Nahum
Nahum 1
Nahum 1:1
Ang pahayag tungkol sa Ninive
"Isang mensaheng mula sa Diyos tungkol sa Lungsod ng Ninive."
Elkoshita
Isang taong nagmula sa nayon ng Elcos (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Nahum 1:2-3
hindi niya ipapahayag na walang sala ang kaniyang mga kaaway
Nangangahulugan ito na hahatulan at parurusahan ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway kapag sila ay sumuway sa kaniya.
gumagawa ng kaniyang daan sa ipu-ipo at sa bagyo
Gaya nang malakas na hangin at bagyo, kumikilos si Yahweh nang may kapangyarihan. Maaaring isalin na: "pumarito sa kapangyarihan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]).
ang alabok ng kaniyang mga paa
"ang alabok na sinisipa ng kaniyang mga paa"
Nahum 1:4-5
Nayayanig ang mga bundok sa kaniyang presensiya at natutunaw ang mga burol; nagsisiguho ang lupa sa kaniyang presensiya
Maaaring isalin na: "Ang mga bundok, ang mga burol, at maging ang lupa ay takot kay Yahweh" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-personification/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Nayayanig
tulad ng isang taong natatakot
nagsisiguho
"bumagsak sa lupa sa takot"
Nahum 1:6
bagsik ng kaniyang galit
"ang sidhi ng kaniyang galit" o "ang laki ng kaniyang galit"
Ibinubuhos na tulad ng apoy ang kaniyang poot, at nahahati ang mga bato sa pamamagitan niya
Maaaring isalin na: "Ibinubuhos niya ang kaniyang galit tulad ng apoy at nahahati ang mga bato." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nahum 1:7-8
tanggulan
isang ligtas na lugar na itinayo para sa proteksyon laban sa mga kaaway (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
panahon ng kaguluhan
kapag sasalakay ang mga kaaway. Maaaring isalin na: "kapag nangyayari ang mga masasamang bagay."
Nahum 1:9-11
Wawakasan niya ito nang lubusan
"ihinto nang lubusan ang iyong ginagawa"
hindi na magkakaroon ng kaguluhan sa ikalawang pagkakataon
Maaaring isalin na: "Hindi na niya kayo sasalakayin sa ikalawang pagkakataon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sila... kanila...sila...
Nagsasalita si Nahum ng daglian sa mga Israelita tungkol sa mga tao ng Nineve
magiging sala-salabat silang tulad ng matinik na mga halaman
"daranas ng maraming problema na pipigil sa kanila mula sa pagsalakay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]).
lubos silang lalamunin
sisirain ni Yahweh nang lubos ang Ninive (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
nagtaguyod
hinihimok ang mga tao para gumawa ng masasamang bagay
Nahum 1:12-14
nila...sila... kanila
ang mga tao ng Ninive
gayon pa man, sila ay gugupitin
"Sila ay papatayin." Ginagamit ni Yahweh ang larawan ng panggugupit sa balahibo ng tupa upang ipakita kung paano niya papatayin ang hukbo ng Ninive, kahit na marami sila. Maaaring isalin na: "mawawasak sila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
babaliin ang pamatok ng mga taong iyon paalis sa iyo
Maaaring isalin na: "palalayain kayo mula sa pagkabihag sa mga taong iyon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
sisirain ko ang iyong mga tanikala
"sisirain ang mga tanikalang pinangtali nila sa iyo bilang mga bihag"
Nahum 1:15
nasa mga kabundukan ang mga paa ng isang taong nagdadala ng magandang balita
"may isang taong nagdadala ng mabuting balita" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
masasama... siya
Tinutukoy ni Nahum ang mga taga-Ninive na para silang isang tao.
siya ay lubos na naihiwalay
Nagsasalita si Nahum ng isang pangyayari sa hinaharap na parang nangyari na.
Nahum 2
Nahum 2:1-2
Ang siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso
Ang inilalarawan dito ay isang taong binabasag ang isang palayok. Maaaring isalin na: "Ang wawasak sa iyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]).
Ang siyang dudurog
Hindi malinaw kung sino ito, kaya isalin gamit ang isang pangkalahatang salita: "May isang dudurog sa iyo."
Maglagay ng bantay sa mga pader ng siyudad, bantayan ang mga kalye, palakasin ang iyong mga sarili, ihanay ang iyong mga hukbo
humanda para sa pakikidigma
Maglagay ng bantay sa mga pader ng siyudad
"Magtalaga ng mga bantay sa mga pader para sa proteksyon"
Sapagkat pinanunumbalik ni Yahweh ang kamaharlikaan ni Jacob, tulad ng kamaharlikaan ng Israel
Nangangahulugan ito na gagawin ni Yahweh si Jacob at Israel na dakila, at hahangaan sila muli ng mga tao.
mandarambong
mga taong nagnanakaw ng mga bagay nang sapilitan, madalas sa digmaan
sinira ang mga ito
winasak ang lahat
winasak ang mga sanga ng puno ng kanilang ubas
Nabanggit ang bansa rito na para itong isang nabungkal na puno ng ubas. Maaaring isalin na: "at bubunutin ang iyong bansa na para itong nasa isang ubasan." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]]).
Nahum 2:3-4
kaniyang mga magigiting na lalaki
ang mga kawal ng isang "ang dudurog" ng Ninive ( [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/nam/02/01.md]]).
saypres
isang uri ng punongkahoy na ang kahoy nito ay magandang gawing mga sandata (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
Rumaragasa ang mga karwahe sa mga lansangan
"Mabilis na pinapatakbo ng mga mangangarwahe ang mga karwahe sa mga lansangan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
pumaroo't pumarito
Mga maaaring kahulugan: 1) "pabalik-balik" o 2) "gilid hanggang sa gilid"
Para silang mga sulo
Tumutukoy ito sa kinang ng mga karwahe habang nagliliwanag ang mga ito sa liwanag mula sa araw. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nahum 2:5
dudurog sa iyo ng pira-piraso
Isalin ito gaya ng pagsalin sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/nam/02/01.md]].
Tinatawag...ang kaniyang mga pinuno
Mga maaaring kahulugan: 1) "tinatawag ang kaniyang mga pinuno" o 2)"iniisip ang kaniyang mga pinuno"
sila...kanila...sila
ang mga kawal na sasalakay sa Ninive
sa kanilang paglakad
"habang nagmamartsa sila"
Nahum 2:6-7
nanaghoy ang kaniyang mga lingkod na babae na parang mga kalapati
"ang mga babaeng lingkod ng reyna ay katunog ng kalapati habang sila ay dumadaing" upang ipagluksa ang pagkawala ng kaniyang kapangyarihan (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nahum 2:8-10
sinamsam
Mga bagay na ninakaw ng sapilitan, madalas sa digmaan
wala itong katapusan
Isa itong paraan upang sabihin na may isang malaking halaga ang isang bagay. Maaaring isalin na: "mayroon itong malaking halaga" (Tignan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive
Mga maaaring kahulugan: 1) "kasaganaan ng lahat na magagandang mga bagay" o 2) "halaga ng lahat ng magagandang mga bagay"
Natutunaw ang puso ng lahat
"Lahat ng tao ay nawalan ng tapang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
Nahum 2:11-12
yungib ng mga leon
Inihambing ang Ninive sa isang yungib ng leon dahil isa itong lugar kung saan nakatira ang mga mamamatay tao at isang lugar kung saan nila dinadala ang kanilang mga ninakaw mula sa mga taong kanilang napapatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sinakmal
"sinakmal." Sinasakmal ng mga leon sa leeg ang kanilang mga biktima upang hindi makahinga.
puno ang kaniyang mga yungib ng mga nilapang hayop
Sinasabi ng dalawang pariralang ito ang iisang bagay sa magkaibang paraan. Ang isang yungib ng leon, ang kaniyang pinagtataguan ay madalas sa kuweba. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Nahum 2:13
Masdan mo
"Unawain ito" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
lalamunin ng espada ang iyong mga batang leon
"mamamatay ang iyong mga kawal sa marahas na kamatayan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang espada
"mga kawal na may mga espada" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
lalamunin
"kakainin lahat ng"
ang iyong mga batang leon
"ang iyong pinakamahusay na mga binata" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Ihihiwalay ko ang iyong mga sinamsam mula sa iyong lupain
Ang salitang "sinamsam" ay tumutukoy sa kayamanan na ninakaw ng Ninive at kinuha mula sa ibang mga lupain. Nangangahulugan itong sisirain ni Yahweh ang kakayahan ng Ninive na magnakaw mula sa ibang mga bansa.
Nahum 3
Nahum 3:1-2
sa lungsod na puno ng dugo
Maraming tao ang napatay ng mga kawal ng Ninive. Maaaring isalin na: "may pananagutan ang lungsod para sa pagkamatay ng maraming tao" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Nahum 3:3-4
bangkay
mga katawan ng mga taong namatay
Walang katapusan sa mga katawan
"Mayroong maraming katawan" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
magandang nagbebenta ng aliw...bihasa sa pangkukulam
Gaya ng mga bayarang babae na nagbebenta ng aliw at mga mangkukulam na nagbebenta ng kaalaman at kapangyarihan na nakamit sa pamamagitan ng pagsasalamangka, ang mga tao ng Ninive ay nagbebenta ng mga taong nakuha nila sa digmaan at kinikita mula sa kanilang kasalanan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Nahum 3:5-7
Pagmasdan mo
Ang salitang ito ay nagsisilbing hudyat kung ano ang susunod.
sino ang iiyak para sa kaniya?' Saan ako makakahanap ng sinumang aaliw sa iyo?
Maaaring isalin na: "Wala kahit isa ang iiyak para sa kaniya,' at wala akong mahanap na sinuman upang umaliw sa kaniya." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Nahum 3:8-9
ikaw ba ay mas mabuti kaysa sa Tebes
Maaaring isalin na: "hindi ka mas mabuti kaysa Tebes...mismo." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
Tebes
dating kabisera ng Egipto, na sinakop ng mga taga-Asiria
na ang kaniyang depensa ay ang karagatan, na ang kaniyang pader ay ang dagat mismo
Ibinabahagi ng dalawang pariralang ito ang parehong kahulugan. Ang mga salitang "karagatan" at "dagat" ay parehong tumutukoy sa Ilog Nilo na dumadaloy sa malapit na lungsod at mahirap itong salakayin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] at [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
depensa ...pader
Ang mga sinaunang lungsod ay mayroong isang pangunahing "pader" upang hindi ito mapasok ng mga manlulusob, at isang panlabas na "depensa" upang hindi makalapit ang mga manlulusob sa pader.
Nahum 3:10-11
Gayon pa man
Ipinagpapatuloy nito ang paghahambing ng Ninive at Tebes mula sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/nam/03/08.md]]. Mga maaaring kahulugan: "gayon pa man" (UDB) or "kahit na"
Tebes
dating kabisera ng Egipto, na sinakop ng mga taga-Asiria
siya...kaniya
Tebes.
nadurog
Madaling pinatay ng mga mananakop ang mga anak ng Tebes na gaya ng pagbasag ng isang tao sa isang banga. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ginapos ng mga tanikala
inalipin. Maaaring isalin na: "naging mga alipin"
Nahum 3:12-13
mga kuta
Ang salitang ito, na maaari ring isalin bilang "mga tanggulan" ay tumutukoy sa lahat ng imperyo ng Ninive at Asiria. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
Lahat ng iyong mga kuta ay magiging tulad ng puno ng mga igos na may maagang nahihinog na mga bunga: kung nayuyugyog ang mga ito, nahuhulog ang mga ito sa bibig ng mangangain
Madaling sakupin ang lungsod ng Ninive tulad ng bunga mula sa isang punongkahoy. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
ang mga taong kasama mo ay mga babae
"mahina ang iyong mga tao at hindi nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
ang kanilang mga baras
mga malalaking barakilan ng kahoy na nagpapatibay ng mga tarangkahan at hindi ito papayagan na buksan ng labas sa lungsod. Kapag nasunog ito hindi na maaaring isarado muli ang lungsod.
Nahum 3:14-15
Lalamunin ka nito gaya ng paglamon ng mga batang balang sa lahat ng bagay
Sisirain nito gaya ng mga balang na nilalamon ang lahat na nasa kanilang landas. Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
nito
ang "apoy" at "espada"
Paramihin mo ang iyong sarili gaya ng batang mga balang, kasindami ng malalaking mga balang
mga malalaking balang**- "Paramihin mo ang iyong sarili tulad ng mga maliliit na balang! Paramihin mo ang iyong sarili tulad ng mga matatandang balang!" Marahil nagsisimula ang mga salitang ito ng isang panibagong talata.
Paramihin mo ang iyong sarili gaya ng mga batang balang
Nangangahulugan ito na sila ay magiging isang napakalaking lungsod na may maraming tao at sisirain ang maraming lupain. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])
Nahum 3:16-19
Pinarami mo ang iyong mga mangangalakal nang mas marami kaysa sa mga bituin sa kalangitan
Ang mga mangangalakal ng Ninive ay gaya ng mga bituin sa kalawakan na hindi mabilang. Maaaring isalin na: "Mayroon kang maraming mangangalakal na hindi mabibilang ng sinuman." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
mga mangangalakal
"negosyante" o "isang taong bumibili at nagbebenta ng mga bagay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-unknown/01.md]])
mga prinsipe
Gumamit ng isang salita para sa mga "pinuno" sa politika (UDB).
mga heneral
Gumamit ng isang salita para sa mga "pinuno" ng militar o iba pang awtoridad sa gobyerno. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-simile/01.md]])