Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

James

James 1

James 1:1-3

Para kanino isinulat ni Santiago ang liham na ito?

Sinulat ni Pablo ang liham na ito sa mga nagkalat na labindalawang angkan.

James 1:4-5

Ano ang binubunga ng pagsubok sa ating pananampalataya?

Ang pagsubok sa ating pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis at pagiging ganap.

James 1:6-8

Para saan natin kailangang humingi sa pananampalataya?

Kailangan natin humingi sa Diyos ng katalinuhan sa pananampalataya.

Ano ang inaasahang matanggap ng sinumang humihingi ng may pagaalinlangan?

Sinuman ang humingi ng may pagaalinlangan ay hindi dapat umaasang makakatanggap ng kahit ano sa Panginoon.

James 1:9-11

Ano ang ginawa ng naniniwala sa kaniya bilang resulta ng kanilang pananampalataya?

Natanggap nila ang kaligtasan ng kanilang kaluluwa.

Patungkol sa kung ano ang ginawa ng mga propeta para sa paghahanap at pagtatanong ng may pag-iingat?

Ang mga propeta ay naghanap tungkol sa kaligtasan ng mga mananampalataya na kanilang tatanggapin, tungkol sa biyaya na dapat nasa kanila.

Tungkol saan na kung paano na ang Espiritu ni Cristo ay nagsasabing ang mga propeta ay sumulong?

Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa paghihirap ni Cristo at ang kaluwalhatian na nais sumunod sa kaniya.

James 1:12-13

Ano ang matatanggap ng mga pumasa sa pagsubok ng pananampalataya ?

Ang mga nakapasa sa pagsubok ng pananampalataya ay makatatanggap ng korona ng buhay

James 1:14-16

Ano ang nagdulot sa isang tao upang matukso ng masama?

Ang sariling masamang hangarin ng isang tao ay nagdudulot sa kaniya upang matukso ng masama.

James 1:17-18

Ano ang bumaba mula sa Ama ng mga liwanag?

Bawat mabuting kaloob at bawat perpektong kaloob ay bumababa mula sa Ama ng mga liwanag.

James 1:19-21

Ano ang sinabi ni Santiago sa atin na gawin tungkol sa ating pakikinig, pananalita at mga emosyon?

Sinabi sa atin ni Santiago na dapat maging mabilis ang pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at hindi agad nagagalit.

James 1:22-25

Paano sinabi ni Santiago na maaari nating dayain ang ating mga sarili?

Sinabi ni Santiago na maaari nating dayain ang ating mga sarili sa pakikinig ng salita at hindi ito ginagawa.

James 1:26-27

Ano ang kailangan nating pigilan upang tayo ay maging isang tunay na relihiyoso?

Ang ating dila ay kailangang pigilan upang tayo ay maging isang tunay na relihiyoso.

James 2

James 2:1-4

Ano ang sinabi ni Santiago sa mga kapatid na hindi dapat gawin kung pumasok ang sinuman sa pagpupulong?

Sinabi ni Santiago sa kanila na huwag paboran ang ilang tao dahil sa kanilang itsura.

James 2:5-7

Ano ang sinabi ni Santiago tungkol sa pagpili ng Diyos sa mahirap?

Sinabi ni Santiago na pinili ng Diyo ang mahihirap para maging mayaman sa pananampalataya at para manahin ang kaharian.

James 2:8-9

Ano ang maharlikang kautusan ng mga kasulatan?

Ang maharlikang kautusan ay, "Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong sarili".

James 2:10-11

Ano ang kasalanan ng sinumang bumali sa isang punto ng kautusan ng Diyos?

Sinumang bumali sa isang punto ng kautusan ng Diyos ay may sala sa pagbabali ng buong kautusan.

James 2:12-13

Ano ang darating sa lahat ng mga hindi nagpapakita ng habag o awa?

Kahatulang walang habag ay darating sa mga hindi nagpakita ng habag.

James 2:14-17

Ano ang sinabi ni Santiago tungkol sa mga nag-aangkin na may pananampalataya, ngunit hindi tumulong sa mga nangangailangan?

Sinabi ni Santiago na sa mga nag-aangkin na mayroong pananampalataya, ngunit hindi tumulong sa nangangailangan ay mayroong pananampalataya na hindi makapagliligtas sa kanila.

James 2:18-20

Paano sinabi ni Santiago na kailangan nating magpakita ng ating pananampalataya?

Sinabi ni Santiago na kailangan nating magpakita ng pananampalataya sa pamamagitan ng ating mga gawa.

James 2:21-24

Paano ipinakita ni Abraham ang kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa?

Ipinakita ni Abraham ang kaniyang pananampalataya sa kaniyang mga gawa nang ialay niya si Isaac sa altar.

James 2:25-26

Paano ipinakita ni Rahab ang kaniyang pananampalataya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa?

Ipinakita ni Rahab ang kaniyang pananampalataya sa kaniyang mga gawa nang tinanggap niya ang mga mensahero at pinaalis sila sa pamamagitan ng ibang daan

James 3

James 3:1-2

Bakit sinabi ni Santiago na hindi dapat marami ang maging guro?

Hindi dapat marami ang pagiging mga guro dahil matatanggap nila ang masmalaking paghuhukom.

James 3:3-4

Ano ang dalawang mga halimbawa na ginamit ni Santiago para ilarawan kung paano ang maliit ng bagay ay kayang kontrolin ang malaking bagay?

Ginamit ni Santiago ang mga halimbawa ng pakagat ng kabayo at ang timon ng isang barko.

James 3:5-6

Ano ang magagawa ng isang makasalanang dila sa buong katawan?

Ang makasalanang dila ay maaring dungisan ang buong katawan.

James 3:7-8

Ano ang hindi mapaamo ng sinumang tao?

Walang sinuman sa tao ang makapag-papaamo ng dila.

James 3:9-10

Ano ang dalawang bagay na lumalabas sa parehong bibig?

Parehong pagpapala at pagsasalita ng masama ang lumalabas sa parehong bibig.

James 3:11-12

Paano papatotohonan ng isang tao ang karunungan at pag-unawa?

Pinapatotohanan ng isang tao ang karunungan at kaalaman sa pamamagitan ng kanyang natapos na gawa ng may kababaang-loob.

James 3:13-14

Paano papatotohonan ng isang tao ang karunungan at pag-unawa?

Pinapatotohanan ng isang tao ang karunungan at kaalaman sa pamamagitan ng kanyang natapos na gawa ng may kababaang-loob.

James 3:15-18

Ano ang mga ugaling sumasalamin sa maka-mundong kaisipan, hindi espiritwal, maka-demonyo.

Isang taong may mapait na paninibugho at makasariling hangarin, may karunungan na maka-mundo, hindi espiritwal at maka-demonyo.

Ano ang pag-uugaling ipapakita ng karunungang mula sa itaas?

Isang taong maibigin sa kapayapaan, nag-aalab na puso, puno ng awa at mabuting bunga, walang pinapaburang kilalang tao at seryoso at may karunungan mula sa itaas.

James 4

James 4:1-3

Ano ang sinabi ni Santiago na pinanggalingan ng pakikipag-away at alitan ng mga mananampalataya?

Ang pinanggalingan ay ang masamang hangarin na lumalaban sa kanila.

James 4:4-5

Kung ang tao ay nagpasya na maging kaibigan ng mundo, ano ang relasyon ng taong iyon sa Diyos?

Ang sinumang tao na magpasiya na maging kaibigan ng mundo ay ginawa niya mismong kaaway ang Diyos.

James 4:6-7

Sino ang sinalungat ng Diyos, at kanino niya ibibigay ang kaniyang biyaya?

Sumasalungat ang Diyos sa mga magpagmataas, ngunit nagbibigay ng biyaya sa mga mapagkumbaba.

James 4:8-10

Ano ang gagawin ng Diyos sa mga lumalapit sa kaniya?

Lalapit ang Diyos sa lahat ng sinumang lalapit sa kaniya.

James 4:11-12

Ano ang sinabi ni Santiago sa mga mananampalataya na hindi dapat gawin?

Sinabi ni Santiago sa mga mananampalataya na huwag magsalita laban sa isa't isa.

James 4:13-14

Ano ang sinabi ni Santiago sa mga mananamplataya na sasabihin nila tungkol sa mangyayari sa hinaharap?

Sinabi ni Santiago sa mga mananampalataya na sabihin nila kung pahihintulutan ng Panginoon, tayo ay mabubuhay at gagawin ito o iyon.

James 4:15-17

Ano ang sinabi ni Santiago sa mga mananamplataya upang sabihin ang tungkol sa mangyayari sa hinaharap?

Sinabi ni Santiago sa mga mananampalataya na sabihinna kung ipahihintulot ng Panginoon, tayo ay mabubuhay at gagawin ito o iyon.

James 5

James 5:1-3

Ano ang mayroon sa mayayaman, patungkol sa sinasabi ni Santiago, na mangyayari sa mga huling araw na magpapatotoo laban sa kanila?

Itatago ng mayayaman ang kanilang kayamanan.

James 5:4-6

Paanong ang mga mayayamang ito ay makitungo sa kanyang mga manggagawa?

Ang mga mayayamang ito ay hindi binayaran ang kanilang mga manggagawa.

James 5:7-8

Ano ang sinabi ni Santiago sa mga pag-uugali ng mga mananampalataya na dapat patungo sa pagdating ng Panginoon.

Ang mananampalataya ay dapat maghintay ng may pagtitiyaga sa pagdating ng Panginoon.

James 5:9-11

Ano ang mga katangian at ugali na sinabi ni Santiago sa propeta ng Lumang Tipan na nagpapakilala o nagpapakita sa atin?

Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagpakita ng pagtitiyaga at pagtitiis sa paghihirap

James 5:12

Ano ang sinabi ni Santiago patungkol sa pagkamaaasahan ng isang mananampalataya "Hindi" at "Oo?"

Ang "Oo" ng mga mananampalataya ay nangahulugang "Oo" at kanyang "Hindi" ay nangangahulugang "Hindi".

James 5:13-15

Ano ang dapat gawing ng mga maysakit?

Kailangang tawagin ng mga maysakit ang mga nakatatanda upang sila ay ipanalangin at pahiran ng langis.

James 5:16-18

Ano ang dalawang bagay na sinabi ni Santiago na gawin ng mga mananampalataya sa bawat isa upang sila ay gumaling?

Ang mga mananampalataya ay dapat umamin sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa.

Ano ang sinabi ni Santiago na halimbawa na pinakita ni Elias tungkol sa panalangin?

Ang halimbawang ipinakita ni Elias ay nagpakita sa atin na ang panalangin ng matuwid na tao ay nagbubunga ng malaking epekto.

James 5:19-20

Ano ang natapos o napagtagumpayan ng isang taong umakay sa isang makasalanan na makalabas amaling daan?

Ang taong umakay sa isang makasalanan na makalabas sa maling daan ay maliligtas ang kanyang kaluluwa mula sa kamatayan at matatakpan ang maraing kasalanan.