Tagalog: translationQuestions

Updated ? hours ago # views See on DCS Draft Material

1 Timothy

1 Timothy 1

1 Timothy 1:1-2

Paano ginawang isang apostol ni Cristo Jesus si Pablo?

Si Pablo ay ginawang isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kautusan ng Diyos .[1:1]

Ano ang ugnayan na mayroon sa pagitan nila Timoteo at Pablo?

Si Timoteo ay tunay na anak ni Pablo sa pananampalataya .[1:2]

1 Timothy 1:3-4

Saan mananatili si Timoteo?

Mananatili si Timoteo sa Efeso. [1:3]

Ano ang iniutos ni Timoteo na hindi gawin ng ilang mga tao?

Iniutos ni Timoteo na huwag silang magturo ng ibang aral. [1:3]

1 Timothy 1:5-8

Ano ang sinasabi ni Pablo na layunin ng kaniyang kautusan at itinuturo?

Ang kanyang layunin ng kautusan ay pag-ibig na mula sa dalisay na puso, mula sa mabuting budhi, at mula sa tapat na pananampalataya. [1:5]

1 Timothy 1:9-11

Para kanino ginawa ang kautusan?

Ang kautusan ay para sa mga walang kinikilalang batas at rebeldeng mga tao, hindi makadiyos at sa mga makasalanan, [1:9]

Ano ang apat na halimbawa ng mga kasalanan na nagagawa ng mga tao?

Nakakagawa sila ng pagpatay ng tao, pangangalunya, nangunguha ng tao, at pagsisisnungaling . [1:9-10]

1 Timothy 1:12-14

Ano ang mga kasalanan na dating nagawa ni Pablo?

Si Pablo ay dating lapastangan sa pangalan ng Diyos, taga-usig, at marahas. [1:13]

Ano ang naguumapaw kay Pablo, na kinalabasan ng kanyang pagiging isang apostol kay jesu Cristo?

Ngunit ang biyaya ng ating Panginoon ay nag-uumapaw kay Pablo. [1:14]

1 Timothy 1:15-17

Sino ang pinuntahan ni Cristo Jesus sa mundo upang iligtas?

Dumating si Cristo Jesus sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. [1:15]

Bakit sinasabi ni Pablo na siya ay isang halimbawa ng habag ng Diyos?

Sinasabi ni Pablo na siya ay isang halimbawa dahil siya ang pinakamalala sa lahat ng makasalanan, gayunpaman una siyang nakatanggap ng habag ng Diyos.[1:15-16]

1 Timothy 1:18-20

Ano ang mga nasabi patungkol kay Timoteo na sinangayunan ni Pablo?

Sinangayunan ni Pablo ang nagawang propesiya kay Timoteo tungkol sa mabuting pakikipaglaban ni Timoteo na napagtagumpayan niya ng may pananampalataya at isang mabuting budhi. [1:18-19]

Ano ang ginawa ni Pablo sa mga lalakihang tinanggihan ang pananampalataya at mabuting budhi at sa mga nagkaroon ng pagwasak sa kanilang pananapalataya?

Ibinigay sila ni Pablo kay Satanas upang sila'y matutong hindi lumapastangan sa Diyos. [1:20]

1 Timothy 2

1 Timothy 2:1-4

Para kanino ang hiling ni Pablo na ipanalangin?

Hinihiling ni Pablo na magawa ng lahat ang mga panalangin para sa lahat ng mga tao, para sa mga hari at sa lahat ng nasa kapangyarihan. (2:1-2)

Anong uri ng pamumuhay ang nininais ni Pablo sa mga Kristiyano na pinapayagang isapamuhay?

Ninanais ni Pablo na ang mga Kristiyano ay payagan na mamuhay ng mapayapa at tahimik ng may kabanalan at karangalan. (2:2)

Ano ang ninais ng Diyos para sa lahat ng tao?

Ninanais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman patungkol sa katotohanan. (2:4)

1 Timothy 2:5-7

Ano ang kalagayan ni Cristo Jesus sa pagitan ng Diyos at tao?

Si Cristo Jesus ang tagapamagitan ng Diyos at ng tao. (2:5)

Ano ang ginawa ni Cristo Jesus para sa lahat?

Ibinigay ni Cristo Jesus ang kaniyang sarili bilang pantubos sa lahat. (2:6)

Sino ang tinuturuan ni apostol Pablo?

Si Pablo ay isang guro ng mga Gentil. (2:7)

1 Timothy 2:8-10

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ng mga (lalaki) kalalakihan?

Gusto ni Pablo na ang mga kalalakihan(lalaki) ay manalangin at magtaas ng mga banal na kamay. (2:8)

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ng mga kababaihan?

Gusto ni Pablo na ang mga kababaihan ay magsuot ng may kahinhinan at pagpipigil sa sarili. (2:9)

1 Timothy 2:11-12

Ano na ang hindi pinapayagan ni Pablo na gawin ng babae?

Hindi pinapayagan ni Pablo ang babae na magturo o sanayin ang pamamahala sa isang lalaki. (2:12)

1 Timothy 2:13-15

Ano ang dahilan ni Pablo sa pagsabi nito?

Sinabi ni Pablo na ang kaniyang mga dahilan ay si Adan ang unang nalikha at si Adan ay hindi nalinlang. (2:13-14)

Sa anong paraan gusto ni Pablo na magpatuloy ang mga kababaihan?

Gusto ni Pablo na ang mga kababaihan ay magpatuloy sa pananampalataya, sa pag-ibig, at pagpapakabanal na may kahusayan ng kaisipan. (2:15)

1 Timothy 3

1 Timothy 3:1-3

Anong uri ng gawain ang ginagawa ng isang tagapangasiwa?

Ang gawain ng isang tagapangasiwa ay mabuting gawa.

Ano ang dapat gawin ng isang tagapangasiwa?

Ang isang tagapangasiwa ay dapat may kakayahang magturo.

Paano dapat humawak ng alak at pera ang isang tagapangasiwa?

Ang isang tagapangasiwa ay hindi dapat sugapa sa alak at kailangang hindi maibigin sa pera.

1 Timothy 3:4-5

Paano dapat tratuhin ng kaniyang mga anak ang isang tagapangasiwa?

Ang anak ng isang tagapangasiwa ay dapat sumusunod at ginagalang siya.

Bakit mahalaga ito na ang tagapangasiwa ay dapat maayos niyang pinamamahalaan ang kaniyang sambahayan?

Mahalaga ito dahil kung hindi niya mapamahalaan ng maayos ang kaniyang sambahayan, maaaring hindi rin niya mapangangalagaan ang iglesya ng Diyos ng maayos.

1 Timothy 3:6-7

Ano ang panganib kung ang tagapangasiwa ay baguhang mananampalataya?

Ang panganib ay magiging mapagmataas siya at mahuhulog sa paghahatol.

Ano dapat ang reputasyong taglay ng tagapangasiwa sa mga nasa labas ng iglesya?

Dapat mabuti ang reputasyong taglay ng tagapangasiwa sa mga nasa labas ng iglesya.

1 Timothy 3:8-10

Ano ang kailangang gawin sa mga diakono bago sila maglingkod?

Bago sila maglingkod, kailangang masang-ayunan muna ang mga diakono.

1 Timothy 3:11-13

Ano ang ilang katangian ng mga babaeng maka-Diyos?

Ang mga maka-Diyos na babae ay marangal, mga hindi mapanirang-puri, mahinahon, at tapat sa lahat ng mga bagay.

1 Timothy 3:14-15

Ano ang tahanan ng Diyos?

Ang tahanan ng Diyos ay ang iglesya.

1 Timothy 3:16

Pagkatapos na si Jesus ay nagpakita sa laman, pinangatwiranan ng Espiritu, at nakita ng mga anghel, ano ang kaniyang ginawa?

Naihayag si Jesus sa mga bansa, pinaniwalaan ng mundo, at itinaas sa kaluwalhatian.

1 Timothy 5

1 Timothy 5:1-2

Paano sinabi ni Pablo kay Timoteo kung paano pakitunguhan ang mas nakakatanda sa iglesya?

Sinabi ni Pablo kay Timoteo na pakitunguhan siya na parang isang ama. (5:1)

1 Timothy 5:3-6

Ano ang dapat gawin ng mga anak at mga apo ng balo para sa kaniya?

Ang mga anak at mga apo ay dapat suklian ang kanilang mga magulang at alagaan siya. (5:4)

1 Timothy 5:7-8

Ano ang nagawa ng isang tao na hindi inaalagaan ang kaniyang sariling mga sambahayan?

Itinanggi niya ang pananampalataya at mas masahol pa sa hindi mananampalataya. (5:8)

1 Timothy 5:9-10

Sa anong paraan dapat makilala ang isang balo?

Ang isang balo ay dapat makilala sa mabubuting gawa.) (5:10)

1 Timothy 5:11-13

Anong panganib ang naroon kung ang nakababatang balo ay magpasiya na manatiling balo sa nalalabi niyang buhay?

Magkakaroon ng panganib sa hinaharap na gusto niyang mag-asawa, na tumatalikod sa kaniyang unang tungkulin. (5:11-12)

1 Timothy 5:14-16

Ano ang gusto ni Pablo na gawin ng mga nakababatang babae?

Gusto ni Pablo na ang mga nakababatang babae na mag-asawa, upang magkaanak at upang mamahala sa tahanan. (5:14)

1 Timothy 5:17-18

Ano ang dapat gawin sa mga nakatatanda na namumuno ng maayos?

Ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos ay dapat maging karapat-dapat sa dobleng parangal. (5:17)

1 Timothy 5:19-20

Ano ang dapat naroroon bago tanggapin ang paratang laban sa isang nakatatanda?

Mayroon dapat dalawa o tatlong saksi bago tanggapin ang paratang laban sa isang nakatatanda. (5:19)

1 Timothy 5:21-22

Sa anong paraan iniuutos ni Pablo kay Timoteo na maging maingat na panatilihin ang mga kautusang ito?

Inuutusan ni Pablo si Timoteo na maging maingat na panatilihin ang mga alituntuning ito ng walang pinapaburan. (5:21)

1 Timothy 5:23-25

Para sa ilang tao, ang kanilang mga kasalanan ay hindi malalaman hanggang kailan?

Para sa ilang tao, ang kasalanan nila ay hindi malalaman hanggang sa paghahatol. (5:24)

1 Timothy 6

1 Timothy 6:1-2

Ano ang gagawin sa paggalang na sinabi ni Pablo sa mga alipin na dapat sa kanilang mga amo?

Sinabi ni Pablo sa mga alipin na dapat nilang igalang ang kanilang mga amo na karapat- dapat ng paggalang.

1 Timothy 6:3-5

Anong klaseng tao ang tumatanggi sa mga mabuting salita at maka-diyos na katuruan?

Ang tao na tumatanggi sa mabuting mga salita at maka-diyos na katuruan ay mapagmataas at walang nalalaman.

1 Timothy 6:6-8

Ano ang sinabi ni Pablo na malaking pakinabang?

Sinabi ni Pablo na ang maka-diyos na may kakontentuhan ay malaking pakinabang

Bakit dapat tayong makontento sa pagkain at mga damit?

Dapat tayong makontento dahil wala tayong dinalang anuman dito sa daigdig, at wala din tayong makukuhang anuman pagalis dito sa mundo.

1 Timothy 6:9-10

Sa ano nahulog sila na mga nagnanasa na maging mayaman?

Ang mga gustong yumaman mahuhulog sila patungo sa tukso, sa isang bitag

Ano ang ugat ng lahat ng uri ng kasamaan?

ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.

1 Timothy 6:11-14

Anong pakikipaglaban ang sinabi ni Pablo kay Timoteo?

Sinabi ni Pablo kay Timoteo na dapat makipag- laban ng mabuting pakikipaglaban.

1 Timothy 6:15-16

Saan naninirahan ang Mapagpala ang nag-iisang makapangyarihan?

Ang Mapagpala ay naninirahan sa hindi malapitang liwanag kunbg saan walang taong maaring makakita sa kanya.

1 Timothy 6:17-19

Bakit dapat umasa sa Diyos ang mayaman at hindi sa walang katiyakang mga kayamanan?

Ang mayaman ay dapat na umasa sa Diyos sapagkat siya ang nag-aalok ng lahat ng tunay na kayamanan

Sila na mayaman sa mabubuting gawa para sa ano ang ginagawa nilang ito?

Sa paraang ito, sila ay nag-iipon sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon para sa darating, upang kanilang makakamit ang tunay na buhay

1 Timothy 6:20-21

Sa wakas, anong sinabi ni Pablo kay Timoteo upang gawin ang mga bagay na naibigay sa kanya?

Sinabi ni Pablo na ingatan kung ano ang mga naibigay sa kanya.