Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Amos

Amos 1

Amos 1:1-2

Ang mga bagay...kay Amos...natanggap sa pamamagitan ng pagpapahayag

Ang lahat ng bagay na ipinaunawa ng Diyos kay Amos sa pamamagitan ng kaniyang nakita o narinig.

Umaatungal si Yahweh mula sa Zion; nilakasan niya ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem

Ang dalawang linyang ito ay may parehong kahulugan. Magkasamang nagbibigay diin ang mga ito na si Yahweh ay sumisigaw nang malakas habang naghahanda siya upang hatulan ang bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Umaatungal si Yahweh

gaya ng 1) isang leon o 2) kulog (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Amos 1:3-4

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa

"Sapagkat maraming kasalanan...sapagkat napakaraming mga kasalanan" o "Dahil...nagkasala nang lubos, nagkasala nang higit sa aking pinapahintulot" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

hindi ko babawiin ang kaparusahan

"Tiyak na parurusahan ko ang mga taong iyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])

Amos 1:5

Biqat Aven...Beth-eden...Kir

mga pangalan ng lungsod (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Eden

iba ito sa Hardin ng Eden

ang lalaking humahawak sa setro

ang hari o pinuno (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Amos 1:6-7

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

Amos 1:8

Ibabaling ko ang aking kamay laban sa Ekron

o "Lalabanan ko ang Ekron" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Amos 1:9-10

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

ang kanilang kasunduan ng kapatiran

"ang kasunduang ginawa nila upang ituring kayo bilang mga kapatid"

Amos 1:11-12

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

ang kaniyang poot ay tumagal nang walang hanggan

"ang kaniyang poot ay tumagal hanggang ngayon" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Bozra

Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]

Amos 1:13

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

Amos 1:14-15

na may kasamang bagyo sa araw ng ipu-ipo

"na may maraming masasamang bagay na nangyayari ng sabay-sabay" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

bagyo...ipo-ipo

dalawang uri ng malupit na bagyo

ipo-ipo

isang bagyo na kung saan ang hangin ay umiikot-ikot

Amos 2

Amos 2:1

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

apog

ang abong naiwan kapag ang kabibi at ilang uri ng mga bato ay nasunog

Amos 2:2-3

Keriot

Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]

Mamamatay ang mga taga-Moab

"Ang mga tao sa Moab ay mamamatay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Amos 2:4-5

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

Ang kanilang kasinungalingan ang naging sanhi ng kanilang pagkakasala

"Dahil sinasamba nila ang mga hindi tunay na diyos, nakagawa sila ng mali" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Amos 2:6

Dahil sa tatlong kasalanan...kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan

Tingnan kung paano isinalin ang mga salitang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/03.md]].

Amos 2:7-8

pagtapak

pagtitiis sa sadya at paulit-ulit na pagyapak nang matindi

palayo nilang ipinagtutulakan ang naapi

"ayaw nilang makinig kapag sinasabi ng mga naaapi na sila ay tinatrato ng hindi patas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Amos 2:9-10

na kasingtaas ng puno ng sedar; siya ay kasinglakas ng ensina

"na kasingtaas ng mga pinakamataas na puno at kasinglakas ng mga pinakamalakas na kahoy na alam mo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Amos 2:11-12

ito ang pahayag ni Yahweh

Subukang isalin ang mga salitang ito sa parehong paraan sa tuwing makikita sa aklat na ito.

Amos 2:13-14

Tingnan ninyo

Maaaring isalin na: "Pakinggan ninyo" o "Bigyang pansin kung ano ang sinasabi ko sa inyo."

Amos 2:15-16

Ang mamamana ay hindi makatatayo

"Ang mamamana ay tatakbo palayo"

ang pinakamabilis tumakbo ay hindi makakatakas

"ang pinakamabilis tumakbo ay mabibihag"

ang mangangabayo ay hindi niya maililigtas ang kaniyang sarili

"ang mangangabayo ay mamamatay"

tatakas na hubad

Maaaring mga kahulugan ay 1) "tatakbo siyang palayo na walang mga sandata" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]]) o 2) "tatakbo palayo na walang kasuotan."

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito gaya ng ginawa mo sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 3

Amos 3:7-8

Tiyak na walang gagawing anuman ang Panginoong Yahweh hanggang hindi niya naipapahayag...na mga propeta.

"Ipapahayag muna ng Panginoong Yahweh....sa mga propeta bago siya gumawa ng anumang bagay" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]]) [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/amo/03.md]])

Amos 3:9-10

ang pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 3:11-12

sopa

isang malambot na upuan na sapat ng paghigaan

Amos 3:13-14

pahayag ng Panginoong Yahweh

Subukang isalin ang mga salitang ito sa ganito ring paraan sa tuwing makikita ito sa aklat.

mga sungay sa altar

Ang mga ito ay kahawig ng mga sungay ng toro na nakalabas sa magkabilang gilid sa ibabaw at sumisimbolo ang mga ito upang ipakita kung gaano kalakas ang diyos.

Amos 3:15

bahay na para sa taglamig kasama ang bahay para sa tag-init

"lahat ng mga bahay" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

garing

ang mga ngipin at sungay ng mga malalaking hayop

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 4

Amos 4:1-2

kukunin nila kayong palayo sa pamamagitan ng mga kalawit, ang mga nahuli sa inyo ay bibingwitin

Parehong bagay ang ibig sabihin ng dalawang hanay na ito at binibigyang-diin na bibihagin ng mga kaaway ang mga tao tulad ng paghuli ng tao sa isda. Maaaring isalin na: "matatalo kayong lahat at sapilitang ilalayo kasama nila" o "lalagyan kayo ng mga kalawit gaya sa isda at ilalayo kayo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Amos 4:3

mga nasirang pader ng lungsod

mga lugar kung saan giniba ng mga kaaway ang pader ng lungsod upang pasukan

dumeretsong lumabas

"lalakad sa pinaka-tamang daan" palabas ng lungsod

sa bundok Harmon

sa hilaga

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 4:4-5

Pumunta kayo sa Bethel at magkasala, sa Gilgal at magparami nang kasalanan

Dahil tumanggi kayong magsisi, ang mga alay na hinahandog ninyo sa Bethel at sa Gilgal ay lalo lamang nagpapagalit ng labis sa akin (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])

Dalhin ninyo ang inyong mga handog...ang inyong mga ikapu...Mag-alay ng mga handog pasasalamat... ipinahahayag ang kusang loob na paghahandog; ipinapaalam ito.

Kung ang iyong wika ay may paraan upang makita na ang mga tao ay tumatanggi na unawain na kapag ginawa nila ang mga bagay na ito walang idudulot na maganda sa kanila ngunit ayaw pa rin nilang tumigil sa ginagawa nilang ito, maaring gamitin itong narito. Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 4:6-7

kalinisan ng mga ngipin

"gutom" o "pagkagutom" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])

hindi kayo bumalik sa akin

Maaring isalin na: "hindi kayo huminto ng pagkakasala laban sa akin"

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 4:8-9

"Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag

"Minsan ay nagpaulan ako ng kaunting ulan at minsan naman ay labis na ulan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

pagkalanta

sakit na nakakatuyo at nakakamatay ng mga halaman

amag

masamang mga bagay na lumalago na nagpapanatili ng pagkabasa ng matagal

hindi kayo bumalik sa akin

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/04/06.md]].

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 4:10-13

ginawa kong mabaho ang inyong kampo na umabot sa inyong mga pang-amoy

Maaring isalin na: "Napuno ng hangin na may mabahong amoy sa inyong kampo" o "hindi kayo makaiwas sa baho na galing sa inyong kampo."

mabaho

napakabahong amoy, lalo na sa patay na tao

Katulad kayo ng nasusunog na patpat na hinango sa apoy

Maaaring isalin na: "madali ko kayong hinatak sa apoy tulad sa isang nasusunog na patpat" o "pinahintulutan ko munang masunog ang bahagi ninyo bago ko kayo hinatak sa apoy." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

hindi kayo bumalik sa akin

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/04/06.md]].

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito tulad ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 5

Amos 5:1-3

Bumagsak na ang birheng Israel...siya...siya...itayo siya

"ang mga tao ng Israel ay namatay sa karahasan...nila....sila...itayo sila"

Amos 5:4-5

Hanapin ako

" Lumapit kayo sa akin upang magpatulong"

magdadalamhati ang Bethel

"Ang Bethel ay lubusang nawasak" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]]) Maaaring isalin na: "pupunta ang mga tao at lubusang wawasakin ang Bethel."

Amos 5:6-7

magliliyab siya na parang apoy

siya ay magiging gaya ng apoy na biglang sisiklab at sisirain niya lahat ng bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

ginagawang mapait na bagay ang katarungan at itinatapon sa lupa ang katuwiran

tinatawag nilang mga masasamang bagay ang mabuti at itinuturing na hindi mahalaga ang mga mabubuting bagay

ginagawang mapait na bagay ang katarungan

o "binaliktad ang katarungan" o "gawin kung ano ang hindi matuwid ngunit sinasabi na ito ay matuwid" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

itinatapon sa lupa ang katuwiran

o "ituring ang katuwiran ay parang walang halaga na gaya ng putik" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Amos 5:8-9

ang Pleyades at Orion

pangkat ng mga bituwin (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])

Amos 5:10-11

tinatapakan

"labis ang pagpapahirap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Amos 5:12-13

tinalikuran ang mga nangangailangan sa tarangkahan ng lungsod

"hindi pinapayagan na dalhin ng mga mahihirap ang kanilang reklamo sa mga hukom"

sinumang taong matino ang pag-iisip ay tatahimik

Sinumang ayaw masaktan ng mga masasamang tao ay hindi magsasalita tungkol sa gawaing mga masasama. `

Amos 5:14-15

magtatag ng katarungan sa may tarangkahan ng siyudad

o "tingnan kung ang katarungan ang umiiral sa mga hukuman sa may tarangkahan ng lungsod" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Amos 5:16-17

tumataghoy

mahaba, malakas, at malungkot na pag-iyak

Amos 5:18-20

Bakit ninyo hinahangad ang araw ni Yahweh?

Maaaring Isalin na: "Hindi ninyo dapat hinahangad ang araw ni Yahweh" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ito ay kadiliman at hindi liwanag

"Mga masasamang bagay , hindi mabubuting mga bagay, ang mangyayari sa araw na iyon"

Hindi ba kadiliman ang araw ni Yahweh at hindi liwanag?

Maaring Isalin na: "Ang araw ni Yahweh ay tiyak na kadiliman at hindi liwanag!" "Masasamang mga bagay, at hindi mabubuting mga bagay, ang tiyak na mangyayari sa araw na iyan ni Yahweh!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]) [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Amos 5:21-22

Kinamumuhian ko, at kinasusuklaman ko ang inyong mga kapistahan

Ang salitang "kinasusuklaman" ay ang labis na pagsasabi na "kinamumuhian." Kapag pinagsamaang dalawang salita na ito, ipinapakita kung gaano ang pagkamuhi ni Yahweh sa kanilang relihyosong mga kapistahan. Maaring Isalin na: "Labis kong kinamumuhian ang inyong mga kapistahan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Amos 5:23-24

ingay

hindi kalugod-lugod na mga tunog

Amos 5:25-27

nagdala ba kayo ng mga alay ...Israel?

Maaring isalin na: Maaari 1) "Hindi ko kayo inutusang magdala ng mga handog sa akin...Israel!" o 2) "Hindi para sa akin ang dala ninyong mga handog...Israel!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Sakut...Kaiwan

mga paganong diyus-diyosan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Kaiwan

"Kiyyun"

Amos 6

Amos 6:1-2

panatag

maginhawa at hindi nangangambang hahatulan sila ng Diyos.

Mas mabuti ba sila kaysa sa dalawa ninyong kaharian?

Maaaring isalin na: "Hindi sila mas mabuti kaysa sa dalawa ninyong kaharian." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Mas malawak ba ang kanilang nasasakupan kaysa sa inyong nasasakupan?

"Ang kanilang nasasakupan ay mas maliit kaysa sa inyo." o "Ang mga bansang iyon ay mas maliit kaysa sa Juda at Samaria." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Amos 6:3-4

naglalapit sa trono ng karahasan

"kumikilos sa paraan kung saan magdadala ang Diyos ng mararahas na mga tao upang hatulan kayo"

ang trono ng karahasan

"isang marahas na kaharian ng kaaway" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Humihiga...nagpapahinga

Sa panahong iyon, kadalasang kumakain ang mga Israelita habang nakaupo sa banig o sa isang simpleng upuan.

higaang gawa sa garing

"mga higaang may mga garing upang mas mapaganda ang mga ito" o "mga mamahaling higaan"

garing

mga ngipin at mga sungay ng mga malalaking hayop

nagpapahinga

"pahiga-higa tulad ng mga taong ayaw magtrabaho"

upuan

malambot na mga upuan na sapat ang laki upang mahigaan

Amos 6:5-6

gumagawa sila ng mga pangsarili nilang mga instrumento

Mga posibleng kahulugan: 1) lumikha sila ng mga bagong awitin at mga paraan ng pagtugtog ng mga instrumento o 2) lumikha sila ng mga bagong instrumento.

mga mangkok

mga mangkok na ginagamit sa templo, mas malalaki ito kaysa sa ginagamit ng tao sa pagkain

hindi sila nagluluksa

"hindi sila nakakaramdam ng lungkot at kumikilos na parang namatay ang isang minamahal"

Amos 6:7-8

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ito gaya ng pagsalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/03/13.md]].

Kinamumuhian ko ang kaniyang mga tanggulan

"Kinamumuhian ko ang mga Israelita dahil nagtitiwala sila sa kanilang mga tanggulan, at hindi sa akin, upang ipagtangol ko sila"

mga tanggulan

mga pader na itinayo sa palibot ng mga lungsod upang ingatan sila sa mga mananalakay (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Amos 6:9-10

dumating ang kamag-anak ng isang lalaki upang kunin ang kanilang mga bangkay—na magsusunog sa kanilang mga bangkay pagkatapos nitong ilabas sa bahay—kung sasabihin niya sa taong nasa loob ng bahay na, "Mayroon...kasama?"

Hindi malinaw ang kahulugan ng mga salitang ito. Mga maaring kahulugan nito ay: 1) Ang "kamag-anak ng lalaki" ay ang "kukuha sa kanilang mga bangkay" at "susunugin...ang mga bangkay," at kinakausap niya ang taong nagtatago sa loob ng bahay pagkatapos mamatay ng sampung miyembro ng pamilya. 2) Ang "kamag-anak ng lalaki" na "dumating upang kunin ang kanilang mga bangkay" ay ibang tao sa "siya na magsusunog...sa mga bangkay," at nag-usap sila sa loob ng bahay: "isang kamag-anak ng lalaki ang dumating upang kunin ang kanilang mga bangkay kasama ng magsusunog ng mga bangkay matapos nilang mailabas ang mga ito sa bahay— habang sila ay nasa loob ng bahay sinasabi ng kamag-anak sa magsusunog ng mga bangkay na, 'Mayroon...kasama?'"

magsusunog

sunugin ang patay na katawan

bangkay

patay na katawan

Amos 6:11

tingnan ninyo

"Makinig" o "Bigyang pansin kung ano ang aking sasabihin sa inyo."

madudurog sa maliliit na mga piraso ang malaking bahay at pagpipira-pirasuhin ang maliliit na bahay

Ang dalawang hanay ng mga salitang ito ay may parehong kahulugan. Ang kaibahan sa pagitan ng "malaking bahay" at "maliit na bahay" ay nangangahulugang tumutukoy ito sa lahat ng mga bahay. Mga maaring kahulugan nito ay: 1) Uutusan ng Diyos ang iba upang wasakin ang bawat bahay o 2) Si Yahweh mismo ang wawasak sa bawat bahay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng isang utos lamang. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

madudurog sa maliliit na mga piraso ang mga malalaking bahay

Maaaring isalin na: "wawasakin ng kaaway ang ma`laking bahay nang pira-piraso" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

mga piraso...pagpipira-pirasuhin

Maaaring gamitin ang parehong salita para sa dalawang hanay ng mga salitang ito.

pagpipira-pirasuhin ang maliliit na mga bahay

Maaaring isalin na: "madudurog sa maliliit na piraso ang maliit na bahay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

Amos 6:12-13

Ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan

"Ngunit gumagawa kayo ng mga batas na nakakasakit sa mga inosenteng tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

at kapaitan ang bunga ng katuwiran

"at pinarusahan ninyo ang mga taong gumagawa ng tama" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Lo Debar...Karnaim

Walang nakakaalam kung saan matatagpuan ang mga bayang ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Amos 6:14

tingnan ninyo

Maaaring isalin na: "makinig" o "bigyang-pansin kung ano ang aking sasabihin sa inyo."

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ito gaya ng pagkakasalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/03/13.md]].

mula sa Lebo Hamat hanggang sa batis ng Araba

Maaaring isalin na: "mula sa hilagang hangganan ng iyong bansa hanggang sa katimugang hangganan"

batis

isang maliit na ilog na dumadaloy lamang tuwing tag-ulan.

Amos 7

Amos 7:1-3

Tingnan...tingnan

Sinasabi ng manunulat sa mga mambabasa na mayroong siyang sasabihin na nakakasabik. Maaaring may ibang paraan sa inyong wika upang gawin ito.

paano makaliligtas si Jacob?

"Hindi makaliligtas si Jacob!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Amos 7:4-6

Tingnan

Sinasabi ng manunulat sa mga mambabasa na mayroong siyang sasabihin na nakakasabik. Maaaring may ibang paraan sa inyong wika upang gawin ito.

paano makaliligtas si Jacob?

Maaaring Isalin na: "Tiyak na hindi makaliligtas si Jacob!" o "pakiusap na sabihin kay Jacob kung ano ang kailangan niyang gawin upang maaari siyang makaligtas!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Amos 7:7-8

hulog

manipis na lubid na may kasamang isang pabigat sa isang dulo na ginagamit sa pagtatayo upang masigurong nakatayo ng tuwid ang mga pader mula sa taas at baba.

Amos 7:9

Isaac...Israel

ang mga tao sa hilagang kaharian ng Israel (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Amos 7:10-11

na pari

Mga posibleng kahulugan: 1) Si Amazias lamang ang pari sa Bethel o 2) Si Amazias ang pinuno ng mga pari sa Bethel.

Nakipagsabwatan si Amos laban sa iyo sa pagitan ng sambahayan ni Israel

Maaaring Isalin na: "Narito si Amos sa lupain ng Israel, at nagbabalak siyang gumawa ng masamang mga bagay sa inyo"

Hindi kayang pasanin ng lupain ang lahat ng kaniyang mga salita

"Maaaring paniwalaan siya ng mga tao at pagkatapos ay gumawa ng mga bagay na makasisira sa bayan"

Amos 7:12-13

doon ka kumain ng tinapay at magpropesiya

"tingnan mo kung makukuha mong pagbayarin ang mga tao doon sa iyong pagpopropesiya"

Amos 7:14-17

pastol

Mga Posibleng Kahulugan 1) isang tagapag-alaga ng mga tupa (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/01/01.md]], kung saan may ibang salita na ginamit para sa "pPastol," at 7:15 o 2) ang tagapag-alaga sa mga hayop tulad ng mga baka.

Amos 8

Amos 8:1-3

Tingnan

Maaaring isalin na: "Makinig" o "Biyang-pansin kung ano ang sasabihin ko sa inyo."

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ito gaya ng pagkakasalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/03/13.md]].

sa bawat lugar

"sa maraming lugar" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Amos 8:4-6

kayong mga umaapak...at nagpapaalis

Nakikipagusap si Amos sa mga "nagbebenta" at "nagtitinda" (8:5).

umaapak

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/07.md]].

Sinabi nila, "Kailan matatapos ang bagong buwan, upang muli kaming makapagbenta ng butil? At ang Araw ng pamamahinga, kailan matatapos, upang makapagbenta kaming muli ng trigo?...sandalyas."

"Lagi silang nagtatanong kung kailan matatapos ang bagong buwan upang muli silang makapagbenta ng mga inaning butil at kung kailan matatapos ang araw ng pamamahinga upang muli silang makapagtinda ng trigo...mga sandalyas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-quotations/01.md]])

Gagawin naming mababa ang sukat at tataasan ang halaga, upang makapandaya kami ng maling timbang

Ang mga mangangalakal ay gumagamit ng mga madayang timbangan na nagpapakita ng halaga ng butil na kanilang ibinibigay ay mas malaki kaysa sa talagang timbang nito at ang bigat ng babayaran ay mas kaunti kaysa sa talagang bigat nito.

isang pares ng sandalyas para sa nangangailangan

Maaaring isalin na: "at bibilhin ang mga nangagailangan ng magkapares na sandalyas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

Amos 8:7-8

Sumumpa si Yahweh sa kapalaluan ni Jacob,

"Nangako si Yahweh sa kaniyang sarili, sinasabing" o "sumumpa si Yahweh, sa pagmamalaki ni Jacob"

ilog ng Egipto

iba pang pangalan ng Ilog Nilo

Amos 8:9-10

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ito gaya ng pagkakasalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/03/13.md]].

Amos 8:11-12

pahayag ng Panginoong Yahweh

Isalin ito gaya ng pagkakasalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/03/13.md]].

Susuray-suray sila...tatakbo sila

Maglalakad ng mabagal ang ilan at madaling bumagsak, tulad ng taong nagugutom, at ang iba ay paparito at paroroon nang mabilis. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

sa magkabilaang dagat; tatakbo sila mula sa hilaga patungo sa silangan upang hanapin ang salita ni Yahweh, ngunit hindi nila ito masusumpungan

Ang posibleng kahulugan:1) sa Dagat na Patay patungo sa Dagat ng Mediteraneo, at magpapagala-gala sila mula sa hilaga patungo sa silangan, na naghahanap ng mensahe mula sa akin, ngunit wala kahit na ano silang masusumpungan., o 2) "mula sa dagat at mula sa hilaga hanggang sa silangan. Tatakbo sila upang hanapin ang salita."

sa magkabilaang dagat...mula sa hilaga patungo sa silangan

Para sa isang taong nakatayo sa Betel, ito ay maaaring maging isang bilog: Patay na Dagat (timog) sa Medeteranian (kanluran) sa hilaga patungo sa kanluran. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

Amos 8:13-14

manghihina

Mawawala ang lahat ng kanilang lakas

Amos 9

Amos 9:1-2

Durugin...ito

Ang posibleng kahulugan:1) dudurugin ng pira-piraso ang templo o 2) wawasakin ang tuktok ng mga haligi.

Kahit na maghukay sila hanggang sa Sheol, naroon ang aking kamay upang kunin sila. Kahit na umakyat sila patungo sa langit, mula roon hihilain ko sila pababa

Maaaring isalin na: "Walang halaga kahit saan nila subukang pumunta, naroon ako upang huliin sila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Amos 9:3-6

ahas

isang hindi kilalang mabangis na hayop sa dagat, hindi ang ahas ng hardin ng Eden at hindi isang pangkaraniwang ahas

Pananatilihin ko ang aking paningin sa kanila

Kung ang inyong wika ay may mga salita na may karaniwang kahulugan na nais gumawa ng mabuti sa iba ng tagapagsalita, ngunit maaari ring gamitin ng tagapagsalita kung nais niyang makasakit, maaari mong gamitin ito dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])

hindi para sa mabuti

mga salitang tiyak na maiintindihan ng tagapakinig "para manakit"

Amos 9:7-8

pahayag ni Yahweh

Isalin ang mga salitang ito gaya ng pagkakasalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/amo/02/11.md]].

Amos 9:9-10

isang pagkakaliglig ng butil sa salaan, kaya kahit na ang pinakamaliliit na bato ay hindi malalaglag sa lupa

Ang larawan dito ay ang pagkakalaglag ng butil sa salaan at ang mga bato ay maihihiwalay. Ang pagkakaunawa sa ilang mga salin ay "hindi ang pinakamaliliit na bato ang malalaglag" na ang ibig sabihin ay hindi malalaglag ang mabuting butil sa pamamagitan ng pagsasala sa hindi kanais-nais na mga gamit.

salaan

isang latag na may maraming mga butas na kung saan nakakalabas ang mga maliliit na mga bagay at hindi ang mga malalaking bagay.

Amos 9:11-12

tolda...mga tukod... nawasak

Pagkatapos sirain ni Yahweh ang kaharian ng Israel, magiging katulad ito ng isang tolda na ang mga haligi ay bumigay, isang pader na nasira sa ilang mga lugar, at isang bahay na bumagsak.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

mga tukod

mga bahagi ng pader na bumagsak

mga nawasak

ang naiwan kapag nawasak ang isang gusali

Amos 9:13-15

Tingnan

Sinasabi ng manunulat sa mga mambabasa na mayroong siyang sasabihin na nakakasabik. Maaaring may ibang paraan sa inyong wika upang gawin ito.

Papatak sa mga bundok ang matatamis na alak, at aagos ito sa mga burol.

Pareho ang ibig sabihin ng dalawang linyang ito at idinidiin na ang lupain ay magiging napakasagana. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])