Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Micah

Micah 1

Micah 1:1

na Morastita

Ang ibig sabihin nito ay nagmula siya sa Moreset na isang bayan sa Juda. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

sa mga araw nina Jotam, Ahaz at Hezekias na mga hari ng Juda

"nang sina Jotam, Ahaz, at Hezekias ang mga hari ng Juda"

ang salita na kaniyang nakita tungkol sa Samaria at Jerusalem

Maaring isalin na: " ang pangitain na nakita niya tungkol sa mga tao ng Samaria at Jerusalem" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Micah 1:2-4

Makinig, lahat kayong mga tao. Makinig ka lupa at ang lahat ng nasa iyo

Ito ang simula ng propesiya ni Mikas. Iisa ang ibig sabihin ng mga sugnay na ito at binibigyang diin na ang lahat ng nasa lupa ay makinig. Nagsasalita si Mikas na parang naroon at nakikinig sa kaniya ang lahat ng tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] )

bababa siya at tatapakan ang mga dambana ng pagano sa lupa

Maaaring isalin na: ganap niyang wawasakin ang mga dambanang pagano sa lupa na parang sila ay dudurugin niya sa kaniyang mga paa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Matutunaw ang mga bundok sa ilalalim niya; mahahati ang mga lambak gaya ng pagkit sa harap ng apoy, gaya ng mga tubig na bumuhos sa isang matarik na lugar

Nangangahulugan ito na walang sinuman ang makakapigil sa Diyos kapag dumating siya upang wasakin ang mga dambanang pagano. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Micah 1:5

Ang lahat ng ito ay dahil sa paghihimagsik ni Jacob at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel

Karaniwang iisa ang kahulugan ng mga salitang ito at binibigyang-diin na si Yahweh ay kumikilos dahil sa mga kasalanan ng dakong hilaga at timog na mga kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Ang lahat ng ito

"Darating at hahatol ang Panginoon "

Ano ang dahilan ng paghihimagsik ni Jacob? Hindi ba ang Samaria?

Dito ang "Jacob" ay tumutukoy sa hilagang kaharian ng Israel. Gumamit si Mikas ng mga tanong upang bigyang-diin na ang mga tao sa Samaria ang dahilan ng pagdating ng Diyos upang hatulan ang kaharian ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ano ang dahilan ng mga dambana ni Juda? Hindi ba ang Jerusalem?

Gumamit si Mikas ng mga tanong upang bigyang-diin na ang mga tao ng Jerusalem ang dahilan ng pagdating ng Diyos upang hatulan ang kaharian ng Juda.

Micah 1:6-7

Gagawin ko

Dito, ang "Ako" ay tumutukoy kay Yahweh.

Magkakadurog-durog.... masusunog

"Dudurugin ko....susunugin ko" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Hihilahin ko ang mga bato ng kaniyang gusali

Dito, ang "kaniya" ay tumutukoy sa lungsod ng Samaria.

Sapagkat sa mga kaloob sa kaniyang prostitusyon ay tinipon niya ang mga ito at babalik ang mga ito bilang kabayaran sa babaeng nagbebenta ng aliw

Madalas na kasama sa pagsamba sa mga diyus-diyosan ang pakikipagtalik sa babaeng nagbebenta ng aliw sa templo ng pagano. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Micah 1:8-10

mananaghoy ako

Dito, ang "Ako" ay tumutukoy kay Micas.

Pupunta akong nakapaa at nakahubad

Isang tanda ito ng labis-labis na pagluluksa at kawalan ng pag-asa.

hubad

Marahil, hindi lubusang hubad si Mikas. Maaaring siya ay nakasuot ng isang bahag.

Tatangis ako na gaya ng asong gubat at magdadalamhati na gaya ng mga kuwago

Ito ang mga hayop na kilala sa kanilang malakas at malupit na pag-iyak. Matatagpuan ang mga ito sa mga kaparangan. Maaaring isalin na: "Dapat na tumangis kayo at magdalamhati gaya ng mga hayop sa gabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Sapagkat walang lunas ang kaniyang mga sugat

Dito, ang "siya" ay tumutukoy sa lungsod ng Samaria. Nangangahulugan ito na walang makapipigil sa kaaway na hukbo na darating upang wasakin ang mga Israelita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sapagkat dumating sila sa Juda

Dito ang "sila" ay tumutukoy sa mga hukbo na ginamit ng Diyos upang parusahan ang Samaria.

Bet Leafra

Maaari kang gumawa ng isang talababa na nagsasabing, "Ang pangalan ng lungsod na ito ay nangangahulugang tahanan ng alikabok."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

pagugulungin ko ang aking sarili sa alikabok

Ang mga taong nasa ilalalim ng kahatulan ng Diyos ay nagpapahayag ng kanilang kapighatian sa isang matinding kaparaanan.

Micah 1:11-12

mga taga-Safir

Katunog ng "maganda" ang kahulugan ng pangalan ng lungsod na ito. Salungat ito sa "kahubaran at kahihiyan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

sa kahubaran at kahihiyan

Madalas na pinalalakad ng mga kaaway na hukbo ang kanilang mga bilanggo ng lubusang hubad. At may kahihiyan sa mga taong nasakop. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

mga taga-Zaanan

Ang pangalan ng lungsod na ito ay nangangahulugang "lumabas ka." Sila ay sobrang takot na lumabas at tumulong.

Bethezel

Nangangahulugang "tahanan ng pagkuha" ang pangalan ng lungsod na ito.

sapagkat kinuha sa kanila ang proteksiyon

Maaaring isalin na: "sapagkat kinuha ko ang lahat na maaaring puprotekta sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

taga-Marot

Nangangahulugang "kapighatian" ang pangalan ng lungsod na ito.

dahil dumating ang sakuna mula kay Yahweh

Ang "Sakuna" ay isang mahalagang salita na maaalala sa Mikas.

Micah 1:13-14

Lachis

May palatinigan dito tulad ng Lachis na katunog ng "sa mga karwahe" sa Hebreo. Itinatali ng mga tao ang kanilang mga karwahe upang tumakas at hindi makipaglaban. Ang Lachis ay pangalawa sa Jerusalem na mahalaga sa Juda. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

anak na babae ng Zion

Ang "anak na babae" ng isang lungsod ay nangangahulugang mga tao ng lungsod. Maaaring isalin na: "ang mga tao ng Zion" o "ang mga taong naninirahan sa Zion."

sapagkat nasumpungan sa iyo ang mga pagsuway ng Israel

Maaaring isalin na: "sapagkat sumuway ka gaya ng ginawa ng mga Israelita" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Moreset-Gat

Maaaring nais mong magdagdag ng talababa na nagsasabing "Ang pangalang 'Moreset' ay nangangahulugang 'upang umalis' at katulad sa tunog ng salita para sa "kasintahan." Kagaya ito na ang Moreset ay asawang babae na kinuha ng Asiria at ang "mga kaloob ng pamamaalam" ay mga dote. Ang Moreset-Gat ay nayon na pinagmulan ni Mikas.

Aczib

Maaaring nais mong magdagdag ng talababa na nagsasabing "Halos magkapareho ng tunog na gaya ng kasabihan ng Hebreo para sa "mapanlinlang na bagay" ang pangalan ng bayan na ito.

Micah 1:15-16

dadalhin ko

Dito, ang "Ako" ay tumutukoy kay Yahweh.

Maresa

Maaaring nais mong magdagdag ng talababa na nagsasabing, "May palatinig ang salitang ito sa pangalan ng nayong ito at ang salitang Hebreo para sa "mananakop." Ang salitang ito ay ginamit sa pagsakop ng Israel sa Canaan; masasakop ngayon ang Israel. Ang bayang ito ay maaaring malapit sa nayon na sinilangan ni Mikas na Moreset-Gat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

kuweba ng Adullam

Tumutukoy ito sa isang napakalaking kuweba kung saan minsang tumakas si David kasama ang kaniyang mga tauhan upang magtago mula kay Haring Saul at sa Filisteo na kanilang kaaway. Ito ang kanilang huling pag-asa para sa kanilang kaligtasan at makalampas. Maaaring gamitin ito sa mga pinuno ng Israel sa oras na ito na kailangang tumakas.

Ahitan mo ang iyong ulo at gupitan ang iyong buhok

Tanda ng pagdadalamhati para sa mga Israelita ang pag-aahit ng ulo.

Micah 2

Micah 2:1-2

Micah 2:3-5

sa angkan na ito

Ang "angkan" na ito ay tumutukoy sa buong bayan ng Israel, na ang mayayamang tao ay inaapi ang mahihirap. Ang mga kasalanan ng mga pinuno ay babalik sa buong bayan.

kung saan hindi ninyo maiaalis ang inyong mga leeg

Ang ibig sabihin ni Yahweh na ang kaniyang pagpaparusa ay tulad ng isang pamatok na pumapalibot sa kanilang mga leeg. Ito ay isang bagay na magpapabagsak sa kayabangan ng mayayaman.

mananaghoy na may kasamang pagtangis

"iiyak sila nang malakas"

Paano niya ito aalisin mula sa akin?

Gumamit ang kaaway ng tanong sa kanilang awit upang ipahayag ang pagkabigla na naramdaman ng mga pinuno ng Israel dahil kinuha ng Diyos ang kanilang lupain at ibinigay ito sa iba, gaya ng pagkuha nila ng lupain sa mahihirap. Maaaring isalin na: "Kinuha niya ito mula sa akin!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Kaya, kayong mga mayayamang tao ay hindi magkakaroon ng mga kaapu-apuhan na maghahati-hati ng lupain sa teritoryo sa kapulungan ni Yahweh.

Sila na kumuha ng lupain mula sa mahihirap ay hindi makatatanggap ng mana na kanilang ipinagkait sa iba.

Micah 2:6-8

sinasabi nila

"sinasabi ng mga Israelita"

Hindi nila dapat ipahayag

"hindi dapat magpahayag ng propesiya ang mga propeta"

Galit ba ang Espiritu ni Yahweh? Talaga bang gawa niya ang mga ito?

Gumagamit ng mga tanong ang mga tao upang bigyang-diin na hindi nila naunawaan at hindi nila pinaniwalaan na parurusahan talaga sila ng Diyos.

Hindi ba gumagawa ng kabutihan ang aking mga salita sa sinumang lumalakad nang matuwid?

Gumamit si Mikas ng isang tanong upang turuan ang mga tao. Maaaring isalin na: "Mabuti ang aking mensahe sa mga nagmamalasakit sa paggawa ng matuwid."

ang aking mga tao

Dito, ang "aking" ay tumutukoy kay Yahweh.

Inyong hinahablot ang balabal, ang kasuotan mula sa mga dumadaan nang biglaan

Mga posibleng kahulugan 1) Ang ibig sabihin ni Mikas, ang mga mayayamang tao na masama ay literal na ninanakaw ang mga roba mula sa mahihirap, ngunit hindi ito dapat. 2)Tinutukoy ni Mikas ang mga pinagkakautangan na nagtatago ng mga kasuotang panlabas ng mahihirap na nanghihiram ng pera at ibinibigay ang kasuotan bilang katiyakan na magbabayad sila. Ayon sa kautusan sa Exodo, dapat nilang ibalik ang kasuotan bago gumabi dahil baka ito lamang ang mayroon ang taong mahirap upang hindi ginawin sa gabi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Micah 2:9-11

kinukuha ninyo mula sa kanilang mga batang anak ang aking pagpapala magpakailanman

Pangkalahatang tumutukoy ito sa mga pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa kaniyang mga tao. Maaaring tumutukoy ito sa 1) pagiging mga magmamay-ari ng lupa sa Israel, 2) magandang kinabukasan, 3) sa mga ama ng mga bata, mga magsasaka na nagtatrabaho ng mabuti upang itatag ang bayan.

nawasak ito ng lubusang pagkawasak

Maaaring isalin na: "Sisirain ko ito nang lubusan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

ituturing siyang

Maaaring isalin na: "ituturing ninyo siyang"

Micah 2:12-13

ang isang taong magbubukas ng kanilang daraanan...Mauuna si Yahweh sa kanila.

Isa itong larawan ng Hari na pinangungunahan ang kaniyang mga taong lumabas sa isang nabakurang lungsod

Micah 3

Micah 3:1-3

Sinabi ko

Dito, ang "ko" ay tumutukoy kay Mikas.

Hindi ba matuwid para sa inyo na unawain ang katarungan?

Gumagamit si Mikas ng tanong upang pagsabihan ang mga pinuno dahil hindi nila iniingatan ang mga tao o pinapakitunguhan nang walang kinikilingan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

kayo na pumilas ng kanilang balat, ng kanilang laman mula sa kanilang mga buto...tulad ng karne sa kaldero

Ginamit ni Mikas itong nakakatakot na paglalarawan ng isang mangangatay na nagkakatay ng mga hayop upang gawing karne upang bigyang-diin kung gaano nabigo ang Diyos sa mga pinuno dahil sa kung gaano sila kalupit sa mga taong dapat nilang inaalagaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Micah 3:4

dadaing kay Yahweh

"sisigaw kay Yahweh upang tulungan"

Ikukubli niya ang kaniyang mukha mula sa inyo

Nangangahulugan ito na hindi pakikinggan ng Diyos ang kanilang mga pag-iyak. Hindi nila marinig ang mga pag-iyak ng mahihirap kaya matatanggap nila ang ganito ring pakikitungo mulasa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Micah 3:5-7

ito ay magiging gabi sa inyo...magdidilim ang umaga sa kanila

Sinasabi ni Yahweh sa 3:6 na ang mga bulaang propetang ito ay hindi na makatatanggap ng mensahe ng Diyos sa mga Israelita. Minsan kinukuha ng mga propeta ang mga mensahe mula sa Diyos sa pamamagitan ng mga pangitain o sa mga panaginip sa gabi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Mapapahiya ang mga propeta at malilito ang mga manghuhula

"Ipapahiya ko ang mga propeta at lilituhin ko ang mga manghuhula" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Tatakpan nilang lahat ang kanilang mga labi

"Hindi na sila makakapagsalita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sapagkat walang sagot na magmumula sa akin

Nangangahulugan ito na ang Diyos ay magiging tatahimik bilang bahagi ng kanilang kaparusahan.

Micah 3:8

Ngunit para sa akin

Ang "akin" dito ay tumutukoy kay Mikas, isang totoong propeta, ibinubukod niya ang kaniyang sarili mula sa mga bulaang propeta.

puno ako ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahweh at puno rin ako ng katarungan at lakas

Ang Espiritu ni Yahweh ay pinili niyang bigyan si Mikas ng kapangyarihan, katarungan at lakas sa isang matatag at natatanging paraan. Maaaring isalin na: "Ang Espiritu ni Yahweh ay pinuno ako ng kapangyarihan, katarungan at lakas" o "ang Espiritu ni Yahweh ay pinagkalooban ako ng kapangyarihan, katarungan at lakas"

upang ipahayag kay Jacob ang kaniyang pagsuway, at kay Israel ang kaniyang kasalanan

Parehong tumutukoy ang dalawang pariralang ito sa parehong bagay at binibigyan-diin na parehong nagkasala ang mga tao sa dakong hilaga at dakong timog na mga kaharian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Micah 3:9-11

Itinayo ninyo ang Sion sa pamamagitan ng dugo at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan

Nagtatayo ang mga mayayaman ng mga magagandang tahanan para sa kanilang mga sarili madalas sa kapinsalaan at masamang pakikitungo sa mga mahihirap. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

dugo

Ang "dugo" rito ay tumutukoy sa pagpatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] )

Hindi ba't kasama natin si Yahweh? Walang darating sa atin na kapahamakan.

Binanggit ni Mikas ang mga pinuno na nag-isip nang hindi tama na hindi sila parurusahan ni Yahweh sa makasalanan nilang mga gawa. Ang salita ritong "masama" sa Hebreo ay pareho sa "sakuna" sa 2:3, ang isang mahalagang salita sa aklat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Micah 3:12

dahil sa inyo

Tumutukoy ang "inyo" rito sa mga pari, mga propeta at mga pinuno sa mga talata sa itaas.

aararuhin ang Sion tulad ng isang bukid, ang Jerusalem ay magiging isang bunton ng mga guho at magiging masukal na burol ang burol ng templo.

Ang ibig sabihin ni Mikas, ang Jerusalem ay ganap na mawawasak. Ang isang malaking lungsod na maraming taong naninirahan ay pababayaan at tutubo ang mga damo na tulad ng isang bukid o gubat. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

aararuhin ang Sion tulad ng isang bukid

Pagkawasak nito, ang Jerusalem ay maaari nang araruhin. Maaaring isalin na: "Aararuhin ng ibang tao ang Sion tulad ng isang bukid." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

at magiging magubat na burol ang burol ng templo

Hindi makakaligtas maging ang kinatatayuan ng templo. Dinungisan ito ng mga pinuno at masisira rin ito.

Micah 4

Micah 4:1

ang bundok na kinatatayuan ng tahanan ni Yahweh ay itatatag

Maaaring isalin na: "Itatatag ni Yahweh ang bundok kung saan itinayo ang kaniyang templo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

sa ibabaw ng iba pang mga bundok

Nangangahulugan ito na ang Bundok ng Zion ang magiging pinakamahalaga sa lahat ng mga bundok. Maaari ring nangangahulugan ito na ang bundok na ito ang magiging pinakamataas sa buong mundo, hindi lamang sa lugar na iyon.

itatatag sa ibabaw ng iba pang mga bundok

Maaaring isalin na: "mapaparangalan nang higit sa iba pang bundok"

magpupuntahan ang mga tao dito

Pupunta ang mga tao ng mga bansa sa bundok ni Yahweh katulad ng pagdaloy ng isang batis. Nangangahulugan ito na maraming tao ang pupunta. Maaring isalin na: "dadaloy dito ang mga tao ng mga bansa katulad ng isang batis" o pupunta rito ang mga tao ng mga bansa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Micah 4:2-3

umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa tahanan ng Diyos ni Jacob

Pareho na ang bundok at ang tahanan ay mga pantukoy sa templo sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Ituturo niya sa atin ang kaniyang mga kaparaanan at lalakad tayo sa kaniyang mga landas

Dito, ang "kaniyang mga kaparaanan" at "kaniyang mga landas" ay tumutukoy sa kung ano ang gustong ipagawa ng Diyos sa mga tao. Gayundin, ang "lalakad" ay nangangahulugan na susundin nila kung ano ang kaniyang mga sinasabi.

Sapagkat mula sa Zion lalabas ang kautusan, at ang salita ni Yahweh mula sa Jerusalem

Dito ang mga salitang "kautusan" at "salita" ay tumutukoy sa parehong bagay. Maririnig ng mga bansa sa mundo ang kautusan ng Diyos sa Jerusalem.

talim ng araro

Ang talim ng araro ay isang talim na ginagamit ng mga tao upang maghukay sa lupa para makatanim sila ng mga buto.

Papandayin nila ang kanilang mga espada upang maging talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging kutsilyong pamutol.

Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan na ang kanilang mga sandata sa digmaan ay gagawin nilang mga kagamitan na magagamit upang magkaroon ng pagkain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

mga kutsilyong pamutol

Ang mga kutsilyong pamutol ay ginagamit upang putulin ang mga sanga o mga tangkay mula sa halaman upang mamunga ito nang mas mabuti.

Micah 4:4-5

sa ilalim ng kaniyang tanim na ubas at sa puno ng kaniyang igos

Ito ay larawan ng mga tao na namumuhay nang mapayapa.

sapagkat nagsalita si Yahweh ng mga hukbo

Maaaring isalin na: "sapagkat nagsalita si Yahweh ng mga hukbo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

lalakad...sa pangalan ng

Ang salitang ito ay nangangahulugan upang sumamba at sumunod.

Micah 4:6-8

Sa araw na iyon

"Sa hinaharap"

"Pag-iisahin ko ang mga pilay

"Titipunin ko ang mga mahihina"

at titipunin ko ang mga itinakwil

"at titipunin ko ang mga pinalayas ko"

at ang mga itinaboy sa isang matatag na bansa

Maaaring isalin na: "at gagawin kong isang matatag na bansa ang aking mga itinaboy" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

ang bantayan para sa kawan

Ginagamit ni Yahweh ang salitang ito upang bigyang-diin na dapat bantayan at ingatan ng mga taga-Jerusalem ang lahat ng iba pang mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang burol ng anak na babae ng Zion

Ang "anak na babae" ng isang lungsod ay nangangahulugan na mga tao ng lungsod. Maaaring isalin na: "ang burol kung saan naninirahan ang mga tao ng Zion"

Micah 4:9-10

Ngayon, bakit ka umiiyak nang malakas?

Kinukutya ni Mikas ang mga tao, sinusubukan niyang isipin ng mga tao ang tungkol sa kung bakit sila pinakikitunguhan ng Diyos sa ganitong paraan." Maaaring isalin na: "Ngayon, umiyak ka nang malakas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Wala na ba sa iyo ang hari, namatay na ba ang iyong tagapayo, sumapit sa iyo ang matinding kirot na parang babaeng nanganganak?

Patuloy na nagsasalita si Mikas sa mga tao nang may pangungutya. Ang sagot sa mga tanong na ito ay hindi. Naroon pa rin ang hari at mga tagapayo, ngunit sila ay mga walang silbi at walang magawa. Maaaring isalin na: "Bakit kayo tumatangis ngayon? Dahil ba sa wala kayong hari? Lahat ba ng inyong mga matatalinong tao ay namatay na? Umiiyak kayo nang malakas katulad ng isang babae na nagsisilang ng isang sanggol." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Magdusa ka at maghirap sa panganganak, anak na babae ng Zion, katulad ng babaeng nanganganak

Ginagamit ni Mikas ang larawan ng isang babaeng nanganganak upang bigyang diin ang matinding pagdurusa ng pagpapatapon. Ibig niyang sabihin, nararapat silang magdusa dahil pinaparusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila mula sa Israel. Karamihan sa kanila ay hindi na kailanman makakabalik pang muli.

Doon maliligtas ka. Doon ililigtas ka ni Yahweh

Maaaring isalin na: "Doon, ililigtas ka ni Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Micah 4:11-12

Hayaan siyang madungisan; ititig natin ang ating mga mata sa Zion.

Maaaring isalin na: Gibain natin ang lungsod ng Jerusalem at puksain ang mga tao nito upang makapagsaya tayo nang lubos sa kanilang pagbagsak." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

sapagkat tinipon niya sila na parang mga bigkis para sa giikan

Nangangahulugan ito na naghahanda rin ang Diyos upang parusahan ang mga tao ng mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Micah 4:13

Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion

Gagamitin ng Diyos ang mga tao ng Zion upang parusahan ang mga tao ng mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Gagawin kong bakal ang iyong sungay at tanso ang iyong mga kuko

Inihahalintulad ni Yahweh ang mga tao ng Zion sa malakas na baka na gigiik sa mga trigo. Nangangahulugan ito na muling palalakasin ni Yahweh ang mga Israelita upang matalo nila ang iba pang mga bansa.

Micah 5

Micah 5:2-3

Ngunit ikaw Bethlehem Efrata

Nagsasalita si Yahweh sa mga tao sa bayang ito sa parang naroon silang nakikinig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])

Efrata

Maaaring pangalan ito ng lugar sa Betlehem na kung saan nakapaloob o ito ay maaring ibang pangalan para sa Betlehem o upang makita ang kaibahan nito sa iba. Ang Betlehem ay mga anim na milya sa timog ng Jerusalem. Ito ang bayang sinilangan ni haring David. "Ang ibig sabihin ng pangalang ''Efrata ay 'upang maging mabunga.""(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

kahit na ikaw ay maliit sa mga angkan ni Juda

Nangangahulugan ito na gagawa ang Diyos ng dakilang mga bagay sa pamamagitan ng isang maliit at walang gaanong halagang bayan.

darating sa akin

Dito, ang "akin" ay tumutukoy kay Yahweh.

na ang pinagmulan ay mula sa unang panahon, mula sa walang hanggan

Tumutukoy ito sa kaapu-apuhan na mula sa sinaunang pamilya ni Haring David. Ang mga salitang "mula sa sinaunang panahon" at "mula sa walang hanggan" ay nangangahulugan na talagang magkaparehong bagay at binibigyang- diin kung gaano katanda ang angkan ng pamilyang ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Kaya nga hahayaan sila ng Diyos

Kaya't pababayaan niya ang mga Israelita"

hanggang sa panahon na isang babae ang mahihirapan sa panganganak ng isang sanggol

Tumutukoy ito sa panahon kapag ang pinuno ay isisilang, isang maikling panahon.

ang iba niyang mga kapatid

"Ang iba pang kapwa niya Israelita." Ito ang mga Israelitang binihag. Dito ang "niya" ay tumutukoy sa sanggol na magiging pinuno

Micah 5:4-5

Tatayo siya at ipapastol ang kaniyang kawan sa lakas ni Yahweh

Maaaring isalin na: "Pamumunuan niya ang kaniyang mga tao sa lakas ni Yahweh." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa kaluwalhatian ng pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos

Maaaring isalin na: "sa napakalakas ng kapangyarihan ni Yahweh na kaniyang Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Mananatili sila

Dito ang "sila" ay tumutukoy sa mga taga-Israel. Ang salitang "Israel" o "Jerusalem" ang nagpapahiwatig. Maaaring isalin na: 'Ang mga tao ay mananatili sa Israel" o "Ang mga tao ay mananatili sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

maging dakila siya mga bawat sulok ng mundo

Ito ay nangangahulugan na sa hinaharap, ang lahat ng mga tao mula sa bawat bansa ay magbibigay ng karangalan sa pinuno ng Israel.

Siya ang magiging kapayapaan natin

Dito ang "nating" ay tumutukoy kay Mikas at sa mga taga-Israel. Maaaring isalin na: "Magiging tao siya ng kapayapaan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])

pitong pastol at walong pinuno ng mga kalalakihan.

Dito, ang"pastol" ay nangangahulugang "mga pinuno." Gayon din, maaari kang magdagdag ng talababang nagsasabi, "Ang mga numerong 'pito' at 'walo' na pinagsama ay nagangahulugan na mayroon nang sapat na mga pinuno upang punan ang kailangan."

Micah 5:6-7

mga kalalakihang ito

Ito ay tumutukoy sa "pitong pastol" at "walong pinuno."

lupain ng Nimrod

Ito ay ibang pangalan para sa lupain ng Asiria. Si Nimrod ay mangangaso at sinaunang pinuno. Ang mga nagsasalin ay maaaring idagdag ang talababang ito, "Ang pangalang 'Nimrod' ay nangangahulugang 'paghihimagsik."" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Ililigtas niya

"Ang namumuno ay magliligtas"

tulad ng hamog mula kay Yahweh, tulad ng ambon sa mga damo

Binibigyang diin nito na ang mga tao ng Juda ay magbibigay ng ginhawa, isang pagpapala sa mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

na hindi naghihintay sa tao, hindi sa mga tao.

Maaaring isalin na: "at maghihintay sila at aasa sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])

Micah 5:8-9

sa mga bansa, kasama ng maraming tao

Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng magkaparehong bagay at binibigyan diin na ang mga "natitira kay Jacob" ay maninirahan sa iba't ibang mga bansa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

tulad ng isang batang leon na kasama sa mga kawan ng tupa. Kapag daraan siya sa kanila, sila ay kaniyang tatapakan at pagpipira-pirasuhin sila

Binibigyan diin nito na ang mga taga-Israel ay magkakaroon ng kapangyarihan at lakas ng loob habang sila ay nasa bihag upang hatulan at wasakin ng kanilang mga kaaway. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Micah 5:10-15

Mangyayari sa araw na iyon

Tumutukoy ito sa walang katiyakang panahon sa hinaharap, marahil sa panahon ng pagkakatapon.

aking wawasakin ang inyong mga kabayo kasama ninyo at gigibain ko ang inyong mga karwahe

Gumamit lamang ng mga kabayo at mga karwahe ang mga taga-Israel sa labanan. Maaari ding magkaroon ng pakikipag-alyansa sa mga dayuhan, bansang walang Diyos. Ayaw ng Diyos na magtiwala ang mga tao sa kanilang mga sandatang pandigma upang protektahan sila ng higit pa sa tiwala nila sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Micah 6

Micah 6:1-2

Tumayo ka at sabihin ang iyong paratang... ipaglalaban niya sa hukuman laban sa Israel

Sa 6:1-5 gumamit si Mikas ng guni-guning silid litisan. Nagsasalita si Yahweh sa harap ng mga saksi para malaman kung bakit tumalikod sa Diyos ang mga taga-Israel at nagsimulang sumamba sa mga diyus-diyosan.

mga bundok...mga burol...kayong matatag na pundasyon ng mundo

Nagsasalita si Mikas sa mga bagay na ito na parang sila ay mga tao. Ginagamit ni Mikas ang mga bundok, mga burol at mga pundasyon ng mundo bilang mga saksi magpakailanman laban sa pagsamba sa diyus-diyosan ng kaniyang mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Micah 6:3-5

ano ang nagawa ko sa inyo? Paano ko kayo pinagod? Magpatotoo kayo laban sa akin!

Gumagamit ang Diyos ng mga tanong upang bigyang diin na siya ay mabuting Diyos at wala siyang nagawang mali upang huminto ang mga tao na sambahin siya. Maaaring isalin na: "Aking mga tao, ako ay naging mabuti sa inyo. Wala akong ginawa upang kayo ay mapagod sa akin. Kung sa palagay ninyo ay mayroon, magpatotoo kayo laban sa akin, ngayon." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

tahanan ng pagka-alipin

Maaaring isalin na: Ang lugar na kung saan kayo naging mga alipin"

tandaan ninyo

"alalahanin"

Balak na Hari ng mga Moab at ang sagot sa kaniya ni Balaam anak ni Boar

Tinutukoy nito ang pangyayari sa nakaraan noong inupahan ni Haring Balak si Balaam upang isumpa ang mga Israelita. Gayunpaman, pinahintulutan ng Diyos si Balaam upang pagpalain lamang ang mga tao.

Boar

Pangalan ito ng ama ni Balaam. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Sitim

Pangalan ito ng isang lugar sa Moab.

upang malaman ninyo ang matuwid kong mga ginawa, si Yahweh

"nang sa gayon, maaalala ninyo kung sino ako at kung ano ang nagawa ko sa inyo"

Micah 6:6-8

Ano ang aking dadalhin kay Yahweh bilang pagpapakumbaba sa kataas-taasang Diyos? Pupunta ba ako sa kaniya na may dalang isang taong gulang na mga guyang iaalay na susunugin? Malulugod ba si Yahweh sa isang libong lalaking tupa o kaya sampung libong ilog ng langis? Dapat ko bang ibigay ang aking unang anak para sa aking pagsuway, ang bunga ng aking katawan para sa aking kasalanan?

Gumamit si Mikas ng mga tanong upang turuan ang mga taga-Israel tungkol sa totoong pagbibigay lugod sa Diyos. Maaaring isalin na: "tiyak na hindi mo iisipin na nabibigyan mo ng lugod ang Diyos sa pamamagitan ng pagdadala sa kaniya ng isang taong gulang na baka, 1,000 lalaking tupa, 10,000 na mga ilog ng langis o kahit ang iyong unang anak ay iaalay para sa iyong mga kasalanan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])

ang aking unang anak para sa aking pagsuway sa unang bunga ng aking laman para sa aking kasalanan?

Ang dalawang salitang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Sinabi niya sa inyo

"sinabi ni Yahweh sa inyo"

Micah 6:9-10

Gumagawa ng pagpapahayag ang tinig ni Yahweh sa mga lungsod

Maaaring isalin na: Gumagawa si Yahweh ng pahayag sa mga taga Jerusalem" (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

kahit ngayon kinikilala ng karunungan ang iyong pangalan

Maaaring isalin na: "at ang matalinong tao ay matatakot kay Yahweh" o "ang taong matalino ay susundin kung ano ang sinasabi ni Yahweh"

Bigyang pansin ang pamalo at kung sino ang naglagay sa lugar nito

Dito ang "pamalo" ay tumutukoy sa hukbo ng kaaway kung saan gagamitin ni Yahweh upang disiplinahan ang kaniyang mga tao.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

mandarayang mga panukat

Tumutukoy ito sa timbangan na nagtitimbang ng mga bagay nang hindi tama kaya ang tao ay maaaring sadyaing linlangin ang iba at kikita ng maraming pera para sa kaniyang sarili.

Micah 6:11-12

Ituturing ko ba na walang sala ang isang tao kung gumagamit siya ng mapandayang panukat, kasama ang isang lalagyan na may dayang timbang

Gumamit si Yahweh ng isang katanungan upang kaniyang bigyang diin na itinuturing niyang may sala ang isang tao na nanlilinlang ng iba upang kumita ng marami pang pera. Maaaring isalin na: "Tinitiyak ko na ituturing na nagkasala ang isang tao kung siya ay gumagamit ng hindi patas na timbangan at sukat upang malinlang ang iba at kikita ng maraming pera para sa kaniyang sarili. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Puno ng karahasan ang mga mayayaman,

"sinasamantala ng mayayaman ang mahirap."

ang naninirahan sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan at mapanlinlang ang kanilang mga dila sa kanilang mga bibig.

Parehong bagay ang ibig sabihin ng dalawang sugnay na ito at pinagsama para sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: " mga sinungaling kayong lahat" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]]) Ito ay magbibigay ng masidhing damdamin sa magbabasa.

Micah 6:13-15

Samakatuwid hinampas ko kayo at makakaroon ng malubhang sugat...ngunit hindi ka makakainom ng alak.

Inilalarawan ni Yahweh ang kaniyang pagpaparusa sa kaniyang mga tao gaya ng pagpapahintulot sa hukbo ng kalaban upang dumating at kunin ang lahat ng kanilang pinalago, inihanda at inimbak para sa kanilang mga sarili.

Micah 6:16

Ang mga kautusan na ginawa ni Omri ay sinunod

"Nagawa mo kung ano ang iniutos ni Omri" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Omri...Ahab

Parehong mga hari sa hilagang kaharian ng Israel ang dalawang lalaking ito. Ibinilang ng Diyos na kapwa silang napakasama. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Lumakad kayo sa pamamagitan ng kanilang payo

"Ginawa mo ang mga masasamang bagay na sinabi nina Omri at Ahab na gawin ng mga tao

Micah 7

Micah 7:1-2

Para sa akin ito ay katulad ng pagtatapos ng pag-aani ng mga bunga sa tag-araw...unang hinog na mga bunga ng igos

Binibigyang diin ni Mikas na wala na ni isang mapagkakatiwalaang mga tao, tapat sa Diyos, sa Israel. Maaaring isalin na: "Para sa akin ang mga tao sa Israel ay gaya ng isang ubasan pagkatapos ng pag-aani at pamumulot ng mga natitira. Ang mga puno ng ubas ay wala na. Wala na akong makita na kahit na anumang bunga, ngunit nananabik pa rin ako n akumain ng hinog na bunga ng igos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Namatay na ang mabuting tao sa lupa...sa pamamagitan ng isang lambat

May pagmamalabis si Mikas dito upang ipakita kung gaano kasama ang sitwasyon. Pakiramdam niya na wala na ni isang mabuting tao na natira sa Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Micah 7:3-4

Ang kanilang mga kamay ay napakahusay

Maaring isalin na: "Ang mga tao ay napakahusay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Ang pinakamahusay sa kanila ay tulad ng dawag, ang pinakamatuwid ay isang bakod na mga tinikan

Ibig sa bihin nito na kahit ang pinakamahusay na pinuno sa Israel ay mapapahamak at walang silbi. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Ang araw na inihula sa pamamagitan ng inyong mga bantay, ang araw ng inyong kaparusahan

Dito, ang salitang "inyong" ay tumutukoy pa rin sa mga Israelita. Maaaring isalin na: "Sinabi sa kanila ng mga propeta na parurusahan sila ni Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])

Ngayon, ang kanilang pagkalito ay dumating

Ito ay maaaring tumutukoy sa pagkatalo ng militar. Maaaring isalin na: "Ngayon ay narito na, at hindi nila mauunawaan kung ano ang nangyayari"

Micah 7:5-6

Huwag magtiwala sa kahit na sinong kalapit bahay...mga tao sa kaniyang sariling sambahayan

Patuloy na pinapakita ni Mikas na wala na ni isang natirang matuwid, totoo, tapat sa Diyos sa mga tao ng Diyos. Dito, binibigyang-diin niya na kahit ang mga kaibigan at pamilya ay hindi na mapagkakatiwalaan.

Micah 7:7-8

Ngunit para sa akin,

Dito, ang "akin" ay tumutukoy kay Mikas.

Huwag kang magalak para sa akin

Hindi lamang tinutukoy ni Mikas ang kaniyang sarili. Ibig sabihin niyang sabihin na hindi dapat magalak ang kaniyang mga kaaway sa nangyari sa lahat ng Israelita. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Kapag ako ay uupo sa kadiliman

Ang tinutukoy ni Mikas ay ang sakuna na parating sa mga Israelita gaya ng "kadiliman." Ibig niyang sabihin na kahit pinahintulutan ng Diyos ang mga kaaway na wasakin sila ngayon, darating siya at ililigtas niya sila sa hinaharap. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Micah 7:9

Dahil nagkasala ako

Hindi lamang tinutukoy ni Mikas ang kaniyang sarili. Ang ibig niyang sabihin na ang lahat ng Israelita ay nagkasala. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

hanggang sa patawarin niya ang ang aking pagkasala, at isagawa ang paghatol para sa akin

Ito ay tumutukoy na nakapagpasiya na ang Diyos na naparusahan na niya ng sapat ang mga tao. At parurusahan niya ang mga tao ng iba pang mga bansa na nagpapahirap sa mga Israelita.

Dadalhin niya ako sa liwanag

Maaaring isalin na: "Darating siya at ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway. Gaya ito ng pagdala sa isang tao na nasa kadiliman sa liwanang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Micah 7:10

aking mga kaaway

Hindi lamang tinutukoy ni Mikas ang kaniyang sarili. Ibig niyang sabihin ay ang lahat ng kaaway ng mga Israelita. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Nasaan si Yahweh na iyong Diyos?

Gumamit ang kaaway ng isang tanong upang hamakin ang mga Israelita. Maaaring isalin na: "Si Yahweh na inyong Diyos ay hindi kayo matutulungan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

aking mga mata

Maaaring isalin na: "Ako" o "Tayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Titingnan siya

Dito, ang "siya" ay tumutukoy sa mga kaaway na nagpapahirap sa mga Israelita.

yayapakan siya

Maaaring isalin na: "ang kanilang mga kaaway ay yayapakan sila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Micah 7:11-13

Darating ang araw na itatayo ninyo ang inyong mga pader

Dito, ang "pader" ay tumutukoy sa mga pader na nakapalibot sa mga lungsod, na nagbibigay kaligtasan at katiwasayan sa mga kaaway.

ang mga hangganan ay lalong lalawak ang nasasakupan

Maaaring isalin na: "Labis na palalawakin ni Yahweh ang mga hangganan sa inyong lupain" o "Labis na palalakihin ang sukat ng inyong kaharian" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

At ang mga lupaing iyon ay mapapabayaan

Maaaring isalin na: "At ang mga lupaing iyon ay magiging walang laman" o "At wala ng maninirahan sa mga lupaing iyon"

Micah 7:14-15

Patnubayan mo ang iyong mga tao gamit ang iyong tungkod, ang kawan ng iyong mana

Si Mikas ay nananalangin kay Yahweh, humihiling sa kaniya na ingatan niyang muli ang mga Israelita. Dito, ang "tungkod" ay tumutukoy sa pamumuno at paggabay ng Diyos, gaya ng isang pastol na gumagamit ng patpat upang patnubayan at ingatan ang kaniyang mga tupa.

Kahit na sila ay namumuhay mag-isa

Ibig sabihin ni Mikas na ang ilan sa mga tao ay namumuhay kung saan ang lupain ay mahirap at ang mga ito ay nakahiwalay at hindi madaling makakuha ng kailangang mga bagay.

sa kagubatan ng Bundok ng Carmelo, pakainin mo sila sa Basan at Galaad

Ang mga rehiyon na ito ay kilala na mayaman na lupain para sa pagtatanim ng mga pagkain. Kaya hinihiling ni Mikas na palawakin pa lalo ang lupain, isa na nawala ng mga mananakop matagal ng panahon.

gaya noong mga unang araw

Ito ay tumutukoy noong si Solomon ang hari.

magpapakita ako

Dito, ang "ako" ay tumutukoy kay Yahweh. Ang orihinal na nakalagay sa ULB ay walang nakalagay na "Sinabi ni Yahweh." Idinagdag lamang ito upang malaman na si Yahweh na ang nagsasalita sa bahaging ito at hindi na si Mikas.

Micah 7:16-17

Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig, ang kanilang mga tainga ay mabibingi

Ipinapakita nito kung gaano sila labis na nadismaya, kaya hindi sila makapagsalita. Tingnan ang UDB (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Didilaan nila ang alikabok ng gaya ng isang ahas, gaya ng nilalang na gumagapang sa lupa.

Parehong mga salita na pareho ang ibig sabihin. Ang mga kaaway ng Diyos ay ganap na mapapahiya at lalapit sa kaniya na may takot pagkatapos makita nila ang mga makapangyarihang bagay na kaniyang gagawin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Micah 7:18-20

Sino ang Diyos na gaya mo

Gumagamit si Mikas ng tanong upang bigyang-diin na wala ng iba ang makagagawa ng mga bagay na gagawin ni Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

mga natira ng iyong mana

kaming mga iyong pinili na nakaligtas sa iyong kaparusahan"