Haggai
Haggai 1
Haggai 1:1-2
Kailan dumating ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Hagai na propeta?
Dumating ang salita sa ikalawang taon ni Darius na hari, sa ikaanim na buwan, sa unang araw ng buwan.
Kanino dumating ang salita ni Yahweh?
Ang salita ay dumating kay Zerubabel na gobernador at kay Josue na pinakapunong pari.
Ano ang sinasabi ni Yahweh na sinabi ng mga tao?
Sinabi niya na sinasabi nilang hindi ito ang panahon para pumunta o itayo ang tahanan ni Yahweh.
Haggai 1:3-6
Ano ang kalagayan ng tahanan ni Yahweh habang ang mga tao ay nakatira sa kanilang mga magagandang bahay?
Ang tahanan ni Yahweh ay naiwang wasak.
Kahit na nagtanim ang mga tao ng maraming mga binhi at naghanap ng napakarami, bakit hinipan ito palayo ni Yahweh at naghatid ng tagtuyot sa lahat ng gawa ng kanilang mga kamay?
Hinipan ito palayo ni Yahweh at naghatid ng tagtuyot dahil ang tahanan ni Yahweh ay naiwang wasak habang ang bawat isa ay nasisiyahan sa kaniyang sariling tahanan.
Haggai 1:7-11
Ano ang iniutos ni Yahweh na gawin ng mga tao?
Inutusan sila ni Yahweh na itayo ang kaniyang tahanan upang siya ay malugod dito at maluwalhati.
Haggai 1:12-13
Paano tumugon sina Zerubabel na gobernador, Josue na pinakapunong pari, at ang lahat ng natirang mga tao sa tinig ni Yahweh at sa mga salita ni Hagai na propeta, na kaniyang isinugo?
Sumunod sila sa tinig ni Yahweh at sa mga salita ni Hagai at natakot sa mukha ni Yahweh.
Paano tumugon si Yahweh sa pagsunod ng mga tao?
Nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ni Hagai upang sabihin sa kanila na ,"Ako ay kasama ninyo!"
Haggai 1:14-15
Kailan pinukaw ni Yahweh ang espiritu nina, Zerubabel na gobernador, Josue na pari, at ang lahat ng natira sa mga tao upang pumunta at gumawa sa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo, na kanilang Diyos?
Sila ay pinukaw niya noong ika dalawampu't apat na araw ng ika anim na buwan, sa ikalawang taon ni Dario na hari.
Haggai 2
Haggai 2:1-2
Kailan dumating ang salita ni yahweh kay Hagai na propeta?
Dumating ang salita noong ikadalampu't isang araw ng ikapitong buwan.[2:1]
Haggai 2:3-5
Kahit na parang wala lang ang tahanan ni Yahweh sa mga mata ng nakakita sa dati nitong kagandahan, bakit ipinahayag ni Yahweh kina Zerubabel na gobernador, Josue na punong pari, at sa lahat ng tao na kailangang magpakatatag at magtrabaho?
Ipinahayag ni Yahweh na kailangan nilang magpakatatag at magtrabaho dahil siya ay kasama nila. [2:3-4]
Ayon sa naitatag na tipan ni Yahweh, ano ang hindi dapat gagawin nina Zerubabel, Josue at lahat ng tao?
Hindi sila dapat matakot. [2:5]
Haggai 2:6-9
Kapag yayanigin ni Yahweh ang kalangitan, lupa at ang bawat bansa, at dinala nila ang kanilang mga mahahalagang bagay sa kaniya, ano ang gagawin ni Yahweh?
Pupunuin niya ang tahanan ng kaluwalhatian at magbibigay ng kapayapaan sa lugar ng tahanan. [2:6-7]
Haggai 2:10-12
Ayon sa mga pari, kung masaling ng laylayan ng damit ng isang tao na pinambalot ng naitalagang karne ang ibang pagkain, magiging banal din ba ang ibang pagkain?
Ayon sa mga pari, ang pagkaing masaling ng laylayan ng damit na pinambalot sa naitalagang karne ay hindi magiging banal. [2:11-12]
Haggai 2:13-14
Ayon sa mga pari, kung ang isang taong marumi dahil sa patay ay masaling ang anumang pagkain, magiging marumi din ba ang pagkaing iyon?
Ayon sa mga pari, ang pagkain na masaling ng isang taong marumi dahil sa patay ay magiging marumi rin. [2:13]
Ano ang katulad ng mga handog ng mga tao at ng bansa sa harap ni Yahweh?
Marumi ang mga ito tulad ng pagkaing nahawakan ng isang tao dahil sa patay. [2:14]
Haggai 2:15-17
Ano ang mangyayari bago maipatong ang alinmang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh?
Sampung sukat lamang ng butil ang mayroon kapag dalawampo ang kailangan; dalawampung sukat ng alak ang mayroon kapag limampu ang kailangan, at pinahirapan ni Yahweh ang mga tao at lahat ng kanilang trabaho. [2:15-17]
Nang pahirapan ni Yahweh ang mga tao bago pa maipatong ang alinmang bato sa isa pang bato sa templo ni Yahweh, nanumbalik ba ang kaniyang mga tao sa kaniya?
Hindi, hindi bumalik ang mga tao kay Yahweh. [2:17]
Haggai 2:18-19
Ano ang iisipin ng mga tao mula sa ikadalawampu't apat ng ika-siyam na buwan at sa mga susunod pa, sa parehong araw nang itayo ang templo ni Yahweh?
Isipin nila na wala nang binhi sa kamalig, at ang puno ng ubas, ang puno ng igos, ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi pa namumunga. [2:18-19]
Ano ang ipinangako ni Yahweh na mangyayari mula sa araw na iyon at sa mga susunod pa?
Ipinangako ni Yahweh na pagpapalain niya sila mula sa araw na iyon at sa mga susunod pa. [2:19]
Haggai 2:20-22
Ano ang inihayag ni Yahweh na mangyayari sa araw na kaniyang yayanigin, pababagsakin at sisirain ang kalangitan, ang lupa at ang mga kaharian?
Babagsak ang mga kabayo at mga mangangabayo, ang bawat isa dahil sa espada ng kaniyang kapatid, at kukunin ni Yahweh si Zerubabel bilang kaniyang lingkod. 2:21-22].
Haggai 2:23
Bakit itatalaga ni Yahweh si Zerubabel na tulad ng pantatak sa kaniyang singsing?
Itatalaga siya ni Yahweh na tulad ng pantatak sa kaniyang singsing dahil pinili siya.