Ezra
Ezra 1
Ezra 1:1-2
Sino ang tinalaga ni Yahweh na magtayo para sa kaniya ng isang templo sa Jerusalem nasa Judea?
Tinalaga ni Yahweh si Ciro na magtayo para sa kaniya ng isang templo sa Jerusalem na nasa Judea.
Ezra 1:3-6
Sino ang dapat tumulong sa mga nakaligtas sa lupaing iyon ng pilak at ginto?
Ang mga mamamayan ng alinmang bahagi ng kaharian kung saan naninirahan ang mga nakaligtas sa lupaing iyon ay dapat tumulong sa kanila ng pilak at ginto.
Ezra 1:7-8
Saan inilagay ni Nebucadnezar ang mga bagay na nabibilang sa templo ni Yahweh?
Inilagay ni Nebucadnezar ang mga bagay na nabibilang sa templo ni Yahweh sa mga templo ng kaniyang sariling mga diyos.
Ezra 1:9-11
Gaano karami ang mga kagamitang ginto at pilak na dinala ni Sesbazar nang ang mga taong tinapon ay nagpunta sa Jerusalem buhat sa Babilonia?
Si Sesbazar ay nagdala ng 5,400 na mga kagamitang ginto at pilak nang ang mga taong tinapon ay pumunta sa Jerusalem buhat sa Babilonia.
Ezra 2
Ezra 2:1-60
Sino ang nagpatapon sa Babilonia ng mga tao?
Si Haring Nebucadnezar ang nagpatapon sa Babilonia ng mga tao.
Ezra 2:61-69
Bakit hindi matagpuan ng ilang kaapu-apuhan ng mga pari ang kanilang angkan sa listahan?
Ang mga kaapu-apuhan ng mga pari ay hindi matagpuan ang kanilang angkan sa listahan mula nang dinugisan nila ang kanilang pagkapari.
Kailan maaaring kumain ng ilan sa mga banal na handog ang mga kaapu-apuhan ng mga pari?
Ang mga kaapu-apuhan ng mga pari ay maaaring kumain ng ilan sa mga banal na handog matapos pahintulutan ito ng isang pari na mayroong Umim at Tumim.
Ezra 2:70
Nasaan ang lahat ng tao sa Israel?
Ang mga tao sa Israel ay nasa kanilang mga lungsod.
Ezra 3
Ezra 3:1-2
Bakit si Josue anak ni Jozadak at ang kaniyang mga kapatid ang mga pari, at si Zerubabel na anak ni Sealtiel at ng kaniyang mga kapatid ay umakyat at nagtayo ng altar ng Diyos ng Israel?
Sila ay umakyat at nagtayo ng altar para mag-alay ng mga handog na susunugin gaya ng iniutos sa Batas ni Moises.
Ezra 3:3-5
Gaano kadalas si Josue at kaniyang mga kapatid ang mga pari at si Zerubabel at kaniyang mga kapatid nag-aalay ng mga handog na susunugin kay Yahweh?
Sila ay nag-aalay ng mga handog na susunugin kay Yahweh umaga at gabi.
Ezra 3:6-7
Sino ang nagpahintulot na ang mga punong sedar ay ipadala mula Lebanon patungong Jopa sa pamamagitan ng dagat?
Si Ciro, hari ng Persia ang nagpahintulot na ipadala ang punong sedar mula Lebanon patungong Jopa sa pamamagitan ng dagat.
Ezra 3:8-9
Kailan nagsimula ang paggawa?
Ang gawain ay nagsimula sa ikalawang buwan ng pangalawang taon makalipas ang mga Israelita ay makarating sa tahanan ng Diyos sa Jesuralem.
Ezra 3:10-11
Paano tumugon ang mga mamamayan dahil nailagay ang pundasyon ng templo?
Ang lahat ng mamamayan ay humiyaw ng kagalakan sa pagpupuri kay Yahweh dahil nailatag ang pundasyon ng templo.
Ezra 3:12-13
Papaanong silang mga nakakita sa unang tahanan ay tumugon nang nailatag ang pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata?
Silang mga nakakita sa unang tahanan ay malakas na nanangis nang nailatag ang pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Kaya marami ang sumisigaw ng kagalakang may malaking tuwa at isang kapanapanabik na tunog
Ezra 4
Ezra 4:1-3
Ano ang narinig ng ibang mga kaaway ng Juda at Benjamin na ginagawa ng mga taong mula sa pagkatapon?
Narinig ng ibang mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang mga taong mula sa pagkatapon ay nagtatayo ngayon ng templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Gaano na katagal sinasabi ng mga kaaway na sila ay nag-aalay kay Yahweh?
Sinabi ng mga kaaway na sila ay nag-aalay kay Yahweh simula ng mga araw nang sila ay dinala sa lugar na iyon.
Ezra 4:4-10
Gaano katagal pinahina ng mga kaaway ang mga kamay ng mga taga-Judea?
Pinahina nila ang mga kamay ng mga taga-Judea sa panahon ni Ciro at sa paghahari ni Dario, ang hari ng Persia.
Ano ang isinulat ng mga kaaway sa simula ng paghahari ni Ahasuero?
Sa simula ng paghahari ni Ahasuero, ang mga kaaway ay nagsulat ng paratang laban sa mga nakatira sa Juda at Jerusalem.
Ezra 4:11-13
Ano ang sinabi ng mga kaaway sa hari tungkol sa lungsod ng mga Judio?
Sinabi ng mga kaaway sa hari na ang mga Judio ay nagtatayo ng mapaghimagsik na lungsod.
Ezra 4:14-16
Bakit hindi angkop para sa mga kaaway na makita ang kahit na anong kahihiyan na mangyayari sa hari?
Ito ay hindi angkop para sa kanila na makita ang kahit na anong kahihiyan na mangyayari sa hari dahil kumakain sila ng asin ng palasyo.
Ezra 4:17-22
Pagkatapos maisalin at mabasa ang liham na ipinadala ng mga kaaway sa hari, ano ang kaniyang ginawa?
Pagkatapos maisalin at mabasa ang liham na ipinadala ng mga kaaway sa hari, nag-utos siya ng pagsusuri.
Ezra 4:23-24
Gaano katagal nahinto ang paggawa ng bahay ng Diyos sa Jerusalem?
Nahinto ang paggawa ng bahay ng Diyos sa Jerusalem hanggang sa pangalawang taon ng paghahari ni Dario, ang hari ng Persia.
Ezra 5
Ezra 5:3-7
Para sa ano ang paghihintay ng mga nakatatandang Judio?
Ang mga nakatatandang Judio ay naghihintay para sa isang utos na dumating mula kay Dario.
Ezra 5:8-11
Paano inilarawan ni Tatenai, Setar Bozenai, at ng kanilang kapwa opisyal ang trabaho sa bahay ng Diyos?
Isinulat nila na ang trabaho ay ginagawa ng lubos at umuusad nang mabuti sa kamay ng mga Judio.
Ezra 5:12-13
Bakit ibinigay ng Diyos ng langit ang mga Judio sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia?
Ibinigay ng Diyos ng langit ang mga Judio sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia noong ginalit siya ng kanilang mga ninuno.
Ezra 5:14-16
Anong mga bagay ang ibinalik ni Haring Ciro kay Sesbazar?
Ibinalik ni Haring Ciro ang ginto at pilak ng mga bagay na nabibilang sa bahay ng Diyos.
Ezra 5:17
Ano ang hiniling ng mga Judio na gagawin ng hari?
Hiniling nila na suriin ng hari sa bahay ng mga talaan ng Babilonia kung may isang kautusan doon mula kay Haring Ciro upang itayo ang bahay ng Diyos sa Jerusalem.
Ezra 6
Ezra 6:1-2
Ano ang natagpuan ni Haring Dario sa isang balumbon ng kasulatan?
Natagpuan ni Haring Dario ang isang balumbon ng kasulatan na nagsabi sa unang taon ni Haring Ciro, siya ay naglabas ng isang kautusan tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
Ano ang natagpuan nang si Haring Dario ay nag-utos ng isang imbestigasyon sa tahanan ng pambayang tahanan ng mga kasulatan sa Babilonia?
Sa imbestigasyon na iniutos ni Haring Dario ang isang balumbon ng kasulatan ang natagpuan sa tangggulang lungsod ng Ecbatana sa Media.
Ezra 6:3-5
Ano ang natagpuan ni Haring Dario sa isang nakabalumbong kasulatan?
Natagpuan ni Haring Dario ang isang nakabalumbong kasulatan na nagsasabing sa unang taon ni Haring Ciro, siya ay naglabas ng isang kautusan tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
Sino ang dapat magbabayad para sa bahay na handog na nabanggit sa kautusan ni Haring Ciro?
Ang halaga para sa tahanan na handog ay dapat pasanin ng bahay ng hari.
Ayon sa kautusan ni Haring Ciro ano ang dinala pabalik sa tahanan ng Diyos?
Ayon sa kautusan ni Haring Ciro ang mga bagay na ginto at pilak na pag-aari sa tahanan ng Diyos na dinala ni Nebucadnezar mula sa templo ng Jerusalem sa templo ng Babilonia ay ibalik sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
Ezra 6:6-7
Sino ang nagsabi kay Ciro na magtayo ng tahanan ng Diyos?
Sinabi ni Ciro na ang gobernador at ang mga nakatatandang Judio ang magtatayo ng tahanan ng Diyos.
Ezra 6:8-10
Bakit nais ni Ciro na bigyan ang mga Judio ng anumang kailangan nila para magtayo ng tahanan ng Diyos?
Nais ni Ciro na bigyan ang mga Judio ng anumang mga pangangailangan nila para itayo ang tahanan ng Diyos para sila ay magdala ng handog sa Diyos ng Kalangitan at ipinanalangin siya at ang kaniyang mga anak na lalaki.
Ezra 6:11-12
Ano ang dapat mangyari kung sinuman ang lalabag sa kautusan tungkol sa pagtulong sa mga Judio?
Kung sinuman ang lalabag sa kautusan, isang biga ang dapat hilahin mula sa kaniyang bahay at dapat siyang ituhog dito. Ang kaniyang bahay ay dapat gawing isang tambak ng basura dahil dito.
Ezra 6:13-18
Paano nagtagubilin sina Haggai at Zacarias sa mga nakatatandang Judio para magtayo?
Nagtagubilin sina Hagai at Zacarias sa mga nakatatandang Judio para magtayo sa pamamagitan ng pagpropesiya.
Ezra 6:19-20
Para kanino ang pinatay na mga handog ng mga pari at Levita sa Paskua?
Pinatay ng mga pari at Levita ang Paskuang mga handog para sa lahat ng mga mula sa pagkatapon, kasama ang kanilang mga sarili.
Ezra 6:21-22
Bakit nagawa ng mga Judio na magalak na magdiwang sa Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa?
Ang mga Judio ay buong galak na nagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, dahil si Yahweh ay nagdala sa kanila ng kagalakan at binago ang puso ng hari ng Asiria para palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa kaniyang tahanan.
Ezra 7
Ezra 7:6-7
Ano ang trabaho ni Ezra?
Siya ay isang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises.
Ezra 7:8-10
Bakit dumating si Ezra sa Jerusalem sa unang araw ng ikalimang buwan?
Sa unang araw ng ikalimang buwan siya ay dumating sa Jerusalem, yamang ang mabuting kamay ng Diyos ay kasama niya.
Ezra 7:11-13
Sino ang pinayagang pumunta ng Jerusalem kasama ni Ezra?
Ang sinumang nagmula sa Israel noong kaharian ni Artaxerxes, kasama ng kanilang mga pari at Levita, na nagnanais na pumunta ng Jerusalem, ang maaaring sumama kay Ezra.
Ezra 7:14-18
Bakit ginawa ng hari at ng kaniyang pitong mga tagapayo na pabalikin ang mga Israelita sa Israel?
Ang hari at ang kaniyang pitong mga tagapayo ay pinalabas sila upang siyasatin ang tungkol sa Juda at Jerusalem ayon sa batas ng Diyos na kaniyang nalalaman, at upang dalhin ang pilak at ginto na kanilang malayang ihahandog sa Diyos ng Israel at sa Jerusalem, na kaniyang tahanan.
Ezra 7:19-20
Mula saan dapat kunin ng mga Hudio ang lahat ng bagay na kanilang kailangan para sa tahanan ng kanilang Diyos?
Ang mga Judio ay dapat kunin ang lahat ng kanilang kailangan para sa tahanan ng kanilang Diyos na mula sa yaman ni Artaxerxes.
Ezra 7:21-24
Bakit kailangan ng mga tagapag-ingat yaman na gawin ang anumang bagay na nagmula sa utos ng Diyos ng langit na may panata sa kaniyang tahanan?
Dapat nilang gawin ang anumang bagay na nagmula sa utos ng Diyos ng Langit na may panata para sa kaniyang tahanan sa gayon ang kaniyang galit ay hindi dumating kay Artaxerxes at sa kaharian ng kaniyang mga anak.
Ezra 7:25-26
Paano paparusahan ni Ezra ang sinuman na hindi ganap na sumusunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari?
Maaaring parusahan ni Ezra ang kahit sino na hindi ganap ang pagsunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila, pagpapalayas sa kanila, pagsamsam ng kanilang mga kayamanan, o sa pamamagitan ng pagkulong sa kanila.
Ezra 7:27-28
Paanong si Ezra ay pinalakas?
Si Ezra ay pinalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na kaniyang Diyos.
Ezra 8
Ezra 8:15-16
Nang sinuri ni Ezra ang mga tao at mga pari, ano ang hindi niya mahanap?
Nang sinuri ni Ezra ang mga tao at mga pari, wala siyang nahanap na kahit sinong mga kaapu-apuhan ni Levi roon.
Ezra 8:17
Ano ang trabaho ni Ido at kaniyang mga kamag-anak?
Si Ido at ang kaniyang mga kamag-anak ay mga lingkod sa templo.
Ezra 8:18-20
Anong uri ng lalaki si Serebias?
Si Serebias ay isang taong matalino.
Ezra 8:21-27
Bakit hindi humiling si Ezra sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol sila laban sa mga kaaway?
Hindi humiling si Ezra sa hari ng hukbo o mga mangangabayo para ipagtanggol sila laban sa mga kaaway dahil siya ay nahiya.
Ezra 8:28-30
Gaano katagal binantayan ng labindalawang lalaki ang ginto at pilak?
Binantayan ng labindalawang mga lalaki ang ginto at pilak hanggang sa matimbang ang mga ito sa harap ng mga paring opisyal, mga Levita, at mga pinuno ng ninunong angkan ng Israel sa Jerusalem sa mga silid ng tahanan ng Diyos.
Ezra 8:31-34
Sa anong paraan ang kamay ng Diyos ay na kay Ezra at nasa labindalawa?
Ang kamay ng Diyos ay nasa kanila para sila ay ipagtanggol mula sa kamay ng kaaway at sa sinumang nagnais na lusubin sila habang nasa daan.
Ezra 8:35-36
Kanino ibinigay ng mga bumalik mula sa pagkabihag ang utos ng hari?
Ibinigay ng mga bumalik mula sa pagkabihag ang utos ng hari sa mga matataas na opisyal ng hari at sa mga gobernador sa kabilang ibayo ng Ilog.
Ezra 9
Ezra 9:1-2
Sa anong paraan ipinakita ng mga tao mula sa Israel ang hindi nila paghihiwalay ng kanilang mga sarili mula sa mga mamamayan ng ibang mga lupain?
Ang mga tao mula sa Israel ay hindi inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga mamamayan ng ibang lupain, dahil sa kinuha nila ang ilan sa kanilang mga anak na babae at lalaki.
Ezra 9:3-4
Paano tumugon si Ezra sa kataksilan ng mga tao?
Pinunit ni Ezra ang kanyang damit at balabal at ginupit ang buhok mula sa kanyang ulo at balbas. Saka siya umupong hiyang-hiya.
Ezra 9:5-7
Bakit hiyang-hiya si Ezra para iharap ang mukha niya kay Yahweh?
Hiyang-hiya si Ezra na iharap ang mukha niya kay Yahweh, dahil ang mga kabuktutan ng kanyang kapwa mamamayan ay lumagpas na sa kanilang mga ulo at ang kanilang mga kasalanan ay umabot na sa kalangitan.
Ezra 9:8-9
Bakit hinabaan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa pangako sa mga kababayan ni Ezra?
Hinabaan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa pangako sa mga kababayan ni Ezra upang bigyan sila ng bagong lakas para maitayong muli ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga ginibang ito. Ginawa niya iyon upang mabigyan niya sila ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
Ezra 9:10-12
Paano nadumihan ang lupain?
Ang lupain ay nadumihan sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam na gawi ng mga naninirahan dito na pinuno nila ito ng karumihan hanggang sa magkabilang dulo.
Ezra 9:13-15
Ano ang pinigilan ng Diyos?
Pinigilan ng Diyos kung ano ang nararapat sa mga kasalanan ng mga tao.
Ezra 10
Ezra 10:1-2
Ano ang ginawa ni Ezra habang siya ay nanalangin at nagtapat?
Habang si Ezra ay nanalangin at nagtapat, siya ay tumangis at nakadapa sa harapan ng bahay ng Diyos.
Ezra 10:3-4
Anong tipan ang sinabi ni Secanias na dapat gawin ng mga Israelita?
Sinabi niya na dapat gumawa ng isang tipan sa kanilang Diyos para palayasin ang lahat ng mga dayuhang babae at kanilang mga anak.
Ezra 10:5-6
Bakit hindi kumain si Ezra ng anumang tinapay o uminom ng anumang tubig?
Si Ezra ay hindi kumain ng anumang tinapay o uminom ng anumang tubig, yamang nagluluksa siya tungkol sa kawalan ng pananampalataya ng mga nabihag.
Ezra 10:7-8
Anong nangyari sa kaninuman na hindi pumunta sa tatlong araw ayon sa mga tagubilin mula sa mga opisyal at nakatatanda?
Sinuman ang hindi pumunta sa tatlong araw ayon sa mga tagubilin ng mga opisyal at nakatatanda ay mawawala ang lahat ng kanilang mga ari-arian at ibubukod mula sa malaking kapulungan ng mga tao na bumalik mula sa pagkatapon.
Ezra 10:9-11
Bakit nanginig ang lahat ng mga tao na nakatayo sa liwasan sa harapan ng tahanan ng Diyos?
Ang lahat ng mga taong nakatayo sa liwasan sa harapan ng tahanan ng Diyos at nanginig dahil sa salita at sa ulan.
Ezra 10:12-15
Bakit ang mga Israelita nais ng karagdagang oras para palayasin ang mga dayuhang babae?
Nais nila ng karagdagang oras dahil sa maraming mga tao, at ito ay panahon ng tag-ulan. Wala silang lakas na tumayo sa labas. Nilabag nila ng matindi ang bagay na ito.
Ezra 10:16-17
Sa anong oras na ang mga pinuno ay natapos sa pagtutuklas kung aling mga lalaki ang nanirahan sa mga dayuhang babae?
Sa unang araw ng unang buwan natapos nilang tuklasin kung sino ang mga lalaki na nanirahan kasama ang dayuhang mga babae.
Ezra 10:18-44
Ano ang inihandog ng mga lalaking nagkasala?
Ang mga lalaking nagkasala ay naghandog ng isang tupang lalaki mula sa kawan para sa kanilang kasalanan.