Tagalog: Tagalog Unlocked Literal Bible

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

2 Samuel

Chapter 1

1 Nang namatay si Saul, bumalik si David galing sa pagsalakay sa bayan ng Amalek at nanatili sa Ziklag ng dalawang araw. 2 Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa. 3 Sinabi ni David sa kaniya, "Saan ka nanggaling? Sagot niya, "Nakatakas ako mula sa kampo ng Israel." 4 Sinabi ni David sa kaniya, "Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang mga bagay na nangyari." sumagot siya, "Nagsitakas ang mga tao mula sa labanan. Marami ang bumagsak at marami ang namatay. Si Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay din." 5 Sinabi ni David sa binatang lalaki, "Papaano mo nalaman na si Saul at si Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay?" 6 Sumagot ang binata, "Nagkataon na naroon ako sa Bundok Gilboa, at doon nakasandal siya sa kaniyang sibat, at ang mga karwaheng pandigma at ang mga nangangabayo ay halos malapit na sa kaniya. 7 Tumalikod si Saul at nakita ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, 'Nandito ako.' 8 Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.' 9 Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap tumayo ka sa harapan ko at patayin mo ako, dahil matinding paghihirap ang nararanasan ko, pero nanatili pa rin akong buhay. 10 Kaya tumayo ako sa ibabaw niya at pinatay ko siya, dahil alam ko na hindi na siya mabubuhay pagkatapos niyang bumagsak. At kinuha ko ang kaniyang korona na nasa kaniyang ulo at ang pulseras na nasa kaniyang kamay, at dinala ang mga ito dito para sa iyo, aking panginoon." 11 Pagkatapos pinunit ni David ang kaniyang mga damit, at ginawa rin ito ng lahat ng mga kalalakihan na kasama niya. 12 Sila'y nanangis, umiyak, at nag-ayuno hanggang gabi para kay Saul, para kay Jonatan na kaniyang anak na lalaki, para sa mga tao ni Yahweh, at para sa tahanan ng Israel dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada. 13 Sinabi ni David sa binata, "Saan ka nanggaling? Sumagot siya, "Ako ay anak na lalaki ng isang dayuhan sa lupain, isang taga- Amalek." 14 Sinabi ni David sa kaniya, "Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?" 15 Tinawag ni David ang isa sa mga binata at sinabi, "Kunin at patayin siya." Kaya kinuha ang lalaki at pinatay siya, at namatay ang taga-Amalek. 16 Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, "Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh."' 17 Pagkatapos inawit ni David ang panlibing na awiting ito tungkol kay Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki. 18 Ipinag-utos niya sa mga tao na ituro itong Awit ng Pananangis sa mga anak lalaki ng Juda, na naisulat sa Ang Aklat ni Jaser. 19 Ang iyong niluwalhati, Israel, ay namatay, pinatay sa inyong mga bundok! Papaano ang magiting ay napatumba! 20 Huwag itong sabihin kay Gath, Huwag itong ipahayag sa mga kalye ng Askelon para hindi magsaya ang mga anak na babae ng mga taga-Filisteo, para hindi magdiwang ang mga anak na babae ng mga hindi tuli. 21 Mga Bundok ng Gilboa, huwag na hayaang magkaroon ng hamog o ulan sa inyo, ni mga kabukirin na magbibigay ng butil para sa mga alay, dahil doon ang panangga ng magiting ay nadungisan. Ang panangga ni Saul ay hindi na kailanman pinahiran sa pamamagitan ng langis. 22 Mula sa mga dugo sa mga namatay na iyon, mula sa mga katawan ng mga magigiting, ang pana ni Jonatan ay hindi na bumalik, at ang espada ni Saul ay hindi bumalik ng walang saysay. 23 Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon. 24 Kayong mga anak na babae ng Israel, umiyak sa ibabaw ni Saul, na siyang nagbihis sa inyo ng pulang kasuotan, na naglagay ng palamuti ng ginto sa inyong mga kasuotan. 25 Paano napabagsak ang isang magiting sa gitna ng labanan! Si Jonatan ay pinatay sa inyong mataas mga lugar. 26 Ako ay namimighati para sa iyo, aking kapatid na Jonatan. Ikaw ay minahal ko ng lubusan. Ang pagmamahal mo sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga kababaihan. 27 Paano napabagsak ang magigiting, at ang mga sandata sa digmaan ay nasira!"

Chapter 2

1 Pagkaraan nito nagtanong si David kay Yahweh at sinabi, "Pupunta ba ako sa isa sa mga lungsod sa Juda?" Sumagot si Yahweh sa kaniya, "Pumunta ka." Sabi ni David, "Sa anong lungsod ako pupunta?" Sumagot si Yahweh, "Sa Hebron." 2 Kaya umalis si David kasama ang kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam mula sa Jezreel, at Abigail mula sa Carmel, ang biyuda ni Nabal. 3 Isinama ni David ang mga kalalakihan na kasama niya, na ang bawat isa ay isinama ang kanilang pamilya, sa mga lungsod ng Hebron, kung saan nagsimula silang manirahan. 4 Pagkatapos dumating ang mga kalalakihan mula sa Juda at hinirang si David na hari sa buong sambahayan ng Juda. Sinabi nila kay David, "Ang mga kalalakihan sa Jabes Galaad ang naglibing kay Saul. 5 Kaya nagpadala si David ng mga mensahero sa mga kalalakihan ng Jabes Galaad at sinabi sa kanila, "Kayo ay pinagpala ni Yahweh, dahil sa ipinakita ninyo na katapatan sa inyong panginoong si Saul at inilibing siya. 6 Ngayon nawa'y magpakita si Yahweh sa inyo ng tapat na kasunduan at katapatan. Magpapakita rin ako sa inyo nitong kabutihan dahil ginawa ninyo ang bagay na ito. 7 Kaya ngayon, hayaang maging malakas ang inyong mga kamay; maging matapang dahil si Saul na inyong panginoon ay namatay, at buong sambahayan ng Juda ay hinirang ako mag hari sa kanila." 8 Pero si Abner anak na lalaki ni Ner, pinuno ng hukbo ni Saul, kinuha ang anak ni Saul na si Isobet at dinala siya sa Mahanaim; 9 ginawa niya si Isobet na hari sa buong Galaad, Asureo, Jezreel, Efraim, Benjamin, at sa buong Israel. 10 Si Isobet anak na lalaki ni Saul, ay apatnapung-taong gulang nang mag-umpisa siyang maghari sa buong Israel, at naghari siya ng dalawang taon. Peroo ang sambahayan ng Juda ay sumunod kay David. 11 Ang panahon na si David ay naging hari sa Hebron sa buong sambahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan. 12 Si Abner anak na lalaki ni Ner, at ang mga lingkod ni Isobet anak na lalaki ni Saul, ay umalis mula sa Mahanaim patungo sa Gibeon. 13 Si Joab anak na lalaki ni Zeruias at ang mga lingkod ni David ay lumabas at nakipagkita sa kanila sa lawa ng Gibeon. Umupo sila doon, isang grupo sa isang panig ng lawa at ang iba sa kabilang panig. 14 Sinabi ni Abner kay Joab, "Hayaan ang mga binata ay tumayo at makipaglaban sa ating harapan." Pagkatapos sinabi ni Joab, "Hayaan silang tumayo." 15 Pagkatapos nagsitayuan ang mga binata at sama-samang nagtipon, labingdalawa para kay Benjamin at Isobet anak na lalaki ni Saul, at labingdalawa mula sa mga lingkod ni David. 16 Sinunggaban ng bawat lalaki ang ulo ng kaniyang kaaway at sinaksak ang kaniyang espada sa gilid ng kaniyang kalaban, at pareho silang nagsibagsakan. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag sa Hebreo, "Helkat Hazzurim," o "Bukid ng mga Espada," na nasa Gibeon. 17 Ang labanan ay masyadong marahas ng araw na iyon at si Abner at ang mga kalalakihan ng Israel ay natalo sa harapan ng mga lingkod ni David. 18 Ang tatlong anak na lalaki ni Zeruias ay naroon: Si Joab, at Abisai, at Asahel. Si Asahel ay napakabilis ng mga paa gaya ng isang gasel. 19 Tinutugis ng malapitan ni Asahel si Abner at sinusundan siya na hindi lumilihis sa anumang dako. 20 Lumingon si Abner sa kaniyang likuran, at sinabi, "Ikaw ba iyan Asahel?" Sumagot siya, "Ako nga ito." 21 Sinabi ni Abner sa kaniya, "Lumihis ka sa kanan o sa iyong kaliwa, at sunggaban mo ang isa sa binata at kunin ang kaniyang baluti." Pero hindi lumihis si Asahel. 22 Kaya sinabi ulit ni Abner kay Asahel, Tigilan mo na ang pagtugis sa akin. Bakit kita pababagsakin sa lupa? Anong mukhang ihaharap ko kay Joab, na iyong kapatid na lalaki?" 23 Pero tumangging lumihis si Asahel at sinaksak siya ni Abner sa katawan sa pamamagitan ng mapurol na dulo ng kaniyang sibat, kaya ang sibat ay tumagos sa kabilang gilid. Bumagsak si Asahel at namatay doon. Kaya ang sinuman ang dumating sa lugar kung saan bumagsak at namatay si Asahel, ay huminto at nanatiling nakatayo. 24 Pero tinugis ni Joab at Abisai si Abner. Nang palubog na ang araw, pumunta sila sa burol ng Amma, na malapit sa Giah sa pamamagitan ng daan patungo sa kagubatan ng Gibeon. 25 Nagtipon ang mga kalalakihan ni Benjamin ng sama-sama sa likuran ni Abner at tumayo sa itaas ng burol. 26 Pagkatapos tinawag ni Abner si Joab at sinabi, "Dapat bang magpatayan tayo habang buhay? Hindi mo ba alam lalo lang itong lulubha sa katapusan? Gaano katagal bago mo sasabihin sa iyong mga kalalakihan na tigilan na ang pagtugis sa inyong mga kapatid na lalaki? 27 Sumagot si Joab, "Hanggang sa nabubuhay ang Diyos, kung hindi mo sinabi iyan, ang aking mga tauhan ay patuloy na tutugisin ang kanilang mga kapatid na lalaki hanggang umaga!" 28 Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat ng kaniyang tauhan ay tumigil at hindi na tinugis kailanman ang Israel, ni hindi na sila naglaban kailanman. 29 Si Abner at ang kaniyang mga tauhan ay naglakbay nang buong magdamag patungong Araba. Tumawid sila sa Jordan, naglakad silang lahat ng sumunod na umaga, at pagkatapos nakarating sa Mahanaim. 30 Bumalik si Joab galing sa pagtugis kay Abner. Tinipon niya ang lahat ng kaniyang tauhan, kung saan nawawala si Asahel at ang labing-siyam na mga sundalo ni David. 31 Pero ang mga tauhan ni David ay nakapatay ng 360 tauhan ni Benjamin sa pamamagitan ni Abner. 32 Pagkatapos kinuha nila si Asahel at inilibing siya sa loob ng libingan ng kaniyang ama, na nasa Bethlehem. Naglakbay si Joab at ang kaniyang mga tauhan ng buong magdamag, at inabutan na sila ng maagang pagsikat ng araw sa Hebron.

Chapter 3

1 Ngayon ay mayroong isang mahabang digmaan sa pagitan ng tahanan ni Saul at ng tahanan ni David. Patuloy na lumalakas ng lumakas si David pero ang tahanan ni Saul ay patuloy na humihina ng humihina. 2 Ang mga anak na lalaki ay ipinanganak kay David sa Hebron. Ang kaniyang panganay ay si Amnon, kay Anihoam mula sa Jezreel. 3 Ang kaniyang pangalawang anak, ay si Quileb, ay ipinanganak kay Abigail, ang biyuda ni Nabal mula sa Carmel. Ang pangatlo, ay si Absalom, anak ni Maaca, anak na babae ni Talmai, hari ng Gesur. 4 Si Adonias, ang ikaapat na anak na lalaki ni David, na anak na lalaki ni Haggit. Ang ikalima ay si Sheftias, anak na lalaki ni Abital, 5 at ang ika-anim, si Itream, anak na lalaki ng asawa ni David na si Egla. Ang mga anak na lalaki na to ay ipinanganak kay David sa Hebron. 6 Nangyari ito sa panahon ng digmaan sa pagitan sa tahanan ni Saul at sa tahanan ni David na si Abner ay nagawang palakasin ang tahanan ni Saul. 7 May isang kerida si Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Sinabi ni Isobet kay Abner, "Bakit mo sinipingan ang kerida ng aking ama?" 8 Pagkatapos si Abner ay galit na galit sa mga salita ni Isobet at sinabi, "Ako ba ay ulo ng aso na pag-aari ng Juda? Sa araw na ito ay ipinapakita ko ang katapatan sa tahanan ni Saul, ang iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan sa hindi ko pagbibigay sa iyo sa kamay ni David. At ngayon pinaparatangan mo ako sa araw na ito tungkol sa babaeng ito. 9 Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya, 10 na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba." 11 Hindi makasagot si Isobet kay Abner ng iba pang salita, dahil natakot siya sa kaniya. 12 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Abner kay David, para kausapin siya sa pagsasabing, "Kaninong lupa ito?" Gumawa ka ng isang kasunduan sa akin, at makikita mo na ang aking kamay ay nasa iyo, dalhin ang buong Israel sa iyo." 13 Sumagot si David, "Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin." 14 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, "Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo." 15 Kaya ipinakuha ni Isobet si Mical at kinuha siya sa kaniyang asawa, na si Patiel anak na lalaki ni Lais. 16 Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, "Bumalik sa bahay mo ngayon." Kaya nagbalik siya. 17 Kinausap ni Abner ang mga nakatatanda sa Israel sa pagsasabing, "Nang nakaraan sinusubukan ninyo na mag hari si David sa inyo. 18 Ngayon gawin ito. Dahil nakipag-usap si Yahweh kay David sinasabing, 'Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ililigtas ko ang aking mga tao ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Filisteo at sa lahat ng kanilang mga kaaway."" 19 Kinausap din mismo ni Abner ang bayan ng Benjamin. Pagkatapos pumunta rin si Abner upang makipag-usap kay David sa Hebron para ipaliwanag ang lahat ng bagay na ninanais ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin na nais tapusin. 20 Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila. 21 Ipinaliwanag ni Abner kay David, "Ako ay aalis at titipunin ang buong Israel para sa iyo, aking panginoon ang hari, nang sa gayon gagawa sila ng isang kasunduan sa iyo, nang sa gayon maaari kang maghari sa lahat ng nanaisin mo." Kaya pinaalis ni David si Abner, at umalis si Abner ng may kapayapaan. 22 Pagkatapos dumating ang mga sundalo ni David at Joab galing sa pagsalakay at may dalang maraming mga bagay na kanilang nakuha sa panloloob. Pero si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron. Pinaalis siya ni David, at umalis si Abner ng may kapayapaan. 23 Nang si Joab at lahat ng hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi nila kay Joab, "Si Abner anak na lalaki ni Ner ay nagpunta sa hari, at ang hari ay pinaalis na siya, at umalis si Abner ng may kapayapaan." 24 Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, "Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na? 25 Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?" 26 Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David. 27 Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki. 28 Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya, "Ako at ang aking kaharian ay inosente sa harapan ni Yahweh magpakailanman hinggil sa dugo ni Abner anak na lalaki ni Ner. 29 Hayaan ang kasalanan sa pagkamatay ni Abner ay bumagsak sa ulo ni Joab at sa lahat ng sambahayan ng kaniyang ama. Nawa'y hindi ito maalis sa pamilya ni Joab isang tao na mayroong tumutulong sugat o sakit sa balat o isang pilay at dapat lumakad na mayroong isang tungkod o pinatay sa pamamagitan ng espada o umaalis na walang pagkain. 30 Kaya si Joab at Abisai ang kaniyang kapatid na lalaki ay pinatay si Abner, dahil pinatay niya sa labanan ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa Gibeon. 31 Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, "Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner." At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan. 32 Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan. 33 Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. "Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang? 34 Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. "Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya. 35 Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, "Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw." 36 Kaya napansin ng lahat ng tao ang pighati ni David, at nalugod sila, gaya ng ginawa ng hari na nakalulugod sa kanila. 37 Kaya naintindihan ng lahat ng tao at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi ito nais ng hari na patayin si Abner anak na lalaki ni Ner. 38 Sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, "Hindi ba ninyo alam na isang prinsipe at dakilang lalaki ang bumagsak sa araw na ito sa Israel? 39 At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya."

Chapter 4

1 Nang nabalitaan ni Isboset, lalaking anak ni Saul, na namatay si Abner sa Hebron, nanghina ang kaniyang mga kamay, at nagkagulo ang buong Israel. 2 Ngayon ang lalaking anak ni Saul ay mayroong dalawang tauhan na mga kapitan ng mga pangkat sundalo. Baana ang pangalan ng isa at Recab ang isa, mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot na mga tao ni Benjamin (dahil ang Beerot ay itinuring na bahagi ng Benjamin, 3 at tumakas ang mga taga-Beerot putungong Gittaim at naninirahan sila roon hanggang sa panahong ito). 4 Ngayon si Jonatan, lalaking anak ni Saul, ay mayroong isang lalaking anak na lumpo sa kaniyang mga paa. Limang taon gulang siya nang nabalitaan niya ang tungkol kina Saul at Jonatan na nagmula sa Jezreel. Binuhat siya ng kaniyang tagapangalaga para tumakas. Pero habang tumatakbo siya, natumba ang lalaking anak ni Jonatan at naging lumpo. Mefiboset ang kanyang pangalan. 5 Kaya ang mga anak na lalaki ni Rimon na taga-Beerot, na sina Recab at baana ay naglakbay ng ang panahon ay mainit papunta sa tahanan ni Isboset, habang siya ay nagpapahinga sa tanghali. 6 Nakatulog ang babaeng nagbabantay sa pintuan habang sinasala ang trigo, at pumasok sina Recab at Baana nang tahimik at dinaanan siya. 7 Kaya pagkatapos nilang pumasok ng bahay, sinalakay nila siya at pinatay habang nakahiga siya sa kaniyang higaan sa kaniyang silid. Pagkatapos pinugutan nila siya ng ulo at dinala ito palayo, buong gabi silang naglalakbay sa daan patungong Araba. 8 Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, "Tingnan mo, ito ang ulo ni Isboset na lalaking anak ni Saul, ang iyong kaaway, na nagbabanta sa iyong buhay. Sa araw na ito pinaghigantihan ni Yahweh na ating panginoon si haring si Saul at kaniyang mga kaapu-apuhan." 9 Sinagot ni David sina Recab at Baana na kaniyang kapatid, ang mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot; sinabi niya sa kanila, "Habang nabubuhay si Yahweh, ang nagligtas sa aking buhay mula sa bawat kaguluhan, 10 nang sinabihan ako ng isang tao, 'Tingnan mo, patay na si Saul,' iniisip ko na nagdadala siya ng mabuting balita, hinuli ko siya at pinatay sa Himat Ziklag. Iyon ang gantimpala na ibinigay ko sa kaniya para sa kaniyang balita. 11 Gaano pa kaya, kapag pinatay ng mga masasamang lalaki ang isang taong walang kasalanan sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan, hindi ko ba dapat hingin ang kaniyang dugo ngayon mula sa inyong kamay, at aalisin kayo sa mundo?" 12 Pagkatapos nagbigay si David ng utos sa mga binata, at pinatay nila sila at pinutol ang kanilang mga kamay at paa at isinabit sila sa tabi ng lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito sa libingan ni Abner sa Hebron.

Chapter 5

1 Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, "Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto. 2 Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.''' 3 Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel. 4 Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon. 5 Sa Hebron naghari siya sa buong Juda ng pitong taon at anim na buwan, at sa Jerusalem naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon sa buong Israel at Juda. 6 Pumunta ang hari at ang mga tauha niya sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo, ang mga mamamayan ng lupain. Sinabi nila kay David, "Huwag kang babalik dito maliban kung papaalisin ka sa pamamagitan ng mga bulag at lumpo. Hindi makakapunta dito si David." 7 Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David. 8 Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David." kaya sinabi ng mga tao iyan, "Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo." 9 Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob. 10 Naging lubos na makapangyarihan si David dahil kay Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ay kasama niya. 11 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Hiram hari ng Tyre kay David, at mga punong sedro, karpintero, at mason. Nagtayo sila ng bahay para kay David. 12 Alam ni David na itinalaga siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel, at sa gayon naging dakila ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel. 13 Pagkatapos nilisan ni David ang Hebron at pumunta sa Jerusalem, kumuha siya ng maraming kerida at mga asawa sa Jerusalem, at maraming mga lalaking anak at mga babaeng anak ang ipinanganak sa kaniya. 14 Ito ang mga pangalan ng mga bata na ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: Sammua, Sobab, Natan, Solomon, 15 Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia, 16 Elisama, Eliada, at Elifelet. 17 Ngayon nang mabalitaan ng mga Filisteo na nahirang na si David bilang hari ng buong Israel, lumabas silang lahat para makita siya. Pero nabalitaan ni David ito at bumaba siya sa kuta. 18 Ngayon dumating ang mga Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim. 19 Pagkatapos humingi si David ng tulong mula kay Yahweh. Sinabi niya, "Kailangan ko bang salakayin ang Filisteo? Bibigyan mo ba ako ng tagumpay laban sa kanila?" Sinabi ni Yahweh kay David, "Salakayin mo, dahil siguradong bibigyan kita ng tagumpay laban sa Filisteo." 20 Kaya sinalakay ni David ang Baal Perazim, at doon tinalo niya sila. Sinabi niya, "Pinatumba ni Yahweh ang aking mga kalaban sa aking harapan katulad ng isang rumaragasang tubig baha." Kaya naging Baal Perazim ang pangalan ng lugar na iyon. 21 Iniwan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, at dinala ni David at kaniyang mga tauhan ang mga ito. 22 Pagkatapos umakyat muli ang mga taga-Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim. 23 Kaya muling humingi si David ng tulong mula kay Yahweh, at sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Hindi mo dapat salakayin ang kanilang harapan, pero palibutan mo ang likuran nila at lapitan mo sila sa pamamagitan ng mga kahoy ng balsam. 24 Kapag narinig mo ang tunog ng pag-ihip ng hangin sa itaas ng mga punong balsam, salakayin mo sila nang may lakas. Gawin mo ito dahil pangungunahan ka ni Yahweh para salakayin ang hukbong ng mga taga-Filisteo.'' 25 Kaya ginawa ni David ang inutos ni Yahweh sa kaniya. Pinatay niya ang mgataga-Filisteo mula sa Geba hanggang sa Gezer.

Chapter 6

1 Ngayon sama-samang tinipon muli ni David ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel na pinili niya, na tatlumpung libo. 2 Tumayo si David at umalis kasama ang lahat niyang mga kalalakihan na sumama sa kaniya mula sa Baala sa Juda para dalhin ang kaban ng Diyos, na tinawag sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa kadakilaan ng buong kerubin. 3 Nilagay nila ang kaban ng Diyos sa isang bagong kariton. Inilabas nila ito sa bahay ni Abinadab, na naroon sa isang burol. Pinapatnubayan nina Uzza at Ahio, kaniyang mga lalaking anak, ang bagong kariton. 4 Inilabas nila ang kariton sa bahay ni Abinadab sa ibabaw ng burol kasama ang kaban ng Diyos nito. Naglalakad si Ahio sa harapan ng kaban. 5 Pagkatapos nagsimulang magdiwang si David at ang buong sambahayan ng Israel sa harapan ni Yahweh, nagdiriwang gamit ang mga instrumentong gawa sa pinong kahoy, mga alpa, mga kudyapi, mga tamburin, mga kalansing, at mga pompyang. 6 Nang dumating sila sa giikang sahig ni Nacon, natumba ang mga toro, at inabot ni Uzza ang kaniyang kamay para damputin ang kaban ng Diyos, at nakuha niya ito. 7 Pagkatapos ang galit ni Yahweh ang sumunog kay Uzza. Sinunog siya ng Diyos doon dahil sa kaniyang kasalanan. Namatay si Uzza roon sa tabi ng kaban ng Diyos. 8 Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uzza, at tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Perez Uzza. Hanggang sa araw na ito tinatawag ang lugar na iyon na Perez Uzza. 9 Sa araw na iyon natakot si David kay Yahweh. Sinabi niya, "Paano mapupunta sa akin ang kaban ni Yahweh?" 10 Kaya hindi pumayag si David na dalhin niya ang kaban ni Yahweh papasok sa lungsod ni David. Sa halip, inilagay niya ito sa tabi ng bahay ni Obed Edom na taga-Gat. 11 Nanatili ang kaban ni Yahweh sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat nang tatlong buwan. Kaya pinagpala siya ni Yahweh at ang kaniyang buong sambahayan. 12 Ngayon sinabihan si Haring David, "Pinagpala ni Yahweh ang bahay ni Obed Edom at lahat ng bagay na pag-aari niya dahil sa kaban ng Diyos." Kaya pumunta si David at dinala ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed Edom patungo sa lungsod ni David nang may kagalakan. 13 Nang nakaanim na hakbang ang mga nagdadala ng kaban ni Yahweh, nag-alay siya ng isang toro at isang matabang baka. 14 Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod. 15 Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta. 16 Ngayon pagdating ng kaban ni Yahweh sa loob ng lungsod ni David, dumungaw sa labas ng bintana si Mical, na babaeng anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na tumatalon at sumasayaw sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos kinamuhian niya siya sa kaniyang puso. 17 Dinala nila sa loob ang kaban ni Yahweh at inilagay ito sa kaniyang lugar, sa gitna ng tolda na ipinatayo ni David para dito. Pagkatapos naghandog si David ng mga sinunog na handog at handog para sa pagtitipon-tipon sa harapan ni Yahweh. 18 Nang matapos si David sa pag-aalay ng sinunog na mga handog at mga handog para sa pagtitipon-tipon, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo. 19 Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay. 20 Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, "Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!" 21 Sumagot si David kay Mical, "Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh, na pinili niya ako na mas mataas sa iyong ama at mataas sa lahat ng kaniyang pamilya, na itinalaga ako maging pinuno ng buong tao ni Yahweh, sa buong Israel. Sa harapan ni Yahweh magagalak ako! 22 Magiging higit pa akong 'hubad' higit pa dito. Mapapahiya ako sa sarili kong mga mata, pero sa lahat mga babaeng alipin na sinasabi mo, magiging marangal ako." 23 Kaya si Mical, ang babaeng anak ni Saul, ay hindi nagkaroon ng mga anak hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

Chapter 7

1 Nangyari ito matapos manirahan ng hari sa kaniyang bahay, at matapos siyang binigyan ng kapahingahan ni Yahweh mula sa lahat ng kaniyang nakapalibot na mga kaaway, 2 sinabi ng hari kay Natan na propeta, "Tingnan mo, naninirahan ako sa isang tahanang cedar, pero nananatili sa gitna ng isang tolda ang kaban ng Diyos." 3 Pagkatapos sinabi ni Natan sa hari, "Humayo ka, gawin mo kung ano ang nasa iyong puso, dahil kasama mo si Yahweh." 4 Pero nang gabi ring iyon, dumating ang salita ni Yahweh kay Natan at sinabi, 5 "Pumunta ka, at sabihin kay David na aking lingkod, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gagawan mo ba ako ng isang bahay na matitirahan? 6 Dahil hindi ako tumira sa isang bahay simula ng araw na dinala ko ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto hanggang sa kasalukuyan; sa halip, palagi akong lumilipat sa isang tolda, isang tabernakulo. 7 Sa lahat ng lugar kung saan lumilipat ako kasama ang lahat ng tao ng Israel, may nasabi ba akong anumang bagay sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na hinirang ko para pangalagaan ang aking mga lahing Israel, sinasabing, "Bakit hindi mo ako ginawan ng isang bahay na cedar?""' 8 Sa gayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, "Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, para maging pinuno ka ng Israel aking mga tao. 9 Sasamahan kita saan ka man pumunta at tinalo ko ang lahat ng iyong mga kaaway mula sa iyong harapan. At gagawa ako ng isang dakilang pangalan para sa iyo, kagaya ng pangalan ng mga dakilang nasa sanlibutan. 10 Pipili ako ng isang lugar para sa Israel na aking mga tao at ilalagay sila roon, para mamuhay sila sa kanilang sariling lugar at hindi na muling guguluhin. Wala ng mga masasamang tao ang magpapahirap sa kanila, gaya ng dating ginawa sa kanila, 11 gaya nang ginagawa nila mula sa mga araw na inutusan ko ang aking mga hukom na maging pinuno sa aking lahing Israel. At bibigyan kita ng kapahingahan mula sa lahat ng iyong mga kaaway. Karagdagan pa, Ako si Yahweh, ipinapahayag ko sa iyo na gagawin kitang tahanan. 12 Kapag ang iyong mga araw ay natupad na at mamahinga kasama ng iyong mga ama, magtatatag ako ng isang kaapu-apuhan kasunod mo, isa na manggagaling sa iyong katawan, at itatatag ko ang kaniyang kaharian. 13 Gagawa siya ng isang tahanan para sa aking pangalan, at itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman. 14 Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao. 15 Pero hindi siya iiwan ng aking tipan ng katapatan, gaya ng pagkuha nito kay Saul, na inalis ko mula sa harapan mo. 16 Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman."' 17 Nagsalita si Natan kay David at ibinalita sa kaniya ang lahat ng mga salitang ito, at sinabi niya sa kaniya ang tungkol sa buong pangitain. 18 Pagkatapos pumasok at umupo si haring David sa harapan ni Yahweh; sinabi niya, "Sino ako, Yahweh O'Diyos, at sino ang aking pamilya na dinala mo sa puntong ito? 19 At ito ay maliit na bagay sa iyong paningin, Panginoong Yahweh. Nagsalita ka tungkol sa lingkod ng iyong pamilya para sa isang dakilang sandali, at ipinakita sa akin ang mga hinaharap na salinlahi, Panginoong Yahweh! 20 Ano pa ang maaaring sabihin ko, na si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod, Panginoong Yahweh. 21 Alang-alang sa iyong salita, at para tuparin ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito at ibinunyag ito sa iyong lingkod. 22 Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga. 23 At anong bansa ang katulad ng iyong lahing Israel, na nag-iisang bansa sa sanlibutan na pinuntahan at iniligtas mo, O' Diyos, para sa iyong sarili? Ginawa mo ito para maging isang lahi sila para sa iyong sarili, para gumawa ng pangalan para sa iyong sarili, at gumawa ng dakila at nakakatakot na gawain para sa iyong lupain. Pinalayas mo ang mga bansa at kanilang mga diyus-diyosan mula sa harapan ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Ehipto. 24 Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos. 25 Kaya ngayon, Yahweh O'Diyos, nawa'y itatag ang iyong ginawang pangako hinggil sa iyong lingkod at kaniyang pamilya magpakailanman. Gawin mo gaya ng iyong sinabi. 26 Nawa'y maging dakila ang iyong pangalan magpakailanman, para sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh ng mga hukbo ay Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, David, na iyong lingkod, ay itatag sa harapan mo. 27 Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo. 28 Ngayon, Panginoong Yahweh, ikaw ay Diyos, at mapagkakatiwalaan ang iyong mga salita, at ginawa mo ang mabuting pangakong ito sa iyong lingkod. 29 Kaya ngayon, malugod mong pagpalain ang bahay ng iyong lingkod, para magpatuloy ito magpakailanman sa harapan mo. Dahil ikaw, Panginoong Yahweh, ang nagsabi ng mga bagay na ito, at sa iyong pagpapala ang bahay ng iyong lingkod ay pagpapalain magpakailanman."

Chapter 8

1 Matapos mangyari ito sinalakay ni David ang Filisteo at tinalo sila. Kaya nakuha ni David ang Gat at mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga taga-Filisteo. 2 Pagkatapos tinalo niya ang Moab at sinukat ang kanilang mga kalalakihan gamit ang isang tali sa pamamagitan ng pagpapahiga sa kanila sa lupa. Sinukat niya ng dalawang tali para ipapatay, at ang isang buong tali ay para panatilihing buhay. Kaya naging mga lingkod ni David ang mga taga-Moab at sinumulan siyang bigyan ng pagkilala. 3 Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates. 4 Binihag ni David mula sa kaniya ang 1, 700 karwahe at 20, 000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila. 5 Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong kalalakihan ng Arameo. 6 Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo. 7 Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem. 8 Kinuha ni Haring David ang napakaraming tanso, mula sa Betaat Berotai, mga lungsod ni Hadadezer. 9 Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer, 10 pinadala ni Toi ang kaniyang anak na lalaki na si Hadoram kay Haring David para batiin at purihin siya, dahil nakipaglaban si David kay Hadadezer at tinalo niya ito, at dahil nakipagdigmaan si Hadadezer laban kay Toi. Kasamang daladala ni Hadoram ang pilak, ginto at tanso. 11 Hinandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, kasama ang pilak at ginto mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang nasakop— 12 mula sa Aram, Moab, mga bayan ng Ammon, mga taga-Filisteo, at Amalek, kasama ang lahat ng mga gamit na nakuha sa panloloob ni Hadadezer na anak na lalaki ni Rehob, ang hari ng Soba. 13 Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan. 14 Inilagay niya ang mga kuta sa buong Edom, at naging lingkod niya ang lahat ng mga taga-Edom. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya nagtungo. 15 Naghari si David sa buong Israel, at ipinatupad niya ang katarungan at katuwiran sa lahat ng kaniyang mga tao. 16 Naging pinuno ng hukbo si Joab anak na lalaki ni Zeruias, at naging tagapagtala si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud. 17 Naging pari sina Zadok anak na lalaki ni Ahitub at Ahimelec anak na lalaki ni Abiatar, at naging manunulat si Seraya. 18 Namuno si Benaias anak na lalaki ni Joaida sa mga Kereteo at mga Peleteo, at naging punong tagapayo ng hari ang mga anak na lalaki ni David.

Chapter 9

1 Sinabi ni David, "Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob alang-alang kay Jonatan?" 2 May isang lingkod sa pamilya ni Saul na ang pangalan ay Siba, at ipinatawag siya para kay David. Sinabi ng hari sa kaniya, "Ikaw ba si Siba?" Tumugon siya, "Oo. Ako ang inyong lingkod." 3 Kaya sinabi ng hari, "Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob sa Diyos?" Tumugon si Siba sa hari, "May nalalabi pang anak na lalaki si Jonatan, na pilay ang paa." 4 Sinabi ng hari sa kaniya, "Nasaan siya?" Tumugon si Siba sa hari, " Nasa bahay siya ni Maquir anak na lalaki ni Ammiel sa Lo Debar." 5 Pagkatapos ipinasundo at ipinakuha siya ni Haring David sa bahay ni Maquirr anak na lalaki ni Ammiel mula sa Lo Debar. 6 Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, "Mefiboshet." Sumagot siya, "Ako ang inyong lingkod!" 7 Sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot, dahil titiyakin kong kagandahang-loob ang ipapakita ko sa iyo alang-alang kay Jonatan na iyong ama at ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ni Saul na iyong lolo, at lagi kang kakain sa aking lamesa." 8 Yumuko si Mefiboset at sinabing, "Ano ba ang iyong lingkod, na dapat mong pakitaan ng pabor ang tulad kong isang patay na aso?" 9 Pagkatapos tinawag ng hari si Siba, lingkod ni Saul at sinabi sa kaniya, "Ibinigay ko sa anak na lalaki ng iyong amo ang lahat ng mga ari-arian ni Saul at ng kaniyang pamilya. 10 Ikaw ang mag-aararo ng lupa para sa kaniya, ikaw at iyong mga anak na lalaki at iyong mga lingkod, at dapat anihin ninyo ang mga pananim para ang apo ng iyong amo ay magkaroon ng makakain. Pero si Mefisobet lalaking apo ng iyong amo ay laging kakain sa aking lamesa." Mayroong labing limang anak na lalaki at dalawampung lingkod si Siba. 11 Pagkatapos sinabi ni Siba sa hari, "Gagawin lahat ng iyong lingkod ang mga iniuutos ng aking among hari sa kaniyang lingkod." Idinagdag ng hari, "Tungkol naman kay Mefisobet siya ay kakain sa aking lamesa, tulad ng isa sa mga anak na lalaki ng hari. 12 May isang binatang anak na lalaki si Mefisobet na ang pangalan ay Mica. At ang lahat ng nakatira sa bahay ni Siba ay naging mga lingkod ni Mefisobet. 13 Kaya nanirahan si Mefisobet sa Jerusalem, at lagi siyang kumakain sa lamesa ng hari, kahit pilay ang pareho niyang paa.

Chapter 10

1 Dumating ang panahon na namatay ang hari ng mga Ammon, at ang anak niyang si Hanun ang naging hari kapalit niya. 2 Sinabi ni David, "Magpapakita ako ng kagandahang-loob kay Hanun na anak ni Nahas, tulad ng kabutihang ipinakita ng kaniyang ama sa akin." Kaya ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod para makiramay kay Hanun tungkol sa kaniyang ama. Pumasok ang kaniyang mga lingkod sa lupain ng mga lahi ng Ammon. 3 Pero ang sinabi ng mga pinuno ng lahi ng Ammon kay Hanun na kanilang amo, "Sa palagay mo ba talagang ginagalang ni David ang iyong ama dahil nagpadala siya ng mga tauhan para makiramay sa iyo? Hindi ba ipinadala ni David ang kaniyang mga lingkod sa iyo para tingnan ang lungsod, para magmanman at para pabagsakin ito?" 4 Kaya kinuha ni Hanun ang mga lingkod ni David at inahitan ang kanilang mga balbas, pinutulan ang kanilang mga damit hanggang sa kanilang mga puwitan, at pinaalis. 5 Nang ipinaliwanag nila ito kay David, ipinatawag niya ang mga ito para sila ay makita, dahil hiyang-hiya ang mga kalalakihan. Sinabi ng hari, "Manatili kayo sa Jerico hanggang tumubo muli ang inyong balbas, at bumalik pagkatapos." 6 Nang makita ng mga tao ng Ammon na sila ay naging isang masangsang na amoy kay David, nagpadala ng mga sugo ang mga tao ng Ammon at inupahan ang mga Arameo sa Bet Rehob at Soba, mga dalawampung libong sundalong naglalakad, at kasama ni haring Maaca ang isang libong kalalakihan, at mga tauhan ni Tob na may labindalawang libong kalalakihan. 7 Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang buong hukbo ng mga sundalo. 8 Lumabas ang mga taga-Ammon at bumuo ng isang hanay ng pandigma sa pasukan ng kanilang tarangkahan, habang nakatayo sa bukirin ang mga Arameo sa Soba at sa Rehob, at mga tauhan ni Tob at si Maaca. 9 Nang makita ni Joab ang pandigmang mga hanay sa kaniyang harapan at likod, pinili niya ang ilan sa mga magagaling na mandirigma ng Israel at hinanda sila laban sa mga Arameo. 10 Ibinigay niya ang pamumuno sa kapatid niyang lalaki na si Abisai ang mga nalalabing hukbo, at inilagay sila sa mga hanay ng pandigma laban sa hukbo ng Ammon. 11 Sinabi ni Joab, "Kung mas malalakas ang mga Arameo para sa akin, kung gayon ikaw Abisai ang dapat magligtas sa akin. Pero kung mas malalakas ang hukbo ng Ammon para sa iyo, sa gayon pupunta ako at ililigtas ka. 12 Magpakatatag ka, at ipakitang malakas tayo para sa ating mga tao at para sa mga lungsod ng ating Diyos, dahil gagawin ni Yahweh kung ano ang mabuti para sa kaniyang layunin." 13 Kaya sumulong si Joab at ang mga sundalo ng kaniyang hukbo sa digmaan laban sa mga Arameo, na napilitang tumakas mula sa hukbo ng Israel. 14 Nang nakita ng hukbo ng Ammon na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Abisai at bumalik papasok ng lungsod. Pagkatapos nagbalik si Joab mula sa mga tao ng Ammon at bumalik ng Jerusalem. 15 At nang nakita ng mga Arameo na sila ay natalo ng Israel, muli silang nagtipon-tipon. 16 Pagkatapos pinatawag ni Hadadezer ang hukbo ng mga Arameo mula sa dulo ng Ilog Eufrates. Nagtungo sila sa Helam kasama si Sobac, ang pinuno ng hukbo ni Hadarezer na nasa kanilang unahan. 17 Nang sinabi ito kay David, pinagsama-sama niya ang buong Israel, tinawid ang Jordan, at dumating sa Helam. Hinanda ng mga Arameo ang kanilang sarili sa pandigmang mga hanay laban kay David at nilabanan siya. 18 Tumakas ang mga Arameo mula sa Israel. Pinatay ni David ang pitong daang sundalong Arameo na sakay sa karwahe at apatnapung libong sundalong nakakabayo. Nasugatan at namatay doon si Sobac ang pinuno ng kanilang hukbo. 19 Nang makita ng lahat ng mga hari na mga lingkod ni Hadadezer na tinalo sila ng Israel, nakipagkasundo sila sa Israel at sila ay naging mga bihag. Kaya natakot ang mga Arameo na tulungan pa ang mga tao ng Ammon.

Chapter 11

1 Dumating ang panahon ng tagsibol, ng panahong iyon karaniwang pumupunta ang mga hari sa digmaan, ipinadala ni David si Joab at ang kaniyang mga lingkod, at ang buong hukbo ng Israel. Winasak nila ang hukbo ng Ammon at kinubkob ang Rabba. Pero si David ay nanatili sa Jerusalem. 2 Kaya isang gabi nang bumangon si David mula sa kaniyang higaan at naglakad-lakad sa bubong ng kaniyang palasyo. Mula roon nagkataong nakita niya ang isang babaeng naliligo, at sadyang napakagandang pagmasdan. 3 Kaya nagpatawag si David ng mga tao at tinanong kung sino ang nakakakilala sa babaeng iyon. May isang nagsabi, "Hindi ba ito si Batsheba, ang anak na babae ni Eliam, hindi ba asawa siya ni Urias na anak na Heteo?" 4 Nagpadala si David ng mga sugo at siya ay ipinakuha; nagtungo ang babae sa kaniya, at sinipingan siya ni David (kakatapos lamang niyang gawing dalisay ang kaniyang sarili mula sa pagreregla). Pagkatapos bumalik siya sa kaniyang bahay. 5 Nabuntis ang babae, at pinasabi niya kay David; sinabi niyang, "Buntis ako." 6 Pagkatapos nagpadala ng liham si David kay Joab, na nagsasabing, "Ipadala si Urias na isang Heteo." Kaya ipinadala ni Joab si Urias kay David. 7 Nang dumating si Urias, tinanong siya ni David kung kumusta si Joab, kamusta ang ginagawa ng mga hukbo, at kumusta ang nangyayaring digmaan. 8 Sinabi ni David kay Urias, "Umuwi ka sa iyong bahay, at hugasan mo ang iyong paa." Kaya umalis si Urias sa palasyo ng hari, at nagpadala ng isang regalo ang hari para kay Urias matapos siyang umalis. 9 Pero natulog si Urias sa pintuan ng palasyo ng hari kasama ang lahat ng mga lingkod ng kaniyang amo, at hindi siya umuwi sa kaniyang bahay. 10 Nang sinabi nila kay David, "Hindi umuwi si Urias sa kaniyang bahay," Sinabi ni David kay Urias, "Hindi ba galing ka sa paglalakbay? Bakit hindi ka umuwi sa iyong bahay? 11 Sumagot si Urias kay David, "Ang kaban, at ang Israel at Juda ay nananatili sa mga tolda, at nakakampo ang aking amo na si Joab at kaniyang mga lingkod sa isang hayag na bukid. Paano ako mamakapunta sa aking bahay para kumain at uminom at sumiping sa aking asawa? Titiyakin kong habang ikaw ay nabubuhay, hindi ko ito gagawin." 12 Kaya sinabi ni David kay Urias, "Manatili ka rin ngayon dito, at bukas hahayaan kitang makaalis." Kaya nanatili si Urias sa Jerusalem sa araw na iyon at sa sumunod na araw. 13 Nang pinatawag siya ni David, kumain siya at uminom kasama niya, at nilasing siya ni David. Kinagabihan lumabas si Urias para matulog sa kaniyang higaan kasama ang mga lingkod ng kaniyang amo; hindi siya umuwi sa kaniyang bahay. 14 Kaya kinabukasan sumulat si David ng isang liham kay Joab, at pinadala ito sa kamay ni Urias. 15 Sumulat si David ng liham na nagsasabing, "Ilagay si Urias sa pinaka harap ng matinding labanan, at pagkatapos pabayaan siya, para matamaan at mamatay." 16 Kaya habang pinapanood ni Joab ang paglusob sa lungsod, itinalaga niya si Urias sa lugar na kung saan alam niyang malalakas ang mga sundalong kaaway na kaniyang masasagupa. 17 Nang lumabas ang mga kalalakihan sa lungsod at nakipaglaban sa hukbo ni Joab, napatumba ang ilan sa mga sundalo ni David, at namatay rin doon si Urias na isang Heteo. 18 Nang nagpadala ng liham si Joab kay David tungkol sa lahat ng bagay na nauukol sa digmaan, 19 inutusan niya ang sugo, sa pagsasabing, "Kapag matapos mong sabihin ang lahat ng mga bagay tungkol sa digmaan sa hari, 20 mangyayari na magalit ang hari, at sasabihin niya sa iyo, 'Bakit kayo lumapit nang husto sa lungsod para lumaban? Hindi ninyo ba alam na nagpapatama sila ng palaso mula sa pader? 21 Sino ang pumatay kay Abimelec anak na lalaki Jerubeset? Hindi ba isang babae ang naghagis ng isang gilingang pang-ibabaw sa kaniya mula sa pader, kaya namatay siya sa Tebez? Bakit kayo lumapit ng husto sa pader?' Kung gayon ang dapat mong isagot, 'Ang lingkod mong si Urias na isa Heteo ay patay na rin.'" 22 Kaya umalis ang ipinadalang mensahero at nagtungo kay David at sinabi sa kaniya ang lahat ng bagay na ipinasasabi ni Joab sa kaniya. 23 At sinabi ng mensahero kay David, "Higit na malakas ang mga kaaway kaysa sa amin sa simula pa lang; kami ay sinalakay nila sa bukid, pero napaatras namin sila sa pasukan ng tarangkahan. 24 At tinamaan ng kanilang mga tagapana ang inyong mga sundalo mula sa pader, at ilan sa mga lingkod ng hari ay napatay, at napatay rin ang iyong lingkod na si Urias na isang Heteo." 25 Pagkatapos sinabi rin ni David sa mensahero, "Sabihin mo ito kay Joab, 'Huwag mo itong ikalungkot, dahil nasasakmal ng espada ang kahit sino. Gawin mong higit na mas malakas ang iyong pakikipagdigmaan laban sa lungsod, at pabagsakin ito.' At palakasin mo ang loob ni Joab." 26 Kaya nang marinig ng asawa ni Urias na patay na ang kaniyang asawa, siya ay lubos na nanangis para sa kaniyang asawa. 27 Nang lumipas ang kaniyang kalungkutan, ipinakuha siya ni David at dinala siya sa kaniyang palasyo, at naging asawa niya ito at nagkaroon sila ng anak na lalaki. Pero ang ginawa ni David ay hindi kalugud-lugod kay Yahweh.

Chapter 12

1 Pagkatapos ipinadala ni Yahweh si Natan kay David. Pumunta siya sa kaniya at sinabi, "May dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa. 2 Maraming bakahan at kawan ang mayamang lalaki, 3 pero ang mahirap na lalaki ay wala maliban sa isang maliit na babaeng tupa na binili niya at pinakain at pinalaki. Lumaki iyon kasama niya at kasama ng kaniyang mga anak. Kumakain ang tupa kasama niya at umiinom mula sa kaniyang sariling tasa at natutulog iyon sa kaniyang mga bisig at parang isang anak na babae sa kaniya. 4 Isang araw may isang panauhin ang dumating sa mayamang lalaki, pero ayaw ng mayamang lalaki na kumuha ng isang hayop mula sa kaniyang sariling bakahan at mga kawan para magbigay ng pagkain para sa kaniya. Sa halip kinuha niya ang babaeng tupa ng mahirap na lalaki at niluto ito para sa kaniyang panauhin." 5 Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, "Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito. 6 Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki." 7 Pagkatapos sinabi ni Nathan kay David, "Ikaw ang lalaking iyon! Sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pinahiran kita ng langis para maging hari ng buong Israel at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul. 8 Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong amo at ang mga asawa ng iyong amo sa iyong mga bisig. Ibinigay ko rin sa iyo ang bahay ng Israel at Juda. At kung kulang pa iyon, ibibigay ko pa sana sa iyo ang maraming bagay bilang karagdagan. 9 Kaya bakit mo inalipusta ang mga utos ni Yahweh, para gumawa ng masama sa kaniyang paningin? Pinatay mo si Urias ang Heteo sa pamamagitan ng espada at kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong sariling asawa. Pinatay mo siya sa pamamagitan ng espada ng hukbo ng Ammon. 10 Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.' 11 Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw. 12 Dahil palihim mong ginawa ang iyong kasalanan, pero gagawin ko ang bagay na ito sa harapan ng buong Israel, sa tanghaling-tapat."' 13 Pagkatapos sinabi ni David kay Natan, "Nagkasala ako laban kay Yahweh." Sumagot si Natan kay David, "Pinatawad na rin ni Yahweh ang iyong kasalanan. Hindi ka papatayin. 14 Gayunman, dahil sa gawaing ito inalipusta mo si Yahweh, tiyak na mamamatay ang batang isisilang sa iyo." 15 Pagkatapos umalis si Natan at umuwi. Sinaktan ni Yahweh ang anak ng asawa ni Urias kay David at lubha siyang nagkasakit. 16 Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig. 17 Bumangon at tumayo sa tabi niya ang mga nakatatanda sa kaniyang bahay, para ibangon siya mula sa sahig, pero hindi siya bumangon at hindi siya kumain kasama nila. 18 Nangyari na sa ika-pitong araw namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniya na patay na ang bata, dahil sinabi nila, "Tingnan mo, habang buhay pa ang bata kinausap natin siya at hindi siya nakinig sa ating boses. Baka kung ano gawin niya sa kanyang sarili kung sasabihin natin sa kaniyang patay na ang bata?!" 19 Pero nang makita ni David na nagbubulungan ang kaniyang mga lingkod, naghinala si David na patay na ang bata. Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, "Patay na ba ang bata?" Sumagot sila, "Patay na siya." 20 Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig at hinugasan ang kaniyang sarili, pinahiran ng langis ang kaniyang sarili at pinalitan ang kaniyang mga damit. Pumunta siya sa tabernakulo ni Yahweh at sumamba doon at pagkatapos bumalik sa kaniyang sariling palasyo. Nang hilingin niya ito, naghanda sila ng pagkain sa kanyang harapan at kumain siya. 21 Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, "Bakit mo ginawa ito? Nag-ayuno ka at umiyak para sa bata habang nabubuhay pa siya, pero nang namatay ang bata, bumangon ka at kumain." 22 Sumagot si David, "Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?' 23 Pero ngayon patay na siya, bakit pa ako mag-ayuno? Maibabalik ko ba siyang muli? Pupunta ako sa kaniya, pero hindi siya babalik sa akin." 24 Inaliw ni David ang kaniyang asawang si Batsheba at pumunta sa kaniya at sumiping sa kaniya. Kaya nagkaanak siya ng isang batang lalaki at pinangalanang Solomon ang bata. Mahal siya ni Yahweh, 25 kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh. 26 Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito. 27 Kaya nagpadala si Joab ng mga mensahero kay David at sinabi, "Nakipaglaban ako sa Rabba at nakuha ko ang ipunan ng tubig ng lungsod. 28 Ngayon samakatwid sama-samang ipunin ang natitirang hukbo at magkampo laban sa lungsod at kunin ito, dahil kung kukunin ko ang lungsod, ipapangalan ito sa akin." 29 Kaya sama-samang tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo at pumunta sa Rabba; nakipaglaban siya sa lungsod at nabihag ito. 30 Kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang hari—tumitimbang ito ng isang talentong ginto at may isang mamahaling bato rito. Inilagay ang korona sa sariling ulo ni David. Pagkatapos inilabas niya ang nakuha sa panloloob ng lungsod na may malalaking kabuuan. 31 Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.

Chapter 13

1 Nangyari na pagkatapos nito labis na naakit si Amnon anak na lalaki ni David, kay Tamar na kaniyang kapatid na babae sa ama na kapatid na babaeng buo ni Absalom, isa pa sa mga anak na lalaki ni David. 2 Bigong-bigo si Amnon na nagkasakit siya dahil sa kaniyang kapatid na babae sa ama na si Tamar. Isa siyang birhen at tila malayong makagawa ng anumang bagay si Amnon sa kaniya. 3 Pero may kaibigan si Amnon na ang pangalan ay si Jonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David. Isang tusong lalaki si Jonadab. 4 Sinabi ni Jonadab kay Amnon, "Bakit, nalulumbay ka bawat umaga, anak ng hari? Hindi mo ba sasabihin sa akin?" Kaya sumagot si Amnon sa kaniya, "Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na si Absalom." 5 Pagkatapos sinabi ni Jonadab sa kaniya, "Humiga ka sa iyong higaan at magkunwaring may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kanya, 'Pakiusap, maaari mo bang papuntahin ang aking kapatid na babaeng si Tamar para bigyan ako ng isang bagay na makakain at lutuin ito sa aking harapan, para maaari ko itong makita at kainin mula sa kaniyang kamay?'" 6 Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, "Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay." 7 Pagkatapos nagpadala ng salita si David kay Tamar sa kaniyang palasyo na nagsasabing, "Pumunta ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na lalaking si Amnon at maghanda ng pagkain para sa kaniya." 8 Kaya pumunta si Tamar sa bahay ng kaniyang kapatid na lalaking si Amnon kung saan siya nakahiga. Kumuha siya ng masa at minasa ito at hinulmang tinapay sa kaniyang paningin at pagkatapos hinurno niya ito. 9 Kinuha niya ang kawali at ibinigay ang tinapay sa kaniya, pero tumanggi siyang kumain. Pagkatapos sinabi ni Amnon sa ibang nandoon, "Palabasin ang lahat, palayo sa akin." Kaya umalis ang lahat mula sa kaniya. 10 Kaya sinabi ni Amnon kay Tamar, "Dalhin ang pagkain sa loob ng aking silid para makakain ako mula sa iyong kamay." Kaya kinuha ni Tamar ang tinapay na kaniyang ginawa at dinala ito sa loob ng silid ni Amnon na kaniyang kapatid. 11 Nang dinala niya ang pagkain sa kanya, siya'y hinawakan niya at sinabi sa kaniya, "Halika, sumiping sa akin, aking kapatid." 12 Sumagot siya sa kaniya, "Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay! 13 Saan ako maaaring pumunta para makatakas sa kahihiyang idudulot nito sa aking buhay? At tatatakan ka ng gawaing ito bilang isang hangal na walang kahihiyan sa buong Israel. Pakiusap, hinihiling kong kausapin mo ang hari. Papayagan ka niyang pakasalan ako." 14 Pero, hindi nakinig si Amnon sa kaniya. Yamang malakas siya kaysa kay Tamar, siya'y sinunggaban niya at sumiping siya sa kaniya. 15 Pagkatapos kinapootan ni Amnon si Tamar ng matinding pagkapoot. Siya'y kinapootan niya ng higit pa kaysa kaniyang paghahangad sa kaniya. Sinabi ni Amnon sa kaniya, "Bumangon ka at umalis." 16 Pero sumagot siya sa kaniya. "Hindi! Dahil ang malaking kasamaang ito na pagpapaalis mo sa akin ay mas masama pa sa kung ano ang ginawa mo sa akin!" Pero hindi nakinig si Amnon sa kaniya. 17 Sa halip, tinawag niya ang kaniyang pansariling lingkod at sinabi, "Dalhin mo ang babaeng ito palayo sa akin at ikandado ang pintuan pagkaalis niya." 18 Pagkatapos dinala siya palabas ng kaniyang lingkod at kinandado ang pintuan pagkalabas niya. Suot-suot ni Tamar ang isang ginayakang balabal dahil sa ganoong paraan nagbibihis ang mga anak na babae ng hari na siyang mga birhen. 19 Naglagay si Tamar ng mga abo sa kaniyang ulo at pinunit ang kaniyang balabal. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumakad papalayo, umiiyak ng malakas habang umaalis. 20 Sinabi sa kaniya ng kapatid niyang si Absalom, "Kinasama mo ba si Amnon ang iyong kapatid? Pero ngayon manatiling tahimik, aking kapatid. Siya ay iyong kapatid. Huwag isapuso ang bagay na ito." Kaya mag-isang nanatili si Tamar sa bahay ni Absalom na kaniyang kapatid. 21 Pero nang marinig ni David ang lahat ng mga bagay na ito, labis siyang nagalit. 22 Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar. 23 Nangyari pagkatapos ng dalawang buong taon si Absalom ay nagtrabaho bilang manggugupit ng tupa sa Baal Hazor na malapit sa Efraim at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari para bumisita roon. 24 Pumunta si Absalom sa hari at sinabi, "Tingnan mo ngayon, may mga manggugupit ng tupa ang iyong lingkod. Pakiusap, nawa'y ang hari at kaniyang mga lingkod ay sumama sa akin, iyong lingkod." 25 Sumagot ang hari kay Absalom. "Hindi, aking anak, kaming lahat ay hindi dapat pumunta dahil magiging pabigat kami sa iyo." Pinilit ni Absalom ang hari, pero ayaw niyang pumunta, gayun pa man pinagpala niya si Absalom. 26 Pagkatapos sinabi ni Absalom, "Kung hindi, pakiusap hayaang sumama sa amin ang aking kapatid na si Amnon." Kaya sinabi ng hari sa kaniya, "Bakit dapat sumama si Amnon sa iyo?" 27 Pinilit ni Absalom si David, kaya hinayaan niyang sumama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari. 28 Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, "Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang." 29 Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas. 30 Kaya nangyari na, habang nasa daan sila, nakarating na kay David ang balita na nagsasabing, "Pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari at walang ni isang natira sa kanila." 31 Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit. 32 Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, "Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar. 33 Kaya huwag hayaan ang aking panginoon na hari na isapuso ang balitang ito, na maniniwalang namatay ang lahat ng anak na lalaki ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay." 34 Tumakas si Absalom. Itinaas ng isang lingkod na nagbabantay ang kaniyang mga mata at nakita ang maraming taong paparating sa daan sa burol sa kanluran niya. 35 Pagkatapos sinabi ni Jehonadab sa hari, "Tingnan mo, paparating ang mga anak na lalaki ng hari. Kagaya ng sinabi ng iyong lingkod." 36 Kaya nangyari na pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita dumating ang mga anak na lalaki ng hari at tumaas ang kanilang mga boses at umiyak. At ang hari at lahat ng kaniyang mga lingkod ay lubhang umiyak. 37 Pero tumakas si Absalom at pumunta kay Talmai anak na lalaki ni Amihud, ang hari ng Gesur. Nagluksa si David para sa kaniyang anak na lalaki bawat araw. 38 Kaya tumakas si Absalom at pumunta sa Gesur, kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon. 39 Nananabik si Haring David na lumabas para makita si Absalom, dahil naglubag na ang kalooban niya tungkol kay Amnon at sa kaniyang pagkamatay.

Chapter 14

1 Ngayon, nahalata ni Joab anak na lalaki ni Zeruias na naghahangad ang puso ng hari na makita si Absalom. 2 Kaya nagpadala ng salita si Joab sa Tekoa at nagpadala ng isang matalinong babae sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya, "Pakiusap magkunwaring ikaw ay isang taong nagdadalamhati at magsuot ng damit panluksa. Pakiusap huwag pahiran ang iyong sarili ng langis, pero maging katulad ng isang babaeng nagluluksa ng magtagal na panahon para sa patay. 3 Pagkatapos pumunta sa hari at sabihin sa kaniya ang tungkol sa kung ano ang aking ilalarawan." Kaya sinabi ni Joab sa kaniya ang mga salita kaniyang sasabihin sa hari. 4 Nang makipag-usap sa hari ang babaeng mula sa Tekoa, nagpatirapa siya sa lupa at sinabi, "Tulungan mo ako, hari." 5 Sinabi ng hari sa kaniya, "Anong problema?" Sumagot siya, "Ang katotohanan isa akong balo at patay na ang aking asawa. 6 Ako na iyong lingkod ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, nag-away silang dalawa sa bukid at walang sinumang umawat sa kanila. Pinalo ng isa ang isa at pinatay siya. 7 At ngayon nag-alsa laban sa iyong lingkod ang buong angkan at sinabi nila, "Isuko ang lalaking pumalo sa kaniyang kapatid, para mapatay namin siya, para bayaran ang buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay.' At kaya sisirain din nila ang tagapagmana. Samakatwid papawiin nila ang nagliliyab na uling na natitira sa akin at walang iiwan para sa aking asawa maging pangalan ni kaapu-apuhan sa ibabaw ng mundo." 8 Kaya sinabi ng hari sa babae, "Umuwi ka sa iyong bahay at mag-uutos ako ng isang bagay na gagawin para sa iyo." 9 Sumagot sa hari ang babae ng Tekoa, "Aking panginoon, hari, nawa'y sa akin at sa pamilya ng aking ama ang kasalanan. Walang kasalanan ang hari at kaniyang trono." 10 Sumagot ang hari, "Sinuman ang magsasabi ng anumang bagay sa iyo, dalhin mo siya sa akin at hindi ka niya mahahawakan kailanman." 11 Pagkatapos sinabi niya, "Pakiusap, nawa'y isipin ng hari si Yahweh na iyong Diyos, para hindi na makasira ng sinuman ang tagapaghiganti ng dugo, para hindi nila wasakin ang aking anak." Sumagot ang hari, "Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa." 12 Pagkatapos sinabi ng babae, "Pakiusap hayaang magsalita pa ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari." Sinabi niya, "Magsalita ka." 13 Kaya sinabi ng babae, "Sa gayon bakit ka nag-iisip ng ganoong bagay laban sa mga tao ng Diyos? Dahil sa pagsasabi ng bagay na ito, ang hari ay katulad ng isang tao na makasalanan, dahil hindi na ibinalik pauwi ng hari ang pinalayas niyang anak. 14 Dahil dapat mamatay tayong lahat at katulad ng tubig na natapon sa lupa na hindi na maaaring matipong muli. Pero hindi kumukuha ng buhay ang Diyos; sa halip, hahanap siya ng isang paraan para ibalik ang isang pinaalis mula sa kaniyang sarili. 15 Pagkatapos ngayon, sa pagkakakita na pumarito ako para sabihin ang bagay na ito sa panginoon ko na hari, Ito ay dahil tinakot ako ng mga tao. Kaya sinabi ng iyong lingkod sa kaniyang sarili, 'Makikipag-usap ako ngayon sa hari. Marahil gagawin ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod. 16 Dahil pakikinggan ako ng hari, para iligtas ang kaniyang lingkod mula sa kamay ng lalaki na sisira sa akin at sa aking anak ng sama-sama, mula sa pamana ng Diyos.' 17 Pagkatapos nanalangin ang iyong lingkod, "Yahweh, pakiusap hayaang magbigay ginhawa sa akin ang salita ng aking amo na hari, dahil gaya ng isang anghel ng Diyos, gayon din ang aking amo na hari sa pagsasabi ng mabuti mula sa masama.' Makasama mo nawa si Yahweh na iyong Diyos." 18 Pagkatapos sumagot ang hari at sinabi sa babae, "Pakiusap huwag itago mula sa akin ang anumang bagay na aking tinatanong sa iyo." Sumagot ang babae, "Hayaang magsalita ngayon ang aking panginoon na hari." 19 Sinabi ng hari, "Kasama mo ba ang kamay ni Joab sa lahat ng ito?" Sumagot ang babae at sinabi, "Habang buhay ka, aking panginoon na hari, walang isa mang makakatakas sa iyong kanang kamay o sa kaliwa mula sa anumang bagay na sinabi ng aking panginoon na hari. Ang iyong lingkod na si Joab ang siyang nag-utos sa akin at sinabi sa akin ang mga bagay na ito na sinabi ng iyong lingkod. 20 Ang iyong lingkod na si Joab ang gumawa nito para palitan ang takbo ng pangyayari. Matalino ang aking panginoon, katulad ng katalinuhan ng isang anghel ng Diyos at alam niya ang lahat ng bagay na nangyayari sa lupain." 21 Kaya sinabi ng hari kay Joab, "Tingnan mo ngayon, gagawin ko ang bagay na ito. Pagkatapos pumunta ka at isama pabalik ang binatang si Absalom." 22 Kaya nagpatirapa si Joab sa lupa bilang paggalang at pasasalamat sa hari. Sinabi ni Joab, "Ngayon alam ng iyong lingkod na nakasumpong ako ng kabutihang-loob sa iyong paningin, aking panginoon na hari na ginawa ng hari ang kahilingan ng kaniyang lingkod.'' 23 Kaya tumayo si Joab, pumunta sa Gesur at dinala si Absalom pabalik sa Jerusalem. 24 Sinabi ng hari, "Maaari siyang bumalik sa kaniyang sariling bahay, pero hindi niya maaaring makita ang aking mukha." Kaya bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, pero hindi nakita ang mukha ng hari. 25 Ngayon, walang sinuman sa buong Israel ang pinuri para sa kaniyang kakisigan na higit pa kay Absalom. Walang kapintasan sa kaniya mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo. 26 Kapag ginugupit niya ang buhok sa kaniyang ulo sa katapusan ng bawat taon, dahil mabigat ito sa kaniya, tinitimbang niya ang kaniyang buhok; tumitimbang ito ng dalawang daang sekel na sinusukat sa pamamagitan ng pamantayang timbang ng hari. 27 Isinilang kay Absalom ang tatlong anak na lalaki at isang anak na babae na ang pangalan ay Tamar. Isa siyang magandang babae. 28 Nanirahan si Absalom sa Jerusalem ng dalawang buong taon na hindi nakikita ang mukha ng hari. 29 Pagkatapos nagpadala ng salita si Absalom kay Joab para ipadala siya sa hari, pero hindi pumunta sa kaniya si Joab. Kaya nagpadala ng salita si Absalom sa pangalawang pagkakataon, pero hindi parin pumunta si Joab. 30 Kaya sinabi ni Absalom sa kaniyang mga lingkod, "Tingnan, malapit sa akin ang bukid ni Joab at mayroon siyang sebada roon. Puntahan ninyo at sunugin ito." Kaya sinunog ng mga lingkod ni Absalom ang bukid. 31 Pagkatapos tumayo si Joab at pumunta sa bahay ni Absalom at sinabi sa kaniya, "Bakit sinunog ng iyong mga lingkod ang aking bukid?" 32 Sumagot si Absalom kay Joab, "Tingnan, nagpadala ako ng salita sa iyo na nagsasabing, 'Pumarito ka para maaaring maipadala kita sa hari para sabihin na, "Bakit pa ako pumarito mula sa Gesur? Mas mabuti pang nanatili ako roon. Kaya ngayon hayaan akong makita ang mukha ng hari at kung nagkasala ako, hayaan siyang patayin ako.""' 33 Kaya pumunta si Joab sa hari at sinabihan siya. Nang pinatawag ng hari si Absalom, pumunta siya sa hari at yumukod nang mababa sa lupa sa harapan ng hari at hinagkan ng hari si Absalom.

Chapter 15

1 Pagkatapos nito naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo para sa kaniyang sarili, kasama ang limampung tauhan para tumakbo sa kaniyang unahan. 2 Babangon ng maaga si Absalom at tatayo sa tabi ng daang papasok sa tarangkahan ng lungsod. Kapag pumunta sa hari ang sinumang may isang alitan para sa paghahatol, sa gayon tatawagin siya ni Absalom at sasabihing, "Mula sa anong lungsod ka galing?" At sasagot ang lalaki, "Nanggaling ang iyong lingkod sa isa sa mga lipi ng Israel." 3 Kaya sasabihin ni Absalom sa kaniya, "Tingnan mo, mabuti at tama ang iyong kaso, pero walang isang binigyan ang hari ng kapangyarihan para dinggin ang iyong kaso." 4 Idinagdag ni Absalom, "Nais kong maging hukom ako sa lupain, para ang bawat taong may anumang alitan o dahilan ay maaaring makalapit sa akin at bibigyan ko siya ng katarungan!" 5 Nangyari ito ng may papalapit na isang tao kay Absalom para parangalan siya, iaabot ni Absalom ang kaniyang kamay at hahawakan siya at hahalikan siya. 6 Kumilos si Absalom sa ganitong paraan sa buong Israel na pumupunta sa hari para sa paghahatol. Kaya nakuha ni Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel. 7 Pagkatapos ng apat na taon sinabi ni Absalom sa hari, "Pakiusap pahintulutan mo akong umalis at tuparin ang isang panatang aking ginawa kay Yahweh sa Hebron. 8 Dahil gumawa ang iyong lingkod ng isang panata habang naninirahan ako sa Gesur sa Aram, sa pagsasabing; "Kung talagang dadalhin ulit ako ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon sasambahin ko si Yahweh."' 9 Kaya sinabi ng hari sa kaniya, "Umalis nang mapayapa." Kaya tumayo si Absalom at pumunta sa Hebron. 10 Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, "Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron."' 11 Kasama ni Absalom na pumunta ang dalawang-daang kalalakihang mula sa Jerusalem, na kaniyang inanyayahan. Pumunta sila nang walang kamalayan, walang nalalaman sa anumang bagay na binalak ni Absalom. 12 Habang naghahandog si Absalom ng mga alay, ipinatawag niya si Ahitofel mula sa kaniyang bayang pinagmulan sa Gilo. Tagapayo siya ni David. Matindi ang pakikipagsabwatan ni Absalom, dahil patuloy na dumadami ang mga taong sumusunod kay Absalom. 13 Isang mensahero ang dumating kay David na nagsasabing, "Sumusunod kay Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel." 14 Kaya sinabi ni David sa lahat ng kaniyang lingkod na kasama niya sa Jerusalem, "Tumayo at tumakas tayo, o walang isa sa atin ang makakaligtas mula kay Absalom. Maghanda para makaalis agad, o mabilis niya tayong maaabutan at magdadala siya ng kapahamakan sa atin at sasalakayin ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada." 15 Sinabi ng mga lingkod sa hari, "Tingnan, handa ang iyong mga lingkod na gawin ang anumang ipasya ng aming panginoong hari." 16 Umalis ang hari kasunod ang pamilya niya ay kasunod niya, pero iniwan ng hari ang sampung babae na mga kerida, para pangalagaan ang palasyo. 17 Pagkatapos makaalis ng hari at ng lahat ng taong kasunod niya, huminto sila sa huling bahay. 18 Lumakad kasama niya ang kaniyang buong hukbo at nauna sa kaniya ang lahat ng mga taga-Ceret, at lahat ng taga-Pelet, at lahat ng taga-Gat ang lahat ng Peletheo at ang lahat ng Getheo—animnaraang kalalakihang sumunod sa kaniya ay mula sa Gat. 19 Pagkatapos sinabi ng hari kay Itai ang taga- Gat, "Bakit sumama ka rin sa amin? Bumalik at manatili kasama ni Haring Absalom, dahil isa kang dayuhan at isang pinalayas. Bumalik sa iyong sariling lugar. 20 Yamang kahapon ka lang umalis, bakit maglalakbay kami kasama ka? Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya bumalik at isama ang iyong kababayan pabalik. Nawa'y mapasaiyo ang katapatan at pagkamatapat." 21 Pero sinagot ni Itai ang hari at sinabing, "Habang nabubuhay si Yahweh at habang nabubuhay ang aking among hari, tunay na kahit sa anumang lugar pumunta ang aking among hari, doon din pupunta ang iyong lingkod kahit mangahulugan ito ng buhay o kamatayan." 22 Kaya sinabi ni David kay Itai, "Mauna at magpatuloy kasama namin." Kaya naglakbay si Itai na taga-Gat kasama ang hari, kasama ang lahat ng kaniyang tauhan at ang lahat ng pamilyang kasama niya. 23 Umiyak ng malakas ang buong bansa habang dumadaan ang lahat ng tao sa Lambak Kidron at habang tumatawid din mismo ang hari. Naglakbay ang lahat ng tao sa daan patungong ilang. 24 Kahit si Zadok kasama ang lahat ng Levita, dala-dala ang kaban ng kautusan ng Diyos, ay naroon. Ibinaba nila ang kaban ng Diyos at sumama sa kanila si Abiatar. Naghintay sila hanggang sa makaraan ang lahat ng tao palabas ng lungsod. 25 Sinabi ng hari kay Zadok, "Dalhin ang kaban ng Diyos pabalik sa lungsod. Kung makakasumpong ako ng biyaya sa mga mata ni Yahweh, dadalhin niya ako pabalik dito at ipapakitang muli sa akin ang kaban at ang lugar kung saan siya naninirahan. 26 Pero kung sasabihin niyang, 'Hindi ako nasisiyahan sa iyo; tingnan, narito ako, hayaan siyang gawin sa akin kung ano ang mabuti sa kaniya." 27 Sinabi rin ng hari kay Zadok na pari, "Hindi kaba isang manghuhula?" Bumalik lungsod nang mapayapa at ang dalawa mong anak na lalaking kasama mo, sina Ahimaaz na anak mo at Jonatan na anak ni Abiatar. 28 Tingnan, maghihintay ako sa mga tawiran ng Araba hanggang sa dumating ang salita mula sa iyo para sabihan ako." 29 Kaya dinala ni Zadok at Abiatar ang kaban ng Diyos pabalik sa Jerusalem at nanatili sila roon. 30 Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad. 31 May isang taong nakapagsabi kay David na, "Si Ahitofel ay kasama sa mga kasabwat ni Absalom." Kaya nanalangin si David, "O Yahweh, pakiusap gawin mong kahangalan ang payo ni Ahitofel." 32 Nang nakarating si David sa tuktok ng daan, kung saan nakagawiang sambahin ang Diyos, dumating si Cusai na Arkita para salubungin siya na punit ang kaniyang damit at may lupa sa kaniyang ulo. 33 Sinabi ni David sa kaniya, "Kung maglalakbay ka kasama ko, sa gayon magiging isang pabigat ka sa akin. 34 Pero kung babalik ka sa lungsod at sasabihin kay Absalom, 'Magiging lingkod mo ako, hari, gaya ng paglilingkod ko dati sa iyong ama,' kaya magiging lingkod mo ako ngayon; pagkatapos guguluhin mo ang payo ni Ahitofel para sa akin. 35 Hindi mo ba makakasama roon si Abiatar at Zadok na mga pari? Kaya kahit ano ang marinig mo sa palasyo ng hari, dapat mong sabihin ito kina Zadok at Abiatar na mga pari. 36 Makikita mo na kasama nila roon ang kanilang dalawang anak, sina Ahimaaz, anak na lalaki ni Zadok at Jonatan, anak na lalaki ni Abiatar. Dapat mong ipadala sa akin sa pamamagitan ng kanilang kamay ang lahat ng bagay na marinig mo." 37 Kaya pumunta si Cusai, kaibigan ni David sa lungsod habang dumating at pumasok si Absalom sa Jerusalem.

Chapter 16

1 Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak. 2 Sinabi ng hari kay Ziba, "Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?" Sumagot si Ziba, "Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin." 3 Sinabi ng hari, "At nasaan ang apo ng iyong panginoon?" Sumagot si Ziba sa hari, "Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin."' 4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Ziba, "Tingnan mo, lahat ng nabibilang kay Mefiboset ay nabibilang na sa iyo ngayon." Sumagot si Ziba, "Yumuyukod akong may pagpapakumbaba sa iyo, aking panginoon, ang hari. Hayaan mo akong makasumpong ng biyaya sa iyong paningin." 5 Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad. 6 Binato niya si David at ang lahat ng mga opisyal ng hari, kahit na may hukbo at mga bantay na nasa kanan at kaliwa ng hari. 7 Sumigaw si Simei na nagmumura, "Umalis ka, lumayas mula rito, masamang tao ka, tao ng dugo! 8 Pinaghigantihan kayong lahat ni Yahweh para sa dugo ng pamilya ni Saul na pinalitan ninyo sa pamumuno. Ibinigay ni Yahweh ang kaharian sa kamay ni Absalom ang iyong anak. At ngayon sira ka na dahil isa kang tao ng dugo." 9 Pagkatapos sinabi ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias sa hari, "Bakit kailangang murahin ng patay na asong ito ang aking panginoong hari? Pakiusap pahintulutan mo akong pumaroon at pugutan siya ng ulo." 10 Pero sinabi ng hari, "Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?"' 11 Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, "Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito. 12 Marahil mamasdan ni Yahweh ang kapighatiang ipinataw sa akin at gantihan ako ng mabuti dahil sa pagmumura niya sa akin ngayon." 13 Kaya naglakbay si David at ang kaniyang mga tauhan sa daan, samantalang si Simei ay sumabay sa kaniyang tabi paakyat sa dalisdis ng burol, nagmumura at naghahagis sa kaniya ng lupa at mga bato. 14 Pagkatapos napagod ang hari at ang lahat ng taong kasama niya at nagpahinga siya nang huminto sila nang gabi na. 15 Si Absalom naman at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya, dumating sila sa Jerusalem at kasama niya si Ahitofel. 16 Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, "Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!" 17 Sinabi ni Absalom kay Cusai, "Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?" 18 Sinabi ni Cusai kay Absalom, "Hindi! Sa halip, ang isang pinili ni Yahweh at ang mga tao ito at ang lahat ng kalalakihan ng Israel, sa mga taong ito ako napapabilang, at mananatili ako kasama niya. 19 At saka, anong tao ang dapat kong paglingkuran? Hindi ba ako dapat maglingkod sa presensiya ng kaniyang anak na lalaki? Gaya ng paglilingkod ko sa presensiya ng iyong ama, maglilingkod ako sa iyong presensiya." 20 Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, "Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin." 21 Sumagot si Ahitopel kay Absalom, "Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo. 22 Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel. 23 Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.

Chapter 17

1 Pagkatapos sinabi ni Ahitofel kay Absalom, "Ngayon hayaan mo akong pumili ng labindalawang libong kalalakihan at babangon ako at tutugisin si David ngayong gabi. 2 Pupunta ako sa kaniya habang pagod siya at nanghihina at gugulatin ko siya sa takot. Tatakas ang mga taong kasama niya at ang hari lamang ang aking sasalakayin. 3 Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng tao, tulad ng isang babaeng ikakasal na papunta sa kaniyang asawa at ang lahat ng taong nasasakupan mo ay magiging mapayapa." 4 Kasiya-siya kay Absalom at sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel kung ano ang sinabi ni Ahitofel. 5 Pagkatapos sinabi ni Absalom, "Ngayon tawagin din si Cusai ang Arkite at pakinggan natin kung ano ang kaniyang sasabihin." 6 Nang dumating si Cusai kay Absalom, ipinaliwanag ni Absalom sa kaniya kung ano ang sinabi ni Ahitofel at pagkatapos tinanong si Cusai, "Dapat ba naming gawin ang anumang sabihin ni Ahitofel? Kung hindi, sabihan kami kung ano ang payo mo." 7 Kaya sinabi ni Cusai kay Absalom, "Hindi mabuti ang ibinigay na payo ni Ahitofel sa panahong ito." 8 Idinagdag ni Cusai, "Alam mong malakas na mga mandirigma ang iyong ama at ang kaniyang mga tauhan at mabangis sila at katulad sila ng isang osong ninakawan ng mga anak sa isang bukid. Ang iyong ama ay isang taong mandirigma; hindi siya matutulog kasama ang hukbo ngayong gabi. 9 Tingnan mo, marahil ngayon ay nagtatago siya sa isang hukay o sa ibang lugar. Mangyayari ito kapag napatay ang ilan sa iyong tauhan sa simula ng isang pagsalakay na sasabihin ng sinumang makarinig nito, "Isang malupit na pagpatay ang naganap sa mga sundalong sumunod kay Absalom.' 10 Pagkatapos kahit na siguro ang matatapang na mandirigma, na ang mga puso ay katulad ng puso ng Leon, ay matatakot dahil alam ng buong Israel na isang magiting na tao ang iyong ama at napakalakas ng kalalakihang kasama niya. 11 Kaya pinapayuhan kita na dapat sama-samang magtipon ang buong Israel sa iyo, mula sa Dan hanggang Beer-seba, kasindami ng buhangin na nasa tabing-dagat at pupunta ka mismo sa labanan. 12 Pagkatapos pupunta tayo sa kaniya kahit saan man siya matagpuan at lulukuban natin siya tulad ng hamog na nuhuhulog sa lupa. Wala tayong ititira kahit isa sa kaniyang tauhan, o siya mismo na buhay. 13 Kung tatakas siya sa isang lungsod, sa gayon magdadala ang buong Israel sa lungsod na iyan ng mga lubid at hihilain natin ito sa ilog, hanggang sa wala nang kahit isang maliit na bato ang matatagpuan doon." 14 Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, "Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel." Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom. 15 Pagkatapos sinabi ni Cusai kina Zadok at Abiatar na mga pari, "Pinayuhan ni Ahitofel sina Absalom at ang mga nakatatanda ng Israel sa gayon at sa gayong paraan, pero nagpayo ako ng ibang bagay. 16 Kaya ngayon, magmadaling umalis at ibalita kay David; sabihin sa kaniya, 'Huwag magkampo ngayong gabi sa mga tawiran ng Araba, pero tiyaking tumawid sa lahat ng paraan, o masasakmal ang hari kasama ang lahat ng taong kasama niya.''' 17 Ngayon si Jonatan at Ahimaaz ay nananatili sa balon ng Rogel; madalas pumunta ang isang babaeng lingkod at nagdadala ng mga mensahe sa kanila. Pagkatapos aalis sila at sasabihin kay Haring David, para hindi sila makita na pumupunta sa lungsod. 18 Pero nakita sila ng isang binata at sinabi kay Absalom. Kaya nagmadaling umalis sina Jonatan at Ahimaaz at dumating sa bahay ng isang tao sa Bahurim, na may isang balon sa kaniyang patyo, kung saan sila bumaba. 19 Kinuha ng asawa ng lalaki ang pantakip ng balon at inilatag ito sa bukana ng balon at hinagisan ito ng trigo, kaya walang isa ang nakakaalam na nasa balon sina Jonatan at Ahimaaz. 20 Dumating ang mga tauhan ni Absalom sa bahay ng babae at sinabing, "Nasaan sina Ahimaaz at Jonatan?" Sinabi sa kanila ng babae, "Tumawid sila sa ilog." Kaya pagkatapos nilang maghanap sa paligid at hindi sila natagpuan, bumalik sila sa Jerusalem. 21 Pagkapos nang umalis sila umakyat sina Jonatan at Ahimaaz mula sa balon. Nagtungo sila kay haring David para mag-ulat; sinabi nila sa kaniya, "Bumangon ka at magmadaling tumawid sa tubig dahil nagbigay si Ahitofel ng gayon at gayong payo tungkol sa iyo." 22 Pagkatapos bumangon si David at ang lahat ng taong kasama niya, at tumawid sila sa Jordan. Pagliwanag ng umaga walang isa sa kanila ang nabigong tumawid sa Jordan. 23 Nang makita ni Ahitofel na hindi sinunod ang kaniyang payo, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at umalis. Umuwi siya sa kaniyang sariling lungsod, inayos ang kaniyang mga bagay-bagay at nagbigti siya. Sa ganitong paraan namatay siya at inilibing sa libingan ng kaniyang ama. 24 Pagkatapos dumating si David sa Mahanaim. Samantalang si Absalom, tumawid siya sa Jordan, siya at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya. 25 Pagkatapos ginawang pinuno ni Absalom si Amasa sa hukbo sa halip na si Joab. Si Amasa ay anak na lalaki ni Jeter na Israelita na sumiping kay Abigail, anak na babae ni Nahas at kapatid ni Zeruias, ang ina ni Joab. 26 Pagkatapos nagkampo ang Israel at si Absalom sa lupain ng Galaad. 27 Nang dumating si David sa Mahanaim, sina Sobi anak na lalaki ni Nahas mula sa Rabba na mga taga-Ammon at Maquir anak na lalaki ni Ammiel mula sa Lo Debar at Barzilai na taga-Galaad na mula sa Rogelim, 28 nagdala ng mga tulugang banig at mga kumot, mga mangkok at mga banga, mga trigo at harinang sebada, sinangag na butil, mga patani, mga lentil, 29 pulot, mantikilya, tupa at keso. Kaya maaaring kumain si David at ang mga taong kasama niya. Sinabi ng mga lalaking ito, "Gutom ang mga tao, pagod at uhaw sa ilang."

Chapter 18

1 Binilang ni David ang mga sundalong kasama niya at nagtalga ng mga kapitan ng libu-libo at mga kapitan ng daan-daan. 2 Pagkatapos ipinadala ni David ang hukbo, isang-katlo sa ilalim ng pamumuno ni Joab, isa pang katlo sa ilalim ng pamumuno ni Abisai anak ni Zeruias, kapatid ni Joab at isa pa ring katlo sa ilalim ng pamumuno ni Itai na taga-Gat. Sinabi ng hari sa hukbo, "Titiyakin kong sasama rin ako sa inyo.." 3 Pero sinabi ng kalalakihan, "Hindi ka dapat pumunta sa labanan, dahil kung tatakas kami hindi sila mag-aalala sa amin, o kung mamatay ang kalahati sa amin wala silang pakialam. Pero kasing halaga mo ang sampung libo sa amin! 4 Kaya mas mabuting maghanda kang tulungan kami mula sa lungsod." Kaya sinagot sila ng hari, "Gagawin ko anuman ang pinakamabuti para sa inyo." Tumayo ang hari sa tarangkahan ng lungsod habang lumabas ang buong hukbo nang daan-daan at libu-libo. 5 Inutusan ni David sina Joab, Abisai at Itai sa pagsasabing, "Makitungo nang malumanay alang-alang sa akin sa binata, kay Absalom." Narinig ng lahat ng tao na ibinigay ng hari sa mga kapitan ang utos na ito tungkol kay Absalom. 6 Kaya lumabas ang hukbo sa kabukiran laban sa Israel; umabot ang labanan sa kagubatan ng Efraim. 7 Natalo roon ang hukbo ng Israel sa harapan ng mga sundalo ni David; may isang matinding patayan doon sa araw na iyon nang dalawampung libong kalalakihan. 8 Umabot ang labanan hanggang sa buong kabukiran at mas maraming kalalakihan ang nilamon ng kagubatan kaysa ng espada. 9 Nagkataong nakasalubong ni Absalom ang ilan sa mga sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola at napadaan ang mola sa ilalim ng makakapal na sanga ng isang malaking punong kahoy at sumabit ang kaniyang ulo sa mga sanga ng puno. Naiwan siyang nakabitin sa pagitan ng lupa at ng langit habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kaniyang sinasakyang mola. 10 Nakita ito ng isang tao at sinabihan si Joab, "Tingnan, nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!" 11 Sinabi ni Joab sa taong nagsabi sa kaniya tungkol kay Absalom, "Tingnan mo! Nakita mo siya! Bakit hindi mo siya hinampas pababa sa lupa? Bibigyan sana kita ng sampung siklong pilak at isang sinturon." 12 Sumagot ang lalaki kay Joab, "Kahit na makatanggap ako ng isanglibong siklong pilak, hindi ko pa rin iaabot ang aking kamay laban sa anak ng hari, dahil narinig naming lahat na inutusan ka ng hari, si Abisai at si Itai, sa pagsasabing, 'Walang isa mang dapat gumalaw sa binatang si Absalom.' 13 Kung inilagay ko sa panganib ang aking buhay sa pamamagitan ng isang kasinungalingan (at walang makukubli mula sa hari), pinabayaan mo nalang sana ako." 14 Pagkatapos sinabi ni Joab, "Hindi na ako maghihintay sa iyo." Kaya nagdala si Joab ng tatlong sibat sa kaniyang kamay at isinaksak ang mga ito sa puso ni Absalom, habang buhay pa siya at nakabitin mula sa kahoy. 15 Pagkatapos pumaligid ang sampung binatang kalalakihang tagadala ng sandata ni Joab kay Absalom, sinalakay siya at pinatay. 16 Pagkatapos hinipan ni Joab ang trumpeta at bumalik ang hukbo mula sa pagtugis sa Israel, dahil pinabalik ni Joab ang hukbo. 17 Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan. 18 Ngayon si Absalom, Nang buhay pa siya, nagtayo siya para sa kaniyang sarili ng isang malaking haliging bato sa Lambak ng Hari, dahil sinabi niya, "Wala akong anak na lalaki para ipagpatuloy ang alaala ng aking pangalan." Pinangalanan niya ang haligi kasunod sa kaniyang sariling pangalan, kaya tinawag itong Bantayog ni Absalom hanggang sa araw na ito. 19 Pagkatapos sinabi ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok, "Pahintulutan mo akong tumakbo ngayon sa hari dala ang mabuting balita, kung paano siya iniligtas ni Yahweh mula sa kaniyang mga kaaway." 20 Sinagot siya ni Joab, "Hindi ka magiging tagapagdala ng balita ngayon; dapat mong gawin ito sa ibang araw. Ngayon hindi ka magdadala ng balita dahil patay ang anak na lalaki ng hari." 21 Pagkatapos sinabi ni Joab sa isang Cusita, "Humayo ka, sabihin sa hari kung ano ang iyong nakita." Yumukod ang Cusita kay Joab at tumakbo. 22 Pagkatapos sinabing muli ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok kay Joab, "Kahit anuman ang mangyari, pakiusap pahintulutan mo rin akong tumakbo at sundan ang Cusita." Sumagot si Joab, "Bakit gusto mong tumakbo, anak ko, nakikitang wala kang gantimpala para sa balita?" 23 "Anuman ang mangyayari," sabi ni Ahimaaz, "Tatakbo ako." Kaya sinagot siya ni Joab, "Takbo." Pagkatapos tumakbo si Ahimaaz sa daan ng kapatagan at naunahan ang Cusita. 24 Ngayon nakaupo si David sa pagitan ng mga panloob at panlabas ng tarangkahan. Umakyat ang bantay sa bubong ng tarangkahan sa pader at itinaas ang kaniyang mata. Habang nakatingin siya, nakakita siya ng isang taong papalapit, mag-isang tumatakbo. 25 Sumigaw ang bantay at sinabihan ang hari. Pagkatapos sinabi ng hari, "Kung nag-iisa siya, may balita sa kaniyang bibig." Dumating ang mananakbo at lumapit sa lugnsod. 26 Pagkatapos napansin ng bantay ang isa pang taong tumatakbo at tinawag ng bantay ang bantay ng tarangkahan; sinabi niya, "Tingnan mo, may isa pang lalaking mag-isang tumatakbo." Sinabi ng hari, "Nagdadala rin siya ng balita." 27 Kaya sinabi ng bantay, "Sa palagay ko ang pagtakbo ng lalaking nasa harapan ay katulad ng pagtakbo ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok." Sinabi ng hari, "Mabuti siyang tao at parating siya na may mabuting balita." 28 Pagkatapos sumigaw si Ahimaaz at sinabi sa hari, "Mabuti ang lahat." At iniyukod niya ang kaniyang sarili sa harapan ng hari na nakadikit ang kaniyang mukha sa lupa at sinabing, "Pagpalain si Yahweh na iyong Diyos, na siyang nagbigay sa mga lalaking nagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoong hari." 29 Kaya sumagot ang hari, "Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom? Sumagot si Ahimaaz, "Nang pinadala ako ni Joab, ang lingkod ng hari, sa iyo, hari, nakita ko ang isang malaking kabalisahan, pero hindi ko alam kung ano ito." 30 Pagkatapos sinabi ng hari, "Lumihis at tumayo rito." Kaya lumihis si Ahimaaz, at nanatiling nakatayo. 31 Pagkatapos kaagad namang dumating ang Cusita at sinabing, "May mabuting balita para sa aking panginoong hari, dahil ipinaghiganti ka ni Yahweh sa araw na ito mula sa lahat ng nag-alsa laban sa iyo." 32 Pagkatapos sinabi ng hari sa Cusita, "Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom?" Sumagot ang Cusita, "Ang mga kaaway ng aking panginoong hari at ang lahat nang nag-alsa laban sa iyo, ay dapat matulad pinsala na nangyari sa binatang iyon." 33 Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, "Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!"

Chapter 19

1 Sinabihan si Joab, "Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom." 2 Kaya ang tagumpay ng araw na iyon ay naging pagluluksa sa lahat ng hukbo, dahil narinig ito ng hukbo nang sinabi ng araw na iyon, "Nagluksa ang hari para sa kaniyang anak na lalaki." 3 Kinailangang patagong maglakad ng tahimik ang mga sundalo sa lungsod ng araw na iyon, katulad ng mga taong nahihiyang tumatakbo palayo mula sa labanan. 4 Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, "Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!" 5 Pagkatapos pumasok sa loob ng bahay ang hari si Joab at sinabi sa kaniya, "Pinahiya mo ang mga mukha ng lahat ng iyong mga sundalo sa araw na ito, na nagligtas ng iyong buhay sa araw na ito, at ang buhay ng iyong mga anak na lalaki at ng iyong mga anak na babae, at ang buhay ng iyong mga asawa, at ang buhay ng iyong mga asawang alipin, 6 dahil minahal mo galit sa iyo, at galit ka sa mga nagmamahal sa iyo. Dahil sa araw na ito ipinakita mo na ang mga pinuno at mga sundalo ay baliwala sa iyo. Naniniwala ako sa araw na ito kung nabuhay si Absalom, at tayong lahat ay namatay, iyon siguro ang makapagpapasaya sa iyo. 7 Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon." 8 Kaya tumayo ang hari at umupo sa tarangkahan ng lungsod, at sinabi ito sa lahat ng kalalakihan, "Tingnan, nakaupo ang hari sa tarangkahan." Kaya pumunta ang lahat ng mga tao sa harap ng hari. Samantala, sa Israel, tumakas ang bawat tao sa kaniyang tahanan. 9 Nagtatalo ang lahat ng mga tao sa lahat ng lipi sa buong Israel sinasabing, "Iniligtas tayo ng hari mula sa kamay ng ating mga kaaway. Iniligtas niya tayo mula sa kamay ng mga Filisteo at ngayon naubusan siya ng lungsod mula kay Absalom. 10 At si Absalom, na ating hinirang para sa atin, ay namatay sa labanan. Kaya bakit hindi natin pag-usapan ang pagbabalik muli ng hari?" 11 Nagpadala si Haring David kay Zadok at kay Abiatar ng mga pari na sinasabing, "Kausapin ang mga pinuno ng Juda sabihin na, 'Bakit huli kayo sa pagpapabalik sa hari sa kaniyang palasyo, yamang ang usapin sa buong Israel pinapaboran ang hari, para dalhin siya pabalik sa kaniyang palasyo? 12 Kayo ang aking mga kapatid na lalaki, aking laman at buto. Bakit kayo ang huling magdadala sa hari pabalik?' 13 At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'" 14 At nakuha niya ang mga puso ng lahat ng tao sa Juda, na parang sila ay puso ng isang tao, nang sa gayon nagpadala sila sa hari sinasabing, "Bumalik ka, ikaw at lahat ng iyong kalalakihan." 15 Kaya bumalik ang hari at dumating sa Jordan. At dumating ang kalalakihan ng Juda sa Gilgal para makipagkita sa hari, para samahan ang hari sa Jordan. 16 Si Simei anak na lalaki ni Gera, ang lahi ni Benjamin, na nagmula sa Bahurim, ay nagmadaling bumaba kasama ng kalalakihan ng Juda para makipagkita kay Haring David. 17 Mayroong isang libong kalalakihan mula kay Benjamin na kasama niya, at si Ziba ang lingkod ni Saul, at kaniyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung lingkod na kasama niya. 18 Tumawid sila sa Jordan sa harap ng hari. Tumawid sila para dalhin ang pamilya ng hari at para gawin ang anumang inisip niyang mabuti. Yumuko si Simei anak na lalaki ni Gera sa hari bago palang niya simulang tawirin ang Jordan. 19 Sinabi ni Simei sa hari, "Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari. 20 Dahil alam ng iyong lingkod na ako ay nagkasala. Tingnan mo, kaya pumunta ako sa araw na ito bilang una mula sa lahat ng pamilya ni Jose para pumunta pababa para makipagkita sa aking panginoong hari." 21 Pero sumagot si Abisai anak na lalaki ni Zeruias at sinabing, "Hindi ba kailangang malagay sa kamatayan si Simei dahil dito, dahil nilapastangan niya ang hinirang ni Yahweh?" 22 Pagkatapos sinabi ni David, "Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?" 23 Kaya sinabi ng hari kay Simei, "Hindi ka mamamatay." Kaya nangako ang hari sa kaniya ng isang sumpa. 24 Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa. 25 At nang dumating siya mula Jerusalem para makipag-kita sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, "Bakit hindi ka sumabay sa akin, Mefiboset?" 26 Sumagot siya, "Aking panginoong hari, nilinlang ako ng aking lingkod, dahil sinabi ko, 'uupo ako sa isang asno para maaari kong sakyan iyon at sumabay sa hari, dahil ang iyong lingkod ay lumpo.' 27 Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin. 28 Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?" 29 Pagkatapos sinabi sa kaniya ng hari, "Bakit nagpapaliwanag pa? Napagpasyahan ko na ikaw at si Ziba ang maghahati sa mga lupain." 30 Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, "Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan." 31 Pagkatapos bumaba si Barzilai ang lahi ng Galaad mula Rogelim para tumawid sa Jordan kasama ng hari, at sinamahan niya ang hari sa Jordan. 32 Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang. 33 Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, "Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem." 34 Sumagot si Barzilai sa hari, "Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem? 35 Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari? 36 Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala? 37 Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti." 38 Sumagot ang hari, "Aalis si Camaam kasama ko, at gagawin ko para sa kaniya anumans sa tingin mo ay mabuti, at anuman ang nanaisin mo mula sa akin, gagawin ko iyon para sa iyo." 39 Pagkatapos tumawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, at tumawid ang hari, at hinalikan ng hari si Barzilai at pinagpala siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang sariling tahanan. 40 Kaya tumawid ang hari patungong Gilgal, at tumawid kasama niya si Camaam. Lahat ng hukbo ng Juda ay dinala ang hari, at kalahati rin ng hukbo ng Israel. 41 Sa madaling panahon lahat kalalakihan ng Israel ay nag-umpisang pumunta sa hari at sinabi sa hari, "Bakit ang mga kapatid naming lalaki, ang kalalakihan ng Juda, ninakaw kayo palayo at dinala ang hari at kaniyang pamilya sa Jordan, at lahat ng kalalakihan ni David kasama niya?" 42 Kaya sumagot ang kalalakihan ng Israel, "Ito ay dahil mas malapit na kamag-anak ang hari sa amin. Kung kaya bakit kayo magagalit tungkol dito? Kinain ba namin ang anumang bagay na kailangan bayaran ng hari? Binigyan ba niya kami ng anumang mga regalo? 43 Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, "Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?" Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.

Chapter 20

1 Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, "Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel." 2 Kaya iniwan si David ng lahat ng kalalakihan ng Israel at sumunod kay Seba na anak na lalaki ni Bicri. Pero sumunod ng mas malapit ang kalalakihan ng Juda sa kanilang hari, mula Jordan hanggang Jerusalem. 3 Nang dumating si David sa kaniyang palasyo sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang lingkod na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo, at inilagay niya sila sa isang bahay na may mga bantay. Naglaan siya para sa kanilang pangangailangan, pero hindi na siya sumiping sa kanila kailanman. Kaya kinulong sila hanggang sa araw ng kanilang kamatayan, namuhay na parang sila ay mga balo. 4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Amasa, "Tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama sa loob ng tatlong araw; dapat narito karin." 5 Kaya pumunta si Amasa para tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama, pero nanatili siya ng higit pa sa itinakdang oras na inutos sa kaniya ng hari. 6 Kaya sinabi ni David kay Abisai, "Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin." 7 Pagkatapos lumabas ang kalalakihan ni Joab at hinabol siya, kasama ng mga lahi ni Kereteo at ang mga lahi ni Pelet at lahat ng malalakas na mandirigma. Umalis sila sa Jerusalem para habulin si Seba anak na lalaki ni Bicri. 8 Nang nasa dakilang bato na sila na nasa Gibeon, Dumating si Amasa para salubungin sila. Nakasuot si Joab ng baluting pandigma na kaniyang isinuot, na kalakip ang isang sinturon palibot sa kaniyang baywang na mayroong nakalagay na isang espadang may lalagyan nito. Sa kaniyang paglalakad, nahulog ang espada. 9 Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, "Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?" Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya. 10 Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri. 11 Pagkatapos isa sa kalalakihan ni Joab ay tumayo sa gilid ni Amasa, at sinabi ng lalaki, "Siya na pumapanig kay Joab, at siya na kay David, hayaan silang sumunod kay Joab." 12 Nakahiga si Amasa na naliligo sa kaniyang dugo sa gitna ng daan. Nang nakita ng lalaki na lahat ng tao'y nanatiling nakatayo, kinuha niya si Amasa paalis sa daan at inilagay sa isang bukirin. Tinapon niya ang isang tela kay Amasa dahil nakita niya na ang bawat isa na dumating kasama niya ay nanatiling nakatayo. 13 Pagkatapos nang inalis si Amasa sa daan, sumunod ang lahat ng kalalakihan kay Joab sa paghabol kay Seba na anak na lalaki ni Bicri. 14 Nakalagpas si Seba sa lahat ng lipi ng Israel sa Abel, sa Bet Maaca, at sa lahat ng lupain ng mga lahi ni Beri, na nagtipong magkakasama at tinugis rin si Seba. 15 Nahuli nila siya at nakulong siya sa Abel ng Bet Maaca. Gumawa sila ng isang panlusob na dahilig laban sa lungsod laban sa pader. Lahat ng hukbo na kasama ni Joab ay hinampas ang pader para patumbahin ito. 16 Pagkatapos isang matalinong babae ang sumigaw sa labas ng lungsod, "Makinig kayo, pakiusap makinig ka, Joab! Lumapit ka sa akin para maaari akong makipag-usap sa iyo." 17 Kaya lumapit si Joab sa kaniya, at sinabi ng babae, "Ikaw ba si Joab?" Sumagot siya, "Ako nga." Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, "Makinig sa mga salita ng iyong lingkod." Sumagot siya, "Nakikinig ako." 18 Pagkatapos sinabi niya, "Sinasabi nila sa sinaunang panahon, 'Siguraduhing humingi ng payo sa Abel,' at ang payong iyon ang tatapos sa bagay. 19 Kami ang lungsod na isa sa mga pinaka-mapayapa at tapat sa Israel. Sinusubukan ninyong sirain ang isang lungsod na ina sa Israel. Bakit ninyo gustong lunukin ang mana ni Yahweh?" 20 Kaya sumagot si Joab at sinabing, "Huwag sanang pahintulatan, huwag sanang pahintulatan mula sa akin, na lunukin ko o sirain. 21 Hindi iyan totoo. Pero isang lalaki mula sa burulang bansa ng Efraim, na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, itinaas niya ang kaniyang kamay laban sa hari, laban kay David. Ibigay ninyo siyang mag-isa, at aalis ako mula sa lungsod." Sinabi ng babae kay Joab, "Itatapon ang kaniyang ulo sa iyo sa ibabaw ng pader." 22 Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari. 23 Ngayon si Joab ay nasa lahat ng hukbo ng Israel, at si Benaias anak na lalaki ni Joaida ay nasa mga lahi ni Ceret at sa mga lahi ni Pelet. 24 Si Adoram ay nasa kalalakihan na gumagawa ng sapilitang trabaho, at si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud ay ang tagatala. 25 Si Seva ay tagasulat at si Zadok at Abiatar ang mga pari. 26 Si Ira ang lahi ni Jair ang pangulong ministro ni David.

Chapter 21

1 May taggutom ng panahon ni David ng tatlong taon na magkakasunod, at hinanap ni David ang mukha ni Yahweh. Kaya sinabi ni Yahweh, "Kaya may taggutom sa iyo dahil kay saul at sa mapanganib niyang pamiya, dahil inilagay niya ang mga lahi ni Gibeon sa kamatayan." 2 Ngayon hindi nagmula ang mga lahi ni Gibeon sa Israel; nagmula sila sa anumang natira ng mga Amoreo. Sumumpa ang mga tao ng Israel na hindi sila papatayin, subalit gayunpaman sinubukan silang lahat na patayin ni Saul sa kanyang kasigasig sa mga tao ng Israel at sa Judah. 3 Kaya tinawag ni Haring David ang mga lahi ni Gibeon at sinabi sa kanila, "Ano ang kailangan kong gawin para sa inyo? Paano ako makagagawa ng pambayad sa kasalanan, nang sa gayun maaari ninyong pagpalain ang mga tao ni Yahweh, na nagmana ng kanyang kabutihan at mga pangako?" 4 Sumagot ang mga lahi ni Gibeon sa kaniya, "Hindi ito tungkol sa pilak o ginto sa pagitan namin at kay Saul o sa kaniyang pamilya. At hindi para ilagay namin ang sinumang tao sa kamatayan sa Israel." Sumagot si David, "Anuman ang hilingin ninyo, iyon ang gagawin ko para sa inyo." 5 Sumagot sila sa hari, "Ang taong sumubok na patayin kaming lahat, na nagbalak ng masama laban sa amin, para mawasak kami ngayon at mawalan lugar sa loob ng mga hangganan ng Israel— 6 hayaang ibigay sa amin ang pitong kalalakihan mula sa kaniyang kaapu-apuhan, at bibitayin namin sila sa harapan ni Yahweh sa Gibea ni Saul, ang isang pinili ni Yahweh." Kaya sumagot ang hari, "Ibibigay ko sila sa inyo." 7 Pero iniligtas ng hari si Mefiboset anak na lalaki ni Jonatan anak na lalaki ni Saul, dahil sa sinumpaan ni Yahweh sa pagitan nila, sa pagitan ni David at Jonatan anak na lalaki ni Saul. 8 Pero kinuha ng hari ang dalawang anak na lalaki ni Rizpa anak na babae ni Aya, mga anak na lalaki na kaniyang ipinanganak kay Saul—pinangalanan ang dalawang anak na lalaking Armoni at Mefiboset; at kinuha rin ni David ang limang anak na lalaki ni Mical na anak na babae ni Saul, na kaniyang iniluwal kay Adriel anak na lalaki ni Barzilai ang taga-Mehola. 9 Ibinigay niya sila sa mga kamay ng mga lahi ni Gibeon. Binitay nila sila sa bundok sa harapan ni Yahweh, at silang pito ay namatay lahat ng magkakasama. Nilagay sila sa kamatayan sa panahon ng ani, sa panahon ng mga unang araw sa umpisa ng ani ng sebada. 10 Pagkatapos si Rizpa, ang anak na babae ni Aya, kumuha ng telang magaspang at nilatag sa kaniyang sarili sa bundok sa tabi ng patay na mga katawan, mula sa simula ng ani hanggang bumuhos ang ulan sa kanila galing sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa langit na galawin ang mga katawan sa araw o mga mababangis na hayop sa gabi. 11 Sinabi kay David ang anumang ginawa ni Rizpa, anak na babae ni Aya, ang asawang alipin ni Saul. 12 Kaya pumunta si David at kinuha ang mga buto ni Saul at mga buto ni Jonatan kaniyang anak na lalaki mula sa kalalakihan ng Jabes Galaad, na nagnakaw sa kanila mula sa plasa ng Beth San, kung saan sila binitay ng mga Palestina, pagkatapos mapatay ng mga Palestina si Saul sa Gilboa. 13 Kinuha ni David mula doon ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak, at tinipon rin niya ang mga buto ng pitong kalalakihan na binitay. 14 Inilibing nila ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki sa bansa ni Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kaniyang ama. Isinagawa nila ang lahat ng inutos ng hari. Pagkatapos sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa lupain. 15 Pagkatapos pumunta ang mga taga-Filisteo sa digmaan kasama ng Israel. Kaya bumaba si David kasama ng kaniyang hukbo at nakipaglaban sa Filisteo. Napagtagumapayan ni David ang nakakapagod na labanan. 16 Si Esbibenob, isang kaapu-apuhan ng mga higante, na ang sibat na pilak ay may bigat sa tatlung daang siklo, at armado ng isang bagong espada, inilaan para patayin si David. 17 Pero iniligtas si David ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias, sinalakay ang Filisteo, at pinatay siya. Pagkatapos sumumpa ang kalalakihan ni David, sinabing, "Hindi kana dapat pumunta sa digmaan kasama namin, para hindi mo mapatay ang lampara ng Israel." 18 Nangyari pagkatapos nito nagkaroon uli ng isang labanan kasama ng mga taga-Filisteo sa Gob, nang pinatay ni Sibecai na Husatita si Saf, na isa sa lahi ni Hus, na isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim. 19 Nangyari uli sa isang labanan kasama ng mga taga-Filisteo sa Gob, na si Elhanan anak na lalaki ni Jair ang Betlehemita na pinatay si Goliat ang Geteo, ang tungkod ng sibat ay gaya ng isang sinag ng panghabi. 20 Nangyari sa isa pang labanan sa Gat na mayroong isang tao na napakataas na mayroong anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa, dalawampu't-apat sa bilang. Siya rin ay naggaling sa Refaim. 21 At nang hinamon niya ang Israel, si Jonatan anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, ay pinatay siya. 22 Ito ang mga kaapu-apuhan ng Refaim ng Gat, at pinatay sila sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga sundalo.

Chapter 22

1 Umawit si David kay Yahweh ng mga salita ng kantang ito sa araw na iniligtas siya ni Yahweh palabas sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at palabas sa kamay ni Saul. 2 Nanalangin siya, "Si Yahweh ay aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagliligtas sa akin. 3 Ang Diyos ang aking muog. Kumukuha ako ng kanlungan sa kaniya. Siya ang aking panangga, ang sungay ng aking kaligtasan, aking matibay na tanggulan, at aking kanlungan, ang siyang nagliligtas sa akin mula sa karahasan. 4 Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway. 5 Dahil nakapalibot sa akin ang mga alon ng kamatayan. Ang walangsaysay na bugso ng mga tubig tumabon sa akin. 6 Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan. 7 Sa aking pagkabalisa tumawag ako kay Yahweh; Tumawag ako sa aking Diyos; dininig niya ako sa aking boses mula sa kaniyang templo, at ang aking tawag para sa tulong nakarating sa kaniyang mga tainga. 8 Pagkatapos naalog ang mundo at nayanig. Nangatog ang mga pundasyon ng kalangitan at inalog, dahil galit ang Diyos. 9 Lumabas ang usok mula sa mga butas ng kaniyang ilong, at lumabas ang nagliliyab na apoy sa kaniyang bibig. Umapoy ang mga uling sa pamamagitan nito. 10 Binuksan niya ang kalangitan at bumaba, at makapal na dilim ang nasa ibaba ng kaniyang mga paa. 11 Sumakay siya sa isang anghel at lumipad. Nakita siyang lumilipad sa mga pak-pak ng hangin. 12 At gumawa siya ng kadiliman sa toldang nakapalibot sa kaniya, nag-iipon ng mga mabibigat na ulap ulan sa himpapawid. 13 Mula sa kidlat sa harapan niya nahulog ang mga uling ng apoy. 14 Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan. 15 Nagpatama siya ng mga pana at kinalat ang kaniyang mga kaaway — mga boltahe ng kidlat at ikinalat ito. 16 Pagkatapos nagkaroon ng mga daluyan ng tubig; ang mga pundasyon ng mundo ay nagkalat sa sigaw ng digmaan ni Yahweh, sa bugso ng hininga ng mga butas ng kaniyang ilong. 17 Inabot niya pababa mula sa itaas; hinawakan niya ako! Hinila niya ako palabas ng umaalon na tubig. 18 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway, mula doon sa napopoot sa akin, dahil masyado silang malakas sa akin. 19 Dumating sila laban sa akin sa araw ng aking pagkabalisa, pero si Yahweh ang umalalay sa akin. 20 Dinala rin niya ako sa isang malawak na lugar. Iniligtas niya ako dahil nasiyahan siya sa akin. 21 Ginantimpalaan ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran; binalik niya ako sa sukat ng kalinisan ng aking mga kamay. 22 Dahil pinanatili ko ang mga kaparaanan ni Yahweh at hindi gumawa ng kasamaan sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aking Diyos. 23 Dahil ang lahat ng kaniyang matuwid na mga utos ay nasa harapan ko; para sa kaniyang mga batas, hindi ako tumalikod palayo sa mga ito. 24 Naging walang sala rin ako sa harapan niya, at pinanatili kong malayo ako mula sa kasalanan. 25 Kaya ibinalik ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran, sa antas ng aking kalinisan sa kaniyang paningin. 26 Sa isang tapat, ipinakita mo ang iyong sarili na maging tapat; sa isang tao na walang sala, ipinakita mo ang iyong sarili na maging walang sala. 27 Sa mga dalisay ipinakita mo ang iyong sariling dalisay, pero ikaw ay matigas sa baluktot. 28 Iniligtas mo ang mga taong nasaktan, pero laban ang iyong mga mata sa mayayabang, at ibinababa mo sila. 29 Dahil ikaw ang aking lampara, Yahweh. Inilawan ni Yahweh ang aking kadiliman. 30 Dahil sa pamamagitan kaya kong tumakbo sa ibabaw ng barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos makakatalon ako sa ibabaw ng isang pader. 31 Para sa Diyos, ang kaniyang paraan ay tama. Ang salita ni Yahweh ay dalisay. Siya ay isang panangga sa bawat taong nagkukubli sa kaniya. 32 Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos? 33 Ang Diyos ay aking kanlungan, at pinamunuan niya ang walang salang tao sa kaniyang daraanan. 34 Ginawa niyang matulin ang aking mga paa gaya ng isang usa at inilagay ako sa mga bundok. 35 Sinanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan, at ang aking mga braso para iyuko ang isang tanso na pana. 36 Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan, at ang iyong biyaya ay gumawa sa akin ng dakila bagay. 37 Gumawa ka ng isang malapad na lugar para sa aking mga paa na tinatapakan ko, para hindi dumulas ang aking mga paa. 38 Hinabol ko ang aking mga kaaway at winasak sila. Hindi ako tumalikod hanggang sila ay mawasak. 39 Nilamon ko sila at binasag sila; hindi sila makakabangon. Bumagsak sila sa ilalim ng aking mga paa. 40 Nilagyan mo ako ng lakas gaya ng isang sinturon para sa labanan; inilagay mo ako sa ibaba sa mga lumalaban sa akin. 41 Binigay mo sa akin ang likod ng aking mga kaaway; Winasak ko ang mga galit sa akin. 42 Umiyak sila para tulungan, pero walang isang naligtas sa kanila; umiyak sila kay Yahweh, pero hindi siya sumagot sa kanila. 43 Hinampas ko sila hanggang maging mga piraso tulad ng alikabok sa lupa, pinulbos ko sila gaya ng putik sa mga kalye. 44 Iniligtas mo rin ako mula sa mga alitan ng sarili kong mga tao. Pinanatili mo ako bilang ulo ng mga bansa. Sa mga tao na hindi ko alam kung pinaglilingkuran ako. 45 Pinilit ang mga dayuhan na yumuko sa akin. Nang panahon na narinig nila ako, sinunod nila ako. 46 Dumating na nanginginig ang mga dayuhan palabas sa kanilang mga kuta. 47 Buhay si Yahweh! Nawa'y purihin ang aking bato. Nawa'y maitaas ang Diyos, ang bato ang aking kaligtasan. 48 Ito ang Diyos na nagsasagawa ng paghihiganti para sa akin, ang siyang nagdadala pababa sa mga tao sa ilalim ko. 49 Ginawa niya akong malaya mula sa aking mga kaaway. Sa katunayan, itinaas mo ako sa ibabaw ng mga lumalaban sa akin. Iniligtas mo ako mula sa marahas na kalalakihan. 50 Kung kaya magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yahweh, sa piling ng mga bansa; Aawit ako ng mga pasasalamat sa iyong pangalan. 51 Nagbibigay ng dakilang tagumpay ang Diyos sa kaniyang hari, at ipinapakita niya ang kaniyang katapatang tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman."

Chapter 23

1 Ngayon, ito ang mga huling sinabi ni David—David na lalaking anak ni Jesse, ang taong mataas na kinikilala, ang siyang pinahiran ng langis ng Diyos ni Jacob, ang matamis na manunulat ng awit ng Israel. 2 "Nangusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh at nasa aking dila ang kaniyang salita. 3 Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos. 4 Siya ay magiging tulad ng liwanag sa umaga sa pagsikat ng araw, isang umaga na walang mga ulap, sa pag-usbong ng malambot na mga damo mula sa lupa sa pamamagitan nang maliwanag na sinag ng araw pagkatapos ng ulan. 5 Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin? 6 Pero ang lahat ng mga walang kabuluhan, magiging katulad ng mga tinik na itatapon, dahil walang mga kamay ang makakapagtipon sa kanila. 7 Ang taong gagalaw sa kanila, kailangang gumamit ng kasangkapang bakal o tungkod ng sibat. Kailangan silang tupukin kung saan sila nakakalat.'" 8 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: Jesbaal na Hacmonita na naging pangulo ng mga magiting na kawal. Nakapatay siya ng walong daang tao sa isang pagkakataon. 9 Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel. 10 Nanatili si Eleazar at nilabanan ang mga taga-Filisteo hanggang sa napagod ang kaniyang kamay at nanigas ang kaniyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang espada. Nagdala ng tagumpay si Yahweh sa araw na iyon. Bumalik ang hukbo pagkatapos ni Eleazar, para lang hubaran ang mga katawan. 11 Sumunod sa kaniya si Samma na lalaking anak ni Age, isang Hararita. Sama-samang nagtipon ang mga taga-Filisteo kung saan may bukid ng mga lentil, at tinakasan sila ng hukbo. 12 Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh. 13 Tatlo sa tatlumpung tauhan ang bumaba papunta kay David sa panahon ng ani, sa kuweba ng Adullam. Nakakampo ang hukbo ng mga taga-Filisteo sa lambak ng Refaim. 14 Si David noon ay nasa kaniyang tanggulan, isang yungib, habang nagtatag ang mga taga-Filisteo sa Bethlehem. 15 Nagnais si David ng tubig at sinabing, "Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!" 16 Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh. 17 Pagkatapos sinabi niya, "Huwag nawa pahintulutan, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay?" Kaya tumanggi siyang ininumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong magigiting na lalaki. 18 Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal. 19 Hindi ba mas kilala siya kaysa tatlong kawal? Ginawa nila siyang kapitan. Gayunman, hindi napantayan ng kaniyang katanyagan ang katanyagan ng tatlong pinakakilalang mga kawal. 20 Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe. 21 At pinatay niya ang isang napakalaking lalaking taga-Ehipto. May hawak na sibat ang taga-Ehipto, pero nakipaglabanan si Benaias sa kaniya gamit lamang ang isang tungkod. Inagaw niya mula sa kamay ng taga-Ehipto at pinatay siya gamit ang kaniyang sariling sibat. 22 Ginawa ni Benaias anak na lalaki ni Joaida itong mga kahanga-hangang gawa, at pinangalanan siya kasama ng tatlong magigiting na lalaki. 23 Labis siyang hinangaan kaysa sa tatlumpung kawal sa pangkalahatan, pero hindi siya labis na hinahangaan gaya ng tatlong pinaamahusay na kawal. Pero ginawa siya ni David na tagapamahala ng kaniyang mga tagabantay. 24 Kasali sa tatlumpu ang mga sumusunod na lalaki: Asahel lalaking kapatid ni Joab, Elhanan lalaking anak ni Dodo na mula sa Betlehem, 25 Samma na Horodita, Elika na Harodita, 26 Helez na Paltita, Ira na lalaking anak ni ekis na taga-Tekoa, 27 Abi Ezer na taga-Anatot, Mebunai na taga-Husa, 28 Zalmon na taga-Aho, Maharai na Netofa; 29 Heleb lalaking anak ni Baana, taga-Netofa, Itai lalaking anak ni Ribai na mula sa Gibea ng mga lahi ni Benjamin, 30 Benaias ang Piraton, Hidai ng mga lambak ng Gaas. 31 Abialbon na Araba, Azmavet na Bahurim, 32 Eliahba na taga-Saalbon, mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan; 33 Samma na taga-Arar, Ahiam anak ni Sharar na taga-Arar, 34 Elifelet lalaking anak ni Ahasbai na taga-Maaca, Eliam lalaking anak ni Ahithofel na taga-Gilo, 35 Hezro na taga-Carmel, Paarai ang Arab 36 Igal lalaking anak ni Natan mula sa Zoba, Bani mula sa lipi ni Gad, 37 Zelek na taga-Ammon, Naharai na taga-Beerot, tagadala ng baluti kay Joab lalaking anak ni Zeruias, 38 Ira na taga-Jatir, Gareb taga-Jatir, 39 Urias ang Heteo— tatlumpu't pito lahat.

Chapter 24

1 Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, "Bilangin ang Israel hanggang Juda". Pagkatapos sinabi ni David "Sige, bilangin ang Israel at Juda." 2 Sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo na kasama niya, "Puntahan ang lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba at bilangin ang lahat ng mga tao, para malaman ko ang buong bilang ng mga kalalakihang akma para sa digmaan." 3 Sinabi ni Joab sa hari, "Paramihin nawa ni Yahweh ang bilang ng mga tao ng sandaang ulit at makita nawa'y makita nga mga mata nag aking panginoon ang hari ang katuparan. Pero bakit kaya ito ang nais ng aking hari?" 4 Gayunman, tapos na ang salita ng hari laban kay Joab at laban sa mga pinuno ng hukbo. Kaya umalis si Joab at ang mga pinuno mula sa harapan ng hari para bilangin ang mga tao ng Israel. 5 Tumawid sila ng Jordan at nagkampo malapit sa Aroer, timog sa lungsod sa lambak. Pagkatapos dumaan sila sa Gad patungong Jazer. 6 Dumating sila sa Galaad at sa lupain ng Tatim Hodsi, pagkatapos sa Dan Jaan at paikot papuntang Sidon. 7 Narating nila ang tanggulan ng Tiro at ang lahat ng lungsod ng mga Hivita at mga Cananeo. Pagkatapos lumabas sila ng Negev sa Juda sa Beer-seba. 8 Nang malagpasan sa buong lupain, bumalik sila sa Jerusalem matapos nilang malibot ang buong lupain pagkalipas ng siyam na buwan at dalawampung araw. 9 Pagkatapos inulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng bilang ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa Israel, mayroong 800, 000 na matatapang na kalalakihang bumunot ng espada at ang mga tauhan sa Juda, 500, 000 kalalakihan. 10 Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, "Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan." 11 Nang bumangon si David kinaumagahan, ang salita ni Yahweh ay dumating kay propetang Gad na tagahatid ng pangitain ni David na nagsasabing, 12 "Sabihan si David: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Bibigyan kita ng tatlong pagpipilian, pumili ka ng isa sa mga iyon."'" 13 Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, "Tatlong taon ba na taggutom ang darating sa iyo sa iyong lupain? O tatakas ka ng tatlong buwan mula sa iyong mga kaaway habang hinahabol ka nila? O magkakaroon ng salot sa iyong lupain sa loob ng tatlong araw? Pag-isipan mo ngayon anong sagot ang ibabalik sa kaniya na nagpadala sa akin." 14 Pagkatapos sinabi ni David kay Gad, "Hirap na hirap ang aking kalooban. Hayaang mahulog tayo sa kamay ni Yahweh kaysa mahulog sa mga kamay ng mga tao, napakadakila ng kaniyang mga mahabaging gawa." 15 Kaya nagpadala si Yahweh ng salot mula umaga hanggang sa taning na oras, at pitumpung libong tao ang namatay mula Dan hanggang Beer-seba. 16 Nang inabot ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ito, nagbago ang ang isip ni Yahweh tungkol sa kapahamakan, at sinabi sa anghel na pumupuksa sa mga tao, "Tama na! Iatras mo ngayon ang iyong kamay." Nakatayo noon ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo. 17 At nakipag-usap si David kay Yahweh nang makita niya ang anghel na sumugod sa mga tao at sinabing, "Nagkasala ako" at "labis akong nagkamali. Pero itong mga tupa, ano ang kanilang nagawa? Pakiusap, hayaang ako at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan ng inyong kamay!" 18 Pagkatapos pumunta si Gad nang araw na iyon kay David at sinabi sa kaniya, "Umakyat ka at gumawa ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo." 19 Kaya umakyat si David gaya ng itinagubilin ni Gad na gawin niya, gaya ng inutos ni Yahweh. 20 Tumingin sa labas si Arauna at nakitang papalapit na ang hari at ang kaniyang mga lingkod. Kaya lumabas si Arauna at yumukod sa hari na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. 21 Pagkatapos sinabi ni Arauna, "Bakit narito ang aking panginoon ang hari sa aking harapan, na kaniyang lingkod?" Sumagot si David, "Para bilhin ang iyong giikan, para makagawa ako ng altar para kay Yahweh, para maalis ang salot mula sa mga tao." 22 Sinabi ni Arauna kay David, "Kunin mo ito bilang sa iyo, aking panginoon ang hari. Gawin mo rito kung ano ang tama sa iyong paningin. Tingnan mo, narito ang mga lalaking baka para sa sinunog na handog at mga kareta ng giikan at mga pamatok ng lalaking baka para panggatong. 23 Ako, si Arauna, ibibigay ang lahat ng ito sa iyo, aking hari." Pagkatapos sinabi niya sa hari, "Tanggapin ka nawa ni Yahweh na iyong Diyos." 24 Sinabi ng hari kay Arauna, "Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin." Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak. 25 Gumawa roon ng altar si David para kay Yahweh at naghandog doon ng mga sinunog na handog at mga handog ng pagtitipon-tipon. Kaya nasiyahan si Yahweh para sa lupain at nahinto ang salot sa Israel.