Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

1 Thessalonians

1 Thessalonians 1

1 Thessalonians 1:1

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan

Ang salitang "sumainyo" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo para sa iglesiya

Maliwanag sa UDB na si Pablo ang nagsulat sa liham na ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]]) Sa Griego ang nakasulat lamang ay "Pablo, Silas, at Timoteo" ngunit idinagdag lamang ang mga salitang "mula kina" upang maintindihan na si Pablo ang sumulat nitong liham.

sumainyo nawa ang kapayapaan

Ang salitang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang taga- Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

1 Thessalonians 1:2-3

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos

Maaring isalin na: "Madalas kaming nagpapasalamat sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]]

Lagi kaming

Ang salitang "kami" ay tumutukoy kina Pablo, Silas at Timoteo at hindi sa mga mananampalataya sa Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

binabanggit namin kayo sa aming mga panalangin

"nanalangin kami para sa inyo"

Inaalala namin ng walang tigil

"lagi namin kayong inaalala"

gawa ng pananampalataya

"mga gawa ng pananamalataya" o "kayo ay gumagawa para sa Diyos dahil kayo ay nagtitiwala sa kaniya" (UDB)

pagtitiyagang may pagtitiwala

"walang tigil na pagtitiwala"

1 Thessalonians 1:4-5

Mga kapatid

"mga kapwa mananampalataya"

alam namin ang inyong pagkatawag

"alam naming pinili kayo ng Diyos upang maglingkod sa natatanging pamamaraan" o "alam naming pinili kayo ng Diyos upang maging mga tao niya" (UDB)

alam namin

ang salitang "namin" ay tumutukoy kina Pablo, Silas at Timoteo at hindi sa mga mananampalataya sa Tesalonica. (Tingan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "makapangyarihang nangaral si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu" o 2) may makapangyarihang epekto ang ebanghelyo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng nakahihikayat na gawa ng Banal na Espiritu."

lubos na katiyakan

"sa parehong paraan" (UDB)

anong uring tao

"paano ang aming pag-uugali nang"

1 Thessalonians 1:6-7

Tinularan ninyo

Ang kahulugan ng tinularan ay gumawa ng kagaya sa o sumunod sa. Maaaring isalin na: "ginaya ninyo kami."

pagtanggap ninyo sa salita

"malugod na tinanggap ang katuruan" o "tinanggap ang katuruan"

sa matinding paghihirap

"sa panahon ng matinding pagdurusa" o "sa matinding pag-uusig"

Acaya

Ito ay isang sinaunang distrito na ngayon kasalukuyang Gresya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

1 Thessalonians 1:8-10

lumaganap

"kumalat"

Acaya

Ito ay isang sinaunang distrito na ngayon kasalukuyang Gresya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

lahat ng dako

"sa maraming lugar sa buong rehiyon"

Sapagkat sila mismo

Tinutukoy ni Pablo ang mga iglesiya na nasa paligid ng mga rehiyon, na nakarinig tungkol sa mga mananampalataya sa Tesalonica.

sila mismo

Dito ang "sila mismo" ay ginamit upang bigyan diin ang mga taong nakarinig tungkol sa mga mananampalataya sa Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rpronouns/01.md]])

kung paano kami dumating sa inyo

"kung paanong mainit ninyo kaming tinanggap" (UDB)

kaniyang Anak

Ito ay isang napakahalagang titulo para kay Jesus na naglalarawan ng kaniyang relasyon sa Ama. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])

na kaniyang binangon

"na binangon ng Diyos"

na nagpalaya sa atin

Isinasama ni Pablo ang mga mananampalataya na kaniyang sinusulutan sa salitang "atin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

1 Thessalonians 2

1 Thessalonians 2:1-2

kayo mismo

Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rpronouns/01.md]])

mga kapatid

Ang kahulugan nito ay kapwa mga Cristiano, kasama ang mga lalaki at babae, sapagka't lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mga miyembro ng isang espirituwal na pamilya, kasama ang Diyos bilang kanilang Ama sa langit.

aming pagpunta

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Pablo, Silas, at Timoteo at hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]]

hindi nawalan ng kabuluhan

"ay napakahalaga" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]]

naghirap noon at inalipusta ng kahiya-hiya sa Filipos

Si Pablo ay pinaghahampas at ikinulong sa kulungan sa Filipos. Maaring isalin na "siya ay hinamak at ininsulto."

labis na pagsisikap

"habang nakakaranas kami ng matinding pagsalungat"

1 Thessalonians 2:3-4

Sapagkat ang aming panghihikayat

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Pablo, Silas, at Timoteo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

hindi galing sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa panlilinlang.

"ay totoo, malinis at tapat" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]]

kundi...ang Diyos

"Kundi bigyang lugod ang Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]]

Siya ang nakakasiyasat sa aming mga puso.

"Ang Diyos na nagsisiyasat ng aming mga isipan at mga gawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

1 Thessalonians 2:5-6

Sapagkat...kami

Ang salitang "kami" ay tumutukoy kay Pablo, Silas, at Timoteo at hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

gumamit ng mga mataatmis na salita

"nagsasalita sa inyo na may kasamang maling pagpaparangal"

ni pagdadahilan sa kasakiman

"Ni gumamit kami ng mga salitang pagdadahilan sa kasakiman upang bigyan ninyo kami ng kahit anong mga bagay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

Nararapat sana naming tanggapin ang aming mga karapatan

"maaaring ibigay ninyo ang mga bagay na nararapat sa amin.

1 Thessalonians 2:7-9

gaya ng ina na inaaliw ang kaniyang mga anak

Gaya ng isang ina na maingat na nag-aaruga sa kaniyang mga anak, ganun din sina Pablo, Silas, at Timoteo na nagsalita ng maingat sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

nagmamalasakit sa inyo

"mahal namin kayo"

kayo'y labis na napamahal na sa amin

"Inaalagaan namin kayo ng taimtim"

mga kapatid

Ang kahulugan nito ay mga kapwa ko Kristiyano, kasama ang mga lalaki at babae, sapagkat ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mga miyembro ng isang espirituwal na pamilya, kasama ang Diyos bilang kanilang Ama sa langit.

ang aming trabaho at pagpapakahirap

Ang mga salitang " matinding paggawa" at "trabaho" ay iisa lamang ang kahulugan. Ginagamit ito ni Pablo upang bigyang diin kung paano sila nagtrabaho ng mabibigat. Maaring isalin na: "Paano kami nagtrabaho ng mabibigat." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo

"Nagtrabaho kaming mabuti upang gawin ang aming ikabubuhay at hindi na ninyo kami kailangang tulungan"

1 Thessalonians 2:10-12

kabanal, makatuwiran at walang dungis

Ginagamit ni Pablo ang tatlong salita na nangangahulugan ng parehong bagay upang bigyan diin na sila ay kumilos sa napakabuting paraan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

katulad ng ama sa kaniyang mga anak

Inihahalintulad ni Pablo kung paano ang isang ama magturo sa kaniyang mga anak upang kumilos ng tama at kung paano sila makahikayat at makahimok ng mga mananampalataya na kumilos ng maayos na karapat-dapat sa Diyos.

kayo ay aming hinimok at hinikayat

Ang mga salitang "hinimokt" at "hinikayat" ay nangangahulugan ng parehong bagay. Ginagamit ni Pablo ang mga ito upang bigyang diin kung paano nila hinikayat ng maka-bagbag-damdamin ang mga taga-Tesalonica. Maaaring isalin na: "Mahigpit namin kayong pinangaralan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.

Ang salitang "kaluwalhatian" ay inilalarawan ang salitang "kaharian." Maaaring isalin na: "sa kaniyang maluwalhating kaharian." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])

1 Thessalonians 2:13

Sa dahilang ito kami rin ay walang tigil na nagpapasalamat sa Diyos

"Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos sapagka't"

nang inyong natangap

Naniniwala ang mga taga-Tesalonica na ang mensahe na ipinangaral ni Pablo ay galing sa Diyos, hindi galing sa kapangyarihan ni Pablo.

1 Thessalonians 2:14-16

mga kapatid

Dito ang kahulugan nito ay kapwa Kristiyano.

naging katulad din ng mga iglesia

Sila ay nakaranas ng pagkapoot mula sa ibang mga taga-Tesalonica katulad ng karanasan ng mga naunang mananampalataya na nakaranas ng pag-uusig sa mga pinuno ng mga Judio. "na naging katulad sa mga iglesiya".

sa inyong mga kababayan

"mula sa ibang mga taga-Tesalonica"

Pinagbabawalan nila kaming makipag-usap

"sinubukan nila kaming tumigil sa pagsasalita"

lagi nilang pinupunan ang kanilang mga kasalanan

"upang magpatuloy sa kasalanan"

Ang poot ay darating sa kanila

" Ang parusa ng Diyos ay dumating sa kanila" o "Ang galit ng Diyos ay dumating sa kanila"

1 Thessalonians 2:17-20

mga kapatid

Dito ang kahulugan nito ay kapwa Kristiyano.

sa presensya, hindi sa puso

"sa pisikal na kalagayan, nguni't kami ay patuloy na nanalangin para sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

makita ang mukha ninyo

"makita kayo" o "makasama kayo" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

ako, si Pablo, na minsan at muli

"Ako, si Pablo, dalawang beses na sumubok" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Sapagkat ano ba ang aming inaasahan... sa kaniyang pagdating? ...

"Ang ating inaasahan sa hinaharap, na kagalakan at korona ng kaluwalhatian at kayo at ang mga iba sa pagdating ng ating Panginoong Jesus." ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

1 Thessalonians 3

1 Thessalonians 3:1-3

hindi na namin kayang tiisin pa

Ang salitang "namin" ay tumutukoy kina Pablo, Silas, at kay Timoteo ngunit hindi ang mga taga-Tesalonica na mananampalataya. Maaaring isalin na: "hindi na namin kayang tiisin pa ang pag-aalala sa inyo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

mabuti ang maiwan sa Atenas ng mag-isa

"mabuti kay Silas at sa akin na manatili sa Atenas"

mabuti

"angkop" o "makatuwiran"

Atenas

Ito ay lungsod sa lalawigan ng Acaya, na ngayon ay kasalukuyang Gresya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

ating kapatid

"ating kapwa Kristiyano"

upang walang isa man ang mayanig

"walang sinuman ang magambala" o "walang sinuman ang matitinag"

kami ay hinirang

"kami ay itinalaga"

1 Thessalonians 3:4-5

Katunayan

Maaaring isalin na: "Tiyak" o "Sigurado"

nang kami ay kasama ninyo

Ang salitang "kami" ay tumutukoy kina Pablo, Silas, at Timoteo ngunit hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

kami ay magdurusa sa kapighatian

"na pakitunguhan ng masama ng ibang tao"

hindi ko na kayang tiisin pa

Ang "ko" dito ay tumutukoy kay Pablo. Maaaring isalin na: "Gusto ko talagang malaman." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

nagsugo ako

"pinapunta ko si Timoteo"

nawalan ng kabuluhan

"walang pakinabang"

1 Thessalonians 3:6-7

pumarito sa amin

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kina Pablo at Silas ngunit hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

mabuting balita ng inyong pananampalataya

"magandang ulat ng inyong pananampalataya"

laging nasa inyo ang aming mga mabubuting alaala

"madalas kayong may mga magagandang alaala"

nasasabik kayong makita kami

"ninanais ninyo na kami ay makita"

mga kapatid

ang "mga kapatid" dito ay nangangahulugan sa mga kapwa Kristiyano.

dahil sa inyong pananampalataya

"sa pamamagitan ng inyong pananampalataya kay Cristo" o "sa pamamagitan ng inyong kasalukuyang paniniwala kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

sa lahat ng aming pagkabalisa at pagdadalamhati

Ang salitang "pagdadalamhati" ay nagpapaliwanag kung bakit sila ay "nababalisa." Maaaring isalin na: "ang dahilan ng lahat ng aming pagkabalisa ay kung paano kami pinahirapan ng mga tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

1 Thessalonians 3:8-10

Sapagkat ngayon nabubuhay kami

Ang salitang "kami" ay tumutukoy kina Pablo at Silas ngunit hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. Maaaring isalin na: "Kami ay lubos na napalakas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

mananatili kayong matatag

Maaaring isalin na: "lubos kayong nagtitiwala" (UDB) (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa inyo, para sa lahat ng kagalakan na mayroon kami sa harap ng ating Diyos dahil sa inyo?

Ang tanong na ito ay nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob. Maaaring isalin na: "Hindi sapat ang aming pasasalamat sa Diyos sa kung ano ang ginawa niya sa inyo! Kami ay labis na nagagalak sa inyo tuwing kami ay nananalangin sa ating Diyos!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Gabi at araw

"Madalas" (Tingnann sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

ng buong tiyaga

"maalab"

makita namin kayo ng harapan

"dalawin kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

1 Thessalonians 3:11-13

Nawa ang ating Diyos

"Ipinapanalangin namin na ang ating Diyos"

Nawa ang ating Diyos...ang ating Panginoong Jesus

Ang salitang "ating" ay tumutukoy sa lahat ng mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

Ama

Ang "kaniyang sarili" dito, ay tumutukoy pabalik sa "Ama," para sa pagbibigay diin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rpronouns/01.md]])

manguna sa amin sa inyo

Ang salitang "amin" ay tumutukoy kina Pablo at Silas ngunit hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

na gaya ng ginagawa namin

Ang salitang "aming" ay tumutukoy kina Pablo at Silvanas ngunit hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

Nawa ay gawin niya

"Ipinapanalangin namin na gawin ng Diyos"

sa pagdating ng ating Panginoong Jesus

"kapag bumalik na si Jesus dito sa sanlibutan"

kasama ng lahat ng kaniyang mga banal

"kasama ng lahat na kabilang sa kaniya" (UDB)

1 Thessalonians 4

1 Thessalonians 4:1-2

mga kapatid

Ang kahulugan dito ng "mga kapatid" ay mga kapwa Kristiyano.

pinalalakas namin kayo at hinihikayat

Ang salitang "kami" ay tumutukoy kina Pablo, Silas at Timoteo at hindi sa mga mananampalatayang taga Tesalonica. Ang mga salitang "pinalalakas" at "hinihikayat" ay nangangahulugan ng iisang bagay. Ginamit ni Pablo ang mga salitang ito upang bigyang diin kung gaano kahigpit ang kanilang panghihikayat sa mga mananampalataya." Maaaring isalin na: "Mahigpit namin kayong hinihimok." ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

pagtanggap ng mga tagubilin

"kayo ay naturuan sapamamagitan ng"

kayo dapat lumakad

Ang salitang"lumakad" ay isang pagpapahayag sa paraan ng pamumuhay. Maaring isalin na: "ikaw ay nararapat na mamuhay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

1 Thessalonians 4:3-6

umiwas kayo sa kahalayan

"Ikaw ay lumayo mula sa sekswal na imoralidad"

alam kung paano makitungo

"alamin kung paano mamuhay nang"

sa kahalayan ng laman

"maling sekswal na pagnanais "

Huwag hayaan ang sinuman

"wala isa man" o "walang sinumang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-gendernotations/01.md]]

pagsamantalahan at dayain

Ang mga ito ay magkasing-kahulugan na nagsasabi ng parehong kaisipan upang pagtibayin ang konsepto. "Maaaring isalin na: "Mali" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

ang Panginoon ang gaganti

"Ang Panginoon ang magpaparusa sa nanamantala at siya ang magtatanggol sa dinaya"

gaya sa aming babala sa inyo at pinatotohanan.

"sinabi ko sa inyo noong una pa at mahigpit ko kayong binalaan tungkol dito "

1 Thessalonians 4:7-8

hindi tayo tinawag ng Diyos sa karumihan, kundi sa kabanalan

"Tinawag tayo ng Diyos upang lubusang maging malinis at banal" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

hindi tayo tinawag ng Diyos

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

sinumang magtanggi nito

"Sinumang magpawalang bahala sa turong ito" o "sinumang hindi pumansin sa turong ito"

1 Thessalonians 4:9-12

pag-iibigang magkakapatid

"pag-ibig sa kapwa mananampalataya"

ginagawa ninyo ito sa lahat ng mga kapatid na nasa Macedonia

"ipinakita ninyo ang pag-ibig sa mga mananampalataya na nasa buong Macedonia"

mga kapatid

Dito ang salitang "mga kapatid" ay nangangahulugang kapwa Kristiyano.

na gawin ninyo ito ng higit pa

"upang ipagpatuloy" o "upang magsumikap na mainam"

gawin ninyo ang inyong sariling gawain

Ito ay nangangahulugan na hindi maki-alam sa gawain ng ibang tao. Maaaring isalin na: "harapin ninyo ang inyong sariling pangangailangan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

magtrabaho kayo sa inyong sariling mga kamay

"Gawin ninyo ang inyong sariling trabaho para kumita at para sa inyong pangangailangan upang mabuhay"

makalakad kayo ng maayos

"kumilos sa isang kagalang-galang at karapat dapat na pag-uugali" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

mga taong nasa labas ng pananampalataya

"silang mga hindi pa nananampalataya kay Cristo"

hindi na kayo mangailangan ng anuman.

"hindi na kayo mangangailangan ng anumang bagay"

1 Thessalonians 4:13-15

Nais naming maintindihan ninyo

"gusto namin na maintindihan ninyo" ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]]

Nais naming

Ang "namin" ay tumutukoy kina Pablo,Silas, at Timoteo at hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])

mga kapatid

Dito ang mga salitang "mga kapatid" ay nangangahulugang kapwa ko Kristiyano.

natutulog

Dito ang kahulugan nito ay "namatay"

hindi kayo magdalamhati

"huwag kayong maghinagpis"

gaya ng marami na hindi nakakatiyak patungkol sa kinabukasan

"katulad ng mga taong hindi nananampalataya"

kung tayo ay naniniwala

Dito ang "kami" ay tumutukoy kina Pablo at sa kaniyang mga sinulatan. ( Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

nabuhay na muli

"bumangon upang mabuhay muli"

upang dadalhin ng Diyos... kasama ni Jesus ang mga natutulog sa kaniya

""muling bubuhayin ang mga mananampalataya na silang namatay na naniniwala kay Jesus kapag siya ay bumalik." Ang "natutulog" ay isang talinghaga na tinatawag na "euphemism" sa isang namatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]]

Sinasabi namin

Ang "namin" ay tumutukoy kina Pablo, Silas, at Timoteo hindi sa mga mananampalatayang taga-Tesalonica. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/transla/01.md]]

sa pagparito ng Panginoon

"sa araw ng pagbabalik ni Cristo"

hindi mauuna

"tiyak na hindi mauuna"

1 Thessalonians 4:16-18

ang Panginoon mismo ay bababa

"ang Panginoon mismo ang bababa"

Ang arkanghel

"ang pinakapunong anghel"

ang mga namatay kay Cristo ang unang bubuhayin

Ito ay nangangahulugan ng pisikal na pagkamatay. "silang nananampalataya kay Jesu- Cristo, na namatay na, ang unang babangon"

tayong mga buhay

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. ( Tingnan sa:(See [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

makakasama nila

Ang salitang "nila" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang namatay na.

makakasama sa mga alapaap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid.

"salubungin ang Panginoong Jesus sa alapaap."

1 Thessalonians 5

1 Thessalonians 5:1-3

sa mga oras at panahon

"ang oras kung kailan babalik ang Panginoon Jesus" (UDB)

mga kapatid

Dito ang "mga kapatid" ay nangangahulungang mga kapwa Kristiyano.

lubusan

"napakahusay" o "tamang-tama" (UDB)

tulad ng isang magnanakaw sa gabi

Gaya ng sinumang hindi alam kung kailang gabi darating ang magnanakaw upang manira at magnakaw, hindi natin alam kung kailan darating ang araw ng Panginoon. Maaaring isalin na: "hindi inaasahan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Kapag sinabi nilang

"Kapag sinabi ng mga tao"

biglang darating sa kanila ang pagkawasak

"pagkatapos may hindi inaasahang pagkawasak"

Katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis

Gaya ng biglaang pagdating ng sakit sa panganganak ng babaeng nagdadalang-tao at hindi titigil hanggang matapos ang panganganak, ganyan ang pagdating ng pagkawasak at hindi makakatakas ang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

1 Thessalonians 5:4-7

kayo, mga kapatid, wala na kayo sa kadiliman

Dito ang "mga kapatid" ay nangangahulugang mga kapwa Kristiyano. "hindi kayo kabilang sa masamang mundong ito, na kung saan ay gaya ng nasa kadiliman"

kaya aabutan kayo sa araw na iyon gaya ng isang magnanakaw

Ang araw kung kailan darating ang Panginoon ay hindi magiging sorpresa tulad ng pagsorpresa ng isang magnanakaw sa kaniyang biktima. "upang abutan kayong hindi handa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

kayong lahat ay mga anak ng liwanag... . Hindi mga anak ng gabi

Dito ang "mga anak ng liwanag" ay tumutukoy sa mga tagasunod ni Cristo. Ang"Mga anak ng gabi" ay tumutukoy sa lahat ng sumusunod sa mundo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

huwag tayong matulog gaya ng ginagawa ng karamihan

Ikinumpara ni Pablo ang pagtulog sa hindi pagkakaalam na si Jesus ay babalik upang hatulan ang mundo. "huwag tayong gumaya sa ibang hindi batid ang pagbabalik ni Jesus. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

huwag tayo

Ang salitang "tayo" ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

magbantay tayo at maging malinaw ang ating pag-iisip

Ang mga mananampalataya kay Cristo ay maging handa sa kaniyang pagbabalik at magpigil sa sarili.

Sapagkat ang mga natutulog, sa gabi natutulog

Kung paanong sa gabi habang ang mga tao ay natutulog at hindi alam kung ano ang nangyayari, ganoon din sa mundo, at hindi nila alam na babalik si Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

at ang mga naglalasing, sa gabi naglalasing

Sinasabi ni Pablo na sa gabi kung saan ang mga tao ay naglalasing, ganoon din kung ang mga tao ay walang alam sa pagbabalik ni Cristo hindi sila mamumuhay ng may pagpipigil sa sarili. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

1 Thessalonians 5:8-11

mga anak ng umaga

Ito ay isang pahayag para sa mga mananampalataya kay Cristo. Maaaring isalin na: "mga mananampalataya kay Cristo" o "mga tao ng liwanag." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

manatili tayong malinaw ang pag-iisip

"sanayin natin ang pagpipigil sa sarili"

Isuot natin ang baluti ng

Gaya ng isang sundalo na magsusuot ng baluti upang ingatan ang kaniyang katawan, ang isang mananampalatayang namumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-ibig ay makakahanap ng pangangalaga. Maaaring isalin na: "ingatan ang ating sarili sa." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang helmet

Gaya ng isang helmet na nag-iingat sa ulo ng isang sundalo, ganoon din ang katiyakan ng kaligtasan na iingatan ang mananampalataya. Maaaring isalin na: "at malaman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

gising man tayo o natutulog

"nabubuhay man tayo o patay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])

magpalakasan kayo

"palakasin ang bawat isa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

1 Thessalonians 5:12-14

mga kapatid

Dito ang "mga kapatid" ay nangangahulugang mga kapwa mananampalataya.

na kilalanin ninyo ang mga gumagawa

"upang pahalagahan at kilalanin ang mga kabilang sa pangunguna"

mga nakatataas sa inyo sa Panginoon

Ito ay tumutukoy sa mga taong hinirang ng Diyos upang maglingkod bilang mga pinuno sa lokal na grupo ng mga mananampalataya.

pag-ukulan ninyo silang lubos ng pag-ibig dahil sa kanilang gawain

Maaaring isalin na: "pahalagahan at igalang sila para sa kanilang gawain dahil mahal ninyo sila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

1 Thessalonians 5:15-18

Magalak kayo lagi, manalangin ng walang patid, magpasalamat kayo sa lahat ng bagay

Hinihikayat ni Pablo ang mga mananampalataya na panatilihin ang pag-uugaling espiritwal ng kagalakan sa lahat ng mga bagay, pagiging mapagbantay sa panalangin at magpasalamat sa lahat ng mga bagay.

1 Thessalonians 5:19-22

Huwag hadlangan ang Espiritu

"Huwag pigilan ang Banal na Espiritu sa pagtatrabaho sa inyong kalagitnaan"

Huwag hamakin ang mga propesiya

Huwag magkaroon ng pang-aalipusta para sa mga propesiya" o "huwag kamuhian ang anumang bagay na sinasabi ng Banal na Espiritu sa sinuman"

Suriin ang lahat ng mga bagay

"Siguraduhing lahat ng mga propesiya ay totoo at mula sa Diyos

1 Thessalonians 5:23-28

Nawa ang Diyos ng kapayapaan ay gawin kayong ganap na banal

Maaaring isalin na: "inilaan niya kayo" o "ginawa niya kayong walang kapintasan, upang huwag kayong magkasala" (UDB)

ang buo ninyong espiritu, kaluluwa, at katawan

Paralelismo ito na kung saan ang mga tawag sa "espiritu", "kaluluwa", at "katawan" ay may parehong mga kahulugan ngunit nagamit ang mga ito dito para sa pagbibigay-diin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

mailaan na walang bahid sa

"lumayo mula sa pagkakasala hanggang"

Tapat ang tumawag sa inyo

Maaaring isalin na: "Siya ay tapat na tumawag sa inyo"

siya rin ang gagawa ng mga ito

"tutulungan niya kayo"