2 Peter
2 Peter 1
2 Peter 1:1-2
Sino ang sumulat ng Ikalawang Pedro?
Si Simon Pedro, isang alipin at apostol ni Jesu-Cristo.
Para kanino ito isinulat ni Pedro?
Isinulat ito ni Pedro para sa mga nakatanggap ng kaparehong mahalagang pananampalataya.
2 Peter 1:3-4
Paano naibigay kay Pedro at sa mga tumanggap ng pananampalataya ang lahat ng bagay ng banal na kapangyarihan para sa buhay at pagiging maka-diyos?
Ang mga ito ay ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos.
Bakit ibinigay ng Diyos kay Pedro at sa mga tumanggap ng pananampalataya ang lahat ng bagay ng banal na kapangyarihan para sa buhay at kabanalan, kasama ang dakila at mahalagang mga pangako?
Ginawa niya ang mga ito upang sila ay makibahagi sa likas na kabanalan.
2 Peter 1:5-7
Sa katapusan, ano ang nararapat makamit ng mga tumanggap ng biyaya sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya?
Sa katapusan, dapat nilang makamit ang pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya.
Ano ang makikita ng isang tao na kulang sa pananampalataya, kabutihan, kaalaman, pagpipigil sa sarili, pagtitiis, kabanalan, pagmamahal sa kapatid, at pag-ibig?
Makikita lamang niya kung ano ang malapit, siya ay bulag.
2 Peter 1:8-9
Ano ang nakalimutan ng isang taong bulag sa espiritu?
Nakalimutan niya ang paglilinis mula sa kanyang dating mga kasalanan.
2 Peter 1:10-11
Kung ang ating mga kapatid ay ginawa lahat ng kanilang makakaya upang ang kanilang pagkatawag at pagkapili ay maging tiyak, ano kaya ang mangyayari?
Hindi sila matitisod, at ipagkakaloob sa kanila ang isang daanan tungo sa kahariang walang hanggan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
2 Peter 1:12-15
Bakit inisip ni Pedro na tama para sa kaniya na paalalahanan ang mga kapatiran ng mga bagay na ito?
Sapagkat ang kanilang Panginoong Jesu-Cristo ay ipinakita sa kanya na malapit na niyang tanggalin ang kanyang tolda.
2 Peter 1:16-18
Ano ang nakita ng mga nakasaksi sa kadakilaan ni Jesus?
Nakita nila na natanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian.
2 Peter 1:19-21
Paano tayo makatitiyak na ang propesiya ay totoo?
Sapagkat ang nakasulat na propesiya ay hindi mula sa pangangatwiran ng propeta, maging anumang propesiya ay mula sa kalooban ng tao, pero galing ito sa mga taong ginabayan ng Banal na Espiritu na nagsasalita mula sa Diyos.
2 Peter 2
2 Peter 2:1-3
Ano ang palihim na dadalhin ng mga bulaang guro sa mga mananapalataya?
Ang mga bulaang guro ay magdadala ng mga mapanirang maling katuruan at itatanggi ang Panginoong umakay sa kanila.
Ano ang mangyayari sa mga bulaang guro?
Mabilis na pagkawasak at paghahatol ng parusa ay darating sa mga bulaang guro.
Ano ang gagawin ng mga bulaang guro gamit ang mapanlinlang na mga salita?
Ang mga bulaang guro ay buong kasakimang pagkakakitaan ang mga kapatid.
2 Peter 2:4-6
Sino ang mga hindi iniligtas ng Diyos?
Hindi iniligtas ng Diyos ang mga anghel na nagkasala, ang sinaunang mundo, at ang lungsod ng Sodoma at Gomora.
Sino ang itinira ng Diyos sa Baha?
Itinira ng Diyos si Noe kasama ang pitong iba pa.
2 Peter 2:7-9
Ano ang ipinakita ng Diyos sa pamamagitan ng hindi pagliligtas sa ilan at sa pangangalaga sa iba?
Ang mga gawa ng Diyos ay nagpapakita na alam ng Panginoon kung paano iligtas ang mga maka-diyos at kung paano panatilihin ang mga taong matuwid sa pag-iingat.
2 Peter 2:10-11
Sino silang mga maluluwalhati ang hindi takot lapastanganin ng mga taong hindi maka-Diyos?
Ang mga maluluwalhati ay ang mga anghel na hindi nagdadala ng mapang-insultong hatol laban sa mga tao sa Panginoon.
2 Peter 2:12-14
Sino ang inaakit ng mga bulaang guro?
Inaakit ng mga bulaang guro ang mga hindi matatag na mga kaluluwa.
2 Peter 2:15-16
Sino ang nagpahinto sa kahibangan ng propetang Balaam?
Isang piping asno na nagsasalita sa tinig ng tao ang nagpahinto sa kahibangan ni Balaam.
2 Peter 2:17-19
Sa ano alipin ang isang tao?
Ang tao ay isang alipin ng anumang dumadaig sa kanya.
2 Peter 2:20-22
Sa mga nakatakas sa kasamaan ng mundong ito sa pamamagitan ng kaalaman ni Jesu-Cristo at bumalik muli dito, ano ang mas mabuti?
Ang mas mabuti ay hindi na sana nila nalaman ang daan ng katuwiran.
2 Peter 3
2 Peter 3:1-2
Bakit sinulat ni Pedro ikalawang liham na ito?
Sumulat siya upang maalala muli ng mga minamahal ang mga salita na sinabi noon ng mga propeta at tungkol sa utos ng kanilang Panginoon at Tagapagligtas.
2 Peter 3:3-4
Ano ang sasabihin ng mga mangungutya sa mga huling araw?
Uusisain ng mga mangungutya ang pangakong pagbabalik ng Panginoong Jesus at sasabihin na ang lahat ng mga bagay ay nananatiling kagaya pa rin noong simula ng paglikha.
2 Peter 3:5-7
Paano itinatag ang langit at lupa, at paano sila inilalaan para sa apoy at para sa araw ng paghuhukom at sa pagkawasak ng mga taong hindi maka-Diyos?
Sila ay itinatag at inilaan sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
2 Peter 3:8-9
Bakit matiyaga ang Panginoon tungo sa mga minamahal?
Sapagkat nais niyang huwag silang maglaho, ngunit magkaroon ng panahong magsisi ang lahat.
2 Peter 3:10
Paano darating ang araw ng Panginoon?
Ang araw ng Panginoon ay darating na parang isang magnanakaw.
2 Peter 3:11-13
Bakit tinanong ni Pedro ang mga minamahal kung anong uri ng mga tao dapat silang maging alinsunod sa banal at maka-Diyos na pamumuhay?
Sapagkat ang mga langit at lupa ay gugunawin, at dahil sa inaasahan nila na ang katuwiran ay mananahan sa bagong langit at bagong lupa.
2 Peter 3:14-16
Ano ang mangyayari sa mga taong walang disiplina at walang katatagan na bumabaluktot sa karunungan na ibinigay kay Pablo at bumabaluktot din sa ibang kasulatan?
Ang kanilang mga gawain ay magbubunga ng kanilang sariling kapahamakan.
2 Peter 3:17-18
Sa halip na humantong sa pagkaligaw sa pamamagitan ng panlilinlang at mawala ang kanilang sariling katapatan, ano ang iniutos ni Pedro na gawin ng mga minamahal?
Inutusan niya sila na lumago sa biyaya at kaalaman ng kanilang Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.