin na: “Sila na mayroon…na mayroon…at wala” (Tingnan: Panlahat na Pangngalang Parirala)

Siya na may malinis na mga kamay

Ang salitang “mga kamay” ay kumakatawan sa ginagawa ng isang tao. Para sa kaniyang “mga kamay” na maging malinis ay nangangahulugan na ginawa niya kung ano ang tama. Maaaring isalin na: “sila na gumagawa ng tama” (Tingnan: Metonymy)

Dalisay na puso

Dito ang “puso” ay naglalarawan sa kaisipan ng tao o mga motibo. Maaaring isalin na: “nag-iisip ng mabuting kaisipan” o “hindi nag-iisip tungkol kung ano ang mali” (Tingnan: Metonymy)

siyang hindi nagtatanghal ay sa isang kasinungalingan

Dito ang “kasinungalingan” ay kumakatawan sa isang hindi totoong diyos. Para “itaas” ay nangangahulugan na sumamba. Maaaring isalin na: “hindi sumamba sa mga diyos-diyosan” (Tingnan: Metonymyand Idiom)

Psalms 24:5-6

Makatatanggap siya ng pagpapala mula kay Yahweh

Ang salitang “siya” ay hindi tumutukoy sa isang indibidwal lamang. Tumutukoy ito sa mga taong may malinis na puso na binanggit sa unang talata. Ang hindi malinaw na pangngalan “pagpapala” ay maaaring sabihing bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “pagpapalain sila ni Yahweh” (Tingnan: Generic Noun Phrases and Abstract Nouns)

At katuwiran mula sa Diyos ng kaniyang kaligtasan

Ang basal na pangalan “katwiran” maaaring sabihin bilang “matuwid.” At “kaligtasan” maaaring isalin bilang “iniligtas.” Maaaring isalin na: “at ang Diyos ay pakikitunguhan siya ng matuwid at ililigtas siya” ( Tingnan: Abstract Nouns)

Iyan ang salinlahi ng mga naghahanap sa kaniya

Dito ang salinlahi ay kumakatawan sa mga tao sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “Ang mga tao na hinahanap siya ay tulad nito” (Tingnan: Metonymy)

naghahanap sa kaniya, sila na humahanap ng mukha ng Diyos ni Jacob

Ang dalawang pahayag na ito ay may iisang kahulugan. Pareho itong tumutukoy sa mga taong pumupunta sa templo para sumamba sa Diyos. Maaaring isalin na: “Ang mga lumalapit sa Diyos, sila ang maaaring sumamba sa Diyos,ang siyang sinsamba naming mga Israelita” (UDB) (Tingnan: Parallelism )

Sila na humahanap sa kaniya

ang pagpunta sa templo para sumamba kay Yahweh ay ipinahayag na parang ang tao ay literal naghahanap para siya ay matagpuan. (Tingnan: Metaphor)

sila na humahanap ng mukha ng Diyos ni Jacob

Dito ang “mukha” ay kumakatawan para sa kabuuang persona. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ni Jacob” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 24:7-8

Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan

Ang dalawang pariralang ito ay magkatulad na magkatulad sa kahulugan. Ang mga salitang “mga tarangkahan" at mga “mga pintuan” ay tumutukoy sa mga tarangkahan ng templo. Nangungusap ang kompositor sa mga tarangkahan na tila tao sila. Ang nagbabantay ng tarangkahan ang siyang magbubukas ng pinto. Maaaring isalin na: “Buksan, lumang mga tarangkahan” o “buksan itong mga lumang mga tarangkahan” (Tingnan: Parallelism and Personification)

Bumukas kayo

Hindi sigurado kung ano ang tiyak na bahagi ng tarangkahan ang “ulo.” Pero, tumatayo ito para sa kabuuan ng tarangkahan. (Tingnan: Synecdoche)

si Yahweh, malakas at makapangyarihan; makapangyarihan sa digmaan

Nagsasalita ang kompositor tungkol kay Yahweh na parang makapangyarihang mandirigma na nakikipaglaban sa mga digmaan. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 24:9-10

Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan

Tingnan kung paano isinalin ito sa 24:7

Selah

Tingnan kung paano ito sa 3:2.

Psalms 25

Psalms 25:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parellism

Isang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay ang mga 1) Isinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3)ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Itinataas ko ang aking buhay

Ang pariralang “itinataas ang aking buhay” ay isang metapora. Maaring mga kahulugan ay 1) ang manunulat ay nag-aalay ng kanyang sarili kay Yahweh, na ang ibig sabihin ay lubos siyang umaasa kay Yahweh o 2) Siya ay nag-aalay ng panalangin at pagsamba kay Yahweh. Maaaring isalin na: “Iniaalay ko ang aking buhay sa iyo”(UDB) “Sinasamba at lubos kitang minamahal” (Tingnan: Metaphor)

Huwag mo akong hayaang mapahiya

Maaring isaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: Huwag mong hayaan na hiyain ako ng aking mga kaaway” (Tingnan: Active or Passive)

mapahiya

“hiniya”

magalak ng may katagumpayan sa akin

“magalak sa katagumpayan dahil sa akin.” Ang pariralang “sa akin” ay nagpapahiwatig na tinalo siya ng kanyang mga kaaway at nangingibabaw sa tagumpay. Maaaring isalin na: ”talunin ninyo ako at magalak tungkol dito” (Tingnan: Idiom)

Nawa walang sinumang umaasa sa iyo ang maalipusta

“Huwag mong hayaan na ang umaasa sa iyo ay mapahiya.” Ang kahihiyan ay maaring dumating sa pagkatalo mula sa kanilang mga kaaway. Ito ay maaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Huwag mong hayaan na matalo ng mga kaaway ang mga umaasa sa iyo.” (Tingnan: Ipinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na impormasyon ay Active or Passive) Assumed Knowledge and Implicit Information and Active or Passive

sinumang umaasa sa iyo

“sinumang nagtitiwala sa iyo”

nagsisigawa ng kataksilan

“kumikilos nang may panlilinlang”o kumikilos nang may pandaraya”

walang dahilan

walang katuwiran”

Psalms 25:4-5

Ipaalam mo sa akin ang iyong mga pamamaraan, Yahweh, ituro mo sa akin ang iyong mga landas

Parehong pahayag ay magkasingkahulugan. Ang pagtuturo ng Diyos kung paano kumilos nang wasto ang isang tao ay sinasabi na parang nagpapakita sa isang tao ng tamang landas na dapat lakbayin ng isang tao. (Tingnan: Parallelism)

Ako ay umaasa sa iyo

“nagdedepende ako sa iyo” o “ matiyaga akong naghihintay sa iyo”

Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako

Ang pagtuturo ni Yahweh na sumunod ang isang tao sa kung ano ang totoo ay sinasabi na parang ang katotohanan ay isang lugar na ginagabayan ni Yahweh ang isang tao. Maaaring isalin na: Turuan mo ako na mamuhay sa pagsunod sa iyong katotohanan”(UDB) (Tingnan: Metaphor)

ang Diyos ng aking kaligtasan

Ang basal na pangngalang “kaligtasan”ay maaring isaad bilang “nagliligtas” Maaaring isalin na: ang Diyos na nagliligtas sa akin” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 25:6-7

Alalahanin mo

Ito ay isang idyoma. Hindi ito nangangahulugan na nalimutan ng Diyos ang isang bagay. Ang manunulat ay humihiling sa Diyos na pag-isipan at isaalang-alang ang kanyang mga gawang may kahabagan at katapatan. Maaaring isalin na: “Tandaan” o “Isipin ang tungkol sa” (Tingnan: Idiom)

Ang iyong mga gawa ng kahabagan at katapatan sa tipan

Ang mga basal na pangngalang “kahabagan” at “katapatan” ay maaring isaad bilang mga pang-uri. Maaaring isalin na: “kung paano ka naging mahabagin at matapat sa akin dahil sa iyong tipan.” (Tingnan: Abstract Nouns)

Dahil lagi silang nananatili magpakailanman

Dito ang “sila” ay tumutukoy sa kahabagan ng Diyos at katapatan sa tipan. Maaaring isalin na: “dahil ipinapakita na nandiyan ka palagi”

Huwag mong alalahanin ang tungkol sa mga kasalanan ng aking kabataan

Ang basal na pangngalang “mga kasalanan”ay maaring isaad bilang “nagkasala”. Maaaring isalin na: Huwag mong alalahanin kung paano ako nagkasala laban sa iyo noong ako ay bata pa” (Tingnan: Abstract Nouns)

o ang aking pagrerebelde

Ang basal na pangngalang “pagrerebelde” ay maaring isaad bilang “nagrebelde.” Maaaring isalin na: o “tungkol sa kung paano ako nagrebelde laban sa iyo” (Tingnan: Abstract Nouns)

Alalahanin mo ako

Ito ay isang idyoma. Hindi ibig sabihin na nakalimutan ng Diyos ang isang bagay. Ang manunulat ay humihiling sa Diyos na isipin siya.. Maaaring isalin na: “Tandaan mo” o “Isipin mo ako.” (Tingnan: Idiom)

may katapatan sa tipan dahil sa iyong kabutihan

Ang mga basal na pangngalan “katapatan” at “kabutihan” ay maaring isaad bilang mga pang-uri. Maaaring isalin na: “at maging tapat ka sa akin dahil sa iyong tipan, dahil ikaw ay mabuti” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 25:8-9

Ang daan…kanyang daan

Paano ninanais ng Diyos na kumilos nang wasto ang isang tao ay sinasasabi na gaya ng daan o landas kung saan naglalakbay ang isang tao. (Tingnan: Metaphor)

Ang mapagpakumbaba

Itong hindi karaniwang pang-uri ay maaring isaad bilang isang pang-uri. Maaaring isalin na: “Mga taong mapagpakumbaba” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Psalms 25:10-11

Ang lahat ng mga landas ni Yahweh ay ginawa mula sa katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan

Kung paano namumuhay at kumikilos nang wasto ang Diyos ay ipinapahiwatig na parang ito ay isang daan o landas kung saan siya lumalakad. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ay laging tapat dahil sa kanyang tipan at lagi siyang mapagkakatiwalaan.”(Tingnan:Metaphor)

Alang-alang sa iyong pangalan

Ang pariralang “iyong pangalan” ay tumutukoy sa mabuting pangalan ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Para sa iyong mabuting pangalan” o para parangalan ka ng mga tao” (Tingnan: Metonymy)

Patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki

Ang basal na pangngalang “kasalanan” ay maaring isaad bilang “nagkasala.” Maaaring isalin na: “Patawarin mo ako, dahil nagkasala ako nang malaki” (Tingnan:Abstract Nouns)

Psalms 25:12-13

Sino ang taong may takot kay Yahweh?

Ang tanong na ito ay nagpapakilala sa “taong natatakot kay Yahweh” bilang isang bagong paksa. Maaaring isalin na: “Sasabihin ko sa iyo ang tungkol sa kanila sa sinumang natatakot kay Yahweh.” (Tingnan: Rhetorical Question)

ang taong may takot…tuturuan siya…siya ay dapat…ang kanyang buhay…ang kanyang mga kaapu-apuhan

hindi ito tumutukoy sa isang partikular na tao. Maaaring isalin na: “ay ang mga natatakot…turuan sila…sila ay dapat…Kanilang mga buhay… kanilang mga kaapu-apuhan” (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Tuturuan siya ng panginoonsa daan na dapat niyang piliin

Ang pagtuturo ni Yahweh sa mga tao kung paano sila kikilos nang wasto ay ipinapahiwatig na parang tinuturuan ni Yahweh ang mga tao kung anong daan o landas ang dapat nilang lakbayin. (Tingnan: (Metaphor)

Ang kanyang buhay ay magpapatuloy sa kabutihan

"Ang Diyos ang magdudulot sa kanya na magtagumpay”o “Idudulot ng Diyos na sila ay magtagumpay.”

Psalms 25:14-16

Ang pakikipagkaibigan ni Yahweh ay para sa mga

“Si Yahweh ay isang kaibigan sa mga.”Ito ay isinasalin ng iba na “si Yahweh ay nagtitiwala sa mga.”Ipinapakita ng pagtitiwala sa kanila ang matalik na pakikipagkaibigan niya sa kanila.

Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh

Dito ang“mga mata”ay kumakatawan sa pagtingin. Ang pagtingin kay Yahweh ay isang paraan ng pagsasabi na siya ay humihingi ng tulong kay Yahweh. Maaaring isalin na: “Lagi akong nakatingin kay Yahweh”o “Lagi kong hinihingi kay Yahweh na tulungan ako.”(Tingnan: Metonymy at Idiom)

Dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat

ang lambat ay isang patibong. Ang isang tao na nasa panganib ay sinasabi na parang ang kanilang mga paa ay nakapalupot sa isang lambat. Maaaring isalin na: ”Sasagipin niya ako mula sa panganib.”(Tingnan: Metaphor)

Bumaling ka sa akin

Ang pagbibigay pansin ni Yahweh sa isang tao at pagsasaalang-alang sa kanya ay sinasabi na parang pisikal na bumabaling si Yahweh sa tao. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 25:17-19

Ang mga kaguluhan ng aking puso ay lumalawak

-Dito ang “puso”ay kumakatawan sa damdamin ng isang tao. Maaaring isalin na: “Nararamdaman ko na mas lalo akong naguguluhan”(Tingnan: Metonymy)

Hanguin mo ako mula sa aking pagkabalisa

“alisin mo ako sa aking kabalisahan.”Inilalarawan nito ang kabalisahan na parang isang lugar na kung saan ang isang tao ay maaring ilabas. Maaaring isalin na: ”sagipin mo ako sa aking kabalisahan”(Tingnan: Metaphor)

aking pagkabalisa

Ang salitang “kabalisahan” ay isang basal na pangngalan. Maaaring isalin na: “ang mga bagay na nagpapabalisa sa akin” o ang mga bagay na nagdudulot sa akin para matakot” (Tingnan:Abstract Nouns)

Masdan ang aking paghihirap

“Pansinin ang aking paghihirap”

aking paghihirap

Ang basal na pangngalang “paghihirap” ay maaring isaad bilang isang pandiwa. Maaaring isalin na: “ang mga bagay na nagpapahirap sa akin” o “gaano ako nahihirapan” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 25:20-21

hindi ako mapapahiya

Ito ay maaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Huwag mong hayaan na hiyain ako ng aking mga kaaway” (Tingnan: Active ang Passive)

nagkukubli ako sa iyo!

Ang pagpunta kay Yahweh para sa proteksiyon ay ipinapahiwatig na parang magkukubli sa kanya. Maaaring isalin na: “pumunta sa iyong proteksiyon!” (Tingnan: Metaphor)

Nawa ingatan ako ng dangal at pagkamakatwiran

tinutukoy dito ang “dangal”at “pagkamatuwid”na parang sila ay mga tao na mapapanatiling ligtas ang isa pang tao. Ang mga basal na pangngalan ay maaring isaad bilang mga pang-uri. Maaaring isalin na: “Nawa ang pagiging matapat at paggawa ng kung ano ang tama ang mag-ingat sa akin” o “Ingatan mo ako, Panginoon, sapagkat ako ay tapat at gumagawa ng kung ano ang tama. (Tingnan:Personification and Abstract Nouns)

Ingatan ako

“panatilihin akong ligtas”

Psalms 25:22

Sagipin mo ang Israel

“Iligtas ang Israel”o “Tubusin ang Israel.”Ito ay isang isang pakiusap. Maaaring isalin na: “Mangyaring sagipin mo ang Israel”

Israel…kaniyang mga kaguluhan

Dito ang “Israel ay kumakatawan sa mga taong-bayan ng Israel. Maaaring isalin na: “ang mga taong-bayan ng Israel…ating mga kaguluhan” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 26

Psalms 26:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit ni David

Maaring mga kahulugan ay ang mga 1) Si David ang sumulat sa awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Lumakad ako

kumikilos o kumikilos nang tama ay ipinapahiwatig na para itong lumalakad. Maaaring isalin na: “ako ay kumilos” o ako ay kumilos nang tama” (Tingnan: Metaphor)

Kay Yahweh

Nagsasalita ang manunulat dito tungkol kay Yahweh sa ikatlong panauhan. Maari itong isaad sa ikalawang panauhan. Maaaring isalin na: “sa inyo” (Tingnan: First, Second and Third Person)

Walang pag-aalinlangan

Ang pag-aalinlangan ay ipinapahiwatig na parang nawawala ang balanse at pasuray-suray. Maaaring isalin na:”walang pag-aalinlangan” (Tingnan: Metaphor)

Siyasatin mo ako

“Subukin mo ako”

subukin mo ang kadalisayan ng aking kaloob-looban at ang aking puso!

Dito ang “mga kaloob-looban” at “puso”ay kumakatawan sa mga kaisipan at mga motibo ng isang tao. Maaaring gamitin ng ibang wika ang ibat ibang bahagi ng katawan sa mga ito. Maaaring isalin na: “subukin kung ang aking mga kaisipan at mga motibo ay mabuti” (Tingnan: Metonymy)

Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harapan ng aking mga mata

Dito ang “mga mata” ay kumakatawan sa mga kaisipan ng isang tao. AT: “Sapagkat lagi kong iniisip ang tungkol sa katapatan ninyo sa akin dahil sa iyong tipan” (Tingnan: Metonymy)

Lumalakad ako sa iyong katotohanan

Kumikilos o kumikilos nang tama ay isinasaad na para itong naglalakad. Ang katapatan ng Diyos ang siyang dahilan kung bakit kumikilos ang manunulat nang tulad ng kanyang ginagawa. Maaaring isalin na: “Namumuhay ako ayon sa iyong katapatan” (UDB) o “ganito ang aking pamumuhay dahil sa iyong katapatan” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 26:4-5

Hindi ako nakikisama sa

“hindi ako nakikisalamuha kasama na” o hindi ako “umuupo kasama ng”

Sa mga mandaraya

“sa mga taong nandadaya sa iba”

Ni nakikisalamuha sa mga hindi tapat

Ang kahulugan nito ay kapareho ng unang bahagi ng pangungusap. Maaaring isalin na: “at hindi ako sumasali sa mga manloloko” (Tingnan: Parallelism)

hindi tapat

“mga mapagpaimbabaw” (UDB) o “iyong mga nagsisinungaling sa iba”

Sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan

“iyong mga nagtitipon para gumawa ng masama”

gumagawa ng kasamaan

Ito ay isang hindi pangkaraniwang pang-uri. Maaaring isalin na: “mga napakasamang tao” o”iyong mga napakasama” (Tingnan:Nominal Adjectives)

Psalms 26:6-8

Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan

Ito ay tila tumutukoy sa isang ritwal na paghuhugas ng mga kamay sa tubig bilang sagisag ng kalayaan mula sa kasalanan. (Tingnan: Symbolic Action)

Pumupunta ako sa paligid ng iyong altar

ito ay isang kilos ng pagsamba na kinasanayang ginagawa ng mga Israelita.

ang tahanan kung saan ka nananahan

Maaring mga kahulugan ay 1) kung isinulat ito ng isang tao pagkatapos ng panahon ni David, kung gayon ang tinutukoy ng manunulat ay ang templo ng Jerusalem o 2) kung si David ang sumulat nito, kung gayon ito ay tumutukoy sa tolda na sinabi ng Diyos sa kanyang bayan na itatayo para siya ay maaari nilang sambahin doon.

ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian

Dito ang “kaluwalhatian ay kumakatawan sa presensiya at kapangyarihan ng Diyos. Ang presensiya ng Diyos ay inilalarawan bilang napakaliwanag na ilaw. Maaaring isalin na: “ang lugar kung saan maaaring makita ng mga tao ang maluwalhating liwanag ng iyong presensiya.”(Tingnan: Metonymy)

Psalms 26:9-10

Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan

Ang pagsira ng Diyos sa isang tao ay sinasabi na parang winawalis niya silang palayo gaya ng alikabok. Maaaring isalin na: Huwag mo akong sirain kasama ng mga makasalanan” (Metaphor)

o ang aking buhay

Ang salitang “walisin” ay naintindihan. Maaaring isalin na: "o walisin ang aking buhay” (Tingnan: Ellipsis)

mga taong hayok sa dugo

Ang salitang “uhaw sa dugo” ay kumakatawan sa isang tao na gustong pumatay ng ibang tao. Maaaring isalin na: “mga taong sabik na magdanak ng dugo ng iba” o “mga mamamatay-tao” (Tingnan: Metonymy)

kung saan ang mga kamay ay may masamang balak

Ang pariralang “sa kung kaninong mga kamay”ay isang paraan ng pagtutukoy sa isang tao na handang gumawa ng isang bagay. Maaaring isalin na: “mga taong handang gumawa ng napakasamang mga bagay” (Tingnan: Idiom)

may masamang balak

may masamang plano”

Psalms 26:11-12

Pero para sa akin

ang pariralang ito ay nagpapakita na ang manunulat ay nagpapalit mula sa pagsasabi tungkol sa mga masasamang tao tungo sa pagsasabi tungkol sa kanyang sarili.

Lalakad ako nang may dangal

Dito ang pagkilos o pagkilos nang wasto ay nagpapahiwatig na para itong naglalakad. At saka, ang “integridad” ay isinasaad na parang isang daan kung saan maaaring lumakad ang mga tao. Maaaring isalin na: “Gagawin ko kung ano ang tama” (Tingnan: Metaphor)

Nakatayo ang aking paa

Dito ang “paa”ay kumakatawan sa kabuuan ng tao. Maaaring isalin na: “ako ay nakatayo” (Tingnan: synecdoche)

Pantay na tuntungan

Maaaring mga kahulugan ng “ang pantay na lupa” ay kumakatawan sa 1) isang ligtas na lugar o 2) tamang pag-uugali (Tingnan: Metaphor)

sa mga kapulungan ay pupurihin ko si Yahweh

“kapag nakipagtipon ako sa mga taong-bayan ng Israel ay pupurihin ko kayo”

Psalms 27

Psalms 27:1

Pangkalahatang Kaalaman:

-Poetry and ParallelismIsang awit ni David Maaring mga kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Si Yahweh ang aking liwanag

Dito ang “liwanag” ay kumakatawan sa buhay. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ang pinagmumulan ng aking buhay” (Tingnan: Metonymy)

Kanino ako matatakot?

Ang tanong na ito ay nagbibigay –diin na walang na dapat katakutan si David. Maaaring isalin na: “Hindi ako matatakot sa kahit sino” (Tingnan: Rhetorical Questions)

Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay

Ito ay tumutukoy tungkol kay Yahweh na parang siya ay isang lugar na kung saan makakapunta ang mga tao para sa kanilang kaligtasan. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ang siyang nagpapanatili sa akin na maging ligtas” (Tingnan: Metaphor)

Kanino ako mangangamba?

Ang tanong na ito ay nagbibigay –diin na walang dapat katakutan si David. Maaaring isalin na: Hindi ako mangangamba sa kahit sino” (Tingnan: Rhetorical Questions)

Psalms 27:2-3

para lamunin ang aking laman

Ang wasakin ang isang tao nang lubusan ay nagpapahiwatig na para itong paglamon sa laman ng tao. Hindi niya ibig sabihin na gusto nilang kainin ang kanyang katawan. Maaaring isalin na: “para wasakin ako”(Tingnan:Metaphor)

ang aking mga kalaban at ang aking mga kaaway

Ang mga salitang ito ay pareho ang kahulugan. Ang mga ito ang mga gumagawa ng masama na lumapit sa kanya. (Tingnan: Doublet)

nadapa at nabuwal

Ito ay kumakatawan sa pagkabigo ng mga kaaway ng manunulat na tuparin ang kanilang mga plano na saktan ang manunulat. Maaaring isalin na: “hindi nagtagumpay”o nabigo”(Tingnan: Metonymy)

Kahit ang isang hukbo ay nagsasama-sama laban sa akin

“kahit paligiran ako ng isang hukbo”o “kahit na ilagay ng isang hukbo ang kanilang mga tolda sa paligid ko”

ang aking puso ay hindi matatakot

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa buong katauhan. Maaaring isalin na: “hindi ako matatakot” (Tingnan: Synechdoche)

Kahit digmaan ay umusbong

Ang mga kaaway ng manunulat ay sinasabi na parang sila mismo ay isang digmaan. Maaaring isalin na: “kahit ang aking mga kaaway ay dumating para labanan ako.” (Tingnan: Metaphor

Psalms 27:4

aking hiniling kay Yahweh

“aking hiniling kay Yahweh na hayaan niya akong gawin”

Aking hahanapin

Ang isang tao na nagnanais makamtan ang isang bagay at patuloy na hinihingi ito sa Diyos ay isinasaad na parang sinisikap niyang hanapin ang isang bagay. (Tingnan: Metaphor)

Para makita ang kagandahan ni Yahweh

Ang kahanga-hangang katangian ng Diyos ay isinasaad na para itong pisikal na kagandahan. Maaaring isalin na: “para makita kung gaano kahanga-hanga si Yahweh.” (Tingnan: Metaphor)

Para magnilay-nilay sa kanyang templo

Maaring mga kahulugan ay 1) “itanong sa Diyos kung ano ang gusto niyang gawin ko. 2)maingat na isipin ang tungkol sa Diyos sa kanyang templo.”

Psalms 27:5-6

Sa araw ng kaguluhan

Dito ang “araw” ay kumakatawan sa mas mahabang panahon. Maaaring isalin na: sa panahon ng kaguluhan” o “kung mayroon akong mga kaguluhan´(Tingnan: Metonymy)

Itataas niya ako

“ipagtatanggol niya ako”

ang kanyang kubol…ang kanyang tolda

Parehong tumutukoy ang mga ito sa tabernakulo kung saan ang manunulat ay sumasamba sa Diyos. (Tingnan: Pararelismo)

sa kanyang tolda

Ang salitang ”loob ng tolda” ay kumakatawan sa isang bagay na nagtatago at nagtatanggol.

Itataas niya ako sa ibabaw ng malaking bato

Ang pag-iingat ng Diyos sa manunulat mula sa kanyang mga kaaway ay isinasaad na parang inilalagay siya ng Diyos sa isang mataas na bato kung saan hindi siya kayang maabot ng kanyang mga kaaway (Tingnan:Metaphor)

Itataas ang aking ulo mas angat kaysa sa aking mga kaaway

Ito ay kumakatawan sa manunulat na tumatanggap ng kapurihan o karangalan kapag tinatalo niya ang kanyang mga kaaway. Maari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Pararangalan ako ng mga tao kapag magtagumpay ako sa labanan laban sa aking mga kaaway” o Pararangalan ako ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapahintulot niya sa akin para talunin ang aking mga kaaway”(Tingnan: Metonymy and Active or Passive)

Psalms 27:7-8

Pakinggan mo Yahweh, ang aking tinig

Dito ang “tinig” ay kumakatawan sa kung ano ang sinasabi ng manunulat. Maaaring isalin na: ”Pakinggan mo ako, Yahweh” (Tingnan:Metonymy)

Sagutin mo ako

Ito ay nagpapahiwatig na naririnig ni Yahweh ang panalangin ng manunulat at gagawin ni Yahweh kung ano ang hinihiling ng manunulat. Maaaring isalin na: “sagutin mo ang aking panalangin” (UDB) o “gawin mo ang ipinapaki-usap ko sa iyo” ”(Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Sinasabi ng aking puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa isip at mga saloobin ng isang tao. Maaaring isalin na: “Sinasabi ko sa aking puso” o “Sinasabi ko sa aking sarili.” (Tingnan: Metonymy)

Hanapin ang kaniyang mukha

Ang isang taong nagpupunta sa templo para manalangin kay Yahweh ay sinasaad na parang ang isang tao ay naghahangad na hanapin si Yahweh. Dito ang “mukha” ay kumakatawan sa Diyos sa kanyang kabuuan. Maaaring isalin na: “Pumunta at manalangin kay Yahweh.” (Tingnan: Metaphor and Synecdoche)

Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh

Ang isang taong nagpupunta sa templo para manalangin kay Yahweh ay isinasaad na parang ang isang tao ay naghahangad na hanapin si Yahweh. Dito ang “mukha”ay kumakatawan sa kabuuan ng Diyos. Maaaring isalin na: Pupunta ako sa iyong templo para manalangin sa iyo.”(UDB) (Tingnan: Metaphor and Synecdoche)

Psalms 27:9-10

Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin

Ang “mukha” dito ay kumakatawan sa atensiyon ni Yahweh. Ang pariralang “huwag mong itago ang iyong mukha” ay isang paraan para hilingin sa Diyos na huwag siyang tanggihan. Maaaring isalin na: “Huwag mo akong tanggihan” o Huwag kang tumigil sa pangangalaga sa akin” (Tingnan: Metonymy and Idiom)

huwag mong saktan ang iyong lingkod sa galit!

Sinabi ni David “ang iyong lingkod” para tukuyin ang kanyang sarili sa isang mapagpakumbabang paraan. Maaaring isalin na: Huwag kang magalit sa akin at ako ay saktan! (Tingnan: First, Second or Third Person)

huwag mong saktan

Maaring mga kahulugan ay 1) ang pagpaparusa ni Yahweh sa manunulat ay nagpapahiwatig na parang literal na tinatamaan ni Yahweh ang manunulat sa pamamagitan ng kanyang kamao o 2) Itinataboy ni Yahweh ang manunulat palayo sa kanya. Ito ay ibang paraan ng pagsasabing “huwag tanggihan.”

huwag mo akong "pabayaan" at "iwanan"

Ang mga salitang “pabayaan” at “ iwanan” ay pareho ang ibig sabihin. Binibigyang diin ng manunulat na hindi niya gustong iwanan siya ng Diyos. (Tingnan: Doublet)

Huwag mo akong pabayaan o ako ay iwanan

Ang mga salitang “huwag” ay nauunawaan. Maaaring isalin na: “at huwag mo akong pabayaan” o “huwag mo akong iwanan” (Tingnan: Ellipsis)

Diyos ng aking kaligtasan

Ang basal na pangngalan na “kaligtasan” ay maaring isaad bilang “nagliligtas”. Maaaring isalin na: Diyos na siyang nagliligtas sa akin” o sapagkat ikaw ang Diyos na nagliligtas sa akin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Kahit na pabayaan ako ng aking ama o ng aking ina

“Kahit na ang aking ama at ang aking ina ay magpabaya sa akin.”Hindi niya sinasabi na talagang ginawa nila ito o na gagawin nila ito. Ang kanyang punto ay kahit ginawa nila iyon, hindi siya pababayaan ng Diyos. (Tingnan: Hypothetical Situations)

si Yahweh ang mag-aaruga sa akin

“Itatago ako ni Yahweh”o “Iingatan ako ni Yahweh”

Psalms 27:11-12

Ituro mo sa akin ang iyong daan

Kung paanong kumilos ang isang tao ay nagsasaad na para itong isang daan o landas na dapat lakaran ng taong iyon. Maaaring isalin na: “Turuan mo ako kung paano mo akong gustong mamuhay”o Turuan mo akong gumawa ng kung ano ang gusto mong gawin ko.”(Tingnan”Metaphor)

Pangunahan mo ako sa isang patag na landas

Ang pagpapanatiling ligtas ni Yahweh sa manunulat mula sa kanyang kaaway ay nagsasaad na parang pinangungunahan ni Yahweh ang manunulat sa isang patag na landas kung saan hindi siya matitisod at babagsak. Maaaring isalin na: "Ingatan mo ako”(Tingnan: Metaphor)

Huwag mo akong ibigay sa mga hangarin ng aking mga kaaway

Ang basal na pangngalan na “hangarin”ay maaring isaad bilang isang pandiwa. Maaaring isalin na: Huwag mong hayaan na gawin ng aking mga kaaway kung ano ang kanilang hinahangad”(Tingnan: Abstract Nouns) nagsitindig sila laban sa akin-Sa kulturang iyon, ang mga saksi ay tumayo sa hukuman para ilahad ang kanilang patotoo. Maaaring isalin na: “tumayo para magsalita laban sa akin"

Sila ay bumuga ng karahasan

Dito ang karahasan ay nagsasaad na para itong isang bagay na ibinubuga ng isang tao. Maaaring isalin na: “sinasabi nila na gagawa sila ng mararahas na mga bagay sa akin” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 27:13-14

Ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi ako naniwala na …buhay?

Ilang uri ng impormasyon gaya nito ay ipinapahiwatig sa tekstong Hebreo pero ang mga salin ay nagkakaiba-iba sa kung ano ang kanilang ibinibigay. Maaaring isalin na: Isang masamang bagay ay nangyari sana sa akin kung hindi ako naniwala na ako ay…buhay” o “ako ay nagtitiwala na ako ay…buhay” (Tingnan: Rhetorical Question ang Assumed Knowledge and Implicit Information)

ang mga kabutihan ni Yahweh

Ang mga basal na pangngalang “kabutihan” ay maaring isaad bilang isang pang-uri. Maaaring isalin na: “ang mga magagandang bagay na ginagawa ni Yahweh” (Tingnan : Abstract Nouns)

Ang lupain ng mga buhay

Ito ay tumutukoy sa pagiging buhay. Maaaring isalin na: “habang ako ay nabubuhay” ”(Tingnan: Idiom)

Maghintay kayo kay Yahweh…Maghintay kayo kay Yahweh!

Ang talatang ito ay maaring 1) ang manunulat ay nakikipag-usap sa kanyang sarili o 2) ang manunulat ay nakikipag-usap sa iba 3) isang taong nakikipag-usap sa manunulat.

Hayaan na maging matapang ang inyong puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa kabuuang ng tao. Maaaring isalin na: “maging matapang” (Tingnan: Synecdoche)

Maghintay kayo kay Yahweh!

Ang talatang ito ay inulit sa huling bahagi ng awit bilang daan ng pagtatapos ng awit.

Psalms 28

Psalms 28:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang Awit ni David

  • Mga Posibleng kahulugan ay 1) sinulat ni David ang awit 2) ang awit ay tungkol kay David 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Ako ay umiiyak

“Malakas akong nanawagan”

aking Muog

Sinasabi dito ang tungkol kay Yahweh na parang siya ay muog. Ang isang tao ay maaaring umakyat sa ibabaw ng isang malaking bato para maipagtanggol mula sa kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Katulad kayo ng isang bato nanag-iingat sa akin mula sa aking mga kaaway” o “aking tagapagtanggol” (Tingnan: Metaphor)

huwag mo akong pabayaan

“huwag manahimik sa akin” o “huwag akong iwanang mag-isa”

mabibilang ako sa mga bumababa sa libingan

Ang mga taong namatay ay sinasabi na parang bumababa sila sa libingan. Maaaring isalin na: “ Mamamatay ako tulad nung mga nasa libingan” (Tingnan: Metaphor)

Dinggin ang tinig ng aking pagsusumamo

Dito ang “tinig” ay tumutukoy sa nilalaman ng kaniyang kahilingan. Maaaring isalin na: “Dinggin ang matindi kong kahilingan” (Tingnan: Metonymy)

Itinataas ko ang aking mga kamay tungo sa iyong pinakabanal na lugar

Pagtataas ng mga kamay ay simbolo ng pagsamba. Hindi sinasamba ng manunulat ang banal na lugar. Sinasamba niya si Yahweh na nananahan sa banal na lugar. (Tingnan: : Symbolic Action)

iyong pinakabanal na lugar

Mga posibleng kahulugan ay 1) kung isinulat ito ni David, sa gayon ito ay tumutukoy sa tolda na sinabi ng Diyos sa kaniyang bayan para itayo upang sila ay makasamba sa kaniya duon, o 2) kung ang taong sumulat nito pagkatapos ng panahon ni David, sa gayon tinutukoy ng manunulat ang templo sa Jerusalem

Psalms 28:3-5

Huwag mo akong kaladkarin palayo

Mga taong pinarurusahan ng Diyos ay sinasabing parang pisikal na kinakaladkad niya sila palayo. Sa metaporang ito maaaring sila ay kinakaladkad ni Yahweh sa bilanggguan, pinatapon, o kamatayan. Maaaring isalin na: “Huwag mo ako alisin” (Tingnan: Metaphor)

na nagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapwa

Dito ang “mga kapwa” ay tumutukoy para sa mga tao sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “sinumang nagsasalita ng matiwasay sa ibang mga tao”

pero may kasamaan sa kanilang mga puso

Dito ang “mga puso” ay kumakatawan sa isipan o mga saloobin ng isang tao. Maaaring isalin na: “pero nag-iisip ng isang bagay na masama tungkol sa kanila” (Tingnan: Metonymy)

Ibigay sa kanila kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa… ibalik sa kanila kung ano ang hinihingi ng kanilang kasamaan

Pareho ang kahulugan ng dalawang pariralang ito. Magkakasama silang ginamit para bigyang-diin na sila ay nararapat para parusahan ng Diyos. (Tingnan: Parallelism)

ang gawa ng kanilang mga kamay

Dito ang “mga kamay” ay kumakatawan kung ano ang nagawa ng tao. Maaaring isalin na: “ang mga bagay na kanilang nagawa” (Tingnan: Metonymy)

igawad sa kanila ang nararapat

“ibigay sa kanila kung ano ang nararapat”

Dahil hindi nila nauunawaan … hindi kailanman sila itatayong muli

Ito ay hindi maliwanag kung ang talata 5 ay higit na naunawaan bilang pahayag (katulad ng sa ULB) o bilang isang kahilingan (katulad ng sa UDB).

hindi nila nauunawaan ang mga paraan ni Yahweh

Dito ang kahulugan ng “hindi nauunawaan” ay kanilang hindi pinapansin o hindi pinaparangalan. Saka ang “mga paraan” ay kumakatawan kung ano ang nagawa ng Diyos. Maaaring isalin na: “hindi nila itinuturing na may karangalan kung ano ang nagawa ni Yahweh”

ang gawa ng kaniyang mga kamay

Dito ang “mga kamay” ay kumakatawan kung ano ang nagawa o nilikha ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ano ang kaniyang nalikha” (Tingnan: Metonymy)

sila ay kaniyang pupuksain at hindi kailanman itatayong muli

Ang kaparusahan ng mga masasamang tao ay sinasabi na parang sila ay gusali o lungsod na maaaring wasakin. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 28:6-8

dininig niya ang tinig ng aking pagsusumamo

Dito ang “tinig” ay kumakatawan sa kung ano ang sinabi ng manunulat. Maaaring isalin na: “narinig kung ano ang sinabi ko nang ako ay nagsumamo sa kaniya” (Tingnan: Metonymy)

Si Yahweh ang aking kalakasan

Ang walang anyong pangngalang “kalakasan” ay maaaring isaad bilang “malakas.” Maaaring isalin na: “ginagawa akong malakas ni Yahweh” (Tingnan: Abstract Nouns)

aking kalasag

Kumakatawan ito sa pagtatanggol ni Yahweh sa manunulat. Maaaring isalin na: “ipinagtatanggol niya ako” (Tingnan: Metaphor)

ang puso ko ay nagtitiwala

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Nagtitiwala ako” (Tingnan: Synecdoche)

Tinulungan ako

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “tinutulungan niya ako” (Tingnan: Active or Passive

labis na nagagalak ang aking puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Labis akong nagagalak” (Tingnan: Pagpapalit-palit saklaw)

Si Yahweh ang kalakasan ng kaniyang bayan

Ang walang anyong pangngalang “lakas” ay maaaring isaad bilang “malakas.” Maaaring isalin na: “Pinalalakas ni Yahweh ang kaniyang bayan” (Tingnan: AbstractNouns)

kanlungang nagliligtas ng kaniyang hinirang

Pinananatiling ligtas ni Yahweh ang hari ay sinasabi na parang si Yahweh ang lugar na maaaring puntahan ng hari para sa kaligtasan. Maaaring isalin na: “pinapanatili niyang ligtas ang kaniyang hinirang na magiging hari” (Tingnan: : Metaphor)

kaniyang hinirang

Ang kinatawang hari. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 28:9

iyong pamana

Sinasabi dito ang tungkol sa bayan ng Diyos na parang sila ay isang bagay na namana ng Diyos. Maaaring isalin na: “pag-aari mo” o “mga nasa iyo” (UDB)(Tingnan: Metaphor)

Maging pastol nila at aalagaan sila magpakailanman

Sinasabi ng manunulat ang tungkol kay Yahweh na parang siya ay pastol at ang bayan ay kaniyang tupa. Bubuhatin ng pastol ang tupa kung kailangan ng tulong o tagapagtanggol. Maaaring isalin na: “Maging tulad ng kanilang pastol at ipagtanggol sila magpakailanman” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 29

Psalms 29:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Tula at Paralelismo

Isang awit ni David

Mga posibleng kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David 3)ang awit ay nasa estilo ng awit ni David

mga anak ng makapangyarihan

Ang pariralang “mga anak ng” ay isang paraan ng pagsasabing “pagkakaroon ng mga katangian ng.” Maaaring isalin na: “makapangyarihang mga tao” (Tingnan: Idiom)

May kaluwalhatian at kapangyarihan si Yahweh

Ang walang anyong pangngalang “kaluwalhatian” at “kapangyarihan” ay maaaring isaad bilang mga pang-uri. Maaaring isalin na: Si Yahweh ay “maluwalhati at makapangyarihan” (Tingnan: : Abstract Nouns)

Ibigay kay Yahweh ang karangalan na nararapat sa kaniyang pangalan

Ang walang anyong pangngalang “karangalan” ay maaaring isaad bilang pandiwa o pang-uri. AT: “Parangalan si Yahweh katulad ng nararapat sa kaniyang pangalan” o Ipahayag na si Yahweh ay maluwalhati katulad ng nararapat sa kaniyang pangalan “(Tingnan: Abstract Nouns)

na nararapat sa kaniyang pangalan

Ang pariralang “kaniyang pangalan” ay tumutukoy kay Yahweh o kaniyang reputasyon. Maaaring isalin na: “ayon sa nararapat sa kaniya” (Tingnan: : Metonymy}

na naaangkop

"na tama”

Psalms 29:3-5

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang mga awit ay nagpapakita ng kapangyarihan at kaluwalhatian ni Yahweh

Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan

malakas at mas malinaw ang tinig ng Diyos kaysa sa lahat ng ibang mga tinig at mga ingay. Maaaring naririnig ito sa lahat ng ibang malakas na mga tinig na kasing tunog ng tubig. Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Kapag nagsasalita si Yahweh ang kaniyang tinig ay mas malakas kaysa sa tunog ng dagat” o “Sumisigaw ng mas malakas si Yahweh kaysa sa tunog ng mga tubig” (Tingnan: : Activeor Passive)

ibabaw ng mga katubigan

Tumutukoy ito sa mga dagat o sa mga karagatan. Nakakagawa ng napakalakas na ingay ang mga tubig na ito habang tumataas at bumabagsak ang mga alon

Ang tinig ni Yahweh

Lahat ng mga pangyayari ng “tinig” ay kumakatawan dito ang pagsasalita ni Yahweh. Binibigyang –diin ng manunulat na kapag nagsasalita si Yahweh, napakalakas ng tunog nito na naririnig sa ibabaw ng dagat, lubha itong makapangyarihan na maaaring makawasak ng pinakamalaking mga puno. Maaaring isalin na: “Kapag nagsalita si Yahweh, ang kaniyang tinig” (Tingnan: Metonymy)

dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian

Nagsasabi ito tungkol sa Diyos na nagsasalita na parang tunog ito ng kulog. Katulad lamang ng tunog ng kulog, naririnig ang tinig ni Yahweh sa kalayuan. Maaaring isalin na: “Ang maluwalhating tinig ng Diyos ay malakas tulad ng kulog “o” Kapag nagsasalita ang maluwalhating Diyos dumadagundong ito tulad ng kulog” (Tingnan: : Metaphor)

ibabaw ng mga katubigan

“sa ibabaw ng malaking katawan ng tubig”

Psalms 29:6-8

Nag-uugnay na Pahayag:

Patuloy na naglalarawan ang manunulat ng kapangyarihan ng tinig ng Diyos

Pinalulukso niya ang Lebanon tulad ng isang guya

Sinasabing parang batang guya ang Lebanon. Bininigyang-diin nito na kapag nagsasalita si Yahweh, nayayanig ang lupa sa kapangyarihan ng kaniyang tinig. Maaaring isalin na: “Niyayanig niya ang lupain ng Lebanon tulad ng guyang lumulukso” (Tingnan: Simili)

pinalulukso

lumulundag ng pabalik-balik

at ang Sirion tulad ng isang batang baka

Sinasabing ang Sirion ay parang batang baka. Binibigyang-diin nito na kapag si Yahweh ay nagsasalita, nayayanig ang lupa sa kapangyarihan ng kaniyang tinig. Maaari itong makatulong na idagdag sa mga kulang na salita. Maaaring isalin na: “Pinalulundag niya ang Sirion tulad ng batang baka” (Tingnan: Simile and Ellipsis)

Sirion

Bundok ito sa Lebanon. Tinatawag din itong Bundok ng Hermon. (Tingnan: How to Translate Names)

Bumubuga ng lumalagablab na apoy ang tinig ni Yahweh

Lahat ng pangyayari sa “tinig” kumakatawan dito na nagsasalita si Yahweh. AT: “Kapag nagsasalita si Yahweh nagdudulot siya ng pagkidlat para kumislap sa himpapawid” (Tingnan: Metonymy)

lumalagablab na apoy

Tumutukoy ito sa pagkidlat

Psalms 29:9-10

ibabaw ng baha

Ang “baha” dito ay tumutukoy sa mga tubig na tumatakip sa lupa.” Kumakatawan sa pagsasalita ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Kapag nagsasalita si Yahweh, nagdudulot ng tunog” (Tingnan: Metonymy)

kinakalbo nito ang mga gubat

Ang pag-aalis ng mga dahon ng puno ay sinasabing parang inaalis ang kanilang kasuotan. Maaaring isalin na: “nalagas na mga dahon mula sa mga puno” (Tingnan: Metaphor)

umuupo bilang hari si Yahweh

Naghahari si Yahweh ang kahulugan nito. Maaaring isalin na: “naghahari si Yahweh” o “hari si Yahweh” (Tingnan: Metonymy)

ibabaw ng baha

Dito ang “baha” ay tumutukoy sa tubig na tumatakip sa lupa.

Psalms 29:11

Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan

walang anyong pangngalan ang salitang “kapayapaan.” Maaaring isalin na: “Pinagpapala ni Yahweh ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanila para guminhawa at mabuhay ng matiwasay” (Tingnan: : Metonymy)

Psalms 30

Psalms 30:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit ni David

mga Posibleng kahulugan ay 1) sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Itinataas kita

Sinasabi ng manunulat ang pagsasagip ng Diyos sa kaniya at iniingatan siya mula sa paghihingalo na parang inilabas siya mula sa malalim na balon. Maaaring isalin na: “sinagip mo ako” (UDB)(Tingnan: Metaphor)

hinango mo ang aking kaluluwa mula sa sheol

Yamang ang “sheol” ay lugar kung saan tumutungo ang mga patay na tao, tumutukoy ito sa kamatayan. Maaaring isalin na: “pinanatili ako mula sa paghihingalo” (Tingnan: Metonymy)

hinango mo ang aking kaluluwa

Dito ang “aking kaluluwa” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “inahon ako” (Tingnan: Synecdoche)

mula sa libingan

kumakatawan sa kamatayan ang “libingan.” Maaaring isalin na: “mula sa paghihingalo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 30:4-5

Magbigay ng pasasalamat kapag naalaala ninyo ang kaniyang kabanalan

Ang walang anyong pangalang “kabanalan” ay maaaring isaad bilang “banal.” Maaaring isalin na: “Alalahanin na ang Diyos ay banal at pasalamatan siya” o “Alalahanin kung ano ang nagawa ng Diyos dahil siya’y banal at pasalamatan siya” (Tingnan: AbstractNouns)

ang kaniyang galit ay isang saglit lamang

“panandalian lamang ang kaniyang galit.” Ang walang anyong pangngalang “galit” ay maaaring isaad bilang “galit.” Maaaring isalin na: “nagagalit siya ng panandalian lamang” (Tingnan: AbstractNouns)

saglit

Dito ang “saglit” ay kumakatawan sa konting halaga ng oras. Maaaring isalin na: “maigsing oras” (Tignan: Metonymy)

pero ang kaniyang pabor ay panghabangbuhay

Ang walang anyong pangngalang “pabor” maaaring isaad bilang ang pang-uring “mabuti.” Maaaring isalin na: “pero siya ay mabuti sa lahat ng ating buhay”(UDB)(Tingnan: AbstractNouns)

ang pag-iyak ay dumarating sa gabi, pero ang kagalakan ay dumarating sa umaga

Sinasabi dito ang tungkol sa “pag-iyak” at “kagalakan” na parang sila ay isang bagay na naglalakbay at dumarating sa tiyak na oras. Maaaring isalin na: “Maaaring umiiyak tayo sa magdamag, pero nagagalak tayo pagsapit ng umaga” (UDB)(Tingnan: : Metaphor)

Psalms 30:6-8

Buong pagtitiwala kong sinabi

Ang salitang “pagtitiwala” ay walang anyong pangngalan. Inaalala ng manunulat ang panahon na sumasagana siya at nakadama ng pagtitiwala at kaligtasan. Maaaring isalin na: “Kapag ako ay nagtitiwala” o “Kapag nadama kong ligtas” (Tingnan: AbstractNouns)

Hindi ako kailanman mayayanig

Tulad ng pakiramdam na walang sinuman ang makakatalo sa kaniya kailanman ay sinasabi na parang walang sinuman ang magdudulot sa kaniya na mayanig o matisod at bumagsak. Maaaring ito ay isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Walang sinuman ang makakatalo sa akin” (Tingnan: Metaphor and Active or Passive )

sa pamamagitan ng iyong pabor

Ang walang anyong pangngalang “pabor” maaaring isaad bilang pandiwang “napaboran” o ang pang-uring “mabuti.” Maaaring isalin na: “kapag napaboran mo ako” o “kapag mabuti ka sa akin” (Tingnan: AbstractNouns)

itinatag mo ako tulad ng isang matatag na bundok

Ang katiwasayan ng manunulat ay sinasabi na parang matatag siyang bundok. Maaaring isalin na: “ginawa mo akong ligtas na kasing taas ng bundok” (Tingnan: Metaphor)

kapag itinago mo ang iyong mukha

Isa itong idiyoma. Maaaring isalin na: “kapag tumigil ka sa pagtulong sa akin” o “kapag tinanggihan mo ako ” (Tingnan: Idiom)

Ako ay naligalig

“Natatakot ako” o Nag-aalala ako”

naghanap ng pabor mula sa aking Panginoon

Ang kahulugan ng pariralang “naghanap ng pabor” ay desperadong humihingi para tumanggap ng pabor. Ang walang anyong pangngalang “pabor” maaaring isaad bilang “tulong” o “maawain.” Maaaring isalin na: “Ako’y nagsumamo sa iyo para matulungan ako” (UDB) o “Nagmakaawa ako sa iyo, aking Panginoon, maging maawain ka sa akin”

mula sa aking Panginoon

Tinutukoy ng manunulat si Yahweh sa ikatlong panauhan. Maaari itong isaad sa ikalawang panauhan. Maaaring isalin na: “mula sa iyo, aking Panginoon” (Tingnan: First, SecondorThird Person)

Psalms 30:9-10

Anong pakinabang … maging katuwang ko

Maaari itong isaad bilang tuwirang banggit gaya sa UDB. (Tingnan: Direct and Indirect Quotations)

Anong pakinabang mayroon sa aking kamatayan, kung ako ay bababa sa libingan?

Ginagamit ng manunulat ang katanungang ito para bigyang-diin na wala na siyang magiging halaga sa Diyos kung siya ay patay na. Maaaring isalin na: “Walang pakinabang sa aking paghihingalo at pagpanaog sa libingan” (Tingnan: Rhetorical Question)

Mapapapurihan ka ba ng alabok? Maipapahayag ba nito na ikaw ay mapagkakatiwalaan?

Ginagamit ng manunulat ang mga katanungang ito para bigyang-diin na ang namatay at nabulok niyang katawan ay hindi makapagpupuri sa Diyos. Maaaring isalin na: “Tiyak na hindi kayo mapapapurihan ng aking alabok o masabi sa iba ang tungkol sa kung gaano kayo mapagkakatiwalaan” (Tingnan: “:

ang alabok

Tumutukoy ito sa katawan ng manunulat na mabubulok at magiging alabok kung patay na siya. Maaaring isalin na: “nabulok kong katawan” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 30:11-12

Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw

Magsasayaw ang mga tao kapag napakasaya nila. Ang walang anyong mga pangngalang “pagluluksa” at “pagsasayaw”ay maaaring isaad bilang mga pandiwa. Maaaring isalin na: Idinulot mo na ako’y tumigil sa pagluluksa at sa halip magsayaw ng may kagalakan” (Tingnan: AbstractNouns)

hinubad mo ang aking sako

Ang sako ay iniugnay sa pagluluksa at pighati. Maaaring isalin na: “Idinulot mong hindi na ako malungkot kailanman” (Tingnan: Metonymy)

dinamitan ako ng kagalakan

Sinasabi ng manunulat na ang kasiyahan ay parang damit na maaaring niyang isuot. Maaaring isalin na: “nagdulot sa akin na magalak” (Tingnan: Metaphor)

ang naparangalan kong puso ay aawit ng papuri sa iyo

Dito ang “aking kaluwalhatian” ay tumutukoy sa kaluluwa o puso o kaloob-looban ng manunulat. Kumakatawan ito sa buong katauhan ng manunulat, na sumasamba dahil nagawa siyang pasayahin ng Diyos. Maaaring isalin na: “Aawit ako ng papuri sa iyo” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 31

Psalms 31:1-2

Pangkalahatang kaalaman:

Tingnan: Tula at paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa tagahudyat ng musika para sa papuri.”

Isang awit ni David

Ang mga possibleng kahulugan ay mga 1) Isinulat ni David o 2) Ang Awit ay patungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng awit ni David.

Sa iyo, Yahweh, kumukubli ako

Ang pagpunta kay Yahweh para sa proteksyon ay hinahalintulad sa kanlungan sa kaniya. Maaaring isalin na: “Pupunta ako sa iyo, Yahweh, para sa proteksyon” (Tingnan)

huwag mo akong hayaan na mapahiya

Ito ay maaaring ipahayag sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “huwag mo hayaang ang iba na ipahiya ako.” (Tingnan)

ikaw ang aking maging bato sa aking kanlungan

Nagsalita si Yahweh na kahalintulad ng isang malaking bato na magiingat sa tagapagsulat mula sa paglusob. Maaaring isalin na: “Katulad ng isang malaking bato sa gayon kaya maging ligtas” (UDB) (Tingnan)

isang matibay na tanggulan para iligtas ako

Nagsalita si Yahweh katulad ng isang malakas na tanggulan kung gayon ang manunulat ay maliligtas mula sa kaaway. (Tingnan)

Psalms 31:3-4

aking bato

Nagsalita si Yahweh na kahalintulad ng isang malaking bato na magiingat sa tagapagsulat mula sa paglusob. Maaaring isalin na: “Katulad ng isang malaking bato sa gayon kaya maging ligtas” (Tingnan)

aking tanggulan

Nagsalita si Yahweh katulad ng isang malakas na tanggulan kung gayon ang manunulat ay maliligtas mula sa kaaway. (Tingnan)

alang-alang ng ngalan mo

Sa kataga ng ito “ngalan”ay kumakatawan kay Yahweh. Maaaring isalin na: “sa gayon ang iyong ngalan ay maaring maging karangalan” o “sa gayon mangyari ay magpuri sa iyo” (Tingnan)

gabayan at patnubayan mo ako

ang ibig sabihin ng salitang “Panunuan” at “gabayan”ay parehas lamang at pinapalakas ang hiling na panunuan siya ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Panunuan mo ako kung saan mo ko gusto magtungo” (Tingnan)

Kunin mo ako palabas sa lambat na kanilang ikinubli sa akin

Ang manunulat ay nagsalita na parang siyang ibon na nahula sa nakatago na lambat, at naghihintay kay Yahweh para pakawalan siya mula sa patibong. (Tingnan)

dahil ikaw ang aking kanlungan

Si Yahweh ay nagsasalita na para siyang isang lugar na kung saan makakapagtago ang manunulat mula sa mga tao na lumulusob sa kaniya. Maaaring isalin na: “palagi mo akong pinoprotektahan” o “palagi mo akong binibigyang ng proteksyon” (Tingnan)

Psalms 31:5-7

Sa iyong mga kamay

Ang Diyos ay espiritu, ngunit dito nagsasalita siya na parang isa siyang mga kamay. Dito “iyong mga kamay” ay tumutukoy sa pagiingat ni Yahweh. Maaaring isalin na: “sa iyong pagiingat” (Tingnan)

ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu

Dito “aking espiritu” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “Inilagay ang aking sarili (UDB) (Tingnan)

Diyos ng katapatan

“Ikaw ang Diyos na kaya kong pagkatiwalaan”

Kinamumuhian ko ang mga naglilingkod sa mga walang kwentang mga idolo

“Ang mga Idolo ay walang kwenta. Ayaw ko sa mga naninilbihan sa kanila.” (Tingnan)

dahil nakita mo ang aking kapighatian … alam mo ang aking pagkabalisa ng aking kaluluwa

Ang parehong parirala ay inihayag ang kaisipan na alam ng Diyos ang kaguluhan ng manunulat. (Tingnan)

alam mo ang aking pagkabalisa ng aking kaluluwa

Dito “Aking kaluluwa” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “aking paghihirap” (Tingnan)

Psalms 31:8-9

Inilagay mo ang aking mga paa

Dito “aking mga paa” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “Itinalaga mo ako” (Tingnan)

malawak na lugar

Ang iniisip ng mga Hebreo ng malawak na lugar ay bilang metapora para sa ligtas at malayang. Maaaring isalin na: “Ang lugar kung saan ako ay malaya” (Tingnan)

dahil ako ay nasa kahirapan

“dahil ako ay nadudusa ng matindi”

aking kaluluwa at ang aking katawan

Ang katagang “kaluluwa” and “Katawan” ay ginagamit para ilarawan ang buong pagkatao. (Tingnan)

Psalms 31:10-11

Dahil ang aking buhay ay pagod sa kalungkutan

dito “Aking buhay” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “sobrang naging mahina ako dahil ako nagluluksa” (Tingnan)

ang mga taon ko na puro daing

Ang pariralang “nakakapanghina” ay nawawala, ngunit ipinapahiwatig. Maaaring isalin na: “ang aking taon ay nakakapanghina na may pagdaing” (Tingnan)

Ang aking lakas ay nabibigo

Dito ang “aking lakas” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “ako ang naging mahina” (Tingnan)

ang aking mga buto ay unti-unting nanghihina

Dito “aking mga buto” ay tumutukoy sa pisikal na kalusugan ng manunulat. Maaaring isalin na: “aking lakas ay bumabagsak” (Tingnan)

hinahamak ako ng mga tao

“ang mga tao ay nilalait ako”

nangingilabot dahil sa aking kalagayan

"nagugulat dahil sa aking kalagayan”

Psalms 31:12-13

parang patay na walang sinuman ang nakakaalala

Sinasabi ng manunulat ang mga tao ay lubos na nakalimutan siya na para siyang ay patay. (Tingnan)

Parang isang basag na palayok

Ang manunulat ay nagsasalita sa kaniyang sarili na parang lubos siyang walang kwenta. “katulad na walang kwentang basag na paso” (Tingnan)

ang mga bulong-bulungan ng nakararami

ito ay nagpapahiwatig na ang “karamihan” at tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: “maraming mga tao ay pinaguusapan ang patungkol sa akin.

mga nakakasindak na balita mula sa lahat ng dako

“nakakatakot ng mga tala mula sa maraming pinagmumulan”

kunin ang aking buhay

Itong idyoma ay nangangahulugan na pumatay ng sinoman. Maaaring isalin na: “patayin ako” (Tingnan)

Psalms 31:14-16

mula sa mga humahabol sa akin

“mula sa mga tao na siyang subukan para dakipin ako”

Ang aking kapalaran ay nasa iyong kamay

dito “iyong kamay” ay tumutukoy sa kapangyarihan ni Yahweh Maaaring isalin na: “Mayroong kang kapangyarihan magpasya sa kinabukasan ko” (Tingnan)

Paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong lingkod

Itong paghahayag ay tumutukoy sa pagiging mabait sa sinoman. Maaaring isalin na: “Itrato mo ako ng mabuti” (Tingnan)

Psalms 31:17-18

Huwag mong hayaan na mapahiya ako

Ito ay maaring ihayag isaad bilang aktibong uri. Maaaring isalin na: “Huwag hayaan ang ibang na maramdaman ang kahihiyan” (Tingnan)

Nawaang masama ay mapahiya

“Hiling ko na ang Diyos ay maghangad ng maging kahiyahiya ang masamang mga tao!”

ang masama

Ito ay tumutukoy sa “masama tao. (Tingnan)

Nawa sila ay mapatahimik sa Sheol. Nawa mapatahimik ang mga sinungaling na labi

Itong kaisipan ay inuulit para mabigyang-diin sa nais ng manunulat na hindi narinig ang boses ng masama. (Tingnan)

Nawa sila ay mapatahimik

Dito “sa sheol” nagpapakita ng kamatayan. Maaaring isalin na: “hayaan silang mamatay para hindi sila makapagsalita” (Tingnan)

sinungaling na labi

Ang mga ito ay nagpapakita na ang mga tao ay nagsisinguling. Maaaring isalin na: “mga tao na siyang nagsisinungaling” (tingnan)

na nagsasalita ng suwail laban sa matuwid

Dito “ang matuwid” ay tumutukoy sa mga taong matuwid. Maaaring isalin na: “na nagsasabi ng kakilakilabotna bagay patungkol sa mga matuwid na tao” (Tingnan)

na may pagmamataas at paghamak

Itong kataga ay may kaparehas na kahulugan. Maaaring isalin na: “na may lubos na kawalan ng galang”

Psalms 31:19-20

ang iyong kabutihan

Ito ay maaaring ihayag na may pandiwa. Maaaring isalin na: “ay mga magandang bagay na iyong ginawa” (Tingnan)

hinanda mo

Ang kabutihan ni Yahweh ay nangungusap na parang may anumang bagay na maaaring ipunin katulad ng isang pag-ani. Maaaring isalin na: “Ikaw ay inahahanda para gamitin” (Tingnan)

sa mga sumasamba sa iyo

“sa mga sumasamba sa iyo ng lubos”

na siyang kumuha ng kanlungan sa iyo

Tingnan kung paano isinalin ito sa 31:1. Maaaring isalin na: “pumunta sa iyo para sa proteksyon” (Tingnan)

sa kanlungan ng iyong presensya, ikinukubli mo sila … ikinukubli mo sila sa isang kanlungan

Ang mga parirala na ito ay isahan ang ibig sabihin na piniprotektahan ng Diyos sila. (Tingnan)

sa isang kanlungan

Ang presensya ni Yahweh ay sinasabi na parang ito ay isang matibay na gusali na kung saan ang manunulat ay magiging ligtas. (Tingnan)

Ikinukubli mo sila sa isang kanlungan

Dito ang isang “kublihan” nagpapahiwatig ng isang ligtas na lugar. Maaaring isalin na: “nagbigay ka ng isang ligtas na lugar para sa kanila.” (Tingnan)

mula sa marahas ng mga dila

Dito ang “mga dila” ay tumutukoy sa mga tao na nagsasalita ng mga marahas na bagay laban sa manunulat. Maaaring isalin na: “kung saan ang kanilang mga kaaway ay hindi makakapagsalita ng masama sa kanila” (Tingnan)

Psalms 31:21-22

Ako ay napalayo mula sa iyong mga mata

Ito ay maaaring isaad sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “maaari mo akong alisin mula sa iyong presensya” (Tingnan)

iyong mga mata

Dito ang “mata” ay tumutukoy sa presensya ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ang iyong presensya” (Tingnan)

dininig mo ang aking pagmamakaawa

Dito ang “paghingi” ay maaaring ihayag na may pandiwa. Maaaring isalin na: “narinig mo ako na nagmakaawa na tulungan” (Tingnan)

Psalms 31:23-24

ang matatapat

Dito tinutukoy ang matapat na mga tao. Maaaring isalin na: “ang mga tao na siyang matapat”

pinagbabayad niya ng buo ang palalo

Dito ang “pinagbabayad” ay isang idioma na tumutukoy sa kaparusahan. Maaaring isalin na: “binibigyan niya ang mga palalong tao na lahat ng kaparusahan na nararapat sa kanila”

Psalms 32

Psalms 32:1-2

Pangkalahatang kaalamanan:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Ang isang awit ni David

Mga possibleng kahulugan ay1) Isinulat ni David ang Awit o 2) tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa stilo ng salmo ni David.

Ang maskil

Ito ay tumutukoy sa isang stilo ng musika.

pinatawad ang kaniyang kasalanan, na tinakpan ang kaniyang kasalanan

Ang mga parirala ay mayroong kaparehas na kahulugan. Sila ay maaaring ihayag sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “Siyang Diyos na nagpapatawad ng kaniyang kasalanan at natakpan ang kaniyang kasalanan” (Tingnan)

na tinakpan ang kaniyang kasalanan

Dito ang kasalanan ay napatawad na sinasabi na parang natakpan kaya hindi na makikita. Maaaring isalin na: “kung saan ang kasalanan ay binalewala” o “kung saan ang kasalanan ay kusang kinalimutan” (Tingnan)

pinapalagay na si Yahweh na walang pagkakasala

Ito ay maaaring isaad sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “kung sino nakikita walang sala ni Yahweh” o “siyang hindi nagkasala alinsunod kay Yahweh” (Tingnan)

ang espiritu na walang panlilinlang

dito “espiritu” ay tumtutukoy sa tao. Maaaring isalin na: “kung sinong walang daya” o “siyang lubos na matapat” (Tingnan)

Psalms 32:3-4

ang aking mga buto ay unti unting nadudurog –

Dito ang “Aking buto” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “ako ay nauubosan ng lakas” o “ako ay nanghihina” (Tingnan)

buong araw

Itong idioma ay ang kahulugan “patuloy.” Maaaring isalin na: “sa lahat ng oras” (Tingnan)

araw at sa gabi

Ito ay sukdulan na isinama ang lahat na pumapagitna. Maaaring isalin na: “lahat ng oras” (Tingnan)

ang iyong kamay ay mabigat sa akin

Dito ang “kamay” ay tumutukoy kay Yahweh. Ang kabuuan ng parirala ay isang idioma na ang ibig sabihin “ikaw ay dinalamhatian ako.” Maaaring isalin na: “labis mo akong pinagdusa” (Tingnan)

Nalanta ang aking kalakasan tulad ng tagtuyot sa tag-araw

Ang lakas ni David ay ihambing sa isang maliit, luntiang halaman na naging kayumanggí at gumuho sa panahon ng tag-tuyot. (Tingnan)

Selah

Tingnan kung paano isinalin ito sa 3.2

Psalms 32:5-6

Selah

Tingnan kung paano isinalin ito sa 3.2

sa oras ng mabigat na paghihirap

“nang sila ay nasa labis na kaguluhan.” Ibang pagsalin ay maaaring basahin “habang maaari kang makita.”

Kapag ang daluyong ng tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga tao

ang paghihirap ay nagsasalita na parang sila ay isang tubig baha. Maaaring isalin na: “Kaya ang paghihirap ay dumating katulad ng tubig baha, ito mga tao na ito ay maliligtas” (Tingnan)

Psalms 32:7-8

Ikaw ang aking kublihan

Si Yahweh ay nagsasalitang na parang isang ligtas na lugar mula sa mga paglusob ng mga kaaway ng manunulat. Maaaring isalin na: “Parang kang isang lugar kung saan ako ay maaaring magtago mula sa akin kaaway” (Tingnan)

papalibutan mo ako na mga awit ng pagtatagumpay

Itong metapora ay kalinawan ang ibig sabihin na ang proteksyon ni Yahweh ng manunulat ay nagsanhi para sa mga kanta ng tagumpay na maiawit. Maaaring isalin na: “Dahil sa iyo kakantahin ko ang mga kanta ng tagumpay” (Tingnan)

Selah

Tingnan kung paano isinalin ito sa 3.2

pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan

Ang salitang “pangangaralan” at “tuturuan” ang talagang kahulugan ay parehas na bagay at nagbibigay diin sa maingat na bilin. Maaaring isalin na: “tuturuan kita ng lahat ng bagay tungkol sa paraan” (Tingnan)

pangangaralan kita

dito ang “kita” ay marahil si Yahweh ang kinakausap ni David.

sa daan na dapat mo puntahan

Ang pamumuhay sa tamang pamamaraan ay sinasabi na parang tayo ay isang landas na dapat lakaran ng manunulat. Maaaring isalin na: “paano ka mamuhay sa iyong buhay” (Tingnan)

habang nagmamasid ako sa iyo

Dito “ang mata ko” tumutukoy sa layunin ni Yahweh. Maaaring isalin na: “at matwid ang aking layunin sa iyo” o “pagmamasdan ka” (UDB) (Tingnan)

Psalms 32:9-10

Huwag kang tumulad sa isang kabayo

ikinumpara ang manunulat ng mga tao sa walang pang-unawa sa kabayo at asno. Ang maaaring kahulugan ay 1) Ang manunulat ay nagsasalita ng salita ni Yahweh sa kaniyang mga nagbabasa, “kayong lahat ay hindi katulad ng kabayo … na walang pagkakaintindi” o 2)Si Yahweh ay nagsasalita sa manunulat na parang isang grupo ng mga tao. (Tingnan)

renda sa bibig

Ang kasangkapan na ginagamt ng mga tao para gabayan ang mga kabayo at asno pumunta kung saan gusto pumunta ng nakasakay.

kung saan mo gusto silang papuntahin

“Kung saan gustong pumunta ng sinuman .” Ang “mo” dito ay isahan at tumutukoy sa walang sinuman ang natatangi.

ay papalibot

Katapatan ni Yahweh ay “papalibutan” nagdulot ng proteksyon at gabay. Maaaring isalin na: “ay gagabayan” o ‘ay proprotektahan”

Psalms 32:11

Magalak kay Yahweh

dito “ang kay Yahweh” ay tumutukoy sa kung ano ang nagawa ni Yahweh sa kanila. “Magalak dahil nagawa ni Yawheh” (Tingnan)

kayong mga matutuwid

Ito ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: “ikaw na taong matuwid” (Tingnan)

sumigaw sa galak

“sumigaw sa saya” o “sumigaw dahil sa saya”

ang lahat ng pusong matuwid

dito ang “puso” ay tumutukoy sa tao. Maaaring isalin na: “mga tao na siyang matuwid” (Tingnan)

Psalms 33

Psalms 33:1-3

Pangkalahatang kaalamanan:

bawat talata ay binubuo ng dalawang linya na may napakaparehang kahulugan. (Tingnan: Poetry and Parallelism)

Magalak kay Yahweh

Dito “ang kay Yahweh” ay tumutukoy kung anu ang nagawa ni Yahweh sa kanila. “Magsaya dahil sa ginawa ni Yahweh” (Tingnan: Idiom)

papuri ay angkop para sa matuwid

“pagpuri kay Yahweh ay nararapat para sa matuwid na mga tao”

Psalms 33:4-6

Pangkalahatang kaalamanan:

bawat talata ay binubuo ng dalawang linya na may napakaparehang kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

salita ni Yahweh ay matuwid

– Dito ang “matuwid” ay ginagamit bilang isang Metapora para sa anumang bagay na totoo. Maaaring isalin na: “Laging sinasabi ni Yahweh kung anu man ang bigkasin niya ay gagawin niya” (Tingnan: Metaphor)

Iniibig niya ang katuwiran at katarungan

Itong basal na pangalan ay maaaring isaad bilang mga gawa. Maaaring isalin na: “Mahal niya ang ginagawa niya kung anu ang tama at matuwid” o “Mahal niya ang mga gumagawa ng tama at matuwid” (Tingnan:Abstract Nouns)

Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh

Dito ang “mundo ay puno” ay isang idioma na ang ibig sabihin ang kaniyang katapatan sa tipan ay maaaring Makita sa buong mundo. Maaaring isalin na: “ang tipan ng katapatan ni Yahweh ay maaaring maranasan sa buong mundo” (Tingnan: Idiom)

Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nagawa

Ito ay maaaring isaad sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “sa pamamagitan ng kaniyang salita, ginawa ni Yahweh ang kalangitan” (Tingnan: Active or Passive)

sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig

Ito ay tumutukoy sa salita ni Yahweh. Maaaring isalin na: “pamamagitan ng kaniyang salita” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 33:7-9

Pangkalahatang kaalamanan:

Ang bawat talata ay binubuo ng dalawang linya na may napakaparehang kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

parang isang tumpok

“ katulad sa kabila ng harangan tubig.” Ang manunulat ay inilalarawan ang likha ng dagat ay parang pinagpatong-patong ang lahat ng tubig. (Tingnan: Simile)

nilalagay niya ang mga karagatan sa mga imbakan

Ang manunulat ay inilalarawan ang likha ng karagatan na parang inilagay ng Diyos sila sa loob ng imbakan. Maaaring isalin na: “Inilagay niya ang karagatan sa kanilang lugar, katulad ng isang lalaki na inilagay ang mga butil sa imbakan” (Tingnan:Metaphor )

Hayaan mo ang buong mundo

Ito ay tumutukoy sa mga tao sa ibabaw ng lupa. Maaaring isalin na: “hayaan ang bawat isa sa ibabaw ng lupa” (Tingnan: Metonymy)

mamangha sa kaniya

Dito ang “mamangha” ay isang idioma na ang kahulugan “ay mamangha.” Maaaring isalin na: “karangalan siya” (UDB) (Tingnan: Idiom)

tumayo ng matayog

Dito “tumayo sa dako” ay isang idioma na ang kahulugan “ay ginawa.” Maaaring isalin na: “magsimulang mabuhay” (UDB) (Tingnan: Idiom)

Psalms 33:10-12

Pangkalahatang kaalamanan:

bawat talata ay binubuo ng dalawang linya na may napakaparehang kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

Binibigo si Yahweh

“sinisira ni Yahweh” o “binabali ni Yahweh”

sa mga pagsasanib ng mga bansa

Dito ang “bayan” ay tumutukoy sa mga tao ng mga bayan. Maaaring isalin na: “Ang pag-aanib-anib ng mga tao sa ibat ibang bansa” (Tingnan: Metonymy)

pagsasanib

isang pagsasanib ay isang kasunduan sa kaligitnaan ng dalawang o maraming bayan para alalayan ang bawat isa sag era laban sa pangkaraniwan kaaway.

plano ng mga tao

“Ang balak ng mga tao” Maaaring isalin na: “ang masamang plano ng mga tao”

nananatili magpakailanman

Dito ang “nakatindig” ay idioma na ang ibig sabihin “magtiis.” (Tingnan: Idiom)

ang plano ng kaniyang puso para sa lahat ng salinlahi

Ang nawawalang katagang “nakatayo” ay ipinapahiwatig. Maaaring isalin na: “ang plano ng kaniyang puso ay kumakatawan sa lahat ng salin lahi” (Tingnan:Ellipsis )

ang plano ng kaniyang puso

Dito “kaniyang puso” ay tumutukoy kay Yahweh. Maaaring isalin na: “ kaniyang plano” (UDB) (Tingnan; Synec-doche)

para sa lahat ng salinlahi

“sa lahat ng hinaharap na salin lahi.” Ito ay isang idioma na ang kahulugan ay “magpakailanman.” (Tingnan: Idiom)

Mapalad ang bansa

Dito “ang bansa” ay tumutukoy sa mga tao ng bansa. Maaaring isalin na: “pagpalain ang mga taong bansa” (Tingnan: Metonymy)

ang Diyos ay si Yahweh

“kung sino ang sumasamba kay Yahweh bilang Diyos”

pinili bilang kaniyang sariling pag-aari

Ang mga tao na pinili ni Yahweh para purihin siya ay inilarawan dito na parang sila ay pamana na kaylangan niya matanggap. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 33:13-15

siya ay tumingin

Ang lugar kung saan nakatira si Yahweh nagsasalita na parang sa ibabaw ng lupa nakitira ang mga tao. (Tingnan: Metaphor)

SIya na humuhubog ng mga puso

Dito “ang puso” ay tumutukoy sa pagiisip ng mga tao. Ang manunulat ay nagsasalita kay Yahweh na gumagabay ang pagiisip ng mga tao na parang magpapalayok na humuhulma ng isang mangkok. Maaaring isalin na: “gumagabay ang kanilang kaisipan na parang isa magpapalayok na humuhulma ng isang mangkok” (Tingnan: Metonymy and Metaphor)

Psalms 33:16-17

Walang hari ang naligtas sa pamamagitan ng isang malaking hukbo

Ito ay maaaring isaad sa aktibong uri. Maaaring isalin na: “ang isang malaking hukbo ay hindi makakaligtas sa hari” (Tingnan: Active or Passive)

Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan

– ditto ang “isang kabayo” ay kumakatawan sa malakas na bahagi ng hukbo. Maaaring isalin na: “pagkakaroon ng hukbo na may malakas na mga kabayo ay hindi nag bibigay ng katiwasayan” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 33:18-19

Tingnan ninyo

Ito mga tungkulin ng salita ay nagpapakita ng bagong tema na nagsimula sa Awit. Maaaring isalin na: “tingnan” o “pakinggan” o “bigyang pansin sa kung ano ang sasabihin ko”

mata ni Yahweh

Dito ang “mata” ay tumutukoy para bigyang pansin ni Yahweh. Maaaring isalin na: “bigyang pansin ni Yahweh” (Tingnan: Metonymy)

mga taong umaasa sa

“mga naghihintay para” o “mga umaasa para”

para mailigtas ang kanilang buhay mula sa kamatayan

Dito “ang kanilang buhay” ay tumutukoy sa mga tao Maaaring isalin na: “panatilihin sila mulasa kamatayan” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 33:20-21

Kami ay naghihintay kay Yahweh

Dito ang“maghintay ay isang idioma at tumutukoy sa pagtitiwala. Maaaring isalin na: “nagtitiwala kami kay Yahweh” (UDB) o “umaasa kami kay Yahweh” (Tingnan: Idiom)

siya ang aming saklolo at aming kalasag

dito nagsasalita si Yahweh na parang sya ay kalasag na nagiingat sa mga sundalo sa labanan. Maaaring isalin na: “siya ang ating tagatulong at proteksyon na katulad ng kalasag” (Tingnan: Metaphor)

Ang aming mga puso ay nagagalak

Dito ang “mga puso” ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: “magsaya tayo” (Tingnan: Synecdoche)

sa kaniyang banal na pangalan

Dito ang "banal na pangalan" ay tumutukoy sa banal na katangian ni Yahweh. Maaaring isalin na: "sa kaniyang banal nss katangian" o "sa kanya dahil siya ay banal" (Tingnan: Metonymy)

Psalms 33:22

ay mapasaamin

Ang idiomang ito ay nangangahulugan na "tulungan kami." Maaaring isalin na: "tulungan kami" o "ay makakatulong sa amin" o "protektahan kami" (Tingnan: Idiom)

habang nilalagay namin ang aming pag-asa sa iyo

"aming pag-asa para sa iyo"

Psalms 34

Psalms 34:1

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Awit ni David

Mga maaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Nagkunwari na baliw

“kumilos katulad ng isang sira ulo”

Bago si Abimelech

Ito ay tumutukoy sa isang tiyak na makasaysayang pangyayari na alam din ng mga Hebreo. Maaaring isalin na: “Nang siya ay nasa bahay ni Abemelech” o “Nang siya ay bilanggo ni Abemelech” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Palayasin

“sapilitang pagpapaalis sa kaniya palayo”

ang kaniyang kapurihan ay laging namumutawi sa aking bibig

Dito sa “sa aking bibig” ay tumutukoy sa pagsasalita ni David tungkol kay Yahweh. Maaaring isalin na: “Palagi ko siyang pupurihin ng malakas kong tinig” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 34:2-3

ng api

Ito ay tumutukoy sa mga tao na api. AT: “ang mga api” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Purihin natin si Yahweh

Ang pandiwang “purihin”: ay isang utos sa isang grupo. Maaaring isalin na: “Ang lahat ay dapat purihin si Yahweh kasama ko”

itaas ang kaniyang pangalan

Dito ang “itaas” ay isang idyoma na tumutukoy sa pagpupuri kay Yahweh. Maaaring isalin na: “sabihin sa mga tao kung gaano siya kadakila” (Tingnan: Idyoma)

kaniyang pangalan

Dito, ang “kaniyang pangalan” ay tumutukoy sa katangian ni Yahweh. Maaaring isalin na: “kaniyang katangian” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 34:4-6

Hinanap ko si Yahweh

Dito, ang “hinanap si Yahweh” ay nangangahulugan na si David ay humihingi ng tulong kay Yahweh. Maaaring isalin na: Ako ay nanalangin kay Yahweh” (UDB) o “Humingi ako ng tulong kay Yahweh” (Tingnan: Metaphor)

ang mga tumitingin sa kaniya

Maaaring isalin na: “Sa mga tumitingin sa kaniya para sa tulong” o “sa mga umaasa ng tulong lamang sa kaniya” (Tingnan: : Idiom)

Nagniningning

Ito ay idyoma na tumutukoy sa kanilang mukha na masaya. Maaaring isalin na: “ay natutuwa” (UDB) (Tingnan; Idiom)

ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya

Dito ang “kanilang mga mukha” ay tumutukoy sa mga tao na tumingin kay Yahweh. Ito rin ay maaring ilagay sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “hindi sila nahiya” o “sila ay nagmalaki” (tingnan: Synecdoche and Litotes)

Ang inapi

nilalarawan ni David ang kaniyang sarili bilang api. Maaaring isalin na: Ako ay naapi at (Tingnan: First, Second or Third Person)

Psalms 34:7-9

nagkakampo sa paligid

ang anghel ni Yahweh ay sinabi na para siyang isang hukbo na nagkakampo sa paligid para sila ay pangalagaan. Maaaring isalin na: ”bantayan” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Tikman at masdan na si Yahweh ay mabuti

Ang kabutihan ni Yahweh ay hinalintulad sa isang bagay na maaring tikman at makita. Maaaring isalin na: Subukan at danasin na si Yahweh ay mabuti” (Tingnan: Metaphor)

kumukubli

Si Yahweh ay sinabi na parang siya ay isang lugar kung saan maaaring magtago ang mga tao para sa kanilang proteksiyon sa kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: “magtiwala sa kaniya na sila ay iingatan” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

hindi nagkukulang ang mga may takot sa kaniya

Ito ay maaring ilagay bilang positibong anyo. Maaaring isalin na: “Sa mga natatakot sa kaniya ay laging magkakaroon ng kanilang pangangailangan” (Tingnan: Litotes)

Psalms 34:10-11

hindi magkukukulang ng anumang bagay na mabuti

Ito ay maaaring sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “palaging mayroong mabubuting bagay na kailangan nila” (Tingnan: Litotes)

mga bata

Dito, hindi ito tumutukoy sa literal na mga anak ng manunulat, pero sa mga tao na kaniyang tinuturuan tungkol kay Yahweh. Maaaring isalin na: “aking mga mag-aaral” (UDB)

Psalms 34:12-14

Sinong naghahangad ng buhay at naghahangad mabuhay nang mahabang panahon at magkaroon ng magandang buhay?

Ang malinaw na sagot sa tanong na ito ay “lahat ng tao.” Maaaring isalin na: “Lahat ng tao ay naghahangad ng buhay at naghahangad na mabuhay ng mahabang panahon at magkaroon ng magandang buhay” (Tingnan: Rhetorical Question)

lumayo sa pagsasabi ng masama, at ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan

Ang dalawang pariralang ito ay tumutukoy sa parehas na bagay. (Tingnan: Parallelism)

Kung ganoon, lumayo sa pagsasabi ng masama

Dito, ang “dila” ay tumutukoy sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Kaya, huwag magsalita ng masama” (Tingnan: Synecdoche)

ilayo ang inyong mga labi sa pagsasabi ng mga kasinungalingan

Dito, ang “mga labi” ay tumutukoy sa taong nagsasalita. Maaaring isalin na: “huwag magsalita ng mga kasinungalingan” (Tingnan: Synecdoche)

tumalikod kayo sa kasamaan

Dito, ang “tumalikod” ay isang metapora para sa pag-iwas sa masama. Maaaring isalin na: “tanggihan ang masama” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

hangarin ninyo ang kapayapaan

Dito, ang “hanapin” ay nangangahugan na maging mapagmalasakit sa kapayapaan. Maaaring isalin na: “Sikaping maigi na mamuhay ng mapayapa kasama ang ibang tao’ (Tingnan: Metaphor)

Psalms 34:15-17

Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid

Dito, ang “ang mga mata ni Yahweh” ay tumutukoy sa kaniyang maingat na pagmamasid. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ay maingat na nagmamasid sa mga matutuwid” (Tingnan: Metonymy)

at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig

Dito, ang “kaniyang mga tainga” ay tumutukoy sa kagustuhan ni Yahweh na tumugon sa kanila. Maaaring isalin na: “nagbibigay siya ng pansin sa kanilang iyak” o “sumasagot siya sa kanilang iyak” (Tingnan: Metonymy)

para burahin ang kanilang mga alaala sa mundo

Gagawin ni Yahweh na ganap na makalimutan ang mga tao, kapag sila ay namatay na parang gumamit siya ng kutsilyo para putulin ang anumang alaala nila. Maaaring isalin na: “para kapag sila ay patay na, ganap na silang makakalimutan ng mga tao” (Tingnan; Metaphor)

naririnig ito ni Yahweh

Dito ang “naririnig” ay nangangahulugan na ninanais ni Yahweh na tumugon sa kanila. Maaaring isalin na: “nagbibigay pansin si Yahweh sa kanila” (Tingnan: Idiom)

Psalms 34:18-20

Si Yahweh ay malapit

Dito ang “ay malapit” ay nangangahulugan ng “handang tumulong.” Maaaring isalin na: “Si Yahweh ay laging handang tumulong” (UDB) (Tingnan: Idiom a)

mga wasak ang puso

Ang malalim na kalungkutan ay sinabi na parang ang puso ng tao ay nawasak. Maaaring isalin na: “mga taong sobrang lungkot” (Tingnan: Metaphor and Nominal Adjectives)

mga nadurog na Espiritu

mga taong labis na napanghinaan ng loob ay hinalintulad na parang ang kanilang mga espiritu ay nadurog. Maaaring isalin na: “mga taong labis na napanghinaan ng loob” (Tingnan: Metaphor)

mga matutuwid

Ito ay tumutukoy sa mga tao na matuwid. Maaaring isalin na: “ang mga matutuwid na tao” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Iniingatan niya ang lahat ng kaniyang mga buto; ni isa sa kanila ay walang masisira

Dito, ang “lahat ng kaniyang mga buto” ay literal. Pero ito rin ay nagpapahiwatig na si Yahweh ay iniingatan ang buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Nagbibigay siya ng buong pangangalaga sa kaniya; hindi siya mapipinsala sa kahit anong paraan” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 34:21-22

Papatayin ng masama ang makasalanan

Ang masama ay nilalarawan na parang tao na kayang pumatay ng mga tao. Maaaring isalin na: “Ang mga masamang gawain ng mga masasamang tao ang papatay sa kanila “mga gawa” (Tingnan Personification)

Ang masama

Ito ay tumutukoy sa masasamang tao. (Tingnan Nominal Adjectives)

ang mga galit sa mga matutuwid ay mahahatulan

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “paparusahan ni Yahweh ang mga napopoot sa mga matutuwid” (Tingnan: Active or Passive)

mga matutuwid

Ito ay tumutukoy sa mga matutuwid na tao. (Tingnan: Nominal Adjectives)

wala mahahatulan sa mga kumukubli sa kaniya

Ito ay maaaring sabihin sa aktibo at positibong anyo. Maaaring isalin na: papatawarin ni Yahweh ang sinumang kukubli sa kaniya” (Tingnan: Active or Passive and Litotes)

kumukubli sa kaniya

Pupunta kay Yahweh para sa pangangalaga na sinabi na tulad ng pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “pumunta sa kaniya para sa pangangalaga” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 35

Psalms 35:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Awit ni David

Mga maaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng pag-awit ni David.

Kunin mo ang iyong maliit na pananggalang at … iyongmga sibat at palakol

Ang mga pariralang ito ay naglalarawan sa Diyos bilang isang mandirigma na hinahanda ang kaniyang sarili para sa labanan. (Tingnan: Metaphor)

maliit na pananggalang at malaking sanggalang

ito ay mga sandatang pangsangga.

sibat at palakol

ito ay mga sandatang pangsalakay.

sa mga humahabol sa akin

mga maaring kahulugan ay 1) ang mga kaaway na ito ay literal nahinahabol ang manunulat o 2) ito ay isang metapora para sa mga tao na kaaway ng manunulat. (Tingnan: Metaphor)

sa kaluluwa ko ay iyong sabihin

Ito ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “sabihin mo sa akin” (Tingnan: Synecdoche

Ako ang iyong kaligtasan

Ito ay maaring sabihin kahit wala ang pangngalang basal. Maaaring isalin na: “Ako ang iyong tagapagligtas” o “Ililigtas ko kayo” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 35:4-6

Nawa ang mga naghahangad ng aking buhay ay mapahiya at masira ang puri

ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Sana hiyain at sirain ni Yahweh ang mga naghahangad ng aking buhay” (Tingnan: Active or Passive)

Nawa

Maaaring isalin na: “Aking hiling na”

naghahangad ng aking buhay

Dito, ang ‘naghahangad ng aking buhay” ay nangangahulugan na ninanais nila na patayin ang manunulat. Maaaring isalin na: “gustong pumatay sa akin” (UDB) (Tingnan: Metaphor and Metonymy)

Nawa ang mga nagbabalak na saktan ako ay tumalikod at malito

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: Sana paatrasin at lituhin ni Yahweh ang mga nagbabalak na saktan ako” (Tingnan: Active or Passive)

ay tumalikod

Ang “tumalikod” ay isang metapora para sa walang kakayahang tuparin ang kanilang naisin. Maaaring isalin na: “naging hindi matagumpay” (Tingnan: Metaphor)

Malito

“lito” o “naguguluhan”

tulad ng hinanging ipa

Ang kaaway ng manunulat ay sinabi na kung sila ay ipa, sila ay madaling tangayin palayo. Maaaring isalin na: “natangay palayo nang hangin gaya ng ipa” (Tingnan: Simile)

kanilang daraanan

Dito, ang “kanilang daan” ay tumutukoy sa kanilang buhay. Maaaring isalin na: “kanilang buhay” (Tingnan: Metonymy)

madilim at madulas

Ito ay tumutukoy sa daan na nakatago at mapanganib. Maaaring isalin na: “nakatago at puno ng mga panganib” (Tingnan: Metaphor)

tinutugis sila

Ito ay tumutukoy sa anggolo ni Yahweh na naaapi ng kaaway ng manunulat. Maaaring isalin na: “gumawa laban sa kanila” o “tutulan sila” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 35:7-8

naglagay sila ng lambat para sa akin

Ang mga pamamaraan ng masama ay sinabi na parang isang lambat na kanilang nilagay para mahuli ang manunulat. Maaaring isalin na: gusto nila akong mahuli sa lambat gaya ng isang maliit na hayop” (Tingnan: Metaphor)

nagbungkal sila ng hukay para sa aking buhay

Ang mga plano ng masasama ay hinalintulad na parang isang hukay na binungkal para mahuli ang manunulat. Maaaring isalin na: “Gusto nila na mahuli ako sa hukay gaya ng isang malaking hayop” (Tingnan: Metaporika)

aking buhay

Ito ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “ako” (Tingnan: Metaphor)

Hayaan mo na dumating sa kanila nang hindi inaasahan ang pagkawasak

Ang pagkawasak ay hinalintulad na parang isang mapanganib na hayop na maaaring biglaang sumalakay sa kanila. Maaaring isalin na: “Hayaan mo na biglaan silang mawasak” o “Hayaan mo silang magulat dahil sa biglaan nilang pagkawasak” (Tingnan: Personification and Abstract Nouns)

Hayaan mo na mahuli sila

Ito ay parehas na metapora sa ika-pitong talata. Ang lambat ay nilalayon na mahuli ang manunulat. Maaaring isalin na: “hayaan mo silang mahulog sa hukay na kanilang binungkal para sa akin” (Tingnan: Metaphor and Assumed Knowledge and Implicit Information)

sila ay bumagsak

Mga maaaring kahulugan ay 1) mahulog sila sa butas sa ika-pitong talata o 2) mahulog sila sa pagkawasak.

sa kanilang pagkawasak

Ang basal na pangngalan na “pagkawasak” ay maaaring sabihin sa ibang mga anyo. AT: “para sila ay mawasak” o “ganoon mo dapat silang wasakin” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 35:9-10

sa kaniyang kaligtasan

Ang basal na pangngalan na “kaligtasan” ay maaaring sabihin sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “sa kaniyang kaligtasan na dala-dala” o “dahil niligtas mo ako” (Tingnan: Abstract Nouns)

aking buong lakas

Dito ang “mga buto” ay tumutukoy sa kaibuturan ng pagkatao. Maaaring isalin na: “Sa aking buong pagkatao” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

sino ang katulad mo o Yahweh … sa mga nagtatangka na nakawan sila?

Ang ipinapahiwatig na sagot sa tanong na ito ay walang ni isa na katulad ni Yahweh, Maaaring isalin na: wala kang katulad Yahweh … sa mga nagtatangka na nakawan sila.” (Tingnan: Rhetorical Question)

ang mahihirap at nangangailangan

Ang mga salitang “mahirap” at “nangangailangan” ay nangangahulugan ng parehas na bagay na binibigyang-diin na si Yahweh ay nagliligtas sa lahat na nangangailangan ng kaniyang tulong. (Tingnan: Doublet)

Psalms 35:11-12

dumarami

Ito ay nangangahulugan na nagpapatotoo sila sa paglilitis. Maaaring isalin na: “kusang nagbigay ng patotoo” (Tingnan: Idiom)

Binayaran nila ng kasamaan sa aking kabutihan

Ito ay isang nauukol sa salapi na metapora na nangangahulugan na nakatanggap sila ng mabuti, pero sinuklian nila ng kasamaan kapalit nito. Maaaring isalin na: “Bilang kapalit sa ginawa kong mga mabubuting bagay sa kanila, gumawa sila ng mga masasamang bagay sa akin” (Tingnan: Metaphor)

Kasamaan

Ito ay basal na pangngalan na maaring sabihin sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “mga masasamang bagay” (Tingnan: Abstract Nouns)

Kabutihan

Ito ay basal na pangngalan na maaaring sabihin sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “mga mabubuting bagay’ (Tingnan: Abstract Nouns)

Ako ay nagdadalamhati

“labis akong nalulungkot”

Psalms 35:13-14

nang maysakit sila

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa mga “ makasalanang mga saksi” (35:11-12).

Nagsuot ako ng sako

Ang magaspang na sakong damit ay sinusuot para ipakita ang labis na kalungkutan. Maaaring isalin na: “Pinakita ko na ako ay malungkot” (UDB) (Tingnan: Symbolic Action)

na nakatungo ang aking dibdib

“na ang aking ulo ay nakatungo at ang aking baba ay nasa aking dibdib.” Ito ay sumisimbolo ng panalangin. (Tingnan: Symbolic Action)

nagdadalamhati ako para sa aking mga kapatid

Ang manunulat ay malungkot na parang ang kaniyang sariling kapatid ay namatay. Maaaring isalin na: “nagdadalamhati na parang ang sariling niyang kapatid ay may karamdaman” (Tingnan: Simile)

Lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina

Ang manunulat ay nagluksa na parang ang kaniyang sariling ina ay namatay. Maaaring isalin na: “Nagluksa ako para sa kanila na parang sariling ina ko ang namatay”(Tingnan: Simile)

Lumuhod

Ito ay kilos na sumisimbolo ng kirot at paghihirap. (Tingnan: Symbolic Action)

Psalms 35:15-16

nagsama-sama

“ nagtipon” o “dumating nang magkakasama”

laban sa akin

Ito ay nangangahulugan na sila ay dumating nang magkakasama para sa layuning lusubin ang manunulat. Maaaring isalin na: “para gumawa ng mga plano laban sa akin” o “para planuhin ang aking pagkawasak” (Tingnan: Idiom)

Winarak nila ako

Dito, tinuring na ang manunulat ay parang isang piraso ng damit na maaari nilang pagpira-pirasuhin. Maaaring isalin na: “Winawasak nila ako” (Tingnan: Metaphor)

Walang galang

Ang kahulugan sa Hebreo ay hindi tiyak. Ang ilang mga salin ay maaaring basahin na 1) “Walang kwentang tao” o 2) “Nilusob nila ako at”o 3) nang napanghinaan ako ng loob”

nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin

“gumawa sila ng nagngangalit na mga ingay gamit ang kanilang ngipin sa akin.” Ito ay palatandaan ng galit at poot. (Tingnan: Symbolic Action)

Psalms 35:17-18

Hanggang kailan ka tititingin?

Ang pangretorikang tanong na ito ay nagpapahiwatig na ang manunulat ay gustong ipatigil sa Diyos na tumitig lamang at simulan na siyang tulungan: Maaaring isalin na: “pakiusap ihinto mo na ang pagtitig sa akin” o “pakiusap tulungan mo ako” (Tingnan: Rhetorical Question)

titingin

“magmasid lamang”

Iligtas mo ang aking kaluluwa

Dito, ang “kaluluwa” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “Iligtas mo ako” (UDB) (Tingnan: Synecdoche)

buhay ko mula sa mga leon

Ang salitang “iligtas” ay pahiwatig. Maaaring isalin na: iligtas mo ang aking buhay sa mga leon” (Tingnan: Ellipsis)

buhay ko

Ito ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “ako” (Tingnan: Metonymy)

mula sa mga leon

Dito, ang manunulat ay nagsasalita sa kaniyang mga kaaway na parang sila ay mabaksik na mga leon. Maaaring isalin na: “mula sa aking mga kaaway na lumusob sa akin gaya ng mga mababangis na hayop” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 35:19-20

Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway

“Huwag mo hayaan ang aking mga kaaway, na silang mapanlinlang, na magdiwang sa akin”

kanilang masasamang mga balak

“kanilang mga masasamang plano”

hindi sila nagsasalita ng kapayapaan

Ang basal na pangngalan na “kapayapaan” ay maaaring sabihin sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “Hindi sila nagsasabi ng mahinahon sa mga tao” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

nagpaplano sila ng mga salitang mapanlinlang

“Nagbabalak na magsabi ng mga kasinungalingan”

sa mga naninirahan sa aming lupain na mapayapang namumuhay

Maaaring isalin na: “sa mga namumuhay ng mapayapa sa aming lupain”

Psalms 35:21-23

Binubuka nila ng malaki ang kanilang mga bibig laban sa akin

Ang dahilan kaya nila binuksan ang kanilang mga bibig ay para akusahan ang manunulat. Maaaring isalin na: “Sinigawan nila ako para akusahan” (UDB) (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ha, ha

Ito ay padamdam na nagbibigay-diin sa pahayag na sumunod. (Tingnan: Exclamations)

Nakita namin ito

Dito ang “mga mata” ay tumutukoy sa mga kaaway. Ipinapahiwatig na sinasabi nila na nakita nila ang manunulat na gumagawa ng maling bagay. Maaaring isalin na: “Nakita namin” o “Nakita namin ang mga maling bagay na iyong ginawa!” (UDB) (Tingnan: Synecdoche and Assumed Knowledge and Implicit Information)

Nakita mo ito

Dito ang “ito” ay tumutukoy sa maling mga paratang ng kaaway sa manunulat. Maaaring isalin na: “Nakita mo kung paano nila ako pinaratangan ng hindi totoo” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

huwag kang manahimik

“Huwag mong ipagsawalang-kibo ang ginawa nila” Ito ay maaaring sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “hatulan mo sila dahil sa ginawa nila” (Tingnan: Litotes)

huwag kang lumayo sa akin

Ito ay maaaring sabihin sa positibong anyo. Maaaring isalin na: “lumapit ka ng maigi sa akin” (Tingnan: Litotes)

Bumangon ka at gumising

Ito ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay natutulog. Gusto ng manunulat na mamagitan ang Diyos. Ang parehas na mga salita ay nangangahulugan ng parehas na bagay at binibigyang-diin ang agaran na pakiusap. Maaaring isalin na: “Pakiramdam ko na natutulog ka! Gising” (Tingnan: Metaphor and Doublet)

para ipagtanggol ako

Ang basal na pangngalang ito ay maaring sabihin sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “para ipagtanggol ako” (Tingnan: Abstract Nouns)

aking panig

Ito ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “ako” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 35:24-26

huwag mo silang hayaang magalak sa akin

Maaaring isalin na: “Huwag mo silang hayaan na matuwa dahil ako ay nahihirapan”

sabihin nila sa kanilang puso

Ito ay idyoma na nangangahulugan na sabihin sa sarili. Maaaring isalin na: “sabihin sa kanilang sarili” (Tingnan: Idiom)

Aha

Ito ay padamdam na nagbibigay-diin sa susunod. Maaaring isalin na: “Sa wakas, nawasak naming siya, katulad ng gusto namin” (Tingnan: Exclamations)

nakuha na namin ang aming nais

Ito ay nagpapahiwatig na ang mga kaaway ng manunulat ay nais siyang ideklara na may sala. Maaaring isalin na: “nadeklara siyang may sala katulad ng gusto namin!” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Nilamon namin siya

“nilunon namin siya.” Ang mga kaaway ng manunulat ay nagsasalita ng kaniyang pagkawasak na parang sila ay mabangis na mga hayop na kinain siya. Maaaring isalin na: “Winasak namin siya” (Tingnan: Metaphor)

Lituhin

“hiyain” o “magulumihanan”

Nawa ang mga gustong humamak sa akin ay mabalot ng kahihiyan at kasiraan

Ito ay maaaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Nawa ang mga gustong hamakin ako ay mabalot ng kahihiyan at kasiraan” (Tingnan: : Active or Passive)

Humamak

laitin ang isang tao para siya ay galitin

mabalot ng kahihiyan at kasiraan

Ang mga basal na mga pangngalan ay maaaring sabihin bilang mga pandiwa. Dito, ang kahihiyan at kasiraan ay hinahalintulad na parang sila ay nakasuot ng nakakahiyang damit na maaaring suotin ng manunulat. Maaaring isalin na: “pinahiya at sinira” (Tingnan: Abstract Nouns and Metaphor)

kahihiyan at kasiraan

Ang kahulugan ng katawagang ito ay tungkol sa parehas na bagay at gamit para bigyang-diin kung gaaano sila magiging nagpapakasama. (Tingnan: Doublet)

Psalms 35:27-28

paglaya ko

Tingnan kung paano mo sinalin ang katawagang ito sa 17:1.

nawa patuloy nilang sabihin na

“nawa lagi nilang sabihin”

Purihin si Yahweh

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ating purihin si Yahweh’ (Tingnan: Active or Passive)

siya na nasisiyahan sa

“siyang masaya sa”o “siyang natutuwa”

Kapakanan

kagalingan, kasiyahan

ang katarungan mo...ay ihahayag

Ang basal na pangngalan na “katarungan” ay maaaring sabihin kasama ng pandiwa. Maaaring isalin na: “ipahayag na kumilos ka sa tamang paraan” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 36

Psalms 36:1-2

Pagsasaayos sa kabanatang ito

Ang Awit 36 ay isang awit ng papuri. Ito ay nagsasalita sa kung gaano kabuti ang Diyos sa nagmamahal sa kaniya.

Mga natatanging konsepto sa kabanatang ito

Ang masamang tao ay hindi nag-iisip tungkol sa Diyos; pero siya ay isang kasiyahan sa lahat ng nagpaparangal sa kaniya.

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Mga Tula at Paralelismo

Para sa pinuno ng mga manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Ang awit ni David ang lingkod ni Yahweh

Ang mga maaaring kahulugan ay 1. si David ang nagsulat ng awit o 2. ang awit ay tungkol kay David o 3. ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Nagsasalita ang kasalanan gaya ng mensahe

Ang kasalanan ay inilarawan na parang isang huwad na propeta na nagsasabi sa mga tao na huwag sumunod sa Diyos. Maaaring isalin na: “Ang kasalanan ay gaya ng huwad na propeta na nagsasabi sa mga tao na gumawa ng masamang mga bagay” (Tingnan: Personification and Simile)

sa puso ng taong masama

Dito ang “puso” ay tumutukoy sa kalooban ng isang tao. Maaaring isalin na: “sa pangloob na pagkatao ng masasama” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

ng taong masama

Ito ay hindi isang partikular na tao, pero ang masasamang tao sa pangkalahatan. (Tingnan : Generic Noun Phrases)

Sa kaniyang mga mata

Dito ang “mga mata” ay tumutukoy sa masamang tao. Maaaring isalin na: “sa kaniya” (Tingnan: Synecdoche)

dahil pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili , iniisip

“Kaniyang pinipili na maniwala” o “nais niyang isipin iyon.”

ang kaniyang kasalanan ay hindi matutuklasan at kasusuklaman

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Hindi matutuklasan ng Diyos at mamumuhi sa kaniyang kasalanan” (Tingnan : Active or Passive)

Kasusuklaman

Ito ay tumutukoy sa kaniyang kasalanan. Maaaring isalin na: “ang kaniyang kasalanan ay hindi kasusuklaman” (Tingnan: Ellipsis)

Psalms 36:3-4

Ang kaniyang mga salita ay

Ito ay tumutukoy sa kaniyang mga pahayag. Maaaring isalin na: “Ang kaniyang sinasabi ay” (Tingnan: Metonymy)

gumawa ng mabuti

Ang basal ng pangngalan na “mabuti” ay maaaring isaad sa ibang mga anyo. Maaaring isalin na: “gumawa ng mga bagay na mabuti” (Tingnan: Abstract Nouns)

nagbabalak siya ng mga paraan

Ang makasalanang mga gawa ng tao ay binabanggit na parang siya ay naglalakad sa landas na masama. Maaaring isalin na: “siya ay nagsimula na gumawa ng masamang mga bagay” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 36:5-6

umaabot sa kalangitan

Ang kadakilaan ng katapatan sa tipan ng Diyos ay binabanggit na parang ito ay napakataas. Maaaring isalin na: “ay mas mataas kaysa sa kalangitan” o “ay labis na kahanga-hanga” (Tingnan: Metaphor)

umaabot sa mga kaulapan

Ang kadakilaan ng katapatan ng Diyos ay binabanggit na parang ito ay napakataas. Maaaring isalin na: “ay mas mataas pa kaysa sa mga kaulapan” o “ ay labis na kahanga-hanga” (Tingnan: Metaphor)

Gaya ng pinakamataas na mga bundok… gaya ng pinakamalalim na dagat

Ang parehong pariralang ito ay naglalarawan sa kadakilaan ng katarungan ng Diyos na para bang sila ay napakataas at lalim. Maaaring isalin na: “gaya ng pinakamataas na mga kabundukan… gaya ng lalim ng pinakamalalim na karagatan” (Tingnan: Simile)

Pinangangalagaan mo

“tinutulungan mo” o “nililigtas mo”

Psalms 36:7-9

Napakahalaga ng iyong katapatan sa tipan

Ang katapatan sa tipan ng Diyos ay binabanggit na para bang ito ay bihira at mahal na mga hiyas. Maaaring isalin na: “Ang iyong katapatan sa tipan ay kasing halaga ng mga bihirang hiyas” (Tingnan: Metaphor)

Ang sangkatauhan ay kumakanlong sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak

Ang Diyos ay walang mga pakpak. Ito ay isang metapora para sa pag-iingat ng Diyos. Maaaring isalin na: “Ang sangkatauhan ang kumukuha ng kanlungan sa iyo gaya ng inakay na naghahanap ng pag-iingat sa ilalim ng mga pakpak ng kanilang mga ina (Tingnan: Metaphor)

Sila ay masaganang masisiyahan

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Masaganang mong pasisiyahan sila” (Tingnan: Active or Passive)

sa kayamanan ng mga pagkain sa iyong bahay

Ito ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay may bahay na may pagkain. Ito ay isang metapora para sa saganang pagtustos. Maaaring isalin na: “na para bang sila ay kumakain ng mamahaling pagkain mula sa iyong tahanan” o “sa iyong mayamang mga pagpapala” (Tingnan: Metaphor)

hahayaan mo silang uminom mula sa ilog ng iyong mahalagang mga pagpapala

Dito ay mayroong dalawang metapora. Ang saganang mga pagpapala ng Diyos ay sinasabi na para bang sila ang tubig sa umaagos na ilog. Gayundin, silang mga nakatanggap ng mga pagpapala ay sinasabi na parang bang kanila itong iniinom na parang tubig. Maaaring isalin na: “ang iyong mga mahalagang mga pagpapala ay gaya ng ilog na iyong hahayaan na pag-inuman nila” (Tingnan: Metaphor)

bukal ng buhay

“pinagmulan ng buhay”

sa iyong liwanag ay aming makikita ang liwanag

Dito ang “liwanag” ay isang metapora para sa totoong kaalaman. Maaaring isalin na: “kapag kami ay iyong naliwanagan, aming malalaman ang katotohanan” o “ang iyong liwanag ay ang nagbibigay-daan para sa amin na malaman ang katotohanan tungkol sa iyo” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 36:10-12

Palawigan mo ang iyong katapatan sa tipan nang lubusan

“Ipagpatuloy ang iyong katapatan sa tipan”

ang pagtatanggol mo sa matuwid ang puso

Ang basal na pangngalang “pagtatanggol” ay maaaring isaad bilang isang pandiwa. “Magpatuloy” ay ipinahihiwatig mula sa nakaraang parirala. Maaaring isalin na: “Ipagpatuloy na pangalagaan ang matuwid na puso” (Tingnan: Abstract Nouns and Ellipsis)

matuwid ang puso

Dito ang “puso” ay tumutukoy sa mga tao. Maaaring isalin na: “ang matuwid” o “mga tao na kumikilos nang matuwid” (Tingnan : Synecdoche)

paa ng mayabang… kamay ng masama

Dito ang “paa” at “kamay” ay tumutukoy sa mga masasamang tao. Ito ay hindi mga partikular na tao. Ito ay tumutukoy sa mga masasamang tao sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “mga mayayabang… mga masasama” (Tingnan: Synecdoche and Generic Noun Phrases)

palayasin ako

“paalisin ako” o “magawang paalisin ako sa aking lugar”

ay natalo; sila ay bumagsak at wala ng kakayahang bumangon

Ang tatlong parirala ay inilalarawan ang mga masasamang tao bilang talunan. (Tingnan: Metaphor)

sila ay bumagsak

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “napabagsak mo sila” o “nawasak mo sila” (Tingnan : Active or Passive)

Psalms 37

Psalms 37:1-2

Uri ng awit

Ang Awit 37 ay isang awit ng katuruan. Tinuturo nito na ang masamang tao ay hindi mananagana sa hinaharap.

Mga natatanging konsepto sa kabanatang ito

Huwag mainggit sa masamang tao. Kahit na ito ay lilitaw na sila ay mananagana, hindi magtatagal sila ay mawawasak at ang mabuting tao ay patuloy na mabubuhay.

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan : Mga Tula at Paralelismo

Ang awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Si David ang nagsulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Huwag kang mainis dahil sa masasamang tao

“Huwag mong hayaan na guluhin ka ng mga masasamang tao”

matuyo gaya ng damo… malanta gaya ng luntiang mga halaman

Ang mga masasamang tao ay sinasabi na parang sila ay damo at halaman na matutuyo at mamamatay sa kainitan ng tag-araw. Ang dalawang simili na ito ay kapwa nangangahulugan na sila ay mamamatay. Maaaring isalin na: “mamatay” o “mapupunta sa katapusan” (Tingnan: Simile and Parallelism)

Psalms 37:3-4

tungkulin ang katapatan

Ang katapatan ay binabanggit na parang ito ay isang hayop na palalakasin sa pamamagitan ng pagpapakain sa masaganang pastulan. Maaaring isalin na: “Pangalagaan ang katapatan” o “dagdagan ang iyong katapatan” (Tingnan: Metaphor)

ang mga naisin ng iyong puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa kalooban ng tao at saloobin. Maaaring isalin na: “ang iyong pinakamalalim, panloob na pagnanais” o “ang mga bagay na iyong pinakaninanais” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

Psalms 37:5-6

Ibigay ang iyong pamamaraan kay Yahweh

Dito “ibigay ang iyong pamamaraan” ay isang idioma na nangangahulugan ng paghingi kay Yahweh na mamahala sa iyong buhay. Maaaring isalin na: “Hilingin kay Yahweh na gabayan ang iyong mga kilos sa buhay” (Tingnan: Idiom)

gaya ng liwanag ng araw… gaya ng araw sa tanghali

Kapwa ang mga pariralang ito ay nangangahulugan ng magkaparehong bagay. (Tingnan: Parallelism)

gaya ng liwanag ng araw

Ibig sabihin nito ay “sa buong tanawin ng lahat” Maaaring isalin na: “kasing linaw na makita ng liwanag ng araw” (Tingnan: Simile)

gaya ng araw sa tanghali

Ibig sabihin nito ay “nakikita tulad ng araw sa tanghali.” Maaaring isalin na: “nakikita tulad ng liwanag sa katanghaliang tapat” (Tingnan: Simile)

Psalms 37:7

Tumigil ka

“Tumahimik ka”

may taong mapagtatagumpay ang kaniyang masamang balakin … gumagawa ng masamang mga plano

“Ang kung anong ginagawa ng masasamang tao ay nagtatagumpay… mga masasamang bagay na kanilang binabalak”. Ito ay parehong tumutukoy sa mga gawa ng masasamang tao. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 37:8-10

ay aalisin

Ang pagkawasak ng masama ay binabanggit na parang sila ay isang sanga ng halaman na naputol at naitapon palayo. (Tingnan : Metaphor)

Pero ang mga naghihintay kay Yahweh

“pero silang mga nagtitiwala kay Yahweh”

magmamana ng lupain

Ang pag-aari ng lupain ay sinasabi na natanggap bilang isang mana. Maaaring isalin na: “ay matatanggap ang lupain bilang kanilang pag-aari” o “ay pinapayagan na mamuhay ng ligtas sa lupain” (Tingnan: Metaphor)

ay mawawala

Ang idiomang ito ay tumutukoy sa kamatayan ng masamang tao. Maaaring isalin na: “ay mamamatay at hindi na siya maaari pang makita” (Tingnan: Idiom)

Psalms 37:11-13

ang mapagkumbaba

Ito ay tumutukoy sa mga taong maamo. (Tingnan: Nominal Adjectives)

mamanahin ang lupain

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 37:9. (Tingnan: Metaphor)

Ang makasalanan

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao. Ito ay tumutukoy sa mga masasamang tao sa pangkalahatan. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Matuwid

Ito ay tumutukoy sa mga tao na matutuwid. (Tingnan : Nominal Adjectives)

nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya

Ang masamang tao ay labis na kinasusuklaman ang mga matutuwid na tao na kaniyang nginangalit ang kaniyang mga ngipin para ipakita ang kaniyang galit. (Tingnan: Symbolic Language)

ang kaniyang araw ay parating na

Ipinahihiwatig nito na ang “kaniyang araw” ay ang araw ng paghuhukom. Maaaring isalin na: “ang araw ay parating na kapag si Yahweh ang hahatol at magpaparusa sa kaniya” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 37:14-15

Ang masama

Ito ay tumutukoy sa masasamang tao. Maaaring isalin na: “Ang masasamang tao” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Binunot ang kanilang mga espada… binaluktot ang kanilang mga pana

Kapwa “mga espada” at “mga pana” ay mga sandata na ginamit para lusubin ang mga tao. Ang katunayan na sila ay “nakabunot” at “binaluktot” ay nangangahulugan na ang mga paglusob ay handa ng magsimula. Maaaring isalin na: “Ay inihanda na ang kanilang mga sandata para lumusob” (Tingnan: Synecdoche)

Para ilugmok

Itong pagkawasak ng mga nangangailangan na tao ay sinasabi na parang sila ay mga paso na maaaring mabasag na pira-piraso kapag tinapon sa lupa. Maaaring isalin na: “para mawasak” (Tingnan: Metaphor)

ang mga naaapi at nangangailangan

Ang mga pahayag na ito ay parehong tumutukoy sa mga tao na walang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanilang sarili. Maaaring isalin na: “mga tao na walang kakayahan na labanan sila” (Tingnan: Doublet)

Ang kanilang mga espada ang sasaksak sa kanilang mga puso

Ang mga espada ay halimbawa ng mga sandata at “mga puso” ang kumakatawan sa mga tao. Ang “sasaksak sa puso” ay isang idioma na nangangahulugan na “para pumatay.” Maaaring isalin na: “Kanilang mga sandata ay kakalaban sa kanila at papatayin nila ang kanilang mga sarili” (Tingnan: Synecdoche and Idiom)

ang kanilang mga pana ay masisira

Ang mga pana ay mga halimbawa ng mga sandata na gamit ng masasama. Maaaring isalin na: “Ang mga sandata na kanilang ginamit laban sa mga matutuwid ay masisira.” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 37:16-17

Mas mabuti ang kaunti na mayroon ang matuwid

“mas mabuti ang maging matuwid, kahit pa ang ibig sabihin nito na ikaw ay mahirap”

Ang kaunti

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaunting mga pag-aari. (Tingnan : Nominal Adjectives)

Ang matuwid

Ito ay tumutukoy sa mga tao na matutuwid. Maaaring isalin na: “ang mga matutuwid na tao” (Tingnan: : Nominal Adjectives)

kaysa sa kasaganaan ng masasama

“…kaysa maging makasalanan na may malaking kayamanan.” (Tingnan: Parallelism)

Ang kasaganahan

Ito ay tumutukoy sa kayamanan ng mga masamang tao. (Tingnan: Nominal Adjectives)

Dahil ang mga bisig ng masasama ay mababali

Dito ang “bisig” ay kumakatawan sa kalakasan ng mga masasama. Ang pagkabali ng kanilang mga bisig ay kumakatawan sa pag-alis ng kanilang kapangyarihan. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Dahil aalisin ni Yahweh ang kalakasan ng masasama” (Tingnan: Metonymy and Abstract Nouns)

Psalms 37:18-19

Binabantayan ni Yahweh ang mga walang kasalanan

Ang “bantayan” ay nangangahulugan ng pag-iingat sa isang tao. Dito “ang walang kasalanan” ay tumutukoy sa mga walang kasalanang tao. Maaaring isalin na: “ingatan ang mga walang kasalanan” (Tingnan: Idiom and Nominal Adjectives)

Sa araw-araw

Ang Idiomang ito ay nangangahulugan ng “bawat araw” o “lagi.” (Tingnan: Idiom)

Sa panahon ng problema

Ang parirala ay tumutukoy sa kapahamakan kagaya ng taggutom. Maaaring isalin na: “kapag naganap ang kalamidad” (UDB) (Tingnan: Idiom)

Psalms 37:20-21

Ang mga kaaway ni Yahweh ay magiging tulad ng kasaganahan ng mga pastulan

Ang manunulat ay inihalintulad ang mga kaaway ni Yahweh at ang mga bulaklak na namumukadkad sa mga bukid. (Tingnan : Simile)

Mawawala … maglalaho sa usok

Ang manunulat ay nagsasalita sa pagkawasak ng masama na parang sila ang mga damo sa mga bukid na nasunog pagkatapos ng pag-aani. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Sila ay wawasakin ni Yahweh gaya ng apoy na ginawang usok ang mga damo sa bukid” (Tingnan : Metaphor and Active or Passive)

ay mapagbigay at nagbibigay

Ito ay nangangahulugan ng parehong bagay, at binibigyang-diin ang kabutihang-loob ng matuwid. (Tingnan : Duplikado)

Psalms 37:22-24

Ay mamanahin ang lupain

Tingnan kung paano ito isinalin sa 37:9 (Tingnan: Metaphor)

ang mga isinumpa niya ay tatanggalin

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Silang mga isinumpa ni Yahweh ay aalisin sa lupain.” (Tingnan: Active or Passive)

Ay tatanggalin

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 37:9 (Tingnan: Metaphor)

Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao

Ito ay maaaring makatulong na muling maisaayos ang mga parirala para maipakita ang makatuwirang pag-uugnay. Maaaring isalin na: “kapag ang tao ay namuhay ng kapuri-puring paraan sa paningin ni Yahweh, patatatagin ni Yahweh ang kaniyang mga hakbang”

Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Si Yahweh ang nagbibigay-daan sa isang tao na maging matagumpay” (Tingnan : Aktibo o Balintiyak)

Isang tao… ang tao

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao, pero sa mga tao sa pangkalahatan. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Ang mga hakbang ng isang tao

Ang mga hakbang ay kumakatawan sa pag-uugali ng tao sa kaniyang buhay. Maaaring isalin na: “ang paraan ng isang tao para mamuhay” (Tingnan: Metonymy)

Bagama't siya ay nadapa, siya ay hindi babagsak

Dito ang “nadapa” at “babagsak” ay tumutukoy sa reaksyon ng tao sa oras ng paghihirap. Maaaring isalin na: “Kahit siya ay may oras ng paghihirap, siya ay hindi lubos na mabibigo” (Tingnan: Metaphor)

dahil hinawakan siya sa kaniyang kamay

Si Yahweh ay binigyan ng katangian ng tao na may isang kamay. Dito ang “kaniyang kamay” ay tumutukoy sa kapangyarihan ni Yahweh, at “hawak siya” ay tumutukoy sa pag-iingat sa kaniya. Maaaring isalin na: “iniingatan siya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan” (Tingnan: Personification and Metonymy)

Psalms 37:25-27

Ang matuwid ay pinabayaan

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Pinabayaan ni Yahweh ang matuwid na tao” (Tingnan: Aktibo o balintiyak)

Matuwid

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao. Ito ay sa pangkalahatang pahayag. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Nagmamakaawa para sa tinapay

Dito ang “tinapay” ay kumakatawan sa pagkain sa pangkalahatan. Maaaring isalin na: “nagmamakaawa para sa pagkain” (Tingnan: Metonymy)

Sa kahabaan ng araw siya ay

Ang Idiomang ito ay nangangahulugan na ang kilos na ito ay isang kinaugalian sa kaniyang buhay. Maaaring isalin na: “Siya ay palagi” (Tingnan: Idiom)

Ang kaniyang mga anak ay naging isang pagpapala

Maaaring isalin na: “ang kaniyang mga anak ay lumaki para maging pagpapala sa iba”

Tumalikod ka mula

Ang paghinto sa paggawa ng isang bagay ay sinasabi na parang isang tao na tumalikod mula dito. Maaaring isalin na: “tumigil sa paggawa” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 37:28-30

Sila ay pag-iingatan magpakailanman

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Sila ay iingatan ni Yahweh magpakailanman” (Tingnan: Active or Passive)

Ay tatanggalin

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 37:9 (Tingnan: Metaphor)

Ang matuwid

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 37:16

Mamanahin ang lupain

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 37: 9 (Tingnan: Metaphor)

Ang bibig ng matuwid

Dito ang “bibig” ay kumakatawan sa kabuuan ng tao na nagsasalita. Maaaring isalin na: “ang matuwid na tao” (Tingnan: Synecdoche)

Nagsasalita ng karunungan

Ang basal ng pangngalan na “karunungan” ay maaaring isaad bilang kilos. Maaaring isalin na: “nagbibigay ng matalinong payo sa iba” (UDB)(Tingnan: Abstract Nouns)

Nagdaragdag ng katarungan

Ang basal ng pangngalan na “katarungan” ay maaaring isaad bilang kilos. Maaaring isalin na: “paghimok sa ibang tao na mamuhay nang tama” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 37:31-33

Ang batas ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso

Dito ang “nasa kaniyang puso” ay tumutukoy sa kaniyang pinakamalalim na pagkatao. Maaaring isalin na: “Kaniyang pinahahalagahan ang utos ng kaniyang Diyos sa kaniyang pagkatao.” (Tingnan: Metonymy)

Ang kaniyang paa ay hindi madudulas

Dito ang kabiguan na pagsunod kay Yahweh ay binabanggit na parang pagdulas sa ligtas na daan at pagbagsak. Maaaring isalin na: “siya ay maglalakad nang ligtas sa daan na nais ng Diyos na kaniyang lakaran” o “gagawin niya nang ligtas ang mga bagay na nais ng Diyos na kaniyang gawin” (Tingnan: Metaphor)

Ang masamang tao… ang matuwid.. ang masama

Ito ay hindi partikular na mga tao. Kanilang tinutukoy ang ganitong uri ng tao sa pangkalahatan. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Binabantayan ang matuwid

Dito ang binabantayan ay nagpapahiwatig ng pagmasid sa matuwid para magawan sila ng pinsala. Maaaring isalin na: “paghihintay sa paggawa ng masama para sa matutuwid” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Kamay ng masama

Dito ang “kamay” ay kumakatawan sa kapangyarihan o kontrol. Maaaring isalin na: “ang kapangyarihan ng masamang tao” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 37:34

Ikaw ay kaniyang itataas

Dito ang “kaniyang itataas” ay tumutukoy sa pagbibigay parangal ng Diyos sa mga naghihintay para sa kaniya. Maaaring isalin na: “ikaw ay kaniyang pararangalan” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Ang masasama

Ito ay tumutukoy sa masasamang tao. Maaaring isalin na: “ang masasamang tao” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Ay tatanggalin

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa parehong parirala sa 37:9. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 37:35-36

ang masama at nakakikilabot na tao

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao. Ito ay sa pangkalahatang pahayag. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

nagkalat gaya ng luntiang puno sa likas nitong lupa

Dito ang kasaganaan ng masamang tao ay binabanggit na parang siya ay isang malusog na puno na lumalago sa matabang lupa. (Tingnan: Simile)

Hindi na siya matagpuan

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “hindi ko siya mahanap” o “siya ay kinuha ni Yahweh” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 37:37-38

Ang taong may dangal

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao. Ito ay pangkalahatang pahayag. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Tandaan ang matuwid

“itala nang may ingat ang mabubuting tao”

ang kinabukasan para sa masasamang tao ay mapuputol

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ang magdadala ng kanilang angkan sa katapusan” (Tingnan: Active or Passive)

Ang kinabukasan

Ito ay tumutukoy sa kaniyang kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: “kaniyang kaapu-apuhan” (Tingnan: Metonymy)

Masasamang tao

Ito ay hindi tumutukoy sa isang partikular na tao. Ito ay pangkalahatang pahayag. (Tingnan: Generic Noun Phrases)

Ay mapuputol

Tingnan kung paano mo isinalin sa parehong parirala sa 37:9 (Tingnan: Metaphor)

Psalms 37:39-40

Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh

Ang basal na pangngalan na “Kaligtasan” ay maaaring ipahayag bilang kilos. Maaaring isalin na: “sinagip ni Yahweh ang matutuwid na tao” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

ng matutuwid

Ito ay tumutukoy sa matutuwid na tao. Maaaring isalin na: “ang matutuwid na tao” (Tingnan: Nominal Adjectives)

Tinutulungan… sinasagip… inililigtas

Itong parehong ideya ay inuulit sa apat na magkakaibang paraan para magbigay-diin na si Yahweh ay maaasahan at may kakayahan na magbigay tulong. (Tingnan: Parallelism)

Sila ay kumubli sa kaniya

Ang paglapit kay Yahweh para sa pag-iingat ay binabanggit na parang pagkuha ng kublihan sa kaniya. Maaaring isalin na: “sila ay nagpunta sa kaniya para sa pag-iingat” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 38

Psalms 38:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit ni David-

Mga maaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit 2) Tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay sa estilo ng mga awit ni David.

Huwag mo akong sawayin sa iyong galit. .. huwag akong parusahan ng iyong poot

Ang mga pariralang ito ay magkapareho ng kahulugan. (Tingnan: Parallelism)

Tumatagos sa akin ang iyong palaso-

Ang malubhang parusa sa manunulat ni Yahweh ay sinabing parang si Yahweh ay nagpatama ng palaso sa manunulat. Maaaring isalin na: “Kasing sakit ng pagpapatama ng palaso sa akin ang iyong pagpaparusa” (Tingnan:

Ibabagsak ako ng iyong kamay

Ang parusa sa manunulat ay sinasabing parang sinisira ni Yahweh ang manunulat gamit ang kaniyang kamay. Dito, ang “kamay” ay tumutukoy sa kapangyarihan ni Yahweh. Maaaring isalin na: “itinutumba ako ng iyong kamay” (Tingnan: Metaphor and Metonymy)

Psalms 38:3-4

Pangkalahatang Kalaman

Patuloy na inilalarawan ni David kung ano ang ginagawa ng kasalanan at kahihiyan sa kaniyang katawan. Gumagamit siya ng pagmamalabis upang bigyang diin ang kaniyang aralin.

Walang kalakasan ang aking mga buto dahil sa aking kasalanan

Dito ang “aking mga buto” ay kumakatawan sa katawan ng manunulat. Maaaring isalin na: “aking buong katawan ay may karamdaman dahil sa aking kasalanan” (Tingnan: Synecdoche)

Nilunod ako ng aking mga kasalanan

Ang kasamaan ng manunulat ay sinasabing parang ang mga ito ay isang baha ng tubig na tumatakip sa kaniya. Maaaring isalin na: “Tinaktakpan ako ng aking mga kasamaan tulad ng isang baha.” (Tingnan: Metaphor)

Napakabigat ng pasanin na ito para sa akin

Ang kasamaan ng manunulat ay sinabing parang ang mga ito ay isang mabigat na pasanin na hindi niya kayang buhatin. Maaaring isalin na: “Ito ay isang pasanin na sobrang bigat para aking angatin.” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 38:5-6

Pangkalahatang Kalaman:

Patuloy na inilalarawan ni David kung ano ang ginagawa ng kasalanan at kahihiyan sa kaniyang katawan. Gumagamit siya ng pagmamalabis upang bigyang diin ang kaniyang aralin.

Lumala at nangamoy ang aking mga sugat

Dito ang “nangangamoy” ay tumukoy sa kaniyang mga sugat na may mabahong amoy na nabubulok na laman. “Aking mga sugat ay malala at masama ang amoy habang nabubulok” (Tingnan: Metonimi)

Tinatapakan ako

Ang sakit ng manunulat ang nagdulot sa kaniya na napayuko gaya ng isang matanda, mahinang tao. Maaaring isalin na: “namamaluktot ako sa sakit” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 38:7-8

May karamdaman ang aking buong katawan. Manhid na ako at labis na nanlulupaypay

Patuloy na inilalarawan ni David kung ano ang ginagawa ng kasalanan at kahihiyan sa kaniyang katawan. (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 38:9-10

Ang masidhing pagnanais ng aking puso

Dito ang “aking puso” ay tumutukoy sa manunulat. Maaring makatulong ito sa pagsasaad na ang manunulat ay nagnanais ng mabuting kalusugan. Maaaring isalin na: “Aking matinding pagnanais” o “na ninanais ko na iyo akong pagalingin” (Tingnan: Synecdoche and Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ang aking paghihinagpis ay hindi maitatago mula sa iyo

Ito ay maaring sinabi sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “may kakayahan kayong makita ang lahat ng daing ng aking kalungkutan” (Tingnan: Active or Passive)

Kumakabog ang aking puso

Ang idiomang ito ay nangangahulugan na ang kaniyang puso ay kumakabog. Maaaring isalin na: “Malakas na kumakabog ang aking puso” (Tingnan: Idioma)

naglalaho ang aking lakas

“Ako ay nanghihina”

Nanlalabo aking paningin

“Ako ay hindi na makakita ng maayos”

Psalms 38:11-12

Naglagay ng mga patibong para sa akin

Ang masamang balak ng mga kaaway ng manunulat ay sinasabi na parang sila ay naglagay ng patibong para siya ay hulihin tulad ng isang hayop. Maaaring isalin na: “naglagay ng mga patibong para hulihin ako: (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Nagsasabi ng mapanira at mapanlinlang na mga salita

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at nagbibigay diin sa mga nakakasakit na sinasabi ng mga tao. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 38:13-14

tulad ako ng isang bingi … walang naririnig…hindi nakaririnig

Ang unang mga linya ng talata 13 at 14 ay gumamit ng simili para ipakita ang parehong larawan ng isang taong bingi. Ang manunulat ay may malubhang sakit na siya ay hindi makarinig. (Tingnan: Parallelism and Simile)

Tulad ako ng isang pipi… walang sinasabi… walang katugunan

Ang pangalawang linya ng talata 13 at 14 ay simili na nagpapakita sa larawan ng isang taong pipi. Ang manunulat ay may malubhang sakit na siya hindi na makapagsalita. (Tingnan: Parallelism and Simile)

Psalms 38:15-16

ikaw ay sasagot

Mga maaring kahulugan ay 1) “sasagutin mo ako” o 2) “sasagutin mo ang aking mga kaaway.”

Hindi ako maliitin

“hindi malulugod sa aking kaguluhan”

Kung madudulas ang aking paa

Dito ang “aking paa” ay inilalarawan ang manunulat. Ang pagkakadulas ng kaniyang paa ay isang Metapora na tumutukoy sa kapahamakan at kasawian ng mga manunulat. Maaaring isalin na: “Kung magkakamali ako na magdudulot sa akin ng kaguluhan.” (Tingnan: Synecdoche and Metaphor)

Psalms 38:17-18

matitisod na ako

Mga maaring kahulugan para sa Metaporang ito 1) “Napakalubha ng aking karamdaman na halos ikamatay ko” o 2) “Malapit na ang aking pagkawasak.”Mas maaring huwag ipaliwanag ang Metaporang ito sa teksto.

Ako ay patuloy na naghihinanakit

“Patuloy akong nagdurusa.”

Psalms 38:19-20

Pero napakarami ng aking mga kaaway … ay marami

Magkapareho ang kahulugan ng mga pariralang ito. (Tingnan: Parallelism)

Gumaganti sila sa aking kabutihan

Ang mga kilos ng mga kaaaway ng manunulat ay sinasabi bilang pangangalakal ng pananalapi kung saan binayaran siya ng mga masasamang bagay sa mga kabutihang bagay. Ang basal na pangngalang “masama” at “mabuti” ay ipinapahayag bilang mga kilos. Maaaring isalin na: Binibigyan nila ako ng mga masasamang kilos sa kabayaran ng aking magagandang kilos sa kanila” (Tingnan: Metaphor at Abstract Nouns)

nagbabato sila ng paratang

Ang paraan ng mga kaaway ng manunulat na akusahan siya ay sinabi na parang sila ay nagbabato ng mga akusasyon sa kaniya tulad ng mga bato.(Tingnan: Metaphor)

Pinagpatuloy kung ano ang mabuti

Ang ninanais ng manunulat para sa kung ano ang tama ay sinabi na parang siya ay sumusunod sa mga mabubuting bagay (Tingnan: Metaphor)

Psalms 38:21-22

Huwag mo akong pabayaan… huwag kang lumayo sa akin

Magkapareho ang kahulugan ng mga pariralang ito. (Tingnan: Parallelism)

Huwag lumayo mula sa akin

Dahil si Yahweh ay hindi parin sumasagot sa kahilingan ng manunulat, ang manunulat ay nagsasabing si Yahweh ay parang nakatayo sa malayo mula sa manunulat. (Tingnan: Metaphor)

Magmadali para ako ay tulungan

Ang Diyos ay sinasabi na parang siya ay tumaktakbo papunta sa manunulat para tulungan siya. (Tingnan: Metaphor)

Aking kaligtasan

Ang basal na pangngalan “kaligtasan” ay maaring ihayag bilang isang kilos. Maaaring isalin na: “ikaw ang siyang magliligtas sa akin”(UDB) (Tingnan: Abstraktong Pangngalan)

Psalms 39

Psalms 39:1

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Mga Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog-

“Ito ay para sa tagapamahala ng musika na ginagamit sa pagsamba,”

Para kay Jedutun

Tingnan kung paano isinalin ang mga pangalan: Paano Isalin ang mga Pangalan.

Ang awit ni David

Mga maaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay katulad ng paraan ng mga awit ni David.

iniingatan ko kung ano ang aking sasabihin

Dito ang “babantayan” ay isang idioma na ang kahulugan ay “magbigay pansin sa.” Maaaring isalin na: “Ako ay magbibigay pansin sa mga bagay na aking sasabihin” (Tingnan: Idiom)

Para hindi magkasala gamit ang aking dila

Dito ang “dila” ay tumutukoy sa pananalita ng manunulat. Maaaring isalin na: “sa gayon ako ay hindi magsasalita nang laban kay Yahweh” (Tingnan: Metonymy)

bubusalan

Ang “bubusalan” ay nangangahulugan na panatilihing nakatikom ang bibig. Ang ibig-sabihin ni David dito ay hindi siya magsasalita habang siya ay may kasamang masamang tao. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 39:2-3

Nanatili akong tahimik; pinigilan ko ang aking mga salita

Ang dalawang pariralang ito ay pareho ng kahulugan at binibigyang diin na ang manunulat ay hindi nagsalita kailanman: “Ako ay ganap na tahimik” (UDB) (Tingnan: Doublet)

Pinigilan ko ang aking mga salita

Dito ang “Aking mga salita” ay tumutukoy sa pananalita ng manunulat. Maaaring isalin na: “hindi ako nagsasalita” (Tingnan:Metonymy)

Nag-aalab ang aking puso … nakapapaso ito tulad ng isang apoy

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa buong pagkatao. Ang nababahalang kaisipan ng manunulat ay sinasabi na parang isang apoy na nagliliyab sa loob niya. Maaaring isalin na: “Ako ay naging sobrang nababahala kapag iniisip ko ang tungkol sa mga bagay na ito.” (Tingnan: Synedoche at Metaphor)

Psalms 39:4-5

Yahweh, ipaalam sa akin… ang kahabaan ng aking mga araw

(Tingnan: Parallelism)

Ipakita mo sa akin kung paano ako lilipas

“Ipakita sa akin kung gaano kadali ang aking buhay” o “Ipakita sa akin kung gaano kabilis akong mamatay”

Tingnan mo, ginawa mo lamang kasing lapad ng aking kamay ang aking mga araw

“ito ay parang ikaw na ang nagdulot sa akin na mabuhay sa maikling panahon;” (UDB). (Tingnan: Metaphor)

Tunay na bawat tao ay parang isang hininga.

“Ang buhay ng mga tao ay napaka-ikli.” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 39:6-7

Tunay nga na ang bawat tao ay naglalakad tulad ng isang anino

Maaaring isalin na: “Maglalaho ang ating buhay tulad ng isang anino.” (Tingnan: Simile)

Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay?

Maaaring isalin na: “Panginoon, ngayon ako ay naghihintay sa iyong pagkilos,” Tinanong ng manunulat ito para bigyang diin na si Yahweh ang kaniyang tanging pag-asa. (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 39:8-9

Dahil sa iyong ginawa

Maaaring isalin na: “dahil ang kaparusahan ay nagmumula sa iyo.”

Psalms 39:10-11

Itigil mo ang pagpapahirap sa akin

Maaaring isalin na: “O aking Diyos, pahintuin ang inyong paghampas sa akin"

Nalulula ako

Maaaring isalin na: “Ganap akong natalo”

Tulad ng isang gamu-gamo

Ang manunulat ay inihahalintulad ang kalakasan ng mga tao sa sapot na kinakain ng isang gamu-gamo. Maaaring isalin na: “tulad ng isang gamu-gamong kumakain ng sapot” (Tingnan: Simile)

Balewala ang lahat ng tao tulad ng singaw

Ang manunulat ay inihahalintulad ang mga tao sa hamog o usok na mabilis maglaho. Maaaring isalin na: “Sadyang hindi nagtatagal ang ating buhay” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 39:12-13

Pakinggan ang aking dalangin, Yahweh, at making ka sa akin

Ang manunulat ay humihiling kay Yahweh na magbigay tuon sa kaniyang panalangin. (Tingnan: Doublet)

Tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan

Maaaring isalin na: “Ganap akong dayuhan para sa iyo.” (Tingnan: Simile)

Ibaling mo ang inyong pagtitig mula sa akin para muling akong makangiti bago ako mamatay.

Ipinahayag ng manunulat kung ano ang kaniyang nararamdaman kapag itinutuwid siya ni Yahweh. (Tingnan: Personification)

Psalms 40

Psalms 40:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Mga Tula at Pagkakatulad

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa tagapamahala ng musika na ginagamit sa pagsamba.”

Ang awit ni David

Mga maaring kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay ang estilo ng mga awit ni David.

Matiyaga akong naghihintay kay Yahweh

Ipinapahayag nito na si David ay nagdadasal kay Yahweh at naghihintay kay Yahweh para tulungan siya. (Tingnan:Assumed Knowledge and Implicit Information)

Mula sa kakilakilabot na hukay, mula sa putikan

“mula sa pagkakabihag sa isang kakilakilabot na hukay na puno ng malalagkit na putik.” Ito ay nagpapakita ng isang Metapora para sa isang nakakamatay na panganib. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 40:3-4

Siya ang naglagay sa aking bibig ng bagong awit

Mga maaring kahulugan ay 1) “Itinuro niya ang mga titik sa bagong awitin” o 2) “Binigyan niya ako ng bagong dahilan para umawit.”

Sa aking bibig

Dito ang “aking bibig” ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “sa akin” (Tingnan: Synecdoche)

Papuri sa ating Diyos

Ang pangngalang “papuri” ay maaring sabihin bilang isang pandiwa. Maaaring isalin na: “isang awit para papurihan ang ating Diyos” (Tingnan: : Abstract Nouns)

Marami ang makakaalam nito

Dito ang “Makakakita nito” ay tumutukoy sa makakarinig sa manunulat ng kaniyang awit tungkol sa kung ano ang ginawa ng Diyos para sa kaniya. Maaaring isalin na: “Maraming tao ang makaririnig sa aking sinasabi na kung ano ang ginawa sa akin ni Yahweh”

Mapalad ang taong ginagawa niyang sandigan si Yahweh

“Mapalad ang taong nagtitiwala kay Yahweh” o “Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay mapalad”

Psalms 40:5-6

Hindi mabibilang ang iyong mga iniisip para sa akin

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: ”walang sinumang makabibilang ng lahat ng bagay na iniisip mo tungkol sa amin.” (Tingnan: Active or Passive)

hindi mabibilang…higit pa sa maaring mabilang

Ang mga pariralang ito ay tunay na nangahulugan ng parehong bagay. (Tingnan: Parallelism)

higit pa sa maaaring mabilang ang mga ito

Ang kahulugan ng salitang Hebreo sa pariralang ito ay hindi lubos na malinaw. Ang ibang mga pagkakasalin nito ay pariralang bilang “ang iyong pag-iisip tungkol sa amin. Walang sinuman ang maihahalintulad sa iyo.”

Hindi kayo nagagalak sa pag-aalay o paghahandog

Ito ay isang eksaherasyon para ipakita na ang mga bagay na ito ay hindi lubos na mahalaga sa Diyos. Maaaring isalin na: “Mga alay at ibang mga handog ay ang mga bagay na hindi kinalulugdan ng lubos” (Tingnan: pagmamalabis)

binuksan mo ang aking tainga

Dito ang “pandinig” ay tumutukoy sa abilidad na makarinig. Maaaring isalin na: “ikaw ay may kakayahan na makarinig ng aking mga utos” (UDB) (Tingnan: Metonimy)

hindi mo hiniling ang mga sinunog na alay o mga alay sa kasalanan

Ito ay isanng eksaherasyon para ipakita na ang mga bagay ay hindi lubos na mahalaga sa Diyos. Maaaring isalin na: “mga hayop na sinunog sa altar at ibang mga handog para sa mga kasalanan ay hindi mo hiniling ng lubos” (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 40:7-9

sa balunbon ng kasulatan

Ito ay tumutukoy sa isang balunbon kung saan nasusulat ang salita ni Yahweh. Maaaring isalin na: “ang nasusulat na balunbon”

Pinahayag ko ang magandang balita ng inyong katuwiran sa malaking pagtitipon

Maaaring isalin na: “Aking sinabi sa isang napakalaking pagtitipon ng mga tao ang magandang balita ng iyong katuwiran.”

Magandang balita ng inyong katuwiran

Ito ay tumutukoy sa magandang balita na ang Diyos ay ililigtas ang kaniyang bayan. Maaaring isalin na: “magandang balita na dahil sa iyong katuwiran, inililigtas mo ang iyong bayan”

hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito

Maaaring isalin na: “Hindi ko hininto ang aking sarili mula sa pagpapahayag ng mga bagay na ito” (Tingnan: Metonimy)

Psalms 40:10-11

Hindi ko ikinubli ang inyong katuwiran sa aking puso

Maaaring isalin na: “Hindi ko itinago ang iyong katuwiran sa aking puso” o “Hindi ko pinanatiling lihim ang iyong katuwiran”

Hindi ko itinago ang iyong katapatan sa tipan o ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan sa napakalaking pagtitipon

Ito ay maaring ihayag ng positibo. Maaaring isalin na: “Sinabi ko sa napakalaking pagtitipon ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan at ang iyong pagkamaaasahan”

Inyong katapan sa tipan

“kung gaano ka katapat sa iyong mga pangako”

Inyong pagkamaasahan

“kung gaano ka mapagkakatiwalaan”

Hayaan mong ang katapatan mo sa tipan at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay lagi pag-ingatan ako

Maaaring isalin na: “dahil sa iyong katapatan sa tipan at iyong pagkamaasahan, lagi mo akong pinapanatili”

Psalms 40:12-13

Nakapalibot sa akin ang hindi mabilang na kaguluhan

Dito ang kaguluhan ay sinasabi na parang ang isang bagay na napalibutan at nabitag ang mananalita. Maaaring isalin na: “marami pang mga kaguluhang nakapalibot sa akin na maaring bilangin” o “maraming kaguluhan pa ang dadating sa akin na maaring bilangin” (tingnan: Abstract Nouns)

Aking kasamaan

Ito ay tumutukoy sa bunga ng kaniyang kasalanan. Maaaring isalin na: “Ang bunga ng aking mga kasalanan” (Tingnan: Metonymy)

naipit ako

Ang bunga ng kaniyang mga kasalanan ay ipinapahamak siya ngayon. Dito ang mga kasalanan na sinabi ay parang kaniyang mga kaaway.(Tingnan: Personification)

Wala na akong makitang anumang bagay

ang pagkakasalin ay magkaiba sa kung paano uunawain ang mahirap na talata. Ang maaring kahulugan nito ay ang manunulat ay lubos na umiiyak na kaniyang hindi makita ang anumang bagay dahil sa kaniyang mga luha.

binigo ako ng aking puso

Dito ang “puso”ay tumutukoy sa manunulat. Maaaring isalin na: “Ako ay lubos na nadismaya”(UDB) (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 40:14-15

Hayaan mo silang…silang mga naghahangad na kunin ang aking buhay

“Hayaan silang na nagpapatuloy na sirain ang aking buhay na mahiya at malito.” Maaaring isalin na: “kahihiyan at kabiguan sa kanilang nagbabalak na patayin ako.” (Tingnan: Active or Passive)

Hayaan mo silang…nagagalak na saktan ako

“Hayaan silang nagagalak na saktan ako ang huminto at madala sa kahihiyan. Maaaring isalin na: Pigilan silang mga nagagalak na saktan ako at ipahiya sila” (Tingnan: Active or Passive)

Hayaanmo silang… nagsasabi sa akin ng “Aha, aha!”

“hayaan silang mga nagsasabi sa akin ng, ‘Aha, aha!’ na masindak dahil sa kanilang kahihiyan”

Hayaan mo silang masindak dahil sa kanilang kahihiyan

“sana sila ay masindak kapag sila ay ipinahiya mo”

Silang mga nagsasabi sa akin, “Aha, aha!”

“Aha, aha!” ay ibang bagay na sinasabi ng mga tao kapag sila ay nangungutya ng ibang tao. Kung ang inyong wika ay may ibang bagay na ang mga tao ay sinasabi kapag nangungutya ng iba, ito ay maaaring magamit dito. Itong daluyan ay maaaring isalin kasama ng isang pandiwa tulad ng “pangungutya.”

Psalms 40:16-17

Magalak at sa iyo ay maging masaya

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at nagbibigay diin sa matinding kasiyahan. (Tingnan:Doblikado)

Iniisip pa rin ako ng Panginoon

Maaaring isalin na: Pinangangalagaan ako ng Panginoon”

Ikaw ang aking katuwang

“Ikaw ang nag-iisang tumutulong sa akin”

Ikaw... ay dumating para sagipin ako

“Dumating ka para iligtas ka”

Psalms 41

Psalms 41:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Peotry at Parallelism

Awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

siya…kaniya…kaniyang

Tumutukoy ang mga salitang ito sa sinumang may malasakit sa mga mahihina.

mga mahihina

“mga taong mahihina” o “mga taong mahihirap”

Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap

Tumutukoy ang pariralang “higaan ng paghihirap” kapag nakahiga ang isang tao sa higaan dahil may sakit siya. Maaaring isalin na: Kapag may sakit siya at nasa higaan, si Yahweh ang aalalay sa kaniya” (Tingnan: Metonymy )

gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman

Tumutukoy ang pariralang “higaan ng kagalingan” kapag nagpapahinga ang isang tao sa higaan at gumaling mula sa kaniyang karamdaman. Maaaring isalin na: “ikaw, Yahweh, ay pagagalingin siya sa kaniyang karamdaman. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 41:4-6

maglalaho ang kaniyang pangalan

Kung naglalaho ang pangalan ng isang tao, nangangahulugan ito na nakakalimutan ng mga tao na minsan siyang nabuhay. Maaaring isalin na: “kailan kaya maglalaho ang kaniyang pangalan” o “kailan kaya makakalimutan ng mga tao ang tungkol sa kaniya” (Tingnan: Ellipsis at Idiom)

Kapag pumupunta ang kaaway ko para makita ako

Tumutukoy ang mga salitang “kaaway ko” sa sinumang kaaway sa pangkalahatan, at hindi sa isang partikular na kaaway.

nagsasabi siya ng mga bagay na walang kwenta

Maaaring mga kahulugan ay 1) “nagsasabi siya ng mga walang kabuluhang bagay” o “nagsasabi siya ng mga bagay na mapanlinlang.” Nagsasabi ang kaniyang mga kaaway ng mga bagay para isipin niya na sila ay kaibigan niya kahit hindi naman. Maaaring isalin na: “nagpapanggap sila na may malasakit sa akin” (UDB) (Tingnan: Idiom)

iniipon ng kaniyang puso angaking sakuna para sa kaniyang sarili

Sinisikap ng kaniyang mga kaaway na malaman ang lahat ng mga masasamang bagay tungkol sa kaniya. Dito, tumutukoy ang salitang “puso” sa buong pagkatao. Binanggit ang mga masasamang pangyayari na parang mga bagay sila na kayang ipunin. Maaaring isalin na: “sinisikap niyang matutunan lahat tungkol sa kaniyang mga sakuna” (Tingnan: Synecdoche at Metaphor)

Psalms 41:7-9

laban sa akin, umaasa sila na masaktan ako

Maaaring mga kahulugan ay 1) “umaasa sila na may napakasamang bagay ang mangyayari sa akin” (UDB) o 2) “nagbabalak sila na saktan ako.”

masamang karamdaman…ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya

Binabanggit ng mga kaaway niya ang salitang “karamdaman” na para itong isang tao na bumihag sa kaniya” Maaaring isalin na: “Siya ay may sakit na nakamamatay” (Tingnan: Personification o Metaphor)

Isang masamang karamdaman

Maaaring mga kahulugan ay 1) “Isang nakamamatay na karamdaman” o 2) “Isang bagay na masama”

ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa

Dito, tumutukoy ang salitang “nakahiga” sa nakahiga sa higaan dahil sa karamdaman. Ang hindi na siya “makababangon” ay nangangahulugan na patuloy siyang hihiga, isang mas mababaw na salitang pantukoy para sa kamatayan. Maaaring isalin na: “ngayon na siya ay may sakit, mamamatay siya roon. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information at Yupimismo)

ay inangat ang sakong niya laban sa akin

Isa itong idyoma na nangangahulugang pinagtaksilan siya ng kaniyang kaibigan. Maaaring isalin na: “pinagtaksilan ako: o “tumalikod laban sa akin” (Tingnan: Idiom)

Psalms 41:10-12

Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako

Isa itong kahilingan. Maaaring isalin na: “Pakiusap, Yahweh, maawa ka sa akin at ibangon ako.” (Tingnan: Statements - Other Uses)

ibinangon ako

Nangangahulugan ito na ibinangon siya mula sa kaniyang higaan, o pagalingin siya mula sa kaniyang karamdaman. Maaaring isalin na: “pagalingin mo ako” (Tingnan: Idiom)

para pagbayarin ko sila

Binabanggit ng manunulat ang paghihiganti sa kaniyang mga kaaway na parang pinagbabayad sila sa kanilang mga utang. Maaaring isalin na: “para makapaghiganti ako sa kanila” (Tingnan: Metaphor)

Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin, dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin

Tumutukoy ang salitang “nito” sa kung ano ang sunod na sasabihin ng manunulat. Para mas malinaw, maaaring baligtarin ang sugnay. Maaaring isalin na: “Dahil hindi nagtatagumpay ang kaaway ko laban sa akin, alam ko na nasisiyahan ka sa akin” (Tingnan: Order of Events)

Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin

Maaari rin itong isalin sa panghinaharap yamang hindi pa siya pinagaling ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Kung bibigyan mo ako ng kakayahang gawin iyon, dahil hindi ako natalo ng aking mga kaaaway, malalaman ko na nasisiyahan ka sa akin” (UDB) (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tinulungan mo ako sa aking katapatan

“tinulungan mo ako dahil sa aking katapatan”

iingatan ako sa harap ng iyong mukha

Binabanggit ng manunulat ang pagiging nasa presensiya ng Diyos gaya ng pagiging nasa lugar kung saan makikita siya ni Yahweh at makikita niya ang mukha ni Yahweh. Maaaring isalin na: “iingatan ako kasama mo” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 41:13

Pangkalahatang Kaalaman

Ang talata na ito ay higit pa sa katapusan ng awit na ito. Ito ay pangwakas na pahayag para sa lahat ng Unang Aklat ng mga Awit, na nagsimula mula sa Awit 1 at nagtapos sa Awit 41.

si Yahweh, ang Diyos ng Israel

“Si Yahweh, ang siyang Diyos ng Israel”

Psalms 42

Psalms 42:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba.”

Isang maskil

Maaaring tumutukoy ito sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 32:1.

Gaya ng usa na hinihingal at nananabik para sa tubig na umaagos, gayon ang pagkauhaw ko para sa iyo, O Diyos

Inihahambing ng manunulat ang kaniyang pagnanais para sa Diyos sa pagkauhaw ng usa para sa tubig.

Humihingal

naghahabol na paghinga mula sa hayop o tao na pagod na pagod at uhaw na uhaw.

Nauuhaw ako para sa iyo, O Diyos…nauuhaw ako para sa Diyos

Binabanggit ng manunulat ang kaniyang matinding pagnanais na parang matinding pagkauhaw para sa tubig.

kailan kaya ako makapupunta at makahaharap sa Diyos?

Hindi nagtatanong ang manunulat para makakuha ng kasagutan kundi ipakita ang kaniyang matinding pagnanais na makapunta sa harap ng Diyos. (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 42:3-4

Ang mga luha ko ang naging pagkain ko

Tinutukoy ng manunulat ang kaniyang mga luha na parang pagkain na kanilang kinakain. Nangangahulugan ito na napakalungkot niya na hindi siya nakakakain. Maaaring isalin na: “Ang mga luha ko ay tulad ng aking pagkain at wala na akong kinakain. (Tingnan: Metaphor at Assumed Knowledge and Implicit Information)

araw at gabi

Tumutukoy ang pariralang ito sa buong araw sa pamamagitan ng pagtukoy sa araw at gabi. Maaaring isalin na: “buong araw” (Tingnan: Merism)

ang mga kaaway ko ay laging nagsasabi sa akin

Ito ay isang pagmamalabis. Hindi ito laging sinasabi ng kaniyang mga kaaway; sinasabi nila ito ng madalas. (Tingnan: Hyperbole)

Nasaan ang Diyos mo?

Ginagamit ng mga kaaway ng manunulat ang tanong na ito para kutyain siya at para ipahayag na hindi nila nakikita na tinutulungan siya ng kaniyang Diyos. Maaaring isalin na: “Wala rito ang Diyos mo para tulungan ka” (Tingnan: Rhetorical Question)

Inaalala

Isa itong idyoma na nangangahulugang alalahanin o isipin ang isang bagay. Maaaring isalin na: “naaalala” (Tingnan: Idiom)

binubuhos ko ang aking kaluluwa

Dito, tumutukoy ang salitang “kaluluwa” sa mga damdamin. Binabanggit ng manunulat ang kaniyang kaluluwa na parang isang likido na ibinuhos niya. Ang parirala ay nangangahulugan na ipinapahayag niya ang kaniyang damdamin ng kapighatian. Maaaring isalin na: “Ipinapahayag ko ang aking pagdadalamhati” (Tingnan: at Metaphor)

napakaraming tao

“kakapalan ng mga tao”

kagalakan at pagpupuri

Gumagamit ang pariralang ito ng dalawang magkaibang salita para ipahayag ang isang ideya. Maaaring isalin na: “pagpupuri ng may kagalakan” (Tingnan: Hendiadis)

Psalms 42:5-6

Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa, at bakit ka nababalisa sa aking kalooban?

Tinutukoy ng manunulat ang kaniyang sariling kalooban bilang kaniyang “kaluluwa”. Tinatanong niya ito para ituwid ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: “Hindi ako dapat yumuyukod, at hindi ako dapat nababalisa (Tingnan: Rhetorical Question at Synecdoche)

Yumuyukod

Binabanggit ng manunulat ang kapighatian o panghihina ng loob na parang ang kaniyang kaluluwa ang iniyuyuko. Maaaring isalin na: “pinanghinaan ng loob” (Tingnan: Metaphor)

Umasa ka sa Diyos

Patuloy na binabanggit ng manunulat ang kaniyang sariling kaluluwa at inuutasan ito na magtiwala sa Diyos. (Tingnan: Imperatives - Other Uses)

sa tulong ng kaniyang presensiya

Sinisimulang banggitin ng manunulat sa Diyos ang tungkol sa kaniyang kaluluwa

Inaalala ko

Ang pariralang ito ay nangangahulugang alalahanin o isipin ang isang bagay. Maaaring isalin na: “Iniisip kita” (Tingnan: Idiom)

lupain ng Jordan

Marahil ito ay tumutukoy sa Hilagang Israel, kung saan nagmula ang Ilog Jordan. Maaaring isalin na: “ang lupain kung saan nagsimula ang Ilog Jordan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tuktok

mga taluktok ng bundok

Burol ng Mizar

Pangalan ito ng isang burol sa baba ng Bundok ng Hermon (Tingnan: How to Translate Names)

Psalms 42:7-8

Tumatawag ang kalalilam sa kalaliman ng ingay ng iyong mga talon

Tumutukoy ang salitang “kalaliman” sa kalaliman ng katubigan, na dito ay parang rumaragasang agos ng tubig mula sa Bundok ng Hermon. Binabanggit ng manunulat ang mga ito na parang mga tao na tumatawag sa iba habang naririnig ang ingay ng kanilang pag-agos mula sa bundok. (Tingnan: Personification)

lahat ng iyong mga alon..ay dumating sa akin

Binabanggit ng manunulat ang kaniyang labis na kasawian at kalungkutan na para itong malalim na katubigan na lumunod sa kaniya sa pamamagitan ng sunod-sunod na alon. (Tingnan: Metaphor)

ang iyong mga alon at mga nagtataasang alon

Ang salitang “mga nagtataasang alon” ay isa pang salita para sa “mga alon.” Nagbibigay-diin ang dalawang pinagsamang salita ng kalakhan ng mga alon. Maaaring isalin na: “lahat ng iyong mga naglalakihang alon.” (Tingnan: Doublet

Pero uutusan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan

Binabanggit ng manunulat ang katapatan sa tipan ni Yahweh na parang isang taong inutusan na sumama sa kaniya. Maaaring isalin na: “Ipapakita ni Yahweh sa akin ang kaniyang katapatan sa tipan.” (Tingnan: Metaphor)

kaniyang awit

Maaaring mga kahulugan ay 1) ang awit na binigay niya sa akin” o “ang awit tungkol sa kaniya”

ang Diyos ng buhay ko

“ang Diyos na nagbibigay ng buhay sa akin”

Psalms 42:9-10

Sasabihin ko sa aking Diyos na aking malaking bato

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na parang siya ay isang malaking bato na magkakaloob ng proteksyon mula sa paglusob ng kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Bakit ako nagluluksa

ang “pagluluksa” ay paggawa ng kaugalian na may kaugnayan sa pagiging napakalungkot.

Gaya ng espada sa aking mga buto

Inilalarawan ng manunulat ang panlalait ng kaniyang mga kalaban gaya ng pagtanggap niya ng nakamamatay na sugat. (Tingnan: Simile)

palagi nilang sinasabi sa akin

Ito ay isang pagmamalabis; hindi ito palaging sinasabi ng kaniyang mga kaaway kundi sinasabi ito ng madalas. (Tingnan: Hyperbole)

Nasaan na ang Diyos mo?

Ginagamit ng mga kaaway ng manunulat ang tanong na ito para kutyain siya at ipahayag na hindi nila nakikita na tinutulungan siya ng Diyos. Maaaring isalin na: “Wala rito ang Diyos mo para tulungan ka” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 42:11

Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban?

Tinutukoy ng manunulat ang sarili niyang kalooban bilang kaniyang “kaluluwa.” Tinatanong niya ang mga ito para sawayin ang kaniyang sarili. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 42:5. Maaaring isalin na: “Hindi ako dapat yumuyukod. Hindi ako dapat nababalisa” (Tingnan: Rhetorical Question at Synecdoche)

yumuyukod

Binabanggit ng manunulat ang kapighatian o panghihina ng loob na parang ang kaniyang kaluluwa ang nakayuko. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 42:5. Maaaring isalin na: “pinanghinaan ng loob” (Tingnan: Metaphor)

Umasa ka sa Diyos

Patuloy na binabanggit ng manunulat ang kaniyang sariling kaluluwa at inuutasan ito na magtiwala sa Diyos. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 42:5. (Tingnan: Imperatives - Other Uses)

na saklolo ng aking mukha at aking Diyos

Tinutukoy ng manunulat ang sarili niya bilang “aking mukha.” Maaaring isalin na: “siya ang aking saklolo at siya ang aking Diyos.” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 43

Psalms 43:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry at Parallelism

ang Diyos ng aking kalakasan

Maaaring mga kahulugan ay 1) “ang Diyos na nag-iingat sa akin” o 2) “ang Diyos na nagbibigay sa akin ng kalakasan.”

bakit mo ako itinapon palayo? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng kaaway?

Tinatanong ng manunulat ang mga ito para magreklamo sa Diyos at ipahayag ang kaniyang mga nararamdaman, hindi para tumanggap ng sagot. (Tingnan: Rhetorical Question)

itinapon palayo

Binabanggit ng manunulat ang pagtanggi sa kaniya ng Diyos na parang itinatapon siya gaya ng basura. Maaaring isalin na: “tinanggihan ako” (Tingnan: Metaphor)

Bakit ako nagluluksa?

ang “pagluluksa” ay paggawa ng kaugalian na may kaugnayan sa pagiging napakalungkot.

dahil sa pang-aapi ng kaaway

Maaaring isalin ang salitang “pang-aapi” sa pandiwa. Maaaring isalin na: “dahil inaapi ako ng aking kaaway” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 43:3-4

ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan

Binabanggit ng manunulat ang pagpapalaya ng Diyos na parang isang ilaw na nagpapakita sa kaniya ng daan at katotohanan na nagtuturo sa kaniya kung paano mabuhay. Maaaring isalin na: “gabayan mo ako ng iyong katotohanan” (Tingnan: Metaphor)

banal mong burol

Tumutukoy ito sa burol sa Jerusalem kung saan nakatayo ang templo at sa templo mismo. (Tingnan: Metonymy)

sa iyong tabernakulo

“sa lugar kung saan ka naninirahan”

sa Diyos, na aking lubos na kaligayahan

“Ang Diyos na aking dakilang kagalakan” o “Diyos na nagbibigay sa akin ng dakilang kagalakan”

Psalms 43:5

Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban?

Tinutukoy ng manunulat ang kaniyang sariling kalooban bilang kaniyang “kaluluwa”. Tinatanong niya ito para ituwid ang kaniyang sarili. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 42:5. Maaaring isalin na: “Hindi ako dapat yumuyukod, at hindi ako dapat nababalisa (Tingnan: Rhetorical Question at Synecdoche)

yumuyukod

Binabanggit ng manunulat ang kapighatian o panghihina ng loob na parang ang kaniyang kaluluwa ang iniyuyuko. Maaaring isalin na: “pinanghinaan ng loob” (Tingnan: Metaphor)

Umasa ka sa Diyos

Patuloy na binabanggit ng manunulat ang kaniyang sariling kaluluwa at inuutasan ito na magtiwala sa Diyos. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 42:5. (Tingnan: Imperatives - Other Uses)

aking saklolo at aking Diyos

Tumutukoy ang pariralang “aking saklolo” sa Diyos. Kung kinakailangan, maaaring pagsamahin ang dalawang parirala. Maaaring isalin na: “ang Diyos na tumutulong sa akin” (Tingnan: Doublet)

Psalms 44

Psalms 44:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba.”

Awit ng mga anak ni Korah

“Awit ito na isinulat ng mga anak ni Korah.”

Isang maskil

Maaaring tumutukoy ito sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 32:1.

Narinig ng aming mga tainga, O Diyos

Ang salitang “mga tainga” ay nakadaragdag ng pagbibigay-diin sa pahayag na narinig nila at naunawaan ang mga bagay na inilalarawaan ng manunulat. Sinasabi ng manunulat ang pahayag na ito sa Diyos. Maaaring isalin na: “O Diyos, malinaw naming narinig” (Tingnan: Idiom)

sa kanilang mga araw, noong unang panahon

Ginagamit ng parehong pariralang ito ang salitang “panahon” para tukuyin ang kapanahunan kung kailan nabuhay ang mga ninuno ng bayan ng Israel. (Tingnan: Parallelism)

Pinalayas mo ang mga bansa

Sapilitin mong pinaalis ang mga tao mula sa ibang mga bansa”

gamit ang iyong kamay

Dito, tumutukoy ang salitang “kamay” sa kapangyarihan ng Diyos. Maaaring isalin na: “sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. (Tingnan: Metonymy)

itinanim mo ang aming bayan

Binabanggit ng manunulat ang pagpapahintulot ng Diyos sa mga Israelita na manirahan sa lupain na parang itinatanim niya sila sa lupa tulad ng isang puno. Maaaring isalin na: “pinahintulutan mo ang aming bayan na manirahan doon” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 44:3-4

Sa pamamagitan ng sarili nilang espada

Tumutukoy ang salitang “espada” sa kapangyarihang militar. Maaaring isalin na: “sa pamamagitan ng paglaban gamit ang sarili nilang mga espada” o “sa pamamagitan ng sariling lakas ng kanilang hukbo” (Tingnan: Metonymy)

sarili nilang bisig

Dito, tumutukoy ang salitang “bisig” sa kapangyarihan. Maaaring isalin na: “sarili nilang kapangyarihan” (Tingnan: Metonymy)

kundi ang iyong kanang kamay…iyong mukha

Maaari kang maglagay ng pandiwa para sa pariralang ito. Maaaring isalin na: “pero ang iyong kanang kamay…iyong mukha ang nagligtas sa kanila” o “pero ang iyong kanang kamay…ang iyong mukha ang nakakuha ng lupain para maging ari-arian nila.” (TingnanL Ellipsis)

ang iyong kanang kamay, ang iyong bisig

Dito, parehong tumutukoy ang mga salitang “kamay” at “bisig’ sa kapangyarihan ng Diyos. Kapag pinagsama, binibigyang-diin nito ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Diyos. Maaaring isalin na: “ang iyong dakilang kapangyarihan” (Tingnan: Metonymy at Doublet)

ang ningning ng iyong mukha

Ang pagningning ng mukha ng isang tao sa isa pang tao ay idyoma na nangangahulugang tumingin ng may kagandahang-loob o maging mabait sa kaniya. Maaaring isalin na: “ang kabaitan mo” o “ang kagandahang loob mo” (Tingnan: Idiom)

tagumpay para kay Jacob

Ang bayan ng Israel ay tinutukoy sa pamamagitan ng pangalan ng kanilang ninunong si “Jacob.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 44:5-6

Sa pamamagitan mo…sa pamamagitan ng iyong

“Sa iyo…sa iyong”

Ibabagsak…tatapakan sila---tumitindig

Binabanggit ng manunulat ang pagkatalo ng kaniyang mga kaaway na para silang “ibabagsak” at kanilang paghahanda sa labanan na para silang “tumitindig” (Tingnan: Metaphor)

sa pamamagitan ng iyong pangalan

Dito tumutukoy ang salitang “pangalan” sa kapangyarihan at kakayahan ng Diyos. Maaaring isalin na: “sa pamamagitan ng kapangyarihan mo” (Tingnan: Metonymy)

tatapakan sila

“tatapakan sila ng aming mga paa” o “lumalakad sa ibabaw nila”

Psalms 44:7-8

aming ipinagmamalaki

Maaaring isalin ang salitang “ipinagmamalaki” bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “nagmalaki kami” (Tingnan: Abstract Nouns)

magpapasalamat kami sa iyong pangalan

Dito tumutukoy ang salitang “pangalan” sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “magpapasalamat kami sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 44:9-11

itinapon

Binabanggit ng manunulat ang pagtanggi ng Diyos sa Israel na parang iwinawaksi niya ang mga hindi kaaya-ayang piraso ng kasuotan. Maaaring isalin na: “tinanggihan kami” (Tingnan: Metaphor)

kinamkam ang yaman

kabuhayan at kayamanan na iniipon ng hukbo pagkatapos manalo sa isang digmaan.

Ginawa mo kaming tulad ng tupa na nakalaan para kainin

Ihinalintulad ng manunulat ang mga Israelita sa mga tupa na pinapatay at kinakain ng mga tao. Gaya ng mga tupa na walang magawa sa harap ng mga papatay sa kanila, gayundin ang mga Israelita na walang magawa sa harap ng kanilang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Pinahintulutan mo ang mga aming kaaway na patayin kami katulad ng pagpatay nila sa tupa at pagkain nito. (Tingnan: Simile)

nakalaan para kainin

“nakalaan para maging pagkain na kakainin ng mga tao”

ikinalat kami sa mga bansa

“nagdulot sa amin na manirahan sa maraming iba’t ibang bansa.

Psalms 44:12-14

Ipinagbili mo ang iyong bayan para sa wala

Binabanggit ng manunulat si Yahweh na pinahihintulutang masakop sila ng mga kaaway ng Israel na parang ipinagbibili ang bayan ng Israel sa kanilang mga kaaway pero hindi na kinakailangan ng kahit na anong kabayaran mula sa kanilang mga kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming mga kapwa, hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin

Magkahalintulad ang dalawang pariralang ito sa pagbibigay-diin kung paano sila kutyain ng mga taong kasama nilang namumuhay. (Tingnan: Parallelism)

Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming kapwa

Maaaring isalin ang salitang “katawa-tawa” bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “Ginagawa mo kaming isang bagay na katawa-tawa sa aming kapwa” (Tingnan: Abstract Nouns)

hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. AT: “silang mga nakapaligid sa amin ay hinahamak at kinukutya kami” (Tingnan: Active or Passive)

Isang panlalait sa kalagitnaan ng...isang pag-iiling

Magkahalintulad ang mga pariralang ito sa pagbibigay-diin kung gaano katindi ang pangungutya ng mga bansa sa kanila. (Tingnan: Parallelism)

Ginagawa mo kaming isang panlalait sa kalagitnaan ng mga bansa

Maaaring isalin ang salitang “panlalait” bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “Hinayaan mo ang mga bansa sa paligid namin na laitin kami” (Tingnan: Abstract Nouns)

Isang pag-iiling sa kalagitnaan ng mga tao

Maaaring isalin ang pariralang “umiiling” sa anyong pandiwa. Maaaring isalin na: “isang bagay kung saan umiiling ang mga tao.” (Tingnan: Abstract Nouns)

isang pag-iiling

Isa itong galaw na ginagamit ng mga tao para ipakita ang pagtanggi sa iba.

Psalms 44:15-17

Nasa harapan ko ang aking kasiraan

Binabanggit ng manunulat ang kaniyang kasiraan na para itong isang bagay na laging nasa harapan niya para makita niya. Nangangahulugan ang parirala na lagi niyang iniisip ang tungkol sa kaniyang kasiraan. Maaaring isalin na: “Iniisip ko ang aking kasiraan” (Tingnan: Metaphor)

nabalot na kahihiyan ang aking mukha

Binabanggit ng manunulat ang kaniyang kahihiyan na para itong isang bagay na bumabalot sa kaniya tulad ng pagbalot ng kumot sa kaniya. Maaaring isalin na: “tinabunan ako ng kahihiyan sa aking mukha” (Tingnan: Metaphor)

ng kahihiyan ang aking mukha

“ang kahihiyan na nakikita sa aking mukha.” Tumutukoy ito sa sanhi ng kaniyang kahihiyan na pinapakita ng kaniyang mukha.

dahil sa tinig niyang nanlalait at nanghahamak

Dito tumutukoy ang mga salitang “sa tinig” sa sinasabi ng tao. Maaaring isalin na: “dahil sa sinasabi ng taong nanlalait at nanghahamak sa akin” (Tingnan: Metonymy)

nanlalait at nanghahamak

Pareho ang mga kahulugan ng dalawang salitang ito at binibigyang-diin ang likas na kalupitan ng sinasabi ng taong ito.

Psalms 44:18-22

Hindi tumalikod ang aming mga puso…hindi lumayo mula sa iyong daan

Magkahalintulad ang dalawang pariraling ito. Binabanggit ng manunulat ang katapatan sa Diyos na parang pagsunod sa kaniya, at ang hindi pagiging tapat na parang pagtalikod mula sa kaniya. (Tingnan: Parallelism at Metaphor)

Hindi tumalikod ang aming mga puso

Dito, tumutukoy ang salitang “puso” sa mga damdamin, at partikular sa katapatan at pagsamba. Maaaring isalin na: “Hindi kami tumigil sa pagiging tapat sa iyo” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

lubha mo pa rin kaming pinahirapan

Binabanggit ng manunulat ang kaparusahan ng Diyos na parang pagbabasag ng babasaging bagay. Maaaring isalin na: “lubha mo kaming pinarusahan” (Tingnan: Metaphor)

sa lugar ng mga aso

Binabanggit ng manunulat ang Israel pagkatapos ng kaparusahan ng Diyos na para itong masukal, hindi matitirhang lugar. Maaaring isalin na: “at ginawa ang aming lupain na tulad ng lugar kung saan nakatira ang mga aso” (Tingnan: Metaphor)

mga aso

uri ng mabangis na aso

binalot kami ng anino ng kamatayan

Binabanggit ng manunulat ang kamatayan na parang isang bagay na naghahagis ng anino sa mga malapit ng mamatay. Maaaring isalin na: “ginawa kami para kami ay malapit ng mamatay” (Tingnan: Metaphor)

Kung nakalimot kami sa pangalan ng aming Diyos

Dito tumutukoy ang salitang “pangalan” sa Diyos mismo. Ang kalimutan ang Diyos ay pagtigil sa pagsamba sa kaniya. Ito ay isang bagay na hindi nangyari. Maaaring isalin na: “Kung kinalimutan namin ang aming Diyos” o “Kung tumigil kami sa pagsamba sa aming Diyos” (Tingnan: Metonymy at Hyphotecial Situations)

nag-unat ng aming mga kamay sa hindi kilalang diyos

Ang pag-uunat ng mga kamay ay isang kilos na ginagamit ng mga tao para sumamba at manalangin sa isang diyos. Maaaring isalin na: “sumamba sa hindi kilalang diyos” o “manalangin sa hindi kilalang diyos” (Tingnan: Symbolic Action)

hindi kaya ito sisiyasatin ng Diyos?

Ginagamit ng manunulat ang tanong na ito para ihayag na malalaman ng Diyos kung sumasamba sila ibang diyos. AT: “Tiyak na malalaman ng Diyos” (Tingnan: Rhetorical Question)

nalalaman niya ang mga lihim ng puso

Dito tumutukoy ang salitang “puso” sa isip at saloobin. Maaaring isalin na: “nalalaman niya kung ano ang lihim na iniisip ng mga tao” (Tingnan: Metonymy)

kami ay pinapatay buong araw

Ang pariralang “buong araw” ay pagmamalabis para bigyan-diin na ang kanilang bayan ay madalas patayin. Maaari itong isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “pinapatay kami ng mga tao sa lahat ng oras” (Tingnan: Hyperbole at Aktibo at Active or Passive)

Itinuring kaming mga tupa para katayin

Maaari itong ipahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Itinuring kami ng mga tao na mga tupa para katayin” (Tingnan: Active or Passive)

tupa para katayin

Inihahambing ng manunulat ang mga Israelita sa mga tupa na papatayin at kakainin ng mga tao. Gaya ng mga tupa na walang magawa sa harap ng mga papatay sa kanila, gayundin ang mga Israelita na walang magawa sa harap ng kanilang mga kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 44:23-24

Gumising ka, bakit ka natutulog, Panginoon?

Hindi ito nangangahulugan na talagang natutulog ang Diyos. Binabanggit ng manunulat ang tila hindi pagkilos ng Diyos na parang natutulog ang Diyos. Nagtatanong siya para pagsabihan ang Diyos dahil sa pagpapakita ng kawalang malasakit tungkol sa kanilang mga kaguluhan. Maaaring isalin na: “Gumising ka! Nararamdaman kong natutulog ka, Panginoon!” (Tingnan: Rhetorical Question at Metaphor)

huwag mo kaming ilayo

Binabanggit ng manunulat ang pagtanggi ng Diyos na parang iwinawaksi niya ang mga hindi kaaya-ayang kasuotan. Tingnan kung paaano mo isinalin ang kaparehong parirala sa 44:9. Maaaring isalin na: “huwag mo kaming tanggihan” (Tingnan: Metaphor)

Bakit mo tinatago ang iyong mukha … sa aming kaapian?

Ginagamit ng manunulat ang tanong na ito para magreklamo na tila binabalewala sila ng Diyos. Maaaring isalin na: “Huwag mong itago ang iyong mukha…sa aming kaapian.” (Tingnan: Rhetorical Question)

tinatago ang iyong mukha

Binabanggit ng manunulat ang pagbabalewala ng Diyos sa kanila na parang tinatago ng Diyos ang kaniyang mukha na hindi niya sila nakikita. Maaaring isalin na: “hindi kami pinapansin” (Tingnan: Metaphor)

kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan

Ang mga salitang “paghihirap” at “kaapihan” ay magkapareho at nagbibigay-diin sa kalubhaan ng kanilang paghihirap. Maaari ring isalin ang mga salitang ito bilang pandiwa. Maaaring isalin na: “kinakalimutan na pinahihirapan at inaapi kami ng mga tao” o “kinakalimutan na lubha kaming pinahihirapan ng mga tao” (Tingnan: Abstract Nouns and Doublet)

Psalms 44:25-26

Dahil natunaw kami sa alabok: ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa

Pareho ang mga kahulugan ng magkahanay na pariralang ito. Inilalarawan ng manunulat ang kaniyang bayan gaya ng nakahiga sa lupa sa itsura ng talunan at napahiya. (Tingnan: Parallelism)

Dahil natunaw kami sa alabok

Binabanggit ng manunulat ang kanilang kahihiyan na parang mga bagay ang kanilang mga katawan, gaya ng yelo na natutunaw at humahalo sa dumi. (Tingnan: Metaphor)

ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa

Binabanggit ng manunulat ang kanilang kahihiyan na parang nanatili ang kanilang mga katawan sa lupa at hindi nila maibangon ang kanilang mga sarili. (Tingnan: Metaphor)

Bumangon ka

Ito ay isang utos na tumayo. Tumutukoy ang pariralang ito sa pagsisimulang kumilos para gawin ang isang bagay. Maaaring isalin na: “Gumawa ng aksyon” (Tingnan: Idiom)

Psalms 45

Psalms 45:1-2

Psalms 45:3-4

IIagay mo ang iyong espada sa iyong hita

Dala ng mandirigma ang kanilang mga espada na nakasabit sa saha mula sa sinturon ng kanilang baywang. Nakalagay ang espada sa gilid ng kaniyang hita. Ang pariralang ito ay tumutukoy sa kilos ng isang naghahanda sa laban. Maaaring isalin na: “Ihanda ang iyong sarili sa laban” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

matagumpay kang sumakay

Sinasabi ng manunulat na sumakay ang hari sa kaniyang kabayo o karo na ginagamit sa digmaan tungo sa tagumpay.

dahil sa pagiging mapagkakatiwalaan, kapakumbabaan at katuwiran

Mga posibleng kahulugan ay 1) ito ang mga katangian ng isang makapangyarihan o 2) ito ang mga kabutihan na kaniyang ipinanlalaban para ipagtaggol ang mga tao na kaniyang pinapamahalaan. Maaaring isalin na: “dahil ikaw ay mapagkakatiwalaan, mababa ang loob at matuwid” o “para pagtibayin ang pagiging mapagkakatiwalaan, kababang-loob at katuwiran” (Tingnan: Abstract Nouns)

ituturo ng iyong kanang kamay ang mga katakot-takot na mga bagay

Karamihan sa mga sundalo ay hawak nila sa kanilang kanang kamay ang kanilang espada kapag lumalaban sila. Dito, ang pariralang “kanang kamay” ay tumutukoy sa kakayahan sa pakikipaglaban, kung saan sinasabi ng manunulat na ito ay gaya ng isang tao na kayang turuan ang hari sa pamamagitan ng mga karanasan na kaniyang natamo sa labanan. Maaaring isalin na: “Ikaw ay matututong makamtan ang matinding tagumpay militar sa paglaban sa maraming digmaan” (Tingnan: Metonymy and Personification)

katakot-takot na mga bagay

“kahanga-hangang mga gawa.” Ito ay tumutukoy sa mga tagumpay militar na nagiging dahilan para ang kaniyang mga kalaban ay matakot at siya ay igalang ng kaniyang mga kaalyado.

Psalms 45:5-7

ang mga tao ay babagsak sa iyong ilalim

Tinutukoy ng pariralang ito ang hari na tumalo sa kaniyang mga kalaban, Mga posibleng kahulugan 1) “ang mga tao ay babagsak sa iyong paanan sa pagsuko” o 2) “ang mga tao ay patay na babagsak sa iyong paanan.”

Ang iyong mga palaso ay nasa puso ng mga kalaban ng hari

“tumusok ang inyong mga palaso sa puso ng inyong mga kalaban.” Nagsasalita ang manunulat sa hari habang tumutukoy sa hari sa ikatlong panauhan.

Ang iyong trono … ay mapagkailanpaman

Ang salitang “trono” ay kumakatawan sa kaharian at pamumuno ng hari. Maaaring isalin na: “Iyong kaharian… ay magpakailan-kailan pa man” o “Maghari ka…magpakailan-kailan pa man. (Tingnan: Metonymy)

Ang iyong trono, O Diyos

Mga posibleng kahulugan na ang salitang “Diyos” 1) ay isang titulo para sa hari, siyang kumakatawan sa Diyos o 2) binabago ang salitang “trono”at nangangahulugang “Iyong kaharian na ibinigay sa iyo ng Diyos” (UDB)

ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian

Ang salitang “setro” ay kumakatawan sa kapangyarihan ng hari para pamunuan ang kaniyang kaharian. Maaaring isalin na: “pinamumunuan mo ang iyong kaharian na may katarungan” (Tingnan: Metonymy)

O Diyos, ang iyong Diyos ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan

Ipinahayag ng manunulat ang kasayahan na ito ay parang langis na ginamit ng Diyos para hirangin ang hari. Na ang Diyos ay hinirang siya ay isang simbolikong pagkilos na kumakatawan sa pagpili sa kaniya ng Diyos para maging hari. Maaaring isalin na: “ginawa ka niyang masaya ng itinalaga ka ng Diyos na maging hari” (Metaphor and Symbolic Action)

Psalms 45:8-9

Pangkalahatang Impormasyon:

Sinimulang ipakita dito ng manunulat ang pagsasalarawan ng kung ano ang makikita sa magiging kasal ng hari ang at kaniyang nobya.

mira, mga sabila at kasia

Ito ang mga mabangong sangkap ng halaman na ginagamit ng mga tao para gawing mga pabango. (Tingnan: Translate Unknowns)

palasyong gawa sa garing

Ang garing ay isang maputi at matigas na sangkap na galing sa pangil ng hayop. Ang pariralang ito ay naglalarawan sa isang palasyo na may mga pader at kagamitang pinalamutian ng mga tao gamit ang garing.

pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas

Ang mga salitang “instrumentong may kwerdas” ay tumutukoy sa musika na ginagawa ng mga tao sa pamamagitan ng pagtugtog ng mga instrumentong may kwerdas. Maaaring isalin na: “ang musika ng mga intrumentong may mga kwerdas ay ginawa kang masaya” (Tingnan: Metonymy)

kagalang-galang na kababaihan

Ang mga kababaihang ito ay ang mga asawa ng hari na nakatanggap ng kaniyang pagsang-ayon.

ang reyna

Tumutukoy ito sa babae na magiging reyna. Maaaring isalin na: “iyong nobya, ang reyna” (UDB) o “iyong nobya, na magiging reyna” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Opir

Ito ang pangalan ng isang lugar na kilala sa sa mainam na ginto nito. Ang kinaroroonan ay hindi alam. (Tingnan: Paano isinalin ang mga pangalan.

Psalms 45:10-11

Makinig ka, anak na babae

Nagsimulang banggitin ng manunulat ang reyna na tumukoy sa kaniya bilang “anak na babae” dahil siya ay isang batang babae.

ikiling mo ang iyong pandinig

Sinasabi ng manunulat na makinig mabuti sa sasabihin na ito ay gaya ng pagbaling ng isang tainga patungo sa tao na siyang nagsasalita. Maaaring isalin na: “Makinig ka nang mabuti” (Tingnan: Metaphor)

kalimutan mo ang iyong sariling bayan

Sinasabi ng manunulat na hindi na susundin ng reyna ang paniniwala at mga kaugalian ng kaniyang bayan na parang kinakalimutan na ang mga ito. Maaaring isalin na: “Di na muling sumusunod sa kaugalian ng iyong bayan” (Tingnan: Metaphor)

tahanan ng iyong ama

Tinutukoy dito ang salitang “tahanan” bilang pamilya. Maaaring isalin na: “iyong mga kamag-anak” (Tingnan: Metonymy)

Sa ganitong paraan

“at” o “kaya”

nanaisin ng hari ang iyong kagandahan

Ito ay isang magalang na paraan para sabihin na nais matulog ang hari kasama ang reyna bilang kaniyang asawa.(Tingnan: Euphemism)

Psalms 45:12-13

Pangkalahatang Impormasyon

Patuloy na nagsasalita ang manunulat sa reyna

Ang anak na babae ng Tiro

Sinasabi ng manunulat na ang mga tao na naninirahan sa Tiro na parang silang mga anak ng Tiro. Maaaring isalin na: “Ang bayan ng Tiro” (Tingnan: Metaphor)

Ang maharlika na anak na babae

Tumutukoy ito sa babae na papakasalan ng hari. Maaaring isalin na: “Ang nobya ng hari” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

maluwalhati

“Napakaganda.” Tumutukoy ito sa itsura ng babae

Ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti

Ang kaniyang kasuotan ay pinalamutian o binurdahan ng ginto. Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: "Suot niya ang damit na binurdahan ng gintong sinulid” (Tingnan: Active and Passive)

Psalms 45:14-15

Pangkalahatang Impormasyon:

Patuloy na nagsasalita ang manunulat tungkol sa reyna ngunit sinimulan bigyang pansin muli ang hari.

Dadalhin siya sa hari na may binurdahang damit

Maaari itong isaad bilang aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Dadalhin ka ng mga tao sa hari habang suot ang binurdahang kasuotan” (Tingnan: Active and Passive)

binurdahan

isang disenyo na tinahi sa pamamagitan ng makukulay na sinulid sa damit

ang mga birhen, ang mga kasama niyang sumusunod sa kanya sa iyo ay dadalhin sa iyo

Dito ang salitang “sa iyo” ay tumutukoy sa hari. Maaari itong isaad bilang aktibong anyo. Maaaring isalin na: dadalhin ng mga tao ang mga birhen sa iyo, at susunod ang mga kasama niya” (Tingnan: Active and Passive)

Pangungunahan sila ng kagalakan at pagsasaya

Tinutukoy ng pariralang ito ang “kagalakan at kasayahan” bilang isang tao na pangungunahan ang iba para magdiwang. Ito ay maaring isaad bilang aktibong anyo. “kagalakan at kasayahan ay pamumunuan sila” o “Sila ay nagpatuloy na may kagalakan at kasayahan” (Tingnan: Personification and Active and Passive)

kagalakan at pagsasaya

Nangangahulugang ito ng dalawang parehong bagay at binibigyang diin ang sidhi ng kagalakan. Maaaring isalin na: “lubos na kagalakan” (Tingnan: Doublet)

Psalms 45:16-17

Nag-uugnay na Pahayag:

Ang manunulat ay patuloy na binibigyang pansin ang hari.

Sa lugar ng iyong mga ama naroon ang iyong mga anak

Nangangahulugan ito na ang mga anak na lalaki ng hari ay papalit sa kaniya bilang hari, gaya ng pagpalit niya sa kaniyang ninuno bilang hari.

siyang gagawin mong mga prinsipe sa buong mundo

Ang pariralang “buong mundo” ay isang pagmamalabis para bigyang diin na sila ay mamumuno sa maraming bansa. Maaaring isalin na: “Ikaw ay gagawa ng mga pinuno sa maraming bansa” (Tingnan: Hyperbole )

Psalms 46

Psalms 46:1-3

Pangakalahatang Impormasyon:

Ang awit na ito ay isang awit ng papuri. Tingnan: Parallelism at Paralellismo

Para sa pangunahing manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa papuri.”

Ang awit ng mga anak na lalaki ni Korah

“Ito ang awit na sinulat ng mga anak lalaki ni Korah”

Nakatakda sa Alamoth

Ito ay maaring tumukoy sa estilo ng musika. . (Tingnan: Translate Unknowns)

Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang lugar kung saan makakapunta ang mga tao para sa kaligtasan. Maaaring isalin na: “Nagbibigay ang Diyos sa atin ng kaligtasan at kalakasan” (Tingnan: Metaphor)

ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan

Sinasabi ng manunulat ang pinaka-malalim na parte ng dagat na parang ito ang puso ng dagat. Inilalarawan dito ang isang lindol na nagsasanhi sa mga kabundukan para gumuho at bumagsak sa dagat. Maaaring isalin na: “ang mga bundok ay lubhang nayanig ng marahas at bumagsak sa kailaliman ng dagat (Tingnan: Metaphor at Active and Passive)

Kahit na ang mga tubig nito ay umuugong at nangalit

“Kahit na ang mga tubig sa dagat ay umuugong at nangangalit.” Inilalarawan ng salitang “umuugong” o “nangangalit” ang marahas na galaw ng dagat sa panahon ng malakas na bagyo.

at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig.

Ang pariralang “sa pagragasa” ay tumutukoy sa mga tubig sa dagat kapag sila ay tumaas at sumasalpok sa mga bundok. Maaaring isalin na: “Ang pagragasa ng tubig sa mga bundok ay nagdudulot ng panginginig” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 46:4-5

Doon ay may isang ilog, na ang agos ay pinapasaya ang lungsod ng Diyos

Doon ay may isang ilog na ang mga agos ay ginagawang masaya ang lungsod ng Diyos. “Ang larawan ng tumatakbong ilog ay sumasagisag sa kapayapaan at kasaganahan para sa lungsod ng Diyos. (Tingnan: Symbolic Language)

pinasasaya ang lungsod ng Diyos

Ang pariralang “lungsod ng Diyos” ay tumutukoy sa Jerusalem, kung saan sinasabi ng manunulat na parang isang tao na maaaring maging masaya. Maaaring isalin na: “gawing masaya ang mga taong naninirahan sa Jerusalem (Tingnan: Personification and Metonymy)

ang banal na lugar ng mga tabernakulo ng Kataas-taasan

Ang pariralang ito ay naglalarawan sa “lungsod ng Diyos.” Ang pangmaramihan “mga tabernakulo” ay pinagtitibay ang kaisipan na ito ay ang natatanging tahanan ng Diyos. Maaaring isalin na: Ang banal na tahanan kung saan naninirahan ang Kataas-taasan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

nasa gitna niya; siya ay di matitinag…tutulungan siya

Ang mga salitang “niya” at “siya” ay tumutukoy sa “lungsod ng Diyos.”

siya ay hindi matitinag

Dito, ang salitang “matitinag” ay ang parehong salitang isinalin bilang “nayanig” sa v.2. Sinasabi ng manunulat na ang pagkawasak ng Jerusalem sa pamamagitan ng hukbo ay parang isang lindol na sumisira dito. Ito ay maaaring isaad bilang aktibong anyo. Maaaring isalin na: “walang maaring makasira sa kaniya” (Tingnan: Metaphor at Active and Passive)

Psalms 46:6-7

Ang mga bansa ay napoot

Dito, ang salitang “poot” ay ang parehong salitang ginamit ng manunulat sa v.3 para ilarawan ang mga tubig sa dagat. Sinasabi ng manunulat ang takot ng mga bansa na parang ito ay marahas na paggalaw ng dagat habang nasa isang malakas na bagyo. Maaaring isalin na: “Nasisindak ang mga bansa” (Tingnan: Metaphor)

ang mga kaharian ay nayanig

Dito, ang salitang “nauga” ay ang parehong salita na ginamit ng manunulat sa v. 2 para ilarawang ang epekto ng lindol sa mga kabundukan. Sinasabi ng manunulat ang pagbagsak ng mga kaharian sa pamamagitan ng mga hukbo na parang ito ay isang lindol na sisira sa kanila. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: pinabagsak ng hukbo ang mga kaharian” (Tingnan: Metaphor at Active and Passive)

Ang tinig niya ay kaniyang itinaas

“Itinaas ng Diyos ang kaniyang tinig.” Sinabi ng manunulat na ang “tinig” bilang isang bagay na kayang damputin at itaas sa hangin. Nangangahulugan ito na ang tinig ay magiging malakas. Maaaring isalin na: “sumigaw ang Diyos” (Tingnan Metaphor)

ang lupa ay naagnas

Sinasabi ng manunulat na ang mundo ay gaya ng isa bagay, tulad ng yelo, na maaring matunaw. “Ang mundo” dito ay kumakatawan sa sangkatauhan at ang maagnas ay kumakatawan sa takot. Maaaring isalin na: “Ang mga tao sa mundo ay manginginig na may takot” (Tingnan: Metonymy at Metaphor)

ang Diyos ni Jacob na kublihan natin

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang isang lugar kung saan ang mga tao ay makakapunta para sa kaligtasan. Maaaring isalin na: “nagbibigay sa atin ng kaligtasan ang Diyos ni Jacob. (Tingnan: Metaphor)

Ang Diyos ni Jacob

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Ang Diyos na siyang sinasamba ni Jacob” o 2) “Jacob” ay isang Metonomiya para sa bansa ng Israel at nangangahulugan na “ang Diyos ng Israel” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 46:8-9

Pinahihinto niya ang mga digmaan

“Kaya niyang pahintuin ang mga bansa na maglaban sa digmaan”

Sa mga dulo ng mundo

Ito ay isang idyomatikong pagpapahayag na nangangahulugang kung saan man sa mundo. Maaaring isalin na: saan man sa mundo” (Tingnan: Idyoma)

binali niya ang mga pana ... ang mga panangga ay kaniyang sinunog

Isa sa mga paraang kung saan ginawang mapatigil ni Yahweh ang lahat ng digmaan sa pamamagitan ng pagwasak ng mga armas na ginagamit ng mga hukbo para labanan ang isa’t- isa.

Psalms 46:10-11

Tumahimik kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos

Dito, sinimulang magsalita ng Diyos.

Tumahimik kayo

Sa kontekstong ito, ang mga salitang ito ay parang isang utos sa mga bansa para itigil ang kanilang digmaan. Maaaring isalin na: “Itigil ang labanan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

kilalanin ninyo na ako ang Diyos

Dito ang salitang “kilalanin” ay nangangahulugan para unawain at para ipahayag na si Yahweh ang tunay na Diyos.

itatanghal ako sa gitna ng mga bansa; itataas ako sa mundo

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay para bigyang-diin na ang mga tao ng bawat bansa sa mundo para parangalan ang Diyos. Ito ay maaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang mga tao sa bawat bansa ay itataas ako; Ang lahat ng mga tao sa buong mundo ay itataas ako” (Tingnan: Parallelism at Aktibbo o Pabalintiyak)

Si Yahweh ng mga hukbo ay sasaatin; ang Diyos ni Jacob ang kublihan natin

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang isang lugar kung saan ang mga tao ay makakapunta para sa kaligtasan. Tingnan kung papaano isinalin ang mga ito sa 46:7. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 47

Psalms 47:1-2

Pangkalahatang Impormasyon:

Ito ay isang awit ng papuri sa Diyos: Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa Punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Isang awit na sinulat ng mga anak na lalaki ni Korah.

“ito ay isang awit ng sinulat ng mga anak na lalaki ni Korah.

ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay

Ang pagpalakpak ng kamay ay nauugnay sa pagdiriwang” Maaaring isalin na: “Ipalakpak ang inyong mga kamay sa pagdiriwang” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sumigaw kayo sa Diyos sa tunog ng tagumpay

“sumigaw sa Diyos na may tinig ng kagalakan.” Dito ang salitang “tagumpay” ay tumutukoy sa kagalakan na nauugnay sa pagwawagi.

Psalms 47:3-5

Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim natin at mga bansa sa ilalim ng ating mga paa

  • Ang dalawang parirala ay magkaagapay at nanganahulugan na ang Diyos ay binigyan ng kakayahan ang Israel na sakupin ang kanilang mga kaawaay. (Tingnan: Parallelism)

nilulupig

Para sakupin at ilagay sa ilalim ng kapangyarihan ng iba

Sa ilalim natin … sa ilalim ng ating mga paa

Sinasabi ng manunulat ang pagsakop ng ibang mga bansa ay parang paglalagay ng mga bansa sa ilalim ng kanila mga paa. (Tingnan: Metaphor)

ang ating mamanahin para sa atin

Sinasabi ng manunulat na ang lupain ng Israel ay parang isang pamana na ibinigay ng Diyos sa mga tao bilang isang permanenteng pag-aari. Maaaring isalin na: “Siya ang pumili nitong lupa bilang isang pamana para sa atin” (Tingnan: Metaphor)

ang kaluwalhatian ni Jacob

Dito ang salitang “kaluwalhatian” ay tumutukoy sa pinagmulan ng dangal at kumakatawan sa lupa na ibinigay ng Diyos sa kaniyang bayan bilang isang pamana. Maaaring isalin na: “ang lupang ipinagmamalaki ni Jacob” (Tingnan: Metonymy)

Si Jacob na minahal niya

Ang salitang “Jacob” ay tumutukoy sa bayang Israel. (Tingnan: Metonymy)

Sa pamamagitan ng isang sigaw ang Diyos ay naitaas

Sinasabi ng manunulat tungkol sa pagsakop ng Diyos sa mga bansa na parang ang Diyos ay isang hari na umakyat sa kaniyang trono, na matatagpuan ang kaniyang templo. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ay napunta sa templo gaya ng pagsigaw ng mga tao” (UDB) o “Ang Diyos ay umakyat sa kaniyang trono habang sumigaw ang mga tao” (Tingnan: Metaphor at Assumed Knowledge and Implicit Information)

si Yahweh sa pamamagitan ng tunog ng isang trumpeta

Ang mga pariralang ito ay katulad ng naunang parirala. Ang pandiwa ay maaring idagdag para magbigay liwanag. Maaaring isalin na: Si Yahweh ay pumapaimbabaw habang umiihip ang mga tao sa trumpeta” (Tingnan: Parallelism at Elipsis)

Psalms 47:6-7

Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.

Ang pariralang “umawit ng mga papuri” ay inulit para bigyang-diin. Maaari mong tanggalin ang pag-uulit kung ito ay masagwa sa iyong wika. Maaaring isalin na: “Umawit, umawit ng mga papuri sa Diyos; umawit, umawit ng mga papuri sa ating hari.” (Tingnan: Parallelism )

Psalms 47:8-9

Ang mga prinsipe ng mga tao

“Ang mga tagapamahala ng lahat ng mga bansa”

Nagtipon-tipon sa bayan

mga posibleng kahulugan na ang mga namamahala sa mga bansa ay 1) “nagtipon sa harap ng mga tao (UDB) o 2) “sama-samang magtipon kasama ang mga tao” Sa gayon ang lahat ay maaaring sumamba sa Diyos bilang hari.

ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos

Mga posibleng kahulugan ng salitang “mga panganggalang” 1) tumutukoy ito sa mga instrumento sa digmaan o 2) tumutukoy ito sa mga namamahala sa mga bansa na sinasabi na parang mga pananggalang na nagtatanggol sa kanilang mga bansa. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ay may higit na kapangyarihan kaysa mga armas ng mga hari sa mundo” (UDB) o “ang mga hari ng mundo ay napapailalalim sa Diyos” (Tingnan: (Metaphor)

Psalms 48

Psalms 48:1-3

Pangkalahatang Impormasyon:

Ang awit na ito ay awit tungkol sa Jerusalem na naging tahanan ng Diyos. Tingnan: Poetry and Parallelism

awit ng mga anak na lalaki ni Korah

Ito ay maaaring isulat bilang pangungusap. AT: “ito ay isang awit ng mga anak na lalaki ni Korah” o “Ito ay awit na sinulat ng mga anak na lalaki ni Korah”

sa lungsod ng ating Diyos

Maaaring isalin na: “sa Jerusalem kung saan sinasamba ng mga tao ang Diyos”

Kaibig-ibig ang pagiging matayog nito, ang kagalakan … ng Bundok Sion… … sa mga dako … ng dakilang Hari.

Maaaring isalin na: “Kaibig-ibig pagmasdan ang pagiging matayog ng Bundok Sion kapag pinagmasdan siya mula sa dakong hilaga. Ang lungsod ng dakilang hari ay ang kagalakan ng buong mundo.”

Kaibig-ibig ang pagiging matayog

Ang salitang “matayog” ay tumutukoy kung gaano kataas ang isang bagay. Maaaring isalin na: “maganda at mataas”

kagalakan ng buong mundo

Maaaring isalin na: “Ito ay inibig ng lahat ng mga tao sa mundo”

Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan

Maaaring isalin na: “Ang mga tao ng mga palasyo ng Jerusalem ay alam na sila ay pinoprotektahan ng Diyos”

Psalms 48:4-6

pinulong ang kanilang mga sarili

Maaaring isalin na: “pinulong ang kanilang mga hukbo” (Tingnan: Idyoma)

Nakita nila ito

Ang salitang “ito” ay tumutukoy sa Jerusalem.

Pagkatapos sila ay namangha

Maaaring isalin na: “namangha sila sa lungsod” (Tingnan: Active and Passive)

nasiraan ng loob

“labis na naguluhan”

Pangangatog

“panginginig na may takot”

sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.

Ang salitang “sakit” ay naglalarawan ng nararamdaman na di mapigil na sakit. Tulad ng “panginginig” sa naunang parirala, ang “sakit” ay pinapamahalaan sila. Ito ay kinumpara sa sakit sa panganganak dahil ito ay sobrang tindi. Maaaring isalin na: “sakit ang bumalot sa kanila, gaya ng isang babae na nasa panganganak.” (Tingan: Simile and Ellipsis)

Psalms 48:7-8

Sa pamamagitan ng hanging silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis

Ito ay maaaring isalin sa dalawang magkaibang paraan: 1) gaya ng paghinto ng manunulat sa kaniyang paglalarawan sa pagtawag sa Diyos at paglalarawan ng halimbawa na kaniyang dakilang kapangyarihan. (Tingnan: Apostrope) 2) gaya ng isang simili. Maaaring isalin na: “Niyugyog ka nila gaya ng pagsira ng mga barko ng Tarsis kasama ang hangin ng silangan”

Ang mga barko ng Tarsis

ito ay tumutukoy sa malaking barkong pangdagat. Maaaring isalin na: “ang matitibay na barko ng Tarsis” o “ang mga matitibay na barko”

ng hanging silangan

“isang malakas na hangin”

Gaya ng aming narinig

Ito ay tumutukoy sa istorya ng kapangyarihan ni Yahweh na parang halimbawang ginamit sa naunang pangungusap. Maaaring isalin na: katulad ng aming narinig tungkol sa iyong dakilang kapangyarihan” (Tingnan: Ellipsis)

Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos

Ang mga parehong parirala ay tumutukoy sa parehong lungsod. Maaaring isalin na: “sa lungsod ng ating Diyos, Yahweh ng mga hukbo” (Tingnan: Parallelism)

Itatatag ito

Nangangahulugan ito para itakda ang isang bagay at panatilihin ito.Maaaring isalin na: “panatilihin ito”

Psalms 48:9-10

sa gitna ng iyong templo

habang nasa kalagitnaan ng iyong templo”

Gaya ng iyong pangalan … papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo

Ang mga pariralang ito ay nakakonekta sa sinasabi na ang Diyos ay parehong pinuri at kinilala sa bawat lugar sa mundo. Maaaring isalin na: “kilala ng mga tao ang inyong pangalan at pupurihin ka sa bawat lugar sa mundo” (Tingnan: Elipsis)

Sa mga dulo ng mundo

Tingnan kung papaano ito isinalin sa 46:9

ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran

Sapagkat ang kanang kamay ng Diyos ay puno ng katuwiran, hindi ito makakahawak ng anumang hindi matuwid. Ang kanang kamay ng Diyos ay tumutukoy sa kaniyang mga kilos. Maaaring isalin na: “ginagamit mo lamang ang iyong kapangyarihan para gawin ang mga matutuwid na bagay” (Tingnan: Idyoma)

Psalms 48:11

Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay diin. (Tingnan: Parallelism

Psalms 48:12-13

Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay diin. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 48:14

siya ang ating magiging gabay

“siya ang papatnubay sa atin

sa kamatayan

Maaaring isalin na: ”sa ating nalalabing buhay” o “hanggang sa ating kamatayan”

Psalms 49

Psalms 49:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay isang kantang nagtuturo sa mga tao. Tingnan: Mga Tula at Paralelismo (Poetry and Parallelism)

Para sa pangunahing musikero

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba.”

Isang awit ng mga anak na lalaki ni Korah

“Ito ay isang awit na sinulat ng mga anak na lalaki ni Korah.”

Pakinggan ninyo ito, lahat kayong mga mamamayan; ibaling ang inyong pandinig, lahat kayong mga naninirahan sa mundo

Ang dalawang pariralang ito ay talagang magkasing-kahulugan at magkasabay na ginagamit para makuha ang pansin ng mga tao. (Tingnan: Paralelismo)

Pakinggan ninyo ito, lahat kayong mga mamamayan

Nagsisimulang magsalita ang may-akda sa bawat isa mula sa bawat grupo ng mga tao sa mundo. Kahit na hindi siya naririnig ng mga tao ginagawa niya ito para ipahiwatig na mahalaga ang kanyang mensahe. (Tingnan: Kudlit)

Ibaling ang pandinig

Hinihiling ng may-akda na makinig ang mga tao sa pamamagitan ng paghiling sa parte ng katawan na nakikinig. Maaaring isalin na: “Makinig” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw)

Kapwa mababa at mataas

Ang paggalang sa isang tao sa kanilang komunidad ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng taas. Ang taong lubhang ginagalang sa komunidad ay mataas at ang taong hindi ginagalang ay pinapalagay na mababa. (Tingnan: Idyoma)

mababa at mataas, mayaman at mahirap

kabilang ang lahat ng tao sa dalawang pariralang ito. (Tingnan: Merism)

Psalms 49:3-5

Magsasabi ang aking bibig ng karunungan

Ang may-akda ay tinutukoy sa pamamagitan ng bahagi ng katawan na ginagamit para magsalita. Maaaring isalin na: “Magsasalita ako ng mga salitang may karunungan” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw)

at ang magiging pagbubulay-bulay ng aking puso ay pang-unawa

“at sa kailalim-laliman ng aking mga naiisip magkakaroon ako ng pang-unawa

Ikikiling ko ang aking pandinig sa isang parabola

Inilalarawan ng may-akda ang isang paggalaw ng kanyang tainga para tukuyin ang kanyang pagsisikap na makarinig. Maaaring isalin na: “ Makikinig ako sa isang parabola” (Tingnan: Metonimi)

Bakit ako kailangang matakot… mga sakong?

Ang tanong na ito ay ginagamit para bigyang diin na walang dahilan ang may-akda na matakot kapag ginagawan siya ng masasamang bagay. Maaaring isalin na: “Wala akong dahilan na matakot…mga sakong.” (Tingnan: Retorikang Tanong)

napapaligiran ako ng kasamaan sa aking mga sakong?

Dito “kasamaan” ay inilalarawan na pumapaligid sa may-akda tulad ng isang grupo ng mga mapanganib na mababangis na hayop. Maaaring isalin na: “pinapaligiran ako ng kasamaan ng aking mga kaaway” o “pinapaligiran ako ng aking mga kaaway at kumikilos nang masama laban sa akin” (Tingnan: Pagsasatao)

Psalms 49:6-8

Ang mga nagtitiwala sa kanilang yaman

Ang mga taong ito ay nagtitiwala na ilalayo sila sa pagdurusa ng kanilang yaman. (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon)

ipinagmamalaki ang halaga ng kanilang yaman -

isang malaking halaga ng isang bagay

tiyak na walang makatutubos

“Walang paraan na sinuman sa kanila ay may kakayanan ” o Maaaring isalin na: “Walang kakayanan”

walang makapagtutubos sa kaniyang kapatid o makapagbibigay sa Diyos ng panubos para sa kaniya

Kapwa pariralang ito ay nagpapahiwatig na hindi makapagbabayad ang isang tao para iligtas ang kaniyang kapatid mula sa Diyos. Mauunawaan na sinisikap niyang iligtas ang kaniyang kapatid mula sa kamatayan. Maaaring isalin na:”walang makakabayad ng salapi para hindi mamatay ang kaniyang kapatid (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon at Paralelismo)

Psalms 49:9-10

mabubulok

dahan-dahang nabubulok Makakakita siya ng nabubulok – Maaaring isalin na: “mamamatay siya at mabubulok ang kanyang katawan” (Tingnan: Metonini)

Ang mga marurunong ay namamatay; ang mga hangal at ang mga malulupit ay parehong mamamatay

Tinutukoy ng may-akda ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng pagtutukoy sa mga taong may pinakamalawak at pinakamakitid na karunungan. Maaaring isalin na: “Lahat ng mga tao ay namamatay” (Tingnan: Merism)

Malupit

marahas na lalaki

Psalms 49:11

Ang nasa kaloob-looban ng kaisipan nila

“Kanilang paniniwala”

pati na ang mga lugar kung saan sila naninirahan, sa lahat ng mga salinlahi

Maaaring isalin na: “at ang mga lugar kung saan sila naninirahan ay ipapasa bilang isang pamana sa lahat ng kanilang mga salinlahi sa hinaharap” (Tingnan: Elipsis)

tinawag nila ang kanilang mga lupain

“Pinapangalanan nila ang kanilang mga lupain”

Psalms 49:12-13

Pero ang tao, na may taglay na yaman, ay hindi nananatiling buhay

Maaaring isalin na: Pero kahit may kayamanan ang isang tao, hindi siya nito pinapanatiling buhay”

Ito, ang kanilang pamamaraan, ay kanilang kahangalan

“Ito ang pamamaraan ng hangal”

Pero pagkatapos nila

Maaaring isalin na: “pero pagkaraang mamatay sila” (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon) Assumed Knowledge and Implicit Information)

sumasang-ayon sa kanilang mga sinasabi

Maaaring isalin na: “sumasang-ayon sa kanilang mga opinyon’

Psalms 49:14-15

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na inilalarawan ng may-akda ang mga tao na naniniwala na ililigtas sila ng kanilang kayamanan.

tulad ng isang kawan

Inihahambing ang mga tao sa isang kawan ng tupa dahil susundan nila ang kanilang pastol. (Tingnan: Paghahalintulad)

kamatayan ang kanilang magiging pastol

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa kamatayan at sa taong umaakay sa tupa. Ito ay nangangahulugan na ang mga pinipili ng mga tao ay nagbubunga lamang sa kanilang mga kamatayan. Maaaring isalin na: “kukunin sila ng kamatayan tulad ng isang pastol na inaakay ang tupa para katayin” (Tingnan: Pagsasatao at Metapora)

umaga

Ang gabi ay inuugnay sa kamatayan kaya ang umaga ay tumutukoy sa matapos silang mamatay. Maaaring isalin na: “matapos silang mamatay” (Tingnan: Metapora)

lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan

Ang mundo ng mga patay, tinatawag na sheol, ay sinasabi dito na parang ito ay isang tao o isang hayop. (Tingnan: Pagsasatao)

mula sa kapangyarihan ng sheol

“at ang sheol ay hindi magkakaroon ng anumang kapangyarihan sa akin” (Tingnan: Pagsasatao)

Psalms 49:16-17

wala siyang dadalhin kahit anong bagay

“wala siyang maitatagong anumang bagay”

hindi niya kasamang bababa ang kaniyang kapangyarihan.

Ang salitang “bababa” ay tumutukoy sa kapag namatay ang isang tao. Maaaring isalin na: “hindi sasama sa kaniya ang kaniyang kapangyarihan kapag namatay siya”o “hindi niya mapapanatili ang kaniyang kapangyarihan kapag namatay siya” (Tingnan: Yupimismo)

Psalms 49:18-20

Pinagpala niya ang kaniyang kaluluwa habang siya ay nabubuhay?

Tinutukoy ang taong mayaman sa pamamagitan ng pagtutukoy sa kaniyang kaloob-looban. Maaaring isalin na: “ ginawa niya ang mga mabubuting bagay para sa kanyang sarili” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw)

namumuhay ka para sa iyong sarili

Maaaring isalin na: “mamuhay para makinabang ang sarili”

At hindi nila kailanman makikitang muli ang liwanag

“nila” ay tumutukoy sa lahat na mga namatay. Maaaring isalin na: “at hindi na sila mabubuhay”

Psalms 50

Psalms 50:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Mga Tula at Paralelismo Poetry and Parallelism

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay isang kanta na nagtuturo sa mga tao.

Isang awit ni Asaf

“Ito ay isang awit na isinulat ni Asaf.”

Ang Tanging Makapangyarihan, Diyos, si Yahweh

Tinutukoy ng may-akda ang Diyos sa tatlong magkakaibang paraan para magdagdag diin sa kanyang kahalagahan.

mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito

Tinutukoy nito ang buong daigdig at bawat isa na naririto. Maaaring isalin na: “mula sa kung saan sumisikat ang araw hanggang sa kung saan ito lumulubog” (Tingnan:Merism)

ang kaganapan ng kagandahan

Maaaring isalin na: “ang pinakamagandang lungsod”

ang Diyos ay nagningning

Maaaring isalin na: “Nagniningning ang kaluwalhatian ng Diyos tulad ng araw” (Tingnan: Pagpapalit Saklaw)

Psalms 50:3-5

hindi nananatiling tahimik

Maaaring isalin na:”nagsasalita para marinig siya ng bawa’t isa”. (Tingnan: Litotes)

Tipunin ang mga matatapat sa akin

“Hayaang lumapit ang aking mga matatapat”

Psalms 50:6

Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang pagkamatuwid

Mga posibleng kahulugan: 1) Tinutukoy ang mga anghel sa langit sa pamamagitan ng lugar kung saan sila nanggaling. (UDB) o 2) Ipinapakita ng kalangitan na ang Diyos ay matuwid” (Tingnan: Pagsasatao)

Psalms 50:7-8

Hindi ko kayo susumbatan

Hindi ko kayo itatama” o “Hindi ko kayo kagagalitan”

laging nasa aking harapan.

"Patuloy na inihaharap sa akin”

Psalms 50:9-13

mga kawan

“mga kulungan” o “mga bakod”

mga baka na nasa isang libong burol

Ginagamit ng Diyos ang isang malaking bilang ng mga burol kung saan ang mga baka ay naninirahan upang tukuyin ang lahat ng mga baka sa mundo. Maaaring isalin na: “ang mga baka sa bawat tuktok ng burol”

libong burol

“1,000 burol” (Tingnan: Mga Bilang)

Kilala ko ang lahat ng mga ibon

Ang salitang Hebreo na isinalin sa “kilala” ay nagpapahiwatig din ng ligal na pagmamay-ari sa sipi na ito. Maaaring isalin na: “Pag-aari ko ang lahat ng mga ibon”

Psalms 50:14-15

Sa araw ng kaguluhan

Maaaring isalin na: “tuwing may kaguluhan kayo” (Tingnan: Idyoma)

Psalms 50:16-17

Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan…at itinatapon ang aking mga salita?

Ang tanong na ito ay maaring gawing isang pahayag. Maaaring isalin na: “Walang kabuluhan na ipinapahayag mo ang aking mga kautusan at aking kasunduan, dahil kinamumuhian mo ang aking mga tagubilin at itinatapon mo ang aking mga salita.” o “Hindi nararapat na ipahayag mo ang aking mga batas…. itinatapon.” (Tingnan: Retorikang Tanong)

sinasambit mo ang aking tipan

Maaaring isalin na: “sinasalaysay ang tungkol sa aking kasunduan” o “ipinapahayag ang aking kasunduan” (Tingnan: Metapora)

ang aking mga salita ay inyong itinatapon

Dito, ang pagtanggi sa kung ano ang sinasabi ng Diyos, ay inihahambing sa pagtatapon ng basura. Maaaring isalin na: “Tanggihan ang aking sinasabi” (Tingnan: Metapora)

Psalms 50:18-20

sumasang-ayon kayo sa kanya

“sumasang-ayon kayo sa kanya na mabuti ang magnakaw” (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon)

Nagsasabi kayo ng kasamaan…naghahayag ang inyong dila ng kasinungalingan

Kapwa pariralang ito ay tumutukoy sa isang tao na pinapayagan ang kanyang sarili na magsabi ng mga masasamang bagay. “Gamit ang inyong bibig nagsasabi kayo ng mga masasamang bagay, at gamit ang inyong dila nagpapahayag kayo ng panlilinlang” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw at Paralelismo)

nagsasalita laban sa inyong kapatid…ang anak ng sarili ninyong ina ay inyong sinisiraang puri

Ang mga pararilang ito ay kapwa may kaparehong kahulugan pero gumagamit ng ibang mga salita. Inuulit ito upang bigyang diin ang kahulugan. (Tingnan: Paralelismo)

Psalms 50:21-22

isa lamang akong katulad ninyo

Maaaring isalin na: “Isa akong katulad lang ninyo na tinatanggap ang mga kasalanan ng mga mapang-apid at mga magnanakaw” (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon)

itutuwid

Tingnan kung paano mo isinalin ang salitang ito sa 50:8

ipapakita, sa harapan ng inyong mga mata

Maaaring isalin na: “akusahan kayo at ipakita sa inyo” (Tingnan: Idyoma)

Dudurugin ko kayo

Inilalarawan nito ang isang taong pinapatay sa isang napakarahas na paraan. Maaaring isalin na: “ Wawasakin ko kayo” (Tingnan: Metapora)

Psalms 50:23

nagpaplano ng kanyang landas sa tamang paraan

Maaaring isalin na: “binabalak na mamuhay sa tamang paraan” (Tingnan: Metapora)

Psalms 51

Psalms 51:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Sa awit na ito hinihingi ni David sa Diyos ang kapatawaran.

Para sa pangunahing musikero

“ Ito ay para sa direktor ng musika na gamitin sa pagsamba.”

Isang awit ni David

Posibleng mga kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay sa estilo ng mga awit ni David.

Nang pumunta sa kanya ang propetang si Natan

Maaaring malinaw na sabihin kung ano ang ginawa ni Natan nang pumunta siya kay David, dahil ang awit na ito ay bilang tugon doon. Maaaring isalin na: “Nang pumunta ang propetang si Natan kay David at sinaway siya” (Tingnan: Pinapalagay na Kaalaman at Pahiwatig na Impormasyon)

Matapos siyang sumiping kay Batsheba

“pagkaraang sumiping si David kay Batsheba”

alang-alang sa iyong mga maawaing gawa

“dahil gumagawa kayo ng napakaraming mahabaging bagay”

linisin ako mula sa aking kasalanan.

Sinasabi na ang pagpapatawad ng mga kasalanan ay alinman sa 1) pagpapawi ng mga ito o pagpupunas sa mga ito, o 2)pagbubura ng isang nakasulat na talaan ng mga kasalanan, Maaaring isalin na: 1) “patawarin ninyo ang aking mga kasalanan tulad ng isang taong pinupunasan ang isang bagay” o “kalimutan ninyo ang aking mga kasalanan tulad ng isang taong binubura ang isang talaan ng mga kasalanan” (Tingnan: Metapora)

Mula sa aking mabigat na pagkakasala ako ay hugasan mo nang lubusan… linisin ako mula sa aking kasalanan

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. (Tingnan: Paralelismo)

Mula sa aking mabigat na pagkakasala ako ay hugasan mo nang lubusan

Ang pagiging katanggap-tanggap sa Diyos ay sinasabi na tulad ng pagiging malinis. Ginagawa ng Diyos ang mga tao na katanggap-tanggap sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. Maaaring isalin na: “Hugasan mo lahat ang aking mga kasalanan” o “Patawarin mo lahat ang aking mga kasalanan para maging katanggap-tanggap ako sa iyo” (Tingnan:Metapora)

lubusan

“ganap”

Linisin mo ako mula sa aking kasalanan

Ang pagiging katanggap-tanggap sa Diyos ay sinasabi na tulad ng pagiging malinis. Ginagawa ng Diyos na katanggap-tanggap ang tao sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. Maaaring isalin na: “Gawin mo akong malinis mula sa aking kasalanan” o “patawarin mo ako sa aking kasalanan para maging malinis ako” (Tingnan: Metapora)

Psalms 51:3-4

laging naaalala ang aking kasalanan

Ang hindi malimutan ang kanyang mga kasalanan ay sinasabing tulad ng lagi silang nasa harapan niya kung saan nakikita niya ang mga ito. Maaaring isalin na: “Lagi kong naiisip ang aking mga kasalanan” o “hindi ko malimutan ang aking mga kasalanan” (Tingnan: Metapora)

at ginawa kung ano ang napakasama

“at ginawa ko kung ano ang napakasama” (Tingnan: Elipsis)

Psalms 51:5-6

Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan…Masdan mo, sa aking puso ang ninanais mo ay ang pagiging-mapagkakatiwalaan

Ang dalawang gamit ng “Masdan” dito ay tumatawag ng ating pansin sa kaibhan ng dalawang sitwasyong ito. Maaaring isalin na: “Totoo ako ay ipinanganak sa kasamaan…Pero ninanais mo ang pagiging-mapagkakatiwalaan”

Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan… nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan

Ang dalawang pariralang ito ay talagang nangangahulugan ng parehong bagay at magkasamang ginagamit para magbigay diin. (Tingnan: Paralelismo)

isinilang sa malaking kasalanan

Ang pagiging makasalanan ay sinasabing pagiging nasa kasamaan. Maaaring isalin na: “Makasalanan na ako nang ako ay ipinanganak” (Tingnan: Metapora)

nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan

Ang pagiging isang makasalanan ay sinasabi na tulad ng nasa kasalanan. Maaaring isalin na: “kahit na noong ipagbuntis ako ng aking ina, ako ay makasalanan na” (Tingnan: Metapora)

ninanais mo ay ang pagiging-mapagkakatiwalaan

Kinakatawan ng puso ang alinman sa 1) ang mga hangarin ng tao o 2)ang kabuuang tao. Maaaring isalin na: 1) “Gusto mong naisin ko ang pagiging--mapagkakatiwalaan” o 2)”gusto mo akong maging mapagkakatiwalaan” (Tingnan: Metonimi at Pagpapalit-Saklaw)

Psalms 51:7-9

Dalisayin mo ako… ako ay magiging malinis…. hugasan mo ako …magiging mas maputi ako kaysa niyebe

Ang pagiging katanggap-tanggap sa Diyos ay sinasabing tulad ng pagiging malinis o maputi. Ginagawa ng Diyos na katanggap-tanggap ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan. (Tingnan: Metapora)

Dalisayin mo ako ng isopo

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang isang pari na magwiwisik ng tubig sa kanya para maging katanggap-tanggap sa Diyos. Maaaring isalin na: “Gawin mo akong katanggap-tanggap sa pamamagitan ng pagwiwisik ng tubig sa akin gamit ang isopo” o “Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan para maging katanggap-tangap ako sa iyo” (Tingnan: Metapora)

Isopo

Ito ay isang halaman na ginamit ng mga pari para wisikan ng tubig o dugo ang mga tao o mga bagay para gawin silang malinis sa pamamagitan ng seremonya, iyon ay, katanggap-tanggap sa Diyos. (Tingnan:Translate Unknowns)

Mas maputi kaysa niyebe

ang walang kasalanan ay sinasabing tulad ng pagiging maputi. Maaaring isalin na: “lubhang napakaputi” (Tingnan: Paghahalintulad)

kasiyahan at kagalakan

Ang dalawang salitang ito ay talagang nangangahulugan ng parehong bagay at binibigyang diin ang kanyang pagnanais na makarinig ng kasiya-siyang mga bagay. (Tingnan:Duplikado)

para magsaya ang mga buto na iyong binali

ang pakiramdam ng matinding kalungkutan ay sinasabi na parang nabali ang kanyang mga buto. Maaaring isalin na: “ dahil dinulutan mo ako ng matinding kalungkutan sa aking kaloob-looban. Hayaan mong muli akong magalak!”(Tingnan: Metapora)

Itago mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan

Ang pag-iisip tungkol sa mga kasalanan ng isang tao ay sinasabi na tulad ng pagtingin sa mga ito. Ang pagpapatawad o pagtangging isipin tungkol sa mga kasalanan ay sinasabing tulad ng pagpiling hindi tingnan ang mga ito. Maaaring isalin na: “Huwag mong tingnan ang mga kasalanan ko” o “Huwag mong tandaan ang mga kasalanan ko” (Tingnan: Metapora)

pawiin ang lahat ng mga nagawa kong kasamaan

Ang pagpapatawad o pagtangging isipin tungkol sa mga kasalanan ng isang tao ay sinasabing tulad ng alinman sa 1) pagpapawi sa mga ito o pagpupunas sa mga ito, o 2) pagbubura ng isang nakasulat na talaan ng mga kasalanan. Maaaring isalin na: 1)”patawarin ang mga kasalanan ko tulad ng pagpupunas ng isang bagay” o “kalimutan ang mga kasalanan ko tulad ng isang tao na binubura ang talaan ng mga kasalanan” (Tingnan: Metapora)

Psalms 51:10-11

Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso

Dito ang “puso” ay kumakatawan sa mga damdamin at pagnanais. Ang pagiging lubos na tapat at masunurin sa Diyos ay sinasabing tulad ng pagkakaroon ng isang malinis na puso. Maaaring isalin na: “Gawin mo akong lubos na tapat sa iyo” o “Gawin mong palagi kong naisin na sumunod sa iyo” (Tingnan: Metonomi at Metapora)

ipanumbalik sa akin ang isang matuwid na espiritu

Dito ang “espiritu” ay tumutukoy sa saloobin at mga pagnanais. Maaaring isalin na: “ Gawing matuwid ang aking saloobin ”o “ gawin akong laging naisin na gumawa ng tama”

Sa iyong presensiya huwag mo akong paalisin

"Huwag mo akong piliting umalis mula sa iyo.” Ang tanggihan ng Diyos ay sinasabing tulad ng sapilitang pinapaalis mula sa kanya. Maaaring isalin na: “Huwag mo akong tanggihan bilang isa sa iyong taong- bayan” (UDB) (Tingnan:Metapora) Metaphor)

Psalms 51:12-13

at pagkalooban mo ako

“at hawakan ako” o “tulungan ako”

iyong mga pamamaraan

“ang paraan kung paano mong nais na mamuhay ang mga tao” o “kung ano ang nais mong gawin ng mga tao”

mga lumalabag…mga makasalanan

Ang dalawang mga salitang ito ay tumutukoy dito sa parehong mga tao

Psalms 51:14-16

pagdadanak ng dugo

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa pagpatay ng ibang tao. (Tingnan: Metonimi)

Panginoon, buksan mo ang aking mga labi, at ipapahayag ng aking bibig ang iyong kapurihan

“Ang kakayahang magsalita ay sinasabing tulad ng pagiging bukas ng mga labi. Dito ang kawalang kakayahang magsalita ay isang simbolo ng pagkakasala at na hindi makagawa ng pagtatanggol. Maaaring isalin na: “Panginoon, hayaan makapagsalita ako, at pupurihin kita.” (Tingnan: Metonimi)

hindi ka nagagalak sa alay... sa mga sinunog na handog hindi ka nasisiyahan

Nangangahulugan ito na gusto ng Diyos ng isang bagay na mas mahalaga kaysa sa mga bagay na ito. Maaaring isalin na: “ ang isang alay ay hindi sapat para malugod ka…mas nais mo ang isang bagay na higit pa sa mga handog na sinusunog”

Psalms 51:17-19

Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos

"Ang mga alay na kinaluluguran ng Diyos”

Isang basag na kalooban

Ang isang basag na espiritu ay kumakatawan sa isang mapagpakumbabang kalooban. Maaaring isalin na: “Kababaang loob” o “isang tao na nagiging mapagpakumbaba”(Tingnan: Metapora o Pagpapalit-Saklaw)

ang isang basag at nagsisising puso

Ang pagiging mapagpakumbaba at nagsisisi sa kasalanan ng sinuman ay sinasabing tulad ng pagkakaroon ng isang basag at nagsisising puso. Kinakatawan ng puso ang mga damdamin at kalooban. Maaaring isalin na: “kalungkutan at kapakumbabaan” o “isang tao na nagsisisi sa kanyang kasalanan at mapagpakumbaba” o ( Tingnan: Pagpapalilt-Saklaw)

itayo mong muli ang mga pader ng Jerusalem

Pinangangalagaan ng mga pader ng isang lungsod ang lungsod at mga tao sa loob nito. Mga posibleng kahulugan ay 1) “bigyan kami ng kakayahang itayong muli ang mga pader ng Jerusalem” o 2) “ipagtanggol ang Jerusalem at palakasin ito (Tingnan:Metonimi)

ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar

Ang toro ay isang lalaking baka na may sapat na gulang. Madalas na ginamit ang mga toro bilang mga hayop na ginagamit sa pag-aalay, ayon sa tagubilin ng Diyos

Psalms 52

Psalms 52:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Mga Tula at Paralelismo

Pangkalahatang Kaalaman:

Sa awit na ito tumutukoy ang salitang “ikaw” kay Doeg. Noong gustong patayin ni Saul si David, sinabi ni Doeg kay Saul kung nasaan si David para mahanap ni Saul si David.

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba,”

Isang maskil

Maaring tumukoy ito sa isang paraan ng musika. Tingnan paano ito isinalin sa 32:1.

Doeg … Ahimelech

Ito ay pangalan ng mga ng mga lalaki. (Tingnan: Paano isalin ang mga pangalan)

Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki?

nagpapakita ang tanong kung paano nagalit si David sa gumawa ng kaguluhan. Maaaring isalin na: “hindi mo dapat ipagmalaki ang paggawa ng kaguluhan, ikaw malakas na lalaki.”(Tingnan: Retoricang Tanong) Ikaw malakas na lalaki – kabalintunaan ang ginagamit ni David kapag tinatawag niya si Doeg ng ganito. Maaaring isalin na: “ikaw, sa tingin mo ikaw ay malakas” (Tingnan: Kabalintunaan)

Ang katapatan ng tipan ng Diyos ay dumarating

Sinasabi ni David na ang katapatan ng tipan ng Diyos ay parang isang bagay na darating. Marahil tinutukoy ni David ang mga pangako ng Diyos na ipagtanggol ang bayan niya sa mga masamang tao. Maari itong isaad ng malinaw. Maaaring isalin na: “Tapat ang Diyos na panatilihin ang mga pangako sa kaniyang tipan” O “Tapat na ipagtatanggol ng Diyos ang bayan niya sa masasamang tulad mo” (Tingnan:Metapora at Palagay na kaalaman at Lubos na kaalaman)

Ang matalim na labaha

isang matalas na talim

ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa

Dito ang dila ay inihalintulad sa isang matalim na labaha na kayang magdulot ng matinding pinsala. Maaaring isalin na: “Ang iyong dila ay pumipinsala ng mga tao tulad ng isang matalim na labaha, Kapag binalak mong wasakin at linlangin ang iba.”(Tingnan:Simili)

Ang Iyong dila

Dito “ang iyong dila”ay tumu- tukoy sa taong kausap ni David. Maaaring isalin na: “ikaw”(Tingnan:Synecdoche)

Psalms 52:3

Nag-uugnay na Pahayag:

patuloy na kinakausap ni David ang “malakas na lalaki” sa 5:1

kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran

“Mas ibig mong magsabi ng kasinungalingan kaysa sa katotohanan”

Psalms 52:4-5

Ang mga salitang sumisira sa iba

Dito ang mga salitang nakakapinsala ng iba ay sinasabing tulad ng mga hayop na sumisira ng tao. Maaaring isalin na: “mga salitang pumipinsala sa iba”(Tingnan: Metapora)

Ikaw na mandarayang dila

Ito ay tumutukoy sa taong kausap ng may-akda. Maaaring isalin na: “ikaw na nagsasalita ng panlilinlang” o “ ikaw na sinungaling” (Tingnan: pagpapalit saklaw)

mag-aalis sa iyo … hahatakin ka … bubunutin ka

Lahat ng tatlong pariralang ito ay makaka-ibang mga paraan ng pagsabi “alisin ka”(Tingnan: Paralismo)

Psalms 52:6-7

Nakikita rin ng matuwid na aalisin siya ng Diyos at matatakot sila

Makikita rin ng matuwid ang Diyos na aalisin siya at matatakot sila.

Hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan

dito ang “kublihan ay kumakatawan sa isang tagapagtanggol. Maaaring isalin na: “hindi ginawa ang Diyos na tagapagtanggol”o“hindi hiniling sa Diyos na ipagtanggol siya”” (Tingnan: Metonimi)

Psalms 52:8-9

Isang berdeng punong olibo

Ang berdeng punong olibo ay matibay at matatag. Hindi sila mabubuwal.

katulad ko ang isang berdeng punong olibo sa tahanan ng Diyos

Ang pagiging ligtas at matatag ang katulad ng isang matibay na puno. Maaaring isalin na: “ Ako ay malakas sa tahanan ng Diyos, katulad ng berdeng punog olibo”o “Dahil ako ay sumasamba sa tahanan ng Diyos, matatag ako katulad ng punong olibo”(Tingnan: Paghahalintulad)

Sa tahanan ng Diyos

Tumutukoy Ito sa templo ng Diyos.

Umaasa ako sa iyong pangalan, dahil ito ay mabuti

Ang pangalan ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos mismo. Paghihintay sa Diyos ay kumakatawan sa paghihintay sa Diyos para tulungan siya. Maaaring isalin na: “hihintayin ko kayo, dahil kayo ay mabuti” o “hihintayin ko kayo na tulungan ako, dahil kayo ay mabuti” (Tingnan: Metonimi)

Psalms 53

Psalms 53:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Mga tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba.”

Itakda sa Mahalath

Maaring tumutukoy ito sa isang estilo ng musika. (Tingnan: Copy or Borrow Words

Isang maskil

Maaring tumukoy ito sa isang estilo ng musika. Tingnan paano ito isinalin sa 32:1

Sa mga anak ng mga sangkatauhan

tumutukoy ito sa lahat ng tao.

Na naghahanap sa kaniya

Naghahanap sa Diyos dito ay kumakatawan alin man sa 1) gustong kilalanin ang Diyos o 2) sumasamba sa Diyos. Maaaring isalin na: 1) “sinumang gustong kilalanin siya” o 2) “ sinumang sumasamba sa kaniya”(Tingnan: Metapora)

Ang bawat isa sa kanila ay tumatalikod

Ang pagtanggi sa Diyos at kung ano ang tama ay sinasabi na tumatalikod. Maaaring isalin na: tumatalikod ang lahat mula sa paggawa kung ano ang tama” o “ Tinanggihan nila ang Diyos” (Tingnan: Metapora)

Psalms 53:4-5

Wala ba silang nalalaman, silang gumagawa ng pagkakasala – Silang … Diyos

ginamit ang tanong na ito para ipakita ang pagkabigla na nararamdaman ng manunulat dahil sobrang makasalanan ang tao. Maaring itong isulat sa dalawang pahayag. “Silang nagkakasala ay kumikilos na parang walang alam. Nililipol nila ang aking bayan na parang kumakain ng Tinapay at hindi sila tumatawag sa Diyos!”(Tingnan: Rhetorical Question)

silang mga kumakain ng aking bayan gaya ng pagkain ng tinapay

pagpinsala sa mga tao ay sinasabing tulad ng nililipol sila. Ginagawa ito na parang sila ay kumakain ng tinapay ay ipinahiwatig na ginawa nila itong madali at hindi pinagsisisihan. Maaaring isalin na:“Silang pumupuksa ng malaya sa aking mga bayan ay tulad ng pagkain nila ng tinapay.”(Tingnan: Metapora at Simili)

ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo

pagkakalat ng buto ng mga tao ay kumakatawan sa pagpatay sa kanila at pagpahintulot sa kanilang mga buto na manatili doon kung saan sila ay namatay at hindi na mailibing ng maayos. “wawasaking lubos ng Diyos ang sinumang magtitipon laban sa iyo, at ang kanilang mga buto ay nakakalat sa lupa” (Tingnan: Metonimi)

sinumang nagsasama-sama laban sa inyo

Nagtitipon laban sa iyo ay kumakatawan sa paglusob sa kanila. Ang mga hukbo ng kaaway ay maglalakbay at gagawa ng mga kampo para manirahan pansamantala malapit sa mga taong nais nilang lusubin. Maaaring isalin na: “sinumang lumusob sa iyo” (Tingnan: Metonimi)

Psalms 53:6

O, ang kaligtasan ng Israel ay darating

Ang salitang “O”dito nagpapakilala ng isang madamdaming bulalas na nagpapahayag ng pag-asa o panalangin. Maaaring isalin na: “ Umaasa ako na ang kaligtasan ng Israel ay darating” o “ako ay nanalangin na ang kaligtasan ay darating” (Tingnan: Exclamations)

Ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion

Ang kaligtasan ay kumakatawan sa Diyos, ang tagapagligtas, na ang templo ay nasa Sion. Maaaring isalin na: “Ang tagapagligtas ng Israel ay magmumula sa Sion” o “Ang Diyos ay magmumula sa Sion at ililigtas ang Israel”(Tingnan: Metonimi)

Kapag binalik ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkabihag

“Nang iligtas ng Diyos ang kanyang bayang nabihag ”

magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!

pareho ang kahulugan ng dalawang pariralang Ito.(Tingnan: Parallismo)

Jacob

Dito “Jacob” ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Jacob, ang mga Israelita. (Tingnan: Parallismo)

Psalms 54

Psalms 54:1-3

Pangkahalatang kaalaman:

Ang awit na ito ay isang panalangin para humingi ng tulong. Tingnan: Mga tula at Pakakatulad

Para sa punong manunugtog

“para ito sa direktor ng musika para magamit sa pagsamba.”

Sa mga instrumentong may kuwerdas

“Dapat tugtugin ng mga tao ang awit na ito gamit ang instrumentong may Kuwerdas”

Isang maskil

Maaaring tumutukoy ito sa isang estilo ng musika. Tingnan paano ito isinalin sa 32:1.

Ziphites

Mga tao mula sa bayan ng Ziph sa mga bundok ng Judean, mula sa timog-silangan ng Hebron. (Tingnan:Paano ito isinalin sa mga pangalan)

Hindi ba itinago ni David ang sarili niya sa atin?

Ginamit ang tanong na ito para ipakita na ito ay mahalagang bagay na dapat malaman ni Saul. Maaaring isalin na: “itinatago ni David ang kaniyang sarili sa atin.”(Tingnan: Rhetorical Question)

Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan

Dito kumakatawan ang pangalan ng Diyos sa kaniyang katangian. Maaring particular na kinakatawan ang kaniyang kapangyarihan o kaniyang katarungan. Maaaring isalin na: “Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan” (Tingnan: Metonimi)

Hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan

Ang paghatol kay David dito ay ipinapakita sa mga tao na si David ay hindi nagkasala noong ang Diyos ay ginamit ang kaniyang kapangyarihan para maligtas si David, nalalaman ng mga tao na ang Diyos ay hinatulan siya na walang sala. Maaaring isalin na: “Sa iyong kapangyarihan, ipakita mo sa tao na ako’y walang sala” o “ipakita mo sa mga tao na ako ay walang sala sa kapangyarihang ginamit mo para iligtas ako” (See: Metonimi)

Pakinggan ang mga salita

Pagbibigay ng kaniyang tainga ay kumakatawan sa pakikinig. Maaaring isalin na: “Makinig sa mga salita”(Tingnan: Metonimi)

Mga salita ng aking bibig

Ang pahayag na ito ay kumakatawan kung ano ang sinasabi ng nagsasalita. Maaaring isalin na: “Mga Salita ko” o “Ano ang sinabi ko sa iyo” (Tingnan: Metonimi

Naghimagsik laban sa akin

Naghihimagsik laban sa isang tao ay kumakatawan sa paghahandang lusubin siya o talagang lulusubin siya. Maaaring isalin na: “nakahandang lusubin ako” o “nilulusub ako” (Tingnan: Metonimi)

Walang awang mga lalaki

mga walang awang mga lalaki.

pinagtangkaan ang aking buhay

Naghahangad ng buhay ng isang tao ay kumakatawan sa pagtatangkang patayin siya. Maaaring isalin na: “sinusubukang patayin ako” “gustong patayin ako”(Tingnan: Metonimi)

Hindi nila itinakda ang Diyos sa kanilang harapan

Ang pagtatalaga sa Diyos sa kanilang harapan ay kumakatawan sa pagbibigay ng pansin sa Diyos. Maaaring isalin na: “hindi sila nagbibigay pansin sa Diyos” o “Silang hindi pinapansin ang Diyos” (Tingnan: Metonimi)

Psalms 54:4-5

tumutulong sa akin

Ang pagtatanggol kay David at pagiingat sa kanya ay sinasabing tulad ng pag-ayon sa kanya. O pagtaguyod. Maaaring isalin na: “na magtatangol sa akin” o “mag-iingat sa akin”(Tingnan: Metaphora)

Ibabalik niya sa aking mga kaaway ang kasamaan

Ang kaparusahan ay sinasabi na parang ang mga ito ay kabayaran. Maaaring isalin na: “Gagawin niya ang kasamaan sa aking kaaway na kanilang ginagawa sakin” o “Hahayaan niya ang kasamaang ginawa ng mga kaaway sa akin na gawin sa kanila.”(Tingnan: Metaphora)

Sa iyong katapatan, wasakin mo sila –

Dito nagbago si David mula sa pakikipag usap tungkol sa Diyos tungo sa pakikipag-usap sa Diyos. Maaaring isalin na: “O Diyos, Wasakin sila dahil ikaw ay matapat sa akin.

Psalms 54:6-7

Ako ay magbibigay pasasalamat sa iyong pangalan, Yahweh, dahil ito ay mabuti

ang pangalan ni Yahweh ay kumakatawan sa kaniya. Maaaring isalin na: “Magpapasalamat ako sa iyo Yahweh, dahil ikaw ay mabuti” (Tingnan: Metonimi)

ang aking mata ay nakatingin

Ang mata ay kumakatawan sa tao. Maaaring isalin na:“ ako ay tumingin”(Tingnan: Metonimi)

ang aking mata ay nakatingin ng matagumpay laban sa aking mga kaaway

Ito ay kumakatawan kahit alin sa 1) nakikitang talunan na ang kaniyang mga kaaway. O 2) Tatalunin ang kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: 1) nakita ko ang pagkatalo ng aking kaaway” O 2) natalo ko ang aking mga kaaway. (Tingnan: Metonimi)

Psalms 55

Psalms 55:1-3

Pangkahalatang Kaalaman

Ang awit na ito ay isang panalangi para humingi ng tulong. Tingnan: Mga tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“para ito sa direktor ng musika para magamit sa pagsamba.”

Sa mga instrumentong may kuwerdas

"Dapat tugtugin ng mga tao ang awit na ito gamit ang instrumentong may kuwerdas.”

Isang maskil

Maaring tumukoy itos sa isang estilo ng musika. Tingnan paano ito isinalin sa 32:1.

Pakinggan mo aking panalangin

“Pakinggan ang aking panalangin.”(Tingnan: Idioma)

Pakinggan mo aking panalangin

Pakinggan mo kumakatawan sa pakikinig. Maaaring isalin na: “Makinig sa aking panalangin”(Tingnan: Metonimi)

Huwag itago ang iyong sarili sa aking pagsamo

Ang pagtanggi na magbigay pansin sa kanyang pagsusumamo ay sinasabi tulad ng pagtatago ng kanyang sarili mula dito. Maaaring isalin na: huwag mong ipagwalang-bahala ang aking pagsamo” (See: Metapora)

Dahil sa tinig ng aking mga kaaway

kumakatawan ang kanilang tinig kung ano ang kanilang sinasabi. Maaaring isalin na: “dahil sa sinabi ng aking mga kaaway”(Tingnan: Metonimi)

Nagdala ng kaguluhan sa akin

magdudulot ng kaguluhan ay sinasabi gaya ng pagdadala ng kaguluhan. Maaaring isalin na: “ malaking kaguluhan ang dinulot nila sa akin” o “Gumagawa sila ng masasamang bagay sa akin kaya ako ay naghihirap” (Tingnan: Metapora)

Psalms 55:4-5

Lubhang nasaktan ang aking puso ko

Dito ang “puso” tumutukoy sa kaniyang damdamin at paghihirap ay sinabing tulad ng sakit. Ang paghihirap ay dahil sa takot. Maaaring isalin na: “ako ay naghihirap dahil ako ay sobrang natatakot”(Tingnan: Metonimi at Metapora)

binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan

Ang pagiging sobrang takot, o pagkasindak, ay sinasabing ang malaking takot ay isang bagay na mahuhulog sa isang tao. Maaaring isalin na: “Ako ay sobrang natatakot na ikamamatay ko” (UDB) o “ Ako ay nasisindak na ikamamatay ko.”(Tingnan: Metapora)

Dumating sa akin ang takot at panginginig

Ang pagiging matatakutin at panginginig ay sinasabing parang ang katatakutan at panginginig ay mga bagay na dumadating sa isang tao. Maaaring isalin na: “Naging napakatatakutin ko at nanginginig ako.” (Tingnan: Metapora)

binagsakan ako ng malaking takot

Ang pakiramdam na pangingilabot ay sinasabing parang ang pangingilabot ay isang bagay na maaring lukubin ang tao. Maaaring isalin na: “Ang naramdaman kong malaking pangingilabot” o “ labis akong natatakot” (Tingnan: Metapora)

Psalms 55:6-7

O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati!

Ipinapahayag ng bulalas na ito ang matinding inahangad ng manunulat. Maaaring isalin na: Labis kong hinangad na ako ay may pakpak tulad ng isang kalapati. (Tingnan: Exclamations)

magkagayon lilipad akong palayo

“kung may mga pakpak ako, lilipad akong palayo

Tingnan

“Tunay nga”

Selah

Maari itong terminong pangmusika na nagsasabi sa mga tao paano kumanta o gamitin ang mga instrumento dito. Ilan sa mga pagsasalin ay sinulat ang salita sa Hebreo, at ilang mga pagsasalin ay hindi ito isinama.(Tingnan: Copy or Borrow Words)

Psalms 55:8-9

Pangkahalatang Kaalaman

tinapos ng manunulat ang tungkol sa kanyang sinabi.

unos

isang malakas na bagyo

Wasakin mo sila

Pagsira sa isang bagay ay sinasabi gaya ng pagkain sa lahat ng mga ito. Mga maaaring kahulugan ay “Wasakin ang mga banta ng kaaway,” o “Wasakin ang aking mga kaaway.”(Tingnan: Metapora)

Guluhin ang kanilang wika

“Wika” dito ay kumakatawan sa sinasabi ng tao sa bawat isa, at marahil ay tumutukoy partikular sa kanilang paguusap tungkol sa balak nilang paggawa ng masama. Ang panggugulo dito ay kumakatawan sa hindi pagkakaintindi ng mga tao sa bawat isa. Maaaring isalin na: lituhin sila sa kanilang pasasalita sa bawat isa” o “guluhin ang kanilang mga balak” (Tingnan: Metonimi)

Psalms 55:10-11

Lumiligid sila... sa ibabaw ng kaniyang pader

karahasan at kaguluhan ay lumiligid sa ibabaw ng kaniyang pader.” (Tingnan 55:9) Ang Karahasan at kaguluhan ay sinasabing parang mga tao sila. Maaari itong ihayag sa pagsasabi tungkol sa mga tao na dahilan ng karahasan at kaguluhan. Maaaring isalin na: “ang mga tao na lumalakad sa ibabaw ng mga pader ng lungsod, bilang marahas at naglalaban-laban.” (Tingnan: Maliwanag na halimba)

Ibabaw ng kaniyang pader

“sa gawing ibabaw ng mga pader ng lungsod. Napapaligiran ng makapal na pader ang mga lungsod bilang pagtatangol mula sa mga kalaban. Nakakapaglakad ang mga tao sa ibabaw ng pader para makita kung may paparating na kaaway sa lungsod.

Kalikuan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya

kalikuan at kalokohan ay sinasabi na parang sila ay mga tao. Maaaring ipahayag ito sa pagsasabi tungkol sa mga tao na gumagawa ng kalikuan at kalokohan. Maaaring isalin na: “Ang tao na gumawa ng Kalikuan at nagdudulot ng kalokohan sa kalagitnaan ng lungsod” o “ang tao na gumawa ng mga makasalanang bagay at dahilan ng kaguluhan dito”(Tingnan: Maliwanag na halimbawa)

Kalokohan

“Kaguluhan”

Kasamaan ang nasa gitna nito

Kasamaan ay sinasabing tulad ng isang tao. Ipinapahayag ito sa pagsasabi patungkol sa tao na gumawa ng masamang mga bagay. Maaaring isalin na: “Ang tao ay gumagawa ng masamang bagay sa kalagitnaan ng lungsod” o “winawasak ng mga tao ang mga bagay sa Lungsod” (Tingnan: Maliwanag na halimbawa)

ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis

Pang-aapi at pandaraya ay sinasabi tulad ng mga tao. Ipinapahayag ito sa pagsasabi tungkol sa taong nang-aapi at nadaraya ng iba. Maaaring isalin na: “inaapi at dinadaya ng mga tao ang iba sa mga daanan ng lungsod at hindi sila umaalis. “Ang mga tao ay palaging nang-aapi at nangloloko ng iba sa mga lansangan ng lungsod.” (Tingnan: maliwanag na halimbawa)

Sa mga lansangan nito

Maari tumutukoy ito sa mga pamilihan sa lungsod.

Psalms 55:12-14

Maaari ko itong tiisin

Pagpaparaya o pagtitiis sa isang pagsasaway ay sinasabing tulad ng dinadala o binubuhat ito. Maaaring isalin na: “maari kong tiisin ang pagsaway” o hindi ako masayadong malulungkot tungkol sa pagsaway(Tingnan: Metapora)

Ang sumasaway sa akin

Ang pagiging mapagmalaki sa sarili at mapanlait sa iba ay sinasabing tulad ng paglaban sa iba. Maaaring isalin na: “inalipusta ako” o “hinamak ako” (Tingnan: Metapora)

Pero ikaw iyon

Ang manunulat ng awit ay nagsasalita na parang ang tao na sumuway at tumuya sa kaniya ay nandoon na nakikinig sa kaniya.(Tingnan: Apostopiya)

aking kasama at aking malapit na kaibigan

Maaaring isalin na: “Ikaw ay kasama ko at malapit kong kaibigan"

tayo

Ang salitang “Tayo" ay tumutukoy sa manunulat ng awit at sa kaniyang kaibigan.

ang maraming tao

Maaring mga kahulugan 1) “magkasama” o 2) “Sa karamihan ng tao.”

Psalms 55:15

Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila

Sinasabi ang kamatayan parang isang tao na maaaring sumalakay sa mga tao. Maaaring isalin na: “Hayaan mo ang aking mga kaaway ay biglang mamatay”(Tingnan: Maliwanag na halimbawa)

hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol

biglaang pagkamatay ay sinasabing parang tao na napakabilis ay mapupunta sa Sheol. Sobrang bilis na sila ay hindi na mauna pang mamatay. “ hayaan silang agad bumaba sa Sheol”(Tingnan: Metapora)

sa kasamaan sila namumuhay.

Ang kasamaan ay sinasabi na parang ito ay isang bagay na maaring nasa isang lugar. Ang nakasanayan nilang paggawa ng masasamang bagay ay sinasabing ay parang ang kasamaan ay kasama nila o malapit sa kanila. Maaaring isalin na: “Lagi silang gumagawa ng masamang bagay saan man sila nakatira. (Tingnan: Metapora)

sa kalagitnaan nila

Ang pariralang ito ay pinagtitibay ang kaisipan ng kasamaan ay malapit na malapit sa kanila. Dito ang kasamaan ay sinasabing hindi lamang nasa kanilang tahanan, pero kung saan sila ay naroon. Maaaring isalin na: “lagi silang gumagawa ng masama saan man sila naroon” o saan man sila naroon (See Metaphora):

Psalms 55:16-18

Para sa akin

Pinapakita ng pariralang ito na tumigil sa pagsasalita tungkol sa isang bagay ang manunulat at ngayon ay nagsasalita tungkol sa kaniyang sarili. Maaaring isalin na: “Pero ako”

dadaing

“umiiyak”

Maririnig niya ang aking tinig

Ang tinig ay kumakatawan sa isang manunulat ng awit o 2) mga sumbong at daing ng manunulat ng awit. Maaaring isalin na: maririnig niya ako” o “maririnig niya ang aking pag ungol”(Tingnan: Pagpapalit-saklaw At Metonimi)

Aking buhay

Ang buhay dito ay kumakatawan sa manunulat ng awit. “ako”(Tingnan: Metonimi)

dahil marami silang mga lumaban sa akin

Dahil maraming mga taong nakipaglaban sa akin”

Psalms 55:19

makikinig

“pakikinggan ang aking mga kaaway o pakikinggan kung ano ang sinasabi ng aking mga kaaway.” Ang ibang mga salin ay nagsasabing “pakikinggan ako.”

Psalms 55:20-21

Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang

Ang pagtataas ng kamay laban sa tao ay kumakatawan sa paglusob sa kanila. Ito ay maaaring isang metapora para sabihin na ang mga bagay na ilalagay ang tao sa kapahamakan o dahilan ng kanilang kaguluhan. Maaaring isalin na: “sinalakay sila”o “pinagtaksilan sila”(Tingnan: Metonimi at Metapora)

Kaniyang bibig

ang bibig ng isang tao ay kumakatawan sa kung ano ang kaniyang sinasabi. Maaaring isalin na: “kung ano ang sinabi ng aking kaibigan”

Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya

Ang pagsasalita ng kaaya-aya o magandang pakinggan ay sinasabing parang ito ay makinis at madaling lunukin. Maaaring isalin na: Ang kaniyang sinabi ay kaaya-aya kasing dulas ng mantikilya” o “ nagsasabi siya ng magandang bagay” (Tingnan: paghahalintulad)

Kanyang mga salita

Ang “salita” ng isang tao ay kumakatawan sa kaniyang sinabi. Maaaring isalin na: “Ano ang sinabi niya”(Tingnan: Metonimi)

mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita

naglalagay ang mga tao ng langis sa kanilang balat para maganda ang maramdaman, at sila ay naglagay nito sa sugat para makatulong sa kanilang paggaling. Ang pananalita ng mabuti o nakakatulong ay sinasabi na parang ito ay malambot o nakapapawi. Maaaring isalin na: ang sinasabi niya ay mabuti at nakakaginhawa tulad ng langis” o “ nagsasabi siya ng mabuting mga bagay”(Tingnan: Paghahalintulad)

Sila ay mga binunot na espada

Ang pagsasalita na nagdudulot ng kaguluhan sa tao ay sinasabi gaya ng mga espada na nakakasugat sa tao. Maaaring isalin na: “Ang kaniyang sinabi ay sumugat sa tao tulad ng ginagawa ng binunot na espada” o “Ang kaniyang sinasabi ay nagdudulot ng kaguluhan” (Tingnan: Talinghaga)

Psalms 55:22-23

hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid

Ang isang tao na malapit ng lubhang mapinsala ng ilang uri ng sakuna ay sinasabing parang siya ay nayayanig o nauuga at malapit ng bumagsak. Maaaring isalin na: “hindi niya pababayaan ang matuwid na tao ay mayanig at mabuwal” o “hindi niya hahayaang ang isang taong matuwid ay mawasak”(Tingnan:Talinghaga)

Pero ikaw, O' Diyos

nagsasalita ang may akda sa Diyos ngayon.

Hukay ng pagkawasak

Ito ay marahil na tumutukoy sa libingan o impiyerno.

ang mga uhaw sa dugo at mandaraya

“Mga taong sinungaling at gustong pumatay ng iba” o “mapanlinlang na mamamatay tao”

kahit kalahati ng buhay ng iba

kahit kalahati ng haba ng buhay ng ibang tao

Psalms 56

Psalms 56:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay isang panalangin ng paghingi ng tulong.

Para sa punong manunugtog

– “Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba.”

Jonath elem rehokim

Maaaring ito ay tumutukoy sa isang estilo ng musika.

Isang awit ni David

– Ang mga posibleng kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Isang miktam

Tingnan kung paano ito isinalin sa 16:1.

nang dinala siya ng mga Filisteo sa Gat

“nang ang mga Filisteo ay nahuli siya sa Gat”

dahil may naghahangad na lamunin ako

Ang salitang “lamunin” ay nangangahulugang “patayin” katulad ng isang hayop na kakainin ang kaniyang biktima at magiging dahilan ng pagkamatay nito. Maaaring isalin na: “dahil naghahangad ang aking kaaway na patayin ako” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 56:3-4

iyo

Ang mga salitang “iyo” ay tumutukoy sa Diyos.

ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?

Ang tanong na ito ay hindi tinanong para makatanggap ng sagot. Maaari itong isalin bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: “ang pawang tao lamang ay walang magagawa sa akin!” Ito ay mas tila isang pahayag sa halip na isang tanong. (Tingnan: Rhetorical Question)

pawang tao lamang

Isang taong hindi nakaaangat sa ibang tao. Ang ilang mga bersyon ay isinasalin ito nang literal na “laman”, na kumakatawan sa mga tao. (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 56:5-6

lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan

“lagi silang may iniisip na masama laban sa akin”

tinatandaan ang aking mga hakbang

“pinagmamasdan nila ang bawat galaw na ginagawa ko”

katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay

Maaaring isalin na: “habang sila ay naghihintay na patayin ako” (Tingnan: Euphemism)

Psalms 56:7-8

Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan

“Huwag mo silang hayaang makatakas sa mga masasamang mga bagay na kanilang ginawa”

Pabagsakin

“ilugmok” o “talunin”

Binibilang mo ang aking mga paglalakbay

Ito ay nangangahulugang alam ng Diyos kung gaano kadalas nalungkot at walang napuntahan para maaliw ang manunulat ng awit.

at nilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote

“at tinatago mo ang aking mga luha.” Ito ay nangangahulugan na alam ng Diyos kung gaano kadalas nang umiyak ang manunulat. (Tingnan: Metaphor)

wala ba ang mga ito sa iyong aklat?

Ang tanong na ito ay hindi tinanong para sagutin. Maaaring isalin na: “ang aking mga paglalakbay at luha ay nakasulat sa iyong aklat” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 56:9-11

tatalikod

“aatras”

ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang?

Ang ilang mga bersyon ay isinasalin ito nang literal na “laman”. Maaaring isalin na: “ang pawang tao lamang ay walang magagawa sa akin” (Tingnan: Rhetorical Question, Synecdoche)

Psalms 56:12-13

Ang tungkulin na tuparin ang lahat ng panata ko sa iyo ay nasa akin, O Diyos

“Dapat kong gawin ang aking mga panata sa iyo o Diyos”

pinigilan mo ang aking mga paa na mahulog

“pinigilan mo akong mahulog” (Tingnan: Synecdoche)

liwanag ng mga nabubuhay

Ang “liwanag” ay tumutukoy sa presensiya ng Diyos. Ang pariralang “ng mga nabubuhay” ay maaaring tumutukoy sa 1) liwanag ng presensiya ng Diyos na nagliliwanag sa mga nabubuhay, o 2) ang liwanag ng presensiya ng Diyos ay nagbibigay buhay sa mga tao. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 57

Psalms 57:1

Pangkalahatang Nilalaman:

Ang awit na ito ay isang panalangin para humingi ng tulong. Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba;”

ayon sa Al Tashheth

Ito ay maaaring tumutukoy sa isang estilo ng musika.

Isang awit ni David

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Isang miktam

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 16:1.

nang siya ay tumakas mula kay Saul, sa isang kuweba

Maaaring isalin na: “Inawit ni David ang awit na ito matapos siyang magtago kay Saul sa kuweba.” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

kumukubli ako sa iyo

Ang pagpunta kay Yahweh para sa pag-iingat ay binanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “pumupunta sa iyo para sa pag-iingat” (Tingnan: Metaphor)

Nananatili ako sa ilalim ng iyong mga pakpak para sa pag-iingat

Dito, hinahalintulad ni David kung paano iniingatan siya ng Diyos sa kung paano ingatan ng isang inahing ibon ang kaniyang mga inakay sa pamamagitan ng pagsisiksik sa kanila sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Maaaring isalin na: “Nananatili ako sa ilalim ng iyong pag-iingat” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 57:2-3

Kataas-taasang Diyos, sa Diyos, na ginagawa ang lahat ng bagay para sa akin

Maaaring isalin na: “Tatawag ako sa Diyos, na ginagawa ang lahat ng bagay para sa akin” (Tingnan: Ellipsis)

lamunin

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 56:3.

Psalms 57:4-5

Ang aking buhay ay nasa kalagitnaan ng mga leon

Dito, ang “mga leon” ay tumutukoy sa mga kaaway na kasing panganib ng mga leon. (Tingnan: Metaphor)

mga handang lumapa sa akin

Ang ibang mga bersyon ay naiintidihan ang Hebreong kasulatan bilang, “mababangis na mga hayop.” Hinahalintulad pa rin nito ang kaniyang mga kaaway sa mga mababangis na hayop. (Tingnan: Metaphor)

ng mga taong ang mga ngipin ay mga sibat at palaso, at ang mga dila ay matalim na mga espada

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at nagbibigay-diin sa mapanirang salita ng mga tao. (Tingnan: Parallelism)

ang mga ngipin ay mga sibat at palaso

Maaaring isalin na: “ang mga salita na humihiwa sa mga tao katulad ng mga sibat,” o “sinasaktan ang mga tao sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi nila” (Tingnan: Metaphor)

mga sibat at palaso

Yamang ang parehong mga salitang ito ay mga armas, kung isa lang ang alam ng inyong kultura, katanggap-tanggap na gamitin ito nang mag-isa. (Tingnan: Doublet)

ang mga dila ay matalim na mga espada

Maaaring isalin na: “nananakit ng mga tao sa pamamagitan ng sinasabi nila” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 57:6

Naglalatag sila

“ang aking mga kaaway ay naglatag”

isang lambat sa aking mga paa

“isang lambat para hulihin ako” o “isang bitag para ako ay mahulog” (Tingnan: Metaphor)

ako ay nabagabag

“ang aking kaluluwa ay nakayuko sa pagkabagabag”

nahulog sa gitna nito.

Maaaring isalin na: “nahulog sa hinukay nila para sa akin.”

Psalms 57:7-8

Ang aking puso ay naninindigan, o Diyos, ang aking puso ay naninindigan

Ang dalawang sugnay na ito ay magkahalintulad at parehong ginamit para magbigay ng diin. Ito ay nangangahulugang mayroon siyang buong pagtitiwala sa Diyos at walang makakapagpabago ng kaniyang isip. (Tingnan: Parallelism and Metonymy)

aawit ako ng mga papuri

Maaaring isalin na: “aawit ako ng mga papuri sa iyo, o Diyos”

gigisingin ko ang bukang-liwayway

Maaaring isalin na: “ang mga papuring aking aawitin sa iyo ang gigising sa bukang-liwayway” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 57:9-11

Magpapasalamat ako sa iyo ... aawit ako sa iyo ng mga papuri

Ang dalawang mga pariralang ito ay may parehong kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay ng diin. (Tingnan: Parallelism)

Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay dakila sa kalangitan at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay umaabot sa himpapawid

Ang dalawang mga pariralang ito ay may parehong kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay ng diin. Maaaring isalin na: “Ang iyong katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay kasing lawak ng pagitan ng lupa at kalangitan” (Tingnan: Parallelism)

Maitanghal ka, o Diyos, sa taas ng kalangitan

Maaaring isalin na: “O Diyos, nawa’y ang iyong likha ay itanghal ka ng mas dakila pa sa kalangitan” (Tingnan: Active or Passive)

nawa ang iyong kaluwalhatian ay maitaas pa sa buong mundo

Maaaring isalin na: “nawa’y ang buong mundo ay itaas ang iyong kaluwalhatian” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 58

Psalms 58:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

  • Ang awit na ito ay isang awit na tungkol sa mga masasamang tao. Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

ayon sa Al Tashheth

– Ito ay maaaring tumukoy sa isang estilo ng musika. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 57:1.

Isang awit ni David

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Isang miktam

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 16:1.

Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran?

Ang manunulat ay ginagamit ang tanong na ito para sawayin ang mga taong nasa kapangyarihan sa pulitika. Maaaring isalin na: “Kayong mga tagapamahala ay hindi kailanman gumawa ng mga patas na desisyon” (Tingnan: Rhetorical Question)

kayong ... inyong

Ang mga salitang “kayong” at “inyong” ay tumutukoy sa mga makapangyarihang hukom. (Tingnan: Forms of You)

Nagsasabi ... ng katuwiran

Maaaring isalin na: “nagsasalita sa matuwid na paraan”

Tuwid ba kayong naghahatol, kayong mga tao?

Ang manunulat ay ginagamit ang tanong na ito para bigyang-diin na ang mga makapangyarihang tao ay naghahatol nang hindi makatarungan. Maaaring isalin na: “kayong mga anak ng mga tao ay hindi kailanman humatol ng mga tao nang matuwid” (Tingnan: Rhetorical Question)

kayong mga tao

Ang ibang mga bersyon ay binabasa nang mas literal, “kayong mga anak ng mga tao,” pero ang pagpapahayag na ito sa Hebreo ay nangangahulugang “mga tao,” “sangkatauhan.”

gumagawa kayo ng kasamaan

Maaaring isalin na: “gumagawa kayo ng mga masasamang bagay” (Tingnan: Metaphor)

naghahasik kayo ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang inyong mga kamay

Maaaring isalin na: “kayo mismo ang gumagawa ng mga marahas na gawain sa lahat ng dako ng kalupaan.”

Psalms 58:3-5

Ihinihiwalay ang mga masasama ... naliligaw sila

Ito ay parehong kaisipan na ipinahayag sa dalawang magkaibang mga paraan. (Tingnan: Parallelism)

naliligaw sila

“ang mga masasama ay naliligaw”

Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas

Ang mga makamandag na mga salita ng mga masasama ay inihalintulad sa kamandag ng ahas. Maaaring isalin na: “Ang kanilang mga salita ay nagdudulot ng sakit katulad ng kamandag ng ahas” (Tingnan Simile)

katulad sila ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga

Ang masasama ay binanggit na parang sila ay mga ahas, na mga bingi. Maaaring isalin na: “Tumatanggi silang makinig katulad ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga” (Tingnan Simile)

ulupong

Isang uri ng makamandag na ahas.

tinatakpan ang kanilang mga tainga

Maaaring isalin na: “hindi makarinig” (Tingnan: Personification)

gaano pa sila kagaling

“gaano pa kagaling ang mga nang-aamo sa pagpapaamo ng mga ahas” (Tingnan: Ellipsis)

Psalms 58:6-8

Sirain ang mga ngipin ... sirain ang mga malalaking ngipin

Ang dalawang pariralang ito ay may parehong kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay ng diin. (Tingnan: Parallelism)

kanilang ... sila ... nila

Ang mga salitang “kanilang”, “sila” , at “nila” ay tumutukoy sa “mga masasamang tao.”

mga batang leon

Maaaring isalin na: “ang mga masasama na katulad ng batang leon” (Tingnan: Metaphor)

hayaan mong ang mga ito ay parang walang mga tulis

“gawin mong parang walang mga tulis ang mga palaso”

kuhol

“suso”

katulad ng sanggol na kulang sa buwan na ipinanganak ng isang babae, na hindi kailanman makikita ang sikat ng araw

Ito ay isang sanggol na kailanman ay hindi makikita ang sikat ng araw. Maaaring isalin na: “hayaan silang maging katulad ng isang sanggol na maagang ipinanganak na kailanman ay hindi makikita ang sikat ng araw”

Psalms 58:9-11

Bago pa maramdaman ng iyong mga paso ang nakakapasong init ng mga tinik ... ang parehong luntian at nakakapasong mga tinik.

Ang talatang ito ay mahirap isalin dahil ang orihinal na biblikal na teksto ay mahirap na maintindihan. Maaaring isalin na: “Agad niya silang tatangayin katulad ng mga halamang matinik na tinangay ng malakas na hangin.”

iyong

Si David ay kinakausap ang bayan ng Diyos. (Tingnan: Forms of You)

aalisin niya ang mga iyon

“Ang Diyos ay tatanggalin sila”

Ang matuwid ay magagalak

“Ang matuwid na tao ay magagalak”

nakita niya ang paghihiganti ng Diyos

Ang salitang “niya” ay tumutukoy sa “matuwid”.

huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama

Maaaring isalin na: “ang masasama ay mamamatay at babagsak sa paligid niya” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 59

Psalms 59:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

Ayon sa Al Tashheth

– Maaaring ito ay tumutukoy sa isang estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 57:1.

Isang awit ni David

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) si David ang sumulat ng awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David

Isang miktam

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 16:1.

nang nagpadala si Saul, at binantayan nila ang bahay para patayin siya

“mula nang pinadala ni Saul ang kaniyang mga sundalo para puntahan at bantayan ang bahay ni David para sa pagkakataong patayin siya”

itaas mo ako

Maaaring isalin na: “ilagay ako sa isang ligtas na lugar” (Tingnan: Idiom)

mga taong uhaw sa dugo

Ang mga salitang “uhaw sa dugo” ay may “dugo”, na tumutukoy sa pagpatay at “uhaw” na tumutukoy sa pagnanais. Maaaring isalin na: “ang mga taong nagnanais pumatay” (Tingnan: Idiom)

Psalms 59:3-4

nag-aabang sila para kunin ang buhay ko

Ang mga kaaway ni David ay nagtatago at tahimik na nag-aabang para sa oras na maaari nila siyang lusubin. (Tingnan: Idiom)

pero hindi dahil sa aking pagsuway o kasalanan

Ang parehong pariralang ito ay nangangahulugan ng iisang bagay at inulit para bigyang-diin na ito ay totoo. (Tingnan: Parallelism)

Gumising

Ang salitang ito ay magkatulad ng kahulugan sa “bumangon.” Ito ay tumutukoy sa pagpapasya ng layunin at nagsisimulang kumilos na parang isang taong gumigising at sinisimulang gumawa ng mga bagay. (Tingnan: Idiom)

tumakbo tungo sa akin

Ito ay hinahalintulad ang mga kaaway ng manunulat sa mga sundalo na tumatakbo papunta sa kanilang kaaway sa labanan. (Tingnan: Metaphor)

at tingnan

Maaaring isalin na: “at tingnan kung ano ang nangyayari”

Psalms 59:5

bumangon

Ang pariralang ito ay magkatulad ng kahulugan sa “tumayo.” Ito ay nangangahulugang bumangon at magsimulang gumawa ng isang bagay. (Tingnan: Idiom)

Psalms 59:6-7

Bumabalik sila sa gabi

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa mga masasamang sumusuway.

umaalulong

malakas na paulit-ulit na tunog ng isang hayop

Tingnan

Dito ang salitang “Tingnan” ay ginagamit para magbigay ng pansin sa isang bagay. Maaaring isalin na: “Pakinggan.”

dumidighay sila sa kanilang mga bibig

Ang pariralang ito ay hinahambing ang kanilang pananalita sa isang dighay para sabihing ito ay malakas at hindi mapigil. Maaaring isalin na: “ang malakas at hindi mapigil na pananalita na nanggagaling sa kanilang mga bibig” (Tingnan: Idiom)

dumidighay

isang malakas na pagpapakawala ng hangin sa bibig mula sa tiyan

mga espada ay nasa kanilang mga labi

Ang mga salitang sinasabi ng mga masasamang tao ay mga insulto pero tinukoy bilang mga espada para ipahayag na sila ay nakakasakit. (Tingnan: Metaphor)

Sino ang nakakarinig sa atin?

Ang tanong na ito ay nagpapahayag na ang mga tao ay naniniwala na hindi sila naririnig ng Diyos. Maaaring isalin na: “Ang Diyos mo ay hindi kami naririnig at hindi kayo ililigtas.” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 59:8-9

tinatawanan sila

“tinatawanan ang aking mga kaaway”

kinukutya mo ang mga bansa

“pinagtatawanan mo ang lahat ng mga bansa”

kinukutya

“pinagtatawanan” o “nililibak”

aking kalakasan

Maaaring isalin na: “ikaw ang aking kalakasan”

matayog na tore

“tore na ginagamit sa pagbabantay”

Psalms 59:10-11

Ikalat sila

“Pagalain mo sila”

ilaglag sila

Maaaring isalin na: “pabagsakin sila”

aming kalasag

Maaaring isalin na: “aming tagapag-ingat” o “ang siyang nag-iingat sa amin” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 59:12-13

Dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga bibig at sa mga salita ng kanilang mga labi

Maaaring isalin na: “Dahil nagkakasala sila sa kung ano ang sinasabi nila” (Tingnan: Metonymy)

hayaan mo silang madakip ng kanilang kayabangan

Maaaring isalin na: “hayaan mong madakip sila ng mga tao dahil sa kanilang kayabangan” (Tingnan: Active or Passive)

na ipinapahayag nila

“na sinasabi nila”

Tupukin sila sa poot, tupukin sila para sila ay mawala na

Ang dalawang pariralang ito ay may magkatulad na kahulugan at magkasamang ginamit para sa pagbibigay-diin. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 59:14-15

umaalulong

malakas na paulit-ulit na tunog ng isang hayop

maglalakbay sila pataas at pababa para sa pagkain

Maaaring isalin na: “maglalakbay pataas at pababa ng mga lansangan naghahanap ng pagkain” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

masiyahan

“kuntento” o Maaaring isalin na: “masaya”

Psalms 59:16-17

at isang kublihan

Maaaring isalin na: “at ikaw ay naging isang kanlungan” (Tingnan: Ellipsis)

sa araw ng aking kapighatian

Maaaring isalin na: “tuwing nakakaranas ako ng mga kaguluhan” (Tingnan: Idiom)

dahil ang aking Diyos ang aking matayog na tore

Dito, ang manunulat ay nagsasabi tungkol sa Diyos sa halip na sa Diyos. (Tingnan: Apos-trophe)

ang Diyos ng katapatan sa tipan

Maaaring isalin na: “siya ang Diyos ng katapatan sa tipan”

Psalms 60

Psalms 60:1

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong musikero

“Ito ay para sa direktor ng musika na ginagamit sa pagsamba

itinakwil mo kami

Ipinapahayag ng mga Israelita na sila ay tinanggihan ng Diyos tulad ng isang hindi kanais-nais na pirasong kasuotan na hinubad at itinapon sa lupa. (Tingnan: Metaphor)

nilupig ninyo sa pamamagitan ng aming pananggalang

Ipinapahayag ng mga Israelita na sila ay nilupig ng Diyos na parang sila ay tinalo ng isang hukbo ng kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 60:2-3

Pinayayanig ninyo ang lupain; pinaghiwa-hiwalay mo ito

Sinasabi ng manunulat ng awit ang tungkol sa kalagayan ng kapahamakan ng kaniyang bansa sapagkat nakaranas ito ng isang lindol. (Tingnan: Metaphor)

mga bitak

malalaking mga bitak sa lupa at sa mga pader. Ang salitang ito ay nabibilang sa metapora ng lindol

Ipinakita mo sa iyong bayan ang mga matitinding bagay

Dito ang “ipinakita” ay kumakatawan sa “karanasan,” “magdusa.” (Tingnan: Metonymy)

pinainom mo sa amin ang alak na nagpapasuray.

ang alak na nagpapasuray-suray sa amin. (Tingnan: Abstract Nouns) Ang pagiging mahina ay sinasabing parang nagpapasuray-suray ito sa paligid, halos hindi makatayo nang tuwid (Tingnan: Metaphor)

Psalms 60:4-5

Nagbigay ka ng isang bandera sa mga nagpaparangal sa iyo para maipakita ito dahil sa katotohanan

Ang malamang na kahulugan ng pangungusap na ito ay kung ano ang napili ng UDB

bandera

isang maliit na tela na inilagay sa dulo ng patpat na ginagamit ng mga hari o militar para kilalanin kung sino sila sa labanan o sa ibang dako

Psalms 60:6-7

sanggalang

sanggalang sa ulo

Psalms 60:8-9

aking hilamusan

“aking mangkok na ginagamit para sa paghuhugas

Sino ang magdadala sa akin sa malakas na lungsod … sa Edom?

ipinapahayag ni David ang kaniyang pangangailangan para sa mga direksiyon kung paano niya pangungunahan ang hukbo. (Tingnan: RhetoricalQuestion)

Sino ang magdadala sa akin sa malakas na lungsod?

Tinatanong ng Diyos ang dalawang katanungang ito. Kapwa mga katanungan ay may parehong kahulugan. “Ang malakas na lungsod” ay tumutukoy sa Edom. (Tingnan: Personification)

Psalms 60:10-12

walang silbi

“walang kabuluhan”

Magtatagumpay

“may pagtatagumpay”

Psalms 61

Psalms 61:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Ito ay isang awit ng katapatan ng Diyos. Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtug

“Para ito sa tagapamahala ng musika para magamit sa pagsamba”

Kuwerdas ng isang instrumento

“ang mga tao ay dapat tumugtog ng mga instrumentong may kuwerdas sa awit na ito”

Isang awit ni David

Mga Maaaring kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin

Mayroong parehong kahulugan ang mga sugnay na ito. Maaaring isalin na: “O Diyos pakinggan mo ako at sagutin ang aking panalangin” (UDB) (Tingnan: Doublet)

Nagapi

"napagtagumpayan”

dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na para siyang mataas na bato na kaya niyang akyatin para sa proteksyon. (Tingnan: Metaphor)

isang matatag na muog mula sa kaaway.

Ang mga salitang ipinapahiwatig na “pinapanatili akong ligtas” ay maaaring idagdag sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “tulad ka ng isang malakas na muog na pinanatili akong ligtas mula sa aking kaaway” (Tingnan: Elipsis)

Isang matatag na muog

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na parang isang “matatag na tore” na nagbibigay ng pag-iingat mula sa kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 61:4-5

magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak

Ang paglapit kay Yahweh para sa proteksyon ay sinabi gaya ng pagtatago sa kaniya. May ikalawang metapora dito na tumutukoy kay Yahweh na para siyang inahin na nag-iingat sa kaniyang mga maliliit na sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Maaaring isalin na: “lumapit sa iyo para ingatan gaya ng isang sisiw na ligtas sa ilalim ng mga pakpak ng kaniyang ina” (Tingnan: Metaphor)

binigyan mo ako ng mana

Binabanggit ng manunulat ang mga pagpapala ng Diyos na parang sila ay mana na kaniyang tinanggap. Maaaring isalin na: binigyan mo ako ng mga pagpapala” (Tingnan: Metaphor)

sa mga nagpaparangal sa inyong pangalan

Dito ang “sa iyong pangalan” ay nangangahulugan ng Diyos mismo. Maaaring isalin na: “siyang nagpaparangal sa iyo” o “siya na may kahanga-hangang paggalang para sa iyo” (UDB) (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

Psalms 61:6-7

Pahahabain mo…maraming salinlahi

Ang dalawang sugnay na ito ay mayroong parehong mga kahulugan. Ang ideya ay inulit para magbigay-diin. (Tingnan: Paralelismo)

Pahahabain mo ang buhay ng hari

“Patatagalin mo ang buhay ng hari” o “Magdudulot ka para tumagal ng mahabang panahon ang buhay ng hari”

ang kaniyang mga taon magiging katulad ng maraming salinlahi

Dito ang “mga taon” ay tumutukoy kung gaano kahaba mabubuhay ang hari. Maaaring isalin na: “mabubuhay siya sa maraming salinlahi” (Tingnan: Pagpapalit-tawag)

Manatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman

Dito ang “manatili sa harapan ng Diyos” ay nangangahulugan na nasa presensiya ng Diyos o makasama ang Diyos. Ito ay maaaring isaad nang malinaw sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “Makakasama siya ng Diyos magpakailanman” o “Makakasama ng hari magpakailanman ang Diyos” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 61:8

Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman

Dito ang “pangalan” ay kumakatawan sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “Lagi akong aawit ng papuri sa iyo” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

aking mga panata

Tumutukoy ang mga ito sa pangako na maghandog ng mga alay sa Diyos araw-araw. (Tingnan UDB)

Psalms 62

Psalms 62:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay tungkol sa katapatan ng Diyos. Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtug

“Para ito sa tagapamahala ng musika para gamitin sa pagsamba”

Jeduthun

Tingnan kung paano isalin ito sa 39:1.

Isang awit ni David

Mga Maaaring kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

magmumula sa kaniya ang aking kaligtasan

“siya ang sumasagip sa akin” o “siya ang nagliligtas sa akin”

Siya lamang ang aking muog at aking kaligtasan

Binabanggit ng manunulat ang kakayahan ng Diyos na ingatan siya na parang ang Diyos ay isang bato. Maaaring isalin na: “Siya lamang ang makakapag-ingat at sasagip sa akin” (Tingnan: Metaphor)

siya ang aking mataas na tore

Binabanggit ng manunulat ang kakayahan ng Diyos na ingatan siya na para ang Diyos ay isang mataas na tore. “inilalayo niya ako mula sa kamay ng aking mga kaaway” (Tingnan: Metaphor)

Ako ay lubos na hindi maigagalaw

Maaaring isaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “walang makakapagpagalaw sa akin” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 62:3-4

kayong lahat

“aking mga kaaway” o “lahat ng aking mga kaaway”

Hanggang kailan… sasalakay sa isang tao, o isang maugang bakuran?

Gumagamit si David ng isang retorikang patanong para maipahayag ang kaniyang kabiguan. Walang sagot na inaasahan. AT: “Parang tulad ito ng aking mga kaaway na hindi humihinto na ako ay salakayin. Nararamdaman ko na ako ay mahina laban sa inyo gaya ng isang pagsandal sa pader o isang silid na bumagsak” (Tingnan: Rhetorical Question)

Sasalakay sa isang tao

“ako ay salakayin”

Sumasangguni sila sa kaniya… para lamang ibaba siya…pinagpapala nila siya…isinusumpa siya

Sa mga talatang ito, tinutukoy ni David ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng “siya.”

sa kanilang mga bibig

Tumutukoy ito sa kanilang pananalita o kanilang mga salita. (Tingnan: Metonymy)

sa kanilang mga puso

Tumutukoy ito sa kanilang mga iniisip. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 62:5-6

dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya

“dahil inilagay ko ang aking pag-asa sa kaniya”

Siya lamang ang aking muog at kaligtasan; siya ang aking mataas na tore

Binabanggit ng manunulat na ang Diyos ay parang isang bato at mataas na tore. Ang parehong metapora na ito ay nagpapakita kung paano ang Diyos ay nagkakaloob ng pag-iingat mula sa mga kaaway. Dito ang “kaligtasan” ay nangangahulugan na sasagipin ng Diyos ang manunulat. Tingnan kung paano isinalin ito sa 62:2. (Tingnan: Metonymy)

Ako ay lubos na hindi maigagalaw

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “walang makakagalaw sa akin” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 62:7-8

nasa Diyos ang saligan ng aking kalakasan at kanlungan

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na parang siya ay isang bato na pinanatili siyang ligtas mula sa kaniyang mga kaaway. Siya ay nagsasabi rin sa Diyos na parang siya ay isang silungan na nagbibigay ng pagtatanggol. Maaaring isalin na: "Ang Diyos ay laging nagbibigay sa akin ng kalakasan at pagtatanggol” (Tingnan: Metaphor)

ibuhos ninyo ang inyong puso

Tumutukoy ito sa pagsasabi sa Diyos ng inyong saloobin na parang nagbubuhos ng tubig. Maaaring isalin na: “ibigay mo ang inyong malalim na mga alalahanin sa Diyos” (Tingnan: Idiom)

kanlungan natin

Ang salitang “natin” ay tumutukoy kay David at sa mga tao na kaniyang kinakausap. (Tingnan: Inclusive “We”)

Psalms 62:9-10

lalaking mahina ang katayuan… lalaking mataas ang katayuan

Tumutukoy ito sa mga tao sa lahat ng antas ng yaman at halaga. Ang mga pariralang “ay walang kabuluhan” at “isang kasinungalingan” ay pareho ang kahulugan. Ang isa ay hindi nakatitiyak na mapagkatiwalaan ang sinuman. Maaaring isalin na: “Hindi mo mailalagay ang inyong tiwala sa mga tao, gaano man sila kahalaga” (Tingnan: Merism and Parallelism)

pareho silang tinimbang, sila ay magaan kaysa sa wala

Kung sama-sama mong ilalagay ang lahat ng mga uri ng tao sa isang timbangan, wala silang bigat. Nangangahulugan ito na wala silang tunay na halaga sa iyo.

pang-aapi o pagnanakaw

Ang dalawang mga salitang ito ay may parehong kahulugan. Hindi mo mapagkakatiwalaan ang pera na inyong kinuha mula sa ibang tao. (Tingnan: Doublet)

dahil wala itong maibubunga

Binabanggit ng manunulat ang kayamanan na parang sila ay mga puno o ubas na mamumunga. Maaaring isalin na: “dahil wala silang maibibigay na mabuti sa inyo” (Tingnan: Metaphor)

huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito

Dito ang “itutuon ang inyong puso” ay isang idyoma na nangangahulugan na naisin ang isang malaking bagay. Maaaring isalin na: “huwag mo silang asamin” (Tingnan: Idiom)

Psalms 62:11-12

Minsang nagsalita ang Diyos; dalawang beses kong narinig ang mga ito

Nangangahulugan na sinabi ito ng Diyos ng higit pa sa isang beses.

sa Diyos nauukol ang kapangyarihan

"Ang Diyos ang siyang may tunay na kapangyarihan”

Gayundin sa inyo, Panginoon, nauukol ang katapatan sa tipan

“siya ang tapat na nagmamahal sa atin, gaya ng kaniyang ipinangako” (UDB)

dahil binabayaran mo ang bawat tao kung ano ang kaniyang ginawa

Binabanggit ng manunulat ang mga gantimpala ng Diyos na parang siya ay nagbibigay ng sahod para sa trabaho. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 63

Psalms 63:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Isang awit ni David

Mga maaaring kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

Masigasig

“tapat”

nauuhaw ang aking kaluluwa sa iyo, at nananabik ang aking laman sa iyo

Ang dalawang sugnay na ito ay may parehong kahulugan at ginamit ng sabay para bigyang diin kung gaano kalaki ang pagnanais ng manunulat na makasama ang Diyos. Maaaring isalin na: “ang aking buong pagkatao ay labis na nagnanais na makasama ka” (Tingnan: Parallelism)

sa tuyot at tigang na lupa na walang tubig

“mainit, tuyong desyerto”

Psalms 63:3-4

magpupuri ang aking mga labi sa iyo

Dito ang “aking mga labi” ay kumakatawan sa kabuuan ng tao. Maaaring isalin na: “Ako ay magpupuri sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan

Dito “sa iyong pangalan” ay nangangahulugan “sa iyo.” Maaaring isalin na: “Ako ay sasamba sa iyo at mananalangin sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 63:5-6

Parang tulad ito ng pagkain ng utak sa buto at mga taba

Binabanggit ng manunulat ang pagkilala at pagsamba sa Diyos na mas higit na kasiya-kasiya kaysa pagkain ng masarap na pagkain. Maaaring isalin na: “Ako ay magiging mas masaya kaysa isang tao na kumakain sa isang pagkain ng mataba at piling pagkain” (Tingnan: Simile)

sa aking mga labing nagagalak pupurihin ka ng aking bibig

Dito ang “sa aking mga labing nagagalak ang aking mga bibig” ay kumakatawan sa buong pagkatao na siyang magpupuri sa Diyos na may kagalakan. Maaaring isalin na: “Ako ay magpupuri sa iyo ng may kagalakan” (Tingnan: Synecdoche)

Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan… sa mga oras ng gabi

Ang dalawang mga pariralang ito ay may parehong kahulugan. Ang mga ideya ay inulit para bigyang diin kung gaano ang manunulat ay nag-iisip tungkol sa Diyos. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 63:7-8

magagalak ako sa anino ng iyong mga pakpak

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na parang siya ay isang ibon na iniingatan ang kaniyang inakay sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Maaaring isalin na: “Ako ay nagagalak dahil iniingatan mo ako” (Tingnan: Metaphor)

Kumakapit ako sa iyo

Kailangan kita” o “Umaasa ako sa iyo”

inaalalayan mo ako ng iyong kanang kamay

Dito, ang kanang kamay ay ginamit bilang isang simbolo ng lakas at kapangyarihan. Maaaring isalin na: “inaalalayan mo ako” o “itinataas mo ako” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 63:9-10

sa kailaliman ng bahagi ng mundo

Ito ay nangangahulugan na sila ay mamamatay at pupunta sa lugar ng patay. Ito ay maaaring isaad ng malinaw sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “mamamatay at bababa sa lugar ng patay. (UDB) o “mamamatay at mapupunta sa lugar ng patay” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ibibigay sila sa ilalim ng kapangyarihan ng espada

Dito “ang kapangyarihan ng espada” ay kumakatawan sa mamamatay sa digmaan. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ang magdudulot sa kanila na mamatay sa digmaan” (Tingnan: Metonymy and Active or Passive)

magiging pagkain sila para sa mga aso

Dito ang “sila” ay tumutukoy sa mga bangkay ng mga namamatay sa digmaan. Ito ay maaaring isaad ng malinaw sa pagsasalin, at sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “kakainin ng mga aso ang kanilang patay na mga katawan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information) at Active or Passive)

Psalms 63:11

ang hari

Tinutukoy ni David tungkol sa kaniyang sarili. Ito ay maaaring isaad ng malinaw sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “Ako, ang hari ng Israel” (UDB) (Tingnan: Assumed Knowledge at Implicit Information)

nanunumpa sa kaniya… ipagmamalaki siya

Ang salitang “siya” ay tumutukoy sa “Diyos.”

pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto

Dito “ang bibig” ay kumakatawan sa buong pagkatao. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “pero patatahimikin ng Diyos ang mga sinungaling” o “pero patatahimikin ng Diyos sila na nagsisinungaling” (Tingnan: Synecdoche) at Active or Passive)

Psalms 64

Psalms 64:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang Awit na ito ay isang panalangin para tumulong. Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika para gamitin sa pagsamba”

Isang awit ni David

Mga Maaaring kahulugan ay 1) Isinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ni David sa mga awit.

Ingatan

“iligtas”

Itago mo ako mula sa lihim na pakana… kaguluhan ng mga gumagawa ng masama

Ang dalawang sugnay na ito ay may parehong mga kahulugan. Ang pangalawang sugnay ay nagbibigay ng mas maraming detalye sa pamamagitan ng paglalarawan kung ano ang katunog ng “lihim na balakin.” (Tingnan: Parallelism)

mula sa kaguluhan

Dito ang ipinahiwatig na mga salita “itago ako” ay maaaring idagdag sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “itago ako mula sa kaguluhan” (Tingnan: Ellipsis)

Kaguluhan

isang nakalilitong tunog ng ingay at katuwaan

Psalms 64:3-4

Hinasa nila ang kanilang mga dila tulad ng mga espada

Binabanggit ng manunulat ang mga dila ng kaniyang kaaway na matalim gaya ng espada. Dito ang “mga dila” ay kumakatawan sa mga masasakit na mga salita na sinasabi ng kaniyang mga kaaway. Maaaring isalin na: “Ang masasakit na mga bagay na kanilang sinasabi ay sinasaktan ako tulad ng isang matalim na espada” (Tingnan: Simile at Metonymy)

Palaso, mapapait na mga salita

Binabanggit ng manunulat ang mga mapapait na salita ng kaniyang mga kaaway na parang ito ay mga palaso na ipinatama sa kaniya. Maaaring isalin na: “mga mapapait na salita na bumubutas sa akin tulad ng mga pana” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 64:5-6

Sino ang makakakita sa atin?

Hindi umaasa ang mga masama na tutugunin ang kanilang tanong dahil palagay nila na walang makakakita sa kanila. Maaaring isalin na: “Walang makakakita kung ano ang aming ginagawa” (UDB) (Tingnan: Rhetorical Question)

Malalim ang saloobin at puso ng tao

Binabanggit ng manunulat ang “saloobin” at “puso ng tao” na parang malalim na bahagi ng tubig na walang nakakapunta hanggang sa ilalim. (Tingnan: Metaphor)

saloobin… puso ng tao

Ang parehong mga pariralang ito ay tumutukoy saloobin ng tao. (Tingnan: Doublet)

Psalms 64:7-9

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na nag sasalita ang manunulat patungkol sa “masama” 64:01.

Pero papanain sila ng Diyos…sa kaniyang mga palaso

Binabanggit ng manunulat ang pagpaparusa ng Diyos sa masama na parang pinapana sila ng Diyos ng palaso. (Tingnan: Metaphor)

Madarapa sila

Binabanggit ng manunulat ang pagbibigo ng Diyos sa mga plano ng masama na parang titisurin sila ng Diyos sa kanilang landas. Maaaring isaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Idadapa sila ng Diyos” o “Bibiguin ng Diyos na ang kanilang mga plano” (Tingnan: Metaphor at Active or Passive)

dahil laban sa kanila ang kanilang mga dila

Dito ang “mga dila” ay kumakatawan sa mga salita na kanilang sinasabi. Maaaring isalin na: “dahil ang mga salita na kanilang sinasabi ay laban sa kanila” (Tingnan: Metonymy)

kaniyang mga ginawa

“kung ano ang ginawa ng Diyos”

Psalms 64:10

kukubli sila sa kaniya

Ang pagpunta kay Yahweh para sa pagiingat ay binabanggit bilang pagkubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “lumapit sa kaniya para ingatan” (Tingnan: Metaphor)

magmamalaki ang lahat ng matapat sa puso

Dito ang “matapat sa puso” ay isang idyoma na nangangahulugang makadiyos o matuwid. Maaaring isalin na: “lahat ng tao na makadiyos ay magpupuri sa kaniya” (Tingnan: Idiom)

Psalms 65

Psalms 65:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay isang awit ng pagpupuri. Tingnan: Poetry and Parallelism.

Para sa punong manunugtug

“Para ito sa tagapamahala ng musika para gamitin sa pagsamba”

Isang awit. Isang awit ni David

“Ito ay isang awit na sinulat ni David”

Dahil sa iyo, Diyos ng Sion, matutupad ang aming mga panata sa iyo

Binabanggit dito ang pagpupuri na parang ito ay isang tao na kumikilos mag-isang gumagawa. Maaaring isalin na: “Sa iyo lamang, Diyos ng Sion maghahandog kami ng pagpupuri” (Tingnan: Personification)

dadalhin namin ang aming mga panata sa iyo

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “gagawin namin kung ano ang aming ipinangako sa iyo” (Tingnan: Active o Passive)

Nananaig ang kasamaan sa amin

Binabanggit ni David ang tungkol sa kasamaan na parang ito ay isang tao na kayang tumalo o mang-api. Maaaring isalin na: “Ito ay parang sarili nating kasalanan na tumatalo sa atin” (Tingnan:

patatawarin mo sila

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa ating mga “kasamaan.”

Psalms 65:4

pinipili mo… iyong bakuran

Ang mga salitang “mo” at “iyong” sa talatang ito ay tumutukoy kay Yahweh.

manahan siya sa iyong bakuran

Ito ay hindi nangangahulugan na ang tao ay nakatira sa templo pero siya ay madalas sumasamba kay Yahweh. Maaaring isalin na: “sumasamba ng madalas sa iyong bakuran” (Tingnan: Hyperbole)

Masisiyahan kami sa kabutihan ng iyong tahanan

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ang kabutihan ng iyong tahanan, iyong banal na templo, ay magbibigay kasiyahan sa amin” (Tingnan: Active o Passive)

Masisiyahan kami

Dito ang salitang “kami” ay tumutukoy kay David at sa mga taong kaniyang kinakausap. (Tingnan: Inclusive “We”)

iyong tahanan, ang iyong banal na templo

“iyong tahanan, na iyong banal na templo”

Psalms 65:5

sa iyong katwiran

“Dahil ikaw ay matuwid”

ikaw na siyang

“ikaw na”

lahat sa dulo ng daigdig… malalayong ibayo ng dagat

Ang dalawang mga pariralang ito ay mayroong parehong mga kahulugan. Maaaring isalin na: “sa lahat ng tao na siyang nabubuhay sa buong mundo at sa ibayo ng dagat” (Tingnan: Doublet)

lahat sa dulo ng daigdig

Ito ay tumutukoy sa mga tao na nabubuhay sa buong mundo. (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 65:6-7

Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon

Ang dalawang mga pariralang ito ay mayroong parehong kahulugan at magkasabay na ginamit para makagawa ng isang malinaw na paglalarawan sa mga makaririnig o makababasa. Maaaring isalin na: “ang patuloy na umaatungal na mga dagat” (Tingnan: Parallelism)

umaatungal

isang malakas na ingay tulad ng sa isang leon.

kaguluhan

Ang pinapahiwatig na salita na “tahimik” ay maaaring idagdag sa pagsasalin. Maaaring isalin na: “at patahimikin ang kaguluhan” (Tingnan: Ellipsis)

ikaw na binabalot ng kalakasan

Binabanggit ng manunulat ang Diyos na parang suot niya ang kaniyang lakas tulad ng isang sinturon. Maaaring isalin na: “nagpapakita na ikaw ay napakamakapangyarihan” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 65:8-9

Katibayan

patunay o isang bagay na nagpapakita sa ibang bagay na tunay.

pinapasaya mo ang silangan at kanluran

Tumutukoy ito sa mga tao na siyang nabubuhay sa buong mundo. Maaaring isalin na: “dinudulot mo na ang mga tao sa bawat lugar na sumigaw nang may kagalakan” (Tingnan: Synecdoche)

tulungan ang mundo

Tumutukoy ito sa lupa sa mundo.

pinagyayaman ng lubos

Maaaring isalin na: “ginawa mo ang lupa para mapalago ang mga pananim at ibang mabubuting bagay”

ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig

Tumutukoy ito sa binibigay na tubig sa kalangitan na ipinapadala ng Diyos para diligan ang lupa at punuin ang mga batis. Maaaring isalin na: “pinupuno mo ang batis ng tubig” (UDB) (Tingnan: Metonymy)

Psalms 65:10-12

Mo…mo

Ang mga salitang “Mo” at “mo” ay tumutukoy kay Yahweh.

mga taniman

“ang mga taniman sa lupa”

Taniman

isang makitid na mahabang gulugod na ginawa sa lupa para sa pagtatanim ng mga binhi o para sa pagpapatubig sa bukirin kung saan itinanim ang mga butil.

pagitan

mga gilid

Kinokoronahan mo ang taon ng iyong kabutihan

Dito ang “mga taon” ay ibinigay sa uri ng tao na nagsusuot ng isang korona. Maaaring isalin na: “Pinarangalan mo ang taon ng isang mabuting ani” (Tingnan: Personification)

naghuhulog ng pataba sa lupa

Ang salitang “masaganang” ay nagmumungkahi ng mataba o mabuti. Gaya ng paggamit sa pariralang ito, itinuturo nito kung paano ginawa ni Yahweh ang lupa na mas mabuti at mataba na nagdudulot ng masaganang ani. (Tingnan: Metaphor)

Nahuhulog ang mga ito

Maaaring isalin na: “Ang iyong lubos na kasaganaan”

mga kaburulan ay sinuotan ng sinturon ng kagalakan

Sinasabi ng manunulat na ang kagandahan ng mga burol ay binigkisan ng kagalakan. Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Ginawa mo ang mga kaburulan na napakaganda” (Tingnan: Personification, Metaphor at Active or Passive)

Psalms 65:13

Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan

Sinasabi ng manunulat na ang mga pastulan ay puno ng mga kawan na parang nakasuot ng damit.

Mga pastulan

isang malawak na lugar kung saan nakakain ng damo ang mga hayop

Mga kawan

pangkat ng mga hayop, gaya ng mga tupa at mga kambing

sumisigaw sila ng kagalakan, at umaawit sila

Ang mga pastulan, mga burol at mga lambak ay napakasagana, na parang sila ay sumisigaw at umaawit sa kagalakan. Maaaring isalin na: "tulad sila ng mga tao na nagagalak na umaawit" (Tingnan: Personification)

Sumisigaw sila

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa mga pastulan at mga lambak.

Psalms 66

Psalms 66:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay isang awit ng papuri. Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba.”

Mag-ingay sa galak para sa Diyos

Maaaring isalin na: “Hayaang umawit at sumigaw sa kagalakan sa Diyos ang lahat ng nasa lupa”

lahat ng nilalang

Tumutukoy ito sa lahat ng mga tao na naninirahan sa lupa. (Tingnan: Synecdoche)

Awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan

Ang mga pariralang ito ay mayroong parehong kahulugan at ginagamit ng magkasama para bigyan-diin kung gaano kamangha-mangha ang Diyos. Maaaring isalin na: “Umawit tungkol sa kung gaano kamangha-mangha ang kaniyang pangalan; umawit ng kamangha-manghang papuri tungkol sa kadakilaan ng Diyos” (Tingnan: Parallelism)

ng kaniyang pangalan

Tumutukoy ito sa Diyos mismo (Tingnan: Metonymy)

Psalms 66:3-4

Kakakikilabot ang iyong mga gawa

Ang mga gawain ng Diyos ang magdudulot sa atin ng pagkasindak at pagkatakot dahil alam natin na makapangyarihan siya at banal.

Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan

-“dahil mayroon kang dakilang kapangyarihan”

ang lahat ng nasa lupa

Tumutukoy ito sa lahat ng mga tao na naninirahan sa lupa (Tingnan: Synecdoche)

aawit sila sa iyong pangalan

Dito, tumutukoy ang salitang “sa iyong pangalan” sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “Pupurihin at pararangalan ka nila” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 66:5-7

siya…kaniya…kaniyang

Tumutukoy ang mga salitang ito sa Diyos.

kinatatakutan

“kinasisindakan”

mga anak ng mga tao

“sangkatauhan”

Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid sila sa ilog nang naglalakad

Tumutukoy ito sa pagtawid sa Dagat na Pula. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

tumawid sila

Tumutukoy ang salitang “sila” sa bayan ng Diyos, ang mga Israelita.

nagalak kami

Tumutukoy ang salitang “kami” sa mga Israelita, kanilang mga ninuno, David, at sa mga taong kinakausap niya. (Tingnan: Inclusive “We”)

pinagmamasdan ng kaniyang mga mata

Tumutukoy ang pariralang “kaniyang mga mata” sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “nakikita niya” (Tingnan: Synecdoche)

huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili

“Huwag mong hayaang itaas ng mga taong suwail ang kanilang mga sarili” o “huwag mong hayaang maging mapagmayabang ang mga taong suwail”

Psalms 66:8-9

Purihin ang Diyos...hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan

May parehong kahulugan ang dalawang sugnay na ito. Inulit ang kaisipan para bigyan-diin ang kahalagahan ng pagpupuri sa Diyos. (Tingnan: Parallelism)

ating

Sa mga talata na ito, kabilang sa salitang “ating” si David at ang mga taong kinakausap niya. (Tingnan: Inclusive “We”)

hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa

Binabanggit ng manunulat ang pag-iingat ng Diyos gaya ng pagpigil sa kaniyang bayan mula sa pagkahulog sa kanilang landas o sa bangin. Maaaring isalin na: “hindi niya kami pinahintulutang mahulog sa sakuna” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

Psalms 66:10-12

Dinala mo kami sa isang lambat

Binabanggit ng manunulat ang kaparusahan ng Diyos na parang nabihag ng Diyos ang kaniyang bayan sa lambat. (Tingnan: Metaphor)

isang lambat

Patibong para sa ibon at hayop.

nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang

Binabanggit ng manunulat ang pinagtiisan ng mga tao na parang may dalang mabigat na pasanin sa kanilang likod. (Tingnan: Metaphor)

Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo

Larawan ito ng isang kalagim-lagim na pagkatalo sa digmaan. Maaaring isalin na: “Tila tinalo kami ng aming mga kaaway sa digmaan at pinadaan ang kanilang mga karwahe sa ibabaw ng aming mga bangkay” (Tingnan: Metaphor)

dumaan kami sa apoy at tubig

Sinubok sila ng Diyos sa mga likas na sakuna tulad ng sunog at baha. Maaaring isalin na: “nagdusa kami tulad ng mga taong nagdurusa mula sa sunog at baha” (Tingnan: Metaphor and Merism)

Malawak na lugar

Binabanggit ng manunulat ang pagpapala na mayroon ang bayan ng Israel sa kasalukuyan na parang dinala sila sa malawak na lugar kung saan ligtas sila. Maaaring isalin na: “malawak na lugar kung saan ligtas kami” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 66:13-15

na ipinangako ng aking labi at sinabi ng aking bibig

Maaaring isalin na: “na ipinangako at sinabi ko” (Tingnan: Synecdoche)

samyo ng mga tupa

Maaaring isalin na: “samyo ng usok ng inalay na mga tupa”

Psalms 66:16-18

pinuri siya ng aking dila

Maaaring isalin na: “Pinuri ko siya gamit ang aking dila” o “pinuri ko siya” (Tingnan: Active or Passive and Metonymy)

nakitang kasalanan

“nahumaling sa kasalanan” o “patuloy na nagkakasala” o “nakitang masama, mga makasalanang bagay”

hindi makikinig sa akin

Maaaring isalin na: “hindi ako pakikinggan sa aking panawagan sa kaniya” o “hindi niya ako pakikinggan sa aking panalangin” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 66:19-20

Pero tunay ngang narinig ng Diyos; binigyan niya ng pansin

Pareho ang kahulugan ng dalawang pariralang ito at magkasamang ginamit para magbigay-diin. Maaaring isalin na: “pero tunay ngang narinig ng Diyos at binigyan niya ng pansin ang tinig ng aking panalangin.” (Tingnan: Parallelism)

ang tinig ng aking panalangin

Dito ang panalangin ng manunulat ay binigyan ng katangian na magkaroon ng tinig. Maaaring isalin na: “aking panalangin” (Tingnan: Personification)

o kaniyang katapatan sa tipan mula sa akin

Maaaring isalin na: “o tumalikod sa kaniyang katapatan sa tipan mula sa akin” (Tingnan: : Ellipsis)

Psalms 67

Psalms 67:1-6

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba;”

sa mga instrumentong may kwerdas

“dapat tumugtog ang mga tao ng mga instrumentong may kwerdas sa awiting ito.”

magningning

maliban sa pag-aninag ng liwanag sa isang bagay, maaaring tanda ito ng pagpayag o mga kaaya-ayang kilos. (Tingnan: Idiom)

ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa

Maaaring isalin na: “maaaring makita ng mga tao ang iyong mga pamamaraan sa lupa” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 67:7

pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo

Maaaring isalin na: “lahat ng tao saanman sa mundo” UDB (Tingnan: Metonymy)

Psalms 68

Psalms 68:1-3

Pangkalahatang Kaalaman: -

Tingnan: Poetry at Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba;”

Awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

hayaang kumalat ang kaniyang mga kaaway

Maaaring isalin na: “Hayaang dalhin ng Diyos ang kaniyang mga kaaway sa iba’t-ibang direksyon” (Tingnan: Active or Passive)

Kung paano itinaboy ang usok

Maaaring isalin na: “Kung paano itinaboy ng hangin ang usok” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 68:4-6

gumawa ng daan…sa kapatagan

“Matuwa sa kaniyang kapangyarihan na kumikilos sa atin.” (Tingnan: Metaphor)

Ang ama ng mga walang ama

“Ang Diyos ay tumatayong ama sa mga anak na walang mga magulang.

hukom ng mga balo

“Iniingatan ng Diyos ang mga balo” (Tingnan: Metaphor)

ang mga nalulungkot na magkaroon ng mga pamilya

“Kahit na wala tayong tunay na pamilya, itinuring tayo ng Diyos bilang miyembro ng pamilya.

pinalalaya niya ang mga bilanggo na nag-aawitan

“Pinapalaya ng Diyos ang mga bilanggo para maging matagumpay.

maninirahan sa tigang na lupa ang mga suwail

Nag-iisa ang mga suwail sa Diyos, walang pamilya, walang proteksyon. Mga bilanggo sila ng kanilang mga kasalanan, at walang kakayanan na makalaya sa kanilang sitwasyon. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 68:7-8

Pangkalahatang Kaalaman:

Sinisimulang sabihin ni David ang kwento tungkol sa pangunguna ng Diyos sa mga anak ng Israelita sa disyerto sa Bundok ng Sinai.

lumabas ka sa harap ng iyong bayan

“pinangunahan mo ang iyong bayan.”

nagbuhos din ng ulan ang kalangitan…sa presensiya ng Diyos

“Ang Diyos ang nagpaulan ”

sa presensiya ng Diyos…sa Diyos ng Israel

“Nang pinagpala ng Diyos at ipinahayag ang kaniyang sarili sa kaniyang bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, nang dumating sila sa Bundok ng Sinai.

Psalms 68:9-10

Pinalakas mo ang iyong pamana

“pinahintulutan mong muling lumago ang mga magagandang pananim sa lupaing ibinigay mo sa aming mga Israelita. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 68:11-13

Pangkalahatang Kaalaman

Ipinagpapatuloy ni David ang kwento ng paglalakbay ng mga Israelita sa disyerto. Sa bahaging ito ng kwento, matagumpay sa digmaan ang mga Israelita laban sa kanilang mga kaaway.

ang mga nagpamalita…hukbo

Maraming tao ang nakarinig at sumunod sa mga utos ng Panginoon. (Tingnan: Metaphor)

Mga hari ng mga hukbo…bakit ninyo ginawa ito?

Muling isinaayos ang impormasyon sa 68:12-13 para mas madaling maintindihan ang kahulugan nito. (Tingnan: Verse Bridges)

Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo sila

Natalo ang mga kaaway ng bayan ng Diyos.

nasamsam

mga bagay na nakuha mula sa mga natalong hukbo at dinala sa tahanan ng nagtagumpay na hukbo.

mga kalapati na balot ng pilak...ginto

Nangangahulugan ito na ilan sa mga nasamsam ay napakahalaga dahil nababalot ito ng mga mahahalagang metal. (Tingnan: Synecdoche)

Nang nagpaiwan kayo sa mga kuwadra, bakit ninyo nagawa ito?

“Silang mga nanatili sa kulungan ng tupa ay hindi dapat manatili; dapat sila ay nasa digmaan. (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 68:14-16

Itinaboy ang mga hari roon...pag-ulan ng niyebe sa Bundok ng Salmon

“Napakaraming natalong mga kaaway na hari at sundalo roon na para itong mga niyebe na bumabalot sa Bundok ng Salmon.” (Tingnan: Simile)

Bundok ng Salmon

Ito ay pangalan ng isang bundok. (Tingnan: How to Translate Names)

isang matatag na bundok ay...ang matayog na bundok ay

Ang dalawang pariralang ito ay mayroong parehong kahulugan at ginamit ng magkasama para pagtibayin ang isa’t isa. Maaaring isalin na: “ang bulubunduking bayan ng Bashan ang matatag at mataas na bundok” (Tingnan: Parallelism)

Bakit mo pa kinaiinggitan...ang lugar na nais ng Diyos na panahanan?

Maaaring isulat ang tanong na ito bilang pahayag. Maaaring isalin na: “Hindi dapat tumingin ng may inggit ang mataas na bulubunduking bayan ng Bashan kung saan ninanais ng Diyos na maging lugar na kaniyang pananahanan.” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 68:17-18

dalawampung libo

20,000 (Tingnan: Numbers)

Naitanghal

umakyat, pumanhik sa langit

Psalms 68:19-21

papaluin ng Diyos ang mga ulo ng kaniyang mga kaaway

Nangangahulugan ito na papatayin sila ng Diyos. Maaaring isalin na: “papaluin ang ulo ng kaniyang mga kaaway, papatayin sila” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

sa anit

Tila nakaugalian ng mga sundalo na huwag maggupit ng buhok habang panahon ng digmaan. Maaaring isalin na: “papaluin niya ang ulo ng mga taong” (Tingnan: Ellipsis)

ng mga nagkasala laban sa kaniya

Maaaring isalin na: “ng mga paulit-ulit na nagkakasala sa kaniya”

Psalms 68:22-23

ibabalik ko sila

Tumutukoy ang salitang “sila” sa mga kaaway ng Diyos.

para madurog mo ang iyong mga kaaway, na parang sinasawsaw ang iyong paa sa dugo

Nilalarawan nito ang digmaan kung saan ganap na natalo ang kanilang mga kaaway. Sa matinding labanang tulad nito, mayroong napakaraming dugo. Dito, nagsasabi ito sa kanila na naglalakad sa dugo. Maaaring isalin na: “para tuluyan niyong matalo ang inyong mga kaaway, na naglalakad sa kanilang dugo.

Psalms 68:24-25

prusisyon

isang pangkat ng mga tao na sama-samang naglalakad sa maayos na pila bilang bahagi ng seremonya

manunugtog

mga taong tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika.

Psalms 68:26-27

Purihin ang Diyos sa kapulungan; purihin si Yahweh, kayong totoong kaapu-apuhan ng Israel

Maaaring isalin na: “Kayo na mga tunay na kaapu-apuhan ng Israel, purihin si Yahweh, at purihin ang Diyos sa kapulungan”

kanilang kapulungan

Tumutukoy ang salitang “kanilang” sa mga lider ng Juda. Maaaring isalin na: “kanilang konseho” o kanilang pangkat”.

Psalms 68:28-29

Ang iyong Diyos, Israel, ang nagsaad ng inyong kalakasan

Ang ilang mga salin ay may ibang pagkakaunawa sa kasulatan sa Hebreo: “Tawagin (o gamitin) ang iyong kalakasan, O Diyos.”

sa amin

Tumutukoy ang salitang “amin” sa mga taong kinakausap ni David at sa kaniyang sarili. (Tingnan: Inclusive “We”)

Ipakita mo ang iyong kapangyarihan mula sa iyong templo sa Jerusalem

Maaaring isalin na: “Habang naroroon ka sa iyong templo sa Jerusalem, ipadala mo ang iyong kapangyarihan para tulungan kami.”

Psalms 68:30-31

Sumigaw sa paglaban sa mga mababangis na hayop sa mga kasukalan

Maaaring isalin na: “O Diyos, sumigaw ka sa digmaan laban sa mga taong tulad ng mga mababangis na hayop sa kasukalan”

ikalat

ikalat o maging sanhi para sa isang bagay na kumalat ng mabilis sa iba’t ibang direksiyon.

Psalms 68:32-33

Sa kaniya na nakasakay sa langit ng mga kalangitan, na namuhay mula pa noong unang panahon

Maaaring isalin na: “Sa kaniya na lumilipad ng mataas sa himpapawid” o “Umawit sa Diyos. Nakasakay siya sa mga ulap na parang ito ay kaniyang karwahe sa kalangitan, ang kalangitan na nilikha mula pa noong unang panahon” (See Metaphor)

itinataas niya ang kaniyang tinig

Maaaring isalin na: “sumisigaw siya”o “nagsasalita siya ng malakas” (Tingnan: Idiom)

Psalms 68:34-35

I-ukol ang kalakasan sa Diyos

Ang “iukol”ay nangangahulugang ibigay sa isang tao ang pagkilala. Maaaring isalin na: “Ang kalakasan ay nararapat sa Diyos”

O Diyos, ikaw ay kinatatakutan sa iyong banal na lugar

Dito, direktang nagsasalita ang manunulat sa Diyos. (Tingnan: Apostrophe)

Psalms 69

Psalms 69:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang awit na ito ay panalangin bilang paghingi ng tulong. Tingnan: Mga Tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa tagapamahala ng musika na gamitin sa pagsamba;”

Nakalapat sa Sosanim

Maaaring tumutukoy ito sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 45:1.

Awit ni David

Maaaring mga kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit o 2) tungkol kay David ang awit o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

dahil nilagay ng katubigan ang buhay ko sa panganib

Maaaring isalin na: “dahil nararamdaman kong ako ay nalulunod sa katubigan” (Tingnan: Metaphor)

putikan

makapal na putik

pumunta ako sa malalim na katubigan kung saan rumaragasa ang baha sa akin

Ang pariralang ito ay isa pang paraan ng pagsasabi na nawawalan siya ng pag-asa at dumarating ang kaniyang mga problema para lunurin siya. Maaaring isalin na: “Nararamdaman ko na parang ako ay nasa malalim na katubigan, at ang baha ay rumaragasa sa akin” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 69:3-4

napapagal

pagod na pagod

nanlalabo ang aking mga mata

Maaaring isalin na: “nahihirapan akong panatilihing bukas ang aking mga mata”

higit pa sa aking mga buhok sa ulo

Maaaring isalin na: “ay higit pa sa nabibilang ko, tulad ng mga buhok sa aking ulo” (Tingnan: Hyperbole)

ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan

“ang mga nais pumatay sa akin ay malalakas; mga kaaway ko sila dahil sa mga maling kadahilanan.”

Psalms 69:5-6

alam mo ang aking kahalangan

Maaaring isalin na: “alam kung paano ako naging hangal”

huwag mong hayaang ang mga

“huwag hayaang ang mga”

huwag mong hayaang...ang mga naghananap sa iyo

Maaaring isalin na: “Huwag hayaang ang mga sumusunod at sumasamba sa iyo”

Psalms 69:7-9

Para sa iyong kapakanan

“Sa ngalan mo” o “Para sa iyo”

tinanggap ko ang panlalait

“Nakatanggap ako ng panlalait” o “Nilait ako ng mga tao”

kahihiyan ang bumalot sa aking mukha

“namula ang aking mukha dahil sa aking kahihiyan” o “labis akong nahihiya”

dayuhan

“Naging dayuhan ako” o “naging tulad ako ng isang dayuhan”

nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan

“kinain ako ng kasigasigan na mayroon ako para sa iyong tahanan” o “napuno ako ng kasigasigan na mayroon ako para sa iyong tahanan” (Tingnan: Personification)

Psalms 69:10-12

hinamak nila ako

Maaaring isalin na: “hinamak ako ng mga kaaway ko dahil dito”

naging paksa ako ng kawikaan sa kanila

Maaaring isalin na: “Naging halimbawa ako ng isang taong malungkot na pinag-usapan sa kanilang mga kawikaan”

Psalms 69:13-15

sa panahon na tatanggap ka

Maaaring isalin na: “dinggin ang panalangin ko sa panahon ng iyong pagtanggap” o “dinggin ang panalangin ko kapag gusto mo”

hayaan mo akong malayo

“ilayo ako” (Tingnan: Active or Passive)

at sagipin

Hayaan mong masagip ako” o “sagipin ako” (Tingnan: Ellipsis and Active or Passive)

tabunan

ganap akong takpan

ni hayaan ang kalaliman

Dito ang pariralang “ang kalaliman” ay maaaring isalin alinman sa tumutukoy sa “malalim na tubig” o “malalim na putikan”.

Huwag mong hayaang isara ng hukay ang bibig nito sa akin

Dito, ang “hukay” ay ihinahalintulad sa pagkakaroon ng bibig tulad ng isang tao at nilalamon si David. Maaaring isalin na: “Huwag mong hayaang kainin ako ng hukay” o “Huwag mong hayaang lumapit sa akin ang hukay ng kamatayan” (Tingnan: Personification)

Psalms 69:16-17

dahil labis ang iyong kahabagan sa akin

Maaaring isalin na: “dahil labis kang mahabagin sa akin”

humarap ka sa akin

Ang kaisipang pagharap sa isang tao ay nangangahulugang magbigay ng pansin sa kanila o tulungan sila. Maaaring isalin na: “tulungan ako” (Tingnan: Metaphor)

nasa kalungkutan

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 25:17

Psalms 69:18-19

aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri

Maaaring isalin na: “kung paano ako pinahirapan, pinahiya, at sinira ang puri”

Psalms 69:20-21

winasak ang aking puso

Maaaring isalin na: “sinaktan ako ng labis” (Tingnan: Idiom)

punong-puno ako ng kabigatan

Maaaring isalin na: “Mabigat ang aking kapighatian”

maaawa

makikipighati o makikihapis

Psalms 69:22-23

mga baywang nila

“ mga tagiliran nila”

Psalms 69:24-25

labis na galit

“poot” o “galit”

bagsik ng iyong galit

Maaaring isalin na: “ang nag-aapoy mong galit” o “matindi mong galit”

Psalms 69:26-27

inuusig nila ang siyang

“inuusig nila ang tao”

sinaktan

binugbog o pinarusahan

Isakdal mo sila sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan

Ito ay maaari ring isalin: “Dagdagan mo ng kasalanan ang kanilang kasalanan”

sunod-sunod na kasalanan

Maaaring isalin na: “maraming kasalanan”

Huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan

Maaaring isalin na: “huwag mong hayaang matanggap nila ang iyong matuwid na gantimpala”

Psalms 69:28-29

Hayaan mo silang mabura

Maaaring isalin na: “Burahin mo sila” o “Alisin mo ang kanilang pangalan” (Tingnan: Active or Passive)

at hindi maisulat

Maaaring isalin na: “at hayaan mong hindi sila maisulat” o “at huwag mong isulat ang kanilang mga pangalan” (Tingnan: Metonymy and Ellipsis)

Hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan

Maaaring isalin na: “O Diyos, sa pamamagitan ng binigay mong kaligtasan sa akin, itanghal mo ako”

Psalms 69:30-31

Ang pangalan ng Diyos

Tumutukoy ito sa Diyos, sa pamamagitan ng pagsasabi ng kaniyang “pangalan”. Maaaring isalin na: “Diyos” (Tingnan: Metonymy )

higit pa kaysa sa isang baka o toro

Maaaring isalin na: “higit pa sa pag-aalay ng isang baka o toro” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 69:32-33

mga mapagpakumbaba

Maaaring isalin na: “mga taong mapagpakumbaba”

hayaan niyong mabuhay ang inyong puso

“hayaan niyong sumigla ang inyong mga puso” o “mapuno nawa ng buhay ang inyong mga puso”

Psalms 69:34-36

aangkinin ito

Tumutukoy ang salitang “ito” sa lupain ng Juda.

Psalms 70

Psalms 70:1-3

Pangkalahatang Impormasyon:

Tingnan: Mga Tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa direktor ng musika upang gamitin sa pagsamba.”

Ang awit ni David

Mga posibleng kahulugan 1) Sinulat ni David ang awit o 2) ang awit ay tungkol kay David o 3) ang awit ay nasa estilo ng mga awit ni David.

para magdala ng paalala

ang awit na ito ay sinulat para dulutin sa mga tao na maalala.”

ang mga

“ang mga tao na”

Mapahiya at mahamak

Maaaring isalin na: “Ilagay nawa sila ng Diyos sa kahihiyan at magdala ng dungis sa kanila” (See: Active or Passive)

hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan

Maaaring isalin na: “nawa tumalikod sila at mahiya sa kanilang mga ginawa” (Tingnan: Active or Passive)

silang mga nagsabi ng, "Aha, Aha"

Ito ay isang pagpapahayag ng mapanuksong pagtawa. Maaari mo palitan ang “Aha, aha” sa kahit anong klaseng tunog ng pagtawa sa iyong wika. Maaaring isalin na: “silang mga nangutiya at tumawa sa akin”

Psalms 70:4-5

matuwa at magalak

Ang dalawang parirala ay iisa lamang ang kahulugan sa parehong bagay at nagbibigay-diin sa tindi ng kagalakan. Maaaring isalin na: “labis na magsaya” o “labis na magalak” (Tingnan: Doublet)

Purihan nawa ang Diyos

Maaaring isalin na: “Purihin ang Diyos” (Tingnan: Active or Passive)

mahirap at nangangailangan

Dito ang mga salitang “mahirap” at “nangangailangan” ay iisa lamang ang kahulugan sa parehong bagay at nagbibigay-diin na hindi niya kayang tulungan ang kaniyang sarili. Maaaring isalin na: “mahirap at nangangailangan” (Tingnan: Doublet)

ikaw ang tutulong at sasagip sa akin

Dito ang pariralang “ikaw ang sasagip sa akin” ay pinapaliwanag ng Diyos kung papaano ang kaniyang “tulong.” Maaaring isalin na: “tinutulungan mo ako sa pamamgitan ng pagsagip sa akin” (Tingnan: Parallelism)

Psalms 71

Psalms 71:1-3

Pangkalahatang Impormasyon:

Ang awit na ito ay isang panalangin para sa tulong. Tingnan: Poetry and Parallelism.

Sa iyo, Yahweh, ako ay kumukubli

Pupunta kay Yahweh para sa proteksyon ay sinabi na parang kumukubli sa kaniya. Maaaring isalin na: “Pumunta sa iyo, Yahweh, para sa proteksyon” (Tingnan: Metaphor)

Huwag mo akong ilagay sa kahihiyan

Maaari itong isaad sa aktibong anyo Maaaring isalin na: "Huwag hayaan ang aking mga kaaway na ilagay ako sa kahihiyan” Tingnan kung paano isinalin ang “huwag hayaan mailagay ako sa kahihiyan” sa 25:2 (Tingnan: Active or Passive)

iligtas sa iyong katuwiran

–Mga posibleng kahulugan 1) “gawin akong ligtas dahil palagi mong ginagawa kung ano ang tama” o 2) “gawin akong ligtas habang ginagawa ko ang nais mong gawin ko” (Tingnan: Idiom)

ibaling mo ang iyong tainga sa akin

Dito ang “iyong tainga” ay tumutukoy sa kagustuhan ng Diyos na pakinggan ang nananalangin sa kaniya. Maaaring isalin na: "Ako ay bigyan pansin” Tingnan kung paano ito isinalin sa 17:6. (Tingnan:Metonymy)

Maging maging kublihan ka para sa akin

Ang mang-aawit ay humiling kay Yahweh na gawin siyang ligtas na parang siya ay nagtatago sa isang malaking bato o talampas kung saan hindi siya makikita ng kaniyang mga kalaban. (Tingnan:Metaphor)

bato …bato

Ito ay mga burol o mga bundok, hindi mga bato na kayang hawakan ng isang kamay.

nagbigay ka ng utos

marahil nangangahulugan ito na “inutusan mo ang iyong mga anghel.”

Iligtas ako

“gawin akong ligtas”

Ikaw ang aking bato at tanggulan

Naniniwala ang mang-aawit na ipapagtatangol siya ni Yahweh at gagawin siyang ligtas na parang siya ay nagtatago sa tuktok ng isang malaking bundok o sa isang tanggulan na ginawa ng tao. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 71:4-5

mula sa kamay ng masasama, mula sa kamay ng makasalanan… tao

Mga posibleng kahulugan sa salitang “kamay” ay isang metonimi 1) para sa kapangyarihan, Maaaring isalin na: “mula sa kapangyarihan ng masasama, mula sa kapangyarihan ng hindi matuwid… tao” o 2) para sa tao mismo Maaaring isalin na: “mula sa masasamang tao, mula sa hindi matuwid… mga tao” o “sa gayon ang mga taong masasama at mga taong makasalanan ay hindi ako kayang saktan” (Tingnan:Metonymy)

masasama, mula sa kamay ng makasalanan

“masasama: iligtas mo ako mula sa kamay ng makasalanan” (Tingnan: Ellipsis)

Ikaw ang aking pag-asa

ang pag-asa mismo ay isang metonimi para sa isang inaasahan ng mang-aawit. Maaaring isalin na: ikaw ang aking lubos na inaasahan para tulungan ako” (UDB) (Tingnan:Metonymy)

Psalms 71:6-7

Habang ako ay nasa sinapupunan, inalalayan mo ako

Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “inalalayan mo ako sa mula sa sinapupunan” “Inalagaan mo ako magmula pa noon lumabas ako sa sinapupunan ng aking ina (Tingnan: Active or Passive)

Ikaw ang siyang

“ikaw ang isa na”

Isa akong halimbawa sa maraming tao

“Maraming tao ang makakakita kung paano ako mamuhay at gusto mamuhay gaya ng aking ginagawa”

Psalms 71:8-9

Ang aking bibig ay mapupuno ng inyong papuri

Nagsasalita ang mang-aawit sa kaniyang mga pagnanais para purihin si Yahweh ng mga salitang kaniyang sinasabi na parang ang kaniyang bibig ay puno ng mga salita katulad ng paraan na maaring mapuno ng pagkain. Maaaring isalin na: “Ang aking bibig ay mapupuno ng mga salita na pupuri sa iyo” o “Ako ay palaging mag-pupuri sa iyo” (Tingnan: Synecdoche)

karangalan mo sa buong araw

“at ang aking bibig ay mapupuno ng inyong karangalan sa buong araw” (Tingnan: Ellipsis)

Karangalan mo

Nagsasalita ang mang-aawit ng mga salita na gusto niyang sabihin nang sa gayon ang mga tao ay paparanglan si Yahweh na parang sila mismo ang parangal, at sinasabi niya na ang karangalan mismo ay parang matigas na pagkain. Maaaring isalin na: “mga salita na sasabihin ng mga tao kung gaano ka kaganda” (Tingnan: Metonymy and Metaphor)

buong araw

“kahabaan ng araw” o “sa lahat ng oras”

Huwag mo akong itapon… huwag mo akong iwanan

Ang dalawang parirala ay may iisa lamang na parehong kahulugan at ginamit ng magkasama para magbigay-diin (Tingnan: Paralelismo)

Huwag mo akong itapon

“Huwag akong pilitin na lumayo mula sa iyo.” Dahil tatanggihan siya ng Diyos ay sinabi na parang pinipilit ng Diyos na umalis siya. Maaaring isalin na: “huwag akong tanggihan” (UDB) Tingnan kung paano ito isinalin sa 51:11. (Tingnan: Metapora)

Huwag akong iwanan

“huwag akong iwan magpakailanman”

Psalms 71:10-11

Nagmamasid sa aking buhay

“naghihintay para sa isang pagkakataon na patayin ako” (Tingnan :Eupheism)

Sinasabi nila

“Sinasabi nila tungkol sa akin” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

habulin at kunin siya

“sundan siya kapag siya ay tumakbo palayo, at patayin siya”

Psalms 71:12-13

huwag kang lumayo sa akin

“manatiling malapit sa akin” (Tingnan: Litotes)

magmadali ka sa pagtulong sa akin

“tulungan ako agad”

Hayaan mo silang mapunta sa kahihiyan at masira, silang mga laban sa aking buhay

“Hayaan silang mga laban sa aking buhay ay malagay sa kahihiyan at masira”

Hayaan mo silang mapunta sa kahihiyan at masira

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “ilagay sila sa kahihiyan at sirain sila” (Tingnan: aktibo o pabalintiyak)

silang mga laban sa aking buhay

“silang mga binibintangan ako sa paggawa ng mali” (tingnan UDB) (Tingnan: Idiom)

Hayaan mo silang mapuno ng pagsaway at kasiraan, silang mga naghahangad na ako ay saktan

“hayaan silang mga naghahangad na ako ay saktan na mabalot ng pagsaway at kahihiyan

Hayaan mo silang mapuno ng pagsaway at kahihiyan

Maari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “balutan mo sila ng pagsaway at kahihiyan” Maaaring isaad ang pangangalan na ito bilang pandiwa. Maaaring isalin na: nawa sawayin silang lahat, at nawa wala ni isa ang magparangal sa kanila” (Tingnan: aktibo o pangngalang basal)

silang mga naghahangad na ako ay saktan

“silang mga humahanap ng paraan para saktan ako” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 71:14-16

nang higit pa

“higit sa lahat ng oras” o “palaging higit pa sa mayroon ako noong una”

sasabihin ng aking bibig

Ang bibig ay pagpapalit-saklaw para sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “sasabihin ko” o “ako ay magsasalita sa aking bibig at sasabihin” (Tingnan: Synecdoche)

iyong katuwiran

“napakamatuwid mo” o “ang lahat ng mga mabuting bagay na iyong ginagawa” (Tingnan: Pagpapalit-saklaw)

Iyong kaligtasan

“kung paano mo ako iniligtas” o “kung paano mo niligtas ang mga tao” (Tingnan: Abstract Nouns)

Bagamat

“kahit na”

Pupunta ako

Mga posibleng mga kahulugan ay 1) pupunta ako kung saan sumasamba ang mga tao kay Yahweh” o 2) pupunta ako sa aking mga kalaban” (Tingnan: Go and Come)

Kasama ang mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Yahweh

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Sasabihin ko sa kanila ang mga makapangyarihang ginawa ng Panginoong Yahweh” o “dahil binigyan ako ni Yahweh ng kalakasan para gawin ang mga makapangyarihang mga gawa.”

Psalms 71:17-18

tinuruan mo ako

Ang ipinahiwatig na kaalaman ay maaaring isaad ng malinaw. “tinuruan ako ng napakaraming bagay” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

O Diyos, huwag mo akong pabayaan,

Maaaring isalin na: “O Diyos pakiusap huwag akong pabayaan”

dahil ihinahayag ko ang inyong kalakasan

“Sinasabi ko kung gaano ka kalakas” (Tingnan: Mga Pangngalang basal)

sa susunod na salinlahi

-“para sa mga bata ngayon”

at iyong lakas para sa lahat na darating.-

Ang mga nakaligtaan na kaalaman ay maaring isaad ng malinaw. Maaaring isalin na: “at habang hinahayag ko ang iyong kapanyarihan sa lahat ng darating.” (Tingnan: ellipsis)

sa lahat ng darating

ito ay pagmamalabis. Maaaring isalin na: “para malaman ng mga tao na aking kayang sabihan” (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 71:19-20

Maging ang iyong katuwiran, O Diyos, ay napakataas

Sinasabi ng mang-aawit ang mga mabubuting bagay na ginawa ng Diyos na parang sama-samang inilagay bilang isang mataas na gusali o isang bundok. (Tingnan: Metapora)

sino ang katulad mo?

Maaari itong isalin sa isang pahayag. Maaaring isalin na: “wala ni isa ang tulad mo” (Tingnan: Retorikang Katanungan)

matitinding suliranin

“Kakila-kilabot na mga suliranin”

bubuhay

Palakasin o gawing masigla muli

mula sa kailaliman ng mundo

Ang kailaliman ng mundo” ay isang metapora kung saan mapupunta ang mga tao kapag namatay sila. Hindi pa namamatay ang mang-aawit, ngunit nagsasalita siya na parang nangyari sa kaniya. Maaaring isalin na: “kapag malapit na kami sa kamatayan” (Tingnan: Metaphor and Hyperbole)

Psalms 71:21-22

Dagdagan mo nawa ang aking karangalan; bumalik kang muli at aliwin ako

“nais kong dagdagan … nais ko na bumalik ka muli at aliwin.” Sa ilang mga salin ay nababasang, “Dadagdagan mo… babalik ka at aaliwin.” (Tingnan:UDB)

bumalik kang muli at aliwin ako

Inilalarawan rito ang isang kilos sa pamamagitan ng dalawang parirala. Maaaring isalin na: “aliwin ako muli” (Tingnan: Hendiadys)

Para sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan

“dahil mapagkakatiwalaan kita” (Tingnan: Abstract Noun)

aawit ako sa iyo ng mga papuri gamit ang alpa, nag-iisang Banal na Diyos ng Israel

para sa inyo, siyang ang nag-iisang banal na Diyos ng Israel, aawit ako ng mga papuri habang tinutugtog ko ang aking alpa”

Psalms 71:23-24

Sisigaw sa galak ang aking mga labi

“mga labi” ay isang metonimi sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “sisigaw ako sa kagalakan” (Tingnanan UDB) (Tingnan: Metonymy)

maging ako na iyong tinubos

ang mga salita na hindi sinama ng mang-aawit ay maaaring isaad ng malinaw. Maaaring isalin na: “at ang aking kaluluwa, na iyong tinubos, ay aawit ng mga papupuri” (Tingnan: Ellipsis)

maging ako

“Ako” (Tingnan: Synecdoche)

Sasabihin rin ng aking dila

“Magsasalita rin ako” (Tingnan: Synecdoche)

dahil inilagay sila sa kahihiyan at nilito, sila na hinahangad ang aking kapamahakan.

“silang mga hinangad ang aking kalungkutan ay mailgay sa kahihiyan at nalito”

inilagay sila sa kahihiyan at nilito

Maaaring isalin na: dahil niligay sila ng Diyos sa kahihiyan at nilito” (Tingnan: Active or Passive)

sila na hinahangad ang aking kapahamakan

ang “mga kaaway” (71:10). Tingnan kung paano isinalin ang “silang mga naghahanap ng aking kalungkutan” sa 71:13.

Psalms 72

Psalms 72:1-3

Pangkalahatang Impormasyon:

Mga posibleng kahulugan ay 1) Sinulat ni David ang awit na ito tungkol kay Solomon “ang anak ng hari”) o 2) Solomon (siya, bilang anak ni David, na “anak ng hari) sinulat ang awit na ito bilang panalangin tungkol sa kaniyang sarili o 3) sinulat ito ng ibang hari tungkol sa kaniyang anak sa estilo ni Solomon. Ang mga tao noong araw ay madalas magsalita tungkol sa kanilang sarili na parang sila ay ibang tao. Gayumpaman, mas mabuting isalin ito kahit na nagsasallita ang mang-aawit tungkol sa ibang tao, hindi sa kaniyang sarili. (Tingnan: Una, Pangalawa o Pangatlong Tao at Mga Tula at Paralelismo

Awit ni Solomon

Mga posibleng kahulugan ay 1) Sinulat ni David nag awit na it tungkol kay Solomon (“ang anak ng hari”) o 2) Solomon (“ang anak ng hari”) sinulat ang panalangin na ito bilang isang pnalangin tungkol sa kaniyang sarili o 3) sinulat ito ng ibang hari tungkol sa kaniyang anak sa estili ni Solomon. Ang mga tao noong araw sinasabi ang tungkol sa kanilang sarili na ibang tao (Tingnan: Una, Pangalawa o Pangatlong Panauhan)

Ibigay mo sa hari ang iyong matuwid na mga tuntunin, O Diyos, ang iyong katuwiran sa anak ng hari

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Iyong ibigay, sa hari, ang inyong mga matuwid na kautusan, O Diyos, iyong katuwiran sa aking anak” o 2) “Iyong ibigay sa akin, ang hari, ang iyong matuwid na kautusan, Oh Diyos, ang iyong katuwiran sa akin, ang anak ng hari.” Ang mga tao noong araw ay madalas magsalita tungkol sa kanilang sarili na parang sila ay ibang tao. Gayuman, mas mabuting isalin ito kahit na nagsasallita ang mang-aawit tungkol sa ibang tao, hindi sa kaniyang sarili. (Tingnan: Una, Pangalawa o Pangatlong Panauhan)

Ibigay mo sa hari ang inong matuwid na utos

“Bigyan kakayanan mo ang hari na humatol nang makatarungan” (Tingnan: UDB)

Iyong katuwiran sa anak ng hari

Nawa ang anak ng Hari ay magawa ang nakalulugod sa iyo” (Tingnan: Pangngalang Basal)

Hatulan niya nawa

Kung sinulat ito ni David, Ipinapahayag niya ang tungkol sa kaniyang anak, “ang anak ng hari, “siya ay nagsasalita sa panahon na ang kaniyang anak ay magiging hari. Kung sinulat ito ni Solomon, kahit na siya ay nagsusulat tungkol sa kaniyang sarili, mas mabuting isalin ito na parang nagsusulat siya tungkol sa ibang tao. Alinman, “Nawa humatol ang hari” ang pinakamahusay na salin.

Ang mga tao …mahihirap

Nagsasalita ang mang-aaawit sa Diyos

At ang mahihirap

“at hatulan nawa ng hari ang iyong mahirap na bayan” (Tingnan: Elipsis)

Magbunga nawa ang mga kabundukan ng kapayapaan … magbunga nawa ng katuwiran ang mga burol

Nagsasalita ang mang-aawit sa bayan ng Israel na parang sila ay mga bundok at mga burol kung saan sila namumuhay. Nagsasalita siya sa mga bundok at mga burol na parang sila ang buong lupain ng Israel, na parang lupa sa isang hardin na nagbubunga ng prutas, at ng kapayapaan at katuwiran na parang sila ay prutas. Maaaring isalin na: “Nawa mamuhay ng payapa ang mga tao … nawa gawin nila ang lahat ng bagay sa matuwid na paraan” (Tingnan: Metonymy and Synecdoche and Metaphor)

Psalms 72:4-5

niya.. niya

Ang siyang “hahatol”

Pira-pirasuhin ang mga mapang-api

“Sirain ang mga umaapi sa kanila ng tuluyan” (Tingnan: Metaphor and Abstract Nouns)

Habang nananatili ang araw, at hangga't ang buwan ay nananatili

Ang araw at buwan ay metonimi sa umaga at gabi, kung saan magkasama sa isang pagkamasaya sa lahat ng panahon. “magpakailanman, at walang katapusan” (Tingnan: Metonymy and Merism)

Psalms 72:6-7

Magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan

Nagsasalita ang mang-aawit na tila ang kapayapaan ay parang pisikal na bagay katulad ng pagkain. Ang “Kasaganaan” ay kung saan maraming bagay doon. Maaaring isalin na: “Nawa mamuhay ng totoong mapayapa ang taong matuwid ” (Tingnan” Metapora at Pangngalang Basal)

Hanggang sa mawala ang buwan

“habang nagliliwanag ang buwan” (UDB) o “magpakailanman” (Tingnan: Idiom)

Psalms 72:8-10

Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan

“Magkaroon nawa ng kapangyarihan ang hari”

Mula sa mga dagat, at mula sa ilog hanggang sa dulo ng mundo

Ang parehong pahayag na ito ay tumutukoy sa buong mundo. (Tingnan: Merism)

Mula sa mga dagat

mula sa Dagat na Patay at sa Dagat ng Chinereth sa silangan patungo sa Dagat Mediteraneo sa kanluran

ang ilog

“ang Ilog Eufrates,” kung saan naglakbay ang mga Israelita sa lupain papunta sa hilaga

Hanggang sa dulo ng mundo

hanggang sa kayang lakbayin ng tao sa lupain sa pamamagitan ng ibang mga ruta patungo sa timog. Nagsasalita ang mga Israelita tungkol sa mundo na parang ito ay isang patag na lupa na may katapusan. (Tingnan: Metaphor at Idiom)

Dilaan ang alikabok

Ito ay isang metapora sa matinding pamamahiya. Maaaring isalin na: “gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para kaniyang payagan silang mabuhay” (Tingnan: Metaphor)

Tarsis

ang pangalan ng isang lugar (Tingnan: Paano isinalin ang mga Pangalan)

Magbigay

“bigyan”

Mag-alay… ng mga handog

“bigyan ng handog”

Seba

Ito ay pangalan ng isang bansa. Hindi ito ang parehong bansa tulad ng Sheba. (Tingnan: Paano isinalin ang mga Pangalan)

Psalms 72:11-12

Magsiyuko sa harapan niya

“yumuko sa harapan niya” o “paralangan siya bilang kanilang hari”

Ang lahat ng mga bansa

“ang mga tao na namumuhay sa bawat bansa” (Tingnan: Metonymy)

Walang ibang katulong

“wala ni isa ang tutulong sa kaniya” (Tingnan: Mga Pangngalang Basal)

Psalms 72:13-14

May awa siya mga mahihirap at nangangailangan

“Gusto niyang ipahinto ang pagdurusa ng mga mahihirap at nangangailangan”

mga mahihirap at nangangailangan

Dito ang mga salitang “mahihirap” at “nangangailangan” ay iisa lamang ang kahulugan ng parehong bagay at nagbibigay-diin na hindi nila kayang tulungan ang kanilang sarili. (Tingnan: Doublet)

Tinubos niya ang mga buhay nila

“tubusin sila” o “iligtas sila” o “sagipin sila” (Tingnan:Metonymy)

Pang-aapi at kaharasan

Ang dalawang salitang ito ay iisa lamang ang kahulugan sa parehong bagay at nagbibigay-diin kung gaano kalaki ang pagdudusa ng mga nangangailangan. Maaaring isalin na: “silang mga umaapi at nananakit sa kanila” (Tingnan: Doublet at Abstract Nouns)

Ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniya

"Nais niyang mamuhay sila ng maayos” (Tingnan: Idiom)

Kanilang mga dugo

“kanilang mga buhay” o “kanilang kapakanan” (Tingnan: Metonymy)

Sa kaniyang paningin

“para sa kaniya.” Tingnan kung paano ito isinalin sa (19:14)

Psalms 72:15-16

Mabuhay ang hari!

Mabuhay nawa ang Hari sa mahabang panahon!” o Ninanais ko na ang hari ay mabuhay sa mahabang panahon (Tingnan: Idiom)

Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba

Maaaring isalin na: “ magbigay nawa sila ng mga ginto ng Sheba” o “Nawa makatanggap siya ng ginto ng Sheba” (Tingnan: Active o Passive)

Buong araw

“patuloy” (Tingnan: Idiom)

Kasaganahan ng binhi

Ang “Kasaganahan” ay kung saan maraming bagay. “maraming butil” o “sagana ng butil (Tingnan: Abstract Nouns)

Kumampay

Gamitin ang salita kung ano ang galaw ng mahabang damo kapag umihip ang isang malumanay na hangin dito at gagalaw ito ng dahan-dahan.

Tulad ng Lebanon

“tulad ng puno ng Cedar sa Lebanon” kung saan maganda at mga kahoy nito ay maayos (Tingnan: Simile and Assumed Knowledge and Implicit Information)

Ang mga tao sa mga lungsod

Binabasa sa ibang mga salin, “kanilang mga ani”

dumami gaya ng mga damo sa mundo

“mamuhay sa lahat ng dako tulad ng mga damong tumutubo sa lahat ng dako sa mundo” (Tingnan: Simile)

Psalms 72:17

Manatili nawa ang kaniyang pangalan magpakailanman

“Nawa laging malaman ng mga tao ang tungkol sa kaniya” o “Nawa hindi kailanman makalimutan ng mga tao kung sino siya” (Tingnan: Idiom)

pangalan niya

“ang pangalan ng hari” o “ang dangal ng hari” o “ ang katanyagan ng hari” (Tingnan: Metonymy)

gaya ng araw

“Habang nagliliwanag ang araw” (Tingnan: Idiom)

pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya

Maaari itong isaad sa aktibong anyo: Maaaring isalin na: “Nawa idulot ng Diyos na gumawa siya ng mabubuting bagay sa mga tao” (Tingnan: Active o Passive)

Tawagin siyang pinagpala

“kilalanin na pinagpala siya ng Diyos”

Psalms 72:18-20

Pagpalain nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel

Maaring isaad ito sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Nawa pagpapalain ng mga tao si Yahweh, ang Diyos ng Israel” (Tingnan: Active or Passive)

Pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailanaman

Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Nawa pagpalain ng mga tao ang kaniyang pangalan magpakailanman” o tinuturing ang “pangalan” bilang isang metonimi kay Yahweh mismo, “Nawa malaman ng mga tao kung gaano siya kaluwalhati” (Tingnan: Active o Passive ang Metonymy)

ang kaniyang maluwalhating pangalan

“siya, na maluwalhati, ay

mapuno nawa ang mundo ng kaniyang kaluwalhatian

Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “mapuno nawa ng kaniyang kaluwalhatian ang buong mundo” o “nawa punuin niya ang buong mundo ng kaniyang kaluwalhatian” (Tingnan: Active o Passive)

Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse, ay tapos na

Maaaring isalin na: “Si David, ang anak ni Jesse, ay tinapos ang kaniyang mga panalangin” o “Ito ang huling panalangin ni David, ang anak ni Jesse” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 73

Psalms 73:1-3

Uri ng awit

Ang Awit 73 ay awit ng karunungan. Ipinaliwanag nito ang problema ng mga taong masama na tila parang sumasagana.

Espesyal na konsepto sa kabanatang ito

Kahit na minsan ay parang ang taong masama ay walang mga problema at lahat ng bagay ay maayos para sa kanila. Pero bigla silang mawawasak. Pero ang matuwid ay palaging mayroong Diyos na tutulong sa kanila para malampasan ang mga problema.

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Ang awit ni Asaf

“Isinulat ni Asaf ang awit na ito.” Tingnan kung paano mo isinalin ito sa Awit 53.

halos dumulas ang aking mga paa; halos dumulas ang aking mga paa sa aking paghakbang

Sinasabi ng manunulat na hindi kayang magtiwala sa Diyos at parang gustong magkasala na parang halos bumagsak siya habang naglalakad sa isang madulas na daanan. Maaaring isalin na: “Halos tumigil na ako sa pagtitiwala sa Diyos; Halos makagawa ako ng malaking kasalanan laban sa kaniya” (UDB) (Tingnan: Metaphor)

nainggit ako sa arogante

“Hindi ko gusto ang taong mapagmataas na magkaroon ng mabuting mga bagay na mayroon sila” (Tingnan: Abstract Nouns)

ang kasaganaan ng masasama

“kung paano ang masasamang tao ay may napakaraming mabubuting mga bagay” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 73:4-5

Pangkalahatang Kaalaman

Ipinagpatuloy ni Asaf na ilarawan kung paano niya minsan nais magreklamo sa Diyos tungkol sa mga “mayayabang” at “masasama” (73:3).

pasanin ng ibang mga tao

Ang mga salitang “mga pasanin” ay metonimi para sa mabibigat na gawain para gawin ang mga ito. Maaaring isalin na: “ang mabibigat na gawain na mayroon ang ibang tao ” (Tingnan: Metonymy)

hindi sila nahihirapan katulad ng ibang mga tao

“hindi sila nagdusa na kagaya ng ibang tao”

Psalms 73:6-7

Pangkalahatang Kaalaman

Ipinagpatuloy ni Asaf na ilarawan kung paano niya minsan nais magreklamo sa Diyos tungkol sa mga “mayayabang” at “masasama” (73:3).

Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan sila ng karahasan tulad ng balabal

Ito ay nangangahulugan na ipinapakita ng masama sa bawat isa kung paano sila mapagmalaki at marahas na parang sila ay nakasuot ng kwintas o magandang balabal. (Tingnan: Simile)

kwintas… balabal

mga bagay na isinusuot ng mayayaman at mahahalagang mga tao

kwintas

maliliit na tanikala na kadalasang gawa sa ginto o mga hiyas na nakapalibot sa leeg

Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan

Dahil sila ay katulad ng taong bulag na hindi nakakakita kung saan sila pupunta, nagkakasala sila pero hindi nila nalalaman. Ang pagiging bulag ay isang metapora para sa tao na hindi kayang makita kung gaano siya kasama. (Tingnan: Metapora)

ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso

Sinasabi ng manunulat kung ano ang iniisip ng mga tao na parang tao at sa kaloob-looban ng masasamang tao na parang isang gusali kung saan maaaring lumakad ang mga tao. “sa kanilang kaloob-looban lagi nilang iniisip ang tungkol sa marami pang gagawing mga masasamang bagay” (UDB) (Tingnan: Metapora)

Psalms 73:8-9

Pangkalahatang Kaalaman:

Ipinagpatuloy ni Asaf na ilarawan kung paano niya minsan nais magreklamo sa Diyos tungkol sa mga “mayayabang” at “masasama” (73:3).

Nangungutya sila

Sinumang kinukutya nila ay maaaring isaad ng malinaw. Maaaring isalin na: Kinukutya nila ang Diyos at ang kaniyang bayan” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan

Ilang mga salin ay mababasang, “nagsalita ng napakasamang pang-aapi; mayabang silang nagsalita.”

nagmamalaki

pagmamataas, na parang sila ay mahalagang tao na nagsasalita mula sa mataas na lugar sa mga walang halagang tao sa ilalim nila

Nagsasalita sla laban sa kalangitan

Ang salitang “kalangitan” ito ay metonimi para sa Diyos, na naninirahan sa kalangitan. Maaaring isalin na: “Nagsasalita sila laban sa Diyos, na nasa kalangitan” (Tingnan: Metonymy)

nagsasalita sila

“nagsasalita ng may katiyakan” o “nagsasalita na may layunin” (Tingnan: Idiom)

ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig

Ang salitang “mga dila” ay metonimi para sa kanilang sarili. Mga posibleng kahulugan ay 1) “gumagala sila sa mundo para magsalita ng masamang bagay tungkol sa Diyos” o “pumupunta sila kahit saan at nagyayabang tungkol sa kanilang sarili.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 73:10-12

Pangkalahatang Kaalaman:

Ipinagpatuloy ni Asaf na ilarawan kung paano niya minsan nais magreklamo sa Diyos tungkol sa mga “mayayabang” at “masasama” (73:3)

ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Minamahal ng bayan ng Diyos ang mga masasamang tao” o “ang masasamang tao ay nagbalik sa lugar na ito”

ninanamnam ang kanilang mga salita

Mga posibleng kahulugan ay 1) “ang bayan ng Diyos ay masayang nakikinig sa mga salita ng mga masasamang tao” o 2) “ang masasamang tao ay maraming pagkain na kinakain at alak na iniinom”

Sinasabi nila

sinabi ng masasamang tao

Paano nalalaman ng Diyos?

Mayroon bang kaalaman sa Kataas-taasan? Itong panretorikang tanong ay para magpakita ng paghamak sa Diyos. Maaaring isalin na: “Siguradong hindi nalalaman ng Diyos kung ano ang ating ginagawa. Ang Kataas-taasan ay walang nalalaman dito.” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 73:13-15

Pangkalahatang Kaalaman

Sa talata 13 at 14, ipinagpatuloy ni Asaf na ilarawan kung paano niya minsan nais magreklamo sa Diyos tungkol sa mga “mayayabang” at “masasama” (73:3). Sa talata 15 sinimulan niyang magsalita tungkol sa kung ano ang totoong iniisip niya.

ko

Ang salitang “ko” ay tumutukoy kay Asaf

bantayan ko ang aking puso

Tinutukoy ni Asaf ang pagbantay ng kaniyang puso na parang nagbabantay sa lungsod o gusali laban sa mga kaaway. Maaaring isalin na: “Pinanatili kong dalisay ang aking kaisipan.” (Tinganan: Metaphor)

hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 26:6. Maaaring isalin na: “nananatiling dalisay ang aking mga kilos” o “Hinugasan ko ang aking mga kamay para ipakita na ako ay inosente.” (Tingnan: Metaphor)

buong araw

“Lagi” o “Araw-araw”

pinahirapan

“Pinagdusa mo ako.” Tingnan kung paano “hindi sila nahihirapan” ay isinalin sa 73:5.

Akong… dinisiplina

“Akong…pinarusahan”

Kung aking sinabi, "Sasabihin ko ang mga bagay na ito," parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak

Ang kalagayang ito ay hindi nangyari. Maaaring isalin na: “Hindi ko kailanman sinabi, ‘Aking sasabihin ang mga bagay na ito, ‘kaya hindi ko ipinagkanulo itong salinlahi ng iyong mga anak.” (Tingnan: Hypothetical Situations)

Psalms 73:16-17

ang mga bagay na ito

Ang mabuting mga bagay na nangyayari sa “mga masasama” (73:4-12).

kanilang kapalaran

“ano ang mangyayari sa mga masasamang tao kapag namatay sila” (UDB) o “paano namamatay ang mga masasamang tao”

Psalms 73:18-20

inilalagay mo sila

Ang salitang “sila” ay tumutukoy sa mga masasama.

madudulas na mga lugar

“mapanganib o hindi matatag na lupa.” Tingnan kung paano ang “madulas” ay isinalin sa 73:2.

Paano sila naging disyerto sa isang iglap

Ang salitang “disyerto” ay metapora para sa tao na nawalan ng lahat nang mabuting bagay. AT: “Gaano kabilis silang mawawasak” (Tingnan: Metaphor)

Katulad sila ng panaginip matapos magising

Ang mga masasama ay hindi magtatagal katulad ng mga panaginip ng isang tao. Maglalaho ito kaagad pagkagising ng tao. (Tingnan: Simile)

Psalms 73:21-22

nagdalamhati ang aking puso

Ang salitang “puso” ay metonimi para sa mga kaisipan at damdamin ng tao. Maaaring isalin na: “Labis akong nalungkot” (Tingnan: Metonymy)

ako ay labis na nasugatan

Sinasabi ng manunulat ang emosyonal na sakit na para itong pisikal na sakit. Maaaring isalin na: “Naramdaman ko na parang sinugatan ako ng isang tao ”ng isang kutsilyo o palaso. (Tingnan: Metaphor)

mangmang at kulang sa pananaw

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at binibigyang-diin kung gaano kaliit ang kaniyang nalalaman. Maaaring isalin na: “walang nalalaman” (Tingnan: Doublet)

kulang sa pananaw

“walang nauunawaan”

mo

Itong “mo” ay tumutukoy sa Diyos.

Psalms 73:23-24

ako ay palaging kasama mo

Ang salitang “ako” dito ay kumakatawan kay Asaf. Ang salitang “iyo” ay kumakatawan sa Diyos.

hawak mo ang aking kanang kamay

Nagpapakita ito ng malalim na ugnayan sa Diyos na nag-aalok ng katatagan at katiwasayan. Maaaring isalin na: “Hinawakan mo ako ng mahigpit” (Tingnan: Synecdoche)

tanggapin ako sa kaluwalhatian

Mga posibleng kahulugan ay 1) “ilagay ako kung saan pararangalan ako ng mga tao” o 2) “parangalan mo ako sa pamamagitan ng pagdala mo sa akin kung saan ka naroon.” Tingnan kung paano ang “tanggapin ako” ay isinalin sa 49:15.

Psalms 73:25-26

Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo?

Maaring isalin mo ito bilang pahayag. Maaaring isalin na: “Walang sinuman para sa akin sa langit kundi ikaw” o “Ikaw lamang ang nag-iisang pag-aari ko sa langit” (Tingnan: Rhetorical Question)

sa langit

"kasama ng mga diyos” o “kasama ng mga hindi pangkaraniwang nilalang”

Walang sinuman na nasa daidig

“walang tao” (Tingnan: Metonymy)

aking katawan at ang aking puso

Ang dalawang pariralang ito ay nagbabahagi ng magkatulad na mga kahulugan. Magkasamang kumakatawan sa buong pagkatao. Maaaring isalin na: “Aking katawan at aking isipan” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 73:27-28

Pangkalahatang Kaalaman:

  • Nagpatuloy si Asaf na magsalita tungkol sa Diyos.

iyong mga malayo sa iyo

“Sila na hindi nais sumunod sa iyo” (Tingnan: Metaphor)

kong kublihan

Sinasabi ng manunulat na si Yahweh ay parang isang lugar kung saan ang isang tao ay maaaring tumakbo para maligtas. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 74

Psalms 74:1-2

Uri ng Awit

Ang Awit 74 ay awit ng paglaya. Ang mga tao ay ganap na nasakop at nanalangin sila sa Diyos para mapalaya sila.

Espesyal na konsepto sa kabanatang ito

Winasak ng mga kaaway ang templo ng Diyos at nilalait ang mga tao. Ang Diyos ay makapangyarihan. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay at pinili niya ang Israel para sa kaniyang bayan. Dapat niyang ipaghiganti ang kaniyang sarili sa mga kaaway na sumunog ng kaniyang templo.

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Ang maskil ni Asaf

“Ito ay maskil na isinulat ni Asaf.”

Ang maskil ni Asaf

Maaari itong tumukoy sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 32:1.

O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan?

Maaari itong isalin bilang pahayag. Maaaring isalin na: “O Diyos, wala kaming nagawang mali, pero tinatanggihan mo kami magpakailanman!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?

Maaari itong isalin bilang pahayag. Maaaring isalin na: “Kami ang mga pinangakuan mo na aalagaan, at wala kaming nagawang mali, pero ngayon ikaw ay galit sa amin!” (Tingnan: Rhetorical Question)

sa mga tupa ng iyong pastulan

Sinasabi ni Asaf ang bayan ng Israel na para silang mga tupa. Maaaring isalin na: “laban sa Israel, na parang mga tupa na pinapakain mo sa iyong pastulan.” (Tingnan: Metaphor)

Alalahanin

“Bigyang pansin.” Hindi nakalimutan ng Diyos ang kaniyang bayan, pero parang hindi niya iniisip ang tungkol sa kanila.

sarili mong pamana

“sa iyo magpakailanman”

Psalms 74:3-6

Pangkalahatang Kaalaman:

Inilalarawan ng mga talatang ito ang tunay na pangyayari, pisikal na paglusob sa templo ng Israel sa Jerusalem.

Halika, tingnan mo

kinakausap ni Asaf ang Diyos, hinihiling niya na tingnan ang pagkawasak.

umatungal

Ang mga kaaway ay malakas na nagsigawan nang may matinding sigaw ng tagumpay.

mga inukit

Tumutukoy ito sa mga inukit sa kahoy, metal, o bato sa templo.

Psalms 74:7-8

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na inilarawan ni Asaf ang pagkawasak ng templo.

Psalms 74:9-11

Pangkalahatang Kaalaman:

Sinasabi ni Asaf sa Diyos ang tungkol sa pagkawasak na nakikita niya.

Hindi na kami nakakakita ng anumang mga himala

Mga posibleng kahulugan ay 1) “Hindi na kami nakakakita ng anumang himala mula sa Diyos” o 2) “Lahat ng aming banal ng mga simbolo ay nawala na” o 3) nagsasalita ukol sa mga bandila at sagisag ng isang hukbo, “Ang aming hukbo ay ganap na nawasak.” (Tingnan: Metaphor and Metonymy)

O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway?

Maaaring isalin ito sa isang pahayag. Maaaring isalin na: “O Diyos, matagal ka nang nilalait ng kaaway!” (Tingnan: Rhetorical Question)

Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?

Maaari itong isalin sa isang pahayag. Maaaring isalin na: “Tila parang hindi mo patitigilin ang mga kaaway sa paglapastangan ng iyong pangalan!” (Tingnan: Metonymy and Rhetorical Question)

lapastanganin...ang iyong pangalan

Ang salitang “pangalan” ay metonimi para sa Diyos mismo. Maaaring isalin na: “sinabi na ikaw ay masama” o “laitin ka” (Tingnan: Metonymy)

Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay?

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang may pisikal na katawan. Maaari itong isalin bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: “Tigilan ang pagpigil mo sa iyong kamay, ang iyong kanang kamay!” (Tingnan: Rhetorical Question and Personification)

pigilan ang iyong kamay

Dito ang salitang “kamay” ay metonimi para sa kapangyarihan. Maaaring isalin na: “hindi pinapakita ang iyong kapangyarihan” o “hindi gamitin ang iyong kapangyarihan para wasakin ang iyong mga kaaway” (Tingnan: : Metonymy and Assumed Knowledge and Implicit Information).

iyong kanang kamay

“iyong pinakamalakas na kamay”

Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay parang may pisikal na katawan. “Itigil ang pagtatago ng iyong kapangyarihan at kumilos ka” (Tingnan: Metonymy and Personification)

Psalms 74:12-13

Pangkalahatang Kaalaman

Sinisimulan nito ang isang bagong tema: Ipinahayag ni Asaf ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa kasaysayan ng kaniyang bayan.

Ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon

Mga posibleng kahulugan ay 1) Nagsasalita si Asaf bilang kinatawan ng Israel, “Ang Diyos ang naging hari nating mga Israelita simula nang tayo ay maging isang bansa” o 2) “Ang Diyos, aking hari, ay buhay na kahit noong sinaunang panahon.”

nagdadala ng kaligtasan

“nagliligtas sa mga tao” (Tingnan: Abstract Nouns

Hinati mo…nasa dagat

Marahil sinasabi ni Asaf ang panahon na dinala ng Diyos ang Israel palabas ng Egipto, hinati ang Dagat na Pula, pinamunuan ang Israel sa tuyong lupa, pagkatapos nilunod ang hukbo ng Paraon.

Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas

Sinasabi ni Asaf na parang mayroong pisikal na katawan ang Diyos. “Napakalakas mo kinaya mong patuyuin ang lupa sa gitna ng dagat.”

ang dagat

“ang malawak na tubig”

dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat

Marahil sinasabi ni Asaf na si Paraon at kaniyang hukbo ay parang mga halimaw sa dagat. Kung maaari, isalin ang mga salitang ito nang literal. Maaaring isalin na: “nang pinatay mo ang hukbo ng Paraon, ito ay parang dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 74:14-15

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na sinasabi ni Asaf kung ano ang mga ginawa ng Diyos noong unang panahon. Marahil sinasabi niya kung kailan inilabas ng Diyos ang Israel mula sa Egipto at nilunod ang hukbo ni Paraon sa Dagat na Pula. Kung maaari, ang mga salitang ito ay dapat isalin nang literal.

leviatan

Ang leviatan ay isang halimaw sa dagat. Kumakatawan ito sa malupit na kaaway. (Tingnan: Metaphor)

Binuksan mo ang mga bukal at batis

“Pinadaloy mo ang mga bukal at batis, sa tuyong lupa” (Tingnan: Idiom)

Psalms 74:16-17

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na ikinuwento ni Asaf ang malikhaing kapangyarihan ng Diyos.

mga hangganan sa daigdig

Maaaring isalin na: “ang hangganan ng lupa at ng dagat”

Psalms 74:18-19

Pangkahalatang Kaalaman:

Nagsusumamo si Asaf ng tulong ng Diyos.

Alalahanin

“Bigyang pansin.” Tingnan kung paano isinalin ito sa 74:2. (Tingnan: Idiom)

binato ng kaaway ng mga panlalait

Sinasabi ni Asaf ang mapanlait na mga salita na parang pisikal na bagay, tulad ng mga tono, na kung saan hinahagis ng mga kaaway kay Yahweh. Maaaring isalin na: “nilait ka ng kaaway ng maraming beses” (Tingnan: Metaphor)

ang buhay ng iyong kalapati

Tinuturing ni Asaf ang kaniyang sarili na siya ay parang ibang tao. “ako, iyong kalapati”

kalapati

isang maliit, mahinang ibon kadalasang inaalagaan bilang alagang ibon.

isang mabangis na hayop

Ang pariralang ito ay maaaring metapora para sa mga kaaway ng Israel. Maaaring isalin na: “mabagsik na kaaway tulad ng isang mabangis na hayop.” (Tingnan: Metaphor)

Huwag mong tuluyang kalimutan ang buhay ng iyong inaping bayan magpakailanman

“Huwag mong ipagpatuloy na wala kang gagawin magpakailanman para tulungan ang mga naaping mong bayan” o, bilang litotes, “Tulungan mo kaagad ang iyong inaping bayan” (Tingnan: Litotes).

Psalms 74:20-21

Pangkalahatang Kaalaman: -

Nagpatuloy ang pagtangis ni Asaf kay Yahweh.

Alalahanin

“Bigyang pansin.” Tingnan kung paano isalin ito sa 74:2. (Tingnan: Idiom)

ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig ay puno ng mga lugar ng karahasan

Sinasabi ni Asaf na ang “mga rehiyon” ay parang mga sisidlan na kung saan maaaring ilagay ang “mga lugar ng karahasan.” Maaaring isalin na: “ang mga mararahas na tao ay gumagawa ng masasama saanman may madilim na lugar sa daigdig” (Tingnan: Metaphor)

ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig

Ang salitang “masasama” marahil ay metapora para sa lugar kung saan ang masamang mga bagay ang nangyayari o para sa mga lupain na kung saan ang mga Israelita ay ipinatapon, pero ang mga salitang ito ay dapat isalin ng literal kung maaari. (Tingnan: Metaphor)

Huwag hayaang maibalik ang mga inapi sa kahihiyan

“Huwag hayaan talunin ng masasamang tao ang mga inaapi at gawin silang isang kahihiyan”

ang mga inapi

sa kanila na pinagmamalupitan ng mga makapangyarihang tao

ang mahirap at inaapi

Ang mga salitang “mahihirap” at “inaapi” ay talagang magkapareho ng kahulugan at binibigyang-diin na ililigtas ni Yahweh ang marami na nangangailangan ng kaniyang tulong. (Tingnan: Doublet) Tingnan kung paanong ang mga salita ay isinalin sa 35:10.

Psalms 74:22-23

ipagtanggol ang iyong sariling karangalan

“ipakita sa bawat isa na ikaw ay matuwid”

alalahanin

“ Bigyang pansin.” Hindi nakalimutan ng Diyos kung paano siya nilait ng mga hangal, pero tila hindi niya iniisip ang tungkol dito. Tingnan kung paano isinalin ito sa talata 2.

ang tinig ng iyong mga kaaway

Ang salitang “tinig” ay metonimi para sa mga salitang ginagamit ng mga tao ang tinig para makapagsalita. Maaaring isalin na: “kung ano ang sinasabi ng iyong mga kaaway” (Tingnan: Metonymy)

o sigaw ng mga patuloy na sumasalungat sa iyo iyo

Sinasabi ng manunulat ang mga salita na sumasalungat sa Diyos na parang malakas na ingay ng mga hayop o walang buhay na mga bagay tulad ng tubig o hangin. Maaaring isalin na: “at bigyang pansin ang malakas at walang katuturang mga salita ng mga patuloy na sumasalungat sa iyo” (Tingnan: Ellipsis and Metaphor)

sumasalungat

hayagang pagsalungat

Psalms 75

Psalms 75:1-3

Uri ng awit

Ang Awit 75 ay isang awit ng karunungan; tinuturo kung ano ang mangyayari sa mga masasamang tao.

Espesyal na konsepto sa kabanatang ito

Binalaan ng Diyos ang mga masasamang tao na sila ay parurusahan. Pero palalakasin niya ang mga mabubuting tao.

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang bayan ng Diyos ay nagsasalita sa 57:1, at nagsalita ang Diyos sa 57:2-3. Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“ Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba;”

ilagay sa AI Tashheth

Tumutukoy ito sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 57:1

Ang awit ni Asaf

“Ito ay awit na isinulat ni Asaf. ”Tingnan kung paano mo ito isinalin sa Awit 53.

lahat ng mga naninirahan

“lahat ng tao na naninirahan dito”

papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig

“ingatan ang daigdig mula sa pagkawasak “ o Maaaring isalin na: “panatilihing ligtas ang aking bayan” (Tingnan: Metaphor)

Selah

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 3:2.

Psalms 75:4-6

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na nagsalita ang Diyos sa 75:4-5. Nagsimulang magsalita ang manunulat sa 75:6.

at sa masasama

at sinabi ko sa masasama” (Tingnan: Ellipsis)

Huwag magtiwala…Huwag magpakasiguro

Mas mabuting gamitin ang parehong mga salita ng dawalang beses kaysa pag-isahin ang dalawang linya. “Huwag maging palagay ang loob” ay kapares sa “Huwag magmayabang,” at “Huwag magpakasiguro” ay kapares sa “huwag magsalita.”

sa tagumpay

“na maaari mong gawin kung ano ang sinabi mong gagawin mo” o “ikaw ay magtatagumpay sa labanan” (Tingnan: Metaphor at (Tingnan: Abstract Nouns)

huwag kayong taas-noong magsalita

“magyabang” (Tingnan: Idiom and Metaphor)

Hindi dumarating ang tagumpay

Sinasabi ng manunulat ang kakayahang gawin kung ano ang sinabi o ang pagtatagumpay sa mga labanan na parang isang taong naglalakbay. Maaaring isalin na: “Walang sinuman ang darating para tulungan ka na gawin kung ano ang sinabi mong gagawin mo” o “Walang sinuman ang darating para tulungan kang magtagumpay sa labanan” (Tingnan: Metaphor and Abstract Nouns)

Psalms 75:7-8

Pangkalahatang Kaalaman:

Nagsalita si Asaf tungkol sa Diyos.

binababa niya ang isa at nagtataas ng iba

Ang salitang “ibababa” at “itataas” ay metapora para sa Diyos na gawing makapangyarihan ang tao at alisin ang kanilang kapangyarihan. Maaaring isalin na: “ginagawa niyang hari ang isang tao kapalit ng isang pang tao” o “alisin ang kapangyarihan ng isang tao at ibigay ang kapangyarihan sa ibang tao” (Tingnan: Metaphor)

ang kopa na may bumubulang alak.. may halong mga pampalasa

Kapag pinaparusahan ni Yahweh ang mga tao tulad sila ng mga taong nakainom ng matapang na alak at nagkasakit. (Tingnan: Metaphor)

bumubulang alak

Ang bula ay metapora para ang kapangyarihan ng alak na lasingin ang mga tao. Maaaring isalin na: “matapang na alak” (Tingnan: Metaphor)

mga pampalasa

tuyong mga dahon o mga giniling na buto

ibinubuhos ito

isinasalin ito mula sa isang malaking sisidlan papunta sa mga tasa para mainuman ito ng mga tao

iinumin ito hanggang sa huling patak

“inumin bawat patak nito”

Psalms 75:9-10

Sinabi niya

sinasabi ng Diyos

puputulin ang lahat ng mga sungay ng

Ang mga sungay ng hayop ay metapora para sa kapangyarihan ng isang tao. Maaaring isalin na: “alisin ang lahat ng kapangyarihan mula” (Tingnan: Metaphor)

ang mga sungay ng matutuwid ay itataas.

Ang mga sungay ng hayop ay metapora para sa kapangyarihan ng isang tao. Maaaring isalin bilang pahayag sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Itataas ko ang mga sungay ng matuwid” o “Gagawin kong makapangyarihan ang mga matutuwid” (Tingnan: Metaphor at Rhetorical Question at Active or Passive)

Psalms 76

Psalms 76:1-3

Uri ng awit

Ang Awit 76 ay awit ng pagsamba.

Espesyal na konsepto sa kabanatang ito

Ang Diyos ay dakila. Nasakop niya ang lahat ng mga karatig bansa. Bawat isa ay magdadala ng mga handog.

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba”

may kwerdas ng mga instrumento

“dapat tumugtog ang mga tao ng mga instrumentong may kwerdas sa awit na ito.”

Ang awit ni Asaf

“Ito ay awit na isinulat ni Asaf.” Tingnan kung paano isinalin ito sa Awit 53.

Ipinakilala...ang kaniyang sarili sa Juda

‘nagdulot sa bayan ng Juda para malaman kung sino siya” o “ginawang tanyag ang kaniyang sarili sa Juda”

ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel

Ang mga salitang “kaniyang pangalan” ay metonimi para sa kaniyang reputasyon. Maaaring isalin na: “ang bayan ng Israel ay itinuring siyang mabuti at makapangyarihan” (Tingnan: Metonymy)

ang kaniyang pinananahanan

“kung saan pinili niya para manirahan”

Doon, sinira ang mga palaso ng pana, ang kalasag, ang espada, at ang ibang mga sandata sa labanan

Marahil ang mga salitang ito ay metapora para sa Diyos na nagdudulot sa mga bayan ng Juda para mabuhay ng mapayapa nang walang takot sa kanilang mga kaaway na nakikipagdigma sa kanila, pero ang mga salita ay dapat isalin nang literal kung maaari. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 76:4-5

Pangkalahatang Kaalaman

Nagsasabi si Asaf tungkol sa Diyos na parang ang Diyos ay isang sundalo na babalik pababa ng bundok mula sa pagkapanalo ng isang matinding digmaan.

Kumikinang ka

Ang kumikinang ay metapora para sa pagiging dakila. Maaaring isalin na: “Ipinakita mo kung gaano katindi ang iyong kadakilaan” (Tingnan: Metaphor)

Ang mga matatapang ay nanakawan

Maaari itong isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “Pinatay ng bayan mo ang iyong mga kaaway” matapang na mga sundalo at pagkatapos kinuhang lahat ang kanilang mga pag-aari” (Tingnan: Activeor Passive)

nakatulog

“namatay” (Tingnan: Euphemism)

Psalms 76:6-7

Sa iyong pagsaway

Kapag sinaway mo sila” (Tingnan: Abstract Nouns)

nakatulog

“namatay” (Tingnan: Euphemism)

sino ang makakatagal sa iyong paningin kapag ikaw ay nagalit?

Maaaring isalin ito bilang pahayag. Maaaring isalin na: “Walang sinuman ang maaaring tumayo sa iyong paningin kapag ikaw ay galit.” O ”Maaring mong puksain ang lahat ng mga taong kinapopootan mo.” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 76:8-9

Ipinarinig mo ang iyong hatol

“ipinahayag mo ang iyong hatol” o “inihayag mo kung paano mo parusahan ang mga masasamang tao”

ang mundo ay

“ang mga tao sa mundo ay” (Tingnan: Metonymy)

isagawa ang paghatol

parusahan ang masasama at gantimpalaan ang mabubuti

Psalms 76:10

ang iyong galit na paghatol sa mga taong iyon ay magdadala sa iyo ng papuri

Mga posibleng kahulugan ay 1) “pupurihin ka ng mga tao dahil ikaw ay galit sa masama at hahatulan sila” o 2) “mga taong galit sa iyo ay gagawa ng mga bagay na magdudulot sa mga tao para purihin ka.”

Ganap mong ipinakita ang iyong galit

Mga posibleng kahulugan ay 1) kahit ang hatol ni Yahweh ay hindi magdulot sa mga tao na purihin siya ay magpapakita na siya ay galit o 2) ang mga tao na hindi pinarusahan ni Yahweh ay titigil sa pagkakasala at nanaisin na maging kaniyang bayan.

Psalms 76:11-12

siyang dapat katakutan

“Yahweh, siya na dapat nilang katakutan”

Ibinababa ang lakas ng loob ng mga prinsipe

“minamaliit ang mga prinsipe” (Tingnan: Idiom)

siya ay kinatatakutan ng mga hari sa mundo

Maaaring isalin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “ang mga hari sa mundo ay takot sa kaniya” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 77

Psalms 77:1

Pangkalahatang kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa punong taga-awit

“Para ito sa direktor ng musika na gagamitin sa pagpupuri;”

Jeduthun

Tingnan kung paano mo sinalin sa 39:1

Awit ni Asaf

“Ito ay awit na sinulat ni Asaf.” Tingnan kung paano ito sinalin sa Awit 53.

Psalms 77:2-3

inunat ko ang aking kamay

“Nanalangin ako na ang aking kamay ay nakaunat”

Tumanggi akong mapanatag

Ang “kaluluwa” ay isang metonimi para sa tao. Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “hindi ko hahayaan ang sinuman na subukan akong panatagin” (Tingnan: Metonymy and Active or Passive)

Selah

Tingnan kong paano mo sinalin ito sa 3:2.

Psalms 77:4-5

Pangkalahatang Kaalaman:

Pagkatapos sa pagsasalita tungkol sa Diyos, nakipag-usap si Asaf sa Diyos sa talata 4 at pagkatapos bumalik sa pagsasalita tungkol sa Diyos.

Binuksan mo ang aking mga mata

‘Sabi ko sa Diyos, “Binuksan mo ang aking mga mata.’”

Binuksan ang aking mga mata

Bukas na mga mata ay isang metonimi para sa hindi makatulog. Maaaring isalin na: “nilayo ako mula sa pagkatulog” (Tingnan: Metonymy

ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas

kung kinakailangan, “ang nakaraan” at “mga panahong matagal nang nakalipas” ay maaring pagsamahin. Maaaring isalin na: “tungkol sa mga bagay na nangyari nang matagal nang panahon” (Tingnan: : Parallelism)

Psalms 77:6-7

inaalala ko

“naalala ko” (Tingnan: Idiom)

ang nangyari

Ibang maaring kahulugan ay “kung ano ang nangyayari.”

Psalms 77:8-9

Pangkalahatang Kaalaman:

Dahil hindi tiyak si Asaf sa kaniyang sagot sa mga tanong na ito, marahil sila ay mga literal na mga katanungan at dapat isalin ng literal.

katapatan sa tipan

Tingnan kung paano mo ito sinalin sa 13:5

Napigil na ba ng galit ang kaniyang habag

nagsasalita si Asaf sa galit na parang ito ay isang tao na sinasara ang pinto para pigilan ang ibang tao, ang habag, na makalabas. Maaaring isalin na: Huminto na ba ng Diyos na ipakita sa atin ang habag dahil galit siya sa atin” (Tingnan: Personification and Rhetorical Question)

Psalms 77:10

Sabi ko… ang kanang kamay ng Makapangyarihan

Maaaring mga kahulugan 1) “Sabi ko sa aking sarili… ang kanang kamay ng Kataas-taasan” o 2) “Sabi ko sa Diyos.. ang kanang kamay mo, ang Kataas-taasan”

Ang pagbabago ng kanang kamay ng Makapangyarihang Diyos sa atin

Ang “kanang kamay” ay isang metonimi para sa kapangyarihan. Maaaring isalin na: “Ang Makapangyarihang Diyos n ay hindi na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan para tulungan tayo”

Psalms 77:11-12

Pangkalahatang Kaalaman

Nagsimula ang manunulat na makipag-usap kay Yahweh.

Aalalahanin

“alalahanin” (Tingnan: : Idiom) Tingnan kung paano sinalin sa 74:2

ang mga kahanga-hangang mgaginawa mo noon

“Ang kahanga-hangang mga bagay na ginawa mo noon”

Pagninilay-nilayan

“Iniisip ko nang mabuti”

pagmumuni-munihin ko ang mga iyon

“iisipin kung ano ang ibig-sabihin nila”

Psalms 77:13-15

Pangkalahatang Kaalaman:

Nagpatuloy ang manunulat na makipag-usap kay Yahweh.

anong diyos-diyosan ang maihahambing sa aming dakilang Diyos?

Ito ay maaaring isalin bilang isang pahayag. Maaaring isalin na: walang diyos na maihahambing sa aming dakilang Diyos.” (Tingnan: Rhetorical Question)

ipinakita mo ang inyong lakas sa mga tao

“pinakita sa mga tao mula sa ibang grupo ng mga tao kung gaano ka kalakas” (Tingnan: Abstract Nouns)

Binigyan mo ng tagumpay ang inyong bayan… ang mga kaapu-apuhan

“binigyan kami, ang iyong bayan, tagumpay … na iyong mga kaapu-apuhan”

Binigyan mo ng tagumpay ang inyong bayan

“binigyan mo ng kakayahan ang iyong bayan na matalo ang kanilang kalaban” (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 77:16-17

Nakita ka ng katubigan… natakot sila… ang kailaliman ng lupa ay nanginig

Sinasabi ni Asaf na ang tubig ay parang isang tao na nakakita ng isang bagay na kinatakutan niya. (Tingnan: Personification)

Kailaliman ng tubig

“pinakamalalim na tubig”

Nagbuhos ng tubig ang mga ulap

Sinasabi ni Asaf na ang mga ulap ay parang mga tao na nagbubuhos ng tubig sa mga lalagyanan. Maaaring isalin na: “Malakas na pagbaksak ng ulan.” (Tingnan: Personification)

kumikislap ang mga palaso ninyo

'ang ginawa mong kidlat ay kumislap gaya ng mga pana” (Tingnan: Metaphor)

kumikislap

Gamitin mo ang iyong sariling salita sa kung ano ang ginagawa ng pana pagkatapos itira ang palaso ng isang tao.

Psalms 77:18-20

madagundong mong boses

“boses, na singlakas ng kulog” o “sobrang lakas ng tunog”

inilawan ng kidlat ang mundo

“inilawan ng kidlat ang lahat ng mga nasa paligid” (Tingnan: Hyperbole)

iyong landas… iyong daan… mga bakas ng iyong mga paa

sinasabi ni Asaf na parang si Yahweh ay tao na may paa. Habang ito ay pagsasatao, ito ay dapat isalin ng literal kung maaari. Personification

mga bakas ng iyong mga paa

Ito ay maaring sabihin sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: walang ni isa ang nakakita ng mga bakas ng iyong paa”

sa pamamagitan ng mga kamay

“sa pamamagitan ng gawa ni”

Psalms 78

Psalms 78:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang maskil ni Asaf

Ito ay isang maskil na sinulat ni Asaf.”

Isang maskil

Ito ay tumutukoy sa istilo ng musika. Tingnan kung paano mo sinalin ito sa 32:1.

Psalms 78:3-4

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang talata 3 ay pinagpapatuloy ng pangungusap na nagsimula sa talata 2.

Hindi natin ito itatago sa kanilang mga kaapu-apuhan

Maaaring isalin na: Sasabihin namin sa aming mga kaapu-apuhan ang tungkol sa kanila”

ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh

Maaaring isalin na: “ang mga ginawa ni Yahweh na kapuri-puri” o “ang mga bagay kung bakit natin pinupuri si Yahweh”

Psalms 78:5-6

tinatag niya

“tinatag ni Yahweh”

Psalms 78:7-11

Pangkalahatang Kaalaman:

Nagsasalita ang manunulat tungkol sa “mga bata” sa 78:5-6.

Psalms 78:12-14

lupain ng Soan

Ito ay tumutukoy sa lugar palibot sa lungsod ng Soan, sa Ehipto. (Tingnan: How to Translate Names)

Psalms 78:15-16

Biniyak niya

“biniyak ng Diyos”

Nagpaagos siya ng tubig

"maliit na mga ilog”

Psalms 78:17-18

Hinamon nila ang Diyos

Gusto nilang patunayan ng Diyos na kaya niyang gawin ang kaniyang sinabi bago pa sila maniwala sa kaniya.

sa kanilang mga puso

“sa kanilang buong mga puso”

para pawiin ang kanilang gutom

“para makakain sila hangga’t gusto nila”

Psalms 78:19-20

Nagsalita sila

nagsalita ang mga Israelita

Kaya ba talaga ng Diyos maglatag ng lamesa para sa atin sa ilang?

Maaaring isalin na: “Hindi kami naniniwala na makakapaglatag ang Diyos ng lamesa sa ilang para sa amin!” o “oh Diyos, patunayan mo sa amin na kaya mo talagang maglatag ng lamesa para sa amin sa ilang!”

maglatag ng lamesa

“magbigay ng pagkain para sa amin” (Tingnan: Metaphor)

bumulwak ang tubig

napakaraming tubig ang mabilis na lumabas

Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?

“Pero hindi kami maniniwala na kaya niyang ding magbigay ng tinapay o magbigay ng karne para sa kaniyang bayan hangga’t hindi namin nakikita na ginagawa niya.”

Psalms 78:21-22

nilusob ng galit niya ang Israel

“dahil siya ay galit, nilusob niya ang Israel” (Tingnan: : Personification)

hindi sila naniwala sa kaniyang kaligtasan

“hindi sila nagtiwala na ililigtas niya sila”

Psalms 78:23-25

mga kalangitan

Maaaring mga kahulugan ay 1)”kalangitan” o 2) “mga ulap.”

binuksan ang pinto...ng kalangitan

Tingnan: Metaphor

Nagpaulan siya ng manna para kainin nila, at binigyan sila ng butil mula sa langit

Itong dalawang linyang ito ay parehas na pangyayari.

Nagpaulan siya ng manna

“ginawa niyang bumagsak ang manna mula sa langit gaya ng ulan”

tinapay ng mga anghel

Ito ay tumutukoy sa manna. Maaaring isalin na: “ang parehas na uri ng pagkain na kinakain ng mga anghel.”

Psalms 78:26-28

Pinaihip niya

“Pinaihip ng Diyos”

Nagpaulan siya ng karne

“Ginawa niyang bumagsak ang karne gaya ng ulan” o “Ginawa niyang bumagsak ang mga ibon gaya ng ulan para ang mga tao ay makakain”

gaya ng alikabok… singdami ng mga buhangin sa dagat

Mas maraming ibon ang nandoon na walang sinuman ang makakabilang. (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 78:29-30

gusto

Maaaring isalin na: “gustong-gusto”

Pero hindi pa rin sila nabusog; ang kanilang pagkain ay nasa mga bibig pa rin nila

Ito ay maaring isalin bilang pangunahing pangungusap na nagsisimula sa 78:31. Maaaring isalin na: “Pero bago sila mabusog, habang ang kanilang pagkain ay nasa kanilang mga bibig,”

Psalms 78:31-32

Tinumba

Maaaring isalin na: “pinatay” (Tingnan: Euphemism)

Psalms 78:33-34

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang manunulat ay patuloy na nagsasabi sa mga ginagawa ng Diyos sa mga Israelita.

pinaikli ng Diyos ang kanilang mga araw

“pinatay sila habang sila ay bata pa” (Tingnan: Euphemism)

masidhing

“madalian”

Psalms 78:35-37

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang pagsasabi ng mga ginawa ng mga Israelita.

ang Diyos ang kanilang bato

Nagsasalita ang manunulat tungkol sa Diyos na parang siya ay isang bato. Nangangahulugan ito na may kapangyarihan ang Diyos para ipagtanggol ang kaniyang bayan.(Tingnan: : Metaphor)

Dahil ang kanilang mga puso ay hindi matatag na nakatuon sa kaniya

Maaaring isalin na: “Dahil hindi sila nagtitiwala sa kaniya” o “Dahil hindi sila tapat sa kaniya” (Tingnan: Idiom)

bobolahin siya nila

“sasabihin na kahanga-hanga siya kapag hindi sila naniwala”

Psalms 78:38

pinigil ang kaniyang galit

“Pinagdesisyunan niyang hindi magalit sa kanila”

Pinukaw

Maaaring isalin na: “ginising”

Psalms 78:39-41

Inalala

“naalala” (Tingnan: Idiom)

sila ay

ang mga Israelita ay

tigang na mga rehiyon

“mga lugar kung saan walang tumutubo”

nilang sinubok ang Diyos

Tingnan kung paano mo sinalin ito sa 78:18.

Psalms 78:42-43

Pangkalahatang Kaalaman:

Sinasabi ng manunulat kung paano niligtas ng Diyos ang mga Israelita.

Soan

isang lungsod sa Ehipto (Tingnan: How to Translate Names)

Psalms 78:44-46

Pangkalahatang Kaalaman:

Inilarawan ng manunulat ang ginawa ng Diyos.

kulupon ng mga langaw

sobrang daming mga langaw na nagmukhang ulap.

Binigay niya ang kanilang mga pananim sa mga tipaklong at ang trabaho nila sa mga balang

“hinayaan ang mga tipaklong na kainin ang kanilang mga pananim at hinayaan ang mga balang na kainin ang lahat ng kanilang mga pinaghirapang itanim”

Kumalat

Maaaring isalin na: “nawasak”

Tipaklong

isang kumakain na halaman na insekto na mahaba ang mga binti na ginagamit sa pagtalon

Psalms 78:47-49

Pangkalahatang Kaalaman:

Nagpatuloy ang manunulat na ilarawan kung ano ang ginawa ng Diyos sa mga taga-Ehipto.

Sikamore

isang puno na nagbibigay ng prutas

mga kidlat

kidlat na gumagawa ng malakas na tunog ng kulog

Ang bagsik ng kaniyang galit ay humagupit laban sa kanila

Maaaring isalin na: “Galit siya sa kanila, kaya mabilis at mabagsik niyang nilusob sila” (Tingnan: Personification)

Pinadala niya ang kaniyang poot, matinding galit, at kaguluhan tulad ng mga kinatawan na sinugo para magdala ng sakuna

“Sobra ang kaniyang galit na nais niyang saktan ang mga taga-Ehipto, kaya gumawa siya ng mga problema para sa kanila at nagdala sa kanila ng sakuna” (Tingnan: Personification and Simile)

matinding galit

galit na nagsasanhi sa isang tao na manakit ng ibang tao.

Psalms 78:50-51

Pangkalahatang Kaalaan:

Nagpatuloy ang manunulat na ilarawan kung ano ang ginawa ng Diyos sa mga taga-Ehipto.

Itinaas niya ang landas ng kaniyang galit

Maaaring isalin na: “Sobra ang kaniyang galit na nagawa niyang gawin lahat para saktan sila” o “na parang ang kaniyang galit ay isang hukbo at gumawa siya ng isang maayos na daanan para makapaglakad doon. (Tingnan: Personification)

hindi niya sila niligtas mula sa kamatayan

“hindi niya sila niligtas mula sa pagkamatay” o “hindi niya pinayagan na mabuhay sila”

panganay ng kanilang lakas

“kanilang mga pinakamahusay at pinakamahalagang mga lalaki”

sa mga tolda ni Ham

“kabilang sa mga pamilya ng Ehipto” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 78:52-53

Pangkalahatang Kaalaman:

nagpatuloy ang manunulat na ilarawan ang ginawa ng Diyos sa bayan ng Israel.

gaya ng tupa… gaya ng isang kawan

nagsasabi ang manunulat tungkol sa mga Israelita na parang sila ay mga tupa. Nangangahulugan ito na inaruga ng Diyos at pinangalagaan ang mga tao gaya ng isang pastol sa kaniyang mga tupa. (Tingnan: Simile)

Nagapi

“ganap na natakpan”

Psalms 78:54-55

Pangkalahatang Kaalaman:

nagpatuloy ang manunulat na ilarawan ang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel.

Psalms 78:56-57

Pangkalahatang Kaalaman:

Nagpatuloy ang manunulat na ilarawan ang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel.

hinamon at sumuway

Ang mga salitang ito ay halos nangangahulugan ng parehas na bagay. Ginamit ito ng manunulat para bigyang-diin na ang mga Israelita ay hindi naniniwala na magbibigay ang Diyos para sa kanila o parusahan ang masasama katulad ng sinabi niya. (Tingnan: Doublet)

Hinamon

Tingnan kong paano mo sinalin ang ideyang ito sa 78:18.

sumuway

“tumangging sumunod”

Hindi sila tapat at kumilos sila nang may kataksilan

Ang mga salitang ito ay halos nangangahulugan ng parehas na bagay. Parehas ginamit ng manunulat iyon para bigyang-diin na hindi tinupad ng mga Israelita ang para sa Diyos na kanilang sinabi na gagawin nila. (Tingnan: Doublet)

Psalms 78:58-59

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na nilalarawan ng manunulat ang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel.

Psalms 78:60-61

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy ang manunulat na ilarawan ang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel.

Hinayaan niyang mahuli ang kaniyang lakas at ibinigay niya ang kaniyang kaluwalhatian sa kamay ng kaniyang mga kaaway

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehas na bagay. Parehas itong tumutukoy sa mga tuntunin ng kaban ng tipan. (Tingnan: Parallelism)

sa kamay ng kaniyang mga kaaway

para sa kapangyarihan o pamamahala ng kalaban (Tingnan: Metonymy)

Psalms 78:62-63

Pangkalahatang Kaalaman

patuloy na nilalarawan ng manunulat ang ginawa ng Diyos para sa bayan ng Israel.

Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata

Maaaring isalin na: “Ang apoy ng labanan ay nilamon ang kanilang mga binata” o “ ang kanilang mga binata ay mabilis na namatay sa labanan gaya ng tuyong damo sa nasusunog ng apoy. (Tingnan: Metaphor) Huwag bigyan ng ideya na ang mga taong ito ay gumagamit ng mga baril.

Nilamon

mabilis na kinain ang lahat ng bagay

Pangkasal

ang pagdiriwang ng mga tao na ikakasal.

Psalms 78:64-66

Nahulog ang kanilang mga pari sa espada

“Ang mga kalaban ay maraming pinatay na mga Israelitang pari gamit ang mga espada” (Tingnan: Metonymy)

ang kanilang mga balo ay hindi maka-iyak

Maaring mga kahulugan ay 1) may isang tao na pumilit sa mga balo na hindi umiyak o 2) sobrang daming mga pari ang namatay na wala ng oras para sa maayos na mga libing.

Mga balo

mga babaeng namatay ang mga asawa

gaya ng isang mandirigma na sumisigaw dahil sa alak

maaring mga kahulugan ay 1) gaya ng isang mandirigma na nalasing ng sobra sa alak at nagalit dahil nagising siya at kaya gustong makipag-away o 2) gaya ng isang mandirigma na uminom ng sobrang alak pero ngayon ay may kakayahan nang mag-isip at lumaban ng maayos dahil nakatulog na siya.

Psalms 78:67-69

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na nilalarawan ng manunulat ang ginawa ng Diyos sa bayan ng Israel.

Tinanggihan niya ang tolda ni Jose… at hindi niya pinili ang tribu ni Efraim.

Ang mga salitang ito ay halos nangangahulugan ng parehas na bagay. Ginamit sila ng manunulat para madiing sabihin na hindi si Jose at kaniyang mga kaapu-apuhan ang pinili ng Diyos na panahanan. (Tingnan: Parallelism)

Jose… Efraim

Si Efraim ay anak ni Jose

Juda.. Bundok ng Sion

Ang Bundok Sion ay ang lupain kung saan namumuhay ang tribo ni Juda.

Psalms 78:70-72

Pangkalahatang Kaalaman:

patuloy na nilalarawan ng manunulat ang ginawa ng Diyos.

kulungan ng mga tupa

mga puwang na may mga pader sa paligid nila, kung saan ang mga tupa ay ligtas na nakatago.

Psalms 79

Psalms 79:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Tula at Paralelismo

Awit ni Asaf

“Ito ay isang awit na sinulat ni Asaf.”

Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain sa mga ibon ng himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan para sa mga halimaw ng lupa

Ang dalawang pariralang ito ay nagbahagi ng magkatulad na mga kahulugan at pinagsamang muli para bigyang diin. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 79:4-5

Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin

Ang dalawang pariralang ito ay nagbahagi ng magkatulad na mga kahulugan at pinagsama para bigyan diin. (Tingnan: Parallelism)

Kami ay naging

Ang panghalip na “Kami” ay tumutukoy sa bayan ng Diyos.

nag-iinit tulad ng apoy

Inihahambing ng paghahalintulad na ito ang galit ng Diyos sa isang apoy. (Tingnan: Simile)

Psalms 79:6-7

Pangkalahatang Kaalaman:-

Bawat isa sa dalawang pares ng mga pariralang ito ay may katulad na kahulugan at pinagsama para bigyan diin. (Tingnan: Parallelism)

nilamon nila si Jacob

Maaaring isalin na: “ganap nilang winasak ang bayan ng Israel” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 79:8-9

laban sa amin

Ang panghalip na “atin” ay tumutukoy sa bayan ng Diyos, Israel.

Tulungan kami, O Diyos ng aming kaligtasan, alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan; iligtas mo kami at patawarin ang aming mga kasalanan alang-alang sa iyong pangalan

Ang dalawang pariralang ito ay nagbahagi ng magkatulad na mga kahulugan at pinagsama para bigyan diin.

alang-alang sa iyong pangalan

Ang pangalan dito ng Diyos ay kumakatawan sa kaniyang buong pagkadiyos at ang nararapat na parangal sa Diyos. (Tingnan: Metonymy)

Diyos ng aming kaligtasan

Ang salitang “kaligtasan” ay maaaring isalin sa pandiwang “ligtas”: “Ang Diyos na nagliligtas sa amin.” (Tingnan: AbstractNouns)

Psalms 79:10-11

ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos

Ang kahulugan ng pagbubuhos ng dugo ay sumugat at kahit pumatay. Maaaring isalin na: “ang pagpatay sa iyong mga lingkod” (Tingnan: Metonymy)

nasa harap ng aming mga mata

Maaaring isalin na: “sa aming paningin” o habang kami ay naroon

panatilihi mong buhay ang mga anak ng kamatayan

Maaaring isalin na: “panatilihing buhay ang mga nahatulang mamatay” (Tingan: Metaphor)

Psalms 79:12-13

Pagbayarin

“Ibalik” o “Gantihan”

sa mga kandungan

Maaaring isalin na: "sa kanilang mga tuhod at hita habang nakaupo sila.” Ang kahulugan nito ay direkta at personal. (Tingnan: Idiom)

kami na bayan mo at tupa ng iyong pastulan ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo magpakailanman. Sasabihin namin ang iyong mga papuri sa lahat ng mga salinlahi

Ang dalawang pariralang ito ay nagbahagi ng magkatulad na mga kahulugan at pinagsama para bigyang diin. (Tingnan: Parallelism)

Psalms 80

Psalms 80:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan Tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba”

ilagay para sa Shoshannim

Maaari itong tumukoy sa isang estilo ng musika. Tingnan kung paano ito isinalin sa 45:1.

Isang awit ni Asaf

“Ito ay isang awit na sinulat ni Asaf.”

Pastol ng Israel

Tumutukoy ang manunulat sa Diyos bilang pastol ng Israel. (Tingnan: Metaphor)

Jose

Dito si Jose ay kumakatawan sa bansang Israel. (Tingnan: Metonymy)

ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa ibabaw ng takip o panakip ng kaban ng tipan sa templo, ang sagisag ng trono kung saan pinamunuan ng Diyos ang Israel. Nakakabit ang gintong kerubin sa takip na ito sa bawat dulo, magkakaharap ang bawat isa. (Tingnan: Metonymy)

palakasin ang iyong kapangyarihan

Ang pariralang “pagalawin” ay nangangahulugang “isagawa.” (Tingnan: Idiom)

pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin

Ang kahulugan nito ay “lumapit at gumawa ng mga makapangyarihang bagay para sa amin” (Tingnan: : Idiom)

Psalms 80:4-6

Iyong bayan

Ang pariralang ito ay tumutukoy sa Israel. (Tingnan: Metonymy)

Pinakain mo sila ng tinapay ng luha at binigyan sila ng napakaraming luha para mainom

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng isa lamang magkaparehong bagay at binigyang diin na ang Israel ay binigyan lamang ng kalungkutan para panatilihin sila. Maaaring isalin na: “Binigyan mo lamang sila ng kalungkutan bilang tinapay at inumin” (Tingnan: Metonymy and Parallelism)

Psalms 80:7-8

pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin

Hinihingi ng manunulat ng awit kay Yahweh na masdan ng may pabor ang bayan ng Israel. (Tingnan: Idiom)

Nagdala ka ng puno ng ubas sa Egipto

Maaaring isalin na: “Nilabas mo kami, tulad ng puno ng ubas, mula sa Egipto;” Inihahambing ng manunulat ng awit ang bansang Israel sa puno ng ubas na inihanda para itanim. (Tingnan: : Metaphor and Simile

pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar

Maaaring isalin na: “pinalayas mo ang mga bansa mula sa kanilang lupain at ibinigay ito sa amin, ang puno ng ubas, at itinanim kami doon.”

Psalms 80:9-11

Pangkalahatang Kaalaman:

Inihahambing ng manunulat ang Israel bilang puno ng ubas.

Nilinis mo ang lupain para dito

“Nilinis mo ang lupa para sa puno ng ubas” (Tingnan: Metaphor)

at pinuno ang lupain … sa Ilog Eufrates

Inilalarawan ng manunulat ang tagumpay ng bansang Israel sa pagsakop ng buong lupain sa pamamagitan ng paghahambing sa puno ng ubas na lumalaking higit sa karaniwan. (Tingnan: Hyperbole)

mga usbong

Ito ay mga bahagi ng bagong mga halaman na nagsisimula pa lamang na tumubo sa ibabaw ng lupa.

Psalms 80:12-13

Pangkalahatang Kaalaman

Patuloy na inihahambing ng manunulat ang bansang Israel sa puno ng ubas. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 80:14-16

at pansinin

"at tingnan”

ang puno ng ubas na ito

Patuloy na inihahambing ng manunulat ang bansang Israel sa puno ng ubas. (Tingnan: Metaphor)

Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay

Ang kanang kamay ay kumakatawan sa kapangyarihan at pamamahala ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Ito ang ugat na itinanim mo, Yahweh.” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 80:17-18

Iyong kamay

Tumutukoy ito sa kapangyarihan at pamamahala ni Yahweh. (Tingnan: Synecdoche)

ang taong nasa iyong kanang kamay

Tumutukoy ito sa bansang Israel na pinili ni Yahweh bilang bayan niya. (Tingnan: Synecdoche)

kanang kamay

Ang tao na napaboran at nagbibigay parangal sa hinirang para tumayo katabi ng taong iyon. (Tingnan: Idiom)

Psalms 80:19

magliwanag ka sa amin

Ang kahulugan nito ay pagtibayin at bigyang pabor. (Tingnan: Idiom)

Psalms 81

Psalms 81:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Isang awit ni Asaf. Tingnan: Tula at Paralelismo

Para sa punong manunugtog

“Para ito sa director ng musika para magamit sa pagsamba;”

ilagay sa Gittith

Ito ay maaaring tumutukoy sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 8:1.

Isang awit ni Asap

“Ito ay isang awit na isinulat ni Asaf”

Diyos ng aming kalakasan

Ang walang anyong pangngalan “kalakasan” ay maaaring isaad bilang “malakas.” Maaaring isalin na: “Ang Diyos na nagdudulot sa atin na maging malakas”

ang Diyos ni Jacob

Dito ang “Jacob” ay kumakatawan sa lahat ng kaniyang mga kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: “ang Diyos ng Israel, ang bansa ng mga kaapu-apuhan ni Jacob” (Tingnan: : Metonymy)

tumugtog ng tamburin, ang kaaya-ayang lira kasama ang alpa

Ito ay mga instrumentong pangmusika.

tamburin

isang instrumentong pangmusika na may ulo na tulad ng tambol na maaaring hampasin at may mga pirasong metal sa paligid ng tagiliran na tumutunog kapag inaalog ang instrumento (Tingnan: : Translate Unknowns)

ng bagong buwan

Ito ay ang simula ng buwan na nauukol sa buwan.

sa araw ng kabilugan ng buwan

Ito ay ang kalagitnaan ng buwan na nauukol sa buwan.

kapag nagsimula ang araw ng aming kapistahan

“at sa mga araw kapag nagsisimula ang ating mga pista”

Psalms 81:4-5

Dahil ito

Dito ang “ito” ay tumutukoy sa araw ng pista.

isang kautusan na ibinigay ng Diyos ni Jacob

Ito ay maaaring isaad sa aktibong anyo. Maaaring isalin na: “isinabatas ito ng Diyos ni Jacob” o iniutos ito ng Diyos ni Jacob” (Tingnan: Active or Passive)

ang Diyos ni Jacob

Dito ang “Jacob” ay kumakatawan sa lahat ng kaniyang mga kaapu-apuhan. Maaaring isalin na: “ang Diyos ng Israel, ang bansa ng mga kaapu-apuhan ni Jacob” (Tingnan: Metonymy)

Nagpalabas siya nito bilang isang patakaran

“ibinigay ito bilang isang batas”

Jose

Dito ang “Jose” ay kumakatawan sa bansang Israel. (Tingnan: Metonymy)

noong siya ay nagtungo sa lupain ng Egipto

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasaysayan sa Ehipto noong inalipin ang bayan ng Israel at sila ay sinagip ng Diyos. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

ang lupain ng Ehipto

Ito ay kumakatawan sa bayan ng Egipto. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 81:6-7

ko

Sa mga talatang ito, ang panghalip na “Ako” ay tumutukoy sa Diyos.

inalis ang pasanin mula sa kaniyang balikat

inalis ng Diyos ang sapilitang trabaho mula sa mga tao gaya ng kinatawan ng “ang pasanin.” (Tingnan: Synecdoche)

ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa pagkakahawak ng basket

Ang bayan ng Israel ay hindi na sapilitang pinagagawa ng mahirap na trabaho ay kinakatawan ng “ang basket.” (Tingnan: Synecdoche)

Sa iyong pagdadalamhati

“Sa iyong matinding pagdurusa”

Tinugon kita mula sa isang madilim na ulap na may kasamang kulog

Ang presensiya at kaluwalhatian ng Diyos ay kumakatawan sa Israel sa isang madilim at nagbabantang ulap. (Tingnan: Synecdoche)

Sinubok kita sa tubig Meriba

Sinubok ng Diyos ang mga anak ng Israel para tingnan kung sila ay magtitiwala sa kaniya na magtutustos ng tubig sa disyerto ng Meriba. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 81:8-10

Pangkalahatang Kaalaman:

Ipinaalala ni Yahweh sa bayan kung ano ang sinabi niya habang sila ay nasa ilang.

dahil babalaan ko kayo

“dahil binibigyan ko kayo ng isang babala”

Israel

Ang pangalan ng bansa ay kumakatawan sa mga tao (Tingnan: Synecdoche). Si Yahweh ay nakikipag-usap sa bansa na parang ito ay isang tao (Tingnan: Personification)

kung makikinig lamang kayo sa akin!

“pero dapat kang magsimulang makinig sa akin!”

Ibuka ninyo nang malaki ang inyong bibig, at pupunuin ko ito

Maaaring isalin na: “Sabihin ninyo kung ano ang nais ninyong gawin ko para sa inyo at gagawin ko ito.” (Tingnan: Idiom)

Psalms 81:11-12

Pangkalahatang Kaalaman:

Ngayon sinasabi ni Yahweh kung ano talaga ang nangyari pagkatapos niyang balaan ang mga tao

Kaya hinayaan ko sila na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan

“Kaya, hinayaan ko sila na magmatigas”

Psalms 81:13-14

O, nawa ang aking bayan … ay lumakad sa aking mga landas

Ginagawa ng manunulat ang isang kaisipan sa dalawang linya para magbigay-diin. (Tingnan: Parallelism)

O, nawa makinig ang aking bayan

“O, gaano katagal bago makinig sa akin ang aking bayan;”

O, nawa lumakad sa aking mga landas ang aking bayan

O, nawa sundin nila ang aking mga batas.”

Pagkatapos agad kong … laban sa kanilang mga nang-aapi

Ang manunulat ay gumagawa ng isang kaisipan sa dalawang linya para bigyang diin. (Tingnan: Parallelism)

ibabaling ko ang aking kamay laban

ang “Kamay” ay kumakatawan sa kapangyarihan ni Yahweh. “Aking mapagtatagumpayan” o “tatalunin” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 81:15-16

yuyuko

“yuyuko” o “yuyukod nang may takot

mapahiya

Ang kahulugan nito ay maipadama sa isa ang kahihiyan o kahangalan lalo na sa palagay ng iba.

Psalms 82

Psalms 82:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Tula at Paralelismo

Isang awit ni Asaf

“Ito ay isang awit na isinulat ni Asaf.”

nagbibigay

“naggagawad”

mga diyos

Mga Posibleng pagsasalin ay: 1) Mga taong hukom na gumagamit ng kanilang kapangyarihan para sa sarili nilang mga interes; 2) mga espiritual ng kasamaan sa himpapawid at mga kapangyarihan gaya ng mga iyon na kinakatakutan ng mga tao araw-araw; at 3) ang pangkat ng mga diyos o mga espirituwal na nilalang na pinaniniwalaan ng maraming kultura.

Selah

Tingnan kung paano isinalin ito sa 3:2

Psalms 82:3-4

panatilihin mo ang mga karapatan ng

“gawin kung ano ang tama para sa”

dukha

“napakahirap na mga tao”

alisin mo sila sa kamay ng masasama

Dito ang salitang “kamay” ay tumutukoy sa kapangyarihan o pamamahala. Maaaring isalin na: “pigilan ang masasama mula sa pananakit sa kanila” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 82:5

sila ay nagpalabuy-labuy sa paligid

Mga posibleng kahulugan ay 1) “sila” ay tumutukoy sa mga diyos o 2) “sila” ay tumutukoy sa mga tao.

gumuguho

“nagkahiwa-hiwalay”

Psalms 82:6-7

Gayumpaman

“Gayunman”

Psalms 82:8

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang UDB ay maliwanag.

Psalms 83

Psalms 83:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang awit. Isang awit ni Asaph

“Ito ay isang awit na sinulat ni Asaf.”

Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.

Maaaring isalin na: “Tingnan mo ang iyong mga kaaway ay naghihimagsik laban sa iyo, at ang mga napopoot sa iyo ay tinatakot ang iyong bayan.” (Tingnan: Parallelism)

Psalms 83:3-5

Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan

“Ang mga kaaway ay sama-samang sumang-ayon sa iisang balakin”

gumawa sila ng alyansa laban sa iyo

“sila ay nagsama-sama laban sa iyo.” Ang “sa iyo” ay binigyang diin dito.

Psalms 83:6-7

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang manununulat ay patuloy na nagtatala ng mga pangkat ng mga tao na gustong sirain ang Israel.

mga tolda ng Edom

Ang mga tolda ay ang kanilang mga bahay kaya ibig sabihin nito ang mga taong nakatira dito. (Tingnan: Metonymy)

Agarenos … Gebal

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan: paano mo isinalin ang mga Pangalan.)

Psalms 83:8

kaapu-apuhan ni Lot

Ito ay ang mga bayan ng Moab at Ammon. (Tingnan: Metonymy)

Selah

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 3:2

Psalms 83:9-10

Gawin mo sa kanila … sa lupa.

Ang manunulat ay humihiling sa Diyos na talunin ang mga kaaway ng Israel katulad ng ginawa niya sa nakalipas.” (Tingnan Assumed Knowledge and Implicit Information)

Sisera … Jabi

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan ng mga tao: Paano Magsalin ng mga Pangalan.

Kison … Endor

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan ng mga lugar: Translate Unknowns

Psalms 83:11-12

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang manunulat ay patuloy na pinapaalalahanan ang diyos ng mga kaaway na kaniyang natalo para sa Israel noon. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Oreb … Zeeb … Zeba … Zalmuna.

Tingnan kung paano mo isinalin ang mga pangalan: Paano Magsalin ng mga Pangalan.

Sinabi nila

Ang “nila” ay ang Oreb, Zeeb, Zeba at Zalmuna.

Psalms 83:13-15

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang manunulat ay gumamit ng mga simili para maglarawan ng kabuuang pagwasak ng Diyos sa mga kaaway ng Israel.

tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin

Ang parehong pahayag ay nagkukumpara sa mga kaaway ng Diyos sa mga bagay na maaaring matangay ng hangin at ang mga ito ay pinagsama para magbigay-diin. (Tingnan: Simile and Parallelism)

tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.

Ang parehong pahayag ay nagkukumpara sa mga kaaway ng Diyos sa mga bagay na maaaring masunog ng malaking apoy at pinagsama ito para magbigay-diin. (Tingnan: Simile and Parallelism)

Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.

Ang parehong pahayag ay humihiling sa Diyos na sirain ang mga kaaway sa pamamagitan ng mga bagyo at pinagsama ito para magbigay-diin. (Tingnan: Simile and Parallelism)

Psalms 83:16-17

Balutan mo ang kanilang mga mukha ng hiya

Maaaring isalin na: “Gawin silang labis na kahiya-hiya” (Tingnan: Synecdoche)

nawa ay mamatay sila sa kahihiyan

“nawa sila ay mamatay sa kanilang kahihiyan.”

Psalms 83:18

Pangkalahatang Kaalaman:

Sa tingin naming ang UDB ay malinaw.

Psalms 84

Psalms 84:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa pinunong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba;”

ayon sa Gittit

Ito ay maaaring tumutukoy sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 8:1.

Ang isang awit ng mga anak ng Korah

“Ito ang isang awit na sinulat ng mga anak ng Korah.”

Kaibig-ibig

“maganda”

Nananabik ako sa mga patyo ni Yahweh, pinagod ako ang aking pagnanais para dito

“Gustong gusto ko talaga na nasa loob ng silid ni Yahweh, napagod ako sa aking pagnanais”

buo kong pagkatao

“aking laman” o “ aking buong katawan”

Psalms 84:3-4

Maya … layang-layang

Ang mga ito ay uri ng mga ibon.”

isang tirahan para sa kaniya na maging pugad ng inakay

“kung saan niya maaaring ilagay ang kaniyang mga itlog at alagaan ang kaniyang mga inakay”

patuloy

“muli at muli”

Psalms 84:5-6

na ang lakas ay nasa iyo

Ang Diyos ay binanggit na parang ang kalakasan ay totoong nakita sa kaniya” Maaaring isalin na: “ang iyong pinalakas” (Tingnan: Metaphor)

na ang puso ay mga daanan papunta sa Sion

Ang pagpapahayag na ito ay tungkol sa taos-pusong pagnanais. Maaaring isalin na: “Ang siyang may gustong umakyat sa Sion” o “Ang siyang seryosong nagnanais na umakyat ng Sion” (Tingnan: Metaphor)

daanan

“ Pangunahing mga daan”

Papunta sa Sion

Ang templo ay nasa Jerusalem sa taas ng pinakamataas na burol, na tinatawag na Bundok ng Sion.

maraming tubig

Ito ay marahil nangangahulugan ng “mga lawa ng tubig”

Psalms 84:7-10

O Diyos, bantayan ang aming kalasag

Ang manunulat ay inihambing ang hari sa isang kalasag na nangangalaga sa mga tao. “O Diyos, bantayan ang aming hari;” (Tingnan: Metaphor)

ibang dako

“ibang mga lugar”

bantay sa pinto

“nagbabantay sa pinto”

Dahil ang isang araw sa iyong patyo ay mas mabuti kaysa isang libo sa ibang dako

(Tingnan: Hyperbole)

Psalms 84:11-12

Dahil si Yahweh na Diyos ay ang ating araw at kalasag

(Tingnan: Metaphor)

lumalakad na may dangal

“ang siyang lumalakad sa katapatan.”

Psalms 85

Psalms 85:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Para sa pinunong manunugtog

“Ito ay para sa direktor ng musika na gagamitin sa pagsamba.”

Isang awit ng mga anak ni Korah

“Ito ay isang awit na isinulat ng mga anak ng Korah.”

nagpakita ka ng pabor sa iyong lupain

Dito, ang “lupain” ay tumutukoy sa bansa at bayan ng Israel. (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 85:3-5

Mo … iyong

Ang mga panghalip na “mo” at “iyong” ay tumutukoy kay Yahweh. (Tingnan: Forms of You)

Kami

ang “kami” ay tumutukoy sa mga Israelita

Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit

Ang manunulat ay gumamit ng magkatulad na mga kataga para bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatawad ng Diyos. (Tingnan: Parallelism)

Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit sa mga salinlahi sa hinaharap?

Ang manunulat ay gumamit ng magkakatulad na mga pangungusap para bigyang-diin ang taos-pusong hiling. Maaaring isalin na: “Pakiusap na huwag manatiling galit sa amin magpakailanman.” (Tingnan: Parallelism)

Psalms 85:6-7

Mo … iyong

Ang mga panghalip na ito ay tumutukoy kay Yahweh. (Tingnan: Forms of You)

Hindi mo ba kami bubuhaying muli?

Ang manunulat ay gumawa muli ng taos-pusong hiling. Maaaring isalin na: “Pakiusap paunlarin mo kaming muli.”

Psalms 85:8-9

makikipag-ayos sa kaniyang bayan

“Magkaroon ng mapayapang relasyon sa kaniyang bayan” o “magdala ng kapayapaan sa kaniyang bayan”

Pero hindi sila dapat bumalik sa hangal na pamamaraan

“Pero hindi sila dapat magsimulang gumawa muli ng mga hangal na bagay.”

Psalms 85:10-13

Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo

Maaaring isalin na: “Parehong ipapakita ng Diyos sa atin ang kaniyang katapatan at kaniyang pagiging katiwa-tiwala.” (Tingnan: Personification and Abstract Nouns)

ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa

Maaaring isalin na: Parehong pinagpala tayo ng katuwiran at kapayapaan ng Diyos.” (Tingnan: Personification and Abstract Nouns)

Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay uusbong mula sa lupa

Maaaring isalin na: “Ang pagiging katiwa-tiwala ay uusbong na parang halaman,” (Tingnan: Abstract Nouns)

ang tagumpay ay dudungaw mula sa langit

Inilarawan ng manunulat ang tagumpay bilang isang taong nakatingin sa baba katulad ng ginawa ng Diyos. Maaaring isalin na: “Ang Diyos ay titingin sa atin ng may pabor at bibigyan tayo ng katagumpayan. (Tingnan: Personification and Abstract Nouns)

Psalms 86

Psalms 86:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

iyong lingkod

Tinukoy ni David ang kaniyang sarili bilang “iyong lingkod,” iyon ay ang lingkod ng Diyos.

Psalms 86:3-4

Buong araw

“palagi” (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 86:5-9

Sa araw ng aking kaguluhan

“Sa mga oras ng paghihirap” (Tingnan: Metonymy)

Tumatawag sa iyo

nananalangin sa iyo”

Psalms 86:10-12

Kamangha-manghang mga bagay

“labis na mabubuting mga bagay na kinamamanghaan ko”

ikaw lamang ang Diyos

“ikaw ang tanging Diyos.”

lalakad sa iyong katotohanan

“kumilos ng ayon sa totoong mga bagay na sinasabi mo sa lahat ng oras”

kita ng buong puso

“kita ng buong pagkatao”

Psalms 86:13-14

naghihimagsik laban sa akin

“nagsama-sama para pinsalain ako.”

Psalms 86:15-17

sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan

“patuloy na pinapakita ang iyong sarili na tapat at mapagkakatiwalaan.”

Harapin mo ako

“Ipakita ang iyong sarili sa akin”

ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng iyong babaeng lingkod

Tinutukoy ni David ang kaniyang sarili bilang “ iyong lingkod” at “anak ng iyong lingkod na babae.” Maaaring isalin na: “Palakasin at iligtas ako.” (Tingnan” Parallelism)

Psalms 87

Psalms 87:1-3

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Ang isang awit ng mga anak ng Korah

“Ito ang isang awit na sinulat ng mga anak ng Korah.”

Ang lungsod ng Panginoon

Ito ay tumutukoy sa Jerusalem

Naitatag

Ang Panginoon ay itinatag ang lungsod na ito sa banal na bundok. (Tingnan: Active and Passive)

Tarangkahan ng Sion

“lungsod ng Jerusalem” (Tingnan: Synecdoche)

Mga tolda ni Jacob

Ang mga taong nakatira sa mga tolda habang nagpapagala-gala sa disyerto. Ngayon ang manunulat ay gumamit ng ganitong ideya para isalarawan kung saan sila nakatira. Maaaring isalin na: “tirahan ng mga Israelita.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 87:4

Binanggit ko

“Sinabi ko tungkol”

Sa mga tagasunod ko

“sa mga sumasamba sa Diyos”

Rahab

Ito ay isang pangalan na minsan ay ginagamit para tumukoy sa Ehipto. (Tingnan: Metonymy and How to Translate Names)

Ang isang ito ay ipinanganak doon

“Ang isang ito” ay tumutukoy sa mga bayan na binabanggit ng manunulat. Kahit na hindi sila pisikal na pinanganak sa Sion, ang mga sumusunod sa Diyos ay espiritwal na mamamayan ng Jerusalem.

Psalms 87:5-6

Bawat isa rdito ay ipinanganak sa kaniya

Maaaring isalin na: “Bawat isa dito ay nagkaroon ng simula sa Sion.”

ang Kataas-taasan

Ang manunulat ay gumamit ng panghalip para magbigay-diin na ang Kataas-taasan ang siyang gumagawa nito. (Tingnan: Reflexive Pronouns)

Tinatandaan ni Yahweh

“Binibilang ni Yahweh” o “Si Yahweh ay nagbibigay ng espesyal na atensyon”

Ang isang ito ay ipinanganak doon

Tingnan kung paano mo isinalin sa 87:4

Psalms 87:7

Pangkalahatang Kaalaman:

Sa palagay namin ang UDB ay ginagawang malinaw ang ULB.

Psalms 88

Psalms 88:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang kanta, isang awit ng mga anak ni Korah

“Ang awit na ito ay sinulat ng mga anak na lalaki ni Korah.”

para sa punong manunugtog

“ito ay para sa direktor ng musika para gamitin sa pagsamba.”

Ayon sa Mahalath Leannoth

Maaaring tumutukoy ito sa estilo ng musika.

Isang maskil

Maaari tumutukoy ito sa estilo ng musika. Tingnan kung paano mo sinalin ito sa 32:1.

Psalms 88:3-4

na gaya ng mga bumababa sa hukay

Maaaring isalin na: “katulad ng pagtuturing nila sa mga malapit nang mamatay

Psalms 88:5-6

Iniwan ako sa gitna ng mga patay

Maaaring isalin na: Iniwan akong mag-isa na parang patay” (Tingnan: Hyperbole)

wala ka nang pakialam

Maaaring isalin na: “na hindi na natatanggap ang pag-aalaga mo” o “mga tao na tinigilan mo nang alagaan”

Psalms 88:7

Nakadagan sa akin ang bigat ng iyong poot

Maaaring isalin na: “nararamdaman ko ang labis mong galit” o “Nararamdaman ko kung gaano ka galit na galit sa akin” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 88:8

mga kasama ko

“ang mga kilala ako”

Ginawa mo akong katakot-takot na tanawin sa kanila

Maaaring isalin na: “Ginawa mo akong nakakapandiring tingnan sa kanila” o “ Dahil sa iyo, nagugulat sila kapag nakikita nila ako”

Nakagapos ako

“Napaliligiran ako”

Psalms 88:9-10

Namamaga

“pagod”

inuunat ko ang aking mga kamay sa iyo

“Itinataas ko ang mga kamay ko sa iyo.” Ang kilos na ito ay nagpapakita na buong loob siyang umaasa sa Diyos.

Gagawa ka ba ng mga himala para sa patay?

“Hindi ka gumagawa ng himala para sa mga patay.” (Tingan: Rhetorical Question)

Babangon ba ulit silang mga namatay para papurihan ka?

“Alam mo na ang mga patay ay hindi tatayo at papupurihan ka.” (Tingan: Rhetorical Question)

Psalms 88:11-14

Maihahayag ba sa libingan ang iyong katapatan sa tipan, ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?

Maaaring isalin na: “Walang sinuman ang maghahayag ng iyong katapatan sa tipan o pagiging tapat mula sa libingan.” (Tingan: Rhetorical Question )

ang iyong pagiging tapat sa lugar ng mga patay?

Maaari itong isalin bilang hiwalay na pangungusap. “Maihahayag ba ang iyong katapatan sa lugar ng mga patay?” (Tingnan: Ellipsis)

Malalaman ba ang kamangha-mangha mong mga ginawa kadiliman, o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?

Maaaring isalin na: “Hindi paguusapan ng mga tao ang kamangha-mangha mong mga ginawa at katuwiran sa madilim na lugar ng mga nakalimutang patay.” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

o ang iyong katuwiran sa lugar ng pagkamakalimutin?

Maaari itong isalin bilang hiwalay na pangungusap. “Malalaman ba ang katuwiran mo sa lugar ng pagkamakalimutin? o “Ang mga nasa lugar ng pagkamakalimutin ay hindi malalaman ang mga makatuwirang bagay na ginagawa mo” (Tingnan: Ellipsis and Rhetorical Question and )

Psalms 88:15-16

Matagal na akong naghihirap at nasa bingit na ng kamatayan

Maaaring isalin na: “Patuloy kong nararamdaman ang hirap at bingit ng kamatayan” (Tingnan: Hyperbole)

Dinaanan na ako ng iyong galit

Maaaring isalin na: “Dinudurog ako ng mga ginagawa mo kapag galit ka” o “ Tila dinudurog ako ng mga kilos mo sa galit”

pinuksa ako ng katakot-takot mong mga gawain

Maaaring isalin na: “Ang mga katakot-takot na mga bagay na ginagawa mo ay winasak ako” o “Ang mga katakot-takot na mga bagay na ginagawa mo ay halos wasakin ako” (Tingnan: Hyperbole)

Psalms 88:17-18

nila

Ang salitang “nila” ay tumutukoy sa “galit” ng Diyos at “katakot-takot na mga gawain” mula sa naunang talata.

Buong araw nila akong pinaligiran katulad ng tubig

Hinahalintulad ng manunulat ang “galit” ng Diyos at “katakot-takot na mga gawain” sa baha. Maaaring isalin na: “Buong araw nila akong tinatakot na wasakin katulad ng baha” (Tingnan: Simile)

pinalibutan nila ako

Ang manunulat ay nagsasalita sa “galit na pagkilos” ng Diyos at “katakot-takot na mga gawain” na tila mga kaaway ang mga ito na sinusubukang hulihin at patayin siya. Maaaring isalin na: “pinaligiran nila ako katulad ng mga kalabang kawal” (Tingnan: Metaphor)

bawat kaibigan at kasama

Maaaring isalin na: “bawat taong minamahal ko, o kahit ang mga hindi gaanong kilala” (Tingnan: Hyperbole)

Ang tanging kasama ko lang ay ang kadiliman

(Tingnan: Hyperbole and Personification)

Psalms 89

Psalms 89:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang maskil

Maaaring tumutukoy ito sa isang estilo ng musika. Tingnan kung paano mo ito sinalin sa 32:1.

Ethan ang Ezrahita

Ang pangalan ng manunulat at ng kaniyang angkan. (Tingnan: How to Translate Names)

Katapatan sa tipan

“Mga pangako ng tapat na pagmamahal”

Psalms 89:3-4

Nakipagtipan ako sa aking pinili

Maaaring isalin na: “Nangako ako kay David, ang pinili ko”

itataguyod ko ang iyong trono

Nangangako ang Diyos na palaging mayroong magiging tagapamahala na mula sa angkan ni David. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 89:5-6

ang iyong pagiging totoo ay pinupuri sa pagtitipon ng mga banal

Maaaring isalin na: “Pinupuri ng pagtitipon ng mga banal ang iyong pagiging totoo.” (Tingnan: Active or Passive)

Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?

Sinasabi ng manunulat na walang sinuman sa langit o sa lupa ang katulad ni Yahweh. (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 89:7-8

konseho ng mga banal

Maaaring isalin na: “ang pagtitipon ng makalangit na mga nilalang”

sino ang kasing lakas mo, Yahweh?

Nagtatanong ang manunulat para magbigay diin na walang sinuman ang katulad ni Yahweh. (Tingnan: Rhetorical Question)

Pinapaligiran ka ng iyong katapatan.

Maaaring isalin na: “Ang katapatan mo ay pinapaligiran ka.” (Tingnan: Personification)

Psalms 89:9-10

Dinurog mo si Rahab katulad ng piñata

“Rahab” ay isa pang salita para sa “Ehipto” Maaaring isalin na: “Dinurog mo ang mapagmataas na Ehipto na halos mamatay na.” (Tingnan: Personification)

sa pamamagitan ng malakas mong bisig

Maaaring isalin na: “sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 89:11-12

Nagsasaya ang Tabor at Hermon sa pangalan mo

ng Tabor ay isang bundok sa kanlurang bahagi ng Israel at ang Hermon ay isang bundok sa silangang bahagi. (Tingnan: Personification and How to Translate Names)

Psalms 89:13-14

Mayroon kang makapangyarihan bisig at malakas na kamay, at nakataas ang iyong kanang kamay

Ang Diyos, na siyang espiritu, ay nilalarawan na tila mayroon siyang pisikal na katawan at lubos na malakas, matatag at makapangyarihan. (Tingnan: Metonymy)

Katuwiran at hustisya

Hinahambing ng manunulat ang mga kaisipang ito sa isang pundasiyon. (Tingnan: Abstract Nouns and Metaphor)

trono

Ang trono ay isang sagisag ng pamamahala ng Diyos. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 89:15-16

Mapalad ang mga sumasamba sa iyo!

Maaaring isalin na: Mapalad ang mga taong masasayang sumisigaw sa kanilang pagsamba!”

Psalms 89:17-18

Dahil ang kalasag namin ay pagmamay-ari ni Yahweh

Tinutukoy ng Biblia ang Diyos bilang kalasag para sa kaniyang mga tao. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 89:19-23

Pangkalahatang Kaalaman

Pinapalagay ng manunulat na alam ng mambabasa ang kasaysayan kung paano naging piniling hari si David. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Aalalayan siya ng aking kamay; palalakasin siya ng aking bisig

Ang “kamay” at “bisig” ay parehong nangangahulugan sa kapangyarihan at pamumuno ni Yahweh. (Tingnan: Metonymy and Parallelism)

anak ng kasamaan

Tinutukoy ng manunulat ang mga taong may masamang kalikasan o paguugali bilang “mga anak ng kasamaan.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 89:24-26

sa pamamagitan ng pangalan ko siya ay nagtatagumpay.

Ang “sa pamamagitan ng pangalan ko” ay nangangahulugang katanyagan ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Ako, ang Diyos, ay magbibigay sa iyo ng tagumpay.” (Tingnan: Metonymy)

Ipapataong ko ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ang kanang kamay niya sa ibabaw ng mga ilog

Ang pangalawang linya ay nagdadagdag ng diin sa unang linya. Maaaring isalin na: “Bibigyan ko siya ng kapangyarihan sa ibabaw ng dagat at mga ilog.” (Tingnan: Metonymy and Parallelism)

ang bato ng aking kaligtasan

Sinasabi ng manunulat na ang Diyos ay kasing lakas at kasing tigas ng bato. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 89:27-29

ang kaniyang trono

Tumutukoy ito sa kaharian ni David. (Tingnan: Metonymy)

Psalms 89:30-32

kaniyang mga anak

“Ang mga kaapu-apuhan ni David” o “Ang bayan ng Diyos sa Israel”

Psalms 89:33-34

kaniya

Maaaring isalin na: “David” o “kaniyang mga kaapu-apuhan”

ang mga salita ng aking mga labi

“mga labi” ay kumakatawan sa buong bibig at ang taong nagsasalita.

Psalms 89:35-37

kaniyang trono

Tumutukoy ito sa kaharian ni David. (Tingnan: Metonymy).

magpakailanman katulad ng buwan

“tumagal magpakailanman katulad ng buwan” (Tingnan: Simile)

ng buwan, ang tapat na saksi sa kalangitan

(Tingnan: Metaphor and Personification)

Psalms 89:38-40

Tinalikuran mo ang tipan

Maaaring isalin na: “Tinanggihan mo ang tipan”

Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa

Maaaring isalin na: “Dinungisan mo ang kaniyang korona sa lupa.” Ang pagsubsob sa lupa o alikabok ay isang tanda ng labis na kahihiyan. (Tingnan: Idiom)

Psalms 89:41-43

lahat ng dumaan

Nararamdaman niya na tila lahat ng dumaan ay ninakawan siya. (Tingnan: Hyperbole)

Itinaas mo ang kanang kamay ng mga kaaway niya

Ang kahulugan ng “pagtaas ng kanang kamay” ay dinadagdagan ni Yahweh ang lakas at pamamahala ng kaniyang mga kaaway. (Tingnan: Metonymy)

Binaliktad mo ang dulo ng kaniyang espada

Pinahihina ni Yahweh ang kaniyang bahagi sa labanan. (Tingnan: Metonymy and Idiom)

Psalms 89:44-45

giniba mo ang kaniyang trono

Maaaring isalin na: “Tinapos mo, Yahweh, sa kahihiyan ang kaniyang paghahari.” (Tingnan: Metonymy)

Pinaikli mo ang araw ng kaniyang kabataan

Maaaring isalin na: “mabilis mo siyang pinahina.”

Binihisan mo siya ng kahihiyan

Dinala ni Yahweh ang hari sa ganap na kahihiyan. (Tingnan: Idiom)

Psalms 89:46-48

Itatago mo ba ang iyong sarili

Ang kahulugan ng “itatago mo ba ang iyong sarili” ay pinipigil ni Yahweh ang kaniyang presensiya at tulong. (Tingnan: Metaphor)

maglalagablab ang iyong galit tulad ng apoy

Hinahalintulad ng manunulat ang matinding galit sa apoy. (Tingnan: Simile)

mga anak ng tao

“ang mga tao at ang kanilang mga kaapu-apuhan” (Tingnan: Metonymy)

Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol?

Pinapalagay ng manunulat na alam ng mambabasa na walang kayang gumawa nito. Tinanong niya ito para magbigay diin. Maaaring isalin na: “Sino ang kayang mabuhay magpakailanman, o sagipin ang sarili niyang kaluluwa mula sa kamatayan?” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 89:49-51

Alalahanin mo

Hinihiling ng manunulat kay Yahweh na alalahanin ito. Maaaring isalin na: “Tandaan” (Tingnan: Idiom)

kinikimkim sa aking puso

Maaaring isalin na: “dalhin ang paghihirap sa aking damdamin: (Tingnan: Idiom)

Nagbabato

ang kahulugan nito ay marahas na maghagis. Dito, ang pagsabi o pagsigaw ng isang bagay ng malakas, katulad ng panlalait ng mga kaaway. (Tingnan: Metaphor)

ang mga hakbangin

Hinahalintulad ng manunulat ang mga hakbangin ng hari sa mga pagpili at mga kilos na ginagawa niya sa pamamahala ng bansa. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 89:52

Amen at Amen

Sa katapusan ng Ikatlong Aklat ng Mga Awit, hinahayag ng manunulat na “Mangyari nga” at inuulit to para magbigay diin.

Psalms 90

Psalms 90:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Isang panalangin ni Moises

“Ito ay isang panalangin na sinulat ni Moises.”

Panginoon, ikaw ang aming kublihan

Maaaring isalin na: “Panginoon, ikaw ang aming kanlungan” (Tingnan: Metaphor)

sa mga nakalipas na mga salinlahi

“palagi” (UDB)

nahubog

nalikha o hinugis

Bago nahubog ang mga bundok

Maaaring isalin na: “Bago mo hinubog ang mga bundok” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 90:3-4

Binabalik mo sa alabok ang tao

Maaaring isalin na: “Binabalik mo sa alabok ang tao kapag namatay siya” (Tingnan: Assumed Knowl-edge and Implicit Information)

Bumalik ka, ikaw na lahi ng tao

Maaaring isalin na: “Bumalik kayo sa alabok, mga kaapu-apuhan”

isang libong taon

“1,000 na taon” (Tingnan: Numbers)

Dahil ang isang libong taon ay parang kahapon na lumipas, na tulad ng hudyat sa gabi.

Maaaring isalin na: “Nakikita mo ang isang libong taon tulad ng paglipas ng kahapon, o ilang oras lang sa gabi” o “Kahit ang isang libong taon ay hindi mahabang panahon sa iyo.” (Tingnan: Simile)

Psalms 90:5-6

Tinatangay mo sila na tulad ng baha at nakakatulog sila

Maaaring isalin na: “Panginoon, winawasak mo ang mga tao katulad ng baha at namatay sila” (Tingnan: Metaphor and Simile)

tulad sila ng sumisibol na damo

Dito, ang mga tao ay hinahalintulad sa mga damo na nagsisimulang tumubo dahil pareho silang nabubuhay ng maiksi. (Tingnan: Simile)

ito ay namumulaklak at tumutubo

Ang parehong pariralang ito ay tumutukoy sa kung paano tumutubo ang damo. Maaaring isalin na: “nagsisimula itong tumubo at lumago” (Tingnan: Doublet)

gabi

ang mga unang oras ng gabi

ito ay nalalanta at natutuyot

Ang parehong pariralang ito ay tumutukoy sa kung paano namamatay ang damo. Maaaring isalin na: “nalalanta ito at natutuyot” (Tingnan: Doublet)

Psalms 90:7-8

nilalamon kami

Ang salitang “kami” dito ay tumutukoy sa bayan ng Diyos

at sa iyong poot kami ay lubhang natatakot

Maaaring isalin na: “at kapag galit ka labis kaming natatakot”

Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya

Maaaring isalin na: “Palagi mong tinatandaan kahit ang mga lihim naming mga kasalanan.”

Psalms 90:9-10

tulad ng pagbuntong-hininga

Maaaring isalin na: “katulad ng mahaba, malakas na tunog ng paghinga” (Tingnan: Simile)

pitumpu

“70” (Tingnan: Numbers)

Walumpu

“80” (Tingnan: Numbers)

tinatangay kami palayo

Maaaring isalin na: “namamatay kami” (Tingnan: Euphemism)

Psalms 90:11-13

Sino ang nakakaalam sa tindi ng iyong galit; ang poot mo na katumbas sa takot na dinudulot nito?

Maaaring isalin na: “Sino ang nakakaalam ng tindi ng iyong galit, at ang poot mo na katumbas ng takot na dinudulot nito?” (Tingnan: Rhetorical Question) o “walang sinuman ang nakakaalam ng antas ng iyong galit, at ang katumbas ng iyong poot sa takot na dinudulot nito.”

Bumalik ka, Yahweh!

Maaaring isalin na: “Talikuran mo ang iyong galit, Yahweh!” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Maawa

“mahabag”

Psalms 90:14-16

katumbas ng mga araw nang sinaktan mo kami at sa mga taon na nakaranas kami ng suliranin

Ang parehong pariralang ito ay pareho ang kahulugan at pinagsama para magbigay diin. Maaaring isalin na: “para sa parehas na haba ng oras na sinaktan mo kami at dinulot kaming magdusa” (Tingnan: Parallelism)

Psalms 90:17

pasaganain ang gawa ng aming mga kamay

Maaaring isalin na: “papagtagumpayin mo kami” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 91

Psalms 91:1-2

Pangkalahatang kaalamanan:

Tingnan: Poetry at Parallelism

nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan

Maaaring isalin na: “ay iniingatan ng Kataas-taasan” (Tingnan: Metaphor)

Aking sasabihin kay Yahweh

“Sasabihin ko ang tungkol kay Yahweh”

aking kanlungan at aking tanggulan

Ang mga salitang “kanlungan” at “tanggulan” ay iisa lang ang kahulugan. Ginagamit ang mga ito ng manunulat para magpahayag tungkol kay Yahweh bilang isang lugar ng kaligtasan kung saan hindi makakalusob ang mga kaaway. (Tingnan: Doublet and Metaphor)

aking Diyos, na aking pinagkakatiwalaan

– Maaaring isalin na: “aking Diyos, na aking pinagkakatiwalaan” o “aking Diyos; magtitiwala ako sa kaniya”

Psalms 91:3-4

Dahil sasagipin ka niya mula sa patibong ng mangangaso at mula sa nakamamatay na salot

Maaaring isalin na: “Sapagkat sasagipin ka ng Diyos mula sa bitag ng mangangaso at sasagipin ka niya mula sa mga salot na nakakapatay” (Tingnan: Ellipsis)

Tatakpan ka niya ng kaniyang mga pakpak

Dito, ang “mga pakpak” ay kumakatawan sa kaligtasan. (Tingnan: Metaphor)

Ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan ay isang kalasag at proteksyon

Maaaring isalin na: “Ang kaniyang makatotohanang mga pangako ay isang mapang-ingat na kalasag.” (Tingnan: Metaphor and Abstract Nouns)

Psalms 91:5-7

sa kilabot ng gabi

Dito, ang “kilabot” ay binigyan ng mga kakayahang pantao. (Tingnan: Personification)

o ang salot

Maaaring isalin na: “Hindi ka matatakot sa salot”

salot na gumagala

Ang salot dito ay binigyan ng mga kakayahang pantao. (Tingnan: Personification)

gumagala

lumibot nang walang plano

Libo ang maaaring mabuwal sa iyong tabi, at sampung libo sa iyong kanang kamay

Maaaring isalin na: “1,000 mga tao ay maaaring mahulog sa iyong tabi at 10,000 mga tao ay maaaring mahulog sa iyong kanang kamay,” (Tingnan: Assumed Knowl-edge and Implicit Information at Numbers)

Psalms 91:8-9

Dahil si Yahweh ang aking kanlungan!

Maaaring isalin na: “Si Yahweh ang aking kanlungan!

Gawin mo ding kanlungan ang Kataas-taasan

Maaaring isalin na: “Dapat mo ding gawing kanlungan ang Kataas-taasan.” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 91:10-11

makakaabot sa iyo

biglang darating

Dahil uutusan niya

Maaaring isalin na: “Uutusan ni Yahweh”

Psalms 91:12-13

Itataas ka nila

Maaaring isalin na: “Itataas ka ng mga anghel ni Yahweh”

Dudurugin mo ang mga leon at ulupong sa iyong mga paa; iyong yuyurakan ang mga batang leon at mg ahas

Ang kaisipan ay inulit sa bahagyang magkaibang mga salita para magbigay-diin. Ang mga leon at ahas ay mga halimbawa ng mga labis na kapahamakan. Maaaring isalin na: “Makakaya mong pagtagumpayan ang mga labis na kapamahakan.” (Tingnan: Synec-doche at Parallelism)

mga ulupong

mga uri ng makamandag na ahas.

yuyurakan

durugin sa pamamagitan ng paglakad nang madiin

Psalms 91:14-16

Dahil matapat siya sa akin

Maaaring isalin na: “Dahil mahal niya ako”

bibigyan ko siya ng katagumpayan at pararangalan siya.

Maaaring isalin na: “Bibigyan ko siya ng katagumpayan at karangalan.”

Psalms 92

Psalms 92:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

at para kumanta ng papuri sa iyong ngalan

Maaaring isalin na: “para umawit ng mga papuri sa iyo” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 92:4-5

pinasaya

“pinaligaya”

sa gawa ng iyong mga kamay

Maaaring isalin na: “kung ano ang ginawa mo” (Tingnan: Synecdoche)

Psalms 92:6-7

malupit

"marahas at hangal”

Kapag sumisibol ang masasama katulad ng damo

Maaaring isalin na: “Kapag lumago ang mga masasamang tao at kumalat katulad ng damo” (Tingnan: Simile)

mananatili silang nasa tiyak na kapahamakan magpakailanman

Maaaring isalin na: “hahatulan sila ng pagkawasak magpakailanman”

Psalms 92:8-9

lahat ng gumagawa ng masama ay nakakalat

Maaaring isalin na: “lahat ng gumagawa ng kasamaan ay pinadala sa magkakaibang landas at namatay.”

Psalms 92:10-11

Itinaas mo ang aking sungay katulad ng sungay ng mabangis na toro

Maaaring isalin na: “Ginawa mo akong kasinlakas ng isang mabangis na toro;” (Tingnan: Metonymy at Simile)

Nakita ng aking mga mata ang pagkabagsak ng aking mga kaaway; ang aking mga tainga ay narinig ang katapusan ng aking mga masasamang kaaway.

Maaaring isalin na: “Nakita at narinig ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway.” (Tingnan: Synecdoche)

pinahiran ako ng sariwang langis

Maaaring isalin na: “Dinulot mo akong maging maligaya sa pamamagitan ng iyong pahintulot.” (Tingnan: Metonymy)

Psalms 92:12-13

Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.

Maaaring isalin na: “Ang mga taong matutuwid ay lalago nang maayos tulad ng isang puno ng palma; tutubo sila tulad ng isang puno ng sedar sa Lebanon.” (Tingnan: Simile)

Psalms 92:14-15

Namumunga sila

Pinaparating ng mga matutuwid na tao ang mga magagandang bagay. (Tingnan: Idiom)

nanatili silang sariwa at luntian

Maaaring isalin na: “Nananatiling malakas at malusog ang mga matutuwid na tao.” (Tingnan: Metaphor)

Siya ang aking bato

Si Yahweh ang aking matibay na pundasyon. (Tingnan: Metaphor)

Psalms 93

Psalms 93:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry and Parallelism

siya ay binabalutan ng kamaharlikaan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya na ito na parang isang sinturon

Sa mga pariralang ito, ang kamarhalikahan at kapangyarihan ni Yahweh ay ipinapakita bilang mga kagamitan ng pananamit. (Tingnan: Metaphor and Simile)

kalakasan

kapangyarihan at lakas

sinturon

isang tali na gawa sa balat o iba pang kagamitan na sinusuot ng isang tao sa palibot ng kaniyang baywang

Psalms 93:3-4

kanilang itinaas ang kanilang mga boses; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong

Maaaring isalin na: “gumawa ng isang malakas na ingay dahil ang kanilang mga alon ay nagsasalpukan at dumadagundong” (Tingnan: Personification)

dumadagundong

gumagawa ng mahaba at malakas na tunog.

Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat

Ang pariralang “ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat” ay nangangahulugan ng parehong bagay tulad sa “maraming mga alon” at binibigyang-diin kung gaano kalaki ang mga alon na ito. Maaaring isalin na: “Sa ibabaw ng pagsasalpukan ng lahat ng napakalaking mga alon ng dagat” (Tingnan: Doublet)

naghahati

mga malalaking alon na umaabot sa lupa

Psalms 93:5

taos pusong

labis na seryoso

nagpapalamuti

ginagawang maganda

Psalms 94

Psalms 94:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

magliwanag sa amin

Maaaring isalin na: “ipakita ang iyong sarili” o “ipahayag ang iyong katarungan”

Bumangon ka, hukom ng mundo, ibigay mo sa mapagmalaki kung ano ang nararapat sa kanila

Maaaring isalin na: “Pumarito ka, hukom ng mundo, at parusahan ang mapagmalaki”

Psalms 94:3-4

Yahweh, gaano magtatagal ang kasamaan, gaano magtatagal ang kaligayahan ng masasama?

Sa pag-uulit ng mga pariralang ito at pagtatanong, pinapakita ng manunulat ang kaniyang mga matinding nararamdaman. Maaaring isalin na: “Yahweh, ang mga masasamang tao ay parang laging nananalo” (Tingnan: Rhetorical Question at Parallelism)

Nagbubuhos sila ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat

Maaaring isalin na: “Ang mga masasamang tao ay nagsasabi ng mga mapagmataas na mga bagay at pinagyayabang ang paggawa ng kasamaan” (Tingnan: Parallelism)

Psalms 94:5-7

Wawasakin nila ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang bansa na nabibilang sa iyo.

Ang mga pariralang ito ay magkabahagi ng parehong mga kahulugan at pinagsama para sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: “Ang masasamang tao ay inaapi ang iyong bayan, Yahweh; sinasaktan nila ang iyong piniling bansa.” (Tingnan: Parallelism)

ang balo

"ang mga babae na ang mga asawa ay namatay”

ang dayuhan

"mga hindi kakilala sa lupain”

ang mga ulila

“mga batang walang mga ama”

ang Diyos ni Jacob ay hindi mapapansin ito

Maaaring isalin na: “ang Diyos ng Israel ay hindi nakikita kung ano ang ginagawa natin”

Psalms 94:8-9

Pangkalahatang Kaalaman:

Ngayon, ang manunulat ay nagtuturo sa mga masasamang tao.

kailan kayo matututo?

Ang tanong na ito ay binibigyang-diin kung gaano kahalaga ang makaintindi at matuto. Maaaring isalin na: “itigil ang inyong mga hangal na pamamaraan” o “matuto mula sa inyong mga pagkakamali” (Tingnan: Rhetorical Question)

Siya na lumikha ng tainga, hindi ba niya naririnig? Siyang naghulma ng mata, hindi ba siya nakakakita?

Ang mga tanong na ito ay tinanong para bigyang-diin ang isang pananaw. Maaaring isalin na: “Ginawa ng Diyos ang mga tainga, kaya naririnig niya ang lahat. Ginawa ng Diyos ang mga mata, kaya nakikita niya ang lahat.” (Tingnan: Rhetorical Question)

Psalms 94:10-11

Pangkalahatang Kaalaman:

Ang manunulat ay patuloy na tinuturuan ang mga masasamang tao.

hindi ba niya tinatama?

Ang tanong na ito ay nagbibigay-diin ng isang pananaw, at pinapahiwatig na ito ay tumutukoy sa kaniyang bayan. Maaaring isalin na: “itatama niya ang kaniyang bayan” o “paparusahan niya ang kaniyang bayan” (Tingnan: Rhetorical Question and Assumed Knowledge and Implicit Information)

Psalms 94:12-13

Pangkalahatang Kaalaman:

Ngayon, ang manunulat ay kinakausap ulit si Yahweh.

Pinagpala siya na iyong tinuruan, Yahweh, siya na tinuruan mo mula sa iyong batas

Ang mga pariralang ito ay magkabahagi ng parehong mga kahulugan at pinagsama para sa pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: “Mapalad ang taong tinuturuan mo mula sa iyong batas, Yahweh.” (Tingnan: Parallelism and Ellipsis)

hanggang ang isang hukay ay binungkal para sa masasama

Dito, ang “hukay” ay kumakatawan sa isang bitag para sa paghuli at pagpaparusa sa mga masasama. Maaaring isalin na: “hanggang sa mawasak mo ang mga masasama” (Tingnan: Active or Passive and Metaphor)

Psalms 94:14-16

Dahil hindi iiwanan ni Yahweh ang kaniyang mga tao o pababayaan ang kanyang mana.

Dito, ang “mana” ay tumutukoy sa kaniyang bayan. Maaaring isalin na: “Hindi iiwan o kalilimutan ni Yahweh ang kaniyang pangako sa kaniyang bayan.” (Tingnan: Parallelism)

Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?

Ang mga tanong na ito ay ginamit para magpahayag ng pangangailangan ng tulong; magkabahagi sila ng magkaparehong mga kahulugan at inulit para sa pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: “Walang magtatanggol sa akin laban sa mga masasamang tao. Walang tutulong sa akin na labanan ang mga masasamang tao.” (Tingnan: Rhetorical Question and Parallelism)

Psalms 94:17-19

sa kalaunan, ako ay hihiga sa lugar ng katahimikan

Maaaring isalin na: “sa isang maiksing panahon, mamamatay ako, nahihimlay sa isang tahimik na libingan”

Kapag ang mga alalahanin na nasa akin ay nagbabadya na tabunan ako

Maaaring isalin na: “Kapag mayroon akong napakaraming mga problema para hawakan” (Tingnan: Personification)

ang iyong kaginhawaan ang nagpapasaya sa akin

Maaaring isalin na: “inaaliw mo ako” (UDB) (Tingnan: Abstract Nouns)

Psalms 94:20-21

Kaya ba ng masasamang mga pinuno na makiisa sa iyo, silang mga gumawa ng walang katarungan sa pamamagitan ng alituntunin?

Ang tanong na ito ay ginamit para magbigay ng pananaw. Maaaring isalin na: “Ang mga masasamang namumuno na gumagawa ng mga hindi makatarungang batas ay hindi mo kaibigan” (Tingnan: Rhetorical Question)

nagsasabwatan

pagpaplano ng isang bagay na mapanganib o hindi ayon sa batas nang palihim kasama ang isang tao

Psalms 94:22-23

si Yahweh ang naging matayog kong tore

Dito, ang “tore” ay kumakatawan sa pag-iingat. Maaaring isalin na: “Iningatan ako ni Yahweh mula sa aking mga kaaway” (Tingnan: Metaphor)

Diyos ang naging bato sa aking kanlungan

Dito, ang “bato” ay nilalarawan ang Diyos bilang malakas at matibay, at ang “kanlungan” ay tumutukoy sa kaligtasan. Maaaring isalin na: “iningatan ako ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 95

Psalms 95:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry at Parallelism

pumasok sa kaniyang presensya

pumunta kung nasaan ang Diyos

pasasalamat

pagiging mapagpasalamat

nananaig

Ang mga posibleng kahulugan ay: “namamahala sa lahat ng iba pang mga diyus-diyosan” o “higit na mabuti kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosan”

Psalms 95:4-5

kalaliman

mga malalalim na lugar

katayugan

mga matataas na lugar

Psalms 95:6-7

O halika, tayo ay magpuri at yumukod; tayo ay lumuhod sa harapan ni Yahweh

Ang parehong mga pariralang ito ay nagpapahayag ng parehong posisyon ng pagsamba sa Diyos. (Tingnan: Parallelism)

lumuhod

ilagay ang parehong tuhod sa lupa

ang mga tao sa kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay

Ang dalawang mga pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at binibigyang-diin ang pangangalaga ni Yahweh para sa kaniyang bayan. Maaaring isalin na: “ang kaniyang bayan na kaniyang inaalagaan katulad ng isang pastol na inaalagaan ang kaniyang mga tupa” (Tingnan: Metaphor and Doublet)

pastulan

isang madamong lugar na pinagkakainan ng mga hayop

kamay

Dito, ang “kamay” ay kumakatawan sa kaloob ng Diyos (Tingnan: Metonymy)

Psalms 95:8-9

Pangkalahatang Kaalaman:

Ngayon, ang manunulat ay sinusulat ang mga salita na sinabi ni Yahweh.

Meribah, … Masah

Ang parehong mga salita ay tumutukoy sa isang lugar sa disyerto na pinangalanan ni Moises dahil ang mga Israelita ay nagrebelde laban sa Diyos. (Tingnan: How to Translate Names)

hamunin ang aking kapangyarihan at sinubukan ang aking pasensya

Ang dalawang mga pariralang ito ay may magkatulad na mga kahulugan. Maaaring isalin na: “sinubukan ang aking pasensya sa pamamagitan ng paghamon sa aking kapangyarihan” (Tingnan: Parallelism)

ang aking mga gawa

Maaaring isalin na: “ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa ko.”

Psalms 95:10-11

Pangkalahatang Kaalaman:

Patuloy na direktang kinakausap ni Yahweh ang kaniyang bayan.

apatnapung taon

“40 taon” (Tingnan: Numbers)

lumihis ng landas

“lumayo mula sa akin” (Tingnan: Metaphor)

hindi nila alam ang aking mga pamamaraan

Maaaring isalin na: “hindi nila ako sinunod” (Tingnan: Idiom)

pamamaraan

Ang mga plano, panuntunan, layunin o kautusan ng Diyos

lugar ng kapahingahan

“Canaan” o “Lupang Pangako”

Psalms 96

Psalms 96:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parallelism

Psalms 96:3-4

Dahil si Yahweh ay dakila at lubos siyang pupurihin

Maaaring isalin na: Dahil si Yahweh ay dakila. Purihin siya ng lubos. (Tingnan: Active or Passive)

Dapat siyang katakutan higit sa lahat ng iba pang mga diyos

Maaaring isalin na: “katakutan siya higit sa iba pang mga diyos.” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 96:5-6

Sa kanyang presensiya

“kung nasaan siya”

Kaningningan at kamahalan

Ang dalawang salitang ito ay magkasingkahulugan at nagbibigay- diin sa kadakilaan ng kaluwalhatian ni Yahweh. (Tingnan: Doublet)

Psalms 96:7-8

Iukol sa

Ibig sabihin nito ay kilalanin ang isang bagay tungkol sa isang tao. Maaaring isalin na: “ibigay sa”

Psalms 96:9-10

Manginig

manginig dahil sa takot

Ang mundo rin ay itinatag

“pinapagaling o itinatag ang mundo” (Tingnan: Active or passive)

Hindi ako mayayanig

“walang makakayanig dito” (Tingnan: Active or Passive)

Psalms 96:11-13

Hayaang mga kalangitan…ang daigdig..ang dagat…mga bukirin…ang mga puno…

Lahat ng mga bagay na ito ay isinasaad na may mga damdamin gaya ng mga tao. (Tingnan: Personification)

Siya ay darating para hatulan ang daigdig. Hahatulan niya ang mundo…ang mga tao

Ang tatlong parirala ay may parehong mga kahulugan; Ang huling dalawang parirala ay ginamit para palakasin ang una. (Tingnan: Parallelism)

Ang mga tao sa kanyang katapatan

“hahatulan niya ang mga mamamayan sa kanyang katapatan” (Tingnan: Ellipsis)

Psalms 97

Psalms 97:1-2

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry ang Parallelism

Hayaang magalak ang daigdig; hayaang matuwa ang maraming kapuluan

Ang daigdig at ang mga kapuluan ay nabanggit na may mga damdamin gaya ng mga tao. Maaaring isalin na: “Magalak at maging masaya ang lahat ng mga tao sa daigdig at iyong mga malalapit sa mga dagat” (Tingnan: Personification)

Katuwiran at katarungan ang saligan ng kanyang trono

Dito “ang saligan ng kanyang trono” ay tumutukoy kung paano pinaghaharian ni Yahweh ang kanyang kaharian. Maaaring isalin na: "Naghahari si Yahweh na may katuwiran at katarungan.” (Tingnan:Metonymy)

Psalms 97:3-5

Nakikita ng daigdig at nanginginig

"ang daigdig ay inilalarawan bilang isang tao na may kakayanan na makakita at manginig. Ito ay maaaring isaad bilang “ang mga tao sa mundo ay nakikita at nanginginig” (Tingnan: Personification}

nayayanig

nangangatog sa takot

Ang mga bundok ay matutunaw gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh

Ang mga bundok ay hindi makakatayo sa harapan ni Yahweh. Maaaring isalin na: “Ang mga bundok ay hindi makakatayo sa harapan ni Yahweh.” o “Ang mga bundok ay gumuguho sa harapan ni Yahweh.” (Tingnan: Simile)

Psalms 97:6-8

Ang lahat ng mga sumasamba sa mga inukitan na bagay- …ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang diyos-diyosan

Ang pariralang ito ay tumutukoy ”sa sinumang mga sumasamba sa mga inukit na mga bagay.” Maaaring isalin na: “Hihiyain ng Diyos ang lahat nang mga nagyayabang sa walang katuturang mga diyos-diyosan at sumasamba sa mga inukit na mga bagay.” (Tingnan:Active or Passive)

Narinig ng Sion…ang mga bayan ng Juda

Maaaring isalin na: “Narinig ang bayan ng Sion…ang bayan ng Juda” (Tingnan:Metonymy)

Psalms 97:9-12

Kamay ng mga masasama

Maaaring isalin na: “hawak ng mga masasama” (Tingnan: Synecdoche)

Ang liwanag ay itinatanim…at katuwaan para…

Ang dalawang pariralang ito ay magkasing-kahulugan at magkasamang ginamit sa pagbibigay-diin. Maaaring isalin na: “Naghahasik ng liwanag si Yahweh para sa mga gumagawa ng tama at naghahasik ng kasayahan sa mga may matapat na puso. (Tingnan: Parellelism and Active or Passive)

Ang liwanag ay itinatanim para sa mga matuwid

“Hasik” ay isang metapora para sa pagbibigay. “Nagbibigay ng liwanag ang Diyos para sa mga matutuwid” (Tingnan: Metaphor)

Psalms 98

Psalms 98:1-2

Pangkalahatang Kaalaman

Tingnan: Poetry ang Parellelism

Ang kanyang kanang kamay at kanyang banal na bisig, ay nagbibigay

Ang mga salitang “kanang kamay” at “banal na bisig” ay tumutukoy sa kalakasan ni Yahweh. Magkasamang binibigyan-diin nila kung gaano kadakila ang kanyang kalakasan. Maaaring isalin na: “ang kanyang dakilang kapangyarihan ay may” (Tingnan: Metonymy and Doublet)

Psalms 98:3-4

inaalala

“naaalala” (Tingnan: Idiom)

Psalms 98:5-6

malambing

kagiliw-giliw o nakalulugod na tunog ng musika

Psalms 98:7-9

Hayaang sumigaw ang dagat

Dito ang “dagat”ay inilalarawan bilang pagsigaw sa Diyos. (Tingnan: Personification)

ang mundo at ang mga naninirahan dito

“Hayaan na ang mundo at ang mga nakatira dito ay sumigaw. (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

Hayaan ang mga ilog na ipalakpak ang kanilang mga kamay, at hayaan ang mga bundok na sumigaw sa kagalakan

Dito ang “mga ilog” ay inilalarawan bilang ipinapalakpak ang kanilang mga kamay at ang “mga bundok” ay inilalarawan na sumisigaw. (Tingnan: Personification)

Hahatulan niya ang mundo…at ang mga bansa ng patas

Ang dalawang pariralang ito ay magkasing-kahulugan at magkasamang ginamit para magbigay-diin. (Tingnan: Parellelism)

ang mga bansa ng patas

Maaaring isalin na: “hahatulan niya ang mga bansa ng parehas” (Tingnan: Assumed Knowledge and Implicit Information)

patas

“nang matapat” o “pagkamakatao”

Psalms 99

Psalms 99:1-3

Pangkalahatang Kaalaman:

Tingnan: Poetry and Parellelism

Manginig

mangatog sa takot

Siya ay nakaluklok na mas mataas ng mga kerubin

Maaaring isalin na: “Naghahari si Yahweh sa mga kerubin”

yumayanig

lumilindol

itinataas siya

“Itinataas siya ng mga tao” (Tingnan: Active or Passive)

Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan

Dito ang manunulat ay lumipat mula sa pagsasalita tungkol sa Diyos, tungo sa pakikipag-usap sa Diyos. Gayunpaman pagkatapos ng pariralang ito, muli siyang bumalik sa pagsasalita tungkol sa Diyos.

Psalms 99:4-5

Itinatag mo ang pagkakapantay-pantay; nilikha mo ang makatarungang paghahari.

Ibig sabihin nito ay makatarungan ang Diyos. (Tingnan: Parallelism)

Sa kanyang tuntungan

“ harapan ng kaniyang trono” (Tingnan: Tingnan: Metonymy)

Psalms 99:6-7

Iniingatan nila ang kanyang tapat ng mga kautusan at mga batas na ibinigay niya sa kanila

Ang dalawang pariralang ito ay magkasing-kahulugan at nagbibigay-diin na sinunod nila lahat ang mga kautusan ni Yahweh. (Tingnan: Parallelism

tapat

“sagrado”

Psalms 99:8-9

Sinagot mo sila

Ang salitang “sila” ay tumutukoy kina Moises, Aaron, at Samuel.

Kanyang banal na burol

Bundok ng Sion