Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

Jeremiah

Jeremiah 1

Jeremiah 1:1-3

Anong uri ng gawain ang ginagawa ni Jeremias?

Si Jeremias ay isang pari.

Sino ang hari nang unang dumating ang salita ng Yahweh kay Jeremias?

Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias nang si Josias ang hari.

Jeremiah 1:4-6

Kailan pinili ni Yahweh si Jeremias na maging isang propeta?

Pinili ni Yahweh si Jeremias bago pa siya ipanganak.

Bakit sinabi ni Jeremias na hindi siya karapat-dapat?

Sinabi niya na napakabata pa niya.

Jeremiah 1:7-8

Ano ang iniutos ni Yahweh kay Jeremias na sabihin?

Iniutos ni Yahweh sa kaniya na sabihin ang anumang iuutos sa kaniya ni Yahweh na sabihin.

Bakit hindi dapat matakot si Jeremias?

Hindi siya dapat matakot dahil ililigtas at sasamahan siya ni Yahweh.

Jeremiah 1:9-10

Ano ang inilagay ni Yahweh sa bibig ni Jeremias?

Inilagay ni Yahweh ang kaniyang salita sa bibig ni Jeremias.

Jeremiah 1:11-12

Ano ang nakita ni Jeremias?

Nakakita siya ng isang sanga ng almendra]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kaniyang salita?

Isasakatuparan niya ito.

Jeremiah 1:13-14

Ano ang ibig sabihin ng palayok na nakita ni Jeremias?

Ang palayok ay isang larawan ng paparating na kapahamakan.

Jeremiah 1:15-16

Ano ang gagawin ng lahat ng tribo sa hilagang kaharian kapag tumawag si Yahweh?

Darating sila at itatayo nila ang kani-kanilang mga trono sa paligid ng Jerusalem at Juda.

Bakit maghahayag ng hatol si Yahweh laban sa Jerusalem at Juda?

Maghahayag siya ng hatol laban sa kanila dahil hindi nila sinunod si Yahweh.

Jeremiah 1:17-19

Ano ang gagawin ng mga tao matapos ni Jeremias sa kanila?

Kakalabanin siya ng mga tao.

Jeremiah 2

Jeremiah 2:1-3

Ano ang naaalala ni Yahweh sa mga taga-Jerusalem?

Naaalala ni Yahweh na iniibig siya ng mga taga-Jerusalem noon.

Ano ang mangyayari sa mga taga-Israel?

Darating ang kasamaan sa kanila.

Jeremiah 2:4-6

Ano ang nais ni Yahweh na sabihin sa kaniya ng sambahayan ni Jacob?

Ninanais ni Yahweh na sabihin sa kaniya ng sambahayan ni Jacob kung ano ang pagkakamali na kaniyang ginawa.

Jeremiah 2:7-8

Ano ang ginawa ng mga tao nang dalhin sila ng Diyos sa lupain ng Carmel?

Dinungisan nila ang lupain.

Para kanino ang mga pahayag ng mga propeta?

Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal.

Jeremiah 2:9-11

Saan ipinagpalit ng mga tao ni Yahweh ang kanilang kaluwalhatian?

Ipinagpalit ng mga tao ni Yahweh ang kanilang kaluwalhatian sa mga bagay na hindi makakatulong sa kanila.

Jeremiah 2:12-13

Ano ang dalawang masamang bagay na nagawa ng mga tao ni Yahweh?

Pinabayaan ng kaniyang mga tao ang bukal na nagbibigay-buhay at sa paghukay ng mga balon.

Jeremiah 2:14-19

Ano ang ginawa ng mga kaaway ng Israel sa kanila?

Ginawa nilang mga alipin ang Israel.

Anong ang nagyari sa lungsod ng Israel?

Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.

Jeremiah 2:20-22

Ano ang sinabi ni Yahweh matapos niyang sirain ang kaniyang pamatok at ang kanilang tanikala?

Sinabi nila, "Hindi ako maglilingkod!"

Jeremiah 2:23-25

Anong hayop ang sinabi ni Yahweh na kanilang katulad?

Sinabi niya na para silang mga kamelyo at maiilap na mga babaing asno.

Jeremiah 2:26-28

Anong kasalanan ang magiging kahihiyan ng sambahayan ng Israel?

Mapapahiya sila sa pagsamba sa mga puno at mga bato.

Jeremiah 2:29-31

Ano ang pahayag ni Yahweh?

Nagkasala kayong lahat sa akin.

Bakit sinabi ni Yahweh na na pinarusahan niya ang mga tao ng walang kabuluhan?

Pinarusahan sila ni Yahweh dahil hindi nila tinaggap ang pagtutuwid.

Jeremiah 2:32-34

Ano ang ginawa ng mga tao sa mga walang kasalanan at mahihirap?

Pinatay nila ang mga walang kasalanan at mahihirap.

Jeremiah 2:35-37

Bakit iniisip ng mga tao na mawawala ang galit ni Yahweh sa kanila?

Iniisip ng mga tao na hindi sila nagkasala.

Jeremiah 3

Jeremiah 3:1-2

Sa anong uring babae inihalintulad ng propeta ang mga tao?

Inihalintulad niya sila sa isang babaeng iniwan ang kaniyang asawa.

Jeremiah 3:3-5

Bakit hindi dumating ang ulan?

Hindi dumating ang ulan dahil hindi nahiya ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.

Jeremiah 3:6-7

Ano ang ginawa ng Israel sa mga kabundukan at sa ilalim ng mga punong kahoy?

Kumilos ang Israel gaya ng babaing bayaran sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Jeremiah 3:8-10

Ano ang ginawa ng Diyos sa tumalikod na Israel?

Hiniwalayan niya ito.

Ano ang ginawa ng Juda matapos hiwalayan ni Yahweh ang Israel?

Ginawa rin ng Juda ang ginawa ng Israel.

Jeremiah 3:11-12

Ano ang paanyaya ni Yahweh na gawin ng Israel?

Inanyayahan niya silang manumbalik sa kaniya.

Jeremiah 3:13-15

Ano ang dapat gawin ng mga tao kapag bumalik sila?

Dapat nilang aminin ang kanilang kasalanan.

Ano ang ibibigay ni Yahweh sa kanila kapag bumalik sila?

Bibigyan niya sila ng pastol na umiibig sa kaniya.

Jeremiah 3:16

Paano nila iisipin ang tungkol sa kaban ng tipan?

Hindi na nila iisipin ang tungkol dito.

Jeremiah 3:17-18

Ano ang mangyayari sa Jerusalem?

Ang lahat ng bansa ay magtitipun-tipon sa Jerusalem.

Magiging magkaaway pa rin ba ang Juda at Israel?

Hindi, magkasama silang pupunta.

Jeremiah 3:19-20

Paano nais parangalan ni Yahweh ang mga tao?

Nais niya silang parangalan sa paraan na pinararangalan ng isang ama ang kaniyang anak.

Jeremiah 3:21-22

Anong ingay ang narinig sa mga kapatagan?

Ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga Israelita ay narinig sa mga kapatagan.

Jeremiah 3:23-25

Ano ang nangyari sa mga bagay na pinaghirapan ng mga ninuno?

Inubos ng mga diyus-diyosan ang mga bagay na pinaghirapan ng mga ninuno.

Ano ang ginawa ng mga tao at nang kanilang mga ninuno?

Hindi sila nakinig sa tinig ni Yahweh na kanilang Diyos.

Jeremiah 4

Jeremiah 4:1-3

Ano ang mangyayari kung babalik ang Israel kay Yahweh?

Hihingin ng mga bansa ang pagpapala ni Yahweh.

Jeremiah 4:4-6

Ano ang mangyayari dahil sa kasamaan ng mga tao?

Mapopoot at magdadala sa kanila si Yahweh ng sakuna mula sa hilaga.

Jeremiah 4:7-8

Ano ang gagawin ng leon sa mga tao?

Wawasakin niya ang kanilang mga lungsod.

Bakit babalutan ng mga tao ang kanilang sarili ng damit panluksa?

Gagawin nila ito upang ipakita na pinagsisisihan na nila ang kanilang mga kasalanan.

Jeremiah 4:9-12

Bakit inisip ni Jeremias na nilinlang ni Yahweh ang mga tao?

Ipinangako ni Yahweh sa mga tao ang kapayapaan, ngunit may lumulusob sa kanila.

Jeremiah 4:13-15

Paano maliligtas ang mga tao ng Jerusalem?

Dapat nilang linisin ang kanilang mga puso mula sa kasamaan.

Jeremiah 4:16-18

Bakit paparating ang mga tagapagbantay mula sa malayong lupain?

Paparating sila dahil naghimagsik ang Juda laban kay Yahweh.

Jeremiah 4:19-20

Bakit nagdadalamhati si Jeremias?

Naririnig niya ang hudyat ng labanan.

Jeremiah 4:21-22

Ano ang kahangalan ng mga tao?

Hindi nila kilala si Yahweh.

Jeremiah 4:23-26

Bakit walang laman ang lupain na nakita ni Jeremias?

Walang laman ang lupain dahil nagalit si Yahweh.

Jeremiah 4:27-29

Ano ang gagawin ng mga tao sa bawat lungsod?

Tatakbo sila palayo sa mga mananalakay at iiwan ang mga lungsod na walang laman.

Jeremiah 4:30-31

Anong uri ng mga tao ang nakasuot ng mapulang damit at mga gintong alahas?

Ang mga mayayamang tao ang nananamit ng ganitong paraan.

Ano ang mangyayari sa mga mayayaman na?

Papatayin sila.

Jeremiah 5

Jeremiah 5:1-3

Sa anong dahilan patatawarin ni Yahweh ang Jerusalem?

Patatawarin ni Yahweh ang Jerusalem kung makakatagpo ang propeta ng sinumang gumagawa ng makatarungan.

Kahit ganap na nilipol ng Diyos ang mga tao, ano ang ginagawa pa rin nila?

Tumanggi pa rin silang tanggapin ang pagtutuwid.

Jeremiah 5:4-6

Bakit sinabi ng propeta na mahihirap lamang at mga hangal ang mga taong ito?

Hindi nila alam ang mga pamamaraan ni Yahweh.

Alam ba ng mga mahahalagang tao ang mga pamamaraan ni Yahweh?

Hindi, naghimagsik sila laban sa kaniya.

Ano ang sinabi ni Jeremias tungkol sa pagkakasala at kataksilan ng mga tao?

Sinabi ni Jeremias na tumitindi ang kanilang pagkakasala at walang katapusan ang kanilang kataksilan.

Jeremiah 5:7-9

Ano ang kasalanang ginawa ng mga tao?

Sumamba sila sa mga diyus-diyosan at nangalunya.

Jeremiah 5:10-13

Ano ang sinabi ng mga tao tungkol sa Diyos?

Sinabi nila na hindi siya totoo.

Jeremiah 5:14-15

Ano ang gagawin ni Yahweh sa sambahayan ng Israel?

Magpapadala siya ng isang bansa na nagmula sa malayo laban sa kanila.

Jeremiah 5:16-17

Ano ang gagawin ng mga kaaway sa mga Israelita?

Papatayin ng mga kaaway ang mga anak ng mga Israelita at kakainin ang kanilang mga pagkain.

Jeremiah 5:18-19

Bakit pipinsalain ni Yahweh ang Israel at Juda?

Pipinsalain niya sila dahil tinalikuran nila si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos.

Jeremiah 5:20-22

Ano ang ginawa ng mga mata at tainga ng mga diyus-diyosan?

Wala silang ginawa.

Jeremiah 5:23-25

Ano ang nais gawin ni Yahweh sa mga natatakot sa kaniya?

Nais niyang magdala ng ulan sa takdang panahon upang maging maayos ang ani.

Jeremiah 5:26-29

Mayaman ba o mahirap ang mga masasama na kabilang sa mga tao ni Yahweh?

Mayayaman sila.

Paano pakikitunguhan ni Yahweh ang mga masasama?

Parurusahan niya sila.

Jeremiah 5:30-31

Ano ang nararamdaman ng mga tao tungkol sa ginagawa ng mga propeta at mga pari?

Inibig nila ang paraang ito.

Jeremiah 6

Jeremiah 6:1-3

Bakit kailangang hanapin ng mga tribo ni Benjamin ang kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem?

Wawasakin ni Yahweh ang Jerusalem.

Jeremiah 6:4-5

Kailan lulusob ang mga kaaway?

Lulusob sila sa tanghali at sa gabi.

Jeremiah 6:6-8

Bakit nais ni Yahweh na lusubin ng mga kaaway ang Jerusalem?

Nais niyang lumusob sila dahil puno ng pang-aapi at kasamaan ang lungsod.

Ano ang mangyayari kung hindi tatanggapin ng Jerusalem ang pagtutuwid?

Wawasakin ni Yahweh ang Jerusalem.

Jeremiah 6:9-10

Bakit hindi mabalaan ni Yahweh ang mga Israelita?

Dahil hindi nila ito binibigyang pansin.

Jeremiah 6:11-12

Ano ang mangyayari sa mga bahay, mga bukirin, at sa mga kababaihan?

Ibibigay ang mga ito sa iba.

Jeremiah 6:13-15

Ano ang naramdaman ng mga tao nang gumawa sila ng mga nakasusuklam na gawain?

Hindi talaga sila nahiya.

Jeremiah 6:16-19

Bakit maghahatid si Yahweh ng sakuna sa mga taong ito?

Hindi nila binigyang pansin ang kaniyang salita o ang kaniyang kautusan.

Jeremiah 6:20-22

Ano ang kahulugan ng kamanyang at mga mababangong samyo kay Yahweh?

Wala itong kahulugan sa kaniya. Hindi niya nais ang mga ito.

Ano ang magagawa ng katitisuran sa mga tao?

Ito ang wawasak sa kanila.

Jeremiah 6:23-24

Anong uri ng mga tao ang darating?

Darating ang mga malulupit na tao at mga mandirigma.

Jeremiah 6:25-26

Bakit kailangang magsagawa ng mapait na paglilibing para sa kaniyang sarili ang babaing anak ng mga tao?

Kailangan niya itong gawin dahil wawasakin ng kaaway ang kaniyang mga tao.

Jeremiah 6:27-30

Ano ang gagawin ni Jeremias bilang tagapagdalisay ng mga tao ng Diyos?

Sisiyasatin niya at susubukin ang kanilang mga kaparaanan.

Ano ang katulad ng mga tao?

Katulad sila ng mga tanso at bakal na matigas dahil matigas ang kanilang mga ulo.

Jeremiah 7

Jeremiah 7:3-4

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gagawin niya para sa mga tao kung gagawin nilang mabuti ang kanilang mga kaugalian at mga kaparaanan?

Hahayaan niya silang patuloy na manirahan sa lugar na iyon.

Jeremiah 7:5-7

Ano ang dapat gawin ng mga tao upang hayaan sila ni Yahweh na manatili sa lupain?

Dapat nilang gawing mabuti ang kanilang mga kaparaanan at mga kaugalian sa pamamagitan ng pagiging makatarungan.

Ano ang dapat gawin ng mga tao kung nais nilang hayaan sila ni Yahweh na manatiili sa lupain?

Hindi nila dapat abusuhin ang mahina o patayin ang walang kasalanan o sambahin ang mga diyus-diyosan.

Jeremiah 7:8-11

Ano ang sinasabi ng mga tao matapos nilang gawin ang mga bagay na alam nilang kinamumuhian ng Diyos?

Pumupunta sila sa templo at sinasabi nilang ligtas sila.

Jeremiah 7:12-15

Bakit nais ni Yahweh na isipin ng mga tao ang tungkol sa Shilo?

Nais niyang alalahanin nila na gagawin niya sa kanila kung ano ang ginawa niya sa Shilo dahil nagkasala sila gaya ng kasalanan ng mga tao sa Shilo.

Jeremiah 7:16-20

Bakit hindi papakinggan ni Yahweh ang mga panalangin ni Jeremias?

Hindi niya pakikinggan dahil nakapagpasya na siyang wasakin ang mga Israelita.

Bakit wawasakin ni Yahweh ang mga tao?

Dahil sumasamba sila sa ibang mga diyos.

Jeremiah 7:21-23

Ano ang utos na ibinigay ni Yahweh sa mga tao nang lisanin nila ang Egipto?

Inutusan niya sila na pakinggan ang kaniyang tinig.

Jeremiah 7:24-26

Ano ang ginawa ng mga tao nang magsugo si Yahweh ng mga propeta?

Hindi nila pinakinggan o binigyang pansin. Gumawa sila ng kasamaan.

Jeremiah 7:27-28

Ano ang sasabihin sa kanila ng propeta?

Sasabihin niya sa kanila na ito ay bayan na hindi nakikinig sa tinig ni Yahweh.

Jeremiah 7:29-30

Bakit sinabi ni Yahweh kay Jeremias na ahitin ang lahat ng kaniyang buhok?

Upang ipakita ni Jeremias na itinakwil ni Yahweh ang mga Israelita.

Jeremiah 7:31-32

Bakit itinayo ng mga tao ang dambana ng Tofet sa lambak ng Ben Hinom?

Itinayo nila ito upang sunugin doon ang kanilang mga anak.

Jeremiah 7:33-34

Ano ang mangyayari sa mga bangkay ng mga taong ito?

Kakainin ng mga ibon at ng mga mababangis na hayop ang mga ito.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

Gagawin niyang walang kasiyahan ang mga tao doon.

Jeremiah 8

Jeremiah 8:1-3

Ano ang mangyayri sa mga buto ng mga tao?

Ikakalat ng mga tao ang mga buto sa buong lupain.

Nanaisin ba ng mga taong iyon ang mabuhay o ang mamatay?

Nanaisin nila na mamatay sila.

Jeremiah 8:4-5

Ano ang sinusubukang gawin ng mga taong naliligaw?

Sinusubukan nilang makahanap ng daan pabalik.

Jeremiah 8:6-7

Ano ang nararamdaman ng mga tao tungkol sa kanilang kasamaan?

Walang sinumang nagsisisi sa kanilang kasamaan.

Paano hindi naging katulad ng mga ibon ang mga tao ni Yahweh?

Alam ng mga ibon kung ano ang gagawin nila ngunit hindi alam ng mga tao ni Yahweh kung ano ang kaniyang mga iniatas.

Jeremiah 8:8-10

Ano ang ginawa ng mga eskriba?

Sumulat sila ng mga bagay na nanlilinlang sa mga tao.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa kanilang mga asawang babae at mga bukirin?

Ibibigay niya sa ibang tao ang kanilang mga asawang babae at mga bukirin.

Jeremiah 8:11-13

Nahihiya ba ang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan?

Hindi, hindi sila nahihiya.

Ano ang gagawin ni Yahweh dahil hindi sila nahihiya?

Hahayaan niyang patayin sila ng kanilang mga kaaway.

Jeremiah 8:14-15

Ano ang ipinasya ng mga tao na gawin nila?

Nagpasya silang pumunta sa mga lungsod at mamatay doon.

Jeremiah 8:16-17

Ano ang gagawin ng mga malalakas na kabayo ni Yahweh?

Darating sila at kukunin ang lupain at ang mga kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.

Ano ang ipapadala ni Yahweh upang mapahamak sila?

Magpapadala siya ng mga ahas upang mapahamak sila.

Jeremiah 8:18-22

Nasaan ang mga taong humihiyaw?

Nasa malayong lupain sila.

Nasaan si Yahweh?

Nasa Zion si Yahweh.

Jeremiah 9

Jeremiah 9:1-3

Bakit nais ng propeta na umiyak?

Nais niyang umiyak dahil pinatay ang napakarami sa kaniyang kababayan.

Bakit nais niyang talikuran ang kaniyang bayan?

Nais niyang talikuran sila dahil sila ay mga nangangalunya at mga taksil.

Ano ang sinasabi ng mga makasalanang tao?

Nagsasabi sila ng mga kasinungalingang bagay.

Jeremiah 9:4-6

Bakit dapat bantayan ng bawat isa sa kanila ang kanilang sarili laban sa kanilang mga kapwa at mga kapatid na lalaki?

Dapat silang magbantay laban sa kanila dahil mga mandaraya ang bawat kapatid at ang mga kapwa.

Bakit pagod na pagod ang mga tao?

Pagod na pagod sila sa paggawa ng mga kasamaan.

Jeremiah 9:7-9

Bakit nais subukin ni Yahweh ang kaniyang mga tao?

Gusto niya silang subukin dahil nagsisinungaling sila sa kanilang mga kapwa.

Jeremiah 9:10-12

Ano ang aawitin ng propeta?

Aawit siya ng mga awiting panlibing at awiting panluksa para sa mga kabundukan at sa kaparangan.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Jerusalem at Juda?

Gagawin niyang mga wasak na lugar ang mga ito.

Ano ang magiging katulad ng lupain matapos itong mawasak?

Magiging katulad ito ng disyerto at walang sinuman ang makadadaan dito.

Jeremiah 9:13-14

Ano ang ginawa ng mga tao na hindi ikinalugod ni Yahweh?

Tinalikuran nila ang kaniyang kautusan at hindi sila nakinig sa kaniya.

Jeremiah 9:15-16

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa mga Israelita?

Gagawin niya silang malulungkot gaya ng mga taong walang kahit na ano kung hindi mga mapapait na pagkain at inumin. At palalayasin niya sila sa kanilang mga tahanan at papatayin sila.

Jeremiah 9:17-18

Ano ang dapat gawin ng mga kababaihang mahuhusay sa pagdadalamhati?

Dapat silang umawit ng mga malulungkot na awitin upang umiyak ang mga tao.

Jeremiah 9:19-20

Ano ang nararamdaman ng mga taong nananaghoy sa Zion?

Labis silang nahihiya.

Ano ang dapat ituro ng mga kababaihan sa kanilang mga anak na babae?

Dapat nilang turuan ang kanilang mga anak na babae ng awiting panluksa.

Jeremiah 9:21-22

Sino ang mga mamamatay na sinabi ng propeta?

Mamamatay ang mga bata at ang mga kabataan.

Sa anong paraan magiging katulad ng bangkay ang dumi at mga tangkay ng butil?

Walang sinuman ang maglilibing sa kanila.

Jeremiah 9:23-24

Ano ang dapat ipagmayabang ng mga tao?

Dapat ipagmayabang ng mga tao na kilala nila si Yahweh.

Sa anong paraan sinabi ni Yahweh na kikilos siya?

Kumikilos siya nang may katapatan sa kasunduan, katarungan at katuwiran.

Jeremiah 9:25-26

Bakit parurusahan ni Yahweh ang mga Israelita?

Parurusahan niya ang mga Israelita dahil tuli lamang sila sa kanilang katawan at hindi sa kanilang puso.

Bakit parurusahan ni Yahweh ang ibang mga tao?

Parurusahan niya sila dahil kahit ang kanilang mga katawan ay hindi tuli.

Jeremiah 10

Jeremiah 10:1-2

Ano ang hindi nais ni Yahweh na gawin ng mga taga-Israel?

Ayaw niyang mapag-aralan nila ang mga kaparaanan ng mga bansa.

Jeremiah 10:3-5

Anong kaugalian ang walang kabuluhan?

Walang kabuluhan ang paggawa ng mga diyus-diyosan.

Bakit hindi dapat matakot ang mga tao sa mga diyus-diyosan?

Walang magagawa ang mga diyus-diyosan ng anumang bagay, mabuti man o masama.

Jeremiah 10:6-10

Sino ang katulad ni Yahweh?

Walang sinuman ang katulad ni Yahweh

Jeremiah 10:11-13

Ano ang mangyayari sa mga diyos na hindi lumikha sa mundo?

Malilipol sila.

Ano ang ginawa ng tunay na Diyos?

Itinatag niya ang kalupaan at inilatag ang mga kalangitan.

Jeremiah 10:14-16

Ano ang pagkakaiba ng mga diyus-diyosan at ang tunay na Diyos?

Hindi buhay ang mga diyus-diyosan, ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay.

Jeremiah 10:17-18

Ano ang dapat gawin ng mga tao na namumuhay sa ilalim ng pananakop?

Dapat nilang tipunin ang kanilang mga bigkis at lisanin ang lupain.

Jeremiah 10:19-20

Bakit wala ng sinuman ang naglalatag ng mga tolda ng propeta?

Inilayo nila sa kaniya ang kaniyang mga anak.

Jeremiah 10:21-22

Bakit naging hangal ang mga pastol?

Hindi nila hinanap si Yahweh.

Ano ang mangyayari kapag dumating ang lindol

Mawawasak ang mga lungsod ng Juda.

Jeremiah 10:23-25

Paano hiniling ng propeta ang pagtutuwid sa kaniya ni Yahweh?

Hiniling niya kay Yahweh na ituwid siya ng makatarungan, at hindi sa galit.

Kanino ibubuhos ang matinding galit na hiniling ng propeta kay Yahweh?

Hiniling niya kay Yahweh na ibuhos ang kaniyang matinding galit sa mga bansa na hindi nakakakilala sa kaniya.

Bakit dapat nilang tanggapin ang matinding galit ni Yahweh?

Dapat nilang tanggapin ang matinding galit ni Yahweh dahil sinira nila si Jacob at ang lupain ni Jacob.

Jeremiah 11

Jeremiah 11:1-2

Kanino ipapahayag ni Jeremias ang mga salita ng kasunduang ito na sinabi ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh na ipahayag sa bawat tao sa Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem.

Jeremiah 11:3-5

Bakit isusumpa ang mga tao?

Isusumpa sila kapag hindi sila nakinig sa mga sinabi ng kasunduan.

Kanino ibinigay ang kasunduang ito?

Ibinigay ang kasunduang ito sa mga ninuno ng Israel.

Kailan ibinigay ang kasunduan?

Ibinigay ito sa araw na inilabas ni Yahweh ang mga Israelita sa Egipto.

Ano ang panunumsinumpaan ng Diyos sa mga ninuno?

Sinumpa niya na ibibigay niya ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.

Jeremiah 11:6-8

Bakit isinama ng Diyos sa kasunduan ang lahat ng mga sumpa laban sa mga tao?

Isinama niya ito dahil hindi sumusunod sa kasunduan ang mga tao.

Jeremiah 11:9-10

Ano ang sabwatan sa pagitan ng mga taga-Juda at Jerusalem?

Tumanggi silang makinig kay Yahweh at sumamba sa ibang mga diyos.

Jeremiah 11:11-13

Kapag ipadadala ni Yahweh ang mga sakuna sa mga tao at tatawag sila sa kaniya, paano niya sila sasagutin?

Hindi siya makikinig sa kanila

Gaano karaming altar ng insenso ang ginawa sa Jerusalem para kay Baal?

Gumawa ang mga tao ng altar ni Baal sa bawat lansangan.

Jeremiah 11:14-16

Bakit inutusan ni Yahweh si Jeremias na huwag manalangin para sa mga tao?

Hindi siya dapat manalangin dahil hindi makikinig si Yahweh.

Bakit hindi makakatulong sa mga tao ang kanilang mga alay?

Hindi sila matutulungan ng mga alay dahil gumawa sila ng masama at natuwa dahil dito.

Jeremiah 11:17

Ano ang masamang gawain na ginawa ng mga tao?

Nagbigay sila ng mga alay kay Baal.

Jeremiah 11:18-20

Anong bahagi ng katawan ng tao ang sinusuri ni Yahweh?

Sinusuri niya ang puso at isipan.

Jeremiah 11:21-23

Ano ang sinabi ng mga taga-Anatot kay Jeremias na gagawin nila kung patuloy siyang maghahayag sa ngalan ni Yahweh?

Sinabi nila na siya ay papatayin nila.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga tao na gustong pumatay kay Jeremias?

Sinabi niya na papatayin niya ang kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng digmaan at sa taggutom.

Jeremiah 12

Jeremiah 12:1-2

Ano ang reklamo ni Jeremias tungkol sa mga masasamang tao?

Nagiging madali ang mga bagay para sa kanila

Jeremiah 12:3-4

Ano ang nais ni Jeremias na gawin ni Yaweh sa mga tao?

Nais niyang paalisin ni Yahweh ang mga tao. [12:3]

Bakit nalanta ang mga halaman?

Nalanta ang mga halaman dahil sa kasamaan ng mga tao. [12:4]

Jeremiah 12:5-6

Sino ang nagtaksil kay Jeremias?

Nagtaksil kay Jeremias ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang mga kamag-anak.[12:6]

Jeremiah 12:7-9

Bakit nagalit ang Diyos sa kaniyang mga tao?

Ibinukod nila ang kanilang mga sarili laban sa kaniya. [12:7]

Jeremiah 12:10-11

Ano ang ginawa ng mga pastol sa kalugod-lugod na bahagi ng lupain?

Ginawa nila itong isang ilang. [12:10-11]

Jeremiah 12:12-13

Saan sa lupain ang mayroong kaligtasan para sa mga nabubuhay na mga nilalang?

Walang kaligtasan sa lupain. [12:12]

Bakit dapat mahiya ang mga manggagawa sa kanilang pakinabang?

Dapat silang mahiya dahil sa poot ni Yahweh. [12:13]

Jeremiah 12:14-15

Ano ang maaaring mangyari sa sambahayan ng Juda kapag nagkaroon si Yahweh ng habag sa kanila?

Ibabalik sila ni Yahweh sa kanilang mga sariling lupain. [12:15]

Jeremiah 12:16-17

Ano ang ipinangako ni Yaweh sa mga bansa na matutunang sumumpa, "Bilang si Yahweh na buhay"?

Maitatayo sila sa kalagitnaan ng mga tao ni Yahweh.

Ano ang mangyayari kapag hindi nakinig ang mga bansang iyon? [12:17]

Bubunutin sila ni Yahweh.

Jeremiah 13

Jeremiah 13:1-4

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Jeremias sa linong damit-panloob?

Sinabi niya kay Jeremias na isuot niya ang damit-panloob at pagkatapos dalhin ito at itago sa Eufrates.

Jeremiah 13:5-7

Ano ang naging katangian ng damit-panloob nang hukayin ito ni Jeremias kung saan niya ito itinago?

Hindi na ito maganda. [13:7]

Jeremiah 13:8-11

Paano inihalintulad ang mga masasamang tao sa damit-panloob?

Naging mabuti sila para sa wala dahil tumanggi silang makinig sa mga salita ni Yahweh. . [13:10]

Anu-ano ang tatlong bagay na nais ni Yahweh na ibigay ng mga tao sa kaniya?

Nais niyang magbigay sila sa kaniya ng katanyagan, kapurihan at karangalan. [13:11]

Jeremiah 13:12-14

Pupunuin ni Yahweh ang lahat ng tao ng ano?

Pupunuin niya sila ng kalasingan. [13:14]

Ano ang gagawin ni Yahweh pagkatapos niyang punuin ang mga tao ng kalasingan?

Wawasakin niya sila. [13:14]

Jeremiah 13:15-17

Ano ang mangyayari kapag hindi nagbigay ng karangalan ang mga tao kay Yahweh?

Magdudulot siya ng kadiliman.

Jeremiah 13:18-19

Bakit kailangang magpakumbaba ang hari at ang inang reyna?

Dahil bumagsak na ang kanilang mga korona. [13:18]

Jeremiah 13:20-21

Sino ang ilalagay ng Diyos sa itaas ng mga tao?

Ilalagay niya sa itaas ng mga tao ang mga inaakala nilang mga kaibigan nila. [13:21]

Jeremiah 13:22-24

Bakit nangyayari sa mga tao ang mga masasamang mga bagay?"

Nangyayari ang mga masasamang bagay sa mga tao dahil nakagawa sila ng maraming kasamaan.[13:22]

Jeremiah 13:25-27

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga masasamang bagay na ginawa ng mga tao ng lihim?

Ipapakita niya ito sa lahat. [13:27]

Jeremiah 14

Jeremiah 14:1-3

Ano ang nangyari nang naghanap ang mga lingkod ng tubig?

Hindi sila nakahanap ng anuman. [14:3]

Jeremiah 14:4-6

Ano ang mangyayari kapag walang ulan?

Walang/Mawawalan ng mga damo at mga halaman. [14:4-6]

Jeremiah 14:7-9

Kailan iniligtas ni Yahweh ang Israel?

Iniligtas ni Yahweh ang Israel sa panahon ng pagkabalisa. [14:8]

Jeremiah 14:10-12

Ano ang sinabi ni Yahweh na huwag gawin ni Jeremias para sa mga tao?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na huwag manalangin para sa ikabubuti ng mga tao. [14:11]

Jeremiah 14:13-14

Saan nagmumula ang mga mapanlinlang na salita ng mga bulaang propeta?

Nagmumula ang mga ito sa puso ng mga bulaang propeta. [14:14]

Jeremiah 14:15-16

Ano ang mangyayari sa mga bulaang propeta?

Mamamatay sila sa digmaan at taggutom. [14:16]

Jeremiah 14:17-18

Saan mamamatay ang mga tao sa digmaan?

Mamamatay sila sa digmaan sa mga parang. [14:18]

Saan mamamatay ang mga tao sa pamamagitan ng taggutom?

Mamamatay sila sa pagkagutom sa lungsod. [14:18]

Jeremiah 14:19-20

Ano ang inamin ni Jeremias kay Yahweh na kasamaan ng kaniyang mga ninuno?

Nagkasala sila kay Yahweh. [14:20]

Jeremiah 14:21-22

Bakit kailangang magtiwala ang mga tao kay Yahweh?

Dahil si Yahweh ang lumikha ng kalangitan at ibinigay niya ang ulan sa tagsibol. [14:22]

Jeremiah 15

Jeremiah 15:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh na hindi niya babaguhin kahit na makiusap si Moises o si Samuel para sa mga tao?

Hindi pa rin siya papanig sa mga taong ito. [15:1]

Ano ang mangyayari sa mga tao sa Juda at Jerusalem?

Mamamatay ang ilan, ipapapatay ang ilan, mamatay ang ilan dahil sa gutom at ilalayo sa kanilang mga tahanan ang ilan. [15:2]

Jeremiah 15:3-4

Ano ang apat na bagay na maaaring mangyari sa mga tao?

Mamamatay ang ilan sa digmaan, kakaladkarin ng mga aso ang ilan palayo, kakainin ng mga ibon ang ilan at kakainin ng mga hayop ang ilan. [15:3]

Jeremiah 15:5-7

Sino ang magmamalasakit sa Jerusalem?

Walang sinuman ang magmamalasakit sa Jerusalem. [15:5]

Ano ang ikinapagod ni Yahweh na gawin sa Jerusalem?

Napagod siyang kaawaan ang Jerusalem. [15:6]

Jeremiah 15:8-9

Ano ang magiging dahilan na malalagay sa kahihiyan at mapapahiya ang ina ng pitong anak?

Hahayaan ni Yahweh na patayin ng mga kaaway ang kaniyang mga anak . [15:9]

Jeremiah 15:10-12

Kailan hahayaan ni Yahweh na humingi ng tulong ang mga kaaway ni Jeremias?

Hahayaan niya silang humingi ng tulong sa panahon ng kalamidad at matinding kalungkutan. [15:11]

Jeremiah 15:13-14

Bakit ibibigay ni Yahweh ang mga kayamanan ng mga tao sa kanilang mga kaaway?

Ibibigay niya ang mga ito dahil sa lahat ng mga kasalanan ng mga tao. [15:13]

Jeremiah 15:15-18

Ano ang ginawa ni Jeremias sa mga salita ni Yahweh?

Naunawaan/Tinanggap niya ang mga ito.

Jeremiah 15:19-21

Ano ang kailangang gawin ni Jeremias upang manumbalik?

Kailangan niyang magsisi. [15:19]

Mula sa anong uri ng mga tao sasagipin ni Yahweh si Jeremias?

Sasagipin siya ni Yahweh mula sa kamay ng mga masasama at mang-aapi. [15:21]

Jeremiah 16

Jeremiah 16:1-4

Anong utos ang ibinigay ni Yahweh kay Jeremias?

Inutos ni Yahweh kay Jeremias na huwag mag-aasawa

Ano ang mangyayari sa mga anak na ipinanganak sa lugar na iyan?

Silang lahat ay mamamatay.

Anong mangyayari sa kanilang mga bangkay?

Ang kanilang mga bangkay ay magiging dumi sa lupa at magiging pagkain para sa mga ibon at mga hayop.

Jeremiah 16:5-6

Bakit inutos ni Yahweh kay Jeremias na huwag pumunta sa mga bahay na kung saan ang mga tao ay nagluluksa?

Kaniyang inutusan si Jeremias sapagkat ang mga dakilang tao at mga hamak ay parehong mamamatay, ngunit walang magluluksa para sa kanila.

Jeremiah 16:7-9

Bakit iniutos ni Yahweh kay Jeremias na huwag pumunta sa mga bahay na kung saan ang mga tao ay nagdiriwang?

Inutusan siya ni Yahweh dahil pumunta siya upang wakasan ang pagdiriwang.

Jeremiah 16:10-11

Ano ang naging tanong ng mga tao nang ibalita ni Jeremias ang kaniyang salita sa kanila?

Tinanong ng mga tao si Jeremias kung bakit nag-utos si Yahweh ng sakuna laban sa kanila .

Jeremiah 16:12-15

Sino ang higit na masama, ang mga taong ito o ang kanilang mga ninuno?

Ang mga taong ito ay higit na masama kaysa sa kanilang mga ninuno.

Jeremiah 16:16-18

Bakit nais ni Yahweh na pagbayarin ng dalawang beses ang Israel sa kanilang kasamaan at kasalanan?

Gagawin niya ito dahil dinungisan nila ang lupain sa kanilang mga diyus-diyosan.

Jeremiah 16:19-21

Anong sinabi ng mga bansa tungkol sa kanilang mga ninuno nang sila ay pumunta kay Yahweh?

Sinabi nila na ang kanilang mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang.

Jeremiah 17

Jeremiah 17:1-2

Saan iniukit ang kasalanan ng Judah?

Ito ay iniukit sa kanilang mga puso. [17:1]

Saan matatagpuan ang mga imahen ni Ashera ng mga tao?

Ang imahen ni Ashera ay nasa madahong puno sa mga burol. [17:2]

Jeremiah 17:3-4

Saan inalipin ang Juda?

Inalipin ang Judah sa lupaing hindi nila kilala. [17:4]

Jeremiah 17:5-8

Sino ang sinabihan ni Yahweh na sumpain?

Sinasabi ni Yahweh na ang mga tao na nagtitiwala sa sangkatauhan ay sumpain?

Jeremiah 17:9-11

Ano ang katulad ng puso?

Ang puso ay higit na mandaraya sa anumang bagay, ito ay sakit, at walang sinumang nakakaunawa nito.

Jeremiah 17:12-14

Ano ang mangyayari sa mga tumalikod kay Yahweh?

Ang lahat ng tumalikod kay Yahweh ay ipapahiya at puputulin.

Jeremiah 17:15-18

Mula sa anong trabaho hindi tumakbo si Jeremias?

Hindi tumakbo si Jeremias mula sa pagiging isang pastol na sumusunod kay Yahweh.

Jeremiah 17:19-20

Ano ang nais ni Yahweh na gawin ni Jeremias nang siya ay nakatayo sa tarangkahan?

Nais niya na sabihin ni Jeremias sa mga tao na makinig sa salita ni Yahweh. [17:19]

Jeremiah 17:21-23

Ano ang nais ni Yahweh na ihintong gawin ng mga tao?

Nais niyang huminto sila sa pagpasan ng mabigat sa Araw ng Pamamahinga.

Jeremiah 17:24-25

Anong mangyayari sa lungsod kung ang mga tao ay makikinig at hindi gagawa ng anumang gawain sa Araw ng Pamamahinga?

Kung sila ay makikinig at susunod, kung magkagayon ang lungsod ay mananatili magpakailanman. [17:25]

Jeremiah 17:26-27

Anong mangyayari kung ang mga tao ay hindi makikinig?

Kung ang mga tao ay hindi makikinig, susunugin ni Yahweh ang Jerusalem. [17:27]

Jeremiah 18

Jeremiah 18:1-4

Saang lugar sinabi ni Yahweh kay Jeremias na pumunta upang makinig ng salita mula sa kaniya?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na pumunta sa bahay ng magpapalayok. [18:2]

Ano ang nangyari sa putik na hinuhulma ng magpapalayok habang pinanonood ni Jeremias?

Nasira ito sa kaniyang kamay. [18:4]

Jeremiah 18:5-8

Ano ang gagawin ni Yahweh sa isang bansa na tumalikod mula sa kasamaan pagkatapos marinig ang kaniyang pagpapahayag?

mahahabag ako mula sa sakuna na binabalak kong dalhin dito. [18:8]

Jeremiah 18:9-10

Ano ang gagawin ni Yahweh sa isang bansa na hindi makikinig sa kaniyang tinig?

Hindi niya gagawin ang mabuti na kaniyang sinabi na kaniyang gagawin para sa kanila. [18:10]

Jeremiah 18:11-14

Bakit naghahanda ng sakuna si Yahweh laban sa mga tao ng Juda at Jerusalem?

Gumagawa sila ng mga masamang bagay? [18:11]

Ano ang gagawin ng mga tao ng Juda at Jerusalem pagkatapos na balaan sila ni Jeremias?

Hindi sila makikinig o hihinto na gumawa ng masamang bagay. [18:12]

Jeremiah 18:15-17

Bakit kakatakutan ang Israel?

Kinalimutan ng mga Israelita si Yahweh at gumawa ng paghahandog sa mga diyus-diyosan. [18:15]

Bakit ang bawat isa na dumadaan ay mangangatog at manginginig ang kaniyang ulo?

Gagawin nila iyon sapagkat ginawang katatakutan ni Yahweh ang lupain. [18:16]

Jeremiah 18:18-20

Ano ang masamang balak ng mga tao laban kay Jeremias?

Nagbalak silang labanan siya gamit ang kanilang mga salita at hindi papansinin ang anumang bagay na kaniyang sasabihin. [18:18]

Ano ang hiniling ni Jeremias kay Yahweh upang alalahanin siya?

Hiniling ni Jeremias kay Yahweh na alalahanin kung paanong nagsalita si Jeremias para sa pangangailangan ng mga tao. [18:20]

Jeremiah 18:21-23

Ano ang hiniling ni Jeremias kay Yahweh na gagawin sa kaniyang mga kaaway?

Hiniling niya na patayin ang lahat ng mga kalalakihan at huwag patawarin ang kanilang mga kasalanan. [18:21]

Jeremiah 19

Jeremiah 19:1-3

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na bibilhin niya?

Sinabi niya kay Jeremias na pumunta at bumili ng banga. [19:1]

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na idudulot niya sa mga hari ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem?

Sinabi ni Yahweh na magdadala siya ng sakuna sa lugar na iyon at mangingilabot ang kanilang tainga." [19:3]

Jeremiah 19:4-5

Bakit magdudulot si Yahweh ng sakuna sa Jerusalem?

Magdudulot siya ng sakuna dahil tinalikuran ng mga tao ang Diyos nilapastangan nila ang kaniyang lugar at lumapit sa ibang mga diyos, at pinuno nila ng walang salang dugo ang lugar na ito. [19:4]

Bakit nagtayo ang mga tao ng dambana para kay Baal?

Nagtayo sila ng mga dambana upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak bilang alay na susunugin para sa kaniya. [19:5]

Jeremiah 19:6-9

Ano ang itatawag sa lambak ng Ben Hinom?

Tatawagin itong Lambak ng Patayan. [19:6]

Jeremiah 19:10-11

Ano ang gagawin ni Yahweh sa banga?

Babasagin niya ang banga na nakatingin ang mga kalalakihang sumama sa kaniya.

Jeremiah 19:12-13

Ano ang ginagawa ng mga hindi malinis na mga tao sa bubungan?

Sinasamba ng mga hindi malinis na tao ang mga bituin sa mga bubungan at nagbubuhos ng handog na inumin sa ibang mga diyos." [19:13]

Jeremiah 19:14-15

Bakit nagdulot ng sakuna si Yahweh sa lungsod at sa lahat ng bayan nito?

Nagdulot ng sakuna ang Diyos sa kanila dahil pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa mga salita ng Diyos." [19:14-15]

Jeremiah 20

Jeremiah 20:1-2

Bakit hinampas ni Pashur si Jeremias at inilagay siya sa mga pangawan?

Pinarusahan ni Pashur si Jeremias dahil ipinahayag ni Jeremias ang mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh. [20:1-2]

Jeremiah 20:3-4

Ano ang ibibigay ni Yahweh sa hari ng Babilonia?

Ibibigay ni Yahweh sa kaniya lahat ng mga karangyaan ng lungsod na ito, lahat ng mga kasaganaan nito, ang lahat ng mahahalagang mga bagay at ang lahat ng mga kayamanan ng mga hari sa Juda. [20:4]

Jeremiah 20:5-6

Ano ang mangyayari kay Pashur at sa lahat ng mga naninirahan sa kaniyang bahay?

Pupunta sila sa Babilonia at mamatay doon.

Jeremiah 20:7-9

Anong mensahe ang isinisigaw at ipinapahayag ni Jeremias?

Isinisigaw at ipinapahayag niya ang, "Karahasan at pagkawasak." [20:8]

Ano ang mangyayari nang subukang hindi na ipahayag ni Jeremias ang pangalan ni Yahweh?

Ang salita ni Yahweh ay naging tulad ng apoy sa puso ni Jeremias na nagliliyab sa kaniyang mga buto at hindi niya ito mapigilan.

Jeremiah 20:10-11

Ano ang mangyayari sa mga taong nanonood sa pagbagsak ni Jeremias?

Matataranta sila, hindi nila siya matatalo, at magkakaroon sila ng walang hanggang kahihiyan.

Jeremiah 20:12-13

Bakit sinabi ni Jeremias na umawit at magpuri kay Yahweh?

Dapat awitan at purihin ng lahat si Yahweh dahil sinusuri niya ang mga matuwid, nakikita niya ang kanilang isip at puso, naghihiganti at inililigtas niya ang mga taong inaapi.

Jeremiah 20:14-18

Paano sinabi ni Jeremias ang tungkol sa araw ng kaniyang pagkasilang?

Isinusumpa niya ang araw ng kaniyang kapanganakan at hiniling na hindi ito pagpalain. [20:14]

Jeremiah 21

Jeremiah 21:1-2

Ano ang hiniling ni Pashur at Zefanias kay Jeremias?

Hiniling nila na humingi siya payo mula kay Yahweh.

Bakit nilang humingi ng payo si Jeremias kay Yahweh?

Umaasa silang gagawa si Yahweh ng mga himala para sa kanila.

Jeremiah 21:3-5

Ano ang mensaheng ibinigay ni Jeremias kay Zedekias?

Ang mensahe ay makikipaglaban si Yahweh kay Zedekias.

Jeremiah 21:6-7

Paano lalabanan ni Yahweh si Zedekias?

Lalabanan ni Yahweh si Zedekias sa pamamagitan ng karamdaman, digmaan at taggutom.

Jeremiah 21:8-10

Ano ang kailangang gawin ng mga taong nais mabuhay?

Kailangan nilang lumabas sa lungsod at sumuko sa mga Caldeo.

Ano ang mangyayari sa mga taong mananatili sa lungsod?

Mamamatay sila.

Jeremiah 21:11-12

Ano ang nais ni Yahweh na gawin ng hari ng Juda?

Nais niyang pakinggan ng hari ang mga salita ni Yahweh upang magdala ng katarungan at upang iligtas ang mga inaapi.

Jeremiah 21:13-14

Kanino laban si Yahweh?

Laban si Yahweh sa mga taong naninirahan sa lambak at sa kapatagan.

Ano ang gagawin ni Yahweh dahil sa ginagawa ng mga tao?

Magsisindi siya ng apoy sa damuhan na susunogsa lahat.

Jeremiah 22

Jeremiah 22:1-3

Ano ang sinabi ni Yahweh sa hari ng Juda, sa kaniyang mga lingkod at kaniyang mga mamamayan na gagawin nila?

Dapat sila makinig sa salita ni Yahweh, kumilos ng makatarungan, tulungan ang mga nanakawan, at sagipin ang mga naapi. Hindi nila dapat apihin ang mga dayuhan, mga ulila, mga balo, o hindi sila dapat maging marahas o pumatay ng mga taong walang kasalanan. [22:1-3]

Jeremiah 22:4-5

Ano ang mangyayari kung hindi sila makikinig sa mga ipinahayag na ito ni Yahweh?

gumuho ang maharlikang palasyo. [22:5]

Jeremiah 22:6-7

Paano magiging ilang ang palasyo?

Pipili si Yahweh ng mga taong darating at sisirain nila. [22:6-7]

Jeremiah 22:8-9

Bakit ginawa ni Yahweh ang mga ito sa dakilang lungsod?

Ginawa niya ang mga ito dahil pinabayaan ng mga tao ang kasunduan at sumamba sila sa ibang mga diyos. [22:8-9]

Jeremiah 22:10-14

Bakit kailangan iyakan ng mga tao ang mga dinalang bihag?

Dapat silang iyakan dahil ang mga nabihag ay hindi kailanan msn makakabalik o muling makita ang lupain. [22:10]

Jeremiah 22:15-16

Ano ang dapat gawin ng isang mabuting hari?

Ang gawa niya ay makatarungan kahit sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan, gumawa ng makatuwiran at makilala si Yahweh.[22:15-16]

Jeremiah 22:17-19

Bakit hindi magluluksa ang mga tao para kay haring Jehoiakim?

Hindi sila magluluksa dahil nagnanakaw siya, pumapatay siya ng mga taong walang kasalanan at aapihin niya ang mga tao. [22:17]

Anong uri ng paglilibing ang gagawin nila kay Jehoiakin?

Siya ay ililibing gaya ng paglilibing nila sa mga asno. [22:19]

Jeremiah 22:20-21

Ano ang naging kaugalian ng mga tao mula ng pagkabata nila?

Hindi sila nakikinig sa tinig ni Yahweh.. [22:21]

Jeremiah 22:22-23

Ano ang mangyayari sa kanila kung hindi sila makikinig?

Mawawala sa kanila ang kanilang mga pastol, maging bihag ang mga kaibigan nila at sila ay mapapahiya at hahamakin. [22:22]

Jeremiah 22:24-28

Ano ang mangyayari kay Jehoiakin?

Ibibigay ni Yahweh si Jehoiakin sa hari ng Babilonia at siya mamatay malayo sa lupain. [22:24-26]

Jeremiah 22:29-30

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakin?

Mawawalan ng anak si Jehoiakin at hindi pagpapalain. [22:30]

Jeremiah 23

Jeremiah 23:1-2

Ano ang ginagawa ng mga pastol sa mga tupa sa panahon ni Jeremias?

Sinira at pinagwatak-watak ng mga pastol ang mga tupa, itinaboy sila palayo, at hindi sila inalagaan. [23;1-2]

Jeremiah 23:3-4

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na gagawin niya para sa kaniyang kawan?

Kaniyang titipunin sila, bibigyan sila ng isang lugar upang sumagana at bibigyan sila ng mabubuting pastol. [23:3-4]

Jeremiah 23:5-6

Ano ang gagawin ni Yahweh sa darating na araw?

Magbabangon siya ng isang matuwid na hari. [23:5-6]

Jeremiah 23:7-8

Ano ang sinasabi ng mga tao na gagawin ni Yahweh para sa kanila?

Sinasabi nilang ibinalik sila ni Yahweh mula sa ibang mga lupain upang maaari silang manirahan sa kanilang sariling lupain. [23;7-8]

Jeremiah 23:9-10

Bakit nawasak ang puso ni Jeremias?

Nawasak ang kaniyang puso dahil ang salita ni Yahweh ay banal, ngunit ang mga propeta ay sinungaling at ang lupain ay puno ng mga mangangalunya. [23;9]

Jeremiah 23:11-12

Ano ang mangyayari sa mga propeta at sa mga pari?

Itutulak sila pababa ni Yahweh at ang sakuna ay darating laban sa kanila. [32;11-12]

Jeremiah 23:13-15

Ano ang mga kasalanan ng mga propeta?

Nagpahayag sila sa pamamagitan ni Baal, pinamunuan ang mga tao ni Yahweh palayo sa tamang landas, nakagawa ng pangangalunya, nilinlang ang mga tao at hinikayat ang mga tao upang gumawa ng masama. [32;13-14]

Ano ang ginawa ni Yahweh sa mga propetang ito?

Pinakain niya sila ng uod ng kahoy at pinainom ng tubig na nakakalason. [23;15]

Jeremiah 23:16-18

Bakit sinabi ni Yahweh, "Huwag makinig sa mga propeta"?

Nagsinungaling sila sa mga tao

Jeremiah 23:19-20

Ano ang katulad ng matinding galit ni Yahweh

Ang kaniyang matinding galit ay tulad ng isang bagyo. [23:19]

Jeremiah 23:21-22

Ano ang mali sa mga propeta?

Hindi sila isinugo ni Yahweh. [23:21-23]

Jeremiah 23:23-24

Saan maaaring pumunta ang mga tao upang lumayo mula kay Yahweh?

Ang mga tao ay hindi maaaring makalayo mula sa kaniya kahit saan. Malapit man siya o malayo, makikita niya ang bawat tagong lugar at siya ay nasa lahat ng dako sa langit at sa lupa. [23:23-24]

Jeremiah 23:25-27

Ano ang gusto ng mga propeta na gawin ng mga tao?

Gusto nilang tumigil ang mga tao sa pagsamba kay Yahweh. [23:25-27]

Jeremiah 23:28-30

Paano ipinahayag ng propeta ni Yahweh ang kaniyang mga narinig mula kay Yahweh?

Ipinahayag niya ang salita ni Yahweh ng makatotohanan at hindi nakaw na mga salita mula sa ibang mga tao. [23:28-29]

Jeremiah 23:31-32

Bakit hindi sang-ayon si Yahweh sa mga propeta?

Hindi siya sang-ayon sa kanila dahil nilinlang nila ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagsasabing ang kanilang sariling kaisipan ay mga salita ni Yahweh.

Jeremiah 23:33-34

Ano ang nais ni Yahweh na sabihin ni Jeremias sa mga nagtatanong sa kaniya ng salita mula kay Yahweh?

Kaniyang sasabihin na walang salita mula kay Yahweh dahil pinabayaan na ni Yahweh ang mga tao. [23:33]

Jeremiah 23:35-36

Bakit hindi dapat pag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pahayag ni Yahweh?

Hindi nila dapat gawin ito dahil ginagamit ng bawat tao ang kanilang sariling mga salita at kanilang binabago ang salita mga ng buhay na Diyos. [23:35-36]

Jeremiah 23:37-40

Paano sinusubuk ni Jeremias ang sinumang propeta?

Nagtanong siya upang makita kung hindi sila makatotohanan nagsasabi na nakatanggap sila ng isang payahag mula kay Yahweh. [23:37-38]

Jeremiah 24

Jeremiah 24:1-3

Ano ang pangitaing ibinigay ni Yahweh kay Jeremias?

Ipinakita ni Yahweh sa kaniya ang isang basket ng napakabuting mga igos at isang basket ng napakasamang mga igos. [24:1-3]

Jeremiah 24:4-7

Sino ang mga taong sinasabi ni Yaweh na tulad ng mabuting mga igos?

Sinasabi ni Yahweh na ang mga bihag ay tulad ng mabuting mga igos. [24:4-5]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taong tulad ng mga mabuting igos?

Ibabalik niya sila sa lupain. [24:6]

Jeremiah 24:8-10

Sino ang mga taong sinasabi ni Yahweh na tulad sa mga masamang igos?

Si Zedekias, ang mga taong nananatili sa lupain at ang mga taong pumunta sa Egipto ay tulad ng mga masamang igos. [24:8]

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taong sinasabi niyang tulad ng mga masamang igos?

Gagawin niyang masama ang mga bagay para sa kanila at papatayin niya sila sa pamamagitan ng digmaan, taggutom at karamdaman. [24: 8-10]

Jeremiah 25

Jeremiah 25:1-2

Kanino ipinahayag ni Jeremias na propeta ang salitang ito?

Ipinahayag niya ang salita sa lahat ng mga tao ng Juda at lahat ng naninirahan sa Jerusalem. [25:1-2]

Jeremiah 25:3-4

Gaano katagal na nagpahayag si Jeremias ng mga salita ni Yahweh?

Ipinahayag niya sa kanila ng 23 taon. [25:3-4]

Paano tinanggap ng mga tao ang salita na ipinahayag ni Jeremias?

Hindi sila nakinig. [25:3]

Jeremiah 25:5-6

Ano ang sinabi ng mga propeta sa bawat isa?

Sinabi nila sa bawat isa na tumalikod sa kanilang masamang lakad, na huwag sumamba sa ibang diyos, at huwag udyukan si Yahweh sa kanilang mga ginawa. [25:5-6]

Jeremiah 25:7-9

Anong pananakit ang ginawa ni Yahweh sapagkat hindi sila nakinig?

Ipinadala ni Yahweh ang mga tao sa hilaga patungo kay Nebucadnezar upang wasakin sila.

Jeremiah 25:10-11

Anong tunog ang nawala mula sa mga bansa noong naglingkod sila sa hari ng Babilonia ng pitumpung taon?

Ang tunog ng mga pagdiriwang at ang tunog ng gawain ay mawawala. [25:10-11]

Jeremiah 25:12-14

Ano ang mangyayari sa pitumpung taon?

Paparusahan ni Yahweh ang mga tao ng Babilonia dahil sa kanilang mga kasamaan. [25:12-14]

Jeremiah 25:15-16

Ano ang gagawin ng lahat ng mga bansa kapag ibinigay ni Yahweh sa kanila ang saro ng matingding galit

Iinumin nila ito, madarapa, at tatakbo ng may kabaliwan. [25:15-16]

Jeremiah 25:17-23

Ano ang mangyayari pagkatapos inumin ng mga taga-Jerusalem, ang lungsod ng Juda at ang kaniyang mga hari at mga opisyal na mula sa saro na ibinigay ni Jeremias sa kanila?

Maliliko sila sa pagkawasak. [25:17-18]

Jeremiah 25:24-26

Ano ang huling bansa na iinom ng saro ng matinding galit ni Yahweh?

Ang Babilonia ang huling iinom ng saro ng matinding galit ni Yahweh. [25:26]

Jeremiah 25:27-31

Ano ang mangyayari kung tanggihan ng mga bansa na kunin ang saro mula sa kamay ni Jeremias?

Gayon pa man paparusahan din sila. [25:27-29]

Jeremiah 25:32-33

Sino ang mamamatay mula sa sakuna mula kay Yahweh?

Papatayin nito ang bawat isa mula sa dulo ng mundo hanggang sa kabilang dulo. [25:32-33]

Jeremiah 25:34-36

Bakit tumatangis ang mga pastol?

Sapagkat ito ang araw ng kanilang kamatayan.

Jeremiah 25:37-38

Bakit mawawasak ang mapayapang pastulan?

Galit si Yahweh. [25:37-38]

Jeremiah 26

Jeremiah 26:1-3

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na kaniyang ipapahayag sa patyo?

Sinabi niya sa kaniya na ipahayag niya ang lahat ng mga salita ni Yahweh.

Ano ang gagawin ng mga tao upang hindi na ipadala ang kapahamakan sa kanila?

Kung makikinig ang mga tao at tatalikod sa kanilang mga kasamaan, hindi na ipapadala ni Yahweh ang kapahamakan sa kanila.

Jeremiah 26:4-6

Kung hindi makikinig ang mga tao sa mga salita ni Yahweh, ano ang gagawin ni Yahweh sa kanilang lungsod?

Gagawin ni Yahweh na isang isinumpa ang kanilang lungsod.

Jeremiah 26:7-9

Ano ang nangyari kay Jeremias matapos niyang maipahayag ang mga salita ni Yahweh?

Dinakip siya ng mga pari, mga propeta at mga tao at sinabi sa kaniya na mamamatay siya.

Jeremiah 26:10-12

Saan siya dinala ng mga tao upang hatulan?

Dinala siya sa tarangkahan ng Bagong Tarangkahan ng templo.

Jeremiah 26:13-15

Ano ang mangyayari sa mga opisyal kung papatayin nila si Jeremias?

Kung papatayin nila si Jeremias, magkakasala sila sa pagpatay sa isang taong walang sala.

Jeremiah 26:16-17

Ano ang sinabi ng mga opisyal, ng mga tao, at mga nakatatanda tungkol sa pagpatay kay Jeremias?

Sinabi nilang hindi tama na patayin siya.

Jeremiah 26:18-19

Ano ang ipinahayag ni Micas?

Ipinahayag ni Mikas na ang Zion, ang Jerusalem, at ang bundok na kinatatayuan ng templo ay magiging lugar ng pagkawasak.

Jeremiah 26:20-21

Ano ang tinangkang gawin ng hari kay Urias?

Tinangkang patayin ng hari si Urias.

Ano ang ginawa ni Urias?

Pumunta siya sa Egipto.

Jeremiah 26:22-24

Paano napatay ni Jehoiakim si Urias?

Nagpadala si Jehoiakim ng mga kalalakihan upang ibalik si Urias at pinatay ni Jehoiakim si Urias sa pamamagitan ng espada.

Sino ang nagligtas kay Jeremias mula sa kamatayan?

Si Ahikam na anak ni Safan ang nagligtas kay Jeremias mula sa kamatayan.

Jeremiah 27

Jeremiah 27:1-4

Sinong mga hari ang pinagbigyan ng salita ni Jeremias na mula kay Yahweh?

Natanggap niya ang mensahe para sa mga hari ng Edom, Moab, Ammon, Tiro at Sidon.

Jeremiah 27:5-7

Ano ang mensahe para sa mga hari?

Maglilingkod ang lahat ng kanilang mga bansa kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia.

Jeremiah 27:8

Ano ang mangyayari sa mga bansa na hindi maglilingkod kay Nebucadnezar?

Parurusahan ni Yahweh ang mga bansa na hindi maglilingkod kay Nebucadnezar sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.

Jeremiah 27:9-11

Ano ang mangyayari sa mga tao na makikinig sa mapanlinlang na pahayag?

Ipapatapon sila ni Yahweh mula sa kanilang lupain at mamamatay sila.

Ano ang matatanggap ng bansa na tatanggap sa pamatok ng hari ng Babilonia?

Mananatili sila sa kanilang lupain, aalagaan ito, at gagawa ng mga tahanan.

Jeremiah 27:12-13

Ano ang kailangang gawin ni Haring Zedekias kung nais niyang mabuhay?

Kailangan niyang paglingkuran ang Hari ng Babilonia.

Jeremiah 27:14-15

Ano ang mangyayari kay Zedekias kung makikinig siya sa kaniyang mga propeta?

Ipapatapon siya ni Yahweh at siya ay mamamatay.

Jeremiah 27:16-18

Ano ang sinabi ni Jeremias sa mga pari at sa mga tao?

Hindi sila dapat makikinig sa mga propeta. Paglilingkuran nila ang hari ng Babilonia at mabubuhay.

Jeremiah 27:19-20

Sino ang mga dinala ni Nebucadnezar mula sa Juda at Jersulaem?

Dinala niya si Jehoiakim at ang lahat ng mga maharlika.

Jeremiah 27:21-22

Ano ang mangyayari sa mga bagay sa templo?

Dadalhin ni Nebucadnezar ang mga ito sa Babilonia.

Jeremiah 28

Jeremiah 28:1-7

Sa madaling sabi ano ang sinabi ni Ananias kay Jeremias sa harap ng mga pari at mga tao?

Sinabi ni Ananias na sinira ni Yahweh ang pamatok na ipinataw ng hari ng Babilonia.

Jeremiah 28:8-9

Paano malalaman kung ang isang propeta ay tunay na isinugo ni Yahweh?

Ang sinabi ng propeta ay magkakatotoo.[28:9]

Jeremiah 28:10-11

Bakit sinira ni Ananias ang pamatok na kinuha mula kay Jeremias?

Nais niyang maniwala ang mga tao na makakalaya sila mula sa Babilonia.

Jeremiah 28:12-14

Totoo ba ang mga salita ni Ananias?

Hindi, hindi makakalaya ang mga tao mula sa Babilonia.

Jeremiah 28:15-17

Ano ang mensahe ni Yahweh kay Ananias sa pamamagitan ni Jeremias?

Papatayin ni Yahweh si Ananias sa taon na ito dahil sinabihan ni Ananias na maghimagsik laban kay Yahweh ang mga tao .

Jeremiah 29

Jeremiah 29:1-3

kanino ipinadala ni Jeremias ang kaniyang kasulatang nakarolyo?

Ipinadala ito sa lahat ng mga tao na sapilitang idinala sa Babilonia.

Jeremiah 29:4-5

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga bihag?

Sinabi niya sa kanila na magtayo ng mga bahay, mag-asawa, hanapin ang kapayapaan at manalangin sa kaniya sa ngalan ng Babilonia.

Jeremiah 29:6-7

Bakit sinabi ni yahweh sa mga bihag na hanapin ang kapayapaan ng lungsod kung saan sila ay dinala ng sapilitan at upang mamagitan kay Yahweh alang-alang sa lungsod na iyon?

Sinabi niya sa kanila na gawin ito dahil ang mga sapilitang dinala ay magkakaroon ng kapayapaan kung ang lungsod ay mapayapa [.29:7]

Jeremiah 29:8-9

Ano ang babala ni yahweh sa mga bihag sa pamamagitan ni Jeremias?

Binalaan niya sila na huwag makinig sa mga panaginip o sa mga propeta na hindi isinugo ni Yahweh.

Jeremiah 29:10-11

Ano plano ni Yahweh para sa mga bihag pagkatapos ng pitumpung taon?

Ibabalik niya sila sa Juda at bibigyan ng kapayapaan.

Jeremiah 29:12-14

Kailan nila matatagpuan si Yahweh?

Matatagpuan nila siya kapag tatawag sila sa kaniya at hahanapin siya ng buong puso.

Jeremiah 29:15-17

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tao na nananatili sa lungsod at hindi lumabas sa pagkabihag?

Sinabi ni Yahweh na malapit na niyang ipadala ang espada, tag-gutom at sakit sa kanila. [29:16-17]

Jeremiah 29:18-19

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tao na nanatili sa lungsod at hindi nabihag?

Magpapadala si Yahweh ng espada, tag-gutom at sakit sa kanila.

Jeremiah 29:20-21

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kay Ahab at Zedekias?

Ipapasakamay niya sila kay Nebucadnezar, na siyang papatay sa kanila.

Jeremiah 29:22-23

Anong sumpa ang [sasabihin]/sasalitain/ng mga bihag ng Juda sa Babilonia?

Sasabihin nila, "Gawin [nawa]sana/ sa inyo ni Yahweh ang katulad kay Zedekias at Ahab [na sinunog sa apoy ng hari ng Babilonia]/, ang mga hari ng Babilonia na inihaw sa apoy/."

Bakit [hinayaan ni Yahweh na patayin]/hinayaang patayin ni Yahweh/ sina Ahab at Zedekias?

Hinayaan silang patayin dahil sa kahiya-hiyang mga bagay na ginawa nila. [29:23]

Jeremiah 29:24-26

Nasaan si [Semaias]Sehemias nang [isinulat]/sulatin/sinulat/ niya ang mga sulat/liham?

Siya ay nasa [B]babilonia.

Nasaan ang mga tao na sinulatan ni Sehemias [ng liham]

[Nasa Jerusalem sila] /Sila ay nasa Jerusalem/. [29:25]

Ano ang [gusto ni Semaias na gawin ni Zefanias] /gustong ipagawa ni Sehemias kay Zepanias/?

Nais niyang [ipabilanggo ni Zefanias ang mga propeta] /gawin ni Zepanias na mga/maging bilanggo ang mga propeta./ [29:26]

Jeremiah 29:27-29

Bakit nais ni [Semaias]/Sehemias/ na sawayin ni Zepanias [si]/ni/ Jeremias?

Dahil /sa/ sinabi ni Jeremias na ang mga tao ay mananatili sa Babilonia sa mahabang panahon. [29:28]

Jeremiah 29:30-32

Bakit paparusahan ni Yahweh si /Semaias]/Sehemias/ at ang kaniyang kaapu-apuhan?

Gagawin niya ito dahil nagpahayag [si Semaias]/siya/ ng kasinungalingan sa mga tao kaya [naghimagsik sila laban kay Yahweh]/sila ay nagrebelde laban kay Yahweh/. [29:31-32]

Jeremiah 30

Jeremiah 30:1-3

Ano ang gagawin ni Yahweh para sa kaniyang mga tao?

Panunumbalikin niya ang kanilang mga kayamanan at ibabalik sila sa kanilang lupain.

Jeremiah 30:4-5

Sino ang nakarinig sa "nanginginig na tinig ng pangamba"?

Nagsasalita sa kaniyang sarili si Yahweh kagaya ng "kami ," na nakarinig sa tinig.

Jeremiah 30:6-7

Bakit nakalagay sa kanilang mga puson ang mga kamay ng mga binata at mayroong maputlang mga mukha?

Magkakaroon ang mga kaapu-apuhan ni Jacob ng panahon ng pagkabalisa.

Jeremiah 30:8-9

Paano ipagdiriwang ng mga Israelita ang pagkapalaya mula sa pagka-alipin?

Sasambahin nila si Yahweh na kanilang Diyos at paglilingkuran sa David na kanilang hari.

Jeremiah 30:10-11

Bakit hindi dapat panghinaan ng loob ang mga kaapu-apuhan ni Jacob?

Ibabalik sila ni Yahweh mula kung saan sila ikinalat na naging mga bihag.

Jeremiah 30:12-13

Paano magagamot ang mga sugat ng Israel?

Hindi ito magagamot.

Jeremiah 30:14-15

Bakit itinutuwid ni Yahweh ang mga Israelita?

Itinutuwid ni Yahweh ang mga Israelita dahil sa kanilang mga kasamaan at mga kasalanan.

Jeremiah 30:16-17

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga nanakit sa Israel?

Hahayaan niya ang kanilang mga kalaban na ubusin, bihagin at samsaman sa sila.

Anong gagawin ni Yahweh para sa Israel?

Gagamutin ni Yahweh ang mga sugat ng Israel.

Jeremiah 30:18-19

Ano ang gagawin ng mga tao pagkatapos muling maitayo ang lungsod?

Aawit sila ng mga awit ng pagpupuri, pararamihin sila at pararangalan sila ni Yahweh.

Jeremiah 30:20-24

Ano ang gagawin ni Yahweh pagkatapos niyang maitatag ang kapulungan ng Israel?

Magtatalaga siya ng isang pinuno para sa Israel.

Jeremiah 31

Jeremiah 31:1-3

Kanino magiging Diyos si Yahweh?

Siya ang magiging Diyos ng lahat ng mga angkan ng Israel.

Bakit nakatagpo ng kabutihan kay Yahweh ang mga Israelita na nakaligtas sa espada?

Nakatagpo sila ng kabutihan dahil mahal sila ni Yahweh, pagmamahal na walang hanggan.

Jeremiah 31:4-6

Ano ang gagawin ng birheng Israel matapos siyang ibangon ni Yahweh?

Lalabas siya na may mga masasayang sayaw magkakaroon ng magagandang mga pananim.

Jeremiah 31:7

Sino ang iniligtas ni Yahweh?

Iniligtas niya ang mga natitirang Israelita

Jeremiah 31:8-9

Saan ibabalik ni Yahweh ang mga nalalabing Israel?

Ibabalik niya sila mula sa hilagang mga lupain at sa pinakamalalayong bahagi ng mundo.

Jeremiah 31:10-11

Sino ang "isang nagpakalat ng Israel"?

Ikinalat ni Yahweh ang Israel.

Jeremiah 31:12

Ano ang magiging mga palatandaan ng kabutihan ni Yahweh?

Magkakaroon ang mga tao ng masaganang pagkain, alak, langis at mga hayop.

Jeremiah 31:13-14

Ano ang gagaawin ng mga tao kapag hihinto sila sa pagluluksa?

magdidiwang sila.

Jeremiah 31:15

Bakit may nananaghoy at mapait na nagluluksa sa Rama?

Mayroong nananaghoy at nagluluksa dahil namatay na ang mga anak ni Raquel.

Jeremiah 31:16-17

Bakit kailangang tumigil ang mga tao sa pagluluksa?

Ibabalik ni Yahweh ang kanilang mga kaapu-apuhan mula sa lupain ng mga kalaban.

Jeremiah 31:18-22

Bakit nagkaroon ng habag si Yahweh sa Epraim?

Nagkaroon siya ng habag dahil nahiya ang Efraim sa kanilang mga kasalanan.

Jeremiah 31:23-26

Bakit sasabihin ng mga tao, "Pagpalain nawa kayo ni Yahweh?

Sasabihin nila iyon dahil maninirahan ang mga tao sa lungsod at maninirahan ang mga magsasaka at mga pastol sa bansa.

Jeremiah 31:27-28

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga sambahayan ng Israel at Juda na kaniyang binunot at winasak?

Babantayan sila ni Yahweh para maaari niya silang maibangon at maitayo.

Jeremiah 31:29-32

Ano ang kasabihan na hindi na gagamitin ng mga Israelita at taga-Juda?

Ang kasabihan ay, "Kinakain ng mga Ama ang maasim na ubas at ang ngipin ng mga anak ang pumurol."

Bakit hindi na gagamitin ng mga tao ang kasabihang iyon?

Mamamatay angBawat tao dahil sa kanilang sariling kasalanan.

Jeremiah 31:33-34

Ano ang bagong kasunduan na itatatag ni Yahweh sa sambahayan ng Israel at Juda?

Ito ang bagong kasunduan: Isusulat ni Yahweh ang kaniyang kautusan sa kanilang mga puso.

Jeremiah 31:35-36

Magiging isang bansa ang Israel hanggang sa hindi naglalaho ang ano?

Maging isang bansa sila hanggang hindi maglalaho ang araw, buwan, mga bituin at dagat.

Jeremiah 31:37

Tatanggihan lamang ni Yahweh ang mga kaapu-apuhan ng Israel kapag nangyari ang anong dalawang bagay?

Maging isang bansa sila hanggang walang sinuman ang makakasukat sa taas ng kalangitan o makakatuklas sa pundasyon ng mundo.

Jeremiah 31:38-40

Kapag itinayo muli ang lungsod, magiging mas malaki o mas maliit ba ito kaysa sa dati?

Magiging mas malaki ito.

Jeremiah 32

Jeremiah 32:1-2

Nasaan si Jeremias nang ibigay ni Yahweh ang isang mensahe sa kaniya?

Si Jeremias ay nakakulong sa bulwagan ng tahanan ng hari ng Juda.

Ano ang ginagawa ng hukbo ng Babilonia?

Nilulusob nito ang Jerusalem.

Jeremiah 32:3-5

Bakit ikinulong ni Zedekias si Jeremias?

Ikinulong siya ni Zedekias dahil nagpahayag si Jeremias na ang Jerusalem at si Zedekias ay bibihagin ng mga taga-Babilonia.

Jeremiah 32:6-9

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na mangyayari?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na pupunta kay Jeremias si Hanamel na lalaking anak ng tiyuhin niya na si Salum at sasabihin, "Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatan na bilhin ito."

Jeremiah 32:10-12

Paano binili ni Jeremias ang bukid?

Nilagdaan at sinelyuhan ni Jeremias ang katibayan ng pagbili, tinimbang ang pilak sa timbangan at ibinigay ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc sa harapan ng mga saksi.

Jeremiah 32:13-15

Ano ang sinabi ni Jeremias na gawin ni Baruc sa naselyuhan na Balumbon?

Sinabi ni Jeremias kay Baruc na kunin niya ang mga kasulatang binalumbon kasama ang resibo ng pagbili at ilagay ang mga ito sa isang bagong lalagyan.

Ano ang mensahe ng pag-asa ang nais ibigay ni Yahweh sa pamamagitan nitong pagbili sa lupain?

Nais ipaalam ni Yahweh sa lahat ng tao na muling bibili ang mga tao ng mga tahanan, mga bukirin at mga ubasan sa lupain.

Jeremiah 32:16-18

Paano ginawa ni Yahweh ang kalangitan at lupa?

Ginawa niya ang kalangitan at lupa sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kalakasan at sa pamamagitan ng kaniyang nakataas na braso.

Jeremiah 32:19-21

Paano ginawang tanyag ni Yahweh ang kaniyang pangalan?

Inilabas niya ang mga Israelita mula sa lupain ng Egipto.

Jeremiah 32:22-23

Ano ang ginawa ng mga Israelita matapos ibigay ni Yahweh sa kanila ang lupain?

Hindi sila sumunod sa kaniya.

Jeremiah 32:24-25

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Jeremias kapag ang lungsod ng Jerusalem ay ipapasakamay sa mga taga-Babilonia?

Sinabi niya na bumili siya ng isang bukid.

Jeremiah 32:26-30

Bakit makakayanang sakupin ni Nebucadnezar ang lungsod?

Ibibigay ni Yahweh sa kaniya ang lungsod.

Jeremiah 32:31-32

Gaano katagal na maging pag-aalab ng poot ang Jerusalem kay Yahweh?

Ang Jerusalem ay naging isang pag-aalab ng poot ni Yahweh mula pa sa panahong itinayo nila ito.

Jeremiah 32:33-35

Ano ang ginawa ng mga Israelita upang galitin si Yahweh?

Tinalikuran nila si Yahweh, naglagay sila ng masamang mga bagay sa templo, nagtayo sila ng mga dambana para kay Baal at inihandog ang kanilang mga anak kay Molec.

Jeremiah 32:36-37

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gagawin niya sa mga taga-Juda kahit na masama sila?

Ipinangako niya na titipunin niya sila nasaan man sila at ibabalik sila sa lupain.

Jeremiah 32:38-40

Paano nagkaloob si Yahweh para sa mga taga-Juda?

Bibigyan niya sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan siya at magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila.

Jeremiah 32:41-44

Gaya ng pagdadala ni Yahweh ng sakuna sa kaniyang mga tao, ano pa ang gagawin niya sa kanila sa hinaharap?

Sinabi ni Yahweh na dadalhin niya sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na kaniyang sinabi na gagawin niya para sa kanila.

Jeremiah 33

Jeremiah 33:1-3

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin ni Jeremias?

Sinasabi ni Yahweh kay Jeremias na tumawag sa kaniya.

Jeremiah 33:4-5

Ano ang mga gagawin ng mga Caldeo sa mga tahanan sa lungsod?

Pupunuin nila ang mga tahanan ng mga bangkay.

Jeremiah 33:6-11

Ano ang mabuting balita na ibinahagi ni Jeremias sa mga taga-Juda?

Patatawarin ni Yahweh lahat ng mga kasamaan ng mga tao, pagagalingin sila at bibigyan sila ng kapayapaan.

Ano ang magiging kahihinatnan ng Jerusalem para kay Yahweh?

Ang Jerusalem ay magiging isang kasangkapan ng kagalakan para kay Yahweh.

Jeremiah 33:12-13

Paano mapapalitan ang mga lungsod ng Juda?

Ngayon ang mga lungsod ay napabayaan, ngunit aakayin ng mga pastol ang kanilang mga kawan sa mga ito.

Jeremiah 33:14-16

Ano ang ipinangako ni Yahweh na gagawin niya para sa mga taga-Juda at Jerusalem?

Ipinangako ni Yahweh na gagawin niyang hari nila ang isang kaapu-apuhan ni David upang magdala ng katarungan at katuwiran sa lupain.

Jeremiah 33:17-18

Ano ang ipinangako ni Yahweh kay Jeremias?

Ipinangako niya na laging mayroong isang lalaki mula sa lahi ni David upang mamahala sa Israel at isang paring Levitico upang maghandog ng mga alay.

Jeremiah 33:19-22

Kailan sisirain ni Yahweh ang kaniyang tipan kay David?

Hindi niya kailanman sisirain ito.

Ilan ang magiging kaapu-apuhan ni David?

Magkakaroon si David ng maraming kaapu-apuhan na hindi mabilang.

Jeremiah 33:23-24

Ano ang ipinahayag ng mga tao tungkol sa pagpaparusa ni Yahweh sa Juda?

Ipinahayag ng mga tao na tinanggihan na ni Yahweh ngayon ang dalawang angkan na kaniyang pinili, kaya hindi na sila isang bansa.

Jeremiah 33:25-26

Kailan hindi tatanggapin(babalewalahin) ni Yahweh ang mga kaapu-apuhan ni Jacob?

Hindi niya kailanman sila babalewalahin.

Jeremiah 34

Jeremiah 34:1-3

Kailan natanggap ni Jeremias ang salita mula kay Yahweh?

Natanggap ni Jeremias ang salita ni Yahweh nang nakibahagi sa digmaan si Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem at ng kaniyang mga lungsod.

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias?

Sinabi niya na ibibigay niya ang lungsod kay Nebucadnezar.

Jeremiah 34:4-7

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Zedekias na hari ng Juda?

Sinabi niya kay Zedekias na mamamatay siya sa kapayapaan.

Jeremiah 34:8-9

Anong nangyari nang si Haring Zedekias at ang mga tao sa Jerusalem ay nagtakdang palayain ang mga lingkod ng Israelita?

Pinalaya ng mga tao ang lahat ng kanilang alipin ngunit hindi nagtagal nagbago ang kanilang mga isip at ginawang alipin muli ang kanilang lingkod.

Jeremiah 34:10-11

Anong nangyari pagkatapos itinakdang palayain ng mga pinuno at mga tao sa Jerusalem ang mga Israelitang lingkod?

Pinalaya ng mga tao ang lahat ng lingkod ng mga Israellita ngunit hindi nagtagal nagbago ang kanilang mga isip at ginawang alipin muli ang kanilang lingkod.

Jeremiah 34:12-14

Ano ang inutos ni Yahweh sa mga ninuno ng mga Israelita na gagawin sa bawat pitong taon?

Inutusan sila upang palayain ang kanilang mga alipin sa bawat pitong taon.

Jeremiah 34:15-16

Ano ang masamang ginawa ng mga tao ng Juda?

Pinalaya nila ang kanilang mga alipin, ngunit nang pagkatapos ay pinilit sila na maging alipin muli.

Jeremiah 34:17-19

Paano sila parurusahan ni Yahweh?

Mamamatay sila sa pamamagitan ng tabak, salot at sa taggutom.

Paano ipinakita ng mga tao na sumang-ayon sila sa tipan?

Naghati sila ng isang toro at lumakad sa pagitan ng mga bahagi nito.

Jeremiah 34:20-22

Paano ipinakita ni Yahweh na galit siya sa mga taga-Juda?

Ipapasakamay niya sila sa kanilang mga kaaway, na siyang papatay sa kanila.

Ano ang mangyayari sa lungsod ng Jerusalem?

Dadalhin ni Yahweh ang hukbo ng hari ng Babilonia upang magtaguyod ng digmaan laban sa Jerusalem at sunugin ito kaya wala ng maninirahan.

Jeremiah 35

Jeremiah 35:1-2

Ano ang hiniling ni Yahweh kay Jeremias na gawin?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na dalhin ang mga Recabita sa templo at bigyan sila ng alak upang inumin.

Jeremiah 35:3-4

Paano tumugon ang angkan ng mga Recabita kay Jeremias nang alukin sila ng alak?

Nang inalok sila upang uminom ng alak, tumanggi ang mga Recabita na inumin ito.

Jeremiah 35:5-7

Bakit tumanggi ang mga Recabita na uminom ng alak?

Tumanggi ang mga Recabita na uminom ng anumang alak, sapagkat iniutos ng kanilang ninuno na si Jonadab na anak ni Recab na, 'Huwag iinom ng anumang alak, kayo ni ang inyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.

Bakit inutusan ni Jonadab ang mga Recabita na huwag magtatayo ng mga bahay, maghahasik ng mga butil o magtatanim ng ubasan?

Ibinigay ni Jonadab ang utos na ito dahil maninirahan sila sa mga tolda.

Jeremiah 35:8-11

Paano tumugon ang mga Recabita sa utos ni Jonadab?

Hindi kailanman uminom ng alak ang mga Recabita o nagtayo ng mga bahay.

Bakit maninirahan ang mga Recabita sa Jerusalem?

Tumatakas sila sa mga hukbo ng Caldeo at hukbo ng taga Siria

Jeremiah 35:12-14

Paano ginamit ni Yahweh ang mga Recabita bilang isang magandang halimbawa para sa mga tao ng Juda?

Nais ni Yahweh na sumunod sa kaniya ang mga tao ng Juda kagaya ng pagsunod ng mga Recabita kay Jonadab.

Jeremiah 35:15-16

Ano ang sinabi ng propeta sa mga tao ng Juda?

Sinabi ng propeta sa kanila na tumigil sa paggawa ng masama, na magsimulang gumawa ng mabuti, tumigil sa pagsamba sa ibang mga diyos at bumalik sa lupain.

Jeremiah 35:17

Ano ang gagawin ni Yahweh nang hindi sumunod sa kaniya ang mga tao ng Juda?

Dadalhin sila ni Yahweh sa lahat ng mga sakuna na kaniyang ipinahayag laban sa kanila.

Jeremiah 35:18-19

Anong pangako ang ibinigay ni Yahweh sa sambahayan ng Recabita sa pamamagitan ni Jeremias?

Nangako si Yahweh na laging may isang tao mula sa kanilang sambahayan ang maglilingkod sa kaniya.

Jeremiah 36

Jeremiah 36:1-3

Bakit nais ni Yahweh na isulat ni Jeremias ang kaniyang mga salita sa isang kasulatang binalumbon?

Nais ni Yahweh na isulat ni Jeremias ang kaniyang mga salita sa isang kasulatang binalumbon upang makikinig ang mga tao ng Juda kay Yahweh at maaari silang patatawarin ni Yahweh sa kanilang mga kasalanan. [36:1-3]

Jeremiah 36:4-6

Ano ang iniutos ni Jeremias kay Baruc na gagawin?

Iniutos ni Jeremias kay Baruc na kunin ang kasulatang binalumbon na may mga salita ni Jeremias at basahin ito sa pamilya ni Baruc at sa mga tao ng Juda. [36:4-6]

Jeremiah 36:7-8

Bakit nais ni Jeremias na basahin ni Baruc ang kasulatang binalumbon?

Umasa si Jeremias na makikinig ang mga tao at tatalikod mula sa kanilang masasamang gawa. [36: 7-8]

Jeremiah 36:9-10

Ano ang nangyari sa panahon ng pag-aayuno na na inihahayag sa pagpuri kay Yahweh?

Binasa ni Baruc ang mga salita ni Jeremias sa templo upang marinig ng lahat ng mga tao ang mga ito. [36:9-10]

Jeremiah 36:11-12

Ano ang ginawa ni Micaias nang narinig niyang nagbabasa si Baruc mula sa kasulatang binalumbon?

Pumunta siya sa silid ng kalihim sa palasyo. [36:12]

Jeremiah 36:13-15

Ano ang ginawa ng mga opisyal ng marinig ang balita ni Micaias?

Ipinadala nila si Jehudi upang dalhin si Baruc sa kanila at ipinabasa nila kay Baruc ang kasulatang binalumbon sa kanila. [36:13-14]

Jeremiah 36:16-19

Ano ang nangyari pagkatapos magbasa ni Baruc mula sa kasulatang binalumbon?

Natakot ang mga kalalakihang nakarinig sa binasa ni Baruc at nagpasiya na kailangan nilang ibalita ang mga salitang ito sa hari. [36:16]

Ano ang payong ibinigay ng mga opisyal kay Baruc pagkatapos niyang sabihin sa kanila na isinulat niya ang mga salita ni Jeremias sa isang kasulatang binalumbon?

Sinabi nila sa kaniya na kailangang niya at ni Jeremias na magtago at huwag hayaang malaman ng sinuman kinaroroonan nila. [36:17-19]

Jeremiah 36:20-22

Paano tumugon ang hari sa pagbabasa ng kasulatang binalumbon sa pamamagitan ni Jehudi?

Tinanggal ng hari ang mga bahaging binasa ni Jehudi at itinapon ang mga ito sa apoy. [36:23]

Jeremiah 36:23-24

Paano ipinakita ng hari at kaniyang mga lingkod na hindi sila susunod sa mga salita sa kasulatang binalumbon?

Hindi sila natakot ni pinunit ang kanilang mga kasuotan. [36:24]

Jeremiah 36:25-26

Ano ang ginawa ng hari nang himukin siya ng ilang mga kalalakihan na huwag sunugin ang kasulatang binalumbon?

Hindi siya nakinig sa kanila. [36:25]

Jeremiah 36:27-29

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ni Jeremias pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang binalumbon?

Sinabi niya kay Jeremias na isulat muli ni Baruc sa isang bagong balumbon ang lahat na mga salitang naroon sa naunang kasulatang binalumbon. [36:27-29]

Jeremiah 36:30-32

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kay Jehoiakim?

Sinabi niyang hindi niya hahayaan ang sinumang kaapu-apuhan ni Jehoiakim na maging hari at titiyakin niyang walang sinuman ang maglilibing sa bangkay ni Jehoiakim. [36:30]

Jeremiah 37

Jeremiah 37:1-2

Sino ang gumawa kay Zedekias bilang hari ?

Si Nebucadnezar ang gumawang hari sa kaniya. [37:1]

Paano tumugon si haring Zedekias kay Jeremias nang ipinahayag niya ang mga salita ni Yahweh?

Hindi nakinig si Zedekias sa mga salita ni Yahweh. [37:1-2]

Jeremiah 37:3-5

Ano ang hiniling ni haring Zedekias at Zefanias na gagawin ni Jeremias?

Hiniling nila sa kaniya na manalangin siya kay Yahweh para sa kanila. [37:3]

Bakit umalis ang mga Caldeo (Taga-Babilonia) sa Jerusalem?

Nais nilang makatakas sa hukbo ng Faraon, na darating mula sa Egipto. [37:5]

Jeremiah 37:6-10

Bakit paparating ang hukbo ng Faraon mula sa Egipto?

Tutulong sila sa mga tao ng Juda sa pakikipaglaban sa mga Caldeo. [37:7]

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos bumalik ng hukbo ng Faraon sa Egipto?

Sinabi niyang babalik ang mga Caldeo at susunugin ang lungsod. [37:6-7]

Jeremiah 37:11-13

Bakit umalis si Jeremias sa Jerusalem?

Umalis siya upang kumuha ng ari-arian ng ilang lupain. [37:11-12]

Ano ang inisip ni Irijas na gagawin ni Jeremias?

Inisip ni Irijas na tumakas si Jeremias upang kumampi sa mga Caldeo (Taga-Babilonia). [37:13]

Jeremiah 37:14-15

Ano ang ginawa ni Irijas nang sinabi sa kaniya ni Jeremias na hindi siya tumakas upang kumampi sa mga Caldeo?

Dinala niya si Jeremias sa mga opisyal, na bumugbog at naglagay sa kaniya sa bilangguan. [37:14-15]

Jeremiah 37:16-17

Paano sumagot si Jeremias nang tanungin siya ni Haring Zedekias kung may salita si Jeremias mula kay Yahweh?

Sinabi ni Jeremias kay Zedekias na ibibigay ni Yahweh si Zedekias sa hari ng Babilonia. [37:16-17]

Jeremiah 37:18-20

Bakit ayaw bumalik ni Jeremias sa tahanan ni Jonatan na eskriba?

Natatakot siya na maaari siyang mamatay doon. [37:18-20]

Jeremiah 37:21

Paano tumugon si haring Zedekias sa kahilingan ni Jeremias?

Ipinalagay niya sa kaniyang mga utusan si Jeremias sa patyo ng bantay. [37:21]

Jeremiah 38

Jeremiah 38:1-3

Ano ang mangyayari sa lungsod?

Sasakupin ito ng mga Caldeo (taga Babilonia)

Ano ang mangyayari sa mga taong mananatili sa lungsod?

Mamamatay sila sa espada, taggutom, at salot.

Paano mananatiling buhay ang mga tao?

Mananatili silang buhay sa pamamagitan ng paglabas patungo sa mga Caldeo.

Jeremiah 38:4-5

Bakit nais ng mga opisyal na mamatay si Jeremias?

Ninais nilang mamatay siya sapagkat sinabi niya sa mga kawal na tumakas sila tungo sa mga Caldeo.

Jeremiah 38:6

Ano ang ginawa ng mga opisyal kay Jeremias?

Inilagay nila siya sa balon.

Jeremiah 38:7-9

Ano ang sinabi ni Ebed-melec sa hari tungkol kay Jeremias?

Sinabi niya sa hari, na masama ang ginawa ng mga opisyal sa kaparaanan ng pakikitungo nila kay propeta Jeremias. Ihinagis nila siya sa balon upang mamatay sa gutom.

Jeremiah 38:10-13

Ano ang iniutos ni haring Zedekias kay Ebed-melec patungkol kay Jeremias?

Inutusan ni Haring Zedekias si Ebed-melec na magdala ng tatlumpung kalalakihan upang iahon si Jeremias palabas sa balon, bago siya mamatay.

Jeremiah 38:14-16

Ano ang iniisip ni Jeremias na gagawin ni Zedekias kung sasabihin niya sa kaniya ang katotohanan?

Iniisip niya na papatayin siya ni Zedekias.

Paano hinikayat ni Zedekias si Jeremias na sagutin ang kaniyang tanong?

Sumumpa si Zedekias sa pamamagitan ni Yahweh na hindi niya siya papatayin.

Jeremiah 38:17-18

Ano ang sinabi ni Jeremias kay Zedekias?

Sinabi ni Jeremias kay Zedekias na kung pupunta siya tungo sa Caldeo, mabubuhay siya, ngunit kung hindi siya pupunta, siya at ang lungsod ay masisira.

Jeremiah 38:19

Bakit takot si Haring Zedekias sa mga tao ng Juda na tumakas tungo sa mga Caldeo?

Natatakot siyang pahintulutan ni Nebucadnezar sila na pakitunguhan siya ng masama.

Jeremiah 38:20-21

Anong kasiguraduhan ang ibinigay ni Jeremias kay Zedekias?

Sinabi niya kay Haring Zedekias na kung susunod si Zedekias sa mula mensahe mula kay Yahweh, hindi pahihintulutan ni Nebucadnezar na pakikitunguhan siya ng mga tao ng masama.

Jeremiah 38:22-23

Ano ang gagawin ng mga kababaihan kung tumanggi si Zedekias na lumabas?

Pagagalitan nila siya at tutuyain.

Jeremiah 38:24-26

Ano ang sinabi ni Zedekias kay Jeremias na sasabihin niya sa sinumang magtatanong sa kaniya kung ano ang pinag-usapan nila?

Sinabi niya kay Jeremias na sabihin sa kanila na pumunta siya upang makiusap sa kaniya na huwag siyang ibalik sa bahay ni Jonatan upang mamatay.

Jeremiah 38:27-28

Ano ang nangyayari nang magtatanong ang mga opisyal na galing sa sambahayan ng Juda kay Jeremias?

Sinabi ni Jeremias sa kanila kung ano ang sinabi ni Zedekias na sasabihin niya.

Jeremiah 39

Jeremiah 39:1-3

Sino ang sumama sa kaniyang hukbo laban sa Jerusalem at nilusob ito?

Si Nebucadnezar ang dumating.

Anong lungsod ang nawasak ng?

Ang lungsod ng Jerusalem ay masisira ng.

Sino ang pumunta at umupo sa gitna ng tarangkahan?

Lahat ng opisyal ng hari ng Babilonia ay pumunta at umupo sa gitna ng tarangkahan.

Jeremiah 39:4-5

Ano ang ginawa ng lahat ng mga panlabang kalalakihan ni Zedekias nang makita nila ang mga opisyal ng hari ng Babilonia sa gitna ng tarangkahan?

Tumakas sila ng gabi mula sa lungsod.

Ano ang ginawa ng hukbo ng mga Caldeo (mga taga Babilonia) nang madakip nila si Zedekias?

Binihag nila siya at dinala kay Nebucadnezar.

Jeremiah 39:6-7

Ano ang ginawa ni Nebucadnezar kay Zedekias nang dalhin sa kaniya?

Pinatay niya ang mga anak ni Zedekias at ang mga mararangal na kalalakihan ng Juda.

Ano ang ginawa ni Nebucadnezar kay Zedekias?

Tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos upang madala niya si Zedekias sa Babilonia.

Jeremiah 39:8-10

Ano ang ginawa ng mga Caldeo (mga taga Babilonia) sa mga bahay at mga pader ng Jerusalem?

Sinunog nila ang mga ito.

Sino ang dinalang bihag ni Nebucadnezar?

Kinuha niyang bihag ang lahat ng mga tao na naiwan sa lungsod at ang mga taong tumakas patungo sa mga Caldeo.

Anong ang pinahihintulutan ni Nebusaradan na gawin ng mga tao upang manatili sa lupain ng Juda?

Pinahintulutan niyang manatili ang mahihirap na mga tao.

Ano ang ibinigay ni Nebuzaradan sa mga tao na natira?

Binigyan ni Nebuzaradan ng mga ubasan at mga bukirin ang mga taong natira.

Jeremiah 39:11-14

Ano ang iniutos ni Nebucadnezar na gawin ni Nebuzaradan kay Jeremias?

Sinabi ni Nebucadnezar kay Nebuzaradan na alagaan si Jeremias at gawin ang lahat ng sasabihin niyang gawin.

Ano ang ginawa ni Nebuzaradan, Nergal-sarezer, at ang mga importanteng opisyal ng hari ng Babilonia na gawin kay Jeremias?

Kinuha nila si Jeremias mula sa patyo ng tagapagbantay at ipinagkatiwala kay Gedalias upang dalhin at inuwi si Jeremias.

Jeremiah 39:15-16

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na sasabihin kay Ebed-melec na taga-Etiopia?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na sasabihin niya kay Ebed-melec na taga Etiopia na malapit nang magdala ng sakuna si Yahweh sa lungsod.

Jeremiah 39:17-18

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kay Ebed-melec sa araw na tutuparin ni Yahweh ang kaniyang mga sinabi laban sa lungsod?

Sinabi niyang ililigtas niya si Ebed-melec.

Sa anong dahilang ililigtas ni Yahweh si Ebed-melec mula sa espada?

Ililigtas niya si Ebed-melec dahil nagtiwala siya kay Yahweh.

Jeremiah 40

Jeremiah 40:1-2

Ano ang dumating kay Jeremias pagkatapos na ipinadala siya ni Nebuzaradan mula sa Rama?

Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos siyang maipadala ni Nebuzaradan mula sa Rama.

Ano ang gagawin ni Nebuzaradan sa mga tao sa Jerusalem at Juda?

Papupuntahin niya sila sa Babilonia.

Bakit sinabi ng punong tagapagbantay kay Jeremias ang tungkol kay Yahweh at sa Jerusalaem?

Sinabi ng punong tagapagbantay na iniutos ni Yahweh ang kapahamakan laban sa lugar na iyon.

Jeremiah 40:3-4

Bakit sinabi ng punong tagapagbantay na bumagsak na ang Jerusalem?

Sinabi ng punong tagapagbantay na inutos ni Yahweh ang sakuna at nangyari na ito dahil nagkasala ang mga tao laban kay Yahweh.

Saan ang sinasabi ng punong tagapagbantay na pupuntahan ni Jeremias?

Sinabi niya na maaaring sumama sa kaniya sa Babilonia si Jeremias o pumunta kung saan niya nais sa lupain.

Jeremiah 40:5-6

Kanino pupunta si Jeremias ayon sa sinabi ng punong tagapagbantay?

Sinabi niyang dapat pumunta si Jeremias kay Gedalias na tagapamahala sa lungsod ng Juda.

Saan pupunta at maninirahan si Jeremias?

Pumunta si Jeremias kay Gedalias at nanirahan sa gitna ng mga tao na naiwan sa lupain.

Jeremiah 40:7-8

Ano ang ginawa ng mga pinuno ng mga kawal ng Juda at ng kanilang mga kalalakihan nang marinig nilang itinalaga si Gedalias na mamamahala sa kanilang hindi binihag patungo sa Babilonia?

Pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa.

Jeremiah 40:9-10

Ano ang sinabi ni Gedalias sa mga pinuno ng mga kawal ng Juda at ng kanilang mga kalalakihang gawin?

Sinabi niya na kung paglilingkuran nila ang mga opisyal ng Caldeo at ang hari ng babilonia at maninirahan sa lupain magiging mabuti ito sa kanila.

Ano ang sinabi ni Gedalias sa mga kumander ng mga kawal ng Juda at nang kanilang mga kalalakihang gawin upang makapag-ani sila ng ubas, bunga sa tag-araw, at langis?

Sinabi niya sa kanila na dapat silang tumira sa mga lungsod na kanilang inuukupa.

Jeremiah 40:11-12

Ano ang ginawa ng mga taga Juda nang marinig nila na pinahintulutan ng hari ng Babilonia ang labi ng Juda na manatili?

Bumalik ang mga taga Juda sa Juda mula sa bawat lugar kung saan sila ikinalat, at umani sila ng ubas at bunga sa tag-araw ng sagana.

Jeremiah 40:13-14

Ano ang itinanong ni Johanan at nang lahat ng pinuno ng mga kawal kay Gedalias sa Mispa?

Tinanong nila siya kung alam niya na ipinadala ni Baalis na hari ng Amon si Ismael upang patayin siya.

Ano ang inisip ni Gedalias tungkol sa sinabi sa kaniya ni Jonatan at nang mga pinuno ng mga kawal?.

Hindi siya naniwala sa kanila.

Jeremiah 40:15-16

Ano ang sinabi ni Johanan kay Gedalias na nais niyang gawin?

Ninais niyang patayin si Ismael.

Ano ang inisip ni Gedalias sa mga sinabi ni Johanan tungkol kay Ismael?

Inisip ni Gedalias na nagsasabi ng kasinungalingan si Jonatan tungkol kay Ismael.

Jeremiah 41

Jeremiah 41:1-3

Bakit pumunta si Ismael at ang sampung kalalakihang kasama niya upang kumain kasama si Gedalias?

Nais nilang patayin si Gedalias.

Sino ang pinatay ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan?

Pinatay nila si Gedalias, ang lahat ng mga taga-Juda na kasama niya at ang mga taga-Caldeong kawal na naroroon.

Jeremiah 41:4-5

Sino ang dumating sa pangalawang araw pagkatapos patayin ni Ismael si Gedalias?

Walumpung kalalakihan ang dumating mula sa Shekem, Shilo at Samaria.

Saan sila pupunta?

Sila ay pupunta sa templo?

Jeremiah 41:6-7

Ano ang sinabi ni Ismael sa walumpung kalalakihan?

Inanyayahan niya sila upang dalawin si Gedalias.

Anong ginawa ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan nang dumating sila sa lungsod?

Pinagpapatay nila ang kalalakihan at itinapon sila sa isang hukay.

Jeremiah 41:8-9

Bakit hindi nila pinatay ang sampu sa walumpung kalalakihan?

Sinabi sa kanila ng sampung kalalakihan na mayroon silang mga nakaimbak na pagkain.

Saan itinapon ni Ismael ang mga bangkay ng lahat ng mga taong kaniyang pinatay?

Itinapon niya sila sa hukay na hinukay ni Haring Asa.

Jeremiah 41:10

Ano ang ginawa ni Ismael sa lahat ng ibang mga taong nasa Mizpa?

Binihag ni Ismael ang lahat ng taong nasa Mizpa at sinimulan silang dalhin sa Ammon.

Jeremiah 41:11-12

Ano ang ginawa ni Johanan at ng lahat ng mga pinunong hukbong kasama niya nang marinig nila ang ginawa ni Ismael?

Isinama nila ang lahat ng kanilang mga tauhan at nakipaglaban kay Ismael.

Jeremiah 41:13-14

Ano ang ginawa ng lahat ng mga taong kasama ni Ismael nang makita nila si Johanan at ng lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya?

Labis silang natuwa at pumunta kay Johanan.

Jeremiah 41:15-16

Saan pumunta sina Ismael at ang kaniyang mga tauhan upang makatakas kay Johanan?

Pumunta sila sa mga Ammonita.

Jeremiah 41:17-18

Saan pumunta si Johanan at ang mga tao pagkatapos nilang lisanin ang Mizpa?

Pumunta sila sa Gerut-quimam na malapit sa Bethlehem.

Saan nais pumunta ni Johanan at ng mga tao?

Nais nilang pumunta sa Egipto.

Bakit nila nais pumunta sa Egipto?

Takot sila sa mga Caldeo.

Jeremiah 42

Jeremiah 42:1-3

Ano ang sinabi ng mga pinuno ng hukbo at ng lahat ng mga tao kay Jeremias?

Hiniling nila sa kaniya na manalangin para sa kanila at sabihin sa kanila ang daang dapat nilang puntahan at kung ano ang dapat nilang gawin.

Jeremiah 42:4-6

Paano sila tinugon ni Jeremias?

Sinabi niyang mananalangin siya para sa kanila at sasabihin sa kanila ang kahit anong isasagot ni Yahweh.

Pagkatapos, ano ang sinabi ng mga tao kay Jeremias?

Sinabi nilang gagawin nila ang lahat ng sasabihin ni Yahweh na gawin nila.

Jeremiah 42:7-10

Ano ang nangyari pagkatapos ng sampung araw?

Sinabi ni Yahweh kay Jeremias na sabihin niya sa mga tao na huwag matakot sa hari ng Babilonia ngunit bumalik at manirahan sa lupain.

Jeremiah 42:11-12

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya dahil kasama nila siya?

Sinabi niyang ililigtas niya sila, kahahabagan at kaaawaan sila, at pababalikin sila sa kanilang lupain.

Jeremiah 42:13-14

Ano ang mangyayari sa mga tao kapag hindi sila makikinig sa tinig ni Yahweh at hindi mananatili sa lupain?

Kapag pupunta sila upang manirahan sa Egipto, kung gayon ay mamamatay silang lahat doon sa pamamgitan ng espada, taggutom at salot.

Jeremiah 42:15-17

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kapag talagang pupunta ang mga tao sa Egipto upang manirahan doon?

Kapag pupunta sila upang manirahan sa Egipto, sinabi ni Yahweh na mamamatay silang lahat doon sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.

Jeremiah 42:18-19

Ano ang mangyayari sa kanila kapag pupunta sila sa Egipto?

Sila ay magiging isang isinusumpang bagay at hindi na sila makakabalik kailanman.

Bakit hindi na muling makikita ng mga tao ang lupain kailanman?

Sinabi ni Yahweh sa kanilang huwag pumunta ng Egipto at magagalit siya sa kanila kapag pupunta sila.

Jeremiah 42:20-22

Bakit pagbabayaran ng mga tao ng kanilang mga buhay ang pagpunta sa Egipto?

Pagbabayaran nila ng kanilang mga buhay dahil hiniling nila kay Jeremias na ibigay sa kanila ang mensahe ni Yahweh, ngunit hindi nila gagawin ang mga sinasabi ni Yahweh sa kanila na gawin nila.

Jeremiah 43

Jeremiah 43:1-3

Ano ang tinapos ni Jeremias na ipahayag sa lahat ng mga tao?

Tinapos niyang ipahayag ang lahat ng mga salitang sinabi sa kaniya ni Yahweh upang sabihin.

Ano ang ipinaratang nina Azarias, Johanan at lahat ng mga lalaking mayayabang kay Jeremias?

Pinaratangan nila siya sa pagsasabi ng kasinulangan sa kanila upang maipapatay ni Jeremias sila sa mga Caldeo at gawin silang mga bihag sa Babilonia."

Jeremiah 43:4-7

Ano ang ginawa ni Johanan at ng iba sa halip na gawin kung ano ang sinabi sa kanila ni Yahweh?

Pumunta silang lahat sa Egipto.

Jeremiah 43:8-10

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na gawin sa mga bato?

Sinabi niya sa kanila na ibaon ito malapit sa bahay ng Faraon sa Tafnes upang ipakitang uupo si Nebucadnezar sa trono roon.

Jeremiah 43:11-13

Ano ang sinasabi ni Yahweh na mangyayari sa mga tao kapag dumating si Nebucadnezar at lusubin ang lupain ng Egipto?

Sinasabi ni Yahweh na papatayin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga tao at bibihagin ang iba.

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin ni Nebucadnezar sa mga templo ng mga diyus-diyosan sa Egipto?

Sinasabi ni Yahweh na susunugin o sasakupin niya ang mga ito.

Jeremiah 44

Jeremiah 44:1-3

Q?Why does Jeremiah say Yahweh brought disaster on Jerusalem and the cities of Judah? Bakit sinabi ni Jeremias na si Yahweh ang nagdala ng sakuna sa Jerusalem at sa mga lungsod sa Juda?

A.Jeremiah says did it because the people worshiped other gods. [44:2-3] Sinabi ito ni Jeremias dahil sumasamba ang mga tao sa ibang mga diyos

Jeremiah 44:4-6

Q?What had Yahweh’s prophets said to the people? Ano ang sinabi ng mga propeta ni Yahweh sa mga tao?

A.The prophets had told the people to stop doing things that Yahweh hates. [44:4] Sinabi ng mga propeta sa mga tao na ihinto/itigil ang mga bagay na kinapopootan ni Yahweh.

Q?What did the people do after the prophets spoke to them? Ano ang ginawa ng mga tao pagkatapos silang kausapin ng mga propeta?

A.They did not listen. [44:5] Hindi sila nakinig.

Q?What did Yahweh do when the Judeans did not listen to the prophets? Ano ang ginawa ni Yahweh nang hindi nakinig ang mga taga-Juda sa mga propeta?

A.Yahweh poured out his fury and his wrath and he destroyed Judah and Jerusalem. [44:6] Ibinuhos ni Yahweh ang kaniyang matinding galit at poot at kaniyang winasak ang Juda at Jerusalem.

Jeremiah 44:7-8

Q?How many of the people who went to Egypt will Yahweh allow to live? Ilang mga tao na pupunta sa Egipto ang pahihintulutan ni Yahweh na mabuhay?

A.He will not allow any of them to live. [44:7] Hindi niya pahihintulutan ang sinuman sa kanila upang mabuhay.

Q?How did they offend Yahweh? Paano nila nagawang pasamain ang loob ni Yahweh?

A.They offended Yahweh with the deeds of their hands, by burning incense to other gods in the land of Egypt. [44:8] Napasama nila ang loob ni Yahweh sa pamamagitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay, sa pamamagitan ng pagsunog ng insenso sa ibang mga diyos sa lupain ng Egipto.

Q?What does Yahweh say is going to happen to them in Egypt? Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa kanila sa Egipto?

A.He says he will destroy them. [44:8] Sinabi niyang wawasakin niya sila.

Jeremiah 44:9-10

Q?Who does Yahweh say has committed wickedness? Sino ang sinabi ni Yahweh na nakagawa ng kasamaan?

A.He says that the people and their ancestors have committed wickedness. [44:10] Sinabi niya na ang mga tao at ang kanilang mga ninuno ang nakagawa ng kasamaan.

Jeremiah 44:11-12

What does Yahweh say will happen to the people who went to Egypt? Ano ang sinabini Yahweh na mangyayari sa mga Israelita na pumunta sa Egipto?

Yahweh says that he will set his face against them and bring disaster to them and destroy all of them just as he punishedJerusalem: with sword and famine and plague. [44:11-12] Sinabi ni Yahweh na ibabaling niya ang kaniyang mukha laban sa kanila at magdadala ng kapahamakan sa kanila at lilipulin silang lahat tulad ng kaniyang pagpaparusa niya sa Jerusalem: sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.

Jeremiah 44:13-14

Q?What doesYahweh say about the remnant of Judah? Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa mga nalabi/natira sa Juda?

A.He says that none of them who want to return to Judah will return, though a few will escape from Egypt. [44:14] Sinabi niya na wala sa kanila na nais bumalik sa Juda ay babalik, kahit na ang ilan ay nakatakas mula sa Egipto

Jeremiah 44:15-21

Q?What did the people think would happen if they continued to burned incense and pour out drink offerings to the Queen of Heaven? Ano ang inisip ng mga tao na mangyayari kung ipinagpatuloy nila ang pagsunog ng insenso at pagbuhos ng mga handog na inumin sa Reyna ng Langit?

A. The people thought they would be filled with food and would prosper, without experiencing any disaster if they burned incense and poured out drink offerings to th Queen of Heaven. [44:17] Naisip ng mga tao na mapupuno sila ng pagkain at sasagana, nang hindi dadanas ng anumang sakuna kung magsusunog sila ng insenso at magbubuhos ng mga handog na inumin sa Reyna ng Langit.

Jeremiah 44:22-23

Q?What was it that Yahweh could no longer bear? Ano ito na hindi na kayang tiisin ni Yahweh?

A.He could no longer bear what the people did. [44:22] Hindi na niya kayang tiisin ang mga gingawa ng mga tao.

Q?What happened to their land after Yahweh could no longer bear what the people did? Ano ang nangyari sa kanilang lupain nang hindi na matiis ni Yahweh ang ginagawa ng mga tao?

A.Their land became a desolation, a horror, and a curse. [44:22] Napabayaan, nakakatakot at isang sumpa ang kanilang lupain.

Q?Why did this disaster happen to them? Bakit nangyari ang sakunang ito sa kanila?

A. Because they burned incense to worship idols and sinned against Yahweh, and because they would not listen to him. [44:23] Sapagkat nagsunog sila ng insenso upang sumamba sa mga diyus-diyosan at nagkasala silalaban kay Yahweh, at dahil ayaw nilang makinig sa kaniya

Jeremiah 44:24-25

Q?What did Jeremiah tell those who wanted to fulfill their vows to the Queen of Heaven? Ano ang sinabi ni Jeremias sa mga nagnanais tumupad ng kanilang mga panata sa Reyna ng Langit?

A.He told them to fulfill their vows. [44:25] Sinabi niya sa kanila upang tuparin ang kanilang mga panata.

Jeremiah 44:26-28

Q?What did Jeremiah say the people would do after they fulfilled their vows? Ano ang sinabi ni Jeremias sa mga tao pagkatapos nilang matupad ang kanilang mga pangako?

He told them that they would never again worship Yahweh, but they would all perish by sword and famine. [44:2627] Sinabi niya sa kanila na kailanman ay hindi na sila sasamba kay Yahweh, ngunit silang lahat ay mamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom.

Q?What will happen to those who do not die by the sword? Ano ang mangyayari sa mga taong hindi namatay sa pamamagitan ng espada?

A.They will return from Egypt to Judah. [44:28]Babalik sila sa Juda mula sa Egipto.

Jeremiah 44:29-30

Q?What will the people understand when Hophradies? Ano ang mauunawaan ng mga tao kapag namatay si Hophra?

A.They will understand that Yahweh will do to them everything he said he would do. [44:29] Mauunawaan nila na gagawin ni Yahweh sa kanila ang lahat ng bagay na sinabi niya na kaniyang gagawin.

What does Yahweh say he will do with Pharaoh Hophra? Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin kay Faraon Hophra?

He say she will give Pharaoh Hophra to his enemies. [44:30] Sinabi niya na ibibigay niya si Faraon Hophra sa kaniyang mga kaaway.

Jeremiah 45

Jeremiah 45:1-3

Q?WhydidYahwehgiveJeremiahamessageforBaruch? Bakit bingyan ni Yahweh na bigyan si Jeremias ng isang mensahe para kay Baruc?

A.HediditbecauseBaruchwassayingthatYahwehwasmakinghimsad. [45:1-3] Ginawa niya ito dahil sinasabi ni Baruc na ginagawa siyang malungkot ni Yahweh.

Jeremiah 45:4-5

Q?WhatdoesYahwehplantodotoBaruch’snation? Ano ang balak ni Yahweh na gagawin sa bansa ni Baruc

A.Heplanstodestroyit. [45:4] Binalak niyang wasakin ito.

Q?WhatshouldBaruchnotdesire? Ano ang hindi dapat naisin ni Baruc?

A.Heshouldnotdesirepeopletohonorhiminaspecialway. [45:5] Hindi niya dapat naisin na parangalan siya ng mga tao sa isang natatanging paraan.

Q?WhatdoesYahwehpromisetodoforBaruch? Ano ang ipangako ni Yahweh na kaniyang gagawin para kay Baruc?

A.YahwehpromisestoprotectBaruchwhereverhegoes. [45:5] Nangako si Yahweh na pangangalagaan si Baruc saan man siya magpunta

Jeremiah 46

Jeremiah 46:1-4

Sino ang dalawang hari na magkakaroon ng digmaan?

Si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at si Neco na hari ng Egipto ay magkakaroon ng digmaan.

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin ng hukbo ng Egipto?

Sinasabi niya sa kanilang ihanda ang kanilang mga kalasag, mga kabayo, mga sibat at baluti at sumugod upang makipaglaban.

Jeremiah 46:5-6

Ano ang nakikita ni Yahweh na ginagawa ng hukbo ng mga taga-Egipto?

Nakikita niyang tumatakbo ang mga kawal ng mga taga-Egipto upang makaligtas ngunit matatalo sa Ilog Eufrates.

Jeremiah 46:7-9

Ano ang inihahambing ni Yahweh sa hukbo ng mga taga-Egipto?

Ang hukbo ay tulad ng Ilog Nilo kapag bumabaha ito at winawasak ang mga lungsod at mga nananahan.

Jeremiah 46:10

Paano makukuha ni Yahweh ang kaniyang paghihiganti?

Makukuha ni Yahweh ang kaniyang paghihiganti kapag lumamon at nabusog na ang espada. Magiging parang alay ito kay Yahweh.

Jeremiah 46:11-12

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin ng Egipto?

Pupunta sila sa Gilead para sa gamot, ngunit hindi sila nito malulunasan.

Jeremiah 46:13-14

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng mga tao ng Migdol at Memfis?

Sinabi niyang pumunta sila sa Tafnes at makipaglaban doon.

Jeremiah 46:15-17

Ano ang nangyari sa mga diyos ng Egipto?

Tumakbo palayo ang torong diyos na si Apis at ibinagsak siya ni Yahweh.

Ano ang nais gawin ng mga kawal?

Nais nilang umuwi sa kanilang mga tahanan.

Jeremiah 46:18-19

Ano ang sinasabi ni Yahweh na kailangang paghandaan ng Egipto?

Sinasabi niyang kailangang maghanda ang Egipto para sa pagkabihag.

Jeremiah 46:20-22

Anu-anong mga hayop ang sinasabi ng manunulat na katulad ng mga Egipto bago ang labanan?

Ang Egipto ay isang magandang batang baka, at ang mga upahang kawal ay parang mga pinatabang toro.

Anong hayop ang sinasabi ng manunulat na katulad ng mga Egipto pagkatapos ng labanan?

Sinasabi niyang ang Egipto ay parang isang ahas.

Jeremiah 46:23-24

Sino ang papatay sa mga kawal ng Egipto?

Ang mga tao mula sa hilaga ang papatay sa kanila.

Jeremiah 46:25-26

Kanino ibibigay ni Yahweh ang Egipto?

Ibibigay niya ang Egipto kay Nebucadnezar .

Jeremiah 46:27-28

Ano ang sinasabi ni Yahweh na gagawin niya para sa kaniyang mga taong Israel?

Palalayain niya sila sa pagkabihag, ibabalik sila sa kanilang lupain kung saan makakatagpo sila ng kapayapaan at magiging ligtas, wawasakin ang mga bansa kung saan sila ikinalat, makatarungan silang paparusahan, ngunit hindi sila lubusang lilipulin.

Jeremiah 47

Jeremiah 47:1-2

Ano ang sinasabi ni Yahweh na mangyayari sa mga tao ng Filistia?

Sasalakayin sila mula sa hilaga at tatangis silang lahat.

Jeremiah 47:3-4

Paano malalaman ng mga tao ng Filistia na dumarating na ang kaaway upang lipulin sila?

Maririnig nila ang tunog ng pagpadyak ng mga paa ng mga kabayo at dagundong ng mga karwahe. Tatakbo palayo ang mga kalalakihan, hindi sila titigil upang tulungan ang kanilang mga anak, at magiging mahina at kaawa-awa sila.

Jeremiah 47:5-7

Bakit hindi ititigil ni Yahweh ang pagpatay?

Dahil binabalak niyang salakayin ang lahat ng mga taong naninirahan sa Ashkelon at sa mga lungsod sa tabi ng pampang.

Jeremiah 48

Jeremiah 48:1-2

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa Moab?

Mangyayaring ang pagkawasak sa mga lungsod, wala nang magbibigay ng karangalan sa Moab at susubukang siyang wasakin ng kaniyang mga kaaway bilang isang bansa.

Jeremiah 48:3-5

Bakit sumisigaw, tumatangis at umiiyak ang mga tao?

Ginagawa nila ang mga bagay na ito dahil nawasak na ang Moab.

Jeremiah 48:6-7

Bakit mabibihag si Quemos at ang kaniyang mga pari at mga pinuno?

Nagtiwala sila sa kanilang mga kaugalian at kayamanan.

Jeremiah 48:8-10

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga bayan sa Moab?

Mawawasak silang lahat, walang makakatakas sa kanila.

Ano ang mangyayari sa kanilang mga lungsod?

Ang kanilang mga lungsod ay magiging isang kaparangan kung saan walang naninirahan sa kanila.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa sinumang ayaw pumatay sa mga Moabita para sa kaniya?

Isusumpa siya ni Yahweh.

Jeremiah 48:11-14

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga Moabita?

Sinabi niya na magpapadala siya ng mga kaaway na sasalakay at magpapalayas sa kanila.

Jeremiah 48:15-17

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa bansa ng Moab?

Malapit na itong mawasak.

Ano ang dapat gawin ng mga taong naninirahan malapit sa Moab pagkatapos itong mawasak?

Dapat silang tumangis para sa Moab sapagkat[dahil] nawasak na ang kanilang kapangyarihan.

Jeremiah 48:18-20

Ano ang dapat gawin ng lungsod ng Dibon at Aroer sa halip na magmayabang?

Dapat bigyan nila ng pansin na sila ay sinasalakay at dapat bigyan nila ng pansin ang mga taong tumatakas. Dapat silang tumangis, tumaghoy at sumigaw para sa tulong dahil nawasak na ang Moab.

Jeremiah 48:21-25

Anong kaparusahan ang dumating sa lahat ng lungsod sa lupain ng Moab?

Pinarusahan ni Yahweh ang maraming lungsod. Ang sungay ng Moab ay sinibak na, ang kaniyang bisig ay nabali na.

Jeremiah 48:26-27

Inisip ng mga Moabita na makapangyarihan sila laban kay Yahweh, ngunit ano ang gagawin ni Yahweh sa kanila?

Hahatulan ni Yahweh ang Moab at pagtatawanan sila ng kanilang mga kaaway.

Jeremiah 48:28-29

Ano ang dapat gawin ng mga naninirahan dahil sa kanilang pagmamataas?

Dapat nilang lisanin ang mga lungsod at magkampo sa mga matarik na dalisdis sa mga batuhan.

Jeremiah 48:30-32

Bakit hahagulgol mananangis si Yahweh, sisigaw sa kapighatian at mananaghoy para sa mga tao ng Moab?

Mananangis si Yahweh dahil alam niyang ang mga mapanghamon na salita ng Moab ay walang pakinabang.

Jeremiah 48:33

Ano ang ginawa ni Yahweh sa Moab?

Kinuha niya ang kanilang pagdiriwang at pagsasaya.

Jeremiah 48:34-35

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa mga tao ng Moab na [nag-alay ng mga handog at nagsunog] mag-aalay ng handog at magsusunog ng insenso sa kanilang mga diyos?

Pupuksin niya ang mga taong iyon.

Jeremiah 48:36-37

Paano ipapakita ng mga tao sa Kir-Heres ang kanilang pagdadalamhati dahil nawala na ang kanilang mga kayamanan?

Inahit nila ang kanilang mga ulo at mga balbas, sinugatan ang kanilang mga kamay at nagsuot ng telang magagaspang sa kanilang mga baywang.

Jeremiah 48:38-39

Bakit mayroong pagtatangis sa lahat ng dako, sa bawat bubungan at mga plasa.

Dahil sinira ni Yahweh ang Moab katulad ng pagsira ng mga tao sa mga banga na wala nang may gusto.

Jeremiah 48:40-41

Ano ang sinabi ni Yahweh na magiging katulad ng pagkabihag ng Keriot?

Mabilis na mangyayari ito, katulad ng pagkuha ng agila sa kaniyang huhuliin. Sasakupin ng mga kaaway ang mga matibay na tanggulan at matatakot ang mga kawal.

Jeremiah 48:42-44

Paano wawasakin ni Yahweh ang Moab?

Si Yahweh ang magiging dahilan upang magkaroon ng malaking takot at mahulog sa mga hukay at patibong ang mga tao.

Jeremiah 48:45

Bakit tatakas ang mga tao hanggang sa lungsod [lamang] ng Hesbon?

Dahil magmumula ang sunog sa Hesbon[Dahil susunugin ng apoy ang Heshbon] sa Heshbon ang at susunugin nito ang lahat ng taong mayayabang sa Moab.

Jeremiah 48:46-47

Ano ang sinabi ni Jeremias na mangyayari sa mga Moabita?

Mawawasak ang Moab at kukuning bihag sa mga ibang bansa ang kanilang mga anak, ngunit balang-araw, hahayaan sila ni Yahweh na bumalik sa kanilang lupain.

Jeremiah 49

Jeremiah 49:1-2

Bakit hindi dapat manirahan si Molek sa lupain ng Gad?

Hindi dapat manirahan si Molek sa Gad dahil pag-aari ito ng mga anak ng Israel.

Ano ang mangyayari sa Rabba?

Ito ay magiging pinabayaang bunton.

Jeremiah 49:3-4

Ano ang mangyayari kay Molek?

Mawawasak ang mga lungsod at mabibihag ang mga tao

Ano ang pinagkakatiwalaan ng mga walang pananampalatayang anak na babae?

Nagtitiwala siya sa kaniyang kayamanan.

Jeremiah 49:5-6

Bakit labis na matatakot ang mga tao?

Labis silang matatakot dahil sapilitan silang ikakalat sa ibang nga bansa.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga Amonita sa darating na panahon?

Ibabalik ni Yahweh ang kanilang mga kayamanan.

Jeremiah 49:7-8

Ano ang nangyari sa mga marurunong na tao sa Edom?

Naglaho ang mga marurunong na tao sa Edom.

Ano ang dapat gawin ng mga tao ng Edom ngayong wala na ang kanilang mga marurunong na tao?

Dapat silang tumakas at manirahan sa mga butas sa lupa.

Ano ang gagawin ni Yahweh kay Esau?

Magdudulot siya ng kapahamakan kay Esau.

Jeremiah 49:9-11

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa mga ulila at mga balo sa Edom?

Sinabi niya na iingatan niya ang mga ulila at mga balo.

Jeremiah 49:12-13

Bakit dapat malaman ng mga taga-Edom na parurusahan sila ni Yahweh?

Nakita nila na nagdurusa kahit ang mga taong hindi pinaparusahan ni Yahweh.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa Bozra?

Wawasakin niya ito.

Jeremiah 49:14-15

Ano ang sasabihin ng mensahero ni Yahweh na gagawin ng mga bansa?

Pumunta ang mensahero sa mga bansa, sinasabi sa kanila na maghanda sila para sa digmaan at salakayain ang Edom.

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao ng Edom?

Sinabi niya na ginawa niyang maliit ang kanilang bansang Edom kumpara sa ibang mga bansa at kasusuklaman sila ng mga tao.

Jeremiah 49:16

Dahil nilinlang ng mga taga-Edom ang kanilang sarili at iniisip nilang ligtas sila sa mga talampas, ano ang gagawin ni Yahweh sa kanila?

Ibababa niya sila.

Jeremiah 49:17-18

Saan inihahambing ni Yahweh ang katatakutan ng Edom?

Inihambing niya ito sa Sodoma at Gomora at kanilang mga kalapit na lugar, kung saan walang naninirahan.

Jeremiah 49:19

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taga-Edom pagkatapos niya silang paalisin sa kanilang lupain?

Pipili siya ng isang taong mamamahala sa kanila.

Jeremiah 49:20

Ano ang mga plano ni Yahweh laban sa Edom?

Plano niyang kaladkarin palayo ang mga naninirahan sa Teman at gawing wasak na lugar ang kanilang mga pastulan.

Jeremiah 49:21-22

Ano ang mangyayari kapag nawasak ang Edom?

Mayayanig ang lupa at maririnig ng mga tao hanggang sa Pulang Dagat ang mga sigaw ng pagkabalisa.

Jeremiah 49:23-25

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa mga tao ng Damascus?

Mapapahiya sila at manghihina. Lalayo sila at tatakas nang may pagkabalisa.

Jeremiah 49:26-27

Ano ang mangyayari kapag sisindahan ni Yahweh ng apoy ang pader ng Damascus?

Lalamunin ng apoy ang mga tanggulan ni Ben-hadad at mamatay ang lahat ng mga kabataang lalaki at mga mandirigma.

Jeremiah 49:28-29

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Nebucadnezar na gawin sa Kedar?

Sinabi niya kay Nebucadnezar na salakayin ang mga tao, wasakin sila at samsamin ang kanilang mga ari-arian.

Jeremiah 49:30-31

Bakit magiging madali para kay Nebucadnezar na lusubin ito?

Magiging madali ito para sa kaniya dahil ang mga tao ay walang mga tarangkahan at mag-isa silang namumuhay.

Saan maninirahan ang mga tao ng Kedar pagkatapos silang salakayin ni Nebucadnezar?

Maninirahan sila sa mga butas sa lupa.

Jeremiah 49:32-33

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taga-Hazor kapag kukunin ni Nebucadnezar ang kanilang mga kamelyo at mga ari-arian bilang nakaw sa digmaan?

Ikakalat niya sila at kapahamakan ang darating sa kanila.

Sino ang maninirahan sa lungsod pagkatapos itong salakayin ni Nebucadnezar?

Ang mga asong-gubat lamang ang maninirahan doon.

Jeremiah 49:34-36

Kailan natanggap ni Jeremias ang propesiya tungkol sa Elam?

Natanggap niya ito nang maghari si Haring Zedekias sa Juda.

Kapag pinabagsak ni Yahweh ang mga mamamana ng Elam, saan pupunta ang mga tao?

Pupunta ang lahat ng mga tao sa lahat ng bahagi ng daigdig.

Jeremiah 49:37-39

Ano ang gagawin ni Yahweh dahil galit siya sa mga taga-Elam?

Bibigyan ni Yahweh ng kakayahan ang kanilang mga kaaway upang durugin sila, magdala ng kapahamakan, patayin, at ganap silang lipulin.

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taga-Elam balang araw?

Papayagan niya silang bumalik sa kanilang lupain.

Jeremiah 50

Jeremiah 50:1-2

Ano ang mangyayari sa Babilonia?

Masasakop ang Babilonia. Malalagay sa kahihiyan ang Bel at ang mga diyos-diyusan nito.

Jeremiah 50:3-5

Sino ang lilitaw laban sa Babilonia?

Isang bansa mula sa hilaga.

Ano ang gagawin ng mga tao ng Israel kapag sinalakay ang Babilonia?

Sama-samang iiyak ang mga tao at hahanapin nila si Yahweh. Tutungo sila sa Zion upang panumbalikin ang kanilang walang hanggang tipan kay Yahweh.

Jeremiah 50:6-7

Bakit inilarawan ni Yahweh ang kaniyang mga tao na parang mga nawawalang tupa?

Inilarawan niya sila bilang mga nawawalang tupa dahil hinayaan sila ng kanilang mga pastol na mailigaw at nakalimutan nila ang kanilang bayan.

Ano ang sinabing dahilan ng kanilang mga kaaway kung bakit may kakayahan silang lapain ang mga tao ni Yahweh?

Sinabi ito ng mga kaaway dahil nagkasala ang mga tao laban kay Yahweh.

Jeremiah 50:8-10

Bakit kailangang makaalis ang mga Israelita bago pa man masakop ang Babilonia?

Kailangan nilang makaalis dahil isang dakilang bansa mula sa hilaga ang paparating upang sakupin ang Babilonia?

Jeremiah 50:11-13

Ano ang mangyayari sa Babilonia dahil kinuha nila ang mana ni Yahweh bilang isang nakaw?

Magiging pinakamaliit sa lahat ng mga bansa ang Babilonia, isang ilang na hindi matitirahan.

Jeremiah 50:14-15

Ano ang mangyayari sa Babilonia dahil sa kanilang pagkakasala kay Yahweh?

Ang bawat isa ay patatamaan ang Babilonia, isusuko ng Babilonia ang kaniyang kapangyarihan, babagsak ang kaniyang mga tore, mawawasak ang kaniyang mga pader, at gagawin sa kaniya ng iba kung ano ang kaniyang mga ginawa sa ibang mga bansa.

Jeremiah 50:16

Ano ang dapat gawin ng mga taong nagmula sa ibang mga bansa kapag sinalakay ang Babilonia?

Dapat silang tumakbo pabalik sa kanilang mga sariling bansa.

Jeremiah 50:17-18

Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa mga bansang Asiria at Babilonia?

Sinabi niyang parurusahan niya ang hari ng Babilonia at ng kaniyang mga tao tulad ng kung paano niya pinarusahan ang hari ng Asiria.

Jeremiah 50:19-20

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga taong naiwan na kaniyang iniligtas?

Ibabalik ni Yahweh ang Israel sa kaniyang sariling bayan at patatawarin niya ang mga kasalanan ng mga tao.

Jeremiah 50:21-22

Ano ang hinikayat ni Yahweh na gawin ng mga kaaway ng Babilonia?

Nais ni Yahweh na magkaroon ng ingay sa kanila at lubos na pagkawasak ang Babilonia.

Jeremiah 50:23-24

Bakit mabibihag ang mga hukbo ng Babilonia?

Mabibihag ito dahil hinamon nila si Yahweh.

Jeremiah 50:25-26

Ano ang gawain na kinakailangang gawin ni Yahweh?

Binuksan ni Yahweh ang kaniyang taguan ng mga sandata, inilabas niya ang mga sandata at hinikayat ang mga kaaway na salakayin ang Babilonia, na buksan ang kaniyang mga kamalig at siya ay wawasakin. Wala silang ititira na anuman sa kaniya.

Jeremiah 50:27-28

Ano ang pag-uusapan ng mga Israelitang nakaligtas sa Babilonia?

Pag-uusapan nila ang tungkol sa pagpaparusang ginawa ni Yahweh sa Babilonia sa pamamagitan ng mga mandirigmang pumatay dahil sa kanilang ginawa sa kaniyang Templo sa Zion.

Jeremiah 50:29-30

Ano ang mangyayari sa Babilonia dahil nilabanan niya si Yahweh?

Walang makakatakas sa pagkawasak na gagawin sa kaniya ng mga kaaway ng Babilonia. Wawasakin lahat ng kaniyang mga kaaway ang kaniyang mga mandirigma dahil sa kaniyang ginawa kay Yahweh.

Jeremiah 50:31-32

Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa mga taong palalo?

Ipinahayag niya na sila ay madadapa at babagsak.

Jeremiah 50:33-34

Sino ang magliligtas sa mga napahirapang tao ng Israel?

Si Yahweh ng mga hukbo ang magliligtas sa Israel.

Jeremiah 50:35-37

Ano ang gagawin ng mga hukbong kaaway ng Babilonia?

Pahihirapan nila ang mga naninirahan, ang mga opisyales, ang mga matatalinong kalalakihan at ang lahat ng tao. Pahihirapan nila ang kanilang mga bulaang propeta, ang kanilang mga pinakamalakas na manidirigma at ang kanilang mga kabayo at karwahe.

Jeremiah 50:38-40

Ano ang magiging katulad ng Babilonia?

Magiging katulad ng Sodoma at Gomorra ang Babilonia.

Jeremiah 50:41-43

Ano ang maririnig ng hari ng Babilonia tungkol sa mga taong mula sa hilaga?

Narinig ng hari na sila ay malulupit at walang awa.

Ano ang naramdaman ng hari ng Babilonia matapos niyang marinig ang balita mula kay Jeremias na mapapasakamay ng isang hukbong paparating mula sa hilaga ang Babilonia?

Matapos na marinig ang balita, nagdalamhati siya na tulad ng isang babaeng manganganak

Jeremiah 50:44

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Babilonia?

Papalayasin niya ang mga tao sa Babilonia at magtatalaga ng isang mamamahala nito.

Jeremiah 50:45-46

Ano ang napagpasyahan ni Yahweh na gawin sa mga tao ng Babilonia?

Napagpasiyahan ni Yahweh na tuluyang lipulin ang mga tao sa Babilonia.

Jeremiah 51

Jeremiah 51:1-2

Ano ang gagawin ng mga dayuhan sa Babilonia?

Darating sila at wawasakin ang Babilonia.

Jeremiah 51:3-4

Anong uri ng pagsalakay ang darating sa hukbo ng Babilonia?

Isang hindi inaasahang pagsalakay ang mabilis na darating at hindi magkakaroon ng pagkakataon ang mga kawal ng Babilonia upang ilagay ang kanilang mga baluti. Wawasakin ng mga sasalakay ang mga hukbo at ang mga tao.

Jeremiah 51:5-6

Ano ang ipinaalala ni Yahweh sa kaniyang mga tao?

Ipinaalala ni Yahweh na kahit nagkasala ang kaniyang mga tao, siya ay mananatiling Diyos nila at hindi niya sila pinabayaan.

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng mga Israelita?

Sinabi ni Yahweh sa kaniyang mga taong tumakbo upang makatakas sila sa dumarating na kaparusahan sa Babilonia.

Jeremiah 51:7-8

Ano ang ginamit ni Yahweh sa Babilonia upang gawin sa ibang mga bansa?

Ginamit niya ito upang malasing sila.

Ano ang mangyayari sa Babilonia?

Babagsak ito at mawawasak.

Jeremiah 51:9-10

Ano ang gagawin ng mga Israelita dahil hindi na gumaling ang Babilonia?

Aalis ang mga Israelita at pupunta sa kanilang lupain at sasabihin [nila] sa ibang nasa Zion na pinatawad na ni Yahweh ang kanilang mga kasalanan.

Jeremiah 51:11-12

Sino ang magmamartsa sa digmaan laban sa Babilonia dahil winasak ng Babilonia ang templo ni Yahweh sa Jerusalem?

Ang mga hukbo ng Medes at Persia ang wawasak sa Babilonia.

Jeremiah 51:13-14

Ano ang isinumpa ni Yahweh na kaniyang gagawin sa mga mayayamang tao ng Babilonia?

Sisigaw si Yahweh ng sigaw ng pandigma sa kanila. Dumating na ang kanilang katapusan.

Jeremiah 51:15-16

Ano ang ginawa ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, karunungan, at pang-unawa?

Nilikha niya ang mundo, inilagay niya sa ayos at pinalawak niya ang kalangitan.

Ano ang nangyayari kapag nagsasalita si Yahweh?

Nagdadala siya ng kulog, ulan, kidlat at hangin sa mundo.

Jeremiah 51:17-19

Nakakapagbigay ba ng kasiyahan sa mga tao ang paggawa ng mga diyus-diyosan?

Hindi, walang magagawang anuman ang mga diyus-diyosan sa kanila. Wala silang pakinabang.

Sino ang Diyos ng Israel?

Siya ang lumikha sa lahat ng bagay. Yahweh ang kaniyang pangalan.

Jeremiah 51:20-23

Saan ginamit ng Diyos ang Babilonia?

Ginamit niya ang Babilonia upang durugin at wasakin ang mga kaharian, at upang durugin ang lahat ng mga lalaki at babae, ang kanilang mga kawan, grupo, namumuno at mga opisyal.

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa Israel?

Sinabi ng Diyos na ang Israel ang kaniyang martilyong pandigma, ang kaniyang sandata sa labanan.

Jeremiah 51:24

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga taga-Babilonia?

Sinabi ni Yahweh na pagbabayarin niya ang mga tao sa lahat ng mga masasamang bagay na kanilang ginawa sa Jerusalem.

Jeremiah 51:25-26

Ano ang gagawin ni Yahweh sa Babilonia dahil sa pandarambong nila sa mga tao sa lahat ng dako ng mundo?

Ganap na wawasakin ni Yahweh ang Babilonia, at wala nang sinuman ang muling maninirahan doon.

Jeremiah 51:27-28

Ano ang sasabihin ni Jeremias sa mga bansang Media[Medes] at Persia?

Ipatatawag ng mga bansang ito ang kanilang mga hukbo at maghahanda upang salakayin ang Babilonia.

Jeremiah 51:29

Ano ang balak ni Yahweh laban sa Babilonia?

Balak ni Yahweh na gawing kaparangan ang Babilonia na walang naninirahan.

Jeremiah 51:30-32

Paano tutugon ang mga hukbo ng Babilonia sa digmaan laban sa kanila?

Mananatiling lito ang mga mandirigma sa kanilang mga tanggulan dahil masasarhan ang mga lugar kung saan maaaring tumakas at matutupok ng apoy ang lungsod.

Jeremiah 51:33

Ano ang sinasabi ni Yahweh na katulad ng Babilonia?

Katulad ng Babilonia ang isang giikan sa panahon ng anihan.

Jeremiah 51:34-35

Ano ang gusto ng mga taga-Jerusalem na gawin ni Yahweh sa mga taga-Babilonia?

Gusto nilang parusahan ni Yahweh ang mga taga Babilonia gaya ng pagpaparusa sa kanila sa ilalim ni Haring Nebucadnezar.

Jeremiah 51:36-37

Ano ang tugon ni Yahweh sa mga Israelita?

Ipagtatanggol niya sila sa kanilang kalagayan at maghihiganti sa Babilonia. Gagawin niyang tuyo ang kaniyang mga bukal at gagawin niyang kaparangan na walang sinuman ang maninirahan.

Jeremiah 51:38-40

Ano ang gagawin ni Yahweh sa mga tao ng Babilonia?

Gagawa siya ng isang kakaibang handaan kung saan malalasing sila sa alak at papatayin silang lahat.

Jeremiah 51:41-42

Anong klaseng lugar ang kahihinantan ng Babilonia?

Ang Babilonia ay magiging isang lugar ng pagkawasak sa lahat ng bansa.

Jeremiah 51:43-44

Ano ang gagawin ni Yahweh sa diyus-diyosan na si Bel?

Parurusahan ni Yahweh si Bel at ipababalik sa mga taga-Babilonia ang mga inihandog kay Bel at babagsak ang mga pader ng Babilonia.

Jeremiah 51:45-46

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng kaniyang mga tao na nasa Babilonia?

Sinabi niya sa kanila na tumakas at iligtas ang kanilang mga buhay mula sa darating na karahasan sa lupain.

Jeremiah 51:47-49

Ano ang pangyayaring ikagagalak ng langit at lupa?

Magagalak ang langit at lupa dahil winasak ng hukbong taga-hilaga ang Babilonia.

Jeremiah 51:50-51

Ano ang sinabi ni Jeremias na gawin ng mga Israelita?

Lumabas sila sa Babilonia, bumalik sa Jerusalem, at bumalik kay Yahweh.

Jeremiah 51:52-53

Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na kaniyang gagawin?

Sinabi niya na magpapadala siya ng mga hukbo upang wasakin ang Babilonia.

Jeremiah 51:54-56

Ano ang maririnig ng mga tao mula sa Babilonia?

Maririnig nila ang mga sigaw ng pagkabahala habang winawasak ni Yahweh ang Babilonia.

Jeremiah 51:57-58

Ano ang mangyayari sa lahat ng bagay na susubukang gawin ng mga bansa para sa Babilonia?

Walang kabuluhan ang lahat ng ito.

Jeremiah 51:59-60

Sino ang punong opisyal ni Haring Zedekias?

Si Seraias ang kaniyang punong opisyal.

Ano ang isinulat ni Jeremias sa kasulatang binalumbon?

Isinulat ni Jeremias ang mangyayaring mga sakuna na darating sa Babilonia.

Jeremiah 51:61-62

Ano ang nakasulat sa balumbon?

Gumawa ng pahayag si Yahweh na mawawasak ang Babilonia, walang maninirahan at magiging ganap na kaparangan.

Ano ang mga tagubilin ni Jeremias kay Seraias?

Sinabi ni Jeremias kay Seraias na kapag dumating siya sa Babilonia, dapat niyang basahin ang lahat ng nakasulat sa balumbon, talian ito ng bato at ihagis ito sa Ilog Euphrates.

Jeremiah 51:63-64

Bakit ihahagis ni Seraias ang balumbon sa ilog?

Kapag inihagis niya ang balumbon sa ilog, maiintindihan ng mga tao na lulubog ang Babilonia tulad ng balumbon dahil sa ipapadalang sakuna ni Yahweh sa kaniya.

Jeremiah 52

Jeremiah 52:1-3

Anong klaseng hari si Zedekias?

Si Zedekias ay masamang hari na kapareho ni Jehoiakim.

Jeremiah 52:4-5

Ano ang ginawa ni haring Nebucadnezar nang siya ay malapit sa Jerusalem?

Siya ay nagkampo sa kabila nito at nilusob ang lungsod ng dalawang taon.

Jeremiah 52:6-8

Saan nahuli ng mga mga Caldean si Zedekias at ang kaniyang mga tauhan?

Nadakip sila sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jericho.

Jeremiah 52:9-11

Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia kay Zedekias at sa kaniyang mga anak na lalaki?

Pinatay ng hari ang mga anak ni Zedekias sa kaniyang harapan at dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, tinalian siya ng tanikala, at dinala sa Babilonia.

Jeremiah 52:12-14

Ano ang ginawa ni Nebuzaradan sa Jerusalem?

Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay at mahahalagang mga gusali, at winasak ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem.

Jeremiah 52:15-16

Ano ang ginawa ni Nebuzaradan sa mga mahihirap na tao sa Jerusalem?

Kinuha at ipinatapon ang ilan sa kanila at pinagtrabaho naman ang ibang mga natira sa ubasan at mga bukirin.

Jeremiah 52:17-23

Ano ang kinahinatnan ng mga tanso at ginto, at pilak sa tahanan ni Yahweh?

Kinuha lahat ng mga Caldea.

Jeremiah 52:24-25

Ano ang ginawa ni Nebuzaradan kay Zepanias at ang ilang mga opisyal?

Inilagay sila sa kulungan.

Jeremiah 52:26-27

Ano ang ginawa ng hari ng Babilonia sa mga bilanggo na dinala ni Nebuzaradan sa kaniya?

Pinatay silang lahat.

Jeremiah 52:28-30

Ilan sa mga taga-Judea ang mga ipinatapon?

May 4,600 na mga tao ang ipinatapon mula sa Jerusalem.

Jeremiah 52:31

Sino ang nagpalaya kay Jehoiakin na hari ng Juda mula sa kulungan?

Si Evil-merodac na hari ng Babilonia ang nagpalaya sa kaniya.

Jeremiah 52:32-34

Paano pinakitunguhan ni Evil-merodac si Jehoakin nang napalaya siya mula sa kulungan?

Pinakitunguhan niya ng maayos at binigyan ng upuan at parangal. Inalis niya ang damit ni Johoakin na pangbilanggo at pinakain siya sa kaniyang mesa at binigyan siya ng pang-araw araw na pagkain hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.