Obadiah
Obadiah 1
Obadiah 1:1-2
Ano ang layunin ni Yahweh kung bakit siya nagpadala ng mga kinatawan ng mga bansa?
Nagpadala si Yahweh ng kinatawan sa mga bansa upang bigyang dahilan ang mga bansa na magkaroon ng digmaan laban sa Edom.
Obadiah 1:3-6
Ano ang mga kasalanan ng mga Edomita?
Naging mapagmataas ang mga puso ng mga Edomita at naniniwala silang hindi sila mapapabagsak sa lupa.
Obadiah 1:7-9
Sino ang lilinlang at mananaig laban sa Edom?
Ang mga lalaking dating kakampi ng Edom ang lilinlang at magtataksil sa Edom.
Obadiah 1:10-11
Bakit matatakpan ng kahihiyan ang Edom at mahihiwalay magpakailanman?
Ang Edom ay matatakpan at mahihiwalay magpakailanman dahil sa karahasang ginawa niya sa kaniyang kapatid na (si) Jacob.
Ano ang mangyayari sa araw na nakatayo sa malayo ang mga Edom mula kay Jacob?
Sa araw na iyon, makakapasok ang mga dayuhan sa tarangkahan ng Jerusalem at kukunin ang kayamanan nito.
Obadiah 1:12-14
Ano ang sinabi ni Yahweh sa Edom na huwag gagawin tungkol sa araw ng paghihirap ng Juda?
Sinabi ni Yahweh sa Edom na huwag ikalugod, ikatuwa o nakawin ang kayamanan ng Juda sa araw ng paghihirap ng Juda.
Obadiah 1:15-16
Ano ang sinabi ni Yahweh na babalik sa ulo ng mga Edom?
Sinabi ni Yahweh na ang pansariling mga gawa ng mga Edom ay babalik sa kanila.
Obadiah 1:17-18
Ano ang magagawa ng ilan sa Bundok ng Zion sa kabila ng paghihirap ng Juda?
Ang ilan na nasa Bundok ng Zion ay makakatakas sa kabila ng paghihirap ng Juda.
Gaano karami ang makakatakas sa mga Edom sa hatol ni Yahweh?
Walang makakaligtas sa mga taga Edom pagkatapos ng hatol ni Yahweh.
Obadiah 1:19
Sino ang magmamay-ari sa bundok ni Esau?
Ang tao mula sa Negeb ang magmamay-ari sa bundok ni Esau.
Obadiah 1:20-21
Saan nagmula ang bundok ni Esau pagkatapos hatulan?
Ang bundok ni Esau pagkatapos hatulan ay nagmula sa Zion