Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Habakkuk

Habakkuk 1

Habakkuk 1:1-2

Anong tanong ang itinanong ni Habakkuk kay Yahweh nang simulan niya ang kaniyang pahayag?

Tinanong ni Habakkuk kung bakit hindi siya pinakinggan o iniligtas ni Yahweh, kahit na humihingi siya ng tulong. [1:2]

Habakkuk 1:3-4

Ano ang ipinapakita kay Habakkuk?

Ipinapakita kay Habakkuk ang kasamaan, maling gawain, pagkawasak, karahasan, alitan at pagtatalo. [1:3]

Anong uri ng katarungan ang nangingibabaw?

Ang hindi totoong katarungan ang nangingibabaw. [1:4]

Habakkuk 1:5-7

Ano ang sinabi ni Yahweh na makikita ni Habakkuk sa kaniyang mga araw?

Sinabi ni Yahweh na makikita ni Habakkuk ang mga Caldeo na lumalakad sa buong lupain upang sakupin ang mga tahanan. [1:6]

Anong klaseng mga tao ang mga Caldeo?

Ang mga Caldeo ay nakakasindak at nakakatakot. [1:7]

Habakkuk 1:8-9

Ano ang tinipon ng mga Caldeo nang may Karahasan?

Tinipon ng mga Caldeo ang mga bihag na katulad ng buhangin nang may karahasan.[1:9]

Habakkuk 1:10-11

Ano ang ugali ng mga Caldeo sa ibang mga hari at namumuno?

Kinukutya ng mga Caldeo ang ibang mga hari at mga namumuno.[1:10]

Habakkuk 1:12

Sino ang nagtalaga na darating ang mga Caldeo at magdadala ng paghatol?

Itinalaga ni Yahweh na ang mga Caldeo ay darating at magdadala ng paghatol

Ano ang mga titulo ang ginamit ni Habakkuk para kay Yahweh?

Ginagamit ni Habakkuk ang mga titulo na "aking Diyos," "Siyang Banal," at "Bato" para kay Yahweh.

Habakkuk 1:13-14

Anong tanong o hinaing ang itinanong ni Habakkuk kay Yahweh?

Tinanong ni Habakkuk si Yahweh kung bakit siya tahimik habang winawasak ng mga masasama ang mga higit na matuwid.

Habakkuk 1:15-17

Ano ang ikinagagalak ng mga pumapatay ng mga bansa?

Nagagalak sila habang tinitipon at kinakaladkad ang mga tao palayo.

Anong trabaho ang sinabi ni Habakkuk na katulad ng pag-titipon ng mga tao para sa paghatol?

Sinabi ni Habakkuk na ang pag-titipon ng mga tao para sa paghatol ay katulad ng pag-titipon sa loob ng mga lambat.

Anong emosyon ang wala sa mga pumapatay sa bansa?

Walang awa ang mga pumapatay sa mga bansa.

Habakkuk 2

Habakkuk 2:1

Ano ang binabantayang mabuti ni Habakkuk?

Binabantayan nang mabuti ni Habakkuk upang makita ang sasabihin ni Yahweh sa kaniya.

Habakkuk 2:2-3

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Habakkuk na gawin niya sa pangitain?

Sinabi ni Yahweh kay Habakkuk na itala niya ang pangitain sa mga tapyas ng bato.

Anong pagpapatotoo ang ibinigay ni Yahweh kay Habakkuk tungkol sa pangitaing tumutukoy sa hinaharap?

Tiniyak ni Yahweh kay Habakkuk na ang pangitain ay magsasalita kahit na ito ay maantala.

Habakkuk 2:4-5

Paano mabubuhay ang matuwid ayon sa sinabi ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na mabubuhay ang matuwid sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.

Ano ang tatlong bagay na sinabi ni Yahweh na hindi kailanman nasiyahan?

Sinabi ni Yahweh na ang pagnanais ng mga mapagmataas na binata, ang libingan at ang kamatayan ay hindi kailanman nasiyahan.

Habakkuk 2:6-8

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mapagmataas na binatang nagsamsam sa maraming bansa?

Sinabi ni Yahweh na ang mga mapagmataas na mga binata ay sasamsamin sa pamamagitan ng mga natirang mga tao. [2:8]

Habakkuk 2:9-11

Kanino unang nagpahayag si Yahweh ng aba?

Ipinahayag ni Yahweh ang aba laban sa taong nag-iipon ng masamang pakinabang para sa kaniyang sambahayan.

Ano ang sinabi ni Yahweh na dadaing dahil sa kahihiyan at kasalanan?

Sinabi ni Yahweh na ang mga bato ang dadaing dahil sa kahihiyan at kasalanan. [2:11]

Habakkuk 2:12-14

Laban kanino ang pangalawang aba na ipinahayag ni Yahweh?

Ipinahayag ni Yahweh ang aba laban sa mga nagtatayo ng lungsod nang may dugo at kasamaan.

Ano ang ipinangako ni Yahweh na mangyayari sa lupain sa hinaharap?

Ipinangako ni Yahweh na ang lupain ay mapupuno nang kaalaman ng kaluwalhatian ni Yahweh.

Habakkuk 2:15-17

Laban kanino ang pangatlong abang ipinahayag ni Yahweh?

Ipinahayag ni Yahweh ang aba laban sa isang nagpapainom ng lason sa kaniyang mga kapit-bahay upang makita ang kanilang kahubaran.

Ano ang darating sa isang nagpapainom ng lason sa kaniyang mga kapit-bahay?

Ang saro ng kanang kamay ni Yahaweh ay darating sa isang nagpapainom ng lason sa kaniyang mga kapit-bahay.

Habakkuk 2:18-20

Saan inilalagay ng taong nag-uukit ng anyo ng kaniyang tiwala?

Inilalagay niya ang pagtitiwala niya sa kaniyang gawa kapag ginagawa niya ang mga piping diyos.

Ano ang dapat gawin sa harapan ni Yahweh, na nasa banal niyang Templo?

Ang lahat ay dapat tahimik sa harapan ni Yahweh sa kaniyang banal niyang templo.

Habakkuk 3

Habakkuk 3:1-3

Pagkarinig sa iniulat ni Yahweh, ano ang madamdaming tugon ni Habakkuk?

Natakot si Habakkuk pagkarinig niya sa iniulat ni Yahweh.

Ano ang hiniling ni Habakkuk na alalahanin ni Yahweh?

Hiniling ni Habakkuk kay Yahweh na alalahaning mahabag sa kaniyang galit.

Habakkuk 3:4-5

Nang dumating ang Diyos, ano ang naunang dumating at sumunod sa kaniya?

Nang dumating ang Diyos, ang salot ay nasa harapan niya at sinusundan ng kamatayan.

Habakkuk 3:6-12

Ano ang ginawa ni Yahweh sa bansa dahil sa kaniyang galit?

Niyanig ni Yahweh ang mga bansa.

Habakkuk 3:13

Bakit nangibabaw ang galit ni Yahwen?

Nangibabaw ang galit ni Yahweh para sa kaligtasan ng kaniyang mga tao at sa kaniyang pinili.

Sino ang winasak ni Yahweh sa kaniyang galit?

Winasak ni Yahweh ang pinuno ng sambahayan ng masama.

Habakkuk 3:14-15

Ano ang ginawa ng mga masasamang mandirigma nang dumating sila upang ikalat ang mga tao ni Yahweh?

Nagsaya sila para sa mga tao ni Yahweh.

Habakkuk 3:16

Ano ang tahimik na hinihintay ni Habakkuk?

Tahimik na hinintay ni Habakkuk na dumating ang araw ng kaguluhan sa mga taong lumusob sa mga tao ni Yahweh.

Habakkuk 3:17

Anong kahirapan ang nararanasan ng mga tao ni Yahweh?

Ang puno ng igos at olibo ay hindi namumunga, ang bukirin ay walang naibibigay na pagkain at walang baka.

Habakkuk 3:18-19

Sa kabila ng kahirapan, ano ang gagawin ni Habakkuk?

Sa kabila ng kahirapan, magagalak pa rin si Habakkuk kay Yahweh.

Saan pangungunahan ni Yahweh si Habakkuk?

Pangungunahan ni Yahweh si Habakkuk sa mga lugar na matataas.