Acts
Acts 1
Acts 1:1-3
Anong dalawang aklat ng Bagong Tipan ang isinulat ni Lucas?
Isinulat ni Lucas ang Ebanghelyo ni Lucas at ang Mga Gawa ng mga Apostol.
Ano ang ginawa ni Jesus sa loob ng apatnapung araw matapos ang kaniyang mga paghihirap?
Nagpakitang buhay si Jesus sa kaniyang mga apostol na nagsasabi ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Diyos.
Acts 1:4-5
Ano ang iniutos ni Jesus na hintayin ng mga apostol?
Sinabi ni Jesus ang kaniyang mga apostol na hintayin ang ipinangako ng Ama.
Sa pamamagitan ng ano mababautismuhan anng mga apostol sa loob ng ilang araw?
Mababautismuhan ang mga apostol sa Banal na Espiritu.
Acts 1:6-8
Nang ninais malaman ng mga apostol ang oras ng pagpapanumbalik ng kaharian, paano sila sinagot ni Jesus?
Sinabi sa kanila ni Jesus na hindi na magtatagal para malaman nila ang oras.
Ano ang sinabi ni Jesus sa mga apostol na matatanggap nila mula sa Banal na Espiritu?
Sinabi ni Jesus sa mga apostol na makakatanggap sila ng kapangyarihan.
Saan sinabi ni Jesus na magiging mga saksi niya ang mga apostol?
Sinabi ni Jesus magiging mga saksi ang mga apostol sa Jerusalem, Judea, Samaria at sa mga dulo ng mundo.
Acts 1:9-11
Paano nilisan ni Jesus ang kaniyang mga apostol?
Itinaas si Jesus at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata.
Paano sinabi ng mga anghel na muling babalik si Jesus sa mundo?
Sinabi ng mga anghel na babalik si Jesus sa parehong paraan ng pagpunta niya sa langit.
Acts 1:12-14
Ano ang ginagawa ng mga apostol, mga kababaihan at mga kapatid ni Jesus sa silid tulugan sa itaas?
Masigasig silang nananalangin.
Acts 1:15-16
Ano ang natupad sa buhay ni Judas, na siyang nagkanulo kay Jesus?
Natupad ang kasulatan sa pamamagitan ni Judas.
Acts 1:17-19
Ano ang nangyari kay Judas matapos niyang tanggapin ang pera para sa pagkakanulo kay Jesus?
Bumili si Judas ng isang bukid, nahulog una ang ulo, biglang bumukas ang kaniyang katawan at sumabog palabas ang lahat ng kaniyang mga bituka.
Acts 1:20
Sa aklat ng Mga Awit, ano ang sinasabi nito na kinakailangang mangyari sa posisyon ng pamumuno ni Judas?
Sinabi sa Mga Awit na ang posisyon ng pamumuno ni Judas ay kinakailangang tuparin sa pamamagitan ng ibang tao.
Acts 1:21-23
Ano ang mga kinakailangan para sa taong papalit sa posisyon ng pamumuno ni Judas?
Angtaong papalit sa posisyon ay kinakailangang nakasama ng mga apostol mula sa panahon ng pagbabautismo ni Juan at kinakailangang nasaksihan ang muling pagkabuhay ni Jesus.
Acts 1:24-26
Paano nalaman ng mga apostol kung sino sa dalawang kandidato ang dapat na pumalit sa posisyon ni Judas?
Nanalangin ang mga apostol na ihayag ng Diyos ang Kaniyang pinili at pagkatapos nagpalabunutan sila.
Sino kung gayon ang naibilang na kasama ng labing-isang mga apostol?
Si Matias ay naibilang na kasama ng labing-isang mga alagad.
Acts 2
Acts 2:1-4
Sa anong pagdiriwang ng mga Judio nagsamasama ang lahat ng mga alagad?
Nagkakasama-sama ang mga alagad sa araw ng Pentecostes.
Nang dumating ang Banal na Espiritu sa tahanan, ano ang sinumalang gawin ng mga alagad?
Nagsimulang magsalita ng mga ibat-ibang wika ang mga alagad.
Acts 2:5-7
Sa oras na ito sa Jerusalem, may mga makad-diyos na Judio galing saan?
May mga Judio na maka-diyos na galing sa iba't-ibang bansa sa ilalim ng kalangitan.
Bakit nalito ang maraming tao nang marinig nilang magsalita ang mga alagad?
Nalito ang maraming tao sapagkat narinig nilang nagsasalita sa kanilang sariling wika bawat isa sa kanila.
Acts 2:8-11
Tungkol saan ang sinasabi ng mga alagad?
Nagsasabi ang mga alagad ng tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos.
Acts 2:12-15
Ano ang iniisip ng iba na kumukutya sa mga alagad?
Nangutya ang ilan at inisip na sila ay lasing ng bagong alak.
Acts 2:16-19
Ano ang sinasabi ni Pedro na natupad sa panahong ito?
Sinabi ni Pedro na natupad ang propesiya ni Joel na nagsabing ibubuhos ng Diyos ang kaniyang Espiritu sa lahat ng tao.
Acts 2:20-21
Sa propesiya ni Joel, sinu-sino ang mga maliligtas?
Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay ang siyang mga naligtas.
Acts 2:22-24
Paano pinatotohanan ng Diyos ang ministeryo ni Jesus?
Pinatotohanan ang ministeryo ni Jesus sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kababalaghan at mga palatandaan na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya.
Kaninong plano ang ipako si Jesus sa krus?
Ipinako si Jesus sa krus sa disididong plano ng Diyos.
Acts 2:25-26
Sa Lumang Tipan, ano ang sinabing propesiya ni Haring David tungkol sa Kabanalbanalan ng Diyos?
Sinabi ni Haring David na hindi hahayaan ng Diyos na ang kaniyang Kabanalbanalan ay mabulok.
Acts 2:27-28
Sa Lumang Tipan, ano ang sinabing propesiya ni Haring David tungkol sa Kabanalbanalan ng Diyos?
Sinabi ni Haring David na hindi hahayaan ng Diyos na ang kaniyang Kabanalbanalan ay mabulok.
Acts 2:29-31
Ano ang pangakong ginawa ng Diyos kay David tungkol sa kanyiang mga kaapu-apuhan?
Ipinangako ng Diyos kay Haring David na isa sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay uupo sa trono.
Acts 2:32-33
Sino ang Kabanalbanalan ng Diyos na hindi nabulok at uupo sa trono?
Si Jesus ang nasa propesiya na Kabanalbanalan at Hari.
Acts 2:34-36
Ipinangaral ni Pedro na ngayon ay binigyan ng Diyos si Jesus ng anong dalawang titulo?
Ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo si Jesus.
Acts 2:37-39
Nang marinig ng maraming tao ang pangaral ni Pedro, ano ang kanilang naging tugon?
Nagtanong ang maraming tao kung ano ang kanilang dapat gawin.
Ano ang sinabi ni Pedro na gawin ng maraming tao?
Sinabi ni Pedro sa mga tao na magsisi at magpabautismo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan
Para kanino ang sinabi ni Pedro na pangako ng Diyos?
Sinabi ni Pedro na ang pangako ng Diyos ay para sa maraming tao, sa kanilang mga anak at sa lahat ng nasa malayo.
Acts 2:40-42
Ilang mga tao ang nabautismuhan nang araw na iyon?
Halos tatlong libo ang mga nabautismuhan.
Ano ang ipinagpatuloy ng mga taong nabautismuhan?
Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa paghahati-hati ng tinapay at sa pananalangin.
Acts 2:43-45
Ano ang ginawa ng mga mananampalataya upang makatulong sa mga nangangailangan?
Ipinagbili nila ang kanilang lupa at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Acts 2:46-47
Saan nagtitipon--tipon ang mga mananampalataya sa oras na ito?
Nagkikitakita ang mga mananampalataya sa Templo.
Sino ang mga naidadagdag sa bawat araw sa grupo ng mga mananampalataya?
Ang Panginoon ay maraming naidadagdag sa araw-araw na mga naliligtas.
Acts 3
Acts 3:1-3
Sino ang nakita nina Pedro at Juan habang patungo sila sa Templo?
Nakita nina Pedro at Juan ang isang lalaking pilay mula nang isilang na namamalimos sa pintuan ng Templo.
Acts 3:4-6
Ano ang hindi ibinigay ni Pedro sa lalaki?
Hindi binigyan ni Pedro ang lalaki ng pilak at ginto.
Acts 3:7-8
Ano ang ginawa ni Pedro para sa lalaki?
Ibinigay ni Pedro sa lalaki ang kakayahang makalakad.
Paano ang naging reaksyon ng lalaki sa ibinigay ni Pedro sa kaniya?
Pumasok ang lalaki sa Templo na lumalakad, lumulukso at nagpupuri sa Diyos.
Acts 3:9-12
Paano tumugon ang mga taong nakakita sa lalaki sa loob ng Templo?
Napuno ng pagtataka at pagkamangha ang mga tao.
Acts 3:13-14
Ano ang ipinaalala ni Pedro sa mga tao na kanilang ginawa kay Jesus?
Ipinaalala ni Pedro sa mga tao na pinatay nila si Jesus.
Acts 3:15-16
Ano ang sinabi ni Pedro na nagpagaling sa lalaki?
Sinabi ni Pedro na ang pananampalataya sa pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaki.
Acts 3:17-18
Ano ang sinabi ni Pedro sa mga tao na kanilang gagawin?
Sinabi ni Pedro sa mga tao na magsisi. [3:19]
Acts 3:19-20
Ano ang sinabi ni Pedro sa mga tao na kanilang gagawin?
Sinabi ni Pedro sa mga tao na magsisi. [3:19]
Acts 3:21-23
Kailan tatanggapin ng langit si Jesus na sinabi ni Pedro?
Sinabi ni Pedro na hanggang sa panahon ng pagsasa-ayos sa lahat ng mga bagay, si Jesus ay tatanggapin sa langit.
Ano ang sinabi ni Moises tungkol kay Jesus?
Sinabi ni Moises na magbabangon ang Panginoong Diyos nang isang propeta na katulad niya na kung saan makikinig ang mga tao sa kaniya.
Ano ang mangyayari sa bawat tao na hindi makikinig kay Jesus?
Tiyak na mamamatay ang taong hindi makikinig kay Jesus.
Acts 3:24-26
Anong kasunduang pangako ng Lumang Tipan ang ipinaalala ni Pedro sa mga tao?
Ipinaalala ni Pedro sa mga tao na mga anak sila ng kasunduan na ginawa ng Diyos kay Abraham nang sinabi ng Diyos, Sa iyong binhi ay tiyak na ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay magiging mapalad.
Gaano ba ang pagnanais ng Diyos na pagpalain ang mga Judio?
Ninais ng Diyos na pagpalain ang mga Judio sa pamamagitan ng pagsugo niya kay Jesus sa kanila upang tumalikod sila sa kanilang kasamaan.
Acts 4
Acts 4:1-7
Ano ang itinuturo nina Pedro at Juan sa mga tao sa Templo?
Itinuturo nina Pedro at Juan ang tungkol kay Jesus at ang kaniyang muling pagkabuhay mula sa mga patay.
Paano tumugon ang mga pinuno ng Templo, mga pari at ng mga Saduseo sa mga itinuturo nina Pedro at Juan?
Dinakip nila sina Pedro at Juan at inilagay sila sa bilangguan.
Paano tumugon ang mga tao sa mga itinuro nina Pedro at Juan?
Maraming tao anng naniwala, halos limanlibo.
Acts 4:8-10
Sa anong kapangyarihan o pangalan ang sinabi ni Pedro upang mapagaling niya ang lalaki sa Templo?
Sinabi no Pedro na sa pangalan ni Jesu-Cristo niya pinagaling ang lalaki sa Templo.
Acts 4:11-12
Ano ang sinabi ni Pedro na natatanging paraan kung saan tayo ay maaari tayong maligtas?
Sinabi ni Pedro na walang ibang pangalan maliban sa pangalang Jesus na maaari tayong mailigtas.
Acts 4:13-14
Bakit walang masabi ang mga pinuno ng mga Judio laban kina Pedro at Juan?
Walang masabi angmga pinnunong Judio dahil ang lalaking pinagaling ay nakatayo kasama nina Pedro at Juan.
Acts 4:15-18
Ano ang iniutos ng mga pinunong Judio na huwag nang gagawin nina Pedro at Juan?
Inutusan ng mga pinunong Judio sina Pedro at Juan na huwag nang magsasalita o magtuturo ng tungkol kay Jesus.
Acts 4:19-28
Paano sinagot nina Pedro at Juan ang mga pinunong Judio?
Sinabi nina Pedro at Juan na hindi nila mapipigilang magsalita ng tungkol sa mga bagay na kanilang nakita at narinig.
Acts 4:29-31
Ano ang hiniling ng mga mananampalataya mula sa Diyos bilang tugon sa mga babala mula sa mga pinunong Judio?
Humiling ang mga mananampalataya ng kalakasan ng loob na sabihin ang salita at mga tanda at mga kababalaghan na gagawin sa pangalan ni Jesus.
Ano ang nangyari matapos ng mga mananampalataya ang kanilang panalangin?
Pagkatapos matapos ng mga mananampalataya ang kanilang panalangin, nayanig ang lugar kung saan sila naroroon, napuno sila ng Banal na Espiritu at sinabi nila ang salita nang may katapangan.
Acts 4:32-33
Paano napupunan ang mga pangangailangan ng mga mananampalataya?
Wala ni isa ang sa kanila ang nagsasabi na pag-aari niya ang anumang bagay. Sa halip, ibinahagi nila sa bawat isa ang lahat ng mayroon sila.
Acts 4:34-35
Paano napupunan ang mga pangangailangan ng mga mananampalataya?
Wala ni isa ang sa kanila ang nagsasabi na pag-aari niya ang anumang bagay. Sa halip, ibinahagi nila sa bawat isa ang lahat ng mayroon sila.
Acts 4:36-37
Sino ang taong binigyan ng bagong pangalan na nangangahulugang "Anak ng Nagpapalakas ng Loob" na siyang nagbenta ng kaniyang lupain at ibinigay ang kaniyang pera sa mga apostol?
Ang lalaking pinangalanang "Anak ng Nagpapalakas ng Loob" ay si Bernabe.
Acts 5
Acts 5:1-2
Anong kasalanan ang ginawa ni Ananias at Safira?
Si Ananias at Safira ay nagsinungaling, nagsasabing ibibigay nila ang buong halaga ng mapagbebentahan ng kanilang pag-aari, ngunit ang totoo ay bahagi lang ng halaga na pagbentahan.
Acts 5:3-8
Kanino nagsinungaling si Ananias at Safira ayon kay Pedro?
Sinabi ni Pedro na sina Ananias at Safira ay nagsinungaling sa Banal na Espiritu.
Ano ang naging kahatulan ng Diyos kay Ananias?
Pinatay ng Diyos si Ananias.
Acts 5:9-13
Ano naging ang kahatulan ng Diyos kay Safira?
Pinatay ng Diyos si Safira.
Ano ang naging reaksyon ng iglesia at ang lahat ng mga nakarining patungkol kay Ananias at Safira?
Malaking takot ang dumating sa iglesiya at sa lahat ng nakarinig patungkol kay Ananias at Safira.
Acts 5:14-16
Ano ang ginagawa ng ilang mga tao upang ang mga may sakit ay gumaling?
Dinadala ng ilan ang may sakit sa mga daanan upang sakaling mataaman sila ng anino ni Pedro at ang iba ay dinala ang may sakit mula sa ibang mga bayan sa Jerusalem.
Acts 5:17-18
Papaano tumugon ang mga Saduseo sa lahat ng mga may sakit na gumaling sa Jerusalem?
Ang mga Saduseo ay napuno ng inggit at inilagay sa bilangguan ang mga apostol.
Acts 5:19-21
Paano nakalabas ang mga apostol sa bilangguan?
Isang anghel ang dumating at binuksan ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas.
Acts 5:22-25
Ano ang natuklasan ng mga opisyal ng pinaka-punong pari noong sila ay nagpunta sa bilangguan?
Nakita ng mga opisyal na ang bilangguan ay maingat na nakasarado, ngunit wala kahit isa sa loob.
Acts 5:26-28
Bakit ibinalik ng mga opisyal sa punong pari at sa konseho ang mga apostol ng walang karahasan?
Ang mga opisyal ay natakot na baka batuhin sila ng mga tao.
Acts 5:29-32
Nang sila ay tanungin tungkol sa kung bakit sila ay nagtuturo sa pangalan ni Jesus kahit sila ay pinagbilinan na huwag, Ano ang sinabi ng mga apostol?
Sinabi ng mga apostol, "Dapat naming sundin ang Diyos ng higit kaysa sa mga tao".
Sino ang sinasabi ng mga apostol na may pananagutan sa pagpatay kay Jesus?
Sinabi ng mga apostol na ang mga punong-pari at ang mga miyembro ng konseho ang may pananagutan sa pagpatay kay Jesus.
Acts 5:33-37
Paano tumugon ang mga miyembro ng konseho sa mga pahayag na sila ang may pananagutan sa pagpatay kay Jesus?
Ang mga miyembro ng konseho ay galit na galit at nagnais na patayin ang mga apostol.
Acts 5:38-39
Ano ang ipinayo ni Gamaliel sa konseho?
Pinayuhan ni Gamaliel ang konseho na hayaan ang mga apostol.
Ano ang babala ni Gamaliel sa konseho na kahahantungan ng kanilang gagawin kung susubukan nilang pabagsakin ang mga apostol?
Binigyang babala ni Gamaliel ang konseho na sila ay lalabas na lumalaban sa Diyos.
Acts 5:40-42
Ano ang kahuli-hulihang ginawa ng konseho sa mga apostol?
Sila ay binugbog ng konseho at inutusan na huwag magsalita sa pangalan ni Jesus, at hinayaan silang umalis.
Paano tumugon ang mga apostol sa pakikitungo na kanilang natanggap mula sa konseho?
Ang mga apostol ay nagalak na sila ay napabilang na karapat-dapat na magdusa ng kasiraang-puri para sa Pangalan ni Jesus.
Ano ang ginagawa ng mga apostol sa araw-araw pagkatapos ng kanilang pagpupulong kasama ang konseho?
Ang mga apostol ay nangangaral at nagtuturo araw-araw na si Jesus ay ang Cristo.
Acts 6
Acts 6:1
Anong reklamo ang lumitaw mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo?
Nagreklamo ang mga Helenista na ang kanilang mga balo ay nakaligtaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.
Acts 6:2-4
Sino ang pumili sa pitong mga lalaki upang mangalaga ng trabaho sa pamamahagi ng pagkain?
Ang mga alagad (kapatiran) ang pumili sa pitong lalaki.
Ano ang mga naging katangian para mapili bilang isa sa pitong lalaki?
Ang pitong lalaki ay kinakailangang may mabuting pangalan, puspos ng espiritu at ng karunungan.
Sa ano magpapatuloy ang mga apostol?
Ang mga apostol ay magpapatuloy sa pananalangin at sa ministeryo ng salita.
Acts 6:5-6
Ano ang ginawa ng mga apostol nang dalhin ng mga mananampalataya ang pitong lalaki?
Ipinanalangin at ipinatong ng mga apostol ang kanilang mga kamay sa kanila.
Acts 6:7-9
Ano ang nangyayari sa mga alagad sa Jerusalem?
Ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem ay lubhang dumami, kabilang ang napakaraming bilang ng mga pari.
Acts 6:10-11
Sino ang nananalo sa mga pagtatalo sa pagitan ng hindi mananampalatayang mga Judio at ni Esteban?
Ang mga hindi mananampalatayang Judio ay hindi makayanang tumayo laban sa karunungan at sa Espiritu kung saan nagsalita si Esteban.
Acts 6:12-15
Anong paratang ang ginawa ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban sa konseho?
Inaangkin ng mga sinungaling na saksi na sinabi ni Esteban na sisirain ni Jesus ang lugar na ito at papalitan ang kaugalian na ipinasa ni Moses.
Nang tumingin ang konseho kay Esteban, ano ang kanilang nakita?
Nakita nila na ang kaniyang mukha ay katulad ng mukha ng isang anghel.
Acts 7
Acts 7:1-3
Nagsimulang alalahanin ni Esteban ang kasaysayan ng mga mamamayang Judio simula sa pangako ng Diyos para kanino?
Nagsimulang alalahanin ni Esteban ang kaniyang kasaysayan sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa pangako ng Diyos kay Abraham.
Acts 7:4-5
Ano ang pangako ng Diyos kay Abraham?
Nangako ang Diyos ng lupain kay Abraham at sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
Bakit parang imposibleng matupad ang pangako ng Diyos kay Abraham?
Ang pangako ng Diyos ay parang imposibleng matupad dahil si Abraham ay walang anak.
Acts 7:6-8
Ano ang sinasabi ng Diyos na unang mangyayari sa mga kaapu-apuhan ni Abraham sa loob ng apatnaraang taon?
Sinabi ng Diyos na ang kakapu-apuhan ni Abraham ay magiging mga alipin sa ibang lupain sa loob ng apatnaraang taon.
Anong tipan ang ibinigay ng Diyos kay Abraham?
Ibinigay ng Diyos kay Abraham ang tipan ng pagtutuli.
Acts 7:9-10
Paano naging alipin si Jose sa Egipto?
Nainggit ang mga kapatid niya sa kanya at siya ay ibinenta sa Egipto.
Paano naging gobernador si Jose sa buong Egipto?
Binigyan ng Diyos si Jose ng pabor at karunungan sa harap ng Paraon.
Acts 7:11-13
Ano ang ginawa ni Jacob nang dumating ang tag-gutom sa Canaan?
Ipinadala ni Jacob ang kaniyang mga anak na lalaki sa Egipto dahil narinig niya na mayroong butil doon.
Acts 7:14-16
Bakit lumipat si Jacob at ang kaniyang mga kamag-anak sa Egipto?
Ipinadala ni Jose ang kaniyang mga kapatid upang sabihin kay Jacob na pumunta sa Egipto.
Acts 7:17-19
Ano ang nangyari sa bilang ng mga Israelita sa Egipto habang papalapit ang panahong ipinangako kay Abraham?
Ang bilang ng mga Isrelita sa Egipto ay lumago at dumami.
Paano sinubukan ng bagong hari ng Egipto na bawasan ang bilang ng mga Israelita?
Pinilit ng bagong hari ng Egipto na itapon ng mga Israelita ang kanilang mga sanggol sa gayon sila ay hindi makaligtas.
Acts 7:20-21
Paano nakaligtas si Moises nang siya itinapon?
Kinuha si Moises ng anak na babae ng Paraon at pinalaki siya na parang sariling anak.
Acts 7:22-28
Paano naturuan si Moises?
Naturunan si Moises sa lahat ng kaalaman ng mga taga Egipto.
Nang siya ay apatnapung taong gulang, ano ang ginawa ni Moises nang makita niyang inaabuso ang isang Israelita?
Ipinagtanggol ni Moises ang Israelita at hinampas ang Egipcio.
Acts 7:29-32
Saan pumunta si Moises nang siya ay tumakas?
Si Moises ay tumakas papunta sa Madian.
Nang si Moises ay apatnapung taong gulang, ano ang nakita ni Moises?
Nakita ni Moises ang isang anghel sa ningas ng apoy sa mababang punong kahoy.
Acts 7:33-34
Saan iniutos ng Panginoon na pumunta si Moises, at ano ang gagawin ng Diyos doon?
Si Moises ay inutusan ng Panginoon na pumunta sa Egipto, dahil ililigtas ng Diyos ang mga Israelita.
Acts 7:35-40
Gaano katagal pinangunahan ni Moses ang mga Israelita sa ilang?
Pinangunahan ni Moses ang mga Israelita sa ilang ng apatnapung taon.
Ano ang propesiya ni Moises sa mga Israelita?
Si Moises ay nagpropesiya sa mga Israelita na ang Diyos ay lilikha ng isang propeta na kagaya niya mula sa kanilang mga kapatid.
Acts 7:41-42
Paano ibinalik ng mga Israelita ang kanilang mga puso sa Egipto?
Ang mga Israelita ay gumawa ng guya at naghandog sa mga diyus-diyosan.
Paano tumugon ang Panginoon sa pagtalikod ng mga Israelita mula sa kaniya?
Ang Diyos ay tumalikod mula sa mga Israelita at hinayaan silang maglingkod sa mga nakikita sa langit.
Acts 7:43
Saan sinabi ng Diyos na bubuhatin niya palayo ang mga Israelita?
Sinabi ng Diyos na bubuhatin niya ang mga Israelita palayo sa Babilonia.
Acts 7:44-46
Ano ang iniutos ng Diyos sa mga Israelita na itayo sa ilang? alin ang binuhat nila sa lupain pagkatapos?
Sa Ilang, ang mga Israelita ay nagtayo ng tabernakulo ng patotoo.
Sino ang nagtaboy sa mga bansa sa harapan ng mga Israelita?
Ang Diyos ang nagtaboy sa mga bansa sa harapan ng mga Israelita.
Sino ang humiling na magtayo ng lugar na pananahanan para sa Diyos?
Si David ang humiling na magtayo ng lugar na pananahanan para sa Diyos.
Acts 7:47-50
Sino sa katunayan ang nagtayo ng bahay para sa Diyos?
Si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa Diyos.
Saan naroon ang trono ng Kataas-taasan?
Ang Kataas-taasan ay may langit bilang kaniyang trono.
Acts 7:51-53
Ano ang paratang ni Esteban sa mga tao na laging ginagawa, tulad ng ginawa ng kanilang mga pinagnunuan?
Pinaratangan ni Esteban ang mga tao na nilalabanan ang Banal na Espiritu.
Ano ang sinabi ni Esteban sa mga tao na may kasalanan ng patungkol sa Matuwid.
Sinabi ni Esteban sa mga tao na pinagtaksilan at pinatay ang Matuwid.
Acts 7:54-56
Paano tumugon ang mga miyembro ng konseho sa mga paratang ni Esteban?
Ang mga miyembro ng konseho ay nasugatan sa kanilang puso at nagngalit ang kanilang ngipin kay Esteban.
Ano ang sinabi ni Esteban na nakita niya habang siya ay nakatingin sa langit?
Sinabi ni Esteban na nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.
Acts 7:57-58
Ano ang ginawa ng mga miyembro ng konseho kay Esteban pagkatapos?
Mabilis siyang sinunggaban ng mga miyembro ng konseho, itinapon siya sa labas ng lungsod at siya ay binato.
Saan iniwan ng mga saksi ang kanilang mga balabal habang binabato si Esteban.
Iniwan ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng isang binata na nagngangalang
Saulo.
Acts 7:59-60
Ano ang huling bagay na hiniling ni Esteban bago siya namatay?
Hiniling ni Esteban sa Diyos na huwag panghawakan ang mga kasalanang ito sa mga taong may pananagutan.
Acts 8
Acts 8:1-5
Ano ang inisip ni Saulo tungkol sa pambabato kay Esteban?
Si Saulo ay sumang-ayon sa pagkamatay ni Esteban.
Ano ang nagsimula sa araw na pinagbabato si Esteban?
Ang malaking pag-uusig laban sa iglesia sa Jerusalem ay nagsimula sa araw na pinagbabato si Esteban.
Ano ang ginawa ng mga mananampalataya sa Jerusalem?
Ang mga mananampalataya sa Jerusalem ay nagsikalat sa lahat ng mga rehiyon ng Judea at Samaria
Acts 8:6-8
Bakit nakinig ang mga tao sa Samaria sa mga sinabi ni Felipe?
Ang mga tao ay nakinig ng makita nila ang mga palatandaan na ginawa ni Felipe.
Acts 8:9-11
Bakit nakinig ang mga tao sa Samaria kay Simon?
Ang mga tao ay binigyang-pansin si Simon nang makita nila ang kanyang pangkukulam.
Acts 8:12-13
Nang marinig ni Simon ang mensahe mula kay Felipe, ano ang kanyang ginawa?
Si Simon ay naniwala din at nagpabautismo.
Acts 8:14-17
Ano ang nangyari nang ipinatong ni Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa mga mananampalataya sa Samaria?
Tinanggap ng mga mananampalataya sa Samaria ang Banal na Espiritu.
Acts 8:18-19
Ano ang alok na ginawa ni Simon sa mga apostol?
Inalok ni Simon ang mga apostol ng salapi kapalit ng kapangyarihan na makapagbigay ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
Acts 8:20-25
Pagkatapos alukin ni Simon ang mga apostol, ano ang sinabi ni Pedro na ispirituwal niyang kalagayan?
Sinabi ni Pedro na si Simon ay nasa lason kapaitan at gapos ng kasalanan.
Acts 8:26-28
Ano ang sinabi ng anghel kay Felipe na kanyang gawin?
Isang anghel ang nagsabi kay Felipe na pumunta sa disyerto patungong Gaza.
Sino ang nakilala ni Felipe at ano ang ginagawa ng taong ito?
Nakilala ni Felipe ang isang eunuko na may dakilang kapangyarihan mula sa Ethiopia na nakaupo sa kanyang karo habang binabasa ang aklat ni propetang Isaiah.
Acts 8:29-31
Ano ang tinanong ni Felipe sa lalaki?
Si Felipe ay nagtanong sa lalaki, "Nauunawaan mo ba ang iyong binabasa?"
Ano ang hiniling ng lalaki kay Philip na kanyang gagawin?
Ang lalaki ay humiling kay Felipe na umakyat sa karo at ipaliwanag kung ano ang kanyang binabasa.
Acts 8:32-33
Ano ang nangyari sa taong inilalarawan sa kasulatan mula kay Isaiah na binabasa?
Ang taong ito ay tulad sa isang tupa na dinadala sa katayan subalit hindi niya binubuka ang kanyang bibig.
Acts 8:34-35
Ano ang katanungan na tinanong ng lalaki kay Felipe tungkol sa banal na kasulatan na kanyang binabasa?
Tinanong ng lalaki si Felipe kung ang propeta ba ay nagsasalita patungkol sa kanyang sarili o kaya ay patungkol sa ibang tao.
Sino ang sinabi ni Felipe na tinutukoy sa kasulatan mula kay Isaiah?
Ipinaliwanag ni Felipe na ang taong tinutukoy sa kasulatan mula kay Isaiah ay si Jesus.
Acts 8:36-38
Pagkatapos ano ang ginawa ni Felipe sa lalaki?
Si Felipe at ang eunoko ay parehong nagpunta sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.
Acts 8:39-40
Ano ang nangyari kay Felipe nang umahon na siya sa tubig?
Nang si Felipe ay umahon na sa tubig, ang Espiritu ng Panginoon ay kinuha si Felipe palayo.
Ano ang ginawa ng eunoko nang siya ay umahon sa tubig?
Nang ang eunoko ay umahon na sa tubig, siya ay umalis na nagagalak.
Acts 9
Acts 9:1-2
Ano ang hiningi ni Saulo sa mga pinakapunong pari sa Jerusalem upang pahintulutang gawin?
Si Saulo ay humingi ng mga sulat upang siya ay maaaring maglakbay patungo sa Damasco at ibalik na nakatali ang sinumang umanib sa Daan.
Acts 9:3-4
Nang si Saulo ay malapit na sa Damasco, ano ang kanyang nakita?
Nang si Saulo ay malapit na sa Damasco, siya ay nakakita ng liwanag mula sa langit.
Ano ang sinabi ng tinig kay Saulo?
Ang tinig ay nagsabi, "Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig?
Acts 9:5-7
Nang si Saulo ay nagtanong kung sino ang kumakausap sa kanya, ano ang sagot?
Ang sagot ay, "Ako si Jesus ang iyong pinag- uusig."
Acts 9:8-9
Nang si Saulo ay tumayo mula sa lupa, ano ang nangyari sa kanya?
Nang si Saulo ay tumayo, wala siyang makita.
Saan nagpunta si Saulo pagkatapos at ano ang kanyang ginawa?
Si Saulo ay nagpunta sa Damasco at hindi kumain o uminom sa loob ng tatlong araw.
Acts 9:10-12
Ano ang sinabi ng Panginoon kay Ananias na gawin?
Sinabi ng panginoon kay Ananias na pumunta at ipatong ang kanyang mga kamay kay Saulo upang matanggap si Saulo ang kanyang paningin.
Acts 9:13-16
Ano ang pag-aalala na ipinahayag ni Ananias sa Panginoon?
Si Ananias ay nag-aalala dahil alam niya na si Saulo ay dumating sa Damasco upang arestuhin ang sinumang tumatawag sa pangalan ng Panginoon.
Ano ang sinabi ng Panginoon na layunin para kay Saulo bilang kanyang piniling instrumento?
Sinabi ng Panginoon na si Saulo ang magdadala ng pangalan ng Panginoon sa mga Hentil, mga hari, at mga anak ng Israel.
Sinabi ng Panginoon na ang layunin ni Saulo ay magiging madali o mahirap?
Sinabi ng Panginoon na si Saul ay labis na magdudusa dahil sa pangalan ng Panginoon.
Acts 9:17-19
Pagkatapos ipatong ni Ananias ang kanyang mga kamay kay Saulo, ano ang nangyari?
Pagkatapos ipatong ni Ananias ang kanyang mga kamay kay Saulo, tinanggap ni Saulo ang kanyang paningin, siya ay nabautismuhan at kumain.
Acts 9:20-22
Ano ang agad sinimulan na gawin ni Saulo?
Kaagad na sinimulan ni Saul na ipahayag si Jesus sa mga sinagoga, sinasabing siya ay ang Anak ng Diyos.
Acts 9:23-25
Nang ang mga Judio ay nagplano na patayin si Saulo, ano ang kanyang ginawa?
Nang ang mga Judio ay nagplano na siya ay patayin, tumakas si Saulo sa pamamagitan na pagbababa sa kanya sa pader gamit ang isang basket.
Acts 9:26-27
Nang si Saulo ay dumating sa Jerusalem, paano siya tinanggap ng mga alagad?
Sa Jerusalem, ang mga alagad ay natakot kay Saulo.
Sino ang nagdala kay Saulo sa mga apostol at nagpaliwanag kung ano ang nangyari kay Saulo sa Damasco?
Si Bernabe ang nagdala kay Saulo sa mga apostol at nagpaliwanag kung ano ang nangyari kay Saulo sa Damasco.
Acts 9:28-30
Ano ang ginawa ni Saulo sa Jerusalem?
Si Saulo ay nagsalita ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Acts 9:31-32
Pagkatapos na ipinadala si Saulo sa Tarsus, ano ang naging kalagayan ng iglesia sa Judea, Galilea, at Samaria?
Ang iglesia sa Judea, Galilea at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at katatagan at lumalago ang bilang.
Acts 9:33-39
Ano ang nangyari sa Lydda na naging dahilan upang ang mga tao ay magbalik loob sa Panginoon?
Sa Lydda, si Pedro ay nagsalita sa isang paralisadong lalaki na pinagaling ni Jesus.
Acts 9:40-43
Ano ang nangyari sa Joppa na naging dahilan upang ang maraming tao ay sumampalataya sa Panginoon?
Si Pedro ay nanalangin para sa babaeng patay na ang pangalan ay Tabitha, na binuhay muli.
Acts 10
Acts 10:1-2
Anong uri ng tao si Cornelio?
Isang taimtim na tao si Cornelio na may takot sa Diyos, mapagbigay at palaging nananalangin sa Diyos.
Acts 10:3-7
Ano ang sinabi ni Jesus sa pitumpu na hindi nila dapat dalhin?
Hindi sila dapat magdadala ng kahit anong supot ng salapi, ng kahit anong panglakbay na supot, o ng kahit anong sandalyas.
Acts 10:8-9
Ano ang sinabi ni Jesus sa pitumpu na gagawin sa bawat lungsod?
Sinabi niya sa kanila na pagalingin ang may sakit at sabihin sa mga tao, "Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo."
Acts 10:10-16
Kung ang isang lungsod ay hindi tinanggap ang mga ipinadala ni Jesus sa kanila, ano ang nararapat na paghatol para sa lungsod na iyon?
Ito ay mas malala pa kaysa sa paghatol sa Sodoma.
Acts 10:17-20
Nang bumalik ang pitumpu at iniulat ng may kagalakan na sila ay may kakayahang mag-palayas ng mga demonyo, ano ang sinabi ni Jesus sa kanila?
Sinabi niya, "Higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakaukit sa langit."
Acts 10:21-24
Sinabi ni Jesus na ito ay nakalulugod sa Ama na ihayag ang kaharian ng Diyos, para kanino?
Ito ay nakalulugod sa Ama na ihayag ang kaharian ng Diyos sa mga mangmang, tulad ng mga maliliit na bata.
Acts 10:25-30
Ayon kay Jesus, ano ang sinabi ng kautusan ng Judio na dapat gawin ng isang tao upang magmana ng walang hanggang buhay?
Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng iyong buong puso, ng iyong buong kaluluwa, ng iyong buong lakas, at ng iyong buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.
Acts 10:31-32
Sa talinghaga ni Jesus, ano ang ginawa ng paring Judio nang makita niya sa daan ang taong halos mamatay na?
Siya ay dumaan sa kabilang gilid.
Ano ang ginawa ng Levita nang nakita niya ang lalaki?
Siya ay dumaan sa kabilang gilid.
Acts 10:33-35
Ano ang ginawa ng Samaritano nang nakita niya ang lalaki?
Tinalian niya ang kaniyang mga sugat, isinakay siya sa kaniyang asno, dinala siya sa bahay-tuluyan, at inalagaan siya.
Acts 10:36-37
Pagkatapos sabihin ang talinghaga, ano ang sinabi ni Jesus sa guro ng kautusan ng Judio na pupuntahan niya at gagawin?
Pumunta ka at magpakita ng habag tulad ng Samaritano sa talinghaga.
Acts 10:38-39
Ano ang ginawa ni Maria sa parehong oras?
Umupo siya sa paanan ni Jesus at nakinig sa kaniya.
Acts 10:40-48
Ano ang ginawa ni Marta nang dumating si Jesus sa kaniyang tahanan?
Masyado siyang abala sa paghahanda ng ihahaing pagkain.
Kanino sinabi ni Jesus na pinili niya ang mas mabuting bagay na gagawin?
Sinabi niya na pinili ni Maria ang mas mabuting bagay na gagawin.
Acts 11
Acts 11:2
Anong panalangin ang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad?
Siya ay nanalangin ng, "Ama, banalin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo nawa ay dumating. Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso."
Acts 11:3-4
Anong panalangin ang itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad?
Siya ay nanalangin ng, "Ama, banalin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo nawa ay dumating. Bigyan mo kami ng aming tinapay sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga kasalan gaya ng pagpapatawad namin sa may pagkakautang sa amin. Huwag mo kaming itungo sa tukso."
Acts 11:5-10
Sa parabula ni Jesus, bakit bumangon ang tao at binigyan ang kaniyang kaibigan ng tinapay sa hatinggabi
Dahil sa walang hiyang pagpupumilit ng kanyang kaibigan.
Acts 11:11-13
Ano ang ibibigay ng Ama sa langit sa mga humihingi sa kaniya?
Ibibigay niya ang Banal na Espiritu.
Acts 11:14-17
Nang makita nila na siya ay nagpapalayas ng mga demonyo, ano ang ipinaratang ng iba na ginagawa ni Jesus?
Pinaratangan nila si Jesus na nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, ang pinuno ng mga demonyo.
Acts 11:18-23
Sumagot si Jesus na siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa kaninong kapangyarihan?
Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos.
Acts 11:24-26
Kung ang maruming espiritu ay umalis sa tao ngunit bumalik, ano ang magiging kalagayan ng tao?
Ang kalagayan ng tao ay magiging malubha kaysa noong una.
Acts 11:27-30
Nang sumigaw ang babae na pinagpapala ang ina ni Jesus, sino ang sinabi ni Jesus na pinagpala?
Ang mga nakarinig sa salita ng Diyos at iningatan ito.
Acts 11:31
Sinabi ni Jesus na siya ay higit na dakila kaysa sa aling dalawang lalaki sa lumang tipan?
Solomon at Jonas
Acts 11:32-38
Sinabi ni Jesus na siya ay higit na dakila kaysa sa aling dalawang lalaki sa Lumang Tipan?
Sina Solomon at Jonas.
Acts 11:39-41
Ayon kay Jesus, ang mga Pariseo ay puno sa loob ng ano?
Sinabi niya na sila ay puno ng kasakiman at kasamaan.
Acts 11:42-44
Ano ang sinabi ni Jesus na pinabayaan ng mga Pariseo?
Pinabayaan nila ang katarungan at ang pagmamahal ng Diyos.
Acts 11:45-48
Ano ang sinabi ni Jesus na ginagawa ng mga tagapagturo ng kautusan sa ibang mga tao?
Ipinapapasan nila sa mga tao ang mga pasanin na mahirap dalhin ngunit hindi nila hinahawakan ang mga pasanin na iyon.
Acts 11:49-52
Sinabi ni Jesus na ang salinlahi na ito ang may magiging pananagutan para sa ano?
Sila ay may pananagutan sa lahat ng dugo ng mga propeta na dumanak mula pa sa simula ng mundo.
Acts 11:53-30
Ano ang ginawa ng mga eskriba at mga Pariseo pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jesus?
Tumutol sila sa kaniya at nakipagtalo sa kaniya, sinusubukan siyang hulihin sa kaniyang sariling mga salita.
Acts 12
Acts 12:1-2
Ano ang ginawa ni haring Herodes kay Santiago na kapatid ni Juan?
Pinatay ni haring Herodes si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng tabak.
Acts 12:3-4
Ano ang ginawa ni haring Herodes kay Pedro?
Dinakip ni Herodes si Pedro at ipinabilanggo, binabalak na dalhin siya sa mga tao pagkatapos ng Paskua.
Acts 12:5-6
Ano ang ang ginagawa ng kapulungan para kay Pedro?
Masigasig na nananalangin ang kapulungan para kay Pedro.
Acts 12:7-8
Paano nakalabas sa bilangguan si Pedro?
Nagpakita sa kaniya ang isang anghel, nahulog ang kaniyang mga tanikala at sumunod siya sa anghel palabas ng bilangguan.
Acts 12:9-12
Paano nakalampas si Pedro sa una at pangalawang bantay at palabas sa tarangkahan ng bilangguan?
Sumunod si Pedro sa isang anghel at nakalampas sa mga bantay at pagkatapos ang tarangkahan ay kusang nabuksan.
Acts 12:13-15
Nang makarating si Pedro sa bahay kung saan nananalangin ang mga mananampalataya, sino ang sumagot sa pintuan at ano ang kaniyang ginawa?
Ang babaing lingkod na si Roda ang sumagot sa pintuan at ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa pintuan, ngunit hindi niya binuksan ang pintuan.
Paano unang tumugon ang mga mananampalataya sa kaniyang balita?
Sa una inisip nila na si Roda ay nababaliw na.
Acts 12:16-17
Matapos sabihin ni Pedro sa mga mananmpalataya kung ano ang nangyari sa kaniya, ano ang sinabi ni Pedro na kanilang gagawin?
Sinabi ni Pedro sa kanila na ipagbigay-alam ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.
Acts 12:18-21
Ano ang nangyari sa mga lalaki na nagbabantay kay Pedro?
Tinanong ni Herodes ang mga bantay at pagkatapos ay pinatawan sila ng kamatayan.
Acts 12:22-23
Ano ang isinisigaw ng mga tao habang ibinibigay ni Herodes ang kaniyang talumpati?
Sumigaw ang mga tao, "Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao"!
Ano ang nangyari kay Herodes pagkatapos ng kaniyang talumpati, at bakit?
Dahil hindi ibinigay ni Herodes ang kaluwalhatian sa Diyos, isang anghel ang humampas sa kaniya at kinain siya ng mga uod at namatay.
Acts 12:24-25
Ano ang nangyari sa salita ng Diyos sa mga panahong ito?
Ang salita ng Diyos ay lumago at dumami sa mga panahong ito.
Sino ang isinama nina Bernabe at Saulo sa kanila?
Isinama nina Bernabe at Saulo si Juan Marcos.
Acts 13
Acts 13:1-3
Ano ang ginagawa ng kapulungan sa Antioquia nang magsalita ang Banal na Espiritu sa kanila?
Ang kapulungan ng Antioquia ay sumasamba sa Diyos at nag-aayuno nang magsalita ang Banal na Espiritu sa kanila.
Ano ang sinabi ng Banal na Espiritu na kanilang gagawin?
Sinabi ng Banal Espiritu sa kanila na ihiwalay sina Bernabe at Saulo upang gawin ang gawain kung saan sila tinatawag ng Espiritu.
Ano ang ginawa ng kapulungan pagkatapos marinig ang mula sa Banal na Espiritu?
Ang kapulungan ay nag-ayuno, nanalangin, ipinatong ang kanilang mga kamay kay Bernabe at Saulo, at pinahayo sila.
Acts 13:4-5
Nang magpunta sina Bernabe at Saulo sa Sayprus, sino pa ang kasama nila?
Sa Sayprus, si Juan Marcos ay kasama nila bilang katulong.
Acts 13:6-8
Sino si Bar-Jesus?
Si Bar-Jesus ay isang huwad na propetang Judio na may kaugnayan sa proconsul.
Bakit ipinatawag ng proconsul sina Bernabe at Saulo?
Ipinatawag ng proconsul sina Bernabe at Saulo dahil nais niyang marinig ang salita ng Diyos.
Acts 13:9-10
Ano ang ibang pangalan kung saan nakikilala si Saulo?
Si Saulo ay kilala din bilang Pablo.
Ano ang sinabi ni Pablo na mangyayari kay Bar-Jesus dahil tinangka niyang paikutin ang proconsul laban sa pananampalataya?
Sinabihan ni Pablo si Bar-Jesus na mabubulag siya pansamantala.
Acts 13:11-12
Paano tumugon ang proconsul nang makita niya kung ano ang nangyari kay Bar-Jesus?
Naniwala ang proconsul.
Acts 13:13-15
Ano ang ginawa ni Juan Marcos nang si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan ay maglalayag patungong Perga?
Iniwan ni Juan Marcos si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan at bumalik sa Jerusalem.
Saan sa Antioquia ng Pisidia hiniling na magsalita si Pablo?
Sa Antioquia ng Pisidia, hiniling na magsalita si Pablo sa sinagoga ng mga Judio.
Acts 13:16-22
Sa talumpati ni Pablo, sino ang sinabi ni Pablo na pinili ng Diyos noon?
Sa talumpati ni Pablo, sinabi ni Pablo na pinili ng Diyos ang Israel.
Acts 13:23-25
Kanino nagmula ang isang Tagapagligtas na dadalhin ng Diyos sa Israel?
Mula kay Haring David dinala ng Diyos ang isang Tagapagligtas sa Israel.
Sino ang sinabi ni Pablo na naghanda ng daan para sa pagdating ng Tagapagligtas?
Sinabi ni Pablo na inihanda ni Juan na Nagbabautismo ang daan para sa pagdating ng Tagapagligtas.
Acts 13:26-29
Paano tinupad ng mga tao at ng mga pinuno ng Jerusalem ang mensahe ng mga propeta?
Tinupad ng mga tao at ng mga pinuno ng Jerusalem ang mensahe ng mga propeta sa pamamagitan ng paghatol kay Jesus sa kamatayan.
Acts 13:30-31
Sino ngayon ang mga saksi ni Jesus sa mga tao?
Ang mga taong nakakita kay Jesus pagkatapos niyang mabuhay mula sa mga patay, ngayon ay mga saksi niya.
Acts 13:32-34
Paano ipinakita ng Diyos na iningatan niya ang kaniyang mga pangako na ginawa niya sa mga Judio?
Ipinakita ng Diyos na iningatan niya ang kaniyang mga pangako sa mga Judio sa pamamagitan ng pagbuhay niya kay Jesus mula sa mga patay.
Acts 13:35-37
Ano ang pangako ng Diyos sa Isang Banal sa isa sa mga awit?
Ipinangako ng Diyos na ang Nag-iisang Banal ay hindi makikitaan ng pagkabulok.
Acts 13:38-39
Ano ang ipinahayag ni Pablo sa bawat isang maniniwala kay Jesus?
Ipinahayag ni Pablo ang kapatawaran ng mga kasalanan sa bawat isang maniniwala kay Jesus.
Acts 13:40-43
Anong babala ang ibinigay rin ni Pablo sa kaniyang mga tagapakinig?
Binalaan ni Pablo ang kaniyang mga tagapakinig na huwag maging katulad ng mga inihayag ng mga propeta na nakarinig sa paghahayag sa gawain ng Diyos, ngunit hindi ito pinaniwalaan.
Acts 13:44-45
Sa Antioquia, sino ang dumating upang pakinggan ang salita ng Panginoon sa susunod na Araw ng Pamamahinga?
Halos ang buong lungsod ay dumating upang pakinggan ang salita ng Panginoon sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
Paano tumugon ang mga Judio nang makita nila ang maraming tao?
Napuno ng pagka-inggit ang mga Judio at nagsalita laban sa mensahe ni Pablo, hinamak siya.
Acts 13:46-47
Ano ang sinabi ni Pablo na ginagawa ng mga Judio sa salita ng Diyos na inihayag sa kanila?
Sinabi ni Pablo na iniwawala ng mga Judio ang salita ng Diyos na inihayag sa kanila.
Acts 13:48-49
Ano ang tugon ng mga Gentil nang marinig nila na bumaling si Pablo sa kanila?
Ang mga Gentil ay nagalak at pinuri ang salita ng Panginoon.
Gaano karami sa mga Gentil ang naniwala?
Kasindami ng itinalaga sa buhay na walang hanggan ang naniwala.
Acts 13:50-52
Kaya ano ang ginawa ng mga Judio kay Bernabe at Pablo?
Nagdulot ng matinding pag-uusig ang mga Judio laban kina Pablo at Bernabe, itinaboy sila sa labas ng lungsod.
Ano ang ginawa nina Pablo at Bernabe bago sila pumunta sa lungsod ng Iconio?
Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok mula sa kanilang mga paa laban sa mga nasa lungsod ng Antioquia na nagtaboy sa kanila.
Acts 14
Acts 14:1-2
Ano ang ginawa ng mga Judio na hindi naniniwala sa Iconio pagkatapos na ang napakaraming tao ay maniwala sa pangangaral ni Bernabe at Pablo?
Iniwala ng mga Judiong hindi naniwala ang mga isipan ng mga Gentil at itinulak silang masuklam sa mga kapatid.
Acts 14:3-4
Paano ibinigay ng Diyos ang patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya?
Ibinigay ng Diyos ang patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanda at himala na ginawa sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe.
Acts 14:5-7
Bakit umalis sina Pablo at Bernabe sa Iconio?
Sinubukang hikayatin ng ilang mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe.
Acts 14:8-10
Ano ang ginawa ni Pablo na naging dahilan ng malakas na hiyawan sa Listra?
Pinagaling ni Pablo ang lalaking lumpo mula nang isilang.
Acts 14:11-13
Ano ang nais gawin ng mga tao sa Listra para kay Pablo at Bernabe?
Nais ng mga tao na mag-alay ng mga handog kina Pablo at Bernabe sa pari ni Zeus.
Acts 14:14-16
Paano tumugon sina Bernabe at Pablo sa mga nais gawin ng mga tao sa kanila?
Pinunit nina Bernabe at Pablo ang kanilang kasuotan, pumunta sa maraming tao, at sumisigaw na nagsabing, na dapat tumalikod ang mga tao sa ganitong mga bagay na walang halaga para sa isang Diyos na buhay.
Acts 14:17-18
Sa paanong paraan hindi iniwan ng Diyos ang kaniyang sarili sa nakalipas na walang saksi?
Ibinigay ng Diyos ang ulan sa mga bansa at mabungang mga panahon, pinupuno ang kanilang mga puso ng kagalakan at pagkain.
Acts 14:19-20
Ano ang ginawa ng maraming tao sa Listra kay Pablo pagkatapos?
Binato si Pablo ng maraming tao sa Listra at kinaladkad siya palabas ng lungsod.
Ano ang ginawa ni Pablo habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya?
Tumayo si Pablo at pumasok sa lungsod.
Acts 14:21-22
Sa pamamagitan ng ano sinabi ni Pablo makakapasok ang mga alagad sa kaharian ng Diyos?
Sinabi ni Pablo sa mga alagad na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa makakapasok sila sa kaharian ng Diyos.
Acts 14:23-26
Ano ang ginawa nina Pablo at Bernabe sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya bago sila umalis?
Sa bawat kapulungan itinalaga nina Pablo at Bernabe ang mga nakatatanda, nanalangin na may pag-aayuno at ipinagkatiwala ang mga mananampalataya sa Panginoon.
Acts 14:27-28
Ano ang ginawa nina Pablo at Bernabe nang bumalik sila sa Antioquia?
Nang bumalik sila sa Antioquia, ipinagbigay-alam nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paano niya binuksan ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.
Acts 15
Acts 15:1-2
Ano ang ginawa ng ilang mga lalaki na mula sa Judea at nagturo sa mga kapatiran?
Itinuro ng ilang mga lalaki mula sa Judea na kung hindi matutuli ang mga kapatiran, hindi sila maligtas.
Acts 15:3-4
Habang dumadaan sa iba't ibang dako ng Phoenicia at Samaria, anong mga balita ang ipinahayag nila Pablo at kaniyang mga kasama?
Ipinahayag ni Pablo at ng kaniyang mga kasama ang pagbabagong loob ng mga Gentil.
Acts 15:5-6
Sa anong kalipunan kabilang sa mga mananampalataya ang nag-isip na ang mga Gentil ay dapat matuli at dapat sumunod sa kautusan ni Moises?
Ang kalipunan ng mga Pariseo ay naniniwala na ang mga Gentil ay dapat matuli at dapat sundin ang kautusan ni Moises.
Acts 15:7-9
Ano ang sinabi ni Pedro na ibinigay at ginawa ng Diyos para sa mga Gentil?
Sinabi ni Pedro na ibinigay ng Diyos sa mga Gentil ang Banal na Espiritu at ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya.
Acts 15:10-11
Paano sinabi ni Pedro na ang parehong mga Judio at mga Gentil ay maliligtas?
Sinabi ni Pedro na ang parehong mga Judio at mga Gentil ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus.
Acts 15:12
Ano ang iniulat nila Pablo at Bernabe sa kapulungan?
Iniulat ni Bernabe at Pablo ang mga tanda at himala na ginawa ng Diyos sa mga Gentil.
Acts 15:13-14
Ano ang sinabi ng propesiya na kung saan ay binanggit ni Santiago na sinabing itatayo muli ng Diyos, at sino ang nais mapabilang dito?
Sinabi sa propesiya na itatayo muli ng Diyos ang bumagsak na tolda ni David, at doon mapapbilang ang mga Gentil.
Acts 15:15-18
Ano ang sinabi ng propesiya na kung saan binanggit ni Santiago na sinabing itatayo muli ng Diyos, at sino ang nais mapabilang dito?
Sinabi sa propesiya na itatayo muli ng Diyos ang bumagsak na tolda ni David, at doon mapapabilang ang mga Gentil.
Acts 15:19-26
Ano ang iniutos na mungkahi ni Santiago na ibigay sa nagbalik loob na mga Gentil?
Iminungkahi ni Santiago na ang nagbalik loob na Gentil ay utusan na lumayo sa diyus-diyosan, sa pakikiapid, sa mga binigti, at sa dugo.
Acts 15:27-29
Sa liham na isinulat para sa mga Gentil, sino ang nagsabing na sumang-ayon sa konlusyon ng pagbibigay sa mga Gentil ng kaunting mga kautusan lamang?
Ang mga sumulat ng liham at ang Banal na Espiritu ang nasabing sumang-ayon kasama sa mga konklusyon.
Acts 15:30-32
Ano ang tugon ng mga Gentil nang marinig nila ang liham galing Jerusalem?
Nagalak ang mga Gentil dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila ng nakasulat sa liham.
Acts 15:33-35
Ano ang ginawa ni Pablo at Bernabe habang sila'y namalagi sa Antioquia?
Itinuro at ipinangaral ni Pablo at Bernabe ang salita ng Panginoon.
Acts 15:36-38
Ano ang sinabi ni Pablo kay Bernabe na nais niyang gawin?
Sinabi ni Pablo kay Bernabe na nais niyang bumalik at bumisita sa mga kapatiran sa bawat lungsod kung saan ipinahayag na nila ang salita ng Panginoon.
Acts 15:39-41
Bakit naghiwalay si Pablo at Bernabe na naglakbay at maglakbay sa magkaibang direksyon?
Nais ni Bernabe na isama si Marcos, ngunit hindi inisip ni Pablo na mas mabuti siyang isama sa kanila.
Acts 16
Acts 16:1-3
Ano ang ginawa ni Pablo kay Timoteo bago sila maglakbay ng magkasama, at bakit?
Tinuli ni Pablo si Timoteo sapagka alam ng mga Hudyo na nasa lugar na iyon na ang ama ni timoteo ay isang Griego.
Acts 16:4-8
Anong mga tagubilin ang ginawa ni Pablo upang ibigay sa mga iglesia sa kanilang daraanan?
ibinigay ni Pablo sa mga Iglesia ang mga tagubilin upang sundin nila, mga tagubilin na isinulat ng mga apostol at nang mga nakatatanda sa Jerusalem.
Acts 16:9-10
Paano nalaman ni Pablo na ang Diyos ang tumatawag sa kaniya upang mangaral ng ebanghelyo sa Macedonia?
Nagkaroon ng isang pangitain si Pablo sa isang tao sa Macedonia na tinatawag siya na pumunta doon at tulungan sila.
Acts 16:11-13
Sa araw ng Pamamahinga, bakit pumunta si Pablo sa ilog sa labas ng tarangkahan ng Filipos?
Naisip ni Pablo na mayroong lugar doon upang manalangin.
Acts 16:14-15
Ano ang ginawa ng Diyos kay Lidia habang nag sasalita si Pablo?
Binuksan ng Panginoon ang puso ni Lidia upang magbigay pansin sa mga bagay na sinasabi ni Pablo.
Sino ang mga nabautismuhan pagkatapos magsalita ni Pablo sa ilog?
Sina Lidia at ang kaniyang buong sambahayan ang nabawtismuhan pagkatapos na magsalita ni Pablo.
Acts 16:16-18
Paano ang ginawa ng batang babae na inaalihan ng isang espiritu na kumita ng pera para sa kaniyang mga amo?
Kumikita siya ng pera para sa kaniyang mga amo sa pamamagitan ng panghuhula.
Ano ang ginawa ni Pablo pagkatapos na sumunod sa kaniya ang batang babae ng maraming mga araw?
Lumingon si Pablo at inutusan ang espiritu, sa pangalan ni Jesu Cristo, na lumabas sa babae.
Acts 16:19-21
Anong paratang ang ginawa ng mga amo ng batang babae laban kina Pablo at Silas?
Pinaratangan nila sina Pablo at Silas ng pagtuturo ng mga bagay na hindi naaayon sa batas ng mga Romano na tanggapin o kaya ay ganapin.
Acts 16:22-24
Anong kaparusahan ang tinanggap nina Pablo at Silas sa mga namumuno?
Hinampas sila ng mga pamalo, tinapon sila sa bilangguan, at inilagay sila sa mga pangawan.
Acts 16:25-28
Ano ang ginagawa nina Pablo at Silas ng maghahating gabi na sa bilangguan?
Nananalangin at umaawit sila ng mga himno sa Diyos.
Ano ang nangyari na naging dahilan para ang bantay ng bilangguan ay akmang magpapakamatay?
Nagkaroon ng paglindol, nagbukas ang lahat ng pintuan ng bilangguan, at nakalag ang kadena ng bawat isa.
Acts 16:29-31
Ano ang itinanong ng bantay ng bilangguan kina Pablo at Silas?
Ang tinanong ng bantay ng bilangguan kina Pablo at Silas ay "Mga ginoo, ano ang kinakailangan kung gawin upang maligtas?"
Ano ang isinagot nina Pablo at Silas?
Sumagot sina Pablo at Silas "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang iyong sambahayan."
Acts 16:32-34
Sino ang nabautismuhan ng gabing iyon?
Ang bantay ng bilangguan at ang kaniyang buong sambahayan ay nabautismuhan ng gabing iyon.
Acts 16:35-39
Ano ang dahilan ng pagkatakot ng mga namumuno pagkatapos nilang magpadala ng pahayag na hayaang makalaya sina Pablo at Silas?
Natakot ang mga namumuno dahil nalamam nila na lantaran nilang ipinahampas ang dalawang mamamayan ng Roma na hindi pa nahatulan.
Acts 16:40
Pagkatapos na makiusap ng mga namumuno kina Pablo at Silas na umalis na sila sa lunsod, ano ang ginawa nina Pablo at Silas?
Pumunta sina Pablo at Silas sa bahay ni Lidia, pinalakas ang loob ng mga kapatid, at umalis mula sa Filipos.
Acts 17
Acts 17:1-2
Sa pagdating ni Pablo sa Tesaonica, saan siya unang nagsalita ng Kasulatan patungkol kay Jesus.
Naunang pumunta si Pablo sa sinagoga ng mga Judio para sabihin mula sa Kasulatan ang patungkol kay Jesus.
Acts 17:3-8
Ano ang ipinakita ni Pablo na kinakailangang mangyari mula sa Kasulatan?
Ipinakita ni Pablo na kinakailangan na magdusa ang Cristo at muling mabubuhay.
Acts 17:9
Bilang mga alipin, ano ang dapat nating sabihin pagkatapos nating ginawa ang lahat ng iniutos sa atin ng ating Amo?
Dapat nating sabihin na, "Hindi kami karapat-dapat na mga alipin; ginawa lamang namin ang dapat naming gawin. (17:10)
Acts 17:10
Saan pumunta si Pablo at Silas ng sila ay makarating sa Berea?
Pumunta si Pablo at Silas sa sinagoga ng mga Judio.
Acts 17:11-12
Sino ang nakasalubong ni Jesus habang papasok siya sa isang baryo sa mga lupaing hangganan ng Samaria at Galilea?
Nakasalubong niya ang sampung ketongin. (17:12)
Ano ang sinabi nila kay Jesus?
Sinabi nilang, "Jesus, Panginoon, maawa ka sa amin."(17:13)
Acts 17:13
Bakit kailangang umalis ni Pablo sa Berea, at saan siya pumunta?
Kailangang umalis ni Pablo sa Berea dahil ang mga Judio ng Tesalonica ay hinikayat ang mga tao sa Berea, kaya pumunta si Pablo sa Atenas.
Acts 17:14-18
Ano ang sinabi ni Jesus na gawin nila?
Sinabi niya na pumunta sila at ipakita ang kanilang mga sarili sa mga pari. (17:14)
Ano ang nangyari sa mga may ketong habang sila ay papunta?
Sila ay luminis. (17:14)
Ilan sa mga sampung ketongin ang bumalik upang magpasalamat kay Jesus?
Isa lamang ang bumalik. (17:15)
Taga-saan ang may ketong na bumalik upang magpasalamat kay Jesus?
Siya ay mula sa Samaria. (17:16)
Acts 17:19
Saan dinala si Pablo para ipaliwanag pa ang kaniyang pagtuturo?
Dinala si Pablo sa Areopago para ipaliwanag pa ang kaniyang pagtuturo.
Acts 17:20-24
Nang tanungin ang tungkol sa pagdating ng kaharian, saan ang sinabi ni Jesus na kaharian ng Diyos?
Ang kaharian ng Diyos ay kasama ninyo. (17:21)
Acts 17:25
Ano ang sinabi ni Jesus na dapat munang mangyari?
Siya muna ay magdurusa sa maraming bagay at itatakwil ng lahing iyon.
Paano magiging katulad sa araw ng Anak ng Tao sa araw nila Noe at Lot?(Paano magiging katulad ng mga araw ng Anak ng Tao ang mga araw ni Noe at mga araw ni Lot?)
Marami ang magsisikain, magsisiinom, makikipag-asawa, ipagbibili(magsisibili, magsisitinda, magsisitanim) at gagawa, hindi namamalayan na ang araw ng pagkawasak ay dumating. (13:27)
Acts 17:26-29
Saan nagmulang nilikha ng Diyos ang bawat bansa ng mga tao?
Nilikha ng Diyos ang bawat bansa ng mga tao mula sa isang lalaki.
Acts 17:30-31
Ano ang iniutos ng Diyos sa lahat ng mga tao sa lahat ng dako?
Iniutos ng Diyos sa lahat ng tao sa lahat ng dako na tumalikod mula sa kanilang masasamang gawain.
Acts 17:32-34
Anong ang ginawa ng ilang mga tao ng marinig nila si Pablo na magsalita patungkol sa taong muling nabuhay pagkatapos mamatay?
Pinagtawanan si Pablo ng ilang mga tao ng marining nila itong nagsalita patungkol sa taong muling nabuhay pagkatapos mamatay.
Acts 18
Acts 18:1-2
Ano ang gustong ituro ni Jesus sa kaniyang mga alagad tungkol sa panalangin mula sa kwentong ito?
Gusto niyang turuan sila na dapat lagi silang manalangin at hindi panghinaan ng loob, at ang Diyos ang magbibigay ng katarungan sa sinumang tumatawag sa kaniya.
Acts 18:3-5
Ano ang palaging hinihingi ng balo mula sa hindi matuwid na hukom?
Humihingi siya ng katarungan laban sa kaniyang kaaway.
Pagkatapos ng maikling panahon, ano ang sinabi ng hindi matuwid na hukom sa kaniyang sarili?
Sinabi niya, "Dahil ginugulo ako ng balong ito at palaging pumupunta sa akin, tutulungan ko siyang makamit ang katarungan." [18:5]
Acts 18:6-8
Ano ang gustong ituro ni Jesus sa kaniyang mga alagad patungkol sa kung papaano sinasagot ng Diyos ang panalangin?
Gusto niyang turuan sila na ibibigay ng Diyos ang katarungan sa mga tumatawag sa kaniya. [18:8]
Acts 18:9-10
Ano ang naging saloobin ng Pariseo tungkol sa kaniyang sariling katuwiran at tungkol sa ibang tao?
Inisip niyang mas matuwid siya kaysa sa ibang tao.
Sa kwento ni Jesus, sino ang dalawang taong nagpunta sa templo upang manalangin?
Isang Pariseo at isang maniningil ng buwis ang nagpunta at nanalangin sa templo. [18:10]
Acts 18:11-12
Ano ang naging saloobin ng Pariseo tungkol sa kaniyang sariling katuwiran at tungkol sa ibang tao?
Inisip niyang mas matuwid siya kaysa sa ibang tao.
Acts 18:13-14
Ano ang panalangin ng maniningil ng buwis sa Diyos sa templo?
Ipinanalangin niya na, "Diyos ko, kaawaan mo ako, isang makasalanan."
Aling lalaki ang umuwi sa kaniyang tahanan na pinawalang-sala sa harapan ng Diyos?
Ang maniningil ng buwis ang pinawalang-sala sa harapan ng Diyos. [18:14]
Acts 18:15-27
Sinabi ni Jesus, kanino nabibilang ang kaharian ng Diyos?
Nabibilang ito sa mga gaya ng mga bata. [18:16-17]
Acts 18:28-30
Ano ang ipinangako ni Jesus sa mga nag-iwan ng makamundong mga bagay para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos?
Ipinangako ni Jesus sa kanila na higit pa sa mundong ito, at buhay na walang hanggan sa mundong darating. [18:30]
Acts 18:31-37
Ayon kay Jesus, ano ang isinulat ng mga propeta sa Lumang Tipan patungkol sa Anak ng Tao?
Ibibigay siya sa mga Gentil, kukutyain, ipapahiya, hahagupitin, at papatayin, ngunit sa ikatlong araw ay mabubuhay siyang muli. [18:32-33]
Acts 18:38-41
Ano ang isinigaw ng bulag na lalaking nasa daan kay Jesus?
Sinabi niya, "Jesus, anak ni David, maawa ka sa akin."
Acts 18:42-28
Papaano tumugon ang mga tao pagkatapos makitang gumaling ang bulag na lalaki?
Niluwalhati at nagpuri sila sa Diyos. [18:43]
Acts 19
Acts 19:1-2
Ano ang mayroon sa mga alagad nang nakilala nila si Pablo sa Efeso hindi nila pinakinggan ang tungkol sa kanilang pinaniniwalaan?
Hindi narinig ng mga alagad ang patungkol sa Banal na Espiritu.
Acts 19:3-4
Ang bautismo ni Juan ay bautismo ng ano?
Ang bautismo ni Juan ay ang bautismo ng pagsisisi
Para kanino sinabi ni Juan na ang mga tao ay manampalataya?
Sinabi ni Juan sa mga tao na manampalataya sa isang darating na kasunod niya.
Acts 19:5-7
Sa kaninong pangalan binautismuhan ni Pablo ang mga alagad mula sa Efeso?
Binautismuhan sila ni Pablo sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Acts 19:8-10
Ano ang ginawa ni Pablo nang ang ilan sa mga Judio sa Efeso ay nagsimulang magsalita ng masama sa daan ni Cristo?
Lumabas si Pablo kasama ang mga mananampalataya at nagsimulang magsalita sa bulwagan ni Tiranus.
Acts 19:11-14
Ano ang kamaQ?WhatspecialmiraclesdidGoddobythehandsofPaul? ngha-manghang bagay ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ni Pablo?
Nang nakakuha sila ng mga panyo at tapi mula kay Pablo, napagaling nila ang mga maysakit at sinapian ng masasamang espiritu
Acts 19:15-17
Ano ang nangyari nang ang pitong Judiong nagpapalayas ng masamang espiritu at nagsubok na magpalayas ng masasamang espiritu sa pangalan ni Jesus?
Ang masamang espiritu ay natalo ang nagpapalayas ng masasamang espiritu at sila ay lumayo doon na hubad at sugatan.
Acts 19:18-20
Sa Efeso, ano ang ginawa ng marami na nagsasagawa ng magica?
Marami ang nagsasagawa ng magica sa Efeso ay sinunog ang kanilang mga libro sa harapan ng bawat isang nakakakita.
Acts 19:21-22
Saan sinabi ni Pablo siya pupunta pagkatapos pumunta sa Jerusalem?
Sinabi ni Pablo siya ay pupunta sa Roma pagkatapos pumunta sa Jerusalem.
Acts 19:23-25
Ano ang alalahaning ginawa ng magpapanday ng pilak na si Demetrio para ipahayag sa mga ibang manggagawa?
Si Demetrio ay nag-alala sa itinuturo ni Pablo na walang diyos na gawa sa pamamagitan ng mga kamay.
Acts 19:26-27
Ano ang alalahanin ng magpapanday ng pilak na si Demetrio na kanyang ibinahagi sa kapwa niya manggagawa?
Si Demetrio ay nag-aalala na ang katuruan ni Pablo sa mga tao na walang diyos na gawa sa mga kamay, at ang diyosang Diana ay mangyayaring walang kabuluhan.
Acts 19:28-29
Ano ang epekto sa mga tao sa alalahanin ni Demetrio?
Ang mga tao ay lubhang nagalit at sumigaw na nagsasabing si Diana ay dakila, napuno ang buong siyudad ng pagkalito.
Acts 19:30-32
Bakit hindi binati ni Pablo ang karamihan ng tao? kahit ito'y gusto niya?
Ang mga alagad at ilan sa mga lokal na opisyal ay hindi hinayaang makapagsalita si Pablo sa karamihan ng tao.
Acts 19:33-34
Ano ang ginawa ng kalihim ng bayan para sabihin sa mga tao ang dapat gawin sa halip na manggulo?
Sinabi ng kalihim ng bayan sa mga tao na dalhin ang kanilang pagaakusa sa korte.
Acts 19:35-37
Anong panganib ang sinabi ng kalihim ng bayan sa mga tao?
Sinabi ng namumuno ng lungsod na nasa panganib ang mga tao sa pag-aakusa sa pagiging manggugulo at ng walang dahilan para sa pagpapaliwanag.
Acts 19:38-41
Ano ang ginawa ng kalihim ng bayan para sabihin sa mga tao ang dapat gawin sa halip na manggulo.
Sinabi ng kalihim ng bayan sa mga tao na dalhin ang kanilang paratang sa korte.
Acts 20
Acts 20:1-6
Ano ang naging dahilan ni Pablo upang baguhin ang kaniyang mga plano at bumalik sa Macedonia sa halip na maglalayag sa Siria?
Binago ni Pablo ang kaniyang mga plano dahil bumuo ng masamang balak ang mga Judio laban sa kaniya nang siya ay maglalayag patungong Siria.
Acts 20:7-8
Sa anong araw ng linggo nagkatipun-tipon sila Pablo at ang mga mananampalataya upang pagpirapirasuhin ang tinapay?
Nagtipun-tipon ang mga mananampalataya at si Pablo sa unang araw ng linggo upang pagpirapirasuhin ang tinapay.
Acts 20:9-14
Anong nangyari sa binata na nahulog sa bintana habang nagsasalita si Pablo?
Nahulog ang binata mula sa pangatlong palapag at binuhat siyang patay, ngunit iniunat ni Pablo ang kaniyang sarili sa kaniya at siya ay nabuhay.
Acts 20:15-16
Bakit nagmamadali si Pablo patungong Jerusalem?
Nagmadali si Pablo patungong Jerusalem para makaabot sa araw ng Pentecostes.
Acts 20:17-21
Tungkol saan ang sinabi ni Pablo nang balaan niya ang mga Judio at mga Griego mula ng tumungtong siya sa Asia?
Sinabi ni Pablo na binalaan niya ang mga Judio at mga Griego patungkol sa paghingi ng tawad sa Diyos at pananalig sa Panginoong Jesus.
Acts 20:22-24
Ano ang ministeryo na tinanggap ni Pablo mula sa Panginoong Jesus?
Ang ministeryo ni Pablo ay upang magkaroon ng magpapatunay sa ebanghelyo na biyaya ng Diyos.
Acts 20:25-27
Bakit sinabi ni Pablo na inosente siya sa dugo ng kahit na sino?
Sinabi ni Pablo na inosente siya sa kanilang mga dugo dahil ipinahayag niya sa kanila ang buong nais ng Diyos.
Acts 20:28-30
Ano ang inutos ni Pablo na gawin ng maayos ng mga nakatatandang taga Efeso pagkatapos ng kaniyang pag-alis.
Inutos ni Pablo sa mga nakatatanda na patnubayan ng maayos ang kawan.
Acts 20:31-32
Kanino ipinagkatiwala ni Pablo ang mga nakatatanda na taga-Efeso?
Ipinagkatiwala ni Pablo ang mga nakatatandang taga-Efeso sa Diyos.
Acts 20:33-35
Hinggil sa trabaho, ano ang itinakdang halimbawa ni Pablo para sa mga taga-Efeso?
Nagtrabaho si Pablo para sa sarili niyang mga pangangailangan at ang mga pangangailan ng kaniyang mga kasama, at tumulong sa mahihina.
Acts 20:36-38
Higit sa lahat, ano ang labis na nagpalungkot sa mga taga-Efeso?
Higit sa lahat ay nalungkot ang mga nakakatandang taga-Efeso dahil sinabi ni Pablo na kailanman ay hindi na nila siya makikitang muli.
Acts 21
Acts 21:3-6
Ano ang sinabi ng mga alagad sa Tiro kay Pablo sa pamamagitan ng Espiritu?
Sinabi ng mga alagad kay Pablo sa pamamagitan ng Espiritu na huwag niyang itapak ang kaniyang mga paa sa Jerusalem.
Acts 21:7-9
Ano ang malalaman natin patungkol sa mga anak ni Felipe na mangangaral?
May apat na anak na babaeng birhen si Felipe na nagpropropesiya
Acts 21:10-11
Ano ang sinabi ni Agabo na propeta kay Pablo?
Sinabi ni Agabo kay Pablo na itatali ng mga Judio sa Jerusalem si Pablo at ipapasa-kamay siya sa mga Gentil.
Acts 21:12-16
Ano ang sinabi ni Pablo nang makiusap ang bawat isa sa kaniya na huwag na siyang pumunta sa Jerusalem?
Sinabi ni Pablo na handa na siyang matali at mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Acts 21:17-19
Kanino nakipagkita si Pablo ng dumating siya sa Jerusalem?
Nakipagkita si Pablo kay Santiago at sa lahat ng nakatatanda.
Acts 21:20-21
Anong paratang ang ginawa ng mga Judio laban kay Pablo?
pinaratangan ng mga Judio si Pablo ng pagtuturo sa mga Judio na naninirahan kasama ng mga Gentil na iwanan si Moises.
Acts 21:22-24
Ano ang gustong ipagawa kay pablo nina Santiago at ng mga nakatatanda upang linisin ang kaniyang sarili kasama ng apat na kalalakihan na gumawa ng panata?
Nais nilang ipaalam sa bawat isa na si Pablo bilang isang Judio ay namumuhay din tulad ng isang Judio na tagapag-ingat ng mga kautusan.
Acts 21:25-26
Ano ang sinabi ni Santiago sa mga Gentil na nanampalataya na kinakailngan nilang gawin?
Sinabi ni Santiago na ang mga Gentil ay mag-ingat sa kanilang mga sarili mula sa mga bagay na inihandog sa mga diyosdiyosan, at mula sa mga dugo, at mula sa nabigti, at mula sa pangangalunya.
Acts 21:27-29
Anong paratang ang ginawa ng mga Judio na galing sa Asia laban kay Pablo sa loob ng templo?
Nagparatang ang mga Judio kay Pablo sa pagtuturo laban sa kautusan at pagdungis ng templo sa pagdadala ng mga Griego sa loob nito.
Acts 21:30-31
Pagkatapos na gawin ang mga paratang na ito, ano ang ginawa ng mga Judio kay Pablo?
Kinaladkad ng mga Judio si Pablo palabas ng templo at sinubukan nila siyang patayin.
Acts 21:32-33
Ano ang ginawa ng punong kapitan ng mga bantay ng marinig niyang ang mga taga Jerusalem ay nagkakagulo?
Dinakip ng pinunong kapitan si Pablo, at nag-utos na igapos siya sa dalawang kadena, nagtatanong kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
Acts 21:34-38
Ano ang isinisigaw ng maraming tao habang dinadala si Pablo sa loob ng kampo?
Ang karamihan sa mga tao ay sumisigaw ng. "alisin siya."
Acts 21:39-40
Anong pakiusap ang hiniling ni Pablo sa Pinunong kapitan?
Nakiusap si Pablo na hayaan siyang magsalita sa mga tao.
Sa anong wika nagsalita si Pablo sa mga mamamayan ng Jerusalem?
nagsalita si Pablo ng Hebreo sa mga mamayan ng Jerusalem.
Acts 22
Acts 22:1-2
Nang marinig ng mga tao na nagsasalita si Pablo ng wikang Hebreo, ano ang kanilang ginawa?
Nang marinig ng mga tao na nagsasalita ng wikang Hebreo si Pablo, sila ay tumahimik.
Acts 22:3-5
Saan nag-aral si Pablo, at sino ang kaniyang guro?
Nag-aral si Pablo sa Jerusalem, at si Gamaliel ang kaniyang guro.
Acts 22:6-8
Ano ang sinabi ng tinig mula sa langit kay Pablo habang siya ay papalapit sa Damasco?
Ang tinig mula sa langit ay nagsabi, "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?"
Acts 22:9-11
Bakit hindi na makakita si Pablo?
Hindi na makakita si Pablo dahil sa sinag ng liwanag na kaniyang nakita habang siya ay papalapit sa Damasco.
Acts 22:12-13
Paano nanumbalik ang paningin ni Pablo?
Isang tapat na lalaking nanagngangalang Ananias ang dumating at tumayo sa tabi ni Pablo at sinabi, "Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin."
Acts 22:14-16
Ano ang sinabi ni Ananias kay Pablo na gagawin niya, at bakit?
Sinabi ni Ananias kay Pablo na tumayo at magpabautismo upang hugasan ang kaniyang mga kasalanan.
Acts 22:17-18
Nang nangusap si Jesus kay Pablo sa templo, paano niya sinabi na maaaring hindi tanggapin ng mga Judio ang patotoo ni Pablo tungkol sa kaniya?
Sinabi ni Jesus na maaaring hindi tanggapin ng mga Judio ang patotoo ni Pablo tungkol sa kaniya.
Acts 22:19-21
Sa kanino ipinadala ni Jesus si Pablo?
Ipinadala ni Jesus si Pablo sa mga Gentil.
Acts 22:22-24
Paano tumugon ang mga tao nang marinig nila si Pablo na nagsasalita tungkol sa mga Gentil?
Ang mga tao ay nagsigawan at hinahagis ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis sila ng alikabok sa hangin.
Acts 22:25-26
Anong tanong ang itinanong ni Pablo sa senturion bago siya paluin?
Itinanong ni Pablo kung ito ba ay naaayon sa batas na siya ay paluin bilang isang hindi pa nahahatulang mamamayang Romano.
Acts 22:27-29
Paano naging isang mamamayang Romano si Pablo?
Ipinanganak si Pablo na isang mamamayang Romano.
Acts 22:30
Ano ang ginawa ng punong kapitan nang nalaman niya na si Pablo ay isang mamamayan ng Romano?
Tinanggalan ng gapos ng punong kapitan si Pablo at inutusan niya ang punong pari at lahat ng konseho upang magtipon, at inilagay si Pablo sa kanilang kalagitnaan.
Acts 23
Acts 23:1-5
Bakit inutusan ng pinakapunong pari ang mga katabi ni Pablo na sampalin siya sa bibig?
Nagalit ang pinakapunong pari dahil sa sinabi ni Pablo na siya'y namuhay sa harapan ng Diyos na may mabuting budhi sa lahat.
Acts 23:6-8
Sa anong dahilan sinabi ni Pablo na siya'y hinatulan sa harapan ng konseho?
Sinabi ni Pablo na siya ay hinatulan dahil sa kaniyang pagtitiwala sa muling pagkabuhay.
Acts 23:9-10
Bakit dinala ng punong kapitan si Pablo mula sa konseho patungong kampo?
Natakot ang punong kapitan na baka pag pira-pirasuhin ng mga kasapi ng konseho si Pablo.
Acts 23:11
Ano ang ipinangako ng Panginoon na ibibigay kay Pablo sa susunod na gabi?
Sinabi ng Panginoon kay Pablo na huwag matakot dahil siya ay magpapatotoo sa Jerusalem at sa Roma.
Acts 23:12-13
Hinggil kay Pablo, anong kasunduan ang ginawa ng ilang mga Judiong kalalakihan?
Nasa apat-napung mga kalalakihang Judio ang gumawa ng kasunduan na hindi sila kakain o iinom hanggang hindi nila mapatay nila si Pablo.
Acts 23:14-15
Ano ang plano ng apatnapung mga kalalakihang Judio ng iniharap sa mga punong pari at mga nakatatanda?
Hiniling nila sa mga punong pari at mga nakatatanda na dalhin si Pablo sa konseho upang patayin nila si Pablo bago siya makarating.
Acts 23:16-21
Paano nalaman ng punong kapitan ang tungkol sa plano ng apat-napung mga kalalakihang Judio?
Ang anak na lalaki ng kapatid na babae ni Pablo ang nakarinig sa plano at sinabi niya sa punong kapitan ang tungkol dito.
Acts 23:22-27
Paano tumugon ang punong kapitan ng malaman niya ang plano ng apat-napung Judiong mga kalalakihan?
Iniutos ng punong kapitan na maghanda ng maraming taga-bantay para madala si Pablo ng ligtas kay gobernador Felix sa ika-siyam na oras ng gabi.
Acts 23:28-33
Sa kaniyang liham para kay gobernador Felix, ano ang sinabi ng punong kapitan patungkol sa mga paratang laban kay Pablo?
Sinabi ng punong kapitan na si Pablo ay hindi nararapat ng kamatayan o pagkakulong, ngunit ang mga paratang ay patungkol sa mga katanungang hinggil sa batas ng Judio.
Acts 23:34-35
Kailan sinabi ni gobernador Felix na nais niyang pakinggan ang kaso ni Pablo?
Sinabi ni Felix na pakikinggan niya ang kaso ni Pablo kapag dumating ang mga nagparatang sa kaniya.
Saan nanatili si Pablo hanggang sa kaniyang paglilitis?
Nanatili si Pablo sa palasyo ni Herodes hanggang sa kaniyang paglitis.
Acts 24
Acts 24:4-9
Anong mga paratang ang dinala ng mananalumpating si Tertulo laban kay Pablo?
Pinaratangan ni Tertulo si Pablo sa pag-udyok ng mga Judio at sa pagrerebelde at paglalapastangan sa templo.
Sa anong sekta sinabi ni Tertulo na si Pablo ay pinuno?
Sinabi ni Tertulo na si Pablo ay pinuno ng sekta ng Nazareno.
Acts 24:10-13
Ano ang sinabi ni Pablo na ginawa niya sa templo, sa mga sinagoga, at lungsod?
Sinabi ni Pablo na hindi siya nakipagtalo kahit kanino at hindi nanggulo sa mga tao.
Acts 24:14-16
Sa ano sinabi ni Pablo na siya ay tapat?
Sinabi ni Pablo na siya'y tapat sa lahat ng nasa kautusan at mga kasulatan ng mga propeta.
Acts 24:17-21
Bakit sinabi ni Pablo na siya'y pupunta sa Jerusalem?
Sinabi ni Pablo na siya'y pupunta doon upang magdala ng tulong sa kaniyang bayan at magbigay ng kaloob sa salapi.
Acts 24:22-23
Tungkol sa anong bagay ang ganap na ipinaalam kay gobernador Felix?
Ganap na may kaalaman si gobernador Felix tungkol sa Daan.
Kailan sinabi ni Felix na siya ang magpapasiya sa kaso ni Pablo?
Sinabi ni Felix na siya ang magpapasiya sa kaso ni Pablo kapag dumating ang pinuno na kapitan na si Lusias galing Jerusalem.
Acts 24:24-25
Pagkaraan ng ilang araw, tungkol sa ano ang sinabi ni Pablo kay Felix?
Nagbahagi si Pablo kay Felix tungkol sa pananampalataya kay Cristo-Jesus, sa pagkamatuwid, pagpipigil sa sarili at sa nalalapit na paghuhukom.
Acts 24:26-27
Pagkalipas ng dalawang taon, bakit iniwan ni Felix si Pablo na patuloy na binabantayan hanggang pumalit ang bagong gobernador?
Iniwan ni Felix si Pablo na patuloy na binabantayan dahil gusto niyang magtamo ng pabor sa mga Judio.
Acts 25
Acts 25:1-3
Anong pabor ang hiniling ng punong pari at ng mga kinikilalang mga Judio kay Festo?
Humiling sila kay Festo na tawagin si Pablo sa Jesrusalem upang magkaroon sila ng pagkakataon na patayin si Pablo sa daan.
Acts 25:4-8
Ano ang sinabi ni Festo na gawin ng punong pari at mga kinikilalang mga Judio?
Sinabi ni Festo sa kanila na pumunta sila sa Cesarea na kung saan doon pupunta si Festo, at nang maakusahan nila si Pablo doon.
Acts 25:9-10
Habang ginaganap ang paglilitis sa kaso ni Pablo sa Cesarea, ano ang itinanong ni Festo kay Pablo?
Tinanong ni Festo si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem at doon siya husgahan.
Bakit ito itinanong ni Festo kay Pablo ang katanungang ito?
Itinanong ito ni Festo kay Pablo sapagkat gustong niyang makuha ang loob ng mga Judio.
Ano ang tugon ni Pablo sa katanungan ni Festo?
Sinabi ni Pablo na siya ay tatayo sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan siya dapat hatulan.
Acts 25:11-12
Ano ang napagpasyahan ni Festo na gagawin sa kaso ni Pablo?
Sinabi ni Pablo na hindi siya nagkasala sa mga Judio, hiniling niya na siya ay husgahan ni Cesar.
Acts 25:13-16
Ano ang sinabi ni Festo sa ligal na kaugalian ng mga Romano patungkol sa mga taong naisakdal ng pagkakasala.
Sinabi ni Festo na ang mga Romano ay magbibigay sa inakusahang tao ng pagkakataon na harapin niya ang mga nag-aakusa at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga paratang.
Acts 25:17-24
Ano ang mga reklamo na sinabi ni Festo na dinala ng mga Judio laban kay Pablo?
Sinabi ni Festo na ang mga reklamo kabilang ang pagkakaroon ng ilang di pagkakaunawaan sa kanilang relihiyon, at patungkol sa isang Jesus na namatay, ngunit ipinahayag ni Pablo na buhay.
Acts 25:25-27
Bakit dinala ni Festo si Pablo upang magsalita sa harapan ni Haring Agripa?
Ibig ni Festo na tulungan siya ni Haring Agripa na sumulat ng isang bagay na makatwiran patungkol sa kaso ni Pablo sa Emperador.
Ano ang sinabi ni Festo na maaaring hindi katanggap tanggap na gawin para sa kaniya na ipadala si Pablo sa Emperador.
Sinabi ni Festo na maaaring hindi katanggap tanggap para sa kaniya na ipadala si Pablo sa Emperador na hindi maipahayag ang mga reklamo laban sa kaniya.
Acts 26
Acts 26:1-3
Bakit masaya si Pablo ng magkaroon ng pagkakataon na ipagtanggol niya ang kaniyang sarili sa harapan ni Haring Agripa.
Masaya si Pablo na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa harapan ni Haring Agripa dahil si Agripa ay dalubhasa sa nga kaugalian at mga katanungan sa lahat ng mga Judio.
Acts 26:4-5
Paano namuhay si Pablo mula sa kaniyang kabataan sa Jerusalem?
namuhay si Pablo bilang isang Fariseo, isang mahigpit na sekta ng Judaismo.
Acts 26:6-8
Ano ang pangako ng Diyos na sinasabi ni Pablo na kaniyang inaasahan na maabot pati na rin ng mga Judio?
Sinabi ni Pablo na siya at ang mga Judio ay umaasang maabot ang pangako ng pagkabuhay na muli.
Acts 26:9-11
Bago ang kaniyang pagbabagong-loob, ano ang ginawa ni Pablo laban sa pangalan ni Jesus na taga-Nazaret?
Nagpakulong ng maraming santo sa bilanguan si Pablo, pinahintulutan na sila ay patayin, at hinahabol sila kahit sa mga lungsod ng ibang bansa.
Acts 26:12-14
Ano ang nakita ni Pablo ng siya ay patungo na sa Damasco?
Nakakita si Pablo ng liwanag mula sa langit na higit na mas maliwanag kaysa sa araw.
Ano ang narinig ni Pablo ng papunta siya sa Damasco?
nakarinig si Pablo ng isang tinig na nagsasabing, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig?
Acts 26:15-18
Sino ang nagsalita kay Pablo ng papunta siya sa daan ng Damasco?
Nagsalita si Jesus kay Pablo ng papunta siya sa Damasco.
Ano ang itinalaga ni Jesus kay Pablo na maging?
Itinalaga ni Jesus si Pablo bilang lingkod at saksi sa mga Gentil.
Ano ang sinabi ni Jesus na gusto niyang matanggap ng mga Gentil?
Sinabi ni Jesus na gusto niyang matanggap ng mga Gentil ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana mula sa Diyos.
Acts 26:19-21
Ano ang dalawang bagay na sinasabi ni Pablo kapag nangangaral siya saan mang lugar siya pumunta?
Sinabi ni Pablo na nangagaral siya upang ang mga tao ay magsisi at bumalik sa Diyos, gawin ang mga bagay na karapat-dapat sa pagsisisi.
Acts 26:22-23
Ano ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari?
Sinabi ng mga propeta at ni Moises na kinakailangang mahirapan ang Cristo at siya ang unang ibabangon mula sa mga patay at magpapahayag ng kaliwanagan sa mga Judio at sa mga Gentil.
Acts 26:24-26
Ano ang iniisip ni Festo kay Pablo pagkatapos na marinig niya ang kaniyang pagtatanggol?
Inisip ni Festo na si Pablo ay nababaliw.
Acts 26:27-29
Ano ang nais ni Pablo para kay Haring Agripa?
Ninais ni Pablo na maging Kristiyano si Haring Agripa.
Acts 26:30-32
Ano ang napagtibay ni Agripa, Festo, at Bernice patungkol sa reklamo laban kay Pablo?
Napagkasunduan nila na walang anumang ginawa si Pablo na karapat-dapat sa kamatayan o pagkakabilanggo, kaya't maaari na siyang palayain kung hindi sana siya umapila kay Cesar.
Acts 27
Acts 27:3-6
Paano pinakitunguhan ni Julio na senturion si Pablo sa simula ng paglalakbay papuntang Roma?
Pinakitunguhan ni Julio si Pablo ng mabuti at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan at makatanggap ng kanilang pag-aalaga.
Acts 27:7-8
Saang isla naglayag ng may kahirapan ang barko ni Pablo?
Ang barko ay naglayag sa paligid ng isla ng Creta ng may kahirapan.
Acts 27:9-13
Bakit hindi sinunod ni Julio na senturion ang babala ni Pablo patungkol sa panganib ng pagpapatuloy sa paglalayag?
Hindi sumunod si Julio sa babala ni Pablo sapagkat mas nagbigay siya ng atensyon sa may ari ng barko.
Acts 27:14-18
lumipas ang isang malumanay na paninimula ng paglalayag, Anong hangin ang nagsimulang humampas sa barko?
Pagkatapos ng isang malumanay na pagsisismula, isang hangin na tinatawag na Hilagangsilangan ang nagsimulang magpatumba sa barko.
Acts 27:19-22
Pagkatapos ng maraming mga araw, anong pag-asa ang lumisan sa mga tripulante ng barko?
Pagkatapos ng maraming mga araw, nawalan na ng pag-asa ang mga tripulante na sila ay maliligtas.
Acts 27:23-26
Anong mensahe ang ibinigay ng isang anghel ng Diyos kay Pablo patungkol sa mga tao sa paglalayag?
Sinabi ng anghel kay Pablo na siya at ang lahat ng manlalayag ay makaliligtas.
Acts 27:27-29
Ng hating-gabi sa ikalabing-apat na gabi, ano ang iniisip ng mga mangdaragat na mangyayari sa barko?
Naisip ng mga mangdaragat na ang barko ay papalapit sa ilang kalupaan.
Acts 27:30-32
Ano ang pamamaraang hinahanap ng mga mangdaragat upang gawin?
Naghahanap ang mgga mangdaragat ng paraan upang iwanan ang barko.
Ano ang sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal patungkol sa paglalayag?
Sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal na maliban na ang mga mangdaragat ay manatili sa barko.ang senturion at ang mga kawal ay maaaring hindi makaliligtas.
Acts 27:33-38
Nang mag-uumaga na, ano ang pakiusap ni Pablo sa bawat isa na gawin?
Pinakiusapan ni Pablo na kumain ang bawat isa.
Acts 27:39-41
Papaano ang naging desisyon ng mga tripulante na paabutin ang barko sa dalampasigan at ano ang nangyari?
Napagpasyahan ng tripulante na paratingin ang barko sa dalampasigan sa pamamagitan ng deretsong paglalayag patungo sa dalampasigan, ngunit naipit sa buhanginan ang unahang bahagi ng barko at nagsimulang masira ang huling bahagi ng barko
Acts 27:42-44
Ano ang gagawin ng mga kawal sa mga bilanggo sa oras na ito?
Papatayin ng mga kawal ang mga bilanggo kaya't wala sa kanila ang makatatakas.
Bakit pinatigil ng senturion ang plano ng mga kawal?
Pinatigil ng senturion ang plano ng mga kawal sapagkat nais niyya na iligtas si Pablo.
Papaanong ang lahat ng mga tao sa barko at dumating na ligtas sa kalupaan?
Ang may kakayahang maglangoy ay unang tumalon sa tubig at ang natira ay dapat sumunod sa mga kahoy o kaya ay sa ibang bagay mula sa barko.
Acts 28
Acts 28:1-2
Anong ginawa ng mga katutubo sa isla ng Malta upang pakitungahan si Pablo at ang mga tripulante ng dagat?
Ang mga katutubo ay nagpakita sa kanila ng hindi basta ordinaryong kabaitan.
Acts 28:3-4
Ano ang inisip ng mga tao nang makita nila ang ulupong na nakasabit sa kamay ni Pablo?
Inisip ng mga tao na si Pablo ay isang mamamatay tao, at ang katarungan ay hindi siya pinayagang mabuhay.
Acts 28:5-6
Ano ang inisip ng mga tao nang makita nila na si Pablo ay hindi pinatay ng ulupong?
Inisip ng mga tao na si Pablo ay diyos.
Acts 28:7-10
Ano ang nangyari nang napagaling ni Pablo ang ama ni Publio, ang pinuno ng Isla?
Ang ilan sa mga taong nasa Isla na maysakit ay lumalapit at gumaling.
Acts 28:11-12
Gaano katagal namalagi si Pablo at kanyang mga pangkat sa isla ng Malta?
Si Pablo at ang kanyang pangkat ay nagtagal sa isla ng Malta nang tatlong buwan.
Acts 28:13-15
Ano ang ginawa ni Pablo nang makita niya ang mga kapatid mula sa Roma na dumating upang makita siya?
Nang makita niya ang mga kapatid, nagpasalamat si Pablo sa Diyos at kumuha ng lakas.
Acts 28:16-18
Ano ang pakikipag-ayos ni Pablo sa kanyang paninirahan sa Roma bilang isans bilanggo?
Si Pablo ay hinayaang tumira kasama ng kawal na nagbabantay sa kaniya.
Acts 28:19-20
Anong dahilan ang sinabi ni Pablo sa mga pinuno ng Judio sa Roma siya ay naigapos?
Sinabi ni Pablo sa mga pinuno ng Judio sa Roma na siya ay naigapos para sa lakas ng loob ng Israel.
Acts 28:21-22
Ano ang ginawa ng mga pinuno ng Judio sa Roma para malaman ang tungkol sa sekta ng mga Cristiyano?
Nalalaman ng mga pinuno sa Roma na ang sekta ay pinag-uusapan kahit saan."
Acts 28:23-24
Nang dumating ulit ang mga pinunong Judio kay Pablo sa kanyang lugar na tirahan, ano ang sinubukang gawin ni Pablo mula umaga hanggang gabi?
Sinubukan ni Pablo na manghimok sa kanila patungkol kay Jesus, mula sa kautusan ni Moises at mula sa mga propeta.
Acts 28:25-26
Ano ang sinabi ng pangwakas na kasulatan na sinipi ni Pablo tungkol sa mga pinunong Judio na hindi naniniwala?
Ang pangwakas na kasulatan na sinipi ni Pablo ay sinabi na yaong lahat ng hindi naniniwala na tinakpan ang kanilang mga mata at mga tainga sa salita ng Diyos.
Acts 28:27
Ano ang sinabi ng pangwakas na kasulatan na sinipi ni Pablo tungkol sa mga pinunong Judio na hindi naniniwala?
Ang pangwakas na kasulatan na sinipi ni Pablo ay sinabi na yaong lahat ng hindi naniniwala na tinakpan ang kanilang mga mata at mga tainga sa salita ng Diyos.
Acts 28:28-29
Saan sinabi ni Pablo ang naipadalang mensahe ng kaligtasan ng Diyos, at ano ang nais na pagtugon?
Sinabi ni Pablo na ang mensahe ng kaligtasan ng Diyos ay ipinadala sa mga Hentil, at sila ay nais na makinig.
Acts 28:30-31
Ano ang ginawa ni Pablo habang siya ay nakulong sa Roma?
Nangaral si Pablo tungkol sa kaharian ng Diyos at itinuro ang patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo nang may katapangan.