Colossians
Colossians 1
Colossians 1:1-3
Pangkalahatang Kaalaman:
Ang sulat na ito ay mula kay Pablo at Timoteo para sa mga mananampalatayang nasa Colosas.
isang apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos
"Pinili ng Diyos na maging apostol ni Jesu-Cristo"
ating kapatid
Sinama ni Pablo ang kaniyang mga taga-pakinig sa salitang "atin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
Sumainyo nawa ang biyaya
pagbibigay o pagnanais na magbigay ng biyaya sa iba.
inyo
Ang salitang "inyo" ay tumutukoy sa mga banal sa Colosas at mga tapat na kapatd. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-pronouns/01.md]])
kami ay laging nananalangin para sa inyo
Maaaring isalin na: "madalas kaming manalangin at ito ay para sa inyo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:4-6
Pangkalahatang Kaalaman:
Ang salitang "ninyo" dito ay pangmaramihan at tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
Nabalitaan namin
Hindi sinama ni Pablo ang kaniyang mga taga-pakinig sa "namin." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-pronouns/01.md]])
ang inyong pananampalataya kay Cristo Jesus
"ang inyong paniniwala kay Jesu-Cristo"
ang pag-ibig na mayroon kayo para sa lahat
"ang pagmamahal na mayroon kayo para sa lahat" (UDB)
dahil sa tiyak na pag-asang nakalaan para sa inyo sa kalangitan
"resulta ng inyong tiyak na pag-asa sa kung ano ang pinanatili ng Diyos sa kalangitan"
tiyak na pag-asa
"pag-asa na matatag ninyong pinaniniwalaan"
namumunga at lumalago
Ito ay paghahalintulad sa puno o halaman na namumunga ng pagkain at lumalago sa ebanghelyo, na bumabago sa mga tao at kumakalat sa buong mundo at mas maraming tao ang naniniwala dito. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
sa buong mundo
Kumakalat at lumalago ang ebanghelyo sa lahat ng kilalang lugar sa daigdig. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-hyperbole/01.md]])
biyaya ng Diyos sa katotohanan
"ang totoong biyaya ng Diyos' o "ang totoong pabor ng Diyos"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:7-8
natutunan ninyo kay Epafras
"Tulad ng tinuro ni Epafras sa inyo" o "Lubos ninyong naunawaan ang tinuro ni Epafras sa inyo"
ito ay tulaad ng
Ang "ito" ay tumutukoy sa kinahinatnan o resulta ng ebanghelyo sa pamumuhay ng mga mananampalataya na nasa Colosas.
natutunan ninyo
Natuto ang mga mananampalataya sa Colosas
Epafras
Si Epafras ay ang lalaking nangangaral ng ebanghelyo sa bayan ng Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/translate-names/01.md]])
Epafras, ang ating minamahal na kapwa-lingkod, na isang tapat na lingkod ni Cristo
Nangangahulugan ito na ginagawa ni Epafras ang gawain para kay Cristo na gagawin din sana ni Pablo kung wala siya sa bilangguan.
Ipinaalam sa amin
"Pinaalam sa amin ni Epafras"
ang inyong pag-ibig sa Espiritu
"Binigyan kayo ng kakayahan ng Banal na Espiritu na mahalin ang mga mananampalataya"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:9-10
Nag-uugnay na Pahayag:
Nanalangin si Pablo para sa kanila dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo at pag-ibig sa Espiritu.
Dahil sa pag-ibig na ito
"Dahil binigyan kayo ng kakayahan ng Banal na Espiritu na mahalin ang ibang mga mananampalataya"
mula sa araw na narinig namin ito,
"mula sa araw na sinabi ni Epafras ang tungkol sa inyo"
narinig namin
Ito ay tumutukoy kay Pablo at Timoteo at hindi sa mga mananampalataya sa Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
hindi kami tumigil na manalangin
"Madalas kaming manalangin ng taimtim sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublenegatives/01.md]])
Hinihiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban sa lahat ng karunungan
"hinihiling namin sa Diyos na punuin kayo nang kaniyang kaalaman na gawin ang kaniyang kalooban"
sa lahat ng karunungan at pang-unawang espirituwal
"karunungan at pang-unawa na binigay ng Banal na Espiritu"
na kayo ay lalakad na karapat- dapat sa Panginoon sa mga kalugod-lugod na paraan
"na mamuhay kayo sa paraan na aayunan ng Panginoon"
mamunga
Ito ay paghahalintulad sa mabungang halaman sa mabuting mga gawa ng isang mananampalataya. Katulad ng halaman na lumalago at namumunga, gayon din ang mga mananampalataya na lumalago sa pagkilala sa Diyos at sa paggawa ng mga mabubuting mga gawa. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:11-12
Ipinapanalangin namin
Ang salitang "namin" ay tumutukoy kay Pablo at Timoteo at hindi sa mga taga-Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
na mapalakas kayo sa bawat kakayahang naaayon sa kapangyarihan ng kaniyang kaluwalhatian
"nawa bigyan kayo ng kalakasan sa bawat kakayahan na naaayon sa kaniyang makapangyarihang kaluwalhatian"
sa lahat ng pagtitiyaga at pagtitiis
"upang hindi kailanman tumigil sa paniniwala at maging matiyaga"
pagpapasalamat na may galak sa Ama
"habang nagbibigay kayo ng pasasalamat na may pag-uugali na nagagalak sa Ama"
nagkaloob sa inyo na makibahagi
Maaaring isalin na: "tumanggap sa inyo na magbahagi"
nagkaloob sa inyo
Pinagtuunan dito ni Pablo ang kaniyang mga tagabasa bilang tagatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi niya ibig sabihin na walang bahagi ang kanilang sarili sa mga pagpapalang iyon.
na makabahagi sa mga kayamanan
"makatanggap ng bahagi ng pamana"
sa liwanag
"sa kaluwalhatian ng kaniyang presensya"
mga mananampalataya
Maaaring isalin na: "para sa mga banal" o "para sa mga pinili para sa espesyal na gamit"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:13-14
Nag-uugnay na pahayag:
Sinasabi ni Pablo ang mga paraan kung saan mahusay si Cristo.
Sinagip niya
"Sinagip ng Diyos Ama"
inilipat tayo
"Inalis tayo." Ang salitang "tayo" ay kasama si Pablo at mga mananampalataya ng Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
minamahal na Anak
"Minamahal na Anak ng Diyos Ama, si Jesu-Cristo"
Sa kaniyang Anak mayroong tayong katubusan
"tinubos tayo ng kaniyang Anak"
ang kapatawaran ng mga kasalanan
"pinatawad ng kaniyang Anak ang ating mga kasalanan" o "Pinatawad tayo ng Ama sa pamamagitan ng kaniyang Anak"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:15-17
Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos
Sa pamamagitan ng pagkikila kay Jesus na Anak kung sino siya, malalaman natin kung sino ang Diyos Ama.
Anak
Ito ay mahalagang titulo para kay Jesus, ang Anak ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
Siya ang unang anak
"Ang Anak ang unang anak." Si Jesus ang pinakamahalaga at kakaibang "Anak" ng Diyos. Siya ay Diyos. Ang salitang "Anak" ay nagpapakita ng malalim na relasyon ni Jesus sa Ama. Ang relasyong ito ay hindi mauunawaan hanggang at maliban na gagamitin mo ang iyong wika at salita para sa "anak" at "ama."
Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay
"dahil nilikha ng Anak ang lahat ng mga bagay" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya
Ginawa lahat ng Anak ang mga bagay para sa kaniyang sarili, kasama ang mga trono, pamahalaan, pamumuno, at kapangyarihan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Siya ang una sa lahat ng mga bagay
"Buhay na siya bago pa ang lahat ng mga bagay"
sa kaniya ang lahat ng bagay ay nagkakaugnay
"hawak niya ang lahat" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:18-20
siya ang ulo
"Si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, ang ulo"
siya ang ulo ng katawan, ang iglesiya
Ito ay paghahalintulad sa katayuan ni Jesus sa iglesiya sa ulo ng katawan ng tao. Dahil ang ulo ang namumuno sa katawan, ganun din si Jesus na namumuno sa iglesiya. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])(Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagsimula ng kapangyarihan
Siya ang unang pinuno o nagpasimula, Si Jesus ang nagsimula ng iglesiya.
unang anak mula sa mga patay
Si Jesus ang unang tao na namatay at muling nabuhay, at hindi na muling namatay.
Sapagkat ang Diyos ay nalugod na ang kaniyang kaganapan ay nararapat na mamuhay sa kaniya
"Natutuwa ang Diyos na gawin ang lahat ng bagay ay manahan kay Cristo" (UDB) (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
sa pamamagitan ng kaniyang dugo sa krus
Ang orihinal na salita para sa "pamamagitan" ay mayroong kaisipan ng lagusan o daanan, na nagpapakita na nagdadala ang Diyos ng kapayapaan at pagkakasundo sa mga tao sa pamamagitan ng dugo ni Jesus nang namatay siya sa krus.
Anak
Ito ay mahalagang titulo para kay Jesus, ang Anak ng Diyos. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/guidelines-sonofgodprinciples/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:21-23
Nag-uugnay na pahayag:
Pinagpalit ni Cristo ang kasalanan ng mga mananampalatayang Gentil para sa kaniyang kabanalan.
At kayo rin
"ay kayo ring mga mananampalataya sa Colosas.
hindi kilala ng Diyos
Maaaring isalin na: " napalayo mula sa Diyos" o "tinulak palayo ang Diyos"
mga kaaway niya sa kaisipan at masasamang mga gawa
"kaaway niya dahil nag-isip ka ng masasamang bagay at gumagawa ka ng masasamang bagay." (UDB)
pinagkasundo niya kayo sa kaniyang lupang katawan sa pamamagitan ng kamatayan
Kapag pinagkasundo kayo kay Cristo, hindi niya makikita si Cristo sa krus, pero kayo, nang namatay si Cristo, makikita niya kayong mamamatay.
walang kapintasan
"walang bahid"
walang dungis
"walang paratang"
sa kaniyang harapan
"sa harapan ng Diyos"
nagpapatuloy
"patuloy na maging matatag" o "patuloy na maging matibay"
nagpapatuloy sa pananampalataya
"walang pagbabago" o "sigurado"
tiyak na inaasahan ng ebanghelyo
"pagiging tiwala sa ebanghelyo"
na naipahayag sa bawat tao sa ilalim ng langit. Ito ang ebanghelyo kung saan, akong si Pablo ay naging isang lingkod
"mga taong ipinahayag ang ebanghelyo sa lahat ng nilalang sa ilalim ng kalangitan. Ito ang parehas na ebanghelyo na ako, si Pablo, ang pinahayag sa paglilingkod sa Diyos." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:24-27
Ngayon nagagalak ako
"Ako, si Pablo ay nagagalak"
sa aking mga paghihirap para sa inyo
"Naghihirap ako para sa kabutihan ninyo" (UDB)
para sa inyo
"para sa mananampalataya sa Colosas"
pinupunan ko sa aking laman anuman ang kakulangan sa mga paghihirap ni Cristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan
Sinasabi ni Pablo ang tungkol sa patuloy na pakikipaglaban at pag-uusig na kaniyang pinagtitiisan para sa kapakanan ng iglesiya. Hinayag na ni Cristo ang paghihirap sa hinaharap kay Pablo nang una siyang naging mananampalataya.
katotohanan na itinago
"ang misteryo"
na itinago sa panahon
Ito ay tumutukoy sa panahon ng paglikha hanggang sa panahon na nangaral si Pedro ng ebanghelyo sa mga Gentil.
nahayag ito ngayon sa mga naniniwala
Maaaring isalin na: "ginawang malinaw sa kaniyang mga tagasunod." Kasama dito ang mga Judio at mga Gentil.
na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil
Nais ng Diyos na malaman ng mga tao ang tunay na kagandahan ng kaniyang plano para sa mga Gentil.
pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap
"maaari kayong maging tiwala na kabahagi ng kaluwalhatian ng Diyos" (UDB)
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 1:28-29
Siya ito na ating ipinapahayag
"Ito ang Cristo na pinapahayag namin, nina Pablo at Timoteo."
Pinagsasabihan natin ang bawat isa
"Binalaan natin ang bawat isa"
upang maiharap natin ang bawat tao
"na maari nating iharap ang bawat tao sa Diyos" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-explicit/01.md]])
ganap
"malago sa espiritwal na buhay"
dito, ako ay gumagawa
Ako si Pablo, ang gumawa"
sa kaniyang kalakasan na kumikilos sa akin
"sa layunin ni Cristo na kumikilos sa akin"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/01.md]]
Colossians 2
Colossians 2:1-3
Nag-uugnay na pahayag:
Patuloy na hinihimok ni Pablo ang mga mananampalataya sa Colosas at Laodicea para maunawaan na si Cristo ay Diyos at namumuhay siya sa mga mananampalataya para makapamuhay sila tulad ng paraan na tinanggap nila siya.
Sapagkat gusto kong malaman ninyo
"Dahil akong si Pablo, ay gustong ipaalam sa inyong mga mananampalataya sa Colosas"
gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo
Nagsikap si Pablo sa pagpapaunlad ng kanilang kadalisayan at pag-unawa sa ebanghelyo.
sa mga nasa Laodicea
Ito ay lungsod na sobrang lapit sa Colosas kung saan mayroon ding iglesiya kung saan nanalangin si Pablo.
para sa marami pang hindi pa nakikita ang aking mukha ng harapan
"Marami pa akong hindi nakikita ng harapan " o "marami pa akong hindi nakita ng mukha sa mukha" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
na ang kanilang kalooban
"lahat ng puso ng mga mananampalataya na hindi kailanman nakita si Pablo ng harapan"
pagsasama-sama
Pinaglapit ang bawat isa sa mas malalim na relasyon. Maaaring isalin na: "Pinagdikit" o "pinaglapit ng mas maigi"
buong katiyakan ng pang-unawa
Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katiyakan sa kaalaman sa mga bagay na ito.
lihim na katotohanan ng Diyos
Ito ay kaalaman na mailalahad lamang ng Diyos.
na si Cristo
Si Jesu-Cristo ay ang misteryo na inilahad ng Diyos.
nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman
maraming kayamanan o karangyaan ng karunungan at kaalaman
karunungan at kaalaman
Ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng parehas na bagay. Ginamit ito ng magkasama ni Pablo para bigyang-diin na ang lahat ng espiritwal na kaalaman ay nagmula kay Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:4-5
Sinasabi ko ito
"Ako si Pablo, sinabi ko ito"
manloko sa inyo
"pangunahan ang mga mananampalataya sa Colosas sa maling lugar o pagpapasya"
mapanghikayat na pananalita
Pagsasalita na magpapaniwala sa inyo sa isang bagay o konsepto na kapani-paniwala.
hindi niyo ako pisikal na kasama,
"hindi pisikal na kasama ninyo"
kasama ninyo ako sa espiritu
"Patuloy ko kayong iniisip"
mahusay na kaayusan
Hinahangaan o pinupuri ni Pablo ang kanilang pagkakaisa at matibay na paniniwala at pagtitiwala kay Cristo.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:6-7
lumakad kayong kasama niya
Ito ay isang pagpapahayag para sa isang pamamaraan ng pamumuhay o hindi nagbabagong pamamaraan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
na tinanggap ninyo siya
"na tinanggap ninyo si Cristo mga mananampalataya sa Colosas"
Maging matatag kayong nakatanim sa kaniya, mabuo kayo sa kaniya
Gumamit si Pablo ng dalawang metapora (una ang halaman na may malalim na mga ugat, ang pangalawa ay nagawang gusali) para ilarawan ang dapat na pamamaraan ng pamumuhay ng mga naniniwala at malago ang espiritwal. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]] and [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-parallelism/01.md]])
Magpakatibay kayo sa inyong pananampalataya
"mamuhay kayo ayon sa inyong pananampalatya kay Jesu-Cristo"
maging sagana kayo sa pagpapasalamat
"maging mapagpasalamat sa Diyos"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:8-9
Nag-uugnay na pahayag:
Hinihimok ni Pablo ang mga mananampalataya na maging maingat na hindi tumalikod sa mga salita at mga panuntunan ng iba dahil wala ng maidadagdag sa kabuuan ng Diyos na mayroon ang mga mananampalataya kay Cristo.
Tiyakin
"Maging maingat na" o "Maging alerto na"
huhuli sa inyo
"huhuli sa inyo mga mananampalataya sa Colosas.
pilosopiya
ang mga relehiyosong mga doktrina at mga paniniwala na hindi mula sa salita ng Diyos ngunit mula sa kaisipan ng tao tungkol sa Diyos at buhay.
walang kabuluhang
Ito ay tumutukoy sa mga kaisipang nakapagliligaw na hindi nagdadala sa buhay kay Cristo. Wala itong pakinabang; walang saysay o walang halaga.
tradisyon ng mga tao, ayon sa mga elemento ng mundo
Parehong walang halaga ang mga tradisyon ng Judio at mga paniniwala ng mga pagano (Gentil).
hindi naaayon kay Cristo
"hindi naaayon kay Cristo" o "hindi batay kay Cristo"
Sapagkat sa kaniyang katawan nabubuhay ang lahat ng kaganapan ng Diyos
"Dahil ang kalikasan ng Diyos ay nasa bawat nananampalataya kay Cristo"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:10-12
sa kaniya
"Kay Jesu-Cristo"
kayo
"kayo, mga mananampalataya sa Colosas, ay"
napuno
"ginawang buo"
pagtutuli ni Cristo
Nagpapakita ang metaporang ito na tinanggap ng Diyos o inalis ang kasalanan ng mananampalataya gaya ng pagputol sa laman o pagtanggal gamit ang kutsilyo sa pagtutuli. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Inilibing kayong kasama niya
nilalarawan ng metaporang ito kung paano inaalis ang lumang kalikasan magpakailanman sa oras ng kaligtasan gaya ng pisikal na katawan na inilibing at tinakpan ng lupa nang namatay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
nagbangon sa kaniya
Ang metaporang ito ay naglalarawan kung paano binigyan ang mga mananampalataya ng bagong kaligtasan gaya ng taong binuhay mula sa kamatayan na binigyan muli ng bagong buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:13-15
Noong kayo ay patay
"noong kayo ay patay mga mananampalataya sa sa Colosas"
patay sa inyong mga pagkakasala at sa hindi pagkakatuli ng inyong laman
Patay kayo sa dalawang paraan: 1) patay kayo sa espiritwal, namumuhay sa kasalanan laban kay Cristo at 2) Hindi kayo tuli ayon sa batas ni Moises.
binuhay niya kayong
"ginawa kayong mga mananampalataya sa Colosas ni Jesu-Cristo"
pinatawad tayong lahat sa ating mga pagkakasala
"Pinatawad tayo ni Jesu-Cristo, mga Judio at mga Gentil, sa lahat ng ating mga kasalanan"
kayo ay patay...binuhay niya kayo
Ang metaporang ito at nagpapakita kung paano darating ang bagong espiritwal na buhay gaya ng isang patay na muling nabuhay mula sa makasalanang buhay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin
Ang metaporang ito ay kinukumpara kung paano inalis ng Diyos ang ating mga kasalanan (mga utang) at pinalaya tayo mula sa paglabag sa mga batas ng Diyos (mga tuntunin) gaya ng isang tao na kayang burahin ang mga bagay na nakasulat sa papel. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang
Sa panahon ng Romano, natural na sa mga hukbong Romano ang magkaroon ng "parada ng tagumpay" kapag bumalik sila sa kanilang mga tahanan, nagpapakita na ang lahat ng mga bilanggo ay nahuli na at nakuha na ang mga ari-arian.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:16-17
huwag ninyong hayaang husgahan kayo ng iba
Binalaan ni Pablo ang mga mananampalataya tungkol sa mga Judio na nais pasunurin ang mga Gentil sa Batas ni Moises.
sa pagkain o sa pag-inom
Sinama sa Batas ni Moises kung ano ang kakainin at iinumin ng isang tao. Maaaring isalin na: "kung ano ang inyong kakainin o inyong iinumin"
tungkol sa araw ng pista o bagong buwan, o tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga
Tinukoy ng Batas ni Moises ang mga araw ng pagdiriwang, pagsamba, at pagbibigay ng alay.
anino ng mga bagay na darating
Ang "anino" ay nagbibigay lamang ng hindi malinaw na kaisipan ng hugis at kalikasan ng isang bagay. Sa parehong paraan, ang mga reliheyosong kaugalian gaya ng Batas ni Moises ay nagpapakita lamang ng kaunting katotohanan kay Jesu-Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:18-19
Huwag hayaang manakawan ang sinuman ng gantimpala
"Wala sanang maloko sa kanilang gantimpala." Ang metaporang ito ay hinahalintulad sa mga taong nagtuturo ng maling pagpapakumbaba at pagpupuri ng mga anghel sa mga magnanakaw na nagnakaw sa kaligtasan ng mga taga-Colosas. Maaaring isalin na: "Huwag ninyong hayaan na manakaw ang gantimpla ng isang tao." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]], [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
pagnanais ng kababaang-loob
"Kusang kababaang-loob." Nangangahulugan ito ng paggawa ng mga bagay na magpapakita sa inyo na kayo ay mapagkumbaba sa ibang tao. Maaaring isalin na: "Maka-Diyos at hindi makasarili"
nananatili sa mga bagay
Pagkakaroon ito ng mga kaisipan na patuloy na namamahala sa isipan o pagiging labis na maligalig sa isang bagay.
makalamang pag-iisip
Nangangahulugan ito ng pag-iisip gaya ng dating kalikasan o makasalanang tao kaysa gaya ng espiritwal na tao.
Hindi siya kumakapit sa
"Hindi nakakapit ng maigi" o "hindi siya nakahawak," "gaya ng isang bata na nakahawak ng maigi sa kaniyang magulang.
Nagmumula sa ulo ang pagtutustos at pagsasama ng buong katawan, hanggang sa kaniyang mga kasu-kasuan at mga litid nito
Ang metaporang ito ay hinahambing ang kapangyarihan ni Cristo sa iglesiya sa ulo ng tao na nagpapagalaw at namamahala sa buong katawan.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 2:20-23
Kung namatay kayong kasama ni Cristo sa mga elemento ng mundo
Ang metaporang ito ay nagpapakita na ang taong pisikal na namatay ay hindi na kailangan na sumunod sa mga hinihingi ng mundong ito (huminga, kumain, matulog) , ang taong namatay sa espiritwal kay Cristo ay hindi na kailangan na sumunod sa espiritual na hinihingi ng sistema ng mundo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
bakit kayo nabubuhay na parang obligado sa mundo
Ginamit ni Pablo ang tanong na ito para sawayin ang mga taga-Colosas dahil sa pagsunod sa maling paniniwala ng mundo. Maaaring isalin na: "Ihinto ninyo na ang pagsunod sa makamundong paniniwala!" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-rquestion/01.md]])
nabubuhay ng obligado
"pagpasailalim" o "magpasakop" o "sumunod"
masamang paggamit
"mabulok"
Ang mga patakarang ito ay may karunungan sa sariling-gawang relihiyon at pagpapakumbabang-loob at kalupitan ng katawan
Gawa-gawang relihiyon at hindi totoong pagpapakumbaba at pagmamalupit sa sariling katawan** - "Ang mga alituntunin na ito ay mukhang katalinuhan sa paningin ng tao dahil sa panlabas na anyo ng pagpapakumbaba at pagmamalupit sa katawan"
kalupitan
"malubha" o "malupit"
wala itong halaga laban sa kalayawan ng laman
"hindi sila nakakatulong sa pagpigil sa inyo na sumunod sa mga pagnanasa ng tao"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/02.md]]
Colossians 3
Colossians 3:1-4
Nag-uugnay na pahayag:
Binalaan ni Pablo ang mga mananampalataya na simula nang nakiisa sila kay Cristo, mayroong mga bagay na hindi dapat gawin ng mga mananampalataya.
itinaas kayo ng Diyos na kasama ni Cristo
Nang binuhay ng Diyos si Cristo mula sa mga patay, binilang ng Diyos ang mga mananampalataya sa Colosas na binuhay mula sa mga patay. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
itinaas kayo
Ang salitang "kayo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
bagay na nasa itaas
"mga bagay sa kalangitan" o "mga gamit ng Diyos"
mga bagay sa lupa
"mga bagay sa mundo" o "mga bagay ng mundo"
Sapagkat namatay kayo
Nang namatay si Cristo, binilang din ng Diyos ang mga mananampalataya sa Colosas na namatay kasama ni Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
itinago
"itinago ng Diyos"
kasama niya sa kaluwalhatian
Ang salitang "niya" ay tumutukoy kay Cristo.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:5-8
Patayin ninyo ang mga bahagi na nasa mundo--pagnanasa sa laman`
Nagpapakita ito na ang mga pagnanasa ng laman ay dapat lubusan at tiyak na matugunan gaya ng masamang tao na nahatulan ng kamatayan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
karumihan
"masamang pag-uugali"
matinding damdamin
"matinding pagnanasa"
at kasakiman, na pawang pagsamba sa diyus-diyosan
"at kasakiman, na katulad ng pagsamba sa diyos-diyosan" o "huwag maging sakim dahil katulad iyon ng pagsamba sa mga diyos-diyosan" (UDB)
Para sa mga bagay na ito kaya ang poot ng Diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway
"Dumarating ang poot ng Diyos sa mga hindi mananampalataya na gumagawa ng mga bagay na ito." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
Sa mga bagay na ito na minsan rin ninyong nilakaran ng namuhay kayong kasama nila
"Minsan kayong namuhay sa mga bagay na ito nang nakikisali pa kayo sa kanila." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
poot
"dahas"
galit
"matinding galit"
masasamang layunin
Maaaring isalin na: "kasamaan ng puso, buhay, at pag-uugali"
pang-aalipusta
"kalapastanganan" o "kabastusan." Ito ay tumutukoy sa pananalita na ginamit na may pagnanais na manakit ng ibang tao.
malaswang pananalita mula sa inyong bibig
Maaaring isalin na: "Maduming pananalita"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:9-11
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Pablo na magsabi sa mga mananampalataya kung paano mamuhay at pinaalalahanan sila na inalis ni Cristo ang mga pader na nasa pagitan ng mga Gentil at mga Judio, mga alipin at malalayang tao.
hinubad na ninyo
Ang salitang "ninyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
hinubad na ninyo ang lumang pagkatao kasama ang mga kaugalian nito. Sinuot na ninyo ang bagong pagkatao
Ang metaporang ito ay hinahambing ang Kristiyano na inalis ang hindi magandang pag-uugali at nagsimulang kumilos ng magandang pag-uugali sa tao na nag-alis ng maruming damit at nagsuot ng panibagong malinis na damit.
larawan
Ito ay metonimi para kay Jesu-Cristo. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metonymy/01.md]])
kaalamang naaayon sa larawan ng lumikha sa kaniya
"makilala at maunawaan si Jesu-Cristo"
walang Griyego at Judio, tuli at di-tuli, barbaro, Sycthian, alipin, malayang tao
Ito ay nagsasabi na nakikita ng Diyos ang bawat tao ng magkakatulad, hindi sa lahi, relihiyon, pagkamamamayan, o katayuan (katayuan sa lipunan). Maaaringisalin na: "lahi, relihiyon, kultura, at katayuan sa lipunan ay hindi mahalaga"
si Cristo ang lahat ng mga bagay at sa lahat ng mga bagay
Walang hindi kasali o maiiwan sa pamumuhay ni Cristo. Maaaring isalin na: "Mahalaga lahat kay Cristo."
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:12-14
taglayin ninyo... mga daluyan ng awa
Gaya ng isang tao na nagsusuot ng damit kapag nagdadamit, ang mga mananampataya ay sinusuot ang habag, kababaan, at iba pa. Kanilang pag-uugali tungo sa ibang tao. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
Kaya nga, taglayin ninyo
Ang "kaya nga" ay ginamit para tukuyin ang kilos o nagbagong pag-ugali ayon sa napag-usapan o katuruan. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/discourse/home/01.md]])
bilang mga pinili ng Diyos, banal at minamahal
"bilang banal ng Diyos at piniling minamahal" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-activepassive/01.md]])
mga daluyan ng awa, kabaitan, kapakumbabaan, kaamuhan at katiyagaan
"maawaing kalooban, mabait, mapagkumbaba, magiliw at matiyaga"
daluyan ng awa
"puso ng awa" o "puso ng pag-iintindi"
kabaitan
"kabutihan" o "kahinahunan"
kapakumbabaan
"mapagkumbabang kaisipan" o "kababaang-loob ng isipan"
kaamuhan
"kahinayan." Kahinahunan ng kaluluwa tungo sa Diyos kaysa sa panlabas na pagpapahayag ng mga nararamdaman
katiyagaan
"Tibay ng loob" o "mapagtiis"
Magtiyaga sa bawat isa
Magkasamang gumagawa ng may pagkakasunduan at pagmamahal. "Pakisamahan ang bawat isa" o "Pagtiisan ang bawat isa"
may hinaing laban
"sumbong laban" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-abstractnouns/01.md]])
magkaroon kayo ng pag-ibig
"magkaroon ng pag-ibig"
na siyang bigkis ng pagiging isang ganap
"na pinagbigkis tayo ng magkakasama" o "na pinagsasama ng may pagkakasundo"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:15-17
maghari sa inyong mga puso
"may karapatan sa inyong puso"
sa inyong mga puso
Ang salitang "inyong" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
mamuhay
"manahan sa inyo" o "sumainyo"
pagsabihan ninyo ang isa't isa
"balaan ninyo ang bawat isa"
sa pamamagitan ng salmo at himno, at mga awiting espiritwal
"sa lahat ng uri ng mga awitin para purihin ang Diyos"
pasasalamat sa inyong mga puso
"Pusong mapagpasalamat"
sa pamamagitan niya
"sa pamamagitan ng Panginoon Jesus"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:18-21
Nag-uugnay na pahayag:
Pagkatapos, nagbigay ng ilang mga tagubilin si Pablo sa mga asawang babae, asawang lalake, mga anak, mga ama, mga alipin, at mga amo.
Mga asawang babae, magpasakop kayo sa
"mga asawang babae, sumunod"
ito ang nararapat
"ito ay wasto" o "ito ay tama"
huwag maging malupit laban sa
"Huwag maging malupit" o "huwag magalit sa"
sapagkat nakalulugod ito sa Panginoon
"dahil natutuwa ang Panginoon sa tuwing sumusunod kayo sa inyong mga magulang" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-ellipsis/01.md]])
huwag ninyong labis na pagalitan ang inyong mga anak
"Huwag ninyong galitin ang inyong mga anak" o "Huwag kayo gumawa ng ikakagalit ng inyong mga anak"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 3:22-25
sundin ninyo ang inyong mga amo
Ang salitang "inyong" ay tumutukoy sa mga alipin sa Colosas na mga mananampalataya.
sundin ninyo ang inyong mga amo ayon sa laman
"sumunod kayo sa iyong mga amo sa lupa"
hindi lamang kapag may nakakakita
Huwag lang kayong sumunod kapag nakatingin ang inyong mga amo.
magbigay lugod sa mga tao
Ito ang mga tao na gumagawa ng isang bagay para makakuha ng papuri ng ibang tao kaysa sa Panginoon. (UDB)
Anuman ang inyong ginagawa
Ang salitang "inyong" ay tumutukoy sa mga alipin, pero maaring isama ang mga Kristiyano sa Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-inclusive/01.md]])
mula sa kaluluwa
"buong puso" (UDB)
na para sa Panginoon
"para sa Panginoon" (UDB)
gantimpala ng pagkamit
"kabahagi mo sa ipinangako ng Panginoon" (UDB)
gumawa ng hindi matuwid
Ito ay tumutukoy sa sinumang kasalukuyang gumagawa ng ibat-ibang uri ng kamalian (moral, sa lipunan, o pisikal). "sa gumagawa ng mali" o "sa gumagawa ng kasamaan"
tatanggap ng kabayaran
Maaaring isalin na: "mapaparusahan"
wala ditong pinapanigan
"walang tinatangi" o "walang pagtangi"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/03.md]]
Colossians 4
Colossians 4:1
Nag-uugnay na pahayag:
Pakikipag-usap sa mga amo, tinapos na ni Pablo ang pagbibigay ng mga espesyal na mga tagubilin sa bawat tao.
ibigay ninyo sa mga alipin
Ang salitang "ninyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas na may-ari ng mga alipin.
nararapat at makatarungan
Ito ay pahayag para sa mga may-ari na gawin ang tama at kung ano ang makatarungan tungo sa kanilang mga alipin. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-doublet/01.md]])
Panginoon sa langit
Ang Diyos ang kanilang amo, nagpapahiwatig na 1) Ituturing ng Diyos ang mga may-ari ng mga alipin kung paano nila ituturing ang kanilang mga alipin o 2) Kung paano ninyo ituring ang inyong mga alipin, Ang Diyos, ang inyong amo, ay ituturing kayo ng ganun din.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:2-4
Nag-uugnay na pahayag:
Nagpatuloy si Pablo sa pagbibigay ng mga tagubilin sa mga mananampalataya kung paano mamuhay at magsalita.
Taimtim na magpatuloy sa panalangin
"Laging manalangin ng may katapatan" o "Laging manalangin"
para sa amin
Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Pablo at Timoteo pero hindi sa mga mananampalataya sa Colosas. (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-exclusive/01.md]])
magbukas ang Diyos ng pagkakataon
Maaaring isalin na: "Magbibigay ang Diyos ng mga pagkakataon" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-idiom/01.md]])
lihim na katotohanan ni Cristo
Ito ay tumutukoy sa ebanghelyo ni Jesu-Cristo, na hindi naunawaan bago dumating si Cristo.
Dahil dito, iginapos ako
"Ito ay para sa pagpapahayag ng mensahe ni Jesu-Cristo na ako ay nasa bilangguan na ngayon"
manalangin na magawa ko ito ng malinaw gaya ng nararapat kong sabihin
"Ipanalangin ninyo na masabi ko ang mensahe ni Jesu-Cristo ng malinaw kung paano ko ito dapat sabihin"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:5-6
Lumakad sa karunungan para sa
"Maging matalino tungo"
sa mga hindi mananampalataya
"sa mga hindi mananampalataya"
pahalagahan ang pagkakataon
"maging matalino tungkol sa inyong gagawin"
Ang inyong pananalita nawa ay laging may biyaya, na magkalasang asin,
Maaaring isalin na: "Lagi ninyong gawing mapagbigay-loob at kaaya-aya ang inyong pakikipag-usap." (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-metaphor/01.md]])
malaman ninyo kung paano dapat sumagot
"Kailangan ninyong malaman kung paano sumagot sa mga tanong ng sinuman tungkol kay Jesu-Cristo"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:7-9
Nag-uugnay na pahayag:
Tinapos ni Pablo ang espesyal na mga tagubilin tungkol sa ilang tao pati ang mga pagbati sa mga mananampalataya.
magpapaalam ng mga ito sa inyo
"sabihin sa inyo ang lahat nang nangyari sa akin" (UDB)
magpapaalam ng mga ito sa inyo
Ang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
kapwa alipin
"kapwa alipin." Kahit malayang tao si Pablo, nakikita niya ang sarili niya bilang alipin ni Cristo at nakikita si Tiquico na kapwa alipin.
malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin
Ang salitang "amin" ay tumutukoy kay Pablo at sa mga kasama niya sa trabaho pero hindi sa mga mananampalataya sa Colosas.
upang mapalakas niya ang inyong mga puso
"nawa mapalakas kayo" (Tingnan sa: [[https://git.door43.org/Door43/tl_ta/src/master/translate/figs-synecdoche/01.md]])
Onesimo
Si Onesimo ay dating alipin ni Filemon sa Colosas. Nagnakaw siya ng pera mula kay Filemon at pumunta sa Roma kung saan siya ay naging Kristiyano sa pamamagitan ng ministeryo ni Pablo. Ngayon, si Tiquico at Onesimo ang nagdadala ng sulat ni Pablo sa Colosas.
tapat at minamahal na kapatid
Tinuturing ni Pablo si Onesimo na kapwa Kristiyano at lingkod ni Cristo.
Sasabihin nila
"Sasabihin ni Tiquico at Onesimo"
ng nangyari dito
Sasabihin nila sa mga mananampalataya sa Colosas ang lahat ng mga nangyayari kung saan naninirahan si Pablo. Sabi sa tradisyon, si Pablo ay nasa Roma na nakapailalim sa pagbabantay sa kaniya sa bahay o nasa bilangguan.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:10-11
Aristarco
Nasa bilangguan siya sa Efeso kasama si Pablo nang isulat ni Pablo ang liham na ito para sa mga taga-Colosas.
Kung pupunta siya
"kung pupunta si Marcos"
si Jesus na tinatawag din nilang Justu
Ito ang lalaki na gumagawa kasama ni Pablo.
Sila lamang sa pagtutuli ang kapwa ko manggagawa para sa kaharian ng Diyos
"Ang tatlong lalaking ito lamang ang mga mananampalatayang Judio na nagtratrabaho kasama ko para ipahayag ang Diyos bilang hari sa pamamagitan ni Jesu-Cristo" (UDB)
Sila lamang sa pagtutuli
"Ang mga lalaking ito, sina Aristarco, Marcos, at Justu, lamang ang mga tuli"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:12-14
Epafras
Si Epafras ang lalaking nangaral ng ebanghelyo sa mga tao sa Colosas. (Tingnan sa [[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/col/01/07.md]])
Isa siya sa inyo
"mula sa inyong lungsod" o "kababayan ninyo" (UDB)
alipin ni Cristo Jesus
"Isang tapat na alagad ni Jesu-Cristo"
Lagi siyang nagsisikap na manalangin para sa inyo
"masigasig na pananalangin para sa inyo"
upang tumayo kayong ganap at punong-puno ng katiyakan
"upang makatayo kayo ng malago sa pananampalataya at may tiwala sa sarili"
saksi ako sa kaniya, nagpakahirap siyang gumagawa para sa inyo
"Siniyasat ko na nagtratrabaho siya ng maigi para sa inyo" (UDB)
sa mga nasa Laodicea
Ang Iglesiya sa lungsod ng Laodicea. Ang Laodicea ay sobrang lapit sa Colosas.
sa mga nasa Hierapolis
ang Iglesiya sa lungsod ng Hierapolis
Demas
Siya ay isa pang katrabaho ni Pablo.
Bumabati sa inyo
"magbigaypugay sa inyo"
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
Colossians 4:15-18
Batiin mo ang mga kapatid
"Batiin ang mga kapwa mananampalataya"
sa Laodicea
Isang lungsod na sobrang lapit sa Colosas kung saan mayroon ding ibang iglesiya.
Nimfas at sa iglesiya na nasa kaniyang bahay
Isang babae na nagngangalang Nimfas na naghanda ng bahay iglesiya sa Laodicea. Maaaring isalin na: Si Nimfas at ang grupo ng mga mananampalataya na nagkikita sa kaniyang bahay" (UDB)
nabasa sa inyo
Ang salitang "inyo" ay tumutukoy sa mga mananampalataya sa Colosas.
Sabihin ninyo kay Archipus, "Tingnan mo ang gawain na iyong natanggap sa Panginoon, na dapat mong tapusin
Pinaalalahanan ni Pablo si Archipus sa gawain na binigay ng Diyos sa kaniya at si Archipus ay nakapailalim sa pananagutan sa Panginoon na tuparin ito.
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]
[[https://git.door43.org/Door43/tl_bible/src/master/comprehension/col/04.md]]