Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Exodus

Exodus 1

Exodus 1:1-7

Sa anong bayan sumama kay Jacob ang mga anak na lalaki ni Israel?

Ang mga anak na lalaki ni Israel ay sumama kay Jacob sa Ehipto.

Exodus 1:8-10

Sino ang walang pakialam sa alaala ni Jose?

Isang bagong hari ang namahala sa Ehipto, na walang pakialam sa alaala ni Jose.

Ano kaya ang iniisip ng hari ng taga-Ehipto na mangyari kapag hindi sila makipag-ugnayan ng may karunungan sa mga Israelita?

Ang hari ng mga taga-Ehipto ay natatakot na ang mga Israelita ay patuloy na dumarami, at kung may puputok na digmaan, sasali sila sa mga kaaway ng mga taga-Ehipto, makikipaglaban sa kanila at umalis sa lupain.

Exodus 1:11-22

Paano inaapi ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ang mga Israelita?

Inaapi ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ang mga Israelita ng mabibigat na trabaho.

Exodus 2

Exodus 2:3-4

Sa kung ano ng babaeng Levi sinelyohan ang basket na papirus?

Sinelyohan niya ang basket na papirus ng asplato at alkitran.

Exodus 2:5-6

Ano ang ginawa ng anak na babae ni Paraon habang ang kaniyang mga katulong ay naglalakad sa tabing ilog?

Pumunta ang anak na babae ni Paraon sa ilog para maligo habang naglalakad ang kaniyang mga katulong sa tabing ilog.

Exodus 2:7-12

Sino ang kinuha ng batang babae para alagaan ang bata para sa anak na babae ni Paraon?

Umalis ang batang babae at dinala ang ina ng bata para alagaan ang bata para sa anak na babae ni Paraon.

Exodus 2:13-14

Nang mag-labanan ang dalawang lalaking Hebreo, sino ang tinanong ni Moises, "Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?

Nang mag-labanan ang dalawang lalaking Hebreo, sinabi ni Moises sa isang nakagawa ng kamalian, "Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?"

Exodus 2:15-25

Bakit hindi pinatay ni Paraon si Moises?

Sinubukan ni Paraon na patayin si Moises. Pero tumakas si Moises kay Paraon at namalagi sa lupain ng Midian.

Exodus 3

Exodus 3:1-3

Sino ang biyenang lalaki ni Moises?

Si Jetro, ang pari ng Midian, ay ang biyenang lalaki ni Moises

Exodus 3:4-18

Sino ang tumawag kay Moises mula sa mababang puno?

Ang Diyos ang tumawag kay Moises mula sa mababang puno?

Exodus 3:19-22

Ang hari ng taga-Ehipto ay hindi papayagan ang mga Israelita na umalis maliban kung ano ang mangyari?

Ang hari ng taga-Ehipto ay hindi papayagan ang mga Israelita na umalis maliban kung ang kaniyang kamay ay pilitin.

Exodus 4

Exodus 4:4-5

Ano ang nangyari sa tungkod ni Moises nang inihagis niya ito sa lupa?

Naging ahas ang tungkod ni Moises nang inihagis niya ito sa lupa.

Saang bahagi ng ahas ang dapat hawakan ni Moises?

Dapat hawakan ni Moises ang ahas sa buntot.

Exodus 4:6-13

Ano ang nangyari nang alisin ni Moises ang kaniyang kamay mula sa loob ng kaniyang balabal?

Nang unang inalis ni Moises ang kaniyang kamay mula sa loob ng kaniyang balabal ay naging ketongin ito.

Exodus 4:14-20

Ano ang naramdaman ni Aaron nang makita niya si Moises?

Nagiging masaya si Aaron sa kaniyang puso nang makita niya si Moises.

Exodus 4:21-23

Bakit pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon?

Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi niya hinayaang umalis ang bayan.

Exodus 4:24-26

Nang huminto sila kinagabihan, ano ang sinubukang gawin ni Yahweh kay Moises?

Nang huminto sila kinagabihan, nakipagkita si Yahweh kay Moises at sinubukan siyang patayin

Exodus 4:27-31

Saan nakipagkita si Aaron kay Moises?

Nakipagkita si Aaron kay Moises doon sa bundok ng Diyos.

Exodus 5

Exodus 5:1-2

Bakit dapat hayaan ni Paraon na umalis ang bayan ni Yahweh?

Dapat nilang hayaan ang bayan ni Yahweh na umalis, upang sila ay magkaroon ng pagdiriwang para sa kaniya sa ilang.

Exodus 5:3-5

Bakit dapat umalis ang mga Israelita sa tatlong araw na paglalakbay doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na kanilang Diyos?

Ang mga Israelita ay dapat tumungo sa ilang ng tatlong araw na paglalakbay at mag-alay kay Yahweh na kanilang Diyos upang hindi sila salakayin ng mga salot o tabak.

Exodus 5:6-14

Kanino ibinigay ni Paraon ang isang utos na hindi na kailanman bibigyan ang mga Israelita ng mga dayami para gumawa ng mga laryo?

Binigay ni Paraon ang utos sa mga katiwala sa mga tao at mga kapatas na hindi na kailanman bigyan ang mga Israelita ng mga dayami para gumawa ng mga laryo.

Exodus 5:15-21

Kaninong kasalanan iyon na ang kapatas ng mga Israelita ay binugbog?

Iyon ay kasalanan ng sariling tauhan ni Paraon na ang mga kapatas ng Israelita ay binugbog.

Exodus 5:22-23

Sino ang sinabi ni Moises na nagdulot ng panganib sa bayan ng Israel?

Sinabi ni Moises na ang Panginoon ang nagdulot ng panganib sa bayan ng Israel.

Exodus 6

Exodus 6:1

Bakit hahayaan ni Paraon ang bayan ng Israel na umalis?

Hahayaan ni Paraon na umalis ang bayan ng Israel dahil sa malakas na kamay ni Yahweh.

Exodus 6:2-7

Paano nagpakita si Yahweh kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob?

Nagpakita si Yahweh kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob bilang Diyos na makapangyarihan.

Exodus 6:8-19

Ano ang ibibigay ni Yahweh sa mga Israelita bilang pag-aari?

Ibibigay ni Yahweh ang lupain na kaniyang ipinangako na ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob sa mga Israelita bilang pag-aari.

Exodus 6:20-22

Sino ang pinakasalan ni Amram?

Pinakasalan ni Amram si Jochebed, ang kapatid na babae ng kaniyang ama.

Exodus 6:23-25

Sino ang nagsilang kina Nadab at Abihu?

Si Elisheba ang nagsilang kina Nadab at Abihu.

Exodus 6:26-30

Paano dapat dalhin palabas nila Aaron at Moises ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto?

Sina Aaron at Moises ay dapat dalhin palabas ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang pangkat ng mga lalaking mandirigma.

Exodus 7

Exodus 7:1-2

Ano ang ginawa ni Yahweh na maging tulad si Moises kay Paraon?

Ginawa ni Yahweh si Moises na parang isang diyos kay Paraon.

Exodus 7:3-10

Ano ang gagawin ni Yahweh sa puso ni Paraon?

Patitigasin ni Yahweh ang puso ni Paraon.

Exodus 7:11-18

Paano naging mga ahas ang mga tungkod ng mga matatalino at salamangkero ni Paraon?

Naging mga ahas ang mga tungkod ng mga matatalino at salamangkero ni Paraon sa pamamagitan ng kanilang salamangka.

Exodus 7:19-25

Anong tubig ang magiging dugo?

Magiging dugo ang mga ilog ng Ehipto, mga batis, mga lawa at lahat ng kanilang mga tubigan, at kahit ang tubig sa mga lalagyang kahoy at bato ay magiging dugo.

Exodus 8

Exodus 8:13-17

Pagkatapos tumawag ni Moises kay Yahweh patungkol sa mga palaka, ano ang nangyari sa kanila?

Pagkatapos tumawag ni Moises kay Yahweh patungkol sa mga palaka, ang mga palaka ay namamatay sa mga bahay, sa mga patyo at sa mga bukid.

Exodus 8:18-21

Nang ang mga salamamgkero ay nagsubok gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng mga niknik, ano ang nangyari?

Nagsubok ang mga salamamgkero gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng mga niknik, pero hindi nila ito nagawa.

Exodus 8:22-24

Bakit walang langaw sa Gosen?

Tinuturing ni Yahweh ang lupain ng Gosen na kakaiba, kaya walang kuyog ng langaw ang naparoon. Nangyari ito upang malaman ni Paraon na si Yahweh ay nasa kalagitnaan ng kalupaing ito.

Exodus 8:25-32

Bakit hindi nag-alay ang mga Israelita roon sa Ehipto?

Ang mga pag-alay ng mga Israelita para kay Yahweh na kanilang Diyos ay karumal-dumal sa paningin ng mga taga-Ehipto.

Exodus 9

Exodus 9:8-10

Ano ang magiging pinong alabok sa buong lupain ng Ehipto?

Mga abo galing sa hurno na magiging alabok sa buong lupain ng Ehipto.

Exodus 9:11-14

Bakit hindi pinigilan ng mga salamangkero si Moises?

Hindi na mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa.

Exodus 9:15-19

Bakit hindi iniunat ang kamay ni Yahweh at nilusob si Paraon at ang kaniyang mga tauhan na may mga karamdaman at puksain sila sa lupain?

Hindi nilusob ni Yahweh si Paraon at ang kaniyang mga tauhan para ipakita sa kanila ang kaniyang kapangyarihan, upang ang kaniyang pangalan ay kumalat sa buong mundo.

Exodus 9:20-26

Sino ang nagdala ng mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay?

Sila ay ang mga alipin ni Paraon na naniwala sa mensahe ni Yahweh at nagmamadali silang dalhin ang kanilang mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay.

Exodus 9:27-35

Sa panahon na umulan ng yelo, ano ang inamin ni Paraon?

Sinabi niya na siya ay nagkasala sa oras na iyon. Si Yahweh ay matuwid, ako at ang mga tauhan ko ay masasama.

Exodus 10

Exodus 10:1-4

Bakit pinatigas ni Yahweh ang puso ng Paraon at ng kaniyang mga lingkod?

Pinatigas ni Yahweh ang puso ng Paraon at ng kaniyang mga lingkod upang maipakita ang mga palatandaan ng kaniyang kapangyarihan sa kanila. Ginawa niya rin ito upang maikuwento ng mga Israelita sa kanilang mga anak at mga kaapu-apuhan ang mga bagay na kaniyang ginawa.

Exodus 10:5-8

Anong hayop ang tatakip sa ibabaw ng lupa nang wala ni isang makakakita ng lupa?

Ang mga balang ang tatakip ng ibabaw ng lupain nang wala ni isang makakakita ng lupa.

Exodus 10:9-15

Ano ang sinabi ng Paraon nang sinabi ni Moises sa kaniya na aalis ang mga Israelita kasama ang kanilang mga bata at mga matatanda, kasama ang kanilang mga anak na lalaki at mga babae?

Sinabi ng Paraon, "Hindi! Lumakad kayo, ngunit ang mga lalake lamang na nasa inyo,".

Exodus 10:16-18

Ano ang sinabi ni Paraon sa kaniyang ginawa laban kay Yahweh?

Sinabi ni Paraon na siya ay nagkasala laban kay Yahweh na Diyos ni Moises.

Exodus 10:19-23

Ilang mga balang ang natira sa buong teritoryo ng Ehipto matapos dalhin ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin?

Wala ni isang balang ang natira sa buong teritoryo ng Ehipto matapos dalhin ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin.

Exodus 10:24-29

Matapos ang kadiliman, ano ang sinabi ng Paraon na dapat maiwan kapag umalis ang mga Israelita para magsamba kay Yahweh?

Sinabi ng Paraon na dapat maiwan ang mga kawan at mga grupo ng mga hayop kapag umalis ang mga Israelita para magsamba kay Yahweh.

Exodus 11

Exodus 11:1-5

Ano ang hiningi ng mga Israelitang lalaki at babae sa kanilang kapitbahay na babae o lalaki pagkatapos ng huling salot?

Bawat Israelita na lalaki at babae ay dapat humingi sa kanilang kapitbahay na lalaki o babae ng alahas na pilak, alahas na ginto matapos ang huling salot.

Exodus 11:6-10

Kailan nagkaroon ng isang matinding panaghoy sa lahat ng buong lupain ng Ehipto tulad ng isang dahilan sa huling salot na nangyari?

Wala nang hihigit pa sa napakatinding pag-iyak, na hindi na mangyayari kailanman.

Exodus 12

Exodus 12:3-14

Ano ang gagawin ng bawat pamilyang Israelita sa ikasampung araw sa unang buwan?

Sa ikasampung araw ng buwan na ito ang bawat pamilya ay dapat kumuha ng tupa o batang kambing para sa kanila.

Exodus 12:15-22

Ano ang mangyayari sa sinumang kakain ng tinapay na may lebadura mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw?

Sinumang kumain ng may pampaalsang tinapay mula sa unang araw hanggang sa ikapitong araw, ang taong iyon ay dapat palayasin sa lupain ng Israel.

Exodus 12:23-25

Kailan lalagpasan ni Yahweh ang pintuan ng sinuman?

Lalagpasan ni Yahweh ang pintuan ng sinuman kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng balangkas ng pintuan at sa magkabilang mga poste.

Exodus 12:26-40

Kapag nagtanong ang mga anak ng Israelita sa kanila, Ano ang ibig sabihin ng kilos ng pagsamba na ito?' ano dapat ang sasabihin nila?

Kapag nagtanong ang mga anak ng Israelita sa kanila, 'Ano ang ibig sabihin ng likos ng pagsamba na ito? at dapat nilang sabihin, 'Ito ay alay sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan ni Yahweh ang mga tahanan ng Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.'"

Exodus 12:41-42

Gaano katagal namalagi ang mga Israelita sa Ehipto?

Sila ay nasa Ehipto ng 430 na taon.

Exodus 12:43-51

Sino ang hindi maaaring makibahagi sa pagkain ng Paskua?

Walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain ng Paskua.

Exodus 13

Exodus 13:1-16

Kanino bang pag-aari ang mga panganay na anak?

Ang mga panganay na anak ay kay Yahweh.

Exodus 13:17-18

Bakit hindi pinangunahan ng Diyos ang mga Israelita sa landas patungo sa lupain ng mga Palestina?

Hindi sila pinangunahan ng Diyos sa landas patungo sa lupain ng mga Palestina. Sapagkat sinabi ng Diyos, "Marahil magbabago ang mga tao ng kanilang mga isipan kung makakaranas sila ng digmaan at bumalik na lamang sa Ehipto."

Exodus 13:19-22

Ano ang taimtim na pinanumpa ni Jose sa mga Israelita?

Taimtim na pinanumpa ni Jose ang mga Israelita, "Kailangan ninyong dalhin papalayo ang aking mga buto kasama ninyo.".

Exodus 14

Exodus 14:21-31

Gaano katagal binalik ni Yahweh ang dagat galing sa pagkahati nito sa pamamagitan ng isang malakas na silangang hangin?

Sa pamamagitan ng isang malakas na hangin ibinalik ni Yahweh ang dagat ng gabing iyon.

Exodus 15

Exodus 15:1-13

Sino ang itinapon ni Yahweh sa dagat?

Itinapon ni Yahweh ang kabayo at ang tagasakay nito sa dagat.

Exodus 15:14-16

Ano ang gagawin ng mga tao kapag narinig nila si Yahweh na tagapagligtas ng mga Israelita?

Ang mga tao ay makakarinig, at sila ay manginginig.

Exodus 15:17-27

Saan dadalhin ni Yahweh ang mga Israelita?

Dadalhin ni Yahweh ang mga Israelita at itatanim sila sa bundok na kaniyang mana, ang lugar na ginawa ni Yahweh upang matirahan.

Exodus 16

Exodus 16:1-3

Nasaan ang ilang ng Sin?

Ang ilang ng Sin ay nasa gitna ng Elim at Sinai.

Exodus 16:4-5

Bakit lalabas ang mga tao at magtitipon ng pang isang araw na bahagi bawat araw?

Lalabas ang mga tao at magtitipon ng pang isang araw na bahagi bawat araw upang si Yahweh ay subukan sila para makita kung sila ay lalakad o hindi sa kaniyang batas.

Exodus 16:6-21

Paano malalaman ng mga Israelita na inilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto?

Malalaman ng mga Israelita na inilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto kapag binigyan sila ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana.

Exodus 16:22-23

Gaano karaming tinapay ang tinipon ng mga Israelita sa ikaanim na araw?

Sa ikaanim na araw nagtipon sila ng makalawang dami ng tinapay, dalawang omer para sa bawat tao.

Exodus 16:24-30

Ano ang nangyari sa tinapay ni Yahweh na itinabi hanggang sa ikapitong araw?

Ang tinapay ni Yahweh na itinabi hanggang sa ikapitong araw ay hindi bumaho, ni nagkaroon ito ng uod.

Exodus 16:31-32

Ano ang manna?

Ang manna ay puti tulad buto ng kulantro, at ang lasa ay parang mga apa na ginawang may pulot.

Exodus 16:33-36

Saan itatago ang isang omer ng manna?

Ilalagay ang isang omer ng manna sa isang palayok at itatago sa tabi ng mga kautusang tipan sa kaban.

Exodus 17

Exodus 17:1-3

Bakit sinisi ng mga tao si Moises sa kanilang kalagayan?

Sinisi nila si Moises sa kanilang kalagayan dahil wala na silang tubig na maiinom.

Exodus 17:4-10

Ano ang kinakatakutan ni Moises sa mga tao na gagawin nila sa kaniya?

Kinakatakutan ni Moises na handa siyang babatuhin ng mga Israelita.

Exodus 17:11-13

Anong nangyari ng itinaas ni Moises ang kaniyang mga kamay, at kapag pinagpahinga niya ang mga ito?

Nananalo ang mga taga-Israel, habang itinataas ni Moises ang kaniyang mga kamay, nang ipinapapahinga niya ang kaniyang mga kamay, nagsimulang manalo ang mga Amalek.

Exodus 17:14-16

Bakit sinabihan ni Yahweh si Moises na sumulat siya tungkol sa digmaan laban sa Amalek?

Sinabihan ni Yahweh si Moises na isulat ang tungkol sa digmaan sa isang aklat, dahil ganap na tatanggalin ni Yahweh ang ala-ala ng Amelek mula sa ilalim ng kalangitan.

Exodus 18

Exodus 18:1-6

Sino si Jetro?

Si Jetro ay isang pari ng Midian, at biyenan ni Moises.

Exodus 18:7-8

Paano binati ni Moises ang kaniyang biyenan?

Lumuhod siya, at humalik sa kaniya.

Exodus 18:9-11

Ano ang ikinagalak ni Jetro?

Ikinagalak ni Jetro ang lahat ng mabubuting ginawa ni Yahweh para sa Israel, sapagkat niligtas sila ni Yahweh mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto.

Exodus 18:12

Sino ang kumain ng inihain sa harapan ng Diyos?

Si Aaron at ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel ang kumain ng pagkain sa harap ng Diyos kasama ang biyenan ni Moises.

Exodus 18:13-14

Gaano katagal tumayo ang mga tao na nakapalibot kay Moises habang nakaupo siya upang hatulan ang mga tao?

Nakatayo ang mga tao na nakapalibot kay Moises mula umaga hanggang gabi."

Exodus 18:15-16

Bakit lumapit ang mga tao kay Moises?

Lumapit ang mga tao kay Moises upang hingin ang pamamahala ng Diyos. Kapag mayroon silang pagtatalo.

Exodus 18:17-20

Bakit sinabi ni Jetro na hindi mabuti ang ginagawa ni Moises?

Sinabi ni Jetro na hindi mabuti ang ginagawa ni Moises dahil tiyak na manghihina siya at ang lahat na lumapit sa kaniya, dahil mabigat ang pasanin na ito para sa kaniya. Hindi niya ito kayang gawin na mag-isa.

Exodus 18:21-27

Anong klase na mga lalaki ang sinabi ni Jetro kay Moises na pipiliin niya upang mamuno sa mga tao?

Sinabihan ni Jetro kay Moises na pumili ng lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, lalaking may galang sa Diyos, lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan.

Exodus 19

Exodus 19:1-9

Kailan dumating ang bayan ng Israel sa disyerto ng Sinai?

Sa ikatlong buwan pagkatapos ang bayan ng Israel na lisanin mula sa lupain ng Ehipto, sa parehong araw, nakarating sila sa disyerto ng Sinai.

Exodus 19:10-11

Paano itinalaga ng mga tao ang sarili nila?

Kanilang itinalaga ang sarili nila sa pamamagitan ng paghahanda sa pagdating ni Yahweh at sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanilang mga damit.

Exodus 19:12-15

Ano ang mangyayari sa sinumang humawak sa bundok?

Kung sinuman ang humawak sa bundok ay nais talagang mailagay sa kamatayan.

Exodus 19:16-25

Bakit nanginig ang mga tao?

Mayroong kulog at kidlat at isang makapal na ulap sa ibabaw ng bundok at isang napakalakas na tunog ng trumpeta. Kaya,, nanginig ang lahat ng tao na nasa kampo.

Exodus 20

Exodus 20:4-6

Bakit hindi dapat gumawa ang mga Israelita ng inukit na mga hugis o magpatirapa pababa sa kanila?

Hindi dapat gumawa ang mga Israelita ng inukit na mga hugis o magpatirapa pababa sa kanila sapagkat isang selosong Diyos si Yahweh.

Exodus 20:7

Kaninong pangalan na hindi dapat gamitin ng Israelita sa walang kabuluhan?

Hindi dapat nilang gamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na kanilang Diyos.

Exodus 20:8-11

Bakit kailangan panatilihin ng mga Israelita na banal ang araw ng Pamamahinga at magpahinga dito?

Dapat panatilihin ng mga Israelita na banal ang Araw ng Pamamahinga at magpahinga dito, sapagkat sa ikaanim na araw ginawa ni Yahweh ang langit, lupa at dagat at lahat ng bagay dito at nagpahinga sa ikapitong araw.

Exodus 20:12-17

Ano ang resulta para sa mga Israelita ang pagbibigay halaga sa kanilang ama at ina?

Dapat bigyan halaga ng mga Israelita ang kanilang ama at ina para humaba ang kanilang paninirahan sa lupain na ibibigay sa kanila ni Yahweh na kanilang Diyos.

Exodus 20:18-26

Bakit nanginig ang mga tao?

Nakita ng lahat ng tao ang pagkulog at pagkidlat at narinig ang tunog ng trumpeta at nakita ang bundok na umuusok. Nang makita ito ng mga tao, nanginig sila at tumayo sa malayo.

Exodus 21

Exodus 21:1-8

Sino ang dapat maggawad ng mga kautusan sa harapan ng mga Israelita?

Si Moises ang dapat maggawad ng mga kautusan sa harapan ng mga Israelita.

Exodus 21:9-17

Kailan maaaring umalis na malaya ang isang babaeng lingkod na walang babayarang pera?

Kung ang anak ng isang ginoo ay pakakasalan ang isang lingkod na babae at pagkatapos kukuha siya ng isa pang asawa para sa kaniyang sarili, hindi niya maaaring bawasan ang kanIyang pagkain, kaniyang pananamit, o kaniyang karapatan bilang asawa. Ngunit kung ang tatlong bagay na ito ay hindi niya maibibigay sa kaniya, maaari siyang umalis na malaya na walang babayarang anumang pera.

Exodus 21:18-19

Kung ang mga lalaki ay mag-aaway at may isang taong nanakit ng iba gamit ang bato o ang kaniyang kamao, ngunit nahiga lamang sa kaniyang higaan, ano ang dapat gawin ng taong nanakit sa kaniya?

Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong nanakit ng iba gamit ang bato o ang kaniyang kamao, ngunit nahiga lamang sa kaniyang higaan, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon.

Exodus 21:20-21

Kung ang isang tao ay sinaktan ang kaniyang lingkod na lalaki o ang kaniyang lingkod na babae ng kaniyang tungkod, at kung ang lingkod ay nabuhay ng isang araw o dalawa, paano mapaparusahan ang ginoo?

Kung ang isang tao ay sinaktan ang kaniyang lingkod na lalaki o ang kaniyang lingkod na babae ng kaniyang tungkod, at kung ang lingkod ay nabuhay ng isang araw o dalawa, ang ginoo ay hindi na mapaparusahan, dahil siya rin ang magdurusa sa kawalan ng lingkod..

Exodus 21:22-25

Kung nag-aaway-away at nakasakit ang mga lalaki ng isang babaeng buntis at nakunan siya, ngunit wala na siyang ibang sugat, ano ang dapat mangyari sa taong salarin?

Kung nag-aaway away at nakasakit ang mga lalaki ng isang babaeng buntis at nakunan siya, ngunit wala na siyang ibang sugat, tiyak na magmumulta ang taong salarin, kung may mga hinihingi ang asawa ng babae mula sa kaniya, dapat siyang magbayad ayon sa napagpasyahan ng mga hukom.

Exodus 21:26-32

Kung matamaan ng isang lalaki ang mata ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae at nasira ang mata nito, o kung sinuntok niya ang ngipin ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae, ano ang katumbas nito?

Kung matamaan ng isang lalaki ang mata ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae at nasira ang mata nito, o kung sinuntok niya ang ngipin ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat palayain niya ang lingkod bilang katumbas ng kaniyang ngipin.

Exodus 21:33-34

Kung magbubukas ng isang hukay ang isang lalaki, o kung humukay ng isang hukay ang isang lalaki, at hindi niya ito tinakpan at may nahulog na baka o asno sa loob nito, ano ang dapat gawin ng may-ari ng hukay?

Kung magbubukas ng isang hukay ang isang lalaki, o kung humukay ng isang hukay ang isang lalaki, at hindi niya ito tinakpan at may nahulog na baka o asno sa loob nito, kailangang bayaran ng may-ari ng hukay ang nawala.

Exodus 21:35-36

Kung saktan ng baka ng isang tao ang baka ng ibang tao kaya namatay ito, ano ang dapat mangyayari sa baka?

Kung saktan ng baka ng isang tao ang baka ng ibang tao kaya't namatay ito, kailangan nilang ipagbili ang buhay na baka at paghatian nila ang halaga nito kailangan din nilang paghatian ang patay na baka.

Exodus 22

Exodus 22:7-9

Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw sa bahay ng lalaki, ngunit kung ang magnanakaw ay hindi natagpuan, ano ang mangyayari?

Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw sa bahay ng lalaki, kung ang magnanakaw ay natagpuan, kailangang magbayad ng doble ang magnanakaw. Ngunit kung ang magnanakaw ay hindi natagpuan, ang may-ari ng bahay ay kailangang dumulog sa harapan ng mga hukom upang tingnan kung kaniyang nilagay ang kaniyang sariling kamay sa pag-aari ng kaniyang kapitbahay.

Exodus 22:10-15

Kung magbibigay ng isang asno, isang baka o isang tupa o anumang hayop ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay upang ito ay alagaan, at kung namatay o nasaktan o natangay ito nang walang sinumang nakakita, ano ang ibabayad sa pinsala?

Kung magbibigay ng isang asno, isang baka o isang tupa o anumang hayop ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay upang ito'y alagaan, at kung namatay o nasaktan o natangay ito nang walang sinumang nakakita, ang isa ay hindi na kailangang gumawa ng pagbabayad-pinsala.

Exodus 22:16-21

Kung ang isang lalaki ay inakit ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal, at kung ito'y kaniyang sinipingan, paano niya siya dapat gawing kaniyang asawa?

Kung ang isang lalaki ay inaakit ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal, at kung siya ay kaniyang sinipingan, kailangan niyang gawing asawa ang babae sa pamamagitan ng pagbabayad ng kayamanan na kinakailangan para nito.

Exodus 22:22-31

Ano ang maaaring mangyari kung aabusuhin ng mga Israelita ang sinumang balo o mga batang ulila sa ama?

Kung aabusuhin sila ng mga Israelita at kung sila ay tumawag kay Yahweh, tiyak na pakikinggan niya ang kanilang sigaw. Ang kaniyang galit ay magliliyab, at sila'y kaniyang papatayin gamit ang tabak; ang kanilang mga asawa ay magiging mga balo, at ang kanilang mga anak ay magiging ulila sa ama.

Exodus 23

Exodus 23:12-13

Bakit kailangan ng mga Israelita na magpahinga sa ikapitong araw?

Sa ikapitong araw dapat silang magpahinga upang ang kanilang baka at kanilang asno ay magkaroon ng kapahingahan, at upang ang mga anak na lalaki na kanilang aliping babae at sinumang dayuhan ay magkaroon ng kapahingahan at maging masigla.

Exodus 23:14-15

Ano tatlong kapistahan ang dapat idaos ng mga Israelita sa bawat taon para kay Yahweh?

Dapat silang magdaos ng Kapistahan sa Tinapay na Walang Lebadura, ang Kapistahan ng Pag-ani, at ang Kapistahan ng Pagtitipon.

Exodus 23:16-17

Anong tatlong kapistahan ang dapat ipagdiwang ng mga Israelita sa bawat taon para kay Yahweh?

Dapat silang magdiwang ng Kapistahan sa Tinapay na Walang Lebadura, ang Kapistahan ng Pag-ani, at ang Kapistahan ng Pagtitipon.

Exodus 23:18-33

Gaano katagal maaaring manatili ang taba mula sa handog sa kapistahan ni Yahweh?

Ang tabang mula sa handog sa kapistahan ni Yahweh ay hindi dapat manatili ng buong gabi hanggang sa kinaumagahan.

Exodus 24

Exodus 24:1-4

Ilang mga matatanda ang kailangan umakyat upang sumamba kay Yahweh sa malayuan.

70 mga matatanda ang dapat umakyat upang magsamba kay Yahweh sa malayuan.

Exodus 24:5-8

Saan nilagay ni Moises ang dugo ng mga baka na galing sa handog ng pakikipag-isa kay Yahweh?

Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo ng mga baka na galing sa mga handong ng pakikipag-isa para kay Yahweh at nilagay ito sa mga palanggana; kaniyang iwinisik ang natirang kalahati sa altar.

Exodus 24:9-11

Sino ang nakakita kay Yahweh?

Sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at ang pitumpung matatanda ang nakakita kay Yahweh.

Exodus 24:12-13

Bakit binigay ni Yahweh kay Moises ang mga tipak ng bato at ang batas at ang mga utos?

Binigay ni Yahweh kay Moises ang mga tipak ng bato at ang batas at ang mga utos na kaniyang sinulat, upang ituro ni Moises ang mga ito sa kanila

Exodus 24:14-18

Kung ang sinuman ay may isang pagtatalo, kanino siya dapat pumunta?

Kung sinuman ay may isang pagtatalo, dapat siyang pumunta kina Aaron at Hur.

Exodus 25

Exodus 25:1-7

Mula kanino kukunin ng mga Israelita ang isang handog?

Ang mga Israelita ay dapat kumuha ng isang handog mula sa bawat tao na sinumang hinikayat ng pusong maluwag.

Exodus 25:8-9

Bakit gagawa ang mga Israelita ng isang santuwaryo para kay Yahweh?

Ang mga Israelita ay gagawa para kay Yahweh ng isang santuwaryo upang siya ay manirahan sa kanila.

Exodus 25:10-14

Ano ang dapat ibalot ni Moises sa kahoy ng akasya?

Dapat niyang balutin ito sa loob at labas ng purong ginto.

Exodus 25:15-21

Saan dapat manatili ang mga baras?

Ang mga baras ay dapat manatili sa mga argolya ng kaban. Hindi dapat sila kunin mula rito.

Exodus 25:22

Mula saan gusto ni Yahweh makipag-usap kay Moises?

Gusto ni Yahweh na makipag-usap sa kaniya mula sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa, mula sa pagitan ng dalawang kerubin sa itaas ng kaban ng kasunduang kautusan.

Exodus 25:23-30

Anong hangganan ang dapat ilagay ni Moises sa paligid ng itaas ng mesa na kahoy ng akasya?

Dapat siyang maglagay ng isang hanganan sa paligid ng itaas ng mesa na kahoy ng akasya.

Exodus 25:31-32

Gaano karami ang mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa mga gilid ng ilawan ng pu rong gintong pinanday?

Anim na mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa mga gilid nito - tatlong mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa isang gilid, at tatlong mga sa sanga ng ilawan na dapat pahabain mula sa ibang gilid.

Exodus 25:33-34

Sa anong bahagi ng ilawan ang dapat mayroong apat na tasa gawa na kapareho ng almendro na mga bulaklak?

Sa sariling ilawan, ang gitnang katawan ng poste, ay dapat mayroong apat na tasang gawang kapareho ng almendro na mga bulaklak.

Exodus 25:35-40

Ano ang dapat nasa ilalim ng bawat pares ng mga sanga?

Dapat mayroong isang paanan na mabunga sa ilalim ng bawat pares ng mga sanga.

Exodus 26

Exodus 26:1-6

Sino ang kakailanganin ni Moises para gumawa ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila at matingkad na pulang lino na may disenyong kerubin?

Si Moses ay dapat may napakahusay na lalaking manggagawa na gagawa ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila at matingkad na pulang lino na may disenyong kerubin.

Exodus 26:7-11

Mula saan dapat gumawa si Moises ng mga kurtina para sa toldang pantakip sa itaas ng tabernakulo?

Dapat siyang gumawa ng mga kurtinang mula sa balahibo ng kambing para sa itaas ng tabernakulo.

Exodus 26:12-18

Saan dapat nakasabit ang naiwang lukubang bahagi mula sa mga kurtina ng tolda?

Ang naiwang lukubang bahagi mula sa mga kurtina ng tolda ay dapat nakasabit sa likod ng tabernakulo.

Exodus 26:19-37

Bakit may dalawang pundasyon dapat sa ilalim ng bawat tabla?

Dapat may dalawang pundasyon sa ilalim ng bawat tabla upang maging dalawang patungan.

Exodus 27

Exodus 27:3-8

Ano ang dapat gawin ni Moises sa lahat ng mga kasangkapan para sa altar?

Kailangan niyang gawin ang lahat ng mga kasangkapan sa tanso.

Exodus 27:9-21

Anong uri ng mga nakasabit ang dapat nasa bahaging timog ng patyo?

Kailangang mayroong nakasabit na pinong pinulupot na lino isang daang kubit ang haba sa timog na bahagi ng patyo.

Exodus 28

Exodus 28:1-9

Sino ang maglilingkod kay Yahweh bilang mga pari?

Si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar ang maglilingkod kay Yahweh bilang mga pari.

Exodus 28:10-14

Sa anong ayos kinakailangan ang mga pangalang ng labindalawang anak na lalaki ni Israel sa dalawang bato ng onix?

Ang mga pangalan ng labindalawang mga anak na lalaki ni Israel ay kailangan nasa dalawang mga bato ayon sa kanilang kapanganakan.

Exodus 28:15-16

Sa anong hugis dapat ang balutipara sa paggawa ng desisyon?

Ang baluti para sa paggawa ng desisyon ay dapat parisukat.

Exodus 28:17-30

Paano dapat ilagay ang mga mahalagang bato?

Ito ay kailangang nakakabit sa mga lalagyang ginto.

Exodus 28:31-35

Sino ang kailangang gumawa ng balabal ng epod?

Isang manghahabi ang kailangang gumawa ng balabal ng epod.

Exodus 28:36-39

Paano ba dalhin ni Aaron ang anumang pagkakasala na maaaring nakakabit sa pag-alay ng banal na regalo na bininditahan ng mga Israelita?

Dadalhin niya ang anumang pagkakasala na maaaring nakakabit sa pag-aalay ng banal na regalong bininditahan ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagsusuot ng inukitang plato sa kaniyang turbante.

Exodus 28:40-41

Anong kailangang gawin ni Moises para sa karangalang at kaningningan ng mga anak na lalaki ni Aaron?

Kailangan niyang gumawa ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa karangalan at kaningningan ng mga anak na lalaki ni Aaron.

Exodus 28:42-43

Hanggang saan ang matatakpan ng mga salawal?

Mula sa baywang hanggang sa hita ang matatakpan ng salawal.

Exodus 29

Exodus 29:1-2

Ano ang dapat ilagay ni Moises sa isang basket?

Dapat na kunin ni Moises ang tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis at apa na walang lebadurang pinahiran ng langis at ilagay ang mga ito sa isang basket.

Exodus 29:3-20

Ano ang dapat ilagay ni Moises sa isang basket?

Dapat na kunin ni Moises ang tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis at apa na walang lebadurang pinahiran ng langis at ilagay ang mga ito sa isang basket.

Exodus 29:21

Ano ang isasaboy ni Moises kay Aaron, sa kanyang mga damit, sa mga anak na lalaki ni Aaron at sa kanilang mga damit?

Ang isasaboy ni Moises ay ilan sa mga dugo na na mula sa altar at ilan sa binasbasang langis kay Aaron, sa kanyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit.

Exodus 29:22-23

Ano ang dapat itaas ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki sa harapan ni Yahweh bilang paghahandog?

Dapat nilang itaas ang taba ng mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa laman-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay at ang taba sa kanila, at ang kanang hita at isang tinapay, isang mamon ng tinapay na gawa sa langis, at isang apa sa labas ng basket ng tinapay na walang lebadura.

Exodus 29:24-25

Ano ang dapat itaas ni Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki sa harapan ni Yahweh bilang paghahandog?

Dapat nilang itaas ang taba ng mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamanloob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay at ang taba sa kanila, at ang kanang hita at isang tinapay, isang mamon ng tinapay na gawa sa langis, at isang apa sa labas ng basket ng tinapay na walang lebadura.

Exodus 29:26-30

Ano ang dapat mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman?

Ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita ay mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman.

Exodus 29:31-39

Paano dapat lutuin ang lalaking tupa para sa pagtatalaga?

Ang lalaking tupa para sa pagtatalaga ay dapat pakuluan sa banal na lugar.

Exodus 29:40

Ano ang dapat ihandog kasama ng bawat tupa?

Kasama ng bawat tupa, ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ika-apat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ika-apat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog, dapat na ialay.

Exodus 29:41-44

Ano ang dapat ihandog kasama ng bawat tupa?

Kasama ng bawat tupa, ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ika-apat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ika-apat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog, dapat na ialay.

Exodus 29:45-46

Saan gustong manirahan ni Yahweh?

Gustong manirahan ni Yahweh kasama ng mga Israelita at kanilang maging Diyos.

Exodus 30

Exodus 30:10-31

Gaano kadalas dapat si Aaron gumawa ng pambayad sa kasalanan sa mga sungay ng altar ng insenso?

Dapat gumawa ni Aaron ng pambayad sa kasalanan sa altar ng insenso isang beses isang taon.

Exodus 30:32-38

Ano ang hindi dapat magawa sa banal na langis ng pampahid?

Hindi ito dapat mailapat sa balat ng mga tao, ni anumang dapat langis na kaparehong sangkap na ginawa dahil ito ay banal.

Exodus 31

Exodus 31:3-5

Ano ang mga kagalingan na mayroon si Bezabel dahil pinuno siya ni Yahweh ng kaniyang Espiritu?

Pinuno ni Yahweh si Bezabel ng kaniyang Espiritu para magbigay sa kanya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain, para gumawa ng pangsining na mga disenyo at para sa paggawa ng ginto, pilak, at tanso; para rin sa pagputol at paglagay ng mga bato at para sa pag-ukit ng kahoy-- upang gawin ang lahat ng uri ng gawain.

Exodus 31:6-17

Bakit nilagyan ni Yahweh ng kasanayan ang mga puso ng lahat ng matatalino?

Nilagyan ni Yahweh ng kasanayan ang puso ng matatalinong tao ng sa gayon ay magawa nila ang lahat na inutos niya sa kanila.

Exodus 31:18

Sino ang sumulat sa dalawang tapak ng bato ng tipan ng mga kautusan?

Ibinigay ni Yahweh kay Moises ang dalawang tapak ng bato ng tipan ng mga kauutusan, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.

Exodus 32

Exodus 32:1-14

Kailan nagtipon ang mga tao sa harap ni Aaron at tinanong siya na gumawa ng diyus-diyosan?

Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalan sa pagbaba sa bundok, nagtipon sila sa harap ni Aaron at tinanong siya na gumawa ng diyus-diyosan.

Exodus 32:15-16

Sa anong mga bahagi ng mga tipak ng bato si Yahweh sumulat?

Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang bahagi, sa parehong harapan at likuran.

Exodus 32:17-18

Nang narinig ni Josue ang ingay ng mga tao na sila ay nagsigawan, Ano ang naiisip niyang problema?

Nang narinig ni Josue ang ingay ng mga tao habang sila ay nagsigawan naisip niya na mayroong ingay ng labanan sa kampo.

Nang narinig ni Josue ang ingay ng mga tao na sila ay nagsigawan, Ano ang naiisip niyang problema?

Nang narinig ni Josue ang ingay ng mga tao habang sila ay nagsigawan naisip niya na mayroong ingay ng labanan sa kampo.

Exodus 32:19-24

Matapos makita ni Moises ang guya, ano ang ginawa niya sa mga tipak ng bato?

Inihagis niya ang mga tipak ng bato mula sa kanyang mga kamay at biniyak ang mga ito sa paanan ng bundok.

Matapos makita ni Moises ang guya, ano ang ginawa niya sa mga tipak ng bato?

Inihagis niya ang mga tipak ng bato mula sa kanyang mga kamay at biniyak ang mga ito sa paanan ng bundok.

Exodus 32:25-27

Sino ang nagpahaya sa mga tao na mawalan ng pagpipigil?

Hinayaan sila ni Aaron na mawalan ng pagpipigil.

Exodus 32:28-35

Sino ang pumatay sa tatlong libong tao?

Ginawa ng mga Levita kung ano ang iniutos ni Moises at pinatay ang mahigit tatlong libong tao.

Exodus 33

Exodus 33:19-23

Paano ipapakita ni Yahweh kay Moises ang kaniyang kaluwalhatian?

Pararaanin ni Yahweh ang lahat ng kaniyang kabutihan sa harapan ni Moises, at ipapahayag ang kaniyang pangalang 'Yahweh' sa harap ni Moises.

Exodus 34

Exodus 34:1-2

Ano ang isusulat ni Yahweh sa bagong tipak ng mga bato?

Isusulat ni Yahweh sa bagong tipak ng mga bato ang mga salitang nasa naunang tipak ng mga bato, mga tipak ng mga bato na binasag ni Moises.

Exodus 34:3-4

Sino ang pinayagan sa kahit saan man sa bundok?

Wala ni isa maliban kay Moises ang pinayagan sa kahit saan man sa bundok.

Exodus 34:5-9

Nang si Yahweh ay bumaba mula sa alapaap at tumayo kasama ni Moises, ano ang kaniyang binigkas?

Nang si Yahweh ay bumaba sa alapaap at tumayo sa tabi ni Moises, binigkas niya ang pangalang "Yahweh".

Exodus 34:10-11

Ano ang gagawin pa ni Yahweh?

Si Yahweh ay gagawa pa ng tipan.

Exodus 34:12-14

Ano ang mangyayari kung ang mga Israelita ay gagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain na kanilang pupuntahan?

Kung sila ay gagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain na kanilang pupuntahan, ang mga naninirahan ay magiging patibong kasama ng mga Isaraelita.

Exodus 34:15-17

Ano ang mangyayari kung ang mga Israelita ay kakain ng kahit kaunti sa mga alay ng mga naninirahan sa lupain?

Kung ang mga Israelita ay kakain ng kahit kaunting alay ng mga naninirahan sa lupain, sila ay maaaring kukuha ng kahit ilan sa mga anak nilang babae para sa mga anak nilang lalaki, at ang kanilang mga anak na babae ay gagawa ng pangangalunya at sila ay susunod sa kanilang diyos, at gagawin nila ang kanilang mga anak na mga mangangalunya at susunod sa kanilang mga diyos.

Exodus 34:18-20

Bakit kailangang kainin ng mga Israelita ang tinapay na walang lebadura sa pitong araw at sa itinakdang oras sa buwan ng Abib?

Ang mga Israelita ay kailangang kumain ng tinapay na walang lebadura sa pitong araw sa itinakdang oras sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib ang mga Israelita ay lalabas mula sa Ehipto.

Exodus 34:21-22

Ano ang kailangang gawin ng mga Israelita sa ikapitong araw, at kahit sa panahon ng pag-aararo at pag-aani?

Sa ikapitong araw, ang mga Israelita ay kailangang magpahinga. Kahit sa panahon ng pag-aararo at pag-aani.

Exodus 34:23-33

Gaano kadalas kinakailangang ang mga lalaki ay humarap kay Yahweh?

Lahat ng mga lalaki ay kailangang humarap kay Yahweh tatlong beses sa bawat taon.

Exodus 34:34-35

Kailan inalis ni Moises ang takip?

Sa tuwing si Moises ay pupunta sa harap ni Yahweh upang makipag-usap sa kaniya, kailangan niyang alisin ang takip.

Exodus 35

Exodus 35:20-26

Saan pumunta ang lahat ng lipi ni Israel?

Lahat ng lipi ni Israel ay lumisan mula sa harapan ni Moises.

Exodus 35:27-29

Anu-ano ang mga ilalagay sa efod at baluti?

Batong oniks at iba pang mahalagang bato ay ilalagay sa efod at baluti.

Exodus 35:30-35

Kanino tatawag si Yahweh sa pangalan?

Tumawag sa pangalan si Yahweh kay Bezalel, anak ni Uri, anak na lalaki ni Hur, mula sa lahi ni Juda.

Exodus 36

Exodus 36:1-10

Sino ang kailangang gumawa ng trabahong pagtatayo ng santuwaryo?

Sina Bezalel at Oholiab ang gagawa, ganon din ang bawat pusong may karunungan na pinagkalooban ni Yahweh ng kadalubhasaan at pang-unawa na malaman kung paano gagawa ng santuwaryo.

Exodus 36:11-17

Saan gagawa si Bezalel ng mga silo?

Siya ay gagawa ng silo na kulay asul sa sidsid ng bawat piraso ng kurtina, at ganon din sa sidsid ikalawang piraso ng kurtina.

Exodus 36:18-23

Bakit gumawa si Bezalel ng limampung kawit na tanso?

Gumawa si Bezalel ng limampung tansong kawit upang pagsamahin ang mga tolda upang ito ay maging isang piraso

Exodus 36:24-38

Ilang tuntungan ang nasa ilalim ng bawat tabla?

May dalawang tuntungan sa ilalim ng bawat tabla.

Exodus 37

Exodus 37:1-29

Sa anong materyal ginawa ni Bezalel ang kaban?

Ginawa ni Bezalel ang kaban sa kahoy ng akasya

Exodus 38

Exodus 38:1-7

Gaano kahaba at kalapad ang altar para sa mga handog na susunugin?

Ang altar para sa mga handog na susunugin ay limang kubit ang haba at limang kubit ang lapad.

Exodus 38:8-16

Kaninong pag-aari ang mga salamin?

Ang mga salamin ay pag-aari ng mga babaeng naglingkod sa pasukan papunta sa tolda ng pagpupulong.

Exodus 38:17-20

Ilang poste ang nasa patyo ang binalutan ng pilak?

Lahat ng mga poste sa patyo ay binalutan ng pilak.

Exodus 38:21-23

Sino ang namamahala sa mga Levita?

Si Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari ang mamahala sa mga Levita.

Exodus 38:24-31

Ilang ginto ang ginamit sa proyekto?

Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto ay dalawampu't siyam na talento at pitong daan at tatlumpung sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo.

Exodus 39

Exodus 39:10-16

Ilang mga hanay ng mahalagang mga bato ang nasa baluti?

Mayroong apat na hanay ng mahalagang mga bato sa baluti.

Exodus 39:17-20

Ano ang ipinagdudugtong ng mga inilubid na kadena?

Ang ipinagdudugtong ng mga inilubid na kadena ay ang mga dulo ng baluti sa dalawang lalagyan, na nakakabit sa pang-balikat na piraso ng efod sa harapan nito.

Exodus 39:21

Bakit itinali nila ang baluti sa singsing nito sa singsing ng efod na may asul na tali?

Itinali nila ang baluti sa may singsing nito patungo sa singsing ng efod na may asul na tali, para ito ay maikabit sa may bandang taas ng pinong tinahing sinturon ng efod. Ito ay para hindi matanggal sa pagkakakabit ang baluti mula sa efod.

Exodus 39:22-24

Ano ang nasa gitna ng balabal ng efod?

Ang balabal ng efod ay may pasukan para sa ulo sa gitna.

Exodus 39:25-29

Ano ang inilagay nila sa pagitan ng mga kampanilya palibot sa ilalaim na dulo ng balabal?

Inilagay nila ang mga kampanilya sa pagitan ng mga prutas na granada sa paligid ng ilalim na dulo ng gilid ng balabal

Exodus 39:30-43

Ano ang iniukit nila sa plaka ng banal na korona na purong ginto?

Nag-ukit sila ng "BANAL KAY YAHWEH" sa plaka ng banal na korona na purong ginto.

Exodus 40

Exodus 40:3-25

Paano dapat takpan ni Moises ang tipan?

Dapat takpan ni Moises ang tipan gamit ang kurtina.

Exodus 40:26-30

Saan inilagay ni Moises ang gintong altar ng insenso?

Inilagay ni Moises ang gintong altar ng insenso sa loob ng tolda ng pagpupulong sa harap ng kurtina.

Exodus 40:31-38

Gaano kadalas maghugas si Moises, Aaron, at ang kaniyang mga anak na lalaki ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa mula sa palanggana?

Si Moises, Aaron, at ang kaniyang mga anak na lalaki ay naghuhugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa mula sa palanggana sa tuwing sila ay papasok sa tolda ng pagpupulong at tuwing sila ay tutungtong sa altar