Malachi
Malachi 1
Malachi 1:1-3
Ang pagpapahayag ng salita ni Yahweh para sa Israel sa pamamagitan ng kamay ni Malakias
"Sinabi ni Yahweh ang mga salitang ito para sa Israel sa pamamagitan ni Malakias"
sa pamamagitan ng kamay ni Malakias
sa pamamagitan ng gawa ni Malakias (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ngunit sinabi ninyo, "Paano mo kami inibig?"
Ang katanungang ito ay nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o pagtatanong sa katotohanan ng mga salita ng Diyos. Gumagamit ng katanungan ang Diyos upang sawayin ang mga tao. Maaaring isalin na: "Ngunit sinabi ninyo, 'Hindi mo kami iniibig!''' (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Hindi ba kapatid ni Jacob si Easu?
"Sasabihin ko sa inyo kung gaano ko kayo iniibig. Alam ninyo na si Esau ay kapatid ni Jacob."
ang pahayag ni Yahweh
"mataimtim na sinabi ito ni Yahweh"
inibig ko si Jacob
Pinili ni Yahweh na magkaroon ng ugnayan kay Jacob at maging Diyos ni Jacob.
kinamuhian ko si Esau
Hindi tinanggap ni Yahweh si Esau.
Ginawa kong wasak na lugar ang kaniyang mga bundok
"Ginawa kong hindi nararapat na tirahan ang kaniyang mga bundok"
ginawa kong lugar ng mga asong gubat sa ilang ang kaniyang mga mana
"at ginawa kong disyerto ang mga lupain na kaniyang minana kung saan mga mababangis na hayop lamang ang mamumuhay"
Malachi 1:4-5
Kung sasabihin ng Edom
"Kung sasabihin ng mga tao sa Edom."
ngunit pababagsakin ko
"Wawasakin ko ito"
at tatawagin sila ng mga tao
"at tatawagin sila ng mga tao sa ibang bansa"
bansa ng kasamaan
"bansa ng mga masasamang tao"
Makikita ito ng sarili ninyong mga mata
"Makikita ninyo ito na mangyayari"; na hindi na nila kailangan ng sinuman upang sabihin sa kanila kung ano ang nangyari.
Malachi 1:6-7
humamak sa aking pangalan
"pakitunguhan mo ako na para bang kinamumuhian mo ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?
"sinabi ninyong mga pari, 'Paano ka namin pinakitunguhan na para bang kinamumuhian ka namin?'" Maaaring isalin na: "Hinamak ninyo ako ngunit sinabi ninyong hindi!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
maruming tinapay
pagkaing hindi katanggap-tanggap para sa paghahandog
At sinabi ninyo, 'Paano ka namin dinungisan?
Maaaring isalin na: "Iniisip ninyong katanggap-tanggap kayo sa akin ngunit hindi!"
hapag
altar (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
Malachi 1:8-9
Kapag naghahandog kayo ng mga hayop na bulag para sa pag-aalay, hindi ba masama iyon?
Maaaring isalin na: "Alam ninyo nang lubusan na masama para sa inyo ang maghandog ng mga bulag na hayop para sa pag-aalay!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
At kapag naghahandog kayo ng pilay at may sakit, hindi ba masama iyon?
Maaaring isalin na: "At alam ninyo nang lubusan na masama para sa inyo ang maghandog ng pilay at may sakit!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ihandog ninyo iyan sa inyong gobernador, tatanggapin pa ba niya kayo o haharapin pa ba niya kayo?
Maaaring isalin na: "Wala kayong lakas ng loob upang ihandog iyan sa inyong gobernador! Kung gagawin ninyo, alam ninyong hindi niya kayo tatanggapin o tutulungan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Ihandog
ibigay bilang isang kaloob upang ipakita ang paggalang
At ngayon,...mahabag sa atin
Hindi na nagsasalita si Malakias para sa Diyos. Nakikipag-usap siya nang harapan sa mga Israelita.
Sa mga ganitong handog ninyo, tatanggapin pa ba niya kayo?
"Kapag naghahandog kayo ng mga hindi katanggap-tanggap na mga alay, malulugod ba ang Diyos sa inyo?" Ito ay isang pagsaway. Maaaring isalin na: "Kung mag-aalay kayo ng mga hindi katanggap-tanggap na mga handog, tiyak na hindi malulugod ang Diyos sa inyo!"
Malachi 1:10-12
O, kung may isa man
Nagpapahayag ito ng matinding hangarin.
upang hindi kayo makapagsindi ng apoy sa aking altar nang walang kabuluhan
"upang hindi kayo makapagsindi ng apoy para sa handog na susunugin at magkasala sa paghahandog ng mga walang kabuluhang alay"
mula sa inyong kamay
"mula sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
aking pangalan
"ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito
"kahit saan," na tulad ng "sa lahat ng bansa" at "sa bawat lugar" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
magiging dakila ang aking pangalan sa mga bansa
"Pararangalan ako ng ibang mga bansa"
sa bawat lugar na ihahandog ang insenso para sa aking pangalan
"sa mga bansang ito, maghahandog ang mga tao sa akin ng insenso sa pagsamba" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Malachi 1:13-14
pasinghal ninyo itong hinamak
nagpapakita ng lubos na kawalan ng galang sa pamamagitan ng ingay na nagmumula sa ilong (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?
Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyo?" Ito ay pagsaway. Maaaring isalin na: "Tiyak na hindi ko ito dapat tanggapin mula sa inyo!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]).
Sumpain ang mandaraya na may isang lalaking hayop sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin
"Magdudulot ako ng mga masasamang bagay sa sinumang nagsisinungaling sa akin na mayroon siyang isang lalaking hayop na walang kapintasan sa kaniyang kawan at nangakong ibibigay ito sa akin bilang isang handog"
at gayun pa man inihandog sa akin, ang Panginoon, kung ano ang may kapintasan,
"at pagkatapos ay inihandog sa akin, ang Panginoon, ang isang hayop na may kapintasan"
Malachi 2
Malachi 2:1-2
tatanggapin sa inyong puso
"gawin itong napakahalaga" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/mal/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/mal/02.md]]
Malachi 2:3-4
at ipapahid ko ang dumi sa inyong mga mukha
"Labis ko kayong pakikitunguhan nang walang paggalang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
alisin kayo kasama nito
"itatapon kayo sa bunton ng dumi"
Levi
Nagsasalita si Yahweh sa tribu ni Levi na parang iisa silang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Malachi 2:5-7
Ang aking kasunduan sa kaniya ay buhay at kapayapaan
Maaaring isalin na: "Ang layunin ng aking kasunduan kay Levi ay upang mamuhay nang may kasaganaan at kapayapaan ang mga pari"
ibinigay ko ang mga bagay na ito sa kaniya bilang mga bagay na magpaparangal sa akin
"Ibinigay ko ang mga bagay na ito sa kaniya upang parangalan niya ako"
mga bibig
kakayahang makapagsalita at makapagbigay-alam sa mga tao (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
ingatan
"pangalagaan"
Malachi 2:8-9
kalait-lait at kahiya-hiya sa harapan ng lahat ng mga tao
Maaaring isalin na: "kinamuhian ng mga tao at hindi iginalang ang mga pari."
ipinakita ninyo na may pinapanigan kayo sa inyong pagtuturo
Maaaring isalin na: "nagbibigay ang mga pari ng maluwag na pamantayan ng pag-uugali para sa mga tao na gusto nila at mahigpit na mga pamantayan ng pag-uugali para sa mga taong hindi nila gusto."
Malachi 2:10-12
Hindi ba lahat tayo ay may isang ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumikha sa atin?
Ang mga tanong na ito ay mga pagsaway. Maaaring isalin na: "Tiyak na tayong lahat ay mayroong iisang ama, ang ating Diyos na lumikha sa atin!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Bakit tayo nakikitungo nang may pandaraya sa isa't isa, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga ama?
Ito rin ay isang pagsaway. Maaaring isalin na: "Hindi natin dapat abusuhin ang ating mga kapatid at hindi tayo dapat mawalan ng galang sa tipan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsuway sa kaniyang mga kautusan!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Gumawa ng pandaraya
sinuway ang Diyos
Sapagkat nilapastangan ng Juda ang banal na lugar ni Yahweh
Maaaring isalin na: "Hindi iginalang ng mga kalalakihan sa Juda ang templo ng Diyos"
at napangasawa niya ang anak na babae ng isang dayuhang diyus-diyosan
"At napangasawa nila ang mga kababaihang mula sa ibang mga bansa na sumasamba sa mga diyus-diyosan."
sinumang kaapu-apuhan ng taong gumagawa nito
"Sinuman sa mga anak ng tao na umaasal nang ganito"
kahit na ang isang nagdadala ng alay kay Yahweh ng mga hukbo
"kahit na magdala ng alay ang makasalanang tao para sa Diyos ngunit hindi nagsisi sa kaniyang kasalanan"
Malachi 2:13
nang may pagtatangis at paghihinagpis
Ang mga salitang "pagtatangis" at "buntong hininga" ay nagbabahagi ng parehong kahulugan at nagbibigay diin ng matinding pagtatangis. Maaaring isalin na: "ng may matinding pagtatangis." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
mula sa inyong kamay
Maaaring isalin na: "mula sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Malachi 2:14-16
tinatakpan ang kaniyang damit nang may karahasan
ay labis na marahas (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Kaya ingatan ninyo ang inyong mga sariling kalooban at huwag hayaan ang sinuman na magtaksil
Maaaring isalin na: " Kaya lubos na maging tapat kayo sa inyong asawang babae!"
Malachi 2:17
Sa pagsasabing
"Inililihis ang iba sa pagsasabing"
Nasaan ang Diyos nang katarungan?
Sinasaway ng mga pari ang Diyos. Maaaring isalin na: "Hindi ipinapakita ng Diyos ang katarungan laban sa mga masasamang tao!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Malachi 3
Malachi 3:1-3
Tingnan ninyo
Maaaring isalin na: "Masdan" o "Makinig" o "Bigyang pansin ang sasabihin ko sa inyo."
Ngunit sino ang makakatiis sa araw ng kaniyang pagdating? At sino ang tatayo kapag nagpakita siya?
Maaaring isalin na: "Tiyak na wala ni isang makakapigil kay Yahweh.
Sapagkat siya ay katulad ng apoy nang tagapaglinang at katulad ng sabong panlaba
Inihahambing ng Diyos ang kaniyang kakayahan upang pamunuan ang mga tao at para linisin sila mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kakayahan ng matapang na sabon upang linisin ang mga damit o ang kapangyarihan ng apoy upang lusawin ang isang bagay. Ito ay ibang pamamaraan ng pagsasabi na ang gagawin ng kapangyarihan ng Diyos ay hindi mapipigilan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
dadalisayin niya ang mga anak na lalaki ni Levi
"at itutuwid niya at lilinisin ang mga anak ni Levi mula sa kasalanan"
lilinangin niya silang katulad ng ginto at pilak
Aalisin ng Diyos ang kasalanan mula sa mga Levita upang gawin silang mas malinis. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]]).
magdadala sila ng mga alay ng katuwiran kay Yahweh
"at magdadala sila ng katanggap-tanggap na mga alay ng pagsamba kay Yahweh."
Malachi 3:4-5
gaya ng mga araw noong una at gaya ng mga sinaunang panahon
Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at nagbibigay-diin na minsan ang alay ay naging kalugud-lugod kay Yahweh. Maaaring isalin na: "gaya sa nakaraan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
lalapit ako
"lumapit"
nang-aapi sa mga inuupahang manggagawa sa kaniyang sahod
"huwag bayaran ang inupahang manggagawa sa sahod na nararapat sa kaniya"
naglalayo sa mga dayuhan sa kanilang mga karapatan
ikaila ang mga dayuhan na naninirahan sa lipunan, ang karapatan na mayroon sa mga lokal na tao
Malachi 3:6-7
Mula pa sa mga araw ng inyong mga magulang, tinalikuran ninyo ang aking mga batas at hindi ito iningatan
"sinuway ninyo ang aking mga kautusan magmula pa noong mga araw ng inyong mga ninuno"
Paano kami manunumbalik?
"Hindi kami nawala sa iyo, kaya hindi kami makabalik sa iyo."
Malachi 3:8-9
Maaari bang nakawan ng tao ang Diyos?
Ito ay pagsaway. Maaaring isalin sa: "Tiyak na hindi dapat ninanakawan ng isang tao ang Diyos! (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Malachi 3:10-12
buong ikapu
"lahat ng ikapu"
aking tahanan
"ang aking templo"
At subukan ninyo ako ngayon sa ganito...kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga bintana ng langit sa inyo
"kung susubukan ninyo ako...bubuksan ko ang mga bintana ng kalangitan"
Sasawayin ko ang maninira para sa inyo
pinipigilan ang mga insekto at mga sakit
Malachi 3:13-15
sinusubukan nila ang Diyos at tumatakas
sinubukan nila siyang galitin, ngunit hindi niya sila pinaparusahan"
Malachi 3:16
at isang aklat ng alaala ang nasulat sa kaniyang harapan para sa mga may takot kay Yahweh
Maaari itong mangahulugang 1) sumulat ang mga Israelita ng aklat upang maalala nila ang kanilang ipinangako at mga pangalan ng mga taong may takot kay Yahweh o 2) Ipinasulat ni Yahweh sa isang tao sa langit upang isulat sa libro ang mga pangalan ng mga taong may takot kay Yahweh.
aklat ng alaala
isang libro upang tulungan ang mga taong alalahanin ang mga mahahalagang bagay
iginagalang ang kaniyang pangalan.
iginalang siya (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Malachi 3:17-18
Sila ay magiging akin
"Sila ay magiging mga tao ko"
ang tangi kong kayamanan
"ang aking natatanging kayamanan"
aking gawin
"naghahatol ako"
makikita ang pagkakaiba
tingnan ang pagkakaiba sa pagitan ng o ituring na kakaiba
Malachi 4
Malachi 4:1-6
tingnan ninyo
Maaaring isalin na: "masdan" o "makinig" o "bigyang pansin ang sasabihin ko sa inyo"
ang araw ay dumarating, nagliliyab na parang pugon
"ang araw ng paghatol ay dumarating at parurusahan ko ang masasamang tao sa paraang sinusunog ng mga magbubukid ang dayami" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mayabang...gumagawa ng masama
Isalin ang mga ito gaya ng ginawa sa "hambog" at "gumagawa ng masama" sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/mal/03/13.md]].
magiging parang dayami
"sinunog gaya ng mga tuyong halaman"
Ang araw na paparating ay susunugin sila
"Sa araw na iyon susunugin ko ang mga ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
upang walang maiwan kahit ugat at maging sanga man
"walang matitira" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])
sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito
Maaari itong mangahulugang 1) Si Yahweh, na laging kumikilos nang matuwid ay darating at pagagalingin ang kaniyang mga tao sa araw na iyon o 2) Sa araw na iyon, ipapahayag ni Yahweh ang pagiging matuwid ng mga tao at pagagalingin sila.
mga pakpak
mga sinag