Leviticus
Leviticus 1
Leviticus 1:3-4
Anong uri ng hayop ang sinabi ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao na dalhin bilang isang handog na susunugin mula sa grupo ng mga hayop?
Sinabi ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao na dalhin ang isang lalaki hayop na walang dungis bilang isang handog na susunugin mula sa grupo ng mga hayop.
Leviticus 1:5-9
Ano ang gagawin ng mga pari sa dugo ng toro?
Ihahandog ng mga pari ang dugo at isasaboy ito doon sa altar sa harapan ng templo.
Leviticus 1:10-13
Anong hayop ang sinabi ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao na dalhin mula sa kawan para sa isang handog na susunugin?
Sinabihan ni Yahweh ang mga tao na dalhin ang isang lalaking tupa o kambing na walang kapintasan mula sa kawan.
Leviticus 1:14-17
Anong uri ng mga ibon ang sinabi ni Yahweh na maaaring dalhin bilang isang handog na susunugin?
Sinabi ni Yahweh na maaaring dalhin ang isang kalapati o batang ibon bilang isang handog na susunugin.
Leviticus 2
Leviticus 2:1-3
Anong uri ng butil na handog ang maaaring dalhin bilang isang handog kay Yahweh?
Pinong harina ang maaaring dalhin bilang isang handog kay Yahweh.
Ano ang kailangang gawin sa paghanda ng pinong harina bago ito ihandog kay Yahweh?
Kailangang dagdagan ng langis at insenso ang harina bago ito ihandog kay Yahweh.
Leviticus 2:4-10
Kung ang butil na handog ay niluto sa isang lapad na kawaling bakal, ano dapat ito?
Kung ang butil na handog ay niluto sa isang lapad na kawaling bakal, dapat pinong harina ito na walang pampaalsang hinaluan ng langis.
Leviticus 2:11-16
Anong mga sangkap ang hindi kailangan sa butil na handog?
Hindi kailangan sa butil na handog ang pampaalsa at pulot.
Leviticus 3
Leviticus 3:1-2
Ano ang handog para sa pagtitipon-tipon ang maaaring ihandog mula sa grupo ng mga hayop?
Isang handog para sa pagtitipon-tipon ay maaaring lalaki o babaeng handog na walang kapintasan mula sa grupo ng mga hayop.
Leviticus 3:3-5
Ano ang bahagi ng handog para sa pagtitipon-tipon ang dapat alisin at ilagay sa altar?
Ang taba na nakakabit sa lamang-loob, ang taba ng atay at ang mga bato ay dapat alisin at ilagay sa altar.
Leviticus 3:6-8
Mayroon bang pagkakaiba sa handog para sa pagtitipon-tipon na kinuha mula sa kawan sa halip na sa grupo ng mga hayop?
Wala, walang pagkakaiba.
Leviticus 3:9-17
Ano ang magkaibang bagay na dapat alisin mula sa handog para sa pagtitipon-tipon na lumabas mula sa kawan?
Ang buong taba ng buntot na malapit sa gulugod ay dapat alisin kung ang handog para sa pagtitipon-tipon ay mula sa kawan.
Leviticus 4
Leviticus 4:6-10
Ilang beses dapat iwisik ng pari ang dugo mula sa handog para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar?
Dapat iwisik ng pari ang kaunting dugo mula sa handog para sa kasalanan ng pitong beses sa harap ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
Leviticus 4:11-19
Anong mga bahagi ng toro ang bibitbitin palabas sa lugar na nilinis para kay Yahweh at ibinuhos sa mga abo?
Ang balat ng toro at lahat ng natirang karne, kasama ang ulo nito, ang mga binti, at ang mga panloob na bahagi, at ang dumi nito ay bibitbitin patungo sa mga abo.
Leviticus 4:20-26
Ano ang mangyayari sa kapulungan ng Israel kung sumunod sila sa mga tagubilin para sa handog para sa kasalanan?
Kung sumunod ang kapulungan ng Israel sa mga tagubilin ng handog para sa kasalanan, papatawarin sila.
Leviticus 4:27-31
Sino ang magdadala ng isang babaeng kambing o kordero na walang dungis para maging isang alay kung nagkasala sila?
Mga karaniwang tao ang magdadala ng isang babaeng kambing o kordero na walang dungis para maging isang alay kung nagkasala sila.
Leviticus 4:32-35
Sino ang magdadala ng isang babaeng kambing o kordero na walang dungis para maging isang alay kung nagkasala sila?
Magdadala ang karaniwang mga tao ng isang babaeng kambing o kordero na walang dungis para maging alay kung nagkasala sila.
Leviticus 5
Leviticus 5:1-4
Ano ang tatlong kasalanan na na nagpatunay na nagkasala ang isang tao?
Kung nasaksihan ng sinuman ang isang bagay na kinakailangan niyang ipatotoo, o nakahawak ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos na hindi malinis, o kung sinuman ang sumumpa nang padalus-dalos, kung ganoon, siya ay may kasalanan.
Leviticus 5:5-6
Ano ang dalawang bagay na dapat gawin ng taong nagkasala?
Dapat ipagtapat ng taong nagkasala kung anuman ang kasalanan na kaniyang ginawa at dalhin ang kaniyang handog para dito kay Yahweh.
Leviticus 5:7-10
Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, ano ang maaari niyang dalhin kay Yahweh para sa isang handog para sa kasalanan?
Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, maaari niyang dalhin kay Yahweh para sa isang handog para sa kasalanan ang dalawang kalapati at dalawang batang kalapati.
Leviticus 5:11-19
Kung hindi niya kaya ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, ano ang maaari niyang dalhin para sa kaniyang handog para sa kasalanan?
Kung hindi niya kaya ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, maaaring niyang dalhin ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina na walang anumang langis o insenso nito.
Leviticus 6
Leviticus 6:1-4
Ano ang dapat gawin ng isang tao kung nagkasala siya laban sa kaniyang kapwa?
Kung nagkasala ang isang tao laban sa kaniyang kapwa kailangan niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha o ang nawalang bagay na kaniyang natagpuan.
Leviticus 6:5-9
Ano ang dapat gawin ng isang tao na nagsinungaling sa anumang bagay?
Kung nagsinungaling ang isang tao tungkol sa isang bagay, kailangan niyang ibalik ito nang buo at dagdagan pa ng ikalima.
Leviticus 6:10-11
Ano ang kailangang isuot ng pari para alisin ang mga abo mula sa altar?
Isusuot ng pari ang linong mga damit at linong mga damit na panloob para kunin ang mga abo mula sa altar.
Leviticus 6:12-15
Ano ang kailangang panatilihin sa lahat ng oras?
Ang apoy sa altar ay kailangang panatilihin sa lahat ng oras.
Leviticus 6:16-20
Ano ang gagawin ng mga pari sa natitirang handog na pagkaing butil?
Maaaring kainin ng mga pari ang natitirang handog na pagkain butil na walang pampaalsa.
Ano ang gagawin ng mga pari sa natitirang handog na pagkaing butil?
Maaaring kainin ng mga pari ang natitirang handog na pagkain butil na walang lebadura.
Leviticus 6:21-30
Paano ihahanda ang handog na pagkaing butil na ito?
Ang handog na pagkaing butil na ito ay kailangang gawin sa isang kawali na may langis, ibabad, pagkatapos pira-pirasong lutuin.
Leviticus 7
Leviticus 7:7-8
Anong handog ang katulad ng handog para sa kasalanan?
Ang handog para sa kasalanan ay katulad ng handog na pambayad para sa kasalanan.
Leviticus 7:9-16
Aling handog ang para sa pari?
Ang handog na pagkaing butil ay para sa pari.
Leviticus 7:17-24
Ano ang dapat gawin sa karne na inihandog na hindi pa kinain pagdating ng ikatlong araw?
Ang karne na inihandog na hindi pa kinain pagdating ng ikatlong araw ay dapat sunugin.
Leviticus 7:25-38
Ano ang dapat gawin sa sinumang kumain ng taba mula sa hayop o dugo ng ibon o ng isang hayop?
Sinumang kumain ng taba ng isang hayop o dugo ng ibon o ng isang hayop ay dapat ihiwalay mula sa kaniyang mga kasama.
Leviticus 8
Leviticus 8:1-7
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki?
Sinabi ni Yahweh kay Moises na kunin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan, at ang langis na pampahid, ang toro, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa, at dalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Leviticus 8:8-9
Ano ang inilagay ni Moises sa baluti?
Inilagay ni Moises sa baluti ang Urim at Tummin.
Leviticus 8:10-11
Ano ang pinahiran ni Moises ng langis na pampahid?
Pinahiran ni Moises ng langis ng pampahid ang tabernakulo at ang lahat ng mga bagay sa loob nito.
Leviticus 8:12-13
Papaano itinalaga ni Moises si Aaron?
Itinalaga ni Moises si Aaron sa pamamagitan ng pagpapahid sa kaniya ng langis.
Leviticus 8:14-17
Ano ang ginawa ni Moises pagkatapos niyang bihisan ang mga anak na lalaki ni Aaron?
Pagkatapos bihisan ni Moises ang mga anak ni Aaron, naghandog siya ng toro at isang lalaking tupa ayon sa sinabi ni Yahweh na gagawin niya.
Leviticus 8:18-36
Ano ang ginawa ni Moises sa dugo mula sa lalaking tupa na ginamit para sa handog na susunugin?
Pinatay ni Moises ang lalaking tupa at isinaboy ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
Leviticus 9
Leviticus 9:1-2
Sa anong araw tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga nakatatanda ng Israel?
Tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga nakatatanda ng Israel sa ikawalong araw.
Leviticus 9:3-5
Anong mga hayop ang hiniling ni Moises kay Aaron na sasabihin sa mga tao ng Israel na dalhin upang ihandog kay Yahweh?
Hiniling ni Moises kay Aaron na sabihin sa mga tao na magdala ng isang lalaking kambing, isang guya, isang tupa, isang lalaking baka, at isang lalaking tupa upang ihandog kay Yahweh.
Leviticus 9:6-21
Bakit iniutos sa kanila ni Yahweh na gawin ito?
Iniutos sa kanila ni Yahweh na gawin ito para ang kaniyang kaluwalhatian ay maihayag sa kanila.
Leviticus 9:22-24
Pagkatapos gawin ni Aaron ang mga paghahandog ayon sa sinabi ni Moises, ano ang ginawa ni Aaron para sa mga tao?
Matapos gawin ni Aaron ang paghahandog, itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pinagpala ang mga tao.
Leviticus 10
Leviticus 10:1-15
Sino ang naghandog ng hindi karapat-dapat ay Yahweh?
Sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron ang naghandog ng hindi karapat-dapat na apoy kay Yahweh.
Leviticus 10:16-20
Bakit nagalit si Moises kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron?
Nagalit si Moises kina Eleazar at Itamar dahil hinayaan nilang masunog ang kambing para sa handog na susunugin.
Leviticus 11
Leviticus 11:3-8
Anong buhay na mga bagay na sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron sa mga tao ng Israel na maaaring kainin?
Sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron na sabihan ang mga tao ng Israel na kanilang maaring kainin anumang buhay na bagay na may hati ang kuko at ngumunguya.
Anong buhay na mga bagay na sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron sa mga tao ng Israel na maaaring kainin?
Sinabi ni Yahweh kay Moises at Aaron na sabihan ang mga tao ng Israel na kanilang maaring kainin anumang buhay na bagay na may hati ang kuko at ngumunguya.
Leviticus 11:9-12
Anong mga hayop ang buhay na naninirahan sa tubig na maaaring kainin ng mga Israelita?
Mga hayop na nakatira sa tubig na may mga palikpik at mga kaliskis ay maaaring kainin ng mga Israelita.
Leviticus 11:13-16
Anong uri ng mga palkon, mga lawin at mga uwak na sinabi ni Yahweh na dapat kamunihan at hindi dapat kainin?
Sinabi ni Yahweh na hindi mga palkon, mga lawin o mga uwak ang maaaring kainin. Dapat kamuhian ang lahat ng mga ito.
Anong uri ng mga palkon, mga lawin at mga uwak na sinabi ni Yahweh na dapat kamunihan at hindi dapat kainin?
Sinabi ni Yahweh na hindi mga palkon, mga lawin o mga uwak ang maaaring kainin. Dapat kamuhian ang lahat ng mga ito.
Leviticus 11:17-28
Anong uri ng mga kuwago na sinabi ni Yahweh na hindi dapat kainin?
Sinabi ni Yahweh na ang kuwagong tila may sungay, ang maliit na kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago at kuwagong kamalig ang hindi dapat kainin.
Leviticus 11:29-47
Anong mga hayop na gumagapang sa lupa ang itinuturing na marumi?
Ang bubwit, ang daga, bawat uri ng malaking butiki, ang tuko, ang bayawak, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango ay itinuturing na marumi.
Leviticus 12
Leviticus 12:4-5
Ano ang kinakailangan gawin ng isang babae para sa kanyang pagiging marumi.
Siya ay kinakailangan dumaan sa paglilinis sa loob ng tatlumpung-tatlong araw at hindi siya papasok sa tabernakulo o hahawak sa anumang bagay na banal sa panahon na iyon.
Leviticus 12:6-8
Ano ang kinakailangan gawin ng isang babae sa katapusan ng kaniyang paglilinis?
Sa katapusan ng kaniyang paglilinis, ang isang babae ay kinakailangang magdala sa pari ng isang taong gulang na tupa para sa isang handog na susunugin at isang batang kalapati o kalapati para sa handog para sa kasalanan.
Leviticus 13
Leviticus 13:3-8
Ano ang sinabi ni Yahweh na dapat gawin kung may pamamaga, galis, o matingkad na batik na lumala?
Sinabi ni Yahweh na sinumang mayroong sakit sa balat ay dapat pumunta sa isa sa mga pari na siyang dapat sumuri sa bahagi sa balat para mapagpasyahan kung ito ay malala, at kung gayon, ipapahayag ang tao na marumi.
Leviticus 13:9-17
Ano ang tatlong kalagayan na maaaring ipakita ng pamamaga, galis o matingkad na batik kung ito ay ipapahayag na malala?
Ang tatlong kalagayan kung saan maaaring ipakita ng pamamaga, galis o matingkad na batik upang maipahayag na malala ay puting pamamaga sa balat, ang buhok ay naging puti, at mayroong hilaw na laman sa pamamaga.
Leviticus 13:18-28
Anong iba pang kalagayan ng balat ang dahilan para ipahayag na marumi
Ang isang pigsa o isang paso ang dahilan ipahayag na marumi
Ano ang dapat gawin ng isang pari kung susuriin niya ang isang taong may pigsa ngunit ngayon ay may isang pamamaga o matingkad na batik na lumitaw na mas malalim sa balat na kung saan naroroon ang pigsa at ang buhok ay naging puti?
Dapat ipahayag ng pari na ang tao ay marumi.
Leviticus 13:29-39
Anong uri ng malalang sakit ang maaaring magdulot sa isa na maging marumi kung ito ay makita sa ulo o baba?
Kung ang isang lalaki o babae ay may isang pangangating sakit sa ulo o baba ito ay maaaring malala at magdulot sa tao na maging marumi.
Leviticus 13:40-44
Anong maipapahayag sa taong nalagas na ang buhok?
Ang taong nalagas ang buhok ay maipapahayag na marumi.
Leviticus 13:45-59
Ano ang dapat gawin ng isang tao upang malaman ng iba na siya ay marumi?
Ang taong marumi ay ay dapat magsuot ng punit na mga damit, ilugay ang buhok, takpan ang kaniyang mukha hanggang sa kaniyang ilong, at sumigaw ng "marumi, marumi" kapag nasa harapan ng iba. Dapat din siyang mamuhay mag-isa na malayo mula sa kampo.
Leviticus 14
Leviticus 14:3-7
Saan dapat suriin ng pari ang taong maysakit sa araw ng kanyang paghuhugas?
Dapat suriin ng pari ang taong maysakit sa labas ng kampo upang makita kung ang impeksiyon ay gumaling.
Leviticus 14:8-9
Ano ang dapat gawin ng taong nilinis na pagkatapos ipahayag ng pari na siya ay malinis?
Dapat labhan ng taong nalinis ang kaniyang mga damit, ahitin lahat ang kaniyang buhok, paliguan ang kaniyang sarili sa tubig, at tumira sa labas ng kaniyang tolda sa loob ng pitong araw.
Leviticus 14:10-20
Sa ikawalong araw, anong hayop ang dapat dalhin ng taong nilinis sa pari kung kung kaya niya bilhin ang mga ito?
Sa ikawalong araw, dapat dalhin ng taong nilinis sa pari kung kaya niya bilhin ang mga ito, dalawang lalaking kordero na walang kapintasan, isang babaing kordero na walang kapintasan na isang taong gulang , at tatlong ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis at isang sisidlan na may langis.
Leviticus 14:21-27
Kung ang taong nilinis ay mahirap at hindi kayang makabili ng mga sakripisyong ito, sa halip ano ang kanyang maaaring dalhin?
Kung ang taong nilinis ay mahirap at hindi kayang makakabili ng mga kordero, maaari siyang magdala ng isang lalaking kordero, isang ikasampung bahagi ng epa ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang sisidlan na may langis, at dalawang kalapati o mga batang mga batu-bato.
Leviticus 14:28-44
Saan inilalagay ng pari ang langis na ginagamit sa paghuhugas?
Inilalagay ng pari ang langis sa kanang tainga, ang kanang hinlalaki, ang kanang malaking paa, at ang natitira sa ulo ng isang nililinis.
Leviticus 14:45-51
Ano ang mangyayari sa bahay kung ang amag ay kumalat at hindi na mapatigil?
Maaring wasakin ang bahay kung ang amag ay kumalat at hindi na mapipigill.
Leviticus 14:52-57
Paano maipapahayag na malinis na ang bahay kung ang amag ay napatigill?
Maipapahayag na malinis na ang bahay sa pamamagitan ng isang pari sa pagwisik ng isang pinaghalong dugo ng ibon at tubig, kahoy na sedar, hisopo, at matingkad na pulang sinulid.
Leviticus 15
Leviticus 15:13-15
Sa anong klaseng tubig dapat malinisan ang tao mula sa tulo ng likidong may impeksyon?
Ang taong nililinisan mula sa isang tulo ng likidong may impeksyon ay dapat maligo sa umaagos na tubig.
Sa anong klaseng tubig dapat malinisan ang tao mula sa isang tulo ng likidong may impeksyon?
Ang taong nililinisan mula sa isang tulo ng likidong may impeksyon ay dapat maligo sa umaagos na tubig.
Leviticus 15:16-18
Ano ang kundisyon ng anumang bagay o sinumang tao na nagkaroon ng paglapat ng similya ng isang lalaki?
Dapat silang maghugas sa tubig at magiging marumi hanggang gabi.
Leviticus 15:19-23
Gaano katagal ang babae na magiging marumi pagkatapos ng kaniyang kabuwanang dalaw?
Siya ay magiging marumi ng pitong araw.
Leviticus 15:24-33
Gaano katagal ang isang lalaki sa pagiging marumi kapag sumiping siya sa isang babae na nireregla at ang kaniyang daloy ay mapasayad sa kaniya?
Ang lalaki ay magiging marumi ng pitong araw.
Leviticus 16
Leviticus 16:3-7
Ano ang dapat dalhin ni Aaron kapag papasok siya sa napakabanal na lugar?
Dapat magdala si Aaron ng isang batang toro para sa handog kasalanan at isang lalaking kambing bilang isang handog na susunugin.
Leviticus 16:8-10
Bakit nagpalabunutan si Aaron para sa mga kambing?
Nagpalabunutan si Aaron para sa mga kambing upang pumili ng isang ihahandog kay Yahweh at isang kambing na papalayain.
Leviticus 16:11-16
Para kanino iaalay ni Aaron ang toro?
Iaalay ni Aaron ang toro bilang isang handog kasalanan para sa kaniyang sarili at pamilya.
Leviticus 16:17-22
Sino pa ang dapat nasa tolda kasama ni Aaron kapag gumawa siya ng pambayad kasalanan sa napakabanal na lugar?
Walang sinuman ang dapat nasa tolda kapag gumawa ng pambayad kasalanan si Aaron sa napakabanal na lugar.
Leviticus 16:23-28
Ano ang gagawin ni Aaron sa mga kasuotang pang-pari?
Dapat hubarin ni Aaron ang mga kasuotang pang-pari at iwan ang mga ito sa tolda ng pagpupulong.
Leviticus 16:29-34
Kailan sinabi ni Yahweh na dapat mangyari ang pagbabayad-kasalanan?
Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang pagbabayad-kasalanan ay gagawin sa bawat taon.
Leviticus 17
Leviticus 17:5-6
Ano ang layunin ng kautusang ito?
Ang layunin ng kautusang ito ay para makuha ang mga tao para ihandog sa kanilang alay kay Yahweh sa pasukan nang tolda ng pagtitipon sa halip na sa hayag na bukid.
Leviticus 17:7-14
Ano ang hahantungan ng kalagayan na ito?
Ang kalagayan na ito ay magpapatigil sa mga tao mula sa paghandog ng alay na kambing sa mga diyos.
Leviticus 17:15-16
Ano ang dapat gawin ng isang tao na kumakain ng patay ng hayop o nagutay-gutay ng mga hayop?
Ang taong kumakain ng patay ng hayop o nagutay-gutay ng mga hayop ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig at manatiling marumi hanggang gabi.
Ano ang dapat niyang gawin kung hindi niya nilabhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig?
Kung hindi niya labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, kung gayon dapat niyang dalhin ang kaniyang sariling kasalanan.
Leviticus 18
Leviticus 18:6-18
Kaninong mga tao sinabi ni Yahweh na hindi maaaring magkaroon ng sekswal na reslayon?
Sinabi ni Yahweh sa mga tao na hindi sila maaaring magkaroon ng sekswal na relasyon sa mga malapit na kamag-anak.
Leviticus 18:19-20
Bakit hindi dapat magkaroon ng sekswal na relasyon ang isang isang lalaki sa babaeng may regla?
Hindi dapat magkaroon ng sekswal na relasyon ang isang isang lalaki sa babaeng may regla dahil sa panahon na iyon ay marumi siya.
Leviticus 18:21
Ano ang hindi dapat ialay ng mga tao kay Molec?
Hindi dapat ialay ng mga tao kay Molec ang kanilang mga anak.
Leviticus 18:22-28
Anong dalawang sekswal na relasyon ang pinagbabawal ng bersikulo 22 at 23?
Ang bersikulo 22 at 23 ay nagbabawal sa sekswal na relasyon sa ibang mga lalaki at mga hayop.
Leviticus 18:29-30
Ano ang mangyayari sa mga tao o sa mga dayuhan na naninirahan sa kanila na gumagawa ng anumang kasuklam-suklam na mga bagay?
Sinumang tao na gumagawa ng anumang kasuklam-suklam na mga bagay ay ititiwalag mula sa kanilang bayan.
Leviticus 19
Leviticus 19:15-18
Kanino dapat hindi magpakita ng pagkakampi ang mga tao?
Ang mga tao ay hindi dapat magpakita ng pagkampi sa isang tao dahil siya ay mahirap o mayaman, sa halip hatulan ng matuwid ang kapwa.
Leviticus 19:19-31
Ano ang dapat gawin ng mga tao kapag sila ay magtatanim ng mga buto sa bukid?
Kapag magtatanim sa bukid, dapat ang mga tao ay hindi magtanim ng dalawang uri ng buto sa parehong bukid.
Leviticus 19:32-37
Kaninong harapan tatayo at magpaparangal ang mga tao na sinabi ni Yahweh?
Sinabihan ni Yahweh ang mga tao na tumayo sa harapan ng mga taong mapuputi ang buhok at parangalan ang matatanda.
Leviticus 20
Leviticus 20:3-5
Ano ang gagawin ni Yahweh sa lalaki kung hindi siya papatayin ng mga tao?
Kung hindi siya papatayin ng mga tao, sabi ni Yahweh na ititiwalag siya mula sa kaniyang bayan.
Leviticus 20:6-12
Kanino sinabi ni Yahweh na huwag makipag-usap ang mga tao?
Sinabi ni Yahweh sa mga tao na huwag sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu.
Leviticus 20:13-14
Ano ang mangyayari sa isang taong nakipagtalik sa ibang lalaki?
Ang isang taong nagkaroon ng pagtatalik sa ibang lalaki ay nakagawa ng isang kasuklam-suklam na bagay at kapwa ay papatayin.
Leviticus 20:15-23
Kung nakikipatalik ang isang lalaki o isang babae sa isang hayop, ano ang gagawin sa kanila?
Ang lalaki, ang babae, at ang hayop silang lahat ay papatayin.
Leviticus 20:24-27
Papaano inilarawan ni Yahweh ang lupaing ibinigay niya sa mga Israelita?
Tinawag ni Yahweh ang lupain na "isang lupain ng gatas at pulot."
Leviticus 21
Leviticus 21:18-24
Anong tao ang hindi gusto ni Yahweh na lumapit sa kaniya para gumawa ng mga paghahandog?
Hindi gusto ni Yahweh ang sinumang tao na mayroong kapansanan sa katawan na lumapit sa kanya.
Leviticus 22
Leviticus 22:10-13
Sino lamang ang mga taong maaaring kumain ng anumang bagay na banal?
Tanging ang pari at ang kaniyang pamilya, at mga aliping nabili niya ang mga taong maaaring kumain ng anumang bagay na banal.
Leviticus 22:14-19
Ano ang dapat gawin ng isang taong nakakain ng banal na pagkain nang hindi ito nalalaman?
Kung nakakain ang isang tao ng banal na pagkain ng hindi ito nalalaman, dapat niyang bayaran ang pari at magdagdag ng isang ikalimang bahagi rito.
Leviticus 22:20-25
Ano ang pinakamahalagang kailangan para sa anumang hayop na iaalay kay Yahweh?
Dapat walang kapintasan ang anumang hayop na iaalay kay Yahweh.
Leviticus 22:26-33
Ilang taon dapat ang isang guya, tupa, o kambing na ihahandog bilang alay kay Yahweh?
Ang isang guya, tupa, o kambing ay dapat hindi bababa sa walong araw na gulang upang ihandog bilang isang alay kay Yahweh.
Leviticus 23
Leviticus 23:3-32
Ano ang sinabi ni Yahweh tungkol sa trabaho at sa Araw ng Pamamahinga?
Sinabi ni Yahweh na ang tao ay maaaring magtrabaho sa loob ng anim na araw, ngunit sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga, ay magiging isang araw ng pahinga.
Leviticus 23:33-39
Anong pista ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa ikalabinglimang araw ng ikapitong buwan?
Sinabi ni Yahweh na ang Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh ay mangyayayri sa ikalabinglimang araw ng ikapitong buwan.
Leviticus 23:40-41
Ano ang dapat gamitin ng mga tao para magsaya sa panahon ng Pista ng mga kanlungan para kay Yahweh?
Dapat gamitin ng mga tao ang pinakamahalagang prutas mula sa mga puno, mga sanga sa mga puno ng palmera, mga madahong sanga sa makapal na mga puno, at mga puno mula sa batis para magsaya sa harapan ni Yahweh.
Leviticus 23:42-44
Saan maninirahan ang mga Israelita sa panahon ng Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh?
Maninirahan ang mga Israelita sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw sa panahon ng Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh.
Leviticus 24
Leviticus 24:3-4
Ano ang dapat gawin ni Aaron sa dalisay na langis na dinala ng mga tao sa kanya?
Dapat panatilihin ni Aaron nasusunog ang lampara sa harap ng kautusang tipan sa tolda ng pagpupulong mula gabi hanggang umaga bawat araw.
Leviticus 24:5-9
Ano ang dapat ilagay ng pari sa dalawang linya ng anim sa bawat Araw ng Pamamahinga?
Dapat maglagay ng labindalawang tinapay ang pari sa dalawang linya ng anim sa bawat Araw ng Pamamahinga.
Leviticus 24:10-16
Ano ang sinabi na gawin ng mga tao ng Israel sa anak na lalaki ng isang babaeng Israelita at lalaking taga-Ehiptong na lumapastangan kay Yahweh?
Sinabi ni Yahweh sa mga tao ng Israel na kunin ang lalaki mula sa kampo at batuhin siya hanggang kamatayan.
Leviticus 24:17-18
Ano ang dapat gawin sa isang tao na pumatay ng isa pang tao?
Siya ay tiyak na dapat malagay sa kamatayan.
Leviticus 24:19-21
Ano ang sinabi ni Yahweh na dapat gawin sa sinumang naging sanhi ng kamatayan o sugat sa isang tao?
Sinabi ni Yahweh sa mga tao na anumang ang ginawa nila sa iba iyon rin ang dapat dawin sa kanila; mata sa mata, ngipin sa ngipin.
Leviticus 24:22-23
Ano ang sinabi sa mga tao ng Israel na gawin sa anak na lalaki ng isang babaeng Israelita at lalaking taga-Ehipto na lumapastangan kay Yahweh?
Sinabi ni Yahweh sa mga tao ng Israel na kunin ang lalaki mula sa kampo at batuhin siya hanggang kamatayan.
Leviticus 25
Leviticus 25:10-14
Ano ang itinatawag sa ikalimampung taon?
Ang ikalimampung taon ay tatawaging taon ng paglaya.
Anong makabuluhang pangyayari ang magaganap sa taon ng paglaya?
Sa taon ng paglaya, ang mga ari-arian at mga alipin ay ibabalik sa kanilang mga pamilya.
Leviticus 25:15-22
Ano ang dapat isaalang-alang ng mga tao kapag bumibili o nag-bebenta ng lupa?
Dapat isaalang-alang ng mga tao kung ilang taon mayroon hanggang sa susunod na paglaya. Habang higit na maraming taon ang mayroon, higit na mahalaga ang lupa.
Leviticus 25:23-34
Anong sinabi ni Yahweh sa mga tao tungkol sa permanenteng pagmamay-ari ng lupa?
Sinabi ni Yahweh na huwag permanenteng ipagbili ang lupa sa isang bagong may-ari dahil ang lupa ay nabibilang sa kaniya.
Leviticus 25:35-55
Paano ituturing ng mga tao ang kapwa kababayang naghirap at hindi na kayang itaguyod ang kanyang sarili?
Ang mga tao ay tutulungan siya, hindi siya sisingilan ng tubo o susubukang kumita mula kaniya sa anumang paraan.
Leviticus 26
Leviticus 26:1-2
Ano ang sinabi ni Yahweh sa mga tao na hindi nila dapat gawin?
Sinabi niya sa kanila na hindi sila dapat gumawa ng mga rebulto.
Leviticus 26:3-15
Ano ang dapat gawin ng mga tao para masiguro na magpapadala si Yahweh ng ulan at ani?
Sinabi ni Yahweh na dapat maglakad ang mga tao sa kaniyang mga batas at isaisip ang kaniyang mga utos, at sundin ang mga ito upang maging kanila ang kaniyang ulan at ani.
Leviticus 26:16-17
Ano ang ilan sa mga kaparusahan na gagawin ni Yahweh para sa kasalanan ng kanyang mga tao?
Sinabi ni Yahweh na pahihirapan niya sila sa matinding takot, sakit, lagnat, mapanganib na mga hayop, pagkagutom, pagkain ng laman ng tao, pagkakasira ng mga siyudad, at marami pa.
Ano bang uri ng karamdaman at lagnat ang sinabi ni Yahweh na ipapadala niy sa Israel kapag hindi nila sinunod ang kaniyang mga utos?
Sinabi ni Yahweh na magpapadala siya ng mga karamdaman at lagnat na sisira na kanilang mga mata at unti-unting uubos ng kanilang mga buhay kung susuway sila sa kanyang mga utos.
Leviticus 26:18-20
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kapag hindi sinunod ng mga tao ang kanyang mga utos at iniatas?
Sinabi ni Yahweh na kapag sumuway ang mga tao sa kaniyang mga utos, parurusahan sila ng pitong beses ang tindi para sa kanilang mga kasalanan.
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa panahon kung susuway ang Israel sa kanyang mga utos?
Sinabi ni Yahweh na gagawin niya ang langit sa kanilang itaas na parang tanso (kawalan ng ulan).
Leviticus 26:21-33
Sinabi ni Yahweh na kapag hindi makikinig ang Israel sa kaniya, magpapadala siya ng mababangis na hayop laban sa kanila. Ano ba ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng mga hayop na iyon?
Sinabi ni Yahweh na nanakawin ng mga hayop na iyon ang kanilang mga anak, lilipulin ang kanilang mga baka at pauuntiin ang kanilang bilang.
Leviticus 26:34-39
Ano ang ilan sa mga bagay na gagawin ni Yahweh upang parusahan ang mga kasalanan ng kanyang mga tao?
Sinabi ni Yahweh na pahihirapan niya sila sa matinding takot, sakit, lagnat, mapanganib na mga hayop, pagkagutom, pagkain ng laman ng tao, pagkakasira ng mga siyudad, at marami pa.
Leviticus 26:40-46
Kapag susuway ang mga tao kay Yahweh, mawawalan ba sila ng pag-asa?
Sinabi ni Yahweh na kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan, sa kasalanan ng kanilang mga ama at sa kanilang kataksilan kay Yahweh, at mapagkumbabang tanggapin ang kaparusahan para sa kanilang kasalanan, isasaisip niya ang kasunduan na kaniyang ginawa kina Jacob, Isaac at Abraham
Leviticus 27
Leviticus 27:3-10
Ano ang pamantayan na halaga ng isang lalaki na nasa pagitan ng edad na dalawampu at animnapu?
Isang lalaki na nasa pagitan ng edad na dalawampu at animnapu ay may isang pamantayang halaga ng limampung siklo ng pilak.
Leviticus 27:11-25
Ano ang ibang mga bagay na maaaring bigyang halaga na maaaring iharap kay Yahweh?
Maaari ding bigyang halaga ng pari ang isang hayop na maaaring ihandog para sa alay, bahay ng isang tao, o ilan sa kaniyang mga lupa.
Leviticus 27:26-27
Alin sa mga hayop ang nabibilang lamang kay Yahweh?
Nabibilang lamang kay Yahweh ang panganay ng lahat ng mga hayop.
Leviticus 27:28-34
Anong bahagi ang mga bagay na ilalaan kay Yahweh na maaaring ipagbili o tinubos?
Walang ilalaan kay Yahweh na maaaring ipagbili o tinubos.