Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Kings

1 Kings 1

1 Kings 1:1-2

Ano ang naging problema ni Haring David nang tumanda na siya?

Kahit na binabalutan nila siya ng mga damit, hindi siya naiinitan.

1 Kings 1:3-4

Kahit na maganda si Abisag at pinaglingkuran niya ang hari at inalagaan siya, ano ang hindi ginawa ni David sa kaniya?

Hindi sumiping ang hari kay Abisag.

1 Kings 1:5-6

Paano itinaas ni Adonias na anak ni Haguit ang kaniyang sarili?

Gustong maging hari ni Adonias, kaya naghanda siya ng karwahe para sa kaniyang sarili at mga mangangabayo kasama ang limampung tao para mauna sa kaniya.

Dinisiplina ba ni Haring David ang kaniyang anak na si Adonias at itinama ang kaniyang mga kilos?

Hindi, hindi ginambala ni Haring David si Adonias sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Bakit mo ginawa ito o iyan?"

1 Kings 1:7-8

Sino ang dalawang lalaki na sumunod at tumulong kay Adonias?

Sila Joab at Abiatar ang tumulong kay Adonias sa kaniyang balak na maging hari.

1 Kings 1:9-10

Sino ang hindi inanyayahan ni Adonias sa kaniyang pag-aalay?

Hindi inanyayahan ni Adonias sila Nathan na propeta, Benaias, ang mga magigiting na lalaki, o ang kaniyang kapatid na si Solomon.

1 Kings 1:11-12

Sino ang nagbabala kay Batsheba na ina ni Solomon na naging hari si Adonias at na nasa panganib ang kaniyang buhay?

Si Nathan na propeta ang nagbabala kay Batsheba na ang buhay niya at ng kaniyang anak na si Solomon ay nasa panganib.

1 Kings 1:13-14

Anong mga tanong ang sinabi ni Nathan kay Batsheba para itanong kay Haring David?

Sinabi ni Nathan na propeta kay Batsheba na tanungin si David kung nangako ba siya na si Solomon ang magiging hari, at kung bakit naghahari si Adonias.

1 Kings 1:15-17

Anong pangako ang isinumpa ni Haring David kay Batsheba?

Isinumpa ni David kay Batsheba na si Solomon ang magiging hari pagkatapos mamatay ni David.

1 Kings 1:18-19

Ano ang sinabi ni Batsheba kay Haring David na ginawa ni Adonias?

Sinabi ni Batsheba na naging hari si Adonias, nang hindi nalalaman ni David, at na marami siyang inalay na mga hayop.

1 Kings 1:20-21

Ano ang ikinatakot ni Batsheba na mangyayari pagkatapos mamatay ni David?

Ikinatakot niya na siya at ang kaniyang anak na si Solomon ay ituturing na mga kriminal.

1 Kings 1:22-23

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

nagpatirapa siya

"yumuko nang napakababa"

1 Kings 1:24-25

Bakit binisita ni Nathan na propeta si Haring David?

Gustong ipaalam ni Nathan na propeta kay Haring David na itinatalaga ni Adonias na hari ang kaniyang sarili nang walang pahintulot ni David.

Ano ang tinanong ni Nathan na propeta kay Haring David?

Tinanong ni Nathan si David kung sinabi niya ba na si Adonias ang maghahari pagkatapos niya at mauupo sa trono bilang hari.

1 Kings 1:26-27

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

maupo sa trono

"maging hari" (UDB) (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]]).

1 Kings 1:28-31

Anong panunumpa ang ginawa ni Haring David kay Batsheba?

Gumawa ng isang panunumpa si David na si Solomon na anak ni Batsheba ang maghahari pagkatapos niya at mauupo sa trono niya kapalit ni David.

1 Kings 1:32-34

Ano ang sinabi ni Haring David kay Sadoc, Nathan, at Benaias na gawin para sa kaniyang anak na si Solomon?

Sinabi ni Haring David sa tatlo niyang matapat na lingkod na dalhin si Solomon sa Gihon sakay ng sariling asno ni David at pahiran siya ng langis bilang hari ng Israel.

1 Kings 1:35-37

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

Nawa'y ito nga ang mangyari

Sumang-ayon nawa sila at gagawin nila ang sinabi ni Haring David.

gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa trono ng aking panginoong si Haring David

"gawing mas malakas ang kapangyarihan niya kaysa sa kapangyarihan ni Haring David" o "gawing mas dakila ang kaharian niya kaysa sa kaharian ni Haring David." (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]].)

1 Kings 1:38-40

Paano tumugon ang mga tao nang pinahiran ni Sadoc ng langis si Solomon bilang hari?

Sinabi ng mga tao, "Mabuhay si Haring Solomon!" at nagsaya sila nang may buong kagalakan.

1 Kings 1:41-42

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

1 Kings 1:43-45

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

1 Kings 1:46-48

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/01]]

Nakaupo sa trono ng kaharian.

Ito ay isa pang paraan ng pagsasabi na si Solomon ang hari (UDB). (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]])

1 Kings 1:49-51

Ano ang ginawa ni Adonias nang narinig niya ang balita na ginawang hari ng Israel ni David si Solomon?

Natakot si Adonias kay Solomon, at pumunta sa templo ng Diyos at kinuha ang mga sungay sa altar.

1 Kings 1:52-53

Ano ang sinabi ni Haring Solomon kay Adonias na gawin nang dinala nila siya kay Solomon?

Sinabi ni Haring Solomon kay Adonias na umuwi na sa kaniyang bahay.

1 Kings 2

1 Kings 2:1-4

Ano ang sinabi ni Haring David sa kaniyang anak na si Solomon?

Sinabi ni David sa kaniyang anak na laging matakot at sumunod sa Diyos.

Ano ang ipinangako ni Yahweh kay David?

Ipinangako ni Yahweh kay David na hindi titigil kailanman na magkaroon ng tao sa trono ng Israel.

1 Kings 2:5-6

Ano ang sinabi ni Haring David kay Solomon tungkol kay Joab na anak ni Zeruias?

Sinabi ni Haring David kay Solomon na huwag siyang hayaang pumunta sa libingan nang may kapayapaan.

1 Kings 2:7

Ano ang ginawa ng mga anak ni Barsilai para kay Haring David?

Pumunta ang mga anak ni Barsilai kay David nang tumakas siya mula kay Absalom.

1 Kings 2:8-9

Ano ang ginawa ni Semei kay Haring David?

Napakasamang sinumpa ni Semei si Haring David.

Ano ang sinabi ni Haring David kay Solomon na gawin niya kay Semei?

Sinabi ni David kay Solomon na huwag niyang hayaang makawala si Semei mula sa kaparusahan, pero dalhin niya siya sa libingan na may dugo.

1 Kings 2:10-12

Gaano katagal na naghari si Haring David sa Israel?

Naghari si David nang apatnapung taon.

1 Kings 2:13-15

Ano ang sinabi ni Adonias kay Batsheba nang pumunta siya sa kaniya?

Sinabi ni Adonias na inasahan siya ng buong Israel na maging hari.

1 Kings 2:16-18

Ano ang hiniling ni Adonias mula kay Batsheba?

Hiniling ni Adonias na hingin ni Batsheba kay Solomon si Abisag na taga-Sunem para maging asawa niya.

1 Kings 2:19-21

Bakit pumunta si Batsheba kay Solomon?

Pumunta si Batsheba kay Solomon para hilingin na ibigay si Abisag kay Adonias bilang kaniyang asawa.

1 Kings 2:22-23

Ano ang sinabi ni Haring Solomon bilang tugon kay Batsheba?

Sinabi ni Solomon na sinabi ni Adonias ang kaniyang kahilingan kapalit ng kaniyang buhay.

1 Kings 2:24-25

Sino ang ipinadala ni Haring Solomon para patayin si Adonias?

Pinadala ni Solomon si Benaias na anak ni Joiada para patayin siya.

1 Kings 2:26-27

Ano ang sinabi ni Haring Solomon na gawin ni Abiatar na pari?

Sinabi ni Solomon kay Abiatar na bumalik sa kaniyang bukirin at inalis siya sa pagiging pari.

1 Kings 2:28-29

Saan pumunta si Joab para tumakas mula kay Solomon?

Tumakas si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.

Ano ang pinagawa ni Haring Solomon kay Benaias na anak ni Joiada?

Pinadala siya ni Solomon para patayin si Joab.

1 Kings 2:30-31

Ano ang sinabi ni Joab kay Benaias na anak ni Joiada?

Sinabi sa kaniya ni Joab na hindi siya lalabas ng templo at mamamatay siya sa altar.

Ano ang sinabi ni Haring Solomon kay Benaias na gawin kay Joab?

Sinabi ni Solomon kay Benaias na gawin ang hiling ni Joab.

1 Kings 2:32-33

Bakit pinatay ni Haring Solomon si Joab?

Pinatay ni Solomon si Joab dahil sinalakay at pinatay ni Joab sila Abner na anak ni Ner at Amasa na anak ni Jeter nang walang pahintulot ni Haring David.

1 Kings 2:34-35

Ano ang ginawa ni Haring Solomon para gantimpalaan si Benaias na anak ni Joiada?

Nilagay siya ni Solomon bilang tagapangasiwa ng hukbo.

1 Kings 2:36-38

Saan hinayaan ni Haring Solomon na manirahan si Semei?

Sinabi ni Solomon kay Semei na maaari siyang manirahan sa Jerusalem.

Anong babala ang binigay ni Haring Solomon kay Semei nang hinayaan niya siyang manirahan sa Jerusalem?

Sinabi ni Solomon kay Semei na kung aalis siya ng Jerusalem para pumunta sa ibang lugar, papatayin siya.

1 Kings 2:39-40

Bakit hinanda ni Semei ang kaniyang asno at umalis sa Jerusalem para pumunta sa Gat?

Pumunta si Semei sa Gat para ibalik ang dalawa niyang lingkod na tumakas mula sa kaniya.

1 Kings 2:41-42

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/02]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/02]]

Hindi ba kita pinanumpa... sinasabing, Malaman...mamamatay!"

"Alam na alam mo na pinanumpa kita...sinasabing, "Alam...mamatay!'" (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

1 Kings 2:43-44

Ano ang sinabi ni Haring Solomon na ginawa ni Semei kay Yahweh?

Sinabi ni Solomon kay Semei na hindi niya iningatan ang kaniyang panunumpa kay Yahweh, at ibabalik ni Yahweh ang kaniyang kasamaan sa kaniyang sariling ulo.

1 Kings 2:45-46

Ano ang ginawa ni Haring Solomon nang sinabi sa kaniya na umalis si Semei sa Jerusalem?

Sinabi ni Solomon kay Benaias na anak ni Joiada na patayin si Semei.

1 Kings 3

1 Kings 3:1-3

Paano kumampi si Haring Solomon kay Paraon na hari ng Ehipto?

Kumampi si Solomon sa Paraon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kaniyang anak na babae.

Ano ang ginawa ni Haring Solomon na hindi pinag-uutos ni Yahweh?

Nag-alay at nagsunog ng insenso si Solomon sa mga dambana.

1 Kings 3:4-5

Nasaan ang malaking dambana?

Ang malaking dambana ay nasa Gibeon.

Paano nagpakita si Yahweh kay Haring Solomon?

Nagpakita si Yahweh kay Solomon sa isang panaginip isang gabi.

1 Kings 3:6

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/03]]

Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan

Maaaring isalin na: "Ikaw ay lubos na tapat sa iyong kasunduan"

dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso

Maaaring isalin na: "dahil katiwa-tiwala, matuwid at tapat siya."

para maupo sa trono niya

Maaaring isalin na: "na mamuno sa kaniyang puwesto" (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]])

1 Kings 3:7-9

Ano ang hiniling ni Haring Solomon kay Yahweh?

Hiniling ni Solomon na bigyan siya ni Yahweh ng isang maunawaing puso para hatulan ang kaniyang bayan.

1 Kings 3:10-12

Ikinalugod ba ng Panginoon ang kahilingan ni Haring Solomon?

Oo, ikinalugod ng Panginoon ang kahilingan ni Solomon.

Ano ang binigay ng Diyos kay Haring Solomon?

Binigyan ng Diyos si Solomon ng isang marunong at maunawaing puso para walang maging katulad niya.

1 Kings 3:13-14

Nagbigay ba ang Diyos kay Solomon ng hindi niya hiniling?

Oo, binigyan ng Diyos si Solomon ng parehong kayamanan at karangalan.

Ano ang kailangang gawin ni Haring Solomon para pahabain ng Diyos ang kaniyang mga araw?

Sinabi ng Diyos na pahahabain niya ang mga araw ni Solomon kung lalakad si Solomon sa mga alituntunin at utos ng Diyos tulad ng ginawa ni Haring David.

1 Kings 3:15

Ano ang ginawa ni Haring Solomon pagkagising niya mula sa pagkakatulog?

Pumunta si Solomon sa Jerusalem at naghandog ng mga handog na susunugin at handog para sa kapayapaan at nagdaos ng pista para sa kaniyang mga lingkod.

1 Kings 3:16-17

Sino ang pumunta at tumayo sa harap ni Haring Solomon?

Dalawang bayarang babae ang pumunta at tumayo sa harap ni Solomon.

1 Kings 3:18-20

Ano ang sinabi ng isang babae kay Haring Solomon?

Sinabi ng isang babae na ang isa pang babae ay kinuha ang kaniyang buhay na anak mula sa kaniya at inihiga ang patay na anak ng isa pang babae sa kaniyang dibdib habang natutulog siya.

1 Kings 3:21-22

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/03]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/03]]

pasusuin ang aking anak

Ang ibig sabihin nito na pasusuin ang sanggol niya ng gatas na mula sa kaniyang dibdib.

sa harap ng hari

"sa harap ni Solomon"

1 Kings 3:23-25

Ano ang inutos ni Haring Solomon sa kaniyang mga alipin?

Sinabi ni Solomon na magdala ng espada at hatiin ang nabubuhay na bata sa dalawa at ibigay ang mga bahagi sa dalawang babae.

1 Kings 3:26-28

Ano ang sinabi ng unang babae kay Haring Solomon?

Sinabi ng unang babae na ibigay ang nabubuhay na bata sa pangalawang babae at huwag itong patayin.

Ano ang sinabi ni Haring Solomon na gawin sa buhay na bata?

Sinabi ni Solomon na ibigay ang buhay na bata sa unang babae at huwag siyang patayin sa anumang paraan.

Ano ang ginawa ng buong Israel nang narinig nila ang paghahatol na ginawa ng hari?

Ang buong Israel ay natakot sa hari dahil nakita nila na ang karunungan na binigay sa kaniya ng Diyos sa pagbibigay ng hatol.

1 Kings 4

1 Kings 4:1-4

Si Solomon ba ay hari ng buong Israel?

Oo, si Solomon ay hari ng buong Israel.

1 Kings 4:5-6

May mga opisyal at mga pinuno ba si Haring Solomon?

Si Haring Solomon ay maraming mga lalaking opisyal at mga pinuno.

1 Kings 4:7-10

Gaano katagal tinustusan ng pagkain ng bawat pinuno ni Solomon ang kanyang sambahayan?

Bawat pinuno ay kailangan maglaan ng panustos para sa isang buwan sa loob ng isang taon

1 Kings 4:11-14

Nag-uugnay na pahayag:

Pagpapatuloy ng mga opisyal ni Solomon

Ben-abinadab...Ben-geber ...Jair...Manases...Ahinadab...Iddo

ang mga ito ay pangalan ng mga lalaki (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

Tafath

Ito ay pangalan ng isang babae (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

Dor...Beth-sean...Zaretan...Jezreel...Beth-sean hanggang sa Abel Meholah...Jokmeam...Ramot-galaad...Argob...Bashan...Mahanaim

Ang mga ito ay pangalan ng mga lugar. (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

1 Kings 4:15-17

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

Ahimaaz

Siya ay nagmula sa tribu ni Neftali at pinakasalan si Basemat (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

Baana

Ang kanyang ama, si Husai, ay nagmula sa tribu ng Aser at pinakasalan si Bealot (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

Jehosafat

Ang kaniyang ama, si Parua ay nagmula sa tribu ng Isacar. (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

1 Kings 4:18-19

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/04]]

sa lupain

Dito "sa lupain" ay tumutukoy sa lupain ng Juda; ang dating mga opisyal ay nasa iba't ibang dako ng Israel.

1 Kings 4:20-23

Gaano karami ang Juda at Israel?

Ang Juda at Israel ay kasing dami ng buhangin sa baybayin ng dagat.

Gaano kalayo naghari si Solomon?

Si Solomon ay naghari sa kaharian mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filesteo hanggang sa dulo ng hangganan ng Ehipto.

Ano ang pangangailangan ni Solomon para sa isang araw?

Ang pangangailangan ni Solomon para sa isang araw ay kinabibilangan ng arina, pagkain, baka, tupa, usa, mga gasel, mga lalaking usa, at pinatabang manok.

1 Kings 4:24-25

Paano namuhay ang Juda at Israel sa buong buhay ni Solomon?

Sa buong buhay ni Solomon, ang Juda at Israel ay namuhay sa kaligtasan, bawat lalaki na nasa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng Igos.

1 Kings 4:26-28

Gaano karaming kuwadra ng mga kabayo mayroon si Solomon para sa kaniyang mga karwahe pandigma?

Si Solomon ay may apatnapung libong kuwadra ng mga kabayo para sa kaniyang mga karwahe pandigma.

Ano ang dinala para sa mga kabayo ni Solomon?

Sebada at dayami ang mga dinala para sa mga kabayo ng mga karwahe pandigma at sa mga sasakyang kabayo.

1 Kings 4:29-31

Ano ang ibinigay ng Diyos kay Solomon?

Binigyan ng Diyos si Solomon ng kahanga-hangang karunungan at pang-unawa gaya ng buhangin sa dalampasigan.

Gaano kalayo ang abot ng katanyagan ni Solomon?

Ang katanyagan ni Solomon ay umabot sa lahat ng nakapaligid na mga bansa.

1 Kings 4:32-34

Gaano karaming mga kawikaan at mga awit mayroon si Solomon?

Si Solomon at nagturo ng tatlumpong libong mga awit at ang kanyang mga kawikaan ay isang libo't lima?

Gaano kalayo ang pinanggalingan ng mga tao para marinig ang karunungan ni Solomon?

Ang mga tao ay nanggaling mula sa lahat ng bansa para marinig ang karunungan ni Solomon

1 Kings 5

1 Kings 5:1-3

Sino ang nagpadala ng mga lingkod kay Solomon?

Si Haring Hiram ng Tiro ang nagpadala ng kaniyang mga lingkod kay Solomon.

Bakit hindi nakapagtayo ng isang templo si David sa pangalan ni Yahweh?

Hindi nakapagtayo si David ng isang templo para sa pangalan ni Yahweh dahil sa mga digmaan.

1 Kings 5:4-5

Ano ang sinabi ni Yahweh kay David?

Sinabi ni Yahweh kay David, "ang iyong anak na siyang iluluklok ko sa trono ang magtatayo ng isang templo para sa aking pangalan."

1 Kings 5:6

Ano ang hiniling ni Solomon na gawin ni Hiram?

Hiniling ni Solomon kay Hiram na utusan ang kanyang mga lingkod para pumutol ng mga punong sedar mula sa Lebanon para sa kanya.

1 Kings 5:7-8

Ano ang ginawa ni Hiram nang narinig niya ang mga salita ni Solomon?

Sobrang nagalak si Hiram at nagsabi, "Nawa mapapurihan si Yahweh ngayon."

Ginawa ba ni Hiram kung ano ang hiniling ni Solomon na gawin niya?

Oo, nagpadala ng salita si Hiram na nagsasabing, " Gagawin ko lahat ng nais mo patungkol sa troso ng sedar at saypres."

1 Kings 5:9

Ano ang gagawin ng mga lingkod ni Hiram sa mga puno?

Ibinaba ng mga lingkod ni Hiram ang mga puno na mula sa Lebanon papunta sa dagat kung saan ang mga ito ay ginawang mga balsa.

Ano ang nais ni Hiram?

Nais ni Hiram na magbigay si Solomon ng pagkain para sa kanyang sambahayan.

1 Kings 5:10-12

Anong pagkain ang ibinigay ni Solomon kay Hiram?

Binigyan ni Solomon si Hiram ng dalawampung libong takal ng trigo at dalawampung takal ng purong langis bawat taon.

May kapayapaan ba sa pagitan ni Hiram at ni Solomon?

Oo, may kapayapaan sa pagitan ni Hiram at ni Solomon at silang dalawa ay gumawa ng isang kasunduan.

1 Kings 5:13-14

Ilang sapilitang manggagawa mayroon si Solomon mula Israel?

Si Solomon ay mayroon tatlumpong libong sapilitang manggawa mula sa Israel.

Sino ang inilagay ni Solomon na mamahala sa lahat ng mga sapilitang manggagawa?

Si Adoniram ang inilagay ni Solomon na mamahala sa lahat ng mga sapilitang manggagawa.

1 Kings 5:15-16

Meron bang mga tauhan si Solomon na nangasiwa ng lahat ng mga manggagawa?

Oo, si Solomon ay may 3,300 na mga punong opisyales na namahala sa mga gawain at nangasiwa sa mga manggagawa.

1 Kings 5:17-18

Ano ang tinibag ng mga manggagawa para sa pundasyon ng templo ni Yahweh?

Ang mga manggagawa ay nagtibag ng malalaking mga bato para sa pundasyon ng templo ni Yahweh.

1 Kings 6

1 Kings 6:1-2

Kailan sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo ni Yahweh?

Sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo ni Yahweh sa ika-480 na taon pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel mula sa Ehipto.

Ano-ano ang mga sukat ng templo na itinayo ni Solomon para kay Yahweh?

Ang templo na itinayo ni Solomon ay animnapung kubit ang haba, dalawampung kubit ang lawak, at tatlumpong kubit ang taas.

1 Kings 6:3-4

Gumawa ba ng bintana si Solomon para sa templo?

Oo, si Solomon ay gumawa ng nakabalangkas na mga bintana para sa templo.

1 Kings 6:5-6

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

Ang pinakamababang palapag....ang gitna...ang ikatlo

Ito ay tumutukoy sa mga silid sa bawat palapag ng gusali.

gumawa siya ng ungos sa mga pader ng templo

Gumawa sila ng mga pasamano sa lahat ng paligid ng pangunahing gusali para suportahan ang mga biga ng mga maliliit na mga silid.

mga biga

Ang biga ay isang mahabang mabigat na pirasong kahoy na gamit para suportahan ang isang gusali.

1 Kings 6:7-8

Saan inihanda ang mga bato para sa templo?

Ang mga bato para sa templo ay inihanda sa tibagan.

1 Kings 6:9-10

Ano ang ginamit ni Solomon para takpan ang templo?

Tinakpan ni Solomon ang templo sa pamamagitan ng mga biga at mga makakapal na tablang sedar.

Paano ikinabit ang mga silid sa gilid sa templo?

Ang mga silid sa gilid ay ikinabit sa pamamagitan ng trosong sedar.

1 Kings 6:11-13

Nangako ba si Yahweh na manahan sa bayan ng Israel?

Oo, nangako si Yahweh na manahan sa bayan ng Israel at hindi sila iiwanan.

1 Kings 6:14-15

Ano ang ginamit ni Yahweh para gumawa ng mga panloob na pader ng templo?

Si Solomon ay gumamit ng mga tablang sedar para magawa ang mga panloob na pader ng templo.

1 Kings 6:16-18

Ano ang haba ng pangunahing bulwagan ng templo?

Ang pangunahing bulwagan ng templo ay apatnapung kubit ang haba.

1 Kings 6:19-20

Bakit inihanda ni Solomon ang kabanal-banalang lugar sa loob ng templo?

Inihanda ni Solomon ang kabanal-banalang lugar sa loob ng templo para doon mailagay ang arko ng tipan ni Yahweh.

1 Kings 6:21-22

Ano ang ginamit ni Yahweh para ilatag sa loob ng templo at sa altar ng kabanal-banalang lugar?

Nilatagan ni Solomon ng ginto ang buong panloob ng templo at ang altar ng kabanal-banalang lugar.

1 Kings 6:23-26

Ano ang taas ng kerubin na ginawa ni Solomon para sa kabanal-banalang lugar?

Sampung kubit ang taas ng dalawang kerubin na ginawa ni Solomon para sa kabanal-banalang lugar.

1 Kings 6:27-28

Saan inilagay ni Solomon ang kerubin na ginawa niya?

Inilagay ni Solomon ang kerubin sa pinakaloob na silid.

1 Kings 6:29-30

Ano ang inukit ni Solomon sa mga pader ng templo?

Si Solomon ay umukit ng mga hugis ng kerubin, mga puno ng palma, mga nakabukang bulaklak sa mga pader ng templo.

1 Kings 6:31-32

Gumawa ba si Solomon ng mga pinto para sa pasukan papunta sa banal na lugar?

Oo, si Solomon ay gumawa ng mga pinto na gawa sa kahoy ng Olibo para sa pasukan sa banal na lugar.

1 Kings 6:33-35

Sa ganoong paraan, nagpagawa rin si Solomon ng poste ng pinto

Maaaring isalin na: "Gumawa rin si Solomon ng poste ng pinto para sa pasukan ng templo"

bahagi na may mga puwang

mga puwang tulad ng sa bungi-bunging ngipin

Ang dalawang panel ng isang pinto

Ito ay nangangahulugan na ang bawat pinto ay may dalawang panel na magkasamang ikinabit sa bisagra

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

1 Kings 6:36

Tinayo niya ang panloob na patyo

Maaaring isalin na: "Itinayo ni Solomon ang mga pader ng panloob na patyo" o "Itinayo ng mga manggagawa ni Solomon ang mga pader ng panloob na patyo" (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-synecdoche]])

mga bigang sedar

mga malalaking kahoy na suporta sa pagtatayo na gawa sa kahoy mula sa puno ng sedar.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/06]]

1 Kings 6:37-38

Gaano katagal itinayo ni Solomon ang templo?

Tumagal ng pitong taon para maitayo ni Solomon ang templo.

1 Kings 7

1 Kings 7:1-2

Gaano katagal naipatayo ni Solomon ang sarili niyang palasyo?

Inabot ng labing tatlong taon si Solomon para makapagpatayo ng sarili niyang palasyo.

Anong kagubatan ang ginamit ni Solomon para mapatayo ang kaniyang palasyo?

Tinayo ni Solomon ang kaniyang palasyo mula sa Kagubatan ng Lebanon.

1 Kings 7:3-5

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

Ang bubong ay gawa sa sedro

Maaaring isalin na: "Para suportahan ang bubong doon ay may biga na gawa sa sedar" (UDB)

biga

isang mahabang piraso ng matibay na kahoy na kadalasang ginagamit bilang suporta sa bubong

Ang lahat ng mga pinto at mga haligi ay ginawang mga parisukat

"mayroong hugis-parihabang balangkas" (UDB)

1 Kings 7:6

Gaano kalaki ang bulwagan sa palasyo ni Solomon?

Ang bulwagan sa Palasyo ni Solomon ay limampung kubit ang haba at tatlumpung kubit sa lapad

1 Kings 7:7

Binabalutan ng ano ang bulwagan ng katarungan ni Solomon?

Ang bulwagan ng katarungan ni Solomon ay nababalutan ang bawat palapag ng sedro.

1 Kings 7:8

Ano ang tinayo ni Solomon para sa kaniyang asawa, ang anak na babae ng Paraoh?

Si Solomon ay nagtayo ng tahanan na tulad ng kaniyang tahanan para sa anak na babae ng Paraon, kaniyang asawa.

1 Kings 7:9-10

Gaano kalaki ang mga pundasiyong bato ng gusali?

Ang mga batong pundasiyon na ginamit para sa gusali ay walo at sampung kubit sa haba.

1 Kings 7:11-12

Ilang hanay ng tinabas na mga bato mayroon ang malaking patyo na nasa paligid ng palasyo?

Ang malaking patyo na nasa paligid ng palasyo ay mayroong tatlong hanay na tinabas na mga bato.

1 Kings 7:13-14

Sino ang dumating para magtrabaho ng tanso para kay Haring Solomon?

Si Hiram ay dumating mula Tiro para magtrabaho para kay Haring Solomon gamit ang tanso.

1 Kings 7:15-17

Ilang mga poste ng tanso ang ginawa ni Hiram?

Gumawa si Hiram ng dalawang poste ng tanso.

1 Kings 7:18-19

dalawang hanay ng mga granada

Ang 'granada" ay isang prutas na mayroong matigas, pulang balat at maraming makatas na mga buto sa loob. Hindi gumamit ng totoong granada pangpalamuti sa mga haligi si Hiram. Ginawa niya ito mula sa mga tanso.

Ang mga kapitel... ay may palamuti na mga liryo, apat na sikong taas.

Ang mga liryo ay mga bulaklak na hugis imbudo. Maaaring isalin na: "ang mga kapitel ay pinalamutian ni Hiram.. sa pamamagitan ng tansong mga liryo, apat ng sikong taas." (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit]])

itaas ng poste ng portiko

Tingnan kung paano mo isinalin ang "portiko" sa 1KI 7:6.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:20-22

Ano ang kasama malapit sa tuktok ng mga poste?

Doon ay may dalawang daang granada na nakahanay sa tuktok ng mga poste.

1 Kings 7:23-24

pabilog na dagat

Ito ay tumutukoy sa isang tangke na tanso o kawa na nilalagyan ng tubig.

hulmang..bakal

Tinunaw ni Hiram ang tanso at binuo ito sa isang molde.

sampung kubit mula labi hanggang sa labi

Ang isang kubit ay humugit kumulang 46 sentimetro. Maaaring isalin na: "sampung kubit mula sa isang dulo ay mula sa isang labi hanggang sa isa pa." (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-bdistance]])

tatlumpung kubit ang palibot na sukat

"Palibot" ay ang distansiya o sukat palibot sa bilog na gamit o lugar.

nakapalibot sa dagat ay bunga ng halamang gumagapang

Isang uri ng bunga ng halamang baging na matigas at bilog na gulay na tumutubo sa lupa.

hinulmang lahat kasabay ng hinulmang dagat

Maaaring isalin na: "nang hinulma ni Hiram ang dagat mismo." (Tingnan sa: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:25-26

Ilang mga baka ang pinatungan ng dagat?

Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang baka na tig-tatlo ang nakaharap sa hilaga, sa kanluran, sa timog, at silangan.

1 Kings 7:27-29

Ano ang taas ng sampung tansong tuntungan na ginawa ni Hiram?

Ang taas ng bawat tuntungan ay tatlong kubit.

1 Kings 7:30-31

apat na tansong gulong at ehe

Doon ay may isang ehe sa bawat pares ng mga gulong. AT: "apat na tansong mga gulong at dalawang mga ehe" (UDB) (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit]] at [[rc://tl/ta/man/translate/translate-numbers]])

ang apat na sulok

"ang apat na sulok ng bawat tuntungan"

Ang mga suporta ay binubuo ng mga korona

Ang bawat suporta ay hinulma bilang isang piraso kasama ang mga korona. AT: Hinulma ni Hiram ang mga suporta sa hugis balisungsong na mga piraso" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

korona na nakaangat

Dito ang salitang "korona" ay tumutukoy sa pabilog na piraso sa taas na bungad ng tuntungan na humahawak sa palanggana.

ang kanilang tabla ay parisukat

"ang mga tabla na nakalagay sa mga tuntungan" Ang parirala ay bumabalik sa paglalarawan ng mga tabla na nagsimula sa 1KI 7:28-29.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:32-33

Saan gawa ang mga gulong na nakapailalim sa mga tabla?

Ang mga gulong na nakapailalim sa mga tabla ay gawa sa hinulmang bakal.

1 Kings 7:34-35

Mayroong apat na hawakan sa apat na paa ng bawat tuntungan

AT: "mayroong hawakan sa bawat apat na sulok ng bawat tuntungan."

kalahating kubit ang lalim

"dalawampu't tatlong sentimetrong lapad" Ang kubit ay mas maiksi kaysa sa kalahating metro. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-bdistance]])

sa itaas ng tuntungan ang mga tukod nito at mga mahabang tabla nito ay nakakabit

AT: "Ikinabit ni Hiram ang mga suporta at tabla sa taas ng bawat tuntungan." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:36-37

sila ay napapalibutan

Dito ang salitang "sila" ay tumutukoy sa kerubin, mga leon, at mga puno ng palma.

napapalibutan ng mga korona

Dito ang salitang "korona" ay tumutukoy sa hugis balisungsong na piraso ng tanso.

Ang lahat ng iyon ay hinulma sa iisang hulmahan

AT: "hinulma ni Hiram ang lahat ng mga patungan sa parehong molde" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

mayroon silang isang sukat, at kaparehang hugis

"Ang lahat ng mga patungan ay parehong sukat at hugis."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:38-39

Gaano kadaming tubig ang kayang hawakan ng bawat kawa?

Ang kawa ni Hiram ay kayang humawak ng apatnapung banyerang tubig sa bawat kawa.

1 Kings 7:40-41

Natapos ba ni Hiram ang mga trabaho para sa templo ni Yahweh?

Oo, natapos ni Hiram ang lahat ng kaniyang ginawa para kay Haring Solomon sa templo ni Yahweh.

1 Kings 7:42-43

Ilang granada ang ginawa ni Hiram para sa palamuting parang lambat?

Gumawa si Hiram ng apatnadaang granada para sa palamuting parang lambat.

1 Kings 7:44-45

Ginawa niya

Dito ang salitang "niya" ay tumutuoy kay Hiram at kaniyang mga katulong. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit]])

lahat ng iba pang kasangkapan

"lahat ng iba pang mga kagamitan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:46-47

Hinulma sila ng Hari

AT: "pinahulma ng Hari kay Hiram at sa kaniyang mga lingkod" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]]

kapatagan ng Jordan

Ito ay tumutukoy sa patag na lupa malapit sa Ilog Jordan.

sa pagitan ng Succoth at Sarthan

Dito ang "Succoth" ay tumutukoy sa lungsod na matatagpuan sa bandang silangan ng Ilog Jordan. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-names]])

Hindi tinimbang ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan

AT: "Hindi kinailangan ni Hiram at ng kaniyang mga lingkod na timbangin ang mga kasangkapan ni Solomon"

ng timbang ng tanso ay hindi malalaman

AT: "walang sinuman ang nakakaalam ng timbang ng tanso." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:48-49

Ano ang ginamit ni Solomon para gumawa ng kagamitan sa loob ng templo ni Yahweh?

Gumamit ng ginto si Solomon para gumawa ng lahat ng kagamitan na nasa loob ng templo ni Yahweh.

1 Kings 7:50

Ang mga saro...ay nilikha mula sa purong ginto

"Ang mga manggagawa ay ginawa ang saro.. mula sa purong ginto" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

ang mga bisagra.. gawa din sa ginto.

"ginawa din nila ang mga bisagra... mula sa ginto."

ang mga bisagra ng pinto

Dito ang "bisagra" ay tumutukoy sa alinman 1) ang kabitan ng pinto upang ito ay bumukas at magsara, o 2) kung saan ang mga pinto ay nakabitin.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/07]]

1 Kings 7:51

Ano ang inilagay ni Solomon sa mga bodega sa tahanan ni Yahweh?

Inilagay ni Solomon sa mga bodega ang lahat ng pilak, ginto at kasangkapan na handog ni David na kaniyang ama.

1 Kings 8

1 Kings 8:1-2

Bakit tinipon ni Solomon ang mga pinuno ng Israel sa harap niya?

Tinipon ni Solomon ang mga pinuno ng bayang Israel upang dalhin ang arko ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David.

Sino ang nagtipon sa harap ni Haring Solomon sa pista?

Ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipon sa harapan ni Haring Solomon sa pista.

1 Kings 8:3-5

Sino ang kumuha ng arko?

Ang mga pari ang kumuha ng arko.

Ano ang hinandog sa harap ng arko?

Hinandog ni Haring Solomon ang tupa at baka na hindi mabilang.

1 Kings 8:6-8

Saan dinala ng pari ang arkong tipan ni Yahweh?

Dinala ng mga pari ang arko ng tipan ni Yahweh sa kabanal-banalang lugar.

1 Kings 8:9-11

Ano ang pumuno sa tahanan ni Yahweh?

Ang kaluwalhatian ni Yahweh ang pumuno sa kaniyang tahanan.

1 Kings 8:12-13

matayog na tirahan

"dakilang tirahan"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:14-16

Ano ang ginawa ng Hari para sa pagtitipon ng Israel?

Pinagpala ng hari ang pagtitipon ng Israel habang sila ay nakatayo.

1 Kings 8:17-19

Ano ang sinabi ni Yahweh kay David?

Sinabi ni Yahweh kay David na ang kaniyang anak ang magtatayo ng tahanan para sa ngalan niya.

1 Kings 8:20-21

ako ay umupo sa trono ng Israel

AT: "Ako ang namumuno sa Israel" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:22-24

Ano ang ginawa ni Solomon sa harap ng altar ni Yahweh?

Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh at nag-unat ng kaniyang mga kamay.

1 Kings 8:25-26

Ano ang pinanalangin at hiningi ni Solomon kay Yahweh?

Nanalangin si Solomon na ang pangako ni Yahweh kay David ay magkatotoo.

1 Kings 8:27-28

Pero ang Diyos ba ay talagang maninirahan sa mundo?

AT: "Pero tiyak, hindi maaaring ang Diyos ay maninirahan sa mundo!" (Tingnan : [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

ang panalangin ito ng iyong lingkod at ng kaniyang hiling

Ang salitang "panalangin" at "hiling" ay nangangahulugan ng magkaparehong bagay at nagbibigay diin sa maalab na panalangin. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-doublet]])

ituring mo ang panalangin ito ng iyong lingkod... makinig ka sa iyak at panalangin na ng iyong lingkod

Ang una at huling bahagi ng pangungusap ay nagsasabi ng magkatulad na bagay. Parehong bahagi ang nagpapatindi ng hiling ni Solomon. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-parallelism]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:29-30

Ano ang pinanalangin ni Solomon na gawin ni Yahweh?

Nanalangin si Solomon na nawa ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon patungo sa templo gabi at araw.

Mula saan makikinig si Yahweh kapag ang Israel ay mananalangin sa kaniya?

Si Yahweh ay makikinig mula sa kalangitan, kung saan siya nakatira.

1 Kings 8:31-32

Ano ang hiniling ni Solomon kay Yahweh na gawin para sa matuwid?

Kaniyang hiniling na ang matuwid ay maihayag na walang kasalanan at karangalan para sa kaniyang katuwiran.

1 Kings 8:33-34

Kailan matatalo ang Israel ng kaniyang kaaway?

Matatalo ang Israel ng kaaway kapag sila ay nagkasala laban kay Yahweh.

1 Kings 8:35-36

Bakit tahimik ang kalangitan at walang ulan?

Kapag tahimik ang kalangitan at walang ulan dahil ang bayan ay nagkasala laban kay Yahweh.

1 Kings 8:37-38

pagkalanta o pagkabulok

Ito ay mga pansakang pananalita na tumutukoy sa pagkamatay ng mga pananim mula sa kaunti o lubhang daming ulan, ayon sa pagkakabanggit.

mga balang o mga uod

Ang "balang" ay isang klase ng tipaklong na kumakain ng mga pananim na nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga ito. Ang salitang "uod" ay tumutukoy sa maagang yugto ng buhay ng balang.

panalangin at mga kahilingang gawa ng isang tao o ng bayan ng Israel

AT: "isang tao, o lahat ng iyong mamamayan ng Israel, na nananalangin at gumagawa ng kahilingan" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

nalalaman ang salot sa kaniyang sariling puso

Mga maaaring kahulugan ay 1) "kaalaman sa kasalanan sa kaniyang puso" o 2) "Kaalaman na sa kaniyang puso na ang salot ay bunga ng kaniyang sariling kasalanan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:39-40

Bakit hiniling ni Solomon na makinig si Yahweh mula sa kalangitan at patawarin ang mga kasalanan ng mga tao?

Hiniling ni Solomon kay Yahweh na patawarin ang mga tao na kanilang dapat na kinakatakutan sa buong buhay na paninirahan ng lupain.

1 Kings 8:41-43

Bakit gagawin ng isang dayuhan ang mangagaling mula sa malayong bansa?

Ang dayuhan ay manggaling mula sa malayong bansa dahil sa pangalan ni Yahweh.

Bakit hiniling ni Solomon kay Yahweh na gawin ang kahit anong hilingin sa kaniya ng dayuhan?

Humiling si Solomon kay Yahweh na gawin ang kahit anong hingin sa kaniya ng dayuhan na gawin para ang mga grupo ng tao sa mundo ay malaman ang kaniyang pangalan at matakot sa kaniya.

1 Kings 8:44-45

kanilang mga panalangin, kanilang kahilingan

Ang dalawang mga salitang "panalangin" at "kahilingan" ay nangangahulugan ng magkatulad na bagay. Magkasama itong nagbibigay diin sa kaalaban sa hinihiling ng mga tao na gawin ni Yahweh. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-doublet]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:46-47

Bakit dadalhing bihag ng kaaway ang Israel sa kanilang lupain?

Dadalhing bihag ng kaaway ang Israel dahil si Yahweh ay galit sa Israel at binigay sila sa kanilang kaaway.

Ano ang sasabihin ng mga Israelita sa lupain ng kanilang kaaway?

Sasabihin ng mga Israelita, "Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama."

1 Kings 8:48

Ano ang gagawin ng mga Israelita sa lupain ng kanilang kaaway?

Ang mga Israelita ay babalik kay Yahweh ng kanilang buong puso at ng kanilang buong kaluluwa at mananalangin sa Kaniya.

1 Kings 8:49-50

Ano ang hiniling ni Solomon kay Yahweh na gawin kapag nanalangin sa Kaniya ang kaniyang bayan?

Hiniling ni Solomon kay Yahweh na patawarin ang kaniyang bayan at magkaroon ng habag sa kanila.

1 Kings 8:51-53

Mula saan sinagip ni Yahweh ang kaniyang bayan?

Sinagip ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pugon mula sa Ehipto.

Ano ang hiniling ni Solomon kay Yahweh na gawin kapag tumawag sa kaniya ang kaniyang bayan?

Hiniling ni Solomon kay Yahweh na buksan ang Kaniyang mga mata sa kanilang mga kahilingin at makinig sa kanila.

Bakit hiniwalay ni Yahweh ang kaniyang tao mula sa mga tao sa mundo?

Hiniwalay sila ni Yahweh sa lahat ng mga tao sa mundo para mapabilang sa iyo at makatanggap ng kaniyang mga pangako.

1 Kings 8:54-56

Ano ang ginawa ni Solomon pagkatapos niya sa panalangin at humiling kay Yahweh?

Pagkatapos niya manalangin, tumayo si Solomon at pinagpala ang lahat ng kapulungan ng Israel na may malakas na boses.

1 Kings 8:57-58

hindi iwan o pabayaan

Ang dalawang parirala ay nangangahulugan ng magkaparehong bagay at nagbibigay diin sa pagnanais ng mga tao na makasama si Yahweh. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-doublet]])

ibaling ang ating puso sa kaniya

AT: "gawin kaming tapat sa kaniya" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-synecdoche]])

mamuhay sa lahat ng kaniyang paraan

AT: " mamuhay gaya ng nais niyang tayo ay mamuhay" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/08]]

1 Kings 8:59-61

Ano ang gusto ni Solomon na malaman ng lahat ng tao ng mundo?

Gusto ni Solomon na ang lahat ng tao dito sa mundo ay malaman na si Yahweh ay Diyos at wala ng iba pang Diyos.

Ano ang sinabi ni Solomon na gawin ng tao ni Yahweh?

Sinabi sa kanila ni Solomon na hayaan ang kanilang puso na magiging totoo kay Yahweh at lumakad sa kaniyang alituntunin at mga kautusan.

1 Kings 8:62-63

Sino ang naghandog ng mga alay kay Yahweh?

Ang hari at lahat ng Israelitang kasama niya ay naghandog ng mga alay kay Yahweh.

Gaano kadaming baka at tupa ang hinandog ni Solomon?

Si Solomon ay naghandog ng 22,000 na baka at 120,000 tupa kay Yahweh.

1 Kings 8:64

Bakit ginawang banal ng hari ang patyo na nasa harap ng templo ni Yahweh?

Ginawang banal ng hari ang patyo dahil ang tansong altar na nasa harapan ni Yahweh ay masyadong maliit para sa mga pag-aalay.

1 Kings 8:65-66

Kailan pinauwi ng hari ang mga tao pabalik ng kanilang tahanan?

Sa ika-walong araw, pinauwi niya ang mga tao sa kanilang mga tahanan.

1 Kings 9

1 Kings 9:1-2

Pagkatapos maitayo ni Solomon ang templo ni Yahweh, ano ang ginawa ni Yahweh?

Nang matapos ni Solomon ang templo ni Yahweh, nagpakita siya kay Solomon sa ikalawang pagkakataon.

1 Kings 9:3

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Solomon?

Sinabi ni Yahweh kay Solomon, "Narinig ko ang iyong panalangin at ang kahilingan mo sa akin."

1 Kings 9:4-5

Ano ang gusto ni Yahweh na sundin ni Solomon?

Gusto ni Yahweh na sundin ni Solomon ang lahat ng mga kautusan at mga alituntunin na iniutos niya sa kanya.

Ano ang ipinangako ni Yahweh kay David, ang ama ni Solomon?

Ipinangako ni Yahweh na itatatag niya ang trono sa kaharian ni David sa buong Israel magpakailanman.

1 Kings 9:6-7

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Solomon na gagawin niya kung hindi iingatan ni Solomon ang kanyang mga kautusan?

Sinabi ni Yahweh kay Solomon na puputulin niya ang Israel mula sa lupain na kanyang ibinigay sa kanila.

1 Kings 9:8-9

Ano ang itatanong ng mga tao kapag napapadaan sila sa templo?

Tatanungin ng mga tao, "Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at templong ito?"

Bakit dadalhin ni Yahweh ang ganitong kapahamakan sa kanila?

Dadalhin ni Yahweh ang ganitong kapahamakan sa kanila dahil naghimagsik sila laban sa kanilang Diyos at sumamba sila sa ibang mga diyos.

1 Kings 9:10-11

Ano ang nangyari sa katapusan ng dalawampung taon?

Sa katapusan ng dalawampung taon, Tinapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo at ang palasyo ng hari.

Ano ang mga ibinigay ni Hiram na hari ng Tiro kay Solomon?

Binigyan ni Hiram, ang hari ng Tiro si Solomon ng mga kahoy na cedar, mga kahoy na pino, at ginto.

1 Kings 9:12-14

Ano ang ipinunta ni Hiram mula sa Tiro para makita?

Dumating si Hiram mula sa Tiro para makita ang mga lungsod na ibinigay sa kanya ni Solomon

Ano ang itinawag ni Hiram sa mga lungsod na ibinigay sa kanya ni Solomon?

Tinawag ni Hiram ang mga lungsod na lupain na Cabul na ibig sabihin ay walang silbi.

Gaano karaming ginto ang ipinadala ni Hiram kay haring Solomon?

Nagpadala si Hiram sa hari ng 120 talentong ginto.

1 Kings 9:15-16

Ano ang mga ipinatayo ni Solomon sa Hazor, Megido at Gezer?

Si Solomon ay nagpatayo ng mga tanggulan sa Hazor, Megiddo, at Gezer.

Ano ang ginawa ng Paraon, hari ng Ehipto sa Gezer?

Sinakop ng Paraon ang Gezer, ang hari ng Ehipto at sinunog niya ito, at pinatay din ang mga Cananaeo sa lungsod.

1 Kings 9:17-19

Ano ang ginawa ni Solomon sa Gezer at Beth-Horon?

Ipinatayo muli ni Solomon ang Gezer at Beth- Horon.

1 Kings 9:20-21

Ano ang ginawa ni Solomon sa mga tao sa lupain na hindi kabilang sa Israel?

Ang mga tao sa lupain na hindi kabilang sa Israel ay ginawa ni Solomon na mga sapilitang manggagawa.

1 Kings 9:22

Ano ang ginawa ni Solomon sa mga mamamayan ng Israel?

Ang mga mamamayan ng Israel ay ginawa ni Solomon na maging mga sundalo, mga lingkod, mga opisyal, mga pinuno at mga pinuno na kanyang hukbo.

1 Kings 9:23

Gaano karaming pangunahing pinuno ang mayroon si Solomon?

May 550 pangunahing pinuno si Solomon na humawak sa mga tagapangasiwa.

1 Kings 9:24

Itinayo ang Milo

Tingnan kung paano mo isinalin "Ang Millo" sa 1KI 9:15.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/09]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/09]]

1 Kings 9:25

Ano ang iniaalay ni Solomon tatlong beses sa isang taon?

Nag-aalay si Solomon ng mga handog na susunugin at mga handog kapayapaan sa altar ni Yahweh tatlong beses isang taon.

1 Kings 9:26-28

Ano ang ginawa ni Solomon sa Ezion-Geber?

Nagpagawa si Solomon ng malaking grupo ng barko sa Ezion-Geber.

Bakit nagpadala si Solomon ng mga tauhan sa Ofir?

Nagpadala ng mga tauhan sa Ofir para mag-uwi ng ginto.

1 Kings 10

1 Kings 10:1-2

Bakit pumunta ang reyna ng Seba kay Solomon?

Pumunta ang reyna ng Seba kay Solomon para subukin siya sa pamamagitan ng mga mahihirap na katanungan.

Ano ang mga dinala ng reyna ng Seba sa Jerusalem?

Nagdala ang reyna ng Seba ng mga pabango, ginto, at mga mamahaling bato

1 Kings 10:3-5

Ilan sa mga tanong ng reyna ng Seba ang sinagot ni Solomon?

Sinagot ni Solomon ang lahat ng mga tanong ng reyna ng Seba.

Ano ang naging reaksiyon ng reyna ng Seba ng makita niya ang lahat ng karunungan ni Solomon

Noong makita ng reyna ng Seba ang lahat ng karunungan ni Solomon ay halos maubusan ng hininga.

1 Kings 10:6-7

Ano ang sinabi ng reyna ng Seba kay Solomon?

Sinabi ng reyna ng Seba kay Solomon, "Nahigitan mo ang katanyagan na narinig ko tungkol sa iyo."

1 Kings 10:8-9

Bakit sinabi ng reyna ng Seba na mapalad ang mga lingkod ni Solomon?

Sinabi ng reyna ng Seba ng mapalad ang mga lingkod ni Solomon dahil narinig nila ang kanyang karunungan

Paano ipinapakita ni Yahweh ang kanyang pagmamahal sa Israel?

Ipinakita ni Yahweh ang pagmamahal sa Israel sa pamamagitan ng paglalagay niya kay Solomon bilang hari.

1 Kings 10:10

Ano ang ibinigay ng reyna ng Seba kay Solomon?

Binigyan ng reyna ng Seba si Solomon ng 120 talentong ginto, mga pabango, at mga mamahaling bato.

1 Kings 10:11-12

Ano ang dinala ng mga grupo ng barko ni Hiram mula sa Ofir?

Nagdala ng ginto ang grupo ng barko ni Hiram mula sa Ofir.

Ano ang ang ginawa ng hari para sa templo ni Yahweh?

Nagpagawa ang hari ng mga posteng kahoy na algum para sa templo ni Yahweh.

1 Kings 10:13

Ano ang ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Seba?

Ibinigay lahat ni Solomon sa reyna ng Seba ang lahat na kanyang maibigan.

1 Kings 10:14-15

Ano ang timbang ng ginto na dinadala kay Solomon bawat taon?

Ang timbang ng ginto na dinadala kay Solomon bawat taon ay 666 talento.

Sino ang nagdala ng ginto at pilak kay Solomon?

Ang mga hari ng Arabia at mga gobernador sa bansa ang nagdala ng ginto at pilak kay Solomon.

1 Kings 10:16-17

Ilang malalaking kalasag na binalutan ng ginto ang pinagawa ni Solomon?

Nagpagawa si Solomon ng dalawang daang kalasag na binalutan ng ginto.

Saan ipinalagay ni Haring Solomon ang tatlong daang kalasag na binalutan ng ginto?

Inilagay ni Haring Solomon ang tatlong daang kalasag na binalutan ng ginto sa loob ng Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon.

1 Kings 10:18-20

Ano ang ipinagawa ni Solomon na yari sa garing at ng pinakamataas na uri ng ginto?

Ang hari ay nagpagawa ng malaking trono na yari sa garing at ng pinakamataas na uri ng ginto.

Ano ang nakatayo sa tabi ng mga dantayan ng bisig ng trono na ipinagawa ng hari?

Dalawang leon ang nakatayo sa tabi ng dantayan ng bisig ng trono na ipinagawa ng hari.

Ano ang nakatayo sa gilid ng anim na mga baytang ng trono?

Labing dalawang leon ang nakatayo sa gilid ng anim na mga baytang ng trono.

1 Kings 10:21-22

Saan gawa ang mga iniinumang tasa ng Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon?

Ang mga iniinumang tasa ng Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay gawa sa pinakamataas na uri ng ginto.

Ano ang dinadala ng mga barko ng hari isang beses sa bawat tatlong taon?

Bawat tatlong taon, ang mga barko ng hari ay nagdadala ng ginto, pilak, garing ng elepante, mga unggoy at mga malalaking unggoy.

1 Kings 10:23-25

Bakit sinadyang hanapin ng buong mundo si Solomon?

Sinadyang hanapin ng buong mundo si Solomon para marinig ang karunungan na inilagay ng Diyos sa kanyang puso.

Anong parangal ang dinadala ng mga panauhin ni Solomon sa kanya?

Ang mga bumisita sa kanya ay nagdala ng parangal gaya ng ginto, pilak, damit, kalasag at mga pabango.

1 Kings 10:26-27

Saan inihimpil ni Solomon ang kanyang mga karwahe at mga mangangabayo?

Inihimpil ni Solomon ang kanyang mga karwahe at mga mangangabayo sa mga karwaheng lungsod at sa Jerusalem.

Ano ang ginawa ng hari sa kahoy na cedar?

Pinalago ng hari ang kahoy na cedar gaya ng mga punong sikamoreng igos sa mabababang lupain

1 Kings 10:28-29

Saan nagmula ang mga kabayo ni Solomon?

Ang mga kabayo ni Solomon ay nanggaling mula sa Ehipto at Cilicia.

Magkano ang halaga ang bawat isang karwahe na pag-aari ni Solomon?

Binili ang mga karwahe ng anim na raang siklo ng pilak ang bawat isa.

1 Kings 11

1 Kings 11:1-2

Kanino umibig si Haring Solomon?

Umibig si Haring Solomon ng maraming babaeng dayuhan.

Ano ang iniutos ni Yahweh tungkol sa pag-aasawa ng mga babaeng mula sa ibang bansa.

Inutusan ni Yahweh ang Israel na huwag mag-aasawa ng mga babaeng taga ibang bansa.

1 Kings 11:3-4

Ano ang ginawa ng mga asawa ni Solomon sa kanyang puso?

Inilayo ng mga asawa ni Solomon ang kanyang puso.

Paano nakatuon ang puso ni David hinggil kay Yahweh?

Ang puso ni David ay lubusang nakasuko kay Yahweh ang kanyang Diyos

1 Kings 11:5-6

Ano ang sinunod ni Solomon?

Sumunod si Solomon kay Astarte ang babaeng diyus-diyosan ng mga Sidonio at kay Milcom ng mga Ammonita

Ano ang ginawa ni Solomon sa paningin ni Yahweh?

Ginawa ni Solomon kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.

1 Kings 11:7-8

Ano ang ipinatayo ni Solomon para kay Cemos?

Nagpatayo si Solomon ng dambana para kay Cemos, ang diyus-diyosan ng mga Moabita.

Ano ang ginawa ni Solomon sa dambana ng kanyang mga dayuhang asawa?

Nagsunog si Solomon ng insenso at nag-alay sa kanilang mga diyos sa mga dambana.

1 Kings 11:9-10

Ilang ulit nagpakita si Yahweh kay Solomon?

Dalawang ulit nagpakita si Yahweh kay Solomon.

Ano ang inutos ni Yahweh kay Solomon?

Iniutos ni Yahweh kay Solomon na huwag sumunod sa mga dayuhang diyos.

1 Kings 11:11-13

Ano ang sinabi ni Yahweh kay Solomon na kanyang gagawin dahil sa mga dayuhang diyos?

Sinabi ni Yahweh kay Solomon na hahatiin niya ang kaharian mula sa kanya at ibibigay ito sa kanyang lingkod.

Ilang mga lipi ang ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa anak na lalaki ni Solomon?

Nangako si Yahweh na magbibigay ng isang lipi sa anak na lalaki ni Solomon.

1 Kings 11:14-17

Sino ang ipinadala ni Yahweh bilang katunggali ni Solomon?

Ipinadala ni Yahweh si Hadad ang Edumeo bilang katunggali ni Solomon.

Sino ang nagpunta para ilibing ang mga napatay sa Edom?

Si Joab na kapitan ng hukbo ay nagpunta para ilibing ang mga patay na pinatay sa Edom.

Gaano katagal nanatili si Joab at ang Israel sa Edom?

Nanatili si Joab at ang Israel sa Edom ng anim na buwan

Saan dinala si Hadad?

Si Hadad ay dinala sa Ehipto.

1 Kings 11:18-19

Sino ang ibinigay ng Paraon bilang asawa ni Hadad?

Ibinigay ng Paraon kay Hadad ang kapatid na babae ni reyna Tapenes bilang kanyang asawa.

1 Kings 11:20-22

Ano ang pangalan ng anak na lalaki ni Hadad?

Ang pangalan ng anak na lalaki ni Hadad ay Genubat.

Ano ang hiniling ni Hadad kay Paraon?

Hiniling ni Hadad kay Paraon kung maari siyang umalis at pumunta sa kanyang sariling bansa.

1 Kings 11:23-25

Ano ang pangalan ng isa pang katunggali na ipinadala ng Diyos laban kay Solomon?

Nagpadala ang Diyos ng isa pang katunggali na nagngangalang Rezon na anak na lalaki ni Eliada.

Saan naglakbay ang mga tauhan ni Rezon?

Ang mga tauhan ni Rezonn ay pumunta sa Damascus at nanirahan doon.

Gaano katagal naging kaaway ng Israel si Rezon?

Naging kaaway ng Israel si Rezon sa buong panahon ni Solomon.

1 Kings 11:26-27

Sino ang naghimagsik laban sa hari?

Si Jeroboam na anak ni Nebat ay naghimagsik laban kay Solomon.

Bakit naghimagsik si Jeroboam laban sa hari?

Si Jeroboam na anak ni Nebat ay naghimagsik laban sa hari dahil itinayo niya ang Millo at inayos ang pader ng lungsod ni David.

1 Kings 11:28-30

Ano ang ang ibinigay ni Solomon kay Jeroboam na pamunuan?

Ibinigay ni Solomon kay Jeroboam ang pamumuno sa lahat ng gawain sa sambahayan ni Jose.

Sino ang nakatagpo kay Jeroboam sa daan habang lumalabas siya ng Jerusalem?

Natagpuan si Jeroboam ni propeta Ahias habang lumalabas siya ng Jerusalem.

Ano ang ginawa ni Ahias sa kanyang bagong kasuotan?

Kinuha ni Ahias ang kanyang bagong kasuotan at pinunit ito sa labindalawang piraso.

1 Kings 11:31-33

Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa kaharian ni Solomon?

Sinabi ni Yahweh na hahatiin niya ang kaharian mula sa kamay ni Solomon

Ilang lipi ang mananatili kay Solomon?

Mananatili kay Solomon ang isang lipi alang-alang kay David.

1 Kings 11:34-36

Gaano katagal gagawing hari ni Yahweh si Solomon?

Gagawing hari ni Yahweh si Solomon sa buong buhay niya.

Aling lungsod ang pinili ni Yahweh para ilagay ang kanyang pangalan.

Pinili ni Yahweh ang lungsod ng Jerusalem para ilagay ang kanyang pangalan.

1 Kings 11:37-39

Ano ang pangakong gagawin ni Yahweh kay Jerobam kung siya ay lalakad sa kanyang mga landas?

Ipinangako ni Yahweh na bibigyan niya si Jeroboam ng totoong tahanan at ibibigay din ang Israel sa kanya kung siya ay lalakad sa kanyang mga landas.

Ano ang sinubukang gawin ni Solomon kay Jeroboam?

Sinubukang patayin ni Solomon si Jeroboam.

1 Kings 11:40

Gaano katagal naghari si Solomon sa Jerusalem?

Naghari si Solomon sa Jerusalem sa loob ng apatnapung taon.

1 Kings 11:41-43

Sino ang humalili kay Solomon bilang hari?

Si Rehoboam ang naging hari bilang kahalili ni Solomon.

1 Kings 12

1 Kings 12:1-2

Bakit nagpunta si Rehoboam sa Shechem?

Nagpunta si Rehoboam sa Shechem dahil ang buong Israel ay magpupunta doon para gawin siyang hari.

1 Kings 12:3-5

Sino ang dumating sa kapulungan ng Israel para kausapin si Rehoboam?

Si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat ang dumating kasama ang kapulungan ng Israel para kausapin si Rehoboam.

Ano ang hiniling ng Israel kay Rehoboam?

Hiniling ng buong Israel kay Rehoboam na pagaanin ang mabibigat nilang pasanin na inilagay sa kanila ng kaniyang ama.

Ilang araw pinaalis ni Rehoboam ang mga tao?

Pinaalis ni Rehoboam ang mga tao ng tatlong araw.

1 Kings 12:6-7

Kanino sumangguni si Rehoboam?

Sumangguni si Rehoboam sa mga matatandang lalaki na tumayo sa harapan ni Solomon na kaniyang ama.

Ano ang sinabi ng mga matatandang lalaki kay Rehoboam?

Sinabi ng mga matatandang lalaki na dapat magsabi ng mga mabubuting salita si Rehoboam sa bayan ng Israel.

1 Kings 12:8-9

Ano ang ginawa ni Rehoboam sa payo na binigay sa kaniya ng mga matatandang lalaki?

Binalewala ni Rehoboam ang payo ng mga matatandang lalaki.

1 Kings 12:10-11

Ano ang sinasabi ng mga nakababatang lalaki kay Rehoboam para sabihin sa bayan?

Sinabi ng mga nakababatang lalaki kay Rehoboam na sabihing, "Ang hinliliit ko ay mas makapal kaysa sa baywang ng aking ama."

Ano ang sinasabi ni Rehoboam na maaari niyang gamitin para parusahan ang bayan?

Sinabi ni Rehoboam maaari siyang gumamit ng mga alakdan para parusahan ang bayan.

1 Kings 12:12-14

Ano ang itinagubilin ng hari sa bayan na gagawin?

Itinagubilin ng hari sa bayan na bumalik pagkaraan ng tatlong araw.

Paano sinagot ng hari ang bayan?

Marahas na sinagot ng hari ang bayan.

Ano ang sinasabi ng hari na maaari niyang gawin sa pasanin ng bayan?

Sinabi ng hari na dadagdagan niya ang pasanin sa bayan.

1 Kings 12:15

Sino ang naging dahilan sa mga kaganapang ito?

Naging dahilan si Yahweh sa mga kaganapang ito.

1 Kings 12:16-17

Ano ang sinasabi ng buong Israel nang makita nilang hindi nakinig ang hari sa kanila?

Sinabi ng buong Israel, "Wala kaming minana sa anak ni Jesse; bumalik kayo sa inyong mga tolda."

Sa anong bayan naging hari si Rehoboam?

Naging hari si Rehoboam sa bayang Israel na naninirahan sa mga lungsod ng Juda.

1 Kings 12:18-19

Ano ang ginawa ng Israel kay Adoram?

Pinagbabato ng buong Israel si Adoram hanggang mamatay.

1 Kings 12:20

Sino ang sumunod sa pamilya ni David?

Ang lipi ng Juda lamang ang sumunod sa pamilya ni David.

1 Kings 12:21

Bakit tinipon ni Rehoboam ang angkan ng Juda sa Jerusalem?

Tinipon ni Rehoboam ang angkan ng Juda para labanan ang angkan ng Israel.

1 Kings 12:22-24

Kanino dumating ang salita ng Diyos?

Ang salita ng Diyos ay dumating kay Semaias na lingkod ng Diyos.

Ano ang sinasabi ni Yahweh?

Sinabi ni Yahweh, "Hindi ninyo dapat lusubin o labanan ang inyong mga kapatid ang bayang Israel."

1 Kings 12:25-27

Saan itinayo ni Jeroboam ang Shechem?

Itinayo ni Jeroboam ang Shechem sa maburol ng bansang Efraim.

Ano ang inaakala ni Jeroboam sa kaniyang puso?

Inaakala ni Jeroboam sa kaniyang puso, "Ngayon ang kaharian ay ibabalik sa angkan ni David."

1 Kings 12:28-30

Ano ang sinasabi ni Jeroboam tungkol sa inaalay na mga handog ng bayan sa templo ni Yahweh?

Sinabi ni Jeroboam, "Kung ang bayan na ito ay mag-aalay ng mga handog sa templo ni Yahweh, papatayin nila ako at babalik kay Rehoboam na hari ng Juda."

Ano ang ginawa ni Haring Jeroboam?

Gumawa ng dalawang gintong guya si Haring Jeroboam.

Saan inilagay ni Jeroboam ang dalawang gintong guya?

Inilagay ni Haring Jeroboam ang isang guya sa Betel at ang isa sa Dan.

1 Kings 12:31-32

Anong mga tao ang ginawang mga pari ni Jeroboam?

Ginawang mga pari ni Jeroboam ang mga taong hindi kabilang sa mga anak ni Levi.

Ano ang ginawa ni Jeroboam sa Bethel?

Nagtalaga si Jeroboam ng isang pista sa Bethel.

1 Kings 12:33

Ano ang ginawa ni Jeroboam sa altar sa Bethel?

Umakyat si Jeroboam sa altar para magsunog ng insenso.

1 Kings 13

1 Kings 13:1-3

Sino ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh?

Isang lingkod ng Diyos ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.

Ano ang ipinahayag ng lingkod ng Diyos laban sa altar ng Bethel?

Ang kapahayagan ng lingkod ng Diyos laban sa altar ay, "Susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa ibabaw nito."

Anong palatandaan ang ibinigay ng lingkod ng Diyos tungkol sa altar?

Ang lingkod ng Diyos ay nagbigay ng isang palatandaan na sinasabing, "Ang altar ay mahahati at mabubuhos ang mga abo nito."

1 Kings 13:4-5

Anong nangyari sa kamay ni Jeroboam nang itinuro niya ito mula sa altar?

Nang itinuro niya ito mula sa altar, natuyo ang kaniyang kamay kaya hindi niya ito maikilos.

Anong nangyari sa altar?

Nahati ang altar at nabuhos ang mga abo tulad ng inilarawan ng lingkod ng Diyos.

1 Kings 13:6-7

Ano ang nangyari nang manalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh tungkol sa kamay ni Jeroboam?

Nang manalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, naibalik ang kamay ng hari at naging tulad ito sa dati.

Ano ang sinasabi ng hari sa lingkod ng Diyos?

Sinabi ng hari sa lingkod ng Diyos, "Sumama ka sa aking tahanan at bibigyan kita ng isang gantimpala."

1 Kings 13:8-10

Ano ang sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari?

Sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, "Hindi ako sasama sa iyo."

Ano ang ginawa ng lingkod ng Diyos pagkatapos makipag-usap sa hari?

Pagkatapos makipag-usap sa hari, umuwi na ang lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng ibang daan kaysa nang dumating siya sa Bethel.

1 Kings 13:11-13

Saan naninirahan ang matandang propeta?

Nanirahan ang matandang propeta sa Bethel.

Sino ang nakakita ng dinaanan ng lingkod ng Diyos ng pumunta siya mula Bethel?

Nakita ng mga anak ng matandang propeta ang dinaanan ng lingkod ng Diyos papunta sa Bethel.

Saan natagpuan ng matandang propeta ang lingkod ng Diyos?

Natagpuan ng matandang propeta ang lingkod ng Diyos na nakaupo sa ilalim ng isang punong ensena.

1 Kings 13:14-17

Ano ang sinasabi ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos?

Sinabi ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos, "Sumama ka sa aking tahanan at kumain ka."

Ano ang sinagot ng lingkod ng Diyos sa matandang propeta?

Sumagot ang lingkod ng Diyos, "Hindi ako maaaring bumalik kasama mo o pumasok kasama mo."

Ano ang sinagot ng matandang propeta sa lingkod ng Diyos?

Nagsisinungaling ang matandang propeta sa lingkod ng Diyos at sumagot, "Isang anghel ang nagsalita sa pamamagitan ng salita ni Yahweh na sinasabing "Isama mo siya sa iyong bahay."

1 Kings 13:18-19

Saan nagpunta ang lingkod ng Diyos pagkatapos magsinungaling sa kaniya ang matandang propeta?

Bumalik ang lingkod ng Diyos at kumain at uminom ng tubig sa kaniyang bahay.

1 Kings 13:20-22

Ano ang dumating sa matandang propeta habang sila ay nakaupo sa hapag-kainan?

Dumating ang salita ni Yahweh sa matandang propeta habang sila ay nakaupo sa hapag-kainan.

Ano ang sinasabi ng salita ni Yahweh sa lingkod ng Diyos?

Sinabi ng salita ni Yahweh, "Dahil bumalik ka at kumain at uminom ng tubig, ang iyong katawan ay hindi maililibing sa libingan ng iyong mga ninuno."

1 Kings 13:23-25

Ano ang ginawa ng matandang propeta pagkatapos nilang kumain?

Pagkatapos nilang kumain, inihanda ng matandang propeta ang asno ng lingkod ng Diyos para sa kaniya.

Ano ang nangyari pagkatapos makaalis ng lingkod ng Diyos?

Pagkatapos makaalis ang lingkod ng Diyos, isang leon ang nakasalubong niya sa daan at pinatay siya.

Ano ang ginawa ng mga kalalakihan nang makita nila ang katawan ng lingkod ng Diyos na nakahandusay sa daan?

Nang makita ng mga kalalakihan ang katawan ng lingkod ng Diyos na nakahandusay, sila ay bumalik at ibinalita ito sa lungsod ng matandang propeta.

1 Kings 13:26-28

Ano ang sinagot ng matandang propeta sa mga kalalakihan?

Sumagot ang matandang propeta, "Ito ang lingkod ng Diyos na sumuway sa salita ni Yahweh."

Ano ang ginawa ng matandang propeta pagkatapos marinig ang mga kalalakihan?

Kinausap ng matandang propeta ang kaniyang mga anak na lalaki para ihanda ang kaniyang asno at siya ay nagpunta at natagpuang naiwan ang katawan sa daan.

1 Kings 13:29-30

Ano ang ginawa ng matandang propeta sa katawan ng lingkod ng Diyos?

Kinuha ng matandang propeta ang katawan ng lingkod ng Diyos at inilibing siya sa sarili niyang libingan.

1 Kings 13:31-32

Ano ang sinasabi ng matandang propeta sa kaniyang mga anak na lalaki tungkol sa sarili niyang libing?

Sinabi ng matandang propeta sa kaniyang mga anak, "Kapag ako ay namatay, ilibing ninyo ako sa libingan kung saan inilibing ang lingkod ng Diyos."

1 Kings 13:33-34

Anong bagay ang naging kasalanan sa pamilya ni Jeroboam at nagdulot ito na malipol mula sa ibabaw ng daigdig?

Hindi tumalikod si Jeroboam mula sa masama at ginawang banal bilang mga pari sinuman ang kaniyang nais; ang bagay na ito ay naging kasalanan sa pamilya ni Jeroboam.

1 Kings 14

1 Kings 14:1-3

Ano ang nangyari kay Ahias na anak ni Jeroboam?

Si Ahias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.

Ano ang hiniling ni Jeroboam sa kaniyang asawa na gawin?

Hiniling ni Jeroboam sa kaniyang asawa na magpanggap at pumunta kay Propeta Ahias sa Shilo.

Bakit hiniling ni Jeroboam sa kaniyang asawa na pumunta kay propeta Ahias?

Hiniling ni Jeroboam sa kaniyang asawa na pumunta kay propeta Ahias para malaman kung ano ang mangyayari sa anak niyang maysakit.

1 Kings 14:4-5

Ano ang diperensiya sa mga mata ni Ahias?

Yamang matanda na si Ahias, siya ay bulag na at hindi na makakita.

Sino ang nagsabi kay Ahias, "Darating ang asawa ni Jeroboam para makita ka?

Si Yahweh ang nagsabi kay Ahias, "Darating ang asawa ni Jeroboam para makita ka para humingi ng payo tungkol sa kaniyang anak."

1 Kings 14:6-8

Ano ang sinasabi ni Ahias sa asawa ni Jeroboam?

Nang marinig ni Ahias ang pagpasok niya sa pintuan sinabi niya sa kaniya, "Bakit ka nagkukunwari na maging ibang tao na hindi naman ikaw?"

Ano ang sinasabi ng Diyos ng Israel tungkol kay Jeroboam?

Sinabi ng Diyos ng Israel kay Jeroboam, "Hindi ka naging katulad ng lingkod kong si David na tumupad ng aking mga utos."

1 Kings 14:9-10

Ano ang ginawa ni Jeroboam para galitin si Yahweh?

Naghulma ng mga imaheng bakal si Jeroboam para galitin si Yahweh.

Anong kapahamakan ang maaaring ipadala ni Yahweh kay Jeroboam?

Sinabi ni Yahweh na ilalayo niya mula sa kaniya ang bawat batang lalaki sa Israel.

1 Kings 14:11-13

Ano ang mangyayari sa sinumang pamilya ni Jeroboam na namatay sa lungsod?

Sinuman sa pamilya ni Jeroboam na namatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso.

Ano ang maaaring gawin ng buong Israel para sa anak ni Jeroboam?

Magluluksa ang buong Israel at ililibing ang anak ni Jeroboam.

1 Kings 14:14-16

Gaano kalayo ang sinasabi ni Yahweh na maaari niyang ikalat ang Israel?

Sinabi ni Yahweh na maaari niyang ikalat ang Israel sa kabila ng ilog Eufrates.

Ano ang sinasabi ni Yahweh na pinangunahan ni Jeroboam ang Israel na gawin?

Sinabi ni Yahweh na pinangunahan ni Jeroboam ang Israel sa pagkakasala.

1 Kings 14:17-18

Ano ang nangyari nang dumating ang asawa ni Jeroboam sa bungad ng bahay?

Nang dumating ang asawa ni Jeroboam sa bungad ng bahay, namatay ang bata.

Ano ang ginawa ng buong Israel pagkatapos namatay ang bata?

Ipinagluksa siya ng buong Israel at inilibing siya.

1 Kings 14:19-20

Saan nasusulat ang iba pang mga bagay tungkol kay Jeroboam?

Nasusulat ang iba pang mga bagay tungkol kay Jeroboam sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Israel.

Ilang taon naghari si Jeroboam bago siya nahimlay kasama ang kaniyang mga ninuno?

Naghari si Jeroboam ng dalawampu't dalawang taon at nahimlay kasama ang kaniyang mga ninuno.

1 Kings 14:21-22

Sino ang naghahari sa Juda?

Si Rehoboam na anak na lalaki ni Solomon ang naghahari sa Juda.

Paano pinagselos ng Juda si Yahweh?

Pinagselos ng Juda si Yahweh sa pamamagitan ng mga kasalanan na ginawa nila.

1 Kings 14:23-24

Ano ang itinayo ng Juda sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat luntiang puno?

Nagtayo ng mga dambana at poste ni Asera ang Juda sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat luntiang puno.

anong mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa ng mga bansa?

Ang mga bansa ay mayroong mga bayarang lalaki sa lupain.

1 Kings 14:25-26

Sa anong taon sumalakay si Shishak laban sa Jerusalem?

Sa ika-limang taon ni haring Rehoboam, sumalakay si Shishak laban sa Jerusalem.

Anong mga kalasag ang kinuha ni Shishak mula sa Jerusalem?

Kinuha ni Shishak ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.

1 Kings 14:27-28

Ano ang ginawa ni Haring Rehoboam sa mga tansong kalasag na ginawa niya?

Ipinagkatiwala ni Haring Rehoboam ang mga ito sa mga kamay ng pinuno ng bantay.

Kailan maaaring dalhin ng mga bantay ang mga tansong kalasag?

Sa tuwing pumasok ang hari sa tahanan ni Yahweh, dadalhin ng mga bantay ang mga kalasag.

1 Kings 14:29-31

Saan nasusulat ang iba pang mga bagay tungkol kay Rehoboam?

Nasusulat ang iba pang mga bagay tungkol kay Haring Rehoboam sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Juda.

Sino ang naging hari na humalili kay Rehoboam?

Si Abias, anak ni Rehoboam, ang naging hari na humalili sa kaniya.

1 Kings 15

1 Kings 15:1-3

Kailan nagsimulang maghari si Abiam sa Juda?

Nagsimulang maghari si Abiam noong ika-labing limang taon ni Haring Jeroboam.

Gaano katagal namuno si Abiam sa Jerusalem?

Namuno si Abiam sa Jerusalem sa loob ng tatlong taon.

Nakalaan ba ang puso ni Abiam kay Yahweh na kaniyang Diyos?

Hindi nakalaan ang puso ni Abiam kay Yahweh na kaniyang Diyos.

1 Kings 15:4-6

Bakit nagtakda si Yahweh ng isang anak kay Abiam sa Jerusalem?

Nagtakda si Yahweh ng isang anak kay Abiam para palakasin ang Jerusalem.

Sa anong dahilan tumalikod si David kay Yahweh?

Tumalikod si David kay Yahweh dahil sa nangyari kay Urias na Hiteo.

Anong nangyari sa buong buhay ni Abiam?

May digmaan sa pagitan nila Rehoboam at Jeroboam sa buong buhay ni Abiam.

1 Kings 15:7-8

Nang nahimlay si Abiam kasama ng kaniyang mga ninuno, sino ang pumalit sa kaniya?

Nang nahimlay si Abiam kasama ng kaniyang mga ninuno si Asa ang pumalit sa kaniya.

1 Kings 15:9-11

Kailan nagsimulang maghari si Asa sa buong Juda?

Nagsimulang maghari si Asa sa buong Juda noong ika-dalawampung taon ni Jeroboam hari ng Israel.

Ilang taon naghari si Asa sa Jerusalem?

Naghari si Asa ng apat-na-pu't isang taon sa Jerusalem.

Ano ang ginawa ni Asa sa paningin ni Yahweh?

Gumawa ng tama si Asa sa paningin ni Yahweh na tulad nang ginawa ni David.

1 Kings 15:12-13

Ano ang ginawa ni Asa sa lupain?

Tinanggal ni Asa ang mga lalaking bayaran at ang mga diyus-diyosan na ginawa ng kaniyang mga ninuno sa lupain.

Sino ang tinanggal ni Asa sa pagiging reyna?

Tinanggal ni Asa ang sarili niyang lola sa pagiging reyna.

1 Kings 15:14-15

Ano ang kalagayan ng puso ni Asa kay Yahweh?

Ang puso ni Asa ay lubos na nakalaan kay Yahweh sa buong buhay niya.

Ano ang dinala ni Asa sa tahanan ni Yahweh?

Dinala ni Asa ang mga banal na bagay sa tahanan ni Yahweh.

1 Kings 15:16-17

Kanino nakikidigma si Asa?

Nakikidigma si Asa kay Baasa hari ng Israel sa buong buhay nila.

Bakit itinayo ni Baasa ang Rama?

Itinayo ni Baasa ang Rama para walang makakapasok o makalalabas sa lupain ni Asa.

1 Kings 15:18-19

Ano ang ginawa ni Asa sa lahat ng pilak at ginto mula sa imbakan ng tahanan ni Yahweh?

Pinadala ni Asa ang mga pilak at ginto kay Ben Hadad na nakatira sa Damasco.

Ano ang sinabi ni Asa kay Ben Hadad?

Sinabi niya kay Ben Hadad, "Magkaroon tayo ng kasunduang pangkapayapaan, na tulad ng kasunduan na mayroon ang mga ama natin."

1 Kings 15:20-22

Ano ang ginawa ni Ben Hadad matapos niyang makinig kay Asa?

Matapos niyang makinig kay Asa ipinadala ni Ben Hadad ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo para salakayin ang mga lungsod ng Israel.

Ano ang ginawa ni Baasa nang marinig niya ang tungkol dito?

Nang marinig ni Baasa ang tungkol sa pagsalakay, tumigil siya sa pagtatayo ng Rama.

Ano ang ginawa ni Asa sa mga materyales na ginamit para itayo ang Rama?

Kinuha ni Asa ang mga materyales na ginamit para itayo ang Rama at ginamit ang mga ito para itayo ang Geba at Mizpah.

1 Kings 15:23-24

Saan naisulat ang lahat ng mga tungkol kay Asa?

Ang lahat ng tungkol kay Asa ay isinulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.

Matapos ihimlay si Asa kasama ng kaniyang mga ama, sino ang naging hari kapalit niya?

Matapos ihimlay si Asa kasama ng kaniyang mga ama, ang kaniyang anak na si Jehosafat ang naging hari kapalit niya.

1 Kings 15:25-26

Sino ang nagsimulang maghari sa Israel sa ikalawang taon ni Asa?

Si Nadab na anak ni Jeroboam ang nagsimulang maghari sa Israel sa ikalawang taon ni Asa.

Paano lumakad si Nadab sa paningin ni Yahweh?

Gumawa si Nadab ng masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa yapak ng kaniyang ama.

1 Kings 15:27-28

Ano ang ginawa ni Baasa anak ni Ahias sa Gibeton?

Pinatay ni Baasa na anak ni Ahias si Nadab sa Gibeton.

1 Kings 15:29-30

Ano ang ginawa ni Baasa nang siya ay maging hari?

Nang maging hari si Baasa, pinatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam.

1 Kings 15:31-32

Gaano katagal ang digmaan sa pagitan ni Asa at Baasa?

May digmaan sa pagitan nila Asa at Baasa sa buong buhay nila.

1 Kings 15:33-34

Gaano katagal naghari si Baasa sa Tirza?

Naghari si Baasa sa Tirza ng dalawampu't apat na taon.

Paano namuhay si Baasa?

Gumawa siya ng masama sa paningin ni Yahweh at namuhay sa pamamaraan ni Jeroboam.

1 Kings 16

1 Kings 16:1-2

Mula saan inangat ni Yahweh si Baasa?

Inangat siya ni Yahweh mula sa alikabok.

1 Kings 16:3-4

Ano ang kakain sa sinumang nabibilang kay Baasa na namatay sa lungsod?

Kakainin ng mga aso ang sinumang nabibilang kay Baasa na namatay sa lungsod.

1 Kings 16:5-6

hindi ba ito naisusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?

Tingnan mo kung paano mo isinalin ito sa 1KI 15:31. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

Nahimlay si Baasa kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing

Tingnan mo kung paano mo isinalin ito sa 1KI 14:31. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-euphemism]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

1 Kings 16:7

Bakit dumating ang mensahe ni Yahweh laban kay Baasa at sa kaniyang pamilya?

Ang mensahe ni Yahweh ay parehong dumating laban kay Baasa at sa kaniyang pamilya dahil sa lahat ng mga kasamaan na ginawa niya sa paningin ni Yahweh at dahil pinatay niya ang lahat ng pamilya ni Jeroboam.

1 Kings 16:8-10

Ano ang ginagawa ni Ela nang patayin siya ni Zimri?

Nagpapakalasing si Ela sa bahay ni Arza nang patayin siya ni Zimri.

1 Kings 16:11-13

Kailan pinatay ni Zimri lahat ng pamilya ni Baasa?

Nang magsimulang maghari si Zimri, pagka-upo niya sa kaniyang trono, pinatay niya ang lahat ng pamilya ni Baasa.

1 Kings 16:14

ang lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1KI 15:31. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

1 Kings 16:15-17

Sino ang may sakop sa Gibeton?

Ang Gibeton ay sakop ng Filisteo.

1 Kings 16:18-20

Saan nagpakamatay si Zimri?

Nagpakamatay si Zimri sa tanggulan na nakadugtong sa palasyo ng hari.

1 Kings 16:21-22

Nahati ang mamamayan ng Israel sa sinu-sinong hari?

Nahati ang mamamayan sa dalawang bahagi kay Tibni na anak ni Ginat at kay Omri.

1 Kings 16:23-24

Bakit pinangalanan ni Omri na Samaria ang lungsod?

Pinangalanan ni Omri na Samaria ang lungsod, hango sa pangalan ni Semer, ang dating nagmamay-ari sa bulubundukin.

1 Kings 16:25-26

Ginawa ni Omri ang masamang bagay sa paningin ni Yahweh

"kung ano ang itinuturing ni Yahweh na masama" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

pagsunod niya sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat

"ginawa niya ang lahat ng bagay na ginawa rin ni Jeroboam na anak ni Nebat" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

hinikayat niya ang Israel sa kasalanan na gumalit kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, dahil sa kanilang mga diyus-diyosan

Tingnan kung paano mo isinalin ang pariralang ito sa 1KI 16:13.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

1 Kings 16:27-28

Sino ang naging hari kapalit ni Omri?

Ang anak niyang si Ahab ang naging hari kapalit niya.

1 Kings 16:29-30

Gumawa ng masama si Ahab sa paningin ni Yahweh

AT: "kung ano ang tinuturing ni Yahweh na masama" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/16]]

1 Kings 16:31-33

Sino ang nagtayo ng tahanan ni Baal sa Samaria?

Si Ahab ang nagtayo ng tahanan ni Baal sa Samaria.

1 Kings 16:34

Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Abiram na anak ni haring Hiel?

Nang tinayo muli ni Hiel ang Jerico, ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Abiram na anak ni haring Hiel.

1 Kings 17

1 Kings 17:1

Anong mensahe ang binigay ni Elias kay Ahab?

Sinabi ni Elias kay Ahab na habang nabubuhay si Yahweh, hindi magkakaroon ng hamog o ulan hanggang sa sabihin niya.

1 Kings 17:2-4

Sino ang inutusan ni Yahweh na magpakain kay Elias noong siya ay nasa batis ng Kerit.

Inutusan ni Yahweh ang mga uwak na pakainin si Elias sa batis ng Kerit.

1 Kings 17:5-7

Anong nangyari nang walang ulan sa lupain?

Natuyo ang batis noong walang ulan sa lupain.

1 Kings 17:8-10

Saan pumunta si Elias matapos matuyo ang batis?

Pinapunta ni Yahweh si Elias sa isang balo sa Sarepta.

1 Kings 17:11-13

Bakit namumulot ng dalawang kahoy ang balo?

Namumulot ng dalawang kahoy ang balo para makapasok na siya at makapagluto para sa kaniya at anak niya, para sila makakain at mamatay.

1 Kings 17:14-16

Hanggang kailan magiging puno ang banga ng harina at lalagyan ng mantika?

Magiging puno ang banga ng harina at lalagyan ng mantika hanggang sa magpadala ng ulan si Yahweh.

1 Kings 17:17-18

Gaano kalubha ang sakit ng anak ng balo?

Napakalubha ng sakit ng bata kaya nalagutan na siya ng hininga.

1 Kings 17:19-21

Ano ang ginawa ni Eias para iligtas ang bata?

Inunat ni Elias ng tatlong beses ang kaniyang sarili sa bata, siya ay dumaing kay Yahwweh at sinabing, "Yahweh na aking Diyos, nagmamaka-awa ako sa iyo, ibalik mo ang buhay ng batang ito."

1 Kings 17:22-24

Paano nalaman ng balo na si Elias ay lingkod ng Diyos?

Nalaman ng balo na si Elias ay lingkod ng Diyos nang mabuhay muli ang kaniyang anak, dinala ni Elias ang bata mula sa kaniyang silid pababa sa bahay.

1 Kings 18

1 Kings 18:1-2

Ano ang mensaheng iniutos ni Yahweh kay Elias para ibigay kay Ahab sa panahon ng matinding taggutom?

Inutusan ni Yahweh si Elias para sabihin kay Ahab na magpapadala siya ng ulan sa lupain.

1 Kings 18:3-4

Paano pinarangalan ni Obadias si Yahweh noong pinapatay ni Jezebel ang mga propeta ni Yahweh?

Pinarangalan ni Obadias si Yahweh sa pamamagitan ng pagtatago ng isang daang mga propeta ng tiglimangpu sa isang kuweba at binigyan sila ng tinapay at tubig.

1 Kings 18:5-6

Bakit pumasok si Ahab at Obadias sa lupain sa lahat ng mga bukal ng tubig at mga batis?

Naghahanap ng tubig at damo si Ahab at Obadias para hindi mamatay ang kanilang mga kabayo at mga asno.

1 Kings 18:7-8

Ano ang mapanganib na mensahe ang inutos ni Elias kay Obadias para sabihin kay Ahab?

Inutusan ni Ellias si Obadias para sabihin kay Ahab na "narito si Elias."

1 Kings 18:9-11

Bakit mabigat sa loob ni Obadias para sabihin kay Ahab na "narito si Elias."?

Mabigat sa loob ni Obadias para sabihin kay Ahab , na "narito si Elias." dahil ang lahat ng kalapit na bansa ay pinasumpa na si Elias ay wala roon.

1 Kings 18:12-13

Ano ang inisip ni Obadias na mangyayari sa sandaling iwanan niya si Elias?

Inisip ni Obadias na ang Espiritu ni Yahweh ay dadalhin si Elias sa ilang lugar na hindi nalalaman ni Obadias.

1 Kings 18:14-15

Ano ang sinabi ni Elias kay Obadias para mapayapa sa kaniyang takot?

Sinabi ni Elias kay Obadias na habang si Yahweh ay nabubuhay, tiyak na magpapakita siya kay Ahab sa araw na iyon.

1 Kings 18:16-17

Ano ang itinawag ni Ahab kay Elias nang makita siya?

Tinawag ni Ahab si Elias na "gumagawa ng kaguluhan" nang siya ay makita niya.

1 Kings 18:18-19

Paano tumugon si Elias sa pagtawag sa kaniya ni Ahab na isang "gumagawa ng kaguluhan"?

Sinabi ni Elias na si Ahab at ang kaniyang sambahayan ng iyong ama ang gumagawa ng kaguluhan dahil tinalikuran nila ang mga kautusan ni Yahweh para sumunod sa mga diyus-diyosan ni Baal.

Sino ang nagsabi kay Elias para magtipon-tipon sa Bundok Carmelo?

Sinabi ni Elias na tipunin ang lahat ng mamamayan ng Israel, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa hapag kainan ni Jezebel.

1 Kings 18:20-21

Sino ang sinasabi ni Elias sa mga tao na susundin nila?

Sinabi ni Elias sa mga tao na sumunod sila kay Yahweh kung siya ang Diyos o kay Baal kung siya ang Diyos?

1 Kings 18:22-24

Ano ang mungkahi ang dinala ni Elias sa harap ng mga tao?

Iminungkahi ni Elias na ang mga propeta ni Baal at kaniyang sarili ay tatawagin ang kanilang diyos para tupukin ang alay na toro sa apoy para patunayan kung sino ang diyos.

1 Kings 18:25-26

Gaano katagal tumatawag ang mga propeta ni Baal kay Baal?

Tumatawag ang mga propeta ni Baal kay Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat.

1 Kings 18:27-29

Pagkatapos kutyain ni Elias ang mga propeta ni Baal ng kinatanghalian tapat ano ang ginawa ng mga propeta ni Baal?

Ang mga propeta ni Baal ay sumigaw pa ng mas malakas, at hiniwa ang kanilang sarili gamit ang mga espada at mga sibat.

Gaano katagal nagpatuloy sa kahibangan ang mga propeta ni Baal?

Nahihibang pa rin ang mga propeta ni Baal hanggang sa oras ng pag-aalay ng handog sa pang gabi.

1 Kings 18:30-32

Ano ang ginawa ni Elias sa sirang altar ni Yahweh?

Inayos ni Elias ang altar ni Yahweh sa pamamagitan ng labing dalawang bato.

Ano ang ginawa ni Elias sa paligid ng altar ni Yahweh?

Humukay ng isang kanal si Elias sa paligid ng altar ni Yahweh.

1 Kings 18:33-35

Ano ang pinagagawa ni Elias sa mga tao para gawin sa mga kahoy at toro para sa hadog na susunugin?

Tatlong ulit na pinagawa ni Elias sa mga tao na punuin ang apat na tapayan ng tubig at ibubuhos sa handog na susunugin at sa kahoy.

1 Kings 18:36-37

Ito ang naganap

Ang pariralang ito ay ginamit dito para tandaan ang mahalagang pangyayari sa kuwento. Kung ang iyong wika ay siyang daan para gawin ito, maaring mong isalang-alang ang paggamit nito.

pang gabing

Tingnan paano mo isinalin ito sa 1KI 18:27.

Yahweh, Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel,

Dito ang "Israel" ay tumutukoy kay Jacob. Pinalitan ng diyos ang pangalang Jacob na Israel (Genesis 32:28), at Pinangalanan ng Diyos ang bansa ng mga kaapu-apuhan ni Jacob na "Israel"

hayaang malaman sa araw na ito

"hayaang malaman ng mga tao sa araw na ito" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

Pakinggan mo ako... pakinggan mo ako

Ang pariralang ito ay inulit para bigyan diin.

ibabalik muli ang kanilang puso sa iyong sarili

"nagdulot sa kanila para sambahin ka muli."(Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/18]]

1 Kings 18:38-40

Paano tumugon ang bayan ng Israel nang bumaba ang apoy ni Yahweh at tinupok ang handog at lahat ng bagay na nasa paligid nito?

Nagpatirapa sa lupa ang mga tao at sinabi, "Yahweh, siya ay Diyos! Yahweh, siya Diyos!"

Ano ang ginawa ni Elias sa mga propeta ni Baal?

Dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.

1 Kings 18:41-42

may ingay ng malakas na ulan.

AT: "katulad ito ng paparating na malakas na ulan."

umukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod

ito ay tumutukoy sa isang postura na ginamit sa panalangin.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/18]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/18]]

1 Kings 18:43-44

Ano ang ginawa ng lingkod ni Elias ng siya ay tumingin sa gawing dagat ng pitong ulit?

Pagkatapos ng ikapitong ulit, ang lingkod ay nakakita ng isang ulap na umakyat mula sa dagat na kasingliit ng kamao ng isang tao.

Ano ang sinabi ni Elias sa kaniyang lingkod para sabihin kay Ahab?

Sinabi ni Elias sa kaniyang lingkod na sabihin kay Ahab Ihanda mo ang iyong karwahe, at bumaba bago ka mapigilan ng ulan.' "

1 Kings 18:45-46

Ano ang ginawa ni Elias habang si Ahab ay nakasakay at nagpunta sa Jezreel?

Sinuksok ni Elias ang kaniyang balabal sa kaniyang sinturon at naunang tumakbo kay Ahab sa pasukan ng Jezreel.

1 Kings 19

1 Kings 19:1-3

Ano ang ginawang banta ni Jezebel kay Elias?

Sinabi ni Jezebel na gagawin niyang isa sa mga patay na propeta si Elias sa susunod na araw.

Ano ang tugon ni Elias sa banta na mula kay Jezebel?

Umalis si Elias para sa kaniyang buhay patungo sa Beer-seba

1 Kings 19:4-6

Bakit hiniling ni Elias na maari na siyang mamatay?

Hiniling ni Elias na maari na siyang mamatay dahil naramdaman niyang hindi siya higit kaysa sa kaniyang patay na ninuno.

Anong nangyari habang natutulog si Elias sa ilalim ng puno ng retama?

Hinawakan ng anghel si Elias at sinabi sa kaniya, "Bumangon ka at kumain."

Ano ang nakita at ginawa ni Elias pagkatapos siyang hawakan ng anghel?

Nakakita si Elias ng tinapay na niluto sa uling at isang pitsel ng tubig. Kumain si Elias at uminom at muling nahiga.

1 Kings 19:7-8

Gaano katagal bago makarating si Elias sa Horeb, ang bundok ng Diyos?

Naglakbay si Elias ng apatnapung araw at apatnapung gabi papunta sa Horeb.

1 Kings 19:9-10

Paano tumugon si Elias nang tanungin siya ni Yahweh kung ano ang ginagawa niya sa kuweba?

Sinabi ni Elias kay Yahweh na naging napakasigasig niya para sa kaniya, pero tinalikuran ng bayan ng Israel ang kaniyang tipan, sinira ang mga altar, at pinatay ang kaniyang mga propeta, at siya nalang ang natira.

1 Kings 19:11-12

sa bundok sa aking harapan

AT: "sa bundok sa aking presensya." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

tumama sa mga bundok

"tinamaan ang mga bundok"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/19]]

1 Kings 19:13-14

binalot niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal

"binalot ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal" o "tinago niya ang kaniyang mga mata na makita ang Diyos" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]]) ang isang mahabang balabal, isang piraso ng damit na nagtatakip sa buong katawan.

pasukan

ang bukana kung saan papasok ng kuweba o silid

pagkatapos isang boses ang dumating sa kaniya

"Pagkatapos nakarinig siya ng isang boses"

Ano ang ginagawa mo dito...at sinusubok nilang kunin ang aking buhay

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa parehong sulat sa 1KI 19:9-10.

1 Kings 19:15-16

Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ni Elias?

Sinabi ni Yahweh kay Elias na bumalik sa ilang para italaga si Hazael na maging hari sa Aram, at Jehu na maging hari ng Israel, at Eliseo na maging isang propeta sa kaniyang lugar.

1 Kings 19:17-18

Paano tumugon si Yahweh sa paghayag ni Elias na siya nalang ang natitirang propeta sa lupa?

Sinabi ni Yahweh kay Elias na mayroong pitong libong mga tao sa Israel na tapat sa kaniya.

1 Kings 19:19-20

Ano ang dahilan na ibinigay ni Eliseo kay Elias pagkatapos niyang ibalot ang kaniyang balabal sa kaniya?

Hiniling ni Eliseo na hayaan siyang humalik sa kaniyang ina at ama bago siya sumunod sa kaniya.

1 Kings 19:21

binigay niya ito sa mga tao

Binigay ni Eliseo sa mga tao sa lungsod ang nalutong karne. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-explicit]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/19]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/19]]

1 Kings 20

1 Kings 20:1-3

Ano ang mensaheng tinanggap ni Ahab mula kay Ben Hadad nang ang lungsod ng Samaria sa panahon ng pagkubkob?

Sinabi ni Ben Hadad kay Ahab na ang kaniyang mga pilak at mga ginto maging kaniyang mga asawa at mga anak ay pag aari na ngayon ni Ben Hadad.

1 Kings 20:4-6

Paano tumugon si Ben Hadad sa gagustuhang ibigay ni Ahab ang kaniyang mga pilak, ginto, mga asawa at mga anak?

Pinaalam ni Ben Hadad kay Ahab na ipapadala niya ang kaniyang mga lingkod kinabukasan, Kukunin nila sa sariling mga kamay ang anumang magustuhan ng kanilang mga mata.

1 Kings 20:7-8

Ano ang natanggap na payo ng hari ng Israel na mula sa mga nakatatanda sa lupain at sa mga tao?

Ang mga nakatatanda sa lupain at ang mga tao ay sinabi sa hari huwag makinig o pagbigyan sa mga hinihingi ni Ben Hadad dahil naghahanap lang siya ng gulo.

1 Kings 20:9-10

Ano ang mensahe ni Ahab na ibinalik kay Ben Hadad?

Sinabi ni Ahab kay Ben Hadad na siya ay pumapayag sa kaniyang unang kahilingan, pero hindi niya matatanggap ang kaniyang pangalawang kahilingan.

Ano ang naging tugon ni Ben Hadad sa mensahe ni Ahab?

Sumumpa si Ben Hadad na gagawin niyang abo ang Samaria.

1 Kings 20:11-12

Ano ang sinabi ni Ben Hadad nang sabihin ng hari ng Israel na dapat huwag siyang magyabang na parang tapos na ang digmaan?

Sinabi ni Ben Hadad sa kaniyang mga sundalo na ihanay ninyo ang inyong mga sarili para ihanda sa pandigmang puwesto.

1 Kings 20:13-15

Sino ang sinasabi ni Yahweh na magpapanalo sa labanan para sa Israel laban sa malakas na hukbo ng Aramean?

Sinabi ni Yahweh kay Ahab na ang mga mga batang opisyal na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan ay magpapanalo sa labanan para sa Israel.

1 Kings 20:16-17

Nang ang mga batang pinuno na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan ay unang lumusob, ano ang ginagawa ni Ben Hadad at tatlongput dalawang mababang hari na tumutulong sa kaniya?

Si Ben Hadad at kaniyang tatlongput dalawang mabababang hari ay nag-iinuman.

1 Kings 20:18-19

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/20]]

1 Kings 20:20-21

Ano ang nangyari kay Ben Hadad at ang Aramean?

Si Ben Hadad ay tumakas na nakasakay ng kabayo kasama ang mga ilang mangangabayo at marami o ang mga Aramean ay namatay sa isang malawakang pagpaslang.

1 Kings 20:22-23

Anong mensahe ang dinala ng propeta sa Hari ng Israel?

Sinabi ng propeta sa hari ng Israel na ang hari ng Aram ay babalik muli laban sa inyo, dapat ang Israel ay magpalakas at planuhin kung ano ang kanilang gagawin.

Ano ang binigay ng mga lingkod ng hari ng Aram bilang dahilan para ang Israel ay maging mas malakas sa labanan kaysa mga Arameans?

Ang mga lingkod ng hari ng Aram ay kaniyang sinabi sa kaniya na ang Israel ay mas malakas kaysa sa mga Aramean, dahil ang kanilang diyos ay isang diyos sa mga burol.

1 Kings 20:24-25

alisin mo ang mga hari ang bawat isa sa kanilang pinamumunuan

AT: "Dapat mong alisin ang tatlongput dalawang mga hari na namumuno sa iyong hukbo at palitan sila ng kapitan ng hukbo."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/20]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/20]]

1 Kings 20:26-27

Ano ang ginawa ni Ben Hadad pagkatapos ng simula ng bagong taon?

Tinipon ni Ben Hadad ang mga Aramean at nagpunta sa Aphek para labanan ang Israel.

1 Kings 20:28

Ano ang sinabi ng isang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel tungkol sa mga Aramean?

Sinasabi ng isang lingkod ng Diyos dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ng Diyos ang hukbo ng Aramean sa mga kamay ng hari ng Israel.

1 Kings 20:29-30

Ano ang kinalabasan ng labanan sa pagitan ng mga hukbo?

Ang bayan ng Israel ay pumatay ng isang daang libong hukbo ng Aramea sa loob ng isang araw.Ang natira ay tumakas sa Aphek, sa loob ng lungsod, at nabagsakan ng pader ang dalawangput pitong libong sundalo na natira at tumakas si Ben Hadad at nagpunta sa loob ng lungsod, sa isang nakatagong silid.

1 Kings 20:31-32

Ano ang ginawa ng mga lingkod ni Ben Hadad para kay Ben Hadad?

Ang mga lingkod ni Ben Hadad ay naglagay ng sako sa kanilang mga baywang at lubid sa kanilang mga ulo at pumunta sa hari ng Israel at nagmakaawa sa hari ng Israel para hayaang mabuhay si Ben Hadad.

1 Kings 20:33-34

Ano ang imunungkahi ni Ben Hadad para gawin ni Ahab nang pinatawag siya para katagpuin kaniyang karwahe?

Sinabi ni Ben Hadad kay Ahab na ibabalik sa kaniya ang mga lungsod na nakuha mula sa Israel kung hahayaan siyang lumaya ni Ahab.

1 Kings 20:35-36

Bakit ang isa sa mga propeta ay pinatay ng isang leon?

Ang isa sa mga propeta ay pinatay ng leon dahil hindi niya sinunod ang tinig ni Yahweh, para saktan niya ang kapwa propeta.

1 Kings 20:37-38

Paano nagkunwari ang propeta sa hari pagkatapos siyang masaktan at masugatan?

Nagkunwari ang propeta sa hari ng nakabenda ang kaniyang mga mata.

1 Kings 20:39-40

Bakit nagsabi ang propeta ng isang kuwento sa hari ng Israel?

Nagsabi ang propeta ng isang kuwento sa hari ng Israel para linlangin siya, para ang hari ay gumawa ng isang kapasiyahan na magreresulta kapalit ng sariling buhay ng hari.

1 Kings 20:41-43

Ano ang matapang na pahayag ang ginawa ng propeta para sa hari ng israel?

Sinabi ng propeta sa hari maari siyang mamatay dahil hinayaan niyang mabuhay ang isang tao na hinatulan ni Yahweh ng kamatayan.

1 Kings 21

1 Kings 21:1-2

Ano ang gusto ni Ahab na hari ng Samaria kay Nabot na taga-Jezreel?

Si Ahab, hari ng Samaria, ay gusto ang ubasan ni Nabot, na malapit sa kaniyang palasyo.

Ano ang inalok na ibibigay ni Ahab kay Nabot para sa kaniyang ubasan?

Inalok na ibibgay ni Ahab kay Nabot ang mas magandang ubasan o babayaran siya ng pera.

1 Kings 21:3-4

Bakit tumanggi si Nabot na ibigay kay Ahab ang kaniyang ubasan?

Tumanggi si Nabot na ibigay ang kaniyang ubasan kay Ahab dahil pamana ito ng kaniyang mga ninuno.

Ano ang ginawa ni Ahab ng tumangging ibigay ni Nabot ang kaniyang ubasan?

Nagdamdam at nagalit si Ahab, nagpunta sa higaan, at tumangging kumain ng kahit anong pagkain.

1 Kings 21:5-7

Sino ang nagsabi kay Ahab na bumangon, kumain, at maging masaya?

Si Jezebel, ang kaniyang asawa, ang nagsabi sa kaniya na bumangon, kumain, at maging masaya.

1 Kings 21:8-10

Ano ang ginawa ni Jezebel para makasigurado si Ahab na makukuna ang ubasan ni Nabot?

Si Jezebel ay may dalawang hindi tapat na lalaki na mag-aakusa ng mali kay Nabot ng paglalapastangan laban sa Diyos at sa hari sa pampublikong pag-aayuno.

Ano ang maaring kaparusahan sa paglalapastangan ni Nabot?

Si Nabot ay aalis at babatuhin hanggang kamatayan.

1 Kings 21:11-14

mayayaman na naninirahan

"ang mayayayamang tao na naninirahan"

ginawa ang inilarawan ni Jezebel sa kaniya, gaya ng nasusulat sa mga liham na kaniyang pinadala sa kanila

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at pinagsama para magbigay diin. (Tingan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-parallelism]])

kung ano ang nasusulat sa mga liham

AT: "gaya ng kaniyang sinulat sa mga liham"(Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

sa itaas ng mga tao

AT: "sa isang lugar ng parangal kasama ng mga tao." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

siya ay inilabas nila

Dito ang salitang "nila" ay tumutukoy sa mga tao sa lungsod.

Pinagbabato si Nabot at ngayon ay paray na

AT: "Pinagbabato namin si Nabot at patay na siya." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

1 Kings 21:15-16

si Nabot ay pinagbabato at patay na

AT: "pinagbabato ng mga tao si Nabot at patay na siya" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

si nabot ay hindi na buhay, pero patay na

Ang dalawang pariralang ito ay nangangahulugan ng parehong bagay at nagbibigay diin na si Nabot ay patay na. (Tingan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-doublet]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

1 Kings 21:17-18

Ano ang ginawa ni Ahab nang sabihin sa kaniya ni Jezebel na patay na si Nabot?

Nang marinig ni ahab na patay na si Nabot, nagpunta siya sa ubasan para angkinin ito.

sino ang pinadala ni Yahweh sa ubasan para makipagkita kay Ahab?

Pinadala ni Yahweh si Elias ang taga-tisbe sa ubasan.

1 Kings 21:19-20

Ano ang sinabi ni Elias kay Ahab na mangyayari sa kaniya dahil sa kaniyang kasalanan?

Sinabi ni Elias kay Ahab na ang mga aso ay didilaan ang dugo niya kung saan dinilian ang dugo ni Nabot.

1 Kings 21:21-22

Ano ang mensahe na sinabi ni Elias kay Ahab na mula kay Yahweh?

Sinabi ni Elias kay Ahab na sinabi ni Yahweh na kukunin niya sa iyo ang bawat batang lalaki at alipin at malayang lalaki sa Israel dahil pinukaw mo silang magkasala.

1 Kings 21:23-24

Ano ang mangyayari kay Jezebel?

Kakainin si Jezebel ng mga aso sa pader ng Jezreel.

1 Kings 21:25-26

na ibinenta ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan

AT: "inihandog ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh

AT: "kung ano ang itinuring ni Yahweh na kasamaan" (tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-metonymy]])

si Jezebel...magkasala

Dito ang "kaniyang" ay tumutukoy kay Ahab

inalis ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel

Dito ang "Israel" ay tumutukoy sa labindalawang tribo ng Israel at hindi lamang sa hilagang dakong kaharian. AT: "Inalis mula sa presensya ng mga tao ng Israel" o "'Inalis mula sa lupain sa harap ng bayan ng Israel"

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/21]]

1 Kings 21:27-29

Ano ang ginawa ni Ahab ng marinig niya ang mga salitang ito?

Pinunit ni Ahab ang kaniyang damit, sinuotan ang kaniyang katawan ng damit na sako, at nag -ayuno.

Ano ang ginawa ni Yahweh ng ibinaba ni Ahab ang kaniyang sarili sa kaniyang harapan?

Sinabi ni Yahweh na hindi niya na siya magdadala ng sakuna sa panahon ni Ahab, pero mangyayari ito sa panahon ng kaniyang anak.

1 Kings 22

1 Kings 22:1-2

Gaano katagal na walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel?

Tatlong taong walang digmaan sa pagitan ng Aram at Israel.

Sino ang hari ng Juda?

Si Jehoshafat ang hari ng Juda.

1 Kings 22:3-4

Ano ang hiniling ng hari ng Israel kay Jehoshafat na gawin kasama siya?

Hiniling ng hari ng Israel kay Jehoshafat na pumunta sa Ramot-Gilead at makipagdigmaan laban sa Aram.

1 Kings 22:5-6

Sino ang sama-samang pinatawag ng hari ng Israel para makita ang kalooban ni Yahweh sa ganitong bagay?

Pinagtipon ng hari ng Israel ang mga propeta, 400 lalaki, at tinanong sila tungkol sa pakikidigma sa Aram.

1 Kings 22:7-9

Mula kaninong propeta pa nanghingi ang hari ng Israel ng payo?

Pinatawag ng hari ng Israel si Macaya anak na lalaki ni Imla.

1 Kings 22:10-12

Habang nakaupo si haring Ahab at haring Jehoshafat sa kanilang mga trono sa harap ng mga propeta, ano propesiyang kanilang narinig?

Habang nakaupo si haring Ahab at haring Jehoshafat, sinabi sa kanila ng lahat ng mga propeta na dapat nilang lusubin ang Ramot-Gilead at manalo.

1 Kings 22:13-15

Nakipagkasundo ba si Macaya sa lahat ng mga propeta?

Oo, may kasunduan si Macaya sa lahat ng mga propeta.

1 Kings 22:16-17

Ano ang masamang balita ang sinabi ni Macaya sa hari ng Israel?

Sinabi ni Macaya sa hari na mawawalan sila ng pastol at kakalat.

1 Kings 22:18-20

hindi ba;t sinabi ko sa iyo....puro kapahamakan lamang?

Tinanong ni Ahab ang tanong na ito para magbigay diin na sinabi niya ang katotohanan tungkol kay Micaya. AT: "sinabi ko na sa iyo...puro kapahamakan lamang." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

matatalo sa Ramot-Gilead

AT: "mamamatay sa Ramot Galaad." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

isang tao...ang iba

Tumutukoy ito sa mga kasapi ng "lahat ng hukbo sa kalangitan."

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

1 Kings 22:21-23

Paano sinabi ni Macaya sa hari ng Israel na mahihikayat siya na pumunta sa Ramot-Gilead?

Sinabi ni Macaya sa hari ng Israel na mahihikayat siya na pumunta sa Ramot-Gilead sa pamamagitan ng mga kasinungalingan ng mga propeta na sasabihin sa kaniya.

1 Kings 22:24-25

Anong daan ang tinahak ng spiritu ni Yahweh para pumunta sa akin para sabihin sa iyo?

Tinanong ni Zedekias ang panunuyang tanong na ito para sawayin si Micaya. -AT: "Huwag mong isipin na iiwan ako ng espiritu ni Yahweh para lang magsalita sa inyo!" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

Masdan

AT: "Makinig" o "Magbigay pansin sa kung ano ang sasabihin ko sa iyo"

malalaman mo sa

AT: "malalaman mo kung sino ang nagsasabi ng katotohanan" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-ellipsis]])

1 Kings 22:26-28

Ano ang ipinag-utos ng hari ng Israel na gawin kay Macaya?

Ipinag-utos ng hari ng Israel na dakpin si Macaya at ilagay sa bilangguan at tinapay lang ang ipakain at tubig hanggang ang hari ng Israel ay makabalik nang ligtas.

1 Kings 22:29-30

Ano ang ginawa ng hari ng Israel para maiwasan ang pagkakadakip sa kaniya sa digmaan sa Ramot-Gilead?

Nag balat-kayo ang hari ng Israel para maiwasan ang pagkakadakip sa kaniya sa Ramot-Gilead.

1 Kings 22:31-33

Tatlumpu't dalawang kapitan

dalawang kapitan** - AT: "32 kapitan" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/translate-numbers]])

Huwag lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal

"Huwag lusubin ang sinumang mga kawal." (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-merism]])

ito ang nagyari

Ang pariralang ito ay ginamit dito para tandaan ang mahalagang pangyayari sa kwento. Kung ang iyong wika ay may paraan para gawin ito, maaari mong isaalang-alang gamitin ito.

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

1 Kings 22:34

Paano nagkaroon ng malubhang sugat sa digmaan si Ahab sa Ramot-Gilead?

Isang kawal ng Aram ang biglang nakapana at tinamaan si Ahab sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang baluti.

1 Kings 22:35-36

ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma

AT: "may isang naghahawak ng karwaheng pandigma ng hari"(Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

isang sigaw

AT: "nagsimulang magsigawan ang mga kawal" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-idiom]])

bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon.

Pareho ang kahulugan ng dalawang pariralang ito at inihambing para magbigay diin. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-parallelism]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

1 Kings 22:37-38

Saan inilibing si Ahab?

Inilibing si Ahab sa Samaria

1 Kings 22:39-40

Sino ang naging hari sa pagkamatay ni Ahab?

Si Ahazias kaniyang anak na lalaki ang naging hari ng Israel

1 Kings 22:41-42

Gaano katagal namuno si Jehoshafat sa Jerusalem?

Namuno si Jehoshafat sa loob ng dalawapu't limang taon.

1 Kings 22:43-44

Ano ang sinabi tungkol sa pamumuno ni Jehoshafat?

Sinabi na si Jehoshafat ay tama sa paningin ni Yahweh.

1 Kings 22:45-47

hindi ba sila ay nasusulat sa Ang Aklat ng mga kaganapan sa mga Hari ng Juda?

Tingnan kung paano mo ito isinalin sa 1KI 14:29. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-rquestion]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

1 Kings 22:48-50

ang mga barko ay nawasak

AT: "nawasak ang mga barko" (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

Hinimlay si Jehoshafat kasama ng kaniyang mga ninuno at nilibing kasama nila

Tingnan kung paano mo isinalin ito sa 1KI 14:31. (Tingnan: [[rc://tl/ta/man/translate/figs-euphemism]] at [[rc://tl/ta/man/translate/figs-activepassive]])

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

[[rc://tl/bible/questions/comprehension/1ki/22]]

1 Kings 22:51-53

Ano ang sinabi tungkol sa pamumuno ni Ahab?

Sinabi na si Ahab ay ginawa kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.