Zechariah
Zechariah 1
Zechariah 1:1-3
Sino ang naghahari nang nagpahayag si Zacarias?
Nagpahayag si Zacarias sa mga panahong naghahari si Dario.
Sino si Zacarias?
Si Zacarias ay anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo.
Ano ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo na gagawin niya kapag bumalik sa kaniya ng mga tao?
Sinabi ni Yahweh ng mga hukbo na babalik siya sa kanila kapag bumalik sa kaniya ng mga tao.
Zechariah 1:4-6
Ano ang ginawa ng kanilang mga ama nang sabihin ni Yahweh sa kanila na tumalikod sa kanilang mga masasamang gawain at kaugalian?
Hindi nakinig ang kanilang mga ama at hindi nila binigyang pansin si Yahweh.
Ano ang sinabi ng mga tao nang magsisi sila?
Nang magsisi sila, sinabi nila, "Natutupad ang mga balak ni Yahweh ng mga hukbo sa pagpapanatili ng kaniyang mga salita, nakasanayan at tinulungan niya sila."
Zechariah 1:7-9
Sino ang naghahari nang magpahayag si Zacarias?
Nagpahayag si Zacarias sa panahon ng paghahari ni Dario.
Ano ang nakita ni Zacarias nang dumating sa kaniya ang salita ni Yahweh sa gabi?
Nakita ni Zacharias ang isang lalaking nakasakay sa pulang kabayo na nasa kalagitnaan ng mga puno ng mirto sa lambak. Sa tabi nito ay mga pula, mapula na kayumanggi at mga puting kabayo.
Zechariah 1:10-11
Anong mga kabayo ang nakita ni Zacharias?
Ang mga kabayong isinugo ni Yahweh na maglibot sa buong lupain.
Ano ang nakita ng mga kabayong naglibot sa buong lupain?
Nakita ng mga kabayo na ang buong lupain ay nananatili at nagpapahinga.
Zechariah 1:12-15
Ano ang katanungan ng anghel kay Yahweh tungkol sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda?
Tinanong ng anghel kay Yahweh kung gaano katagal siyang hindi magpapakita ng pagkaawa sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda.
Zechariah 1:16-17
Ano ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa Jerusalem at mga lungsod ng Juda?
Sinabi ni Yaweh na bumalik siya sa Jerusalem nang may pagkaawa, na itatatag ang kaniyang tahanan sa loob niya at iuunat sa Jerusalem ang panukat na linya. Sinabi rin ni Yahweh na ang kaniyang lungsod ay muling mapupuno ng kabutihan at muling aaliwin ni Yahweh ang Sion at muling pipiliin ang Jerusalem.
Zechariah 1:18-19
Ano ang apat na sungay na nakita ni Zacharias?
Ang apat na sungay ang nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem
Zechariah 1:20-21
Sino ang apat na panday na nakita ni Zacarias at ano ang kanilang gagawin?
Ang mga panday ay ang mga taong magpapalayas at mag-aalis ng mga sungay sa mga bansang nag-angat ng anumang sungay laban sa lupain ng Juda upang ikalat siya.
Zechariah 2
Zechariah 2:1-2
Ano ang gagawin ng binata sa panukat na lubid sa kaniyang kamay?
Susukatin niya ang Jerusalem, upang malaman ang luwang at haba nito.
Zechariah 2:3-5
Bakit sinabi ng ikalawang anghel na uupo ang Jerusalem sa bansang walang pader?
Sinabi ito ng ikalawang anghel dahil napakaraming tao at hayop ang mapupunta sa kaniya.
Ano ang sinabi ni Yahweh na nais niyang maging para sa Jerusalem?
Sinabi ni Yahweh na siya ang magiging pader na apoy sa palibot niya at siya ang magiging kaluwalhatian sa kaniyang kalagitnaan.
Zechariah 2:6-7
Ano ang ipinahayag ni Yahweh sa mga naninirahan kasama ng mga anak ng Babilonia?
Sinabi niya na tumakas sila papuntang Zion.
Zechariah 2:8-9
Paano nila malalaman na si Yahweh ng mga hukbo ang nagpadala sa ikalawang anghel?
Sinabi ng ikalawang anghel na malalaman ng Juda at Israel na si Yahweh ang nagpadala sa kaniya kapag ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay sa mga bansa na sumamsam sa Juda at magiging sinamsam ang Jerusalem para sa kanilang mga alipin.
Zechariah 2:10-11
Ano ang mangyayari kapag dumating si Yahweh at nanahan sa Zion?
Kapag nangyari iyon makikiisa kay Yahweh ang mga malalaking bansa at ang mga nasa Zion ay magiging kaniyang mga tao.
Zechariah 2:12-13
Bakit sinabihan na manahimik ang lahat ng nilalang sa harapan ni Yahweh?
Sinabihan ang lahat ng nilalang na manahimik sa harapan ni Yahweh dahil gumising na si Yahweh mula sa kalangitan.
Zechariah 3
Zechariah 3:1-3
Sino ang malapit kay Josue na punong pari?
Nakatayo si Josue sa harapan ni Yahweh at si Satanas ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay.
Ano ang ginagawa ni Satanas sa may kanang kamay ni Josue?
Pinaparatangan ni Satanas si Josue ng kasalanan.
Ano ang suot ni Josue habang nakatayo siya sa harapan ng anghel?
Nakasuot si Josue ng maruming kasuotan.
Zechariah 3:4-5
Ano ang sinabi ng anghel ni Yahweh na kaniyang gagawin para kay Josue?
Sinabi ng anghel ni Yahweh na pinalampas niya ang kasamaan mula kay Josue.
Ano ang nagyari tungkol sa kasuotan ni Josue?
Inutusan ng anghel na alisin ang maruming kasuotan mula kay Josue at upang mabihisan ng magandang kasuotan si Josue: isang malinis na turbante at malinis na kasuotan.
Zechariah 3:6-7
Ano ang ipinangako ni Yahweh kay Josue na punong pari, kung lalakad siya sa pamamaraan ni Yahweh at kung pananatilihin ang kaniyang mga kautusan?
Ipinangako ni Yahweh kay Josue na pamumunuan niya ang tahanan ni Yahweh at babantayan ang mga hukuman ni Yahweh. Ipinangako rin ni Yahweh na papayagan niya si Josue na lumapit at pumunta sa harap ng mga nakatayo sa harapan ni Yahweh.
Zechariah 3:8-9
Ano ang tawag sa lingkod na ipadadala mismo ni Yahweh?
Ang lingkod ay tinawag na "ang Sanga"
Ano ang unang bahagi ng mensahe na iuukit sa pitong bahagi ng bato?
Ang unang bahagi ng mensahe ay aalisin ni Yahweh ang kasalanan mula sa lupaing iyon sa loob ng isang araw.
Zechariah 3:10
Ayon kay Yahweh, kailan aanyayahan ng bawat tao ang kaniyang kapwa upang mamahinga sa ilalim ng kaniyang puno ng ubasan at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos?
Sinabi ni Yahweh na mangyayari ito kapag alisin na ni Yahweh ang kasalanan mula sa Zion sa isang araw.
Zechariah 4
Zechariah 4:1-3
Ano ang nakita ni Zacarias nang ibinangon siya?
Nakikita ni Zacarias ang isang patungan ng lampara na gawa lahat sa ginto, may isang mangkok sa ibabaw nito. May pito itong lampara at pitong mitsa sa ibabaw ng bawat lampara.
Zechariah 4:4-5
Naunawaan ba ni Zacarias ang kahulugan ng mga bagay sa pangitain?
Hindi, sinabi ni Zacarias sa anghel na nakikipag-usap sa kaniya na hindi niya nauunawaan ang kahulugan ng mga bagay na iyon sa pangitain.
Zechariah 4:6-7
Ano ang salita ni Yahweh kay Zerubabel tungkol sa kung paano gagawin ang mga bagay?
Ang salita ni Yahweh kay Zerubabel, "Hindi sa pamamagitan ng lakas ni sa pamamagitan ng kapangyarihan, ngunit sa pamamagitan lamang ng aking Espiritu."
Ano ang isisigaw kapag inilabas ni Zerubabel ang itaas na bato?
"Biyaya! Biyaya! dito," ang isisigaw sa panahong iyon.
Zechariah 4:8-13
Paano malalaman ng mga tao na ipinadala ni Yahweh si Zacarias sa kanila?
Malalaman ng mga tao kapag nakita nilang natupad ang propesiya; Ang kamay ni Zerubabel ang naglatag ng pundasyon ng tahanang iyon at ang kaniyang mga kamay ang tatapos nito.
Ano ang makikita ng mga tao sa kamay ni Zerubabel?
Makikita ng mga tao ang pampantay na bato sa kamay ni Zerubabel.
Ano iyong pitong lampara?
Ang pitong lamparang ito ay ang mga mata ni Yahweh na naglilibot sa buong daigdig.
Zechariah 4:14
Ano ang dalawang sanga ng olibo?
Ito ang dalawang puno ng olibo na nakatayo upang paglingkuran ang Panginoon ng buong daigdig.
Zechariah 5
Zechariah 5:1-2
Gaano kalaki ang binalumbong kasulatang nakita ni Zacarias?
Dalawampung siko ang haba ng binalumbong kasulatan at sampung siko ang lawak.
Zechariah 5:3-4
Ano ang binalumbong kasulatan ayon sa sinabi ng anghel?
Sinabi ng anghel na ang binalumbong kasulatan ay isang sumpa na dumarating sa ibabaw ng buong lupain.
Sino ang sinumpa ng binalumbong kasulatan?
Isang sumpa sa bawat magnanakaw at sa lahat ng mga nangako ng isang maling panata.
Ano ang gagawin ng sumpa sa magnanakaw at sa taong nangako nang hindi totoo sa ngalan ni Yahweh?
Papasok ang sumpa sa kanilang mga tahanan at mananantili roon at uubusin ang tabla at mga bato ng kanilang mga tahanan.
Zechariah 5:5-7
Ano ang nasa loob ng basket na nakita ni Zacarias at ano ito ayon sa sinabi ng anghel?
Isang efa ang nakita ni Zacarias na nasa basket, at sinabi ng anghel na ang ephah, "ay ang kanilang kasamaan sa buong lupain."
Zechariah 5:8-9
Ano ang sinabi ng anghel tungkol sa babae sa loob ng basket?
Sinabi ng anghel tungkol sa babae sa loob ng basket, "Kasamaan ito!"
Ano ang ginawa ng dalawang babaeng may mga pakpak na tulad ng mga pakpak ng isang tagak?
Itinaas ng dalawang babae ang basket sa pagitan ng lupa at langit.
Zechariah 5:10-11
Saan dadalhin ng dalawang babae ang basket at ano ang dahilan?
Kinuha ng dalawang babae ang basket upang magtayo ng isang templo sa Sinar para dito, upang kapag handa na ang templo, mailalagay ang basket doon sa nakahandang patungan nito.
Zechariah 6
Zechariah 6:1-4
Ano ang nakita ni Zacarias na papalabas sa pagitan ng dalawang tansong bundok?
Nakita ni Zacarias ang apat na karwahe na papalabas sa pagitan ng dalawang tansong bundok.
Ano ang kulay ng mga kabayo sa bawat karwahe?
Ang unang karwahe ay may mga pulang kabayo, ang pangalawa ay may mga itim na kabayo, ang pangatlo ay may mga puting kabayo at ang pang-apat ay may mga kulay abong kabayo na may mga batik.
Zechariah 6:5-6
Ano ang sinabi ng anghel tungkol sa mga karwahe?
Sinabi ng anghel na ang mga karwahe ay ang apat na hangin ng langit.
Saan nanggaling ang apat na karwahe na ito?
Ang apat na karwahe na ito ay nakatayo sa harapan ng Panginoon ng buong daigdig.
Saan papunta ang tatlong karwahe na ito na may itim, puti at kulay abo na may mga batik na mga kabayo?
Ang karwahe na may mga itim na kabayo ay papunta sa hilagang bansa. Ang karwahe na may mga puting kabayo ay papunta sa kanlurang bansa. Ang karwahe na may mga kulay abo na mga kabayo na may mga batik ay papunta sa bansang timog.
Zechariah 6:7-8
Saan papunta ang apat na karwaheng ito?
Ang karwahe na may mga itim na kabayo ay papunta sa bansang hilaga. Ang karwahe na may mga puting kabayo ay papunta sa bansang kanluran. Ang karwahe na may mga kulay abo na mga kabayo na may mga batik ay papunta sa bansang timog. Ang tatlong karwahe na ito ay pumunta upang gumala sa buong daigdig. Hindi namin alam kung saan pumunta ang karwahe na may mga pulang kabayo.
Ano ang gagawin ng karwahe na may mga itim na kabayo na pumunta sa bansang hilaga?
Papayapain ng karwahe na may mga itim na kabayo ang espiritu ng anghel sa bansang hilaga.
Zechariah 6:9-11
Ano ang dapat gawin ni Zacarias sa handog na kinuha niya kina Heldai, Tobias at Jedaias?
Sinabi kay Zacarias na dalhin ang handog sa bahay ni Josias na anak ni Zefanias. Kukuha si Zacarias ng pilak at ginto, gagawa ng isang korona at ilalagay ito sa ulo ni Josue na pinakapunong pari na anak ni Jehozadak.
Zechariah 6:12-13
Ano ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo na gagawin ni Josue na pinakapunong pari na anak ni Jehozadak?
Sinabi ni Yahweh na lalago si Josue sa kung nasaan siya at itatayo niya ang templo ni Yahweh! Siya ang magtatayo ng templo ni Yahweh at magtataglay ng karangyaan nito, uupo siya at maghahari sa kaniyang trono.
Zechariah 6:14-15
Bakit ilalagay ang isang korona sa templo ni Yahweh?
Ilalagay ang isang korona sa templo ni Yahweh upang parangalan sina Heldai, Tobias at Jedaias at bilang pag-alaala sa kabutihang-loob ng anak ni Zefanias.
Ano ang dapat gawin ng mga tao upang maganap ang pangyayaring ito na naaayon sa propesiya?
Sinabi ni Yahweh na mangyayari ang pangyayaring ito "kung tunay kayong nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos!"
Zechariah 7
Zechariah 7:1-3
Bakit ipinadala ng mga tao ng Bethel sina Sarazer, Regemmelec at ang kanilang mga tao?
Ipinadala sila ng mga tao ng Bethel upang humingi ng tulong kay Yahweh.
Ano ang itinanong nina Sarazer, Regemmelec at ang kanilang mga tao sa pari at mga propeta?
Itinanong nila, "Dapat ba akong magdalamhati sa ikalimang buwan sa pamamagitan ng pag-aayuno, gaya ng ginawa ko sa loob ng maraming taon?"
Zechariah 7:4-7
Ano ang dalawang katanungan na itinanong ni Yahweh sa mga tao sa lupain at sa mga pari sa pamamagitan ni Zacarias tungkol sa pag-aayuno, pagkain at pag-inom?
Ang unang katanungan na itinanong ni Yahweh ay, "Nang nag-ayuno at nagdalamhati kayo sa ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon na ito, nag-aayuno ba talaga kayo para sa akin?" Ang pangalawang katanungan ay, "At nang kumain at uminom kayo, hindi ba kumain at uminon kayo para sa inyong mga sarili?"
Sa madaling sabi, ano ang huling katanungan na itinanong ni Yahweh sa mga pari at mga tao ng lupain?
Sa madaling sabi, itinanong ni Yahweh kung hindi ba ito katulad ng mga salitang sinabi ni Yahweh sa mga tao habang naninirahan pa lamang sila sa Jerusalem, sa karatig na mga lungsod, sa Negeb at sa mga paanan ng bundok sa kanluran.
Zechariah 7:8-10
Ano ang sinabi ni Yahweh na gawin ng mga tao sa pamamagitan ni Zacarias?
Sinabi ni Yahweh na humatol nang may tunay na katarungan, katapatan sa kasunduan at habag. Sinabi niyang huwag apihin ang balo, ang ulila, ang dayuhan o ang mahirap na tao at huwag gagawa ng masama sa isa't isa.
Zechariah 7:11-12
Ano ang tugon ng mga tao sa mga alituntunin ni Yahweh?
Tumanggi ang mga tao na magbigay ng pansin sa mga salita ni Yahweh.
Zechariah 7:13-14
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya kapag tumawag sa kaniya ang mga tao na dating tumangging makinig sa kaniya?
Sinabi ni Yahweh na hindi siya makikinig sa kanila at ikakalat niya ang mga tao sa pamamagitan ng ipu-ipo sa lahat ng bansa na hindi pa nila nakikita.
Zechariah 8
Zechariah 8:1-3
Paano ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang labis na pagmamahal para sa Zion?
Ipinahayag ni Yahweh ang kaniyang labis na pagmamahal para sa Zion nang may matinding kasigasigan at matinding galit. [8:2]
Ano ang itatawag sa Jerusalem at sa bundok ni Yahweh kapag bumalik siya upang manahan sa gitna ng Jerusalem?
Tatawaging "Ang lungsod ng Katotohanan" ang Jerusalem at tatawaging "Ang Banal na Bundok" ang bundok ni Yahweh kapag bumalik siya upang manahan sa gitna ng Jerusalem. [8:3]
Zechariah 8:4-5
Sino ang muling matatagpuan sa mga lansangan ng Jerusalem?
Muling matatagpuan sa mga lansangan ng Jerusalem ang mga matatandang kalalakihan at matatandang kababaihan, at mapupuno ang mga lansangan ng mga batang lalaki at ng mga batang babaing naglalaro dito. [8:4-5]
Zechariah 8:6-8
Saan ililigtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao?
Ililigtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao mula sa lupaing sinisikatan ng araw at sa lupaing linulubugan ng araw. [8:7]
Zechariah 8:9-10
Bakit nais ni Yahweh na palakasin ng mga tao ang kanilang mga kamay?
Nais ni Yahweh na palakasin ng mga tao ang kanilang mga kamay upang muli nilang maitayo ang templo. [8:9]
Ano ang nangyari bago pa ang mga araw na iyon nang inilatag ang pundasyon ng tahanan ni Yahweh?
Sa mga araw na iyon, walang pananim na naipon, walang mapakinabangan at walang kapayapaan mula sa mga kaaway. Itinakda ni Yahweh ang bawat tao laban sa kaniyang kapwa.
Zechariah 8:11-15
Anong sinabi ni Yahweh na mangyayaring sa panahon ni Zacarias?
Sinabi ni Yahweh na hindi na magiging tulad ng naunang mga araw. Sinabi niya na maihahasik ang mga butil ng kapayapaan. Mamumunga ang ubas na baging at magbibigay ng ani ang lupain. Ibibigay ng kalangitan ang hamog nito. Ipapamana ni Yahweh ang lahat ng mga bagay na iyon sa mga nalalabing mga tao. [8:11-12]
Zechariah 8:16-17
Paano iniutos ni Yahweh sa mga tao na magpakabait at bakit?
Sinabi ni Yahweh na dapat magsabi ng katotohanan sa kaniyang kapwa ang lahat ng tao at humatol ng may katotohanan, makatarungan at kapayapaan sa kanilang mga tarangkahan. Sinabi niya na huwag hayaan ang sinuman na magbalak ng masama sa kanilang mga puso laban sa kanilang kapwa ni maakit sa hindi totoong mga pangako. Iniutos ni Yahweh ang mga bagay na ito dahil iyon ang mga bagay na kinamumuhian niya.
Zechariah 8:18-19
Alam natin ang katotohanan na ang mga pag-aayuno sa ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwan ay magiging panahon ng kagalakan, kasiyahan at masayang mga pagdiriwang para sa sambahayan ng Juda, ano ang sinabi ni Yahweh na kanilang gagawin?
Sinabi sa kanila na ibigin ang katotohanan at kapayapaan. [8:19]
Zechariah 8:20-22
Sino ang sinasabi ni Yahweh na pupunta upang hanapin siya at hihingi ng kaniyang tulong?
Sinabi ni Yahweh na pupunta ang maraming tao mula sa iba't ibang mga lungsod at mga makapangyarihang mga bansa upang hanapin siya at hihingi ng tulong niya. [8:20-22]
Zechariah 8:23
Sa mga araw na iyon, bakit hihilingin ng sampung kalalakihan mula sa bawat wika at bansa na sasama silang aakyat sa Jerusalem kasama ang mga tao ni Yahweh?
Hihilingin nila na sasama silang aakyat sa Jerusalem kasama ang mga tao ni Yahweh sapagkat narinig nila na kasama nila ang Diyos. [8:23]
Zechariah 9
Zechariah 9:1-2
Tungkol saan ang ipinahayag ni Yahweh?
Ipinahayag ni Yahweh ang tungkol sa lupain ng Hadrac at Damasco, Hamat, Tiro at Sidon. [9:1-2]
Zechariah 9:3-4
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ng Panginoon sa Tiro?
Sinasabi ni Yahweh na, ''Babawiin at wawasakin niya ang kaniyang kalakasan sa dagat, kaya lalamunin siya ng apoy. [9:4]
Zechariah 9:5-7
Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa mga Filisteo at ano ang mangyayari sa kanila?
Sinabi ni Yahweh na aalisin niya ang kayabangan ng Filisteo. Sinabi rin ni Yahweh na magiging isa sila sa mga matitira para sa Diyos tulad ng isang angkan sa Juda. [9:6-7]
Zechariah 9:8
Ano ang isang dahilan na ibinigay ni Yahweh sa pagtatayo niya ng kaniyang kampo sa palibot ng kaniyang lupain?
Sinabi ni Yahweh na magtatayo siya ng kampo sa palibot ng kaniyang lupain laban sa mga hukbo ng kaaway, upang walang sinuman ang dadaan o babalik, sapagkat sinabi niya na wala nang mapang-api ang maaaring dumaan dito kailanman. [9:8]
Zechariah 9:9-10
Bakit sinabihan ang anak na babae ng Zion na sumigaw nang may labis na kagalakan at sumigaw nang may kasiyahan ang babaing anak ng Jerusalem?
Sinabihan silang gawin ito dahil darating sa kanila ang kanilang hari na makatuwiran at ililigtas niya sila. [9:9]
Paano darating sa kanila ang kanilang hari?
Mapagpakumbaba ang kanilang hari at sasakay sa isang asno, sa anak ng isang asno. [9:9]
Ano ang sasabihin ng haring ito sa mga bansa?
Magsasalita ang hari ng kapayaan sa mga bansa. [9:10]
Ano ang magiging lawak ng kapangyarihan ng haring iyon?
Ang pamamahala ng haring iyon ay mula sa bawat dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga hangganan ng mundo. [9:10]
Zechariah 9:11-15
Bakit pinalaya ni Yahweh ang kanilang mga bilanggo mula sa hukay kung saan walang tubig?
Sinabi ni Yahweh na ginawa niya ito dahil sa dugo ng kaniyang pakikipagtipan sa kanila. [9:11]
Laban kanino paggising ni Yahweh sa mga anak na lalaki ng Zion?
Ginising ni Yahweh ang mga lalaking anak ni Zion laban sa mga anak na lalaki ng Grecia. [9:13]
Ano ang ginawa ni Yahweh na maging katulad ang Zion?
Ginawa ni Yahweh ang Zion na katulad ng espada ng mandirigma. [9:13]
Zechariah 9:16-17
Ano ang mangyayari sa Zion sa panahong iyon kapag iniligtas sila ni Yahweh na kanilang Panginoon?
Sa panahong iyon, magiging mga hiyas ng isang korona ang Zion na itatayo sa lupain ni Yahweh. [9:16]
Zechariah 10
Zechariah 10:1-2
Ano ang gagawin ni Yahweh para sa Zion?
Ipagkakaloob ni Yahweh ang pagbuhos ng ulan para sa Zion at sa kanilang mga pananim sa kabukiran-kapag hihingi sila sa kaniya.
Ano ang naging dahilan upang maligaw at magdusa ang mga tao na parang tupa?
Naligaw at nagdurusa ang mga tao na kagaya ng mga tupa dahil nagsasabi ng kasinungalingan ang mga diyus-diyosan na nasa sambahayan, ang kaisipan ng mga manghuhula ay isang kasinungaligan, nagsasabi sila ng walang kabuluhang mga panaginip at nagbibigay ng walang kabuluhang aliw. Wala ring pastol ang mga tao.
Zechariah 10:3
Sino ang sinabi ni Yahweh na kaniyang parurusahan?
Sinabi ni Yahweh na kaniyang parurusahan ang mga lalaking kambing - na ang mga pinuno.
Zechariah 10:4-5
Ano ang sinabi ni Yahweh na magmumula sa sambahayan ng Juda?
Sinabi ni Yahweh, magmumula sa sambahayan ng Juda ang panulukang bato, ang tulos ng tolda, ang pandigmang pana at ang bawat pinuno.
Zechariah 10:6-10
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya para sa sambahayan ng Juda at Jose?
Sinabi ni Yahweh na palalakasin niya ang sambahayan ni Juda at ililigtas ang sambahayan ni Jose. Sinabi ni Yahweh, panunumbalikin niya sila, kahahabagan niya sila at sasagipin sila.
Zechariah 10:11-12
Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa Egipto at Asiria pagkatapos niyang tipunin ang sambahayan ng Juda mula sa mga lugar na iyon?
Sinabi ni Yahweh na kaniyang ibabagsak ang kamaharlikaan ng Asiria at ilalayo ang setro ng Egipto mula sa mga taga-Egipto.
Zechariah 11
Zechariah 11:1-3
Bakit humahagulgol ang mga pastol?
Humahagulgol ang mga pastol dahil nawasak na ang kanilang kaluwalhatian.
Zechariah 11:4-6
Ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin ni Zacarias?
Sinabi ni Yahweh kay Zacarias, "Ipastol mo ang kawan na nakatalaga para katayin!"
Ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin sa mga naninirahan sa Juda?
Sinabi ni Yahweh na hindi na siya maaawa sa kanila ngunit ipasasakamay niya ang bawat tao sa mga kamay ng kaniyang mga pastol at sa mga kamay ng kaniyang hari at wawasakin nila ang lupain.
Zechariah 11:7-9
Ano ang mga pangalan ng dalawang tungkod na ginamit ni Zacarias para ipastol ang kawan na itinalaga para katayin?
Ang mga pangalan ng dalawang tungkod ay "Kagandahang loob" at "Pagkakaisa."
Bakit pinatay ni Zacarias ang tatlong pastol sa loob ng isang buwan?
Ginawa ito ni Zacarias dahil pagod na siya sa mga pastol at kinamumuhian din nila siya.
Zechariah 11:10-12
Bakit binali ni Zacarias ang kaniyang tungkod na, "Kagandahang loob"
Binali niya ito para baliin ang kasunduan na kaniyang ginawa sa lahat ng kaniyang mga tribo.
Magkano ang ibinayad kay Zacarias?
Binayaran si Zacarias ng tatlumpung piraso ng pilak.
Zechariah 11:13-14
Ano ang sinabi ni Yahweh kay Zacarias na gagawin niya sa kaniyang tatlumpung pirasong pilak?
Sinabi kay Zacarias na ilagay ang pilak sa kabang-yaman.
Ano ang nagawa sa pagbali sa pangalawang tungkod ng, "Pagkakaisa"?
Sa pagbali sa pangalawang tungkod ay binali ang pagkakapatiran sa pagitan ng Juda at Israel.
Zechariah 11:15-16
Sinabi ni Yahweh magtatalaga siya ng isang pastol sa lupain. Ano ang gagawin ng pastol na iyon?
Hindi pangangalagaan ng pastol na iyon ang mga tupa, hindi niya hahanapin ang mga tupa na naligaw o kaya gagamutin ang mga pilay na tupa. Hindi niya pakakainin ang malusog na tupa ngunit kakainin ang pinatabang tupa at tinatanggal ang kanilang mga kuko.
Zechariah 11:17
Anong sumpa ang ipinahayag para sa mga walang kabuluhang pastol na nagpabaya sa kawan?
Ito ang sumpa: "dumating nawa ang espada laban sa kaniyang kanang braso at sa kaniyang kanang mata! Matutuyo nawa ang kaniyang kanang braso at tuluyang mabubulag ang kaniyang kanang mata!"
Zechariah 12
Zechariah 12:1-3
Sino si Yahweh na gumawa ng pahayag na ito tungkol sa Israel?
Si Yahweh ang siyang lumikha ng kalangitan at nagtatag ng pundasyon ng mundo, siya ang lumalang sa espiritu ng sangkatauhan sa loob ng tao.
Sino ang magtitipun-tipon laban sa Jerusalem?
Ang lahat ng mga bansa sa mundo ay magtitipun-tipon laban sa Jerusalem.
Zechariah 12:4-5
Sa araw na kapag ang lahat ng mga bansa ay nagkatipon laban sa Juda, anong tiyak na mga bagay ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya sa mga kabayo at mga mangangabayo ng mga hukbong kaaway?
Sinabi ni Yahweh na hahampasin niya ang bawat kabayo ng malaking pagkatakot at ang bawat mangangabayo ng kabaliwan. Sinabi rin ni Yahweh na hahampasin niya ang bawat kabayo ng mga bulag na hukbo.
Zechariah 12:6
Sa araw na iyon, ano ang magiging katulad ng mga pinuno ng Juda?
Sa araw na iyon, ang mga pinuno ay paglutuan sa gitna ng panggatong at tulad ng umaapoy na sulo ssa gitna ng mga nakatayong ginapas na mga trigo.
Zechariah 12:7-9
Bakit unang ililigtas ni Yahweh ang mga tolda ng Juda?
Unang ililigtas ni Yahweh ang mga tolda ng Juda upang ang parangal ng sambahayan ni David at ang parangal ng mga naninirahan sa Jerusalem ay hindi mas higit kaysa sa buong Juda.
Ano ang desididong gawin ni Yahweh sa araw na iyon?
Sinabi ni Yahweh na desidido siyang gawin ang pagwasak sa lahat ng mga bansa na dumating laban sa Jerusalem.
Zechariah 12:10-11
Sa araw na iyon, ano ang ibubuhos ni Yahweh sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem?
Ibubuhos ni Yahweh ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo.
Ano ang gagawin ng sambahayan ni David at ng mga naninirahan sa Jerusalem kapag tumingin sila sa kaniya na kanilang tinusok?
Kapag tumingin sila sa kaniya na kanilang sinaksak sila ay mananaghoy at tatangis para sa kaniya tulad ng isang tumatangis at nananaghoy para sa nag-iisang anak na lalaki o dahil sa kamatayan ng isang anak na lalaking panganay.
Zechariah 12:12-14
Paanong tatangis ang lupain sa araw na iyon?
Sa araw na iyon, ang bawat pamilya ay tatangis ng magkahiwalay mula sa ibang mga pamilya at sa bawat pamilya tatangis silang magkakahiwalay, ang kanilang mga asawang babae ay ihihiwalay mula sa mga lalaki.
Zechariah 13
Zechariah 13:1-2
Para saan ang bukal na magbubukas para sa sambahayan ni David sa araw na iyon?
Ang bukal ay para sa kanilang kasalanan at karumihan.
Ano ang tatanggalin ni Yahweh mula sa lupain at bakit?
Tatanggalin niya ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan mula sa lupain upang hindi na sila maalala pa kahit kailanman.
Ano ang aalisin ni Yahweh sa lupain?
Paaalisin ni Yahweh palabas ng lupain ang mga bulaang propeta at ang kanilang mga maruruming espiritu.
Zechariah 13:3
Kung mayroong magpatuloy sa pagpapahayag, ano ang gagawin ng kaniyang ama at ina sa kaniya?
Sasaksakin siya ng kaniyang ama at ina na nagsilang sa kaniya kapag siya ay nagpahayag.
Zechariah 13:4-6
Sa araw na iyon, bakit siya na nagpapahayag ay hindi na kailanman magsusuot ng mabalahibong balabal?
Siya na nagpapahayag ay hindi na kailanman magsusuot ng mabalahibong balabal upang hindi na niya malinlang ang mga tao.
Zechariah 13:7
Sino ang pastol?
Ang pastol ay "ang lalaking nakatayo malapit sa akin."
Ano ang mangyayari sa kawan kapag napatay ang pastol?
Kapag napatay ang pastol ang kawan ay magkakawatak-watak.
Zechariah 13:8-9
Ano ang ipinahayag ni Yahweh na mangyayari sa buong lupain?
Ipinahayag ni Yahweh na ang dalawa sa ikatlong bahagi nito ay puputulin. Sila ay mamamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatili roon.
Ano ang mangyayari sa ikatlo na natira doon?
Ang ikatlo na naiwan doon ay dadalhin sa apoy, at dadalisayin ang mga ito na gaya ng pagdalisay sa pilak; susubukin ko sila gaya ng pagsubok sa ginto.
Ano ang sasabihin ng ikatlo na naiwan?
Sasabihin ng ikatlong naiwan, "Si Yahweh ay ang aming Diyos."
Zechariah 14
Zechariah 14:1-2
Bakit hahatiin sa kanilang kalagitnaan ang mga sinamsam sa Jerusalem?
Hahatiin sa kanilang kalagitnaan ang mga sinamsam sa Jerusalem dahil titipunin ni Yahweh ang mga bansa laban sa Jerusalem para sa labanan at ang lungsod ay sasakupin. Sasamsamin ang mga tahanan. [14:2]
Zechariah 14:3-4
Ano ang mangyayari sa mga bansang nakipaglaban sa Jerusalem?
Lalabas si Yahweh at magtataguyod ng digmaan laban sa mga bansang iyon gaya ng pagtataguyod niya ng digmaan sa araw ng labanan. [14:3]
Ano ang mangyayari sa Bundok ng mga Olibo kapag tumayo rito si Yahweh?
Ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa pamamagitan ng napakalaking lambak sa pagitan ng dalawang hati. [14:4]
Zechariah 14:5
Kailan darating si Yahweh at ang mga banal?
Darating si Yahweh at ang mga banal pagkatapos tumakas pababa sa lambak ang mga nakatira sa Jerusalem sa pagitan ng mga bundok ni Yahweh. [14:5]
Zechariah 14:6-8
Saan papunta ang dumadaloy na tubig mula sa Jerusalem?
Ang kalahati ng tubig ay dadaloy sa silangang bahagi ng dagat, at dadaloy ang kalahati sa kanlurang bahagi ng dagat. [14:8]
Zechariah 14:9-11
Sino ang magiging hari sa buong mundo?
Si Yahweh ang magiging hari sa buong mundo. [14:9]
Wawasakin ba ng Diyos ang Jerusalem?
Wala nang pagkawasak mula kay Yahweh laban sa kanila. Mamumuhay ng ligtas ang Jerusalem. [14:11]
Zechariah 14:12-15
Sa anong salot sasalakayin ni Yahweh ang lahat ng taong nagtaguyod ng digmaan laban sa Jerusalem?
Ang laman, mga mata, at mga dila ng lahat ng taong nagtaguyod ng digmaan laban sa Jerusalem ay mabubulok. [14:12]
Ano ang mangyayari kapag dumating sa kanila ang matinding pagkatakot mula kay Yahweh?
Susunggaban ng bawat tao ang kamay ng kaniyang kapwa; bawat kamay ay laban sa kaniyang kapwa. [14:13]
Zechariah 14:16-19
Ano ang gagawin ng mga nanatili sa mga bansang iyon na nakipaglaban sa Jerusalem?
Lahat ng nanatili sa mga bansang iyon na nakipaglaban sa Jerusalem ay aakyat taun-taon upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, at upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda. [14:16]
Ano ang mangyayari kung ang sinuman mula sa lahat ng mga bansa sa lupa ay hindi aakyat sa Jerusalem upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo?
Kung hindi aakyat sa Jerusalem ang sinuman mula sa lahat ng bansa sa mundo upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, hindi magbibigay ng ulan si Yahweh sa kanila. Lulusubin ng salot mula kay Yahweh ang bansa na hindi aakyat upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda. [14:17-18]
Zechariah 14:20-21
Sa araw na iyon, sino ang mawawala na sa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo?
Hindi na magkakaroon ng mangangalakal sa tahanan ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo sa araw na iyon. [14:21]