Titus
Titus 1
Titus 1:1-3
Ano ang layunin ni Pablo sa kaniyang paglilingkod sa Diyos?
Ang kaniyang layunin ay para sa pagtitibay ng pananampalataya ng pinili ng Diyos at pagtitibay ng kaalaman ng katotohanan.
Kailan ipinangako ng Diyos ang walang hanggang buhay sa kaniyang pinili?
Ipinangako niya ito bago pa magsimula ang lahat ng mga panahon.
Maaari bang magsinungaling ang Diyos?
Hindi.
Sino ang ginamit ng Diyos upang maging maliwanag ang kaniyang mensahe sa tamang panahon?
Ginamit ng Diyos si apostol Pablo.
Titus 1:4-5
Ano ang kaugnayan sa pagitan ni Tito at Pablo?
Si Tito ay ang tunay na anak ni Pablo sa magkatulad na pananampalataya.
Titus 1:6-7
Ano ang dapat na totoo sa buhay-pamilya ng isang nakatatandang tagapanguna?
Siya ay dapat na asawang lalaki ng isang asawang babae, na mayroong tapat ng mga anak na disiplinado.
Anong mga kaugaliang dapat iwasan ng isang nakatatandang tagapanguna upang maging walang kapintasan?
Siya ay hindi dapat madaldal at walang pagpipigil, hindi lasinggero, hindi mahilig makipagtalo, hindi sakim.
Sa sambahayan ng Diyos, ano ang posisyon at responsibilidad na mayroon ang tagapangasiwa?
Siya ang tagapamahala ng sambahayan.
Titus 1:8-9
Anong mga magandang katangian ang dapat mayroon ang isang nakatatandang tagapanguna?
Ang isang nakatatandang tagapanguna ay dapat magiliw sa mga panauhin, isang kaibigan ng kung ano ang mabuti, matino, matuwid, maka-diyos at may pagpipigil sa sarili.
Ano ang dapat na saloobin ng nakatatandang tagapanguna tungo sa doktrina (katuruan) ng pananampalataya?
Siya ay dapat nananangan ng mahigpit sa mga ito, at makagamit sa mga ito para magpalakas ng loob at pagsabihan ang iba.
Titus 1:10-11
Ano ang ginagawa ng mga bulaang tagapagturo sa pamagitan ng kanilang mga salita?
Nililinlang nila ang mga tao at winawasak ang mga pamilya.
Ano ang nag-uudyok sa mga bulaang tagapagturo?
Sila ay naudyok ng kahiya-hiyang pakinabang.
Titus 1:12-13
Paano dapat ituturing ng nakatatandang tagapanguna ang hindi disiplinadong mga tao na nakapipinsala ng iglesiya?
Dapat niya silang tahasang sawayin upang sila ay maaaring umayos sa pananampalataya.
Titus 1:14
Sa ano sinabi ni Pablo na hindi sila dapat magsayang ng oras?
Sila ay hindi dapat magsayang ng oras sa mga kathang-isip ng mga Judio at sa mga kautusan ng mga tao.
Titus 1:15-16
Sa isang hindi naniniwalang tao, ano ang madumi?
Ang isip at budhi ay madudumi.
Kahit na ang maduming tao ay inihahayag na kilala niya ang Diyos, paano niya itinatanggi siya?
Itinatanggi niya ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga pagkilos.
Titus 2
Titus 2:1-2
Ano ang ibang katangian na dapat ipinapakita ng mga nakatatandang lalaki sa iglesya?
SIla ay dapat nagpapakita ng pagpipigil, karangalan, at kagalingan sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa pagsisikap.
Titus 2:3-5
Ano ang ilang mga katangian na dapat ipinapakita ng mga nakatatandang babae sa iglesya?
Sila dapat ay nagpapakita ng paggalang, hindi nagtsitsismisan; sila ay dapat mahinahon at nagtuturo kung ano ang mabuti.
Ano ang dapat ituro ng mga nakatatandang babae sa mga nakababatang babae?
Dapat nilang itinituro sa kanila na mahalin at sundin ang kanilang mga asawang lalaki, na mahalin ang kanilang mga anak, na maging matino, wagas, at maging mabuting tagapangalaga ng bahay.
Titus 2:6-8
Ano ang dapat gawin ni Tito para maging isang huwaran sa mga mananampalataya?
Siya ay dapat nagtuturo, nagpapakita ng kadalisayan at karangalan, at gumagamit ng mga mabuting salita na hindi na kailangang itama.
Titus 2:9-10
Paano dapat kumilos ang mga alipin na mananampalataya?
Sila ay dapat sumunod sa kanilang mga panginoon, hindi mangupit mula sa kanila, at dapat magpakita ng mabuting pananalig.
Kapag ang mga alipin ay kumilos katulad ng itinuro ni Pablo, ano ang magagawa nito sa iba?
Ginagawa nitong kaakit-akit sa iba ang katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas.
Titus 2:11-13
Sino ang kayang iligtas ng biyaya ng Diyos?
Ang biyaya ng Diyos ay kayang iligtas ang bawat isa.
Ano ang itinatanggi ng ating kasanayan sa biyaya ng Diyos?
Ang biyaya ng Diyos ay sinasanay tayong tanggihan ang walang kabanalan at mga makamundong pagkahumaling.
Ano ang inaasahan ng mga mananampalataya na matatanggap sa hinaharap?
Ang mga mananampalataya ay inaasahan ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
Titus 2:14-15
Bakit binigay ni Jesus ang kaniyang sarili para sa atin?
Binigay niya ang kaniyang sarili upang bayaran ang halaga upang palayain tayo mula sa kawalan ng batas, at lumikha ng mga taong wagas na masigasig gumawa ng mabuti.
Titus 3
Titus 3:1-2
Ano ang dapat na kilos ng mananampalataya tungo sa mga namumuno at mga may kapangyarihan?
Ang mananampalataya ay dapat maging mapagpasakop at masunurin, laging handa sa bawat mabubuting gawa.
Titus 3:3
Ano ang dapat na saloobin ng mananampalataya tungo sa mga pinuno at may kapangyarihan?
Ang mananampalataya ay dapat na mapagpakumbaba at masunurin, laging handa sa bawat mabuting gawain.
Ano ang nagliligaw at umaalipin sa mga hindi mananampalataya?
Ang kanilang mga pagkahumaling at mga kaaliwan ang nagliligaw sa kanila.
Titus 3:4-5
Sa anong kaparaanan tayo iniligtas ng Diyos?
Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paghuhugas ng bagong kapanganakan at pagpapanibago sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.
Tayo ba ay naligtas dahil sa mga mabuting gawa na ating nagawa, o dahil sa awa ng Diyos?
Tayo ay ligtas dahil lamang sa awa ng Diyos.
Titus 3:6-7
Pagkatapos niya tayong ipawalang-sala, ano ang ginawa sa atin ng Diyos?
Ginagawa ng Diyos tayong kanyang tagapagmana.
Titus 3:8
Saan dapat itutuon ang kanilang mga isipan ng mga mananampalataya?
Ang mga mananampalataya ay dapat itutuon ang kanilang mga isipan sa mga mabubuting gawa na inilalagay ng Diyos sa kanila bago gawin.
Titus 3:9-13
Ano ang dapat iwasan ng mga mananampalataya?
Ang mananampalataya ay dapat umiwas sa mga walang katuturang pagtatalo.
Sino ang dapat tanggihan pagkatapos ng isa o dalawang babala?
Sinuman na nagdudulot ng mga pagkakahiwa-hiwalay sa gitna ng mga mananampalataya ay dapat na tanggihan pagkatapos ng isa o dalawang babala.
Titus 3:14-15
Saan dapat isasali ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili para sila ay maging mabunga?
Ang mga mananampalataya ay dapat matutunan ang pakikisali nila sa paggawa ng mga mabubuti na makakatugon sa mga madaliang pangangailangan.