3 John
3 John 1
3 John 1:1-4
Sa anong titulo ipinakilala ni Juan ang kaniyang sarili?
Ipinakilala ni Juan ang kaniyang sarili bilang isang nakatatanda.
Anong relasyon mayroon si Juan kay Gayo, ang siyang tumanggap ng liham na ito?
Mahal ni Juan si Gayo sa katotohanan.
Ano ang pinapanalangin ni Juan patungkol kay Gayo?
Pinapanalangin ni Juan na si Gayo ay sumagana sa lahat ng bagay at maging sa kalusugan, habang sumasagana ang kaniyang kaluluwa.
Ano ang lubos na kagalakan ni Juan?
Ang lubos na kagalakan ni Juan ay marinig ang kaniyang mga anak na lumalakad sa katotohanan.
3 John 1:5-8
Sino ang tinanggap ni Gayo at pagkatapos ay pinadala sa kanilang paglalakbay?
Tinanggap ni Gayo at pagkatapos ay pinadala sa kanilang paglalakbay ang ilan sa kanila na lumalabas para sa kapakanan ng kaniyang Pangalan.
Bakit sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na kailangan tanggapin ang mga kapatid na katulad nito?
Sinasabi ni Juan sa mga mananampalataya na kailangan nilang tanggapin sila nang sa gayon ay maging kapwa manggagawa sila para sa katotohanan.
3 John 1:9-10
Ano ang nais ni Diotrefes?
Nais ni Diotrefes na manguna siya sa kanila sa kapulungan.
Ano ang pagtingin ni Diotrefes kay Juan?
Hindi tinatanggap ni Diotrefes si Juan.
Ano ang gagawin ni Juan kung siya ay pupunta kay Gayo at sa kapulungan?
Kung pupunta si Juan ipapaalala niya ang mga masamang gawain ni Diotrefes.
Ano ang ginagawa ni Diotrefes sa mga kapatid na humahayo para sa kaniyang Pangalan?
Hindi tinatanggap ni Diotrefes ang mga kapatid.
Ano ang ginagawa ni Diotrefes sa mga tinatanggap ang mga kapatid na humahayo para sa kaniyang Pangalan?
Pinagbabawal ni Diotrefes na tanggapin nila ang mga kapatid, at pinapalayas sila sa kapulungan.
3 John 1:11-12
Ano ang sinasabi ni Juan kay Gayo na tularan?
Sinasabi ni Juan kay Gayo na tularan kung ano ang mabuti.
3 John 1:13-15
Ano ang inaasahang gawin ni Juan sa hinaharap?
Inaasahan ni Juan na makapunta at makipag-usap kay Gayo ng harap-harapan.