Tagalog: Tagalog Unlocked Literal Bible

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Mga Hukom

Chapter 1

1 Pagkatapos mamatay ni Josue, ang mga Israelita ay nagtanong kay Yahweh, sa pagsasabing, "Sino ang mamumuno sa amin kapag kami ay sumalakay at nakipaglaban sa mga Cananeo?" 2 Sinabi ni Yahweh, "ang tribo ng Juda ang mamumuno sainyo. Tingnan ninyo, binigyan ko sa sila ng kontrol sa lupaing ito." 3 Sinabi ng pangkat ng mga tao ng Juda sa pangkat ng mga tao ng Simeon, kanilang mga kapatid, "Sumama kayo sa amin sa teritoryong itinalaga sa amin, para sama-sama tayong lumaban sa mga Cananeo. At kami din ay sasama sa inyo, sa teritoryong itinalaga sa inyo." Kaya ang lipi ni Simeon ay sumama sa kanila. 4 Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek. 5 Natagpuan nila si Adoni Bezek sa Bezek, at nakipaglaban sila sa kaniya at tinalo ang mga Cananeo at mga Pherezeo. 6 Pero tumakas si Adoni Bezek, siya ay hinabol nila at nahuli, at pinutol nila ang kaniyang mga hinlalaki sa kamay at mga malalaking daliri sa paa 7 Sinabi ni Adoni Bezek, "Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin." Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay. 8 Ang mga tao ng Juda ay nakipaglaban sa lungsod ng Jerusalem at kinuha ito. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada at ang lungsod ay sinunog nila. 9 Pagkatapos noon, bumaba ang mga lalaki ng Juda para makipaglaban sa mga Cananeo na naninirahan sa burol na bansa, sa Negev, at sa mga mababang burol ng katimugan. 10 Sumalakay ang Juda laban sa mga Cananeo na naninirahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron noong una ay Kiriat Arba), at tinalo nila si Sesai, Ahiman, at Talmai. 11 Mula roon sumalakay ang mga lalaki ng Juda laban sa mga naninirahan ng Debir (Kiriat Sefer ang dating pangalan ng Debir) 12 Sinabi ni Caleb, "Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa." 13 Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya. 14 Di nagtagal ay lumapit si Acsa kay Otniel, at hinimok niya si Otniel na hilingin sa kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Habang pababa siya sa kaniyang asno, tinanong siya ni Caleb, "Ano ang maaari kong gawin para sa iyo?" 15 Sinabi niya sa kaniya, "Bigyan mo ako ng biyaya. Buhat ng paglagay mo sa akin sa lupain ng Negeb, bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig." Kaya binigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas at mga bukal sa ibaba. 16 Umakyat sa Lungsod ng mga Palmera ang mga kaapu-apuhan ng Cineong biyenan ni Moises kasama ang bayan ng Juda, sa ilang saJuda, na nasa Negeb, para manirahan kasama ng mga tao ng Juda na malapit sa Arad. 17 At sumama ang mga lalaki ng Juda sa mga kalalakihan sa Simeon na kanilang mga kapatid at sinalakay ang mga Cananeo na sumakop sa Sefat at winasak ito ng husto. Ang pangalan ng lungsod ay tinawag na Horma. 18 Sinakop din ng mga tao ng Juda ang Gaza at ang lupaing nasa paligid nito, Ashkelon at ang lupaing nasa paligid nito, at Ekron at ang lupaing nasa paligid nito. 19 Si Yahweh ay kasama ng mga tao ng Juda at inangkin nila ang bulubundukin, pero hindi nila napalayas ang mga naninirahan sa mga kapatagan dahil mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma. 20 Ibinigay kay Caleb ang Hebron (gaya ng sinabi ni Moises), at pinalayas niya roon ang tatlong anak na lalaki ni Anak. 21 Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito. 22 Naghahanda ang sambahayan ni Jose para salakayin ang Betel, at kasama nila si Yahweh. 23 Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz). 24 Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, "Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo. 25 Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo. 26 At ang lalaki ay pumunta sa lupain ng mga anak ni Het at nagtayo ng isang lungsod at tinawag itong Luz, na pangalan nito sa araw na ito. 27 Hindi pinalayas ng mga tao ng Manases ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Bet San at ang mga nayon nito, o Taanac at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Dor at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Ibleam at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Megido at ang mga nayon nito, dahil determinado ang mga Cananeo na manirahan sa lupaing iyan. 28 Nang maging malakas ang Israel, pinilit nila ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, pero hindi nila kailanman sila ganap na pinalayas. 29 Hindi pinalayas ng Efraim ang mga Cananeong naninirahan sa Gezer, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo sa Gezer kasama nila. 30 Hindi pinalayas ng Zabulun ang mga taong naninirahan sa Kitron, o ang mga taong naninirahan sa Nahalol, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila, pero pinilit ng Zabulun ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mabigat na trabaho. 31 Hindi pinalayas ng Aser ang mga taong naninirahan sa Acco, o ang mga taong naninirahan sa Sidon, o ang mga naninirahan sa Alab, Aczib, Helba, Apik, o Rehob. 32 Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanirahan sa lupain), dahil sila'y hindi nila pinalayas. 33 Hindi pinalayas ng lipi ni Neftali ang mga naninirahan sa Bet-semes, o ang mga naninirahan sa Bet Anat. Kaya nanirahan ang lipi ni Neftali kasama ang mga Cananeo (ang mga taong naninirahan sa lupaing iyon). Gayunpaman, ang mga naninirahan sa Bet-semes at Bet Anat ay sapilitang pinagtrabaho ng mabigat para sa Neftali. 34 Pinilit ng mga Amoreo ang lipi ni Dan na manirahan sa burol na bansa, sila ay hindi pinahihintulutang bumaba sa kapatagan. 35 Kaya nanirahan ang mga Amoreo sa Bundok ng Heres, sa Aijalon, at sa Shaalbim, pero sinakop sila ng lakas ng mga hukbo ng sambahayan ni Jose, at sila ay sapilitang naglingkod sa kanila ng pagtatrabaho ng mabigat. 36 Umabot ang hangganan ng mga Amoreo mula sa burol ng Akrabbim sa Sela pataas sa bulubundukin.

Chapter 2

1 Umakyat ang anghel ni Yahweh mula sa Gilgal patungo Bochim at sinabing, "Kinuha ko kayo mula sa Ehipto, at dinala kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ama. Sinabi ko na, 'hindi ko kailanman sisirain ang aking tipan sa inyo. 2 Hindi kayo dapat gumawa ng kasunduan sa mga naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar.' Subalit hindi kayo nakinig sa aking tinig. Ano itong ginawa ninyo? 3 Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'" 4 Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao. 5 Tinawag nilang Bochim ang lugar na iyon. Doon ay naghandog sila ng mga alay kay Yahweh. 6 Ngayon nang pinahayo ni Josue ang mga tao sa kanilang landas, ang bayan ng Israel ay pumunta sa lugar na itinalaga, para ariin ang kanilang lupain. 7 Naglingkod kay Yahweh ang bayan sa buong buhay ni Josue at ng mga nakakatanda na namuhay nang higit na matagal kaysa sa kaniya, silang mga nakakita ng lahat na dakilang gawa ni Yahweh para sa Israel. 8 Si Josue na anak ni Nun na lingkod ni Yahweh, ay namatay sa gulang na 110 taon. 9 Inilibing nila si Josue sa hangganan ng lupaing nakatalaga sa kaniya sa Timnat Heres, sa bulubundukin ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaas. 10 Ang buong salinlahi ay nagtipon din sa kanilang mga ama. At ang isa pang salinlahing nagsitanda pagkatpos nilang hindi makakilala kay Yahweh o sa mga ginawa niya para sa Israel. 11 Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal. 12 Humiwalay sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ama, na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto. Sumunod sila sa ibang diyus-diyosan, sa mga diyus-diyosan ng mga taong nasa palibot nila, at nagpatirapa sila sa kanila. Kanilang ginalit si Yahweh dahil 13 humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret. 14 Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway. 15 Saanman magtungo ang Israel para lumaban, ang kamay ni Yahweh ay laban sa kanila para matalo sila, gaya ng kaniyang isinumpa sa kanila. At sila'y nasa matinding kapighatian. 16 Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian. 17 Gayunma'y hindi sila nakinig sa kanilang mga hukom. Sila ay hindi tapat kay Yahweh at ibinigay ang kanilang mga sarili tulad ng mga bayarang babae sa ibang mga diyus-diyosan at sumamba sa kanila. Sa madaling panahon ay lumihis sila mula sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ama—iyong mga sumunod sa mga utos ni Yahweh—pero sila mismo ay hindi ito ginawa. 18 Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila. 19 Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan. 20 Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel; kaniyang sinabi, "Dahil sinuway ng bansang ito ang mga alituntunin ng aking tipang itinatag ko para sa kanilang mga ama—dahil hindi sila nakinig sa aking tinig— 21 mula ngayon, hindi ko na itataboy mula sa harapan nila ang alinman sa mga bansang iniwan ni Josue nang namatay siya. 22 Gagawin ko ito para subukin ang Israel, kung susunod sila sa paraan ni Yahweh at lalakad dito o hindi, tulad ng pagsunod dito ng kanilang mga ama." 23 Iyan ang dahilan kung bakit itinira ni Yahweh ang mga bansang iyon at hindi niya sila itinaboy agad, at kung bakit hindi niya pinayagang sakupin sila ni Josue.

Chapter 3

1 Ngayon ay hinayaan ni Yahweh ang mga bansa na subukin ang Israel, lalo na ang lahat sa Israel na hindi nakaranas ng anumang digmaan sa Canaan. 2 (ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.): 3 ang limang hari mula sa Palestina, lahat ng mga Cananeo, ang mga Sidoneo, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon, mula sa Bundok Baal Hermon patungong Pasong Hamat. 4 Ang mga bansang ito ay inawanan para masubok ni Yahweh ang Israel, para patunayang kung susundin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises. 5 Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo. 6 Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan. 7 Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at kinalimutan si Yahweh na kanilang Diyos. Sinamba nila ang mga Baal at ang mga Asera. 8 Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim. 9 Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb). 10 Siya ay binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh, pinangunahan niya ang Israel at siya ay nakipagdigma. Binigyan siya ni Yahweh ng tagumpay laban kay Cushanrishataim na hari ng Aram. Ito ang kapangyarihan ni Otniel na tumalo kay Cushanrishataim. 11 Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay. 12 Muling sumuway ang bayan ng Israel kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay, at nakita niya ang kanilang ginawa. Kaya binigyan ni Yahweh ng lakas si Eglon ang hari ng Moab sa kaniyang pagsalakay laban sa Israel, dahil nakagawa ang Israel ng mga bagay na masama gaya ng napansin ni Yahweh. 13 Sumali si Eglon sa mga Ammonita at mga Amalekita at nagpunta sila at tinalo ang Israel, at inangkin nila ang Lungsod ng mga Palma. 14 Naglingkod ang bayan ng Israel kay Eglon na hari ng Moab sa loob ng walumpung taon. 15 Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab. 16 Gumawa ng isang espadang may dalawang talim si Ehud para sa kaniyang sarili, isang kubit sa haba; itinali niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa kanang hita. 17 Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.) 18 Matapos ihandog ni Ehud ang pugay na pambayad, umalis siya kasama ang mga nagdala nito. 19 Gayunman, para kay Ehud nang marating niya ang lugar kung saan ginawa ang mga inukit na larawan malapit sa Gilgal, siya ay bumalik at sinabi, "Mayroon akong lihim na mensahe para sa iyo, aking hari." Sinabi ni Eglon, "Tumahimik ka" Kaya umalis sa silid ang lahat ng naglilingkod sa kaniya. 20 Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, "Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo." Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan. 21 Si Ehud ay bumunot gamit ang kaliwang kamay at kinuha ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa katawan ng hari. 22 At bumaon pati ang hawakan ng espada kasunod ng talim, na ang dulo ay tumagos sa kaniyang likuran, at sumara ang taba sa talim, dahil hindi binunot ni Ehud ang espada mula sa kaniyang katawan. 23 Pagkatapos lumabas si Ehud sa balkonahe at isinara ang mga pintuan ng silid sa itaas sa kaniyang likuran at kinandado ang mga ito. 24 Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, "Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas." 25 Lubha silang nag-alala hanggang sa naramdaman nilang nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin kapag hindi parin bubuksan ng hari ang mga pintuan ng silid sa itaas. Kaya kinuha nila ang susi at binuksan ang mga ito, at doon nakahiga ang kanilang amo, nakahandusay sa sahig, patay na. 26 Habang naghihintay ang mga lingkod, nag-iisip kung ano ang kanilang gagawin, tumakas si Ehud at dumaan sa ibayo ng lugar kung saan may inukit na larawan ng mga diyus-diyosan, at siya ay tumakas patungong Seira. 27 Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya. 28 Sinabi niya sa kanila, "Sumunod kayo sa akin, dahil malapit nang talunin ni Yahweh ang inyong mga kaaway, ang mga Moabita." Sumunod sila sa kaniya at binihag ang mga mababaw na bahagi ng Jordan sa kabila mula sa mga Moabita, at hindi nila pinahihintulan ang sinuman na tumawid sa ilog. 29 Nang panahong iyon nakapatay sila ng humigit kumulang sa sampung libong kalalakihan ng Moab, at ang lahat ay malakas at mahuhusay na mga lalaki. Walang isa mang nakatakas. 30 Kaya nang araw na iyon napasuko ang Moab sa pamamagitan ng lakas ng Israel. At nagkaroon ng kaginhawaan ang lupain sa loob ng walumpung taon. 31 Pagkatapos ni Ehud ang sumunod na hukom ay si Shamgar anak na lalaki ni Anat na pumatay ng 600 kalalakihan ng mga Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na ginagamit para magtaboy ng mga baka. Iniligtas din niya ang Israel mula sa panganib.

Chapter 4

1 Matapos mamatay ni Ehud, muling sinuway ng bayan ng Israel si Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng masasamang bagay, at nakita niya kung ano ang ginawa nila. 2 Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil. 3 Tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh para sa tulong, dahil mayroong siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma si Sisera at inapi niya ang bayan ng Israel sa loob ng dalawampung taon. 4 Ngayon si Debora, isang babaeng propeta (asawa ni Lappidot), ay isang nangungunang hukom sa Israel nang panahong iyon. 5 Madalas siyang nakaupo sa ilalim ng palmera ni Debora sa pagitan ng Rama at Betel sa bulubundukin ng Efraim, at lumalapit sa kaniya ang mga tao ng Israel para lutasin ang kanilang mga alitan. 6 Ipinatawag niya si Barak na anak ni Abinoam mula sa Kedes sa Neftali. Sinabi niya sa kaniya, "Inuutusan ka ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pumunta ka sa Bundok Tabor, at magsama ng sampung libong kalalakihan mula sa Neftali at Zebulun. 7 Palalabasin ko si Sisera, na pinuno ng hukbo ni Jabin, para salubungin kayo sa ilog ng Kison, kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at kaniyang hukbo, at bibigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya.'" 8 Sinabi ni Barak sa kaniya, "Kung sasama ka sa akin, pupunta ako, pero kung hindi ka sasama sa akin, hindi ako pupunta." 9 Sinabi niya, "Talagang sasama ako sa iyo. Gayunman, ang landas na dadaanan mo ay hindi maghahatid sa iyong karangalan, dahil gagawin ni Yahweh na talunin si Sisera ng isang babae sa pamamagitan ng kaniyang lakas." Pagkatapos tumayo si Debora at sumama kay Barak sa Kedes. 10 Tinawag ni Barak ang mga kalalakihan ng Neftali para magtipon sa Kedes. Sampung libong kalalakihan ang sumama sa kaniya, at sumama sa kanya si Debora. 11 Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes. 12 Nang sinabihan nila si Sisera na umakyat si Barak sa Bundok Tabor, 13 tinipon ni Sisera ang kaniyang mga karwaheng pandigma, siyamnaraang bakal na karwaheng pandigma, at lahat ng mga sundalong kasama niya, mula sa Haroset ng mga Hentil patungo sa Ilog Kison. 14 Sinabi ni Debora kay Barak, "Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?" Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya. 15 Ginawa ni Yahweh na malito ang hukbo ni Sisera, ang lahat ng kaniyang mga karwaheng pandigma, at lahat ng kaniyang hukbo. Sinalakay sila ng mga tauhan ni Barak at bumaba si Sisera sa kaniyang karwaheng pandigma at tumakbo. 16 Pero tinugis ni Barak ang mga karwaheng pandigma at ang hukbo patungo sa Haroset ng mga Hentil, at ang buong hukbo ni Sisera ay namatay sa pamamagitan ng talim ng espada, at wala ni isa mang nakaligtas. 17 Pero tumakbo palayo si Sisera patungo sa tolda ni Jael, na asawa ni Heber na Kenita, dahil mayroong kapayapaan sa pagitan ni Jabin na hari ng Hazor at ng sambahayan ni Heber na Kenita. 18 Lumabas si Jael para salubungin si Sisera at sinabi sa kaniya, "Lumapit ka, aking panginoon; lumapit ka patungo sa akin at huwag matakot." Kaya lumapit si Sisera patungo sa kaniya at pumasok sa kaniyang tolda at siya ay tinakpan niya ng isang kumot. 19 Sinabi niya sa kaniya, "Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig na maiinom, dahil ako ay nauuhaw." Binuksan niya ang isang balat na supot ng gatas at binigyan siya ng inumin, at siya'y tinakpan niyang muli. 20 Sinabi niya sa kaniya, "Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'." 21 Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay. 22 Habang hinahabol ni Barak si Sisera, lumabas si Jael para salubungin siya at sinabi sa kaniya, "Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo." Kaya sumama siya sa kaniya, at naroon nakabulagtang patay si Sisera, na ang pakong kahoy ng tolda ay nasa tagiliran ng kaniyang ulo. 23 Kaya sa araw na iyon tinalo ng Diyos si Jabin, ang hari ng Canaan, sa harapan ng mga tao ng Israel. 24 Ang lakas ng mga tao ng Israel ay tumindi nang tumindi laban kay Jabin ang hari ng Canaan, hanggang sa siya ay wasakin nila.

Chapter 5

1 Sa araw na inawit ni Debora at Barak anak ni Abinoam ang awiting ito: 2 "Kapag nanguna ang mga pinuno sa Israel, kapag masayang nagkusa sumama ang mga tao para sa digmaan— pinupuri namin si Yahweh! 3 Makinig sa akin, kayo mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno, ako ay aawit kay Yahweh; aawit ako ng mga papuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 4 Yahweh, nang lumisan ka mula sa Seir, nang lumakad ka mula sa Edom, nayanig ang mundo, at nanginig ang kalangitan; nagbuhos din ng tubig ang ulap. 5 Nayanig ang mga bundok sa harapan ng mukha ni Yahweh; kahit ang Bundok ng Sinai ay nayanig sa harapan ng mukha ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. 6 Sa kapanahunan ni Shamgar (anak na lalaki ni Anat), sa kapanahunan ni Jael, napabayaan ang mga pangunahing kalsada, at ang mga lumalakad ay ginagamit lamang ang mga liko-likong daan. 7 Walang mga manggagawa sa Israel, hanggang sa Ako, si Debora, ang nag-uutos— nag-uutos ang isang ina sa Israel! 8 Pinili nila ang bagong mga diyus-diyosan, at nagkaroon ng labanan sa mga tarangkahan ng lungsod; ni walang mga kalasag o sibat ang makikita sa apatnapung libo sa Israel. 9 Nakikiisa ang aking puso sa mga namumuno ng Israel, kasama ang mga tao na masayang nagkusang loob— pinuri namin si Yahweh para sa kanila! 10 Pag-isipan ninyo ang tungkol dito—kayong sumasakay sa mga puting asno na nakaupo sa mga mamahaling piraso ng tela para upuan, at kayong naglalakad sa daan. 11 Pakinggan ang mga tinig ng mga umaawit sa igiban ng tubig. Doon sinabi nilang muli ang makatuwirang mga ginawa ni Yahweh, at ang matuwid na mga kinikilos ng kaniyang mga mandirigma sa Israel. Pagkatapos bumaba ang mga tao ni Yahweh sa mga tarangkahang lungsod. 12 Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam. 13 Pagkatapos bumaba ang mga nakaligtas sa mga maharlika— bumaba ang mga tao ni Yahweh sa akin kasama ng mga mandirigma. 14 Dumating sila mula sa Efraim, na ang pinagmulan ay nasa Amalec; sumunod ang mga tao ng Benjamin sa inyo. Bumaba ang mga namumuno mula sa Macir, at ang mga nagbitbit ng isang tungkod ng opisyal mula sa Zebulun. 15 At kasama ni Debora ang aking mga prinsipe sa Isacar, at kasama ni Isacar si Barak na nagmamadaling sumunod sa kaniya patungo sa lambak sa ilalim ng kaniyang utos. May matinding pagsasaliksik ng puso sa mga angkan ni Ruben. 16 Bakit kayo umupo sa pagitan ng mga pugon, nakikinig sa mga pastol na tumutugtog ng kanilang mga tipano para sa kanilang mga kawan? Para sa mga angkan ni Ruben ay may dakilang pagsasaliksik ng puso. 17 Nanatili si Galaad sa kabilang dako ng Jordan; at Dan, bakit siya lumibot gamit ang mga barko? Nanatili si Aser sa baybayin at nanirahan malapit sa kaniyang mga daungan. 18 Isang lipi si Zebulun na inilagay sa panganib ang kanilang buhay na halos dumating sa kamatayan, at si Nephtali, rin, sa larangan ng digmaan. 19 Dumating ang mga hari at nakipaglaban, pagkatapos nakipaglaban ang mga hari ng Canaan, sa Taanac sa pamamagitan ng mga tubig sa Megido. Pero hindi sila nakakuha ng pilak bilang manloloob. 20 Nakipaglaban ang mga bituin mula sa langit, mula sa kanilang landas sa ibayo ng mga kalangitan nakipaglaban sila laban kay Sisera. 21 Tinangay sila ng Ilog Kison palayo, ang matandang ilog na iyan, ang Ilog Kison. Magmartsa ka aking kaluluwa, maging matatag! 22 At ang tunog ng paa ng mga kabayo— pumapadyak, ang pagpadyak ng kaniyang mga makapangyarihan. 23 'Isumpa ang Meroz!' sinasabi ng anghel ni Yahweh. 'Tiyaking isumpa ang mga nanirahan dito! — dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh— para tulungan si Yahweh sa digmaan laban sa malakas na mga mandirigma.' 24 Pinagpala si Jael higit sa lahat ng mga babae, si Jael (ang asawa ni Heber ang Cineo), mas pinagpala siya kaysa sa lahat ng ibang babaeng nanirahan sa mga tolda. 25 Humingi ang lalaki ng tubig, at siya ay binigyan niya ng gatas; dinalhan niya ng mantikilya sa isang pinggan para sa mga prinsipe. 26 Inilagay niya ang kaniyang kamay sa pakong kahoy ng tolda, at ang kaniyang kanang kamay sa martilyo ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng martilyo pinalo niya si Sisera, dinurog niya ang kaniyang ulo. Pinalo niya ang kaniyang bungo hanggang magkapira-piraso nang pinalo niya ang gilid ng kaniyang ulo. 27 Bumagsak siya sa pagitan ng kaniyang paa, natumba siya at nahiga siya roon. Sa pagitan ng kaniyang paa naramdaman niya ang pamamanhid. Ang lugar na kaniyang pinagbagsakan ay kung saan marahas siyang pinatay. 28 Sa labas ng isang bintana tumingin siya — tumingin ang ina ni Sisera mula sa sala-sala at sumigaw siya sa lubos na kalungkutan 'Bakit napakatagal dumating ng kaniyang karwahe? Bakit natagalan ang tunog ng mga paa ng mga kabayong humihila ng kaniyang mga karwahe?' 29 Sumagot ang kaniyang mga pinakamatalinong prinsesa, at ibinigay niya ang kaniyang parehong sagot: 30 'Hindi ba nila natagpuan at hinati ang mga nakuha sa panloloob? —Ang sinapupunan, ang dalawang sinapupunan para sa bawat lalaki; ang nakuha sa panloloob na tininang damit para kay Sisera, ang nadarambong na tininang damit na burdado, ang dalawang tininang damit na burdado para sa mga leeg ng manloloob?' 31 Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas." At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.

Chapter 6

1 Ang bayan ng Israel ay gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, at sila'y inilagay niya sa ilalim ng kapangyarihan ng Midianita ng pitong taon. 2 Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan. 3 Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita. 4 Inilalagay nila ang kanilang mga sundalo sa lupain at winawasak ang mga pananim, hanggang sa Gaza. Wala silang itinitirang pagkain sa Israel, walang tupa, ni mga baka, o mga asno. 5 Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito. 6 Pinahina ng Midianita ang mga Israelita ng napakatindi na ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh. 7 Nang tumawag ang mga tao ng Israel kay Yahweh dahil sa Midian, 8 nagpadala ng isang propeta si Yahweh sa mga tao ng Israel. Sinabi ng propeta sa kanila, "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Dinala ko kayo mula Ehipto, inalis ko kayo mula sa tahanan pagkaka-alipin. 9 Sinagip ko kayo mula sa kapangyarihan ng mga taga Ehipto, at mula sa kapangyarihan ng lahat ng mga nagpapahirap sa inyo. Pinalayas ko sila sa inyong harapan, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain. 10 Sinabi ko sa inyo, "Ako si Yahweh na inyong Diyos; inutusan ko kayo na huwag sambahin ang mga diyus-diyosan ng mga Amoreo, na ang lupain ay inyong tinirahan." Pero hindi ninyo sinunod ang tinig ko.'" 11 Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita. 12 Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, "Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!" 13 Sinabi ni Gideon sa kaniya, "O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian." 14 Tumingin si Yahweh sa kaniya at sinabing, "Pumunta ka sa lakas na mayroon ka. Iligtas ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Midianita. Hindi kita ipinadala?" 15 Sinabi ni Gideon sa kaniya, "Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama." 16 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Ako ay sasama sa iyo, at iyong matatalo ang buong hukbo ng Midianita." 17 Sinabi ni Gideon sa kaniya, "Kung ikaw ay nasisiyahan sa akin, kung gayon bigyan mo ako ng isang palatandaan na ikaw ang siyang nakikipag-usap sa akin. 18 Pakiusap, huwag kang umalis dito, hanggang ako ay pumunta sa iyo at mag-dala ng aking handog at inilagay ito sa harapan mo." Sinabi ni Yahweh, "Ako ay maghihintay hanggang ikaw ay makabalik." 19 Pumunta si Gideon at nag-handa ng isang batang kambing at mula sa isang epha ng harina gumawa siya ng tinapay na walang lebadura. Nilagay niya ang karne sa isang basket, at nilagay niya ang sabaw sa isang palayok at dinala ang mga ito sa kaniya sa ilalim ng punong igos, at inihandog ang mga ito. 20 Sinabi ng anghel ng Diyos sa kaniya, "Dalhin ang karne at ang tinapay na walang lebadura at ilagay ang mga ito sa batong ito, at ibuhos ang sabaw sa ibabaw ng mga ito." At ginawa iyon ni Gideon. 21 Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay iniabot ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay. Sa pamamagitan nito dinampian ang laman at ang tinapay na walang lebadura; lumabas ang isang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay umalis palayo at hindi na siya makita ni Gideon. 22 Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, "O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!" 23 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay." 24 Kaya gumawa doon si Gideon ng isang altar para kay Yahweh. Tinawag niya itong, "Si Yahweh ay Kapayapaan." Hanggang sa araw na ito nakatayo parin ito sa Ofra ng lahing Abiezrita. 25 Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Kunin ang toro ng iyong ama, at ang pangalawang toro na labimpitung taong gulang, at tanggalin ang altar ni Baal na pag-aari ng iyong ama, at putulin ang Asera na nasa tabi nito. 26 Gumawa ng isang altar kay Yahweh na iyong Diyos sa tuktok ng lugar ng kanlungan na ito, at gawin ito sa tamang paraan. Ialay ang pangalawang toro bilang isang handog na susunugin, gamit ang kahoy mula sa Asera na iyong pinutol." 27 Kaya si Gideon ay kumuha ng sampu sa kaniyang mga lingkod at ginawa kung ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniya. Dahil masyado siyang natakot sa sambahayan ng kaniyang ama at ang kalalakihan ng bayan para gawin ito sa umaga, ginawa niya ito sa gabi. 28 Kinabukasan nang bumangon ang kalalakihan ng bayan, ang altar ni Baal ay nawasak, at ang Asera na nasa tabi nito ay nabuwal, at ang pangalawang toro na inalay sa altar na naisagawa. 29 Sinabi ng kalalakihan ng lungsod sa isa't-isa, "Sino ang gumawa nito?" Nang kinausap nila ang iba at naghanap ng kasagutan, sinabi nila, "Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa ng bagay na ito." 30 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng bayan kay Joas, "Dalhin palabas ang iyong anak na lalaki para siya ay mailagay sa kamatayan, dahil winasak niya ang altar ni Baal, at binuwal niya ang Asera sa tabi nito." 31 Sinabi ni Joas sa lahat ng tumututol sa kaniya, "Pakikiusapan ba ninyo ang kaso para kay Baal? Kayo ba ang magliligtas sa kaniya? Sinuman ang magmaka-awa sa kaso para sa kaniya, hayaan siyang malagay sa kamatayan habang umaga pa. Kung si Baal ay isang diyos, hayaan siyang ipagtanggol ang kaniyang sarili kapag winasak ng sinuman ang kaniyang altar." 32 Kaya sa araw na iyon si Gideon ay binigyan ng pangalang, "Jeru Baal", dahil sinabi niya, "Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kaniyang sarili laban sa kaniya," dahil winasak ni Gideon ang kaniyang altar. 33 Ngayon ang lahat ng mga Midianita, ang mga Amalekita, at ang mga tao sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila ng Jordan at nag-kampo sa lambak ng Jezreel. 34 Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya. 35 Nagpadala siya ng mga sugo sa buong Manases, at sila rin, ay tinawag para sumunod sa kanya. Siya rin ay nagpadala ng mga sugo sa Asher, Zebulun, at Neftali, at pumunta sila para makipagkita sa kaniya. 36 Sinabi ni Gideon sa Diyos, "Kung binabalak mo akong gamitin para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo— 37 Tingnan mo, inilalagay ko ang isang tela na gawa sa balahibo ng tupa sa giikang palapag. Kapag merong hamog sa balahibo ng tupa lamang, at tuyo sa lahat ng lupa, kung gayon malalaman ko na gagamitin mo ako para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo." 38 Ito ang nangyari—Bumangon si Gideon ng maaga nang sumunod na araw, piniga niyang sabay ang balahibo ng tupa, at piniga ang hamog mula sa balahibo ng tupa, tama lamang para punuin ang isang mangkok ng tubig. 39 Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, "Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito." 40 Ginawa ng Diyos ang anumang kaniyang hiningi para sa gabing iyon. Ang balahibo ng tupa ay tuyo, at mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.

Chapter 7

1 Pagkatapos si Jerub Baal (iyon ay, si Gideon) bumangon nang maaga at lahat ng mga taong kasama niya at nagkampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Ang kampo ng Midian ay nasa hilaga nila sa lambak na malapit sa burol ng More. 2 Sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Napakaraming sundalo sa akin para mabigyan kita ng tagumpay laban sa mga Midianita. Tiyaking hindi magmamayabang ang Israel laban sa akin, sa pagsasabing, 'Iniligtas tayo ng ating sariling kapangyarihan.' 3 Kaya ngayon, ihayag sa mga tainga ng mga tao at sabihin, 'Sinuman ang takot, sinuman ang nanginginig, hayaan siyang bumalik at umalis mula sa Bundok ng Galaad." Kaya dalawampu't dalawang libong tao ang umalis at sampung libo ang nanatili. 4 Sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Napakarami pa rin ng mga tao. Dalhin sila pababa sa tubig at gagawin kung mas kaunti ang kanilang bilang para sa iyo roon. Kung sabihin ko sa iyo. 'Sasama sa iyo itong isa,' sasama siya sa iyo; pero kung sasabihin ko, 'Hindi sasama sa iyo ang isang ito,' hindi siya sasama." 5 Kaya dinala ni Gideon ang mga tao sa tubig at sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Ihiwalay ang bawat isang sumalok ng tubig at uminom, gaya ng pagdila ng isang aso, mula sa sinumang lumuhod para uminom." 6 Tatlong daang kalalakihan ang dumila. Ang natirang mga kalalakihan ay lumuhod para uminom ng tubig 7 Sinabi ni Yahweh kay Gideon, "Sa pamamagitan ng tatlong daang kalalakihan sumalok at uminom, ililigtas ko kayo at bibigyan ng tagumpay laban sa mga Midianita. Hayaang bumalik ang ibang mga kalalakihan sa kani-kanilang lugar." 8 Kaya ang mga napili ay kumuha ng kanilang mga pangangailangan at kanilang mga trumpeta. Pinauwi ni Gideon ang mga lalaki ng Israel, bawat lalaki sa kaniyang tolda, pero pinanatili niya ang tatlong daang kalalakihan. Ngayon ang kampo ng Midianita ay nasa baba niya sa lambak. 9 Sa parehong gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Bangon! Lusubin ang kampo, dahil ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban dito. 10 Pero kung natatakot kang bumaba, bumaba ka sa kampo kasama si Pura na iyong lingkod 11 at makinig sa kanilang sinasabi at mapapalakas ang iyong loob para lusubin ang kampo. "Kaya pumunta si Gideon kasama si Purah na kaniyang lingkod, pababa sa puwesto ng tagabantay ng kampo. 12 Nanatili sa tabi ng lambak ang mga Midianita, ang mga Amalekita at lahat ng tao ng silangan, singkapal ng ulap ng mga balang. Higit pa sa kayang bilangin ang kanilang mga kamelyo; higit na marami ang bilang nila kaysa sa mga butil ng buhangin sa baybayin. 13 Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, "Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito." 14 Sinabi ng ibang lalaki, "Walang iba ito kundi ang espada ni Gideon (anak na lalaki ni Joas), ang Israelita. Binigyan siya ng Diyos ng tagumpay laban sa Midian at sa lahat ng kanilang mga hukbo." 15 Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, "Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian." 16 Hinati niya ang tatlong daang kalalakihan sa tatlong pangkat at ibinigay sa kanila ang lahat ng mga trumpeta at ang mga tapayang walang laman, na may sulo sa loob ng bawat tapayan. 17 Sinabi niya sa kanila, "Tumingin kayo sa akin at sundin kung ano ang aking gagawin. Masdan ninyo! Kapag dumating ako sa dulo ng kampo, dapat ninyong gawin kung ano ang aking gagawin. 18 Kapag hihipan ko ang trumpeta, ako at ang lahat ng aking kasama, sa gayon hihipan ninyo rin ang inyong mga trumpeta sa bawat sulok ng buong kampo at sumigaw, 'Para kay Yahweh at kay Gideon!'" 19 Kaya dumating si Gideon at ang isandaang lalaki na kasama niya sa bawat sulok ng kampo, sa pagsisimula ng kalagitnaang pagbabantay. Habang nagpapalit ng mga tagabantay ang mga Midianita, hinipan nila ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayang nasa kanilang mga kamay. 20 Hinipan ng tatlong pangkat ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayan. Hinawakan nila ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay at mga trumpeta sa kanang kamay para hipan ang mga ito. Sumigaw sila, "Ang espada ni Yahweh at ni Gideon," 21 Tumayo ang bawat lalaki sa kaniyang lugar sa palibot ng kampo at nagsitakbuhan ang lahat ng mga hukbo ng Midianita. Sumigaw sila at tumakbo palayo. 22 Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata. 23 Nagtipon ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Neftali, Asher at buong Manases at hinabol nila ang Midian. 24 Nagpadala si Gideon ng mga mensahero sa lahat ng mga burol ng Efraim, sa pagsasabing, "Bumaba laban sa Midian at pigilan ang Ilog Jordan, hanggang sa layo ng Beth Bara, para pigilan sila. Kaya sama-samang nagtipon ang mga kalalakihan ng Efraim at pinigilan ang mga tubig, hanggang sa layo ng Beth Bara at ng Ilog Jordan. 25 Nabihag nila ang dalawang prinsipe ng Midian, sina Oreb at Zeeb. Pinatay nila si Oreb sa bato ng Oreb, at pinatay nila si Zeeb sa pigaan ng ubas ng Zeeb. Hinabol nila ang mga Midianita at dinala nila ang mga ulo nina Oreb at Zeeb kay Gideon, na nasa kabilang ibayo ng Jordan.

Chapter 8

1 Sinabi ng mga kalalakihan ng Efraim kay Gideon, "Ano ba itong ginawa mo sa amin? Hindi mo kami tinawag nang nakipaglaban ka sa mga Midian." At marahas na nakipagtalo sila sa kaniya. 2 Sinabi niya sa kanila, "Ano ba ang aking ginawa ngayon na maihahambing na ikukumpara sa inyo? Hindi ba na ang tinipong mga ubas ng Efraim ay mas mabuti sa inaning ubas ni Abiezer? 3 Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?" Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya. 4 Dumating si Gideon sa Jordan at tumawid dito, siya at ang tatlong daang kalalakihang kasama niya. Sila ay pagod na pagod, pero nagpatuloy pa rin sila sa pagtugis. 5 Sinabi niya sa mga kalalakihan ng Sucot, "Pakiusap bigyan mo ng tinapay ang mga taong sumusunod sa akin, dahil sila ay pagod na pagod at tinutugis ko sina Zeba at Zalmunna, ang mga hari ng Midinanita." 6 At sinabi ng mga pinuno ng Suco, "Ang mga kamay ba nina Zeba at Zalmuna ay nasa inyong mga kamay ngayon? Hindi ko alam kung magbibigay kami ng tinapay sa iyong mga hukbo" 7 Sinabi ni Gideon, "Kapag ibinigay ni Yahweh sa amin ang tagumpay laban kay Zeba at Zalmunna, pupunitin ko ang inyong laman gamit ang tinik sa disyerto at dawag." 8 Umakyat siya mula roon patungong Penuel at nagsalita sa mga tao roon sa parehong paraan, pero sumagot ang mga kalalakihan ng Penuel gaya ng pagsagot ng mga kalalakihan ng Sucot sa kaniya. 9 Nagsalita rin siya sa mga tao ng Penuel at sinabi, "Kapag dumating ako na may kapayapaan, pababagsakin ko ang toreng ito." 10 Ngayon sina Zeba at Zalmuna ay nasa Karkor, kasama nila ang kanilang mga hukbo, mga labinlimang libong kalalakihan, lahat ng mga nanatili mula sa buong hukbo ng mga tao ng silangan. Dahil doon 120, 000 ang bumagsak na kalalakihan na sinanay para lumaban gamit ang espada. 11 Umakyat si Gideon sa kampo ng kaaway at tinahak ang Daan ng Nomad, lagpas Noba at Jogbeha. Tinalo niya ang hukbo ng kaaway, dahil hindi nila inaasahan ang paglusob. 12 Tumakas sina Zeba at Zalmuna, habang hinahabol sila ni Gideon, nahuli niya ang dalawang hari ng Midian—sina Zeba at Zalmuna—at nagkagulo ang buong hukbo nila. 13 Bumalik mula sa labanan si Gideon, anak na lalaki ni Joas papunta sa pasong Heres. 14 Nakasalubong niya ang isang binata sa bayan ng Sucot at humingi ng payo mula sa kaniya. Inilarawan sa kaniya ng binata ang mga pinuno ng Sucot at mga nakatatanda, pitumpu't pitong kalalakihan. 15 Dumating si Gideon sa mga kalalakihan ng Sucot at sinabing, "Tingnan sina Zeba at Zalmuna, sa kanilang ninyo ako kinutya at sa pagsasabing, 'Nalupig na ba ninyo sina Zeba at Zalmunna? Hindi namin alam na dapat kaming magbigay ng tinapay sa inyong hukbo.'" 16 Kinuha ni Gideon ang mga nakatatanda ng lungsod at pinarusahan ang mga kalalakihan ng Sucot sa pamamagitan ng disyertong mga tinik at mga dawag. 17 At pinabagsak niya ang tore ng Penuel at pinatay ang mga kalalakihan ng lungsod na iyon. 18 Pagkatapos sinabi ni Gideon kina Zeba at Zalmuna, "Anong uri ng mga lalaki ang inyong pinatay sa Tabor?" Sumagot sila, "Gaya mo, gayon din sila. Bawat isa sa kanila ay tulad ng anak na lalaki ng isang hari." 19 Sinabi ni Gideon, "Sila ay aking mga kapatid na lalaki, ang mga anak na lalaki ng aking ina. Habang nabubuhay si Yahweh, kung iniligtas ninyo sila ng buhay, hindi ko kayo papatayin." 20 Sinabi niya kay Jeter (kaniyang panganay na anak), "Bumangon ka at patayin sila!" Pero ang binata ay hindi bumunot ng kaniyang espada dahil takot siya, dahil siya ay bata pa lamang. 21 Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmunna, "Bumangon ka at patayin kami! Dahil gaya ng kung ano ang isang lalaki, ganoon din ang kaniyang lakas." Bumangon si Gideon at pinatay sina Zeba at Zalmuna. Kinuha din niya ang gasuklay na hugis na mga palamuti, na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo. 22 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Israel kay Gideon, "Pamunuan mo kami—ikaw, at iyong mga anak na lalaki at iyong lalaking apo—dahil iniligtas mo kami mula sa kapangyarihan ng Midian." 23 Sinabi ni Gideon sa kanila, "Hindi ako ang mamumuno sa inyo, ni ang aking anak na lalaki, si Yahweh ang mamumuno sa inyo." 24 Sinabi ni Gideon sa kanila, "Hayaan mo akong gumawa ng isang kahilingan sa inyo: ang bawat isa sa inyo ay magbibigay sa akin ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob." (Ang mga Midianita ay may mga gintong hikaw dahil sila ay mga Ishmaelita). 25 Sumagot sila, "Kami ay nagagalak na ibigay ang mga iyon sa iyo." Naglatag sila ng isang balabal at bawat tao ay nagtapon doon ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob. 26 Ang bigat ng mga gintong hikaw na kaniyang hiningi ay 1, 700 siklo ng ginto. Itong nakuha nila sa panloloob ay dagdag sa gasuklay na hugis na mga palamuti, ang mga palawit, ang kulay ube na kasuotan na sinusuot ng mga hari ng Midian at karagdagan sa mga kadena na nakapalibot sa leeg ng kanilang mga kamelyo. 27 Gumawa si Gideon ng efod mula sa mga hikaw at inilagay ito sa kaniyang lungsod, sa Ofra at ipinagbili ng buong Israel ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba nito roon. Ito'y naging bitag kay Gideon at para sa mga nasa kaniyang bahay. 28 Kaya ang mga Midian ay malupig sa harap ng mga taong Israel at hindi na nila muling itinaas ang kanilang mga ulo. At ang lupain ay nagkaroon ng kapayapaan sa loob ng apatnapung taon sa panahon ni Gideon. 29 Si Jerub Baal, na anak na lalaki ni Joas ay umuwi at nanirahan sa kaniyang sariling bahay. 30 Naging ama si Gideon ng pitumpung anak na lalaki, dahil nagkaroon siya ng maraming asawa. 31 Ang kaniyang iba pang asawa, na nasa Shekem, ay nagsilang din sa kanya ng anak na lalaki at binigyan niya ng pangalang Abimelec. 32 Si Gideon, na anak na lalaki ni Joas, ay namatay sa mabuting katandaan at inilibing sa Ofra sa kuweba ng ama ni Joas, ng angkan ni Abiezer. 33 At nangyari na pagkamatay na pagkamatay ni Gideon ang mga tao ng Israel ay tumalikod muli at ipinagbili ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga Baal. Ginawa nilang diyos si Baal Berith. 34 Hindi naalala ng mga tao ng Israel na parangalan si Yahweh na kanilang Diyos na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng lahat ng kanilang mga kaaway sa bawat dako. 35 Hindi nila tinupad ang kanilang pangako sa bahay ni Jerub Baal (ang ibang pangalan ni Gideon), kapalit ng lahat ng kabutihan na ginawa niya sa Israel.

Chapter 9

1 Nagpunta si Abimelec na anak ni Jerub Baal sa mga kamag-anak ng kaniyang ina sa Shekem at sinabi niya sa kanila at sa buong angkan ng pamilya ng kaniyang ina, 2 "Pakiusap sabihin mo ito, para makarinig ang lahat ng mga pinuno ng Shekem, 'Ano ang mas mabuti para sa inyo: maghari sa inyo ang lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, o isa lang ang maghari sa inyo?' Alalahaning ako ay inyong buto at inyong laman." 3 Nagsalita para sa kaniya ang mga kamag-anak ng kaniyang ina sa mga pinuno ng Shekem, at napagkasunduan nilang sundan si Abimelec, dahil sinabi nila, "Kapatid natin siya." 4 Binigyan nila siya ng pitumpung piraso ng pilak mula sa bahay ni Baal Berit, at ginamit ito ni Abimelec para kumuha ng mga lalaking lumalabag sa batas at walang pag-iingat na asal, na sumunod sa kaniya. 5 Pumunta siya sa bahay ng kaniyang ama sa Ofra at sa isang bato pinatay niya ang pitumpung kapatid niyang lalaki, mga anak na lalaki ni Jerub Baal. Tanging si Jotam ang naiwan, ang pinakabatang anak na lalaki ni Jerub Baal, dahil itinago niya ang kaniyang sarili. 6 Nagsama-samang dumating lahat ng mga pinuno ng Shekem at Betmilo at nagtungo sila at ginawang hari si Abimelec, sa tabi ng kahoy na puno malapit sa haliging nasa Shekem. 7 Nang sabihan si Jotam tungkol dito, pumunta siya at tumayo sa tuktok ng Bundok Gerizim. Sumigaw siya at sinabi sa kanila, "Makinig kayo sa akin, kayong mga pinuno ng Shekem, para pakinggan kayo ng Diyos. 8 Minsang lumabas ang mga puno para magpahid sa isang hari sa ibabaw nila. At sinabi nila sa puno ng olibo, 'Maghari ka sa amin.' 9 Pero sinabi ng puno ng olibo sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking langis, na ginagamit para parangalan ang mga diyos at sangkatauhan, para umalis ako pabalik, para lang umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 10 Sinabi ng mga puno sa puno ng igos, 'Halika at maghari sa amin.' 11 Pero sinabi ng puno ng igos sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking tamis at aking maayos na bunga, para lang makabalik ako at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 12 Sinabi ng mga puno sa puno ng ubas, 'Halika at maghari sa amin.' 13 Sinabi ng puno ng ubas sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking bagong alak, na nagpapaligaya sa mga diyos at sangkatauhan, at bumalik at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' 14 Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga puno sa palumpong na tinik, 'Halika at maghari sa amin.' 15 Sinabi ng palumpong na tinik sa mga puno, 'Kung tunay na gusto ninyong pahiran ako bilang hari sa inyo, sa gayon pumunta sa akin at maging ligtas sa ilalim ng aking lilim. Kung hindi, hayaang lumabas ang apoy sa palumpong na tinik at hayaan itong sumunog sa mga sedar ng Lebanon.' 16 Kaya ngayon, kung kumilos kayo sa katotohanan at katapatan, nang ninyong ginawang hari si Abimelec, at kung nakagawa kayo ng mabuti tungkol kay Jerub Baal at kaniyang bahay, at kung nagparusa kayo sa kaniya ng karapat-dapat— 17 —at para isipin na lumaban ang aking ama para sa inyo, ipinagsapalaran ang kaniyang buhay, at iniligtas kayo mula sa kamay ng Midian— 18 pero sa araw na ito nag-alsa kayo laban sa bahay ng aking ama at pinatay ang kaniyang mga anak na lalaki, pitumpung tao, sa ibabaw ng isang bato. At ginawa ninyo si Abimelec ang lalaking anak ng kaniyang babaeng lingkod, na hari sa lahat ng mga pinuno ng Shekem, dahil kamag-anak ninyo siya. 19 Kung kumilos kayo ng may katapatan at karangalan kay Jerub Baal at sa kaniyang bahay, dapat kayong magalak kay Abimelec, at hayaan siyang magalak din sa inyo. 20 Pero kung hindi, hayaan na lumabas ang apoy mula kay Abimelec at sunugin ang mga kalalakihan ng Shekem at bahay ng Millo. Hayaang lumabas ang apoy mula sa mga kalalakihan ng Shekem at Bet Millo, para sumunod kay Abimelec." 21 Tumakas si Jotam at tumakbo palayo, At nagtungo siya sa Beer. Nanirahan siya doon dahil malayo iyon mula kay Abimelec, na kaniyang kapatid. 22 Namuno si Abimelec sa buong Israel sa loob ng tatlong taon. 23 Nagpadala ang Diyos ng masamang espiritu sa pagitan ni Abimelec at mga pinuno ng Shekem. Pinagtaksilan ng mga pinuno ng Sechem ang tiwalang mayroon sila kay Abimelec. 24 Ginawa ito ng Diyos para mapaghigantihan ang karahasan na nagawa sa pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, at si Abimelec ang managot sa pagpatay sa kanila, at managot ang mga kalalakihan ng Shekem dahil tinulungan nilang patayin ang kaniyang mga kapatid na lalaki. 25 Kaya nagtalaga ang mga pinuno ng Shekem ng mga kalalakihan na mag-aabang sa mga tuktok ng mga burol para tambangan nila siya, at ninakawan nila lahat ng dumaan sa kanila sa tabi ng daan. Ibinalita ito kay Abimelec. 26 Dumating si Gaal anak na lalaki ni Ebed kasama ng kaniyang mga kamag anak at pumunta sila sa Shekem. Nagkaroon ng lakas ng loob ang mga pinuno ng Shekem sa kaniya. 27 Lumabas sila sa bukirin at nagtipon ng mga ubas mula sa mga ubasan, at tumapak sa mga ito. Nagdaos sila ng pagdiriwang sa bahay ng kanilang diyos, kung saan kumain sila at uminom, at isinumpa nila si Abimelec. 28 Si Gaal anak ni Ebed ay nagsabing, "Sino si Abimelec, at sino si Shekem, na dapat natin siyang paglingkuran? hindi ba siya ang anak ni Jerub Baal? At hindi ba opisyal niya si Zebul? Paglingkuran ang mga kalalakihan ng Hamor, ama ng Shekem! Bakit kailangan natin siyang paglingkuran? 29 Hiling kong ang mga taong ito ay nasa ilalim ng aking kautusan! Pagkatapos aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko kay Abimelec, 'Tawagin mo ang lahat ng iyong mga hukbo.''' 30 Nang marinig ni Zebul, opisyales ng lungsod, ang mga salita ni Gaal anak ni Ebed ang kaniyang galit ay nag-alab. 31 Nagpadala siya ng mga mensahero kay Abimelec para manlinlang, sa pagsasabing, "Tingnan, parating sa Shekem si Gaal anak ni Ebed at kaniyang mga kamag-anak, at pinupukaw ang lungsod laban sa iyo. 32 Ngayon, tumayo ka sa gabi, ikaw at ang mga sundalong kasama mo, at maghanda ng isang pananambang sa mga bukirin. 33 Pagkatapos sa umaga, sa sandaling sumikat ang araw, bumangon ng maaga at maglunsad ng isang pagsalakay sa lungsod. At kapag siya at ang mga taong kasama niya ay lumabas laban sa iyo, gawin ang anumang bagay na magagawa mo sa kanila." 34 Kaya tumayo si Abimelec sa gabi, siya at lahat ng kalalakihan na kasama niya, at naglunsad sila ng pananambang laban sa Shekem—hinati sa apat na pangkat. 35 Lumabas si Gaal anak ni Ebed at tumayo sa pasukan ng tarangkahan ng lungsod. Lumabas sa kanilang pinagtataguan sina Abimelec at mga kalalakihang kasama niya. 36 Nang makita ni Gaal ang mga kalalakihan, sinabi niya kay Zebul, "Tingnan, bumababa ang mga kalalakihan mula sa tuktok ng mga burol!" Sinabi ni Zebul sa kaniya, "Nakikita mo ang mga anino sa mga burol na para bang sila ay mga lalaki." 37 Nagsalita ulit si Gaal at sinabing, "Tingnan mo, bumababa ang mga lalaki sa gitna ng lupain, at ang isang pangkat ay padating sa daan ng kahoy ng mga manghuhula." 38 Pagkatapos sinabi ni Zebul sa kaniya, "Nasaan na ang iyong mapagmalaking mga salita ngayon, ikaw na nagsabing, 'Sino si Abimelec na dapat namin paglingkuran?' Hindi ba ito ang mga lalaking kinamumuhian mo? Lumabas ka ngayon at makipaglaban sa kanila." 39 Lumabas si Gaal at pinangungunahan niya ang mga lalaki ng Shekem, at nakipag-away siya kay Abimelec. 40 Hinabol siya ni Abimelec, at tumakas si Gaal sa kaniya. At marami ang bumagsak sa pasukan ng tarangkahan ng lungsod. 41 Nanatili si Abimelec sa Aruma. Pinilit ni Zebul si Gaal at kaniyang mga kamag-anak palabas ng Shekem. 42 Sa sumunod na araw lumabas ang mga tao ng Shekem sa kabukiran, at ibinalita ito kay Abimelec. 43 Dinala niya ang kaniyang mga tao, inihanay sila sa tatlong mga pangkat, at naglagay sila ng pananambang sa bukirin. Tumingin siya at nakitang parating ang mga tao mula sa lungsod. At sinalakay niya sila at pinatay sila. 44 Sumalakay sina Abimelec at ang mga pangkat na kasama niya at hinarang ang pasukan ng tarangkahan ng lungsod. Sumalakay ang iba pang dalawang mga pangkat sa lahat ng nasa bukirin at pinatay sila. 45 Lumaban si Abimelec sa lungsod sa buong araw na iyon. Binihag ang lungsod, at pinatay ang mga tao na naroon. Giniba niya ang mga pader ng lungsod at nagkalat ng asin sa ibabaw nito. 46 Nang marinig ng lahat ng mga pinuno ng tore ng Shekem iyon, pumasok sila sa matibay na tanggulan ng bahay ng El Berit. 47 Sinabihan si Abimelec na magkakasamang nagtipon ang lahat ng mga pinuno sa tore ng Shekem. 48 Umakyat si Abimelec sa Bundok ng Zalmon, siya at lahat ng lalaking kasama niya. Kumuha si Abimelec ng palakol at pumutol ng mga sanga. Inilagay niya ito sa kaniyang balikat at inutusan ang mga lalaking kasama niya, "Kung ano ang nakita ninyong ginagawa ko, bilisan at gawin gaya ng ginawa ko." 49 Kaya nagputol ang bawat isa ng mga sanga at sinunod si Abimelec. Pinagpatong-patong nila sa ibabaw ng pader ng tore, at niliyaban nila ito, paramamatay din ang mga tao ng tore ng Shekem, humigit-kumulang sa isang libong lalaki at babae. 50 Pagkatapos nagtungo si Abimelec sa Tebez, at nagkampo siya laban sa Tebez at binihag ito. 51 Pero may matibay na tore sa lungsod, at lahat ng mga lalaki at mga babae at lahat ng mga pinuno ng lungsod ay tumakas papunta roon at ikinulong ang kanilang sarili. Pagkatapos umakyat sila sa bubong ng tore. 52 Dumating si Abimelec sa tore at nakipaglaban dito, at umakyat siya malapit sa pinto ng tore para sunugin ito. 53 Pero isang babae ang naghulog ng batong pang-giling sa ulo ni Abimelec at nabiyak nito ang kaniyang bungo. 54 Pagkatapos madalian siyang tumawag sa batang lalaking taga-dala ng kaniyang baluti, at sinabi sa kaniya, "Ilabas mo ang iyong espada at patayin ako, para walang magsalita tungkol sa akin na, 'Isang babae ang pumatay sa kaniya."' Kaya sinaksak siya ng kaniyang batang lalaki, at namatay siya. 55 Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na patay na si Abimelec, umuwi na sila. 56 At sa ganun napaghigantihan ng Diyos ang kasamaan ni Abimelec na ginawa niya sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pagpatay sa kaniyang pitumpung kapatid na lalaki. 57 Ibinalik ng Diyos ang lahat ng kasamaan ng mga tao ng Shekem sa kanilang sarili at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotam anak na lalaki ni Jerub Baal.

Chapter 10

1 Matapos kay Abimelec, si Tola na anak na lalaki ni Pua na anak ni Dodo, isang tao na mula kay Issacar na nakatira sa Samir, sa burol ng Efraim, ay tumayo para iligtas ang Israel. 2 Pinamunuan niya ang Israel ng dalawampu't tatlong taon. Namatay at inilibing siya sa Samir. 3 Sinundan siya ni Jair ang Galaadita. Pinamunuan niya ang Israel ng dalawamput-dalawang taon. 4 Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki na nakasakay sa tatlumpung asno at mayroon silang tatlumpung lungsod, na tinatawag na Havot Jair hanggang sa araw na ito, na nasa lupain ng Galaad. 5 Namatay si Jair at inilibing sa Kamon. 6 Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh. 7 Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin. 8 Dinurog at inapi nila ang bayan ng Israel nang taong iyon at sa loob ng labingwalong taon inapi nila ang bayan ng Israel na nasa ibayo ng Jordan sa lupain ng mga Amoreo, na nasa Galaad. 9 At ang mga Amonita ay tumawid sa Jordan para makipaglaban sa Juda, laban sa Benjamin at laban sa sambahayan ni Efraim, kaya ang Israel ay lubhang naglamhati. 10 Pagkatapos tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, sinabing, "Nagkasala kami laban sa iyo, dahil iniwan namin ang aming Diyos at sinamba ang mga Baal." 11 Sinabi ni Yahweh sa bayan ng Israel, "Hindi ko ba kayo iniligtas mula sa mga taga-Ehipto, ang mga Amoreo, ang mga Amonita, ang mga Filisteo 12 at gayundin mula sa mga Sidonia? Inapi kayo ng mga Amalekita at mga Maonita; tumawag kayo sa akin, at iniligtas ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. 13 Pero iniwan ninyo akong muli at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan. kaya, hindi ako patuloy na magdadagdag sa mga panahon na iniligtas ko kayo. 14 Humayo at tawagin ninyo ang ibang mga diyus-diyosan na inyong sinamba. Hayaan silang magligtas sa inyo kapag kayo ay nagkaroon ng gulo." 15 Sinabi ng bayan ng Israel kay Yahweh, "Nagkasala kami. Gawin sa amin anuman ang mabuti para sa iyo. Tangi naming pakiusap, iligtas mo kami sa araw na ito." 16 Lumayo sila mula sa mga dayuhang diyus-diyosan na pag-aari nila at sinamba si Yahweh. At hindi na niya matiis ang paghihirap ng Israel. 17 Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga Amonita at nagtayo ng kampo sa Galaad. Sama-samang dumating ang mga Israelita at nagtayo ng kanilang kampo sa Mizpa. 18 Sinabi ng mga pinuno ng mga tao ng Galaad sa bawat isa, "Sino ang taong magpapasimula ng pakikipaglaban sa mga Amonita? Magiging pinuno siya sa lahat ng naninirahan sa Galaad."

Chapter 11

1 Ngayon si Jefta na taga-Galaad ay isang matapang na mandirigma, pero siya ay lalaking anak ng isang bayarang babae. Si Galaad ang kaniyang ama. 2 Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, "Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae." 3 Kaya si Jefta ay umalis mula sa kaniyang mga kapatid at namuhay sa lupain ng Tob. Sumama kay Jefta ang mga lalaking lumalabag sa batas at dumating sila at sumama sa kaniya. 4 Lumipas ang mga araw, nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel. 5 Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob. 6 Sinabi nila kay Jefta, "Sumama ka at maging aming pinuno para lumaban sa mga tao ng Ammon." 7 Sinabi ni Jefta sa mga pinuno ng Galaad, "Kinasuklaman ninyo ako at pinilit akong umalis sa bahay ng aking ama. Bakit ngayon nandito kayo akin kapag nasa kaguluhan kayo?" 8 Sinabi ng mga nakatatanda sa Galaad kay Jefta, "Iyan ang dahilan kung bakit bumalik kam sa iyo ngayon; sumama ka sa amin at labanan natin ang mga tao sa Ammon, at magiging pinuno ka ng lahat na siyang nanirahan ng Galaad." 9 Sinabi ni Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, "Kung dadalhin niyo ako muli ating lugar para makipaglaban sa mga tao sa Ammon, at kung bibigyan tayo ng katagumpayan ni Yahweh laban sa kanila, ako ang magiging pinuno ninyo." 10 Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, "Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!" 11 Kaya pumunta si Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, at ginawa siya ng mga tao na kanilang pinuno at kumander. Nang nasa harapan siya ni Yahweh sa Mizpa, inulit ni Jefta ang lahat ng kaniyang mga ipinangako. 12 Pagktapos nagpadala ng mga mensahero si Jefta sa hari ng mga taga-Ammon, na nagsasabing, "Ano itong alitan sa pagitan natin? Bakit kayo ppunta at sapilitang kukunin ang aming lupain?" 13 Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, "Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa." 14 Muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga tao ng Amon, 15 at sinabi niya, "Ito ang pinapasabi ni Jefta: Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at ang lupain ng mga taga-Ammon, 16 pero, nang lumabas sila mula sa Ehipto, at nagpunta ang mga Israelita sa ilang patungong Dagat Pula at sa Kadesh, 17 Nagpadala ang mga Israelita ng mga mensahero sa hari ng Edom, na nagsasabing, 'Pakiusap pahintulatan kaming tumawid sa inyong lupain,' pero hindi nakinig ang hari ng Edom. Nagpadala rin sila ng mga mensahero sa hari ng Moab, pero tumanggi siya. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kades. 18 Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab. 19 Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.' 20 Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel. 21 At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon. 22 Kinuha nila ang lahat ng bagay na nakapaloob sa teritoryo ng mga Amoreo, mula sa Arnon patungong Jabbok, at mula sa ilang hanggang sa Jordan. 23 Kaya pagkatapos si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay pinaalis ang mga Amoreo sa harapan sa kaniyang bayan ng Israel, at ngayon dapat ba ninyong angkinin ang kanilang lupain? 24 Hindi ninyo kukunin ang lupain ng Cemos, na ibinigay, na inyong diyos? Kaya kung anumang lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh, ating kukunin. 25 Ngayon mas magaling ba kayo kaysa kay Balac na anak na lalaki ni Zippor, na hari ng Moab? Naglakas-loob ba siyang magkaroon ng pagtatalo sa Israel? Nagdeklara ba siya ng digmaan laban sa kanila? 26 Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon? 27 Wala akong ginawang mali sa inyo, pero gumagawa ka ng mali sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin. Si Yahweh, ang hukom, ang magpapasya sa araw na ito sa pagitan ngbayan ng Israel at sa bayan ng Ammon." 28 Pero ang hari ng mga tao ng Ammon ay tinalikuran ang babala na ipinadala sa kaniya ni Jefta. 29 Pagkatapos dumating kay Jefta ang Espiritu ni Yahweh, at dumaan siya sa Galaad at Manases, at dumaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad kaniyang nadaanan ang mga tao ng Ammon. 30 Gumawa si Jefta ng isang panata kay Yahweh at sinabing, "Kung bibigyan mo ako ng tagumpay laban sa mga tao ng Ammon, 31 at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog." 32 Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay. 33 Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel. 34 Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae. 35 Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, "O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata." 36 Sinabi niya sa kaniya, "Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo." 37 Sinabi niya sa kaniyang ama, "Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan." 38 Sinabi niya, "Umalis ka na." Pinaalis niya ang kaniyang anak na babae ng dalawang buwan. Siya ay Iniwan niya, siya at ang kaniyang mga kasamahan, at nagdalamhati sila sa kaniyang pagkabirhen sa burol. 39 Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel 40 na ang mga babaeng anak ng Israel sa bawat taon, sa loob ng apat na araw, ay ipapaulit ang kwento tungkol sa babaeng anak ni Jefta na Galaadita.

Chapter 12

1 Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, "Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka." 2 Sinabi ni Jefta sa kanila, "Ako at ang aking mga tao ay nasa isang matinding alitan sa mga tao ng Ammon. Nang tinawag ko kayo, hindi ninyo ako iniligtas mula sa kanila. 3 Nang makita ko na hindi ninyo ako iniligtas, inilagay ko ang aking buhay sa aking sariling lakas at dumaan laban sa mga tao ng Ammon, at binigyan ako ni Yahweh ng tagumpay. Bakit kayo dumating para makipaglaban sa akin ngayon?" 4 Sama-samang tinipon ni Jefta ang lahat ng kalalakihan ng Galaad at nakipaglaban sa Efraim. Sinalakay ng kalalakihan ng Galaad ang kalalakihan ng Efraim dahil sinabi nila, "Kayong mga taga-Galaad ay mga pugante sa Efraim—sa Efraim at Manases." 5 Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga tawiran ng Jordan na patungong Efraim. Kapag sinabi ng sinumang mga nakaligtas ng Efraim, "Hayaan mo akong tumawid sa ibayo ng ilog," sasabihin ng kalalakihan ng Galaad sa kaniya, "Isa ka ba sa mga taga-Efraim?" Kung sinabi niyang, "Hindi," 6 Sa ganun sasabihin nila sa kaniya, "Sabihing: "Shibolet." At kung sinabi niyang "Sibolet" (dahil hindi niya mabigkas ang salita ng tama), huhulihin at papatayin siya ng mga taga-Galaad sa tawiran ng Jordan. Apatnapu't dalawang libong taga-Efraim ang namatay sa panahong iyon. 7 Naglingkod si Jefta bilang isang hukom sa buong Israel sa loob ng anim na taon. Pagkatapos namatay si Jefta na taga-Galaad at inilibing sa isa sa mga lungsod sa Galaad. 8 Pagkatapos niya, naglingkod bilang isang hukom sa buong Israel si Ibzan ng Bethlehem. 9 Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki. Pinamigay niya ang tatlumpung anak na babae sa pag-aasawa, at nagdala siya ng tatlumpung anak na babae ng ibang kalalakihan para sa kaniyang mga anak na lalaki, mula sa labas. Naging hukom siya sa Israel sa loob ng pitong taon. 10 Namatay si Ibzan at inilibing sa Bethlehem. 11 Pagkatapos niya, naglingkod bilang hukom sa buong Israel si Elon na taga-Zebullun. Naging hukom siya sa Israel sa loob ng sampung taon. 12 Namatay si Elon ang Zabulonita at inilibing sa Ayalon sa lupain ng Zabulun. 13 Pagkatapos niya, naglingkod bilang isang hukom sa buong Israel si Abdon na anak ni Hillel na taga-Piraton. 14 Mayroon siyang apatnapung anak na lalaki at tatlumpung apong lalaki. Sumakay sila sa pitumpung asno, at naging hukom siya sa Israel sa loob ng walong taon. 15 Namatay si Abdon na anak na lalaki ni Hillel na taga-Piraton at inilibing sa Piraton sa lupain ng Efraim ang burol na bansa ng mga Amalekita.

Chapter 13

1 Muling gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh ang bayan ng Israel, at pinahintulutan niya sila na pamunuan ng mga Palestina sa loob ng apatnapung taon. 2 Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak. 3 Nagpakita ang anghel ni Yahweh sa babae at sinabi sa kaniya, "Tingnan mo ngayon, walang kang kakayahang magbuntis, at hindi ka magkaanak, pero mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. 4 Ngayon maging maingat, huwag uminom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang maruming pagkain na inihayag ng batas na madumi. 5 Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina." 6 Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. "Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan. 7 Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'" 8 Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, "O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon." 9 Sumagot ang Diyos sa panalangin ni Manoa, at muling dumating sa babae ang anghel ng Diyos nang nakaupo siya sa bukid. Pero hindi niya kasama si Manoa na kaniyang asawa. 10 Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, "Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!" 11 Tumayo si Manoa at sumunod sa kaniyang asawa. Nang lumapit siya sa tao, sinabi niya, "Ikaw ba iyong tao na naka-usap ng aking asawa?" Sinabi ng tao, "Ako nga." 12 Kaya sinabi ni Manoa, "Ngayon nawa ang iyong salita ay magkatotoo. Pero ano ang alintuntun para sa bata, at ano ang kaniyang magiging tungkulin?" 13 Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, dapat maingat niyang gawin ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kaniya. 14 Huwag siyang kakain ng anumang bagay na nagmumula sa puno ng ubas, at huwag hayaang uminom ng alak o matapang na inumin; huwag siyang hayaang kumain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi. Dapat niyang sundin ang lahat ng bagay na sinabi kong gawin niya. 15 Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, "Pakiusap manatili ka muna ng sandali, para bigyan kami ng panahon para maghanda ng isang batang kambing para sa iyo." 16 Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, "Kahit na manatili ako, hindi ko kakainin ang iyong pagkain. Pero kung maghahanda ka ng isang handog na susunugin, ihandog ito kay Yahweh." (Hindi alam ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.) 17 Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, "Ano ang iyong pangalan, para maparangalan kita kapag nagkatotoo ang iyong mga salita?" 18 Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, "Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!" 19 Kaya kinuha ni Manoa ang batang kambing kasama ang handog na pagkaing butil at inihandog ang mga ito para kay Yahweh sa ibabaw ng bato. Gumawa siya ng isang bagay na kamangha-mangha habang nanunuod si Manoa at ang kaniyang asawa. 20 Nang magliyab na ang apoy mula sa altar patungong langit, umakyat ang anghel ni Yahweh sa nagliliyab na apoy ng altar. Nakita ito ni Manoa at ng kaniyang asawa at nagpatirapa sila sa lupa. 21 Hindi na muling nagpakita ang anghel ni Yahweh kay Manoa o sa kaniyang asawa. Pagkatapos malaman ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh. 22 Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, "Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!" 23 Pero sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, "Kung nais tayong patayin ni Yahweh, hindi niya tatanggapin ang ating sinunog na handog at handog na pagkaing butil na ibinigay natin sa kaniya. Hindi niya ipapakita sa atin ang lahat ng mga bagay na ito, ni sa panahong ito na hayaan niya tayong marinig ang ganoong mga bagay." 24 Dumating ang araw na nanganak ang babae sa isang batang lalaki, at tinawag siya sa pangalang Samson. Lumaki ang bata at pinagpala ni Yahweh. 25 Nagsimulang kumilos sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh sa Mahane Dan, sa pagitan ng Zora at Estaol.

Chapter 14

1 Bumaba si Samson sa Timna, at doon nakita niya ang isang babae, isa sa mga dalagang babae ng mga Palestina. 2 Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, "May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa." 3 Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina at ama, "Wala na bang ibang mga babae na kabilang sa iyong mga kamag-anak, o kabilang sa ating mga tao? Kukuha ka ba ng isang asawa mula sa mga filisteo na hindi tuli?" Sinabi ni Samson sa kaniyang ama, "Kunin mo siya para sa akin, habang tinitignan ko siya, napapasaya niya ako." 4 Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel). 5 Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ama at ina, at dumating sila sa ubasan malapit sa Timna. At mayroong isa sa mga batang leon ang dumating at umatungal sa kaniya. 6 Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa. 7 Pumunta siya at nakipag-usap sa babae, at nang tumingin siya sa kaniya, napahanga niya si Samson. 8 Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon. 9 Tinipon niya ang pulot sa kaniyang mga kamay at umalis, kumakain siya habang naglalakad. Nang dumating siya sa kaniyang ama at ina, ibinigay niya sa kanila ang ilan sa mga ito, at kinain nila. Pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa naiwang patay na katawan ng leon. 10 Bumaba ang ama ni Samson sa lugar kung saan nakatira ang babae, at nagbigay si Samson ng isang kapistahan doon, dahil kaugalian ito ng mga binatang kalalakihan. 11 Pagkakita ng mga kamag-anak niya sa kaniya, nagdala sila sa kaniya ng kanilang tatlumpung mga kaibigan para dumalo sa kaniya. 12 Sinabi ni Samson sa kanila, "Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit. 13 Pero kung hindi ninyo maibigay sa akin ang sagot, kung ganoon kayo ang magbibigay sa akin ng tatlumpung linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit." Sinabi nila sa kaniya, "Sabihin mo sa amin ang iyong bugtong, para aming marinig ito." 14 Sinabi niya sa kanila, "Mula sa kumakain mayroong bagay na makakain; mula sa lakas mayroong bagay na sobrang matamis." Pero hindi natukoy ng kaniyang mga panauhin ang sagot sa pangatlong araw. 15 Sa ika-apat na araw sinabi nila sa asawa ni Samson, "Linlangin mo ang iyong asawa para maibigay niya sa amin ang sagot sa bugtong, o susunugin ka namin at ang bahay ng iyong ama. Inimbita mo ba kami dito para gawin kaming mahirap? 16 Nagsimulang umiyak ang asawa ni Samson sa kaniyang harapan; sinabi niya, "Lahat ng ginagawa mo ay galit sa akin! Hindi mo ako mahal. Nagsabi ka ng bugtong sa ilan kong mga kaibigan, pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot." Sinabi ni Samson sa kaniya, "Tumingin ka sa akin, kung hindi ko sinabi sa aking ama o sa aking ina, dapat ko bang sabihin sa iyo?" 17 Umiyak siya sa loob ng pitong araw hanggang sa natapos ang kanilang kapistahan. Sa ikapitong araw sinabi niya sa kaniya ang sagot dahil pinilit niya siya ng labis. Sinabi niya ang sagot sa mga kamag-anak ng kaniyang bayan. 18 At sinabi sa kaniya ng mga kalalakihan sa lungsod, sa ikapitong araw bago lumubog ang araw, "Ano ang mas matamis kaysa sa pulot? Ano ang mas malakas kaysa sa leon?" Sinabi ni Samson sa kanila, "Kung hindi kayo nag-araro gamit ang aking dumalagang baka, hindi sana ninyo malalaman ang sagot sa aking bugtong." 19 Pagkatapos biglang pumaloob ang Espiritu ni Yahweh kay Samson na may kapangyarihan. Bumaba si Samson sa Ashkelon at pinatay niya ang tatlumpung lalaki na kabilang sa mga tao roon. Sapilitang niyang kinuha ang kanilang mga gamit, at ibinigay niya ang mga hanay ng kasuotan sa mga nakasagot sa kaniyang bugtong. Matindi ang kaniyang galit at umuwi siya sa bahay ng kaniyang ama. 20 At ibinigay ang kaniyang asawa sa kaniyang matalik na kaibigan.

Chapter 15

1 Pagkatapos ng ilang mga araw, sa panahon ng pag-aani ng trigo, kumuha si Samson ng isang batang kambing at umalis para bisitahin ang kaniyang asawa. Sinabi niya sa kaniyang sarili, "Pupunta ako sa kuwarto ng aking asawa." Pero hindi siya pinayagang pumasok ng ama ng kaniyang asawa. 2 Sinabi ng ama ng kaniyang asawa, "Akala ko galit ka sa kaniya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Ang kaniyang nakababatang kapatid na babae ay mas maganda kaysa sa kaniya, hindi ba? Siya nalang ang kunin mo." 3 Sinabi ni Samson sa kanila, sa oras na ito hindi ako magkakasala patungkol sa mga Palestina kapag sinaktan ko sila. 4 Kaya umalis si Samson at humuli ng tatlong daang soro at kaniyang itinali ng sama-sama ang bawat pares, buntot sa buntot. Pagkatapos kumuha siya ng mga sulo at itinali niya ang mga ito sa gitna ng bawat pares ng mga buntot. 5 Nang inihanda niyang sunugin ang mga sulo, hinayaan niyang ang mga sorong magpuntahan sa mga nakatayong butil ng mga Palestina, at sinimulan nilang sunugin ang bawat nakasalansan na butil at ang mga butil na nakatayo sa bukid, kasama ng mga ubasan at ang mga halamanan ng olibo. 6 Tinanong ng mga Palestina, "Sino ang gumawa nito?" Sinabi nila, "Si Samson, ang manugang ng taga-Timna, ginawa niya ito dahil kinuha ng taga-Timna ang asawa ni Samson at ibinigay siya sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos nagpunta ang mga Palestina at sinunog siya at ang kaniyang ama. 7 Sinabi ni Samson sa kanila, "Kung ito ang ginawa ninyo, maghihiganti ako laban sa inyo, at pag nangyari na ito, hihinto na ako. 8 Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam. 9 Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi. 10 Sinabi ng mga kalalakihan ng Juda, "Bakit kayo umakyat para salakayin kami?" Sinabi nila, "Sasalakay kami para mabihag si Samson, at gawin sa kaniya ang ginawa niya sa amin." 11 Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, "Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?" Ano itong ginawa mo sa amin?" Sinabi ni Samson sa kanila, "Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila." 12 Sinabi nila kay Samson, "Bumaba kami para talian ka at ipaubaya ka sa kapangyarihan ng mga Palestina." Sinabi ni Samson sa kanila, "Ipangako ninyo sa akin na hindi ninyo ako papatayin." 13 Sinabi nila sa kaniya, "Hindi, tatalian ka lang namin sa pamamagitan ng mga lubid at ibibigay sa kanila. Ipinapangako namin na hindi ka namin papatayin." Pagkatapos siya ay tinalian nila sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at dinala paakyat mula sa bato. 14 Nang makarating siya sa Lehi, nagsisigawang papalapit ang mga Palistana ng makita siya. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh sa kaniya ng may kapangyarihan. Ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ay naging katulad ng nasunog na lino at bumagsak ang mga ito sa kaniyang mga kamay. 15 Nakakita si Samsom ng isang sariwang panga ng isang asno, pinulot niya ito at pinatay ang isang libong kalalakihan sa pamamagitan nito. 16 Sinabi ni Samson, "Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, mga tambak sa ibabaw ng mga tambak, sa pamamagitan ng isang panga ng asno pinatay ko ang isang libong kalalakihan." 17 Nang matapos magsalita si Samson, itinapon niya ang panga ng asno at tinawag niya ang lugar na ito na Ramat-Lehi. 18 Uhaw na uhaw si Samson at tumawag kay Yahweh at sinabing, "Ibinigay mo itong dakilang tagumpay sa iyong lingkod, pero ngayon mamamatay ako sa pagka-uhaw at babagsak sa mga kamay ng mga hindi tuli?" 19 At biniyak ng Diyos ang hukay sa lugar iyon ng Lehi at lumabas ang tubig. Pagkatapos niyang uminom, nanumbalik ang kaniyang lakas at sumigla siya. Kaya tinawag niyang En Hakkore ang lugar na iyon, at ito ay nasa Lehi sa araw na ito. 20 Hinukuman ni Samson ang Israel sa mga panahon ng mga Palestina sa loob ng dalawangpung taon.

Chapter 16

1 Pumunta si Samson sa Gaza at nakita siya doon ng isang babaeng bayaran at sumama siya kasama ng babae sa kama. 2 Sinabi sa mga taga-Gaza "nagpunta dito si Samson." Pinaligiran ng mga taga-Gaza ang lugar at lihim na naghintay sila sa kaniya ng buong magdamag sa tarangkahan ng lungsod. Wala silang gianwang pagkilos nang gabing iyon. Sinabi nila, "Maghintay tayo hanggang sa lumiwanag ang araw, at pagkatapos patayin natin siya." 3 Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron. 4 Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah. 5 Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, "Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak" 6 At sinabi ni Delilah kay Samson, "Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?" 7 Sinabi ni Samson sa kaniya, "Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo, sa gayon magiging mahina ako at magiging tulad ng sinumang tao. 8 Pagkatapos nagdala ang mga pinuno ng Palestina kay Delilah ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo at tinalian niya si Samson sa pamamagitan nito. 9 Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, "Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!" Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas. 10 Pagkatapos sinabi ni Delilah kay Samson, "Sa ganitong paraan mo ako nilinlang at nagsabi sa akin ng mga kasinungalingan. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung papaano ka maaaring malupig." 11 Sinabi niya sa kaniya, "Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit sa trabaho, magiging mahina ako at gaya ng sinumang tao." 12 Kaya kumuha si Delilah ng dalawang sariwang lubid at tinalian siya sa pamamagitan ng mga ito, at sinabi sa kaniya, "Ang mga Palestina ay patungo sa iyo, Samson!" Nakahiga ang mga lalaki na naghihintay sa sulok ng kuwarto. pero natanggal ni Samson ang mga lubid mula sa kaiyang mga braso na para lamang isang sinulid ang mga ito. 13 Sinabi ni Delilah kay Samson, "Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig." Sinabi ni Samson sa kaniya, "Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao." 14 Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, "Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!" Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi. 15 Sinabi niya sa kaniya, "Papaano mo nasasabing, 'Mahal mo ako,' Hindi mo nga ibinabahagi ang mga lihim mo sa akin? Hinamak mo ako ng mga tatlong beses at hindi mo sinabi sa akin kung papaano ka nagkaroon ng matinding lakas. 16 Araw-araw pinipilit niya siya sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at pinipilit niya siya nang lubusan na hiniling niyang siya ay mamatay na. 17 Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, "Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao. 18 Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, "Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin." Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay. 19 Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas. 20 Sinabi niya, "Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!" Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, "Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. "Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh. 21 Binihag siya ng mga Palestina at tinanggal ang kaniyang mga mata. Dinala nila siya pababa sa Gaza at tinalian siya ng mga tansong kadena. Ipinapaikot niya ang gilingang nasa mga kulungang bahay. 22 Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan. 23 Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, "Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala. 24 Nang makita siya ng mga tao, pinuri nila ang kanilang diyos, dahil sinabi nila, "Tinalo ng ating diyos ang ating kaaway at ibinigay siya sa atin—ang maninira ng ating bansa, na pinatay ang marami sa atin." 25 Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, "Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin." Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi. 26 Sinabi ni Samson sa batang lalaki na nakahawak sa kaniyang kamay, "Pahintulutan mo akong hawakan ang mga haligi kung saan nakasandig ang gusali, ng sa gayon makakasandal ako laban sa mga ito." 27 Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson. 28 Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata." 29 Hinawakan ni Samson ang gitna ng dalawang haligi kung saan nakasandig ang gusali at sumandal siya laban sa mga ito, isang haligi sa kaniyang kanang kamay, at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay. 30 Sinabi ni Samson, "Hayaan akong mamatay kasama ng mga Palestina!" Itinulak niya sa pamamagitan ng kaniyang lakas, at bumagsak ang gusali sa mga pinuno at ang mga tao na nasa loob nito. Kaya ang mga tao na kaniyang napatay nang namatay siya ay mas marami kumpara doon sa kaniyang napatay sa panahon ng nabubuhay pa siya. 31 Pagkatapos bumaba ang kaniyang mga kapatid at ang lahat na kasama sa bahay ng kaniyang ama, at siya ay Kinuha nila, at dinala siya pabalik at inilibing sa gitna ng Zora at Estaol, sa lugar ng libingan ng Manao, na kaniyang ama. Humatol si Samson sa Israel sa loob ng dalawangpung taon.

Chapter 17

1 May isang lalaki sa burol sa bansang Efraim, na ang pangalan ay Mica. 2 Sinabi niya sa kaniyang ina "Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito." Sinabi ng kaniyang ina, "Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!" 3 Binalik niya ang 1, 100 pirasong pilak sa kaniyang ina at sinabi ng kaniyang ina, "Ibinukod ko ang pilak na ito kay Yahweh, para sa aking anak na lalaki para gumawa ng isang inukit na anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Kaya ngayon, ibinabalik ko ito sa iyo." 4 Nang ibinalik niya ang pera sa kaniyang ina, kumuha ng dalawang daang pirasong pilak ang kaniyang ina at ibinigay sa isang manggagawa ng metal na nag-uukit ng anyo ng kahoy at isang hinulmang anyo ng metal. Nakalagay ito sa bahay ni Mica. 5 Mayroong mga diyus-diyosan ang lalaking si Mica sa kaniyang bahay at gumawa siya ng isang epod at sambahayan ng diyus-diyosan, at inihandog niya ang isa sa kaniyang mga anak na lalaki para maging kaniyang pari. 6 Nang panahong iyon walang hari sa Israel, at ginagawa ng bawat isa kung ano ang sa paningin nila ay tama. 7 Ngayon may isang binata sa Bethlehem ng Juda, sa pamilya ng Juda, na isang Levita. Nanatili siya roon para tapusin ang kaniyang mga tungkulin. 8 Iniwan ng binata ang Bethlehem sa Juda para pumunta at maghanap ng lugar para matirahan. Sa kaniyang paglalakbay, nagtungo siya sa bahay ni Mica sa burol na bansang Efraim. 9 Sinabi ni Mica sa kaniya, "Saan ka nanggaling?" Sinabi ng binata sa kaniya, "Ako ay isang Levita ng Bethlehem sa Juda, at naglalakbay ako para makahanap ng lugar na maaari kong matirahan." 10 Sinabi sa kaniya ni Mica, "Mamuhay kasama ko at maging isang tagapayo at pari para sa akin. Bibigyan kita ng sampung mga pirasong pilak sa bawat taon, isang magarang mga kasuotan, at iyong pagkain." Kaya nagtungo ang Levita sa kaniyang tahanan. 11 Nakuntento ang Levita na manirahan sa kaniya, at naging isa sa mga anak na lalaki ni Mica ang binata. 12 Inilaan ni Mica ang Levita para sa banal na mga tungkulin, at naging pari niya ang binata, at nanirahan siya sa bahay ni Mica. 13 Pagkatapos sinabi ni Mica, "Ngayon alam kong may gagawing maganda para sa akin si Yahweh, dahil naging mga pari ko ang Levitang ito."

Chapter 18

1 Sa panahong iyon walang hari sa Israel. Naghahanap ang tribo ng mga kaapu-apuhan ni Dan ng isang teritoryo para tirahan, hanggang sa araw na iyon hindi sila nakatanggap ng anumang pamana mula sa mga lipi ng Israel. 2 Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, "Humayo at tingnan ang lupain." Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon. 3 Nang malapit na sila sa bahay ni Mikias, nakilala nila ang pananalita ng binatang Levita. Kaya huminto sila at nagtanong sa kaniya, "Sino ang nagdala sa iyo dito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka nandito?" 4 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang ginawa ni Mikias sa akin: Inupahan niya ako para maging kaniyang pari." 5 Sinabi nila sa kaniya, "Pakiusap alamin ang payo ng Diyos, para malaman namin kung magtatagumpay ba kami sa pupuntahang paglalakbay. 6 Ang sinabi ng pari sa kanila, "Umalis kayo nang payapa. Papatnubayan kayo ni Yahweh sa landas na dapat ninyong lakaran." 7 Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman. 8 Bumalik sila sa kanilang lipi sa Zora at Estaol. Tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak, "Ano ang inyong balita?" 9 Sinabi nila, "Halina! salakayin natin sila! Nakita namin ang lupain at ito'y napakabuti. Wala ba kayong ginagawa? Huwag bagalan ang pagsalakay at pagsakop sa lupain. 10 Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo." 11 Anim na raang kalalakihan ng lipi ng Dan, mga armado ng mga pandigmang sandata, na umalis mula sa Zora at Estaol. 12 Umakyat sila at nagkampo sa Kiriath Jearim, sa Juda. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ng mga tao ang lugar na Mahaneh Dan hanggang sa araw na ito; nasa kanluran ito ng Kiriath Jearim. 13 Umalis sila mula sa burol na bansa ng Efraim at nakarating sa bahay ni Mikias. 14 Pagkatapos ang limang kalalakihang nagmamanman sa bansa ng Lais ay nagsabi sa kanilang kamag-anak, "Alam ba ninyo na sa mga bahay na ito ay may isang epod, mga sambahayan ng diyos, isang inukit na anyo, at isang hinulmang metal na anyo? Magpasya na ngayon kung ano ang inyong gagawin." 15 Kaya bumalik sila roon at nakarating sa bahay ng binatang Levita, sa bahay ni Mikias, at kanilang binati siya. 16 Ngayon ang anim na raang Daneo, armado ng mga sandatang pandigma, nakatayo sa pasukan ng tarangkahan. 17 Pumunta doon ang limang kalalakihan na nagmanman sa lupain at kinuha nila ang inukit na anyo, ang epod, at ang mga pansambahayang diyos, at ang hinulmang metal na anyo, habang nakatayo ang pari sa bungad ng tarangkahan kasama ang anim na raang armadong kalalakihan ng mga sandatang pandigma. 18 Nang ang mga ito ay pumunta sa bahay ni Mikias at kinuha ang inukit na anyo, ang epod, mga pansambahayang diyos, at hinulmang metal na anyo, sinabi ng pari sa kanila, "Ano ang ginagawa ninyo?" 19 Sinabi nila sa kaniya, "Tumahimik kayo! Ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama sa amin, at maging ama at pari sa amin. Mas mabuti ba sa iyo na maging pari sa bahay ng isang lalaki, o maging pari para sa isang lipi at isang angkan sa Israel?" 20 Nagalak ang puso ng pari. Kinuha niya ang epod, mga sambahayan ng diyos at ang inukit na anyo, at sumama sa mga tao. 21 Kaya tumalikod sila at umalis. Nilagay nila ang maliit na mga bata sa kanilang harapan, pati na rin ang mga baka at ang kanilang mga ari-arian. 22 Nang malayo na sila mula sa bahay ni Mikias, ang mga kalalakihan na nasa mga bahay na malapit sa bahay ni Mikias ay magkasamang pinatawag, at inabutan nila ang mga Daneo. 23 Sumigaw sila sa mga Daneo, at tumalikod sila at sinabi kay Mikias, "Bakit kayo magkasamang pinatawag?" 24 Sinabi niya, "Ninakaw ninyo ang mga diyos na ginawa ko, kinuha ninyo ang aking pari at aalis kayo. Ano pa ang maiiwan sa akin? Bakit ninyo ako tinatanong, 'Ano ang gumugulo sa iyo?'" 25 Sinabi ng mga tao ng Dan sa kaniya, "Hindi mo kami dapat hayaang marinig ka naming magsabi ng anumang bagay, o sasalakayin ka ng ilang galit na galit na mga kalalakihan at ikaw at iyong pamilya ay mapapatay." 26 Pagkatapos nagpatuloy ang mga tao ng Dan sa kanilang pinaroroonan. Nang nakita ni Mikias na sila ay napakalakas para sa kaniya, tumalikod siya at bumalik sa kaniyang bahay. 27 Kinuha ng bayan ng Dan kung ano ang ginawa ni Mikias, kasama rin pati ang kaniyang pari, at nakarating sila sa Lais, sa mga tao na siyang panatag at ligtas at pinatay nila sila gamit ang espada at sinunog ang lungsod. 28 Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon. 29 Pinangalanan nila ang lungsod ng Dan, ang pangalan ni Dan na kanilang ninuno, na siyang isa sa mga anak na lalaki ng Israel. Pero ang dating pangalan ng lungsod ay Lais. 30 Inilagay ng bayan ng Dan ang inukit na anyo para sa kanilang sarili. At si Jonatan, anak ni Gersom, anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay mga pari sa mga lipi ng Daneo hanggang sa araw ng pagbihag sa lupain. 31 Kaya sinamba nila ang inukit na anyo na ginawa ni Mikias hangga't ang bahay ng Diyos ay nasa Silo.

Chapter 19

1 Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda. 2 Pero ang isa pa niyang asawa ay taksil sa kaniya; iniwanan siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem ng Juda. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan. 3 Pagkatapos tumayo ang kaniyang asawa at pumunta sa kaniya para hikayatin siyang bumalik. Kasama niya ang kaniyang tagapaglingkod, at isang pares ng mga asno. Dinala niya siya sa bahay ng kaniyang ama. 4 Nang nakita siya ng ama ng babae, nagalak siya. Ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae, ay hinikayat siyang manatili sa loob ng tatlong araw. Kumain sila at uminom, at nagpalipas sila ng gabi roon. 5 Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, "Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis." 6 Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, "Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya." 7 Nang gumising ng maaga ang Levita para umalis, hinimok siya ng ama ng dalagang babae na manatili, kaya binago niya ang kaniyang binalak at muling nagpalipas ng gabi roon. 8 Sa ika-limang araw gumising siya ng maaga para umalis, pero sinabi ng ama ng babae, "Palakasin mo ang iyong sarili, maghintay hanggang hapon." Kaya kumain silang dalawa. 9 Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, "Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi." 10 Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa. 11 Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, "Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon." 12 Sinabi ng kaniyang amo sa kaniya, "Hindi tayo lilihis patungo sa isang lugnsod ng mga dayuhan na hindi kabilang sa bayan ng Israel. Pupunta tayo sa Gabaa." 13 Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, "Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama." 14 Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin. 15 Lumihis sila roon para magpalipas ng gabi sa Gabaa. At pumasok siya at umupo sa plasa ng lungsod, sapagka't walang isa mang nagpatuloy sa kanila sa kaniyang bahay para sa gabi. 16 Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita. 17 Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, "Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?" 18 Sinabi ng Levita sa kaniya, "Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay. 19 Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan." 20 Binati sila ng matandang lalaki, "Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa." 21 Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom. 22 Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, "Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya." 23 Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, "Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito! 24 Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!" 25 Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw. 26 Sa madaling araw dumating ang babae at bumagsak sa pinto ng bahay ng lalaki kung saan naroon ang kaniyang amo, at nahiga siya roon hanggang sa magliwanag. 27 Bumangon ang kaniyang amo sa umaga at binuksan ang mga pinto ng bahay at umalis papunta sa kainyang paroroonan. Nakikita niya ang kaniyang isa pang asawa na nakahiga roon sa pintuan, na ang mga kamay ay nasa bungad. 28 Sinabi ng Levita sa kaniya, "Bumangon ka. Umalis na tayo." Pero walang sagot. Isinakay niya siya sa asno at umalis ang lalaki para umuwi. 29 Nang makarating ang Levita sa kaniyang bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo, at hinawakan niya ang kaniyang isa pang asawa, at pinagputul-putol siya, biyas sa biyas, sa labing dalawang piraso, at pinadala ang mga piraso sa lahat ng dako ng Israel. 30 Sinabi ng lahat ng nakakita nito, "Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!"

Chapter 20

1 Pagkatapos lumabas ang lahat ng mga tao ng Israel bilang iisang tao, mula Dan hanggang Beer-seba, kasama rin ang lupain ng Galaad, at nagtipon sila ng magkakasama sa harapan ni Yahweh sa Mizpa. 2 Ang mga pinuno ng lahat ng mga tao, ng lahat ng mga lipi ng Israel, kinuha ang kanilang mga lugar sa pagpupulong ng mga tao ng Diyos—400, 000 kalalakihang naglalakad, na nakahandang lumaban gamit ang espada. 3 Ngayon narinig ng lipi ng Benjamin na umakyat ang bayan Israel sa Mizpa. Sinabi ng mga tao ng Israel, "Sabihin sa amin kung paano nangyari itong masamang bagay." 4 Ang Levita, ang asawang ng babaeng pinatay, ay sumagot, "Ako ay dumating sa Gibea sa teritoryo na nabibilang kay Benjamin, ako at aking isa pang asawa, para magpalipas ng gabi. 5 Nang gabing iyon, nilusob ako ng mga pinuno ng Gidea, pinalibutan ang bahay at tinangkang patayin ako. Sinunggaban at ginahasa ang aking isa pang asawa, at siya ay namatay. 6 Kinuha ko ang aking isa pang asawa at pinagpira-piraso ang kaniyang katawan, at ipinadala ang mga ito sa bawat rehiyon na ipinamana sa Israel, dahil nakagawa sila ng kasamaan at kalapastanganan sa Israel. 7 Ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita at ibigay ang inyong payo at pansin dito!" 8 Tumayo ng magkakasama ang lahat ng mga tao bilang isa, at sinabi nila, "Wala sa atin ang pupunta sa kaniyang tolda at wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay! 9 Pero ngayon ito ang dapat nating gawin sa Gibea: sasalakayin natin ito alinsunod sa makuha sa ating palabunutan. 10 Kukuha tayo ng sampung kalalakihan ng isang daan sa buong mga lipi ng Israel, at isang daan ng isang libo, at isang libo ng sampung libo, para kumuha ng panustos para sa mga taong ito, para kapag dumating sila ng Gibea sa Benjamin, maaari nila silang parusahan dahil sa kasamaan na nagawa nila sa Israel." 11 Kaya lahat ng mga sundalo ng Israel ay nagtipon laban sa lungsod, nagkaisa nang may isang layunin. 12 Nagpadala ng kalalakihan ang mga lipi ng Israel sa buong lipi ng Benjamin, sa pagsasabing, "Ano itong kasamaan na nagawa ninyo? 13 Kaya, ibigay sa amin ang masamang kalalakihan ng Gibea, para maaari namin silang patayin, at para ganap naming matatanggal itong kasamaan mula sa Israel. Pero ang mga Benjamita ay hindi nakikinig sa tinig ng kanilang mga kapatid, ang mga tao ng Israel. 14 Pagkataos dumating ng magkakasama ang mga tao ng Benjamin mula sa mga lungsod patungong Gibea para maghandang sa pakikipaglaban sa mga tao ng Israel. 15 Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea. 16 Kabilang sa lahat ng mga sundalo ay pitong daang piniling kalalakihan na mga kaliwete. Bawat isa sa kanila ay kayang tumirador ng isang bato sa isang hibla ng buhok at hindi papalya. 17 Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang bilang mula kay Benjamin, umabot sa 400, 000 kalalakihan, na tinuruang lumaban gamit ang espada. Ang lahat sa kanila ay mga lalaking mandirigma. 18 Bumangon ang bayan ng Israel, pumunta ng Bethel, at humingi ng payo mula sa Diyos. Hiniling nila, "Sino ang unang sasalakay sa mga tao ng Benjamin para sa amin?" Sinabi ni Yahweh, "Unang sasalakay ang Juda." 19 Bumabangon ang bayan ng Israel sa umaga at, nakaharap sa Gibea, naghanda sila para sa labanan. 20 Lumabas ang bayan ng Israel para lumaban sa pangkat ng Benjamin. Inihanay nila ang kanilang pwestong pandigma laban sa kanila sa Gibea. 21 Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon. 22 Pero pinatatag ng bayan ng Israel ang kanilang mga sarili, at binuo nila ang hanay pangdigma sa parehong lugar kung saan sila nakahany nang unang araw. 23 At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: "Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?" At sinabi ni Yahweh, "Lusubin sila!" 24 Kaya pumunta ang bayan ng Israel laban sa mga sundalo ng Benjamin sa pangalawang araw. 25 Sa panagalawang araw, lumabas ang Benjamin laban sa kanila mula Gibea at pinatay nila ang18, 000 kalalakihan mula sa bayan ng Israel. Lahat ay kalalakihan na tinuruang lumaban gamit ang espada. 26 Pagkatapos ang lahat mga sundalo ng Israel at lahat ng mga tao ay pumunta ng Bethel at umiyak, at doon sila ay umupo sa harapan ni Yahweh at sila ay nag-ayuno sa araw na iyon hanggang gabi at nag handog ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harapan ni Yahweh. 27 Tinanong ng bayana ng Israel si Yahweh—dahil ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon sa mga araw na iyon, 28 at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—"Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?" Sinabi ni Yahweh, "Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila." 29 Kaya nagtalaga ang mga Israelita ng kalalakihan sa mga lihim na mga lugar sa palibot ng Gibea. 30 Nakipaglaban ang bayan ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin sa pangatlong araw, at binuo nila ang kanilang hanay na pangdigma laban sa Gibea gaya ng nakaraan nilang ginawa.. 31 Pumunta ang mga tao ng Benjamin at nakipaglaban laban sa mga tao, at napalayo sila mula sa lungsod. Nagsimula na silang pumatay ng ilan sa mga tao. May halos tatlumpong kalalakihan ng Israel ang namatay sa mga bukid at sa mga daan. Isa sa mga daan ay papunta ng Bethel, ang iba ay papunta ng Gibea. 32 Pagkatapos sinabi ng mga tao ng Benjamin, "Sila ay natalo at sila ay tumatakbo palayo mula sa atin, gaya ng nauna." Pero sinabi ng mga sundalo ng Israel, "Tayo ay tumakbo pabalik at ilayo sila mula sa lungsod papunta sa mga daan." 33 Bumangon ang lahat ng mga tao ng Israel mula sa kanilang mga lugar at binuo ang kanilang mga sarili sa hanay para makipagdimaan sa Baal Tamar. Pagkatapos ang mga sundalo ng Israel na nagtatago sa mga lihim na mga lugar ay lumabas sa kanilang mga lugar mula sa Maare Gibea. 34 Doon lumabas laban sa Gibea ang sampung libong napiling kalalakihan na mula sa buong Israel, at ang labanan ay napakatindi, pero hindi alam ng mga Benjamita na ang kapahamakan ay malapit sa kanila. 35 Tinalo ni Yahweh ang Benjaminita sa harap ng Israel. Sa araw na iyon, nakapatay ang mga sundalo ng Israel ng 25, 100 kalalakihan ng Benjamin. Lahat ng kanilang napatay ay mga tinuruang lumaban gamit ang espada. 36 Kaya nakita ng mga sundalo ng Benjamin na sila ay natalo. Nagbigay ang kalalakihan ng Israel ng lupa sa Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na inilagay nila sa mga lihim na pwesto sa labas ng Gibea. 37 Pagkatapos ang kalalakihan na nagtatago ay bumangon at nagmadali at sinugod nila ang Gibea, at gamit ang kanilang mga espada pinatay nila ang lahat ng mga naninirahan sa lungsod. 38 Ang inayos na hudyat sa pagitan ng mga sundalo ng Israel at kalalakihan na nagtatago ng palihim ay ang isang malaking ulap ng usok na tataas mula sa lungsod— 39 —at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, "Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan." 40 Pero nang magsimula na ang haligi ng usok na tumaas mula sa lungsod, bumalik ang mga Benjamita at nakita ang usok na tumataas sa himpapawid mula sa buong lungsod. 41 Pagkatapos bumalik ang bayan ng Israel laban sa kanila. Natakot ang kalalakihan ng Benjamin, dahil nakita nila ang kapahamakan ay dumating sa kanila. 42 Kaya lumayo sila mula sa mga tao ng Israel, tumakas sa daan papuntang ilang. Pero naabutan sila ng labanan. Lumabas ang mga sundalo ng Israel mula sa lungsod at pinatay sila kung saan sila nakatayo. 43 Pinalibutan nila ang mga Benjaminita at nilusob nila; At kanilang niyurakan sila sa Nohah, at pinatay sila papuntang silangang bahagi ng Gibea. 44 Mula sa lipi ng Benjamin, 18, 000 sunadol tao ang namatay, lahat sila ay kalalakihan na tanyag sa labanan. 45 Bumalik sila at tumakas patungo sa ilang papunta sa bato ng Rimon. Pinatay ng mga Israelita ang karagdagang limang libo sa kanila sa gilid ng mga daan. Patuloy silang sumunod sa kanila, sinusundan sila ng malapitan hanggang Gidom, at doon pinatay nila ang karagdagang dalawang libo. 46 Ang lahat ng mga sundalo ng Benjamin na pinatumba sa araw na iyon ay 25, 000—kalalakihan na tinuruan para lumaban gamit ang espada; lahat sila ay tanyag sa labanan. 47 Pero anim na daang sundalo ang umatras at tumakas papunta sa ilang, sa dako ng bato ng Rimon. At nanatili sila sa bato ng Rimmon sa loob ng apat na buwan. 48 Bumalik ang mga sundalo ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin at inatake at pinatay sila—ang buong lungsod, ang mga baka, at lahat ng mga bagay na kanilang makikita. Sinunog din nila ang bawat bayan sa kanilang madaanan.

Chapter 21

1 Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, "Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita." 2 Pagkatapos nagpunta ang mga tao sa Bethel at umupo sa harapan ng Diyos hanggang gabi, at labis silang umiyak na may malakas na tinig. 3 Sinigaw nila, "Bakit, nangyari ito sa Israel, Yahweh, Diyos ng Israel, dapat bang mawala ang isa sa aming mga lipi sa araw na ito?" 4 Nagising ng maaga ang mga tao nang sumunod araw at nagtayo ng isang altar doon at naghandog ng susunuging alay at mga handog ng pangkapayapaan. 5 Sinabi ng mga tao ng Israel, "Alin sa lahat ng lipi ng Israel ang hindi dumalo sa pagpupulong para kay Yahweh?" Dahil gumawa sila ng isang mahalagang pangako tungkol sa sinumang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa. Sinabi nila, "Tiyak na ipapapatay siya." 6 May malasakit ang mga tao ng Israel sa kapatid nilang si Benjamita. Sinabi nila, "Ngayong araw isang lipi ang ititiwalag mula sa Israel. 7 Sino ang magbibigay ng mga asawang babae para sa mga naiwan, dahil mayroon tayong ginawang isang pangako kay Yahweh na hindi natin hahayaan ang sinuman sa kanila na maipakasal sa ating mga anak na babae?" 8 Sinabi nila, "Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa?" Nakitang wala ni isa ang pumunta sa kapulungan mula sa Jabes Galaad. 9 Dahil nang binilang ng mga tao sa isang maayos na paraan, masdan ninyo, wala sa mga naninirahan sa Jabes Galaad ang naroon. 10 Nagpadala ang kapulungan ng 12, 000 sa kanilang pinakamatatapang na tauhan at inutusang magtungo sa Jabes Galaad at salakayin at patayin sila, kahit ang mga kababaihan at mga bata. 11 "Gawin ito: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki at bawat babaeng nakipagsiping sa isang lalaki." 12 Nakita ng mga kalalakihan ang apat na daang kababaihan na naninirahan sa Jabes Galaad na hindi pa nasipingan ng isang lalaki, at dinala sila sa kampo ng Silo, sa Canaan. 13 Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan. 14 Kaya bumalik ang Benjaminita sa panahon na iyon at binigyan sila ng kababaihan sa Jabesh Gilead. Dahil hindi sapat ang kababaihan para sa kanilang lahat. 15 Nalungkot ang mga tao sa nangyari kay Benjamin, dahil gumawa si Yahweh ng isang pagkakahati-hati sa pagitan ng mga lipi ng Israel. 16 Pagkatapos sinabi ng mga namumuno ng kapulungan, "Paano natin aayusin ang mga asawang babae para sa mga Benjamita na naiwan, simula nang pinatay ang mga kababaihan ni Benjamin?" 17 Sinabi nila," Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel. 18 Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin."' 19 Kaya sinabi nila, "Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona)." 20 Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, "Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan. 21 Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin. 22 Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae."' 23 Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay. 24 Pagkatapos iniwan ng mga tao ng Israel ang lugar at umuwi, bawat isa sa kaniyang sariling lipi at angkan, at bawat isa sa kaniyang sariling mana. 25 Sa mga panahon na iyon walang hari sa Israel. Ginawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kanilang sariling mga paningin.