Ecclesiastes
Ecclesiastes 1
Ecclesiastes 1:1-3
Kaninong lahi nagmula ang Mangangaral?
Ang Mangangaral ay anak ni David, hari sa Jerusalem.
Ecclesiastes 1:4-6
Ano ang mananatili magpakailanman?
Ang mundo ay mananatili magpakailanman.
Ecclesiastes 1:7-8
Sa ano hindi nasisiyahan ang mata?
Ang mata ay hindi nasisiyahan sa nakikita nito.
Ecclesiastes 1:9-11
Ano ang magaganap?
Anuman ang naganap noon ay ang magaganap.
Ecclesiastes 1:12-15
Sa ano inilaan ng Mangangaral ang kanyang isipan?
Inilaan ng Mangangaral ang kanyang isipan sa pag-aaral at sa pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng bagay na ginawa sa ilalim ng kalangitan.
Saan hahantong ang lahat ng mga gawaing ginawa sa ilalim ng araw?
Lahat ng gawain na ginawa sa ilalim ng araw ay hahantong sa usok at isang pagtatangka na pastulan ang hangin.
Ecclesiastes 1:16-18
Saan mayroong maraming kabiguan?
Sa kasaganahan ng karunungan ay mayroong napakaraming kabiguan.
Ecclesiastes 2
Ecclesiastes 2:1-2
Ano ang isang pansamantalang simoy lamang?
Ang kasiyahan ay isang pansamantalang simoy lamang.
Ecclesiastes 2:3
Ano ang nais malaman ng Mangangaral?
Nais malaman ng Mangangaral kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa ilalim ng kalangitan sa mga araw ng kanilang buhay.
Ecclesiastes 2:4-6
Bakit lumikha ng mga lawa ng tubig ang Mangangaral?
Ang Mangangaral ay lumikha ng mga lawa ng tubig upang diligin ang isang kagubatan kung saan naglalakihan ang mga puno.
Ecclesiastes 2:7-8
Papaano ginawa ng Mangangaral ang mga bagay na magdadala ng kaligayahan sa sinumang lalaki sa mundo?
Sa pamamagitan ng maraming asawa at kerida, ginawa niya ang mga bagay na magdadala ng kaligayahan sa sinumang lalaki sa mundo.
Ecclesiastes 2:9-10
Sa ano nasisiyahan ang puso ng Mangangaral?
Nasisiyahan ang puso ng Mangangaral sa lahat ng kaniyang pinaghirapan.
Ecclesiastes 2:11-12
Saan walang pakinabang?
Walang pakinabang sa ilalim ng araw.
Ecclesiastes 2:13-14
Ano ang nakalaan sa lahat?
Ang magkakatulad na kapalaran ang nakalaan sa lahat.
Ecclesiastes 2:15-16
Sino ang hindi maaalala sa mahabang panahon?
Ang matalinong tao, katulad ng mangmang, ay hindi maaalala sa mahabang panahon.
Ecclesiastes 2:17-18
Bakit kinamumuhian ng Mangangaral ang lahat ng natupad niya?
Ang Mangangaral ay kinamumuhian ang lahat ng kaniyang natupad dahil iiwan niya sila sa isang taong kasunod niya.
Ecclesiastes 2:19-20
Ano ang nararamdaman ng puso ng Mangangaral tungkol sa kaniyang paghihirap?
Ang puso ng Mangangaral ay nagsimulang malungkot sa lahat ng paghihirap na kaniyang ginawa.
Ecclesiastes 2:21-23
Bakit ang kaluluwa ng nagpapakahirap na magtrabaho ay hindi makapagpahinga sa gabi?
Bawat araw ang kaniyang trabaho ay masakit at mahirap, kaya sa gabi ang kaniyang kaluluwa ay hindi makapagpahinga.
Ecclesiastes 2:24-25
Ano ang walang mas mabuti sa sinuman?
Walang mas mabuti sa sinuman kundi kumain at uminom at masiyahan lamang sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginawa.
Ecclesiastes 2:26
Ano ang ibinibigay ng Diyos sa makasalanan?
Sa makasalanan, ibinibigay ng Diyos ay pag-iipon at pagtatabi upang maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay lugod sa Diyos.
Ecclesiastes 3
Ecclesiastes 3:1-7
Para sa anong mga bagay mayroong isang panahon?
Mayroon isang panahon sa bawat layunin sa ilalim ng langit.
Ecclesiastes 3:8-10
Ano ang nakikita ng Mangangaral?
Nakita ng Mangangaral ang gawaing ibinigay ng Diyos para tapusin ng tao.
Ecclesiastes 3:11
Ano ang inilagay ng Diyos sa puso ng tao?
Inilagay ng Diyos ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso?
Ecclesiastes 3:12-13
Ano ang kaloob mula sa Diyos?
Ang kabutihang nagmumula sa paggawa ng isang tao ay isang kaloob mula sa Diyos.
Ecclesiastes 3:14-15
Bakit walang maaaring madagdag o mabawas sa anumang ginagawa ng Diyos?
Walang maaaring idagdag o ibawas dito, dahil ang Diyos ang siyang gumawa nito.
Ecclesiastes 3:16-18
Ano ang madalas matatapuan sa lugar ng katuwiran?
Sa lugar ng katuwiran ang kasamaan ay madalas natatagpuan.
Ecclesiastes 3:19-20
Paanong naging magkatulad ang tao sa mga hayop?
Katulad ng hayop. lahat ng mga tao ay mamatay. Kailangan nilang huminga ng parehong hangin. Lahat ay nagmula sa alabok, at lahat ay magbabalik sa alabok.
Ecclesiastes 3:21-22
Ano ang tadhana ng bawat isang tao?
Ang tadhana ng bawat isang tao ay magalak sa kanyang ginawa.
Ecclesiastes 4
Ecclesiastes 4:1
Para sa ano ang walang taga-aliw?
Walang taga-aliw sa mga luha ng inuusig.
Ecclesiastes 4:2-4
Sino ang mas mapalad kaysa sa kapwa nabubuhay at namatay?
Mas mapalad kaysa sa kapwa nabubuhay at namatay ay ang isang taong hindi pa nabuhay.
Ecclesiastes 4:5-8
Ano ang mas mabuti kaysa sa dalawang dakot ng gawaing sinusubok pastulan ang hangin?
Mas mabuti ang isang dakot na pakinabang sa matahimik na gawain kaysa sa dalawang dakot ng gawaing sumusubok pastulan ang hangin.
Ecclesiastes 4:9-11
Bakit ang dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa kung sakaling ang isang ito ay mabubuwal?
Ang dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa dahil kung ang isa ay mabubuwal, ang isa ay maaaring ibangon ang kanyang kaibigan.
Ecclesiastes 4:12
Ano ang hindi madaling malagot?
Ang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.
Ecclesiastes 4:13-14
Ano ang mas mabuti kaysa sa isang matanda at mangmang na hari?
Mas mabuti pang maging isang mahirap pero matalinong kabataan kaysa sa matanda at mangmang na hari.
Ecclesiastes 4:15-16
Ano ang gustong gawin ng mga tao sa bagong hari?
Nais ng mga taong sumunod sa bagong hari.
Ecclesiastes 5
Ecclesiastes 5:1
Bakit dapat magtungo sa tahanan ng Diyos ang mga tao?
Dapat magtungo ang mga tao sa tahanan ng Diyos para makinig.
Ecclesiastes 5:2-3
Bakit dapat maging kaunti ang salita ng mga tao?
Ang Diyos ay nasa langit, pero ang mga tao ay nasa mundo, kaya dapat hayaang kaunti ang kanilang mga salita.
Ecclesiastes 5:4-7
Ano ang mas mabuting gawin ng isang tao kaysa sa gumawa ng pangako na hindi niya tinutupad?
Mas mabuti pa sa isang tao na huwag mangako kaysa gumawa ng isang pangako na hindi niya tinutupad.
Ecclesiastes 5:8-9
Kapag nakikita ng sinuman ang pang-aapi ng mahihirap at pagnanakaw ng katarungan at wastong pagtrato, bakit wala dapat magtaka na parang walang nakakaalam?
Kapag nakikita ng sinuman ang pang-aapi ng mahihirap at pagnanakaw ng katarungan at wastong pagtrato, hindi siya dapat magtaka dahil mayroon mga lalaking nasa kapangyarihan na nagbabantay sa nasasakupan nila, at mayroon pang nanunungkulan na mas mataas sa kanila.
Ecclesiastes 5:10-11
Ano ang mangyayari kapag ang kasaganahan ay dumadami?
Habang dumadami ang kasaganahan, gayun din ang mga taong nangangailangan nito.
Ecclesiastes 5:12
Ano ang hindi nagpapahintulot sa isang mayaman para matulog ng mahimbing?
Ang kayaman ng isang mayaman na tao ang hindi nagpapahintulot sa kanya para matulog ng mahimbing.
Ecclesiastes 5:13-14
Ano ang manyayari kapag nawala ang kayamanan ng taong mayaman dahil sa kamalasan?
Kapag nawala ang yaman ng mayamang tao dahil sa kamalasan, ang kaniyang sariling anak na kaniyang inalagaan ay walang maiiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
Ecclesiastes 5:15-18
Paano isinilang ang isang tao at paano siya ay lilisan sa buhay na ito?
Ang isang tao ay isinilang na hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din siya ay lilisan ng hubad sa buhay na ito.
Ecclesiastes 5:19-20
Bakit ang isang tao ay hindi madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay?
Ang isang tao ay hindi madalas inaalala ang mga araw ng kanyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan siyang gawin.
Ecclesiastes 6
Ecclesiastes 6:1-2
Anong kasamaan ang nakikita ng Mangangaral?
Nakita ng Mangangaral na maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganahan, at karangalan sa isang tao para hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, pero pagkatapos ay hindi ibibigay ng Diyos ang kakayanang pakinabangan ang mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga gamit.
Ecclesiastes 6:3-4
Kung ang puso ng isang tao ay hindi mapuno ng kabutihan at siya ay hindi inilibing ng may karangalan, sino ang mas mabuti kaysa sa kanya?
Kung ang puso ng isang tao ay hindi mapuno ng kabutihan at siya ay hindi inilibing ng may karangalan, kung gayon mas mabuti pa ang isang sanggol na patay nang ipinanganak.
Ecclesiastes 6:5-6
Kahit na ang isang tao ay mabubuhay ng dalawang libong taon pero hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, saan siya pupunta?
Kahit na ang isang tao ay mabubuhay ng dalawang libong taon pero hindi matutunang matuwa sa mabuting mga bagay, mapupunta siya sa iisang lugar kagaya ng lahat ng iba pa.
Ecclesiastes 6:7-8
Kahit na ang lahat ng gawain ng isang tao ang pupuno ng kaniyang bibig, ano ang mangyayari?
Kahit na ang lahat ng gawain ng isang tao ang pupuno ng kaniyang bibig, gayon man ang kaniyang gana sa pagkain ay hindi mapupunan.
Ecclesiastes 6:9-12
Ano mangyayari kapag maraming salita ang sinasabi?
Mas maraming salitang sinasabi, mas lalong nawawalan ng kabuluhan.
Ecclesiastes 7
Ecclesiastes 7:1-2
Bakit mas mabuting magtungo sa bahay ng pagluluksa kaysa sa bahay ng kasayahan?
Mas mabuting magtungo sa bahay ng pagluluksa kaysa sa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katupusan ng buhay.
Ecclesiastes 7:3-4
Nasaan ang puso ng matalino?
Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa.
Ecclesiastes 7:5-6
Ano ang katulad ng halakhak ng mga mangmang?
Katulad ng pag-iingay ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang.
Ecclesiastes 7:7
Bakit nagiging mangmang ang isang taong matalino?
Ang pangingikil ay ginagawang mangmang ang isang matalinong tao.
Ecclesiastes 7:8-10
Bakit hindi dapat agad magalit ang espiritu ng mga tao?
Hindi dapat agad magalit ang espiritu ng mga tao dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
Ecclesiastes 7:11-13
Paano ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa pera?
Ang karunungan ay nagdudulot ng pangangalaga katulad ang salapi ay magdudulot ng pangangalaga, pero ang kalamangan ng kaalaman ay itong karunungan ay nagbibigay ng buhay sa sinumang mayroon nito.
Ecclesiastes 7:14
Kapag ang mga pagkakataon ay mabuti, paano dapat mamuhay ang mga tao?
Kapag ang mga pagkakataon ay mabuti, ang mga tao ay dapat masayang namumuhay sa kabutihang iyon.
Ecclesiastes 7:15-16
Anong nangyari sa mga masamang tao na nakita ng Mangangaral?
Nakita ng Mangangaral ang mga masamang tao na nabubuhay ng mahabang buhay kahit na sila ay masama.
Ecclesiastes 7:17-20
Ano ang mangyayari sa mga taong may takot sa Diyos?
Ang mga taong may takot sa Diyos ay makatutupad ng lahat ng kaniyang mga tungkulin.
Ecclesiastes 7:21-22
Bakit hindi dapat pakinggan ng mga tao ang bawat salitang sinasabi?
Ang mga tao ay hindi dapat pakinggan ang bawat salitang sinasabi dahil maaari nilang marinig na sinusumpa sila ng kanilang lingkod.
Ecclesiastes 7:23-25
Nasaan ang karunungan?
Napakalayo ng karunungan.
Ecclesiastes 7:26
Sa pamamagitan nino kukunin ang makasalanan?
Ang makasalanan ay kukunin ng isang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag, at kaniyang mga kamay ay mga tanikala.
Ecclesiastes 7:27-29
Kahit na ang Mangangaral ay natagpuan ang isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ano ang hindi niya nakita?
Kahit na ang Mangangaral ay natagpuan ang isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ang isang babae sa kalagitnaaan nila ay hindi niya matagpuan.
Ecclesiastes 8
Ecclesiastes 8:1
Ano ang isang taong matalino?
Ang isang taong matalino ang nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay.
Ecclesiastes 8:2-4
Bakit hindi dapat magmadaling lumayo ang mga tao sa harapan ng hari, at hindi dapat sang-ayunan ang bagay na mali?
Ang mga tao ay hindi dapat magmadaling lumayo sa harapan ng hari, at hindi dapat sang-ayunan ang bagay na mali, dahil magagawa ng hari anuman ang ninanais niya.
Ecclesiastes 8:5-7
Sino ang lumalayo sa kapahamakan?
Sinumang sinusunod ang mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan.
Ecclesiastes 8:8-9
Sa ano ang sinuman ay walang kapangyarihan?
Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan pigilan ang araw ng kanyang kamatayan.
Ecclesiastes 8:10-11
Sa pamamagitan nino ang masama ay pinuri?
Ang masama ay pinuri ng mga tao sa lungsod kung saan sila naghasik ng kasamaam.
Ecclesiastes 8:12-13
Kahit na ang isang makasalanan ay isang daang ulit gumagawa ng masama at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, ano ang mangyayari sa kanilang gumagalang sa Diyos?
Kahit na ang isang makasalanan ay isang daang ulit gumagawa ng masama at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, magiging mabuti ito sa kanilang gumagalang sa Diyos, silang pinahalagahan ang kanyang pagsama sa kanila.
Ecclesiastes 8:14-15
Bakit pinapayo ng Mangangaral ang kasiyahan?
Ipinapayo ng Mangangaral ang kasiyahan dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya.
Ecclesiastes 8:16-17
Ano ang hindi maunawaan ng tao?
Hindi maunawaan ng tao ang pangyayaring naganap sa ilalim ng araw.
Ecclesiastes 9
Ecclesiastes 9:1
Sino ang nasa mga kamay ng Diyos?
Ang mga matuwid at matalino ay nasa kamay ng Diyos.
Ecclesiastes 9:2
Ano ang pareho para sa lahat ng tao?
Ang lahat ng tao ay may parehong kapalaran.
Ecclesiastes 9:3
Puno ng ano ang mga puso ng tao?
Ang mga puso ng tao ay puno ng kasamaan.
Ecclesiastes 9:4-5
Bakit wala nang gantimpala ang mga patay na?
Wala na silang gantimpala dahil ang kanilang alaala ay nakalimutan na.
Ecclesiastes 9:6-8
Ano ang matagal nang naglaho?
Ang pag-ibig, pagkamuhi, at inggit ng mga patay ay matagal nang naglaho.
Ecclesiastes 9:9-10
Ano ang dapat gawin ng mga tao anuman ang gawin ng mga kamay nila?
Anuman ang gawin ng mga kamay nila, dapat nilang gawin ito gamit ang kanilang lakas.
Ecclesiastes 9:11-12
Saan nakakulong ang mga tao?
Ang mga tao ay nakakulong sa masasamang panahon na biglang dumarating sa kanila.
Ecclesiastes 9:13-16
Ano ang nangyari sa mahirap na matalinong lalaki, na gamit ang kaniyang karunungan ay niligtas ang lungsod?
Walang nakaalala sa mahirap na matalinong lalaki, na gamit ang kaniyang karunungan ay niligtas ang lungsod.
Ecclesiastes 9:17-18
Ano ang mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan?
Ang karunungan ay mas mabuti kaysa sa mga sandata sa digmaan.
Ecclesiastes 10
Ecclesiastes 10:1-4
Ano ang nagpapatunay sa lahat na ang isang tao ay isang mangmang?
Kapag kulang ang kaniyang pag-iisip, pinatutunayan nito sa lahat na siya ay mangmang.
Ecclesiastes 10:5-7
Ano ang nakita ng Mangangaral na ginagawa ng mga alipin?
Nakita ng Mangangaral na ang mga alipin ay nakasakay sa mga kabayo.
Ecclesiastes 10:8-9
Ano ang maaaring mangyari kapag mayroong sumisira sa pader?
Kapag mayroong sumisira sa pader, maaari siyang kagatin ng ahas.
Ecclesiastes 10:10-12
Ano ang mangyayari kapag hindi hinahasa ng tao ang mapurol na talim ng bakal?
Kung ang talim ng bakal ay hindi hinahasa ng isang tao, kailangan niyang gumamit ng mas maraming lakas.
Ecclesiastes 10:13-15
Sa huli, ano ang umaagos mula sa bibig ng mangmang?
Sa huli, umaagos sa bibig ng mangmang ang masamang kahibangan.
Ecclesiastes 10:16-17
Kailan mayroong gulo sa lupain?
Mayroong gulo sa lupain kung ang hari ay bata pa, at ang mga pinuno ay nagdiriwang sa umaga!
Ecclesiastes 10:18-19
Bakit may tagas ang bahay?
Dahil sa mga tamad na kamay may tagas ang bahay.
Ecclesiastes 10:20
Bakit hindi dapat sumpain ng mga tao ang hari?
Hindi dapat sumpain ng mga tao ang hari, dahil maaaring may ibon sa himpapawid na magdadala ng mga salita nila.
Ecclesiastes 11
Ecclesiastes 11:1-3
Bakit dapat magbahagi ang mga tao ng tinapay sa pito, maging sa walong tao?
Dapat ibahagi ito ng mga tao sa pito, maging sa walong tao, dahil hindi nila alam kung anong mga trahedya ang darating sa mundo.
Ecclesiastes 11:4-5
Ano ang hindi mauunawaan ng mga tao?
Hindi mauunawaan ng mga tao ang gawa ng Diyos.
Ecclesiastes 11:6-8
Gaano dapat katagal magtatanim ng binhi ang mga tao?
Dapat magtanim ng binhi ang mga tao mula umaga hanggang gabi.
Ecclesiastes 11:9-10
Ano ang dapat palayasin ng mga tao mula sa kanilang puso?
Dapat nilang palayasin ang galit mula sa kanilang puso.
Ecclesiastes 12
Ecclesiastes 12:1-2
Kailan dapat alalahanin ng mga tao ang kanilang Manlilikha?
Dapat alalahanin ng mga tao ang kanilang Manlilikha sa araw ng kanilang kabataan.
Ecclesiastes 12:3
Bakit titigil ang mga babaeng nagdidikdik?
Ang mga babaeng nagdidikdik ay titigil dahil kaunti sila.
Ecclesiastes 12:4-5
Saan masisindak ang mga lalaki?
Masisindak ang mga lalaki sa tinig ng ibon.
Ecclesiastes 12:6-7
Saan babalik ang alabok?
Babalik ang alabok sa lupa kung saan ito nanggaling.
Ecclesiastes 12:8-9
Ano ang tinuro ng Mangangaral sa mga tao?
Tinuruan ng Mangangaral ng kaalaman ang mga tao.
Ecclesiastes 12:10-11
Parang ano ang mga salita ng matatalino?
Ang mga salita ng mga matatalinong tao ay parang mga panusok.
Ecclesiastes 12:12
Ano ang binibigay ng matinding pag-aaral?
Ang matinding pag-aaral ay nagbibigay pagod sa katawan.
Ecclesiastes 12:13-14
Ano ang katapusan ayon sa Mangangaral?
Sa huli, dapat matakot sa Diyos ang mga tao at ingatan ang kaniyang mga utos.