Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Philemon

Philemon 1

Philemon 1:1-3

Nasaan si Pablo habang sinusulat niya ang liham na ito?

Si Pablo ay nasa kulungan habang sinusulat niya ang liham na ito.

Para kanino isinulat ang liham na ito?

Ang liham na ito ay isinulat kay Felimon, ang minamahal na kapatid ni Pablo at kamanggagawa.

Sa anong uring lugar nagtitipon ang iglesya?

Ang iglesya ay nagtitipon sa isang tahanan.

Philemon 1:4-7

Anong mga magandang katangian ang narinig ni Pablo tungkol kay Filemon?

Narinig ni Pablo ang tungkol sa pagmamahal ni Filemon, pananalig sa Panginoon, at katapatan sa lahat ng mga banal.

Ayon kay Pablo, ano ang ginawa ni Filemon para sa mga banal?

Pinasigla ni Filemon ang mga puso ng mga banal.

Philemon 1:8-9

Bakit nakiki-usap si Pablo kay Filemon ng isang bagay sa halip na utusan siya?

Nakiki-usap si Pablo kay Filemon alang-alang sa pagmamahal.

Philemon 1:10-13

Kailan inalagaan ni Pablo bilang ama si Onesimo?

Si Onesimo ay inalagaan ni Pablo bilang ama habang si Pablo ay nasa kulungan.

Ano ang ginawa ni Pablo kay Onesimo?

Ipinadala ni Pablo si Onesimo pabalik kay Filemon.

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ni Onesimus?

Gusto ni Pablo na tutulungan siya ni Onesimus.

Philemon 1:14-16

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ni Filemon kay Onesimo?

Gusto ni Pablo na palayain ni Filemon si Onesimo sa pagiging alipin, at payagang bumalik si Onesimo kay Pablo.

Paano ngayon nais ni Pablo na ituring ni Filemon si Onesimus?

Nais ni Pablo na ituring ni Filemon si Onesimus bilang minamahal na kapatid.

Philemon 1:17-20

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ni Filemon sa anumang pagkaka-utang ni Onesimo kay Filemon?

Gusto ni Pablo na singilin ni Filemon ang anumang pagkakautang ni Onesimus kay Pablo.

Ano ang pagkaka-utang ni Filemon kay Pablo?

Utang ni Filemon ang mismong buhay niya kay Pablo.

Philemon 1:21-25

Si Pablo ba ay umaasa kay Filemon na ipapadala si Onesimo pabalik sa kanya?

Oo, si Pablo ay nagtitiwala na ipapadala ni Filemon si Onesimo pabalik.

Saan pupunta si Pablo kung siya ay mapapalaya mula sa kulungan?

Pupuntahan at dadalawin ni Pablo si Filemon kapag siya ay nakalaya na sa kulungan.