Luke
Luke 1
Luke 1:1-4
Sino ang mga “saksi” na tinutukoy ni Lucas?
Ang mga “saksi” ay ang mga kasama ni Jesus mula pa sa simula ng kanyang ministeryo.
Ano ang ginawa ng ibang mga saksi pagkatapos nilang makita ang ginawa ni Jesus?
Gumawa sila ng talaan o kuwento ng mga ginawa ni Jesus.
Bakit nagpasya si Lucas na gumawa ng sarili niyang talaan ng mga sinabi at ginawa ni Jesus?
Gusto niyang malaman ni Teopilo ang katotohanan tungkol sa mga bagay na itinuro sa kaniya.
Luke 1:5-7
Bakit itinuring ng Diyos sina Zacarias at Elisabet na matuwid?
Sila ay itinuring ng Diyos na matuwid sapagkat sila ay sumunod sa kaniyang mga utos.
Bakit walang anak sina Elisabet at Zacarias?
Wala silang anak sapagkat si Elisabet ay baog. At ngayon, siya at si Zacarias ay napakatanda na.
Luke 1:8-10
Ano ang ginagawang trabaho ni Zacarias sa templo sa Jerusalem?
Siya ay naglilingkod bilang isang pari.
Ano ang ginawa ni Zacarias sa loob ng templo?
Siya ay nagsunog ng insenso para sa Diyos.
Ano ang ginawa ng mga tao habang si Zacarias ay nasa loob ng templo?
Ang mga tao ay nanatili sa labas, sa may patyo at nananalangin.
Luke 1:11-15
Sino ang nagpakita kay Zacarias habang siya ay nasa loob ng templo?
Isang anghel ng Diyos ang nagpakita kay Zacarias sa loob ng templo.
Ano ang ginawa ni Zacarias nang makita niya ang anghel?
Nang makita ni Zacarias ang anghel, siya ay labis na natakot.
Ano ang sinabi ng anghel kay Zacarias?
Sinabi ng anghel kay Zacarias na huwag siyang matakot at si Elisabet na kanyang asawa ay magkakaroon ng anak. Ang magiging pangalan ng kanyang anak ay Juan.
Luke 1:16-17
Ano ang sinabi ng anghel na gagawin ni Juan para sa mga anak ng Israel?
Sinabi ng anghel na ipapanumbalik ni Juan ang mga anak ng Israel sa Panginoon na kanilang Diyos.
Ang lahat ng gagawin ni Juan ay maghahanda sa anong klaseng tao?
Ihahanda ang mga taong inihanda para sa Panginoon.
Luke 1:18-20
Ano ang pangalan ng anghel at saan siya karaniwang namamalagi?
Ang pangalan ng anghel ay Gabriel at siya ay karaniwang nakatayo sa presensya ng Diyos.
Luke 1:21-25
Ano ang sinabi ng anghel na mangyayari kay Zacarias dahil sa hindi siya naniwala sa mga sinalita ng anghel?
Si Zacarias ay hindi makakapagsalita hanggang sa maisilang ang bata.
Luke 1:26-29
Pagkatapos ng anim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, kanino inutusan ng Diyos si Gabriel upang magpakita?
Sa isang birhen na ang pangalan ay Maria, na nakatakdang ikasal kay Jose, na kaapu-apuhan ni David.
Luke 1:30-33
Ano ang sinabi ng anghel na mangyayari kay Maria?
Sinabi ng anghel kay Maria na siya ay mabubuntis.
Ano ang ipapangalan sa bata at ano ang kaniyang gagawin?
Ang bata ay papangalanang Jesus, at siya ay maghahari sa lahat ng kaapu-apuhan ni Jacob magpakailanman at walang hanggan ang kanyang kaharian.
Luke 1:34-38
Ayon sa anghel, paano ito mangyayari yamang si Maria ay isang birhen?
Sinabi ng anghel na darating kay Maria ang Banal na Espiritu at liliman siya ng Kapangyarihan ng Kataas-taasan.
Sinabi ng anghel na ang batang banal ay magiging kaninong anak?
Sinabi ng anghel na ang bata ay tatawaging Anak ng Diyos.
Ano ang sinabi ng anghel na imposible para sa Diyos?
Wala.
Luke 1:39-41
Nang batiin ni Maria si Elizabet, ano ang ginawa ng sanggol ni Elisabet?
Ang sanggol ay lumukso sa kaniyang sinapupunan dahil sa tuwa.
Luke 1:42-53
Sino ang sinasabi ni Elisabet na pinagpala?
Sinabi ni Elisabet na pinagpala si Maria at ang kaniyang anak.
Luke 1:54-58
Ayon kay Maria, ang makapangyarihang pagkilos ng Diyos na ito ay tutupad sa aling mga pangako ng Diyos?
Tutuparin ng mga ito ang mga pangako ng Diyos kay Abraham at sa kaniyang mga kaapu-apuhan na maging maawain sa kanila at tulungan sila.
Luke 1:59-61
Sa araw ng pagtutuli, ano ang ipapangalan sana nila sa anak ni Elisabet?
Zacarias.
Luke 1:62-63
Ano ang isinulat ni Zacarias nang tanungin siya kung ano ang dapat na pangalan ng bata?
Isinulat ni Zacarias “Ang kanyang pangalan ay Juan.”
Luke 1:64-66
Ano ang kaagad na nangyari kay Zacarias pagkatapos niyang isulat ang pangalan ng bata?
Pagkatapos niyang isulat ang pangalan ng bata, si Zacarias ay nagsalita at nagpuri sa Diyos.
Dahil sa lahat ng mga pangyayaring ito, ano ang nalaman ng bawat isa tungkol sa bata?
Nalaman nila na ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
Luke 1:67-75
Pinuri ni Zacarias ang Diyos dahil gumawa ang Diyos ng paraan upang mangyari ang ano?
Ang Diyos ay gumawa ng paraan upang palayain ang kanyang mga tao.
Luke 1:76-79
Si Zacarias ay nagpropesiya na ang kanyang anak na si Juan ay tutulungan malaman ng mga tao ang ano?
Tutulungan ni Juan ang mga tao na malaman kung paano sila maililigtas sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Luke 1:80
Saan nanirahan at lumaki si Juan hanggang sa siya ay nagpakita sa publiko.
Si Juan ay lumaki at nanirahan sa mga ilang na lugar.
Luke 2
Luke 2:1-3
Saan pumunta ang mga tao upang mailista para sa sensus?
Ang mga tao ay pumunta sa kanilang sariling bayan upang mailista.
Luke 2:4-5
Si Jose ay pumunta sa Betlehem kasama si Maria dahil siya ay kaapu-apuhan nino?
Sina Jose at Maria ay pumunta sa Betlehem dahil si Jose ay kaapu-apuhan ni David.
Luke 2:6-7
Nang ipinanganak ni Maria ang kaniyang sanggol na lalaki, saan niya ito inilagay?
Nang ipanganak ang bata, siya ay inilagay ni Maria sa sabsaban.
Luke 2:8-9
Kanino nagpakita ang anghel?
Ang anghel ay nagpakita sa mga pastol na nagbabantay sa kanilang mga tupa.
Ano ang naging reaksyon ng mga pastol ng makita nila ang anghel?
Ang mga pastol ay labis na natakot.
Luke 2:10-14
Ano ang magandang balita na ibinigay ng anghel sa mga pastol?
Sinabi ng anghel sa mga pastol na ang Tagapagligtas ay ipinanganak na, siya ay si Cristo ang Panginoon.
Luke 2:15-20
Ano ang ginawa ng mga pastol pagkatapos silang iwan ng mga anghel?
Ang mga pastol ay nagpunta sa Betlehem upang makita ang bata na ipinanganak.
Luke 2:21
Kailan tinuli si Jesus?
Si Jesus ay tinuli noong ikawalong araw pagkatapos ng kaniyang kapanganakan.
Luke 2:22-24
Bakit dinala nina Jose at Maria ang sanggol na si Jesus sa templo sa Jerusalem?
Siya ay dinala nila sa templo upang iharap sa Panginoon at upang magbigay ng handog na siyang ipinag-utos sa Kautusan ni Moses.
Luke 2:25-29
Ano ang ipinaalam ng Banal na Espiritu kay Simeon?
Ipinaalam ng Banal na Espiritu kay Simeon na siya ay hindi mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Cristo ng Panginoon.
Luke 2:30-32
Ano ang sinabi ni Simeon tungkol kay Jesus?
Sinabi ni Simeon na si Jesus ang magiging liwanag para sa pagpapahayag ng katotohanan sa mga Gentil at ang karangalan ng mga tao ng Diyos na Israel.
Luke 2:33-35
Ano ang sinabi ni Simeon na mangyayari kay Maria dahil kay Jesus?
Sinabi ni Simeon na isang espada ang tatagos sa kanyang kaluluwa.
Luke 2:36-38
Ano ang ginawa ng propetang babae na si Ana nang siya ay lumapit kina Maria, Jose at Jesus?
Si Anna ay nagsimulang magpasalamat sa Diyos at sinabi sa lahat ang tungkol sa bata.
Luke 2:39-40
Ano ang nangyari sa batang Jesus pagkatapos niyang bumalik sa Nazareth?
Si Jesus ay lumaki at naging malakas, lumalawak sa karunungan at ang biyaya ng Diyos ay nasa kanya.
Luke 2:41-44
Bakit hindi napagtanto ng mga magulang ni Jesus na siya ay nagpaiwan sa Jerusalem noong Pista ng Paskwa?
Hindi nila napagtanto dahil inakala nilang siya ay nasa grupo na kasama nilang naglalakbay.
Luke 2:45-47
Saan natagpuan ng kanyang mga magulang si Jesus at ano ang kanyang ginagawa?
Natagpuan siya ng kaniyang mga magulang sa templo na nakaupo sa gitna ng mga guro na nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila
Luke 2:48-50
Ano ang sagot ni Jesus nang sabihin ni Maria sa kaniya na sila ay balisang-balisa na naghahanap sa kaniya?
"Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na narito sa bahay ng aking Ama?"
Luke 2:51-52
Ano ang pag-uugali ni Jesus sa kaniyang mga magulang nang sila ay bumalik sa Nazaret?
Siya ay naging masunurin sa kanila.
Sa paglaki ni Jesus, anong uri siyang binata?
Siya ay lumaki sa karunungan at pangangatawan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao
Luke 3
Luke 3:3
Ano ang mensaheng ipinangaral ni Juan sa buong rehiyon sa palibot ng Ilog Jordan?
Ipinangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Luke 3:4-7
Ayon kay Juan, para kanino ang inihahanda niyang daan?
Sinabi ni Juan na kaniyang inihahanda ang daraanan ng Panginoon.
Luke 3:8
Sinabi ni Juan sa mga tao na hindi dapat sila magtiwala sa katotohanang si Abraham ang kanilang ama, sa halip, ano ang kanilang gagawin?
Sinabi ni Juan sa kanila na mamunga sila ng mga bungang mula sa pagsisisi.
Luke 3:9-11
Ayon kay Juan, Ano ang mangyayari sa puno na hindi namumunga ng mabuting bunga?
Sinabi ni Juan na ito ay puputulin at itatapon sa apoy.
Luke 3:12-14
Ano ang sinabi ni Juan sa mga maniningil ng buwis na dapat nilang gawin upang ipakita ang totoong pagsisisi?
Sinabi ni Juan na sila ay hindi dapat maningil nang higit sa dapat nilang singilin.
Luke 3:15-17
Sinabi ni Juan sa mga tao na siya ay nagbabautismo sa tubig, ngunit may isang paparating na siyang magbabautismo sa pamamagitan ng ano?
Sinabi ni Juan na may paparating na magbabautismo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng apoy.
Luke 3:18-20
Bakit sinaway ni Juan si Herodes?
Sinaway ni Juan si Herodes dahil pinakasalan ni Herodes ang asawa ng kaniyang sariling kapatid, at dahil sa paggawa ng marami pang ibang masasamang bagay.
Sino ang naglagay kay Juan sa bilangguan?
Si Herodes ang naglagay kay Juan sa bilangguan.
Luke 3:21-22
Ano ang nangyari pagkatapos bautismuhan ni Juan si Jesus?
Pagkatapos bautismuhan ni Juan si Jesus, ang kalangitan ay bumukas at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya tulad ng isang kalapati.
Ano ang sinabi ng isang tinig na nagmula sa kalangitan?
Ang tinig mula sa kalangitan ay nagsabi, "Ikaw ang aking minamahal na anak. Lubos akong nalulugod sa iyo."
Luke 3:23-38
Ilang taon si Jesus nang siya ay nagsimulang magturo?
Si Jesus ay mga tatlumpung taon nang siya ay nagsimulang magturo.
Luke 4
Luke 4:1-2
Sino ang nanguna kay Jesus sa ilang?
Ang Banal na Espiritu ang nanguna kay Jesus sa ilang.
Gaano katagal na tinukso ng diyablo si Jesus sa ilang?
Tinukso ng diyablo si Jesus sa ilang sa loob ng 40 na araw.
Luke 4:3-4
Ano ang hamon ng diyablo na gawin ni Jesus sa mga bato na nasa lupa?
Sinabi ng diyablo kay Jesus na gawin niyang tinapay ang mga bato.
Ano ang isinagot ni Jesus sa diyablo?
Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.
Luke 4:5-7
Ano ang ipinakita ng diyablo kay Jesus mula sa mataas na lugar?
Ipinakita ng diyablo kay Jesus ang lahat ng kaharian sa mundo.
Ano ang gusto ng diyablo na gawin ni Jesus?
Gusto ng diyablo na yumuko si Jesus sa kaniya at sambahin siya.
Luke 4:8
Ano ang isinagot ni Jesus sa diyablo?
Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran
Luke 4:9-11
Ano ang sinabi ng diyablo na gawin ni Jesus nang siya ay dalhin sa pinakatuktok ng templo?
Sinabi niya kay Jesus na tumalon mula doon.
Luke 4:12-15
Ano ang isinagot ni Jesus sa diyablo?
Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos.
Ano ang ginawa ng diyablo pagkatapos tumanggi ni Jesus na tumalon mula sa templo?
Iniwan ng diyablo si Jesus hanggang sa ibang pagkakataon.
Luke 4:16-19
Sa anong aklat ng kasulatan nagmula ang binasa ni Jesus nang siya ay tumayo sa sinagoga?
Ang binasa ni Jesus ay mula kay propeta Isaias.
Luke 4:20-22
Ano ang sinabi ni Jesus na natupad sa araw na iyon?
Sinabi ni Jesus na ang banal na kasulatan na binasa niya mula kay Isaias ay natupad sa araw na iyon.
Luke 4:23-24
Ayon kay Jesus, anong uri ng pagtanggap ang natatanggap ng isang propeta sa kaniyang sariling bayan?
Sinabi ni Jesus na walang propeta ang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan.
Luke 4:25-27
Sa unang halimbawa ni Jesus sa mga tao sa sinagoga, saan ipinadala ng Diyos si Elias upang tulungan ang isang tao?
Ipinadala ng Diyos si Elias sa Zarepat, malapit sa lungsod ng Sidon.
Sa pangalawang halimbawa ni Jesus sa mga tao sa sinagoga, sa anong bansa inutusan ng Diyos si Eliseo upang tulungan ang isang tao?
Inutusan ng Diyos si Eliseo upang tulungan si Naaman na taga-Siria.
Luke 4:28-32
Ano ang ginawa ng mga tao sa sinagoga nang marinig nila ang mga halimbawang ito mula kay Jesus?
Napuno sila ng galit at nais nilang ihulog siya sa bangin.
Paano umiwas si Jesus na siya ay mapatay ng mga tao mula sa sinagoga?
Lumakad si Jesus sa kalagitnaan nila.
Luke 4:33-34
Sa sinagoga, ano ang alam ng demonyo na nagsasalita sa pamamagitan ng isang tao tungkol kay Jesus?
Sinabi ng demonyo na alam niya na si Jesus ang Siyang Banal ng Diyos.
Luke 4:35-39
Ano ang naging reaksyon ng mga tao pagkatapos magpalayas ni Jesus ng demonyo?
Ang mga tao ay namangha at patuloy na pinag-uusapan ng isa't isa ang tungkol dito.
Luke 4:40-41
Ano ang ginawa ni Jesus sa may sakit na dinala sa kaniya?
Ipinatong ni Jesus ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila.
Ano ang sinabi ng mga demonyo habang sila ay pinapalayas, at bakit hindi hinayaan ni Jesus na sila ay magsalita?
Sinabi ng mga demonyo na si Jesus ang Anak ng Diyos, at hindi hinayaan ni Jesus na sila ay magsalita dahil alam nila na siya ang Cristo.
Luke 4:42-44
Ano ang sinabi ni Jesus na dahilan kaya siya ay isinugo?
Sinabi ni Jesus na siya ay isinugo upang ipangaral ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang mga lungsod.
Luke 5
Luke 5:4-7
Pagkatapos gamitin ang bangka ni Simon upang magturo sa mga tao, ano ang hiniling ni Jesus kay Simon na gawin sa kaniyang bangka?
Dalhin niya ang bangka sa mas malalim na bahagi ng tubig at ihulog ang kaniyang mga lambat sa tubig para manghuli ng isda.
Kahit na walang nahuling isda si Pedro noong nakaraang gabi, ano ang kanyang ginawa?
Siya ay sumunod at inihulog ang mga lambat.
Ano ang nangyari nang inihulog nila ang mga lambat?
Nakahuli sila ng napakaraming isda. Napakarami na halos mapunit ang kanilang mga lambat.
Luke 5:8-14
Ano ang gusto ni Simon na gawin ni Jesus? Bakit?
Gusto ni Simon na lumayo sa kaniya si Jesus sapagkat alam ni Simon na siya (Simon) ay taong makasalanan.
Ano ang sinabi ni Jesus kay Simon tungkol sa magiging trabaho niya sa hinaharap?
Sinabi ni Jesus na mula ngayon ay mangingisda na siya ng tao.
Luke 5:15-19
Sa oras na iyon, ilang tao ang dumating upang pakinggan si Jesus na magturo at upang mapagaling sa kanilang mga sakit?
Napakaraming tao ang dumating kay Jesus.
Luke 5:20-21
Ano ang sinabi ni Jesus sa paralitikong lalaki na ibinaba ng kanyang mga kaibigan sa bubungan ng bahay?
Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.
Bakit inisip ng mga eskriba at Pariseo na ang pahayag na ito ay kalapastanganan?
Sapagkat Diyos lamang ang nagpapatawad ng mga kasalanan.
Luke 5:22-28
Pinagaling ni Jesus ang paralitiko sa paraang ito upang ipakita niya na siya rin ay may kapangyarihan sa lupa na gawin ang ano?
Pinagaling ni Jesus ang lalaki upang ipakita na siya ay may kapangyarihang sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.
Luke 5:29-32
Nang kumakain at umiinom si Jesus sa bahay ni Levi, sinabi ni Jesus na siya ay dumating upang gawin ang ano?
Siya ay dumating upang tawagin ang mga makasalanan na magsisi.
Luke 5:33-35
Ayon kay Jesus, kailan mag-aayuno ang kanyang mga alagad?
Ang mga alagad ni Jesus ay mag-aayuno kapag si Jesus ay kukunin mula sa kanila.
Luke 5:36
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang mangyayari kapag ang isang bagong piraso ng tela ay gagamitin upang itagpi sa lumang damit?
Ang tela mula sa bagong damit ay mapupunit at hind aakma sa lumang damit.
Luke 5:37-39
Sa ikalawang talinghaga ni Jesus, ano ang mangyayari kung ang bagong alak ay ilalagay sa lumang sisidlang balat?
Puputok ang lumang sisidlang balat at tatapon ang bagong alak.
Ayon kay Jesus, ano ang dapat gawin upang iimbak/itago ang bagong alak?
Ang bagong alak ay dapat ilagay sa bagong sisidlang balat
Luke 6
Luke 6:1-2
Ano ang ginagawa ng mga alagad ni Jesus sa Araw ng Pamamahinga na sinasabi ng mga Pariseo na labag sa kautusan?
Sila ay nangunguha ng mga uhay, ang mga ito ay kinikiskis sa kanilang mga palad at kinakain ang mga butil.
Luke 6:3-8
Ayon kay Jesus, ano ang kaniyang katawagan na nagbigay sa kanya ng karapatan para sabihin kung ano ang naaayon sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?
Sinabi ni Jesus na siya ang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga
Luke 6:9-11
Nang pinagaling ni Jesus ang tao na may tuyot na kamay sa Araw ng Pamamahinga, ano ang naging reaksyon ng mga eskriba at mga Pariseo.
Sila ay napuno ng galit, at sila ay nagusap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus.
Luke 6:12-19
Ano ang pangalan na ibinigay sa labing dalawang mga lalaki na pinili ni Jesus sa bundok.
Tinawag sila ni Jesus na "mga apostol."
Luke 6:20-21
Anong uri ng mga tao ang sinasabi ni Jesus na pinagpala?
Pinagpala ang mga mahihirap, gutom, tumatangis at kinamumuhian para sa kapakanan ng Anak ng Tao.
Luke 6:22-26
Ayon kay Jesus, bakit ang mga ganoong tao ay dapat magalak at tumalon sa galak?
Dahil sila ay magkakaroon ng dakilang gantimpala sa langit.
Luke 6:27-34
Ayon kay Jesus, paano dapat pakitunguhan ng mga alagad ang kanilang mga kaaway at ang mga namumuhi sa kanila?
Dapat nilang mahalin ang kanilang kaaway at gumawa ng mabuti sa mga namumuhi sa kanila.
Luke 6:35-40
Ano ang pagtingin ng Kataas-taasang Ama sa mga hindi marunong magpasalamat at masamang mga tao?
Siya ay mabuti at maawain sa kanila.
Luke 6:41-44
Bago alisin ang puwing sa mata ng ating kapatid, ano ang sinabi ni Jesus na dapat muna nating gawin?
Una, kailangan nating alisin ang troso sa ating sariling mata upang hindi tayo maging mapagkunwari.
Luke 6:45
Ano ang lumalabas mula sa mabuting kayamanan sa puso ng mabuting tao?
Ang lumalabas mula sa puso ng mabuting tao ay mabuti.
Ano ang lumalabas mula sa masamang kayamanan sa puso ng masamang tao?
Ang lumalabas mula sa puso ng masamang tao ay masama.
Luke 6:46-48
Ano ang ginagawa ng tao na nagtatayo ng bahay sa matatag na bato sa mga salita ni Jesus?
Pinakikinggan niya ang mga salita ni Jesus at sinusunod ito.
Luke 6:49
Ano ang ginagawa ng tao na nagtatayo ng bahay na walang pundasyon sa mga salita ni Jesus?
Pinakikinggan niya ang mga salita ni Jesus ngunit hindi niya ito sinusunod
Luke 7
Luke 7:2-5
Ano ang unang hiniling ng senturion na gawin ni Jesus nang isinugo niya ang mga nakakatandang Judio kay Jesus?
Hiniling niya kay Jesus na pumunta sa kaniyang tahanan at pagalingin ang kaniyang alipin.
Luke 7:6-8
Bakit nagpadala ang senturion ng mga kaibigan upang sabihin kay Jesus na hindi niya kinakailangang pumunta sa tahanan?
Sinabi ng senturion na siya ay hindi karapat-dapat na puntahan ni Jesus sa kaniyang tahanan.
Paano ang nais na paraan ng senturion na pagalingin ni Jesus ang alipin?
Nais ng senturion na pagalingin ni Jesus ang alipin sa pamamagitan lamang ng pagsasalita.
Luke 7:9-10
Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pananampalataya ng senturion?
Sinabi ni Jesus na kahit sa Israel ay hindi pa siya nakakita ng sinumang may ganito kalaking pananampalataya.
Luke 7:11-15
Ano ang saloobin ni Jesus tungkol sa biyuda na may kaisa-isang anak na namatay?
Siya ay labis na nahabag.
Luke 7:16-20
Ano ang sinabi ng mga tao tungkol kay Jesus pagkatapos niyang buhayin ang anak ng balo mula sa patay?
Sinabi nila na isang dakilang propeta ang nakasama nila, at tiningnan ng Diyos ang kaniyang mga tao.
Luke 7:21-23
Paano ipinakita ni Jesus sa mga alagad ni Juan na Siya ang Darating?
Pinagaling ni Jesus ang bulag, pilay, mga ketongin, at bingi, at binuhay ang mga patay.
Luke 7:24-28
Ano ang sinabi ni Jesus kung sino si Juan?
Sinabi ni Jesus na si Juan ay higit pa sa isang propeta.
Luke 7:29-32
Ano ang ginawa ng mga Pariseo at ng mga dalubhasa sa kautusan ng Judio sa kanilang sarili nang tumanggi silang bautismuhan sila ni Juan?
Tinanggihan nila ang karunungan ng Diyos.
Luke 7:33-35
Ano ang paratang laban kay Juan na tagapagbautismo dahil hindi siya kumain ng tinapay o uminom ng alak?
Sinabi nila, "Siya ay may demonyo."
Ano ang paratang laban kay Jesus dahil siya ay dumating na kumakain at umiinom?
Sinabi nila, "Siya ay isang matakaw at manginginom."
Luke 7:36-45
Ano ang ginawa ng babae ng lungsod kay Jesus sa tahanan ng Pariseo?
Binasa niya ng kaniyang mga luha ang mga paa ni Jesus, pinunasan ng kaniyang buhok, hinalikan ang kaniyang mga paa, at binuhusan ng pabango ang kaniyang mga paa.
Luke 7:46-47
Sinabi ni Jesus na dahil pinatawad siya sa maraming mga kasalanan, ano ang dapat niyang gawin?
Dapat siyang magmahal nang lubos.
Luke 7:48-50
Paano ang naging reaksyon ng mga nakasandal sa mesa nang sabihin ni Jesus sa babae na ang kaniyang mga kasalanan ay pinatawad na?
Tinanong nila, "Sino ito na nagpapatawad ng mga kasalanan?"
Luke 8
Luke 8:1-10
Ano ang ginawa ng isang malaking grupo ng kababaihan para kay Jesus at sa kaniyang mga alagad?
Nagbigay ang mga kababaihan sa kanila mula sa kanilang sariling pinagkukunan.
Luke 8:11-13
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang butil na inihasik?
Ang butil ay ang salita ng Diyos.
Sino ang mga butil na nahulog sa tabi ng daan, at ano ang nangyari sa kanila?
Sila ang mga taong nakarinig ng salita ngunit ang diyablo ay dumating at kinuha ito upang sila ay hindi maniwala at mailigtas.
Sino ang mga butil na nahulog sa mabatong lupa, at ano ang nangyari sa kanila?
Sila ang mga taong tinanggap ang salita nang may galak ngunit tumigil na maniwala sa panahon ng pagsubok.
Luke 8:14-18
Sino ang mga butil na nahulog sa mga tinik, at ano ang nangyari sa kanila?
Sila ang mga taong nakarinig ng salita, ngunit pagkatapos ay nasakal ng mga alalahanin at kayamanan at mga kaligayahan ng buhay na ito, kaya sila ay hindi nagbunga sa paglago.
Sino ang mga butil na nahulog sa matabang lupa, at ano ang nangyari sa kanila?
Sila ang mga taong nakarinig ng salita, pinanghawakan ito, at nagbunga nang may pagtitiyaga.
Luke 8:19-23
Sino ang sinabi ni Jesus na kaniyang ina at mga kapatid?
Sila ang mga taong nakinig ng salita ng Diyos at sinunod ito.
Luke 8:24-27
Ano ang sinabi ng mga alagad nang pinakalma ni Jesus ang hangin at tubig?
Sinabi nilang, "Sino ito na nauutusan kahit ang hangin at tubig, at ang mga ito ay sumunod sa kaniya?"
Luke 8:28-31
Ano ang pinagawa ng mga demonyo sa lalaking mula sa rehiyon ng Geraseno?
Siya ay namuhay sa mga libingan nang walang damit, pinutol niya ang mga kadena at mga tanikala, at kadalasan siya pumunta sa ilang.
Luke 8:32-37
Saan pumunta ang mga demonyo pagkatapos silang utusan ni Jesus na umalis sa lalaki?
Ang mga demonyo ay pumasok sa isang kawan ng mga baboy, na tumakbo nang mabilis pababa sa lawa at nalunod.
Luke 8:38-46
Ano ang sinabi ni Jesus na gawin at puntahan ng lalaki?
Sinabi sa kaniya ni Jesus na umuwi siya sa kaniyang bahay at sabihin ang lahat ng mga kahanga-hangang bagay na ginawa ng Diyos sa kaniya.
Luke 8:47-53
Ayon kay Jesus, ano nagpagaling sa babaeng nagdurugo?
Siya ay gumaling dahil sa kaniyang pananampalataya kay Jesus.
Luke 8:54-56
Ano ang ginawa ni Jesus sa bahay ni Jairo?
Binuhay ni Jesus ang anak ni Jairo mula sa patay.
Luke 9
Luke 9:1-6
Ano ang ipinagawa ni Jesus sa Labindalawang isinugo niya.
Isinugo sila ni Jesus upang ipangaral ang kaharian ng Diyos at upang pagalingin ang mga may sakit.
Luke 9:7-11
Narinig ni Herodes mula sa ilang mga tao ang tatlong maaaring paliwanag kung sino si Jesus. Ano ang mga ito?
Sinabi ng iba na si Jesus ay si Juan na tagapagbautismo na muling nabuhay mula sa patay, sinabi ng iba na nagpakita si Elias, at sinabi ng iba na muling nabuhay ang isang propetang mula sa sinaunang panahon.
Luke 9:12-14
Ilan ang kalalakihan sa grupo ng mga taong nasa ilang na sumusunod kay Jesus?
Nasa limang-libong kalalakihan ang naroon.
Anong pagkain mayroon ang mga alagad upang ipakain sa mga tao?
Mayroon silang limang tinapay at dalawang isda.
Luke 9:15-19
Ano ang ginawa ni Jesus sa limang tinapay at dalawang isda?
Tumingin siya sa langit, pinagpala niya ang mga ito, pinagpira-piraso, at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.
Ilang basket na puno ng tirang pagkain ang naroon?
May labindalawang basket na puno ng tirang pagkain.
Luke 9:20-22
Nang tinanong ni Jesus ang mga alagad kung sino siya, ano ang isinagot ni Pedro?
Sinabi niya, "Ang Cristo mula sa Diyos."
Luke 9:23-27
Sinabi ni Jesus na kung sinuman ang gustong sumunod sa kaniya, ano ang dapat niyang gawin?
Kinakailangan niyang itanggi ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus araw-araw at sumunod kay Jesus.
Luke 9:28-29
Ano ang nangyari sa anyo ni Jesus sa bundok?
Ang anyo ng kanyang mukha ay nagbago at ang kanyang damit ay naging puti at nagniningning.
Luke 9:30-33
Sino ang nagpakita kasama ni Jesus?
Nagpakita si Moises at Elias kasama ni Jesus.
Luke 9:34-36
Ano ang sinabi ng tinig mula sa ulap na lumilim sa kanila?
Sinabi ng tinig, "Ito ang aking anak na pinili; makinig kayo sa kaniya."
Luke 9:37-42
Bago palayasin ni Jesus ang demonyo, ano ginawa ng demonyo sa lalaking anak ng taong naroon?
Pinangingisay siya ng demonyo na may kasamang pagbubula ng bibig.
Luke 9:43-45
Anong pahayag ang sinabi ni Jesus sa mga alagad na hindi nila naintindihan?
Sinabi niya, "Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao."
Luke 9:46-50
Sino ang sinabi ni Jesus na dakila sa lahat ng mga alagad?
Ang pinakamababa sa kanila ang siyang pinakadakila.
Luke 9:51-60
Habang papalapit na ang pag-akyat ni Jesus sa langit, ano ang kanyang ginawa?
Itinalaga niya ang kanyang sarili upang pumunta sa Jerusalem.
Luke 9:61-62
Upang maging angkop sa kaharian ng Diyos, ano ang hindi dapat gawin ng isang tao kapag "inilagay niya ang kanyang kamay sa araro?"
Ang taong iyon ay hindi dapat tumingin sa kanyang likuran.
Luke 10
Luke 10:3-7
Ano ang sinabi ni Jesus sa pitumpu na huwag nilang dalhin?
Hindi dapat sila magdala ng anumang supot ng pera, anumang lalagyang panglakbay, o anumang sandalyas.
Luke 10:8-9
Ano ang sinabi ni Jesus sa pitumpu na gawin nila sa bawat lungsod?
Sinabi niya sa kanila na pagalingin ang may sakit at sabihin sa mga tao, "Ang kaharian ng Diyos ay malapit sa inyo."
Luke 10:10-16
Kung hindi tinanggap ng isang lungsod ang mga isinugo ni Jesus sa kanila, ano ang nararapat na paghatol para sa lungsod na iyon?
Ang paghatol ay mas malala pa kaysa sa paghatol sa Sodom.
Luke 10:17-20
Nang bumalik ang pitumpu at iniulat nang may kagalakan na sila ay nakapagpapalayas ng mga demonyo, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila?
Sinabi niya, "Higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakaukit sa langit."
Luke 10:21-24
Sinabi ni Jesus na nakalulugod sa Ama na ihayag ang kaharian ng Diyos, kanino?
Nakalulugod sa Ama na ihayag ang kaharian ng Diyos sa mga walang kaalam-alam, tulad ng mga maliliit na bata.
Luke 10:25-30
Ayon kay Jesus, ano ang sinabi ng kautusan ng Judio na dapat gawin ng isang tao upang magmana ng walang hanggang buhay?
Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, ng iyong buong kaluluwa, ng iyong buong lakas, at ng iyong buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
Luke 10:31-32
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginawa ng paring Judio nang makita niya sa daan ang taong halos mamatay na?
Siya ay dumaan sa kabila ng daan.
Ano ang ginawa ng Levita nang nakita niya ang lalaki?
Siya ay dumaan sa kabilang ng daan.
Luke 10:33-35
Ano ang ginawa ng Samaritano nang nakita niya ang lalaki?
Tinalian niya ang kaniyang mga sugat, isinakay siya sa kaniyang asno, dinala siya sa bahay-tuluyan, at inalagaan siya.
Luke 10:36-37
Pagkatapos sabihin ang talinghaga, ano ang sinabi ni Jesus sa guro ng kautusan ng Judio gawin niya?
Pumunta ka at magpakita ng habag tulad ng Samaritano sa talinghaga.
Luke 10:38-39
Ano ang ginawa ni Maria ng sabay?
Umupo siya sa paanan ni Jesus at nakinig sa kaniya.
Luke 10:40-42
Ano ang ginawa ni Marta nang dumating si Jesus sa kaniyang tahanan?
Masyado siyang abala sa paghahanda ng ihahaing pagkain.
Ayon kay Jesus, sino ang pumiling ng mas mabuting bagay na gawin?
Sinabi niya na pinili ni Maria na gawin ang mas mabuting bagay.
Luke 11
Luke 11:2
Anong panalangin ang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad?
Siya ay nanalangin ng, "Ama, banalin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating. Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso."
Luke 11:3-4
Anong panalangin ang itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad?
Siya ay nanalangin ng, "Ama, banalin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating. Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso."
Luke 11:5-10
Sa parabula ni Jesus, bakit bumangon ang tao at binigyan ang kaniyang kaibigan ng tinapay sa hatinggabi
Dahil sa walang hiyang pagpupumilit ng kanyang kaibigan.
Luke 11:11-13
Ano ang ibibigay ng Ama sa langit sa mga humihingi sa kaniya?
Ibibigay niya ang Banal na Espiritu.
Luke 11:14-17
Nang makita nila na siya ay nagpapalayas ng mga demonyo, ano ang ipinaratang ng iba na ginagawa ni Jesus?
Pinaratangan nila si Jesus na nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, na pinuno ng mga demonyo.
Luke 11:18-23
Sumagot si Jesus na siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa kaninong kapangyarihan?
Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos.
Luke 11:24-26
Kung ang maruming espiritu ay umalis sa tao ngunit bumalik, ano ang magiging kalagayan ng tao?
Ang kalagayan ng tao ay magiging malubha kaysa noong una.
Luke 11:27-30
Nang sumigaw ang babae na pinagpapala ang ina ni Jesus, sino ang sinabi ni Jesus na pinagpala?
Ang mga nakarinig sa salita ng Diyos at iningatan ito.
Luke 11:31
Sinabi ni Jesus na siya ay higit na dakila kaysa sa aling dalawang lalaki sa lumang tipan?
Solomon at Jonas
Luke 11:32-38
Sinabi ni Jesus na siya ay higit na dakila kaysa sa aling dalawang lalaki sa Lumang Tipan?
Sina Solomon at Jonas.
Luke 11:39-41
Ayon kay Jesus, ang mga Pariseo ay puno sa loob ng ano?
Sinabi niya na sila ay puno ng kasakiman at kasamaan.
Luke 11:42-44
Ano ang sinabi ni Jesus na pinabayaan ng mga Pariseo?
Pinabayaan nila ang katarungan at ang pagmamahal ng Diyos.
Luke 11:45-48
Ano ang sinabi ni Jesus na ginagawa ng mga tagapagturo ng kautusan sa ibang mga tao?
Ipinapapasan nila sa mga tao ang mga pasanin na mahirap dalhin ngunit hindi nila hinahawakan ang mga pasanin na iyon.
Luke 11:49-52
Sinabi ni Jesus na ang salinlahi na ito ang may magiging pananagutan para sa ano?
Sila ay may pananagutan sa lahat ng dugo ng mga propeta na dumanak mula pa sa simula ng mundo.
Luke 11:53-54
Ano ang ginawa ng mga eskriba at mga Pariseo pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jesus?
Tumutol sila sa kaniya at nakipagtalo sa kaniya, sinusubukan siyang hulihin sa kaniyang sariling mga salita.
Luke 12
Luke 12:2-3
Ayon kay Jesus, ano ang mangyayari sa lahat ng bagay na inyong sinabi sa kadiliman?
Ito ay maririnig sa liwanag.
Luke 12:4-7
Sino ang binabanggit ni Jesus na dapat ninyong katakutan?
Dapat ninyong katakutan ang siyang may kapangyarihang itapon kayo sa impyerno.
Luke 12:8-12
Ano ang gagawin ni Jesus sa mga kumikilala sa kaniya sa harap ng mga tao?
Kikilalanin ni Jesus ang pangalan ng taong iyon sa harap ng mga anghel ng Diyos.
Luke 12:13-15
Ayon kay Jesus, ang ating buhay ay hindi batay sa?
Ang ating buhay ay hindi batay sa kasaganaan ng ating mga ari-arian.
Luke 12:16-19
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang gagawin ng mayamang tao dahil umani ng masagana ang kaniyang bukid?
Ang kaniyang mga kamalig ay gigibain at magtatayo ng mas malalaki, pagkatapos magpapahinga nang mabuti, kakain, iinom at magsasaya.
Luke 12:20-30
Ano ang sinabi ni Jesus sa mayamang tao?
Sinabi niya, "Hangal na tao, ang iyong kaluluwa ay kukunin ngayong gabi, at ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito?
Luke 12:31-32
Sa halip na mabahala tungkol sa mga bagay sa buhay, ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin?
Dapat nating hanapin ang kaharian ng Diyos.
Luke 12:33-36
Ayon kay Jesus, Saan natin dapat ipunin ang ating mga kayamanan, at bakit?
Dapat nating ipunin ang ating mga kayamanan sa kalangitan, dahil doon ay walang magnanakaw at walang insektong makakasira
Luke 12:37-38
Ayon kay Jesus, aling alipin ng Diyos ang mapalad?
Ito ay ang mga alipin na makikitang nagbabantay at handa sa pagdating ni Jesus.
Luke 12:39-44
Alam ba natin ang oras kung kailan darating si Jesus?
Hindi.
Luke 12:45-46
Ano ang mangyayari sa alipin na nagmamalupit sa ibang mga alipin at hindi handa sa pagbabalik ng kaniyang amo?
Siya ay pagpipira-pirasuhin ng amo at ilalagay sa lugar kasama ang mga hindi tapat.
Luke 12:47-50
Ano ang hihingiin sa mga nabigyan ng marami?
Marami ang hihingiin sa kanila.
Luke 12:51-56
Ayon kay Jesus, anong mga uri ng pagkabaha-bahagi ang kaniyang dadalhin sa mundo?
Ang mga tao sa isang bahay ay magkakabaha-bahagi laban sa isa't isa.
Luke 12:57-59
Ayon kay Jesus, ano ang dapat nating gawin bago tayo pumunta sa hukom?
Sa simula palang, dapat natin sikaping makipag-ayos.
Luke 13
Luke 13:1-7
Nagdusa ba sa ganitong paraan ang mga taga-Galilea na pinatay ni Pilato dahil sila ay mas makasalanan kaysa sa ibang mga taga-Galilea?
Hindi. (13:3)
Luke 13:8-9
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginawa sa puno ng igos na hindi namunga pagkatapos ng tatlong taon?
Binigyan ito ng abono bilang pataba at isa pang taon upang mamunga; kung hindi ito mamumunga, ito ay puputulin. (13:8-9)
Luke 13:10-11
Sa sinagoga, ano ang naging sanhi ng pagiging baluktot ng babae ng labingwalong taon?
Ginapos siya ng espiritu ng kahinaan mula kay Satanas. (13:11)
Luke 13:12-14
Bakit nagalit ang pinuno ng sinagoga nang pagalingin ni Jesus ang babae?
Dahil pinagaling ni Jesus ang babae sa araw ng Pamamahinga. (13:14)
Luke 13:15-17
Paano ipinakita ni Jesus na ang pinuno ng sinagoga ay mapagkunwari?
Pinaalalahanan siya ni Jesus na kinakalagan ng mga tao ang hayop sa Araw ng Pamamahinga, ngunit nagalit siya nang pagalingin ni Jesus ang babae sa Araw ng Pamamahinga. (13:15)
Luke 13:18-21
Paano naging katulad ng buto ng mustasa ang kaharian ng Diyos?
Dahil ito ay nagsisimula sa maliit tulad ng isang butil, ngunit ito ay lumalago at nagiging isang puno na pinamumugaran ng mga ibon. (13:19)
Luke 13:22-27
Nang tanungin si Jesus kung marami ang maliligtas, ano ang sagot ni Jesus?
Sinabi niya, "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan, dahil marami ang susubok ngunit hindi sila makakapasok." (13:24)
Luke 13:28-30
Ano ang gagawin ng mga taong itinapon sa labas, at ang mga hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos?
Sila ay iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin. (13:28)
Sinu-sino ang magtitipon-tipon upang magpahinga sa hapag-kainan ng kaharian ng Diyos?
Sina Abraham, Isaac, Jacob, ang mga propeta, at marami pang iba mula silangan, kanluran, hilaga, at timog. (13:28-29)
Luke 13:31-33
Ayon kay Jesus, saan siya dapat patayin?
Dapat siyang patayin sa Jerusalem. (13:33)
Luke 13:34-35
Ano ang nais ni Jesus na gawin sa mga tao sa Jerusalem?
Ninais niyang tipunin sila gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw. (13:34)
Paano tumugon ang mga tao sa Jeruslem sa nais ni Jesus para sa kanila?
Tinanggihan nila ito. (13:34)
Kung gayon, ano ang propesiya ni Jesus tungkol sa Jerusalem at sa mga tao nito?
Ang kanilang bahay ay pinabayaan at hindi na nila makikita si Jesus hanggang sa sabihin nila, "Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon." (13:35)
Luke 14
Luke 14:1-3
Nang nakatayo ang lalaking nagdurusa sa pamamanas sa harapan ni Jesus, ano ang itinanong ni Jesus sa mga dalubhasa sa batas ng mga Judio at sa mga Pariseo?
Naaayon ba sa batas na magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi? [14:3]
Luke 14:4-9
Ano ang tugon ng mga dalubhasa at mga Pariseo?
Nanahimik sila.
Pagkatapos pagalingin ang lalaki, paano ipinakita ni Jesus na ang mga dalubhasa at mga Pariseo ay mga mapagkunwari?
Pinaalala ni Jesus sa kanila na tutulungan nila ang kanilang sariling anak o baka na nahulog sa isang balon sa Araw ng Pamamahinga. [14:5]
Luke 14:10-12
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa sinumang magtataas ng kaniyang sarili?
Siya ay maibababa. [14:11]
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa sinumang magpapakumbaba?
Siya ay maitataas. [14:11]
Luke 14:13-17
Ayon kay Jesus, paano gagantimpalaan ang taong nag-aanyaya sa mahihirap, mga lumpo, pilay at bulag sa kanilang tahanan?
Sila ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matutuwid. [14:14]
Luke 14:18-20
Sa talinghaga ni Jesus patungkol sa hapunan, ano ang ginawa ng mga taong unang naanyayahan?
Silang lahat ay nagdahilan kung bakit hindi sila makakapunta sa hapunan.
Luke 14:21-22
Kung gayon, sino ang inanyayahan ng panginoon sa kaniyang hapunan?
Ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay.
Luke 14:23-24
Ano ang sinabi ng panginoon sa mga unang naanyayahan ng kaniyang hapunan?
Wala sa kanila ang makakatikim sa kaniyang hapunan. [14:24]
Luke 14:25-27
Ayon kay Jesus, ano ang nararapat gawin ng kaniyang mga alagad?
Nararapat nilang kamuhian ang kanilang sariling pamilya at buhay, buhatin ang kanilang sariling krus, sumunod sa kaniya, at isuko ang lahat ng mayroon sila. [14:26-27,33]
Luke 14:28-33
Sa halimbawa ni Jesus tungkol sa kung ano ang mga kakailanganin upang sumunod sa kaniya, ano ang unang nararapat gawin ng isang taong naghahangad na magtayo ng isang tore?
Dapat bilangin ng tao ang halaga na kakailanganin.
Luke 14:34-35
Kapag ang asin ay nawalan na ng lasa, ano ang gagawin dito?
Itatapon lamang ito. [14:35]
Luke 15
Luke 15:3-7
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginagawa ng pastol na nawalan ng isa sa kaniyang isang daang tupa?
Iniiwanan niya ang siyamnapu't siyam at umaalis at hinahanap ang nawawalang tupa. Pagkatapos, ibinabalik niya ito na nagagalak.
Luke 15:8-10
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginagawa ng babae na nawalan ng isa sa kanyang sampung pilak na barya?
Siya ay masikap na naghahanap hanggang sa matagpuan niya ito. Pagkatapos, nagagalak siya kasama ng kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay.
Ano ang nangyayari sa langit kapag nagsisisi ang isang makasalanan?
May kagalakan sa kinaroroonan ng mga anghel ng Diyos.
Luke 15:11-12
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang hiniling ng nakababatang anak sa kaniyang ama?
Ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-ariang aking mamanahin.
Luke 15:13-14
Ano ang ginawa ng nakababatang anak sa kaniyang mana?
Winaldas niya ang salapi sa pamamagitan ng marangyang pamumuhay.
Luke 15:15-16
Pagkatapos maubos ang kaniyang salapi, ano ang ginawa ng nakababatang anak upang siya ay mabuhay?
Namasukan siya upang magpakain ng mga baboy ng ibang tao.
Luke 15:17-19
Nang siya ay nakapag-isip-isip ng mabuti, ano ang napagpasyahang gawin ng nakababatang anak?
Nagpasyahan niyang pumunta at ipagtapat ang kaniyang kasalanan sa kaniyang ama, at hilingin na ibilang na lang siyang isa sa kaniyang mga utusan.
Luke 15:20-21
Ano ang ginawa ng ama nang makita ang nakababatang anak na papalapit sa kanilang tahanan?
Tumakbo siya at niyakap at hinagkan niya ito.
Luke 15:22-27
Ano kaagad na ginawa ng ama para sa nakababatang anak?
Binigyan siya ng ama ng balabal, singsing, at sandalyas, at naghanda ng pagdiriwang.
Luke 15:28-30
Ano ang naging asal ng nakatatandang anak nang sinabi sa kaniya ang tungkol sa pagdiriwang para sa nakababatang anak?
Nagalit siya at ayaw niyang dumalo sa pagdiriwang.
Ano ang daing ng nakatatandang anak sa kaniyang ama?
Dumaing ang nakatatandang anak na sinunod niya ang mga utos ng kaniyang ama, ngunit ni minsan hindi siya binigyan ng isang kambing upang siya ay magdiwang kasama ng kaniyang mga kaibigan.
Luke 15:31-32
Ano ang naging tugon ng ama sa nakatatandang anak?
Sinabi niya, "Anak, lagi ka sa piling ko, at lahat ng pagmamay-ari ko ay sa iyo."
Bakit sinabi ng ama na dapat lang silang magdiwang para sa nakababatang anak?
Dahil ang nakababatang anak ay nawala at ngayon ay natagpuan.
Luke 16
Luke 16:1-4
Anong balita ang narinig ng mayamang lalaki tungkol sa kaniyang tagapamahala?
Narinig niya na nilulustay ng tagapamahala ang kayamanan ng mayamang lalaki. [16:1]
Luke 16:5-7
Ano ang ginawa ng tagapamahala bago siya sapilitang alisin sa kanyang trabaho?
Tinawag niya ang mga may utang sa kanyang amo at binawasan ang kanilang mga utang. [16:5-7]
Luke 16:8-9
Ano ang naging tugon ng mayamang lalaki sa kilos ng kaniyang tagapamahala?
Pinuri niya ang masamang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. [16:8]
Ano ang sinabi ni Jesus na gawin ng iba batay sa kwentong ito?
Sinabi niya, "Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng makamundong kayamanan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan." [16:9]
Luke 16:10-12
Sinabi ni Jesus na ang tao na matapat sa kakaunti ay matapat din sa ano pa?
Ang tao ay matapat din sa marami. [16:10]
Luke 16:13-15
Ayon kay Jesus, anong dalawang amo ang pagpipilian natin na paglingkuran?
Dapat tayong pumili sa dalawang ito, Diyos o kayamanan. [16:13]
Luke 16:16-17
Ayon kay Jesus, anu ang umiiral hanggang dumating si Juan na tagapagbautismo?
Ang kautusan at ang mga propeta ang umiiral. [16:16]
Ayon kay Jesus, ano na ngayon ang ipinapangaral?
Ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ang ipinapangaral na ngayon. [16:16]
Luke 16:18-21
Ayon kay Jesus, anong uri ng tao ang nakikipag-hiwalay sa kaniyang asawa at nagpapakasal sa iba?
Ang taong ito ay isang mangangalunya. [16:18]
Luke 16:22-23
Sa kwento ni Jesus, saan nagpunta ang namamalimus na si Lazaro pagkatapos niyang mamatay?
Dinala ng mga anghel si Lazarus na pulubi sa tabi ni Abraham. [16:22]
Saan pumunta ang mayamang lalaki si pagkatapos niyang mamatay?
Sa Hades para maghirap. [16:23]
Luke 16:24
Ano ang unang kahilingan na hiningi ng mayamang lalaki kay Abraham?
Sinabi niya, "Pakiusap papuntahin mo si Lazaro at dalhan niya ako ng kaunting tubig dahil naghihirap ako sa apoy na ito." [16:24]
Luke 16:25-26
Ano ang sagot ni Abraham sa mayamang lalaki?
Sinabi niya, "May malalim na bangin sa pagitan natin hindi maaring tawirin ng sinuman." [16:26]
Luke 16:27-28
Ano ang pangalawang kahilingan ng mayamang lalaki kay Abraham?
Sinabi niya, "Pakiusap papuntahin si Lazaro upang balaan ang aking mga kapatid tungkol sa lugar na ito." [16:27-28]
Luke 16:29-31
Ano ang sagot ni Abraham sa mayamang lalaki?
Sinabi niya, "Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; hayaan mo silang makinig sa kanila." [16:29]
Sinabi ni Abraham na kung hindi sila makikinig kay Moises at sa mga propeta, ano pa ang hindi makahihikayat sa kanila?
Hindi sila mahihikayat kahit pa may mabuhay mula sa patay. [16:31]
Luke 17
Luke 17:14-19
Ano ang sinabi ni Jesus na gawin nila?
Sinabi niya na pumunta sila at ipakita ang kanilang mga sarili sa mga pari. (17:14)
Ano ang nangyari sa mga may ketong habang sila ay papunta?
Sila ay naging malinis. (17:14)
Ilan sa mga sampung ketongin ang bumalik upang magpasalamat kay Jesus?
Isa lamang ang bumalik. (17:15)
Taga-saan ang may ketong na bumalik upang magpasalamat kay Jesus?
Siya ay mula sa Samaria. (17:16)
Luke 17:20-21
Nang tanungin ang tungkol sa pagdating ng kaharian, saan ang sinabi ni Jesus na kaharian ng Diyos?
Ang kaharian ng Diyos ay nasa inyo. (17:21)
Luke 17:22-24
Ano ang sinabi ni Jesus na magiging katulad sa kaniyang araw, kapag siya ay magpapakitang muli?
Ito ay gaya ng paglitaw ng kidlat buhat sa isang panig ng kalangitan tungo sa ibang panig. (17:24)
Luke 17:25-31
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat munang mangyari?
Dapat siyang magdurusa ng maraming bagay at itatakwil ng salinlahing iyon.
Luke 17:32-33
Papaano tayo dapat hindi maging katulad ng asawa ni Lot?
Hindi tayo dapat lumingon upang subukang iligtas ang ating makamundong buhay sa araw na iyon. (17:32)
Luke 17:34-37
Ano ang uri ng paglalarawan mula sa kalikasan ang ginamit ni Jesus upang sagutin ang katanungan ng kaniyang mga alagad, "Saan, Panginoon?"
Kung nasaan ang bangkay, naroon din ang mga buwitre na nagtitipun-tipon. (17:37)
Luke 18
Luke 18:1-2
Ano ang gustong ituro ni Jesus sa kaniyang mga alagad tungkol sa panalangin mula sa kwentong ito?
Gusto niya silang turuan na dapat lagi silang manalangin at hindi panghinaan ng loob.
Luke 18:3-5
Ano ang palaging hinihingi ng balo mula sa hindi matuwid na hukom?
Humihingi siya ng katarungan laban sa kaniyang kaaway.
Pagkatapos ng maikling panahon, ano ang sinabi ng hindi matuwid na hukom sa kaniyang sarili?
Sinabi niya, "Dahil ginagambala ako ng balong ito at laging pumupunta sa akin, tutulungan ko siyang makamit ang katarungan." [18:5]
Luke 18:6-8
Ano ang gustong ituro ni Jesus sa kaniyang mga alagad patungkol sa kung papaano sinasagot ng Diyos ang panalangin?
Gusto niyang turuan sila na ibibigay ng Diyos ang katarungan sa mga tumatawag sa kaniya. [18:8]
Luke 18:9-10
Sa kwento ni Jesus, sino ang dalawang taong nagpunta sa templo upang manalangin?
Isang Pariseo at isang maniningil ng buwis ang nagpunta at nanalangin sa templo. [18:10]
Luke 18:11-12
Ano ang naging saloobin ng Pariseo tungkol sa kaniyang sariling pagkamakatuwiran at tungkol sa ibang tao?
Inisip niyang mas matuwid siya kaysa sa ibang tao.
Luke 18:13-14
Ano ang panalangin ng maniningil ng buwis sa Diyos sa templo?
Ipinanalangin niya, "Diyos ko, kaawaan mo ako, isang makasalanan."
Aling lalaki ang umuwi sa kaniyang tahanan na pinawalang-sala sa harapan ng Diyos?
Ang maniningil ng buwis ang pinawalang-sala sa harapan ng Diyos. [18:14]
Luke 18:15-21
Sinabi ni Jesus, kanino ang kaharian ng Diyos?
Nauukol ito sa gaya ng mga bata. [18:16-17]
Luke 18:22-27
Ano ang isang bagay na hiniling ni Jesus sa pinuno (ang siyang sumunod sa mga kautusan ng Diyos mula pa sa kaniyang pagkabata) na gawin niya?
Hiniling ni Jesus sa kaniya na ipagbili ang lahat ng mayroon siya at ipamahagi ito sa mahihirap.
Paano tumugon ang pinuno sa pahayag ni Jesus at bakit?
Labis siyang nalungkot, sapagkat napakayaman niya. [18:23]
Luke 18:28-30
Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga nag-iwan ng makamundong mga bagay para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos?
Ipinangako ni Jesus sa kanila ang higit pa sa mundong ito, at buhay na walang hanggan sa mundong darating. [18:30]
Luke 18:31-37
Ayon kay Jesus, ano ang isinulat ng mga propeta sa Lumang Tipan patungkol sa Anak ng Tao?
Ibibigay siya sa mga Gentil, kukutyain, ipapahiya, hahagupitin, at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay mabubuhay siyang muli. [18:32-33]
Luke 18:38-41
Ano ang isinigaw ng lalaking bulag na nasa daan kay Jesus?
Sinabi niya, "Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin."
Luke 18:42-43
Papaano tumugon ang mga tao pagkatapos makitang gumaling ang bulag na lalaki?
Niluwalhati at pinuri nila ang Diyos. [18:43]
Luke 19
Luke 19:1-4
Sino ang umakyat sa isang puno upang makita si Jesus, at ano ang kaniyang trabaho at katayuan sa lipunan?
Siya ay si Zaqueo, isang mayamang maniningil ng buwis.
Luke 19:5-7
Ano ang dinaing ng lahat nang pumunta si Jesus sa bahay ni Zaqueo?
Sinabi nila, "Pumunta si Jesus upang bisitahin ang isang taong makasalanan."
Luke 19:8-10
Ano ang sinabi ni Jesus tungkol kay Zaqueo pagkatapos ipahayag ni Zaqueo ang kaniyang mga kaloob sa mga mahihirap?
Sinabi niya, "Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa tahanang ito.”
Luke 19:11-15
Ano ang inaasahan ng mga tao na mangyari kapag nakarating na si Jesus sa Jerusalem?
Iniisip nilang ang kaharian ng Diyos ay lilitaw na kaagad.
Sa talinghaga ni Jesus, saan maglalakbay ang maharlika?
Siya ay pupunta sa malayong lugar upang tanggapin ang isang kaharian, at babalik siya pagkatapos.
Luke 19:16-17
Ano ang ginawa ni Jesus sa lingkod na naging tapat at nakadagdag pa ng sampung mina?
Binigyan niya siya ng kapangyarihan sa sampung mga lungsod.
Luke 19:18-19
Ano ang ginawa ni Jesus sa lingkod na naging tapat at nakadagdag pa ng limang mina?
Binigyan niya siya ng kapangyarihan sa limang mga lungsod.
Luke 19:20-23
Iniisip ng masamang lingkod na anong uri ng tao ang maharlika?
Inisip niyang isang mabagsik na tao ang maharlika.
Luke 19:24-25
Ano ang ginawa ng maharlika sa masamang lingkod?
Kinuha niya ang mina sa masamang lingkod.
Luke 19:26-28
Ano ang ginawa ng maharlika sa mga hindi nagnanais na maghari siya sa kanila?
Pinapatay sila ng maharlika sa harapan niya.
Luke 19:29-36
Anong uri ng hayop ang sinakyan ni Jesus papuntang Jerusalem?
Isang bisiro (batang asno) na hindi pa nasasakyan ni minsan.
Luke 19:37-38
Ano ang isinigaw ng mga tao nang bumaba si Jesus sa Bundok ng mga Olibo?
Sinabi nilang, "Pinagpala ang hari na naparito sa pangalan ng Panginoon!”
Luke 19:39-40
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari kapag ang mga tao ay hindi sumigaw ng kagalakan?
Sinabi niyang ang mga bato ang sisigaw.
Luke 19:41-42
Ano ang ginawa ni Jesus nang palapit na siya sa lungsod?
Siya ay umiyak.
Luke 19:43-46
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa mga tao at sa lungsod?
Sinabi niyang ang mga tao ay wawasakin at walang matitirang isang bato sa ibabaw ng isa pa.
Luke 19:47-48
Sinu-sino ang mga nagnais na patayin si Jesus nang siya ay nagtuturo sa templo?
Ang mga punong pari at ang mga eskriba at mga pinuno ng mga tao ay ninais na patayin si Jesus.
Bakit hindi nila siya maaaring patayin sa oras na ito?
Dahil ang mga tao ay nakikinig sa kaniya nang mabuti.
Luke 20
Luke 20:3-4
Nang tanungin ng mga pinunong Judio si Jesus kung sa anong kapangyarihan siya nagtuturo, ano ang itinanong ni Jesus sa kanila ?
Tinanong niya, "Ang bautismo ba ni Juan ay nanggaling sa langit o sa tao?" [20:4]
Luke 20:5-10
Kung sinagot nilang, "mula sa langit," ano ang iniisip ng mga pinunong Judio na sasabihin sa kanila ni Jesus?
Iniisip ng mga pinunong Judio na sasabihin ni Jesus sa kanila na, "Kung gayon bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?" [20:5]
Kung sinagot nilang "mula sa tao," ano ang iniisip nilang gagawin sa kanila ng mga tao?
Iniisip nilang baka batuhin sila ng mga tao. [20:6]
Luke 20:11-12
Sa parabula ni Jesus, ano ang ginagawa ng mga tagapag-alaga ng ubas sa tuwing pinapapunta ng amo ang kaniyang mga lingkod upang kunin ang mga bunga sa ubasan?
Binubugbog nila ang mga lingkod, hinihiya, at pinapalayas sila nang walang dala. [20:11-12]
Luke 20:13-14
Sa bandang huli, sino ang pinadala ng amo sa mga tagapag-alaga ng ubas?
Pinadala niya ang kaniyang minamahal na anak.
Luke 20:15-18
Ano ang ginawa ng mga tagapag-alaga ng ubas nang dumating ang anak sa ubasan?
Pinalayas nila siya sa ubasan, at pinatay. [20:15]
Luke 20:19-24
Kanino laban ang sinabi ni Jesus na parabula?
Sinabi niya ang parabulang ito laban sa mga eskriba at mga punong pari. [20:19]
Luke 20:25-26
Paano sinagot ni Jesus ang katanungan tungkol sa kung naaayon ba sa batas o hindi na magbayad ng buwis kay Cesar?
Sinabi niya na ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos. [20:25]
Luke 20:27-33
Anong pangyayari ang hindi pinapaniwalaan ng mga Saduseo?
Hindi sila naniniwala sa muling pagkabuhay ng mga patay.
Luke 20:34-36
Ano ang sinasabi ni Jesus tungkol sa pag-aasawa sa mundong ito at sa walang hanggan?
Sa mundong ito ay may pag-aasawa, ngunit walang pag-aasawa sa walang hanggan. [20:34-35]
Luke 20:37-40
Anong kwento mula sa Lumang Tipan ang inalala ni Jesus upang patunayan ang katotohanan tungkol sa muling pagkabuhay?
Inalala niya ang kwento ni Moises at ang maliit na kahoy, na kung saan tinawag ni Moises ang Panginoon na ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob. [20:37]
Luke 20:41-44
Aling pahayag ni David mula sa Awit ang binanggit ni Jesus sa kaniyang katanungan sa mga eskriba?
Sinabi niya, "Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanang kamay, hanggang gawin kong tungtungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway. [20:42-43]
Luke 20:45-47
Sa likod ng kanilang mga matuwid na kilos, anong mga masasamang bagay ang ginagawa ng mga eskriba?
Sinasalakay nila ang mga bahay ng mga balo, at nagpapanggap na nananalangin ng mahaba. [20:47]
Ayon kay Jesus, Paano huhusgahan ang mga eskribang ito?
Makakatanggap sila ng mas mabigat na hatol. [20:47]
Luke 21
Luke 21:1-4
Bakit sinabi ni Jesus na mas marami ang nailagay ng babaeng balo sa kabang-yaman kaysa sa iba?
Dahil nagbigay siya sa kanila sa kabila ng kaniyang kahirapan at ang iba ay nagbigay mula sa kanilang kasaganahan. (21:4)
Luke 21:5-6
Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari sa Templo sa Jerusalem?
Sinabi niya na ito ay mawawasak at wala ni isang bato ang maiiwan sa isa pang bato. (21:6)
Luke 21:7-9
Ano ang dalawang katanungan na itinanong ng mga tao kay Jesus patungkol sa templo?
Tinanong nila na, "Kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang magiging tanda na ang mga ito ay malapit ng mangyari?" (21:7)
Nagbabala si Jesus na maraming manlilinlang ang darating. Ano ang sasabihin ng mga manlilinlang na ito?
Sasabihin nila, "Ako siya," at "Nalalapit na ang panahon." (21:8)
Luke 21:10-11
Ayon kay Jesus, ano ang mga kakila-kilabot na pangyayari ang magaganap bago ang wakas?
Magkakaroon ng mga digmaan, mga lindol, taggutom, mga salot at mga dakilang palatandaan mula sa kalangitan. (21:10-11)
Luke 21:12-15
Anong pagkakataon ang lilikhain ng pag-uusig sa mga mananampalataya?
Ito ay lilikha ng pagkakataon para sa kanilang patotoo. (21:13)
Luke 21:16-19
Sino ang mamumuhi sa mga taga-sunod ni Jesus?
Mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, mga kaibigan, at kamumuhian sila ng "lahat" (21:16-17)
Luke 21:20-22
Anong pangyayari ang magpapahiwatig na ang pagkawasak ng Jerusalem ay nalalapit?
Kung ang Jerusalem ay napapaligiran ng mga hukbo, ang pagkawasak nito ay nalalapit. (21:20)
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga taong nakakita na malapit na ang pagkawasak ng Jerusalem?
Sinabi niya sa kanila na magsitakas patungo sa mga bundok, na lisanin ang lungsod, at huwag pumasok sa lungsod. (21:21)
Ano ang tawag ni Jesus sa mga araw ng pagkawasak ng Jerusalem?
Tinawag niya itong mga araw ng paghihiganti, pagtupad sa lahat ng nakasulat. (21:22)
Luke 21:23-24
Gaano katagal yuyurakan ng mga Gentil ang Jerusalem?
Yuyurakan ng mga Gentil ang Jerusalem hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil. (21:24)
Luke 21:25-28
Ano ang mga palatandaan na sinabi ni Jesus na mauuna bago siya dumating na taglay ang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian?
Sinabi niya na magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, sa mga bituin, at magdurusa ang mga bansa sa lupa. (21:25)
Luke 21:29-31
Ano ang ibinigay na halimbawa ni Jesus kung paano malalaman ng kaniyang mga taga-pakinig na ang panahon ay dumating?
Tinukoy niya ang puno ng igos - kapag umusbong ito, nalalaman nila na malapit na ang tag-araw. (21:30)
Luke 21:32-33
Ano ang sinabi ni Jesus na lilipas?
Ang langit at lupa ay lilipas. (21:33)
Ano ang hindi kailanman lilipas?
Ang mga salita ni Jesus ay hindi lilipas kailanman. (21:33)
Luke 21:34-35
Ano ang babala ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig na huwag nilang gawin yamang darating ang araw na iyon nang biglaan?
Binalaan sila ni Jesus na huwag magnais ang kanilang mga puso na mamuhay sa masama, kalasingan, at mga alalahanin sa buhay. (21:34)
Luke 21:36-38
Ano ang babala ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig na gawin nila dahil ang araw na iyon ay darating nang biglaan?
Binalaan niya sila na maging mapagmatiyag at manalangin. (21:36)
Luke 22
Luke 22:1-4
Sa panahong ito, aling pista ng mga Judio ang papalapit?
Ang pista ng tinapay na walang pampaalsa, na tinatawag na Paskwa.
Luke 22:5-9
Anong pangyayari ang inaabangan ni Judas upang magkaroon siya ng pagkakataon na madala si Jesus sa mga punong pari?
Naghahanap siya ng pagkakataon kung kailan si Jesus ay malayo sa napakaraming tao. [22:6]
Luke 22:10-11
Saan kinain ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ang hapunang Pampaskua?
Kinain nila ito sa isang silid na pampanauhin sa Jerusalem.
Luke 22:12-13
Saan kinain ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ang hapunang Pampaskua?
Kinain nila ito sa isang silid na pampanauhin sa Jerusalem.
Luke 22:14-18
Ayon kay Jesus, kailan siya muling kakain ng hapunang Pampaskua?
Kakain siyang muli ng hapunang Pampaskua kapag ito ay natupad na sa kaharian ng Diyos. [22:16]
Luke 22:19-20
Ano ang sinabi ni Jesus nang hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay ito sa mga alagad?
Sinabi niya, "Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin."
Ano ang sinabi ni Jesus nang ibinigay niya ang kopa sa mga alagad?
Sinabi niya, "Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa inyo." [22:20]
Luke 22:21-25
Alam ba ng mga alagad kung sino ang magkakanulo kay Jesus?
Hindi. [22:23]
Plano ba ng Diyos na si Jesus ay ipagkanulo?
Oo. [22:22]
Luke 22:26-27
Sino ang sinabi ni Jesus na pinakadakila sa kaniyang mga alagad?
Ang pinakadakila ay ang naglilingkod.
Paano namuhay si Jesus kasama ng kaniyang mga alagad?
Namuhay siya bilang isang naglilingkod. [22:27]
Luke 22:28-32
Ipinangako ni Jesus na uupo ang kaniyang mga alagad saan?
Sinabi niya, uupo sila sa mga trono, na hahatol sa labindalawang tribo ng Israel. [22:30]
Luke 22:33-36
Ano ang ipinahayag ni Jesus na gagawin ni Pedro?
Sinabi niya na ikakaila ni Pedro na kilala niya si Jesus nang tatlong beses bago tumilaok ang tandang. [22:34]
Luke 22:37-38
Anong nasusulat na pahayag tungkol kay Jesus ang natutupad sa mga pangyayaring ito?
Ang pahayag sa kasulatan ay nagsasabi, "At itinuring siyang isa sa mga lumalabag sa batas."
Luke 22:39-40
Sa Bundok ng mga Olibo, ano ang sinabi ni Jesus na ipananalangin ng kaniyang mga alagad?
Gusto niyang ipanalangin nila na hindi sila matukso. [22:40]
Luke 22:41-44
Sa Bundok ng mga Olibo, ano ang ipinanalangin ni Jesus?
Ipinanalangin niya, "Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang kopang ito. Gayunpaman hindi ang kalooban ko, kundi ang sa iyo ang matupad." [22:42]
Luke 22:45-46
Ano ang ginagawa ng mga alagad nang bumalik si Jesus mula sa pananalangin?
Natutulog sila.
Luke 22:47-48
Paano ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa harap ng maraming tao?
Ipinagkanulo niya si Jesus sa pamamagitan ng isang halik.
Luke 22:49-51
Ano ang ginawa ni Jesus sa lalaking nataga ang tainga?
Hinawakan ni Jesus ang kaniyang tainga, at pinagaling siya. [22:51]
Luke 22:52-53
Sinabi ni Jesus na araw-araw siyang nasaan kasama ng mga punong pari?
Siya ay nasa templo. [22:53]
Luke 22:54-55
Pagkatapos siyang dakipin, saan nila dinala si Jesus?
Siya ay dinala sa bahay ng pinakapunong pari.
Luke 22:56-58
Ano ang sinabi ni Pedro nang sabihin ng isang utusan na kasama ni Pedro si Jesus?
Sinabi niya, "Babae, hindi ko siya kilala." [22:57]
Luke 22:59-60
Ano ang kaagad na nangyari pagkatapos ikaila ni Pedro na kilala niya si Jesus sa ikatlong pagkakataon?
Tumilaok ang isang tandang. [22:60]
Luke 22:61-62
Ano ang ginawa ni Pedro matapos siyang tingnan ni Jesus?
Lumabas siya at labis na tumangis. [22:62]
Luke 22:63-65
Ano ang ginawa ng mga lalaking nagbabantay kay Jesus?
Hinamak nila, hinampas at nilapastangan siya.
Luke 22:66-68
Nang hingin ng konseho na sabihin sa kanila ni Jesus kung siya ang Cristo, sinabi ni Jesus na kung sasabihin niya sa kanila, hindi nila gagawin ang ano?
Hindi sila maniniwala. [22:67]
Luke 22:69-71
Bakit sinabi ng konseho na hindi na nila kailangan ng mga saksi upang patunayan na sinasabi ni Jesus na siya ang Cristo?
Dahil narinig nila ito mula mismo sa bibig ni Jesus. [22:71]
Luke 23
Luke 23:1-2
Ano ang mga paratang ng mga pinuno ng Judio laban kay Jesus?
Sinabi nilang inaakay ni Jesus sa kasamaan ang bansa, ipinagbabawal na magbigay ng paggalang kay Ceasar, at nagsasabing siya ang Cristo, isang hari.
Luke 23:3-7
Pagkatapos tanungin si Jesus, ano ang sinabi ni Pilato tungkol sa kaniya?
Sinabi niya, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito."
Luke 23:8-12
Bakit nais ni Herodes na makita si Jesus?
Nais ni Herodes na makita si Jesus na gumawa ng himala.
Paano sinagot ni Jesus ang mga tanong ni Herodes?
Wala siyang isinagot sa kaniya.
Luke 23:13-17
Nang ibinalik si Jesus kay Pilato, ano ang sinabi ni Pilato sa mga tao tungkol kay Jesus?
Sinabi niyang, “Wala akong makitang kasalanan ng taong ito.”
Luke 23:18-19
Sino ang nais ng maraming tao na palayain mula sa bilangguan sa Pista ng Paskua?
Si Barabbas, na isang kriminal.
Luke 23:20-22
Ano ang isinigaw ng mga tao na dapat gawin kay Jesus?
Sinigaw nila, “Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus.”
Sa pangatlong pagkakataon, ano ang sinabi ni Pilato sa mga tao tungkol kay Jesus?
Sinabi ni Pilato, "Wala akong natagpuan upang siya ay marapat na parusahan ng kamatayan.”
Luke 23:23-25
Bakit sa bandang huli, ibinigay ni Pilato sa mga tao ang kahilingan nilang ipapako sa krus si Jesus?
Dahil sila ay nagpumilit nang may malalakas na mga tinig.
Luke 23:26
Sino ang bumuhat sa krus ni Jesus, at sumunod sa likuran ni Jesus?
Si Simon na taga-Cirene ang bumuhat sa krus ni Jesus.
Luke 23:27-31
Sino ang sinabi ni Jesus na dapat iyakan ng mga babae ng Jerusalem sa halip na siya?
Dapat nilang iyakan ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga anak.
Luke 23:32
Sinu-sino ang mga napako sa krus na kasama ni Jesus?
Dalawang kriminal ang napako sa krus kasama ni Jesus.
Luke 23:33-34
Mula sa krus, ano ang idinalangin ni Jesus para sa mga nagpapako sa kaniya?
Idinalangin niyang, "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."
Luke 23:35
Dahil sinabi ni Jesus na siya ang Cristo, hinamon ng mga tao, mga sundalo at ng isa sa dalawang kriminal si Jesus na gawin ang ano?
Hinamon nila si Jesus na iligtas niya ang kaniyang sarili.
Luke 23:36-38
Ano ang nakasulat sa karatula sa itaas ni Jesus?
Sinabi nitong, "ITO ANG HARI NG MGA JUDIO."
Luke 23:39-41
Dahil sinabi ni Jesus na siya ang Cristo, hinamon ng mga tao, mga sundalo at ng isa sa dalawang kriminal si Jesus na gawin ang ano?
Hinamon nila si Jesus na iligtas niya ang kaniyang sarili.
Luke 23:42-43
Ano ang pangako ni Jesus sa pangalawang kriminal?
Sinabi niya, "Sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa paraiso."
Luke 23:44-45
Anong mga kahanga-hangang pangyayari ang naganap kaagad bago ang kamatayan ni Jesus?
Nabalot ng kadiliman ang buong lupain at nahati sa gitna ang kurtina ng templo.
Luke 23:46-51
Ano ang sinabi ng kapitan tungkol kay Jesus pagkatapos ng kamatayan ni Jesus?
Sinabi niyang, "Tunay ngang matuwid ang taong ito."
Luke 23:52-53
Ano ang ginawa ni Jose na taga-Arimatea pagkatapos ng kamatayan ni Jesus?
Hiningi niya kay Pilato ang katawan ni Jesus at inilagay niya ito sa isang libingan.
Luke 23:54-56
Anong araw ang malapit ng magsimula nang inilibing si Jesus?
Ang Araw ng Pamamahinga ay malapit ng magsimula.
Ano ang ginawa ng mga kababaihang kasama ni Jesus sa Araw ng Pamamahinga?
Sila ay nagpahinga, ayon sa kautusan ng Diyos.
Luke 24
Luke 24:1-5
Kailan dumating ang mga babae sa libingan ni Jesus?
Maaga silang dumating sa unang araw ng linggo. [24:1]
Ano ang nakita ng mga babae sa libingan?
Nakita nila na naigulong na ang bato at ang katawan ni Jesus ay wala doon. [24:2-3]
Luke 24:6-10
Sinabi ng dalawang lalaki na may nakakasilaw na kasuotan (mga anghel) na si Jesus ay ano?
Sinabi nila na nabuhay muli si Jesus. [24:6]
Luke 24:11-14
Ano ang naging tugon ng mga apostol nang sabihin ng mga babae ang nangyari sa kanila sa libingan?
Binale-wala nila ang balita at itinuring walang kabuluhan. [24:11]
Ano ang nakita ni Pedro nang tignan niya ang libingan?
Nakita niya ang mga linong tela lamang. [24:11]
Luke 24:15-20
Bakit hindi nakilala ng dalawang alagad na papunta sa Emmaus si Jesus nang sumama si Jesus sa kanila?
Ang kanilang mga mata ay nahadlangan upang hindi siya makilala
Luke 24:21-24
Habang nabubuhay pa si Jesus, ano ang inaasahan ng mga alagad na gawin niya?
Umaasa sila na palalayain niya ang Israel mula sa kanilang mga kaaway. [24:21]
Luke 24:25-29
Ano ang ipinaliwanag ni Jesus sa dalawang lalaki mula sa kasulatan?
Ipinaliwanag niya kung ano ang sinasabi ng kasulatan tungkol sa kaniya. [24:27]
Luke 24:30-32
Kailan nakilala ng dalawang lalaki si Jesus?
Nakilala nila siya nang basbasan niya ang tinapay, hinati ito, at ibinigay sa kanila. [24:30-32,35]
Ano ang ginawa ni Jesus nang makilala nila siya?
Naglaho siya sa kanilang mga paningin. [24:31]
Luke 24:33-35
Kailan nakilala ng dalawang lalaki si Jesus?
Nakilala nila siya nang basbasan niya ang tinapay, hinati ito, at ibinigay sa kanila. [24:30-32,35]
Luke 24:36-37
Ano ang unang sinabi ni Jesus nang magpakita siya sa mga alagad sa Jerusalem?
Sinabi niya, "Ang kapayapaan ay sumainyo."
Luke 24:38-44
Paano pinatunayan ni Jesus na hindi lang siya isang espiritu?
Inanyayahan niya ang mga alagad na hawakan siya, at ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. [24:36]
Luke 24:45-47
Paano naintindihan ng mga alagad ang mga kasulatan?
Binuksan ni Jesus ang kanilang mga isipan upang maintindihan nila. [24:45]
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat ipangaral sa lahat ng mga bansa?
Pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ang dapat na ipangaral sa lahat ng mga bansa. [24:47]
Luke 24:48-49
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad na hintayin?
Sinabi niyang maghintay sila sa lungsod, hanggang kayo ay mapagkalooban ng kapangyarihang mula sa taas [24:47]
Luke 24:50-51
Ano ang nangyari kay Jesus habang binabasbasan niya ang mga alagad malapit sa Betania?
Dinala siya paakyat sa langit. [24:51]
Luke 24:52-53
Saan ginugol ng mga alagad ang kanilang oras, at ano ang kanilang ginagawa?
Patuloy silang nasa templo, nagpupuri sa Diyos. [24:53]