Romans
Romans 1
Romans 1:1-3
Sa anong kaparaanan ipinangako ng Diyos ang Ebanghelyo bago sa panahon ni Pablo?
Ang Ebanghelyo ay dati ng ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa banal na kasulatan.
Ang Anak ng Diyos ay ipinanganak sa anong kaapu-apuhan ayon sa laman?
Ang Anak ng Diyos ay ipinanganak mula sa kaapu-apuhan ni David ayon sa laman.
Romans 1:4-7
Sa anong pangyayari na si Jesu-Cristo ay itinalaga bilang anak ng Diyos?
Itinalaga si Jesus-Cristo bilang anak ng Diyos sa pamamagitan ng muling pagkabuhay mula sa mga patay.
Sa anong layunin ginawa ni Pablo na tanggapin ang biyaya at pagka-apostol mula kay Cristo?
Natanggap ni Pablo ang biyaya at pagka-apostol sa pagkamasunurin sa pananampalataya kabilang sa lahat ng mga bansa.
Romans 1:8-10
Para sa ano ginawa ni Pablo ang pasasalamat sa Diyos ukol sa mga mananampalataya sa Roma?
Nagpasalamat si Pablo sa Diyos dahil sa kanilang pananampataya na napahayag sa lahat ng dako ng buong mundo.
Romans 1:11-12
Bakit ninanais ni Pablo na makita ang mga mananampalataya sa Roma?
Ninais ni Pablo na makita sila para mabigyan sila ng ilang Espiritwal na kaloob para itatag sila.
Romans 1:13-15
Bakit si Pablo ay walang kakayahan na bisitahin ang mga mananampalataya sa Roma hanggang ngayon?
Walang kakayahan na bumisita si Pablo dahil siya ay nahadlangan hanggang ngayon.
Romans 1:16-17
Ano ang sinabi ni Pablo na kung ang Ebanghelyo?
Sinasabi ni Pablo ang Ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan para sa lahat ng mga naniniwala.
Anong banal na kasulatan ang binanggit ni Pablo na tungkol sa kung papaano ang makatuwiran ay mabubuhay?
Binanggit ni Pablo ang banal na kasulatan, "Ang makatuwiran ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya".
Romans 1:18-19
Ano ang ginagawa ng mga hindi maka-Diyos at makasalanan kahit na alam nila ang tungkol sa Diyos na nakikita nila?
Ang mga hindi maka-Diyos at makasalanan ay pinipigilan ang katotohanan kahit na alam nila ang tungkol sa Diyos na nakikita nila.
Romans 1:20-23
Paano ang mga hindi nakikitang bagay tungkol sa Diyos ay malinaw na nakikita?
Ang hindi nakikitang mga bagay tungkol sa Diyos ay malinaw na nakikita sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay.
Anong katangian ng Diyos ang malinaw na nakikita?
Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at likas na kabanalan ay malinaw na nakikita.
Ano ang mangyayari sa mga kaisipan at mga puso ng mga hindi lumuluwalhati sa Diyos at hindi nagbibigay ng pasasalamat sa kanya?
Sa mga hindi nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos o ang hindi nagbibigay ng pasasalamat ay magiging mangmang sa kanilang mga kaisipan at ang kanilang mga puso ay pinagdilim.
Romans 1:24-25
Ano ang ginawa ng Diyos sa mga pinagpalit ang kaniyang kaluwalhatian para sa mga nasisirang imahe ng tao at hayop?
Binigay sila ng Diyos sa maduming pagnanasa ng kanilang puso dahil sa karumihan, para ang kanilang katawan ay mawalan ng dangal sa kanilang mga sarili.
Romans 1:26-27
Para saan ang mahahalay na pagkahilig ng damdamin ng mga babae at lalaki na nagliliyab sa kanilang pagnanasa?
Ang mga babae ay nag-aalab sa kanilang masamang pagnanasa sa isa't-isa at ang mga lalaki ay nag-aalab sa kanilang masamang pagnanasa sa isa't-isa.
Romans 1:28
Ano ang ginawa ng Diyos sa mga hindi nagpahintulot na magkaroon siya ng kamalayan sa kanila?
Ibinigay sila ng Diyos sa kanilang mahahalay na pag-iisip, upang gawin ang mga bagay na hindi karapat-dapat.
Romans 1:29-31
Ano ang ilang mga katangian sa mga mayroong masamang pag-iisip?
Sa mga mayroong masasamang pag-iisip ay puno ng inggit, ng pagpatay, pagtatalo, panlinlang, at mga masasamang hangarin.
Romans 1:32
Ano ang ginawa ng mga may masamang pagkakaintindi tungkol sa kinakailangan ng Diyos?
Sa mga mayroong masamang pag-iisip naiintindihan nila na ang gumagawa ng mga bagay na iyon ay kaparapat-dapat sa kamatayan.
Kahit sila ay may mga masasamang pag-iisip naiintindihan nila ang kinakailangan ng Diyos, ano ang ginagawa nila gayon pa man?
Sila ay gumagawa ng mga hindi makatuwiran na bagay at sumasang-ayon sa mga gumagawa noon.
Romans 2
Romans 2:1-2
Bakit ang ibang tao ay walang dahilan sa kanilang paghuhusga?
Ang ibang tao ay walang maidadahilan sa kanilang panghuhusga dahil kung ano ang hinusga nila sa iba ay sila naman gumagawa din nito sa kanilang mga sarili.
Paano ginagawa ng Diyos ang paghatol sa mga gumagawa ng hindi makatuwiran?
Humahatol ang Diyos ayon sa katotohanan kapag hinatulan niya ang mga gumagawa ng hindi makatuwiran.
Romans 2:3-4
Ano ang pagtitiyaga at kabutihan ng Diyos ang gustong mangyari?
Ang patitiyaga at kabutihan ng Diyos ay gustung dalhin ang isang tao patungo sa pagsisisi.
Romans 2:5-7
Ano ang mga mayroon sa mga matitigas, hindi mapagsising puso sa Diyos na naiipon para sa kanilang mga sarili?
Sa mga matitigas, hindi mapagsising puso ay nag-iipon para sa kanila ang matinding pagkapoot sa araw ng makatuwirang hatol ng Diyos.
Ano ang matatanggap ng mga nagpatuloy na gumawa, mabubuting mga gawain?
Ang mga nagpatuloy na gumawa ng mabubuting mga gawain ay makakatanggap ng walang hanggang buhay.
Romans 2:8-9
Ano ang mga matatanggap ng mga sumunod sa kasamaan?
Sa mga sumusunod sa kasamaan ay makakatanggap ng matinding pagkapoot, matinding galit, pagdurusa, at pagkabalisa.
Romans 2:10-12
Paano ipinapakita ng Diyos na walang pinapanigan ang kaniyang paghahatol sa pagitan ng Judio at Griego?
Pinapakita ng Diyos na wala siyang pinapanigan dahil sa ang mga nagkasala, Judio man o Griego, ay mamamatay.
Romans 2:13-20
Sino ang mapapawalang-sala sa harap Diyos?
Ang mga gumagawa ng batas ang mga mapapawalang-sala sa harap ng Diyos.
Paano ipinakita ng mga Hentil na mayroon silang batas sa kanilang mga sarili?
Ipinapakita ng mga Hentil na mayroon silang batas sa kanilang mga sarili kapag ginagawa nila ang likas na mga bagay ng batas.
Romans 2:21-22
Anong pagsubok na binigay ni Pablo sa mga Judio na umaasa sa batas at tinuturo sa iba?
Sinubok sila ni Pablo na kung sila ay nagtuturo ng batas sa iba, dapat din nilang maituro sa kanilang sarili.
Alin sa mga kasalanan ang nabanggit ni Pablo na dapat itigil gawin ng mga Judio na tagapag-turo ng batas?
Nabanggit ni Pablo ang mga kasalanan ng pagnanakaw, pangangalunya, at ang pagnanakaw sa mga templo.
Romans 2:23-24
Bakit kinahihiya ang pangalan ng Diyos sa mga Hentil dahil sa mga Judio na tagapagturo ng batas?
Ang pangalan ng Diyos ay kinahihiya dahil ang mga Judio na tagapagturo ng batas ay sumusuway sa Batas.
Romans 2:25-27
Paano sinabi ni Pablo na ang pagtutuli sa Judio ay maaring maging hindi pagkatuli?
Sinasabi ni Pablo na ang pagtuli sa Judio ay maaaring maging hindi pagkatuli kung ang taong iyon ay lumabag sa Batas.
Paano sinabi ni Pablo na ang isang Hentil na hindi tuli ay maaaring maituring na tuli?
Sinasabi ni Pablo na ang isang Hentil na hindi tuli ay maaaring maituring na tuli kung ang tao ay patuloy na pinapanatili ang kinakailangan ng Batas.
Romans 2:28-29
Sino ang sinabi ni Pablo na totoong Judio?
Sinabi ni Pablo na ang totoong Judio ay isang Judio sa kalooban, na mayroong pagtutuli ng puso.
Mula kanino ang isang tunay na Judio tumatanggap ng papuri?
Ang tunay na Judio ay tumatanggap ng papuri mula sa Diyos.
Romans 3
Romans 3:1-2
Ano ang una sa lahat ng mga kalamangan ng isang Judio?
Una sa lahat sa mga kalamangan ng Judio ay pinagkatiwalaan sila sa pahayag na galing sa Diyos.
Romans 3:3-4
Kahit na ang bawat tao ay sinungaling, ano ang matatagpuan sa Diyos?
Kahit na ang bawat tao ay sinungaling, matatagupan na ang Diyos ay totoo.
Romans 3:5-6
Dahil ang Diyos ay matuwid, ano ang kaya niyang gawin?
Dahil ang Diyos ay matuwid, siya ay may kakayahan na hatulan ang mundo.
Romans 3:7-8
Ano ang mga dumarating sa mga nagsasabing, "Tayo ay gumawa ng masama, upang ang mabuti ay dumating"?
Ang hatol ay dadating sa mga nagsasabing, "Tayo ay gumawa ng masama, upang ang mabuti ay dumating".
Romans 3:9-10
Ano ang nasusulat sa banal na Kasulatan tungkol sa katuwiran ng lahat, parehong Judio at Griyego?
Ito ay nasusulat na walang matuwid, kahit isa.
Romans 3:11-18
Ayon sa kung ano ang nasusulat, sino ang nakakaintindi at humahanap sa Diyos?
Ayon sa nasusulat, walang nakaintindi at walang humanap sa Diyos.
Romans 3:19-20
Sino ang mapapawalang-sala sa pamamagitan ng mga gawa ng batas?
Walang laman ang mapapawalang-sala sa pamamagitan ng mga gawa ng Batas.
Ano ang dumarating sa pamamagitan ng batas?
Ang kaalaman sa kasalanan ay nanggagaling sa pamamagitan ng batas.
Romans 3:21-22
Sa anong mga saksi na mayroong katuwiran sa walang batas na pinaalam na ngayon?
Sa mga saksi ng Batas at mga Propeta na mayroon nang katuwiran sa wala batas na alam na ngayon.
Ano ang katuwiran na walang Batas na ngayon ay alam na?
Ang katuwiran na walang batas ay ang katuwiran ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus Cristo para sa lahat ng mga naniniwala.
Romans 3:23-24
Paano napapawalang-sala ang isang tao sa harap ng Diyos?
Ang isang tao ay napapawalang-sala sa harap ng Diyos ng malaya ayon sa kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na mayroon kay Jesu-Cristo.
Romans 3:25-26
Sa anong layunin ginawa ng Diyos na ibinigay si Cristo Jesus?
Binigay ng Diyos si Cristo Jesus bilang pagsusuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanyang dugo.
Ano ang ginawa ng Diyos upang ipakita ang lahat ng naganap sa pamamagitan ni Jesu-Cristo?
Ipinakita ng Diyos na siya ang nag-iisa na nagpapawalang-sala kanino man dahil sa pananampalataya kay Jesus.
Romans 3:27-28
Ano ang tungkulin ng paggawa ng Batas ang mayroon sa pagpapawalang-sala?
Ang isang tao ay napapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya na wala ang mga paggawa sa Batas.
Romans 3:29-30
Paano ipawalang-sala ng Diyos ang tuli na Judio at ang hindi tuli na Hentil?
Parehong pinapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Romans 3:31
Ano ang gagawin natin sa batas sa pamamagitan ng pananampalataya?
Panindigan natin ang batas sa pamamagitan ng pananampalataya.
Romans 4
Romans 4:1-3
Ano ang maaring nagbigay kay Abraham ng dahilan upang magmalaki?
Si Abraham ay maaring nagkaroon ng dahilan na magmalaki kung siya ay napawalang-sala sa pamamagitan ng mga gawa.
Ano ang sinasabi ng banal na kasulatan tungkol pinawalang-sala si Abraham?
Sinasabi ng banal na kasulatan na si Abraham ay naniwala sa Diyos at itinuring ito sa kaniya bilang katuwiran.
Romans 4:4-5
Anong uri ng mga tao ang pinapawalang-sala ng Diyos?
Pinapawalang-sala ng Diyos ang mga hindi maka-Diyos.
Romans 4:6-8
Ayon kay David, sa papaanong paraan pinagpapala ng Diyos ang isang tao?
Ayon kay David, pagpalain ang tao na siya ang mga kasalanan ay pinatawad at ang kanyang kasalanan ay hindi na binilang ng Panginoon.
Romans 4:9-10
Ang pananampalataya ni Abraham ay binilang ba na makatuwiran bago o pagkatapos na siya ay matuli?
Ang pananampalataya ni Abraham ay naibilang na makatuwiran bago siya matuli.
Romans 4:11-12
Si Abraham ay ama ng anong pangkat ng mga tao?
Si Abaraham ay ama ng lahat ng naniniwala, parehong hindi natuli at tuli.
Romans 4:13-15
Anong pangako ang ibinigay kay Abraham at sa kanyang mga kaapu-apohan sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya?
Ipinangako kay Abraham at sa kanyang mga kaapu-apohan na sila ay magiging tagapagmana ng mundo.
Ano ang maari na totoo kung ang pangako kay Abraham ay nanggaling sa pamamagitan ng batas?
Kung ang pangako ay nanggaling sa pamamagitan ng batas, kung gayon ang pananampalataya ay maaring walang laman at ang pangako ay hindi totoo.
Romans 4:16-17
Sa anong mga dahilan na ang pangako ay ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya?
Ang pangako ay ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya upang ito ay ayon sa biyaya, at upang ito ay sigurado.
Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Pablo na ginagawa ng Diyos?
Sinabi ni Pablo na ang Diyos ay nagbibigay buhay sa mga patay at tumatawag sa mga bagay na hindi pa nilalang patungo sa pagkalalang nito.
Romans 4:18-22
Anong panlabas na kalagayan ang nagpahirap para kay Abraham na paniwalaan ang pangako ng Diyos na siya ay magiging ama ng maraming bansa?
Nang ginawa ng Diyos ang pangako kay Abraham, si Abraham ay halos isang daang taong gulang na at ang sinapupunan ni Sarah ay patay na.
Paano tumugon si Abaraham sa pangako ng Diyos sa kabila ng mga panlabas na mga kalagayan?
Si Abraham ay tiyak na nagtiwala sa Diyos at hindi nag-alinlangan sa hindi paniniwala.
Romans 4:23-25
Para kanino sinulat ang tala ni Abraham?
Ang tala ni Abraham ay naisulat para sa kanyang kapakinabangan, at sa ating kapakinabangan.
Ano ang ating pinapaniwalaan na ginawa ng Diyos para sa atin?
Tayo ay naniniwala na ang Diyos ay binuhay si Jesus mula sa mga patay, na siyang inalay para sa ating mga kasalanan at nabuhay para sa ating pagpapawalang-sala.
Romans 5
Romans 5:1-2
Ano ang mayroon sa mga mananampalataya sapagkat sila ay napawalang-sala dahil sa pamamagitan ng pananampalataya?
Dahil sila ay napawalang-sala sa pamamagitan pananampalataya, ang mga mananampalataya ay mayroong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo.
Romans 5:3-7
Ano ang tatlong bagay na bunga ng pagdurusa?
Ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis, pagsang-ayon, at pagtitiwala.
Romans 5:8-9
Paano pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pagmamahal para sa atin?
Pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pagmamahal para sa atin, dahil kahit na tayo ay nanatili na mga makasalanan, namatay si Cristo para sa atin.
Bilang napawalang-sala na ng dugo ni Cristo, para sa ano niligtas ang mga mananampalataya?
Bilang napawalang-sala na ng dugo ni Cristo, ang mga mananampalataya ay naligtas mula sa galit ng Diyos.
Romans 5:10-11
Anong ugnayan mayroon ang mga hindi mananampalataya sa Diyos bago sila makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus?
Ang mga hindi mananampalataya ay kaaway ng Diyos bago sila makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus.
Romans 5:12-13
Ano ang nangyari dahil sa kasalanan ng isang tao?
Dahil sa kasalanan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan, ang kamatayan ay pumasok dahil sa pamamagitan ng kasalanan, at ang kamatayan ay kumalat sa lahat ng mga tao.
Romans 5:14-15
Sino ang taong naging daan upang makapasok ang kasalanan sa mundo?
Si Adan ang tao na naging daan upang makapasok ang kasalanan sa sanlibutan.
Ano ang pagkakaiba ng libreng kaloob ng Diyos sa mga kasalanan ni Adan?
Dahil sa kasalanan ni Adan, maraming namatay, ngunit dahil sa libreng kaloob ng Diyos marami ang nanagana.
Romans 5:16-17
Ano ang naging bunga mula sa kasalanan ni Adan, at ano ang naging bunga mula sa libreng kaloob ng Diyos?
Ang hatol na kaparusahan ay nagbunga mula sa kasalanan ni Adan, ngunit ang pagpapawalang-sala ay nagbunga mula sa libreng kaloob ng Diyos.
Ano ang naghari mula sa kasalanan ni Adan, at ano ang naghari sa pamamagitan ng kaloob na katuwiran ng Diyos?
Kamatayan ang naghari mula sa kasalanan ni Adan, and sa mga nakatanggap ng kaloob ng Diyos ay naghari sa pamamagitan ng buhay ni Jesu-Cristo.
Romans 5:18-19
Ano ang nangyari sa karamihan dahil sa pagsuway ni Adan, at ano ang mangyayari sa karamihan sa pamamagitan ng pagsunod ni Cristo?
Maraming tao ang naging makasalanan dahil sa pagsuway ni Adan, at marami ang magiging matuwid dahil sa pagsunod ni Cristo.
Romans 5:20-21
Bakit dumating ang Kautusan?
Dumating ang Kautusan upang sumagana ang kasalanan.
Ano ang sumagana pa kaysa sa kasalanan?
Ang biyaya ng Diyos ay sumagana pa kaysa sa kasalanan.
Romans 6
Romans 6:1-3
Dapat bang magpatuloy sa pagkakasala ang mga mananampalataya upang sumagana ang biyaya?
Hindi ito maaari kailanman.
Saan nabautismuhan ang mga taong nabautismuhan kay Jesu-Cristo?
Ang mga taong nabautismuhan kay Jesu-Cristo ay nabautismuhan sa kamatayan ni Cristo.
Romans 6:4-5
Ano ang dapat gawin ng mga mananampalataya mula noong si Cristo ay nabuhay muli?
Ang mga mananampalataya ay dapat lumakad sa bagong buhay.
Sa anong dalawang mga paraan ang mga mananampalataya ay kaisa kay Cristo sa pamamagitan ng bautismo?
Ang mga mananampalataya ay kaisa kay Cristo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.
Romans 6:6-7
Ano ang ginawa para sa atin upang tayo ay hindi na maging alipin ng kasalanan?
Ang ating dating pagkatao ay ipinako sa krus kasama ni Cristo upang tayo ay hindi na maging alipin ng kasalanan.
Romans 6:8-9
Paano natin nalaman na ang kamatayan ay hindi na maghahari kay Cristo?
Alam nating ang kamatayan ay hindi maghahari kay Cristo dahil si Cristo ay nabuhay na muli mula sa kamatayan.
Romans 6:10-11
Ilang beses namatay si Cristo dahil sa kasalanan, at para sa ilang tao siya namatay?
Namatay si Cristo ng minsanan para sa lahat.
Paano dapat mag-isip ang isang mananampalataya sa kanyang sarili patungkol sa kasalanan?
Ang isang mananampalataya ay dapat isipin ang kanyang sarili na patay sa kasalanan.
Para kanino nabubuhay ang isang mananampalataya?
Ang isang mananampalataya ay nabubuhay para sa Diyos.
Romans 6:12-14
Kanino dapat ialay ng isang mananampalataya ang mga bahagi ng kanyang katawan, at para sa anong layunin?
Ang isang mananampalataya ay dapat na ialay ang mga bahagi ng kanyang katawan sa Diyos para maging kasangkapan para sa katuwiran.
Sa ano pumapailalim ang isang mananampalataya, kung saan napapahintulutan niya na pagharian ang kasalanan?
Ang mananamplataya ay namumuhay na nasasailalim sa biyaya, na napapahintulutan na pagharian ang kasalanan.
Romans 6:15-16
Ano ang huling kahahantungan ng isang tao na ginagawang alipin ang kanyang sarili sa kasalanan?
Ang huling kahahantungan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa kasalanan ay kamatayan.
Ano ang huling kahahantungan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos?
Ang huling kahahantungan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos ay katuwiran.
Romans 6:17-18
Ano ang huling kahahantungan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos?
Ang huling kahahantungan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos ay katuwiran.
Romans 6:19-21
Ano ang huling kahihinatnan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos?
Ang huling kahihinatan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa Diyos ay katuwiran.
Ano ang huling kahihinatnan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa kasalanan?
Ang huling kahihinatnan ng isang taong ginagawang alipin ang kanyang sarili sa kasalanan ay kamatayan.
Romans 6:22-23
Ang mga alipin ng Diyos ay mayroong bunga para sa anong layunin?
Ang mga alipin ng Diyos ay mayroong bunga para sa pagiging banal.
Ano kabayaran ng kasalanan?
Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.
Ano ang libreng kaloob ng Diyos?
Ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan.
Romans 7
Romans 7:1
Gaano katagal nasasakop ng kautusan ang isang tao?
Ang kautusan ay nasasakop ang isang tao habang siya ay nabubuhay.
Romans 7:2-3
Gaano katagal ang isang asawang babae na nakatali sa kautusan ng pag-aasawa?
Ang isang asawang babae ay nakatali sa kautusan ng pag-aasawa hanggang sa mamatay ang kanyang asawang lalaki.
Ano ang maaaring gawin ng isang babae kung siya ay malaya na mula sa kautusan ng pag-aasawa?
Kung siya ay malaya mula sa kautusan ng pag-aasawa, ang isang babae ay maaari nang mag-asawa ng ibang lalaki.
Romans 7:4-6
Paano naging patay ang mga mananampalataya sa kautusan?
Ang mga mananampalataya ay patay sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo.
Bilang naging patay sa kautusan, ano ang kayang gawin ng mga mananampalataya?
Bilang naging patay sa kautusan, ang mga mananampalataya ay may kakayanang makiisa kay Cristo.
Romans 7:7-10
Anong tungkulin ang ginagawa ng kautusan?
Inihahayag ng kautusan ang kasalanan.
Ano ang ginagawa ng kasalanan sa utos ng kautusan?
Ang kasalanan, sa pamamagitan ng utos ng kautusan, ay nagdadala ng pagnanasa sa isang tao.
Ang kautusan ba ay kasalanan?
Hindi, ang kautusan ay hindi kasalanan.
Romans 7:11-12
Ang kautusan ba ay banal?
Ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, matuwid, at mabuti.
Romans 7:13-14
Ano ang sinasabi ni Pablo na ginagawa sa kanya ng kasalanan?
Sinasabi ni Pablo na ang kasalanan, sa pamamagitan ng kautusan, ay nagdala sa kanya ng kamatayan.
Romans 7:15-16
Ano ang dahilan kung bakit sumasang-ayon si Pablo sa kautusan na ang kautusan ay mabuti?
Kapag ginagawa ni Pablo ang ayaw niyang gawin, sumasang-ayon siya sa kautusan na ang kautusan ay mabuti.
Romans 7:17-18
Sino ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ni Pablo, ngunit ayaw niyang gawin?
Ang kasalanan na namumuhay kay Pablo ang gumagawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin.
Ano ang namumuhay sa laman ni Pablo?
Walang namumuhay na mabuti sa laman ni Pablo.
Romans 7:19-21
Anong tuntunin ang natuklasan ni Pablo na kumikilos sa kanya?
Natuklasan ni Pablo ang tuntunin na gusto niyang gawin ay mabuti, ngunit kasamaan ay nasa kanya.
Romans 7:22-23
Ano ang saloobin ni Pablo sa kautusan ng Diyos?
Nagagalak si Pablo sa kautusan ng Diyos mula sa kanyang kaibuturan.
Anong alituntunin ang natuklasan ni Pablo sa mga bahagi ng kanyang katawan?
Natuklasan ni Pablo sa mga bahagi ng kanyang katawan na bihag siya ng alituntunin ng kasalanan.
Romans 7:24-25
Sino ang magpapalaya kay Pablo mula sa kanyang katawan ng kamatayan?
Nagpapasalamat si Pablo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo para sa kanyang kalayaan.
Romans 8
Romans 8:1-2
Ano ang nagpalaya kay Pablo mula sa alituntunin ng kasalanan at kamatayan?
Ang alituntunin ng Espiritu ng buhay na kay Jesu-Cristo ang nagpalaya kay Pablo mula sa alituntunin ng kasalanan at kamatayan.
Romans 8:3-5
Bakit walang kakayahan ang kautusan na magpalaya ng mga tao mula sa alituntunin ng kasalanan at kamatayan?
Walang kakayahan ang kautusan dahil sa mahina ito sa pamamagitan ng laman.
Ano ang binibigyang pansin ng mga namumuhay ayon sa Espiritu?
Ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay binibigyang pansin ang mga bagay na para sa Espiritu.
Romans 8:6-8
Ano ang ugnayan ng laman sa Diyos at sa kautusan?
Ang laman ay laban sa Diyos at walang kakayahang sumailalim sa kautusan ng Diyos.
Romans 8:9-10
Ano ang wala sa mga taong hindi kabilang sa Diyos?
Ang mga taong hindi kabilang sa Diyos ay walang Espiritu ni Cristo na namumuhay sa kanila.
Romans 8:11-13
Paano binibigyan ng Diyos ng buhay ang katawang namamatay ng mananampalataya?
Binibigyang buhay ng Diyos ang katawang namamatay ng mananampalataya sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, na nananahan sa mananampalataya.
Romans 8:14-15
Paano pinangungunahang mabuhay ang mga anak ng Diyos?
Ang mga anak ng Diyos ay pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos.
Paano nasasama ang isang mananampalataya sa pamilya ng Diyos?
Ang isang mananampalataya ay nasasama sa pamilya ng Diyos dahil sa pag-aampon.
Romans 8:16-17
Bilang mga anak ng Diyos, ano pang kapakinabangan ang natatanggap ng mga mananampalataya mula sa pamilya ng Diyos?
Bilang mga anak ng Diyos, ang mga mananampalataya ay mga tagapagmana din ng Diyos at kasama na tagapagmana kay Cristo.
Romans 8:18-19
Bakit ang mga pagdurusa ngayon ay kailangang pagtiisan ng mga mananampalataya?
Ang mga pagdurusa ngayon ay kailangang pagtiisan upang ang mga mananampalataya ay maluwalhati kasama si Cristo kapag inihayag ang mga anak ng Diyos.
Romans 8:20-22
Sa panahon ngayon, anong uri ng pang-aalipin sumasailalim ang mga likha?
Sa panahon ngayon, ang mga likha ay sumasailalim sa pang-aalipin ng pagkabulok.
Mula saan lalaya ang mga likha?
Ang mga likha ay lalaya patungo sa kalayaan ng mga anak ng Diyos sa kaluwalhatian.
Romans 8:23-25
Paano maghihintay ang mga mananampalataya para sa pagkatubos ng katawan?
Ang mga mananampalataya ay maghihintay ng may katiyakan at katiyagaan para sa pagkatubos ng katawan.
Romans 8:26-27
Ano ang ginagawa ng Espiritu upang tumulong sa kahinaan ng mga santo?
Ang Espiritu mismo ang namamagitan sa ngalan ng mga santo ayon sa kalooban ng Diyos.
Romans 8:28-30
Paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay para sa sinumang nagmamahal sa Diyos at tinawag ayon sa kanyang layunin?
Ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay para sa kabutihan para sa kanilang mga nagmamahal sa Diyos at tinawag ayon sa kanyang layunin.
Ano ang kapalaran na itinalaga ng Diyos para sa mga nakilala nung simula pa lamang?
Itinalaga ng Diyos ang mga kilala na nya nung una upang maging kawangis ng kanyang Anak.
Ano pa ang ginawa ng Diyos para sa mga itinalaga nya?
Ang kanyang mga itinalaga ay kanya ring tinawag, pinawalang-sala, at niluwalhati.
Romans 8:31-32
Paano malalaman ng mga mananampalataya na libreng ibibigay ng Diyos ang lahat ng bagay?
Alam ng mga mananampalataya na ibibigay sa kanila ng libre ang lahat ng bagay dahil binigay nya ang kanyang sariling Anak alang-alang sa lahat ng mananamplataya.
Romans 8:33-36
Ano ang ginagawa ni Jesu-Cristo sa kanang kamay ng Diyos?
Si Jesu-Cristo ang namamagitan para sa mga mananampalataya sa kanang kamay ng Diyos.
Romans 8:37-39
Paano naging higit pa ang mga mananampalataya kaysa sa mga mananakop sa pagdurusa, pag-uusig, o maging kamatayan?
Ang mga mananampalataya ay higit pa sa mga mananakop sa pamamagitan ng isang nagmamahal sa kanila.
Ano ang pinaniniwalaan ni Pablo na hindi magagawa ng mga bagay na nilikha sa mga mananampalataya?
Naniniwala si Pablo na walang bagay na nilikha ang kayang ihiwalay ang mananampalataya mula sa pag-ibig ng Diyos.
Romans 9
Romans 9:1-2
Bakit labis ang kalungkutan at walang tigil na kirot sa puso ni Pablo?
Si Pablo ay may labis na kalungkutan at kirot alang-alang sa kanyang mga kapatid ayon sa laman, ang mga Israelita.
Romans 9:3-5
Ano ang kusang gagawin ni Pablo para sa mga kapatid niya ayon sa laman, ang mga Israelita?
Kusang tatanggapin ni Pablo na sumpain siya ng Diyos para sa kanyang mga kapatid ayon sa laman.
Anong mayroon ang mga Israelita sa kanilang kasaysayan?
Ang mga Israelita ay mayroong pag-aampon, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kautusan, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.
Romans 9:6-7
Ano ang sinasabi ni Pablo na hindi totoo tungkol sa bawat isa sa Israel at sa lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham?
Sinasabi ni Pablo na hindi lahat sa Israel ay tunay na kabilang sa Israel, at hindi lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay tunay niyang mga anak.
Romans 9:8-9
Sinu-sino ang mga hindi tinuturing na mga anak ng Diyos?
Ang mga anak ng laman ay hindi tinuturing na mga anak ng Diyos.
Sinu-sino ang tinuturing na mga anak ng Diyos?
Ang mga anak ng pangako ay tinuturing na mga anak ng Diyos.
Romans 9:10-13
Ano ang dahilan sa likod ng kapahayagang binigay kay Rebecca, "Ang matanda ay maglilingkod sa bata," bago ipanganak ang mga anak niya?
Ang layunin ng Diyos ayon sa pagpili ang dahilan sa likod ng kapahayagang binigay kay Rebecca.
Romans 9:14-18
Ano ang dahilan sa likod ng kaloob ng Diyos na awa at habag?
Ang dahilan sa likod ng kaloob ng Diyos na awa at habag ay pagpili ng Diyos.
Ano ang hindi kadahilanan sa likod ng kaloob ng Diyos na awa at habag?
Ang dahilan sa likod ng kaloob ng Diyos na awa at habag ay hindi dahil sa pagnanais o gawa ng taong tumatanggap ng maraming kaloob.
Romans 9:19-21
Ano ang tugon ni Pablo sa mga nag-aalinlangan kung matuwid ang Diyos dahil humahanap sya ng mali sa mga tao?
Ang tugon ni Pablo ay, "Sino ka upang sumagot laban sa Diyos?"
Romans 9:22-26
Ano ang ginawa ng Diyos sa mga naihanda para sa pagkawasak?
Nagtiyaga ang Diyos ng may labis na pagtitiis sa mga naihanda para sa pagkawasak.
Ano ang ginawa ng Diyos sa mga inihanda na niya para sa kaluwalhatian?
Inihayag ng Diyos ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian.
Mula sa anong lahi ang mga tinawag ng Diyos na kanyang kahahabagan?
Tumawag ang Diyos mula sa kapwa Judio at Hentil na kanyang kahahabagan.
Romans 9:27-29
Mula sa lahat ng mga anak ng Israel, ilan ang maliligtas?
Mula sa lahat ng mga anak ng Israel, ang nalalabi ang maliligtas.
Romans 9:30-31
Paanong ang mga Hentil, na hindi nagsikap para sa katuwiran, ay nakamit ito?
Ang mga Hentil ay nakamit ito sa pamamagitan ng katuwiran sa pananampalataya.
Romans 9:32-33
Bakit ang Israel, bagamat sinusunod ang batas ng katuwiran, ay hindi ito nakamit?
Ang Israel ay hindi nakamit ito dahil sinunod nila ito sa pamamagitan ng gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya.
Saan natisod ang mga Israelita?
Ang mga Israelita ay natisod sa batong katitisuran at sa malaking batong kadadapaan.
Ano ang mangyayari sa mga hindi natisod, pero naniniwala?
Ang mga hindi natisod, ngunit naniniwala, ay hindi mapapahiya.
Romans 10
Romans 10:1-3
Ano ang nais ni Pablo para sa kanyang mga kapatid na mga Israelita?
Ang nais ni Pablo ay ang kaligtasan ng mga Israelita.
Ano ang hinahangad ng mga Israelita na maitatag?
Hinahangad ng mga Israelita na maitatag ang sarili nilang katuwiran.
Sa anong bagay walang kaalaman ang mga Israelita?
Walang kaalaman ang mga Israelita sa katuwiran ng Diyos.
Romans 10:4-7
Ano ang ginawa ni Cristo na may paggalang sa batas?
Si Cristo ang katuparan ng batas para sa katuwiran para sa lahat ng naniniwala.
Romans 10:8-10
Nasaan ang salita ng pananampalataya na ipinahahayag ni Pablo?
Ang salita ng pananampalataya ay malapit sa bibig at sa puso.
Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ng isang tao upang maligtas?
Sinabi ni Pablo na ang isang tao ay dapat kilalanin sa pananalita si Jesus bilang Panginoon, at maniwala sa kaniyang puso na ang Diyos ay binuhay siya sa kaniyang pagkamatay.
Romans 10:11-13
lahat ng gumagawa ng anong bagay ang siyang maliligtas?
Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.
Romans 10:14-15
Ano ang sinasabi ni Pablo na serye ng mga hakbang na kung saan ay nagdudulot ng mabuting balita sa isang tao, sa gayon kanyang matawag ang pangalan ng Panginoon?
Sinabi ni Pablo na unang pinapadala ang mangangaral, at ang mabuting balita ay napakinggan at pinaniwalaan, sa gayon ang isang tao ay maaring tumawag sa pangalan ng Panginoon.
Romans 10:16-17
Ano ang napakinggan na kung saan ay nagdudulot ng pananampalataya?
Ang salita ni Cristo ay napakinggan, kung saan nagdulot ng pananampalataya.
Romans 10:18
Narinig ba ng Israel ang ebanghelyo?
Oo, narinig ng Israel ang ebanghelyo.
Romans 10:19
Paano sinabi ng Diyos na kanyang ibubunsod ang Israel sa kainggitan?
Sinabi ng Diyos na kanyang ibubunsod ang Israel sa kainggitan sa pamamagitan ng pagpapakita sa walang pagkaunawa.
Romans 10:20-21
Ano ang natagpuan ng Diyos ng siya ay umabot sa Israel?
Nang ang Diyos ay umabot sa Israel, natagpuan niya ang masuwayin at lumalaban na mga tao.
Romans 11
Romans 11:1-3
Itinakwil ba ng Diyos ang mga Israelita?
Nawa'y hindi kailanman.
Romans 11:4-5
Sinabi ba ni Pablo na kung may anumang mga tapat na Israelitang natitira, at sa kung gayon, paano sila naingatan?
Sinabi ni Pablo na doon ay may isang labi na natira na naingatan dahil sa pagpili ng biyaya.
Romans 11:6-10
Sino ang kabilang sa mga Israelita ang nakatamo ng kaligtasan, at ano ang nangyari sa iba?
Ang mga napiling kabilang sa mga Israelita ang nakatamo ng kaligtasan, at ang iba ay nagmatigas.
Ano ang ginawa ng espiritu ng kapurulan na nagmula sa Diyos sa mga nakatanggap nito?
Ang espiritu ng kapurulan ay binulag sila at ang kanilang mga tainga ay hindi na makarinig.
Romans 11:11-16
Anong kabutihan ang nangyari dahil sa pagtanggi ng mga Israelita sa pagtanggap ng ebanghelyo?
Ang kaligtasan ay dumating sa mga Hentil.
Anong epekto ng kaligtasan ng mga Hentil na mayroon sa ang mga Israelita?
Ang kaligtasan ng mga Hentil ang magbubunsod sa mga Israelita sa pagkainggit.
Romans 11:17-18
Sa pagkakatulad ni Pablo sa ugat ng puno ng Oliba at ng mga ligaw na mga sanga, sino ang ugat at sino ang mga ligaw na mga sanga?
Ang ugat ay ang Israel, at ang ligaw na mga sanga ay ang mga Hentil.
Anong aksyon ang sinabi ni Pablo na kailangang iwasan ng ligaw na mga sanga?
Sinabi ni Pablo na ang ligaw na mga sanga ay dapat iwasan ang aksyon ng pagyayabang higit sa likas na sanga na nabali.
Romans 11:19-22
Anong babala ang ibinigay ni Pablo sa mga ligaw na sanga?
Nagbabala si Pablo sa mga ligaw na sanga na kung ang Diyos ay hindi pinatawad ang likas na mga sanga, ni hindi niya rin papatawarin ang mga ligaw na sanga kung sila ay mahulog sa kawalan ng paniniwala.
Romans 11:23-24
Ano ang kayang gawin ng Diyos sa mga likas na sanga kung hindi sila magpapatuloy sa kanilang kawalan ng paniniwala?
Kayang idugtong muli ng Diyos sa puno ng Oliba ang likas na sanga na hindi namagpapatuloy sa kanilang kawalan ng paniniwala.
Romans 11:25-27
Gaano katagal na ang isang bahagi ng katigasan ng Israel ay magpapatuloy?
Ang bahagi ng katigasan ng Israel ay magpapatuloy hanggang sa pagtapos dumating ang mga Hentil.
Romans 11:28-29
Sa kabila ng kanilang hindi pagsunod, bakit ang mga Israelita ay patuloy na minamahal ng Diyos?
Ang mga Israelita ay patuloy na minamahal ng Diyos dahil sa mga ninuno, at dahil ang tawag ng Diyos ay hindi nababago.
Romans 11:30-32
Ano ang kapwa meron ang Hudio at Hentil na pinapakita ng Diyos?
Kapwa ang Hudio at Hentil ay nagpakita ng pagkasuwail.
Ano ang pinakita ng Diyos sa mga suwail?
Ang Diyos ay nagpakita ng habag sa mga suwail, kapwa Hudio at Hentil.
Romans 11:33-34
Sino ang may kakayanang sumiyasat ng hatol ng Diyos at magbigay sa kaniya ng payo?
Walang tao ang makakasiyasat sa hatol ng Diyos at makapagbibigay sa kaniya ng payo.
Romans 11:35-36
Ano ang tatlong pamamaraan na ang lahat ng bagay ay may kaugnay sa Diyos?
Ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos, sa pamamagitan ng Diyos, at para sa Diyos.
Romans 12
Romans 12:1-2
Ano ang espiritwal na paglilingkod sa Diyos para sa isang mananampalataya?
Ang espiritwal na paglilingkod ng isang mananampalataya ay ang ibigay niya ang kaniyang sarili na isang buhay na handog sa Diyos.
Ano ang makakayang gawin ng binagong isipan ng isang mananampalataya?
Ang binagong isipan ng isang mananampalataya ay makakayanang malaman kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos.
Romans 12:3
Paano dapat ang isang mananampalataya ay hindi isipin ang kaniyang sarili?
Ang mananampalataya ay hindi dapat isipin ang kaniyang sarili na mas mataas kaysa sa nararapat niyang isipin.
Romans 12:4-5
Paano ang maraming mananampalataya ay nauugnay sa isa't isa kay Cristo?
Ang maraming mananampalataya ay iisa sa katawan ni Cristo, at isa-isang kaanib ng bawat isa.
Romans 12:6-8
Ano ang dapat gawin ng bawat mananampalataya sa mga kaloob na binigay ng Diyos sa kaniya?
Ang bawat mananampalataya ay dapat palakasin ang kaloob ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya.
Romans 12:9-10
Paano dapat ang mga mananampalataya ay makitungo sa isa't isa?
Ang mga mananampalataya ay dapat magiliw sa isa't isa at iginagalang ang isa't isa.
Romans 12:11-13
Paano dapat tumugon ang mga mananampalataya sa pangangailangan ng mga banal?
Ang mga mananampalataya ay dapat magbahagi sa mga pangangailangan ng mga banal.
Romans 12:14-16
Paano dapat tumugon ang mga mananampalataya sa mga umuusig sa kanila?
Ang mga mananampalataya ay dapat pagpalain, at huwag sumpain, silang mga umuusig sa kanila.
Paano dapat makitungo ang mga mananampalataya sa mga mababang tao?
Ang mga mananampalataya ay dapat tanggapin ang mga mababang tao.
Romans 12:17-18
Hangga't maari, ano ang dapat hanapin ng mga mananampalataya sa lahat ng tao?
Hangga't maari, ang mananampalataya ay dapat hanapin ang kapayapaan sa lahat ng tao
Romans 12:19-21
Bakit hindi dapat ang mga mananampalataya ang ipaghiganti ang kanilang sarili?
Ang mga mananampalataya ay hindi dapat ipaghiganti ang kanilang sarili dahil ang paghihiganti ay sa Diyos lamang.
Paano dapat ang mananampalataya ay madaig ang kasamaan?
Dapat madaig ng mga mananampalataya ang kasamaan ng kabutihan.
Romans 13
Romans 13:1-2
Mula saan nakuha ng mga awtoridad ng lupa ang kanila kapangyarihan?
Ang mga awtoridad ng lupa ay pinili ng Diyos, at kanilang nakuha ang kapangyarihan mula sa Diyos.
Ano ang matatangap ng mga sumasalungat sa makalupang kapangyarihan?
Ang mga sumasalungat sa makalupang kapangyarihan ay makakatanggap ng paghatol sa kanilang sarili.
Romans 13:3-5
Ano ang sinasabi ni Pablo sa mga mananampalataya na gawin sa gayon maari silang hindi matakot sa mga namumunong may kapangyarihan?
Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na gawin ang mabuti sa gayon sila ay maaaring hindi matakot sa mga namumunong may kapangyarihan.
Anong kapangyarihan ang ibinigay ng Diyos sa mga namumuno upang sugpuin ang kasamaan?
Binigyan ng Diyos ang mga namumuno ng kapangyarihan na magdala ng tabak at parusahan ang gumagawa ng masama.
Romans 13:6-7
Anong kapangyarihan ang binigay ng Diyos sa mga pinuno tungkol sa pera?
Ang Diyos ay nagbigay sa mga pinuno ng kapangyarihan na mag-atas ng kabayaran ng buwis.
Romans 13:8-10
Ano ang isang bagay na sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na dapat na utang na loob sa iba?
Sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay may utang na pagmamahal sa iba.
Paano ang isang mananampalataya ay tumutupad sa batas?
Ang mananampalataya ay tumutupad sa batas sa pamamagitan ng pagmamahal sa kaniyang kapwa.
Saang kautusan inilista ni Pablo bilang parte ng batas?
Inilista ni Pablo ang kautusan sa huwag kang mangagalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, at huwag mag-imbot bilang parte ng batas.
Romans 13:11-12
Ano ang sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na dapat na isang-tabi, at isuot?
Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na dapat isang-tabi ang mga gawa ng kadiliman, at isuot natin ang sandata ng kaliwanagan.
Romans 13:13-14
Sa anong gawain ang mga mananampalataya ay hindi para lakaran?
Ang mga mananampalataya ay hindi para lumakad sa walang taros na pagdiriwang, sa kalasingan, sa immoralidad, sa walang pagpipigil na pagnanasa, sa may galit o sa may pagkainggit.
Ano ang dapat ang aksyon ng mga mananampalataya tungo sa pagnanasa ng laman?
Wala dapat ilaan ang mga mananampalataya para sa pagnanasa ng laman.
Romans 14
Romans 14:1-2
Anong uri ng pagkain ang kinakain ng isang tao na may malakas na pananampalataya, at ano ang kinakain ng taong may mahinang pananampalataya?
Ang tao na may mas malakas na pananampalataya ay kumakain ng anumang bagay, ngunit ang tao na mahina ang pananampalataya ay kumakain lamang ng gulay.
Romans 14:3-4
Ano ang dapat na saloobin ng mga mananampalataya na magkaiba sa kung ano ang kinakain nila hinggil sa iba ?
Ang mga mananampalatayang naiiba sa kung ano ang kinakain nila ay hindi dapat hamakin o husgahan ang isa't isa.
Sino ang nakatanggap ng kapwa ang isa na siyang kumakain ng anumang bagay at ang isa na siyang kumakain lamang ng mga gulay?
Tinanggap ng Diyos kapwa kumakain ng anumang bagay at ang kumakain lamang ng mga gulay.
Romans 14:5-6
Ano pa ang ibang suliranin ang binanggit ni Pablo bilang isang suliranin sa pansariling paghatol?
Binanggit ni Pablo bilang isang problema ng pansariling paghatol na kung ang isang araw ay nagkakahalaga ng higit sa isa pa o ang lahat ng araw ay magkakasinghalaga.
Romans 14:7-9
Para sa ano nabubuhay at mamatay ang mananampalataya?
Ang mga mananampalataya ay nabubuhay at namamatay para sa Panginoon.
Romans 14:10-11
Saan ang lahat ng mga mananampalataya sa wakas ay tatayo?
Ang lahat ng mananampalataya sa wakas ay tatayo sa harap ng upuang hukuman ng Diyos.
Romans 14:12-13
Ano ang dapat na saloobin ng isang kapatid para sa isa pang kapatid na may problema na pansariling paghatol?
Ang kapatid ay hindi dapat maglagay ng kakatisuran o patibong para sa isa pang kapatid sa mga suliraning pansariling paghatol.
Romans 14:14-15
Si Pablo ay nahikayat sa Panginoong Jesus na aling mga pagkain ang hindi malinis?
Si Pablo ay nahikayat na walang pagkaing hindi malinis.
Romans 14:16-19
Tungkol saan ang kaharian ng Diyos?
Ang kahiraan ng Diyos ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan at kagalakan na sa Banal na Espirito.
Romans 14:20-21
Ano ang sinasabi ni Pablo na dapat gawin ng isang kapatid sa harap ng isa pang kapatid na hindi kumakain ng karne o umiinom ng alak?
Sinasabi ni Pablo na ito ay mabuti kahit hindi kumain ng karne o umiinom ng alak ang kapatid sa harap ng isa pang kapatid.
Romans 14:22-23
Ano ang resulta kung ang isang tao ay hindi kumilos mula sa kaniyang pananampalataya?
Kahit anong kilos na hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.
Romans 15
Romans 15:1-2
Ano dapat ang saloobin ng mga mananampalatayang may matatag na pananampalataya hinggil sa may mga mahihinang pananampalataya?
Ang mga mananampalatayang may matatag na pananampalataya ay dapat alalayan ang kahinaan ng mga may mahinang pananampalataya, upang sa kaniyang ikakalakas.
Romans 15:3-4
Ano ang isa sa mga layunin ng kasulatan na naisulat noon pa?
ang kasulatan na naisulat dati ay isinulat para sa ating tagubilin.
Romans 15:5-7
Ano ang nais ni Pablo para sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pagsasanay ng pagtitiis at pagpapalakas ng loob sa isa't-isa?
Nais ni Pablo na ang mga mananampalataya ay magkapareho ng isip sa isa't-isa.
Romans 15:8-9
Sino ang halimbawa na ginamit ni Pablo na isa na siyang hindi namuhay upang malugod ang sarili, ngunit naglingkod sa iba?
Si Cristo ay hindi namuhay upang malugod ang sarili, kundi para maglingkod sa iba.
Romans 15:10-12
Ano ang sinabi ng kasulatan tungkol sa mga gagawin ng mga Hentil dahil sa kahabagan ng Diyos sa kanila?
Ang sabi sa kasulatan, ang mga Hentil ay makikigalak at magpupuri sa Panginoon.
Romans 15:13-14
Ano ang sinasabi ni Pablo na magagawa ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu?
Ang mga mananamapalataya ay mapupuno ng kagalakan at kapayapaan, at mananagana sa pagtiwala.
Romans 15:15-16
Anong kaloob ang ibinigay ng Diyos kay Pablo, na layunin ni Pablo?
Ang layunin ni Pablo ay maging isang lingkod ni Cristo Jesus na ipinadala sa mga Hentil.
Romans 15:17-19
Sa anong kahulugan na si Cristo ay kumilos sa pamamagitan ni Pablo upang magdulot ng pagsunod sa mga Hentil?
Si Cristo ay kumilos sa pamamagitan ni Pablo sa salita at sa gawa, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng himala at kababalaghan, at kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Romans 15:20-23
Saan nais ni Pablo ihayag ang ebanghelyo?
Nais ni Pablo na ihayag ang ebanghelyo kung saan ang pangalan Cristo ay hindi pa kilala.
Romans 15:24-25
Saan plano ni Pablo maglakbay na pahihintulutan siya na makapunta ng Roma?
Plano ni Pablo na maglakbay sa Espanya, kung saan mapapahintulutan siyang makapunta ng Roma.
Bakit pupunta ngayon si Pablo sa Jerusalem?
Si Pablo ngayon ay pupuntang Jerusalem upang maglingkod sa mga mananampalataya doon.
Romans 15:26-29
Bakit sinasabi ni Pablo sa mga mananampalatayang Hentil na may utang na materyal na bagay ang mga mananampalatayang Hudio?
Ang mga mananampalatayang Hentil ay may utang na materyal na bagay sa mga mananampalatayang Hudio dahil ang mga mananampalatayang Hentil ay nagbahagi ng espiritwal na bagay sa mga mananampalatayang Hudio.
Romans 15:30-33
Mula kanino nais ni Pablo maihatid?
Nais ni Pablo na maihatid mula sa mga suwail sa Judea.
Romans 16
Romans 16:1-2
Naging ano ang kapatid na babaeng si Phoebe kay Pablo?
Ang kapatid na babaeng si Phoebe ay naging katulong ni Pablo, at ng marami pang iba.
Romans 16:3-5
Ano ang ginawa ni Priscila at Aquila kay Pablo sa nakalipas?
Sina Priscila at Aquila ay pinagsapalaran ang kanilang buhay para kay Pablo sa nakalipas.
Saang isang lugar magpupulong ang mananampalataya sa Roma?
Ang mga mananampalataya sa Roma ay magpupulong sa bahay nila Priscila at Aquila.
Romans 16:6-14
Anong karanasan nila Andricus at Junia na nakabahagi si Pablo sa nakalipas?
Sina Andricus at Junia ay kapwa naging preso kasama si Pablo sa nakalipas.
Romans 16:15-16
Paano bumati ang mga mananampalataya sa isa't isa?
Ang mga mananampalataya ay bumabati sa pamamagitan ng banal na halik.
Romans 16:17-18
Ano ang ginagawa ng ilan, na nagiging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkatisod?
Ang iba ay lumalagpas sa mga pagtuturo na kanilang natutunan, niloloko ang puso ng mga taong walang kamalayan.
Ano ang sinasabi ni Pablo sa mga mananampalataya na gawin sa mga nagiging sanhi ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakatisod?
Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya na talikuran ang mga taong nagiging sanhi ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakatisod.
Romans 16:19-20
Ano ang saloobin ni Pablo sa mga mananampalataya na nais niyang magkaroon sila hinggil sa mabuti at masama?
Nais ni Pablo na ang mga mananampalataya na maging matalino kung alin ang mabuti, at walang-malay sa kung alin ang masama.
Ano ang agad na gagawin ng Diyos ng kapayapaan?
Ang Diyos ng kapayapaan ay agad na dudurugin si Satanas sa ilalim ng paa ng mga mananampalataya.
Romans 16:21-22
Sino ang totoong nagsulat ng liham na ito?
Si Tertius ang totoong sumulat ng liham na ito.
Romans 16:23-24
Anong hanap-buhay mayroon ang mananampalatayang si Erastus?
Si Erastus ang ingat-yaman ng lungsod.
Romans 16:25-27
Anong pahayag ang pinanatiling lihim mula pa nung una, na ngayon ay ipinangangaral na ni Pablo?
Si Pablo ngayon ay pinangangaral ang pahayag ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo.
Para sa anong layunin ang pangangaral ni Pablo?
Si Pablo ay nangangaral para sa pagsunod na pananampalataya sa lahat ng mga Hentil.