Philippians
Philippians 1
Philippians 1:1-2
Pablo at Timoteo
Kung ang inyong wika ay mayroong sariling paraan sa pagpapakilala ng mga manunulat ng isang liham, gamitin ito dito. Maaaring isalin na: "Mula kay Pablo at Timoteo" o "Kami, sina Pablo at Timoteo, ang nagsulat ng liham na ito"
mga lingkod ni Cristo Jesus
"Kami ay mga lingkod ni Cristo Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
sa lahat ng mga nailaan kay Cristo Jesus
"sa lahat ng mga mananampalataya kay Cristo Jesus"
ang mga tagapangasiwa at mga diakono
Maaaring isalin na: " ang mga pinuno ng iglesiya"
Sumainyo nawa ang biyaya
Ito ang paraan upang humiling ng pagpapala para sa ibang mga tao.
inyo
Dito ang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa iglesiya sa Filipos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Diyos na ating Ama
Dito ang "atin" marahil ay tumutukoy sa lahat ng mga mananampalataya kay Cristo, kasama na sina Pablo, Timoteo, at ang mga mananampalataya sa Filipos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
Philippians 1:3-6
Nagpapasalamat ako...nananalangin ako...Nagpapasalamat ako
Dito ang "ako" ay tumutukoy kay Pablo.
inyo
Dito ang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Filipos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
Nagpapasalamat ako sa inyong pakikiisa sa ebanghelyo
Ipinapahayag ni Pablo ang kaniyang pasasalamat sa Diyos na ang mga taga-Filipos ay nangangaral din ng ebanghelyo. Maaaring isalin na: "Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa inyo na nagpapahayag ng ebanghelyo"
Nagtitiwala ako
"Nakakasiguro ako"
na ang nagsimula
"Ang Diyos na nagsimula"
tapusin ito
"ipagpapatuloy na tapusin ito"
Philippians 1:7-8
Tama para sa akin
"Nararapat ito para sa akin" o "mabuti ito para sa akin"
kayo ay nasa puso ko
Maaaring isalin na: "labis ko kayong mahal" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Naging kasama ko kayong lahat sa biyaya
Maaaring isalin na: "naging kasali sa biyaya na kasama ko" o "nakibahagi sa biyaya na kasama ko"
Diyos ang aking saksi
Maaaring isalin na: "Alam ng Diyos" o "Naiintindihan ng Diyos"
sa kalaliman ng pag-ibig ni Cristo Jesus
Ang mga salita "sa kalaliman ng pag-ibig" ay tumutukoy sa kalooban natin kung saan nagmumula ang ating mga emosyon. Maaaring isalin na: "na may buong pagmamahal na ibinigay sa akin ni Cristo Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Philippians 1:9-11
Pahayag na Nag-uugnay:
Ipinapalangin ni Pablo ang mga mananampalataya sa Filipos at sinasabi ang tungkol sa kagalakan na mayroong paghihirap para sa Diyos.
sumagana
"maaaring umapaw"
sa kaalaman at sa lahat ng pang-unawa.
Maaaring isalin na: "habang kayo ay natututo at nauunawaan ng mas malinaw kung ano ang nakalulugod sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mga bagay na mahusay
Maaaring isalin na: "kung ano ang pinaka-nakalulugod sa Diyos"
tapat at walang sala sa araw ni Cristo
Pareho ang ibig sabihin ng mga salitang "tapat" at "walang sala". Pinagsama ito ni Pablo upang bigyang diin ang dalisay na pag-uugali. Maaaring isalin na: "ganap na walang kasalanan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
sa araw ni Cristo
"sa araw ng Panginoon" o "sa araw ng paghuhukom"
mapuno kayo
Maaaring isalin na: "Si Jesus ang magdudulot sa inyo upang lalo pa kayong sumunod sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mapuno kayo ng bunga ng katuwiran
Inihahalintulad ito sa bunga na lumalaki sa isang punongkahoy sa isang mananampalataya na lalo pang sumusunod sa Diyos (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sa kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos
Ito ay maaaring isalin bilang isang magkahiwalay na pangungusap. Maaaring isalin na: "Pagkatapos ang mga tao ay magpupuri at magbibigay ng karangalan sa Diyos dahil sa mga mabubuting bagay na nakita nilang ginawa mo"
Philippians 1:12-14
Ngayon, nais kong
Dito ang salitang "ngayon" ay ginamit upang markahan ang isang bagong bahagi ng liham.
mga kapatid
Ang kahulugan nito ay mga kapwa Kristiyano, kabilang na ang mga lalaki at babae, yamang ang lahat ng mananampalataya kay Cristo ay mga miyembro ng isang pamilyang espiritwal, kasama ang Diyos bilang kanilang Amang nasa langit.
ang mga bagay na nangyari sa akin
Sinasabi ni Pablo ang tungkol sa panahon ng kaniyang pagkakulong. Maaaring isalin na: "na ang mga bagay na aking dinanas sapagkat ako ay nakulong dahil sa pangangaral tungkol kay Jesus" ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
mabilis na paglaganap ng ebanghelyo
Maaaring isalin na: "ay nagdulot sa maraming tao na manampalataya kay Cristo"
ang aking pagkabilanggo dahil kay Cristo ay nalaman...ng lahat
Maaaring isalin na: "alam ng mga bantay sa palasyo at marami pang ibang mga tao sa Roma na narito ako dahil sinabi ko sa iba ang tungkol kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga bantay sa palasyo
Ito ay grupo ng mga sundalo na tumutulong sa pagpoprotekta sa Emperador ng Roma.
At nahimok ang halos lahat ng mga kapatid sa Panginoon...na ipahayag ang salita
Maaaring isalin na: "Dahil sa aking pagkakakulong, karamihan sa mga kapatid sa Panginoon ay nagpahayag ng salita ng Diyos."
na maglakas-loob na ipahayag ang salita nang walang takot
Ipinapahayag ni Pablo ang parehong kaisipan ng positibo at negatibo upang bigyang diin ang dakilang katapangan na kanilang ipinakita sa pangangaral sa mga mapanganib na kalagayan. Maaaring isalin sa: "na may dakilang katapangan at lakas ng loob" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Philippians 1:15-17
Tunay na inihahayag ng iba si Cristo
Maaaring isalin na: "Ipinapangaral ng ilang mga tao ang mabuting balita tungkol kay Cristo"
dahil sa inggit at alitan
Maaaring isalin na: "dahil hindi nila gusto na makinig sa akin ang mga tao, at gusto nilang magdulot ng gulo"
at ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban
Maaaring isalin na: "ngunit ang ibang mga tao ay ginagawa ito dahil sa sila ay mabuti at nais nilang makatulong"
Ang mga
"Ang mga tao na"
na inilagay ako
Maaaring isalin na: "Pinili ako ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
para ipagtanggol ang ebanghelyo
Maaaring isalin na: "upang ituro sa bawat isa na ang mensahe ni Jesus ay totoo"
Ngunit ipinapahayag ng iba si Cristo
"Ngunit ang ibang mga tao ay nagtuturo tungkol kay Cristo"
dahil sa makasarili at hindi tapat na mga dahilan. Iniisip nilang mapapahirapan nila ako habang nasa kulungan
Maaaring isalin na: "hindi dahil sa mahal nila si Jesus, kundi dahil sa iniisip nilang mas mapapahirapan nila ako habang ako ay nasa kulungan."
Philippians 1:18-19
Ano naman
Sinasabi ni Pablo na hindi mahalaga kung bakit ang ilan ay nagtuturo tungkol kay Jesus. Maaaring isalin na: "Wala akong pakialam"
Sa alinmang paraan maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, naihahayag si Cristo
Maaaring isalin na: "Hangga't ang mga tao ay nangangral tungkol kay Cristo, hindi mahalaga kung ginagawa nila ito para sa mga mabubuting dahilan o para sa mga masasamang dahilan"
dahil dito nagagalak ako
Maaaring isalin na: "Ako ay masaya dahil ipinapangaral ng mga tao ang tungkol kay Jesus"
ako ay magagalak
"Ako ay magdiriwang" o "Ako ay magiging masaya"
magdudulot ito sa akin ng paglaya
Maaaring isalin sa: "Palalayain ako ng Diyos mula sa kulungan"
dahil sa inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo
Maaaring isalin na: "dahil kayo ay nananalangin at ang Espiritu ni Jesu-Cristo ay tinutulungan ako"
Espiritu ni Jesu-Cristo
Maaaring isalin sa: "Banal na Espiritu"
Philippians 1:20-21
matibay na inaasahan at kasiguraduhan
Dito ang mga salitang "matibay na inaasahan" at "kasiguraduhan" ay nangangahulugan ng parehong bagay. Magkasamang ginamit ito ni Pablo upang bigyang diin kung gaano katibay ang kaniyang inaasahan. Maaaring isalin na: "Ako ay lubos na nahikayat" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
nang may buong tapang, na lagi naman at maging sa ngayon
Maaaring isalin na: "Ngunit magkakaroon ako ngayon ng sapat na tapang, kagaya ng mayroon ako palagi"
inaasahan kong maitataas si Cristo sa aking katawan
Ginamit ni Pablo ang pisikal na "katawan" upang kumatawan sa kaniyang buhay o sa paraan na siya ay namuhay. Maaaring isalin na: "nang sa gayon mapaparangalan ko si Cristo sa lahat ng aking ginagawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
sa buhay man o sa kamatayan
Maaaring isalin na: "kung magpapatuloy akong mabuhay o kung ako ay mamatay"
1Sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay kay Cristo at ang mamatay ay kapakinabangan
Maaaring isalin na: "Dahil kung magpapatuloy ako na mabuhay, mabubuhay ako para kay Cristo, at kung ako ay mamatay, iyon ay lalong mabuti"
Philippians 1:22-24
Ngunit kung ang mabuhay sa laman ay magdudulot ng bunga sa aking paghihirap
Ang salitang "bunga" dito ay tumutukoy sa mga mabubuting resulta ng mga gawa ni Pablo. Maaaring isalin na: "Ngunit kung ang mabuhay sa aking lupang katawan ay magbibigay sa akin ng pagkakataon upang hikayatin ang mga tao na maniwala kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Sapagkat naguguluhan ako sa dalawang pagpipilian na ito
Maaaring isalin na: "Ako ay nababahala kung pipiliin ko ba ang mabuhay o mamatay"
Gusto ko nang mamatay at makasama si Cristo
Maaaring isalin na: "Nais ko ng mamatay dahil makakasama ko na si Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-euphemism/01.md]])
Ngunit ang manatili sa laman ay mas kinakailangan para sa inyong kapakanan
Maaaring isalin na: "Gayon man ang mabuhay sa aking pisikal na katawan ay mas makatutulong sa inyo"
Philippians 1:25-27
Dahil nakatitiyak ako tungkol dito
"Dahil sa ako ay sigurado rito"
Alam kong mananatili ako
"Alam ko na magpapatuloy akong mabubuhay" o "Alam ko na mananatili akong mabubuhay"
at magpapatuloy na kasama ninyong lahat
"at mananatili akong maglilingkod sa inyong lahat"
Bilang resulta, ang pagluluwalhati ninyo kay Cristo Jesus dahil sa akin ay mananagana, dahil sa muli kong presensya sa inyo
Maaaring isalin na: "Kaya, kapag dumating akong muli sa inyo, ipagmamalaki ninyo ako dahil sa aking mga ginawa para kay Cristo Jesus"
Mamuhay lamang kayo na karapat-dapat
"Ang inyong buhay ay ipamuhay lamang sa paraang nararapat"
tumatayong matibay sa iisang espiritu...nasa iisang kaluluwa na magkakasamang nagsisikap
Ang dalawang salitang ito ay nagbabahagi ng parehong mga kahulugan at binibigyan diin ang kahalagahan ng pagkakaisa. Ang mga salitang "espiritu" at "kaluluwa" ay tumutukoy sa isip at mga emosyon. Maaaring isalin na: "lahat ay mayroong pagkakapareho ng tiyak na layunin at magkakasamang gumagawa na may iisang nais" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
para sa pananampalataya ng ebanghelyo
Maaaring isalin na: "upang ipalaganap ang pananampalataya na nakabatay sa ebanghelyo" o "upang kayo ay maniwala at mamuhay ayon sa tinuturo ng magandang balita." (UDB)
Philippians 1:28-30
At huwag kayong matakot sa anumang
Ito ay isang utos para sa mga mananampalataya sa Filipos.(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-sentences/01.md]])
inyong mga kaaway
"sa mga laban sa inyong ginagawa"
Para sa kanila, tanda ito ng kanilang pagkawasak. Ngunit para sa inyo, tanda ito ng inyong kaligtasan, at ito ay nagmula sa Diyos
Maaaring isalin na: "dahil ang inyong katapangan ay magpapakita sa kanila na lilipulin sila ng Diyos, ngunit ililigtas ka ng Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
0Sapagkat kayo ay may laban na gaya ng nakita ninyo sa akin, at naririnig ninyo na mayroon ako ngayon
Maaring isalin na: "Iyon ang dahilan kung bakit mayroon kayong mga pinagdaraanan na tulad ng nakita ninyo na mayroon ako, at narinig ninyo na nandito pa rin sa akin hanggang ngayon"
Philippians 2
Philippians 2:1-2
Nag-uugnay na Pahayag:
Pinayuhan ni Pablo ang mga mananampalataya na magkaroon ng pagkakaisa at pagpapakumbabang-loob, at pinapaalala din niya sa kanila ang mga halimbawa ni Cristo.
Kung mayroon man...kung mayroon...kung mayroon...kung mayroon
Gumagamit si Pablo ng salitang "kung" upang bigyang-diin na ang lahat ng mga ito ay totoo. Maaaring isalin na: "Dahil mayroong...Dahil mayroong."
pakikiisa sa Espiritu
"pakikipagtipon kasama ang Espiritu"
Philippians 2:3-4
Huwag kayong gumawa ng kahit na ano dahil sa kasakiman o walang saysay na pagmamataas
Maaaring isalin na: "Huwag gumawa ng anumang bagay na ikaw lamang ang napapasaya o sa pakiramdam mo na mas mahalaga ka kaysa sa ibang tao."
Huwag ninyong tingnan ang pansarili ninyong pangangailangan
Maaaring isalin na: "Huwag alalahanin ang inyong pansariling pangangailangan lamang." (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Philippians 2:5-8
Mag-isip kayo tulad ng kay Cristo Jesus.
Dito, ang salitang "mag-isip" ay tumutukoy sa ugali o kung paano mag-isip ang tao. Maaaring isalin na: "Magkaroon ng katulad na ugali na gaya ng kay Cristo Jesus" o "Isipin ang mga bagay sa paraang ginawa ni Jesus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Philippians 2:9-11
lubos siyang itinaas ng Diyos
"labis na itinaas ng Diyos si Jesus"
pangalan na nakahihigit sa lahat ng pangalan
Dito, ang salitang "pangalan" ay tumutukoy sa antas o karangalan. Maaaring isalin na: "antas na mas mataas pa sa kahit na anong antas" o "karangalan na mas higit pa sa kahit na anong karangalan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
lahat ay luluhod
Dito, ang orihinal na salitang nakalagay sa Griyego ay "ang lahat ng tuhod ay luluhod". Tumutukoy ang "tuhod" sa isang tao. Maaaring isalin na: "bawat tao" o "bawat nilalang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
nasa ilalim ng lupa
Tinutukoy nito ang lugar kung saan pupunta ang mga masasamang tao kapag sila ay namatay, na tinatawag na "Hades," at ang lugar din kung saan naroon ang mga demonyo, na tinatawag namang "kailaliman."
lahat ng labi
Dito, ang salitang "bibig" ay tumutukoy sa buong isang. Maaaring isalin na: "bawat tao" o "bawat nilalang" (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Philippians 2:12-13
Nag-uugnay na Pahayag:
Hinihikayat ni Pablo ang mga mananampalataya sa Filipos kung paano mamuhay ng buhay Kristiyano sa harapan ng ibang tao at ipinapaalala nila sa kanila ang kaniyang mga halimbawa.
mga minamahal ko
Maaaring isalin na: "mga minamahal kong kapwa mananampalataya"
kasama ninyo ako
Maaaring isalin na: "sa tuwing nariyan ako kasama ninyo"
hindi ninyo ako kasama
Maaaring isalin na: "sa tuwing hindi ninyo ako kasama"
pagsikapan ninyo ang inyong kaligtasan
Maaaring isalin na: "ipagpatuloy ninyo ang pagsunod sa Diyos"
takot at panginginig
Ang mga salitang "takot" at "panginginig" ay halos pareho ang kahulugan. Ginamit ito ni Pablo upang bigyang-diin ang paggalang sa Diyos. Maaaring isalin na: "matinding paggalang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
naisin at gawin
Nag-uudyok at nagbibigay-kakayahan ang Diyos para sa atin upang gawin ang kaniyang pinapagawa.
Philippians 2:14-16
maging walang kapintasan at tapat
Ipinapahayag ni Pablo ang magkatulad na ideya sa paggamit ng pareong positibo at negatibong mga salita. Maaaring isalin na: "ganap na walang sala" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
walang kapintasan
Maaaring isalin na: "walang kasalanan" o "ganap"
magningning tulad ng mga liwanag
Inihahalintulad nito ang mga mananampalataya na namumuhay sa paraang gumagalang sa Diyos kasama ang mga taong hindi gumagalang sa Diyos, sa liwanag na nagniningning sa dilim. Maaaring isalin na: "mamuhay kayo sa paraang nagbibigay-galang sa Diyos"
sa mundo
Dito, ang salitang "mundo" ay tumutukoy sa lahat ng pinapahalagahan ng tao at pag-uugali na hindi nagbibigay-galang sa Diyos.
baluktot at bulok
Ang dalawang salitang ito ay halos pareho ang kahulugan. Ginamit ang mga ito ni Pablo upang bigyang-diin kung gaano kasama ang henerasyong iyon. Maaaring isalin na: "napakasama" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
upang magluwalhati
"upang magdiwang" o "upang magsaya"
sa araw ni Cristo
Tinutukoy nito ang araw ng pagbabalik ni Jesus upang ihanda ang kaniyang kaharian at mamahala sa buong mundo. Maaaring isalin na: "sa pagbabalik ni Cristo"
hindi ako tumatakbo ng walang kabuluhan o gumagawa ng walang kabuluhan
Ang mga salitang "tumatakbo ng walang kabuluhan" at "gumagawa ng walang kabuluhan" ay may parehong kahulugan. Magkasama itong ginamit ni Pablo upang bigyang-diin kung gaano kahirap ang ginawa niya upang tulungan ang mga tao na nananampalataya kay Cristo. Maaaring isalin na: "Hindi ako naghirap para sa wala" (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Philippians 2:17-18
Ngunit kahit na ibinuhos ako bilang isang alay sa paghahandog at paglilingkod ng iyong pananampalataya, nagagalak ako, at nagagalak ako kasama ninyong lahat.
Ihinahalintulad ni Pablo ang kaniyang kamatayan sa ritwal sa Lumang Tipan kung saan ang alak o langis ng olibo ay ibinubuhos sa ibabaw o sa tabi ng hayop na handog na inaalay ng sumasamba sa Diyos. Ang ibig sabihin ni Pablo ay ikagagalak niyang mamatay para sa mga taga-Filipos kung mas magiging kalugod-lugod sila sa Diyos. Maaaring isalin na: "Ngunit, kahit na magpasya ang mga Romano na ipapatay ako, lubos akong magsasaya kung ang aking kamatayan ay magiging daan upang mas maging kalugod-lugod ang inyong pananampalataya sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sa ganitong paraang
Maaaring isalin na: "Gayon din"
nagagalak din kayo, at nagagalak kasama ko
Ang mga salitang "nagagalak din kayo, at nagagalak kasama ko" ay ginagamit upang magbigay-diin. Maaaring isalin na: "Gusto kong lubos kayong magalak kasama ko"
Philippians 2:19-21
Nag-uugnay na Pahayag:
Sinasabi sa kanila ni Pablo ang tungkol sa plano niyang ipadala si Timoteo sa lalong madaling panahon at dapat nilang pakitunguhan si Epaphroditus bilang isang espesyal na tao.
Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus
Maaaring isalin na: "Ngunit, kung kalooban ng Panginoong Jesus, aasa ako"
Sapagkat lahat sila
Dito, ang salitang "nila" ay tumutukoy sa isang grupo ng mga tao na sa pakiramdam ni Pablo ay hindi niya maaaring pagkatiwalaan upang ipadala kay Felipe. Ipinapahayag din ni Pablo ang kaniyang sama ng loob sa grupong ito, na maaari sanang pumunta, ngunit hindi nagtitiwala si Pablong magagawa nila ang kanilang tungkulin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Philippians 2:22-24
Pinatunayan na ni Timoteo ang kaniyang sarili
Maaaring isalin na: Ipinakita ni Timoteo na pinapahalagahan niya ang mga bagay na patungkol kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
dahil tulad ng isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama, kaya naglingkod din siya kasama ko
Ihinahalintulad ni Pablo ang serbisyo sa kaniya ni Timoteo sa isang anak na naglilingkod sa kaniyang ama. Binibigyang-diin ni Pablo ang malapit na relasyon na mayroon sila ni Timoteo sa paglilingkod kay Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
kaya naglingkod din siya kasama ko sa ebanghelyo
Maaaring isalin na: "sa pamamahagi sa mga tao tungkol sa ebanghelyo"
nagtitiwala ako sa Panginoon na ako, sa aking sarili ay nalalapit na ring makarating
Maaaring isalin na: "Tiyak ako, kung ito ang kalooban ng Panginoon, ako rin ay malapit ng makakarating"
Philippians 2:25-27
Epafrodito
Ito ang pangalan ng lalaking ipinadala ng iglesiya ng Filipos upang magministro kay Pablo sa kulungan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
kapwa manggagawa, at kapwa kawal
Dito, ang salitang "kawal" ay ihinahalintulad sa isang taong pisikal na lumalaban sa mananampalatayang lumalaban sa espirituwal na labanan. Binibigyang-diin ni Pablo ang paghihirap ng isang mananampalataya laban sa kasamaan upang maikalat ang ebanghelyo. Maaaring isalin na: "kapwa mananampalataya na gumagawa at naghihirap kasama namin" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
at inyong mensahero at lingkod para sa aking mga pangangailangan
Maaaring isalin na: "at ang nagdadala ng inyong mga mensahe sa akin at tumutulong sa akin sa tuwing ako ay nangangailangan"
sapagkat labis siyang nabalisa, at ninais niyang makasama kayong lahat
Maaaring isalin na: labis siyang nag-alala at ginustong makasama kayong lahat"
madagdagan pa ang aking kalungkutan ng isa pang kalungkutan
Maaaring isalin na: "nang sa gayon ay hindi madagdagan ang kalungkutan nadarama ko sa loob ng kulungan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Philippians 2:28-30
sa Panginoon ng may buong galak
Maaaring isalin na: "bilang isang kapwa mananampalataya sa Panginoon ng may lubos na kaligayahan" o "ng may labis na galak na mayroon tayo dahil mahal tayo ng Panginoong Jesus" (UDB)
gawain para kay Cristo
Maaaring isalin na: "gumagawa siya para kay Cristo" (UDB)
mapaglingkuran ako
Maaaring isalin na: "upang maibigay ang aking mga pangangailangan"
Philippians 3
Philippians 3:1-3
Nag-uugnay na pahayag:
Upang balaan ang kaniyang mga kapwa mananampalataya tungkol sa mga Judiong sinusubukan silang mapasunod sa lumang mga batas, nagbigay si Pablo ng kaniyang sariling patotoo tungkol sa pag-uusig niya sa mga mananampalataya.
Sa wakas, mga kapatid
Maaaring isalin na: "Ngayon sa aking pagpapatuloy, aking mga kapatid" o "tungkol sa iba pang mga bagay, aking mga kapatid"
magalak kayo sa Panginoon
Maaaring isalin na: "maging masaya dahil sa lahat ng mga ginawa ng Panginoon"
Para sa akin, hindi kaabalahan ang isulat muli ang parehong mga bagay na ito sa inyo
Maaaring isalin na: "Nagagalak akong isulat muli ang parehong mga katuruang ito sa inyo."
Pananatilihin kayong ligtas ng mga bagay na ito
Dito, ang "ang mga ito" ay tumutukoy sa mga katuruan ni Pablo. Maaaring isalin na: "dahil pangangalagaan kayo ng mga katuruang ito mula sa mga nagtuturo ng hindi totoo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Mag-ingat kayo sa
"Mag-ingat sa" o "Magmasid para sa"
ang mga asal aso...ang mga gumagawa ng masama...ang mga paninira
Ang mga ito ay tatlong magkakaibang paraan ng paglalarawan sa parehong pangkat ng mga hindi totoong tagapagturo.
mga asal aso
Ang salitang "mga asal aso" ay ginamit ng mga Judio upang tukuyin ang mga hindi Judio. Itinuturing silang marurumi. Ikinukumpara ni Pablo ang mga hindi totoong tagapagturo sa mga aso bilang pang-iinsulto. Kung mayroon kayong ibang hayop sa inyong lugar na itinuturing ninyong marumi o ginagamit bilang pang-iinsuto, maaari ninyong gamitin ang hayop na ito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
mga paninira
Upang "manira" ay nangangahulugang pumatay o pumutol sa isang marahas na paraan. Si Pablo ay nagmamalabis tungkol sa paggawa ng pagtutuli upang insultuhin ang mga hindi totoong tagapagturo. Sinabi ng mga hindi totoong tagapagturo, na pumutol sa unahang balat, na ililigtas lamang ng Diyos ang isang taong tuli. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
Sapagkat tayo ang
Ginamit ni Pablo ang "tayo" upang tukuyin ang kaniyang sarili at ang lahat ng tunay na mga mananampalataya kay Cristo, kabilang ang mga mananampalatayang taga-Filipos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
ang pagtutuli
Ginamit ni Pablo ang salitang ito upang tukuyin ang mga mananampalataya kay Cristo na hindi tuli sa pisikal ngunit tuli sa espirituwal, na nangangahulugang natanggap nila ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Maaaring isalin na: "tunay na mga tao ng Diyos"
walang anumang pagtitiwala sa laman
Maaaring isalin na: "huwag magtiwala na ang pagpuputol lamang ng ating laman ay makalulugod sa Diyos"
Philippians 3:4-5
Gayunpaman
"Ngunit" o "Kaya nga"
ako sa aking sarili ay maaaring magkaroon ng pagtitiwala sa laman. Kung iniisip ninuman na siya ay may pagtitiwala sa laman, maaari akong magkaroon ng higit pa
Ito ay isang pangyayaring nakabatay sa palagay na si Pablo ay naniniwalang hindi maaaring mangyari. Sinasabi ni Pablo na kung maaaring iligtas ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang ginawa, kung gayon tiyak na ililigtas siya ng Diyos. Maaaring isalin na: "Kung nakagawa ng sapat na bagay ang sinuman upang malugod ang Diyos, ako dapat iyon." (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hypo/01.md]])
ako sa aking sarili
Ginamit ni Pablo ang "aking sarili" para sa pagbibigay diin. Maaaring isalin na: "tiyak na ako"
Tinuli ako
Maaaring isalin na: "Tinuli ako ng isang pari" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
ikawalong araw
" pitong araw matapos akong ipanganak" (UDB)
isang Hebreo ng mga Hebreo
"isang anak na lalaking Hebreo na may mga magulang na Hebreo"
Bilang paggalang sa kautusan, ipinanganak akong isang Pariseo
Maaaring isalin na: "bilang isang Pariseo, lubos ang aking katapatan sa kautusan"
Philippians 3:6-7
Masigasig kong inusig ang simbahan
Maaaring isalin na: "labis akong determinado na saktan ang mga mananampalatayang Kristiyano"
Bilang paggalang sa katuwiran ng batas, wala akong sala
Maaaring isalin na: "ganap na sinunod ang batas"
itinuring kong gaya ng mga basura
Pinagpasyahan ni Pablo na ang lahat ng kaniyang mga nagawang katuwiran na may kaugnayan sa relihiyon ay walang halaga sa harap ni Cristo.
Philippians 3:8-11
Sa katunayan
"Totoo nga" o "Katotohanan"
ngayon ay itinuring ko
Ang salitang "ngayon" ay nagbibigay diin kung paano nagbago si Pablo magmula ng tumiwalag siya bilang isang Pariseo at naging isang mananampalataya kay Cristo. Maaaring isalin na: "ngayon na nagtiwala ako kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
itinuring ko ang lahat ng bagay na walang kabuluhan
Ipinahayag ni Pablo na walang halaga ang pagtitiwala sa anumang bagay maliban kay Cristo. Maaaring isalin na: "itinuturing kong walang halaga ang lahat ng bagay"
dahil sa kahusayan ng kaalaman ni Cristo Jesus na aking Panginoon
Maaaring isalin na: "dahil ang makilala si Cristo Jesus na aking Panginoon ay higit na mas mahalaga"
Binalewala ko ang lahat ng bagay para sa kaniya
Maaaring isalin na: "Dahil sa kaniya, kusang-loob kong tinanggihan ang lahat ng mga bagay"
Itinuring kong gaya ng mga basura ang mga ito
Ikinumpara ni Pablo ang mga bagay na maaaring pagkatiwalaan ng isang tao sa isang basurang itinapon. Binibigyang diin niya kung gaano talaga kawalang halaga ang mga ito. Maaaring isalin na: "Iniisip ko ang mga ito bilang basura" o "Iniisip ko ang mga ito bilang lubusang walang halaga" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
upang makamtan ko si Cristo
"upang si Cristo lamang ang mayroon ako"
at matagpuan ako sa kaniya
Ang salitang "matagpuan ako sa kaniya" ay nangangahulugang magkaroon ng malapit na relasyon o makipag-isa sa kaniya. Maaaring isalin na: "At ngayon mayroon akong kaugnayan kay Cristo" o "At ngayon ako ay nakipag-isa kay Cristo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Wala akong katuwiran sa aking sarili mula sa kautusan
Maaaring isalin na: "Hindi ko sinusubukang malugod ang Diyos sa aking sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan"
Sa halip, mayroon ako
"Datapuwa't, mayroon ako" o "Ganap na kasalungat, mayroon ako"
mayroon akong katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo
Maaaring isalin na: "Tinanggap ako ng Diyos dahil nagtiwala ako kay Cristo"
ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay
Maaaring isalin na: "at malaman ang kaniyang kapangyarihan na nagbibigay sa atin ng buhay"
maging kabahagi sa kaniyang mga pagdurusa
"at makibahagi sa kaniyang mga pagdurusa"
Nais kong mabago sa pamamagitan ni Cristo tungo sa larawan ng kaniyang kamatayan
Ang salitang "mabago" ay nangangahulugang baguhin ang isang bagay tungo sa isa pang bagay. Ang paraan ng kamatayan ni Jesus ay nagbunga ng buhay na walang hanggan. Kaya nais ni Pablo na ang kaniyang kamatayan ay maging katulad ng kamatayan ni Jesus, upang makatanggap din siya ng buhay na walang hanggan. Maaaring isalin na: "at binago ako ni Cristo tungo sa larawan ng kaniyang kamatayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
upang kahit papaano maaari kong maranasan ang muling pagkabuhay sa mga patay
Ang salitang "kahit papaano" ay nangangahulugang hindi alam ni Pablo kung ano ang mangyayari sa kaniya sa buhay na ito, ngunit anuman ang mangyari, kahit papaano ay magbubunga ito sa buhay na walang hanggan. Maaaring isalin na: "kaya, anuman ang mangyari sa akin ngayon, mabubuhay ako matapos akong mamatay"
Philippians 3:12-14
Nag-uugnay na pahayag:
Hinihikayat sila ni Pablo na sundin ang kaniyang kasalukuyang halimbawa dahil sa langit at sa mga bagong katawang naghihintay para sa mga mananampalataya.
natanggap ko na ang mga bagay na ito
Kabilang dito ang makilala si Cristo, malaman ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay, makibahagi sa pagdurusa ni Cristo, at makiisa kay Cristo sa kaniyang kamatayan at muling pagkabuhay.
Hindi totoo...ako ay naging isang ganap
"kaya hindi pa ako perpekto" o "kaya hindi pa ako ganap"
Ngunit nagsumikap ako
"Ngunit patuloy kong sinusubukang" (UDB)
upang aking matanggap
"Maaari kong matanggap ang mga bagay na ito"
ang anumang natanggap ko sa pamamagitan ni Cristo
Maaaring isalin na: "iyan ang dahilan kung bakit ako inaangkin ni Jesus bilang kaniya" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Mga kapatid
Ang mga mananampalatayang taga-Filipos ang tinutukoy ni Pablo. Maaaring isalin na: "Mga kapwa mananampalataya"
na natanggap ko na ito
Maaariing isalin na: "ang lahat ng mga bagay na ito ay aking pag-aari"
kinakalimutan ko kung ano ang nakalipas at pinagsisikapan ko kung ano ang nasa hinaharap
Katulad ng isang mananakbo sa karera ay hindi na iniintindi ang tungkol sa mga bahagi ng karerang natapos na, ngunit nakatuon lamang sa mga bahaging nasa unahan. Binanggit ni Pablo ang pagsasantabi ng kaniyang mga gawaing panrelihiyon na may katuwiran at itinutuon lamang ang pansin sa karera ng buhay na inihanda ni Cristo para sa kaniya na dapat niyang tapusin. Maaaring isalin na: "Wala ng halaga sa akin ang anumang nagawa ko sa nakaraan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nagpatuloy ako sa layunin upang makamit ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos, kay Cristo Jesus
Ipinagpatuloy ni Pablo ang paghahambing, bilang isang mananakbong nagpapatuloy upang maipanalo ang karera, nagpatuloy si Pablo sa paglilingkod at pagsunod kay Cristo. Maaariing isalin na: "Patuloy akong naniniwala kay Cristo, upang ako ay maging pag-aari niya at tawagin ako ng Diyos patungo sa kaniyang sarili matapos akong mamatay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Philippians 3:15-16
Lahat tayong mga matatag na, mag-isip tayo sa ganitong paraan
Nais ni Pablo na ang kaniyang mga kapwa mananampalataya ay magkaroon ng parehong mga pagnanais na kaniyang isinulat sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/php/03/08.md]]. Maaaring isalin na: "Hinihikayat ko na tayong lahat na mga mananampalatayang matatag ang pananalig na mag-isip sa parehong paraan"
ng inyong pag-iisip
Dito, ang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalatayang iba ang paraan ng pag-iisip o hindi sumasang-ayon kay Pablo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
ipahahayag din iyon ng Diyos sa inyo
"Ipauunawa din ito ng Diyos sa inyo"
anuman ang ating nakamit, lumakad tayo sa maayos na paraang naaayon dito
Maaaring isalin na: "magpatuloy tayong lahat sa pagsunod sa parehong katotohanang ating natanggap" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
Philippians 3:17-19
Tularan ninyo ako, mga kapatid
Ipinahahayag ni Pablo na itinuturing niyang mga kapatid kay Cristo ang mga mananampalatayang taga-Filipos.
Tularan ninyo ako
"gawin kung ano ang ginawa ko" o "mamuhay gaya ng aking pamumuhay"
Tingnan ninyong mabuti
"Tumingin ng may pag-iingat sa"
ang mga lumalakad sa pamamagitan ng mga halimbawang mayroon kayo sa amin
"ang mga namumuhay na ng gaya ng aking pamumuhay" o "ang mga gumagawa na ng aking ginagawa"
madalas kong sinasabi sa inyo
"maraming beses ko nang sinabi sa inyo"
at ngayon sinasabi ko sa inyo na may kasamang pagluha
"at sabihin sa inyo ngayon ng may matinding kalungkutan"
marami ang lumalakad bilang mga kaaway ng krus ni Cristo
Dito "ang krus ni Cristo" ay tumutukoy sa pagdurusa at kamatayan ni Cristo. Ang mga kaaway ay ang mga nagsasabing naniniwala sila kay Jesus ngunit hindi nakahandang magdusa o mamatay gaya ng ginawa ni Jesus. Maaaring isalin na: "na maraming mga tao ang nagsasabing naniniwala sila kay Jesus, ngunit ang paraan ng kanilang pagkilos ay nagpapakita na sila ay laban talaga kay Jesus, na siyang handang magdusa at mamatay sa krus" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Kapahamakan ang kanilang patutunguhan
Maaaring isalin na: "Balang araw ay lilipulin sila ng Diyos"
ang diyos nila ay ang kanilang sikmura
Dito, ang "sikmura" ay tumutukoy sa pagnanasa ng isang tao para sa pisikal na kasiyahan. Maaaring isalin na: "nagnanais sila ng pagkain at iba pang mga pisikal na kasiyahan nang higit pa sa kanilang pagnanais na sundin ang Diyos"
ang kanilang pagmamalaki ay nasa kanilang kahihiyan
Maaaring isalin na: "ipinagmamalaki nila ang mga bagay na nagdudulot sa kanila ng kahihiyan"
Iniisip nila ang tungkol sa mga makamundong bagay
Dito ang "maka-mundo" ay tumutukoy sa lahat ng mga bagay na nagbibigay ng pisikal na kasiyahan at hindi nagbibigay karangalan sa Diyos" Maaaring isalin na: "Lahat ng iniisip nila ay tungkol sa makapagbibigay kasiyahan sa kanilang mga sarili sa halip na kung ano ang makapagbibigay kasiyahan sa Diyos"
Philippians 3:20-21
ating...tayo
Isinasama ni Pablo ang kaniyang mga tagapakinig sa paggamit ng "atin" at "tayo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
ang ating pagkamamamayan ay sa langit
"ang ating tahanan ay sa langit" o "ang tunay nating tahanan ay sa langit"
kung saan naghihintay rin tayo sa isang tagapagligtas na ang Panginoong Jesu-Cristo
"at naghihintay tayo para sa isang tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo, na babalik sa lupa mula sa langit"
Babaguhin niya ang ating mga katawang lupa
"Babaguhin niya ang ating mahinang mga katawang lupa"
mga katawang binuo gaya ng kaniyang maluwalhating katawan
"sa mga katawang gaya ng kaniyang maluwalhating katawan"
binuo sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang kapangyarihan upang mapasailalim sa kaniya ang lahat ng bagay
Maaaring isalin na: "babaguhin niya ang ating mga katawan sa pamamagitan ng parehong kapangyarihang ginamit niya upang pamahalaan ang lahat ng mga bagay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Philippians 4
Philippians 4:1-3
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Pablo sa ilang tiyak na mga tagubilin para sa mga mananampalataya sa Filipos tungkol sa pagkakaisa at ng mga tagubilin para matulungan ang mga mananampalataya na mamuhay para sa Panginoon.
Kaya nga, minamahal kong mga kapatid na aking kinasasabikan
Maaaring isalin na: "Mga kapwa ko mananampalataya, mahal ko kayo at malaki ang pagnanais ko na makita kayo"
aking kagalakan at korona
Ginamit ni Pablo ang salitang "kagalakan" upang sabihin na ang mga taga-Filipos ang dahilan ng kaniyang kasiyahan. Ang isang "konona" ay gawa mula sa mga dahon at isinusuot ito ng tao sa kaniyang ulo bilang tanda ng kaniyang karangalan pagkatapos niyang manalo sa isang mahalagang laro. Ang salitang "korona" dito ay nangangahulugan na ang iglesya ng mga taga-Filipos ang nagbibigay ng karangalan kay Pablo sa harap ng Diyos. Maaaring isalin na: "Binigyan ninyo ako ng kagalakan dahil nananampalataya kayo kay Jesus, at kayo ang aking gantimpala at karangalan para sa aking mga gawain" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sa paraang ito na tumayong matibay sa Panginoon, mga minamahal kong kaibigan
Maaaring isalin na: "Kaya patuloy na mamuhay para sa Panginoon sa paraang itinuro ko sa inyo, mahal kong mga kaibigan"
Nagsusumamo ako kay Euodia, at kay Sintique
Ito ay mga babaeng mananampalataya at tumulong kay Pablo sa iglesiya sa Filipos. Maaaring isalin na: "Nagmamakaawa ako kay Euodia, at nagmamakaawa ako kay Sintique" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
magkaroon ng parehong pag-iisip sa Panginoon
Ang pangungusap na "magkaroon ng parehong pag-iisip" ay nangangahulugang magkaroon ng parehong ugali o kaisipan. Maaaring isalin na: "magkasundo ang bawat isa dahil kapwa kayong naniniwala sa iisang Panginoon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Katunayan, hinihiling ko rin sa iyo, tunay kong kamanggagawa
Hindi binanggit ni Pablo ang pangalan ng tao. Tinawag lamang niya ito na "tunay kong kapwa manggagawa" kung saan tumutukoy ito sa isang tao na kasama ni Pablo na gumawa upang ikalat ang mabuting balita. Maaaring isalin na: "Oo, hinihiling ko rin sa iyo, tapat kong kamanggagawa" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-you/01.md]])
kasama si Clemente
Si Clemente ay isang lalaking mananampalataya at manggagawa sa iglesiya sa Filipos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
kung saan ang mga pangalan ay nasa aklat ng buhay.
Maaaring isalin na: "na ang mga pangalan ay isinulat ng Diyos sa aklat ng buhay"
Philippians 4:4-7
Magalak lagi sa Panginoon. Muli kong sasabihin, magalak
Si Pablo ay nagsasalita sa lahat ng mga mananampalatayang taga-Filipos. Inuulit niya ang utos na 'magalak' upang bigyang-diin kung gaano ito kahalaga. Maaaring isalin na: "Maging masaya dahil sa ginawa ng Diyos! Sinasabi ko muli sa inyo, maging masaya!"
Malapit lamang ang Panginoon
Ang mga maaaring kahulugan nito ay 1) Ang Panginoong Jesus ay malapit sa mga mananampalataya sa espiritu o 2) Ang araw ng pagbabalik ng Panginoong Jesus dito sa mundo ay malapit na.
sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat
"humiling sa Diyos ng anumang bagay na kailangan mo sa pamamagitan ng panalangin at pasasalamat"
kung saan ay humihigit sa lahat ng pag-unawa
"kung saan ay higit na mauunawaan natin"
mag-iingat sa inyong mga puso at isipan
Nagpapakita ito ng kapayapaan ng Diyos bilang isang kawal na nagtatanggol sa ating mga damdamin at isipan mula sa mga pag-aalala. Maaaring isalin na: "magiging katulad ng isang kawal at magbabantay ng inyong mga damdamin at isipan mula sa pag-aalala tungkol sa mga kaguluhan ng buhay na ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
Philippians 4:8-9
Sa wakas
Ito ang nagwawakas sa bahagi ng liham na ito. Si Pablo ay nagpatuloy upang magbigay ng buod kung paano dapat mamuhay ang mga mananampalataya upang magkaroon ng kapayapaan sa Diyos.
mga kapatid
Dito, ito ay nangangahulugan na mga kapwa Kristiyano, kabilang ang mga lalaki at mga babae, yamang ang bawat mananampalataya kay Cristo ay kabilang sa isang pamilyang espiritwal, kasama ang Diyos bilang kanilang Amang nasa langit.
kaibig-ibig
"anumang mga bagay ang nakalulugod"
may mabuting ulat
"anumang mga bagay na hinahangaan ng mga tao" o "anumang mga bagay na iginagalang ng mga tao"
kung may mga bagay na mahusay
"kung sila ay may kagandahang-asal"
dapat papurihan
"at kung sila ang dahilan para sa pagpupuri"
na inyong natutunan, natanggap, narinig at nakita sa akin
"na itinuro at ipinakita ko sa inyo"
Philippians 4:10-13
Nag-uugnay na pahayag:
Nagsasalita si Pablo tungkol sa pagsuporta nila sa kaniya sa mga pinansiyal at nagtapos siya ng may pagbati at pasasalamat.
Bagama't pinahalagahan ninyo ako noon ngunit wala kayong pagkakataon para tumulong
"Alam kong iniisip ninyo ang tungkol sa akin noon, ngunit walang dahilan upang kayo ay magpadala ng tulong sa akin"
ang masiyahan
"ang makontento" o "maging masaya"
sa lahat ng pangyayari
"anuman ang kalagayan ko"
Alam ko kung paano ang mamuhay
Maaaring isalin na: "Alam ko kung paano magkaroon ng tamang pag-uugali"
mangailangan
"kung kailan wala na ang lahat ng aking mga kailangan"
magkaroon ng kasaganaan
"kung kailan ako nagkaroon ng higit pa sa aking pangangailangan"
paano parehong managana at mangailangan
Ang dalawang mga pangungusap na ito ay magkasingkahulugan. Ginamit lamang ni Pablo ang mga ito para bigyang-diin na natuto siya kung paano makontento sa anumang kalagayan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-merism/01.md]])
Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin
"Magagawa ko ang lahat ng mga bagay dahil kay Cristo na nagbibigay sa akin ng kalakasan"
Philippians 4:14-17
sa aking mga paghihirap
"kung kailan ang mga bagay ay naging mahirap"
simula ng ebanghelyo
Tumutukoy ito kung kailan naglakbay si Pablo sa iba't-ibang mga lungsod upang ibalita sa mga tao ang tungkol kay Jesus.
walang iglesya ang tumulong sa akin sa bagay ng pagbibigay at pagtatanggap maliban sa inyo lamang
Maaaring isalin na: "kayo lamang ang iglesiya na nagpadala ng salapi o tumulong sa akin"
hinahanap ko ang bunga na nagpapataas ng inyong halaga
Ikinukumpara ni Pablo ang mga kaloob ng mga iglesiya sa lumalago at lumalaking kayamanan ng isang tao ng mas higit pa. Nais ni Pablo na ang mga taga-Filipos ay magbigay ng mga kaloob upang makatanggap sila ng mga biyayang pang-espiritwal. Maaaring isalin na: "Gusto kong makita kayong bigyan ng Diyos ng mas marami pang biyayang espiritwal" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]
Philippians 4:18-23
Nakatanggap at nagkaroon ako ng lahat bagay. Napuno ako
Maaaring isalin na: "Nasa akin na ang lahat ng mga bagay na aking kailangan at higit pa"
Ang mga ito ay mababangong samyo, katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa Diyos
Mabangong samyo, katanggap-tanggap na handog na kinalulugudan ng Diyos**- Ikinukumpara ni Pablo ang mga kaloob na galing sa iglesiya ng Filipos sa mga handog sa Lumang Tipan. Sinusunog ng mga pari ang handog, kung saan mayroon itong nakalulugod na amoy sa Diyos. Binibigyang diin ni Pablo na ang mga kaloob ng iglesiya ay napakalaking bagay para sa Diyos. Maaaring isalin na: "Tinitiyak ko sa inyo na ang mga kaloob na ito ay tunay na kalugod-lugod sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang magpupuno ng inyong mga pangangailangan
"magbibigay ng lahat ng pangangailangan ninyo"
ayon sa kaniyang mga kayamanan at kaluwalhatian kay Cristo Jesus
Maaaring isalin na: "mula sa kaniyang maluwalhating mga kayamanan na ibibigay niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus"
Ngayon...sa ating Diyos
Ang salitang "ngayon" ay tanda bilang pangwakas na panalangin at ang katapusan ng bahaging liham na ito.