Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

2 Timothy

2 Timothy 1

2 Timothy 1:1-2

Pablo

"Mula kay Pablo" o "Ako, si Pablo, ang nagsulat ng liham na ito"

sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos

"dahil sa kalooban ng Diyos" o "dahil ginusto ito ng Diyos." Naging apostol si Pablo dahil ginusto ng Diyos na maging apostol si Pablo at hindi dahil pinili siya ng tao.

ayon sa

Mga posibleng kahulugan 1) "sa pagpapanatili sa," ibig sabihin ay gaya ng pangako ng Diyos na si Jesus ay nagbibigay buhay, ginawa niyang apostol si Pablo o 2) "para sa layunin ng," ibig sabihin, hinirang ng Diyos si Pablo upang sabihin sa iba ang patungkol sa pangako ng Diyos na buhay na nakay Jesus.

pangako ng buhay na nakay Cristo Jesus

"Ipinangako ng Diyos na bubuhayin niya ang mga nakay Cristo Jesus"

pinakamamahal na anak

"mahal kong anak" o "anak na iniibig" o "anak na siyang aking iniibig." Nananampalataya si Timoteo kay Cristo sa pamamagitan ni Pablo, kaya itinuring siya ni Pablo bilang kaniyang sariling anak.

Biyaya, habag, at kapayapaan mula sa

"Nawa ang biyaya, awa, at kapayapaan ay sumainyo mula sa" o "Maranasan nawa ninyo ang kagandahang-loob, habag, at kapayapaan sa inyong kalooban mula kay"

Diyos Ama

Diyos na siyang ating Ama"

at kay Cristo Jesus na ating Panginoon

"at kay Cristo Jesus na siyang ating Panginoon"

2 Timothy 1:3-5

na aking pinaglilingkuran mula pa sa aking mga ninuno

Sinasamba ni Pablo ang parehong Diyos tulad ng ginawa ng kaniyang mga sinaunang ninuno. "...para kanino ko ginagawa ang aking tungkulin bilang Kristiyano na gaya ng ginawa ng aking mga ninuno na nauna sa akin"

na may malinis na budhi

"may malinis na budhi." Hindi siya nababahala sa pamamagitan ng pag-iisip ng maling gawain dahil palagi niyang sinusubukang gawin kung ano ang tama.

habang patuloy kitang inaalala

"nang patuloy kitang naaalala" o "habang inaalala kita sa lahat ng oras"

at gabi

Mga posibleng kahulugan 1) "ang aking mga panalangin araw at gabi" o 2) "patuloy kitang naaalala araw at gabi" o 3) "nananabik na makita ka araw at gabi."

nananabik akong makita ka

"sobrang pagnanais na makita ka"

Naaalala ko ang iyong mga pagluha

"pinananatili ang lahat ng mga bagay na inyong pinagdusahan sa aking isipan"

maaaring mapuno ng kagalakan

"magkaroon ng sobrang kagalakan" o "maging napakasaya"

Napaalalahanan ako

"dahil ako ay napaalalahanan" o "nang ako ay napaalalahanan" o "sapagkat ako ay napaalalahanan"

tapat mong pananampalatya

"ang iyong pananampalataya na totoo" o "ang iyong pananampalatayang hindi nagkukunwari." Ito ay tumutukoy sa pagiging tapat at totoo.

pananampalataya...na unang ipinamuhay ng iyong lola...ipinamumuhay mo rin

Ang lola ni Timoteo ay isang relihiyosong babae, at ikinukumpara ni Pablo ang pananampalataya ni Timoteo sa kaniyang lola.

2 Timothy 1:6-7

Nag-uugnay na Pahayag:

Hinihimok ni Pablo si Timoteo na mamuhay sa kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina at huwag mahiya dahil sa pugdurusa ni Pablo sa bilangguan dahil sa kaniyang pananampalataya kay Cristo.

Ito ang dahilan

"Sa kadahilanang ito" o "Dahil sa iyong taos-pusong pananampalataya kay Jesus" o "Dahil may taos-puso kayong pananampalataya kay Jesus"

pinapaalalahanan kita

"pinapaalalahanan kita" o "sinasabi ko na naman sa iyo"

pagningasin muli ang kaloob ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpatong ko ng aking mga kamay

Pinatong ni Pablo ang kaniyang mga kamay kay Timoteo, sinasangguni ang Banal na Espiritu at ang espiritwal na kakayahan o kaloob sa kaniya. Sinasabi ni Pablo sa kaniya na "magsinding muli" o "pagningasin" ang espiritwal na kakayahan sa kaniyang paggawa para kay Cristo. Ang larawan ng pag-ihip o pagpaypay ng tumpok ng uling ay isang talinghaga para sa paggising sa mga espiritwal na kakayahan at mga kaloob kay Timoteo na kaniyang pinapabayaan o hindi ginagamit. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Sapagkat ang Diyos

"Dahil ang Diyos"

Sapagkat hindi ibinigay ng Diyos sa atin ang espiritu ng pagkatakot

Tinanggap ni Pablo ang Espiritu mula sa Diyos. Nang ipatong niya ang kaniyang mga kamay kay Timoteo, ang Espiritung iyon rin ang dumating kay Timoteo. Ang Espiritung ito ay hindi naging dahilan upang matakot sila sa Diyos o sa ibang mga tao.

espiritu ng...disiplina

Mga posibleng kahulugan 1) "Ang Espiritu ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang pigilan ang ating mga sarili" (UDB) o 2) "Ang Espiritu ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng kakayahan upang itama ang ibang mga nagkakamali."

2 Timothy 1:8-11

Kaya huwag ikakahiya

"Samakatuwid huwag matatakot" o "Kaya huwag maging matatakutin"

makibahagi sa pagdurusa para sa ebanghelyo

Nagdurusa si Pablo ng hindi tama alang-alang sa ebanghelyo. Sinasabi niya kay Timoteo na huwag din siyang matakot na magdusa para sa ebanghelyo sa parehong paraan.

ayon sa kapangyarihan ng Diyos

"pahintulutan ng Diyos na gawin kang malakas"

hindi ayon sa ating mga gawa

"hindi ito sa kung gaano karami ang mabubuting bagay na ginagawa natin na tayo'y naligtas" o "hindi tayo iniligtas ng Diyos na ang basehan ay ang mabubuting bagay na ating ginagawa" o "niligtas tayo ng Diyos kahit na nakakagawa tayo ng mga masasamang bagay"

Ang Diyos ang nagligtas sa atin ...ayon sa kaniyang layunin

"Binalak ng Diyos na tayo'y iligtas at ngayon nga ay naligtas tayo" o "Nagdesisyon ang Diyos na tayo ay kaniyang iligtas at kung paano niya tayo ililigtas at ngayon nga ay niligtas niya tayo" o "na siyang nagligtas sa atin...sa paraang kaniyang binalak"

bago ang pasimula ng panahon

"bago ang pasimula ng mundo" o "bago ang pasimula ng panahon"

panahon

Ito ay isang metonomiya para sa sansinukob, sa lahat ng mga naririto. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

naihayag na ang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo

"Pinakita ng Diyos kung paano niya tayo ililigtas sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas ang Mesias na si Jesus."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

ang siyang naglagay ng hangganan sa kamatayan

"na siyang sumira sa kapangyarihan ng kamatayan sa atin"

nagdala ng buhay na walang hangganan upang magliwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo

"nagturo kung ano ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo"

ako ay hinirang na tagapangaral

"pinili ako ng Diyos upang ipangaral ang mensahe"

2 Timothy 1:12-14

Dahil dito

Maaring isalin na: "Dahil isa akong apostol"

ako din ay nagdurusa sa mga bagay na ito

Tinutukoy ni Pablo ang pagiging isang bilanggo.

Natitiyak ko

"Ako ay nahikayat"

sa araw na iyon

Mga posibleng kahulugan 1) ang araw kung saan ang Panginoon ay darating muli o 2) ang araw kung saan hahatulan ng Diyos ang mga tao.

Ingatan mo ang mga halimbawa ng mga tapat na mensaheng narinig mo sa akin

"Panatilihin mo ang pagtuturo ng tamang kaisipan na itinuro ko sa iyo" o "Gamitin mo ang aking mga salita at aking mga pamamaraan ng pagtuturo bilang halimbawa kung ano at paano ka dapat magturo"

Ang mabuting bagay na

Tinutukoy nito ang trabaho ng pagpapahayag ng ebanghelyo sa tamang paraan.

bantayan mo ito

Kailangang maging handa ni Timoteo dahil tututulan ng mga tao ang kaniyang mga gawa, susubukan siyang pigilan, at pipilipitin kung ano ang kaniyang sinasabi.

sa pamamagitan ng Banal na Espiritu

"gawin ang lahat at kung ano lang ang sinasabi ng Banal na Espiritu na gawin mo"

2 Timothy 1:15-18

tumalikod sa akin

Tinalikuran nila siya dahil nadakip siya at itinapon sa bilangguan.

hindi niya ikinahiya ang aking kadena

Hindi kinahiya ni Onesiforo si Pablo kahit siya ay nasa kulungan ngunit madalas pa rin siyang dumadalaw sa kaniya. Ang "kadena" ay isang metonomiya para sa pagkakabilanggo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

magkaloob sa kaniya upang kaniyang masumpungan ang habag sa araw na iyon

Hinahangad ni Pablo na tanggapin ni Onesiforo ang awa at hindi kaparusahan 1) sa araw ng muling pagbabalik ng Panginoon o 2) sa araw na hahatulan ng Diyos ang mga tao.

2 Timothy 2

2 Timothy 2:1-2

Nag-uugnay na Pahayag:

Inilalarawan ni Pablo ang buhay Kristiyano ni Timoteo tulad ng buhay ng isang sundalo, tulad ng buhay ng isang magsasaka, at tulad ng buhay ng isang manlalaro.

maging matatag ka sa biyayang nakay Cristo Jesus

Mga posibleng kahulugan 1) "hayaan mong gamitin ng Diyos ang biyayang ibinigay niya sa iyo kay Cristo Jesus upang gawin kang malakas" (UDB) o 2) "palakasin mo ang iyong sarili, dahil alam mong ibinigay ng Diyos ang biyaya na nanggagaling lamang sa pamamagitan ni Cristo Jesus"

kasama ng maraming saksi

"kasama ng maraming saksi doon upang sumang-ayon na ang aking mga salita ay totoo"

tapat

"mapagkakatiwalaan"

2 Timothy 2:3-5

Samahan mo ako sa pagdurusa at paghihirap

Mga posibleng kahulugan 1) "tiisin ang paghihirap kagaya ng ginagawa ko" (UDB) o 2) "makibahagi sa aking pagdurusa"

Walang sundalo ang naglilingkod habang nakatali sa mga suliranin ng buhay na ito

"Walang sundalong naglilingkod habang bahagi siya ng pang-araw-araw na takbo ng buhay na ito" o "Kapag naglilingkod ang mga sundalo, hindi sila nagugulo ng pangkaraniwang mga bagay na ginagawa ng mga tao." Kailangang huwag pahintulutan ng mga lingkod ni Cristo ang pang-araw-araw na buhay para pigilan silang gumawa o magtrabaho para kay Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

nakatali

Nahadlangan mula sa paglilingkod dahil sa paggawa ng ibang mga bagay ay tinukoy tulad ng nahuli sa isang lambat.

mataas na opisyal

"ang naglista sa kaniya bilang isang sundalo"

isang manlalaro... hindi siya kokoronahan maliban kung siya ay makipagpaligsahan ayon sa mga alituntunin

Ang mga lingkod ni Cristo ay kailangang gawin kung ano ang sinasabi ni Cristo na gawin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

hindi siya kokoronahan maliban kung siya ay makipagpaligsahan ayon sa mga alituntunin

Maaring isalin na: "Siya ay kokoronahan nila na panalo kung maglalaro lang siya ayon sa mga alituntunin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

hindi siya kokoronahan

"hindi niya mapapanalunan ang gantimpala"

makipagpaligsahan ayon sa mga alituntunin

"maglalaro ayon sa mga alituntunin" o "istriktong sumunod sa mga alituntunin"

2 Timothy 2:6-7

Kinakailangan na ang isang masipag na magsasaka ay maunang tatanggap ng kaniyang bahagi sa ani

Ito ang pangatlong talinghaga na ibinigay ni Pablo kay Timoteo. Kailangang maintindihan ng bumabasa na kailangang magpakasipag ang mga lingkod ni Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Isipin mo ang tungkol sa aking sinasabi

Binigyan ni Pablo si Timoteo ng salitang naglalarawan, ngunit hindi niya ganap na pinaliwanag ang ibig sabihin ng mga ito. Inaasahan na niya na maiintindihan din ni Timoteo kung ano ang sinasabi niya tungkol sa mga lingkod ni Cristo.

sapagkat ang Panginoon

"dahil ang Panginoon"

2 Timothy 2:8-10

Nag-uugnay na Pahayag:

Binigyan ni Pablo ng mga tagubilin si Timoteo kung paano mamuhay para kay Cristo, kung paano magdusa para kay Cristo, at kung paano magturo sa iba upang mamuhay para kay Cristo.

Ayon ito sa aking mensahe ng ebanghelyo

"gaya ng sinasabi ng aking mensahe mula sa ebanghelyo"

kung saan ako ay nagdurusa

"kung saan ako naghihirap"

pagkakadena

"pagkabilanggo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala

"ay hindi mapagbabawalan" o "ay hindi nakabilanggo." Maaring isalin na: "mayroong ganap na kalayaan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-litotes/01.md]])

para sa mga pinili

"para sa mga tao na pinili ng Diyos"

upang matamo din nila ang kaligtasan

"makatanggap ng kaligtasan"

na may kaluwalhatian na walang hanggan.

"niluluwalhati ang Diyos magpakailanman" o "itinuturo ang mga tao sa Diyos magpakailanman"

2 Timothy 2:11-13

Ang kasabihang ito

"ang mga salitang ito"

namatay

Ang kahulugan nito ay pagkamatay ng isang tao sa kaniyang sarili. Sa ibang mga salita, pagtatangging ibigay ang kaniyang mga sariling pagnanais.

Kung hindi tayo tapat

"kahit na mabigo natin ang Diyos" o "kahit na hindi natin gawin kung ano ang pinaniniwalaan natin na gusto ng Diyos na gawin natin"

maaaring ipagkaila ang kaniyang sarili

"dapat lagi siyang kumilos ayon sa kaniyang katangian" o "hindi siya makakakilos sa paraang taliwas sa kaniyang tunay na katangian"

2 Timothy 2:14-15

sila

Mga Maaaring kahulugan: 1) "ang mga tagapagturo" (UDB) 2) "ang mga tao sa iglesiya"

sa harap ng Diyos

"sa presensiya ng Diyos" o "nalalaman mong ikaw at sila ay pinapanood ng Diyos"

na huwag makipag-away tungkol sa mga salita

"huwag makipagtalo kung ano ang kahulugan ng mga salita" o "huwag magsalita ng mga salitang puwedeng pagmulan ng mga away" o "huwag magsalita ng mga salita na ang hangad ay upang saktan ang iba"

walang mapapakinabangan

"walang maitutulong na mabuti sa iba" o "walang kabuluhan"

pagkawasak

Ang larawan ay ang pagkawasak ng isang gusali. Ang mga nakakarinig ng pag-aaway ay titigil sa paggalang sa mensahe ng mga Kristiyano.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa mga nakikinig

"sa mga nakakarinig"

iharap ang iyong sarili na karapat-dapat sa Diyos

"itanghal mo ang iyong sarili sa Diyos bilang isang tao na napatunayang karapat-dapat"

bilang isang manggagawa

"gaya ng manggagawa" o "gaya ng nagtatrabaho" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Panghawakan mo ng tama

"ipaliwanag ng tama"

2 Timothy 2:16-18

Ang kanilang salita ay kakalat tulad ng ganggrena

"Ang sinasabi nila ay kakalat gaya ng isang nakakahawang sakit." Kagaya ng ganggrena na mabilis na kumakalat at sumisira sa katawan ng isang tao, ang sinasabi ng mga taong iyon ay kakalat sa mga tao at pipinsalain ang pananampalataya ng mga nakarinig nito. Maaring isalin na: "Ang kanilang salita ay agad na kakalat at magiging dahilan ng pagkasira gaya ng ganggrena" o "Maririnig agad ng mga tao kung ano ang kanilang sinasabi at mapipinsala sila nito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

ganggrena

patay at nabubulok na laman. Ang tanging paraan lang para pigilan ang ganggrena mula sa pagkalat at pagpatay ng may sakit na tao ay ang pagputol sa apektadong bahagi.

nalihis sa katotohanan

Ito ang maaaring kahulugan 1) "nakagawa ng kamalian patungkol sa katotohanan" o "mga nasa kamalian patungkol sa katotohanan," gaya ng isang palaso na hindi tumatama sa inaasinta o 2) "tumigil sa paniniwala sa katotohanan."

ang muling pagkabuhay ay nangyari na

"Binuhay na ng Diyos ang mga namatay na mananampalataya patungo sa buhay na walang hanggan"

Ginugulo nila ang pananampalataya ng ilan

"pinapagduda ang ilan sa mga mananampalataya" o "hinihimok ang ilan sa mga mananampalataya na tumigil na sa paniniwala"

2 Timothy 2:19-21

pundasyong itinatag ng Diyos

Mga Maaaring kahulugan 1) "ang itinayong iglesiya ng Diyos mula pa noong simula" o 2) "ang katotohanan tungkol sa Diyos" (UDB) o 3) "katapatan ng Diyos."

tumatawag sa pangalan ng Panginoon

"ang nagsasabing sumasampalataya siya kay Cristo"

dapat lumayo sa kasamaan

Mga Maaaring kahulugan 1) "itigil ang pagiging masama" o 2) "itigil ang paggawa ng maling mga bagay."

lalagyan

Ito ay pangkalahatang salita para sa mga mangkok, mga plato, o mga palayok na pinaglalagyan ng pagkain o inumin ng mga tao. Kung ang inyong wika ay walang pangkalahatang salita, gumamit ng salita para sa "mangkok" o "palayok." Ito ay talinghaga para sa mga tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

marangal... hindi marangal

Mga Maaaring kahulugan 1) "natatanging mga pagtitipon..mga karaniwang panahon" (UDB) o 2) "ang uri ng mga gawain na ginagawa ng mga mabubuting tao sa pampublikong lugar....uri ng gawain ng mga mabubuting tao sa pribado."

maglinis ng kaniyang sarili mula sa hindi marangal na pagkakagamit

Mga Maaaring kahulugan 1) "hinihiwalay ang sarili mula sa taong hindi marangal o 2) "dalisayin ang kaniyang sarili."

marangal na lalagyan

"kagamit-gamit sa natatanging pagtitipon" o "kagamit-gamit sa gawain ng mga mabubuting tao sa pampublikong lugar"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

2 Timothy 2:22-23

Lumayo...Pagsumikapan

Ang kahulugan ng mga talinghagang ito ay pagtakbo ng mabilis hanggang kaya mo. Ang paglayo ay ang pagtakbo mula sa isang bagay na maaaring puminsala sa iyo; ang pagsumikapan ay ang pagtakbo patungo sa isang bagay na makakapagdulot ng mabuti sa iyo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]].)

Lumayo sa mga makalamang pagnanasa ng kabataan

"Pagtakbo papalayo sa makalamang pagnanasa na tumutukso sa mga kabataan" gaya ng paglayo ng isang tao mula sa pagsugod ng isang hayop o mamamatay tao. Kung hindi kaya ng inyong wika na gawing pangngalan ang "makalamang pagnanasa", "lubos na pagtangging gawin ang mga bagay na lubos na ninanais ng mga kabataan" o "gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang lumayo mula sa ganoong gawain"

Pagsumikapan na matamo ang katuwiran

"para hanapin ang katuwiran"

kasama ang iyong mga

Mga Maaaring kahulugan 1) "kasama ang iyong mga," ibig sabihin ay "sumama sa ibang mga Kristiyano na magpatuloy sa katuwiran" o 2) "habang inuugnay mo sa" ibig sabihin ay "gawin mo ang lahat ng iyong makakaya...para mamuhay ng payapa kasama ng ibang mga Kristiyano."

iyong mga tumatawag sa Panginoon

"mga Kristiyano" o "mga taong tumatawag ng kanilang sarili na mga tao ng Panginoon"

mula sa malinis na puso

"na may tapat na motibo" o "para sa mabuting mga dahilan"

tanggihan ang walang kabuluhan at mangmang na mga katanungan

"tanggihan mong sagutin ang mga walang kabuluhan at mangmang na mga katanungan"

walang kabuluhan....mga katanungan

"mga katanungang tinatanong ng mga taong walang paggalang para sa Diyos"

mangmang na mga katanungan

"mga katanungang itinatanong ng mga taong ayaw malaman ang katotohanan"

2 Timothy 2:24-26

may kababaang-loob

"mababang-loob" o "maamo"

turuan

"tinatagubilinan" o "tinuturuan" o "tinutuwid"

pagkalooban sila ng Diyos ng pagsisisi

"tulungan sila upang talikuran ang kanilang mga kasalanan"

para sa pagkaalam sa katotohanan

"para malaman nila ang katotohanan"

Maliliwanagang muli ang kanilang isip

"hindi na sila mag-isip pa ng maling pag-iisip" o "mag-umpisa sila muling makinig sa Diyos"

sa bitag ng diyablo

Isa itong talinghaga para sa mga taong nag-aakala na sumusunod sila sa Diyos, ngunit ang totoo ay ang diyablo ang sinusunod nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kaniyang bihagin para sa kaniyang kalooban

"na siyang bumihag sa kanila at ngayon nga ay inuudyukan silang gawin ang anumang gusto niyang ipagawa sa kanila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

2 Timothy 3

2 Timothy 3:1-4

Nag-uunay na Pahayag:

Sinabihan ni Pablo si Timoteo na sa darating na panahon ay tatalikod ang mga tao mula sa katotohanan at darating ang pag-uusig, ngunit makakaasa siya sa salita ng Diyos.

sa mga huling araw ay magkakaroon ng kahirapan

Ito ay ang mga araw, mga buwan, o kahit mga taon na ang mga kristiyano ay nasa panganib.

makasarili

Dito ginamit ang salitang "maibigin" na nangangahulugang pag-iibigan ng magkakapatid o pag-ibig sa kaibigan o sa miyembro ng pamilya, o ang likas na pantaong pag-ibig sa magkaibigan o kamag-anak, hindi ito katulad ng pag-ibig na mula sa Diyos.

mayabang

isang taong nagsasalita patungkol sa kaniyang sarili sa paraang nagmamataas

mawawalan ng likas na pag-ibig

"hindi mapagmahal sa kanilang sariling pamilya"

hindi mapayapa

"hindi sumasang-ayon sa kahit na sino" o "hindi namumuhay ng may kapayapaan sa kahit na sino"

mapanira

"mga nagpaparatang ng mali"

nananakit

"mabangis" o "malupit" o "madalas silang gumagawa ng mga nakakasakit sa ibang tao"

hindi maibigin sa mabuti

"mga namumuhi sa mabuti"

matigas ang ulo

"walang pag-iingat"

mapagmataas

"iniisip nilang sila ay mas magaling kaysa sa iba"

2 Timothy 3:5-7

Magkukunwari silang mga maka-diyos

"mukhang relihiyoso" o "mukhang matuwid" o "mukhang mabuti"

itatanggi nila ang kapangyarihan nito

Ang mga Maaaring kahulugan ay 1) "tatanggihan nilang tanggapin ang kapangyarihan na talagang gustong ibigay sa kanila ng Diyos" (UDB) o 2) "walang makikitang patunay sa kanilang buhay ng pagkamaka-diyos na sinasabi nilang mayroon sila."

Layuan mo

"Iwasan"

ay pumapasok sa

"na palihim na pumapasok sa"

sa mga bahay

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "mga pamilya" o "mga pamilyang naninirahan sa bahay" o 2) itinayong mga bahay (UDB).

nang-aakit

"may kakayanang manghikayat"

mga mangmang na babae

"mga babaeng mahina sa ispiritwal na kalagayan." Maaring ito ay dahil sa hindi nila nagawa ang pagiging maka-diyos o dahil may katamaran o dahil sila ay "napuspos sa kasalanan."

patong-patong na ang mga kasalanan

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "napagtagumpayan ng napakaraming kasalanan" o 2) "madalas magkasala." Ang ibig sabihin nito ay hindi na nila mapigilan na magkasala.

Ang mga babaeng... natatangay sa iba't-ibang pagnanasa.

Maaring isalin na: "Ang mga babaeng ito ay naghahangad ng napakaraming bagay kaya huminto sila sa pagsunod kay Cristo" o "Huminto ang mga babaeng ito sa pagsunod kay Cristo sa halip nagpatuloy sila sa pagnanasa ng maraming mga bagay."

pang-unawa

Ang kahulugan ng salitang ito ay kung ano ang nalalaman mo tungkol sa isang tao kapag pinanuod mo sila ng matagal sa mahabang panahon.

2 Timothy 3:8-9

Janes at Jambres

Ang dalawang pangalan na ito ay matatagpuan lamang sa Bibliya. Binanggit sila sa isang tradisyon bilang mga taga-Egiptong salamangkero na sumalungat kay Moises sa Exodo 7-8. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]].)

sumalungat

"tumutol"

sa paraang ito

sa ganoon ding paraan

sa katototohanan

"ang ebanghelyo ni Jesus"

ang mga kalalakihang nasira ang kaisipan

"Hindi na sila makapag-isip ng tama"

uunlad

"magpapatuloy"

kamangmangan

"kulang sa pang-unawa" o "kahangalan"

mahahayag

"madaling makita" o "madaling makilala"

2 Timothy 3:10-13

sinunod mo

"ngunit maingat mong binantayan"

katuruan

"tagubilin"

pag-uugali

"pamamaraan sa buhay"

layunin

"napagpasyahan" o "determinasiyon"

mahabang pagtitiis

"patitiyaga sa mga tao"

pagtitiyaga

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "patuloy akong naglilingkod sa Diyos kahit na napakahirap gawin nito. (UDB) o 2) "Pinanatili ko ang tamang saloobin sa mga mahihirap na sitwasyon."

sinagip

"iniligtas"

gustong

"nais"

nagpapanggap

"mga taong niloloko ang iba tungkol sa kanilang mga sarili" o "mga taong nagpapanggap na kakaiba kaysa sa tunay nilang pagkatao"

2 Timothy 3:14-15

manatili ka sa mga bagay na iyong natutunan

"huwag mong kalimutan kung ano ang iyong natutunan."

sagradong kasulatan...Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo

"ang salita ng Diyos ay nagbibigay ng karunungang kailangan mo"

sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

"upang gamitin ng Diyos ang iyong pananampalataya kay Cristo Jesus para ikaw ay maligtas."

kaligtasan

Ang mga maaaring kahulugan ay 1) "Bibigyan ka ng buhay na walang hanggan ng Diyos" o 2)"Ililigtas ka ng Diyos mula sa kahangalan sa buhay na ito ."

2 Timothy 3:16-17

Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos

"Kinasihan ng Diyos ang lahat ng kasulatan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu" (UDB) o "ang lahat ng kasulatan ay hiningahan ng Diyos," nanggaling sa Espiritu ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa mga tao kung ano ang isusulat nila.

mapapakinabangan

"kagamit-gamit" o "mapapakinabangan"

pagsaway

"pagtuturo ng kamalian"

pagtatama sa mali

"pagtatama sa mga kamalian"

pagsasanay

"pagdidisiplina" o "pagpapalaki"

kakayahan

"ganap"

2 Timothy 4

2 Timothy 4:1-2

Nag-uugnay na pahayag:

Patuloy na pinapaalalahanan ni Pablo si Timoteo na maging tapat at si Pablo ay handa ng mamatay.

sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus

"Sa presensya ng Diyos at ni Cristo Jesus." Tingnan kung paano tinalakay ang pangungusap sa UDB, ayusin ito.

na siyang hahatol

"na malapit ng dumating upang humatol"

taimtim

"ng malakas" o "buong puso" o "nangangahulugang bawat salita"

kung hindi

"kung ito ay hindi napapanahon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

Pagwikaan

"Sabihin mo sa mga tao kung sila ay makasalanan" o "Sabihin sa mga tao kung ano ang nagawa nilang mga kamalian"

pagsalitaan

"seryosong pagsabihan"

may buong pagtitiyaga at pagtuturo

Mga maaaring kahulugan ay 1) ganito ang paraan kung paano manghikayat ng tao si Timoteo o 2) ganito ang paraan kung paano dapat mangaral si Timoteo 3) ganito ang paraan kung paano dapat gawin ni Timoteo ang lahat sa huling pangungusap.

pagtitiyaga

"pagtitiis"

ng may buong pagtitiyaga

"ng may buong pagtitiyaga" o "sa pagiging napakamatiyaga"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

2 Timothy 4:3-5

Sapagkat darating ang panahon kung saan

"dahil minsan sa hinaharap"

ng mga tao

Ipinapaalam ng konteksto na ito na ito ay mga tao sa iglesiya (UDB).

totoong aral

Ang kahulugan nito ay ang katuruan na itinuturing ng buong iglesiya na totoo at tama.

tatambakan nila ang kanilang mga sarili ng mga guro na naayon sa kanilang mga nais. Makikiliti sila sa kanilang pakikinig

Mga maaaring kahulugan ay 1) dahil sa kanilang pansariling pagnanais, magtitipon sila ng mga guro na magsasabi ng gusto nilang marinig o 2) magtitipon sila ng mga guro na sumasang-ayon sa kanilang mga pansariling nais at magsasabi ng kung ano ang gusto nilang marinig.

kanilang sariling mga nais

"kanilang mga pansariling pagnanais"

Makikiliti sila sa kanilang pakikinig

"ang mga guro na ito ay mangingiliti sa kanilang mga tainga." "Mangingiliti sa kanilang mga tainga" ay isang talinghaga na nagsasabi sa kanila ng mga bagay na kanilang kaaaliwan pakinggan, mga bagay na magpapasaya sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

gawain ng isang ebanghelista

Ang kahulugan nito ay upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa kung sino si Jesus, kung ano ang ginawa niya para sa kanila, at kung paano sila mamumuhay para sa kaniya.

paglilingkod

Ang kahulugan nito ay paglilingkod sa kanila sa espiritwal sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila tungkol sa Diyos.

2 Timothy 4:6-8

Dumating na ang araw ng aking pag-alis

"sandali na lamang ay mamamatay na ako at lilisanin ang mundong ito" (UDB). Napagtanto ni Pablo na hindi na siya mabubuhay ng matagal.

nakipaglaban ako ng mabuti sa paligsahan

Ito ay talinghaga ng mga palaro ng pakikipaglaban, pakikipagbuno, o pakikipagsuntukan. Ginawa ni Pablo ang kaniyang makakaya. Ito din ay maaring isalin na "Ginawa ko ang aking makakaya" o "Ibinigay ko ang aking makakaya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

natapos ko ang aking takbuhin

Ito ay talinghaga na naglalarawan ng pagtatapos sa buhay bilang pag-abot sa pangwakas na linya ng takbuhan. Maaaring naisalin na: "Aking natapos kung ano ang dapat kong gawin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

napanatili ko ang pananampalataya

Mga maaaring kahulugan ay 1) "Aking iningatan ang mga katuruan tungkol sa kung ano ang ating pinaniniwalaan mula sa anumang kamalian" o 2) "Ako ay naging tapat sa pagtupad ng aking paglilingkod" (UDB).

Ang korona ng katuwiran ay nakalaan na para sa akin

Maaaring isalin na: "ang korona ng katuwiran ay maibibigay sa akin"

korona ng katuwiran

Mga maaaring kahulugan ay 1) ang korona ay ang gantimpala na ibinibigay ng Diyos sa mga taong namuhay sa tamang paraan (UDB) o 2) ang korona ay isang talinghaga para sa katuwiran. Gaya ng hukom sa isang paligsahan na nagbibigay ng korona sa nanalo, kapag natapos ni Pablo ang kaniyang buhay, ipahahayag ng Diyos na si Pablo ay matuwid. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

korona

korona na gawa sa dahon ng puno ng laurel na ibinibigay sa mga nananalo sa mga pampalakasang paligsahan

araw na iyon

"sa araw kung kailan ang Panginoon ay darating muli" o "sa araw kung kailan hahatulan ng Diyos ang mga tao"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

2 Timothy 4:9-10

Nag-uugnay ng pahayag:

Sa kaniyang pagtatapos, hinimok ni Pablo si Timoteo na pumunta sa kaniya, pinakiusapang dalhin sa kaniya si Lucas, nagbanggit ng ilang mga tao na tumalikod mula sa Panginoon, at nagbigay ng pagbati sa mga lokal na tao na naroon kasama ni Timoteo.

agad

"sa lalong madaling panahon"

sapagkat

dahil

ang kasalukuyang mundo

Mga maaaring kahulugan ay 1) ang mga pansamantalang bagay ng mundong ito, "ang mga kasiyahan at kaginhawaan ng mundong ito," o 2) ang kasalukuyang buhay na ito at ligtas mula sa kamatayan. Si Demas ay maaring natakot na baka siya ay patayin ng mga tao kung mananatili siya kay Pablo.

Pumunta si Crescente... at pumunta si Tito...

Iniwan ng dalawang lalaking ito si Pablo, ngunit hindi sinasabi ni Pablo na "iniibig din nila ang kasalukuyang mundong ito" gaya ni Demas.

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

2 Timothy 4:11-13

malaki ang naitutulong niya sa akin sa gawain

Mga maaaring kahulugan ay 1) "matutulungan niya ako sa paglilingkod"o 2) "matutulungan sa pamamagitan ng paglilingkod sa akin."

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

2 Timothy 4:14-16

nagpakita ng maraming masasamang gawa laban sa akin

"gumawa ng mga masasamang bagay laban sa akin" o "gumawa ng mga mapanirang bagay sa akin"

Bantayan mo din ang iyong sarili laban sa kaniya

"Mag-ingat ka din sa kaniya" o "mag-ingat kang mabuti sa kaniya" o "Dapat mong pangalagaan ang iyong sarili mula sa kaniya"

siya...kaniya...kaniyang...

Ang lahat ay tumutukoy kay Alejandro.

labis niyang sinasalungat ang ating mga salita

"kumilos siya na may matinding pagsisikap upang salungatin ang ating mensahe" o "labis siyang sumasalungat sa ating mga salita"

walang nanatili sa akin, sa halip iniwan ako ng lahat

"walang sinuman ang nanatili at tumulong sa akin. Sa halip, iniwan ako ng lahat"

Hindi sana ito maibilang laban sa kanila

"Ayaw kong parusahan ng Diyos ang mga mananampalatayang iyon sa pag-iwan sa akin"

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

2 Timothy 4:17-22

nanatili sa akin

"nanatili sa akin upang ako ay tulungan"

ang pagpapahayag ay ganap na matupad, at upang marinig ng lahat ng mga Gentil

Mga maaaring kahulugan ay 1) ito ay nangyari na (UDB) o 2) ito ay mangyayari pa lang sa hinaharap para kay Pablo, "upang aking ganap na masabi ang kaniyang salita at upang marinig ng lahat ng mga Gentil."

Sinagip ako mula sa bibig ng Leon

Ang panganib na ito ay maaring pisikal, espiritwal, o pareho. Maaaring isalin na: "Ako ay sinagip mula sa matinding panganib." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]

[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/2ti/04.md]]