Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Ruth

Ruth 1

Ruth 1:1-2

Sa loob ng anong panahon ng kasaysayan ng Judio nangyari ang kwento ng Ruth?

Nangyari ito noong mga araw nang namahala ang mga hukom.

Bakit lumipat si Elimelech sa Moab kasama ang kaniyang pamilya?

Lumipat sila dahil nagkaoon ng taggutom sa Juda.

Ruth 1:3-5

Ano ang nangyari sa pamilya ni Naomi sa Moab?

Ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki ay namatay, naiwan ang dalawa niyang mga manugang na babae.

Ruth 1:6-7

Bakit nagpasya si Naomi na bumalik sa Judah?

Narinig ni Naomi na binigyan ni Yahweh ang mga tao sa Judah ng pagkain.

Ruth 1:8-15

Ano ang gusto ni Naomi na gawin ng dalawa niyang mga manugang na babae?

Gusto niya na bumalik sila sa kani-kanilang mga bahay ng ina at humanap ng ibang asawang lalaki.

Ruth 1:16-18

Nang nanatili si Ruth kasama si Naomi, anung pangako ang ginawa ni Ruth kay Naomi?

Sinabi niya, "Kung saan ka pupunta, doon ako ay pupunta; saan ka titira, doon ako ay titira; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos; saan ka mamamatay, doon ako mamamatay."

Ruth 1:19-21

Sa anong bayan si Naomi bumalik?

Bumalik siya sa Bethlehem.

Ruth 1:22

Sa anong panahon ng taon nakarating sina Ruth at Naomi sa Bethlehem?

Iyon ay sa simula ng pag-aani ng sebada.

Ruth 2

Ruth 2:1-2

Anung ugnayan ang namamagitan sa namatay na asawa ni Naomi at Boaz?

Sila ay magkamag-anak.

Ruth 2:3-4

Anung ugnayan ang namamagitan sa namatay na asawa ni Naomi at Boaz?

Sila ay magkamag-anak.

Ruth 2:5-7

Ano ang gusto malaman ni Boaz tungkol kay Ruth?

Gusto niyang malaman sa anong lalaki siya nabibilang.

Ruth 2:8-9

Anung mga tagubilin ang ibinigay ni Boaz kay Ruth tungkol sa kaniyang pamumulot?

Sinabi niya, "Manatili ka at magtrabaho sa aking bukid kasama ng aking mga babaeng manggagawa."

Ruth 2:10-14

Pagkatapos matanggap ang kaaya-ayang mga tagubilin, anung tanong ang itinanong ni Ruth kay Boaz?

Itinanong niya, "Bakit ako nakasumpong ng pabor sa iyong paningin?"

Ruth 2:15-18

Anung karagdagang pabor ang ipinakita ni Boaz kay Ruth nang bumalik sila upang magtrabaho pagkatapos ng oras ng kainan?

Pinayagan niya si Ruth na mamulot mula sa ma binigkis, at inutusan ang mga manggagapas na magbunot ng mga binigkis para sa kaniya mula sa mga tinali.

Ruth 2:19-22

Nang makita ni Naomi ang mga malalaking kabuuang halaga ng trigo na dinala pabalik ni Ruth, anung tanong ang itinanong niya kay Ruth?

Itinanong niya, "Saan ka namulot ngayong araw?"

Ruth 2:23

Ano ang ginawa ni Ruth sa mga natitirang ani ng sebada?

Namulot siya kasama ang mga manggagawa ni Boaz at manirahan kasama si Naomi.

Ruth 3

Ruth 3:1-2

Ano ang sinabi ni Naomi na ang kanyang nais ay para kay Ruth?

Ninais niya na si Ruth ay magkaroon ng isang lugar ng pamahinga, at ang mga bagay ay maging maayos para sa kanya.

Ruth 3:3-7

Ano ang sinabi ni Naomi kay Ruth na gawin bago bumaba sa giikang palapag?

Sinabihan niya siya na maglinis, magpabango, at magpalit ng mga damit.

Ruth 3:8-9

Sa hatinggabi, ano ang ikinagulantang ni Boaz?

Siya ay nagulantang na makita na isang babae ang nakahiga sa kanyang paanan!

Ruth 3:10-11

Bakit si humingi si Boaz ng pagpapala kay Yahweh para kay Ruth?

Dahil hinabol ni Ruth si Boaz at hindi mga binata.

Ruth 3:12-13

Anung balakid ang humadlang kay Boaz na agad gampanan ang bahagi ng isang kamag-anak para kay Ruth?

May ibang mas malapit na kamag-anak kaysa kay Boaz.

Ruth 3:14-18

Bakit umalis si Ruth sa giikang palapag nang maaga bago pa may sinumang makakilala sa kanya?

Dahil sinabi ni Boaz na hindi dapat malaman na siya ay pumunta siya sa giikang palapag.

Ruth 4

Ruth 4:1-2

Saan nagpunta si Boaz upang lutasin ang suliranin kung sino ang maging malapit na kamag-anak para kay Ruth?

Nagpunta siya sa tarangkahan ng siyudad.

Ruth 4:3-4

Ano ang unang kahilingan ni Boaz sa ibang malapit na kamag-anak para tubusin kung kanyang naisin?

Hiniling niya sa kanya na tubusin ang parsel ng lupain na pag-aari ni Elimelek.

Ruth 4:5-8

Tungkol sa anong karagdagang kahilingan ang sinabi ni Boaz sa ibang malapit na kamag-anak?

Sinabihan niya siya na kunin niya rin si Ruth upang ang pangalan ni Elimelek ay magpapatuloy sa kanyang pamana.

Ruth 4:9-15

Anung dalawang kasunduan ang pinaalala ni Boaz sa mga matatanda na kanilang nasaksihan?

Nasaksihan nila na binili ni Boaz ang lahat ng kay Elimelek, at kanyang natamo si Ruth bilang kanyang asawa.

Ruth 4:16-22

Ano ang kaugnayan ni Naomi sa anak na lalaki ni Ruth?

Si Naomi ay naging kanyang tagapag-alaga.