Tagalog: translationNotes

Updated ? hours ago # views See on DCS

Zechariah

Zechariah 1

Zechariah 1:1-3

Nang ikawalong buwan

Ito ang ikawalong buwan sa kalendaryo ng mga Hebreo. Ito ang panahon sa huling bahagi ng Oktubre at unang bahagi ng Nobyembre sa kanluraning kalendaryo. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

ikalawang taon ng paghahari ni Dario

"ikalawang taon mula ng naging hari si Dario" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

Berequias...Iddo

Pangalan ito ng mga lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

Lubhang nagalit si Yahweh sa inyong mga ama

"labis na nagagalit si Yahweh sa inyong mga ninuno"

Bumalik kayo sa akin

Ginamit ang salitang "bumalik" upang tukuyin ang isang pagbabago. Sinasabi ni Yahweh sa mga Israelita na magbago mula sa pagiging hindi masunurin sa pagiging masunurin sa kaniya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Madalas isalin ang mga salitang ito bilang "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaari mong isalin ang mga salitang ito sa anumang paraan na maganda sa inyong wika. Maraming ulit na ginamit ang mga salitang ito sa Zacarias.

babalik ako sa inyo

Sa pagsasabing babalik siya sa mga Israelita, sinasabi ni Yahweh na may mangyayaring magagandang bagay sa kanila dahil tutulungan niya sila. Maaaring Isalin na: "Pagpapalain ko kayo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Zechariah 1:4-6

sinigawan

"hiniyawan"

tumalikod

"magbago"

Ngunit hindi sila nakinig at hindi nila ako binigyan ng pansin

Nangangahulugan ang dalawang pariralang ito na hindi sinusunod ng mga Israelita ang mga kautusan ni Yahweh. Maaaring isalin na: "Ngunit hindi sila nakikinig sa aking mga kautusan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

Ito ang pahayag ni Yahweh

Madalas isalin ang mga salitang ito bilang "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang mga salitang ito sa anumang paraan na mainam sa inyong wika. Maraming ulit na ginamit ang mga salitang ito sa Zacarias.

Nasaan ang iyong mga ama? At ang mga propeta, naririto ba sila magpakailanman?

Parehong tinanong ang mga katanungang ito upang tukuyin ang katotohanang mamamatay ang mga tao. Maaaring isalin na: "namatay ang inyong mga ama. Mamamatay din ang mga propeta." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ngunit ang aking mga salita at mga kautausan na iniutos ko sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba nito naabot ang inyong mga ama?

Ginamit ang katanungang ito upang ipakita sa mga Israelita na nangyari ang lahat ng sinabi ng Panginoon sa kaniyang mga propeta upang balaan ang kanilang mga ninuno tungkol sa nangyari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

sa ating mga salita at gawain

Pareho itong tumutukuy sa sinabi ng Diyos sa mga propeta. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

naabot ang inyong mga ama

Tinutukoy ni Yahweh ang tungkol sa kaniyang mga propesiya na para bang tumatakbo sila upang maabutan at malagpasan ang mga ninuno ng mga Israelita. Ang salitang "naabot" ay nangangahulugang nalagpasan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

sa ating mga salita at gawain

Maaaring isalin na: "ating asal" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Zechariah 1:7-9

ikadalawampu't-apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath

ikadalawampu't-apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath**- "Sebath" ang ikalabing isang buwan sa kalendaryo ng mga Hebreo. Ang ikadalawampu't-apat na araw ay malapit sa kalagitnaan ng Pebrero sa kanluraning kalendaryo. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

dumating ang salita ni Yahweh kay Zacharias... na nagsasabi

"Sinabi ni Yahweh ang mensaheng ito kay Zacarias"

Berequias...Iddo

Pangalan ito ng mga lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

puno ng mga mirto

isang uri ng maliit na puno na may makulay na mga bulaklak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])

Zechariah 1:10-11

Ito ang mga...Tumugon sila

Ang mga salitang "ito ang mga" at "sila" ay tumutukoy sa mga kabayong nasa kalagitnaan ng mga puno ng mirto.

maglibot sa buong daigdig

Mga maaaring kahulugan: 1) "maglibot sa buong mundo" o 2)"maglakad sa buong daigdig"

puno ng mga mirto

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/01/07.md]].

ang buong daigdig ay nananatili at nagpapahinga

Maaaring isalin na: "ang lahat ng tao sa mundo ay mapayapa"

nananatili at nagpapahinga

Parehong tumutukoy ang mga salitang ito sa pagiging payapa nang walang anumang pag-aalala. (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Zechariah 1:12-13

nagdusa ng pagkagalit

Mga maaaring kahulugan 1) "nagagalit ka sa" (UDB) o 2) "pinakitunguhan nang walang paggalang

may mga magagandang salita at salitang kaaliwan

Tinutukoy ng mga salitang ito ang nakabubuti at nakakaaliw. Maaaring isalin na: "pinalakas ang aking loob" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])

Zechariah 1:14-15

At labis akong nagagalit sa mga bansang matiwasay

Maaaring isalin na: "Labis akong nagagalit sa mga bansang nagagalak sa kapayapaan at kaligtasan"

sapagkat hindi ako nalugod

Maaaring isalin na: "sapagkat bahagya lamang ang aking galit sa mga taga-Juda" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

pagbubungad ng kadalamhatian

Ang ibig sabihin ng pagbubungad ng kadalamhatian ang pagpapalaganap ng kadalamhatian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Zechariah 1:16-17

Bumalik ako sa Jerusalem nang may pagkaawa

Ang pagbabalik ng Diyos sa Jerusalem ay tumutukoy sa muling pangangalaga niya sa mga Israelita tulad ng isang haring bumabalik upang pangunahan ang kaniyang mga tao na hindi mapahamak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Itatatag ang aking tahanan sa kaniya

Maaaring isalin na: "Itatayo ang aking templo sa Jerusalem"

Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Madalas isalin ang mga salitang ito bilang "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang mga salitang ito sa anumang paraan na mainam sa inyong wika. Maraming ulit ginamit ang mga salitang ito sa Zacarias.

iuunat sa Jerusalem ang linyang pangsukat!

Maaaring isalin na: "Susuriin ang Jerusalem bago muling itayo"

Ang aking mga lungsod ay muling mapupuno ng kabutihan

Tinutukoy ni Yahweh ang mga mabubuting bagay na kaniyang gagawin sa mga Israelita tulad ng tubig na pupuno sa mga lungsod at dadaloy sa mga pader. Maaaring isalin na: "Muling sasagana ang mga lungsod ng Israel" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

muling aaliwin ni Yahweh ang Sion

Maaaring isalin na: Hihikayatin ni Yahweh ang mga Israelita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 1:18-19

tumingala ako

Tumutukoy ang mga salitang ito sa pag-aangat ng iyong ulo upang tumingin sa itaas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

ang mga sungay na nagpakalat sa Juda

Kumakatawan ang mga sungay na ito sa mga hukbong sumalakay sa Israelita. Maaaring isalin na: "Kumakatawan ang mga sungay na iyon sa mga bansa (UDB).

Zechariah 1:20-21

panday

Ang mga panday ay gumagawa ng mga bagay na mula sa metal. Ginamit sila upang tukuyin ang mga espada ng isang hukbo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

mga sungay na nagpakalat sa Juda

Tingnan ang tala sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/01/18.md]].

walang sinuman ang makapag-angat ng kaniyang ulo

Inilalarawan ng mga salitang ito ang isang taong lubhang natatakot tingnan ang isang bagay na kinatatakutan niya. Maaaring isalin na: "walang sinuman ang may lakas ng loob" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

palayasin sila

"palayasin ang mga bansang iyon"

upang ibagsak ang mga sungay

"upang talunin ang mga hukbo"

nag-angat ng anumang sungay

Tumutukoy ito sa pag-ihip sa isang sungay upang utusan ang isang hukbo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 2

Zechariah 2:1-2

Itiningala ko ang aking mga mata

Maaaring Isalin na: "Tumingala ako sa itaas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

panukat na lubid

Isang lubid na may tiyak na haba na ginagamit upang sukatin ang mga malaking bagay.

Kaya sinabi niya sa akin

"Kaya sinabi sa akin ng lalaking may dalang panukat na lubid"

Zechariah 2:3-5

isa pang anghel ang lumabas upang salubungin siya

Ang anghel na ito ay isang bagong tauhan at hindi pa nagpakita noong una at kaya nga dapat malinaw na ipakilala bilang isang bagong tauhan sa kwento. Maaaring isalin na: "isang bagong anghel ang lumabas upang salubungin siya:"

Sinabi sa kaniya ng ikalawang anghel, "Tumakbo ka at sabihin mo sa binatang iyon

"Sinabi ng ikalawang anghel sa anghel na nakipag-usap kay Zacarias, Agad kang pumunta at sabihin mo sa lalaking may dalang panukat na lubid"'

'Uupo ang Jerusalem sa bansang walang pader

Ang mga salitang ito ay nangangahulugan na ang Jerusalem ay hindi mapapalibutan ng mga pader.

magiging pader na apoy sa palibot niya

Sinasabi ni Yahweh na pangangalagaan niya ang Jerusalem at inihahambing ang kaniyang pangangalaga sa pader na apoy. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ito ang pahayag ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay madalas na isinalin bilang "Sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na pinakamainam sa inyong wika. Ang salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

Zechariah 2:6-7

Oy! Oy!

Ang dalawang salitang ito ay inulit at nagpapakita ng pagmamadali sa susunod na mensahe. Ito ay nagamit ng dalawang beses dahil ang mensahe ay napakahalaga.

lupain ng hilaga

Ito ay tumutukoy sa Babilonia.

Ikinalat ko kayo tulad ng apat na hangin sa himpapawid!

Ito ay nangangahulugan na ang mga taga-Israel ay malayo sa isa't isa. Ang apat na hangin ay tumutukoy sa iba't ibang bahagi ng mundo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]]))

anak na babae ng Babilonia

Ito ay tumutukoy sa kabiserang lungsod ng Babilonia. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]))

Zechariah 2:8-9

nanamsam sa inyo

"ninakaw na mga gamit mula sa Jerusalem matapos itong salakayin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]))

sapagkat sinuman ang sumagi sa inyo

Ang salitang "sumagi" ay tumutukoy sa isang pagsagi upang saktan. Maaaring Isalin na: "sapagkat sinuman ang manakit sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]]))

natatangi sa paningin ni Yahweh

Ang natatangi sa paningin ni Yahweh ay tumutukoy sa itim na bahagi ng mata na nagbibigay-daan upang makakita ang isang tao. Ito ay napakahalaga at sensitibong bahagi ng katawan. Ang salitang ito ay ginamit upang sabihin na napakahalaga ng Jerusalem sa Diyos at kaniyang pangangalagaan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]))

ang kukumpas ng aking kamay sa kanila,

Ito ay galaw na ginamit ng Diyos upang ipakita na pinilli niyang wasakin ang isang bagay. Maaaring Isalin na: "hudyat na mawawasak sila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

at magiging sinamsam sila

Nawasak na ang kanilang mga lungsod at bukas para sa mga tao upang nakawin ang anumang bagay na naisin nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Zechariah 2:10-11

anak na babae ng Zion

Ito ay isa pang pangalan para sa Jerusalem na tumutukoy sa lungsod na gaya ng isang anak na babae ng makalangit na lungsod ng Zion (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]))

mananahan

magtatayo at gagamit ng isang kampo

ito ang pahayag ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay madalas na isalin bilang "Sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na pinakamainam sa inyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

makikiisa kay Yahweh ang mga bansa

"magiging tapat kay Yahweh ang mga bansa"

sa araw na iyon

Maaaring Isalin na: "sa panahong iyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]))

Zechariah 2:12-13

mamanahin ni Yahweh...sa banal na lupain

"Gagawin ni Yahweh ang Juda na kaniyang bahagi sa banal na lupain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]))

lahat ng laman

Tinutukoy ni Yahweh ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa pamamagitan ng pagtawag niya sa kanilang laman. Ang laman ay isang bagay na karaniwan sa lahat ng nabubuhay na nilalang. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]]))

sapagkat siya ay ginising mula sa kaniyang banal na lugar!

Ang mga salitang ito ay tumutukoy kay Yahweh na kikilos sa lupain.

ginising

upang magising o maging mas alisto

Zechariah 3

Zechariah 3:1-3

Hindi ba ito isang gatong na hinila mula sa apoy?

Maaaring Isalin na: "Si Josue ay tulad ng isang patpat na hinila mula sa apoy" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]]))

isang gatong na hinila mula sa apoy

Ang isang gatong ay isang piraso ng nagliliyab na kahoy na inalis mula sa apoy bago ito ganap na masunog. Ito ay tumutukoy kay Josue, na iniligtas mula sa pagkakabihag sa Babilonia at bumalik sa Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

maruming kasuotan

Sa pangitaing ito, ang mga maruruming damit ay ginamit bilang isang simbolo upang ipakita ang pagiging makasalanan.

Zechariah 3:4-5

binihisan siya ng malinis na kasuotan

Dito ang malinis na kasuotan ay sumisimbolo sa katuwiran. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]))

turbante

isang piraso ng mahabang tela na ibinabalot sa ulo

Zechariah 3:6-7

taimtim na inutusan si Josue

"Inutusan si Josue sa isang hindi nagbibirong paraan"

ikaw ay lalakad sa aking mga pamamaraan

Ang lalakad sa parehong pamamaraan ay tumutukoy sa paggawa ng parehong mga bagay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]))

kung iingatan mo ang aking mga kautusan

Maaaring Isalin na: "kung aalahanin mo at susundin ang aking mga kautusan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]))

babantayan mo ang aking mga hukuman

"may pananagutan para sa aking mga patyo"

Zechariah 3:8-9

ang iyong mga kasamahan na naninirahan sa iyo

Maaaring Isalin na: "ang ibang mga paring naninirahan sa iyo"

aking lingkod, ang Sanga

Ang katawagang "Sanga" ay dapat isalin sa parehong paraan gaya ng sanga ng puno. Nangangahulugan ito na magmumula kay Yahweh ang lingkod ni Yahweh tulad ng isang sanga na magmumula sa isang puno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

uukitan

lililukin

tatak

mga salita na isinulat sa isang bagay o inukit sa isang bagay

ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Ang mga salitang ito ay madalas isalin bilang "Sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na pinakamainam sa inyong wika. Ang mga salitang ito ay nagamit ng maraming beses sa Zacarias.

Zechariah 3:10

Sa araw na iyon

Maaaring Isalin na: "Sa panahong iyon" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]]))

ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Ang salitang ito ay madalas isalin bilang "Sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na pinakamainam sa inyong wika. Ang salitang ito ay nagamit ng maraming beses sa Zacarias.

Zechariah 4

Zechariah 4:1-5

ginising ako na tulad ng isang lalaking ginising mula sa kaniyang pagkakatulog

"naging dahilan upang maging mas mapagmatiyag ako, katulad ng isang lalaking ginising mula sa kaniyang pagkakatulog"

mitsa

ang mga bahagi ng isang lampara na sinisindihan

kaliwang bahagi

Maaaring isalin na: "ang kaliwang bahagi ng mangkok" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

Zechariah 4:6-7

Pangkalahatang Impormasyon:

Makikita ang Zacarias 4:6b-10a sa ULB at UDB na pareho ang pagkakasunod-sunod, gaya ng nasa orihinal na teksto, ngunit wala talaga itong tamang pagkakasunod-sunod kung ang daloy ng impormasyon ang pag-uusapan. Tingnan ang panimulang kabanata para sa karagdagang impormasyon.

Hinidi sa pamamagitan ng lakas ni sa pamamagitan ng kapangyarihan

Mga maaaring kahulugan 1) karaniwang magkasingkahulugan ang mga salitang "lakas" at "kapangyarihan" at binibigyang diin ang kadakilaan ng lakas ni Zerubabel, o 2) na tumutukoy ang salitang "lakas" sa lakas ng hukbong sandatahan at ang salitang "kapangyarihan" ay tumutukoy sa pisikal na kakayahan ni Zerubabel. Maaaring isalin na: "Tiyak na hindi sa pamamagitan ng iyong sariling lakas" o "Hindi sa pamamagitan ng lakas ng hukbong sandatahan ni sa pamamagitan ng iyong sariling kapangyarihan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Sino ka, malaking bundok?

Itinanong ni Yahweh sa bundok ang katanungang ito upang bigyang diin na sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahweh, hindi sapat kahit ang lakas ng isang bundok upang talunin si Zerubabel. Maaaring isalin na: "Malaking bundok, ikaw man ay mahina kung ihahambing kay Zerubabel." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Ilalabas niya ang itaas na bato

Ang itaas na bato ay ang huling batong inilalagay kapag nagtatayo ng isang bagay.

Zechariah 4:8-11

Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi

Maaaring isalin na: "Nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi"

Ang mga kamay ni Zerubabel...ang kaniyang mga kamay din ang tatapos nito

Si Zerubabel ang nangangasiwa sa pagpapatayo ng templo. Tinutukoy ang pagpapatayo bilang "kaniyang mga kamay" kahit na maaaring hindi ang kaniyang sariling mga kamay ang naglatag ng mga bato. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

naglatag ng pundasyon

Ang pundasyon ay ang ilalim ng isang gusali at ang unang bahagi ng gusali na itatayo. Maaarinng isalin na: "Sinimulan ang pagpapatayo"

Sino ang naghamak...ng mga malililit na bagay?

Hindi itinanong ang katanungang ito upang makatanggap ng kasagutan kundi upang sabihin sa mga tao na huwag hamakin "ang araw ng mga maliliit na bagay." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

araw ng mga malililit na bagay

Ang mga salitang ito ay isang katawagan sa panahon kung kailan ginagawa ang mga karaniwang gawain na ito sa bawat araw. Kapag pinagsama-sama, maitatayo ng maliliit na gawaing ito ang templo. Tumutukoy ang kabuuang panahon ng pagpapatayo bilang isang araw kahit na maraming taon ang ginugol upang tapusin ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

pampantay na bato

isang bato na nakatali sa dulo ng isang lubid. Ginagamit ito upang alamin kung tuwid o baluktot ang pagkakatayo ng mga pader ng isang gusali.

Ang mga mata ni Yahweh

Ang salitang "mata' ay tumutukoy sa Diyos na nakakakita sapagkat ang mata ay ginagamit sa pagtingin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Zechariah 4:12-14

dalawang gintong tubo

"dalawang gintong alulod"

Hindi mo ba alam kung ano ang mga ito?

"Dapat mong malaman kung ano ang mga ito, ngunit hindi mo alam." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

Zechariah 5

Zechariah 5:1-2

Paglatapos, lumingon ako

Tumutukoy kay Zacarias ang salitang "ako".

tumingala ako

Ang nakasulat sa Griego ay 'itinaas ang aking mga mata' Sinabi niya, "Itinaas ko ang aking mga mata" dahil iyon ang bahagi ng katawan kung saan nakakakita ang isang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

masdan ito

Ipinapakita ng salitang "masdan" na nagulat si Zacarias sa kaniyang nakita.

siko

46 sentimetro ang isang siko. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bdistance/01.md]])

Zechariah 5:3-4

darating sa ibabaw ng buong lupain

Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa sumpa na tulad ng isang ulap na tatakpan nito ang ibabaw ng lupain. Maaaring isalin na: "mga epekto" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

batay sa sinasabi nito sa isang bahagi

"batay sa nakasulat sa isang bahagi ng binalumbong kasulatan"

sa sinasabi nito sa kabilang bahagi

"sa sinasabi ng binalumbong kasulatan sa kabilang bahagi"

ayon sa kanilang mga salita

Ang mga salitang "kanilang mga salita" ay tumutukoy sa sinabi sa kanilang mga panata. Maaaring isalin na: "ayon sa kanilang sinabi" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Ipapadala ko ito

Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa sumpa.

ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Madalas isinasalin ang mga salitang ito bilang "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang konseptong ito sa alinmang paraang mainam sa inyong wika. Maraming beses na ginamit ang mga salitang ito sa panahon ni Zacarias.

sa tahanan

Tumutukoy ito sa pamilya ng lalaki at sa lahat ng kanilang ari-arian. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

ng isang taong nangako

"ng isang lalaking nangako"

tabla

ang kahoy na ginagamit para sa pagpapatayo

Zechariah 5:5-7

Tumingin ka sa taas

Ang nakasulat sa orihinal na kasulatan at " Itaas mo ang iyong mga mata". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

isang takip na tingga

Tumutukoy ito sa isang mabigat na takip. Ang tingga ay isang mabigat na metal .

may isang babae sa ilalim nito na nakaupo sa loob nito

Sa katunayan, hindi talaga kakasya ang isang babae sa loob ng isang basket na ganito ang sukat. Ngunit sa pangitain ni Zacarias, kumasya sa basket ang babae. Madalas sa mga pangitain, ang mga sukat ng mga bagay ay may pagmamalabis. Parehong makahulugan ang basket at ang babae at kumakatawan sa ibang mga bagay.

Zechariah 5:8-9

Kasamaan ito

Ang babae ay kumakatawan sa kasamaan. Maaaring isalin na: "Kasamaan ang kaniyang pangalan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

at may hangin sa kanilang mga pakpak

Naglalarawan ang mga salitang ito kung paano ginagamit ng mga babae ang kanilang mga pakpak upang dalhin ng hangin at lumipad.

may mga pakpak sila na tulad ng mga pakpak ng isang tagak

Mayroong mga pakpak ang mga babae na tulad ng mga pakpak ng isang tagak. Ang tagak ay isang uri ng malaking ibon na ang pakpak ay may sukat na 2 hanggang 4 na metro. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Sa pagitan ng lupa at langit

Itinaas patungo sa langit ang basket. Sinabi nito, "sa pagitan ng lupa at langit" upang tawagin ang kanilang pansin at upang ipakita kung ano ang kaugnayan ng basket sa kanila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])

Zechariah 5:10-11

Saan nila dadalhin ang basket?

Saan dadalhin ng mga babae ang basket?"

upang kapag handa na ang templo...sa inihandang patungan nito

"at kapag handa na ang templo, ilalagay ang basket sa lugar na inihanda para rito"

Zechariah 6

Zechariah 6:1-4

tumingala

ang nakasulat sa orihinal na kasulatan ay "itinaas ko ang aking mga mata". (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

gawa sa tanso ang dalawang bundok

"tanso ang dalawang bundok" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

unang karwahe...pangalawang karwahe

"karwahe 1...karwahe 2"

Zechariah 6:5-6

Ito ang apat na hangin ng langit

Ipinapaliwanag ng anghel na ang mga karwaheng may mga kabayo ay mga simbolo para sa 4 na hangin ng langit.

apat na hangin

Ang salitang "mga hangin" ay tumutukoy sa apat na direksiyon: hilaga, silangan, timog at kanluran.

Zechariah 6:7-8

Tingnan mo ang mga

"Tingnan mo ang mga itim na kabayo"

Zechariah 6:9-11

dumating sa akin ang salita ni Yahweh

"Nagsalita sa akin si Yahweh"

Heldai, Tobias at Jedaias...Jehozadak

Pangalan ito ng mga lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

At kunin mo ang pilak at ginto, gumawa ka ng isang korona

Maaaring isalin na: "At gamitin mo ang pilak at ginto upang gumawa ng isang korona. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Josue na anak ni Jehozadak

Hindi ito ang lalaking katulong ni Moises, ito ang pinakapunong pari namababasa mula sa aklat ni Hagai.

Zechariah 6:12-13

Kausapin mo siya at sabihin

Maaaring isalin na: "Sinabi ni Yahweh sa anghel na kausapin si Zacarias at sabihin"

Sanga ang kaniyang pangalan

Ibinigay ng anghel ni Yahweh ang pangalang ito sa bagong hari na si Josue. Isalin ang pangalang ito gaya ng ginawa sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/03/08.md]].

lalago siya

Ang salitang "lalago" ay isang salitang naglalarawan ng sanga na nagsisimulang umusbong. Maaaring isalin na: "uusbong siya"

magtataglay ng karangyaan nito

Mga maaaring kahulugan: 1) "dadagdagan ang karangyaan ng templo" o 2) "tatayo at ilalagay ang karangyaan ng templo para sa sarili nito gaya ng isang tao na maaaring magsuot ng damit"

ang pang-unawa sa kapayapaan ang iiral sa pagitan ng dalawa.

Maaaring isalin na: "magkakaisa ang kaniyang tungkulin bilang hari at pari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Zechariah 6:14-15

Ilalagay ang isang korona sa templo ni Yahweh

Maaaring isalin na: "Maglalagay ako ng isang korona sa aking templo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

ang isang korona

Ang salitang "korona" ay tumutukoy sa isang hari, gaya ng isang hari na nagsusuot ng korona. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ilalagay...sa templo ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay tumutukoy din sa hari bilang isang pari, bilang isang pari na naglilingkod sa templo.

Heldai, Tobias at Jedaias

Tingnan kung paano isinalin ang mga pangalang ito sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/06/09.md]]

ang mga nasa malayo

Tumutukoy ito sa mga Israelita na nanatili sa Babilonia. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

kaya malalaman ninyo

Ang salitang "ninyo" ay tumutukoy sa mga tao ng Israel.

tunay kayong nakinig

"nakinig nang tapat"

Zechariah 7

Zechariah 7:1-3

Nang apat na taon nang pinuno si Haring Dario

"sa ikaapat na taon simula nang maging hari si Dario" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

sa ikaapat na araw ng Kislev (kung saan ito ang ikasiyam na buwan)

"Kislev" ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong Hebreo. Ang ikaapat na araw ay malapit sa katapusan ng Nobyembre sa kanluraning mga kalendaryo. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

dumating kay Zacarias ang salita ni Yahweh

"Nakipag-usap si Yahweh kay Zacarias"

Sarazer at Regemmelec

Pangalan ito ng mga lalaki. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]).

sinabi nila, "Dapat ba akong magdalamhati...taon?

Ang salitang "nila" ay tumutukoy kina Sarazer at Regemmelec.

sa ikalimang buwan

Nag-aayuno ang mga Judio sa panahon ng bahagi ng ikalimang buwan ng kalendaryong Hebreo dahil ito ang panahon na winasak ng mga taga-Babilonia ang templo sa Jerusalem. Ang ikalimang buwan ay sa huling bahagi ng Hulyo at unang bahagi ng Agosto sa kanluraning mga kalendaryo. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

Zechariah 7:4-7

sa ikalima

Maaaring isalin na: "sa ikalimang buwan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])

ikapitong buwan

Nagdadalamhati ang mga Judio sa bahagi ng ikapitong buwan ng kalendaryong Hebreo dahil sa buwang ito tumakas ang mga Judio na natitira sa Jerusalem papunta sa Egipto matapos mapatay si Gedalias na itinalaga ng hari ng Babilonia bilang gobernador ng Juda. Ang ikapitong buwan ay sa huling bahagi ng Setyembre at unang bahagi ng Oktubre sa kanluraning mga kalendaryo. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

sa loob ng pitumpung taon na ito

Ang mga tao ng Israel ay naging alipin sa Babilonia sa loob ng 70 taon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-numbers/01.md]])

nang kumain at uminom kayo

Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa panahon kung kailan sila kumain at uminom sa pista upang parangalan kung paano ibinigay ni Yahweh ang kanilang pangangailangan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?

Ginamit ang tanong na ito upang paratangan ang mga tao ng Israel sa hindi paggalang kay Yahweh nang mag-ayuno sila. Maaaring isalin na: "hindi kayo nag-ayuno upang parangalan ako" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

hindi ba kayo kumain at uminom para sa inyong mga sarili?

Ginamit ang tanong na ito upang paratangan ang mga tao ng Israel na nagdiwang ng mga pista para sa hindi pagpaparangal sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagdiriwang. Maaaring isalin na: "para sa inyong mga sarili kaya kayo kumain at uminom" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

ipinahayag ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ng mga naunang propeta

Tinutukoy ni Zacarias ang mga naunang propeta sa pamamagitan ng pagtukoy sa bahagi ng kanilang katawan na nagsabi ng mensahe ni Yahweh. Maaaring isalin na: Nagpahayag si Yahweh sa pamamagitan ng mga naunang propeta" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Hindi ba ito katulad ng mga salitang ...sa kanluran?

Maaaring isulat ang tanong na ito bilang isang pahayag . "Magkaparehong-magkapareho ang mga salitang ito...sa kanluran" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

naninirahan

"nakatira"

mga paanan ng bundok

Ito ang mga maliliit na burol bago ka makarating sa kabundukan.

Zechariah 7:8-10

Dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/07/01.md]].

Gawin ito ng bawat lalaki

Ang salitang "ito" ay tumutukoy sa kung paano dapat humatol ang isang tao.

balo

isang babae na namatayan ng asawa

ulila

isang anak na namatayan ng mga magulang

dayuhan

isang taong naglalakbay mula sa kaniyang sariling lupain papunta sa ibang lupain

hindi kayo dapat magbalak ng anumang masama sa inyong puso

"hindi kayo dapat magbalak na gumawa ng masama"

Zechariah 7:11-12

pinatigas ang kanilang mga balikat

Maaaring isalin na: "katulad sila ng baka na ayaw malagyan ng pamatok" o "katulad sila ng baka na ayaw sumunod" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Pinigilan nila ang kanilang mga tainga

"tinakpan nila ang kanilang mga tainga"

Ginawa nilang kasing tigas ng bato ang kanilang mga puso

Maaaring isalin na: "Nagpasya silang tanggihan ang mga mensahe ni Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta

Maaaring isalin na: "sa pamamagitan ng mga salita ng mga propeta"

Zechariah 7:13-14

ikakalat ko sila...sa pamamagitan ng ipu-ipo

Maaaring isalin na: "ikakalat ko sila gaya ng pagkakalat ng ipu-ipo sa mga dahon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ipu-ipo

isang napakalakas na hangin na umiikot habang papalayo at ikinakalat ang mga bagay sa buong paligid

Zechariah 8

Zechariah 8:1-3

Dumating sa akin ang salita ni Yaweh ng mga hukbo at sinabi

Sinabi sa akin ni Yahweh ng mga hukbo

madamdamin ako para sa kaniya nang may matinding galit

Maaaring isalin na: "Napuno ako ng galit para sa kapakanan ng Zion"

ang bundok ni Yahweh ng mga hukbo

Tumutukoy ito sa bundok ng Zion.

Ang Banal na Bundok

Dito ang "Banal" ay nangangahulugang "Pag-aari ni Yahweh."

Zechariah 8:4-5

magkakaroon sa mga lansangan ng Jerusalem

"maninirahan sa Jerusalem"

sa kaniyang kamay dahil napakatanda na niya

Ang pagkakaroon ng pagkakataong tumanda ay isang tanda ng kapayapaan at kasaganaan.

At mapupuno ang mga lansangan ng lungsod

Mapupuno ang mga pampublikong lugar ng lungsod ng mga tao sa kanilang mga karaniwang gawain.

Zechariah 8:6-8

Kung may isang bagay na hindi kapani-paniwala sa mga mata ng

'Kung may isang bagay na hindi nagpakita upang maging kapani-paniwala sa''

ang nalalabi sa mga taong ito

Maaaring isalin na: "ang mga tao ng Juda na nakaligtas"

magiging hindi kapani-paniwala rin ba ito sa aking mga mata

Tinatanong ng Diyos ang katanungang ito upang hikayatin ang kaniyang mga tao na magtiwala sa kaniyang mga pangako. Maaaring isalin na: "tiyak na kapani-paniwala ito sa akin!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])

ito ang pahayag ni Yahweh

Madalas isalin ang mga salitang ito sa UDB na "sinasabi ni Yahweh". Maaaring isalin ang kaisipang ito sa paraang mainam sa inyong wika. Ginamit ng maraming beses ang mga salitang ito sa Zacarias.

malapit ko nang iligtas ang aking mga tao

"malapit ko ng iligtas ang aking mga tao sa Juda na ipinatapon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])

Zechariah 8:9-10

nang inilatag ang pundasyon ng aking tahanan

Maaaring isalin ang: "nang inilatag ang pundasyon ng aking tahanan" sa "nang itinatayo ninyo ang pundasyon ng aking tahanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Palakasin ninyo ang inyong mga kamay

Maaaring isalin na: "Magtrabahong mabuti" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

Sapagkat bago pa ang mga araw na iyon

Maaaring isalin na: "Bago ninyo umpisahang ipatayong muli ang templo''

walang pananim na naipon

Maaaring isalin na: ''walang aanihing mga pananim''

walang pakinabang maging para sa mga tao o hayop

Wala itong kabuluhan para sa mga tao at sa kanilang mga hayop upang sakahin ang lupa, dahil wala silang makukuhang pagkain mula rito.

Zechariah 8:11-12

tulad ng naunang mga araw

"gaya ng nakaraan;''

sasamahan ko ang mga nalalabi sa mga taong ito

Maaaring isalin na: "Ngayon, pagpapalain ko ang mga taong ito" o "Ngayon, pakikitunguhan ko ang mga taong ito nang mabuti''

maihahasik ang mga butil ng kapayapaan

Maaaring isalin na: "Gagawin kong mapayapa ang mga tao."

Ito ang pahayag ng Yahweh ng mga hukbo

Madalas isalin ang mga salitang ito sa UDB na "Sinasabi ni Yahweh". Maaaring isalin ang kaisipang ito sa paraang mainam sa inyong wika. Maraming beses na ginamit ang mga salitang ito sa Zacarias.

ibibigay ng lupain ang ani nito

Maaaring isalin na: "magkakaroon ng magandang ani sa mga bukirin"

Ibibigay ng kalangitan ang kanilang hamog

Ang hamog ay madalas maging simbolo ng kasaganaan. Maaaring isalin na: "magkakaroon ng sapat na ulan"

ipapamana ko ang lahat ng mga bagay na ito

Maaaring isalin na: "ibibigay ang lahat ng bagay na ito sa lahat ng panahon''

Zechariah 8:13-15

Isa kayong halimbawa ng sumpa sa ibang mga bansa

Maaaring isalin na: ''Nang parusahan ko kayo, natuto ang ibang mga bansa sa mga nangyari kung susumpain ko ang iba"

sambahayan ng Juda at sambahayan ng Israel

"mga tao ng Juda at Israel" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

palakasin ninyo ang inyong mga kamay

Maaaring isalin na: "magtrabaho nang mabuti" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

saktan kayo

"parusahan kayo''

galitin ako

''ginalit ako''

hindi ako naglubag ng loob

''hindi nagpasyang parusahan sila ng mas magaan"

Zechariah 8:16-17

na dapat ninyong gawin

Tumutukoy ang "ninyo" sa mga tao ng Juda.

Magsabi ang bawat tao ng katotohanan sa kaniyang kapwa

Maaaring isalin na: "Sabihin ang katotohanan sa bawat tao"

Humatol nang may katotohanan, katarungan at kapayapaan sa inyong mga tarangkahan

Maaaring isalin na: ''Hatulan nang makatarungan ang mga alitan sa inyong mga lugar ng paghahatol upang maaaring mamuhay ang mga tao ng may kapayapaan sa isa't isa"

ni maakit sa mga hindi totoong panunumpa

Maaaring isalin na: "huwag sang-ayunan ang mga tao kapag nagsabi ng kasinungalingan sa mga kaso sa hukuman"

Ito ang pahayag ni Yahweh

Madalas isalin ang mga salitang ito sa UDB na "sinasabi ni Yahweh". Maaaring isalin ang kaisipang ito sa anumang paraan na mainam sa inyong wika. Maraming beses na ginamit ang mga salitang ito sa Zacarias.

Zechariah 8:18-19

At dumating sa akin ang salita ni Yahweh ng mga hukbo

Tumutukoy ang "sa akin" kay Zacarias.

Ang mga pag-aayuno sa ikaapat na buwan

Nagluluksa ang mga Judio tuwing bahagi ng ikaapat na buwan ng kalendaryo ng mga Hebreo dahil winasak ng mga taga-Babilonia ang mga pader ng Jerusalem. Ang ikaapat na buwan ay sa huling bahagi ng Hunyo at ang unang bahagi ng Hulyo sa kalendaryo ng mga taga-kanluran. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

ikalimang buwan

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/07/01.md]].

ikapitong buwan

Tingnan kung paano ito isinalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/07/04.md]].

ikasampung buwan

Nagluluksa ang mga Judio sa tuwing bahagi ng ikasampung buwan ng kalendaryo ng Hebreo dahil ito ang simulang lusubin ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem. Ang ikasampung buwan ay sa huling bahagi ng Disyembre at ang unang bahagi ng Enero sa kalendaryo ng mga taga-kanluran. (Tingnan sa: [[Mga Buwan ng Hebreo]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-ordinal/01.md]])

Zechariah 8:20-22

Muling darating ang mga tao

''Muling darating ang mga tao sa Jerusalem"

Darating ang maraming tao at malalakas na mga bansa

"Darating ang maraming tao, kabilang ang mga taong nagmula sa mga malalaking bansa"

Zechariah 8:23

hahawakan nang mahigpit ang laylayan ng iyong balabal

"mahigpit na hahawakan ang iyong damit upang makuha ang iyong pansin"

Sasama kami sa iyo

"Pakiusap, hayaan mo kaming maglakbay sa Jerusalem na kasama mo"

kasama mo ang Diyos

"kasama ninyong mga tao ang Diyos"

Zechariah 9

Zechariah 9:1-2

Ito ay isang pahayag na salita ni Yahweh tungkol sa

Maaaring isalin na: "Ito ang mensahe ni Yahweh tungkol sa"

lupain ng Hadrac at Damasco

Maaaring isalin na: "sa mga tao sa lupain ng Hadrac at lungsod ng Damasco (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Sapagkat nasa buong sangkatauhan ang mata ni Yahweh

Maaaring isalin na: "Sapagkat binabantayan ni Yahweh ang lahat ng tao"

Hamat

Maaaring isalin na: "sa mga tao sa lupain ng Hamat"

Tiro at Sidon

Maaaring isalin na: "sa mga tao ng Tiro at Sidon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

bagaman napakatalino nila

Marahil hindi talaga ibig sabihin ni Zacarias na matatalino ang mga tao sa Hamat. Maaaring isalin na: "bagaman iniisip nila na napakatalino nila" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])

Zechariah 9:3-4

nagtayo...ng sarili nitong matibay na tanggulan

Dito, inilarawan bilang isang babae ang lungsod ng Tiro. Maaaring isalin na: "nagtayo ng isang matibay na tanggulan" o "nagtayo ng isang mataas na pader" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

nagbunton ng pilak tulad ng alabok at nilinang na ginto tulad ng putik sa mga lansangan

Maaaring isalin na: "nag-ipon ng pilak at ginto na kasing dami ng lupa sa mga lansangan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

Masdan ninyo! Aalisin siya ng Diyos

Maaaring isalin na: "Bigyang pansin! Aalisin ng Panginoon ang mga ari-arian ng Tiro"

at wawasakin ang kaniyang kalakasan sa dagat

Maaaring isalin na: "at wawasakin ang mga barko ng Tiro kung saan nakikipaglaban sa dagat ang mga kalalakihan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

upang lalamunin siya ng apoy

Maaaring isalin na: "at susunugin ang lungsod sa lupa"

Zechariah 9:5-7

makikita

"makikita ang pagkawasak ng Tiro"

Gagawa ang mga dayuhan ng kanilang mga bahay sa Asdod

Maaaring isalin na: "Sasakupin ng mga dayuhan ang Asdod at maninirahan sila doon"

at aalisin ko ang kayabangan ng mga Filisteo

Maaaring isalin na: "Hindi ko na kailanman hahayaang ipagmayabang ng mga Filisteo ang kanilang mga sarili"

Zechariah 9:8

Magtatayo ako ng kampo sa palibot ng aking lupain

Tinutukoy ng Diyos ang kaniyang sarili na para bang isang hukbo. Maaaring isalin na: "Pangangalagaan ko ang aking lupain" (UDB). (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Zechariah 9:9-10

Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka ng may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem!

Ang dalawang pangungusap na ito ay nangangahulugan ng iisang bagay at binibigyang-diin ang utos na magalak. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])

anak na babae ng Zion... anak na babae ng Jerusalem

Iisa lamang ang "Zion" at "Jerusalem". Nagsasalita ang mga propeta sa lungsod na para bang isa itong anak na babae. Tingnan kung paano isinalin ang "anak na babae ng Zion" sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/zec/02/10.md]].

sa isang asno, sa anak ng isang asno

Pareho ang ibig sabihin ng dalawang salitangang ito na tumutukoy sa iisang hayop. Ipinapaliwanag ng pangalawang salita na isa itong batang asno. Maaaring isalin na: "sa isang batang asno." Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

aalisin ko ang karwahe mula sa Efraim

Maaaring isalin na: "wawasakin ang mga karwahe sa Israel na ginagamit sa mga digmaan"

ang kabayo mula sa Jerusalem

Maaaring isalin na: "ang mga kabayong pandigma sa Jerusalem"

aalisin ang pana mula sa digmaan

Dito, kumakatawan ang pana sa lahat ng mga sandata na ginagamit sa digmaan. Maaaring isalin na: ''mawawasak ang lahat ng mga sandatang pandigma" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

sapagkat magsasalita siya ng kapayapaan sa mga bansa

Dito, ang kilos ng pagpapahayag ng kapayaan ay kumakatawan sa paggawa ng kapayapaan. Maaaring isalin na: "sapagkat magdadala ng kapayapaan sa mga bansa ang iyong hari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]]}

mula sa bawat dagat ang kaniyang pamamahala at mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng daigdig!

"ang buong daigdig ang kaniyang magiging kaharian!" (Tingna sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])

Zechariah 9:11-13

At kayo

Tumutukoy ang "kayo" sa mga tao ng Israel.

mula sa hukay kung saan walang tubig

Kumakatawan ang hukay sa mga itinapon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Bumalik kayo sa matibay na tanggulan

Maaaring isalin na: "Bumalik kayo sa inyong bansa kung saan kayo ligtas"

mga bilanggo ng pag-asa

Tinutukoy ng pahayag na ito ang mga Israelitang ipinatapon na nananatiling nagtitiwala na ililigtas sila ng Diyos.

binaluktot ko ang Juda bilang aking pana

Tinutukoy ang mga tao ng Juda na para bang isang pana na dinala ng Diyos sa digmaan. Maaaring isalin na: "Gagamitin ko ang mga taga-Juda upang makipaglaban sa mga taga-Grecia" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Pinuno ko ang aking talanga ng palaso sa pamamagitan ng Efraim.

Tinutukoy ang mga tao ng Israel at ng hilagang kaharian na parang mga palaso na ipapana ng Diyos sa kaniyang mga kaaway. Ang talanga ay isang lalagyan ng mga palaso ng mga kawal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Ginising ko ang iyong mga anak na lalaki, Zion, laban sa iyong mga anak na lalaki, Grecia

Nagsasalita ang Diyos sa mga tao ng dalawang magkaibang bansa sa parehong pagkakataon. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 9:14-15

Magpapakita sa kanila

Ang salitang "sila" ay tumutukoy sa mga tao ng Diyos. Maaaring isalin na: "makikita siya sa langit ng kaniyang mga tao" o "darating siya sa kaniyang mga tao"

ipapana ang kaniyang palaso tulad ng kidlat!

Minsan iniisip ng mga Israelita ang kidlat bilang palaso na ipinana ng Diyos.

hihipan ang trumpeta

Mga sungay ng lalaking tupa ang mga trumpeta. Hihihipan ito ng mga tao upang magbigay ng hudyat sa digmaan at sa iba pang mga pagdiriwang.

mauuna sa mga bagyo mula sa Teman

Minsan iniisip ng mga Israelita na naglalakbay ang Diyos sa mga matitinding bagyo na nagmumula sa Timog.

uubusin

Maaaring isalin na: "lubusang matatalo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

tatalunin ang mga bato ng mga tirador

Matatalo ng mga Israelita ang mga kawal na nakikipaglaban gamit ang mga tirador. Kumakatawan ang mga kawal na ito sa lahat ng mga kaaway ng Israel, ano man ang sandatang dala-dala nila. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Pagkatapos, iinom sila at sisigaw tulad ng mga kalalakihang lasing sa alak

Maaaring isalin na: "Sisigaw sila nang malakas at ipagdiriwang ang kanilang tagumpay na para silang lasing." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

mapupuno sila ng mga alak tulad ng mga mangkok sa altar

Maaaring isalin na: "mapupuno sila ng mga alak tulad ng mga palanggana na sumasalo ng dugo sa altar"

tulad ng mga sulok sa altar

May nakausli sa mga sulok ng altar kung saan iniipon ang dugo ng hayop. Maaaring isalin na: "gaya ng mga sulok sa altar na puno ng dugo"

Zechariah 9:16-17

sapagkat magiging mga hiyas sila ng isang korona

Maaaring isalin na: "sa ating lupain, magiging katulad sila ng mga magagandang bato sa isang korona" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Uunlad sa trigo ang mga kabataang lalaki

Mabubuhay ang mga kabataang kalalakihan sa pagkaing matatanggap nila mula sa mga ani.

at ang mga birhen sa matamis na alak

Masisiyahan sa bagong alak ang mga kabataang babae. Tumutukoy ito sa mga kabataang lalaki at kabataang babae na kumakatawan sa lahat ng mga mamamayan ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])

Zechariah 10

Zechariah 10:1-2

gumagawa ng bagyo

"gumagawa ng mga ulap ng ulan"

mga pananim sa kabukiran para sa sangkatauhan

Maaaring isalin na: "mga pananim sa mga kabukiran para sa mga tao"

mga diyus-diyosang....na nagsalita ng kasinungalingan

Maaaring isalin na: "Ang mga diyus-diyosan na nagbibigay ng maling mga mensahe"

nagsasabi ang mga manghuhula ng pangitaing kasinungalingan

Maaaring isalin na: "nakakakita ng hindi makatotohanang pangitain ang mga manghuhula"

nagsasabi sila ng mga mapanlinlang na mga panaginip

Maaaring isalin na: "mayroong mga panaginip ang mga manghuhula na hindi nagsasabi ng katotohanan"

naliligaw sila na kagaya ng tupa

Maaaring isalin na: "hindi alam ng mga tao kung aling daan ang kanilang lalakaran" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Zechariah 10:3

Nagliliyab ang aking poot laban sa mga pastol

"Ang mga pastol" ay kumakatawan sa mga pinuno ng mga tao ng Diyos. Maaaring isalin na: "Matindi ang aking galit sa mga pastol ng aking mga tao" o "Labis akong nagagalit sa mga pinuno ng aking mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

ang mga lalaking kambing--ang mga pinuno --na aking parurusahan

Ang "mga lalaking kambing" ay kumakatawan sa mga mapang-aping mga pinuno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Aalagaan din ni Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang kawa, ang sambahayan ni Juda

Maaaring isalin na: "Iingatan ko ang sambahayan ni Juda"

at gagawin silang kagaya ng kabayong pandigma sa labanan

Maaaring isalin na: "at ibibigay ko sa kanila ang aking kapangyarihang walang kinakatakutang lakas" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

Zechariah 10:4-5

Magmumula sa kanila ang panulukang bato

"Mula sa kanila mangagaling ang panulukang bato" o "Ang Ilan sa kanilang mga kaapu-apuhan ay magiging napakahalagang mga pinuno" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

magmumula sa kanila ang tulos ng tolda

"magmumula sa kanila ang tulos ng tolda" Maaaring isalin na: "magmumula sa kanila ang mga pinuno na pagkaisahin ang bansa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Magiging kagaya sila ng mga mandirigma

Maaaring isalin na: "Magiging napakalakas sila sa labanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa maputik na mga daan sa labanan

Maaaring isalin na: "lubusang tatalunin nila ang kanilang mga kaaway" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

at ipahihiya nila ang mga nakasakay sa mga kabayong pandigma

Maaaring isalin na: "at matatalo nila ang kanilang mga kaaway na nakasakay sa mga kabayo na nakipaglaban sa kanila sa pamamagitan ng mga kabayo"

Zechariah 10:6-7

Palalakasin ko ang sambahayan ni Juda

Maaaring isalin na: "Palalakasin ko ang mga tao ng Juda" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

sambahayan ni Jose

Tumutukoy ito sa mga tao na nasa hilagang kaharian ng Israel.

hindi ko sila itinakwil

Maaaring isalin na: "Hindi ko sila tinanggihan"

magiging gaya ng isang mandirigma ang Efraim

Ang "Efraim" dito ay tumutukoy sa hilagang kaharian ng Israel. Maaaring isalin na: "Magiging napakalakas ang Efraim" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

magagalak ang kanilang mga puso na parang nakainom ng alak

Maaaring isalin na: "at sila ay magiging totoong napakasaya" (Tingnan sa; [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

makikita ito ng kanilang mga anak at magagalak. Magagalak ang kanilang mga puso sa akin!

Maaaring isalin na: "Makikita ng kanilang mga anak kung ano ang nangyayari at magiging masaya sila dahil sa ginawa ni Yahweh para sa kanila!"

Zechariah 10:8-10

Sisipulan ko

Ang pagsipol ay pagpapalabas ng isang mataas, matinis na tunog kasama ang hangin sa pamamagitan ng pinakitid na mga labi. Madalas ginagawa ito upang magbigay ng hudyat sa ibang mga tao, gaya rito.

hanggang sa wala nang silid para sa kanila

Patuloy ang pagbabalik ng mga tao sa Juda at magiging masikip na wala nang silid para sa iba pang tao na maninirahan doon.

Zechariah 10:11-12

Dadaan ako sa dagat ng kanilang kadalamhatian

Sa kasulatan madalas na tumutukoy ang dagat bilang larawan ng maraming mga pagsubok at paghihirap. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

at patutuyuin ko ang lahat ng kalaliman ng Nilo

Maaaring isalin na: "Pahihintulutan kong mawala ang lahat ng tubig ng ilog Nilo"

Ang kamaharlikaan ng Asiria ay babagsak.

Dito "ang kamaharlikaan ng Asiria" ay maaaring tumutukoy sa hukbo ng Asiria. Maaaring isalin na: "Wawasakin ko ang ipinagmamalaking hukbo ng Asiria." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ang kapangyarihan ng setro ng Egipto ay mawawala mula sa mga taga Egipto

Maaaring isalin na: "at ang kapangyarihan ng Egipto na mamuno sa ibang mga bansa ay magwawakas." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Ito ang pahyag ni Yahweh.

Ang mga salitang ito ay madalas na isinalin gaya ng "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang konseptong ito sa paraang naaangkop sa inyong wika. Ang mga salitang ito ay nagamit ng maraming beses sa Zacarias.

Zechariah 11

Zechariah 11:1-3

Buksan mo ang iyong mga pintuan Lebanon, upang tupukin ng apoy ang iyong mga sedar

Nagsasalita ang propeta sa lupain ng Lebanon na para bang isa itong tao. Maaaring isalin na: "Mga tao ng Lebanon, humanda para sa pagkasunog ng iyong mga puno ng sedar"(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]])

Managhoy kayong mga puno ng sipres, sapagkat nabuwal na ang mga puno ng sedar

Maaaring isalin na: Kung ang mga puno ay mga tao, iiyak sila sa kalungkutan. Ang mga puno ng sipres ay tatayong mag-isa dahil ang mga sedar ay nasunog na at nabuwal."(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Managhoy kayo mga ensina ng Basan, sapagkat bumagsak na ang matatag na kagubatan

Maaaring isalin na: "Kung ang mga puno ng ensina sa Bashan ay mga tao, tatangis sila sapagkat naputol na ang makapal nilang kagubatan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Humahagulgol ang mga pastol

Maaaring isalin na: "Umiiyak ng malakas ang mga pastol"

sapagkat nawasak na ang kanilang kaluwalhatian

"Ang kanilang kaluwalhatian" ay maaaring kumakatawan sa mainam na mga pastulan na pinag-aakayan ng mga pastol sa kanilang mga tupa. Maaaring isalin na: "sapagkat nawasak ang kanilang mga mainam na pastulan."

sapagkat ang ipinagmamalaki ng Ilog Jordan

Maaaring isalin na: "dahil nawasak na ang mga puno at mga palumpong kung saan nabubuhay sila sa may ng Ilog Jordan."

Zechariah 11:4-6

sa mga naninirahan sa lupain

"sa mga tao sa lupain'

ito ang pahayag ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay madalas na isinasalin gaya ng "sinabi ni Yahweh" sa UDB. Maaari mong isalin ang konseptong ito anumang paraan na naaangkop na mabuti sa inyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

magpapasakamay ng bawat tao sa mga kamay ng kaniyang kapwa

Maaaring isalin na: "pahihintulutan ang bawat tao na pamahalaan sa pamamagitan ng ibang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sa mga kamay ng kaniyang hari

Maaaring isalin na: "sa hindi makatarungang pamamahala ng kaniyang hari. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

wawasakin nila ang lupain

Maaaring isalin na: "Wala silang awa sa mga tao sa lupain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Hindi ko sasagipin ang Juda mula sa kanilang kamay."

Maaaring isalin na: "ngunit hindi ko ililigtas ang mga taga-Juda mula sa kanilang kapangyarihan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 11:7-9

mga kawan na itinalaga upang katayin

"ang mga kawan ng tupa na itinalaga para katayin."

mga tungkod

Ang mga tungkod ay mga pat-pat na kahoy na ginagamit para sa ibat-ibang mga layunin, kabilang ang pag-aakay ng tupa. Ang mga tungkod ay may ibat-ibang uri ng mga kawit sa mga dulo nito.

Kagandahang loob

Naisalin rin ang salitang Hebreo sa tekstong ito sa ibat-ibang mga salin gaya ng "biyaya" at "kagandahan"

Pagkakaisa

Ito ang kaisipang ng kapatiran sa pagitan ng dalawang bahagi ng Israel, ang hilagang kaharian at ang katimugang kaharian.

sapagkat napagod na ako sa mga may-ari ng tupa

Maaaring isalin na: "Hindi ko na matitiis pa ang mga may-ari ng tupa na umupa sa akin".

Zechariah 11:10-12

binali ito upang baliin ang kasunduan na aking ginawa sa lahat ng aking mga tribu.

Ang propeta ay nagsasalita at kumikilos dito para kay Yahweh.

ang nagsabi

Maaaring isalin na: "na nagsalita ng isang mensahe sa kanila"

tatlumpung piraso ng pilak

330 gramo ng pilak. Ang isang siklo ay may timbang na labing isang gramo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]])

Zechariah 11:13-14

kabang-yaman

Ang mga bahay imbakan sa templo ni Yahweh

ang pinakamahusay na halaga

Nangangahulugan ito na napakaliit ng halagang ito para sa isang pastol na gumagawa ng gawain ni Yahweh. Tingnan sa UDB, kung saan inalis ang panunuya: "isang napakaliit na halaga ng pera." (Tingnan sa:[[ [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-irony/01.md]])

ang tatlumpung piraso ng pilak

330 na gramo ng pilak. Ang isang siko ay may timbang na labing isang gramo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-bmoney/01.md]])

Zechariah 11:15-16

mga pinatabang tupa

ang tupang pinalusog at pinalaki ng maayos

tinatanggal ang kanilang mga kuko.

maaaring bilang paggawa ng isang kalupitan

Zechariah 11:17

Aba sa mga walang kabuluhang mga pastol

Maaaring isalin na: "Anong kadalamhatian ang naghihintay para sa walang kabuluhang pastol na ito"

darating laban sa kaniyang braso at sa kaniyang kanang mata

Maaaring isalin na: "ang sugat sa kanang braso at tusok sa kaniyang kanang mata!"

Darating nawa ang espada laban

Dito ang "Espada" ay kumakatawan sa mga kaaway na lulusob sa pastol. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

kaniyang braso

Ang kaniyang kapangyarihan upang makipaglaban (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kaniyang kanang mata

ang kaniyang kakayahang makakita habang nakikipaglaban.

Zechariah 12

Zechariah 12:1-3

ang pahayag ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay madalas na isinalin bilang "sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na makabubuti sa inyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming ulit sa Zacarias.

na siyang lumikha ng kalangitan

"ang siyang gumawa sa kalangitan"

nagtatag sa pundasyon ng mundo

Maaaring isalin na: "naglagay sa ayos ng lahat sa mundo"

lumalang sa espiritu ng sangkatauhan sa loob ng tao

Maaaring isalin na: "lumikha sa espiritu ng tao"

tasa

"tasa ng anumang maiinom" (Tingnan: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

magdudulot sa lahat ng mga taong nakapalibot sa kaniya para magpasuray-suray

Iyon ay, ang inuming nakalalasing at magdudulot ng pagkalasing sa mga hukbong sumasalakay sa Jerusalem upang hindi sila makalaban. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

kaniya

Iyon ay, ang lungsod ng Jerusalem. Pangkaraniwan ito sa Hebreo na magsalita sa isang lungsod o bansa na para itong isang babae. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

mabigat na bato para sa lahat ng mga tao

"anumang bagay na hindi maaaring galawin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Zechariah 12:4-5

Sa araw na iyon

Ito ay tumutukoy sa araw na lumusob sa Jerusalem ang mga hukbo.

ito ang pahayag ni Yahweh

Ang mga salitang ito ay kadalasang isinalin bilang "sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaari mong isalin ang kaisipang ito sa alinmang paraan na makabubuti sa iyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

Titingin ako ng may kagandahang-loob

Maaaring isalin na: "Pangangalagaan kita"

sambahayan ni Juda

"ang mga tao ng Judah" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sasabihin...sa kanilang mga puso

Nangangahulugan ito na iisipin nila at sasabihin sa kanilang sarili.

dahil kay Yahweh ng mga hukbo

Maaaring isalin na: "Dahil sinasamba nila si Yahweh ng mga hukbo"

Zechariah 12:6

Sa araw na iyon

Tumutukoy ito sa panahon nang nilusob ang Jerusalem at tinalo ng Diyos ang kaniyang mga kaaway.

parang paglutuan sa panggatong...nakatayong butil

"parang paglutuansa gitna panggatong na nakasalansan....hindi pa inaaning mga tangkay ng butil na nakatayo sa isang bukirin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])

paglutuan

kawaling gawa sa lutong putik kung saan kadalasang pinaglalagyan ng nagbabagang uling ng mga sinaunang tao

nag aapoy na sulo

isang patpat na kahoy na nasusunog sa isang dulo na nagbibigay ng liwanag habang may naglalakbay o nagdadala ng apoy sa isang lugar.

tutupukin nila ang lahat mga taong nakapalibot

"lilipulin ang nakapalibot na mga tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Muling mamumuhay ang Jerusalem sa kanilang sariling lugar

Muling maninirahan ang mga tao ng Jerusalem sa sarili nilang lungsod. (Tinganan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

Zechariah 12:7-9

ang mga tolda ng Juda

Ang "mga tolda" dito ay kumakatawan sa tahanan at ang tahanan ay kumakatawan sa mga tao na naninirahan sa mga ito. Maaaring isalin na: "ang mga tao ng Juda." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sambahayan ni David

Mga maaaring kahulugan ay 1) ang kaapu-apuhan ni David o 2) ang uri ng mga namumunong tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

anghel ni Yahweh

Ito ay isang anghel na ipinadala ni Yahweh upang ingatan ang mga tao.

Zechariah 12:10-11

ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo

Maaaring isalin na: "Bibigyan ko ang mga tao ng espiritu upang magkaroon ng habag sa iba at upang manalangin sa akin para sa kahabagan"

na kanilang sinaksak

Maaaring isalin na: "siya na kanilang sinaksak upang mamatay"

ang mga panaghoy sa Jerusalem ay magiging katulad ng mga panaghoy sa Hagad-rimon

Maaaring ang Hagad-rimon ay lugar kung saan namatay ang mabuting Hari na si Josias dahil sa mga sugat sa labanan pagkatapos ng Labanan sa Megido. Nagpapakita ito na ang kaugalian ay lumitaw upang panghawakan ang nakatakdang panahon ng pagtangis doon para sa kaniyang kamatayan. Gayunpaman, iniisip ng ilang mga tao na ang Hagad-rimon ay pangalan ng isang bulaang diyos na pinaniwalaang namamatay taon-taon, isang pangyayari na kung saan ang mga sumasamba sa kaniya ay tumatangis.

Megido

Ito ay pangalan ng isang kapatagan sa Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]]).

Zechariah 12:12-14

Ang lupain

Tumutukoy ito sa lahat ng mga tao na naninirahan sa lupain ng Juda. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

sambahayan ni David... ni Nathan...ni Levi

Ang mga kaapu-apuhan ni David...ni Nathan...ni Levi (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 13

Zechariah 13:1-2

isang bukal

Isang lugar kung saan likas na dumadaloy ang tubig mula sa lupa.

para sa kanilang kasalanan at karumihan

Maaaring isalin na: "upang linisan ang kanilang kasalanan at karumihan"

sa araw na iyon

Tumutukoy ito sa panahon na nabuksan ang bukal.

ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Ang mga salitang ito ay kadalasang naisalin bilang "sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang pamamaraan na makabubuti sa iyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

tatanggalin ko ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain

Maaaring isalin na: "burahin ang pagsamba sa diyus-diyosan sa buong lupain"

Palalabasin ko rin sa lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang maruming espiritu

Maaaring isalin na: "Aalisin ko rin ang mga bulaang propeta at ang kanilang mga maruming espiritu mula sa lupain."

Zechariah 13:3

ang kaniyang ama at ina na siyang nagsilang sa kaniya

Ang mga salitang "na nagsilang sa kaniya" ay naglalarawan sa "kaniyang ama at ina" upang ipahayag ang pagkagulat na ang sariling mga magulang ng isang tao ay ituring siya sa ganitong kaparaanan.

Hindi ka mabubuhay

Maaaring isalin na: "Dapat kang mamatay"

ang sasaksak

Sasaksak sa kaniya upang patayin siya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 13:4-6

na ang bawat propeta

Tumutukoy ito sa mga bulaang propeta, hindi sa mga totoong propeta ni Yahweh.

hindi na magsusuot kailanman ng mabalahibong balabal

Tumutukoy ang "balabal" sa isang mabigat na kasuotang panglabas. Gawa sa balahibo ng hayop na pangkaraniwang isinusuot ng mga propeta.

nagtatrabaho sa lupa

Iyon ay, "bukirin"

ang lupa ay naging trabaho ko na nang ako ay binata pa lamang

Ipinaliwanag ng magkakaibang salin ang mga salitang ito sa magkakaibang paraan.

'Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga braso?

Maaaring isalin na: "Paano ka nagkaroon ng mga hiwa sa iyong likod sa pagitan ng iyong mga balikat?" Tumutukoy ito sa mga kaugalian ng mga sumasamba sa diyus-diyosan na hinahayaang masugatan ang kanilang mga sarili sa kanilang mga seremonya.

sasagot siya

Iyon ay, sasagot siya ng isang kasinungalingan.

Zechariah 13:7

Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol,

Maaaring isalin na: "Ikaw, espada! Dapat kang gumising." Ito ay isang utos mula kay Yahweh para sa kaniyang pastol na lusubin at patayin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-apostrophe/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

laban sa aking mga pastol

Tumutukoy ito sa isang hari o sa isang lingkod ni Yahweh.

Ito ang pahayag ni Yahweh ng hukbo

Ang mga salitang ito ay kadalasang isalin bilang "sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang pamamaraan na makabubuti sa iyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

ang kawan

Tumutukoy "Ang kawan" sa mga tao ng Israel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

mahihina

Maaaring tumutukoy ito sa lahat ng mga Israelita na mahina at walang magtatanggol.

Zechariah 13:8-9

Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo

Ang mga salitang ito ay kadalasang isalin bilang "sinasabi ni Yahweh" sa UDB. Maaaring isalin ang kaisipang ito sa alinmang pamamaraan na makabubuti sa iyong wika. Ang mga salitang ito ay ginamit ng maraming beses sa Zacarias.

Dadalhin ko ang ikatlong bahaging iyon sa apoy

Ang bakal ay ipinararaan sa apoy upang dalisayin o patigasin ito. Ang kasabihang ito ay nagpapahayag rito bilang isang talinghaga para iparanas sa mga tao ang paghihirap upang sila ay maging mas matapat sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

dadalisayin sila na gaya ng dinalisay na pilak; susubukin ko sila gaya ng subok na ginto

Tumutukoy ang pagdadalisay sa paggawa ng mga mamahaling metal gaya ng mas dalisay na pilak. Mga metal gaya ng pilak at ginto na sinubok upang malaman kung gaano ito kadalisay o katibay ang mga ito. Ang pagdadalisay at pagsubok rito ay parehong mga talinghanga para gawing mas matapat ang mga tao sa Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])

Zechariah 14

Zechariah 14:1-2

hahatiin ang iyong sinamsam sa inyong kalagitnaan

Maaaring isalin na: "Kukunin ng inyong mga kaaway ang lahat ninyong ari-arian at hahatiin nila para sa kanilang mga sarili habang nanonood kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan

Maaaring isalin na: "Pahihintulutan ko ang maraming bansa upang lusubin ang Jerusalem" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])

ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod

Maaaring isalin na: "pahihintulutan ng iyong mga kaaway na manatili sa lungsod ang mga natitirang tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])

Zechariah 14:3-4

gaya nang pagtataguyod niya ng digmaan sa panahon ng labanan

Maaaring isalin na: "gaya ng kaniyang pakikipaglaban sa nakaraan"

tatayo ang kaniyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo

"Ang kaniyang mga paa" ay tumutukoy mismo kay Yahweh. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 14:5

Azal

Ito ay pangalan ng bayan o nayon sa silangan ng Jerusalem. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

ang mga banal

Marahil tumutukoy ito sa mga anghel ng Diyos

Zechariah 14:6-8

umaagos na tubig

Isinalin sa ilang pagsasalin na "buhay na tubig" o "tubig na nagbibigay buhay." Sinasabi ng teksto ng Hebreo na "buhay na tubig," ngunit karaniwang nangangahulugan ito na umaagos o dumadaloy na tubig, kaysa tahimik o hindi dumadaloy na tubig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])

sa dagat sa silangan

Tumutukoy ito sa Dagat na patay, na nasa silangang bahagi ng Jerusalem.

sa dagat sa kanluran

Tumutukoy ito sa Dagat Mediteraneo.

Zechariah 14:9-11

naroon si Yahweh, ang nag-iisang Diyos, at ang kaniyang pangalan lamang

"nag-iisa lamang ang Diyos, si Yahweh, na sasambahin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hendiadys/01.md]])

Araba...Geba...Rimmon

Ang mga ito ay pangalan ng mga lugar. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])

patuloy na maitataas ang Jerusalem

Tumutukoy ito sa taas ng lungsod ng Jerusalem, umaabot ng 760 metro ang taas sa lebel ng dagat.

siya

Madalas na tukuyin ang Jerusalem at ang ibang mga lungsod na para silang mga babae. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]])

mamumuhay..sa kaniyang sariling lugar

"maninirahan kung saan siya dating nanirahan"

sa Tarangkahan ng Benjamin..ang unang tarangkahan...Tarangkahan sa sulok

Mga pangalan ito ng iba-ibang tarangkahan sa pader ng lungsod ng Jerusalem.

sa tore ng Hananel

Tumutukoy ito sa isang malakas na bahagi sa lungsod na dumedepensa sa pader. Ito ay maaaring itinayo ng isang lalaki na nagngangalang Hanamel.

sa mga pisaan ng ubas ng hari

Maaaring tumutukoy ito sa kung saan ginawa ang alak para sa maharlikang pamilya.

Zechariah 14:12-13

nakatayo sila sa kanilang mga paa

Maaaring isalin na: "naglalakad-lakad"

bawat kamay ay laban sa kaniyang kapwa

Lulusubin ng bawat tao ang kaniyang kapwa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])

Zechariah 14:14-15

Makikipaglaban din ang Juda sa Jerusalem

Nababasa sa ibang bersyon na, "Lalabanan din ng Juda ang Jerusalem." Sa teksto ng Hebreo ay hindi tiyak.

Titipunin nila ang kayamanan

Maaaring isalin na: "Kukunin nila ang mga ari-arian"

na talagang sagana

"na napakarami"

Zechariah 14:16-21

na nakipaglaban sa Jerusalem

Maaaring isalin na: "na lumusob sa Jerusalem"