Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

1 John

1 John 1

1 John 1:1-2

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

Na kung alinman mula sa simula

Ang mga salitang "Na kung alinman mula sa simula" ay tumutukoy kay Jesus, na nandiyan na bago nagawa ang lahat ng bagay. Maaari mong isalin ito bilang "Kami ay sumusulat sa inyo tungkol sa isa na siyang nandiyan na bago ang pagkalikha ng lahat ng bagay."

ang simula

"ang simula ng lahat ng bagay" o "ang pagkalikha sa mundo"

na aming narinig

Ang mga salitang "na aming narinig" ay tumutukoy sa kung ano ang tinuro ni Jesus sa kanila. Ito ay maaaring isalin bilang "Narinig namin siyang magturo."

aming

Dito ang salitang "aming" ay tumutukoy kay Juan at sa mga nakakaalam kay Jesus nang siya ay nandito sa lupa, pero hindi kasama ang mga tao na sinusulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan

"Kami mismo ay nakita siya."

at nahawakan ng aming mga kamay

"nahawakan namin siya ng aming mga kamay"

sa Salita ng buhay

Ito ay tumutukoy kay Jesus. "Siya ang nagdudulot na ang mga tao ay mabuhay magpakailanman." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

At ang buhay ay naihayag

Ito ay tumutukoy sa pagdating ni Jesus sa mundo. Maaaring isalin ito bilang "Pinadala siya ng Diyos sa lupa" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

at nakita namin

"at nakita namin siya"

at nasaksihan

"at sinasabi sa inyo ang tungkol sa kaniya"

ang buhay na walang hanggan

Ang mga salitang ito ay tumutukoy rin kay Jesus, na nagdudulot na tayo ay mabuhay magpakailanman. Ito ay maaaring isalin bilang "na siyang nagdudulot na tayo ay mabuhay magpakailanman."

na kasama ng Ama

"Siya ay kasama ng Diyos Ama"

at nagawang maihayag sa amin

"pero siya ay dumating upang manahan kasama natin" (UDB)

1 John 1:3-4

Ito ay aming nakita at narinig inihayag din namin sa inyo

"Aming ipinahayag din sa inyo kung ano ang nakita at narinig namin"

aming...amin...aming

Ang mga panghalip na ito ay tumutukoy kay Juan at sa kanila na nakakita kay Jesus na buhay at ngayon ay nagtuturo sa mga tao tungkol dito. (Tingnan [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

kayo

Ang salitang "kayo" ay higit sa isa at tumutukoy sa mga tao na sinulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

magkaroon kayo ng pakikisama sa amin, at ang aming pakikisama na ito ay kasama ang Ama

Ang salitang pakikisama dito ay tumutukoy sa isang malapit na pagkakaibigan. Ang mga sugnay na ito ay maaaring isalin "maging malapit naming mga kaibigan at tayo ay magkaibigan kasama ang Diyos Ama"

Ating pakikisama

Hindi malinaw kung isinasama o hindi isinasama ni Juan ang kaniyang mga tagabasa. Maaari mong isalin ito sa kahit sa alinmang paraan.

Cristo

Ang salitang "Cristo" ay isang titulo, hindi isang pangalan at ang ibig sabihin "ang isang pinili". Dito ito ay tumutukoy sa pagpili ng Diyos kay Jesus na maging ating tagapagligtas.

Ama...Anak

Ang mga ito ay mahalagang titulo na inilalarawan ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ni Jesus. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

upang maging ganap ang ating kagalakan

"upang gawing ganap ang aming kagalakan" o "upang gawin ang mga sarili naming ganap na masaya" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

1 John 1:5-7

na aming narinig

Dito ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Juan at sa kanilang mga nakakilala kay Jesus nang siya ay nasa ibabaw ng lupa. (Tingnan [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

inyo

Ang salitang "inyo" ay higit sa isa at tumutukoy sa mga tao na sinulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

Ang Diyos ay liwanag

Ang kahulugan nito ay ang Diyos ay lubusang dalisay at banal. Ito ay maaaring isalin bilang "Ang Diyos ay tunay na makatuwiran katulad ng wagas na liwanag." Ang mga kultura na inuugnay ng kabutihan sa liwanag ay maaaring mapanatili ang kaisipan ng liwanag nang hindi pinapaliwanag ang talinghaga. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa kanya ay walang kadiliman sa lahat

Ang kahulugan nito ay ang Diyos ay hindi nagkakasala kahit kailanman at hindi masama sa anumang paraan. Ito ay maaaring maisalin bilang "sa kaniya ay walang kadiliman ng kasalanan." Ang kultura na nag-uugnay ng masama sa kadiliman ay maaaring mapanatili ang kaisipan ng kadiliman nang hindi pinapaliwanag ang talinghaga. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

tayo...atin

Dito ang mga salitang "tayo" at "atin" tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya, kasama ang mga tao na sinusulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

lumakad sa kadiliman

Ang kahulugan nito ay "nagsasagawa ng kasamaan" o "palaging gumagawa ng masama."

lumakad sa liwanag

Ang kahulugan nito ay "nagsasagawa ng kabutihan" o "palaging gumagawa kung ano ang mabuti."

sa dugo ni Jesus

Ito ay tumutukoy sa pagkamatay ni Jesus. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Anak

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus, Ang Anak ng Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

1 John 1:8-10

natin...sa atin

Dito ang mga salitang "natin" at "sa atin" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

walang kasalanan

"kailanman walang kasalanan" o "hindi kailan man nagkasala" (UDB)

nililinlang

"dinadaya" o "niloloko"

ang katotohanan ay wala sa atin

"hindi tayo naniniwala sa kung ano ang sinabi niya ay totoo"

siya...sa kaniya...kaniya

Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa Diyos.

matapat at matuwid

"tapat at wasto"

upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan

Ang dalawang mga kasabihang ito ay nangangahulugan lamang ng iisang bagay. Ginamit ni Juan ang mga ito para bigyang-diin na ang Diyos ay siguradong patatawarin ang ating mga kasalanan. Maaaring isalin na: "At tayo ay lubusang patatawarin sa mga ginawa nating mali." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

ginawa natin siyang sinungaling

"ito ay tulad ng pagtawag sa kaniya na sinungaling, dahil sinabi niyang tayong lahat ay nagkasala." Ang pahayag na "dahil sinabi niya na tayo ay nagkasala" ay pahiwatig. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

ang salita ng Diyos ay wala sa atin

Maaaring isalin na: "hindi natin naiintindihan o sinusunod kung ano ang sinasabi niya."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/01.md]]

1 John 2

1 John 2:1-3

Mga minamahal kong anak

Si Juan ay isang nakatatandang lalake at kanilang pinuno. Ginamit niya ang pagpapahayag na ito para ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanila. Maaaring isalin na: "Mga minamahal kong anak kay Cristo" o "Kayo na siyang minahal ko gaya ng aking sariling mga anak." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Isinulat ko ang mga bagay na ito

"Isinusulat ko ang liham na ito"

Ngunit kung sinuman ay magkasala

Ito ay isang bagay na maaaring mangyari. "Ngunit kung sinuman ay nagkakasala" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])

Tayo...Atin

Dito ang "Tayo" at "Atin" ay tumutukoy kay Juan at ang mga taong kanyang sinusulatan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

isang tagataguyod sa Ama

"isang tao na siyang nagsasalita sa Diyos Ama at humihiling sa kaniya para patawarin tayo"

Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan

"Kusang loob na sinakripisyo ni Jesu-Cristo ang kanyang sariling buhay para sa atin, upang sa gayon ang bunga ay patawarin ng Diyos ang ating mga kasalanan" (UDB)

Sa pamamagitan nito alam natin na nakilala natin siya, kung pananatilihin natin ang kanyang mga kautusan

Ang katagang "kilala natin siya" ay nangangahulugang "mayroon tayong kaugnayan sa kaniya." Maaaring isalin na: "Kung ginagawa natin ang anumang sabihin niyang gawin natin, kung gayon tayo ay makatitiyak na mayroon tayong isang mabuting kaugnayan sa kaniya."

sa kaniya...ang kanyang

Ang mga salitang ito ay maaaring tumutukoy sa Diyos o kay Jesus

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:4-6

Siyang nagsabing

"Sinumang nagsasabi" o "Ang tao na siyang nagsasabi"

Kilala ko ang Diyos

Maaaring isalin na: "Mayroon akong mabuting kaugnayan sa Diyos"

hindi na nanatili

"hindi gumawa" o "sumusuway"

kanyang mga kautusan

"anumang sinasabi sa kaniya ng Diyos na gawin"

at ang katotohanan ay wala sa kanya

"hindi siya naniniwala sa kung ano ang sinasabi ng Diyos ay totoo"

nanatili

"gumagawa" o "sumusunod"

kanyang salita

"anong sinasabi ng Diyos na kanyang gawin"

ang pag-ibig ng Diyos

Ang mga posibleng kahulugan ay 1) "ating pag-ibig para sa Diyos" o 2) "Pag-ibig ng Diyos para sa atin."

tunay na sa taong ito, ang pag-ibig ng Diyos ay naging lubos

Ito ay maaaring isalin bilang isang mabisang pangungusap: "Ngunit sila na siyang mga sumusunod kung anuman ang pinag-uutos ng Diyos na kanilang gawin ay ang mga tao na siyang nagmamahal sa Diyos sa lahat ng paraan" (UDB) o "Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay nakamit ang layunin nito nang ginawa nila ang sinasabi niyang gawin nila." (See: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Sa pamamagitan nito alam natin na tayo ay nasa kaniya.

Ang katagang "tayo ay nasa kaniya" ay nangangahulugan na ang mananampalataya ay palaging kaisa ng Diyos o mayroon patuloy na pakikisama sa Diyos. Madalas sa 1 Juan ang katagang "manatili sa kaniya" ay ginamit para pakahulugan ang parehong bagay. Maaaring isalin na: "Kapag sinusunod natin ang sinasabi ng Diyos, maaari nating matiyak na mayroon tayong pakikisama sa kaniya."

siya ay nananatili sa

"siya ay may kaugnayan sa"

nararapat na maglakad rin siya mismo kaparehas sa paglakad ni Jesu-Cristo

"kailangang mamuhay gaya ng pinamuhay ni Jesu-Cristo" o "dapat ding sumunod sa Diyos tulad ng ginawa ni Jesu-Cristo"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:7-8

Minamahal

Ito ay maaaring isalin bilang "mga Kaibigan" o "Minamahal na mga mananampalataya kay Cristo"

hindi ako nagsusulat nang bagong kautusan sa inyo ngunit isang lumang kautusan

tinutukoy ni Juan ang utos ni Jesus na ibigin ang isa't isa. Maaaring isalin na: "Ako ay sumusulat sa inyo para mahalin ang isa't isa. Iyon ay hindi bagong bagay na gawin ngunit isang lumang kautusan na nasabi sa inyo."

mula pa sa simula

"mula noong kayo ay unang naniwala kay Cristo" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Gayunman ako ay sumusulat nang bagong kautusan sa inyo

Maaaring isalin na: "Ngunit sa isang paraan ang kautusang isinulat ko sa inyo ay bago."

na kung saan ay totoo kay Cristo at sa inyo

Maaaring isalin na: "Ito ay bago dahil ang ginawa ni Cristo ay bago, at ang ginagawa ninyo ay bago."

ang kadiliman ay lumilipas na, at ang tunay na liwanag ay suminag na

Dito ang "kadiliman" ay tumutukoy sa kasamaan at "liwanag" ay tumutukoy sa kabutihan. Maaaring isalin na: "pagkat ikaw ay tumitigil sa paggawa ng masama at ikaw ay gumagawa lalo at lalong mabuti." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:9-11

Siya na siyang nagsabi

"Sinuman na siyang nagsasabi" o "Ang mga umaangkin" (UDB). Ito ay hindi tumutukoy sa isang tiyak na tao.

siya ay nasa kaliwanagan

Ito ay isang paraan ng pagsasalita tungkol sa tamang pamumuhay. Kapag ginagawa ng tao kung ano ang tama, maaari nila itong gawin sa liwanag, at hindi nagtatago sa dilim. Maaaring isalin na: "ginagawa niya kung ano ang tama" o "siya ay nasa liwanag na ginagawa kung ano ang tama." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ay nasa kadiliman

Ito ay isang paraan ng pagsasalita tungkol sa makasalanang pamumuhay. Kapag ginawa ng tao kung ano ang mali, gusto nilang magtago sa dilim. Maaaring isalin na: "nasa kadiliman, ginagawa kung ano ang masama." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kapatid

Dito ito ay nangangahulugang isang kapwa Kristiyano.

walang pagkakataon ang kakatisuran sa kanya

"walang anuman ang magiging dahilan para siya ay matisod." Ang salitang "katitisuran" ay isang talinghaga na ang kahulugan ay mabigo sa espiritwal o sa mabuting asal. Maaaring isalin na: "walang anuman ang magiging dahilan sa kanya na magkasala" o "kailanman man hindi siya mabibigo na gawin kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ay nasa kadiliman at lumalakad sa kadiliman

Ang magkaparehong kaisipan na ito ay dalawang ulit na nasabi para magbigay pansin sa kung gaano kasama ang mapoot sa isang kapwa mananampalataya. Maaaring isalin na: "ay namumuhay sa kadiliman" o "ay namumuhay sa kadiliman ng kasalanan" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

hindi niya alam kung saan siya pupunta

Ito ay isang talinghaga na maaaring isalin bilang "hindi man lamang niya alam na ginagawa niya kung ano ang masama" (TIngnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

binulag ng kadiliman ang kanyang mga mata

"nagawa ng kadilimang hindi siya makakita." Maaaring isalin na: "nagawa ng kasalanan na hindi niya maiintindihan ang katotohanan." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:12-14

mga minamahal kong anak

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

ang inyong mga kasalanan ay napatawad na

Ito ay maaaring isalin sa pamamagitan ng isang aktibong sugnay: "Pinatawad ng Diyos ang inyong mga kasalanan" (UDB). (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

dahil sa kanyang pangalan

"kanyang pangalan" ay isang "pagpapalit tawag" na tumutukoy kay Cristo at lahat ng kanyang nagawa." Maaaring isalin na: "dahil sa kung anong ginawa ni Cristo para sa inyo" (UDB). (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Sumulat ako sa inyo, mga ama

Ang salitang "mga ama" dito ay isang talinghaga at tumutukoy sa mga ganap na mananampalataya. Maaaring isalin na: "Sumulat ako sa inyo mga ganap na mananampalataya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kilala ninyo

"mayroon kayong pakikipag-ugnayan sa"

siya na mula pa sa simula

"siya na dati pang buhay" o "siya na dati pang namamalagi." Ito ay tumutukoy kay "Jesus" o kaya sa "Diyos Ama."

kabataang lalaki

Ang talinghagang ito ay tumutukoy doon sa mga hindi na mga bagong mananampalataya at mga lumalago sa espiritwal na paglakad. Maaaring isalin na: "kabataang mananampalataya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo

Maaaring isalin na: "alam ninyo ang salita ng Diyos."

napagtagumpayan

"nalupig" o "katagumpayan sa" o "tinalo" (UDB)

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:15-17

Huwag ninyong mahalin ang mundo

Sa 2:15-17 ang salitang "mundo" ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na gustong gawin ng tao na hindi pinaparangalan ang Diyos. Maaaring isalin na: "Huwag umasal tulad ng tao sa mundo na hindi pinaparangalan ang Diyos" (UDB). (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

ni ang mga bagay na nasa sa mundo

"at huwag naisin ang parehong mga bagay na ninanais ng mga hindi pinaparangalan ang Diyos"

ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kanya

Ang kahulugan nito ay "hindi niya minamahal ang Ama."

Kung sinumang umiibig sa mundo, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kanya

Maaaring isalin na: "Ang isang tao ay hindi kayang mahalin ang mundong ito at lahat ng lumalapastangan sa Diyos at mahal ang Ama nang sabay."

ang kahalayan ng laman, ang kahalayan ng mga mata, at ang kahambugan sa buhay

Ito ay isang talaan ng ilang mga bagay sa mundo. Ipinaliliwanag nito kung ano ang ibig sabihin ng "lahat ng nasa mundo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

ang kahalayan ng laman

"Ang malakas na pagnanasa para magkaroon ng pangkatawang kasiyahan"

ang kahalayan ng mga mata

"Ang malakas na pagnanasa para magkaroon ng mga bagay na ating nakikita"

ang kahambugan sa buhay

"ang pagyayabang tungkol sa kung anong meron ang tao" o "ang kapalaluan na nadarama ng mga tao dahil sa kanilang mga bagay "

buhay

Ito ay tumutukoy dito sa mga bagay na mayroon ang mga tao para mabuhay, tulad ng mga ari-arian o kayamanan.

ay hindi sa Ama

Maaaring isalin na: "hindi nanggagaling sa Ama" o "ay hindi kung paano itinuturo ng Ama na ipamuhay natin"

ay lumilipas

"wala na dito balang araw"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:18-19

Mga bata

Tingnan paano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

ito na ang huling oras

Ang mga salitang "ang huling oras" ay tumutukoy sa sandaling bago lamang bumalik si Jesus sa lupa at hatulan ang lahat ng tao. Maaaring isalin na: "Si Jesus ay babalik sa lalong madaling panahon." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sa pamamagitan nito nalalaman nating

Maaaring isalin na: "at dahil dito alam natin" o "at dahil maraming mga antikristo ang dumating, alam natin."

maraming antikristo ang dumating

"marami ang mga tao na laban kay Cristo."

Sila ay lumabas mula sa atin

"Iniwan nila tayo"

pero hindi sila sa atin

"Pero hindi naman talaga sila kaanib sa atin sa anumang paraan" o "sila ay hindi naman talaga bahagi ng ating samahan noong simula pa lang." Ang dahilan na sila ay hindi naman talaga bahagi ng samahan ay dahil sila ay hindi mananampalataya kay Jesus.

Pagkat kung sila ay naging sa atin, sana ay nagpatuloy silang kasama natin

Maaaring isalin na: "Dahil, kung sila ay talagang mananampalataya hindi sana nila tayo iniwan."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:20-21

Ngunit kayo ay may basbas mula sa Kabanal-banalan

"Pero ang Kabanal-banalan ay binasbasan kayo." Sa Lumang Tipan ang "binabasbasan" ay tumutukoy sa pagbubuhos ng langis sa tao para ibukod siya para maglingkod sa Diyos. Dito, ang "binabasbasan" ay tumutukoy kay Jesus na ibinibigay ang Banal na Espiritu sa mga mananampalataya para ibukod sila para maglingkod sa Diyos. Maaaring isalin na: "Pero si Jesu-Cristo, ang Kabanal-banalan, ay ibinigay sa inyo ang kanyang Espiritu." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

walang kasinungalingan na nagmula sa katotohanan

"walang kasinungalingang manggagaling mula sa katotohanan." Ang mga salitang "ang katotohanan" ay maaaring tumukoy sa Diyos, ang siyang puno ng katotohanan. Maaaring isalin na: "Walang kasinungalingan na manggagaling mula sa iisang totoo."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:22-23

Sino ang sinungaling kundi siyang ikinakaila na si Jesus ay si Cristo?

Si Juan ay gumamit ng retorikal na tanong para bigyang diin kung sino ang mga sinungaling. Maaari itong isalin bilang isang tanong na may sagot: "Sino ang sinungaling? Ito ay ang sinuman na ikinakaila na si Jesus ang Cristo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ayrquestion/01.md]])

ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo

"tumatangging sabihin na si Jesus ay ang Cristo" o "sinasabi na si Jesus ay hindi ang Cristo"

kumakaila sa Ama at sa Anak

Maaaring isalin na: "tumatanggi ng pagsasabi ng katotohanan tungkol sa Ama at sa Anak" o "ayawan ang Ama at ang Anak."

Ama...Anak

Ang mga ito ay mahalagang mga titulo na inilalarawan ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos at Jesus. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

nasa kanya ang Ama

"nabibilang sa Ama"

kumikilala sa Anak

"nagsasabi ng katotohanan tungkol sa Anak"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:24-26

Para sa inyo

Sa 2:24-26 ang salitang "inyo" ay higit sa isa at tumutukoy sa mga taong sinusulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

hayaang ang mga narinig ninyo sa simula ay manatili sa inyo

"alalahanin at paniwalaan ang mga narinig ninyo mula pa sa simula." Paano nila ito narinig, ano ang kanilang narinig, at ano ang kahulugan ng "ang simula" ay maaaring gawing malinaw: "patuloy na magtiwala kung ano ang mga itinuro sa inyo tungkol kay Jesus gaya ng pagtitiwala ninyo buhat pa ng kayo ay unang naging mananampalataya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Kung ano ang mga narinig ninyo sa simula

Maaaring isalin na: "ang mga itinuro namin sa inyo tungkol kay Jesus noong kayo ay naging mga mananampalataya."

Kung ang mga narinig ninyo sa simula pa ay mananatili sa inyo

"Kung magpapatuloy kayong magtitiwala sa kung ano ang itinuro namin sa inyo"

kayo din naman ay mananatili sa Anak at sa Ama

Tingnan kung paano ito naisalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]]

At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan

"At ito ang kanyang ipinangako na ibigay sa atin; walang hanggang buhay" o "At kanyang ipinangako na naging dahilan para tayo ay mabuhay magpakailanman."

ibinigay niya sa atin

Dito ang salitang "niya" ay nagbibigay diin at tumutukoy kay Cristo. Ang salitang "atin" ay tumutukoy kay Juan at lahat ng mga mananampalataya, kasama ang mga sinusulatan niya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

maaaring umakay sa inyo sa ligaw na landas.

"ay susubukan kayong paniwalain sa isang kasinungalingan" o "nais kayong hilahin palayo mula sa Diyos at sa Kanyang katotohanan"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 2:27-29

At para sa inyo

Sa 2:27-29 ang salitang "inyo" ay higit sa isa at tumutukoy sa mga mananampalataya na sinusulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

ang pagbabasbas

Ito ay tumutukoy sa "Espiritu ng Diyos." Tingnan ang maikling tala tungkol sa "pagbabasbas" sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/20.md]].

ang kanyang pagbabasbas ay nagtututro sa inyo

"dahil ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo"

lahat ng bagay

Ang mga salitang ito ay isang pagmamalabis. Maaaring isalin na: "lahat ng bagay na kailangan ninyong malaman" (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

manatili kayo sa kanya

Tingnan ang katagang ito ay isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]]. Kung paanong ang isang tao ay mananatili kay Jesus ay maaaring gawing malinaw: "manatili sa kanya sa pamamagitan ng paniniwala at pagsunod sa kanya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

At ngayon

Ang mga salitang ito ay ginamit dito bilang tanda sa isang bagong bahagi ng sulat.

mga minamahal kong anak

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

siya ay nagpakita

"nakikita natin siya"

katapangan

"lakas ng loob"

sa kanyang harapan sa kanyang pagdating

Ang mga salitang "kanyang pagdating" ay tumutukoy kung kailan si Jesus ay dadating muli bilang Hari at hukom sa mundo. Maaaring isalin na: "sa kanyang pagbabalik upang hatulan ang mga tao."

ay ipinanganak sa kanya

"ay ipinanganak sa Diyos" o "ay anak ng Diyos"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/02.md]]

1 John 3

1 John 3:1-3

Tingnan kung anong uri ng pag-ibig ng Diyos ang ibinigay sa atin

"Isipin kung gaano tayo kamahal ng Ama (UDB)

tayo...natin

Sa 3:1-3 ang mga panghalip na ito ay tumutukoy kay Juan, kanyang tagapakinig, at lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

na tayo ay nararapat tawaging mga anak ng Diyos

Ito ay maaaring isalin kasama ng isang aktibong pandiwa: "Dapat tayong tawagin ng Ama na kanyang mga anak." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

mga anak

Dito ang kahulugan ay mga taong kabilang sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus.

hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi siya kilala nito

Dito "ang mundo" ay tumutukoy sa mga taong hindi pinaparangalan ang Diyos. Ang hindi alam ng mundo ay maaaring gawing malinaw: "Silang hindi pinaparangalan ang Diyos ay hindi alam na tayo ay pag-aari ng Diyos, dahil hindi nila kilala ang Diyos (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

ito ay hindi pa naipahayag

Ito ay maaaring isalin kasama ang isang aktibong pandiwa: "Hindi ipinahayag ng Diyos"

At ang bawat isang may ganitong kapanatagan tungkol sa hinaharap na nakatuon sa kanya ay dinadalisay ang kanyang sarili tulad ng siya ay dalisay

Maaaring isalin na: "Lahat ng tiyak na umaasa na makikita si Cristo kung sino talaga siya ay pananatilihing dalisay ang kanilang sarili dahil si Cristo ay dalisay."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:4-6

ay gumagawa ng kung ano ang labag sa batas

"ay tumatangging sumunod sa batas ng Diyos" (UDB)

ninyo

Dito ang "ninyo" ay maramihan at tumutukoy sa mga taong sinusulatan ni Juan. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

nahayag si Cristo

Maaari itong isalin kasama ang aktibong pandiwa: "Nagpakita si Cristo" o " Inihayag ng Ama si Cristo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

nananatili sa kanya

Tingnan kung papaano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]]

Walang isa man...nakakita sa kanya o nakakilala sa kanya.

Ginagamit ni Juan ang mga salitang "nakita" at "nakilala" para bigyang diin na ang taong nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi kailanman nakilala si Cristo sa espiritwal na paraan. AT: "Wala sinuman...ay kailanman totoong naniwala sa kanya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:7-8

Minamahal kong mga anak

Tingnan kung papaano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

huwag ninyong hayaan ang sinuman na iligaw kayo

Maaaring isalin na: "huwag hayaang dayain kayo ng sinuman" o "huwag hayaang linlangin kayo ng sinuman" (UDB)

Siya na gumagawa ng makatuwiran ay matuwid, gaya ni Cristo na matuwid

Maaaring isalin na: "Siya na gumagawa ng matuwid ay kalugodlugod sa Diyos kagaya ni Cristo na kalugodlugod sa Diyos."

gumagawa ng kasalanan

"patuloy sa paulit-ulit na pagkakasala" (UDB)

ay sa diablo

"nabibilang sa diablo" o "ay katulad ng diablo" (UDB)

mula pa sa simula

Ito ay tumutukoy sa pinaka-unang mga panahon ng pagkakalikha bago pa ang sangkatauhan ay unang nagkasala. Maaaring isalin na: "mula sa pinaka-unang panahon ng pagkalikha." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

ang Anak ng Diyos ay nahayag

Ito ay maaaring isalin sa aktibong sugnay: "Inihayag ng Diyos ang kanyang Anak" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Anak ng Diyos

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus na inilalarawan ang kanyang ugnayan sa Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:9-10

Sino mang isinilang sa Diyos

Ito ay maaring isalin kasama ang aktibong sugnay: "Sino mang ginawa ng Diyos na kanyang anak." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

hindi nagkasala

"hindi maaaring magpatuloy na magkasala" (UDB)

binhi ng Diyos

Inihahambing ito sa binhing pisikal na itinatanim sa lupa at lumalago sa Banal na Espiritu na inilagay ng Diyos sa mga mananampalataya na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanila para paglabanan ang kasalanan at gawin ang nakalulugod sa Diyos. Ito ay maaaring isalin bilang "ang Banal na Espiritu." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

siya ay isinilang sa Diyos

Ito ay maaaring isalin bilang aktibong sugnay." Binigyan siya ng Diyos ng bagong buhay espiritwal" o "siya ay isang anak ng Diyos."

sa pamamagitan nito, ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diablo ay nahayag

Ito ay maaaring isalin bilang aktibong pangungusap: "Sa pamamagitan nito ay makikilala ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diablo."

Ang sino mang hindi gumagawa kung ano ang matutuwid ay hindi sa Diyos, maging ang sino mang hindi nagmamahal ng kanyang kapatid

Dito "ang kapatid" ay nanganaghulugang kapwa mga Kristiano. "Tanging silang gumagawa ng makatuwiran ay sa Diyos, at tanging silang nagmamahal sa kanyang mga kapatid ay sa Diyos." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:11-12

dapat mahalin natin

Ang salitang "natin" dito ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

kapatid

Sa kalagayang ito nangangahulugang itong pisikal na kapatid ni Cain, si Abel.

At bakit niya nagawang siya ay patayin? Dahil

Gumagamit si Juan ng isang tanong upang magturo sa kanyang tagapakinig. Ito ay maaaring isalin katulad ng isang pahayag: "Pinatay niya siya sapagkat" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

masama ang kanyang mga gawa, at ang kanyang kapatid ay matuwid.

Maaaring isalin na: "sapagkat siya ay laging gumagawa ng mga masamang bagay at ang kanyang kapatid ay gumagawa ng mga mabuting bagay."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:13-15

mga kapatid

"mga kapwa mananampalataya"

kapag ang ang mundo ay napopoot sa inyo

Dito ang salitang "mundo" ay tumutukoy sa mga taong hindi pinaparangalan ang Diyos. Maaaring isalin na: "Kung silang hindi pinaparangalan ang Diyos ay kinamumuhian kayo na pinaparangalan ang Diyos (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

tayo ay dumaan na sa kamatayan patungo sa buhay

"tayo ay hindi na patay sa espiritwal kundi tayo ay buhay sa espiritwal"

nananatili sa kamatayan

"ay patay pa din sa espiritwal"

Ang sino mang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao

Ito ay hinahambing ang isang tao na galit sa isa pang mananampalataya sa isang mamamatay tao. Yamang poot ang sanhi ng pagpatay, ipinalalagay ng Diyos na sino man ang napopoot ay napatunayang nagkasala katulad ng isang mamamatay tao. Maaaring isalin na: "Sino mang nagagalit sa isa pang mananampalataya ay napatunayang nagkasala katulad ng isang taong pumatay ng isang tao." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang buhay na walang hanggan ay hindi nananatili sa isang mamamatay tao

"Buhay na walang hanggan" ay isang bagay na ibinibigay ng Diyos sa mga mananampalataya pagkatapos nating mamatay, pero ito rin ay isang kapangyarihang ibinibigay ng Diyos sa mga mananampalataya sa buhay na ito upang tulungan silang humintong magkasala at gawin ang kung ano ang nakalulugod sa kanya. Maaaring isalin na: "ang mamamatay tao ay walang kapangyarihang espiritwal na buhay na kumikilos sa kalooban niya."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:16-18

inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin

Ang pahayag na ito ay nangangahulugang "kusang ibinigay ni Jesus ang kanyang buhay para sa atin" o "kusang namatay si Jesus para sa atin." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

mga mabubuting bagay sa mundo

Maaaring isalin na: "mga materyal na pag-aari katulad ng pera, pagkain o damit."

nakitang nangangailangan ang kanyang kapatid

"at napagtatanto na ang isang kapwa mananampalataya ay kailangan ng tulong"

at isinara ang kanyang maawaing puso sa kanya

Ang pahayag na ito ay nangangahulugang "pero hindi siya pinakitaan ng awa" o "pero hindi siya kusang tinulungan."

papaano mananatili sa kanya ang pag-ibig ng Diyos?

Ginamit ni Juan ang isang tanong para magturo sa kanyang taga-pakinig. Ito ay maaaring isalin bilang isang pahayag na: "Ang pag-ibig ng Diyos ay wala sa kanya." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Minamahal kong mga anak

Tingnan paano mo isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

huwag tayong magmahal sa salita ni sa dila

Ang mga salitang "sa salita" at "sa dila" ay parehong tumutukoy sa kung ano ang sinasabi ng isang tao. Maaaring isalin na: "huwag mo lamang sabihin na mahal mo ang mga tao" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

pero sa mga gawa at katotohanan

Maaaring isalin na: "pero ipakita mo na totoong mahal mo ang mga tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:19-22

na tayo ay nasa katotohan

Maaaring isalin na: "tayo ay nabubuhay ayon sa paraang itinuro ni Jesus sa atin."

tiyakin ang ating puso

Sa 3:19-22 ang salitang "puso" ay tumutukoy sa budhi ng isang tao o ang bahagi ng pag-iisip ng tao kung saan ginagawa ng Diyos mabatid niya na ang ginagawa niya ay isang bagay na makasalanan. Maaaring isalin na: " hindi natin mararamdaman na tayo ay may kasalanan sa harapan ng Diyos." (UDB) (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

mas dakila ang Diyos kaysa sa ating puso

Maaaring isalin na: "alam natin ang Diyos ay isang mas mahusay na hukom kaysa sa ating puso"

at ginagawa ang mga bagay na kalugudlugod sa kanyang paningin

Maaaring isalin na: "ginawa natin kung ano ang nakalulugod sa kanya"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 3:23-24

ito ang kanyang kautusan

Maaaring isalin na: "ito ang kung ano ang nais ng Diyos na ating gawin"

Anak

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus, ang Anak ng Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

nananatili sa kanya ,at ang Diyos ay nananatili sa kanya

Tingnan paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]].

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/03.md]]

1 John 4

1 John 4:1-3

wag maniwala sa bawat espirito

Sa 4:1-3 ang salitang "espiritu" ay tumutukoy sa espirituwal na kapangyarihan o kalagayan na nagbibigay sa isang tao ng isang mensahe o propesiya. Maaaring isalin na: "Wag magtiwala sa bawat propeta na umaangkin na mayroong isang mensahe mula sa isang espiritu."

pero suriin ang mga espirito

Maaaring isalin na: "pero siguraduhin na makinig nang mabuti sa kung ano ang sinasabi ng mga propeta."

ay dumating sa laman

"nag-anyong tao" o "dumating sa pisikal na katawan"

Ito ang espiritu ng antikristo

Maaaring isalin na: "Sila ay mga guro na siyang tumututol kay Cristo" (UDB)

na inyong narinig na darating

Maaaring isalin na: "Narinig ninyo na ang mga taong katulad na niyon ay darating sa natin."

at ngayon ay nandito na sa mundo

Maaaring isalin na: "Kahit ngayon nandito na sila!" (UDB)

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:4-6

Ikaw ay sa Diyos

"Ikaw ay nabibilang sa Diyos."

minamahal kong mga anak

Tingin kung paano isinalin ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/01.md]].

napagtagumpayan sila

Maaaring isalin na: "Hindi naniwala sa mga bulaang guro."

siya na nasa sa inyo

"siya" ay tumutukoy sa Diyos.

siya na nasa sa mundo

"siya" ay tumutukoy kay Satanas.

sa mundo

Ang katagang "sa mundo" ay tumutukoy sa mga tao na hindi sumusunod sa Diyos.

Sila ay mga sa mundo

Maaaring isalin na: "Ang mga bulaang guro na iyon ay ang mga tao na hindi sumusunod sa Diyos."

kaya kung ano ang kanilang sinasabi ay sa mundo

Maaaring isalin na: "kaya sila ay nagtuturo ng mga kaisipan na laban sa Diyos"

at ang mundo ay nakikinig sa kanila

Maaaring isalin na: "kaya ang mga tao na hindi sumunod sa Diyos ay nakikinig sa kanila"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:7-8

Minamahal

"Minamahal na mga kaibigan." (UDB)

mahalin natin ang isa't isa

"Dapat mahalin ng mga mananampalataya ang mga ibang mananampalataya."

Diyos ay pagibig

Ito ay isang metapora na nangangahulugang "Ang katangian ng Diyos ay pagibig." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sapagkat ang pag-ibig ay sa Diyos

Maaaring isalin na: "dahil ang Diyos ang nagdudulot sa atin na mahalin natin ang isa't isa.

pinanganak sa Diyos

Ito ay isang metapora na nangangahulugang mayroong kaugnayan sa Diyos katulad ng isang anak sa kaniyang ama. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

at lahat ng tao na nagmamahal ay pinanganak sa Diyos at kilala ang Diyos.

Maaaring isalin na: "dahil silang mga nagmamahal sa kanilang kapwa mananampalataya ay naging mga anak ng Diyos at nakikila siya." (UDB)

Siya na hindi nagmamahal ay hindi kilala ang Diyos, dahil ang Diyos ay pagibig.

Maaaring isalin na: "Likas na katangian ng Diyos na mahalin ang lahat ng tao. Ang mga hindi mahal ang kanilang kapwa mananampalataya ay hindi kilala ang Diyos dahil ang katangian ng Diyos ay mahalin ang mga tao."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:9-10

Sa ganito ang pag-ibig ng Diyos ay naipahayag sa atin

Maaaring isalin na: "Ipinakita ng Diyos na minahal niya tayo,"

na tayo maaring mabuhay sa pamamagitan niya

Maaaring isalin na: "nagbibigay ng kakayanan sa atin na mabuhay ng walang hanggan dahil sa ginawa ni Jesus."

ito ay pag-ibig

Maaaring isalin na: "Ipinakita ng Diyos sa atin kung ano ang tunay na pag-ibig"

hindi dahil minahal natin sya

Maaaring isalin na: "ito ay hindi katulad ng paraang minamahal natin ang Diyos"

kabayaran

nangangahulugang isang sakripisyong kabayaran

at pinadala niya ang kaniyang Anak bilang kabayaran para sa ating mga kasalanan.

Maaaring isalin na: "at ipinadala niya ang kaniyang Anak para isakripisyo ang kaniyang sarili nang sa gayon mapatawad ng Diyos ang ating mga kasalanan."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:11-14

Minamahal

"Minamahal na mga kaibigan" (UDB)

kung tayong sobrang mahal ng Diyos

Maaaring isalin na: "yamang tayo ay labis na mahal ng Diyos"

mahalin natin ang isa't isa

"Dapat mahalin ng mga mananampalataya ang ibang mga mananampalataya."

Ang Diyos ay mananatili sa atin...tayo ay mananatili sa kanya at siya sa atin

Tingnan kung paano ito naisalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]].

ang kanyang pag ibig ay nilubos sa atin

Maaaring isalin na: "Ang pag-ibig ng Diyos ay ginawang ganap sa atin."

dahil naibigay na niya sa atin ang kanyang Espiritu

Maaaring isalin na: "dahil inilagay na niya ang kaniyang Banal na Espiritu sa atin"

At nakita na natin at nasaksihan na naipadala na ng Ama ang kanyang anak upang maging Tagapagligtas ng mundo.

Maaaring isalin na: "At tayong mga apostol ay nakita na ang Anak ng Diyos at sinabi sa lahat na ang Diyos, ang Ama, ay ipinadala ang Anak para iligtas ang mga tao dito sa ibabaw ng lupa."

Ama...Anak

Ang mga ito ay mahalagang titulo na nilalarawan ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ni Jesus. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:15-16

Sinuman ang kumikilala na si Jesus ay Anak ng Diyos

"Silang mga nagsasabi ng katotohanan tungkol kay Jesus, na siya ang Anak ng Diyos"

Anak ng Diyos

Ito ay isang mahalagang titulo na inilarawan ng ugnayan niya sa Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

ang Diyos ay mananatili sa kaniya at siya sa Diyos.

Tingnan kung paano ito naisalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/1jn/02/04.md]].

Diyos ay pag-ibig

Ito ay isang metapora na nangangahulugang "Ang katangian ng Diyos ay pag-ibig." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

siya na mananatili sa pag-ibig mananatili sa Diyos, at ang Diyos ay mananatili sa kanya.

Maaaring isalin na: "ang mga nagpapatuloy na mahalin ang iba ay mayroong isang malapit na ugnayan sa Diyos, at ang Diyos ay may isang malapit na ugnayan sa kanila.")

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:17-18

Sa pagmamahal na ito ginawang lubos sa atin, na sa gayon tayo ay magkaroon ng katiyakan sa araw ng paghuhukom

Ang mga maaaring mga kahulugan ay 1) ang salitang "ito" ay tumutukoy sa 4:16. Kahaliling salin: "At kapag ang isang tao ay namumuhay sa pag-ibig, at siya ay nasa Diyos at ang Diyos ay nasa sa kaniya, ang ating pagmamahal ay lubos. At maaari tayong magkaroon ng lubos na pananalig sa araw ng paghuhukom." O 2) ang salitang "ito" ay tumutukoy sa "pananalig". Maaaring isalin na: "Kapag tayo ay may pananalig na tatanggapin tayo ng Diyos sa araw ng paghukom niya sa lahat ng tao, sa gayon alam natin ang ating pagmamahal ay ganap sa atin."

dahil gaya niya, gayon din tayo sa mundong ito

"Dahil ang kaugnayan na mayroon si Jesus sa Diyos ay kaparehong kaugnayan mayroon tayo sa Diyos sa mundong ito"

dahil ang lubos na pag-ibig ay inaalis ang takot

Dito ang "pag-ibig" ay inilarawan bilang isang tao na may kapangyarihan na alisin ang takot. Maaaring isalin na: "Pero kapag lubos ang ating pagibig hindi na tayo natatakot." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

dahil ang takot ay may kinalaman sa kaparusahan

"dahil tayo ay natatakot kapag iniisip natin na paparusahan tayo ng Diyos kapag siya ay dumating upang hatulan ang lahat ng tao"

Ngunit ang sinuman na natatakot ay hindi pa nagagawang lubos sa pag-ibig

"Kapag ang tao ay takot na paparusahan siya ng Diyos iyon ay nangangahulugan na ang kaniyang pagmamahal ay hindi ganap"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 4:19-21

tayo

Ito ay tumutukoy kay Juan, sa mga tao na sinusulatan niya, at sa mga mananampalataya sa lahat ng dako. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

kinapopootan ang kanyang kapatid

"kinapopootan ang kapwa mananampalataya" (UDB)

sinuman hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kanyang nakita na, hindi umiibig sa Diyos na hindi pa niya nakita.

"siya lamang na nagmamahal sa kapatid, na kaniya nang nakita, ang may kakayanan na mahalin ang Diyos, na hindi niya nakikita" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])

ang kautusan na mayroon tayo mula sa kaniya

"kaniya" ay tumutukoy sa Diyos.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/04.md]]

1 John 5

1 John 5:1-3

ay pinanganak sa Diyos

"ay isang anak ng Diyos"

siya na nagmula sa Ama

"ang isa na nanggaling mula sa Ama"

Sa pamamagitan nito alam natin na mahal natin ang mga anak ng Diyos-kapag mahal natin ang Diyos at ginagawa natin ang kanyang mga kautusan

"Kapag mahal natin ang Diyos at ginagawa kung ano ang kanyang inuutos, sa gayon alam natin na mahal natin ang mga anak ng Diyos"

Sapagkat ito ang pagmamahal sa Diyos-na pinapanatili natin ang kanyang mga kautusan

"Dahil kung ginagawa natin kung ano ang kanyang inuutos iyon ang tunay na pagmamahal para sa Diyos"

At ang kanyang mga kautusan ay hindi pasanin

"At kung ano ang kanyang inuutos ay hindi pasanin" o "At kung ano ang kanyang inuutos ay hindi mahirap gawin"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:4-5

bawa't isa na ipinanganak sa Diyos

Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga anak ng Diyos.

napapagtagumpayan ang mundo

Maaaring isalin na: "tumatangging gawin ang mga masasamang mga bagay na ginagawa ng mga hindi mananampalataya"

At ito ang katagumpayan.. .ang ating pananampalataya

Maaaring isalin na: "Ang ating pananampalataya ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan na labanan ang pagkakasala na laban sa Diyos."

sino ang siyang napapagtagumpayan ang mundo

Ginamit ni Juan ang tanong na ito para ipakilala ang isang bagay na gusto niyang ituro. Maaaring isalin na: "Sasabihin ko sa inyo kung sino ang siyang napapagtagumpayan ang mundo." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ang sinuman na siyang naniniwala na si Jesus ay Anak ng Diyos

Ito ay hindi tumutukoy sa isang tiyak na tao kundi sa kung sinuman na naniniwala rito. Maaaring isalin na: "Sinuman na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos."

ang mundo

Ito ay tumutukoy sa lahat ng bagay sa mundo na laban sa Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]

Anak ng Diyos

Ito ay mahalagang titulo para kay Jesus na naglalarawan ng kaugnayan niya sa Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:6-8

Ito ay siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo

"Si Jesu-Cristo ay ang siyang dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo. Dito ang "tubig" ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus. Gayun din ang "dugo" ay tumutukoy sa pagkamatay ni Jesus sa krus. Maaaring isalin na: "Ipinakita ng Diyos na si Jesu-Cristo ay ang kanyang anak at ang bautismo ni Jesus at ang kanyang kamatayan sa krus." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

hindi lamang sa pamamagitan ng tubig ngunit sa pamamagitan ng tubig at dugo

Ang tubig ay tumutukoy sa bautismo ni Jesus at ang dugo ay tumutukoy sa kamatayan ni Jesus sa krus. Maaaring isalin na: "Hindi lamang ipinakita ng Diyos sa atin na si Jesus ay ang kanyang anak sa pamamagitan ng kanyang bautismo, pero sa pamamagitan ng kanyang bautismo at ang kanyang kamatayan sa krus."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:9-10

Kung tinatanggap natin ang patunay ng tao, ang patunay ng Diyos ay mas dakila

Ang pinahiwatig na kaalaman na dapat nating paniwalaan kung ano ang sinabi ng Diyos ay maaaring sabihin nang maliwanag. Maaaring isalin na: "Kung naniniwala tayo kung ano ang sinabi ng mga tao, kung gayon kailangan nating paniwalaan kung ano ang sinabi ng Diyos dahil palagi siyang nagsasabi ng katotohanan" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Anak

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus, ang Anak ng Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili

Maaaring isalin na: "Kung sinuman ang naniniwala kay Jesus ay siguradong alam na siya ang Anak ng Diyos"

ay ginawa siyang sinungaling

"ay tinatawag ang Diyos na isang sinungaling"

dahil hindi siya naniwala sa patunay na binigay ng Diyos patungkol sa kanyang Anak.

"sapagkat hindi siya naniniwala na ang Diyos ay nagsabi ng katotohanan tungkol sa kanyang Anak"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:11-12

At ang patunay ay ito

"Ito ay kung ano ang sinabi ng Diyos." (UDB)

ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak

"Tayo ay mabubuhay magpakailanman kung tayo ay kasama ng kanyang Anak" (UDB), o "Tayo ay mabubuhay magpakailanman kung tayo ay kaisa ng kanyang Anak."

Anak

Ito ay isang mahalagang titulo para kay Jesus, ang Anak ng Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

Siya na pinananahanan ng Anak ay may buhay

Maaaring isalin na: Siya na naniniwala sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:13-15

Ang mga bagay na ito

"Ang liham na ito"

sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos

Ang salitang "pangalan" ay tumutukoy sa Anak ng Diyos. Maaaring isalin na: "sa inyo na nagtitiwala sa Anak ng Diyos." (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Anak ng Diyos

Ito ay isang mahalaganag titulo para kay Jesus na naglalarawan ng kaugnayan niya sa Diyos. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

At ito ang pananalig na meron kami sa kanyang harapan

"At dahil tayo ay nagtitiwala sa Anak ng Diyos tayo ay makatitiyak dito"

kung tayo ay humingi ng anuman naaayon sa kanyang kalooban

"kung tayo ay humingi ng mga bagay na ninanais ng Anak ng Diyos"

alam natin na meron na tayo ng anumang hiningi natin sa kanya.

"alam natin na matatanggap natin kung anuman ang hiningi natin mula sa kanya"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:16-17

kapatid

"kapwa mananampalataya."

Bibigyan siya ng Diyos ng buhay

Ang "buhay" dito ay tumutukoy sa buhay na walang hanggan.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

1 John 5:18-21

ang buong mundo ay nagsisinungaling

Ang "Mundo" ay isang paraan kung saan ang ibang manunulat ng bibliya ay tumutukoy sa mga taong namumuhay sa mundo na nagrerebelde laban sa Diyos, at ang pamamaraan ng mundo na apektado sa bawat paraan ng masamang kapangyarihan ng kasalanan (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

ng masama

"ng masama" ay isang paraan ng pagtukoy kay Satanas. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/1jn/05.md]]