Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Matthew

Matthew 1

Matthew 1:1-14

Sa talaan ng angkan ni Jesu-Cristo, sinu-sino ang unang dalawang ninuno na naitala at ipinapakita ng kanilang kahalagahan?

Ang unang dalawang ninuno na nakatala ay sina David at Abraham. [1:1]

Matthew 1:15-17

Sa dulo ng talaan ng angkan, sino ang asawang babae na pinangalanan at bakit siya isinama sa talaan?

Si Maria, ang asawa ni Jose ay nasa talaan dahil sa pamamagitan niya si Jesus ay naisilang. [1:16]

Matthew 1:18-19

Ano ang nangyari kay Maria bago sila nagsama ni Jose?

Si Maria ay nabuntis sa pamamagitan ng Banal na Espiritu bago sila nagsama ni Jose. [1:18]

Anong uri ng lalaki si Jose?

Si Jose ay isang matuwid na lalaki. [1:19]

Ano ang napagpasyahang gawin ni Jose nang malaman niyang nagdadalang tao si Maria?

Napagpasyahan ni Jose na wakasan nang palihim ang kasunduan nila ni Maria na magpakasal. [1:19]

Matthew 1:20-21

Ano ang nangyari kay Jose na nagdulot sa kaniya na magpasyang manatili sa kasunduan nila ni Maria na magpakasal?

Isang anghel ang nagsabi kay Jose sa isang panaginip na tanggapin si Maria bilang kaniyang asawa dahil ang sanggol na kaniyang dinadala ay nabuo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. [1:20]

Bakit sinabihan si Jose na pangalanang Jesus ang sanggol?

Sinabihan si Jose na pangalanang Jesus ang sanggol dahil siya ang magliligtas sa kaniyang mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. [1:21]

Matthew 1:22-23

Ano ang sinabi ng propesiya sa Lumang Tipan na nangyari sa mga kaganapang ito?

Sinabi ng propesiya sa Lumang Tipan na isang birhen ay magsisilang ng isang anak na lalaki at tatawagin nilang Emmanuel ang pangalan niya, na nangangahulugang, "kasama natin ang Diyos." [1:23]

Matthew 1:24-25

Ano ang pinag-iingatan ni Jose na hindi niya magawa hanggang sa ipanganak ni Maria si Jesus?

Pinag-iingatan ni Jose huwag tabihan si Maria sa pagtulog hanggang sa maisilang niya si Jesus. [1:25]

Matthew 2

Matthew 2:1-3

Saan ipinanganak si Jesus?

Si Jesus ay ipinanganak sa Bethlehem ng Judea. [2:1]

Ano ang titulo na ibinigay kay Jesus ng mga pantas mula sa silangan?

Ang mga pantas mula sa silangan ay binigyan si Jesus ng titulong "Hari ng mga Judio". [2:2]

Paano nalaman ng mga pantas na ang Hari ng mga Judio ay naipanganak na?

Nakita ng mga pantas ang bituwin ng hari ng mga Judio sa silangan. [2:2]

Paano tumugon si Haring Herodes sa balitang mula sa mga pantas?

Nang marinig ni Haring Herodes ang balita mula sa mga pantas, siya ay nabagabag. [2:3]

Matthew 2:4-8

Paano nalaman ng mga punong pari at mga eskriba kung saan ipapanganak ang Cristo?

Nalalaman nila ang propesiya na nagsabing, ang Cristo ay ipapanganak sa Bethlehem. [2:5-6]

Matthew 2:9-10

Paano nahanap ng mga pantas ang eksaktong kinaroroonan ni Jesus?

Ang bituwin sa silangan ang nanguna sa kanila hanggang sa ito ay tumigil kung nasaan si Jesus. [2:9]

Matthew 2:11-12

Ilang taon si Jesus nang dumating ang mga pantas upang makita siya.

Si Jesus ay isang sanggol nang dumating ang mga pantas upang makita siya. [2:11]

Ano ang mga kaloob ang ibinigay ng mga pantas kay Jesus?

Nagbigay ang mga pantas kay Jesus ng kaloob na ginto, insenso, at mira. [2:11]

Sa anong daanan dumaan ang mga pantas, at bakit dito sila dumaan?

Dumaan sa ibang daanan pauwi ang mga pantas dahil binalaan sila ng Diyos sa isang panaginip na huwag bumalik kay Herodes. [2:12]

Matthew 2:13-15

Ano ang mga tagubilin na natanggap ni Jose sa isang panaginip?

Tinagubilinan si Jose sa pamamagitan ng isang panaginip na isama si Jesus at Maria at tumakas patungong Egipto, dahil susubukang patayin ni Herodes si Jesus. [2:13]

Anong propesiya ang natupad sa pamamagitan ni Jesus nang bumalik mula sa Egipto?

Ang propesiyang, "Mula sa Egipto, tinawag ko ang aking anak" ay natupad nang bumalik si Jesus mula sa Egipto. [2:15]

Matthew 2:16-18

Anong ginawa ni Herodes nang hindi bumalik ang mga pantas sa kaniya?

Pinatay ni Herodes ang lahat ng mga batang lalaki sa rehiyon ng Bethlehem na may dalawang taong gulang o mas bata pa.

Matthew 2:19-21

Ano ang mga tagubilin ang natanggap ni Jose sa isang panaginip pagkatapos mamatay si Herodes?

Tinagubilinan si Jose sa pamamagitan ng isang panaginip na bumalik sa lupain ng Israel. [2:19-20]

Matthew 2:22-23

Saan nanatili si Jose kasama sina Maria at Jesus upang manirahan?

Nanirahan si Jose kasama sina Maria at Jesus sa Nazaret ng Galilea. [2:22-23]

Anong propesiya ang natupad nang lumipat si Jose sa kanilang bagong kinaroroonan?

Natupad ang propesiya na ang Cristo ay tatawaging Nazareno. [2:23]

Matthew 3

Matthew 3:1-3

Ano ang mensahe na ipinangaral sa ilang ni Juan na Tagapagbautsimo?

Ipinangaral ni Juan, "Magsisi kayo, sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na." [3:2]

Ano ang sinabi ng propesiya na mula kay Isaias na gagawin ni Juan na Tagapagbautismo sa kaniyang pagdating?

Sinabi ng propesiya na si Juan na Tagapagbautsimo ang maghahanda sa daraanan ng Panginoon. [3:3]

Matthew 3:4-6

Ano ang ginagawa ng mga tao habang sila ay binabautismuhan ni Juan?

Naghahayag ng kanilang mga kasalanan ang mga tao habang sila ay binabautismuhan.

Matthew 3:7-9

Ano ang sinabi ni Juan na Tagapagbautsimo na gawin ng mga Pariseo at mga Saduseo?

Sinabi ni Juan na Tagapagbautsimo sa mga Pariseo at mga Saduseo na mamunga sila ng karapat-dapat sa pagsisisi. [3:8]

Ano ang ibinigay na babala ni Juan na Tagapagbautsimo sa mga Pariseo at Saduseo na huwag nilang isipin sa kanilang mga sarili?

Nagbabala si Juan na Tagapagbautsimo sa mga Pariseo at mga Saduseo na huwag nilang isipin na nasa kanila si Abraham bilang kanilang ama. [3:9]

Matthew 3:10-12

Ayon kay Juan, ano ang nangyayari sa bawat puno na hindi mamumunga ng magandang bunga?

Sinabi ni Juan na bawat puno na hindi mamumunga ng magandang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy. [3:10]

Paano magbabautismo ang susunod pagkatapos ni Juan?

Siya na darating pagkatapos ni Juan ay magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sa apoy. [3:11]

Matthew 3:13-15

Ano ang sinabi ni Jesus kay Juan na humikayat kay Juan upang bautismuhan si Jesus?

Sinabi ni Jesus nararapat kay Juan na bautismuhan si Jesus upang matupad ang lahat ng katuwiran. [3:15]

Matthew 3:16-17

Ano ang nakita ni Jesus nang siya ay umahon mula sa tubig?

Nang umahon siya mula sa tubig, nakita ni Jesus ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya. [3:16]

Ano ang sinabi ng tinig na mula sa langit pagkatapos mabautismuhan ni Jesus?

Sinabi ng tinig mula sa langit, "Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinaluluguran." [3:17]

Matthew 4

Matthew 4:1-4

Sino ang nagdala kay Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo?

Dinala ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. [4:1]

Gaano katagal nag-ayuno si Jesus sa ilang?

Nag-ayuno si Jesus sa ilang ng apatnapung araw at apatnapung gabi. [4:2]

Ano ang unang tukso na iniharap ng diyablo kay Jesus?

Tinukso ng diyablo si Jesus na gawing tinapay ang bato. [4:3]

Ano ang sagot ni Jesus sa unang tukso?

Sinabi ni Jesus na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos. [4:4]

Matthew 4:5-6

Ano ang pangalawang tukso ang iniharap ng diyablo kay Jesus?

Tinukso ng diyablo si Jesus na tumalon pababa mula sa templo. [4:5-6]

Matthew 4:7-9

Ano ang sagot ni Jesus sa pangalawang tukso?

Sinabi ni Jesus na hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos. [4:7]

Ano ang pangatlong tukso na iniharap ng diyablo kay Jesus?

Tinukso ng diyablo si Jesus na sambahin siya bilang kapalit ng lahat ng kaharian sa buong mundo. [4:8-9]

Matthew 4:10-13

Ano ang sagot ni Jesus sa pangatlong tukso?

Sinabi ni Jesus na dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at dapat siya lamang ang iyong paglingkuran. [4:10]

Matthew 4:14-16

Ano ang natupad sa pamamagitan ng paglipat ni Jesus sa Capernaum sa Galilea?

Ang propesiya ni Isaias ay natupad kung saan sinabi niyang ang mga tao sa Galilea ay makakakita ng matinding liwanag. [4:15-16]

Matthew 4:17

Anong mensahe ang unang ipinangaral ni Jesus?

Ipinangaral ni Jesus, "Magsisi na kayo, sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na." [4:17]

Matthew 4:18-20

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya kina Pedro at Andres?

Sinabi ni Jesus na gagawin niyang mga mangingisda ng mga tao sina Pedro at Andres. [4:19]

Paano namumuhay sina Pedro at Andres?

Sina Pedro at Andres ay mga mangingisda. [4:18]

Matthew 4:21-22

Paano nabubuhay sina Pedro, Andres, Santiago at Juan?

Sina Pedro, Andres, Santiago at Juan ay mga mangingisda. [4:21]

Matthew 4:23-25

Sa oras na ito, saan pumunta si Jesus upang magturo?

Nagturo si Jesus sa mga sinagoga sa Galilea. [4:23]

Anong uri ng mga tao ang dinala kay Jesus at ano ang ginawa ni Jesus sa kanila?

Ang lahat ng may mga sakit at sinapian ng demonyo ay dinala kay Jesus at pinagaling niya sila. [4:24]

Ilang mga tao ang sumusunod kay Jesus sa oras na ito?

Napakaraming bilang ng mga tao ang sumusunod kay Jesus sa oras na ito. [4:25]

Matthew 5

Matthew 5:1-4

Bakit mapalad ang mga may mabababang loob?

Mapalad ang mga may mabababang loob sapagkat sasakanila ang kaharian ng langit. [5:3]

Bakit mapalad ang mga nahahapis?

Mapalad ang mga nahahapis sapagkat sila ay aaliwin. [5:4]

Matthew 5:5-10

Bakit mapalad ang mga mapagpakumbaba?

Mapalad ang mga mapagpakumbaba sapagkat mamanahin nila ang lupa. [5:5]

Bakit mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran?

Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran sapagkat sila ay pupunuin. [5:6]

Matthew 5:11-14

Bakit mapalad ang mga inaalipusta at inuusig para sa kapakanan ni Jesus?

Mapalad ang mga inaalipusta at inuusig para sa kapakanan ni Jesus sapagkat malaki ang kanilang gantimpala sa langit. [5:11-12]

Matthew 5:15-16

Paano pinagliliwanag ng mga mananampalataya ang kanilang liwanag sa harap ng mga tao?

Pinagliliwanag ng mga mananampalataya ang kanilang liwanag sa harapan ng mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting gawa. [5:15-16]

Matthew 5:17-18

Ano ang gagawin ni Jesus sa batas at sa mga propeta ng Lumang Tipan paggparito niya?

Pumarito si Jesus upang tuparin ang kautusan at mga propeta sa Lumang Tipan. [5:17]

Matthew 5:19-20

Sino ang tatawaging dakila sa kaharian ng langit?

Ang mga taong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos at sa mga nagtuturo nito sa iba ang tatawaging dakila sa kaharian ng langit. [5:19]

Matthew 5:21-22

Itinuro ni Jesus na hindi lamang ang mga pumapatay ang nanganganib sa paghahatol, ngunit pati na rin ang mga gumagawa ng ano?

Itinuro ni Jesus na hindi lamang ang mga pumapatay, pero pati na rin ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nanganganib sa paghahatol. [5:21-22]

Matthew 5:23-24

Ano ang itinuturo ni Jesus na dapat nating gawin kung ang kapatid natin ay may anumang laban sa atin?

Itinuro ni Jesus sa na dapat tayong pumunta at makipag-ayos kung ang ating kapatid ay may anumang bagay laban sa atin. [5:23-24]

Matthew 5:25-26

Ano ang itinuturo ni Jesus na dapat nating gawin sa mga nagsasakdal sa atin bago umabot sa hukuman?

Itinuro ni Jesus na dapat nating subukang makipagkasundo sa nagsasakdal sa atin bago ito umabot sa hukuman. [5:25]

Matthew 5:27-28

Itinuro ni Jesus na hindi lamang mali na mangalunya, ngunit ang gumawa rin ng ano?

Itinuro ni Jesus na hindi lamang mali ang mangalunya, ngunit gayon din ang magnasa sa isang babae. [5:27-28]

Matthew 5:29-30

Ano ang sinasabi ni Jesus na dapat nating gawin sa anumang bagay na nagdudulot sa atin upang magkasala?

Sinabi ni Jesus na kailangan nating lumayo sa anumang bagay na nagdudulot sa atin upang magkasala. [5:29-30]

Matthew 5:31-35

Para sa anong dahilan pinahihintulutan ni Jesus ang paghihiwalay?

Dahil sa pakikipagtalik nang hindi pa kasal kaya pinahintulutan ni Jesus ang paghihiwalay (deborsyo). [5:32]

Ano ang idudulot ng isang asawang lalaki sa kaniyang asawa kung hiniwalayan niya ito ng hindi tama at muling itong magpakasal?

Ginagawang mangangalunya ng asawang lalaki ang kaniyang asawa kung hiniwalayan (dedeborsyuhin) niya ito nang hindi tama at muli itong magpakasal. [5:32]

Matthew 5:36-37

Sa halip na sumumpa sa iba't-ibang makamundong mga bagay, ano ang sinasabi ni Jesus na maging pananalita natin?

Sinabi ni Jesus na kaysa sumumpa sa lahat ng mga bagay, kailangang ang salita natin ay maging, "Oo, kung oo," o "Hindi, kung hindi". [5:37]

Matthew 5:38-42

Ano ang itinuturo ni Jesus na dapat nating gawin sa isang taong masama sa atin?

Itinuro ni Jesus sa atin na huwag nating labanan ang isang taong masama sa atin. [5:38-39]

Matthew 5:43-45

Ano ang itinuturo ni Jesus na dapat nating gawin sa ating mga kaaway at sa mga umuusig sa atin?

Itinuro ni Jesus na dapat nating mahalin at ipanalangin ang ating mga kaaway at ang mga umuusig sa atin. [5:43-44]

Matthew 5:46-48

Bakit sinabi ni Jesus na hindi lamang natin dapat mahalin ang mga nagmamahal sa atin kundi mahalin din natin ang ating mga kaaway?

Sinabi ni Jesus na kung mamahalin lamang natin ang mga nagmamahal sa atin, hindi tayo tatanggap ng gantimpala dahil ginagawa lamang natin kung ano ang mga ginawa na ng mga Gentil. [5:46-47]

Matthew 6

Matthew 6:1-2

Ano ang gantimpala ng mga gumagawa ng kanilang mga gawain ng katuwiran upang makita ng mga tao?

Iyong mga gumagawa ng kanilang mga gawain ng katuwiran upang makita ng mga tao ay makakakuha ng papuri ng mga tao bilang kanilang gantimpala. [6:2]

Matthew 6:3-4

Paano natin dapat gawin ang mga gawain ng katuwiran nang sa gayon ay gantimplaan tayo ng Ama?

Kailangang nating gawin ang mga gawain ng katuwiran nang pribado. [6:3-4]

Matthew 6:5-7

Anong gantimpala ang matatanggap ng mga nagpapanggap na nananalangin upang makita ng mga tao?

Ang mga taong nagpapanggap na nananalangin upang makita ng mga tao ay matatanggap ang kanilang gantimpala mula sa mga tao. [6:5]

Ang mga taong nananalangin ng pribado ay makakatanggap ng gantimpala mula kanino?

Ang mga taong nananalangin ng pribado ay makatatanggap ng gantimpala mula sa Ama. [6:6]

Bakit sinasabi ni Jesus na hindi tayo dapat manalangin ng mga paulit-ulit na walang kabuluhan?

Sinasabi ni Jesus na hindi tayo dapat manalangin ng mga paulit-ulit na walang kabuluhan dahil alam ng Ama kung ano ang mga kailangan natin bago pa tayo humiling sa kaniya. [6:7]

Matthew 6:8-13

Saan natin dapat hilingin na maganap ang kalooban ng Ama?

Dapat nating hilingin sa Ama na maganap ang kaniyang kalooban dito sa lupa, tulad ng pagkaganap nito sa langit. [6:10]

Matthew 6:14-15

Kung hindi natin patatawarin ang mga pagkakasala ng iba sa atin, ano ang gagawin ng Ama?

Kung hindi natin patatawarin ang mga pagkakasala ng iba sa atin, hindi rin patatawarin ng Ama ang ating mga pagkakasala. [6:15]

Matthew 6:16-18

Paano tayo dapat mag-ayuno nang sa gayon ay matanggap natin ang gantimpala mula sa Ama?

Dapat tayong mag-ayuno nang hindi nakikita ng mga tao na nag-aayuno, at pagkatapos gagantimpalaan tayo ng Ama. [6:16-18]

Matthew 6:19-21

Saan tayo dapat mag-ipon ng kayamanan, at bakit?

Kailangang mag-ipon tayo ng kayamanan sa langit dahil hindi ito masisira o mananakaw doon. [6:19-20]

Ano ang makikita kung nasaan ang ating kayamanan?

Ang ating puso ay naroon kung nasaan ang ating kayamanan. [6:21]

Matthew 6:22-24

Alin ang dalawang amo ang kailangan nating pagpilian?

Kailangan nating mamili sa pagitan ng Diyos at kayamanan bilang ating mga amo. [6:24]

Matthew 6:25-26

Bakit hindi natin dapat alalahanin ang tungkol sa pagkain, inumin at mga damit?

Hindi natin kailangang mag-alala tungkol sa pagkain, inumin at mga damit dahil kahit ang mga ibon ay inaalagaan ng Ama, at tayo ay mas mahalaga kaysa sa kanila. [6:25-26]

Matthew 6:27-31

Ano ang ipinapaalala ni Jesus sa atin na hindi natin magagawa dahil sa pagkabahala?

Ipinaalala sa atin ni Jesus na hindi natin maaaring dagdagan ng isang kubit ang ating buhay sa pamamagitan ng pagkakabahala. [6:27]

Matthew 6:32-34

Ano ang dapat nating unang hanapin, nang ang lahat ng makamundong pangangailangan natin ay maibibigay?

Dapat una nating hanapin ang kaharian at ang katuwiran ng Ama, at nang sa gayon ay maibibigay ang lahat ng ating pangangailangan. [6:33]

Matthew 7

Matthew 7:1-2

Ano ang una nating kailangang gawin bago tayo makakita ng malinaw upang matulungan natin ang ating kapatid?

Kinakailangan muna nating hatulan ang ating mga sarili at alisin ang troso mula sa ating sariling mata bago natin tulungan ang ating kapatid.

Matthew 7:3-5

Ano ang una nating kailangang gawin bago tayo makakita ng malinaw para matulungan natin ang ating kapatid?

Kinakailangan muna nating hatulan ang ating mga sarili at alisin ang troso mula sa ating sariling mata bago natin tulungan ang ating kapatid. [7:3-5]

Matthew 7:6

Ano ang maaaring mangyari kung ibibigay ninyo kung ano ang banal sa mga aso?

Kung ibibigay mo kung ano ang banal sa mga aso, kanila lamang itong yuyurakan saka babaliktarin at ikaw ay pagpipira-pirasuhin. [7:6]

Matthew 7:7-10

Ano ang dapat nating gawin para makatanggap tayo mula sa Ama?

Dapat tayong humingi, maghanap at kumatok upang tayo ay makatanggap mula sa Ama. [7:8]

Matthew 7:11-12

Ano ang ibinibigay ng Ama sa mga humihingi sa kaniya?

Nagbibigay ang Ama ng mga mabuting bagay sa mga taong humihingi sa kaniya. [7:11]

Ano ang itinuturo sa atin ng kautusan at mga propeta tungkol sa kung paano itrato ang iba?

Itinuturo sa atin ng kautusan at ng mga propeta na gawin sa ibang tao ang gusto nating gawin ng ibang tao sa atin. [7:12]

Matthew 7:13-14

Saan patungo ang malapad na daan?

Ang malapad na daan ay patungo sa kapahamakan. [7:13]

Saan patungo ang makitid na daan?

Ang makitid na daan ay patungo sa buhay. [7:14]

Matthew 7:15-20

Paano natin makikilala ang mga bulaang propeta?

Maaarinating makilala ang mga bulaang propeta sa pamamagitan ng bunga na kanilang mga buhay. [7:15-16]

Matthew 7:21-23

Sino ang makakapasok sa kaharian ng langit?

Ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama ang makakapasok sa kaharian ng langit. [7:21]

Ano ang sasabihin ni Jesus sa marami na nagpahayag, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala sa pangalan ni Jesus?

Sasabihin ni Jesus sa kanila, "Hindi ko kayo kailanman kilala! Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng masasama"! [7:22-23]

Matthew 7:24-25

Sino ang katulad ng matalinong lalaki sa parabula ni Jesus na dalawang bahay?

Ang nakakarinig sa mga salita ni Jesus at sinusunod ang mga ito ang kagaya ng matalinong lalaki. [7:24]

Matthew 7:26-27

Sino ang katulad ng mangmang na lalaki sa parabula ni Jesus ng dalawang bahay?

Ang nakakarinig sa mga salita ni Jesus at hindi ito sinusunod ay kagaya ng mangmang na lalaki. [7:26]

Matthew 7:28-29

Paano nagturo si Jesus sa mga tao kumpara sa kung paano nagtuturo ng mga eskriba?

Nagturo si Jesus sa mga tao na gaya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng pagtuturo ng mga eskriba. [7:29]

Matthew 8

Matthew 8:4

Bakit sinabi ni Jesus na kailangang pumunta ng napagaling na ketongin sa pari at ipagkaloob ang kaloob na iniutos ni Moises?

Sinabi ni Jesus sa gumaling na ketongin na pumunta sa pari bilang isang patotoo sa kanila. [8:4]

Matthew 8:5-7

Ano ang sinabi ni Jesus na kaniyang gagawin nang sinabi sa kaniya ng senturion ang tungkol sa kaniyang paralisadong lingkod?

Sinabi ni Jesus na pupunta siya sa bahay ng senturion at pagagalingin ang lingkod. [8:7]

Matthew 8:8-10

Bakit sinabi ng senturion na hindi na kailangang pumunta ni Jesus sa kaniyang bahay?

Sinabi ng senturion na hindi siya karapat-dapat upang tanggapin si Jesus sa kaniyang bahay at sabihin lamang ni Jesus ang salita at gagaling na ang kaniyang lingkod. [8:8]

Anong papuri ang ibinigay ni Jesus sa senturion?

Sinabi ni Jesus na hindi pa siya nakakatagpo ng sinuman na may napakalaking pananampalataya tulad ng senturion kahit sa Israel. [8:10]

Matthew 8:11-13

Sino ang sinasabi ni Jesus na darating at sasandal sa mesa sa kaharian ng langit?

Sinabi ni Jesus na marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran at sasandal sa mesa sa kaharian ng langit. [8:11]

Sino ang sinabi ni Jesus na itatapon sa pangwalang hanggang kadiliman na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin?

Sinabi ni Jesus na ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa pangwalang hanggang kadiliman. [8:12]

Matthew 8:14-15

Sino ang pinagaling ni Jesus nang pumasok siya sa bahay ni Pedro?

Pinagaling ni Jesus ang biyenang babae ni Pedro nang pumasok siya sa bahay ni Pedro. [8:14-15]

Matthew 8:16-17

Anong propesiya mula kay Isaias ang natupad dahil sa pagpapagaling ni Jesus sa lahat ng sinaniban ng demonyo at may sakit?

Ang propesiya ni Isaias na, "Kinuha niya ang ating mga sakit at pinasan ang ating mga karamdaman," ay natupad. [8:17]

Matthew 8:18-20

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa paraan ng kaniyang pamumuhay nang hiniling ng eskriba na sumunod siya sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na wala siyang permanenteng tahanan. [8:20]

Matthew 8:21-22

Nang magpaalam ang isang alagad na ilibing muna ang kaniyang ama bago sumunod kay Jesus, ano ang sinabi ni Jesus?

Sinabi ni Jesus sa alagad na sumunod sa kaniya at hayaan ang patay na ilibing ang kanilang sariling patay. [8:21-22]

Matthew 8:23-25

Ano ang ginagawa ni Jesus sa bangka nang ang malakas na bagyo sa dagat?

Natutulog si Jesus nang magkaroon ng malakas na bagyo sa dagat. [8:24]

Matthew 8:26-27

Nang ginising ng mga alagad si Jesus dahil takot silang mamatay, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad, "Bakit kayo natatakot napakaliit ng pananampalataya ninyo?" [8:26]

Bakit namangha ang mga alagad kay Jesus pagkatapos magkaroon ng katahimikan?

Namangha ang mga alagad kay Jesus dahil sumunod sa kaniya ang mga hangin at ang dagat. [8:27]

Matthew 8:28-29

Anong uri ng mga lalaki ang nakasalubong ni Jesus noong siya ay dumating sa bansa ng Geradeno?

Nakasalubong ni Jesus ang dalawang lalaki na sinapian ng demonyo na lubhang marahas. [8:28]

Ano ang pakay ng mga demonyong nagsasalita sa pamamagitan ng mga lalaki kay Jesus?

Nababahala ang mga demonyo na dumating si Jesus upang sila ay pahirapan bago ang itinakdang oras. [8:29]

Matthew 8:30-32

Ano ang nangyari noong pinalayas ni Jesus ang mga demonyo?

Noong pinalayas ni Jesus ang mga demonyo, ang mga ito ay pumasok sa kawan ng mga baboy at nagmadali ang mga baboy papunta sa dagat at namatay. [8:32]

Matthew 8:33-34

Ano ang ipinagmamakaawa ng mga tao na gawin ni Jesus nang pumunta sila sa lungsod upang makipagkita sa kaniya?

Nagmakaawa ang mga tao na umalis si Jesus sa kanilang rehiyon. [8:34]

Matthew 9

Matthew 9:3-6

Bakit inisip ng ilang mga eskriba na nilalapastangan ni Jesus ang Diyos?

Ilan sa mga eskriba ang nag-inisip na lumalapastangan si Jesus sa Diyos dahil sinabi ni Jesus sa paralisadong lalaki na ang kaniyang mga kasalanan ay napatawad na. [9:3-5]

Bakit sinabi ni Jesus sa paralitiko na ang kaniyang mga kasalanan ay napatawad na, sa halip na sabihin sa kaniya, na tumayo at lumakad?

Sinabi ni Jesus sa paralitiko na ang kaniyang mga kasalanan ay napatawad na upang ipakita na mayroon siyang kapangyarihan sa lupa para magpatawad ng kasalanan. [9:5-6]

Matthew 9:7-9

Bakit pinuri ng mga tao ang Diyos noong nakita nila na ang paralitikong lalaki ay napatawad na sa kaniyang mga kasalanan at ang katawan nito ay napagaling?

Sila ay labis na namangha at pinuri ang Diyos na siyang nagbigay ng ganoong kapangyarihan sa tao. [9:8]

Ano ang hanapbuhay ni Mateo bago siya sumunod kay Jesus?

Si Mateo ay maniningil ng buwis bago sumunod kay Jesus. [9:9]

Matthew 9:10-11

Sino ang mga kasama ni Jesus at kanyang mga alagad na kumain?

Si Jesus at kaniyang mga alagad ay kumain kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanang tao. [9:10]

Matthew 9:12-13

Sino ang sinabi ni Jesus na tinawag niya upang magsisi?

Sinabi ni Jesus dumating siya upang tawagin ang mga taong makasalanan upang magsisi. [9:13]

Matthew 9:14-19

Bakit sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay hindi nag-aayuno?

Sinabi ni Jesus na hindi nag-aayuno ang kaniyang mga alagad dahil siya ay kasama pa nila. [9:15]

Kailan ang sinabi ni Jesus na mag-aayuno ang kaniyang mga alagad?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay mag-aayuno kapag siya ay inalis na sa kanila. [9:15]

Matthew 9:20-22

Ano ang ginawa ng babae na may malalang pagdurugo at bakit?

Hinawakan ng babaeng may malalang pagdurugo ang laylayan ng damit ni Jesus at iniisip niya na kung mahawakan lang niya ang damit nito, siya ay magkakaroon ng kagalingan. [9:20-21]

Ano ang sinabi ni Jesus na ginawa ng babae na may pagdurugo upang gumaling?

Sinabi ni Jesus na ang babae na may pagdurugo ay pinagaling sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya. [9:22]

Matthew 9:23-24

Bakit pinagtawanan ng mga tao si Jesus nang siya ay pumasok sa bahay ng Judiong opisyal?

Pinagtawanan ng mga tao si Jesus dahil sinabi ni Jesus na ang babae ay hindi patay, kundi natutulog. [9:24]

Matthew 9:25-26

Ano ang nangyari pakatapos muling buhayin ni Jesus ang babae mula sa patay?

Ang balita tungkol sa muling pagpapabangon ni Jesus sa babae mula sa patay ay lumaganap sa buong rehiyon na iyon. [9:26]

Matthew 9:27-28

Ano ang patuloy na isinisigaw ng dalawang lalaking bulag kay Jesus?

Ang dalawang bulag na lalaki ay patuloy na sumisigaw, "Maawa ka sa amin , Anak ni David"! [9:27]

Matthew 9:29-31

Pinagaling ni Jesus ang dalawang lalaking bulag na ayon sa ano?

Pinagaling ni Jesus ang dalawang lalaking bulag sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. [9:29]

Matthew 9:32-34

Pagkatapos pagalingin ni Jesus ang piping lalaki, anong paratang ang ginawa ng mga Pariseo laban sa kanya?

Pinaratangan ng mga Pariseo si Jesus na nagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng namumuno sa mga demonyo. [9:34]

Matthew 9:35-36

Bakit nahabag si Jesus sa mga tao?

Nahabag si Jesus sa mga tao dahil sila ay nag alala at nagugulahan at para silang mga tupa na walang pastol. [9:36]

Matthew 9:37-38

Para saan ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na madaliin nilang ipanalangin?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na madaliin nilang idalangin sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa kaniyang anihan. [9:38]

Matthew 10

Matthew 10:1

Anong kapangyarihan ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang labindalawang alagad?

Binigyan ni Jesus ang kaniyang labindalawang alagad ng kapangyarihang magpalayas ng mga masasamang espiritu at magpagaling ng lahat ng uri ng sakit. [10:1]

Matthew 10:2-4

Ano ang pangalan ng alagad na magkakanulo kay Jesus?

Ang pangalan ng alagad na siyang magkakanulo kay Jesus ay Judas Iscariote. [10:4]

Matthew 10:5-7

Saan ipinadala ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa oras na ito?

Ipinadala ni Jesus ang kaniyang mga alagad para lamang sa mga nawawalang tupa sa bahay ng Israel. [10:6]

Matthew 10:8-10

Nagdala ba ang mga alagad ng anumang pera o dagdag na mga damit?

Hindi, ang mga alagad ay hindi nagdala ng anumang pera o dagdag na mga damit. [10:9-10]

Matthew 10:11-13

Saan mananantili ang mga alagad kapag sila ay pumunta mula sa nayon patungo sa susunod na nayon?

Ang mga alagad ay maghahanap ng isang karapat-dapat sa nayon at mananatili sila doon hanggang sila ay umalis. [10:11]

Matthew 10:14-15

Ano ang maaaring paghuhukom sa mga bayan na hindi tatanggap sa mga alagad o makikinig sa kanilang mga salita?

Ang paghuhukom sa mga bayan na hindi tatanggap sa mga alagad o makikinig sa kanilang mga salita ay mas malala pa sa paghuhukom sa bayan ng Sodoma at Gomora. [10:14-15]

Matthew 10:16-18

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng mga tao sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus na dadalhin ng mga tao ang mga alagad sa mga konseho, hahagupitin sila, at dadalhin sila sa harap ng mga gobernador at mga hari. [10:17-18]

Matthew 10:19-20

Sino ang magsasalita sa pamamagitan ng mga alagad kapag sila ay dinala?

Ang Espiritu ng Ama ang siyang magsasalita sa pamamagitan ng mga alagad kapag sila ay dinala. [10:20]

Matthew 10:21-23

Sino ang sinasabi ni Jesus na maililigtas sa huli?

Sinabi ni Jesus na iyong mga makapagtitiis hanggang huli ang siyang maliligtas. [10:22]

Matthew 10:24-27

Paano tatratuhin ng mga may poot kay Jesus ang kanyang mga alagad?

Kamumuhian din ang mga alagad ng mga may poot kay Jesus. [10:24-25]

Matthew 10:28-31

Sino ang sinabi ni Jesus na huwag nating katakutan?

Huwag nating katakutan iyong mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. [10:28]

Sino ang sinabi ni Jesus na dapat nating katakutan?

Matakot tayo sa kaniya na may kakayahang siraing pareho ang katawan at kaluluwa sa impyerno. [10:28]

Matthew 10:32-33

Ano ang gagawin ni Jesus sa bawat isa na tatanggap sa kaniya sa harap ng mga tao?

Siya ay tatanggapin ni Jesus sa harap ng Amang nasa langit. [10:32]

Ano ang gagawin ni Jesus sa bawat isa na magtatatwa sa kaniya sa harap ng mga tao?

Siya ay itatatwa ni Jesus sa harap ng Amang nasa langit. [10:33]

Matthew 10:34-36

Anong uri ng paghahati ang sinasabi ni Jesus na kaniyang dala noong siya ay dumating?

Sinabi ni Jesus na dumating siya upang magbigay ng pagkakahati-hati na kahit pa sa loob ng sambahayan. [10:34-36]

Matthew 10:37-41

Ano ang mahahanap ng sinuman na mawawalan ng kaniyang buhay alang-alangkay Jesus?

Ang sinuman na mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang kay Jesus ay makahahanap ng kaniyang buhay. [10:39]

Matthew 10:42

Ano ang matatanggap ng sinumang magbibigay kahit na isang baso ng malamig na tubig sa isang pinakamababang alagad?

Ang sinumang magbigay kahit na isang baso ng malamig na tubig sa isang pinakamababang alagad ay makatatanggap ng kaniyang gantimpala. [10:42]

Matthew 11

Matthew 11:1-3

Ano ang tinapos ni Jesus bago siya umalis upang magturo at mangaral sa mga lungsod?

Tinapos ni Jesus na tagubilinan ang kaniyang labindalawang alagad bago siya umalis. [11:1]

Ano ang ipinadalang mensahe ni Juan na Nagbabautismo kay Jesus?

Napadala si Juan na Nagbabautismo ng mensahe, "Ikaw na nga ba Ang Darating o mayroon pang ibang tao na dapat naming hanapin?" [11:3]

Matthew 11:4-8

Ano ang sinabi ni Jesus na nangyayari bilang patunay na siya Ang Darating?

Sinabi ni Jesus na ang mga may sakit ay gumaling na, ang mga patay ay nabuhay, at ang mga nangangailangan ay nasabihan na ng mabuting balita. [11:5]

Ano ang ipinangako ni Jesus para sa mga hindi nakahanap ng dahilan upang matisod sa kaniya?

Si Jesus ay nangako ng pagpapala sa mga hindi nakahanap ng dahilan upang matisod sa kaniya. [11:6]

Matthew 11:9-12

Ano ang sinabi ni Jesus na ginampanan ni Juan na Nagbabautismo sa kaniyang buhay?

Sinabi ni Jesus na si Juan na Nagbabautismo ang naipahayag na mensahero sa siyang maghahanda sa daan ng Darating. [11:9-10]

Matthew 11:13-17

Sino ang sinabi ni Jesus na Juan na Nagbabautismo?

Sinabi ni Jesus na si Juan na Nagbabautismo ay si Elias. [11:14]

Matthew 11:18-19

Ano ang sinabi ng lahing ito patungkol kay Juan na Nagbabautismo na siyang dumating na hindi kumakain ng tinapay o umiinom ng alak?

Sinabi ng lahing iyan na may demonyo si Juan na Nagbabautismo. [11:18]

Ano ang sinabi ng lahing iyan patungkol kay Jesus na siyang dumating na kumakain at umiinom?

Sinabi ng lahing ito na si Jesus ay isang matakaw at isang lasenggo at isang kaibigan ng mga naniningil ng buwis at mga makasalanan. [11:19]

Matthew 11:20-24

Ano ang ipinahayag ni Jesus patungkol sa mga lungsod na kung saan ginawa ang kaniyang dakilang mga gawa, ngunit hindi sila nagsisi?

Sinaway ni Jesus ang mga lungsod kung saan nagawa ang kaniyang dakilang mga gawa, gayunman sila ay hindi nagsisi. [11:20]

Matthew 11:25-27

Pinuri ni Jesus ang Ama dahil sa pagkubli ng kaharian ng langit mula kanino?

Pinuri ni Jesus ang Ama dahil sa pagkukubli ng kaharian ng langit mula sa marurunong at nakauunawa. [11:25]

Pinuri ni Jesus ang Ama dahil sa paghahayag ng kaharian ng langit mula kanino?

Pinuri ni Jesus ang Ama dahil sa paghahayag ng kaharian ng langit sa mga ignorante, katulad ng mga maliliit na bata. [11:25]

Sino ang sinasabi ni Jesus na nakakikilala sa Ama?

Sinabi ni Jesus na siya ang nakakakilala sa Ama, at sa sinuman na ninanais niyang pagpahayagan sa kaniya. [11:27]

Matthew 11:28-30

Kanino ipinangako ni Jesus ang kapahingahan?

Ipinangako ni Jesus ang kapahingahan sa lahat ng nahihrapan at mga nabibigatan. [11:28]

Matthew 12

Matthew 12:1-4

Ano ang ginagawa ng mga alagad ni Jesus na inireklamo ng mga Pariseo sa kaniya?

Ang mga Pariseo ay inireklamo ang mga alagad ni Jesus na kumikitil sila ng butil,na pinapanampalatayaan na ito ay labag sa batas na gawin sa Araw ng Pamamahinga. [12:2]

Matthew 12:5-6

Sino ang sinasabi ni Jesus na mas nakahihigit kaysa sa templo?

Sinabi ni Jesus na mas nakahihigit siya kaysa sa templo. [12:6]

Matthew 12:7-8

Anong kapangyarihan ang mayroon sa Anak ng Tao, na si Jesus?

Ang "Anak ng Tao, na si Jesus ay ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga". [12:8]

Matthew 12:9-10

Anong katanungan ang itinanong ng mga Pariseo kay Jesus sa sinagoga sa harapan ng lalaking tuyo at namamaga ang kamay

Tinanong ng mga Pariseo kay Jesus, "Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga? [12:10]

Matthew 12:11-12

Ano ang sinabi ni Jesus na hindi labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?

Sinabi ni Jesus na hindi labag sa kautusan ang pag gawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga. [12:12]

Matthew 12:13-17

Noong nakita ng mga Pariseo si Jesus na pinagaling ang taong may namamagang kamay, ano ang ginawa nila?

Ang mga pariseo ay lumabas at nagplano sila laban sa kaniya, at naghanap sila ng dahilan para siya ay kanilang masira. [12:14]

Matthew 12:18

Sa propesiya ni Isaias patungkol kay Jesus, sino ang makikinig sa paghuhukom ng Diyos at may pagtitiwala kay Jesus?

Ang mga Gentil ay makikinig sa paghuhukom ng Diyos at mayroong pagtitiwala kay Jesus. [12:18]

Matthew 12:19-25

Sa propesiya ni Isaias patungkol kay Jesus, ano ang hindi gagawin ni Jesus?

Si Jesus ay hindi makikipagtalo, iiyak ng malakas, babali ng tambong may sira, o papatay ng umuusok na baga. [12:19-20]

Matthew 12:26-27

Paano sumagot si Jesus sa paratang na siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul?

Sinabi ni Jesus na kung si Satanas ay pinapalayas si Satanas, ngayon paano makakatayo ang kaharian ni Satanas? [12:26]

Matthew 12:28-30

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kung siya ay magpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos?

Sinabi ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ay darating sa kanila kung sila ay magpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. [12:28]

Matthew 12:31-32

Aling kasalanan ang sinabi ni Jesus na hindi mapapatawad?

Sinabi ni Jesus na ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi mapapatawad. [12:31]

Matthew 12:33-35

Paano makikilala ang isang punong kahoy?

Ang punong kahoy ay makikilala sa pamamagitan ng bunga nito. [12:33]

Matthew 12:36-37

Sa paano sinabi ni Jesus sa mga Pariseo na mapawalang sala at parusahan?

Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo na mapapawalang sala at paparusahan sa pamamagitan ng kanilang mga sinalita. [12:37]

Matthew 12:38-40

Anong palatandaan ang sinabi ni Jesus na kanyang ibibigay sa kaniyang lahi?

Sinabi ni Jesus na kanyang ibibigay sa kaniyang lahi ang palatandaan ni Jonas, na nanatili sa puso ng mundo sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. [12:39-40]

Matthew 12:41

Sino ang sinabi ni Jesus na mas nakahihigit kay Jonas?

Sinabi ni Jesus na mas nakahihigit siya kaysa kay Jonas. [12:41]

Bakit paparusahan ng mga lalaki sa Nineve at ang Reyna ng Timog ang mga tao sa lahi ni Jesus?

Ang mga lalaki ng Nineve at ang Reyna ng Timog ay paparusahan ang lahi ni Jesus dahil sila ay nakinig sa salita ng Diyos sa pamamagitan ni Jonas at Solomon, ngunit ang lahi ni Jesus ay hindi man lang nakinig sa Anak ng Tao na mas dakila kaysa kina Jonas at Solomon. [12:41]

Matthew 12:42

Sino ang sinabi ni Jesus na mas nakakahigit kay Solomon?

Sinabi ni Jesus na mas nakakahigit siya kaysa kay Solomon. [12:42]

Bakit ang mga lalaki sa Nineve at ang Reyna ng Timog ay paparusahan ang tao sa lahi ni Jesus?

Ang mga lalaki ng Nineve at ang Reyna ng Timog ay paparusahan ang lahi ni Jesus dahil sila ay nakinig sa salita ng Diyos sa pamamagitan ni Jonas at Solomon, ngunit ang lahi ni Jesus ay hindi man lang nakinig sa Anak ng Tao na mas dakila kaysa kina Jonas at Solomon. [12:42]

Matthew 12:43-45

Paanong ang lahi ni Jesus ay katulad sa tao na mayroong masamang espiritu na lumayo sa kaniya?

Ang lahi ni Jesus ay katulad sa tao na mayroong masamang espiritu na lumayo sa kaniya, dahil ang masamang espiritu ay babalik kasama ng pito pang mga espiritu at ang magiging kalagayan ng tao ay magiging mas malala pa kaysa una. [12:43-45]

Matthew 12:46-47

Sino ang sinasabi ni Jesus na kanyang mga kapatid at ina?

Sinabi ni Jesus na kung sino ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama ay sila ang kaniyang mga kapatid at ina. [12:46-47]

Matthew 12:48-50

Sino ang sinabi ni Jesus na kanyang mga kapatid at ina?

Sinabi ni Jesus na kung sino ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama ay sila ang kaniyang mga kapatid at ina. [12:48-50]

Matthew 13

Matthew 13:3-6

Sa talinghaga ng manghahasik ni Jesus, ano ang nangyari sa buto na nahulog sa tabi ng daan?

Ang mga buto na nahulog sa tabi ng daan ay kinain ng mga ibon. [13:4]

Sa talinghaga ng manghahasik ni Jesus, ano ang nangyari sa buto na nahulog sa mabatong lupa?

Ang mga buto na nahulog sa mabatong lupa ay mabilis na tumubo, ngunit tinuyo ito ng araw at nalanta. [13:5-6]

Matthew 13:7-12

Sa talinghaga ng manghahasik ni Jesus, ano ang nangyari sa buto na nahulog sa mga matitinik na halamanan.

Ang buto na nahulog sa mga matitinik na halaman ay sinakal ng mga matitinik na halaman. [13:7]

Sa talinghaga ng manghahasik ni Jesus, ano ang nangyari sa buto na nahulog sa mabuting lupa?

Ang buto na nahulog sa mabuting lupa ay namunga, ang iba ay tig-iisandaang ulit, ang iba ay animnapu, at ang iba ay tatlumpu. [13:8]

Matthew 13:13-14

Sinabi sa propesiya ni Isaias na ang mga tao na siyang nakaririnig at nakakikita, ngunit hindi ang ano?

Sinabi sa propesiya ni Isaias na ang mga tao ay nakaririnig, ngunit hindi nakaiintindi; sila ay nakakakita ngunit hindi sila nakauunawa. [13:14]

Matthew 13:15-17

Ano ang mali sa mga tao na nakarinig kay Jesus ngunit hindi nakaiintindi?

Ang mga tao na nakarinig kay Jesus ngunit hindi nakaiintindi ay mayroong mapurol na mga puso, ay nahihirapan sa pakikinig, at ipinikit ang kanilang mga mata. [13:15]

Matthew 13:18-19

Sa talinghaga ng manghahasik, anong uri ng tao ang buto na naihasik sa tabi ng daan?

Ang buto na naihasik sa tabi ng daan ay ang tao na napakinggan ang salita ng kaharian ngunit hindi naiintindihan ito, pagkatapos ay dumarating ang masama at ninanakaw ang mga buto na naitanim sa kaniyang puso. [13:19]

Matthew 13:20-21

Sa talinghaga ng manghahasik, anong uri ng tao ang buto na naihasik sa mabatong lupa?

Ang buto na naihasik sa mabatong lupa ay ang tao na siyang nakarinig sa salita at agad na tinanggap na may galak, ngunit dalian siyang natitisod kapag ang pag-uusig ay dumating. [13:20-21]

Matthew 13:22-26

Sa talinghaga ng manghahasik, anong uri ng tao ang buto na naihasik sa mga matitinik na halamanan?

Ang mga buto na naihasik sa mga matitinik na halamanan ay ang tao na siyang nakarinig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang sumakal sa salita. [13:22]

Sa talinghaga ng manghahasik, anong uri ng tao ang buto na naihasik sa mabuting lupa?

Ang buto na naihasik sa mabuting lupa ay ang tao na siyang nakarinig sa salita at nakaintindi dito, at ito ay namunga. [13:23]

Matthew 13:27-28

Sa talinghaga ng mga damo, sino ang nanghasik ng mga damo sa bukid?

Isang kaaway ang nanghasik ng mga damo sa bukid. [13:28]

Matthew 13:29-30

Ano ang mga tagubilin na ibinigay ng may-ari ng lupa sa mga tagapaglingkod patungkol sa mga damo at sa trigo?

Sinabi ng may-ari ng lupa sa mga tagapaglingkod na hayaang lumaking pareho hanggang sa anihan, at pagkatapos ay ipunin ang mga damo upang sunugin, at ang trigo ay sa imbakan. [13:30]

Matthew 13:31-32

Sa talinghaga ng buto ng mustasa ni Jesus, ano ang nangyari sa maliit na buto ng mustasa?

Ang buto ng mustasa ay naging isang puno na mas malaki sa mga halamang panghardin upang ang mga ibon ay mamugad sa mga sanga nito. [13:31-32]

Matthew 13:33-35

Paano sinabi ni Jesus na ang kaharian ng langit ay tulad ng pampaalsa?

Sinabi ni Jesus na ang kaharian ng langit ay tulad ng pampaalsa na inihalo sa tatlong sukat ng harina hanggang ito ay umalsa. [13:33]

Matthew 13:36-39

Sa talinghaga ng maghahasik, sino ang naghasik ng mabuting buto, ano ang bukid, sino ang mabuting buto, sino ang mga damo, at sino ang nanghasik ng mga damo?

Ang nanghasik ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao, ang bukid ay ang mundo, ang mabuting buto at ang mga anak ng kaharian, ang mga damo ay ang mga anak ng masama, at ang nanghasik ng mga damo ay ang diyablo. [13:37-39]

Sa talinghaga ng mga damo, sino ang mga maggagapas at ano ang kumakatawan sa pag-aani?

Ang mga maggagapas ay ang mga anghel, at ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo. [13:39]

Matthew 13:40-43

Ano ang mangyayari sa katapusan ng mundo sa mga gumagawa ng matinding kasalanan?

Sa katapusan ng mundo, iyong mga gumagawa ng matinding kasalanan ay itatapon sa pugon ng apoy. [13:42]

Ano ang mangyayari sa katapusan ng mundo sa mga matutuwid na tao?

Sa katapusan ng mundo, ang mga matutuwid na tao ay magliliwanag tulad ng araw. [13:43]

Matthew 13:44-46

Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginawa ng tao na nakahanap ng kayamanan sa isang bukid, na kumakatawan sa kaharian ng langit?

Ang tao na nakahanap ng kayamanan ay ibinenta lahat ng kaniyang ari-arian at binili ang bukid. [13:44]

Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginawa ng tao na nakahanap isang perlas na may malaking halaga, na lumakatawan sa kaharian ng langit?

Ang tao na nakahanap ng isang perlas na may malaking halaga ay ibinenta lahat ng mayroon siya at binili ito. [13:45-46]

Matthew 13:47-53

Paanong ang talinghaga ng lambat ay tulad ng kung anong mangyayari sa katapusan ng mundo?

Katulad ng mga walang kabuluhang bagay mula sa lambat ay ihihiwalay mula sa mabubuti at itatapon, sa katapusan ng mundo, ang masasama ay ihihiwalay mula sa mga matutuwid at itatapon sa pugon. [13:47-48]

Matthew 13:54-56

Anong tanong ang tinanong ng mga tao mula sa kaniyang sariling rehiyon tungkol kay Jesus noong narinig nilang magturo si Jesus?

Ang mga tao ay nagtanong, "Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at ang mga himalang ito"? [13:54]

Matthew 13:57-58

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa isang propeta sa kaniyang sariling bansa?

Sinabi ni Jesus na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bansa. [13:57]

Ano ang nangyari sa sariling rehiyon ni Jesus dahil sa hindi paniniwala ng mga tao?

Dahil sa hindi paniniwala ng mga tao, hindi gumawa si Jesus ng maraming himala sa sarili niyang rehiyon. [13:58]

Matthew 14

Matthew 14:1-2

Sino si Jesus sa pag-iisip ni Herodes?

Akala ni Herodes na si Jesus ay si Juan na Nagbabautismo na muling nabuhay mula sa kamatayan. [14:2]

Matthew 14:3-5

Ano ang ginagawa ni Herodes na hindi makatarungan, na kung saan sinabi ni Juan na Nagbabautismo sa kaniya ang patungkol dito?

Pinakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang kapatid. [14:4]

Bakit hindi agad ipinapatay ni Herodes si Juan na Nagbabautismo?

Hindi agad ipinapatay ni Herodes si Juan na Nagbabautismo dahil natatakot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta. [14:5]

Matthew 14:6-7

Ano ang ginawa ni Herodes pagkatapos sumayaw ang anak na babae ni Herodias para sa kaniya sa kaniyang kaarawan?

Nangako si Herodes ng may panunumpa sa anak na babae ni Herodias na ibibigay niya ang kahit anong hilingin niya. [14:7]

Matthew 14:8-12

Ano ang hiniling ng anak na babae ni Herodias?

Hiniling ng anak na babae ni Herodias ang ulo ni Juan na Nagbabautismo na ilagay sa isang malaking plato. [14:8]

Bakit ibinigay ni Herodes ang kahilingan ng anak na babae ni Herodias?

Ibinigay ni Herodes ang kahilingan ng anak na babae ni Herodias dahil sa kaniyang sinumpaan at dahil lahat ng mga tao ay kasama niya sa hapunan. [14:9]

Matthew 14:13-15

Ano ang naging tugon ni Jesus noong nakita niya ang napakaraming tao na sumusunod sa kaniya?

Nahabag si Jesus sa kanila at pinagaling ang kanilang mga may sakit. [14:14]

Matthew 14:16-18

Ano ang hamon ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kanilang gawin para sa mga tao?

Hinamon ni Jesus ang kaniyang mga alagad na bigyan ang mga tao ng anumang makakain. [14:16]

Matthew 14:19-21

Ano ang ginawa ni Jesus sa limang tinapay at ang dalawang isda na dinala ng mga alagad sa kaniya?

Tumingala si Jesus sa langit, binasbasan at hinati-hati ang mga tinapay at ibinigay ito sa mga alagad upang ibigay sa mga tao. [14:19]

Ilang mga tao ang kumain at ilan ang natira sa pagkain?

Mga nasa limanlibong mga lalaki ang kumain at idagdag pa ang mga kababaihan at mga bata, at mayroon pang labindalawang basket na natira. [14:20-21]

Matthew 14:22-24

Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos niyang pauwiin ang maraming tao?

Umakyat si Jesus sa bundok upang manalangin ng mag-isa. [14:23]

Ano ang nangyayari sa mga alagad sa kalagitnaan ng dagat?

Ang bangka ay hindi na halos makontrol dahil sa hangin at mga alon. [14:24]

Matthew 14:25-27

Paano pumunta si Jesus sa mga alagad?

Pumunta si Jesus sa mga alagad sa pamamagitan ng paglalakad sa ibabaw ng tubig. [14:25]

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad nang siya ay makita nila?

Sinabi ni Jesus sa mga alagad na maging matapang at huwag matakot. [14:27]

Matthew 14:28-30

Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro na pumunta at gawin?

Sinabi ni Jesus kay Pedro na pumunta at maglakad sa tubig. [14:29]

Bakit nagsimulang lumubog si Pedro sa tubig?

Nagsimulang lumubog si Pedro sa tubig nang siya ay natakot. [14:30]

Matthew 14:31-33

Ano ang nangyari noong pumunta si Jesus at Pedro sa bangka?

Noong pumunta si Jesus at Pedro sa bangka ay tumigil ang pag-ihip ng hangin. [14:32]

Ano ang ginawa ng mga alagad nang makita nila ito?

Nang makita ito ng mga alagad ay sumamba sila kay Jesus at sinabi na siya ay ang Anak ng Diyos. [14:33]

Matthew 14:34-36

Ano ang ginawa ng mga tao noong nakarating si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa kabilang bahagi ng dagat?

Noong nakarating si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa kabilang bahagi ng dagat, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng may sakit. [14:35]

Matthew 15

Matthew 15:4-6

Anong halimbawa ang ibinigay ni Jesus na kung paano ginawang balewala ng mga Pariseo ang salita ng Diyos sa kanilang mga kaugalian?

Ang mga Pariseo ay pinigilang tumulong ang kanilang mga anak sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagkuha ng pera bilang "kaloob na ibibigay sa Diyos". [15:4-6]

Matthew 15:7-9

Ano ang propesiya ni Isaias tungkol sa mga bibig at puso ng mga Pariseo?

Nagpropesiya si Isaias na nais parangalan ng mga Pariseo ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, ngunit ang kanilang mga puso ay malayo sa Diyos. [15:7-8]

Sa halip na ituturo ang salita ng Diyos, ano ang itinuturo ng mga Pariseo bilang doktrina?

Nagtuturo ang mga Pariseo bilang doktrina, ang mga batas ng mga tao. [15:9]

Matthew 15:10-11

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa hindi nagpaparumi sa tao?

Sinabi ni Jesus na hindi sa kung ano ang kinakain ng isang tao ang nagpaparumi sa kaniya. [15:11]

Ano ang sinabi ni Jesus sa nagpaparumi sa isang tao?

Sinabi ni Jesus na kung ano ang lumalabas sa bibig ng isang tao ang nagpaparumi sa kaniya. [15:11]

Matthew 15:12-17

Ano ang tinawag ni Jesus sa mga Pariseo, at ano ang kaniyang sinabi na mangyayari sa kanila?

Tinawag ni Jesus ang mga Pariseo na bulag na mga gabay, at sinabi na sila ay mahuhulog sa hukay. [15:14]

Matthew 15:18-20

Ano ang mga bagay ang nagmumula sa puso na nagpaparumi sa tao?

Sa puso nagmumula ang masamang kaisipan, pagpatay, pakikiapid, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, bulaang saksi at mga paghamak. [15:19]

Matthew 15:21-23

Ano ang unang ginawa ni Jesus nang sumigaw sa kaniya ang Cananaeang babae para kahabagan?

Hindi sumagot si Jesus kahit isang salita. [15:23]

Matthew 15:24-26

Ano ang paliwanag ni Jesus kung bakit hindi niya tinutulungan ang Cananeang babae?

Ipinaliwanag ni Jesus na siya ay sinugo lamang para sa naliligaw na tupa sa bahay ng Israel. [15:24]

Matthew 15:27-28

Nang nagpakumbaba ang Cananeang babae, ano ang sinabi ni Jesus at ginawa niya sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na napakalaki ng pananampalataya ng babae, at tinugon ang kaniyang kahilingan. [15:28]

Matthew 15:29-31

Ano ang ginawa ni Jesus para sa napakaraming tao na lumapit sa kaniya sa Galilea?

Pinagaling ni Jesus ang pipi, ang lumpo, ang pilay at ang bulag. [15:30-31]

Matthew 15:32-35

Ilang mga tinapay at isda ang mayroon sa mga alagad upang mapakain ang mga tao?

Ang mga alagad ay mayroong pitong tinapay at kaonting maliliit na isda. [15:34]

Matthew 15:36-39

Ano ang ginawa ni Jesus sa tinapay at isda?

Kinuha ni Jesus ang tinapay at ang isda, nagbigay ng pasasalamat, pinagpira-piraso ang tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad. [15:36]

Gaano karaming pagkain ang natira pagkatapos makakain ang bawat isa?

May natirang pitong basket na puno pagkatapos makakain ang bawat isa. [15:37]

Ilang mga tao ang nakakain at nasiyahan mula sa tinapay at isda?

Apat na libong mga lalaki, kasama ang mga babae at mga bata, ang nakakain at nasiyahan. [15:38]

Matthew 16

Matthew 16:1-2

Ano ang gustong makita ng mga Pariseo at Saduseo kay Jesus bilang pagsubok?

Gustong makakita ng mga Pariseo at Saduseo ng isang palatandaan mula sa langit buhat kay Jesus. [16:1]

Matthew 16:3-4

Ano ang sinabi ni Jesus na maibibigay niya sa mga Pariseo at Saduseo?

Sinabi ni Jesus na ang kaniyang maibibigay sa mga Pariseo at Saduseo ay ang palatandaan ni Jonas. [16:4]

Matthew 16:5-10

At ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na pag-ingatan?

Sinabihan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na mag-ingat sa ginamit na pampaalsa ng mga Pariseo at Saduseo. [16:6]

Matthew 16:11-12

Tungkol saan ba nagsasalita si Jesus noong sinabi niya sa kaniyang mga alagad na mag-ingat?

Nagsasalita si Jesus sa kaniyang mga alagad na mag-ingat sa mga katuruan ng mga Pariseo at Saduseo. [16:12]

Matthew 16:13-16

Anong katanungan ni Jesus ang tinanong sa kaniyang mga alagad nang sila ay makarating sa Cesarea Filipos?

Tinanong ni Jesus ang kaniyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao sa kung sino ang Anak ng Tao"? [16:13]

Ano ang iniisip ng iba kung sino si Jesus?

Iniisip ng iba na si Jesus ay si Juan ang Nagbabautismo, o si Elias, o si Jeremias, o isa sa mga propeta. [16:14]

Anong sagot ang binigay ni Pedro sa tanong ni Jesus?

Sumagot si Pedro, "Ikaw ay ang Cristo, ang Anak ng Buhay na Diyos". [16:16]

Matthew 16:17-18

Paano nalaman ni Pedro ang sagot sa tanong ni Jesus?

Nalaman ni Pedro ang sagot sa tanong ni Jesus dahil inihayag ito sa kaniya ng Ama. [16:17]

Matthew 16:19-20

Anong kapangyarihan ang binigay ni Jesus kay Pedro sa lupa?

Ibnigay ni Jesus kay Pedro ang mga susi ng kaharian, upang makaya niyang manggapos at magkalag sa lupa at maigapos o makalagan din ito sa langit. [16:19]

Matthew 16:21-23

Sa panahong ito, ano ang malinaw na inumpisahang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad?

Inumpisahan ni Jesus na sabihin sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdusa ng maraming bagay, papatayin, at babangon sa ikatlong araw. [16:21]

Anong sinabi ni Jesus kay Pedro noong tumutol si Pedro sa ipinapaliwanag ni Jesus na mangyayari sa kaniya?

Sinabi ni Jesus kay Pedro, "Lumayo ka sa akin, Satanas"! [16:23]

Matthew 16:24-26

Ano ang kailangang gawin ng sinumang may gustong sumunod kay Jesus?

Sino man ang may gustong sumunod kay Jesus ay kinakailangan niyang itakwil ang kaniyang sarili, at buhatin ang kaniyang krus. [16:24]

Ano ang sinabi ni Jesus na walang mapapala ang isang tao?

Sinabi ni Jesus na walang mapapala ang isang tao, mapakinabangan man niya ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay. [16:26]

Matthew 16:27-28

Paano sinabi ni Jesus na darating ang Anak ng Tao?

Sinabi ni Jesus na ang Anak ng Tao ay darating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. [16:27]

Paano pananagutin ng Anak ng Tao ang bawat tao kapag siya ay dumating?

Pananagutin ng Anak ng Tao ang bawat tao ayon sa kanilang mga gawa kapag siya ay dumating. [16:27]

Sino ang sinabi ni Jesus na makakakita sa pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaharian?

Sinabi ni Jesus na may ilang nakatayo roon na kasama niya na makakakita sa pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaharian. [16:28]

Matthew 17

Matthew 17:1-2

Sino ang kasama ni Jesus na umakyat sa mataas na bundok?

Sina Pedro, Santiago, at Juan ang kasama ni Jesus na pumunta sa mataas na bundok. [17:1]

Ano ang nangyari sa anyo ni Jesus sa bundok?

Nagbagong anyo si Jesus at ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang damit ay puting-puti katulad ng liwanag. [17:2]

Matthew 17:3-4

Sino ang nagpakita at nakipag-usap kay Jesus?

Si Moises at Elias ay nagpakita at nakipag-usap kay Jesus. [17:3]

Ano ang inalok ni Pedro na gawin?

Inalok ni Pedro na gagawa ng tatlong tolda para sa tatlong lalaki. [17:4]

Matthew 17:5-8

Ano ang sinabi ng isang tinig na narinig mula sa ulap?

Sinabi ng isang tinig na narinig mula sa ulap, "Ito ang minamahal kong Anak, na siyang Aking kinalulugdan; makinig kayo sa kaniya". [17:5]

Matthew 17:9-10

Ano ang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga alagad habang sila ay pababa sa bundok?

Pinag-utusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na huwag nilang ibalita ang kanilang nakita kanino man hangga't ang Anak ng Tao ay ibinangon mula sa patay. [17:9]

Matthew 17:11-13

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pagtuturo ng mga eskriba na maunang darating si Elias

Sinabi ni Jesus na totoong darating si Elias, at ihanda ang lahat ng mga bagay. [17:11]

Sino ang sinasabi ni Jesus kung sino si Elias na dumating na, at kung ano ang ginawa sa kanya?

Sinabi ni Jesus na si Juan ang Nagbabautismo ay si Elias ang siyang dumating na, at ginawa ang kahit anumang naisin nila sa kaniya. [17:12-13]

Matthew 17:14-16

Ano ang kailangang gawin ng mga alagad para sa batang lalaki na may epilepsya?

Ang mga alagad ay hindi kinaya na gamutin ang batang lalaki na may epilepsya. [17:14-16]

Matthew 17:17-18

Ano ang ginawa ni Jesus sa batang lalaki na may epilepsya?

Sinaway ni Jesus ang demonyo, at gumaling ang bata mula sa oras na iyon. [17:18]

Matthew 17:19-21

Bakit hindi kinaya na pagalingin ng mga alagad ang batang lalaki na may epilepsya?

Sinabi ni Jesus na dahil sa kanilang maliit na pananampalataya kaya hindi nila kayang pagalingin ang batang lalaki na may epilepsya. [17:20]

Matthew 17:22-25

Ano ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na naging dahilan ng kanilang pagkalungkot?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na siya ay ipapasakamay sa mga tao na papatay sa kaniya, at mabubuhay siya sa ikatlong araw. [17:22-23]

Matthew 17:26-27

Paano binayaran ni Pedro at Jesus ang kalahating siklo na buwis?

Sinabi ni Jesus kay Pedro na pumunta sa dagat, ihagis ang isang pamingwit, at kunin ang unang isda na mahuhuli nito kung saan ay mayroon isang siklo na nasa bibig nito para sa kanilang buwis. [17:27]

Matthew 18

Matthew 18:1-3

Ano ang sinabi ni Jesus na kailangan nating gawin upang makapasok sa kaharian ng langit?

Sinabi ni Jesus na kinakailangan nating magsisi at maging tulad ng isang maliit na bata upang makapasok sa kaharian ng langit. [18:3]

Matthew 18:4-6

Sino ang sinabi ni Jesus na pinakadakila sa kaharian ng langit?

Sinabi ni Jesus na ang sinumang nagpapakumbaba sa kaniyang sarili katulad ng isang maliit na bata, ay mas dakila sa kaharian ng langit. [18:4]

Ano ang mangyayari sa sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliit na siyang sumampalataya kay Jesus?

Sinuman ang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliit na siyang sumampalataya kay Jesus, ay mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking gilingang bato, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat. [18:6]

Matthew 18:7-8

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin sa anumang bagay na magiging sanhi upang tayo ay matisod?

Sinabi ni Jesus na dapat nating itapon ang anumang bagay na maging sanhi upang tayo ay matisod. [18:8]

Matthew 18:9

Ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin sa anumang bagay na magiging sanhi upang tayo ay matisod?

Sinabi ni Jesus na dapat nating itapon ang anumang bagay na nagiging sanhi upang tayo ay matisod.

Matthew 18:10-11

Bakit sinabi ni Jesus na kailangang hindi natin hamakin ang isang bata?

Dapat huwag nating hahamakin ang isang bata sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nakatingin sa mukha ng kanilang Ama. [18:10]

Matthew 18:12-14

Paaanong ang tao na naghahanap sa nawawalang tupa ay tulad ng Amang nasa langit?

Hindi din ito kalooban ng Ama na ang isa sa mga maliliit na bata ay mamatay. [18:12-14]

Matthew 18:15-16

Kung ang iyong kapatid ay nagkasala laban sa iyo, ano ang unang bagay na dapat mong gagawin?

Una, dapat pumunta ka at ipakita sa kaniya ang kaniyang pagkakamali sa pagitan mo at kaniya lamang. [18:15]

Kung ang iyong kapatid ay hindi makikinig, ano ang pangalawang bagay na dapat mong gawin?

Pangalawa, dapat magsama ka ng isa o dalawa pang mga kapatid bilang saksi. [18:16]

Matthew 18:17

Kung ang iyong kapatid ay hindi pa rin nakinig, Ano ang pangatlong bagay na iyong gagawin?

Pangatlo, kailangan mong sabihin ang tungkol dito sa iglesiya. [18:17]

Kung ang iyong kapatid ay hindi pa din nakinig, Ano ang dapat ng gawin?

Ang panghuli, kung hindi pa rin siya nakinig sa iglesiya, dapat siyang tratuhin bilang isang Gentil at isang maniningil ng buwis. [18:17]

Matthew 18:18-20

Ano ang ipinangako ni Jesus kung saan magtitipon ang dalawa o tatlo na magtitipon sa kaniyang pangalan?

Ipinangako ni Jesus na siya ay nasa kalagitnaan ng dalawa o tatlo ng nagtitipon dahil sa kaniyang pangalan. [18:20]

Matthew 18:21-22

Ilang beses sinabi ni Jesus na dapat nating patawarin ang ating kapatid?

Sinabi ni Jesus na dapat nating patawarin ang ating kapatid ng pitumpung ulit na pito. [18:21-22]

Matthew 18:23-25

Ano ang utang ng isang utusan sa kaniyang amo, at mababayaran kaya niya ang kaniyang amo?

Ang utang ng isang utusan sa kaniyang amo ay sampung libong talento kung saan ay hindi niya kayang bayaran. [18:24-25]

Matthew 18:26-29

Bakit pinatawad ng amo ang utang ng isang utusan?

Ang amo ay nakadama ng pagkahabag at pinatawad ang utusan sa kanyang pagkakautang. [18:27]

Matthew 18:30-31

Ano ang ginawa ng isang utusan sa kapwa niya utusan na nakautang sa kanya ng isandaang denario?

Ang utusan ay tumanggi na magtiyaga at itinapon ang kapwa utusan sa kulungan. [18:30]

Matthew 18:32-33

Ano ang sinabi ng amo sa isang utusan na dapat niyang gawin sa mga kapwa utusan?

Sinabi ng amo sa isang utusan na dapat siyang magkaroon ng habag sa kapwa niya utusan. [18:33]

Matthew 18:34-35

Ano ngayon ang ginawa ng amo sa utusan?

Ipinasakamay ng amo ang utusan sa mga taong nagpapahirap hanggang kanyang mabayaran ang lahat ng kaniyang pagkakautang.[18:34]

Ano ang sinabi ni Jesus na gagawin ng Ama kung hindi natin patatawarin ang ating kapatid ng mula sa puso?

Sinabi ni Jesus na gagawin ng Ama ang tulad ng ginawa ng amo sa utusan kung hindi natin patatawarin ang ating kapatid. [18:35]

Matthew 19

Matthew 19:3-4

Anong katanungan ang itinanong ng mga Pariseo kay Jesus upang subukin siya?

Tinanong ng mga Pariseo si Jesus, "Pinahihintulutan ba sa batas na hihiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa sa ano mang dahilan?" [19:3]

Ano ang sinasabi ni Jesus na totoo mula sa simula pa ng paglalang?

Sinabi ni Jesus na sa simula pa ng paglalang, ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae. [19:4]

Matthew 19:5-6

Dahil sa kaparaanang ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae, ano ang sinasabi ni Jesus na dapat gawin ng lalaki?

Sinabi ni Jesus na dapat hihiwalay ang lalaki sa kaniyang ama at ina at makibiyak sa kaniyang asawa. [19:5]

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kapag ang asawang lalaki makibiyak na kaniyang asawa?

Sinabi ni Jesus na kapag nakibiyak na ang lalaki sa kaniyang asawa, ang dalawa ay magiging isang laman. [19:5-6]

Ano ang sinasabi ni Jesus na hindi dapat gawin ng tao kung ano ang pinagsama ng Diyos?

Sinabi ni Jesus na hindi dapat paghiwalayin ng tao kung ano ang pinagsama ng Diyos. [19:6]

Matthew 19:7-9

Bakit sinabi ni Jesus na iniutos ni Moises ang kasulatan ng paghihiwalay?

Sinabi ni Jesus na iniutos ni Moises ang kasulatan ng paghihiwalay dahil sa katigasan ng puso ng mga Judio. [19:7-8]

Jesus said that who ever divorces his wife, except for fornication, and marries another commits adultery, and that a man who marries a divorced woman commits adultery.

Sinabi ni Jesus na sinumang hihiwalay sa kaniyang asawang bababe, maliban sa pakikiapid, at nakipag-asawa sa iba ay nangangalunya, at ang lalaki na makipag-asawa sa hiniwalayang babae ay nangangalunya [19:9]

Matthew 19:10-12

Sino ang sinasabi ni Jesus na maaaring tanggapin ang pagiging eunuco?

Sinabi ni Jessus na sila na pinapayagang tanggapin ito ay maaaring tumanggap sa pagiging eunuco. [19:10-12]

Matthew 19:13-15

Ano ang ginawa ng mga alagad nang dinala ang ilan sa maliliit na mga bata ay dinala kay Jesus?

Nang dinala kay Jesus ang ilang maliliit na mga bata, pinagsalitaan sila ng mga alagad. [19:13]

Ano ang sinabi ni Jesus noong nakita niya ang mga maliliit na mga bata?

Sinabi ni Jesus na hayaan ang mga maliliit na mga batang pumunta, sapagkat sa kanila nabibilang ang kaharian ng langit. [19:14]

Matthew 19:16-19

Ano ang sinabi ni Jesus sa binatang lalaki na dapat gawin niya upang makapasok sa walang hanggang buhay?

Sinabi ni Jesus sa binatang lalaki na sundin ang mga kautusan upang makapasok sa walang hanggang buhay. [19:16-17]

Matthew 19:20-22

Noong sinabi ng binatang lalaki na sinunod niya ang mga kautusan, ano ang sinabi ni Jesus na gagawin niya?

Noong sinabi ng binatang lalaki na sinunod niya ang mga kautusan, sinabi ni Jesus sa kaniya na ipagbili ang anumang nasa kaniya at ibigay sa mahirap. [19:20-21]

Paano tumugon ang binatang lalaki sa utos ni Jesus na ipagbili ang lahat na nasa kaniya?

Umalis ang binatang lalaki na malungkot dahil marami siyang mga ari-arian. [19:22]

Matthew 19:23-27

Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa mayayamang mga tao na papasok sa kaharian ng langit?

Sinabi ni Jesus na ito'y mahirap sa mayamang tao na makapasok sa kaharian ng langit, ngunit sa Diyos lahat ng mga bagay ay magagawa.

Matthew 19:28

Anong gantimpala ang pinangako ni Jesus sa mga alagad niya na sumusunod sa kainya.

Pinangako ni Jesus sa kaniyang mga alagad na sa bagong kapanganakan, sila ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labindawang mga tribu ng Israel. [19:28]

Matthew 19:29-30

Ano ang sinabi ni Jesus sa kanila na nauuna ngayon at sa kanila na nahuhuli ngayon?

Sinabi ni Jesus na sila na nauuna ngayon ay mahuhuli, at sila na nahuhuli ngayon ay mauuna. [19:30]

Matthew 20

Matthew 20:1-2

Magkano ang napagkasunduan ng may-ari ng lupa na ibibigay niya sa mga manggagawa na kung saan ay inupahan niya ng maagang-maaga?

Ang may-ari ng lupa ay nakipagsundo na magbayad sa mga manggagawa na inupahan niya ng maagang-maaga ng isang denaryo sa isang araw. [20:1-2]

Matthew 20:3-7

Anong hinaing mayroon ang mga manggagawa na inupahan ng maagang-maaga?

Dinaing nila na sila ay nagtrabaho ng buong araw, ngunit tumanggap ng katulad na bayad sa na nagtrabaho ng isang oras. [20:4]

Matthew 20:8-10

Magkano ang tinanggap ng mga manggagawa na inupahan ng ikalabing isang oras?

Ang mga manggagawa na inupahan ng ikalabing isang oras ay tumanggap ng isang denaryo. [20:9]

Matthew 20:11-12

Anong hinaing mayroon ang mga manggagawa na inupahan ng maagang-maaga?

Dinaing nila na sila ay nagtrabaho ng buong araw, ngunit tumunggap ng katulad na bayad sa kanila na nagtrabaho ng isang oras. [20:11-12]

Matthew 20:13-14

Paano tumugon ang may-ari ng lupa sa hinaing ng mga manggagawa?

Sinabi ng may-ari ng lupa na binayaran niya ang mga manggagawa na inupahan niya ng maagang-maaga sa pinagkasunduan na sahod na isang denaryo, at iyon ay kaniyang kagalakan at karapatan na magbayad sa ibang manggagawa ng katulad din. [20:13-14]

Matthew 20:15-16

Paano tumugon ang may-ari ng lupa sa hinaing ng mga manggagawa?

Sinabi ng may-ari ng lupa na binayaran niya ang mga manggagawa na inupahan niya ng maagang-maaga sa pinagkasunduan na sahod isang denaryo, at iyon ay kanyang kagalakan at karapatan na magbayad sa ibang manggagawa ng katulad din.

Matthew 20:17-19

Patungkol sa anong mga pangyayari ang paunang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad habang sila ay patungo sa Jerusalem?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na siya ay ibibigay sa mga punong pari at mga eskriba, hatulan na mamatay, ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay babangon. [20:17-19]

Matthew 20:20-21

Anong kahilingan ang ginawa ng ina ng mga anak ni Zebedeo kay Jesus?

Ninais niya na iutos ni Jesus na ang kanyang dalawang mga anak ay uupo sa kaniyang kanan at kaliwang kamay sa kaniyang kaharian. [20:20-21]

Matthew 20:22-24

Sino ang sinasabi ni Jesus na magpapasiya kung sino ang makakaupo sa kaniyang kanan at kaliwa sa kanyang kaharian?

Sinabi ni Jesus na inihanda ng Ama ang mga lugar na iyon para sa kanila na pinili niya. [20:23]

Matthew 20:25-28

Paano sinabi ni Jesus upang ang isa ay maaaring maging dakila sa kaniyang mga alagad?

Sinabi ni Jesus na sinumang nagnanais na maging dakila ay kinakailangang maging utusan. [20:26]

Ano ang sinasabi ni Jesus sa kaniyang pagparito?

Sinabi ni Jesus na siya ay pumarito upang maglingkod at magbigay ng kaniyang buhay bilang katubusan ng marami. [20:28]

Matthew 20:29-31

Ano ang ginagawa ng dalawang lalaki na nakaupo sa daan nang dumaan si Jesus?

Sumigaw ang dalawang bulag na lalaki, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin”. [20:30]

Matthew 20:32-34

Bakit pinagaling ni Jesus ang dalawang bulag na lalaki?

Pinagaling ni Jesus ang dalawang bulag na lalaki dahil siya ay nahabag. [20:34]

Matthew 21

Matthew 21:1-3

Ano ang sinasabi ni Jesus na matatagpuan ng kaniyang dalawang alagad sa nayon na salungat sa kanila?

Sinabi ni Jesus na makakatagpo sila ng asno na nakatali, at batang asno na kasama niya. [21:2]

Matthew 21:4-5

Ano ang hula ng propeta tungkol sa pangyayaring ito?

Hinula ng propeta na ang Hari ay darating na nakasakay sa asno, at sa batang asno. [21:4-5]

Matthew 21:6-8

Ano ang ginawa ng mga tao sa daan patungo sa Jerusalaem na kung saan si Jesus ay nagtlakbay?

Nilatag ng mga tao ang kanilang panglabas na mga damit sa daan, at naglagay ng mga sanga ng kahoy sa daan. [21:8]

Matthew 21:9-11

Ano ang isinisigaw ng maraming tao habang si Jesus ay papunta?

Sumigaw ang maraming tao, Hosana sa anak ni David, mapalad siya na dumating sa pangalan ng Panginoon, Hosana sa kataas-taasan". [21:9]

Matthew 21:12-14

Ano ang ginawa ni Jesus noong pumasok siya sa templo ng Diyos sa Jerusalem?

Pinalayas ni Jesus ang lahat ng mamimili at nagbebenta sa templo, at pinagbubuwal niya ang mga mesa ng mga mamamalit ng pera at mga upuan ng mga nagbebenta ng mga kalapati. [21:12]

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga negosyante na ginawa nila sa templo ng Diyos?

Sinabi ni Jesus sa mga negosyante na ginawa nilang pugad ng mga magnanakaw ang templo ng Diyos. [21:13]

Matthew 21:15-17

Nang ang mga punong pari at mga eskriba ay sumalungat kung ano ang isinisigaw ng mga bata tungkol kay Jesus, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila?

Binanggit ni Jesus ang propeta na nagsabing mula sa bibig ng mga maliliit na mga bata at sumususong mga sanggol ginawang ganap ng Diyos ang papuri. [21:15-16]

Matthew 21:18-19

Ano ang ginawa ni Jesus sa puno ng igos, at bakit?

Sinumpa ni Jesus na matuyo ang puno ng igos dahil wala itong bunga. [21:18-19]

Matthew 21:20-22

Ano ang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad tungkol sa panalangin mula sa pagkatuyo ng puno ng igos?

Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na kung hihingi sila sa panalangin habang naniniwala ay matatanggap nila. [21:20-22]

Matthew 21:23-24

Habang si Jesus ay nangangaral, patungkol sa ano ang tanong sa kaniya ng mga punong pari at mga nakatatanda?

Gustong malaman ng punong mga pari at mga nakatatanda gustong malaman kung sa anong kapangyarihan ginawa ni Jesus ang mga bagay na ito. [21:23]

Matthew 21:25-27

Anong tanong ang pabalik na itinanong ni Jesus sa mga punong pari at mga nakatatanda?

Tinanong sila ni Jesus kung iniisip nila na ang bawtismo ni Juan Bautista ay galing sa langit o galing sa tao. [21:25]

Bakit ayaw sumagot ang mga punong pari at mga eskriba na ang bawtismo ni Juan ay galing sa langit?

Alam nila na tatanungin din sila ni Jesus bakit hindi nila pinaniwalaan si Juan. [21:25]

Bakit ayaw sumagot ang mga punong pari at mga eskriba na ang bautismo ni Juan ay galing sa tao?

Natatakot sila sa mga tao, na naniniwala na si Juan ay isang propeta. [21:26]

Matthew 21:28-30

Sa kuwento ni Jesus sa dalawang anak, ano ang ginawa ng unang anak noong sinabihan siya na magtrabaho sa ubasan?

Nagsabi ang unang anak na hindi siya pupunta, ngunit nagbago ang kaniyang isip at siya ay pumunta. [21:28-29]

Ano ang ginawa ng pangalawang anak nang sinabihan siyang magtrabaho sa ubasan?

Sinabi ng pangalawang anak na pupunta siya, pero hindi niya ginawa. [21:30]

Matthew 21:31-34

Sa kuwento ni Jesus, sino sa dalawang anak ang gumawa sa kalooban ng ama.

Ang anak na unang nagsabi na hindi siya pupunta at magtrabaho, ngunit pagkatapos ay nagbago ang isip at pumunta. [21:31]

Bakit sinabi ni Jesus na ang maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay papasok sa kaharian ng Diyos bago ang mga punong pari at mga eskriba?

Sinabi ni Jesus na sila ay papasok sa kaharian dahil sila ay naniniwala kay Juan, ngunit ang mga punong pari at mga eskriba ay hindi naniniwala kay Juan. [21:31-32]

Matthew 21:35-37

Ano ang ginawa ng mga tagapag-alaga ng ubas sa mga utusan na pinadala ng may-ari ng ubasan?

Pinalo ng mga tagapag-alaga ng ubas, pinatay, at binato ang mga utusan. [21:35-36]

Sino ang huling ipinadala ng may-ari sa mga taga pag-alaga ng ubas?

Sa ang huling ipinadala ng may-ari ay ang kaniyang sariling anak. [21:37]

Matthew 21:38-39

Ano ang ginawa ng mga tagapag-alaga ng ubas sa huling tao na pinadala ng may-ari?

Pinatay ng mga tagapag-alaga ng ubas ang anak ng may-ari. [21:38-39]

Matthew 21:40-41

Ano ang sinabi ng mga tao na gagawin ng may-ari?

Sinabi ng mga tao na sisirain ng may-ari ang unang tagapag-alaga ng ubas at pauupahan ito sa ibang tagapag-alaga ng ubas na magbabayad. [21:40-41]

Matthew 21:42

Sa mga kasulatan na binanggit ni Jesus, ano ang nangyari sa bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo?

Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ay ginawang batong panulukan. [21:42]

Matthew 21:43-44

Base sa kasulatan na binanggit ni Jesus, ano ang sinabi niya na mangyayari?

Sinabi ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay kukunin mula sa mga punong pari at mga Pariseo, at ibibigay sa bansa na magdadala ng kanyang mga bunga. [21:43]

Matthew 21:45-46

Bakit hindi kaagad dinakip ng mga punong pari at mga Pariseo si Jesus?

Natatakot sila sa mga tao, sapagkat kinilala ng mga tao si Jesus bilang isang propeta. [21:46]

Matthew 22

Matthew 22:5-7

Ano ang ginawa ng mga naanyayahan sa salu-salo ng kasal ng anak ng hari noong dinala ng mga utusan ng hari ang sulat paanyaya?

Ang ilan ay binalewala ang paanyaya at pumunta sa kanilang mga sariling negosyo, at ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari at pinatay sila. [22:5-6]

Ano ang gagawin ng hari sa kanila na unang inanyayahan sa salu-salo ng kasal?

Pinadala ng hari ang kaniyang hukbo, at pinatay ang mga mamamatay tao, at sinunog ang kanilang lungsod. [22:7]

Matthew 22:8-10

Sino ngayon ang inanyayahan ng hari sa salu-salo ng kasal?

Inanyayahan ng hari ngayon ang maraming mga tao na matatagpuan ng kaniyang mga utusan mabuti man o masama. [22:9-10]

Matthew 22:11-12

Ano ang gigawin ng hari sa tao na pumunta sa pista na walang pangkasal na kasuotan?

Pinagapos siya ng hari at pinahagis sa labas na madilim.

Matthew 22:13-14

Ano ang gigawin ng hari sa tao na pumunta sa pista na walang pangkasal na kasuotan?

Pinagapos siya ng hari at pinahagis sa labas na madilim. [22:13]

Matthew 22:15-19

Ano ang sinusubukang gawin ng mga Pariseo kay Jesus?

Sinusubukan ng mga Pariseo na bitagin si Jesus sa kaniyang sariling pananalita. [22:15]

Ano ang itinanong ng mga alagad ng mga Pariseo kay Jesus?

Tinanong nila si Jesus kung Nararapat bang magbayad ng mga buwis kay Cesar o hindi [22:17]

Matthew 22:20-22

Paano sinagot ni Jesus ang tanong mula sa mga alagad ng mga Pariseo?

Sinabi ni Jesus na ibigay kay Cesar ang mga bagay na para kay Cesar’s, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos. [22:21]

Matthew 22:23-24

Anong paniniwala mayroon ang mga Saduseo tungkol sa pagkabuhay?

Naniniwala ang mga Saduseo na walang muling pagkabuhay. [22:23]

Matthew 22:25-28

Sa kuwento ng mga Saduseo. ilan ang naging asawang lalaki ng babae?

Ang babae ay may pitong asawa. [22:26-27]

Matthew 22:29-30

Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Jesus sa mga Saduseo na hindi nila alam?

Sinabi ni Jesus na hindi alam ng mga Saduseo ang mga kasulatan maging ang kapangyarihan ng Diyos. [22:29]

Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pag-aasawa sa muling pagkabuhay?

Sinabi ni Jesus na sa muling pagkabuhay, wala ng mag-aasawa. [22:30]

Matthew 22:31-33

Paano ipinakita ni Jesus mula sa mga kasulatan na mayroong muling pagkabuhay?

Binanggit ni Jesus ang mga kasulatan kung saan ang Diyos ay nagsabi na siya ang Diyos ni Abraham, Isaac, Jacob-ang Diyos ng mga buhay. [22:32]

Matthew 22:34-36

Anong tanong ang itinanong ng abogadong Pariseo kay Jesus?

Tinanong ng abogado si Jesus kung alin ang pinakadakilang utos sa kautusan. [22:36]

Matthew 22:37-38

Ano ang sinasabi ni Jesus na, dalawang pinakadakilang mga kautusan?

Sinabi ni Jesus na ang pagmamahal sa Panginoon na iyong Diyos ng buong puso, kaluluwa, at isip, ang pagmahal sa kapwa gaya ng sa sarili ay ang dalawang pinakadakilang mga kautusan. [22:37-38]

Ano ang sinabi ni Jesus na dakila at unang kautusan?

Sinabi ni Jesus na, ang ibigin ang Panginoon mong Diyos ng buong puso, kaluluwa, at isip ay ang dakila at unang kautusan. [22:37-38]

Matthew 22:39-40

Ano ang sinasabi ni Jesus na, dalawang pinakadakilang mga kautusan?

Sinabi ni Jesus na ang pagmamahal sa Panginoon na iyong Diyos ng buong puso, kaluluwa, at isip, ang pagmahal sa kapwa gaya ng sa sarili ay ang dalawang pinakadakilang mga kautusan. [22:39]

Matthew 22:41-42

Anong tanong ang itinanong ni Jesus sa mga Pariseo?

Tinanong sila ni Jesus kung kaninong anak si Cristo. [22:42]

Anong sagot ang ibinigay ng mga Pariseo kay Jesus?

Sinabi ng mga Pariseo na si Cristo ay anak ni David. [22:42]

Matthew 22:43-44

Ano ang pangalawang tanong na itinanong ni Jesus sa mga Pariseo?

Tinanong sila ni Jesus kung papaano tawagin ni David ang kanyang anak, ang Cristo, na Panginoon.

Matthew 22:45-46

Ano ang pangalawang tanong na itinanong ni Jesus sa mga Pariseo?

Tinanong sila ni Jesus kung paano tawagin ni David ang kaniyang anak, ang Cristo, na Panginoon. [22:45]

Anong sagot ang ibinigay ni ng mga Pariseo kay Jesus?

Walang maisagot na salita ang mga Pariseo kay Jesus. [22:46]

Matthew 23

Matthew 23:1-3

Dahil sa ang mga eskriba at mga Pariseo ay nasa upuan ni Moises, ano ang sinabi ni Jesus sa mga tao na dapat nilang gawin sa kanilang katuruan?

Sinabi ni Jesus sa mga tao na gawin at sundin ang mga bagay na itinuro ng mga eskriba at Pariseo mula sa upuan ni Moises. [23:2-3]

Bakit sinabi ni Jesus na huwag tularan ang mga ginagawa eskriba at mga Pariseo?

Sinabi ni Jesus na hindi nila dapat gayahin ang mga ginagawa nila dahil sinasabi nila ang mga bagay ngunit hindi naman nila ito ginagawa? [23:3]

Matthew 23:4-5

Sa anong hangarin ang ginawa ng mga eskriba at mga Pariseo na gawin ang lahat ng kanilang mga gawain?

Ang mga eskriba at mga Pariseo ay ginawa ang lahat ng kanilang gawain upang makita ng mga tao. [23:5]

Matthew 23:6-7

kanino sinabi ni Jesus ang ating iisang Ama, at ating iisang guro?

Sinabi ni Jesus na ang ating nag-iisang Ama ay siya na nasa langit, at ating nag-iisang guro ay ang Cristo.

Matthew 23:8-10

Sino ang sinasabi ni Jesus na ating isang Ama, at ating isang guro?

Sinabi ni Jesus na ang ating isang Ama ay siya na nasa langit, at ang ating isang guro ay si Cristo. [23:8-10]

Matthew 23:11-12

Ano ang gagawin ng Diyos sa sinumang nagtataas ng kanyang sarili, at kung sino ang nagpapakumbaba sa kanyang sarili?

ibababa ng Diyos ang nagtataas ng kanyang sarili, at itataas niya ang nagpapakumbaba sa kanyang sarili. [23:12]

Matthew 23:13-15

Anong pangalan ang paulit-ulit na tinawag ni Jesus sa mga eskriba at Pariseo na naglalarawan sa kanilang pag-uugali?

Paulit-ulit na tinawag ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo na mga mapagpaimbabaw. [23:13-15]

Matthew 23:16-22

Tungkol sa pagiging nakagapos sa mga sumpa, kung ano ang sinabi ni Jesus patungkol sa katuruan ng mga eskriba at Pariseo

Sinabi ni Jesus na mga eskriba at Pariseo ay mga bulag na mga gabay at mga bulag na manloloko. [23:16-17]

Matthew 23:23-24

Anong pangalan ang paulit-ulit na tinatawag ni Jesus sa eskriba at Pariseo na naglalarawan sa kanilang pag-uugali?

Paulit-ulit na tinawag ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo na mapagimbabaw. [23:23]

Bagaman sila ay may pagbibigay ng ikapu sa kanilang yerbabuena, anis, at kumin, anong pagka-bigo ang nagawa ng mga eskriba at mga Pariseo?

Ang mga eskriba at Pariseo ay nabigo sa paggawa ng mabigat na mga bagay batas-hustisya o katarungan, awa, at pananampalataya.[23:23]

Matthew 23:25-26

Anong pangalan ang paulit-ulit na tinatawag ni Jesus sa eskriba at Pariseo na naglalarawan sa kanilang pag-uugali?

Paulit-ulit na tinawag ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo na mapagimbabaw. [23:25-26]

Ano ang nagawang pagkabigo ng mga eskriba at mga Pariseo sa paglilinis?

Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nabigo sa paglinis sa loob ng kanilang tasa, kaya ang panlabas ay dapat malinis rin.

Matthew 23:27-28

Sa kung ano ang mga eskriba at mga Pariseo ay puno ang kalooban?

Ang mga eskriba at Pariseo ay puno ng panghuhuthot o pangingikil, labis, ng pagkukunwari at mga katampalasan. [23:28]

Matthew 23:29-31

Anong pangalan ang paulit-ulit na tinatawag ni Jesus sa eskriba at Pariseo na naglalarawan sa kanilang pag-uugali?

Paulit-ulit na tinawag ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo na mapagimbabaw. [23:29-31]

Ano ang ginawa sa mga propeta ng Diyos ng mga ama ng eskriba at Pariseo?

Ang mga ama ng eskriba at Pariseo ay pinatay ang mga propeta ng Diyos.

Matthew 23:32-33

Ano ang paghahatol na haharapin ng mga eskriba at mga Pariseo

Haharapin ng mga eskriba at mga Pariseo ang hatol ng impiyerno. [23:33]

Matthew 23:34-36

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga eskriba at Pariseo na nais gawin sa mga propeta, matatalinong tao, at esckriba na nais magdala sa kanila?

At sinabi ni Jesus nais nilang patayin at ipako ang ilan, paluin ang ilan, at habulin ang ilan mula sa lungsod sa lungsod. [23:34]

Bilang resulta ng kanilang mga paguugali, anong pagkakasala ang napunta sa mga eskriba at mga Pariseo?

Ang pagkakasala ng lahat ng dugo ng mga matuutuwid na tao ay bumalot sa mundo at sa mga esriba at mga Pariseo. [23:35]

Matthew 23:37-39

Anong pagnanais ang ginawa ni Jesus para sa mga bata sa Jerusalem, at bakit hindi ito natupad?

Ninais ni Jesus na tipunin at pagsama-samahin ang mga bata ng Jerusalem, ngunit hindi sila sumang-ayon. [23:37]

Matthew 24

Matthew 24:1-2

Ano ang hula ni Jesus tungkol sa templo sa Jerusalem?

Katotohanang sinabi ni Jesus, wala ni isa mang bato na maiwang nakapatung sa isa pang bato na hindi guguho. [24:2]

Matthew 24:3-5

Anong klase ng tao ang sinabi ni Jesus namaghihikayat sa kanila sa pagkaligaw?

Ang sabi ni Jesus marami ang darating at sasabihing sila ay ang Cristo,hihikayatin ang marami upang maligaw. [24:3]

Pagkatapos mapakinggan ang propesiya patungkol sa templo, ano ang tinanong ng mga alagad kay Jesus/

Tinanong ng mga alagad kay Jesus kung kailan nangyari ang mga bagay na ito, at ano ang tanda ng kanyang pagdating at ang katapusan ng mundo? [24:5]

Matthew 24:6-8

Anong kaganapan ang sinabi ni Jesus na magiging simula ng sakit sa panganganak?

Sinabi ni Jesus na mga digmaan, taggutom, at lindol ang magiging simula ng sakit sa panganganak. [24:6-8]

Matthew 24:9-11

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kasama ng mananampalataya sa panahong ito?

Sinabi ni Jesus na ang mga mananampalataya ay magdaranas ng malaking pagsubok, ang ilan ay matitisod at ipagkanulo ang isat-isa, at ang mga puso ng ilan ay manlalamig. [24:9-10]

Matthew 24:12-14

Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kasama ng mananampalataya sa panahong ito?

Sinabi ni Jesus na ang mga mananampalataya ay magdaranas ng malaking pagsubok, ang ilan ay matitisod at ipagkanulo ang isat-isa, at ang mga puso ng ilan ay manlalamig. [24:13]

Matthew 24:15-18

Ano ang sinabi ni Jesus sa mga mananampalataya na dapat gawin kapag nakita nila ang lagim ng pagkasuklam na nakatayo sa banal na lugar?

Sinabi ni Jesus sa mga mananampalataya na tumakas sa kabundukan. [24:15-18]

Matthew 24:19-22

Gaano kalawak ang paghihirap sa mga darating na araw?

Sa mga araw na iyon, ang paghihirap ay malawak ng anumang mula sa simula ng mundo. [24:21]

Matthew 24:23-25

Ano ang ginawa ng mga bulaang Cristo at bulaang propeta para iligaw ang marami?

Ang mg bulaang Cristo at mga bulaang propeta ay nagpakita ng mga kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan upang iligaw ang marami. [24:24]

Matthew 24:26-28

Ano ang magiging katulad ng pagdating ng Anak ng Tao?

katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran. [24:27]

Matthew 24:29

Anong mangyayari sa araw, buwan at mga bituin pagkatapos ng malaking paghihirap sa mga araw na iyon?

Ang araw at ang buwan ay magdidilim, ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit. [24:29]

Matthew 24:30-31

Ano ang gagawin ng mga tribo o lipi ng mundo nang kanilang makita ang Anak ng Tao na dumarating sa kapangyarihan at kadakilaan ng kanyang kaluwalhatiaan?

Ang mga tribo o lipi ng mundo ay matatalo ang kanilang dibdib o bubelya. [24:30]

Matthew 24:32-33

Ano ang sinabi ni Jesus na hindi mawawala hanggang ang lahat ng bagay ay naganap?

Sinabi ni Jeus na ang henerasyong ito ay hindi mawawala hanggang ang lahat ng mga bagay ay maganap

Matthew 24:34-35

Ano ang sinabi ni Jesus na hindi mawala hangga't ang lahat ng bagay ay mangyari.

Sinabi ni Jesus na ang henerasyong ito ay hindi mawawala hanggang ang lahat ng bagay ay mangyari. [24:34]

Matthew 24:36

Sinong nakakaalam kung kailan ang mga bagay na ito ay mangyayari?

Tanging ang Ama lamang ang nakakaalam ng lahat ng mga kaganapan na mangyayari. [24:36]

Matthew 24:37-39

Paanong ang pagdating ng Anak ng Tao ay maging mga araw ni Noah bago ang baha?

Ang mga tao ay kakain at iinom, magpapakasal at magbibigay sa pag-aasawa, Walang kaalam-alam sa pagdating ng paghuhukom na kukunin sila sa malayo. [24:37-39]

Matthew 24:40-44

Anong ugali sinabi ni Jesus sa mga mananampalataya na kailangang manatili sa kanyang pagdating?

Sinabi ni Jesus na ang mga mananampalatayang ito ay maging laging handa, sapagkat hindi nila alam ang araw ng pagdating ng Panginoon. [24:42]

Matthew 24:45-47

Ano ang ginagawa ng matapat at matalinong alipin habang wala ang kanilang amo?

Ang tapat at matalinong alipin at inaalagaan ang sambahayan ng kanyang amo habang ang amo ay nasa malayo. [24:45-46]

Matthew 24:48-51

Ano ang ginagawa ng masamang alipin habang nasa malayo ang kanyang amo?

Ang masamang alipin ay pinapalo ang kanyang kapwa alipin at kumakain at umiinom kasama ang mga manginginom habang ang amo ay nasa malayo. [24:48-49]

Matthew 25

Matthew 25:1-4

Ano ang ginawa ng mga mangmang na birhen nang salubungin ang lalaking ikakasal?

Ang mga mangmang na birhen ay hindi nagdala ng langis sa kanilang lampara. [25:3]

Ano aginawa matatalinong birhen upang salubungin ang lalaking ikakasal?

Ang mga matatalinong birhen ay nagdala ng mga langis sa lalagyan kasama ng kanilang lampara. [25:4]

Matthew 25:5-9

Kailan darating ang lalaking bagong kasal, at ito ba ay ang hinihintay na oras?

Dararting ang lalaking bagong kasal ng hating-gabi, na kung saan mas maaga sa inaasahang oras. [25:5-6]

Matthew 25:10-13

Ano ang nangyari sa matatalinong birhen ng ang bagong kasal na lalaki ay dumating?

Sumama ang mga matatalinong birhen sa bagong kasal na lalaki sa pista ng kasalan. [25:10]

Matthew 25:14-16

Ano ang ginawa ng mga alipin na may lima at dalawang talento nang ang kanilang amo ay dumating mula sa kanyang paglalakbay?

Ang aliping may limang talento ay nakagawa pa ng limang talento, at ang may dalawang talento ay nakagawa ng dalawa pa. [25:16]

Matthew 25:17-18

Anong ginawa ng mga alipin na may lima at dalawang mga talento nang ang kanilang amo ay naglakbay?

Ang aliping may limang talento ay gumawa ng lima pang mga talento, at ang isang may dalawang talento ay gumawa ng dalawa pa. [25:18]

Matthew 25:19-23

Gaano katagal at kalayo ang paglalakbay ng amo?

Ang amo ay magtatagal ng mahabang panahon. [25:19]

Matthew 25:24-25

Nang siya ay bumalik, anong ginawa ng amo sa mga alipin na binigyan niya ng isang talento?

Sinabi ng amo, "Ikaw mahina at tamad na alipin," kinuha ang isang talento sa kanya, at itinapon sa panlabas na kadiliman.

Matthew 25:26-30

Nang siya ay bumalik, ano ang ginawa ng amo sa kanyang mgha alipin na binigyan ng mga talento?

Ang amo ay nagsabi, "Kayong mga mangmang at tamad na alipin," kinuha ang isang talento mula sa kanya, at itinapon sa kadiliman. [25:26]

Matthew 25:31-33

Anong ginawa ng Anak ng Tao nang siya ay dumating at umupo sa kanyang maluwalhating trono?

Ang Anak ng Tao ay titipunin ang lahat ng bansa at ihihiwalay ang mga tao isa mula sa isa pa. [25:31-32]

Matthew 25:34-36

Ano ang matatanggap ng nasa kanang kamay ng hari?

Silang mga nasa kanang kamay ng hari ay tatanggap ng kaharian na inihanda sa kanila mula sa pundasyon ng mundo. [25:34]

Matthew 25:37-40

Ano ang mga natanggap ng mga nasa kaliwang kamay ng hari?

Silang mga nasa kaliwang kamay ng hari ay nakatanggap ng apoy na walang hanggang na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel.

Matthew 25:41-43

Ano ang matatanggap ng nasa kaliwang kamay ng hari?

Silang mga nasa kaliwang kamay ng hari ay tatanggap ng walang hanggang apoy na inihanda ng mga diyablo at ng kanyang mga anghel. [25:41]

Matthew 25:44-46

Ano ang hindi dapat gawin ng mga nasa kaliwang kamay ng hari sa kanilang mga buhay?

Silang mga nasa kaliwang kamay ng hari ay hindi nagbigay ng pagkain sa mga nagugutom, inumin sa mga nauuhaw, papasukin ang mga dayuhan at damitan ang mga hubad, alagaan ang mga maysakit, o dalawin ang mga nakakulong.

Matthew 26

Matthew 26:1-2

Anong pista ng mga Judio ang sinabi ni Jesus na darating sa loob ng dalawang araw?

Sinabi ni Jesus na ang Paskua ay darating sa loob ng dalawang araw. [26:2]

Matthew 26:3-5

Ano ang sabwatan na ginawa ng mga punong pari at mga nakatatanda sa palasyo ng punong pari?

Sila ay nagsabwatan sa paghuli kay Jesus ng palihim para patayin siya [26:4]

Anu ang kinatatakutan ng mga punong parinat mga nakatatanda sa palasyo ng punong pari?

Natatakot sila na kung papatayin nila si Jesus sa araw ng pista, maaaring magkagulo ang mga tao. [26:5]

Matthew 26:6-11

Ano ang naging asal ng mga alagad nang ibinuhos ng babae ang mamahaling pabango sa ulo ni Jesus?

Ang mga alagad ay nagalit at nais malaman kung bakit ang mamahaling pabango ay hindi ibinenta at ang salapi ay ibinigay sa dukha. [26:8]

Matthew 26:12-13

Ano ang sinabi ni Jesus noong binuhusan siya ng babae ng pabango?

Sinabi ni Jesus na ibinuhos ng babae ang pabango sa kaniya para sa kaniyang libing. [26:12]

Matthew 26:14-19

Ano ang ibinigay kay Judas Iscariote upang ibigay si Jesus sa mga kamay ng mga punong pari?

Binayaran si Judas ng tatlumpung piraso ng pilak upang ibigay si Jesus sa mga kamay ng mga punong pari. [26:15]

Matthew 26:20-22

Ano ang sinabi ni Jesus sa gabi ng haponan patungkol sa isa sa kaniyang mga alagad?

Sinabi ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad ang magkanulo sa kaniya. [26:21]

Matthew 26:23-25

Ano ang sinabi ni Jesus patungkol sa hinaharap sa isa na magkanulo sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na mas mabuti pa sa lalaking iyon na hindi na siya ipinanganak. [26:24]

Ano ang isinagot ni Jesus nang si Judas ay nagtanong kung siya ang magkanulo kay Jesus?

Sumagot si Jesus ikaw mismo ang nagsabi.[26:25]

Matthew 26:26

Ano ang sinabi ni Jesus noong kinuha niya ang tinapay, pinapasalamat, pinagputol-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad?

Sinabi ni Jesus, kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay ang aking katawan. [26:26]

Matthew 26:27-29

Ano ang sinabi ni Jesus patungkol sa kopa na kaniyang ibibigay sa mga alagad?

Sinabi ni Jesus na ang kopa ay ang kaniyang dugo ng kasunduan na ibuhos para sa marami para sa ikapapatawad ng mga kasalanan. [26:28]

Matthew 26:30-32

Doon sa Bundok ng mga Olibo, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na gagawin nilang lahat sa gabing iyon?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na lahat sila ay aalis sa gabing iyon dahil sa kaniya.[26:30-31]

Matthew 26:33-35

Noong sinabi ni Pedro na hindi siya aalis, ano ang sinabi ni Jesus na kaniyang gagawin nang gabing iyon?

Sinabi ni Jesus kay Pedro na ikakaila niya si Jesus ng tatlong beses sa gabing iyon bago tumilaok ang manok. [26:33-34]

Matthew 26:36-38

Ano ang itinanong ni Pedro at ng dalawang anak na lalaki ni Zebedeo na dapat gawin habang siya ay nananalangin?

Sinabi ni Jesus sa kanila na manatili doon magbantay kasama ko. [26:37-38]

Matthew 26:39-41

Ano ang hiniling ni Jesus sa Ama sa kaniyang panalangin?

Hiniling ni Jesus, kung maaari, hayaan na ang kopang ito ay lalampas sa kaniya [26:39]

Ano ang panalangin ni Jesus na maganap, anuman ang sariling kalooban ni Jesus?

Nanalangin si Jesus na ang kalooban ng Ama ang magaganap, anuman ang sariling kalooban ni Jesus. [26:40]

Ilang beses na iniwanan ni Jesus ang mga alagad upang manalangin?

Iniwan ni Jesus ang kaniyang mga alagad ng tatlong beses upang manalangin.

Matthew 26:42-44

Ano ang panalangin ni Jesus na maganap, anuman ang sariling kalooban ni Jesus?

Nanalangin si Jesus na ang kalooban ng Ama ang magaganap, anuman ang sariling kalooban ni Jesus. [26:42]

Matthew 26:45-46

Ano ang ginawa ng mga alagad noong bumalik si Jesus mula sa pananalangin?

Natutulog ang mga alagad noong bumalik si Jesus mula sa pananalangin. [26:45-46]

Matthew 26:47-50

Ano ang palatandaan na ibinigay ni Judas sa maraming tao para makikila si Jesus na siyang susunggaban?

Hahalikan ni Judas si Jesus bilang palatandaan ng mga tao na si Jesus na ang susunggaban. [26:47-48]

Matthew 26:51-54

Ano ang ginawa ng isa sa mga alagad ni Jesus noong sinunggaban si Jesus?

Kinuha ng isa sa mga alagad ni Jesus ang kaniyang espada at tinapyas ang tainga ng utusan ng pinunong pari. [26:51]

Ano ang sinabi ni Jesus na kaya niyang gawin kung nais niya na ipaglaban ang kaniyang sarili?

Sinabi ni Jesus na kaya niyang tumawag sa Ama na kayang magpadala ng labingdalawang pulutong ng mga anghel. [26:53]

Ano ang sinabi ni Jesus na natutupad sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito?

Sinabi ni Jesus na ang kasulatan ay natupad sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito. [26:54]

Matthew 26:55-58

Ano ang ginawa ng lahat ng mga alagad?

Iniwan siya ng lahat ng mga alagad at tumakas. [26:56]

Matthew 26:59-61

Ano ang hinahanap ng mga punong pari at ang buong konseho upang mapatay si Jesus?

Naghahanap sila ng maling patotoo laban kay Jesus, upang si Jesus ay mapatay. [26:59]

Matthew 26:62-64

Ano ang binigay ng utos ng punong pari kay Jesus sa pamamagitan ng buhay na Diyos?

Iniutos ng punong pari kay Jesus na sabihin sa kanila kung siya nga ba o hindi ang Cristo, ang Anak ng Diyos. [26:63]

Ano ang tugon ni Jesus sa punong pari?

Sinabi ni Jesus ikaw na mismo ang nagsabi. [26:64]

Ano ang sinabi ni Jesus na makikita ng punong pari?

Sinabi ni Jesus sa punong pari na makikita ang Anak ng Tao na naka-upo sa kanang kamay ng kapangyarihan at darating sa ulap ng langit. [26:64]

Matthew 26:65-66

Ano ang inaakusa ng mga pinakapunong pari na ginawa nila laban kay Jesus?

Inakusahan si Jesus ng mga pinunong pari ng kalapastangan. [26:65]

Matthew 26:67-72

Ano ang ginawa nila kay Jesus pagkatapos nila itong inakusahan?

Dinuraan nila ang mukha ni Jesus, pinalo siya at pinagsasampal ng kanilang mga kamay. [26:67]

Matthew 26:73-75

Ano ang isinagot ni Pedro ng tatlong beses na itinanong sa kaniya ng isang tao kung siya ay kasama ni Jesus?

Sumagot si Pedro na hindi niya kilala si Jesus [26:73]

Ano ang nangayari sa sandaling sumagot si Pedro sa ikatlong beses?

Sa sandaling sumagot si Pedro sa ikatlong beses, tumilaok ang manok. [26:74]

Ano ang naalala ni Pedro pagkatapos ng kaniyang ikatlong sagot?

Naalala ni Pedro na sinabi ni Jesus na hindi pa titilaok ang manok, itatanggi niya s Jesus ng tatlong beses. [26:75]

Matthew 27

Matthew 27:1-2

Noong umaga, saan dinala ng mga punong pari at mga nakatatanda si Jesus?

Noong umaga, siya ay dinala nila kay Pilato na governador. [27:2]

Matthew 27:3-5

Ano ang ginawa ni Judas Iscariote noong nakita niya na hinahatulan na si Jesus?

Nagsisi si Judas sa pagkanulo sa walang salang dugo, ibinalik ang pilak lumabas at siya ay nagbigti. [27:5]

Matthew 27:6-8

Ano ang ginawa ng mga punong pari sa tatlumpung piraso ng pilak?

Ipinambili nila ng Bukid ng Magpapalayok upang maging libingan ng mga dayuhan. [27:6-7]

Matthew 27:9-10

Kaninong hula ang tinutupad ng mga pangyayaring ito?

Ang mga pangyayaring ito ay tumupad sa mga hula ni Jeremias. [26:9-10]

Matthew 27:11-14

Ano ang itinanong ni Pilato kay Jesus, at ano ang sagot ni Jesus?

Tinanong ni Pilato si Jesus kung siya ang Hari ng mga Judio, at sumagot si Jesus, "Ikaw na ang nagsabi". [27:11]

Ano ang sagot ni Jesus sa lahat ng mga sinasakdal sa kaniya ng mga punong pari at mga nakatatanda?

Hindi sumagot si Jesus ng anuman. [27:12-14]

Matthew 27:15-16

Ano ang nais gawin ni Pilato kay Jesus, sa pagsunod ng kaugalian sa Pista ng Paskua?

Ninais ni Pilato na pakawalan si Jesus, sa pagsunod sa kaugalian ng pista. [27:15-16]

Matthew 27:17-19

Ano ang mensahe ng asawa ni Pilato sa kaniya nang siya ay nakaupo sa upuan ng hukuman?

Sinabihan niya kay Pilato na walang gagawin sa walang kasalanang taong iyon. [27:19]

Matthew 27:20-22

Bakit si Barabas, at hindi si Jesus ang pinakawalan ayon sa kaugalian ng pista?

Hinikayat ng mga punong pari at ang mga nakatatanda ang maraming tao na pakawalan si Barabas, sa halip na si Jesus. [27:20]

Ano ang isinisigaw ng maraming tao na nais nilang mangyari kay Jesus?

Sumigaw ang maraming tao na nais nila na ipako si Jesus sa krus. [27:22]

Matthew 27:23-24

Nang nakita ni Pilato na magkagulo, ano ang kaniyang ginawa?

Hinugasan niya ang kamay at, sinabi na siya ay walang pananagutan sa walang salang dugo ng tao na ito, at ibinigay si Jesus sa maraming tao. [27:24]

Matthew 27:25-26

Ano ang sinabi ng mga tao noong ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila?

Sinabi ng mga tao, "Nawa'y mapasaamin ang kaniyang dugo at sa aming mga anak." [27:25]

Matthew 27:27-31

Ano ang inilagay ng mga kawal ng gobernador kay Jesus?

Sinuutan siya ng pulang-pula na balabal ng mga kawal at koronang tinik sa kaniyang ulo. [27:27-29]

Matthew 27:32-34

Ano ang ipinilit na gawin ni Simon na taga Cirene?

Pinilit si Simon na buhatin ang krus ni Jesus. [27:32]

Saan sila pumunta upang ipako si Jesus?

Pumunta sila sa Golgota , na ang ibig sabihin ay "Ang Lugar ng mga Bungo". [27:33]

Matthew 27:35-37

Ano ang ginawa ng mga kawal pagkatapos nilang ipinako sa krus si Jesus?

Ang mga kawal ay nagpalabunutan upang paghati-hatian ang damit ni Jesus at pagkatapos umupo para binantayan siya. [27:35-36]

Ano ang sulat na inilagay nila sa taas ng ulo ni Jesus?

Ang sinulat nila ay, ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO". [27:37]

Matthew 27:38-44

Sino ang naipako sa krus kasama ni Jesus?

dalawang magnanakaw ang naipako sa krus kasama ni Jesus, ang isa sa kaniyang kanan at ang isa sa kaniyang kaliwa. [27:38]

Matthew 27:45-47

Ano ang nangyari mula ika-anim na oras hanggang ika-siyam na oras?

Nagdilim ang buong lupain mula sa ika-anim hanggang sa ika-siyam na oras. [27:45]

Ang isinigaw ni Jesus sa ika-siyam na oras?

Ang isinigaw ni Jesus ay, "Diyos Ko, Diyos Ko, bakit mo ako tinalukuran?". [27:46]

Matthew 27:48-50

Ano ang nangyari pagkatapos na muling sumigaw ni Jesus na may malakas na boses?

Ibinigay ni Jesus ang kaniyang espiritu. [27:50]

Matthew 27:51-53

Ano ang nangyari sa templo pagkatapos namatay ni Jesus?

ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba, pagkatapos namatay ni Jesus. [27:51]

Ano ang nangyari sa mga libingan pagkatapos namatay ni Jesus?

Maraming mga banal na nakatulog ang bumangon at nagpakita sa marami pagkatapos namatay ni Jesus. [27:52-53]

Matthew 27:54-56

Na nakita ang lahat nang pangyayaring ito, ano ang ipinapatotoo ng senturion?

Nagpatotoo ang senturion, "Katotohanang Anak ito ng Diyos." [27:54]

Matthew 27:57-58

Pagkatapos na naipako sa krus, ano ang nangyari sa katawan ni Jesus?

Ang mayaman na alagad ni Jesus, na si Jose, ay hiniling kay Pilato ang katawan, binalot ng lino, at ihinimlay ito sa kaniyang sariling bagong puntod.[27:57-58]

Matthew 27:59-61

Ano ang inilagay sa tapat ng pintuan ng puntod na kung saan nakahimlay ang katawan ni Jesus?

May malaking bato na inilagay sa tapat ng pintuan ng puntod kung saan nakahimlay ang katawan ni Jesus. [27:60]

Matthew 27:62-64

Bakit nagkatipun-tipon ang mga punong pari at mga Pariseo kasama si Pilato nang sumunod na araw?

Ang mga punong pari at mga Pariseo gustong makasiguro na ang puntod ni Jesus ay mabantayan upang walang sinuman ang maaaring magnakaw ng katawan. [27:62-64]

Matthew 27:65-66

Ano ang pinayagan ni Pilato na gawin nila sa puntod?

Pinahintulutan sila ni Pilato na selyohan ang bato at maglagay ng guwardiya sa puntod. [27:65-66]

Matthew 28

Matthew 28:1-2

Anong araw at oras pumunta si Maria Magdalena at ang isa pang Maria sa puntod ni Jesus?

Nang magbubukang liwayway patungo sa unang araw ng linggo, pumunta sila sa puntod ni Jesus.[28:1]

Paano naigulong ang bato sa libingan ni Jesus?

Bumaba ang anghel ng Panginoon at iginulong ang bato. [28:2]

Matthew 28:3-4

Ano ang ginawa ng mga guwardiya nang nakita nila ang anghel?

Nanginig ang guwardiya sa takot at nanigas na parang patay nang nakita nila ang anghel. [28:4]

Matthew 28:5-7

Ano ang sinabi ng anghel sa dalawang babae tungkol kay Jesus?

Sinabi ng anghel na si Jesus ay nabuhay at nauna sa kanila sa Galilea. [28:5-7]

Matthew 28:8-10

Ano ang nangyari sa dalawang babae sa daan ng papunta sila upang sabihin sa mga alagad?

Nasalabong ng mga babae si Jesus, at humawak sila sa mga paa at siya ay sinamba. [28:8-9]

Matthew 28:11-15

Noong sinabi ng mga guwardiya sa mga punong pari kung ano ang nangyari sa puntod, ano ang ginawa ng mga punong pari?

Binayaran ng ng mga punong pari ng malaking halaga ng salapi ang mga kawal at sinabi sa kanila na sabihing ninakaw ng mga alagad ni Jesus ang katawan. [28:11-13]

Matthew 28:16-17

Ano ang ginawa ng mga alagad nang nakita nila si Jesus sa Galilea?

Sinamba ng mga alagad si Jesus, ngunit ang iba ay nag-aalinlangan. [28:17]

Matthew 28:18-19

Anong kapangyarihan ang sinabi ni Jesus na ibibigay sa kaniya?

Sinabi ni Jesus na lahat ng kapangyarihan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. [28:18]

Ano ang iniutos ni Jesus sa mga alagad na gagawin nila?

Ipinagutos ni Jesus sa kaniyang mga alagad na humayo at gawing mga alagad, at bautismohan sila. [28:19]

Sa anong pangalan ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad upang magbautismo?

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na magbautismo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espirtu. [28:19]

Matthew 28:20

Ano ang iniutos ng kaniyang mga alagad na ituro?

Iniutos ng mga alagad ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ituro sa buong bansa na sumunod sa lahat ng mga bagay na iniutos niya. [28:20]

Ano ang huling pangako ni Jesus sa kaniyang mga alagad?

Nangako si Jesus na laging kasama nila hanggang sa katapusan ng mundo. [28:20]