Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Psalms

Psalms 1

Psalms 1:1-2

Saan hindi lumalakad ang mapalad na tao?

Hindi siya lumalakad sa payo ng masama.

Saan hindi tumatayo ang mapalad na tao?

Hindi siya tumatayo sa daanan kasama ang mga makasalanan.

Saan hindi umuupo ang mapalad na tao?

Hindi siya umuupo sa kapulungan ng mga nangungutya.

Ano ang ikinagagalak ng mapalad na tao?

Ikinagagalak niya ang batas ni Yahweh.

Kailan pinagbubulay-bulayan ng mapalad na tao ang batas?

Pinagbubulay-bulayan niya ito araw at gabi.

Psalms 1:3

Ano ang katulad ng mapalad na tao?

Siya ay katulad ng isang puno na nakatanim malapit sa mga batis ng tubig.

Ano ang mangyayari sa lahat ng ginagawa ng mapalad na tao?

Anuman ang kaniyang gawin ay sasagana.

Psalms 1:4-5

Ano ang katulad ng mga masasamang tao?

Sila ay katulad ng ipa na tinatangay ng hangin.

Ano ang mangyayari sa mga masasamang tao sa paghahatol?

Hindi sila makakatayo sa paghahatol.

Psalms 1:6

Sino ang sumasang-ayon sa daanan ng matuwid?

Sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid.

Ano ang mangyayari sa daanan ng masama?

Ang daanan ng masama ay mapupuksa.

Psalms 2

Psalms 2:1-3

Nagsasabwatan laban kanino ang mga namamahala?

Nagsasabwatan sila laban kay Yahweh at sa kaniyang Mesias.

Ano ang gustong tanggalin at itapon ng mga namamahala?

Gusto nilang tanggalin ang mga posas na nilagay ni Yahweh at ng kaniyang Mesias sa kanila at itapon ang kanilang mga tanikala.

Psalms 2:4-5

Sino ang nakaupo sa kalangitan at kinukutya ang mga bansang naghihimagsik?

Kinukutya sila ng Panginoon.

Psalms 2:6-7

Sino ang hinirang ng Panginoon?

Hinirang ng Panginoon ang kaniyang hari sa Sion, ang kaniyang banal na bundok.

Anong kautusan ang binigay ni Yahweh sa manunulat?

Sinasabi ni Yahweh, "Ikaw ay aking anak! Ngayon, ako ay naging iyong ama."

Psalms 2:8-9

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga bansa at pinakamalalayong mga bahagi ng lupain?

Ibibigay ni Yahweh ang mga ito bilang mana at pag-aari.

Ano ang mangyayari sa mga bansa?

Masisira sila at mababasag.

Psalms 2:10-11

Paano dapat tumugon ang mga hari at namamahala sa kautusan ni Yahweh?

Dapat nilang sambahin si Yahweh nang may takot at magdiwang nang may panginginig.

Psalms 2:12

Bakit dapat magbigay ng katapatan ang mga hari sa anak ni Yahweh?

Dapat silang magbigay ng katapatan sa kaniya para hindi siya magalit at hindi sila mamatay.

Ano ang mangyayari sa lahat ng kumukubli sa kaniyang anak?

Sila ay pinagpapala.

Psalms 3

Psalms 3:1-2

Ano ang ginawa ng mga kaaway ni David sa kaniya?

Tumalikod sila at nilusob siya.

Psalms 3:3-4

Saan hinahalintulad ni David si Yahweh?

Si Yahweh ay isang kalasag sa kaniyang paligid, ang kaniyang kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng kaniyang ulo.

Ano ang ginagawa ni Yahweh kapag itinataas ni David ang kaniyang tinig sa kaniya?

Sinasagot niya siya mula sa kaniyang banal na burol.

Psalms 3:5-6

Kanino hindi matatakot si David dahil sa pangangalaga ni Yahweh?

Hindi matatakot si David sa mga tao na itinalaga ang kanilang mga sarili laban sa kaniya.

Psalms 3:7-8

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga kaaway ni David?

Sasaktan niya ang lahat ng kaniyang mga kaaway sa panga; sisirain niya ang mga ngipin ng masasama.

Kanino nanggagaling ang kaligtasan?

Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh.

Psalms 4

Psalms 4:1

Sino ang hinihilingan ni David na sumagot kapag siya ay nananawagan?

Nananalangin si David na ang Diyos ng katuwiran ay sumagot kapag siya ay nananawagan.

Psalms 4:2-3

Ano ang ginagawa ng mga tao sa karangalan ni David?

Pinapalitan nila ang kaniyang karangalan ng kahihiyan.

Sino ang hinihiwalay ni Yahweh?

Hinihiwalay niya ang maka-Diyos para sa kaniyang sarili.

Psalms 4:4-5

Ayon kay David, paano magnilay-nilay?

Sinasabi niya, "Magnilay-nilay sa inyong puso sa inyong higaan at manahimik."

Anong uri ng mga alay ang sinasabi ni David na ihandog?

Sinasabi niya na ihandog ang mga alay ng katuwiran.

Ayon kay David, sino ang dapat pagkatiwalaan?

Sinasabi niya na magtiwala kay Yahweh.

Psalms 4:6-8

Ano ang sasabihin ng marami?

Maraming magsasabi, "Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?"

Ano ang hinihiling ni David na itaas ni Yahweh?

Hinihiling niya kay Yahweh na itaas ang liwanag ng mukha niya sa kanila.

Ano ang binigay ni Yahweh sa puso ni David?

Binigyan ni Yahweh ang kaniyang puso ng higit na kagalakan kaysa sa iba tuwing sasagana ang kanilang mga butil at bagong alak.

Sino ang nagliligtas at nagpapatiwasay kay David kapag siya ay hihiga sa mapayapang pagtulog?

Tanging si Yahweh ang nagliligtas at nagpapatiwasay kay David.

Psalms 5

Psalms 5:1-3

Sino ang hinihilingan ni David na makinig at isipin ang kaniyang mga daing?

Hinihiling ni David kay Yahweh na makinig sa kaniyang panawagan at isipin ang kaniyang mga daing.

Anong pangalan ang ginamit ni David sa nakikinig sa tunog ng kaniyang panawagan?

Tinatawag siya ni David na "aking Hari at aking Diyos."

Ano ang gagawin ni David sa umaga?

Dadalhin niya kay Yahweh ang kaniyang kahilingan at maghihintay nang may pananabik.

Psalms 5:4-6

Ano ang tiyak na hindi gagawin ng Diyos?

Tiyak na hindi niya pahihintulutan ang kasamaan, at ang mga masasamang tao ay hindi niya magiging panauhin.

Sino ang hindi tatayo sa harapan ng Diyos?

Ang mayabang ay hindi tatayo sa harapan ng Diyos.

Sino ang kinamumuhian ng Diyos?

Kinamumuhian ng Diyos ang lahat nang kumikilos nang masama.

Ano ang gagawin ng Diyos sa mga sinungaling?

Wawasakin ng Diyos ang mga sinungaling.

Sino ang hinahamak ng Diyos?

Hinahamak ng Diyos ang mga mararahas at madadayang tao.

Psalms 5:7-8

Bakit papasok si David sa tahanan ni Yahweh?

Papasok si David sa tahanan ni Yahweh dahil sa dakilang katapatan sa tipan ni Yahweh.

Paano yuyuko si David sa dako ng banal na templo ni Yahweh?

Yuyuko si David nang may paggalang.

Bakit hinihiling ni David sa Panginoon na akayin siya sa katuwiran?

Hinihiling ni David sa Panginoon na akayin siya sa katuwiran dahil sa mga kaaway ni David.

Psalms 5:9-10

Paano nilalarawan ni David ang kaniyang mga kaaway?

Nilalarawan ni David ang kaniyang mga kaaway na walang katotohanan sa mga bibig nila, ang kanilang loob na pagkatao ay masama, ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan at nang-uuto sila gamit ang kanilang dila.

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na gawin sa mga kaaway ni David dahil sa kanilang maraming mga pagsuway at sa paghihimagsik nila laban sa Diyos?

Hinihiling ni David sa Diyos na ihayag na ang kaniyang mga kaaway ay may sala.

Psalms 5:11-12

Bakit dapat sumigaw sa galak ang mga kumukubli sa Diyos?

Dapat silang sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol sila ng Diyos.

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa mga matuwid?

Pagpapalain ni Yahweh ang matuwid at palilibutan sila ng kaniyang pagpapala tulad ng isang kalasag.

Psalms 6

Psalms 6:1-2

Ano ang hinihiling ni David na huwag gawin ni Yahweh?

Hinihiling niya kay Yahweh na huwag siyang sawayin sa kaniyang galit o ituwid sa kaniyang poot.

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh dahil mahina si David?

Hinihiling ni David kay Yahweh na maawa sa kaniya at palakasin siya.

Psalms 6:3-5

Bakit dapat sagipin at iligtas ni Yahweh si David?

Dahil sa katapatan sa tipan ni Yahweh.

Ano ang hindi maaalala sa kamatayan?

Sa kamatayan, walang alaala kay Yahweh.

Psalms 6:6-7

Ano ang ginagawa ni David sa higaan niya dahil siya ay nanghihina at dumadaing?

Buong gabi niya itong binabasa ng kaniyang mga luha.

Ano ang nangyayari sa mata ni David dahil sa kaniyang dalamhati at dahil sa lahat ng kaniyang mga kaaway?

Lumalabo ang kaniyang mga mata at nanghihina.

Psalms 6:8-10

Bakit dapat lumayo kay David ang mga gumagawa ng kasalanan?

Dahil narinig ni Yahweh ang ingay ng kaniyang pagtatangis at ang kaniyang pagmamakaawa at tinanggap ang kaniyang panalangin.

Ano ang mangyayari sa mga kaaway ni David?

Lahat ng mga kaaway niya ay mahihiya at labis na mababalisa at tatalikod at agad silang mapapaphiya.

Psalms 7

Psalms 7:1-2

Kanino kumukubli si David?

Kumukubli si David kay Yahweh ang kaniyang Diyos.

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na iligtas siya mula sa mga humahabol sa kaniya, at sagipin siya.

Ano ang magagawa para kay David na tanging si Yahweh lang ang makagagawa?

Walang sinuman kundi si Yahweh ang makapagdadala kay David sa kaligtasan.

Psalms 7:3-4

Ano ang sinasabi ni David na hindi niya ginawa?

Sinasabi ni David kay Yahweh na kailanman ay hindi niya ginawa ang binibintang sa kaniya ng mga kaaway niya at walang kawalan ng katarungan sa mga kamay niya.

Ano ang sinasabi ni David na hindi niya ginawa sa sinuman na may kapayapaan sa kaniya o ang mga laban sa kaniya?

Sinasabi ni David na hindi siya kailanman gumawa ng mali sa sinumang may kapayapaan sa kaniya o sinaktan ng walang katuturan ang mga laban sa kaniya.

Psalms 7:5

Ano ang sinasabi ni David na gawin ni Yahweh sa kaniya kapag hindi niya sinasabi ang totoo?

Sinasabi ni David na hayaan ni Yahweh na habulin ng mga kaaway niya ang kaniyang buhay at maabutan ito, tapak-tapakan ang kaniyang katawan, at iwanan siyang nasa kahihiyan sa alikabok.

Psalms 7:6-7

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh sa galit ni Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na bumangon at tumayo laban sa mga kaaway niya.

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh para sa kapakanan niya?

Hinihiling ni David kay Yahweh na gumising siya at isakatuparan ang makatuwirang mga kautusan na inutos ni Yahweh.

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh sa mga bansa?

Hinihiling ni David na kunin ni Yahweh ang kaniyang karapat-dapat na lugar sa mga bansa.

Psalms 7:8-9

Sino ang nais ni David na hatulan ni Yahweh?

Nais ni David na hatulan ni Yahweh ang mga bansa.

Ano ang sinasabi ni David na ginagawa ng makatuwirang Diyos?

Sinasabi ni David na sinisiyasat ng Diyos ang mga puso at mga isipan.

Psalms 7:10-11

Saan nanggagaling ang kalasag ni David?

Ang kalasag ni David ay nanggagaling mula sa Diyos.

Sino ang nililigtas ng Diyos?

Nililigtas ng Diyos ang mga matuwid na puso.

Paano nilalarawan ni David ang Diyos?

Nilalarawan ni David ang Diyos bilang makatuwirang hukom na galit bawat araw.

Psalms 7:12-13

Ano ang gagawin ng Diyos kung hindi magsisisi ang isang tao?

Hahasain ng Diyos ang kaniyang espada at ihahanda ang kaniyang pana para sa labanan.

Psalms 7:14-16

Paano nilalarawan ni David ang kasamaan sa taong hindi nagsisisi?

Nilalarawan siya ni David bilang buntis sa kasamaan, ang nagdadala ng mapanirang mga balak at nanganganak ng mga mapanirang kasinungalingan.

Ano ang nangyayari sa masamang tao na naghuhukay ng butas?

Nahuhulog siya sa butas na ginawa niya.

Ano ang nangyayari sa mga mapanirang mga balak ng masamang tao?

Ang mga balak niya ay babalik sa sarili niyang ulo at ang kaniyang karahasan ay bumababa sa sarili niyang ulo.

Psalms 7:17

Sa anong dahilan pasasalamatan ni David si Yahweh?

Pasasalamatan niya si Yahweh para sa kaniyang katarungan.

Kanino aawit ng papuri si David?

Aawit ng papuri si David kay Yahweh ang Kataas-taasan.

Psalms 8

Psalms 8:1-2

Kaninong pangalan ang kahanga-hanga sa buong mundo?

Ang pangalan ni Yahweh na ating Panginoon ay kahanga-hanga.

Ano ang nilikha ni Yahweh mula sa mga bibig ng sanggol at ng mga bata?

Lumikha si Yahweh ng papuri.

Bakit lumikha ng papuri si Yahweh?

Lumikha siya ng papuri para parehong patahimikin ang kaaway at ang tagapaghiganti.

Psalms 8:3-5

Ano ang tiningnan ni David na nagdulot sa kaniya na isipin na hindi mahalaga ang sangkatauhan?

Tumingin siya sa kalangitan, sa buwan, at sa mga tala.

Ano ang sangkatauhan kung ihahambing sa nilalang sa kalangitan?

Nilikha ni Yahweh ang mga tao ng mababa ng kaunti lamang kaysa sa nilalang sa kalangitan.

Ano ang kinorona ni Yahweh sa mga tao?

Kinoronahan niya sila ng kaluwalhatian at karangalan.

Psalms 8:6-8

Para saan nilikha ni Yahweh ang mga tao?

Nilikha ni Yahweh ang mga tao para pamahalaan ang mga ginawa ng mga kamay ni Yahweh.

Ano ang ilang mga bagay na nilagay ni Yahweh sa ilalim ng mga paa ng sangkatauhan?

Nilagay niya sa ilalim ng mga paa ng sangkatauhan ang lahat ng tupa at mga baka, at kahit ang mga hayop ng bukid, ang mga ibon sa kalangitan, at ang mga isda ng dagat, at lahat ng dumadaan sa mga agos ng dagat.

Psalms 8:9

Kaninong pangalan ang kahanga-hanga sa buong mundo?

Ang pangalan ni Yahweh ang ating Panginoon ay kahanga-kahanga

Psalms 9

Psalms 9:1-2

Paano pasasalamatan ni David si Yahweh at ano ang kaniyang ihahayag?

Pasasalamatan niya si Yahweh ng kaniyang buong puso at ihahayag niya ang lahat ng kaniyang kamangha-manghang mga gawain.

Psalms 9:3-4

Kapag bumalik ang mga kaaway ni David, ano ang mangyayari sa kanila?

Ang mga kaaway ni David ay nadadapa at maglalaho sa harapan ni Yahweh.

Ano ang ginawa ng makatuwirang hukom para kay David?

Ang makatuwirang hukom ay nauupo sa kaniyang trono at pinagtanggol ang makatuwirang layunin ni David.

Psalms 9:5-6

Ano ang ginawa ng makatuwirang hukom sa mga bansa at sa mga masasama?

Sinindak niya ang mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang panlabang sigaw, winasak ang masasama, at binura ang kanilang alaala magpakailanman.

Ano ang nangyari sa mga kaaway nang winasak ng makatuwirang hukom ang kanilang mga lungsod?

Ang mga kaaway ay nagiba tulad ng mga lugar na gumuho at lahat ng alaala sa kanila ay naglaho.

Psalms 9:7-8

Sino ang nananatili magpakailanman at tinatatag ang kaniyang trono para sa hustisya?

Si Yahweh ay nananatili magpakailanman at tinatatag ang kaniyang trono para sa hustisya.

Paano hinahatulan ni Yahweh ang mundo at ano ang ginagawa niya para sa mga bansa?

Hinahatulan niya ang mundo ng may katarungan at gumagawa siya ng makatuwirang mga desisyon para sa mga bansa.

Psalms 9:9-10

Magiging ano si Yahweh para sa mga inaapi?

Si Yahweh ay magiging matibay na tanggulan para sa mga inaapi sa panahon ng problema.

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh na gawin para sa mga humahanap sa kaniya?

Hinihiling ni David kay Yahweh na huwag iwanan ang mga humahanap sa kaniya.

Psalms 9:11-12

Ano ang sinasabi ni David sa mga tao na gawin kay Yahweh, na namumuno sa Sion?

Dapat silang umawit ng papuri kay Yahweh at sabihin sa mga bansa ang ginawa ni Yahweh.

Ano ang hindi kinakalimutan ng Diyos?

Hindi niya kinakalimutan ang daing ng mga inaapi.

Psalms 9:13-14

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh na gawin para sa kaniya?

Hinihiling niya kay Yawheh na maawa siya sa kaniya.

Sino ang umaapi kay David?

Inaapi si David ng mga taong namumuhi sa kaniya.

Saan magsasaya sa kaligtasan si David?

Si David ay magsasaya sa kaligtasan sa mga tarangkahan ng babaeng anak ng Sion.

Psalms 9:15-16

Ano ang nangyari sa mga bansa?

Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila at nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila.

Sino ang hinayag ang kaniyang sarili at nagsagawa ng paghatol?

Hinayag ni Yahweh ang kaniyang sarili at nagsagawa ng paghatol.

Psalms 9:17-18

Saan pinadala ang mga masasama?

Pinadala sila sa sheol, ang patutunguhan ng lahat ng bansa na kinalimutan ang Diyos.

Ano ang hindi mangyayari sa mga nangangailangan at mga inaapi?

Ang mga nangangailangan ay hindi palaging makakalimutan ni itataboy ang pag-asa ng mga inaapi.

Psalms 9:19-20

Ano ang nais ni David na pigilan ni Yahweh na gawin ng tao?

Nais ni David na bumangon si Yahweh at huwag silang hayaan na lupigin ng tao.

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh sa mga bansa?

Hinihiling niya kay Yahweh na sindakin sila at ipaalam sa kanila na sila ay mga tao lamang.

Psalms 10

Psalms 10:1-3

Ano ang nararamdaman ng manunulat sa pagtrato ni Yahweh sa kaniya?

Naramdaman ng manunulat na si Yahweh ay nakatayo sa malayo at nakatago.

Ano ang hiniling ng manunulat na gawin ni Yahweh sa masasamang tao?

Hiniling ng manunulat kay Yahweh na hayaang mahuli ang mga masasama sa pamamagitang ng kanilang sariling mga balakin.

Psalms 10:4-5

Bakit hindi hinahanap ng masamang tao ang Diyos?

Ang masamang tao ay hindi hinahanap ang Diyos dahil siya ay labis na mapagmataas.

Psalms 10:6-7

Ano ang sinasabi ng masamang tao sa kaniyang puso?

Sinasabi ng masamang tao, "Hindi ako mabibigo; hindi ako makakaharap ng kalaban sa lahat ng salinlahi."

Ano ang pumupuno sa bibig ng masamang tao?

Ang kaniyang bibig ay puno ng sumpa at mapanlinlang, mapaminsalang mga salita.

Psalms 10:8-10

Katulad ng anong hayop ang masamang tao?

Siya ay katulad ng isang leon na nagtatago ng palihim sa masukal na lugar at nag-aabang para humuli ang api.

Psalms 10:11-12

Ano ang sinasabi ng masamang tao sa kaniyang puso tungkol sa Diyos?

Sinasabi ng masamang tao, "Nakalimot ang Diyos; tinakpan niya ang kaniyang mukha; hindi siya mag-aabalang tumingin."

Paano nais ng manunulat na tumugon ang Diyos sa masamang tao?

Gusto niya na itaas ni Yahweh ang kaniyang kamay sa paghatol at huwag kalimutan ang mga api.

Psalms 10:13-14

Ano ang sinabi ng masamang tao sa kaniyang puso sa Diyos?

Sinabi niya, "Hindi mo ako pananagutin."

Psalms 10:15-16

Ano ang iniisip ng masama at buktot na tao tungkol sa kaniyang masasamang gawain?

Akala niya hindi ito matutuklasan ng Diyos.

Psalms 10:17-18

Paano tumugon si Yahweh sa pangangailangan ng mga api?

Pinapalakas niya ang kanilang puso, pinapakinggan niya ang kanilang mga panalangin, at ipinagtatanggol sila.

Psalms 11

Psalms 11:1-2

Kanino kumubli si David?

Si David ay kumukubli kay Yahweh.

Ano ang sasabihin ng mga tao kay David tungkol sa kaniyang kaluluwa?

Sasabihin nila na lumipad siya katulad ng ibon sa kabundukan.

Paano naghahanda ang masasamang tao para atakihin ang mga matuwid ang puso?

Hinahanda nila ang kanilang mga pana at mga palaso.

Psalms 11:3-4

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa kaniyang banal na templo?

Ang kaniyang mga mata ay nagmamasid at sinusuri ang mga anak ng mga tao.

Psalms 11:5-7

Sino ang sinusuri ni Yahweh?

Sinusuri niya ang mga matutuwid at masasama.

Sino ang kinamumuhian ni Yahweh?

Kinamumuhian niya ang sinumang nagmamahal sa paggawa ng karahasan.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga masasama?

Magpapaulan siya ng nagbabagang uling at asupre sa kanila at ibubuhos ang nakakapasong hangin mula sa kaniyang kopa.

Ano ang iniisip ni Yahweh sa katuwiran?

Minamahal niya ang katuwiran.

Ano ang mangyayari sa mga matutuwid?

Makikita ng mga matutuwid ang mukha ni Yahweh.

Psalms 12

Psalms 12:1

Bakit humihingi ng tulong si David kay Yahweh?

Si David ay humihingi ng tulong kay Yahweh dahil naglaho na ang mga maka-diyos at ang mga matapat ay wala na.

Psalms 12:2-4

Paano nakikipag-usap ang lahat sa kaniyang kapwa?

Ang lahat ay nagsasabi ng mga salitang walang kabuluhan sa kaniyang kapwa, at nagsasalita gamit ang labing hindi matapat ang papuri at isang salawahang puso.

Ano ang gusto ni David na gawin ni Yahweh sa mga labing hindi matapat ang papuri?

Gusto ni David na putulin ni Yahweh ang lahat ng labing hindi matapat ang papuri at bawat dila na nagpapahayag ng dakilang mga bagay.

Ano ang hindi matapat na papuri ang sinabi ng ilan?

Sinabi ng ilan, "sa pamamagitan ng ating dila, tayo ay mangingibabaw. Kapag ang ating mga labi ay nagsalita, sino ang maaaring maging panginoon sa atin?"

Psalms 12:5

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mahihirap at mga nangangailangan?

Babangon si Yahweh at magbibigay ng kaligtasan na kanilang inaasam.

Psalms 12:6-8

Ano ang katulad ng mga salita ni Yahweh?

Ang mga salita ni Yahweh ay dalisay na mga salita katulad ng pilak na dinalisay sa pugon at tinunaw ng pitong beses.

Ano ang hiniling ni David na gawin ni Yahweh para sa maka-diyos na mga tao?

Hiniling niya kay Yahweh na ingatan sila magpakailanman at pangalagaan sila mula sa masasamang salinlahi.

Ano ang nagdudulot sa mga masasama para lumakad sila sa bawat dako?

Ang masasama ay naglalakad sa bawat dako kapag ang masama ay naitaas sa mga anak ng mga tao.

Psalms 13

Psalms 13:3-4

Paano hiniling ni David kay Yahweh para tumugon sa kaniyang panalangin?

Hinihiling niya kay Yahweh na tumingin sa kaniya, sagutin siya, at palinawagin ang kaniyang mga mata.

Ano ang kinatatakutan ni David na mangyari kung si Yahweh ay hindi sumagot?

Kinatatakutan ni David na siya ay makakatulog sa kamatayan.

Ano ang ayaw ni David na sabihin tungkol sa kaniya ng kaniyang mga kaaway?

Ayaw niyang sabihin na siya ay natalo nila at nanaig laban sa kaaway.

Ano ang mangyayari kapag si David ay natalo?

Ang kaniyang mga kaaway ay magagalak kapag siya ay bumagsak.

Psalms 13:5-6

Saan nagtiwala si David?

Si David ay nagtiwala sa katapatan sa tipan ni Yahweh.

Saan nagagalak ang puso ni David?

Ang kaniyang puso ay nagagalak sa kaligtasan ni Yahweh.

Bakit aawitan ni David si Yahweh?

Aawitan ni David si Yahweh dahil biniyayaan siya ng saganang-sagana.

Psalms 14

Psalms 14:1

Ano ang sinasabi ng isang mangmang sa kaniyang puso?

Sinasabi ng isang mangmang, "Walang Diyos."

Psalms 14:2-3

Bakit tumingin sa baba si Yahweh sa mga anak ng sangkatauhan?

Tumingin siya sa baba para makita kung mayroong nakakaunawa, sino ang humahanap sa kaniya.

Sino ang lumihis at naging marumi?

Ang bawat isa ay lumihis at ang lahat ay naging marumi.

Psalms 14:4

Sino ang hindi tumatawag kay Yahweh?

Ang mga nakagawa ng kabuktutan at ang mga lumamon sa bayan ni David nang tulad ng pagkain nila sa tinapay, ang mga hindi tumatawag kay Yahweh.

Psalms 14:5-6

Bakit nanginig ng may pangamba ang mga hindi tumatawag kay Yahweh?

Nanginig sila ng may kasamang pangamba dahil dahil kasama ng Diyos ang matuwid na kapulungan.

Sino ang kanlungan ng mahirap na tao?

Si Yahweh ang kaniyang kanlungan.

Psalms 14:7

Ano ang gusto ni David na maggaling mula sa Sion?

Gusto ni David ang kaligtasan ng Israel mula sa Sion.

Kailan magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel?

Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkabihag.

Psalms 15

Psalms 15:1-2

Anong uri ng tao ang maaaring manatili sa tabernakulo ni Yahweh at manirahan sa kaniyang banal na burol?

Ang lumalakad sa katuwiran at gumagawa ng kabutihan, at nagsasabi ng katotohanan mula sa kaniyang puso ang maaaring manatili sa tabernakulo ni Yahweh at manirahan sa kaniyang banal na burol.

Psalms 15:3

Ano ang hindi ginagawa ng taong lumalakad sa katuwiran gamit ang kaniyang dila?

Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila.

Psalms 15:4-5

Ano ang kinasusuklaman ng taong lumalakad sa katuwiran gamit ang kaniyang dila?

Kinasusuklaman niya ang taong walang kuwenta.

Kapag sumusumpa ang taong matuwid sa kaniyang sariling kakulangan, ano ang hindi niya ginagawa?

Hindi siya tumatalikod sa kaniyang mga pangako.

Kapag nagpapa-utang ang taong matuwid, ano ang hindi niya ginagawa?

Hindi siya naniningil ng tubo.

Ano ang hindi ginagawa ng taong matuwid sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol?

Hindi siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala.

Ano ang hindi kailanman mangyayari sa taong matuwid na ginagawa ang mga bagay na ito?

Hindi siya kailanman mayayanig.

Psalms 16

Psalms 16:1-3

Ano ang hiniling ni David sa Diyos na gawin para sa kaniya?

Nais ni David na ingatan siya ng Diyos sapagkat sa Diyos siya kumukubli.

Ano ang napagtanto ni David patungkol sa ugnayan niya kay Yahweh?

Napagtanto ni David na si Yahweh ay Panginoon, at ang kabutihan ni David ay walang saysay kung malayo kay Yahweh.

Sino ang mga banal na nasa daigdig?

Sila ay ang mararangal na tao na kinasisiyahan ni David.

Psalms 16:4

Ano ang mangyayari sa mga naghahanap ng ibang diyos?

Madaragdagan ang mga suliranin nila, silang mga naghahanap ng ibang diyos.

Sa anong paraan hindi sasamba si David sa ibang diyos?

Hindi siya magbubuhos ng inuming handog na dugo sa kanilang mga diyos o magtataas ng kanilang mga pangalan gamit ang kaniyang mga labi.

Psalms 16:5-6

Ano ang kinikilala ni David na ginagawa para sa kaniya ni Yahweh?

Hawak ni Yahweh ang kaniyang tadhana, binibigyan siya ng maiinam na lugar at ng magandang pamana.

Psalms 16:7-8

Bakit pinupuri ni David si Yahweh?

Pinupuri ni David si Yahweh dahil si Yahwheh ang naggagabay sa kaniya.

Psalms 16:9-10

Paano tumutugon ang puso ni David kay Yahweh?

Ang puso ni David ay nagagalak, at pararangalan si Yahweh.

Ano ang hindi pahihintulutan ni Yahweh na mangyari sa kaniya na may katapatan sa tipan?

Hindi niya pababayaan ang kaniyang tapat na masilayan ang hukay.

Psalms 16:11

Anong mga pakinabang ang natatanggap ni David mula kay Yahweh?

Tinuturo niya kay David ang landas ng buhay; nagbibigay sa kaniya ng kagalakan, at tuwa na nagmumula sa pananatili sa kaniyang kanang kamay magpakailanman.

Psalms 17

Psalms 17:1-2

Ano ang hiniling ni David na gawin ng Diyos para sa kaniya?

Hiniling ni David kay Yahweh na pakinggan ang kaniyang pagsamo ng katarungan, pansinin ang kaniyang panawagan ng tulong, at paglaanan ng tainga ang panalangin niya.

Ano ang dinadalangin ni David na magmumula sa presensiya ng Diyos?

Dinadalangin ni David na ang paglilinis ng kaniyang pangalan ay magmula sa presensiya ni Yahweh.

Psalms 17:3

Ano ang mangyayari kay David kung daratnan siya ni Yahweh sa gabi?

Liilinisin siya ni Yahweh at hindi makakikita ng anumang masamang balakin or kasalanan sa kaniyang bibig.

Psalms 17:4-5

Paano lumayo si David sa kasamaan?

Sa salita ng mga labi ni Yahweh kaya lumayo si David sa kasamaan.

Psalms 17:6-7

Bakit nananawagan is David sa Diyos?

Nananawagan si David sa Diyos dahil tinutugon siya ng Diyos.

Ano ang hiniling ni David na ipakita ng Diyos sa kaniya?

Hiniling ni David na ipakita ng Diyos ang kaniyang katapatan sa kaniya sa kaaya-ayang paraan.

Sino ang inililigtas ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay?

Inililigtas ni Yahweh ang mga kumukubli sa kaniya mula sa kanilang mga kaaway.

Psalms 17:8-10

Paano inilalarawan ni David ang kaniyang mga kaaway?

Sinabi niya na walang awa kaninuman ang kaniyang mga kaaway, at ang mga bibig nila ay nagsasalita nang may kayabangan.

Psalms 17:11-12

Ano ang ginawa ng mga kaaway ni David sa kaniya?

Pinaligiran nila ang kaniyang mga yapak at binabalak nila na pabagsakin siya.

Psalms 17:13-14

Ano ang hiniling ni David na gawin ni Yahweh sa kaniyang mga kaaway?

Hiniling ni David na tumayo si Yahweh, lusubin sila at pabagsakin sila.

Mula sa ano hiniling ni David na iligtas siya ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang kamay?

Hinihiling niya kay Yahweh na iligtas siya mula sa tao ng mundong ito na ang yaman ay buhay na tio lamang.

Paano magbibigay ang Panginoon para sa kaniyang mga pinahahalagahan?

Pupunuin ni Yahweh ng yaman ang tiyan ng kaniyang mga pinahahalagahan para magkaroon sila ng maraming anak at iiwan ang kanilang yaman sa kanilang mga anak.

Psalms 17:15

Ano ang inaasahan ni David na mangyayari kapag nakita niya ang mukha ni Yahweh sa kabanalan?

Masisiyahan siya kapag nakita niya si Yahweh.

Psalms 18

Psalms 18:1

Anong emosyon ang ipinahayag ni David kay Yahweh?

Sinabi niya, "Mahal kita."

Psalms 18:2-5

Ano ang mangyayari kapag tumawag si David kay Yahweh?

Maliligtas si David mula sa kaniyang mga kaaway.

Psalms 18:6

Nasaan si yahweh nang marinig niya ang tinig ni David?

Nasa sa kaniyang templo ang Diyos nang marinig niya si David.

Psalms 18:7-8

Bakit nayanig ang mga pundasyon ng bundok?

Nayanig ang mga ito dahil nagalit si ang Diyos.

Psalms 18:9-12

Paano bumaba si Yahweh mula sa kalangitan?

Sumakay siya sa isang anghel at lumipad; pumagaspas siya sa mga pakpak ng hangin.

Psalms 18:13-14

Paano ikinalat ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway?

Pinana niya sila at ikinalat.

Psalms 18:15

Ano ang naghayag ng mga pundasyon ng mundo?

Ang sigaw na pandigma ni Yahweh at ang pagbuga ng hininga ng kaniyang ilong.

Psalms 18:16-17

Mula sa ano ini-ahon ni Yahweh si David?

Ini-ahon niya si David mula sa rumaragasang tubig.

Psalms 18:18-26

Bakit iniligtas ni Yahweh si David

Iniligtas ni Yahweh si David dahil nalulugod si Yahweh sa kaniya.

Psalms 18:27-29

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga nagyayabang at may mapagmataas na mga mata?

Ibinabagsak niya ang lahat ng nagyayabang, ang mapagmataas na mga mata.

Psalms 18:30-36

Paano inilalarawan ni David ang pamamaraan ni Yahweh?

Sinasabi niyang ang pamamaraan ni Yahweh ay kumpleto.

Psalms 18:37-39

Ano ang gingawa ni David sa kaniyang mga kaaway?

Hinabol ni David ang kaniyang mga kaaway at hinuli sila.

Psalms 18:40-42

Ano ang nangyari nang tumawag ang mga kaaway ni David kay Yahweh?

Hindi sila pinakinggan ni Yahweh.

Psalms 18:43-47

Sa ano ginawang pinuno ni Yahweh si David?

Ginawang pinuno ni Yahweh si David sa lahat ng bayan.

Psalms 18:48-49

Sa kanino pinalaya si David?

Pinalaya si David mula sa kaniyang mga kaaway.

Psalms 18:50

Kanino ipinakikita ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan?

Ipinakikita niya ang kaniyang katapatan sa tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuha kailanman.

Psalms 19

Psalms 19:1-3

Ano ang ipinahahayag ng kalangitan at ipinaaalam ng himpapawid?

Ipinahahayag ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos at ipinapaalam ng himpapawid ang ginawa ng kaniyang kamay.

Ano ang ipinahahayag ng bumubuhos na pananalita?

Ang pananalita na bumubuhos ay nagpapahayag ng kaalaman.

Psalms 19:4-6

Saan pumupunta ang mga salita at pananalita ng kalangitan at himpapawid?

Ang kanilang mga salita ay umaabot sa buong mundo, hanggang sa dulo ng mundo.

Ano ang katulad ng araw?

Ang araw ay katulad ng lalaking ikinasal, at tulad ng lalaking malakas.

Psalms 19:7-8

Ano ang nagagawa ng batas ni Yahweh?

Pinapasigla ng batas ni Yahweh ang kaluluwa.

Ano ang nagagawa ng mga utos ni Yahweh?

Ang mga utos ni Yahweh ay nagbibigay ng karunungan sa walang karanasan.

Ano ang nagagawa ng mga tagubilin ni Yahweh?

Ginagawa nilang masaya ang puso.

Ano ang nagagawa ng mga kautusan ni Yahweh?

Ang mga ito ay nagmumulat sa kaalaman.

Psalms 19:9-10

Paano maihahambing sa ginto ang matuwid na utos ni Yahweh?

Ang mga ito ay mahalagang-mahalaga kaysa ginto, mas higit pa kaysa mas pinong ginto.

Psalms 19:11-12

Ano ang nagagawa ng matuwid na mga utos ni Yahweh sa lingkod niya?

Sa pamamagitan ng mga ito ang kaniyang lingkod ay binalaan, nagdudulot ito sa kaniya para sumunod at tanggapin ang malaking gantimpala.

Mula sa ano hinihiling ni David na maging malinis?

Hinihiling niya na maging malinis mula sa lihim na mga kasalanan.

Psalms 19:13-14

Ano ang mangyayari kapag hindi hinayaan ng lingkod na maghari sa kaniya ang mga pagmamataas?

Siya ay magiging ganap at inosente sa maraming kasalanan.

Ano ang nais ni David na maging katanggap-tanggap sa paningin ni Yahweh?

Nais ni David na ang mga salita ng kaniyang bibig at mga saloobin ng kaniyang puso ay maging katanggap-tanggap sa paningin ni Yahweh.

Psalms 20

Psalms 20:1-2

Mula saan nais ni David na ipadala ng Diyos ang tulong at suporta?

Hiningi niya na ipadala ni Yawheh ang tulong mula sa santuwaryo at suporta mula sa Sion.

Psalms 20:3-4

Ano ang nais ni David na alalahanin at tanggapin ni Yahweh?

Hiningi ni David na alalahanin ni Yahweh ang lahat ng mga alay at tanggapin ang kaniyang sinunog na mga handog.

Psalms 20:5-6

Sa ano sinasabi ni David na sila ay magagalak?

Sinasabi ni David na sila ay magagalak sa kaligtasan ni Yahweh.

Sino ang sinasabi ni David na sasagipin ni Yahweh?

Alam ni David na sasagipin ni Yahweh ang kaniyang hinirang.

Psalms 20:7-9

Sa ano nagtitiwala ang ibang tao?

Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo.

Ano ang ginawa ni David at ng kaniyang mga tao para makamit ang tagumpay?

Tumawag sila kay Yahweh na kanilang Diyos.

Psalms 21

Psalms 21:1-2

Sa ano nagagalak ang hari?

Nagagalak siya sa lakas ni Yahweh at sa kaligtasan na binibigay ni Yahweh.

Ano ang nagawa ni Yahweh para sa hari?

Ibinigay ni Yahweh sa hari ang inaasam ng kaniyang puso at hindi pinigilan ang kahilingan ng kaniyang labi.

Psalms 21:3-4

Ano ang dinala ni Yahweh sa hari at inilagay sa kaniyang ulo?

Dinala niya sa hari ang mga yamang pagpapala at inilagay ang niya ang dalisay na gintong korona sa kaniyang ulo.

Ano ang ibinigay ni Yahweh sa hari pagkatapos itong hingin ng hari?

Binigyan ni Yahweh ng buhay ang hari at mahabang buhay magpakailanman.

Psalms 21:5-6

Bakit dakila ang kaluwalhatian ng hari?

Dakila ang kaniyang kaluwalhatian dahil sa tagumpay ni Yahweh.

Ano ang iginawad ni Yahweh sa hari?

Iginawad ni Yahweh ang kaningningan at pagiging maharlika.

Psalms 21:7-8

Bakit hindi matitinag ang hari?

Siya ay hindi matitinag dahil nagtitiwala siya kay Yahweh sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan.

Sino ang dadakpin ng kamay ni Yahweh?

Dadakpin ng kaniyang kamay ang lahat ng mga kaaway na napopoot kay Yahweh.

Psalms 21:9-10

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kaniyang mga kaaway?

Susunugin at lilipulin sila ng kaniyang matinding galit.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga anak ng kaniyang mga kaaway?

Pupuksain niya ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kaapu-apuhan.

Psalms 21:11-12

Bakit pupuksain ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway?

Pupuksain niya sila dahil hinangad nila ang masama laban sa kaniya.

Bakit hindi nagtagumpay ang masamang balak ng mga kaaway ni Yahweh?

Hindi magtatagumpay ito dahil papaatrasin sila ni Yahweh at sila ay papanain.

Psalms 21:13

Paano itatanghal ng mga tao si Yahweh?

Aawitin at pupurihin nila ang kaniyang kapangyarihan.

Psalms 22

Psalms 22:1-2

Ano ang tinatanong ni David sa Diyos?

Tinatanong ni David sa Diyos kung bakit pinabayaan siya, bakit napakalayo niya kay David.

Ano ang ginagawa ni David sa araw at gabi?

Araw at gabi umiiyak si David sa at hindi tumatahan.

Psalms 22:3-5

Paano ang ginagawang pagtukoy ni David sa Diyos?

Ang pagtukoy ni David sa Diyos ay bilang Banal, kasama ang mga papuri ng israel.

Ano ang ginawa ng mga ninuno ni David na gawin at paano tumugon ang Diyos?

Sila ay ay nagtiwala sa Diyos, sinagip niya sila, at sila ay hindi nabigo.

Psalms 22:6-8

Paano inilarawan ni David ang kaniyang sarili?

Sinasabi ni David na siya ay isang uod at hindi isang tao, isang kahihiyan sa sangkatauhan at hinahamak ng mga tao.

Ano ang sinasabi ng mga tao na kumutuya at humahamak kay David?

Kanilang sinasabi, "Siya ay nagtitiwala kay Yahweh; hayaan na siya ay sagipin ni Yahweh."

Psalms 22:9-10

Gaano na katagal ang pagtitiwala ni Davidsa Diyos?

Si David ay nagtiwala kay Yahweh simula noong nasa dibdib ng kaniyang ina at mula ng siya ay nasa sinapupunan ng kaniyang ina.

Psalms 22:11-13

Ano ang hinihingi ni David sa Diyos na gawin para sa kaniya?

Siya ay humihingi sa Diyos na huwag lumayo mula sa kaniya dahil ang kaguluhan ay malapit sa kaniya at walang sinuman na tutulong sa kaniya.

Ano ang lumiligid kay David na parang umaatungal na leon?

Maraming mga malalakas na mga toro ng Bashan na nakapaligid sa kaniya na ang bunganga ay bukang-buka para sa kaniya.

Psalms 22:14-15

Paano inilalarawan ni David ang kaniyang sarili?

Sinasabi niya na siya ay binubuhos gaya ng tubig, ang lahat ng kaniyang mga buto ay nabali, ang kaniyang puso ay tulad ng kandila, ang kaniyang lakas ay natuyo na, ang kaniyang dila ay nakadikit sa kaniyang ngalangala.

Psalms 22:16-17

Ano ang pumaligid kay David at pumalibot sa kaniya?

Dahil pinapaligiran siya ng mga aso; pinalibutan siya ng samahan ng mga masasama at tinusok kaniyang mga kamay at mga paa.

Psalms 22:18-19

Ano ang ginawa sa mga kasuotan at mga damit?

Ang mga kasuotan ay nahati at nagpalabunutan para sa mga damit.

Ano ang hiniling ni David kay Yahweh?

Ang hinihiling niya kay Yahweh ay huwag lumayo.

Psalms 22:20-21

Mula sa ano nais ni David na masagip at maligtas?

Nais niyang masagip ang kaniyang kaluluwa mula sa espada, ang mahal niyang buhay mula sa mga paa ng mga aso, ang mga sungay ng mailap na mga baka, at ang maligtas mula sa bibig ng mga leon.

Psalms 22:22-23

Ano ang ihahayag ni David sa kaniyang mga kapatid at kung saan siya ay magpupuri kay Yahweh?

Ihahayag niya ang pangalan ni Yahweh sa kaniyang mga kapatid at siya ay pupurihin sa kalagitnaan ng kapulungan.

Sino ang magpupuri, magpaparangal, at tatayo sa pagkamangha kay Yahweh?

Lahat na may takot kay Yahweh, lahat ng mga kaapu-apuhan ni Jacob, at lahat ng mga kaapu-apuhan ng Israel ay dapat magpupuri, magpaparangal, at mamamangha sa kaniya.

Psalms 22:24-25

Kailan pinakinggan ni Yahweh ang naghihirap?

Pinakinggan niya ang naghihirap ng siya ay umiyak sa kaniya.

Saan magpupuri si David at tutuparin ang kaniyang mga panata?

Magpupuri siya kay Yahweh sa malaking kapulungan at tutuparin niya ang kaniyang mga panata sa harap nilang may takot kay Yahweh.

Psalms 22:26-27

Sino ang kakain, mabubusog, at magpupuri kay Yahweh?

Ang mga inaapi ay makakakain, mabubusog, at sila na naghahanap kay Yahweh ay pupurihin siya.

Ano ang gagawin ng lahat ng mga tao sa lupa at ng mga pamilya sa mga bansa?

Ang lahat ng mga tao sa lupa ay maaalala at babalik kay Yahweh at lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harapan niya.

Psalms 22:28-29

Ano ang pinamumunuan ni Yahweh?

Pinamumunuan ni Yahweh ang lahat ng mga bansa.

Sino ang luluhod sa harapan ni Yahweh?

Sila na mapupunta sa alikabok, silang hindi kayang panatilihing ang kanilang buhay ang luluhod sa harapan ni Yahweh.

Psalms 22:30-31

Ano ang gagawin ng mga darating na mga salinlahi?

Sila ay darating at sasabihin sa mga tao na hindi pa napapanganak kung ano ang kaniyang ginawa.

Psalms 23

Psalms 23:1-2

Sino ang pastol ni David?

Ang pastol ni David ay si Yahweh.

Saan pinapahiga ni Yahweh si David?

Pinapahiga ni Yahweh si David sa luntiang pastulan.

Saan pinapangunahan ni Yahweh si David?

Pinapangunahan ni Yahweh si David sa tabi ng payapang tubigan.

Psalms 23:3

Ano ang ibinabalik ni Yahweh?

Ibinabalik ni Yahweh ang buhay ni David.

Saan ginagabayan ni Yahweh si David?

Ginagabayan ni Yahweh si David sa tamang mga landas.

Psalms 23:4

Kapag si David ay lumalakad sa isang napakadilim na anino ng lambak, sino ang kasama niya?

Kasama ni David si Yahweh.

Psalms 23:5

Ano ang hinahanda ni Yahweh sa harapan ni David?

Hinahanda ni Yahweh ang hapagkainan sa harapan ng mga kaaway ni David.

Ano ang ipinambuhos ni Yahweh?

Langis ang ipinambuhos ni Yahweh ng hirangin niya David.

Psalms 23:6

Ano ang hahabol kay David sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay?

Ang kabutihan at katapatan sa tipan ang hahabol kay David.

Saan mananahanan si David sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay?

Si David ay mananahanan sa bahay ni Yahweh para sa napakahabang panahon.

Psalms 24

Psalms 24:1-2

Sino ang nagtatag ng mundo?

Si Yahweh ang nagtatag nito sa ibabaw ng mga karagatan at itinaguyod ito sa mga ilog.

Psalms 24:3-4

Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh at tatayo sa banal na lugar ni Yahweh?

Siya na may malinis na mga kamay at dalisay na puso; siyang hindi nagtataas ng kaniyang kaluluwa kung ano ang kasinungalingan, at siya na hindi nanumpang mandaya sila ang aakyat sa bundok ni Yahweh at tatayo sa kaniyang banal na lugar.

Psalms 24:5-6

Sino ang tatanggap ng pagpapala mula kay Yahweh?

Silang mga salinlahi na naghahanap sa kaniya, silang naghahanap sa mukha ng Diyos ni Jacob, ay tatanggap ng pagpapala.

Psalms 24:7-10

Bakit itataas ang mga tarangkahan?

Para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok.

Psalms 25

Psalms 25:1-3

Para sa ano ang hinihiling ni David sa Diyos?

Hinihiling ni David sa Diyos na huwag siyang hayaang mapahiya, at huwag hayaan na ang kanyang mga kaaway ay magalak laban sa kanya.

Psalms 25:4-5

Ano ang hinihiling ni David na ipaalam ni Yahweh sa kanya?

Hinihiling ni David na ipaalam sa kanya ang mga daan ni Yahweh.

Psalms 25:6-7

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh na alalahanin?

Hinihiling ni David kay Yahweh ang kanyang mahabaging mga gawa at katapatan sa tipan, pero huwag alalahanin ang mga kasalanan ng kanyang kabataan at ang kanyang pagiging rebelde.

Psalms 25:8-9

Ano ang ginagawa ni Yahweh dahil siya ay mabuti at matuwid?

Itinuturo niya sa mga makasalanan ang daan, pinapatnubayan niya ang mapagkumbaba ng may katarungan at tinuturuan niya ng kanyang kaparaanan ang mga mapagpakumbaba.

Psalms 25:10-11

Mula saan ginawa ang mga landas ni Yahweh?

Ang mga landas ni Yahweh ay mula sa katapatan sa tipan at pagiging pagkamapagkakatiwalaan.

Psalms 25:12-13

Bakit dapat patawarin ni Yahweh ang mga kasalanan ni David?

Dapat niyang patawarin si David alang-alang sa pangalan ni Yahweh.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa taong may takot sa kanya?

Ang Panginoon ang magtuturo sa kanya sa daan na dapat niyang piliin.

Psalms 25:14-16

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taong nagpaparangal sa kanya?

Makikipagkaibigan siya sa kanila at gagawin niyang ipakilala sa kanila ang kanyang tipan.

Bakit laging itinutuon ni David ang kanyang mga mata kay Yahweh?

Dahil pakakawalan ni Yahweh ang mga paa ni David mula sa lambat.

Kapag si David ay nag-iisa at nahihirapan, ano ang kanyang kahilingan kay Yahweh?

Si David ay nakiki-usap kay Yahweh na bumaling at magkaroon ng awa sa kanya.

Psalms 25:17-19

Kapag naguguluhan ang puso ni David ano ang hinihiling niya kay Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na tingnan ang kanyang kapighatian at mga mabibigat na gawain, patawarin ang kanyang mga kasalanan, at masdan ang kanyang mga kaaway na napopoot at malulupit sa kanya.

Psalms 25:20-21

Bakit hindi dapat ipinapahiya si David?

Dahil siya ay nagkukubli kay Yahweh

Psalms 25:22

Mula sa ano ang hinihiling ni David para sagipin ang Israel?

Nakiki-usap siya sa Diyos na sagipin ang Israel sa lahat ng kaguluhan nito.

Psalms 26

Psalms 26:1-3

Paano inihahayag ni David ang kaniyang paglakad?

Inihahayag ni David na lumakad siya na may dangal at nagtitiwala kay Yahweh ng walang pag-alinlangan.

Ano ang hinihiling ni David na siyasatin at subukin?

Hiniling niya kay Yahweh na subukin ang kadalisayan ng kanyang kalooban at kaniyang puso.

Ano ang nasa harapan ng mga mata ni David?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay nasa harapan ng mga mata ni David.

Psalms 26:4-5

Sa kanino hindi makikisama o makikisalamuha si David?

Si David ay hindi nakikisama sa mga mandarayang mga tao o nakikisalamuha sa mga taong manloloko.

Ano ang kinapopootan ni David?

Si David ay napopoot sa kapulungan ng mga masasama.

Sa kanino hindi namumuhay si David?

Hindi siya namumuhay kasama ang mga masasama.

Psalms 26:6-8

Ano ang ginagawa ni David habang pumupunta siya sa paligid ng dambana ni Yahweh?

Siya ay umaawit ng isang malakas na awiting papuri at ibinabalita ang lahat ng mga kahanga-hangang gawain ni Yahweh.

Ano ang nararamdaman ni David tungkol sa tahanan kung saan nananahan si Yahweh?

Iniibig niya ang tahanan kung saan nananahan si Yahweh.

Psalms 26:9-10

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh na huwag gawin?

Hinihiling ni David kay Yahweh na huwag itaboy ang kanyang kaluluwa kasama ng mga makasalanan, o ang kanyang buhay kasama ang mga mamamatay -tao.

Psalms 26:11-12

Paano inihahayag ni David ang kanyang paglalakad?

Inihahayag ni David na lalakad siya na may dangal.

Saan nakatayo ang paa ni David at saan niya pupurihin si Yahweh?

Ang paa ni David ay nakatayo sa pantay na batayan at pupurihin niya si Yahweh sa mga kapulungan.

Psalms 27

Psalms 27:1

Bakit hindi dapat matakot si David kanino man?

Hindi dapat katakutan ni David ang kahit sino dahil si Yahweh ang kanyang liwanag, ang kanyang kaligtasan, at kublihan ng kanyang buhay.

Psalms 27:2-3

Ano ang nangyari noong lumapit ang mga gumagawa ng masama kay David?

Ang kanyang mga kalaban at kanyang mga kaaway ay nadapa at nabuwal.

Sa anong mga kalagayan hindi matatakot si David sa halip ay mananatili siyang nagtitiwala?

Ang kanyang puso ay hindi matatakot kahit na isang hukbo ay magsimula laban kanya at makipagdigma sa kanya.

Psalms 27:4

Ano ang ipinaki-usap ni David kay Yahweh?

Ipinaki-usap ni David na nawa'y manahan siya sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng araw ng kanyang buhay, para mapagmasdan ang kagandahan ni Yahweh, at para magnilay-nilay sa kanyang templo

Psalms 27:5-6

Ano ang gagawin ni Yahweh para kay David sa mga panahon ng kaguluhan?

Isisilong siya ni Yahweh sa kanyang kubol, itatago siya sa suklob ng kanyang tolda, at itataas siya sa ibabaw ng isang bato.

Paano maghahandog ng pagsamba si David kay Yahweh?

Si David ay maghahain ng mga handog ng kagalakan, aawit at gagawa ng mga awitin para kay Yahweh.

Psalms 27:7-8

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na pakinggan ang kanyang tinig, magkaroon ng awa sa kanya, at tugunin siya.

Ano ang sinasabi ng puso ni David tungkol kay Yahweh?

Ang puso ni David ay nagsasabing, "Hanapin ang kanyang mukha!.

Psalms 27:9-10

Ano ang hinihiling ni David kay Yahweh na huwag gawin?

Hinihiling ni David kay Yahweh na huwag itago ang kanyang mukha sa kanya, na huwag saktan ang kanyang lingkod dahil sa galit, ni pabayaan o iwanan siya.

Sa anong kalagayan dadalhin ni Yahweh si David?

Tatanggapin ni Yahweh si David kahit na pabayaan siya ng kanyang ama't ina.

Psalms 27:11-12

Ano ang hinihiling ni David na gawin ni Yahweh dahil sa kanyang mga kaaway?

Hinihiling ni David kay Yahweh na turuan siya ng kanyang mga daan at pangunahan siya sa patag na landas dahil sa kanyang mga kaaway.

Bakit hinihiling ni David kay Yahweh na huwag ibigay ang kanyang kaluluwa sa kanyang mga kaaway?

Hinihiling ni David kay Yahweh na huwag ibigay ang kanyang kaluluwa sa kanyang mga kaaway dahil sa mga sinungaling na saksi na nagsi-alsa laban sa kanya at bumubuga ng karahasan.

Psalms 27:13-14

Ano ang pinaniwalaan ni David na nakatulong sa kanya?

Siya ay naniwala na makikita niya ang kabutihan ni Yahweh sa lupain ng mga buhay.

Ano ang ginagawa ni David na panghihikayat sa mga tao na gawin?

Hinihikayat ni David ang mga tao na maghintay kay Yahweh, maging matatag, at hayaan na ang kanilang mga puso ay maging matapang.

Psalms 28

Psalms 28:1-2

Kanino umiiyak si David?

Umiiyak si David kay Yahweh, ang kaniyang Malaking Bato.

Ano ang mangyayari kay David kung hindi siya tutugunin ni Yahweh?

Sasama si David sa mga nasa libingan.

Sino ang nais ni David na makarinig ng tinig ng kaniyang pagsusumamo?

Nais ni David na marinig ni Yahweh ang tinig ng kaniyang pagsusumamo.

Psalms 28:3-5

Ano ang hinihingi ni David kay Yahweh na huwag gawin?

Hinihingi ni David kay Yahweh na huwag siyang kaladkaring palayo kasama ang masasama.

Ano ang hinihingi ni David kay Yahweh na ibigay sa masasama?

Hinihingi ni David kay Yahweh na ibigay sa kanila kung ano ang mga nararapat sa kanilang mga gawa at ibalik muli ang hinihingi ng kanilang kasamaan.

Ano ang hindi nauunawaan ng masasama?

Hindi nauunawaan ng masasama ang mga paraan ni Yahweh o ang gawa ng kaniyang mga kamay.

Psalms 28:6-8

Ano ang narinig ni Yahweh?

Narinig ni Yahweh ang tinig ng pagsusumamo ni David.

Sino ang kalakasan at kalasag ni David?

Si Yahweh ang kalakasan at kalasag ni David

Kanino ipinagkakatiwala ni David ang kaniyang puso?

Ipinagkakatiwala ni David ang kaniyang puso kay Yahweh at lubos na nagsasaya.

Sino ang kalakasan ng kaniyang bayan?

Si Yahweh ang kalakasan ng kaniyang bayan.

Sino ang kanlungang nagliligtas ng kaniyang hinirang?

Si Yahweh ang kanlungang nagliligtas ng kaniyang hinirang.

Psalms 28:9

Sino ang nais ni David na iligtas at pagpalain ni Yahweh?

Nais ni David na iligtas ni Yahweh ang kaniyang bayan at pagpalain ang kaniyang minana.

Psalms 29

Psalms 29:1-2

Sino ang sinasabi ni David na dapat kumilala na si Yahweh ay may kaluwalhatian at kapangyarihan?

Sinasabi ni David na nararapat kilalanin ng mga anak ng malalakas ang kaluwalhatian at kapangyarihan ni Yahweh.

Ano ang karapat-dapat sa pangalan ni Yahweh?

Karangalan ang karapat-dapat sa pangalan ni Yahweh.

Psalms 29:3-5

Sa ano inihambing ni David ang tinig ni Yahweh?

Inihambing niya ang tinig ni Yahweh sa kulog.

Ano ang pinagpipira-piraso ni Yahweh?

Pinagpipira-piraso ni Yahweh ang mga sedar ng Lebanon.

Psalms 29:6-8

Ano ang niyayanig ni Yahweh?

Niyayanig ni Yahweh ang ilang ng Kades.

Psalms 29:9-10

Ano ang sinasabi ng bawa't-isa na nasa templo ni Yahweh?

Sinasabi ng bawa't-isa na nasa kaniyang templo ang, "Kaluwalhatian!"

Gaano katagal uupo si Yahweh bilang hari?

Uupo si Yahweh bilang hari magpakailanman.

Psalms 29:11

Anong dalawang bagay ang ibinibigay ni Yahweh sa kaniyang bayan?

Ibinibigay ni Yahweh ang lakas sa kaniyang bayan at pinagpapala ng kapayapaan ang kaniyang bayan.

Psalms 30

Psalms 30:1-3

Bakit itinataas ni David si Yahweh?

Itinataas niya si Yahweh dahil itinaas ni Yahweh si David at hindi ipinahintulot na magsaya ang kaniyang mga kalaban.

Ano ang ginawa ni Yahweh noong humingi ng tulong si David?

Pinagaling ni Yahweh si David.

Mula saan hinango ni Yahweh ang kaluluwa ni David?

Hinango ni Yahweh ang kaluluwa ni David mula sa sheol.

Psalms 30:4-5

Ano ang sinabi sa mga matapat na gawin bilang pag-alaala sa kabanalan ni Yahweh?

Sinabi sa mga matapat na umawit ng papuri kay Yahweh at magbigay sa kaniya ng pasasalamat.

Hanggang kailan tumatagal ang galit at pabor ni Yahweh?

Isang saglit lamang ang galit ni Yahweh, pero panghabang buhay ang kaniyang pabor.

Ano ang nangyayari pagkatapos sumapit ang pag-iyak sa gabi?

Dumarating ang kagalakan sa umaga.

Psalms 30:6-8

Ano ang sinabi ni David nang may matibay na paninindigan?

Sinabi ni David, "Hindi kailanman ako matitinag."

Ano ang nangyari kay David noong itinago ni Yahweh ang kaniyang mukha?

Noong itinago ni Yahweh ang kaniyang mukha, naligalig si David.

Ano ang hiahanapi ni David mula sa Panginoon?

Hinahanap ni David ang pabor mula sa Panginoon.

Psalms 30:9-10

Anong mga bagay ang hinihingi ni David na gawin ni Yahweh para sa kaniya?

Hinihingi ni David kay Yahweh na dinggin siya, magkaroon ng awa sa kaniya, at maging katuwang niya.

Psalms 30:11-12

Ano ang ginawa ni Yahweh para kay David?

Pinalitan ni Yahweh ang kalungkutan ni David sa pagsasayaw, hinubad ang kaniyang sako at dinamitan siya ng kagalakan.

Ano ang gagawin ng pinarangalang puso ni David?

Aawit ng papuri ang puso ni David kay Yahweh at hindi mananahimik. Magbibigay siya ng pasasalamat kay Yahweh na kaniyang Diyos magpakailanman.

Psalms 31

Psalms 31:1-2

Kanino kumukubli si David?

Kay Yahweh kumukubli si David.

Anu ang hiniling ni David kay Yahweh para maging?

hiniling niya kay Yahweh na maging kaniyang bato ng kanlungan at matibay na tanggulan para iligtas siya.

Psalms 31:3-4

Bakit hiniling ni David na pangunahan at gabayan siya ng Diyos?

Hiniling ni David na pangunahan at gabayan siya ng Diyos alang-alang sa pangalan ni Yahweh.

Bakit naniniwala si David kay Yahweh na hihilahin siya palabas sa lambat ng kaniyang mga kaaway na itinago sa kaniya?

Hihilahin siya ni Yahweh mula sa lambat ng mga kaaway dahil si Yahweh ang kaniyang kanlungan.

Psalms 31:5-7

Sa ano ipinagkakatiwala ni David ang kaniyang espiritu?

Ipinagkakatiwala ni David ang kaniyang espiritu sa kamay ni Yahweh.

Sino ang kinasusuklaman ni David?

Kinasusuklaman niya ang mga naglilingkod sa mga walang kwentang idolo.

Bakit matutuwa at magagalak si David sa katapatan sa tipan ni Yahweh?

Matutuwa at magagalak si david dahil nakita ni Yahweh ang kaniyang paghihirap at alam ang dalamhati ng kaniyang kaluluwa.

Psalms 31:8-9

Saan itinalaga ni Yahweh ang paa ni David?

Itinalaga ni Yahweh ang paa ni David sa isang malawak na lugar.

Bakit gusto ni David na magkaroon ng kahabagan si Yahweh sa kaniya?

Gusto niya na magkaroon ng kahabagan si Yahweh sa kaniya dahil siya ay nasa pagdadalamhati at ang kaniyang mga mata ay nanghihina sa kalunkutan.

Psalms 31:10-11

Bakit ang lakas ni david ay tila nabigo at ang kaniyang buto ay nasayang?

Ang kaniyang lakas ay nanglulupaypay at ang kaniyang buto ay unti-unting nabubulok dahil sa kaniyang kasalanan.

Paano tumugon ang mga tao sa kalagayan ni David?

Hinamak siya ng mga tao, ang kaniyang mga kapit-bahay ay nanlulumo at natatakot sa kaniya kalagayan, at sa mga nakakita sa kaniya sa daan ay tumakbo palayo.

Psalms 31:12-13

Sa ano inalintulad ni David ang kaniyang sarili?

Sinabi ni David na siya ay nakalimutan na parang patay na tao na wala nakakaalala sa kaniya, at na para siyang isang basag na palayok.

Bakit naguguluhan si David?

Narinig niya ang mga bulong ng marami, nakakasindak na mga balita mula sa bawat panig na parang nagpaplanong na kunin ang kaniyang buhay.

Psalms 31:14-16

Mula kanino humiling si David na iligtas siya ng Diyos?

Humiling siya sa Diyos na iligtas siya mula sa kaniyang mga kaaway at sa mga humahabol sa kaniya.

Ano ang hiniling ni David sa Diyos para sa kaniyang lingkod?

Hiniling ni David na gawing maliwanag ang kaniyang mukha kay David, at iligtas siya sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ni Yahweh.

Psalms 31:17-18

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na huwag hayaang mangari kay David?

Hiniling ni David kay Yahweh na huwag siyang hayaang mapahiya.

Bakit ang sinungaling na bibig ay kailangan manahimik?

nagsasalita sila ng suwail laban sa matutuwid na may kahambugan at paghamak.

Psalms 31:19-20

Para kanino inipon ang kabutihan ng Diyos?

Ang kabutihan ni Yahweh ay inipon para sa mga gumalang sa kaniya.

mula sa ano ang itinago ni Yahweh para sa mga gumagalang sa kaniya?

Sila'y itinatago niya sa plano ng mga tao at mula sa karahasan ng mga dila.

Psalms 31:21-22

Bakit pagpapalain si Yahweh?

nagpakita si Yahweh kay david ng kaniyang kagilagilalas na katapatan sa tipan kapag nang si David ay nasa lungsod na nakukubkob.

Ano ang ginawa ni Yahweh para kay David kahit sinabi ni David na siya ay inihiwalay sa paningin ng Diyos?

Narinig ni Yahweh ang kanyang paghingi ng tulong nang umiyak si David sa kanya.

Psalms 31:23-24

Ano ang gusto ni Yahweh gawin ng kaniyang mga tapat na tagasunod?

Pinoprotektahan ni Yahweh ang mga tapat pero pinagbabayad ng buo ang mapagmataas.

Anung payo na ibinigay ni David sa mga nagtitiwala sa Panginoon?

Sinabi niya sa kanila na maging malakas at magtiwala.

Psalms 32

Psalms 32:1-2

Paano pinagpapala ni Yahweh ang mga tao?

Pinagpapala ni Yahweh ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatawad sa kanilang mga pagsuway at pagtakip ang kanilang mga kasalanan

Psalms 32:3-4

Ano ang mangyayari kay David kapag nanatili siyang tahimik?

Ang kaniyang mga buto ay unti-unting nabubulok at siya dumadaing buong araw. Ang kamay ng Diyos ay mabigat kay David at ang kaniyang lakas ay natuyot.

Psalms 32:5-6

Ano ang ginawa ng Diyos nang si David ay kinilala ang kanyang kasalanan at hindi na niya tinatago ang kanyang kasamaan?

Pinatawad ng Diyos ang kabigatan ng kasalanan ni David.

Ano ang dapat gawin ng mga makadiyos na tao?

Dapat manalangin kay Yahweh sa panahon ng malaking dalamhati.

Ano ang mangyayari sa mga makadiyos na nanalangin kay Yahweh sa panahon ng malaking dalamhati?

Kapag ang dumadaluyong na tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga taong iyon.

Psalms 32:7-8

sa ano pinapalibutan ng Diyos si David?

pinapalibutan siya ng Diyos ng mga awit ng pagtatagumpay.

Psalms 32:9-10

Ano ang mangyayari sa na nagtitiwala kay Yahweh?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay papalibutan siya

Psalms 32:11

Ano ang dapat gawin ng mga matutuwid at ang matuwid sa pusong para kay Yahweh?

Ang matuwid sa puso ay dapat magalak at sumigaw sa kagalakan.

Psalms 33

Psalms 33:1-3

kanino ang sinasabi ng manunulat na dapat magalak ang mga matutuwid?

ang mga matutuwid ay dapat magalak kay Yahweh.

Anong instrumento sinasabi ng manunulat na gagamitin niya para magbigay ng pasasalamat kay Yahweh?

Sinabi ng manunulat na magbigay pasasalamat kay Yahweh na may alpa.

Psalms 33:4-6

Paano inilarawan ng manunulat ang mga salita at gawa ni Yahweh?

Ang salita ni Yahweh ay matuwid at lahat ng ginagawa niya ay patas.

Ano ang iniibig ni Yahweh?

Iniibig ng Panginoon ang katuwiran at katarungan.

Ano ang nagawa ng salita ni Yahweh?

Ang kalangitan ay nagawa sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.

Ano ang nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig?

Ang lahat ng mga bituin ay ginawa sa pamamagitan ng hininga ng bibig ni Yahweh.

Psalms 33:7-9

Ano ang sinasabi ng manunulat na gagawin ni Yahweh sa tubig ng dagat?

Kaniyang tinitipon ang mga tubig ng dagat na gaya ng isang tumpok.

Ano ang sinasabi ng manunulat sa mga naninirahan na dapat gawin?

Ang lahat ng mga naninirahan sa mundo ay dapat mamangha kay Yahweh.

Psalms 33:10-12

Gaano katagal mananaig ang plano ni Yahweh?

Ang mga ang plano ni Yahweh mananaig magpakailan man, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salit saling lahi

Psalms 33:13-17

kanino tumitingin si Yahweh mula sa kaniyang tirahan?

Si Yahweh nakatingin sa lahat ng mga tao, sa lahat ng nananahan sa lupa.

Psalms 33:18-19

Kanino nakatuon ang mata ni Yahweh?

ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon sa mga natatakot sa kaniya.

Psalms 33:20-22

Bakit dapat ang ating mga puso ay magalak kay Yahweh?

Ang aming mga puso ay dapat magalak sa kanya, dahil kami ay nag titiwala sa kaniyang banal na pangalan

Psalms 34

Psalms 34:1

Gaano kadalas pupurihin ni David si Yahweh?

Pupurihin ni David si Yahweh sa lahat ng pagkakataon.

Psalms 34:2-3

Sino ang gusto ni David na makarinig kapag pinupuri niya si Yahweh?

Gusto ni David na marinig ito ng api at magalak.

Ano ang pinagagawa ni David sa mga tao na kasama siya?

Pinapagawa ni David sa kanila na purihin si Yahweh at itaas ang pangalan ni Yahweh ng magkakasama.

Psalms 34:4-6

Anong nangyari nang si David ay nahanap si Yahweh?

Sinagot ni Yahweh si David at binigyan siya ng tagumpay sa lahat ng kaniyang mga takot.

Anong nangyayari sa mga tumitingin kay Yahweh?

Sila ay nagniningning at ang kanilang mga mukha ay hindi nahihiya.

Ano ang ginawa ni Yahweh nang marinig niya ang iyak ng api?

Niligtas siya ni Yahweh mula sa lahat ng kaniyang mga problema.

Psalms 34:7-9

Ano ang ginawa ng anghel ni Yahweh nang siya ay nanatili sa mga natatakot sa kaniya?

Ang anghel ni Yahweh ay niligtas sila.

Sino ang taong mapalad?

Mapalad ang taong kumukubli kay Yahweh.

Anong nangyari sa mga piniling tao ng Diyos na takot sa kanya?

Hindi nagkulang ang mga takot kay Yahweh.

Psalms 34:10-11

Ano ang sinabi ni David sa mga humahanap kay Yahweh?

Sa mga humahanap kay Yahweh ay hindi magkukulang ng kahit anong bagay na mabuti.

Ano ang sinabi ni David sa mga bata?

Sinabi ni David, "Halina, makinig at ituturo ko sa inyo ang takot kay Yahweh."

Psalms 34:12-14

Ano ang sinabi ni David na gawin ng taong naghahangad ng buhay?

Sinabi ni David na kailangan niyang lumayo sa pagsasalita ng kasamaan, lumayo sa pagsasabi ng mga kasinungalingan, tumalikod sa kasamaan, gumawa ng mabuti at humanap ng kapayapaan at itatag ito.

Psalms 34:15-17

Paano tumugon si Yahweh sa iyak ng mga matutuwid?

Ang kaniyang mga mata ay nasa mga matutuwid at ang kaniyang tainga ay nakatuon para sa kanilang iyak.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga gumagawa ng masama, kanino siya laban?

Kaniyang buburahin ang kanilang alaala mula sa mundo.

Ano ang ginagawa ni Yahweh kapag umiiyak ang mga matutuwid?

Naririnig niya at nililigtas sila mula sa lahat ng kanilang mga problema.

Psalms 34:18-20

Kanino malapit si Yahweh?

Siya ay malapit sa mga wasak ang puso.

Sino ang niligtas ni Yahweh?

Niligtas ni Yahweh ang may mga nadurog na Espiritu.

Ano ang mangyayari sa mga matutuwid na maraming problema?

Bibigyan siya ni Yahweh ng tagumpay sa lahat ng iyon at iingatan ang lahat ng kaniyang mga buto.

Psalms 34:21-22

Ano ang mangyayari sa mga masasama?

Ang masama ay papatayin ang masama.

Ano ang mangyayari sa mga galit sa mga matutuwid?

Sila ay mahahatulan.

Ano ang ginagawa ni Yahweh para sa kaniyang mga lingkod na kumukubli sa kaniya?

Tinutubos niya ang kanilang kaluluwa at sila ay hindi mahahatulan.

Psalms 35

Psalms 35:1-3

Ano ang hinihiling ni David na gawin para sa kaniya ni Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na kumilos sa mga kumikilos laban sa kaniya, at labanan ang mga lumalaban sa kaniya.

Ano ang hiniling ni David kay Yahweh na sandata na gamitin para tulungan siya?

Hiniling niya kay Yahweh na gamitin ang maliit na sanggalang at malaking sanggalang, kaniyang sibat, at kaniyang palakol.

Psalms 35:4-6

Ano ang gustong mangyari ni David sa mga nagbabalak na saktan siya?

Gusto ni David na sila at umatras at malito.

Sino ang gusto ni David na magpaalis sa kaniyang mga kaaway?

Gusto niya na ang anghel ni Yahweh ang pagpaalis sa kanila.

Psalms 35:7-8

Ano ang ginagawa ng mga kaaway ni David na walang dahilan?

Naglagay sila ng lambat at naghukay ng isang butas para kay David.

Ano ang gustong mangyari ni David sa kaniyang mga kaaway?

Gusto ni David na ang pagkawasak ay dumating sa kanila nang hindi nila inaasahan, para sila ay mahuli ng sarili nilang lambat, at para sila ay mahulog sa kanilang pagkawasak.

Psalms 35:9-10

Saan magagalak si David?

Siya ay magagalak sa kaligtasan ni Yahweh.

Psalms 35:11-12

Bakit napipighati si David?

Siya ay napipighati dahil sa mga masasamang mga saksi ay laganap para paratangan siya ng hindi totoo, at bayaran siya ng kasamaan para sa kabutihan.

Psalms 35:13-14

Paano tumugon si David sa mga problema ng kaniyang mga kaaway?

Si David ay nagsuot ng sako, nag-ayuno para sa kanila, nagdalamhati at lumuhod sa pagluluksa para sa kanila.

Psalms 35:15-16

Paano tumugon ang mga kaaway David sa kaniyang mga problema?

Sila ay natuwa, nagsama-sama laban sa kaniya, pinunit siya, hinamak siya, at nginalit ang kanilang mga ngipin sa kaniya.

Psalms 35:17-18

Kailan magpapasalamat si David kay Yahweh sa pagpupulong?

Papasalamatan niya si Yahweh kapag ang kaniyang kaluluwa ay nailigtas mula sa kanilang mga mapangwasak na mga paglusob.

Psalms 35:19-20

Ano ang ginagawa ng mga kaaway ni David sa halip na nagsasalita ng kapayapaan?

Sila ay nag-iisip ng mapanlinlang na mga salita laban sa mga namumuhay ng mapayapa.

Psalms 35:21-23

Ano ang gustong ipagawa ni David kay Yahweh ngayong nakita na niya ang mga problema ni David?

Gusto niya na si Yahweh ay hindi tumahimik, huwag lumayo, at bumangon at gumising para sa kaniyang tanggulan.

Psalms 35:24-28

Bakit sinabi ni David na dapat siyang ipagtanggol ni Yahweh?

Sinabi niya na kailangan siya ipagtanggol ni Yahweh dahil sa katarungan ni Yahweh.

Psalms 36

Psalms 36:1-2

Paano nagsasalita ang kasalanan sa puso ng masasama?

Nagsasalita ang kasalanan kagaya ng hula sa puso ng masasama.

Paano inaaliw ang masasama ang kaniyang sarili?

Iniisip niya na ang kaniyang kasalanan ay hindi matutuklasan at kasusuklaman.

Psalms 36:3-4

Ano ang katulad na mga salita ng masasama?

Ang kaniyang mga salita ay makasalanan at mapanlinlang.

Ano ang hindi nais maging ng masamang tao?

Hindi niya nais maging matalino at gumawa ng mabuti.

Ano ang ginagawa ng masamang tao habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama?

Siya ay nagpaplano ng mga paraan ng pagkakasala habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama.

Psalms 36:5-6

Ano ang umaabot sa langit at sa mga ulap?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay umaabot sa kalangitan, at ang kaniyang katapatan ay umaabot sa mga kaulapan.

Ano ang katulad ng katarungan ni Yahweh?

Ang kaniyang katarungan ay katulad ng pinakamataas na mga bundok at pinakamalalim na dagat.

Ano ang pinangangalagaan ni Yahweh?

Pinangangalagaan ni Yahweh kapwa sangkatauhan at ang mga hayop.

Psalms 36:7-9

Sino ang kumukubli sa ilalim ng anino ng mga pakpak ng Diyos?

Ang sangkatauhan ang kumukubli sa ilalim ng anino ng mga pakpak ng Diyos.

Anong kasaganahan ang makakalugod sa sangkatauhan?

Ang kayamanan ng pagkain sa bahay ng Diyos ang makakalugod sa sangkatauhan.

Psalms 36:10-12

Para kanino humiling si David nang patuloy na katapatan sa tipan ng Diyos?

Humiling si David na ipagpatuloy ng Diyos ang lubos na katapatan sa tipan sa mga nakakakilala sa kaniya.

Ano ang hiningi ni David sa Diyos na huwag hayaang mangyari?

Hiningi ni David sa Diyos na huwag hayaan ang paa ng mayabang na tao na makalapit sa kaniya, at ang kamay ng masama na palayasin siya.

Ano ang mangyayari sa mga masasama na natalo?

Sila ay bumagsak at wala ng kakayahan na bumangon.

Psalms 37

Psalms 37:1-2

Bakit sinabi ni David na huwag mainis dahil sa masasama?

Kaniyang sinabi na huwag mainis dahil sa mga masasama dahil sila ay malapit ng matuyo gaya ng damo at malalanta gaya ng luntiang mga halaman.

Psalms 37:3-4

Bakit sinabi ni David na kasiyahan si Yahweh?

Kaniyang sinabi na kasiyahan si Yahweh para kaniyang ibigay ang mga nais ng iyong puso.

Psalms 37:5-6

Bakit sinabi ni David na magtiwala kay Yahweh?

Kaniyang sinabi na magtiwala kay Yahweh para siya ay kumilos para sa iyo, ipakita ang iyong katarungan gaya ng liwanag ng araw at ang iyong walang sala gaya ng araw sa tanghali.

Psalms 37:7

Ano ang sinabi ni David na dapat nating gawin sa harapan ni Yahweh?

Kaniyang sinabi na huminahon sa harapan niya at matiyagang maghintay sa kaniya, at huwag mag-alala kung may sumusubok na gawing matagumpay ang kaniyang mga masamang balak.

Psalms 37:8-10

Bakit sinabi ni David na huwag magalit at madismaya o na mag-alala tungkol sa mga gumagawa ng masama?

Sila ay aalisin at mawawala, pero ang mga naghihintay kay Yahweh ay magmamana ng lupain.

Psalms 37:11-13

Ano ang mangyayari sa mga mapagkumbaba?

Kanilang mamanahin ang lupain at magagalak sa lubos na kasaganahan.

Psalms 37:14-15

Ano ang mangyayari sa mga masama na sumubok na patayin ang mga matuwid?

Ang espada ng masama ay sasaksakin ang kanilang sariling mga puso at ang kanilang mga pana ay masisira.

Psalms 37:16-17

Bakit ang kaunti na mayroon ang matuwid ay mas mabuti kaysa sa kasaganahan ng maraming masasama?

Ang kaunti na mayroon ang matuwid ay mas mabuti dahil ang kamay ng masasama ay mababali, pero si Yahweh ang sumusuporta sa mga matutuwid.

Psalms 37:18-19

Paano magbibigay si Yahweh sa mga walang kasalanan?

Ang walang kasalanan ay hindi na mahihiya kapag hindi magandan ang kalagayan, sila ay may sapat na kakainin, at ang kanilang namana ay magpakailanman.

Psalms 37:20-21

Ano ang mangyayari sa mga kaaway ni Yahweh?

Ang kaniyang kaaway ay magiging katulad ng kasaganahan ng mga pastulan kung saan matutupok at maglalaho sa usok.

Psalms 37:22-24

Ano ang kagandahan na si Yahweh ang nagtatatag ng mga hakbang ng tao?

Kahit na siya ay madapa, siya ay hindi babagsak, sapagkat si Yahweh ay hinahawakan siya ng kaniyang kamay.

Psalms 37:25-27

Ano ang hindi nakita ni David na nangyari sa matuwid na tao?

Hindi niya nakita ang matuwid na tao na napabayaan o nagmakaawa ang kaniyang mga anak para sa tinapay.

Paano kumilos ang matuwid na tao?

Siya ay mapagbigay-loob sa buong araw at nagpapahiram.

Ano ang dapat gawin ng mga tao upang maging ligtas magpakailanman?

Sila ay dapat tumalikod mula sa kasamaan at gawin ang kung ano ang tama.

Psalms 37:28-30

Ano ang mamanahin ng mga matutuwid?

Kanilang mamanahin ang lupain at mamumuhay doon magpakailanman

Ano ang sinasabi ng bibig ng matutuwid?

Ang bibig ng matutuwid ay nagsasalita ng karunungan at nagdadagdag ng katarungan.

Psalms 37:31-33

Ano ang mangyayari sa matutuwid kung ang masamang tao ay gusto siyang patayin?

Si Yahweh ay hindi siya pababayaan sa kamay ng masamang tao ni hindi siya hahatulan kapag siya ay nahusgahan.

Psalms 37:34

Ano ang mangyayari sa mga naghihintay kay Yahweh?

Itataas sila ni Yahweh para makuha ang lupain.

Psalms 37:35-38

Ano ang mangyayari sa masama at nakakatakot na tao?

Sila ay nagkalat gaya ng luntiang puno sa likas nitong lupa, pero sa kalaunan siya ay hindi na matatagpuan.

Psalms 37:39-40

Ano ang ginawa ni Yahweh para sa mga matutuwid?

Si Yahweh ay pinangangalagaan sila sa panahon ng kaguluhan, at tutulungan at sasagipin sila.

Psalms 38

Psalms 38:1-2

Ano ang hiniling ni David kay Yahweh na huwag gawin sa kaniyang galit?

Hiniling niya kay Yahweh na huwag siyang sawayin sa kaniyang galit, o parusahan man siya ng kaniyang poot.

Psalms 38:3-4

Bakit sinabi ni David na "Walang kalakasan sa aking mga buto?"

Sinabi niyang walang kalakasan sa kaniyang buto dahil sa kaniyang kasalanan.

Ano ang lumunod kay David?

Ang kaniyang mga kasalanan ang lumunod sa kaniya.

Psalms 38:5-6

Ano ang ginagawa ni David sa buong araw?

Sa buong araw siya ay nagluksa.

Psalms 38:7-8

Ano ang dumaig kay David?

Dinaig siya ng kaniyang kahihiyan.

Psalms 38:9-10

Ano ang sinabi ni David na naiintindihan ng Panginoon?

Sinabi niya na naiintindihan ng Panginoon ang masidhing pagnanais ng kaniyang puso.

Psalms 38:11-14

Bakit umiwas ang mga kaibigan at kasamahan ni David sa kaniya?

Umiwas ang mga kaibigan at kasamahan ni David dahil sa kaniyang kalagayan.

Psalms 38:15-18

Ano ang kinatatakot ni David na gawin ng mga kaaway niya sa kaniya kapag dumulas ang kaniyang paa?

Kung dudulas ang mga paa ni David ang kaniyang mga kaaway ay gagawan siya ng kakilakilabot na mga bagay.

Psalms 38:19-20

Paano gagantihan ng kaniyang mga kaaway ang kaniyang kabutihang nagawa?

Sila ay gagantihan siya ng masama para sa mabuti at paparatangan siya ng akusayon.

Psalms 38:21-22

Anong mga pangalan ang ginamit ni David nang humiling siya kay Yahweh ng tulong?

Siya ay tinawag niyang "Yahweh", "Diyos", "Panginoon" at "aking kaligtasan"

Psalms 39

Psalms 39:1

Ano ang napagpasyahan na gawin ni David?

Napagpasyahan ni David na ingatan kung ano ang kaniyang sasabihin at bubusalan ang kaniyang bibig habang nasa harap ng isang masamang tao.

Psalms 39:2-3

Ano ang nangyari ng pinanatili ni David ang kaniyang salita mula sa pagsasabi ng anumang mabuting bagay?

Ang paghihirap ni David ay lalong lumala at ang kaniyang puso ay nagliyab tulad ng isang apoy.

Psalms 39:4-5

Ano ang gustong malaman ni David tungkol sa kaniyang buhay?

Gustong malaman ni David kung kailan ang katapusan ng kaniyang buhay, ang kahabaan ng kaniyang araw, at kung paano siya lilipas.

Ano ang sinabi ni David na tulad ng kaniyang buhay sa harap ni Yahweh?

Ang haba ng buhay ni David ay walang halaga sa harapan ni Yahweh.

Psalms 39:6-7

Ano ang minamadaling gawin ng lahat ng tao?

Ang lahat ng tao ay nagmamadali na mag-ipon ng kayamanan.

Ano ang tanging pag-asa ni David?

Ang Panginoon ang tanging Pag-asa ni David.

Psalms 39:8-9

Ano ang tagumpay na hinihiling ni David na ibigay sa kaniya ni Yahweh?

Hiniling ni David na bigyan siya nang tagumpay sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.

Saan hindi gusto ni David na maging paksa?

Ayaw ni David na maging paksa ng pangungutya ng mga mangmang.

Paano tumugon si David sa ginawa ng Panginoon?

Nananahimik si David at hindi binuksan ang kaniyang bibig.

Psalms 39:10-11

Saan nalula si David?

Nalula si David sa hampas ng kamay ng Panginoon.

Ano ang mangyayari kapag ang Panginoon ay itinutuwid ang mga tao dahil sa kasalanan?

Ang Panginoon ay dahan-dahan inuubos ang kanilang lakas tulad ng isang gamu-gamu at sila ay balewala lamang tulad ng singaw.

Psalms 39:12-13

Bakit hiniling ni David kay Yahweh na makinig sa kaniyang pag-iyak at huwag maging bingi sa kaniya?

Hiniling niya kay Yahweh na makinig dahil si David ay tulad ng isang dayuhan sa kaniya at isang taga-ibang bayan tulad ng kaniyang mga ninuno.

Ano ang hiniling ni David kay Yahweh bago siya mamatay?

Hiniling niya kay Yahweh na ibaling ang kaniyang pagtitig mula kay David para muling makangiti si David.

Psalms 40

Psalms 40:1-2

Ano ang ginawa ni Yahweh pagkatapos ng matiyagang paghihintay ni David sa kaniya?

Pinakinggan ni Yahweh kay David at dininig ang kaniyang pag-iyak.

Ano pa ang ginawa ni Yahweh para kay David?

Inahon ni Yahweh si David mula sa kakilakilabot na hukay, mula sa putik, at itinalaga ang kaniyang paa sa isang bato.

Psalms 40:3-4

Ano ang gagawin ng marami dahil inilagay ng Diyos sa bibig ni David ang bagong awit na pauri para sa Diyos?

Marami ang makakita nito at pararangalan si Yahweh at kay Yahweh ay magtitiwala.

Sino ang mapalad?

Ang taong ginagawang kaniyang sandigan si Yahweh at hindi pinaparangalan ang mayayabang o silang tumalikod mula sa Diyos.

Psalms 40:5-6

Paano inilarawan ni David ang mga gawa ng Diyos at kaisipan?

Ang kamangha-mangha na mga gawa at ang kaniyang kaisipan tungkol sa atin ay hindi mabibilang

Psalms 40:7-9

Ano ang nasusulat tungkol kay David sa nakabalunbon na kasulatan?

Nasusulat na siya ay nalulugod sa paggawa ng kaloob ng Diyos at ang batas ng Diyos ay nasa kaniyang puso.

Ano ang inihiyag ni David sa malaking pagtitipon?

Inihayag niya ang mabuting balita ng katuwiran ng Diyos sa malaking kapulungan.

Psalms 40:10-11

Ano ang hindi ikinubli ni David?

Hindi niya ikinubli ang katuwiran ng Diyos sa kaniyang puso ni ang katapatan sa tipan kahit man ang pagkamaasahan sa isang malaking kapulungan.

Ano ang ipinanalangin ni David na gawin sa kaniya ng Diyos?

Pinanalangin ni David sa Diyos na huwag niyang ipagkait ang maawing pagkilos mula kay David sa halip hayaan ni ang kaniyang katapatan sa tipan at kaniyang pagkamaasahan ang laging magpanatili kay David.

Psalms 40:12-13

Bakit natatakot si David?

Natatakot siya dahil sa hindi mabilang na kaguluhan sa kaniyang paligid at natabunan siya ng kaniyang kasalan. Binigo siya ng kaniyang puso.

Ano ang kaniyang pinanalangin na nakalulugod na gawin ni Yahweh?

Kaniyang pinalangin na si Yahweh ay nakalulugod na sagipin siya.

Psalms 40:14-15

Ano ang pinanalangin ni David para sa kanilang naghahangad na kunin ang kaniyang buhay?

Kaniyang pinanalangin na sila ay mapahiya at gulo, tumalikod at madala sa kahihiyan.

Psalms 40:16-17

Ano ang pinagdasal ni David para sa kanilang humanap sa Diyos at nagmamahal sa kaniyang kaligtasan?

Nagdarasal siya na sila ay magalak at magdiwang sa Diyos at kanilang patuloy na sabihin, "Nawa'y si Yahweh ay mapapurihan."

Paano inilarawan ni David ang Panginoon?

Ang Panginoon na iniisip siya ay ang kaniyang katuwang at darating para sagipin si David.

Psalms 41

Psalms 41:1-3

Sino ang sinasabi ni Haring David na mapalad?

Mapalad ang may malasakit para sa mga mahihina.

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa taong mapalad?

Sasagipin siya ni Yahweh, pangangalagaan siya at pananatilihin siyang buhay, at pagpapalain siya sa lupa.

Ano ang hindi gagawin ni Yahweh sa mga taong mapalad?

Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa taong mapalad na nasa higaan ng paghihirap?

Aalalayan siya ni Yahweh sa higaan ng paghihirap at gagawing higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.

Psalms 41:4-6

Bakit hiniling ni David na maawa si Yahweh sa kaniya?

Hiniling niya kay Yahweh na maawa sa kaniya dahil nagkasala siya laban kay Yahweh.

Ano ang masamang sinasabi laban kay David ng kaniyang mga kaaway?

Tinatanong nila kung kailan siya mamamatay at kailan maglalaho ang kaniyang pangalan.

Ano ang sinasabi ng mga kaaway ni David sa kaniya?

Nagsasabi ang kaniyang mga kaaway ng mga walang halagang bagay.

Psalms 41:7-9

Ano ang binubulong at inaasahan ng mga napopoot kay David?

Sama-samang nagbubulungan ang mga napopoot kay David laban sa kaniya at inaasahan na siya ay masaktan.

Ano ang mayroon sa sariling malapit na kaibigan ni David na kaniyang pinagkakatiwalaan?

Ang kaniyang sariling malapit na kaibigan ay inangat ang sakong niya laban sa kaniya.

Psalms 41:10-12

Ano ang ginawa ni Yahweh para kay David?

Naawa si Yahweh sa kaniya at ibinangon siya para maaari niyang pagbayarin silang mga napopoot sa kaniya.

Paano nalalaman ni David na nasisiyahan si Yahweh sa kaniya?

Nalalaman ito ni David dahil hindi nagtatagumpay ang kaniyang mga kaaway sa kaniya.

Paano tinutulungan ni Yahweh si Daivd?

Tinutulungan siya ni Yahweh sa kaniyang katapatan at iingatan siya sa harap ng mukha ni Yahweh magpakailanman.

Psalms 41:13

Kailan maaaring purihin si Yahweh?

Si Yahweh ay maaaring purihin magpakailan pa man.

Psalms 42

Psalms 42:1-2

Paano nananabik ang kaluluwa ng manunulat sa Diyos?

Nananabik ang kaniyang kaluluwa sa Diyos gaya ng isang usa na nananabik sa agos ng tubig.

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol sa kaniyang kaluluwa?

Nauuhaw ang kaniyang kaluluwa para sa Diyos, para sa Diyos na buhay.

Psalms 42:3-4

Naging ano ang mga luha ng manunulat para sa kaniya?

Naging pagkain niya araw at gabi ang kaniyang mga luha.

Ano ang mga bagay na inaalala ng manunulat?

Inaalala niya kung paano siya pumunta kasama ang nakaparaming tao at pangunahan sila sa tahanan ng Diyos ng may tinig ng kagalakan at pagpupuri.

Psalms 42:5-6

Ano ang sinasabi ng manunulat na gawin ng kaniyang kaluluwa?

Sinasabi niya sa kaniyang kaluluwa na umasa sa Diyos, dahil magpupuri pa siya sa Diyos dahil sa tulong ng presensiya ng Diyos.

Psalms 42:7-8

Ano ang dumating sa manunulat?

Dumating ang lahat ng mga alon ng Diyos at nagtataasang mga alon sa kaniya.

Ano ang inuutos ni Yahweh sa araw?

Inuutos ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan sa araw.

Ano ang mangyayari sa gabi?

Sa gabi, makakasama ng manunulat ang awit ng Diyos, ang panalangin sa Diyos ng kaniyang buhay.

Psalms 42:9-10

Ano ang tatanungin ng manunulat sa Diyos, na isang malaking bato?

Tatanungin niya kung bakit siya kinalimutan ng Diyos, at bakit kailangan niyang magluksa dahil sa pang-aapi ng kaniyang kaaway.

Sa ano ihinalintulad ng manunulat ang pangungutya ng kaniyang mg kalaban?

Sinasabi niya na para silang espada sa kaniyang mga buto.

Psalms 42:11

Ano ang ginawa ng kaluluwa ng manunulat sa kaniyang kalooban?

Ang kaniyang kaluluwa ay natunaw at nababalisa sa kalooban niya.

Psalms 43

Psalms 43:1-2

Ano ang hinihiling ng manunulat na gawin ng Diyos para sa kaniya?

Hinihiling niya sa Diyos na hatulan siya at ipagtanggol ang kapakanan niya laban sa makasalanang bansa.

Bakit dapat siyang hatulan at ipagtanggol ng Diyos?

Dapat siyang hatulan ng Diyos dahil ang Diyos ang Diyos ng kaniyang kalakasan.

Psalms 43:3-4

Ano ang hinihiling ng manunulat na hayaang gawin ng liwanag at katotohanan ng Diyos?

Hinihiling ng manunulat na hayaan ang kaniyang liwanag at katotohanan na pangunahan siya at dalhin siya sa banal na burol ng Diyos at tabernakulo.

Saan pupunta ang manunulat kapag dinala na siya ng Diyos sa tabernakulo?

Pupunta siya sa altar ng Diyos.

Psalms 43:5

Ano ang gagawin ng manunulat sa kaniyang alpa?

Pupurihin niya ang Diyos gamit ang kaniyang alpa.

Bakit hindi dapat panghinaan ng loob at mabalisa sa kaniyang kalooban ang kaluluwa ng manunulat?

Dapat umasa ang kaniyang kaluluwa sa Diyos dahil magpupuri pa siya, na kaniyang saklolo at kaniyang Diyos.

Psalms 44

Psalms 44:1-2

Ano ang narinig ng mga tainga ng mga manunulat?

Narinig nila kung ano ang ginawa ng Diyos sa kanilang mga araw, noong unang panahon.

Ano ang ginawa ng Diyos gamit ang kaniyang kamay?

Pinalayas ng Diyos ang mga bansa gamit ang kaniyang kamay at itinanim ang bayan ng Israel.

Psalms 44:3-4

Paano nakuha ng mga Israelita ang kanilang lupain at iniligtas ang kanilang mga sarili?

Hindi nila nakuha ang kanilang lupain para maging ari-arian nila sa pamamagitan ng sarili nilang espada o sa pamamagitan ng kanilang bisig, kundi sa pamamagitan ng kanang kamay ng Diyos dahil sila ay sinang-ayuan niya.

Psalms 44:5-6

Ano ang gagawin ng mga Israelita sa pamamagitan ng Diyos?

ibabagsak nila ang kanilang mga kalaban at sa pamamagitan ng pangalan ng Diyos, at sila ay tatapakan nila.

Saan hindi nagtitiwala ang manunulat?

Hindi siya nagtitiwala sa kaniyang pana, ni sa kaniyang espada na ililigtas siya.

Psalms 44:7-8

Mula saan sila iniligtas ng Diyos?

Iniligtas sila ng Diyos mula sa kanilang mga kalaban at inilagay sa kahihiyan ang mga napopoot sa kanila.

Psalms 44:9-11

Ano ang ginawa ng Diyos ngayon?

Itinapon sila ngayon ng Diyos palayo at dinala sila sa kahihiyan, at hindi na sumasama sa kanilang mga hukbo.

Ano ang pinagawa ng Diyos sa mga Israelita?

Pinaatras sila mula sa kanilang mga kalaban.

Ang ang ginagawa ng mga napopoot sa mga Israelita?

Kinamkam ang yaman ang mga napopoot sa kanila para sa kanilang mga sarili.

Ginawang tulad ng ano ng Diyos ang mga Israelita?

Ginawa niya silang tulad ng mga tupa na nakalaan para kainin at ikinalat sila sa mga bansa.

Psalms 44:12-14

Ano ang ginawa ng Diyos sa mga Israelita sa harap ng kanilang kapwa?

Ginawa sila ng Diyos na katawa-tawa sa kanilang kapwa, kahamak-hamak at kakutya-kutya sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Psalms 44:15-17

Bakit nasa harapan ng manunulat ang kaniyang kahihiyan buong araw?

Nasa harapan niya ang kaniyang kahihiyan, at nabalot ng kahihiyan ang kaniyang mukha dahil sa tinig ng nanlalait at nanghahamak, dahil sa kaaway at naghihiganti.

Ano ang hindi ginawa ng mga Israelita?

Hindi nila kinalimutan o pinakitunguhan ng mali ang tipan ng Diyos.

Psalms 44:18-24

Ano ang hindi ginawa ng mga puso at mga hakbang ng mga Israelita?

Hindi tumalikod ang kanilang mga puso ni lumayo ang kanilang mga hakbang mula sa daan ng Diyos.

Gayon pa man, ano ang ginawa ng Diyos?

Lubha silang pinahirapan ng Diyos sa lugar ng mga aso at binalot sila ng anino ng kamatayan.

Ano ang siguradong sisiyasatin ng Diyos?

Sisiyasatin ng Diyos kung kinalimutan nila ang pangalan ng kanilang Diyos o inuunat ang kanilang kamay sa hindi kilalang diyos.

Ano ang pagkakaturing sa mga Israelita para sa kapakanan ng Diyos?

Itinuring silang mga tupa para katayin.

Psalms 44:25-26

Ang ang ginawa ng mga kaluluwa ng Israelita?

Ang kanilang mga kaluluwa ay natunaw sa alabok at kumapit ang kanilang mga katawan sa lupa.

Ano ang ipinanalangin ng manunulat na gagawin ng Diyos?

Ipinanalangin niya na bumangon ang Diyos para sa kanilang tulong at tubusin sila alang-alang sa katapatan sa tipan ng Diyos.

Psalms 45

Psalms 45:1-2

Ano ang babasahing malakas ng manunulat?

Babasahin niya ng malakas ang mga salita na kaniyang sinulat tungkol sa hari.

Paano inilarawan ng manunulat ang hari?

Ang hari ay mas makisig kaysa mga anak ng mga tao, binuhos ang biyaya sa kaniyang mga labi, at pinagpala siya ng Diyos magpakailanman.

Psalms 45:3-4

Bakit dapat sumakay ng may katagumpayan ang hari?

Ang hari ay dapat sumakay ng may katagumpayan dahil sa pagkamaaasahan, kababaang-loob at katuwiran.

Psalms 45:5-7

Paano inilarawan ang mga palaso ng hari?

Ang kaniyang mga palaso ay matalim at nasa puso ng mga kalaban ng hari.

Paano inilarawan ang trono ng Diyos at ang setro ng katarungan ng Diyos?

Ang kaniyang trono ay magpakailan paman, at ang setro ng katarungan ay setro ng kaharian ng Diyos.

Ano ang minahal at kinasusuklaman ng hari?

Kaniyang minahal ang matutuwid at kinasusuklaman ang kasamaan.

Psalms 45:8-11

Ano ang amoy ng mga kasuotan ng hari?

Ang lahat ng kaniyang kasuotan ay amoy mira, mga sabila, at kasia.

Nasaan ang mga babaeng anak ng hari at ang reyna?

Ang mga babaeng anak ng hari ay kasama ng mga marangal na kakabaihan ng Diyos; at nakatayo sa kaniyang kanang kamay ng Diyos ang reyna na may suot na ginto ng Ophir.

Psalms 45:12-13

Ano ang gagawin ng mayaman?

Ang mayaman na kasama ng mga tao ay magmamakaawa ng isang pabor.

Psalms 45:14-15

Saan dadalhin ang maharlikang anak na babae?

Siya ay dadalhin sa hari na may binurdahang kasuotan.

Paano at saan ihahatid ang mga birhen?

Sila ay ihahatid na may kasiyahan at kagalakan; at sila ay papasok sa kaharian ng hari.

Psalms 45:16-17

Sino mapupunta sa lugar ng mga ama ng hari?

Sa lugar ng inyong mga ama mapupunta ang inyong mga anak, na gagawin mong mga prinsipe ng mundo.

Ano ang mangyayari sa pangalan ng hari?

Ito ay magiging isang pangalan na maalala sa lahat ng salinlahi.

Psalms 46

Psalms 46:1-3

Paano nilarawan ng manunulat ang Diyos?

Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, laging may tulong na maaasahan sa panahon ng problema.

Ano ang hindi ginawa ng mga Israelita, kahit na ang lupa ay mabago at ang mga kabundukan ay mayanig sa puso ng dagat?

Sa makatuwid, sila ay hindi natakot.

Psalms 46:4-5

Ano ang nakakapagpapasaya sa lungsod ng Diyos?

Doon ay may isang ilog, na ang agos ay nagpapasaya sa lungsod.

Ano ang hindi magagawa sa lungsod ng Diyos?

Ang lungsod ay hindi matitinag.

Psalms 46:6-7

Ano ang nangyari sa mundo nang itinaas ng Diyos ang kaniyang tinig pagtapos mapoot ng mga bansa at nayanig ang mga kaharian?

Ang mundo ay natunaw.

Saan at ano ang hukbo ni Yahweh, ang Diyos ni Jacob?

Ang mga hukbo ni Yahweh ay kasama ng Israel, at ang Diyos ni Jacob ang kanilang kublihan.

Psalms 46:8-9

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga digmaan?

Ginawa niyang mapahinto ang mga digmaan hanggang sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at pinutol ng pira-piraso ang mga sibat; at kaniyang sinunog ang mga panangga.

Psalms 46:10-11

Ano ang sinabi ng Diyos sa mga tao na gawin?

Tumahimik at kilalanin na siya ay Diyos.

Ano ang mangyayari sa Diyos sa kalagitnaan ng mga bansa?

Siya ay maitataas sa kalagitnaan ng mga bansa at sa ibabaw ng mundo.

Ano ang Diyos ni Jacob para sa Israel?

Siya ang kanilang kublihan.

Psalms 47

Psalms 47:1-2

Bakit dapat nilang ipalakpak ang kanilang mga kamay at sumigaw sa Diyos na may tinig ng pagtatagumpay?

Dapat silang pumalakpak at sumigaw dahil ang kataas-taasang si Yahweh ay kasindak-sindak; at isang dakilang hari sa buong mundo.

Psalms 47:3-5

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga tao at mga bansa?

Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim ng mga Israelita at mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.

Paano naitaas ang Diyos?

Ang Diyos ay naitaas sa pamamagitan ng sigaw at tunog ng trumpeta.

Psalms 47:6-7

Bakit kailangan ang lahat ay umawit ng mga papuri sa Diyos?

Ang lahat ay dapat umawit ng mga papuri dahil ang Diyos ang Hari sa buong mundo.

Psalms 47:8-9

Saan naghahari ang Diyos?

Naghahari ang Diyos sa lahat ng mga bansa.

Saan nakaupo ang Diyos?

Nakaupo ang Diyos sa kaniyang banal na trono.

Saan nagsama-sama ang mga prinsipe ng mga tao?

Sila ay nagsama-sama sa bayan ng Diyos ni Abraham.

Bakit nagsama-sama ang mga prinsipe sa bayan ni Abraham?

Nagsama-sama sila sa bayan ni Abraham dahil siya ay lubos na dakila.

Psalms 48

Psalms 48:1-3

Paano inalarawan ng manunlat si Yahweh?

Dakila si Yahweh at napaka-dakila para purihin.

Paano inilarawan ang Bundok Sion?

Ang Bundok Sion ay kaibig-ibig ang pagiging matayog nito, ang kagalakan ng buong mundo

Paano ginawa ng Diyos na makilala ang kaniyang sarili?

Pinakilala ng Diyos ang kaniyang sarili bilang kublihan.

Psalms 48:4-6

Ano ang nangyari nang nagsama-sama ang mga hari at nakita ang Bundok Sion?

Sila ay namangha, sila ay nasiraan ng loob, at sila ay nagmadaling lumayo, pangangatog ang bumalot sa kanila doon.

Psalms 48:7-8

Ano ang gagawin ng Diyos para sa lungsod ng hukbo ni Yahweh?

Itatatag ito ng Diyos magpakailanman.

Psalms 48:9-10

Ano ang naisip ng mga Israelita tungkol sa gitna ng templo ng Diyos?

Naisip nila ang tungkol sa katapatan sa tipan ng Diyos.

Paano inilarawan ng manunulat ang kanang kamay ng Diyos?

Ang kaniyang kanang kamay ay puno ng katuwiran.

Psalms 48:11

Bakit dapat matuwa ang Bundok Sion at magalak ng mga anak na babae ng Juda?

Ito ay dapat matuwa at sila ay dapat magalak sa matuwid na utos ng Diyos.

Psalms 48:12-13

Bakit dapat maglakad paikot ng mga Israelita sa Bundok Sion, at bilangin ang kaniyang mga tore, at tingnan ang kaniyang palasyo?

Dapat nilang gawin ang mga bagay na ito upang sa gayon masabi nila ito sa susunod na salinlahi.

Psalms 48:14

Magiging ano ang Diyos para sa mga Israelita?

Siya ay magiging gabay nila hanggang sa kamatayan.

Psalms 49

Psalms 49:1-2

Sino ang sinasabihan ng manunulat na makinig at ipahiram ang pandinig?

Sinasabihan niya ang lahat ng tao na makinig, at ang lahat nang magkakasama na naninirahan sa mundo, kapwa hamak at dakila, mayaman at mahirap, na ipahiram ang pandinig.

Psalms 49:3-5

Ano ang sasabihin ng bibig ng manunulat?

Ang kanyang bibig ay magsasabi ng karunungan.

Ano ang magiging pagbubulay-bulay ng puso ng manunulat?

Ang magiging pagbubulay-bulay ng kanyang puso ay pang-unawa.

Sa ano makikinig ang tainga ng manunulat at paano niya ito sisimulan?

Makikinig ang kanyang tainga sa isang parabola na sinimulan niya sa pamamagitan ng alpa.

Psalms 49:6-8

Ano ang hindi magagawa ng mga nagtitiwala sa kanilang yaman?

Wala sa kanila ang makapagtutubos ng kanyang kapatid ni makapagbibigay sa Diyos ng panubos para sa kanya.

Paano inilalarawan ng manunulat ang pagtubos ng buhay ng isang tao?

Ang pagtubos ng buhay ng isang tao ay mahal at laging napakamahal.

Psalms 49:9-11

Sino ang maaaring mabuhay magpakailanman?

Walang maaaring mabuhay nang magpakailanman na kung saan ay hindi mabubulok ang kanyang katawan.

Ano ang magkakaparehong mangyayari sa mga marurunong na mga tao, mga hangal at mga malulupit?

Ang marurunong na mga tao ay namamatay; ang mga hangal at ang mga malulupit ay parehong namamatay at iniiwan ang kanilang yaman sa iba.

Psalms 49:12-13

Ano ang mangyayari sa sangkatauhan?

Ang tao, na may taglay na yaman, ay hindi napapanatiling buhay.

Psalms 49:14-15

Sino ang magiging pastol ng sangkatauhan?

Ang kamatayan ang magiging pastol nila.

Ano ang mangyayari sa sangkatauhan sa umaga?

Sa umaga, pamamahalaan sila ng matuwid.

Ano ang gagawin ng Diyos para sa manunulat?

Ililigtas ng Diyos ang kanyang kaluluwa mula sa kapangyarihan ng sheol; tatanggapin niya siya.

Psalms 49:16-17

Kailan ang sinabi ng manunulat na huwag matakot?

Sinabi niya na huwag matakot kapag may isang taong yumayaman, kapag ang kapangyarihan ng kanyang bahay ay lumalakas.

Bakit sinasabi ng manunulat na huwag matakot?

Sinasabi niya na huwag matakot dahil kapag ang mayaman ay namatay, wala siyang madadala, at hindi bababa kasama niya ang kanyang kapangyarihan.

Psalms 49:18-20

Kailan pinupuri ng mga tao ang iba?

Pinupuri ng mga tao ang iba na nabubuhay para sa kanilang sarili.

Kanino pupunta ang mayaman?

Pupunta siya sa salinlahi ng kanyang mga ama.

Ano ang hindi makikita ng mayaman at ng kanyang mga ama?

Hindi nila kailanman muling makikita ang liwanag.

Parang ano ang taong may kayamanan pero walang kaunawaan?

Para siyang mga hayop, na namamatay.

Psalms 50

Psalms 50:1-2

Anong tatlong pangalan ng Diyos ang ginagamit ni Asaf para ipatukoy sa Diyos?

Ginagamit niya ang mga pangalang "Tanging Makapangyarihan", "Diyos", at "Yahweh".

Psalms 50:3-6

Bakit nananawagan ang Diyos sa kalangitan at sa daigdig?

Nananawagan ang Diyos sa kalangitan at sa daigdig para mahatulan niya ang kanyang bayan.

Psalms 50:7-8

Ano ang sinasabi ng Diyos sa kanyang bayan na hindi niya itutuwid?

Sinasabi ng Diyos na hindi niya sila itutuwid dahil sa kanilang mga alay.

Psalms 50:9-13

Bakit sinasabi ng Diyos na wala siyang kukuning baka o kambing mula sa kanyang bayan?

Sinasabi ng Diyos na bawat hayop sa kagubatan ay kanya, at ang mga baka sa isang libong burol.

Psalms 50:14-15

Ano ang sinasabi ni Asaf na dapat ihandog at tuparin sa Diyos ng bawat isa?

Dapat ialay sa Diyos ng bawat isa ang handog ng pasasalamat at tuparin ang kanilang mga panata sa Kataas-taasan.

Psalms 50:16-20

Ano ang sinasabi ng Diyos na kinamumuhian at itinatapon ng mga masasama?

Sinasabi ng Diyos na kinamumuhian ng mga masasama ang tagubilin at pinapawalang halaga ang kanyang mga salita.

Psalms 50:21-22

Ano ang sinasabi ng Diyos na iniisip ng mga masasama tungkol sa kanya kapag siya ay nananahimik?

Inisip nila na siya ay katulad lang nila.

Sino ang tutulong sa mga masasama kapag sila ay winasak ng Diyos?

Walang sinumang darating para tulungan sila.

Psalms 50:23

Kanino ipapakita ng Diyos ang kanyang pagliligtas?

Ipapakita ng Diyos ang kanyang pagliligtas sa kaninumang maghahandog ng isang alay ng pasasalamat at magpaplano ng kanyang landas sa tamang paraan.

Psalms 51

Psalms 51:1-2

Bakit sinasabi ni David na dapat kaawaan siya ng Diyos?

Sinasabi niya na dapat kaawaan siya ng Diyos dahil sa kanyang katapatan sa tipan.

Psalms 51:3-4

Laban kanino sinasabi ni David na siya ay nagkasala?

Sinasabi niya na nagkasala siya laban sa Diyos, at laban sa Diyos lamang.

Psalms 51:5-6

Kailan sinabi ni David nagsimula ang kanyang kasalanan?

Sinabi niya na ipinanganak siya sa kasamaan, at sa sandaling ipagdalang tao siya ng kanyang ina, siya ay nasa kasalanan na.

Psalms 51:7-9

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na gawin para maging dalisay siya?

Hinihiling niya sa Diyos na dalisayin siya ng isopo para maging malinis siya at hugasan siya para maging mas maputi kaysa niyebe.

Psalms 51:10-13

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na likhain at ipanumbalik sa kanya?

Hinihiling niya sa Diyos na likhain sa kanya ang isang malinis na puso, at ipanumbalik ang isang tamang espiritu sa kanyang kalooban.

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na huwag gawin sa kanya?

Hinihiling niya sa Diyos na huwag siyang paalisin sa kanyang presensiya, at huwag alisin ang Kanyang Banal na Espiritu mula sa kanya.

Psalms 51:14-16

Anong kasalanan ang hinihiling ni David sa Diyos na patawarin?

Hinihiling niya sa Diyos na patawarin siya sa pagdanak ng dugo.

Psalms 51:17-19

Ano ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos?

Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos ay isang basag na kalooban. Hindi niya hahamakin ang isang basag at isang nagsisising puso.

Psalms 52

Psalms 52:1-2

Ano ang dumarating mula sa Diyos Araw-araw?

Ang katapatan sa tipan ng Diyos ang dumarating araw-araw.

Psalms 52:3

Ano ang ginagawa ng makapangyarihang tao sa pag-ibig higit kaysa mabuti?

Nagmamahal siya sa kasamaan kaysa mabuti

Psalms 52:4-5

Anong uri ng mga salita ang ibig ng makapangyarihang tao?

inibig niya ang lahat ng salita na sumisira sa iba.

Ano ang gaggawin ng Diyos sa makangpangyarihang tao?

Wawasakin sila ng Diyos magpakailanman.

Psalms 52:6-7

Ano ang pinagtitiwalaan ng tao?

Nagtitiwala siya sa kasaganahan ng kanyang kayamanan.

Psalms 52:8-9

Sa ano ilalagay ni David ang kaniyang sariling pagtitiwala?

Magtitiwala siya sa katapatan sa tipan ng Diyos magpakailan pa man.

Psalms 53

Psalms 53:1-3

Ano ang sinabi ng hangal sa kaniyang Puso?

Sinasabi niya "Walang Diyos"

kapag nakatanaw sa baba ang Diyos sa anak ng sangkatauhan. nakakakita ba siya ng nakakaunawa at humahanap sa kaniya?

Wala, silang lahat ay naging marumi at walang sinumang gumagawa ng mabuti.

Psalms 53:4-5

Bakit ilalagay sa kahihiyan ang mga taong hindi tumatawag sa Diyos?

Silay ilalagay sa kahihiyan dahil tinatanggihan nila ang Diyos.

Psalms 53:6

Saan magmumula ang inaasahan ni David na kaligtasan ng Israel?

Umaasa siya na ang kaligtasan ng Israel ay magmumula sa Sion.

Psalms 54

Psalms 54:1-3

Sa ano hiniling ni David na iligtas siya ng Diyos?

Hiniling niya sa Diyos na sagipin siya sa pamamagitan ng pangalan ng Diyos

Sino naghimagsik at naghahangad ng kaluluwa ni David?

Ang mga Dayuhan na naghimagsik laban sa kaniya, at walang awang mga tao ang naghangad ng kaniyang buhay.

Psalms 54:4-5

Sino ang nagpapanatili ng kaluluwa ni David?

Ang Panginoon ang siyang nagpapanatili ng kaniyang kaluluwa.

Ano ang ibabalik ng Diyos sa kaaway ni David?

ibabalik niya ang kasamaan sa kanila.

Psalms 54:6-7

Bakit magbigay ng pasalamat si David sa pangalan ni Yahweh?

magbibigay siya ng pasalamat sa pangalan ni dahil ito ay mabuti.

Paano tiningnan ni David ang kanyang mga kaaway?

Ang kaniyang mata ay nakatingin sa pagtatagumpay sa kaniyang mga kaaway.

Psalms 55

Psalms 55:1-3

Bakit walang kapahingahan si David sa kaniyang kaguluhan?

Wala siyang kapahingahan dahil sa mga tinig ng kanyang kaaway at dahil sa mga pang aapi sa mga masama.

Psalms 55:4-5

Anong uri ng malaking takot ang bumagsak kay David?

Ang malaking takot ng kamatayan ang bumagsak sa kanya.

Psalms 55:6-7

Bakit nais ni David na magkaroon ng pakpak katulad ng kalapati?

nais niya magkaroon ng pakpak tulad ng kalapati saka lilipad siyang palayo at magpapahinga.

Psalms 55:8-9

Ano ang hiniling ni David sa Panginoon na gawin sa mga kaaway ni David?

hiniling niya sa Panginoon wasakin sila, at guluhin sa kanilang mga wika.

Psalms 55:10-11

Ano ang natagpuan sa kalagitnaan ng lungsod?

kalikuan, kalokohan at kasaman ang nasa kalagitnaan ng lungsod.

Psalms 55:12-14

Sino ang sumuway kay David at lumalaban kay David?

kasama ni David at malapit na kaibigan ang sumaway at lumalaban kay David.

Psalms 55:15

Ano ang nais ni David na biglang dumating sa kaniyang mga kaaway?

Nais niyang dumating ang kamatayan sa kanila, at hayaan silang buhay na bumaba sa sheol,

Psalms 55:16-18

Ano ginagawa ni David sa gabi, umaga at sa tanghaling tapat?

Nagrereklamo at dumadaing siya sa Diyos.

Psalms 55:19

Bakit makikinig at tutugon ang Diyos sa mga kaaway ni David?

Pakikingan at tutugunin sila dahil hindi sila nagbabago, at hindi sila natatakot sa Diyos.

Psalms 55:20-21

Ano ginawa ng kaibigan ni David sa tipan na siya ang gumawa?

Hindi niya iginalang ang tipan na ginawa niya.

Psalms 55:22-23

Saan dadahin ng Diyos ang masama?

Dadalhin ang masama sa hukay ng pagkawasak.

Psalms 56

Psalms 56:1-2

Bakit hinihiling ni David na maaawa sa kaniya ang Diyos?

Hinihiling niya sa Diyos na maawa sa kaniya dahil may naghahangad na lamunin siya.

Kailan gustong lamunin si David ng kaniyang mga kaaway?

Hinahangad ng mga kaaway ni David na lamunin siya buong araw.

Psalms 56:3-4

Ano ang pinapangakong gawin ni David kapag siya ay natatakot?

Kapag siya ay natatakot, magtitiwala siya sa Diyos.

Ano ang resulta ng pagtitiwala ni David sa Diyos?

Nagtitiwala si David sa Diyos para hindi siya matakot.

Psalms 56:5-6

Ano ang ginagawa ng mga kaaway ni David sa kaniyang mga salita?

Binabaluktot nila ang mga salita ni David.

Ano ang mga inisip ng mga kaaway ni David sa kaniya?

Lahat ng kanilang inisip ay para sa kasamaan laban kay David.

Psalms 56:7-8

Paano hinihiling ni David na pabagsakin ng Diyos ang mga kaaway ni David?

Hinihiling ni David na pabagsakin sila ng galit ng Diyos.

Ano ang hinihiling ni David na gawin ng Diyos sa kaniyang mga luha?

Hinihiling ni David na ilagay ng Diyos ang kaniyang mga luha sa kaniyang bote.

Psalms 56:9-11

Kailan tatalikod ang mga kaaway ni David?

Ang mga kaaway ni David ay tatalikod sa araw ng pagtawag niya sa Diyos.

Psalms 56:12-13

Ano ang ginawang panata ni David na ibibigay niya sa Diyos?

Ginawang panata ni David na magbibigay siya ng mga handog ng pasasalamat sa Diyos.

Saan naglalakad si David sa harap ng Diyos?

Naglalakad si David sa harap ng Diyos sa liwanag ng mga nabubuhay.

Psalms 57

Psalms 57:1

Bakit hinihiling ni David na maawa sa kaniya ang Diyos?

Hinihiling ni David na maawa sa kaniya ang Diyos dahil ang kaniyang kaluluwa ay kumukubli sa Diyos.

Gaano katagal kumukubli si David sa Diyos?

Kumukubli si David sa Diyos hanggang matapos ang mga kaguluhan na ito.

Psalms 57:2-3

Ano ang sinasabi ni David na ginagawa ng Diyos para sa kaniya?

Sinasabi ni David na ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay para sa kaniya.

Ano ang sinasabi ni David na ipapadala sa kaniya ng Diyos?

Sinasabi ni David na ipapadala sa kaniya ng Diyos ang kaniyang katapatan sa tipan at kaniyang pagiging mapagkakatiwalaan.

Psalms 57:4-5

Saan hinihiling ni David na mapunta ang kaluwalhatian ng Diyos?

Hiniling ni David na ang kaluwalhatian ng Diyos ay maitaas pa sa buong mundo.

Psalms 57:6

Ano ang nangyari sa mga nagbungkal ng hukay sa harap ni David?

Sila mismo ang nahulog sa gitna nito.

Psalms 57:7-8

Anong mga instrumentong pangmusika ang ginigising ni David?

Ginigising ni David ang plauta at alpa.

Psalms 57:9-11

Saan magpapasalamat sa Panginoon si David?

Magpapasalamat sa Panginoon si David sa gitna ng mga tao.

Saan aawit si David ng papuri para sa Panginoon?

Aawit si David ng mga papuri para sa Panginoon sa gitna ng mga bansa.

Saan hinihiling ni David na maitaas ang kaluwalhatian ng Diyos?

Hinihiling ni David na ang kaluwalhatian ng Diyos ay maitaas pa sa buong mundo.

Psalms 58

Psalms 58:1-2

Ano ang sinasabi ni David na hinahasik ng mga anak ng mga tao sa buong kalupaan?

Naghahasik sila ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang kanilang mga kamay.

Psalms 58:3-5

Ayon kay David, kailan maliligaw ang mga masasama?

Naliligaw sila sa kapanganakan pa lamang nila.

Psalms 58:6-8

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos kapag ang kaniyang mga kaaway ay pumana?

Hinihiling ni David sa Diyos na hayaang ang kanilang mga palaso ay parang walang mga tulis.

Psalms 58:9-11

Kailan magagalak ang matuwid?

Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos.

Psalms 59

Psalms 59:1-2

Paano hinihiling ni David sa Diyos na sagipin siya mula sa kaniyang mga kaaway?

Hinihiling niya sa Diyos na itaas malayo mula sa mga kumakalaban sa kaniya.

Psalms 59:3-4

Sino ang mga nagsasama-sama laban kay David?

Ang mga makapangyarihang gumagawa ng kasamaan ay nagsasama-sama laban kay David.

Psalms 59:5-9

Sino ang mga hinihiling ni David na hindi kaawaan ni Yahweh?

Hinihiling ni David kay Yahweh na huwag maging maawain sa sinumang mapaggawa ng masama.

Psalms 59:10-11

Paano inaasahan ni David na katatagpuin siya ng kaniyang Diyos?

Katatagpuin siya ng Diyos sa kaniyang katapatan sa tipan.

Psalms 59:12-15

Paano hinihiling ni David na tupukin ng Diyos ang kaniyang mga kaaway?

Hinihiling niya ang Diyos na tupukin sila sa kaniyang poot at tupukin sila para sila ay mawala na.

Psalms 59:16-17

Paano umaawit si David tungkol sa kalakasan ng Diyos?

Sinasabi niya na ang Diyos ang naging matayog niyang tore at isang kanlungan sa araw ng kaniyang kapighatian.

Psalms 60

Psalms 60:1

Ano ang ginawa ng Diyos sa mga Israelita?

Itinakwil niya sila, nilupig sila, at nagalit sa kanila

Psalms 60:2-3

Ano ang ginawa ng Diyos sa lupain?

Niyanig niya ang lupain at pinaghiwa-hiwalay ito.

Ano ang ipinakita ng Diyos sa kaniyang bayan at ginawang ipainom sa kanila?

Ipinakita sa kanila ang mga matitinding bagay at ginawang ipainom sa kanila ang alak na nagpapasuray.

Psalms 60:4-5

Kanino ibinigay ng Diyos ang isang bandera?

Ibinigay niya ang isang bandera sa mga nagpaparangal sa kaniya.

Psalms 60:6-7

Ano ang gagawin ng Diyos sa Shekem at sa lambak ng Sucot?

Hahatiin niya ang Shekem at ipamamahagi ang lambak ng Sucot.

Psalms 60:8-9

Ano ang gagawin ng Diyos sa Edom?

Ihahagis niya ang kaniyang sapatos sa ibabaw ng Edom.

Psalms 60:10-12

Ano ang hindi ginawa ng Diyos para sa hukbo?

Hindi siya sumama sa kanila sa laban.

Paano makakayang magtagumpay ng mga Israelita?

Sila ay magtatagumpay sa pamamagitan ng tulong ng Diyos, dahil yuyurakan niya ang kaaway.

Psalms 61

Psalms 61:1-3

Ano ang hinihingi ni David sa Diyos na gawin para sa kaniya?

Hinihingi si David sa Diyos na pakinggan siya sa kaniyang pag-iyak, at para pansinin ang kaniyang panalangin.

Para kay David ano ang tulad ng Diyos?

Ang Diyos ay naging kanlungan at malakas na muog mula sa kaaway ni David.

Psalms 61:4-5

Saan namumuhay si David at magtatago?

Magpakailanman mananahan si David sa tolda ng Diyos at magtatago sa ilalim ng mga pakpak ng Diyos.

Ano ang ginawa ng Diyos para kay David ng narinig niya ang kaniyang mga panata?

Binigyan siya ng Diyos ng mana sa kanila na mga nagpaparangal sa pangalan ng Diyos.

Psalms 61:6-7

Ano ang gagawin ng Diyos para sa buhay ng hari?

Pahahabain ng Diyos ang buhay ng hari sa gayon ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.

Psalms 61:8

Bakit aawit ng papuri si David sa pangalan ng Diyos magpakailanman?

Aawit ng papuri si David sa pangalan ng Diyos magpakailanman para magawa niya ang kaniyang mga panata araw-araw.

Psalms 62

Psalms 62:1-2

Bakit sa Diyos lamang naghihintay ng tahimik si David?

Sa Diyos lamang naghihintay ng tahimik si David dahil ang kaniyang kaligtasan ay nagmumula sa Diyos.

Ano ang sinasabi ni David na ang Diyos para sa kaniya?

Sinasabi ni David ang Diyos lamang ang kaniyang muog at kaligtasan, at kaniyang mataas na tore.

Psalms 62:3-6

Paano nila itinuturing ang isang tao sa kaniyang marangal na posisyon?

Sinasangguni nila siya para lamang ibagsak, mahilig silang magsabi ng mga kasinungalingan, at pinagpapala nila siya sa kanilang mga bibig, pero sa kanilang mga puso ay kanilang isinusumpa.

Psalms 62:7-8

Ano ang sinasabi ni David na gawin ng mga tao?

Sinasabi niya sa mga tao na magtiwala sa Diyos sa lahat ng oras at ibuhos ang kanilang puso sa harapan ng Diyos.

Psalms 62:9-10

Paano inilalarawan ni David ang mga lalaki na mahina at mataas ang katayuan?

Ang mga lalaking mahina ang katayuan ay walang kabuluhan, at ang mga lalaking mataas ang katayuan ay sinungaling, pareho silang tinimbang sila ay magaan kaysa sa wala.

Sa ano sinabi ni David sa mga tao na huwag itutuon ang kanilang mga puso?

Sinasabi niya na huwag silang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga.

Psalms 62:11-12

Ano ang narinig ni David nang nagsalita ang Diyos?

Narinig ni David na sa Diyos nauukol ang kapangyarihan.

Kanino nauukol ang katapatan sa tipan?

Nauukol sa Panginoon ang katapatan sa tipan, dahil pinagbabayad ng Panginoon ang bawat tao para sa kaniyang ginawa.

Psalms 63

Psalms 63:1-2

Paano hinanap ni David ang Diyos?

Masigasig niyang hinahanap ang Diyos, nauuhaw ang kaniyang kaluluwa sa kaniya, at nananabik ang kaniyang laman sa Dios.

Nang tumitingin si David sa Diyos sa banal na lugar, ano ang kaniyang nakita?

Nakita niya ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos.

Psalms 63:3-4

Ano ang gagawin ni David dahil sa katapatan sa tipan ng Diyos?

Magpupuri ang mga labi ni David sa Diyos, pagpapalain niya ang Diyos habang siya ay nabubuhay, at itataas niya ang kaniyang mga kamay sa pangalan ng Diyos.

Psalms 63:5-6

Ano ang nagpapasaya sa kaluluwa ni David at nagdudulot sa kaniya na purihin ang Diyos?

Siya ay napapasaya at nagpupuri sa tuwing iniisip niya ang tungkol sa Diyos sa kaniyang higaan at pinagninilay-nilayan niya siya sa gabi.

Psalms 63:7-8

Saan nagagalak si David?

Nagagalak siya sa anino ng mga pakpak ng Diyos.

Ano ang umaalalay kay David?

Ang kanang kamay ng Diyos ang umaalalay kay David.

Psalms 63:9-10

Ano ang mangyayari sa kanilang mga humahanap para wasakin ang kaluluwa ni David?

Sila ay mapupunta sa kailalimang bahagi ng mundo, sila ay ibibigay sa kapangyarihan ng espada, at ibibigay sa mga aso.

Psalms 63:11

Ano ang mangyayari sa mga nanunumpa sa Diyos?

Ipagmamalaki siya nila na mga nanunumpa sa kaniya.

Ano ang mangyayari sa kanila na nagsasalita ng kasinungalingan?

Mahihinto ang kanilang bibig sila na nagsasalita ng kasinungalingan.

Psalms 64

Psalms 64:1-2

Ano ang hinihingi ni David sa Diyos para pakinggan?

Nais niya na dinggin ng Diyos ang kaniyang tinig at pakinggan ang kaniyang daing.

Mula saan ang hinihiling ni David sa Diyos na itago siya?

Hinihiling ni David sa Diyos na itago siya mula sa lihim na pakana at mula sa kaguluhan ng mga masama.

Psalms 64:3-4

Ano ang ginawa ng mga kaaway ni David sa kanilang mga dila?

Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada.

Sino ang papanain ng mga kaaway ni David?

Papanain nila ang sinuman na walang kasalanan.

Psalms 64:5-6

Ano ang sinasabi ng mga kaaway ni David kapag palihim silang nagpaplano ng masama at naglalagay ng mga patibong?

Sinasabi nila, "Sino ang makakakita sa atin?"

Psalms 64:7-9

Paano tutugon ang Diyos sa mga kaaway ni David?

Papanain sila ng Diyos at kaagad silang masusugatan ng kaniyang mga palaso.

Dahil sa mga gagawin ng Diyos, ano ang mangyayari sa kaaway?

Madarapa ang kaniyang kaaway at mapapa-iling ang lahat ng makakakita sa kanila.

Paano tutugon ang lahat ng mga tao kapag hahatulan ng Diyos ang mga kaaway ni David?

Matatakot ang lahat ng mga tao, ihahayag ang mga gawa ng Diyos, at pag-iisipan nilang mabuti ang tungkol sa lahat ng ginawa ng Diyos.

Psalms 64:10

Ano ang gagawin ng matuwid at lahat ng matapat ang puso?

Magagalak kay Yahweh ang matuwid at kukubli sila sa kaniya; ipagmamalaki siya ng lahat ng matapat ang puso.

Psalms 65

Psalms 65:1-3

Para kanino sinasabi ni David na dadalhin ang kanilang mga panata?

Ang kanilang mga panata ay dadalhin sa Diyos sa Sion.

Ano ang sinasabi ni David na gagawin ng Diyos tungkol sa kanilang mga kasalanan?

Sinasabi niya na patatawarin ng Diyos ang kanilang mga kasalanan.

Psalms 65:4

Sino ang sinasabi ni David na mapalad na tao?

Mapalad ang tao na pinili mo para dalhin malapit at manahan sa iyong bakuran; masisiyahan siya sa kabutihan sa tahanan ng Diyos.

Psalms 65:5

Paano sasagutin ng Diyos na kanilang kaligtasan ang kanilang panalangin?

Sasagot ang Diyos sa katuwiran sa paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay.

Psalms 65:6-7

Ano ang pinatatahimik ng Diyos?

Pinatatahimik niya ang umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.

Psalms 65:8-9

Sino ang natatakot sa tanda ng mga gawa ng Diyos?

Sila na nabubuhay sa dulong bahagi ng mundo ay matatakot sa tanda ng mga gawa ng Diyos.

Paano sinasabi ni David na tinutulungan ng Diyos ang mundo?

Dinidiligan ng Diyos ito, pinagyayaman ito, at hinahanda ang mundo para magkaloob sa sangkatauhan ng butil.

Psalms 65:10-12

Ano ang mangyayari sa mundo sa likod ng karwahe ng Diyos?

Ang mga bakas sa likod ng kaniyang karwahe ay naghuhulog ng pataba sa lupa.

Psalms 65:13

Sa ano ang mga pastulan ay sinuotan, at ang mga lambak ay binalutan?

Ang mga pastulan ay nasuotan ng mga kawan, at ang mga lambak ay binalutan ng butil.

Psalms 66

Psalms 66:1-2

Ano ang sinasabi ng manunulat na gawin ng lahat ng nilalang?

Sinasabi niya sa lahat na mag-ingay sa galak para sa Diyos, awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan, at gawing maluwalhati ang kaniyang kapurihan.

Psalms 66:3-4

Ano ang magdudulot sa mga kaaway ng Diyos na magpasakop sa kaniya?

Ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Diyos ang magdudulot sa kaniyang mga kaaway na magpasakop sa kaniya.

Psalms 66:5-7

Anong himala ang ginawa ng Diyos para sa mga anak ng mga tao?

Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat para makatawid sila sa ilog nang naglalakad.

Psalms 66:8-9

Ano ang ginawa ng Diyos sa kaniyang bayan sa mga nabubuhay?

Iniingatan niya ang kanilang mga kaluluwa at hindi pinahihintulutang madulas ang kanilang mga paa.

Psalms 66:10-12

Paano sinubok ng Diyos ang kaniyang bayan at saan niya sila dinala?

Sinubok sila ng Diyos gaya ng pagsubok sa pilak.

Saan dinala ng Diyos ang kaniyang bayan?

Dinala niya sila sa malawak na lugar.

Psalms 66:13-15

Ano ang dala ng manunulat sa pagpunta niya sa tahanan ng Diyos?

Pupunta siya sa tahanan ng Diyos na may sinunog na handog.

Ano ang iaalay ng manunulat sa Diyos?

Mag-aalay siya ng mga taba ng hayop bilang sinunog na handog, ng mabangong samyo ng mga baka, at mga toro at mga kambing.

Psalms 66:16-18

Ano ang ipapahayag ng manunulat sa lahat ng mga may takot sa Diyos?

Ipapahayag niya kung ano ang ginawa ng Diyos sa kaniyang kaluluwa.

Ano ang gagawin ng Diyos kung tinitingnan ng manunulat ang mabigat na kasalanan sa kaniyang puso?

Hindi siya pakikinggan ng Diyos kung tinitingnan ng manunulat ang mabigat na kasalanan sa kaniyang puso.

Psalms 66:19-20

Mula saan tumalikod ang Diyos?

Tumalikod siya mula sa panalangin ng manunulat at mula sa kaniyang katapatan sa tipan.

Psalms 67

Psalms 67:1-2

Bakit dapat maging maawain ang Diyos sa kaniyang bayan at pagpalain sila?

Dapat silang pagpalain para maihayag ang kaniyang mga pamamaraan sa buong mundo, at ang kaniyang kaligtasan sa lahat ng mga bansa.

Psalms 67:3-4

Sino ang dapat magpuri sa Diyos?

Dapat magpuri ang lahat ng tao sa Diyos.

Bakit dapat matuwa at umawit ang mga bansa?

Dapat matuwa at umawit ang mga bansa dahil hahatulan ng Diyos ang mga tao ng may katarungan at pamumunuan ang mga bansa sa lupa.

Psalms 67:5-6

Bakit lumago ang mga ani sa lupa?

Lumago ag anil sa lupa dahil pinagpala ng Diyos ang mga tao.

Psalms 67:7

Ano ang dapat mangyari dahil pinagpala ng Diyos ang mga tao?

Dapat parangalan siya ng lahat ng mga bansa.

Psalms 68

Psalms 68:1-3

Ano ang gustong mangyari ni David sa kaniyang mga kaaway at sa lahat ng mga napopoot sa Diyos?

Gusto niyang ikalat ang mga kaaway ng Diyos, at lumayo sa harap niya ang mga napopoot sa Diyos.

Ano ang dapat gawin ng matuwid?

Dapat matuwa, magalak, umawit at maging masaya ang matuwid sa harap ni Yahweh.

Psalms 68:4-6

Ano ang ginagawa ng Diyos sa mga nalulungkot at mga bilanggo?

Inilalagay niya sa mga pamilya ang mga nalulungkot at pinalalaya ang mga bilanggo na nag-aawitan.

Psalms 68:7-8

Ano ang ginawa ng lupa at langit nang lumabas ang Diyos sa harap ng kaniyang bayan?

Nanginig ang lupa at bumuhos ang ulan sa kalangitan sa presensiya ng Diyos.

Psalms 68:9-10

Ano ang ipinadala ng Diyos sa kaniyang bayan?

Nagpadala ang Diyos ng maraming ulan para palakasin ang kaniyang pamana noong natuyo ito.

Psalms 68:11-13

Ano ang ipinamalita ng malaking hukbo?

Ipinamalita ng hukbo ang mga utos ng Diyos.

Ano ang ginagawa ng mga kababaihang naghihintay sa tahanan pagkatapos tumakas ng mga hukbo ng mga hari?

Pinaghati-hatian nila ang mga nasamsam na pilak at mga gintong kalapati.

Psalms 68:14-16

Ano ang kinaiinggitan ng bulubunduking bayan?

Kinaiinggitan ng bulubunduking bayan ang bundok na ninanais ng Diyos na lugar kung saan siya mananahan magpakailanman.

Psalms 68:17-18

Ilan ang mga karwahe ng Diyos na naroon?

Dalawampung libo ang karwahe ng Diyos, libo-libo.

Psalms 68:19-21

Ano ang ginagawa ng Diyos para sa kaniyang bayan araw-araw?

Araw-araw binubuhat ng Diyos ang kanilang mga pasanin.

Psalms 68:22-23

Mula saan ibabalik ng Panginoon ang kaniyang bayan?

Ibabalik ng Panginoon ang kaniyang bayan mula sa Bashan at mula sa ilalim ng dagat.

Psalms 68:24-25

Ano ang pagkakasunod-sunod ng prusisyon ng Diyos sa santuwaryo?

Nauna ang mga mang-aawit, sumunod ang mga manunugtog, at sa gitna ang mga dalagang tumutugtog ng mga maliliit na tambol.

Psalms 68:26-27

Sino ang dapat magpala at pagpuri sa Diyos sa kapulungan?

Ang mga totoong kaapu-apuhan ng Israel ang dapat magpala at magpuri sa Diyos.

Sino ang pinakamaliit na angkan?

Si Benjamin ang pinakamaliit na angkan.

Psalms 68:28-29

Ano ang hinihiling ni David sa Diyos na ipahayag sa kaniyang bayan?

Hinihiling niya na ipahayag ng Diyos sa kanila ang kapangyarihan ng Diyos gaya noon.

Psalms 68:30-31

Ano ang sinasabi ni David na ituwid?

Sinasabi ni David na ituwid ang mga mababangis na hayop sa mga kasukalan at mga toro at mga baka ng mga tao.

Sino ang lalabas as Ehipto?

Ang mga prinsipe ang lalabas sa Ehipto.

Psalms 68:32-33

Sino ang dapat umawit sa Diyos?

Dapat umawit ng mga papuri sa Diyos ang mga kaharian sa mundo.

Psalms 68:34-35

Para kanino sinasabi ni David na dapat i-ukol ang kalakasan?

Sinasabi ni David na dapat i-ukol ang kalakasan sa Diyos.

Ano ang binibigay ng Diyos sa kaniyang bayan?

Nagbibigay siya ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.

Psalms 69

Psalms 69:1-2

Mula saan hinihiling ni David na iligtas siya ng Diyos?

Hinihiling niya sa Diyos na iligtas siya mula sa malalim na katubigan na nagpalubog sa kaniyang kaluluwa.

Psalms 69:3-4

Ano ang nangyayari kay David habang naghihintay para sa kaniyang Diyos?

Napapagal siya sa pag-iyak, nanunuyo ang kaniyang lalamunan, at nanlalabo ang kaniyang mga mata.

Ilan ang mga kaaway ni David na napopoot sa kaniya?

Higit pa sa bilang ng kaniyang mga buhok sa ulo ang kaniyang mga kaaway.

Psalms 69:5-6

Ano ang nalalaman ng Diyos kay David?

Alam ng Diyos ang kahangalan ni David at ang kaniyang mga kasalanan ay hindi natatago mula sa Diyos.

Ano ang hindi gustong mangyari ni David sa mga naghihintay at naghahanap sa Diyos?

Hinihiling ni David na hindi sila malagay sa kahihiyan o masira ang puri dahil kay David.

Psalms 69:7-9

Ano ang lumamon kay David?

Ang kasigasigan sa tahanan ng Diyos ang lumamon sa kaniya.

Psalms 69:10-12

Ano ang ginawa ni David bilang pagtutuwid sa kaniyang sarili?

Umiyak siya at nag-ayuno bilang kaparusahan sa kaniyang kaluluwa.

Kailan naging paksa si David ng kawikaan?

Noong ginawa niyang kasuotan ang sako.

Psalms 69:13-15

Paano gusto ni David na sagutin ng Diyos ang kaniyang panalangin?

Hinihiling niya kay Yahweh na sagutin siya sa pagiging mapagkakatiwalaan ng kaligtasan ni Yahweh.

Psalms 69:16-17

Bakit dapat humarap si Yahweh kay David?

Dapat siyang humarap kay David dahil labis ang kahabagan ng Yahweh kay David.

Psalms 69:18-19

Ano ang gustong ipagawa ni David kay Yahweh dahil sa mga kaaway?

Gusto niyang lumapit si Yahweh sa kaniyang kaluluwa at tubusin ito.

Psalms 69:20-21

Ano ang ibinigay ng mga kaaway ni David sa kaniya na kainin at inumin?

Binigyan siya nila ng lason para kainin at suka para inumin.

Psalms 69:22-23

Ano ang gustong mangyari ni David sa mesa ng kaniyang mga kaaway?

Gusto niyang maging bitag at patibong para sa kanila ang mesa ng kaniyang mga kaaway.

Psalms 69:24-25

Ano ang gustong mangyari ni David sa lugar ng kaniyang mga kaaway?

Gusto niyang maging abandonado ang kanilang lugar, at walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.

Psalms 69:26-29

Sa ano gustong ipasakdal ni David kay Yahweh ang kaniyang mga kaaway?

Gusto niyang isakdal sila ni Yahweh dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan.

Psalms 69:30-31

Ano ang ikakalugod ng Diyos ng higit pa sa baka o toro?

Ikalulugod ni Yahweh ang papuri ni David sa kaniyang pangalan nang may awit at kaniyang pasasalamat.

Psalms 69:32-33

Paano tumutugon ang Diyos sa mga nangangailangan at mga bilanggo?

Pinapakinggan ni Yahweh ang mga nangangailangan at hindi hinahamak ang mga bilanggo.

Psalms 69:34-36

Ano ang sinasabi ni David na dapat magpuri sa Diyos?

Dapat magpuri sa Diyos ang langit, lupa, mga dagat, at lahat ng gumagalaw.

Ano ang gagawin ng Diyos sa Sion at mga lungsod ng Juda?

Ililigtas ng Diyos ang Sion at itatayong muli ang mga lungsod ng Juda, at maninirahan doon ang mga tao at aangkinin ito.

Psalms 70

Psalms 70:1-3

Ano ang hinihiling ni David para gawin ng Diyos?

Hinihiling ni David sa Diyos na iligtas siya at pumunta agad at tulungan siya

Ano ang nais ni David na gawin ng Diyos sa mga naghahangad ng kaniyang kaluluwa?

Ninanais ni David sa Diyos na ilagay sila sa kahihiyan at lituhin sila, paatrasin sila at dalahin sila sa kasiraan.

Psalms 70:4-5

Ano ang nais ni David na gawin sa lahat ng naghahanap kay Yahweh?

Nais niya na magalak sila at maging masaya at sabihing “Nawa mapapurihan ang Diyos.

Ano ang kailangan ni David mula sa Diyos dahil siya ay mahirap at nangangailangan?

Kinakailangan ni David na magmadali ang Diyos na tulungan at iligtas siya.

Psalms 71

Psalms 71:1-3

Ano ang sinabi ng manunulat kay Yahweh na gusto niyang ipagawa sa kaniya?

Gusto ng manunulat na iligtas siya, gawin siyang ligtas, at ibaling ang kaniyang tainga sa kaniya at iligtas siya.

Ano ang gusto ng manunulat na pakitungo ni Yahweh sa kaniya?

Gusto ng manunulat na si Yahweh na maging kaniyang bato at kaniyang tanggulan.

Psalms 71:4-5

Mula kaninong mga kamay ang gusto ng manunulat na iligtas siya?

Gusto niya maligtas mula sa kamay ng masasama, at mula sa hindi matuwid at mapanakit na mga tao.

Gaano katagal nagtiwala ang manunulat kay Yahweh?

Nagtiwala ang manunulat kay Yahweh mula ng siya'y bata pa.

Psalms 71:6-7

ano ang naging tungkulin ng manunulat para sa maraming tao?

Siya ay maging isang halimbawa para sa maraming tao.

Psalms 71:8-9

Ano ang ginawa ng manunulat sa kaniyang bibig buong araw?

Pinuno niya ng papuri at parangal ang kaniyang bibig buong araw.

Ano ang hiniling ng manunulat sa Diyos na huwag gawin sa kaniya kapag matanda na siya at ang kaniyang lakas ay manghina?

Hinihiling niya kay Yahweh na huwag siyang itapon o pabayaan.

Psalms 71:10-11

Ano ang sinabi ng mga kalaban ng manunulat habang sila ay sama-samang nagbabalak laban sa kaniya?

Kanilang sinabi, “pinabayaan na siya ng Diyos; habulin at kunin siya, dahil wala ni isa ang magliligtas sa kaniya.

Psalms 71:12-13

Ano ang gusto ng manunulat na mangyari sa mga panganib sa kaniyang buhay?

Gusto niya na malagay sila sa kahihiyan at lamunin, at sawayin ng paulit-ulit at siraan

Psalms 71:14-16

Ano ang inihayag ng manunulat gamit ang kaniyang bibig tungkol kay Yahweh?

Sasabihin ng kaniyang bibig ang katuwiran at kaligtasan ni Yahweh.

Psalms 71:17-18

Bakit hindi dapat pabayaan ni Yahweh ang manunulat?

Hindi dapat siya pabayaan ni Yahweh dahil hinahayag ng manunulat ang kalakasan ni Yahwheh sa susunod na salinlahi, at ang kaniyang kapangyarihan sa lahat ng darating.

Psalms 71:19-20

Ano ang sinabi ng manunulat na napakataas?

Ang katuwiran ng Diyos ay napakataas.

Psalms 71:21-22

Para saan nagbibigay pasasalamat ng manunulat gamit ang kaniyang alpa?

Nagbibigay pasasalamat siya sa Diyos para sa pagiging katiwala-tiwala niya.

Psalms 71:23-24

Ano ang gagawin ng dila ng manunulat buong araw?

Buong araw itong magsasalita tungkol sa katuwiran ng Diyos.

Psalms 72

Psalms 72:1-3

Ano ang hiniling ni Solomon sa Diyos para ibigay sa hari at sa kaniyang anak?

Hinihiling ni Solomon sa Diyos na ibigay sa hari ang kaniyang matuwid na mga tuntunin, at ibigay para sa kaniyang anak ang katuwiran ng Diyos.

Psalms 72:4-5

Gaano katagal ninanais ni Solomon na parangalan ng mga tao ang Diyos?

Nais niya na parangalan nila ang Diyos habang sumisikat ang araw at hangga't ang buwan ay nanatili sa lahat ng salinlahi.

Psalms 72:6-7

Ano nais ni Solomon sa mga araw ng hari na maging katulad?

ninanais niya na maging katulad sila ng ulan sa mga tuyong damo, at mga ambon na tutubigan ang mundo.

Psalms 72:8-10

Gaano kalayo ang aabutin ng kapangyarihan ng hari?

Ang kaniyang kapangyarihan ay aabot mula dagat sa dagat, mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.

Psalms 72:11-12

Ano ang gagawin ng lahat ng mga hari at mga bansa sa harapan ng hari?

Magsisiyuko ang mga hari sa kaniyang harapan at paglilingkuran siya.

Psalms 72:13-14

Paano pakisamahan ng hari ang mga mahihirap at nangangailangan?

Siya ay may awa sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang mga kaluluwa ng mga taong nangangailangan.

Psalms 72:15-16

Ano ang mga tanda ng pagpapala ng Diyos sa hari?

Ang mga tanda pagpapala ay masaganang binhi, at ang mga tao sa lungsod ay manangana.

Psalms 72:17

Gaano katagal hihilingin ni Solomon na manatili ang pangalan ng hari?

Hinihiling niya na manatili ang pangalan ng hari magpakailanman, at magpatuloy gaya ng araw.

Psalms 72:18-20

Ano ang ginawa na mag-isa ni Yahweh?

Mag-isa niyang ginawa ang kahanga-hangang mga bagay.

Psalms 73

Psalms 73:1-3

Kanino mabuti ang Diyos?

Mabuti ang Diyos sa Israel, sa may mga dalisay na puso.

Bakit muntik nang madulas ang mga paa ni Asaf?

Muntik nang madulas si Asaf dahil naiinggit siya sa kayabangan nang nakita niya ang kasaganaan ng masasama.

Psalms 73:4-5

Paano inilarawan ni Asaf ang mapagmataas at masasama?

Sinabi niya na wala silang sakit, sila ay malakas at napapakain nang mabuti, sila ay malaya mula sa mga pasanin, at hindi naghihirap katulad ng ibang mga tao.

Psalms 73:6-7

Katulad ng ano ang pagmamalaki at karahasan para sa masasama?

Ang pagmamalaki ay tulad ng kwintas na nakasuot sa kanilang leeg, at dinadamitan sila ng karahasan tulad ng isang balabal.

Ano ang bunga ng pagkabulag ng masasama?

Mula sa pagkabulag na ito ay nagbubunga ng kasalanan at masamang mga kaisipan.

Psalms 73:8-9

Anong mga bagay ang sinasabi ng masasama?

Nangungutya sila, nagsasabi ng mga masasamang bagay, nagbabanta ng karahasan, at nagsasalita laban sa kalangitan.

Psalms 73:10-12

Ano ang sinasabi ng masasama tungkol sa Diyos?

Kanilang sinabi, "Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?"

Psalms 73:13-15

Bakit nararamdaman ni Asaf na pinag-ingatan niya nang walang kabuluhan ang kaniyang puso?

Naghihirap si Asaf buong araw at dinisiplina siya bawat umaga.

Ano ang mangyayari kung magsasabi ng mga bagay na ito si Asaf?

Pagtataksilan niya itong salinlahi ng mga anak ng Diyos.

Psalms 73:16-17

Saan pumunta si Asaf para makamit ang pang-unawa sa mga bagay na ito?

Pumunta si Asaf sa santuwaryo ng Diyos.

Psalms 73:18-20

Magiging ano ang masasama sa isang iglap?

Sila ay magiging disyerto sa isang iglap.

Psalms 73:21-22

Ano ang sinabi ni Asaf na katulad niya sa harapan ng Diyos?

Katulad siya ng isang walang alam na hayop sa harapan ng Diyos.

Psalms 73:23-24

Ano ang gagawin ng Diyos para kay Asaf pagkatapos niyang gabayan siya ng kaniyang payo?

Pagkatapos, tatanggapin ng Diyos si Asaf sa kaluwalhatian.

Psalms 73:25-26

Ano ang tanging hinahangad ni Asaf sa daigdig?

Ang tanging hinahangad niya ay ang Diyos na nasa langit.

Psalms 73:27-28

Sino ang mamamatay?

Mamamatay ang mga malayo sa Diyos, at wawasakin niya ang lahat ng hindi matapat sa kaniya.

Ano ang isang bagay na kailangang gawin ni Asaf?

Kailangan niyang lumapit sa Diyos.

Psalms 74

Psalms 74:1-2

Ano ang hinihiling ni Asaf sa Diyos na alalahanin ang ginawa niya para sa kaniyang bayan noong sinaunang panahon?

Tinubos sila ng Diyos noong sinaunang panahon, at binili sila para maging kaniyang sariling pamana.

Psalms 74:3-6

Ano ang pinsala na ginawa ng kaaway sa santuwaryo?

Naglagay sila ng kanilang mga bandila, sinibak gamit ang mga palakol, sinira at dinurog ang mga inukit.

Psalms 74:7-8

Ano pa ang ginawa nila sa santuwaryo?

Sinunog, at nilapastangan nila ito sa pamamagitan ng paggiba dito.

Ano ang ginawa ng kaaway sa mga lugar na tagpuan?

Sinunog nila ang lahat ng mga lugar na tagpuan sa lupain.

Psalms 74:9-11

Ano ang hindi na nakita kailanman ng bayan ng Diyos?

Hindi na nila nakita kailanman ang mga himala, walang nang propeta.

Psalms 74:12-13

Ano ang mga himala na ang Diyos ang naging hari ni Asaf mula pa noong sinaunang panahon?

Hinati ng Diyos ang dagat at dinurog ang mga ulo ng mga halimaw na nasa dagat.

Psalms 74:14-15

Ano ang ginawa ng Diyos sa leviatan?

Dinurog niya ang mga ulo ng leviatan, at pinakain siya sa mga naninirahan sa ilang.

Psalms 74:16-17

Ano ang inilagay ng Diyos sa lugar?

Inilagay niya ang araw at buwan sa lugar, at inilagay ang lahat ng mga hangganan sa daigdig.

Psalms 74:18-19

Ano ang ginawa ng kaaway na nais ni Asaf na maalala ni Yahweh?

Nagbato ng panlalait ang kaaway kay Yahweh at nilapastangan ang kaniyang pangalan.

Psalms 74:20-21

Bakit hinihiling ni Asaf sa Diyos na alalahanin ang kaniyang tipan?

Nais niya na alalahanin ni Yahweh ang kaniyang tipan dahil ang daigdig ay puno ng karahasan.

Psalms 74:22-23

Ano ang gusto ni Asaf na ipagtanggol ng Diyos?

Gusto ni Asaf na tumindig ang Diyos at ipagtanggol ang kaniyang sariling karangalan.

Psalms 75

Psalms 75:1-3

Para sa ano magbibigay pasasalamat ang mga tao?

Magbibigay pasasalamat sila dahil ipinakita ng Diyos ang kaniyang presensya.

Ano ang gagawin ng Diyos sa takdang panahon?

Hahatol siya ng patas, at papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig.

Psalms 75:4-6

Ano ang sinasabi ni Asaf sa mapagmataas at masasama na huwag gawin?

Sinasabi niya sa kanila na huwag maging mapagmataas o tiwala sa tagumpay, at huwag magsalita nang nagmamataas.

Psalms 75:7-8

Ano ang sinasabi ni Asaf tungkol sa Diyos?

Ang Diyos ang hukom at binababa ang isa at nagtataas ng iba.

Ano ang gagawin ng masasama sa kopa na may bumubulang alak sa kamay ni Yahweh?

Iinumin nila ito hanggang sa huling patak.

Psalms 75:9-10

Paano pupurihin ni Asaf ang Diyos ni Jacob?

Patuloy siyang magsasabi kung ano ang nagawa ng Diyos at aawit ng papuri sa kaniya.

Ano ang sinasabi ng Diyos na gagawin sa mga sungay ng masasama at matutuwid?

Puputullin niya ang mga sungay ng masasama at itataas ang mga sungay ng matutuwid.

Psalms 76

Psalms 76:1-3

Nasaan ang tirahan ng Diyos ng Juda?

Ang kaniyang pinananahanan ay nasa Sion.

Psalms 76:4-5

Sa kaniyang pagbaba mula sa mga bundok, ano ang itsura ng Diyos?

Kumikinang ang Diyos at nagpapakita ng kaniyang kaluwalhatian.

Psalms 76:6-7

Ano ang nangyari nang sinaway ng Diyos ni Jacob, ang kaniyang mga kaaway?

Sa kaniyang pagsaway, kapwa kabayo at sakay nito ay namatay.

Psalms 76:8-9

Ano ang nangyari nang dumating ang paghatol ng Diyos mula sa langit?

Nang dumating ang kaniyang paghatol, ang mundo ay takot at tahimik.

Psalms 76:10

Ano ang dadalhin sa kaniya ng galit na paghatol ng Diyos sa kaniyang mga kaaway?

Ang kaniyang galit na paghatol sa kaniyang mga kaaway ay magdadala ng papuri sa kaniya.

Psalms 76:11-12

Ano ang dapat gawin ng tao tungkol sa mga pangakong ginawa nila kay Yahweh na kanilang Diyos?

Dapat nilang tuparin ang kanilang mga pangako.

Paano tumugon ang mga prinsipe at mga hari kay Yahweh?

Ibinababa niya ang lakas ng loob ng mga prinsipe, at kinatatakutan siya ng mga hari.

Psalms 77

Psalms 77:2-3

Ano ang ginawa ni Asa[p sa araw ng kaniyang problema?

Hinanap niya ang Panginoon; nanalangin buong gabi, at inunat ang kaniyang kamay.

Psalms 77:4-5

Ano ang iniisip ni Asaph nang hindi siya makatulog sa gabi?

Iniisip niya ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas.

Psalms 77:6-9

Ano ang inaalala ni Asaph sa kahabaan ng gabi?

Inaalala niya ang kanta na minsan niyang inawit.

Psalms 77:10

Ano ang hinagpis ni Asaph?

ang hinagpis niya ay ang pagbabago ng kanang kamay ng Makapangyarihang Diyos sa kanya at sa kaniyang bayan.

Psalms 77:11-12

Ano ang mga ginawa ni Yahweh na iniisip ni Asaph?

Iisipin niya ang mga kahanga-hangang mga ginawa noon ni Yahweh.

Psalms 77:13-15

Paano naging iba anf Diyos sa lahat ng ibang diyos?

Pambihira ang Diyos, gumagawa siya ng mga kababalaghan; pinakita niya ang kaniyang lakas sa mga tao, at nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan.

Psalms 77:16-17

Paano tumugon ang kalikasan sa Diyos?

Ang mga tubig ay natakot at nanginig. Ang mga ulap ay nagbuhos ng tubig at ang kalangitan ay kumulog.

Psalms 77:18-20

Saan napunta ang daanan ng Diyos?

Ang daanan niya ay papunta sa dagat, at ang kaniyang daan ay patungo sa umaalong tubig, pero ang mga bakas ng kaniyang mga paa ay hindi nakita.

Psalms 78

Psalms 78:1-2

Paano magtuturo si Asaph sa mga tao?

Bubuksan ni Asaph ang niyang bibig sa mga parabula, at aawit siya tungkol sa mga bagay na lihim tungkol sa nakaraan

Psalms 78:3-4

Ano ang ipapasa si Asap sa susunod na salinlahi?

Sasabihin ni Asaph sa susunod na salinlahi ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh, ang kaniyang kalakasan, at ang mga kababalaghan na kaniyang ginawa.

Psalms 78:5-6

Bakit inutos ni Yahweh sa mga ninuno ni Asaph na magturo ng mga tuntunin ni Yahweh sa kanilang mga anak?

Inutos ito ni Yahweh upang malaman ng darating na salinlahi na malaman ang kaniyang mga tuntunin, ang mga bata na hindi pa pinapanganak ay dapat din nilang sabihin ito sa kanilang mga magiging anak.

Psalms 78:7-8

Bakit mahalaga sa mga ninuno ni Asaph na ituro ang mga tuntunin ni Yahweh sa kanilang mga anak?

Mahalaga sa kanila na ituro ang mga tuntunin ni Yahweh sa kanilang mga anak para hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na matigas ang ulo at rebeldeng salinlahi.

Psalms 78:9-11

Ano ang ginawa ng Israel na mali sa paningin ng Diyos?

Hindi nila iningatan ang kasunduan sa Diyos, at tumanggi silang sumunod sa kaniyang batas.

Psalms 78:12-16

Paano pinangunahan ng Diyos ang Israel?

Pinangunahan niya sila ng ulap at sa gabi sa liwanag ng apoy.

Psalms 78:17-18

Paano hinamon ng Israel ang Diyos?

Hinamon nila ang Diyos sa pamamagitan ng paghingi ng pagkain para sa pawiin ang kanilang gutom.

Psalms 78:19-20

Ano ang sinabi ng Israel laban sa Diyos?

Nagsalita sila laban sa Diyos: Sabi nila, "Kaya ba talaga ng Diyos maglatag ng lamesa para sa atin sa ilang?

Psalms 78:21-22

Bakit nagalit si Yahwehat nilusob ang Israel ng kaniyang galit?

Nagalit si Yahweh sa Israel dahil hindi sila naniwala sa Diyos at hindi sila nagtiwala sa kaniyang kaligtasan

Psalms 78:23-30

Paano nagbigay ang Diyos sa Israel kahit na hindi sila naniwala sa kaniya?

Nagbigay ang Diyos para sa kanila sa pamamagitan ng pagpapaulan ng maraming manna at karne para kainin nila at mabusog.

Psalms 78:31-32

Ano ang ginawa ng Diyos sa Israel nang siya ay galit?

Nilusob at pinatay ang pinakamalalakas sa kanila, at tinumba ang mga batang lalaki.

Psalms 78:33-34

Paano tumugon ang mga tao sa tuwing pinapahirapan sila ng Diyos?

Nagsisimula silang hanapin siya, at babalik sila at masidhing hahanapin siya.

Psalms 78:35-37

Ano ang kalagayan ng puso ng Israel sa harap ng Diyos?

Ang kanilang mga puso ay hindi matatag na nakatuon sa kaniya, at hindi sila tapat sa kaniyang tipan.

Psalms 78:38-43

Paano pinaki ng Diyos ang kaniyang awa sa mga Israelita?

Pinatawad niya ang kanilang labis na kasalanan at hindi sila winasak dahil inalala niya na sila ay gawa sa laman.

Psalms 78:44-49

Ano ang ginawa ng Diyos sa ilog sa Ehipto?

Ginawa niyang dugo ang mga ilog ng Ehipto para hindi sila maka-inom mula sa kanilang mga batis.

Psalms 78:50-51

Ano ang ginawa ng Diyos sa mga panganay ng mga taga-Ehipto?

Pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto, ang panganay ng kanilang lakas.

Psalms 78:52-53

Paano inaakay ng Diyos ang kaniyang bayan?

Inakay niya sila gaya ng tupa at ginabayan sila mula sa ilang gaya ng isang kawan.

Psalms 78:54-55

Ano ang ginawa ng Diyos sa mga bansa?

Tinaboy niya ang mga bansa mula sa harapan ng mga Israelita at tinalaga ang kanilang pamana sa Israel.

Psalms 78:56-57

Paano kumilos ang bayan ng Israel na katulad ng kanilang mga ama?

Hindi sila tapat at kumilos sila nang may kataksilan gaya ng kanilang mga ama.

Psalms 78:58-61

Ano ang ginawa ng Israel na kinagalit ng Diyos?

Ginalit nila siya sa nang dahil kanilang paganong mga templo at pinanibugho siya sa galit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.

Psalms 78:62-66

Saan binigay ng Diyos ang kaniyang bayan?

Ibinigay niya ang kaniyang bayan sa mga espada at nilamon ng apoy ang kanilang mga binata.

Psalms 78:67-69

Anong tribo ang pinili ng Diyos mula sa Israel?

Pinili niya ang tribo ng Juda at Bundok Sion na iniibig niya.

Psalms 78:70-72

Sino ang pinili ng Diyos na maging pastol ng Israel?

Pinili niya si David, ang kaniyang lingkod, at kinuha siya mula sa kulungan ng mga tupa.

Psalms 79

Psalms 79:1-3

Ano ang nangyari noong dumating ang mga bansang dayuhan sa Israel?

Dinungisan nila ang templo, ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.

Psalms 79:4-5

Naging ano ang Israel sa kanilang mga kapwa?

Naging kasiraan sila sa kanilang kapwa, at isang panunuya at pangungutya ng nakapaligid sa kanila.

Psalms 79:6-7

Kanino ibubuhos ang poot ng Diyos na hinihingi ni Asaf?

Hinihingi niya sa Diyos na ibuhos niya ang kaniyang poot sa mga bansa na hindi nakakakilala sa Diyos at sa mga kaharian na hindi tumatawag sa pangalan ng Diyos.

Psalms 79:8-9

Ano ang nais ni Asaf na hindi ibilang ng Diyos laban sa kanila?

Nais niyang hindi ibilang ng Diyos ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno laban sa kanila.

Psalms 79:10-11

Ano ang nais ni Asaf na hindi sabihin ng mga bansa?

Hindi niya nais na sabihin ng mga bansa, "Nasaan ang kanilang Diyos?"

Psalms 79:12-13

Ano ang sinasabi ni Asaf na ang Israel ay sa Diyos?

Sinasabi niya na sila ay bayan ng Diyos at ang mga tupa ng pastulan ng Diyos.

Psalms 80

Psalms 80:1-3

Ano ang hinihingi ng manunulat sa Pastol ng Israel na gagawin?

Hinihingi ng manunulat sa kaniya na bigyang pansin at magliwanag sa kanila.

Ano ang hinihingi ng manunulat sa Pastol ng Israel na gagawin sa harap ni Efraim at Benjamin at Manases?

Hinihingi niya sa Pastol ng Israel na pakilusin ang kaniyang kapangyarihan, lumapit at iligtas sila.

Ano ang hinihingi ng manunulat sa Diyos na gagawin?

Hinihingi niya sa Diyos na panumbalikin silang muli, pagliwanagin ang kaniyang mukha sa kanila at sila ay maliligtas.

Psalms 80:4-6

Ano ang naging tugon ni Yahweh noong nanalangin ang kaniyang bayan?

Nagalit siya sa kaniyang bayan noong nanalangin sila.

Ano ang pinakain at pinainom ni Yahweh sa kanila?

Pinakain niya sila ng mga luha at binigyan sila ng mga luha para inumin.

Ano ang ginagawa ng kapwa at kaaway ng Israel sa kanila?

Pinagtatalunan sila ng kanilang kapwa, at pinagtatawanan sila ng kanilang mga kaaway.

Psalms 80:7-8

Ano ang mangyayari kung ibabalik sila ng Diyos ng mga hukbo at pagliliwanagin ang kaniyang mukha sa kanila?

Sila ay maliligtas.

Ano ang ginawa ng Diyos ng mga hukbo sa puno ng ubas na kaniyang inilabas ng Egipto?

Pinalayas niya ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar.

Psalms 80:9-11

Ano ang ginawa ng Diyos na paghahanda para sa pagtatanim ng puno ng ubas?

Nilinis ng Diyos ang lupa para dito.

Ano ang natatakpan ng mga sanga ng puno ng ubas?

Natatakpan ng puno ng ubas ang mga bundok at ang pinakamatataas na mga puno ng sedar.

Gaano kalayo umaabot itong mga sanga at usbong ng puno ng ubas?

Umaabot itong mga sanga ng puno ng ubas hanggang sa dagat at itong mga usbong ay umaabot sa Ilog Eufrates.

Psalms 80:12-13

Ano ang mangyayari buhat ng masira ang mga pader ng puno ng ubas?

Lahat ng dumaraan ay pipitas ng bunga nito.

Ano ang gagawin ng mga baboy damo at halimaw ng bukid sa puno ng ubas?

Sinisira ito ng mga baboy damo at kinakain ito ng mga halimaw.

Psalms 80:14-16

Ano ang hinihingi ng manunulat sa Diyos ng hukbo na gagawin para sa puno ng ubas?

Hiningi niya sa Diyos ng hukbo na bumalik, pagmasdan mula sa langit, pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito.

Sino ang nagtanim ng ugat ng puno ng ubas at ginawang palaguhin ang usbong?

Ang kanang kamay ng Diyos ng hukbo ang nagtanim ng ugat at gumawang magpalago ng usbong.

Ano ang nangyayari sa puno ng ubas?

sinunog at pinutol ang puno ng ubas.

Ano ang nais mangyari ng manunulat sa mga kaaway ng Diyos ng mga hukbo?

Nais mangyari ng manunulat na mapuksa ng Diyos ng mga hukbo ang mga kaaway dahil sa kaniyang pagsasaway.

Psalms 80:17-18

Ano ang nais ng manunulat na gawin ng Diyos sa tao na nasa kanang kamay ng Diyos?

Ninanais ng manunulat na maipatong ng Diyos ang kaniyang kamay sa taong iyon.

Ano ang ginawa ng Diyos para sa anak ng tao?

Pinalakas siya ng Diyos para sa kaniyang sarili

Ano ang gagawin ng mga tao kung pasisiglain silang muli ng Diyos?

Tatawag sila sa pangalan ng Diyos.

Psalms 80:19

Ano ang mangyayari kung si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ay magliliwanag sa bayan?

Kung magliliwanag sa kanila si Yahweh, sila ay maliligtas.

Psalms 81

Psalms 81:1-3

Ano ang sinasabi ng manunulat sa lahat ng tao na gawin para sa Diyos?

Sinasabi niya sa kanila na umawit nang malakas at sumigaw ng may kagalakan.

Anong mga instrumento ang sinasabi ng manunulat sa bayan na tutugtugin habang sila ay umaawit ng isang awit?

Dapat tumugtog ang bayan ng tamburin at kaaya-ayang lira kasama ang alpa.

Kailan dapat hipan ng bayan ang sungay ng lalaking tupa?

Dapat nilang hipan ito sa araw ng bagong buwan, ang araw ng kabilugan ng buwan, kapag nagsimula ng araw ng kanilang kspistahan

Psalms 81:4-5

Sino ang nagbigay ng kautusan at batas para sa Israel?

Ang Diyos ni Jacob ang nagbigay sa kanila para sa Israel.

Bakit nagpalabas ng kautusan at batas ang Diyos ni Jacob para sa Israel?

Nagpalabas siya nito bilang isang patakaran kay Jose.

Psalms 81:6-7

Ano ang inalis ng Diyos mula sa balikat ng bayan?

Inalis ng Diyos ang pasanin.

Ano ang nangyari noong tumawag ang bayan sa kanilang pagdadalamhati?

Tinulungan sila ng Diyos, at tinugon sila at sinubok sila.

Psalms 81:8-10

Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga dayuhang diyus-diyosan?

Sinabi ng Diyos na walang dapat maging dayuhang diyos ang Israel at hindi nila dapat sambahin ang anumang dayuhang diyos.

Ano ang sinasabi ni Yahweh na ginawa niya para sa Israel?

Sila ay inilabas niya sa Egipto.

Psalms 81:11-12

Bakit sinabi ng Diyos sa mga Israelita na buksan nila ng malaki ang kanilang bibig?

Sinabi niya na buksan ito para punuin.

Ano ang hindi ginawa ng bayang Israel ni Yahweh?

Hindi sila nakinig sa mga salita ni Yahweh o sumunod sa kaniya.

Bakit hinayaan ni Yahweh ang kaniyang bayan sa katigasan ng sarili nilang pamamaraann?

Hinayaan niya sila na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan para maaari nilang gawin kung ano sa tingin nila ang tama.

Psalms 81:13-14

Ano ang inaasam ni Yahweh para sa kaniyang bayan na gawin?

Nais ni Yahweh na makinig sa kaniya ang kaniyang bayan at lumakad sa kaniyang mga landas.

Ano ang gagawin ni Yahweh kung ang kaniyang bayan ay makikinig sa kaniya at lalakad sa kaniyang mga landas?

Agad niyang pasusukuin ang kanilang mga kaaway at ibabaling ang kaniyang kamay laban sa mga nang-aapi sa kanila.

Psalms 81:15-16

Ano ang ninanais ng manunulat na mangyari sa mga napopoot kay Yahweh?

Ninanais niya silang yumuko nang may takot at mapahiya magpakailanman.

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin niya para sa Israel?

Pakakainin sila ni Yahweh ng pinakamainam na trigo at pasisiyahin sila ng pulot na lumalabas sa bato."

Psalms 82

Psalms 82:1-2

Saan tumatayo ang Diyos para magbigay ng paghatol?

Tumatayo siya sa banal na pagtitipon at sa kalagitnaan ng mga diyos.

Ano ang tinatanong ni Asaf sa Diyos?

Tinatanong niya sa Diyos, kung gaano katagal ang hahatol ang Diyos ng walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama.

Psalms 82:3-4

Ano ang hinihingi ni Asaf sa Diyos na gagawin para sa mahihirap at mga ulila sa ama at ang pinapahirapan at dukha?

Hinihingi niya sa Diyos na ipagtanggol sila at panatilihin ang kanilang mga karapatan.

Ano ang hinihingi ni Asaf sa Diyos na gagawin para sa dukha at nangangailangan?

Hinihingi niya sa Diyos na sagipin sila at alisin sila sa kamay ng masasama.

Psalms 82:5

Saan nagpapalabuy-laboy ang mga hindi nakakaalam ni nakakaunawa?

Sila ay nagpapalabuy-laboy sa paligid ng kadiliman.

Psalms 82:6-7

Paano sinasabi ni Asaf na mamamatay ang mga anak ng kataas-taasan?

Sila ay mamamatay tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.

Psalms 82:8

Bakit hinihingi ni Asaf na bumangon at hatulan ng Diyos ang daigdig?

Hinihingi niya sa Diyos na humatol dahil mamanahin niya ang lahat ng mga bansa

Psalms 83

Psalms 83:1-2

Ano ang ginagawa ng mga kaaway ng Diyos?

Sila ay gumagawa ng kaguluhan, at nagmamataas.

Psalms 83:3-8

Sino ang pinagsasabwatan at binabalak na saktan ng mga kaaway ng Diyos?

Sila ay nagnagsasabwatan laban sa bayan ng Diyos at magkakasamang nagbabalak laban sa mga pinangangalagaan ng Diyos.

Ano ang sinasabi ng mga kaaway ng Diyos na gagawin nila sa Israel?

Sinabi nila, "Halina, at sirain natin sila bilang isang bansa.

Ano ang mangyayari sa pangalan ng Israel kung ang mga kaaway ng Diyos ay sinira sila?

Ang Israel ay hindi na maaalala.

Laban kanino nagpakana ang mga kaaway ng Diyos?

Nagpakana sila laban sa Diyos at gumawa ng alyansa.

Psalms 83:9-10

Ano ang hiniling ni Asap sa Diyos na gawin sa kaniyang mga kaaway, katulad ng ginawa niya sa Midian, Sisera at Jabin?

Hiniling niya na mamatay sila sa Endor at maging katulad ng isang pataba sa lupa.

Psalms 83:11-12

Ano ang sinabi ng mga maharlikha at mga prinsipe ng mga kaaway tungkol sa Israel?

Sinabi nila, "Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos."

Psalms 83:13-15

Ano ang bagay na gusto ni Asap na gawin ng Diyos sa kaniyang mga kaaway?

Gusto niyang gawin ng Diyos silang katulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin, tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.

Paano gusto ni Asap na habulin at sindakin ng Diyos ang kaniyang mga kaaway?

Gusto niyang habulin sila ng Diyos sa pamamagitan ng malakas na hanging mula sa Diyos at sindakin sila sa pamamagitan ng bagyo mula sa Diyos.

Psalms 83:16-17

Bakit hiniling ni Asap si Yahweh na balutan ang mga mukha ng kaaway ng kahihiyan?

Hiniling niya sa Diyos na balutan ang mukha ng mga kaaway ng kahihiyan para hanapin nila ang pangalan ni Yahweh.

Ano ang ninanais ni Asap na mangyari sa mga kaaway ng Diyos?

Ninanais niya mailagay sila sa kahihiyan, masindak magpakailanman at mamatay sa kahihiyan.

Psalms 83:18

Ano ang mangyayari sa mga kaaway ng Diyos tungkol kay Yahweh?

Malalaman nila na si Yahweh lamang ang kataas-taasan sa buong mundo.

Psalms 84

Psalms 84:1-2

Ano ang sinabi ng manunulat tungkol sa lugar kung sa nakatira si Yahweh ng mga hukbo?

Sinabi niya na ang lugar kung saan nakatira si Yahweh ng mga hukbo ay kaibig-ibig.

Para saan nananabik ang manunulat?

Nananabik siya sa mga silid ni Yahweh.

Kanino tumatawag ang puso at buong pagkatao ng manunulat?

Ang kaniyang puso at buong pagkatao ay tumatawag sa buhay na Diyos.

Psalms 84:3-4

Saan natagpuan ng maya ang kaniyang tahanan at ng golondrina ang isang pugad kung saan niya maaaring ilagay ang kaniyang inakay?

Natagpuan nila ang kanilang tahanan at pugad malapit sa mga altar ni Yahweh ng mga hukbo.

Ano ang ibang mga pangalan ang ginamit ng manunulat kay Yahweh ng mga hukbo?

Ginamit niya ang mga pangalan na aking Hari at aking Diyos.

Ano ang nangyayari sa mga nakatira sa tahanan ni Yahweh?

Sila ay pinagpala at patuloy nilang pinupuri si Yahweh.

Psalms 84:5-6

Ano ang nangyayari sa tao na ang kalakasan ay na kay Yahweh?

Ang tao ng ang kalakasan ay na kay Yahweh ay pinagpala.

Saan natagpuan ng pinagpala ang mga bukal ng tubig para inumin?

Nahanap nila ang mga bukal ng tubig para inumin habang sila ay dumadaan sa Lambak ng Pag-iyak.

Psalms 84:7-10

Saan humaharap ang mga pinagpalang mga tao?

Sila ay humaharap sa Diyos sa Sion.

Sino ang gusto ng manunulat na makarinig sa kaniyang panalangin?

Gusto niyang marinig ni Yahweh ang Diyos ng mga hukbo ang kaniyang panalangin.

Sino ang gusto ng manunulat na makinig sa kung ano ang kaniyang sinasabi?

Gusto niyang makinig ang Diyos ni Jacob sa kaniyang sinasabi.

Ano ang gusto ng manunulat na bantayan ng Diyos at kanino niya gustong magpakita ng pag-aalala ang Diyos?

Gusto niyang bantayan ng Diyos ang kanilang kalasag at magpakita ng pag-aalala sa kaniyang hinirang.

Ang isang araw sa silid ni Yahweh ay mas mabuti kaysa sa ano?

Ang isang araw sa silid ni Yahweh ay mas mabuti kaysa sa isang libong taon na nasa ibang dako.

Ano ang mas nais ng manunulat sa bahay ng kaniyang Diyos kaysa mamuhay sa mga tolda ng mga masasama?

Mas nanaisin niyang maging bantay sa pinto sa bahay ng Diyos.

Psalms 84:11-12

Ano si Yahweh ang Diyos sa manunulat?

Si Yahweh ang Diyos ang ating araw at kalasag.

Ano ang ibibigay ni Yahweh?

Si Yahweh ay magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian.

Ano ang hindi pipigilin ng Diyos mula sa mga lumalakad sa integridad?

Si Yahweh ay hindi pipigilan ang anumang mabuting bagay mula sa lumalakad sa integridad.

Ano ang mangyayari sa tao na nagtitiwala kay Yahweh ng mga hukbo?

Ang tao na nagtitiwala kay Yahweh ay pinagpala.

Psalms 85

Psalms 85:1-2

Ano ang ginawa ni Yahweh sa pagkatao ni Jacob?

Si Yahweh ay nagpakita ng pabor sa kanilang lupain at ibinalik niya ang kagalingan ni Jacob.

Anong ginawa ni Yahweh tungkol sa mga kasalanan ng kaniyang mga tao?

Pinatawad niya ang kaniyang mga tao at tinakpan ang lahat ng kanilang mga kasalanan.

Psalms 85:3-5

Ano ang ginawa ni Yahweh sa kaniyang poot at galit?

Binawi niya lahat ng kaniyang poot at tumalikod sa kaniyang galit.

Ano ang hiniling ng manunulat sa Diyos para bitawan?

Hiniling niya sa Diyos na bitawan ang kaniyang hinanakit sa kaniyang bayan.

Psalms 85:6-7

Ano ang gagawin ng mga tao ng Diyos kung bubuhayin silang muli?

Ang mga tao ng Diyos ay magagalak sa Diyos.

Ano ang hinihiling ng manunulat sa Diyos na ipakita at ipagkaloob sa kaniyang mga tao?

Hinihiling niya kay Yahweh na ipakita ang katapatan sa tipan at ipagkaloob ang kaniyang kaligtasan.

Psalms 85:8-9

Ano ang sinabi ng manunulat na mangyayari kapag nakinig siya sa kung ano ang sinasabi ni Yahweh ang Diyos?

Gagawa ng kapayapaan ang Diyos sa kaniyang mga tao, ang kaniyang matapat na tagasunod.

Ano ang dapat gawin ng kaniyang bayan para gumawa ng kapayapaan sa Diyos?

Ang bayan ng Diyos ay hindi dapat bumalik sa hangal na pamamaraan.

Ano ang mananatili sa lupain kapag ang kaligtasan ng DIyos ay malapit sa mga may takot sa kaniya?

Ang kaluwalhatian ay mananatili sa lupain.

Psalms 85:10-11

Ano ang nagtagpo at hinalikan ang isa't-isa?

Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo at ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't-isa.

Ano ang uusbong mula sa lupa at ano ang dudungaw mula sa langit?

Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay uusbong at ang tagumpay ay dudungaw.

Psalms 85:12-13

Ano ang mangyayari kapag binigay ni Yahweh ang kaniyang mga mabubuting pagpapala?

Ang kanilang lupain ay mag-aani ng mga pananim.

Ano ang mauuna kay Yahweh at gagawa ng daan para sa kaniyang mga yapak?

Ang katuwiran ay mauuna kay Yahweh.

Psalms 86

Psalms 86:1-2

Bakit hiniling ni David si Yahweh na makinig at sagutin siya?

Hiniling niya si Yahweh na sagutin siya dahil si David ay mahirap at inapi.

Ano ang hiniling ni David na gawin ng Diyos para sa kaniya kapag siya ay matapat at nagtitiwala sa Diyos?

Hiniling ni David na pangalagaan at iligtas siya.

Psalms 86:3-4

Ano ang hiniling ni David nang siya ay tumatawag sa Panginoon?

Hiniling ni David ang Panginoon na maging maawain sa kaniya.

Nang itinaan ni David ang kaniyang kaluluwa sa Panginoon, ano ang hinihiling niya mula sa Panginoon?

Hiniling ni David sa Panginoon na gawin niyang masaya ang kaniyang lingkod.

Psalms 86:5-7

Ano ang nangyari sa lahat ng tumatawag sa Panginoon?

Ang panginoon ay handang magpatawad at magpakita ng malaking awa.

Sino ang hiniling ni David na duminig sa kaniyang mga panalangin at makinig sa tinig ng kaniyang mga pagsamo?

Hiniling ni David na dinggin at makinig si Yahweh.

Ano ang gagawin ni Yahweh kapag tumawag si David sa kaniya sa araw ng kaniyang kaguluhan?

Sasagutin ni Yahweh si David.

Psalms 86:8-9

Sino ang maikukumpara sa Panginoon sa mga diyos?

Walang sinuman ang maikukumpara sa Panginoon.

Ano ang gagawin ng lahat ng bansa sa harap ng Panginoon?

Lahat ng bansa ay pupunta at yuyuko sa harap ng Panginoon at paparangalan ang pangalan ng Panginoon.

Psalms 86:10-12

Sino lamang ang gumagawa ng malaki at kamangha-manghang mga bagay?

Ang Diyos lamang ang nakakagawa ng malaki at kamangha-manghang mga bagay.

Ano ang hiniling ni David na ituro sa kanya ni Yahweh?

Hiniling ni David na turuan siya ng mga pamamaraan ni Yahweh.

Ano ang mangyayari kapag tinuruan ni Yahweh si David?

Si David ay lalakad sa katotohanan ni Yahweh.

Ano ang sinabi ni David kay Yahweh na gagawin niya?

Pupurihin ni David ang Diyos at luluwalhatiin ang pangalan ng Diyos magpakailanman.

Psalms 86:13-14

Ano ang sinabi ni David na nagawa ng katapatan sa tipan ng Diyos sa kaniya?

Iniligtas ng Diyos ang kaluluwa ni David mula sa kailaliman ng sheol.

Ano sinabi ni David na ginawa ng mayabang at marahas?

Tumayo sila laban kay David, nagbabanta sa aking buhay at walang pagsasaalang-alang sa Diyos.

Psalms 86:15-17

Paano inilarawan ni David ang Panginoon?

Inilarawan ni David ang Panginoon bilang maawain at mapagbigay-loob na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.

Ano ang hiniling ni David na gawin ng Panginoon para sa kaniya?

Hinling ni David ang Panginoon na humarap sa kaniya, magkaroon ng awa sa kaniya, bigyan siya ng kalakasan at iligtas siya.

Ano ang mangyayari kapag pinakita ni Yahweh ang tanda ng kaniyang pabor kay David?

Ang mga kinamumuhian si David ay makikita ang pabor ng Diyos at malalagay sa kahihiyan.

Ano ang sinabi ni David kay Yahweh na ginawa para sa kaniya?

Tinulungan ni Yahweh si David at inaliw siya.

Psalms 87

Psalms 87:1-3

Saan naitatag ang lungsod ng Panginoon?

Ito ay naitatag sa mga banal na kabundukan.

Gaano kamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion?

Minamahal niya ito higit sa lahat ng mga tolda ni Jacob.

Ano ang mga bagay ang nasasabi tungkol sa lungsod ng Diyos?

Ang maluluwalhating mga bagay ang sinabi sa lungsod ng Diyos.

Psalms 87:4

Kanino binanggit ng may akda ang Rahab at Babilonia?

Binanggit niya ito sa kaniyang mga tagasunod.

Psalms 87:5-6

Ano ang gagawin ng Kataas-taasan sa Sion?

Ang siyang kataas-taasan ay itatatag siya.

Ano ang tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao?

Tinandaan niya, "ang isa na ito ay ipinanganak doon."

Psalms 87:7

Ano ang sinabi ng mga mang-aawit at mananayaw?

Sinabi nila, "Lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa inyo."

Psalms 88

Psalms 88:1-2

Kailan nananawagan ang manunulat kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang kaligatasan?

Araw at gabing nananawagan ang manunulat kay Yahweh.

Ano ang hinihiling ng manununulat na gawin ni Yahweh para sa kaniya?

Hinihiling niya kay Yahwah na pakinggan ang kaniyang panalagin at pansinin ang kaniyang pagtatangis.

Psalms 88:3-4

Ano ang kaguluhan sa kaluluwa at buhay ng manunulat?

Ang kaniyang kaluluwa ay puno ng kaguluhan at ang kaniyang buhay ay papalait na sa sheol

Paano nilalarawan ng manunulat ang kaniyang sarili kapag tinuturing siya ng mga tao katulad ng mga bumababa sa hukay?

Nilalarawan niya ang kaniyang sarili bilang tao na walang lakas.

Psalms 88:5-6

Ano ang sinasabi ng manunulat na nangyayari sa kaniya kapag katulad siya ng mga patay na nakahimlay sa libingan?

Sinasabi niya na wala nang pakialam si Yahweh sa mga patay dahil napigtas na sila mula sa kapangyarihan ni Yahweh.

Saang lugar ang sinasabi ng manunulat na nilagay siya ni Yahweh?

Sinasabi niya na nilagay siya ni Yahweh sa pinakamalalim na bahagi ng hukay.

Psalms 88:7

Anong ang nakadagan sa manunulat?

Ang poot ni Yahweh ang nakadagan sa manunulat.

Psalms 88:8

Ano ang ginawa ni Yahweh sa manunulat para iwasan siya ng kaniyang mga kasama?

Ginawa ni Yahweh na katakot-takot na tanawin ang manunulat sa kaniyang mga kasama.

Psalms 88:9-10

Ano ang dahilan ng pamamaga ng mata ng manunulat?

Namamaga ang kaniyang mga mata dahil sa pighati.

Ano ang mga tinanong ng manunulat kay Yahweh tungkol sa mga patay at sa mga namatay?

Tinanong niya si Yahweh kung gagawa ba siya ng himala para sa mga patay, at kung babangon ba sila at pupurihin si Yahweh.

Psalms 88:11-12

Ano ang tinatanong ng manunulat kay Yahweh tungkol sa kaniyang katapatan sa tipan, pagiging tapat, kamangha-manghang mga gawain at katuwiran?

Tinatanong ng manunulat kay Yahweh kung maihahayag ba ang mga ito sa libingan, sa lugar ng patay, sa kadiliman at sa lugar ng pagkamakalimutin.

Psalms 88:13-14

Tuwing kailan nananalangin ang manunulat kay Yahweh?

Nananalangin siya kay Yahweh tuwing umaga.

Ano ang ginawa ni Yahweh sa manunulat?

Tinanggihan ni Yahweh ang manunulat at itinago ang kaniyang mukha mula sa kaniya.

Psalms 88:15-16

Gaano na katagal naghirap ang manunulat at nasa bingit ng kamatayan?

Naghirap ang manunulat at nasa bingit na ng kamatayan simula pa nang kaniyang kabataan.

Ano ang sinasabi ng manunulat na nagawa ng galit at katakot-takot na mga gawain ni Yahweh?

Ang mga ginawa ni Yahweh ay dumaan at ang kaniyang mga gawain ay pinuksa ang manunulat.

Psalms 88:17-18

Ano ang nangyari sa manunulat dahil sa mga ginawa at kilos ni Yahweh buong araw?

Pinaligiran ng mga ito ang manunulat tulad ng tubig at umikot sa paligid niya.

Ano ang sinasabi ng manunulat na tanging kasama niya?

Sinasabi niya na ang tanging kasama niya ay ang kadiliman.

Psalms 89

Psalms 89:1-2

Ano ang magpakailanmang aawitin ng manunulat?

Aawitin niya ang mga ginawang katapatan sa tipan ni Yahweh.

Ano ang ihahayag ng manunulat sa mga susunod na salinlahi?

Ihahayag niya ang pagiging totoo ni Yahweh.

Saan naitatag ang pagiging totoo ni Yahweh?

Naitatag na ito sa kalangitan.

Psalms 89:3-4

Kanino ginawa ang pakikipagtipan at pangako?

Ang pakikipag tipan ay ginawa sa hinirang at ang pangako ay ginawa kay David.

Gaano katagal itataguyod ang mga kaapu-apuhan at ang trono?

Ang kaapu-apuhan ay itataguyod magpakailanman at ang trono sa lahat ng salinlahi.

Psalms 89:5-6

Para saan papupurihan ng kalangitan si Yahweh?

Papupurihan ng mga kalangitan si Yahweh dahil sa kaniyang kamangha-manghang ginawa.

Para saan papupurihan si Yahweh ng pagtitipon ng mga banal?

Papupurihan nila si Yahweh para sa kaniyang pagiging totoo.

Psalms 89:7-8

Paano itinutulad ang Diyos sa mga nakapalibot sa kaniya?

Siya ay mas kamangha-mangha kaysa sa lahat ng nakapalibot sa kaniya.

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol sa pagiging totoo ni Yahweh?

Pinapaligiran nito si Yahweh.

Psalms 89:9-10

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol sa paghahari ni Yahweh sa mga nagngangalit na dagat?

Sinasabi niya na kapag gumulong ang alon, pinapayapa ito ni Yahweh.

Ano ang ginawa ni Yahweh kay Rahab?

Dinurog niya ito na tulad ng isang pinatay.

Ano ang ginamit ni Yahweh para ikalat ang kaniyang mga kaaway?

Ginamit niya ang kaniyang malakas na bisig.

Psalms 89:11-12

Ano ang pagmamay-ari ni Yahweh na lumikha ng mundo at lahat ng nilalaman nito?

Pagmamay-ari ni Yahweh ang kalangitan at kalupaan.

Ano ang nilikha ni Yahweh?

Nilikha ni Yahweh ang hilaga at timog.

Psalms 89:13-14

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol sa bisig at kamay ni Yahweh?

Si Yahweh ay may makapangyarihang bisig at malakas na kamay, at ang kaniyang kanang kamay ay mataas.

Ano ang saligan ng trono ni Yahweh?

Katuwiran at katarungan ang saligan ng trono ni Yahweh.

Ano ang nasa harapan ni Yahweh?

Katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ang nasa harapan ni Yahweh.

Psalms 89:15-16

Ano ang nangyayari sa mga taong sumasamba kay Yahweh?

Mapalad sila at lumalakad sa liwanag ng mukha ni Yahweh, nagsasaya sila sa pangalan ni Yahweh, at itinataas nila ang katuwiran ni Yahweh.

Psalms 89:17-18

Paano nakikinabang ang mga tao sa dakilang kalakasan at pabor ni Yahweh?

Ang mga tao ay nagtatagumpay.

Ano ang pagmamay-ari ni Yahweh at ano ang tawag sa kaniya?

Ang kalasag ng mga tao ay pagmamay-ari ni Yahweh at tinatawag siyang Ang Tanging Banal ng Israel

Psalms 89:19-23

Ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniyang mga matapat sa pamamagitan ng pangitain?

Sinabi niya na pinatungan niya ng korona ang isang magiting na tao at itinaas ang hinirang mula sa kalagitnaan ng mga tao.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa hinirang na lingkod na si David?

Sinabi niya na kaniyang binuhusan siya ng langis, aalalayan siya, at palalakasin siya.

Psalms 89:24-26

Ano ang makakasama ni David at paano siya magiging matagumpay?

Ang katotohanan ni Yahweh at katapatan sa tipan ang makakasama ni David at sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh siya ay magiging matagumpay.

Ano ang itatawag ni David kay Yahweh?

Tatawagin niya si Yahweh na kaniyang Ama, ang kaniyang Diyos, at ang bato ng kaniyang kaligtasan.

Psalms 89:27-29

Ano ang gagawin ni Yahweh para kay David na ginawa niyang panganay at pinaka tinatanghal sa mga hari ng lupa?

Ipagpapatuloy ni Yahweh at gagawing matatag magpakailanman ang kaniyang katapatan sa tipan kay David.

Gaano katagal maitataguyod ang mga kaapu-apuhan at trono ni David?

Ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay mananatili magpakailanman at ang kaniyang trono ay mananatili katulad ng kalangitan.

Psalms 89:30-32

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga anak ni David kung iiwanan nila ang batas ni Yahweh, susuwayin ang kaniyang mga tuntunin, lalabagin ang kaniyang mga patakaran at hindi susundin ang kaniyang mga kautusan?

Paparusahan ni Yahweh ang kanilang paghihimagsik gamit ang pamalo at ang kanilang kasalanan gamit ang kaniyang mga hampas.

Psalms 89:33-34

Ano ang mga pangako na ginawa ni Yahweh kay David?

Ipinangako ni Yahweh na hindi niya aalisin ang kaniyang katapatan sa tipan o hindi maiging totoo sa kaniyang pangako. Hindi niya puputulin ang kaniyang tipan o babaguhin ang mga salita ng kaniyang labi.

Psalms 89:35-37

Saan higit kailanman nangako si Yahweh?

Nangako siya sa kaniyang kabanalan.

Psalms 89:38-40

Ano ang sinasabi ngayon ng manunulat tungkol sa paraan ng pagtatrato ni Yahweh kay David?

Sinasabi ng manunulat na tinanggihan at itinakwil at galit si Yahweh sa hinirang niyang hari.

Psalms 89:41-43

Ano ang sinasabi ng manunulat na nangyayari sa hinirang na hari?

Siya ay ninanakawan at naging kasuklam-suklam sa kaniyang mga kababayan.

Ano ang ginawa ng mga kaaway ng hinirang na hari?

Itinaas nila ang kanilang kanang kamay at naging masaya.

Ano ang nangyari nang pumunta ang hinirang na hari sa labanan?

Ang dulo ng espada ng hari ay binaligtad at hindi siya binigyan ng kakayanan na tumayo sa labanan.

Psalms 89:44-45

Ano ang nangyari sa karangyaan ng hari at sa kaniyang trono?

Ang kaniyang karangyaan ay tinapos at ang kaniyang trono ay giniba.

Ano ang nangyari sa mga araw ng hinirang na hari?

Ang mga araw niya ay umikli at siya ay nabihisan ng kahihiyan.

Psalms 89:46-48

Ano ang tinatanong ng manunulat kay Yahweh tungkol sa kaniyang galit?

Tinatanong niya kung hanggang kailan itatago ni Yahweh ang kaniyang sarili at hanggang kailan maglalagablab ang kaniyang galit tulad ng apoy.

Ano ang hinihiling ng manunulat kay Yahweh na pag-isipan?

Hinihiling niya kay Yahweh na isipin kung gaano kaikli ang kaniyang oras at sa paglikha niya sa mga anak ng tao na baliwala.

Psalms 89:49-51

Ano ang tinatanong ng manunulat sa Panginoon tungkol sa kaniyang dating mga gawain ng katapatan sa tipan?

Tinatanong ng manunulat ang Panginoon, "Nasaan ang dati mong mga gawain ng katapatan sa tipan?"

Ano ang sinasabi ng manunulat na alalahanin ng Panginoon?

Sinasabi niya sa Panginoon na ang mga kaaway ni Yahweh ay bumabato ng mga panlalait at kinukutya ang hakbangin ng hinirang ni Yahweh.

Psalms 89:52

Gaano katagal ang sinasabi ng manunulat na pagpapalain si Yahweh?

Pagpapalain si Yahweh magpakailanman.

Psalms 90

Psalms 90:1-2

Gaano katagal naging kanlungan ang Panginoon para kay Moises at sa mga tao?

Naging kanlungan na ang Panginoon nang lahat ng mga nakalipas na mga salinlahi.

Psalms 90:3-4

Saan binabalik ng Diyos ang tao?

Binabalik niya ang tao sa alabok.

Ano ang isang libong taon sa paningin ng Panginoon?

Ito ay tulad ng kahapon na lumipas, at tulad ng hudyat sa gabi.

Psalms 90:5-6

Saan katulad ang mga kaapu-apuhan?

Sila ay katulad ng damo na sumisibol, namumulaklak at lumalago, at pagkatapos ay nalalanta at natutuyot.

Psalms 90:7-8

Bakit natutupok ang sangkatauhan sa galit ng Panginoon at lubhang natatakot sa kaniyang poot?

Natutupok sila at lubhang natatakot dahil nilagay ng Panginoon ang kanilang mga kasalanan sa kaniyang harapan, at ang kanilang mga nakatagong mga pagkakamali ay nasa liwanag ng kaniyang presensiya.

Psalms 90:9-10

Gaano kahaba ang taon ng buhay ng tao kung sila ay malusog?

Walumpu ang taon ng kanilang buhay kung sila ay malusog.

Psalms 90:11-13

Ano ang hinihiling ni Moises sa Panginoon na ituro sa sangkatauhan?

Hinihiling niya sa Panginoon na turuan ang sangkatauhan na isaalang-alang ang kanilang buhay, para mamuhay sila ng may karunungan.

Psalms 90:14-16

Sa ano nais ni Moises bigyan ng Panginoon ng kasiyahan ang sangkatauhan sa umaga?

Nais niya na bigyang kasiyahan ng Panginoon ang sangkatauhan sa katapatan sa tipan, upang magsaya at magalak sila sa lahat ng kanilang mga araw.

Ano ang nais ni Moises na hayaang ipakita ng Panginoon sa kaniyang mga lingkod?

Nais niya na hayaang ipakita ng Panginoon ang kaniyang mga gawa at ang kanilang mga anak na makita ang kaniyang karangalan.

Psalms 90:17

Paano pinapakita ng Diyos ang kaniyang pabor sa sangkatauhan?

Pinapasagana niya ang gawa ng kanilang mga kamay.

Psalms 91

Psalms 91:1-2

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol kay Yahweh?

Ang sinasabi ng manunulat ay, "Siya ang aking kanlungan at aking tanggulan, aking Diyos, na siyang aking pinagkakatiwalaan."

Psalms 91:3-4

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa nagtitiwala sa kaniya?

Ililigtas siya ni Yahweh mula sa bitag ng mangangaso at mula sa nakakamatay na salot at tatakpan siya ng kaniyang mga pakpak.

Psalms 91:5-7

Sa ano hindi kailangan matakot ng isang nagtitiwala kay Yahweh?

Ang sinumang nagtitiwala kay Yahweh ay hindi kailangang matakot sa kilabot sa gabi, o sa palaso na lumilipad sa araw, ang mga salot na gumagala sa palibot ng kadiliman, at ang sakit na dumarating sa katanghalian.

Psalms 91:8-9

Ano si Yahweh para sa manunulat?

Si Yahweh ay ang kanlungan para sa manunulat.

Psalms 91:10-11

Bakit walang makakaabot na masama ni-makakalapit na dalamhati sa tahanan sa sinumang nagtitiwala kay Yahweh?

Walang masama ang makakaabot ni-makakalapit na dalamhati sa sinumang nagtitiwala kay Yahweh dahil papatnubayan ni Yahweh at ang kaniyang mga anghel para pangalagaan at bantayan siya sa lahat na kaniyang mga paraan.

Psalms 91:12-13

Papaano papangalagaan at babantayan ng mga anghel ang sinumang nagtitiwala kay Yahweh?

Itataas siya ng mga anghel sa kanilang kamay kaya siya ay hindi madudulas at mahuhulog sa bato.

Psalms 91:14-16

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa sinumang matapat sa kaniya?

Ililigatas siya ni Yahweh, papangalagaan siya, sasagutin siya kapag siya ay tumatawag, bibigyan siya ng tagumpay at parangal kapag siya ay nasa gulo, ipagkalugod siya ng mahabang buhay, at ipapakita sa kaniya ang kaligtasan ni Yahweh.

Psalms 92

Psalms 92:1-3

Ano ang isinaalang-alang ng manunulat upang maging mabuting bagay?

Mabuting bagay ang magbigay ng pasasalamat at umawit ng papuri para sa ngalan ni Yahweh.

Kailan sinabi ng manunulat na ipahayag ang katapatan sa tipan at katotohanan ni Yahweh?

Sinabi niya na ipahayag ang katapatan sa tipan ni Yahweh sa umaga at ang kaniyang katotohanan tuwing gabi.

Psalms 92:4-5

Papaano tumugon ang manunulat sa dakilang mga gawa ni Yahweh?

Ang dakilang mga gawa ni Yahweh ay ginawa siyang masaya kaya siya ay mapapa-awit sa galak.

Psalms 92:6-7

Anong klaseng tao ang hindi alam at nakakaintindi sa ganoong galak?

Ang ganoong galak ay hindi alam ng malupit na tao ni-isang hangal.

Ano ang kapalaran ng isang masama na umusbong tulad ng damo at lahat ng gumagawa ng kasamaan na lumago?

Ang masama na umusbong tulad ng damo at lahat ng gumagawa ng kasamaan na lumago ay mapapahamak parin sa walang hanggang pagkawasak .

Psalms 92:8-9

Bakit nagsisikalat ang mga gumagawa ng masama na kaaway ni Yahweh?

Lahat ng mga gumagawa ng kasamaan ay nakakalat dahil si Yahweh ay maghahari magpakailanman.

Psalms 92:10-11

Papaano itinanghal ni Yahweh ang sungay ng manunulat at pinahiran ng sariwang langis?

Itinanghal at pinahiran ni Yahweh ang manunulat sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kaniya na ipakita ang pagbagsak ng kaniyang mga kaaway at iparinig ang parusa ng kasamaan ng kaniyang mga masasamang kaaway.

Psalms 92:12-13

Saan nakatanim ang mga matutuwid?

Sila ay nakatanim sa tahanan ni Yahweh.

Psalms 92:14-15

Ano ang ginagawa ng matuwid para ipahayag na si Yahweh ay makatarungan?

Ang matuwid ay magbubunga kapag sila ay tumanda at mananatiling sariwa at berde.

Bakit si Yahweh ang bato ng manunulat?

Si Yahweh ay ang kaniyang bato dahil walang hindi matuwid kay Yahweh.

Psalms 93

Psalms 93:1-2

Ano ang bihis at suot ni Yahweh?

Si Yahweh ay nakabihis ng kamarhalikahan at nakasuot ng kalakasan kung saan sinuot niya ito tulad ng sinturon.

Psalms 93:3-4

Papaano itinaas ng karagatan ang kanilang boses?

Tumataas ang karagatan at ang kanilang mga alon ay nagsasalpukan at dumadagundong.

Sino ang kataas-taasan ng nagsasalpukang mga alon at ang makapangyarihang nagpapatigil ng dagat?

Si Yahweh ay makapangyarihan at kataas-taasang ng nagsasalpukang mga alon at ang makapangyarihang nagpapatigil ng dagat.

Psalms 93:5

Papaano inilarawan ng manunulat ang mga kautusan at kabanalan ni Yahweh?

Sinabi ng manunulat na ang mga kautusan ni Yahweh ay napaka-mapagkakatiwalaan at ang kabanalan ay nagpapaganda sa bahay ni Yahweh magpakailanman.

Psalms 94

Psalms 94:1-2

Ano ang hinilhiling ng manunulat na gawin ng Diyos na si Yahweh?

Hiniling ng manunulat sa Diyos na si Yahweh na magliwanag sa lahat ng dako ng kaniyang mga tao at ibigay sa mapagmalaki ang karapat-dapat sa kanila.

Psalms 94:3-4

Papaano magalak ang masama sa kanilang sinasabi?

Ang masama ay nagagalak sa pamamagitan ng pagbuhos ng pagkapalalo at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang na pagsasalita.

Psalms 94:5-7

Ano ang pag-uugali ng masama?

Ang masama ay dudurugin ang mga tao ni Yahweh at papatayin ang balo, ang dayuhan at ang mga ulila.

Ano ang sinasabi ng mga masasama?

Sinasabi ng mga masasama na si Yahweh ay hindi makakakita ni-mapapansin ang ating ginagawa.

Psalms 94:8-9

Ano ang katanungan ng manunulat sa mga hangal?

Tinanong niya sila, "Kailan kayo matututo?"

Psalms 94:10-11

Ano ang alam ni Yahweh tungkol sa mga isipan ng mga tao?

Alam ni Yahweh na ang isipan ng mga tao ay masama.

Psalms 94:12-13

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa sinumang pinagpala?

Itinuturo ni Yahweh ang kaniyang batas at ibinibigay ang kapahingahan sa oras ng gulo sa sinumang pinagpala.

Psalms 94:14-16

Ano ang mga pangakong ibinagay ng manunulat sa mga tao ni Yahweh?

Sinabi ng manunulat na si Yahweh ay hindi iiwan ang kaniyang mga tao ni-pababayaan ang kaniyang mana.

Ano ang bunga ng pangako ni Yahweh?

Ang bunga ng pangako ni Yahweh ay ang katarungan ay mangingibabaw at lahat ng tuwid ay susundin ito.

Psalms 94:17-19

Anong pagkakaloob mula kay Yahweh ang nakatulong sa manunulat?

Ang pagkakaloob ay ang katapatan sa tipan ni Yahweh kung saan itinaguyod ang manunulat nang kanyang sinabi, "ang aking paa ay nadudulas."

Psalms 94:20-21

Papaano gumawa ang mga masasamang pinuno ng kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng batas?

Ang mga masasamang pinuno ay gumawa ng kawalang katarungan sa papamagitan ng pakikipagsabwatan laban sa matuwid at hinatulan ang mga walang malay sa kamatayan.

Psalms 94:22-23

Papaano pinalakas ni Yahweh ang loob ng manunulat?

pinalakas ni Yahweh ang loob ng manunulat sa pamamagitan ng pagiging kaniyang matayog na tore at ang bato sa kaniyang kanlungan.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga masasamang pinuno?

Dadalhin sa kanila ni Yahweh ang sarili nilang malaking kasalanan at puputulin sila sa sarili nilang kasamaan.

Psalms 95

Psalms 95:1-3

Papaano hinikayat ng manunulat ang lahat para pumasok?

hinikayat ng manunulat ang lahat para pumasok sa kinaroroonan ni Yahweh nang may pasasalamat.

Papaano inihahambing si Yahweh sa ibang diyos?

Si Yahweh ay dakilang Diyos at dakilang Hari na siyang higit na nananaig kaysa lahat ng mga diyos.

Psalms 95:4-5

Papaano si Yahweh higit na nananaig sa lahat ng mga diyos?

Si Yahweh ay higit na nananaig kaysa lahat ng mga diyos sa taas ng mga bundok at ang karagatan na kung saan ginawa niya, sa kaniya ,at kaniya niyang mga kamay, hinulma ang tuyong lupa.

Psalms 95:6-7

Bakit dapat ang lahat ay sumamba sa pamamagitan ng pagyukod at pagluhod sa harap ni Yahweh?

Ang lahat ay dapat sumamba kay Yahweh dahil siya ang kanilang Diyos at sila ay mga tao ng kaniyang pastulan at ang tupa ng kaniyang kamay.

Psalms 95:8-9

Papaano tumugon ang mga ninuno ng Israel kay Yahweh?

sinubok nila ang kaniyang kapangyarihan at sinubukan ang kaniyang pasensya , bagaman nakita nila ang kaniyang mga gawa.

Psalms 95:10-11

Papaano inilarawan ni Yahweh ang mga tao na sumubok sa kanyang kapangyarihan?

Sinabi ni Yahweh, "Ito ay ang tao na ang mga puso ay lumihis ng landas, hindi nila alam ang aking mga pamamaraan."

Ano ang pangako ni Yahweh sa kaniyang galit?

Nangako si Yahweh sa kaniyang galit na ang mga taong sumubok sa kaniyang kapangyarihan ay hindi kailanman makakapasok sa lugar pahingahan ni Yahweh.

Psalms 96

Psalms 96:1-2

Ano ang ipinanghihikayat ng manunulat sa bawat isa na ipahayag?

Hinihikayat ng manunulat ang bawat isa na ipahayag ang pagliligtas ni Yahweh araw-araw.

Psalms 96:3-4

Bakit dapat ipahayag ng bawat isa ang kaluwalhatian ni Yahweh at ang kaniyang kahanga-hangang mga gawa sa gitna ng mga bansa?

Dapat ipahayag ng bawat isa ang kaluwalhatian ni Yahweh at ang kaniyang kahanga-hangang mga gawa sapagkat si Yahweh ay dakila, at labis siyang papupurihan, at dapat siyang katakutan higit sa lahat ng mga ibang diyos.

Psalms 96:5-6

Ano ang mga katangian ng mga nasa presensiya ni Yahweh?

Ang mga katangian ng mga nasa presensiya ni Yahweh ay kaningningan, kamahalan, kalakasan, at kagandahan.

Psalms 96:7-8

Ano ang dapat gawin ng lahat para ibigay kay Yahweh ang nararapat na kaluwalhatian sa kanyang pangalan?

Ang bawat isa ay dapat magdala ng handog at magsipasok sa kanyang mga silid.

Psalms 96:9-10

Ano ang ipinanghihikayat ng manunulat sa bawat isa na sabihin sa gitna ng mga bansa?

Hinihikayat ng manunulat ang bawat isa na sabihin "si Yahweh ang naghahari".

Paano hinahatulan ni Yahweh ang mga tao?

Hinahatulan niya ang mga tao nang walang kiinikilingan.

Psalms 96:11-13

Bakit dapat magsaya ang mga kalangitan at magalak ang daigdig?

Ang mga kalangitan ay dapat magsaya at ang daigdig ay magalak sapagkat si Yahweh ay darating.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kanyang pagdating?

Sa kanyang pagdating, hahatulan ni Yahweh ang daigdig, ang mundo sa katuwiran, at ang mga tao sa katapatan.

Psalms 97

Psalms 97:1-2

Ano ang saligan ng trono ni Yahweh?

Ang saligan ng trono ni Yahweh ay katuwiran at katarungan.

Psalms 97:3-5

Ano ang resulta ng apoy na nasa sa unahan ni Yahweh?

Tinutupok ng apoy na nasa unahan ni Yahweh ang kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.

Ano ang nangyayari sa presensiya ni Yahweh?

Ang kidlat ni Yahweh ang lumiliwanag sa mundo, nakikita ng daigdig at nayayanig, at ang mga bundok ay natutunaw na gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh.

Psalms 97:6-8

Ano ang ipinapahayag ng katarungan at kaluwalhatian ni Yahweh?

Ipinapahayag ng mga kalangitan ang katarungan ni Yahweh at lahat ng mga bansa ay makikita ang kanyang kaluwalhatian.

Sino ang mapapahiya kay Yahweh?

Ang lahat na sumasamba sa mga inukit na mga rebulto at mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan ay mapapahiya kay Yahweh.

Bakit narinig ng Sion at ang mga bayan ng Juda ay nagalak?

Narinig ng Sion at ang mga bayan ng Judah ay nagalak dahil sa mga matutuwid na kautusan ni Yahweh.

Psalms 97:9-11

Ano ang sinasabi ng manunulat tungkol kay Yahweh?

Sinasabi ng manunulat na si Yahweh ay kataas-taasan sa buong daigdig, at dinadakila higit sa lahat ng Diyos.

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa kanyang mga santo?

Ipinagtatanggol ni Yahweh ang mga buhay ng kanyang mga santo at inililigtas sila sa kamay ng mga masasama.

Psalms 97:12

Ano ang ipinanghihikayat ng manunulat na gawin ng mga matutuwid?

Hinihikayat ng manunulat ang mga matutuwid na matuwa at magbigay ng pasasalamat sa kanyang banal na pangalan.

Psalms 98

Psalms 98:1-2

Ano ang nagbigay ng tagumpay sa bayan ni Yahweh?

Ang kanang kamay at banal na bisig ni Yahweh ang nagbigay ng tagumpay sa kanyang bayan.

Ano ang hayagang ipinakita ni Yahweh sa lahat ng mga bansa?

Hayagan niyang ipinakita ang kanyang katarungan sa lahat ng mga bansa .

Psalms 98:3-4

Ano ang inaala-ala ni Yahweh?

Inaala-ala ni Yahweh ang kanyang tipan ng kagandahang loob at katapatan sa sambahayan ng Israel.

Sino ang makakakita sa katagumpayan ng Diyos ng Israel?

Lahat ng mga hangganan ng daigdig ay makakakita sa katagumpayan ng Diyos ng Israel.

Ano ang dapat tugon ng bawat isa sa probisyon ni Yahweh?

Ang bawat isa ay dapat sumigaw sa galak at isambulat sa awit, umaawit ng mga papuri ni Yahweh.

Psalms 98:5-6

Anong mga instrumento ang dapat gamitin ng sambahayan ng Israel para umawit ng mga papuri at pag-iingay na may kagalakan sa harapan ni Yahweh?

Ang sambahayan ng Israel ay dapat gumamit ng alpa, mga trumpeta, at ang tunog ng tambuli.

Psalms 98:7-9

Paano hinihikayat ng manunulat ang mga nilikha ni Yahweh para tumugon sa kanyang pagdating.

Sinasabi ng manunulat na ang dagat at lahat na mga bagay na nandito at ang mundo at mga naninirahan dito ay dapat sumigaw, at dapat ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay at ang mga bundok ay dapat sumigaw sa kagalakan.

Paano hahatulan ni Yahweh ang mundo?

Hahatulan ni Yahweh ang mundo batay sa katuwiran at ang mga bansa nang may pagkamatarungan.

Psalms 99

Psalms 99:1-3

Paano dapat tumugon ang mga bansa sa paghahari ni Yahweh?

Ang mga bansa ay dapat mayanig bilang tugon sa paghahari ni Yahweh.

Bakit ang daigdig ay lumilindol?

Lumilindol ang daigdig dahil si Yahweh ay dakilang nakaluklok sa itaas ng mga kerubin.

Bakit dapat maitanghal si Yahweh sa lahat ng mga bansa?

Itinatanghal si Yahweh sapagkat siya ay dakila sa Sion.

Bakit dapat purihin ng mga bansa ang dakila at kamangha-manghang pangalan ni Yahweh?

Dapat purihin ng mga bansa ang pangalan ni Yahweh sapagkat siya ay banal.

Psalms 99:4-5

Paano inilalarawan ng manunulat ang hari?

Sinasabi ng manunulat na ang hari ay malakas at minamahal niya ang katarungan.

Paano sinasabi ng manunulat kung paano tumugon ang mga bansa kay Yahweh?

Sinasabi ng manunulat na dapat purihin at sambahin ng mga bansa si Yahweh sa kanyang tuntungan dahil siya ay banal.

Psalms 99:6-7

Sino silang mga nanalangin kay Yahweh at sila ay sinagot niya?

Ang ilan sa mga taong nanalangin kay Yahweh at sinagot sila ay sina Moises, Aaron, at si Samuel.

Paano tumugon ang mga lalaki na nanalangin kay Yahweh sa kanyang mga sinabi?

Iniingatan ng mga lalaking nanalangin kay Yahweh ang kanyang mga tapat na kautusan at mga batas na ibinigay sa kanila.

Psalms 99:8-9

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga lalaking nanalangin sa kanya?

Pinatawad sila ni Yahweh kahit na pinarusahan ang kanilang mga makasalanang gawa.

Ano ang ipinanghihikayat ng manunulat na gawin ng bawat isa?

Sinasabi ng manunulat na purihin at sambahin si Yahweh sa kanyang banal na burol sapagkat siya ay banal.

Psalms 100

Psalms 100:1-2

Sino ang ipinagpapa-anyaya ng manunulat para sumigaw ng buong kagalakan kay Yahweh?

Inaanyayahan niya ang buong daigdig para sumigaw ng buong kagalakan kay Yahweh.

Paano makakapasok sa presensiya ni Yahweh?

Dapat silang pumasok sa presensiya ni Yahweh na may kagalakang pag-awitan.

Psalms 100:3

Anong imahe ang ginamit ng manunulat para ipakita na ang mga tao ay pag-aari ni Yahweh

Sinasabi niya na sila ay bayan ni Yahweh at mga tupa sa kanyang pastulan.

Psalms 100:4-5

Paano dapat pumasok ang mga tao sa loob ng mga tarangkahan at mga silid ni Yahweh?

Dapat silang pumasok sa kanyang mga tarangkahan na may pagpapasalamat at sa kanyang mga silid na may pagpupuri.

Ano ang sinasabi ng manunulat na mananatili magpakailanman?

Sinasabi niya na ang tipan sa katapatan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman.

Psalms 101

Psalms 101:1

Sa anong dalawang katangian aawit si David?

Aawit siya ng katapatan sa tipan at katarungan.

Psalms 101:2-3

Ano ang hindi inilalagay ni David sa harapan ng kanyang mga mata?

Hindi niya inilalagay ang maling gawain sa harapan ng kanyang mga mata.

Psalms 101:4-6

Sino ang wawasakin ni David?

Wawasakin niya ang sinumang palihim na naninirang puri sa kanyang kapwa.

Anong klase ng mga tao ang gusto ni David na umupo sa kanyang gilid at maglingkod sa kanya?

Gusto ni David na ang mga tapat sa lupain ay uupo sa kanyang gilid, at ang mga lumalakad na may integridad ay maglilingkod sa kanya.

Psalms 101:7-8

Sino ang hindi papayagan ni David na manatili sa kanyang sambahayan?

Hindi niya papayagan ang mga mandarayang tao sa loob ng kanyang sambahayan.

Gaano kadalas sabihin ni David na wawasakin niya lahat ang masasama mula sa lupain?

Araw-araw, wawasakin niya lahat ang mga masasama.

Psalms 102

Psalms 102:1-2

Ano ang ipinapanalangin ng naghihirap na huwag gawin ni Yahweh sa oras ng kanyang kaguluhan?

Ipinapanalangin ng naghihirap na huwag itago ni Yahweh ang kanyang mukha mula sa kanya sa oras ng kanyang kaguluhan.

Psalms 102:3-4

Saan inihahambing ng naghihirap ang kanyang dinurog na puso?

Sinasabi ng naghihirap na para siyang damo na natuyo.

Psalms 102:5-6

Ano ang nangyari dahil sa patuloy na pagdaing ng naghihirap?

Dahil sa patuloy na pagdaing ng naghihirap, labis siyang pumayat.

Psalms 102:7-8

Paano ginagamit ng mga nanlilibak sa naghihirap ang kanyang pangalan?

Ginagamit ng mga nanlilibak sa naghihirap ang kanyang pangalan sa mga sumpa.

Psalms 102:9-10

Paano sinabi ng naghihirap na siya ay tinarato ng galit ni Yahweh?

Sinasabi ng naghihirap na binuhat siya ng Diyos para ibagsak siya.

Psalms 102:11-12

Gaano katagal mamamalagi ang katanyagan ni Yahweh?

Sinasabi ng manunulat na ang katanyagan ni Yahweh ay para sa lahat ng salinlahi.

Psalms 102:13-16

Para sa ano nahahabag ang mga lingkod ni Yahweh?

Nahahabag ang mga lingkod ni Yahweh sa alikabok ng pagkawasak ng Sion.

Paano magpapakita ng paggalang kay Yahweh ang mga hari ng daigdig?

Pararangalan ng lahat ng mga hari ng daigdig ang kaluwalhatian ni Yahweh.

Psalms 102:17-18

Sa anong gawa ng dukha tutugon si Yahweh?

Tutugon si Yahweh sa panalangin ng dukha.

Paano ipinapakita ng manunulat kung gaano kalayo sa hinaharap magpapatuloy ang papuri kay Yahweh?

Sinusulat niya na ang isang bayan na hindi pa ipinapanganak ay magpupuri kay Yahweh.

Psalms 102:19-20

Ano ang natatanaw ni Yahweh mula sa langit?

Mula sa langit natatanaw ni Yahweh ang daigdig.

Psalms 102:21-22

Para sa anong pagkilos nagtitipon nang sama-sama ang mga bayan at kaharian?

Nagtitipon nang sama-sama ang mga bayan at mga kaharian para paglingkuran si Yahweh.

Psalms 102:23-24

Para sa ano nagsusumamo ang naghihirap na manunulat na huwag gawin ng Diyos?

Sinabi ng manunulat, "Aking Diyos, huwag ninyo akong kunin sa kalagitnaan ng buhay."

Psalms 102:25-27

Ano ang sinabi ng manunulat na ginawa ni Yahweh nang mga sinaunang panahon?

Sinasabi ng manunulat na nang mga sinaunang panahon itinatag ni Yahweh ang daigdig sa tamang lugar.

Gaano katagal lalagi ang mga taon ni Yahweh?

Walang katapusan ang mga taon ni Yahweh.

Psalms 102:28

Saan sinabi ng manunulat maninirahan ang mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Yahweh?

Ang mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Yahweh ay maninirahan sa kanyang presensya.

Psalms 103

Psalms 103:1-2

Ano ang ayaw malimutan ni David?

Ayaw niyang malimutan ang lahat ng mabubuting gawa ni Yahweh.

Psalms 103:3-5

Ano ang sinasabi ni David na ipinangkokorona ni Yahweh sa kanyang kaluluwa?

Kinokoronahan niya ang kanyang kaluluwa ng katapatan sa tipan at mga gawain ng pagkahabag.

Psalms 103:6-8

Ano ang ginagawa ni Yahweh para sa lahat ng mga naaapi?

Gumagawa si Yahweh ng mga gawain ng katarungan para sa lahat ng mga naaapi.

Ano ang ipinapaalam ni Yahweh sa mga kaapu-apuhan ng Israel?

Ipinapaalam niya ang kanyang mga gawa sa mga kaapu-apuhan ng Israel.

Psalms 103:9-10

Ano ang sinabi ni David na hindi laging gagawin ni Yahweh?

Sinasabi niya na hindi laging magdidisiplina si Yahweh at hindi siya laging nagagalit .

Sinasabi ni David na hindi tayo tinatrato ni Yahweh sa anong paraan?

Hindi tayo tinatrato ni Yahweh nang gaya ng kung ano ang nararapat sa ginawa nating mga kasalanan.

Psalms 103:11-16

Sa anong natatanging paraan nagkakaroon ng pagkahabag si Yahweh sa mga nagbibigay parangal sa kanya?

May pagkahabag si Yahweh sa mga nagbibigay parangal sa kanya gaya ng isang ama na nahahabag sa kanyang mga anak.

Psalms 103:17-19

Gaano katagal mananatili ang katapatan sa tipan ni Yahweh?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay magpasawalang hanggan sa mga nagbibigay parangal sa kanya.

Saan itinatag ni Yahweh ang kanyang trono?

Itinatag ni Yahweh ang kanyang trono sa mga kalangitan.

Psalms 103:20-22

Sino ang may pambihirang lakas na tinawag para pagpalain si Yahweh at sundin ang kanyang salita?

Ang kanyang mga anghel ay tinawag para sundin ang kanyang salita.

Sino ang mga lingkod na sinasabi ni David na nagsasakatuparan ng kalooban ni Yahweh?

Isinasakatuparan ng lahat ng mga hukbong anghel ang kanyang kalooban.

Psalms 104

Psalms 104:1-3

Paano sinabi ng manunulat na dinadamitan si Yahweh?

Sinabi niya na dinadamitan si Yahweh ng kagaraan at kamahalan.

Sa paanong paraan inilalatag ni Yahweh ang kalangitan?

Inilalatag niya ang kalangitan na parang isang kurtina ng tolda.

Psalms 104:4-5

Ano ang sinabi ng manunulat na hindi kailanman mangyayari sa mga pundasyon ng daigdig na inilagay ni Yahweh?

Ang mga pundasyon ng daigdig ay hindi kailanman matitinag.

Psalms 104:6-7

Ano ang sinasabi ng manunulat na nagpaurong sa mga tubig?

Ang pagsaway ni Yahweh ang nagpaurong sa mga tubig.

Psalms 104:8-12

Bakit hindi na muling babalutan ng mga tubig ang daigdig?

Nagtakda si Yahweh ng hangganan para sa kanila na hindi nila tatawirin.

Psalms 104:13-18

Anong tatlong bagay ang sinabi ng manunulat na ibinibigay ni Yahweh para sa tao?

Nagbibigay si Yahweh ng alak para pasayahin ang tao, langis para magliwanag ang kanyang mukha, at pagkain para magpatuloy ang kanyang buhay.

Psalms 104:19-20

Ano ang itinalaga ni Yahweh bilang palatandaan ng buwan at ng araw?

Itinalaga ni Yahweh bilang palatandaan ng buwan ang mga panahon at na alamin ng araw ang oras ng paglubog nito.

Psalms 104:21-24

Ano ang nangyayari sa mga batang leon sa pagsikat ng araw?

Sa pagsikat ng araw, bumabalik at natutulog sila sa kanilang mga lungga.

Psalms 104:25-26

Sa ano napupuno ang malalim at malawak na dagat?

Ang dagat ay napupuno ng maraming mga nilalang kapwa malaki at maliit.

Psalms 104:27-28

Kanino tumitingin ang mga nilalang sa dagat para bigyan sila ng kanilang pagkain?

Lahat sila ay tumitingin kay Yahweh para bigyan sila ng kanilang pagkain sa tamang oras.

Psalms 104:29-30

Ano ang mangyayari sa mga nilalang kung itatago ni Yahweh ang kanyang mukha o lalagutin ang kanilang hininga?

Kung itatago niya ang kanyang mukha, mababagabag sila; kung lalagutin niya ang kanilang hininga, mamamatay sila at mauuwi sa alabok.

Psalms 104:31-32

Ano ang nais ng manunulat na gawin ni Yahweh sa kanyang nilikha?

Nais ng manunulat na masiyahan si Yahweh sa kanyang nilikha.

Psalms 104:33-34

Ano ang ipinapangako ng manunulat na kakantahin sa nalalabing bahagi ng kanyang buhay?

Ipinapangako niyang kakanta sa kanyang Diyos habang siya ay nabubuhay.

Psalms 104:35

Ano ang inaasahan ng manunulat na mangyayari sa mga makasalanan at sa masasama sa daigdig?

Nais niyang maglaho ang mga makasalanan mula sa daigdig at na mawala na ang mga masasama.

Psalms 106

Psalms 106:1-2

Ano ang tinutukoy ng manunulat na mananatili magpakailanman?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh mananatili magpakailanman.

Psalms 106:3-5

Kailan nakiusap ang manunulat kay Yahweh na alalahanin siya?

Tinanong niya si Yahweh na alalahanin siya kapag nagpakita si Yahweh ng kabutihang-loob sa kaniyang bayan.

Ano ang dahilan ng manunulat para magsaya

Siya ay nagdiwang nang kaniyang makita ang kasaganahan ng mga pinili ni Yahweh.

Psalms 106:6-7

Paano tumugon ang ama ng manunulat sa kamangha-manghang mga gawa ni Yahweh?

Hindi pinahahalagahan ng kanilang mga ama ang kamangha manghang gawa ni Yahweh sa Ehipto.

Psalms 106:8-9

Bakit iligtas ni Yahweh ang mga ninuno ng manunulat?

iniligtas niya sila alang-alang sa kaniyang pangalan para maihayag ang kaniyang kapangyarihan.

Psalms 106:10-12

Ano ang nangyari sa mga kalaban ng Israel?

Tinabunan ng tubig ang kanilang mga kalaban; wala ni isa ang nakaligtas.

Psalms 106:13-15

Ano ang ginawa ng tao ng sila ay nagkaroon ng labis na pananabik sa ilang?

Sinubok nila ang Diyos sa ilang.

Psalms 106:16-18

Ano ang ginawa ng lupa kay Dathan at ang mga tagasunod ni Abiram?

Bumuka ang lupa at nilamon si Dathan at tinakpan ang mga tagasunod ni Abiram

Psalms 106:19-21

Ano ang sinamba ng mga tao sa Horeb?

Gumawa sila ng guya sa Horeb at sumamba sa larawang metal

Psalms 106:22-25

Bakit hindi pinag-utos ng Diyos na lipulin ang mga Israelita?

Ang kaniyang hinirang na si Moises ay namagitan sa puwang para pawiin ang galit ni Yahweh na lipulin sila.

Psalms 106:26-27

Ano ang sinumpa ng Diyos na kaniyang gagawin nang itinaas niya ang kaniyang kamay?

sumumpa ang Diyos sa kanila na hindi niya hahayaang mamatay sila sa ilang, Ikakalat silang mga kaapu-apuhan sa mga bansa

Psalms 106:28-29

Ano nangyayari sa Israel ng ginalit nila si Yahweh?

Isang salot ang dumating sa kanila.

Psalms 106:30-31

Ano nangyari ng tumayo si Pinehas para mamagitan sa mga tao?

Nang tumayo si Pinehas para mamagitan, tumigil ang salot.

Psalms 106:32-36

Bakit nagkasala si Moises sa tubig ng Meriba?

Pinasama nila ang loob ni Moises kaya siya nakapagsalita ng masakit.

Psalms 106:37-39

Ano ang nangyari sa mga tao nang sila ay nakisalamuha sa mga bansa at sumamba sa diyos-diyosan?

Ang kanilang diyos- diyosan ang naging patibong sa kanila.

Psalms 106:40-43

Anong nangyari sa Israel nang magalit sa kanila si Yahweh at ibinigay sila sa kamay ng ibang mga bansa?

Ibinigay sila ni Yahweh sa kamay ng mga bansa at ang mga may galit sa kanila ang siyang namuno sa kanila.

Psalms 106:44-46

Bakit nahabag at binigyan pansin ni Yahweh ang kahirapan ng Israel?

Inalaala niya ang kaniyang pangako at bumaling sa kaniyang katapatan sa tipan.

Psalms 106:47-48

Sa anong dahilan dapat tipunin ni Yahweh ang Israel mula sa mga bansa?

Sila ay kaniyang titipunin para makapagpasalamat sa kaniyang banal na pangalan at kaluwalhatian sa kaniyang kapurihan.

Psalms 107

Psalms 107:1-3

Hanggang kailan nagtatagal ang katapatan sa tipan ni Yahweh?

Magpakailanman mananatili ang kaniyang katapan sa tipan.

Mula saan pinagtipon-tipon ni Yahweh ang kaniyang mga tinubos?

Pinagtipon-tipon niya sila mula sa ibang mga dayuhang lugar, mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at mula sa timog.

Psalms 107:4-10

ano ang ginawa ni Yahweh para sa mga tinubos niya nang tumawag sila sa kaniya ng sila ay nasa kanilang kaguluhan?

Niligtas niya sila mula sa lahat ng kanilang kaguluhan.

Para saan dapat papurihan ng mga tao si Yahweh?

Dapat nilang papurihan siya dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-mangha na mga bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan.

Psalms 107:11-13

Paano ibinaba ni Yahweh ang puso ng mga tao?

Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paamagitan ng paghihirap.

Psalms 107:14-16

Anong uri ng ng tarangkahan at rehas ang winasak ni Yahweh para sa kaniyang bayan?

Winasak niya ang tarangkahan na tanso at pinutol ang mga bakal na rehas.

Psalms 107:17-19

Bakit pinahirapan ang mga tao?

Pinahirapan sila dahil sa kanilang mga kasalanan.

Psalms 107:20-22

Anong uri na mag alay and dapat ihandog ng mga tao para kay Yahweh?

Dapat silang maghandog ng mga alay na pasasalamat.

Psalms 107:23-24

Ano ang nakikita ng mga taong naglalakbay sa barko at nakikipagkalakalan sa ibang ibayo?

Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa dagat.

Psalms 107:25-30

Anong nangyari sa mga tao nang ang mga alon ay umabot sa kalangitan at bugmagsak sa kailaliman?

Ang tapang ng mga lalaki ay nalusaw dahil sa panganib.

Anong nangyari sa mga tao na tumawag kay Yahweh sa kanilang kaguluhan?

Nilabas niya sila mula sa kaguluhan at pinatahimik ang bagyo.

Psalms 107:31-32

Saan dapat dakilain at papurihan ng mga tao si Yahweh?

Dapat nilang dakilain siya sa pagtitipon ng mga tao at papurihan siya sa samahan ng mga nakatatanda.

Psalms 107:33-35

ano ang ginawa ni Yahweh sa masaganang lupain dahil sa kasamaan ng mga tao?

Ginawa niyang tigang ang lugar dahil sa kasamaan ng mga tao.

Psalms 107:36-38

Ano ang itinamin ng mga tao sa kanilang lungsod?

Nagtanim sila ng mga bukirin at mga ubasan.

Psalms 107:39-40

Ano ang nangyari sa mga namumuno nang nagbuhos si Yahweh ng pagkahamak?

Dinulot niya na maligaw sila sa ilang, kung saan walang mga daan.

Psalms 107:41-43

Ano ang gagawin ng lahat ng masasamang tao pag nakita ng mga matuwid ang pangangalaga at pagdidiwang ni Yahweh?

Ang lahat ng masasama ay isasara ang kanilang mga bibig.

Sino ang tinatawag ni Yahweh na matandaan ang mga bagay na ito?

Ang manunulat ay tumatawag sa mga marurunong na tandaan ang mga bagay na ito at magnilay sa katapatan sa tipan ni Yahweh.

Psalms 108

Psalms 108:1-2

Ano ang kasama ng sinasabi ni David na aawit siya ng mga papuri?

Sinasabi ni David na aawit din siya ng mga papuri kasama ng kaniyang napangaralang puso.

Psalms 108:3-4

Gaano kadakila sinasabi ni David ang katapatan sa tipan ni Yahweh?

Sinasabi ni David na ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay dakila sa ibabaw ng kalangitan.

Psalms 108:5-6

Saan hiniling ni David na maparangalan ang kaluwalhatian ng Diyos?

Hiniling ni David na maparangalan ang kaluwalhatian ng Diyos sa buong mundo.

Psalms 108:7-8

Ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa Efraim at Juda?

Sinabi ng Diyos na ang Efraim ay kaniya ring salakot at ang Juda ay kaniyang setro.

Psalms 108:9-10

Paano sisigaw ang Diyos dahil sa Filistia?

Sisigaw ang Diyos sa katagumpayan dahil sa filistia.

Psalms 108:11-13

Kaninong tulong ang sinasabi ni David na walang katuturan?

Humingi si David ng tulong sa Diyos dahil ang tulong ng tao ay walang katuturan.

Paano inilarawan ni David ang kaniyang katagumpayan sa tulong ng Diyos?

Sinasabi ni David na ang kaniyang hukbo ay magtatagupay sa tulong ng Diyos. dahil tatapakan ng diyos ang mga kaaway ni David.

Psalms 109

Psalms 109:1-3

Sino ang sinasabi ni David na lumulusob sa kaniya?

Sinabi ni David na ang masasama at mapanlinlang ang lumulusob sa kaniya.

Psalms 109:4-5

Ano ang binigay na kapalit ng masasama sa pag-ibig ni David?

Sinabi ni David na ang kapalit ng kaniyang pag-ibig ay ang paninirang puri nila sa kaniya.

Psalms 109:6-7

Ano ang hiningi ni David na mangyari kapag ang kaniyang kaaway ay hinatulan?

Hiningi ni David na kapag ang kaniyang mga kaaway ay hinatulan, nawa mapatunayan siyang may-sala.

Psalms 109:8-10

Ano ang hiniling ni David para sa mga anak ng kaniyang mga kaaway?

Hiniling ni David para sa mga anak ng kaniyang kaaway na mahibang at magmakaawa, nanghihingi ng limos.

Psalms 109:11-13

Ano ang hiningi ni David na mangyari sa mga kinikita ng kaniyang mga kaaway?

Hiningi ni David na nakawin ng mga dayuhan ang kinikita ng kaniyang kaaway.

Psalms 109:14-16

Ano ang hiniling ni David kay Yahweh para sa ala-ala ng kaniyang kaaway?

Hiningi ni David na burahin ni Yahweh ang ala-ala ng kaniyang mga kaaway mula sa mundo.

Bakit hiningi ni David na burahin ang kanilang ala-ala?

Ipinanalangin ni David na gawin ito ni Yahweh dahil ang taong ito ay hindi kailanman nag-abala na magpakita ng kahit anong katapatan sa tipan.

Psalms 109:17-18

Ano ang hiningi ni David mula ng kasuklaman ang pagpapala ng kaniyang kaaway?

Sinabi ni David na mula ng kasuklaman ng kaniyang kaaway ang pagpapala, wala ng pagpapala ang darating sa kaniya.

Psalms 109:19-20

Mula kanino hiniling ni David ang gantimpala ng kaniyang mga tagapagbintang?

Hiniling ito ni David na maging gantimpla ng kaniyang mga tagapagbintang mula kay Yahweh.

Psalms 109:21-23

Bakit hiningi ni David kay Yahweh na pakitunguhan sila ng mabuti?

Hiningi ni David kay Yahweh na kaniyang Panginoon na pakitunguhan siya ng mabuti alang-alang sa ngalan ni Yahweh.

Saan inihalintulad ni David ang kaniyang paglaho?

Sinabi ni David na siya ay naglalaho gaya ng anino sa gabi.

Psalms 109:24-25

Ano ang ginagawa ng mga tagapagbintang ni David kapag siya ay nakita nila?

Sinabi ni David na kapag siya ay nakikita nila, ang mga tagapagbintang ay iniiling ang kanilang mga ulo.

Psalms 109:26-27

Sa papaano hiningi ni David na iligtas siya ni Yahweh?

Hiningi ni David na iligtas siya sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ni Yahweh.

Psalms 109:28-29

Ano ang hiningi ni David na mangyari kapag ang kaniyang mga tagapagbintang ay sinalakay siya?

Hiningi ni David na kapag ang kaniyang mga tagapagbintang ay sumalakay, sila ay mapapahiya.

Psalms 109:30-31

Ano ang sinabi ni David na mangyayari kapag si Yahweh ay tatayo sa kanang kamay ng isang nangangailangang tao?

Ililigtas ni Yahweh ang mga nangangailangang tao mula sa mga taong nanghuhusga sa kaniya.

Psalms 110

Psalms 110:1

Saan hiningi ni Yahweh ang panginoon ni David na umupo at gaano katagal?

Hiningi ni Yahweh na siya ay umupo sa kaniyang kanang kamay hanggang ang kaniyang mga kaaway ay gawin niyang tungtungan.

Psalms 110:2-3

Ano ang susuotin ng mga tao sa kanilang pagsunod sa panginoon ni David?

Sila ay susunod sa kaniya sa banal na kasuotan.

Psalms 110:4

Ano ang sinumpa ni Yahweh at hindi magbabago?

Siya ay sumumpa sa panginoon ni David na, "Ikaw ay isang pari magpakailanman."

Psalms 110:5-6

Ano ang gagawin ng panginoon ni David sa mga hari sa araw ng kaniyang galit?

Kaniyang papatayin ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.

Psalms 110:7

Ano ang gagawin ng panginoon ni David pagkatapos niyang uminom sa batis sa tabi ng daan?

Ititingala niya ang kaniyang ulo pagkatapos ng tagumpay.

Psalms 111

Psalms 111:1-3

Saan sinabi ng manunulat na magbibigay sya ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso?

Siya ay magbibigay ng pasasalamat kay Yahweh sa pagpupulong ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon.

Gaano katagal mananatili ang katuwiran ni Yahweh?

Ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.

Psalms 111:4-6

Ano ang palaging inaalala ni Yahweh?

Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan.

Paano pinapakita ni Yahweh ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan?

Ipinamalas niya na ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang pamana sa mga bansa.

Psalms 111:7-9

Paano siyasatin ang mga tagubilin ni Yahweh?

Ang lahat ng kaniyang mga tagubilin ay dapat siyasatin nang tapat at wasto.

Paano inilarawan ng manunulat ang pangalan ni Yahweh?

Sinabi ng manunulat, "banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan."

Psalms 111:10

Ano ang simula ng karunungan?

Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan.

Anong mayroon sa mga gumagawa ng mga tagubilin ni Yahweh?

Ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa

Psalms 112

Psalms 112:1-2

Ano ang mangyayari sa mga kaapu-apuhan ng taong sumusunod kay Yahweh at siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga utos?

Ang kaniyang kaapu-apuhan ay magiging makapangyarihan sa mundo at pagpapalain.

Psalms 112:3-5

Ano ang mayroon sa tahanan ng taong sumusunod kay Yahweh?

Kasaganaan at kayamanan ay nasa kaniyang tahanan.

Sa kanino sinasabi ng manunulat na ang mga bagay ay may kaunlaran?

Kaunlaran para sa taong nakikitungo ng may kahabagan at nagpapahiram ng pera, na siyang nagsasagawa ng kaniyang mga gawain nang may katapatan.

Psalms 112:6-7

Ano ang ginagawa ng matuwid na tao kaysa sa matakot sa masamang balita?

Siya ay hindi natatakot, pero siya ay panatag, nagtitiwala kay Yahweh.

Psalms 112:8-9

Ano ang mangyayari sa maka-diyos na bukas-palad na nagbibigay sa mga mahihirap?

Siya ay maitataas ng may karangalan.

Psalms 112:10

Ano ang mangyayari sa masasamang tao na nakikita ang pagpapala ng matutuwid at nagagalit?

Ang masasamang tao ay magngangalit ng kaniyang ngipin at matutunaw.

Psalms 113

Psalms 113:1-2

Kailan pupurihin ang pangalan ni Yahweh?

Pupurihin ang pangalan ni Yahweh, mula ngayon magpakailan man.

Psalms 113:3-4

Saan umaabot ang kaluwalhatian ni Yahweh?

Umaabot hanggang sa kalangitan ang kaniyang kaluwalhatian.

Psalms 113:5-6

Saan ang upuan ni Yahweh?

Ang upuan niya ay nasa kataas-taasan kung saan siya ay nakatingin mula sa langit at sa lupa.

Psalms 113:7-8

Saan pinapaupo ni Yahweh ang mahihirap at ang nangangailangang tao kapag siya ay kanyang binabangon?

Pinaupo niya kasama ng mga prinsipe, ang mga prinsipe ng kaniyang bayan

Psalms 113:9

Ano ang binibigay ni Yahweh sa babaeng baog?

Binibigyan ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak.

Psalms 114

Psalms 114:1-2

Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, naging ano ang Judah at Israel?

Ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang naging kaharian.

Psalms 114:3-4

Ano ang ginawa ng mga bundok at ang mga burol nang dumating ang Israel sa lupain?

Ang mga bundok ay nagsilukso na parang mga lalaking tupa, ang mga burol ay nagsilukso na parang mga tupa.

Psalms 114:5-7

Bakit sinasabi ng manunulat na dapat manginig ang lupa ?

Manginig dapat ang lupa sa harap ng Panginoon, at sa presensiya ng Diyos ni Jacob.

Psalms 114:8

Ayon sa manunulat, ano ang ginawa ni Yahweh sa malaking bato at sa matigas na bato?

Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, at ginawang bukal ng tubig ang matigas na bato.

Psalms 115

Psalms 115:1-2

Sa anong dahilan nanalangin si David na parangalan ni Yahweh ang kaniyang pangalan?

Hinihiling niya kay Yahweh na parangalan niya ang kaniyang pangalan dahil sa kainyang katapatan sa tipan at pagkamaasahan.

Psalms 115:3-4

Ano ang sinasabi ni David sa diyus-diyusan ng mga bansa?

Sinasabi niya na ang kanila mga diyus diyusan ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.

Psalms 115:5-8

Ano ang hindi kayang magawa ng mga diyus-diyusan?

Hindi sila nakapagsasalita, o nakakakita, o nakakarinig, o nakakaamoy.

Psalms 115:9-11

Bakit ang bawat isa ay dapat magtiwala kay Yahweh?

Dapat silang magtiwala kay Yahweh dahil siya ang kanilang saklolo at kalasag.

Psalms 115:12-14

Ilang taon dapat ang isang tao para pagpalain siya ni Yahweh?

Pagpapalain ni Yahweh ang nagpaparangal sa kaniya, bata at matanda.

Psalms 115:15-16

Kaninong pagaari ang kalangitan at kalupaan?

Ang kalangitan ay pag-aari ni Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.

Psalms 115:17-18

Hanggang kailan sinasabi ni David na papupurihan ng mga tao si Yahweh?

Sinasabi niya na papupurihan nila si Yahweh ngayon at magpakailanman.

Psalms 116

Psalms 116:1-2

Sa anong dahilan ang ginawa ng manunulat na sabihin nagmamahal siya kay Yahweh?

Mahal niya si Yahweh dahil kaniyang naririnig ang aking tinig at aking mga pakiusap ng awa.

Psalms 116:3-4

Ano ang pakiramdam ng manunulat na ang mga tali ng kamatayan ay pumulupot, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan.

Nakaramdam siya ng hapis at kalungkutan.

Psalms 116:5-6

Sino ang iniingatan ni Yahweh?

Iniingatan ni Yahweh ang walang muwang.

Psalms 116:7-8

Mula saan iniligtas ang kaluluwa ng manunulat?

Iniligtas ni Yahweh ang kaluluwa mula sa kamatayan.

Psalms 116:9-11

Saan sinabi ng manunulat na siya maglilingkod kay Yahweh?

Maglilingkod siya kay Yahweh sa lupain ng mga nabubuhay.

Psalms 116:12-15

Saan sinabi ng manunulat na siya ay tutupad sa mga pangako niya kay Yahweh.

Tutuparin niya ang kaniyang mga pangako sa harapan ng kaniyang buong bayan.

Ano ang mahalaga sa paningin ni Yahweh?

Mahalaga sa paningin ni Yahweh ang kamatayan ng kaniyang mga santo.

Psalms 116:16-17

Ano ang sinabi ng manunulat na iaalay niya kay Yahweh dahil kinalag niya ang kaniyang tali?

Sinabi niya na iaalay niya sa kaniyang ang handog na pasasalamat.

Psalms 116:18-19

Kaninong presensya tutuparin ng manunulat ang kaniyang pangako kay Yahweh?

Tutuparin niya ang mga pangako sa presensya ng buong bayan ni Yahweh.

Psalms 117

Psalms 117:1-2

Sino itong manunulat na tumatawag para purihin si Yahweh?

Siya ay tumatawag sa lahat ng bansa at sa lahat ng mga tao para purihin si Yahweh.

Ano ang dakila para sa kaniyang bayan?

Ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay dakila sa kaniyang bayan.

Gaano katagal mananatili ang pagkamapagkakatiwalaan ni Yahweh?

Ang pagkamapagkakatiwalaan ni Yahweh ay mananatili magpakailanman.

Psalms 118

Psalms 118:1-4

Ano ang dalawang dahilan ang sinasabi ng manunulat sa bayan na dapat magpasalamat kay Yahweh?

Dapat silang magpasalamat kay Yahweh dahil siya ay mabuti at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili.

Psalms 118:5-7

Paano tumugon si Yahweh sa manunulat na tumatawag sa kaniya?

Sumagot si Yahweh sa kaniya at pinalaya siya.

Psalms 118:8-9

Sinasabi ng manunulat na mas mabuting manganlong kay Yahweh kaysa anong gawin?

Mas mabuting manganlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.

Psalms 118:10-14

Ano ang sinabi ng manunulat sa buong bansa na tulad ng nakapalibot sa kainya?

Sinabi niya ang buong bansa ay nakapalibot sa kaniya tulad ng mga bubuyog.

Psalms 118:15-16

Anong uri ng sigaw ang narinig sa mga tolda ng matuwid?

Ang kagalakang sigaw ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid.

Psalms 118:17-18

Ano ang hindi natapos ni Yahweh nang parusahan niya ng malupit ang manunulat?

Hindi inilagay ni Yahweh sa kamatayan.

Psalms 118:19-21

Ano ang ginawa ng manunulat nang buksan ni Yahweh ang mga tarangkahan ng matutuwid sa kanila?

Papasok ang manunulat sa tarangkahan ng matutuwid at magpapasalamat kay Yahweh.

Psalms 118:22-23

Ano ang nangyari sa bato ng tanggihan ng nagpapatayo?

Ang bato na tinanggihan ng nagpatatayo ay naging panulukang bato.

Psalms 118:24-25

Ano ang gagawin ng mga tao sa araw na kumilos si Yahweh?

Sila ay magagalak at magsasaya.

Psalms 118:26-28

Ano ang sinabi ng manunulat sa tao na dapat gawin sa mga handog?

Dapat silang magtali ng handog na may lubid sa mga sungay ng altar.

Psalms 118:29

Ano ang sinabi ng manunulat na gawin nila dahil si Yahweh ang kanilang Diyos?

Kaniyang pasasalamat at itatanghal si Yahweh

Psalms 119

Psalms 119:1-4

Paano sinasabi ng manunulat na dapat hanapin si Yahweh?

Dapat nila siyang hanapin ng buong puso.

Psalms 119:5-6

Ano ang sinasabi ng manunulat na mangyayari kung matatag siya sa pagsunod sa mga alituntunin ni Yahweh?

Sinasabi niya na hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag iniisip niya ang lahat ng mga kautusan ni Yahweh.

Psalms 119:7-8

Paano nagpapasalamat ang manunulat kay Yahweh?

Taos-puso siyang magpapasalamat sa kaniya.

Psalms 119:9-10

Paano sinasabi ng manunulat na mapananatiling dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas?

Mapananatiling dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas sa pamamagitan ng pagsunod sa salita ni Yahweh.

Psalms 119:11-12

Bakit iningatan ng manunulat ang salita ni Yahweh sa kaniyang puso?

Iningatan niya ang salita ni Yahweh sa kaniyang puso para hindi siya magkasala laban kay Yahweh.

Psalms 119:13-14

Sa ano nagagalak ang manunulat ng higit pa sa lahat ng kayamanan?

Nagagalak siya sa pamamaraan ng mga utos ni Yahweh sa tipan higit pa sa lahat ng kayamanan.

Psalms 119:15-16

Ano ang gagawin ng manunulat sa mga tagubilin ni Yahweh?

Iisipin niyang mabuti ang mga tagubilin ni Yahweh.

Psalms 119:17-18

Paano makikita ng manunulat ang mga bagay na kahanga-hanga sa batas ni Yahweh?

Makikita niya ang mga bagay na kahanga-hanga sa batas ni Yahweh kapag binuksan ni Yahweh ang kaniyang mga mata.

Psalms 119:19-20

Ano ang nangyayari sa kaluluwa ng manunulat habang nananabik siya na malaman ang matuwid na mga utos ni Yahweh?

Nadudurog ang kaluluwa niya ng pananabik na malaman ang mga matuwid na utos ni Yahweh.

Psalms 119:21-22

Sino ang sinasabi ng manunulat na isinumpa at naligaw mula sa mga kautusan ni Yahweh?

Ang mga mapagmalaki ang isinumpa at naligaw mula sa mga kautusan ni Yahweh.

Psalms 119:23-24

Ano ang ginagawa ng manunulat kahit na pinagpaplanuhan siya ng masama at sinisiraan ng mga pinuno?

Pag-iisipan niyang mabuti ang mga alituntunin ni Yahweh.

Psalms 119:25-26

Sa anong paraan hinihiling ng manunulat kay Yahweh na bigyan siya ng buhay?

Hinihiling niya kay Yahweh na bigyan siya ng buhay sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.

Psalms 119:27-28

Bakit nais ng manunulat na maunawaan ang mga kaparaanan ng mga tagubilin ni Yahweh?

Nais niyang maunawaan ang mga kaparaanan ng mga tagubilin ni Yahweh para mapag-isipan niya nang mabuti ang mga kamangha-manghang katuruan ni Yahweh.

Psalms 119:29-34

Mula sa anong landas hinihiling ng manunulat na ilayo siya ni Yahweh?

Hinihiling niya na ilayo siya ni Yahweh mula sa landas ng pandaraya.

Psalms 119:35-36

Saan hinihiling ng manunulat na akayin ni Yahweh ang kaniyang puso?

Hinihiling niya kay Yahweh na akayin ang kaniyang puso sa mga utos ni Yahweh sa tipan at ilayo mula sa mga bagay na hindi makatuwiran.

Psalms 119:37-42

Mula saan hinihiling ng manunulat kay Yahweh na ibaling ang kaniyang mga mata?

Hinihiling niya kay Yahweh na ibaling ang kaniyang mga mata mula sa pagtingin sa mga bagay na walang halaga.

Psalms 119:43-44

Ano ang hinihiling ng manunulat na huwag alisin ni Yahweh mula sa kaniyang bibig?

Hinihiling niya kay Yahweh na huwag alisin ang salita ng katotohanan sa kaniyang bibig.

Psalms 119:45-46

Bakit sinasabi ng manunulat na maglalakad siya nang ligtas?

Maglalakad siya nang ligtas dahil hinahanap niya ang mga tagubilin ni Yahweh.

Psalms 119:47-48

Ano ang sinasabi ng manunulat na labis niyang minamahal?

Labis niyang minamahal ang mga kautusan ni Yahweh.

Psalms 119:49-50

Ano ang hinihiling ng manunulat kay Yahweh na alalahanin?

Hinihiling niya kay Yahweh na alalahanin ang pangako niya sa kaniyang lingkod.

Psalms 119:51-52

Kahit na hinahamak siya ng mga mapagmalaki, ano ang hindi ginawa ng manunulat?

Hindi tumalikod ang manunulat sa batas ni Yahweh.

Psalms 119:53-56

Sa anong uri ng bahay sinasabi ng manunulat na naging mga awit niya ang mga alituntunin ni Yahweh?

Ang mga alituntunin ni Yahweh ang naging mga awit niya sa bahay na pansamantala niyang tinitirhan.

Psalms 119:57-60

Sa pamamagitan ng ano humiling ng kagandahang-loob ang manunulat kay Yahweh?

Buong puso siyang humihiling ng kagandahang-loob kay Yahweh.

Psalms 119:61-62

Ano ang hindi kinalimutan ng manunulat nang nabitag siya ng lubid ng masasama?

Hindi niya kinalimutan ang batas ni Yahweh.

Psalms 119:63-64

Ang manunulat ay kasamahan ng anong uri ng mga tao?

Kasamahan siya ng lahat ng mga nagpaparangal kay Yahweh, ng lahat ng mga sumusunod sa mga tagubilin niya.

Psalms 119:65-68

Bakit hinihiling ng manunulat kay Yahweh na turuan siya ng tamang pagpapasiya at pang-unawa?

Hinihiling niya kay Yahweh na turuan siya ng tamang pagpapasiya at pang-unawa dahil pinaniwalaan niya ang mga kautusan ni Yahweh.

Psalms 119:69-70

Ano ang ginawa ng manunulat nang siniraan siya sa mga kasinungalingan?

Pinanatili niya ang mga tagubilin ni Yahweh nang buong puso.

Psalms 119:71-72

Bakit sinasabi ng manunulat na nakabubuti sa kaniya na naghirap siya?

Nakabubuti para sa kaniya na naghirap siya para matutunan niya ang mga alituntunin ni Yahweh.

Sinasabi ng manunulat na mas mahalaga sa kaniya ang mga tagubilin mula sa bibig ni Yahweh kaysa sa ano?

Ang mga tagubilin mula sa bibig ni Yahweh ay mas mahalaga sa kaniya kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak.

Psalms 119:73-74

Bakit sinasabi ng manunulat na matutuwa ang mga nagpaparangal kay Yahweh kapag nakikita nila ang manunulat?

Matutuwa sila kapag nakikita nila ang manunulat dahil nakatagpo siya ng pag-asa sa salita ni Yahweh.

Psalms 119:75-78

Paano sinasabi ng manunulat na pinahirapan siya ni Yahweh?

Dahil sa katapatan, pinahirapan siya ni Yahweh.

Psalms 119:79-80

Sinasabi ng manunulat na maging malinis nawa ang kaniyang puso nang may paggalang sa mga alituntunin ni Yahweh para ano ang maaaring mangyari?

Nais niya na maging malinis ang kaniyang puso nang may paggalang sa mga alituntunin ni Yahweh para hindi malagay sa kahihiyan ang manunulat.

Psalms 119:81-84

Ano ang pinanabikan na makita ng mga mata ng manunulat?

Pinananabikan ng kaniyang mga mata na makita ang pangako ni Yahweh.

Psalms 119:85-86

Paano nilabag ng mga mapagmalaki ang batas ni Yahweh?

Nagbungkal ng mga hukay ang mga mapagmalaki para sa manunulat, na nilalabag ang batas ni Yahweh.

Psalms 119:87-88

Pinananalangin ng manunulat na panatilihin siyang buhay ni Yahweh para magawa niya ang ano?

Hinihiling niya kay Yahweh na panatilihin siyang buhay para maingatan niya ang mga utos sa tipan na sinabi ni Yahweh.

Psalms 119:89-92

Hanggang kailan mananatili ang katapatan ni Yahweh?

Mananatili ang katapatan ni Yahweh sa lahat ng mga salinlahi.

Psalms 119:93-94

Bakit hindi kalilimutan ng manunulat ang mga tagubilin ni Yahweh?

Hindi niya kailanman kalilimutan ang mga tagubilin ni Yahweh, dahil pinanatili siyang buhay ni Yahweh sa pamamagitan nito.

Psalms 119:95-98

Ano ang nag-iisang bagay na walang hangganan?

Ang mga kautusan ni Yahweh ay malawak at walang hangganan.

Psalms 119:99-102

Bakit sinasabi ng manunulat na mayroon siyang higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng kaniyang mga guro?

Mayroon siyang higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng kaniyang mga guro dahil pinagbubulay-bulayan niya ang mga utos ni Yahweh sa tipan.

Psalms 119:103-104

Sinasabi ng manunulat na ang mga salita ni Yahweh ay mas matamis kaysa sa anong bagay?

Mas matamis ang mga salita ni Yahweh kaysa sa pulot sa bibig ng manunulat.

Psalms 119:105-110

Ano ang isang bagay na pinangako at pinagtibay ng manunulat?

Pinangako niya at pinagtibay na susundin niya ang mga utos ni Yahweh.

Psalms 119:111-112

Ano ang inaangkin ng manunulat bilang kaniyang mana magpakailanman at kagalakan ng kaniyang puso?

Inaangkin niya ang mga utos ni Yahweh sa tipan bilang kaniyang mana magpakailanman, dahil ang mga ito ang kagalakan ng kaniyang puso.

Psalms 119:113-116

Yamang ang Yahweh ang kaniyang kublihan at kalasag, ano ang hinihintay ng manunulat?

Naghihintay ang manunulat para sa salita ni Yahweh.

Psalms 119:117-118

Bakit itinatakwil ni Yahweh ang lahat ng mga nalilihis sa kaniyang mga alituntunin?

Itinatakwil niya ang lahat ng mga nalilihis mula sa kaniyang mga alituntunin dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.

Psalms 119:119-122

Ano ang kinatatakutan ng manununlat na nagpanginig sa kaniya?

Nanginginig ang kaniyang katawan sa takot kay Yahweh.

Psalms 119:123-124

Para sa ano naghihintay ang manunulat na napapagal ang kaniyang mga mata?

Naghihintay siya para sa kaligtasan ni Yahweh at para sa kaniyang matuwid na salita.

Psalms 119:125-126

Bakit humihingi ang manunulat kay Yahweh ng pang-unawa?

Humihingi siya ng pang-unawa para malaman niya ang mga utos sa tipan ni Yahweh.

Psalms 119:127-128

Ano ang kinapopootan ng manunulat?

Kinapopootan niya ang bawat landas ng kamalian.

Psalms 119:129-130

Ano ang ibinibigay ng paglalahad ng mga salita ni Yahweh?

Ang paglalahad ng mga salita ni Yahweh ay nagbibigay ng liwanag at pang-unawa sa mga hindi naturuan.

Psalms 119:131-132

Ano ang laging ginagawa ni Yahweh para sa mga nagmamahal sa kaniyang pangalan?

Laging humaharap si Yahweh sa kanila at nahahabag.

Psalms 119:133-134

Bakit hinihiling ng manunulat na tubusin siya ni Yahweh mula sa pang-aapi ng mga tao?

Hinihiling niya kay Yahweh na tubusin siya para masunod niya ang mga tagubilin nito.

Psalms 119:135-136

Bakit napakaraming mga luha ang umaagos mula sa mga mata ng manunulat?

Napakaraming mga luha ang umaagos mula sa kaniyang mga mata dahil hindi sinusunod ng mga tao ang batas ni Yahweh.

Psalms 119:137-140

Sa anong paraan ibinigay ni Yahweh ang kaniyang mga utos sa tipan?

Matuwid at matapat na ibinigay ni Yahweh ang mga utos niya sa tipan.

Psalms 119:141-142

Ano ang hindi ginawa ng manunulat sa kabila ng katotohanang siya ay walang halaga at hinamak?

Hindi niya kinakalimutan ang mga tagubilin ni Yahweh.

Psalms 119:143-144

Ano ang mga kautusan ni Yahweh sa manunulat, kahit na natagpuan siya ng pag-aalala at paghihirap?

Kahit na natagpuan siya ngpag-aalala at paghihirap, ang kautusan pa rin ni Yahweh ang kaniyang kasiyahan.

Psalms 119:145-150

Ano ang gagawin ng manunulat kung ililigtas siya ni Yahweh?

Susundin niya ang mga utos ni Yahweh sa tipan.

Psalms 119:151-152

Ano ang natutunan ng manunulat noon mula sa mga utos ni Yahweh sa tipan?

Natutunan niya na maayos na itinakda ni Yahweh ang kaniyang mga utos sa tipan magpakailanman.

Psalms 119:153-154

Bakit sinasabi ng manunulat na dapat tingnan ni Yahweh ang kaniyang paghihirap at tulungan siya?

Dapat siyang tulungan ni Yahweh dahil hindi kinakalimutan ng manunulat ang batas ni Yahweh.

Psalms 119:155-156

Bakit malayo ang kaligtasan sa mga masasama?

Malayo ang kaligtasan sa masasama dahil hindi nila minamahal ang mga alituntunin ni Yahweh.

Psalms 119:157-158

Bakit kasuklam-suklam ang pagtingin ng manunulat sa mga mandaraya?

Kasuklam-suklam ang pagtingin niya sa mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang salita ni Yahweh.

Psalms 119:159-160

Gaano katagal mananatili ang lahat ng mga utos ni Yahweh?

Ang lahat ng mga utos ni Yahweh ay mananatili magpakailanman.

Psalms 119:161-162

Ano ang kinatatakutan ng manunulat kapag inuusig siya ng mga prinsipe ng walang dahilan?

Natatakot siyang suwayin ang mga salita ni Yahweh.

Psalms 119:163-166

Gaano kadalas pinupuri ng manunulat si Yahweh dahil sa kaniyang matuwid na mga utos?

Pinupuri niya si Yahweh pitong beses sa isang araw.

Psalms 119:167-168

Bakit iniingatan ng manunulat ang mga tagubilin at banal na kautusan ni Yahweh?

Iniingatan niya ang mga tagubilin at banal na kautusan ni Yahweh dahil alam ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng manunulat.

Psalms 119:169-170

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gagawin niya sa kaniyang salita?

Pinangako ni Yahweh sa kaniyang salita na tutulungan niya ang manunulat sa kaniyang pagmamakaawa na makarating sa harap ni Yahweh.

Psalms 119:171-174

Bakit hinihiling ng manunulat kay Yahweh na hayaan ang kaniyang mga dila na umawit tungkol sa kaniyang salita?

Nais niyang umawit ang kaniyang dila tungkol sa salita ni Yahweh dahil lahat ng mga kautusan ni Yahweh ay matuwid.

Psalms 119:175-176

Ano ang hinihiling ng manunulat kay Yahweh na gawin kapag naligaw siya tulad ng nawalang tupa?

Hinihiling niya kay Yahweh na hanapin ang kaniyang lingkod, dahil hindi niya kinalimutan ang mga kautusan ni Yahweh.

Psalms 120

Psalms 120:1-2

Ano ginawa ni Yahweh na ang manunulat ay tumatawag sa kaniyang kahirapan?

Sinabi ng manunulat na sinagot siya ni Yahweh.

Ano ang hinihiling ng manunulat kay Yahweh na gawin sa kaniyang kaluluwa?

Hinihiling ng manunulat kay Yahweh na iligtas ang kaniyang kaluluwa, mula sa mga sinungaling at sa nandadaya gamit ang kanilang dila.

Psalms 120:3-4

Ano ang sinasabi ng manunulat sa mga tao na gagawin ni Yahweh sa mga may mandarayang dila?

Papanain sila ni Yahweh ng mga matalim na mga pana at kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo.

Psalms 120:5-7

Saan sinasabi ng manunulat na pansamantala siyang naninirahan at nanirahan dati?

Sinabi ng manunulat na pansamantala siyang nanirahan sa Mesech; at dating nanirahan sa mga tolda ng Kedar.

Ano ang sinabi ng manunulat patungkol sa kapayapaan?

Sinabi ng manunulat na matagal siyang nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan at siya ay para sa kapayapaan.

Psalms 121

Psalms 121:1-2

Ano ang titingnan ng mga mata ng manunulat?

Sinabi ng manunulat na titingin siya sa mga bundok?

Mula kanino sinabi ng manunulat dumating ang kaniyang saklolo?

Sinabi ng manunulat na nanggaling ang kaniyang sasaklolo kay Yahweh.

Psalms 121:3-4

Paano tutulungan ni Yahweh ang manunulat?

Hindi hahayaan ni Yahweh na madulas ang paa ng manunulat at iingatan siya.

Ano ang sinabi ng manunulat na hindi kailanman ginagawa ng tagapag-alaga ng Israel?

Ang tagapag-alaga ng Israel hindi kailanman iidlip o matutulog.

Sino ang tagapag-alaga at lilim ng Israel?

si Yahweh ang tagapag-alaga at lilim ng kanilang kanang kamay.

Psalms 121:5-6

Ano hindi makakasakit sa Israel?

Hindi sila masasaktan ng araw sa umaga, ni ang buwan sa gabi.

Psalms 121:7-8

Sino ang mangangalaga sa Israel mula sa lahat ng kasamaan, mag-iingat sa kanilang kaluluwa, at mangangalaga sa lahat ng kanilang gagawin?

Pangangalagan sila ni Yahweh sa lahat ng kapahamakan, at kaniyang iingatan ang kanilang kaluluwa at pangangalagaan sila sa lahat ng kanilang gagawin.

Psalms 122

Psalms 122:1-3

Ano ang ang sinabi kay David para siya ay magalak?

"Pumunta tayo sa tahanan ni Yahweh" ang sinabi kay David.

Saan nakatayo ang mga paa ng mga tao?

Ang kanilang mga paa ay nakatayo sa loob ng tarangkahan ng Jerusalaem?

Paano itinayo ang Jerusalem?

Itinayo ang Jerusalem tulad ng isang lungsod na siksik na pinagsama.

Psalms 122:4-5

Bakit ang mga angkan ay umakyat ng Jerusalem?

Umakyat ng Jerusalem ang mga angkan para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh.

Bakit umupo ang mga pinuno sa trono ng Jerusalem?

Ang mga pinuno ay umupo sa mga trono. para hatulan ang sambahayan ni David.

Psalms 122:6-7

Ano ang mangyayari sa mga nagmamahal sa Jerusalem?

Ang mga nagmamahal sa Jerusalem ay mananagana.

Ano ang gusto ni David para sa loob ng mga pader at sa mga tore ng Jerusalem?

gusto niya ng kapayapaan sa loob ng mga pader at kasaganahan sa mga tore.

Psalms 122:8-9

Para kaninong kapakanan ang sinasabi ni David, "nawa ang kapayapaan ay sumainyo?"

Sinabi ito ni David para sa mga kapakanan ng kaniyang mga kapatid at mga kasama.

Bakit sinabi ni David na kaniyang ipapanalangin ang kabutihan ng Jerusalem?

Ipapanalangin niya ang kabutihan ng Jerusalem sa kapakanan ng tahanan ni Yahweh.

Psalms 123

Psalms 123:1-2

para kanino tumitingin ang manunulat?

Tumitingin ang manunulat sa isang nakaupo sa trono ng kalangitan.

Gaanong katagal nakatingin ang mga tao kay Yahweh na kanilang Diyos?

Nakatingin sila kay Yahweh hanggang siya ay magkaroon ng awa sa kanila.

Psalms 123:3-4

Bakit hiningi ng mga tao kay Yahweh na magkaroon ng awa sa kanila?

Ang mga tao ay puno ng kahihiyan, sila ay labis pa sa pangungutya ng mga walang-galang at paghamak ng mapagmalaki.

Psalms 124

Psalms 124:1-3

Ano ang mangyayari kung wala si Yahweh sa panig ng Israel nang lumusob ang mga tao laban sa kanila?

Kung si Yahweh ay wala sa panig ng Israel, ang mga taong laban sa kanila ay nalamon na sila ng buhay.

Psalms 124:4-5

Ano ang maaring nagawa ng tubig, malakas na tubig, rumaragasang tubig sa Israel?

Maaring tinangay sila ng tubig, maaring nilamon sila ng tubig at maaring nalunod sila sa rumaragasang tubig."

Psalms 124:6-7

Ano ang ginawa ng mga tao nang hindi sila pahintulutan ni Yahwehn na magutay-gutay sa pamamagitan ng mga ngipin ng kanilang kaaway?

Pinagpala ng mga tao si Yahweh.

tulad ng ano ang pagtakas ng mga Israelita?

Ang kanilang pagtakas ay tulad ng nakatakas na ibon mula sa mga manghuhuli.

Psalms 124:8

Mula saan sinabi ni David na nagmumula ang saklolo?

Ang kanilang saklolo ay mula kay Yahweh na siyang lumikha ng langit at lupa.

Psalms 125

Psalms 125:1-3

Tulad ng ano ang mga nagtitiwala kay Yahweh?

Tulad sila ng Bundok ng Sion, di matitinag, at mananatili magpakailanman .

Saan inihalintulad ng manunulat ang paraan nang pagpalibot ni Yahweh sa kaniyang bayan?

Inihalintulad ng manunulat ang paraan ng pagpalibot ni Yahweh sa kaniyang bayan sa mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, ngayon at magpakailanman.

Ano ang hindi dapat mamuno sa lupain ng matutuwid?

Ang setro ng kasaman ang hindi dapat mamuno sa lupain ng matutuwid.

Psalms 125:4-5

Kanino hiniling ng manunulat na gumawa ng mabuti si Yahweh?

Hiniling niya na gumawa ng mabuti si Yahweh sa kanilang mga matuwid sa kanilang mga puso.

Ano ang mangyayari sa mga lumihis sa kanilang masasamang pamamaraan?

Ilalayo sila ni Yahweh sa mga gumagawa ng masama.

Ano ang gusto ng manunulat sa Israel?

Gusto ng manunulat sa Israel na magkaroon ng kapayapaan.

Psalms 126

Psalms 126:1

Tila tulad ng ano pag binalik muli ni Yahweh ang pagiging maayos sa Sion?

Tila ito ay tulad ng mga nanaginip.

Psalms 126:2-3

Ano ang pumuno sa bibig ng mga tao nang ibinalik muli ni Yahweh ang kapalaran sa Sion?

Napuno ang kanilang mga bibig ng tawanan at kanilang mga dila ng awitan.

Psalms 126:4-6

Ano ang hiniling ng manunulat kay Yahweh?

Hiniling ng manunulat na ibalik muli ni Yahweh ang kanilan kapalaran.

Ano ang mangyayari sa mga naghahasik ng mga luha?

Sila ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.

Ano ang mangyayari sa taong lumabas na umiiyak at daladala ang binhi para maghasik?

Babalik siya na may sigaw para sa kagalakan, dala-dala ang kaniyang bungkos.

Psalms 127

Psalms 127:1-2

Ano ang mangyayari kung hindi itinayo ni Yahweh ang bahay at binantayan ang lungsod?

Kapag hindi itinayo ni Yahweh ang bahay ang trabaho ng mga gumawa nito ay walang saysay at kung hindi si Yahweh ang magbabantay sa lungsod walang saysay ang pagtayo ng tagabantay.

Ano ang binibigay ni Yahweh sa kaniyang minamahal?

Binibigyan ni Yahweh ng tulog ang kaniyang minamahal.

Psalms 127:3-5

Ano ang mga pamana at gantimpala na mula kay Yahweh?

Ang mga bata ay isang pamana at ang bunga sa sinapupunan ay isang gantimpala mula kay Yahweh.

Saan tulad ang mga anak ng isang kabataan?

Ang mga bata ay tulad ng mga palaso sa kamay ng mandirigma.

Kailan hindi mailalagay sa kahihiyan ang taong pinagpala, na puno ng mga bata ang kaniyang talangga?

Hindi siya mailalagay sa kahihiyan kapag hinarap siya ng kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.

Psalms 128

Psalms 128:1-2

Ano ang mangyayari sa mga taong nagpaparangal kay Yahweh at lumalakad sa kaniyang kaparaanan?

Lahat ng nagpaparangal kay Yahweh at lumalakad sa kaniyang kaparaanan ay mapalad.

Ano ang sinabi na mangyayari sa taong nagagalak sa kung ano ang ibinigay ng kaniyang kamay?

Ang taong iyon ay pagpapalain at mananagana.

Psalms 128:3-6

Saan tulad sinabi ng manunulat ang asawang babae ng isang pinagpalang tao?

Siya ay tulad ng isang mabungang ubasan.

Saan tulad sinabi ng manunulat ang mga anak ng isang pinagpalang tao?

Ang kaniyang mga anak ay tulad ng mga dahon ng olibo.

Anong ang mangyayari sa mga taong ngpaparangal kay Yahweh?

Ang mga taong nagpaparangal kay ay pinagpala.

Ano ang hiniling ng manunulat na gawin ni Yahweh para sa taong pinagpala mula sa Sion?

Hiniling ng manunulat sa taong mula sa Sion na nawa'y makita ang kasaganahan ng Jerusalem sa buong bahay niya at mabuhay siya para makita ang anak ng kaniyang mga anak.

Psalms 129

Psalms 129:1-3

Gaano katagal napailalim sa paglusob ang Israel at hindi natalo?

Nilusob ang Israel at hindi natalo simula ng kabataan nito.

Ano ang ginawa ng mga mang-aararo sa likuran ng Israel?

Ang mga mang-aararo ay nag-araro sa likuran ng Israel at ginawa itong mahaba.

Psalms 129:4-5

Ano ang ginawa ni Yahweh na matuwid para sa Israel?

Pinutol ni Yahweh ang mga lubid ng masama.

Ano ang nais na mangyari ng manunulat sa mga napopoot sa Sion?

Nais niyang malagay sila sa kahihiyan at tumalikod.

Psalms 129:6-8

Ano ang hindi nais ng manunulat na sabihin ng mga dadaan?

hindi niya gustong sabihin nila, "Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh."

Psalms 130

Psalms 130:1-2

Ano ang iniyak ng manunulat kay Yahweh?

Ang manunulat na marinig ng Panginoon ang kaniyang boses at magtuon sa kaniyang pagsusumamo.

Psalms 130:3-4

Bakit sinabi ng manunulat na si Yahweh ay dapat igalang?

Dapat igalang si Yahweh dahil sa kaniya ay may kapatawaran.

Psalms 130:5-6

Kanino naghihintay at umaasa ang kaluluwa ng manunulat?

Ang kaniyang kaluluwa ay naghihintay kay Yahweh at sa kaniyang salita siya umaasa.

Psalms 130:7-8

Bakit sinabi ng manunulat sa Israel na umasa kay Yahweh?

Dahil si Yahweh ay maawain, nagnanais na magpatawad, at kaniyang tutubusin ang Israel mula sa lahat ng kasalanan.

Psalms 131

Psalms 131:1

Paano inilarawan ni David ang kaniyang puso at mga mata?

Ang kaniyang puso ay hindi mapagmalaki at ang kaniyang mga mata ay hindi mapagmataas.

Psalms 131:2-3

Ano ang katulad ng kaluluwa ni David?

Ang kaniyang kaluluwa ay nanatili at tahimik tulad ng batang nawalay sa kaniyang ina.

Kailan sinabi ni David sa Israel na umaasa kay Yahweh?

Sinabi niya na umasa sila kay Yahweh ngayon at magpakailanman.

Psalms 132

Psalms 132:1-2

Ano ang hiniling ng manunulat na alalahanin ni Yahweh?

Hiniling ng manunulat na alalahanin ni Yahweh ang paghihirap ni David, kung paano siya nangako kay Yahweh, at kung paano namanata sa Makapangyarihan Diyos ni Jacob.

Psalms 132:3-5

Ano ang pinanata ni David na hindi siya papasok sa kaniya tahanan at matutulog hanggang sa ano ang kaniyang gawin?

Sinabi niya na hindi siya matutulog hanggang makahanap siya ng lugar kay Yahweh, isang tabernakulo para sa Makapangyarihan Diyos ni Jacob.

Psalms 132:6-8

Saan pupunta ang mga tao at ano ang kanilang gagawin kapag naroon na sila?

Pupunta sila sa tabernakulo ng Diyos at sasambahin siya sa kaniyang tuntungan.

Psalms 132:9-10

Ano ang babalot sa mga pari at ang isisigaw para sa kagalakan?

Ang mga pari ay babalutan ng katapatan at ang matapat sa Diyos ay makasisigaw para sa kagalakan.

Kanino dapat hindi tumalikod silang mga tapat?

Hindi dapat sila tumalikod sa kanilang hinirang na hari.

Psalms 132:11-12

Ano ang panatang pinangako ni Yahweh kay David?

Nangako si Yahweh na magiging mapagkakatiwalaan para kay David.

Psalms 132:13-14

Saan nais ng manunulat na magpahinga at mamuhay magpakailanman?

Ninais niya na magpahinga at mamuhay sa Sion na pinili ni Yahweh.

Psalms 132:15-16

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa Sion?

Kaniyang pagpapalain siya ng masagana, papawiin ang kaniyang paghihirap sa pamamgitan ng tinapay, at dadamitan ang kaniyang mga pari ng kaligtasan.

Psalms 132:17-18

Sino ang dadamitan ni Yahweh ng kahihiyan?

Dadamitan niya ang kaniyang mga kaaway na may kahihiyan

Psalms 133

Psalms 133:1

Ano ang sinabi ni David tungkol sa kaniyang mga kapatiran?

Sinabi niya na mabuti at kaaya-aya para sa kanila na manatili ng magkakasama sa pagkakaisa.

Psalms 133:2-3

Ano ang tulad ng pagkakaisa ng kapatiran ayon kay David?

Tulad ito ng mamahaling langis na dumadaloy sa ulo, balbas at sa kasuotan ni Aaron. Tulad din ito ng hamog ng Hermon na bumababa sa bundok ng Sion.

Saan inutos ni Yahweh ang pagpapala ng buhay magpakailanman?

Iniutos niya ang buhay magpakailanman sa bundok ng Sion.

Psalms 134

Psalms 134:1-2

Ano ang dapat gawin ng lahat ng mga lingkod ni Yahweh?

Dapat silang pumunta, papurihan si Yahweh, at itaas ang kanilang mga kamay sa banal na lugar.

Psalms 134:3

Saan pagpapalain ni Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa, ang kaniyang mga lingkod?

Pagpapalain niya sila mula sa Sion.

Psalms 135

Psalms 135:1-2

Sino ang dapat pumuri kay Yahweh?

Ang mga lingkod ni Yahweh, ang mga nakatayo sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa patyo ay dapat purihin si Yahweh.

Psalms 135:3-4

Bakit dapat purihin at awitan si Yahweh ng kaniyang mga lingkod?

Dapat nilang purihin si Yahweh dahil siya ay mabuti, at dapat nilang awitan dahil ito ay kaaya-ayang gawin.

Psalms 135:5-6

Ano ang alam ng manunulat tungkol kay Yahweh?

Alam niyang si Yahweh ay dakila, mataas sa lahat ng mga diyos, at kahit na ano ang kaniyang naisin ay ginagawa niya sa langit, lupa at sa mga dagat.

Psalms 135:7

Ano ang mga ginagawa ni Yahweh para ipakita ang kaniyang kadakilaan?

Nilagay niya ang mga ulap, gumagawa ng lumiliwanag na kidlat kasama ng ulan, at nagdadala ng hangin mula sa imbakan.

Psalms 135:8-11

Ano ang ginawa ni Yahweh sa ma taga-Ehipto?

Pinatay niya ang lahat ng panganay na anak ng tao at mga hayop sa Ehipto at pinadala ang mga tanda at kababalaghan laban sa paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod.

Psalms 135:12-13

Ano ang ginawa ni Yahweh sa lupain ng mga bansa nang nilusob ng mga Israelita?

Binigay niya ang kanilang lupain bilang pamana sa bayan ng Israel.

Psalms 135:14-18

Ano ang imahe ng mga diyus-diyosan ng mga bansa?

Sila ay gawa sa pilak at ginto, mayroong mga bibig, mga mata, at mga tainga pero hindi sila nakapagsasalita, nakakakita, nakaririnig, ni nakahihinga.

Sino ang gumawa ng mga diyus-diyosan ng bansa?

Ang mga tao na tulad nila at nagtitiwala sa kanila ang gumawa sa kanila.

Psalms 135:19-21

Sino ang dapat pumuri kay Yahweh?

Ang kaapu-apuhan ng Israel, Aaron, Levi, at silang mga nagparangal kay Yahweh ang dapat magpuri sa kaniya.

Psalms 136

Psalms 136:1-3

Bakit dapat magbigay ng pasasalamat ang mga tao kay Yahweh?

Dapat silang magbigay ng pasasalamat kay Yahweh dahil siya ay mabuti, at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.

Psalms 136:4-9

Ano ang ginagawa ni Yahweh na hindi kayang gawin ng sinuman?

Si Yahweh lamang ang kayang gumawa ng kamangha-manghang kadakilaan.

Psalms 136:10-12

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga panganay na anak sa Ehipto?

Pinatay niya ang mgapanganay na anak sa Ehipto.

Psalms 136:13-15

Ano ang ginawa ni Yahweh para sa Israel nang hinati niya sa dalawa ang dagat na pula?

Ginawa niyang makadaan ang mga Israelita sa gitna ng dagat na pula.

Psalms 136:16-20

Paano naging tapat si Yahweh sa kaniyang bayan?

Dinala niya ang kaniyang bayan sa ilang.

Psalms 136:21-23

Ano ang ginawa ni Yahweh sa lupain ng mga dakilang hari?

Binigay niya ang kanilang mga lupain bilang pamana sa Israel na kaniyang lingkod.

Psalms 136:24-26

Bakit sinabi ng manunulat para magpasalamat sa Diyos ng langit?

Ang mga tao ay dapat magpasalamat sa kaniya dahil sa kaniyang katapatan.

Psalms 137

Psalms 137:1-2

Saan umupo at umiyak ang mga bihag?

Sila ay nasa tabi ng ilog ng Babilonia.

Psalms 137:3-4

Ano ang inutos ng mga manlulupig na awitin ng mga bihag?

Ang mga manlulupig ay inatas na sila ay maging masaya at umawit ng mga awit ng Sion.

Psalms 137:5-6

Ano ang gustong mangyari ng manunulat kapag kaniyang nakalimutan ang Jerusalem at hindi na iniisip si Yahweh?

Nais niyang ang kaniyang kanang kamay ay malimutan ang kaniyang mga kakayahan at kaniyang dila na dumikit sa kaniyang ngala-ngala.

Psalms 137:7

Ano ang nais ng manunulat na maalala ni Yahweh tungkol sa Edomita?

Ninais niya na maalala ni Yahweh ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem, "Wasakin ito, wasakin ito hanggang sa pundasyon nito".

Psalms 137:8-9

Sino ang gustong pagpalain ng manunulat?

Gusto niyang pagpalain ang tao na sisira sa Babilonia.

Psalms 138

Psalms 138:1-2

Ano ang dinakila ng higit sa lahat ni Yahweh?

Dinakila niya ang kanyang salita at ang kaniyang pangalan higit sa lahat.

Psalms 138:3-4

Anong ginawa ni Yahweh para kay David nang tumawag siya sa kaniya?

Sinagot siya ni Yahweh, at pinalakas ang loob at ang kaluluwa.

Ano ang gagawin ng mga hari sa mundo?

Magpapasalamat sila para sa mga salita ni Yahweh.

Psalms 138:5-6

Para kanino nag-aaruga si Yahweh?

Nag-aaruga siya sa mga mabababa.

Psalms 138:7-8

Sino ang hiniling ni David na huwag pabayaan ni Yahweh?

Hiniling niya na huwag pabayaan ni Yahweh ang mga nilikha ng kaniyang mga kamay.

Psalms 139

Psalms 139:1-2

Ano ang nauunawaan ni Yahweh kahit siya ay malayo?

Nauunawaan ni Yahweh ang saloobin ni David kahit siya ay malayo.

Psalms 139:3-6

Paano tumugon si David sa kaalaman na si Yahweh ay ganap na nakapalibot kay David?

Ang kaalaman na iyon ay labis para kay David, napakataas nito at hindi niya kayang unawain ito.

Psalms 139:7-10

Saan maaaring hindi makapunta si David para makatakas mula sa presensiya ni Yahweh, dahil naroon siya?

Hindi siya makakaakyat sa kalangitan o gumawa ng higaan sa sheol para makatakas dahil si Yahweh ay naroon.

Psalms 139:11-12

Paano ang kadiliman at ang liwanag ay magkaiba kay Yahweh?

Ang kadiliman at liwanag ay katulad ni Yahweh.

Psalms 139:13-14

Saan hinulma ni Yahweh si David?

Siya ay hinulma sa sinapupunan ng kaniyang ina.

Psalms 139:15-16

Kailan itinala ni Yahweh ang mga araw ng buhay ni David?

Itinala ang lahat ng mga araw ni David sa libro ni Yahweh bago pa mangyari ang nauna.

Psalms 139:17-18

Paano inilarawan ni David ang kaisipan ng Diyos?

Sila ay napakahalaga at napakalawak para bilangin.

Psalms 139:19-22

Ano ang gusto ni David na gawin ng Diyos sa mga masasama at marahas na tao?

Gusto ni David na patayin ng Diyos ang masasama at palayuin ang marahas na tao sa kaniya.

Psalms 139:23-24

Sa anong daan gusto ni David na pangunahan siya ng Diyos?

Hiniling ni David sa Diyos na pangunahan siya sa daan ng walang hanggan.

Psalms 140

Psalms 140:1-3

Mula kanino kailangan sagipin ni Yahweh si David?

Kailangan ni David si Yahweh para sagipin siya mula sa masasama para mapangalagaan siya mula sa mararahas na mga tao.

Ano ang sinabi ni David na katulad ng masasama?

Kaniyang sinabi na ang kanilang mga dila ay nakakasugat tulad ng mga ahas at sila ay may lason ng ulupong na nasa kanilang mga labi.

Psalms 140:4-5

Ano ang planong gawin ng mga mararahas na tao kay David?

Plano nilang patumbahin siya.

Ano ang inihanda ng mapagmalaki para kay David?

Naghanda sila ng patibong para sa kaniya; nagkalat ng lambat at naghanda sila ng silo.

Psalms 140:6-8

Saan hiniling ni David na makinig si Yahweh?

Hiniling ni David na makinig si Yahweh sa kaniyang mga paghingi ng awa.

Ano ang ginawa ni Yahweh para kay David sa araw ng labanan?

Nilagyan ng panangga ni Yahweh ang ulo ni David sa araw ng labanan.

Psalms 140:9-11

Ano ang gusto ni David para matabunan ang mga nakapalibot sa kaniya?

Gusto ni David na ang kalokohan ng kanilang sariling mga labi na tabunan sila.

Ano ang gustong mangyari ni David sa mga nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa iba?

Gusto ni David na ang sinumang nagsasabi ng masasamang mga bagay tungkol sa iba ay hindi mailigtas sa mundo

Psalms 140:12-13

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga nasaktan at nangangailangan?

Pananatilihin ni Yahweh ang sanhi ng mga nasaktan at magpapatuloy ng katarungan para sa mga nangangailangan.

Ano ang tiyak na gagawin ng mga matutuwid tao?

Ang mga matutuwid tao ay tiyak na magpapasalamat sa ngalan ni Yahweh.

Ano ang mangyayari sa matutuwid na tao?

Sila ay mamumuhay sa presensya ni Yahweh.

Psalms 141

Psalms 141:1-2

Ano ang itinatawag ni David kay Yahweh?

Siya ay tumatawag kay Yahweh na lumapit ng mabilis at makinig sa kaniya kapag siya ay tumawag.

Ano ang gusto ni David na maging tulad ng kaniyang panalangin at pagtaas ng mga kamay kay Yahweh?

Gusto ni David na ang kaniyang panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan ni Yahweh at ang nakataas niyang mga kamay ay maging gaya ng alay sa gabi.

Psalms 141:3-4

Ano ang hindi gusto ni David na gawin ng kaniyang puso?

Gusto ni David na hindi naisin ng kaniyang puso ang kahit anong masamang bagay, o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong masama, at hindi makakain ng kahit anong masarap na pagkain ng masamang tao.

Psalms 141:5-7

Ano ang sinabi ni David na magiging tulad ang pananakit sa kaniya ng matuwid na tao?

Sinabi niya na kapag ang matuwid na tao ay sinaktan siya, ito ay kabutihan sa kaniya.

Ano ang sinabi ni David na magiging tulad ng pagtatama sa kaniya ng mga matuwid?

Sinabi niya na ito ay magiging gaya ng langis sa kaniyang ulo.

Saan palaging laban ang panalangin ni David?

Siya ay palaging nanalangin nang laban sa mga gawa ng masasamang tao.

Ano ang mangyayari sa pinuno ng masasamang tao?

Ang kanilang mga pinuno ay itatapon mula sa itaas ng bangin at maririnig na ang mga sariling salita ni David ay kaaya-aya.

Sino ang makakapagsabi "gaya ng isang nag-aararo at magbubungkal ng lupa, gayon din ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol."

Ang masasama ang makakapagsabi, "gaya ng isang nag-aararo at magbubungkal ng lupa, gayon din ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol."

Psalms 141:8-10

Kanino nakatuon ang mga mata ni David?

Nakatuon ang mga mata ni David kay Yahweh, ang Panginoon.

Mula saan gusto ni David na pangalagaan siya ni Yahweh?

Gusto ni David na pangalagaan siya mula sa mga bitag na inilatag para sakaniya, at mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama.

Ano ang gustong mangyari ni David sa masasama?

Gusto ni David na ang masasama ay mahulog sa kanilang sariling lambat habang siya ay tumatakas.

Psalms 142

Psalms 142:1-2

Ano ang ibinuhos ni David kay Yahweh?

Ibinuhos ni David ang pagdadalamhati para sabihin kay Yahweh ang kaniyang mga kaguluhan.

Psalms 142:3-5

Ano ang alam ni Yahweh kapag ang espiritu ni David ay nanghina?

Alam ni Yahweh ang landas ni David kapag ang kaniyang espiritu ay nanghina.

Ano ang nakikita ni David kapag siya ay tumitingin sa kanan?

Nakikita ni David na walang kumakalinga sa kaniyang buhay, at walang takas para sa kaniya.

Ano para kay David si Yahweh?

Si Yahweh ay ang kublihan ni David, at ang kaniyang bahagi sa lupain ng mga namumuhay.

Psalms 142:6-7

Bakit kailangan ni David si Yahweh para sagipin siya sa kaniyang mga taga-usig?

Hiniling ni David na sagipin siya mula sa kaniyang mga taga-usig dahil sila ay mas malakas kaysa kay David.

Bakit ang matutuwid ay nagtitipon-tipon sa paligid ni David?

Ang matutuwid ay nagtitipon-tipon sa paligid ni David dahil si Yahweh ay naging mabuti sa kaniya."

Psalms 143

Psalms 143:1-2

Bakit ayaw ni David na hatulan siya ni Yahweh?

Ayaw ni David na hatulan siya dahil walang matuwid sa paningin ni Yahweh.

Psalms 143:3-4

Anong ginawa ng kaaway kay David?

Hinangad ng kaaway ang kaniyang kaluluwa; ibinaon siya sa lupa; pinilit siyang mamuhay sa kadiliman.

Anong ginawang mangyari ng kaaway sa espiritu at puso ni David?

Ang espiritu ni David ay nanglulupaypay at ang kaniyang puso ay nawalan ng pag-asa.

Psalms 143:5-6

Paano inilarawan ni David ang hangarin ng kaniyang kaluluwa para kay Yahweh?

Ang kaluluwa ni David ay nananabik para kay Yahweh sa isang tuyong lupain

Psalms 143:7-8

Ano ang magiging sanhi kay David para maging katulad niya ang mga taong nahuhulog sa hukay?

Magiging katulad ni David ang mga taong nahulog sa hukay kapag hindi sumagot agad si Yahweh o kapag itinago niya ang kaniyang mukha kay David.

Ano ang gusto marining ni David sa umaga dahil siya ay nagtitiwala kay Yahweh?

Gusto marinig ni David ang katapatan sa tipan ni Yahweh.

Ano ang gusto ni David na gawin ni Yahweh dahil kaniyang itinaas ang kaniyang kaluluwa kay Yahweh?

Gusto ni David na ipakita ni Yahweh ang daan kung saan siya dapat lumakad

Psalms 143:9-10

Ano ang gusto ni David na pangunahan siya sa lupain ng katuwiran?

Gusto ni David na ang mabuting Espiritu ang manguna sa kaniya sa lupain ng katuwiran.

Psalms 143:11-12

Ano ang gusto ni David na gawin ni Yahweh sa kaniyang mga kaaway?

Humiling si David kay Yahweh na tanggalin at wasakin ang kaniyang mga kaaway .

Psalms 144

Psalms 144:1-2

Para saan ang pagsasanay na ginawa ni Yahweh sa kamay para sa giyera at daliri ni David?

Sinanay ni Yahweh ang mga kamay para sa giyera at daliri ni David para sa labanan.

Psalms 144:3-4

Sino ang nakakuha ng pansin at iniisip ang tungkol sa kaniya ni Yahweh na nagpagulat kay David?

Nagulat si David na pinapansin ni Yahweh ang tao at ang anak ng tao.

Psalms 144:5-6

Ano ang gagawin ng mga kabundukan kapag hinaplos sila ni Yahweh?

Si Yahweh ang magsasanhi sa mga kabundukan na umusok kapag ito ay hinaplos.

Psalms 144:7-8

Paano sinagip ni Yahweh si David mula sa kamay ng mga dayuhan?

Inabot ni Yahweh ang kaniyang kamay mula sa itaas at sinagip si David mula sa mga tubig at mula sa mga kamay ng mga dayuhan.

Psalms 144:9-11

Sa anong instrumento aawit si David ng bagong awitin para sa Diyos?

Aawit si David ng bagong awitin sa Diyos sa isang alpa na may sampung kwerdas.

Ano ang sinasabi ng mga labi ng dayuhan?

Ang kanilang mga bibig ay nagsisinungaling at ang kanilang kanang kamay ay kabulaanan.

Psalms 144:12-13

Anong gusto ni David na maging sa mga anak na lalaki ng Israel?

Gusto niyang maging tulad sila ng mga halaman na lumalago ng buong laki sa kanilang kabataan.

Anong gusto ni David na maging sa mga anak na babae ng Israel?

Gusto niyang maging tulad sila ng mga inukit na sulok na poste, na may magandang hubog gaya ng palasyo.

Psalms 144:14-15

Sino ang mga taong masaya na tinutukoy ni David?

Sinabi ni David na maligaya ang tao na ang Diyos ay si Yahweh.

Psalms 145

Psalms 145:1-3

Sino ang ipagbubunyi at pupurihin ni David?

Ipagbubunyi ni David ang kaniyang Diyos at Hari, pupurihin ang kaniyang pangalan magpakailan pa man.

Gaano kadalas papurihan ni David ang Diyos?

Araw-araw pupurihin ni David si Yahweh.

Psalms 145:4-5

Ano ang pupurihin at ihahayag ng susunod na henerasyon?

Ang isang henerasyon ay papupurihan ang iyong mga gawa sa susunod at ipapahayag ang iyong makapangyarihang mga gawa.

Ano ang pinag-iisipang mabuti ni David?

Pinag-iisipan niya ng mabuti ang katanyagan ng kaluwalhatian ni Yahweh at ang kaniyang kahanga-hangang mga gawa.

Psalms 145:6-9

Ano ang ipapahayag at aawitin ng susunod na henerasyon?

Ihahayag nila ang nananaganang kabutihan ni Yahweh at sila ay aawit tungkol sa kaniyang katuwiran.

Psalms 145:10-12

Ano ang magpapasalamat at magpupuri kay Yahweh?

Ang lahat ng ginawa ni Yahweh ay magpapasalamat sa kaniya at silang matatapat ay pagpapalain siya.

Sino ang magsasalita ng kaluwalhatian ng kaharian ni Yahweh at magsasabi ng kapangyarihan ni Yahweh?

Ang matatapat kay Yahweh ang magsasalita ng kaluwalhatian ng kaniyang kaharian at magsasabi ng kaniyang kapangyarihan

Psalms 145:13

Gaano katagal mananatili ang kaharian ni Yahweh?

Ang kaharian ni Yahweh ay walang hanggang kaharian at ang kaniyang kapangyarihan ay mananatili sa buong henerasyon.

Psalms 145:14-16

Sino ang itinataguyod ni Yahweh at ibinabangon?

Itinataguyod ni Yahweh ang lahat ng nahuhulog at ibinabangon silang nakayuko.

Kaninong mga mata ang naghihintay kay Yahweh at binibigyan ng pagkain sa tamang oras?

Ang mata ng lahat ay naghihintay para kay Yahweh at binibigyan sila ng makakain sa tamang oras.

Paano pinupunan ni Yahweh ang mga nais ng bawat bagay na may buhay?

Binuksan ni Yahweh ang kaniyang kamay at pinupunan ang nais ng bawat bagay na may buhay.

Psalms 145:17-19

Kanino malapit si Yahweh?

Si Yahweh ay malapit sa mga tumatawag sa kaniya at sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa pagiging mapagkakatiwalaan

Psalms 145:20-21

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga nagmamahal sa kaniya?

Pinagmamasdan ni Yahweh ang lahat na nagmamahal sa kaniya.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng masasama?

Wawasakin niya ang lahat ng masasama.

Psalms 146

Psalms 146:1-2

Gaano katagal pupurihin ng manunulat si Yahweh?

Papupurihan niya si Yahweh hanggang siya ay nabubuhay.

Psalms 146:3-4

Kanino dapat hindi ilagay ang pagtitiwala?

Hindi dapat ilagay ang pagtitiwala ng tao sa mga prinsipe o sa sangkatauhan, kung saan walang kaligtasan.

Ano ang mangyayari kapag huminto na ang paghinga ng tao?

Kapag ang hininga ng isang tao ay huminto, siya ay bumabalik sa lupa; sa araw na iyon matatapos ang kaniyang mga plano.

Psalms 146:5-6

Sino ang isang mapalad?

Ang mapalad ay ang siyang may Diyos ni Jacob para tulungan siya, na ang pag-asa ay na kay Yahweh na kaniyang Diyos.

Ano ang nilikha ni Yahweh?

Nilikha ni Yahweh ang langit at mundo, ang dagat, at ang lahat na mayroon sila.

Psalms 146:7-8

Ano ang ginagawa ng Diyos para sa mga inaapi at nagugutom?

Nagsasagawa si Yahweh ng katarungan sa mga inaapi at nagbibigay ng pagkain sa nagugutom.

Ano ang ginawa ni Yahweh para sa bulag at sa nalulugmok?

Minulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag, at ibinabangon ang mga nalulugmok.

Psalms 146:9-10

Sino ang pinangangalagaan ni Yahweh?

Pinangangalagaan ni Yahweh ang mga dayuhan sa lupain.

Gaano katagal si Yahweh maghahari?

Maghahari magpakailanman si Yahweh para sa lahat ng henerasyon.

Psalms 147

Psalms 147:1

Bakit dapat purihin si Yahweh?

Dapat purihin si Yahweh dahil mainam ito at kaaya-aya.

Psalms 147:2-3

Paano tinutulungan ni Yahweh ang kaniyang mga tagasunod?

Tumutulong si Yahweh sa pagtatayo muli ng Jerusalem at pinagsasama-sama niya ang mga nagkalat na mamamayan ng Israel.

Psalms 147:4-5

Ano ang ginagawa ni Yahweh matapos niyang bilangin ang mga bituin?

Binibilang ni Yahweh ang mga bituin at pinangangalan niya silang lahat.

Gaano kadakila ang kaalaman ng Panginoon?

Hindi matutumbasan ang kaniyang kaalaman.

Psalms 147:6-7

Ano ang ginagawa ni Yahweh sa mga masasama?

Binabagsak ni Yahweh ang mga masasama.

Psalms 147:8-9

Paano pinangangalagaan ni Yahweh ang mga hayop at mga uwak?

Nagbibigay si Yahweh ng pagkain sa mga hayop at sa mga uwak sa tuwing umiiyak sila.

Psalms 147:10-11

Sa ano hindi nakakikita ng kasiyahan si Yahweh?

Hindi nakakikita si Yahweh ng kasiyahan sa lakas ng kabayo at sa lakas ng binti ng lalaki.

Sa ano nasisiyahan si Yahweh?

Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga nagtitiwala sa katapatan niya sa kaniyang tipan.

Psalms 147:12-14

Ano ang ginagamit ni Yahweh para busugin ang kaniyang bayan sa Jerusalem?

Binubusog sila ni Yahweh ng pinakamasasarap na trigo.

Psalms 147:15-16

Paano pinadadala ni Yahweh ang kaniyang kautusan sa mundo?

Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo at dumadaloy ang utos niya nang maayos

Psalms 147:17-18

Paano nagpapaulan ng yelo si Yahweh?

Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo.

Psalms 147:19-20

Kanino ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang salita, mga alituntunin at matuwid na mga batas?

Ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at matuwid na mga batas sa Israel.

Saan pang bansa hindi ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang salita, mga alituntunin at matuwid na mga batas?

Hindi ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang salita, mga alituntunin at matuwid na mga batas sa ibang bayan.

Psalms 148

Psalms 148:1-2

Sino ang magpupuri kay Yahweh?

Ang lahat ng nasa kalangitan, nasa kaitaas-taasan, lahat ng kaniyang mga anghel at mga hukbo ng anghel ang magpupuri kay Yahweh.

Psalms 148:3-4

Sino ang magpupuri kay Yahweh?

Ang araw, ang buwan, ang mga nagniningning na mga bituin, ang pinakamataas na kalangitan at ang mga tubig sa kaulapan ang magpupuri kay Yahweh.

Psalms 148:5-6

Bakit dapat purihin si Yahweh?

Dapat purihin si Yahweh dahil binigay niya ang utos at ang lahat ay nalikha.

Ano ang utos na hindi magbabago?

Ang utos ni Yahweh ay hindi magbabago.

Psalms 148:7-8

Sino ang magpupuri sa Diyos mula sa mundo?

Ang mga hayop sa lahat ng karagatan, apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin na tinutupad ang kaniyang salita ang magpupuri kay Yahweh.

Psalms 148:9-10

Sino rin ang magpupuri kay Yahweh?

Ang mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng kawayan, mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at ang mga ibon ay magpupuri kay Yahweh.

Psalms 148:11-12

Sino pa ang magpupuri kay Yahweh?

Ang mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa, mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata ay magpupuri kay Yahweh.

Psalms 148:13-14

Bakit dapat purihin si Yahweh?

Dapat purihin si Yahweh dahil ang pangalan niya lang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at mga kalangitan.

Sino ang mga tapat na lingkod ni Yahweh?

Ang mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya, ang mga tapat na lingkod ni Yahweh.

Psalms 149

Psalms 149:1

Paano dapat purihin ng bawat isa si Yahweh?

Dapat purihin ng bawat isa si Yahweh sa isang bagong awitin at kantahin ang kaniyang papuri sa pagpupulong ng mga tapat.

Psalms 149:2-3

Kanino dapat magdiwang ang Israel?

Dapat magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan at sa kanilang hari.

Paano dapat purihin ng bawat isa si Yahweh?

Dapat purihin ng bawat isa ang pangalan ni Yahweh sa sayawan, pag-aawitan ng papuri sa kaniya gamit ang tamubrin at alpa.

Psalms 149:4-5

Kanino nasisiyahan si Yahweh?

Nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan.

Sino ang dinadakila ni Yahweh?

Dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.

Paano dapat magdiwang ang mga maka-diyos?

Dapat magdiwang ang mga maka-diyos sa tagumpay at umawit sa galak.

Psalms 149:6-7

Ano ang dapat mamutawi sa bibig ng mga maka-diyos?

Papuri sa Diyos ang dapat mamutawi sa bibig ng mga maka-diyos.

Ano ang layunin ng espadang magkabila ang talim sa kamay ng mga maka-diyos?

Ang espada sa kanilang kamay ay para isagawa ang paghihiganti sa mga bansa at pagpaparusa sa mga mamamayan.

Psalms 149:8-9

Ano ang gagawin ng mga maka-diyos sa mga hari at mararangya ng ibang bansa?

Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas.

Sino ang mapararangalan kapag naisagawa ang hatol?

Ito ay magiging karangalan para sa mga tapat.

Psalms 150

Psalms 150:1-2

Saan dapat purihin ng lahat ang Diyos?

Ang lahat ay dapat purihin ang Diyos sa kaniyang tahanan at sa matataas na kalangitan.

Dahil sa ano dapat purihin ng lahat ang Diyos?

Ang lahat ay dapat purihin ang Diyos dahil sa kaniyang dakilang mga gawain at kadakilaang walang katumbas.

Psalms 150:3-5

Gamit ang anong instrumento dapat purihin ng lahat ang Diyos?

Ang lahat ay dapat purihin ang Diyos gamit ang tambuli, plawta, alpa, tamburin, sayawan, mga instrumentong may kwerdas at hinihipan, at mga pompyang.

Psalms 150:6

Sinong dapat magpuri kay Yahweh?

Ang lahat ng may hininga ay dapat magpuri kay Yahweh.