Tagalog: Tagalog Unlocked Literal Bible

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Mga Cronica

Chapter 1

1 Si Adan, Set, Enos, 2 Kenan, Mahalalel, Jared, 3 Enoc, Matusalem, Lamec, 4 Noe, Shem, Ham, at Jafet. 5 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec, at Tiras. 6 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Difat at Togarma. 7 Ang mga anak na lalaki ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim, at Dodanim. 8 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Misraim, Phuth at Canaan. 9 Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Habila, Sabta, Raama, at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Dedan. 10 Si Cus ay naging ama ni Nimrod, na unang mananakop sa lupa. 11 Si Misraim ay ninuno ni Ludim, Ananim, Lehabim at Naftuhim, 12 Patrusim, Casluhim (kung saan nagmula ang mga taga-Filisteo), at ang Caftorim. 13 Si Canaan ay ama ni Sidon, ang kaniyang panganay na anak, at ni Het. 14 Siya din ang naging ninuno ng mga Jeboseo, Amoreo, Gergeseo, 15 Hivita, Arkita, Sinita, 16 Arvadita, Zemareo, at Hamateo. 17 Ang mga anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Meshec. 18 Si Arfaxad ang ama ni Selah at si Selah ang ama ni Eber. 19 Nagkaroon si Eber ng dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, sapagkat sa mga panahon niya ay nahati ang lupa. Joctan ang pangalan ng kaniyang kapatid. 20 Si Joctan ang ama ni Almodad, Selef, Hazarmavet, Jerah, 21 Hadoram, Uzal, Dicla, 22 Ebal, Abimael, Sheba, 23 Ofir, Havila, at Jobab. Ito ang lahat ng mga anak na lalaki ni Joctan. 24 Sina Shem, Arfaxad, Selah, 25 Eber, Peleg, Reu, 26 Serug, Nahor, Terah, 27 at Abram, na si Abraham. 28 Ang mga anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael. 29 Ito ang kanilang mga anak na lalaki: ang panganay na anak ni Ismael ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, at Mibsam, 30 Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema, 31 Jetur, Nafis at Kedema. Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael. 32 Ang mga anak na lalaki ni Ketura, ang babae ni Abraham, ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Sua. Ang mga anak na lalaki ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan. 33 Mga anak na lalaki ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida, at Eldaa. Ang lahat ng mga ito ay kaapu-apuhan ni Ketura. 34 Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak na lalaki ni Isaac ay sina Esau at Israel. 35 Ang mga anak na lalaki ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam, at Korah. 36 Ang mga anak na lalaki ni Elifas ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna, at Amalek. 37 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Sammah, at Miza. 38 Ang mga anak na lalaki ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan. 39 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Homam, at si Timna ay kapatid na babae ni Lotan. 40 Ang mga anak na lalaki ni Sobal ay sina Alian, Manahat, Ebal, Sefi, at Onam. Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aias at Ana. 41 Ang anak na lalaki ni Ana ay si Dison. Ang mga anak na lalaki ni Dison ay sina Hamram, Esban, Itran, at Keran. 42 Ang mga anak na lalaki ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan, at Jaacan. Ang mga anak na lalaki ni Disan ay sina Hus at Aran. 43 Ito ang mga hari na naghari sa lupain ng Edom bago naghari ang kahit sinong hari sa mga Israelita: Si Bela na anak na lalaki ni Beor, at ang pangalan ng kaniyang lungsod ay Dinhaba. 44 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak na lalaki ni Zera na taga-Bosra ang pumalit sa kaniya bilang hari. 45 Nang mamatay si Jobab, si Husam na mula sa lupain ng Temaneo ang pumalit sa kaniya bilang hari. 46 Nang mamatay si Husam, si Hadad na anak na lalaki ni Bedad, na tumalo sa mga Midian sa lupain ng Moab, ang pumalit sa kaniya bilang hari. Avit ang pangalan ng kaniyang lungsod. 47 Nang mamatay si Hadad, si Samla na taga-Masreca ang pumalit sa kaniya bilang hari. 48 Nang mamatay si Samla, si Saul na taga-Rehobot na nanirahan sa Ilog Eufrates ang pumalit sa kaniya bilang hari. 49 Nang mamatay si Saul, si Baal-Hanan na anak na lalaki ni Acbor ang pumalit sa kaniya bilang hari. 50 Nang mamatay si Baal-Hanan na anak na lalaki ni Acbor, si Hadad ang pumalit sa kaniya bilang hari. Pai ang pangalan ng kaniyang lungsod. Mehetabel ang pangalan ng kaniyang asawa, na anak ni Matred at babaeng apo ni Mezahab. 51 Namatay si Hadad. Ang mga pinuno ng mga angkan sa Edom ay sina Timna, Alian, Jetet, 52 Aholibama, Ela, Pinon, 53 Kenaz, Teman, Mibzar, 54 Magdiel, at Iram. Ito ang mga pinuno ng mga angkan sa Edom.

Chapter 2

1 Ito ang mga anak na lalaki ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, 2 Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. 3 Ang mga lalaking anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Sela, na mga anak niya sa babaeng anak ni Bat-sua, na isang Canaanita. Si Er na panganay na anak ni Juda ay masama sa paningin ni Yahweh, at pinatay siya ni Yahweh. 4 Sina Peres at Zera ang naging mga anak niya kay Tamar, na kaniyang manugang. Si Juda ay nagkaroon ng limang anak na lalaki. 5 Ang mga anak na lalaki ni Peres ay sina Hezron at Hamul. 6 Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara, lima silang lahat. 7 Si Acan ang anak na lalaki ni Carmi na nagdala ng gulo sa Israel, nang nakawin niya ang nakalaan para sa Diyos. 8 Si Azarias ang anak na lalaki ni Etan. 9 Ang mga anak na lalaki ni Hezron ay sina Jerameel, Ram, at Chelubai. 10 Si Ram ang ama ni Aminadab, at si Aminadab ang ama ni Naason, isang pinuno sa mga kaapu-apuhan ni Juda. 11 Si Naason ang ama ni Salma, at si Salma ang ama ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed, at si Obed ang ama ni Jesse. 13 Si Jesse ang ama ng panganay niyang anak na si Eliab, si Abinadab ang pangalawa, si Simea ang pangatlo, 14 si Netanel ang pang-apat, panglima si Radai, 15 pang-anim si Ozem, at pang-pito si David. 16 Sina Zervias at Abigail ang kanilang dalawang kapatid na babae. Ang mga anak na lalaki ni Zervias ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo silang lahat. 17 Ipinanganak ni Abigail si Amasa na ang ama ay si Jeter na Ismaelita. 18 Si Caleb na anak na lalaki ni Hezron ang ama ni Jeriot kay Azuba, na kaniyang asawa. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Jeser, Sobab, at Ardon. 19 Namatay si Azuba, at napangasawa ni Caleb si Efrata, na nagsilang Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri, at si Uri ang ama ni Bezalel. 21 Pagkatapos, nang si Hezron ay animnapung taong gulang, napangasawa niya ang anak ni Maquir, na ama ni Gilead. Ipinanganak niya si Segub. 22 Si Segub ang ama ni Jair, na namahala sa dalawampu't tatlong mga lungsod sa lupain ng Gilead. 23 Kinuha nina Gesur at Aram ang mga bayan nina Jair at Kenat, pati na rin ang animnapung nakapalibot na mga bayan. Ang lahat ng mga naninirahang ito ay kaapu-apuhan ni Maquir, na ama ni Gilead. 24 Pagkatapos mamatay ni Hezron, sinipingan ni Caleb si Efrata, na asawang babae ng kaniyang amang si Hezron. Ipinanganak niya si Asur, ang ama ni Tekoa. 25 Ang mga anak na lalaki ni Jerameel, na panganay ni Hezron ay sina Ram na panganay, Buna, Orem, Ozem, at Ahias. 26 May iba pang asawa si Jerameel na nagngangalang Atara. Ina siya ni Onam. 27 Ang mga anak na lalaki ni Ram na panganay ni Jerameel, ay sina Maaz, Jamin, at Equer. 28 Ang mga anak na lalaki ni Onam ay sina Samai at Jada. Ang mga anak na lalaki ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Abihail ang pangalan ng asawa ni Abisur; ipinanganak niya sina Ahban at Molid. 30 Ang mga anak na lalaki ni Nadab ay sina Seled at Apaim, ngunit namatay si Seled ng hindi nagkaanak. 31 Si Ishi ang anak ni Apaim. Ang anak na lalaki ni Isi ay si Sesan. Ang anak na lalaki ni Sesan ay si Ahlai. 32 Ang mga anak na lalaki ni Jada, na kapatid na lalaki ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay si Jeter na walang anak. 33 Ang mga anak na lalaki ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Jerameel. 34 Ngayon hindi nagkaroon ng mga lalaking anak si Sesan, mga anak na babae lamang. Mayroong utusan si Sesan, na isang taga-Egipto na ang pangalan ay Jarha. 35 Ibinigay ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang utusan upang maging kaniyang asawa. Ipinanganak niya si Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan, at si Natan ang ama ni Zabad. 37 Si Zabad ang ama ni Eflal, at si Eflal ang ama ni Obed. 38 Si Obed ang ama ni Jehu, at si Jehu ang ama ni Azarias. 39 Si Azarias ang ama ni Helez, at si Helez ang ama ni Eleasa. 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai, at si Sismai ang ama ni Sallum. 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias, at si Jecamias ang ama ni Elisama. 42 Ang mga anak na lalaki ni Caleb, ang kapatid na lalaki ni Jerameel ay sina Mesa na panganay, na ama ni Zif. Ang kaniyang pangalawang anak, si Maresa na ama ni Hebron. 43 Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem, at Sema. 44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam. Si Requem ang ama ni Samai. 45 Ang anak na lalaki ni Samai ay si Maon, at si Maon ang ama ni Beth-sur. 46 Si Efa, na asawang alipin ni Caleb, ay ipinanganak sina Haran, Moza, at Gasez. Si Haran ang ama ni Gasez. 47 Ang mga anak na lalaki ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa, at Saaf. 48 Si Maaca, na asawang alipin ni Caleb ay ipinanganak sina Seber at Tirhana. 49 Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena at ama ni Gibea. Si Acsa na anak na babae ni Caleb. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Caleb. 50 Ito ang mga anak na lalaki ni Hur, ang kaniyang panganay kay Efrata: si Sobal, na ama ng Chiriath Jearim, 51 Si Salma na ama ni Betlehem, at si Hareph na ama ni Beth-gader. 52 Si Sobal na ama ng Chiriath Jearim ay may mga kaapu-apuhan: si Haroe, at kalahati ng mga tao ng Menuho, 53 at ang mga angkan ng Chiriath Jearim—ang mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, at mga Misraita. Ang mga Zorita at mga Estaolita ay nagmula sa mga ito. 54 Ang mga angkan ni Salma ay ang mga sumusunod: ang mga taga-Bethlehem, mga Netofatita, mga taga-Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita—na mga Zorita, 55 ang mga angkan ng mga eskriba na nakatira sa Jabes: ang mga Tiratita, mga Simatita, at mga Sucatita. Ito ang mga Kenita na nagmula kay Hamat, na ninuno ng mga Recab.

Chapter 3

1 Ngayon ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kaniya sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel; si Daniel, ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel; 2 si Absalom ang pangatlo, at si Maaca ang kaniyang ina, na anak ni Talmai na hari ng Gesur. Si Adonias ang pang-apat na anak niya kay Haguit; 3 si Sefatias ang pang-lima na anak niya kay Abital; si Itream ang pang-anim na anak niya kay Egla na asawa niya. 4 Ang anim na ito ay mga anak ni David na ipinanganak sa Hebron, kung saan naghari siya nang pitong taon at anim na buwan. At pagkatapos noon naghari siya nang tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem. 5 Ang apat na lalaking ito ay anak niya kay Bathseba na babaeng anak ni Amiel, ipinanganak ang mga ito sa Jerusalem sina: Simea, Sobab, Natan, at si Solomon. 6 Ang iba pang siyam na anak ni David ay sina Ibaar, Elisama, Elifelet, 7 Noga, Nefeg, Jafia, 8 Elisama, Eliada at si Elifelet. 9 Ito ang mga anak ni David, hindi kabilang ang mga anak niya sa kaniyang mga asawang alipin. Si Tamar ay kanilang kapatid na babae. 10 Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam. Ang anak ni Rehoboam ay si Abia. Ang anak ni Abia ay si Asa. Ang anak ni Asa ay si Jehoshafat. 11 Ang anak ni Jehoshafat ay si Joram. Ang anak ni Joram ay si Ahazias. Ang anak ni Ahazias ay si Joas. 12 Ang anak ni Joas ay si Amasias. Ang anak ni Amasias ay si Azarias. Ang anak ni Azarias ay si Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz. Anak ni Ahaz si Ezequias. Anak ni Ezequias si Manases. 14 Anak ni Manases si Amon. Anak ni Amon si Josias. 15 Ang mga lalaking anak ni Josias: ang kaniyang panganay ay si Johahan, ang pangalawa ay si Jehoiakim, ang pangatlo ay si Sedecias, at ang pang-apat ay si Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias. Ang huling hari ay si Zedekias. 17 Ang mga anak ni Jeconias, na bihag, ay sina Selatiel, 18 Machiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama, at si Nedabias. 19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at si Simei. Ang mga anak naman ni Zerubabel ay sina Mesulam at si Hananias; si Selomit naman ang kapatid nilang babae. 20 Ang lima pa niyang mga anak ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias, at si Jusab Hesed. 21 Ang mga anak naman ni Hananias ay sina Pelatias at si Jesaias. Ang kaniyang anak ay si Rephaias, at ang iba pang mga kaapu-apuhan ay sina Arnan, Obadias, at Secanias. 22 Ang anak na lalaki ni Secanias ay si Semaias. At ang mga anak ni Semaias ay sina Hatus, Igeal, Barias, Nearias, at si Safat. 23 Ang tatlong anak na lalaki ni Nearias ay sina Elioenai, Ezequias, at si Azricam. 24 Ang pitong anak na lalaki ni Elioenai ay sina Odabias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at si Anani.

Chapter 4

1 Ang mga anak ni Juda ay sina Peres, Hezron, Carmi, Hur, at si Sobal. 2 Si Sobal ang ama ni Reaias. Si Reaias ang ama ni Jahat: At si Jahat ang ama ni Ahumai at ni Laad. Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan ng Zorita. 3 Ito ang mga pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Etam: si Jezreel, Isma, at si Idbas. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Hazzalelponi. 4 Si Penuel ang pinagmulan ng mga angkan sa lungsod ng Gedor. At si Ezer ang pinagmulan ng mga angkan sa Husa. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Hur, na panganay ni Efrata at nagtatag ng Bethlehem. 5 May dalawang asawa si Asur na ama ni Tekoa, sina Helea at Naara. 6 Ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, Heper, Temeni at si Haahastari. Ito ang mga anak ni Naara. 7 Ang mga anak ni Helea ay sina Zeret, Jesohar, Etnan, 8 at si Kuz, na ama ni Anob, at Zobeba, at ang mga angkan na nagmula kay Aharhel na anak ni Arum. 9 Higit na iginagalang si Jabes kaysa kaniyang mga kapatid na lalaki. Tinawag siya ng kaniyang ina na Jabes. Sinabi niya, "Sapagkat nahirapan ako nang ipinanganak ko siya." 10 Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, "Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!" At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin. 11 Si Celub na kapatid ni Sua ang naging ama ni Mehir na ama ni Eston. 12 Si Eston ang ama ni Beth-rafa, Pasea, at ni Tehina na nagtatag sa lungsod ng Nahas. Ito ang mga lalaki na nakatira sa Reca. 13 Ang mga anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai. 14 Si Meonatai ang ama ni Ofra, at si Seraias ang ama ni Joab, na pinagmulan ng Geharasim, kung saan ang mga tao roon ay mga mahuhusay na manggagawa. 15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela at Naam. Ang anak ni Ela ay si Kenaz. 16 Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias, at si Asarel. 17 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at si Jalon. Ipinanganak ng taga-Egiptong asawa ni Mered si Miriam, Samai, at si Isba na ama ni Estemoa. 18 Ito ang mga anak na lalaki ni Bitia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered. Ipinanganak ng Judiong asawa ni Mered si Jered, na ama ni Gedor, si Heber na ama ni Soco at si Jecutiel na ama ni Zanoa. 19 Sa dalawang anak na lalaki ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ang isa sa kanila ay naging ama ni Keila na Garmita. Ang isa pa ay si Estemoa na Maacateo. 20 Ang mga anak na lalaki ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at si Tilon. Ang mga anak na lalaki ni Isi ay sina Zohet at si Ben-zohet. 21 Ang mga anak ni Sela, na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Leca, si Laada na ama ni Maresa at siyang pinagmulan ng mga angkan ng mga gumagawa ng lino sa Beth-asbea, 22 si Jokim, ang mga lalaki ng Cozeba, si Joas at Saraf, na may ari-arian sa Moab, ngunit bumalik sa Bethlehem. ( Ang kaalamang ito ay galing sa sinaunang mga talaan.) 23 Magpapalayok ang ilan sa mga taong ito na nakatira sa Netaim at Gedera at nagtrabaho para sa hari. 24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, at si Saul. 25 Si Salum ay anak ni Saul, si Mibsam ay anak ni Sallum, at si Misma na anak ni Mibsam. 26 Ang mga kaapu-apuhan ni Misma ay sina Hamuel na kaniyang anak, si Zacur na kaniyang apo, at si Simei na anak ni Zacur. 27 Nagkaroon ng labing-anim na lalaking anak si Simei at may anim na babaeng anak. Hindi nagkaroon ng maraming anak ang kaniyang mga kapatid, kaya hindi dumami ang bilang ng kanilang angkan tulad ng lahi ni Juda. 28 Nanirahan sila sa Beerseba, sa Molada, at sa Hasar-shaul. 29 Nanirahan din sila sa Bilha, sa Ezem, sa Tolad, 30 sa Bethuel, sa Horma, sa Siclag, 31 sa Beth-marcabot, sa Hazar-susim, sa Beth-biri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga lungsod hanggang sa paghahari ni David. 32 Ang kanilang limang mga nayon ay ang Etam, Ain, Rimon, Toquen, at Asan, 33 kanila rin ang malalayong mga nayon hanggang sa Baal. Ito ang kanilang mga tinirhan, at iniingatan nila ang talaan ng kanilang lahi. 34 Ang pinuno ng mga angkan ay sina Mesobab, si Jamlec, at si Josias na anak ni Amasias, 35 si Joel, at Jehu na anak ni Josibias na anak ni Seraias, na anak ni Asiel, 36 si Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias, 37 at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon na anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak ni Semaias. 38 Ang binanggit na pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at labis na dumami ang kanilang mga angkan. 39 Pumunta sila malapit sa Gador, sa dakong silangan ng lambak, upang humanap ng mapagpapastulan para sa kanilang mga kawan. 40 Nakatagpo sila ng sagana at mabuting pastulan. Malawak ang lupain, tahimik at payapa. Dating nanirahan ang mga Hamita doon. 41 Ang itinalang mga pangalan na ito ay dumating sa mga panahon na si Ezequias ang hari ng Juda, at nilusob ang mga tirahan ng mga Hamita at ang mga Meunim, na naroon din. Lubos nilang winasak ang mga naroon at nanirahan doon dahil nakatagpo sila ng pastulan ng kanilang kawan. 42 Limang daang kalalakihan mula sa tribu ni Simeon ang nagtungo sa bundok ng Seir, kasama ang kanilang mga pinuno na sina Pelatias, Nearias, Refaias at si Uziel na mga anak na lalaki ni Isi. 43 Tinalo nila ang iba pang mga Amalekitang takas na naroon, at nanirahan sila doon hanggang ngayon.

Chapter 5

1 Ito ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel—ngayon si Ruben ang panganay na anak ni Israel, ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama. Kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak. 2 Pinakamalakas sa kaniyang mga kapatid si Juda, at ang pinuno ay manggagaling sa kaniya. Ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay kay Jose-- 3 ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Pallu, Hezron, at si Carmi. 4 Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Joel: anak ni Joel si Semaias. Anak ni Semaias si Gog. Anak ni Gog si Simei. 5 Anak ni Simei si Mica. Anak ni Mica si Reaias. Anak ni Reaias si Baal. 6 Anak ni Baal si Beera, na dinalang bihag ni Tilgat Pileser na hari ng Asiria. Si Beera ay pinuno sa tribu ni Ruben. 7 Ang mga kamag-anak ni Beera sa kanilang mga angkan ay ang mga sumusunod, na nakatala sa mga talaan ng kanilang angkan: Si Jeiel na panganay, Zacarias, 8 at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Sema na anak ni Joel. Nanirahan sila sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon, 9 at pasilangan sa simula ng ilang na hanggang sa Ilog Eufrates. Ito ay dahil marami silang baka sa lupain ng Gilead. 10 Sa panahon ni Saul, nilusob ng tribu ni Ruben ang mga Hagrita at tinalo sila. Nanirahan sila sa mga tolda ng mga Hagrita sa buong lupain sa silangan ng Gilead. 11 Nakatira malapit sa kanila ang tribu ni Gad, sa lupain ng Bashan hanggang sa Saleca. 12 Si Joel ang kanilang pinuno, na pangulo ng angkan, at si Safam naman ang pangulo ng isa pang angkan, at si Janai at si Safat sa Bashan. 13 Ang kanilang kamag-anak sa mga pamilya ng kanilang mga ama ay sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, at si Eber—pito silang lahat. 14 Ang mga taong ito na nabanggit ay mga anak ni Abihail, at si Abihail ay anak ni Huri. Si Huri ay anak ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead. Si Gilead ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jaddo. Si Jahdo ay anak ni Buz. 15 Si Ahi na anak ni Abdiel na anak ni Guni, ay pinuno ng pamilya ng kanilang ama. 16 Nanirahan sila sa Gilead, sa Basan, sa mga bayan nito, at sa lahat ng lupaing pastulan ng Saron hanggang sa mga hangganan nito. 17 Lahat ng mga ito ay nakatala sa talaan ng mga angkan sa mga araw ni Jotam na hari ng Juda at ni Jeroboam na hari ng Israel. 18 Ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at kalahati ng tribu ni Manases ay mayroong apatnapu't apat na libong mga kawal na sinanay para sa digmaan, na may dalang kalasag at espada, at kayang humugot ng pana. 19 Nilusob nila ang mga Hagrita, Jetur, Nafis, at Nodab. 20 Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya. 21 Hinuli nila ang kanilang mga alagang hayop kabilang ang limampung libong mga kamelyo, 250, 000 mga tupa, dalawang libong mga asno at 100, 000 mga kalalakihan. 22 Sapagkat nakipaglaban ang Diyos para sa kanila, napatay nila ang marami sa mga kaaway. Nanirahan sila sa kanilang lupain hanggang sa pagkabihag. 23 Nanirahan ang kalahating tribu ni Manases sa lupain ng Basan hanggang sa Baal Hermon at Senir (iyon ay, ang Bundok Hermon). 24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: na sina Epher, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at si Jahdiel. Malalakas at matatapang silang mga kalalakihan, tanyag na mga kalalakihan, mga pinuno sa kanilang mga pamilya. 25 Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa halip, sinamba nila ang mga diyos ng mga tao sa lupaing iyon, na nilipol ng Diyos sa kanilang harapan. 26 Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.

Chapter 6

1 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari. 2 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. 3 Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 4 Si Eleazar ang ama ni Finehas, at si Finehas ang ama ni Abisua. 5 Si Abisua ang ama ni Buki, at si Buki ang ama ni Uzi. 6 Si Uzi ang ama ni Zerahias at si Zeraias ang ama ni Meraiot. 7 Si Meraiot ang ama ni Amarias, si Amarias ang ama ni Ahitob. 8 Si Ahitob ang ama ni Zadok, at si Zadok ang ama ni Ahimaaz. 9 Si Ahimaaz ang ama ni Azarias, at si Azarias ang ama ni Johanan. 10 Si Johanan ang ama ni Azarias na naglingkod sa templo na ipinatayo ni Solomon sa Jerusalem. 11 Si Azarias ang ama ni Amarias, at si Amarias ang ama ni Ahitob. 12 Si Ahitob ang ama ni Zadok na ama ni Sallum. 13 Si Sallum ang ama ni Hilkias, at si Hilkias ang ama ni Azarias. 14 Si Azarias ang ama ni Seraya, at si Seraya ang ama ni Jehozadak. 15 Nabihag si Jehozadak nang ipinatapon ni Yahweh ang Juda at Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Nebucadnezar. 16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari. 17 Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Simei. 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sila ang mga naging angkan ng mga Levita ayon sa pamilya ng kanilang ama. 20 Ang mga kaapu-apuhan ni Gerson ay nagmula sa kaniyang anak na si Libni. Ang anak ni Libni ay si Jahat. Ang anak ni Jahat ay si Zima. 21 Ang anak ni Zima ay si Joah. Ang anak ni Joah ay si Iddo. Ang anak ni Iddo ay si Zara. Ang anak ni Zara ay si Jeatrai. 22 Nagmula ang kaapu-apuhan ni Kohat sa kaniyang anak na lalaki na si Aminadab. Ang kaniyang anak ay si Korah. Ang anak ni Korah ay si Asir. 23 Ang anak ni Asir ay si Elkana. Ang anak ni Elkana ay si Ebiasaf. 24 Ang anak ni Asir ay si Tahat. Ang anak ni Tahat ay si Uriel. Ang anak ni Uriel ay si Uzias. Ang anak ni Uzias ay si Shaul. 25 Ang mga anak na lalaki ni Elkana ay sina Amasai, Ahimot at Elkana. 26 Ang anak na lalaki ng ikalawang Elkana na ito ay si Zofar. Ang kaniyang anak ay si Nahat. 27 Ang anak ni Nahat ay si Eliab. Ang anak ni Eliab ay si Jeroham. Ang anak ni Jehoram ay si Elkana. 28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel na panganay at si Abija ang pangalawa. 29 Ang anak na lalaki ni Merari ay si Mahli. Ang kaniyang anak ay si Libni. Ang anak ni Libni ay si Simei. Ang anak ni Simei ay si Uza. 30 Ang anak ni Uza ay si Simea. Ang anak ni Simea ay si ni Hagia. Ang anak ni Hagia ay si Asaya. 31 Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng mga lalaking itinalaga ni David na mamahala sa musika sa tahanan ni Yahweh, matapos na ilagay doon ang kaban ng tipan. 32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit sa harap ng tabernakulo, ang toldang tipanan, hanggang sa maipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem. Tinupad nila ang kanilang mga tungkulin na sinusunod ang mga panuntunang ibinigay sa kanila. 33 Ito ang mga naglingkod kasama ang kanilang mga anak na lalaki. Mula sa angkan ng mga Kohat ay si Heman na manunugtog. Kung babalikan ang nakaraang panahon, ito ang kaniyang mga lalaking ninuno: si Heman ay anak ni Joel na anak ni Samuel. 34 Si Samuel ay anak ni Elkana na anak ni Jeroham na anak ni Eliel na anak ni Toah. 35 Si Toah ay anak ni Zuf na anak ni Elkana na anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai na anak ni Elkana. 36 Si Elkana ay anak ni Joel na anak ni Azarias na anak ni Zefanias. 37 Si Zefanias ay anak ni Tahat na anak ni Asir na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah 38 Si Korah ay anak ni Izar na anak ni Kohat na anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel. 39 Ang kasamahan ni Heman ay si Asaf na nakatayo sa kaniyang kanan. Si Asaf ay anak na lalaki ni Berequias na anak na lalaki ni Simea. 40 Si Simea ay anak na lalaki ni Micael na anak na lalaki ni Baaseias na anak na lalaki ni Malquias. 41 Si Malquias ay anak na lalaki ni Etni na anak na lalaki ni Zera na anak na lalaki ni Adaias. 42 Si Adaias ay anak na lalaki ni Etan na anak na lalaki ni Zima na anak na lalaki ni Simei. 43 Si Simei ay anak na lalaki ni Jahat na anak na lalaki ni Gerson na anak na lalaki ni Levi. 44 Sa gawing kaliwa ni Heman ay ang kaniyang mga kasamahan na mga anak na lalaki ni Merari. Isinama nila si Etan na anak na lalaki ni Quisi na anak na lalaki ni Abdi na anak na lalaki ni Malluc. 45 Si Malluc ay anak na lalaki ni Hashabias na anak na lalaki ni Amazias na anak na lalaki ni Hilkias. 46 Si Hilkias ay anak na lalaki ni Amzi na anak na lalaki ni Bani na anak na lalaki ni Semer. 47 Si Semer ay anak na lalaki ni Mahli na anak na lalaki ni Musi. Si Musi ay anak na lalaki ni Merari na anak na lalaki ni Levi. 48 Ang kanilang mga kasamahang Levita ay itinalaga upang gawin ang lahat ng mga gawain sa tabernakulo na tahanan ng Diyos. 49 Si Aaron at ang kaniyang mga anak ang gumagawa ng lahat ng gawain na may kinalaman sa kabanal-banalang lugar. Ginagawa nila ang mga paghahandog sa altar para sa mga alay na susunugin. Ginagawa nila ang paghahandog sa altar ng insenso. Ang lahat ng ito ay upang mabayaran ang mga kasalanan ng Israel. Sinunod nila ang lahat ng mga iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos. 50 Ang mga sumusunod ay kaapu-apuhan ni Aaron. Anak ni Aaron si Eleazar na ama ni Finehas na ama ni Abisua. 51 Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias. 52 Anak ni Zerahias si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob. 53 Anak ni Ahitob si Zadok na ama ni Ahimaaz. 54 Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na itinalaga sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. Sa mga angkan ni Kohat (sila ang unang itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan). 55 Itinalaga sila sa Hebron sa lupain ng Juda at sa mga pastulan nito. 56 Ngunit ang mga bukirin ng lungsod at ang mga nayon na nakapalibot dito ay ibinigay kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune. 57 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Hebron na siyang lungsod-kanlungan, ang Libna kasama ang mga pastulan nito, Jatir, Estemoa kasama ang mga pastulan ng mga ito. 58 Ang Hilen at Debir kasama ang mga pastulan ng mga ito. 59 Ibinigay din sa mga kaapu-apuhan na ito ni Aaron ang Asan at Beth-semes kasama ang mga pastulan ng mga ito. 60 Mula sa tribu ni Benjamin, ibinigay sa kanila ang Geba, Alemet, Anatot kasama ang mga pastulan ng mga ito. Labintatlong lungsod ang lahat ng natanggap ng mga angkan ni Kohat. 61 Sa pamamagitan ng palabunutan, ibinigay ang sampung lungsod sa mga natitirang kaapu-apuhan ni Kohat mula sa kalahating tribu ni Manases. 62 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson ayon sa iba't iba nilang angkan ang labintatlong lungsod mula sa mga tribu ni Isacar, Asher, Neftali at ang kalahating tribu ni Manases sa Bashan. 63 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Merari ang labindalawang lungsod sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa iba't iba nilang angkan mula sa mga tribu ni Ruben, Gad at Zebulun. 64 Kaya ibinigay ng mga Israelita ang mga lungsod na ito kasama ang mga pastulan ng mga ito sa mga Levita. 65 Itinalaga nila sa pamamagitan ng palabunutan ang mga bayang unang nabanggit mula sa mga tribu ni Juda, Simeon at Benjamin. 66 Ibinigay sa ilang mga angkan ni Kohat ang mga lungsod mula sa tribu ni Efraim. 67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (isang lungsod-kanlungan) kasama ang mga pastulan nito sa kaburulan ng bansang Efraim, Gezer kasama ang mga pastulan nito, 68 Jocmeam, Beth-horon kasama ang mga pastulan ng mga ito, 69 Ayalon at Gat-rimon kasama ang mga pastulan ng mga ito. 70 Ibinigay sa mga mula sa kalahating tribu ni Manases ang Aner at Bilean kasama ang mga pastulan ng mga ito. Naging pag-aari ito ng mga natitirang angkan ni Kohat. 71 Ibinigay sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, mula sa mga angkan ng kalahating tribu ni Manases ang Golan sa Bashan at Astarot kasama ang mga pastulan ng mga ito. 72 Mula sa tribu ni Isacar, natanggap ng mga kaapu-apuhan ni Gerson ang Kades, Daberat kasama ang mga pastulan ng mga ito, 73 pati na rin ang Ramot at Anem kasama ang mga pastulan ng mga ito. 74 Mula sa tribu ni Asher, natanggap nila ang Masal, Abdon kasama ang mga pastulan ng mga ito, 75 ang Hucoc at Rehob kasama ang mga pastulan ng mga ito. 76 Mula sa tribu ni Neftali natanggap nila ang Kades sa Galilea, Hamon kasama ang mga pastulan nito, at Kiryataim kasama ang mga pastulan nito. 77 Ibinigay sa mga natitirang Levita na kaapu-apuhan ni Merari ang Rimono at Tabor kasama ang mga pastulan ng mga ito mula sa tribu ni Zebulun. 78 Ibinigay din sa kanila ang kabilang bahagi ng Jordan at Jerico, sa gawing silangan ng ilog, ang Bezer na nasa ilang kasama ang mga pastulan nito, ang Jaza, 79 Kedemot, Mefaat kasama ang mga pastulan ng mga ito. Ibinigay ang mga ito mula sa tribu ni Ruben. 80 Mula sa tribu ni Gad, ibinigay sa kanila ang Ramot sa Gilead, ang Mahanaim kasama ang mga pastulan ng mga ito, 81 ang Hesbon at Hazer kasama ang mga pastulan ng mga ito.

Chapter 7

1 Ang apat na anak na lalaki ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron. 2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang pinagmulan ng mga angkan na nagmula sa kanilang mga ninuno, ang mga angkan ni Tola. Sila ay mga malalakas at matatapang na lalaki. Ayon sa kanilang mga talaan, ang kanilang bilang ay 22, 600 noong panahon ni David. 3 Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahias. Ang kaniyang mga anak na lalaki ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias, ang mga pinuno ng limang angkan. 4 Ayon sa talaan ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, mayroon silang 36, 000 na mga hukbong pandigma sapagkat marami silang mga asawa at mga anak na lalaki. 5 Ang kanilang mga kapatid, ang mga tribu ni Isacar ay mayroong 87, 000 na mga mandirigma ayon sa talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno. 6 Ang tatlong anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael. 7 Ang limang anak na lalaki ni Bela ay sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri. Sila ay mga mandirigma at pinagmulan ng mga angkan. Ayon sa mga talaan na pag-aari ng mga angkan ng kanilang mga ninuno, nasa 22, 034 ang bilang ng mga mandirigma ng kanilang hukbo. 8 Ang mga anak na lalaki ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elionai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet. Ang lahat ng ito ay kaniyang mga anak. 9 Ayon sa mga talaan ng kanilang angkan, nasa 20, 200 ang bilang ng mga pinuno ng pamilya at mga mandirigma. 10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar. 11 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Jediael. Ang nakasulat sa mga talaan ng kanilang mga angkan ay 17, 200 na mga pinuno at mga mandirigmang nababagay maglingkod sa militar. 12 (Si Supim at Hupim ay mga anak ni Ir at si Husim naman ay anak ni Aher.) 13 Ang mga anak na lalaki ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Sila ang mga apo ni Bilha. 14 Si Manases ay may anak na lalaki na nagngangalang Azriel na anak niya sa kaniyang asawang alipin na Aramea. Isinilang din niya si Maquir na ama ni Gilead. 15 Nakapangasawa si Maquir mula sa angkan nina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid na babae ay Maaca. Isa pa sa kaapu-apuhang lalaki ni Manases ay si Zelofehad na mayroon lamang mga anak na babae. 16 Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagsilang ng isang batang lalaki at tinawag siyang Peres. Ang pangalan ng kaniyang kapatid na lalaki ay Seres na ang mga anak ay sina Ulam at Requem. 17 Ang anak na lalaki ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga kaapu-apuhan ni Gilead na anak ni Maquir na anak ni Manases. 18 Isinilang ng kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet sina Ishod, Abiezer at Mahla. 19 Ang mga anak na lalaki naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhhi at Aniam. 20 Ang mga sumusunod ay ang mga kaapu-apuhan ni Efraim. Ang anak na lalaki ni Efraim ay si Sutela. Ang anak na lalaki ni Sutela ay si Bered. Ang anak na lalaki ni Bered ay si Tahat. Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Elada. Ang anak na lalaki ni Elada ay si Tahat. 21 Ang anak na lalaki ni Tahat ay si Zabad. Ang anak na lalaki ni Zabad ay si Sutela. (Si Ezer at Elad ay pinatay ng mga tao sa Gat nang pumunta sila upang nakawin ang kanilang mga baka. 22 Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa para sa kanila sa loob ng maraming araw at dumating ang kaniyang mga kapatid upang aliwin siya. 23 Sinipingan niya ang kaniyang asawa. Nabuntis siya at nagsilang ng isang batang lalaki. Tinawag siya ni Efraim na Beria dahil sa kasawiang dumating sa kaniyang pamilya. 24 Ang kaniyang anak na babae ay si Sera na siyang nagpatayo ng Beth-Horong Ibaba at Beth-Horong Itaas at Uzeensera.) 25 Ang kaniyang anak na lalaki ay si Refa. Ang anak na lalaki ni Refa ay si Resef. Ang anak na lalaki ni Resef ay si Tela. Ang anak na lalaki ni Tela ay si Tahan. 26 Ang anak na lalaki ni Tahan ay si Ladan. Ang anak na lalaki ni Ladan ay si Amihud. Ang anak na lalaki ni Amihud ay si Elisama. 27 Ang anak na lalaki ni Elisama ay si Nun. Ang anak na lalaki ni Nun ay si Josue. 28 Ang kanilang mga ari-arian at mga tirahan ay sa Bethel at sa mga nayon sa paligid nito. Nakaabot pa sila pasilangan sa Naaran at pakanluran sa Gezer at sa mga nayon nito at sa Shekem at sa mga nayon nito sa Ayyah at sa mga nayon nito. 29 Sa hangganan na sakop ni Manases ay ang Beth-sean at ang mga nayon nito, ang Taanach at ang mga nayon nito, ang Megido at ang mga nayon nito at ang Dor at ang mga nayon nito. Sa mga bayang ito naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Jose na anak ni Israel. 30 Ang mga anak na lalaki ni Aser ay sina Imna, Isva, Isvi at Berias. Si Sera ang kanilang kapatid na babae. 31 Ang mga anak na lalaki ni Berias ay sina Heber at Malquiel na ama ni Birzavit. 32 Ang mga anak na lalaki ni Heber ay sina Jaflet, Somer, at Jotam. Si Sua ang kanilang kapatid na babae. 33 Ang mga anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. Ito ang mga anak ni Jaflet. 34 Ito naman ang mga anak na lalaki ni Somer na kapatid ni Jaflet, sina Rohga, Jehuba at Aram. 35 Ito ang mga anak na lalaki ni Helem na kapatid ni Shemer, sina Zofa, Imna, Seles at Amal. 36 Ang mga anak na lalaki ni Zofa ay sina Suah, Harnnefer, Sual, Beri, Imra, 37 Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera. 38 Ang mga anak na lalaki ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara. 39 Ang mga anak na lalaki ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40 Sila ang mga kaapu-apuhan ni Aser, mga pinuno ng kanilang mga pamilya, mga kilalang tao, mga mandirigma at mga pangunahin sa mga pinuno. Ayon sa nakasulat sa talaan, mayroong 26, 000 na mga lalaki ang nababagay na maglingkod sa militar.

Chapter 8

1 Ang limang anak na lalaki ni Benjamin ay sina Bela na kaniyang panganay, sina Asbel, Ahara, 2 Noha at Rafa. 3 Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud, 4 Abisua, Naaman, Ahoa, 5 Gera, Shefupan at Huram. 6 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Ehud na mga pinuno ng mga angkan na naninirahan sa Geba, na napilitang lumipat sa Manahat: 7 sina Naaman, Ahias at Gera. Si Gera ang panghuli na nanguna sa kanilang paglipat. Siya ang ama nina Uza at Ahihud. 8 Si Saaraim ang naging ama ng mga taong nasa lupain ng Moab, matapos niyang hiwalayan ang kaniyang mga asawang sina Husim at Baara. 9 Ang mga anak ni Saarim sa asawa niyang si Hodes ay sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam, 10 Jeuz, Sachia at Mirma. Ito ang kaniyang mga anak na lalaki na mga pinuno sa kanilang mga angkan. 11 Anak niya rin sina Ahitob at Elpaal kay Husim. 12 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam at Semed (siya ang nagtayo sa Ono at Lod kasama ang mga nayon sa paligid nito). 13 Anak niya rin sina Berias at Sema. Sila ang mga pinuno ng mga angkan na naninirahan sa Ayalon na nagpalayas sa mga naninirahan sa Gat. 14 Ito ang mga anak na lalaki ni Beria: sina Ahio, Sasac, Jeremot, 15 Zebadias, Arad, Eder, 16 Micael, Ispa at Joha. 17 - 18 Ito ang mga anak na lalaki ni Elpaal: sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, Ismerai, Izlia at Jobab. 19 - 20 - 21 Ito ang mga anak na lalaki ni Simei: sina Jaquim, Zicri, Zabdi, Elienai, Zilletai, Eliel, Adaya, Beraya at Simrat. 22 - 23 - 24 - 25 Ito ang mga anak na lalaki ni Sasac: sina Ispan, Eber, Eliel, Abdon, Zicri, Hanan, Hananias, Elam, Anatotias, Ifdaya at Penuel. 26 - 27 Ito ang mga anak na lalaki ni Jeroham: sina Samserai, Seharia, Atalia, Jaaresias, Elias at Zicri. 28 Sila ang mga pinuno ng mga angkan at mga pinuno na nanirahan sa Jerusalem. 29 Si Jeiel na ama ni Gibeon ay nanirahan sa Gibeon. Ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maaca. 30 Si Abdon ang panganay niyang anak na sinundan nina Sur, Kish, Baal, Nadab, 31 Gedor, Ahio at Zequer. 32 Ang iba pang anak ni Jeiel ay si Miclot na ama ni Simea. Nanirahan din sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem. 33 Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal. 34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama ni Mica. 35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 36 Si Ahaz ang ama ni Joada. Si Joada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza. Si Zimri ang ama ni Moza. 37 Si Moza ang ama ni Binea na ama ni Rafa na ama ni Elasa na ama ni Azel. 38 May anim na anak si Azel: sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan. Silang lahat ay mga anak na lalaki ni Azel. 39 Ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid ay si Ulam na panganay, si Jeus ang pangalawa at si Elifelet ang pangatlo. 40 Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Nagkaroon sila ng maraming anak at mga apo na binubuo ng 150. Kabilang silang lahat sa kaapu-apuhan ni Benjamin.

Chapter 9

1 Kaya, naitala ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga angkan. Naitala sila sa Aklat ng mga Hari ng Israel. Sa mga taga-Juda, dinala silang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang kasalanan. 2 Ang unang bumalik sa kanilang mga lungsod ay ilan sa mga Israelita, mga pari, mga Levita at mga tagapaglingkod sa templo. 3 Ang ilan sa mga kaapu-apuhan nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases ay nanirahan sa Jerusalem. 4 Kabilang sa mga nanirahan doon ay si Utai na lalaking anak ni Amihod na anak ni Omri na anak ni Imri na anak ni Bani na isa sa mga kaapu-apuhan ni Peres na anak ni Juda. 5 Kabilang sa mga Silonita ay si Asaya na panganay at ang kaniyang mga anak na lalaki. 6 Kabilang sa kaapu-apuhan ni Zera si Jeuel. Mayroong bilang na 690 ang kanilang mga kaapu-apuhan. 7 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin si Sallu na anak ni Mesulam na anak ni Hodavias na anak ni Asenua. 8 Kabilang din si Ibnias na lalaking anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi na anak ni Micri at si Mesulam na anak ni Sefatias na anak ni Reuel na anak ni Ibnia. 9 Ang bilang ng kanilang kamag-anak na nakasulat sa listahan ng talaan ng mga angkan ay 956. Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay pinuno sa angkan ng kanilang ninuno. 10 Ang mga pari ay sina Jedaias, Joiarib, at Jaquin. 11 At si Azarias na anak ni Hilkias na anak ni Mesalum na anak ni Zadok na anak na Meraiot na anak ni Ahitob, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos 12 Kabilang rin si Adaya na anak ni Jeroham na anak ni Pashur na anak ni Malquias. Kabilang din si Masai na anak ni Adiel na anak ni Jazera na anak ni Mesulam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer. 13 Mayroong bilang na 1, 760 ang kanilang mga kamag-anak na pinuno ng angkan ng kanilang ninuno. May kakayahan ang mga kalalakihang ito para sa mga gawain sa tahanan ng Diyos. 14 Sa mga Levita naman, kabilang si Semaya na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hashabias sa mga kaapu-apuhan ni Merari. 15 Kabilang din sina Bacbacar, Heres, Galal, at Matanias na anak ni Mika na anak ni Zicri na anak ni Asaf. 16 Kabilang din si Obadias na anak ni Semaya na anak ni Galal na anak ni Jeduthun at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana na nanirahan sa mga nayon ng Netofatita. 17 Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno. 18 Dati silang nagbabantay sa tarangkahan ng hari sa silangang bahagi para sa kampo ng mga kaapu-apuhan ni Levi. 19 Tagapamahala sa mga gawain sa templo at nagbabantay sa bungad ng tolda si Sallum na anak ni Kore na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah, at ang kaniyang mga kamag-anak, sa angkan ng kaniyang ama, ang angkan ni Korah. Katulad ng kanilang mga ninuno na tagabantay noon sa pasukan ng lugar kung saan nananahan si Yahweh. 20 Si Finehas ang tagapangasiwa sa kanila noon at sinasamahan siya ni Yahweh. 21 Si Zacarias na anak ni Meselemias ang tagabantay sa pasukan ng Templo, ang "toldang tipanan." 22 May kabuuang bilang na 212 ang mga piniling tagapagbantay sa tarangkahan ng pasukan. Naitala ang kanilang mga pangalan sa talaan ng mga tao sa kanilang mga nayon. Inilagay sila nina David at propetang si Samuel sa mga tungkuling iyon dahil mapagkakatiwalaan sila. 23 Kaya sila at ang kanilang mga anak ang nagbantay sa mga tarangkahan ng tahanan ni Yahweh, ang tabernakulo. 24 Itinalaga sa apat na sulok ang mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog. 25 Ang mga kanilang mga kapatid na nakatira sa kanilang mga nayon ay darating upang palitan sila sa loob ng pitong araw 26 Ngunit ang apat na pinuno ng mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, na mga Levita, ay itinalaga upang bantayan ang mga silid at silid-imbakan sa tahanan ng Diyos. 27 Magdamag silang nagbabantay sa nakatalaga nilang puwesto sa palibot ng tahanan ng Diyos, dahil tungkulin nilang bantayan ito. Binubuksan nila ito tuwing umaga. 28 Ilan sa kanila ang tagapangasiwa sa mga kagamitan sa templo. Binibilang nila ang mga kagamitang ito kapag dinadala ang mga ito sa loob at kapag dinadala sa labas. 29 Ilan din sa kanila ang itinalaga upang pangalagaan ang mga nailaan na mga bagay, mga kagamitan at ang mga kasangkapan, kabilang ang mga magagandang harina, alak, langis, insenso at ang mga natatanging mga sangkap. 30 Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahalo ng mga natatanging sangkap. 31 Si Matitias na isang Levita, na panganay ni Sallum na mula sa angkan ni Korah, ay tagapangasiwa ng paghahanda ng tinapay para sa paghahandog 32 Ang ilan sa kanilang mga kapatid na kaapu-apuhan ni Kohat ay tagapangasiwa sa mga tinapay na handog, upang ihanda ito tuwing Araw ng Pamamahinga. 33 Nanirahan ang mga mang-aawit at pamilya ng pinuno ng mga Levita sa mga silid sa templo kapag wala silang gawain, dahil kailangan nilang gampanan ang kanilang mga naitakdang tungkulin sa araw at gabi. 34 Ang mga ito ay pinuno ng mga pamilya na kabilang sa mga Levita, ayon sa nakatala sa talaan ng kanilang angkan. Nanirahan sila sa Jerusalem. 35 Nanirahan sa Gibeon si Jelhiel na asawa ni Maaca at ama ni Gibeon. 36 Si Abdon ang kaniyang panganay na anak at ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Zur, Kish, Baal, Ner, at Nadab, 37 Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot. 38 Si Miclot ang ama ni Simeam. Nakatira rin sila malapit sa kanilang mga kapatid sa Jerusalem. 39 Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Malquisua, Abinadab at Esbaal. 40 Anak ni Jonatan si Merib-baal na ama naman ni Mica. 41 Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz. 42 Si Ahaz ang ama ni Jara. Si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet, at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza. 43 Si Moza ang ama ni Binea. Si Binea ang ama ni Refaya. Si Refaya ang ama ni Elasa. Si Elasa ang ama ni Azel. 44 Ito ang anim na lalaking anak ni Azel: Sina Azrikam, Bocru, Ismael, Seraya, Obadias, at Hanan.

Chapter 10

1 At ngayon, nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Tumakas ang bawat Israelita mula sa mga Filisteo at pinatay sa Bundok ng Gilboa. 2 Nagpatuloy ang mga Filisteo sa pagtugis kay Saul at sa kaniyang mga anak na lalaki. Pinatay ng mga Filisteo ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Jonatan, Abinadab at Melquisua. 3 Naging matindi ang digmaan laban kay Saul at inabutan siya ng mga mamamana. Lubha siyang nasugatan dahil sa mga mamamana. 4 Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. "Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako". Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili. 5 Nang makita ng tagadala ng kaniyang mga baluti na patay na si Saul, itinusok rin niya ang tabak sa kaniyang sarili at namatay. 6 Kaya namatay si Saul at ang kaniyang tatlong anak na lalaki, kaya ang lahat ng kaniyang sambahayan ay magkakasamang namatay. 7 Nang makita ng bawat Israelitang nasa lambak na tumakas sila, at patay na si Saul at ang kaniyang mga anak, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas sila. At dumating ang mga Filisteo at nanirahan doon. 8 At nangyari nga kinabukasan, nang dumating ang mga Filisteo upang pagnakawan ang mga patay, natagpuan nilang patay si Saul at ang kaniyang mga anak na lalaki sa Bundok ng Gilboa. 9 Hinubaran nila si Saul, pinugutan siya ng ulo at kinuha ang kaniyang baluti. Nagpadala sila ng mga mensahero sa buong Filistia upang ikalat ang balita sa kanilang mga diyus-diyosan at sa lahat ng tao. 10 Inilagay nila ang kaniyang baluti sa templo ng kanilang mga diyus-diyosan at isinabit ang kaniyang ulo sa templo ni Dagon. 11 Nang marinig ng mga taga-Jabes-Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul, 12 pumunta ang lahat ng kanilang mandirigma at kinuha ang katawan ni Saul maging ang kaniyang mga anak at dinala nila ang mga ito sa Jabes. Inilibing nila ang kanilang mga buto sa ilalim ng puno ng ensina at nag-ayuno sila ng pitong araw. 13 Namatay si Saul dahil hindi siya naging tapat kay Yahweh. Hindi siya sumunod sa mga tagubilin ni Yahweh, sa halip, humingi siya ng payo sa taong nakikipag-usap sa patay. 14 Hindi siya humingi ng patnubay mula kay Yahweh, kaya pinatay siya ni Yahweh at ibinigay ang kaniyang kaharian kay David na anak na lalaki ni Jesse.

Chapter 11

1 At nagpunta ang lahat ng Israelita kay David sa Hebron at sinabi, "Tingnan mo, kami ay iyong laman at dugo. 2 Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'" 3 Kaya lahat ng mga matatanda ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron at gumawa si David ng kasunduan sa kanila sa harap ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David na hari ng buong Israel. Sa ganitong paraang natupad ang salita ni Yahweh na ipinahayag ni Samuel. 4 Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon. 5 Sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, "Hindi ka makakapasok dito." Ngunit tinalo ni David ang matibay na tanggulan ng Zion, iyon ay ang lungsod ni David. 6 Sinabi ni David, "Sinuman ang unang lulusob sa mga Jebuseo ay magiging pinuno." Kaya si Joab na anak ni Zuriah ang unang lumusob, kaya ginawa siyang pinuno ng hukbo. 7 Pagkatapos, nagsimulang tumira si David sa matibay na tanggulan. Kaya tinawag nila itong lungsod ni David. 8 Pinatibay niya ang pader ng lungsod mula sa Millo at pinalibutan niya ng pader. Pinatibay ni Joab ang natitirang bahagi ng lungsod. 9 Naging dakila si David sapagkat ang makapangyarihang si Yahweh ay kasama niya. 10 Ito ang mga pinuno na mayroon si David na nagpakita na sila ay malalakas kasama niya sa kaniyang kaharian, kasama ang buong Israel upang gawin siyang hari, na sinusunod ang salita ni Yahweh tungkol sa Israel. 11 Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon. 12 Sumunod sa kaniya si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita na isa sa tatlong malalakas na mga kalalakihan. 13 Kasama niya si David sa Pas-dammim, at doon nagtipon-tipon ang mga Filisteo para sa labanan, kung saan may bukid ng sebada at tumakas ang hukbo ng mga Israelita mula sa mga Filisteo. 14 Tumayo sila sa gitna ng bukid, ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo. Iniligtas sila ni Yahweh na may malaking tagumpay. 15 At tatlo sa tatlumpung mga pinuno ang bumaba patungo kay David sa malaking bato, sa yungib ng Adullam. Nagkampo ang mga hukbo ng Filisteo sa lambak ng Rephaim. 16 Sa panahong iyon, naroon si David sa kaniyang tanggulan, isang yungib, samantalang nagtatag ang mga Filisteo ng kanilang kampo sa Betlehem. 17 Nanabik sa tubig si David at sinabi, "Kung may magbibigay sana sa akin ng tubig upang inumin mula sa balon ng Betlehem, sa balon na malapit sa tarangkahan!" 18 Kaya sumugod ang tatlong malalakas na kalalakihan sa hukbo ng mga Filisteo at kumuha ng tubig mula sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala kay David, ngunit tumanggi siyang inumin ito. Sa halip, ibinuhos niya ito para kay Yahweh. 19 At sinabi niya, "Huwag mong ipahintulot, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga kalalakihang nagbuwis ng kanilang mga buhay?" Dahil inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay, ayaw niyang inumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong matatapang na kalalakihan. 20 Si Abisai na kapatid ni Joab ang namuno sa tatlo. Ginamit niya ng minsan ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal. 21 Sa tatlo, siya ay labis na pinarangalan at naging kanilang pinuno. Gayunman, ang kaniyang katanyagan ay hindi papantay sa katanyagan ng tatlong mga kawal. 22 Si Benaias na anak ni Joaida ay malakas na lalaki na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab. Bumaba din siya sa malalim na hukay at pinatay ang isang leon habang umuulan ng niyebe. 23 Pinatay rin niya ang isang lalaking taga-Egipto na may limang kubit ang taas. Ang taga-Egipto ay may sibat na tulad ng kahoy na panghabi, subalit pumunta siya sa kaniya na tungkod lamang ang dala. Inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga-Egipto at pinatay siya gamit ang sarili niyang sibat. 24 Ang mga kahanga-hangang gawa na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joaida, at pinangalanan siya kasama ng tatlong malalakas na kalalakihan. 25 Mas higit siyang iginagalang kaysa sa tatlumpung mga kawal sa pangkalahatan, ngunit hindi siya iginagalang na katulad ng tatlong mga piling kawal. Gayunman, inilagay siya ni David na tagapangasiwa ng kaniyang mga bantay. 26 Ang malalakas na mga kalalakihan ay sina Asahel na kapatid ni Joab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem, 27 Si Samot na taga-Harod, Si Helez na taga-Pelet, 28 Si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot, 29 si Sibecai na taga-Husa, si Ilai na taga-Aho, 30 si Maharai na taga-Netofa, Heled na anak ni Baana na taga-Netofa, 31 si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea na mula sa angkan ni Benjamin, si Benaias na taga-Piraton, 32 si Hurai na mula sa mga lambak ng Gaas, si Abiel na taga-Arba, 33 si Azmavet na taga-Behurim, si Eliaba na taga-Saalbon, 34 ang mga anak ni Hasem na taga-Gizon, si Jonathan na anak ni Sage na taga-Arar, 35 si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Arar, si Elifal na anak ni Ur, 36 si Hefer na taga-Mequera, si Ahias na taga-Pelon, 37 si Hezro na taga-Carmel, si Naarai na anak ni Ezbai, 38 si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Hagri, 39 si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot (tagadala ng baluti ni Joab na anak ni Zeruiah), 40 si Ira at Gareb na taga-Jatir, 41 si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai, 42 si Adina na anak ni Siza (na pinuno sa angkan ni Ruben) at kasama niya ang tatlumpung tao, 43 si Hanan anak ni Maaca, at si Josafat na taga-Mitan, 44 si Uzias na taga-Asterot, Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer, 45 si Jediael na anak ni Simri at si Joha na kaniyang kapatid na taga-Tiz, 46 si Eliel na taga-Mahava, si Jeribai at Josavia ang mga anak ni Elnaam, si Itma na taga-Moab, 47 sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.

Chapter 12

1 Ito ang mga kalalakihang pumunta kay David sa Ziklag, nang siya ay natatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga kawal, na mga katulong niya sa pakikipaglaban. 2 Sila ay may dalang mga pana at kaya nilang gamitin ang parehong kanan at kaliwang kamay sa pagtirador at sa pagpana ng mga palaso mula sa pana. Sila ay galing sa lahi ni Benjamin, na kalahi ni Saul 3 Ang pinuno ay si Ahiezer; sumunod si Joas —sila ay parehong anak ni Semaa na taga-Gibea. Sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Asmavet. Naroon din si Beraca at Jehu na taga-Anatot, 4 si Ismaias na taga-Gebion na isang sundalo na kasama sa tatlumpu at siyang namumuno sa tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na mga taga-Gedera, 5 Sina Eluzai, Jerimot, Balias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf, 6 ang mga taga-Korah na sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer, Jesobeam, at 7 Joela, at Zebadias, na mga anak ni Joram na taga-Gedor. 8 Ilan sa mga taga-Gad ay umanib kay David sa matibay na tanggulan sa ilang. Sila ay mga mandirigma, mga kalalakihang sinanay para sa digmaan, na kayang humawak ng kalasag at sibat; na ang mga mukha ay kasing bangis ng mga mukha ng leon. Sila ay kasing bilis ng mga gasel sa mga bundok. 9 Si Ezer ang pinuno, si Obadias ang ikalawa si Eliab ang ikatlo, 10 si Mismana ang ikaapat, si Jeremias ang ikalima, 11 si Attai ang ikaanim, si Eliel ang ikapito, 12 si Johanan ang ikawalo, si Elzabad ang ikasiyam, 13 si Jeremias ikasampu, si Macbanai ang ikalabing-isa. 14 Itong mga anak ni Gad ay mga pinuno ng hukbo. Ang pinamunuan ng pinakamababa ay isang daan at ang pinamunuan ng pinakadakila ay isanglibo. 15 Tinawid nila ang Jordan sa unang buwan, nang umapaw ang mga pampang nito at pinalayas ang lahat ng mga naninirahan sa mga kapatagan papuntang silangan at papuntang kanluran. 16 Ang ilan sa mga kalalakihan sa lipi ni Benjamin at Juda ay pumunta sa matibay na tanggulan ni David. 17 Lumabas si David upang salubungin sila at sinabi niya: "Kung pumunta kayo na may kapayapaan upang tulungan ako, maaari kayong sumama sa akin. Subalit kung kayo ay pumarito upang ipagkanulo ako sa aking mga kalaban, sawayin nawa kayo ng Diyos ng ating mga ninuno, sapagkat wala akong ginawang mali." 18 Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, "Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos." Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan. 19 Ang ilan mula sa Manases ay umalis upang sumama kay David nang dumating siya kasama ang mga Filisteo upang labanan si Saul. Ngunit hindi nila tinulungan ng mga Filisteo, sapagkat ang panginoon ng mga Filisteo ay sumangguni sa isa't isa at pinaalis si David. Sinabi nila, "Iiwan niya tayo at sasama sa kaniyang panginoon na si Saul at malalagay sa panganib ang ating buhay." 20 Nang pumunta siya sa Ziklag, ang mga kalalakihan ng Manases na sumama sa kaniya ay sina Adna, Jozabad, Jidiael, Micael, Eliu, at Zillettai, na mga kapitan sa libu-libong mula sa Manases. 21 Tinulungan ng mga lalaking mandirigma si David na lumaban sa mga lumilibot na pangkat ng mga magnanakaw. Pagkatapos, naging mga pinuno sila sa mga hukbo. 22 Araw-araw, may mga lalaking pumupunta kay David upang tulungan siya hanggang sa magkaroon ng malaking hukbo tulad ng hukbo ng Diyos. 23 Ito ang talaan ng mga armadong kawal para sa labanan na nagpunta kay David sa Hebron upang ibigay ang kaharian ni Saul sa kaniya, na tumupad sa salita ni Yahweh. 24 Mula sa Juda ang mga nagdala ng kalasag at sibat ay 6, 800, na armado para sa digmaan. 25 Mula sa tribu ni Simeon ay may 7, 100 na lalaking mandirigma. 26 Mula sa mga Levita ay may 4, 600 na mga lalaking mandirigma. 27 Si Joiada ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang kasama niya ay 3, 700. 28 Kasama ni Zadok, isang binatang malakas at matapang, ang dalawampu't dalawang pinuno mula sa angkan ng kaniyang ama. 29 Mula kay Benjamin, na tribu ni Saul ay may 3, 000. Karamihan sa kanila ay nanatiling tapat kay Saul hanggang ngayon. 30 Mula sa tribu ni Efraim ay may 20, 800 na lalaking mandirigma, mga lalaking tanyag sa sambahayan ng kanilang ama. 31 Mula sa kalahating tribu ni Manases ay may 18, 000 na mga lalaking tanyag na dumating upang gawing hari si David. 32 Mula kay Isacar, ay may dalawandaang pinuno na may pag-unawa sa mga panahon at nalalaman kung ano dapat gawin ng Israel. Ang lahat ng kanilang kamag-anak ay nasa ilalim ng kanilang utos. 33 Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan. 34 Mula kay Neftali ay may isang libong opisyal at kasama nila ang may 37, 000 na lalaki na may mga kalasag at mga sibat. 35 Mula sa angkan ni Dan ay may 28, 600 na mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan. 36 Mula kay Asher ay may apatnapung libong mga kalalakihan na nakahanda para sa labanan. 37 Mula sa kabilang panig ng Jordan, mula sa tribu ni Ruben, Gad, at sa kalahating tribu ni Manases ay may 120, 000 na lalaking armado ng lahat ng uri ng sandata para sa labanan. 38 Ang lahat ng mga kawal na ito, na handa para sa labanan, ay dumating sa Hebron na may matatag na hangarin na gawing hari si David sa buong Israel. Ang lahat ng iba pang Israelita ay sumang-ayon na gawing hari si David. 39 Sila ay naroon ng tatlong araw kasama si David na kumain at uminom, sapagkat pinadalhan sila ng kanilang mga kamag-anak ng kailangang pagkain at inumin. 40 Bukod pa rito, ang mga malapit sa kanila, hanggang Isacar, Zebulun at Neftali, ay nagdala ng tinapay na isinakay sa mga asno, mga camelyo, mga mola at mga baka, at tinapay na gawa sa igos, mga kumpol ng pasas, alak, langis, baka at tupa, sapagkat nagdiriwang ang Israel.

Chapter 13

1 Sumangguni si David sa mga pinuno ng libu-libo at daan-daan, sa bawat pinuno. 2 Sinabi ni David sa buong kapulungan ng Israel, 'Kung ito ang mabuti para sa inyo at kung ito ay nagmula kay Yahweh na ating Diyos, magpadala tayo ng mga mensahero sa lahat ng lugar kung saan naroon ang ating mga kapatiran na nananatili sa lahat ng mga rehiyon ng Israel at sa mga pari at mga Levita na nasa kanilang mga lungsod. Sabihan sila na sumama sila sa atin. 3 Ibalik natin ang kaban ng tipan sa atin, sapagkat hindi natin sinangguni ang kaniyang kalooban sa panahon ng paghahari ni Saul." 4 Sumang-ayon ang buong kapulungan na gawin ang mga bagay na ito, dahil tila tama ito sa paningin ng lahat ng mga tao. 5 Kaya, tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa ilog ng Sihor sa Egipto hanggang Lebo Hamat, upang kunin ang kaban ng Diyos mula sa Kiriath Jearim. 6 Si David at ang lahat ng Israel ay umakyat sa Baala, iyan ay ang, Kiriath Jearim, na sakop ng Juda, upang kunin doon ang kaban ng Diyos, na ang tawag ay Yahweh, na nakaupo sa trono sa ibabaw ng kerubim. 7 Kaya inilagay nila ang kaban ng Diyos sa bagong kariton. Inilabas nila ito mula sa bahay ni Abinadab. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton. 8 Si David at ang lahat ng Israelita ay nagdiriwang sa harapan ng Diyos ng kanilang buong lakas. Sila ay umaawit na may mga instrumentong may kuwerdas, mga tamburin, mga pompiyang at mga trumpeta. 9 Nang makarating sila sa giikan sa Quidon, biglang hinawakan ni Uza ang kaban, dahil natisod ang baka. 10 Pagkatapos, nagalab ang galit ni Yahweh laban kay Uza at pinatay siya ni Yahweh dahil hinawakan ni Uza ang kaban. Namatay siya doon sa harap ng Diyos. 11 Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uza. Ang lugar na iyon ay tinawag na Perez Uza hanggang sa araw na ito. 12 Natakot si David sa Diyos sa araw na iyon. Sinabi niya, "Paano ko maiuuwi ang kaban ng tipan ng Diyos?" 13 Kaya hindi inilipat ni David ang kaban ng tipan sa lungsod ni David, ngunit inilagak ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat. 14 Ang kaban ng Diyos ay nanatili sa tahanan ni Obed-edom ng tatlong buwan. Kaya pinagpala ni Yahweh ang kaniyang tahanan at ang lahat ng kaniyang ari-arian.

Chapter 14

1 Pagkatapos, nagpadala si Hiram na hari ng Tiro ng mga mensahero kay David at cedar na kahoy, mga karpintero at mga mason. Nagtayo sila ng bahay para sa kaniya. 2 Alam ni David na hinirang siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel at naitaas ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel. 3 Nag-asawa pa ng marami si David sa Jerusalem, at siya ay naging ama ng maraming anak na lalaki at babae. 4 Ito ang pangalan ng kaniyang mga anak na isinilang sa Jerusalem: Sina Samua, Sobab, Natan, Solomon, 5 Ibhar, Elisua, Elpelet, 6 Noga, Nefeg, Jafia, 7 Elisama, Beeliada, at Elifelet. 8 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na hinirang si David bilang hari sa buong Israel, umalis silang lahat upang hanapin siya. Ngunit nabalitaan ni David ang tungkol dito at umalis upang labanan sila. 9 Dumating ang mga Filisteo at nilusob ang lambak ng Refaim. 10 Pagkatapos, humingi si David ng tulong mula sa Diyos. Sinabi niya, "Dapat ko bang lusubin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin mo ba ako laban sa kanila?" Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Lusubin mo sila, sapagkat tiyak na ibibigay ko sila sa iyo." 11 Kaya, pumunta sila sa Baal-perazim at tinalo ang mga Filisteo doon. Sinabi niya, "Nilupig ni Yahweh ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking mga kamay tulad ng rumaragasang tubig baha." Kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay Baal-perazim. 12 Iniwan ng mga Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon at nagbigay si David ng utos na dapat sunugin ang mga iyon. 13 Pagkatapos, muling nilusob ng mga Filisteo ang lambak. 14 Kaya muling humingi si David ng tulong sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa kaniya, "Huwag mong lusubin ang kanilang harapan, sa halip umikot ka at lusubin mo sila sa likuran sa tapat ng mga puno ng balsam. 15 Kapag narinig mo ang tunog ng martsa sa hangin na umiihip sa itaas ng mga puno ng balsam, lumusob ka nang buong lakas. Gawin mo ito dahil ang Diyos ay mauuna sa iyo upang lusubin ang hukbo ng mga Filisteo." 16 Kaya ginawa ni David ang inutos ng Diyos sa kaniya. Tinalo niya ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer. 17 Pagkatapos, naipamalita ang katanyagan ni David sa lahat ng lupain at ginawa ni Yahweh na matakot ang lahat ng bansa kay David.

Chapter 15

1 Nagpatayo si David ng mga bahay para sa kaniyang sa lungsod ni David. Siya ay naghanda ng isang lugar para sa kaban ng Diyos at nagtayo ng tolda para dito. 2 At sinabi ni David, "Ang mga Levita lamang ang maaaring magbuhat ng kaban ng Diyos, sapagkat pinili sila ni Yahweh upang buhatin ito at upang paglingkuran siya magpakailanman." 3 Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito. 4 Tinipon ni David ang mga kaapu-apuhan ni Aaron at ang mga Levita. 5 Mula sa kaapu-apuhan ni Kohat, naroon ang pinuno na si Uriel at ang kaniyang mga kamag-anak na 120 na kalalakihan. 6 Mula sa kaapu-apuhan ni Merari, naroon ang pinuno na si Asaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 220 na kalalakihan. 7 Mula sa kaapu-apuhan ni Gershom, naroon ang pinuno na si Joel at ang kaniyang mga kamag-anak na 130 na kalalakihan. 8 Mula sa kaapu-apuhan ni Elizafan, naroon ang pinuno na si Semaias at ang kaniyang mga kamag-anak na 200 na kalalakihan. 9 Mula sa kaapu-apuhan ni Hebron, naroon ang pinuno na si Eliel at ang kaniyang mga na kamag-anak na 80 na kalalakihan. 10 Mula sa kaapu-apuhan ni Uziel, naroon ang pinuno na si Aminadab at ang kaniyang mga na kamag-anak na 112 na kalalakihan. 11 Ipinatawag ni David ang mga paring sina Zadok at Abiatar at ang mga Levitang sina Uriel, Asaias, Joel, Semaias, Eliel at Aminadab. 12 Sinabi niya sa kanila, "Kayo ang mga pinuno ng pamilya ng mga Levita. Ilaan ninyo ang inyong sarili kay Yahweh, kayo at ang inyong mga kapatid na lalaki upang maaari ninyong dalhin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel sa lugar na inihanda ko para dito. 13 Hindi ninyo ito binuhat noong una. Kung kaya si Yahweh na ating Diyos ay nagalit sa atin, sapagkat hindi natin siya hinanap o sinunod ang kaniyang kautusan." 14 Kaya ang mga pari at ang mga Levita ay inilaan ang kanilang mga sarili upang buhatin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. 15 Kaya pinasan ng mga Levita ang kaban ng Diyos sa kanilang mga balikat gamit ang mga pingga, tulad ng iniutos ni Moises na alinsunod sa tuntuning ibinigay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh. 16 Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig. 17 Kaya, itinalaga ng mga Levita si Heman, ang lalaking anak ni Joel at isa sa kaniyang mga kapatid na lalaki, si Asaf na anak ni Berequias. At itinalaga din ang kanilang mga kamag-anak mula sa kaapu-apuhan ni Merari at si Etan na anak ni Cusaias. 18 Kasama nila ang kanilang mga kamag-anak na nasa ikalawang katungkulan: sina Zacarias, Jaazael, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaias, Maaseias, Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, at Jeiel, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan. 19 Ang mga manunugtog na sina Heman, Asaf at Etan ay itinalaga upang tumugtog ng mga tansong pompiyang na may malalakas na tunog. 20 Sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasaias, at Benaias ang tumugtog ng mga instrumentong may kuwerdas na alinsunod sa Alamot. 21 Ang mga nanguna sa pagtugtog ng mga alpa ay sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias na alinsunod sa Seminit. 22 Si Quenanias na pinuno ng mga Levita sa pag-awit, ang namahala sa pag-awit dahil mahusay siya. 23 Sina Berequias at Elkana ang tagabantay sa kaban. 24 Ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nethanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer ang iihip ng mga trumpeta sa harapan ng kaban ng Diyos. Si Obed-edom at Jehias ang mga tagabantay ng kaban. 25 Kaya pumunta sina David, ang mga nakatatanda sa Israel at ang mga pinuno sa libu-lubo upang ilabas sa bahay ni Obed-edom ang kaban ng tipan ni Yahweh na may kagalakan. 26 Sapagkat tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagbuhat sa kaban ng tipan ni Yahweh, naghandog sila ng pitong toro at pitong tupa. 27 Nakadamit si David ng balabal na gawa pinong lino, ganoon din ang mga Levitang nagbuhat sa kaban, ang mga mang-aawit, at si Kenaniaz, ang nangunguna sa awit kasama ang mga mang-aawit. Nakasuot si David ng linong efod. 28 Kaya dinala ng lahat ng Israel ang kaban ng tipan ni Yahweh na may masayang hiyawan at may tunog ng mga tambuli, mga pompiyang at mga instrumentong may kuwerdas at mga alpa. 29 Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.

Chapter 16

1 Ipinasok nila ang kaban ng Diyos at inilagay ito sa gitna ng tolda na ipinagawa ni David para dito. Pagkatapos, naghandog sila ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa harap ng Diyos. 2 Nang natapos ni David ihandog ang alay na susunugin at handog pangkapayapaan, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh. 3 Nagbahagi siya sa bawat Israelita, sa mga kalalakihan at kababaihan, ng tinapay, at isang pirasong karne, at kumpol ng mga pasas. 4 Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 5 Ang mga Levitang ito ay sina Asaf, na pinuno, at pumapangalawa sa kaniya sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matitias, Eliab, Benaias, Obed-edom at Jeiel. Sila ang tutugtog ng mga instrumentong may kwerdas at mga alpa. Si Asaf naman ang tutugtog sa mga pompiyang nang malakas. 6 Ang mga paring sina Benaias at Jahaziel ang palaging iihip sa mga sungay sa harapan ng kaban ng tipan ng Diyos. 7 At sa araw na iyon, unang hinirang ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid upang awitin ang awit na ito ng pasasalamat kay Yahweh. 8 Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kaniyang pangalan at ipaalam sa lahat ng bansa ang kaniyang mga gawa. 9 Umawit sa kaniya, umawit ng mga papuri sa kaniya at ipagsabi ang lahat ng kaniyang kamangha-manghang mga gawa. 10 Magmayabang kayo sa kaniyang banal na pangalan, magalak ang puso ng mga naghahanap kay Yahweh. 11 Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensiya. 12 Alalahanin ang kaniyang mga kamangha-manghang ginawa, ang kaniyang mga himala at mga utos na nagmula sa kaniyang bibig, 13 kayo na kaapu-apuhan ng Israel ang kaniyang mga lingkod, kayong mga tao ni Jacob, ang kaniyang pinili. 14 Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Ang kaniyang mga utos ay nasa buong mundo. 15 Panatilihin ninyo sa inyong isipan ang kaniyang tipan magpakailanman, ang salita na kaniyang iniutos sa sanlibong salinlahi. 16 Naaalala niya ang kasunduan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sinumpaan kay Isaac. 17 Ito ang kaniyang pinatunayan kay Jacob bilang isang kautusan, at sa Israel bilang isang walang hanggang kasunduan. 18 Sinabi niya, "Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang bahagi ng iyong mamanahin." 19 Sinabi ko ito noong kakaunti pa lamang ang inyong bilang, talagang napakaunti, at mga estranghero sa lupain. 20 Nagpunta sila mula sa isang bansa patungo sa isang bansa, mula sa isang kaharian patungo sa iba. 21 Hindi niya hinayaan na apihin sila ng sinuman, pinarusahan niya ang mga hari alang-alang sa kanilang kapakanan. 22 Sinabi niya, "Huwag ninyong gagalawin ang aking mga pinili, at huwag ninyong sasaktan ang aking mga propeta." 23 Umawit kay Yahweh, buong mundo; ihayag araw-araw ang kaniyang pagliligtas. 24 Ipahayag ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa, ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa sa lahat ng bansa. 25 Sapagkat si Yahweh ay dakila at marapat na papurihan, at marapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang diyos. 26 Sapagkat ang lahat ng diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan, ngunit si Yahweh ang lumikha ng mga langit. 27 Ang kaluwalhatian at kamaharlikaan ay nasa kaniyang presensiya. Ang kalakasan at kagalakan ay nasa kaniyang lugar. 28 Ibigay kay Yahweh ang papuri, kayong mga angkan ng mga tao, ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatian at kalakasan. 29 Ibigay kay Yahweh ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniyang pangalan. Magdala ng handog at lumapit sa kaniyang harapan. Yumuko kay Yahweh sa kaniyang banal na kaluwalhatian. 30 Manginig sa kaniyang harapan, lahat ng nasa daigdig. Ang sanlibutan ay matatag at hindi ito mayayanig. 31 Matuwa ang mga langit at ang daigdig ay magalak; sasabihin nila sa lahat ng mga bansa, "maghari si Yahweh." 32 Dadagundong ang karagatan, at sisigaw ng may kagalakan ang mga pumupuno nito. Magagalak ang mga parang, at ang lahat ng nandito. 33 Sisigaw ng may kagalakan sa harap ni Yahweh ang mga puno sa kagubatan, sapagkat darating siya upang hatulan ang mundo. 34 Magpasalamat kay Yahweh, sapagkat siya ay mabuti, at ang matapat niyang kasunduan ay magtatagal magpakailanman. 35 At sabihing, "Iligtas mo kami, Diyos ng aming kaligtasan. Tipunin mo kami ng magkakasama at iligtas mo kami mula sa ibang mga bansa, upang makapagpasalamat kami sa iyong banal na pangalan at kaluwalhatian sa iyong kapurihan." 36 Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay papurihan magpakailanman hanggang sa magpasawalang-hanggan. Sinabi ng lahat ng tao, "Amen" at pinuri si Yahweh. 37 Kaya iniwan ni David si Asaf at ang kaniyang mga kapatid sa harapan ng kaban ng tipan ni Yahweh, upang patuloy na maglingkod sa harapan ng kaban, gaya ng kinakailangang gawin araw-araw. 38 Kasama din si Obed- edom at ang animnapu't walong kamag-anak nito. Si Obed-edom na anak ni Jeduthun, kasama si Hosa ang magiging mga tagapagbantay ng tarangkahan. 39 Ang paring si Zadok at ang kaniyang mga kapwa pari ay maglilingkod sa harapan ng tabernakulo ni Yahweh sa dambana na nasa Gibeon. 40 Sila ay patuloy na maghahandog ng mga alay na susunugin para kay Yahweh sa altar para sa mga alay na susunugin umaga at gabi, bilang pagsunod sa lahat ng nasusulat sa kautusan ni Yahweh, na ibinigay niya sa Israel bilang kautusan. 41 Kasama nila sina Heman at Jeduthun, gayon din ang mga pinili sa pangalan upang magpasalamat kay Yahweh dahil ang kaniyang matapat na kasunduan ay magtatagal magpakailanman. 42 Sina Heman at Jeduthun ang namamahala sa mga nagpapatunog ng mga trumpeta, mga pompiyang, at ang ibang mga instrumento para sa sagradong musika. Ang mga anak ni Jeduthun ang nagbantay sa tarangkahan. 43 Pagkatapos, umuwi ang lahat ng tao sa kanilang mga tahanan, at umuwi si David upang pagpalain ang kaniyang sariling sambahayan.

Chapter 17

1 At nangyari nang nakatira na ang hari sa kaniyang tahanan, sinabi niya kay propeta Natan, "Tingnan mo, ako ay nakatira sa isang tahanan na sedar, ngunit ang kaban ng tipan ni Yahweh ay nananatili sa ilalim ng isang tolda." 2 Pagkatapos, sinabi ni Natan kay David, "Humayo ka, gawin mo kung ano ang nasa iyong puso, sapagkat ang Diyos ay sumasaiyo." 3 Ngunit nang gabing iyon, ang salita ng Diyos ay dumating kay Natan at sinabi, 4 "Humayo ka at sabihin mo sa lingkod kong si David, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi mo ako ipagtatayo ng isang bahay na matitirhan. 5 Sapagkat hindi ako tumira sa isang bahay mula sa araw na dinala ko ang Israel hanggang sa kasalukuyang araw na ito. Sa halip, ako ay naninirahan sa isang tolda, isang tabernakulo, sa iba't ibang lugar. 6 Sa lahat ng lugar na nilipatan ko kasama ang buong Israel, mayroon ba akong sinabi na kahit ano sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na pinili kong magpastol sa aking mga tao, nagsasabi, "Bakit hindi ninyo ako ipinagtayo ng isang tahanan na sedar?"'" 7 "At ngayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, na pinuno ng hukbo: "Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, nang sa gayon ikaw ay maging pinuno ng bayan kong Israel. 8 At kasama mo ako saan ka man magpunta at nilupig ko ang lahat ng iyong kaaway sa iyong harapan. At gagawan kita ng isang pangalan, katulad ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa. 9 Ako ay magtatakda ng isang lugar para sa bayan kong Israelita at patitirahin ko sila doon, nang sa gayon manirahan sila sa sarili nilang lugar at hindi na sila magagampala. Hindi na sila aapihin ng mga masasamang tao, tulad ng ginawa nila noon, 10 tulad ng ginagawa nila mula sa mga araw na inutusan ko ang mga hukom na pamahalaan ang bayan kong Israel. At susupilin ko ang lahat ng iyong kaaway. Gayon din, sinasabi ko sa iyo na ako, si Yahweh ay magtatayo ng isang tahanan para sa iyo. 11 At mangyayari na kapag natapos na ang iyong mga araw upang ikaw ay pumunta sa iyong mga ninuno, gagawin kong tagapamuno ang iyong kaapu-apuhan na susunod sa iyo, at sa isa sa iyong sariling kaapu-apuhan, itatatag ko ang kaniyang kaharian. 12 Ipagtatayo niya ako ng isang tahanan, at itatatag ko ang kaniyang trono magpakailanman. 13 Ako ay magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak ko. Hindi ko babawiin ang matapat kong kasunduan sa kaniya, tulad ng pagbawi ko nito mula kay Saulo, na namuno bago ikaw. 14 Itatalaga ko siya sa aking tahanan at sa aking kaharian magpakailanman, at itatatag ko ang kaniyang trono magpakailaman."'" 15 Nagsalita si Natan kay David at ibinalita sa kaniya ang lahat ng mga salitang ito, at sinabi niya rin ang tungkol sa kabuuang pangitain. 16 Pagkatapos, pumasok si haring David at umupo sa harapan ni Yahweh, sinabi niya, "Sino ako, Yahweh na Diyos, at ano ang aking pamilya na ako ay dinala mo sa kalagayang ito? 17 At ito ay isang maliit na bagay sa iyong paningin, O Diyos. Ikaw ay nagsalita tungkol sa pamilya ng iyong lingkod tungkol sa panahon na darating, at ipinakita mo sa akin ang mga susunod na salinlahi, O Yahweh na Diyos. 18 Ano pa ang masasabi ko, akong si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod. Binigyan mo ang iyong lingkod ng isang natatanging pagkilala. 19 O Yahweh, alang-alang sa iyong lingkod at upang matupad ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito upang ihayag ang lahat ng iyong mga dakilang gawa. 20 O Yahweh, wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng lagi naming naririnig. 21 At anong bansa sa mundo ang tulad ng iyong bayang Israel na iniligtas mo O Diyos mula sa Egipto bilang mga tao para sa iyo, upang gumawa ng pangalan para sa iyo sa pamamagitan ng mga dakila at mga nakamamanghang gawa? Pinalayas mo ang mga bansa sa harap ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Egipto. 22 Ginawa mo ang Israel na iyong sariling mga tao magpakailanman, at ikaw, O Yahweh ang naging Diyos nila. 23 Kaya ngayon, O Yahweh, nawa manatili magpakailanman ang ipinangako mo tungkol sa iyong lingkod at sa kaniyang pamilya. Gawin mo kung ano ang iyong sinabi. 24 Nawa ang iyong pangalan ay manatili magpakailanman at maging dakila, upang sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel ang Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, akong si David na iyong lingkod ay manatili sa iyong harapan. 25 Sapagkat ipinahayag mo, o aking Diyos, sa iyong lingkod na ipagtatayo mo siya ng isang tahanan. Kaya ako na iyong lingkod ay nakatagpo ng tapang upang manalangin sa iyo. 26 Ngayon, O Yahweh, ikaw ay Diyos, at ginawa mo ang mabuting pangako na ito sa iyong lingkod: 27 Ngayon, ikinalugod mo na pagpalain ang tahanan ng iyong lingkod upang ito ay magpatuloy magpakailanman sa iyong harapan. Pinagpala mo ito, O Yahweh, at ito ay pagpapalain magpakailanman."

Chapter 18

1 Pagkatapos nito, nangyari na sinalakay ni David ang mga Filisteo at tinalo sila. Kinuha niya ang Gat at ang mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga FIlisteo. 2 Pagkatapos tinalo niya ang Moab, at naging mga tagapaglingkod ni David ang mga Moabita at binigyan siya ng parangal. 3 Sunod na tinalo ni David si Hadadezer, ang hari ng Zoba sa Hamat, habang naglalakbay si Hadadezer upang itatag ang kaniyang pamumuno sa Ilog Eufrates. 4 Nabihag ni David mula sa kaniya ang isanlibong karwahe, pitong libong mangangabayo, at dalawampung libong kawal na naglalakad. Pinilayan ni David ang mga kabayo ng mga karwahe, ngunit nagtira siya ng sapat sa kanila para sa isandaang karwahe. 5 Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco upang tulungan si Hadadezer na hari ng Zoba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong Arameong kalalakihan. 6 Pagkatapos naglagay si David ng mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga alipin niya ang mga Arameo at nagdala sa kaniya ng parangal. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta. 7 Kinuha ni David ang mga gintong panangga na nasa mga alipin ni Hadadezer at dinala sila sa Jerusalem. 8 Kinuha ni David ang napakaraming tanso mula sa Tibha at Cun, ang mga lungsod ni Hadadezer. Ito ang mga tanso na kalaunan ay ginamit ni Solomon sa paggawa ng tansong dagat, mga haligi, at mga kagamitang tanso. 9 Nang mabalitaan ni Tou, ang hari ng Hamat, na tinalo ni David ang lahat ng hukbo ni Hadadezer na hari ng Zoba, 10 ipinadala ni Tou ang kaniyang anak na si Hadoram kay Haring David upang batiin at pagpalain, dahil nakipaglaban at tinalo ni David si Hadadezer, at dahil nagdeklara si Hadadezer ng digmaan laban kay Tou. Nagdala si Hadoram ng mga kagamitan na pilak, ginto, at tanso. 11 Inilaan ni Haring David ang mga kagamitang ito kay Yahweh, kasama ang mga pilak at mga ginto na nakuha niya sa lahat ng bansa: sa Edom, Moab, sa mga Ammonita, sa mga Filisteo, at Amalek. 12 Pinatay ni Abisai na anak ni Zeruias ang 18, 000 na Edomita sa lambak ng Asin. 13 Naglagay siya ng mga kuta sa Edom, at naging mga tagapaglingkod ni David ang lahat ng Edomita. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta. 14 Naghari si David sa buong Israel, at pinangasiwaan niya nang may katarungan at katuwiran ang lahat ng kaniyang mamamayan. 15 Si Joab na anak ni Zeruias ang pinuno ng hukbo, at si Jehosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala. 16 Si Zadok na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ay mga pari, at si Shavsha ay eskriba. 17 Si Benaias na anak ni Joiada ang tagapangasiwa ng mga Kereteo at mga Peleteo, at ang mga anak ni David ay ang mga pangunahing tagapayo ng hari.

Chapter 19

1 Hindi nagtagal, namatay ang hari ng mga Ammonita na si Nahas at ang kaniyang anak ang naging hari kapalit niya. 2 Sinabi ni David, "Magpapakita ako ng kabaitan kay Hanun na anak ni Nahas sapagkat nagpakita ng kabaitan ang kaniyang ama sa akin." Kaya nagpadala si David ng mga mensahero upang damayan siya tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang mga lingkod ni David sa lupain ng mga Ammonita at pumunta kay Hanun upang damayan siya. 3 Ngunit sinabi ng mga pinuno ng mga Ammonita kay Hanun, "Iniisip mo ba talaga na pinararangalan ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga kalalakihan upang aliwin ka? Hindi kaya naparito ang kaniyang mga lingkod sa iyo upang manmanan at suriin ang lupain upang pabagsakin ito?" 4 Kaya ipinahuli ni Hanun ang mga lingkod ni David, inahitan sila, pinutol ang kanilang mga kasuotan mula sa kanilang baywang, hanggang sa puwitan at saka sila pinaalis. 5 Nang isinalaysay nila ito kay David, nagpadala siya ng mga sasalubong sa kanila, sapagkat labis na napahiya ang mga kalalakihan. Sinabi ng hari, "Manatili kayo sa Jerico hanggang sa muling tumubo ang inyong mga balbas at saka kayo bumalik dito." 6 Nang nakita ng mga Ammonita na naging mabaho sila kay David, nagpadala si Hanun at ang mga Ammonita ng isang libong talentong pilak upang upahan ang mga karwahe ng Arameo at mga mangangabayo mula sa Naharaim, Maacah, at Soba. 7 Nakaupa sila ng 32, 000 na karwahe sa hari ng Maacah at ang kaniyang mga tauhan na pumunta at nagkampo sa tapat ng Medeba. Nagsama-sama ang mga Ammonita mula sa kanilang mga lungsod at pumunta sa digmaan. 8 Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang kaniyang buong hukbo upang salubungin sila. 9 Lumabas ang mga Ammonita at humanay para sa labanan sa may tarangkahan ng lungsod, samantalang ang mga haring dumating ay nasa parang na wala silang kasama. 10 Nang makita ni Joab na ang hanay na kaniyang kakalabanin ay kapwa sa harapan at likuran, pumili siya ng ilan sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Israel at pinahanay sila laban sa mga Arameo. 11 Samantalang ibinigay niya ang pamumuno sa mga natirang hukbo sa kaniyang kapatid na si Abisai at inilagay niya sila sa hanay ng pakikipaglaban sa hukbo ng mga Ammonita. 12 Sinabi ni Joab, "Kung labis na malakas ang mga Arameo para sa akin, kailangan mo akong iligtas Abisai. Ngunit kung labis na malakas ang hukbo ng mga Ammonita para sa iyo, darating ako at ililigtas kita. 13 Maging malakas ka at ipakita natin na tayo ay malakas alang-alang sa ating bayan at alang-alang sa mga lungsod ng ating Diyos, sapagkat gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti para sa kaniyang layunin." 14 Kaya sumulong si Joab at ang mga kawal ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na sapilitang tumakas sa harap ng hukbo ng Israel. 15 Nang makita ng hukbo ng mga Ammonita na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Joab na kapatid ni Abisai at bumalik sa lungsod. Pagkatapos, bumalik si Joab mula sa mga Ammonita at bumalik sa Jerusalem. 16 At nang nakita ng mga Arameo na natatalo sila ng Israel, nagpadala sila ng karagdagang mga kawal mula sa ibayong Ilog Eufrates, kasama si Sofac, ang pinuno ng hukbo ni Hadadezer. 17 Nang sabihin ito kay David, tinipon niya ang lahat ng Israel, tumawid sila sa Jordan, at pumunta sa kanila. Pinahanay niya ang hukbo para sa digmaan laban sa mga Arameo, at nilabanan nila siya. 18 Tumakas ang mga Arameo mula sa Israel at nakapatay si David ng pitong libong nakakarwaheng Arameo at apatnapung libong mga kawal na naglalakad. Pinatay din niya si Sofac, ang pinuno ng hukbo. 19 Nang makita ng lahat ng haring tagapaglingkod ni Hadadezer na tinalo sila ng Israel, nakipagkasundo sila kay David at naglingkod sa kanila. Kaya hindi na pumayag ang mga Arameo na tulungan ang mga Ammonita.

Chapter 20

1 Nang sumapit ang tagsibol sa panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari. Pinangunahan ni Joab ang hukbo sa labanan at winasak nila ang lupain ng mga Ammonita. Pumunta siya at sinalakay ang Rabba, nanatili si David sa Jerusalem. Nilusob ni Joab ang Rabba at tinalo ito. 2 Kinuha ni David ang korona ng kanilang hari mula sa ulo nito at nalaman niya na nagtitimbang ito ng isang talentong ginto at may mga mamahaling bato. Inilagay ang korona sa ulo ni David at inilabas niya ang napakalaking bilang na sinamsam sa lungsod. 3 Pinalabas niya ang mga tao na nasa lungsod at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang mga lagari, mga matutulis na bakal at mga palakol. Iniutos ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita na gawin ang trabahong ito. Pagkatapos, bumalik si David at ang lahat ng kaniyang hukbo sa Jerusalem. 4 At nangyari pagkatapos nito, nagkaroon ng digmaan sa Gezer laban sa mga Filisteo. Napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim at nasakop ang mga Filisteo. 5 At muling nangyari sa digmaan laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair na taga-Bethlehem si Lahmi na kapatid ni Goliath na taga-Gat, na ang sibat ay katulad ng kahoy na ginagamit ng manghahabi. 6 At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim, 7 Nang kutyain niya ang hukbo ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Simea, na kapatid ni David. 8 Ito ay mga kaapu-apuhan ng Refaim sa Gat, at sila ay pinatay sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga kawal.

Chapter 21

1 Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel. 2 Sinabi ni David kay Joab at sa mga pinuno ng hukbo, "Pumunta kayo, bilangin ninyo ang mga tao ng Israel mula Beer-seba hanggang Dan at bumalik kayo at ibalita ninyo sa akin, upang malaman ko ang bilang nila. 3 Sinabi ni Joab, "Nawa ay paramihin ni Yahweh ang kaniyang hukbo ng isandaang beses na mas marami kaysa sa kung ano ito ngayon. Ngunit aking panginoong hari, hindi ba naglilingkod silang lahat sa aking panginoon? Bakit gusto ito ng aking panginoon? Bakit ka magdadala ng sanhi ng pagkakasala sa Israel?" 4 Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab. Kaya umalis si Joab at pumunta sa lahat ng dako ng Israel. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem. 5 At ibinalita ni Joab ang kabuuang bilang ng mga kalalakihang mandirigma kay David. Mayroong 1, 100, 000 na mga kalalakihan na bumubunot ng espada sa Israel. Mayroong 470, 000 na mga kawal sa Juda lamang. 6 Ngunit hindi kasama sa bilang ang mga tribo ni Levi at Benjamin, sapagkat namuhi si Joab sa utos ng hari. 7 Nasaktan ang Diyos sa ginawa niyang ito, kaya sinalakay niya ang Israel. 8 Sinabi ni David sa Diyos, "Labis akong nagkasala sa paggawa nito. Ngayon, alisin mo ang kasalanan ng iyong lingkod, sapagkat ako ay naging napakahangal." 9 Sinabi ni Yahweh kay Gad, na propeta ni David, 10 "Pumunta ka at sabihin kay David: 'Ito ang sinabi ni Yahweh: "Binibigyan kita ng tatlong pagpipilian. Pumili ka ng isa sa mga ito."'" 11 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Mamili ka ng isa sa mga ito: 12 tatlong taon na tag-gutom, tatlong buwan na pagtugis ng iyong mga kaaway at pagkahuli sa pamamagitan ng kanilang mga espada, o kaya tatlong araw na espada ni Yahweh, iyon ay, isang salot sa lupain, wawasakin ng mga anghel ni Yahweh ang buong lupain ng Israel.' Kaya ngayon, magpasya ka kung anong sagot ang dadalhin sa nagsugo sa akin" 13 Pagkatapos, sinabi ni David kay Gad, "Ako ay nasa mahirap na kalagayan. Hayaan mong mahulog ako sa kamay ni Yahweh kaysa sa kamay ng mga tao, sapagkat napakadakila ng kaniyang mahabaging gawa." 14 Kaya nagpadala si Yahweh ng isang salot sa Israel at pitumpung libong tao ang namatay. 15 Nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa Jerusalem upang sirain ito. Nang sisirain na niya ito, nanood si Yahweh at nagbago ang kaniyang isip tungkol sa paninira. Sinabi niya sa naninirang anghel, "Tama na! Ngayon iurong mo ang iyong kamay." Sa oras na iyon, nakatayo ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jebuseo. 16 Tumingin sa itaas si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa na may hawak na espada na nakataas sa buong Jerusalem. Pagkatapos dumapa si David at ang mga nakatatanda na nakadamit ng pangluksa sa lupa. 17 Sinabi ni David sa Diyos, "Hindi ba ako ang nag-utos na bilangin ang hukbo? Ginawa ko ang masamang bagay na ito. Ngunit ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Pakiusap Yahweh na aking Diyos, hayaan mong ako at ang aking pamilya ang parusahan ng iyong kamay, ngunit huwag mong parusahan ang iyong mga tao ng salot na ito." 18 Kaya inutusan ng anghel ni Yahweh si Gad na sabihin kay David, na kailangang pumunta si David at magtayo ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Ornan na Jabuseo. 19 Kaya pumunta si David gaya ng itinagubilin sa kaniya ni Gad na gawin sa ngalan ni Yahweh. 20 Habang naggigiik ng trigo si Ornan, lumingon siya at nakita ang anghel. Nagtago siya at ang kaniyang apat na anak na lalaki na kasama niya. 21 Nang dumating si David kay Ornan, tumingin si Ornan at nakita niya si David. Iniwan niya ang giikan at yumukod kay David na nasa lupa ang kaniyang mukha. 22 At sinabi ni David kay Ornan, "Ibenta mo sa akin ang giikang ito upang makapagtayo ako ng altar para kay Yahweh. Babayaran ko ang kabuuang halaga upang maalis ang salot sa mga tao." 23 Sinabi ni Ornan kay David, "Kunin mo ito na parang pagmamay-ari mo aking panginoon na hari. Gawin mo dito kung ano ang mabuti sa iyong paningin. Narito, bibigyan kita ng mga baka para sa mga alay na susunugin, mga kahoy na kasangkapan sa panggiik para panggatong at trigo para sa handog na butil; Ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo." 24 Sinabi ni Haring David kay Ornan, "Hindi, iginigiit kong babayaran ko ang kabuuang halaga. Hindi ko kukunin ang sa iyo at ihahandog ito bilang handog na susunugin para kay Yahweh, ng walang halaga." 25 Kaya nagbayad si David ng animnaraang siklong ginto para sa lugar. 26 Nagtayo doon si David ng altar para kay Yahweh at naghandog ng mga alay na susunugin at mga handog pangkapayapaan. Tinawag niya si Yahweh, na sumagot sa kaniya sa pamamagitan ng apoy mula sa langit patungo sa altar para sa mga handog na susunugin. 27 Pagkatapos nagbigay ng utos si Yahweh sa anghel at ibinalik ng anghel ang kaniyang espada sa lalagyan nito. 28 Nang makita ni David na sinagot siya ni Yahweh sa giikan ni Ornan na Jabuseo, ginawa na niya ang pag-aalay doon sa sandali ring iyon. 29 Sa panahon iyon, ang tabernakulo ni Yahweh na ginawa ni Moises sa ilang at ang altar para sa mga alay na susunugin ay nasa banal na lugar sa Gibeon. 30 Gayun paman, hindi makapunta si David doon upang humingi ng patnubay sa Diyos, dahil natatakot siya sa espada ng anghel ni Yahweh.

Chapter 22

1 At sinabi ni David, "Dito itatayo ang tahanan ng Diyos na si Yahweh, kasama ang altar para sa mga handog na susunugin ng Israel." 2 Kaya inutosan ni David ang kaniyang mga lingkod na tipunin ang mga dayuhang nakatira sa lupain ng Israel. Itinalaga niya sila na maging mga taga-tapyas ng bato, upang tumapyas ng mga malalaking bato, upang maitayo ang tahanan ng Diyos. 3 Nagbigay si David ng maraming bakal para sa mga pako sa mga pintuan patungo sa mga daanan at para sa mga bisagra. Nagbigay rin siya ng maraming tanso na hindi kayang timbangin, 4 at maraming puno ng sedar na hindi mabilang. (Nagdala ng napakaraming troso ng sedar ang mga taga-Sidon at mga taga-Tiron na hindi kayang bilangin ni David.) 5 Sinabi ni David, "Ang aking anak na si Solomon ay bata at wala pang karanasan, at ang tahanan na itatayo para kay Yahweh ay dapat na bukod-tanging kahanga-hanga, nang sa gayon ito ay maging tanyag at maluwalhati sa lahat ng ibang lupain. Kaya maghahanda ako para sa pagtatayo nito." Kaya gumawa si David ng malawakang paghahanda bago ang kaniyang kamatayan. 6 Pagkatapos ay tinawag niya ang kaniyang anak na si Solomon at inutusan siya na magtayo ng isang tahanan para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. 7 Sinabi ni David kay Solomon, "Anak ko, hangarin ko ito na ako mismo ang magtayo ng tahanan, para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos. 8 Ngunit dumating si Yahweh sa akin at sinabi, 'Marami ka ng pinadanak na dugo at nakipaglaban sa maraming labanan. Hindi ikaw ang magtatayo ng tahanan para sa aking pangalan, dahil marami ka ng pinadanak na dugo sa mundo sa aking paningin. 9 Gayunpaman, magkakaroon ka ng isang anak na lalaki na magiging payapang tao. Bibigyan ko siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaniyang kaaway sa bawat panig. Sapagkat Solomon ang kaniyang magiging pangalan, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga araw. 10 Magtatayo siya ng isang tahanan para sa aking pangalan. Magiging anak ko siya at ako ang magiging ama niya. Itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian sa buong Israel magpakailanman." 11 "Ngayon, aking anak, samahan ka nawa ni Yahweh at bigyan ka niya ng kakayahan upang magtagumpay. Maitayo mo nawa ang tahanan ni Yahweh na iyong Diyos, gaya ng sinabi niya na gagawin mo. 12 Tanging si Yahweh nawa ang magbigay sa iyo ng kaalaman at pang-unawa upang masunod mo ang batas ni Yahweh na iyong Diyos, kapag inilagay ka niyang tagapamahala sa buong Israel. 13 At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob. 14 Ngayon, tingnan mo, buong pagsisikap kong inihanda para sa tahanan ni Yahweh ang 100, 000 talento ng ginto, isang milyong talento ng pilak, tanso at maraming bilang ng bakal. Nagbigay rin ako ng troso at bato. Dapat mo pang dagdagan ang lahat ng mga ito. 15 Mayroon kang maraming manggagawa na makakasama mo, mga taga-tapyas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga mahuhusay na manggagawa ng iba't ibang mga bagay na hindi mabilang, 16 na may kakayahang gumawa sa ginto, pilak, tanso at bakal. Kaya simulan mo ng magtrabaho at samahan ka nawa ni Yahweh." 17 Ipinag-utos rin ni David sa lahat ng mga pinuno ng Israel na tulungan ang kaniyang anak na si Solomon, sinasabi, 18 "Si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo at binigyan kayo ng kapayapaan sa bawat panig. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng mga nakatira sa rehiyon. Nasakop ni Yahweh ang rehiyon at ang mga tao nito. 19 Ngayon hanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos nang buong puso at kaluluwa. Tumayo kayo at itayo ang banal na lugar ng Diyos na si Yahweh. At maaari na ninyong dalhin ang kaban ng tipan ni Yahweh at ang mga bagay na pag-aari ng Diyos sa tahanan na itinayo para sa pangalan ni Yahweh."

Chapter 23

1 Nang matanda na si David at malapit na ang wakas ng kaniyang buhay, ginawa niyang hari sa buong Israel ang kaniyang anak na si Solomon. 2 Tinipon niya ang lahat ng mga pinuno ng Israel, kasama ang mga pari at mga Levita. 3 Binilang ang mga Levita na nasa tatlumpung taong gulang at higit pa. Tatlumpu't walong libo ang bilang nila. 4 Sa mga ito, dalawampu't apat na libo ang mangangasiwa ng trabaho sa tahanan ni Yahweh, at anim na libo ang mga opisyal at mga hukom. 5 Ang apat na libo ay mga taga-bantay ng pintuan at apat na libo ang magpupuri kay Yahweh na may mga instrumento "na ginawa ko para sa pagsamba" sabi ni David. 6 Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari. 7 Mula sa mga angkan na nagmula kay Gershon, si Ladan at Simei. 8 Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Ladan: sina Jehiel na pinuno, Zetam at Joel. 9 Mayroong tatlo sa mga lalaking anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Ito ang mga pinuno ng mga angkan ni Ladan. 10 Ang apat na anak na lalaki ni Simei: sina Jahat, Zisa, Jeus at Berias. 11 Si Jahat ang panganay at si Zisa ang pangalawa ngunit hindi nagkaroon ng maraming anak na lalaki sina Jeus at Beria, kaya sila ay binilang na isang angkan na may parehong tungkulin. 12 Ang apat na anak na lalaki ni Kohat: sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 13 Ang mga anak ni Amram: sina Aaron at Moises. Napili si Aaron at ang kaniyang kaapu-apuhan sa isang permanenteng batayan upang ihandog ang mga bagay na ganap na pag-aari ni Yahweh, upang maghandog ng insenso kay Yahweh, upang maglingkod sa kaniya, at upang magbigay ng mga pagpapala sa kaniyang pangalan magpakailanman. 14 Tungkol naman kay Moises na lingkod ng Diyos, ang kaniyang mga anak ay itinuring na mga Levita. 15 Ang mga anak na lalaki ni Moises ay sina Gershon at Eliezer. 16 Si Sebuel ang pinakamatanda sa kaapu-apuhan ni Gershon 17 Si Rehabias ang kaapu-apuhan ni Eliezer. Wala ng ibang anak na lalaki si Eliezer, ngunit si Rehabias ay maraming mga kaapu-apuhan. 18 Ang anak na lalaki ni Izar ay si Zelomit na pinuno. 19 Ang kapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias, ang panganay, si Amarias ang pangalawa, si Jahaziel ang pangatlo, at si Jecamiam ang pang-apat. 20 Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay si Micas na panganay, at si Isias na ikalawa. 21 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Musi. Sina Eleazar at Kis ang mga anak na lalaki ni Mahli. 22 Namatay si Eleazar na hindi nagkaroon ng mga anak na lalaki. Mayroon lamang siyang anak na mga babae. Sila ay naging asawa ng mga anak na lalaki ni Kis. 23 Ang tatlong mga anak na lalaki ni Musi ay sina Mahli, Eder, at Jeremot. 24 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Levi ayon sa kanilang mga angkan. Sila ang mga pinuno na binilang at nilista sa pamamagitan ng pangalan, ng mga angkan na gumawa ng gawain ng paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, mula sa dalampung taong gulang pataas. 25 Sapagkat sinabi ni David, "Si Yahweh, na Diyos ng Israel, ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang mga tao. Ginawa niya ang kaniyang tahanan sa Jerusalem magpakailanman. 26 Hindi na kinakailangan pang buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at lahat ng kagamitang ginagamit sa paglilingkod dito. 27 Sapagkat sa huling mga salita ni David, ang mga Levita ay binilang mula sa gulang na dalampung taon pataas. 28 Ang kanilang tungkulin ay upang tulungan ang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Sila ang mangangalaga sa mga patyo, mga silid, ang seremonya sa paglilinis ng lahat ng mga bagay na pag-aari ni Yahweh, at iba pang gawain sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos. 29 Sila rin ang mamamahala sa tinapay na handog, ang pinong harina para sa mga handog na butil, ang manipis na tinapay na walang pampaalsa, ang inihurnong mga handog, ang mga handog na hinaluan ng langis, at lahat ng panukat ng dami at sukat ng mga bagay. 30 Tumatayo rin sila tuwing umaga upang magpasalamat at magpuri kay Yahweh. Ginagawa rin nila ito sa gabi 31 at sa tuwing iniaalay ang mga handog na susunugin kay Yahweh, sa Araw ng Pamamahinga at sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga araw ng pista. Ang saktong bilang na itinakda sa pamamagitan ng kautusan, ay kailangan na laging nasa harap ni Yahweh. 32 Sila ang mamamahala sa tolda ng pagtitipon, sa banal na lugar, at tutulungan nila ang mga katulad nilang kaapu-apuhan ni Aaron sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh.

Chapter 24

1 Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2 Sina Nadab at Abihu ay namatay bago namatay ang kanilang ama. Wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ay naglingkod bilang mga pari. 3 Si David kasama si Zadok, na anak ni Eleazar, at si Ahimelec, na anak ni Itamar ang naghati sa kanila sa grupo para sa kanilang tungkulin bilang pari. 4 Mas marami ang mga namumunong kalalakihan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar kaysa sa mga kaapu-apuhan ni Itamar, kaya hinati nila ang mga kaapu-apuhan ni Eleazar sa labing anim na pangkat. Ginawa nila ito ayon sa mga pinuno ng mga angkan at ayon sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. Ang mga pangkat na ito ay walo ang bilang na kumakatawan sa kanilang angkan. 5 Sila ay hinati ng walang pinapanigan sa pamamagitan ng bunutan sapagkat naroon ang mga itinalagang tagapangasiwa at mga tagapanguna ng Diyos mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar at mga kaapu-apuhan ni Itamar. 6 Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na eskriba, na isang Levita, ang kanilang mga pangalan sa harapan ng hari, ng mga opisyal, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pari at mga Levitang pamilya. Isang angkan ang napili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar, at ang susunod ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar. 7 Ang unang napili sa pamamagitan ng sapalaran ay si Jehoiarib, ang pangalawa ay si Jedaias, 8 ang pangatlo ay si Harim, ang pang-apat ay si Seorim, 9 ang ikalima ay si Malaquias, ang ikaanim ay si Mijamin, 10 ang ikapito ay si Hacos, ang ikawalo ay si Abias, 11 ang ikasiyam ay si Jeshua, ang ikasampu ay si Secanias, 12 ang ikalabing-isa ay si Eliasib, ang ikalabindalawa ay si Jaquim, 13 ang ikalabintatlo ay si Jupa, ang ikalabing-apat ay si Jesebeab, 14 ang ikalabinglima ay si Bilga, ang ikalabing-anim ay si Imer, 15 Ang ikalabingpito ay si Hezer, ang ikalabingwalo ay si Afses, 16 ikalabinsiyam ay si Petaya, ang ay si Hazaquiel, 17 ang ikadalawampu't isa ay si Jaquin, ang ikadalawampu't dalawa ay si Gamul, 18 ang ikadalawampu't tatlo ay si Delaias, at ang ikadalawampu't apat ay si Maasias. 19 Ito ang pagkakasunud-sunod ng kanilang paglilingkod nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh, na sinusunod ang alituntuning ibinigay sa kanila ni Aaron na kanilang ninuno, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. 20 Ito ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi: Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Subael. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Subael ay si Jehedias. 21 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Amram ay si Isias. 22 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Isharita ay si Zelomot. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Zelomot ay si Jahat. 23 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Hebron ay si Jerias ang pinakamatanda, ikalawa ay si Amarias, pangatlo ay si Jahaziel, at ang ikaapat ay si Jecamiam. 24 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Uziel ay si Micas. Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Micas ay si Samir. 25 Ang kapatid na lalaki ni Micas ay si Isias. Kabilang si Zacarias sa mga anak ni Isias. 26 Kabilang si Mahli at Musi sa mga kaapu-apuhan ni Merari. Kabilang si Beno sa mga kaapu-apuhan ni Jaazias. 27 Kabilang din sina Jaazias, Beno, Soham, Zacur at Ibri sa mga kaapu-apuhan ni Merari. 28 Kabilang si Eleazar na walang mga anak sa mga kaapu-apuhan ni Mahli. 29 Kabilang si Jerameel sa mga kaapu-apuhan ni Kish. 30 Kabilang din sina Mahli, Eder at si Jerimot sa mga kaapu-apuhan ni Musi. Ito ang mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Nagsapalaran din ang mga kalalakihang ito sa harap ng haring si David, Zadok, Ahimelec, at mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Ang mga pamilya ng mga panganay na lalaki ay nagsapalaran kasama ng mga bunso. Nagsapalaran sila gaya ng ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Aaron.

Chapter 25

1 Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito: 2 Mula sa mga anak ni Asaf ay sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarelas, ang mga anak na lalaki ni Asaf, sa ilalim ng pangunguna ni Asaf, na nagpapahayag sa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 3 Mula naman sa mga anak na lalaki ni Jeduthun ay: sina Gedalias, Zeri, Jesaias, Simei, Hashabias at Matitias, anim sa kabuuang bilang, sa ilalim ng pangunguna ng kanilang amang si Jeduthun, na siyang tumugtog ng arpa para sa pagpapasalamat at pagpupuri kay Yahweh. 4 Mula sa mga anak ni Heman ay: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gedalti, Ramamti-ezer, Josbecasa, Maloti, Hotir at Mahaziot. 5 Lahat sila ay mga anak ni Heman na propeta ng hari. Binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae upang siya ay parangalan. 6 Lahat sila ay nasa patnubay ng kanilang mga ama. Sila ay mga musikero sa tahanan ni Yahweh, na may mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas habang sila ay naglilingkod sa tahanan ng Diyos. Sina Asaf, Jeduthun at Heman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari. 7 Sila at ang kanilang mga kapatid na mahusay at bihasa upang bumuo ng musika para kay Yahweh ay may bilang na 288. 8 Sila ay nagsapalaran para sa kanilang mga tungkulin, pantay-pantay ang lahat, ang nakababata maging ang matatanda, ang guro maging ang mag-aaral. 9 Ngayon tungkol sa mga anak na lalaki ni Asaf: ang unang napili sa pamamagitan ng palabunutan ay napunta sa pamilya ni Jose, ang ikalawa ay napunta sa pamilya ni Gedalia, labindalawang katao ang bilang. 10 Ang ikatlo ay napunta kay Zacur, sa kaniyang mga anak at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 11 Ang ikaapat ay napunta kay Izri, sa kaniyang mga anak at ang kaniyang kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 12 Ang ikalima ay napunta kay Netanias, sa kaniyang mga anak at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 13 Ang ikaanim ay napunta kay Bukias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 14 Ang ikapito ay kay Jesharelah, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 15 Ang ikawalo ay pumunta kay Jesaias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 16 Ang ikasiyam ay napunta kay Matitias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 17 Ang ikasampu ay napunta kay Simei, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 18 Ang ikalabing-isa ay napunta kay Azarel, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 19 Ang ikalabindalawa ay napunta kay Hashabias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 20 Ang ikalabintatlo ay napunta kay Subael, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 21 Ang ikalabing-apat ay napunta kay Matitias, ang kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 22 Ang ikalabinlima ay kay Jeremot, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 23 Ang ikalabing-anim ay napunta kay Hananias, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 24 Ang ikalabingpito ay napunta kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 25 Ang ikalabingwalo ay napunta kay Hanani, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 26 Ang ikalabingsiyam ay kay Maloti, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 27 Ang ikadalawampu ay napunta kay Eliata, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 28 Ang ikadalawampu't isa ay napunta kay Hotir, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 29 Ang ikadalawampu't dalawa ay napunta kay Gidalti, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 30 Ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao. 31 Ang ikadalawampu't apat ay pumunta kay Romamti-Ezer, sa kaniyang mga anak na lalaki at mga kamag-anak, labindalawang bilang ng tao.

Chapter 26

1 Ito ang pagkakahati-hati ng mga pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan: Mula sa angkan ni Korah, si Meselemias na anak ni Korah, kaapu-apuhan ni Asaf. 2 Mayroong mga anak na lalaki si Meselemias: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatniel ang ikaapat, 3 si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Eliehoenai ang ikapito. 4 May mga anak na lalaki si Obed Edom: Si Semaias ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joa ang ikatlo, at si Sacar ang ikaapat, at si Natanel ang ikalima, 5 si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, si Peulletai ang ikawalo, sapagkat pinagpala ng Diyos si Obed Edom. 6 Si Semaias, na kaniyang anak ay nagkaroon ng mga anak na lalaki na namumuno sa kani-kanilang mga pamilya. Sila ang mga kalalakihang marami ang kakayahan. 7 Ang mga anak na lalaki ni Semaias ay sina Otni, Refael, Obed at Elzabad. Ang mga kamag-anak niya na sina Elihu at Semaquias ay mga kalalakihang may mga kakayahan rin. 8 Lahat sila ay mga kaapu-apuhan ni Obed-edom. Sila at ang kanilang mga anak at mga kamag-anak ay may kakayahang gawin ang kanilang mga tungkulin sa paglilingkod sa loob ng tabernakulo. Ang animnapu't dalawa sa kanila ay mga kamag-anak ni Obed-edom. 9 Si Meselemias ay may mga lalaking anak at kamag-anak, mga lalaking may kakayahan, labingwalo silang lahat. 10 Si Hosa, na kaapu-apuhan ni Merari, ay may mga anak na lalaki: si Simri ang pinuno (ginawa siyang pinuno ng kaniyang ama kahit hindi siya ang panganay), 11 si Hilkias ang ikalawa, si Tebalias ang ikatlo, at si Zacarias ang ikaapat. Lahat ng mga anak ni Hosa at mga kamag-anak ay labintatlo ang bilang. 12 Ang pagkakapangkat-pangkat na ito ng mga tagapagbantay ng tarangkahan, na ayon sa kanilang mga pinuno ay may mga tungkulin na tulad ng kanilang mga kamag-anak, upang maglingkod sa tahanan ni Yahweh. 13 Nagpalabunutan sila, maging bata at matanda, ayon sa kanilang mga pamilya, para sa bawat tarangkahan. 14 Nang nagpalabunutan sila para sa silangang tarangkahan, napunta ito kay Selemias. Pagkatapos ay nagpalabunutan uli sila para sa anak niyang si Zacarias, isang matalinong tagapagpayo, at napunta sa kaniya ang hilagang tarangkahan. 15 Kay Obed-edom itinalaga ang tarangkahan sa timog, at itinalaga sa kaniyang mga anak ang mga bahay-imbakan. 16 Itinalaga kina Supim at Hosa ang kanlurang tarangkahan pati na rin ang tarangkahan ng Sallequet, na nasa daang paakyat. Itinakda ang pagbabantay para sa bawat pamilya. 17 Sa bandang silangan ay may anim na Levita, sa hilaga ay may apat sa isang araw, sa timog ay may apat sa isang araw at dalawang pares sa mga bahay-imbakan. 18 Sa kanlurang patyo ay may apat na nakabantay, may apat din sa daanan, at may dalawa sa patyo. 19 Ito ang mga pagkakapangkat-pangkat ng mga nagbabantay ng tarangkahan. Marami sa kanila ay mga kaapu-apuhan nina Korah at Merari. 20 Sa mga Levita, si Ahias ang taga-pangasiwa ng mga kayamanan sa tahanan ng Diyos, at ang mga bagay na kayamanan na pag-aari ni Yahweh. 21 Ang mga kaapu-apuhan ni Ladan na nagmula kay Gershon at mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan na Gersonita, ay sina Jehiel at ang kaniyang mga anak, 22 si Zetam, at si Joel na kaniyang kapatid, na nangangasiwa sa mga bahay-imbakan sa tahanan ni Yahweh. 23 May mga bantay din na kinuha mula sa mga angkan nina Amram, Ishar, Hebron, at Uzziel. 24 Si Sebuel na anak ni Gershon na anak ni Moises ang nangangangasiwa ng mga bahay-imbakan. 25 Ang kaniyang mga kamag-anak mula sa angkan ni Eliezer ay ang anak niyang si Rehabias, ang anak na lalaki ni Rehabias na si Jesaias, ang anak na lalaki ni Jesaias na si Joram, ang anak na lalaki ni Joram na si Zicri, at ang anak na lalaki naman ni Zicri na si Selomit. 26 Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh. 27 Inilaan nila ang ilan sa mga nasamsam sa labanan para sa pagpapaayos ng tahanan ni Yahweh. 28 Nangangasiwa rin sila sa lahat ng mga bagay na inilaan ni propeta Samuel kay Yahweh, mga bagay na inilaan ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruias. Ang lahat ng mga inilaan kay Yahweh ay nasa ilalim ng pag-iingat ni Selomit at ng kaniyang mga kamag-anak. 29 Sa mga kaapu-apuhan ni Ishar, si Kenanias at ang kaniyang mga anak ang tagapamahala sa mga gawain sa labas ng Israel. Sila ang mga opisyal at mga hukom. 30 Sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, sina Hashabaias at ang kaniyang mga kapatid, 1, 700 na kalalakihang may kakayahan, ang tagapamahala sa gawain para kay Yahweh at sa mga gawaing para sa Hari. Sila ay nasa kanlurang bahagi ng Jordan. 31 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Hebron, si Jerijas ang pinuno ng kaniyang mga kaapu-apuhan, na kabilang sa listahan ng kanilang mga pamilya. Sa ika-apatnapung taon ng paghahari ni David sinaliksik nila ang mga talaan at natagpuan nilang may mga mahuhusay na kalalakihan sa kanila sa Jazer ng Gilead. 32 Si Jerijas ay may 2, 700 na kamag-anak, na mga pinuno ng pamilya. Ginawa sila ni David na tagapangasiwa sa tribo ni Ruben at Gad at sa kalahating tribo ni Manases, para sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Diyos at sa Hari.

Chapter 27

1 Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan. 2 Ang namahala sa pangkat ng unang buwan ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel. Sa kaniyang pangkat ay mayroong 24, 000 kalalakihan. 3 Kabilang siya sa mga kaapu-apuhan ni Peres at nangangasiwa sa lahat ng mga opisyal ng hukbo para sa unang buwan. 4 Ang namamahala sa pangkat sa ikalawang buwan ay si Dodai, mula sa angkan na nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Aho. Si Miclot ang nasa ikalawang tungkulin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 5 Ang pinuno ng hukbo para sa ikatlong buwan ay si Benaias, na anak ni Joiada, na pari at pinuno. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 6 Ang Benaias na ito ang siyang pinuno ng tatlumpo at namamahala sa tatlumpo. Si Amizabad na kaniyang anak ay nasa kaniyang pangkat. 7 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab. Ang kaniyang anak na si Zebadias ang naging pinuno ng mga kawal pagkatapos niya. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 8 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhut, isa sa mga kaapu-apuhan ni Ishar. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 9 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikaanim na buwan ay si Ira na mula sa Tekoa na anak ni Ikes. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 10 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikapitong buwan ay si Helez na Pelonita, mula sa mga tao ng Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 11 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikawalong buwan ay si Sibecai na Husatita mula sa angkan ng Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 12 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na Anathothita, mula sa tribo ni Benjamin. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 mga kalalakihan. 13 Ang pinuno ng mg kawal para sa ikasampung buwan ay si Maharai mula sa lungsod ng Netofa mula sa angkan ni Zera. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 14 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing isang buwan ay si Benaias mula sa lungsod ng Piraton, mula sa tribo ni Efraim. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 15 Ang pinuno ng mga kawal para sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na mula sa Netofa mula sa angkan ni Otniel. Sa kaniyang pangkat ay may 24, 000 kalalakihan. 16 Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel: Para sa tribo ni Ruben, si Eliezer na anak ni Zicri ang pinuno. Para sa tribo ni Simeon, si Sefatias na anak ni Maaca ang pinuno. 17 Para sa tribo ni Levi, si Hashabias na anak ni Kemuel ang pinuno at pinangunahan ni Zadok ang mga kaapu-apuhan ni Aaron. 18 Para sa tribo ni Juda, si Elihu na isa sa mga kapatid ni David ang pinuno. Para sa tribo ni Isacar, si Omri na anak ni Micael ang pinuno. 19 Para sa tribo ni Zebulun, si Ismaias na anak ni Obadias ang pinuno. Para sa tribo ni Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel ang pinuno. 20 Para sa tribo ni Efraim, si Hosea na anak ni Azarias ang pinuno. Para sa kalahating tribo ni Manases, si Joel na anak ni Pedaias ang pinuno. 21 Para sa kalahating tribo ni Manases na nasa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias ang pinuno. Para sa tribo ni Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner ang pinuno. 22 Para sa tribo ni Dan, si Azarel na anak ni Jeroham ang pinuno. Ito ang mga pinuno ng mga tribo ng Israel. 23 Hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mas bata pa, sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit. 24 Sinimulang bilangin ni Joab na anak ni Zeruias ang mga kalalakihan, ngunit hindi niya natapos. Dumating sa Israel ang galit dahil dito. Hindi naisulat ang bilang na ito sa Kasaysayan ni Haring David. 25 Si Azmavet na anak ni Abdiel ang namahala sa kaban ng yaman ng hari. Si Jonatan na anak ni Uzias ang namahala sa mga bahay-imbakan sa bukid, sa lungsod, at sa mga nayon at sa mga pinatibay na mga tore. 26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namahala sa mga magsasakang nag-aararo ng lupa. 27 Si Simei na mula sa Rama ang namahala ng mga ubasan, at Si Zabdi na mula sa Sephan ang namahala ng mga ubas at ang mga imbakan ng alak. 28 Si Baal Hahan na mula sa Geder ang namahala sa mga punong olibo at mga puno ng sicamoro na nasa mga mabababang lugar, at si Joas ang namahala sa mga imbakan ng langis. 29 Pinamahalaan ni Sitrai na mula sa Saron ang mga kawan na pinapastulan sa Saron, at pinamahalaan ni Safat na anak ni Adlai ang mga kawan na nasa mga lambak. 30 Sa mga kamelyo, si Obil na Ismaelita ang namahala, at si Jedeias na mula sa Meronot ang namahala sa mga babaeng asno. Si Jaziz na Hagrita ang namahala sa mga kawan. 31 Lahat ng ito ay mga tagapamahala ng mga pag-aari ni Haring David. 32 Si Jonatan na tiyo ni David, ay isang tagapayo, sapagkat isa siyang marunong na tao at isang eskriba. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang nangalaga sa mga anak na lalaki ng hari. 33 Si Ahitofel ang tagapayo ng hari, at si Husai na mula sa mga tao ng Arkita ay sariling taga-payo ng hari. 34 Kinuha ni Joiada na anak ni Benaias at ni Abiatar ang tungkulin ni Ahitofel. Si Joab ang pinuno ng hukbo ng mga kawal ng hari.

Chapter 28

1 Pinulong ni David ang lahat ng mga pinuno sa Israel at Jerusalem: ang mga pinuno ng mga tribo, ang mga pinuno ng bawat pangkat na naglilingkod sa hari sa itinakdang panahon ng kanilang gawain, mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal, ang mga namamahala sa lahat ng mga pag-aari at mga ari-arian ng hari at ng kaniyang mga anak na lalaki, at ang mga pinuno at mga mandirigmang lalaki, kabilang ang mga pinakadalubhasa sa kanila. 2 Pagkatapos tumayo si haring David at sinabi, "Makinig kayo sa akin, mga kapatid at mga mamamayan. Layunin kong magtayo ng isang templo para sa kaban ng tipan ni Yahweh; isang tungtungan ng paa ng ating Diyos, at nakapaghanda na ako sa pagpapatayo nito. 3 Ngunit sinabi ng Diyos sa akin, 'Hindi ka magtatayo ng isang templo para sa aking pangalan, sapagkat ikaw ay isang mandirigma at nagpadanak ng dugo.' 4 Ngunit si Yahweh na Diyos ng Israel, pinili niya ako sa lahat ng pamilya ng aking ama na maging hari sa Israel magpakailanman. Pinili niya ang tribo ni Juda bilang pinuno. Sa tribo ng Juda at sa sambahayan ng aking ama, sa lahat ng lalaking anak ng aking ama, ako ang pinili niya na maging hari sa buong Israel. 5 Mula sa maraming anak na ibinigay ni Yahweh sa akin, pinili niya si Solomon, na aking anak, na maupo sa trono ng kaharian ni Yahweh sa buong Israel. 6 Sinabi niya sa akin, 'Ang anak mong si Solomon ang magtatayo ng aking tahanan at ng aking mga patyo, sapagkat pinili ko siya upang maging anak ko at ako ang magiging ama niya. 7 Itatatag ko ang kaniyang kaharian magpakailanman kung mananatili siyang matapat sa pagsunod sa aking mga kautusan at mga utos, katulad mo sa araw na ito.' 8 Kaya ngayon, sa harap ng buong Israel, at ng kapulungang ito para kay Yahweh at sa harapan ng ating Diyos, kailangan na ingatan at sikapin ninyong isagawa ang lahat ng kautusan ni Yahweh na inyong Diyos. Gawin ninyo ito upang makamtan ninyo ang mabuting lupaing ito at maipamana magpakailanman sa inyong mga anak na susunod sa inyo. 9 At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman. 10 Isipin mo na pinili ka ni Yahweh na magtayo ng templong ito bilang kaniyang santuwaryo. Magpakatatag ka at gawin ito." 11 Pagkatapos nito ibinigay ni David kay Solomon na kaniyang anak ang plano para sa portiko ng templo, ng mga gusali ng templo, ng mga silid imbakan, ng mga silid na nasa itaas, ng mga silid sa loob, at ang silid kung saan ilalagay ang takip ng luklukan ng awa. 12 Ibinigay niya ang plano na kaniyang iginuhit para sa patyo ng bahay ni Yahweh, ang lahat ng nakapalibot na mga silid, ang silid imbakan sa tahanan ng Diyos, at ang mga kabang-yaman na pag-aari ni Yahweh. 13 Ibinigay niya ang mga tuntunin para sa mga gawain ng bawat pangkat ng mga pari at mga Levita, para sa mga itinalagang responsibilidad para sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh, at para sa lahat ng mga bagay sa paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. 14 Ibinigay niya ang timbang ng lahat ng sisidlang ginto, at ng lahat ng sisidlang pilak, at ng lahat ng mga bagay na kailangan para sa bawat uri ng paglilingkod. 15 Ibinigay ang mga detalye ng mga ito, ang timbang, kabilang ang detalye para sa mga ilawang ginto at para sa mga gintong patungan ng mga ito, ang mga detalye ng timbang ng bawat isa nito, pati na ang patungang pilak at ang mga detalye para sa tamang paggamit sa bawat patungan ng mga ilawan. 16 Ibinigay niya ang timbang ng mga ginto para sa mga lamesa ng tinapay na handog, para sa bawat lamesa, at ang timbang ng pilak para sa mga lamesang pilak. 17 Ibinigay niya ang timbang ng purong ginto para sa mga panusok ng karne, mga palanggana, at mga tasa. Ibinigay niya ang timbang para sa bawat gintong mangkok, at ang timbang ng bawat pilak na mangkok. 18 Ibinigay niya ang timbang ng pinong ginto para sa altar ng insenso, at ng ginto para sa disenyo ng mga kerubin na nakabuka ang kanilang mga pakpak at tumatakip sa kaban ng tipan ni Yahweh. 19 Sinabi ni David, "Isinulat ko ang mga ito habang pinapatnubayan ako ni Yahweh at ipinaunawa sa akin ang tungkol sa mga disenyo." 20 Sinabi ni David kay Solomon na kaniyang anak, "Magpakatatag ka at maging matapang. Gawin mo ang gawain. Huwag kang matakot o mabalisa, sapagkat si Yahweh na Diyos na aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggang sa matapos ang lahat ng gawain para sa paglilingkod sa templo ni Yahweh. 21 Tingnan mo, narito ang mga pangkat ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng paglilingkod sa templo ng Diyos. Makakasama mo sila, kasama ng lahat ng mga kalalakihang bihasang at may kusang loob upang tulungan ka sa gawain at upang gampanan ang paglilingkod. Ang mga opisyal at ang lahat ng mga tao ay handang sumunod sa iyong mga utos."

Chapter 29

1 Sinabi ni Haring David sa buong kapulungan, "Si Solomon na aking anak, na tanging pinili ng Diyos ay bata pa at walang karanasan at malaki ang gawain. Sapagkat hindi para sa mga tao ang templo ngunit para kay Yahweh na Diyos. 2 Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya na magbigay para sa templo ng aking Diyos. Ibibigay ko ang ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, tanso para sa mga bagay na gagawin sa tanso, bakal para sa mga bagay na gagawin sa bakal, at kahoy para sa mga bagay na gagawin sa kahoy, Ibinibigay ko rin ang batong onix, mga batong dapat ilagay, mga bato para ilagay sa disenyo na may iba't ibang kulay— ang lahat ng uri ng mga mamahaling bato— at maraming mga batong marmol. 3 Ngayon, dahil sa aking kagalakan sa tahanan ng aking Diyos, ibinibigay ko ang aking sariling mga kayamanang ginto at pilak para rito. Ginagawa ko ang ito na karagdagan sa lahat ng aking inihanda para sa banal na templo: 4 tatlong libong talentong ginto mula sa Ofir, at pitong libong talento na pinong pilak upang ilagay sa mga dingding ng mga gusali. 5 Ipinagkakaloob ko ang mga ginto para sa mga bagay na gagawin sa ginto, at pilak para sa mga bagay na gagawin sa pilak, at mga bagay para sa lahat ng uri ng gawain na gagawin ng mga mahuhusay na manggagawa. Sino pa ang nais magbigay kay Yahweh ngayon at ibigay ang kaniyang sarili sa kaniya?" 6 Pagkatapos nagbigay ng kusang-loob na handog ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno ng mga tribo sa Israel, ang mga pinuno ng libo-libo at daan-daang mga kawal at ang mga opisyal sa mga gawain ng hari. 7 Nagbigay sila para sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos ng limang libong talento at sampung libong dariko na ginto, sampung libong talento ng pilak, labing walong libong talento ng pilak, at 100, 000 talento ng bakal. 8 Ang mga may mahahalagang bato ay nagbigay sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh, sa ilalim ng pamamahala ni Jehiel, isang kaapu-apuhan ni Gershon. 9 Nagalak ang mga tao dahil sa mga kusang-loob na handog na ito, sapagkat buong puso silang nagbigay kay Yahweh. Labis ding nagalak si Haring David. 10 Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, "Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman. 11 Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat. 12 Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman. 13 At ngayon, aming Diyos, pinasasalamatan ka namin at pinapupurihan ang iyong maluwalhating pangalan. 14 Ngunit sino ako, at sino ang aking mga tao, upang maghandog nang kusa ng mga bagay na ito? Totoong galing sa iyo ang lahat ng mga bagay at ibinabalik lamang namin sa iyo kung ano ang sa iyo. 15 Sapagkat kami ay mga dayuhan at mga manlalakbay sa iyong harapan, tulad ng aming mga ninuno. Tulad ng isang anino ang aming mga araw sa mundo at walang pag-asa na manatili sa mundo. 16 Yahweh na aming Diyos, ang lahat ng mga kayamanang ito na aming tinipon upang magtayo ng isang templo upang parangalan ang iyong banal na pangalan—nagmula ang mga ito sa iyo at pag-aari mo. 17 Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo. 18 Yahweh, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel—na aming mga ninuno—panatilihin ito magpakailanman sa mga kaisipan ng iyong mga tao. Ituon ang kanilang mga puso sa iyo. 19 Bigyan mo si Solomon na aking anak ng buong pusong pagnanais na sundin ang iyong mga kautusan, ang iyong mga utos sa kasunduan, at ang iyong mga tuntunin, at isagawa ang lahat ng mga planong ito na itayo ang palasyo na aking ipinaghanda. 20 Sinabi ni David sa lahat ng kapulungan, "Papurihan ngayon si Yahweh na inyong Diyos." Nagpuri ang lahat ng kapulungan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, iniyukod ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh at nagpatirapa sila sa harapan ng hari. 21 Kinabukasan, naghain sila ng mga handog kay Yahweh at mga handog na susunugin para sa kaniya. Naghandog sila ng isang libong toro, isang libong lalaking tupa, at isang libong kordero, kabilang ang mga handog na inumin at mga hain na masagana para sa buong Israel. 22 Sa araw na iyon, kumain sila at uminom sa harapan ni Yahweh na may malaking pagdiriwang. Ginawa nilang hari sa ikalawang pagkakataon si Solomon, na anak ni David, at hinirang siya sa kapangyarihan ni Yahweh na maging pinuno. Hinirang din nila si Zadok na maging pari. 23 At umupo si Solomon sa trono ni Yahweh bilang hari sa halip na si David na kaniyang ama. Pinagpala siya, at sinunod siya ng buong Israel. 24 Nagpahayag ng katapatan ang lahat ng mga pinuno, mga kawal, at ang lahat ng mga anak ni David kay Haring Solomon. 25 Lubos na pinarangalan ni Yahweh si Solomon sa harap ng buong Israel at ipinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihang higit kaysa sa mga ibinigay niya sa sinumang hari ng Israel. 26 Naghari si David na anak ni Jesse sa buong Israel. 27 Naging hari si David sa Israel sa loob ng apatnapung taon. Namuno siya ng pitong taon sa Hebron at tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem. 28 Namatay siya na nasa tamang katandaan, pagkatapos niyang tinamasa ang mahabang buhay, kayamanan at karangalan. Si Solomon na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya. 29 Nakasulat ang mga nagawa ni Haring David sa kasaysayan ni Samuel na propeta, sa kasaysayan ni Natan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na propeta. 30 Nakatala roon ang mga ginawa niya sa kaniyang pamumuno, ang kaniyang nagawa at ang mga pangyayari na nakaapekto sa kaniya, sa Israel, at sa lahat ng mga kaharian sa ibang lupain.