Tagalog: Tagalog Unlocked Literal Bible

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

EZRA

Chapter 1

1 Noong unang taon ni Ciro, hari ng Persia, tinupad ni Yahweh ang kaniyang salita na dumating mula sa bibig ni Jeremias at inudyukan ang espiritu ni Ciro. Ang tinig ni Ciro ay narinig sa kaniyang buong kaharian. Ito ang nasusulat at nasabi: 2 Sabi ni Ciro, hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Langit, ang lahat ng mga kaharian sa daigdig, at itinalaga niya ako na magtayo ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem na nasa Judea. 3 Sinuman sa inyo na nagmula sa kaniyang mga tao, sumainyo nawa ang kaniyang Diyos, para kayo ay umakyat sa Jerusalem at magtayo ng templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na siyang Diyos ng Jerusalem. 4 Ang mga tao saanmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat magbigay sa kanila ng pilak at ginto, mga ari-arian at mga hayop, gayundin ang kusang-kaloob na handog para sa templo ng Diyos sa Jerusalem. 5 Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Juda at Benjamin, mga pari at mga Levita, at bawa't isa na ang espiritu ay ginising ng Diyos na pumunta at magtayo ng kaniyang tahanan ay tumayo. 6 Ang mga nakapalibot sa kanila ay tumulong sa kanilang gawain sa pilak at gintong mga kagamitan, mga ari-arian, mga hayop, mga mahahalagang bagay, at mga kusang-kaloob na mga handog. 7 Ibinalik din ni Haring Ciro ang mga kagamitang nabibilang sa templo ni Yahweh na dinala ni Nebucadnezar mula sa Jerusalem at inilagay sa tahanan ng kaniyang sariling mga diyos. 8 Ipinagkatiwala lahat ni Ciro kay Mitredat na tagapag-ingat yaman, na nagbilang ng mga ito para kay Sesbazar, na tagapamahala ng Judea. 9 Ito ang kanilang bilang: Tatlumpung gintong palanggana, isang libong pilak na palanggana, dalawamgpu't siyam na iba pang palanggana, 10 tatlumpung gintong mangkok, 410 na maliliit na pilak na mangkok, at isang libong karagdagang kagamitan. 11 Mayroong 5, 400 na ginto at pilak na kagamitan sa lahat. Dinala ni Sesbazar ang lahat ng mga ito nang ang mga taong tinapon ay nagpunta sa Jerusalem mula sa Babilonia.

Chapter 2

1 Ito ang mga tao sa lalawigan na umakyat mula sa pagkabihag ni Haring Nebucadnezar, na siyang nagpatapon sa kanila sa Babilonia, ang mga taong bumalik sa kani-kanilang mga lungsod sa Jerusalem at sa Judea. 2 Sila ay bumalik kasama si Zerubabel, Josue, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum at Baana. Ito ang talaan ng mga kalalakihan ng mga tao ng Israel. 3 Ang mga kaapu-apuhan ni Paros: 2, 172. 4 Ang mga kaapu-apuhan ni Sefatias: 372. 5 Ang mga kaapu-apuhan ni Arah: 775. 6 Ang mga kaapu-apuhan ni Pahat Moab sa pamamagitan ni Josue at Joab: 2, 812. 7 Ang mga kaapu-apuhan ni Elam: 1, 254. 8 Ang mga kaapu-apuhan ni Zatu: 945. 9 Ang mga kaapu-apuhan ni Zacai: 760. 10 Ang mga kaapu-apuhan ni Bani: 642. 11 Ang mga kaapu-apuhan ni Bebai: 623. 12 Ang mga kaapu-apuhan ni Azgad: 1, 222. 13 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonikam: 666. 14 Ang mga kaapu-apuhan ni Bigvai: 2, 056. 15 Ang mga kaapu-apuhan ni Adin: 454. 16 Ang mga kaapu-apuhan ni Ater sa pamamagitan ni Ezequias: siyamnapu't walo. 17 Ang mga kaapu-apuhan ni Bezai: 323. 18 Ang mga kaapu-apuhan ni Jora: 112. 19 Ang mga kaapu-apuhan ni Hasum: 223. 20 Ang mga kaapu-apuhan ni Gibar: siyamnapu't lima. 21 Ang mga kalalakihan ng Bethlehem: 123. 22 Ang mga kalalakihan ng Netofa: limampu't anim. 23 Ang mga kalalakihan ng Anatot: 128. 24 Ang mga kalalakihan ng Azmavet: apatnapu't dalawa. 25 Ang mga kalalakihan ng Jearim, Cafira at Beerot: 743. 26 Ang mga kalalakihan ng Rama at Geba: 621. 27 Ang mga kalalakihan ng Micmas: 122. 28 Ang mga kalalakihan ng Bethel at Ai: 223. 29 Ang mga kalalakihan ng Nebo: limampu't dalawa. 30 Ang mga kalalakihan ng Magbis: 156. 31 Ang mga kalalakihan ng ibang Elam: 1, 254. 32 Ang mga kalalakihan ng Harim: 320. 33 Ang mga kalalakihan ng Lod, Hadid at Ono: 725. 34 Ang mga kalalakihan ng Jerico: 345. 35 Ang mga kalalakihan ng Senaa: 3, 630. 36 Ang mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Jedaias ng tahanan ni Josue: 973. 37 Ang mga kaapu-apuhan ni Imer: 1, 052. 38 Ang mga kaapu-apuhan ni Pashur: 1, 247. 39 Ang mga kaaapu-apuhan ni Harim: 1, 017. 40 Ang mga Levita: Ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Kadmiel na mga kaapu-apuhan ni Hodavias: pitumpu't apat. 41 Ang mga mang-aawit sa templo, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf: 128. 42 Ang mga kaapu-apuhan ng mga bantay-pinto, ang mga kaapu-apuhan ni Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai: may kabuuang 139. 43 Ang mga inatasan na maglingkod sa templo: Ang mga kaapu-apuhan ni Ziha, Hasufa, Tabaot, 44 Keros, Siaha, Padon, 45 Lebana, Hagaba, Akub, 46 Hagab, Samlai at Hanan; 47 ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, Gahar, Reaias, 48 Rezin, Nekoda, Gazam, 49 Uza, Pasea, Besai, 50 Asna, Meunim at Nefisim; 51 ang mga kaapu-apuhan ni Bakbuk, Hakufa, Harhur, 52 Bazlut, Mehida, Harsa, 53 Barkos, Sisera, Tema, 54 Nezias, at Hatifa. 55 Ang mga kaapu-apuhan ng mga alipin ni Solomon, ang mga kaapu-apuhan ni Sotai, Hasoferet, Peruda, 56 Jaala, Darkin, Gidel, 57 Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Ami. 58 392 ang kabuuang bilang ng mga kaapu-apuhan na inatasang maglingkod sa templo at ang mga kaapu-apuhan ng mga alipin ni Solomon. 59 Ang mga lumisan mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Addon, at Imer --ngunit hindi napatunayan ang kanilang kanunu-nunuan mula sa Israel --kabilang ang 60 652 na mga kaapu-apuhan ni Delaia, Tobia at Nekoda. 61 At sa mga kaapu-apuhan ng mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Habaias, Hakoz, Barzilai, (na kinuha ang kaniyang asawa mula sa mga kababaihan ni Barzilai ng Gilead at tinawag sa kanilang pangalan). 62 Sinubukan nilang tuklasin ang kanilang tala-angkanan sa talaan ngunit hindi ito matagpuan dahil dinungisan nila ang kanilang pagkapari. 63 Kaya sinabi ng gobernador sa kanila na hindi sila dapat kumain ng anumang mula sa banal na mga alay hanggang sa pahintulotan sila ng isang pari sa Umim at Tumim. 64 Ang kabuuang grupo ay may bilang na 42, 360, 65 hindi kabilang ang kanilang mga aliping lalaki at aliping babae (ito ay 7, 337) at ang kanilang mga lalaki at babaeng mang-aawit sa templo (200). 66 Ang kanilang kabayo: 736. Ang kanilang mola: 245. 67 Ang kanilang kamelyo: 435. Ang kanilang asno: 6, 720. 68 Nang pumunta sila sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga punong matatanda ay naghandog ng mga kusang-loob na handog upang maipatayo ang tahanan ni Yahweh. 69 Sila ay nagbigay para sa pondo ayon sa kanilang kakayahan: 61, 000 na gintong darika, 5, 000 pilak na mina at 100 na tunikang pangpari. 70 Kaya ang mga pari at mga Levita, ang mga tao, ang mga mang-aawit at mga bantay-pinto ng templo at ang mga inatasang maglingkod sa templo ay nanirahan sa kanilang mga lungsod. Lahat ng tao sa Israel ay nasa kanilang mga lungsod.

Chapter 3

1 Ito ang ikapitong buwan matapos bumalik ang mga tao ng Israel sa kanilang mga lungsod, nang magkatipon sila ng sama-sama bilang isang mamamayan sa Jerusalem. 2 Si Josue na lalaking anak ni Jozadak at ang kaniyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na lalaking anak ni Sealtiel, at ang kaniyang mga kapatid ay umakyat at itinayo ang altar ng Diyos ng Israel upang mag-alay ng mga handog na susunugin tulad ng iniutos sa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos 3 Pagkatapos ay itinatatag nila ang altar sa kinatatayuan nito, sapagkat nasa kanila ang pangamba dahil sa mga mamamayan sa lupain. Sila ay nag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh sa umaga at gabi. 4 Pinagdiriwang din nila ang Pista ng mga Tolda ayon sa nasusulat, at nag-alay sila ng mga handog na susunugin sa bawat araw alinsunod sa kautusan, ang gawain ng bawat isa sa bawat araw. 5 Bilang karagdagan, mayroon ding arawan at buwanang mga handog na susunugin, at mga handog para sa lahat ng nakatalagang mga pista ni Yahweh, kasama sa lahat ng mga kusang-kaloob na handog. 6 Sila ay nagsimulang mag-alay ng handog na susunugin kay Yahweh sa unang araw ng ikapitong buwan, kahit na ang templo ay hindi pa naitatatag. 7 Kaya sila ay nagbigay ng pilak sa mga manlililok ng bato at mga mahusay na manggagawa; at pagkain, inumin, at langis sa mamamayan ng Sidon at Tiro, para sila ay magpadala ng mga puno ng sedar galing sa Lebanon patungo sa Jopa sa pamamagitan ng dagat, katulad ng pahintulot sa kanila ni Ciro, hari ng Persia. 8 At sa ikalawang buwan ng ikalawang taon matapos na magpunta sila sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem, si Zerubabel, si Josue na lalaking anak ni Jozadak, ang iba pang mga pari, ang mga Levita, at ang mga nanggaling sa pagkakabihag pabalik sa Jerusalem ay nagsimula sa paggawa. Itinalaga nila ang mga Levitang dalawampung taong gulang pataas upang pangasiwaan ang gawain sa tahanan ni Yahweh. 9 Itinalaga ni Josue ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga kapatid, si Kadmiel at ang kaniyang mga anak, at ang mga kaapu-apuhan ni Juda upang pangasiwaan ang mga taong gumagawa sa gawain sa tahanan ng Diyos. Kasama sa kanila ang mga kaapu-apuhan ni Henadad, ang kanilang mga kaapu-apuhan, at ang kanilang kapwa mga Levita din. 10 Ang mga tagapagtayo ay inaglagay ang pundasyon para sa templo ni Yahweh. Binigyang daan nito ang mga paring nakatayo na suot ang kanilang mga kasuotan kasama ang mga trumpeta, at mga Levita, mga anak ni Asaf, upang papurihan si Yahweh sa pamamagitan ng pompyang, gaya ng iniutos ng mga kamay ni David, na hari ng Israel. 11 Umawit sila ng papuri at pasasalamat kay Yahweh, "Siya ay mabuti! ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel ay mananatili magpakailanman." Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw nang may kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil ang pundasyon ng templo ay nailagay na. 12 Ngunit marami sa mga pari, mga Levita, mga punong ama ng lipi, at matatandang mga taong nakakita sa unang tahanan ang tumangis ng malakas nang mailagay ang mga pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Ngunit marami ang sumisigaw sa tuwa na may galak at isang nasasabik na tunog. 13 Ang kinahinatnan, ang mamamayan ay hindi makilala ang ingay ng nagagalak at masaya sa ingay ng pagtangis ng mga tao, sapagkat ang mga tao ay umiiyak nang may malaking tuwa, at narinig ang ingay hanggang sa malayo.

Chapter 4

1 Narinig ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel ay itinatayo ng mga taong galing sa pagkakatapon. 2 Dahil dito, nilapitan nila si Zerubabel at ang mga pinuno ng bawat angkan. At sinabi sa kanila, "Hayaan ninyo kaming sumama sa pagtatayo ninyo dahil katulad ninyo, sinasaliksik din namin ang inyong Diyos at nag-aalay din kami sa kaniya mula sa panahon ni Esar-haddon, na hari ng Asiria, na siyang nagdala sa amin sa lugar na ito " 3 Ngunit sinabi nina Zerubabel, Josue, at ng mga pinuno ng mga angkan, "kami dapat ang magtayo ng tahanan ng aming Diyos at hindi kayo, dahil kami ang magtatayo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, ayon sa iniutos ni Haring Ciro ng Persia." 4 Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo. 5 Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia. 6 At sa simula ng paghahari ni Assuero sumulat sila ng paratang laban sa mga nakatira sa Juda at Jerusalem. 7 Ito ay nangyari sa panahon ni Assuero na sumulat sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang kanilang mga kasamahan kay Assuero. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin. 8 Si Rehum na kumander at si Simsai na eskriba ang sumulat sa ganitong paraan kay Artaxerxes tungkol sa Jerusalem. 9 Pagkatapos, sumulat ng isang liham sina Rehum, Simsai at ang kanilang mga kasamahan, na mga hukom at ibang mga opisyal sa pamahalaan, mula sa Erec, Babilonia, at Susa sa Elam, 10 at sinamahan sila ng mga taong pinilit pinatira sa Sarmaria ng dakila at marangal na si Asurbanipal, kasama ang iba pang nasa Lalawigan lampas ng Ilog. 11 Ito ang kopya ng liham na kanilang ipinadala kay Artaxerxes: "Ito ang sinusulat ng iyong mga lingkod, ang mga tao sa ibayo ng ilog: 12 Malaman nawa ng hari na ang mga Judiong nanggaling sa iyo ay pumunta sila laban sa atin sa Jerusalem para magtayo ng isang mapaghimagsik na lungsod. Natapos na nila ang mga pader at inayos na ang mga pundasyon. 13 Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari. 14 Siguradong dahil nakain namin ang asin ng palasyo, hindi ito naaangkop para sa amin na makita ang kahit na anong kahihiyan na mangyayari sa hari. Dahil dito kaya ipinababatid namin sa hari 15 upang hanapin ang talaan ng iyong ama at para mapatunayan na ito ay isang mapaghimagsik na lungsod na pipinsala sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay nagdulot ng maraming suliranin sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay naging isang sentro para sa paghihimagsik noon pa man. Dahil sa kadahilanang ito, nawasak ang lungsod. 16 Pinababatid namin sa hari na kung ang lungsod na ito at ang pader ay maitayo, wala nang matitira para sa iyo sa ibayo ng malaking ilog, ang Eufrates." 17 Kaya ang hari ay nagpadala ng tugon kay Rehum at Simsai at sa kanilang mga kasamahan sa Samaria at ang iba pa sa ibayo ng Ilog: "Sumainyo nawa ang kapayapaan. 18 Ang liham na ipinadala ninyo sa akin ay naisalin at binasa sa akin. 19 Kaya nag-utos ako ng isang pagsisiyasat at natuklasan na sila ay naghimagsik at nag-alsa sa mga hari. 20 Ang mga makapangyarihang hari ay namuno sa Jerusalem at may kapangyarihan sa lahat ng bagay hanggang sa ibayo ng Ilog. Kinilala at nagbayad sila ng mga buwis sa kanila. 21 Ngayon, gumawa kayo ng isang utos para sa mga taong ito na ihinto at huwag itayo ang lungsod na ito hanggang ako ay makagawa ng isang utos. 22 Maging maingat na hindi ito makaligtaan. Bakit kailangang palakihin ang pinsala para saktan ang mga hari?" 23 Nang binasa ang utos ni Haring Artaxerxes sa harap nina Rehum, Simsai, at kanilang mga kasamahan, sila ay mabilis na lumabas sa Jerusalem at sapilitang pinahinto ang mga Judio sa pagtatayo. 24 Kaya ang paggawa sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem ay nahinto hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario na hari ng Persia.

Chapter 5

1 Pagkatapos, si propetang Hagai at si Zacarias na anak ng propetang si Ido ay nagpropesiya sa mga Judio sa ngalan ng Diyos ng Israel sa loob ng Juda at Jerusalem. 2 Umakyat si Zerubabel na anak ni Sealtiel at Josue na anak ni Jozadak at sinimulang itayo ang tahanan ng Diyos sa Jerusalem kasama ang mga propeta na nanghikayat sa kanila. 3 At dumating sina Tatenai na gobernador ng Lalawigan sa ibayo ng Ilog, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kasamahan at sinabi sa kanila, "Sino ang nag-utos na itayo ninyo ang tahanang ito at ganap na tapusin ang mga pader na ito?" 4 Sinabi pa nila, "Ano ang mga pangalan ng mga lalaking gumagawa sa gusaling ito?" 5 Ngunit ang mata ng Diyos ay nasa mga nakatatanda ng mga Judio, at hindi sila pinigilan ng kanilang mga kalaway. Naghihintay sila ng isang liham na ipapadala ng hari at para sa isang utos na ibabalik sa kanila patungkol dito. 6 Ito ang liham nina Tatenai, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kapwa opisyal kay haring Dario. 7 Nagpadala sila ng isang ulat, isinusulat ito kay haring Dario, "Sumainyo nawang lahat ang kapayapaan. 8 Malaman nawa ng hari na kami ay pumunta ng Juda sa tahanan ng dakilang Diyos. Ito ay itinatayo sa pamamagitan ng malalaking bato at ang mga trosong nakalapat sa mga pader. Ang gawaing ito ay ginagawa ng lubos at umuusad ng mabuti sa kanilang mga kamay. 9 Tinanong namin ang mga nakatatanda, 'Sino ang nagbigay sa inyo ng utos para itayo ang tahanang ito at ang mga pader na ito?' 10 Tinanong pa namin ang kanilang mga pangalan nang sa gayon ay maaari mong malaman ang mga pangalan ng bawat taong nanguna sa kanila. 11 Tumugon sila at sinabi, 'Kami ay mga lingkod ng nag-iisang Diyos ng langit at lupa, at muli naming itinatayo ang tahanang ito na itinayo ng dakilang hari ng Israel maraming taon na ang nakalilipas at binubuo namin ito. 12 Gayunman, nang ginalit ng aming mga ninuno ang Diyos ng langit, ibinigay niya sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na siyang sumira ng bahay na ito at ipinatapon ang mga tao sa Babilonia. 13 Gayunpaman, sa unang taon nang si Ciro ay hari ng Babilonia, naglabas si Ciro ng isang utos na itayong muli ang tahanan ng Diyos. 14 Ibinalik din ni haring Ciro ang ginto at pilak na nabibilang sa tahanan ng Diyos na kinuha at dinala ni Nebucadnezar mula sa templo sa Jerusalem tungo sa templo sa Babilonia. Isinauli niya ang mga ito kay Sesbazar, na siyang iniluklok niyang gobernador. 15 Sinabi niya sa kaniya, "Kunin mo ang mga kagamitang ito. Pumunta ka at ilagay ang mga ito sa templo sa Jerusalem. Nawa maitayong muli ang tahanan ng Diyos doon." 16 At dumating itong si Sesbazar at inilagay ang pundasyon para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem; na ginagawa ngayon ngunit hindi pa tapos. 17 Ngayon kung mainam ito para sa hari, masuri nawa ito sa tahanan ng mga talaan sa Babilonia kung may isang pasya doon mula kay Haring Ciro para itayo ang tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Kung gayon, maaring ipadala ng hari ang kaniyang pasya sa amin."

Chapter 6

1 Kaya si Haring Dario ay nag-utos ng isang imbestigasyon sa tahanan ng mga talaan sa Babilonia. 2 Sa tanggulang lungsod ng Ecbatana sa Media natagpuan ang isang kasulatang binalumbon; ito ang nakasulat sa talaan: 3 Sa unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem: 'Maitayo nawa ang tahanan para sa paghahandog. Maitayo nawa ang mga pader nito na may animnapung siko ang taas at animnapung siko ang lapad, 4 na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng bagong troso. At ang tahanan ng hari ang magbabayad ng gastusin. 5 Ibalik din ninyo ang ginto at pilak na nabibilang sa tahanan ng Diyos na dinala ni Nebucadnezar mula sa templo ng Jerusalem patungo sa templo ng Babilonia. Ipadala ninyo ang mga iyon sa templo ng Jerusalem at ilagay ang mga iyon sa tahanan ng Diyos.' 6 Ngayon, Tatenai, Setar Bozenai, at ang iyong mga kapwa opisyal na nasa ibayo ng Eufrates, lumayo kayo sa lugar na iyon. 7 Pabayaan ninyo ang paggawa sa tahanan ng Diyos. Ang gobernador at ang mga nakatatandang Judio ay itatayo ang tahanang ito ng Diyos sa lugar na iyon. 8 Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa. 9 Anuman ang kakailanganin--mga batang toro, mga lalaking tupa, o mga batang tupa para sa mga alay na susunugin sa Diyos ng Kalangitan, butil, asin, alak, o langis ayon sa utos ng mga pari sa Jerusalem--ibigay ninyo ang mga bagay na ito sa kanila araw-araw nang walang palya. 10 Gawin ninyo ito para sila ay makapagdala ng handog sa Diyos ng Kalangitan at ipanalangin ako, ang hari, at ang aking mga anak. 11 Ipinag-uutos ko na kung sinuman ang lalabag sa utos na ito, isang barakilan ang dapat hilahin mula sa kaniyang bahay at dapat siyang ituhog dito. Dahil dito, ang kaniyang tahanan ay dapat gawing isang tambak ng gumuhong mga bato. 12 Nawa ang Diyos na nabubuhay doon ay ibabagsak ang sinumang hari at mga tao na lalabag sa tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Akong, si Dario, ang siyang nag-uutos nito. Gawin ninyo ito nang lubusan!" 13 At ginawa nina Tatenai, Setar Bozenai, at ng kanilang mga kasamahan ang lahat ng bagay na inutos ni Haring Dario. 14 Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia. 15 Ang tahanan ay natapos sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Haring Dario. 16 Itinalaga ng mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ng iba pang nalalabing mga bihag ang tahanan ng Diyos nang may kagalakan. 17 Naghandog sila ng isandaang toro, isandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang tupa para sa pagtatalaga sa tahanan ng Diyos. Ladindalawang lalaking kambing ay inialay din bilang isang handog para sa kasalanan ng lahat ng Israelita, isa para sa bawat tribu ng Israel. 18 Itinalaga rin nila ang mga pari at mga Levita na gumawa ng kaniya-kaniyang gawain para sa paglilingkod sa Diyos sa Jerusalem, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. 19 Kaya ang mga galing sa pagkakatapon ay nagdiwang ng Paskua sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan. 20 Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili at kinatay ang mga Pampaskua na mga alay para sa lahat ng mga nanggaling sa pagkakatapon, kasama ang mga pari at Levita. 21 Ang mga Israelitang kumain nang ilan sa karne ng Paskua ay ang mga bumalik galing sa pagkakatapon at ihiniwalay ang kanilang mga sarili mula sa karumihan ng mga tao sa lupain at hinanap si Yahweh, ang Diyos ng Israel. 22 Buong kagalakan nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang pitong araw, dahil binigyan sila ni Yahweh ng kagalakan at binago ang puso ng hari ng Asiria upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain ng kaniyang tahanan, ang tahanan ng Diyos ng Israel.

Chapter 7

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes, si Ezra, na ang kaniyang mga ninuno ay sina Seraias, Azarias, Hilcias, 2 Sallum, Sadoc, Ahitub, 3 Amarias, Azarias, Meraiot, 4 Zeraias, Uzzi, Buki, 5 Abisua, Finehas, Eleazar, at si Aaron na pinakapunong pari - 6 Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya. 7 Ang ilan sa mga kaapu-apuhan ng Israel at ng mga pari, mga Levita, mga mang-aawit sa templo, mga bantay-pinto, at ang mga itinalaga na maglingkod sa templo ay umakyat sa Jerusalem sa ikapitong taon ni Haring Artaxerxes. 8 Siya ay dumating sa Jerusalem sa ikalimang buwan ng parehong taon. 9 Siya ay umalis ng Babilonia sa unang araw ng unang buwan. Noong unang araw ng ika-limang buwan nang siya ay dumating sa Jerusalem, yamang kasama niya ang mabuting kamay ng Diyos. 10 Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh. 11 Ito ay ang utos na ibinigay ni Haring Artaxerxes kay Ezra na pari at eskriba ng mga kautusan at mga alituntunin ni Yahweh para sa Israel: 12 "Ang Hari ng mga haring si Artaxerxes, kay paring Ezra, isang eskriba ng kautusan ng Diyos ng langit: 13 Aking iniuutos na ang sinumang mula sa Israel sa aking kaharian, kasama ang kanilang mga pari at mga Levita, na nagnanais na pumunta ng Jerusalem, ay maaring sumama sa iyo. 14 Ako, ang hari, at ang aking pitong mga tagapayo, ay ipapadala ko kayong lahat upang siyasatin ang tungkol sa Juda at Jerusalem ayon sa batas ng Diyos na inyong naunawaan, 15 at upang dalhin sa Jerusalem, na kaniyang tahanan, ang pilak at ginto na kanilang malayang ihahandog sa Diyos ng Israel. 16 Ibigay ng libre ang lahat ng pilak at ginto na binigay ng mga taga-Babilonia kasama ang anumang malayang inialay sa pamamagitan ng mga tao at mga pari para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem. 17 Kaya bilhin ninyo sa kabuuan halaga ang baka, mga lalaking tupa at mga batang tupa, at butil at inuming mga handog. Ihandog ninyo ang mga ito sa altar na nasa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem. 18 Gawin ninyo sa natitirang pilak at ginto ang anumang tingin ninyong mabuti para sa inyo at sa inyong mga kapatid, upang malugod ninyo ang inyong Diyos. 19 Ilagay ninyo ang mga bagay na malayang ibinigay sa inyo sa harap niya para sa paglilingkod sa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem. 20 Anumang bagay na kakailanganin sa tahanan ng inyong Diyos, kunin ninyo ang mga gastos mula sa aking kabang-yaman. 21 Ako, si Haring Artaxerxes, ang gumagawa ng utos sa lahat ng mga ingat-yaman sa ibayong Ilog, na ang kahit anong hingin ni Ezra mula sa inyo ay dapat ninyong maibigay ng buo, 22 hanggang sa isang daang talentong pilak, isang daang takal ng butil, isang daang malaking sisidlan ng alak, at isang daang malaking sisidlan ng langis, pati asin na walang limitasyon. 23 Anumang nagmula sa utos ng Diyos ng Langit, gawin ninyo ito nang may malasakit para sa kaniyang tahanan. Sapagkat bakit kailangang dumating ang kaniyang poot sa aking kaharian at sa aking mga anak? 24 Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos. 25 Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas. 26 Parusahan mo ang sinumang hindi buo ang pagsunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari, maging sa pamamagitan ng kamatayan, pagpapalayas, pagsamsam ng kanilang mga kalakal, o pagkakabilanggo." 27 Sinabi ni Ezra, "Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, 28 at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko."

Chapter 8

1 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno na umalis mula sa Babilonia kasama ko sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes. 2 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Finehas: si Gersom, sa mga kaapu-apuhan ni Itamar: si Daniel, sa mga kaapu-apuhan ni David: si Hatus. 3 sa mga kaapu-apuhan ni Secanias, mga kaapu-apuhan ni Paros: si Zacarias, Kasama niyang nakalista ang 150 na mga lalaki. 4 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Pahat-Moab: si Eliehoenai na anak ni Zeraias. Kasama niyang nakalista ang dalawandaang lalaki. 5 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Secanias: si Ben Jahaziel. Kasama niyang nakalista ang tatlong daang lalaki. 6 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Adin: si Ebed na anak ni Jonatan. Kasama niyang nakalista ang limampung lalaki. 7 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Elam: si Jesaias na anak ni Atalias. Kasama niyang nakalista ang pitumpung lalaki. 8 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Sefatias: si Zebadias na anak ni Micael. Kasama niyang nakalista ang walumpung lalaki. 9 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Joab: si Obadias na anak ni Jehiel. Kasama niyang nakalista ang 218 na lalaki. 10 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Selomit na anak ni Josifias. Kasama niyang nakalista ang 160 na lalaki. 11 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bebai: si Zacarias na anak ni Bebai. Kasama niyang nakalista ang dalawampu't walong lalaki, 12 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Azgad: si Johanan na anak ni Hacatan. Kasama niyang nakalista ang 110 na lalaki,. 13 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonicam ay huling dumating. Ito ang kanilang mga pangalan: sina Elifelet, Jeiel, at Semaias. Kasama nilang dumating ang animnapung lalaki. 14 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bigvai: sina Utai at Zacur. Kasama niyang nakalista ang pitumpung lalaki. 15 Sinabi ni Ezra, "Tinipon ko ang mga manlalakbay sa lagusang papunta sa Ahava, at nanatili kami roon ng tatlong araw. Sinuri ko ang mga tao at mga pari, ngunit wala akong nakitang kaapu-apuhan ni Levi roon. 16 Kaya pinapunta ko sina Eliezer, Ariel, Semaias, Elnatan, Jarib, at Elnatan at Natan, Zacarias, at Mesulam—na mga pinuno—at sina Joarib at Elnatan—na mga guro. 17 Sumunod, ipinadala ko sila kay Ido, ang pinuno sa Casifia. Sinabi ko sa kanila kung ano ang sasabihin nila kay Ido at sa kaniyang mga kamag-anak, ang mga tagapaglingkod sa templo na naninirahan sa Casifia, ito ay upang magpadala sa amin ng mga tagapaglingkod para sa tahanan ng Diyos. 18 Kaya nagpadala sila sa amin sa pamamagitan ng mabuting kamay ng ating Diyos ng isang lalaking nagngangalang Serebias, isang matalinong tao. Siya ay kaapu-apuhan ni Mali na anak ni Levi na anak ni Israel. Dumating siya kasama ang kaniyang labing walong mga anak na lalaki at mga kapatid na lalaki. 19 Kasama niyang dumating si Hasabias. Naroon din sina Jesaias, isa sa mga anak ni Merari, kasama ang kaniyang mga kapatid na lalaki at kaniyang mga anak na lalaki, dalawampung lalaki lahat. 20 Mula sa mga itinalagang maglingkod sa templo, na ibinigay ni David at kaniyang mga opisyal na maglingkod sa mga Levita: 220, ang bawat isa sa kanila ay itinalaga ayon sa kanilang pangalan. 21 Pagkatapos nagdeklara ako ng pag-aayuno sa Lagusan ng mga Ahava upang magpakumbaba kami sa harap ng Diyos, upang humingi ng tuwid na landas mula sa kaniya para sa amin, sa aming mga anak, at sa lahat ng aming mga ari-arian. 22 Nahiya akong humingi sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol kami laban sa mga kaaway sa aming daraanan, yamang sinabi namin sa hari, 'Ang kamay ng aming Diyos ay nasa lahat ng humahanap sa kaniya para sa kabutihan, ngunit ang kaniyang kapangyarihan at poot ay nasa lahat ng sinumang nakakalimot sa kaniya.' 23 Kaya nag-ayuno kami at humingi sa Diyos tungkol dito, at nagmakaawa kami sa kaniya. 24 Sumunod, pumili ako ng labindalawang lalaki mula sa mga opisyal ng pagkapari: sina Serebias, Hasabias, at sampu sa kanilang mga kapatid na lalaki. 25 Tumimbang ako para sa kanila ng pilak, ginto, at ng mga kagamitan at mga handog para sa tahanan ng Diyos na malayang inihandog ng hari, ng kaniyang mga tagapayo at mga opisyal, at lahat ng Israelita. 26 Kaya tinimbang ko sa kanilang mga kamay ang 650 talentong pilak, isandaang talento ng mga kagamitang pilak, isandaang talentong ginto, 27 dalawampung gintong mangkok na kapag pinagsama ay nagkakahalaga ng isanlibong darika, at dalawang makinang na tansong sisidlan na kasinghalaga ng ginto. 28 Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, 'Kayo ay inilaan para kay Yahweh, maging ang mga kagamitang ito. At ang pilak at ginto na ito ay kusang-kaloob na handog kay Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno. 29 Bantayan ninyo ang mga ito at ingatan hanggang matimbang ninyo sa harap ng mga opisyal sa pagkapari, mga Levita, at mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Israelita sa Jerusalem sa mga silid ng tahanan ng Diyos.' 30 Tinanggap ng mga pari at mga Levita ang aking tinimbang na pilak, ginto, at mga kagamitan upang madala nila sa Jerusalem, sa tahanan ng ating Diyos. 31 Umalis kami mula sa Lagusan ng Ahava noong ika-labindalawang araw ng unang buwan para pumunta sa Jerusalem. Ang kamay ng ating Diyos ay nasa amin; pinagtanggol niya kami mula sa kamay ng kaaway at sa sinumang nagnais na lusubin kami habang nasa daan. 32 Kaya pumasok kami sa Jerusalem at nanatili roon ng tatlong araw. 33 At noong ikaapat na araw, ang pilak, ginto, at mga kagamitan ay tinimbang sa tahanan ng aming Diyos sa kamay ni Meremot na anak ni Urias, na pari. Kasama niya sina Eleazar na anak ni Finehas, si Jozabad na anak ni Josue, at Noadias na anak ni Binui na Levita. 34 Ang bilang at timbang ng bawat isa ay nalaman; lahat ng timbang ay naisulat sa oras na iyon. 35 Ang mga bumalik mula sa pagkakabihag, ang mga tao sa pagkakatapon ay nag-alay sila ng mga handog na susunugin para sa Diyos ng Israel: labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na tupang lalaki, pitumpu't pitong batang tupa, at labindalawang lalaking kambing bilang handog sa kasalanan. Lahat ay handog na susunugin para kay Yahweh. 36 At ibinigay nila ang mga utos ng hari sa matataas na mga opisyal ng hari at sa mga gobernador sa ibayo ng Ilog, at tinulungan nila ang mga tao at ang tahanan ng Diyos."

Chapter 9

1 "Nang matapos na ang mga bagay na ito, nilapitan ako ng mga opisyal at sinabi, 'Hindi pa inihihiwalay ng mga tao ng Israel, mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili mula sa mga bayan ng iba pang lupain at sa mga karumal-dumal na gawain: sa mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Jebuseo, mga Amonita, mga Moabita, mga taga-Ehipto at mga Amoreo. 2 Dinala nila ang ilan sa kanilang mga anak na babae at anak na lalaki, at pinagsama nila ang mga taong banal sa mga mamamayan ng ibang mga lupain. At ang mga opisyal at mga pinuno ang nanguna sa kawalan ng pananampalatayang ito. 3 Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya. 4 Ang lahat ng mga nanginig sa salita ng Diyos ng Israel tungkol sa kawalang pananampalatayang ito ay lumapit sa akin habang ako ay nakaupong hiyang-hiya hanggang sa gabi ng pag-aalay. 5 Ngunit sa gabi ng pag-aalay tumayo ako mula sa aking kahiya-hiyang kinalalagyan na suot ang aking mga gulagulanit na mga damit at balabal, lumuhod ako at itinaas ko ang aking mga kamay kay Yahweh na aking Diyos. 6 Sinabi ko, 'Aking Diyos, hiyang-hiya ako at nasa lubos na kahihiyan upang itingala ang aking mukha sa iyo, sapagkat ang aming mga kasamaan ay lumagpas na sa aming mga ulo at umabot na ang aming kasalanan sa kalangitan. 7 Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon. 8 Subalit ngayon sa maikling panahon, dumating ang habag mula kay Yahweh na aming Diyos upang mag-iwan sa amin ng ilang mga nakaligtas at bigyan kami ng bahagi sa kaniyang dakong banal. Ito ay upang paliwanagin ng aming Diyos ang aming mga mata at bigyan kami ng kaunting ginhawa sa aming pagkakaalipin. 9 Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem. 10 Subalit ngayon, aming Diyos, ano ang masasabi namin pagkatapos nito? Kinalimutan namin ang iyong mga utos, 11 ang mga utos na ibinigay mo sa iyong mga lingkod na mga propeta, nang sabihin mo, "Ang lupaing ito na inyong papasukin upang ariin ay isang maruming lupain. Dinumihan ito ng mga tao sa mga lupain sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga gawain. Pinuno nila ito ng kanilang karumihan hanggang sa magkabilang dulo. 12 Kaya ngayon, huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak; at huwag ninyong kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak, at huwag ninyong asamin ang kanilang kasalukayang kapayapaan at mabuting kalalagayan, upang manatili kayong malakas at makakain ang bunga ng lupain, upang dulutan ninyo ang inyong mga anak na magmay-ari nito sa lahat ng panahon." 13 Subalit matapos ang lahat ng dumating sa amin dahil sa aming mga masasamang gawain at aming matinding kasalanan—yamang ikaw, aming Diyos, pinigilan mo ang nararapat sa aming mga kasalanan at iniwanan kaming mga nakaligtas— 14 susuwayin ba namin muli ang iyong mga kautusan at makikipag-asawa sa mga kasuklam-suklam na taong ito? Hindi ka ba magagalit at pupuksain kami upang wala ni isa ang matira, ni makatakas? 15 Yahweh, Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagkat nanatili kaming ilan na makaligtas sa araw na ito. Tingnan mo! Kami ay nasa iyong harapan sa aming mga kasalanan, sapagkat walang sinuman ang makakatayo sa iyong harapan dahil dito."

Chapter 10

1 Habang si Ezra ay nanalangin at nagtatapat, siya ay tumangis at nagpatirapa sa harap ng tahanan ng Diyos. Isang napakalaking kapulungan ng mga Israelitang lalaki, mga babae, at mga bata ay nagtipon sa kaniya, sapagkat ang mga tao ay labis na tumatangis. 2 Sinabi ni Secanias na anak ni Jehiel mula sa kaapu-apuhan ni Elam kay Ezra, "Kami nga mismo ay nakagawa ng kataksilan laban sa ating Diyos at nanirahan kasama ng mga dayuhang babae mula sa mga tao ng ibang mga lupain. Ngunit ngayon ay mayroong pag-asa para sa Israel patungkol dito. 3 Kaya ngayon gumawa tayo ng isang tipan sa ating Diyos na palabasin ang lahat ng mga babae at kanilang mga anak ayon sa mga tagubilin ng Panginoon at sa mga tagubilin ng mga nanginig sa mga utos ng ating Diyos, at mangyari nawa ito ayon sa batas. 4 Tumayo ka, sapagkat ang bagay na ito ay para iyo upang gawin mo, at kasama mo kami. Magpakatatag ka at gawin ito.'' 5 Kaya tumayo si Ezra at ang mga pinakapunong pari, ang mga Levita, at ang lahat ng mga Israelita ay nanumpa na kumilos sa ganitong paraan. Sila ay nangako. 6 At tumayo si Ezra mula sa harap ng bahay ng Diyos at pumunta sa mga silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Hindi siya kumain ng anumang tinapay at uminom ng anumang tubig, yamang siya ay nagluluksa tungkol sa kawalan ng pananampalataya ng mga nanggaling sa pagkakabihag. 7 Kaya nagpadala sila ng mensahe sa Juda at Jerusalem sa lahat ng taong nanggaling sa pagkatapon upang magtipun-tipon sa Jerusalem. 8 Sinuman ang hindi pumunta sa loob ng tatlong araw ayon sa tagubilin ng mga opisyal at mga nakatatandang lalaki ay kukunin ang lahat ng kanilang mga ari-arian at hindi ibibilang sa napakalaking kapulungan ng mga taong bumalik mula sa pagkakatapon. 9 Kaya lahat ng mga lalaki ng Juda at Benjamin ay nagtipun-tipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw. Ito ay ang ika-siyam na buwan at ang ika-dalawampung araw ng buwan. Tumayo ang lahat ng tao sa liwasan sa harap ng tahanan ng Diyos at nanginig dahil sa salita at sa ulan. 10 Tumayo ang paring si Ezra at sinabi, "Kayo mismo ay nakagawa ng kataksilan. Nanirahan kayo kasama ang mga dayuhang babae kaya pinalaki ninyo ang kasalanan ng Israel. 11 Ngunit ngayon purihin si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at gawin ang kaniyang kaloooban. Humiwalay kayo sa mga tao sa lupain at mula sa mga dayuhang babae. 12 Lahat ng kapulungan ay sumagot sa malakas na tinig, "Gagawin namin ang tulad ng iyong sinabi. 13 Gayunpaman, maraming tao, at ito ay maulan na panahon. Wala kaming lakas para tumayo sa labas, at ito ay hindi lamang isa o dalawang araw na gawain, yamang kami ay labis na lumabag sa bagay na ito. 14 Kaya hayaan natin ang ating mga opisyal na kumatawan sa lahat ng kapulungan. Hayaan na ang lahat ng nagpahintulot ng mga dayuhang babaeng tumira sa ating mga lungsod ay lumapit sa panahong pagtitibayin ng mga nakakatanda sa lungsod at mga hukom sa lungsod hanggang sa lumayo mula sa atin ang nagngingitngit na poot ng ating Diyos." 15 Tumutol dito sina Jonatan na lalaking anak ni Asahel at Jazeias na lalaking anak ni Tikva, at sina Mesulam at Sabetai na Levita ay sumang-ayon sa kanila. 16 Kaya ginawa ito ng mga taong bumalik mula sa pagkatapon. Ang paring si Ezra ay pumili ng mga lalaki, ang mga pinuno sa angkan ng kanilang mga ninuno at mga bahay--lahat sila ayon sa pangalan, at siniyasat nila ang usapin sa unang araw ng ika-sampung buwan. 17 Sa unang araw ng unang buwan natapos nilang tuklasin kung sino ang mga lalaking nanirahan kasama ang mga dayuhang babae. 18 Sa mga kaapu-apuhan ng mga pari ay mayroong mga nanirahan kasama ang mga dayuhang babae. Sa mga kaapu-apuhan ni Josue na anak ni Jehozadak at ng kaniyang mga kapatid na lalaki ay sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalia. 19 Kaya nagpasya sila na palayasin ang kanilang mga asawa. Sapagkat sila ay nagkasala, sila ay naghandog ng tupang lalaki mula sa kawan para sa kanilang kasalanan. 20 Sa mga kaapu-apuhan ni Imer: sina Hanani at Zebadias. 21 Sa mga kaapu-apuhan ni Harim: sina Maaseias, Elias, Semaias, Jehiel, at Uzias. 22 Sa mga kaapu-apuhan ni Pashur: Elioenai, Maaseias, Ismael, Netanael, Jozabad, at Elasa. 23 Sa mga Levita: sina Jozabad, Simei, Kelaias—iyon ay, Kelita, Petahias, Juda, at Eliezer. 24 Sa mga mang-aawit: si Eliasib. Sa mga bantay-pinto: sina Sallum, Telem, at Uri. 25 Kabilang sa mga nalabing Israelita --sa mga kaapu-apuhan ni Paros: Ramias, Izias, Malquijas, Mijamin, Eleazar, Malquijas, at Benaias. 26 Sa mga kaapu-apuhan ni Elam: sina Matanias, Zecarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elias. 27 Sa mga kaapu-apuhan ni Zatu: sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza. 28 Sa mga kaapu-apuhan ni Bebai: sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai. 29 Sa mga kaapu-apuhan ni Bani: sina Mesulam, Maluc, Adaias, Jasub, at Seal Jeremot. 30 Sa mga kaapu-apuhan ni Pahat Moab: sina Adna, Helal, Benaias, Maaseias, Matanias, Bezalel, Binui, at Manases. 31 Sa mga kaapu-apuhan ni Harim: sina Eliezer, Isijas, Malquijas, Semaias, Simeon, 32 Benjamin, Maluc, at Semarias. 33 Sa mga kaapu-apuhan ni Hasum: sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Simei. 34 Sa mga kaapu-apuhan ni Bani: sina Maadai, Amram, Uel, 35 Benaias, Bedeias, Heluhi, 36 Vanias, Meremot, Eliasib, 37 Matanias, Matenai, Jaasu, 38 Bani, Binui, Simei, 39 Selemias, Natan, Adaias, 40 Macnadebai, Sasai, Sarai, 41 Azarel, Selemias, Semarias, 42 Salum, Amarias at Jose. 43 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Nebo: sina Jeiel, Matitias, Zabad, Zebina, Ido, Joel, at Benaias. 44 Lahat ng mga ito ay kumuha ng mga dayuhang asawa at nagka-anak sa ilan sa kanila.